Ang pagbagal ng paglago ng produktibong mga pwersa ng kapitalismo magmula Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Printer-friendly version

Ang pagbilis ng indayog ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay isa sa mga salik na nagtulak ng isplit sa '4th International' sa 1952. Ayon sa paksyong 'Lambertista' ng AJS-OCI (The Organisation Communiste Internationaliste ay ang seksyong Pranses ng grupong Trotskyista na pinamunuan ni Lambert, dati nakaugnay sa Healyite Socialist Labour League sa UK (ngayon ay Workers Revolutionary Party) at sa Wolforthite Workers League sa US. Ang AJS (Alliance de Jeunesse Socialiste, ay ang seksyon ng kabataan ng OCI), ang pang-ekonomiyang batayan ng posibilidad ng, at pangangailangan para, sa sosyalistang rebolusyon ay ang ganap na paghinto ng paglago ng produktibong mga pwersa. Ang mga Lambertista ay, sa puntong ito, ay lubusang tapat sa transisyunal na programa ni Trotsky. Nakita natin sa simula ng artikulong ito, ang pagkakasalungatan ng teoryang ito mula sa marxistang punto-de-bista.

Ang istatistika ng paglago sa panahon ng rekonstruksyon ay nagbigay dagok sa teoryang ito. Para maging angkop ang mga istatistika sa kanilang linya ng pananaw, giniit ng mga Lambertista ang hindi-produktibong katangian ng produksyon ng armas. Subalit bagama't tiyak na ang produksyon ng armas ay naging pampigil sa tunay na produksyon, ito ay imposible sa istatistika na nagkunwaring naparalisa nito o 'napawalang-bisa' ang paglago ng produktibong mga pwersa magmula 1945.

Ang matigas, di-nag-iisip na dogmatismo ng ganitong posisyon ay mas nakakatawa dahil marahas itong bumangga sa isa pang dogma (ang transisyunal na programa) na mahalaga sa AJS-OCI: "Ang USSR ay hindi kapitalista, ito ay nanghihina na estado ng manggagawa." Mas mabilis na uunlad ang produktibong pwersa doon kaysa Estados Unidos. Subalit naglaan ang Rusya ng mas malaking bahagi sa kanyang produksyon sa paggawa ng armas kaysa pinakamalaking mga kapangyarihan sa Kanluran.

Para sa mga Trotskyista sa opisyal na 4th International, (Ligue Communiste -Mandel, wala na), ang pagbulusok-pababa ay hindi nagkahulugan ng 'pagbara' sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa, kundi sa pagbagal ng pag-unlad sa ilalim ng bigat ng mga relasyon ng produksyon. Sa ganun tapat sila 'ng lubusan' kay Marx. Pero kung kiskisin lang ng konti sa ibabaw, makikita ang tagpi-tagping mga dogma na kasing salungatan ng sa AJS.

Sa pampletong may titulong, "Qu'est-ce-que l'AJS?", si Weber, ang teoritisyan ng 4th International, sumubok punain ang "hibang na mga teorya at pantastikong pambaluktot ng mga Lambertista" sa usaping ito.[1] Para maresolba ang mga kontradiksyon sa dogma ng 'nanghihina na estado ng manggagawa', (si Mandel at mga kasama ay naniwala din na maraming mga bansa sa mundo ang hindi kapitalista), sinabi ni Weber na may produktibong katangian ang paggawa ng armas. Para masagot ang problema sa pormulasyon ni Trotsky na ang batayan ng sosyalismo ay nakasandal sa nakabilanggong paglago ng produktibong mga pwersa, nagpaliwanag si Weber na 'isinalarawan' lang ni Trotsky ang ‘realidad na kanyang nakikita sa 1938'.

Hinggil sa problema ng pagpaliwanag sa mga katangian o sa laman ng mabagal na kahulugan ng yugto ng pagbulusok-pababa, wala ng maibigay na anuman ang mga Trotskyista. Nagsalita sila hinggil sa 'neo-kapitalismo' na diumano nagsimula pagkatapos agad ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig at kinatangian ng "walang katulad na pang-ekonomiyang ekspansyon". Sinabi nila sa atin na "ang pangkalahatang krisis ng kapitalismo ay dala ng unang digmaan"; pero sinabi din nila sa atin na sa 1848, 120 taon na ang nakaraan, kinundena ni Marx ang kapitalistang produksyon na hadlang sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa; na sa 1848 dineklara niya na ang kapitalistang moda ng produksyon ay "paurong at reaksyonaryo".[2] At pinaalala nila sa atin ang mga pangungusap sa Manipesto ng Komunista:

"Ang maraming mga dekadang nagdaan sa kasaysayan ng industriya at komersyo ay kasaysayan ng pag-alsa ng modernong mga pwersa ng produksyon laban sa modernong mga kondisyon sa produksyon...At dito maliwanag, na ang burgesya ay hindi na maari na nagharing uri sa lipunan, at ang ipataw ang kanyang pag-iral sa lipunan ay isang batas na walang halaga".

