5. Ang pagpihit sa digmaang 1914

Printer-friendly version

Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay palatandaan ng isang tiyak na pagpihit sa dalawang partikular na mahalagang mga aspeto ng kapitalistang ekspansyon: imperyalistang ekspansyon, at ang proporsyonal na paglaki ng uring manggagawa sa lipunan.

Ang kataposan ng kapitalistang imperyalistang ekspansyon

Matapos ang kanyang matagumpay na pag-unlad sa ika-19 siglo, sa kanyang regular at hindi mapigilang pananakop ng mga bansa, ang imperyalistang ekspansyon ng kapitalistang abanteng mga bansa ay halos hindi na gumalaw sa pagpasok ng siglong ito. Napasok na ng kapitalismo ang lahat ng mga bansa at ang iba't-ibang kapitalistang kapangyarihan ay ganap ng hinati-hati ang mundo para sa kanilang mga sarili.

Pinakita ng Unang Digmaang Pandaigdig ang kawalan ng posibilidad sa kahit alinmang kapangyarihan na makahanap ng lugar na hindi pa naabot ng kapitalismo para tiyakin ang kanyang ekspansyon. Ang Alemanya, na relatibong nahuli sa 'pananakop' ay napilitang itulak ang unang pandaigdigang digmaan sa kasaysayan para makakuha ng pwesto sa kanyang sarili katumbas ng kanyang pang-ekonomiyang kapangyarihan. Matapos ang digmaan, ang Hapon at Estados Unidos, batay sa nakita natin, ay makatiyak lamang sa kanilang ekspansyon sa kapinsalaan ng Uropa. Ang digmaan kung gayon ay ekspresyon ng mga kontradiksyon ng kapitalismo, na kongkretong nakita sa tunggalian sa pagitan ng natural na tendensya ng kapitalismo na sakupin ang daigdig sa paghahanap ng bagong pamilihan, at ng bagong realidad: ang katotohanan na ang daigdig ay hinati-hati na ng mga malalaking kapangyarihan sa kanilang mga sarili.

Matapos ang 1914, ang mundo ay hahatiin at muling hahatiin ayon sa balanse ng kapangyarihan, pero wala ng tunay na bagong hiyograpikong ekspansyon na magaganap. Ang pang-ekonomiyang pag-unlad ng kapitalismo sa pasulong na yugto ay ang lumalaking importansya ng kolonyal na pamilihan sa pandaigdigang kalakalan. Ang kahalagahan ng mga pamilihan ito ay patuloy na lumalaki sa istatistika mula 1914-18. Mula 1914 hanggang 1929 mabagal itong bumaba; mula 1929 hanggang 1938 bahagya itong bumangon (tingnan sa graph sa ibaba). Sa proseso lamang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na ang tendensyang ito ay nabaliktad sa istatistika. Pero, katunayan, ito ay resulta lamang sa prosesong nagsimula sa 1914.  Ang relatibong kahalagahan ng kalakalan sa mga bansa sa ikatlong daigdig sa panahon ng digmaan ay dahil pangunahin sa nakakalulang pagbaba ng kalakalan sa pagitan ng industriyalisadong mga bansa.

Ang digmaan sa 1914, ay senyales ng kataposan ng panahon ng pandaigdigang kapitalismo sa imperyalistang ekspansyon, tanda ng simula ng proseso ng mabilis na pagkasaid ng mga pamilihan labas sa kapitalistang sistema.

