Pampleto - Pagbulusok-pababa ng kapitalismo

Printer-friendly version

Introduksyon

Para malaman kung bakit ang komunistang rebolusyon ay kailangan at posible ngayon, dapat ilahad natin ang usapin ng pagbulusok-pababa ng kapitalismo, para mailatag ang istorikal na batayan ng programa at estratehiya ng proletaryado sa kasalukuyang panahon.

Ang mga usapin gaya ng laman ng sosyalismo, ang kalikasan ng mga unyon, ang pulitika ng ‘prontismo', ang kalikasan ng mga kilusan sa pambansang pagpapalaya, ay mahigpit na nakaugnay sa pagsusuri sa dekadenteng kapitalismo.

Teorya ng Pagbulusok-pababa sa kasaysayan ng kilusang manggagawa

Hindi dahil ang malaking mayorya ng tao ay pinagsamantalahan at dahil dito ay napalayo ay isa ng istorikal na pangangailangan ang sosyalismo ngayon. Ang pagsasamantala at pagkalayo ay umiiral na sa ilalim ng alipin, pyudalismo, at kapitalismo sa ika-19 siglo, pero hindi posibleng mangyari ang sosyalismo alinman sa mga panahong ito.

Para maging realidad ang sosyalismo, hindi lang sapat ang pag-unlad ng kailangang mga salik para sa kanyang paglitaw (ang uring manggagawa at mga kagamitan sa produksyon), kundi ang sistema na papalitan nito - kapitalismo - ay kailangan din na hindi na mahalaga bilang sistema sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa, kailangan maging papalaking hadlang na sa produktibong mga pwersa, ibig sabihin, kailangan nasa panahon na ng kanyang pagbulusok-pababa.

Ang mga sosyalista sa maagang bahagi ng ika-19 siglo ay tinuring ang sosyalismo bilang ideyal na dapat makamit, at ang kanyang realisasyon ay resulta ng kabutihang loob ng tao - sa kaso ng mga sosyalistang ‘utopyan', mula sa mabuting kalooban ng nagharing uri mismo. Ang walang-maliw na kontrbibusyon nila Marx at Engels ay ang kanilang pag-unawa at syentipikong pagpaliwanag sa materyal na nesisidad sa paglaho ng kapitalismo at sa realisasyon ng komunismo. Hindi aksidente nang sinumada ni Marx ang kanyang sulatin sa isang pasahe, nagpokus siya sa mekanismo ng istorikong paglago at pagbulusok-pababa ng iba't-ibang moda ng produksyon kung saan sa pamamagitan nito umuunlad ang sangkatauhan:

"Sa panlipunang produksyon ng kanilang buhay, ang tao ay pumasok sa depinidong mga relasyon na mahalaga at independyente sa kanilang kagustuhan, mga relasyon ng produksyon na umangkop sa depinidong yugto ng pag-unlad ng kanilang materyal na produktibong mga pwersa. Ang suma-total ng mga relasyong ito ang bumuo sa pang-ekonomiyang istruktura ng lipunan, ang tunay na pundasyon, kung saan umusbong ang legal at pulitikal na super-istruktura at umangkop sa depinidong mga porma ng panlipunang kamulatan. Ang moda ng produksyon sa materyal na buhay ang kondisyon para sa proseso ng buhay panlipunan, pulitikal at intelektwal sa pangkalahatan. Hindi ang kamulatan ng tao ang nagdetermina ng kanilang pagkatao, kundi ang kabaliktaran, ang kanilang sosyal na pagkatao ang nagdetermina ng kanilang kamulatan. Sa takdang yugto ng kanilang pag-unlad, ang materyal na produktibong mga pwersa ng lipunan ay bumangga sa umiiral na mga relasyon ng produksyon, o - ang legal na ekspresyon sa parehong bagay - sa mga relasyon ng pag-aari kung saan sa loob nito ay gumagalaw sila hanggang ngayon. Mula sa mga porma ng pagpapaunlad ng produktibong mga pwersa ang mga relasyong ito ay naging kadena na nila. Pagkatapos ay magsimula na ang panahon ng panlipunang rebolusyon. Sa pagbabago ng pang-ekonomiyang pundasyon ang buong napakalaking super-istruktura ay humigit-kumulang mabilis na nagbabago. Sa pagkonsidera sa naturang transpormasyon dapat laging pag-ibahin ang materyal na transpormasyon ng pang-ekonomiyang mga kondisyon sa produksyon, na ma-determina sa kawastuhan ng natural na syensya, at sa legal, pulitikal, relihiyoso, artistiko o pilosopiko - ideolohikal na mga porma kung saan ang tao ay naging mulat sa kontradiksyong ito at nakibaka laban dito. Gaya ng ang ating opinyon sa isang indibidwal ay hindi nakabatay kung ano ang iniisip niya sa kanyang sarili, hindi rin natin mahusgahan ang yugto ng transpormasyon sa kanyang sariling kamulatan; kabaliktaran, ang kamulatang ito ay kailangang ipaliwanag mula sa mga kontradiksyon ng materyal na buhay, mula sa umiiral na kontradiksyon sa pagitan ng panlipunang produktibong mga pwersa at sa mga relasyon ng produksyon. Walang panlipunang kaayusan na maglaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa sa loob nito; at ang bago, mas taas na mga relasyon ng produksyon ay hindi lilitaw kung hindi pa lubusang nahinog ang materyal na mga kondisyon ng kanilang pag-iral sa sinapupunan ng lumang lipunan mismo. Kaya binibigay lamang ng sangkatauhan sa kanyang sarili ang mga tungkuling kaya nitong magampanan; dahil, kung suriing mabuti, laging makikita na lilitaw lang ang tungkulin mismo kung ang materyal na mga kondisyon para magampanan ito ay umiiral na o nasa proseso ng pagkabuo. Sa malawak na balangkas ang Asyatiko, alipin, pyudal at modernong burges na mga moda ng produksyon ay maituring bilang progresibong mga yugto ng pang-ekonomiyang pormasyon ng lipunan." (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy)

Ang metodolohiyang ginamit ng pasaheng ito ay nanatiling mahalaga para maintindihan paano ang iba't-ibang lipunan ay lumitaw at naglaho. Ang pag-unawa na ang isang moda ng produksyon ay hindi maglalaho hangga't ang mga relasyon ng produksyon kung saan nakabatay ang sistema ay naging hadlang na sa ibayong pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay batayan ng paglalatag ng pampulitikang programa ng proletaryado. Malinaw na pinahayag nila Marx at Engels na ang perspektiba para sa komunistang rebolusyon ay nakatali sa global at istorikal na ebolusyon ng kapitalismo mismo.

