Nagkahulugan ba ito na ang naghaharing uri ay naangkin na ang siguradong tagumpay? Lubusan na ba itong nakaalpas sa mga kontradiksyon na sumisira sa kanyang sistema mula sa simula, at laluna sa huling mga dekada? Naitaboy na ba nito ang multo ng komunistang rebolusyon na gumugulo sa kanya sa loob ng mahigit isang siglo? Ito ang nais ipaniwala sa mga pinagsamantalahan. Pero huwag magpalinlang. Ang "bagong" daigdig na inialok ng naghaharing uri ay mas masahol pa, hindi mas mabuti, kaysa nangyari noon. Ni nagsalita na ang uring manggagawa sa kanyang huling paalam. Kahit na temporaryo itong napatahimik, may lakas pa ito para tapusin ang kapitalismo at ang kabangisan na resulta nito. Higit pa noon, ang paglaban ng manggagawa ang tanging pag-asa ng sangkatauhan para makalaya sa kadena ng kahirapan, digmaan, at lahat ng iba pang kalamidad na nangyayari. Iyan ang kailangang sabihin ng mga rebolusyonaryo sa kanyang uri. Ito ang paksa ng aming manipesto.