Manipesto Para Sa Rebolusyong Oktubre, Rusya 1917

Printer-friendly version

Internasyunal na Komunistang Tunguhin

Manipesto para sa Rebolusyong Oktubre, Rusya 1917

Pandaigdigang rebolusyon ang tanging pag-asa ng sangkatauhan

 

Oktubre 1917, matapos ang tatlong taon na karumal-dumal na masaker ng digmaan, may isang parola ng pag-asa sa gitna ng hamog ng digmaan: ang manggagawang Ruso matapos ibagsak ang Tsar sa Pebrero. Ngayon ay pinatalsik ang burges na Gobyernong Probisyunal na pumalit sa Tsar na nagpumilit ipagpatuloy ang digmaan “hanggang sa tagumpay”. Ang mga Sobyet (konseho ng manggagawa, sundalo at magsasaka), kung saan nasa unahan ang partidong Bolshevik, ay nanawagan ng kagyat na pagtigil sa digmaan at nanawagan sa mga manggagawa ng mundo na sumunod sa kanila. Hindi ito walang saysay na panaginip dahil may malakas ng diskontento sa lahat ng mga bansang sangkot sa digmaan – mga welga sa mga industriyang pandigma, mga pag-alsa at praternasisasyon sa prontera ng digmaan. At sa Nobyembre 1918, sa pagputok ng rebolusyon sa Alemanya napilitan ang naghaharing uri na itigil ang digmaan sa takot na kung patagalin ito ay paypayan lamang ang apoy ng rebolusyon. Sa maikling panahon, ang multo ng “Bolshevismo” – na sa panahong yun ay simbolo ng pagkakaisa ng uring manggagawa ng lahat ng bansa, at ng pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan ng mga konseho ng manggagawa – ay nagmumulto sa daigdig. Para sa naghaharing uri, nagkahulugan lang ito ng kaguluhan, anarkiya, pagkawasak mismo ng sibilisasyon. Pero para sa mga manggagawa at rebolusyonaryo na sumusuporta dito, nilalaman ng insureksyong Oktubre ang isang pangako para sa bagong mundo. Sa 2017, ang rebolusyong Ruso ay nanatiling mahalagang kaganapan sa kasaysayan ng mundo, at sa kanyang sentenaryo ay nanumbalik ang nakakatakot na alaala para sa mga nasa kapangyarihan na naghari sa daigdig. Sa Rusya mismo, ang rehimeng Putin ay nahirapan paano ipagdiwang ito: ang makapangyarihang USSR ni Stalin, kung saan pinapangarap ni Putin (sinanay ng KGB) na ibalik, ay umangkin rin na tagapagmana ng rebolusyong Oktubre. Pero kasabay (sa totoo, salungat sa) ng makabayang interpretasyon ay ang internasyunalistang bisyon ni Lenin at mga Bolshevik, ang ideya na ang katapatan ng manggagawang Ruso ay hindi sa Inangbayan ng Rusya kundi sa mga manggagawa ng mundo. Sa mga “demokratikong’ bansa ng Kanluran, may nakakalito rin at halu-halong analisis at paliwanag, pero isa lang ang sigurado: kung galing sa mga tagapagsalita ng kapitalismo, mula sa mga pulitiko, midya o akademiko, lahat sila ay nagsisilbi upang pasamain ang kahulugan ng rebolusyong Ruso.

Ano ang mga pangunahing linyang ideolohikal na atake, sa pagtatangkang ilibing o iligaw ang alaala ng uring manggagawa?

Tapos na ba ang makauring digmaan?

Unang linya ng atake: ito ay kasaysayan na lang ng sinaunang panahon, na wala ng halos halaga sa modernong mundo. Wala na tayo sa panahon ng mga sine na black and white, kung saan mga kabayo ang sinasakyan sa digmaan at kung saan ang mga magsasaka gamit ay piko at pala sa pagbubungkal ng lupa (kung maswerte sila na may sariling kabayo). Kahit ang malalaking pagawaan tulad ng Putilov sa Petrograd (ngayon ay St. Petersburg) na may libu-libong manggagawa na pinagsamantalahan araw-araw, ay halos naglaho na sa mga bansa sa Kanluran. Sa katunayan, hindi lang halos wala ng magsasaka, pero meron ba talagang uring manggagawa, at kung meron man, ito ba ay pinagsamantalahang uri pa rin na pwedeng manghingi ng tulong mula sa mabait na estado at may kakayahang bilhin (kahit pa sa pangungutang) ang lahat ng gusto na hindi kaya ng manggagawang Ruso noon? Hindi ba ang mga super-modernong kompanya tulad ng Uber ay malapit sa katotohanan ng i-kategorisa nila ang kanilang manggagawa na mga indibidwal na self-employed sa halip na isang uri ng sama-samang pwersa na may kapasidad sa nagkakaisang pagkilos para sa kanilang sariling interes? Hindi ba tayong lahat, ano man ang ating trabaho, mas tamang kilalanin na mamamayan ng isang malawak na demokratikong kaayusan?

Subalit: araw-araw sinasabihan tayo na ang kapitalismo (pangunahin sa kanyang kasalukuyang “neo-liberal” na anyo) ang nangingibabaw sa planeta, kahit pa ito ay mabuti o masama. At talagang totoo na naghari ang kapitalismo sa mundo na walang katulad sa nakaraan – ito ay tunay na pandaigdigang sistema, isang pandaigdigang moda ng produksyon na naghari sa bawat bansa ng buong mundo, kabilang na sa mga tulad ng Cuba at China na tinatawag pa rin ang sarili na “sosyalista”. Pero nanatili ang katotohanan na kung may kapital, mayroong uri na lumilikha nito, na gumagawa, at pinagsamantalahan dahil ang kapital, sa kanyang kahulugan, ay nakabatay sa hindi bayad na paggawa na kinuha mula sa mga nagtatrabaho para sa sahod – nagtatrabaho man sila sa mga paktorya, opisina, eskwelahan, palengke, ospital, transportasyon, o sa bahay. Sa madaling sabi, tulad ng pahayag ni Marx, sa pampletong tinawag na Sahod, Paggawa at Kapital: “ang kapital ay nagkahulugan na sahurang paggawa, at ang sahurang paggawa ay nagkahulugan na kapital”. Kung may kapital, may uring manggagawa.

Syempre ang hugis ng pandaigdigang uring manggagawa ay malaki na ang pinagbago mula 1917. Buong industriya ay lumipat sa China, o Latin America, o ibang bahagi ng tinatawag na “Ikatlong Mundo”. Malaking bahagi ng ekonomiya ng “industriyalisadong mga bansa” ng kanlurang Uropa ay tumigil na ang mga manggagawa ng paglikha ng mga materyal na produkto sa paktorya at sa halip ay nagtatrabaho sa harapan ng kompyuter ng “knowledge economy” o sektor ng pinansya, kadalasan sa maliit na pagawaan; at sa pagkabuwag ng mga tradisyunal na sektor tulad ng pagmimina, bakal at pagawaan ng barko, ang katumbas na komunidad ng mga manggagawa ay nabuwag rin. Lahat ng ito ay pinahina para makilala ang sarili bilang uri na may kaibang pag-iral at interes sa lipunan. Pinahina nito ang istorikal na alaala ng uring manggagawa. Pero hindi nito nagawang burahin ang uring manggagawa mismo.

Totoo na ang obhetibong pag-iral ng uring manggagawa ay hindi awtomatiko na mayroon agad substansyal na bahagi ng uri na may pampulitikang direksyon, na magkaroon ng ideya na ang kapitalistang sistema ay kailangan, at maaring ibagsak, at mapalitan ng mas mataas na porma ng lipunan. Katunayan, sa 2017, lehitimo ang magtanong: nasaan ang katumbas ngayon na mga marxistang organisasyon, tulad ng mga Bolsheviks sa Rusya o ng mga Spartacista sa Alemanya, na nagawang lumikha ng presensya sa hanay ng mga manggagawang industriyal at may malaking impluwensya sa panahon ng mga malalaking pagkilos, sa mga welga at pag-alsa? Sa nagdaang ilang dekada, sa panahon mula ng “bumagsak ang komunismo” hanggang sa paglakas ng populismo, kadalasan ang mga nagsasalita ng proletaryong rebolusyon ay tinitingnan na walang kwentang kuryusidad, mga bihirang hayop na nasa bingit ng paglaho, at hindi lang ang galit na kapitalistang midya ang tinitingnan sila ng ganito. Para sa malaking mayoriya ng uring manggagawa, 1917, ang rebolusyong Ruso, ang Komunistang Internasyunal – lahat ay nakalimutan, malamang nakulong sa malalim na walang kamulatan, pero hindi na bahagi ng anumang buhay na tradisyon. Ngayon, narating natin ang pinakamababang kapasidad ng kilusang paggawa na balikan ang kanyang sariling kasaysayan kung saan inaangkin ng mga populistang partido ng Kanan – at inaangkin rin ng kanilang katunggaling mga liberal – bilang mga partido ng uring manggagawa, na tunay na tagapagmana ng pakikibaka laban sa mga elitista na naghari sa mundo.

Hindi aksidente ang proseso ng pagkalimot. Ang kapitalismo ngayon, higit kailanman, ay kulto ng kabaguhan, ng “patuloy na rebolusyunisasyon” hindi lang ng mga kagamitan ng produksyon, kundi sa mga bagay din na pangkonsumo, ang dating bago, tulad ng pinakahuling modelo ng mobile phone, ay nagiging luma sa loob lang ng ilang taon at kailangang palitan. Ang pagtanggi sa ano ang “luma”, sa tunay na istorikal na karanasan, ay kapaki-pakinabang sa uri ng mga nagsasamantala dahil nagsisilbi ito para magkaroon ng amnesya ang pinagsamantalahan. Naharap ang uring manggagawa sa peligro na makalimutan ang kanyang sariling rebolusyonaryong tradisyon; at nakalimutan niya ang tunay na mga aral ng kasayayan sa kanyang kapahamakan, dahil gagamitin niya ang mga ito para sa kanyang mga pakikibaka sa hinaharap. Ang burgesya, bilang reaksyunaryong uri, gustong makalimot tayo sa nakaraan o (kabilang na ang mga populista at jihadista) nagbigay sa atin ng nakamalikmatang kasinungalingan, ideyalisadong nakaraan. Ang proletaryado, bilang kabaliktaran, ay isang uri na may kinabukasan at sa kadahilanang ito ay may kapasidad na pag-isahin ang lahat ng pinakamabuti sa kasaysayan ng sangkatauhan sa pakikibaka para sa komunismo.

