7. Mga krisis ng pagbulusok-pababa

Printer-friendly version

Ang naturang balangaks ay nangangailangan ng analisis sa produksyong militar at sa mas pangkalahatang problema ng hindi produktibong paggawa.

Ang tanawin ng mga krisis na pinakita ng kapitalismo sa panahon ng 1914-46 ay hindi na kailangan ng komentaryo: malinaw na nagsasalita ang dalawang digmaang pandaigdig at depresyon na kasinglawak ng 1929, sa loob ng tatlumpung taon. Ganun pa man, makabuluhan ang dalawa pang punto. Dahil iyon ay pang-ekonomiyang krisis sa napakatradisyunal na kahulugan, ang depresyon sa 1929-34 ay kadalasan kinilala na krisis ng modernong kapitalismo. Pero ang dalawang pandaigdigang digmaan ay bumubuo din ng malalim na mga krisis ng sistema. Ganun din sa pang-ekonomiyang depresyon sa panahon ng digmaan, ang pandaigdigang tunggalian ay nagpahayag sa pinakabrutal na anyo ng kawalang kapasidad ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon na patuloy na palawakin ang sarili sa normal na paraan. Ang 'purong' pang-ekonomiyang krisis ay pumapawi sa labis na kapital sa pamamagitan ng pagkalugi; iyon din ang nakamit ng digmaan sa pamamagitan ng pisikal na paninira at armadong karahasan. Pero sa parehong mga kaso, ang laman ay pareho: napilitan ang kapital na sirain dahil sa presyur ng mga kontradiksyon sa kanyang sariling moda ng pagkilos. Sa parehong mga kaso, pinalitaw ng sistema ang marahas na mga kombulsyon na tinutulak ng kawalang kapasidad ng dominanteng mga relasyon sa produksyon na umangkop sa mga pangangailangan at potensyalidad ng lipunan. Sa mundo na dominado ng kapital, walang hindi ekonomiko: itong mga 'internasyunal na pampulitikang krisis' na tinawag na pandaigdigang mga digmaan, sa halip na isang ekstra-ekonomikong penomena, ay isang barbarikong manipestasyon ng pinakamalalim na pang-ekonomiyang krisis.

Kaiba sa mga krisis sa pasulong na yugto ng kapitalismo, dinala ng mga kombulsyon ng dekadenteng kapitalismo sa harapan ang isang pangkalahatan at matingkad na galaw ng sistematikong pagbagsak. Nasa katotohanang ito ang kanilang magkaibang katangian. Ang krisis sa 1929 ay mula sa pagbagsak ng produksyon na mas malaki pa sa Unang Digmaang Pandaigdig. Mas mapaminsala ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig kaysa Unang Digmaang Pandaigdig, at nagtulak ng kapinsalaan na mas malaki kaysa 1929. Pinakita ang ganitong pag-unlad ng intensidad ang hindi mabaliktad na katangian ng pangkalahatang galaw ng pagbulusok-pababa.

Mula 1914 hanggang kataposan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang kahalagahan at kahulugan ng mga kombulsyong ito ay lalupang nakikita. Pero ang kawalan ng seryosong krisis sa loob ng dalampung taon pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay sapat para makumbinsi ang mga komentarista sa depinidong paglaho ng mga krisis sa loob ng kapitalismo, at bilang resulta ay maliitin ang mga krisis sa sumunod na yugto na "mga krisis ng pag-unlad".

Subalit sa panahon pagkatapos agad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sinimulan ng kapitalismo ang panibagong halinhinan ng pagpundar na hindi na kasing tibay sa sinundan nito na siyang dahilan ng digmaan. Lalupang umaasa ang pang-ekonomiyang ekspansyon sa dalawang mga saklay na naglarawan sa kanilang likas na mga kahinaan sa pagbibigay ng anumang matagalang solusyon sa krisis. Ang dalawang mga saklay na ito ang mga mekanismo ng "rekonstruksyon" at produksyon para sa pang-militar na layunin.

Syempre, ang destruksyon ay mas malawak ngayon, at ang rekonstruksyon ay mas matagal kaysa noong matapos ang Unang Digmaang Pandaigdig. Naging permanente ang digmaan sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagmintina sa lokal na mga digmaan, at mas mataas ang antas ng produksyon ng mga gamit pandigma sa "panahon ng kapayapaan" kaysa sa panahon ng dalawang pandaigdigang kaguluhan. Mas natuto ang estado kung paanong pangasiwaan ang mga epekto ng internal na mga kontradiksyon na progresibong nakasira sa sistema, at naging papalaking pwersa na kumokontrol sa sistema. Samakatwid, nagsimula ang kapital sa panibagong yugto ng kanyang pagbulusok-pababa sa hilera ng partikular na epektibong mga pampatighaw, pero ang purong pampatighaw na katangian ng mga hakbanging ito ay hindi naikubli.