Ang hindi masyadong malinaw kay Marx, laluna sa kanyang unang mga sinulat, ay ang aktwal na kahulugan ng "panahon ng panlipunang rebolusyon" sa pag-unlad ng kapitalismo; at ang kakulangang ito ng kalinawan ay obhetibong produkto mismo ng katotohanang ang metodolohiya ng materyalismong istoriko ay lumitaw bago ang bukang liwayway ng panahong iyon: inilabas ni Marx ang kanyang unang malinaw na panawagan ng proletaryong rebolusyon hindi sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, kundi sa kanyang pantastikong pagsulong. Ang nalalapit na proletaryong rebolusyon na pinahayag ng Manipesto ng Komunista ay naisantabi sa patuloy na paglago at paglawak ng kapitalistang panlipunang mga relasyon sa buong daigdig. Mali talaga si Marx sa paggiit sa panahong iyon na ang kapitalistang panlipunang mga relasyon ay pumasok na sa ultimong kontradiksyon sa produktibong mga pwersa; kahit na ang tunggalian sa pagitan ng dalawa ay laging laman ng kapitalismo, ang tunggalian ay hindi permanente sa ika-19 siglo dahil napakalawak pa ng lugar ng kapital sa mundo para sa pagpapalawak ng kanyang reproduksyon, para pagaanin ang pundamental na mga kontradiksyon na kinilala ni Marx sa kanyang proseso ng akumulasyon: ang tendensya tungong pangkalahatang labis na produksyon at pagkasaid ng pamilihan, at ang tendensya ng pagbaba ng tantos ng tubo.

Kahit pa sa mga kamaliang ito, sa kabilang banda, nagawa pa rin nila Marx at Engels na ibatay ang kanilang programa sa pagkilala na hindi pa nalubos ng kapitalismo ang kanyang progresibong misyon. Ang rekognisyong ito ay pinahayag halimbawa sa mga pasahe ng Manipesto na nagsasabi hinggil sa mga tungkulin ng proletaryado kung nasa kapangyarihan na ito sa panahong iyon: ang mga hakbanging minumungkahi ay may layuning paunlarin ang kapitalismo sa pinaka-progresibong posibleng paraan, sa halip na durugin ito ng lubusan (at sa gayon ang pananaw ni Marx na isang magandang halimbawa ay sa kasamaang-palad ginawang reaksyunaryong programa ng kapitalismo ng estado ng mga nagdadala ng katulad na hakbangin sa panahong ito). Mas mahalaga, ang praktika ng mga marxista sa Unang Internasyunal ay tamang nakabatay sa pag-intindi na dahil ang kapitalismo ay may progresibong papel pa, kailangang suportahan ng uring manggagawa ang burges na mga kilusan na makatulong sa istorikong paglalatag para sa sosyalismo (halimbawa ang mga pakikibaka para sa pambansang unipikasyon ng Italya, Alemanya at Amerika); ganun din, na kailangan ng mga manggagawa na patuloy na makibaka para sa mga reporma dahil sa paglago ng kapitalismo naging posible ang mga reporma, at dahil ang pakikibaka sa mga reporma ay nakatulong para sila ay maging isang panlipunan at pampulitikang pwersa. Ang materyalistang mga posisyong ito ay pinagtanggol laban sa di-istorikal na mga kahilingan ng mga anarkista para sa kagyat na abolisyon ng kapitalismo at sa kanilang ganap na pagtutol sa pakikibaka para sa mga reporma (ang mga posisyong ito, bagamat diumano ay ultra-rebolusyonaryo, sa aktwal ay nakatago ang peti-burges na kagustuhang ‘pawiin' ang kapitalismo at sahurang paggawa hindi sa pamamagitan ng pag-abante tungo sa istorikal na papalit sa kanila kundi sa pag-atras papunta sa mundo ng independyenteng maliliit na prodyuser).

Ang Ikalawang Internasyunal ay gumawa ng estratehikong pag-angkop sa yugto sa pamamagitan ng mas hayagang elaborasyon sa isang ‘minimum na pro­grama' para sa kagyat na makakamit na mga reporma (rekognisyon sa unyon, pagpaiksi sa araw-paggawa, at iba pa) katabi ng ‘maksimum na programa' ng sosyalismo na ipatutupad pagdating ng di-maiwasang istorikal na krisis ng kapitalismo.

Pero para sa mayorya na pangunahing mga taktisyan at opisyal na mga lider ng Ikalawang Internasyunal ang minimum na programa ay nagiging tanging totoong programa ng sosyal-demokratikong mga partido. Ang sosyalismo, proletaryong rebolusyon, ay naging karaniwang bukambibig na lang sa mga sermon sa panahon ng mga parada sa araw ng paggawa ng Mayo, habang ang enerhiya ng opisyal na kilusan ay lalupang nakonsentra na makakuha ang sosyal-demokrasya ng puwang sa loob ng kapitalistang sistema. Hindi naiwasang ang ‘rebisyunistang' bahagi ng Internasyunal (Bernstein at iba pa) ay nagsimulang itakwil ang ideya mismo sa pangangailangang ibagsak ang kapitalismo at sa rebolusyonaryong transisyon tungong sosyalismo, at nangatwiran sa posibilidad ng gradwal at mapayapang transpormasyon ng kapitalismo tungong sosyalismo.