Ang seleksyong ito ay hinalaw ni Weber para ibato ang tanong, "ibig ba sabihin nito na sila Marx at Engels ay nagkamali?" Nangatwiran si Weber na ang sagot sa tanong na ito kung saan tiyak hindi tatangging sasang-ayon ang bawat Lambertista kung hawakan niya ng seryoso ang Lambertistang tesis, ay ang sumusunod: "Kung ang kontradiksyon sa pagitan ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa at ang pagpatuloy ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon ay lubos at simpleng maipahayag sa pagharang sa produktibong mga pwersa, kung gayon mali sila Marx at Engels, hindi lang sa 1848 kundi sa buong buhay nila, dahil ayon sa posisyong Lambertista, ang istagnasyon sa produktibong mga pwersa ay nagsimula sa 1914!" Maraming kalituhan ang sumunod: "Pero ang Lambertistang teorya ng 'pagbara' ng produktibong mga pwersa ay walang kaugnayan sa marxismo..."

Sa kabilang banda, kung naniwala ka na sila Weber, Marx at Engels ay hindi mali, kaya matapos ang di-pagkakamali ni Trotsky, naligtas din ang di-pagkakamali nila Marx at Engels, sa ulo ni Weber, at ang dogma ng iba't-ibang di-pagkakamali ay nirespeto. Pero bigla kang magapos ng sumunod na mga pananaw: ang dekadenteng kapitalismo ay naganap na noong 1848; ang simula ng "pangkalahatang krisis ng kapitalismo" ay sa 1914 lang; at ang rurok ng matagumpay na ekspansyon ng "neo-kapitalismo" sa 1960! Ang pagkasira ba ng kapitalistang pag-unlad ay nasa "mga dekada bago ang 1848", "120 taon na ang nakaraan" sa 1848, o sa 1914, o kahit sa 1945 sa simula ng tinatawag na "neo-kapitalismo"? Kailan nagsimula ang bantog na "panahon ng sosyal na rebolusyon" na sinasabi ni Marx?

Mahirap pagtagpi-tagpiin ang anumang magkakaugnay na paliwanag sa nakakalungkot na tagni-tagning teorya na ipinaliwanag lamang para ilibing ang ilang opisyal na Trotskyistang mga dogma at bigyang katwiran ang 'progresibong katangian' ng lahat ng burukratikong kilusan sa ikatlong daigdig, ang 'anti-imperyalistang' katangian ng Peking at Moscow, at lahat ng klase ng oportunismo ng mga unyon ('kritikal' na suporta), eleksyon ('edukasyunal' na benepisyo), at mga reporma ('transisyunal na kilusan tungo sa sosyalismo'). Pero sa huling pagsusuri, para sa mga Leninista sa What Is To Be Done?, lahat ng mga pang-ekonomiyang problema na kinatangian ng istorikal na mga yugto, atbp... ay hindi mahalaga dahil ang mga 'scientists' na ito ay kumbinsido na ang tanging problema ay rebolusyonaryong liderato: "Ang kasalukuyang krisis ng kultura ng sangkatauhan ay krisis ng proletaryong liderato." (Trotsky, 1938)

Halos walang matutunan mula sa tagni-tagning teorya nito (na nagsilbing lamang balabal para tabonan ang iba't-ibang tipo ng Trotskyistang oportunismo), liban sa realisasyon sa pangangailangang paunlarin ang seryosong depinisyon ano ang pagbagal sa paglago ng produktibong mga pwersa.

Tulad ng sinabi natin sa simula ng artikulong ito, ang yugto ng pagbulusok-pababa ay makikita sa pagbagal ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa:

  1. ang naturang kakulangan ng pag-unlad ay ispisipikong resulta mula sa mga restriksyong pinataw ng mga relasyon ng produksyon;
  2. ang proseso ay hindi maiwasan at hindi mapigilan;
  3. isang lumalaking puwang ang nabuo sa aktwal na pag-unlad ng produktibong mga pwersa at ano ang posible kung wala ang mga harang na mula sa dominanteng mga relasyon ng produksyon.

