Submitted by ICConline on
Mula 1953 hanggang 1969 ang gross national product ng Estados Unidos (calculated by volume and per inhabitant) ay lumaki ng 1.4 beses. Ganun din ang GNP ng Italya at Alemanya lumaki ng 2.1 beses; dumoble ang GNP ng Pransya, at ang Hapon lumaki ng 3.8 beses. Nasaan ang ‘pagbulusok-pababa' ng kapitalismo?
Bagama't malaking bahagi ng produksyon nito ay ginamit lamang sa layuning militar; bagama't lumalaki ang pagitan ng industriyalisadong mga bansa at di-maunlad na mga bansa, halata na ang ‘produktibong mga pwersa ay hindi tumigil sa paglaki'. Bagama't ang ebolusyon ng pampulitikang istruktura ay nagpakita ng pagkaagnas ng dominanteng sistema, ang paglaki ng makauring antagonismo at ang mga tunggalian sa loob ng nagharing uri at lahat ebidensya ng ‘krisis ng sibilisasyon' - isang pagbulusok-pababa sa antas ng super-istruktura - parang maraming mga marxista ang nahirapang magsalita ng ‘pagbulusok-pababa ng kapitalistang sistema' nang nakakita sila ng malaking ‘pang-ekonomiyang ekspansyon'.
Sinulat ni Marx: "Walang panlipunang kaayusan na naglalaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa..." (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy). Isang paraan sa interpretasyon ng pasaheng ito ang nagtulak kay Trotsky, halimbawa, na isulat sa simula ng kanyang Transisyunal na Programa (1938):
"Ang pang-ekonomiyang rekisitos para sa proletaryong rebolusyon ay naabot na sa pangkalahatan sa pinakataas na pag-unlad na inabot sa ilalim ng kapitalismo. Ang produktibong mga pwersa ng sangkatauhan ay tumigil na".
Inilarawan ni Trotsky ang isang realidad na lumabas sa mga istatistika ng panahong iyon.. Subalit liban sa realidad ng 1938, para patunayan na ang sangkatauhan ay pumasok sa panahon ng panlipunang rebolusyon at sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, kailangan bang panghawakan na ang produktibong mga pwersa ay tumigil na sa pag-unlad? At kung sa susunod na dalawampung taon, ang parehong mga istatistika ay nagpakita ng relatibong malakas na paglaki ng pandaigdigang produksyon kailangan bang tumungo sa salungat na kongklusyon? Sa madaling sabi, para ang lipunan ay pumasok sa di-mapigilang yugto ng pagbulusok-pababa, kailangan bang ang produktibong mga pwersa ay tumigil sa pag-unlad? Ang problemang tinukoy ni Marx sa Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy ay sa katunayan usapin ng pagsalarawan sa ekonomiyang mga kondisyon kung saan naging posible na ang pagpunta mula sa isang porma ng lipunan tungo sa isa pa.
Ang sagot ni Marx ay maaring masuma sa: ang mga relasyon ng produksyon na pinasok ng tao para sa panlipunang produksyon ng kanilang pangangailangan at bumubuo sa tunay na batayan ng kanilang lipunan, ay bumagay sa takdang antas ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa. Sa takbo ng kasaysayan, ang ganap na pag-unlad ng mga pwersang ito ay nagbunga ng mahalaga at pabalik-balik na mga pagbabago sa mga relasyon ng produksyon.
Para maging posible ang panlipunang porma na nakabatay sa bagong mga relasyon ng produksyon, kailangang mangyari ang kaakibat na ebolusyon sa produktibong mga pwersa. Kung hindi ‘sapat ang pag-unlad' ng mga pwersang ito, walang obhetibong posibilidad na lilitaw at manatili ang bagong sistema ng produksyon. Ang problema ay malaman ano ang kahulugan ng ‘sapat ang pag-unlad', at ano ang maksimum na pag-unlad ng produktibong mga pwersa na ‘sapat... sa lumang kaayusan' at kung naabot ay posible at kinakailangan na ang bagong lipunan. Ang marxistang sagot ay hindi pumapatungkol sa anumang partikular na kantitatibong antas, na tinakda ngunit hindi tinutukoy ang pang-ekonomiyang mga mekanismo (kabilang ang zero na pag-unlad). Kabaliktaran, tumutukoy ito sa kalitatibong antas ng relasyon na umuugnay mismo sa mga relasyon ng produksyon at sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa.