Ang kataposan ng paglaki ng porsyento ng uring manggagawa

Tinatayang ang proporsyon ng pandaigdigang populasyon na nasa kapitalistang produksyon ay 10 porsyento sa 1850. Ang proporsyong ito ay halos umabot ng 30 porsyento sa 1914. Pero simula ng siglong ito ang ekspansyon nito ay bumaba ng malaki sa industriyalisadong mga bansa. Ang bilang ng mga manggagawang Aleman ay tumaas mula sa 8 milyon sa 1882 sa 14 milyon sa 1925, subalit ang kanilang proporsyon sa populasyon ng anakpawis, matapos maabot ang 50 porsyento sa 1895, ay bumaba sa 45 porsyento sa 1925.[1] "Ang totoo sa Alemanya ay totoo din sa internasyunal na antas. Ang uring manggagawa ay istabilisado mismo sa 50 porsyento; mas mataas sa Innglatera, sa Pransya at Alemanya ay mas mababa."[2] Itong markadong pagbulusok-pababa ng ekspansyon ng 'prinsipal na produktibong pwersa' ay nagpatuloy hanggang ngayon.

Sa halos lahat ng industriyalisadong mga bansa sa mundo, ang proporsyon ng "manggagawang industriyal, kabilang ang manggagawa sa konstruksyon", ayon sa INSEE,[3] sa 1968 ay 47-48 porsyento lamang sa Alemanya at Ingglatera, 45 porsyento sa buong European Economic Community, 35 porsyento sa buong Estados Unidos, USSR at Hapon. Ang mga datos na ito ay dapat relatibong mas mataas dahil hindi sinama ang mga manggagawa sa transportasyon, agrikultura at pangisdaan. Pero walang duda na pinatunayan nito na ang tantos ng ekspansyon ng uring manggagawa ay labis na bumaba simula sa kataposan ng pasulong na yugto ng sistema matapos ang 1914.

Sa hindi maunlad na mga bansa ang pagbabang ito ay mas mababa. Mula 1950 hanggang 1960 sa Asya, Aprika at Latin Amerika, ang bilang ng bagong sahurang manggagawa sa bawat isang daang mamamayan ay 9 na beses na mas mababa kaysa maunlad na mga bansa.

Bago ang 1914, ang populasyon na epektibong nasanib sa kapitalistang ekonomiya ay mabilis na lumalaki kaysa pandaigdigang populasyon. Iyon ay sa panahon ng pasulong na yugto ng kapitalismo. Ang tendensyang iyo, mula noon, ay tiyak ng bumaliktad.

Pag-unlad simula Ikalawang Digmaang Pandaigdig

Kaya, mayroong malaking pagbabago sa kapitalismo matapos ang 1914 at laluna matapos ang 1929. Walang duda, ang pundamental na katangian ng pagbabagong ito ay ang kataposan ng imperyalistang ekspansyon. Ang imperyalismo, sa esensya, ang prinsipal na pamilihan ng 'pasulong' na kapitalismo. Ang pamilihang ito ang kumuha sa relatibong maliit na bahagi ng kapitalistang produksyon, ang sobrang halaga na kailangan para muling gawing puhunan, ang realisasyon nito ay mahalaga para sa akumulasyon ng kapital. Kailangan lamang nating makita ang radikal na kaguluhan na resulta ng kataposan ng imperyalistang ekspansyon: dalawang pandaigdigang digmaan at krisis na kasinglalim ng 1929-38 sa loob ng hindi lumampas ng tatlumpung taon.

Ang panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hindi maaring ilabas sa balangkas ng mga kondisyong umiiral sa 1914. Gaya ng nakita natin, bumaba ng malaki ang kolonyal at semi-kolonyal na mga pamilihan sa panahong ito.

Marami ang kumikilala sa yugtong ito ng ekspansyon na iba mula sa panahon ng quasi-istagnasyon sa 30s. Ang mga Trotskyista sa 'Ikaapat na Internasyunal' ay gumagamit ng hambog na termino, 'Neo-Kapitalismo', para ilarawan at bigyan nila ng importansya ang pagbabago sa ekonomiya.

Sa ilang mga kaso, ang tantos ng pag-unlad simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nakahabol o nalagpasan ang naabot sa panahon ng pasulong na yugto ng kapitalismo bago ang 1913. Ito ang kaso sa mga bansa gaya ng Pransya o Hapon. Sa kabilang banda, hindi ganito ang kaso sa pinakamalaking kapangyarihang industriyal, ang Estados Unidos (na may  50 porsyento sa pandaigdigang produksyon sa simula ng 50s,[4] 4.6 porsyento average na taunang tantos ng pag-unlad sa pagitan ng 1957 at 1965 na salungat sa 6.9 porsyento sa pagitan ng 1850 at 1880.[5] Pero ang tunay na katangian ng pag-unlad nito ay radikal na iba mula sa ekspansyon na nakompleto sa 1913.