Nang sinulat nila Marx at Engels ang Manipesto ng Komunista, mayroong pana-panahong pagbagal sa pag-unlad dahilan ng halinhinang krisis. Sa panahon ng mga krisis na ito, malinaw na makikita ang pundamental na mga kontradiksyon ng kapitalismo. Pero ang "mga pag-alsa ng modernong mga pwersa ng produksyon laban sa modernong mga relasyon ng produksyon" ay mga pag-aalsa sa kabataan ng kapitalismo. Ang resulta ng ganitong regular na mga eksplosyon ay pagpapalakas lamang ng sistema na, sa panahon ng kanyang dramatikong pagsulong, ay tinakwil ang kanyang bata na mga katangian kasama ang huling pyudal na mga hadlang sa kanyang daan. Sa 1850, 10 porsyento lamang sa populasyon ng daigdig ang nasanib sa kapitalistang mga relasyon ng produksyon. Nasa harapan ng sahurang sistema ang hinaharap. May galing sila Marx at Engels na kunin mula sa mga krisis ng pasulong na kapitalismo ang esensya ng mga darating na krisis. Sa paggawa nito, pinakita nila sa darating na mga henerasyon ang mga batayan ng pinakamalalim na mga kombulsyon ng kapitalismo. Nagawa nila ito dahil sa simula ang isang panlipunang porma ay nagdadala sa loob nito ng mga binhi ng lahat ng mga kontradiksyon na magdadala sa kanya sa kamatayan. Subalit hangga't ang mga kontradiksyong ito ay hindi umunlad sa punto na permanenteng humadlang sa ekonomikong paglago, bumubuo sila bilang motor mismo ng pag-unlad. Ang pagbagal na panaka-nakang naranasan sa ika-19 siglo ay walang kaugnayan sa kanyang permanenteng lumalaking harang. Kabaliktaran, ang intensidad ng mga krisis ay humihina sa kanilang paulit-ulit. Ganap na nagkamali sila Marx at Engels sa kanilang pagsusuri sa 1848. (si Marx sa Makauring pakikibaka sa Pransya ganun din si Engels sa kanyang huling introduksyon sa tekstong ito, ay hindi natakot na kilalanin ito).

Mas malinaw si Rosa Luxemburg sa analisis sa 1898:

"Kung masusing tingnan ang iba't-ibang dahilan ng lahat ng nagdaang malaking mga krisis, makumbinsi ka na lahat sila ay hindi ekspresyon ng kahinaan ng katandaan ng kapitalistang ekonomiya kundi ng kanyang kabataan. Hindi pa tayo tumungo sa antas ng paglago at pagkasaid na magluwal ng nakamamatay, pana-panahon na tunggalian ng mga pwersa ng produksyon sa limitasyon ng pamilihan, na siyang aktwal na kapitalistang krisis ng katandaan....Kung puno na ang pandaigdigang pamilihan, at hindi na maaring mapalawak ng biglaang ekstensyon; at kung, ang produktubidad ng paggawa ay pursigidong umigpaw pasulong, ang pana-panahong tunggalian ng mga pwersa ng produksyon sa limitasyon ng palitan ay magsimula na, at paulit-ulit na mas matindi at mas magulo." (Rosa Luxemburg, Reform or revolution )

Nang nabuksan ang panahon ng rekonstruksyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, matagal ng panahon ang lumipas mula ng ang kapitalismo ay "hindi na maaring palawakin ng biglaang ekstensyon". Sa ilang dekada, ang produktibidad ng paggawa ay mabilis na lumaki upang makontrol pa sa loob ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon. Sa loob ng tatlumpung taon, paulit-ulit at lumalaking marahas na mga atake ng mga pwersa ng produksyon laban sa mga harang na humadlang sa kanilang pag-unlad na brutal na nanira sa buong lipunan.

Tanging ang kahirapan at barbarismo ng mga taon bunga ng lumalaking depresyon ang paliwanag sa pangkalahatang kaguluhang itinulak ng pang-ekonomiyang pag-unlad na sinimulan ng rekonstruksyon. Dahil sa kabilang banda, ito ay 'pag-unlad' na katunayan bumubuo ng pagbagal ng paglago ng produktibong mga pwersang hindi pa naranasan ng sangkatauhan. Hindi pa nangyari noon ang proporsyon na naabot ngayon ng kaibahan sa pagitan ng ano ang posible at aktwal na naabot. Hindi pa nangyari noon "na ang patuloy na pag-unlad ay lumilitaw na pagbulusok-pababa". (Marx).

Para maintindihan ang lawak ng pagbulusok-pababa na ito maraming tanong ang dapat sagutin. Ang produksyon ba ng armas ay isama o hindi sa bolyum ng produksyon na epektibong ma-realisa para madetermina ang pag-unlad ng produktibong mga pwersa? Paano natin madetermina ang antas ng produksyon 'na dapat posible'? Kailangan pa nating ikumpara ang mga antas ng epektibong realisasyon sa dapat makamit kung ang pang-ekonomiyang paglago ay nagpatuloy na sundin ang tantos na nakamit sa panahon ng pasulong na yugto? At, sa ganung kaso, dapat ba tayong magsimula sa 1913 o 1945? O i-determina natin ang tantos na dapat posible ayon sa umiiral na teknolohiya sa panahong iyon? Kailangan bang ikonsidera na "pabayaan" man ang produktibong mga pwersa ay uunlad ito ayon sa tantos na lumalaki o manatiling matatag?