Lipas na ang kapitalismo

Kailangan ng uring manggagawa ang mga aral sa kanyang kasaysayan dahil ang kapital ay isang panlipunang sistema na bumubulusok-pababa dahil sa kanyang panloob na mga kontradiksyon, at ang mga kontradiksyon na nagtulak sa mundo sa lagim ng Unang Pandaigdigang Digmaan ng 1914 ay siya ring banta ngayon na mabilis na nagtulak sa mundo sa barbarismo. Ang kontradiksyon sa pagitan ng pangangailangan ng buong-planeta na planadong produksyon at distribusyon at ang nasa likod ng dibisyon ng mundo ng magkaribal na mga bansa-estado, ang matinding imperyalistang mga digmaan at tunggalian sa 20 siglo, ay nanatili pa rin na nasa likod ng magulong komprontasyong militar na nanira sa buong rehiyon ng Gitnang Silangan, Aprika at malawak pa; at magkatulad na kontradiksyon – na isang ekspresyon ng banggaan sa pagitan ng sosyalisadong produksyon at kanyang pribadong pag-aari – ay parehong hindi mahiwalay mula sa pang-ekonomiyang kombulsyon na yumanig sa pandaigdigang kapitalismo sa 1929, 1973, at 2008, at sa mabilis na pagkasirang ekolohikal na nagbabanta sa buhay ng planeta.

Sa 1919, dineklara ng mga rebolusyonaryong nagtipon sa Moscow para itatag ang Ikatlong Komunistang Internasyunal na ang imperyalistang digmaan ng 1914-18 ay tanda ng pagpasok ng pandaigdigang kapitalismo sa yugto ng pagiging lipas na at pagbulusok-pababa, isang yugto kung saan ang pagpipilian ng sangkatauhan ay sa pagitan ng sosyalismo at barbarismo. Ang hula nila na kung hindi maibagsak ang kapitalismo ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon, mangyayari ang mga digmaan na mas mapanira pa sa 1914-18, ang mga porma ng kapitalistang paghari ay mas halimaw kaysa mga umiral na. Sa pagkatalo ng internasyunal na rebolusyonaryong alon, at sa naging bunga nitong pagkahiwalay at pagkabulok ng rebolusyon sa Rusya, napatunayan na sobrang tama sila: ang nakakatakot na Nazismo, Stalinismo at Ikalawang Pandaigdigang Digmaan ay patunay na mas malala kaysa sa mga nauna sa kanila.

Totoo na paulit-ulit ng nasorpresa ng kapitalismo ang mga rebolusyonaryo sa kanyang katatagan, sa kanyang kapasidad na mag-imbento ng mga bagong paraan para manatiling buhay at maging sa pag-unlad. Sinundan ang Ikalawang Pandaigdigang Digmaan ng mahigit dalawang dekadang pang-ekonomiyang pag-unlad sa sentral na mga kapitalistang bansa, sa kabila ng sinabayan rin ito ng banta ng anihilasyong nukleyar sa kamay ng dalawang dominanteng pandaigdigang imperyalistang bloke. At ang pag-unlad na ito ay nabigay-daan sa panibago at matagal na ekonomiyang krisis sa kataposan ng 1960s. Mula 1980s nakahanap na naman ng bagong pormula ang kapitalismo hindi lang para manatiling buhay kundi nakapagpalawak pa sa mga lugar na dati “hindi maunlad”, tulad ng India at China. Pero ang mismong kaunlarang ito, na ang malaking bahagi ay sa pautang, ay nag-ipon ng mga malaking ekonomiyang problema sa hinaharap (kung saan ang krisis pinansyal sa 2008 ay isa ng babala). Sa kabilang banda, ang paglago sa nagdaang ilang dekada ay teribleng sumira sa kalikasan, at hindi nakabawas sa peligro ng banggaang militar. Maaring humina ang banta ng pagdaigdigang digmaan sa pagitan ng dalawang higanteng bloke, pero ngayon mas maraming bansa ang armado ng mga armas nukleyar, at ang mga haliling digmaan sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan, na dati nasa hindi masyadong maunlad na mga rehiyon, ngayon ay direkta ng apektado ang sentral na mga bansa mismo, sa pamamagitan ng dumaraming teroristang pang-aabuso sa Uropa at Amerika, at ng mga alon ng mga bakwit na desperadong tumakas sa kagimbal-gimbal na mga digmaan sa Gitnang Silangan at Aprika. Ang pananatili ng kapitalismo, higit kailanman, ay salungat na sa pananatili ng sangkatauhan.

Sa pagsusuma, mas kailangan ang rebolusyon kaysa noong 1917; ito na lang ang nalalabing pag-asa ng sangkatauhan sa harap ng isang panlipunang sistema na naaagnas na. At nagkahulugan lang ito ng isang pagdaigdigang rebolusyon, isang rebolusyon na wawalisin ang kapitalistang sistema sa planeta at palitan ito ng isang pandaigdigang komunidad ng tao upang gawin ang mundo na isang “komon na yaman” at palayain ang produksyon at distribusyon mula sa hindi makataong mga kailangan ng merkado at para sa tubo. Ito ang sekreto ng rebolusyon sa 1917, na hindi lang simpleng “Rusyan” kundi naintindihan ng kanyang mga kaaway na unang hambalos lamang ng pandaigdigang rebolusyon; at napatunayan ngang ito ay lubhang kailangan, aktibong salik sa mga pangmasang welga at pag-alsa na kumalat sa buong mundo sa bantog na alon sa pagitan ng 1917 at 1923.

Pinalubha ba ng rebolusyon ang lahat?

Nanatili ang problema: kung kailangan ang bagong lipunan, ito ba ay posible? At katunayan, ang ikalawang linya ng atake sa alaala ng Oktubre 1917 ay pinalala lamang ng rebolusyon ang lahat.

Ang patunay? Nagtapos ang rebolusyong Ruso sa Stalinistang Gulag: sa pangmasang teror, pakitang-tao na paglilitis, palsipikasyon ng kasaysayan, pagsupil sa oposisyon; lumikha ng mga ekonomiya na may kakayahang palakihin ang armas militar pero walang kapasidad magbigay ng disenteng pangkonsumong mga produkto; nagtayo ng “diktadura ng proletaryado” na ginamit ang mga tangke upang durugin ang pag-alsa ng mga manggagawa, tulad ng sa Silangang Alemanya sa 1953, Hungary sa 1956, o Poland sa 1981.

Lahat ng ito ay hindi nagmula sa kawalan matapos mamatay si Lenin noong 1924 at ng pag-upo ni Stalin sa kapangyarihan. Kahit sa panahon ni Lenin, ang mga welga at rebelyon ng manggagawa ay sinalubong ng armadong pwersa at ang hindi makontrol na karahasan ng Cheka na bumiktima ng maraming manggagawa at magsasaka. Kahit sa panahon ni Lenin, mabilis na naglaho ang kapangyarihan ng mga sobyet upang kontrolin ang estado, at ang diktadura ng proletaryado ay sa kalakhan napalitan na ng diktadura ng partidong Bolshevik.

Ang seryoso sa posibilidad ng rebolusyon ay walang interes na itago ang katotohanan, o maliitin ang napakabigat na tungkulin ng uring manggagawa na siyang may tapang na harapin at ibagsak ang kapitalistang sistema. Ang rebolusyon ay pagtakwil sa putik ng kapanahunan – lahat ng panlilinlang at nakakalasong kaugalian na namana hindi lang mula sa kapitalistang lipunan at kanyang ideolohiya kundi mula sa libong taong makauring dominasyon. Nanangangailangan ito ng malawak na pisikal, moral at intelektwal na pagsisikap na naglalayon hindi lang para wasakin ang lumang rehimen, kanyang estado at ekonomiya, kundi para likhain ang bagong panlipunang mga relasyon na hindi na nakabase sa kompetisyon at ekslusyon kundi sa pagkakaisa at kooperasyon, at lahat ng ito ay sa antas ng buong planeta. Ang lawak mismo ng proyekto, ang kanyang tila imposibilidad, ay naging mayor na salik sa kasalukuyang kahirapan ng uring manggagawa. Mas madaling umatras tungo sa pasibismo, o, para sa nanatiling kumbinsido na ang kasalukuyang sistema ay malalim ang kapintasan, ay ang paghahanap ng “mas madaling” mga alternatiba na inalok ng mga populistang diktador, ng nihilismong terorismo na tinawag na “jihad”, o ng mga partido ng “kaliwa” na nagsabing ang umiiral na kapitalistang estado ay maaring magluwal ng isang sosyalistang lipunan.