Ang mga ideolohiyang ito ay inalagaan ng pag-unlad ng pandaigdigang kapitalistang ekonomiya sa huling bahagi ng ika-19 siglo, pero ito na ang huling yugto ng pasulong na martsa ng kapitalistang sistema: ang imperyalistang paglawak ay nagsimula ng maglantad sa sarili bilang simula ng bago at mapaminsalang yugto sa buhay ng burges na lipunan, at ang tunggalian ng uri ay lalupang naging matalas at malawakan (pangmasang mga welga sa Amerika, Alemanya, at higit sa lahat sa Rusya). Laban sa oportunistang teorya ni Bernstein at mga kasama, at sa nakaantabay na sosyal-demokratikong ‘sentro' (Kautsky at iba pa), ang kaliwang bahagi ng Internasyunal - Luxemburg, mga Bolsheviks, ang grupong Dutch Tribune at iba pa - ay pinagtanggol ang pundamental na marx­istang diktum sa pangangailangan ng marahas na pagpabagsak sa kapitalismo. Ang pinakamalinaw na pahayag ng pagtatanggol na ito ay ang Social Reform or Revolution ni Luxem­burg (1898) kung saan, habang kinikilala na ang kapitalismo ay nasa pasulong na yugto pa sa pamamagitan ng "bruskong pagpapawalak" (i.e. imperyalismo), ay ginigiit na ang sistema ay hindi maiwasang tutungo sa pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan, na magtulak sa kanya sa "krisis ng katandaan" at magdulot ng kagyat na pangangailangan para sa rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado. Sa 913 inilathala ni Luxemburg ang kanyang mahalagang teoritikal na sulatin, Ang Akumulasyon ng Kapital, na nagtangkang suriin ang totoong pang-ekonomiyang mga ugat ng istorikong krisis na ito, kung saan ang aktwal na pagdating ay inihayag sa sangkatauhan sa porma ng unang pandaigdigang imperyalistang digmaan.

Binatay ang sarili sa paggiit mismo ni Marx na ang kalikasan mismo ng relasyon ng sahurang paggawa ang dahilan na imposible sa kapitalismo na ma-realisa ang lahat ng labis na halaga na nakuha niya sa kanyang sariling panlipunang mga hangganan, ang kongklusyon ni Luxemburg na ang istorikong pagbulusok-pababa ng kapitalismo ay magsimula sa panahon na masaid na ang ekstra-kapitalistang pamilihan kaugnay sa dami ng labis na halagang nagawa ng pandaigdigang kapitalistang produksyon; para kay Luxemburg, ang kapitalismo ay "...ang unang moda ng produksyon ng ekonomiya na hindi iiral sa kanyang sarili, na nangangailangan ng ibang pang-ekonomiyang mga sistema bilang midyum at teritoryo. Kahit nagsisikap itong maging unibersal, at syempre dahil sa ganitong tendensya ay kailangan nitong mawasak - dahil ang kalikasan nito ay walang kapasidad na maging unibersal na porma ng produksyon." (Akumulasyon ng Kapital). Sa suma, sa panahon na nangibabaw na siya sa daigdig, nahulog ang kapitalismo sa permanenteng krisis ng labis na produksyon.

Ang kongklusyong ito ang nanatili ngayon na pinakamalinaw na pahayag hinggil sa pundamental na pinanggalingan ng dekadenteng kapitalismo, syempre patuloy itong pinalalim ng iba't-ibang teoritikal na elaborasyon na pinahayag ng rebolusyonaryong kilusan mula sa karanasan ng dagdag na walumpung taong pagbulusok-pababa.

Ang pagputok ng imperyalistang digmaan sa 1914 ay tanda ng istorikal na pagpihit kapwa sa kasaysayan ng kapitalismo at sa kilusang manggagawa. Hindi na naging teoritikal na debate ang problema ng "krisis ng katandaan" sa pagitan ng iba't-ibang bahagi ng kilusang manggagawa. Ang pag-intindi na ang digmaan ay tanda ng bagong yugto sa kapitalismo bilang istorikal na sistema ay naging batayan ng tunay na marxistang mga tunguhin na iguhit ang makauring kaibahan sa pagitan nila at sa mga naging protektor ng imperyalistang digmaan. Hindi aksidente na ang kaibahan ay esensyal na ginuhit sa pagitan ng lumang oportunistang bahagi ng sosyal-demokrasya - ngayon ay hayagan ng kumikilos bilang sarhentong tagarekrut ng burgesya - at ng kaliwang mga praksyon na dati ay tumindig sa mga prinsipyo ng marxistang teorya ng krisis. Ang grupong Internationale ni Luxemburg, praksyong Bolshevik ni Lenin, ang kaliwang mga radikal ng Bremen - ang mga ito at iba pa ang tumindig sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, nanindigan na pinakita ng digmaan ang pagbukas ng yugto ng mga "digmaan at rebolusyon" na hinulaan ni Marx, at nanawagan sa proletaryado na tutulan ang imperyalistang gera sa sarili nitong rebolusyonaryong pakikipaglaban.

Sa mga rebolusyonaryong nagtipon sa mga kumperensya ng internasyunalistang oposisyon sa Zimmerwald at Kienthal, ang pinakamalinaw sa usapin mismo ng digmaan ay ang mga Bolshevik, kasama ang mga radikal na Aleman ay giniit ang islogan na "gawing digmaang sibil ang imperyalistang digmaan", matalas na naimarka ang rebolusyonaryong posisyon sa digmaan mula sa iba't-ibang sentrista at semi-pasipista na mga tunguhin. At habang nahihinog ang rebolusyonaryong sitwasyon sa Rusya, ang pag-unawa ng mga Bolshevik (at higit sa lahat si Lenin) sa mga tungkulin ng bagong panahon ang dahilan kung bakit nagawa nilang atakehin ang mekanistiko at makabayang hungkag na mga argumento ng mga Menshevik; habang ang huli ay angtangkang pigilan ang taog ng rebolusyon sa pamamagitan ng pangatwirang ang Rusya ay ‘napakaatrasado' para sa sosyalismo, itinuro ng mga Bolshevik na ang pandaigdigang imperyalistang katangian ng digmaan ay nagpahiwatig ng pagkahinog ng pandaigdigang kapitalistang sistema para sa sosyalistang rebolusyon. Kaya matapang silang nangatwiran para sa pag-agaw ng manggagawang Ruso sa kapangyarihan bilang simula ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon.