"Sa takdang yugto ng kanilang pag-unlad, ang materyal na produktibong mga pwersa ng lipunan ay may kontradiksyon sa umiiral na mga relasyon ng produksyon, o - ang legal na ekspresyon sa parehong bagay - sa mga relasyon ng pag-aari kung saan kumikilos sila hanggang ngayon...Ito ang simula ng panahon ng panlipunang rebolusyon." (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy, our emphasis).
Ang paglitaw sa tiyak at di-mapigilang ‘tunggalian' at hindi ang pagtigil sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang nagbukas ng ‘panahon' ng pagbulusok-pababa ng lumang lipunan. Malinaw na pinahayag ito ni Marx: "Mula sa mga porma ng pag-unlad ng produktiong mga pwersa ang mga relasyong ito ay naging kadena na nila." (Ibid).
Ang pahayag ni Marx ay kailangang maintindihan sa ganitong punto: hindi maglaho ang isang lipunan hangga't ang pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay tiyak na pinigilan ng umiiral ng mga relasyon ng produksyon. Ayon sa marxistang pananaw, ang yugto ng pagbulusok-pababa ng sistema ay hindi ang total na permanenteng paghinto ng paglaki ng produktibong mga pwersa kundi sa tiyak na pagbagal ng pag-unlad nito. Ang absolutong paghinto ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay sa katunayan, lumitaw sa panahon ng mga yugto ng pagbulusok-pababa. Pero ang mga paghintong ito ay pansamantala lamang lumitaw sa kapitalistang sistema dahil hindi gagalaw ang ekonomiya ng hindi palagiang lumalaki ang akumulasyon ng kapital. Sila ang marahas na kombulsyon na regular na kasama sa paglala ng pagbulusok-pababa.
Lahat ng panlipunang pagbabago ay bunga ng lumalalim at matagalang banggaan ng mga relasyon ng produksyon sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa. Kung ipagtanggol natin ang teorya ng tiyak at permanenteng paghinto sa pag-unlad nito, ang paglalim ng kontradiksyong ito ay maipakita lamang kung ang panlabas na hangganan ng umiiral na mga relasyon ng pag-aari ay ‘absolutong' bumababa. Pero, nangyari na ang paggalaw ng iba't-ibang mga yugto ng pagbulusok-pababa sa kasaysayan (kasama ang kapitalistang sistema) ay sa halip tumungo sa paglawak ng mga hangganang ito hanggang sa kanilang huling limitasyon hindi sa kanilang restriksyon.
Sa ilalim ng proteksyon ng estado at sa ilalim ng presyur ng ekonomiko at panlipunang nesisidad, ang labi ng sistema ay namaga habang itinakwil ang lahat na napatunayang hindi na kailangan sa mga relasyon ng produksyon, lahat na hindi istriktong kailangan sa pagpapatuloy ng sistema. Napalakas ang sistema pero hanggang sa kanyang huling limitasyon.
Ang pagpalaya sa mga alipin sa ilalim ng katapusan ng Imperyong Romano; ang pagpalaya sa mga magsasaka sa katapusan ng Lumang Panahon; ang parsyal na kalayaan ng bumulusok-pababa na monarkiya na binigay sa burges na mga syudad; ang pagpalakas sa sentral na kapangyarihan ng korona, at ang eliminasyon ng 'naka-bata na maharlika' na absolutong kontrolado ng hari; at ganun din, sa kapitalistang balangkas, ang mga pagtatangka sa planadong ekonomiya; ang mga pagsisikap na mabigyang ginhawa ang bigat ng pambansa, pang-ekonomiyang hangganan; ang tendensya na palitan ang burges na mga parasitiko ng matinong sahurang mga 'tagapangasiwa' ng kapital; mga polisiya tulad ng New Deal at ang patuloy na manipulasyon ng ilang mga mekanismo ng batas ng halaga - lahat ng ito ay ebidensya sa tendensyang na palawakin ang huridikal na balangkas sa pagsalba sa mga relasyon ng produksyon. Walang tigil ang diyalektikal na paggalaw matapos ang lipunan ay umabot sa kanyang tugatog. Ang paggalaw na ito ay kalitatibong natransporma pero hindi huminto. Ang intensipikasyon ng mga kontradiksyon na namana sa lumang lipunan ay obligadong nagpatuloy at dahil dito ang pag-unlad ng nabilanggong produktibong mga pwersa ay kailangang magpatuloy bagama't sa pinakabagal na paggalaw.
