Skip to header Skip to main navigation Skip to main content Skip to footer
englishfrançaisdeutschitalianosvenskaespañoltürkçenederlandsportuguêsΕλληνικά
русскийहिन्दीفارسی한국어日本語filipino中文বাংলাmagyarsuomi
Bahay
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Pangunahing paglalayag

  • Pakikipag-ugnay
    • Mga Batayang Posisyon
    • Plataporma ng IKT
    • Manipesto - 1991
    • Internasyonalismo - 2000s
    • Internasyonalismo - 2010s
    • Internasyonalismo - 2020s
    • Manipesto Para Sa Rebolusyong Oktubre, Rusya 1917
    • Mga unyon laban sa uring manggagawa
    • Bayan o Uri?
    • Komunistang mga Organisasyon at Makauring Kamulatan
    • Pagbulusok-pababa ng kapitalismo

Pilipinas

Breadcrumb

  • Bahay

Corymania: Nagluwal ng Ramos, Estrada at Gloria

Ngayong araw na ito inilibing ang tinagurian ng burges na media na "icon of democracy", "bayani ng mga Pilipino". Ang sinaluduhan ng Kaliwa na "anti-pasistang" personalidad. Ngayong araw na ito inilibing ang isang taong kabilang sa naghaharing uri, naging presidente ng mapagsamantalang kapitalistang estado mula 1986 hanggang 1992.

  • Read more about Corymania: Nagluwal ng Ramos, Estrada at Gloria

Kasinungalingan ang pambansang kalayaan sa panahon ng imperyalismo

Hunyo 12, araw ng "pambansang kalayaan" ng Pilipinas ay makitaan ng mga pagdiriwang at protesta. Pagdiriwang ng naghaharing paksyon ng burgesyang Pilipino na maka-imperyalistang Amerikano at protesta ng kabilang paksyon na laban sa imperyalistang Amerika.

  • Read more about Kasinungalingan ang pambansang kalayaan sa panahon ng imperyalismo

Charter Change: Tagumpay ng Naghaharing Uri

Nanawagan ang iba't-ibang organisasyon ng Kaliwa at burges na oposisyon ng full mobilizations at halos araw-araw na protesta sa kalsada laban sa Con-Ass ni Gloria. Hindi malayong "magmobilisa" din ang paksyong Arroyo ng kanilang mga "taga-suporta" para sa Cha-Cha at maglaan ng milyun-milyong pera para dito at sa propaganda.

  • Read more about Charter Change: Tagumpay ng Naghaharing Uri

Usaping Cha-Cha1: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa

 

Sentrong pampulitikang usapin ngayon ang Con-Ass2 ng mababang kapulungan ng burges na parliyamento. Sinolo ng maka-administrasyong mambabatas ang pagbabago sa kanilang Konstitusyon dahil alam nilang tutol dito ang dominado-ng-oposisyon na Senado.

Umani ito ng malawakang pagkondena ng iba't-ibang sektor ng lipunan.

May halaga ba sa ordinaryong manggagawa ang Saligang Batas ng mga Kapitalista?

  • Read more about Usaping Cha-Cha1: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa

Pahayag sa Internasyunal na Araw ng Paggawa, 2009

 

Sa gitna ng desperadong pagsisikap ng internasyunal na burgesya na pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema sa pamamagitan ng pagpapatindi sa mga atake nito sa uring manggagawa, ang Mayo Uno sa taong ito ay hindi lang simpleng internasyunal na araw ng mga protesta at demonstrasyon laban sa pandaigdigang kapitalismo kundi oportunidad para halawin ang mga aral sa pakikibaka ng uri laban sa mga atake ng kapital mula 2007.

  • Read more about Pahayag sa Internasyunal na Araw ng Paggawa, 2009

Krisis ng kapitalismo at ang tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri

Habang tumitindi ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa kabila ng “pagkakaisa” ng buong internasyonal na burgesya na isalba ito, tumitindi naman ang kompetisyon ng iba’t-ibang paksyon ng naghaharing uri sa Pilipinas para sa 2010 eleksyon. Tumitindi ngayon ang demolition jobs kapwa ng administrasyon at oposisyon laban sa kanilang mga karibal. Mga “paninira” na may bahid ng katotohanan. Ang kasinungalingan lang sa mga ito ay ang pagmamalinis ng mga “naninira”. Lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay napakalaki ang kasalanan sa masang pinagsamantalahan. Mga kasalanan na hindi maaring kalimutan o isantabi sa pamamagitan ng “taktikang pakikipag-alyansa sa isang paksyon”. Mga kasalanan na ang tanging tugon ng uri ay ideklara sa harap ng publiko na mortal na kaaway nito ang lahat ng mga paksyon ng burgesya – Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon.

 

  • Read more about Krisis ng kapitalismo at ang tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri
Subscribe to Pilipinas
Bahay
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Footer menu

  • Mga Batayang Posisyon
  • Pakikipag-ugnay