Sa aming masugid na mambabasa,
Nais naming ipaalam sa inyo na sa loob ng 8 oras ngayong Linggo, Setyembre 19, simula 04:00 GMT ay magkaroon ng maintenance sa aming site kaya hindi ito ma-access sa loob ng 8 oras. Hinihingi namin ang inyong pang-unawa. Maraming salamat at sana ay patuloy ninyong suportahan ang aming site.
INTERNASYONALISMO
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 148.07 KB |
Isinalin namin ang internasyunal na polyeto ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (International Communist Current) mula sa wikang English[1] para sa pakikiisa sa kasalukuyang pakikibaka ng mga manggagawa sa Greece laban sa paghihigpit ng kanilang "sosyalistang" estado. Ang paghihigpit na ito ay nagdulot ng dagdag hirap sa ating mga kapatid na manggagawa doon.
Pero hindi lang ito. Ang nangyari ngayon sa Greece ay patunay lamang na bangkarota na ang pandaigdigang kapitalistang sistema. Ang panibagong krisis ng sistema ay pumutok noong 2007. At sa kabila ng pagyayabang ng burgesya na "naampat" na nito ang krisis, lalo pang nagliyab ang apoy na sinindihan mismo ng mga internal na kontradiksyon ng kapitalismo.
Napapanahon din ang polyetong ito para sa Pilipinas dahil nag-uumapaw ngayon ang ilusyon ng populismo dahil sa napipintong pag-upo ni Benigno "Noynoy" Aquino III bilang bagong Chief Executive Officer (CEO) ng kapitalistang estado. Malaking bahagi ng populasyon ang naniwalang "maiahon" ni Noynoy ang Pilipinas mula sa kahirapan dahil sa kanyang programang "anti-korupsyon" at "malinis" na pamahalaan. Dapat maunawaan ng mga nagsusuring elemento sa Pilipinas na ang krisis sa Greece ay bahagi lamang ng paglaganap ng krisis sa buong mundo na tiyak aabot sa Pilipinas. At bilang napipintong bagong CEO, gagawin din ni Aquino ang ginagawa ngayon ng iba't-ibang kapitalistang estado para tangkaing isalba ang naghihingalong sistema: atakehin at pahirapan pang lalo ang masang anakpawis.
Tulad ng ibang kandidato at partido ng burgesya sa Pilipinas, si Benigno "Noynoy" Aquino III at ang kanyang Partido Liberal (LP) ay kaaway ng manggagawa at maralitang Pilipino.
Kaya naman ang kontra-rebolusyonaryong linya ng Kaliwa na "pambansa-demokratikong pakikibaka", "nagkakaisang prente", unyonismo, elektoralismo at parliyamentarismo ay tumutulong upang ilayo ang uring proletaryo sa tamang landas ng pakikibaka laban sa mga atake ng kapital: internasyunal na komunistang rebolusyon.
Dapat nating suportahan ang pakikibaka ng ating mga kapatid na manggagawa sa Greece. Ilunsad din natin ang mga pakikibaka laban sa sistema at estado mismo. Itakwil natin ang bangkarotang linya ng Kaliwa na lantay anti-Gloria Arroyo o laban lamang sa isang paksyon ng naghaharing uri habang nakikipaglampungan sa burges na oposisyon tulad ng ginawa ng maoistang Bayan Muna at sosyal-demokratikong Akbayan.
Sa minimum, nanawagan kami sa mga nagsusuring elemento sa Pilipinas na ipamahagi at talakayin ang polyeto ng IKT.
Internasyonalismo, 5/30/10
-------------------------------------------------------
Sa Greece, nagaganap ang malawak na galit at pagsabog ng panlipunang sitwasyon. Sa ngayon, inuulan ng atake ang uring manggagawa. Matinding tinamaan ang lahat ng henerasyon, lahat ng sektor ng uri. Mga manggagawa sa pribadong sektor, sa pampublikong sektor, walang trabaho, pensyonado, mga estudyanteng nagtatrabaho bilang kontraktwal... Walang pinatawad. Ang buong uring manggagawa ay nasa peligro ng kalunos-lunos na kahirapan.
Sa harap ng mga atake, nagsimulang lumaban ang uring manggagawa. Sa Greece, tulad sa ibang lugar, lumabas ito sa lansangan, nagwelga, pinakita na hindi ito handa sa hinihinging sakripisyo ng kapitalismo.
Subalit sa ngayon, ang pakikibaka ay hindi pa talaga naging malawak. Dumadaan ang mga manggagawa sa Greece sa mahirap na yugto. Ano ang gagawin kung ginigiit ng lahat ng media at lahat ng politiko na walang alternatiba liban sa paghigpit ng sinturon at iligtas ang bansa para hindi mabangkarota? Paano labanan ang halimaw na estado? Anong mga paraan ng pakikibaka ang gamitin para ang balanse ng pwersa ay papabor sa pinagsamantalahan?
Lahat ng mga katanungang ito ay hindi lang kinakaharap ng mga manggagawa sa Greece, kundi ng mga manggagawa sa buong mundo. Walang ilusyon: ang "trahediyang Griyego" ay ang sitwasyong naghihintay sa uring manggagawa sa buong mundo. Kaya ang "istilong Griyego na mga pakete ng paghihigpit" ay opisyal ng inanunsyo sa Portugal, Rumania, Japan at Spain (kung saan binawasan ng gobyerno ang sahod ng mga manggagawa sa pampublikong sekor ng 5%!) Sa Britain, ang bagong gobyernong koalisyon ay nagsimula ng ipakita ang mga pagbabawas na gagawin nito. Lahat ng mga atakeng ito, na sabay-sabay na ginagawa, ay patunay muli na ang mga manggagawa, anuman ang kanilang nasyunalidad, ay bahagi ng isa at iisang uri na kahit saan ay parehas ang interes at magkatulad ang kaaway. Pinilit ng kapitalismo ang proletaryado na tiisin ang mabigat na kadena ng sahurang paggawa, pero ang kadena ding ito ang nag-uugnay sa mga manggagawa sa lahat ng mga bansa, lagpas sa lahat ng mga hangganan.
Sa Greece, ang ating mga kapatid sa uri ang inaatake at nagsimulang lumaban. Ang kanilang pakikibaka ay ating pakikibaka.
Pakikiisa ng mga manggagawa sa Greece! Isang uri, isang pakikibaka!
Dapat nating itakwil ang lahat ng dibisyon na ipinataw ng burgesya sa atin. Laban sa lumang prinsipyo ng lahat ng naghaharing uri - "hatiin at harian" - dapat nating ibandila ang sigaw ng pinagsamantalahan: "manggagawa sa lahat ng mga bansa, magkaisa!"
Sa Uropa, ang iba't-ibang pambansang burgesya ay nagsikap na papaniwalin tayo na dahil sa Greece ay dapat tayong maghigpit ng sinturon. Ang pagsisinungaling ng mga taong namuno sa Greece, na hinayaang mabuhay ang bansa sa utang ng ilang dekada at kinurakot ang pera ng bayan, sila ang pangunahing dahilan ng "internasyunal na krisis ng tiwala" sa euro. Sa kabilang banda, ginagamit ng mga gobyerno ang kasinungalingang ito para ipaliwanag ang pangangailangan ng pagbawas ng depisit at ipatupad ang mala-halimaw na hakbanging paghihigpit.
Sa Greece, lahat ng mga opisyal na partido, sa pangunguna ng Partido Komunista, ay winasiwas ang damdaming makabayan, sinisisi ang "mga dayuhang kapangyarihan" sa mga atake. "Ibagsak ang IMF at ang European Union!" "Ibagsak ang Germany!" - ang mga islogang ito ang ibinabandila sa mga demonstrasyon ng kaliwa at dulong-kaliwa, ginagamit nila ang lahat para ipagtanggol ang pambansang kapitalismong Griyego.
Sa USA, kung babagsak ang stock market, ito ay dahil sa instabilidad ng Eropean Union; kung nagsasara ang mga kompanya, ito ay resulta ng paghina ng euro, na nakakagulo sa dolyar at eksport ng US...
Sa madaling sabi: bawat pambansang burgesya ay sinisisi ang kanilang kapitbahay at tinatakot ang pinagsamantalahang manggagawa: "tanggapin ang mga sakripisyo, kung hindi ang bansa ay hihina at samantalahin ito ng ating mga karibal laban sa atin". Sa ganitong paraan nagsisikap na naghaharing uri na isalaksak sa atin ang nasyunalismo, na peligrosong lason sa makakauring pakikibaka.
Ang mundo ng pagkakahati sa pagitan ng nagbabangayang mga bansa ay hindi atin. Walang mapapala ang uring manggagawa sa pagkatali sa kapital sa bansang tinitirhan niya. Ang pagtanggap ng mga sakripisyo ngayon sa ngalan ng "pagtatanggol ng pambansang ekonomiya" ay paraan lamang para ihanda ang pundasyon para sa mas mabigat na sakripisyo sa hinaharap.
Kung ang Greece ay nasa bingit ng bangin; kung ang Spain, Italy, Ireland at Portugal ay malapit na rin; kung ang Britain, France, Germany, ang US ay nasa malalim na krisis din, ito ay dahil naghihingalo na ang kapitalismo. Lahat ng mga bansa ay lalupang masadlak sa kagukuhang ito. Sa loob ng nagdaang 40 taon ang pandaigdigang ekonomiya ay nasa krisis na. Sunod-sunod ang resesyon. Ang desperadong pangungutang lamang hanggang ngayon ang dahilan ng anumang antas ng paglago. Subalit ang resulta ngayon ay ang mga pamilya, kompanya, bangko at estado ay nasadlak sa bigat ng utang. Isa lamang karikatura ang bangkarotang Greece sa pangkalahatan at istorikal na bangkarotang mapagsamantalang sistema.
Kailangan ng naghaharing uri na hatiin tayo: kailangan natin ng pagkakaisa! Ang lakas ng uring manggagawa ay nasa pagkakaisa!
Ang planong paghihigpit na inaanunsyo ngayon ay harapan, pangkalahatang atake sa kondisyon ng ating pamumuhay. Ang tanging posibleng sagot ay malawakang pagkilos ng mga manggagawa. Imposibleng labanan ang mga atakeng ito kung sa sarili mo lang bakod, sa sariling pabrika, eskwelahan o opisina, naiilang at nag-iisa. Kailangan ang malawakang paglaban. Ito lamang ang tanging alternatiba para hindi hiwa-hiwalay na madurog at magdusa sa kahirapan.
Pero ano ang ginawa ng mga unyon, yaong opisyal na mga 'espesyalista' sa pakikibaka? Nag-oorganisa sila ng mga welga sa maraming pagawaan ... na walang pagsisikap na pagkaisahin sila. Aktibo silang silang nambuyo ng seksyunal na dibisyon, laluna sa pagitan ng pribado at pampublikong manggagawa. Pinakilos nila ang mga manggagawa sa nakakabaog na ‘mga araw ng aksyon'. Sila ay tunay na mga espesyalista sa paghati-hati sa uring manggagawa. Bihasa din ang mga unyon sa pagsalaksak ng nasyunalismo. Isang halimbawa: ang pinaka-komon ng islogan ng mga unyong Griyego magmula kalagitnaan ng Marso ay "bumili ng produktong Griyego!"
Ang pagsunod sa mga unyon ay laging nagkahulugan ng pagsunod sa daan tungo sa pagkahati-hati at pagkatalo. Kailagang hawakan ng mga manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang mga kamay, sa pamamagitan ng pag-organisa ng mga pangkalahatang asembliya at magpasya sa mga kahilingan at islogang ibabandila, sa pamamagitan ng pagpili ng mga delegado na anumang oras ay maaring tanggalin at sa pamamagitan ng pagpapadala ng maramihang delegasyon sa ibang mga grupo ng mangggawa, sa pinakamalapit na mga pagawaan, opisina, eskwelahan at ospital, na may layuning himukin sila na sumama sa kilusan.
Labas sa unyonismo, mangahas na kontrolin ang pakikibaka, maghanap ng paraan na puntahan ang ibang sektor ng manggagawa... lahat ito ay parang mahirap. Isa ito sa mga hadlang sa pag-unlad ng pakikibaka ngayon: kulang ng tiwala sa sarili ang uring manggagawa. Hindi pa ito mulat sa napakalaking kapangyarihan nasa kanyang mga kamay. Sa ngayon, ang marahas na mga atake na inihambalos ng kapitalismo, ang brutalidad ng pang-ekonomiyang krisis, ang kakulangan ng proletaryado ng tiwala sa sarili - lahat ng ito ay nakakaparalisa ang epekto. Ang tugon ng mga manggagawa, kahit sa Greece, ay mababa pa rin kumpara sa hinihinging bigat ng sitwasyon. At ganun pa man, ang bukas ay nasa uring manggagawa pa rin. Laban sa mga atake, ang tanging paraan para sumulong ay ang pag-unlad ng lumalaking malawakang mga paglikos.
Nagtatanong ang ilang tao: "bakit maglunsad pa ng ganoong pakikibaka? Saan sila patungo? Dahil bangkarota ang kapitalismo, at walang reporma na posibleng mangyari, ibig ba sabihin na wala ng solusyon?" At totoo, sa loob ng sistema ng pagsasamantala, wala ng solusyon. Pero ang pagtutol na ituring bilang aso at kolektibong lumaban ay nagkahulugan na lumaban na may dignidad. Nagkahulugan na ang realisasyon ng pagkakaisa ay umiiral talaga sa mundo ng kompetisyon at pagsasamantala at tunay na may kapasidad ang uring manggagawa na isabuhay ang makataong damdaming ito. At ang posibilidad ng ibang mundo ay magsimulang lilitaw, isang mundo na walang pagsasamantala, mga bansa o hangganan, isang mundo para sa sangkatauhan at hindi para sa tubo. Kaya at kailangan ng uring manggagawa na magtiwala sa sarili. Siya lamang ang may kapasidad na itayo ang bagong lipunan at ibalik ang sangkatauhan sa kanyang sarili sa pamamagitan ng pagtupad sa sinabi ni Marx na "ang pag-igpaw mula sa mundo ng pangangailangan tungo sa mundo ng kalayaan".
Bangkarota na ang kapitalismo, pero posible ang ibang mundo: komunismo!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 24 Mayo 2010
[1] Ang wikang English ay nandito: https://en.internationalism.org/icconline/2010/05/against-austerity-clas... [2]
Hindi pa man opisyal na nagsimula ang kampanya ng mga kandidato para sa eleksyon ngayong Mayo ay nagsimula na ang madugong labanan ng mga kandidato sa lokal na antas.
Kung maalala natin, ang masaker sa Maguindanao noong Nobyembre 2009 ang pinaka-marahas na kaganapan sa kasaysayan ng Pilipinas kaugnay sa tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri sa pag-aagawan ng posisyon.
Magmula noon, sunod-sunod na ang mga karahasan sa lokal na antas kung saan ang mga biktima ay ang mga lokal na kandidato o lokal na lider ng mga burges na partido, partikular ang nasa oposisyon. Patunay lamang ito na sa panahon ng naaagnas na sistema, ang tunggalian ng mga paksyon ng mapagsamantalang uri ay nagkakaanyo na sa marahas na labanan para sa posisyon sa loob ng estado.
Kung hindi man nakikita ang karahasan ng tunggalian sa panahon ng eleksyon sa mga abanteng kapitalistang bansa na siyang modelo ng demokrasya, ito ay sa kadahilanan, pangunahin, na relatibong malawak pa ang maaring paghatian ng mga paksyon at mas kailangan nila ang pananatili ng mistipikasyon ng demokrasya dahil ang kaharap nila ay ang pinakamalakas at pinaka-organisadong seksyon ng internasyunal na proletaryo.
Kaiba ito sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas kung saan relatibong mas mahina ang independyenteng kilusang manggagawa at hamak na mas malakas ang mistipikasyon ng nasyunalismo at demokrasya. Higit sa lahat, di hamak na mas makipot ang pinag-aagawang pambansang yaman ng iba't-ibang paksyon. Kaya naman, para sa iba't-ibang paksyon isang buhay at kamatayan ang pagpasok sa estado at paghawak ng posisyon hindi lamang para sa indibidwal na interes kundi maging sa interes ng kani-kanilang pamilya bilang bahagi ng “dugong bughaw” sa lipunang bulok na sa kaibuturan.
Ang mga ito ang pangunahing dahilan kung bakit lalong lumala ang dinastiyang politikal at warlordismo sa Pilipinas. Subalit, dapat nating malaman bilang mga rebolusyonaryo na hindi ito partikular sa Pilipinas. Ito na ang tunguhin ng daigdig ngayon sa ilalim ng nabubulok na kapitalismo.
Kahit ang tendensyang paglahok ng Kaliwa sa eleksyon at pagpasok sa kapitalistang estado ay matagal ng ginagawa ng mga traydor na kapatid nito sa abanteng kapitalistang bansa at maging sa atrasadong mga bansa gaya ng “matagumpay” na estratehiya ng mga “radikal” na pundamentalista sa Gaza, Lebanon, at sa “sosyalistang” Kaliwa sa Central at Latin America.
At tulad ng nangyari sa Gitnang Silangan, ang paglahok ng armadong Kaliwa sa Pilipinas sa burges na eleksyon, laluna ng maoistang “Partido Komunista” ng Pilipinas, lalong liliyab at mas malakas ang pagsabog ng marahas na tunggalian panahon ng mga eleksyon.
Ang “demokratiko” at “mapayapang” eleksyon na pinanggalingan ng malaking kasinungalingan ng burgesya na paraan diumano para makapagdesisyon ang nakararami sa mga “lider” na “kakatawan” sa kanila sa loob ng estado para dadalhin sila sa “langit ng kasaganaan” ay isang maskara lamang sa paghari ng takot at damdaming kawalan ng kapangyarihan ng nakararaming mamamayan dahil ang bawat paksyon ay may sariling armadong grupo na walang ibang katapatan kundi sa mga burges na partidong walang ibang interes kundi panatilin ang bulok na kaayusan.
Magtagumpay man ang mga paksyon ng Kanan at Kaliwa ng burgesya na ipakitang “malinis” at “kapani-paniwala” ang bulok na halalan sa Mayo, hindi nila maitago at mapigilan ang paglakas at paglala ng karahasan ng kanilang pag-aagawan sa posisyon.
Talyo
Dalawang pambansang isyu ang pumutok ngayon sa Pilipinas: ang isyu ng mga manggagawa ng PAL at ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita. Ang una ay ang napipintong tanggalan ng halos 3,000 manggagawa, mass resignation ng mga piloto ng national flag carrier at ang napipintong welga ng mga flight stewards, kung saan ang pangunahing isyu ay ang pagtaas ng sahod, seguridad sa trabaho at retirement. Ang huli ay ang usapin ng maniobra at pambabaraso ng management ng Hacienda Lusita na pag-aari ng pamilyang Cojuangco-Aquino para piliting tanggapin ng naghihirap na manggagawang-bukid ang stock sharing scheme.
Sa dalawang pambansang isyung ito, nakikita ng masang manggagawa at magsasaka kung anong uri nagsisilbi ang estado, na pinaniwalaan nila na nasa pamumuno ng isang "popular" at "maka-masang" pangulo. Salamat sa pagtutulungan ng Kanan at Kaliwa noong nakaraang eleksyon, naisalaksak ng mga ito sa kaisipan ng masa na may pag-asa pa sa eleksyon basta manindigan lamang ang nakararami na iboto ang mga kandidatong may "malinis na hangarin" sa tuktok ng kapitalistang estado.
Pakikibaka sa PAL
Ilang buwan ng nag-aalburotong sasabog ang welga ng mga manggagawa ng Philippine Airlines (PAL) dahil sa plano ng management na tanggalin ang halos 3,000 manggagawa sa pamamagitan ng iskemang early retirement at voluntary retirement na inihapag nito sa unyon. Mariin itong tinutulan ng mga manggagawa dahil ayaw ng mga ito na magsakripisyo para isalba ang kompanya mula sa pagkalugi bunsod ng tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo.
Subalit dahil nasa pamumuno ito ng unyon, madaling naigapos ng uring kapitalista at estado ang mga manggagawa sa mga anti-kapitalistang batas. Kaya naman hanggang ngayon ay hindi pa naiputok ang welga dahil takot ang unyon na ideklarang ilegal ito ng estado.
At dahil din sa matinding kompetisyon at iringan ng iba't-ibang unyon na hawak ng iba't-ibang paksyon ng Kanan at Kaliwa ng burgesya, walang nangyaring malawakang mga pagkilos ang ibang mga pabrika na hawak ng ibang paksyon ng Kaliwa na karibal na unyon ng PAL na hawak naman ng Lagmanistang Partido ng Manggagawa (PM). Idagdag pa dito na takot ding labagin ng ibang mga unyon ang mga anti-manggagawang batas ng estado.
Nang pumutok nitong mga nakaraang linggo ang mass resignation ng mahigit 20 piloto ng PAL dahil sa usapin ng mababang sahod ay nagkukumahog sa pakikialam ang Malakanyang, na siyang naging mitsa na maging laman ito ng mga pahayagan at telebisyon sa loob ng ilang linggo.
Nalantad ang layunin ng Kaliwa at unyon sa isyu ng PAL
Muli, bunsod ng pakikialam ng rehimeng Aquino sa isyu ng PAL, ay umalingawngaw ang sentral na layunin ng unyon at Kaliwa: kapitalismo ng estado. Ang ultimong layunin ng unyon at Kaliwa ay isalba ng estado ang PAL sa pamamagitan ng pagkontrol nito o gawing pag-aari ng estado o kaya joint ownership ng pamilyang Tan at gobyerno. Para sa mga ito, ang estado lamang ang tagapagligtas para magkaroon ng mataas na sahod at seguridad sa trabaho ang mga manggagawa.
Ang ganitong pananaw ay hindi salungat sa makauring interes ng burgesya. Sa halip ay nakakatulong pa ito para patuloy na ihasik ang lason ng repormismo, parliyamentarismo at elektoralismo sa hanay ng malawak na masa.
Nais ng Kaliwa na ipalunok sa masang manggagawa na "progresibo" ang kapitalismo ng estado kaysa "pribadong" kapitalismo o popular sa tawag na "globalisasyon" sa hanay ng Kaliwa. At dahil dito ay epektibong naitago ng kaliwang kamay ng naghaharing uri na lubusan ng bangkarota at walang kapasidad ang estado para isalba ang krisis ng sistemang pinagtatanggol nito.
Tagapagligtas ba ang estado?
Ang estado kailanman ay hindi para sa masang anakpawis. Maging ang sinasabi ng Kaliwa na "estado ng manggagawa", "gobyerno ng mamamayan" at "sosyalistang estado" ay pawang nagsisilbi sa interes ng kapitalistang moda ng produksyon.
Ang kapitalismo ng estado ("sosyalismo" sa dating Bloke ng Silangan at Stalinistang Rusya) ay ang Keynesianismo sa Kanluran matapos sumabog ang unang pandaigdigang krisis ng dekadenteng kapitalismo noong 1920s o ang popular na ‘The Great Depression of 1929'. Subalit hindi napigilan ng Keynesianismo at Stalinistang "sosyalismo" ang pagputok ng WW II, ang ikalawang inter-imperyalisng digmaan na mas masahol pa sa WW I. Kabaliktaran pa nga ang nangyari: ang imperyalistang katangian ng mga ito ang dahilan ng ikalawang pandaigdigang digmaan bunsod ng unang pandaigdigang krisis ng dekadenteng kapitalismo.
Sa loob ng ilang dekada, ang dalawang tipo ng kapitalismo ng estado sa Silangan at Kanluran ang nagpahirap ng daang milyong mamamayan sa buong mundo, na dinagdagan pa ng inter-imperyalisng digmaan sa anyo ng mga digmaan para sa "pambansang kalayaan at demokrasya".
Napatunayan ng kasaysayan na bangkarota na ang estado, sa kabila ng katotohanan na nabubuhay pa rin ito. Noong 1990s ay nagkaisa ang burgesya sa buong mundo na lubusan ng itakwil ang Keynesianismo at ang kahalintulad nito, pero mas totalitaryan na Stalinismo. Kasabay ng pagkawasak ng Bloke ng Silangan at ng imperyalistang USSR ay binuo ng internasyunal na burgesya ang "globalisasyon" o "pribadong" kapitalismo. Narito ang malaking kasinungalingan ng "globalisasyon" na sinuportahan ng Kaliwa: pinaubaya na ng mga estado ang ekonomiya ng kapitalismo sa mga pribadong kapitalista, sa mga transnational at multi-national corporations. Ito ay malaking kasinungalingan dahil mula WW I ay nasa yugto na ang kapitalismo ng kapitalismo ng estado o ang aktibo at tahasang panghihimasok ng estado sa buhay panlipunan para isalba sa tuluyang pagkawasak ang bulok na kapitalismo.
Naghuhumiyaw ang lahat ng paksyon ng Kaliwa laban sa "globalisasyon". At ang sigaw nila ay: muling ibalik sa kontrol ng mga estado ang ekonomiya ng mundo mula sa naglalaway na bunganga ng mga TNCs/MNCs, sa pribadong kapital!
Ganun pa man, napipi ang lahat ng paksyon ng Kanan at Kaliwa ng biglang sumabog ang panibagong krisis ng pandaigdigang kapitalismo noong 2007. Ang "globaliasyon" na diumano solusyon sa krisis bunsod ng kapitalismo ng estado (Keynesianismo at Stalinismo) ay nadurog kasabay ng pagsabog ng financial crisis na nag-umpisa sa sentro mismo ng kapitalismo ng mundo: Amerika.
Ang kapitalismo ng estado na isinuka ng Reaganomics at Thatcherism noong 1980s ( ang "ama" at "ina" ng globalisasyon sa 1990s) ay "muling" kinain ng internasyunal na burgesya para desperadong isalba ang kapitalismo. Muling namayagpag ang aktibo at hayagang pakikialam ng mga estado para isalba ang ekonomiya mula sa "pang-aabuso" ng mga pribadong kapitalista. At dahil matagal ng bangkarota ang mga estado, hanggang ngayon ay hindi pa naampat ng internasyunal na burgesya ang pagkalat ng apoy ng krisis. Katunayan, sa halip na mapigilan ay kumalat na ito sa Uropa ng pumutok ang krisis sa Greece, Spain at Portugal, matapos nagyabang ang mga burges na eksperto na "naampat" na nito ang pagdurugo ng sistema.
Sa halip na matauhan ang Kaliwa, mas lalong humigpit ang paghawak nito sa kanilang paniniwala sa kapitalismo ng estado. Talagang tapat sa kanilang papel ang Kaliwa: tigasabotahe ng proletaryong rebolusyon sa loob ng kilusang paggawa.
Para sa kanila, hindi sapat ang neo-Keynesianismo ng burgesya para isalba ang krisis ng 2007. Ang ibang paksyon naman ng Kaliwa, gaya ng mga maoista-stalinista ay mas lalupang nagsisigaw na tama ang Maoismo-Stalinismo bilang epektibong porma ng kapitalismo ng estado.
At ito ang dala-dala ng Kaliwa sa isyu ng PAL: isalba ng rehimeng Aquino ang PAL.
Pero bakit ayaw ariin ng estado ang PAL?
Hindi na bago sa Pilipinas na ariin ng estado ang isang industriya. Nangyari na ito noong panahon ng diktadurang Marcos. At dahil sa matindi na ang kakitiran ng pandaigdigang merkado magmula 1970s ay nalugmok sa matinding pagkalugi ang mga industriyang pag-aari ng estado hindi lang sa Pilipinas kundi sa iba pang mga bansa. Ang mga industriyang pag-aari ng estado ay naging pabigat sa kanya: paglaki ng kanyang utang at depesit. Ang kasalukuyang utang ng gobyerno ng Pilipinas ay umabot na sa P4.44 trilyon, tumaas ng P46 bilyon kumpara noong nakaraang taon habang ang kanyang depisit sa badyet ay umabot na sa P162 bilyon, mas mataas ng 33% kumpara noong 2009.At ang pangunahing lubog sa utang ay ang mga industriya at ahensyang pag-aari ng estado gaya ng National Food Authority kung saan umabot na sa P171 bilyon ang utang, 400% na mas mataas kumpara noong 2003.
Alam ito ng rehimeng Aquino. Isang pagpapatiwakal para sa kanya kung isasalba niya ang PAL na "wala sa panahon": ang kondisyon na talagang naghihingalo na ito. Ang malalaking industriya na sandalan ng bulok na sistema ay ililigtas at ililigtas ng estado kahit ano pa ang kapalit nito, kung saan laging ang uring manggagawa ang biktima.
Isa pang salik ay marahil nangangamba ang bagong rehimen na sa halip na makakatulong sa pagmintina ng ilusyon ng populismo ay lalupang hahatakin pababa ang rehimen kung ngayon agad ay isasalba na niya ito gaya ng ginawa ng ibang mga estado sa Uropa at Amerika dahil di hamak na mas bangkarota ang estado ng Pilipinas kumpara sa abanteng kapitalistang mga bansa.
Ganun pa man, sa larangan ng paghahasik ng ideolohiyang kapitalismo ng estado ay nasa "win-win" solution ang "girian" ng Kanan at Kaliwa sa usapin ng pagsalba o hindi ng estado sa isang naghihingalo o naluluging industriya na mahalaga sa pambansang interes.
Kung nahihirapan sa ngayon ang mga empleyado ng gobyerno at ang government-owned corporations tiyak na ganun din ang daranasin ng mga pribadong industriya na "isasalba" ng estado, ito man ay sa anyo ng bail-out, lubusang pag-aari o state-private joint ownership.
Pag-aari man ng estado o hindi, ang mga problema ng mababang sahod at kontrakwalisasyon ay mananatili dahil ito na lamang ang pinagkukunan ng hininga ng naghihingalong sistema.
Pakikibaka ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita
Magkaribal man na paksyon ng Kaliwa ang namuno sa pakikibaka ng PAL at Hacienda (ang PAL ay nasa pamumuno ng "leninistang" Partido ng Manggagawa habang ang Lusisita ay nasa pamumuno ng mga maoista) ay walang pagkakaiba ang kanilang layunin: dapat makialam o kontrolin ng estado ang Hacienda Luisita. Katunayan, tinuligsa ng mga maoista ang rehimeng Aquino dahil diumano sa hindi pakikialam nito sa pinakahuling kompromisong kasunduan sa pagitan ng mga manggagawang-bukid at management ng Hacienda. Subalit, kahit ang mga maoista mismo ay alam nila na aktibong nakialam ang rehimeng Aquino sa isyung ito.
Ang kaibahan din ng pakikibaka ng PAL at Hacienda Luisita ay ang una ay nagtangkang bumangon mula sa pagkatalo ng welga nito mahigit sampung taon na ang nakaraan. Samanatalang ang huli ay hindi pa rin nakabangon mula sa madugong pagkatalo noong maagang bahagi ng taong 2000. Kaya naman ang compromise deal na nangyari nitong nakaraang mga araw ay manipestasyon ng pagkatalo nito gaya ng compromise deal ng unyon ng PAL noon (CBA moratorium for 10 years).
Gaya ng PAL noon, mahigit 70% ng 10,502 manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita ang pumayag sa mapagsamantalang stock distribution option (SDO) ng management.
Indibidwal na pag-aari ng lupa
Ang mga maoistang namuno sa Hacienda Luisita, isang kapitalistang Hacienda kung saan ang pangunahing produktibong pwersa nito ay ang mga manggagawang-bukid ay pilit na isinalaksak sa utak ng kanilang baseng masa na ang solusyon sa kapitalistang pagsasamantala sa kanayunan ay ang indibidwal na pag-aari ng lupa: "lupa sa mga nagbubungkal". Sa madaling sabi ay mula sa burges na produksyon paatras sa peti-burges na moda ng produksyon sa ilalim ng isang totalitaryan na kapitalismo ng estado sa ngalan ng "demokratikong gobyerno ng bayan" na pinamunuan ng isang partido "komunista". Ito ang esensya ng "rebolusyonaryong agraryo" ng mga maoista. Ang usapin ng kooperatibismo sa ilalim ng kapitalismo ay ginawang palamuti nito.
Hindi natuto at ayaw matuto ng Kaliwa na sa matagal ng karanasan na ang indibidwal na pag-aari ng lupa ay nauuwi lamang sa pagkahati ng kanayunan sa iilang kapitalistang magsasaka at maraming manggagawang-bukid bilang sahurang alipin nito. Kahit ang sinasabi nitong "demokratikong gobyerno" ay naging isang sentralisadong kapitalistang entidad habang huridikal (sa papel lamang) ang pag-aari ng manggagawang-bukid sa lupa.
Sa esensya ay wala itong kaibahan sa naglipana ngayong "cooperative" ownership na isinagawa ng ilang mga unyon sa Mindanao na sa esensya ay naging isang human resource agencies para sa kontraktwalisasyon ng manggagawang-bukid sa bunganga ng malalaking plantasyon.
Sa larangan ng praktikalidad, hindi aabot ng isang ektarya lupa ang maaring ariin ng 10,502 benepisyaryo kahit pa buong-buong ibigay ang 6,500 ektaryang lupa ng Hacienda. Sa ganito kaliit pa lang na pag-aari, tiyak na hindi ito sapat para buhayin ang isang pamilyang may anim ka tao. Kaya nga mapanlinlang ang "lupa sa mga nagbubungkal" dahil ang tunay na solusyon sa problemang agraryo sa kanayunan ay sosyalisasyon ng pag-aari na makakamit lamang sa isang sosyalistang lipunan matapos manalo ang internasyunal na proletaryong rebolusyon.
Malawakang makauring pakikibaka
Tama lamang at kailangang tutulan ng mga manggagawang-bukid sa Hacienda Luisita ang compromise deal. Wasto na ilunsad ng mga manggagawa sa PAL ang welga laban sa malawakang tanggalan, mababang sahod at retirement. Subalit para muling susulong ang kanilang pakikibaka ay kailangang hawakan nila ang laban sa kanilang sariling mga kamay sa pamamagitan ng mga asembliya na hiwalay at awtonomos sa mga organisasyon ng Kaliwa at Kanan.
Higit sa lahat ay ang pangangailangan na palawakin ang pakikibaka: pagkakaisa at pakikibaka ng mas malawak na manggagawa na ang dala-dala ay ang mga pangkalahatang kahilingan na magagawa sa pamamagitan ng mga asembliya nito, pagkakaisa ng mas malawak na manggagawang-bukid, at higit sa lahat pagkakaisa ng mga asembliya ng manggagawa at magsasaka.
Pero hindi ito mangyayari sa ilalim ng pamumuno ng mga unyon at organisasyon ng Kaliwa na malalim ang kompetisyon at sektaryanismo. Ang mga unyon at organisasyon ng Kaliwa sa Pilipinas ang isa sa pangunahing hadlang kung bakit walang pagkakaisa at koordinasyon ang laban ng manggagawa at magsasaka. Sila ang dahilan kung bakit ang makauring laban sa ilalim ng kanilang pamumuno ay nauuwi sa kanya-kanya, pagkatalo at demoralisasyon.
Mas lalong hindi makakamit ang tagumpay ng pakikibaka sa repormistang taktika ng mga unyon at Kaliwa na "legal na pakikibaka" (sa korte o kaya sa DOLE) dahil ang mga batas mismo na pagbabatayan ng desisyon ay kontra-manggagawa at magsasaka. Sa halip ito ay kadena at malamig na tubig upang ang namumuong militansya ng uri ay maglaho at mapalitan ng demoralisasyon at pagsuko. Pagsuko na gagawin na namang "tagumpay" ng mga unyon at Kaliwa sa kanyang baseng masa at sa media.
Dapat matuto ang mga manggagawang industriyal at manggagawang-bukid sa pakikibaka ng mga manggagawa sa Panama nitong nakaraang mga buwan: malawakang welga laban sa mga anti-manggagawang batas ng estado kung saan ay nanalo ang masang anakpawis sa Panama.
Nasa malawakang pakikibaka sa lansangan ang kapangyarihan ng nagkakaisang manggagawa at magsasaka. Ito din ang mitsa para sa isang tunay na rebolusyon ng masang api para durugin ang estado at bulok na sistema.
Patrick, Agosto 18, 2010
Lahat ng mga kandidato ay inaaming dumarami ang naghihirap na mga Pilipino. Ito ang katotohanang hindi nila kayang itago. Isang katotohanan na lagi na lang may "solusyon" sa panahon ng kampanya ng eleksyon. Katotohanan na ang "solusyon" diumano ay kung si ganito o si ganoon ang mananalo at makaupo sa pwesto. Laging ganito ang naririnig at nababasa ng taumbayan, laluna ng manggagawa at maralita tuwing sasapit ang halalan.
"Malinis na pamahalaan", "matino at tapat na taong nasa pwesto", walang kurakot na gobyerno", "libreng edukasyon", "trabaho", "tamang sahod", "lupa", "pabahay"..... Ito na ang laging sinasabi ng mga kandidatong nangangailangan ng boto ng manggagawa at maralita para masungkit nila ang kapangyarihan sa bulok na pamahalaan.
Bawat isa sa mga kandidato ay nagsasabing "ako at ang aking partido ang may tunay na plataporma at programa para maiahon ang sambayanan mula sa kahirapan". Ilang dekada na ba nating narinig ang mga katagang ito? Ilang dekada na ba nating narinig na naghirap diumano ang bansa dahil sa "maling pamamahala", dahil "hindi mga tamang tao ang naluklok sa gobyerno". Hindi ba't ito lagi ang sinasabi ng nasa oposisyon na nais palitan ang administrasyon?
Ang administrasyon naman ay laging nagsasabing wala sa kanila ang problema kundi "hindi sapat na panahon ng panunungkulan" ang siyang dahilan kung bakit ang mga pangako ay hindi natupad. Ang nasa administrasyon ay sinisisi ang lahat maliban sa kanilang sarili sa mga kapalpakan ng kanilang "plataporma" at "programa".
Ganito lagi ang eksenang nakikita natin sa kada tatlo at anim na taong palabas ng eleksyon.
Katotohanang matagal na nating alam
Matagal na nating alam na lahat ng mga kandidato ay walang kaibahan sa isa't-isa. Matagal na nating alam na ang nais lamang nila ay uupo sa pwesto para lalupang magpayaman gamit ang kapangyarihan.
Kaya nga ang iba sa ating mga kapatid ay ginawa na lamang "pantawid-gutom" ang eleksyon dahil alam nila na walang pagbabagong mangyari sa kanilang hirap na kalagayan matapos ang eleksyon.
Ang puno't dulo ng kahirapan ay ang bulok na sistema ng ekonomiya ng bansa na nagbunga ng bulok na gobyerno. Walang sinumang "santo" at "santa" ang may kapangyarihang gawing maayos ang pamahalaan na nakatungtong at nabubuhay mula sa mabangong singaw ng bulok na panlipunang kaayusan.
Higit sa lahat, wala sa mga "super-hero" na politiko at kapitalistang partido ang kapangyarihan upang wakasan ang kabulukan ng sistema at estado dahil ito mismo ang pinagtatanggol nila. Ang may kapasidad lamang nito ay ang uring may istorikal na kapasidad at kapangyarihan upang durugin ang mapagsamantalang kaayusan: ang uring manggagawa.
Ang panlipunang sistema na nakabatay sa ganansya, sa ganansyang ang tanging pinaggalingan ay ang libreng paggawa ng masang anakpawis, sa pag-aari ng minorya sa mga kagamitan ng produksyon, na siyang dahilan ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon at patuloy na kawalang kapasidad ng nakararami na bilhin ang mga batayang pangangailangan, ang tunay na puno't dulo ng korupsyon at kabulukan ng gobyerno.
Tiwala sa sariling lakas, ibagsak ang sistema ng kapital
Wala sa loob ng gobyerno ang solusyon sa mga problema ng kahirapan. Ang solusyon ay durugin ang kapitalistang gobyerno at itayo ang kolektibo at rebolusyonaryong kapangyarihan ng manggagawa. Hindi ito makakamit sa pamamagitan ng eleksyon kahit pa pagandahin ang mga dekorasyon ng mga "radikal" at "rebolusyonaryo" sa loob ng gobyerno at parliyamento, na siyang ginagawa ngayon ng mga oportunista at traydor na mga organisasyon ng Kaliwa.
Ang tanging solusyon ay rebolusyon ng manggagawa para wasakin ang kapitalistang mga relasyon.
Subalit, ang malaking hadlang ay ang kawalan ng tiwala ng masang manggagawa at maralita sa kanilang sariling lakas at pagkakaisa, ang kawalan ng tiwala na kayang-kaya nilang organisahin ang kanilang sarili at kayang-kaya nilang labanan ang naghahari at mapagsamantalang mga uri sa lipunan.
Ang papel ng Kaliwa at burges na oposisyon ay lalupang itulak ang masa na lubusang mawalan ng tiwala sa sarili dahil sa ganitong sitwasyon lamang kakapit at maniwala ang masa sa mga panlilinlang at pagsisinungaling ng mga umaangking "lider", "abanteng destakamento" at "tagapagligtas". Ang mga "lider" at "kinatawan" ng masa ang "tanging may kapangyarihan" upang iahon ang huli sa kahirapan. At dahil hindi naman talaga matutupad ang mga pangako, sisihin ng mga "lider" at "kinatawan" ang masa mismo dahil "hindi aktibong sumusuporta" at "nanatiling pasibo", mas masahol pa, "mababa ang kamulatan", hindi katulad sa mga "lider" at "kinatawan" na "mataas na ang kamulatan".
Sindak na sindak ang lahat ng mga politiko (Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon) na darating ang panahon na hawakan na mismo ng masa sa kanilang mga kamay ang pagpanday ng kanilang kinabukasan. Dahil ang ibig sabihin nito ay itinatakwil nan g nakararami ang eleksyon at hinahawakan na nila ang rebolusyon.
Kaya naman nagtulong-tulong ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri, sa kabila ng kanilang matinding kompetisyon at siraan na manatiling nakakulong ang malawak na masa sa mga mistipikasyon ng eleksyon dahil ayaw ng naghaharing uri na tahakin ng masang anakpawis ang kanilang sariling landas, ang landas ng proletaryong rebolusyon.
Patrick, Pebrero 9, 2009
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 285.12 KB |
Maghanda! Isulong ang Militanteng Pakikibaka
Laban sa Bagong Pangulo ng Pilipinas!
(Pahayag sa Mayo 1, 2010)
Ilang araw na lang, magkaroon na ng bagong pangulo ang kapitalistang estado ng bansa. Ngayong Mayo 1, dapat gawin itong okasyon ng manggagawang Pilipino upang maghanda dahil tiyak, sunod-sunod na atake na naman ang gagawin ng bagong Chief Executive Officer (CEO) ng kapitalistang sistema laban sa hirap na hirap na mamamayan.
Eleksyon ng burgesya, hindi ng manggagawa
Tulad ng nagdaang mga halalan sa Pilipinas, ang eleksyon ngayong Mayo ay eleksyon ng naghaharing uri para piliin kung sino o aling paksyon na naman ang uupo sa Malakanyang, parliyamento at mga lokal na gobyerno. Ito ay eleksyon upang ipagtanggol ang bulok na kaayusan na nagpahirap at nagsamantala sa masang anakpawis sa loob ng 100 taon.
Lahat ng mga kandidato, mula pampangulohan hanggang sa lokal na antas ay mula sa o tuta ng uring kapitalista-haciendero. Maging ang Kaliwa, na nag-aastang "progresibo" gaya ng Bayan Muna at Akbayan ay mabilis na nahubarang tuta lang pala ng malalaking burges na partido gaya ng Nacionalista Party (NP) ni Manny Villar at Liberal Party (LP) ni Noynoy Aquino. Ang ginawa ng Kaliwa ay patunay lamang na ito ay kaaway din (gaya ng burges na oposisyon at naghaharing paksyon) ng manggagawang Pilipino.
Sa pangkalahatan, nagtulong-tulong ang Kanan, Kaliwa, Simbahan at media upang maging kapani-paniwala ang eleksyon at maihalal ang isang "popular" na presidente ng bansa. Bagama't matindi ang bangayan ng iba't-ibang paksyon ng Kanan at Kaliwa, kung saan sila-sila na mismo ang nagbatuhan ng putik at naglantad ng kani-kanilang mga baho na umabot pa nga sa madugong tunggalian laluna sa lokal na antas, ay nagkaisa naman sila na itali ang masang api sa balangkas ng burges na eleksyon at dito ibuhos ang pagiging "militante at palaban" sa pamamagitan ng pagboto at pagbantay ng boto.
Sa kabilang banda, bagama't wala sa agenda ng Kanan at Kaliwa, hindi imposibleng mangyari ang no-election o failure of election. Bagamat para sa naghaharing uri, kailangang patuloy na mag-iilusyon ang malawak na masa sa isang "malinis" na eleksyon. Ito ang isa sa mga epektibong paraan para mapanatili nila ang bulok na kaayusan. Nais nilang matuloy, "mapayapa" at "malinis" ang halalan ngayong Mayo. Pero lumalala naman ang bangayan ng iba't-ibang paksyon sa pag-aagawan sa pwesto. Lahat ay desperadong makaupo laluna sa pampangulohang posisyon. Ang mga malalaking burges na partido at personalidad gaya ng Lakas-Kampi, NP at LP; Teodoro, Villar at Aquino ay ginagawa ang lahat ng paraan (kabilang na ang pinakamaruming paraan) para lamang manalo.
Kung hindi makontrol ng estado ang tuloy-tuloy na paglala ng sitwasyon, maaring ito ang magbukas para sa isang "ekstra-legal" o madugong tunggalian sa pagitan ng mga paksyong naglalaban. Kung sakali mang hindi matuloy ang eleksyon o kaya sa mata ng publiko ay nagkaroon ng malawakang dayaan, malamang uulitin muli ng Kaliwa ang tipong "people power revolution" (syempre sa pamumuno ng burgesya) gamit ang "mas radikal na panawagan" gaya ng "probisyunal na rebolusyonaryong gobyerno" na dala-dala nito noong kasagsagan ng mga burges na kilusan para patalsikin ang rehimeng Arroyo. Gaya sa nakaraan, gagamitin na naman ng mga paksyon ng burgesya ang masang anakpawis bilang pambala ng kanyon.
Walang magbago pagkatapos ng halalan kundi lalala pa ang hirap na kalagayan
May magagawa ba ang papalit kay Gloria Arroyo para sa ikabubuti ng sambayanan?
Sa pangkalahatan ay walang kaibahan ang plataporma at programa ng mga kandidato at partidong lumahok sa eleksyon. Walang kaibahan ang administrasyon at oposisyon. Kung basahin at pakinggan ang laman ng kanilang mga kampanya't plataporma, iisa lamang ang esensya: ipagtanggol ang pambansang kapitalismo at gagawin ng gobyerno ang lahat upang makaungos ang pambansang kapital sa matinding kompetisyon sa mabilis na kumikipot na pandaigdigang pamilihan. Wala itong ibig sabihin kundi: mas murang lakas-paggawa (sahod) para maging mas mura ang produkto ng Pilipinas sa pandaigdigang merkado, maksimisasyon ng pagpiga ng lakas-paggawa, mas malawakang kontraktwaliasyon, pagtaas ng buhis at pagpapalaki ng utang ng gobyerno.
Sa susunod na 3-6 na taon, papasanin ng masang anakpawis ang mas matinding hirap dahil nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo at ganap ng bangkarota ang estado.
Papel ng Kaliwa
Sa kauna-unahang pagkakataon, hayagan at lantaran ang suporta ng Kaliwa sa malalaking burges na partido na nasa "oposisyon" laban sa rehimeng Arroyo. Sa nakaraan kasi, nahihiya at patago lamang ang suporta nito sa mga burges na kandidato at partido. Ito ay malinaw na manipestasyon na sa lenggwahe at pormulasyon lamang ng pananalita magkaiba ang Kanan at Kaliwa. Pero sa esensya, magkatulad ang kanilang programa: "paunlarin" ang pambansang kapitalismo, na sa panahon ng imperyalismo at permanenteng krisis nito ay imposible ng mangyari. Ang "kaunlaran" ay nagkahulugan ng matinding pagpapahirap at pagsasamantala sa mamamayan.
Ang dalawang pinaka-malaking paksyon ng Kaliwa (maoistang CPP-NPA at Akbayan) sa Pilipinas ay sumusuporta din sa dalawang pinakamatandang burges na partido sa bansa - Nacionalista Party at Liberal Party - at sa dalawang pinakamalakas na contender na magiging presidente: Manny Villar at Noynoy Aquino. Kung sinuman sa kanila ang uupo sa Malakanyang, alam ng publiko ang mayor na papel ng Kaliwa para makaupo sa kapangyarihan ang bagong pangulo ng mapagsamantalang gobyerno.
Kung nanahimik man ang ibang paksyon (Sanlakas, Partido ng Manggagawa, KPD, atbp) sa bangayan ng NP at LP, ito ay dahil wala naman silang tutol na makipag-alyansa sa kanila. Kaso nga lang naunahan sila ng maoistang Bayan Muna at sosyal-demokratikong Akbayan.
At dahil tiyak pa sa pagsikat ng araw na ang uupong bagong pangulo ay maging tagapagsalita at tagapagtanggol ng uring kapitalista-haciendero, malaki ang posibilidad na pagkatapos ng halalan, mag-uunahan na naman ang Kaliwa sa pagtindig bilang "oposisyon" sa bagong administrasyon upang makaiwas sa galit ng taumbayan, at muli na namang linlangin ang masa na sila ay nasa "panig para sa pagbabago ng sistema". Kung si Villar ang manalo, mangunguna sa pagiging "oposisyon" ang Akbayan. Kung si Aquino ang manalo, ang mga maoista naman ang mangunguna sa pagiging "oposisyon". Ang mga "nanahimik" na paksyon ng Kaliwa ay maaring sasakay sa pagiging "oposisyon" alinman sa mga kandidato ang maging presidente kasi hindi naman hayagan ang kanilang suporta. Ito ang papel ng Kaliwa sa Pilipinas sa kasalukuyan: maging "oposisyon" ng Kanan para ilayo ang masang manggagawa sa rebolusyonaryong landas at ikulong sa mistipikasyon ng repormismo gamit ang radikal na lenggwahe gaya ng "armadong pakikibaka", "rebolusyon" at "pagbabago ng sistema".
Sa kabilang banda, gaya ng sa nakaraan, magkaroon na naman ng rigodon ang karamihan sa mga politiko ng Kanan sa partido ng nanalong pangulo.
Iigting na naman ang ideolohiyang "bawat isa para sa kanyang sarili" at "bawat isa laban sa lahat" sa loob ng iba't-ibang paksyon ng Kanan at Kaliwa. Ang magkaalyado bago ang eleksyon ay maging magkaaway na naman; ang magkaaway ay maging magkaibigan na naman; depende sa kung alin ang paborable para panatilihin at isulong ang pansariling interes.
Subalit, hindi makalimutan ng mga mulat na manggagawa ang hayagang pagsuporta at paghimod ng Kaliwa sa puwet ng mga malalaking partido ng uring mapagsamantala anuman ang maging resulta ng halalan. Ang mga ginagawa mismo ng Kanan at Kaliwa ang matabang lupa upang tataas ang kamulatan ng uri laban sa lahat ng paksyon ng kapitalista-haciendero.
Labanan at itakwil ang burges na ideolohiya
Ang dominanteng ideolohiya sa lipunan ay ang ideolohiya ng naghaharing uri. At kabilang na dito ang elektoralismo at parliyamentarismo sa panahon ng imperyalismo. Para maisulong ng uring manggagawa ang kanyang sariling pakikibaka laban sa kapitalismo at para mapanghawakan ng proletaryado ang kanyang sariling laban, kailangang itakwil nito ang burges na ideolohiya ng Kanan at Kaliwa. Hindi ito madaling gawin dahil napakalakas ng impluwensya ng burges na propaganda na ang Kaliwa, laluna ang maoistang CPP-NPA ang "tunay" na "radikal" at "komunista". Ang propaganda ng uring kapitalista sa Pilipinas na "komunista" ang CPP-NPA ay walang kaibahan sa propaganda ng internasyunal na burgesya na ang Stalinismo o Trotskyismo ay "komunismo".
Ang tagumpay ng laban ng manggagawa ay hindi makukuha sa mga mapanlinlang na panukala ng Kaliwa para maging batas sa ilalim ng kapitalistang kaayusan. Sa burges na parliyamentarismo sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, magiging batas lamang ang panukala kung sang-ayonan ito ng naghaharing uri. Ang tagumpay ay nasa pakikibaka ng mulat at nagkakaisang masang anakpawis sa lansangan at sa labas ng parliyamento. Ang panalo ng proletaryado ay makakamit labas sa kontrol ng unyonismo.
Ang makauring pakikibaka ay lalakas lamang kung lalawak ang pakikibaka sa pinakamaraming pabrika at lalahukan ng pinakamaraming manggagawa - regular, kontraktwal, unyonista, di-unyonista, nasa pribado at publikong sektor. At ang tanging porma ng organisasyon para dito ay ang mga asembliya at konseho ng proletaryado na independyente sa kontrol ng mga unyon at mga partido ng Kanan at Kaliwa.
Higit sa lahat, ang laban ng uri ay hindi para sa pagtatanggol ng "pambansang interes" kundi ng makauring interes dahil ang una ay interes ng burgesya at ang huli ay interes ng manggagawang Pilipino. Ang "pambansang pagkakaisa" na inihasik ng Kanan at Kaliwa ay walang ibang kahulugan kundi susuko ang masang manggagawa sa kanyang mortal na kaaway: ang uring kapitalista-haciendero. Ang sentral na tungkulin ng bagong CEO ng Malakanyang ay kumbinsihin at pakilusin ang masang manggagawa para ipagtanggol ang at magsakripisyo para sa "pambansang interes" at kalimutan ang makauring interes. At kung lalaban ang proletaryado, kamay na bakal ng estado - armadong pwersa at bilangguan - ang ihambalos ng bagong pangulo laban sa masang proletaryado.
Internasyonalismo
(seksyon sa Pilipinas ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin)
email us: [email protected] [5]
website: tl.internationalism.org
Noong Oktubre 1917, nagkatotoo ang "multo" na kinatatakutan ng internasyunal na burgesya mula ng sinulat ang Manipesto ng Komunista noong 1848: nagtagumpay ang unang proletaryo-sosyalistang rebolusyon sa Rusya, na dati kinukutya ng naghaharing uri na imposibleng mangyari.
Ngayon ang ika-93 na anibersaryo ng Rebolusyong Oktubre ng 1917. Lahat ng mga komunista at internasyunalistang grupo sa mundo ay ginunita at pinagdiwang ang rebolusyong iyon. Hindi para "luhuran" at "dasalan" kundi para halawin ang mga aral at muling isulong ang komunistang rebolusyon hanggang sa tagumpay.
Sa kabilang banda, tiyak na magtulong-tulong na naman ang Kanan at Kaliwa (maoista, stalinista,trotskyista) ng burgesya para itago ang tunay na mga pangyayari at aral na kailangang makuha sa Rebolusyong Oktubre ng 1917.
Ang mga maka-Kanang organisasyon gaya ng ANAD (Alliance for Nationalism and Democracy) at ang anti-komunistang death squads ng dating Hen. Jovito Palparan Jr ay maghuhumiyaw na naman sa mga kapalpakan ng maoismo-stalinismo sa Tsina at Rusya upang "ipakita" na walang magandang patutunguhan ang komunistang rebolusyon kundi ibayong kahirapan at pang-aapi sa mga manggagawa at mamamayan. May "punto" din naman ang mga gunggong na ito dahil bumagsak ang imperyalistang USSR at ang kanyang mga tutang rehimen sa Silangang Uropa at lantaran ng pumasok sa "globalisadong" mundo ang "sosyalistang" Tsina at Byetnam. Muli na namang maglitanya ang Kanan sa "kagandahan" at pagiging "eternal" ng burges na demokrasya.
Sa "negatibo" at anti-komunistang paraan ay tinutulungan ng Kanan ang Kaliwa sa paghasik ng kasinungalingan na ang maoismo, stalinismo at trotskyismo ay mga komunistang ideolohiya para takutin at ilayo ang masang proletaryado sa landas ng makauring kalayaan.
Sa kabilang banda, sa gitna ng kanilang bangayan, ang iba't-ibang paksyon ng Kaliwa gaya ng CPP-NPA, RPA-ABB, PMP, MLPP-RHB ay magsagawa din ng mga litanya't nobena at prosesyon para "luhuran" ang Rebolusyong Oktubre. At kasama sa mga luluhuran nito ay ang mga distorsyon at pambabalasubas sa rebolusyonaryong diwa nito: ang mga "pambansa-demokratikong rebolusyon" at gerilyang pakikidigma para sa "pambansang kalayaan" ay "bahagi" at "nagsisilbi" sa sosyalistang rebolusyon sa mga atrasadong bayan gaya ng Pilipinas. At dahil dito, sinasaboy nila ang nakakalasong "pakikipag-isang" prente sa mga anti-komunistang organisasyon na diumano "anti-imperyalista" daw gaya ng MILF, MNLF, Hamas, Hizbollah, at maging ang Al-Qaeda. Kaibigan daw ng "komunistang" kilusan ang mga mapagsamantalang gobyerno gaya ng Iran, Cuba,Venezuela at North Korea dahil ang mga ito ay "anti-imperyalista".
Pero ang pinakamasahol na pambabaluktot ng Kaliwa sa panahon ng dekadeneteng kapitalismo, kung saan maraming kabataan ang nahumaling, ay ang maling konsepto na ang nasyunalismo daw ay "kongkretong" ekspresyon ng internasyunalismo sa mga atrasadong bansa na pinagsamantalahan ng mga imperyalistang bansa; na ang demokrasyang burges ay unang yugto para maabot ang sosyalistang demokrasya.
Magkasalungat man ang hugot ng Kanan at Kaliwa sa Rebolusyong Oktubre, magkatulad naman ang direksyon at layunin nila: isalaksak sa utak ng masang manggagawa na ang maoismo-stalinismo o kaya trotskyismo ay mga ideolohiya ng komunismo. Ang mga ito ay pawangkasinungalingan. Ang maoismo, stalinismo at trotskyismo, sosyal-demokrasya at ang hindi internasyunalistang tunguhin ng anarkismo ay nasa kampo na ng kaliwa ng mapagsamantalang mga uri, ang sinasabing "radikal" na oposisyon.
Ang Rebolusyong Oktubre ng 1917
Sa 19 siglo may mga bantog na proletaryong rebolusyon gaya ng Rebolusyon ng 1848 at ang Komuna sa Paris ng 1871. Subalit kaiba ang Rebolusyong Oktubre ng 1917.
Sa pangkalahatan, sa 19 siglo, progresibong uri pa ang burgesya dahil dinudurog pa nito ang mga labi ng pyudal na kaayusan na nagnanais pigilan ang pagsulong ng gulong ng kasaysayan. Sa panahong ito isang progresibong sistema pa ang kapitalismo na gustong palawakin ang kanyang impluwensya sa pandaigdigang saklaw. Sa puntong ito, ang mga proletaryong rebolusyon sa 19 siglo ay sa pangkalahatan sumusuporta lamang sa mga burges na rebolusyon na sumsulong noon laluna sa Uropa.
Ang Rebolusyong Oktubre ay pumutok sa panahon na lubusan ng nasakop ng kapitalismo ang buong mundo. Kahit ang mga labi ng pyudalismo o ng semi-alipin at semi-komunal na mga relasyon ng produksyon sa ilang bahagi ng mundo ay nagawa na nitong ipailalim at pagsilbihin sa modernong moda ng produksyon.
Pumutok ang Rebolusyong Oktubre sa 20 siglo sa panahon na nasa dekadenteng yugto na ang kapitalismo, o sa termino nila Lenin at Luxemburg, nasa imperyalistang yugto na ang kapitalismo. Ibig sabihin, hindi na progresibo ang sistemang ito at hadlang na sa ibayong pag-unlad ng mga pwersa ng produksyon. Ang rurok na naabot nito -- ganap na pagsakop sa daigdig -- ay senyales na rin ng kanyang permanenteng pagbulusok-pababa.
Ang bagong sitwasyon ng kapitalismo ay tanda ng posibilidad at pangangailangan ng komunistang rebolusyon dahil nailatag na ang mga materyal na batayan para dito. Sa 19 siglo, batay sa materyal na realidad, hindi pa posibleng manalo ang isang sosyalistang rebolusyon dahil progresibo pa ang kapitalismo[1].
Ito ang isa sa mga batayang dahilan bakit natalo ang Komuna sa Paris noong 1871, sa kabila ng determinasyon at kabayanihan ng manggagawang Pranses at nanalo ang Rebolusyong Oktubre. Syempre, hindi ganito ka simplistiko ang mga dahilan.
Nang ganap ng nasakop ng kapitalismo ang mundo ay naabot na din ng ng rebolusyonaryong manggagawa ang isang antas ng paglawak at paglalim ng impluwensya nito sa kilusang paggawa: pagkatatag ng Ikalawang Internasyunal. Matapos ang matinding pakikipagtunggali nila Marx at Engels sa mga peti-burges na ideolohiya sa loob ng Unang Internasyunal - Blanquista, Prodhounista at Bakuninista - naging isang marxistang partido ang Ikalawang Internasyunal.
Ganun pa man, dahil karay-karay pa nito ang mga impluwensya at praktika sa panahon ng 19 siglo kung saan progresibo pa ang kapitalismo - parliyamentarismo at unyonismo - unti-unting lumakas ang impluwensya ng repormismo (Bernsteinismo) sa loob ng Ikalawang Internasyunal hanggang sa tuluyan na itong pumanig sa kampo ng kontra-rebolusyon noong Unang Pandaigdigang Digmaan (1914).
Pinakita ng mga komunista (sosyal-demokratiko) at rebolusyonaryong manggagawang Ruso sa praktika kung ano ang angkop na mga prinsipyo at teorya na hawakan ng proletaryado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo o imperyalismo. Kaya hindi maiwasang naging sentro ang Rusya sa internasyunal na rebolusyonaryong alon noong 1917-23.
Ang mga Bolshevik ang matatag na nanindigan sa internasyunalismo laban sa pagkabulok at tuluyang pagtraydor ng Ikalawang Internasyunal sa proletaryong rebolusyon. Ang partidong Bolshevik ang unang nanawagan na itakwil na ang Ikalawang Internasyunal at itayo ang bagong Ikatlong Internasyunal sa matibay na pundasyon ng internasyunalismo.
Salungat sa propaganda ng Kaliwa, partikular ng mga maoista na ang Rebolusyong Oktubre ay dumaan daw sa "burges-demokratikong rebolusyon" noong Pebrero 1917, ang Rebolusyong Ruso sa 1917 ay isang proletaryo-sosyalistang rebolusyon.
Hindi simpleng "pambansang" rebolusyon laban sa Tsarismo ang nangyari kundi isang internasyunal na rebolusyon laban sa kapitalismo. Pumutok ang Rebolusyong Ruso dahil bahagi at nagsisilbi ito sa pandaigdigang proletaryong rebolusyon. Ito ang pundasyon ng partidong Bolshevik kung bakit matatag itong nanindigan para sa sosyalistang rebolusyon.
Pero hindi ibig sabihin na komprehensibong naging malinaw agad ito sa partidong Bolshevik, kahit maging kay Lenin mismo. Katunayan, noong 1905 sa debate nito laban sa mga Menshevik, sinulat ni Lenin ang "Dalawang Taktika ng Sosyal-Demokrasya sa Demokratikong Rebolusyon". Bagamat sa pangkalahatan ay tinindigan ng pampletong ito ang proletaryo-sosyalistang katangian ng rebolusyong Ruso, may mga labi pa rin ito ng impluwensya sa mga lipas na pananaw ng marxistang kilusan sa 19 siglo. Isa na dito ang pagsuporta ng mga komunista sa isang Probisyunal na Rebolusyonaryong Gobyerno kung saan kasama ang isang paksyon ng burgesya na lumalaban sa Tsarismo.
Pero dahil tunay na nanindigan si Lenin sa marxismo at nag-aaral sa buhay na praktika ng makauring pakikibaka, siya na rin mismo ang nagtuwid ng ilang pagkakamali nito sa pamamagitan ng kanyang akdang ang Tesis ng Abril.
Sa simula ay hindi naunawaan ng mayoriya ng Partidong Bolshevik ang esensya at materyal na batayan ng Tesis lalupa't naging unang gabay nito ang "Dalawang Taktika.....". Pinakita ng Tesis ng Abril na ang rebolusyon sa Rusya ay isang proletaryo-sosyalistang rebolusyon at hindi dapat makipag-alyado sa pambansang burgesya para sa "demokratikong rebolusyon" sa pamamagitan ng pagpasok at pagsuporta sa Probisyunal na Rebolusyonaryong Gobyerno (PRG) matapos bumagsak ang Tsarismo.
Subalit lubhang napakalakas pa rin ng impluwensya ng Ikalawang Internasyunal kaya kahit ang kalinawan na nakamit ng partidong Bolshevik ay hindi pa sapat para komprehensibo nitong maunawaan ang mga implikasyon ng pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. At nakita ito sa mga pagkakamali ng partidong Bolshevik at ng Ikatlong Internasyunal matapos matalo ang Rebolusyong Aleman noong 1919.
May materyal na batayan din ang mga limitasyong ito ng mga marxista noon: hindi pa lubusang lumitaw ang lahat ng mga aspeto ng dekadenteng kapitalismo noong 1917. Katunayan, ang unang krisis ng bulok na sistema sa kanyang dekadenteng yugto ay nangyari lamang noong 1930s: ang Bantog na Depresyon ng 1929, na siyang nagbunsod ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
Ang Rebolusyon sa Pilipinas sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay proletaryo-sosyalista at bahagi ng pandaigdigang komunistang rebolusyon
Kasabay ng pagpasok ng pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto noong unang bahagi ng 20 siglo ay sinakop naman ng imperyalismong Amerika ang Pilipinas. Dahil sa kolonyalismo ng imperyalistang Amerika ay direktang naipasok ang ekonomiya ng bansa sa kapitalistang moda ng produksyon ng mundo. Subalit dahil nasa kanyang permanenteng krisis na ang kapitalismo, hindi na kayang paunlarin ng pandaigdigang sistema ang ipinunla na kapitalismo sa Pilipinas noong maagang bahagi ng 20 siglo. Ito ang batayang dahilan kung bakit nanatiling atrasado at imposible nang maging maunlad na kapitalistang bansa ang Pilipinas gaano man ang pagsisikap ng burgesyang Pilipino.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo kahit ang mga labi ng maliitan at kalat-kalat na komunal at semi-komunal na produksyon sa pinakamalayong bahagi ng kabundukan ay nagsisilbi na sa interes ng kalakal at pamilihan sa kalungsuran at sa pandaigdigang saklaw.
Nang sakupin ng Amerika ang Pilipinas ay kumukulo na ang panibagong istorikal na krisis ng kapitalismo na siyang nagtulak sa kanya sa permanenteng pagbulusok: krisis sa sobrang produksyon at permanenteng pagkipot ng pandaigdigang pamilihan dahil lubusan ng nasakop ng kapitalistang mga relasyon ang mundo. At ito ang nagtulak upang sumabog ang mga kontradiksyon ng bulok na sistema sa unang pandaigdigang imperyalistang digmaan at tanda ng kanyang pagiging ganap na reaksyunaryong sistema.
Ang pagiging reaksyunaryo ng burgesyang Pilipino ay hindi dahil sa kung ano ang iniisip nito kundi dahil ang sistemang sinasandalan nito ay ganap ng bangkarota. Ibig sabihin, gaano man kalaki ang kanyang determinasyon na paunlarin ang pambansang kapitalismo sa bansa ay imposible ng mangyari sa panahon ng imperyalismo kahit pa "makalaya" siya sa kontrol ng imperyalistang Amerika. At mas lalo pang kabaliwan ang pag-ilusyon na sa "pamumuno" ng uring manggagagwa ay mapaunlad nito ang pambansang kapitalismo para "makamit ang sosyalismo" sa Pilipinas. Sa ganitong konteksto, sa internasyunal na balangkas lamang makita na ang burgesyang Pilipino ay hindi na progresibo at ni katiting ay wala ng katangiang rebolusyonaryo mula pa sa panahon ng mga ilustrado sa pangunguna ni Emilio Aquinaldo.
Isang napakalaking distorsyon ang paniniwala na "dahil ayaw na ng burgesya na ipagpatuloy ang kanyang rebolusyon ay aakuin na lang ito ng proletaryado" kaya inimbento ng Kaliwa (na hinugot mula sa mali at oportunistang pagsusuri ng Ikatlong Internasyunal) ang "bagong tipo" na burges-demokratikong rebolusyon. Ang maling konseptong ito ay nakabatay sa maling paniniwala na progresibo pa ang kapitalismo sa ilang bahagi ng mundo pero binabansot at pinipigilan lamang ng ilang imperyalistang kapangyarihan sa Kanluran.
Ang maling paniniwalang ito ang pundasyon ng nakakalasong teorya ng CPP-NPA na ang "nasyunalismo ay aplikasyon ng internasyunalismo" sa mga semi-kolonya o neo-kolonyang mga bansa. Ito ay hindi nakabatay sa materyalismong istoriko dahil wala sa kasayayan na ang isang uri ay naging "proxy" bilang lider sa rebolusyon ng ibang uri[2].
Ang nasyunalismo o pagtatayo ng isang bansa ay interes ng burgesya hindi ng proletaryado sa panahon ng imperyalismo. Sa panahon ng imperyalismo, ganap ng magkasalungat ang lahat ng tipo ng nasyunalismo sa proletaryong internasyunalismo.
Sa panahon ng imperyalismo ang pakikibaka ng makabayang burgesya laban sa dayuhang mananakop ay hindi para itayo ang nagsasariling bansa. Sa dekadenteng kapitalismo imposible ng mabuhay ang mga pambansang burgesya na walang suporta mula sa mga imperyalistang kapangyarihan. Ang "bagong tipong burges-demokratikong rebolusyon" ay hindi usapin ng pambansang kalayaan kundi usapin ng pagpalit-palit ng imperyalistang amo hanggang lalakas ang kahayukan na maging imperyalistang kapangyarihan (Tsina, Cuba, Venezuela, Iran). Ang mga partido "komunista" o "sosyalista" na namuno sa mga "rebolusyong" ito ay sa esensya naging burges na mga partido na dahil ang ipinagtatanggol nila ay ang interes ng pambansang kapitalismo sa ngalan ng "sosyalismo".
Sa kasaysayan laluna mula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang mga pambansang burgesya at partido "komunista" o "sosyalista" sa mga semi-kolonyal o neo-kolonyal na mga bansang kontrolado ng imperyalismong Amerika ay napunta lamang sa mga pangil ng imperyalismong USSR at vice-versa. Ang mga rehimeng dating tuta ng Amerika ay naging tuta lamang ng USSR at vice-versa.
Ang sinasabing "pambansang kalayaan" ng Kaliwa ay kalayaan lamang mula sa partikular na imperyalistang kapangyarihan pero hindi kalayaan mula mismo sa mga kuko ng imperyalismo dahil ang pagpapahina laluna ang pagdurog dito ay nagkahulugang pahinain o wasakin ang kapitalismo sa pandaigdigang antas. At hindi ito mangyayari sa pamamagitan ng "burges-demokratikong rebolusyon" at pakikipag-alyansa sa burgesyang Pilipino[3].
Kung meron mang paksyon ng burgesyang Pilipino na tutol sa imperyalistang Amerikano, hindi ibig sabihin na tutol din sila sa sistemang kapitalismo. Katunayan, galit ang uring ito sa mga dayuhang kapitalista dahil tinutulak sila ng huli na malugi at maging manggagawa.
Habang ang mga maoista gaya ng CPP-NPA at MLPP-RHB ay tumitindig pa rin na ang Pilipinas ay hindi kapitalista laban sa mga katunggaling paksyon nito - RPA-ABB, PMP, Akbayan - na naniniwalang kapitalista na ang Pilipinas , pareho naman sila na ang pundasyon ng pagsusuri ay sa pambansang balangkas, hiwalay sa tunay at kabuuang galaw ng kapitalismo bilang pandaigdigang sistema. Lahat ng paksyon ng Kaliwa ay tumitindig na dadaan muna sa "burges-demokratikong rebolusyon" ang Pilipinas dahil para sa kanila progresibo ang burgesya at kapitalismong Pilipino basta "lalaya" lamang sa kontrol ng mga dayuhang kapitalista.
At ang pinakarurok na naabot ng kontra-rebolusyonismo ng lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas, ito man ay maoista o anti-maoista ay ang pakikipaglampungan nila maging sa malalaking burges na partido sa bansa para lamang makakuha ng kakarampot na pwesto sa bulok na kongreso o kaya makakuha ng baryang pera mula sa malalaking burges na politiko bilang pantustos sa kanilang mga operasyon sa ngalan ng "rebolusyonaryong taktikang"!
Subalit ang lahat ng teoretikal na distorsyon ng Kaliwa ay dinudurog mismo ng realidad: sa bawat bayo ng pandaigdigang krisis ay kapwa namilipit sa sakit ang burgesyang Pilipino at ang burgesya sa mayayamang mga bansa. Pinatupad din ng burgesyang Pilipino ang lahat ng klase ng pagsasamantala sa kanilang mga manggagawa para manatiling buhay sa barbarikong kompetisyon ng sistema nito. Wala ng pagkakaiba sa paraan
at laman ang mga atake ng mga kapitalistang Pilipino at dayuhan laban sa manggagawang Pilipino, at mas lalong lumilinaw na ang mga isyung pinaglalaban ng mga manggagawa Pilipino ay walang kaibahan sa mga isyung pinaglalaban ng mga kapatid na manggagagwa sa abanteng kapitalistang mga bansa. Patunay na ang pakikibaka ng masang proletaryo sa Pilipinas ay isang internasyunal na pakikibaka.[4]
Ang mga problemang dinaranas ng manggagagwang Pilipino ay hindi na masolusyonan sa pambansang balangkas tulad ng kapitalismo ng estado o direktang pakikialam ng estado sa buhay panlipunan laluna sa ekonomiya na siyang linya ng Kaliwa bilang solusyon diumano sa "globalisadong" mundo. Kahit panandaliang makabuluhang benepisyo para sa manggagawa ay hindi na kayang ibigay ng mga kapitalistang estado ito man ay nasa pamumuno ng Kanan o Kaliwa ng burgesya saan mang panig ng mundo. Ang solusyon sa mga problema ng manggagagwang Pilipino ay nasa internasyunal na balangkas na: pagdurog sa pandaigdigang kapitalismo. Ito ang isa sa mga aral ng Rebolusyong Oktubre ng 1917.
Ang mga aral ng Rebolusyong Oktubre ng 1917
Para maunawaan at tamang mahalaw ang mga aral sa Sosyalistang Rebolusyong Oktubre, kailangang maunawaan ang istorikal na yugto ebolusyon ng kapitalismo ng mangyari ang rebolusyong ito. At mula dito ay halawin ang mga aral ng pagrerebolusyon batay sa panibagong istorikal na yugto ng kapitalismo.
Nangyari at nagtagumpay ang Rebolusyong Oktubre sa panahon na ang kapitalismo ay nasa kanyang dekadente o imperyalistang yugto na. Sa dekadenteng kapitalismo, na nagsimula sa 20 siglo, naging isang posibilidad at pangangailangan na ang pandaigdigang komunistang rebolusyon. Ito na ang sentral usapin sa mga pakikibakang proletaryo sa buong mundo. Samakatuwid, mas lalong naging realidad ngayon ang mapanlabang islogan
ng mga komunista noon: SOSYALISMO o BARBARISMO, KOMUNISMO o PAGKASIRA NG MUNDO AT SANGKATAUHAN.Sa mga mapanlabang islogan na ito nakabatay ang mga aral na kailangang halawin ng mga komunistang organisasyon ngayon. At kabilang sa mga aral na dapat iwasan at itakwil ay ang mga pagkakamali ni Partidong Bolshevik at ng Ikatlong Internasyunal:
1. Ang proletaryo o sosyalistang rebolusyon ay maisagawa lamang sa internasyunal na saklaw. Ibig sabihin, nagliliyab na sa maraming mga bansa ang mga pag-alsang manggagawa para ibagsak ang kani-kanilang mga estado.
Pero hindi ibig sabihin nito na "sabay-sabay" na mag-alsa o manalo ang mga bansang ito. Ang punto ay mahigpit ang koordinasyon at pagtutulungan ng mga pag-alsang ito. Ang Rebolusyong Oktubre ng 1917 ay nangyari sa gitna ng mga pag-alsa at malawakang pakikibaka ng proletaryado sa maraming bansa laluna sa Uropa, ang puso ng pandaigdigang kapitalismo.
Walang sosyalismo sa isang bansa. Ito ay internasyunal o wala ito.
2. Bilang isang internasyunal na rebolusyon, kailangan ng uring proletaryo ang isang internasyunal na partido. Ang partidong ito ay isa sa dalawang esensyal na mga organisasyon ng uri para magtagumpay ang rebolusyon nito. Ang isa pa ay ang konseho ng mga manggagawa na pandaigdigan din ang saklaw.
Ang internasyunal na partido at ang mga konseho ng manggagawa ay produkto ng pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka ng uri sa malaking bahagi ng mundo laluna sa mga sentrong kapitalistang bansa kung saan mas konsentrado, organisado at militante ang proletaryado.
Mula pa sa panahon nila Marx hanggang sa panahon nila Lenin, nanindigan at nagsisikap na ang mga marxista na itayo at konsolidahin ang isang internasyunal na partido para sa sosyalistang rebolusyon: ang Una, Ikalawa at Ikatlong mga Internasyunal. Kaya naman, sa usapin ng pag-intindi kung ano ang marxistang partido ay walang alam ang Kaliwa dito dahil ang mga partido nila ay nagsisilbi at napailalim sa pambansang interes ng
burgesya[5] . Ang katangian at oryentasyon ng mga partido ng Kaliwa ay walang kaibahan sa Kanan.
3. Ang sosyalistang rebolusyon ay kagagawan ng milyun-milyong manggagawa na organisasdo at mulat sa sarili. At ang organisasyon nito para ibagsak ang kapitalismo ay ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang Partido kahit ito ang pinakaabanteng pampulitikang organisasyon ng uri ay hindi representante at aagaw ng kapangyarihan sa ngalan ng uri.
Sa Rebolusyong Oktubre ng 1917, hindi ang mga unyon ang naging behikulo ng malawakang pagkakaisa ng uri kundi ang mga sobyet o konseho ng manggagawa. Sa 21 siglo mas lalong lumilinaw ang papel ng mga unyon, kabilang na ang mga "radikal" na unyon: bombero upang buhusan ng malamig na tubig ang pagsulong ng rebolusyonaryong kamulatan ng uri. Lalunang hindi ang mga partido ng Kaliwa ang "abanteng destakamento" ng uring manggagawa para sa sosyalismo. Ang mga partido "komunista" at "sosyalista" mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay nasa kampo na ng burgesya, ang mortal na kaaway ng proletaryado sa mundo.
4. Ang mga pakikibaka para sa "pambansang kalayaan at demokrasya" ay isang burges na pakikibaka. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo kung saan wala ng paksyon ng burgesya na progresibo, ito ay hadlang na sa sosyalistang rebolusyon. Ang mga makabayan o makabansang pakikibaka ay naging instrumento na ng mga imperyalistang kapangyarihan. Ang mga "digmaan para sa pambansang kalayaan" ay naging bahagi at nagsisilbi na sa
inter-imperyalistang mga digmaan. Ang mga "lumayang" bansa mula sa isang imperyalistang kapangyarihan ay napunta lamang sa karibal nito o kaya, matapos ang ilang taon, ay bumalik muli sa kandungan ng kanyang dating amo.
Malinaw na halimbawa nito ang Tsina at Byetnam kung saan dati "anti-imperyalistang Amerika" sa loob ng ilang taon pero bumalik din sa kandungan ng kanyang dating "kaaway". Marami pang mga bansa na dati "kalaban" ng imperyalistang Amerika pero ngayon ay hinihimod na ang talampakan nito.
Hindi lang ang dayuhang kapitalista ang kaaway ng mga manggagawa kundi kasama din ang mga lokal at makabayang kapitalista saang sulok man ng mundo.
Kaya isang malaking pagkakamali at tahasang oportunismo ang ginawa ng Ikatlong Internasyunal matapos matalo ang Rebolusyong Aleman noong 1919 ng ideklara nito ang pakikipag-isang prente sa mga pambansang burgesya sa mga kolonyang bansa ng Kanluran at sa traydor na Sosyal-Demokrasya. Ang oportunismong ito ay kawalan ng tiwala sa lakas ng sariling uri at sa halip ay umasa sa lakas ng ibang uri na walang interes sa sosyalismo. Ang ginawang ito ng Ikatlong Internasyunal ay tanda ng pagpapailalim ng internasyunal na partido sa pambansang interes ng Rusya noon.
Ang pagbaliktad ng Ikatlong Internasyunal sa unang deklarasyon nito sa kanyang pagkatatag noong 1919 ang isa sa mga mayor na dahilan ng pagkatalo ng unang rebolusyonaryong alon noong 1917-23.
5. Ang kapitalismo ng estado ay hindi preparasyon para sa sosyalismo. Isa ito sa mga mayor na pagkakamali nila Lenin sa Rusya laluna matapos matalo ang rebolusyong Aleman noong 1919. Tapat sa kamalian ni Lenin, ito din ang pinaghawakan ng maoismo. Ang kapitalismo ng estado ay ekspresyon ng kabulukan ng kapitalismo, hindi ng pagsulong nito patungong sosyalismo.
Kaalinsabay nito, ay ang isa pang pagkakamali ng mayoriya ng partidong Bolshevik, ang pagpasok at pagkontrol ng Partido sa estado bilang siya daw porma ng "diktadura ng proletaryado". Kabaliktaran ang nangyari, sa halip na gamitin ng Partido ang estado para sa interes ng proletaryado, ang una ang ginamit ng huli laban sa masang manggagawa. Ang "diktadura ng proletaryado" gamit ang estado ay sa aktwal na praktika ay naging diktadura ng estado gamit ang Partido laban sa uring manggagagwa.
Hindi ang transisyunal na estado[6] ang porma ng diktadura ng proletaryado matapos manalo ang rebolusyon kundi ang mga konseho ng manggagawa[7].
Internasyonalismo
Oktubre 2010
[1] Salungat dito ang pananaw ng mga Bakuninista-Anarkista na naniniwalang kahit anong panahon ay posibleng ilunsad at manalo ang komunistang rebolusyon.
[2] Sa mga rebolusyon para ibagsak ang sistemang alipin, ang namuno at pangunahing pwersa ay ang uring nobilidad at warlords na nagdadala ng bagong moda ng produksyon - pyudalismo. Ang uring alipin ay ginawang kasangkapan lamang ng bagong uring mapagsamantala upang maibagsak ang sistemang alipin at para maging mga magsasaka sila. Sa panahon ng mga burges na rebolusyon sa 19 siglo, ang namuno at pangunahing pwersa ay ang uring burges na nagdaala ng bagong moda ng produksyon. Ang uring manggagagwa, bagama't mula't na sa kanyang istorikal na misyon at nagsisikap na mabuo ang isang independyente na proletaryong kilusan paralel sa kilusang burges ay kinilala ang katotohanan na "tagasuporta" lamang ito sa burges na rebolusyon sa pangkalahatan. Lahat ng mga nagdaang rebolusyon ay pinamunuan ng rebolusyonaryo pero mapagsamantalang uri sa lipunan. Ang proletaryong rebolusyon ang una at huling makauring rebolusyon kung saan ang namuno at pangunahing pwersa ng panlipunang pagbabago ay kapwa rebolusyonaryo at pinagsamantalahang uri.
[3] Ang hungkag na argumento ng Kaliwa sa kanilang taktikang pakikipag-isang prente ay kung ano daw ang tindig ng proletaryado sa interes ng mga hindi-proletaryong uri napinagsamantalahan ng kapitalismo gaya ng magsasaka at peti-burgesya. Sa halip na halawin ang aral sa internasyunal na kilusang paggawa at iugnay ito sa mga katangian ng dekadenteng kapitalismo, dogmatiko nilang sinunod ang kamalian ng Ikatlong Internasyunal: oportunistang kompromiso sa proletaryong interes para "makabig" ang mga uring ito hanggang sa panlilinlang sa mga uring ito na may pag-asa pa ang kanilang uri sa ilalim ng "sosyalismo sa isang bansa" o kapitalismo ng estado sa pamumuno ng partido "komunista" o "sosyalista".
Ang pinakabaliw sa lahat ay ang maoistang CPP-NPA kung saan hinati pa nila sa tatlong saring ang uring burges sa Pilipinas: malalaking burgesya komprador, pambansang burgesya at peti-burgeya at ginawang alyado sa "pambansang rebolusyon" ang pambansang burgesya at peti-burgesya sa pamamagitan ng pagsama sa mga makauring interes nito sa mismong programa ng isang "partido komunista"!
Para sa mga marxistang organisasyon, ang kailangan ngayon ay matibay at walang kompromisong paliwanag at pakipag-debate sa mga hindi-proletaryong uring ito na wala na silang kinabukasan sa kapitalismo. Kung nais nila ng panlipunang pagbabago at kaunlaran wala silang ibang pagpipilian kundi suportahan ang interes ng proletaryado para sa komunismo. Sa madaling sabi, kailangan nilang iwanan ang interes ng kanilang uri sa nakaraan at yakapin ang uri nila sa kinabukasan: ang pagiging manggagagwa.
[4] Maging ang mga "sosyalistang" estado gaya ng Tsina, Vietnam at Cuba ay apektado din sa pandaigdigang krisis ng kapitalismo. Nitong huli lamang ay sinabi mismo ng Partido "Komunista" ng Cuba na sa 2011 ay tatanggalin nito ang 500,000 empleyado ng estado upang isubo sa mga pangil ng pribadong kapital.
[5] Maging ang internasyunalismo ay binaluktot ng Kaliwa. Para sa kanila ito ay hindi ang pagtatayo ng isang sentralisado at internasyunal na partido kundi "kooperasyon" at "solidarity conferences" lamang kung saan lumalahok ang lahat ng hibo ng Kaliwa kasama na ang mga malalaking "Non-Government Organizations" na pinondohan ng mga malalaking estado at kapitalistang institusyon: "World Social Forums". Maging ang "fruit salad" na "5th International" ni Hugo Chavez sa ilalim ng kontrol ng nag-aambisyong maging "junior imperialist power" na Venezuela ay parang naunsyami dahil ayaw ng mga pambansang partido ng Kaliwa na mawala ang kanilang awtonomiya (kontrol sa kani-kanilang teritoryo). Ang "5th
International" ni Chavez ay parang gangster kung saan lahat ng mga gangster lords ay gustong siyang maging godfather ng lahat.
[6] Ang transisyunal na estado ay ang estado na hindi maiwasang itayo matapos madurog ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.
Ang mga marxistang organisasyon ay tutol sa estado dahil ito ay lumitaw at nangibabaw ng nahati sa mga uri ang lipunan -- mga uring mapagsamantala at mga uring pinagsamantalahan. Ang ultimong layunin ng komunistang rebolusyon ay pawiin ang estado. Subalit salungat sa karamihan sa mga tendensyang anarkista, nanindigan ang mga marxista na hindi maiwasan ang isang transisyunal na estado matapos madurog ang kapangyarihang burges dahil hindi naman agad-agad na maglalaho ang mga uri sa lipunan. Ang paninindigang ito ay nakabatay sa materyalismong-istoriko at hindi sa ideyalismo na hawak ng mga anarkista: kagyat na wasakin ang estado matapos ang matagumpay na komunistang rebolusyon.
Salungat din ang mga komunistang organisasyon sa distorsyon ng Kaliwa partikular ang mga "marxista-leninista" (stalinista-maoista) at trotskyista na ang transisyunal na estado ang siyang ekspresyon ng diktadura ng proletaryado kaya dapat lamang na pumaloob at kontrolin ng Partido ang estadong ito, nanindigan ang mga komunistang organisasyon (batay sa negatibong karanasan ng Partidong Bolshevik, at ng mga "sosyalistang" estado) na bagama't hindi na talaga isang purong estado (gaya ng mga estado sa nakaraan) ang transisyunal na estado, nanatili pa rin ang mapagsamantalang katangian nito sa esensya at ginigiit pa rin nito ang sarili na mangibabaw sa lipunan. Sa madaling sabi, hindi alyado ng proletaryado ang transisyunal na estado para isulong ang rebolusyon hanggang makamit ang komunistang lipunan. Sa halip, ito ay magiging sagka para maabot ang komunismo. Kaya ang diktadura ng proletaryado ay hindi ang estadong ito kundi ang mga konseho ng manggagawa na hiwalay at independyente mula sa kanya.
[7] Ang konseho ng manggagawa, komite ng welga o mga asembliya ng manggagawa ay ang mga organo ng pakikibaka ng uri laban sa kapitalismo. Ito rin ang sentral na organong gagamitin ng uri para agawin ang pampulitikang kapangyarihan mula sa uring mapagsamantala at wasakin ang burges na estado. Hindi ito isang unyon at hindi ito gumagalaw bilang unyon.
Ang konseho ng mga manggagawa ay lilitaw at itatayo ng mga manggagawa mismo sa panahon ng kanilang pakikibaka. Hindi katulad ng unyon na may termino ng panunungkulan ang mga lider nito, ang mga lider ng konseho ng manggagawa ay maaring palitan ng konseho o asemnliya anumang
oras kung sa tingin ng mayoriya na nararapat.
Sa panahon ng rebolusyonaryong opensiba ng uri para ibagsak ang kapitalismo, ang mga konsehong ito ay magiging pampulitikang organo ng uri at sentro ng pampulitikang kapangyarihan hanggang lubusang mawasak ang burges na estado. Subalit hindi magbabago ang katangian nito: ang lubusang pagpapatupad ng kapangyarihan ng mga manggagawa sa mga asembliya at konseho nila mismo.
Matapos madurog ang burges na estado, hindi dapat itransporma ang mga konseho ng manggagawa bilang transisyunal na estado gaya ng pagkakamali ng partidong Bolshevik nila Lenin. Sa halip, igigiit ng mga konsehong ito, na siyang may kontrol sa mga armadong manggagagwa, ang independensya nito mula sa transisyunal na estado. Ang relasyon ng konseho ng manggagawa at transisyunal na estado ay: relasyon sa pagitan ng isang institusyon (konseho ng manggagawa) na nagpapatupad ng kanyang makauring diktadura kahit sa transisyunal na estado mismo, at relasyon sa
pagitan ng una bilang kritikal na nagmamatyag sa galaw ng huli, at kung kinakailangan (kung maging hadlang na ang transisyunal na estado sa pagsusulong ng komunismo) ay wawasakin ito ng konseho ng manggagawa.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 110.29 KB |
Natapos na ang eleksyon noong Mayo 10. “Nagpasya” na ang 75% ng mahigit 50 milyong botante kung sinu-sino ang mang-api at magsamantala sa kanila sa loob ng 3-6 na taon. Ito ay tagumpay na naman ng naghaharing uri sa Pilipinas.
Ang resulta ng halalan ay kumpirmasyon ng pagsusuri ng Internasyonalismo (seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Pilipinas: kailangan ng palitan ang paksyong Arroyo ng isang “popular” na kandidato mula sa partido ng oposisyon; kailangang may kredibilidad at kapani-paniwala ang resulta ng eleksyon laluna sa antas pampangulohan:
“... para sa naghaharing uri, kailangang patuloy na mag-iilusyon ang malawak na masa sa isang "malinis" na eleksyon. Ito ang isa sa mga epektibong paraan para mapanatili nila ang bulok na kaayusan. Nais nilang matuloy, "mapayapa" at "malinis" ang halalan ngayong Mayo.” ('Polyeto sa Mayo 2010': https://fil.internationalism.org/node/175 [7])
Ang maingay na propaganda ng oposisyon at Kaliwa ng “failure of election” at “no election” ay napatunayan na ginamit lamang nila para lalabas ang mas maraming botante at bomoto. At nagtagumpay nga sila sa kanilang panlilinlang sa taumbayan. Higit sa lahat, ang ganitong linya ng pag-iisip ay manipestasyon ng isang peti-burges na ideolohiya kung saan laging nangangarap na liliyab ang bangayan ng mga paksyon ng Kanan para sunggaban agad ng Kaliwa. Ang mga marxista sa kabilang banda ay laging nakabatay sa tunggalian ng uri at sa balanse ng pwersa sa pagitan ng burgesya at proletaryado hindi lang sa pambansa kundi higit sa lahat sa pandaigdigang saklaw.
Ang patunay na may “kredibilidad” ang eleksyon ay ang maagang pagtanggap ng pagkatalo nila Manny Villar, Gibo Teodoro, Loren Legarda at iba pang kandidato sa pambansang antas. Kahit ang mga maoistang kandidato para senador na sina Satur Ocampo at Liza Maza ay binati agad si Noynoy Aquino bilang posibleng maging pangulo ng Pilipinas. Ang mga pagbati ng mga talunang kandidato ay nangyari wala pang 48 oras matapos ang halalan, pinakamabilis sa kasaysayan ng burges na eleksyon sa Pilipinas.
Bagamat may alingasngas pa rin hanggang ngayon ng malawakang dayaan sa eleksyon na pangunahing pinasimunuan ng mga talunang kandidato, sa pangkalahatan ay nangibabaw na “kapani-paniwala” at may “kredibilidad” ang nakaraang halalan. Ganun pa man, hindi ibig sabihin na walang bahid ng katotohanan ang reklamo ng mga talunan. Pero kailangang ilantad ang ipokrasya ng mga talunan sa usapin ng dayaan. Halos lahat ng mga kandidato (nanalo man o natalo) ay gumawa ng pandaraya.
Ang pandaraya – pamimili ng boto, panunuhol at pananakot para manalo – ay tatak na ng eleksyon sa Pilipinas dahil ang eleksyon mismo ay bangkarota na. Signipikanteng bahagi ng populasyon, partikular ang mahihirap ay hindi na naniwalang sagrado ang kanilang boto at sa pamamagitan ng eleksyon ay mangibabaw ang kanilang kapasyahan. Ang bahaging ito, itong desperadong bahagi ng populasyon, at dahil na rin sa kawalan ng tiwala sa sariling lakas at pagkakaisa, ay ginawa na lamang na pantawid-gutom ang burges na halalan. Isa ito sa negatibong epekto ng pagkaagnas ng kapitalistang sistema sa bansa: ang lumpenisasyon ng isang bahagi ng uring manggagawa at maralita.
Ang masisilip natin sa alingasngas ng dayaan ay ang nag-uumalpas na realidad na pahirap ng pahirap ang naghaharing uri na kumbinsihin ang publiko na “malinis” at “kapani-paniwala” ang kanilang eleksyon. Habang lalala ang krisis ng sistema kasabay ng mas lalong paglala ng bangayan ng mga paksyon ng mapagsamantalang uri, bibilis din ang paglaho ng nalalabing tiwala ng masang anakpawis sa eleksyon sa ilalim ng kapitalismo.
Noong nakaraang taon pa ay ganito na ang sinabi namin:
"Kung ang consensus ng karamihan ng naghaharing uri sa Pilipinas ang suriin, isa ng liability si Gloria bilang pangunahing tagapagtanggol ng kapitalistang estado. Sa kanyang termino bumilis at dumami ang nawawalan ng tiwala sa mga demokratikong mistipikasyon laluna sa usapin na walang kaibahan ang lahat ng politiko - administrasyon at oposisyon - at wala ng kabuluhan ang eleksyon.
Ito ang kinatatakutan ng lahat ng paksyon ng naghaharing uri: lubusang mawala ang tiwala ng masa sa demokratikong anyo ng diktadura ng burgesya, ang huli at pinaka-epektibong maskara ng estado para itaboy ang manggagawa at maralita sa rebolusyonaryong pakikibaka para sa sosyalismo." (‘Ika-9 na SONA ni Gloria para ba sa masa?' [fil.internationalism.org/internasyonalismo/200907/104/ika-9-na-sona-ni-gloria-para-ba-sa-masa [8]])
Hindi kami manghuhula dahil ang marxismo ay nakabatay sa materyal at dinamikong paggalaw ng lipunan at mga uri sa loob nito. Kaya madaling makita ng mga marxista ang tunguhin ng burges na politika sa bansa. Sa tindi ng bangayan ng mga paksyon sa loob ng mapagsamantalang uri at sa takot ng burgesyang Pilipino na tuluyang mawala ang mistipikasyon ng burges na eleksyon sa hanay ng malawak na masang api, ganito ang sinabi namin noong Setyembre 2009 hinggil sa kung ano ang katangian ng susunod na pangulo ng kapitalistang gobyerno:
"Ang tunguhing "populismo" ay parang swine flu na kumakalat sa lahat ng mga bansang nakaranas ng matinding kombulsyon, kahirapan at kabulukan ng estado."
"Natatakot ang burgesya na ang mga kilusang protesta at galit ng manggagawa at maralita laban sa walang solusyong krisis ng kapitalismo ay magbunga ng tuluyang pagkawala ng tiwala ng huli sa mga mistipikasyon ng demokrasya, eleksyon at nasyunalismo. At higit sa lahat ng lubusang pagkalantad sa harapan ng malawak na populasyon na walang kaibahan ang administrasyon at oposisyon."
"Ang burges na oposisyon at Kaliwa ang shabu na binibigay ng burgesya sa masa para patuloy itong maging "bangag" sa mga mistipikasyon na ang problema ay nasa pangangasiwa lamang sa estado; na ang problema ay ang paghahanap lamang ng "tama" at "matinong" tao na "aasahan" ng mamamayan para siyang mag-ahon sa kanila sa kahirapan."
"Ang pagkamatay ni Cory Aquino, ang "icon of democracy" sa Pilipinas, na sinasaluduhan ng lahat ng paksyon ng burgesya, kabilang na ang "ultra-radikal" na CPP-NPA-NDF ay parang "hulog ng langit" sa buong naghaharing uri para epektibong mapatupad ang taktikang "populismo".