Ang pangunahing larangan ng pang-ekonomiyang ekspansyon magmula Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang rekonstruksyon matapos-ang-digmaan; permanente at malakihang produksyon ng armas; at mas matinding pagsasamantala sa lumang mga pamilihan.

Tanging ang 'mas matinding pagsasamantala sa lumang mga pamilihan' ang komon sa dalawang yugto, pero hindi ito bago sa kasaysayan ng kapitalismo. Kaya dapat i-konsidera natin ang mayor na kahalagahan ng patakarang ito sa panahong imposible na talaga ang bagong mga pamilihan.

Kahit ang pamilihan sa ikatlong daigdig ay nawalan na ng kahalagahan dahil hindi na sila sapat, ganun pa man, patuloy ang pagsasamantala sa kanila sa maksimum na makakaya. Ganun din,

  • Ang biglaang pagpalaki sa pinansya gawa ng Marshall Plan sa rekonstruksyon sa Uropa at Hapon, sa esensya ay para sa imperyalistang kadahilanan.
  • Ang paggamit sa mga nakuhang ganansya sa produksyon.
  • Ang mas epektibong pagsasamantala sa nanatiling ekstra-kapitalistang mga pamilihan.
  • Ang simula ng importanteng paglaki ng utang.

Ang panahong ito ay panahon din ng mabilis na tendensya tungo sa pag-unlad ng kapitalismo ng estado, sa magkatulad na direksyon sa panahon ng 1930s. Sa mga "demokrasya", patuloy na organisasyunal na balangkas ang kapitalismo ng estado para sa rekonstruksyon ng mga ekonomiyang sinira ng digmaan. Ito rin ang paraan para pababain ang kompetisyon sa loob ng pambansang hangganan, para mapalakas ang pambansang estado na harapin ang pang-ekonomiya at imperyalistang kompetisyon sa pandaigdigang saklaw. Ang mga hakbangin ng kapitalistang estado, ilan sa kanila ay nilapat sa antas ng imperyalistang mga bloke sa pamamagitan ng pagbuo ng mga organisasyong gaya ng GATT (ang sinundan ng WTO) ay denisenyo para paliitin ang pang-ekonomiyang mga kontradiksyon - syempre hindi talaga ito napapawi - para mapigilan ang biglaan at mapaminsalang krisis gaya sa 1929. Kaya naging posible, sa antas ng bansa-estado at sa imperyalistang mga bloke, na "ayusin" ang iba't-ibang sektor sa produksyon, at pagalawin ang iba't-ibang mekanismo para dayain ang batas ng halaga at ng sa gayon, para maiwasan pansamantala, ang restriksyon ng pamilihan.

Ang rekonstruksyon ng mga ekonomiya sa Uropa at Hapon na sinira ng digmaan ang makapangyarihang nagpaunlad sa produktibong mga pwersa, na hindi limitado sa produktibong makinarya, kundi pumapatungkol din sa inpra-istruktura at mga instrumento ng ikabubuhay na nasira sa panahon ng digmaan, at kung saan ang rekonstruksyon ay hindi agad bumalik sa antas ng produksyon bago ang digmaan. Kaya, giniit natin na walang hindi maiwasan hinggil sa rekonstruksyon sa mga ekonomiya na sinira ng digmaan. Ang destruksyon mismo, ay hindi gumawa ng isang may kakayahang pamilihan sa rekonstruksyon. Katunayan,, ang rekonstruksyon sa Uropa at Hapon, tulad ng anumang produktibong pamuhunan, ay pinopondohan.