Mula sa pang-ekonomiyang paninindigan, ang mga katangian ng pagbulusok-pababa ng isang panlipunang porma ay:
- Aktwal na pagbagal sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa kumpara sa maaring bilis batay sa posibleng teknikalidad at obhetibidad kung walang balakid sa mga relasyon ng produksyon. Ang pagbagal nito ay kailangang may katangiang hindi maiwasan at hindi mapigilan. Kailangang ang dahilan nito ay ang ispisipikong pagpapatuloy ng mga relasyon ng produksyon na pumipigil sa lipunan. Ang kaibahan sa pagitan ng aktwal na pag-unlad at ng posibleng pag-unlad ng mga produktibong mga pwersa ay lalong lumalayo. Ang pagkakaibang ito ay lalong naging malinaw sa panlipunang mga uri.
- Ang paglitaw ng lalong lumalalim at lumalawak na mga krisis. Ang mga krisis na ito ang gumawa ng suhetibong mga kondisyon na kailangan para sa panlipunang rebolusyon. Sa proseso ng mga krisis na ito ang kapangyarihan ng nagharing uri ay lalong humihina, at sa pamamagitan ng obhetibong intensipikasyon ng pangangailangan ng kanyang interbensyon, nakikita ng rebolusyonaryong uri ang panimulang mga batayan ng kanyang lakas at pagkakaisa.
- Ang problema natin kung gayon ay hanapin kung ang dalawang penomenang ito ang katangian ng kapitalistang sistema sa panahon mula Unang Digmaang Pandaigdig hanggang ngayon.
Pagbagal ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa magmula 1914
Habang mula 1850 hanggang 1913 ang bolyum ng pandaigdigang kalakalan ay lumaki ng mahigit sampung bese,[1] "mula 1919 hanggang 1936-38, ang pandaigdigang kalakalan ay lumaki lang ng 7.4 porsyento (1913 = 100 porsyento; 1936-38 = 107.4 porsyento), at ang antas ng kalakalan sa mga produktong industriyal ay mas mababa sa 1936-38 (92.2 porsyento) kaysa bisperas ng Unang Digmaang Pandaigdig. Kailangang idagdag na sa 1950 pa nakahabol ang pandaigdigang ekonomiya matapos ang malaking paghihirap sa antas ng kalakalan sa 1938; sa madaling sabi, ang pandaigdigang kalakalan mula 1938 hanggang 1950 ay tumigil".[2]
Mula 1914-1929. Sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang produksyon sa mga bansa sa Uropa ay bumaba ng mahigit isang-katlo at ang pandaigdigang produksyon ng 10 porsyento. Wala pang katulad sa nakaraan na ang kapitalismo ay nakaranas ng ganung pagbagsak sa produksyon.