Nagtulungan ang media, burges na partido ng Kanan at Kaliwa at Simbahan na muling buhayin ang "diwa ng Edsa 86" na matagal na sanang ibinaon dahil sa mga krimen ng rehimeng Aquino noon sa masang manggagawa at maralita.
At tulad ng kanyang ina, na isang "reluctant candidate" noong 1986, si Senador Noynoy Aquino naman ngayon ay ganun din at napilitan lang diumano na tatakbo dahil sa "popular na kahilingan" ng taumbayan. ('"Popular" na kandidato para ipagtanggol ang kapitalismo' [fil.internationalism.org/internasyonalismo/200909/106/popular-na-kandidato-para-ipagtanggol-ang-kapitalismo [9]])
Ang pagkapanalo ni Benigno “Noynoy” Aquino III bilang pangulo ay hindi tagumpay ng manggagawa at maralitang Pilipino. Kundi kabaliktaran. Ito ay ang panunumbalkik ng bangkarotang populistang ideolohiya na ibinaon na sana sa limot matapos malantad ang pagiging kontra-manggagawa at kontra-mamamayan ng rehimeng Corazon Aquino noong 1986-92.
Populismo sa Pilipinas
At nangyari nga ang marxistang pagsusuri: nanalo si Benigno “Noynoy” Aquino. Kinilala siya ng mayoriya ng naghaharing uri at signipikanteng bilang ng panggitnang pwersa, media at Simbahan bilang isang “popular” na pangulo ng bansa. Isang tao na “napilitan” lamang tumakbong pangulo dahil sa “kagustuhan” ng nakararami. Habang si Gloria Arroyo ay tiyak na ang pag-alis sa Malakanyang upang maging “kinatawan” ng kanyang distrito sa Pampanga sa mababang kapulungan.
Lumakas ang burges na populismo sa Pilipinas noong panahon ng diktadurang Marcos. Sa panahong ito ang pinaka-radikal na kaliwang kamay ng burgesya – CPP-NPA – ay naglabas ng atas para sa kanyang mga kadre, aktibista at baseng masa ng linyang “anti-pasista, anti-pyudal at anti-imperyalista” na may pangunahing diin sa anti-pasistang nagkakaisang prente. Ang bangkarotang linyang ito ang isa sa mga “taktika” ng mga stalinistang partido noong WW II. At kabilang sa naging biktima ng taktikang ito ay ang PKP/Hukbalahap ng masakerin sila ng kanilang alyadong imperyalistang Amerika laban sa imperyalistang Hapon.
Sa ilalim ng anti-pasistang linya ay nakipag-alyado ang maoistang PKP sa anti-Marcos na reaksyunaryong oposisyon tulad nila Benigno Aquino Jr, Laurel, Kalaw, Manglapus, atbp.
Ang “People Power” sa 1986 ang naging rurok ng pakikibakang anti-Marcos ng mailuklok sa Malakanyang ang byuda ng pinaslang na si Benigno Aquino Jr: si Corazon Aquino. Lumukob sa buong Pilipinas ang napakataas na ilusyon na “bumalik na ang demokrasya” dahil wala na sa kapangyarihan ang pamilyang Marcos.
Subalit kung anong taas ng ilusyon sa populistang demokrasya ay ganun din kalakas ang kalabog ng bumagsak ito: naranasan ng manggagawa at mahihirap na ang demokrasya ni Cory Aquino ay walang kaibahan sa diktadura ni Marcos.
Pero dahil ang papel ng Kaliwa ay maging taga-sabotahe ng rebolusyonaryong kilusan sa loob, patuloy nitong sinalaksak sa utak ng kanilang baseng masa ang populismo sa kongkretong ekspresyon nito na lantay na oposisyon lamang sa paksyon na nasa kapangyarihan habang alyado ang mga paksyon ng mapagsamantalang uri na wala sa kapangyarihan: ang burges na oposisyon.
Dahil dito ay muling naulit ang kasaysayan na ang bunga ay mas karumal-dumal pa sa nakaraan: sa pamamagitan ng “People Power 2” at muling pakipag-alyansa ng Kaliwa sa noon ay wala pa sa kapangyarihan na paksyong Arroyo ay naluklok si Gloria Arroyo sa kapangyarihan at naghari ang kanyang paksyon sa loob ng 9 na taon.
Hindi pa nakontento ang Kaliwa. Ang kupas na sanang “Cory Magic” ay muli nilang binuhay kakutsaba ang Kanan, media at Simbahan ng pumanaw si Corazon Aquino. At dahil dito, nakatulong sila para magpasya si Noynoy Aquino na tumakbong presidente ng Pilipinas.
Nagtagumpay ang Kanan at Kaliwa sa kanilang pananabotahe: nanalo si Ninoy Aquino at nakakuha ng isa sa pinakamalaking boto sa kasaysayan ng eleksyong pampangulohan. Hindi lang yan, bomoto ang mahigit 75% ng mga botante.
Dahil sa populismo at burges na demokrasya hindi lang ang pamilyang Aquino-Cojuangco ang nakabenepisyo. Ang mga pamilyang labis na kinamuhian din ng manggagawa at mahihirap dahil sa kanilang mga kasalanan sa bayan sa panahon ng kanilang panunungkulan ay muling bumalik sa pambansang pampulitikang entablado:
– nanatiling nasa kapangyarihan si Gloria Arroyo bilang kinatawan ng kanyang distrito sa Pampanga at may posibilidad pang maging speaker of the house at ganun din ang kanyang mga anak at kamag-anak;
– ang dating unang ginang ng diktadurang Marcos ay kinatawan na ngayon ng mababang kapulungan habang si Ferdinand Marcos Jr ay naging senador na dahil sa alyansang NP-KBL-maoistang Bayan Muna;
– si Jinggoy Estrada ay senador pa rin na nasa ikalawang pwesto pa sa dami ng botong nakuha;
– ang napatalsik na dating pangulo at nakulong dahil sa salang pandarambong sa pera ng bayan – Erap Estrada – ay ikalawa kay Noynoy Aquino sa pinakamaraming nakuhang boto bilang kandidatong presidente.
Ito ang masaklap na karanasan ng burges na populismo sa Pilipinas na may mahigpit na kaugnayan sa repormismo at elektoralismo: muling pagbangon at paglakas ng pamilyang Aquino-Cojuangco, Estrada at Marcos sa pambansang antas at sa tutok ng kapangyarihan.
Ano ang ugat ng populismo sa Pilipinas?
“Ang ugat ng populismo ay ang burges na demokrasya at pagmamahal sa inangbayan. Ang layunin nito: ipatupad ang "perpektong" demokrasya at ang tunay na "pagmamahal" sa bansa.”
“Subalit dahil ganap ng bulok ang sistema at imposible na itong mareporma pa, ang "populismo" ay hanggang sa salita at propaganda na lamang. Ginagamit ito ng mapagsamantalang uri upang maipatupad ang pagkonsolida sa estado, ang huling sandalan ng naaagnas na kapitalismo.”
('"Popular" na kandidato para ipagtanggol ang kapitalismo' [fil.internationalism.org/internasyonalismo/200909/106/popular-na-kandidato-para-ipagtanggol-ang-kapitalismo [9]])
Ang populistang ideolohiya ang lubid na itinali sa leeg ng masang api para itulak sila sa bangin ng desperasyon, kawalan ng tiwala sa sariling lakas at pag-asa sa mga burges-hacienderong dinastiyang hinusgahan na ng kasaysayan.
“Kung walang corrupt, walang mahirap”
Sa aming pahayag noong Mayo Uno, nanawagan kami na maghanda ang uring manggagawa upang labanan ang bagong CEO ng kapitalistang estado. At matapos ang halalan, isang “popular” na presidente ang mangunguna sa mga atake laban sa uring proletaryo at sambayanang Pilipino: si Benigno “Noynoy” Aquino III.
Si Noynoy Aquino ay matagal ng naging tradisyunal na politiko (trapo). Ang kanyang angkan mismo ay mga tradisyunal na politiko. Kahit nasa burges na oposisyon siya, naging bahagi din siya at ang kanyang Partidong Liberal sa alyansa sa paksyon ni Arroyo noong eleksyong 2004.
Ang LP ang isa sa pinakamatandang burges na partido sa Pilipinas. Ang mga pundador ng LP ay galing sa NP, ang unang partido ng burgesyang Pilipino. Itinatag ang LP noong matapos ang WW II bilang pangongopya ng Pilipinas sa sistemang dalawahang-partido ng imperyalistang Amerika.
Si Benigno “Noynoy” Aquino III ay galing sa at nagtatanggol sa interes ng uring kapitalista-haciendero. Napakalinaw ng katotohanang ito. Hindi ito usapin ng “kung ano ang puno ay siya ang bunga” sa kabila ng katotohanan na ang kanyang inang si Corazon Aquino bilang presidente noong 1986-92 ay nagsagawa ng isa sa pinakamabangis na panunupil sa lumalabang populasyon.
Sa likod ng populistang islogan ni Noynoy na “kung walang corrupt, walang mahirap” nakatago ang mala-halimaw na maka-kapitalistang programa para lalupang pagsamantalahan at apihin ang manggagawa at sambayanan.
Ang programang “anti-korupsyon” ay laging dala-dala ng sinumang kandidato mula pa noong panahon ni Manuel Quezon hanggang ngayon. Subalit lalong lumala ang korupsyon at pagnanakaw ng mga nasa kapangyarihan sa kaban ng bayan. Ang ugat ng korupsyon ay ang krisis ng sistema. Ito ay nagbunga ng pagliit ng paghahatian ng iba't-ibang paksyon ng mapagsamantalang uri. At habang lumiliit ang paghahatiang yaman mula sa pawis ng sambayanan ay lalong tataas ang pagiging ganid ng lahat ng paksyon na magnakaw para sa pansariling interes. Ito ang bunga ng ideolohiyang “isa laban sa lahat” at “bawat isa para sa kanyang sarili”.
Ang mga iskandalo ng korupsyon ng mga nagdaang rehimen kabilang na ang rehimeng Corazon Aquino (1986-92) ay hindi na bago sa isang sistemang nasa kanyang dekadenteng yugto na, hindi lang sa mga atrasadong kapitalistang bansa gaya ng Pilipinas kundi maging sa abanteng kapitalistang mga bansa gaya ng Amerika at Britanya. Wastong sinuri ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (IKT) ang mga iskandalong ito na pinangunahan ng burges na media:
“The targets of scandals often complain that those who have launched the scandalous allegations are politically motivated, that what they are accused of doing was longstanding common practice, and has been done by others before them without public outcry, and in this they are generally accurate. Corruption, nepotism, cronyism, and illegal behavior are central characteristics of the capitalist class’s mode of functioning. Many of the revelations that become the focal point of media attention in various scandals have actually been known about for a long time and only become worthy of media attention because of political circumstances external to the subject matter of the scandal itself.” (en.internationalism.org/internationalismusa/200705/2125/media-scandals-are-key-weapon-intra-ruling-class-clashes [10])
Bagamat totoo ang akusasyon ng Kaliwa at burgesya na oposisyon sa kanilang akusasyon ng malawakang korupsyon sa naghaharing paksyon na nakaupo sa Malakanyang: Marcos, Aquino, Ramos, Estrada at Arroyo, malinaw din na ito ay may layuning politikal: nais ng oposisyon na magmalinis sa mata ng publiko at linlangan ang una na sila ay hindi kurakot at magnanakaw. Ang nais ng oposisyon ay itago ang katotohanan na ang ugat ng pagnanakaw ng mga nasa kapangyarihan ay ang bulok na sistema at gobyerno mismo na kanilang pinaglilingkuran. Gusto lamang ng burges na oposisyon na isalaksak sa utak ng taumbayan na ang magnanakaw ay ang paksyon lamang na kasalukuyang nakaupo sa Malakanyang.
Subalit maiwasan ba ng mga opisyales at burukrata ng kapitalistang estado ang pandarambong at pagnanakaw sa kaban ng bayan sa ilalim ng sistemang sadlak na sa permanenteng krisis? Kung ang mga politiko ang tatanungin laluna si Noynoy Aquino, tiyak ang sagot nila ay malaking OO. Ang pekeng komunista at rebolusyonaryo lamang ang maniwala sa mga ito!
Sa mga bansang atrasado at mabilis na lumiliit ang yaman ng bayang pagnanakawan, mas mataas ang antas ng pagiging ganid sa pagnanakaw at pagpapayaman ng mga politiko at burges na partido, ito man ay mula sa Kanan o Kaliwa:
“People go into bourgeois politics for diverse reasons, but few are able to resist the opportunity to use their membership of parliament or government as a way of lining their own pockets. Their loyalty to the state as it deceives and exploits the population is amply rewarded by large salaries, bribes, luxurious privileges, and ‘plenty of time on their hands'.” (en.internationalism.org/worldrevolution/201003/3638/corruption-integral-part-parliamentary-politics [11])
Habang lumalala ang krisis ng sistema, lalong tumataas ang pangangailangan ng mga burukrata kapitalista ng Kanan at Kaliwa ng burgesya para magpayaman sa sarili.
Totoong mataas ang ekspektasyon ng maraming mahihirap sa rehimeng Noynoy Aquino. Pero ang ekspektasyong ito ay tiyak mauuwi na naman sa desperasyon at demoralisasyon laluna sa panggitnang pwersa tulad ng nangyari noon sa administrasyon ng kanyang ina.
Maaring magbigay ng ehemplo si Noynoy Aquino ng ilang burukrata at negosyante na kakasuhan, huhulihin at ikukulong sa salang pagnanakaw at pandarambong. Pero hanggang dyan na lang: ilang halimbawa. At ang target nito ay ang paksyong Arroyo lamang na wala na sa kapangyarihan. Subalit, dahil ang batas mismo nila ay puno ng mga butas, kahit seryoso pa si Aquino na ipakulong si Gloria, dadaan ito sa butas ng karayom. Pero hindi ito imposible. Nagawa na ito ng burgesya sa ibang bansa: Peru at China bilang iilan lamang sa mga halimbawa kung saan malalaking burukrata ang pinarusahan.
Kaya naman ang kampanyang anti-korupsyon ng rehimeng Aquino para daw sa malinis na pamahalaan ay pampropaganda lamang dahil hindi nito mapigilan at hindi pipigilan ang pagnanakaw ng kanyang paksyon na hayok din sa yaman ng bayan. May karanasan na ang mga Pilipino dito: ang Kamag-anak Inc. ng administrasyong Corazon Aquino.
Kailangang malinaw, laluna sa mga sinsirong elemento para sa panlipunang pagbabago na ang rehimeng Aquino ay mortal na kaaway ng uring proletaryado at sambayanang Pilipino. Tahasang oportunismo at kontra-rebolusyonaryo ang anumang “kritikal” na suporta o “subukan muna” ang rehimeng Aquino.
Gayong interes din ng uring manggagawa at maralita na parusahan hindi lamang paksyong Arroyo kundi pati na rin ang nagdaang mga paksyon na nasa kapangyarihan sa kanilang mga kasalanan sa bayan, hindi ito mangyayari sa paraan na nais ng paksyong Aquino. Mangyari lamang ito kung ang uring manggagawa na ang nasa kapangyarihan matapos mawasak ang kapitalistang estado.
Ang linyang anti-korupsyon ng paksyong Aquino ay para sa interes ng burgesya at hindi para sa manggagawa. Hindi ito tereyn ng laban ng uring proletaryo.
Rebolusyon ng manggagawa hindi populismo at elektoralismo
Ang tereyn ng laban ng manggagawa ay ang kanyang makauring kahilingan gaya ng regular na trabaho, sapat na sahod at makataong kondisyon sa pagawaan. Bagamat sa biglang tingin ito ay mga “simpleng” pang-ekonomiyang kahilingan, pero ang katotohanan ay tungtungan ito para sa pampulitikang mga laban ng uri. Bakit?
Dahil walang makakamit na panimulang tagumpay ang masang manggagawa sa kanilang makauring pakikibaka kung hindi malawakan at buong bansa ang pakikibaka. At mangyari lamang ito kung hawakan ng uri ang kanilang pakikibaka sa kanilang mga kamay mismo at hayagang salungatin ang mga anti-manggagawang batas ng estado. Sa madaling sabi, ang mga kahilingang ito ay hindi yayanig sa rehimeng Aquino kung hindi daang libong manggagawa ang lalabas sa lansangan at magwelga mula sa pribado at pampublikong sektor, bilang iisang uri at iisang lakas. At batay sa karanasan ng proletaryado, hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa, ang mga unyon ay walang sinsirong interes na palawakin ang pakikibaka at suwayin ang mga demokratikong batas ng burgesya.
Kung ang mga interbyu sa media ni Noynoy Aquino ang maging batayan natin, halos wala tayong makitang makabuluhang salita mula sa kanyang bibig maliban sa abstraktong mga salita na “malinis” na pamahalaan at “susundin at ipatupad ko ang tagubilin ng aking mga magulang”. Ganun pa man, may masisilip tayo: taasan ang buhis at streamlining sa gobyerno para daw maging masinop ang serbisyo. Ano ang ibig sabihin nito?
Sa totoo lang, matagal ng ginagawa ang mga ito ng nagdaang mga rehimen, na walang ibang kahulugan kundi:
1. Taasan ang sahod ng mga parasitikong institusyon ng estado laluna ang AFP at PNP. Ang armadong pwersa ng estado ay kailangang alagaang mabuti ng nagharing paksyon dahil dito siya nakasandal para manatili sa kapangyarihan.
2. Pigain ang lakas-paggawa ng mamamayan sa pamamagitan ng pagpataw ng dagdag buhis o panibagong buhis para lalaki ang manakaw ng mga burukrata ng paksyong Aquino.
Kaalinsabay dito ay ang tanggalan laluna doon sa mga kontraktwal na empleyado ng gobyerno at sa mga kaaway nito para makatipid sa gastusin. Hindi naman bago ang mga ito. Dati na itong ginagawa ng mga paksyong nakapasok sa Malakanyang. Pero kaibahan lamang ay mas lalala ito kaysa dati.
Ang sentral na layunin ng rehimeng Aquino sa kanyang mga atake sa uring manggagawa at maralita ay para magkaroon ng puwang ang pambansang kapitalismo sa umiigting na kompetisyon ng iba't-ibang pambansang kapital sa buong mundo sa pandaigdigang merkado na mabilis na kumikipot. At para mahigitan ng administrasyong Aquino ang “tagumpay” ng rehimeng Arroyo sa kanyang 9 na taong pamamayagpag sa tuktok ng burges na kapangyarihan sa layuning ito, kailangan nitong higitan ang patakarang murang lakas-paggawa ng huli. Sa mas murang lakas-paggawa (mas murang sahod sa maksimum na produksyon) magkaroon ng puwang ang atrasadong sistema ng bansa sa pandaigdigang pamilihan.
3. Kakambal ng mas murang paggawa ang pang-eengganyo sa mga dayuhang kapital na maglagak ng puhunan sa Pilipinas. Dahil wala ng pag-asa pang maging abanteng kapitalistang bansa ang Pilipinas dahil nasa dekadenteng yugto na ang pandaigdigang kapitalismo, mas lalupang sasandal ang estado ng Pilipinas sa mga dayuhang kapital.
Ito rin ang interes ng mga abanteng kapitalistang bansa na nasa krisis: kompetisyon sa paghahanap ng mga bansang pinakamura ang lakas-paggawa. Kaya naman naghabulan sa pagbati ang imperyalismong US, Japan, China at mga bansa sa European Union kay Noynoy Aquino dahil kailangan nila ang murang lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino.
Sa kasalukuyang antas ng krisis ng sistemang kapital at ng desperasyon ng naghaharing uri na konsolidahin ang kanyang pinakahuling moog, ang estado at mga batas nito, kailangan ang malawakang pakikibaka ng proletaryado at mahihirap ay lumagpas na sa mga hangganang isinasaad ng maka-kapitalista-hacienderong mga batas.
Isa ng ganap na ilusyon at kontra-rebolusyonaryo ang linyang ang nangangamoy sa kabulukan na kongreso ay makagawa ng mga “maka-masang” batas sa ilalim ng naaagnas na kapitalismo.
Panghuli, kaya ba ng administrasyong Aquino na ibaba ang utang ng bansa? Tulad ng nagdaang mga rehimen, ang pangungutang (maliban sa buhis) ang pangunahing sandalan ng administrasyong Arroyo para magkaroon ng pondo. Ang malaking problema lang ay nasa yugto na ngayon ang mundo ng matinding krisis sa utang. Kung hindi na makalaya sa bigat ng utang ang abanteng kapitalistang mga bansa, laluna ang mga atrasado gaya ng Pilipinas.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo at sa kanyang kasalukuyang yugto ng pagkaagnas, mabilis na madurog ang mga populistang pangako ng administrasyong Aquino. Pero hindi ibig sabihin na mabilis din na maabot ng manggagawang Pilipino ang klaripikasyon para sa tunay na panlipunang pagbabago dahil malakas pa rin ang impluwensya ng iba't-ibang paksyon ng Kaliwa sa kanilang hanay. Kaya nasa balikat ng napakaliit na minorya na mga komunista at rebolusyonaryong organisasyon sa Pilipinas nakapatong ang napakalaking responsibilidad na isiwalat ang tunay na sitwasyon ng bansa at daigdig. At mula dito ay ipaliwanag sa uring manggagawa at maralita.
Ang unang hakbang para sa klaripikasyon ay ang paglantad na ang rehimeng Aquino, burges na oposisyon at Kaliwa kasama na ang mga tuta nilang mga unyon ay kaaway ng makauring pakikibaka para sa sosyalismo. At ang pangunahing hadlang para sa klaripikasyon ay ang populista at demokratikong ideolohiya ng burgesya.
Talyo
Hunyo 12, 2010
Ang pangunguna ni Benigno "Noynoy" Aquino III sa bilangan at ang pagkilala sa kanya ng mayoriya ng Kanan, Kaliwa, media at imperyalistang mga bansa laluna ng Amerika bilang "bagong" pangulo kahit wala pang opisyal na proklamasyon sa kanya ay patunay ng katumpakan ng marxistang pagsusuri sa halalang Mayo 2010.
Batay sa pagsusuri sa makauring tunggalian at balanse ng pwersa nakamit ng mga marxistang rebolusyonaryo sa Pilipinas ang sumusunod na analisis noon pang nakaraang taon:
1. Para sa naghaharing uri ang paksyong Arroyo at si Gloria mismo ay isa ng liability sa sistema. Kailangan na siyang palitan ng isang "popular" na pangulo mula sa burges na oposisyon.
2. Kailangang matuloy ang eleksyon na magkaroon ng persepsyon sa publiko at internasyunal na komunidad na "mapayapa", "malinis" at "kapani-paniwala".
3. Sa kabila ng pangkalahatang interes ng naghaharing uri para sa "mapayapa", "malinis" at "kapani-paniwalang" halalan, hindi nito mapigilan at maitago ang marahas na tunggalian ng ibat-ibang paksyon ng mapang-aping uri para sa kapangyarihan.
Noong Hunyo 2009 sinabi ng mga rebolusyonaryong minorya ang sumusunod:
"Kung may nag-iisip man ng term extension ni Gloria (president o prime minister), ito ay ang kanyang mga sagad-saring alagad na lamang. Pero hindi ang buong naghaharing uri dahil para sa kanila, isa ng liability si Gloria sa kanilang paghahari. Katunayan, may mapagpipilian na ang naghaharing uri sa loob ng burges na oposisyon para uupo sa Malakanyang (Roxas, Villar, Lacson, Legarda, Escudero, etc). Kung sino man siya, ito ay walang halaga sa masang mahihirap dahil alam ng huli na ibayong kahirapan lamang ang mararanasan nito anumang paksyon ng burgesya ang uupo sa kapangyarihan."[1]
Ang burges na oposisyon at Kaliwa ng panahong ito ay humihiyaw na tila hindi matuloy ang eleksyon dahil ang plano ng paksyong Arroyo ay baguhin ang Konstitusyon bago ang kampanya ng eleksyon.
Ang kapasyahan ng mapagsamantalang uri na matuloy ang eleksyon at mahalal ang isang kandidato mula sa burges na oposisyon ay pinatunayan ng naging aktwal na resulta ng eleksyon. Ganito na ang pahayag ng mga komunista noong Hulyo 2009:
"Kung ang consensus ng karamihan ng naghaharing uri sa Pilipinas ang suriin, isa ng liability si Gloria bilang pangunahing tagapagtanggol ng kapitalistang estado. Sa kanyang termino bumilis at dumami ang nawawalan ng tiwala sa mga demokratikong mistipikasyon laluna sa usapin na walang kaibahan ang lahat ng politiko - administrasyon at oposisyon - at wala ng kabuluhan ang eleksyon.
Ito ang kinatatakutan ng lahat ng paksyon ng naghaharing uri: lubusang mawala ang tiwala ng masa sa demokratikong anyo ng diktadura ng burgesya, ang huli at pinaka-epektibong maskara ng estado para itaboy ang manggagawa at maralita sa rebolusyonaryong pakikibaka para sa sosyalismo."[2]
Noon pang Setyembre 2009 ay nakita na ng Internasyonalismo (seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Pilipinas) na isang "popular" na kandidato ang posibleng manalo sa katauhan ni Noynoy Aquino[3]:
"Ang tunguhing "populismo" ay parang swine flu na kumakalat sa lahat ng mga bansang nakaranas ng matinding kombulsyon, kahirapan at kabulukan ng estado."
"Natatakot ang burgesya na ang mga kilusang protesta at galit ng manggagawa at maralita laban sa walang solusyong krisis ng kapitalismo ay magbunga ng tuluyang pagkawala ng tiwala ng huli sa mga mistipikasyon ng demokrasya, eleksyon at nasyunalismo. At higit sa lahat ng lubusang pagkalantad sa harapan ng malawak na populasyon na walang kaibahan ang administrasyon at oposisyon."
"Ang burges na oposisyon at Kaliwa ang shabu na binibigay ng burgesya sa masa para patuloy itong maging "bangag" sa mga mistipikasyon na ang problema ay nasa pangangasiwa lamang sa estado; na ang problema ay ang paghahanap lamang ng "tama" at "matinong" tao na "aasahan" ng mamamayan para siyang mag-ahon sa kanila sa kahirapan."
Sa pananaw ng Internasyonalismo noong nakaraang taon pa ay nagtulong-tulong ang Kanan, Kaliwa, media at Simbahan para "piliin" ng taumbayan si Noynoy Aquino:
"Ang pagkamatay ni Cory Aquino, ang "icon of democracy" sa Pilipinas, na sinasaluduhan ng lahat ng paksyon ng burgesya, kabilang na ang "ultra-radikal" na CPP-NPA-NDF ay parang "hulog ng langit" sa buong naghaharing uri para epektibong mapatupad ang taktikang "populismo".
Nagtulungan ang media, burges na partido ng Kanan at Kaliwa at Simbahan na muling buhayin ang "diwa ng Edsa 86" na matagal na sanang ibinaon dahil sa mga krimen ng rehimeng Aquino noon sa masang manggagawa at maralita.
At tulad ng kanyang ina, na isang "reluctant candidate" noong 1986, si Senador Noynoy Aquino naman ngayon ay ganun din at napilitan lang diumano na tatakbo dahil sa "popular na kahilingan" ng taumbayan.
Eureka! Nakita na ba ng burgesyang Pilipino ang Barack Obama sa Pilipinas sa katauhan ni Noynoy?"
Noong Mayo 1, 2010 ay naglabas ang Internasyonalismo ng isang pahayag[4] na nanawagan sa manggagawang Pilipino at maralita na maghanda at labanan ang bagong pangulo ng kapitalistang gobyerno habang ang Kaliwa ay abala sa paggamit ng internasyunal na araw ng paggawa para sa kanilang elektoral na agenda at kontra-rebolusyonaryong linya.
Talyo, 5/23/2010
[1] ‘Usaping Cha-Cha: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa' (https://fil.internationalism.org/node/98 [12]) Submitted by Internasyonalismo on Sat, 06/06/2009 - 05:03
[2] ‘Ika-9 na SONA ni Gloria para ba sa masa?' (https://fil.internationalism.org/node/104 [8]) Submitted by Internasyonalismo on Tue, 07/28/2009 - 05:09.
[3] ‘"Popular" na kandidato para ipagtanggol ang kapitalismo' (https://fil.internationalism.org/node/106 [9]) Submitted by Internasyonalismo on Wed, 09/16/2009 - 02:43.
[4] https://fil.internationalism.org/node/175 [13]
Isinalin namin sa Filipino ang pahayag ng seksyon ng IKT sa Turkey hinggil sa welga ng mga manggagawa sa Tekel, isang kompanya ng tabako.
Mahalagang mabasa ito ng mga nagsusuring manggagawa at elemento sa Pilipinas para maunawaan ang karanasan ng mga manggagawa ng Tekel at panimulang makahalaw ng mga aral sa laban nila laluna sa usapin ng pananabotahe ng unyon at ang pagsisikap na mga manggagawa ng Tekel na organisahin ang sarili at palawakin ang pakikibaka para isulong ang kanilang makauring laban.
Internasyonalismo
seksyon ng IKT sa Pilipinas
07 Pebrero 2009
Noong Disyembre 14, 2009, libu-libong manggagawa ng Tekel[1] mula sa maraming syudad ng Turkey ay iniwan ang kanilang mga bahay at pamilya para pumunta sa Ankara. Naglakbay ang mga manggagawa sa Tekel sa layuning labanan ang kahindik-hindik na kalagayang ipinataw sa kanila ng kapitalistang kaayusan. Itong marangal na pakikibaka ng mga manggagawa ng Tekel na mahigit isang buwan na ngayon, ay dala-dala ang ideya ng isang welga na lalahukan ng lahat ng manggagawa. Dahil dito, sinimulang pangunahan at isinulong ng mga manggagawa ng Tekel proletaryong kilusan sa buong bansa. Sinubukan naming isulat dito ang kasalukuyang pangyayari sa pakikibaka ng Tekel. Hindi dapat makalimutan na ang salaysay dito ay hindi lamang ng mga manggagawa ng Tekel, kundi ng mga manggagawa sa buong mundo. Labis kaming nagpapasalamat sa mga manggagawa ng Tekel upang maisulat namin ang artikulong ito para itulak ang pakikibaka ng uri pasulong, sa kanilang pursigidong pakikibaka at sa kanilang paliwanag sa amin ano ang pinagdaanan nila, ang kanilang karanasan at iniisip.
Unang-una, tingin namin ay dapat ipaliwanag ang dahilan ng pakikibaka ng mga manggagawa ng Tekel. Tinututulan ng mga manggagawa ng Tekel ang polisiyang 4-C ng estadong Turkish. Maliban sa manggagawa ng Tekel, kumukuha ang estado sa ilalim ng kondisyong 4-C ng libu-libong manggagawa. Ang kondisyong ito ang maranasan ng libu-libong manggagawa sa malapit na hinaharap, ang mga manggagawa sa paktorya ng asukal ang unang maging biktima sa hinaharap. Sa kabilang banda, maraming sektor ng manggagawa ang nakaranas ng kahalintulad na atake sa ilalim ng ibang pangalan, at ito ay aatake sa mga hindi pa nakaranas. Ano itong 4-C? Ang patakarang ito ay "grasya" na binibigay ng estadong Turkish para sa mga manggagawa na mawalan ng trabaho dahil sa pagdami ng pribatisasyon. Laman nito, maliban sa malaking bawas ng sahod, ang mga manggagawa ng gobyerno ay inilipat sa ibang sektor sa loob ng estado sa ilalim ng nakakatakot na kondisyon. Ang pinakamasamang kondisyon ng patakarang 4-C ay ang pagbibigay ng estado sa mga manager ng absolutong kapangyarihan sa manggagawa. Kaya ang sahod, na estado ang nagpapasya at napakababa na, ay isang maksimum na gantimpala na. Maari pa itong bawasan ng manager ng pabrika ng walang anumang dahilan. At saka, lubusan ng binalewala ang oras-trabaho para sa nagtatrabaho sa ilalim ng 4-C at ang mga manager ng mga kompanya ng estado ay may karapatan na anumang oras ay patrabahuin ang mga manggagawa hanggang "makompleto nila ang tungkuling iniatas sa kanila". Walang anumang bayad ang manggagawa sa "ekstra" na trabahong ito matapos ang regular na oras-trabaho o panahon ng holidays. Sa ilalim ng polisiyang ito, may kapangyarihan ang mga managers na tanggalin ang manggagawa na walang dahilan, na hindi obligadong bayaran sila. Dagdag pa, sa loob ng isang taon, tatlong buwan hanggang sampung buwan lamang maaring magtrabaho ang manggagawa, walang sahod ang manggagawa sa mga buwang hindi sila pinatrabaho at ang tagal ng kanilang trabaho ay ang mga managers pa rin ang magpasya. Sa kabila nito, pinagbawalan ang mga manggagawang maghanap ng pangalawang trabaho kahit hindi sila nagtatrabaho sa panahong iyon. Hindi na binabayaran ang mga manggagawa ng panlipunang seguridad sa ilalim ng polisiyang 4-C, at ang lahat ng mga benepisyong pangkalusugan ay binawi. Ang pribatisasyon, gaya ng polisiyang 4-C ay matagal ng sinimulan noon pa man. Sa mga kompanya ng Tekel, ang pribatisasyon ay sinimulan sa mga departamento ng tabako at inumin, at nauwi sa pagsara ng mga paktorya ng dahon ng tabako. Sa tingin namin ngayon, malinaw na ang problema ay hindi simpleng pribatisasyon. Sa tingin namin, halatadong ang pribadong kapital na kumukuha sa trabaho ng manggagawa, at ang estado, ang kapital ng estado, ay nagnanais na pagsamantalahan ang mga manggagawa sa pamamagitan ng pagsadlak sa kanila sa napakasamang kalagayan, silang dalawa ay nagtutulungan sa pag-atake sa kanila. Sa puntong ito masasabi namin na ang laban ng manggagawa ng Tekel ay iniluwal ng makauring interes ng lahat ng manggagawa at kumakatawan sa pakikibaka laban sa kapitalistang sistema sa kabuuan.
Makakabuti kung ipaliwanag ang sitwasyon ng kilusang paggawa sa Turkey kung saan napailalim ang pakikibaka ng manggagawa ng Tekel. Sa 25 Nobyembre 2009, nangyari ang isang araw na welga na ini-organisa ng KESK, DISK and Kamu-Sen[2]. Gaya ng sinabi namin, naglakbay ang mga manggagawa ng Tekel papuntang Ankara sa 14 Disyembre, ilang linggo matapos ang isang araw na welgang ito. Sa naturang linggo na dumating sa Ankara ang mga manggagawa ng Tekel, nangyari ang iba pang dalawang pakikibaka ng manggagawa. Ang una ay ang demonstrasyon ng mga bombero na mawalan ng trabaho sa pagpasok ng 2010, at ang ikalawa ay ang isang araw na welga ng mga manggagawa sa riles bilang protesta sa pagtanggal sa ilan sa kanilang kasamahan dahil sa paglahok nila sa welga noong 25 Nobyembre. Ang kapulisan, nakita na tumataas ang makauring pakikibaka, ay marahas na inatake ang mga bombero at manggagawa ng riles. Wala ding kaibahan sa pagtrato sa mga manggagawa ng Tekel. Maliban dito, ang bilang ng mga manggagawa ng riles na nawalan ng trabaho dahil sa pagsama sa welga ay tumaas sa halos limampu. Marami sa mga manggagawa ang hinuli. Matagalan pa bago muling makabawi ang mga bombero mula sa mga atake. Hinggil sa mga manggagawa ng riles, sa kasamaang-palad hindi pa sila nakabalik sa tereyn ng makauring pakikibaka. Ang pagiging nasa unahan ng mga manggagawa ng Tekel sa kataposan ng linggo na nagsimula noong Disyembre 14 ay ang katotohanan na nagawa nilang labanan ang panunupil ng estado, at nagawa nilang ipagpatuloy at gawing buhay ang pakikibaka.
Paano nagsimula ang pakikibaka sa Tekel? Mayroon ng konsiderableng minorya na gustong lumaban, pero ang naging mitsa ng pakikibaka ay ang nangyari sa 5 Disyembre, sa isang seremonya na dinaluhan ng primero ministro na si Tayyip Erdoğan[3]. Ang mga manggagawa ng Tekel, kasama ang kanilang mga pamilya, ay hindi inaasahang inakyat si Erdoğan sa seremonyang ito upang tanungin kung ano ang mangyari sa kanila. Sinabat nila ang pagsasalita ni Erdoğan at sinasabing "Naghihintay ang mga manggagawa ng Tekel ng magandang balita mula sa iyo ". Sumagot si Erdoğan: "Sa kasamaang-palad, lumilitaw ang mga elementong gaya nito sa Turkey. Ang mga elementong ito ay nais magkaroon ng pera na hindi nagtatrabaho, na nakaupo lamang. Sinara na natin ang panahon na magkaroon ng pera na walang ginagawa (...) Sinabi nila na ang ari-arian ng estado ay isang dagat at baboy ang hindi makakain. Ganito ang pagtingin nila sa isyung ito. Hindi ganyan ang aming pagtingin. Narito ang inyong kabayaran bilang matagal na sa trabaho. Kung gusto ninyong magagamit namin kayo sa ilalim ng 4-C, kung ayaw nyo, umalis kayo at magtayo ng inyong sariling negosyo kung gusto ninyo. Sinabi din namin ito. May kasunduan kami sa kanilang unyon. Nakausap ko sila. Sinabihan ko sila ‘Matagal na ito. Gawin nyo ang kailangan'. Bagamat may kasunduan kami, natapos na ang proseso at lumipas ang isa o dalawang taon. May nagsasabi pa rin dito na gusto naming manatili sa trabaho at ipagpatuloy ang dati, nais namin ang parehong karapatan sa ibang lugar. Hindi, napag-usapan na natin ito. Sa sampung libong manggagawa ng Tekel ay gumastos kami ng apatnapung trilyon kada buwan."[4] Hindi alam ni Erdoğan kung anong gulo ang pinasok niya. Ang mga manggagawa, karamihan sa kanila ay dating taga-suporta ng gobyerno, ay galit na ngayon. Tinatalakay ng mga manggagawa sa mga pabrika kung paano ilunsad ang pakikibaka. Isang manggagawa mula sa Adıyaman[5] ang nagpaliwanag sa prosesong tulad nito sa isang artikulo na sinulat niya, na inilabas sa isang pahayagan ng Kaliwa: "Ang prosesong yun ay naka-engganyo sa mga kapwa manggagawa na hindi pa sumama sa pakikibaka na lumahok gaano man kaliit ang ambag nila. Nakita na nila ang tunay na mukha ng Justice and Development Party dahil sa sinasabi ng primero ministro. Ang una nilang ginawa ay nagbitiw sila bilang membro ng partido. Sa mga talakayan na nagsimula sa aming mga pabrika, napagpasyahan namin na magkaisang ipagtanggalo ang aming hanapbuhay " [6]. Ang unyon[7] na sinabi ni Erdoğan na nagkasundo sila, at walang seryosong hakbang ay nanawagan ng pagtitipon sa Ankara. Resulta, naglakbay ang mga manggagawa papunta sa kabisera.
Ang pwersa ng estado ay pausad na umaatake sa mga manggagawa mula pa sa simula. Pinahinto ng mga polis ang mga bus na lulan ang mga manggagawa mula sa mga syudad ng Kurdish kung saan konsentrado ang mga paktorya ng Tekel, pero pinadaan ang mga manggagawa mula sa mga rehiyon ng Kanluranbut, Mediterranean, Central Anatolian at Black Sea. Layunin nito na pag-awayin ang mga manggagawang Kurdish at iba pang manggagawa sa isa't-isa, at hatiin ang makauring pakikibaka sa linyang etniko. Hinubaran ng ganitong pausad na atake ang dalawang maskara ng estado: ng pagkakaisa at kaaysuan at ng repormang Kurdish. Pero hindi pumasok ang mga manggagawa sa bitag ng polis. Sa pamumuno ng mga manggagawa ng Tokat, tumutol ang mga manggagawa sa labas ng mga syudad na Kurdish sa paninindigan ng kapolisan, at determinadong giniit na papasok ang lahat ng mga manggagawa sa syudad at walang iwanan. Dahil hindi matantya ng kapolisan kung ano ang hakbang ng gobyerno, pumayag ito na papasukin ang lahat ng mga manggagawa sa syudad. Nagawa ng insidenteng ito na malalimang magkaisa sa makauring tereyn ang mga manggagawa mula sa iba't-ibang syudad, rehiyon at etnikong pinanggalingan. Matapos ang insidenteng ito, nagpahayag ang mga manggagawa sa mga rehiyon ng Kanluran, Mediterranean, Central Anatolian at Black Sea na ang lakas at inspirasyon nila sa paglaban ay nakuha nila mula sa determinasyon at kamulatan ng mga manggagawang Kurdish, na isang malaking ambag sa kanilang paglahok sa pakikibaka at natuto sila ng malaki mula sa mga manggagawang iyon. Nakuha ng mga manggagawa ng Tekel ang kanilang unang panalo ng nakapasok sila sa syudad.
Sa Disyembre 15, sinimulan ng mga manggagawa ng Tekel ang kanilang protesta-demonstarasyon sa harapan ng pambansang himpilan ng Justice and Development Party sa Ankara. Salaysay ng isang manggagawa ng Tekel na pumunta sa Ankara ng araw na yun: "Nagmartsa kami patungo sa pambansang himpilan ng Justice and Development Party. Gumawa kami ng apoy at naghintay sa harap ng himpilan hanggang 10 PM. Nang masyado ng malamig, pumunta kami sa Atatürk Gym. Mga limang libo kami. Inilabas namin ang aming mga carpet at karton at nagpalipas ng gabi doon. Sa umaga, itinulak kami ng polisya tungo sa Abdi İpekçi Park at pinalibotan kami. Ilan sa aming mga kasamahan ay muling nagmartsa papunta sa himpilan ng Justice and Development Party. Naghintay kami sa parke, nais naming puntahan ang aming mga kasamahan, at ang naghihintay sa harap ng himpilan ng Justice and Development Party ay nais na puntahan kami: umatake ang polisya gamit ang tear gas. Sa 7 PM nagawa naming puntahan ang mga kasamahan sa parke. Naglakad kami ng apat na oras. Nagpalipas kami ng gabi sa parke, sa ulan."[8] Sa kabilang banda, ang pinaka-marahas na atake ng kapolisan ay nangyari sa Disyembre 17. Ang kapolisan, malinaw na kumilos dahil may nag-utos o malamang bumawi dahil hindi nila napigilan ang pagpasok ng mga manggagawang Kurdish sa syudad, ay inatake ang mga manggagawa sa parke ng mas marahas at may galit. Ang layunin ay buwagin ang mga manggagawa. Subalit sa panahong ito may isang bagay na hindi natantya ng pwersa ng estado: ang kapasidad ng mga manggagawa na organisahin ang sarili. Ang mga manggagawa, na binuwag ng kapolisan, ay nagawang organisahin ang sarili na walang tulong mula sa sinumang burukrata at nagtipon para sa isang malaking demonstrasyon sa harap ng himpilan ng Türk-İş[9] sa hapon. Sa naturang araw din, ang mga manggagawa, na walang matutuluyan, ay inokupa ang dalawang palapag ng gusali ng Türk-İş. Sa sumunod na mga araw matapos ang Disyembre 17, ang mga demonstrasyon ng mga manggagawa ng Tekel ay naganap sa isang maliit na kalye sa harap ng himpilan ng Türk-İş, sa sentro ng Ankara.
Nangibabaw ang labanan sa pagitan ng mga manggagawa ng Tekel at administrasyong Türk-İş sa mga araw na ito hanggang Bagong Taon. Sa totoo lang, kahit sa simula pa ng pakikibaka, wala ng tiwala ang mga manggagawa sa mga burukrata ng unyon. Nagpadala sila ng dalawang manggagawa mula sa lahat ng syudad kasama ang mga unyonista sa lahat ng negosasyon. Ang layunin nito ay para malaman ng lahat ng mga manggagawa kung ano ang tunay na pangyayari. Kapwa ang Tek Gıda-İş at Türk-İş, at ang gobeyrno ay umaasa na susuko ang mga manggagawa ng Tekel sa loob ng ilang araw sa harap ng nakakayelong ginaw sa Ankara sa taglamig, panunupil ng polisya at materyal na kahirapan. Ang mga pintuan ng gusali ng Türk-İş, ay hindi nakapagtatakang dali-daling isinara para mapigilan ang mga manggagawa na makapasok sa gusali. Laban dito, nakibaka ang mga manggagawa para pahintulutang magamit ang palikuran sa gusali at para makapagpahinga ang mga babaeng manggagawa sa loob ng gusali at nagbunga ang pakikibakang ito ng tagumpay. Walang intensyon ang mga manggagawa na umatras. Isang seryosong suporta ang binigay ng mga manggagawa sa Ankara at laluna ng mga estudyante na proletaryado ang pinagmulan para sa kanilang matutuluyan: malamang maliit pero mahalagang bahagi ng manggagawa sa Ankara ay pinatuloy ang mga manggagawa ng Tekel sa kanilang bahay. Sa halip na sumuko at umuwi, araw-araw ay nagtipon ang mga manggagawa ng Tekel sa maliit na kalye sa harapan ng gusali ng Türk-İş, at nagsimulang magtalakay kung paano isusulong ang pakikibaka. Hindi nagtagal nakita ng mga manggagawa na ang tanging solusyon para mapangibabawan ang kanilang pagkabukod ay dapat ang kanilang pakikibaka ay lumawak sa buong uring manggagawa.
Sa ganitong konteksto, ang mga militanteng manggagawa mula sa lahat ng syudad na nakakita na walang ginagawa ang Tek Gıda-İş at Türk-İş para sa kanila ay nagtangkang magtayo ng komite sa welga, na ang pangunahing layunin ay ipaabot ang kanilang mga demanda sa unyon. Ilan sa mga kahilingan ay ang pagtayo ng tent para sa welga at kolektibong ipagdiwang ng mga manggagawa ang Bagong Taon, sa pamamagitan ng isang demonstrasyon sa harap ng gusali ng Türk-İş. Tinutulan ng mga opisyales ng unyon ang inisyatiba ng mga manggagawa. Kung tutuusin, ano pa ang saysay ng unyon kung hawakan na ng mga manggagawa sa kanilang mga kamay ang pakikibaka! Nakalambong dito ang isang banta: ang mga manggagawa na nabukod na ay natatakot na mapabayaan kung aatras ang unyon sa pagsuporta sa kanila. Kaya binuwag ang komite sa welga. Pero determinado ang mga manggagawa na hawakan ang pakikibaka sa kanilang mga kamay. Mabilis na isinagawa ng mga manggagawa ang pakikiisa sa mga manggagawa ng asukal na haharap sa katulad na kondisyon ng 4-C sa lalong madaling panahon, at pumunta sila sa mga komunidad ng manggagawa at sa mga unibersidad ay inimbitahan sila para ipaliwanag ang kanilang pakikibaka. Habang patuloy ang pakikibaka ng mga manggagawa laban sa administrasyong Türk-İş na hindi naman sumusuporta sa manggagawa. Sa araw na nagpulong ang mga opisyales ng Türk-İş, pinasok ng mga manggagawa ang himpilan ng unyon. Kumilos ang mga polis para proteksyunan si Mustafa Kumlu, tsirman ng Türk-İş mula sa mga manggagawa. Nagsimulang magsigawan ang mga manggagawa ng mga islogang tulad ng "Ibenta ang mga bentador", "Tungkulin ng Türk-İş, pangkalahatang welga ", "Kumlu, magbitiw ka". Hindi nangahas harapin ni Kumlu ang mga manggagawa hangga't hindi siya nagdeklara ng seye ng mga pagkilos, kabilang na mga welga na mangyayari linggo-linggo, simula sa isang oras na welga at madodoble kada linggo at demonstrasyon sa harap ng gusali ng Türk-İş na mangyayari kada linggo. Takot siya sa kanyang buhay. Kahit pa sa deklarasyon ni Kumlu ng serye ng mga pagkilos, wala pa ring tiwala ang mga manggagawa sa Türk-İş. Nang sinabi ng isang manggagawa ng Tekel mula sa Diyarbakır[10] sa isang interbyu na "Hindi namin susundin ang anumang desisyon ng liderato ng unyon na tapusin ang pakikibaka at umuwi na. At kung ang desisyon na tapusin ang laban na walang anumang ganansya tulad ng ginawa nila noong nakaraang taon, nag-iisip kami na kunin ang lahat na pwedeng makuha sa gusali ng Türk-İş at sunugin ito "[11], pinahayag niya ang damdamin ng maraming manggagawa ng Tekel.
Umatras ang Türk-İş sa kanyang planong aksyon ng ang unang isang oras na welga ay nilahukan ng 30% ng mga unyon. Sindak na sindak ang mga opisyales ng Türk-İş pati na ang gobyerno sa paglawak ng pakikibaka ng mga manggagawa ng Tekel. Matapos ang masayang demonstrasyon sa Bagong Taon sa harap ng himpilan ng Türk-İş, isang botohan ang ginawa ng mga manggagawa upang pagpasyahan kung magpatuloy ba o umuwi. 99% ng mga manggagawa ay bomoto na ipagpatuloy. Samantala, isang bagong plano ng pagkilos na minungkahi ng unyon, ay sinimulang talakayin: matapos ang Enero 15, mayroong tatlong-araw na sit-in, na susundan ng tatlong-araw na hunger strike at pagkatapos ay tatlong-araw na pag-ayuno hanggang kamatayan. Ilulunsad din ang isang malaking demonstrasyon, na pinangako ng adminsitrasyong Türk-İş. Inisyal na naniwala ang manggagawa na isang magandang ideya ang hunger strike. Nahiwalay na, ayaw nila na makalimutan at balewalain at naniwala sila na mapigilan ito ng isang hunger strike. Saka, may pakiramdam sila na natali sila sa harap ng Türk-İş at nag-iisip na kailangang may pagkilos. Isa ring intimidasyon ang hunger-strike para sa Türk-İş.
Isa sa pinaka-signipikanteng teksto na sinulat ng mga manggagawa ng Tekel ay lumitaw sa mga araw na yun: isang sulat ng isang manggagawa ng Tekel para sa mga manggagawa ng asukal. Ang manggagawa ng Tekel mula sa syudad ng Batman[12] ay sumulat: "Aming masisipag at marangal na mga kapatid na manggagawa sa paktorya ng asukal, Ngayon, ang marangal na pakikibakang inilunsad ng mga manggagawa ng Tekel ay isang istorikal na pagkakataon para sa mga binawian ng karapatan. Para hindi mapag-iwanan ng pagkakaong ito, ang inyong pagtisipasyon sa aming marangal na pakikibaka ay mas makapagpasaya at mas makapaglakas sa atin. Mga kaibigan, nais kong bigyang diin na sa ngayon, nangako ang mga unyonista na ‘kami ang bahala'. Subalit, habang dinaanan natin ang katulad na proseso, alam natin na sila ay may marangyang pamumuhay at walang pakialam sa buhay-at-kamatayan. Kabaliktaran, kayo ang inagawan ng karapatan at binawian ng karapatan sa pagtrabaho. Kung hindi kayo lalahok sa pakikibaka ngayon, baka huli na bukas. Anu't anuman, magtatagumpay ang pakikibakang ito lalahok kayo o hindi at wala kaming duda o kawalang tiwala sa aming mga sarili na ipatupad ito. Dahil tiyak tayo na kung magkaisa at kikilos bilang isang katawan ang mga manggagawa, walang hindi nila makakamit. Sa ganitong damdamin, sumasaludo ako sa inyo mula sa kailaliman at respeto sa ngalan ng lahat ng manggagawa ng Tekel."[13] Ang sulat na ito ay hindi lang nanawagan sa mga manggagawa ng asukal na sumama mismo sa pakikibaka; malinaw din na inihayag nito ano ang nangyari sa Tekel. Habang inihayag din dito ang kamulatan ng maraming manggagawa ng Tekel na hindi lamang sila nakibaka para sa kanilang sarili kundi para sa buong uring manggagawa.
Sa Enero 15, pumunta ang mga manggagawa ng Tekel sa Ankara para lumahok sa sit-in na nasabi na namin. Ngayon ay mayroong halos sampung libong manggagawa ng Tekel na nasa Sakarya Square. Ilan sa kanilang mga pamilya ay sumama sa kanila. Kumuha ng sick-days at holidays ang mga manggagawa para lamang makapunta sa Ankara at marami sa kanila ang maraming beses na pabalik-balik para ma-renew ang kanilang permiso sa holiday. Ngayon, halos lahat ng mga manggagawa sa Tekel ay nagsama na. Nagplano ng isang malawak na demonstrasyon sa Enero 16, Sabado. Natakot ang pwersa ng estado sa demonstrasyong ito dahil maging batayan ito para sa paglawak at paglaki ng pakikibaka. Ang posibilidad na magkaroon ng mas matibay na pagkakaisa ang mga manggagawa na dumating para sa demonstrasyon ng Sabado at buong gabi hanggang buong araw sa Linggo na makasalamuha ang mga manggagawa ng Tekel. Kaya giniit ng pwersa ng estado na sa Linggo ang demonstrasyon, at ang Türk-İş, sa isang tipikal na maniobra, ay lalupang pinahina ang demonstrasyon ng pigilan ang mga manggagawa mula sa mga syudad ng Kurdish na pumunta. Tinataya din na ang dalawa, ang nagyeyelong taglamig sa Ankara, sit-in sa mga kalye ang dudurog sa paglaban at lakas ng mga manggagawa ng Tekel. Nakita sa demonstrasyon sa Enero 17 na ang pagtayang ito ay malaking pagkakamali.
Kalmadong nagsimula ang demonstrasyon sa Enero 17. Ang mga manggagawang nagtipon sa Ankara at maraming pampulitikang pwersa ang nagmartsa mula sa Ankara Train Station sa 10 umaga tungo sa Sıhhiye Square. Sa demonstrasyon, na nilahukan ng libu-libong manggagawa, una isang manggagawa mula sa Tekel, pagkatapos isang bombero at isang manggagawa ng asukal ang nagsalita sa entablado. Ang pagsabog ay nangyari pagkatapos. Pagkatapos ng mga manggagawa, si Mustafa Kumlu, ang tsirman ng Türk-İş ay umakyat sa entablado. Si Kumlu, na walang pakialam sa pakikibaka na lumawak o sa kalagayan ng mga manggagawa ay ganap na moderato, mapagkasundo at walang laman ang pananalita. Gumawa ang Türk-İş ng partikular na pagsisikap na ilayo ang mga manggagawa sa entablado at nilagay ang mga manggagawa ng bakal na ganap na walang kaalam-alam sa nangyayari sa harap nito. Ganun pa man, nakiusap ang mga manggagawa ng Tekel sa mga manggagawa ng bakal na pupunta sila sa harap ng entablado. Sa pagsasalita ni Kumlu, ginawa lahat ng mga manggagawa ng Tekel na sabatin ang pagsasalita niya ng kanilang mga islogan. Ang huling salamangka laban sa manggagawa ay ang pahayag na pagkatapos ng pagsasalita ni Kumlu's, ay si Alişan, isang pop singer na walang anumang kaugnayan sa kilusang paggawa, ay magbibigay ng konsiyerto sa lugar ng demonstrasyon. Inokupa ng mga manggagawa ang entablado, nagsimulang magsisigaw ng sarili nilang mga islogan at sa kabila ng pagkuha ng mga opisyales ng unyon sa sound system, sumama ang mga manggagawa na lumahok sa demonstrasyon sa pagsisigaw ng mga islogan. Lubusan ng nawalan ng kontrol ang unyon. Hawak na ito mismo ng mga manggagawa. Nagmamadaling umakyat sa entablado ang mga opisyales ng unyon, na nagsimulang magbigay ng radikal na pananalita sa isang banda at tinataboy ang mga manggagawa na umalis sa entablado. Nang hindi ito umubra, sinubukan nilang pag-awayin ang mga manggagawa laban sa isa't-isa at laban sa mga estudyante at sa mga manggagawa na pumunta para suportahan sila. Tinangkang pag-awayin ng mga unyonista ang mga manggagawa na dumating sa Ankara sa simula ng pakikibaka laban sa mga huling dumating, at ang puntirya nila ay ang mga dumating para magbigay ng suporta. Sa huli, nakumbinsi ng mga opisyales ng unyon ang mga manggagawa na bumaba sa entablado, at nahikayat ang mga manggagawa na mabilis na bumalik sa kalye sa harap ng gusali ng Türk-İş. Sa aming opinyon, interesante ang mga pananalita na nagsusulong ng hunger strike at pag-aayuno hanggang kamatayan para isantabi ang islogan hinggil sa pangkalahatang welga. Anu't-anuman, hindi sapat ang pagbalik sa gusali ng Türk-İş para ilabas ang galit ng mga manggagawa. Ang mga islogan gaya ng "Pangkalahatang welga, pangkalahatang paglaban", "Türk-İş huwag subukan an gaming pasensya" at "Ibebenta namin ang mga bentador sa amin" ay sinisigaw sa harap ng gusali ng unyon ngayon. Pagkatapos ng ilang oras, isang grupo ng manggagawang umabot sa 150 ay nagawang makapasok sa burukratikong barikada sa harap ng mga pintuan ng Türk-İş at inukopa ang gusali. Nagsimulang magsisigaw ng "Kaaway ng mga manggagawa, alipin ng AKP" ang mga manggagawang naghahanap kay Kumlu sa loob ng gusali ng umabot sila sa pintuan ng kwarto ni Kumlu. Matapos ang demonstarsyon sa Enero 17, nagsimulang magsikap na itayo ng mga manggagawa ang isa pang komite ng welga. Ang komiteng ito ay binubuo ng mga manggagawa na hindi naniwalang angkop ang hunger strike para isulong ang pakikibaka at ang tanging daan paabante ay ang palawakin ang pakikibaka. Ang pagsisikap na buuin ito ay alam ng lahat ng manggagawa at suportado ng malawak na mayorya. Hinggil sa hindi sumusuporta nito, hindi din naman sila nagsasalita laban dito. Kabilang sa mga tungkulin ng komite, maliban sa pagdadala ng kanilang mga kahilingan sa unyon, ay ang pagpapatupad ng komunikasyon at pag-organisa sa sarili sa hanay ng mga manggagawa. Tulad ng nagdaang mga komite ng welga, ang komiteng ito ay binubuo ng mga manggagawa at ganap na independyente mula sa unyon. Ang kahalintulad na determinasyon sa pag-organisa sa sarili ang dahilan ng pagsama ng daan-daang manggagawa ng Tekel sa demonstrasyon ng mga empleyado ng sektor ng kalusugan na naglunsad ng isang araw na welga sa Enero 19. Sa naturang araw din, habang isang daang manggagawa lamang ang pinayagang lalahok sa tatlong araw na hunger strike, tatlong libong manggagawa ang sumama sa kanila, sa kabila ng katotohanan na ang pangkalahatang pakiramdam ng mga manggagawa ngayon na ito ay hindi angkop na paraan para isulong paabante ang pakikibaka. ang dahilan sa likod nito ay ayaw iwanan ng mga manggagawa ang kanilang mga kasamahan na mag- hunger strike na sila lang, na nais nilang makiisa sa kanila, na nais nilang maranasan ang maranasan ng kanilang mga kaibigan.
Sa kabila na mayroong regular na pagpupulong ang mga manggagawa ng Tekel batay sa kung saan syduad sila galing, sa ngayon hindi pa possible ang isang pangmasang pulong ng lahat ng lumahok na manggagawa. Mula Disyembre 17, ang kalye sa harap ng gusali ng Türk-İş ay naging impormal na regular na pangmasang pulong. Ang Sakarya Square sa mga araw na ito ay puno ng daan-daang manggagawa mula sa iba't-ibang syudad, nagtalakayan kung paano isusulong ang pakikibaka, paano lalawak ito, ano ang gagawin. Isang mahalagang katangian ng pakikibaka ay paanong ang mga manggagawa mula sa iba't-ibang etniko ay nagkaisa laban sa kapitalistang sistema sa kabila ng panunulsol ng rehimen. Ang islogang "Mga manggagawang Kurdish at Turkish magkaisa", na sinisigaw magmula sa mga unang araw ng pakikibaka ay malinaw na nagpahayag nito. Sa pakikibaka ng Tekel, maraming manggagawa mula sa rehiyong Black Sea ay sumasayaw ng Şemame, at maraming manggagawang Kurdish ay sumasayaw ng Horon sa unang pagkakataon sa kanilang buhay [14]. Isa pang punto na mahalaga sa pagkilos ng mga manggagawa ng Tekel ay ang pagbibigay nila ng importansya sa pagpalawak ng pakikibaka at pagkakaisa ng mga manggagawa, at hindi ito nakabatay sa makitid na pambansang perspektiba kundi kabilang ang mutwal na suporta at pakikiisa sa mga manggagawa sa buong mundo. Saka nagawa ng mga manggagawa ng Tekel na pigilan ang mga bahagi ng oposisyon ng naghaharing uri na gamitin ang pakikibaka para sa kanilang pansariling layunin at wala ring tiwala ang mga manggagawa sa mga partidong oposisyon. Alam nila paanong inatake ng Republican People's Party[15] ang mga pinatalsik na manggagawa mula sa Kent AŞ[16], paanong lumahok ang Nationalist Movement Party[17] sa paggawa ng mga polisiya ng estado at paano ito naging isang anti-manggagawa. Ang kamulatang ito ay pinahayag ng malinaw ng isang manggagawa sa isang interbyu: "alam namin kung sino silang lahat. Ang mga taong bomoto sa batas para sa pribatisasyon ay ngayon nagsasabing naunawaan nila ang aming kalagayan. Hanggang ngayon, lagi akong bomoboto para sa Nationalist Movement Party. Nakausap ko lang ang mga rebolusyonaryo sa pakikibakang ito. Nandito ako sa pakikibakang ito dahil ako ay isang manggagawa. Ang mga rebolusyonaryo ay laging kasama namin. Ang Nationalist Movement Party at Republican People's Party ay nagbigay lamang ng limang minutong pananalita at pagkatapos ay aalis na. Mayroon sa amin na pumalakpak sa kanila noong una kaming dumating dito. Ngayon, hindi na ganyan ang sitwasyon."[18] Ang pinakamalinaw na halimbawa ng ganitong kamulatan ay paanong pinigilan ng mga manggagawa ng Tekel ang mga gustong magsalita mula sa pasistang Alperen Organization[19], na siyang umatake sa mga manggagawa ng Kent AŞ na nagprotesta sa Abdi İpekçi Park dahil sila ay mga Kurdish. Malaki din ang ambag ng pakikibaka ng Tekel sa mga bombero na brutal na inatake matapos ang kanilang unang demonstrasyon sa pamamagitan ng pagbibigay ng moral sa kanila na siyang dahilan na bumalik sila sa pakikibaka. Sa pangkalahatan, nagbigay ng pag-asa ang mga manggagwa ng Tekel hindi lamang sa mga bombero kundi sa lahat ng sektor ng manggagawa sa Turkey na gustong makibaka.
Nagawa ng mga manggagawa ng Tekel na ilunsad ang welga kung saan lahat ng manggagawa ay pwedeng lalahok. Kaya ngayon ay taas-noo ang mga manggagawa ng Tekel na nasa unahan ng uring manggagawa ng Turkey, at inaakay ang ating uri na nalugmok ng ilang taon para lumahok sa pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo. Kaya sila ang may hawak ng binhi ng pangmasang welga na mula sa Ehipto hanggang Greece, mula sa Bangladesh hanggang Espanya, mula sa Ingglatera hanggang Tsina ay yumayanig sa mundo sa nagdaang ilang taon. Nagpatuloy pa ang marangal na pakikibakang ito, at sa tingin namin ay hindi pa panahon upang halawin ang mga aral. Ang ideya ng hunger strike at pag-ayuno hanggang kamatayan na itinutulak sa isang banda at ang ideya ng komite ng welga na binubuo ng mga manggagawa na hindi naniniwalang angkop ang ideyang hunger strike para sa pakikibaka at nais na palawakin ang pakikibaka; ng mga burukrata ng Türk-İş na bahagi ng estado sa isang banda at ng mga manggagawang nais ng pangkalahatang welga sa kabilang banda, mahirap hulaan kung ano ang kinabukasan ng pakikibaka, saan ito patungo, ano ang maging resulta. Anu't-anuman, binigyang diin namin na anuman ang resulta ng pakikibaka, ang marangal na paninindigan ng mga manggagawa ng Tekel ay magbunga ng napakahalagang resulta at mag-iwan ng walang katumbas na mga aral para sa buong uring manggagawa.
Gerdûn, 20.01.10
[1] Ang Tekel ay isang kompanya ng lahat ng tabako at inuming alkohol.
[2] Kaliwang Public Workers Unions Confederation, Revolutionary Workers Unions Confederation at ang mayor na Public Employees Unions Confederation, na kilalang simpatisador ng pasismo.
[3] Lider din ng naghaharing Justice and Development Party, ang AKP
[4] https://www.cnnturk.com/2009/turkiye/12/05/erdogana.tekel.iscilerinden.p... [14]
[5] Isang syudad ng Turkish Kurdistan.
[6] https://www.evrensel.net/haber.php?haber_id=63999 [15]
[7] Tek Gıda-İş, Food, Alchohol, Tobacco Workers Union, membrong unyon ng Türk-İş
[8] https://www.evrensel.net/haber.php?haber_id=63999 [15]
[9] Confederation of Turkish Trade-Unions, ang pinakamatanda at pinakamalaking kompederasyon ng unyon ng Turkey na may masamang kasaysayan, na binuo sa ilalim ng impluwensya ng US sa 50s, hango sa AFL-CIO at taga-sabotahe ng pakikibaka ng uri mula noon.
[10] Kilalang di-opisyal na kabisera ng Kurdistan, ang Diyarbakır ay sentro ng Turkish Kurdistan
[11] https://www.kizilbayrak.net/sinif-hareketi/haber/arsiv/2009/12/30/select... [16]
[12] Isang syudad ng Turkish Kurdistan.
[13] https://tr.internationalism.org/ekaonline-2000s/ekaonline-2009/tekel-isc... [17]
[14] Şemamme ay isang napakasikat na Kurdish na sayaw, at Horon ay isang napakasikat na sayaw ng rehiyong Black Sea ng Turkey.
[15] Ang Kemalist, secularist, left-nationalist party, membro ng Sosyalistang Internasyunal, napaka-sobinista.
[16] Mga manggagawa ng munisipyo ng İzmir, isang sentro sa baybayin ng dagat Aegean. Pinatalsik ang mga manggagawang ito ng Republican People's Party na may kontrol ng munisipyo kung saan nagtrabaho sila at marahas na inatake ng polisya habang nagprotesta laban sa lider ng Partido.
[17] Ang pangunahing pasistang partido.
[18] https://www.kizilbayrak.net/sinif-hareketi/haber/arsiv/2009/12/30/select... [16]
[19] Kriminal na gang na konektado sa Grand Union Party, isang radikal-pasista na isplit mula sa Nationalist Movement Party
Dito saPilipinas, patuloy ang panlilinlang ng kapitalistang rehimeng Aquino na angproblema ng bansa ay korupsyon at maling pamamahala sa estado. Ayon pa sakasinungalingang ito, kung mga “maka-tao, maka-Diyos at makabayan” lamang angnasa tuktok ng kapangyarihan, uunlad ang bayan at ang kanyang mamamayan”. Samadaling sabi, ang mensahe ng naghaharing uri ay: Hindi problema angkapitalistang sistema. Ang problema ay ang tamang pagpili ng taumbayan panahonng eleksyon sa mga kandidatong iluklok nila sa kapangyarihan upang mamuno sakanila at mamahala sa pambansang kapitalismo.
Sa kabilangbanda, sa likod ng mga radikal na lenggwahe ng iba’t-ibang paksyon ng Kaliwatulad ng “rebolusyon”, “panlipunang pagbabago”, “sosyalismo”, “komunismo”, aysalungat naman ang kanilang programa at praktika: unyonismo, parliyamentarismo,repormismo, nasyunalismo at gerilya-ismo. Lahat ng ito ay umaayon sa makauringinteres ng burgesya at hindi kumukwestyon sa puno’t-dulo ng kahirapan atdelubyong naranasan ng mamamayan: ang sistemang sahuran mismo, ang sistema ng kalakal,tubo at merkado.
Kaya namannagkakaisa ang Kanan at Kaliwa sa panlilinlang sa uring manggagawa at masanganakpawis na sa pamamagitan ng pagpapatupad ng burges-demokratikong sistema aymaabot ng proletaryado ang lipunang walang pagsasamantala at pang-aapi, sakabila ng ilang dekadang karanasan hanggang sa mga nangyayaring pag-aalsa saHilagang Aprika at Gitnang Silangan sa kasalukuyan, na ang diktadura,demokrasya, at maging “sosyalista” at “anti-imperyalistang sistema ngkapitalistang paghahari ay walang kaibahan: gumagamit ng dahas, panunupil atpanlilinlang sa uring manggagawa at maralita para tanggapin ang mga atake ngkapitalistang sistema na nasa pinakamatinding krisis mula noong 1960s.
Angkontra-rebolusyonaryong linya ng Kaliwa na “demokratikong” rebolusyon muna bagoang sosyalistang rebolusyon ang siyang pangunahing dahilan kung bakit tinutulaknito ang lumalabang mamamayan na magsakripisyo at magpakamatay para suportahanang isang paksyon ng naghaharing uri laban sa isang paksyon gaya ng nangyayaringayon sa Libya, o kaya linlangin ang mahihirap na suportahan ang mga“anti-imperyalista” ngunit hayagang mapanupil at mapagsamantalahang rehimengaya ng sa Venezuela, Cuba, Iran, Hilagang Korea at maging sa Libya sa pamumunong diktador na si Gadaffy. Ito ang tinatawag ng Kaliwa na “pakikipag-isangprente laban sa imperyalismo”.
Pinapipiling Kaliwa ang manggagawa at mamamayan sa kapitalismo ng estado laban sapribadong kapitalismo at nililinlang ang masa na ang una ay mas mabuti kaysahuli, at higit sa lahat, ito ay daan patungo sa ganap na pagpawi ng kahirapanat pagsasamantala.
Sa ibaba ayartikulo ng World Revolution (seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhinsa Britanya) na salin mula sa English.Ang artikulong ito, sa kabila na tumatalakay sa sitwasyon sa Britanya ay maymalaking kabuluhan sa pagsusuri sa kalagayan ng Pilipinas. Komon ang problemang mga manggagawa sa buong mundo at komon din ang solusyon sa problemang ito.Komon din ang katangian ng atake, panunupil at panlilinlang ng mga paksyon ngburgesya, ito man ay mula sa Kanan o Kaliwa.
Malinaw dinna inilantad ng artikulo ang pananabotahe ng Kaliwa gamit ang radikal napananalita. Nanawagan ng mga rali, demonstrasyon at protesta pero paisa-isa,hiwa-hiwalay – bawat syudad, probinsya o rehiyon. Sa Pilipinas, kung manawaganman ang Kaliwa ng mga pambansang kilos-protesta ay isang araw lamang bilang “pambansangaraw ng paglaban o protesta” at pagkatapos ay balik na naman sa ‘normal’ napamumuhay ang masa bilang alipin ng kapital. Kung meron mang ‘mas militanteng’pagkilos ang Kaliwa ito ay lubhang nakakapagod na mga ‘lakbayan’ o malalayongmartsa sa loob ng ilang araw sa layunin na makuha ang atensyon ng burges namedia at pang-engganyo sa burges na oposisyon na pondohan ang mga kampanyanila. Ang ultimong layunin ng mgapagkilos na ito ay para pansinin ng bulok na kongreso o kaya para makipag-usapsa burukratikong mga lider ng Kaliwa at unyon ang kapitalistang estado o kayakongreso para sa isang bonggang negosasyon, ng sa gayon ay sisikat angorganisasyon at unyon na pinamunuan nila bilang “tunay na tagapagtanggol” ngmga pinagsamantalahan at inaapi.
Atpagkatapos pagurin ng Kaliwa ang masa sa hindi epektibong mga porma ng protestaay tutungo na lang sa maliitang ‘quick reaction protests’ kung saan iilan nalamang ang lalahok at ang tanging layunin ay lalabas sila sa dyaryo attelebisyon kinabukasan.
Mataposmatalo ang pakikibaka dahil sa pananabotahe nila ay ang masa pa ang sisihin sahuli: hindi pa mataas ang kamulatan (ibig sabihin, hindi pa lubusang bulag nasusunod sa mga atas ng mga lider na nagpaplano ng patago o kaya sa loob ng mgade-aircon na opisina ng NGOs na kontrolado nila) o kaya hindi pa handa ang masasa militanteng mga paglaban.
Internasyonalismo,3/12/11
-------------------------------------------------------Habang umuulan ang mga atakelaban sa ating istandanrd ng pamumuhay – ito man ay pagbawas sa mga panlipunangserbisyo gaya ng kalusugan, edukasyon, benepisyo at lokal na serbisyo, sapamamagitan ng tanggalan sa trabaho kapwa sa pampubliko at pribadong sektor, sapamamagitan ng pagtaas ng matrikula o abolisyon ng EMA, o sa pamamagitan ngpagtaas ng presyo ng mga batayang bilihin – ang TUC ay ilang buwan na ngayongnagsasabi na lumahok tayo sa malaking demonstrasyon ngayong Marso 26. Sabi ngmga panginoon ng unyon na kung marami ang lalahok sa demonstrasyon sa araw naiyon, magbibigay ito ng malinaw na mensahe sa gobyernong Lib-Con, na magsimulangmagtalakay sa pagpasok ng Abril sa mas masahol na paghihigpit kaysa atingnaranasan sa kasalukuyan. Maipakita nito na mas dumarami ang mga manggagawa,walang trabaho, estudyante at retirado, sa madaling sabi, mas maraming bahaging uring manggagawa ang tutol sa programang pagbabawas ng gobyerno atnaghahanap ng “alternatibo”.
At walang duda na dumarami angmamamayan na sawa na sa argumento na wala tayong pagpipilian kundi tanggapinang bulag na mga batas ng sistemang nasa matinding krisis. Walang pagpipiliankundi tanggapin ang gamot ng mga politiko na nagsasabi sa atin na ang hinaharapay maging maaliwalas muli. Wala ring duda na dumarami ang mga tao na hindi nakontento na manatili lamang sa bahay at magreklamo, kundi nais ng lumabas salansangan, makisama sa iba na ganon din ang nararamdaman, at buuin ang mgasarili bilang makapangyarihang pwersa para mapansin ng mga nasa kapangyarihan. Angmga demonstrasyon at okupasyon ng mga estudyante sa Britanya sa huling bahaginoong nakaraang taon ay nagbigay lakas sa mga manggagawang gustong lumalaban,ang malalaking pag-aalsa na kumalat sa buong Hilagang Aprika at GitnangSilangan ay isang senyales ng pag-asa.
Pero kung may mensahe sa atin angmga kilusang ito, mga kilusan na tunay talagang epektibo upang aktwal namapwersa ang mga nasa kapangyarihan na umatras at magbigay ng konsesyon, ito ayhindi dapat susunod ang mamamayan sa atas ng mga propesyunal na lider ng‘oposisyon’, gaya nila El Baradei at ng Muslim Brotherhood sa Ehipto o ng TUC atPartido ng Paggawa sa Britanya. Mangyayari lamang ito kung ang mamamayan aymagsimulang kikilos at mag-isip para sa kanilang sarili, sa mas malawak nasaklaw – gaya ng napakalaking pagkakaisang tao na nagsimulang organisahin ang sarili sa Tahrir Square, gaya nglibu-libong manggagawa sa Ehipto na ispontanyong nagwelga at nakibaka para sakanilang sariling mga kahilingan, gaya ng mga estudyante na nakakita ng bago atmalikhaing paraan para labanan ang panunupil ng polisya, gaya ng mga batangestudyante na sumama sa kilusang estudyante na hindi na hinintay ang walangkataposang botohan sa balota ng unyon …..
Ang TUC at ang Partido ng Paggawa,kasama ang maraming mga grupo ng ‘kaliwa’ bilang ahente nila, ay nandoon paratiyakin na ang protesta at rebelyon ay katanggap-tanggap sa mga nasakapangyarihan. Halos walang sinabi ang TUC sa panahon ng 1997 hanggang 2010 habangang kaniyang mga kaibigan sa Partido ng Paggawa ay naglunsad ng malawakangatake sa istandard ng pamumuhay ng mga manggagawa, mga atake na pinagpatuloy atpinabibilis ng kasalukuyang rehimen. Ito ay dahil ang panlipunangsitwasyon ay iba na – maliit ang peligro noon na lalaban ang mamamayan. Ngayonna lumalaki na ang peligro, ang ‘opisyal’ na oposisyon ay pinalakas angpagsisikap na kontrolin ang kilusang masa at para manatili silang popular. Ginagawaito araw-araw ng mga unyon sa pamamagitan ng pagtali sa mga manggagawa sa legalna balota at pag-iwas sa ‘segundaryong’ aksyon. At ngayon, sa Marso 26, ginawanilang pambansang antas: isang malaking martsa mula A hanggang B, at pagkataposay uuwi na tayo. At sa panahon mismo ng martsa ang TUC ay direktangnakikipag-usap sa Scotland Yard para tiyakin na matupad ang kanilang napagkaisahangplano.
Totoo, ang ilan sa mas radikal naunyon at pampulitikang grupo ay nanawagan ng higit pa sa isang martsa lang: gustonila ang TUC ay mamuno sa isang ‘koordinang welga’, o kaya mawagan ng isang‘pangkalahatang welga’. Pero ang paraang ito ay sumusuporta lamang sa ideya naang pinakamabisang gawin natin ay itulak ang opisyal na oposisyon upangepektibong kikilos para sa atin, sa halip na tayo mismo ang mag-organisa atmagpalawak sa pakikibaka.
Kung meron mang tunay na oposisyon sa naghaharinguri at sa kanyang atake sa ating pamumuhay, hindi sapat ang isang malakingdemonstrasyon: dapat bahagi ito ng isang mas malawak na kilusang welga, okupasyon,demonstrasyon at iba pang aksyon, na direktang kontrolado ng mga pangmasangpulong at handang labagin ang mga batas na nais gawing pasibo ang paglaban atmapanghati.
At sa panahon na lalahok tayo samga demonstrasyon, ito man ay lokal na mga rali o malakihang pambansang martsa,gamitin natin ang mga ito para makipag-ugnayan sa iba’t-ibang sentro ngpaglaban, iba’t-ibang sektor ng uring manggagawa. Mag-organisa tayo ng atingsariling mga pulong sa lansangan na sa halip na makinig sa mga sikat natagapagsalita ay malaya tayong magpalitan ng ating sariling karanasan mula saating sariling pakikibaka at maghanda para sa susunod na mga laban sa hinaharap.Lahat ng mga tumindig para sa independyente, mga pakikibaka na inoorganisamismo ng mga manggagawa, ay dapat gamitin ang mga demonstrasyong ito paramagkita-kita at mag-usap-usap paano makaugnay ang mas malawak na bilang ngsariling uri.
At gamitin din natin ang naturangmga okasyon para hamunin hindi lang ang mga walang silbing paraan na inihapagng oposisyon, kundi pati na rin ang maling perspektiba na inilalako nila saatin para sa hinaharap. Ang ‘alternatibo’ ng TUC na ‘trabaho, kaunlaran, hustisya’, halimbawa, ayganap na mapanlinlang: ang sistemang ito ay nasa wala ng solusyon na krisis athindi makagarantiya ng trabaho sa bawat isa; kahit pa posible na hindihahantong sa malaking utang ng estado, ang kapitalistang kaunlaran ay nakabataylamang sa papalaking pagsasamantala sa mga manggagawa at lalupang pagsira sakalikasan; at ang lipunan na nakabatay sa pagsaamantala ng isang uri sa isa paay walang hustisya. Sa pagsusuma: sa loob ng kapitalismo, walang ‘alternatiba’maliban sa tumitinding paghihigpit at barbarismo. Ang tanging tunay naalternatibo ay labanan ang kapitalistang rehimen para maihanda ang batayan parasa ganap na pagbabago sa lipunan.
WR 5/3/11
Inspirasyon para sa manggagawa sa buong mundo ang mga kaganapan ngayon sa Uropa partikular sa Espanya. Pinakita ng manggagawang Espanyol ang posibleng daan na tatahakin ng internasyunal na proletaryado para epektibong labanan ang mga atake ng kapital sa ating pamumuhay.
Bagamat minorya pa lamang sa hanay ng manggagawang Espanyol ang humawak sa tamang daan ng pakikibaka, ang minoryang ito ay nasa loob naman ng mga asembliya ng manggagawa at aktibong lumahok sa mga diskusyon at debate.
Ang mga pakikibaka ngayon sa iba't-ibang panig ng mundo laban sa mga atake ng kapital at estado na nasa matinding krisis ay isang silahis na ang uring manggagawa ay may kapasidad na mamulat at mag-organisa sa sarili para sa kanyang makauring interes.
Kabaliktaran naman ang ginagawa ng Kaliwa at mga unyon nila laluna sa Pilipinas kung saan nalubog sa repormismo at pagtatanggol sa pambansang interes ng burgesyang Pilipino sa ngalan ng "anti-imperyalismo". Itinali ng mga Kaliwang organisasyon ang militansya ng proletaryado sa parliyamentarismo at "pakikibaka" para isabatas ng kapitalistang kongreso ang diumano mga maka-manggagawa at maralitang panukala ng diumano "representante" ng taumbayan sa loob ng bulok na kongreso. Hinatak nila ang mga pagkilos ng manggagawa sa bangayan ng mga paksyon ng naghaharing uri, sa pagitan ng paksyong Aquino at paksyong Arroyo sa usapin ng parusahan si Gloria, ng korupsyon ng nagdaang rehimen, ng "pambansang soberanya" sa isyu ng Spratly at iba pang katulad.
Pinakita ng kasalukuyang kilusan sa Espanya na hindi ang parliyamento ang "rebolusyonaryong tribuna" kundi nasa lansangan. Wala sa mga "radikal" na talumpati ng mga "representante" ng masa sa bulwagan ng bulok na kongreso ang tunay na tinig ng masang anakpawis kundi nasa mga asembliya at diskusyon mismo ng masang nakibaka sa lansangan. Ang kapasyahan at direksyon ng pakikibaka ay hindi patagong pinag-uusapan ng iilang kadre at full-timers ng mga Kaliwang organisasyon at mga unyon nila kundi hayagang pinagdedebatehan ng malawak na masang kalahok sa mga asembliya sa gitna ng mga pakikibaka. Iilan lamang ito sa mga matingkad na aral na makukuha ng militanteng manggagawa sa Pilipinas sa kasalukuyang karanasan ng internasyunal na proletaryado para sa darating pang mas malawak at matinding internasyunal na proletaryong pakikibaka. Subalit ang batayang aral na kailangang panghawakan ng masang manggagawa ay ang pakikiisa at koordinasyon ng pakikibaka sa pandaigdigang saklaw. Tanging sa internasyunal na lawak lamang ng laban maigupo natin ang mga kaaway sa uri.
Nasa ibaba ang salin mula sa English ng pagsuma ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (IKT) sa mga pinakahuling kaganapan sa Espanya mula 19 Hunyo.
3M, 7/19/11
---------------------------------------
Sa Linggo, 19 ng Hunyo mayroong malakihang mga demonstrasyon sa 60 syudad sa buong Espanya. Ayon sa ilang datos, mayroong 140,000 sa Madrid, 100,000 sa Barcelona, 60,000 sa Valencia, 25,000 sa Seville, 8000 sa Vigo, 20,000 sa Bilbao, 20,000 sa Zaragoza, 10,000 sa Alicante at 15,000 sa Malaga.
Impresibo na ang dami ng bilang, pero mas mahalaga ang konteksto. Sa nagdaang dalawang linggo, ang mga politiko at ang media, sa tulong ng Real Democracia Ya mula sa loob, ay pinipilit ang kilusan na maghain ng ‘mga kongkretong panukala', sa layuning higupin ito sa mga demokratikong reporma, pero noong linggo ng 19 ng Hunyo naglagay ang mga organisador ng mobilisasyon ng ‘panlipunang laman' at pinakita ng mga demonstrasyon mismo ang ganitong tendensya; sa Bilbao ang pinaka-gamit na islogan ay "hindi nakayanan ng karahasan hanggang sa katapusan ng buwan". Sa Valencia ang pangunahing istrimer ay "Atin ang bukas", habang sa Valladolid ay "Ang kawalan ng trabaho at demolisyon ay karahasan din". Sa Madrid ang mga demonstrasyon ay pinangunahan ng Mga Asembliya ng mga Komunidad at Mamamayan ng Timog - ang lugar na pinaka-konsentrado ang kawalan ng trabaho. Ang istrimer ay "Lahat nagkaisa laban sa krisis at Kapital", at ang mga kahilingan nito ay "WALANG PAGBAWAS SA BILANG NG MANGGAGAWA, PENSYON O PANLIPUNANG SERBISYO; LABANAN ANG KAWALAN NG TRABAHO; PAKIKIBAKA NG MANGGAGAWA; IBABA ANG PRESYO, ITAAS ANG SAHOD; TAASAN NG BUHIS ANG MAYAYAMAN; IPAGTANGGOL ANG SERBISYONG PANGKALUSUGAN, WALANG PRIBATISASYON SA KALUSUGAN, EDUKASYON, BANGKO AT IBA PA SAAN MAN SILA GALING, MABUHAY ANG PAGKAKAISA NG URING MANGGAGAWA".
Ang kolektibo sa Alicante ay ganun din ang manipesto. Sa Valencia ang Autonomous and Anti-capitalist Bloc, binuo ng mga kolektibo na aktibo sa mga asembliya, ay pinagtanggol ang manipesto na nagsasabing "Nais namin ng kasagutan sa kawalan ng trabaho. Ang mga walang trabaho, ang mga temporaryong may trabaho kasama ang nasa impormal na sektor na nagtipon sa mga asembliya ay nagpahayag ng aming kolektibong pagsang-ayon sa sumusunod na mga kahilingan at ng kanilang katuparan. Nais naming bawiin ang Batas sa Reporma sa Paggawa at ang mapang-aping ERE at ang pagbawas sa bayad ng pagtanggal sa trabaho ng 20 araw. Nais naming bawiin ang Batas sa Reporma sa Pensyon dahil sa likod nito ay kahirapan at ayaw naming makaranas ng mas matinding paghihirap at kawalan ng kinabukasan. Nais naming ihinto ang demolisyon. Ang makataong pangangailangan ng bahay ay lampas pa sa bulag na batas ng negosyo at maksimum na tubo. TUTOL kami sa pagbawas sa edukasyon at kalusugan, sa panibagong tanggalan na inihanda ng administrasyong rehiyonal at syudad matapos ang huling halalan".
Ang Martsa sa Madrid ay organisado sa iba't-ibang kolum na binuo ng mamamayan mula sa 7 lungsod o komunidad sa paligid. Mas dumami ang sumama sa martsa habang naglalakad ang mga tao. Ang mga "ahas" na ito ay kabilang sa proletaryong tradisyon sa mga welga sa pagitan ng 1972-76 (kabilang na sa Pransya ng Mayo 68) na nagmula sa mga proletaryong konsentrasyon - gaya ng "tanglaw" na pabrikang Standard sa Madrid. Ang mga demonstrasyon ay humigop ng mas maraming manggagawa, mga kapitbahay, walang trabaho at kabataan habang nag-ipun-ipon sa sentro. Ang tradisyong ito ay lumitaw sa mga pakikibaka sa Vigo sa 2006 at 2009.
Sa Madrid, binasa ang isang manipesto na nanawagan ng "Maghanda ang mga asembliya para sa isang pangkalahatang welga", at sinalubong ng malawakang sigaw na "Mabuhay ang uring manggagawa".
Sa artikulong ‘Mula sa Tahrir Square hanggang sa Puerta del Sol', sinabi namin na "bagamat ito mismo ay simbolo, ang kilusang 15M, ang mobilisasyong ito ay hindi lumikha ng kilusan kundi nagbigay lamang ng panimulang balat. Pero sa realidad ang balat na ito ay naglalaman ng utopyang ilusyon sa ideya ng ‘panunumbalik ng demokrasya' sa Estado ng Espanya". Signipikanteng sektor ng kilusan ang nagtangkang humiwalay mula sa balat na ito, at ang mga demonstrasyon sa 19 Hunyo ay patungo sa direksyong ito. Pumasok tayo sa panibagong yugto. Hindi natin alam kailan at paano magkahugis ito sa kongkreto pero ito ay patungo sa pagbuo ng mga asembliya at pakikibaka ayon sa makauring balangkas laban sa paghihigpit; tungo sa pagkakaisa ng mga pinagsamantalahan, babasagin ang lahat ng harang sa pagitan ng mga sektor, pabrika, pinagmulan, panlipunang kalagayan, atbp, isang oryentasyon na ganap na susulong batay sa perspektiba ng internasyunal na pakikibaka laban sa kapitalismo.
Hindi madali ang pagsakongkreto nito. Una, ito ay dahil sa mga ilusyon at kalituhan hinggil sa demokrasya, hinggil sa pagiging mamamayan at ‘reporma', na malakas ang impluwensya sa maraming bahagi ng kilusan; at mas pinalakas pa sa panggigiit ng DRY, mga politiko, at media, na nagsasamantala sa umiiral na pagdududa, ng pagmamadaling makakita ng ‘mabilis at tunay na resulta', sa pagkabahala sa lawak ng mga pangyayari, na para mapanatili ang kilusan ay ikinulong sa mga ideya hinggil sa ‘reporma', ‘pagka-mamamayan', ‘demokrasya'; mga ideya hinggil sa pagkuha ng ‘tiyak na pag-unlad', isang ‘tigil-putukan', sa harap ng mabangis na mga atake laban sa ating lahat.
Pangalawa, ang mobilisasyon ng mga manggagawa sa mga pabrika ay isang kagitingan, sa kabila ng pananakot, sa katotohanan ng kawalan ng kita ay malaking salik na sa maraming pamilya sa pagitan ng katanggap-tanggap na pamumuhay at pagdarahop o sa pagitan ng may makain o wala. Sa ganitong sitwasyon, ang pakikibaka ay hindi bunga ng ‘indibidwal na kapasyahan', gaya ng nais ipanukala ng mga unyon at demokratikong ideolohiya. Magmula ito sa pag-unlad ng kolektibong lakas at kamulatan upang makita ang papel ng unyon na sa kasalukuyan ay tila ‘hindi makita sa pakikibaka' pero aktibo sa mga pabrika sa paghasik ng kanilang sektoral na lason, nagsisikap na itali ang sektor o pabrika sa kulungan, tinututulan ang lahat ng pagtatangka para sa hayagang pakikibaka.
Malamang patungo na tayo sa pagsabog ng mga hayagang pakikibaka, pero masalubong ang maraming balakid. Ang pinakamainam na kontribusyong magawa natin sa prosesong ito ay subukan at halawin ang mga aral sa mga kaganapan mula sa 15 ng Mayo hanggang sa 19 ng Hunyo at tingnan ang perspektiba sa hinaharap.
Sa nagdaang mga taon paulit-ulit ang katagang: paanong wala pa ring nangyari sa harap ng maraming kaganapan?
Nang pumutok ang krisis sinabi namin na ang unang mga pakikibaka ay "malamang, sa simula, ay maging desperado at relatibong hiwa-hiwalay na mga pakikibaka, sa kabila ng posibilidad na makakuha sila ng tunay na simpatiya mula sa ibang sektor ng uring manggagawa. Dahil dito, sa darating na panahon, sa kabila ng katotohanan na wala tayong nakikitang malawakang pagtutol mula sa uring manggagawa sa mga atake ay hindi dapat isipin na sumuko na ito para ipagtanggol ang kanyang interes. Nasa ikalawang yugto, kung saan hindi na ito masyado bulnerable sa pananakot ng burgesya, na maisip ng mga manggagawa na sa isang nagkakaisa at solidong pakikibaka mapaatras ang mga atake ng naghaharing uri, laluna kung ang huli ay magtangkang ang buong uring manggagawa ang pagbayarin sa napakalaking depisit sa badyet na naiipon ngayon dahil sa mga plano na isalba ang mga bangko at palakasin ang ekonomiya. Dito malamang makita natin ang pag-unlad ng malawakang pakikibaka ng mga manggagawa. Hindi ibig sabihin nito na wala ang mga rebolusyonaryo sa kasalukuyang mga pakikibaka. Bahagi sila sa mga karanasan na madaanan ng proletaryado para isulong ang pakikibaka laban sa kapitalismo" (Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon, Ika-18 Internasyunal na Kongreso ng IKT).
Itong "ikalawang yugto" ay nagsimula ng sumikad - na may kahirapan - sa serye ng mga kilusan, tulad ng laban sa Reporma sa Pensyon sa Pransya (Oktubre 2010), ng mga kabataan sa Britanya laban sa pagtaas ng matrikula (Nobyembre/Disyembre 2010), ng malalaking kilusan sa Ehipto at Tunisia kung saan maidagdag ang kasalukuyang pakikibaka sa Espanya at Gresya.
Sa loob ng mahigit isang buwan, naipamalas ng mga asembliya at demonstrasyon na maari tayong magkaisa, na hindi ito isang pangarap kundi kabaliktaran, ito ay pagpapalakas, isang malaking kasiyahan. Sa pananaliksik sa internet ay mabasa ang sumusunod na mga makabagbag-damdaming testimonya hinggil sa 19 Hunyo: "Ang paligid ay tila isang pyesta. Nagmartsa kaming lahat, lahat ng klase ng tao: kabataan, retirado, mga pamilya kasama ang mga anak, mga taong walang grupo... at mga nasa komunidad na nagmamasid sa kanilang mga bahay habang pumapalakpak sa amin. Umuwi kami sa aming mga bahay na may malaking ngiti. Hindi lang naramdaman na lumahok ka sa isang mabuting kilusan, kundi isang kaganapan na mabuti ang kinalabasan".
Naharap sa panlipunang lindol marami tayong nabasa na ‘ang mga manggagawa ay hindi kumikilos' at napunta pa ito sa masahol na radikal na ideyang ang ‘sangkatauhan ay masama talaga sa kaibuturan', atbp. Ngayon nasaksihan natin ang pagsibol ng pagdadamayan, pagkakaisa, kolektibong lakas. Hindi ibig sabihin nito na maliitin natin ang seryosong mga balakid mula sa natural na katangian ng kapitalismo - mabangis na kompetisyon, kakulangan ng tiwala ng bawat isa - at ito ay hadlang sa pagkakaisa. Ang pag-unlad ay makamit lamang sa pamamagitan ng masikhay na pagkilos batay sa nagkakaisa at malawakang pakikibaka ng uring manggagawa, ang uri na siyang kolektibo at sahurang tagapaglikha ng yaman ng lipunan; ang uri na mismong may kapasidad na buuin ang pagiging makatao ng tao.
Kabaliktaran sa nangibabaw na kawalang pakialam, itong buhay na karanasan ay nagpatibay sa ideya na mayroon tayong lakas para harapin ang kapital at ang estado. "Anga pagguho ng bloke sa Silangan at sa tinaguriang ‘sosyalistang' mga rehimen, sa nakabinging kampanya sa ‘katapusan ng komunismo', at maging sa ‘katapusan ng makauring pakikibaka' ay nagbigay ng matinding bigwas sa kamulatan at militansya ng uring manggagawa. Nakaranas ang proletaryado ng hayag na pag-atras sa dalawang antas na ito, pag-atras na umabot sa mahigit sampung taon...nagawa nito (ang burgesya) na lumikha ng malakas na damdaming kawalang lakas sa loob ng uring manggagawa dahil hindi nito nagawang maglunsad ng malawakang mga pakikibaka" (Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon, Ika-18 Internasyunal na Kongreso).
Tulad ng sinabi ng isang demonstrador na "Nagbibigay-lakas na makita ang mga tao sa plaza na nagdiskusyon ng politika o nakibaka para sa kanilang karapatan. Hindi ba nagbibigay ito ng pakiramdam na muli nating nakontrol ang lansangan?" Pinakita nitong muling pagbawi sa lansangan ang namumuong kolektibong lakas. Mahaba at mahirap ang daan, pero ang mga batayan para sa pagsabog ng malawakang pakikibaka ng uring manggagawa ay inilalatag na. Makatulong ito sa uring manggagawa na palaguin ang tiwala sa sarili at sa pag-unawa na ito ay isang panlipunang pwersang may kapasidad na labanan ang sistema at itayo ang bagong lipunan.
Ang 15 ng Mayo ay hindi dapat maliitin na pagsabog lamang ng galit. Nagbigay daan ito para maunawaan ang mga dahilan ng pakikibaka at ng paraan para organisahin ang pakikibaka: ang mga araw-araw na asembliya. Isang demonstrador sa 19 Hunyo ang nagsabing "ang pinakamainam ay ang mga asembliya, malaya ang magsalita, nakikinig ang mga tao, mataas ang pag-iisip, libu-libong mga tao na hindi kilala ang isa't-isa ay nagkaroon ng komon na kasunduan. Hindi ba napakaganda?"
Ang uring manggagawa ay hindi isang disiplinadong hukbo na ang mga membro ay sumusunod lamang sa atas ng isang dakilang lider. Ang pananaw na ito sa daigdig ay kailangan ng ilagay sa basurahan ng kasaysayan bilang luma at walang kwentang bagay! Ang uring manggagawa ay isang masa na nag-iisip, nagtatalakay, kumikilos, nag-oorganisa sa kolektibo at praternal na paraan, pinag-isa ang angking galing ng bawat isa sa isang higanteng kombinasyon ng pagkilos. Ang kongkretong paraan ng implementasyon ng ganitong pananaw ay ang mga asembliya. "Lahat ng kapangyarihan sa mga asembliya" - narinig ito sa Madrid at Valencia. "Ang islogang ‘lahat ng kapangyarihan sa mga asembliya' na lumitaw sa loob ng kilusan, bagamat sa hanay pa lang ng minorya, ay tanda ng dating islogan ng rebolusyong Ruso: ‘lahat ng kapangyarihan sa mga sobyet'".