Ang Marshall Plan ay nagbigay ng inisyal na mapagkukunan para pondohan ang rekoberi sa produktibong mga pwersa sa Uropa at Hapon, pero hindi iyon kinukonsidera ng burgesyang Amerikano ng panahong iyon bilang pangunahing pang-ekonomiyang pamuhunan sa hinaharap. Binubuo ito sa malaking bahagi ng libreng pondo na naglalayong pigilan ang mga bansa sa kanlurang Uropa at Hapon na mahulog sa impluwensya ng USSR.

Katunayan, sa pagtulong na muling itayo ang produktibong makinarya, isinilang ng Estados Unidos ang industriyal na mga karibal sa hinaharap na maging kakompetisnya nito sa pandaigdigang pamilihan sa panahon ng 1960s.

Sa ng isang bahagi ng panahon ng matapos-ang-digmaan na kasaganaan, nagamit din ng kapitalismo ang mababang presyo ng kanilang kalakal at sa partikular ang modipikasyon ng internasyunal na relasyon dahil sa de-kolonisasyon, para patindihin ang kalakalan sa mga ekonomiya na hindi pa ganap na napailalim sa kanyang mga relasyon ng produksyon. Ang mga kapangyarihang may internal pa na 'ekstra-kapitalista' na pamilihan (sa partikular, ang isang atrasadong agrikultura gaya ng Hapon, Pransya at Italya) ay sistematiko itong isinanib mula ng digmaan. Pero hindi tulad sa ika-19 siglo, ang ganitong tipo ng pamilihan ay naging napakalimitado para sa pangangailangan ng 'natural' na pagpalawak ng kapitalismo. Katulad ito ng halinhinang buhay ng water-lily kung saan ang laki ay nadodoble bawat araw : habang kailangan nito ng relatibong mas matagal na panahon para mag-umpisang lumaki at kalaunan masakop ang kalahati ng lawa, kailangan lamang nito ng isa pang araw para maabot, sa isang bulwak ng paglaki, ang panlabas na hangganan ng kanyang larangan ng kanyang paglawak. Ang bawat araw na paglaki ay nangangailangan ng erya ng lawa na madoble kaysa nakaraang araw. Pero dahil ang buong lawak ng lawa ay limitado na, ang erya na nawala ay kasingbilis ng paglaki ng pangangailangan nito na magpalawak.

Sa simula ng siglo, ang kabuuang pamilihan na kailangan ng kapitalismo para makatiyak ng isang taon na paglaki ay mahigit anim na beses na mas maliit sa kailangan nito ngayon para sa isang taong produksyon. Ang ratio ay mas malaki kung ang kapasidad ng kapitalismo ng pagpalawak matapos ang 1913 ay katulad sa nakaraan. Subalit sabay-sabay, dahil sa mas malaking pangangailangan para sa bagong mga pamilihan, ang eksternal na pamilihan ay mabilis na kumikipot. Dahil dito, napilitan ang kapitalismo na magsagawa ng mga pampatighaw ng destruksyon at produksyon ng armas para subukang mapunan ang mabilis na nawawala sa 'buhay na panahon'.

Ang 'ekonomiya ng rekonstruksyon' ay hindi lumitaw sa pasulong na kapitalismo. Ang inter-imperyalistang mga tunggalian sa panahong iyon ay hindi katulad sa mga digmaan sa ika-20 siglo. Hindi ginalaw ng paninira ang mga sentro ng produksyon. Walang 'rekonstruksyon' dahil walang tunay na destruksyon. Hinggil sa produksyon ng armas at gastusing militar, ang kanilang bolyum kasama na ang kanilang proporsyon sa pambansang produkto ng malaking kapangyarihan sa ika-19 siglo ay hindi makumpara kung ano sila ngayon sa ilalim ng modernong kapitalismo. Ang pag-unlad ng komunikasyon at ang mababang gastusin sa transportasyon ay nakatulong sa penetrasyon (kapwa sa lawak at intensidad) at sa pagdurog sa hindi-pa-kapitalista na merkantilistang ekonomiya. Dagdag pa, ang pag-unlad ng patakarang de-kolonisasyon ay nagbigay ng napakalaking ginhawa sa imperyalistang mga kapangyarihan sa pasaning gastusin, na nagpalaki ng tubo sa benta sa kanilang dating mga kolonya.