Hindi namin tinatago ang realidad ng rebolusyong Ruso, ang kanyang teribleng kahirapan at nakapanlumong mga kamalian. Babalikan natin ang ilan sa mga kamaliang ito sa tamang panahon. Bago natin talakayin ang mga konklusyon na inalok ng tradisyunal na kasaysayan – na ang Bolshevismo sa simula pa lang ay walang kaibahan sa Stalinismo, na anumang pagtatangkang ibagasak ang umiiral na kaayusan ay hindi maiwasang hahantong sa pangmasang teror at panunupil, o na ang kalikasan ng tao ay patunay na ang kasalukuyang kapitalistang sistema ang pinakamagaling na maasahan natin – tandaan natin na sa 1917 hindi simpleng nagtiwala ang naghaharing uri sa makasariling kalikasan ng tao, hindi naghintay hanggang naging magulo ang lahat para makapagkutya sila na “Sinabihan ko na kayo”. Sa 1917 at sa sumunod na mga taon, sineryoso ng naghaharing uri ng mundo ang banta ng rebolusyon, at ginawa ang lahat para masupil ito. Naharap sa pagsabog ng rebolusyong Aleman sa 1918, minadali nilang tinapos ang digmaan, para tanggalin ang isa sa motibong pwersa sa likod ng mga pangmasang welga at pag-alsang militar; dagdag pa, tinulungan ng Allies ang kanyang dating kaaway – ang naghaharing uring Aleman – sa pagsisikap ng huli na pigilan ang mga rebolusyonaryong manggagawa, hukbong pandagat at sundalo na sumunod sa ehemplo ng insureksyong Oktubre. Naharap sa kapangyarihang sobyet ng Rusya, ang magkabilang panig ng imperyalistang digmaan ay nakialam sa layunin na hanapin ang pinagmulan ng bantang Bolshevik. Ang mga nagtatanggol sa kapangyarihang sobyet sa panahon ng digmaang-sibil na ginugulo ng kontra-rebolusyonaryong pwersa sa Rusya ay hindi lang nakipaglaban sa lokal na “Puting” hukbo kundi maging sa mga pwersa na pinadala ng Britanya, Amerika, Hapon, Alemanya at iba pa, na nagpadala rin ng armas at mga tagapayo sa Puting hukbo. Ang digmaang-sibil, na pinalakas ng ekonomikong blokeyong pinataw ng alyansa ng kanluran matapos umatras ang republikang sobyet sa digmaan, ay mabilis na pinabagsak ang ekonomiya ng Rusya – na binugbog ng tatlong taong digmaan – sa pagkasira, at nagresulta sa kakapusan at lubusang taggutom. Pinahina rin ng digmaang-sibil ang balwarte ng industriyal na uring manggagawa na pina-aktibong pwersa ng rebolusyon, dahil marami sa kanyang mga militante ay boluntaryong pumunta sa prontera ng digmaan at hindi mabilang ang nagbuhis ng kanilang buhay, habang marami sa ibang mga manggagawa ay walang pagpipilian kundi lumayas mula sa kagutuman sa mga syudad at naghahanap ng makain at nagtatrabaho sa kanayunan. Sa loob at labas ng Rusya, ang permanenteng agos ng propaganda ay pinupuntirya ang mga Bolshevik, bilang mga mamamatay-bata at nang-aabuso ng kababaihan, kadalasan ay nakapaloob sa anti-Semitikong temang nagpahiwatig na ang Bolshevismo ay instrumento ng pandaigdigang sabwatang Hudyo.

Katunayan, para sa maraming pulitiko ng mga “demokratikong” kapangyarihan – kabilang na si Winston Churchill ng Britanya – ang pasistang rehimen ng Italya (at kalaunan Alemanya) ay kailangang kasamaan kung maasahan sila sa pagpigil sa alon ng Bolshevismo. Kahalintulad, ng ang USSR sa ilalim ni Stalin ay sumama sa “nagkakaisang mga bansa”, nakita ng maraming burges na mga pulitiko at estado na si Stalin ay isang “tao na maaring makasundo” at nakaunawa na ang kanyang patakarang “sosyalismo sa isang bansa” ay nagkahulugan na hindi na siya interesado – at katunayan tutol sa – pandaigdigang rebolusyon. Ang pagtanggap sa USSR sa imperyalistang grupo ay kinumpirma ng kanyang partisipasyon sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan sa panig ng Alyansa ng Kanluran.

At ito ang pinakamalinaw na demonstrasyon na ang Stalinismo ay hindi pagpapatuloy ng Bolshevismo kundi kanyang tagahukay. Sa 1914-18 ang Bolshevismo ay tumindig laban sa imperyalistang digmaan, para sa makauring pakikibaka laban sa lahat ng mga estadong nagdigmaan. Sa 1941 ang Stalinistang USSR – matapos ang temporaryong kasunduan sa Nazistang Alemanya – ay itinaas ang bandila ng “Magiting na Patriyotikong Digmaan” at nakinabang sa paghati-hati ng mundo matapos ito.

Malaking kasinungalingan: “Stalinismo ay komunismo”

Ang Stalinismo ay produkto, hindi ng rebolusyon, kundi ng pagkahiwalay at pagkatalo. Sa 1923, ang internasyunal na rebolusyonaryong kilusan na sinindihan ng insureksyong Oktubre ay humupa na. Ito ay bala na kailangan ng burukratikong saray na lumalakas sa loob ng partidong Bolshevik para mangatuwiran na ang prayoridad ay hindi na ang pandaigdigang rebolusyon, kundi ang pagtatayo ng sosyalismo sa USSR. Pero nagkahulugan ito na bitawan ang elementaryang marxistang ideya na maitayo lang ang sosyalismo sa pandaigdigang saklaw, na ang hiwa-hiwalay at nabubukod na poste ng sosyalismo ay imposible. At kaya ang itinayo ng malupit na mga Limang Taong Plano ng Stalinistang burukrasya ay hindi sosyalismo kundi isang porma ng kapitalismo kung saan ang indibidwal na mga kapitalista ay pinalitan ng isang amo, ang estado. Ang tendensyang ito patungo sa kapitalismo ng estado ay hindi lang limitado sa USSR: ito ang unibersal na tugon ng kapitalismo sa digmaan at ekonomikong krisis, na may iba-ibang porma: pasismo sa Italya at Alemanya, New Deal sa USA, Keynesian na estado matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, diktadura militar sa maraming mahinang kapitalistang mga bansa. Ang partikular sa USSR ay ang direksyon patungong kapitalismo ng estado ay umabot sa pinaka-konsentrado, sukdulang porma, na nagbunga ng totoong eliminasyon (paglayas o kumpiskasyon) ng pribadong mga kapitalista sa panahon ng rebolusyon; at, dahil ang kontra-rebolusyon ay umusbong mula sa loob ng estado na lumitaw mula sa rebolusyon, at sumanib sa estado na halos wala ng kaibahan mula sa estado, ang Stalinistang rehimen hanggang sa kanyang pagbagsak ay umangkin na pinagpatuloy niya ang rebolusyong Oktubre na inilibing nila sa ilalim ng maraming bangkay.

Itong maling identipikasyon ay nagbigay ng radikal na salimbong sa mga Stalinistang partido labas ng Rusya, na itinatago ang kanilang ganap na pangako sa kapitalismo at pambansang interes ng kani-kanilang mga bansa kung saan ginawang sanggunian ang Pulang Oktubre. Pero higit sa lahat nagbigay sa mga pangunahing paksyon ng naghaharing uri sa kanluran ng pahintulot na ilathala ang pinakamalaking kasinungalingan sa kasaysayan: na ang Stalinistang rehimen ay katumbas ng “Komunismo”.

Ang bigat ng kasinungalingang ito ay masukat sa pagkumpara sa Stalinistang sistema kung ano talaga ang komunismo na pinagtatanggol sa loob ng kilusang paggawa mula pa sa panahon nila Marx at Engels. Para sa kanila, ganun din sa mga sumunod sa kanila, ang komunismo ay nagkahulugan ng pangingibabaw ng tao sa pagkahiwalay sa kanyang sarili sa loob ng milyong taon, sa anumang panlipunang kaayusan na naging mapanirang pwersa ang mga nilikha mismo ng tao at nagdomina sa kanilang buhay. Sa pulitikal na antas, nagkahulugan ito na isang lipunan na walang estado, dahil ang estado mismo ang ekspresyon ng paghari ng isang uri sa iba, at kaya isang pulitikal na makinarya na walang kontrol ang malaking mayoriya. Subalit ang Stalinistang rehimen ay ehemplo ng total na dominasyon ng estado sa indibidwal, sa lipunan, at higit sa lahat sa buong uring manggagawa. Sa ekonomikong antas, nagkahulugan ang komunismo na ang sangkatauhan ay hindi na napailalim sa hindi makataong ekonomikong mga batas, sa malupit na pangangailangan ng tubo at pamilihan. At nagkahulugan ito na sa komunismo wala ng puwang ang pera, pamilihan, o sahod. Pero ang totalitaryang kapangyarihan ng Stalinistang estado, ang buong ekonomikong edibisyo ay dominado ng produksyon para sa digmaan, itinayo mula sa sobrang halaga na kinuha mula sa mga sahurang manggagawa. Ang kapital sa esensya ay isang panlipunang relasyon, hindi lang simpleng porma ng legal na pag-aari. Para sa sahurang mangggawa, walang kaibahan kung ang kanyang paggawa ay ibenta sa pribadong kapitalista o burukrata ng estado: nanatili ang mga pundamental ng kapitalistang pagsasamantala. At habang ang komunismo ay nagkahulugan ng kataposan ng pagbukod-bukod ng sangkatauhan sa ibat-ibang mga bansa, ang abolisyon ng mga hangganan, ang mga Stalinistang rehimen ay panatikong tagalako ng makabayang ideolohiya, ganap na determinadong depensahan ang kanilang pambansang hangganan at naghahangad na ang kanilang pambansa at imperyalistang interes ay nasa pandaigdigang arena.

Subalit kung ang pahayag na ang Stalinismo ay komunismo ay isang malaking kasinungalingan, bakit nagawa niya ito sa matagal na panahon? Una sa lahat, parehong interes ng mga naghari sa silangan at kanluran na magpatuloy ito. Sa lahat ng kanilang krimen laban sa sangkatauhan at uring manggagawa sa partikular, ang burgesya sa Stalinistang estado ay umaasa sa deklarasyon na “pagpapatuloy” ito sa rebolusyong Oktubre. Ang ideya na sila ay mga “sosyalistang” estado na nasa transisyon patungong komunismo ay nagbigay sa mga rehimeng ito ng ideolohikal na katuwiran. Ang mga Stalinista ay pinalakpakan ng “kaliwa” na mga Trotskyista, na patuloy na nangatuwiran na ang mga rehimeng ito, gaano man kabulok o depormado, ay tunay na estado ng manggagawa na dapat ipagtanggol ng mga manggagawa. Sa katulad na patotoo, para sa maraming manggagawa sa kanluran, para sa hindi lubos na kumbinsido sa mga benepisyo ng kapitalismo sa kanyang “demokratikong” porma, ang ideya na mayroon sa isang bahagi ng planeta na aktwal na alternatiba sa kapitalismo ay nanatiling importanteng pagkukunan ng pag-asa. Ang Stalinistang mga rehimen ay tunay ngang kapitalista, pero dahil magulong porma ng kapitalismo ay maaring para sa karamihan ay mukha silang kinatawan ng ibang klase ng lipunan.