Matapos ang digmaan hanggang depresyon sa 1929, natamasa ng kapitalismo ang yugto ng kasaganaan dahil sa rekonstruksyon ng mga ekonomiyang sinira ng digmaan at ang pagiging ganap ng paglawak ng dalawang batang kapitalistang mga bansa - Estados Unidos at Hapon. Subalit nawala sa Uropa ang nangungunang posisyon sa kapitalistang mundo at hindi na maka-rekober pa mula sa pagbagsak na kagagawan ng 'dakilang digmaan'. Kahit pa sa rekonstruksyon, sa 1929 hindi pa muling nakuha ng Ingglatera ang kanyang wala-pa-ang-digmaan na antas sa eksport. Dahan-dahang naglaho ang kanyang posisyon bilang pandaigdigang bangkero. Ang Alemanya, ang pinakamatinding natamaan, ay bumagsak o hindi na gumagalaw.[3]
Kumpara sa relatibong pagbagsak ng Uropa, tinamasa ng Estados Unidos at Hapon ang hindi maitangging kasaganaan. Nangungutang sa Uropa sa simula ng digmaan, lumabas ang Estados Unidos sa digmaan na nagpapautang sa Uropa at, dagdag pa, lumaki ang kanyang produksyon ng halos 15 porsyento. Subalit ang paglawak nito ay nagdurusa sa mga epekto ng kakulangan ng pamilihan: ang sumada sa lahat ng balanse ng bayad sa loob ng sampung taon (1919-1929) ay maliit kumpara sa halaga ng kapital na gumalaw sa maiksing panahon para sa ekstensyon ng mga riles ng tren, (kung saan praktikal na natapos sa 1919).[4] Mula 1919 hanggang 1929, bagama't ang index para sa produksyong industriyal ay tumaas ng halos 60 porsyento, ang bilang ng mga manggagawa ay bumaba mula 8.4 milyon sa 8.3 milyon. Mula 1910 hanggang 1924, 13 milyon acres ng kultibadong lupain ay naging madamong kalupaan. Dagdag pa, ang Estados Unidos ay hindi na kasingbilis na nakapagpalawak ng bagong mga teritoryo kundi sa mga lugar na nasakop na ng karibal na mga kapangyarihan, na nagkahulugan na 'hatiin' ang naturang mga pamilihan. Ang pagbabago sa distribusyon ng mga inangkat ng Argentina mula sa malalaking kapangyarihan mula 1919 hanggang 1929 ay, sa ganitong punto, partikular na mahalaga.[5]
Halos dumoble ang bahagi ng Amerika habang ang bahagi ng Ingglatera ay halos bumaba ng kalahati. Ganun din ang nangyari sa pagpalawak ng Amerika sa Latin Amerika at Canada. Ganun din ang pag-unlad ng ekspansyon sa ibayong dagat ng Hapon. Sa kontrolado ng Britanya na India mula 1913 hanggang 1929, ang bahagi ng Britanya sa kanyang mga inangkat ay bumaba mula 64.2 porsyento sa 42.8 porsyento habang ang bahagi ng Hapon ay tumaas mula sa 2.6 porsyento tungo sa 9.8 porsyento.[6]
Mula 1929 hanggang 1938. Ang napakalaking Depresyon sa 1929 ay para sa buong mundo habang ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sa Uropa. Sa panahong ito bumaba ang pandaigdigang produksyon ng isang-katlo. Ang pagbagsak ng tatlong beses na mas malaki kaysa panahon ng digmaan; ang rekoberi ay hindi kasingbilis . Ang hindi-militar na produksyon ay hindi nakabawi sa kanyang 1929 na antas hanggang sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Naibigay na ang datos sa pandaigdigang kalakalan. Ang produksyon ng pangunahing kapangyarihan sa daigdig ay bumagsak.
Ang mga bansa lamang na inumpisahan ang maramihang produksyon ng armas (Hapon, Alemanya at USSR) ang nakaranas ng paglaki ng kanilang produksyon.
Sa pagtingin sa dalawang ekstra-ordinaryong pagbaba ng tantos ng produksyon, na magkaugnay sa panahon ng rekonstruksyon at sinundan ng yugto ng istagnasyon hanggang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, hindi maitanggi na malinaw na ang paglaki ng produktibong mga pwersa ay mahigpit na bumaba mula 1914 hanggang 1940.
Foreign trade of under-developed countries
Pero ang pagbagal ba nito ay nagkahulugan na tiyak ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto o ito ba ay seryoso pero temporaryong pagbagal sa pangkalahatang halinhinan ng paglago na napigil lamang sa Sarajevo subalit muling susulong sa Yalta?
[1] Fritz Sternberg, Capitalism And Socialism On Trial, Greenwood Press, New York 1968,p. 30
[2] Sternberg, p.70
[3] Sternberg, p.261
[4] Sternberg, p.248
[5] Sternberg, p.235
[6] Sternberg, pp.232-233