Kahit binhi pa lamang, inihapag ng kilusan ang pangangailangan ng internasyunal na pakikibaka. Sa demosntrasyon sa Valencia may mga sigaw ng "Ang kilusang ito ay walang prontera". May mga ganitong inisyatiba sa ibang lugar, bagamat medyo malamya at lito. Iba't-ibang grupo ay nag-orgnisa ng mga demonstrasyon "para sa isang rebolusyon sa Uropa"; sa 15 ng Hunyo may mga demonstrasyon na sumusuporta sa pakikibaka sa Gresya. Sa 19 ng Hunyo mayroong mga internasyunalistang islogan: isang plakard ang nakasaad ay "Isang masayang nagkakaisang mundo", at sa wikang English "World Revolution" (Pandaigdigang Rebolusyon).
Sa maraming taon, ang tinawag na ‘globalisasyon ng ekonomiya' ay ginamit ng kaliwa ng burgesya para manulsol ng makabayang sentimyento, sa katagang ‘walang estadong pamilihan', ‘pambansang soberanya', ibig sabihin, nanawagan sa mga manggagawa na maging mas makabayan kaysa burgesya mismo! Hindi lang dahil sa paglala ng krisis kundi dahil din sa pag-unlad ng paggamit ng internet, social networks, atbp, kinukwestyon na ito ng mga kabataang manggagawa. Dahil naharap sa globalisasyon ng ekonomiya kailangang sagutin ito ng internasyunal na gobalisasyon ng pakikibaka, naharap sa pandaigdigang kahirapan ang tanging posibleng sagot ay pandaigdigang pakikibaka.
Malawak ang epekto ng kilusan. Ang mga demonstrasyon na umuunlad sa Gresya sa nagdaang dalawang buwan ay sinunod ang katulad na ‘modelo' ng konsentrasyon at pangmasang asembliya sa pangunahing mga plaza, na direkta at mulat na pinalago sa mga kaganapan sa Espanya. Ayon sa Kaosenlared sa 19 ng Hunyo "libu-lbong tao ang nagrali nitong linggo sa Syntagma Square, sa harap ng parliyamento ng Gresya, sa sunod-sunod na linggo bilang tugon sa tinawag na buong Uropa na kilusan ng mga "diskontento" para tutulan ang mga paghihigpit".
Sa Pransya, Belgium, Mexico, Portugal, mayroong regular na mga asembliya, bagamat mas maliit, na nagpahayag ng pakikiisa sa mga may diskontento at naglunsad ng diskusyon. "Mga 300 tao, karamihan kabataan, nagmartsa noong linggo ng gabi sa sentro ng Lisbon na tinawag ng "Democracia Real Ya", inspirado ng ‘diskontento' sa Espanya. Kalmadong nagmartsa ang mga taga Portugal sa likod ang isang istrimer ma mabasa ang ‘Uropa bumangon ka', ‘Espanya, Gresya, Ireland, Portugal:ang ating pakikibaka ay internasyunal'; sa Pransya "Inaresto ng polisyang Pranses ang mga 100 ‘diskontento' ng tinangka nilang magrali sa harap ng Notre Dame, sa Paris. Sa gabi, mayroong ispontanyong sit down demonstration para iprotesta ang nangyari sa Espanya".
Lalupang lumalim ang krisis sa utang sa kasalukuyan. Ang sinasabing mga eksperto ay umamin na sa kabila ng sinasabing ‘muling pagbangon' ng pandaigdigang ekonomiya ay malamang ang panibagong pagbagsak na mas malala kaysa Oktubre 2008. Ang Gresya ay walang hanggang balon: ang bawat planong pagsalba ay nauwi sa panibagong mga planong pagsalba at nanatili pa ring nasa bingit ng pagkabangkarota ang estado, isang penomenon na hindi lamang sa Gresya kundi nagbabanta din sa Amerika, ang pangunahing kapangyarihan ng daigdig.
Pinakita ng krisis sa utang ang walang kataposang krisis ng kapitalismo, na nag-obliga sa naghaharing uri na ipataw ang mabangis na mga planong paghihigpit gaya ng kawalang trabaho, pagbawas sa panlipunang gastusin, pagbawas sa sahod, pagpapatindi ng pagsasamantala, pagtaas ng buhis... lahat ng ito ay patungo sa lalupang pagliit ng pamilihan, na ang ibig sabihin ay panibagong mga planong paghihigpit!
Ito ay walang ibig sabihin kundi ang tanging daan ay malawakang pakikibaka. Ang pakikibaka ay posible at dapat isulong paabante sa pamamagitan ng interbensyon ng malawak na minorya sa mga asembliya na may katangiang nagtatanggol ng makauring posisyon, ng pagiging independyente ng mga asembliya at nakibaka laban sa kapitalismo. Nabubuwag ang mga kampo; walang mga sentral na asembliya; mayroong nagsasalungatang mga network ng asembliya sa komunidad. Subalit, hindi maaring pahintulutan ng minorya na mabuwag. Dapat mapanatili nito ang pagkakaisa, koordinado ang sarili sa pambansa at kung posible magkaroon ng internsyunal na kontak. Iba-iba ang porma ng mga kolektibong ito: mga asembliya ng pakikibaka, mga komite sa aksyon, mga grupo ng diskusyon.... Ang mahalaga ay nagbibigay sila ng mga paraan para mapaunlad ang diskusyon at pakikibaka. Kailangang mayroong talakayan sa maraming usapin na lumitaw sa nagdaang ilang buwan: Reporma o rebolusyon? Demokrasya o mga asembliya? Kilusan ng mamamayan o kilusan ng uri? Demokratikong mga kahilingan o mga kahilingan laban sa pagbawas ng panlipunang gastusin? Pasipismo o makauring karahasan? Kawalan ng politika o makauring politika? Ito ay pakikibaka para pasiglahin ang mga asembliya at pag-oorganisa sa sarili. Kailangang patibayin ang lakas at pagkakaisa para tutulan ang brutal na pagbawas na planong ipatupad ng mga rehiyonal na gobyerno sa edukasyon at kalusugan, at iba pang ‘sorpresang' tinatago ng gobyerno.
"Ang sitwasyon ngayon ay iba sa umiral noong makasaysayang pagsulong ng uri sa katapusan ng 60s. Sa panahong yun, ang malawakang katangian ng pakikibaka ng manggagawa, laluna sa malawak na welga ng Mayo 68 sa Pransya at ‘mainit na taglamig' ng 69 sa Italya, ay nagpakita na ang uring manggagawa ay isang mayor na pwersa sa buhay ng lipunan at ang ideya na balang araw ay maibagsak ang kapitalismo ay hindi simpleng panaginip na walang katuparan. Subalit, dahil nagsimula pa lamang ang krisis ng kapitalismo, ang kamulatan na kailangan ng ibagsak ang kapitalismo ay wala pang materyal na batayan para lumaganap sa malawak na manggagawa. Masuma natin ang sitwasyon sa ganito: sa katapusan ng 1960s, ang ideya na posible ang rebolusyon ay relatibong katanggap-tanggap sa malawak na masa, pero ang ideya na kailangan na ito ay hindi madaling maunawaan. Ngayon, sa kabilang banda, ang ideya na kailangan na ang rebolusyon ay may mga tumatanggap na minorya, pero ang ideyang ito ay posible ay hindi pa malawak." (Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon, Ika-18 Internasyunal na Kongreso ng IKT).
Sa mga asembliya may mga pag-uusap ng rebolusyon, ng pagwasak sa hindi makataong sistema. Ang katagang ‘rebolusyon' ay hindi na nakakatakot. Marahil mahaba ang daan, pero ang kilusan na umunlad mula 15 ng Mayo hanggang 19 ng Hunyo ay nagpamalas na posible ang makibaka, na posible na organisahin natin ang ating mga sarili para makibaka at tanging ito lamang ang paraan para lumakas tayo bilang isang pwersa laban sa kapital at estado, habang nagbibigay sa atin ng kasiyahan, kasiglahan at naging daan upang makawala tayo mula sa kalunos-lunos na pang-araw-araw na buhay sa ilalim ng kapitalismo.
"Kapwa para sa paglawak ng komunistang kamulatan, at para sa tagumpay ng mismong adhikain, ang malawakang pagbabago sa tao ay kailangan, pagbabago na mangyari lamang sa praktikal na kilusan, isang rebolusyon; kailangan ang rebolusyong ito, hindi lamang dahil hindi maibagsak ang naghaharing uri sa ibang paraan, kundi dahil din ang uring may misyon na ibagsak ito ay sa rebolusyon lamang maiwaksi sa sarili ang lahat ng pang-aalipusta sa kasaysayan at maging karapat-dapat sa bagong lipunan."
Sa ganitong punto, ang kilusan na naranasan natin ngayon ay gilingan para mabago ang kaisipan at aktitud. Itong malaking pagbabago, sa lipunan at sa ating mga sarili, ay magaganap lamang sa pandaigdigang saklaw. Sa pamamagitan ng paghahanap ng pagkakaisa sa buong manggagawa sa daigdig, ang proletaryado sa Espanya ay walang duda na mapaunlad ang panibagong mga pakikibaka at maisulong ang perspektibang ito: nasa ating mga kamay ang bukas!
IKT, 24/6/11
Nasa ibaba ang salin ng artikulo ng World Revolution, seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Ingglatera hinggil sa ipokrisya at anti-komunistang paninindigan ng Kaliwa sa digmaang sibil sa Libya ngayon.
Ang pananaw ng Kaliwa sa internasyunal na antas ay walang kaibahan sa ‘opisyal’ na pananaw ng Kaliwa sa Pilipinas, mula sa maoistang Partido Komunista ng Pilipinas at ng kanyang mga legal na organisasyon hanggang sa mga “leninista” at trotskyista. Lahat sila ay sabay-sabay na sumisigaw na “itigil ang imperyalistang panghihimasok sa Libya!” pero halos naging pipi ng masakerin ng rehimeng Khadaffy ang libu-libong mamamayang Libyan na nagprotesta sa kanyang mapanupil na diktadura sa loob ng 40 taon.
Kailangang aralin ng mga nagsusuring elemento sa Pilipinas ang serye ng mga oportunista at kontra-rebolusyonaryong pananaw ng mga Kaliwang organisasyon noong WW II, sa digmaang Korea noong 1950s, sa digmaang Byetnam noong 1970s at ng mga kasalukuyang digmaan para sa “pambansang pagpapalaya” na kinilala nilang “progresibo” at “rebolusyonaryo”. Sapat ng patunay ang nangyari sa Tsina ngayon (naging isang ganid at ambisyosong imperyalistang kapangyarihan), sa paghihirap ng mga mamaayan sa Hilagang Korea na halos walang kaibahan sa kahirapang dinaranas ng mga nasa Timog Korea, ng mga welga ng mga manggagawa sa Byetnam at Tsina.
Ang mga ito ay nangyari dahil ang estado ng mga bansang ito ay isang kapitalistang estado at ang naghaharing partido (“komunista” lamang sa pangalan) ay isang burges na partido na walang ibang inaatupag kundi “palaguin” ang pambansang kapitalismo sa pamamagitan ng lubusang pagsasamantala sa “kanilang” mga manggagawa at mamamayan.
At muli, naharap na naman ang mga komunista at rebolusyonaryo sa mundo sa mga panlipunang pag-aalsa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika hindi lamang tulak ng pang-aapi at pagsasamantala ng kani-kanilang mga gobyerno kundi ng mismong walang katulad na krisis ng pandaigdigang kapitalismo.
Nalantad sa mga pag-aalsa ng masa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika na walang kaibahan ang mga rehimeng “anti-USA” at maka-USA. Lahat sila ay kaaway ng proletaryado at sambayanan at kailangang ibagsak. Ang mga rehimeng kinilala ng Kaliwa ng “progresibo”, “rebolusyonaryo” o “alyado” ng komunistang kilusan ay nalantad bilang mga diktador, mamamatay-tao katulad ng mga imperyalistang demokrasya sa Kanluran.
Ang mga organisasyon ng Kaliwa ay mga kaliwang kamay lamang ng naghaharing uri upang patuloy na igapos ang masang api sa mga ilusyon ng demokrasya at nasyunalismo. Sila ang mga bombero at polisya ng naghaharing uri sa loob mismo ng rebolusyonaryong kilusang masa.
Internasyonalismo
Abril 12, 2011
----------------------------------------------
Ang nangyayari ngayon sa Libya ay mabilis na nagbabago at markado ng maraming kalituhan, pero karamihan sa Kaliwa ay malinaw kung ano ang gusto nila.Ayon pa sa pangunahing artikulo ng Guardian (28/2/11) “Paanong ang mga ‘rebolusyonaryong’ lider ng Latin Amerika ay sinusuportahan si Gaddafi?” pinuna ni Mike Gonzalez sila Pangulong Ortega ng Nicaragua at Chavez ng Venezuela, kasama si Fidel Castro, dahil nagpahayag ang mga ito ng simpatiya kay Gaddafi at sa gobyerno ng Libyan. Sabi niya “hindi nila maaring suportahan ang isang mapanupil na rehimen na naharap ngayon sa isang pangmasang demokratikong kilusan mula sa ibaba” na malinaw na ginawa na nga nila.
Ang eksaktong katangian ng kilusan ay bukas pa para sa diskusyon, pero walang pagtatalo na ang kapitalistang estado ng Libya ay mapanupil.
Kabaliktaran sa rehimeng Gaddafi sabi ni Gonzalez na sila Ortega at Chavez ay “naluklok sa kapangyarihan bunga ng pangmasang insureksyon” at ng ibagsak ni Castro si Batista “ito ay napaka-popular”. Paano man sila iniluklok sa kapangyarihan, sila Ortega, Chavez at Castro ay integral na bahagi ng kapitalistang naghaharing uri sa kani-kanilang mga bansa. Sila Ortega at Chavez ay naging presidente sa pamamagitan ng eleksyon, pero, sa pamamagitan man ng balota, o kudetang militar gaya ni Gaddafi, ginagawa nila ang kanilang makakaya para pagsilbihan ang kanilang pambansang kapital.
Ang gusto ni Gonzalez na marinig ay ang mariing pagtuligsa sa panunupil sa Libya at pahayag ng pakikiisa sa mamamayan. Ang kanyang paliwanag kung bakit ganun ang ginawa ng kanyang mga bayani ay “Namuhunan ang Libya sa tatlong mga bansa at itinulak ang sarili bilang isang anti-imperyalistang kapangyarihan.” Ito ay magaspang, sa isang bahagi ay materyalistang paliwanag. Sa katotohanan lahat ng mga lider ng Kaliwa na nagsasabing anti-imperyalista sila, ay kinilala si Gaddafi bilang isa sa kanila, isa sa mga panginoon na ‘radikal’ ang pananalita. Habang ang pinagsamantalahan na uring manggagawa at iba pang inaaping sektor ay iniinda ang kapitalistang realidad na pinamunuan nila.
Mayroong eksepsyon sa padron na ito. Pinuna ni Ahmadinejad, ang pangulo ng Iran ang “masamang pakikitungo ng gobyerno ng Libya sa kanyang mamamayan” at sinabi na ang estado ay dapat makinig sa kagustuhan ng kanyang mamamayan. Ito ang dapat gawin ng mga ‘radikal’ na lider, at, kung sawayin nila ang ibang mga gobyerno ang mensahe nila ay dadalhin din ng kanilang mga tagahanga sa Kaliwa.
Sa mga mata ng Workers Revolutionary Party, na naglilimbag ng Newsline ang kudeta ni Gaddafi sa 1969 ay halos walang kaibahan. Para sa kanila (28/2/11) “ang rebolusyon sa Libya, kung saan nakontrol ng mamamayang Libyan ang kanilang bansa mula sa mga imperyalistang UK at US sa 1969.”
Ang ibang Kaliwa ay kinukutya ang WRP dahil sa mga kasunduan at pahayag na pinirmahan nito kasama ang gobyerno ng Libya, sa kanyang walang pag-aalinlang katapatan sa ‘sosyalistang’ estado ng Libya at sa Iraq ni Saddam Hussein na kapwa nagbigay ng pera sa WRP, sa kanyang pagtatanggol sa pagpatay sa mga Stalinista sa Iraq, at sa buong lantarang aktibidad nito sa pakikiisa sa mga rehimen sa Gitnang Silangan noong huling bahagi ng 1970s at maagang bahagi ng 1980s. Hanggang ngayon, matapos halos matuyo na ang mga kontribusyon mula sa Libya, sila ay “nanawagan sa masang Libyan at kabataan na manindigan katabi ni Colonel Gaddafi para depensahan ang mga tagumpay ng rebolusyong Libyan, at paunlarin ito. Magagawa lamang ito sa pamamagitan ng paggapi sa kasalukuyang rebelyon” (Newsline 23/2/11), at inilimbag ang isa sa pinakamataas na sipi mula sa pahayag ni Gaddafi “sa mamamayan ng Libya ...para magkaisa sila laban sa internal na kontra-rebolusyonaryong pwersa at ng kanilang tagasuportang UK at US” (ibid 24/2/11).
Pero ang mga Kaliwa na tumutuligsa sa WRP dahil sa pagtanggap ng pera mula sa may bahid na dugo na rehimeng Gaddafi ay walang maipagmalaki. Ang binayad sa WRP ay ginawa ng libre ng halos lahat ng grupo ng Kaliwa.
Tingnan ang halimbawa sa digmaang Byetnam. Sa 1960s at 70s ang International Socialists (na naging SWP) ay nagsabing ang Hilagang Byetnam ay isang ‘kapitalistang estado’, habang ang tradisyunal na mga Trotskysta ay tinawag itong ‘depormadong estado ng manggagawa’, at ang mga Stalinista ay tinawag itong ‘sosyalista.’ Maliit lamang ang mga pagkakaibang ito sa pagkakaisa ng Kaliwa sa pamimilit na kailangang ialay ng mga manggagawa at magsasaka sa Byetnam ang kanilang buhay para sa kapitalistang Hilaga laban sa kapitalistang Timog.
Sa walong taong digmaan sa pagitan ng Iran at Iraq sa 1980s, kung saan milyong tao ang namatay, ang Kaliwa ay walang habas na nagpropaganda sa suporta ng US at iba pa sa rehimen ni Saddam Hussein. Maaring mayroong mga reserbasyon sa rehimen sa Iran at sa kanyang ideyolohiya sa relihiyon, pero nagkaisa ang Kaliwa na mas mabuti pang mamatay para sa Iran kaysa Iraq. Syempre, ng inatake ng US at ng kanyang ‘koalisyon’ ang Iraq nakita ng Kaliwa na karapat-dapat na ipagtanggol si Saddam, kahit walang nagbago sa kalagayan ng uring manggagawa.
Sa panahon ng digmaan sa nawawasak na Yugoslavia sa unang bahagi ng 1990s muling pumili ng kampo ang Kaliwa. Ang lohikang ipagtanggol ang Bosnia o Kosovo ay ibig sabihin suportahan ang pambobomba sa Belgrade. Ang suporta sa Serbia o nagkakaisang Yugoslavia ay nagkahulugan ng suporta sa masaker na ginawa kapwa ng ‘opisyal’ at pwersang para-militar.
Ang kabangisan ng WRP ay madaling makita, pero ang ‘kritikal na suporta’ ng ibang mga Kaliwa para sa iba’t-ibang paksyon ng burgesya ay nakakalason din. Habang lumalakas ang sigaw ng interbensyong militar sa Libya interesanteng makita kung sino ang ipagtanggol ng Kaliwa. Pinakita ng nakaraang mga karanasan na ito ay hindi para sa uring manggagawa para ipagtanggol ang kanyang makauring interes.
WorldRevolution
Marso 7, 2011
Source URL: https://en.internationalism.org/wr/342/leftists-gaddafi [18]
Ang pakikibaka laban sa kasalukuyang panlipunang kaayusan ay lumalawak, mula sa malakihang panlipunang pag-aalsa sa Tunisia at Egypt tungo sa kilusan ng ‘indignado’ sa Spain, hanggang sa mga pangkalahatang welga at asembliya sa lansangan ng Greece, sa mga demontrasyon para sa pabahay at kahirapan sa Israel, at sa mga kilusang ‘Occupy’ sa buong USA, ngayon ay umalingawngaw bagamat maliit sa UK. Ang kamulatan na ito ay pandaigdigang kilusan, tumalas at mas malawak.
Sa Britanya, sa 9 Nobyembre, ang mga estudyante ay muling magprotesta laban sa mga polisiya ng gobyerno, at sa 30 Nobyembre aabot sa tatlong milyong manggagawa ng publikong sektor ay magwelga laban sa atake ng kanilang pensyon. Ilang linggo na ngayon, ang mga elektrisyan ay nagsagawa ng maingay na demonstrasyon sa mga edipisyo para ipagtanggol ang kanilang trabaho at kalagayan at buong pwersa ding lalahok sa 9 Nobyembre.
Hindi pa rebolusyon, hindi pa ang 99%
Muli umalingawngawa na naman ang salitang ‘rebolusyon’, at muli na namang kinilala ang ‘kapitalismo’ bilang ugat ng kahirapan, digmaan at pagkasira ng kalikasan.
Maganda ito. Pero gaya ng masaklap na naranasan ng mga pinagsamantalahan at mayoriyang inaapi sa Egypt, ang pagpatalsik sa isang tao o isang gobyerno ay hindi pa rebolusyon. Ang rehimeng militar na pumalit kay Mubarak ay patuloy na binilanggo, tinutortyur at pinatay ang mga naglakas loob na magpahayag ng kanilang diskontento sa kasalukuyang kaayusan.
Kahit ang popular na islogan ng kilusang okupasyon na ‘kami ang 99%’ ay hindi pa realidad. Sa kabila ng malawak na simpatiya ng publiko, ang mga protesta ng okupasyon ay hindi pa nakuha ang aktibong suporta ng signipikanting bilang ng ‘99%’. milyun-milyon ang nabahala sa walang katiyakang kinabukasan sa ilalim ng kapitalismo, pero ito mismong pagkabahala ang lumikha ng pag-aalangang risgong lumahok sa mga welga, okupasyon at demonstrasyon.
Nasisilip pa lang natin ang potensyalidad ng isang tunay na kilusang masa laban sa kapitalismo, at delikadong magkamaling kilalanin ang isang bata na isa ng malaking tao.
Pero ang mga lumahok mismo sa pakikibaka ay maaring mahadlangan ng kanilang sariling mga ilusyon, na tiyak susuportahan ng mga propagandista ng sistema.
Mga ilusyon gaya ng:
‘Lahat ng ito ay kagagawan ng mga bangkero/o neo-liberalismo’.
Ang kapitalismo ay hindi lang mga bangko, o ‘dereguladong’ merkado. Ang kapitalismo ay isang panlipunang relasyon na nakabatay sa sistemang sahuran, sa produksyon ng kalakal para sa tubo, at gumagalaw lamang ito sa pandaigdigang saklaw. Ang pang-ekonomiyang krisis ng kapitalismo ay bunga ng kanyang lumang panlipunang relasyon, hadlang na sa pagsulong ng lipunan sa magandang bukas.
Ang pagkontrol sa mga bangko, pagkakaroon ng ala ‘Robin Hood Tax’ o palawakin ang kontrol ng estado ay sa esensya hindi solusyon para matanggal ang ugat ng kapitalistang relasyon sa pagitan ng nagsasamantala at pinagsamantalahan, at nagbigay sa atin ng maling layunin na ating ipaglalaban. Ang panawagan ng unyon na ‘pag-unlad’ ay ganun din: sa ilalim ng kapitalismo ang ibig sabihin nito ay pag-unlad ng pagsasamantala at pagsira sa kalikasan, anu't anuman, sa kasalukuyan nakabatay ito sa malaking utang, na naging mayor na salik ngayon sa paglala ng pang-ekonomiyang krisis.
‘Ang mga politikong maka-Kanan ang ating pangunahing kaaway’.
Gaya ng ang mga bangkero ay mga ahente lamang ng kapital, ganun din ang mga politiko mula sa Kanan hanggang sa Kaliwa, mga instrumento ng kapitalistang estado, ang papel ay panatilihin ang kapitalistang sistema. Pinagpatuloy ng Tories ni Cameron ang iniwan ng Labour, at si Obama, sa kabila ng ‘pag-asang’ kinakatawan niya, ay pinagpatuloy ang imperyalistang digmaan at atake sa istandard ng pamumuhay ng administrasyong Bush.
‘Kailangan natin mas pagbutihin ang parliyamentaryong demokrasya’.
Kung ang estado ang ating kaaway, ang kahilingang repormahin ito ay paglihis. Sa Spain tinangka ng ‘Real Democracy Now’ na pakilusin ang tao para sa pagpapaunald ng parliyamentarismo, mas palakasin ang kontrol sa pagpili ng mga mambabatas, atbp. Pero tinutulan ito ng mas radikal na tendensya, kinilala na ang mga pangkalahatang asembliya na lumitaw bilang organisasyon ng mga protesta ay maari ding maging binhi ng pag-oorganisa ng buhay ng lipunan.
Paano susulong ang pakikibaka? Sa pamamagitan ng pagkilala at pagsapraktika ng ilang mga batayang punto:
Ang pakikibaka laban sa kapitalismo ay pakikibaka sa pagitan ng mga uri: sa isang banda ay ang burgesya at ang estado nito, na may kontrol ng yaman ng lipunan, sa kabilang banda ay ang uring manggagawa, ang proletaryado – tayong walang ibang maipagbili kundi ang ating lakas-paggawa.
Ang pakikibaka ay dapat umabot sa iba pang bahagi ng uring manggagawa kung saan pinakamalakas, kung saan malakihan ang bilang nila: mga pagawaan, ospital, eskwelahan, unibersidad, opisina, pantalan, gusali, konstruksyon, post offices. Nandyan na ang mga halimbawa: ang alon ng mga welga sa Egypt, ng ang ‘Tahrir Square ay pumunta sa mga pagawaan’, at napilitan silang tanggalin si Mubarak. Sa Oakland, California kung saan ang mga ‘Occupiers’ ay nanawagan ng pangkalahatang welga, pumunta sa mga daungan at nakuha ang aktibong suporta ng mga manggagawa doon at truckers.
Para mapalawak ang pakikibaka, kailangan natin ang bagong mga organisasyon: ang praktika ng pagbuo ng mga asembliya na may halal at may mandato na mga delegado ay muling lumitaw kahit saan dahil ang lumang mga organisasyon ay bangkarota: hindi lang ang parliyamento at lokal na pamahalaan, kundi ang mga unyon din, na nagsisilbi lang para hatiin ang mga manggagawa at tiyakin na hindi lalampas ang makauring pakikibaka sa limitasyong legal. Para mapangibabawan ang panghati ng mga unyon at mapanatili ang kontrol ng manggagawa, kailangan natin ang mga asembliya at halal na mga komite sa mga pagawaan at sa lansangan.
Para mawasak ang kapitalismo, kailangan natin ng rebolusyon: Nanatili ang kapangyarihan ng naghaharing uri hindi lang sa pagsisinungaling kundi sa panunupil din. Ang makauring pakikibaka ay hindi ‘mapayapa’. Kailangan nating maging handa ngayon para depensahan ang ating sarili mula sa hindi maiwasang karahasan ng pulisya, at sa hinaharap, para ibagsak ang makinarya ng estado sa pamamagitan ng kombinasyon ng sariling organisasyon ng masa at pisikal na pwersa.
Ang tanging alternatiba sa kapitalismo ay komunismo: Hindi sa pamamagitan ng kontrolado-ng-estado na pagsasamantala tulad ng mga Stalinistang rehimen, hindi sa panunumbalik sa hiwa-hiwalay na mga komyun na nagpapalitan ng produkto, kundi sa isang pandaigdigang asosasyon ng mga lumilikha ng produkto: walang sahod, walang pera, walang hangganan, walang estado!
IKT 5/11/11
Marami ang hindi na nakaalala sa Komyun sa Paris ng 1871. Sa mga nakaalala naman, marami sa kanila ang mali ang pagkaintindi sa kagitingan ng Komyun. Marami sa mga nagsasabing "komunista" at "sumasaludo" sa Komyun ay binalasubas ng kanilang mga praktika sa kasalukuyan ang mga rebolusyonaryong aral ng Komyun sa nakaraan.
Pakikipag-isang prente, partisipasyon sa burges na eleksyon, pakikibaka para sa pagmamahal sa inangbayan ang pinaggagawa ngayon ng iba't-ibang paksyon ng Kaliwa sa ngalan ng sosyalismo/komunismo. Kasing karumal-dumal ang mga ito sa madugong masaker ng burgesya sa mahigit 20,000 Komyunista dahil pinagpunit-punit nito ang mga prinsipyo ng Komyun sa Paris na binuhisan ng dugo ng masang manggagawa!
Kung hindi hinog ang obhetibong sitwasyon noong 1871 para sa komunistang rebolusyon, napakalinaw na hinog na ito ngayon. Mas posible at mas kailangan ngayon ang mga prinsipyong pinaglaban at pinagtanggol ng Komyun sa Paris dahil ang pandaigdigang kapitalismo at lahat ng paksyon ng uring burges ay lubusan ng reaksyunaryo.
Kaya kailangang malaman at maintindihan ng mga mulat na uring manggagawa ang kasaysayan ng unang karanasan ng uri para agawin ang kapangyarihan at buuin ang isang bagong lipunan para sa masang anakpawis.
M3, Agosto 13, 2011
------------------------------------------
140 taon na ang lumipas ng sinupil ng burgesyang Pranses ang kauna-unahang magiting na rebolusyonaryong karanasan ng proletaryado, ng minasaker nito ang 20,000 manggagawa. Ang Komyun sa Paris ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan na pinakita ng manggagawa ang matinding lakas. Sa unang pagkakataon, pinakita ng mga manggagawa na may kapasidad itong wasakin ang estado ng burgesya, at tumindig bilang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunan. Ngayon, nagsisikap ang naghaharing uri na kumbinsihin ang mga manggagawa na walang kinabukasan ang sangkatauhan sa anumang lipunan maliban sa kapitalismo, at hawaan sila ng kawalan ng lakas sa harap ng karumal-dumal na barbarismo at kahirapan ng modernong mundo. Kaya ngayon, kailangang suriin ng uring manggagawa ang kanyang sariling kasaysayan, para manumbalkik ang kumpyansa sa sarili, sa kanyang sariling lakas, at sa kinabukasan ng kanyang pakikibaka. Saksi ang napakatinding karanasan ng Komyun sa Paris na kahit noon, sa kabila ng kawalan ng materyal na kondisyon para sa komunistang rebolusyon, pinakita ng proletaryado na siya lamang ang pwersang may kapasidad na yanigin ang kapitalistang kaayusan.
Para sa mga henerasyon ng manggagawa, ang Komyun sa Paris ay isang patnubay sa kasaysayan ng kilusang manggagawa. Ang rebolusyong Ruso sa 1905 at laluna ang 1917 ay naglalaman ng kanyang mga halimbawa at aral, hanggang pumalit ang rebolusyong 1917 bilang pangunahing tanglaw ng pakikibaka ng pandaigdigang proletaryado.
Ngayon, ang propaganda ng burgesya ay nagsisikap na lubusan ng ibaon sa limot ang rebolusyonaryong karanasan sa Oktubre, para ilayo ang mga manggagawa sa kanilang sariling pananaw sa kinabukasan sa pamamagitan ng pagpapakilala sa komunismo na Stalinismo. Dahil hindi magamit ang Komyun sa Paris sa ganitong kasinungalingan, laging itinago ng naghaharing uri ang kanyang tunay na kahulugan sa pamamagitan ng pag-angkin na kanila iyon, isang kilusan para sa patriyotismo, o para ipagtanggol ang mga republikanong adhikain.
Pakikibaka laban sa Kapital, hindi isang makabayang pakikibaka
Nangyari ang Komuna sa Paris pitong buwan matapos ang pagkatalo ni Napoleon III sa Sedan, noong digmaang Franco-Prussian 1870. Sa ika-4 ng Setyembre 1870, nag-aklas ang mga manggagawa sa Paris laban sa kalunos-lunos na kahirapang dulot ng adbenturismong militar ni Bonaparte. Dineklara ang Republika habang ang tropa ni Bismarck ay nagkampo sa mga daan ng Paris. Ang Pambansang Gwardya, na galing sa mababang saray ng panggitnang uri, ang nagtanggol sa kabisera laban sa kaaway'ng Prusyan. Ang mga manggagawa, na nagsimula ng makaranas ng gutom, ay sumali at hindi nagtagal ay naging mayorya sa tropang ito. Tinangka ng naghaharing uri na kulayan ang kaganapang ito ng isang makabayang kulay ng "popular" na paglaban sa mananakop na Prusyano; subalit sa isang iglap, ang pakikibaka para ipagtanggol ang Paris ay nagbukas ng pagsabog ng antagonismo sa pagitan ng dalawang batayang mga uri sa lipunan: ang proletaryado at burgesya. Matapos ang 131 araw na pagkubkob, ang gobyernong Pranses ay sumuko at pumirma ng tigil-putukan sa tropang Prusyan. Alam ni Thiers, ang bagong lider ng gobyernong republikano na dahil patapos na ang digmaan kailangan ng dis-armahan agad ang mga manggagawa sa Paris, dahil banta ito sa naghaharing uri. Sa ika-18 ng Marso 1871, unang ginawa ni Thiers ay panloloko: sa argumentong ang mga armas ay pag-aari ng estado, nagpadala siya ng mga sundalo upang bawiin ang mahigit 200 kanyon ng Pambansang Gwardya, na tinago ng mga manggagawa sa Montmartre at Belleville. Nabigo ito, salamat sa mahigpit na paglaban ng mga manggagawa, at sa kilusan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga sundalo at populasyon sa Paris. Ang kabiguan ng pagtatangkang pagdis-arma ang naging mitsa, at dahilan ng digmaang-sibil sa pagitan ng mga manggagawa sa Paris at burges na gobyerno na nagkampo sa Versailles. Sa ika-18 ng Marso, ang komite sentral ng Pambansang Gwardya, na temporaryong may hawak ng kapangyarihan, ay nagdeklara: "Ang mga manggagawa sa kabisera, sa gitna ng pagtraydor ng naghaharing uri, ay naintindihan na ito na ang panahon para isalba ang sitwasyon sa pamamagitan ng paghawak sa kapangyarihang publiko. (...) Naunawaan ng proletaryado na ang pinakamataas niyang tungkulin at absolutong karapatan na hawakan ang kinabukasan sa kanyang sariling mga kamay, at tiyakin ang tagumpay sa pamamagitan ng pag-agaw ng kapangyarihan". Sa naturang araw din, pinahayag agad ng komite ang eleksyon ng mga delegado mula sa iba't-ibang lugar, sa ilalim ng unibersal na pagboto. Idinaos ito sa ika-26 ng Marso; dalawang araw pagkatapos, dineklara ang Komyun. Maraming tendensya ang bumubuo sa loob nito:ang mayoriya, na dominado ng mga Blanquista, at ang minoriya na karamihan sa mga membro ay Proudhonistang sosyalista mula sa Internasyunal na Asosasyon ng mga Manggagawa (ang Unang Internasyunal).
Nagsagawa agad ng kontra-atake ang gobyerno sa Versailles, para muling makuha ang Paris mula sa kamay ng uring manggagawa - mga "marumi at mabaho", ayon kay Thiers. Ang pambobomba sa kabisera, na tinuligsa ng burgesyang Pranses noon laban sa sundalong Prusyan, ay walang patid sa loob ng dalawang buwan ng pag-iral ng Komyun.
Hindi ito pagtatanggol ng inangbayan laban sa dayuhang kaaway kundi pagtatanggol sa sarili laban sa kaaway sa loob, laban sa kanyang "sariling" burgesya na kinakatawan ng gobyernong Versailles, kung saan tumanggi ang proletaryadong Pranses na isuko ang kanyang armas sa mga mapagsamantala at nagtayo ng Komyun.
Laban para wasakin ang burges na estado, hindi para ipagtanggol ang mga kalayaang republikano
Nilinis ng burgesya ang kanyang pinakamasahol na kasinungalingan mula sa panlabas na anyo ng realidad. Lagi nitong pinangangalandakan na ibinatay ng Komyun ang kanyang mga prinsipyo sa 1789, para maliitin ang unang rebolusyonaryong karanasan ng proletaryado sa antas na simpleng pagtatanggol sa mga kalayaang republikano, para sa burges na demokrasya laban sa monarkistang mga sundalo na alyado ng burgesyang Pranses. Pero ang tunay na diwa ng Komyun ay hindi makita sa kasuotan ng batang proletaryado ng 1871. Ang kilusang ito ay laging isang importanteng hakbang ng pandaigdigang proletaryado para sa kanyang kalayaan, dahil sa pangakong hinawakan nito para sa kinabukasan. Ito ang una sa kasaysayan na ang opisyal na kapangyarihan ng burgesya ay naibagsak sa isa sa kanyang mga kabisera. At itong matinding paglaban ay gawa ng proletaryado, hindi ng anumang uri. Oo, ang proletaryadong ito ay hindi pa maunlad, marami pang inpluwensya sa luma nitong kalagayan bilang tagayaring-kamay, at karay-karay ang impluwensya ng peti-burgesya at mga ilusyong mula sa 1789: sa kabila nito, ito ang motibong pwersa sa likod ng Komyun. Gayong hindi pa istorikong posible ang rebolusyon (dahil bata pa ang proletaryado, at dahil hindi pa nalubos ng kapitalismo ang kapasidad nitong paunlarin ang mga produlktibong pwersa), pinakita ng Komyun ang direksyon ng proletaryong paglaban sa hinaharap.
Dagdag pa, habang kinuha nito ang mga prinsipyo ng burges na rebolusyon, iba ang laman nito. Para sa burgesya, ang "kalayaan" ay malayang pamilihan, kalayaan para pagsamantalahan ang sahurang paggawa; "pagkapantay-pantay" ay walang iba kundi pagkapantay-pantay sa pagitan ng burgesya sa kanilang pakikibaka laban sa mga pribilihiyong aristokrata; "pagkakapatiran" ay nagkahulugang mapayapang relasyon sa pagitan ng kapital at paggawa, sa ibang salita ang pagsuko ng mga pinagsamantalahan sa mga mapagsamantala. Para sa mga manggagawa ng Komyun, ang "Kalayaan, Pagkapantay-pantay, Kapatiran" ay abolisyon ng sahurang paggawa, sa pagsasamantala ng tao sa kanyang kapwa, at sa lipunang nahati sa mga uri. Itong bisyon ng ibang mundo na pinakita ng Komyun mismo, ay nakita paano ini-organisa ng uring manggagawa ang buhay sa lipunan sa loob ng dalawang buwan nitong pag-iral. Ang tunay na katangian ng Komyun ay makita sa kanyang mga pang-ekonomiya at pampulitikang hakbangin, hindi sa mga islogang kinopya nito sa nakaraan.
Dalawang araw matapos ang proklamasyon, pinagtibay ng Komyun ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng direktang pag-atake sa makinarya ng estado na makita sa serye ng mga pampulitikang hakbangin: abolisyon ng pwersa ng polisya para sa panunupil, sa permanenteng hukbo, at sa konskripsyon (ang tanging kinilalang armadong pwersa ay ang Pambansang Gwardya); ang pagawasak sa lahat ng adminsitrasyong pang-estado, kumpiskasyon ng mga ari-arian ng simbahan, ang paghinto sa parusang pamumugot ng ulo, obligadong libreng edukasyon, atbp, hindi pa kasama ang simbolikong mga hakbangin gaya ng pagwasak sa kolum ng Vendôme, ang simbolo ng sobinismo ng naghaharing uri na ni Napoleon 1st. Sa naturang araw din, kinumpirma ng komyun ang kanyang proletaryong katangian sa pamamagitan ng deklarasyong "ang bandila ng Komyun ay ang Unibersal na Republika". Ang prinsipyong ito ng proletaryong internasyunalismo ay malinaw na pinagtibay sa eleksyon ng mga dayuhan sa Komyun (tulad ng taga Poland na si Dornbrovski, tagapangasiwa sa Depensa, at ang taga Hungary na si Frankel, responsable sa Paggawa).
Isa sa mga partikular na pampulitikang hakbanging pinakita gaano ka mali ang ideya na nag-aklas ang proletaryado sa Paris para ipagtanggol ang demokratikong Republika: ito ay ang maaring permanenteng tanggalin ang mga delegado ng Komyun, na responsable sa anumang organo na naghalal sa kanila. Ito ay bago pa lumitaw sa 1905 rebolusyong Ruso ang mga konseho ng manggagawa - ang "sa wakas nadiskubreng porma ng diktadura ng proletaryado" ayon kay Lenin. Ang prinsipyong maaring tanggalin na pinagtibay ng proletaryado ng maagaw nito ang kapangyarihan ay muling patunay sa proletaryong katangian ng Komyun. Ang diktadura ng burgesya, kung saan ang "demokratikong" estado ang kanyang pinaka-masamang porma, ay konsentrado ang kapangyarihan ng mapagsamantala sa mga kamay ng minorya para supilin at pagsamantalahan ang malaking mayoriya na tagapaglikha ng produkto. Ang prinsipyo ng proletaryong rebolusyon ay walang kapangyarihan ang lilitaw sa ibabaw ng lipunan. Tanging ang uri lamang na naglalayong pawiin ang anumang dominasyon ng minoryang mapanupil ang makagawa nito.
Dahil ang mga pampulitikang hakbangin ng Komyun ay malinaw na manipestasyon ng kanyang proletaryong katangian, ang kanyang mga pang-ekonomiyang hakbangin, gaano man ka limitado, ay nagtatanggol din ng mga interes ng uring manggagawa: pagpawi sa upa, pagpawi sa panggabing trabaho gaya ng panadero, abolisyon ng mga multa ng kapitalista mula sa sahod, ang muling pagbukas at pangangasiwa ng mga manggagawa sa mga nagsarang pagawaan, ang sahod ng mga delegado ng Komyun ay katulad sa sahod ng mga manggagawa, atbp.
Malinaw na ang ganitong pag-organisa sa lipunan ay walang relasyon sa "demokratisasyon" ng burges na estado, at lahat ay para sa pagwasak. At ito nga ang pundamental na aral na iniwan ng Komyun sa buong kilusang paggawa sa hinaharap. Ito ang aral na ginawa ng proletaryado sa Rusya, sa pangunguna ni Lenin at ng mga Bolsheviks, sa Oktubre 1917. Gaya nga ng sabi ni Marx sa Ika-18 Brumaire ni Louis Bonaparte, "Lahat ng mga pampulitikang rebolusyon sa kasalukuyan ay ginawa lamang perpekto ang makinarya ng estado sa halip na wasakin ito". Bagamat hindi pa hinog ang kondisyon para ibagsak ang kapitalismo, ang Komyun ng Paris, ang huling rebolusyon sa 19 siglo, ay hudyat para sa mga rebolusyonaryong kilusan sa 20 siglo: pinakita nito sa praktika na "hindi simpleng hawakan ng uring manggagawa ang nakatayong makinarya ng estado at gamitin ito para sa kanyang sariling layunin. Dahil ang pampulitikang makinarya para mang-alipin ay hindi magamit bilang pampulitikang instrumento para sa kanyang paglaya" (Marx, Ang Digmaang Sibil sa Pransya).
Naharap sa banta ng proletaryado, ang mabangis na panunupil ng burgesya
Hindi matanggap ng naghaharing uri na mangahas ang uring manggagawa na lumaban sa kanyang sistema. Kaya ng muling maagaw nito ang Paris sa pamamagitan ng armas, hindi lang layon ng burgesya na muling itayo ang kanyang kapangyarihan sa kabisera, kundi higit sa lahat ay patawan ng mabangis na parusa ang uring manggagawa para maging aral na hindi nito malimutan. Ang kanyang galit na supilin ang Komyun ay katumbas ng takot nito sa proletaryado na inspirado sa Komyun. Sa simula ng Abril, sila Thiers at Bismarck, kung saan ang mga tropa ay nasa mga kampo ng Hilaga at Silangan ng Paris, ay bumuo ng ‘Banal na Alyansa' para durugin ang Komyun. Noon pa man, pinakita na ng burgesya ang kanyang kapasidad na isantabi ang sariling pambansang antagonismo para harapin ang kanyang makauring kaaway. Ang mahigpit na kolaborasyon sa pagitan ng mga tropang Pranses at Prusyan ang dahilan para ganap na makubkob ang kabisera. Sa ika-17 ng Abril, sinakop ng tropang Versailles ang mga kampo sa Kanlurang Paris. Naharap sa matinding paglaban ng Pambansang Gwardya, kinumbinsi ni Thiers si Bismarck na palayain ang 60,000 tropang Pranses na naging bilanggo sa Sedan, kung saan mula Mayo pataas ay nagbigay sa gobyernong Versailles ng mapagpasyang bentahe sa dami. Sa unang gabi ng Mayo, natalo ang larangan sa timog. Sa ika-21, ang tropang Versailles sa ilalim ni Heneral Gallifet ay pumasok sa Paris mula sa Hilaga at Silangan, salamat sa binuksang daan ng tropang Prusyan. Sa loob ng walong araw, matindi ang labanan sa mga distrito ng uring manggagawa; ang huling mga mandirigma ng Komyun ay parang mga langaw na nahulog mula sa Bellevile at Menilmontant. Pero ang madugong panunupil sa mga Komyunista ay hindi nagtapos doon. Nais namnamin ng naghaharing uri ang kanyang tagumpay sa pamamagitan ng matinding paghiganti sa natalo at walang armas na proletaryado, itong mga "mabaho at marumi" na nangahas labanan ang kanyang makauring dominasyon. Habang inutusan ang mga tropa ni Bismarck na hulihin ang mga nagtatago, ang mga berdugo ni Gallifet ay minasaker ang walang kalaban-laban na lalaki, babae, at mga bata: pinatay sila sa pamamagitan ng firing squad at machine-gun.
Ang "madugong linggo" ay nagtapos sa karumal-dumal na pamamaslang: mahigit 20,000 patay. Sinundan ito ng malawakang pang-aaresto, ng pagpatay sa mga nahuli "para maging halimbawa", pagtapon sa mga kolonya ng pwersahang paggawa. Daan-daang bata ang dinala sa tinawag na mga "bahay ng pagtutuwid".
Ito ang ginawa ng naghaharing uri para muling maagaw ang kapangyarihan. Ito ang ginawa nila kung nasa peligro ang kanilang makauring diktadura. Hindi lang nalunod sa dugo ang Komyun dahil lamang sa pinaka-reaksyonaryong paksyon ng burgesya. Bagamat binigay nila ang maruming paggawa sa tropang Monarkista, ang "demokratikong" republikanong paksyon, sa pamamagitan ng kanyang Pambansang Asembliya at liberal na mga mambabatas, ang may ganap na responsibilidad sa masaker at pananakot. Hindi malimutan ng proletaryado ang kagitingang ito ng burges na demokrasya: hindi!
Dahil sa pagdurog sa Komyun, na siyang dahilan ng paglaho ng Unang Internasyunal, tinalo ng naghaharing uri ang mga manggagawa sa buong mundo. At matindi ang pagkatalong ito para sa uring manggagawa sa Pransya, na nasa unahan ng proletaryong pakikibaka mula 1830. Nakabalik lamang ang proletaryong Pranses sa unahan ng makauring labanan sa Mayo 1968, kung saan ang kanyang malawakang mga welga ang nagbukas ng panibagong perspektiba sa pakikibaka matapos ang 40 taon na kontra-rebolusyon. At hindi ito aksidente: sa muling pagbangon, bagamat pansamantala, bilang tanglaw ng makauring pakikibaka, na inabandona nito noong nakaraang siglo, pinakita ng proletaryong Pranses ang lubusang kasigasigan, lakas, at lalim ng bagong yugto ng makasaysayang pakikibaka ng uring manggagawa para ibagsak ang kapitalismo.
Pero kaiba sa Komyun, ang bagong istrorikong yugto na binuksan sa Mayo 1968 ay nasa panahon na ang proletaryong rebolusyon ay hindi lang posible, kundi absolutong kailangan kung nais ng sangkatauhan na mabuhay pa. Ito ang laging nais itago ng burgesya sa pamamagitan ng kanyang mga kasinungalingan, mga kampanyang propaganda, para baliktarin ang rebolusyonaryong karanasan sa nakaraan: ang lakas at kasigasigasan ng proletaryado, at ano ang nakataya sa kanyang kasalukuyang pakikibaka.
Avril (orihinal na inilathala sa Révolution Internationale blg.202, Hulyo 1991, at sa World Revolution146, Hulyo-Agosto 1991).
Hindi iiral ang kapitalismo kung walang pangungutang. Ito na ang kalakaran ng sistema mula 18 siglo.
Mas lumala ang kalakarang ito ng ganap ng nasaid ang kapitalistang pamilihan ng sobrang produksyon mula huling bahagi ng 1960s. Kaya mula noon ay gumagalaw na lamang ang pandaigdigang ekonomiya mula sa pangungutang, hanggang sa humantong sa tinaguriang "pinansyalisasyon" ng ekonomiya: stock exchange.
Ganun pa man, maraming organisasyon ng Kaliwa gaya ng Freedom from Debt Coalition ang nanindigan na maari at may kapasidad ang sistema na pawiin ang pangungutang. Kaya ang kahilingan nila ay "debt moratorium" hanggang sa "debt abolition". Sa madaling sabi, huwag bayaran ang utang. Ito ang komon na kahilingan ng iba't-ibang paksyon ng Kaliwa sa mga mayayamang bansa: Pawiin ang utang ng mga mahihirap na bansa para uunlad ito. Sa madaling sabi, para maging "makatao" ang kapitalismo.
Ang lohika ng ganitong pananaw: "maraming naghihirap na mga bansa dahil lubog sa utang", "mas yumayaman ang mayayamang mga bansa dahil ito ang nagpapautang kaya napagsamantalahan nila ang mahihirap na mga bansa". Kung ang isang estado ay "matatag na manindigan na hindi bayaran ang utang o kaya saka na lang bayaran kung uunlad na ang ekonomiya nito" tiyak na hindi ito mapagsamantalahan ng mayayamang mga estado.
Dahil sa kahirapan kaya napilitang mangutang ang mahihirap na mga bansa. Kahit sa sitwasyon ng ordinaryong manggagawa ay ito ang realidad: dahil hindi sapat ang sahod ay napilitan itong malubog sa utang. Pero hindi ito ang ugat ng pinagmulan ng pangungutang at kung bakit lubog sa utang ang halos lahat ng mga bansa ngayon: "mayaman" man o mahirap.
Sa 18 siglo hanggang kalagitnaan ng 19 siglo ang pagpapautang/pangungutang ay ekspresyon ng lumalagong ekonomiya ng sistema dahil nasa yugto pa ito ng pagpapalawak. Nangutang ang mga kapitalista sa mga bangko dahil kulang ang kanilang kapital para sa pagpapalawak ng kanilang negosyo. Ang mga negosyo nila ay tiyak ang merkado. Tiyak din na mabayaran nila ang kanilang inutang. Sa ganitong sitwasyon naibabalik ang balanse ng kalakalan ayon sa tunay na galaw ng ekonomiya.
Radikal na nagbago ito ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang imperyalistang yugto. Lalong naging mahirap mabayaran ang utang dahil malaking bahagi ng mga produkto ng kapitalista ang hindi na maibenta sa pamilihan dahil sa sobrang produksyon.
Ang pagpapautang ay bunga ng krisis ng sobrang produksyon na sumabog noong huling bahagi ng 1960s. Said na ang pandaigdigang pamilihan. Nag-umapaw na ito ng mga produktong hindi na kayang bilhin ng populasyon at pambansang ekonomiya dahil sa kahirapan. Kaya nakahanap ng "solusyon" ang internasyunal na burgesya: gumawa ng artipisyal na pamilihan para mabili ang sobrang produkto. At ang artipisyal na pamilihang ito ay malikha lamang sa pamamagitan ng pagpapautang. At ito nga ang nangyari sa loob ng apat na dekada, hanggang sa sumabog ito noong 2007.
Ang "solusyon" noon ay nalantad na isa palang lason ngayon. Ang pagpapautang/pangungutang ay naging bangugot na sa kapitalismo. At imposibleng magising ang sistema sa kanyang bangungot dahil hindi ito isang panaginip kundi isang realidad. Kaya naman ang "solusyon" ng mga estado sa krisis ng 2007 ay dagdag na pagpapautang/pangungutang sa pangunguna mismo ng mga ito para isalba ang mga pribadong kompanya partikular ang mga bangko sa tuluyang pagkalugi. Resulta: ang mga estado na mismo ngayon ang nasa bingit ng pagkabangkarota. Ang tangi at nalalabing tagapagligtas sa naghihingalong sistema ang siya ngayong malapit na ring mamamatay.
Ang nasa ibaba ay salin mula sa English. Ito ay isang pagsusuri ng World Revolution, seksyon ng IKT sa Britanya hinggil sa pangungutang/utang.
Isang ilusyon at tahasang repormismo ang kahilingang "debt moratorium" o "debt abolition". Ang mga ito ay pagsisikap na iligtas ang sistema sa desperadong paraan, isang paraan na imposible dahil hindi iiral ang kapitalismo kung walang pangungutang.
Ang tunay na solusyon sa krisis ng sistema ngayon ay walang iba kundi tuluyan itong ibagsak. Hindi ito babagsak sa pamamagitan ng mga repormista, elektoralista o parliyamentaristang paraan kahit pa sabihin ng Kaliwa na ito ay mga "taktika" lamang para susulong ang rebolusyon. Katunayan, kabaliktaran ang nangyari. Hindi rin babagsak ang naghihingalong sistema sa pamamagitan ng ultra-kaliwang paraan gaya ng gerilya-ismo o "pulang terorismo".
Babagsak lamang ang sistema sa pamamagitan ng rebolusyon ng uring manggagawa na magsimula sa mga malawakang welga hanggang sa pangmasang welga at magtuloy-tuloy hanggang sa armadong pag-aalsa na pamumunuan ng mga konseho at asembliya ng manggagawa. Babagsak lamang ang kapitalismo kung mayroong internasyunal na koordinasyon ang mga manggagawa sa abanteng mga bansa at atrasadong mga bansa sa kanilang pakikibaka laban sa kapital. Ang nakikita nating malawakang pag-aalsa sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ang magiging hitsura ng panimulang hakbang ng isang rebolusyon. Ang malaking kakulangan ng mga pag-aalsa doon ay hindi ito napamunuan sa pangkalahatan ng uring manggagawa at nakulong ito sa iba't-ibang ilusyon ng demokrasya at nasyunalismo. Kaya ang pangkalahatang resulta ay paksyon pa rin ng burgesya ang nakaupo sa kapangyarihan matapos mapatalsik ang labis na kinamumuhiang mga rehimen.
Kung napakahina ang independyenteng kilusang manggagawa, tiyak na mahahatak ito sa paksyunal na digmaan ng burgesya gaya ng nangyari sa Libya ngayon.
Komunismo o barbarismo. Ito ang hinaharap ng sangkauhan ngayon. Kung hindi babagsak ang kapitalismo sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon, tiyak na hahatakin hindi lang ang sistema kundi ang buong sangkauhan sa isang barbnariko at napakagulong hinaharap.
May liwanag sa dulo ng tunnel para sa rebolusyon ng manggagawa: Patuloy na lumalaban ang uri laban sa mga atake ng kapital. Patuloy na nagmuni-muni ang masang manggagawa sa kanilang aktwal na karanasan sa mga kilusang makabayan at demokratiko, sa mga unyon at sa parliyamento. Puputok ang rebolusyon kung darating ang panahon na makumbinsi ang masang manggagawa na walang saysay ang nasyunalismo, burges na demokrasya, parliyamentarismo, unyonismo at kapitalismo ng estado ("sosyalismo" ng Venezuela, Cuba, North Korea, Tsina, atbp). Sa madaling sabi, sasabog ang rebolusyon kung lubusan ng itakwil ng uring manggagawa ang mga ideolohiya ng Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kung mangyari ito, tiyak na magtagumpay na ang ganap na paglaya ng sangkatauahan mula sa pang-aapi at pagsasamantala.
Internasyonalismo
Mayo 24, 2011
Kung mortal na kasalanan ang pagsinungaling, matagal ng namatay ang naghaharing uri.
Kahit saan ay sinisigaw nito mula sa mga TV, radyo, pahayagan at lathalain: Tingnan ninyo: isang liwanag sa dulo ng tunnel! Ang katibayan: bumaba ang tantos ng mga walang trabaho. Tila nga. Sa US at Pransya, sa nagdaang ilang buwan ang tantos ng mga walang trabaho ay pinakamalaki ang ibinaba mula ng pumutok ang krisis sa 2007. Sa Alemanya, pinakamababa ito mula 1992! At pinaparada ng malalaking internasyunal na mga institusyon ang kanilang optimismo. Ayon sa IMF, sa 2011, aabot sa 4.4% ang pandaigdigang paglago. Tinataya ng Asian Development Bank na ang tantos ng paglago ng Tsina ay 9.6% at 8.2% sa India. Aabot sa 2.5%, 1.6% at 2.8% ang paglago sa Alemanya, Pransya at US sa ganung pagkasunod-sunod. Tinataya mismo ng IMF ang 1.7% na paglago sa Hapon ngayong taon, sa kabila ng lindol at nukleyar na kalamidad!
Ang mapagpasyang argumento ng panunumbalik ng mas mabuting kalagayan: tumaas ang stock exchange...
Kung ganon, ang silahis ba ng liwanag ay hudyat ng napipintong muling pagbangon ng ekonomiya? O ito ay isang pagdidiliryo ng isang naghihingalo?
Kahirapan, kahirapan
Sa US, tila gumaganda ang sitwasyon. Nawala na ang multo ng pagbulusok sa 1929. Imposible ng maranasan ang walang kataposang pila sa labas ng mga opisinang nagbibnigay ng trabaho na bangungot ng 1930s. Ganon lang...sa kataposan ng Marso, i-nanunsyo ng McDonald ang kamangha-manghang rekrutment para sa 50,000 trabaho sa isang araw. Sa 19 Abril, mayroong tatlong milyong taong naghihintay sa harapan ng mga restaurant! At kinuha ng kompanya ang 62,000.
Ang realidad ng kasalukuyang krisis ay nalantad sa natamong pagdurusa ng uring manggagawa. Opisyal ngang bumaba ang kawalan ng trabaho sa Amerika, pero ang istatistika ng estado ay napakalaking pandaraya. Halimbawa, hindi nila isinama ang nasa kategoryang "NLF" (Not in the Labor Force). Ito ay ang mga matatanda na natanggal, matagal ng walang trabaho na huminto na sa paghahanap, mga estudyante at kabataan, mga walang trabaho na nasa mga iskemang naghahanap ng trabaho....sa madaling sabi, sa Enero 2011, 85.2 milyon tao. Inamin mismo ng estado na ang bilang ng mahihirap na tao ay 15% sa populasyon ng Amerika at patuloy na tumataas.
Ang pagsabog ng kahirapan sa kalupaan ng nangungunang kapangyrahihan sa mundo ay ang tunay na kalagayan ng internasyunal na ekonomiya. Sa buong mundo, mas lalong naging hindi makatao ang kalagayan ng pamumuhay. Ayon mismo sa tantya ng World Bank, mga 1.2 bilyon tao ang nasa linya ng kahirapan (1.25 dolyar kada araw). Pero mas kahabag-habag ang hinaharap. Sa papalaking bahagi ng sangkatauhan, ang panunumbalik ng inplasyon ay nagkahulugan ng mas mahirap ang magkaroon ng bahay o makakain. Ang pandaigdigang presyo ng pagkain ay tumaas ng 36% kumpara noong nakaraang taon. Ayon sa huling isyu ng Food Price Watch, na inilathala ng World Bank, sa bawat 10% pagtaas ng pandaigdigang presyo ay mayroong sa minimum dagdag na 10 milyon taong naitulak sa linya ng kahirapan. 44 milyon tao ang opisyal na nahulog sa kahirapan mula noong 2010. Sa kongkreto, ang presyo ng batayang pangangailangan ay naging mas mahirap bilhin: ang mais ay tumaas ng 74%, palay ng 69%, soya ng 36%, asukal ng 21%.
Ang pagbulusok ng sistema: Isang panibagong kabanata ng istorikal na krisis ng kapitalismo ang nabuksan sa ating harapan
Mula sa tag-init ng 2007 at sa pagsabog ng bula ng ‘sub-prime' sa Amerika, hindi napigilan ang bilis ng paglala ng krisis sa daigdig, na walang nakita kahit anino ng solusyon ang burgesya. Mas malala pa, ang mga pagsisikap nito na harapin ang problema ay paghahanda lamang para sa mas matinding mga kombulsyon. Ang kasaysayan ng ekonomiya sa nagdaang ilang taon ay isang mala-impyernong pag-inog, isang ipu-ipo na humahatak pababa. At ito ang dramang namumuo sa nagdaang 40 taon.
Mula sa kataposan ng 1960s hanggang sa tag-init ng 2007, gumagalaw ang ekonomiya ng daigdig sa pamamagitan ng sistematiko at papalaking pagsandal sa pangungutang. Bakit ganito? Kailangan ang maiksing teoretikal na paliwanag.
Gumagawa ang kapitalismo ng mas maraming kalakal kaysa kayang ibenta ng kanyang pamilihan. Ito ay halos paulit-ulit:
Pinagsamantalahan ng kapital ang kanyang manggagawa - sa ibang salita, ang kanilang sahod ay mas mababa kaysa tunay na halagang nilikha nila sa pamamagitan ng kanilang paggawa.
Kaya pwedeng ipagbili ng Kapital ang kanyang kalakal na may tubo. Pero ang tanong: kanino?
Syempre, bumibili ang manggagawa sa mga kalakal na ito...hangga't kaya ng kanilang sahod. Mayroon pa ring malaking bahagi na hindi mabili, batay sa hindi binayaran sa manggagawa ng ginawa nila ito, ang bahagi na may dagdag na halaga, isang labis na halaga, na siya lamang may mahika sa paglikha ng tubo para sa Kapital.
Bumibili din ang mga kapitalista ng kalakal, at sa pangklahatan alam natin na kaya nila ito...Pero hindi nila kayang bilhin ang lahat ng kalakal na may labis na halaga. Sa pangkalahatan walang saysay sa Kapital kung bilhin nila ang kanilang sariling kalakal para magkaroon ng ganansya: katulad ito sa pagkuha ng pera sa kaliwang bulsa para ilagay sa kanang bulsa. Kahit sinong mahirap na tao ay pagsabihan ka na hindi ka yayaman sa ganyang paraan.
Para makaipon, para uunlad, kailangan ng Kapital na makahanap ng mga bibili liban sa mga manggagawa at kapitalista. Sa ibang salita, mahalaga na makahanap siya ng merkado labas sa kanyang sistema, kung hindi mabigatan siya sa mga hindi nabiling kalakal at isang pamilihan na sinasakal. Ito ang bantog na ‘krisis ng sobrang produksyon'.
Itong ‘panloob na kontradiksyon', itong natural na tendensya tungong sobrang produksyon at obligasyon para sa walang hintong paghahanap ng panlabas na pamilihan ay isa rin sa mga ugat ng kamangha-manghang dinamismo ng sistema. Nangalakal ang kapitalismo sa lahat ng larangan ng ekonomiya na walang isinasantabi: ang mga dating naghaharing uri, mga magsasaka at artisano sa buong mundo. Ang kasaysayan ng huling bahagi ng 18 siglo at ang buong 19 siglo ay kasaysayan ng kolonisasyon, ng pagsakop ng kapitalismo sa buong mundo. Hayok ang burgesya para sa bagong mga teritoryo kung saan pinipilit nito, gamit ang iba't-ibang paraan, ang populasyon na bilhin ang kanyang kalakal. Sa paggawa nito, binabago din nito ang lumang mga ekonomiya; unti-unti, sila ay pinapasok nito sa kanyang sistema. Ang mga kolonya ay dahan-dahang naging mga kapitalistang bansa mismo. Hindi lang ang mga ekonomiya nila ay unti-unting nahirapang maging merkado ng mga kalakal mula sa Uropa at Amerika: sila mismo ay gumagawa ng kanilang sobrang produksyon. Para uunlad, muling napilitan ang Kapital na maghanap ng panibagong mga teritoryo.
Walang kataposan ang istoryang ito pero ang ating mundo ay isang bilog lamang: sa kanyang malaking kamalasan, ganap ng nasakop ng Kapital ang mundo sa loob lamang ng 150 taon. Sa pagpasok ng 20 siglo, lahat ng pangunahing mga teritoryo ay nasakop na, ang malalaking kapitalistang mga bansa sa kasaysayan ay pinaghatian na ang mundo. Mula noon hindi na usapin ang paghahanap ng panibago kundi ng pag-agaw ng mga teritoryo ng karibal na mga bansa. Ang Alemanya, ang pinakamahirap sa bilang ng kolonya, ay naging agresibo at pinasabog ang Unang Pandaigdigang Digmaan, tulak ng pangangailangan na hayagang sinabi ni Hitler sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig: "Eksport o Mamatay".
Mula noon, ang kapitalismo, matapos ang 150 taong pagpalawak, ay naging isang bulok na sistema. Ang lagim ng dalawang digmaang pandaigdig at ang Bantog na Depresyon sa 1930s ay dramatiko at hindi mapasubaliang patunay. Subalit, sa kabila nito, sa panahon ng 1950s, sinira nito ang hindi-kapitalistang pamilihan na umiiral pa (tulad ng mga magsasaka sa Pransya), hindi bumagsak ang kapitalismo sa mortal na krisis ng sobrang produksyon. Bakit? Balikan natin ang panimulang ideya na nais naming ipaliwanag: kung ang "Kapitalismo ay gumagawa ng mga kalakal na hindi kayang mabenta sa pamilihan", nagawa nitong lumikha ng artipisyal na pamilihan: "Mula kataposan ng 1960s hanggang sa tag-init ng 2007, ang ekonomiya ng mundo ay gumagalaw lamang dahil sa sistematiko at papalaking pagsandal sa utang".
Ang nagdaang apatnapung taon ay masuma bilang serye ng mga resesyon at pagbangon na pinopondohan ng pagpapautang. Sa bawat hayagang krisis, ang Kapital ay lalupang sumasandal sa pangungutang. At hindi na ito usapin ng pagsuporta sa ‘pangunsumo ng pamilya' sa pamamagitan ng tulong mula sa estado...hindi, ang mga estado mismo ay nalubog sa utang para panatilihin ang kompitesyon ng kanilang ekonomiya laban sa ibang mga bansa (sa pamamagitan ng direktang pagpondo sa imprastruktura, pag-utang sa mga bangko sa pinakamababang interes para may maipautang sila sa mga pamilya at negosyo...). Sa madaling sabi, ng buksan ang pintuan ng pagpapautang, napuno ang mundo ng pera at ang lahat ng sektor ng ekonomiya ay naging mangungutang: bawat araw bagong utang ang naganap para ibayad sa utang sa nakaraan. At hindi maiwasang napunta ito sa sukdulan.
At binuksan ng tag-init ng 2007 ang panibagong yugto ng kasaysayan ng bumubulusok na kapitalismo. Nasa limitasyon na ang kapasidad ng burgesya na pabagalin ang paglala ng krisis sa pamamagitan ng malakihang pangungutang. Ngayon, sunod-sunod ang walang patid na mabilis mabilis na mga kombulsyon. Halata ang pagiging inutil ng burgesya sa sitwasyong ito. Sa 2007, sa pagsabog ng bula ng sub-prime, at sa 2008 sa pagbagsak ng higanteng bangkong Lehman Brothers, isa lamang ang nagawa ng mga estado sa buong mundo: abonohan ang sektor ng pinansya at hayaang sumabog ang pampublikong utang. At hindi lang ito isahang beses. Mula 2007, ang ekonomiya ng mundo, ang mga bangko at ang stock exchange ay umuusad lamang sa pamamagitan ng permanenteng paglagay ng pera mula sa publiko na galing sa panibagong pangungutang o kaya mula sa pag-imprinta ng pera. Isang halimbawa: ang Amerika. Sa 2008, para iligtas ang sektor ng pinansya mula sa pangkalahatang pagkalugi, inilunsad ng Pederal na bangko ng Amerika ang inisyal na yugto ng pag-imprinta ng pera - QE1, o Quantitative Easing 1 - na nagkahalaga ng mahigit 1400 bilyon dolyar. Dalawang taon pagkatapos nito, sa Enero 2010, inulit ito ng ilunsad ang QE2: 600 bilyon ang dinagdag, salamat sa pag-imprinta ng dagdag na namang dolyar. Pero hindi pa rin ito sapat. Halos 6 na buwan pagkatapos, sa tag-init ng 2010, muling binili ng Fed ang mga utang na umabot na sa huling araw ng pagbayad, sa 35 bilyon kada buwan. Sa kabuuan, mula ng nagsimula ang pinakahuling yugto ng krisis, mahigit 2300 bilyon dolyar ang inilabas ng bangko sentral ng Amerika. Kasing laki ito ng GNP ng bansang Italya o Brazil! Pero syempre hindi huminto ang kwento. Sa tag-init ng 2011, maobligang ilunsad ng Fed ang QE3, tapos ang QE4[1]...
Ang ekonomiya ng mundo ay naging walang hanggang hukay, o mas angkop, isang black hole: papalaking hinihigop nito ang astronomikal na mga kantitad ng pera/utang.
Ang hinaharap? Inplasyon at resesyon!
Isang pagkakamali na sabihing walang epekto ang napakalaking perang inilabas ng mga estado sa mundo ngayon. Tiyak, kung wala ang mga ito, talagang sasabog na ang sistema. Pero mayroong ikalawang resulta: ang walang patumanggang paglaki ng dami ng pera sa pandaigdigang saklaw, partikular ng dolyar, ang tutunaw sa sistema, bilang isang lason. Ang kapitalismo ay naging isang pasyenteng naghihingalo na binubuhay na lang ng droga. Kung wala ito, tiyak patay na siya, pero bawat panibagong turok ay mas lalong lumala ang kanyang kalagayan. Kaya habang ang mga turok mula sa mga taong 1967-2007 ay nagawang buhayin pa ang ekonomiya, ngayon ang kailangang dami ng droga ay nagpapabilis para tuluyang mamatay ang pasyente.
Sa kongkreto, ang pag-imprinta ng pera ng iba't-ibang bangko sentral ay mulat na paggawa, ayon sa tawag ng mga ekonomista, ng ‘nakakatawang pera'. Kung ang dami ng pera ay lalaki ng mas mabilis kaysa kanyang tunay na aktibidad, nawawala ang kanyang halaga. Bilang resulta, tataas ang presyo at magkaroon tayo ng inplasyon.[2]
Syempre, sa larangang ito, ang kampyon ay ang Amerika. Alam nila na ang kanilang pera ang sandalan ng istabilidad ng ekonomiya mula sa kataposang ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hanggang ngayon wala pa ring makakahigit sa dolyar. Ito ang dahilan kung bakit mula 2007 ang Amerika ang may pinakamaraming kantidad ng pera para suportahan ang kanilang ekonomiya. Kung hindi pa naisantabi ang dolyar, ito ay dahil ang Tsina, Hapon, atbp ay naobligang bumili ng dolyar. Pero itong peligrosong balanse ay malapit na ring umabot sa sukdulan. Paliit ng paliit ang mga bumibili ng US Treasury Bonds dahil alam ng lahat na wala naman itong halaga. Mula 2010, ang Fed na mismo ang bumibili ng kanilang sariling T-Bonds para panatilihin ang halaga nito! Higit sa lahat, nagsimula ng mamuo ang inplasyon sa Amerika (sa pagitan ng 2 at 105 depende kung saan mo nakuha ang datos, kung saan naramdaman na ito ng mga manggagawa ng bumili sila ng pagkain). Ang Presidente ng Fed sa Dallas, Richard Fisher, na umupo sa taong ito sa komite ng monetary policy, ay nagpahayag ng risgo ng isang hyperinflation kahalintulad sa nangyari sa Republika ng Weimar sa 1923.
Ito ang pundamental na tendesnya. Lumalaki ang inplasyon sa lahat ng bansa. At lalong nawalan ng tiwala ang mga kapitalista sa lahat ng pera. Ang mga lindol na darating, ang posibleng pagbagsak ng mga bangko at ng buong mga estado, ang malaking katanungan sa buong internasyunal na sistemang pinansyal. Ang bunga nito ay nakikita: ang presyo ng ginto ay sobrang taas. Matapos ang 29% pagtaas sa 2010, mas lalupang tumindi ang paghahanap ng ginto ngayon, sa unang pagkakataon lumundag ito sa 1500 dolyar - limang beses kaysa noong nakaraang sampung taon. Ganon din ang nangyari sa pilak, ngayon ay nasa kanyang pinakamataas na antas sa loob ng 31 taon. Ang Unibersidad ng Texas, na nagsasanay ng mga ekonomista, nitong nakaraan lamang ay pinalitan ng ginto ang kanyang buong bilyong dolyar na treasury. Makita natin dito ang tiwala ng burgesyang Amerikano sa kanyang sariling pera! At hindi lang ito simpleng haka-haka. Ang mga bangko sentral mismo ay bumili ng ginto sa 2010 kaysa kanilang benenta, kauna-unahan mula 1988. Lahat ng ito ay nagkahulugan ng kataposan ng kasunduang Breton Woods (hindi opisyal pero de facto) kung saan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay bumuo ng isang internasyunal na sistema ng pera na nakabatay sa istabilidad ng dolyar.
Alam mismo ng burgesya ang peligro. Walang kapasidad na pigilan ang daloy ng pangungutang, para pigilan ang pag-imprinta ng dagdag na pera, nagsisikap itong limitahan ang delubyo at bawasan ang utang sa pamamagitan ng pagpataw ng marahas na patakarang paghigpit-sinturon unang-una para sa uring manggagawa. Halos lahat ng lugar, pinapako ang sahod o binabawasan sa pribado at pampublikong sektor, tinagpas ang mga benepisyong pangkalusugan at panlipunan. Sa madaling sabi, tumataas ang kahirapan. Sa Amerika, nagpahayag si Obama na bawasan ang utang ng Amerika ng 4000 bilyon dolyar sa loob ng 12 taon. Walang katulad ang sakripisyo na ipapataw sa populasyon. Pero hindi talaga solusyon ang solusyong ito. Sa Greece, Portugal, Ireland, Spain...sunod-sunod ang mga planong paghigpit-sinturon at patuloy ang paglaki ng depisit. Ang tanging epekto ng polisiyang ito ay pagbulusok pa ng ekonomiya tungo sa mas malalim na resesyon. Iisa lamang ang ibubunga nito: matapos ang pagkalugi ng pamilyang Amerikano sa 2007, ng mga bangko sa 2008, ang mga estado na mismo ngayon ang nalulugi. Maaring may ilusyon dito: hindi mapigilan ang hindi na pagbayad ng utang ng mga bansang gaya ng Greece. Kahit ang mga estado sa Amerika tulad ng California ay tinablan at maraming mga tanong kung may halaga pa ba ang pangungutang ng ekonomiya ng Amerika sa kabuuan. Ang mga epekto ng mabilis na pandaigdigang krisis ay walang katulad: pagsabog ng euro, deregulasyon sa mga pera, hyper-inflation....
Hindi posible na magkaroon ng eksaktong prediksyon, para makita kung kailan at saan lilitaw ang susunod na biyak sa pandaigdigang ekonomiya. Ang sigalot ba na tumama sa Hapon (kung saan bumaba ng 15% nitong ang produksyon ng ikatlong ekonomikong kapangyarihan sa mundo) ang mitsa? Ano ang epekto ng de-istabilisasyon sa Gitnang Silangan? Makita ba natin ang pagbagsak ng dolyar o pagkalugi ng Greece o Espanya? Walang makapagsabi. Iisa lamang ang tiyak: makikita natin ang sunod-sunod na mas brutal na mga resesyon. Matapos ang mabagal na paglala ng krisis sa ekonomiya ng mundo sa pagitan ng 1967 at 2007, nasa panibagong yugto na tayo ngayon ng pagbulusok ng kapitalismo, na markado ng walang tigil na mga kombulsyon ng sistema at pagsabog ng kahirapan.
Pawel 30/4/11
[1] Subalit, tiyak na gawin na itong hindi opisyal sa susunod para maiwasang aminin ang hayagang kabiguan ng kanilang nagdaang mga hakbangin!
[2] Ang nagmamasid na mambabasa ay maaring magsabi: "Pero lumaki ang dami ng pera noong 1990 hanggang 2000 na walang malaking inplasyon". Tama at ang dahilan ay simple: ang pagkasaid ng tunay na merkado ang nagtulak sa kapital na lumayas papunta sa birtuwal na ekonomiya (stock exchange). Sa ibang salita, lumaki ang dami dami ng pera higit sa lahat sa larangan ng pinansya, kaya hindi ang presyo ng kalakal kundi ang sapi ang tumataas. Pero ang ispekulasyong ito, gaano man ka baliw at walang koneksyon sa realidad, ay sa huling pagsusuri nakabatay pa rin sa negosyo na gumagawa ng halaga. Nang nasa peligro ang huli ng malawakang pagkalugi (partikular ang mga bangko na pumopondo sa kanila), itong buong laro ng casino ay nabunyag sa sikat ng araw. Ito ang nangyari sa 2008: ang pagbagsak, at darating pa ang mas malalaking pagbagsak. Ito ang dahilan kung bakit ang mga negosyante ay desperado ngayong naghahanap ng ginto at produktong pagkain para may ‘mapagtagoang' halaga. Babalikan natin ito.
Ang krisis sa utang na nagsimula sa Amerika ay mabilis ng kumalat ngayon sa Uropa, hindi lang sa Espanya, Portugal, Italya, kundi maging sa Pransya at Britanya. Alam ng lahat na kung "may sakit ang Amerika, tiyak lalagnatin ang buong mundo". Paano na kaya kung ang namilipit na sa sakit ay ang "puso" mismo ng pandaigdigang kapitalismo - ang buong abanteng kapitalistang mga bansa sa Amerika at Uropa?
Ang kasalukuyang pandaigdigang krisis na nagsimula noong 2007 ay tinagurian ng marami na "krisis sa utang" o "krisis pinansyal". Subalit ang sinisisi ng mga burges na eksperto at Kaliwa ay ang pagiging ganid ng mga bangko sa tubo, ang paglobo ng ispekulasyon at "kawalan ng pampulitikang kapasyahan ng mga estado sa mga abusadong bangko". Sa mga atrasadong bansa naman, ang sinisisi ng Kaliwa ay ang "pagiging tuta ng mga estado sa dikta ng Kanluran o ng IMF-WB-WTO".
Kaya naman nagkakaisa ang lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas na isa sa mayor na solusyon para uunlad ang bansa ay debt moratorium o debt cancellation. At kung ang gobyerno ay maging tunay na "makabayan at uunahin nito ang interes ng Pilipinas", tiyak lalago ang ekonomiya ng bansa at ang makikinabang ay ang buong mamamayang Pilipino. Sa madaling sabi, ang kailangan ng bansa ay isang gobyerno na "matatag na sasalungat sa dikta ng Kanluran, ng IMF-WB-WTO".
Kailangang suriin nating mabuti kung ano ang papel ng utang sa kapitalismo at ang ebolusyon nito mula noong panahon nila Marx hanggang ngayon. Ang artikulong ito ay hindi komprehensibong tumatalakay sa usapin ng papel ng utang sa kapitalismo kundi isang balangkas lamang upang mas mapalalim pa ang ating pag-unawa dito at makita kung ano ang hinaharap ng kasalukuyang sistema.
Bago ang lahat, kailangan nating maglatag ng ilang datos hinggil sa ebolusyon ng utang ng Pilipinas:
Ang eksternal/dayuhang utang ng Pilipinas ay tumataas mula US$51.9 bilyon sa 2000 tungo sa US$59.77 bilyon sa 2011. Nitong 2011 ang badyet ng estado para pambayad utang ay Php823,270,000,000. Para sa 2012 pambansang badyet, ang panukalang ilaan para pambayad utang ay Php689,207,000,000. Kahit bumaba ang nakalaang pera pambayad utang sa 2012, hindi nito maitago ang katotohanang lubog sa utang ang Pilipinas.
Kahit lumang datos na ang nasa ibaba, makikita pa rin natin ang tunguhin ng paglaki ng utang kumpara sa GDP ng bansa:
Noong 2001, ang pampublikong utang ng Pilipinas ay Php4.41 trilyon o 120% ng GDP. Sa 2002, ito ay naging 128% ng GDP, at sa 2003, naging 130% ng GDP na katumbas ng US$105.35 bilyon.
Sabi ng Kaliwa, ang pangunahing dahilan bakit lubog sa utang ang Pilipinas ay dahil sa mga polisiya at batas nito hinggil sa utang, at sa pagiging kurakot ng mga opisyales ng gobyerno.
Ang utang sa sistemang kapitalismo
1. Hindi iiral ang kapitalismo kung walang utang. Subalit iba ang katangian ng utang noong 19 siglo kung saan progresibo at lumalawak pa ang sistema at ng pumasok ito sa kanyang dekadenteng yugto - imperyalismo - noong 20 siglo. Sa 19 siglo, sa pangkalahatan, ang utang ay naging daan upang lalupang uunlad ang sistema at magkamal ng tubo. Sa madaling sabi, ang utang sa panahong ito ay gumawa ng tunay na halaga, ng tunay na produksyon. Kaiba sa 20 siglo kung saan sa pangkalahatan ang utang ay gumawa na lamang ng pekeng (fictitious) halaga at pamilihan.
2. Ng sumambulat ang krisis sa sobrang produksyon noong 1960s, ang solusyon ng internasyunal na burgesya ay utang. Para mabili ang sobrang produkto sa pamilihan, kailangang pautangin nito ang atrasadong mga bansa at pati ang mga manggagawa sa abanteng mga bansa. Ang utang ay naging artificial stimulant para patuloy na gagalaw ang pandaigdigang ekonomiya.
3. Dahil nasa permanenteng krisis na ang sobrang produksyon sa panahon ng imperyalismo, sumabog ang pandaigdigang resesyon noong 1973-75. Mula noon, "sumuko" na ang abanteng mga bansa sa pag-asang ang atrasadong mga bansa gaya ng Pilipinas ang lalamon sa sobrang produksyon sa pandaigdigang pamilihan. Sa halip na makatulong, naging malaking problema na ang utang para sa burgesya. Pero walang magawa ang sistema kundi patuloy na gamitin ito dahil hindi na gagalaw ang ekonomiya ng mundo kung walang utang pambili ng mga produkto. Dahil dito, mula kalagitnaan ng 1970s, ang mga abanteng bansa na, partikular ang Amerika, ang bumibili sa malaking bahagi ng produksyon ng mundo[1]. Ang resulta: patuloy na lomobo ang utang ng mga bansang ito. Katunayan, ang Amerika ang numero unong may pinakamalaking utang sa buong mundo[2]. Ang utang ng Amerika hanggang 2010 ay umabot na sa US$13 trilyon. Ang kasalukuyang kabuuang utang ng pinakamakapangyarihang kapitalistang bansa sa mundo ay katumbas ng 360% ng kanyang GDP!
Solusyon sa utang: Utang pa rin
Mula ng sumambulat ang krisis noong 1960s lubog na sa utang ang buong mundo. Sa bawat pagsabog ng krisis - 1970s, 1980s, 1990s, 2007 - ang solusyon ng burgesya ay ibayong pangungutang.
Lahat ng mga kapitalistang rehimen sa Pilipinas, mula kay Marcos hanggang kay Noynoy Aquino, ay nangakong paliitin o kaya palayain ang Pilipinas sa utang. Pero kabaliktaran ang nangyari: lalong lumaki ang utang ng bansa![3] Hindi polisiya ng estado ang problema kundi ang estado mismo at ang sistema.
Hindi ba pwedeng simpleng ideklara lang ng naghaharing uri na "kanselado na ang lahat ng utang" para mawala na ang krisis sa utang? At pagkatapos ay magsimula ang kapitalistang mundo ng pakikipagkalakalan ng "pantay" na ang lahat sa mundo ng pamilihan? Ito ay imposibleng mangyari.
Unang-una, ang ugat ng krisis sa panahon ng imperyalismo ay krisis ng sobrang produksyon at pagkipot ng pandaigdigang pamilihan. Ang ultimong dahilan nito ay ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong mundo. Halos lahat kundiman lahat ng lugar sa daigdig ay ganap ng integrado sa pandaigdigang kalakalan at pamilihan. Wala ng solusyon sa krisis ng sobrang produksyon sa panahon na lubos ng nasakop ng kapital ang daigdig, kaiba sa 19 siglo na maraming lugar pa ang hindi-kapitalista ang sistema. Mula 1960s nangibabaw na ang artipisyal na pamilihan (nakabatay sa utang) at artipisyal na pera (perang wala ng katumbas na halaga sa tunay na ekonomiya) na inilaan sa mga ispekulasyon. Ang mga ito ang nagpapagalaw sa ekonomiya ng mundo. Subalit ito ay may hangganan, hangganan na naabot na noong 2007.
Pangalawa, ang simpleng deklarasyong "wala ng utang" ay hindi lunas sa krisis ng sobrang produksyon. Kailangang maibenta ang mga ito para hindi babagsak ng tuluyan ang sistema. Higit sa lahat, ang kapitalismo ay isang sistemang nabubuhay sa labis na halaga. Kaya natural lamang na hindi kayang bilhin ng uring manggagawa at buong populasyon ang labis na produktong nagawa nila.
Pangatlo, ipagpalagay natin na "wala ng utang" sa kasalukuyan, wala na bang utang sa hinaharap? Tingnan natin:
Gaya ng nakasaad sa itaas, naturalesa ng kapital na hindi kayang bilhin ng uring manggagawa at populasyon ng kapitalistang mundo ang labis na halagang ginawa nito. Ibig sabihin, ang krisis ng sobrang produksyon ay naturalesa ng kapitalismo. Paano mabili ang mga produktong ito? Unang-una, kailangan ng kapital na magpalawak, abutin ang mga lugar na hindi pa niya napasok at doon ibenta ang kanyang labis na produkto. Sa madaling sabi, kailangan ng kapitalismo ng bagong merkado. Subalit ganap ng napasok ng kapital ang mundo noong unang bahagi ng 20 siglo. Katunayan, sa ganito ding panahon sinakop ng imperyalistang Amerika ang Pilipinas. At kung nasakop na ng kapitalismo ang isang bansa o lugar, sa ayaw o sa gusto ng mananakop, obligadong hawaan niya ng kanyang abanteng sistema ang sinakop na bansa. Ito ang nangyari sa Pilipinas: naging isang kapitalistang bansa na.
Halos 70 taon mula ng sinakop ng Amerika ang Pilipinas, hindi na kaya ng huli na bilhin pa ang sobrang produktong galing sa una at sa ibang abanteng mga bansa. Sumabog ang krisis at nagkaroon ng pandaigdigang resesyon noong 1970s. Ano ang solusyon ng kapitalismo sa krisis noong 1970s, sa kawalang kapasidad ng mga bansa sa ikatlong daigdig na bilhin ang mga produktong galing sa unang daigdig? Ito ay sa pamamagitan ng pagpapautang. Ngayon, paano magpautang ang mga bangko kung wala na silang pondo dahil dineklara na ngang hindi na bayaran ang mga utang sa nakaraan at magsimula sa "panibagong yugto" ang mundo sa ilalim ng kapital! Higit sa lahat, paano aandar ang mga pabrika ng kapitalista kung hindi sila mangungutang? Saan sila kukuha ng pera para pambili ng hilaw na materyales, makinarya at iba pa?.... Hindi na makaligtas ang kapitalismo sa kanyang krisis sa utang! At lalunang imposibleng kanselahin niya ang trilyong dolyares na utang ng kapitalistang mundo dahil nagkahulugan ito ng kagyat na kamatayan ng sistema. At huwag tayong aasa na kusang papatayin ng burgesya ang kanyang sistema.
Nasa hindi na maiwasang tuloy-tuloy na pagbulusok ang kapitalismo. Tiyak na kung saan ito patungo: sa kanyang pagbagsak. Kung kailan, hindi natin alam. Ang tiyak, nasa proseso na ng pagbagsak ang sistema sa kasalukuyan.
Mga tanong: Kung tiyak na babagsak ang bulok na sistema, ibig sabihin tiyak na rin ang paglitaw ng komunistang lipunan at ang gawin na lang ng masang anakpawis ay magtiis at hintayin ang pagdating ng komunismo? Kung ang krisis sa utang ay nagsimula pa noong 1970s bakit hindi pa bumagsak ang kapitalismo hanggang ngayon?
Ang sagot sa mga tanong na ito ay masisilip natin mismo sa mga "prediksyon" ng mga unang marxista mula pa noong 19 siglo. Ganun pa man, hindi ibig sabihin na hindi na natin araling mabuti ang kasalukuyang ebolusyon ng krisis ng kapital para masilip natin kung ano ang hinaharap. Ang sigurado, imposible ng mareporma ang kapitalismo at gawin itong makatao.
Awtomatik bang papalit ang komunismo kung babagsak ang kapitalismo dahil sa kanyang internal na mga kontradiksyon?
Matindi ang debate dito noong huling bahagi ng 19 siglo at maagang bahagi ng 20 siglo sa loob ng marxistang kilusan, partikular sa sinulat ni Rosa Luxemburg na "Akumulasyon ng Kapital" kung saan ditalyado niyang hinimay ang ebolusyon ng kapitalismo mula 19 siglo at 20 siglo hanggang umabot ito sa kanyang imperyalistang yugto[4]. Sinabi ni Luxemburg na babagsak ang kapitalismo kung aabot na ito sa yugto na hindi na siya makapagpalawak pa ng bagong lugar na hindi-pa-kapitalista ang sistema. Tinuligsa ito ng ibang mga marxista dahil tanging ang uring proletaryado lamang ang dudurog sa kapital. Ganun din naman ang tindig ni Luxemburg: kailangang ibagsak ng uring proletaryado ang kapitalismo para maitayo ang komunismo. At ‘yan din ang tindig ng mga marxista hanggang ngayon.
Subalit ang pagsusuring babagsak ang sistema dahil sa kanyang panloob na mga kontradiksyon ay nanatiling may kabuluhan. Ibig sabihin, may posibilidad na babagsak ang sistema sa kabila ng kawalan ng kapasidad ng proletaryado na ibagsak ito. Ano ang mangyari sa ganitong sitwasyon?
Sinabi ng Manipesto ng Komunista na posibleng parehong madurog ang naglalabanang mga uri. Si Engels ay minsan nagsabi din na "sosyalismo o barbarismo". Maaring kapwa madurog ang burgesya at proletaryado; ang papalit ay hindi komunismo kundi walang hanggang kaguluhan at barbarismo, kung saan kapwa ang uring kapitalista at uring manggagawa ay hindi na makontrol ang sitwasyon ayon sa kanilang makauring layunin. Ito ang isa sa posibleng mangyari kung hindi mawasak ng mulat at organisadong proletaryado ang ang pandaigdigang kapitalismo.
Bakit hindi pa bumagsak ang sistema ngayon?
Ang pagbagsak ng sistema ay hindi rin nangangahulugang biglang hihinto ang buhay politika at ekonomiya ng lipunan. Walang ganyang pangyayari sa kasaysayan ng lipunan. At ganun din sa kapitalismo. Ang maranasan ng sangkatauhan ay walang hanggang mas malalang mga kaguluhan, gutom, kahirapan, mabilis na pagkasira ng kalikasan at matinding kalamidad, at digmaan, pagkabulok ng kultura at moralidad ng buong lipunan[5].
Sa kasalukuyan, ang nasaksihan natin ay ang mga kongkretong manipestasyon na nasa yugto ang sistema na babagsak ito. Pero hindi rin dapat maliitin ang nalalabi pang mga maniobra ng burgesya upang panatilihing buhay ang naghihingalong pasyente. Ang tiyak, mamamatay din ang pasyente.
Ang bawat maniobra ng burgesya ay temporaryo lamang sublit patindi ng patindi ang epekto sa uring manggagawa at populasyon. Ang mga epektong ito ay dalawa ang ibubunga: Una, mamulat sa sarili ang uri, organisahin nila ang kanilang sarili at ibagsak ang sistema. Ikalawa, mawalan ng tiwala sa sarili ang uri, makaramdam ng matinding demoralisasyon at kawalan ng kapangyarihan, at mangingibabaw ang "bawat isa para sa kanyang sarili" at "bawat isa laban sa isa't-isa".
Sa kasaysayan ng makauring pakikibaka, may mga panahon na nakaramdam ng kawalan ng tiwala sa sarili ang uri: Noong namayagpag ang Stalinismo sa loob ng 50 taon. Muli lamang bumangon ang proletaryado noong huling bahagi ng 1960s na sinindihan ng manggagawang Pranses - 1968 ng Mayo. Muli na namang nademoralisa ang uri ng bumagsak ang imperyalistang USSR at bloke nito sa Silanagan noong 1990s dahil na rin sa propaganda ng Kanan at Kaliwa na "sosyalistang kampo ang bloke ng USSR". Muling bumangon ang militansya ng internasyunal na proletaryado noong 2003 hanggang ngayon.
Subalit nanatili ang "alas" ng burgesya sa loob ng kilusang paggawa - unyonismo, parliyamentarismo, gerilya-ismo, nasyunalismo at demokrasya - na ang tanging layunin ay hindi durugin ang kapital kundi repormahin lamang. Ang alas na ito ang palaging nagbibigay ng demoralisasyon sa uri dahil matapos ang mga "tagumpay" nila sa pamamagitan ng "alas" ng burgesya, ay nanatili pa rin silang pinagsamantalahan at pinahirapan ng kapital[6].
Sa pangkalahatan, nanatiling lumalaban ang uring manggagawa sa mga atake ng kapital. Makikita natin ito sa iba't-ibang malawakang pagkilos ng uri sa iba't-ibang bahagi ng mundo laluna mula noong 2003. Pero maliit na minorya pa lamang, bagamat dumarami na, ang naniwalang kailangan at posible ng ibagsak ang sistema at itayo ang komunistang lipunan. Nanatiling dominante pa rin ang burges na ideolohiya sa loob ng militanteng hanay ng manggagawa laluna ang kaisipang "kailangan muna dumaan sa burges-demokratikong yugto" ang atrasadong kapitalistang mga bansa bago ang sosyalismo; "kailangang gamitin ang lahat ng porma ng pakikibaka, kabilang na ang mga burges na porma" para mamulat ang uri.
Kaya kailangang muling ipaalala sa malawak na masa ang karanasan at mga aral mula sa kanilang kasaysayan sa panahon ng imperyalismo kung ano ang nangyari sa mga pakikibakang dumaan sa "burges-demokratikong yugto" at sa "paggamit sa mga burges na porma ng pakikibaka": unyonismo, parliyamentarismo, terorismo at gerilya-ismo.
Kongklusyon
Ang krisis sa kasalukuyan ay hindi simpleng krisis sa utang o krisis pinansyal. Ito ay manipestasyon lamang at kongkretisasyon ng kawalang solusyon sa krisis sa sobrang produksyon ng kapital. Hindi na kayang bilhin ng sistema ang kanyang labis-labis na produkto at wala na itong makitang mga lugar na hindi pa integrado sa pandaigdigang kapitalistang pamilihan. Hindi na kayang bayaran ng mundo ng kapital ang utang nito at hindi na ito makaiwas sa ibayong pangungutang. Isang ilusyon ang pag-iisip na maaring iiral ang kapitalismo na walang utang. At habang mayroong krisis sa sobrang produksyon, hindi maglaho ang krisis sa utang sa panahon ng imperyalismo.
Hindi na pagreporma sa sistema ang daan para wasakin ito, gaya ng obhetibong realidad noong 19 siglo. Ang tanging daan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay wasakin ito sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon at diktadura n proletaryado. Ang pagpipilian ng uring manggagawa at masang anakpawis ay dalawa na lamang: Sosyalismo o Tuluyang Pagkawasak ng Mundo.
Ang kabuluhan ng mga kagyat, depensiba at pang-ekonomiyang pakikibaka ng uring manggagawa ay maging daan ito para makita nila na wala ng maaasahan sa sistema at sa mga pampulitikang institusyon nito. Para mapaatras kahit temporaryo lamang ang mga atake ng estado at kaaway sa uri, ang tanging paraan sa kasalukuyan ay ang malawakang pagkakaisa ng buong masang anakpawis sa mga pakikibaka sa lansangan at pangmasang welga hindi sa mga taktikang unyonismo, parliyamentarismo at gerilya-ismo.
At ang binhi para dito ay ang mga asembliya na itatayo mismo ng masang anakpawis; mga asembliya[7] na pinakita sa kasalukuyan ng masang anakpawis sa Espanya laban sa panghihigpit ng kanilang "sosyalistang" gobyerno; mga asembliya kung saan malayang nagdiskusyon at debate ang libu-libo o daang libong masa na lumahok sa pakikibaka para suriin ang sitwasyon at ilatag ang mga hakbangin laban sa mga atake ng kapitalismong malapit ng mamamatay. Ang mga binhing ito ay kailangang payabungin ng minoryang[8] lumitaw at umunlad sa pakikibaka mismo.
M3, Agosto 30, 2011
[1] Sa 2010 ang Pilipinas ang ika-36 pinakamalaking eksporter papuntang Amerika. Noong 2010 bumili ang Amerika ng mga produktong galing ng Pilipinas na nagkahalaga ng US$8.0 bilyon (17.5% na pagtaas) sa 2009, at tumaas ng 40% mula 1994.
[2] Sumambulat nga ang krisis sa utang sa mga abanteng bansa laluna sa Amerika.