Para din sa interes ng pandaigdigang rebolusyon naging instrumental ang Bolshevik sa pagbuo ng Komunistang Internasyunal sa 1919. Ang rebolusyonaryong mga partido na humawak sa bandila ng Ikatlong Internasyunal ay lubusang mulat sa krusyal na kahalagahan ng pagtukoy sa istorikong yugto para sa elaborasyon ng komunistang programa:

"Mga layunin at Taktika

1. Ang kasalukuyang panahon ay panahon ng pagkawasak at pagbagsak ng buong pandaigdigang kapitalistang sistema, na kasama nitong kaladkarin ang buong sibilisasyon ng Uropa kung ang kapitalismo kasama ang kanyang walang kalutasang mga kontradiksyon ay hindi madurog.

2. Ang tungkulin ng proletaryado ngayon ay kagyat na agawin ang kapangyarihan ng Estado. Ang pag-agaw ng kapangyarihan ng Estado ay nagkahulugang durugin ang makinarya ng Estado ng burgesya at ang organisahin ang bagong makinarya ng kapangyarihan ng proletaryado."

(Mula sa ‘Imbitasyon para sa Unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal', Enero 24, 1919)

Ang mga proklamasyon ng Unang Kongreso ng KI ay nagpakita ng umalingawngaw na kalinawan at tiwala hinggil sa rebolusyonaryong mga tungkulin ng uring manggagawa. Ang kanilang buong pagdidiin ay ang kagyat na pag-agaw ng kapangyarihan ng mga manggagawa, batay sa diktadura ng mga konseho ng manggagawa. Ang resulta ay malinaw na pag-unawa hinggil sa pangangailangang kumalas sa lumang mga layunin at organisasyon ng wala-pang-digmaan na kilusang manggagawa: ang sosyal-demokratikong mga partido na sumuporta sa digmaan at pagkatapos ay ginawa ang lahat ng makakaya para durugin ang pagkatapos-ng-digmaan na rebolusyonaryong kilusan ay tinuligsa bilang mga ahente ng kapitalismo, at ang kooperasyon sa mga organong ito ay itinakwil; tinitingnan ang parlyamentarismo na wala ng kapasidad na magsilbi sa mga interes ng uring manggagawa; ang problema sa kolonyal na pang-aapi ay maresolba lamang sa konteksto ng pandaigdigang sosyalistang lipunan. Ang mga ito at iba pang mga posisyon ay sumasalamin sa pasulong na taog ng rebolusyon na noon ay sumakop sa buong mundo. Pero ang sumunod na mga kongreso ng Internasyunal, at laluna sa Ikatlo, sa 1921, ay nagpakita ng palatandaan ng paghina sa pagkamakatwiran at rebolusyonaryong mga prinsipyo, at ito ay nasalamin sa paghina ng pandaigdigang rebolusyon at sa lumalalang paghina ng partidong Bolshevik sa konteksto ng pagkabukod ng Sobyet na Estadong Ruso. Habang ang huli ay lalong tumatangan sa tungkuling pangasiwaan ang pambansang kapital ng Rusya, at habang lalupang nasanib ang partidong Bol­shevik sa estado, ang Internasyunal mismo ay nagsimulang kumilos bilang instrumento ng patakarang panlabas ng Rusya kaysa bilang partido ng pandaigdigang rebolusyon. Ang desperadong pagtatangka ng mga Bolshevik na isalba ang anumang mahalagang bagay mula sa kontra-rebolusyonaryong momentum ay humatak sa kanila na iwan ang matalas na rebolusyonaryong mga posisyon ng Unang Kongreso at naanod pabalik sa lipas na mga taktika sa nagdaang panahon: parlyamentarismo, unyonismo, pakipag-isang prente sa sosyal-demokratikong mga partido, suporta sa pakikibaka ng pambansang pagpapalaya sa mga kolonya, at iba pa. Ang pagbigay katwiran sa mga taktikang ito sa pamamagitan ng rebolusyonaryong pananalita ay hind bumabago sa katotohanang ang pagbabago ng istorikong yugto ang dahilan na ang mga taktikang ito ay direktang kontra-rebolusyonaryo na, anupaman ang mga intensyon ng mga gumagamit nito.

Ang nasa dulong kaliwa ng kapitalismo -- mga Stalinista, Trotskyista, at iba pa -- na kumikilos sa hanay ng uring manggagawa ang tunay talaga na mga tagapagmana ng kontra-rebolusyonaryong mga patakaran na ito; ang dating mga pagkakamali ng kilusang manggagawa ay nagiging raison d'etre ng burges na mga gangster na ito. Syempre ang mga Stalinista at Trotskyista ay ipokritong magsasabi ng iba't-ibang konsepto ng dekadenteng kapitalismo, pero nawalan ito ng anumang materyal na batayan kung ikonsidera ang buong kasaysayan nila nang ang mga tunguhing ito ay kinilala ang malaking bahagi ng mundo na ‘sosyalista' o ‘di-kapitalista', at kung gayon ay istorikal na pasulong at nararapat na suportahan ng mga ‘rebolusyonaryo'; kahit ang mga kaliwa na kinikilala na estadong kapitalista ang Stalinistang mga rehimen ay hindi nag-atubiling suportahan ang mga ito o ang iba't-ibang mga bansa sa ikatlong daigdig sa di mabilang na inter-imperyalistang mga digmaan na sumira sa planeta simula Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Sa anumang kaso ang aplikasyon ng teorya ng dekadenteng kapitalismo sa mga bansa na kinukonsidera ng mga kaliwang ito na kapitalista ay ganap na napailalim sa kanilang kagyat na pragmatikong pangangailangan bilang protektor ng kapital: walang saysay ang sinasabing kapitalismo ng estado ng British Socialist Workers Party, halimbawa, ang nakapigil dito na makita na may progresibo sa nasyunalisasyon at may makauring proletaryo sa mga Partido ng Paggawa o Komunista.