Pero para sa mas malaking bilang ng populasyon sa kanluran – at katunayan para sa mayoriya ng uring manggagawa sa loob mismo ng mga Stalinistang rehimen – ang ideya na ang USSR at kanyang mga satelayt ay sosyalista o komunista ay ultimong patunay na ang kapitalismo sa kanluran ang tanging posibleng sistema, isang sistema na ipagtanggol at dapat makamit. Sa ibang salita, ang kahirapan, kagipitan at panunupil na katangian ng Stalinistang mga rehimen ay patunay na imposibleng mapalitan ang kapitalismo ng mas mataas na porma ng lipunan. Kapitalistang kompetisyon, ang pagnanais na magkamal ng walang limitasyong yaman, ang mga ito ay patunay sa esensyal na katangian ng tao. Ito ang dahilan bakit ang naghaharing uri sa kanluran ay napaka-empatikong ilarawan ang kanyang kaaway sa silangan na sosyalista o komunista, at ng bumagsak ang mga rehimen sa silangan sa kataposan ng 80s, ang kasinungalingang ito ang pinal na patunay sa kabiguan ng marxismo at komunismo na pinalakas sa buong mundo sa nakakabinging pampulitikang kampanya na ang alingawngaw ay hindi pa naglaho hanggang ngayon. Ang kampanyang ito ay nagdulot ng malaking kalituhan at kaguluhan sa hanay ng uring manggagawa, na sa 1980s pa ay masyado ng nahirapang paunlarin ang isang istorikal na perspektiba, na maari sanang madala ang kanyang mga kagyat na pakikibaka sa mas mataas at nagkakaisang antas. Ang malawak na pinanghawakang ideya na wala ng mas bago pa kaysa kasalukuyang lipunan ay nagbigay ng malakas na hambalos sa uring manggagawa para maging pulitikal ang kanyang pakikibaka at harapin ang kapitalistang sistema sa pangkalahatan.

Sa pagtatanggol sa Oktubre

Susing sangkap sa paninirang-puri sa rebolusyong Ruso ay ang ideya na ang insureksyong Oktubre ay isa lamang kudeta ng uhaw sa kapangyarihan na partidong Bolshevik, na minadaling itayo ang totalitaryan na estado, ang tagapagpauna ng Stalinistang rehimen. Syempre, itong bersyon ng kasaysayan, malaking simpatiya at pang-unawa ang maaring ipakita sa mga manggagawa sa Pebrero 1917, na naglunsad ng ispontanyong mga welga at nagtayo ng mga “demokratikong” sobyet. Pinatalsik ng kilusang ito ang awtokrasiyang Tsar at, sa pananaw ng sikat na mga liberal na istoryan tulad ni Orlando Figes, ay maaring paghahanda sa batayan ng paglitaw ng tunay na demokratikong parliyamentaryong estado, kung saan posibleng magligtas sa Rusya mula sa ilang dekadang pagdurusa at teror. Pero sinabotahe ng nagmanipulang mga Bolshevik ang maaliwalas na pag-asa ng kanilang dogma ng “diktadura ng proletaryado” at nilinlang ang masa ng kanilang demagohikong mga islogan.

Subalit ano ba talaga ang nangyari sa pagitan ng Pebrero at Oktubre 1917? Una sa lahat, may malinaw na pampulitikang pagkamulat sa uring manggagawa at lahat ng inaaping saray – proseso na kuhang-kuha ni John Reed sa kanyang librong Ten Days that Shook the World.

“Buong Rusya ay natutong magbasa, at nagbabasa ng pulitika, ekonomiya, kasaysayan – dahil nais ng mga tao na matuto ... Ang pagiging uhaw sa edukasyon, na matagal ng sinupil, ay sumabog sa isang Rebolusyon ng silakbo ng galit. Sa Smolny Institute lang, sa unang anim na buwan, araw-araw ay lumabas ang tone-toneladang babasahin na pinuno ang buong bansa. Uhaw na uhaw na binasa ng Rusya ang mga babasahin ... Pagkatapos ang talumpati, walang binatbat ang ‘baha ng talumpating Pranses’ ni Carlyle. Mga panayam, debate, talumpati – sa mga teatro, sirko, eskwelahan, bahay, samahan, kwartong pampulong ng Sobyet, Punong-himpilan ng Unyon, kwartel ... mga pulong sa trintsera sa larangan ng labanan, sa plaza ng mga komunidad, sa mga pagawaan ... Kahanga-hangang tanawin na makita ang Putilovsky (Paktorya ng Putilov) na ang kanyang 40,000 manggagawa nakinig sa mga Sosyal-Demokrata, Sosyalistang Rebolusyonaryo, Anarkista, kahit sino, maaring magsalita anuman ang kanilang sasabihin! Sa loob ng ilang buwan sa Petrograd, at sa buong Rusya, bawat eskinita ay pampublikong entablado. Sa mga riles, lansangan, laging lilitaw ang ispontanyong mga debate, kahit saan ... Sa bawat pulong, ang pagtatangkang limitahan ang oras ng pagsasalita ay hindi pinayagan, at bawat tao ay malayang magsalita ng kanyang saloobin."

Ito ang kahulugan ng pulitikalisasyon ng makauring pakikibaka. Ang mga manggagawa, itinulak pasulong ng ekonomikong pangangailangan, ay napilitan maghapag ng tanong paano pangasiwaan ang lipunan sa pangkalahatan. At hindi sa pamamagitan ng pekeng demokrasya ng parliyamentaryong sistema, na nagbigay “kapangyarihan” sa manggagawa bawat ilang taon para ibigay sa mga eksperto at propesyunal na pulitiko bilang “kinatawan” nila, kundi sa pamamagitan ng proletaryong paraan ng organisasyon, debate at pag-organisa-sa-sarili – sa pamamagitan ng mga asembliya sa pagawaan, komunidad, hukbo, mga asembliya na magpadala ng mga delagado sa mga sentral na konseho, ang mga sobyet. Sa 1917, ang mga sobyet ay naglitawan sa buong Rusya at sa loob lang ng humigit-kumulang isang taon ay nagbigay inspirasyon para itayo ang kahalintulad na mga organo sa buong mundo. Sa mga asembliya at konseho nangyari ang malalim na proseso ng pag-unlad, ng komprontasyon sa pagitan ng mga nanatiling nakatali sa mga partido at ideolohiya ng lumang sistema (kabilang na ang karamihan na tinawag pa rin ang sarili na sosyalista) at sa mga tumindig na isulong ang rebolusyon hanggang sa tagumpay: hindi ibigay ang kapangyarihan sa parliyamento na dominado ng mga burges na partido kundi resolbado na tapusin ang “dalawang kapangyarihan” sa pamamagitan ng pag-agaw ng mga sobyet sa pampulitikang kapangyarihan. Ang mga islogan ng mga Bolshevik – higit sa lahat ang pagtigil sa digmaan, na dahilan ng kahindik-hindik na pagdurusa ng uring manggagawa at magsasaka – ay umalingawngaw kasabay ng pagtaas ng kamulatan ng mayoriya na ang burges na mga pulitiko at partido ay hindi kayang wakasan ang polisiya ng “pagtatanggol sa bansa”; at, naharap sa banta mula sa ibaba, pipiliin pa ng mga paksyong ito ang lantad na diktadura ng burgesya, kahit pa magkahulugan ito sa pagsupil sa mga sobyet. Ang pakipagsabwatan ng mga “demokrata” sa tangkang kudeta ni Kornilov sa Agosto 1917, at ang sumunod na pagtangka ng Probisyunal na Gobyerno na “ibalik ang kaayusan”, ang nagmulat sa karamihan na ang tanging pagpipilian ay sa pagitan ng diktadura ng burgesya at diktadura ng proletaryado.

Ang insureksyon sa Oktubre, sa totoo lang, ay mataas na antas na naabot sa isang buong proseso ng pulitikalisasyon. Umaayon ito sa lumalaking impluwensya ng mga Bolshevik at rebolusyonaryong grupo sa loob ng mga sobyet sa buong Rusya, lumalakas ang kahilingan na dapat ibagsak ang Probisyunal na Gobyerno at palitan ng kapangyarihang sobyet. Pero sumasalamin din ito sa tunay na pag-unlad ng pag-organisa-sa-sarili at sentralisasyon. Ang katotohanan na ang insureksyon ay planado, koordinadong aksyon, kung saan sa Petrograd sa partikular, ay nangyari ang na minimum na dahas at sa malaking bahagi ay inilunsad ng napaka-organisadong destakamento ng mga manggagawa at marinero, ang katotohanan na nasa ilalim ng pangkalahatang komand ng Sobyet sa Petrograd – ang Rebolusyonaryong Komiteng Militar – at ang katotohanan na mabilis para sa buong Rusong Kongreso ng mga Sobyet na ideklara ang sarili na pinakamakapangyarihan sa buong Rusya, lahat ng ito ay pinakita na ang insureksyon ay hindi isang kudeta at, kabaliktaran, na ang manggagawang Ruso ay natuto sa praktikal na katotohanan sa sinabi ni Marx na ang “insureksyon ay isang arte”.

Mga demonstrasyon, labanan sa lansangan, barikada – lahat kadalasan ay saklaw ng ideya ng insureksyon – ay halos hindi nakita. Hindi kailangang lutasin ng rebolusyon ang isang problema na nalutas na. Ang pag-agaw sa makinarya ng gobyerno ay matutupad batay sa plano at tulong ng relatibong maliit na mga armadong destakamento na ginagabayan ng iisang sentro... Ang katahimikan sa mga lansangan sa Oktubre, ang kawalan ng mga tao at labanan, ay nagbigay dahilan sa kaaway na magsalita ng sabwatan ng napakaliit na minoriya, ng adbenturismo ng iilang Bolsheviks... Subalit sa realidad maaring sa huli ay gawin ng mga Bolshevik ang ‘sabwatan’ para maagaw ang kapangyarihan, hindi dahil sila ay maliit na minoriya, kundi ang kabaliktaran – dahil nasa likod nila ang mga manggagawa sa mga distrito at sa mga kwartel ng napakalaking mayoriya, konsolidado, organisado, disiplinado" (Trotsky, Ang Kasaysayan ng Rebolusyong Ruso).