General Government Debt as a Percentage of GDP - Source: Bank of International Settlements
|
2007 |
2010 |
2011 (est) |
Germany |
65% |
82% |
85% |
Portugal |
71% |
91% |
97% |
Ireland |
28% |
81% |
93% |
Italy |
112% |
127% |
130% |
Greece |
104% |
123% |
130% |
Spain |
42% |
68% |
74% |
Japan |
167% |
197% |
204% |
United Kingdom |
47% |
83% |
94% |
United States |
62% |
92% |
100% |
[3] Noong 1983 ang dayuhang utang ng Pilipinas ay US$24.4 bilyon. Sa loob ng halos 30 taon ay halos tumaas ito ng mahigit 100%!
[4] Mas ditalyado at komprehensibo ang "Akumulasyon ng Kapital" sa pag-aaral sa imperyalismo kaysa kay Lenin, sa kanyang "Imperyalismo: Huling Yugto ng Kapitalismo".
[5] Mas makikita ang kabulukan ng sistemang nasa yugto na ng kanyang pagbagsak sa kabulukan ng nagingibabaw na kultura at moralidad ng lipunan. At ang mga manipestasyon nito ay makikita natin sa hanay ng kabataan - droga, gangs, riots at mga katulad. Sa madaling sabi, ang lumpenisasyon ng lipunan na mabilis na umiimpluwnesya kahit sa hanay ng masang manggagawa laluna sa kabataang manggagawa.
[6] Sa ngalan ng "sosyalismo na may pambansang katangian" ay labis na pinagsamantalahan ng mga kapitalismo ng estado sa China, Vietnam, North Korea, ng dating bloke ng USSR, at iba pang "sosyalistang" bansa ang uring manggagawa para makamit ang "pambansang industriyalisasyon". Sa ngalan ng pambansang kaunlaran ay ginawang alipin ang proletaryado ng mga partidong siyang magdadala sa kanila sa "paraiso ng sosyalismo".
[7] Noong 1980-81, tatlumpung(30) taon na ang nakaraan, nagtayo din ng mga asembliya ang mga manggagawang Polish upang labanan ang mga atake ng stalinistang partido at mga unyon nito sa kanilang pamumuhay.
[8] Ang ibig sabihin ng minorya ay ang seksyon ng uring manggagawa na namulat dahil sa kanilang karanasan mismo sa pakikibaka na ang unyonismo, parliyamentarismo, gerilya-ismo, terorismo, nasyunalismo, demokrasya at iba pang burges na ideolohiya ay ganap ng balakid sa pag-unlad at sa aktwal ay naging katulong ng burgesya upang ilihis at pahinain ang proletaryong pakikibaka.
Pahayag ng Internasyonalismo sa Internasyunal na Araw ng Manggagawa 2011
Manggagawa sa mundo magkaisa!
Nagulantang ang mga naghaharing uri sa mundo sa sunod-sunod na mga pag-alsa ng mga manggagawa at mamamayan sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. Matapos ang pag-alsa sa Tunisia, parang apoy na lumawak ito mula Ehipto hanggang Libya. Niyanig din ng mga malawakang protesta ang Gaza, Jordan, Iraq, Iran, Yemen, Bahrain, Syria, at Saudi Arabia. Habang sinusulat ang artikulong ito ay hindi pa humupa ang lagablab ng apoy ng mga pag-aaklas.
Pero hindi lang sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika naramdaman ang malakas na lindol ng mga pag-aalsa. Maraming welga ng manggagawa ang pumutok sa Tsina. Sa Uropa nitong mga huling buwan ng 2010 ay nagkaroon ng malawakang protesta ang mga kabataang estudyante sa Britanya at Italya at maging sa Pilipinas din at Puerto Rico laban sa pagbawas ng estado sa badyet para sa edukasyon at mga benepisyo. Ganito rin ang nangyari sa Pransya laban sa pagbawas sa pensyon ng manggagawa. Kahalintulad din ang mga kaganapan sa Portugal, Espanya at Greece. Hindi rin nagpahuli ang mga manggagawang Amerikano laluna sa Wisconsin.
Sa madaling sabi, kapwa niyanig ng napakalakas na lindol ng pag-aklas ang atrasado at abanteng mga bansa, ang imperyalista at "semi-kolonyang" mga nasyon tulak ng matinding kahirapan, kawalan ng trabaho at pagbawi ng mga gobyerno sa mga napanalunan ng mga manggagawa sa kanilang pakikibaka sa nakaraan.
Ang mga kaganapan sa taong 2010-2011 ay walang katulad sa lawak at dami ng mga lumahok na manggagawa at mamamayan. Magkatulad ito o lampas pa nga sa lawak na naabot noong unang rebolusyonaryong alon ng 1917-23 kung dami ng mga bansa ang pag-uusapan.
Ang mga problemang pinasan ng mga manggagawa sa mga bansang ito ay magkatulad sa pangkalahatan: kahirapan, kawalan ng trabaho, hindi sapat na sahod, mapanupil na mga rehimen, atbp.
Hindi lang mga mahirap na bansa gaya ng Pilipinas ang dumaranas ng matinding kahirapan at panunupil. Ganito din ang naranasan at pinapasan ng mga manggagawa at mamamayan sa Gitnang Silangan na pinupuntahan ng maraming manggagawang Pilipino[1] at sa mga mayayamang bansa gaya ng Britanya, Pransya, Italya at Amerika.
Muling napatunayan ang katumpakan ng sinabi ng Manipesto ng Komunista na "manggagawa sa mundo, magkaisa!" hindi lamang dahil ang uring manggagawa ay ang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunang kapitalista kundi dahil komon ang mga problemang dinaranas ng proletaryado sa buong mundo at iisa lamang ang dahilan ng kanilang kahirapan: sistemang kapitalismo. Mas lalong lumitaw at luminaw na walang kaibahan ang kalagayan ng mga manggagawa saan mang bansa sila nakatira at anong kategorya ng kapitalista at estado ang nang-aapi at nagsasamantala sa kanila: ito man ay diktador, demokratiko, "anti-imperyalista", "sosyalista" o "komunista"[2].
Laban natin, tayo ang magpasya!
Salungat sa kadalasang narinig at nabasa natin sa burges na media at sa propaganda ng Kaliwa, sa pangkalahatan ang mga pag-alsang naganap ay nagsimula bilang ispontanyong kilusan pero nakitaan ng mga binhi ng pag-oorganisa sa sarili ng manggagawa at mamamayan sa batayang antas[3]. Patunay lamang ito na may kapasidad ang masang api na organisahin ang sarili at magpasya sa kanyang sariling laban na independyente sa kontrol ng anumang organisasyon ng burgesya at unyon. Sa kalagitnaan at huling bahagi na nagawang kontrolin ng isang paksyon ng burgesya ang mga kilusang ito[4]. Salamat sa indirektang tulong ng Kaliwa at unyon doon[5], nagtagumpay ang isang paksyon ng naghaharing uri na gamitin ang galit ng masa para sa kanilang pansariling interes.
Mas litaw ito sa digmaang sibil na pumutok ngayon sa Libya. Ang isang kilusan na sa simula ay tunay na kilusang masa laban sa rehiment Khadaffy ay nakontrol na ngayon ng magkabilang paksyon ng naghaharing uri. Kapwa ang "oposisyon"[6] (mga "balimbing" na mga berdugo ng rehimeng Khadaffy ay biglang naging mga "lider" ng "demokratikong" pag-alsa) at ang diktadurang Khadaffy ay sinasakripisyo ang buhay ng daang libong mamamayan para sa kanilang ganid na interes sa kapangyaihan. Salamat sa "makataong" digmaan ng mga imperyalistang kapangyarihan sa Kanluran[7] sa Libya, mas lalupang naghirap ang mamamayang Libyan at ang mga manggagawa na galing sa ibang bansa (kasama na ang OFWs) sa digmaang wala silang kinalaman.
Demokrasya at nasyunalismo kontra proletaryado!
Mas malakas ang ilusyon ng demokrasya sa mga bansang pinaghaharian ng diktadura o ng mga lider at pamilya nila na ilang dekadang nakaupo sa kapangyarihan. Ito ang nangyari sa Pilipinas, Libya at Tunisia[8]. Walang duda na ang kahirapan at pang-aapi na ilang dekada na nilang tinitiis ang dahilan kung bakit nag-aklas ang mamamayan sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika. At mas lalo itong pinalala ng bangis na pang-aapi at pagsupil ng mga awtoritaryan at totalitaryan na mga rehimen gaya ng sa Libya.
Salamat sa propaganda ng imperyalistang kapangyarihan at Kaliwa sa demokrasya mayoriya ng masa ang naniniwalang gaganda ang kanilang kalagayan kung maalis na sa kapangyarihan ang mga Ben Ali, Mubarak at Khadaffy. Ganito din ang paniwala ng malawak na masa sa Pilipinas noong 1986 "People Power" o ang tinagurian ng burgesyang Pilipino na "yellow revolution".
Gaya ng nangyari sa Pilipinas matapos bumagsak si Marcos noong 1986, mabilis na nalantad sa mata ng masa sa Tunisia at Ehipto na ang mga rehimeng pumalit matapos ang "demokratikong rebolusyon" ay walang kaibahan sa pinalitan: mapang-api at mapanupil[9].
Malinaw din na ang pag-alsa sa Tunisia ang naging mitsa ng mga pag-aklas na ito sa maraming bansa. Pero dapat suriin ito sa balangkas ng internasyunal na serye ng mga pakikibakang masa na nagsimula pa noong 2006-2007 sa Greece, ng malawakang welga sa Pransya at pag-alsa ng mga estudyante sa Britanya noong 2010. Sa madaling sabi, ang mga kaganapan ngayon sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika ay bahagi ng internasyunal na pagsulong ng pakikibaka laban sa kapitalismo mula ng pumutok ang pinakamalalang krisis ng sistema noong 2007.
Malaking bahagi ng kabuuang OFWs ay nasa Gitnang Silangan bilang mga manggagawa sa pabrika, planta, opisina at domestic helpers. Madaling mabuo ang diwa ng pakikiisa ng OFWs sa nakibakang masa doon dahil ang mga ipinaglalaban nila ay siya ring dahilan kung bakit nangibang bayan at iniwan ng mga OFWs ang mga pamilya nila dito sa Pilipinas: kahirapan, mababang sweldo, mapanupil at kurakot ang gobyerno.
Bagamat una sa karanasan ang manggagawang Pilipino laban sa diktadura at "demokratikong rebolusyon", mas mayaman sa aral ang Gitnang Silangan at Hilagang Aprika.
Sa Tunisia at Ehipto patuloy na nakibaka ang masang manggagawa laban sa pumalit na rehimen. Bagamat malakas pa rin ang impluwensya ng burges na demokrasya sa naturang mga rehiyon, patuloy na sinusulong ng kilusang manggagawa doon ang mga makauring kahilingan sa lansangan. Salungat sa Pilipinas kung saan nanawagan ang maoistang Partido Komunista at oposisyon ng suporta sa pumalit na rehimeng Aquino sa 1986. Magkaiba man ang dahilan ng maoistang partido at oposisyon[10] sa pagsuporta sa rehimeng Corazon Aquino, magkatulad pa rin ang kanilang balangkas: isang popular na lider na iniluklok sa pamamagitan ng "demokratikong" pag-alsa ang pumalit sa diktadurang Marcos.
Anti-imperyalismo: anti-kapitalismo, anti-pambansang burgesya!
Hinubaran mismo ng mga pag-alsa ngayon sa Gitnang Silangan ang bangkarotang "anti-imperyalistang" linya ng Kaliwa, kasama na ang iba't-ibang paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas. Kapwa target ng kilusang protesta ang mga rehimen na anti-US at maka-US. Ang "anti-imperyalistang" gobyerno ng Iran ay naharap sa kilusang protesta at welga mula ng manalo sa eleksyon si Ahmadinejad. Pinaghuhuli at minasaker din ng rehimeng Ahmadinejad ang mga Iranian na nais magtipon upang suportahan ang pangmasang pag-aklas sa karatig na mga bansa. Brutal na minasaker ng "sosyalista" at "anti-impeyalistang" rehimeng Khadaffy ang kanyang sariling mamamayan. Ganito din ang naganap sa Gaza at West Bank na kontrolado ng "anti-imperyalistang" Hamas at PLO. Kaya naman tahimik ang Kaliwa sa mga krimen ng kanilang mga alyadong rehimen ng inakusahan nito ang mga nag-aklas na "ahente ng imperyalismo"[11] habang nagsusumigaw ng "demokratikong rebolusyon" sa mga kilusan para ibagsak ang mga rehimen sa Tunisia, Ehipto, Yemen, Saudi Arabia at Bahrain na alyado ng Amerika.
Ni katiting ng marxistang pag-unawa sa imperyalismo bilang sistema ng pandaigdigang kapitalismo na nasa kanyang dekadenteng yugto mula pa noong 1914 ay walang alam ang Kaliwa maliban sa kanilang obsesyon at pagkamuhi sa imperyalistang Amerika.
Mangagawang Pilipino, mahigpit na panghawakan ang internasyunalismo!
Bagamat mahirap hulaan ang kahihinatnan ng mga kasalukuyang pakikibaka sa Gitnang Silangan at Hilagang Aprika dahil mabilis na nagbago-bago ang balanse ng pwersa habang umiigting ang pakikibaka, inspirasyon para sa manggagawang Pilipino ang mga pag-aklas ngayon doon[12]. Napakahalagang aral din ang makukuha nila sa mga pakikibaka doon. At isa na dito ang walang alyansa o anumang suporta sa alinmang paksyon ng naghaharing uri ito man ay administrasyon o oposisyon. Isa pang aral ay ang kapasidad ng uring pinagsamantalahan na organisahin ang sarili at magpasya sa direksyon ng laban na hindi sumasandal sa mga unyon o alinmang organisasyon ng Kanan at Kaliwa. Subalit ang pinakamahalagang aral sa lahat ay ang pagtakwil ng mga ideolohiyang burges na demokrasya at nasyunalismo dahil hinahatak lang nito ang pakikibaka tungo sa pagkatalo at panunumbalik ng sistemang siyang dahilan ng kahirapan at kaguluhan sa mundo: kapitalismo.
Wala sa pagsandal sa burges na oposisyon, sa burges na parliyamento, sa demokrasyang burges, sa pakikidigmang gerilya at estadong kapitalista ang kinabukasan ng uring proletaryado kundi nasa kanilang mga kamay mismo, nasa mga asembliya ng manggagawa at armadong pag-aalsa para ibagsak ang estado.
Kailangan ang pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa Gitnang Silangan, Hilagang Aprika, Amerika at Uropa. Ito ang diwa ng internasyunalismo, ang tunay na diwa ng Mayo Uno, ang internasyunal na araw ng manggagawa sa buong mundo.
Ang ibig sabihin ng pakikiisa ay pagtakwil sa alinmang paksyon ng naghaharing uri na naglalabanan doon laluna sa Libya kung saan nagaganap ang digmaang sibil. Ang pakikiisa ay ang pagsama ng ating mga kapatid na OFWs sa pakikibaka ng mga manggagawa doon para sa trabaho, sahod at benepisyo na binabawi ngayon ng uring kapitalista. Dapat lumahok ang mga OFWs doon sa mga asembliya ng manggagawa (kung meron man) para pag-usapan ang direksyon ng laban at ang perspektiba ng pakikibaka.
Sa loob ng Pilipinas, ang ekspresyon ng pakikiisa ay isulong ang makauring pakikibaka laban sa mga atake ng pambansang kapital. Hindi ito makamit sa pamamagitan ng pakikipag-usap sa mga buwayang kongresista para isabatas ang P125 dagdag-sahod o tanggalin ang polisyang kontraktwalisasyon. Lalunang hindi ito maipanalo sa pagpunta sa kabundukan para sa gerilyang pakikidigma. Makukuha ito sa lansangan, sa mga malawakang demonstrasyon at welga ng maraming pabrika, sa mga asembliya ng manggagawa, hanggang sa armadong rebolusyon ng uri para ibagsak ang gobyerno.
Ang panawagan ng Kaliwa na tulungan ng gobyerno ng Pilipinas na pauwiin ang mga OFWs doon at bigyan ng sapat na trabaho dito ay walang batayan sa realidad. Matagal ng walang kapasidad ang estado ng Pilipinas na bigyan ng sapat na trabaho at sahod ang manggagawang Pilipino. Wala ng kapasidad ang pambansang kapitalismo para bigyan ng magandang kinabukasan ang masang proletaryado. Kaya nga naging patakaran na ng mga gobyerno sa Pilipinas mula pa sa nakaraan hanggang sa kasalukuyan na itaboy ang mga mahihirap na manggagawa sa ibang bansa dahil isa ito sa mahalagang pinagkukunan ng pera ng parasitikong estado. Samakatuwid ang mga gobyerno sa atrasado at mahirap na mga bansa gaya ng Pilipinas ay siyang naging tagarekrut mismo ng manggagawa para magtrabaho sa ibang bansa. Kahit Kaliwa pa ang nasa tuktok ng kapitalistang estado sa Pilipinas, wala pa rin itong kapasidad na bigyan ng sapat na trabaho at sahod ang manggagawang Pilipino sa loob ng bansa dahil ang nasa matinding krisis ay ang pandaigdigang kapitalismo mismo kung saan lubusan ng integrado ang lahat ng mga pambansang ekonomiya sa mundo.
Sa loob man ng bansa o labas nagtatrabaho, parehas lamang ang kalagayan ng mga manggagawa sa buong mundo dahil ang pandaigdigang sistema mismo ay bangkarota na. Ang solusyon sa problema ng mga manggagawa ay hindi "pambansang rebolusyon" kundi pandaigdigang rebolusyon para ibagsak ang kapitalismo.
Nais lamang hatakin ng Kanan at Kaliwa ang uring manggagawa sa ideolohiyang nasyunalismo para tiisin ang hirap at pagsasamantala ng kani-kanilang pambansang burgesya sa ngalan ng "pagmamahal sa inang bayan". Ito ang nangyari sa Hilagang Korea, Byetnam, Venezuela at Cuba.
Ngayong Mayo Uno, kailangang magdiskusyon at magmuni-muni ang lahat ng militanteng manggagawa at nagsusuring elemento sa Pilipinas: May ibang pagpipilian pa ba sa kasalukuyan maliban sa komunistang rebolusyon o pagkawasak ng mundo? Daan pa ba patungong sosyalismo ang demokrasya at nasyunalismo sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas? Paano ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunismo sa kasalukuyang krisis ng dekadenteng kapitalismo? Ito ang mga tanong na kailanagang sagutin hindi ng mga "teoretisyan" ng "kilusan" kundi ng masang manggagawa at maralita mismo.
Mayo 1, 2011
[1] Sa 2009 may naitalang kabuuang 669,042 land-based OFWs ang nasa Gitnang Silangan kung saan 10,383 dito ang nasa Libya (POEA, 2009 Overseas Employment Statistics)
[2] Sa Gitnang Silangan kapwa ang "anti-imperyalistang" Iran at Libya at maka-imperyalistang Ehipto ay niyanig ng mga malawakang protesta ng manggagawa at mamamayan dahil sa pang-aapi at panunupil. Ang "komunistang" Tsina at "sosyalistang" rehimen ng Espanya at Greece ay naharap sa mga welga ng manggagawa. Ang diktador na si Ben-Ali sa Tunisia at ang demokratikong Britanya at Amerika ay kapwa walang pagkakaiba sa pagsasamantala sa kanilang mga manggagawa at mamamayan.
[3] Sa Tunisia at Ehipto mas klaro ang pangunguna ng masang manggagawa sa mga kilusang protesta at welga sa pagpatalsik sa gobyerno ni Ben Ali at Mubarak. Sa simula hindi ito kontrolado ng unyon o ng anumang pampulitikang organisasyon ng burgesya, nasa Kanan man o Kaliwa. Sa Ehipto naman ay umusbong ang mga binhi ng pag-oorganisa sa sarili ng mamamayan sa ilang mga komunidad para ipagtanggol ito laban sa mga magnanakaw na suportado ng pulisya ni Mubarak. Noong huling bahagi ng pag-alsa sa Ehipto, sa Tahrir (? sakto ba ang spelling?), kung saan daang libong manggagawa at mamamayan ang nagdemonstrasyon ng ilang araw, litaw doon ang independyenteng mga diskusyon, debate at koordinasyon ng masa. May ganitong tipo din ng asembliya ng manggagawa ang nabuo sa pakikibaka ng manggagawang Pranses sa 2010 laban sa pagbawas ng pension at katunayan ay nagpatuloy pa ang mga asembliyang ito ngayon para halawin ang aral sa pakikibaka laban sa atake ng gobyerno. Minorya man ang bilang ng mga lumahok sa mga asembliya, ito ay binhi na para payabungin pa sa susunod na mga laban ng uring manggagawa.
[4] Nangyari ito dahil sa pangkalahatan ay malakas pa ang impluwensya ng burges na ideolohiyang demokrasya at nasyunalismo sa hanay ng masa na ilang dekadang sinasalaksak sa kanilang kaisipan ng naghaharing uri.
[5] Sa kabila ng radikal na lenggwahe ng "rebolusyon" at "sosyalismo", palagiang taktika ng Kaliwa ang pakikipag-alyansa sab urges na oposisyon upang ibagsak ang naghaharing paksyon. Ayon sa kanila, ang taktikang ito ay "mas lalakas" daw ang kilusang masa. Salungat naman ito sa naging resulta na pinakita ng kasaysayan: laging ang masa ang nagamit ng naghaharing uri at sa huli, paksyon pa rin ng mga mapagsamantala at mapang-api ang naluklok sa kapangyarihan. Kahit saang bahagi ng mundo laluna sa abanteng mga bansa ang papel ng unyon at Kaliwa ay para kontrolin ang kilusang masa at ibaling ang galit nito sa repormismo at parliyamentarismo.
[6] Ang "oposisyon" na nakabase sa Al-Baida ay pinamunuan ng dating Ministro sa Hustisya ni Khadaffy na si Mustafa Mohamed Abud Ajleil habang ang isa pang paksyon ng "oposisyon" na nakabase sa Benghazi ay pinamunuan ni Ghoga, isang sikat na abogado para sa karapatang pantao. Magkaribal man ang mga ito komon naman ang kanilang programa: ipagpatuloy ang kapitalismo sa Libya at ang mga lider ay mga dating berdugo ng rehimen sa loob ng 40 na taon. Ang NATO ay pumusta sa "oposisyon" na nakabase sa Benghazi. Kinilala na ito ng Pransya bilang "bagong gobyerno" sa Libya.
[7] Ang "makataong" digmaan ay tabing lamang sa tunay na digmaang nangyari ngayon sa Libya: imperyalistang digmaan. Sa pangunguna ng imperyalistang Britanya at Pransya, at sa segundaryong papel ng imperyalistang Amerika, sinusulsulan nila ang "oposisyon" para ibagsak ang rehimen ni Khadaffy. Habang ang imperyalistang Tsina at Rusya naman, kasama ang Kaliwa (kasali na dito ang maoistang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP) at ang "leninistang" Partido ng Manggagawang Pilipino (PMP) ay kritikal ang suporta sa gobyernong Khadaffy.
[8] Sa Tunisia ang diktador na si Ben Ali ay naghari ng 30 taon. Sa Pilipinas ang diktador na si Marcos ay naghari ng 16 taon. Sa Libya ang diktador na si Khadaffy ay naghari ng 40 taon. Ito rin ang nangyayari sa mga kapitalistang bansa na malakas pa ang labi ng pyudal na pampulitikang kaayusan gaya ng Saudi Arabia. Pero halata agad ang ipokrasya ng Kaliwa laluna ang mga maoista: nagsisigaw ng nepotismo sa mga lider na maka-USA pero bulag at pipi naman sa mga bansang "sosyalista" o "anti-imperyalista" gaya ng Hilagang Korea, Cuba at Libya.
[9] Sa Ehipto na pinasikat ng Kaliwa na "tagumpay ng demokratikong rebolusyon" ay nagdeklara ang rehimeng militar ng kriminalisasyon sa mga protesta at welga.
[10] Para sa maoistang partido sa Pilipinas isang mayor na pagkakamali ang polisyang boykot sa eleksyon. Ibig sabihin dapat partisipasyon ang patakaran nito sa snap eleksyon noong 1986 kaya ang pagtuwid nila sa kanilang "pagkakamali" ay kritikal na suporta sa pumalit na rehimen. Ang burges na oposisyon naman ni Marcos ay buo ang suporta sa paksyong Aquino.
[11] Hindi maipagkaila na mayroong mga lider ng oposisyon o ang buong oposisyon mismo ay may direktang kaugnayan sa mga imperyalista sa Kanluran sa digmaang sibil sa Libya. Pero hindi ang kabuuang mga manggagawa at mamamayan na nag-alsa laban sa pang-aapi at panunupil. Dagdag pa, alin ba sa mga mahihinang bansa sa mundo ang hindi nakasandal sa mga imperyalistang kapangyarihan? Lahat sila nakasandal ito man ay ang imperyalistang Amerika o karibal nito na imperyalistang kapangyarihan gaya ng Tsina, Iran o Venezuela sa kasalukuyan o sa dating imperyalistang USSR sa nakaraan.
[12] Maaring ang kahihinatnan ng mga pakikibaka ay ibayong susulong ito patungo sa tuluyang pagbagsak ng mga kapitalistang estado at pag-agaw ng uring mangagawa sa kapangyarihang pampulitika o kaya lubusang manaig ang isang paksyon ng naghaharing uri - oposisyon - at tuluyang malunod sa ilusyon ng demokrasya, eleksyon at parliyametarismo ang masa o kaya manaig ang mga rehimeng nais ibagsak ng taumbayan matapos dadanak ang maraming dugo sa isang imperyalistang digmaan. Napakahalaga ang maging papel ng kilusang manggagawa sa Uropa upang magtuloy-tuloy ang pakikibaka sa pagbagsak ng lahat ng paksyon ng naghaharing uri.
Nasa ibaba ang salin sa tagalog ng pahayag ng seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Britanya hinggil sa kasalukuyang dumadaluyong na mga pag-aalsang masa sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan.
Ang burges na media at ang iba't-ibang paksyon ng Kaliwa ay nagtatambol na ito ay isang 'rebolusyon', na ito ay mga kilusan para sa demokrasya. Ang naghaharing uri sa Pilipinas sa pangunguna ng rehimen ni Benigno "Noynoy" Aquino ay ipagmayabang na naman ang "People Power Revolution" noong 1986 kung saan naluklok ang kanyang ina na si Corazon Aquino at ihalintulad ang nangyayari ngayon sa Ehipto sa 'Edsa 1986 Revolution'.
Tunay ngang malakas ang impluwensya ng demokratikong mistipikasyon sa mga pangyayari ngayon sa Tunisia at Ehipto laluna't ang mga rehimen doon ay diktadura at kurakot gaya ng naranasan ng mga Pilipinong manggagawa noong panahon ng diktadurang Marcos. At narito ang peligro na mauwi sa pagkatalo ang mga kilusan doon ngayon.
Subalit sa likod ng ingay ng burges na demokrasya ay nakikita naman sa ibaba, bagamat mahina pa, ang isang proletaryong kilusan para sa isang tunay na pagbabago sa bulok na lipunan. Isang kilusan na pinangunahan ng mga militanteng manggagawa sa mga bansang ito.
Sa panig ng Pilipinas, matagal ng nalasap ng masang Pilipino ang bangis ng mga demokratikong rehimen na pumalit sa diktadurang Marcos, bagay na hindi malimutan ng mga nagsuusring elemento at grupo sa Pilipinas. Ang diktadura at demokratikong porma ng paghari ng uring burges ay walang kaibahan sa esensya.
Hindi pa naglaho sa alaala ng mga nagsusuring pwersa sa Pilipinas ang bangis ng estado mula sa panahon ni Corazon Aquino hanggang sa panahon ni Gloria Arroyo, at maging sa kasalukuyang paghahari ng paksyong Aquino na tinaguriang isang 'popular' na pangulo. Ang mga ito ay lumitaw matapos ang isang 'rebolusyon para sa demokrasya' noong 1986.
Ngayong buwan ng Pebrero ay lalakas na naman ang mistipikasyon ng "People Power" sa 1986 lalupa't ang anak ni Corazon Aquino ang nasa Malakanyang. At tiyak tutulong ang rehimeng Aquino sa pangkalahatang kampanya ngayon ng internasyunal na burgesya sa pangunaguna ng imperyalistang Amerika sa panawagang "ibalik ang demokrasya" sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan.
Kaalinsabay nito ay dadagdag sa ingay ng naghaharing uri ang lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas para palakasin pa ang mistipikasyon sa burges na demokrasya sa pamamagitan ng kanilang bangkarotang linya na 'dalawang-yugtong rebolusyon', gerilya-ismo, parliyamentarismo at repormismo.
Kaya nararapat lamang na lalupang magsuri ang mga rebolusyonaryong elemento sa Pilipinas sa mga pangyayari ngayon sa mundo, sa mga naglalagablab na mga pakikibaka ng mamamayan laban sa bulok na kaayusan. At mula sa pagsusuring ito ay pag-isipan ng malalim ang mistipikasyon ng demokrasya, ang bangkarotang linya na "dadaan muna sa demokratikong rebolusyon" ang pakikibaka ng mga atrasadong bansa gaya ng sa Pilipinas, Hilagang Aprika at Gitnang Silangan bago pa ang sosyalista-proletaryong rebolusyon.
Ang pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa pakikibaka sa Ehipto ay hindi makikita sa pagsuporta sa mistipikasyon ng demokrasya na siyang ninanais ng naghaharing uri sa Ehipto at ng mga imperyalistang kapangyarihan sa pangunguna ng imperyalistang Amerika kundi sa makauring pakikibaka laban sa kapitalistang gobyerno ni Noynoy Aquino at sa lahat ng paksyon ng burgesya sa Pilipinas.
INTERNASYONALISMO
Pebrero 11, 2011
---------------------------------------------------
Ang kulog sa Tunisia at Ehipto ay umalingaw-ngaw sa Algeria, Libya, Morocco, Gaza, Jordan, Syria, Iraq, Bahrain at Yemen. Anumang bandila ang dinadala ng mga demonstrador, ang ugat ng lahat ng mga protestang ito ay ang pandaigdigang krisis ng kapitalismo at ang direktang epekto nito: kawalan ng trabaho, pagtaas ng presyo ng bilihin, panggigipit, at ang panunupil at korupsyon ng mga gobyernong namahala sa brutal na mga atake sa istandard ng pamumuhay. Sa madaling sabi, ang mga ito ay katulad ang pinagmulan sa pag-alsa ng mga kabataang Griyego laban sa panunupil ng polisya sa 2008, sa pakikibaka laban sa 'reporma' sa pensyon sa Pransya, sa rebelyon ng mga estudyante sa Italya at Britanya, at sa mga welga ng manggagawa mula sa Bangladesh at Tsina at mula sa Espanya hanggang sa USA.
Ang determinasyon, katapangan, at pakikiisang pinakita sa mga lansangan sa Tunis, Cairo, Alexandria at marami pang syudad ay tunay na inspirasyon. Ang mga masang nagbarikada sa Tahrir Square sa Cairo o kahalintulad na pampublikong mga lugar ay nagtulong-tulong para may makain sila, nilabanan ang mga atake ng mga goons ng maka-rehimen at polisya, nanawagan sa mga sundalo na makiisa sa kanila, inalagaan ang mga sugatan, hayagang itinakwil ang sektaryang dibisyon sa pagitan ng Muslim at Kristyano, sa pagitan ng mga relihiyoso at sekular. Sa mga komunidad bumuo sila ng mga komite para ipagtanggol ang kanilang ari-arian mula sa mga magnanakaw na minamanipula ng polisya. Libu-libo ang nagwelga ng ilang araw at maging linggo na nagparami pa sa bilang ng mga demonstrador.
Naharap sa multo ng malawakang pag-alsa, sa bangungot ng posibilidad na paglawak sa buong 'mundo ng Arabo' at maging lagpas pa, ang naghaharing uri sa buong mundo ay tumutugon gamit ang kanyang pinakamaasahang dalawang sandata: panunupil at mistipikasyon. Sa Tunisia, marami ang binaril sa lansangan, pero ngayon dineklara ng naghaharing uri ang simula ng transisyon tungong demokrasya; sa Ehipto, pinagsasalitan ng rehimeng Mubarak ang pamamalo, pamamaril, pag-tear gas at paghahabol sa mga nagprotesta at pahayag ng malabong mga pangako. Sa Gaza, inaresto ng Hamas ang mga demonstrador na nagpakita ng pakikiisa sa mga pag-aalsa sa Tunisia at Ehipto; sa West Bank pinagbawal ng PLO ang "walang pahintulot na pagtitipon" na nanawagan ng suporta sa mga pag-aalsa; at sa Iraq pinaputukan ng rehimen na binuo ng 'mapagpalayang' US at Britanyaang mga protesta laban sa kawalan ng trabaho at kakulangan ng pagkain. Sa Algeria, matapos mapigilan ang inisyal na pag-aalsa, gumawa ng mga konsesyon na nag-legalisa sa malalamyang porma ng protesta; sa Jordan binuwag ng Hari ang kanyang gobyerno.
Sa internasyunal na antas, pinagsasalitan din ng naghaharing uri ang kanyang lenggwahe: ang iilan - laluna ng kanan, at syempre ang mga naghahari sa Israel - hayagang sumuporta sa rehimeng Mubarak bilang tanging balwarte laban sa pag-agaw ng mga Islamista. Pero ang susing mensahe ay binigay ni Obama: matapos ang inisyal na pag-aalinlangan, ang mensahe ay kailangang bumaba si Mubarak at bumaba agad. Ang 'transisyon tungong demokrasya' ay isinusulong bilang tanging daan para sa mga naghihirap na masa sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan.
Ang mga peligrong kinakaharap ng kilusan
Naharap sa dalawang peligro ang kilusang masa na nakasentro sa Ehipto. Ang una ay ang diwa ng pag-aalsa ay malunod sa dugo. Tila ang inisyal na pagtatangka ng rehimeng Mubarak na iligtas ang sarili sa pamamagitan ng paggamit ng kamay na bakal ay napahina: una, umatras ang polisya sa lansangan sa harap ng malawakang mga demonstrasyon, at ang pagpakawala ng mga goons na maka-Mubarak sa nagdaang linggo ay nabigo na pahinain ang determinasyon ng mga demonstrador na magpatuloy. Sa naturang mga komprontasyon pinakita ng hukbo ang kanyang sarili bilang 'nyutral', minsan ay parang kampi sa mga anti-Mubarak na pagtitipon at pinagtanggol sila mula sa mga atake ng mga maka-rehimen. Walang duda na marami sa mga sundalo ay sumisimpatiya sa mga protesta at hindi handa na barilin ang mga masa na nasa lansangan; ang ilan sa kanila ay lumayas na sa hukbo. Sa mga opisyal ng hukbo, tiyak may mga paksyon na nais ng bumaba si Mubarak ngayon. Pero ang hukbo ng kapitalistang estado ay hindi nyutral. Ang kanyang 'proteksyon' sa Tahrir Square ay isa ring porma ng pagkontrol, isang malawak na kulungan; at kung mapilitan, tiyak gagamitin ang hukbo laban sa pinagsamantalahang populasyon, liban lang kung magtagumpay ang masa na makuha ang suporta ng ordinaryong sundalo at epektibong mabuwag ang hukbo bilang organisadong bahagi ng kapangyarihan ng estado.
Pero narito ang pangalawang malaking peligro na kinakaharap ng kilusan: ang peligro ng malawak na ilusyon sa demokrasya. Ang paniniwala na ang estado, matapos ang ilang reporma, ay magawang magsilbi sa sambayanan; ang paniniwala na ‘lahat ng mga taga Ehipto', liban sa iilang kurakot na indibidwal, ay magkatulad ang batayang interes. Ang paniniwala na nyutral ang hukbo. Ang paniniwala na ang malubhang kahirapang dinaranas ng mayorya ng populasyon ay mapangingibawan kung merong buhay na parliyamento at mawala na ang arbitraryong paghari ni Ben Ali o Mubarak.
Ang mga ilusyong ito, na araw-araw sinasabi ng mga demonstrador sa kanilang sariling pananalita at mga istrimer, ay nagpapahina sa tunay na kilusan para sa kalayaan, na susulong lamang bilang kilusan ng uring manggagawa na lumalaban para sa kanyang sariling interes, na iba mula sa ibang panlipunang istrata, at higit sa lahat salungat sa interes ng burgesya at ng kanyang mga partido at paksyon. Ang hindi mabilang na mga ekspresyon ng pakikiisa at pag-oorganisa sa sarili na nakita natin sa ngayon ay repleksyon ng tunay na proletaryong elemento sa kasalukuyang panlipunang mga pag-aalsa; at, tulad ng sinabi ng maraming nagprotesta, umaasa sila ng bago at mas makataong lipunan. Pero itong bago at mas magandang lipunan ay hindi mabuo sa pamamagitan ng parliyamentaryong eleksyon, sa pagluklok kay el Baradei o ng Muslim Brotherhood o ng kahit anong paksyon ng burgesya bilang ulo ng estado. Ang mga paksyong ito na malamang malagay sa kapangyarihan dahil sa lakas ng ilusyon ng masa, ay hindi mag-alinlangang gagamit ng panunupil laban sa masa kalaunan.
Maraming nagsasabi ng ‘rebolusyon' sa Tunisia at Ehipto, kapwa mula sa pangunahing media at dulong-kaliwa. Pero ang tanging rebolusyon na may katuturan ngayon ay ang proletaryong rebolusyon, dahil nasa yugto na tayo kung saan ang kapitalismo, demokratiko o diktadura, ay walang maibigay sa sangkatauhan. Ang rebolusyong ito ay magtagumpay lamang sa internasyunal na antas, lagpasan ang lahat ng pambansang hangganan at ibagsak ang lahat ng estado ng mga bansa. Ang mga makauring pakikibaka at pangmasang pag-aalsa ngayon ay unang hakbang tungo sa rebolusyong ito, pero naharap sila sa lahat ng tipo ng balakid; at para maabot ang layunin ng rebolusyon, malalimang pagbabago sa pampulitikang organisasyon at kamulatan ng milyun-milyong tao ang dapat maganap.
Ang sitwasyon sa Ehipto ay sumada ng istorikong sitwasyon na kinaharap ng sangkauhan sa pangkalahatan. Nasa terminal na pagbulusok ang kapitalismo. Walang anumang maibigay ang naghaharing uri na perspektiba para sa kinabukasan ng mundo; pero hindi pa mulat ang pinagsamantalahang uri sa kanyang sariling kapangyarihan, sa kanyang sariling programa para sa pagbabago sa lipunan. Ang ultimong peligro ay kung ang temporaryong pagkapatas ay mauwi sa "mutwal na pagkawasak ng naglalabanang mga uri", na sinabi ng Manipesto ng Komunista - patungo sa kaguluhan at pagkawasak. Pero makita lamang ng uring manggagawa, ng proletaryado, ang kanyang tunay na kapangyarihan sa pamamagitan ng tunay na mga pakikibaka, at ito ang dahilan kung bakit ang nangyayari ngayon sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan, sa kabila ng kanyang mga kahinaan at ilusyon na humaharang nito, ay tunay na tanglaw sa mga manggagawa sa buong mundo.
At higit sa lahat ito ay panawagan sa mga proletaryado sa abanteng mga bansa, na nagsimula ng bumalik sa daan ng paglaban, na gawin ang susunod na hakbang, ipakita ang kanilang praktikal na pakikiisa sa mga masa ng ‘ikatlong daigdig' sa pamamagitan ng pagpalawak sa kanilang sariling paglaban sa panggigipit at kahirapan, at sa paggawa nito ay malantad ang lahat ng kasinungalingan ng kapitalistang kalayaan at demokrasya, na matagal na nilang masaklap na naranasan.
WR, 5/2/11
Walang duda na sinusundan ng mga mambabasa ang mga kaganapan sa kilusang OCCUPY WALL STREET (OWS). Mula kalagitnaan ng Setyembre, inokupahan ng libu-libong nagprotesta ang Zuccotti Park sa sentro ng Manhattan, ilang kalye mula sa Wall Street. Ang mga protesta ay kumalat ngayon sa daan-daang syudad ng Hilagang Amerika. Libu-libo ang lumahok sa mga okupasyon, demonstrasyon at pangkalahatang asembliya kung saan pinakita ang antas ng pag-organisa sa sarili at direktang partisipasyon sa pampulitikang aktibidad na hindi nakita sa US sa loob ng ilang dekada. Ang pinagsamantalahan at galit na populasyon ay nagsalita na, pinakita ang galit sa kasamaan ng kapitalismo. Ang internasyunal na epekto ng OWS sa buong mundo ay hindi dapat maliitin: naganap ang mga protesta sa halos lahat ng mga sentro ng pandaigdigang kapitalismo, binandila ang mga islogan at pagkadismaya na umalingawngaw sa buong Uropa at Hilagang Aprika.
Subalit, ang kinabukasan ng kilusan ay parang walang katiyakan. Habang marami sa mga nagprotesta ang nangakong ipagpatuloy ang okupasyon, mas lumilinaw na ang inisyal na ispontanyong enerhiya ng kilusan ay bumaba, habang ang kanyang pundasyon na mga pangkalahatang asembliya (GAs) ay lalupang natransporma tungo sa pasibong tagasunod sa mga “working-groups” at mga “komite,” karamihan sa mga ito ay dominado ng mga propesyunal na aktibista, kaliwa, atbp. Nagbago-bago pa ang sitwasyon, pero tingin namin ay umabot na ito sa antas na pwede ng makakuha ng panimulang pagtatasa sa kanyang kahulugan at tukuyin ang kanyang mga kalakasan at kahinaan.
Lumahok ang IKT sa mga pagkilos sa New York, kung saan maraming militante at simpatisador ang ilang beses na pumunta sa Zuccotti Park para makipag-usap sa mga nag-okupa at lumahok sa GAs. Nagpadala din ng ulat sa amin ang ibang mga simpatisador ng IKT sa kanilang karanasan sa mga kilusang ito sa kani-kanilang mga syudad. Isang masiglang talakayan din ang naganap sa aming website’s discussion forum.[1] Ang artikulong ito ay kontribusyon sa debate, at hinikayat namin ang mga mambabasa na lumahok sa diskusyon.
Unang-una kailangang kilalanin natin na ang pinagmulan ng kasalukuyang kilusang okupasyon ay katulad sa lahat na mga malawakang panlipunang pag-alsa na nasaksihan natin sa buong 2011. Mula sa mga kilusan sa Tunisia at Egypt hanggang sa paglitaw ng mga indignados sa Spain, sa mga okupasyon sa Israel at sa mga mobilisasyon laban sa paghihigpit at pagbuwag sa mga unyon sa Wisconsin at ibang mga syudad, sa pagkadismaya at desperasyon ng uring manggagawa—partikular ang henerasyon ng kabataan na matinding tinamaan ng kawalang trabaho.[2]
Kaya nakita natin ang kaugnayan sa pagitan ng OWS at sa lumalakas na pagtutol ng uring manggagawa laban sa mga atake ng kapitalismo sa internasyunal na saklaw. Malinaw na ang OWS ay hindi isang kampanya ng burgesya para ilihis o kupuin ang makauring pakikibaka. Kabaliktaran, ito ang pinakahuli sa mga serye ng pagkilos, kalakhan ay ini-organisa sa pamamagitan ng internet at social media—labas sa mga unyon at opisyal na mga pampulitikang partido – sa pamamagitan nito ay naghahanap ang uring manggagawa ng paraan para malabanan ang malawakang mga atake ng kapital sa yugto ng kanyang makasaysayang krisis. Kilalanin natin ang kilusan bilang tanda na ang proletaryado sa Hilagang Amerika ay hindi ganap na natalo at tutol sa walang hanggang pagdurusa sa mga atake ng kapitalismo. Ganun pa man, kailangang kilalanin din natin na iba’t-ibang mga tendensya ang kumikilos sa loob ng kilusan, na iba’t-ibang tendensya ang paglaban. Ang dominanteng tendensya ay malakas ang repormistang pananaw, ang proletaryong tendensya ay masyadong nahirapan para ilugar ang makauring direksyon sa pakikibaka.
Malamang ang pinaka-posistibong aspeto ng mga protestang OWS ay ang paglitaw ng mga Pangkalahatang Asembliya (GA) bilang independyenteng mga organo ng kilusan na mas abante kaysa mga mobilisasyon sa Wisconsin, sa kabila ng kanyang ispontanyidad ay madaling nakontrol ng mga unyon at kaliwa ng Democratic Party.[3] Ang paglitaw ng mga GAs sa OWS ay kumakatawan ng pagpapatuloy sa mga kilusan ng Spain, France at iba pang lugar, at malinaw na palatandaan at pruweba sa kapasidad ng uring manggagawa na kontrolin ang kanyang pakikibaka at matuto sa mga pangyayari sa ibang bahagi ng mundo. Katunayan, ang internasyunalisasyon ng GAs bilang porma ng pakikibaka ang isa sa pinakamatingkad na katangian ng kasalukuyang yugto ng makauring pakikibaka. Ang GAs, higit sa lahat, ay pagtatangka ng uring manggagawa na depensahan ang kanyang awtonomiya sa pamamagitan ng pagpalahok sa buong kilusan sa pagpapasya at pagtiyak ng pinakamalawak at pinakamalalim na posibleng talakayan sa loob ng uri.
Pero sa kabila ng kanilang kahalagahan sa kilusan, malinaw na ang mga GAs ng OWS ay hindi gumagana na walang konsiderableng distorsyon at manipulasyon mula sa mga propesyunal na aktibista at kaliwa na siyang may kontrol sa kalakhan ng mga iba’t-ibang working-groups at komite na dapat responsable sa mga GAs. Ang bigat nito ay nakatulong para mas lalupang mahirapang panatilihin ang bukas na diskusyon at naging hadlang para sa bukas na diskusyon na palawakin ang kilusan lagpas sa okupasyon para abutin ang buong uring manggagawa. Ang kilusang 15M sa Spain ay naharap din sa katulad na mga problema.[4]
Sa unang bahagi ng okupasyon, bilang tugon sa pangungulit ng media na dapat may layunin at kahilingan ang kilusan, isang komite ng prensa ang binuo para sa publikasyon ng dyurnal na OCCUPY WALL STREET. Isa sa aming mga kasama ay nakalahok sa GA ng tinalakay ang unang isyu ng dyurnal—na nauna ng pinamigay sa media ng komite ng presnsa. Galit ang dominanteng sentimyento ng GA dahil inilathala at pinamigay ang dyurnal sa media kung saan ang laman ay hindi umaayon sa pangkalahatang konsesus ng kilusan, pero tila sumasalamin sa isang partikular na pampulitikang pananaw. Napagpasyahan na tanggalin ang taong responsable sa produksyon at pamahagi ng dyurnal sa komite ng prensa. Ito ay nagpakita ng kapangyarihan ng GA na igiit ang kanyang awtoridad sa mga komite at working groups. Ang binhi ng “karaparatan ng kagyat na pagtanggal”. Ang nagkasalang membro ng komite ng prensa ay tinatanggal dahil sa pagmamalabis ng kanyang tungkulin.
Subalit, sa GA pagkatapos ng ilang linggo—sa bisperas ng banta ni Mayor Bloomberg na paalisin ang mga nag-okupa mula sa Zuccotti Park—nakita ng aming kasama ang kaibang sitwasyon. Habang papalapit ang ebiksyon, wala ng makabuluhang diskusyon sa GA. Mayoriya ng GA ay natali sa mga ulat mula sa mga working-groups at komite na walang diskusyon. Ang tanging diskusyon na pinayagan ng mga tagapangasiwa ng GA ay ang panukala ni Manhattan borough President na limitahan ang pagtambol ng mga drummers ng dalawang oras. Sa GA na ito hindi tinalakay ang isyu ng hinaharap ng kilusan. Hindi nito kinukonsidera ang usapin kung paano paunlarin ang estratehiya at taktika para mapalawak ang kilusan lagpas sa kanyang kasalukuyang limitasyon at halos katiyakan ng paglaho nito sa Zuccotti Park.
Sa GA na ito, isa sa aming mga kasama ay nagtangkang magpanukala sa mga nag-okupa na tingnan ang kinabukasan sa pamamagitan ng pag-abot lagpas sa hangganan ng parke tungo sa uring manggagawa sa syudad, kung saan makatanggap sila ng mainit na pagsalubong. Sinabihan ang aming kasama na ang interbensyon ay wala sa paksang limitahan ang pagtambol at ang paglimite sa oras ng interbensyon (na agarang pinagpasyahan ng mga tagapangasiwa ng isang minuto). Isa pang panukala ang inihapag ng isang partisipante na bumuo ng isang delegasyon para magsalita sa mga estudyante sa maraming kolehiyo at unibersidad. Tinanggihan din ang kanyang panukala, dahil marami sa mga nagprotesta ay walang interes na palawakin ang kilusan at kung ang mga estudyante ay nais suportahan ang kilusan dapat pumunta sila sa Zuccotti Park.
Paano natin ipaliwanag ang tendensya na dahan-dahang nakontrol ng mga working groups, komite at tagapangasiwa ang kilusan sa pagdaan ng panahon?
Ang kilusang OWS sa simula pa lang ay may katangian ng ‘anti-politikal’ na siyang dahilan ng kawalan ng diskusyon, hadlang sa polarisasyon ng magkasalungat na mga ideya at pag-unlad ng makauring kahilingan. Ito ang naging dahilan para makapagsalita sa loob ng kilusan ang mga kaliwa, pampulitikang personahe at politika na iba’t-iba ang kulay, at ilarawan ng media ang kilusang OWS bilang nasa unang yugto ng “Left-Wing Tea Party.”[5]
Ang mariing pagtutol ng OWS na pag-usapan ang mag layunin at kahilingan, na sa aming tingin nagpakita ng pangkalahatang pagtutol sa usapin ng kapangyarihan, ay problema para sa mga rebolusyonaryo. Paano natin unawain ang penomenon na ito, na makita din sa ibang mga kilusan? Tingin namin ito ang mga salik sa OWS:
Ang patuloy na bigat ng ideolohikal na kampanya ng burgesya na patay na ang komunismo
Habang totoo na karamihan sa panlipunang pwersang nasa likod ng mga kilusang ito ay henerasyon ng kabataan, karamihan sa kanila ay pinanganak matapos bumagsak ang Stalinismo sa 1989, nanatili ang totoong takot ng uring manggagawa na pag-usapan ang komunismo. Habang nasa proseso ang rehabilitasyon ni Marx sa kanyang kritik sa kapitalismo, nandun pa rin ang takot na maiugnay sa sistema na marami ang patuloy na naniwalang “naisapraktika na at nabigo” at salungat sa layuning kamtin ang layunin ng pandaigdigang “tunay na demokrasya.” Habang maraming nakikitang mga palatandaan at islogan sa mga okupasyon na sinipi mula kay Marx na hindi na epektibo ang kapitalismo, nanatili ang kabuuang kalituhan kung ano ang ipapalit dito. Sa kabilang banda, ang matagalang perspektiba ay ang bigat ng ‘bangungot sa nakaraan’ na nagpahina at humadlang sa mga naghahanap ng tunay na laman ng komunismo, para sa panibagong nuling pagsuri sa kinabukasan ng lipunan.
Pangingibabaw ng henerasyon ng kabataan
Sa panglalahatan ang mga kilusang ito ay binubuo ng henerasyon ng kabataang manggagawa. Bagamat ang nakakatandang mga manggagawa na apektado ng malawakang pagkawala ng trabaho na nangyari sa U.S. mula 2008 ay kalahok din sa mga kilusang ito, ang pwersang nagpapagalaw sa mga protesta ay mga manggagawa edad 20s at 30s, karamihan ay edukado, pero karamihan ay walang permanente, tiyak na trabaho sa kanilang buhay. Sila ang pinaka-apektado ng malawakan at matagalang kawalan ng trabaho ngayon sa ekonomiya ng US. Konti lang ang may karanasan sa pabrika maliban sa mababaw na paraan. Ang kanilang katangian ay hindi nakabatay sa pagawaan o ng kategoriya ng kanilang trabaho. Habang ang ganitong sosyolohikal na katangian ang dahilan na mas bukas sila sa abstraktong malawak na pakikiisa, nagkahulugan din ito ng kakulangan ng karanasan sa pakikibaka sa pagtatagol ng kanilang kabuhayan at kalagayan ng trabaho sa pamamagitan ng pagbuo ng ispisipikong mga kahilingan at layunin. Dahil sa kalakhan hiwalay sa proseso ng produksyon, walang natirang kongkretong dapat ipagtanggol maliban sa kanilang dignidad bilang tao! Kaya hindi masyadong lutang ang pangangailangan ng ispisipikong mga kahilingan at layunin. Sa mundo na walang tunay na kinabukasan, hindi nakapagtataka na ang henerasyon ng kabataan ay may kahirapan sa kongkretong pag-iisip kung paano paunlarin ang pakikibaka para sa kinabukasan. Kaya nakulong ang kilusan sa proseso ng selebrasyon, sa mga okupasyon mismo, naging isang komunidad ang mga lugar ng okupasyon, at sa ilang kaso ay naging tirahan na.[6] Isa pang aspeto na hindi pwedeng balewalain ay ang bigat ng post-modernist political discourse, partikular sa mga nakadaan sa sistema ng unibersidad ng US, na nagtutuo ng kawalang tiwala at pagtakwil sa ‘tradisyunal’ na makauring politika.
Batay dito, hindi tayo ‘aasa na ang bata ay maging matanda’. Ang pag-iral ng mga pangkalahatang asembliya ay tagumpay na mismo, at ang mga ito ay naging paaralan ng kabataan para paunlarin ang kanilang karanasan at matuto paano labanan ang mga pwersa ng kaliwa ng burgesya. Lahat ng ito ay mahalaga para sa darating na mga pakikibaka.
Ang partikularidad sa konteksto ng Amerika
Mahigpit pa rin ang pagkakulong ng OWS sa konteksto ng kasaysayan at politika ng U.S. at halos walang deklarasyon sa internasyunal na ugat ng krisis at panlipunang kilusan sa ibang bansa. Patuloy na nangibabaw ang paniwala ng kilusan na ang mga malaking problemang kiharap ng mundo ay dahil sa hindi makataong katangian ng mga bangkero sa Wall Street, na tinulungan at pinalakas ng mga pampulitikang partido ng U.S. Ang pagtanggal sa mga regulasyon hinggil sa inter-aksyon ng komersyal at pamuhunan ng mga bangko, ang madayang pagpapatakbo ng bulang real estate, ang lumalaking impluwensya ng pera ng mga korporasyon sa kampanyang politikal ng U.S., ang malaking agwat sa pagitan ng pinakamayamang isang porsyento ng populasyon at sa malaking mayoriya, ang katotohanan na ang bilyun-bilyong dolyar na sobrang pera ng Wall Street ay ayaw nitong muling ipuhunan sa ekonomiya ng Amerika, ang pangunahing mga hinaing ng kilusan. Dagdag pa, ang pagkilala na ang pangunahing problema ay “hindi kontrolado na kapital ng pinansya” ay nagsilbi para manatili ang ilusyon na hindi makasarili ang burges na estado ng U.S.
Malinaw, ang anti-politikal na aktitud ng kilusang OWS ay nagsilbi para maging harang ito na lumampas sa proseso mismo at sa huli ay nagsilbi lamang para lilitaw ang pampulitikang dominasyon na kinatatakutan nito. Dapat magsilbi itong makapangyarihang aral sa mga kilusan sa hinaharap. Habang tama na ang kilusan ay magduda sa mga nais magsalita para sa kanya, ang uring manggagawa ay hindi umiiwas sa bukas na diskusyon at komprontasyon ng mga ideya. Ang proseso ng plorisasyon, ng pagbuo ng kongkretong mga layunin at kahilingan—gaano man kahirap—ay hindi maiwasan, kung nais ng kilusan na sumulong. Sa huli, ang kilusan na dominado ng maraming halu-halong mga ideya (“lahat ng mga kahilingan ay parehong makatarungan”) ay nagtitiyak lamang na ang mananaig ay ang mga kahilingang katanggap-tanggap sa burgesya. Ang mga layuninng muling kontrolin ang kapitalismo, na buhisan ang mayayaman at buwagin ang pagkatali ng pera ng korporasyon sa elektoral na proseso ay mga kahalintulad din na mga layunin ng maraming paksyon ng burgesyang Amerikano! Hindi ba parang nagkataon na gusto ni Obama na ang magbayad sa kanyang planong pagbibigay ng trabaho ay ang buhis ng mga milyonaryo? Malaking risgo na ang pangunahing mga paksyon ng burgesya ay madala ang kilusan sa direksyon na nagsisilbi sa kanilang pansariling interes sa kanyang paksyunal na pakikitunggali sa pagbangon ng Kanan. Subalit, sa huling pagususri, ang ganap na kawalang kapasidad ng burgesya na solusyonan ang kanyang mortal na krisis ang dudurog sa ilusyon ng ‘American Dream’, at mapalitan ng pag-iral ng bangungot sa ilalim ng kapitalismo.
Sa lahat ng kanyang mga kahinaan, kailangang kilalanin natin na ang mahalagang mga aral ng mga protestang OWS ay lalupang pag-unlad ng makauring pakikibaka. Ang paglitaw ng mga GAs—malamang sa unang pagkakataon sa nagdaang mga dekada sa Hilagang Amerika—ay kumakatawan ng malaking hakbang pasulong para sa uring manggagawa habang naghahanap paano paunlarin ang pakikibaka lagpas sa kontrol ng unyon at kaliwa ng burgesya. Subalit, iginiit naming na ang kilusan na natali lang sa kanyang sarili sa halip na maghahanap ng paraan para palawakin ang pakikibaka sa buong uri ay tiyak ang pagkatalo, ang kabiguan man ay dahil sa panunupil, demoralisasyon o sa kalaunan ay makontrol ng kaliwa ng burgesya. Sa kasalukuyang sitwasyon ng makauring pakikibaka, naharap tayo sa isang kalagayan na ang sektor ng uring manggagawa na wala masyadong karanasan sa kolektibong paggawa ang siyang pinaka-militante. Sa kabilang banda, ang mga pinaka may karanasan sa kongkretong pakikibaka sa pagtatanggol ng kanilang kabuhayan at kalagayan sa trabaho ay nanatiling dis-oryentado ng mga atake ng kapitalismo at hindi sigurado kung paano lalaban. Marami ang natutuwa dahil may trabaho pa at nanahimik dahil sa bigat ng opensiba ng kapitalismo sa kanilang kabuhayan at kalagayan sa trabaho.
Dagag pa, sa U.S., ang malakas na kampanya ng Kanan upang durugin ang mga unyon ay mayroong epekto sa muling pagbangon ng unyon bilang tagapagtanggol sa mata ng mga manggagawa sa isang antas, at lalupang nagbigay dis-oryentasyon sa isang sektor ng uring manggagawa.[7] Katunayan, ang sektor na ito ng uring manggagawa na lumahok sa kilusang OWS, ay sa kalakhan nasa ilalim ng bandila ng unyon, pero sistimatikong gumagalaw ang unyon para ihiwalay ang kanilang mga membro sa mga nag-okupa, hindi para sumama sa kanila! Nasa pakikibaka ng uring manggagawa para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan at kondisyon sa trabaho, sa lugar kung saan gumagawa mismo ang lipunan ng produkto para sa sarili, lilitaw ang mga organo na tunay na magpatupad ng transisyon tungo sa lipunan ng nagkakaisang gumagawa ng produkto —ang konseho ng manggagawa. Dito makita ang katotohanan na ang kapitalismo ay hindi na makapagbigay ng matagalang mga reporma, dahil ang pakikibaka ng uring manggagawa para ipagtanggol ang kabuhayan at kalagayan sa trabaho ay laging dinidiskaril ng patuloy na pang-ekonomiyang krisis. Nasa produksyon makita ng uring manggagawa ang katotohanan na ang lipunan ng tao ngayon ay uunlad lang sa pandaigdigang saklaw.
Hindi namin minamaliit na naharap sa napakahirap na sitwasyon ang lahat ng sektor ng uring manggagawa sa paghahanap ng makauring landas at pagpapaunlad ng sa kapasyahang labanan ang mga atake ng kapitalismo. Sa unang punto, tingin namin nanatiling nakulong ang kilusang OWS sa burges na daan; subalit, sa huling punto napakahalaga na makita kung paano makontrol ng uring manggagawa ang kanyang sariling pakikibaka.
Internationalism, 10/19/2011.
[1] Tingan ang dito ang thread on our forum [19].
[2] Tingan an gaming artikulo dito on the indignado movement here [20].
[3] Bagamat kabaliktaran sa Wisconsin, kung saan sa isang yugto ay nanawagan ng pangkalahatang welga sa buong syudad, kinakatawan ng OWS ang mas maliit na “malawakang” mobilisasyon, na makita sa bag-as ng mga nagprotesta at ng mga hindi regular na lumahok.
[4] Tingnan ang aming artikulong ‘Real Democracy Now!’: A dictatorship against the mass assemblies [21]
[5] Tingnan Peter Beinhart, “Occupy Protests’ Seismic Effects [22]” para sa pahayag kung paano tiningnan ng kaliwa ng burgesya na ang OWS ay maaring magamit bilang baseng suporta sa kandidatura ni Obama bilang pangulo.
[6] Sa loob ng ilang linggo, nag-ulat ang media ng maraming kaso ng kabataang umalis sa kanilang trabaho na mababa ang sahod o huminto sa pag-aaral para lumahok sa mga okupasyon.
[7] Tingan an gaming artikulo on the recent Verizon strike [23].
Mga kasama at malugod naming mambabasa, narito na ang pahayagang
Internasyonalismo para sa taong 2011, ang pahayagan ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Pilipinas.
Naka-attached bilang PDF format ang pahayagan. Maari ninyo itong
i-imprinta at ipamahagi sa inyong mga kaibigan na interesadong maunawan ang komunistang pakikibaka ng uring manggagawa.
Maraming salamat sa inyong patuloy na suporta sa internasyunal at internasyunalistang rebolusyonaryong kilusan ng manggagawa.
Nakatanggap kami ng balita mula sa Korea na walong militante ng "Liga ng Sosyalistang mga Manggagawa sa Korea" (Sanoryun) ang dinakip at kinasuhan sa ilalim ng kinamuhiang "Batas ng Pambansang Seguridad" ng Timog Korea[1] . Ngayong Enero 27 ay ibaba ang hukom sa kanila.
Walang duda na ito ay isang pampulitikang kaso, at isang masaklap na komedya sa tinatawag ng naghaharing uri na "hustisya". Tatlong katotohanan ang saksi dito:
Ang mga militanteng ito ay akusado ng krimen sa kaisipan sa pagiging sosyalista. Ibig sabihin, inakusahan sila ng panghihikayat sa mga manggagawa na ipagtanggol ang mga sarili, ng kanilang mga pamilya, ng kanilang kalagayan sa pamumuhay, at sa hayagang paglantad sa tunay na katangian ng kapitalismo. Ang mga parusang kinakailangan ng prosekyusyon ay isa lamang sa mga halimbawa ng panunupil na ipinapataw ng naghaharing uri sa Timog Korea laban sa mga humarang sa kanyang daan. Ang brutal na panunupil na ito ay ginawa na sa mga kabataang ina ng "baby strollers' brigade" na nagdala ng kanilang mga anak noong mga demonstrasyon ng pagsindi ng kandila sa 2008 at kalaunan ay naharap sa panunupil na legal at ng kapulisan[4]; pinuntirya din ang mga manggagawa sa Ssangyong na binugbog ng kapulisang pumasok sa paktorya.[5]
Naharap sa posibilidad ng mabigat na parusa, ang dinakip na mga militante ay nagpakita ng matatag na dignidad sa korte, at ginamit na oportunidad para ilantad ng malinaw ang pampulitikang katangian ng kaso. Inilimbag namin sa ibaba ang salin ng huling pahayag ni Oh Se-Cheol sa korte.
Tumataas ang tensyong militar sa rehiyon, matapos ang mapang-udyok na pambobomba sa isla ng Yeonpyeong sa Nobyembre noong nakaraang taon at ng pagkamatay ng mga sibilyan dahil sa panganganyon ng rehimen ng Hilagang Korea, bilang tugon sa pagpunta ng barkong pandigma ng Amerika na may dalang nukleyar sa rehiyon para sa isang pinagsanib na aktibidad militar kasama ang armadong pwersa ng Timog Korea. Sa sitwasyong ito, mas totoo kaysa nakaraan ang pahayag na ang pagpipilian ng sangkatauhan ngayon ay sa pagitan ng sosyalismo at barbarismo.
Sa propaganda ng US at kanyang mga alyado ang Hilagang Korea ay isang "estado ng gangster", kung saan marangya ang pamumuhay ng naghaharing paksyon salamat sa mabangis na panunupil sa kanyang nagugutom na populasyon. Ito ay totoo. Pero ang panunupil ng gobyerno ng Timog Korea sa mga ina, anak, nakibakang manggagawa, at ngayon ang mga sosyalistang militante ay malinaw na nagpakita na sa huling pagsusuri, bawat pambansang burgesya ay naghari sa pamamagitan ng takot at brutal na pwersa.
Sa harap ng ganitong sitwasyon dineklara namin ang aming ganap na pakikiisa sa mga inarestong militante, sa kabila ng hindi namin pagsang-ayon sa kanila sa usaping pampulitika. Ang kanilang pakikibaka ay ating pakikibaka. Pinaabot namin ang taus-pusong simpatiya at pakikiisa sa kanilang mga pamilya at kasamahan. Ikagagalak naming iparating sa mga kasamahan ang anumang mensahe ng suporta at pakikiisa na matanggap namin sa [email protected] [25].[6]
(ang sumusunod ay ang teksto ng pahayag ni Oh Se-Cheol, isinalin namin mula sa Korean)
Maraming teorya ang nagsisikap ipaliwanag ang krisis na nangyayari sa buong kasaysayan ng kapitalismo. Isa sa mga ito ay ang teorya ng pagkawasak, na nagsasabing kusang mawasak ang kapitalismo sa kanyang sarili sa panahon na maabot ng mga kapitalistang kontradiksyon ang kanilang rurok, para hawanin ang daan ng panibagong paraiso ng milinyum. Ang ganitong paniniyak o ultra-anarkistang posisyon ay lumikha ng pagkalito at ilusyon sa pag-unawa sa paghihikahos ng proletaryado mula sa kapitalistang pang-aapi at pagsasamantala. Maraming tao ang nahawa sa ganitong hindi syentipikong pananaw.
Ang isa pang teorya ay optimistiko na laging sinasaboy ng burgesya. Ayon sa teoryang ito, ang kapitalismo mismo ay may mga paraan para mapangibabawan ang kanyang sariling mga kontradiksyon at tatakbo ng matiwasay ang tunay na ekonomiya kung mapawi ang ispekulasyon.
Ang mas pino na posisyon kaysa dalawang nauna sa itaas, at nangibabaw kaysa dalawa pa, ay ang pagkonsidera na ang kapitalistang krisis ay pana-panahon, at kailangan lamang natin na hintayin hanggang matapos ang unos para muling makaabante.
Ang naturang posisyon ay angkop sa panahon ng kapitalismo sa 19 siglo: hindi na ito balido sa kapitalistang krisis ng 20 at 21 siglo. Ang kapitalistang krisis sa 19 siglo ay krisis ng kapitalismo sa yugto ng walang limitasyong ekspansyon, na tinawag ni Marx sa Manipesto ng Komunista na epidemya ng sobrang produksyon. Pero ang tendensya ng sobrang produksyon na siyang dahilan ng gutom, kahirapan at kawalang trabaho ay hindi dahil sa kakulangan ng kalakal kundi dahil sa sobrang dami ng kalakal, sobrang dami ng industriya at sobrang dami ng rekurso. Isa pang dahilan ng kapitalistang krisis ay ang anarkiya ng kapitalistang sistema ng kompetisyon. Sa 19 siglo, ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon ay maaring mapalawak at mapalalim sa pamamagitan ng pagsakop ng bagong lugar para makakuha ng bagong sahurang paggawa at bagong merkado para sa mga kalakal at kaya ang krisis sa yugtong ito ay pulso ng isang malusog na puso.
Sa 20 siglo ang naturang pagsulong ng kapitalismo ay natapos noong Unang Digmaang Pandaigdig. Mula sa yugtong ito, ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon at sahurang paggawa ay pinalawak sa buong mundo. Sa 1919 tinawag ng Komunistang Internasyunal ang kapitalismo sa yugtong yaon na yugto ng "digmaan o rebolusyon". Sa kabilang banda, ang kapitalistang tendensya ng sobrang produksyon ang nagtulak ng imperyalistang digmaan sa layuning manakop at kontrolin ang pandaigdigang pamilihan. Sa kabilang banda, hindi tulad sa 19 siglo, ginawa nitong umasa ang pandaigdigang ekonomiya sa semi-permanenteng krisis ng instabilidad at pagkasira.
Ang naturang kontradiksyon ay bunga ng dalawang istorikal na mga pangyayari, ang Unang Pandaigdigang Digmaan at pandaigdigang depresyon ng 1929 na kumalas ng 20 milyon buhay at tantos ng kawalan ng trabaho na 20% - 30%, na nagbunga ng tinatawag na "sosyalistang nma bansa" ng kapitalismo ng estado sa pamamagitan ng nasyunalisasyon ng ekonomiya sa isang banda at liberal na mga bansa na kombinasyon ng pribadong burgesya at burukrasya ng estado sa kabilang banda.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdi, kabilang ang tinaguriang "sosyalistang mga bansa", ay nakaranas ng ekstra-ordinaryong kasaganaan bunga ng 25 taong rekosntruksyon at paglaki ng utang. Ito ang nagtulak sa burukrasya ng gobyerno, mga lider ng unyon, ekonomista, at mga "Marxista" kuno na malakas na magdeklarang napangibabawan na ng kapitalismo ang kanyang krisis. Pero patuloy na lumala ang krisis na pinakita ng sumusunod na halimbawa: ang debalwasyon ng Pound Sterling sa 1967, ng krisis sa Dolyar sa 1971, ng krisis sa langis sa 1973, ang pang-ekonomiyang resesyon sa 1974-75, krisis sa inplasyon sa 1979, krisis sa utang sa 1982, krisis sa Wall Street sa 1987, ekonomiyang resesyon sa 1989, de-istabilisasyon sa pera ng Uropa sa 1992-93, krisis sa mga "tigre" at "dragon" sa Asya sa 1997, ang krisis sa "bagong ekonomiya" ng Amerika sa 2001, ang krisis sa sub-prime sa 2007, ang krisis pinansyal ng Lehman Brothers, atbp at ang krisis pinansyal ng of 2009-2010.
Ang krisis ba ay 'paikot-ikot', 'pana-panahon' na krisis? Hindi! Ito ay bunga ng walang lunas na sakit ng kapitalismo, ang kakulangan ng merkado na may kapasidad magbayad, pagbaba ng tantos ng tubo. Sa panahon ng malaking depresyon sa daigdig sa 1929 ang pinakamalalang sitwasyon ay hindi nangyari dahil sa panghihimasok ng mga estado. Pero pinakita ng huling kaso ng krisis pinansyal, ang pang-ekonomiyang krisis ng kapitalistang sistema ay hindi na maaring mabuhay sa tulong ng perang pangsagip mula sa mga estado o utang ng estado. Naharap ngayon ang kapitalismo ng istagnasyon dahil imposible ng lumawak pa ang produktibong pwersa. Subalit nakibaka ang kapitalismo hanggang kamatayan laban sa istagnasyon. Kaya depende ito sa walang kataposang pangungutang ng estado at paghahanap ng pamilihan para sa sobrang produksyon sa pamamagitan ng paglikha ng gawa-gawang merkado.
Sa loob ng 40 na taon ang kapitalismo ay tumatakas sa pagkawasak sa pamamagitan ng utang. Ang utang sa kapitalismo ay katulad ng droga para sa mga adik. Sa huli ang mga utang ay naging pabigat na humihingi ng dugo at pawis ng mga manggagawa sa mundo. Magbunga din ito ng kahirapan sa mga manggagawa sa buong mundo, sa imperyalistang mga digmaan, at pagkasira ng kalikasan.
Pabulusok na ba ang kapitalismo? Oo. Papunta ito hindi sa kagyat na pagkawasak kundi sa panibagong yugto ng pagbagsak ng sistema, ang huling yugto sa kasaysayan ng kapitalismo na nalalapit na sa kanyang wakas. Kailangan nating taimtim na alalahanin ang 100 taong islogan na "digmaan o rebolusyon?" at muling maghanda sa pag-unawa sa alternatibong "barbarismo o sosyalismo" at ang praktika ng syentipikong sosyalismo. Ibig sabihin nito na ang mga sosyalista ay kailangang magtulungan at magkaisa, kailangang matatag sila na manindigan sa batayan ng rebolusyonaryong Marxismo. Ang ating layunin ay pangibabawan ang kapitalismong nakabatay sa kwarta, merkado ng kalakal, sahurang paggawa at halaga sa palitan, at itayo ang lipunan ng malayang paggawa sa komunidad ng malayang mga indibidwal.
Kinumpirma ng Marxistang pagsusuri na ang pangkalahatang krisis ng kapitalistang moda ng produksyon ay umabot na sa kanyang kritikal na yugto dahil sa pagbaba ng tantos ng tubo at pagkipot ng pamilihan sa proseso ng produksyon at realisasyon ng labis na halaga. Naharap tayo sa alternatibo sa pagitan ng kapitalismo, ibig sabihin barbarismo, at sosyalismo, komunismo ibig sabihin sibilisasyon.
Una, ang kapitalismo ay naging sistema na kahit ang pagpapakain sa sahurang alipin ay hindi na kaya. Bawat araw sa buong munod ay isang daang libo ang nagugutom at bawat 5 segundo ay isang bata na mababa sa 5 taon ang namatay sa gutom. 842 milyong tao ang permanenteng nagdusa sa malnutrisyon at isang katlo sa 6 billyong populasyon ng mundo ay nakibaka para mabuhay sa tumataas na presyo ng pagkain.
Ikalawa, ang kasalukuyang kapitalistang sistema ay hindi na kayang panatilihin ang ilusyon ng pang-ekonomiyang kasaganaan.
Ang pang-ekonomiyang milagro sa India at Tsina ay napatunayang mga ilusyon. Sa loob ng kalahating taon ng 2008 sa Tsina 20 milyong manggagawa ang nawalan ng trabao at 67,000 kompanya ang nabangkarota.
Pangatlo, inaasahan ang pagkasira ng ekolohiya. Sa punto ng pag-init ng mundo, tumataas ng 0.6% ang average na temperatura ng daigdig mula 1896. Sa 20 siglo ang hilagang bahagi ay nakaranas ng pinakamatinding init sa loob ng nagdaang 1000 taon. Ang mga lugar na nabalutan ng yelo ay bumaba ng 10% mula sa katapusan ng 1960s at ang yelo sa Hilagang Bahagi ay lumiit ng 40%. Ang average na antas ng dagat ay tumataas ng 10-20% sa panahon ng 20 siglo. Ang naturang pagtaas ay nagkahulugan ng 10 beses mas mataas sa nagdaang 3000 taon. Ang pagsasamantala sa mundo sa loob ng nagdaang 90 taon ay sa porma ng walang patumanggang pagkalbo sa kagubatan, pagdausdos ng lupa, polusyon (hangin, tubig), paggamit ng mga materyal na kemikal at radioactive, pagsira sa mga hayop at tanim, eksplosibong paglitaw ng epidemya. Makita ang pagkasira ng ekolohiya bilang integrado at pandaigdigan. Kaya imposibleng mahulaan kung gaano talaga kalala ang problemang ito sa hinaharap.
Paano naman umuunlad ang kasaysayan ng makauring pakikibaka laban sa panunupil at pagsasamantala?
Patuloy ang pag-iral ng makauring pakikibaka pero hindi naging matagumpay. Nabigo ang Unang Internasyunal dahil sa kapangyarihan ng kapitalismo na nasa kanyang pasulong na yugto. Nabigo ang Ikalawang Internasyunal dahil sa nasyunalismo at sa kanyang pag-abandona sa kanyang rebolusyonaryong katangian. At nabigo ang Ikatlong Internasyunal dahil sa Stalinistang kontra-rebolusyon. Laluna ang panlilihis ng kontra-rebolusyonaryong tendensya mula 1930 sa mga manggagawa sa katangian ng kapitalismo ng estado na tinatawag nilang ‘sosyalismo'. Sa huli, naging tagasuporta sila sa pandaigdigang kapitalistang sistema, sinupil at pinagsamantalahan ang pandaigdigang proletaryado gamit ang kumprontasyon sa pagitan ng dalawang bloke.
Dagdag pa, ayon sa kampanya ng burgesya, ang pagbagsak ng Bloke sa Silangan at ng Stalinistang sistema ay "patunay ng tagumpay ng liberalistang kapitalismo", "ang katapusan ng makauring pakikibaka" at maging ang katapusan ng uring manggagawa mismo. Ang naturang kampanya ang nagtulak sa uring manggagawa tungo sa matinding pag-atras sa antas ng kanyang kamulatan at militansya.
Sa panahon ng 1990s hindi ganap na sumuko ang uring manggagawa pero wala itong bigat at kapasidad na tapatan ang mga unyon bilang organisasyon ng pakikibaka sa nagdaang yugto. Pero ang mga pakikibaka sa Pransya at Austria laban sa mga atake sa pensyon ang nagbigay-tulak sa uring manggagawa mula 1989 para simulan muli ang paglaban. Dumami ang mga pakikibaka ng manggagawa sa halos lahat ng mga abanteng bansa: ang pakikibaka sa Boeing at ang welga sa transportasyon sa New York sa USA sa 2005; ang mga pakikibaka sa Daimler at Opel sa 2004, ang pakikibaka ng mga doktor sa tagsibol sa 2006, ang pakikibaka sa Telekom sa 2007 sa Alemanya; ang pakikibaka sa paliparan sa London sa Agosto 2005 sa Britanya at ang Kontra-CPE na pakikibaka sa Pransya sa 2006. Sa hindi abanteng mga bansa, may pakikibaka sa mga manggagawa sa konstruksyon sa panahon ng tagsibol sa Dubai, ng mga manggagawa sa tela sa tagsibol sa 2006 sa Bangladesh, ng mga manggagawa sa tela sa Ehipto sa tagsibol sa 2007.
Sa pagitan ng 2006 at 2008 ang pakikibaka ng pandaigdigang uring manggagawa ay lumalawak sa buong mundo, sa Ehipto, Dubai, Algeria, Venezuela, Peru, Turkey, Greece, Finland, Bulgaria, Hungary, Rusya, Italya, Britanya, Alemanya, Pransya, sa USA, at Tsina. Gaya ng nakita sa huling pakikibaka sa Pransya laban sa reporma sa pensyon, inaasahan na lalupang maging malawak ang opensiba ng uring manggagawa.
Tulad ng pinakita sa itaas, ang pinal na tendensya ng pagbulusok ng pandaigdigang kapitalismo at ang krisis na nagpabigat sa uring manggagawa ay hindi mapigilang mag-udyok ng pakikibaka sa mga manggagawa sa buong mundo, hindi tulad ng ating naranasan sa nakaraan.
Tumatayo tayo ngayon sa alternatiba, mabuhay sa barbarismo hindi bilang tao kundi tulad ng mga hayop o mabuhay na masaya sa kalayaan, pagkapantay-pantay at may dignidad bilang tao.
Ang lalim at lawak ng mga kontradiksyon ng kapitalismo sa Korea ay mas malala kaysa mga tinatawag na abanteng mga bansa. Ang pagdurusa ng mga manggagawang Koreano ay mas mabigat kaysa mga manggagawa sa mga bansa sa Uropa kabilang na ang mga nakamit nilang tagumpay sa nagdaang mga pakikibaka ng uring manggagawa. Ito ay kwestyon ng makataong buhay ng uri, na hindi masukat sa walang lamang pretensyon ng gobyerno ng Korea bilang host ng pulong ng G20, o ng pagpapakita ng kantitatibong datos sa ekonomiya.
Sa kanyang kalikasan ang Kapital ay internasyunal. Ang magkakaibang pambansang kapital ay laging may kompetisyon at nagbangayan pero nagtulungan sila para panatilihin ang kapitalistang sistema, itago ang krisis at atakehin ang mga manggagawa bilang tao. Nakibaka ang mga manggagawa hindi laban sa mga kapitalista kundi laban sa kapitalistang sistema na gumagalaw lamang sa pamamagitan ng pagpalaki ng tubo at walang hanggang kompetisyon.
Sa kasaysayan ang mga Marxista at uring manggagawa, ang panginoon ng kasaysayan, ay laging nagkaisa sa pakikibaka sa pamamagitan ng pagpakita sa kalikasan ng istorikal na mga batas ng lipunan ng tao at ng mga batas ng panlipunang mga sistema, pinakita ang oryentasyon tungo sa mundo ng tunay na buhay ng tao, at pagpuna sa mga hadlang ng hindi makataong mga sistema at batas.
Sa naturang rason bumuo sila ng mga organisasyon tulad ng mga partido at lumahok sa praktikal ng mga pakikibaka. Kahit paano mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig ang naturang praktikal na aktibidad ng mga Marxista ay hindi nakaranas ng restriksyon ng batas. Sa halip ang kanilang kaisipan at praktika ay mataas na pinahalagahan bilang kontribusyon sa pag-unlad ng lipunan ng tao. Ang mga bantog na sulatin ni Marx gaya ng Kapital at Manipesto ng Komunista ay malawak na binabasa gaya ng Bibliya.
Ang kaso ng LSMK ay isang makasaysayang kaso dahil pinakita sa buong mundo gaano kabangis ang lipunan ng Korea sa pamamagitan ng kanyang pagsupil sa kaisipan, at maging mantsa sa kasaysayan ng paghusga sa mga sosyalista sa mundo. Sa hinaharap magkaroon ng mas hayag at pangmasang sosyalistang mga kilusan, lalawak at maging makapangyarihan na uunlad ang mga Marxistang kilusan sa mundo at sa Korea. Maaring makontrol ng hudisyal na makinarya ang organisadong karahasan pero hindi nito maaring supilin ang mga sosyalistang kilusan, ang Marxistang mga kilusan. Dahil habambuhay silang magpatuloy hangga't umiiral ang sangkatauhan at mga manggagawa.
Hindi maaring parusahan ng hudikatura ang mga sosyalistang kilusan at ang kanilang praktika. Sa halip kailangan silang respetuhin at bigyang tiwala. Narito ang aking panghuling mga salita:
Links:
[1] https://english.hani.co.kr/arti/english_edition/e_national/324965.html [26]
[2] https://en.internationalism.org/icconline/2006-north-korea-nuclear-bomb [27]
[3] https://english.hani.co.kr/arti/english_edition/english_editorials/31872... [28]
[4] https://www.youtube.com/watch?v=F025_4hRLlU [29]
[5] https://libcom.org/forums/organise/korean-militants-facing-prison-08012011 [30]
[1] Sila Oh Se-Cheol, Yang Hyo-sik, Yang Jun-seok, at Choi Young-ik ay naharap sa pitong taong pagkabilanggo, habang sila Nam Goong Won, Park Jun-Seon, Jeong Won-Hyung, at Oh Min-Gyu ay naharap sa limang taon. Nakasaad sa Batas ng Pambansang Seguridad ang parusang kamatayan bilang pinakamasahol na parusa laban sa mga akusado.
[2] Tingnan ang artikulo sa Hankyoreh edisyong English [1]
[3] Tingnan sa teksto ng deklarasyon [2].
[4] Tingnan sa Hankyoreh [28] [3].
[5] Bidyu ng pag-atake ng kapulisan sa Youtube [4].
[6] Nais din naming pansinin ng aming mambabasa ang inisyatibang protesta na inilunsad ni Loren Goldner [5]. Habang sang-ayon kami sa pagkabahala ni Loren sa epektibidad ng kampanyang "magsulat ng mail", sang-ayon kami sa kanya na ang "ang pagiging internasyunal ng kasong ito ay maaring magkaroon ng epekto sa pinal na pagbaba ng desisyon sa mga matatag na militante". Ang mga sulat ng protesta ay ipadala kay Huwes Hyung Doo Kim sa address na ito: [email protected] [31] (ang mga mensahe ay kailangang matanggap sa Enero 17 para maipadala nila kay Huwes Kim).
Welga: Epektibong sandata ng uring manggagawa
Ang welga ay epektibong sandata ng proletaryado laban sa pang-aapi at pagsasamantala ng kapitalismo. Hindi ito ‘huling sandata' matapos magamit ang iba pang ‘legal' na porma ng pagkilos.
Mula pa noong 19 siglo hanggang ngayon ang sandatang ito ay nanatiling epektibo para mapaatras ang atake ng kapital sa kabuhayan ng manggagawa. Mula noon hanggang ngayon ang epektibong welga ay yaong hindi sumusunod sa anti-welgang batas ng gobyerno. Ang kaibahan lang ng welga ngayon ay kailangan na itong malawakan at hindi paisa-isa. Ang paisa-isang welga ay angkop lamang sa panahon na sumusulong pa ang sistema pero hindi na sa panahon na nasa permanenteng krisis na ito. Tayo ngayon ay nasa panahon na nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo.
Pero ayon sa PALEA ang welga ay ‘last recourse' ng manggagawa. Hindi lang ang unyon ng PALEA ang may ganitong pananaw kundi halos lahat ng mga unyon kabilang na ang KMU. Bahagi ng pananaw na ‘last recourse' ay ang pagsunod sa proseso ng batas nge stado para makapagwelga.
Kaya naman ang epektibong welga noong Setyembre 27 ay masasabing huli na kaysa ‘premature'.
Ang legalismo at repormismo ng KMU[1] at PALEA[2] sa pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon
Sinabayan ng KMU ang laban ng manggagawa ng PAL ng intra-unyong kompetisyon. Pagkatapos pumutok ang welga ng manggagawa ng PAL noong Setyembre 27 ay sunod-sunod agad ang pampublikong pahayag ng KMU laban sa liderato ng PALEA na kontrolado ng kanyang katunggaling Partido ng Manggagawa (PM).
Malinaw na ang nasa likod ng kritisismo ng KMU, bagamat ilan dito ay balido, ay nakabatay sa sektaryanismo at pansariling interes na maagaw ang liderato ng PALEA. Ang layunin ng KMU ay patalsikin ng mga unyonista ang kanilang kasalukuyang liderato at palitan ng mga lider na membro ng KMU o kaya alyado nila.
Ang mayor na pagkakamali ng PALEA ay ang pangunahing pag-asa nito sa estado at legal na pakikibaka. Ang pahayag ng liderato ng PALEA noong Oktubre 2 ay nanindigan pa rin ito sa legalismo at repormismo:
PAL workers willing to return to ease disruptions
By Nancy C. Carvajal [34], Philip C. Tubeza [35]
Philippine Daily Inquirer [36]
3:21 am | Sunday, October 2nd, 2011
"We will go back to work while waiting for the Supreme Court to rule that outsourcing is illegal," Bong Palad, Palea secretary general, told the Philippine Daily Inquirer. "If the court declares otherwise, then we will abide by the law and comply with the third employee agreement." (amin ang pagdidiin).
...."PAL does not have to choose between saving the jobs of 2,600 Palea members and the remaining 5,000 employees since it is not in danger of bankruptcy," Rivera said.(amin ang pagdidiin).
Walang pag-alinlangang susundin ng PALEA ang desisyon ng Korte Suprema, ang isa sa pinakamatibay na haligi ng estadong kapitalismo sa bansa. Sa ikalawang sipi naman, malinaw na tatangapin pala ng unyon ang outsourcing kung nasa peligro ng pagkalugi ang PAL. Ang mga pahayag na ito ay taliwas sa rebolusyonaryong linya ng uring manggagawa sa buong mundo ngayon hinggil sa krisis ng kapitalismo: HINDI KAMI MAGSAKRIPISYO PARA ISALBA ANG KAPITALISMO MULA SA KANYANG KRISIS!
Ipokrito ang kritisismo ng KMU dahil legalista din ang linya nito.Binanatan nito ang Setyembre 27 welga ng PALEA dahil bulnerable na matanggal sa trabaho ang mga lumahok. Ang ibig sabihin dahil "iligal" ang welga. Giniit ng KMU na dapat sa Oktubre 1 ang welga. Kahit anong araw ilunsad ang epektibong welga tiyak ideklarang iligal ito ng gobyerno. Masahol pa, nais ng KMU na ipaalam muna sa "publiko" (management ng PAL at gobyerno) kung kailan iputok ang welga. Nalantad dito ang pananabotaheng taktika ng KMU sa usaping welga at ang legalista nitong pamamaraan: BAGO MAGWELGA ANG MANGGAGAWA TIYAKIN MUNA NITO NA NAKAHANDA ANG URING KAPITALISTA AT ESTADO!
Tuloy-tuloy at palawakin ang welga laban sa kontraktwalisasyon![3]
Parehong ayaw banggitin at nais itago ng KMU at PALEA na ang epektibong solusyon para malabanan ang kontraktwalisasyon ay suwayin ang anti-welgang mga batas ng estado sa pamamagitan ng panawagan at paghahanda para sa isang malawakang welga na lalahukan hindi lang ng mga manggagawa ng PAL. Ang KMU ay walang interes na maglunsad ng simpatiyang welga bilang suporta sa manggagawa ng PAL, ganun din ang Partido ng Manggagawa at iba pang mga sentrong unyon at pederasyon na nagpahayag ng "suporta" sa laban.
Bakit? Dahil kapwa takot ang KMU at PALEA na labagin ang anti-manggagawang batas ng estado.
Sa pamumuno ng PALEA, isang araw lang nangyari ang welga kung saan epektibong naparalisa nito ang operasyon ng kapitalista. Ang sumunod na mga pagkilos ay simpleng protesta na lang at wala ng epekto sa operasyon ng PAL, maliban sa puntong nasa adjustment stage ang PAL management sa pagpapakilos ng kanyang pumalit na contractual workers na wala pang kasanayan at kaalaman sa operasyon. Pero hindi rin ito magtatagal at maka-adjust din ang kapitalista laluna kung hindi totohanin ng PALEA na magwelga ulit. At pinakamasaklpa pa ay todo tanggi ang PALEA na ang inilunsad nila noong Setyembre 27 ay isang welga dahil takot ito sa kasong iligalidad ng welga.
Ang puna ng KMU sa PALEA ay pangunahing nakabatay na "makasuhan at matanggal ang mga manggagawa at may bagyo."
Kailan ba hindi risgo na makasuhan, mabilanggo, mawalan ng trabaho o mapatay ang mga manggagawang lumalaban sa pagsasamantala at pang-aapi ng uring kapitalista at gobyerno? Kailan ba ang welga hindi "nakakadisturbo" sa isang bahagi ng populasyon? Anong araw ba na hindi ideklara ng gobyerno na iligal ang isang epektibong welga? Ano naman ang kaugnayan ng bagyo sa welga? Dahil ba nakansela ang maraming flights sa panahon ng bagyo? Kahit walang welga kung may malakas na bagyo tiyak kanselado ang mga flights![4]
Ang tunggalian ng uri ay laging risgo para sa uring manggagawa, sa kanyang kabuhayan at buhay mismo dahil ang kalaban nito ay naghaharing uri at gobyerno. Ang epektibong welga ay laging "iligal" at "kriminal" para sa kapitalistang estado.
Dahil sa sektaryanismo at matinding adhikaing maagaw ang liderato ng PALEA ay hindi napansin ng KMU ang nagkabuhol-buhol niyang argumento at nalantad lamang ang kanyang repormismo at legalismo katulad ng kanyang katunggaling Partido ng Mangggwa.
May pag-asa bang manalo ang pakikibaka ng mga manggagawa ng PAL laban sa tanggalan at kontraktwalisasyon?
Sa kasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ang tanging epektibong paraan ng paglaban sa mga atake ng kapital ay malawakang welga na lalahukan ng mas maraming manggagawa sa iba't-ibang pabrika hindi lang sa pambansang saklaw kundi laluna sa pandaigdigang saklaw.
Kung makumbinsi ng mga manggagawa ng PAL ang ibang mga mangggagawa sa ibang mga pabrika na maglunsad ng mga simpatiyang welga laban sa kontraktwalisasyon malaki ang posibilidad na mapaatras nito ang plano ng uring kapitalista at estado. Kung maging isang tunay na pambansang kilusang manggagawa ang pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon na yayanig sa pang-ekonomiya at pampulitikang pundasyon ng sistema malaki ang tsansang mag-alinlangan ang gobyerno at PAL management na tanggalin ang 2,600 regular na manggagawa at magkaroon ng postibong epekto sa pakikibaka laban sa polisiyang kontraktwalisasyon.
Sa kasalukuyan ay walang pinakitang interes ang liderato ng mga unyon na nagpahayag ng "suporta" sa laban ng mga manggagawa ng PAL, ito man ay hawak ng TUCP, KMU, PM, BMP o APL na maglunsad ng malawakang welga at suwayin ang anti-manggagawang batas ng gobyerno[5]. Kailangang hawakan mismo ng mga manggagawa ng PAL ang pagpapasya para maabot at makumbinsi ang ibang mga manggagawa at hindi aasa sa atas mula sa kanilang mga legalista at repormistang lider ng unyon.[6]
Kung walang mga simpatiyang welga, mangibabaw ang materyal na mga kondisyon ng repormismo at legalismo, na posibleng hahantong sa demoralisasyon at kabiguan.
Ang usapin ng "iligalidad" ng welga ay epektibong mahadlangan ng malawakang welga. May karanasan ang manggagawang Pilipino sa mga "iligal" pero malawakang welga noong panahon ng batas militar ng diktadurang Marcos. Mula din 2006 ay laganap ang mga "iligal" at malawakang welga sa iba't-ibang panig ng mundo laluna sa Spain, Greece, UK, France, at Middle East partikular sa Egypt.
Kailangan lamang muling balikan ng manggagawang Pilipino ang magiting na kasaysayan ng pakikibaka ng internasyunal na uring manggagawa para manumbalik ang tiwala at kumpyansa nito sa sariling pagkakaisa at lakas. Sa pagbabalik-aral sa karanasan ng uri mahalagang porma ng organisasyon ang mga asembliya at demokratikong talakayan na lalahukan ng mas maraming manggagawa kung saan sila mismo ang magpapatakbo.
Manggagawa ng buong mundo, magkaisa!
M3, Oktubre 4, 2011
[1] Kilusang Mayo Uno
[2] Philippine Airlines Employess Association
[3] Maari din ang kombinasyon ng mga pormang okupasyon na laganap ngayon sa buong mundo. Doon mismo sa mga piketline idaos ang mga okupasyon na lalahukan ng iba't-ibang naghihirap na sektor ng lipunan, at higit sa lahat gawin ang okupasyon bilang arena ng mga diskusyon at talakayan. Sa ganitong paraan inisyal na malagyan ng proletaryong tatak ang okupasyon at hindi maging simpleng multi-sektoral na repormistang pagtitipon.
[4]" KMU said PAL workers are in a better position to hold a strike today than they were last September 27, when they launched protest actions that paralyzed the flag carrier's operations."
...""The result: workers were denied a better position for holding a strike against the massive layoff and PAL's contractualization via outsourcing scheme. Workers who joined the protests were made vulnerable to retrenchment, non-payment of retirement benefits, and criminal charges - thereby spreading fear among other workers," he added."
...""To make matters worse, the Palea leadership decided to hold the protest without prior notice to the public and amidst a raging typhoon, thereby alienating the public whose support is crucial to the fight's success," Ustarez said."
(https://kilusangmayouno.org/news/2011/10/no-strike-amidst-illegal-lockou... [37])
[5] Kung sakaling mangyari ang simpatiyang welga sa pamumuno ng mga unyon mas malamang sa antas pamrpopaganda lamang ito - isang araw lang - gaya ng nakasanayan na na taktika ng kaliwa na "national day of protest". Sa pamumuno ng unyon titiyakin nito na hindi masyadong mayanig ang ekonomiya ng kapitalismo dahil dito rin nakasasalay ang buhay ng unyonismo.
[6] Sa karanasan ng mga kapatid na manggagawa sa Poland 1980-81 at Miners' strike sa Britanya noong kalagitnaan ng 1980s, nagkaroon ng mga delegasyon at flying pickets ang mga welgista upang puntahan at hikayatin ang ang ibang mga manggagawa sa ibang mga pabrika. Maaring magbuo din ng teams ang mga manggagawa ng PAL at sila mismo ang direktang mangumbinsi sa ibang mga manggagawa na dumaranas ng hirap ng kontraktwalisasyon.
Sa unang tingin, tila lahat paborable para sa pagsabog ng galit ng uring manggagawa. Malinaw na may krisis at walang makaligtas dito. Maliit na bahagi lamang ng populasyon ang naniwalang matatapos ito sa kabila ng araw-araw na panggigiit sa kabaliktaran. Ang buong planeta ay tila nasa napakahirap na sitwasyon: mga digmaan, barbarismo, gutom, epidemiya, pagkasira ng kalikasan at kalusugan sa ngalan ng tubo.
Sa lahat ng ito na nasa ating harapan, mahirap isipin na hindi natin maramdaman ang galit ang pag-alsa. Mahirap isipin na maniwala pa rin sa magandang bukas sa ilalim ng kapitalismo. Pero hindi pa rin ganap na tinahak ng masa ang landas ng pakikibaka. Masasabi ba natin na tapos na ang laban, na napakalakas ng krisis, na hindi na talaga mapangibabawan ang demoralisasyon na dulot nito?
Hindi maipagkaila na ang uring manggagawa ngayon ay nakaranas ng mga mayor na kahirapan. Mayroong apat na dahilan nito.