Ang mga limitasyon ng rekonstruksyon

Ang puntong ito ay mataas na tinalakay sa artikulong "La crise", na lumabas sa Révolution Internationale (old series) nos. 6 and 7, at hindi na natin uulitin dito. Sa halip magpokus tayo sa pagrepaso sa ilang prinsipal na pang-ekonomiyang penomena na, simula sa ikalawang kalahati ng 60s, ay hindi maipagkailang pinakita ang mga limitasyon ng mga pampatighaw na ito.

Ang ganap na rekonstruksyon ng mga bansa sa Uropa at Hapon sa 1965 ay nagbigay ng malalim na dislokasyon sa internasyunal na pang-ekonomiyang mga paraan na nanguna sa kapitalistang "ekspansyon" magmula ng digmaan. Lahat ng mekanismo sa internasyunal na palitan ay pumasok sa krisis. Ang dating mga merkado para sa industriya ng Amerika ay biglang naging magaspang, agresibo sa kalakalan. Sa 1967 naitala ng Estados Unidos ang kanyang unang balanse ng depisit sa kalakalan magmula 1893. Samakatwid, ang nagbigay sigla sa sistema sa loob ng ilang dekada ay siya na mismong nasaid, at walang anumang posibleng solusyon na makikita. Ang halinhinan kung saan "umunlad" ang kapitalismo magmula sa kanyang pagbulusok-pababa (krisis - digmaan - rekonstruksyon), ay muling bumalik sa nakamamatay na pagpihit: ang kataposan ng rekonstruksyon.

Ang mga limitasyon ng ekonomikong pampasigla ng produksyong militar

Nakita natin sa nagdaang mga seksyon ang "kabuluhan" ng pamilihang binuo ng mga pangangailangang militar at ang kahalagahan ng salik na ito sa kapitalistang ekonomiya magmula Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang mga limitasyon ng ganitong tipo ng merkado, ay unibersal na kinilala bilang isa sa mayor na "pundasyon ng kapitalistang ekspansyon" sa ating panahon, ay kailangang suriin kung nais nating maunawaan ang batayan ng hindi mapigilang susunod na mayor na krisis ng sistema. Tinalakay natin ng mataas ang paksang ito hindi lang dahil bahagi ito ng sagot sa problema ng mga krisis sa panahon ng pagbulusok-pababa ng kapitalismo, kundi dahil ito din ang isa pinaka-ispektakular na ilustrasyon sa isang partikular na signipikanteng penomenon ng ganitong pagbulusok-pababa: ang biglaang pag-unlad ng hindi-produktibong mga sektor sa kapinsalaan ng produktibong sektor.

Ang pangkalahatang kalituhan na nangibabaw kaugnay ng produksyong militar ay hindi kaiba sa ating pagsisikap na maunawaan ang problema: hindi bihirang marinig sa mga "marxista" ang pagsasabi na anumang pagkakaiba sa pagitan ng produksyon tulad ng sa armas at ang mga kagamitan para sa ikabubuhay ay pumatungkol sa "etikal na kriterya" ay ganap na kaiba sa marxistang pang-ekonomiyang kriterya.[1]

Paggawa ng armas: lantay na pagkasira ng pandigdigang kapital

Nabuhay ang kapital para at sa pamamagitan lamang ng pagpalawak sa sarili, ibig sabihin mula sa proseso na nagsimula sa pagsasamantala sa buhay na paggawa - ang pagkuha ng labis na halaga - at nagtatapos sa paglaki ng kapital dahil sa transpormasyon ng isang bahagi ng labis na halaga sa panibagong kapital.

Ang kapital ay hindi nagkahulugan ng akumulasyon ng yaman - bagama't ganun din ito. Ang kanyang ispisipikong katangian ay nasa kapasidad na kumuha ng labis na halaga at sa layunin ng ganitong pagsasamantala: ang paglaki ng kapital. Ang kapital una sa lahat ay isang panlipunang relasyon.

Pero ang paggawa ng armas ay may kakaibang katangian sa pag-angkin ng halaga-sa-gamit na hindi nagpahintulot sa kanila na pumasok, sa anumang porma, sa proseso sa produksyon. Ang isang washing machine ay nag-ambag sa reproduksyon ng lakas-paggawa, tulad ng isang tinapay o damit. Sa pamamagitan ng laman ng kanilang halaga-sa-gamit, ang mga produktong ito ay magsilbing kapital sa porma ng variable capital. Ang kompyuter, isang toneladang bakal, o isang steam engine, hangga't sila ay mga kagamitan o layunin ng paggawa ay gagalaw bilang kapital sa porma ng constant capital. Subalit ang armas ay mawasak o kalawangin (hindi muna natin isama sa ngayon ang indirektang produktibong epekto sa produksyon ng armas - cf  sa ikalawang bahagi ng artikulong ito).