Sa pagbagsak ng burges na gobyerno sa Rusya, nasamantala ng uring manggagawa ang mahina, hati-hati, at walang karanasan na uring kapitalista. Mas madaling napakita ng burgesyang Aleman na mas mabigat silang kalaban; at tiyak sa anumang rebolusyon sa hinaharap ay kakalabanin ng uring manggagawa ang isang mas sopistikadong naghaharing uri na may napaka-organisadong estado at ideolohikal na makinarya na gagamitin nito. Ganun pa man, ang insureksyon sa Oktubre hanggang ngayon ang pinakamataas na nakamit ng proletaryong pakikibaka – ekspresyon ng kanyang abilidad na mag-organisa sa pangmasang antas, mulat sa kanyang mga layunin, may tiwala na kontrolin ang panlipunang buhay. Ito ang sinabi ni Marx na “the end of prehistory”, sa lahat ng mga kondisyon kung saan ang sangkatauhan ay kontrolado ng walang kamalayang panlipunang pwersa; pag-asa sa hinaharap na sa unang pagkakataon, gagawa ng sariling kasaysayan ang sangkatauhan batay sa kanyang sariling pangangailangan at layunin.

Ang pangangailangan ng partido ng uri

Sa mga debate sa loob ng partidong Bolshevik sa panahon bago ang nalalapit na insureksyon, si Lenin, nabubugnot na dahil sa pag-urong-sulong sa loob ng mga sobyet (at kahit sa loob ng partido mismo), ay nagpahayag ng posibilidad na maaring ilunsad ang pag-alsa sa ngalan ng partidong Bolshevik, na sa ngayon ay may epektibong mayoriya na sa loob ng malalaking sobyet. Pero tutol si Trotsky, giniit niya na ang insureksyon ay dapat malinaw na kapasyahan ng isang organo na responsable sa mga sobyet, ibig sabihin, ng mga organisasyon ng uring manggagawa sa pangkalahatan. Ang debateng ito ang simula ng pag-unawa na ang pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan ay hindi tungkulin ng partido. Babalikan natin ito. Pero ang pinatunayan ng masalimuot na pag-unlad ng makauring kamulatan sa pagitan ng Pebrero at Oktubre ay upang magtagumpay ang isang proletaryong rebolusyon kailangan ang determinadong interbensyon at pampulitikang liderato ng isang partido komunista.

Bilang pinagsamantalahang uri ng burges na lipunan, ang kamulatan ng uri ay hindi pantay. Laging mayroong mas mapanlaban, mas matatag laban sa impluwensya ng dominanteng ideolohiya, mas mulat sa istorikal na pakikibaka ng uri at sa mga aral nito. Ispisipikong tungkulin ng isang komunistang organisasyon na organisahin ang pinaka-mulat na mga elemento sa uri sa isang solidong programa, ipagtanggol ang programang ito anuman ang kagyat na antas ng kamulatan ng uri sa pangkalahatan. Hindi ito nagkahulugan na ang komunistang organisasyon ang may hawak ng hindi mababaling katotohanan: nakabatay ang komunistang programa sa teoretikal na elaborasyon sa totoong mga aral ng kasaysayan, at patuloy itong pinayaman ng bagong mga karanasan at debate sa loob ng kilusang manggagawa. At may mga panahon – tulad ng sa rebolusyong Ruso mismo, kung saan napansin mismo ni Lenin na ang abanteng mga manggagawa ay nasa kaliwa na ng partido – kung saan ang partido ay maaring bumuntot sa panibagong pagsulong ng kamulatan ng uri. Pero nagkahulugan lang ito na ang pakikibaka laban sa impluwensya ng ideolohiya ng naghaharing uri ay dapat mangyari sa loob ng komunistang organisasyon tulad ng sa uri sa pangkalahatan: katunayan, maaring sabihin na sa ganitong sitwasyon ang komunistang organisasyon ay maging mahalagang entablado para sa elaborasyon ng makauring kamulatan.

Ang naturang sitwasyon ay nangyari sa loob ng partidong Bolshevik matapos ang rebolusyong Pebrero. Mayoriya ng mga “beteranong Bolshevik” sa loob ng Rusya, na nadala sa demokratikong kasiyahan matapos bumagsak ang Tsar, ay tumindig sa lantarang oportunistang posisyon na kritikal na suporta sa probisyunal na Gobyerno at patuloy na paglahok sa digmaan, na tinawag na depensiba at hindi na imperyalista sa panig ng Rusya. Kinukwestyon ng posisyong ito ang tatlong taong determinadong internasyunalistang posisyon laban sa digmaan, na naglagay sa mga Bolshevik sa unahan ng buong internasyunal na sosyalistang kilusan. Pero ang proletaryong buhay ng partido, kahit nasa peligro, ay malayo pang maubos. Sa kanyang pagbalik sa Rusya sa Abril, si Lenin – nanalig sa radikalisasyon ng pinaka-militanteng mga sektor ng uri – niyanig ang pundasyon ng partido sa pamamagitan ng paglabas ng “Tesis sa Abril” na nagtakwil sa anumang suporta sa burges na Probisyunal na Gobyerno, anumang partisipasyon sa imperyalistang digmaan, at nanawagan sa mga manggagawa at mahirap na magsasaka na maghanda sa hindi maiwasang susunod na hakbang ng rebolusyonaryong proseso: ang paglipat ng kapangyarihan sa mga sobyet, na tanda ng pandaigdigang rebolusyon laban sa pandaigdigang imperyalistang sistema. Naunawaan ni Lenin na ang posisyong ito ay dapat ipaglaban sa loob ng partido at mga sobyet at sa uri sa pangkalahatan, hindi sa pamamagitan ng mga adbenturistang aksyon kundi sa pasensyosong paliwanag, sa pamamagitan ng debate para sa klaripikasyon.

Hanggat kami ay nasa minoriya ipagpatuloy namin ang pagpuna at paglantad sa mga kamalian at kasabay nito ay ang paliwanag na dapat ipasa ang buong kapangyarihan ng estado sa mga Sobyet na Kinatawan ng Manggagawa, para mapapangibabawan ng mga tao ang kanilang mga kamalian sa pamamagitan ng karanasan.” (Tesis 4)

Dahil sa “pasensyosong paliwanag”, habang mas lumala ang krisis sa Rusya at ang masang manggagawa at magsasaka ay mas lalupang nawalan ng tiwala sa mga pekeng pangako ng Probisyunal na Gobyerno, ang partidong Bolshevik (matapos itong makumbinsi sa posisyon ni Lenin) ay nagawang pabilisin ang pagpaunlad ng makauring kamulatan. Ang pasensya ng partido ay napatunayang mahalaga partikular sa mga araw ng Hulyo kung saan ang minoriyang manggagawa at marino sa Petrograd ay nasa peligrong mahulog sa probokasyon ng burgesya at magtulak ng pag-agaw sa kapangyarihan sa panahon na hindi pa sila susundin ng mayoriya ng uri sa Rusya. Magbunga sana ito ng ganap na nakademoralisang masaker sa pinakaabanteng mga manggagawa – isang patibong kung saan, sa halos dalawang taon kalaunan, ay hindi naiwasan ng mga manggagawa sa Berlin at Spartacista. Sa panahong ito, hindi nagtago ang mga Bolshevik sa isang sulok kundi lumahok sa mga demonstrasyon ng manggagawa, nagpaliwanag bakit hindi pa hinog ang panahon para agawin ang pampulitikang kapangyarihan, posisyon na hindi masyado popular. Sa kagyat na epekto ng mga kaganapang ito, nakaranas ang partido ng sustinidong kampanya ng paninira, inakusahan na bayarang ahente ng imperyalismong Aleman, at nalantad sa direktang panunupil ng gobyerno. Pero hindi lang nakaligtas ang partido mula sa temporaryong pag-atras: muli din nitong nakuha ang impluwensya sa uri sa pamamagitan ng namunong papel sa pakikibaka laban sa tangkang kudeta ni heneral Kornilov sa Agosto, at nabuo ang kanyang presensya sa mga sobyet sa buong bansa, kaya napaghandaan, sa halip na pigilan ang uri, ay kailangang lumabas para sa determinadong aksyon: ang insureksyon sa Oktubre.

Itong kapasidad na depensahan ang magkaugnay na pagsusuri at pagkapit sa mga prinsipyo ng uri kahit sa panahon ng kagipitan – tulad ng ginawa nila noong panahon ng digmaan, kung saan maraming manggagawa ang sumuko sa lagnat ng patriyotismo – ay pinasubalian ang kasinungalingan ng malawak na paninira na ang mga Bolsheviks ay pangkat lang ng mga nagmanipulang Machiavellian na ang tanging interes ay makuha ang kapangyarihan para sa kanilang sarili.

Ang pag-atras ng rebolusyon at 
mga kamalian ng partidong Bolshevik

Sa panahon ng pagkatalo ng rebolusyon, ilan sa rebolusyonaryong pampulitikang tunguhin na inisyal na sumuporta sa mga Bolshevik at rebolusyong Oktubre – seksyon ng kaliwang komunistang Aleman, internasyunalistang komunista – na nakita ang panimulang palatandaan ng pagkabulok ng rebolusyon, ay nagsimulang naniwala sa ideya na ang Oktubre ay isang kudeta ng uhaw sa kapangyarihan na mga Bolshevik. Ang ideya ay lumitaw sa kanilang hanay na ang mga Bolshevik ay mga “burges rebolusyonaryo” at walang kaugnayan sa proletaryong kilusan. Sa ganitong paraan, inalis nila ang tunay na problemang kinaharap ng mga rebolusyonaryo para maunawaan ano ang nangyari sa Rusya: ang pangangailangan na maunawaan na ang mga proletaryong organisasyon ay maaring mabulok at kahit magtraydor sa ilalim ng mabigat na presyur ng umiiral na panlipunang kaayusan at kanyang ideolohiya.