Ang una, at pinaka-krusyal, ay ang proletaryado ay hindi mulat sa kanyang sarili, na nawala ang kanyang ‘makauring identidad’. Matapos bumagsak ang Berlin Wall, nakitaan ang 1990s ng malawakang kampanyang propaganda na kumbinsihin tayo na nasaksihan natin ang istorikong kabiguan ng komunismo. Ang pinakamaingay – at pinaka-istupidong –mga komentarista ay nag-anunsyo pa na ‘ang kataposan ng kasaysayan’, at ang ganap na tagumpay ng kapayapaan at demokrasya. Sa pamamagitan ng paghalo ng komunismo at ang nabulok na Stalinistang barbarismo, inunahan na ng naghaharing uri na siraan ang anumang perspektiba na naglalayong ibagsak ang kapitalistang sistema. Hindi pa nakontento na burahin ang anumang posibilidad ng rebolusyonaryong pagbabago, inilarawan nito ang anumang klase ng pakikibaka ng uring manggagawa na isang ‘memoryang kultural’, tulad ng dinosaur fossils o cave-paintings sa Lascaux.
Higit sa lahat, paulit-ulit na giniit ng burgesya na ang uring manggagawa sa kanyang klasikal na porma ay naglaho na mula sa panlipunan at pampulitikang entablado[1]. Ang mga sosyolohista, manunulat, politiko at mayayabang na pilosopo ay naghasik ng ideya na naglaho na ang mga uri sa lipunan, naglaho sa walang anyong magma ng ‘panggitnang pwersa’. Laging nangarap ang burgesya ng isang lipunan kung saan ang proletaryado ay titingnan ang sarili bilang ‘mamamayan’, nahati sa mga serye ng mga sosyo-propesyunal na kategoriya – white collar, blue collar, may trabaho, kontraktwal, walang trabaho, etc – lahat ay pinaghiwalay sa iba’t-ibang interes na mailabas lamang ang pampulitikang kahilingan sa pamamagitan ng pagboto sa halalan. At totoo na ang ingay hinggil sa paglaho ng uring manggagawa, na walang humpay na itinambol mula sa mga libro, pahayagan, TV at internet, ay nagsilbi upang pigilan ang maraming manggagawa na makita ang sarili na kabilang sa uring manggagawa, laluna bilang isang independyenteng panlipunang pwersa.
Ikalawa, ang pagkawala ng makauring identidad ay lalong nagpapahirap sa proletaryado na pagtibayin ang kanyang sariling pakikibaka at ang kanyang istorikal na perspektiba. Sa konteksto na ang burgesya mismo ay walang perspektiba na maibigay maliban sa paghihigpit-sinturon, bawat tao para sa kanyang sarili at pag-aagawan na makaligtas, sinamantala ng naghaharing uri ang kakulangan ng makauring kamulatan sa pamamagitan ng manipulasyon na magbangayan ang pinagsamantalahan sa isa’t-isa, hatiin sila at hadlangan ang anumang nagkakaisang tugon, sa pamamagitan ng pagtulak sa kanila sa kawalang pag-asa.
Ikatlong salik, bilang resulta ng naunang dalawang salik, ang brutalidad ng krisis ay pumaparalisa ng maraming manggagawa, na takot mahulog sa absolutong kahirapan, takot na hindi nila mapakain ang kanilang pamilya at manirahan na lang sa lansangan, nag-iisa at lantad sa panunupil. Kahit ang ilan sa kanila, na nasandal na sa pader, ay natulak na hayagang ipakita ang kanilang galit, tulad ng mga ‘Indignados’ sa Espanya, hindi pa rin nila nakita ang mga sarili bilang isang uri na nakibaka. Sa kabila ng relatibong malawak at malaki na katangian ng mga kilusang ito, nilimitahan nito ang kanilang kapasidad na labanan ang mga mistipikasyon at bitag na nilikha ng naghaharing uri, para matutunan ang mga karanasan ng kasaysayan, para umatras at malalim na halawin ang mga aral.
May pang-apat pa na importanteng rason na nagpaliwanag sa kasalukuyang kahirapan ng uring manggagawa para isulong ang kanyang pakikibaka laban sa sistema: ang buong arsenal ng pagkontrol ng burgesya, ito man ang hayagang panunupil, tulad ng pulisya, o ang mas mapanlinlang at mas epektibo tulad ng mga unyon. Sa huling punto sa partikular, hindi pa rin napangibabawan ang takot na makibaka labas sa kontrol ng mga unyon, sa kabila na bumaba na ang bilang ng mga manggagawa na may malalim na ilusyon sa kapasidad ng mga unyon na ipagtanggol ang kanilang interes. At itong pisikal na kontrol ay pinalakas ng ideolohikal na kontrol kung saan bihasa ang mga unyon, media, intelektwal, maka-kaliwang partido, atbp.
Ang susi ng ‘pagkontrol sa kaisipan’ ay walang duda ang ideolohiya ng demokrasya. Bawat signipikanteng kaganapan ay sinamantala para ipagyabang ang mga benepisyo. Pinakita ang demokrasya bilang balangkas kung saan yayabong ang kalayaan, lahat ng opinyon ay maipahayag, at ang kapangyarihan ay pinalakas ng sambayanan; kung saan bawat isa may inisyatiba, may karapatan sa kaalaman at kultura. Sa realidad, tanging maibigay lamang ng demokrasya ay pambansang balangkas para palaguin ang kapangyarihan ng mga elitista, ang kapangyarihan ng burgesya. Lahat ng iba pa ay ilusyon, ang ilusyon na sa pamamagitan ng pagboto ay may kapangyarihan ka, na ang boses ng populasyon ay maipahayag sa pamamagitan ng pagboto ng kanilang mga ‘kinatawan’ sa parliyamento. Huwag nating maliitin ang bigat ng ideolohiyang ito, tulad ng pagkagimbal na bunga ng pagbagsak ng mga Stalinistang rehimen sa huling bahagi ng 80s, na nagpalakas sa impluwensya ng demokrasya.
Idagdag din natin ang impluwensya ng relihiyon sa ideolohikal na arsenal. Hindi ito bago, dahil kasama ito ng sangkatauhan mula sa kanyang unang pagtatangka na magkaroon ng halaga ang kanyang paligid sa kanya, at matagal ito ginamit para bigyang katuwiran ang lahat ng tipo ng hirarkikal na kapangyarihan. Pero ang kaibahan ngayon ay ang papel nito para ilihis ang kaisipan ng isang bahagi ng uring manggagawa na naharap sa pangangailangan na maunawaan ang kapitalistang sistema na nasa yugto ng pagbagsak, sa partikular sa pagpaliwanag ng ‘pagbulusok-pababa’ ng kasalukuyang sistema sa pamamagitan ng pagpapakita ano na ang inilayo mula sa mga tradisyon na pinaliwanag ng relihiyon libong taon na ang nakaraan, laluna ang monotiyestikong mga relihiyon. Ang lakas ng relihiyosong ideolohiya ay pinawi nito ang labis na komplikasyon ng sitwasyon. Naghapag ito ng simpleng mga sagot, madaling sundin na mga solusyon. Sa kanyang pundamentalistang porma, kinumbinsi lamang nito ang minoriya ng proletaryado, pero sa pangkalahatan kumain ito tulad ng mga parasitiko sa repleksyon ng uri.
Ang larawan na aming ipininta ay tila puno ng desperasyon: katunggali ang burgesya na alam gamitin ang kanyang mga ideolohikal na sandata, kasama ang sistema na nagbabantang itulak ang populasyon sa labis na kahirapan, kung saan hindi pa ito malalim sa loob, may puwang pa ba ng positibong pag-iisip, ng pag-asa? May panlipunang pwersa ba talaga na may kakayahan na baguhin ang lipunan? Masagot namin ang tanong na ito na walang pag-aalinlangan: oo! Isang daang beses na oo!
Hindi usapin ng bulag na tiwala sa uring manggagawa, isang semi-relihiyosong paniniwala sa mga sulatin ni Karl Marx, o desperadong pagsugal sa rebolusyon. Ito ay usapin ng pagtanaw mula sa malayo, kalmadong suriin ang sitwasyon at lagpasan ang kagyat, subukang unawain ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang mga pakikibaka ng uri at aralin ng malalim ang istorikong papel ng proletaryado.
Sa aming pahayagan nanindigan na kami na mula 2003 ang uring manggagawa ay nasa positibong pagkilos kumpara sa pag-atras na naranasan matapos bumagsak ang bloke ng silangan. Ang pagsusuring ito ay nakabatay sa maraming signipikanteng mga pakikibaka, pero lahat ng ito ay nagpakita na ang uring manggagawa ay patungo sa pagdiskubre ng kanyang istorikal na kasiglahan, tulad ng pagkakaisa, kolektibong diskusyon, o sa simple masiglang pagtugon sa kahirapan.
Nakita natin na gumagalaw sa pakikibaka ang mga elementong ito tulad ng laban sa ‘reporma’ sa pensyon sa Pransya 2003 at 2010, sa pakikibaka laban sa CPE, muli sa Pransya, sa 2006, kundi maging sa Britanya (wildcats sa Heathrow, the Lindsey refineries) kahit di masyado malawak, sa Amerika (New York subway), Espanya (steelworkers of Vigo), sa Ehipto, Dubai, China, etc. ang Indignados at kilusang Occupy sa partikular ay sumasalamin sa mas pangkalahatan at ambisyoso kaysa mga pakikibaka sa pabrika. Ano ang nakita natin sa kilusang Indignados? Mga manggagawa mula sa iba’t-ibang lugar, walang trabaho, part-time, full-time, nagtipon para sa kolektibong karanasan at para mas maunawaan kung ano ang nakataya sa kasalukuyang yugto. Nakita natin ang mga tao na muling nanumbalik ang kasiglahan dahil sa malayang talakayan sa isa’t-isa. Nakita natin ang mga tao na nag-uusap ng alternatibong mga karanasan at kinikilala ang kanilang mga tagumpay at limitasyon. Nakita natin ang mga tao na tumangging maging biktima ng krisis na hindi sila ang dahilan at tumangging sila ang magdusa. Nakita natin ang mga tao na nagtipon sa ispontanyong mga asembliya, lumikha ng mga porma bilang ekspresyon pabor sa repleksyon at tagisan ng mga ideya, at nilimitahan ang mga nagnanais na guluhin o i-sabotahe ang debate. Sa huli at higit sa lahat, ang kilusang Indignados ay nagluwal ng internasyunalistang sentimyento, isang pag-unawa na kahit saan sa mundo naharap tayo sa parehong krisis at ang ating pakikibaka ay walang pambansang hangganan.
Klaro na hindi natin narinig ang lantarang pag-uusap hinggil sa komunismo, proletaryong rebolusyon, uring manggagawa at burgesya, digmaang sibil, etc. Pero ang pinakita ng mga kilusang ito ay higit sa lahat ay ang nakakamanghang pagkamalikhain ng uring manggagawa, ang kanyang kapasidad na organisahin ang sarili, na nagmula sa kanyang kalikasan bilang independyentent panlipunang pwersa. Ang mulat na muling pag-angkin ng mga katangiang ito ay malayo pa at liku-liko ang daan, pero hindi maipagkaila na gumagalaw na ito. Hindi maiwasan na dadaan ito sa proseso ng decantation, paghina, parsyal na demoralisasyon. Pero sisindihan nito ang kaisipan ng mga minoriya na nasa unahan ng pakikibaka ng uring manggagawa sa pandaigdigang saklaw, at kung saan ang pag-unlad ay nakikita at nasusukat sa nagdaang ilang taon.
Panghuli, sa kabila na napakarami ang mga kahirapang naranasan ng uring manggagawa, wala sa sitwasyon ang papayag sa kongklusyon na tapos na ang laban, na wala ng lakas ang uring manggagawa para sa malawakan at tungo sa rebolusyonaryong pakikibaka. Kabaliktaran, dumarami ang buhay na ekspresyon, at sa pag-aaral kung ano talaga sila, hindi sa panlabas na ang makikita lamang ay ang pagiging mabuway, kundi sa ilalim, kaya ang potensyalidad, ang kinabukasan na masisilip ay mapanghawakan. Sa kabila ng kanilang ispontanyo, kalat-kalat, minoriyang katangian, hindi natin kalimutan na ang pangunahing mga katangian ng isang rebolusyonaryo ay pasensya at tiwala sa uring manggagawa[2]. Ang pasensyang ito at tiwala ay nakabatay sa unawa kung ano ang uring manggagawa, sa istorikal: ang unang uri na pareho pinagsamantlahan at rebolusyonaryo, at may misyon na palayain ang buong sangkatauhan mula sa kadena ng pagsasamntala. Ito ay materyalista, istorikal, pangmatagalang bisyon. Dahil sa bisyong ito nagawa naming sumulat, sa 2003 kung saan sinuma namin para sa ika-15 na internasyunal na kongreso:
“Tulad ng sabi nila Marx at Engels, ‘hindi ito usapin kung ano ang isang proletaryado, o kahit ang proletaryado sa kabuuan sa kasalukuyan, kundi ang pagkilala kung ano ang proletaryado at kung ano ang kanyang istorikal na misyon, batay sa kanyang kakanyahan’. Ang ganitong pananaw ay nagpakita na, naharap sa mga hambalos ng kapitalistang krisis, na magluwal ng mas mabangis na mga atake sa uring manggagawa, ang huli ay maobligang tumugon at paunlarin ang kanyang pakikibaka”. https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm [38]
GD, 25.10.12
[1] Hindi ibig sabihin na walang materyal na pagbabago sa hugis ng uring manggagawa sa nagdaang ilang dekada, higit sa lahat sa pamamagitan ng de-industriyalisasyon at sa relokasyon ng tradisyunal na mga industriya tungo sa ‘paligid’ ng abanteng kapitalistang sistema, o ang mga pagbabagong ito ay hindi idinagdag sa kahirapan ng uring manggagawa para panatilihin ang kanyang makauring identidad. Babalikan namin ito sa ibang artikulo.
[2] Tila dinagdagan pa ni Lenin ng pagpapatawa!
Bakit ganito ang pamagat nito sa ngayon? Di ba ito’y parang wala sa panahon? Nandito na tayo sa ika 21 siglo. Di ba’t ang mga karapatan ng kababaihan, ang pagkapantay-pantay ng kababaihan, ay kinikilala na sa napakaraming mga kombensiyon at sa mga pormal na deklarasyon sa buong mundo?
Sa realidad, ang usapin ng pagdurusa ng babae sa lipunan na sa kasalukuyan ay nananatili at pangunahing patriyarkal, ay patuloy pa ring pinakamahalaga1. Sa buong mundo, ang karahasan sa loob ng tahanan, pagpilas ng ari bilang ritwal, at ang reaksyonaryo’t lipas sa panahong mga ideolihiya tulad ng pundamentalismong relihiyon, ay patuloy na naghahari at umuunlad pa.2
Ang tinatagurian ng mga sosyalista ng ika-19 na siglo na “ang usaping babae” ay nananatiling nakahapag sa kasalukuyan: paano lilikha ng lipunan kung saan ang kababaihan ay hindi na magdusa sa ganitong partikular na pang-aapi? At ano ang dapat na aktitud ng mga komunistang rebolusyonaryo hinggil sa mga “pakikibaka ng kababaihan”?
Isang bagay ang dapat nating sabihin sa panimula: ang kapitalistang lipunan ay naglatag ng pundasyon para sa pinaka-radikal na pagbabagong nasaksihan ng lipunan ng tao. Ang lahat ng mga nakaraang lipunan, na walang liban, ay nakabatay sa sekswal na hatian ng paggawa. Anuman ang kanilang makauring katangian, at kahit pa ang kalagayan ng kababaihan dito ay mas o hindi inaayunan, hindi maipagkaila na may mga gawaing tanging nakalaan lamang sa kalalakihan at ang iba’y sa kababaihan. Ang mga gawain ng kalalakihan at kababaihan ay maaaring nagbago-bago mula sa isang lipunan patungo sa iba, subali’t ang katotohanan ng ganitong hatian ay unibersal. Hindi natin maaaring pag-aralan ng malaliman dito kung bakit ito’y naging ganito: tama na ang sabihing ang hatian ay maaaring nag-umpisa sa pagsibol ng sangkatauhan at ito’y nagmula sa mga limitasyon ng pagsisilang ng kabataan. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang kapitalismo ay tila pinapawi ang ganitong hatian. Sa umpisa pa lamang ay tina-transporma na ng kapitalismo ang paggawa tungo sa abstraktong paggawa. Kung noo’y mayroong kongkretong paggawa ng magsasaka o ng artisano, na niregularisa ng mga guild o ng kinaugaliang batas, ngayo’y wala nang iba pa kundi lakas-paggawa na sinusukat kada oras o kada piraso at di na mahalaga kung sino ang aktwal na gumagampan ng trabaho. Dahil ang mga kababaihan ay binabayaran ng mababa, pinapalitan nila ang paggawa ng kalalakihan sa mga pabrika – ito ang nangyayari, halimbawa, sa mga manghahabi ng ika-18 siglo. Nang umunlad ang makinarya, ang trabaho ay nangangailangan na ng kaunti at papaunting pisikal na lakas dahil ang lakas-paggawa ng tao ay pinapalitan na ng mas malawak na lakas ng makina. Sa kasalukuyan, ang bilang ng mga trabaho na nangangailangan pa rin ng pisikal na lakas ng lalaki ay sukdulan nang napakalimitado at parami ng paraming kababaihan ang pumapasok na sa mga larangang dati’y nakalaan lamang sa kalalakihan. Ang mga makaluma at di matuwid na mga opinyon tungkol sa pagiging “irasyunal” ng kababaihan ay kusa nang naglalaho at parami ng paraming kababaihan ay matatagpuan na sa mga siyentipiko at medikal na propesyon na noo’y pinaniwalaang angkop lamang sa mga dapat sana’y mas “rasyunal” na kalalakihan.
Ang malawakang pagpasok ng kababaihan sa mundo ng pinagsama-samang paggawa3 ay may dalawang potensyal na rebolusyonaryong ibubunga:
– Ang una, ay sa pamamagitan ng pagpawi ng sekswal na hatian ng paggawa ay binuksan ng kapitalismo ang daan tungo sa isang mundo kung saan ang kalalakihan at kababaihan ay hindi na nalilimita sa mga itinakdang pangsekswal na gawain bagkus ay makakaya na nilang ipapatupad ang kanilang mga talento bilang ganap na mga tao. At bunga rin nito’y nabuksan ang posibilidad ng pagtatayo ng mga relasyon sa pagitan ng mga kasarian sa isang ganap na makabagong batayan.
– Ang pangalawa, na ang kababaihan ay nagkaroon ng pang-ekonomiyang kalayaan. Ang isang babae na sahurang manggagawa ay hindi na umaasa sa kanyang asawa upang mabuhay, at sa kauna-unahang pagkakataon ay nagbubukas ng posibilidad para sa maramihang manggagawang kababaihan na lumahok sa pampubliko’t pampulitikang buhay.
Sa ilalim ng kapitalismo, sa pagpasok ng ika-19 at ika-20 siglo, ang kahilingang lumahok sa pampublikong buhay ay hindi lang nalilimita sa kababaihang manggagawa. Ang kababaihan ng mga pang-itaas at panggitnang uri ay naghapag din ng mga kahilingan para sa pantay na mga karapatan at karapatang bomoto sa partikular. Ito’y nagdulot ng problema sa kilusang manggagawa sa aktitud na dapat panghawakan hinggil sa mga kilusang peminista. Habang ang kilusang manggagawa ay laban sa lahat ng mga pang-aapi sa kababaihan, ang mga kilusang peminista – dahil inihapag nila ang usapin mula sa paninindigan ng kasarian at hindi ng uri – ay itinanggi ang pangangailangan ng rebolusyonaryong pagpapabagsak sa umiiral na kaayusan ng isang panlipunang uri na kinabibilangan ng kalalakihan at kababaihan: ang proletaryo. Bagama’t may ilan nang mga pagbabago, ito pa rin ang katanungang inihapag sa kasalukuyan: anong aktitud ang dapat panghawakan ng mga rebolusyonaryo hinggil sa kilusang mapagpalaya ng kababaihan?
Sa isang artikulo hinggil sa pakikibaka para sa karapatang bumoto ng kababaihan na inilathala noong 1912, ang rebolusyonaryong si Rosa Luxemburg ay gumawa ng isang malinaw na kaibahan sa pagitan ng kababaihan ng naghaharing uri at ng kababaihang proletaryo: “Karamihan ng mga burgis na kababaihan na umaastang parang mga babaing leon sa pakikipagtunggali laban sa ‘tanging karapatan ng kalalakihan’ ay magpapaso na parang maamong tupa sa kampo ng konserbatibo’t klerikal na reaksyon kung magkakaroon na sila ng karapatang bumoto (…) Sa usaping pang-ekonomiya’t panlipunan, ang kababaihan ng mga mapagsamantalang uri ay hindi isang nagsasariling bahagi ng populasyon.. Ang kanilang tanging panlipunang tungkulin ay ang maging mga kasangkapan sa natural na pagpapalahi ng mga naghaharing uri. Kung ihahambing, ang kababaihan ng proletaryo ay malaya sa usaping pang-ekonomiya. Sila ay produktibo para sa lipunan tulad ng kalalakihan”.4 Si Luxemburg samakatuwid ay gumawa ng malinaw na kaibahan sa pagitan ng pakikibaka ng kababaihan ng uring manggagawa para sa boto at ng burgis na kababaihan hinggil dito. Dagdag pa niyang iginiit na ang pakikibaka para sa mga karapatan ng kababaihan ay isang mahalagang usapin para sa buong uring manggagawa: “Ang karapatang bumoto ng kababaihan ay ang tunguhin. Subali’t ang kilusang masa na magsasakatuparan nito ay hindi gawain ng kababaihan lamang, kundi isang panlahatan na makauring tungkulin ng kababaihan at kalalakihan ng proletaryo.”
Ang pagtutol sa burgis na peminismo ay malinaw din para sa Bolshevik na si Alexandra Kollontai na noong 1908 ay naglathala ng Ang panlipunang batayan ng usaping babae: “ang likas na ugaling makauri – anuman ang sasabihin ng mga peminista – ay palagiang nagpapakita sa sarili nito na mas makapangyarihan kaysa mga dakilang pagkasigasig ng ‘higit sa uri’ na politika. Habang ang burgis na kababaihan at ang kanilang mga ‘nakakabatang kapatid’ ay pantay sa kanilang di pagkakapantay, ang una ay maaaring gumawa, ng may lubos na katapatan, ng mga dakilang pagpupunyagi upang ipagtanggol ang pangkalahatang interes ng kababaihan. Subali’t kapag ang balakid ay naibagsak na at ang burgis na kababaihan ay nakakatanggap na ng karapatan sa pampulitikang pagkilos, ang kasalukuyang mga tagapagtanggol ng mga ‘karapatan para sa kababaihan’ ay magiging masigasig na mga tagapagtanggol ng mga pribilehiyo ng kanilang uri (…) Kaya, kung ang mga peminista ay makipag-usap sa manggagawang kababaihan hinggil sa pangangailangan ng panlahatang pakikibaka para isakatuparan ang ilang ‘kabuuang prinsipyong pangkababaihan’, ang kababaihan ng uring manggagawa ay likas na di nagtitiwala.”5
Pinapakita ng Unang Digmaang Pandaigdig na ang di pagtitiwalang ito na isinalarawan nina Luxemburg at Kollontai ay ganap na nabigyang katuwiran. Nang pumutok ang digmaan, ang kilusang “suffragette” (kilusan para sa karapatang bumoto ng kababaihan) sa Britanya ay nabiyak sa dalawa: sa isang banda ay ang mga peministang pinamunuan ni Emmeline Pankhurst at ng kanyang anak na babaing si Christabel na nagbigay ng kanilang buong pusong suporta sa digmaan at sa gobyerno; at sa kabilang banda ay sina Sylvia Pankhurst sa Britanya at kanyang kapatid na babaing si Adeline sa Australia, na kumalas mula sa kilusang peminista upang ipagtanggol ang internasyunalistang paninindigan. Sa kasagsagan ng digmaan, unti-unting inabandona ni Sylvia Pankhurst ang anumang pumapatungkol sa peminismo: ang kanyang “Women’s Suffrage Federation” ay nagiging “Workers’ Suffrage Federation” noong 1916 at noong 1917 ang kanyang pahayagang Women’s Dreadnought ay pinalitan ang pangalan at naging Workers’ Dreadnought.6
Tanggap nina Luxemburg at Kollontai na ang mga pakikibaka ng mga peminista at ng mga kababaihang manggagawa ay maaaring pana-panahon ay magkaisa sa isang panlahatang batayan, subali’t hindi maaaring lusawin ng manggagawang kababaihan ang kanilang pakikibaka sa kilusang peminista sa ganap na batayan lamang ng “karapatan ng kababaihan”. Ang mga rebolusyonaryo kung gayon ay kailangang taglayin ang katulad na aktitud sa kasalukuyan, subali’t inaayon sa kalagayan mismo ng ating panahon.
Nais naming magtapos sa ilang mga pagtingin hinggil sa “pagkakapantay” bilang kahilingan ng kababaihan. Dahil tinatrato ng kapitalismo ang lakas-paggawa na isang abstraktong pamamahala ng akawnts, ang pananaw nito ng pagkakapantay ay isa ring abstraktong pamamahala ng akawnts: “pantay na karapatan”. Subali’t dahil ang bawat tao ay iba, ang pagkakapantay sa batas ay dagliang naging di pagkakapantay sa realidad,7 at ito ang dahilan kung bakit simula pa noon si Marx at ang mga komunista ay di humihiling ng “panlipunang pagkakapantay”. Sa halip, ang islogan ng komunistang lipunan ay: “Mula sa bawat isa ayon sa kanyang kakayahan, para sa bawat isa ayon sa kanyang pangangailangan”. At ang kababaihan ay may isang pangangailangan na wala ang kalalakihan: ang magsilang ng kabataan.
Ang bawat babae ay kailangang magkaroon ng pagkakataong isilang ang kanyang mga anak sa mundo at aalagaan sila sa unang mga taon ng kanilang buhay, na hindi nasasagkaan maging ang kanyang kalayaan o ang kanyang lubusang pagsali sa bawat aspeto ng panlipunang buhay. Ito ay isang pangangailangan, isang pisikal na pangangailangan na kailangang suportahan ng lipunan; ito ay isang kakayahan ng kababaihan na ang ekspresyon nito’y nangangailangan ng pagtataguyod dahil nakasalalay dito mismo ang kinabukasan ng lipunan.8 Madali kung gayon na makita na ang tunay na lipunan ng tao, ang lipunang komunista, ay hindi magtangkang ipataw ang abstraktong “pagkakapantay” sa kababaihan, na nagiging di pagkakapantay sa realidad. Sa halip ay pagsisikapan nitong isanib ang partikular na kapasidad na ito ng kababaihan sa panlipunang aktibidad sa kabuuan, at sabay nito ay habang kinukumpleto ang proseso na hindi na kailanman maiangat pa ng kapitalismo liban sa pagbubukas dito, at pawiin sa kauna-unahang pagkakataon ng kasaysayan ang sekswal na hatian ng paggawa.
Jens
1 Ayon sa isang pambansang pagsusuri sa Pransiya hinggil sa karahasan sa kababaihan na nailathala noong taong 2000, “noong 1999, mahigit 1.5 milyones na kababaihan ay nahaharap sa kalagayan ng berbal, pisikal, o sekswal na karahasan. Noong 1999 may isang babae sa bawat 20 ang nakaranas ng pisikal na agresyon, mula sa pananapak hanggang sa tangkang pagpatay, (habang) 1.2% ay biktima ng sekswal na agresyon, mula pangmomolestiya hanggang panghahalay. Ang datos na ito ay tumaas ng 2.2% sa grupo ng may edad na 20-24” (cf. http ://www.sosfemmes.com/violences/violences_chiffres.htm [39])
2 Isang halimbawa lang, ayon sa isang artikulong inilathala noong 2008 ng human rights watch, ang USA ay nakikitaan ng nakakabahalang pagdami ng karahasan laban sa kababaihan sa nakaraang dalawang taon. Tingnan (cf. http ://www.hrw.org/news/2008/12/18/us-soaring-rates-rape-and-violence-against-w... [40])
3 Di maipagkaila na ang kababaihan ay palagiang nagtatrabaho. Subali’t sa mga makauring lipunan bago ang kapitalismo, ang kanilang paggawa ay pangunahing nananatili sa pribado at pangbahay.
5 https://www.marxists.org/archive/kollonta/1909/social-basis.htm [42] [1]. Ang “nakakabatang kapatid” ay ang nagpakababang termino na ginagamit ng mga peminista na tumutukoy sa kababaihan ng uring manggagawa.
6 Ang pangalang ito’y tumutukoy sa isang tipo ng barkong pandigma ng Britanya
7 “Ang karapatan, ayon sa kanyang kalikasan, ay nabubuo lamang sa pagpapatupad ng pantay na panuntunan; subali’t ang mga di pantay na indibidwal (at di sila magiging mga makakaibang indibidwal kung hindi sila di-pantay) ay masusukat lamang sa pamamagitan ng pantay na panuntunan basta’t sila’y inilagay sa ilalim ng isang pantay na pananaw, at kinuha mula sa isang takdang panig lamang – halimbawa, sa kasalukuyang kaso, ay kinikilala lamang bilang mga manggagawa at wala nang iba pang nakita sa kanila, maliban dito, ang lahat ay binale-wala” (Marx, Critique of the Gotha programme).
8 Malinaw na nagsasalita tayo dito ng pangkalahatan. Di lahat ng babae ay naramdaman ang ganitong pangangailangan sa magkaparehong antas, o kaya’y wala nito.
Nitong Disyembre 18, 2011 muling kumitil ng mahigit 2,000 buhay at sumira ng daang milyong pisong ari-arian ang isang bagyo, ang bagyong Sendong. Matinding tinamaan ang mga syudad ng Cagayan de Oro at Iligan sa isla ng Mindanao. Hindi masukat ang paghihinagpis ng mga namatayan at nawalan ng bahay at ari-arian lalupa’t malapit na ang Pasko at Bagong Taon. Para sa mga biktima at kaanak ng trahedya, napakalungkot ang Pasko at Bagong Taon nila.[1]
Nakikita at naramdaman din ang pagdalamhati at suporta ng mga mamamayan na hindi direktang naapektuhan ng bagyo sa sinapit ng mga biktima. Bumuhos ang mga materyal, pinansyal at moral na suporta mula mismo sa mga kapwa manggagawa at mahihirap.[2]
Luhang-buwaya naman ang pinakita ng mga nasa naghaharing uri laluna ang rehimeng Aquino at mga politiko. ‘Nakikidalamhati’ sila gayong sila mismo at ang sistemang pinaglilingkuran nila ang dahilan kung bakit nangyari ang kriminal na trahedya.[3]
Sinisisi ng naghaharing uri at estado ang mahihirap
Habang ‘nakikidalamhati’, indirektang sinisisi naman ng gobyerno ang mga biktima dahil ‘hindi nakinig sa mga babala’ at ‘patuloy na nanirahan sa delikadong mga lugar’. Ayon kay NDRRMC Executive Director Benito Ramos, “Maraming mga iligal na nanirahan. Sana hindi pinahintulutan ng pamahalaang-lungsod na magtayo sila ng mga bahay sa tabi ng sapa”. Sinabi pa ni Ramos na marami sa mga biktima ay hindi nakinig sa babala ng PAG-ASA hinggil sa bagyo. Subalit kay Ramos na rin galing ang pahayag ng pagiging inutil ng gobyerno: “Hindi ito inaasahan ng taumbayan at ng gobyerno mismo, na magkaroon tayo ng 181 millimeters na ulan. Hindi ito ang daanan ng mga bagyo”.[4] Nahuli sa bibig ang kainutilan ng estado.
Ganito palagi ang sinasabi ng gobyerno: “hindi namin kasalanan kundi kasalanan ninyo kaya nangyari ito” o kaya, “ito ay kasalanan ng nagdaang rehimen”.
Ang tunay na may kasalanan
Taun-taon ay humigit-kumulang 20 bagyo ang mananalasa sa Pilipinas kung saan maraming buhay ang nasawi at bilyun-bilyong ari-arian ang nasira. Ang nasa ibaba ay ang pinakamabangis na mga bagyong dumaan sa bansa ayon sa TYPHOON2000.COM; INQUIRER ARCHIVES; NDRRMC:
Sa bawat hagupit ng bagyo, palala ng palala ang mga epekto nito at mas lalong nalalantad ang kainutilan ng gobyerno para protektahan ang buhay at ari-arian ng ordinaryong mamamayan anong paksyon o partido man galing ang may kontrol sa Malakanyang at kongreso.Mula 1960s hanggang 1980s ay mabilis na kinalbo ng mga loggers (ligal at iligal) ang kagubatan ng Pilipinas para magkamal ng tubo[5]. Kakutsaba ang gobyerno at armadong pwersa nito, sinira nila ang kagubatan at itinaboy ang mga nanirahan doon – settlers at lumad – gamit ang mga batas, pananakot at digmaan. Dagdag pa dito ang pagbutas sa ilalim ng kabundukan ng lahat ng klase ng pagmimina. Sa madaling sabi, nagkutsabahan ang mga kapitalistang Pilipino at dayuhan para sirain ang kagubatan at kabundukan ng Pilipinas. Tapat naman na instrumento nila ang estado laluna ang kongreso, mga opisyales ng gobyerno at armadong hukbo nito para tiyakin na magkamal ng tubo ang naghaharing uri sa pagkasira ng kalikasan.
Matapos makalbo ang kagubatan at mabutas ang kabundukan, saka pa naging mga ‘environment advocates’ at ‘green activists’ ang mga buwayang politiko at gobyerno. At bilang mga ‘tagapgtanggol ng kalikasan’, ang tinutugis at ikinulong nila ay ang mga mahihirap na kaingero sa kabundukan.
Pandaigdigan ang kalamidad
Kung bagyo lang ang pag-uusapan, ito ay pandaigdigan.[6] Ilan sa mga pinakabangis na bagyo ay ang sumusunod:
1. Bagyong Marie noong Setyembre 1954 na kumitil ng 1,361 buhay sa Hokkaido, Japan.
2. Super-bagyong Vera noong Setyembre 1959 sa Nagoya City, Japan na pumatay ng 5,098 tao.
3. Bagyong Nina noong Agosto 1975 sa China na pumaslang ng 100,000 at milyun-milyon ang nawalan ng tirahan.
4. Bagyong Morakot noong Augusto 2009 sa Taiwan na kumitil ng 600 buhay.
Hindi pa kasama dito ang Hurricane Katrina sa USA noong 2005 na kumitil ng mahigit 2,000 buhay. Ito ang pinakamalaking pinsala sa Amerika – USD80 bilyon – at naglantad sa pagiging inutil ng pamaahalaan para iligtas ang taumbayan at bigyan ng suporta ang mga biktima at nakaligtas.
Sa dami ng mga patay at nasirang ari-arian, hindi nahuhuli ang Pilipinas. Dagdag pa, mahigpit ang kaugnayan ng mga kalamidad sa bansa sa mga pangyayari sa daigdig sa pagkasira ng kapaligiran.
Kaya naman bukambibig ng mga ‘environment activists’ at mga gobyerno ngayon sa buong mundo ang pagbabago ng klima. Ang pagbabagong ito ang siyang dahilan ng paglala at sunod-sunod na mga ‘natural’ na kalamidad. Lahat, laluna ang naghahari at mapagsamantang mga uri ay sabay-sabay ang korus na “kailangan nating iligtas ang mundo!”. Biglang naging maka-kalikasan ang mga nangunguna sa pagsira ng kapaligiran!
Pandaigdigan ang mga kalamidad dahil pandaigdigan ang sistemang sumisira sa kalikasan. At dahil ganap ng integrado ang mga bansa, ang mga sakuna ay may epekto sa iba. Isa sa manipestasyon na pandaigdigan ang epekto ay ang global warming o climate change na naranasan ng lahat ng mga bansa.
Kapabayaan ba ng tao o dahil sa sistemang umiiral?
Kung ang burgesya ang tatanungin ang sagot nila ay hindi ang sistema ang problema kundi ang kapabayaan ng ordinaryong mamamayan o kaya ng pagiging ganid ng ilang kapitalista. Bagamat tama na may antas ng responsibilidad ang mga indibidwal na kapitalista o empresa o ordinaryong mamamayan pero ang kapitalismo sa kanyang katangian na magkamal ng maksimum na ganansya ang tunay na responsable. Ang una ay lubhang pinalaki ng mga gobyerno ng mundo habang pilit na itinatago ang huli. Kahirapan ang puno’t dulo kung bakit napilitan ang ordinaryong mamamayan na ‘sirain’ ang kalikasan at manirahan sa delikadong mga lugar. Higit sa lahat, napaka-minimal lang nito kumpara sa paninirang ginagawa ng mga malalaking pabrika, kapitalista at estado mismo.
Bilang mga marxista at komunista, responsibilidad natin na ipaliwanag sa malawak na masang anakpawis na hindi ang ganitong paksyon ng naghaharing uri o partido nito at kawalan ng ‘pampulitikang kapasyahan’[7] na ipatupad ang mga batas o magbuo ng mga polisiya na ‘kumakalinga sa kalikasan’ ang dahilan ng pagkasira ng kapaligiran kundi ang mismong dinamismo ng kasalukuyang panlipunang sistema.
Hindi kayang baguhin ng partikular na empresa, kapitalista o gobyerno ang mga batas ng kapitalismo na siyang puno’t dulo ng paglala ng mga kalamidad sa mundo. Katunayan, para magpatuloy ang kanilang negosyo at pag-iral, kailangan nilang sumunod sa mga mapanirang batas ng sistema.
At lalunang hindi ang mahihirap ang sisihin sa pagkasira ng mundo!
Ano ang puno’t dulo ng pagkasira ng mundo, ng lumalakas ng banta na ito ay ‘magugunaw’?
● Ang dibisyon ng paggawa at, higit pa, ang pangingibabaw ng pera at kapital sa produksyon, upang mahati ang sangkatauhan dahil sa walang hanggang kompetisyon;
● Dahil ang layunin ng produksyon ay hindi para sa gamit kundi para sa palitan, sa mga kalakal na kailangang maibenta sa anumang paraan, anuman ang epekto nito sa sangkatauhan at mundo, para magkaroon ng tubo.
Mas bumilis ang pagkasira ng kalikasan ng ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong mundo at lubusan ng integrado ang mga pambansang ekonomiya sa kapitalistang pandaigdigang pamilihan, ang yugto ng imperyalismo. Sa dekadenteng kapitalismo araw-araw ay mas naging kongkreto ang sinabi ni Marx sa Capital Volume 1, chapter 15, section 10: "Modern Industry and Agriculture":
"In agriculture as in manufacture, the transformation of production under the sway of capital, means, at the same time, the martyrdom of the producer; the instrument of labour becomes the means of enslaving, exploiting, and impoverishing the labourer; the social combination and organisation of labour-processes is turned into an organised mode of crushing out the workman's individual vitality, freedom, and independence. The dispersion of the rural labourers over larger areas breaks their power of resistance while concentration increases that of the town operatives. In modern agriculture, as in the urban industries, the increased productiveness and quantity of the labour set in motion are bought at the cost of laying waste and consuming by disease labour-power itself. Moreover, all progress in capitalistic agriculture is a progress in the art, not only of robbing the labourer, but of robbing the soil; all progress in increasing the fertility of the soil for a given time, is a progress towards ruining the lasting sources of that fertility. The more a country starts its development on the foundation of modern industry, like the United States, for example, the more rapid is this process of destruction. Capitalist production, therefore, develops technology, and the combining together of various processes into a social whole, only by sapping the original sources of all wealth - the soil and the labourer." (amin ang pagdidiin)
Walang pakialam ang mga kapitalista kung saan at paano nila kukunin ang mga hilaw na materyales na kailangan sa kanilang produksyon, makalbo man ang kagubatan o magkabutas-butas man ang kabundukan. Hindi nila iniisip kung ano ang epekto ng polusyon mula sa kanilang malalaking pabrika, ang mahalaga sa lahat ay mas mabilis na makagawa ng mga produkto sa pinakamurang gastos para matalo nila ang kanilang mga karibal sa kompetisyon sa pamilihan at magkamal ng mas malaking tubo.
“Kailangan ang mahigpit na interbensyon ng estado”
Ito ang lagi nating naririnig mula sa mga ‘environmentalists’ at mga organisasyong nasa kaliwa ng burgesya. Para sa kanila ang mga pribadong kapitalista na ganid sa tubo – transnational at multi-national corporations – ang dahilan ng pagkasira ng ekolohiya.
Pero may kapasidad ba ang gobyerno na tapusin ang kahibangang ito sa pamamagitan ng mas aktibong interbensyon tulad ng iniisip ng ibang grupo na kapitalismo ng estado o kaya totalitaryan na gobyerno ang solusyon? Hindi, dahil ang papel ng estado ay “kontrolin” lamang ang anarkiya ng produksyon at kompetisyon. Dahil pinagtanggol ng estado ang pambansang interes, mas lalo lamamg nitong paiigtingin ang kompetisyon. Salungat sa kahilingan ng mga NGOs o ng kilusang "anti-kapitalista", ang interbensyon ng estado – na hindi naman talaga nawala sa kabila ng "neo-liberalismo", at mas lalupang nakita ngayon sa panahon ng matinding krisis ng ekonomiya – ay walang kapasidad na bigyang solusyon ang problema ng kapitalistang anarkiya.
“Atrasado ang teknolohiya kaya hindi agad mabantayan ang pagdating ng mga sakuna”
Ito ang sinasabi ng mga politiko, ‘scientists’ at ‘environmentalists’, kasabay ng paghingi ng dagdag badyet mula sa mga estado para sa ‘epektibong paghahanda’ laban sa mga kalamidad. Ayon naman sa mga nasa kaliwa ng burgesya, “kailangan ang re-alokasyon ng badyet”.
Walang masama sa mga kahilingang ito. Kailangan talaga ang abanteng teknolohiya para mas uunlad pa ang sangkatauhan at mapangalagaan ang mundo. Ang problema lang ay hinihiling nila ito sa mga estado na ang tanging papel ay tiyakin na magkamal ng tubo ang uring kapitalista. Para silang humihiling na “kailangang maging vegetarian ang tigre”.
Sa kapitalismo napakamahal ng teknolohiya at ginagamit ito kung may pang-ekonomiyang benepisyo. Sa pangkalahatan, ang teknolohiya ng kasalukuyang kaayusan ay para makagawa ng mas maraming produkto sa pinaka-minimum na gastos para sa pandaigdigang kompetisyon.
Sabi ni NDRRMC Executive Director Benito Ramos “Hindi ito inaasahan ng taumbayan at ng gobyerno mismo, na magkaroon tayo ng 181 millimeters na ulan. Hindi ito ang daanan ng mga bagyo”. Hindi lang ang gobyerno ng Pilipinas ang may ganitong klaseng palusot kundi maging ang abanteng mga bansa na di hamak na merong abanteng teknolohiya:
"The argument that this disaster was unanticipated is equally nonsense. For nearly 100 years, scientists, engineers and politicians have debated how to cope with New Orleans' vulnerability to hurricanes and flooding. In the mid-1990s, several rival plans were developed by different groups of scientists and engineers, which finally led to a 1998 proposal (during the Clinton administration) called Coast 2050. This plan called for strengthening and reengineering the existing levees, constructing a system of floodgates, and the digging of new channels that bring sediment-bearing water to restore the depleted wetland buffer zones in the delta, and had a price tag of $14 billion dollars to be invested over a ten year period. It failed to win approval in Washington, on Clinton's watch, not Bush's. Last year, the Army Corps requested $105 million for hurricane and flood programs in New Orleans, but the government approved only $42 million. Yet at the same time, Congress approved $231 million for the construction of a bridge to a small, uninhabited island in Alaska."[8] (amin ang pagdidiin)
Bago magsilbi sa interes ng tao at kapaligiran ang teknolohiya, kailangan munang wasakin ang kaalukuyang bulok na kaaysuan ng mundo.
Kailangan ng ibagsak ang kapitalismo
Inutil at walang kapasidad ang mga gobyerno na iligtas ang planeta at ang sangkatauhan mismo dahil unang-una sila ang dahilan ng pagkasira ng ekolohiya ng planeta natin. Marami pang mga mas matinding sakuna na darating sa mundo na tiyak kikitil ng mas marami pang buhay at sisira ng bilyung-bilyong ari-arian. Ang kinatatakutan ng lahat na global warming at climate change ay asahan natin na titindi pa sa hinaharap sa ilalim ng mapagsamantalang sistema.
Tulad ng sabi ni Amadeo Bordiga:[9]
"as capitalism develops then rots on its feet, it more and more prostitutes techniques which could have a liberating role to its need for exploitation, domination and imperialist plunder, to the point where it transmits its own rottenness into them and turns them against the species. In all areas of daily life, in the ‘peaceful' phases between two imperialist massacres or in between two operations of repression, capitalism, ceaselessly spurred on by the search for a better rate of profit, crowds together, poisons, asphyxiates, mutilates and massacres human individuals through such prostituted technology...Neither is capitalism innocent of the so-called ‘natural' catastrophes. Without ignoring the existence of natural forces beyond human control, marxism shows that many disasters have been indirectly provoked or aggravated by social causes.... Not only does bourgeois civilisation directly provoke these catastrophes through its thirst for profit and the domination of business interests over the administrative machine...it also shows itself incapable of organising effective protection to the extent that prevention is not a profitable activity".[10]
Ang tamang solusyon sa nakamamatay at mapanirang mga sakuna ay palakasin ang makauring pakikibaka ng proletaryado para ibagsak ang estado at kapitalismo. Kailangang tapusin na ang sistemang nakabatay sa kalakal, pamilihan, kompetisyon at sahurang pang-aalipin. Hindi ito makakamit sa paglahok sa burges na eleksyon, pagpasok sa estado bilang mga ‘representante’ at ‘boses’ ng masa o kaya sa panawagang mas palakasin pa ang interbensyon ng mga estado sa buhay ng lipunan. Makakamit ito sa nagkakaisa at sama-samang pagkilos ng mas maraming manggagawa at maralita sa mga pakikibaka sa lansangan bilang paghahanda sa tuluyang pagwasak sa bulok na sistema sa pamamagitan ng pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Internasyonalismo, Enero 1, 2012
[1] Nitong huling linggo ng Disyembre ay tinamaan din ng matinding baha ang mga probinsya ng Davao del Note at Bukidnon dahil sa “low pressure”. Daan-daang pamilya ang apektado at daang libong piso ng ari-arian ang nasira.
[2] http [43]:// [43]newsinfo [43]. [43]inquirer [43]. [43]net [43]/115373/ [43]relief [43]- [43]drive [43]- [43]poor [43]- [43]show [43]- [43]again [43]- [43]they [43]% [43]E [43]2%80%99 [43]re [43]- [43]quick [43]- [43]to [43]- [43]give [43]- [43]than [43]- [43]rich [43]
[3] Ginamit pa ang bagyong Sendong ng mga politiko, laluna ng mga nag-aambisyong tatakbo sa susunod na halalan para magpasikat at maging popular sa masa. Sumakay din ang mga showbiz personalities at malaking media institutions bilang ‘maka-kawanggawa’ at magpasikat habang marami sa kanilang mga manggagawa ay kontraktwal at mababa ang sahod.
[5] Ayon mismo sa isang “environmentalist” NGO na nakabase sa Cagayan de Oro, nagpapatuloy ang ‘illegal’ logging sa mga probinsya ng Lanao del Sur at Bukidnon hanggang ngayon. Mas masaklap pa, patuloy na binigyan ng permiso ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) ang mga “legal” loggers para kalbuhin ang kagubatan.
[6] Sa pagkasira ng kalikasan hindi lang bagyo ang nanalasa at pumapatay kundi lindol, sunog sa kagubatan, sakit/epidemya at marami pang iba. Halos sabay-sabay ang mga ito na sumisira ng buhay at ari-arian. At habang tumitindi ang pananalasa ng mga ito, mas lalupang nalalapit sa ‘natural’ na pagkagunaw ang mundo.
[7] Mula noon hanggang ngayon lagi nating naririnig mula sa kasalukuyang rehimen na ang nagdaang mga rehimen ang dahilan ng pagkasira ng kalikasan, at ang kasalukuyang pamahalaan ay nagsisikap na maituwid ang mga pagkakamali ng nakaraan. O kaya labis ang diin sa responsibilidad ng mga dayuhang kapitalista, na bagamat totoo ay tinatago naman nito ang parehong kasalanan ng mga Pilipinong kapitalista (pambansang burgesya). Sinisisi naman ng iba’t-ibang ‘environmentalist’ groups ang mga partikular na batas, o kawalang kapasyahan na ipatupad ang mga ito. Samakatuwid, ang nasa likod ng kanilang ‘maka-kalikasan’ ay repormismo – repormahin lamang ang sistema at huwag itong ibagsak para palitan ng bago.
[8] "Hurricane Katrina: Capitalism is responsible for the social disaster", International Review n° 123.
[9] Bordiga: leader of the left wing of the Communist Party of Italy, who contributed a great deal to its foundation in 1921 and who was expelled in 1930 after the process of Stalinisation. Participated actively in the foundation of the Internationalist Communist Party in 1945.
[10] (Anonymous) Preface to Drammi gialli e sinistri dell moderna decadenza sociale by Amadeo Bordiga, Iskra editions, pp 6-9. In French in the preface to Espèce humaine et croûte terestre, Petite Bibliotehque Payot 1978, pp 7, 9 and 10. An English version of some of Bordiga's writings on disasters can be found in Murdering the Dead, Amadeo Bordiga on capitalism and other disasters, Antagonism Press 2001.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 50.72 KB |
Ang sagot dito ng naghaharing uri ay: “HINDI. Ang kaya lamang natin ay repormahin ito. Eternal ang kapitalismo.”
Ang sagot naman ng Kaliwa at mga unyon: “KAYA PERO.....Sa mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas kailangan munang dumaan sa isang tunay na burges na demokrasya bago simulan ang sosyalistang rebolusyon. At ang sosyalismo ay walang iba kundi pag-aari ng estado (na kontrolado ng isang partido komunista) ang mga batayang industriya.”
Inamin mismo ng naghaharing uri na nasa malalim na krisis ang pandaigdigang kapitalismo ngayon. Pero sabi nila: “May solusyon pa ito. Kailangan lamang magsakripisyo tayong lahat.”. Ang “solusyon” ng uring kapitalista sa krisis ng kanilang sistema ay tanggalan, kontraktwalisasyon, pagtaas ng buwis, mababang sahod, at pagtanggal ng mga benepisyo.
Pero ang Kaliwa at mga unyon, sa kabila ng kanilang “radikal” at “sosyalistang” retorika ay paulit-ulit na nagsisigaw na “Hindi totoong may krisis ang sistema! Hindi totoong nalulugi ang mga kompanya! Gahaman lang sa malaking tubo ang mga kapitalista! Hindi totoong walang magawa ang gobyerno! Ayaw lang nitong gawin ang nararapat para sa kapakanan ng manggagawa!”. At ang sinabi ng Kaliwa na “ayaw lang nitong gawin ang nararapat para sa kapakanan ng manggagawa” ay sa esensya ay “dapat ariin ng gobyerno ang mga industriya!”; “dapat makipag-kompitensya ang gobyerno sa pribado at dayuhang kapitalista!”. Ito ang sinasabi nilang “demokrasyang bayan”, “gobyernong bayan”, at “bagong demokrasya”.
“Magkasalungat” man ang mga paliwanag nila, iisa lang ang kanilang mensahe: “Hindi kailangang ibagsak ang sistema ngayon dahil may kapasidad pa itong paunlarin ang produktibong pwersa. Ang kailangan natin ay ang mga nakaupo sa pwesto ay tapat na maglilingkod sa ordinaryong tao.”
Para sa malawak na masang manggagawa, “habang tatagal pa ang ganitong sistema mas lalong lalala pa ang aming hirap na kalagayan”. At karamihan sa kanila ay nagtatanong: “kaya pa bang mabago ang aming sitwasyon?”
Sa darating na mga buwan at taon walang duda na titindi pa ang krisis ng sistema. Titindi pa ang kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, mababang sweldo at paglaho ng mga benepisyo; mga digmaan at pagkasira ng kalikasan. Ang hinaharap ng kalagayan ng mga kapatid na manggagawa sa “mayayamang” mga bansa ay ang kasalukuyang kalagayan ng mga manggagawa sa “mahihirap” na mga bansa. Ang kinabukasan ng mundo ay ang kasalukuyang kalagayan ng bansang Gresya.
Ang tanging “epektibong solusyon” ng burgesya sa kanyang krisis ay ang panibagong pandaigdigang digmaan. Subalit ang “epektibong solusyon” na ito ay malamang siya na ring kataposan ng mundo.
Ang materyal na batayan ng posibilidad at nesisidad na ibagsak ang kapitalismo ngayon ay dahil ganap na itong hadlang sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa ng lipunan. Ang kinabukasan ng sangkatauhan sa dekadenteng sistema ay pagkawasak ng sanlibutan.
Ang tanging pwersa na may kapasidad na tatapos sa krisis at pigilan ang digmaan ay ang kolektibong kapangyarihan ng internasyunal na uring manggagawa. Mula 2003 ay nakita natin ang unti-unting pagbangon ng militanteng kilusang manggagawa sa maraming panig ng mundo. At mula 2007 ay naging saksi tayo sa mas ibayong paglakas ng mga panlipunang kilusan laban sa kahirapan mula Tunisia hanggang Amerika.
Subalit sa kabila ng unti-unting panunumbalik ng militansya ay nangibabaw pa rin sa kaisipan ng karamihan na “hindi pa kayang ibagsak ang sistema ngayon”. Malakas pa rin ang kawalang tiwala ng uri sa kanyang sarili na “kaya ba namin na pandayin ang bagong lipunan?”.
Ang pagdadalawang-isip ay dahil sa epekto ng paghari ng stalinismo-maoismo sa loob ng mahigit 50 taon; sa mga pananabotahe ng burges na ideolohiya sa kanilang pakikibaka na nagdulot ng matinding demoralisasyon at kawalang tiwala sa sariling lakas at kapasidad na itayo ang isang lipunang walang pagsasamantala. Higit sa lahat, sinira ng maling kahulugan ng sosyalismo/komunismo na inihasik ng stalinismo, maoismo at trotskyismo ang tiwala at pag-asa ng maraming manggagawa para sa bagong bukas.
Ganun pa man, sa iba't-ibang panig ng mundo ay lumitaw ang minoryang nagsusuring mga elemento, karamihan sa kanila ay mga kabataang manggagawa at produkto mismo ng mga kilusan mula 2003. Sila ngayon, bagamat minoriya pa lang sa loob ng kilusang paggawa ang nanawagan at nagpapaliwanag na kayang-kayang ibagsak ang kapitalismo ngayon; na wala ng maasahan sa sistema dahil ganap na itong naging hadlang sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa. Pinakita nila na ang mga pagbangon ng independyenteng kilusan mula 2003 ay patunay na nasa kamay ng uring manggagawa ang kinabukasan ng mundo.
Sa kabilang banda, dumarami sa hanay ng malawak na masa ng uri ang muling naghahanap ng pakikiisa. Muli nilang nakita ngayon na dapat magtulungan, dapat mag-usap at magdiskusyon kung bakit hanggang ngayon, sa kabila ng mga matatayog na pangako ng mga “organisador” at “lider” ng kani-kanilang organisasyong sinamahan ay hirap pa rin ang kanilang kalagayan. Marami silang katanungan at naghahanap ng kasagutan; mga tanong na hindi na kayang sagutin ng paglahok sa eleksyon, ng pag-uunyon o kaya pag-akyat sa kabundukan para lumahok sa armadong labanan.
1. Dapat tayong magkaisa anuman ang uri o kategoriya ng ating trabaho; ano man ang istatus natin sa pagawaan – regular, kontraktwal, unyonista o hindi. Dapat tayong magkaisa may trabaho man o wala. At ang organo para tunay tayong magkaisa ay ang mga asembliya o komite ng welga, hindi lang sa antas pabrika kundi sa teritoryal na antas. Lahat ng ating mga pagkilos ay dapat ang magpasya ay ang asembliya o pangkalahatang pulong, hindi ang iilan lamang. Kailangan na nating lagpasan ang mga istruktura ng unyonismo o ng anumang umiiral na partido na walang ibang interes kundi ang makipag-negosasyon sa gobyerno at uring kapitalista at naghahanap ng mga kompromiso na laging hindi pabor sa atin.
2. Dapat kilalanin natin na ang ating pakikibaka ngayon ay isang pampulitikang pakikibaka. Ang ating pakikibaka ay naglalayong palitan ang sistema at ibagsak ang gobyerno, hindi para pasukin ito at maglunsad ng “rebolusyon sa loob” o gawing “rebolusyonaryong tribuna” ang bulok na parliyamento. Ang layunin natin na ang mga asembliya bilang organo ng pakikibaka ay matransporma bilang organo ng kapangyarihang pampulitika.
Ang usapin ng regular na trabaho, sapat na sahod, makataong kalagayan sa loob ng pagawaan, at iba pang pang-ekonomiyang kahilingan ay hindi na kayang ibigay ng kapitalismong nasa kanyang permanenteng krisis na. Para makamit natin ito at mas mapaunlad pa ito tungo sa paglaya bilang sahurang alipin, kailangan na nating ibagsak ang kapitalismo.
3. Ang anti-kapitalismo ay hindi kontra-pagiging gahaman sa tubo ng mga malalaking kapitalista, korporasyon o mga bangko na para bang ang maliit na mga kapitalista ay “mababait” at “mabuti” ang pagsasamantala. Ang anti-kapitalismo ay hindi nasyunalisasyon o pag-aari ng estado ng industriya. Nalantad na ang tunay na katangian nito sa paghari ng Stalinismo sa Silangan at ng Keynesianismo sa Kanluran. Ito ay kapitalismo ng estado na mas matindi ang pagsasamantala sa uring manggagawa.
Higit sa lahat, ang anti-kapitalismo ay hindi pagmamahal sa inangbayan o pagtatanggol sa pambansang soberanya.
Ang anti-kapitalismo ay pagpawi sa sistemang sahuran, ng tubo, ng pagsasamantala. Ito ay pag-aari at paglikha ng mga produkto sa sosyalisadong paraan, hindi ng iilan (ito man ay pribado o gobyerno). Ito ay ang pangangalaga sa kalikasan hindi pagsira nito para sa tubo. Ang anti-kapitalismo ay ang pagpapasya ng kabuuan sa pamamagitan ng kanilang mga delegado na maaring tanggalin anumang oras ng asembliyang naghalal sa kanila.
Ang anti-kapitalismo ay walang mga bansa, walang mga estado at walang digmaan.
Ngayong Mayo Uno 2012, muli nating panghawakan ang tunay na linyang anti-kapitalismo na sa loob ng ilang dekada ay binastardo ng mga organisasyong umaangkin na sila daw ay “komunista” o “sosyalista”.
Ang paghahanda sa susunod na mga labanan ay ang pagpapalakas ng anti-kapitalistang kilusan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. At para lalakas ang kilusang ito, kailangan ng uring manggagawa ang isang organisasyon na internasyunal ang saklaw at internasyunalista ang katangian.
Posible at kailangan ng ibagsak ang kapitalismo ngayon. Posible at kailangan ng itayo ang lipunang walang pagsasamantala at pang-aapi. Para ito ay maging realidad, kailangan nating lumaban. Lubhang napakahirap ang daan tungong sosyalismo. Pero ito lamang ang tanging daan para lumaya mula sa kahirapan.
Manggagawa ng daigdig, magkaisa!
-Internasyonalismo-
**Ang Internasyonalismo ang seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (IKT) sa Pilipinas
website: www.internationalism.org [46]
email: [email protected] [5]
Bilang mga rebolusyonaryo at marxista, alam nating may kulang at may mali sa ating mga praktika sa kasalukuyan. Sinikap natin itong suriin kung ano ang mga ugat. Pero nahirapan tayong tukuyin at mas nahirapang itakwil ang mga pagkakamali dahil nakulong lamang ang ating pagsusuri sa ating makitid na praktika. Hindi natin nakita na ang ating mga praktika ay may kasaysayan 200 taon na ang nakaraan at mahigpit na nakaangkla sa pandaigdigang sitwasyon at karanasan ng proletaryong pakikibaka.
Ayaw tanggapin ng iba na may mali at kulang sa kanilang praktika dahil may mali at kulang sa teoryang gabay nila. Hindi dahil kulang o mali ang marxismo bilang buhay na rebolusyonaryong teorya ng internasyunal na proletaryado kundi dahil naniniwala sila na tama ang “marxismo” nila. Dahil dito, tinitingnan lamang nila ang mga kakulangan at pagkakamali sa makitid na pananaw ng “kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan”. Makitid dahil nakapokus lamang sa pambansang sitwasyon gayong sa marxismo ang ibig sabihin ng kongkretong pagsusuri sa kongkretong kalagayan ay ang pandaigdigang ebolusyon ng krisis ng kapitalismo at ang mga implikasyon nito sa makauring pakikibaka ng proletaryado at maging sa programa nito.
Dahil sa “pambansang” marxismo, hindi nila namalayan na kahit ang pag-unawa sa rebolusyong Ruso ng 1905/1917, rebolusyong Aleman ng 1919 at pag-aalsang proletaryo sa Tsina noong 1927 ay ikinulong nila sa “pambansang partikularidad” sa halip na sa pandaigdigang realidad. Karay-karay nila ang ganitong kakitiran kahit sa pagsusuri sa makauring pakikibaka sa Pilipinas.
Hindi isinantabi ng marxismo ang partikularidad. Ang mali kung maging prinsipal ang mga partikularidad na ito at ibangga sa pagiging internasyunal ng marxismo at ng proletaryong rebolusyon.
Lumitaw at kumalat ang oportunismo at pagtraydor ng Ikalawang Internasyunal dahil sa pagbitaw nito sa pinaka-batayang prinsipyo ng marxismo: internasyunalismo. Pagtraydor din sa internasyunalismo ang teoryang “sosyalismo ng isang bansa” ng stalinismo at ng teoryang “depormadong sosyalismo” ng Trotskyismo sa mga bansang nagtraydor sa proletaryong rebolusyon.
Sa bandang huli, ang pagtutuwid nila sa mga kakulangan at kamalian ay ang mahigpit na pagkapit sa mga kakulangan at kamaliang ito sa kongklusyon na “walang problema sa teoryang gabay, ang problema ay ang pagpapatupad nito”.
Sa Pilipinas may mga organisasyong nagdeklarang itinakwil nila ang stalinismo-maoismo at hinawakan ang “marxismo-leninismo”. Pero naunawaan kaya nila na ang stalinismo at “marxismo-leninismo” ay walang pinag-iba? Na ang “marxismo-leninismo” mismo ay imbensyon ng stalinismo?
Ano naman ang kaibahan sa praktika ng mga “nagtakwil” sa stalinismo-maoismo sa teoryang hawak nila? Kung sila ang tatanungin “pundamental” ang pagkakaiba. Pundamental ba talaga ang pagkakaiba?
Sa Pilipinas, ang stalinismo-maoismo ay nanindigan sa 2-yugtong rebolusyon habang ang mga “marxista-leninista” ay nanindigan sa “tuloy-tuloy” na rebolusyon. Ang komonalidad nila ay kapwa naniwalang dadaan muna sa burges-demokrasya bago ang sosyalistang rebolusyon. Ang “kaibahan” ay ang una ay ginawang pangunahing pwersa ang magsasaka habang ang huli ay ang manggagawa. Ang una ay demokratikong programa habang ang huli ay minimum-maksimum na programa. Ang minimum ay sa pangkalahatan burges na kahilingan at ang maksimum ay sosyalistang kahilingan. Saan galing ang programang minimum-maksimum? Ito ay galing sa Ikalawang Internasyunal na itinayo sa panahon na progresibo pa ang pandaigdigang kapitalismo at ang pangunahing porma ng pakikibaka ay parliyamentarismo.
Kahit sa usapin ng taktika ay walang pagkakaiba ang mga organisasyong stalinista-maoista at mga "tutol" dito: nasyunalismo, unyonismo, pakikipag-isang prente at parliyamentarismo. Masahol pa, sa Pilipinas, sa taktikang parliyamentarismo halos lahat ay nagkaisa na gamitin ang burges na paraan, kabilang na ang maruming paraan para lamang manalo sa eleksyon. At ito ay sa pananaw na "the end justifies the means". Kahit sa panahon na lumahok sa burges na eleksyon ang Ikalawang Internasyunal ay walang praktika ang mga rebolusyonaryo noon na namili ng boto o kaya nakipag-negosasyon sa tipong COMELEC o kaya pumasok sa malalaking burges na partido para manalo. Nanalo sa eleksyon ang mga rebolusyonaryo noon tanging sa lakas ng kilusang manggagawa at suporta nito.
Dahil sa kabulukan ng sistema at eleksyon, nahawa na rin sa kabulukan ang mga umaangking "rebolusyonaryo" sila.
Tunay ngang mahirap aralin at unawain ang mga aral sa nakaraan lalupa’t ang mga rebolusyonaryong personaldiad ang siya mismong nagkamali. Pero kailangan ito para maunawaan natin ang kasalukuyan at maisulong ang komunistang rebolusyon sa tagumpay sa hinaharap. At sa pag-aaral ay lubhang kailangan ang praternal na mga diskusyon at debate ng lahat ng mga nagsusuring elemento na lumilitaw ngayon sa buong mundo mula noong 2003, ang panahon ng muling pagbangon ng internasyunal na kilusang manggagawa matapos bumagsak ang imperyalistang (“sosyalista”) kampo sa Silangan.
Napakadaling sabihin na tayo ay para sa internasyunalismo. Kahit ang mga traydor sa internasyunalismo ay ito rin ang sinasabi at isinulat. Pero makikita kung totoo ba talaga silang internasyunalista sa kanilang programa, pagsusuri sa mga kaganapanan at kanilang praktika.
Sa kasalukuyang tunggalian ng uri sa mundo walang isang organisasyon ang maaring umangkin na siya lang ang internasyunalista. Pero dapat suriin din nating mabuti ang mga organisasyong nagsasabing sila ay para sa proletaryong internasyunalismo.
Habang tumitindi ang krisis ng pandaigdigang capital at hinahatak ang buong populasyon ng mundo sa barbarismo, lumalakas naman ang sigaw ng mga traydor sa proletaryong rebolusyon na ang burges na demokrasya at nasyunalismo at pagmamahal sa inangbayan ay bahagi ng proletaryong internasyunalismo.
Kailangang matatag na bakahin ng mga internasyunalistang elemento at organisasyon ang mga pambabalasubas ng mga traydor sa internasyunal na komunistang rebolusyon dahil ang internasyunalismo ang bag-as ng marxismo.
Talyo, Hulyo 15, 2012
Ang lumalalang kalagayang kinakaharap ng sangkatauhan ay patuloy na nalalantad. Ang pandaigdigang kapitalistang ekonomiya, matapos ang apat na dekadang pagtatangkang resolbahin ang hayagang krisis pang-ekonomiya, ay gumuguho sa ating harapan. Ang mga tunguhing iniharap ng pagkasira ng kapaligiran ay mas nakakabahala sa bawat lumalabas na bagong syentipikong pagsusuri. Digmaan, gutom, panunupil at katiwalian ay araw-araw na nararanasan ng nakakarami.
Kasabay nito, ang uring manggagawa at ang ibang mga inaaping saray ng lipunan ay nag-umpisang labanan ang hinihingi ng kapitalismo na mga sakripisyo at paghihigpit. Mga panlipunang pag-aalsa, okupasyon, demonstrasyon at mga kilusang welga ay sumambulat sa mga magkasunod-sunod na bansa mula Hilagang Aprika hanggang Uropa at Hilaga at Timog Amerika.
Ang pag-unlad ng lahat ng mga kontradiksyon at bangayang ito ay kumukumpirma lamang sa pangangailangan ng aktibong presensya ng isang organisasyon ng mga rebolusyonaryo na kayang magsuri sa mabilis na nagbabagong kalagayan, makapagpahayag na malinaw at may nagkaisang boses lagpas ng mga hangganan at sa lahat ng mga bansa, sumali ng direkta sa mga kilusan ng mga pinagsasamantalahan at tumulong sa paglilinaw ng kanilang mga pamamaraan at layunin.
Hindi maipagkaila na ang pwersa ng IKT ay napakalimitado kung ihahambing sa napakalaking responsibilidad na aming kinakaharap. Nasaksihan natin ang pandaigdigang paglitaw ng isang bagong henerasyon na naghahanap ng mga rebolusyonaryong kasagutan sa krisis ng kasalukuyang sistema, nguni’t mas makabuluhan para sa mga sumisimpatiya sa mga pangkalahatang layunin ng aming organisasyon na makipag-ugnayan sa IKT at gumawa ng kanilang sariling ambag para sa kakayahan nitong kumilos at umunlad.
Hindi lamang kami nagsasalita hinggil sa pagsali sa aming organisasyon, subali’t darating kami diyan. Pinapahalagahan namin ang anumang suporta at tulong na maialok ng sinumang may pangkalahatang pagsang-ayon sa aming politika.
Paano ka makatulong?
Una, sa pakipagtalakayan sa amin. Sumulat sa amin sa pamamagitan ng koreo, email, o sumali sa aming online discussion forum. Dumalo sa aming mga pampublikong pulong at mga pulong na inoorganisa para sa mga kontak. Maghapag ng mga katanungan hinggil sa aming mga paninindigan, pagsusuri, kung paano kami sumulat, kung paano gumagana ang aming website, at iba pa.
Sumulat para sa aming website at mga pahayagan, ito man ay mga ulat tungkol sa mga pulong na iyong dinaluhan, mga kaganapan sa iyong tinatrabahoan, sektor, o komunidad, o mas maunlad na mga artikulo, o mga teoritikal na ambag, at iba pa.
Tulungan kaming isalin mula/tungo sa iba’t ibang wika na aming sinusulat: ang IKT ay may mga web pages sa English, French, Spanish, German, Dutch, Italian, Portuguese, Hungarian, Swedish, Finnish, Russian, Turkish, Bengali, Korean, Japanese, Chinese, at Filipino. May palagian at napakaraming mga artikulong isalin sa iba’t ibang wika, kasama na ang ilang pinakabatayang teksto ng aming organisasyon. Kung may kakayahan kang isalin tungo sa mga ito o sa ibang mga wika, ipaalam sa amin.
Sumali sa aming mga pampublikong pagkilos: magbenta ng mga pahayagan sa lansangan, magsalita at mamahagi ng aming pahayagan sa mga piket, demonstrasyon, okupasyon. Tulungan kaming mag-intervene sa mga pampulitikang pulong, makisali ka sa mga ito at makipagtalastas para sa mga rebolusyonaryong ideya; mag-ambag sa mga internet discussion forum kung saan kami ay regular na sumasali, katulad ng libcom.org [47] o revleft [48] (sa partikular ang left communist forum nito: www.revleft.com/vb/group.php?groupid=9 [49]), www.red-marx.com [50], at iba pa.
Kung may mga kakilala kang interesado rin sa usapin ng rebolusyonaryong politika at makauring pakikibaka, magtayo ng mga sirkulo ng talakayan, forum sa makauring pakikibaka o kahalintulad na mga grupo. Bukas loob kaming tutulong na maisakatuparan mo ito at sa aming pagsali mismo rito.
Mag-ambag ng mga praktikal na kasanayan at kakayahan: mga litrato, likhang-sining, kasanayan sa computer…
Tumulong sa pagpapalago ng aming limitadong pananalapi sa pamamagitan ng pagbibigay ng regular na donasyong pinansyal, pagtangkilik sa aming pahayagan, kumuha ng dagdag na kopya ng mga ito upang ibenta sa iyong mga kakilala, o ilagay sa mga lokal na bookshop.
Pagsali sa IKT
Buong galak naming tinatanggap ang mga kahilingan ng mga kasamang nais iangat ang kanilang suporta sa organisasyon sa mas mataas na antas sa pamamagitan ng pagiging mga kasapi.
Habang hindi lahat ng simpatisador ay sasali sa organisasyon, para sa amin ang pagiging kasapi ay ang pagiging lubos na kabahagi ng kasaysayan ng makauring pakikibakang proletaryo. Ang proletaryo ay likas na isang uri na ang lakas ay nakabatay sa kanyang kakayahan para sa kolektibong organisasyon, at ito’y totoo rin sa kanyang mga rebolusyonaryong elemento, na palagiang hinahangad ang pagkakaisa sa mga organisasyon para ipagtanggol ang komunistang tunguhin laban sa bigat ng dominanteng ideolohiya. Ang pagiging kasapi ng IKT ay magbibigay daan sa mga kasama sa direktang pagsali sa mga talakayan na palagiang inilunsad sa loob ng organisasyon at ang pagkakaroon ng pinakaepektibong ambag sa aming interbensyon sa makauring pakikibaka. Sa paghubog ng mga pagsusuri at patakaran ng organisasyon, ang pinakamakabuluhang lugar ng bawat militante ay sa loob nito. Habang para sa organisasyon sa kabuuan, ang mga kasapi ay ang di-mapapalitang rekurso na kanyang maaasahan at sa pamamagitan nito’y makapaglunsad at makapagpaunlad ng mga pagkilos sa pandaigdigang antas.
Bago magiging kasapi ng IKT, esensyal sa sinumang kasama na magkaroon ng malalimang talakayan hinggil sa aming mga pundamental na pampulitikang posisyon na iniugnay ng isang pangkalahatang marxistang pagkakaugnay na nakapaloob sa aming Plataporma, upang sinumang magiging mga kasapi ay magpasya mula sa dalisay na kapasyahan at may kakayahang ipaglaban ang aming mga pampulitikang posisyon dahil mayroon silang sapat na kaalaman hinggil dito. Mahalaga rin na talakayin ang aming batas pang-organisasyon at sumang-ayon sa mga batayang prinsipyo at patakaran na gumagabay sa aming pagkilos: paano kami kolektibong nag-oorganisa sa lokal, pambansa, at pandaigdigang antas, ang papel ng mga kongreso at mga sentrong organo, paano namin sinasagawa ang aming panloob na mga debate, anong inaasahan sa mga kasapi hinggil sa kanilang partisipasyon sa buhay ng organisasyon, at iba pa. Ang batayang pamamaraan na nakapaloob sa aming batas ay makikita sa tekstong ito: (‘Report on the structure and functioning of the revolutionary organization’).
Sa ganitong pakahulugan, kami ay nasa tradisyon ng partidong Bolshevik, kung saan ang isang kasapi ay ang sinuman na hindi lang sumasang-ayon sa programa ng partido kundi naglalayon ding aktibong ipagtanggol ito sa mga pagkilos ng organisasyon, at kung sa gayon ay handa siyang sumunod sa pamamaraan ng pagkilos batay sa nakapaloob sa batas nito.
Hindi ito madaling proseso at nangangailangan ng panahon at tiyaga. Di tulad ng mga grupong kaliwa, Trotskyista at iba pa, na puno sa kasinungalingang nangangalandakang sila’y angkan mula sa Bolshevismo, hindi kami naglalayong mangrekluta kahit sa anong presyo, at humantong sa mga kasaping walang pinag-iba sa mga tau-tauhan ng laro ng burukratikong liderato. Ang tunay na komunistang organisasyon ay yayabong lamang kung ang mga kasapi nito ay may malalim na pag-intindi sa mga paninindigan at pagsusuri nito at sumasali sa kolektibong pagpupursige na maisakatuparan at mapaunlad ang mga ito.
Ang rebolusyonaryong politika ay hindi isang libangan: Kinabibilangan ito ng parehong intelektwal at emosyunal na komitment sa pagharap sa mga hinihingi ng makauring pakikibaka. Pero hindi rin ito isang gawaing monghe, na hiwalay sa buhay at usapin ng uring manggagawa. Hindi kami kulto, na naghahangad na kontrolin ang bawat bahagi ng buhay ng aming kasapian, at gawin silang panatiko na walang kakayahan sa mapanuring pag-iisip. Hindi rin namin inaasahan na ang bawat kasapi ay maging mga ‘eksperto’ sa lahat ng aspeto ng marxistang teorya, o sumapi sa amin na may mataas na antas na kasanayan sa pagsusulat o sa pampublikong pagtatalumpati. Kinikilala namin na ang bawat kasama ay may magkaiba-ibang kakayahan sa iba’t ibang larangan. Kami ay kumikilos batay sa komunistang prinsipyo na ang bawat isa ay mag-aambag batay sa kani-kanilang kakayahan – na ito’y tungkulin ng kolektibo na imaksimisa ang mga indibidwal na enerhiyang ito sa pinakamabisang paraan.
Ang kapasyahang pumaloob sa isang rebolusyonaryong organisasyon ay hindi basta-bastang ginagawa. Subali’t ang pagsapi sa IKT ay nangangahulugan ng pagiging kabahagi ng isang pandaigdigang kapatiran na nakikibaka sa iisang layunin – ang tanging layunin na tunay na makapagbigay ng kinabukasan para sa sangkatauhan.
IKT, Nobyembre 2011
Ano ba ang epekto ng pagtaas ng presyo ng langis? Kahit batang nasa elementarya ay alam na kung tataas ang presyo ng langis ay magsi-taasan din ang mga presyo ng iba’t-ibang bilihin dahil ayon sa mga negosyante, “direkta at indirekta ay ginagamitan ito ng langis”.
Alam din ng mga konsumador na sa atin ipinapasa ng mga negosyante ang pagtaas ng presyo ng bilihin – tayong mga manggagawa at mala-manggagawa sa kanayunan at kalungsuran. Syempre manggalaiti din sa galit ang maliit na mga negosyante dahil hindi na sila makaungos sa mabagsik na kompetisyon ng kapitalismo. Maiinis din ang mga nasa panggitnang uri dahil dagdag gastos sa kanilang mga sasakyan. Sa madaling sabi, malaking mayoriya ng populasyon ang nahihirapan. Subalit, ang mas nahihirapan ay ang masang anakpawis ng lipunan.
Bakit tumaas ang presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan?
Una sa lahat, dapat maintindihan na ang mundo ngayon ay kontrolado ng uring kapitalista kung saan ang laging ninanais ay magkamal ng tubo. Pangalawa, lahat ng mga gobyerno sa daigdig ay kontrolado ng at nagsisilbi para sa mapagsamantalang mga uri.
Mula pa noong 1973 ay patuloy na ang pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga “pagbaba” ng presyo ay nilamon lamang ng ilang dekadang pagtaas ng presyo nito.
Mula pa noong huling bahagi ng 1960s ay nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalismo. Ang pagtaas ng presyo ng langis sa kasalukuyan ay epekto lamang ng tumitinding krisis ng sistema at hindi simpleng dahil sa pagiging ganid ng uring kapitalista sa tubo.
Dahil sa krisis ay mas lalong humina ang kapitalistang produksyon na siyang sentral na pinagkukunan ng tubo ng mga kapitalista. Sapagkat mahirapan ng makakuha ng tubo sa produksyon ay nagkasya na lamang ang mapagsamantalang uri sa ispekulasyon. Ito ang isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis. Ang pangingibabaw ng ispekulatibong ekonomiya ay manipestasyon ng malubhang krisis ng sistema.
Ikalawang dahilan ay ang kaguluhan ngayon sa Gitnang Silangan. Kaguluhan na hindi kagagawan ng masang anakpawis kundi kagagawan ng inter-imperyalistang digmaan at intra-paksyunal na bangayan ng mga pambansang burgesya na may kanya-kanyang among imperyalistang kapangyarihan.
Ikatlong dahilan ay ang pandaigdigang krisis sa utang na sumabog noong 2006-07. Ang lumalaking utang ng kapitalistang mundo mula pa noong 1970s ang mayor na dahilan ng inplasyon o pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Samakatuwid, ang dahilan ng pagtaas ng presyo ng langis ay ang wala ng solusyon na krisis ng pandaigdigang kapitalismo na nagsimulang sumabog noong huling bahagi ng 1960s.
Totoo ba na ang Oil Deregulation Law ang dahilan ng walang humpay na pagtaas ng presyo ng langis sa Pilipinas?
Naniwala ang karamihan na ang Oil Deregulation Law ng 1998 ang dahilan kung bakit patuloy na tumataas ang presyo ng langis. Sabi nila, dahil daw binitawan ng gobyerno ang kontrol o regulasyon sa presyo ay tumaas ang presyo ng produktong petrolyo.
Pero bakit hindi nakaligtas ang Pilipinas sa krisis ng langis noong 1973 kung saan kontrolado o kaya regulado ng diktadurang Marcos ang presyo ng langis sa kabila na pag-aari ng estado ang Petron at dadaan sa kapasyahan ng gobyerno ang pagtakda ng presyo? Bakit hindi napigilan ng panghihimasok ng gobyerno sa pagtakda ng presyo ang pagtaas ng presyo ng langis noong 1979 at 1997 bago ang deregulasyon noong 1998?
Ang deregulasyon noong 1990s ay paraan ng mga gobyerno upang ipasa sa buong lipunan ang krisis na pinapasan ng una mula pa noong 1930s. Ang panghihimasok o kontrol ng pamahalaan sa ekonomiya ay tinatawag na keynesianismo sa Kanluran at stalinistang totalitaryanismo sa Silangan. Subalit kung nabigo ang keynesianismo at stalinismo na pigilan ang krisis noon, nabigo din ang deregulasyon na pigilan ang pagsabog ng krisis noong 2007 na mas lalong lumala ngayon.
Pag-aari man ng estado ang mga industriya – Keynesianismo o Stalinismo/Maoismo – o “luwagan” man ng estado ang kontrol dito – deregulasyon – hindi nito mahadlangan ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin dahil hindi ang pamamahala sa kapitalistang ekonomiya ang problema kundi ang mga panloob na kontradiksyon mismo ng kapitalismo na nagbunga ng laganap na ispekulasyon sa ekonomiya, mataas na inplasyon at mabangis na kompetisyon para sa tubo sa pagitan ng mga makapangyarihang kapitalistang gobyerno. Sa madaling sabi, ang KAPITALISMO mismo ang problema.
Ano ang dapat gawin?
Aasa ba tayo sa gobyerno at sa mga batas nito?
Maraming nagsasabi sa hanay ng Kaliwa na ang solusyon sa krisis ay bumalik sa Keynesianismo o Stalinismo/Maoismo. Pero ito ay malaking kasinungalingan! Hindi napigilan ng Keynesianismo at Stalinismo ang pagsabog ng krisis noong 1920s-1930s na siyang dahilan ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi rin nito napigilan ang pagsambulat ng panibagong krisis noong 1960s-1980s kahit pa sa anyo ng mga diktadurang pamamahala o kaya nasa pamumuno ng Kaliwa ang gobyerno.
Hindi na maaring gamitin ng burgesya ang mga paraang ginamit niya sa nakaraan – kontrol ng estado - na napatunayanng mas lalupang nagdiin sa sistema sa krisis. Katunayan, ng tangkaing isalba ng mga estado ang mga nabangkarotang bangko at korporasyon, ito na mismo ang nabangkarota ngayon – Greece, Spain, Portugal.
Kahit ano pang mga batas ang gawin ng gobyerno, hindi na nito mapigilan ang daluyong ng rumaragsang krisis ng sistema dahil ang unos ay ang mismong pundasyon ng ekonomiya.
Aasa ba tayo sa mga politiko ito man ay nasa administrasyon o oposisyon?
Ilang dekada ng nagpalit-palit sa pwesto ang iba’t-ibang paksyon ng mga politiko at nangakong isalba ang bansa sa krisis kung sila ang nasa pwesto? Ilang taon na mula ng pumasok ang mga “progresibo” sa kongreso at nagsabi sa hirap na mamamayan na “kami ang boses ninyo sa bulwagan ng mga buwaya”? Ano ang nangyari? Wala tayong maasahan sa mga politiko, ito man ay nasa adminsitrasyon, ‘oposisyon’ o nag-aastang ‘progresibo’ sa loob ng kongreso.
Sapat na ba ang isang araw na mga protesta?
Tama lamang na lumabas tayo sa lansangan at ipakita ang ating pagtutol sa mga atake ng kapitalismo sa ating kabuhayan. Tama lamang na sumama tayo sa mga rali, demonstrasyon at welga.
Pero ilang beses na ba tayong lumabas sa kalsada sa pamumuno ng mga unyon at partido ng Kaliwa mula ng tumaas ang presyo ng langis? Bakit walang nangyari?
Hindi sapat ang isang araw na malakihang rali at demonstrasyon. Hindi na uubra na “kurutin” lamang sa singit ang gobyerno. Kailangan na ang matinding dagok sa gobyerno hindi para mahimasmasan ito kundi para tuluyan na itong malugmok. Ilang beses ng ginawa ng mga unyon at “progresibong” organisasyon ang mga pagkilos upang “kurutin” lamang sa singit ang gobyerno pero walang epekto.
Ang kailangan ay ilang araw na sunod-sunod na mga malalaking rali at demonstrasyon sa pambansang saklaw. Ang kailangan ay mga malawakang welga ng manggagawa laban sa mga atake ng gobyerno at kapitalista. Ang kailangan ay suwayin ng masang anakpawis ang mga batas ng gobyerno na pumipigil upang maging epektibo ang ating pakikibaka. Ito ang pinakita sa atin ng ating mgakapatid na manggagawa at maralita sa Tunisia, Egypt, Greece, at Spain.
Pero mangyari lamang ito kung tayo mismong mga manggagawa at maralita ang magpasya sa ating laban.
Tayong mga manggagawa at maralita mismo ang magpasya!
Kung nais nating may mangyari pabor sa ating mga anakpawis, tayo mismo ang magpasya sa ating laban. Tayo mismo ang magbuo ng mga organo ng pakikibaka at magplano paano dadalhin ang laban. Huwag nating ibigay ang pagpapasya sa mga umaangking mga “lider” at “representante” natin na nakikipaglampungan sa mga politiko at kapitalista para lamang manalo sa eleksyon o para makaipon ng pera para palakihin ang gerilyang hukbo sa kanayunan.
Pinakita ng mga kapatid nating manggagawa sa Greece, Spain, France, Great Britain at USA kung paano hawakan sa ating sariling mga kamay ang pakikibaka. Ito ay ang pagbuo ng mga asembliya, gawing buhay ang mga talakayan at diskusyon at ihalal ang ating mga delegado sa mga asembliyang ito. Totoong hindi ito sapat dahil kailangan pa natin ang mas malawak, mas marami at tuloy-tuloy na mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital; kailangan nating magkaisa sa pandaigdigang saklaw laluna sa mga kapatid nating manggagawa sa Uropa. Higit sa lahat kailangan nating buuin ang kumpyansa sa ating sariling lakas at pagkakaisa.
Wala ng maibigay kahit anumang makabuluhang reporma ang gobyerno para sa atin. Para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng langis at iba pang bilihin kailangan nating ibagsak ang gobyerno at ang bulok na sistema at itayo ang isang lipunan para sa masang anakpawis…ang lipunang sosyalismo.
Ang emansipasyon ng uring manggagawa ay nasa kamay mismo ng masang manggagawa!
Internasyonalismo
Marso 15, 2012
Contact us: [email protected] [5]
Ito ay isang internasyunal na pahayag na naglalayong gumawa ng isang pansamantalang sumada sa mga kilusang panlipunan ng 2011 upang makapag-ambag sa isang malawak na debate hinggil sa kahalagahan ng mga ito.
2011: mula sa galit patungo sa pag-asa
Ang dalawang pinakamahalagang pangyayari sa 2011 ay ang pandaigdigang krisis ng kapitalismo at ang mga kilusang panlipunan sa Tunisia, Egypt, Spain, Greece, Israel, Chile, USA, Britain…
Ang galit ay tumungo sa internasyunal na antas
Ang mga epekto ng kapitalistang krisis ay naging matindi sa malaking mayorya ng pandaigdigang populasyon: pagbagsak ng kabuhayan, matagal na kawalan ng trabaho na tumagal ng mga taon, di-permanenteng trabaho na naging imposible ang pagkaroon ng kahit minimum na istabilidad, matinding kahirapan at gutom…
Milyun-milyong tao ay nababahala sa pagkawala ng posibilidad na magkaroon ng istable at normal na buhay at ng kawalan ng kinabukasan para sa kanilang mga anak. Ito ay tumungo sa isang malalimang galit, mga pagtatangkang makawala sa pagsawalang-kibo sa pamamagitan ng pagkilos sa mga lansangan at mahalagang pook, sa mga talakayan hinggil sa mga sanhi ng krisis na sa kasalukuyang yugto ay tumagal ng mahigit 5 taon.
Ang galit na ito ay mas pinatindi ng pagka-arogante, kasakiman at pagsawalang bahala na ipinakita ng mga bankero, mga politiko at ng ibang mga kinatawan ng uring kapitalista sa paghihikahos ng karamihan. Ito rin ang nangyari sa pagiging inutil na ipinapakita ng mga gobyerno na naharap sa ganito katinding problema: ang kanilang mga hakbangin ay lalo lamang nagpalala sa kahirapan at kawalang trabaho na walang ibinungang solusyon.
Ang kilusang ito ng pagkasuklam ay lumawak sa internasyunal na saklaw: sa Spain, kung saan ang noo’y Sosyalistang gobyerno ay nagpataw ng isa sa mga una at pinakamabagsik na planong paghihigpit; sa Greece, ang simbolo ng krisis ng pampublikong utang; sa United States, ang templo ng pandaigdigang kapitalismo; sa Egypt at Israel, sentro ng isa sa mga pinakamalala at pinakakonsentradong mga imperyalistang bangayan, ang Gitnang Silangan.
Ang pagkamulat na ito’y isang internasyunal na kilusan ay nagsimulang umusbong sa kabila ng mapanirang impluwensya ng nasyunalismo na nakikita sa presensya ng mga pambansang bandila sa mga demonstrasyon sa Greece, Egypt o sa USA. Sa Spain, ang pakikiisa sa mga manggagawa ng Greece ay naipahayag sa mga islogan tulad ng “Athens lumaban, Madrid mag-alsa”. Ang mga welgista sa Oakland (USA, Nobyembre, 2011) ay nagsabi ng “Pakikiisa sa kilusang okupasyon sa buong daigdig”. Sa Egypt ay napagkaisahan sa Cairo Declaration na suportahan ang kilusan sa United States. Sa Israel ay sumisigaw sila ng “Netanyahu, Mubarak, El Assad ay magkapareho” at nakipag-ugnayan sa mga manggagawang Palestino.
Naabot na ng mga kilusang ito ang kanilang rurok at sa kabila na may mga panibagong pakikibaka (Spain, Greece, Mexico) ay marami pa rin ang nagtatanong: ano ba ang naabot nitong alon ng galit? Meron ba tayong nakamit?
Tumungo sa mga lansangan! Ang iisang islogan ng mga kilusang ito
Mahigit 30 taon na mula ng masaksihan natin ang ganitong kamangha-manghang dami ng taong umo-okupa sa mga lansangan at sa mga mahalagang pook upang makibaka para sa sarili nilang interes sa kabila ng mga ilusyon at kalituhan na nakaapekto sa kanila.
Ang mga taong ito, mga manggagawa, mga pinagsamantalahan na inilarawan bilang mga walang kwenta, mga tamad, walang kakayahang gumawa ng inisyatiba o gumawa ng anuman na nagkaisa ay nagawang magkaisa, magbigay ng inisyatiba at kumawala mula sa nakakalugmok na pagsawalang kibo kung saan ang araw-araw na normalidad ng sistemang ito ang sumusumpa sa kanila na maging ganito.
Ang prinsipyo ng pagpapaunlad ng kumpyansa sa kapasidad ng bawat isa, ang pagtuklas sa lakas ng kolektibong aksyon ng masa ay naging pampataas moral. Ang panlipunang tanawin ay nagbago. Ang monopolyo sa buhay publiko ng mga politiko, eksperto at ‘bantog na mga tao’ ay nalagay sa mariing pagtutol ng di kilalang masa na nais mapakinggan.
Matapos masabi ang lahat ng ito, tayo’y nasa mahina pa lamang na pagsisimula. Ang mga ilusyon, mga kalituhan, di maiwasang pabago-bagong kalooban ng mga nag-aklas; ang panunupil na pinapataw ng estado at ang mga mapanganib na paglihis na pinapatupad ng mga mapanghadlang na pwersa nito (mga partido ng Kaliwa at mga unyon) ay tumungo sa mga pag-atras at mapapait na mga kabiguan at pagkatalo. Ito ay usapin ng isang mahaba at mahirap na daan na kinalatan ng mga balakid at kung saan walang garantiya ng tagumpay: dahil dito, ang mismong akto ng panimulang pagtahak sa daang ito ay maituturing na unang tagumpay.
Ang puso ng kilusan: ang mga asembliya
Ang masang sumapi sa mga kilusang ito ay di lamang nililimita ang kanilang mga sarili sa pasibong pagsisigaw sa kanilang mga hinanakit. Aktibo silang lumahok sa pag-organisa ng mga asembliya. Ang mga asembliyang masa ay nagsasakongkreto sa islogan ng Unang Internasyunal (1864) “Ang pagpapalaya sa uring manggagawa ay gawain ng mga manggagawa mismo o wala ito”. Ito ay pagpapatuloy sa tradisyon ng kilusang manggagawa mula Komyun ng Paris, at sa Rusya noong 1905 at 1917, kung saan ito’y tumungo sa isang mataas na anyo, ipinagpatuloy sa Alemanya 1918, Hungary 1919 at 1956, Poland 1980. Ang mga pangkalahatang asembliya at konseho ng mga manggagawa ay ang tunay na mga anyo ng organisasyon ng pakikibakang proletaryo at ang ubod ng bagong anyo ng lipunan.
Mga asembliya na naglalayon na malawakang pagkaisahin ang ating sarili at nagtuturo ng daan patungo sa pagwasak sa kadena ng sahurang pang-aalipin, ng atomisasyon, “bawat isa para sa kanyang sarili”, pagkakulong sa mga sektoral o panlipunang kategorya.
Mga asembliya upang mag-isip, sama-samang magtalakay at magpasya, gawing kolektibong may pananagutan ang ating sarili anuman ang napagpasyahan, sa pamamagitan ng sama-samang paglahok sa paggawa ng mga kapasyahan at sa pagpapatupad ng mga ito.
Mga asembliya upang magpaunlad ng kumpyansa sa isa’t-isa, pangkalahatang pakiki-isang damdamin, pagkakaisa, na di lamang kakailanganin sa pagpasulong ng pakikibaka kundi magsisilbi ring mga haligi ng isang lipunan sa hinaharap na walang uri at pagsasamantala.
Ang 2011 ay kinikitaan ng pagsambulat ng isang tunay ng pagkakaisa na walang kinalaman sa mapagkunwari at makasariling “pagkakaisa” na pinangalandakan ng naghaharing uri. Ang mga demonstrasyon sa Madrid ay nanawagan ng pagpapalaya sa mga inaresto o nagpahinto sa pulisya na ikulong ang mga imigrante. May mga malawakang pagkilos laban sa sapilitang pagpapaalis sa mga naninirahan sa Spain, Greece at sa United States. Sa Oakland “Ang Asembliya ng welga ay sumasang-ayon na magpadala ng mga piket o mag-okupa ng anumang kumpanya o paaralan na nagbigay parusa sa mga empleyado o mga estudyante sa anumang kaparaanan dahil sa pagsali sa Pangkalahatang Welga ng ika-2 ng Nobyembre”. Buhay na buhay nguni’t manaka-naka pa ring mga sandali ang nangyayari kung saan ang bawat isa’y nakaramdam ng pagkalinga at pagtatanggol ng mga nasa paligid nila. Na ang lahat ng ito’y ganap na kabaligtaran sa kung anong itinuring na “normal” sa lipunang ito sa kanyang puno sa dalamhating damdamin ng kawalang-pag-asa at kahinaan.
Ang tanglaw para sa hinaharap: ang kultura ng debate
Ang kamulatang kakailanganin ng milyong manggagawa para baguhin ang daigdig ay di makamit sa pamamagitan ng pagpamana nito ng naghaharing uri o sa pamamagitan ng mga matatalas na islogan ng mga matatalinong lider. Ito ay bunga ng isang karanasan sa pakikibaka na kasabay at tinatanglawan ng debate sa malawakang antas, ng mga talakayan na nagbabalik-tanaw sa nakaraan nguni’t palagiang nakatuon sa hinaharap, tulad ng nakasaad sa isang bandera sa Spain na “Walang kinabukasan kung walang rebolusyon”.
Ang kultura ng debate, na isang bukas na talakayang nakabase sa respeto sa isa’t-isa at aktibong pakikinig, ay nagsimulang umusbong hindi lamang sa loob ng mga asembliya kundi maging sa palibot nito: madaling ilipat na mga aklatan ay iniorganisa, maging mga di mabilang na mga pulong para sa talakayan at palitan ng mga ideya… Isang malawak na gawaing intelektwal na pinapatupad sa isang limitadong kaparaanan na agarang nilikha sa mga lansangan at mahalagang pook. At tulad ng mga asembliya ito’y muling nagsasabuhay ng nakaraang karanasan ng kilusang manggagawa
“Ang pagkauhaw sa edukasyon, na matagal nang nikimkim, ay pinukaw ng rebolusyon tungo sa totoong kaalaman. Sa unang anim na buwan, bulto-bultong literatura na lulan ng karomata o ng karo na ibinugsong palabas ng Smolny Institute bawat araw, ay walang patid na sinisipsip ng Rusya na tulad ng mainit na buhanging sumisipsip ng tubig. Hindi ito mababaw na mga nobela, pinalsipikang kasaysayan, baluktot na relihiyon at mumurahing katha na nakakabulok kundi mga pang-ekonomiya’t panlipunang teorya, pilosopiya, mga sulatin nila Tolstoy, Gogol, Gorky”.Habang binabayo ng kultura ng lipunang ito na nakabase sa pakikibaka para sa “mga modelo ng tagumpay”na naging bukal lamang ilang milyong kamalian - mga mapanghati at maling konseptong ibinabayo ng dominanteng ideolohiya at ng midya nito - libo-libong tao na ang nag-umpisang maghanap ng isang makatotohanang popular na kultura na inako na kanilang sarili at nagpagana ng kanilang sariling kritikal at independyenting pamantayan. Ang krisis at ang mga sanhi nito – ang papel ng mga bangko at iba pa – ay masusi’t lahatang-panig na tinalakay. May mga pagtalakay hinggil sa rebolusyon, bagama’t maraming kalituhan; may talakayan hinggil sa demokrasya at diktadurya na nasusuma sa dalawang magkaugnay na islogang ito “tinawag nila itong demokrasya at ito’y hindi” at “ito’y isang diktadurya nguni’t di nakikita”.