Sa panahon ng unang dakilang rebolusyonaryong alon, ang tunay na resulta ng materyalistang pagsusuri sa bagong panahon ay esensyal na pinapaliwanag ng mga kaliwang komunista na nakibaka laban sa paghina ng KI, sa partikular ng Alemang KAPD (Partido Komunista ng mga Manggagawa). Ang mga interbensyon ng KAPD sa Ikatlong Kongreso ng KI ay tungkol sa mga tungkuling iniatang sa mga rebolusyonaryo sa bagong panahon, at halos simbolikong kumakatawan sa pundamental na biyakang naganap sa kilusang manggagawa ng panahong iyon.

Hinggil sa interpretasyon sa pandaigdigang krisis, ang militante ng KAPD na si Schwab, iginiit ang pundamental na pagkakaiba sa yugto ng pasulong ng kapitalismo sa kanyang yugto ng pagbulusok-pababa, at may pag-unawa na ang istorikong pagbulusok na ito ay hindi nagkahulugan ng ganap na istagnasyon ng produktibong mga pwersa kundi ang tuloy-tuloy na lalupang paninira ng kapitalismo. "Muling magbuo ang kapital, panatilihin ang kanyang tubo, pero sa kapinsalaan ng kanyang produktibidad. Muling binuo ng kapital ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsira sa ekonomiya". Dito ay may pananaw na sa walang silbing produksyon, di-nagagamit na kapital, at higit sa lahat ang halinhinan ng krisis, digmaan at rekosntruksyon na esensyal na mga katangian ng dekadenteng yugto ng lipunang kapitalista.

Syempre, di maiwasang limitado pa ang pang-unawa ng kaliwang komunista sa istorikal na panahong kinalagyan nila dahil di pa ito matagal na lumitaw mula sa lumang yugto; at lalupang naging limitado dahil sa mabilis na pangibabaw ng kontra-rebolusyon na nagkaroon ng mabigat na impluwensya sa kanilang mga organisasyon. Sa puntong ito, mas estratehiko kaysa pang-ekonomiyang pagsusuri na inihapag ng mga kaliwang komunista sa maagang bahagi ng 1920s ay ang kanilang  matatag na paggiit na ang proletaryado ay dapat lubusang tumiwalag sa mga pamamaraan ng lumang yugto - ibig sabihin, ang pamamaraan ng repormismo - at iangkop ang sarili sa mga tungkuling iniatang ng yugto ng panlipunang rebolusyon. Sa materyalistang batayang ito, at hindi dahil sa kanilang namanang ‘anarkista' o ‘musmos' na katangian, itinakwil ng mga kaliwang komunista ang mga taktika ng Internasyunal. Kaya, sa Ikatlong Kongreso ng KI, habang kinilala na inoobliga ng pasulong na yugto ang uring manggagawa na mag-organisa ng parlyamentaryong mga praksyon, giniit ng KAPD ngayon na "ang himukin ang proletaryado na sumali sa mga eleksyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay pagbuhay sa ilusyon na ang krisis ay mapangibabawan sa pamamagitan ng paraang parlyamentaryo."

Ganun din sa usapin ng mga unyon: pinakita ng KAPD na ang mga organisasyong itinayo para depensahan ang uring manggagawa sa panahon na posible pa ang tunay na mga reporma ay hindi lang di na angkop ngayon bilang instrumento ng pagrebolusyon, kundi naging tagasuporta na ng kapitalistang kaayusan na dapat ibagsak ng rebolusyonaryong uring manggagawa. Ito rin ang kaso sa sosyal-demokratikong mga partido. Kaya ang mga kaliwang komunista ay tumangging makipag-isang prente sa naging bahagi na ng makinarya ng estado ng kaaway na uri.

Ang mga pagsusuring ito ay hindi pa ganap na nabuo at nanatiling may laman ng maraming salungatan - halimbawa ang ilusyon ng KAPD na maaring palitan ang mga unyon ng permanenteng mga ‘organisasyon sa pabrika' na may rebolusyonaryong katangian, isang posisyon na may impluwensya ng anarko-sindikalismo at kung gayon ay isang porma ng unyonismo. Ang iba pang mga kahinaan ay nagkaroon ng mahalagang papel - sa partikular ang mapaminsalang pagpihit tungo sa teorya na ang rebolusyong Oktubre ay isang ‘dalawahan' o isang dalisay na burges na rebolusyon, isang teorya na ganap na nagpawalang-bisa sa pandaigdigang pagbulusok-pababa ng kapitalismo. Kabalintunaan, pero siguro hindi maiwasan, ang mas malalim na pag-intindi sa dekadenteng kapitalismo ay lumitaw lamang sa nakakakilabot na karanasan ng kontra-rebolusyon, kung saan napaliit ang tunay na rebolusyonaryong mga tunguhin sa maliliit na mga grupo na nagsisikap mahalaw ang mga aral ng kabiguan at hugisan ang pangunahing mga katangian ng bagong yugto.

