Submitted by ICConline on
Ang sariling-pagkasira ng Uropa sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig ay sinabayan ng 15 porsyento na pag-unlad sa produksyon ng Amerika. Sa gitna ng kaguluhan sa lumang kontinente, nadiskubrehan ng Estados Unidos ang mahalagang pamilihan; mag-angkat ang Uropa ng maraming pangkonsumong kalakal, kagamitan ng produksyon at armas mula sa Amerika. Nang matapos ang digmaan, ang rekonstruksyon sa Uropa ay napatunayan na panibago at mahalagang pamilihan. Sa pamamagitan ng malawakang destruksyon na may pananaw sa rekonstruksyon, nadiskubrehan ng kapitalismo ang daan-palabas, peligroso at temporaryo pero epektibo, para sa kanyang bagong problema sa paghahanap ng pamilihan.
Sa panahon ng unang digmaan, ang halaga ng destruksyon ay hindi 'sapat'; ang operasyong militar ay may direktang epekto lamang sa industriyal na sektor na kumakatawan sa isang-sampu (1/10) sa pandaigdigang produksyon (nasa 5-7 porsyento).[1] Sa 1929, nakaranas muli ng krisis ang pandaigdigang kapitalismo.
Talagang natuto sa karanasan, ang halaga ng destruksyon sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay mas matindi at malawak. "lahat-lahat sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig halos isang-katlo ng kabuuang sektor sa industriya ng mundo ay nahatak sa direktang arena ng aksyong militar."[2]
Ang Rusya, Alemanya, Hapon, Britanya, Pransya at Belgium ay marahas na nakaranas sa mga epekto ng digmaan na sa unang pagkakataon ay may mulat na layuning sistematikong sirain ang umiiral na industriyal na potensyal. Tila nakikita na ang 'kasaganaan' ng Uropa at Hapon matapos ang digmaan. (Marshall Plan, atbp...).
Salungat sa komon na opinyon, hindi huminto ang 'rekonstruksyon' ng muling naabot ng nawasak na bansa ang antas ng produksyon sa wala-pa-ang-digmaan na antas na produksyon: ang rekonstruksyon ay hindi lang hinggil sa direktang produksyon ng produktibong kalakal kundi lahat ng inpra-istruktura at kagamitan ng buhay na winasak na digmaan, bagama't ang kanilang rekonstruksyon ay hindi agad kailangan para maabot ang antas ng produksyon sa wala-pa-ang-digmaan. Ang rekonstruksyon ay hindi pinatupad gamit ang teknolohiya sa wala-pa-ang-digmaan; ang mahalagang pag-unlad ng produktibidad at konsentrasyon ng kapital ay nangyari panahon ng digmaan. At hindi ibig sabihin na kung naabot na ang dating antas ng produksyon ay nagkahulugan ito na ang magkatulad na bulto ng halaga ay muling matali sa produktibong kapital. Panghuli, sa panahon ng kanilang pagkawasak ang mga bansang apektado ay naging atrasado sa industriya kumpara sa ibang mga kapangyarihan. Ang kanilang rekonstruksyon ay hindi maging ganap hangga't maabot nila hindi lang ang dating antas ng produksyon, kundi ang muli silang magi agresibo sa internasyunal na antas.
Sa ganitong punto, ang rekonstruksyon ay katangian ng pag-unlad sa yugto matapos-ang-ikalawang digmaang pandaigdig hanggang 1960s at hindi hanggang 1950s na madalas na pinaniwalaan.
[1] Sternberg, p.477
[2] Sternberg, p.478