Ang proletaryo ang susi sa hinaharap
Kung ang lahat ng ito’y nagtatanghal sa 2011 bilang taon ng pagsisimula ng pag-asa, tinitingnan namin ang mga kilusang ito sa pamamagitan ng isang mapanuri’t kritikal na pananaw na nakikita ang kanilang mga limitasyon at kahinaan na di hamak na marami.
Kung may dumaraming bilang ng mga tao sa daigdig na kumbinsidong ang kapitalismo ay isa nang lipas na sistema - na “upang makaligtas ang sangkatauhan, ang kapitalismo ay kailangang patayin” – mayroon ding isang tendensya na naghahalintulad sa kapitalismo sa kulumpon ng mga “masasamang tao” (walang-konsyensang mga namumuhunan, malupit na mga diktador) na sa kabaliktaran ay isang masalimuot na ugnayan ng mga panlipunang relasyon na kailangang atakihin sa kanyang totalidad at hindi ang pagkakupot sa pagtuon sa panlabas na mga anyo nito (pinansya, ispekulasyon, korapsyon ng mga nasa pampulitika at pang-ekonomiyang kapangyarihan).
Kahit nasa kahustuhan ang pagtakwil sa karahasang ibinuga ng kapitalismo mula sa bawat butas ng balat nito (represyon, teror at terorismo, moral na barbaridad), ang sistemang ito ay hindi lamang basta-bastang maibagsak sa pamamagitang ng isang pasibong presyur ng mamamayan. Ang minoryang uri ay di boluntaryong bibitiw sa kapangyarihan at ito’y magtatago sa likod ng estado nito na tangan ang demokratikong legalidad sa pamamagitan ng eleksyon tuwing 4 o 5 taon. At ito’y sa pamamagitan ng mga partido na nangako ng di nila magawa at gumawa ng di nila pinangako at sa mga unyon na nagpakilos upang di makakilos at tumungo sa pagsang-ayon at paglagda sa lahat ng inihapag sa mesa ng naghaharing uri. Tanging isang malakihan, matatag at di natitinag na pakikibaka ang magbibigay sa mga pinagsamantalahan ng kakailanganing lakas sa pagwasak sa estado at sa mga kaparaanan ng represyon nito at gawing makatotohanan ang palagiang sinisigaw sa Spain na “Lahat kapangyarihan sa mga asembliya”.
Kahit ang islogang “tayo’y ang 99% laban sa 1%”, na naging popular sa kilusang okupasyon sa United States, ay nagpakita ng mga panimulang pag-intindi sa mga marahas na makauring dibisyon na nakaapekto sa atin, ang mayorya ng mga kalahok sa mga protestang ito ay kinokonsidera ang kanilang sarili bilang mga “aktibong mamamayan” na nagnanais kilalanin sa loob ng lipunan ng mga “malaya at pantay na mamamayan”.
Subali’t, ang lipunan ay nahati sa mga uri: uring kapitalistang nasa kanya na ang lahat at uring pinagsamantalahan – ang proletaryo – na lumikha ng lahat nguni’t ang inaari ay paunti ng paunti. Ang mapagpasyang pwersa ng panlipunang ebolusyon ay hindi ang demokratikong laro ng “ desisyon ng mayorya ng mamamayan” (ang larong ito ay walang iba kundi isang balatkayo na tumatago at nagbigay lehitimo sa diktadurya ng naghaharing uri) kundi ang makauring tunggalian.
Ang kilusang panlipunan ay kailangang nakaugnay sa pakikibaka ng pangunahing pinagsamantalahang uri – ang proletaryo – na kolektibong lumikha ng pangunahing yaman at nagpapanatili ng pagkilos ng buhay panlipunan: mga pabrika, pagamutan, paaralan, unibersidad, tanggapan, daungan, konstraksyon, koreo. Sa ilang mga pagkilos ng 2011 nasaksihan natin ang lakas, higit sa lahat ang alon ng mga welga na pumutok sa Egypt at sa kalauna’y pumuwersa kay Mubarak na magbitiw. Sa Oakland (California) ang mga “nang-okupa” ay nagpatawag ng pangkalahatang welga at tumungo sa daungan at nakakuha ng aktibong suporta ng mga manggagawa dito. Sa London ang mga nagwelgang elektrisyan at ang mga nag-okupa sa Saint Paul ay nagpatupad ng iisang pagkilos. Sa Spain ang ilang nagwelgang sektor ay nagtangkang makipagkaisa sa mga asembliya.
Walang oposisyon sa pagitan ng makauring pakikibaka ng makabagong proletaryo at ng mga batayang pangangailangan ng mga panlipunang saray na pinagsamantalahan ng kapitalistang panlulupig. Ang pakikibaka ng proletaryo ay hindi isang makasarili o ispesipikong kilusan kundi ang batayan ng “independyenteng kilusan ng malaking mayorya para sa kapakanan ng malaking mayorya” (Manipesto ng Komunista).
Ang mga kasalukuyang kilusan ay makakabenepisyo mula sa kritikal na pagbalik-tanaw sa karanasan ng dalawang siglo ng pakikibakang proletaryo at ng mga pagtatangka sa panlipunang pagpapalaya. Ang daan ay mahaba at puno ng mga naglalakihang balakid, na sumagi sa isipan ang pabalik-balik na islogan sa Spain na “hindi sa tayo’y humina, kundi tayo’y umabot na ng malayo”. Umpisahan ang hangga’t posibleng pinakamalawak na talakayan, na walang anumang balakid o panghihina ng loob, upang mulat na maihanda ang mga bagong kilusan na magbigay linaw na ang kapitalismo ay maari ngang palitan ng ibang lipunan.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, Marso 11, 2012
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 66.45 KB |
“Manggagawa ng mundo, magkaisa!”. Ito ang katotohanan at realidad sa ilalim ng kapitalistang kaayusan. Tayong mga manggagawa ay walang pambansang interes na kinakampihan dahil ang interes natin ay bilang isang internasyunal na uri. Saan man tayong panig ng mundo, tayo ay pinagsamantalahan at inaapi ng uring kapitalista at ng kanilang mga gobyerno.
Ang interes ng isang lahi o bansa ay nagsisilbi sa interes ng partikular na uri. Ang kabansaan at pambansang estado ay matagal ng nahubaran ng kasaysayan: ito ay interes ng uring burges para kontrolin at pagsamantalahan ang uring manggagawa at iba pang masang anakpawis.
Sa kasalukuyang girian ng burgesyang Pilipino at burgesyang Tsino sa Spratly Islands, kung saan ang magkabilang kampo ay inaangkin na kanila ang maliit na mga islang puno ng likas na yaman, muli na namang umalingawngaw ang mga salitang “pambansang soberanya” at “teritoryal na integridad”; ang “pagkakaisa bilang bansa” at “pagtatanggol sa teritoryo ng bansa”. Gamit ang burges na media, ang mga salitang ito ay muling isinalaksak sa utak ng mga hirap na mamamayan upang lasunin na bilang iisang lahi, bilang iisang bansa, ang burgesya at manggagawa ay “magkapatid at magkasama”.
Ito ang ipinako ng burgesyang Tsino sa isipan ng manggagawang Tsino at ganun din ng burgesyang Pilipino sa manggagawang Pilipino para tayo ay mahati, mag-away at magpatayan sa isa't-isa sa ngalan ng “pagmamahal sa inangbayan”.
Agawan ng teritoryo sa Spratly Islands: Agawan para magkamal ng tubo at inter-imperyalistang kompetisyon dito sa Asya
Hindi lang Pilipinas at Tsina ang nag-aagawan sa Spratly Islands. Nakikipag-agawan din ang bansang Vietnam, Taiwan at Malaysia1. Sumali din ang bansang Brunei2. Ang batayan ng bawat pambansang paksyon ng burgesya ay ang kani-kanilang kasaysayan na punung-puno ng pananakop at pangongolonya, hindi sa sinasabi nilang “pambansang soberanya”3.
Pagkamal ng tubo ang pangunahing dahilan ng agawan ng mga pambansang paksyon ng burgesya sa Spratly Islands. Sinuman ang magwagi sa agawan nila, hindi makinabang dito ang masang anakpawis ng Tsina at Pilipinas. Ang tanging makinabang ay ang mga burukrata ng mga gobyerno nila at ang malalaking kapitalista.
Isa pang pangunahing dahilan ay ang imperyalistang interes ng mga nagbangayang pambansang burgesya dahil mayor na daanan ang Spratly Islands at pwedeng maging baseng militar. Isa Ito sa mayor na dahilan ng Tsina, Vietnam, Taiwan at USA. Ilang dekada ng nagkaroon ng girian at armadong labanan ang Tsina at Vietnam (na alyado ng Amerika).
Sa madaling sabi, ang girian sa Spratly ay mahigpit na nakaangkla sa imperyalistang kompetisyon ng Tsina at Amerika sa Asya. Dahil sa matinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo, kailangang magpalawak ng teritoryo ang mga ambisyosong imperyalistang bansa tulad ng Tsina. Alam ito ng numero unong imperyalistang kapangyarihan, ng Amerika. Kaya naman nagsisikap ang huli na patibayin ang kanyang sariling “bakod” dito sa Asya4.
Sa kabila ng naturalesang kompetisyon ng bawat pambansang kapital ay nagkakaisa ang mga ito laban sa uring manggagawa.
Habang nilalason nila sa ideolohiyang nasyualismo/patriyotismo ang kani-kanilang manggagawa ay patuloy pa rin ang diplomatiko at ekonomikong kooperasyon ng mga bansang nag-aagawan sa SpratlyIslands5. Habang pinagtanggol ng isang seksyon ng mamamayang Tsino at Pilipino ang “soberanya” ng kani-kanilang mga bansa6, nagyayakapan, nag-iinuman o kaya naglalaro ng golf ang mga representante ng dalawang gobyerno at asosasyon ng mga kapitalista nila habang nag-uusap paano patibayin ang pang-ekonomiyang relasyon ng Tsina at Pilipinas at Tsina at Amerika. Sa madaling sabi, nagkakaisa sila sa pagsasamantala sa uring manggagawa.
Matinding pinagsamantalahan at inaapi ng mga bansang nag-aagawan ang kani-kanilang mga manggagawa. Halos araw-araw ay may mga “iligal” na pagkilos ang daan-daang libong manggagawa sa Tsina laban sa kanilang gobyerno. Maraming welga ang nagaganap sa Vietnam dahil sa mababang pasahod at halos kawalan ng benepisyo. Sa Pilipinas ay halos ganun ang mga isyung kinakaharap ng masang proletaryado. Ang pagdurusa ng “ikatlong daigdig” ay walang kaibahan sa mga pagdurusa ng manggagawang Amerikano at iba pang bansa sa “unang daigdig”.
Ang sentral na layunin ng bawat pambansang kapital sa patuloy na pagpapainit sa isyu ng Spratly ay para makabig nila ang suporta ng diskontentong mga mamamayan nila sa “pambansang pagkakaisa laban sa mga dayuhang yumuruyak sa ating soberanya”.
Makauring pagkakaisa at pakikibaka laban sa lason ng nasyunalismo at patriyotismo
Bilang mga manggagawa, ang ating pangunahing kaaway ay ang buong uring kapitalista, lokal at dayuhan.
Hindi natin dapat suportahan ang panawagan ng ating “sariling” pambansang burgesya ng “pambansang soberanya” at “pagtatanggol ng teritoryo” dahil ang katotohanan ito ay soberanya ng burgesya para pagsamantalahan at apihin ang manggagawa; ito ay teritoryo ng uring kapitalista upang magkamal ng tubo mula sa ating libreng lakas-paggawa.
Sa halip ay magkaisa tayong mga manggagawang Tsino at Pilipino sampu ng ating mga kapatid na manggagawa sa buong mundo upang ibagsak natin ang ating “sariling” mga pambansang burgesya. Dapat kondenahin natin ang “ating” mga gobyerno sa patuloy na pagtatambol ng banta ng digmaan; digmaan na ang tanging ibubunga ay ibayong kahirapan, kamatayan, pagkasira ng ari-arian at pagkahati-hati nating mga manggagawa.
Bagama’t alam natin na sa kasalukuyang sitwasyon ay walang interes at walang kapasidad ang mga bansang nagbangayan sa Spratly Islands na maglunsad ng todo-todong komprontasyong militar7, pero ang propaganda ng posibilidad ng digmaan ay malaking hatak sa hanay ng mamamayan na relatibong atrasado ang kamulatan na mabighani na suportahan ang kani-kanilang pambansang burgesya laban sa dayuhang burgesya. At ito ang sentral na layunin ng mga gobyerno ng Tsina at ng Pilipinas: lasunin ang kaisipan ng hirap na masa sa ideolohiyang nasyunalismo.
Mga kapatid na manggagawang Tsino at manggagawang Pilipino, huwag tayong padadala sa matamis pero nakakalasong propaganda ng nasyunalismo ng “ating” mga gobyerno! Ipagpatuloy natin ang ating mga pakikibaka laban sa mga atake ng kapital sa ating kabuhayan sa loob ng ating mga “bansa”. Ipagpatuloy natin ang paglantad sa mapang-api at mapagsamantalang katangian ng uring burges, ito man ay lokal o dayuhan. Kailangang patibayin natin ang ating pagkakaisa bilang isang uri!
Ang “pambansang soberanya” at “pambansang pagkakaisa” ay mga kadena na gumagapos sa atin para huwag lumaya sa bilangguan ng kapitalismo. Ang mga ito ay mapanghati sa atin bilang isang internasyunal na uri. Ang mga pagkilos sa linyang makabayan ay mga pagkilos upang pahinain ang ating makauring kilusan.
Manggagawang Tsino at manggagawang Pilipino, hindi natin interes at wala tayong pakinabang sinuman ang magmay-ari ng Spratly Islands. Ang interes natin ay lumaya mula sa kahirapan dulot ng pagiging sahurang alipin. Ang interes natin ay maglaho sa mundo ang kapitalismo at maitayo ang isang lipunan na walang pang-aapi at pagsasamantala. Kaaway natin pareho ang gobyernong Tsino at gobyernong Pilipino at lahat ng mga imperyalistang bansa8.
Kapitalismo ang puno’t dulo ng mga digmaan sa mundo. Ang pagwasak sa kapitalismo ang tanging garantiya para makamit ng sangkatuhan ang kapayapaan sa daigdig.
MANGGAGAWA NG DAIGDIG, MAGKAISA!
IBAGSAK ANG URING KAPITALISTA, LOKAL AT DAYUHAN!
IBAGSAK ANG ATING “SARILING” MGA GOBYERNO AT ANG IDEOLOHIYANG NASYUNALISMO!
IBAGSAK ANG IMPERYALISTANG TSINA AT AMERIKA!
IBAGSAK ANG IMPERYALISTANG SISTEMA NG MUNDO!
Internasyonalismo
Abril 28, 2012
3 Maliban sa internasyunal na batas, pinanindigan ng Pilipinas na pag-aari nila ang Scarborough Shoal noong panahon pa ng kolonyalismong Espanyol () habang ang Vietnam naman ay noong panahon pa ng kolonyalismong Pranses. At sa ganitong linya ng batayan din ang paninindigan ng imperyalistang Tsina.(https://en.wikipedia.org/wiki/Spratly_Islands#cite_note-encarta-23)
4 Sa balanse ng pwersa sa pagitan ng imperyalistang Tsina at Amerika dito sa Asya, tanging ang stalinistang Hilagang Korea lamang ang alyado ng una. Pero hindi ibig sabihin na ang Amerika ang pangunahing kaaway dito sa Asya at “taktikal na alyado” ang mga karibal nito. Parehong pangunahing kaaway ng internasyunal na proletaryado ang burgesya ng mundo.
5 Patuloy na lumalaki ang pang-ekonomiyang relasyon ng Tsina at Pilipinas (https://mb.com.ph/articles/346111/robust-philippineschina-trade-relations [54]) at ganun din ng Tsina at Amerika (https://www.census.gov/foreign-trade/balance/c5700.html [55]). Katunayan, ang Tsina ang pinakamalaking nagpapautang sa Amerika (https://money.cnn.com/2011/01/18/news/international/thebuzz/index.htm [56]).
6Ang mga cyber hackers ng Tsina at Pilipinas ay nagpaligsahan sa pagsira ng mga websites ng “kaaway” nilang bansa.
7 Sa hidwaan sa Spratly Islands nagkaroon ng maliitang komprontasyong militar Tsina at Vietnam ng ilang beses. Pero ito ay calibrated at pinipigilan ng dalawang bansa na sasabog tungong full-scale war dahil ang layunin lang nila ay palakasin ang ideolohiyang nasyunalismo sa kani-kanilang mga bansa. Sa panig naman ng hidwaang Tsina-Pilipinas, may posibilidad na mangyari din ang maliitang komprontasyong militar na tinatambol kapwa ng armadong pwersa ng Pilipinas, imperyalistang Amerika at Tsina. Nitong huli ay naglabas ang media ng Tsina ng posibilidad ng maliitang komprontasyong militar sa pagitan nito at ng Pilipinas,
8 Ang maoistang kilusan sa Pilipinas ay naging katulong ng burgesyang Pilipino upang maghasik ng ideolohiyang nasyunalismo sa manggagawang Pilipino ay mahigpit na pinanghawakan ang kontra-rebolusyonaryong taktika na “choose the lesser evil”. Litaw ito sa pahayag ng mga legal na organisasyon nito sa giriang Tsina-USA sa Asya (https://anakbayannynj.wordpress.com/2012/04/19/us-intervention-not-china-is-the-greatest-threat-to-peace-security-in-the-philippines-bayan-usa/ [57]). Subalit hindi lang ang maoistang kilusan ang may ganitong kaisipan. Halos lahat ng mga organisasyon ng Kaliwa ay nagapos sa bangkarotang taktikang ito.
Natapos ang "post war boom" sa kataposan ng 1967; ang maikling yugto ng relatibong pang-ekonomiyang kasaganaan ay sumibol matapos ang malagim na Unang Digmaang Pandaigdig, Bantog na Depresyon at Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ang multo ng pang-ekonomiyang krisis ay muling lumitaw sa taong yun. Sa panahon ng unang kalahati ng taon, nahulog ang Uropa sa resesyon, sa ikalawang hati nagkaroon ng krisis sa intenasyunal na sistemang pinansyal. Mula noon, kawalan ng trabaho, kawalan ng seguridad, paglala ng kabuhayan at kondisyon sa pagawaan ang araw-araw ng naranasan ng mga pinagsamantalahan. Bilang madaliang pagbalik-tanaw sa mga mayor na pangyayari sa 20 siglo, isa sa mapanira at barbarikong kasaysayan ng sangkatauhan, sapat na para maunawaan na ang kapitalismo ay, tulad ng alipin o pyudalismo, lipas na at dekadente ng sistema.
Pero itong istorikong krisis ng kapitalismo ay sa isang banda pinalabo, inilibing sa ilalim ng propaganda at kasinungalingan. Sa bawat dekada, pareho pa rin ang lumang tono: isang bansa, isang bahagi ng mundo o isang pang-ekonomiyang sektor na may konting pag-unlad kaysa sa iba, ay pinalaki para makalikha ng maling impresyon na hindi nakakamatay ang krisis, na sapat na ang pagpatupad ng epektibong mga “repormang istruktural” sa kapitalismo para manumbalik at lumago at maging sagana. Sa 1980-1990, tinagurian ang Argentina at ang "Asian Tigers" bilang modelo ng tagumpay, pero simula 2000 ang Ireland at Spain ... Syempre kabaliktaran, ang mga “milagro” ay ilusyon lang pala: sa 1997 ang "Asian Tigers" ay napatunayang tigreng papel, sa huling bahagi ng 1990s, dineklarang bangkarota ang Argentina at ngayon Ireland at Spain ay nasa bingit ng pagkabangkarota ... Sa bawat okasyon, ang "nakakagimbal na paglago" ay pinondohan ng utang at ang maling pag-asa ay nauwi sa pagkalubog sa utang. Pero, dahil sa mababaw na memorya ng karamihan sa atin, ang parehong mga manlilinlang ay bumalik na naman. Para paniwalaan sila, ang sakit ng Uropa ay dahil sa ispisipikong mga dahilan na kagagawan mismo nito: kahirapan sa pagpapatupad ng mga reporma at ibahagi ang bigat ng utang sa pagitan ng kanyang mga membro; kakulangan ng pagkakaisa at pakikiisa sa pagitan ng mga bansa; isang bangko sentral na hindi maisulong ang ekonomiya dahil wala itong determinasyon na mag-imprinta ng pera. Pero hindi sinuring mabuti ang mga argumentong ito. May krisis sa Uropa dahil sa kakulangan ng reporma at kompetisyon at dapat matuto tayo sa Asya? Kalokohan, ang mga bansang ito ay nagkaproblema din. Hindi sapat ang rekoberi sa ilalim ng Bangko Sentral ng Uropa at ang sagot dahil hindi sapat ang na-imprintang pera? Kalokohan: ang Estados Unidos at ang kanyang bangko sentral ay nangunguna sa paglikha ng pera mula 2007, pero nasa hirap na kalagayan pa rin sila.
Ang "BRICs" ay ang apat na bansa na may pinakamatagumpay na ekonomiya sa nagdaang mga taon: Brazil, Russia, India at China. Subalit tulad ng Eldorado, ang magandang kalusugan ay mas mistipikasyon kaysa realidad. Lahat ng “paglago” ay pinondohan sa kalakhan ng utang at magtatapos, tulad ng kanilang mga nasundan, ng pagkalubog sa malagim na resesyon. Dagdag pa, ang maitim na hangin ay nasa atin na ngayon.
Sa Brazil, sumabog ang utang ng mga konsumador sa nagdaang dekada. Pero tulad sa Estados Unidos noong 2000s, maraming mga pamilya ang nahirapan ng bayaran ang kanilang utang. Ang lawak ng mga konsumador na hindi makabayad ng utang ay walang katumbas sa nakaraan. Malala pa, ang bola ng pabahay ay kahalintulad ng naranasan ng Spain bago ito sumabog: karamihan sa mga naitayong bahay ay bakante.
Sa Rusya, hindi na makontrol ang inplasyon: ayon sa gobyerno ito ay nasa 6%, pero ayon naman sa mga independyenteng tagasuri ito ay nasa 7.5%. At ang presyo ng prutas at gulay ay sumirit sa Hunyo at Hulyo ng halos 40%!
Sa India, nasa delikadong antas na ang pagtaas ng depisit sa badyet (tinatayang 5.8% ito ng GDP para sa 2012); nasa resesyon ang sektor ng industriya (- 0.3% sa unang kwarto ng taong kasalukuyan), mabilis ang pagbagal ng pagkonsumo, malakas ang inplasyon (7.2% sa Abril, noong Oktubre tumaas ang presyo ng pagkain ng halos 10%). Ang mundo ng pinansya ay kinikilala ngayon ang India na bansang peligroso sa pamumuhunan: ito ay nasa kategoriyang tripleng B (ang pinakamababang kategoriya sa "below average quality" na kategoriya). Nagbabanta na sa hinaharap mapabilang ito sa mga bansang kinikilalang masama sa pamumuhunan.
Patuloy na bumabagal ang ekonomiya ng Tsina at mayroong lumalaking delikadong mga senyales. Kumipot ang manupaktura nitong Hunyo sa loob ng sunod-sunod na walong buwan. Bumagsak ang presyo ng paupahang bahay at humina ang mga sektor na may kaugnayan sa konstruksyon. Isang malinaw na halimbawa: sa syudad ng Beijing lamang, mayroong 50% bakanteng kabahayan – mas malaki pa sa buong U.S. (3.8 million bahay ay bakante sa Beijing kumpara sa 2.5 milyon sa buong Amerika). Pero ang pinaka-nakakahala na walang anumang duda ay ang badyet ng estado sa mga probinsya. Kung hindi man opisyal na bumagsak ang estado dahil sa utang, ito ay sa dahilang ang bigat ng utang ay nasa lokal na antas. Marami sa mga probinsya ay nasa bingit ng pagka-bangkarota. Alam ito ng mga mamumuhunan na mahina ang ekonomiya ng BRICs, kaya iniiwasan nila ang apat na mga bansang ito – ang real, ang ruble, ang rupee at ang yuan – tulad ng isang epidemiya; patuloy silang lumalala sa nagdaang mga buwan.
Sa U.S., ang bomba ng utang
Ang syudad ng Stockton, California ay nagdeklara ng pagkalugi Martes, Hunyo 26 tulad ng naunang Jefferson County, Alabama at Harrisburg sa Pennsylvania. Sa kabila na sa loob ng tatlong taon, ang 300,000 populasyon ng syudad ay ininda ang bawat “sakripisyong kailangan para sa rekoberi": pagtagpas sa badyet ng $90 milyon, 30% ng mga bombero ay tinaggal kasama ang 40% na iba pang mga empleyado ng munisipyo, pagbawas ng $11.2 milyon sa sahod ng mga empleyado ng munisipyo, malaking bawas sa pondo ng pensyon ng mga reterado.
Itong kongkretong ehemplo ay nagpakita sa tunay na kalagayan ng nabubulok na ekonomiya ng U.S. Mga pamilya, negosyo, bangko, syudad, estado at ang pederal na gobyerno, bawat sektor ay literal na nalibing sa utang na hindi na mabayaran. Sa kontekstong ito, ang hinaharap ng negosasyon sa pagitan ng Republicans at Democrats sa panahon na pag-usapan na ang debt ceiling ngayong taglagas ay malamang maging psychodrama na naman tulad sa nangyari noong tag-init. Masasabi namin na naharap ang burgesyang Amerikano sa walang solusyon na problema: kailangan niya ng mas malaking utang para manumbalik ang ekonomiya habang kailangan niyang bawasan ang utang para maiwasan ang pagka-bangkarota.
Ang bawat bahagi ng ekonomiya na may utang ay potensyal na bomba: dito isang bangko ang nagsara dahil lugi, doon isang syudad o kompanya ang halos bangkarota na ... at kung sasabog ang bomba, antabayanan ang maging epekto. Ngayon ang "bolang utang ng mga estudyante" ay problema ng mundo ng pinansya. Ang gastos sa pag-aaral ay lalupang tumaas at ang mga kabataan ay mas nahirapang maghanap ng trabaho matapos makapag-aral. Sa ibang salita, lumalaki ang posibilidad na ang utang ng mga estudyante ay hindi mabayaran. Para mas ispisipiko:
- pagka-gradweyt sa unibersidad, ang mga estudyanteng Amerikano ay may utang na 25,000 dolyares;
- ang kanilang utang ay lumagpas sa kabuuang utang ng mga konsumador sa bansa at ito ay $904 bilyon (halos nadoble sa nagdaang limang taon) at katumbas ng 6% ng GDP;
- ang tantos ng kawalang trabaho sa mga mababa sa 25 taon ang edad ay mahigit 9%;
- 14% sa mga nakapagtapos na estudyante na may utang ay hindi na makabayad tatlong taon matapos naka-gradweyt sa unibersidad.
Napakahalaga ng ehemplong ito para makita kung ano ang nangyari sa kapitalismo: isang sakiting sistema na walang kinabukasan. Ang kabataan ngayon ay kailangang mabuhay sa utang at “gastusin” ang kanilang sahod sa hinaharap … na hindi nila makikita. Hindi aksidente na sa Balkans, sa Ingglatera at sa Quebec, ang bagong henerasyon ay naglunsad ng mga malakihang demonstrasyon sa nagdaang dalawang taon laban sa pagataas ng gastusin sa pag-aaral sa unibersidad: nalunod sa utang sa loob ng 20 taon at naharap sa posibilidad ng kawalang trabaho at mababang sahod sa susunod na mga taon, ito ang perpektong simbolo ng “walang kinabukasan” na maibigay ang kapitalismo.
Ang Estados Unidos, tulad sa Uropa, tulad ng bawat bansa ng mundo, ay may sakit; at walang tunay at matagalang kaginhawaan sa ilalim ng kapitalismo dahil ang sistemang ito ng pagsasamantala ang siya mismong pinagmulan ng inpeksyon. Matapos mabasa ang artikulong ito, may magpapatuloy pa ba na umasa at maniwala na posible ang “milagro sa ekonomiya”? Kung isa ka sa mga taong ito ... paalala lang na ang badyet ng Vatican ay nasa peligro na.
Pawel, 6/7/12
Lahat kabilang na ang Kanan at Kaliwa ng burgesya ay nanawagan ng “pagkakaisa”. Pero ang pagkakaisa na nais nila ay kapitulasyon at pagpapailalim ng uring manggagawa sa interes ng naghaharing uri. Makikita ito sa pagbubunying isang “panimulang tagumpay” ang pagkakaisa ng mga lider-unyonista ng Kanan at Kaliwa para daw sa mga kahilingan ng masang proletaryado.
Ang makauring pagkakaisa ng manggagawa
“Manggagawa ng mundo, magkaisa!”. Ito ang panawagan at paninindigan ng mga marxistang kilusan mula ng ilathala ang Manipesto ng Komunista noong 1800s. Ito ang pangkalahatang gabay ng mga rebolusyonaryo ng kasalukuyang panahon. Hindi kailanman magkaisa ang burgesya at proletaryado. Kailangang ibagsak ng huli ang una at ito ang batayan ng makauring pagkakaisa.
Lumakas ang independyenteng kilusan ng manggagawa ng epektibo nitong mailantad sa malawak na masa ang mga oportunista at traydor na mga lider at organisasyon sa loob ng kilusang paggawa. Noong WW I, hindi nakabig ng mga rebolusyonaryo ang malaking bahagi ng proletaryado kung hindi nito nailantad ang pagtraydor ng Ikalawang Internasyunal sa internasyunalismo.
Hindi nagapi ang rebisyunismo sa loob ng proletaryong kampo kung walang matinding pagkondena at pakikipagdebate laban dito sa harap ng malawak na masa ng uri.
Nangibabaw ang Stalinismo dahil sa oportunismo
Matapos matalo ang rebolusyong Aleman noong 1919 ay nagsimula ng gumapang sa loob ng Ikatlong Internasyunal ang oportunismo na naging daan ng lubusang pangingibabaw ng “marxismo-leninismo” (Stalinismo) sa internasyunal na kilusang komunista mula 1920s. Ang “marxismo” na umabot sa Pilipinas noong huling bahagi ng 1920s ay ang kontra-rebolusyonaryong Stalinismo.
Isa sa oportunismo ng Ikatlong Internasyunal ay ang taktikang pakikipag-isang prente. Dahil sa pagkatalo ng unang rebolusyonaryong alon noong 1917-27 bumaling ang mayoriya ng Comintern sa pangunguna ng Partidong Bolshevik ni Lenin sa pakikipagkaisa sa mga traydor ng rebolusyon – Sosyal-Demokrasya. Si Stalin ang pinakamasugid na tagapagtanggol ng oportunismong ito sa ngalan ng pagiging “tapat kay Lenin”. Ang minoriyang tumutol dito sa loob ng internasyunal na partido ay binansagan ng mayoriya na may “sakit ng kamusmusan”.
Mula noon hanggang ngayon, ang mga “tapat” na tagasunod ni Lenin ay nagpapaligsahan kung sino sa kanila ang pinakamagaling na ipagkanulo ang proletaryong rebolusyon sa naghaharing uri sa ngalan ng “rebolusyonaryong taktika”. At “pinaunlad” pa ito ng kasalukuyang henerasyon ng mga “marxista-leninista” : pakikipag-isang prente kahit sa paksyon ng malalaking burgesya at mga partido nito hayag man o patago.
Sa loob ng kilusang paggawa, taas-noong ipinagmalaki ng mga “leninista” na “isang hakbang pasulong” para sa makauring pagkakaisa ang koalisyon ng Kanan at Kaliwang mga unyon.
Sa halip na lantarang batikusin sa harap ng malawak na masang manggagawa ang mga krimen ng burukratiko, repormista at anti-komunistang mga lider-unyonista, nagkasya na lang ito sa “tahimik” na pagkondena kung saan ang makarinig lamang ay ang mga kadre at tapat na aktibista ng Kaliwa para mapanatili ang “pagkakaisa”.
“Sakit ng kamusmusan”?
Noong 1920s nilait ng mayoriya ng Comintern ang mga komunistang tumutol sa oportunismo nito na may “sakit ng kamusmusan” at “sektaryan”. Ito pa rin ang naririnig natin mula sa malalaking organisasyon ng Kaliwa sa kasalukuyan.
Pero taliwas naman ang pinakita ng kasaysayan at resulta ng pakikipag-isang prente bilang taktika. Hindi lumakas ang independyenteng kilusang manggagawa. Sa halip ay nakaranas ito ng mga demoralisasyon at panghihina. Dahil sa pakikipag-isang prente sa Sosyal-Demokrasya ay nagawa ng Nazismo sa Alemanya at Pasismo sa Italya na mangingibabaw doon. Hindi rin dapat kalimutan ang masaker ng mga sundalong Amerikano na alyado ng Partido Komunista ng Pilipinas sa Hukbalahap matapos ang WW II.
Noong 1970s at 1980s, hindi lumakas ang militanteng kilusan ng manggagawa sa Pilipinas sa pakikipag-alyansa sa maka-Kanan at anti-komunistang TUCP kundi kabaliktaran: lumakas ang militanteng kilusan dahil hayagan at lantaran itong binatikos sa harap ng masang manggagawa.
Ngayon, lumitaw na naman ang bagong sentrong paggawa na lantarang repormismo ang tinatahak na landas at walang kahihiyang lantarang nakipag-alyansa sa rehimeng Aquino sa pangunguna ng Akbayan at Alliance of Progressive Labor (APL).[1]
Bakit paulit-ulit na ginawa ang mga pagkakamali sa kasaysayan? Dahil ayaw matuto kung ano ang aktwal na resulta ng mga pagkakamaling ito. Sa halip ay dogmatikong kumapit sa mga sinabi at sinulat ng mga dakilang rebolusyonaryong lider sa nakaraan. Hindi materyalismo ang pinaghawakan kundi ang pagiging tapat sa mga personalidad ng internasyunal na kilusang komunista noong 19 siglo at unang bahagi ng 20 siglo. Ayaw tanggapin na ang mga rebolusyonaryo ay maaring magkamali. Subalit madaling sabihin na “maaring magkamali” ang mga rebolusyonaryong personalidad pero napakahirap tukuyin at suriin kung alin at bakit sila nagkamali. At mas lalong mahirap ang lubusang pagtakwil sa mga pagkakamaling ito.
Sa kasalukuyang antas ng pandaigdigang pakikibaka ng uri laban sa mga atake ng kapital, ang mga may “sakit ng kamusmusan” ang matatag na nagturo ano ang mga positibo (gaano man ito kaliit) sa mga pakikibaka ng manggagawa: pag-organisa ng mga manggagawa ng mga asembliya para sa pakikibaka na lagpas at hindi kontrolado ng mga unyon, ng mga “iligal” na welga ng uri laban sa mga atake ng kapital, ng lantarang pagbatikos ng mga mangagawa mismo sa mga unyon na lubusan ng integrado sa kapitalistang estado at higit sa lahat ng paglitaw ng proletaryong demokrasya sa loob ng mga organo ng pakikibaka ng manggagawa.
Ang lahat ng ito, bagamat maliit at mga binhi pa lamang[2] ay hindi dahil sa pakikipag-isang prente sa mga traydor at oportunistang mga organisasyon kundi sa lantarang pagbatikos at pagtakwil sa kanila.
Makauring pagkakaisa laban sa oportunismo at pagkanulo
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo (imperyalismo) at laluna sa kanyang naaagnas na yugto, ang TANGING makauring pagkakaisa ay ang SOSYALISTA at INTERNASYUNALISTANG pagkakaisa. Hindi makamit ang pagkakaisang ito kung hindi sasabayan ng malawakan at lantarang pagbatikos sa mga oportunista at traydor sa loob ng kilusang paggawa.
Sa naging resulta ng praktika hanggang ngayon, ang mga “musmos” noong 1920s ay napatunayan ng kasaysayan na TAMA habang ang mga “matatanda” at “matatalino” sa loob ng Comintern ay napatunayang MALI. Ang pakikipag-sang prente sa mga oportunista at traydor ng proletaryong rebolusyon ay nagbunga ng maraming pagkatalo hindi ng pagsulong ng sosyalistang kilusan. Sapat na ang halos 100 taong paninira ng kamaliang pakikipag-isang prente.
Huwag nating kalimutan na ang mga usaping kinakaharap natin ngayon paano magtagumpay ang komunistang rebolusyon ay pinagdedebatehan halos 100 taon na ang nakaraan. Kaya lubhang napakahalaga na matuto tayo at magsuri sa kasaysayan ng internasyunal na proletaryong kilusan.
“Ang hindi lilingon sa pinanggalingan ay tiyak hindi makakarating sa paroroonan”. Ito ang lagi nating tandaan bilang mga komunista na nasa unahan ng proletaryong pakikibaka.
M3, Mayo 31, 2012
[1] Kung si Manny Villar ang nanalong presidente noong 2010 malamang ang maoistang Bayan at KMU ang lantaran at walang kahiya-hiyang nasa loob ng rehimeng Villar. Hindi maitago ng “ultra-radikal” na lenggwahe ng maoismo ang pagiging kontra-rebolusyonaryo nito laban sa proletaryado.
[2] Napakalayo pa ng mga lumitaw na asembliya ng manggagawa sa Espanya, Gresya at Amerika mula 2007 sa mga asembliya ng uri noong panahon nila Luxemburg at Lenin, at maging sa panahon noong 1980-81 sa Poland. Ang malinaw, ang mga binhing ito, kung alagaan lamang ng mga rebolusyonaryong organisasyon ay posibleng maging matatag na puno sa susunod na daluyong ng mga rebolusyonaryong pakikibaka sa hinaharap.
Nasa pampitong araw na ang paglilitis kay Chief Justice Renato Corona sa senado para mapatalsik ito sa pwesto. Sa halip na maaliw ay pagkaasar at pagkabagot ang naramdaman ng mamamayan habang nanonood sa telenovelang ito.
Sino ba naman ang hindi maasar at mabagot sa bangayan at palusutan ng prosekusyon at depensa? Sino ba naman ang hindi makahalata sa papogi at pasikat na ginagawa ng mga senador-huwes at mabisto na ang mga ito ay may kinikilangan?
Interes ng paksyon Aquino
Maliwanag pa sa sikat ng araw na ang interes ng naghaharing paksyon ay konsolidahin ang kanyang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagkontrol sa Korte Suprema. Sa totoo lang ay wala namang bago dito. Lahat ng nagdaang nagharing paksyon sa gobyerno ng Pilipinas ay nagsikap na kontrolin ang lahat ng mga institusyon ng estado laluna ang armadong pwersa, kongreso/senado at korte suprema.
Subalit may isa pang dahilan ang paksyong Aquino kung bakit nais nitong makontrol ang korte suprema sa lalong madaling panahon: ang kapasyahan ng korte na ipamahagi ang lupa ng Hacienda Luisita sa manggagawang bukid. Pero kailangang linawin na hindi maka-magsasaka ang desisyon ng korte.
Unang-una na, nakabatay ang desisyon ng korte suprema sa CARPER (batas ng estado) na naglalayong bilhin sa mga panginoong maylupa ang kanilang lupa para ipamahagi sa magsasaka/manggagawang bukid na babayaran din ng huli sa gobyerno. Hindi na muna natin pag-usapan ng malalim dito ang kahungkagan ng programang “lupa sa mga nagbubungkal ng lupa”. Tinalakay na ito sa https://fil.internationalism.org/node/155 [58].
Ang dahilan ay politikal: nais ng paksyong Aquino na ikulong si Arroyo, na amo naman ni Corona. Dahil dito ay lumaban at naghiganti ang paksyong Arroyo gamit ang Korte Suprema. Gumanti din ang paksyong Aquino.
Dahil ba malaki ang kasalanan ni Arroyo sa masa kaya nais itong ikulong ni Aquino? Hindi! Sinakyan lamang ni PNoy ang isyu ng korupsyon bilang bahagi ng kanyang kampanayng elektoral na “daang matuwid” para maging popular sa masang mahihirap. Paghihiganti ang tunay na motibo ng naghaharing paksyon.
Alam mismo ng buong naghaharing uri na bahagi na ng kanilang paghari ang korupsyon at katiwalian para mas magkamal ng kayamanan habang nasa kapangyarihan sa panahon na ang sistemang kanilang sinasandalan ay nasa matinding krisis. Ang isa sa mga dahilan ng kanilang bangayan ay kung sino ang mas makinabang sa pangungulimbat sa kaban ng bayan.
Sa kabila ng ‘radikal’ na pagtutol ng Kaliwa sa paksyong Aquino ay hayagan naman nitong sinusuportahan ang kampanya ni PNoy na “parusahan” si Gloria sa ilalim ng kapitalistang Konstitusyon. Kabilang sa prosekusyon panel ni PNoy ang maka-Kaliwang organisasyon na Bayan Muna at Akbayan.
Interes ng buong naghaharing uri
Bagamat nagbabangayan o kaya nagpapatayan ang magkaribal na paksyon ng mapagsamantalang uri, nagkakaisa pa rin sila na kailangang ipagtanggol ang bulok na sistema laban sa posibilidad ng isang rebolusyonaryong pag-aalsa ng uring manggagawa at maralita para ibagsak ito.
Dahil ang pangunahing interes ng buong naghaharing uri ay pigilan at ilihis ang masang anakpawis palayo sa landas ng rebolusyon, hindi ito mag-alinlangang palitan ang isang paksyon ng ibang paksyon para buhusan lamang ng malamig na tubig ang galit ng mamamayan at hadlangan na hahantong ito sa isang rebolusyonaryong sitwasyon. Ang nagdaang dalawang “People Power Revolution” ay mga halimbawa nito.
Sa ganitong layunin nakaangkla ang kabuuang konteksto ng impeachment trial kay chief justice Corona. Mas mahalaga sa buong naghaharing uri hindi ang paksyunal na interes ng paksyong Aquino at Arroyo kundi ang kabuuang pananatili ng kapitalistang sistema sa bansa. Makulong man si Gloria o mapatalsik man si Corona, para sa naghaharing uri dapat magsilbi ito sa konsolidasyon ng nagharing sistema. Paano?
Sa pamamagitan ng paglikha ng malawak na opinyong publiko na ang demokrasya ng kapitalistang sistema ang “tanging sandalan” ng masang anakpawis para makamit ang hustisyang kanilang minimithi. Samakatuwid, nais ng mapagsamantalang uri na maniwala ang malawak na masa na ang “rule of law” ng kapitalismo ay walang pinapanigan: mahirap ka man o mayaman, presidente o chief justice ka man o hindi. Ito ang pangunahing layunin ng Corona impeachment trial para sa buong naghaharing uri.
Nagkakaisa ang buong naghaharing uri, maging ang prosekusyon, depensa at senado na salungat sa demokrasya ang “mob rule” (rebolusyonaryong kilusang masa). Para sa mga gahaman sa tubo, sila lang dapat ang magpasya kung kailan at para saan kikilos ang masa (“ruling the mob”) tulad ng dalawang “Edsa Revolution”.
Para sa rebolusyonaryong manggagawa
Magkasalungat ang layunin ng uring manggagawa sa uring burges. Layunin ng una na ibagsak ang kasalukuyang sistema at palitan ng bagong sistema habang ang layunin ng huli ay panatilihin ang umiiral na kaayusan. Para sa uring manggagawa kaaway nito ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri. Para naman sa burgesya, nais nilang may papanigan ang masa para mahati ito at manghina.
Para sa burgesya dapat ikulong sa ilusyon ng demokrasya at demokratikong proseso ang kaisipan ng masa. Para naman sa rebolusyonaryong uri kailangang itakwil ng malawak na masa ang anumang proseso ng demokrasya ng burgesya para epektibo nitong maibagsak ang bulok na sistema.
Sa nakaraan, isa sa dahilan ng demoralisasyon ng kilusang masa ay akala nila ang pakikipag-alyansa ng kanilang mga lider sa burges na oposisyon – reaksyunaryong anti-Marcos, reaksyunaryong anti-Estrada – ay magdulot ng pagbabago sa kanilang hirap na kalagayan. Pero ng maupo sa pwesto ang mga ito, mas lumala pa ang hirap at aping kalagayan ng masang anakpawis. Mas masakit pa, nakabalik sa pwesto ang mga politikong pinatalsik nila.
Para sa rebolusyonaryong proletaryado malinaw ang aral ng kasaysayan: walang anumang alyansa sa anumang paksyon ng naghaharing uri.
Maparusahan man si Gloria at mapatalsik man si Corona, walang magbabago sa hirap na kondisyon ng masa. Walang kapasidad na makapagbigay ng hustisya para sa bayan ang rehimeng Aquino. Katunayan, kailangang managot din ang gobyernong ito sa kanyang mga polisiyang anti-manggagawa at anti-mahirap.
Wala sa demokratikong proseso ng burges na estado ang pagkamit ng panlipunang hustisya kundi nasa pagsulong ng makauring pakikibaka ng manggagawa sa lansangan hanggang tuluyang maibagsak ang bulok na kaayusan. Hindi representante ng taumbayan ang prosekusyon kundi ng paksyong Aquino. Wala sa kamay ng mga senador ang kapasyahan ng hustisya kundi nasa mga kamay ng rebolusyonaryong kilusang masa.
Lubusan lamang na maglaho ang mga kondisyon ng pag-iral ng mga tiwali at kriminal na politiko at opisyales ng estado matapos maibagsak ng uring manggagawa at maralita ang gobyerno mismo at maitayo nito ang kanyang makauring paghari, ang diktadura ng proletaryado.
Maghanda sa panibagong mga atake ng kapital
Habang nais tayong aliwin ng demokratikong proseso ng burgesya, patuloy ang atake ng rehimeng Aquino sa kalagayan ng manggagawa at maralita.
Sa ibayo pang pagtindi ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo at tunggalian ng mga imperyalistang kapangyarihan ay patuloy ang pagtaas ng presyo ng langis at mga bilihin. Ang masang manggagawa at maralita ay patuloy na binabayo ng kontraktwalisasyon, mababang sahod at demolisyon ng kanilang mga tirahan. Apektado din ang masang maralita sa kanayunan sa armadong labanan ng mga paksyon ng naghaharing uri doon. At dahil mas malakas pa ang estado, ito ang pangunahing naghasik ng lagim sa kanayunan gamit ang kanyang armadong hukbo. Sa armadong labanang ito, mas maraming inosenteng sibilyan ang naging biktima sa militarisasyon ng gobyerno.
Umiigting din ang bangayan ng imperyalistang Tsina, Iran at Amerika. Kumukulo ngayon sa Gitnang Silangan ang panibagong armadong tunggalian sa pagitan ng Iran at Amerika habang binabakuran ng huli ang pagpapalawak ng Tsina sa Asya.
Habang patuloy ang pakikipaglaban ng mga kapatid na manggagawa sa Ehipto, Espanya, Gresya at Amerika, ang manggagawang Pilipino naman ay demoralisado dahil sa pananabotahe ng mga unyon sa kanilang pakikibaka. Itinali ng mga unyon ang pakikibaka ng uri sa legal na labanan kung saan malaki ang posibilidad na matalo o kaya mapilitan ng kompromiso ang manggagawa.
Hindi naging mitsa ang pakikibaka ng manggagawa ng PAL ng malawakang paglaban at mga welga laban sa kontraktwalisasyon dahil mismong ang mga unyon ay takot labagin ang mga anti-welgang batas ng gobyerno.
Dapat pulutan ng aral ang mga pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa ibang bansa kung nais nating maging handa sa susunod pang mga atake ng kapital. Isa sa mga aral ay ang mga sembliya, hindi mga unyon ang mamuno sa pakikibaka. Ikalawa, ang pangangailangang suwayin ang mga anti-welgang batas ng estado sa pamamagitan ng mga malawakan at maramihang pagkilos. Pero hindi ito mangyari kung patuloy na ang mamuno sa pakikibaka ng uri ay ang mga unyon. Dapat hawakan mismo ng mga manggagawa ang kanilang pakikibaka sa pamamagitan ng kanilang mga asembliya.
Benjie, Enero 26, 2012
Sa Pilipinas napakalakas pa rin ang impluwensya ng Kanan at Kaliwa ng burgesya sa kaisipan ng malawak na masang manggagawa. Ito ay sa kabila na ang uri ay marami ng katanungan at pagdududa sa mga paraan at solusyon na inihapag ng mga “lider” nila mula sa mga organisasyon at partido ng Kanan at Kaliwa. Katunayan, ang malaking dahilan ng demoralisasyon ng karamihan sa pakikibaka ay dahil palpak at walang makabuluhang tagumpay na naranasan ang masang nakibaka sa kumpas ng kanilang mga “kinatawan” sa unyon, organisasyong masa at loob ng gobyerno.
Subalit dahil ang kamulatan ay galing mismo sa pakikibaka ng uri, nagluwal ito ng mga nagsusuring elemento sa hanay mismo ng mga nakibaka; mga elementong naging kritikal sa praktika ng kanilang organisasyon at naghahanap ng mga kasagutan sa maraming tanong; mga kasagutan na makita lamang sa kasaysayan ng pakikibaka ng sariling uri sa mahigit 200 taon. Mga kasagutan na pilit tinatago at inilihis ng mga umaangking “abanteng destakamento” at “kinatawan” ng uri.
Ang kasalukuyang pandaigdigang kapitalismo ay wala ng maibigay sa sangkatauhan na magandang kinabukasan maliban sa mga digmaan, ibayong kahirapan at pagkasira ng kalikasan. Hindi na ito mareporma pa para pagsilbihin sa kapakanan ng masang anakpawis. Nasa yugto na tayo ngayon na posible at kailangan ng ibagsak ang kapitalismo at ang estado kung nais natin na may magandang kinabukasan pa ang mga susunod na henerasyon ng tao.
Nasa ibaba ang pahayag (polyeto) ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (IKT) sa inihasik na repormismo ng TUC sa Britanya. Ang linya ng TUC ay sa batayan walang kaibahan sa linya ng iba’t-ibang paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas at iba pang panig ng mundo: “maari pang repormahin ang kapitalismo”; “pwede pang gamitin ang kapitalistang estado at parliyamento para isulong ang rebolusyon.”
Internasyonalismo
------------------------------------------
Rali ng TUC[2] Oktubre 2012
Ayon sa polyeto ng TUC ‘Kinabukasan na Gagana’[3], para sa partido ng Paggawa (Labour party), para kay François Hollande ng Pransya, sa buong ‘kaliwa’, ang kasalukuyang krisis sa ekonomiya ay kagagawan ng mga bangkero at hindi kailangang mangyari; pero muli, ang utang ay hindi masama at maari itong ganitin para palaguin ang ekonomiya mula sa resesyon.
Gusto namin sagutin ang mga ideyang ito, hindi mula sa konserbatibong punto-de-bista, kundi mula sa rebolusyonaryong pananaw.
Ayon sa TUC, ang sagot sa kasalukuyang resesyon at ang kaakibat na paghigpit-sinturon ay palaguin ang ekonomiya.
Pero ang ‘paglago’ ng lipunang ito (ibig sabihin ang buong pandaigdigang ekonomiya, hindi lang Britanya) ay nagkahulugang akumulasyon ng kapital, paghahanap ng tubo. At ang paglagong ito ang ugat ng krisis.
Ang krisis ng kapitalismo ay produkto ng kanyang sariling mga kontradiksyon, na nanatili pa rin kahit walang bonus ang mga bangkero at lahat ng mga bilyonaryo ay nagbabayad ng buhis.
Nagsalita din ang TUC na mamuhunan sa ‘berdeng ekonomiya’, pero ang kapitalistang ekonomiya ay hindi maging berde. Ang mabangis na bangayan sa pagitan ng mga kompanya at bansa ay nagkahulugan na kung hindi todo ang pagpapalago mo, dudurugin ka ng kompetisyon.
Hinggil sa ideya na “walang peligro” sa mga bansang lubog sa utang, hindi lang nito minaliit ang napakataas, imposibleng mabayaran ang utang na pabigat sa pandaigdigang ekonomiya, pero binalewala ang katotohanan na sa loob ng maraming dekada ngayon, tinuturukan ng kapitalismo ang sarili ng utang para hindi tuluyang bumagsak. Ang nangyari sa 2008 ay yugto kung saan ang medisina ng utang ay naging lason dahil sa sobrang gamit.
Naabot na ng kapitalismo ang kanyang istorikal na kataposan. Sa pagpapatupad nito ng mabangis na paghigpit-sinturon, mas lalo nitong pinakipot ang merkado at pinalala ang resesyon. Yan ang totoo sa polyeto ng TUC. Pero sumunod ito sa linya ni Obama at ‘kaliwa’, at nagtangkang solusyunan ang krisis sa pamamagitan ng pag-imprinta ng pera at mas malaking utang. Magbukas ito ng mas malaking krisis sa utang habang papalaki ang presyur ng inplasyon.
Kung sakaling may milagro at ‘lalago’ muli ang kapitalismo mas lalaki ang banta nito sa natural na kapaligiran na siyang sandigan ng atin mismong pag-iral. At ang lumalaking kapitalistang kompetisyon hindi lang dahilan ng polusyon ng mundo, pinabilis nito ang pagkaroon ng digmaan sa pagitan ng mga kapitalistang paksyon at bansa.
Saan man ito babaling, naharap ang kapitalismo sa krisis at pagwasak-sa-sarili. At ‘kanan’ o ‘kaliwa’ man ang mangasiwa, mapanatili lamang ng kapitalismo ang kanyang lumiliit na tubo sa pamamagitan ng mga atake sa istandard ng pamumuhay ng mga taong siya mismong lumikha ng yaman – ang uring manggagawa – sa kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, pagpako ng sahod, pagbawas ng pensyon at panlipunang mga benepisyo, kawalan ng bahay, at marami pa.
Halos isang daang taon na ang nakalipas, ng naharap sila sa pagpili sa pagitan ng pagsuporta sa kapitalistang pandaigdigang digmaan at pagtatanggol sa interes ng mga manggagawa, ang mga Partido ng Paggawa at TUC ng mundo pinili ang kampo ng kapitalismo at digmaan. Ng ang uring manggagawa ng Rusya, Alemanya at iba pang lugar ay nagtangkang ilunsad ang rebolusyon laban sa barbarismo, ang mga Partido ng Paggawa at mga TUC ng mundo ay pinili ang kampo ng kontra-rebolusyon. Nanatili sila sa kampong yun hanggang ngayon, at kaya hindi natin sila pwedeng pagkatiwalaan ng tapat na kasagutan sa kasalukuyang krisis ng sistema.
Naharap sa mga polisiyang paghigpit-sinturon ng naghaharing uri, kailangang lumaban ang uring manggagawa. Hindi ito maaring manahimik at hintayin na huhupa ang bagyo. Pero para epektibo ang paglaban hindi natin maaring gamitin ang luma, hindi na angkop na mga institusyon na pumusturang kaibigan natin pero sa katunayan ay binubuhay ang ating mga kaaway. Kailangan natin ang mga porma ng organisasyon na pagkaisahin tayo lagpas sa dibisyon ng ating mga trabaho at unyon, kung saan maari tayong magdebate kung ano ang pinaka-epektibong paraan ng pakikibaka at ang ating pangkalahatang layunin sa paglaban; kung saan makabuo tayo at maipatupad ang mga kapasyahan, kung saan maipakita natin ang ating tunay na kapangyarihan. Ang kilusan ng ‘Indignados’ sa Espanya o katulad na pag-alsa sa Gresya at sa Gitnang Silangan ay nasisilip natin ano ang mangyari kung libu-libong pinagsamantalahan – mga estudyante, walang trabaho, kontraktwal na manggagawa - ay magtipon sa lansangan, nagsisikap makontrol ang buhay ng lipunan, at kinilala na bahagi sila ng pandaigdigang pakikibaka. Pero ang mga kilusang ito ay aangat lamang sa bagong antas kung ang mga nagtatrabahong manggagawa ay aktibong lalahok sa pamamagitan ng pagtangan sa hamon na pinakita ng mga kilusang ito: pag-oorganisa sa sarili sa mga asembliya; paglawak ng paglaban lagpas sa mga pambansang hangganan; isang pakikibaka na hindi lang laban sa ganito o ganoong aspeto ng kapitalismo, kundi laban sa kapitalismo bilang sistema, laban sa sahurang paggawa at produksyon para sa tubo.
Binabalewala ng mga ‘realistikong’ politiko ng kaliwa ang rebolusyon bilang utopya. Subalit ang mga utopyan ay mga taong naniwala na ang kapitalismo ay maisalba pa, mareporma o mapaunlad. Hindi lang posible ang rebolusyon: ito ay kailangan para magkaroon ng kinabukasan ang sangkatauhan.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
[1] Ang artikulong ito ay isang polyeto para sa distribusyon sa TUC rali ngayong Oktubre 20.
[2] TUC – Trade Union Congress
[3] ‘The Future That Works’. Ito ang polyeto ng TUC para sa rali nito ngayong Oktubre 20 sa London.
Habang lumalakas ang nakakalasong ideolohiyang nasyunalismo sa Tsina at Pilipinas, tumitindi naman ang propaganda ng internasyunal na burgesya na hindi ang kapitalismo ang nasa krisis kundi mga ispisipikong mga bansa lamang dahil sa maling pamamalakad ng ekonomiya at pulitika ng naturang mga bansa o kaya dahil sa korupsyon ng mga nasa kapangyarihan.
Sabi ng internasyunal na burgesya, kabilang ang Tsina sa mga bansang patunay na “may liwanag pa sa dulo ng krisis” dahil “umuunlad” ang kanilang ekonomiya.
Ang nasa ibaba ay salin mula sa English na nagsuri sa diumano “umuunlad” na mga kapitalistang bansa – “BRICS”. Ang katotohanan ay lahat ng mga bansa ng mundo ay walang ligtas sa krisis ng sistema at sa galit ng malawak na masang anakpawis.
Ang tungkulin ng mga rebolusyonaryong organisasyon ay paano mabigyan ng rebolusyonaryong direksyon ang pagkasuklam ng malawak na naghihirap na mamamayan sa kanilang kalagayan dahil ginagawa ng burgesya ang lahat para ilihis ang galit na ito tungo sa pag-rereporma lamang sa sistema.
Tinutulungan ng Kaliwa ang naghaharing uri sa paghasik ng ilusyon ng repormismo at palayo sa rebolusyonaryong landas gamit ang “ahitasyunal” na propagandang “may magagawa pa ang gobyerno” at “dapat kontrolin ng gobyerno ang mga industriya laban sa mga pribadong kapitalista”. At ang oportunistang palusot ng Kaliwa sa ganitong katrayduran sa hinihingi ng obhetibong kalagayan ay dahil “mababa pa ang kamulatan ng malaking mayoriya ng uring manggagawa”. Ang palusot na ito ay lalupang nagpababa sa kamulatan ng uri at pag-asa sa mga organisasyong instrumento ng burgesya sa loob ng kilusang paggawa.
Nasa agenda na ngayon ang pagbagsak sa sistema at estado. Ito dapat ang direksyon ng anumang porma at laman ng interbensyon ng mga rebolusyonaryo sa mga pakikibaka ng proletaryado laban sa mga atake ng kapitalismo.
Internasyonalismo
-----------------------------------------------------------------------------------------------------
China
Isinama ng mga eksperto ng burgesya ang China sa kanilang koleksyong ng mga malalakas na ekonomiya na nakilala bilang ang “BRICs”. Kabilang din dito ang Brazil, Russia at India na diumano’y siyang maging tagapagligtas sa balot sa krisis na kapitalismo. Ang mga bansang ito ay ibinibida bilang alternatiba sa “PIIGs” (Portugal, Ireland, Italy, Greece at Spain). Sa realidad, sila’y magkabilang mukha lamang ng iisang barya. Ang PIIGs ay mabilis ang pagbulusok sa hayagang krisis pang-ekonomiya, ang BRICs ay nag-umpisa na, na bumubura sa maliit na pag-asa ng naghaharing uri sa isang pang-ekonomiyang milagrong may kakayahang mangibabaw sa mortal na krisis ng kapitalismo. Ang International Review 148 ng ICC ay nagsabing: “Ang mga ‘lumalakas’ na bansa, tulad ng India at Brazil, ay nakikitaan ng mabilis na pagbaba ng kasiglahan. Kahit ang China, na noon pang 2008 ay ibinida na bilang bagong tagapagpaandar ng pangdaigdigang ekonomiya, ay opisyal na tumungo mula di-maganda tungong paglubha. Isang artikulo sa China Daily noong ika-26 ng Disyembre ang nagsabi na dalawang lalawigan (isa rito ay ang Guangdong na isa sa pinakamayaman sa bansa dahil ito ang tumanggap ng malaking bahagi ng sektor ng manupaktura ng mga pangmasang konsumong produkto) ang nagpaabot sa Beijing na maantala ang kanilang pagbabayad ng interes sa kanilang utang. Ibig sabihin, ang China ay naharap sa isang pagkalugi”.
Sa isang nakakabahalang kaganapan para sa ekonomiyang Tsina – at sa kapitalismo sa pangkalahatan – may malawakang pag-unlad/bula sa pabahay na patuloy ang paglobo na, tulad ng sa USA, Ireland, Spain at kahit saan, puputok lang at magdudulot ng mga masamang epekto. May isang malawak na sobrang kapasidad na makikita sa ilang daang milyong kwadradong talampakan ng nakatiwangwang at di naibentang ispasyo ng gusali sa Shanghai. Ang pabahay dito at sa Beijing ay pumipresyo ng 20 beses mahigit kay sa taunang sahod ng isang karaniwang manggagawa. 85% ng mga manggagawang nangangailangan nito ay di kaya ang isang bagong bahay. Hinihigpitan ng rehimen ang pautang dahil sa pagtaas ng implasyon kaya, tulad ng sa Britain, sa USA, Ireland, Spain, at iba pa, sa kalauna’y-puputok-na- bula ay yayanig sa sistemang pagbabangko, partikular sa bersyon ng China sa ‘sub-prime’, ang di-opisyal na merkado ng sistemang pagbabangko na tinustusan ng mga malalaking negosyong pagmamay-ari ng estado ng rehimen. Ang mga pagkaluging ito ay lubhang makaapekto sa mga mahahalagang lokal na otoridad ng estado na di na makatugon sa kani-kanilang mga obligasyon. Malayo pa doon sa sinasabing tanglaw ng pag-asa, ang namumuong pandaigdigang krisis ay mas higit na nangangahulugan na ang ekonomiyang Tsina ay isa lang sa mga paktor ng kapitalistang kabiguan.
Ang mga pag-unlad sa pakikibaka ng uring manggagawa sa China ay nagpakita na ito’y lubusang kabahagi ng pandaigdigang alon ng makauring pakikibaka at panlipunang protesta na umusbong mula pa 2003. At dahil ang lawak at lalim ng mga pakikibaka na sa kasalukuyan ay kinabibilangan ng bagong henerasyon na kalakha’y edukadong manggagawang migrante, ang mga kaganapan sa China ay may malaking potensyal. Hindi bilang isang ekspresyon ng burgis na ilusyon sa anumang ‘pang-ekonomiyang pagbangon’, kundi bilang isang mahalagang tanglaw para sa pandaigdigang proletaryo sa pagpa-unlad ng makauring pakikibaka.
Ang libo-libong ulat ng mga ‘kaganapan’ ng mga welga at mga protesta sa mga syudad, sabay ng pag-alburuto sa kanayunan ay dumarami sa bilang at lakas. Ang mga welga ay patuloy na lumalaki: ang tatlong araw na welga sa maagang bahagi ng Enero sa industriyal na sona ng Chengdu ay, ayon sa The Economist (2/2/12) “…di karaniwang laki sa isang empresa na pagmamay-ari ng sentrong gobyerno”. Ang mga manggagawa dito ay nanalo ng maliit na dagdag-sahod na $40 bawat buwan, nguni’t ang panunuhol sa mga welga sa ganitong paraan sabay ng mga hayagang panunupil ay di na makakasapat. Ang blak-awt ng midya sa pag-alburuto ay di na sapat sa harap ng paggamit ng mga maliitang ‘blogs’. Ang dalas ng mga welga sa mga pribadong pag-aaring pagawaan ay tumaas nitong huling taon.
Sa Pearl River Delta, na gumagawa ng mga sangkatlo (1/3) ng mga eksport ng China, libo-libong manggagawa ng Dongguan noong nakaraang Nobyembre, na nagpoprotesta laban sa pagkaltas sa sahod, ay tumungo sa mga lansangan at nakipaglaban sa mga pulis. Ang mga larawan ng mga nasaktang manggagawa ay lumabas sa internet. Sa huling mga linggo ay marami pang protesta ang naganap dito.
Habang nag-oobserba sa kasalukuyan at umuunlad na mga protesta sa Guangdong, na nag-iba ng hugis at kabaliktaran sa mga nagkasundo at payapang welga na naganap dito noong 2010, ang The Economist ay nagpatuloy: “…sa mga panahon ngayon, sa halip na magsumamo para sa pagbabago ng kanilang kalagayan, ang mga manggagawa ay nagrereklamo hinggil sa pagkaltas sa sahod at trabaho. Ang mga welgista ay mas naging militante… Sa isang ulat na nilathala sa buwang ito ng Chinese Academy of Social Sciences, ay sinabing kumpara noong 2010, ang mga welga ng 2011 ay mas organisado, mas palaban at malamang makalikha ng mga kaparehong aksyon. ‘Ang mga manggagawa sa kasalukuyan ay ayaw nang tumanggap na sila’y magsakripisyo, at pangalawa, kakaunti lang sa kanila ang gustong magligpit ng gamit at umuwi’”.
Ang panunupil ay siya pa ring mayor na sandata ng estadong Tsina – mga di-naka-uniporming pulis ay naglipana. Subali’t may mga panganib sa ganitong patakaran. Nang sinupil ng mga pulis ang isang buntis na manggagawa sa Guangdong kamakailan, libo-libong manggagawa ang umatake sa mga pulis at sa mga gusali ng gobyerno. Ang mga manggagawang ito ay mas malamang na di na babalik sa pagiging magsasaka laluna’t ang kanayunan ay nagpahayag na ng sarili nitong porma ng mga protesta laban sa epekto ng krisis – tulad ng sa Wukan kamakailan lang. Mayroong isang daan at anim-na-pung milyong manggagawang migrante ( 20 milyon sa kanila ay nawalan ng trabaho ng tumama sa China ang ekonomiyang tsunami ng 2008) at silay naninirahan sa mga syudad. Wala na silang babalikan at bilang mga migrante, sila mismo ang magbabayad para sa edukasyon ng kanilang mga anak at programang-kalusugan ng pamilya (na sasagutin sana ng mga kompanya subali’t tulad ng minimum na pasahod, ito’y binale-wala), isang larangan ng makauring tunggalian ang nabubuksan.
Ang pandaigdigang krisis pang-ekonomiya ay lumalalim at ito’y magkakaroon ng signipikanteng epekto sa China at sa ekonomiya nito. Sa kasalukuyan at sa umuunlad na lebel ng makauring pakikibaka sa bansang ito, aasahan natin ang mas maunlad na mga pakikibaka ng mga manggagawa sa China, magpapalakas at magpaparami sa bilang ng mga welga at protesta na iniulat nitong Enero.
Baboon, 2/2/12
Introduksyon:
Sa pagtatapos ng Coronavela sa Senado para patalsikin si Corona sa pwesto, muling umalingawngaw mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya ang panawagan at adbokasiya ng isang “malinis” na pamahalaan; isang pamahalaan kung saan ang mga opisyales nito ay bukas sa publiko ang laki ng kanilang yaman at kung saan nila ito kinuha.
Ang pamantayan ng ganitong “kalinisan” ng budhi ng mga nasa pwesto ay ang moralidad ng umiiral na sistema, ang moralidad ng lipunang kapitalista.
Ano ang layunin ng uring burgesya mula sa Kanan at Kaliwa? Ihasik sa malawak na masa ang ilusyon na sa ilalim ng isang bulok na sistema ay posible pa na maging malinis ang gobyerno at maupo sa pwesto ang mga hindi magnanakaw at tiwaling tao, ng sa ganun ay maging mabuti na rin ang lahat; maging matiwasay na ang pamumuhay ng nakakarami sa ilalim ng isang bulok na sistema na mayroong “malinis” na pamahalaan.
Ang interbensyon ng isang komunistang organisasyon sa ganitong mga ilusyon na inihasik ng naghaharing uri ay ilantad ang kahungkagan ng ganitong panawagan at propaganda at ipakita sa masang anakpawis na ang katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan ay maglalaho lamang sa lipunan kung maibagsak nito ang umiiral na bulok na kaayusan at ang estado/gobyerno na nagtatanggol sa bulok na sistema.
000000000000000000000000000
Ang katiwalian sa gobyerno ay kasing-tanda ng pag-iral ng makauring lipunan sa mundo. Kasabay ng paglitaw ng estado sa lipunan ay lumitaw din ang pagnanakaw ng mga nasa kapangyarihan sa kaban ng bayan para ang sarili ay yayaman.
Kaya naman marami ang nagsasabing wala ng solusyon ang katiwalin dahil ito na ang “naturalesa” ng anumang kaayusan o dahil ang tao mismo kung nasa pwesto na ng estado ay tiyak gagamitin ang posisyon para magkamal ng pera at ari-arian.
Walang katiwalian sa primitibo komunal na lipunan
Ang katiwalian ay nagmula kung ano ang panlipunang kaayusan. Pero ang pinagmulan nito ay isang partikular na panlipunang sistema at hindi naturalesa sa lipunan ng tao.
Ang sinaunang tao na namuhay sa komunal na paraan at pag-aari ng buong komunidad ang mga kagamitan ng produksyon ay hindi nakitaan ng pagnanakaw sa ari-ariang komunal para pagyamanin ang sarili. Ni sa panaginip ay hindi ito sumagi sa kaisipan ng sinaunang tao kung saan ang kinagisnang kapaligiran ay ang kanyang lakas-paggawa ay bahagi ng kolektibong paggawa ng komunidad at ang bunga ng paggawa ay pantay na pinaghahatian ng buong komunidad. Walang pagnanakaw at katiwalian sa isang lipunan na lantay na nakabatay sa kooperasyon at patas na paghati-hati sa anumang makukuha ng buong komunidad; sa lipunang walang estado at mga uri.
Ito ang yugto ng primitibo komunal kung saan nabuhay ang ating mga sinaunang ninuno sa loob ng ilang libong taon. Samakatuwid, hindi naturalesa sa tao ang magnakaw at magpayaman sa sarili mula sa lakas-paggawa ng ibang tao.
Sa makauring mga lipunan lumitaw ang katiwalian
Ang pagkahati-hati ng populasyon sa mga uri, sa nagsasamantala at pinagsamantalahan, sa pagitan ng mayayaman at mahihirap ang ugat ng paglitaw ng katiwalian ng mga taong nasa pamunuan. Ang estado o gobyerno, ang sentral na organo ng naghaharing uri sa mga lipunang makauri ay sentro ng pagnanakaw ng iba’t-ibang paksyon ng mapagsamantalang mga uri ng lipunan. Ang pagkontrol sa estado ang dahilan ng mga tunggalian at digmaan ng mga mayayamang uri ng lipunan.
Sa mga lipunang alipin, pyudal, asyatikong despotismo at kapitalismo lumitaw ang katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan.
Subalit nagiging sentral at mapagpasya ang katiwalian at pagnanakaw sa loob ng gobyerno sa panahon na ang lipunan ay nasa kanyang dekadenteng yugto na, sa panahon na ang krisis nito ay permanente na, sa panahon na ang bagong mga pwersa ng produksyon at ang bagong rebolusyonaryong uri ay obhetibo ng nangangailangan ng bagong panlipunang sistema para palitan ang luma at bulok na.
Sa panahon ng dekadenteng sistema bahagi na ng pagpapayaman ng mga nasa kapangyarihan ang pagnanakaw sa kaban ng bayan.[1]
Sistemang kapitalismo: rurok ng katiwalian at pagnanakaw sa lipunan
Ang mundo at Pilipinas ay nasa kapitalistang sistema na. Mula 1900s ay dekadente o bulok na ang sistemang kapitalismo.
Puno ng mga iskandalo at malalaking kaso ng katiwalian ang namayani sa mga bansang kapitalista mula ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang imperyalistang yugto. At sa loob ng mahigit 100 taon ay iba’t-ibang pangako at solusyon ang inihapag ng burgesya para resolbahin ang talamak na katiwalian sa mga gobyerno nila. Pero mas lalupang lumala ang katiwalian sa lipunan.
Marami ng matataas na opisyal ng pamahalan ang pinarusahan ng pagkabilanggo at kamatayan para magsilbing “babala” at inaasahang pipigil sa katiwalian. Ang ilan naman sa kanila ay pinatalsik sa pwesto pero ang pumalit ay mas tiwali pa.[2] Ilang beses na binago o dinagdagan ang mga batas para sa isang malinis na gobyerno pero hindi maampat ang pagdami ng mga magnanakaw sa loob ng estado. Kapwa sa mga stalinista at demokratikong mga bansa ay pinagyayabang ng burgesya ang parusa sa mga “malalaking isda” para pakalmahin ang masa na maari pang repormahin ang kapitalistang sistema.[3]
Sa ating modernong panahon, dulot ng modernong teknolohiya, ang magagaling at matatalinong magnanakaw na mga opisyales ng gobyerno ay mas lalupang naging tuso at mas maingat sa kanilang masamang gawain hindi dahil nahihiya sila kundi para ipakitang ang sistema at gobyernong pinagtatanggol nila ay may kapasidad na linisin ang lipunan ng katiwalian.
Subalit ang moralidad ng burges na lipunan ay nakabatay sa pagpapatuloy ng paghari ng mayayaman. Para sa kapitalismo, hindi imoral ang magkamal ng malaking tubo; hindi imoral ang maging milyonaryo o bilyonaryo basta’t naaayon lang sa batas ng estado.
Ang usapin ng katiwalian sa lipunang kapitalista ay naaayon sa kung ano ang “tama” at “mali” batay sa kaisipan ng naghaharing uri at sa kagustuhan ng estado bilang sentral na organo para sa “kaayusan” ng bulok na lipunan.
Ang panawagang “sign a waiver” ni Corona at “disclose all” ng isang seksyon ng Kaliwa
Interesado ba ang naghaharing uri sa isang “malinis” na pamahalaan? Kung intensyon lang ang pag-uusapan tiyak na OO ang sagot dito. Katunayan, ang unang umaangal sa katiwalian ay ang mga panggitna at maliit na kapitalista. Mas lumalaki ang “gastos” nila dahil obligadong manuhol sila sa mga tiwaling opisyal para lamang mapabilis ang proseso ng kanilang negosyo at pagkamal ng tubo.
Sa kabilang banda, hindi “tamang” makakolekta ng buhis ang estado sa mga malalaking negosyante dahil sa pag-iwas ng mga ito sa “tamang” buhis sa pamamagitan ng panunuhol. Hindi pa kasama dito ang panunuhol ng mga karibal na armadong paksyon ng gobyerno sa mga tiwaling opisyales ng armadong sandatahan nito para makabili ng armas mula mismo sa gobyerno na “kaaway” nila.[4]
Subalit ang intensyon ay hindi maging realidad. Habang tumitindi ang krisis ng sistema mas dumarami ang mga tiwaling opisyales ng estado, mga taong nagpapayaman sa sarili gamit ang posisyon nila. Ang korupsyon ay hindi pang-aabuso sa sistema. Ito mismo ang demokratikong sistema ng parliyamentarismong burges.[5]
Intensyon ng bawat paksyon na uupo sa Malakanyang ang isang “malinis” na pamahalaan para mapanatili hindi lang ang ilusyon na may maasahan pa sa bulok na kaayusan kundi para maging maayos sana ang paghahari ng mga mapagsamantala.
Nagtuturuan ang mga magkaribal na paksyon alin sa kanila ang tiwali dahil wala namang umaamin alinman sa kanila sa kanilang pagnanakaw sa kaban ng bayan. Dito nakaangkla ang huling “opensiba” ni Renato Corona – “sign a waiver” - bago siya tuluyang pinatalsik ng senado sa Korte Suprema. Dito rin nakaugnay ang panawagan ng isang seksyon ng Kaliwa na “disclose all”.
Kapwa ang “sign a waiver” at “disclose all” ay mga repormistang panawagan na naglalayong buhusan ng gasolina ang unti-unti ng namamatay na apoy ng ilusyon ng masa na may maaasahan pa sa kapitalistang sistema.
Ang pangkalahatang argumento ng mga pasimuno ng panawagang ito ay para daw mabisto sa taumbayan kung sinu-sino ang mga tiwali sa pamahalaan at maparusahan ayon sa batas. Sabi naman ng isang seksyon ng Kaliwa, kung ayaw ng lahat ng mga opisyales ng gobyerno na ilantad ang kanilang mga pera at ari-arian ay mabuti pang mag-resign na lang sila para mabuksan ang kondisyon sa isang transisyunal na gobyerno.[6]
Sinuportahan agad ng mga politikong hindi alyado ng paksyong Aquino ang panawagan ni Corona. Nagpirmahan ang mga ito ng “waiver” sa harapan ng media o kaya pinaalam agad sa media para maipakitang “malinis” at “walang tinatago” ang mga ito.
Naobliga namang sinuportahan ng isang seksyon ng Kaliwa ang panawagan ni Corona pero “mas pinalawak” lang nila ito para maipakitang “mas radikal” sila kaysa kay Corona.
Ano naman ang ganansya ng taumbayan sa panawagang ito? Wala.
Unang-una na, matagal ng alam ng nakararami na nagpapayaman lamang sa sarili ang mga politikong nakaupo sa pwesto. Ilang dekada ng naranasan ng hirap na mamamayan na ang kanilang mga ibinoto sa pwesto ay mas lalupang yumaman ng maupo sa pamahalaan.
Ikalawa, ilang daang opisyales man ng gobyerno ang maparusahan ay patuloy pa rin ang katiwalian dahil ang bulok na sistema mismo ang nagluwal ng korupsyon.
Ikatlo, sa bawat “paghihigpit” ng mga batas ng estado laban sa katiwalian ay mas lalupang naging magulang at “matalino” ang mga tiwaling opisyales. Higit sa lahat, laging abswelto sa parusa ang mga malalapit na alyado ng naghaharing paksyon. Kaya paikut-ikot lamang ang kampanya ng naghaharing uri laban sa korupsyon: ang papalit na bagong administrasyon ay hahabulin at parusahan ang pinalitan at karibal na paksyon at sa kanila isisi ang lahat ng pagiging bangkarota ng gobyerno habang ang bagong administrasyon na naman ang magpapayaman sa sarili. Sa loob ng ilang dekada ay ganito ang ikot ng kampanya ng naghaharing uri.
Ano ang solusyon ng rebolusyonaryong manggagawa sa katiwalian?
Layunin ni Corona at ng Kaliwa na magkaroon ng isang malakas na kilusang masa laban sa katiwalian. Bubuhos sa kalsada ang daang libong mamamayan para sa isang malinis na pamahalaan. Ang target nila: ang paksyong Aquino lamang hindi ang bulok na kapitalistang kaayusan.
Paanong bubuhos sa kalsada ang libu-libong mamamayan kung alam na mismo ng huli na walang mangyari? Mas “mataas” pa ang kamulatan ng ordinaryong masa sa mga “lider” nila dahil alam ng una kung anong nangyari sa pamilyang Marcos matapos maupo si Cory Aquino; kung anong nangyari sa pamilyang Estrada matapos makulong si Erap Estrada.
Ang Kaliwa mismo ay tumulong sa paksyong Aquino laban kay Corona sa pamamagitan ng impeachment trial ng senado. Ang tinatahak na proseso ng “paglaban” sa katiwalian ay naaayon sa batas na ginawa mismo ng mga tiwaling politiko sa kongreso at senado.
Inulit na naman ng Kaliwa ang bangkarotang taktika na para maging “malinis” ang kapitalistang gobyerno ay kailangang may mga bagong batas at may mga bagong politiko na uupo sa pwesto. Sa madaling sabi, hindi kapitalismo ang problema kundi ang mga tao at paraan lamang ng pangangasiwa dito! At ang bangkarotang taktikang ito ay para daw isulong ang tunay na panlipunang pagbabago.
Para sa rebolusyonaryong mga manggagawa ang katiwalian ay bunga lamang ng isang bulok na kaayusan hindi dahilan bakit naging bulok ang sistema.
Ang panawagan ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa kanilang mga kapatid na manggagawa ay hindi para sa isang “malinis” na gobyerno kundi ibagsak ang gobyerno.
Paano? Saan magsimula?
Isang malawak na kilusang manggagawa na lalahukan ng libu-libong manggagawa na ang mga kahilingan ay para sa interes ng buong uri. Magsimula ito sa paglaban sa mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan: kontraktwalisasyon, mababang sahod, mababang benepisyo at hindi makataong kalagayan sa pagawaan.
Ang dapat pagtuunan ng pansin ay ang paglikha ng mga kondisyon para sa malawakang pakikibaka sa lansangan, para sa mga pangmasang welga na ang magpasya ay hindi ang mga unyon kundi ang mga asembliya ng manggagawa o mga komite ng welga.
Sa ganitong mga laman at tipo ng pakikibaka malalantad ang mga nagmamalinis na politiko nasa administrasyon man o oposisyon kung ano ang kanilang paninindigan sa makauring mga kahilingan ng manggagawa.[7]
Nagkaisa ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri na manawagan sa manggagawa na “sumunod sa mga batas” at sa mga “legal na proseso” para makamit ang mga kahilingan; mga batas at proseso na kontrolado ng mga mapagsamantala at para pahinain ang rebolusyonaryong pagkakaisa ng masang anakpawis.
Sa proseso ng pakikibaka mabuo ng uring manggagawa ang kapangyarihang pampulitika. Kapangyarihan na makamit lamang hindi sa pakikipag-alyansa sa alinmang paksyon ng naghaharing uri.
Tanging sa kapangyarihan ng manggagawa masimulan ang pagpawi sa katiwalian sa lipunan. Hindi magkaroon ng kapangyarihan ang masang anakpawis hangga’t nanatili ang kapitalistang estado at mga batas nito. Lalunang hindi makamit ang proletaryong kapangyarihan sa pamamagitan ng paglahok sa burges na eleksyon ng mga rebolusyonaryong manggagawa.
Ang pagpawi sa katiwalian ay mahigpit na nakaugnay sa pagbagsak ng gobyerno at ng sistemang pinagtatanggol nito hindi sa mga reporma, sa mga batas at paghawak ng pwesto sa estado.
M3, Hulyo 8, 2012
[1] Bagamat kahit sa panahon na pasulong pa ang isang makauring sistema ay mayroon ng katiwalian at pagnanakaw ng mga opisyales ng estado sa kaban ng bayan, hindi ito naging pangunahing problema ng naghaharing uri o kahit ng buong populasyon dahil pinauunlad pa ng mga pwersa at relasyon ng produksyon ang buong lipunan. Sa imperyong Romano, naging malaking problema lamang ang katiwalian sa loob ng estado ng pumasok na ang sistemang alipin sa kanyang dekadenteng yugto, panahon na permanente na ang krisis ng sistema. Ang iba’t-ibang paksyon ng naghaharing uri dahil sa krisis ay nagpapaligsahan kung sino ang unang makakulimbat sa lumiliit na yaman ng bayan.
[3] Pinagyabang ng Tsina ang kanilang death penalty bilang parusa sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno. Pero mas lumala ang korupsyon sa bansang ito. Ganun din ang nangyari sa ibang mga bansa. Sa Pilipinas ay napatalsik si Ferdinand Marcos Sr, nabilanggo si Joseph Estrada, inaresto si Gloria Arroyo at napatalsik si Renato Corona sa pwesto. Pero ang katiwalian ay patuloy na naranasan ng hirap na mamamayan.
[4] Ang gun smuggling ay hindi lang talamak sa Pilipinas kundi maging sa ibang mga bansa din. Nangyayari ang mga ito dahil sa katiwalian ng mga nasa sandatahang lakas ng estado. Ang maoistang New People’s Army at iba pang armadong rebeldeng gruo ay bumibili ng armas sa sandatahang lakas ng kanilang “kaaway”. Kaya nga ipokrito ang mga grupong ito sa kanilang panawagan na pawiin ang katiwalian sa kapitalistang pamahalaan. https://en.internationalism.org/wr/305/arms-deals [60]
[5] en.internationalism.org/worldrevolution/201003/3638/corruption-integral-part-parliamentary-politics [11]
[6] Habang ang Kaliwa at ang kanilang mga unyon ay nanawagan ng “walang katiwalian na kapitalismo”, kahit ang hanay nila ay nahawa na rin sa matinding katiwalian at karahasan ng pag-aagawan ng yaman mula sa pawis ng masang manggagawa at proyekto ng estado na ipinagkatiwala sa mga unyon. Sa Pilipinas, hitik sa kasaysayan ang mga tunggalian sa pagitan ng mga unyon. Ang TUCP ang pinakahuling nahati dahil sa pag-aagawan ng kapangyarihan sa loob ng unyon. Hindi pa kasama dito ang pamimili ng boto sa COMELEC tuwing eleksyon para lamang manalo. Ang “sosyalistang” Venezuela ni Hugo Chavez ay marahas ang tunggalian ng mga magkaribal na unyon http://news.bbc.co.uk/2/hi/americas/8583662.stm [61]
[7] Kabulastugan ang propaganda ng maoistang Kilusang Mayo Uno (KMU) at mga alyado nito na kaibigan daw ng uring manggagawa ang mga milyonaryong kapitalistang politiko tulad ni Manny Pacquiao dahil sinuportahan daw nito ang 125 legislated wage increase across-the-board nationwide. Sa halip na sa lahat ng seksyon ng manggagawa hihingi ng suporta at sa lansangan ang pangunahing porma ng pakikibaka, sa mga mapagsamantalahang kapitalistang politiko at sa bulok na kongreso sila umaasa ng suporta laluna sa panahon na nasa matinding krisis ang kapitalismo.
Mula ng pumutok ang WW I ay pumasok na ang mundo ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. Yugto kung saan lubusan ng reaksyunaryo at kontra-rebolusyonaryo na ang pandaigdigang sistema. Sa yugtong ito ang panawagan ng komunistang kilusan ay “Proletaryong rebolusyon o digmaan”. Mula 1980s ang dekadenteng kapitalismo ay pumasok na sa kanyang naaagnas na yugto – dekomposisyon – kung saan ang panawagan ng mga komunistang organisasyon ay “Komunistang rebolusyon o pagkawasak ng mundo”.
“Pakikipag-isang Prente”
Ang terminong pakikipag-isang prente o “united front” ay lumitaw noong matapos ang WW I kung saan ay nanawagan ng alyansa ang Komunistang Internasyunal (COMINTERN) sa traydor na Sosyal-Demokrasya. Tinutulan ito ng minoriyang komunista sa loob ng COMINTER na tinawag na “kaliwang-komunista” ng mayoriya. Ibig sabihin, oposisyon sa loob ng Komunistang Internasyunal.
Sa praktika ang UF ay pakipag-alyansa ng isang komunistang organisasyon/alyado nila sa ibang mga organisasyonkabilang na ang mga tahasang repormista at burges ayon sa “maiinit na mga isyu” at sa linyang “opposed the greater evil”. Ito ang esensya ng “anti-fascist” front o “popular front” noong WW II.
Sa bandang huli, ang “united front” tactics ng COMINTERN ang kondisyon upang masakerin ng alyado nitong Koumintang sa China ang mga manggagawang nag-alsa sa Shanghai noong 1927 at Kemal Attaturk ng Turkey, ang alyado ng COMINTERN na paslangin ang daan-daang membro ng Partido Komunista ng Turkey noong 1921.
Sa Uropa ay hitik sa karanasan kung paanong isinapraktika ng mga stalinista/”sosyalistang” partido ang “united front” para makaupo sa kapangyarihan sa pamamagitan ng eleksyon. Ang mga sosyalistang partido ng Greece at Spain na naging gobyerno dahil sa “UF tactics” ang pasimuno ng mabagsik na austerity measures laban sa uring manggagawa.
Sa Pilipinas, hindi pa nabura sa kaisipan ng mga rebolusyonaryo ang masaker at pagdis-arma na ginawa ng mga sundalong Amerikano sa gerilyang Hukbalahap matapos ang “tagumpay” ng alyansa ng stalinistang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP), lokal na burgesya at imperyalistang Amerika laban sa imperyalistang Hapon. Bahagi ng broad alliance ang isang paksyon ng naghaharing uri. Makita ito sa prenteng anti-Marcos, anti-Cory, etc etc…hanggang anti-Noynoy Aquino sa kasalukuyan, depende kung anong paksyon ang nasa Malakanyang. Sa panahon ng rehimeng Arroyo naging taktikal na alyado ng mga naniwala sa “united front” ang napatalsik na paksyon ni Erap. Hindi ito usapin ng makauring linya kundi usapin ng “mas maraming mamobilisa” laban sa “pangunahing” kaaway sa pamamagitan ng “taktikal” na pakipag-alyansa sa mga “segundaryong” kaaway.
Ang iba’t-ibang organisasyong “progresibo” sa Pilipinas, gamit ang “UF tactics” ay hayagan o kaya sekretong nakipagnegosasyon sa mga malalaking partidong burges, kabilang na ang mga lokal na politiko para lamang makakuha ng dagdag-boto o suportang pinansyal sa malalaking kampanya nito o sa gerilyang digma. Ang maoistang CPP at repormistang Akbayan ang makapal ang mukhang ihayag sa publiko ang alyansa nito sa mga malalaking burges na partido tulad ng Nacionalista Party ni Manny Villar at Liberal Party ni Benigno “Noynoy” Aquino III. Habang ang ibang mga “progresibong” organisasyon ay nahihiya pa at nagkasya na lamang sa sekretong negosasyon sa mga burges na partido at pulitiko.
Sabi ng karamihan, “pwedeng pumasok sa broad alliance ang mga komunista na independyente at dala-dala ang makauring linya”. Paano madala at maigiit ng proletaryado sa loob ng “broad alliance” na ito kung ang “basis of unity” ay tahasan ng oportunista/repormista at laban lamang sa isang paksyon ng naghaharing uri? “Napanatili” nga ng mga komunista ang “makauring linya” sa kanilang sarili habang sa praktika ay nilamon sila sa mga pagkilos/panawagan na naaayon sa interes ng burgesya.
Ang “broad alliance” na konsepto ng mga maoista ay walang pagsaalang-alang sa makauring linya dahil unang-una na hindi naman proletaryong programa ang dala-dala nito kundi burges. Ang importante sa kanila ay susunod sa pamumuno nila ang isang paksyon ng burgesya sa loob ng “broad alliance”. Ang paksyon ng burgesya na hindi susunod sa kanila, hindi kasama sa alyansa. Sa Nepal ay “matagumpay” na naisagawa ng mga maoista ang broad alliance tactics dahil nakaupo sila sa kapangyarihan. Subalit ang natural na kabayaran ay lalupang pagpapahirap sa masang manggagawa at maralita doon.
Ang “entryism” naman ng mga trotskyista ay pumasok sila sa mga repormista/maka-kapitalistang organisasyon sa loob ng kilusang paggawa at naging “revolutionary opposition” sa loob. Ito ang praktika nila sa loob ng burges na partidong Labor Party ng UK. Sa Egypt ngayon ay kasalukuyang lumalangoy sa “broad alliance” ang ilan sa mga trotskyistang partido doon.
Subalit ang iba ay naghahanap ng ibang implementasyon ng “broad alliance” o “united front” na salungat daw sa ginagawa ng mga maoista. Hindi naunawaan ng una kung saan ito hinugot ng huli: mula sa oportunistang “united front” tactics ng COMINTERN noong 1920-21 na siyang mahigpit na tinatangkilik ng Stalinismo bilang bahagi ng “Leninismo” at isinapraktika sa China, Turkey at iba pang bahagi ng mundo kabilang na ang Pilipinas noong panahon ng WW II at diktaduryang Marcos hanggang ngayon.
Sa Uropa at Amerika kahit ang mga organisasyong “anti-maoista” tulad ng “sosyalistang” mga partido at trotskyista ay nagsapraktika din ng “broad alliance” laluna sa parliyamentarismo.
Proletaryong Prente
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ang tanging programa na maging daan para lalaya ang sangkatauhan mula sa lahat ng pagsasamantala at pang-aapi ng kapitalismo ay ang proletaryo o komunistang programa. Ang sentral na laman ng programang ito ay anti-kapitalismo at laban sa lahat ng klase ng burges na ideolohiya kabilang na ang lahat ng hibo ng nasyunalismo at demokrasyang burges.
Ibig sabihin, kailangang makabig ng rebolusyonaryong proletaryado ang malawak na masang anakpawis sa kanyang programa sa pamamagitan ng pagpaliwanag ano ang komunismo at paglantad sa lahat ng tipo ng burges na ilusyon. Ito ang tanging daan wala ng iba pa kung nais nating mailigtas ang sangkatauhan at mundo mula sa walang kataposang barbarismo.
Ang dapat gawin ng mga komunistang organisasyon at mga alyado nilang organisasyong masa ay matalas na kondenahin sa publiko ang oportunismo/repormismo ng mga paksyon ng burgesya habang hinihimok na pumaloob ang mas maraming masa sa bandila ng proletaryong linya/panawagan. Ibig sabihin, kabigin ang peti-burgesya/magsasaka sa linya ng proletaryado. Ito ang demarkasyon sa pagitan ng makauring pamumuno: proletaryado vs burgesya. Mangyari lamang ito kung hindi papaloob ang mga komunistang organisasyon/alyado nila sa “broad alliance” kasama ang mga repormista/oportunista.
Mahiwalay ba ang komunistang organisasyon? Tiyak mahiwalay ito sa mga oportunista/repormista. Mahiwalay ba ang mga komunista sa masang anakpawis? Maaring pansamantala laluna kung napakalakas pa ang hatak ng mga ilusyon ng repormismo at demokrasyang burges. Pero ang mga nagsusuring elemento sa hanay ng masa ang unang makaunawa sa tamang pagkakaisa na inihapag ng isang komunistang organisasyon. Noong WW I ay sa simula napakaliit at “hiwalay” sa malawak na masang manggagawa ang mga komunista habang “napakalawak” ang “suporta” ng sosyal-demokrasya. Pero walang pag-alinlangang kinondena ng minoriya ang mayoriya ng sosyal-demokrasya na traydor sa internasyunalismo at proletaryong rebolusyon. Noong WW II ay halos walang nakinig sa mga komunista at napakalakas ng impluwensya ng stalinismo sa hanay ng kilusang paggawa.
Makumbinsi lamang ang ibang mga pinagsamantalahang uri sa lipunan sa katumpakan ng proletaryong linya kung matatag na manindigan ang mga proletaryong organisasyon sa interes ng manggagawa sa pamamagitan ng hayagan at matalas na pagkondena at paglantad sa lahat ng tipo ng oportunismo at repormismo ng mga organisasyong malakas pa ang impluwensya sa kilusang paggawa. Makumbinsi lamang ang masa na pumaloob sa proletaryong prente kung malinaw na makita at maunawaan nito ang demarkasyon, ang kaibahan ng proletaryong panawagan sa burges na panawagan.
Hindi ito madali at napakahirap. Kung madali sana ito ay hindi nangyari ang WW I at WW II at mga digmaan sa kasalukuyan na sinisilaban ng lahat ng tipo ng nasyunalismo at ilusyon ng demokrasyang burges.
Ang layunin ng proletaryong organisasyon ay mabuo ang proletaryong prente na lalahukan ng malawak na masang anakpawis laban sa anumang mga ilusyong inihasik ng burgesya.
Pero kung hanap ay kantitatinong dami na walang pagsaalang-alang sa makauring prinsipyo at programa, “mas mabuti ang broad alliance kasama ang mga oportunista/repormista kabilang na ang mga traydor sa proletaryong rebolusyon.”
Hindi pa ba sapat ang mahigit 80 taon na karanasan ng “united front” para makita ano ang bunga nito kung ang sukatan ay pagpapalakas sa proletaryong kampo laban sa kapitalismo? Maaring hindi pa nga sapat dahil mas marami pa rin ang “matured” na mga organisasyon na naniniwala dito at tanging ang mga “musmos” pa lamang ang tumindig laban dito at nanawagan na ang dapat palakasin ay ang proletaryong prente. Dito dapat ang pokus ng mga komunistang organisasyon (sa proletaryong prente) paano paunlarin ang dinamismo at buhay na talakayan sa loob.
Ang mga binhi ng proletaryong kampo ay kumalat sa mga pag-aalsa laban sa kahirapan sa Gitnang Silangan, Uropa at USA: mga asembliya. Ang mga ito kundiman independyente sa mga partido ng Kaliwa at mga unyon ay nahirapan itong kontrolin ng huli tulad ng “broad alliance” na DRY (Real Democracy Now) sa Spain. Mga binhi din ng proletaryong kampo ang mga pagkilos na tahasang kumokondena sa mga oportunismo at pagkanulo ng mga partido ng Kaliwa tulad ng “socialist” parties, stalinistang partido at mga unyon nito.