Malinaw, nagbibigay ng kapital ang armas sa pamamagitan ng metabolismo. Nang maibenta na, natransporma sila sa pera, at sa perang nakuha, ang kapitalista na nagbenta sa kanila ay makabili ng mga gamit ng produksyon o ikabubuhay. Pero ang mga armas mismo ay hindi maging kapital. Ang bumibili ng armas ay nagbayad ng kapital at tumanggap bilang kapalit ng isang produkto na hindi maging kapital. Ang nakuha ng pandaigdigang kapital sa tao na nagbebenta ng armas ay nawala sa tao na bumili sa kanila. Ang pandaigdigang resulta sa operasyon ay zero.

Gawin nating halimbawa ang Marcel Dassault, isa sa pangunahing gumagawa ng armas sa daigdig, na nagbebenta ng armas sa ibang mga bansa at sa estadong Pranses din. Tingnan ang halimbawa sa unang tipo ng pagbenta: Ang mga Mirage jets ay ipinagbili sa Peru. Natanggap ng Dassault  ang perang bayad, na magamit nila para mapalitan ang kapital na nagastos at mapalaki ang kapital sa kanyang empresa sa pamamagitan ng pagbili ng bagong mga makinarya at bagong kantidad ng lakas-paggawa. Para sa praksyon ng kapital na kinakatawan ng Dassault ang palitan ay normal at produktibong aktibidad. Ganun din para sa kapital ng Pransya.

Ano ang kahulugan ng ganitong palitan, sa kabilang banda, para sa kapital ng Peru? Para makuha ang kinakailangang pera pambili ng mga Mirages, kailangan ng Peru, halimbawa, na ibenta ang katumbas na kantidad ng kaning-isda. Maari niyang gamitin ang halagang ito para mapalaki ang kanyang sariling kapangyarihan ng pagsasamantala, ang kanyang kapital (mga pabrika ng kaning-isda, o bangkang pangisda). Sa halip, binago ng Peru ang halaga tungo sa supersonic fighter-bombers. Sa naturang bombers maaring lolobo ang dangal ng "progresibong" pangkating militar na nasa kapangyarihan, pero hindi maaring direkta silang gamitin ng pambansang kapital para makakuha ng isang sentimo sa labis na halaga  (kahit man lang pagtatayo ng isang serbisyong pantransportasyong sibil na limitado ang tubo). Para sa kapital ng Peru, ang ganitong operasyon ay binayaran sa pamamagitan ng pagwasak ng kapital.

Para sa pandaigdigang kapital, hindi naglaho ang hindi produktibong katangian ng paggawa: nalipat lamang ito mula sa isang lugar tungo sa iba pa sa loob ng kanyang sariling saklaw. Anuman ang palitan na nangyari, nanatili ang katotohanan na sa ibang bahagi ng mundo ang produktibong paggawa ay nabaog sa usapin ng pag-unlad ng kapital. Ang lugar kung saan naramdaman ang bigat ng hindi produktibong aktibidad ay walang pagbabago sa problema; hindi ibig sabihin na dahil ang paggawa ng armas ay tumawid sa pambansang hangganan ay nagbago na ang kanilang katangian kaugnay sa pandaigdigang kapital.

Ngayon ikonsidera ang pangalawang yugto: Binenta ng Dassault ang kanyang Mirages sa estadong Pranses. Para sa nagbebenta ng armas, ang operasyon ay may tubo at produktibo pa rin para sa kanyang kapital. Pero para sa kapital ng Pransya sa pangkabuuan, hindi na ganito. Sa pamamagitan man ng indirektang buhis, buhis ng kapital o buhis sa paggawa, laging ang labis na halaga na kinuha mula sa buhay na paggawa ng estado, kustomer ng Dassault, ang ginamit para bumili ng Mirages. Para sa pambansang kapital, ito ay usapin ng walang silbing labis na halaga.

Kaya, sa bawat pagsakripisyo ng pambansang kapital, sa pamamagitan ng walang silbing labis na halaga, isang depinidong halaga ng paggawa para sa produksyon ng armas na kinunsumo ng estado, mayroong mas malaking labis na halaga na hindi produktibong kinunsumo at hindi na mapalawak ang halaga ng kapital sa kabuuan.



[1] See for example Henri Weber's polemical pamphlet on the AJS