Para masagot ang mga katanungang ito ikumpara natin ang pandaigdigang industriyal na produksyon tulad ng pag-unlad nito mula 1913 hanggang 1959 (kasama ang produksyon ng armas) kung ano ang mangyari kung ang industriyal na paglago ay nagpatuloy matapos ang 1913 ayon sa parehong tantos na nakamit sa panahon ng dekada 1880-1890.[3] (Ipagpalagay natin ang matatag na tantos ng pag-unlad. Sa realidad, ang tantos na ito ay tataas sa ilalim ng impluwensya ng tumataas na produktibidad). Partikular tayo na interesado sa panahon na nagsimula agad pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang pagkumpara sa pinagpalagay na paglago na nasa unang halimbawa (sa itaas) ay makompleto ng ikalawang pagkumpara sa ibang halimbawa ng pinagpalagay na pag-unlad batay sa bagong tantos ng pag-unlad na maaring posible sa pag-unlad ng teknolohiya sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Para makuha ang mas saktong ideya sa lawak ng pagbulusok-pababa magsimula tayo sa pinagpalagay na pag-unlad mula sa pagkatapos ng digmaan sa 1946. Para sa ganitong pagkumpara piliin natin bilang tantos ng paglago na malamang makamit pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig (kung hindi pipigilan ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon ang pag-unlad), ang tantos na naabot ng industriyal na produksyon ng Estados Unidos sa pagitan ng 1939 at 1944. Binuksan ng digmaan ang mahalagang pamilihan para sa ekonomiya ng Amerika at kaya nagawang gumalaw ang produktibong aparatus sa kanyang maksimum na lakas. Sa kabilang banda, ang tantos na ito ay limitado dahil ang naturang malaking paglago sa produksyon ay kabilang ang tipo ng produksyon na hindi na muling maibalik sa produksyon para lalo pa nitong mapabilis ang pag-unlad, ang paggawa ng armas. Dagdag pa, ang tantos na ito ay na-realisa sa Estados Unidos habang ang ibang mga kapangyarihan ay nagdurusa sa digmaan: Kaya hindi nakinabang ang paglago ng ekonomiya sa Amerika sa teknolohikal na pag-unlad na binigay ng internasyunal na kolaborasyon. Ganun pa man, pinagbatayan pa rin natin ang tantos ng ganitong paglago, dahil may halaga ito na aktwal na nakamit sa isang takdang panahon at kaya nagbigay sa atin ng pag-unawa sa aktwal na teknolohikal na kapasidad ng lipunan. Ang index ng produksyong industriyal ng Estados Unidos ay tumaas mula sa 109 sa 235 sa pagitan ng 1939 at 1944 ( 100=1938 ) na may tantos ng pag-unlad ng 110 porsyento sa limang taon (tingnan sa katabing graph).

Sa graph makita natin ang mga kaibahan na sa parehong mga kaso, mabilis na lumalawak. Makita natin, na mas malinaw, ang antas ng mga pagbagal sa pamamagitan ng pag-rekord sa kanilang pag-unlad sa hiwalay na graph. (Ang unang graph ay sinukat sa semi-logarithms kaya hindi masyado makita ang pag-unlad ng mga pagkakaiba.)

Ang mga graph na ito ay pagtanya lamang at nagbigay ng pagsalarawan na malamang pagmaliit sa aktwal na lawak ng pagpigil sa tantos ng paglago. Subalit, nagbibigay sila ng malinaw na ideya sa walang kaparis ng epektibidad ng pagpigil, sa kanyang hindi mabaliktad at hindi mapigilang katangian, kabilang na ang kanyang tuloy-tuloy na paglaki. Ang mga panahon kung saan pinakitid ang mga kaibahan ay pumatungkol sa mga panahon ng muling paggawa ng armas at rekonstruksyon. Dito ang kanilang tungkulin bilang temporaryong lunas ay malinaw na makikita.

Matapos ang pagbagal sa paglago ng produktibong mga pwersa, kailangang makita kung ang kapitalismo matapos ang 1914 at laluna matapos ang 1945 ay kinundena sa mas lumalalim at mas lumalawak na mga krisis (ang pangalawang katangian ng pang-ekonomiyang pagbulusok-pababa ng ekonomiya). Ito ang magdala sa atin na suriin ang katangian ng produksyon ng armas at ang kanyang mga limitasyon.

Ikonsidera natin ang panahon ng 1914-46, pagkatapos ang panahon mula sa kataposan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig hanggang ngayon.



[1] ‘Qu' est-ce que l ‘AJS', Cahiers rouge, series ‘Marx ou creve' (sic), pp. 13-35

[2] Ibid, p. 30

[3] From 1880 to 1890, the index of industrial production multiplied by 1.6, Sternberg, p.21