Sa aming panig, ang pinaka-tamang panimulang batayan para maunawaan ang pagtaas at pagbaba ng rebolusyong Ruso ay binigay ng Spartacistang si Rosa Luxemburg, na sa kanyang pampleto na rebolusyong Ruso, sinulat sa 1918 kung saan nasa bilangguan siya, ay nagpahayag ng kanyang lubos na pakikiisa sa mga Bolshevik laban sa lahat na uhaw sa dugo na propaganda ng naghaharing uri. Para sa kanya, sa pamamagitan ng pagkilos pabor sa proletaryong rebolusyon at laban sa imperyalistang digmaan, muling binalik ng mga Bolshevik ang dangal ng internasyunal na sosyalismo, na malalim na dinungisan ng pagtraydor ng oportunistang bahagi ng sosyal-demokrasya na pumabor sa digmaan ng 1914 at ngayon ay lubusan ng tumutol sa rebolusyon. Ang hinaharap, sinulat niya, ay para sa Bolshevismo dahil ang Bolshevismo, tulad ng pagkaintindi ng naghaharing uri, ay nanindigan para sa pandaigdigang rebolusyon. Ang paninindigang ito ay hindi pumigil kay Luxemburg upang matalas na punain ang napaka seryosong kamalian na nakita niya sa mga polisiya ng Bolshevik matapos maagaw ang kapangyarihan: ang tendensya na pigilan at maging supilin ang malayang debate at pampulitikang organisasyon sa mga sobyet at iba pang institusyon; ang pagpatupad ng “Pulang Teror” sa harap ng kontra-rebolusyonaryong pakana; ang konsesyon sa nasyunalismo sa polisiyang “pambansang pagpasya-sa-sarili” para sa sinakop na mga tao sa dating imperyong Ruso, at marami pa. Pero hindi nawala sa kanyang pang-unawa ang katotohanan na ang mga kamaliang ito ay suriin sa konteksto ng pagkahiwalay ng rebolusyong Ruso, konteksto kung saan ang kapitalistang blokeyo at pananakop ay madaling nakubkob ang Rusya. Ang pag-igpaw sa sitwasyong ito ay eksklusibong nakasalalay sa kamay ng internasyunal na uring manggagawa, laluna sa kanlurang Uropa, na siyang tanging makapigil sa pangungubkob sa pamamagitan ng pakikipaglaban para ibagsak ang kapitalismo labas sa Rusya. Kalaunan, mula sa kritikal na pakikiisa ni Rosa Luxemburg, ang ibang tunguhin, laluna ang Kaliwang Komunistang Italyano, ay pinaunlad ang pinaka-matalim na kritisismo ni Luxemburg habang tinakwil naman ang mga maling kritisismo (tulad ng kanyang depensa sa Constituent Assembly ng Rusya). Sa partikular, giniit ng Kaliwang Italyano na tungkulin ng mga rebolusyonaryo na nabuhay sa panahon ng pagkatalo na unawain ang lahat ng mga aral na makuha lamang sa pamamagitan ng totoo, buhay na karanasan: ang mga Bolsheviks mismo, tulad ng kanyang kapanahon sa buong rebolusyonaryong kilusan, ay hindi maintindihan ang mga usapin na hindi pa napatunayan sa realidad, tulad ng relasyon sa pagitan ng partido at transisyunal na estado.

Ang karanasan ng pagkatalo ng rebolusyong Ruso ay pag-aari ng uring manggagawa at nasa ating uri na at sa mga pampulitikang organisasyon nito na halawin ang mga pangunahing aral para sa hinaharap na rebolusyonaryong kilusan upang hindi na maulit ang mga pagkakamali. Mahaba na ang nasulat namin sa mga aral na ito (tingnan ang listahan ng babasahin sa ibaba) pero bigyang diin namin dito ang pinaka-signipikante:

1. Hindi lang imposible ang sosyalistang lipunan sa isang bansa, ang nag-iisang proletaryong pulitikal na kapangyarihan ay hindi mabuhay sa harap ng kaaway na kapitalistang mundo. Sa panahon na naagaw ng proletaryado ang kapangyarihan sa isang bansa, lahat ng kanyang polisiyang pulitikal at ekonomiko ay kailangang nakapailalim sa makapangyarihang pangangailangan na palawakin ang rebolusyon sa buong mundo. Kung natali lang sa isang bansa o rehiyon, hindi maiwasan na mapahina ang rebolusyon sa atake mula sa labas o internal na pagkabulok.

2. Ang papel ng proletaryong partido ay hindi hahawak ng kapangyarihan sa ngalan ng uring manggagawa. Ito ay tungkulin ng mga konseho ng manggagawa at iba pang organisasyong masa. Ang paraan ng konseho ng permanenteng halal at mababawing delegasyon ay hindi tugma sa burges na parliyamentarismo kung saan ang kapangyarihan sa pamamahala ay hinawakan ng maraming taon na may mayoriya sa pambansang boto. Dagdag pa, sa paghawak sa pampulitikang kapangyarihan ay kagyat na nasakripisyo ng proletaryong partido ang kanyang prinsipal na papel, na maging pinaka-radikal, kritikal na boses sa loob ng mga organisasyong masa ng uri. Ang paghawak ng mga Bolshevik sa kapangyarihan sa anumang paraan matapos ang 1917 ay nagbunga hindi lang sa paghalili ng sarili para sa mga sobyet kundi ng pagbulusok-pababa at sa huli ng pagkawasak ng partido mismo, na unti-unting natransporma sa pagiging burukratikong makinarya ng estado.

3. Kailangang gamitan ng karahasan ang dating naghaharing uri na lalaban hanggang kamatayan para panatilihin ang kanyang mga pribilihiyo. Pero ang makauring karahasan ng proletaryado ay hindi gagamitin ang katulad na paraan ng teror ng estado ng naghaharing uri. Higit sa lahat ang target nito ay ang panlipunang relasyon at hindi mga tao; kinasusuklaman nito ang diwa ng paghihiganti; sa lahat ng pagkakataon kailangang nakapailalim ito sa kontrol ng mga konseho ng manggagawa; at kailangang ginagabayan ito ng batayang prinsipyo ng proletaryong moralidad – ibig sabihin kailangang tugma ito sa nais kamtin, ang paglikha ng isang lipunan batay sa pagkakaisa ng sangkatauhan, na salungat sa burges na konsepto na “ang layunin ay nagbigay katuwiran sa paraan”. Sa puntong ito, absolutong tama si Rosa Luxemburg sa pagtakwil ng konsepto ng Pulang Teror. Bagamat kailangan ang mahigpit na pagtugon sa kontra-rebolusyonaryong iskema ng dating naghaharing uri at itayo ang ispesyal na organisasyon para supilin silla, ang Cheka, ang organisasyong ito ay madaling nakawala sa kontrol ng mga sobyet at pinamugaran ng moral at materyal na korupsyon ng lumang panlipunang kaayusan. Higit sa lahat, sa madaling panahon ng kanyang karahasan ay pinuntirya hindi lang ang naghaharing uri kundi pati ang oposisyon sa hanay ng uring manggagawa – mga nagwelgang manggagawa laban sa totoong ekonomikong kahirapan sa panahon ng digmaang-sibil, mga proletaryong pampulitikang organisasyon tulad ng mga anarkista na kritikal sa mga polisiya ng Bolshevik. Ang rurok ng prosesong ito ay ang pagdurog sa mga manggagawa ng Kronstadt at marinero sa 1921, na kinondena na mga kontra-rebolusyonaryo sa kabila na itinaas nila ang bandila ng pandaigdigang rebolusyon at pagkabulok ng mga sobyet. Ito ang totoong ekspresyon ng isang "rebolusyon na kinain ang sariling mga anak”, ang susing panahon sa internal na pagkawasak ng kapangyarihang sobyet. Malaki ang epektong demoralisasyon sa hanay ng uring manggagawa sa Rusya na malinaw na pinakita na kailangang itakwil sa lahat ng pagkakataon ang paggamit ng karahasan sa loob ng uring manggagawa.

4. Ang kritika sa konsepto ng Pulang Teror ay may kaugnayan sa problema ng estado sa yugto ng transisyon. Ang rebolusyong Ruso ay nagluwal hindi lang ng mga organo tulad ng mga konseho ng manggagawa kundi ng buong grupo rin ng mga sobyet ng ibang mga uri at istrata, kabilang na ang mga organisasyon tulad ng Cheka at Pulang Hukbo na itinayo para labanan ang digmaang sibil. Itong pangkalahatang makinarya ng estado, sa teribleng napakahirap na kondisyon na nakaharap ng rebolusyon ay pinalakas ang sarili sa kapahamakan ng ispisipikong mga proletaryong organisasyon – mga konseho, komite sa pagawaan, milisya ng manggagawa – kabilang na ang pagkontrol at pagwalang-bisa sa partidong Bolshevik mismo. Tulad ng masaklap na obserbasyon ni Lenin sa 1922, tulad ito ng sasakyan na hindi na makontrol ng drayber. Hindi maiwasang kailangan ang transisyunal na estado habang umiiral ang mga uri, tinuruan tayo ng rebolusyong Ruso na ang mga institusyon ng estado ay hindi maiwasang may konserbatibong katangian at kailangang permanenteng pangasiwaan at kontrolin ng direktang mga organo ng rebolusyonaryong uri. Sa pamamagitan ng kanyang mga konseho ng manggagawa, ipapatupad ng proletaryado ang kanyang diktadura sa transisyunal na estado.

