Submitted by ICConline on
Ang problema ng pagbulusok-pababa ng kapitalismo ay hindi pa ganap na nakompleto at marami pang mga usapin na hindi pa nasuri sa pag-aaral na ito. Ang nagdaang kalahating siglo ay nagpalitaw ng serye ng panibagong mga problema para sa rebolusyonaryong teorya at nagbigay ng ebidensya para mas maunawaan ang mga problemang inihayag ilang taon na ang nakaraan. Hindi tayo nagkunwari na napag-usapan na natin ang lahat ng mga usapin, at naresolba sila.
Ang ating pangunahing mga layunin ay ang sumusunod: Una, ipaliwanag ang ating konbiksyon na ang proletaryong rebolusyon ay nasa agenda na magmula Unang Digmaang Pandaigdig. Pangalawa, ipahayag ang malinaw na pagbabago na dinaanan ng kapitalistang lipunan, kung saan ang mga tradisyunal na mga posisyon ng mga rebolusyonaryo ay lipas na: mga taktika na balido lamang sa ika-19 siglo ay naging kontra-rebolusyonaryo na ngayon (parlyamentarismo, pagkilos sa mga unyon, paglahok sa pambansang mga pakikibaka). Napakita natin na tanging sa pagsusuri na kumikilala sa dekadenteng kapitalismo magmula 1914 ang makapag-ugnay sa lahat ng mahalagang penomena na lumitaw magmula noon bilang isang magkakaugnay na pandaigdigang pananaw:
Ang pagpigil at pagbagal ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ng dominanteng mga relasyon sa produksyon.
Ang permanenteng paglala ng mga antagonismo sa pagitan ng mga paksyon ng nagharing uri.
Ang paglitaw ng pandaigdigang mga krisis at pandaigdigang mga digmaan na walang katulad ang lawak, na lalong lumala sa bawat pagsabog nito.
Ang labis na pag-unlad ng hindi produktibong mga sektor sa kapinsalaan ng produktibong mga sektor.
Ang mabilis na pagkaagnas ng lahat ng ideolohikal na kahalagahan ng sistema.
Ang pag-unlad ng makauring mga antagonismo at ang pagputok ng proletaryong rebolusyonaryong mga kilusan na kinukwestyon ang sistema sa pandaigdigang saklaw.
Ang pag-unlad at paglakas ng makinarya ng estado at ng kanyang kontrol sa buong lipunan (ang pangkalahatang tendensya sa kapitalismo ng estado).
Lahat ng penomenang ito ay maintindihan lamang bilang ekspresyon ng tiyak na kawalang kapasidad ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon na gampanan ang istorikong pangangailangan ng sangkatauhan.
Ang mga nagsasalita ng rebolusyon ngayon at itinanggi ang realidad ng pagbulusok-pababa, ay bigong ikonsidera, hindi ang hiwalay na penomena, kundi ang pundamental na pwersang nag-uugnay ng mga penomenang ito.
Pero sa mga tumanggap ng interpretasyong ito sa kasalukuyang istorikal na yugto, may tungkulin pang palalimin ang pagsusuri sa pagbulusok-pababa at ipaliwanag ang lahat na kasunod na mga epekto para sa rebolusyonaryong praktika.
R. Victor.