Oo, marami pang dapat aralin ang uri sa kanilang sariling karanasan. Pero positibo ang tunguhin nito dahil nag-iisip at nagsuri mismo ang uring proletaryo na meron pang alternatiba sa ilang dekadang “broad alliance” na inilalako sa kanila ng kanilang mga “representante”…at ito ay ang “alyansa” ng buong uring manggagawa para sa kanyang sariling makauring interes at ang mga asembliya bilang organo ng pakikibaka. Habang nahubaran ang oportunismo ng “broad alliance” kung saan ang esensya nito ay “pagtugmain” ang interes ng iba’t-ibang mga uri sa lipunan, mas lalong lumilinaw na walang ibang magliligtas sa sangkatauhan mula sa delubyo ng kapitalismo kundi ang proletaryong interes at direksyon lamang ng laban.
Sa kasalukuyan ay minoriya at maliit pa lamang ang nanindigan laban sa “broad alliance” o “united front”. Pero hindi ibig sabihin na mali ito. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay tama ang mayoriya at mali ang minoriya. Ito ang masaklap na turo sa atin ng kasaysayan mula noong WW I.
Tama na gawing tungtungan ang kasalukuyang antas ng kamulatan ng malawak na masa. Subalit ito ay para itaas ang kamulatan nila, kamulatan na kailangan at kayang-kaya na ibagsak ang kapitalismo at estado nito. Hindi tataas ang kamulatan ng masa kung ang mga organisasyong taliba ng uri ang siya mismong maglatag ng mga kahilingang nagpapatibay sa atrasadong kamulatan sa halip na dudurog dito.
Ang kasalukuyang kamulatan ng malawak na masa ay unang-una dahil sa malakas na impluwensya ng burges na propaganda at ideolohiya sa kanila. Ang epektibong paraan para malabanan ang impluwensya ng kaaway sa uri ay ang pagsulong at paglakas ng makauring pakikibaka dala-dala ang abante at tumpak na mga panawagan na hinihingi ng obhetibong sitwasyon. At ang obhetibong sitwasyon sa kasalukuyan ay kailangan at posible ng ibagsak ang gobyerno at kapitalismo.
M3, Abril 12, 2012
test
Marso 29, 2013: Ika-44 anibersaryo ng armadong pakikibaka ng maoistang kilusan sa Pilipinas. Ano ang maaasahan ng uring manggagawa sa pakikibaka ng maoismo sa Pilipinas? Lalaya ba sila mula sa pagsasamantala at pang-aapi ng kapitalismo kung sakaling ang mga maoista na ang may kontrol ng estado?
Ang pokus ng artikulong ito ay suriin batay sa Marxismo ang programa ng maoistang Partido Komunista ng Pilipinas – pambansa-demokratikong programa – at ano ang aktwal na karanasan ng masang manggagawa sa mga bansang naipanalo nila ang “pambansa-demokratikong rebolusyon”.[1]
Maikling pagbalik-tanaw sa maoismo
Ang maoismo bilang doktrina ay unang lumitaw sa Tsina noong 1930s matapos ang pagkabigo ng proletaryong pag-alsa sa Shanghai noong 1927 at ganap na malusaw ang ibang tendensya sa loob ng PKT.[2]
Ang maoismo sa Tsina ay bunga ng pagkatalo ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon at pangingibabaw ng Stalinismo sa internasyunal na kilusang komunista.
Lumitaw ang maoismo sa Pilipinas noong 1960s matapos ang antagonistikong debateng “ideolohikal” sa pagitan ng Tsina at Rusya at paglakas ng ideolohiyang nasyunalismo sa hanay ng kabataan-estudyante bunsod ng digmaan sa Vietnam. Ang debate ay tulak ng hayagang “kritisismo” ni Khrushchev kay Stalin.[3] Hindi usapin ng marxismo laban sa rebisyunismo ang “debate” sa pagitan ng Tsina at Rusya kundi sa pagitan ng dalawang bansa na nag-aagawan kung sino ang maging “godfather” sa “sosyalistang” kampo (imperyalistang bloke na karibal ng bloke ng imperyalistang USA). Sa huli, natalo ang Tsina at wala itong nagawa kundi pumailalim sa bloke ng Amerika noong maagang yugto ng 1970s (buhay pa si Mao) laban sa bloke ng Rusya.
Lumakas ang gerilyang pakikidigma ng maoistang kilusan sa Pilipinas noong panahon ng diktadurang Marcos. Lumawak ang simpatiya ng manggagawa at taumbayan sa PKP (1968) dahil na rin sa barbarikong panunupil ng rehimeng Marcos sa kanyang mga kaaway at sa kilusang masa. Subalit ang paglakas ng maoistang kilusan ay hindi dahil sa pagtaas ng makauring kamulatan ng masang manggagawa kundi dahil sa pagkabansot nito at pagkakulong sa kaisipang nasyunalismo, anti-pasismo[4] at demokrasya. Isa pa sa dahilan ay ang mistipikasyon ng armadong pakikibaka laluna sa kabataan, kung saan ang mga tagumpay militar ng “hukbong bayan” ay inakalang “tagumpay” ng proletaryong pakikibaka[5].
Ang pambabaluktot ng maoismo sa proletaryong katangian ng rebolusyon ay kongkretong makita sa praktika kung saan ang interes ng PKP ay siya na ring interes hindi lang ng uring manggagawa kundi ng buong sambayanang Pilipino. At ito ang mahigpit na pinaniniwalaan ng kanilang mga tapat na tagasunod at simpatisador.
Programa ng PKP-1968: Programa ng pambansang kapitalismo
Bagamat ang programa ng maoistang PKP ang popular, hindi ito ang una at tanging may ganitong programa sa buong hanay ng Kaliwa sa Pilipinas. Ang buong Kaliwa (hindi lang ang maoistang kilusan) ay naniwalang dapat dadaan muna sa burges-demokratikong yugto ang “proletaryong rebolusyon” sa Pilipinas.[6] Halos memoryado ng mga tapat na kasapi ng PKP ang Programa ng Demokratikong Rebolusyon ng Bayan.
Kaya maari nating sabihin na mahigpit man ang bangayan ng mga paksyon ng Kaliwa sa isa’t-isa, nagkakaisa sila na dahil atrasado ang panlipunang sistema ng Pilipinas ay “tama” lamang na paunlarin muna ang pambansang kapitalismo para makamit ang sosyalismo sa bansa.
Inamin mismo ng maoistang PKP na ang programang isisnusulong nila ay hindi sosyalistang programa kundi burges-demokratiko. Dinagdagan lamang nila ng “bagong tipo” para magmukhang “rebolusyonaryo”. At naging “bago” dahil daw nasa “pamumuno” na ng uring manggagawa sa pamamagitan ng “kanyang” partido.[7] Ibig sabihin, para sa maoismo ang interes ng maoistang PKP ay interes ng uring manggagawa. Ang tutol sa interes ng PKP ay tutol sa interes ng uring manggagawa. Ganito ang pambabastardo ng maoismo sa marxismo!
Ang “materyal” na batayan ng PKP ay dahil daw “mala-kolonyal at mala-pyudal” ang umiiral na panlipunang sistema ng bansa. Sa madaling sabi, atrasado ang moda ng produksyon.[8]
Masusuma sa dalawang usapin ang burges na programa ng maoismo: Pambansang industriyalisasyon at Agraryong rebolusyon (ie, “libreng pamamahagi ng lupa sa mahihirap sa kanayunan).
Pambansang industriyalisasyon
Ang esensya ng pambansang industriyalisasyon ay pangunahin nasa pag-aari o kontrol ng estado ang mga batayan at malalaking industriya kasama na ang malalaking lupang agrikultural.
Sa totoo lang hindi ito tanging prangkisa ng Kaliwa. Maging ang Kanan ay ginagawa din ito.
Bago pa ang WW II ay ginawa na ng imperyalistang Amerika (Keynesianismo), Alemanya (Nazismo) at Italya (Pasismo) ang pambansang industriyalsiasyon. Malinaw na hindi lang ang stalinistang Rusya ang nagsagawa ng kapitalismo ng estado (ie “sosyalismo”).
Hindi nakapagtataka kung bakit may komonalidad ang Kanan at Kaliwa sa usapin ng pagpapalaki at pagpapalawak ng kontrol ng estado sa buhay panlipunan dahil pareho lang naman ang sistemang kanilang pinuprotektahan: panatilihin ang kasalukuyang kaayusan. At ito ang tanging papel ng estado sa lipunang makauri.
Noong 19 siglo kung saan progresibo at lumalawak pa ang kapitalismo, ang pangunahing papel ng estado ay “referee” lamang ng kompetisyon ng mga pribadong kapitalista para walang anarkiya at antagonistikong kaguluhan ng kanilang kompetisyon.[9] Subalit mula 20 siglo ng pumasok na sa dekadenteng yugto ang kapitalismo, ay ang estado na mismo ang kumukontrol at nagmamay-ari sa mga industriya.
Sa madaling sabi, ang pambansang industriyalisasyon ay hindi pagsulong ng kapitalismo kundi bunga ng kanyang permanenteng krisis bilang moda ng produksyon. Ang estado bilang huling tagapagligtas ng sistemang kapitalismo ay kailangang manghimasok sa buong buhay ng lipunan higit pa sa kanyang ginawa noong 19 siglo para hindi babagsak ng tuluyan ang sistema.
Ang “New Deal” ni Roosevelt, Nazismo ni Hitler at Pasismo ni Mussolini ay pawang bunga ng matinding krisis ng sistema at desperadong solusyon para pansamantalang mapigilan ang pagbagsak nito. Subalit hindi napigilan ng pambansang industriyalisasyon (na sa tamang kahulugan ay kapitalismo ng estado) ang pagsabog ng WW II na lalupang sumira sa buhay at ari-arian ng daang milyong mamamayan ng mundo.[10]
Ang layunin ng pambansang industriyalisasyon o kapitalismo ng estado ay “paunlarin” ang kapitalismo sa isang atrasadong bansa tulad ng Pilipinas. O kaya desperadong isalba ang pambansang kapital na nasa matinding krisis tulad noong panahon ng Great Depresson sa Amerika, paglitaw ng Nazismo sa Alemanya at Pasismo sa Italya sa pamamagitan ng pag-agaw sa mga teritoryo ng kanilang mga karibal.
Ang tanong: posible pa ba ito sa panahon ng dekadenteng kapitalismo? Progresibo pa ba ang kapitalismo ng Pilipinas at sa ibang atrasadong bansa?
Dahil hindi pandaigdigan at istorikal ang balangkas ng Kaliwa laluna ng mga maoista kundi pambansa at nasyunalismo, hindi nila naunawaan at ayaw unawain na wala ng progresibong bahagi ng kapitalismo at ganap nang reaksyunaryo ang pandaigdigang kapitalismo mula 20 siglo. Sa halip na makatulong ay ganap nang hadlang sa pag-unlad ng produktibong pwersa ang pambansang kapital.[11]
Sa dekadenteng kapitalismo ang pandaigdigang pamilihan ay mabilis na kumikipot habang naging permanente na ang krisis ng sobrang produksyon. Ang tanging tulong ng pambansang industriyalisasyon ay mas patindinhin ang pagpiga sa libreng paggawa (pagsasamantala at panunupil) ng manggagawa para makakuha ng puwang sa kumikipot na pandaigdigang pamilihan: mabenta ang mga produkto. Sa kabilang banda naman ay para palakihin pa ang mga sobrang produktong hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo.[12]
Ang kapitalismo ng estado, kontrolado man ito ng Kanan o Kaliwa ay walang ibang layunin kundi makipagkompetisyon sa ibang pambansang kapital para sa tubo. Layunin na makamit lamang sa pamamagitan ng walang habas na pagsasamantala at panunupil sa masang manggagawa.
Bagamat napakahalaga na maintindihan natin ang teoretikal na pundasyon kung bakit lubusan ng reaksyunaryo ang kapitalismo sa Pilipinas man o mundo, ang aktwal na naranasan ng uring manggagawa sa Rusya (mula 1930s), Tsina (mula pa sa panahon ni Mao), Vietnam, Cuba, Hilagang Korea, Nepal, Venezuela, atbp ay labis-labis ng pruweba na hindi garantiya ang absolutong kontrol ng isang “komunistang” partido sa estado o ang tapat na pananampalataya sa maoismo para pagsilbihin ang huli sa kapakanan at interes ng uring manggagawa.
Unang-unang na, ang estado ay produkto ng paglitaw ng mga uri kung saan ang tanging papel ay gawing “mapayapa” ang tunggalian ng mga uri, hindi para wasakin ang batayan ng pagkahati-hati ng lipunan sa mga uri. Kaya may mga batas, korte at bilangguan para makontrol ang tunggalian at may armadong lakas para supilin ang mga ayaw sumunod sa “kapayapaan”.
Hindi kung sinu-sino at saang uri sila galing ang sukatan ng katangian ng estado kundi kung ano mismo ang estado bilang isang institusyon ng lipunang makauri:
“Ang uring manggagawa ay hindi nakukuntento na hawakan ang makinarya ng Estado, kung ano mang meron ito, upang pagsilbihin sa kanyang mga layunin. Sa katunayan ang Estado ay burges at hindi simpleng dahil ang mga makinarya nito ay nasa kamay ng burgesya. Ang Estado ay hindi nyutral, kundi isang instrumento ng uri. Gayunman nagiging burges ang isang makinarya hindi dahil sa burgis ang kawaning nagmamando nito, kundi ang katangian nito bilang isang makinarya ay salungat sa kalakhan ng lipunan.” (Marx, Ang Digmaang Sibil ng Pransya) Ito ang hindi naunawaan ng ating magagaling na mga maoista at iba pang paksyon ng Kaliwa na nagpupumilit na ang estado ay pwedeng gamitin para sa komunistang rebolusyon.
Kahit si Lenin na sumuporta sa kapitalismo ng estado laban sa minoriya sa loob ng Komunistang Internasyunal para manatili ang kapangyarihang sobyet ay sa huli panimulang nakita ang kanyang kamalian:
“Ang makina ay kumakawala sa mga kamay ng may hawak nito: maaaring sabihin ninuman na may isang taong nasa renda na gumagabay sa makinang ito, pero ang huli ay tumatahak sa direksyong iba pa sa inaasahan, na ginagabayan ng isang sikretong kamay, isang iligal na kamay. Tanging ang Diyos lamang ang nakakaalam kung kanino ito, maaring sa isang ispekulador o isang pribadong kapitalista o magkasama silang dalawa. Ang katotohanan ay ang makina ay di tumatahak sa direksyong inaasahan ng taong nagpapatakbo sana nito, at minsan ito’y lubos na tumatahak sa salungat na direksyon.” (Pampulitikang Ulat ng Komite Sentral ng Partido, 1922)
“Tanging ang pakikibaka ang magpapasya, sa huling pag-aanalisa, kung hanggang saan tayo susulong, tanging ang pakikibaka ang magpapasya kung anong bahagi ng dakilang tungkuling ito, kung anong bahagi ng ating mga tagumpay na maaari nating konsolidahin. Siya na makakaranas ay makakita nito.” (Para sa IV Pagdiriwang ng Rebolusyong Oktubre, 1921)
Pero hindi na niya nakita ang tunay na bunga ng kanyang kapitalismo ng estado at ang paggamit nito ng Stalinismo kasama na ang "sosyalismo sa isang bansa" para ipataw ang 50-taong kontra-rebolusyon sa loob ng internasyunal na komunistang kilusan.
Ikalawa, ang dekadenteng kapitalismo (imperyalismo) ay isang istorikal na yugto ng kapitalismo kung saan ganap ng nasakop ng kapital ang buong mundo at naitayo na nito ang isang pandaigdigang pamilihan na nagsisilbi sa interes ng kapital. Ang ganap na pagsakop ng kapital sa buong mundo ay simula na rin ng kanyang pagbulusok-pababa dahil sa dalawang pundamental na salik: 1) permenenteng krisis ng sobrang produksyon at 2) patuloy na pagkipot ng pandaigdigang pamilihan. Diyalektikal na magkaugnay ang dalawang salik na ito.
Ang tanging “epektibong” (bagamat pansamantala lamang) solusyon ng burgesya sa kanyang krisis sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo at wasakin ang produktibong pwersa para “makapagsimula” ng panibagong konstruksyon. Ito ang batayan ng WWI at WW II na kumitil ng daan-daang milyong buhay at sumira ng bilyun-bilyong ari-arian. Subalit maging ang katangian ng digmaan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay nagbago na rin. Hindi na ito katulad noong 19 siglo kung saan ang kapwa ang nanalo at natalo sa digmaan ay sa pangkalahatan ay umunlad pareho.
Sa panahon ng imperyalismo, kapwa ang “nanalo” at natalo ay dumaranas ng matinding krisis matapos ang digmaan at hindi na umunlad pa ayon sa inaasahan. Maging ang Stalinismo at Keynesianismo ay hindi nagawang pigilan ang pagsabog ng pandaigdigang krisis noong 1960s, at mas laluna ngayon.
“Leninismo”, Stalinismo, Maoismo, Trotskyismo, o Chavismo man ang may kontrol ng estado, hindi nito mababago ang reaksyunaryo at kontra-progresibong katangian ng estado. Kabaliktaran pa nga ang nangyari: naging matabang lupa ang nabanggit na mga ideolohiya upang patuloy na alipinin at malunod sa ilusyon ang masang manggagawa ng mundo. Lalunang hindi nito mababago ang tunguhin ng mga bansa patungong ibayong pagkaatrasado at barbarismo.
Ang pambansang industriyalisasyon o kapitalismo ng estado ay ibayong pagsasamantala at pang-aapi sa masang manggagawa sa ngalan ng “kaunlaran” at “industriyalisasyon”.
Ang pinakamasahol na pambabaluktot sa papel ng estado sa panahon ng yugto ng transisyon ay ang panggigiit hindi lang ng mga maoista kundi maging ng mga karibal nila sa Kaliwa (ie, “leninista”) na ang pag-aari ng estado ang bag-as ng “sosyalistang ekonomiya” basta ang una ay nasa kontrol ng isang partido “komunista”. Kahit sa panahon nila Marx/Engels na progresibo pa ang kapitalismo, inilinaw na nila kung ano ang estado:
“ang transpormasyon, maging tungo sa kumpanyang joint-stocks at trust man o tungo sa pag-aari ng Estado, ay hindi pumapawi sa kapitalistang katangian ng produktibong pwersa. Sa kumpanyang joint-stocks at trust ito ay hayagang makikita. At ang modernong Estado, sa muli, ay isa lamang organisasyon na hinahawakan ng burgesya upang suportahan ang mga panlabas na konhindisyon ng kapitalistang moda ng produksyon laban sa mga panghihimasok hindi lamang ng mga manggagawa kunhindi pati ng mga indibidwal na mga kapitalista. Ang modernong Estado, ano man ang anyo nito, ay kapitalistang makina sa esensya, ang estado ng mga kapitalista, ang ideyal na pagsasatao sa kabuuang pambansang kapital. Habang mas tumutungo ito sa paghawak sa produktibong pwersa, mas hayagan itong nagiging pambansang kapitalista, at mas maraming mamamayan ang napagsamantalan nito. Ang mga manggagawa ay nananatiling mga sahurang manggagawa – mga proletaryo. Ang kapitalistang relasyon ay hindi nito pinapawi. Ito’y dinadala lamang sa tugatog.” (Kontra-Duhring)
Hindi instrumento ng uring manggagawa ang estado para maabot ang komunismo kundi kailangan itong ibagsak at pahinain (transisyunal na estado sa panahon ng diktadura ng proletaryado) hanggang sa tuluyang maglaho.[13]
“Agraryong Rebolusyon”
Pareho ang layunin ng repormang agraryo at pambansang industriyalisasyon: ipagtanggol at desperadong paunlarin ang pambansang kapitalismo.
Ang propaganda ng mga maoista sa kanilang “rebolusyonaryong” agraryo ay “libreng pamamahagi ng lupa” sa mga walang lupa. Sa esensya ang ibig sabihin nito ay palakasin ang peti-burges na pag-aari sa kanayunan sa anyo ng maliitang pag-aari ng lupa. Ang sentral na layunin ay palakasin ang kapitalismo (ie, “modernisasyon”) sa kanayunan.
Una sa lahat, dapat ilantad ang makauring katangian ng agraryong rebolusyon ng maoismo: isang burges na programa laban sa pyudal na kaayusan. Pero hindi lang ito burges – anti-sosyalismo – kundi bangkarota na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Sa partikular, nananaginip ang mga maoista na nasa 19 siglo sila. Ang ganap na dominasyon ng sistema ng kalakal sa kanayunan at ang lubusang integrasyon nito sa kapitalistang pamilihan ay patunay na hindi na pyudal ang sistema doon kundi kapitalismo na. Kung naging mabagal man ang pag-unlad ng kapitalismo sa kanayunan ito ay hindi dahil sa alyansa ng imperyalistang Amerika at pyudal na panginoong maylupa o alyansa ng kapitalismo at pyudalismo[14] kundi dahil pumasok na ang pandaigdigan kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto.
Kung suportado man ng mga komunista noong 19 siglo ang programa ng burgesya laban sa pyudalismo, ito ay sa tanging dahilan na progresibo at lumalawak pa ang kapitalismo sa buong mundo. Hindi sa usaping moralidad o pagiging makatuwiran ng burges na programang ito ang batayan ng suporta ng marxistang kilusan sa burgesya noong 19 siglo kundi sa diyalektikal-materyalistang basihan.
Sa dekadenteng kapitalismo, maging ang maliitang pag-aari ay dinudurog mismo ng sistema dahil sa matinding kompetisyon ng bawat pambansang kapital kung kaya’t mismong ang kanilang peti-burges na programa sa kanayunan ay pansamantala lamang, o mas tamang tawaging propaganda lamang para maakit ang atrasadong maralitang manggagawang-bukid.[15]
Malinaw sa karanasan na matapos manalo ang “pambansa-demokartikong rebolusyon” ay dinurog mismo ng estado ang peti-burges na pag-aari sa kanayunan hindi para sa sosyalismo kundi para sa kapitalismo ng estado: kontrol at dominasyon ng estado sa malawak na lupang agrikultural sa kanayunan sa anyo ng pag-aari ng estado o mga kooperatibang integrado sa estado.[16] Higit sa lahat, ang mga ito ay nagsisilbi sa kompetisyon ng pambansang kapital laban sa kanyang mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Ang mga manggagawang-bukid na nagmamay-ari ng maliitang parsela ng lupa ay naging pinagsamantalahang manggagawa ng estado at kooperatiba para palakihin ang tubo para sa pambansang kapital.
Ang libreng pamamahagi ng lupa ng maoistang kilusan sa kanayunan ay naglalayong palakasin ang sistema ng kalakal at ang peti-burges na maliitang pag-aari para makuha ng partido ang simpatiya ng uring peti-burges habang nagkokonsolida ng kanyang kapangyarihan. Pagkatapos ay kontrolin ng estado at mga kooperatibang tapat sa partido ang malawak na lupain sa ngalan ng “kolektibisasyon” o “komunalisasyon” para mas mapabilis pa ang produksyon ng kalakal para sa kapitalistang pandaigdigang pamilihan.
Patungong sosyalismo ba ang pambansa-demokratikong programa?
Ginigiit ng maoistang kilusan sa kanilang mga membro at tagasuporta na ang pambansang-demokratikong programa ay unang hakbang para sa sosyalismo. Ibig sabihin, paunlarin muna ang pambansang kapitalismo sa mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas para maihanda diumano ang materyal na batayan para sa sosyalismo. At para daw maisakutuparan ito, kailangan na ang estado ay kontrolado ng partido “komunista” at ang mga burukrata sa loob ng gobyerno ay dapat daw mga “pulahan”. Kung mangyari daw ito, ibig sabihin ang estado ay “estado ng manggagawa” o “estado ng bayan”.[17]
Ano ang katotohanan sa likod ng maoistang programa?
Una, para sa mga maoista, sa mga atrasadong bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay progresibo pa ang pambansang kapitalismo. Ang kailangan lang daw ay “mapalaya ang bansa sa kontrol ng makapangyarihang kapitalistang mga bansa” kung saan ang linyang “anti-imperyalismo” nila ay anti-imperyalistang Amerika.
Malinaw na ang batayan ng programa ng maoismo ay programa para sa 19 siglo. At dahil dekadente na nga ang kasalukuyang sistema, hindi lang pinaglipasan na ng panahon ang programa nila kundi naging reaksyunaryo at kontra-rebolusyonaryo na ito.
Dalawang usapin ang kailangang makita natin: 1) Naging sosyalista ba ang mga bansang “lumaya” sa loob ng ilang dekada na pamumuno ng partido “komunista”?; 2) Kontrolado ba ng uring manggagawa ang estado?
Walang marxistang organisasyon ang naniwalang naging sosyalista ang mga bansang “lumaya”. At lalunang hindi naging tunay na lumaya sa imperyalismo ang naturang mga bansa.[18]
Sa Tsina, Vietnam, Nepal, maraming mga batas ang nagbabawal sa welga at kumikitil sa karapatan ng mga manggagawa sa ngalan ng pambansang industriyalisasyon. Makita ito sa mga welga, rali at demonstrasyon ng mga manggagawa para sa mas mataas na sahod at makataong kondisyon sa pagawaan. Sa Cuba at North Korea naman ay nanatiling mahigpit ang kontrol ng estado sa lipunan. Sa South Africa ay humantong mismo ang “pambansa-demokratikong” estado ng South African Communist Party/African National Congress sa mga masaker sa manggagawang lumalaban para sa kanilang makauring kahilingan.
Hindi lang naging permanente na ang kanilang unang yugto ng “rebolusyon” (burges-demokratiko), mas lumala pa ang pagsasamantala sa uring manggagawa para mapaunlad ang pambansang kapitalismo. Katunayan, inamin mismo ng mga panatikong maoista na naging “rebisyunista” ang mga bansang ito. Pero sa halip na suriin kung bakit lahat ng mga “lumaya” ay naging rebisyunista, ang simpleng sagot lamang ng mga maoista ay “dahil inabandona nila ang maoismo”.
“Digmaang Bayan” ng maoismo: Digmaan laban sa sosyalismo para sa kapitalismo
Halos 50 taon na ang matagalang digmaang “bayan” ng maoistang kilusan sa Pilipinas pero nasa estratehikong depensiba pa rin ang antas ng kanilang digmaan. Sabagay, walang problema para sa mga panatiko sa hanay nila kung aabot man sila ng 100 taon ng gerilyang pakikidigma.
Ang hindi maipagkaila ay dumarami ang mga inosenteng sibilyan na nadamay sa digmaan sa pagitan ng isang kilusan na ang programa ay kapitalismo ng estado at sa karibal nito na naghaharing paksyon na kumakapit sa pribadong kapitalismo. Hindi rin problema sa mga maoista ang libu-libong masawi sa kanilang digmaan dahil tulad ng mga panatikong islamista, naniniwala silang isang kabayanihan ang mamatay at papatay para sa inangbayan at “natural” lamang sa isang digmaan ang “collateral damage”.
Ang armadong rebolusyon ng maoismo ay militarisasyon ng lipunan laluna sa kanayunan[19]. Ito rin ang ginawang palusot ng estado para mas palakasin pa ang kanyang lakas-militar – “sugpuin and insurhensya ng mga armadong gerilyang grupo.”
Pero maging si Mao ay nanghihikayat ng militarisasyon at digmaan para sa inang-bayan at kapitalismo ng estado:
“Huwag mabahala kung meron mang digmaan. Ito’y nangangahulugan lamang ng pagkakapatay ng mga tao at nasaksihan natin ang mga taong namamatay sa digmaan. Ang pagkalagas ng kalahati ng populasyon ay nangyari na ng ilang beses sa kasaysayan ng Tsina. Ang 50 milyong populasyon sa panahon ni Emperor Wu ng Dinastiyang Han ay bumaba sa 10 milyon sa panahon ng Tatlong Kaharian, ng dalawang Dinastiyang Chin at ng mga Dinastiyang Hilaga at Timog. Ang digmaan ay tumagal ng ilang dekada at paulit-ulit ng ilang daang taon, mula sa Tatlong Kaharian hanggang sa Dinastiyang Hilaga at Timog. Ang Dinastiyang T’ang ay nag-umpisa sa 20 milyong populasyon at ito’y di umabot sa 50 milyon hanggang kay Emperor Hsuan. At si Lu-shan ay nagsagawa ng isang pag-alsa at ang bansa ay nahati sa maraming estado. Ito’y di napag-isa hanggang sa Dinastiyang Sung, matapos ang mga 100 o 200 na taon, sa populasyong humigit lang sa 10 milyon… di masyadong maraming taong namatay sa dalawang Digmaang Pandaigdig, 10 milyon sa una at 20 milyon sa pangalawa, pero meron tayong 40 milyong namatay sa isang digmaan. Gaano pala ka mapangwasak ang mga malalaking espada! Wala tayong karanasan sa digmaang atomika. Kung ilan ang mamamatay ay di malalaman. Ang pinakamabuting resulta ay ang kalahati na lamang ng populasyon ang matitira at ang pangalawang pinakamabuti ay isang-katatlo na lang. Kung 900 milyon ang matitira mula sa 2.9 bilyon, ilang limang-taong plano ay maaaring mapaunlad para sa ganap na pagkapawi ng kapitalismo at para sa permanenteng kapayapaan. Di na ito masama.” –Mao Tse-Tung (Pangalawang Talumpati sa Kongreso ng Partido, Mayo 17, 1958)
Tunay ngang tapat na tagasunod ng Stalinismo si Mao at ang maoismo ay “pinaunlad” na Stalinismo.
Mahalagang suriin ang paraan ng pakikibaka kung ito ay nagsisilbi ba sa layunin ng uring proletaryado. Ang gerilyang pakikidigma sa kanayunan ay hindi proletaryong paraan ng pakikibaka kundi ng mga mapusok na peti-burges. Ang anumang porma ng pakikibaka ng proletaryado mula pa sa panahon nila Marx ay nakabatay sa malawak na pagkakaisa ng uring manggagawa bilang namuno at pangunahing uri ng rebolusyon laban sa kapitalismo. Ang gerilyang pakikidigma ay nakasalalay sa minoriyang bilang ng mga matatapang na tao na ini-organisa sa isang “hukbong bayan”. At masahol pa, sa absolutong pamumuno ng isang partido.
Totoong kailangang mag-armas ang mga manggagawa sa panahon ng isang rebolusyonaryong sitwasyon. Pero ang mga mulat na manggagawa mismo ang nag-armas at pinamunuan ito hindi ng kanilang partido kundi ng mismong organisasyon ng uring manggagawa – ang mga konseho at asembliya ng uri.[20]
Kaya isang malaking kabulastugan ang linya ng maoismo na “kung walang hukbong bayan walang kahit ano ang mamamayan”. Ang linyang ito ay peti-burges kung saan sasandal ang masang anakpawis sa armadong lakas ng iilan kaysa kanilang sariling lakas at pagkakaisa. Sa huling pagsusuri dahil nasa absolutong pamumuno ng isang partido ang hukbo, ang nangingibabaw ay ang otoridad ng partido na umaakong “representante” hindi lang ng uring manggagawa kundi ng buong bayan. Sa huling pagsusuri, ang “hukbong bayan” ay walang kaibahan sa sandatahang lakas ng estado – parasitikong pwersa ng lipunan.
Ang diktadura ng proletaryado ay hindi diktadura ng partido sa ngalan ng proletaryado. Kung ang armas sa panahon ng pakikibaka at sa yugto ng transisyon ang isa sa mga ekspresyon ng makauring diktadura, dapat ang armas ay nasa kontrol ng mga konseho at asembliya ng uring manggagawa mismo hindi sa ilalim ng estado o ng partido.
Sa usapin pa lang ng porma ng pakikibaka na dapat magsilbi sa layunin at sa panlipunang sistemang itatayo ng uring manggagawa, ang digmaang “bayan” ng maoistang PKP ay sablay na.
Ang sentral na ideolohiya ng maoismo ay burges na nasyunalismo. Matindi ang obsesyon nito sa baluktot na “anti-imperyalismo” kung saan ito ay anti-imperyalistang Amerika dahil “semi-kolonya” ng Amerika ang Pilipinas. Ang “anti-impeyalismo” ng maoismo ay hindi tunay na anti-imperyalismo dahil hindi ito tutol sa kapitalismo kung saan ang imperyalismo ay ang huli at dekadenteng yugto nito.
Sa teorya at praktika man, ang armadong rebolusyon ng maoistang kilusan ay laban sa sosyalismo at para panatilihin ang kapitalismo at ang paghari ng estado.
Ang kalakasan ng armadong pakikibaka ng maoistang kilusan ay nakasalalay sa mahina at hindi mulat-sa-uri na pakikibaka ng masang manggagawa sa Pilipinas.
Napakahirap at masalimuot ang tungkulin ng mga minoriyang komunista sa Pilipinas para labanan ang uring kapitalismo na Kanan at Kaliwa ang armas laban sa ating uri. Pero ang kahirapang ito ay mapangibabawan sa paglakas ng rebolusyonaryong kilusan ng manggagawa sa pandaigdigang saklaw.
Kung ang tunguhin ng daigdig ngayon ay “sosyalismo o pagkasira ng mundo”, walang duda na ang maoismo at ang gerilyang pakikidigma nito ay nagsisilbi sa huli, hindi sa una.
Internasyonalismo, Marso 2013
[1] Ang “leninistang” Partido ng Manggagawang Pilipino (PMP) ni Felimon Lagman ay may komprehensibong kritiko din sa maoismo sa Pilipinas. May pagsisikap man si Lagman na suriin ang maoismo gamit ang lente ng marxismo pero sa pangkalahatan ay sablay ang kanyang pagsusuri dahil ang kanyang balangkas ay nakabatay sa 19 siglo hindi sa panahon na nasa dekadenteng yugto na ang pandaigdigang kapitalismo. Para sa karagdagang kaalaman maaring basahin ang aming kritik sa pagsusri ni Lagman dito https://fil.internationalism.org/icconline/2007/lagman_summary [62]
[2] “Ang pampulitikang tunguhing Mao Zedong sa loob ng Partido Komunista ng Tsina (PKT) ay lumitaw lamang noong 1930s, sa gitna ng kontra-rebolusyon kung saan ang PKT ay unang natalo at pisikal na nalalagas, at naging kasangkapan na ng kapital. Binuo ni Mao ang isa sa mga pinakamaraming paksyon na lumaban para sa kontrol ng partido, at sa gayon ay naglalantad ng kanyang pagkabulok. Ang Maoismo, mula pa sa umpisa, ay walang kaugnayan sa proletaryong rebolusyon maliban sa ito’y lumitaw mula sa kontra-rebolusyon na dumurog sa uring manggagawa.
Sa katunayan, nagawa lamang kontrolin ni Mao Zedong ang PKT noong 1945, nang ang “Maoismo” ay naging opisyal na doktrina ng partido, matapos magapi ang naunang dominanteng paksyong Wang Ming, at habang ang PKT ay lubos na lumahok sa nakakatakot na laro ng pandaigdigang imperyalistang digmaan. Kung gayon, ang pagsikat ng gang ni Mao Zedong ay direktang produkto ng kanyang pakipagsabwatan sa mga malalaking imperyalistang gangster.
Ang lahat ng ito ay maaring makakagulat kaninuman na alam lamang ang kasaysayan ng ika-20 siglong Tsina sa pamamagitan ng mga sulatin ni Mao, o sa burgis na pag-aaral ng kasaysayan. Sinasabing ginamit ni Mao ang sining ng pagpalsipika ng kasaysayan ng Tsina at ng PKT (nakinabang siya sa karanasan ng Stalinismo at sa mga gang na nauna pa sa kanya sa poder mula 1928 pataas) sa isang antas na kung saan ang simpleng pagsalaysay ng mga kaganapan na siyang nangyayari ay kailangan pang pumaimbulog sa hangin ng kuwentong-panstasya” (https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html [63])
[3] Si Prof. Jose Maria Sison ang nanguna para bumaklas sa maka-Rusyang PKP (1930) at itayo ang maka-Tsina na PKP (1968).
[4] Baluktot ang konsepto ng “anti-pasismo” ng maoistang PKP. Pinasimple lamang nila ito bilang anyo ng diktadura ng isang paksyon o tao ng naghaharing uri tulad ng batas military ng diktadurang Marcos o kaya ng marahas na panunupil ng estado sa mga rali at demonstrasyon. Ni walang kaalam-alam ang mga aktibista at tagasuporta nila sa kasaysayan ng paglitaw ng Pasismo sa Uropa bago ang WW II at ng materyal na batayan nito. Ni hindi alam ng mga maoista ano ang responsibilidad ng burges na demokrasya sa paglitaw ng pasismo sa pandaigdigang saklaw at paglitaw ng diktadurang Marcos noong 1972 sa particular. Ang pasismo ay isa sa tatlong tipo ng kapitalismo ng estado, o sa termino ng mga maoista, pambansang industriyalisasyon – 1) demokratikong kapitalismo ng estado, 2) stalinistang kapitalismo ng estado, 3) pasistang kapitalismo ng estado. https://en.internationalism.org/worldrevolution/201209/5140/there-danger-fascism-today [64]
At kung pag-uusapan lang naman ang marahas na panunupil sa mga kaaway ng maoismo, ito ang sagot ni Mao: “460 iskolar lamang ang inilibing niya (Ch’in-Shih-huang, ang unang emperor ng Tsina) ng buhay, samantalang tayo ay 46,000 ang inilibing. Sa ating panunupil sa mga kontra-rebolusyonaryo, di ba pumapatay tayo ng mga kontra-rebolusyonaryong intelektwal? Minsan ay nakipagdebate ako sa mga demokratikong mamamayan: Inaakusahan ninyo kami na umaastang parang si Ch’n-Shih-huang, pero nagkamali kayo; nilagpasan namin siya ng 100 beses.” –Mao Tse-Tung (Unang Talumpati sa Kongreso ng Partido, Mayo 17, 1958). May kaibahan ba ang pasismo at maoismo? Kung sa marahas na panunupil ang pag-uusapan, malinaw na wala maliban sa ang huli ay nakatago sa maskara ng “demokrasya” at “sosyalismo”.
[5] Pinalabo pa ng maoismo ang pundamental na kaibahan ng “sambayanan” at proletaryado. Dinikdik sa kaisipan ng kanilang mga tagasunod, laluna sa kabataan na ang “sambayanan” at proletaryado ay iisa ang kahulugan. Kaya naman ang islogan nito ay “paglingkuran ang sambayanan” na walang iba kundi ang bloke ng apat na uri: manggagawa, magsasaka, peti-burgesya at pambansang burgesya. Sa medaling sabi, paglingkuran ang uring burges.
[6] Ang PKP (1930) ay pambansa-demokratiko din ang programa pero tutol sa gerilyang pakikidigma. Ang “leninistang” Kaliwa ay may balangkas na “minimum” na programa (burges-demokratiko) at “maksimum” na programa (sosyalista) hango sa modelo ng Ikalawang Internasyunal sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo.
[7] Walang alam ang maoismo sa materyalismong-istoriko at sa kasaysayan mismo ng pakikibaka ng internasyunal na proletaryado. Wala sa kasaysayan ng pakikibaka nito kahit pa sa panahon noong 19 siglo na sumusulong pa ang kapitalismo na namuno ang uring proletaryado sa isang rebolusyon na hindi kanya. Wala sa kasaysayan na naging “proxy” ang isang uri sa isang rebolusyon dahil ang uring dapat mamuno nito ay umatras na. Ang “bagong” tipong burges na rebolusyon ay isang luma at ngayon bulok at kontra-rebolusyonaryo na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
[8] Hindi na muna sakupin ng artikulo ang marxistang sagot sa burges na argumento ng maoismo na “mala-kolonyal at mala-pyudal” ang Pilipinas. Una sa lahat, ang aktwal mismo na ebolusyon ng kapitalismo sa Pilipinas at buong mundo ang magpapatunay na hindi na mala-pyudal ang moda ng produksyon sa Pilipinas kundi atrasadong kapitalistang bansa. Maging ang ibang paksyon ng Kaliwa ay inamin na tahasang mali ang pananaw na hindi kapitalista ang moda ng produksyon ng bansa sa kabila na ang kanilang pagsusuri ay nakakulong sa pambansang balangkas sa halip na ang tamang balangkas ay pandaigdigan.
[9] Maraming beses na pinakita ng kasaysayan na hindi nagawa ng estado na pigilan ang antagonistikong kompeisyon at agawan ng teritoryo ng mga pambansang kapital sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo. Maraming digmaan ang nangyari sa 19 siglo. Pero dapat pansinin na karamihan sa mga digmaang ito ay dahil sa pangangailangan ng kapitalismo na durugin ang mga labi ng pyyudlismo para ganap na masakop nito ang mundo. Maging ang mga kolonyalistang digmaan sa 19 siglo ay sa pangkalahatan progresibo kung pagbatayan ang tunggalian ng progresibong kapitalismo laban sa reaksyunaryong pyudalismo. Sa pangkalahatan, ang nanalo at natalo ay parehong umunlad noong panahon na progresibo pa ang kapital. Hindi na ito ang nangyari sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. Ganun pa man, partikular sa larangan ng ekonomiya, “referee” ang pangkalahatang papel ng estado sa lipunan noong 19 siglo. Para sa karagdagang kaalaman kung ano, bakit may digmaan sa panahon ng kapitalismo at ano ang tindig ng mga marxista dito maaring basahin ito: https://en.internationalism.org/node/3622 [65], https://en.internationalism.org/wr/275_irrationality.htm [66]
[10] Sumabog ang krisis ng kapitalismo ng estado noong huling bahagi ng 1960s. Noong 1980s ay nagbalangkas ng “bagong” pang-ekonomiyang patakaran ang internasyunal na burgesya – Reaganomics at Thatcherism – ang ama at ina ng “globalisasyon”. Para sa mga “globalista” naging problema na ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya at dapat lang na hayaan ang pribado at merkado ang magpasya. Inamin mismo ng kritika ng isang paksyon ng burgesya na hindi nasolusyonan ng kapitalismo ng estado ang permanenteng krisis ng dekadenteng kapitalismo. Subalit ang solusyon ng Reaganomics/Thatcherism na halos katulad noong 19 siglo ay sumabog noong 2006-07. Kapitalismo ng estado o pribadong kapitalismo man ang solusyon, hindi nito mapigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema ng kapital.
[11] Sa salita ay tanggap ng mga maoista at iba pang paksyon ng Kaliwa na bulok at bangkarota na ang kapitalismo. Subalit lagi na lang silang naghahanap ng mga palusot para bigyang katuwiran ang pambabastardo nila sa marxismo. Ginawa nilang palusot na dahil atrasado ang moda ng produksyon ng Pilipinas ay kailangan muna itong “paunlarin” (industriyalisasyon) para masimulan ang sosyalistang konstruksyon. At para sa kanila, ang solusyon ay “pambansang industriyalisasyon” o kontrol ng estado sa ekonomiya. Dahil dito ay nalantad ang kontradiksyon ng kanilang interpretasyon: “bulok na ang kapitalismo pero kailangan natin itong paunlarin para makamit ang sosyalismo”. “Umunlad” at naging “industriyalisado” nga ang mga bansang kapitalista-ng-estado. Pero pag-unlad at industriyalisado para kanino? Higit sa lahat, maging ang “kaunlaran” at “industriyalisasyon” na sinasabi nila ay mula sa mala-hayop na pagsasamantala at pang-aapi sa kanilang mga manggagawa. Ganun pa man, hindi pa rin nakaahon ang karamihan sa mga bansang ito mula sa kategoriya ng pagiging nasa ikatlong daigdig. Sa panahon ng imperyalismo ang tunguhin ng mundo ay patungo sa pagiging kondisyon ng ikatlong daigdig sa halip na patungong unang daigdig. Ang krisis sa Uropa – Greece at Spain -- ay patunay na kasinghirap na ang mga mamamayan doon sa mga kapatid nila na nasa ikatlong daigdig.
[12] Patuloy ang propaganda ng internasyunal na posible pang uunlad at maging industriyalisado ang mga bansang nasa “ikatlong daigdig”, na mapantayan o kaya malagpasan nito ang inudtriyalisasyon na naabot ng mga lumang kapitalistang kapangyarihan. Para sa burgesya “eternal” ang kapitalismo at “patuloy itong sumusulong”. Maraming pinagyabang na modelo ang burgesya: “Asian Tigers”, BRICS (Brazil, Russia, India, China, South Africa). Ang mga bansang ito ay mas matindi ang krisis at kilusang protesta laban sa kahirapan ang naranasan kaysa kaunlaran.
[13] Ang umiiral na mga “sosyalistang” estado, maliban sa hindi ito diktadura ng proletaryado ay hindi humina kundi lalupang pinalakas ng mga partido “komunista” na may kontrol dito. Isang malaking kasinungalingan na ang sosyalismo ay ang estado na kontrolado ng isang partido “komunista”. Dinidikdik sa utak ng mga mahihirap na masa na ang pag-asa para sila lumaya ay nasa estado sa halip na nasa kanilang mga kamay mismo.
[14] Ang mga ideolohista ng maoismo ay nanindigan na ang pagiging “mala-pyudal” (hindi kapitalista) ay dahil diumano sa mulat na pambabansot ng imperyalismo sa kanayunan sa pamamagitan ng alyansa ng imperyalismo at pyudalismo. Sa ilusyon ng maoismo ay “totoo” ito pero hindi sa marxismo at sa realidad. Nanindigan ang materyalismong istoriko na iiral at uunlad lamang ang kapitalismo mula sa mga guho ng pyudalismo. Subalit may huling palusot pa ang maoismo: partikular lang daw ito sa mga atrasadong bansa tulad ng Pilipinas dahil aminado naman sila na kapitalismo na ang pandaigdigang sistema. Ito ang resulta ng “diyalektikong-materyalismo” ng maoismo. Ginawang “internal” ang bansa at “eksternal” ang daigdig sa halip na tingnan ito sa relasyong bahagi-kabuuan. Sa ganitong kontra-rebolusyonaryong linya nila tiningnan na ang imperyalistang India ay isang “mala-kolonyal at mala-pyudal”! At dahil baluktot din ang unawa nila sa imperyalismo dahil sa dogmatikong aplikason nila sa imperyalismo ni Lenin (kung buhay pa si Lenin malamang isang sakong mura ang sagot nito sa mga maoista) ay hindi nila kinilalang isang imperyalistang kapangyarihan ang Tsina kundi isang rebisyunistang kapitalistang bansa lamang.
[15] Hindi namin ginagamit ang terminong “magsasaka” dahil sa marxistang pagsusuri ang kanayunan ay binuo ng maraming mga uri kung saan ang salitang “magsasaka” ay ang maraming mga uri na kumkilos sa kanayunan. Tinatago ito ng maoismo. Maging ang kanyang pag-iba-iba ng mga uri sa kanayunan at puno ng mga distorsyon para lamang maipakita na ang magsasaka ay isang uri at 70% ng populasyon sa kanayunan ay magsasaka.
“Ang magsasaka sa batayan ay hindi na umiiral; sa halip ay mayroon, sa isang banda, isang manggagawang-bukid, at sa kabilang banda, iba’t-ibang mga panlipunang tipo ng ‘magsasaka’, mula sa malalaking nagmamay-ari ng lupa hanggang sa walang trabaho.”
“Ang mga manggagawang-agrikultural ay hindi kabilang sa magsasaka, kahit na tinataglay nila ang mga hindi matwid na opinyon at ideolohiya nito; sila ay distakamento ng proletaryo sa kanayunan at ang kanilang makauring interes ay hindi naiiba mula sa proletaryo sa pangkalahatan. Ang kanilang labis na mababang sahod at hindi-istableng kondisyong pangkabuhayan – kawalang trabaho, panunupil ng mga pribadong hukbo ng panginoong maylupa tulad ng sa Latin America – ay walang dudang naglalagay sa kanila bilang pinaka-pinagsasamantalahang bahagi ng uring manggagawa. Ang kanilang madulang pagkahiwalay mula sa kalakhan ng proletaryo ay nabigyang-diin ng kanilang mahinang konsentrasyon sa pangkalahatan at ng kanilang minoryang posisyon sa kanayunan, labas sa mauunlad na mga bansa’t rehiyon ng pagsasakang plantasyon. Sa hinaharap, ang isa sa mga tahas ng proletaryo ng lungsod ay tiyak na ang pagdadala sa makauring pakikibaka tungo sa kanayunan, na may mahigpit na suporta ng mga proletaryo sa kanayunan. Ito’y isang mahirap na gawain sa kabila ng kanilang pagkawatak-watak at kahinaan ng bilang: tinatantiya na sila’y bumubuo ng di hihigit sa 10-20% ng popoulasyong agrikultural sa buong mundo.”
Para sa karagdagang kaalaman, mangyaring aralin ito https://en.internationalism.org/node/2942 [67]
[16] Noong 1949 ng maagaw ng maoistang PKT ang estado, pinamahagi nito ang lupa sa mga mahihirap sa kanayunan na walang lupa. Pero ito ay pansamantala lamang dahil binawi ito ng estado at ng mga kooperatiba na kontrolado ng estado. Ang naiwan sa mga mahihirap ay ang “karapatan” na bungkalin ang lupa at naglaho na ang pag-aari sa lupa:
“Matapos ang 1949, ang mga magsasakang kinakategoriya ng mga Komunista bilang “mahihirap na mga magsasaka” ay binigyan ng pagmamay-ari ng lupa na kinukuha mula sa mga panginoong maylupa at mga mayayamang magsasaka. Ang mga asyenda at malalaking sakahan ay hinahati at ang mga magsasaka ay nakatanggap ng mga maliliit na parsela ng lupa. Isang magsasaka ang nagsabi sa New York Times, “Oo, kami ay labis na maligaya – lahat ay maligaya na nakakuha kami ng lupa!”
“Ang mga magsasaka ay di nakapwesto ng matagal sa kanilang lupa. Sa huling bahagi ng 1950s, ang pribadong pagmamay-ari sa lupa ay inalis at ang mga magsasaka ay binigyan ng karapatang gumamit sa lupa nguni’t di sa pagmamay-ari. Ang lupa mula noon ay pag-aari na ng Estado. Ang mga magsasaka ay inoorganisa sa mga team at kalauna’y sa mga kolektibo at nagiging mga miyembrong walang-pag-aari ng mga “komyun ng sambayanan.”
(factsanddetails.com/china.php?itemid=347)
[17] Ang sinasabing “demokratikong gobyernong koalisyon” ng maoismo ay walang iba kundi ang “bloke ng apat na mga uri” na nagpahayag ng katapatan sa pamumuno ng partido “komunista”. Sa kasalukuyang praktika ng PKP, hindi na lang “apat na bloke” kundi kabilang na ang malalaking kapitalista, mga bilyonaryo at malalaking burges na pulitiko.
[18] Ang Tsina ay naging alyado ng Rusya sa simula tapos ng Amerika noong 1970s hanggang ngayon. Ganun din ang nangyari sa Byetnam. Ang North Korea ay naging alyado ng imperyalistang Rusya at imperyalistang Tsina. Ang Cuba ay naging alyado ng Rusya at ngayon ay nagtatangkang maging imperyalistang kapangyarihan sa rehiyon ng Latin/Central Amerika kaalyado ang Venezuela. Ang Nepal ay naging alyado ng Tsina laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Sa madaling sabi, lumaya sila sa isang imperyalistang kapangyarihan para lumipat sa isa pa o kaya naging ambisyosong imperyalistang kapangyarihan mismo. Tiyak ito rin ang tunguhin ng Pilipinas sa ilalim ng isang maoistang rehimen.
Higit sa lahat, ang sosyalismo (transisyunal na yugto kung saan dominado ang lipunan ng diktadura ng proletaryado) ay mangyari lamang sa internasyunal na saklaw. Ang stalinismo lamang, kasama ang mga paksyon ng burgesya na nanindigan sa kapitalismo ng estado ang naniwala sa “sosyalismo ng isang bansa”.
[19] Noong 1980s ay umabot ang militarisasyon sa kalunsuran dahil sa partisanong pakikidigma ng PKP-BHB.
[20] Sa rebolusyong Ruso at Aleman sa unang rebolusyonaryong alon noong 1917-23 ay nag-armas ang masang manggagawa. Pero ang armadong manggagawa ay nasa pamumuno ng konseho ng manggagawa (sobyet) hindi ng Partidong Bolshevik.
Ngayong darating na Mayo ay eleksyon na naman para sa pambansa at lokal na mga posisyon. May bago ba? May pagkakaiba ba ang darating na eleksyon sa mga nakaraang halalan?
Ano ang eleksyon?
Ayon sa mga burges na demokrata ang eleksyon ay okasyon para piliin ng taumbayan ang mga kinatawan nila sa gobyerno upang paglingkuran ang una ng huli sa loob ng tatlo, anim o higit pang mga taon. Samakatuwid, ayon sa propaganda ng naghaharing uri, ang halalan ay ekspresyon ng kapangyarihan ng taumbayan. Ito ang sabi nila at nais nilang maniwala tayong mga manggagawa at maralita.
Ano ang katotohanan sa likod ng mga propaganda ng mga mapagsamantalang uri?
Ang eleksyon ay regular na aktibidad ng isang demokratikong anyo ng burges na paghari para manatili ang kapitalistang sistema – ang kasalukuyang kaayusan na siyang dahilan ng kahirapan, digmaan at pagkasira ng kalikasan sa buong mundo.
Ang demokrasya ay anyo ng diktadura ng mapagsamantalang mga uri sa lipunang kapitalista. Isang anyo ng diktadura na punung-puno ng mga ilusyon at matatamis na pangako at deklarasyon. Sa Pilipinas, mahigit 50 taon na ang demokratikong halalan kung saan iba’t ibang paksyon at angkan ng burgesyang Pilipino ang nagsasalitan sa Malakanyang, Kongreso at lokal na pamahalaan[1].
Ebolusyon ng eleksyon sa Pilipinas
Bago pa man ang “ganap na kalayaan” ng bansa mula sa imperyalistang Estados-Unidos noong 1946 ay sinanay na ng kolonyalistang Amerikano ang burgesyang Pilipino paano maging burukrata at paano matiyak na ang katapatan nito ay manatili kahit matapos maibigay ang “pampulitikang kalayaan” ng Pilipinas. Ang pamahalaang Commonwealth noong 1935-45 ang institusyon para masanay ang burgesyang Pilipino paano ipatupad ang diktadura ng burgesya sa pamamagitan ng demokrasya.
Kasabay ng pananakop ng isa sa pinakamalakas na kapitalistang bansa ng mundo noon sa Pilipinas ay ang obligasyon nitong turuan ang huli ppano maging burges: demokrasya at eleksyon.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig kung saan natalo ang imperyalistang Hapon at muling nakontrol ng imperyalistang Amerika ang Pilipinas sa tulong ng lokal na burgesya (paksyon nila Manuel Quezon) at ng stalinistang Partido Komunista ng Pilipinas (PKP-1930), binitawan ng Amerika ang Pilipinas bilang isang kolonya nito at binigyan ng pampulitikang kalayaan. Ibig sabihin, ang lokal na burgesya na mismo ang direktang mamuno at mamahala sa sistemang kapitalismo ng bansa. Dito na rin nagsimula ang demokratikong anyo ng diktadura ng burgesyang Pilipino.
Mas napabilis ang pagbigay ng “kalayaan” sa Pilipinas ng imperyalistang Amerika dahil sa paghasik ng ideolohiyang nasyunalismo at pambansang kasarinlan ng kanyang karibal na imperyalistang Rusya para makuha ng huli ang simpatiya at suporta ng mga kolonya ng Amerika bago ang WW II.
Ang burges na eleksyon ay nagsimula sa dalawang-partido na halaw sa tradisyon ng imperyalistang Amerika. Kahit sa panahon pa ng Commonwealth ay kinopya na ng burgesyang Pilipino ang sistemang pulitikal ng Amerika. Sa madaling sabi, salitan ang dalawang partido sa pagiging administrasyon at oposisyon.
Noon pa mang 1950-60s ay nagtangka na ang kaliwa ng burgesya na lumahok sa eleksyon (hindi lang armadong pakikibaka) sa pangunguna ng Democratic Alliance na legal na prente ng PKP-1930. Subalit naunsyami ang kanilang pangarap at bumalik sila sa armadong pakikidigma laban sa karibal na paksyon.
Noong panahon ng Batas Militar ay naglaho ang sistemang dalawang-partido at pumalit ang monopolisasyon ng isang partido, ang Kilusang Bagong Lipunan (KBL) ni Marcos. Ibig sabihin ng isang paksyon lamang ng naghaharing uri ang may lubusang kontrol sa kapangyarihang pulitikal. Ang burges na oposisyon ay nakikita sa lansangan hindi sa halalan. Sa panahon ding ito sumikad ang alyansa ng maoistang Partido Komunista ng Pilipinas sa paksyon ng naghaharing uri na lumalaban sa diktadurang Marcos. Kapwa ang “radikal” na kaliwa ng burgesya (maoistang PKP) at ang burges na oposisyon ay hindi lumahok sa halalan ng rehimeng Marcos.[2]
Ng mapatalsik ang rehimeng Marcos at pumalit ang paksyon ni Cory Aquino noong 1986, muling sumigla ang demokratikong ilusyon ng mamamayan. Tinagurian ito ng buong naghaharing uri na “panunumbalik ng demokrasya”.
Simula noong panahon ni Cory Aquino lumitaw ang mga bagong partido ng burgesya na itinayo ng mga bagong paksyon ng naghaharing uri: Lakas-CMD-NUCD ni Heneral Ramos, Laban ng Demokratikong Pilipino ni Ramon Mitra (Angara na ngayon), Partido ng Masang Pilipino ni Joseph Estrada, Nacionalist People's Coalition ni Danding Cojuangco at PDP-Laban ni Aquilino Pimentel. Halos naglaho na ang mga partidong lumitaw noong panahon ng diktadurang Marcos.
Hindi nagpahuli ang maoistang kilusan sa hatak ng “panunumbalik ng demokrasya”. Lumahok sila sa halalan noong 1987 ng itayo nila ang Partido ng Bayan at nagpatakbo ng mga senador.
Sa panlabas ay multi-party system na ang eleksyon ng Pilipinas mula 1986. Pero sa esensya ito ay dalawahang partido pa rin dahil sa mga koalisyon kung saan may nangungunang mga partido.
Ang mga koalisyon ng mga paksyon para labanan ang kanilang mga karibal na paksyon ay mas tumingkad noong 1990s. Ito ay indikasyon ng paghina sa kabuuan ng naghaharing uri at pagtindi ng kanilang mga tunggalian. Walang partido ang may kakayahang ipanalo ang kanyang mga kandidato na nag-iisa lang. Subalit mas lalupang naging mabuway at napaka-temporaryo ng mga koalisyon.
Sa kasalukuyan, sa ilalim ng paksyong Noynoy Aquino, sa kabila ng pagtatangkang ibalik ang dalawang-partido sa pulitika ng bansa – Nacionalista at Liberal – ang halalan ngayong Mayo ay nakitaan na naman ng mga koalisyon – Team PNoy (koalisyon ng Nacionalista, Liberal at NPC) at UNA (koalisyon ng PMP, PDP-Laban). Dagdag pa, may mga kandidato ang Team PNoy na kandidato din ng UNA. Mas lalong naging malinaw na walang kaibahan sa programa ang administrasyon at oposisyon.
Dinastiya: bunga ng dekomposisyon ng dekadenteng kapitalismo
Sa kabilang banda, mas tumindi at garapalan ang dinastiya ng mga angkan kung ikumpara noong 1950s-60s. Maliban sa panunumbalik sa napatalsik na mga angkan, laluna ang angkang Marcos sa pambansang pulitika ay lumitaw ang mga bagong angkan na mas gahaman sa kapangyarihan. Ang administrasyon at oposisyon mismo sa pambansang antas ay pinangunahan ng mga angkan – angkang Aquino, Villar, Estrada at Binay.
Ang pagtindi at pagiging garapal ng pampulitikang dinastiya ay kongkretong manipestasyon na tumitindi ang krisis ng sistema dahil mahigpit ng nakaangkla sa pagyaman ng naghaharing uri ang paghawak sa kapangyarihan. Kung nais ng isang angkan na manatiling mayaman ay ipaglaban niya ng patayan ang kanyang pampulitikang kapangyarihan laban sa kanyang mga karibal.
Sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo sa kanyang naaagnas na yugto simula 1980s ay ang lubusang pangingibabaw ng kaisipang “bawat isa para sa kanyang sarili” sa hanay ng naghaharing uri. Ang mga sub-paksyon sa isang paksyon ng mapagsamantalang uri ay hindi na kontrolado ng nangungunang paksyon kumpara noong 1960s at 70s. Ang mga sub-paksyon ay may kanya-kanyang dinamismo kung saan ang layunin ay maungusan ang pangunahing paksyon.
Sa pambansang antas makikita natin ito noong pagbaliktad ng paksyong Ramos-Enrile kay Marcos, ng paksyong Arroyo sa paksyong Estrada. Sa lokal na antas ay nakikita natin ang pagsuwag ng sub-paksyon sa kanyang amo: Alfredo Lim vs Isko Moreno ng Maynila, Duterte at de Guzman sa Davao City, Tommy Osmena at Alvin Garcia (ngayon ay ang paksyong Rama) ng Cebu City. Sa Camarines Sur naman ay ang matinding bangayan mismo ng pamilyang Villafuerte (Ama vs Anak/Apo). At marami pang iba.
Ang kapitalismo na nasa kanyang naaagnas na yugto ang dahilan ng paglala ng pampulitikang dinastiya sa bansa.[3]
Ebolusyon ng Kaliwa sa paglahok sa burges na eleksyon
Tulad ng nabanggit sa itaas, 1950s pa ay lumahok na ang Kaliwa sa eleksyon. Naunsyami lamang ito noong panahon ng diktadurang Marcos. Noong panahon ni Cory Aquino ay lumahok din ang Kaliwa sa eleksyon ng estado.
Subalit ang naging “shabu” para sa Kaliwa ay ang party-list system na sinimulan noong 1998. Tuluyan ng hinubad ng Kaliwa ang kanyang maskara bilang isang rebolusyonaryong alternatiba sa kapitalistang sistema.
Mula 1998 ay maraming paksyon na ng Kaliwa ang lumahok sa halalan sa pamamagitan ng partylist. Nangunguna dito ang “Leninistang” grupo ni Felimon Lagman, ang sosyal-demokratikong Akbayan, ang Trotskyistang RPA-ABB at ang maoistang PKP.
Bagamat nag-aastang “pinaka-radikal” sa lahat ng paksyon ng Kaliwa, nakitaan ng mas pagiging adik sa burges na eleksyon ang maoistang kilusan. Hindi sila kontento sa isang partylist lamang. Gusto nila na halos lahat ng kanilang mga sektoral na organisasyon ay makapasok sa bulok na kongreso. Hindi rin nakontento ang Kaliwa sa party-list lang. Nais din nilang makapasok sa Senado at sa mga lokal na gobyerno.
Maliban sa paglahok, mas naging lantad na ang alyansa ng Kaliwa sa malalaking burges na partido. Ang maoistang Bayan Muna at sosyal-demokratikong Akbayan ang unang nagladlad sa harap ng publiko noong pampangulohang eleksyon ng 2010 kung saan ang una ay hayagang sumuporta sa kandidatura ng bilyonaryong si Manny Villar bilang presidente at pumasok sa line-up ng Nacionalista Party habang ang huli naman ay kay Noynoy Aquino at sa Liberal Party. Tahimik naman sa pagbatikos ang ibang paksyon ng Kaliwa sa ginawa ng Bayan Muna at Akbayan dahil ito rin ang plano nila. Nagkataon lang na mas malakas ang Bayan Muna at Akbayan sa pananaw ng malalaking burges na partido.
Ang integrasyon ng Kaliwa sa kapitalistang sistema at estado ay mas naging malinaw ng naging bahagi na ng kanilang estratehiya ang pagpasok sa loob ng estado.
Ano ang kabuluhan ng eleksyon para sa masa?
Mula 2010 ay ganap ng naghubad ng maskara ang buong pwersa ng Kaliwa at sa partikular ang “pinaka-radikal” na paksyon nila – ang maoistang kilusan – bilang bahagi ng demokratikong diktadura ng burgesya.
Hindi lang parang “shabu” ang eleksyon. Ito ay isang napakalaki at enggrandeng piging kung saan aaliwin ng naghaharing uri at paksyon ng Kaliwa ang masa sa mga ilusyon ng burges na demokrasya.
Habang nagtulong-tulong ang media, estado, simbahan, mga partidong pulitikal at “progresibong” organisasyon sa panghihikayat sa masa na maging “responsable at iboto ang mga kandidato na karapat-dapat sa pwesto”, hindi na sagrado sa maraming mahihirap ang halalan kundi isang okasyon para mapagkakakitaan ng pera.
Sa ilang dekada ng eleksyon sa bansa, mas lumala ang paraan ng naghaharing uri ng pamimili ng boto para lamang manalo liban pa sa pananakot at manipulasyon kakutsaba ang COMELEC. Kaya naman ang nakita at naunawaan ng masa ay ang eleksyon ay walang kwenta maliban sa mapagkakakitaan ng konting pera pambili ng makakain ng kanilang hirap na pamilya.
Tulad ng droga, umabot na sa yugto na wala ng epekto sa masa ang mga talumpati, deklarasyon at pangako ng mga kandidato tuwing eleksyon dahil saksi sila na walang natutupad sa mga ito kundi nagpapayaman lamang ang mga nanalo ng maupo sa pwesto.[4] Para sa mahihirap, ang kalagayan nila ay walang kaibahan sa panahon ng hayagang diktadura ng naghaharing uri – rehimeng Marcos – at “patagong diktadura” ng demokrasya mula ng mapatalsik si Marcos. Lumala ang kahirapan, kawalan ng trabaho, mababang sahod, pagtaas ng presyo, kriminalidad, kaguluhan at pagkasira ng kalikasan.
Kung boboto man ang mahihirap, maliban sa pera ay dahil takot sila sa pananakot ng estado sa mga parusa kung wala silang rekord na bomoto o kaya kahirapan sa legal na rekisitos na kailangan nila para makahanap ng trabaho o transaksyon sa mga institusyon at bangko.[5]
Pakikibaka para sa reporma ngayon, balido pa ba?
Ayon sa Kaliwa – laluna ang mga “leninista” at maoista – magagamit daw ang paglahok sa eleksyon para tataas ang rebolusyonaryong kamulatan ng masa at lalakas ang rebolusyonaryong kilusan.
Ang “teoretikal” na sangkalan ng Kaliwa ay ang pampleto ni Lenin na “Kaliwang-Komunismo, Sakit ng Kamusmusan” habang salat o kaya walang komprehensibong kaalaman at unawa sa mga debateng nangyari sa loob ng Komunistang Internasyunal sa usapin ng parliyamentarismo at unyonismo.[6]
Ang batayan para sa pakikibaka sa reporma ay ang kapasidad ng naghaharing sistema. Narito ang malaking pagkakamali ni Lenin at nasa baluktot na balangkas ng kanyang argumento bakit daw dapat lumahok sa parliyamento ang mga rebolusyonaryo. Hindi na nakita ni Lenin ang kanyang malaking pagkakamali dahil namatay na siya. Hindi na niya nakita ano ang nangyari sa mga rebolusyonaryong partido na lumahok sa eleksyon. Ang kamalian ni Lenin ay ginawang dogma ng Kaliwa ngayon.
Para sa mga rebolusyonaryo 1900s pa pumasok na ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto kung saan wala na itong kapasidad pa na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa masang manggagawa. Hindi lang sa usapin ng teorya ito napatunayan kundi higit sa lahat sa aktwal na karanasan ng proletaryado ng mundo.[7]
Para sa kasalukuyang henerasyon ng mga rebolusyonaryo, wala ng mas matingkad na balidasyon kundi ang krisis ng kapitalismo noong 2006-07 na unang sumabog sa Amerika. Mula noon patuloy sa paglala ang krisis na kahit ang mga ekspertong ekonomista ng burgesya ay nahirapan ng sabihin na “may liwanag pa sa dulo ng tunnel”.
Subalit dahil nalulong sa kanilang dogmatismo at kawalan ng diyalektikal-materyalistang pagsusuri, kumakapit pa rin ang Kaliwa (hindi lang sa Pilipinas) sa dogma na inilibing na ng aktwal na praktika ng tunggalian ng uri ng mundo sa loob ng mahigit 100 taon.
Dalawang matingkad na isyu sa Pilipinas ang maari nating banggitin na magpatunay sa kainutilan ng pakikibaka para sa reporma (na sa praktika ay tahasan ng nauwi sa repormismo): 125 legislated wage increase nationawide at ang “tunay” na repormang agraryo. Ang 2 isyung ito ay ilang dekada ng isinusulong ng Kaliwa (laluna ng mga maoista) sa loob ng bulok na kongreso.
Hanggang ngayon sa kabila ng pagdami ng mga maoistang kongresista at “matagumpay” na pakikipag-alyansa nila sa mga burges na politiko, walang nangyari at hindi umusad ang mga isyung kanilang ipinaglalaban sa loob ng kongreso. Subalit para sa mga maoista at Kaliwa sa kabuuan ito ay hindi dahil sa kawalan ng kapasidad ng sistema kundi sa kakulangan ng dami nila sa loob ng burges na parliyamento. Kaya naman nagsisikap silang mas dadami pa kahit na lantaran silang makipag-alyansa sa mga buwayang pulitiko at malalaking burges na partido.
Halos lahat ng mga tagumpay ng uring manggagawa na nakuha nila sa pakikibaka para sa reporma noong 19 siglo ay binabawi na ngayon ng uring kapitalista: regular na trabaho, sapat na sahod, pagbawal sa kabataang manggagawa at proteksyon sa kababaihan laluna ang manggagawa.
Salungat sa argumento ng Kaliwa, ang pagtaas ng tunay na sahod ng manggagawa at regular na trabaho sa panahon na nasa matinding krisis ang kapitalismo at nasa rurok na ang kahibangan ng kompetisyon ng bawat pambansang kapital para sa pandaigdigang pamilihan ay hindi maibigay sa pamamagitan ng mga batas ng estado kundi sa malawakang pakikibaka ng manggagawa sa lansangan at pangmasang welga na magbubukas sa posibilidad ng rebolusyon. Ang tanging “alyado” ng manggagawa sa isang bansa sa labang ito ay hindi ang kanilang sariling pambansang burgesya kundi ang internasyunal na proletaryado. Ibig sabihin, ang makabuluhang konsesyon ng kapital sa usaping ito (kung may huling maibubuga pa sila) ay nakasalalay sa paglikha ng isang rebolusyonaryong sitwasyon.
Samakatuwid, kaiba noong 19 siglo na ang kagyat na mga kahilingan ng proletaryado ay nakasandal sa kakayahan ng sistema (kaya tinatawag pakikibaka para sa reporma), ang kagyat na mga pakikibaka ng uri ngayon ay mahigpit na nakaangkla sa pagbagsak sa bulok na kaayusan.
Sa teorya at praktika, wala ng saysay ang linyang pakikibaka para sa reporma sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Ang mga kaganapan ngayon at ebolusyon ng kapitalismo ay kumpirmasyon sa tindig ng minoriya sa loob ng Komunistang Internasyunal, ang minoriya na tinawag na mga kaliwang-komunista.
Bulok ang eleksyon dahil bulok na ang kapitalismo
Kung noong 19 siglo ay lumahok ang mga rebolusyonaryo sa burges na parliyamento, ito ay dahil progresibo pa ang kapitalismo at may kapasidad pa itong magbigay ng mga makabuluhang reporma. Pero sa pagpasok ng 20 siglo ay nanindigan na ang mga marxista na wala ng saysay ang paglahok sa eleksyon.
Kung ang isang atrasadong masa ay naniwala pa sa kabuluhan ng eleksyon, hindi ito mahirap intindihin para sa mga rebolusyonaryo. Pero kung ang isang organisasyon na umaangking komunista at rebolusyonaryo ay nangampanya mismo at nanawagan sa masang manggagawa na lumahok at boboto (sa pamamagitan ng kanilang mga kontroladong legal na organisasyon, partylist at mga kandidato), hindi lang ito oportunismo kundi tahasang pagtraydor sa marxismo at proletaryong rebolusyon.[8]
Ang layunin ng isang komunistang organisasyon sa kanyang anumang interbensyon sa pakikibaka ng manggagawa ay para mabuo ang makauring pagkakaisa para manalo ang komunistang rebolusyon. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ang paglahok sa parliyamento at pagboto, kaiba noong 19 siglo, ay ganap ng hadlang para susulong ang proletaryong rebolusyon. Hindi na pakikibaka para sa reporma ang usapin ngayon kundi pakikibaka na para ibagsak ang kapitalismo.
Internasyonalismo, Pebrero 2013
[1] May “patlang” lang ang demokratikong anyo ng diktadura ng maghari ang hayagang diktadura ng rehimeng Marcos noong 1972 hanggang 1986.
[2] Noong 1978 ay nilabag ng komiteng rehiyon ng Manila-Rizal sa pamumuno ni Felimon Lagman ang atas ng maoistang PKP na boykot. Lumahok sila sa eleksyon, nagpatakbo ng mga kandidato at nakipag-alyansa sa paksyon ni Benigno Aquino Jr. na bilanggo noon. Dahil sa paglabag ay binigyan ng aksyong pangdisiplina ang mga kadre ng rehiyon. Ang paksyon ni Lagman ang nagdeklarang tapat sila sa “Leninismo” hindi sa maoismo noong baklasan ng 1992.
[2]At noong snap presidential election ng 1986 kung saan tumakbo si Cory Aquino bilang katunggali ni Ferdinand Marcos sa eleksyong pampangulohan ay iniwan ng burges na oposisyon ang maoistang kilusan na boykot ang tindig at aktibong nangampanya ang una sa kandidatura ni Aquino.
[3] Hindi lang ang mga atrasadong bansang kapitalista ang may pampulitikang dinastiya. Ang mga “sosyalistang” bansa na umiiral pa hanggang ngayon dahil sa kombinasyon ng stalinismo at kulto ng personalidad/angkan ay pinamunuan din ng mga angkan na tila ba banal n autos mula sa Diyos – Hilagang Korea at Cuba. Maging ang modelo ng “sosyalismo ng 21 siglo” ng Latin/Central Amerika ay sa ganitong daan din tumatahak.
[4] Sa panig naman ng mga maoistang mambabatas, lagi nilang ipinagmayabang na hindi daw yumaman ang kanilang mga kinatawan sa kongreso. Maaring totoo ito. Pero hindi maitanggi na ang malaking perang nakuha nila sa estado ay ginamit pambili ng armas at iba pang pangangailangan ng kanilang “hukbong bayan”, bagay na ginawa ding dahilan ng estado upang patuloy na palakihin ang badyet-militar nito. Dahil sa digmaan ay nagkaroon ng “unholy alliance” ang estado at maoistang kilusan para sa militarisasyon laluna sa kanayunan.
[5] Isa sa mga valid IDs na hinahanap ay ang voter's ID sa mga transaksyon sa bangko o kaya sa paghahanap ng trabaho. Patunay din ito na ikaw ay isang “mabuting” mamamayan.
[6] Sa ikalawang kongreso ng Comintern noong 1920 ay nagkaroon ng matinding debate sa pagitan ng mayoriya (sila Lenin, Trotsky at iba pa) at ng minoriya (praksyon ng mga komunista nila Bordiga, KAPD ng Alemanya, ang grupo nila Sylvia Pankhurts ng Britanya at iba pa).
Sinumite ng praksyon sa loob ng Comintern ang ‘Theses on Parliamentariam’ na panukala ng grupo ni Bordiga.
Sinuma ng IKT ang nangyaring debate sa loob ng Comintern:
[6]“The theses were submitted for discussion at the Second Congress of the Communist International in 1920. At this time there was a major debate within the CI about whether communists should take part in parliamentary elections, and work inside parliament if elected. The majority position, defended by Lenin, Trotsky and others, was that of “revolutionary parliamentarism” - the idea that revolutionaries could use the parliamentary forum as a “tribune” from which to denounce capitalism and advocate the communist revolution. The left communists - Bordiga’s fraction in Italy, the KAPD in Germany, Sylvia Pankhurst’s group in Britain among them - argued that the period of working in parliament was over. In the new period, when proletarian revolution was directly on the agenda, the ruling class was using parliamentary “democracy” as a means of opposing the workers’ struggle for the power of the soviets; if the Communist parties took part in the charade of elections and in the parliamentary “talking shop”, it would spread dangerous confusions within the ranks of the working class. In our view, history has amply confirmed this view, but we will look at this debate in more detail in a future article.”
Para sa karagdagang kaalaman, basahin ang link dito: https://en.internationalism.org/wr/243_theses.htm [68]
[7] Ang pakikibaka sa reporma ang sentral na linya ng mga marxista noong 19 siglo hindi pa dahil sa simpleng usapin ng “estratehiya at taktika” kundi dahil may materyal na batayan pa: progresibo, sumusulong pa ang kapitalismo bilang panlipunang sistema at may kapasidad pa ito na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa ikabubuti ng kalagayan ng manggagawa bilang sahurang-alipin. Subalit ng pumasok na ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto noong 20 siglo, nawalan na rin ng batayan ang pakikibaka para sa reporma at nasa mesa na ang agenda para ibagsak ang bulok na sistema.
[8] Tandaan natin na ang “marxismo” na dumating sa Pilipinas noong 1920s (aka “marxismo-leninismo”) ay walang iba kundi ang kontra-rebolusyonaryong Stalinismo. At ang “kilusang pagwawasto” noong 1968 ay isang hibo ng stalinismo - maoismo. Ang baklasan naman noong 1992 sa loob ng maoistang kilusan ay hindi ganap na nagtakwil sa stalinismo. Bagkus ay binihisan lamang ito ng “leninismo” habang hanggang salita lamang ang “anti-stalinismo” ng mga bumaklas.
P.sdfootnote-western { margin-bottom: 0.14in; font-family: "Times New Roman",sans-serif; font-size: 12pt; }P.sdfootnote-cjk { margin-bottom: 0.14in; font-family: "Times New Roman"; font-size: 12pt; }P.sdfootnote-ctl { margin-bottom: 0.14in; font-size: 12pt; }H4 { margin-top: 0.07in; margin-bottom: 0.07in; direction: ltr; color: rgb(0, 0, 10); widows: 2; orphans: 2; page-break-after: auto; }H4.western { font-family: "Times New Roman",sans-serif; }H4.cjk { font-family: "Times New Roman"; }H4.ctl { }H1 { margin-top: 0.07in; margin-bottom: 0.07in; direction: ltr; color: rgb(0, 0, 10); widows: 2; orphans: 2; page-break-after: auto; }H1.western { font-family: "Times New Roman",sans-serif; }H1.cjk { font-family: "Times New Roman"; font-size: 24pt; }H1.ctl { font-size: 24pt; }P { margin-bottom: 0.08in; direction: ltr; color: rgb(0, 0, 10); widows: 2; orphans: 2; }P.western { font-family: "Times New Roman",sans-serif; font-size: 12pt; }P.cjk { font-family: "Times New Roman"; font-size: 12pt; }P.ctl { font-size: 12pt; }A:link { color: rgb(0, 0, 255); }A.sdfootnoteanc { font-size: 57%; }
Ang nasa ibaba ay salin mula sa English. Sa tingin namin, napapanahon na muling basahin at aralin ang tekstong ‘Teror, Terorismo at Makauring Karahasan’ para maunawaan ng mga nagsusuring elemento sa Pilipinas na ang terorismo at armadong pakikibaka laban sa umiiral na naghaharing paksyon ng mapagsamantalang uri na may kontrol sa estado ay hindi ekspresyon o bahagi ng rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado. Partikular sa Pilipinas1, ilang dekada ng naranasan ng manggagawa at mamamayan ang terorismo ng iba’t-ibang armadong grupo sa anyo man ng pambobomba o gerilyang pakikidigma. Nitong huli lang ay nilusob ng grupong Moro National Liberation Front (MNLF) ang Zamboanga City noong Setyembre 9, 2013 kung saan maraming buhay ng inosenteng mamamayan ang nasawi at milyones na ari-arian ang nasira.2 Habang ang maoistang CPP-NPA-NDF naman ay halos 50 taon ng naglunsad ng gerilyang digmaan laban sa naghaharing paksyon ng uring kapitalista para itayo ang isang ‘bagong tipo’ ng kapitalismo: kapitalismo ng estado na kontrolado ng maoistang partido. At sa gerilyang digma ng maoismo ay lagi itong nakikipag-alyansa sa burges na oposisyon.3 Ang karahasan o paghawak ng armas laban sa gobyerno ay nakaka-engganyo laluna sa kabataang mataas ang ideyalismo. Subalit kailangan nating unawain bilang mga komunista at elementong nagnanais ng panlipunang pagbabago at hustisya na hindi lahat ng karahasan at armadong paglaban ay para sa layuning minimithi ng sangkatauhan: paglaho ng pang-aapi at pagsasamantala sa lipunan. Karamihan sa mga ideyalistang kabataan at maka-Kaliwang organisasyon ay pinagtanggol ang terorismo ng mga grupo o estadong “anti-imperyalista” habang mariin naman ang pagkondena sa terorismo ng mga imperyalista ng Kanluran. Sa ganitong konteksto natin tamang masuri kung ang gerilyang pakikidigma ba at pambobomba ng mga organisasyong nagsasabing sila ay “para sa kalayaan at demokrasya”, “para sa sosyalismo” o “laban sa imperyalismo” ay totoo bang ang layunin ay panlipunang pagbabago o binihisan lamang ang bulok na kapitalismo ng bagong damit? Hindi teror at terorismo ang rebolusyonaryong karahasan ng proletaryado para ibagsak ang kapitalismo. Pero kailangan natin ang teoretikal na klaripikasyon sa kaibahan ng makauring karahasan mula sa teror at terorismo. Ang orihinal na teksto sa wikang English ay mababasa dito: https://en.internationalism.org/ir/014_terror.html [69] Internasyonalismo, Oktubre 2013----------------------------------------
Ang malakas na kampanya ng burgesya sa Uropa laban sa terorismo (ang pangyayaring Schleyer sa Alemanya, ang pangyayaring Moro sa Italya), na mga dahon para itago ang malawakang pagkokonsolida ng teror ng estadong burges, ay siyang dahilan para pag-ukulan ng mayor na pansin ng mga rebolusyonaryo ang problema ng karahasan, teror at terorismo. Ang mga usaping ito ay hindi bago sa mga komunista: sa ilang dekada ay tinuligsa nila ang barbarikong paraan na ginamit ng burgesya para manatili ang kapangyarihan sa lipunan, ang karumal-dumal na karahasan na ginawa kahit ng pinaka-demokratikong mga rehimen laban sa pinakamaliit na banta sa umiiral na kaayusan. Malinaw na ang kasalukuyang kampanya ay hindi talaga laban sa iilang desperadong mga elemento mula sa naaagnas na peti-burgesya, kundi sa uring manggagawa, kung saan ang marahas na pag-alsa nito ang siyang tanging tunay na banta sa kapitalismo.
Ang papel ng mga rebolusyonaryo ay tuligsain ang esensya ng mga kampanyang ito, at ipakita ang kahungkagan ng maka-kaliwang grupo, halimbawa ng ilang Trotskyista, na nag-aksaya ng panahon sa pagkondena sa Red Brigades dahil kinondena nila ang Moro ‘na walang sapat na ebidensya’ at ‘walang pagsang-ayon sa uring manggagawa’. Pero habang tinuligsa ang terorismo ng burgesya at pinagtibay ang pangangailangan ng uring manggagawa na gumamit ng karahasan para ibagsak ang kapitalismo, dapat partikular na malinaw sa mga rebolusyonaryo ang sumusunod:
Ang tunay na kahulugan ng terorismo;
Sa porma ng karahasan ng uring manggagawa na gagamitin nito sa kanyang pakikibaka laban sa burgesya.
At kailangan idiin na maging sa mga organisasyon na nagtatanggol ng makauring posisyon, maraming maling pananaw, na tinitingnan ang karahasan, teror at terorismo na magkasing-kahulugan, at kinilala na:
Mayroong ‘terorismo ng manggagawa’;
Laban sa puting teror ng burgesya, dapat mayroong sariling ‘rebolusyonaryong teror’ ang uring manggagawa, na halos kapareha ng teror ng burgesya.
Ang Bordigistang International Communist Party (Programme Communiste) ang malamang may pinakamalinaw interpretasyon ng ganitong kalituhan. Halimbawa: “Ang mga Marchais at Pelikans ay itinakwil lamang ang mga rebolusyonaryong aspeto ng Stalinismo — ang isang partido, diktadura, teror na na namana mula sa proletaryong rebolusyon ...” (Programme Communiste, no. 76, p.87)
Kaya, para sa organisasyong ito, ang teror, kahit ginamit ng Stalinismo, ay sa batayan rebolusyonaryo, at mayroong kapareho ang paraan ng proletaryong rebolusyon at pinakamasamang kontra-rebolusyon na ipinataw sa uring manggagawa.
Dagdag pa, sa panahon ng kaganapang Baader, tila pinakita ng ICP na ang teroristang aksyon ni Baader at mga kasamahan nito ang anyo ng karahasan ng uring manggagawa sa hinaharap, sa kabila ng mga reserbasyon sa negatibong epekto ng naturang mga aksyon. Kaya sa Le Proletaire, no.254 mababasa natin: “Sa diwang ito ay masigasig nating sinusunod sila Andreas Baader at kanyang mga kasama na lumahok sa kilusang ito, ang kilusan na dahan-dahan nag-iipon ng pagkamulat ng proletaryado”, at dagdag pa: “Nakilala ng proletaryong pakikibaka ang iba pang mga martir ...”
Panghuli, ang ideya ng ‘terorismo ng manggagawa’ maliwanag na lumitaw sa mga sipi tulad ng: “Sa pagsusuma, para maging rebolusyonaryo, hindi sapat na tuligsain ang karahasan at teror ng burges na estado — dapat tingnan na ang karahasan at terorismo bilang mahalagang sandata sa emansipasyon ng proletaryado.” (Le Proletaire, no. 253)
Laban sa mga ganitong tipo ng kalituhan, ang sumusunod na teksto ay pagtatangkang lagpasan ang mga depininasyon ng diksyunaryo at pang-aabuso ng lenggwaheng aksidenteng nagawa ng ilang mga rebolusyonaryo sa nakaraan, at ipakita ang kaibahan ng makauring laman sa pagitan ng teror, terorismo at karahasan, higit sa lahat ang karahasan ng uring manggagawa na gagamitin para palayain ang sarili.
Ang pagkilala sa makauring tunggalian ay tahasang pagtanggap na ang karahasan ang isa sa naturalesa, pundamental na mga aspeto ng makauring pakikibaka. Ang pag-iral ng mga uri ay nagkahulugan na ang lipunan ay nahati sa mga antagonistikong interes, hindi maayos na mga tunggalian. Binuo ang mga uri sa batayan ng mga antagonismong ito. Ang panlipunang relasyon ng mga uri ay kinakailangang mga relasyon ng oposisyon at antagonismo, i.e. ng pakikibaka.
Ang pagtindig ng salungat dito, ang pagtindig na mapangibabawan ang sitwasyon sa pamamagitan ng kabutihan, sa pamamagitan ng kolaborasyon at pagkakaisa ng mga uri, ay pagtakwil sa realidad. Ito ay ganap na utopyan.
Hindi nakapagtataka kung pinapalaganap ng mapagsamantalang uri ang ganitong mga ilusyon. ‘Natural’ na kumbinsido sila na walang ibang lipunan, walang mas magandang lipunan, ang iiral maliban sa kanilang pinaghaharian. Ang absoluto, at bulag na konbiksyong ito ay diniktahan ng kanilang mga interes at prebilihiyo. Ang kanilang makauring interes at prebilihiyo ay nakabatay sa tipo ng lipunan na kanilang pinaghaharian; may interes sila sa pangungumbinsi sa mga pinagsamantalahan, inaaping mga uri na itakwil nila ang pakikibaka, tanggapin ang umiiral na kaayusan, tanggapin ang ‘istorikal na mga batas’ na diumano ay absoluto. Ang mga naghaharing uri ay parehong obhetibong limitado at walang kapasidad na unawain ang dinamismo ng makauring pakikibaka (ng inaaping mga uri) at suhetibong interesado na sumuko sa pakikibaka ang inaaping mga uri, sa pagdurog sa determinasyon ng inaaping mga uri sa pamamagitan ng lahat ng tipo ng mga mistipikasyon.
Pero hindi lang ang naghaharing uri ang may ganitong aktitud sa pakikibaka. Ilang mga tendensya ang naniwala na posibleng maiwasan ang makauring pakikibaka sa pamamagitan ng pakiusap sa katalinuhan at pang-unawa ng mga mabubuting tao, para likhain ang mapayapa, praternal at pantay-pantay na lipunan. Ito ang kaso, halimbawa, sa mga Utopyan sa simula ng kapitalismo. Salungat sa burgesya at sa kanyang mga ideolohiya, ang mga Utopyan ay walang interes na lagpasan ang makauring pakikibaka para manatili ang mga prebilihiyo ng naghaharing uri. Kung nilagpasan man nila ang makauring pakikibaka ito ay dahil hindi nila naunawaan ang istorikong dahilan ng pag-iral ng mga uri. Kaya musmos pa sila para maunawaan ang realidad, realidad na kasama ang makauring pakikibaka, ang pakikibaka ng proletaryado sa burgesya. Habang ito ay ekspresyon ng hindi maiwasang pagkahuli ng kamulatan sa obhetibidad, ito ay produkto ng teoretikal na klaripikasyon ng uri, sa pagsisikap ng uri na maging mulat. Ito ang dahilan kaya kinilala sila na mga ninuno ng sosyalistang kilusan, isang hakbang pasulong ng kilusan na naghahanap ng syentipiko at istorikal na pundasyon sa marxismo.
Hindi naman ito ang kaso sa mga kilusang makatao at pasipista na umusbong magmula ikalawang hati noong nakaraang siglo at binalewala ang makauring pakikibaka. Wala itong kontribusyon sa emansipasyon ng sangkatauhan. Sila ay simpleng ekspresyon lamang ng saray ng peti-burgesya na istorikal na lipas na at inutil, at umiiral pa sa modernong lipunan, naipit sa pagitan ng labanan ng proletaryado at burgesya. Ang kanilang lagpas sa mga uri, multi-uri at kontra-makauring pakikibaka na ideolohiya ay pagdalamhati ng isang lipas na uri na walang kinabukasan sa kapitalismo ni sa lipunan na itatayo ng proletaryado: sosyalismo. Nakakalungkot at nakakatawa, target para sa mga ilusyon, hadlang lamang sila sa pag-unlad at determinasyon ng proletaryado; at sa naturang dahilan magagamit, at kadalasan ginagamit, ng kapitalismo, kung saan gagamitin ang lahat para maging sandata ng mistipikasyon.
Ang pag-iral ng mga uri, ng makauring pakikibaka, ay nangangailangan ng makauring karahasan. Ang mga inutil at manlilinlang lamang (tulad ng mga Sosyal-Demokrata) ang tutol dito. Sa pangkalahatan, ang karahasan ay bahagi ng buhay at kabilang sa kanyang kabuuang ebolusyon. Anumang aksyon ay may kasamang isang antas ng karahasan. Ang pagkilos mismo ay produkto ng karahasan dahil ito ay bunga ng walang humpay na pagbasag sa istabilidad, mula sa banggaan ng magkasalungat na mga pwersa. Umiiral ito sa unang mga grupo ng tao, at hindi kailangang makita sa hayag at pisikal na karahasan. Ang karahasan ay lahat na may imposisyon, pamimilit, balanse ng pwersa, mga banta. Ang karahasan ay nagkahulugan ng pisikal o sikolohikal na agresyon; agresyon laban sa ibang tao, pero umiiral din ito kung ang isang takdang sitwasyon o disisyon ay pinipilit sa pamamagitan ng pagpataw ng mga paraan ng naturang agresyon, kahit pa kung ang mga paraang ito ay hindi aktwal na ginamit. Subalit habang ang karahasan sa anumang porma ay umiiral kasabay ng paggalaw o buhay, ang pagkahati ng lipunan sa mga uri ang lumikha sa karahasan bilang prinsipal na pundasyon ng panlipunang mga relasyon, na inabot ang pinaka-malalim na resulta sa kapitalismo.
Lahat ng sistema ng makauring pagsasamantala ay nakabatay sa kapangyarihan ng karahasan, isang lumalaking karahasan na naging pangunahing salik para manatili ang buong lipunan. Kung wala ito ang lipunan ay kagyat na babagsak. Isang kinakailangang produkto ng pagsasamantala ng isang uri sa isa pa, ang karahasan, organisado, konsentrado at na-institusyonalisa sa kanyang pinakamataas na porma sa estado, ang naging pundamental na diyalektikal na kondisyon sa pag-iral ng mapagsamantalang lipunan. Laban sa madugo at kriminal na karahasan ng mapagsamantalang uri, ang mga pinagsamantalahan at inaaping uri ay kailangang maghapag ng sariling karahasan para lumaya. Ang makiusap sa ‘makataong’ damdamin ng mga mapagsamantala, tulad ng mga relihiyoso ala Tolstoy o Gandhi, o mga nagbalatkayong sosyalista, ay paniniwala sa mga milagro; ito ay pakiusap na ang mga lobo ay titigil na sa pagiging lobo at maging karnero; ito ay pakiusap sa uring kapitalista na titigil na sa pagiging uring kapitalista at itransporma ang sarili sa pagiging uring manggagawa.
Ang karahasan ng mapagsamantalang uri ay natural na bahagi ng kanyang katangian at mapigilan lamang sa pamamagitan ng rebolusyonaryong karahasan ng inaaping mga uri. Ang pag-unawa dito, makita ito, mapaghandaan ito, organisahin ito, ay hindi lang mapagpasyang kondisyon para sa tagumpay ng inaaping mga uri, kundi titiyakin din nito na ang tagumpay ay mas maliit ang pagdurusa. Sinuman na may duda o pag-alinlangan ay hindi rebolusyonaryo.
ANG KARAHASAN NG MAPAGSAMANTALA AT NAGHAHARING URI: TEROR
Nakita natin na hindi maaring walang karahasan ang pagsasamantala; na ang dalawa ay organikong hindi mapaghiwalay. Sa kabila na maaring may karahasan sa labas ng mapagsamantalang mga relasyon, maipatupad lamang ang pagsasamantala sa pamamagitan ng karahasan. Sila ay parang baga at hangin sa isa’t-isa – hindi maka-kilos ang baga kung walang hangin.
Tulad ng galaw ng kapitalismo sa kanyang imperyalistang yugto, ang kombinasyon ng karahasan at pagsasamantala ay nagkaroon ng partikular at bagong kalidad. Hindi na ito aksidente o segundaryong katotohanan: ang kanyang presensya ay permanente sa bawat antas ng buhay ng lipunan. Pinasok nito ang lahat ng mga relasyon, sinisid ang lahat ng butas ng panlipunang organismo, kapwa sa pangkalahatang antas at personal na antas. Nagsimula sa pagsasamantala at pangangailangan ng dominasyon sa uring lumilikha, ipinataw ng karahasan ang kanyang sarili sa lahat ng mga relasyon sa pagitan ng mga uri at saray sa lipunan: sa pagitan ng industriyalisadong mga bansa; sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri; sa pagitan ng lalaki at babae; sa pagitan ng mga magulang at mga anak; sa pagitan ng mga guro at mga estudyante; sa pagitan ng mga indibidwal; sa pagitan ng mga namuno at pinamunuan. Ito ay naging espesyalisado, may istruktura, organisado, konsentrado sa isang hiwalay na entidad: ang estado, na may permanenteng hukbo, polisya, mga batas, tagapatupad at taga-tortyur; at ang entidad na ito ay nasa ibabaw ng lipunan at nangingibabaw dito.
Para matiyak ang pagsasamantala ng tao sa tao, ang karahasan ang pinaka-mahalagang aktibidad ng lipunan, kung saan palaki ng palaki ang inilaan mula sa ekonomiya at kulturang mga rekurso. Ang karahasan ay itinaas sa istatus ng kulto, arte, syensya. Isang syensya hindi lang sa arte ng militar, sa teknik ng mga sandata, kundi sa lahat ng usapin at sa lahat ng antas, sa organisasyon ng mga kampo ng konsentrasyon at gas chambers, sa arte ng mabilisan at malawakang pagpatay sa buong populasyon, sa paglikha ng mga unibersidad ng sikolohikal at syentipikong tortyur, kung saan maraming kwalipikadong taga-tortyur ay nakakuha ng mga diploma at isinapraktika ang kanilang kaalaman. Ito ang lipunan na hindi lang “maputik na pawis at dugo mula sa bawat butas”, ayon kay Marx, kundi hindi na mabuhay o makahinga sa labas ng paligid na nilason ng mga ataol, kamatayan, pagkasira, masaker, pagdurusa at tortyur. Sa naturang lipunan, ang karahasan ay umabot na sa kanyang tuktok at nagbago sa kalidad – ito ay naging teror.
Kung unawain lamang ang karahasan sa pangkalahatang termino, na walang konsiderasyon sa kongkretong mga kondisyon, istorikal na yugto, at mga uri na nagpatupad ng karahasan, ay walang naunawaan sa kanyang tunay na laman, kung ano ang nagbigay dito ng partikular at ispisipikong kalidad sa mga lipunang mapagsamantala, at bakit mayroong pundamental na modipikasyon ng karahasan tungo sa teror, na hindi simpleng sabihing tingnan sa usapin ng kantidad (tulad ng kalakal, ang kantitatibong kaibahan lamang ang kinilala sa pagitan ng luma at kapitalismo at hindi ang pundamental na kalitatibong kaibahan sa pagitan ng dalawang moda ng produksyon).