Sa 1930s, kung saan nakita ang tagumpay ng kontra-rebolusyon at lumitaw ang pinakadalisay na mga ekspresyon ng kapitalistang pagkaagnas (Nazismo, Stalinismo, ekonomiya ng digmaan, at iba pa), ang praksyon na nagpaunlad ng pinaka-sistematikong pagsusuri sa yugto ay ang pinatapong kaliwang Italyano sa pamamagitan ng rebyung Bilan (i.e. ‘balance sheet' - ang salaysay ng mga aral ng rebolusyonaryong alon at ang kanyang pagkatalo). Ang aplikasyon ng Bilan sa teorya ng pagbulusok-pababa ay sentral sa mga klaripikasyon na ginawa nila hinggil sa maraming mga aspeto ng komunistang programa, sa partikular ang kanilang ganap na pagtakwil sa pambansang mga kilusan kahit saang sulok ng mundo, dahil reaksyunaryo na ang papel ng burgesya sa bagong panahon , pareho sa mga kolonya at sa mga bansang sentro ng kapitalismo.

Ang kalinawang naabot ng kaliwang Italyano ay masukat sa artikulong lumabas sa 1934 (‘Crises and Cycles in the Economy of Capitalism in Agony', Bilan 11, September 1934). Ang sumulat, si Mitchell, ay binaybay ang maraming malalim na galaw ng kapital sa panahon ng kanyang pagbulusok-pababa. Pinaunlad ang kanyang argumento sa batayan ng teorya ng pagbagsak ni Rosa Luxemburg, tinukoy ni Mitchell na ang pagkaagnas ng kapitalistang moda ng produksyon ay nagsimula sa 1912-14 at bilang proseso kung saan "ang kapitalistang lipunan, dahil sa malalang katangian ng mga kontradiksyong nasa loob mismo ng kanyang moda ng produksyon, ay hindi na makagampan ng kanyang istorikong misyon: patuloy at progresibong paunlarin ang produktibong mga pwersa at ang produktibidad ng paggawa. Ang pag-alsa ng produktibong mga pwersa laban sa kanilang pribadong pag-aari, na dati kalat-kalat, ay naging permanente. Pumasok na ang kapitalismo sa kanyang pangkalahatang krisis ng pagkaagnas".

Pinakita ni Mitchell ang esensyal na pagkakaiba ng halinhinang krisis ng pasulong na kapitalismo at sa mga yugto ng biglang paglakas at pagbagsak ng pagbulusok-pababa. Kung sa unang yugto, ang mga panahon ng krisis ay kailangan sa patuloy na ekspansyon ng pandaigdigang kapitalistang pamilihan, ang pagkasaid ng pamilihan na dala ng bagong panahon ay nagkahulugan na ang krisis ng kapitalismo ay ‘maresolba' lamang sa pamamagitan ng imperyalistang mga digmaan:

"Sa kanyang yugto ng pagbulusok-pababa, magabayan lamang ng kapitalismo ang mga kontradiksyon sa kanyang sistema sa iisang direksyon: digmaan. Makaligtas lamang ang sangkatauhan sa ganung kahihinatnan sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon".

Halos tumpak na prediksyon, sinabi ng awtor ang maaring mangyari sa darating na panahon:

"Anuman ang pagpihit, anuman ang paraang gamitin nito para makaalpas sa krisis, hindi maiwasang matutulak ang kapitalismo tungo sa kanyang kapalaran na digmaan. Saan at paano ito lilitaw ay imposbleng masabi sa ngayon. Ang mahalagang malaman at mahawakan ay sasabog ito sa pananaw na mahati ang Asya at ito ay pandaigdigan".

Nagtapos si Mitchell sa isang babala laban sa kapitalistang alternatiba ng ‘pasismo laban sa demokrasya', na walang iba kundi paraan para ilihis ang proletaryado sa kanyang makauring pakikibaka at mobilisahin ito para sa kapitalistang gera. Pero ang uring manggagawa ng mga panahong iyon ay dumanas na ng maraming pagkatalo para pakinggan ang mga babala ng komunistang mga praksyon, at wala ding ilusyon ang mga praksyon mismo dahil sa lawak ng kabiguang naranasan ng uri.

Katabi ng kaliwang Italyano, ang mga konsehilistang komunista (mga labi ng KAPD, kaliwang Dutch at iba pa) nag-iisang tumindig sa kanilang pagtatanggol sa internasyunalistang mga prinsipyo sa harap ng imperyalistang masaker sa Espanya at Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Subalit habang ang mga konsehilistang komunista ang unang kumilala na ang ‘estado ng manggagawa' sa USSR ay isang kapitalismo ng estado, teoritikal sila na nagapos sa kanilang matigas na paniniwalang ang Oktubre 1917 ay isang burges na rebolusyon; ito ang pumigil sa kanila sa isang mahalagang realisasyon na ang kapitalismo ng estado ay isang unibersal na tendensya ng dekadenteng kapitalismo. Sa Amerika, si Paul Mattick ay nagsimulang magpaliwanag sa teorya ng permanenteng krisis batay sa pagdidiin ni Grossman sa pagbaba ng tantos ng tubo bilang batayang nagdetermina sa krisis, pero ang kanyang metodolohiya ay nagdala sa kanya sa maraming kalituhan, gaya ng pagtingin na ang kapitalismo ng estado ay isang bagong moda ng produksyon na walang imperyalistang galaw, at kaya, progresibo. Bilang resulta nag-atubili si Mattick sa katangian ng Tsina, sa digmaan sa Vietnam, at iba pa.

Ang paliwanag sa komunistang teorya matapos ang Ikalwang Digmaang Pandaigdig ay makikita sa pinaka-matalas na ekspresyon doon sa mga nagtangkang sumahin ang kontribusyon kapwa ng kaliwang Italyano at kaliwang Aleman at Dutch. Ang Gauche Communiste de France, sa kanyang publikasyong Internationalisme, na tumiwalag sa mga elemento ng kaliwang Italyano na hayagang nagnanais magtayo ng isang partido sa panahon ng reaksyon, ay nagawang lagumin ang marami sa mga pananaw ng kaliwang Aleman hinggil sa relasyon ng partido at mga konseho ng manggaagwa, bagay na hindi masyadong malinaw sa Bilan. Mas importante pa, bumalangkas ito ng malinaw na analisis sa tendensya ng dekadenteng kapitalismo tungo sa estadipikasyon, at kaya nagawa nitong maintindihan ang kapitalistang katangian sa Rusya at sa mga bansang umaasa sa kanya na hindi nagkamaling tawagin ang Oktubre 1917 na isang burges na rebolusyon.