5. Kung ang komunismo ay isang kilusan para sa abolisyon ng estado at kapitalistang ekonomiya na nakabase sa sahurang paggawa at produksyon ng kalakal, isang pagkakamali na tingnan ito bilang produkto ng estado o grupo ng mga konseho ng manggagawa na nagmintina at pinapalakas ang kapitalistang mga relasyon. Sa ibang salita, hindi kapitalismo ng estado o “pangangasiwa-sa-sarili ng manggagawa” (tinataguyod sa Rusya ng mga anarko-sindikalista) ang mga hakbang tungong komunismo. Ito ay paraan para sa preserbasyon ng kapital. Hindi ito nagkahulugan na ang tunay na komunismo ay madaling itayo, laluna kung hindi pa nasakop ng rebolusyon ang buong mundo; kundi ito ay produkto ng mulat at organisadong pakikibaka laban sa kapitalistang mga relasyon; na tanging ang organisado-sa-sarili at dominante sa pulitika na proletaryado ang maaring mamuno sa pakikibaka; at hanggat maari, ang kagyat na ekonomikong hakbangin ng proletaryado na nasa kapangyarihan ay umaayon sa komunistang layunin. Pero sa Rusya, mayoriya ng partidong Bolshevik ay hindi nagawang kumalas sa ideya na ang kapitalismo ng estado ay kailangang yugto patungong sosyalismo. At ito, sa praktika, at maging bago pa nagtagumpay ang Stalinismo, ay nagkahulugan ng pagtindi sa pagsasamantala at kahirapan ng uring manggagawa na binigyang katuwiran sa ngalan ng “pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa” patungo sa hinaharap na komunistang lipunan. Ang ideya na hanggat nasa kapangyarihan ang partidong Bolshevik, iiral ang diktadura ng proletaryado, ay parehong nagbunga ng trahedya at pagkasira tulad ng pagkilala sa kapitalismo ng estado na sosyalismo o hakbang pasulong dito: ang totoong pagkatalo ng rebolusyon, ang tagumpay ng kapitalistang kontra-rebolusyon sa “Sobyet Rusya” ay nangyari mula sa loob, na nagbalatkayong pagpapatuloy ng Oktubre, at tulad ng nasaksihan natin ay lumikha ng pinaka-mapanirang kalituhan sa loob ng uring manggagawa sa buong mundo. Ito ang obhetibong batayan ng pinakamalaking kasinungalingan na ang Stalinismo ay komunismo.

1968-2011: ang multo ng rebolusyon ay 
patuloy na tinatakot ang kapitalistang sistema

Isang bagay ang halawin ang mga aral ng pagkatalo ng rebolusyon. Pero may bagong rebolusyon ba na maaring ilapat ang mga ito sa praktika? Muli, maari nating sabihin ang hindi maresolbang krisis, sa peligro ng digmaan at pagwasak-sa-sarili, sa pagkasira ng kalikasan, sa laganap na pagtaas ng kriminalidad at pagkaagnas ng moralidad ng panlipunang relasyon, at may tiwalang ulit-ulitin na ang komunismo ay higit sa lahat ay obhetibong kinakailangan. Dagdag pa: maari nating sabihin na lumalaki ang bilang ng uring manggagawa sa pandaigdigang saklaw, sa lumalaking ugnayan ng pandaigdigang ekonomiya, at ilang dekadang nakakahilong pag-unlad ng mga kagamitan ng komunikasyon, at igiit ang obhetibong posibilidad ng unipikasyon ng pandaigdigang proletaryado sa pagtatanggol sa kanyang komon na interes laban sa kapitalistang pagsasamantala. Subalit ang proletaryong rebolusyon ang unang rebolusyon sa kasaysayan na nakasalalay hindi lang sa pag-unlad ng obhetibong pangangailangan at posibilidad, kundi higit sa lahat sa suhetibong kapasidad ng pinagsamantalahang uri na unawain ang pinagmulan ng pagsasamantala, at hindi lang para ipagtanggol ang sarili kundi para paunlarin ang isang proyekto, isang perspektiba, isang programa para sa abolisyon ng lahat ng pagsasamantala. At itong suhetibong sitwasyon, habang karamihan sa mga ito ay hindi makita ang pag-unlad, nasa ilalim, maliit na minoriya, ay hindi masustini, maalagaan at mapalawak kung walang pag-unlad sa malawakang pagkilos ng proletaryado.

At ang naturang mga kilusan ay lumitaw sa pandaigdigang entablado sa nagdaang 50 taon. Ang napakatayog na naabot ng rebolusyonaryong alon ng 1917-23 ay sinundan ng maraming dekada ng kontra-rebolusyon, na nakita ang kanyang pinaka-brutal na mukha sa mga bansa kung saan pinakataas ang naabot ng rebolusyon: sa Rusya sa tagumpay ng Stalinismo, sa Italya at Alemanya sa pagdating ng pasismo at Nazismo. At itong nakamamatay na triyanggulo ay nakompleto sa paglitaw ng mga Prente Popular at ng demokratikong anti-pasismo. Ang kombinasyon ng mga pwersang ito ay nagtagumpay sa pagdurog sa huling pagsabog ng proletaryong paglaban (sa Espanya 1936-7) at pinalakad ang proletaryado patungo sa bibig ng ikalawang imperyalistang digmaan; at sa dalawang dekada na sumunod matapos ang digmaan. Ang ang makauring tunggalian sa pangkalahatan ay kontrolado dahil sa ekonomikong pag-unlad at hakbanging pangkaligtasan ng ‘estado para sa kabutihan’, kabilang na ang bagong maling pagpipilian sa pagitan ng “demokrasya” sa kanluran at “sosyalismo” sa silangan.

Pero sa huling bahagi ng 1960s, habang kumukupas ang pag-unlad pagkatapos ng digmaan, habang ang araw-araw na buhay sa ilalim ng kapitalismo pareho sa kanluran at silangan ay nabunyag ang tunay na kahirapan at ipokrasiya, habang ang panghaliling mga digmaan sa pagitan ng mga imperyalistang bloke ay patuloy na nanalasa sa Byetnam at Aprika, ang bagong henerasyon ng proletaryado, na walang karanasan sa pagkatalo at trauma ng kanilang mga magulang, ay nagsimulang kwestyunin ang normalidad ng kapitalistang lipunan. Ang pag-kwestyon, na apektado rin ang ibang saray ng populasyon, ay lantarang sumabog sa malaking pangkalahatang welga sa Pransya sa Mayo-Hunyo 1968, isang kilusan na nagmarka pagtapos ng yugto ng kontra-rebolusyon at tanda ng internasyunal na alon ng pakikibaka ng manggagawa sa lahat ng mga kontinente. Sa kanyang rurok, ang kilusang Mayo 68 sa Pransya ay nakitaan ng parehong igting ng pampulitikang mga debate, sa mga iskinita, paaralan, unibersidad at pagawaan, na katulad ng naobserbahan ni John Reed sa Rusya bago ang Oktubre 1917. Sa unang pagkakataon sa loob ng ilang dekada, ang ideya na palitan ang kapitalismo ng isang bagong lipunan ay seryosong tinalakay sa hanay ng signipikanteng minoriya ng mga manggagawa at estudyante, at isa sa pinaka-importanteng bunga ng mga malawakang pagkilos na ito ay ang bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryong pampulitikang organisasyon.

Nilatag lang ng kilusan sa Pransya ang usapin ng rebolusyon sa antas teoretikal. Nagsimula pa lang ang lantarang krisis ng kapitalismo at ang naghaharing uri ay marami pang pampulitikang panlilinlang sa susunod na ilang taon, hindi pa kasama ang kanyang paggamit sa kaliwang mga partido at unyon bilang pekeng “oposisyon” sa sistema. Subalit ang alon ng mga pakikibaka na nagsimula sa 1968 ay nagpatuloy sa sumunod na dalawang dekada. Ang rurok nito ay ang kilusan sa Poland sa 1980, isang tunay na pangmasang welga na nagluwal ng mga porma ng organisasyon – mga inter-pagawaan na komite ng welga – na nagpaalala sa mga konseho ng manggagawa sa rebolusyonaryong mga taon. Pero sa kabila ng ganitong napakaabanteng pag-organisa sa sarili, hindi tinalakay ng manggagawang Polish ang posibilidad na ibagsak ang kapitalistang sistema. Kabaliktaran, nahatak sila sa ilusyon na nanirahan sila sa ilalim ng komunistang sistema at ang kanilang tanging pag-asa ay ang demokratikong porma ng kapitalistang kanluran, sa kanyang mga parliyamento at “malayang unyon”. Ang mga manggagawa sa kanluran ay may malawak na karanasan sa kahungkagan ng mga pormang ito, pero ang pundamental na problemang kinaharap nila ay walang kaibahan sa kanilang mga kapatid na manggagawa sa silangang bloke: ang kahirapan na itaas ang pakikibaka mula sa antas ng ekonomikong pagtatanggol tungo sa pampulitikang opensiba laban sa kapitalismo.

Ang mga kilusan ng uring manggagawa sa 70s at 80s sa kabilang banda ay may napaka-signipikanteng epekto sa ebolusyon ng kapitalistang lipunan. Sa 1930s, ng sumabog ang ekonomikong krisis ang uring manggagawa ay nasa bingit ng malalim ng istorikal na pagkatalo. Wala ng hadlang sa kapitalismo na ilunsad ang digmaan. Kabaliktaran, sa 70s at 80s, sa kabila na malakas ang tulak para sa pandaigdigang digmaan, ang pagtanggi ng uring manggagawa na isakripisyo ang sarili para sa interes ng pambansang ekonomiya ay nagkahulugan rin na hindi nito nais na mag-martsa tungong panibagong digmaan. Sabi ng mga eksperto ng burgesya sa atin na kung hindi man nangyari ang ikatlong pandaigdigang digmaan ito ay dahil natuto na ang kapitalismo sa mga aral ng nagdaang mga digmaan at nagtayo ng internasyunal na mga institusyon tulad ng EU o UN para kontrolin ang tunggalian ng mga bansa. O ang pag-iral mismo ng mga armas atomika ang tiyak na “pumipigil” sa pandaigdigang digmaan. Ang ideya na ang pakikibaka ng uring manggagawa ay maaring siyang tunay na pumipigil ay wala sa pampulitikang pag-iisip ng burgesya.