Hindi lamang posible ang malawakang pagtaas ng produktibidad, sa pamamagitan ng pagpababa sa gastusin ng kalakal, para sa panibagong ekstra-kapitalistang pamilihan, humantong din ito sa nakakalulang pagtaas ng bolyum ng mga nagawang produkto. Ito ang paliwanag sa walang katulad na paglaki ng tantos sa panahon ng rekosntruksyon. Subalit, ang mga datos sa panahon ng rekonstruksyon ay dapat ilagay sa perspektiba na galing sila sa mataas na yugto ng mababang pag-unlad sa mayor na mga bansa sa Uropa at sa Hapon at sa puntong ito ay parang "naghahabol" lamang.

Ganun din, dapat nating ilagay sa perpspektiba ang kahulugan ng pang-ekonomiyang kasiglahan sa panahong ito. Hindi maari, sa kalidad, na ihalintulad sa antas ng katangian ng mga panahon ng ekspansyon sa ika-19 siglo. Malaking porsyento ng paglaki sa panahon ng rekonstruksyon ay hindi produktibong gastusin, partikular sa armas. Ang papalaking bigat ng hindi produktibong gastusin ay katangian ng pagbulusok-pababa na ipaliwanag natin sa huling tsapter.

Matapos silang magawa, ang mga armas ay hindi na muling naibalik sa halinhinan ng produksyon para makaambag sa produksyon ng bagong mga kalakal. Sa ganitong punto, ang produksyon ng armas ay pagkabaog ng kapital. Ang produksyon ng armas ay kumakatawan ng ganap na pagkawala ng pandaigdigang kapital, bagamat hindi ito ang epekto sa indibidwal na tagagawa ng armas nang ibenta niya ang mga armas na ginawa niya. Ganun pa man, ang temporaryong pag-unlad na nagawa ng produksyon nito, sa depinidong mga sirkumstanya, na ibinigay sa ekonomiya, ay kumakatawan sa pangkalahatan sa panghihina ng kapital.

 "Ang Hohenzollern sa Alemanya ay kinikilalang militarista talaga, at sa mga taon bago ang unang pandaigdigang digmaan ay pinalaki ang kanyang badyet sa militar, na umabot sa kanyang tugatog sa mapayapang-panahon na noon (1913) ay malaking halaga na £100 milyon , kasama na ang gastusin sa hukbong-dagat. Pero kahit noon kumakatawan lamang ito ng hindi lagpas 4 porsyento sa total na pamabansang kita na noon ay hindi lumampas sa £2,500 milyon." (Atin ang pagdidiin).[6]

Hindi maaring makumpara ang 10 porsyento ng GNP para sa gastusing militar na kasalukuyang naabot at kadalasan nahigitan ng Estados Unidos simula sa panahon ng 'kapayapaan' matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, o sa 20 porsyento ng USSR.

Ang kapitalismo sa huling mga dekada, ay malayo sa muling pagbangon ng pasulong na yugto na nagtapos sa 1913, sa halip naging lohikal na 'artipisyal' na resulta ng tatlumpung taong pagbulusok-pababa na sinundan nito. Bilang resulta, ang ‘nadiskubrehan' ng kapitalismo sa panahon ng mga taon ng istagnasyon na pang-ekonomiyang 'benepisyo' ng rekonstruksyon at produksyon ay para sa destruksyon.



[1] Sternberg, p.328

[2] Sternberg, p.103

[3] INSEE, Tables of French Economy, 1970

[4] Sternberg, p.500

[5] P. Bairoch,'Diagnostic de l'evolution du Tiers-Monde', cited in Guide Statistique 1972, BNP.

[6] Sternberg, p.141