Naglaho ang GCF sa 1952 sa ilalim ng napakalaking presyur mula sa kontra-rebolusyon na pinalakas lamang ng ikalawang digmaang pandaigdig at sa tagumpay ng ‘demokrasya' sa pasismo. Hindi sapat ang kalinawan ng grupo na hindi nito nakitang ang digmaan ay nagbigay sa pandaigdigang kapital ng temporaryong sandaling ginhawa: ang napakalaking ‘biglang paglakas' sa 50s at 60s ay nakabatay sa rekonstruksyon sa mga ekonomiya sa Uropa at Hapon na sinira ng digmaan at sa bagong pang-ekonomiyang kaayusan na kinatatangian ng napakalaking superyoridad ng imperyalismong US. Ang nakakagulat na datos-ng-paglago sa panahong ito ay nagdala sa maraming mga sosyolohista, at maging mga elemento sa rebolusyonaryong kilusan, sa pag-teoritisa ng isang bagong ‘malaya-sa-krisis' na kapitalismo at sa ‘burgesisasyon' sa uring manggagawa.

Pero sa Venezuela sa kalagitnaan ng 60s isang maliit na grupo ang binuo ng isa sa nangunang mga elemento ng dating GCF. Ang bagong grupong ito, Internacialismo, ay pinaunlad ang sulatin ng huli sa pamamagitan ng paglarawan sa buong halinhinan ng dekadenteng kapitalismo: krisis, digmaan, rekonstruksyon, panibagong krisis ... at, sa batayan ng ganitong pag-unawa, nagawa nitong mahulaan ang pagtapos ng biglang paglakas, ang pagbukas ng bagong yugto ng hayagang krisis, at ang internasyunal na muling pagbangon ng mga pakikibaka ng henerasyon ng mga manggagawa na hindi na paralisado ng teror at ilusyon ng kontra-rebolusyon.

Ang perspektibang ito ay saktong kinumpirma ng malakihang mga pakikibaka sa Mayo-Hunyo ‘68 sa Pransya at sa sumunod na internasyunal na alon ng makauring kilusan, at ang nakitang malalim na krisis sa pandaigdigang pang-ekonomiyang krisis sa maagang bahagi ng 70s, na nagpatalas sa tensyon sa pagitan ng imperyalistang mga bloke ng US at Rusya: sa suma, muling naharap ang sangkatauhan sa istorikong suliranin sa pagitan ng pandaigdigang digmaan - na nagkahulugan ngayon sa pagkasira mismo ng buong sangkatauhan - at pandaigdigang rebolusyon, ang pagbuo ng komunistang lipunan.

Instrumental ang grupong Internacialismo sa pagkatayo ng Revolution Internationale sa Pransya, pagkatapos kaagad ng mga pangyayari sa Mayo 68. Ang pangunahing laman ng munting aklat na ito ay ang serye ng mga artikulong nilathala sa unang mga isyu ng Revolution Internationale (no.5, old series, at nos. 2, 4 and 5 new series), at bumuo mismo sa permanenteng kontribusyon sa teorya ng pagbulusok-pababa. Pero may susing papel din ang RI sa pormasyon ng magkatulad na mga grupo sa ibang mga bansa, na nagtipon sa 1975 para buuin ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin.

Sa buong 70s at 80s, sistematikong hinugisan ng IKT ang direksyon ng krisis, pinakita ang mga salik na nagpaliwanag kung bakit ito ang pinakamatagal, pinakalalim na krisis sa kasaysayan ng kapitalismo, isang tunay na ekspresyon ng naghihingalong sistema. Sinundan nito ang pag-unlad ng imperyalistang mga antagonismo, sa partikular ang opensiba ng blokeng US matapos sakupin ng Rusya ang Afghanistan, ang lumalaking pagkubkob sa USSR na may ultimong layunin na tanggalin sa huli ang kanyang istatus bilang pandaigdigang kapangyarihan. Inilarawan din ng IKT ang hindi patas pero totoong pag-unlad ng makauring kamulatan sa panahong ito, sa dalawa pang internasyunal na alon ng makauring pakikibaka (1978-80, 1983-89).

Sa kataposan ng 80s, naabot ng dekadenteng kapitalismo ang isang mahalagang pagpihit. Ang patuloy na pakikibaka ng mga manggagawa ang humarang sa daan ng pandaigdigang digmaan, pero hindi pa sapat ang kamulatan ng proletaryado para sa usapin ng rebolusyon; bilang resulta, ang paglala ng pang-ekonomiyang krisis ay nagbukas sa pangkalahatang proseso ng panlipunang pagkaagnas: lubhang nabulok na ang buong kapitalistang lipunan, nagkawatak-watak. Ang prosesong ito ay produkto, at pinabilis ng biglaang pagbagsak ng blokeng Ruso at nagbunga ng dislokasyon sa kanyang mga katunggali sa kanluran, istorikal na mga pangyayari na depinidong nagbukas sa huling yugto ng kapitalistang pagkabulok, ang yugto ng pangkalahatang dekomposisyon. Sa kawalan ng imperyalistang mga bloke, natanggal na sa agenda sa hinaharap ang pandaigdigang digmaan - pero hindi nito nabawasan ang pagkahilig ng dekadenteng kapitalismo sa militarismo at imperyalismo. Kabaliktaran, tulad ng malinaw na pinakita ng malakihang masaker sa Gulpo sa pagpasok ng 1991, ang proseso mismo ng dekomposisyon, kasama ang tuloy-tuloy na mga lokal at rehiyonal na tunggalian, ‘police actions' ng malaking kapangyarihan, ng malawakang gutom at ekolohikal na pagkasira, ang mga banta sa kaligtasan ng sangkatauhan.