Pero ang harang sa digmaan na itinayo ng proletaryado ay bihirang ginawa sa mulat na paraan. Ang kawalan ng kakayahan ng burgesya na mobilisahin ang uri para sa digmaan ay isang bagay, subalit ang uring manggagawa ay wala ring kapasidad na paunlarin ang kanyang sariling pampulitikang alternatiba: ang pandaigdigang rebolusyon. Bilang resulta, mula ng kataposan ng 80s ay nabuhay na tayo sa isang tipo ng pagkapatas sa ebolusyon ng lipunan, na hindi makayang sumulong alin man sa mga perspektibang ito. Sa likod ng matagal at hindi na maresolbang ekonomikong krisis, isinumpa ng sitwasyong ito ang kapitalismo sa kanyang pagkabulok. Sa pagbagsak ng dalawang imperyalistang bloke, ang pagkakataon para sa pandaigdigang digmaan ay naitulak ngayon palayo, pero patuloy ang hakbangin para sa kapitalistang digmaan at napabilis pa sa mas magulo at mas delikadong pagkilos.

Itong pinakahuling yugto sa pagbulusok-pababa ng kapitalistang sistema, ang yugto ng pagkaagnas ng kapitalismo, na lumikha ng dagdag na sagabal sa uring manggagawa. Ang mga kampanya hinggil sa “kamatayan ng komunismo” ay isa sa pinaka-klarong ekspresyon sa kapasidad ng naghaharing uri na gamitin ang pagkaagnas ng sarili nitong sistema laban sa kamulatan ng pinagsamantalahang uri. Ang kanilang sentral na tema – ang tagumpay ng demokrasya laban sa totalitaryanismo – ay muling patunay na ang paniwalang nabuhay tayo sa ilalim ng paghari ng “demokrasya” ay isa sa pinaka-makapangyarihang mistipikasyon na iniluwal ng kapitalistang lipunan at walang tigil na salik sa pananatili ng naghaharing uri. Parehong tema ang binigay sa kamakailan na kampanya sa pagitan ng bangayan ng populismo at anti-populismo, kung saan ang parehong kampo ay binebenta ang sarili na “tunay na kapasyahan ng mamamayan”.

Samantala, ang mismong proseso ng dekomposisyon ay patuloy na kumikilos sa mas mapanirang paraan: ang tendensya ng kapitalistang lipunan ay mahati-hati sa mga paksyon at gang sa lahat ng antas, ang paglakas ng lahat ng klase ng irasyunal na takot at panatisismo, ang pagkalat ng paghahanap ng masisisi …

Ang mga tendensyang ito ay malalim na salungat sa pag-unlad ng pagkakaisa ng uring manggagawa at sa klase ng pandaigdigan, istorikal na pag-iisip na kailangan para maunawaan ang tunay na proseso ng kapitalistang lipunan. At kahit na: sa kabila ng pangkalahatang paghupa ng makauring pakikibaka mula kataposan ng 80s, patuloy nating nakita ang mahalagang pag-akyat ng proletaryado, kahit pa ang mga partisipante ng naturang mga pagkilos ay kadalasan hindi kinikilala ang sarili na proletaryo. Sa 2006, ang kilusang estudyante sa Pransya ay kumalas sa kontrol ng opisyal na mga unyon at, dahil nagbanta ito na kumalat sa sektor ng manggagawa, naobligang binawi ng burgesya ang CPE. Layon ng batas na pabilisin ang pagtaas ng kawalang seguridad sa trabaho. Sa 2011, sa kasiglahan ng mga pag-alsa sa Hilagang Aprika, Israel at Greece, ang kilusang “indignados” sa Espanya, tulad ng mga estudyante sa Pransya sa 2006, muling binuhay ang alaala ng 68 sa pamamagitan ng masigla at malawakang debate sa katangian ng kapitalistang lipunan at kanyang kakulangan ng perspektiba. Ito ay kilusan na malinaw ang kanyang internasyunal na katangian at ang islogan ng “pandaigdigang rebolusyon” ay tumataas ang kahalagahan sa hanay ng maliit na minoriya. At, muli tulad ng kilusan sa 2006, ang porma ng orgnisasyon na pinagtibay ng kilusan ay ang pangkalahatang asembliya sa lansangan at komunidad, labas sa opisyal na mga institusyon ng burges na lipunan. Sa ibang salita, isang mahina pero tiyak na alingawngaw sa pormang sobyet na organisasyon. Syempre ang mga kilusang ito ay panandalian lang at dumaranas ng maraming kahinaan at kalituhan, laluna ang ideolohiya ng demokrasya at pagiging mamamayan na sinamantala ng mga partido ng kaliwa tulad ng Syriza at Podemos, sa kanilang linya na: “oo sa asembliya, pero gamitin natin sila para muling palakasin ang demokratikong buhay, palakihin ang partisipasyon sa parliyamento at eleksyon …” Inilako nila Sanders at Corbyn ang parehong panloloko. Pero pinakita ng mga kilusang ito na hindi pa patay ang proletaryado, at may kapasidad pang itaas ang kanyang ulo, at sa panahon na gagawin niya ito, nahahatak ito sa rebolusyonaryong tradisyon ng kanyang nakaraan.

Hindi pa sumuko ang proletaryado. Ang mga pagbabago sa komposisyon ng uring manggagawa, sa kabila ng kanilang negatibong epekto hanggang ngayon, ay mayroon din nakatagong mga elemento na mas paborable sa perspektiba ng rebolusyon. Ang kabataang henerasyon ng proletaryado na nabuhay sa sitwasyon na kombinasyon ng kawalan ng seguridad sa trabaho at grabeng kawalan ng trabaho ay sa tamang panahon kilalanin ang sarili na bahagi ng isang uri na, tulad ng sinulat ng Manipesto ng Komunista, “nakibahagi sa kahirapan ng alipin na walang seguridad katulad ng alipin”, na “walang mawawala maliban sa kadena at maipanalo ang buong mundo”. Ang kasalukuyan at hinaharap na sitwasyon ng pandaigdigang proletaryado ay lalupang pinakita ang sinabi ni Marx na pundasyon ng kanyang rebolusyonaryong katangian, kanyang kapasidad na durugin ang kapitalismo at likhain ang komunismo:

• Isang uri sa burges na lipunan pero dayuhan sa burges na lipunan

• Isang uri na ang radikal na kadena at unibersal na paghihirap ay nagtulak sa kanya sa radikal at unibersal na rebolusyon

• Isang uri na nakonsentra sa sarili ang lahat ng paghihirap sa iba pang saray ng lipunan na walang anumang benepisyo mula sa kanila, at makalaya lang ang sarili sa pamamagitan ng pagpapalaya sa buong sangkatauhan

• Isang sama-samang uri na maorganisa ang lipunan sa prinsipyo ng pagkakaisa, na lumalaban sa kapitalistang paghari ng unibersal na kalakal

• Isang uri na mapalaya ang moralidad ng sangkatauhan mula sa kapitalistang bilangguan sa pamamagitan ng pagpapalaya sa sangkatauhan mula sa pagkaalipin ng kalakal at sahurang paggawa.

Mabuhay ang Oktubre!

Ang alaala ng rebolusyong Oktubre ay hindi talaga maalis, walang kapitalismo na walang makauring pakikibaka. Sa 1917, naharap ang sangkatauhan sa pagpipilian sa pagitan ng sosyalismo o barbarismo: pandaigdigang proletaryong rebolusyon, o pagkawasak ng sibilisasyon, posible pagkawasak mismo ng sangkatauhan. Sa 2017 naharap tayo sa parehong problema. Hindi mareporma ang kapitalismo, maging maka-kalikasan, o magkaroon ng makataong mukha. Matagal ng naantala ang pagpapabagsak sa kanya, at anumang rebolusyon sa hinaharap ay hindi magtagumpay kung hindi mahalaw ang mga aral sa napakalaking karanasan ng uri sa Rusya, kabilang na sa Alemanya, Hungarya, Italya, at sa buong mundo sa nagdaang humigit-kumulang isang daang taon. Tungkulin at responsibilidad ng minoriyang mga rebolusyonaryo, ng mga proletaryong organisasyong pulitikal, na aralin, ipaliwanag, at ikalat ang mga aral sa pinakamalalim at pinakamalawak.

Internasyunal na Komunistang Tunguhin, Setyembre 2017

 

Parsyal na listahan ng mga babasahin na artikulo ng IKT sa rebolusyong Ruso at internasyunal na rebolusyonaryong alon.

Lahat ng mga teksto, at marami pang iba, ay makita sa aming website en.internationalism.org. Pumunta sa seksyon ‘Theory and practice’ o ‘ICC press: International Review’.

• The Russian Revolution (part 1): The first massive and conscious revolution in history

• The April Theses of 1917: signpost to the proletarian revolution

• October 1917: Beginning of the Proletarian Revolution

• The Russian Revolution (part 2): The Soviets take power

• The Russian Revolution (part3): Isolation spells the death of the revolution

• 70 years ago, the Russian Revolution: The most important experience of the world proletariat

• 80 years since the Russian Revolution: The July Days and the vital role of the Party

• 80 years since the Russian Revolution: October 1917 - a victory for the working masses

 The degeneration of the Russian Revolution, International Review 3, 3rd quarter 1975

• The lessons of Kronstadt, International Review no. 3, 3rd quarter 1975

• October 1917, beginning of the proletarian revolution, parts one and two, International Review 12 and 13, first and second quarters, 1978

Internasyunal na rebolusyonaryong alon

• Germany 1918-19 (i): Faced with the war, the revolutionary proletariat renews its internationalist principles

• Germany 1918-19 (ii): From war to revolution

• Germany 1918-19 (iii): Formation of the party, absence of the International

• Germany 1918-19 (iv): Civil War

• Germany 1918-19 (v): From Noske to Hitler

• The Hungarian Revolution of 1919 (i)

• The Hungarian Revolution of 1919 (ii): The example of Russia 1917 inspires the workers in Hungary

• The Russian revolution echoes in Brazil, 1918-21

Salin sa orihinal: Manifesto on the October revolution, Russia 1917

Rubric: 

Rusya 1917