Ang IKT ay hindi lang ang organisasyon sa proletaryong kilusan na tumindig sa teorya ng pagbulusok-pababa. Pero siya lang ang tanging nagturo at nagsuri sa huling yugto na ito. Ang tekstong ‘Dekomposisyon, huling yugto ng dekadenteng kapitalismo' na unang nilathala sa ating International Review 62 sa tag-init ng 1990. (Tingnan sa Apendiks 2)

Gaya ng makita sa maiksing istorikal na pagbaybay na ito, ang teorya ng pagbulusok-pababa ay hindi imbensyon ng IKT, kundi tunay na namana mula sa buong marxistang tradisyon, at napakahalagang batayan sa anumang konsistent na rebolusyonaryong pagkilos. Kung hindi kilalanin ang yugto kung saan ito ay pinapatupad, ang programa ng pampulitikang organisasyon ng proletaryado ay walang materyal na pundasyon, walang oryentasyon sa kanyang analisis o sa kanyang interbensyon sa loob ng uri. Kung hindi mahigpit na hawakan ang dekadenteng kapitalismo, walang matibay na depensa sa makauring pronterang maghihiwalay sa proletaryo mula sa kampo ng burgesya. Masaklap itong pinakita sa pagbagsak ng ‘Bor­digistang' Internasyunal na Partido Komunista (Programa ng Komunista) sa maagang bahagi ng 80s. Kahit inangkin ng tendensyang ito na siya ang tunay na tagapagmana ng tradisyon ng kaliwang Italyano, tinakwil nito ang nosyon ng pagbulusok-pababa na napakahalaga sa mga sulatin ng Praksyong Italyano sa 30s. Sa partikular, itinakwil nito ang ideya na dahil ang dekadenteng kapitalismo ay isang pandaigdigan na penomenon, wala ng progresibong papel ang mga kilusan para sa ‘pambansang pagpapalaya' sa hindi maunlad na mga rehiyon. Binigyang diin ang baog na teorya ni Bordiga hinggil sa  ‘di-nagbabago' ang marxismo mula 1848, para sa IPK may rebolusyonaryong kahalagahan ang lahat ng klase ng digmaan para sa pambansang pagpapalaya - lahat ng ito ay katunayan mga panghaliling digmaan sa pagitan ng dalawang imperyalistang mga bloke o sa pagitan ng ibang lokal o rehiyonal na imperyalistang mga pating. Pagpasok ng 80s ang pagsuporta ng IPK sa Palestinong nasyunalismo ay nagtulak sa isang paksyon sa loob nito sa kampo ng kaliwa-ismo, at nagbunga ito ng pagsabog ng buong internasyunal na organisasyon.

Sa kabilang banda, ang mga grupong nagtangkang ipagtanggol ang makauring mga posisyon tulad ng mga isyu sa usaping pambansa o unyon habang itinanggi ang nosyon sa pagbulusok-pababa ay halos ganun din ang nangyari. Makita ito sa nangyari sa Groupe Communiste Interna­tionaliste: nagsimula sa pag-angkin na isang marxistang ultra-orthodox, ang grupong ito ay, sa pamamagitan ng kanyang matigas na pagtakwil sa halos lahat ng teoritikal na posisyon ng pulitika ng komunisatng kaliwa sa nagdaang limampung taon, lalong nahulog tungo sa modernismo at anarkismo. Ganun din ang kapalaran ng ilang mga grupong konsehilista na tutol din sa nosyon ng pagbulusok-pababa. Angkop sa panahon na ipaalala sa lahat na sumusunod sa kasalukuyang uso ng pagmamaliit sa teorya ng pagbulusok-pababa at naghahanap ng alternatibang paliwanag at peryodisasyon - halimbawa ang maling aplikasyon ng konseptong ‘pormal at tunay na dominasyon ng kapital', na pinaliwanag ni Marx para ilarawan ang ilang mahalagang pagbabago na nangyari sa loob ng pasulong na yugto. Ang ‘usong' ito ay sinagot ng IKT sa serye ng mga artikulo sa kanyang International Review. Katunayan, ang mga seryeng ito ay dagdag na pagpaunlad sa teorya ng pagbulusok-pababa.[1]

Ang pag-aaral sa pag-intindi sa dekadenteng kapitalismo ay nagpapatuloy. Pero ang teoryang ito ay higit sa lahat, gabay sa pagkilos, sa interbensyon ng mga rebolusyonaryo sa istorikal na sitwasyon kung saan ang kaligtasan mismo ng sangkatauhan ang nakataya. Ang maliit na aklat na ito ay nagsimula sa mataas na istroikal na imbestigasyon sa pagbulusok-pababa sa nagdaang makauring mga lipunan (isang tsapter na hindi nalathala ng buo sa English noon), at pinasok ang maraming komplikadong teoritikal na mga isyu hinggil sa katangian ng kapitalistang ekonomiya sa panahong ito. Subalit ang pag-aaral na ito ay walang anumang pretensyong akademiko; ang kanyang tanging layunin sa imbestigasyon sa realidad ng kasalukuyang kapitalismo ay para maarmasan ang militanteng pakikibaka laban dito.

[Maiksing pahayag na wala sa Footnotes]

Ang istadistiskang pinagsanggunian na nasa aklat na ito ay tinipon sa 1970s at malinaw na ngayon ay 'lipas na', pero sa punto lamang na ang patuloy na pagkabulok ng lipunang ito ay kumpirmasyon sa mga tendensyang inilarawan nila. Ang International Review ng IKT ay naglathala ng regular na mga impormasyon sa 'progreso' ng kapitalistang krisis, at hinikayat natin ang mambabasa na tingnan ang mga artikulong ito.

 


 


[1] Tingnan ang mga isyung 48, 49, 50, 54, 55, 56, 58, 60.