Habang umuunlad ang pagkahati ng lipunan sa antagonistikong mga uri, ang karahasan sa kamay ng naghaharing uri ay lalupang nagkaroon ng bagong katangian: teror. Ang teror ay hindi bahagi ng rebolusyonaryong uri sa panahon na nagtagumpay na ang rebolusyon. Ito ay artipisyal, purong pormal na pananaw na sinasamba ang teror bilang pinakamataas4 na rebolusyonaryong aksyon. Sa ganitong pananaw nauwi ito sa: mas malakas ang teror, mas malalim at mas radikal ang rebolusyon. Pero ganap na itong iniwan ng kasaysayan. Ginamit at pinerpekto ng burgesya ang teror mula ng lumitaw ito, hindi lang sa panahon ng kanyang mga rebolusyon (c.f. 1848 at ang Komyun ng Paris), kundi ang teror ng burgesya ay umabot na sa kanyang rurok nang ang kapitalismo ay pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto. Ang teror ay hindi ekpresyon ng rebolusyonaryong katangian at aktibidad ng burgesya sa panahon ng kanyang mga rebolusyon, sa kabila na may ilang ispektakular na ekspresyon ito sa burges na rebolusyon. Mas ekspresyon ito sa kanyang katangian bilang mapagsamantalang uri kung saan, tulad ng ibang mapagsamantalang mga uri, ay nakabatay lamang ang paghari sa teror. Ang mga rebolusyon na tumiyak ng paglipat mula sa isang mapagsamantalang lipunan tungo sa isa pa ay hindi ninuno ng teror; simple lamang itong inilipat mula sa isang mapagsamantalang uri tungo sa isa pa. Hindi pa dahil gusto nitong ibagsak ang lumang naghaharing uri na pinerpekto at pinagtibay ng burgesya ang kanyang teror, kundi pangunahin para tiyakin ang kanyang dominasyon sa lipunan sa kabuuan at sa uring manggagawa sa partikular. Ang teror sa burges na rebolusyon ay hindi kataposan kundi pagpapatuloy, dahil ang bagong lipunan ay pagpapatuloy sa mga lipunang nagsasamantala sa tao sa kanyang kapwa tao. Ang karahasan ng mga burges na rebolusyon ay hindi kataposan ng pang-aapi kundi pagpapatuloy ng pang-aapi. Kaya magkahugis lamang ito sa porma ng teror.
Sa pagsusuma, ang teror ay karahasan na ispisipiko lamang sa mapagsamantalang mga uri, na maglaho lamang kung gugustuhin nila. Ang kanyang mga ispisipikong katangian ay:
1. organikong nakaugnay sa pagsasamantala at ginamit para ipataw ito.
2. aksyon ng prebilihiyadong uri.
3. aksyon ng minoriyang uri sa lipunan.
4. aksyon ng isang espesyalisadong entidad, mahigpit na pinili, sarado sa kanyang sarili, at ayaw magpakontrol sa lipunan.
5. walang kataposang pinarami at pinerpekto, pinalawak sa lahat ng antas, sa lahat ng panlipunang mga relasyon.
6. walang ibang raison d’etre maliban sa pagpapailalim at pagdurog sa komunidad ng tao.
7. pagpapaunlad ng galit at karahasan sa pagitan ng panlipunang mga grupo: nasyunalismo, sobinismo, rasismo at iba pang kabaliwan.
8. pagpapaunlad ng egoismo, agresibong sadismo, kalupitan; araw-araw na walang kataposang digmaan ng isa laban sa lahat na nagtulak sa buong lipunan sa sitwasyon ng teror.
ANG TERORISMO NG URI AT SARAY NG PETI-BURGESYA
Ang mga uring peti-burges (magsasaka, artisano, maliit na negosyante, propesyunal, intelektwal) ay hindi mga pundamental na uri sa lipunan. Wala silang maihapag na partikular na moda ng produksyon o panlipunang proyekto. Hindi sila mga istorikong uri sa marxistang pananaw. Sila ang pinahati na mga saray sa lipunan. Bagamat ang mas mataas na saray ay kumukuha ng kita mula sa pagsasamantala sa paggawa ng iba at kaya kabilang sa prebiliyado, sila, sa pangkalahatan, ay napailalim sa dominasyon ng uring kapitalista, na nagpataw ng kanyang mga batas sa kanila at nang-aapi sa kanila. Wala silang kinabukasan bilang mga uri. Sa kanilang mas mataas na saray, ang maksimum na mangyari ay indibidwal sila na makapasok sa uring kapitalista. Sa kanilang mababang saray, nasa bingit sila na mawalan ng ‘independyenteng’ pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon at magiging proletaryado. Ang malaking mayoriya na nasa panggitnang saray ay nasa bingit na madurog sa ekonomiya at pulitika ng uring kapitalista. Ang kanilang pampulitikang aktitud ay dinidiktahan ng balanse ng pwersa ng dalawang pundamental na uri ng lipunan: ang burgesya at proletaryado. Ang kanilang walang pag-asang paglaban sa mga batas ng kapital ang nagtulak sa kanila na hawakan ang palasuko, pasibo na aktitud. Ang kanilang ideolohiya ay indibidwalistang ‘kunin ang maaring kunin’; sa kolektibo gumagawa sila ng lahat ng walang kwentang pagdalamhati sa paghahanap ng miserableng konsolasyon, sa katawa-tawa at inutil na makatao at pasipistang mga sermon.
Durog, walang kinabukasan, bilanggo sa pang-araw-araw na hanapbuhay, nakakaawang kahinaan, sila ay desperadong target ng lahat ng klase ng mistipikasyon, mula sa pinaka-pasipista (relihiyoso, naghuhubad, kontra-karahasan, kontra-bomba atomika, kontra-nukleyar, hippies, ekolohista) hanggang sa pinaka-hayok sa dugo (Black Hundreds, pogromists, racists, Ku Klux Klan, pasista, gangsters at lahat ng klaseng mersenaryo). Pangunahin sa huli, sa mga hayok sa dugo, na nakakita sila ng ilusyonadong dignidad. Ito ang kabayanihan ng mga duwag, ang katapangan ng mga nagpapataw, ang kalulwalhatian ng mga nakakaawang mahihina. Matapos silang gawin ng kapital na nasa kalunos-lunos na kondisyon, nakakita ang kapitalismo sa mga saray na ito ng bukal na marerekrut para sa mga bayani ng kanyang teror.
Bagamat sa takbo ng kasaysayan ay mayroong mga pagsabog ng karahasan at galit mula sa mga uring ito, ang mga pagsabog na ito ay nanatiling kalat-kalat at hindi lumagpas sa mga pag-aalsa, dahil wala silang perspektiba maliban sa pagkadurog. Sa kapitalismo ang mga uring ito ay ganap ng nawalan ng kalayaan at nagsilbi na lang bilang pambala ng kanyon sa mga komprontasyon sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri, kapwa sa loob at labas ng mga bansa5. Sa panahon ng mga rebolusyonaryong krisis at ilang paborableng mga sirkumstansya, ang malakas na diskontento ng isang bahagi ng mga uring ito ay maaring magsilbi bilang pwersa na sumusuporta sa proletaryong pakikibaka.
Ang hindi mapigilang proseso ng paghihikahos at proletaryanisasyon ng mababang saray ng mga uring ito ay masyadong mahirap at masaklap na daang tinatahak at nagluwal ng isang partikular na matinding tendensya ng pag-aalsa. Ang pagiging palaban ng mga elementong ito, laluna ang nagmula sa mga artisano at sa naghirap na intelektwal ay nakabatay sa mas desperadong kondisyon ng buhay kaysa makauring pakikibaka ng proletaryado, kung saan nahirapan silang sumama. Ang katangian ng saray na ito sa batayan ay ang kanilang indibidwalismo, kapusukan, pag-aalinlangan at demoralisasyon. Ang kanilang mga aksyon ay mas naglalayon ng ispektakular na pagpapakamatay kaysa anumang partikular na layunin. Nawalan ng dating posisyon sa lipunan, nawalan ng kinabukasan, nabuhay sila sa kasalukuyang kahirapan at nangangalit na pag-alsa laban sa kahirapan; sa pagmamadali na naramdaman bilang pagmamadali. Sa kabila ng pakikisalamuha sa uring manggagawa at sa kanyang istorikal na hinaharap makakuha sila ng inspirasyon sa kanyang mga ideya sa baluktot na paraan, minsan ito ay tumungo sa antas ng pantasya at panaginip. Ang kanilang pananaw sa realidad ay purong aksidental lamang.
Ang pampulitikang mga ekspresyon ng ganitong tendensya ay nagkahugis sa ibat-ibang labis na porma, mula sa indibidwal na mga aksyon hanggang sa ibat-ibang klase ng mga sekta; mga saradong konspiraturyal na mga grupong nagpaplano ng kudeta, ‘kapuri-puring mga aksyon’ at terorismo.
Ang pagkakaisa ng lahat ng kaibahang ito ay ang kanilang kakulangan ng unawa sa obhetibo, istorikal na determinismo sa likod ng kilusan ng makauring pakikibaka at sa istorikong tauhan ng modernong lipunan, ang tanging pwersa na may kapasidad para sa transpormasyon ng lipunan, ang proletaryado.
Ang pagpupumilit ng mga ekspresyon ng tendensyang ito ay dahil sa permanenteng proseso ng proletaryanisasyong nangyayari sa buong kasaysayan ng kapitalismo. Ang kanilang mga tipo at pagkakaiba ay produkto ng lokal at walang katiyakang sitwasyon. Ang panlipunang penomenon na ito ay laging kasama ng istorikal na pormasyon ng proletaryado at nahalo sa ibat-ibang antas ng kilusang manggagawa, kung saan ang panlipunang tendensyang ito ay umaangkat ng mga ideya at aktitud na banyaga sa uri. Partikular na totoo ito sa kaso ng terorismo.
Kailangang igiit natin ang esensyal na puntong ito at hindi papayag sa anumang kalabuan. Totoo na ang simula ng pormasyon ng uri, ang tendensya ng proletaryado na organisahin ang sarili ay hindi pa nadiskubre ang kanyang pinaka-angkop na mga porma, at ginagamit ng uri ang konspiratoryal na porma ng organisasyon – ang sekretong mga asosasyon na minana sa burges na rebolusyon. Pero hindi nito nabago ang makauring katangian ng mga pormang ito ng organisasyon at ang kanilang kakulangan para sa bagong laman – ang makauring pakikibaka ng proletaryado. Napakabilis na humiwalay ang proletaryado mula sa mga pormang ito ng organisasyon at pamamaraan ng aksyon, at tahasang itinakwil ang mga ito.
Katulad ng ang proseso ng teoretikal na elaborasyon ay hindi maiwasang dumaan sa yugto ng utopyan, ganun din ang pormasyon ng mga pampulitikang organisasyon ng uri na dumaan sa yugto ng konspiratoryal na mga sekta. Pero hindi dapat gawing banal ang pangangailangan dito at malito sa kaibahan ng mga yugto ng kilusan. Dapat nating malaman ang ibat-ibang yugto ng kilusan at ang mga porma na iniluwal nito.
Katulad na ang utopyang sosyalismo sa isang takdang panahon ng uri ay natransporma mula sa pagiging dakila, positibong kontribusyon ay naging hadlang na sa patuloy na pag-unlad ng kilusan, ganun din ang konspiratoryal na mga sekta na naging negatibong palatandaan, bumabaog sa pag-unlad ng kilusan.
Ang tendensya na kumakatawan sa masaklap na daan ng proletaryanisasyon ay hindi na maaring makapagbigay kahit maliit na kontribusyon sa maunlad na makauring kilusan. Hindi lang nagtataguyod ng sekta at konspiratoryal na paraan ang tendensyang ito, na mas lalupang lumalayo sa tunay na kilusan, tulad ng isang babaeng nasa menopos; itinulak sila ng mga ideya at paraang ito sa sukdulan – sa isang antas ng karikatura – ang dulo nito ay ang adbokasiya ng terorismo.
Ang terorismo ay hindi simpleng aksyon ng teror. Ang sabihin ito ay pabayaan na ang diskusyon ay matali sa purong antas ng terminolohiya. Ang nais naming ipakita ay ang panlipunang kahulugan at mga pagkakaiba na nasa likod ng mga terminong ito. Ang teror ay sistema ng dominasyon, organisado, permanente, nagmula sa mga mapagsamantalang uri. Ang terorismo sa kabilang banda ay isang reaksyon ng inaaping mga uri na walang kinabukasan, laban sa teror ng naghaharing uri. Ang mga ito ay panandaliang reaksyon, na walang pagpapatuloy, mga aksyon ng paghihiganti na walang kinabukasan.
Nakita natin ang gumagalaw na deskripsyon ng ganitong klase ng kilusan sa Panait Istrati at ng kanyang Haidoucs sa istorikal na konteksto ng Rumania sa pagtatapos ng nakaraang siglo. Nakita natin ito sa terorismo ng mga Narodniks at, lumitaw sa ibang paraan, sa mga anarkista at ng Bonnot gang. Myroon pa rin silang batayang katangian – ang paghihiganti ng mga inutil. Wala silang ipinahayag na bago, kundi ang desperadong ekspresyon ng kataposan – ang kanilang sariling kataposan.
Ang terorismo, ang inutil na reaksyon ng isang inutil, ay hindi matalo ang teror ng naghaharing uri. Ito ay niknik na kumakagat sa elepante. Sa kabilang banda, kadalasan ang terorismo ay sinamantala ng estado para bigyang katuwiran at patibayin ang kanyang sariling teror.
Kailangang ganap nating tuligsain ang kathang-isip na ang terorismo ay nagsisilbi, o maaring magsilbi, bilang mitsa para sa proletaryong pakikibaka. Kakaiba na makitang umaasa ang uri na may istorikong kinabukasan na ang magbibigay ng kanyang pakikibaka ay ang uring walang kinabukasan.
Absolutong kakatuwa ang sabihin na ang terorismo ng pinaka-radikal na saray ng peti-burgesya ay makatulong para basagin ang demokratikong mistipikasyon ng uring manggagawa. Na mawasak nito ang mistipikasyon ng burges na legalidad. Na maturuan nito ang uring manggagawa na hindi maiwasan ang karahasan. Walang araw na mahahalaw ang proletaryado mula sa radikal na terorismo maliban sa paglayo mula ditto at itakwil ito, dahil ang karahasan ng terorismo ay pundamental na nasa tereyn ng burgesya. Ang unawa na ang karahasan ay kailangan at hindi maaring mawala ay kukunin ng proletaryado mula sa kanyang sariling pag-iral; sa kanyang sariling pakikibaka; sa kanyang sariling karanasan; sa kanyang sariling pakikipaglaban sa naghaharing uri. Ito ang makauring karahasan, na iba ang katangian at laman, sa porma at paraan, mula sa terorismo ng peti-burgesya at sa teror ng naghaharing uri.
Malinaw na sa pangkalahatan ang uring manggagawa ay nakikipagkaisa at sumisimpatiya – hindi sa terorismo na kinondena nito bilang isang ideolohiya, isang paraan, at isang moda ng organisasyon – kundi sa mga elementong nahatak tungo sa terorismo. Ito ay sa mga dahilang:
1. ang mga elementong nahatak sa terorismo ay nag-alsa laban sa umiiral na teror ng umiiral na kaayusan na nais wasakin ng proletaryado mula sa itaas hanggang sa baba.
2. tulad ng uring manggagawa, ang mga elementong nabighani sa terorismo ay biktima ng malupit na pagsasamantala at pang-aapi ng uring kapitalista at ng kanyang estado, ang mortal na kaaway ng proletaryado. Ang tanging paraan na maipakita ng proletaryado ang kanilang pakikiisa sa mga biktimang ito ay ang pagsisikap na maligtas sila mula sa mga berdugo ng teror ng estado, at sa pagtatangkang hatakin sila palayo mula sa nakamamatay na pagkakabukuhan ng terorismo.
Hindi na dapat bigyang diin natin dito ang panganagailangan ng karahasan sa makauring pakikibaka ng proletaryado. Ito ay pagsipa sa bukas na mga pintuan dahil mula pa noong Equals of Babeuf, ay pinakita na ito sa teorya at praktika. Nagsasayang lamang ng panahon ang paulit-ulit, na tila bagong tuklas, na ang lahat ng mga uri ay gagamit ng karahasan, kabilang na ang proletaryado. Sa paglimita ng inyong sarili sa mga katotohanang ito – na halos pangkaraniwan na lang – ang inyong kongklusyon ay walang lamang ekwasyon: “Ang karahasan ay katumbas ng karahasan”. Ginawa ninyong simplistiko at balintuna ang kahulugan sa pagitan ng karahasan ng kapital at karahasan ng proletaryado, at nabalewala ang esensyal na kaibahan: ang una ay mapang-api at ang ikalawa ay mapagpalaya.
Ang paulit-ulit at paliguligoy na pagsabing ang “karahasan ay katumbas ng karahasan”; ang patuloy na pagpapakita na ang lahat ng mga uri ay gumagamit ng karahasan; ang patuloy na pagpapakita na ang karahasan ay sa esensya pareho lang, ay matalinong nakikita ang pagkapareho sa pagitan ng nag-oopera ng caesarean para mailuwal na buhay ang sanggol at ang aksyon ng pagpatay sa kanyang biktima sa pamamagitan ng pagsaksak sa kanyang tiyan, sa simpleng dahilan na pareho silang gumagamit ng parehong instrumento – kutsilyo – sa parehong target na bagay – ang tiyan – at dahil maliwanag na ang dalawa ay gumagamit ng parehong teknika sa pagbukas ng tiyan.
Ang pinaka-importanteng bagay ay hindi ang sigaw ng sigaw, “Karahasan, karahasan”6, kundi ang bigyang-diin ang kaibahan. Ipakita sa pinakamalinaw na possible, bakit at paanong ang karahasan ng proletaryado ay iba mula sa teror at terorismo ng ibang mga uri.
Hindi natin pinag-iba ang teror at makauring karahasan para sa terminolohikal na mga rason, o dahil gusto nating biglang baguhin ang salitang ‘terror’, o dahil sa pagkamaselan. Ginawa natin ito para malinaw na makita ang kaibahan ng makauring katangian, porma at laman sa likod ng mga salitang ito. Ang bokabularyo ay laging nahuhuli sa katotohanan at ang kakulangan sa pag-iba-iba sa mga salita ay kadalasan tanda ng kakaulangan ng paliwanag na pwedeng mas lalupang magpalabo. Halimbawa, mayroong salitang ‘sosyal demokrata’ na hindi magkabagay sa rebolusyonaryong esensya – komunistang layunin – ng pampulitikang organisasyon ng proletaryado. Ganun din sa salitang ‘teror’. Minsan makikita ninyo sa sosyalistang literatura, maging sa mga klasiko, na nakapako sa mga salitang ‘rebolusyonaryo’ at ‘proletaryado’. Kailangan nating bantayan ang mga pang-aabuso sa literal na sipi na hindi inilagay sa konteksto o walang pagtingin sa mga sirkumstansya na sinulat sila at laban sa sumulat. Binabago nito ang tunay na mga ideya ng kanilang mga may-akda. Dapat bigyang diin na sa karamihang kaso ang mga sumulat, habang ginagamit ang salitang teror, ay nag-iingat talaga na ipakita ang batayang kaibahan sa pagitan ng proletaryado at burgesya, sa pagitan ng Komyun ng Paris at Versailles, sa pagitan ng rebolusyon at kontra-rebolusyon sa digmaang-sibil sa Rusya. Kung sa tingin natin napapanahon na pag-ibahin ang dalawang terminong ito, ito ay para tanggalin ang hindi malinaw na mga punto – kalabuan na tinitingnan lamang ang kaibahan sa kantidad at antas, hindi ang makauring kaibahan. At kung istrikto sa usapin ng pagbabago ng kantidad, para sa mga marxista na gumagamit ng diyalektikal na paraan, patungo ito sa pagbabago sa kalidad.
Sa pagtakwil sa teror para sa makauring karahasan ng proletaryo, layunin natin na hindi lang ipahayag ang ating makauring pagtutol sa tunay na laman ng pagsasamantala at pang-aapi na nakabatay sa teror, kundi para iwaksi ang palakasuista at ipokritong mga ditalye hinggil sa ‘ang layunin ay nagbibigay katuwiran sa mga paraan’.
Yaong lubos ang pagtatanggol sa teror, yaong mga Calvinista ng rebolusyon – ang mga Bordigista, ay hinahamak ang usapin ng mga porma ng organisasyon, ang mga paraan. Para sa kanila tanging ang ‘layunin’ lamang ang umiiral at lahat ng mga porma at paraan ay maaring gamitin para makamit ang layunin. “Ang rebolusyon ay usapin ng laman”, walang kataposang paulit-ulit. Maliban lang, syempre, sa teror. Dito malinaw sila: “Walang rebolusyon kung walang teror. Hindi ka rebolusyonaryo kung hindi ka papatay ng bata.” Dito ang teror, na kinilalang paraan, ay naging aboslutong rekisito, isang kategorikal na hindi maiwasan sa rebolusyon at sa kanyang laman. Bakit may eksepsyon? Maari din tayong magtanong ng kabaliktaran. Kung ang mga usapin ng mga paraan at porma ng organisasyon ay walang halaga sa proletaryong rebolusyon, bakit hindi ang rebolusyon ay ilunsad sa pamamagitan ng monarkikal o parliyamentaryong porma?
Ang katotohanan ay ang tangkaing paghiwalayin ang porma at laman, paraan at layunin, ay isang kabalintuanan. Sa realidad, ang porma at laman ay tunay na magkaugnay. Ang layunin ay hindi makamit ng kahit anumang paraan. Nangangailangan ito ng ispisipikong paraan. Ang isang takdang paraan ay aplikable lamang sa isang takdang layunin. Anumang ibang pagtingin ay mauuwi lamang sa tila totoo pero mapanlinlang na mga ispekulasyon.
Ang pagtakwil natin sa teror bilang moda ng pag-iral ng karahasan ng proletaryado, ay hindi dahil sa moral na kadahilanan, kundi ang teror, bilang nilalalaman at paraan, ay sa kanyang katangian ay salungat sa mga layunin ng proletaryado. Naniwala ba talaga ang mga Calvinista ng rebolusyon, makumbinsi ba talaga nila tayo, na maaring gamitin ng proletaryado ang mga kampo ng konsentrasyon, ang sistematikong eksterminasyon ng buong populasyon, ang pagtayo ng maraming gas chambers, kabilang na ang syentipikong perpekto katulad ng kay Hitler? Ang pagpatay ba ng lahi ay kabilang sa ‘Programa’ ng ‘Calvinistang Daan sa Sosyalismo’?
Tandaan lamang natin ang mga punto hinggil sa mga pangunaing katangian ng nilalaman at paraan ng teror para makita ang malaking kaibahan sa pagitan ng terror at ng proletaryado:
1. “Bilang organikong nakaugnay sa pagsasamantala at ginagamit para sapilitang ipataw ito”. Ang proletaryado ay pinagsamantalahang uri at nakibaka para mapawi ang pagsasamantala ng tao sa tao.
2. “Bilang aksyon ng prebilihiyadong uri”. Ang proletarayado ay walang mga prebilihiyo at nakibaka para sa abolisyon ng lahat ng prebilihiyo.
3. “Bilang aksyon ng minoriyang uri ng lipunan”. Kinakatawan ng proletaryado ang pinakamalaking mayoriya ng lipunan. Ang ilan ay tinitingnan ito na ekspresyon ng aming ‘hindi na maituwid na pagkahilig sa demokratikong prinsipyo’, ang prinsipyo ng mayoriya at minoriya, pero sila ang nahumaling sa problemang ito – at dagdag pa, para sa kanila, ang aksyon ng minoriya na ginamit ng mayoriya para manindak ay saligan ng rebolusyonaryong katotohanan. Hindi maitayo ang sosyalismo kung hindi ito nakabatay sa istorikal na posibilidad at hindi bumabagay sa mga pundamental na interes at kagustuhan ng malaking mayoriya ng lipunan. Ito ang isa sa mga susing argumento ni Lenin sa Estado at Rebolusyon, at ganun din kay Marx ng sinabi niya na hindi mapalaya ng proletaryado ang sarili kung hindi niya mapalaya ang buong sangkatauhan.
4. “Bilang aksyon ng espesyalisadong entidad”. Nakasulat sa badila ng proletaryado ang pagwasa sa permanenteng hukbo at pulisya, at ang pangkalahatang pag-arms sa mamamayan; higit sa lahat ang lahat ng manggagawa. “...na umiiwas sa kontrol ng lipunan”. Bilang layunin, itinakwil ng proletaryado ang lahat ng espesyalisasyon, at dahil imposible ito sa kagyat, igigiit ng uri na ang mga espesyalista ay lubusang kontrolado ng lipunan.
5. “Walang kataposan na paramihin at gawing perpekto ang sarili...”. Layunin ng proletaryado na itigil ang lahat ng ito at simulan ito agad matapos maagaw ang kapangyarihan.
6. “Bilang walang dahilan maliban sa ipailalim at wasakin ang komunidad ng tao”. Ang layunin ng proletaryado ay lubusang salungat dito. Ang kanyang dahilan ay emansipasyon ng lipunan ng tao.
7. “Pagpapaunlad ng damdaming galit at marahas sa pagitan ng mga panlipunang grupo; nasyunalismo, sobinismo, rasismo, at iba pang kahalimawan”. Susupilin ng proletaryado itong mga hindi na dapat iiral pa sa kasaysayan, na naging mga halimaw at hadlang sa mapayapang pagkakaisa ng sangkatauhan.
8. “Pagpapaunlad ng damdamin at aktitud ng egoismo, sadistang pamimilit, mapaghiganti; ang walan kataposang araw-araw na digmaan ng isa laban sa lahat...”. Pauunlarin ng proletaryado ang bagong damdamin - pakikiisa, kolekibong buhay, pagkakapatiran, ‘lahat para sa isa at isa para sa lahat’, ang malayang asosasyon ng mga lumilikha, sosyalisadong produksyon at paggamit. At habang ang teror ay “...sinaksak ang buong lipunan ng teror”, mananawagan ang proletaryado sa lahat ng inisyatiba at pagkamalikhain, para sa pangkalahatang kalagayan ng kasigasigan ay mahawakan nila ang kanilang buhay sa kanilang sariling mga kamay.
Ang makauring karahasan ng proletaryado ay hindi teror dahil ang kanyang pag-iral ay para pawiin ang teror. Ang kilalanin sila na pareho lang ay naglalaro lamang sa mga salita. Ang kamay ng mamamatay-tao na may hawak ng kutsilyo ay hindi katulad sa isang tao na pinipigilan ang pagpatay. Hindi maaring gawain ng proletaryado ang organisadong pagpatay ng marami, pagpatay, tortyur, Paghukom tulad sa Moscow, bilang mga paraan para makamit ang sosyalismo. Ang mga paraang ito ay para lamang sa kapitalismo, dahil bahagi sila ng kapitalismo, angkop sila sa kanyang mga layunin at mayroon itong pangkalahatang pangalan ng TEROR.
Terorismo man bago ang rebolusyon o teror pagkatapos ng rebolusyon ay hindi maaring maging sandata ng proletaryado sa kanyang pakikibaka para palayain ang sangkatauhan.
M.C.
1 Dapat ilinaw na ang terorismo at armadong pakikibaka, sa anyo ng gerilyang pakikidigma sa kalungsuran man o kanayunan ay hindi lang partikular sa Pilipinas; at hindi lang din kagagawan ng maka-Kaliwang organisasyon tulad ng maoistang kilusan kundi maging ng mga maka-Kanang organisasyon (neo-Nazis/Pasista at panatikong islamistang organisasyon).
2Sa ibang bansa naman ay nangyari din nitong huli ang pambobomba sa Boston, USA noong Abril 15, 2013 at pagkubkob ng mga islamistang panatiko sa isang Mall sa Nairobi, Kenya noong Setyembre 21, 2013.
3Noong panahon ng diktadurang Marcos ang maoistang kilusan ay nakikipag-alyansa sa paksyon nila Corazon ‘Cory’ Aquino-Salvador ‘Doy’ Laurel. Noong panahon ng pagpapatalsik kay Joseph Estrada ay nakipag-alyansa sila kay dating Bise-Presidente Gloria Arroyo. Noong eleksyong presidensyal sa 2010 ay nakipag-alyansa sila sa Partido Nacionalista at sa milyonaryong kapitalistang pulitiko na si Manny Villar. Nitong 2013 eleksyon ay nakipag-alyansa na naman sila sa paksyon ni senador Ramon ‘Bong’ Revilla na isang tapat na alyado ng paksyong Arroyo at may planong tatakbong presidente sa 2016 at nadawit sa multi-bilyon na pork barrel scam.
4 Wala itong kaibahan sa dogmatikong pananaw ng mga maoista na ang gerilyang pakikidigma ang “pinakamataas” na porma ng pakikibaka at komitment ng isang rebolusyonaryo sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas. Ang “armadong pakikibaka” ng mga maoista ay isang “pulang terror” laban diumano sa “putting terror” ng estado. Subalit, ng sila na ang nakaupo sa tuktok ng estado, nagpapatuloy ang “pulang terror” laban na mismo sa uring manggagawa at mamamayan na tumututol sa estado.
5Isang malinaw na halimbawa ay ang mga gerilyang pakikidigma na kapwa ginamit ng magkaaway na paksyon ng mga imperyalistang kapangyarihan gamit ang mga linyang “demokrasya, pambansang kalayaan at sosyalismo”. Maging ang arnadong maoistang kilusan na umaangkin na “pinaka-radikal” sa buong kampo ng Kaliwa ay walang kahiya-hiyang nagpagamit sa mga malalaking burges na partido at pulitiko sa ilalim ng stalinistang taktika ng “bloke ng apat na uri” at “pakikipag-isang prente”. Kaugnay nito, walang kahiya-hiyang hayagan ang suporta ng mga radikal na peti-burges sa mga bansa at estado na lantarang anti-manggagawa at anti-komunismo dahil lamang sa rason na ang mga bansa at estadong ito (tulad ng Iran, Libya, Syria) ay “lumalaban” sa imperyalismong USA.
6Ang makitid na unawa na ang rebolusyon ay armadong pakikibaka ng isang espesyal na grupo ay walang kaibahan sa kakitiran ng karahasan = karahasan.
Habang nag-uusap ng kapayapaan ang mga imperyalistang kapangyarihan o kaya nagdeklara ng kapayapaan ang naglalabanang mga armadong grupo ng ibat-ibang paksyon ng naghaharing uri ay hindi nila maitago ang lumalalang kaguluhan sa mundo bunga ng naaagnas na dekadenteng kapitalismo.
Ang pinakahuling pruweba nito ay ang kasalukuyang kaganapan sa bansang Iraq na “pinalaya” ng imperyalistang Amerika at mga kaalyado nito mula sa kuko ng isang diktador (na alyado din nila noon laban sa imperyalistang Iran).
Islamistang ISIS at ang tunggalian ng mga imperyalistang kapangyarihan sa Gitnang Silangan
Ang ISIS (Islamic State in Iraq and the Levant na pwede ring Islamic State in Iraq and Syria or Islamic State in Iraq and al-Sham) ay naglunsad ng opensiba nitong Hunyo kung saan naagaw nila ang ikalawang pinakamalaking syudad ng Iraq – Mosul – at naghahanda na lusubin ang Baghdad.
Ang ISIS ay mayroong 6,000 mandirigma sa Iraq at 5,000 mandirigma sa Syria.
Nabahala ang imperyalistang Amerika sa nangyaring ito.
Ang ISIS ay suportado ng imperyalistang Saudi Arabia at ng rehimeng Assad ng Syria. Ang Saudi Arabia ay mortal na kaaway ng Iran.
Masalimuot ang imperyalistang tunggalian sa Gitnang Silangan kung hindi natin maunawaan paano ginamit ng mga imperyalistang kapangyarihan ang relihiyon at sistema ng tribu (klan) para sa kani-kanilang mga ambisyon. Sa madaling sabi, paano ginamit ang ideolohiyang nasyunalismo o pagmamahal sa lahi at relihiyon para magpatayan ang masang anakpawis sa isat-isa.
Kapalpakan ng imperyalistang Amerika
Palpak ang polisiya ng Amerika sa Gitnang Silangan sa loob ng 20 taon.
Noong 1991, matapos matalo sa digmaang militar ang rehimeng Saddam Hussein ay pinabayaan ng Amerika na manatili sa kapangyarihan si Hussein dahil ayaw ng huli na mahati ang Iraq at makontrol ng ibang imperyalistang kapangyarihan at mga katunggali nitong katabing mga bansa tulad ng Iran.
Pero noong 2003, napilitan na ang Amerika na patalsikin sa Hussein at direktang sakupin ang Iraq. Mula 1991 ay gumastos ang Amerika ng $800 bilyon sa kanyang kampanyang militar at naglaan ng $25 bilyon para palakasin ang armadong hukbong ng Iraq.
Subalit noong 2011 ay “binitawan” ng Amerika ang Iraq para tuluyan ng pamunuan ng kanyang tutang rehimen, ng paksyong Maliki. Maraming dahilan kung bakit “binitawan” ng Amerika ang Iraq: pang-ekonomiyang krisis ng Amerika, malakas na pagtutol ng mamamayang Amerikano, pagkatali nito sa Afghanistan, at ang namumuong agresibong aktitud ng imperyalistang Tsina sa Silangang Asya.
Sa ilalim ng rehimeng Maliki, mas lalupang nag-apoy ang relihiyoso/tribung tunggalian sa loob ng Iraq. Katulad ni Saddam Hussein, ang paksyong Maliki ay nagmula sa relihiyon/tribung Shite. Pinatalsik ng naghaharing paksyon sa adminsitrasyon ang paksyon ng naghaharing na nagmula sa tribu/relihiyong Sunni.
Kaya, itinulak ng rehimeng Maliki ang mamamayang Sunni sa kandungan ng imperyalistang Saudi Arabia, ang pinakamalaking rehimeng Sunni sa Gitnang Silangan. Mas lalong pinalalim ng rehimen ang marahas na antagonismo sa pagitan ng mamamayang Shite at Sunni. Dahil dito, naitulak sa kampo ng ISIS ang mamamayang Sunni ng Iraq.
Mas tumindi ang mga pambobomba at masaker sa Iraq kung saan libu-libo ang namatay mula 2011. Nitong 2014 lang, sa loob ng 5 buwan ay mahigit 5,400 ka tao na ang namatay dahil sa karahasan. At ang pangunahing dahilan ay relihiyosong panunupil.
Resulta: mahigit 500,000 mamamayan ng Mosul ang nagkukumahog sa takot na lumayas sa kanilang syudad. Hindi pa kasama dito ang milyun-milyong mamamayan ng Syria na nais lumayas sa Syria dahil sa digmaan doon.
Ngayon, nasa peligro na mawasak ang Iraq bilang isang bansa na pagpipyestahan ang yaman nito ng 3 mga paksyon ng naghaharing uri na nagdigmaan gamit ang relihiyon at tribu: Islamistang Sunni na ISIS, Shite ng paksyong Maliki at ang Kurdish Peshmergas.
Katunayan, pinagpyestahan na ng Kurdish Peshmergas ang mga teritoryo at armas na inabandona ng hukbong Iraqi dahil sa opensiba ng islamistang ISIS.
At tiyak, ang bawat paksyon ay hahawakan ng mga imperyalistang kapangyarihan na naglalaway sa yaman ng Iraq laluna ang petrolyo nito.
Mas lalakas ang nasyunalismong Kurdish
Dahil sa opensiba ng ISIS, tiyak sasamantalahin ito ng Kurdish para mas igiit nila ang layuning magtayo ng hiwalay na bansa kung saan sasakupin nito ang mga bahagi ng Iraq, Iran, Turkey at Syria; kung saan ay hindi rin papayag ang mga naghaharing uri sa naturang mga bansa.
Mas lalupang dadanak ang dugo sa Syria sa ilalim ng rehimeng Assad
Sa loob ng mahigit 3 taon, 8-10 milyon mamamayan na ang lumayas sa Syria o kaya naghihirap sa mga refugee camps.
Ang oposisyon laban kay Assad ay hati-hati at nagpapatayan sa isat-isa: Free Syrian Army (FSA), Kurds laban sa mga Arabo, ISIS vs Nustra-front (sangay ng Alquida sa Syria). Kaya hindi nila nagawang patalsikin ang paksyong Assad. Maging ang mga imperyalistang kapangyarihan (USA/EU) na sumusuporta sa mga rebelde ay kumbinsido na rin na mas lalupang maging magulo ang Syria kung mula sa “oposisyon” ang hahawak ng kapangyarihan.
Ginawa ring taktika ni Assad na “hindi masyadong banatan” ang ISIS para makapanggulo ito sa tuta ng Amerika na rehimen ng Iraq.
At dahil karibal ng Iran ang ISIS (na tuta ng kanyang mortal na kaaway na Saudi Arabia), sa unang pagkakataon ay nag-alok ng tulong ang bagong gobyerno ng Iran sa rehimeng Shite ng Iraq para labanan ang ISIS.
Ganun pa man, nakipagtulungan din ang Iran sa Rusya at Tsina para suportahan naman ang rehimeng Assad ng Syria laban sa USA.
Hindi malayong mangyari na pakiusapan ng mga imperyalistang kapangyarihan ng Kanluran ang rehimeng Assad na patindihin na nito ang atake laban sa ISIS sa loob ng Syria.
Kalituhan ng naghaharing uri sa Turkey
Nalilito na rin ang Turkey paano niya ipagtanggol ang kanyang imperyalista at pambansang interes sa pinakahuling kaganapan ngayon sa Iraq.
Suportado ng Turkey ang mga islamista sa Syria laban sa rehimeng Assad. Sa matagal na panahon ay labas-pasok ang hukbong ISIS sa mga hangganan ng Turkey-Syria. Pero ngayon, tila mapilitan na itong harapin ang banta ng opensiba ng ISIS sa Iraq. Ibig sabihin nito, ihinto niya ang pagtatangkang patalsikin si Assad, labanan ang ISIS at ang opensiba ng Kurdish peshmergas sa teritoryo nito.
Ang Turkey mismo ay hindi papayag na magtayo ng isang islamistang estado ang ISIS sa Iraq at Syria.
Bentahe para sa imperyalistang Iran?
Ang Iran, mortal na kaaway ng imperyalistang Amerika at kinikilalang “alyado” ng Kaliwa sa kanilang “anti-imperyalistang prente” ay nag-alok na ngayon na tulungan nito ang tuta ng Amerika sa Iraq laban sa ISIS. Sa isang banda ay makatulong ito para palakasin ang imperyalistang posisyon nito sa rehiyon. Pero kung makialam ang Iran sa Iraq, kilalanin itong banta ng Saudi Arabia laban sa kanya.
Disbentaha sa Saudi Arabia?
Ang Saudi Arabia ang “financier” ng ISIS. Dehado ito kung magkaroon ng “pagkakaisa” ang Iran at USA laban sa ISIS sa Iraq. Posibleng lalakas ang impluwensya ng Iran sa Iraq. Dagdag pa, umaasa ang Saudi Arabia sa USA. Hindi pa kasama dito ang posibilidad na kakagatin ng ISIS ang kamay na nagpapakain sa kanya katulad ng ginawa ni Saddam Hussein sa USA.
Naglalaway ang ibang imperyalistang kapangyarihan habang mas humihina pa ang imperyalistang Amerika
Nagmamasid at parang mga buwitre na naghihintay lamang ang ibang imperyalistang kapangyarihan tulad ng Rusya, Tsina, Pransya, Britanya at Israel.
Kung manatili sa kapangyarihan ang rehimeng Assad na suportado ng Rusya, mas lalakas ang detrminasyon ng huli pa palakasin ang kanyang panghihimasok sa Ukraine.
Kabaliktaran naman ito sa Amerika. Ang mga kaganapan sa Iraq at Syria ay lalupang nagpapahina sa kanya. At dahil dito, mas lalakas ang “bawat isa para sa kanyang sarili” sa hanay ng mga imperyalistang kapangyarihan.
Ganun pa man, hindi rin papayag ang USA na babagsak ang rehimeng Maliki.
Walang hanggang kaguluhan at digmaan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo
Nagliliyab na Gitnang Silangan at umiinit na antagonismo sa Silangang Asya; ang buong mundo ay sadlak sa mga digmaan na kagagawan ng inter-imperyalistang bangayan at desperasyon para isalba ang bulok na pandaigdigang kaayusan.
Hindi na makontrol at hindi na mahulaan ng mismong mga “eksperto” at tapat na tagapagtanggol ng kapitalismo ano ang hinaharap ng sistema. Sa bawat solusyon na ipapataw ng naghaharing uri ay nagmistulang gasolina ito na mas lalupang nagpapaliyab sa nag-aapoy na mga kontradiksyon ng dekadenteng kapitalismo.
Tunay ngang naaagnas na ang pandaigdigang Sistema kung saan ang tangi at epektong solusyon ay internasyunal na komunistang rebolusyon. Kung hindi, tiyak na mawawasak ang mundo.
Nida, Hunyo 14, 2014
Muling pinalakas ng media ang kampanya ng paksyong Aquino laban kuno sa katiwalian ng arestuhin at ikulong nito sila senador Bong Revilla at Jinggoy Estrada[1].
Sinabi na namin na walang solusyon ang kapitalismo at estado sa katiwalian.[2] Para sa amin, masimulan lamang ang tunay at epektibong kampanya laban sa katiwalian matapos maibagsak ang naghaharing uri at ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.
Ang ibat-ibang estado ng Kanan at Kaliwa ng ibat-ibang bansa sa loob ng mahigit 100 taon ay naglunsad ng kampanya laban sa katiwalian sa loob ng mga estado nila para magkaroon ng harmoniya ang kanilang paghari at mapigilan ang tuluyang paglaho ng ilusyon ng masang anakpawis sa bulok na sistema. Pero lahat ng ito ay palpak dahil ang estado at ang dekadenteng kapitalismo mismo ang matabang lupa ng katiwalian sa pamahalaan. Kaya kahit pa parusang kamatayan ang ginawa nila, dumarami pa rin ang mga tiwaling opisyales ng kanilang mga gobyerno. Kaya naman nakipagtulungan na ang lahat ng mga institusyon (Kaliwa, Kanan, Simbahan, media) sa estado para himukin ang masang mahihirap na may pag-asa pang mareporma ang gobyerno at sistema upang ilayo ang masang anakpawis sa landas ng rebolusyonaryong pakikibaka.[3]
Sa esensya, dito naka-konteksto ang kampanya ng paksyong Aquino maliban pa sa pansariling interes ng Partido Liberal para sa eleksyong 2016.
Uring Manggagawa: Tanging uri na seryoso sa abolisyon ng katiwalian sa lipunan[4]
Ang ugat ng katiwalian ay ang krisis sa sobrang produksyon bunga ng pribadong pag-aari ng mga kagamitan ng produksyon, sistema ng tubo, sahurang pang-aalipin, kompetisyon at ang estado na siyang pinaka-makapangyarihang institusyon na nagtatanggol sa kapitalismo. Hanggat naghahari sa lipunan ang mga ito, hindi maglalaho at sa halip ay mas lalala pa ang pagnanakaw ng iilan sa libreng paggawa ng masang manggagawa para magpayaman sa sarili.
At sa lahat ng mga uri na pinagsamantalahan ng kapitalistang kaayusan, tanging ang uring manggagawa lamang ang interesado na wakasan ang mga ugat ng katiwalian sa pamamagitan ng pagtatayo ng isang komunistang lipunan sa buong mundo. Ang uring manggagawa lamang ang komunistang uri na iniluwal mismo ng kapitalismo. Ang istorikal na misyon ng uring ito ay ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Ibagsak ang sistema ng kapital: Unang rekisito sa pagsugpo sa katiwalian
Umalingawngaw sa mga lansangan at gerilyang pakikidigma sa kanayunan ang sigaw ng repormismo: mas mahigpit na mga batas laban sa katiwalian, mas mahigpit na kontrol ng estado sa lipunan, malinis na eleksyon, mulat na pagboto, matitinong tao sa gobyerno at iba pang mga katulad. Sa madaling sabi, para sa mga repormista, isang malakas na estado ang solusyon laban sa katiwalian.
Ito ay malaking kasinungalingan sa teorya at praktika. Ang estado at sistema mismo ang pinagmulan ng katiwalian. Kaya naman, palpak ang mga solusyon nila. Katunayan, ang mga solusyon nila ang siya mismong dahilan ng paglala ng korupsyon.
Para sa mga rebolusyonaryong manggagawa, ang unang hakbang laban sa katiwalian ay ibagsak ang kapitalismo at lahat ng mga institusyon na nagtatanggol dito.
Diktadura ng Proletaryado: Instrumento ng manggagawa laban sa katiwalian
Hindi ang estado, anuman ang tawag dito[5] ang instrumento ng proletaryado hindi lang laban sa katiwalian kundi sa pagpanday ng komunistang lipunan kundi ang diktadura ng proletaryado.
Ang diktadura ng proletaryado ay hiwalay at independyente sa transisyunal na estado. Ito ay ang mga konseho at asembliya ng manggagawa na lumitaw sa rebolusyonaryong sitwasyon. Sila ang mga organisasyon ng manggagawa sa pakikibaka para ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Kailangang independyente at hiwalay sila sa transisyunal na estado dahil ang papel ng huli ay sa pangkalahatan ay panatilihin ang umiiral na kalagayan (transisyunal na yugto) habang ang una ay isulong ito patungong komunismo. Katunayan, ng pumasok ang komunistang organisasyon sa estado at ginawa itong behikulo para sa komunismo ay kabaliktaran ang nangyari: ang komunistang organisasyon ay nilamon ng estado hanggang sa naging bulok ito at natransporma sa pagiging isang partido ng uring kapitalista.[6]
Sa ilalim ng diktadura ng proletaryado natitiyak na lahat ng mga tiwaling pulitiko sa dating kaayusan ay maparusahan ayon sa bigat ng kanilang mga kasalanan. Tiyak ang garantiya na walang papaboran ang diktadura ng proletaryado dahil unang-una na, hindi nakikipag-alyansa ang mga rebolusyonaryong manggagawa sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri, mula man sa Kanan o Kaliwa ng burgesya. At hindi lang ang mga burukrata ng estado ang parurusahan kundi maging ang mga tiwaling burukrata ng mga unyon, media at Simbahan na nagpapayaman mula sa dugo at pawis ng masang manggagawa. Kabaliktaran naman ang ginagawa ng lahat ng paksyon ng Kaliwa.
Ang tanging kinikilalang alyado ng mga rebolusyonaryong organsisasyon ay ang mga manggagawa sa ibang mga bansa at iba pang pinagsamantalahan at inaaping mga uri sa lipunan.
At dahil independyente at hiwalay ang diktadura ng proletaryado sa transisyunal na estado sa panahon ng transisyunal na yugto mula kapitalismo patungong komunismo, maging ang huli ay hindi magiging ligtas sa parusa na ipapataw ng una sa mga opisyales nito kung magnakaw sila sa lakas paggawa ng uring manggagawa. Walang pag-aalinlangang gagawin ito ng diktadura ng proletaryado dahil ang ultimong layunin nito ay pahinain mismo ang estado hanggang sa ito ay maglaho.[7]
Narito ang mga pundamental na pagkakaiba ng pagsusuri at solusyon ng mga komunistang organisasyon sa pagsusuri at solusyon ng Kanan at Kaliwa ng burgesya sa usapin ng katiwalian at pagnanakaw sa yaman ng lipunan.
M3, Hunyo 23, 2014
[1] Posible na isusunod na rin sa pag-aresto si senador Juan Ponce Enrile.
[2] Basahin ang aming teksto https://fil.internationalism.org/node/234 [70]
[3] Kailangang linawin na ang armadong pakikibaka ng maoistang kilusan at iba pang gerilyang pakikidigma ng Kaliwa ay nagsisilbi sa pananatili ng kapitalismo sa lipunan, hindi para wasakin ito. Basahin ang artikulo namin dito https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201303/542/armadong-pakikibaka-ng-maoismo-pakikibaka-para-sa-kapitalismo-ng-estado [71]
[4] Mula ng lumitaw ang mga manggagawa sa lipunan bilang isang uri, kinamumuhian na nila ang pagnanakaw. At ang kinasusuklaman nila sa lahat ay ang pagnanakaw ng uring kapitalista sa kanilang lakas-paggawa: ang labis na halaga na mula sa kanilang hindi binabayaran na lakas-paggawa. Ang tubo mismo, ang buhay ng kapitalismo ay mula sa pagnanakaw ng uring kapitalista sa lakas-paggawa ng manggagawa.
[5] Sa kapitalismo, iba-iba ang tawag ng Kanan at Kaliwa sa estado: demokratikong estado, estado ng manggagawa, “sosyalista”, “komunista”, estado ng bayan, o diktadura at iba pa. Pero iisa lamang ang katangian: instrumento para manatili ang mga kapitalistang relasyon sa lipunan.
[6] Ito ang masaklap na karanasan ng partidong Bolshevik na siyang dahilan ng paglitaw at pangingibabaw ng Stalinismo at ng kontra-rebolusyonaryong teorya na “sosyalismo sa isang bansa”, ang bangkarotang teorya na ginawang batayang prinsipyo ng maoistang kilusan at iba pang paksyon ng Kaliwa. Dapat aralin at unawain ang 'Estado at Rebolusyon' ni Lenin. Ganun pa man, maging si Lenin ay nakalimutan ito at huli na ng mapansin niya na nilamon na pala ng estadong Ruso ang partidong Bolshevik.
[7] Kabaliktaran ang linya at programa ng Kaliwa laluna ng maoistang kilusan: kailangan nilang palakasin ang kontrol at monopolyo ng kanilang partido sa estado para lalakas ang huli, at epekto nito ay ang paglitaw at pagdami ng mga “pulang” burukrata-kapitalista sa loob ng sinasabi nilang “sosyalistang estado” o “estado ng bayan”. Ito ang nangyari sa mga “sosyalistang” bansa na lumitaw pagkatapos ng WW II.
Bagamat ang teksto sa ibaba ay direktang patungkol sa kaganapan sa Ukraine, sa imperyalistang tunggalian sa pagitan ng USA/EU at Rusya, ang esensya ng teksto ay aplikable sa mga kaganapan sa ibang panig ng mundo laluna sa silangang Asya kung saan tumitindi ang girian sa pagitan ng imperyalistang Tsina laban sa imperyalistang USA/Japan. Ang naghaharing burgesyang Pilipino at ang gobyerno nito ay nasa panig ng imperyalistang Amerika/Hapon laban sa Tsina kung saan hinahatak nila ang manggagawang Pilipino sa ideolohiya ng nasyunalismo palayo sa makauring paninindigan bilang bahagi ng manggagawa ng mundo.
Sa tulong ng mga paksyon ng Kaliwa laluna ng maoistang kilusan, mas pinalakas ng naghaharing uri sa Pilipinas ang ideolohiyang pagmamahal sa soberaniya ng Pilipinas...soberaniya na hindi nangyari at imposible ng mangyari sa panahon ng imperyalismo, ang huling yugto ng kapitalismo.
Ganun din ang ginagawa ng imperyalistang Tsina sa “kanyang” mga manggagawang Tsino: nilason sila ng nasyunalismong Tsino laban sa imperyalismong USA/Japan.
Habang ang mga makabayang Kaliwa ay nanawagan ng “pambansang pagkakaisa” laban sa panghihimasok ng imperyalistang Tsina o Amerika, salungat naman dito ang panawagan at pakikibaka ng mga rebolusyonaryong manggagawa sa Pilipinas, Tsina, Amerika, Hapon at iba pang bansa: “Manggagawa ng mundo magkaisa, ibagsak ang “sariling” pambansang burgesya at gobyerno para mapigilan at wakasan ang imperyalistang digmaan!”
Ang esensya ng linya at pagsusuri ng Kaliwa ay pasipismo at baluktot na “anti-imperyalismo”: ang pakikialam diumano ng USA sa girian ng imperyalistang Tsina sa mga bansa sa silangang Asya ay nagbuhos ng gasolina sa tunggalian ng mga pambansang kapitalista sa rehiyon. Ang argumento ng Kaliwa ng burgesya ay isang panlilinlang na maaring hindi makialam ang imperyalistang Amerika at kung hindi makialam ang Amerika ay maging “mapayapa” ang tunggalian ng mga pambansang kapitalista sa silangang Asya.
Tahasang kinalimutan ng Kaliwa at sadyang itinago ang kasaysayan ng imperyalistang tunggalian sa Asya mula pa noong WW I at laluna noong WW II. Nais ng Kaliwa na ihiwalay sa pandaigdigang kaganapan ang mga pangyayari sa silangang Asya habang nagdudumilat ang katotohanan na ang dahilan ng imperyalistang girian sa rehiyon ay ang mismong tunggalian ng mga imperyalistang kapangyarihan sa pandaigdigang saklaw.
Dagdag pa, nasa likod din ng “radikal” na makabayang programa ng maoistang CPP-NPA-NDF ay ang pagbibigay katuwiran sa kasinungalingan na inihasik nila sa loob ng halos 50 taon: 1) hindi kapitalista ang moda ng produksyon ng Pilipinas, kaya 2) “tama” lamang na kilalaning isang “progresibong” uri ang pambansang burgesya at “alyado” ng rebolusyon at 3) ang “digmaang bayan” ay isang progresibong digmaan.
Bagamat bangkarota na sa antas ng teorya at praktika ang maoismo, napakalakas pa rin ng impluwensya nito sa hanay ng manggagawa at kabataang Pilipino. Nahatak sila sa pagiging “Pilipino” sa halip na paninindigan ang pagiging manggagawa.
Ang panawagan at paninindigan ng mga rebolusyonaryong manggagawa ay pagpapatuloy ng internasyunalistang paninindigan ng mga rebolusyonaryo noong panahon ng WW I, WW II, Cold War at pagkatapos bumagsak ang bloke ng imperyalistang USSR noong 1989.
Kahit pa na sa kasalukuyang kalagayan ay halos hindi pinakinggan ng mga manggagawa sa Pilipinas ang internasyunalistang panawagan at linya, mananatiling matatag ang aming paninindigan sa internasyonalismo laban sa imperyalismo dahil ito ang bag-as ng rebolusyonaryong marxismo at interes ng internasyunal na proletaryado.
Internasyonalismo
Mayo 1, 2014
--------------------------------------
Laban sa imperyalismo: ang internasyunalismo ng uring manggagawa
Ukraine, Rusya
Matapos sakupin ng mga tropang Ruso ang malalaking gusali ng Crimea, mabigat ang binitawang salita ni John Kerry, ang Kalihim ng Estado ng Amerika para kondenahin ito:
“Hindi ka dapat kumilos sa 21 siglo na katulad ng sa 19 siglo sa pagsakop ng ibang bansa na ganap na nakabatay sa palusot.”
Si Putin, habang nangongopya mula sa salita ni Tony Blair, ay iginiit na ang semi-pananakop sa Ukraine ay isang “makataong pananakop”, at, ang mga pwersa na umukopa sa parliyamento ng Crimea ay mga lokal lamang na mga “yunit-pagtatanggol-sa sarili” na binili lamang ng mga unipormeng Ruso sa isang pamilihan.
Hindi mahirap na makita ang kawalang kabuluhan at ipokrasiya ng mga tagapagsalita ng kapital. Ang pahayag ni Kerry ay sinalubong ng pagtuligsa ng Kaliwa sa online, dahil ang palusot at pananakop ng ibang mga bansa ay gawain na ng Amerika sa nagdaang dalawang dekada at dagdag pa, sa pagsakop nito sa Iraq noong 2003 sa palusot ng paghahanap ng mga sandatang nakakasira ng marami bilang rurok ng aktitud ng Amerika sa “19 siglo”. Hinggil sa pakiusap naman ni Putin na makataong motibo, naging dahilan ito ng halakhak ng buong mundo, laluna sa Grozny na pinulbos noong 90s ng ang pwersang militar ng Rusya ay bangis na sinupil ang Chechnya dahil sa pagtangka nitong humiwalay mula sa Pederasyong Ruso.
Ang aktitud ng 19 siglo ay ang katangian ng imperyalismo. Sa panahong iyon ng kasaysayan ng kapitalismo, ang makapangyarihang mga bansa ay nagtayo ng malalaking imperyo sa pamamagitan ng pagsakop ng malalawak na hindi pa kapitalistang mundo para sa merkado, hilaw na materyales at murang lakas-paggawa. Karamihan sa mga lugar na ito ay naging direktang kolonya ng mga mananakop, at ang desperadong pag-agaw, pagtatanggol o paghati sa mga rehiyong ito ang mayor na salik bakit nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Si Rosa Luxemburg, sa lahat ng mga Marxista, sa aming pananaw, ang siyang may pinakamalinaw na pananaw sa pinagmulan at katangian ng imperyalismo, ay naghapag ng napakahalagang punto sa transisyon mula sa “imperyalismo ng 19 siglo” tungo sa imperyalismo ng 20 siglo:
“Sa mataas na pag-unlad ng kapitalistang mga bansa at ng kanilang tumataas na maigting na kompetisyon sa pagsakop ng hindi pa kapitalistang mga lugar, lumaki ang kaguluhan at karahasan ng imperyalismo, kapwa sa agresyon laban sa hindi pa kapitalistang mundo at sa mas lumalalang kompetisyon sa pagitan ng mga kapitalistang bansa. Subalit habang mas marahas, mas mabangis at ganap ang pagdurog ng imperyalismo sa hindi kapitalistang mga sibilisasyon, naging mas mabilis ang pagputol nito ng kapitalistang akumulasyon. Bagamat ang imperyalismo ay ang istorikal na paraan para patagalin ang buhay ng kapitalismo, ito naman ang tiyak na paraan para mapabilis ang kanyang pagbagsak. Hindi ibig sabihin na ang kapitalistang pag-unlad ay sa aktwal magiging ganito kabangis: ang mismong tendensya patungong imperyalismo ay nagkahugis sa mga porma na magdadala sa huling yugto ng kapitalismo sa panahon ng kaguluhan at pagkasira”.
Ang mga salitang ito ay sinulat isang taon o dalawa bago ang Unang Pandaigdigang Digmaan. At hanggang ngayon ay nasa “panahon tayo ng kaguluhan at pagkasira”, na nakitaan ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya, dalawang pandaigdigang digmaan, pumapatay na proxy wars (kadalasan sa ngalan ng de-kolonisasyon) sa panahon ng Cold War, ang magulong tunggalian ng mundo matapos bumagsak ang lumang sistema ng bloke.
Sa mga tunggaliang ito, maaring nagbago ng porma ang imperyalismo – direktang kontrol sa mga kolonya, katulad ng ginawa ng Britanya at Pransya halimbawa, na naging tanda ng pagbagsak sa halip ng paglakas, at ang pinaka-makapangyarihang kapitalistang bansa, ang USA, ay pinalitan ang lumang mga imperyo gamit ang kanyang napakalaking pang-ekonomiyang rekurso para igiit ang kanyang dominasyon sa malawak na lugar ng planeta. Pero kahit ang US ay paulit-ulit na naobligang suportahan ang kanyang pang-ekonomiyang impluwensya ng aksyong militar at kasama na ang pagsakop sa ibang mga bansa mula Korea hanggang Grenada at mula Vietnam hanggang Iraq. Hinggil naman sa kanyang panunahing karibal noong Cold War, ang USSR, na mas mahina sa ekonomiya, ang brutal na kontrol militar ang tanging paraan para makontrol ang kanyang bloke, na nakita natin sa pagsakop sa Hungary at Czechoslovakia. At bagamat wala na ang USSR, ang Rusya ni Putin ay nakasandal sa opsyong militar para ipagtanggol ang kanyang pambansang interes.
Sa madaling sabi: ang imperyalismo, sa halip na penomenon lamang para sa 19 siglo, ay nanatiling naghari sa mundo. At tulad ng sinulat ni Luxemburg mula sa bilangguan bilang parusa ng kanyang pagtutol sa digmaan ng 1914,
“Ang imperyalismo ay hindi nilikha ng anumang estado o grupo ng mga estado. Ito ay produkto ng partikular na yugto ng pagkahinog ng pag-unlad ng kapital, isang natural na internasyunal na kondisyon, ng hindi mahati na kabuuan, na makilala lamang sa lahat ng kanyang mga relasyon, at walang bansa na makaiiwas.” (The Junius Pamphlet)
Sa madaling sabi: lahat ng mga bansa ay imperyalista na ngayon, mula sa pinakamalaki hanggang sa pinakamaliit, lahat ay tinutulak ng sitwasyon ng kapitalistang akumulasyon na magpalawak sa kapinsalaan ng kanilang mga karibal, na gamitin ang digmaan, masaker at terorismo para ipagtanggol ang kanilang sariling pang-ekonomiya at diplomatikong mga interes. Hinggil sa patriyorismo at nasyunalismo ito ay walang iba kundi “isang tabing upang ikubli ang imperyalistang layunin, isang panawagan para sa imperyalistang tunggalian, ang huling ideolohikal na paraan para makumbinsi ang masa na maging pambala ng kanyon sa isang imperyalistang digmaan.” (Junius Pamphlet)
Si Luxemburg, katulad nila Lenin, Trotsky, Pannekoek, Rosmer at iba pa ay isang internasyunalista. Hindi niya tinitingnan ang lipunan mula sa punto-de-bista na “aking bansa”, kundi mula sa “aking uri”, ang uring manggagawa, na siyang tanging internasyunal na uri dahil ito ay pinagsamantalahan at inatake ng kapitalismo sa lahat ng mga bansa. Alam niya na ang nasyunalismo ay laging paraan para itago ang pundamental na realidad na ang kapitalistang lipunan ay nahahati sa mga uri – ang isa ay nagmay-ari ng pambansang ekonomiya at may hawak ng gobyerno ng bansa, at ang isa pa ay walang pag-aari maliban sa kapasidad nitong magtrabaho. Sa nakaraan, ng ang kapitalismo ay isang hakbang pasulong mula sa lumang pyudal na lipunan, ang ideyal na pambansang kalayaan ay nagsilbi sa mga pangangailangan ng isang progresibong burges na rebolusyon, pero sa panahon ng pabagsak na kapitalismo, wala ng positibo pa sa nasyunalismo maliban sa paghatak nito sa mga pinagsamantalahan para paglingkuran ang mga mapagsamantala sa isang digmaan.
Kaya ang mga internasyunalista, noong 1914, ay nanindigan sa pagpapatuloy at pagpapalalim ng makauring pakikibaka; para sa pakikipagkaisa sa mga manggagawa ng ibang mga bansa laban sa kanilang naghaharing uri; para sa pagkakaisa ng mga manggagawa ng mundo sa isang rebolusyon laban sa kapitalistang paghari saan mang panig ng mundo. Kaya ganun pa rin ang posisyon nila kaugnay ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa mga proxy wars sa pagitan ng USA at USSR, at kaya ganun din ang posisyon namin laban sa lahat ng mga digmaan sa kasalukuyan. Hindi kami kumakampi sa ‘maliit na demonyo’ laban sa ‘numero unong kaaway’, hindi kami sumusuporta sa ‘maliliit na mga bansa’ laban sa mas makapangyarihang mga bansa. Ni hindi kami nangatuwiran na mayroong ‘nasyunalismo ng mga inaapi’ na may moral na superyoridad sa ‘nasyunalismo ng mga nang-aapi’. Lahat ng mga porma ng nasyunalismo sa kasalukuyan ay parehong reaksyunaryo at parehong pumapatay.
Sa kasalukuyang kaguluhan sa Ukraine, hindi namin sinusuportahan ang ‘sobereniya’ ng Ukraine, na kinampihan ng imperyalismong US, ni sinusuporthan namin ang militarismo ng Rusya laban sa impluwensya ng US o Uropa sa timog na bahagi. Hindi kami 'nyutral' o pasipista. Kami ay pumapanig sa makauring pakikibaka ng lahat ng mga bansa, kahit pa, sa sitwasyon ng Ukraine at Rusya ngayon, ang makauring pakikibaka ay nalunod sa digmaan sa pagitan ng mga magkaribal na paksyon ng naghaharing uri.
Laban sa mga barikada ng pambansang bandila na humati sa mga manggagawa ng Ukraine at Rusya, laban sa banta nga ang patriyorikong lason ay hahatak sa kanila tungo sa malagim na pagpapatayan sa isat-isa, walang dahilan na lilihis ang mga internasyunalista mula sa lumang islogan ng kilusang manggagawa: ang uring manggagawa ay walang bansa! Manggagawa ng mundo, magkaisa!
Source URL: https://en.internationalism.org/worldrevolution/201403/9562/against-imperialism-internationalism-working-class [72]
Lahat ng paksyon ng mapagsamantalang uri (administrasyon o oposisyon, Kanan o Kaliwa) ay laging bukambibig ang “kapayapaan” at “para sa kaayusan”. Subalit sa mahigit 100 taon ay nasaksihan ng sangkatauhan ang mga mababangis at mapaminsalang digmaan na kumitil ng milyun-milyong buhay at sumira ng mga ari-arian. Hindi pa kasama dito ang pagkasira ng kalikasan.
Ang mga paksyon naman ng Kaliwa na nahumaling sa digmaan ay binigyang katuwiran pa ito sa argumentong “para magkaroon ng kapayapaan ay kailangang mayroong digmaan”. Saksi tayo sa mahigit 50 taon na armadong pakikibaka ng mga ibat-ibang gerilyang pwersa ng Kaliwa.
Sa panig ng mga komunista at internasyunalistang organisasyon tulad ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin (IKT/ICC), malinaw na ang mga digmaang nangyari mula noong WW I at ang mga pambansa at rehiyonal na digmaan ay hindi nagdulot ng kapayapaan kundi mas lumalalang kaguluhan at pagdurusa ng sangkatauhan. Sa ngalan ng “anti-imperyalismo”, “pambansang kalayaan” at “demokrasya” milyun-milyong mamamayan ang naghirap at nagdurusa.
Sa kabilang banda, kailangan din ilantad ang linyang “anti-digmaan” o “anti-armadong pakikibaka” ng mga repormista at “nagmamahal sa kapayapaan”. Ginawa nilang alibi ang “pagtutol” sa digmaan para tutulan mismo ang rebolusyonaryo at marahas na pagbagsak ng uring manggagawa sa estado at kapitalismo.
Habang ang mga ekstremistang paksyon ng Kaliwa ay naghasik ng militarista at banggardistang linya ng digmaan, ang mga repormista naman ay nagsaboy ng ilusyon sa mapayapang solusyon sa kahirapan at pagdurusa ng sangkatauhan sa pamamagitan ng mga reporma (parliyamentarismo at eleksyon) at ilusyon na posible pang maging makatao ang kapitalismo.
Kaya naman ang mga repormista (kabilang na ang mga ekstremista) ay nahumaling sa mga sektoral, isyu por isyu at hiwa-hiwalay na solusyon dahil sa mekanikal at hindi diyalektikal na pananaw na “ang maraming kantitad kung maipon ay magkaroon ng pangkalidad na pagbabago”. Binastardo nila ang materyalismong istoriko kung saan malinaw na nanindigan sa rebolusyonaryong karahasan para ibagsak ang luma at lipas na umiiral na panlipunang kaayusan.
Sa ilalim ng pandaigdigang dekadenteng kapitalismo, ang tanging pagpipilian ng sangkatauhan ay komunistang rebolusyon o pagkawasak ng mundo. Wala ng iba pa.
Ang isinalin namin na artikulo sa ibaba ay hindi lang naglalarawan sa karumal-dumal na mga epekto ng digmaan kundi nagpapaliwanag sa istorikal na prosesong dinaanan ng digmaan sa panahon ng kapitalismo at ang kaibahan ng mga digmaan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo laluna sa yugto ng dekomposisyon.
Internasyonalismo
Nobyembre 7, 2014
-----------------------------------------------------------------------------
Isang daang taon ang nakaraan, sa Agosto 1914, pumutok ang Unang Digmaang Pandaigdig. Ang opisyal na namatay sa digmaang ito ay 10 milyon at 8 milyon ang sugatan. Matapos pirmahan ang ‘kapayapaan’, sumumpa ang burgesya na nasa puso ang kamay na ito na ang ‘huli sa lahat ng mga digmaan’. Malinaw na isang kasinungalingan. Katunayan iyon ay ang unang madugong kaguluhan sa pagbukas ng dekadenteng kapitalismo. Ang kasaysayan ng 20 siglo at ang batang 21 siglo ay puno ng walang humpay na mga imperyalistang kumprontasyon. Ang Unang Pandaigdigang Digmaan ay nasundan ng Pangalawa, at nasundan ng Cold War, at ang Cold War ay nasundan ng marami at walang katapusang bangayan sa buong mundo mula 1990s. Ang kasalukuyan, hindi man kasing ispektakular sa kumprontasyon ng dalawang bloke, ng dalawang super-powers, ay naglalaman ng kasing bigat na banta sa sangkatauhan dahil ang dinamismo ay mas magulo, patungo hindi sa panibagong pandaigdigang digmaan kundi sa pagiging pangkalahatan ng mga digmaan at barbarismo. Ang digmaan sa Ukraine, tanda ng pagbabalik ng digmaan sa Uropa, ang istorikal na puso ng kapitalismo, ay isang kalitatibong hakbang tungo sa ganitong direksyon.
Matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig na mayroong 50 milyon patay, nahati agad ang Uropa sa brutal na tunggalian sa pagitan ng mga blokeng militar ng silangan at kanluran. Sa panahon ng mahabang yugto ng kaguluhan ng Cold War, ang pamamaslang ay nangyari sa mga gilid ng kapitalismo sa pamamagitan ng mga proxy wars sa pagitan ng USA at Russia. Ang madugong digmaan sa Vietnam ay malinaw na ilustrasyon nito. Subalit pagkatapos bumagsak ng Berlin Wall, agad nagsimula na naman ang isang bagong yugto ng kaguluhan.
Sa 1991, ang USA, na nasa unahan ng makapangyarihan pero pilit na koalisyon, ay ginamit ang alibi ng pagsakop ng Iraq sa Kuwait para ilunsad ang isang digmaan. Ang pangunahing layunin ay pigilan ang pagkawasak ng kanyang bloke sa pamamagitan ng pagpapakita ng pwersang militar na magpatibay ng kanyang pandaigdigang liderato. Ang ideya ay tiyakin ang pagsilang ng isang ‘bagong pandaigdigang kaayusan’. Sa kabila ng pagdurusa ng sangkatauhan at pagkasira ng maraming ari-arian (mahigit 500,000 ang patay), higit sa lahat sa malawakang pambobomba at pagsabog na nakasira ng baga, itong tinatawag na ‘surgical war’ ay magdadala daw ng bagong yugto ng kapayapaan at kasaganaan. Pero mabilis na nalantad ang kasinungalingang ito. Halos kasabay, isang bagong digmaan ang pumutok sa pintuan mismo ng Uropa, sa ex-Yugoslavia. Isang mabagsik na bangayan ilang oras mula sa Paris, akumulasyon ng mga masaker, tulad ng sa Srebrenica, na kagagawan ng French Blue Helmets, kung saan 6000-8000 Bosnians ang pinatay.
At ngayon, muli, ang gangrena ng militarismo ay umabot na sa mga pintuan ng Uropa. Sa Ukraine dinudurog ang burgesya. Armadong mga milisya, na kontrolado ng mga gobyerno ng Rusya at Ukraine, ay nagpapatayan kung saan ginawang hostage ang populasyon. Ang digmaang ito, batay sa nasyunalismo na inalagaan ng ilang dekada, ng isa sa mga buwitre: ang pangunahing mga bida, tulad ng dati, ang malalaking kapangyarihan, ng USA, Russia, France at iba pang mga bansa sa kanlurang Uropa.
Ang dramatikong sitwasyon sa Ukraine ay malinaw na tanda ng kalitatibong hakbang ng pagdurusa ng sistema. Ang katotohanan na ang digmaang ito ay tinutulak ng magkakaibang interes at napakalapit sa Uropa, na siyang naging pokus ng mga pandaigdigang digmaan sa nagdaang siglo, ay nagpakita na naabot na ng distema ang isang antas ng pagkawasak.
Ang pagbagsak ng Berlin Wall at pagkawaak ng USSR ay bumasag sa disiplina ng dating bloke at nagbukas ng isang tunay na Pandora’s Box. Sa kabila ng maiksing ilusyon matapos ang unang Gulf war, napilitan ang USA na ipagpatuloy ang panghihimasok, ng mas madalas at sa mas maraming lugar, at kadalasan ay nagsasarili: Somalia, Bosnia, Kosovo, Afghanistan at Iraq. Itong imperyalistang polisiya ay ekspresyon ng istorikal na pagkainutil at malinaw na nabigo. Sa bawat panibagong pagpapakita ng pwersa ng isang humihinang super-power ay nagbunga ng paglaki ng kawalan ng kontrol sa mga larangan ng digmaan na kanyang pinaghihimasukan. Sa paghina ng panginoon, pumasok na tayo sa sitwasyon ng kaguluhan, ng paglaki ng imperyalistang pagkaganid, paglakas ng nasyunalismo, paglawak ng mga kaguluhang relihiyoso at etniko.
Ang mga pwersa sa sentro na ginatungan ng pagkaganid ay nagpalakas sa mga digmaan na nagpakita ng panlipunang kabulukan, na nagbunga ng pagkawasak ng mga gobyerno, paglitaw ng mga pinaka-mabagsik na mga warlords, ng mga adbenturistang tipong mafia na gumagawa ng lahat ng klase ng kasamaan. Ang prosesong ito ay lumimlim ng maraming dekada. Sa ikalawang hati ng 1980s, sunud-sunod na mga teroristang atake ang nangyari sa mga syudad ng Uropa tulad ng Paris, London at Madrid. Ang mga ito ay hindi kagagawan ng maliit na mga grupo kundi ng mga malalakas na estado. Ito ay mga aksyon ng digmaan na naglalarawan sa mga atake sa New York noong Setyembre 2001. Ang pinakamadilim na ekspresyon ng kabangisan, na dati nasa mga gilid lamang ng sistema, ay nagsimula ng bumalik sa mga sentro, sa mga lugar kung saan ang presensya at potensyal ng proletaryado ang tanging hadlang sa tunay na pagbulusok tungo sa isang bangungot.
Bawat araw, ang mga bakwit mula sa magulong mga bansa ay namamatay sa pagtatangkang makaabot sa Mediterranean. Nagtitipon sa mga bangka na malaki ang potensyal na malunod, sila ay nasa pinaka-desperadong byahe. Ayon sa UN Refugee Agency, ang bilang ng mga bakwit at naghahanap ng asylum, sa mga taong bakwit sa loob mismo ng kanilang mga bansa, ay lagpas na 50 milyon mula Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Sa katapusang bahagi noong nagdaang taon sa digmaan sa Syria lang ay mayroong 2.5 milyon bakwit at 6.5 milyon internal bakwit. At lahat ng mga kontinente ay apektado.
Sa halip na humina ang pangkalahatang tendensya ng dekadenteng kapitalismo, pinalakas ng dekomposisyon at pinalala ang lumalaking irasyunal na mga aspeto. Ang pintuan ay nabuksan para sa baliw na paksyon ng burgesya, na pinataba ng nabubulok na lipunan at ng nihilismo. Ang paglitaw ng mga Islamistang grupo tulad ng Al Qaida, Islamic State at Boko Haram ay bunga ng proseso ng intelektwal at moral na pag-atras, ng walang humpay na pagkasira ng kultura. Noong 29 Hunyo, inihayag ng IS ang muling pagtatag ng isang ‘Caliphate’ sa mga rehiyon na kontrolado nito at inihayag ang kapalit ni Mohammed. Tulad ng kapareha nito na Boko Haram sa Nigeria, nakilala ito sa pagpaslang ng kanilang mga bilanggo at pagdukot at pag-alipin sa mga batang babae.
Itong mga oskurantistang organisasyon ay walang sinusunod at ginagabayan ng kombinasyon ng mistikal na kabaliwan at These obscurantist organisations at nakapandidiring interes ng mafia. Sa Syria at Iraq, sa mga sona na kontrolado ng Islamic State, walang bagong estado na mabubuhay. Kabaliktaran, ang pangunahing tendensya ay tungo sa pagkawasak ng mga estadong Syrian, Lebanese at Iraqi.
Itong nakakatakot na barbarismo, na partikular na ginagawa ng mga jihadists, ay nagsisilbi ngayon na alibi para sa panibagong krusadang militar at kampanyang pambobomba ng kanluran. Para sa malalaking imperyalistang kapangyarihan, posible ito para takutin ang populasyon at ang uring manggagawa na hindi malaki ang gastos para sa kanila habang nagkukunwaring sibilisadong tagapamayapa. Pero ang Islamic State ay sa isang bahagi inaarmasan ng US at mga paksyon ng burgesya ng Saudi Arabia, hindi pa kasama ang pakikipagsabwatan ng Turkey at Syria. Kumawala na sa kontrol ng kanyang mga amo ang islamistang organisasyon na ito. Sa kasalukuyan ay kinubkub nito ang lungsod ng Kobane sa Syria, ilang kilometro mula sa hangganan ng Turkey, sa rehiyong Kurdish. Hindi katulad ng unang Gulf war, ang mga malalaking kapangyarihan, US ang nasa unahan, ay naghahabol sa mga kaganapan na walang anumang pampulitikang perspektiba, simpleng tumutugon lamang sa kagyat na sitwasyong militar. Isang halu-halong koalisyon ng 22 gobyerno, na may magkakaibang interes sa isat-isa, ay nagpasyang bombahin ang ilang bahagi ng lungsod na nakontrol ng IS. Ang US, ang namuno sa pekeng koalisyon ay walang kapasidad na magpadala ng tropa sa ibaba at pilitin ang Turkey, na matindi ang takot sa pwersang Kurdish na kontrolado ng PKK at PYD, na manghimasok sa larangang militar.
Lahat ng mga magulong lugar sa planeta ay nagliliyab. Kahit saan ang mga makapangyarihang bansa ay natutulak sa apoy. Ang hukbong Pransya ay natali sa Mali. Walang inabot ang negosasyon para sa ‘kapayapaan’ sa pagitan ng gobyernong Mali at mga armadong grupo. Mayroong permanenteng digmaan sa rehiyong sub-Saharan. Sa hilaga ng Cameroon at Nigeria, kung saan lugar ng pangangaso ng Boko Haram, mas dumami ang mga armadong labanan at teroristang mga aksyon. Kung ikonsidera natin ang lumalaking kapangyarihan ng Tsina sa Asya, makikita natin na parehong tensyon, parehong mala-mafiang paraan ay kumakalat sa buong mundo.
Sa 19 siglo, kung saan umuunlad pa ang kapitalismo, ang mga digmaan para magtayo ng mga bansa-estado, mga kolonyalista o imperyalistang digmaan ay mayroong pang-ekonomiya at pampulitikang rasyunalidad. Ang digmaan ay mahalagang paraan para sa pag-unlad ng kapitalismo. Kailangan nitong sakupin ang mundo; nakamit ito sa pamamagitan ng kanyang pang-ekonomiya at pampulitikang kapangyarihan, tulad ng sabi ni Marx, “dugo at putik”.
Sa Unang Pandaigdigang Digmaan, radikal na nagbago ang lahat. Sa pangkalahatan ang pangunahing makapangyarihan ay humina dahil sa ilang taong digmaan. Sa kasalukuyan, sa yugto ng dekomposisyon ng sistema, isang totoong sayaw ng kamatayan, kabaliwan, ang humihila sa mundo at sangkatauhan tungo sa ganap na pagkawasak. Pagwasak-sa-sarili ang dominanteng katangian sa mga sona ng digmaan.
Walang kagyat na solusyon sa mala-impyernong sitwasyon, pero may isang rebolusyonaryong solusyon para sa hinaharap. At ito ang pasensyoso nating gagawin. Lipas na ang kapitalistang lipunan; hindi lang ito hadlang sa pag-unlad ng sibilisasyon kundi banta sa kanyang buhay. Noong nagdaang siglo ang komunistang rebolusyon sa Rusya at kanyang alingayngay sa Germany, Austria, Hungary at sa ibang lugar para mapahinto ang Unang Pandaigdigang Digmaan. Sa kasalukuyang istorikal na yugto, tanging ang pakikibaka lamang ng proletaryado magwakas ang bulok na pandaigdigang sistema.
Antonin 5.11.14
Bilang ekspresyon ng mahigpit na pagkondena ng Internasyonalismo (seksyon ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Pilipinas) sa pinakahuling pang-aatake ng mga ahensya ng burges na estado sa aming organisasyon na may layuning maghasik ng panghihinala at kawalang tiwala sa loob ng aming organisasyon, ay isinalin namin sa Filipino ang “Communique to our readers: The ICC under attack from a new agency of the bourgeois state” na nasa link na ito: https://en.internationalism.org/icconline/201405/9742/communique-our-rea... [73]
Sa harap ng mga atake ng mga kaaway sa uri mula sa labas at loob, mas lumalaki ang pangangailangan ng pagkakaisa ng mga komunistang elemento at organisasyon laban sa mga atakeng ito.
Internasyonalismo
Mayo 17, 2014
----------------------------------------------
Sulat para sa aming mga mambabasa: Inatake ang IKT ng isang bagong ahensya ng burges na estado
Noong Oktubre 2013, iniluwal ang isang bagong ‘pampulitikang grupo’ at bininyagan ang sarili ng isang mapagkunwaring pangalan na ‘International Group of the Communist Left’ (IGCL). Wala masyadong sinabi ang grupong ito sa kanyang sarili: ang totoo ito ay pinagsanib ng dalawang elemento ng grupong Klasbatalo ng Montreal at mga elemento ng tinawag na ‘Internal na Praksyon’ ng IKT (IFICC), na pinatalsik ng IKT noong 2003 dahil sa aktitud na salungat sa pagiging isang komunistang militante: kabilang na ang pagnanakaw, paninirang-puri, at pambabraso. Ang mga elementong ito ay sadyang may aktitud ng isang espiya, sa partikular ang paglathala, sa internet, sa petsa ng kumperensya ng aming seksyon sa Mexico bago pa ang naturang petsa at paglathala sa tunay na inisyal ng pangalan ng isa sa aming mga kasama, na sinasabi nilang ‘lider ng IKT’. Sa mga mambabasa na hindi alam ito, pakibasa ang mga artikulo na inilathala sa aming pahayagan noong panahong iyon1.
Sa isa sa mga artikulong ito, ‘Ang ala-pulisya na pamamaraan ng IFICC’, malinaw na inilantad namin na ang mga elementong ito ay libreng nagbigay ng kanilang serbisyo at katapatan sa burges na estado. Malaking bahagi ng kanilang panahon ay inilaan nila para manmanan ang website ng IKT, nagtangkang makakuha ng impormasyon sa lahat ng kaganapan sa loob ng aming organisasyon, nagpakawala ng nakakasukang tsismis (laluna tungkol sa mag-asawang Louise at Peter, dalawang militante ng IKT, na lubha nilang pinag-iinitan at malugod nilang minanmanan sa loob ng mahigit 10 taon!). Matapos lumabas ang artikulong ito ay agad nilang inilabas ang 114 pahinang dokumento mula sa mga pulong ng aming internasyunal na sentral na organo para diumano patunayan na totoo ang kanilang mga akusasyon laban sa IKT. Ang tunay na pinakita ng dokumentong ito ay may sakit sa utak ang mga taong ito, lubusan na silang nabulagan ng kanilang galit sa aming organisasyon, at mulat silang nagbibigay ng impormasyon sa pulisya na nakakatulong ng malaki sa gawain ng huli.
Matapos isinilang ang maling pangalan na ‘Internasyunalistang Grupo ng Kaliwang Komunista’, ang kanyang unang pag-iyak ay isang isterikal na propaganda laban sa IKT, na makita natin sa pamagat ng pahina ng kanilang website: ‘Bagong (pinal?) internal na krisis ng IKT!’, na sinamahan ng ‘Panawagan sa proletaryong kampo at sa mga militante ng IKT’.
Sa loob ng ilang araw, itong ‘internasyunal na grupo’ na binuo ng apat na indibidwal ay nagkukumahog sa pagpapadala ng mga sulat sa buong ‘proletaryong kampo’, kabilang na ang aming mga kasama at ilan sa aming mga simpatisador (na may hawak silang mga address) para iligtas sila mula sa mga kuko ng diumano 'likidasyunistang paksyon’ (isang klan nila Louise, Peter at Baruch).
Ang mga pundador ng bagong grupong ito, ang dalawang impormante ng dating IFICC, ay nagsagawa ng kahiya-hiyang hakbang katulad ng pamamaraan ng pulisya na naglalayong wasakin ang IKT. Nagpatonog ng batingaw ang tinatawag na IGCL at malakas na sumisigaw na hawak nila ang mga internal na buletin ng IKT. Sa pagpapakita ng kanilang tropeyo sa digmaan at panraraket, malinaw ang mensahe ng mga impormanteng ito: may ‘espiya’ sa loob ng IKT na nakipagkutsabahan sa dating IFICC! Malinaw na gawain ito ng pulisya na walang ibang layunin kundi maghasik ng pangkalahatang panghihinala, panggugulo at paninira sa aming organisasyon. Kahalintulad ito sa ginawa ng GPU, ang pampulitikang pulisya ni Stalin, para wasakin ang Trotskyistang kilusan mula sa loob noong 1930s. Ganito rin ang ginawa ng mga membro ng dating IFICC (partikular ang dalawa sa kanila, Juan at Jonas, pundador ng IGCL) ng nagsagawa sila ng espesyal na byahe sa maraming mga seksyon ng IKT para mag-organisa ng sekretong mga pulong at magkalat ng tsismis na isa sa aming mga kasama (ang “asawa ng pangulo ng IKT”, sabi nila) ay isang “pulis”. Sa kasalukuyan, ganito pa rin ang paraan sa pagtatangkang maghasik ng kaguluhan at durugin ang IKT mula sa loob, pero mas kalunus-lunos: sa ilalim ng ipokritong palusot na “tulungan” ang mga militante ng IKT at iligtas sila mula sa “demoralisasyon”, itong mga propesyunal na manggagantso ay talagang sinabi sa lahat ng mga militante ng IKT: “mayroong isang (o marami) traydor sa inyong hanay na nagbigay sa amin ng inyong internal na mga buletin, pero hindi namin ibigay sa inyo ang kanilang mga pangalan, kayo na ang maghanap sino sila!”. Ito ang teribleng layunin ng lahat ng mga ahitasyon ng bagong ‘internasyunal na grupo’: muling maglako ng lason ng paghihinala at kawalang tiwala sa loob ng IKT para mapahina ito mula sa loob. Ito ang tunay na paninira na kasing imoral katulad ng paraan ng pampulitikang pulisya ni Stalin o ng Stasi.
Maraming beses naming sinulat sa aming pahayagan ang sinabi ni Victor Serge, sa kanyang bantog na libro na ginawang sanggunian ng kilusang manggagawa, Ano ang dapat malaman ng bawat rebolusyonaryo hinggil sa panunupil, malinaw na ang paghasik ng panghihinala at paninirang-puri ay paboritong sandata ng burges na estado para sirain ang mga rebolusyonaryong organisasyon:
“ang tiwala sa partido ang matibay na pundasyon ng lahat ng rebolusyonaryong pwersa....ang mga kaaway ng aksyon, mga duwag, mga nagtatago, mga oportunista, ay masayang iniipon ang kanilang armas – sa mga kanal! Panghihinala at paninirang-puri ang kanilang mga armas para siraan ang mga rebolusyonaryo...Itong dimonyo ng panghihinala at kawalang tiwala sa ating hanay ay mabawasan at mapigilan lamang sa pamamagitan ng malakas na determinasyon. Kailangan, bilang kondisyon ng anumang tunay na pakikibaka laban sa probokasyon – at akusasyon ng paninirang-puri sa kasapian – na anumang akusasyon laban sa sinumang rebolusyonaryo ay imposibleng tanggapin kung walang imbestigasyon. Kung may paghinala, kailangang itayo ang isang komite ng mga kasama at ang alituntunin ng akusasyon o ng paninirang-puri. Simpleng mga alituntunin ang susundin habang istrikto sa paninindigan kung nais na ipagtanggol ang moral na kalusugan ng mga rebolusyonaryong organisasyon”
Tanging ang IKT bilang rebolusyonaryong organisasyon ang nanatiling tapat sa tradisyon na ito ng kilusang manggagawa sa pamamagitan ng pagtatanggol sa mga prinsipyo ng mga Lupon para sa Karangalan (Juries of Honour) sa harap ng paninirang-puri: tanging mga adbenturista, kahina-hinalang mga elemento at mga duwag ang tutol na linawin ang mga bagay sa harap ng Lupon para sa Karangalan2.
Iginiit din ni Victor Serge na ang mga motibo bakit ilan sa mga rebolusyonaryo ay nagbibigay ng kanilang serbisyo sa mapanupil na mga pwersa ng burges na estado ay hindi laging mula sa materyal na kahirapan o karuwagan:
“mas delikado, ang mga walang budhi at adbenturista, na walang anumang pinaniniwalaan, walang pakialam sa ideyal na kanilang pinaglilingkuran, nahumaling sa ideya ng risgo, intriga, sekretong plano, komplikadong laro kung saan maari nilang malinlang ang sinuman. May talento sila, halos hindi mo mapansin ang kanilang papel”
At bilang bahagi ng pagkatao ng mga impormante o ahente probokador, makikita, ayon kay Serge, ang mga dating militante na “nasugatan ng partido”. Simpleng nasaktan ang damdamin, personal na sama ng loob (paninibugho, pagkabigo, pagkadismaya...) ay magtulak sa mga militante dahil sa hindi makontrol na galit sa partido (o laban sa ilang militante na tingin nila karibal) at kaya nag-alok ng kanilang serbisyo sa burges na estado.
Ang mga alarma ng ‘Panawagan’ ng ahensya ng burges na estado, ang IGCL, ay walang iba kundi panawagan ng pogrom laban sa ilan sa aming mga kasama (at tinuligsa na namin sa aming pahayagan ang mga banta na ginawa ng isang membro ng dating IFICC na nagsabi sa isa sa aming mga militante, “Ikaw, gigilitan kita ng leeg!”). Hindi aksidente na itong panibagong ‘Panawagan’ ng mga manggagantso ng IFICC ay agad na inilathala ng isa sa kanilang mga kaibigan o kakutsaba, isang Pierre Hempel, sa kanyang blog, ‘Le Proletariat Universel [74]’, kung saan mabasa ang salitang tulad ng “Peter at ang kanyang puta”. Ang sinasabing “puta” ay walang iba kundi ang aming kasama na ginugulo ng mahigit sampung taon ng mga manggagantso at potensyal na mamamatay-tao ng dating IFICC at kanilang mga kakutsaba. Ito mismo ang ‘proletaryong’ literatura na pinaiikot ng ‘Panawagan’ ng ‘IGCL’ para pukawin ang sama ng loob at pamboboso ng tinatawag na ‘proletaryong’ kampo. Nakuha ninyo ang mga kaibigan na nararapat sa inyo.
Pero hindi lang yan. Kung I-klik ninyo ang nota sa ibaba3, ang aming mga mambabasa na tunay na nasa kampo ng kaliwang komunista ay makakuha ng mas tamang ideya kung ano ang pinagmulan ng bagong ‘Internasyunal na Grupo ng Kaliwang Komunista’: sa loob ng maraming taon ito ay sinusuportahan ng isang tendensya sa loob ng burges na estado, ang NPA (ang ‘New Anticapitalist Party’ ni Olivier Besancenot na lumalahok sa eleksyon at regular na iniimbitahn sa TV). Ang tendensya ng NPA ay kadalasan maingay ang publisidad sa IGCL, na inilagay sa unang pahina ng kanilang internet site! Kung ang grupo ng ultra kaliwa ng kapital ay nagsagawa ng malaking publisidad para sa IFICC at sa kanyang bagong balatkayo, ang IGCL, ito ay patunay na kinilala ng burgesya ang isa sa kanyang tapat na lingkod: alam nito na maaasahan sila sa tangkang pagwasak sa IKT. Kaya ang mga manggagansto ng IGCL ay may karapatan na angkinin ang gantimpala mula sa estado (halata na mula sa Interior Minister), dahil nagbigay sila ng malaking serbisyo para dito kaysa iba na nakakuha ng mga medalya mula sa estado.
Iimbistigahan ng IKT ang nasa likod ng pangyayaring ito at ipaalam sa aming mga mambabasa. Posible na napasok kami ng isang (o marami) kanina-hinalang elemento. Hindi ito ang una at mataas ang aming karanasan sa ganitong problema mula pa noong nangyari kay Chenier. Si Chenier ay isang elemento na pinatalsik ng IKT noong 1981 at matapos ang ilang buwan ay opisyal ng naglingkod sa partido Sosyalista na nasa gobyerno noong panahonh iyon. Kung ito ang nangyari, malinaw na ipatupad namin ang aming konstitusyon katulad ng ginagawa namin sa nakaraan.
Pero hindi rin namin isinantabi ang isa pang hipotesis: na isa sa aming mga kompyuter ay na hacked ng pulisya (na nagmanman sa aming pagkilos sa loob ng mahigit 40 taon). At hindi ito imposible na ang pulisya mismo (sa pamamagitan ng pakukunwari na isang ‘espiya’, isang nagtatagong militante ng IKT) ang nagbigay sa IFICC ng aming mga internal na buletin dahil alam nila na itong mga manggagantso (at laluna ang dalawang pundador ng IGCL) ay agad na gamitin ito. Hindi ito nakapagtataka dahil ang mga kowboy ng IFICC (na mas mabilis pang bumaril kaysa kanilang sariling anino) ay ginawa na ito noon, sa 2004, ng umaalembong sila sa ‘nagtatagong’ elemento mula sa isang Stalinistang ahensya ng Argentina, ang ‘Citizen B’ na nagtago sa tinatawag na ‘Circulo de Comunistas Internacionalistas’. Itong hindi umiiral na ‘Circulo’ ay malaki ang naiambag sa paghasik ng nakakasukang kasinungalingan laban sa aming organisasyon, mga kasinungalingan kung saan tapat na tagahatid ang IFICC. Matapos malantad ang mga kasinungalingang ito, naglaho na si ‘Citizen B’, iniwan ang nanghihilakbot na IFICC at nagkagulo.
Sinabi ng IFICC/IGCL na “ang proletaryado ay mas lalupang nangangailangan ng kanyang pampulitikang mga organisasyon para mabigyan ng oryentasyon tungo sa proletaryong rebolusyon. Ang paghina ng IKT ay nagkahulugan ng paghina ng buong proletaryong kampo. At ang paghina ng proletaryong kampo ay nagkahulugan ng paghina ng makauring pakikibaka ng proletatyado”. Ito ang pinaka-kasumpa-sumpang ipokrisiya. Ang mga Stalinistang partido ay nagdeklara sa kanilang sarili na tagapagtanggol ng komunistang rebolusyon pero ang totoo sila ang pinaka-mabagsik na kaaway nito. Walang palalagpasin: anuman ang totoong dahilan – may 'impiltrador' ng IFICC o manipulasyon ng opisyal na mga pwersa ng estado – itong pinakahuling 'kudeta' ng IFICC/IGCL ay malinaw na nagpakita na ang kanyang bokasyon ay hindi pagtatanggol ng mga posisyon ng kaliwang komunista at pagkilos para sa proletaryong rebolusyon kundi para wasakin ang pangunahing organisasyon ng kaliwang komunista sa kasalukuyan. Ito ay ahensya ng pulisya ng kapitalistang estado, ito man ay binayaran o hindi.
Laging pinagtanggol ng IKT ang kanyang sarili laban sa mga atake ng kanyang mga kaaway, laluna sa mga nagnanais wasakin ito sa pamamagitan ng mga kampanya ng kasinungalingan at paninirang-puri. Ito rin ang gagawin namin sa kasalukuyan. Hindi kami magkagulo o matakot sa mga atake ng kaaway sa uri. Lahat ng mga proletaryong organisasyon sa nakaraan ay hinarap ang mga atake ng burges na estado na naglalayong wasakin sila. Matapang na pinagtanggol nila ang kanilang mga sarili at ang mga atakeng ito, sa halip na manghina sila, ay kabaliktaran ang nangyari: tumibay ang kanilang pagkakaisa at pagkakabit-bisig sa pagitan ng mga militante. Ito ang laging nangyayari sa IKT at sa kanyang mga militante sa mga atake at pangingispiya ng IFICC. Kaya, ng malaman ang kasuklam-suklam na panawagan ng IGCL, lahat ng mga seksyon at militante ng IKT ay agad kumilos para ipagtanggol, na may pinakamataas na determinasyon, ang aming organisasyon at ang mga kasama na target ng atake ng nasabing 'Panawagan'.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin. 4.5.14
Source URL: https://en.internationalism.org/content/9742/communique-our-readers-icc-under-attack-new-agency-bourgeois-state [75]
1 The police-like methods of the 'IFICC' [76]; The ICC doesn't allow snitches into its public meetings [77]; Calomnie et mouchardage, les deux mamelles de la politique de la FICCI envers le CCI [78].
2 Tingnan sa partikulat ang aming opisyal na pahayag noong 21 Pebrero 2002, Revolutionary organisations struggle against provocation and slander [79]
“Sa panahon na naharap ang mga manggagawa sa kawalang-trabaho, pagbawas ng sahod at hindi makataong kondisyon sa pagawaan, ang tanong ay paano maisulong ng mga manggagawa ang kanilang pakikibaka. Sa UK, habang nalalapit ang eleksyon, sinabihan tayo ng media na ito ay oportunidad para gamitin natin ang ating demokratikong karapatan. Ngunit, ang demokrasya ay hindi isang abstraktong prinsipyo na nangingibabaw sa lipunan – ito ay integral na bahagi ng kasalukuyang kaayusan. Ang kapitalismo ay isang makauring lipunan at tinatago ng demokratikong sirkus ano ang tunay na katotohanan na nasa likod ng parliyamento at eleksyon. Tulad ng sinulat ni Lenin sa Estado at Rebolusyon: "Para magpasya bawat ilang taon kung kaninong myembro ng naghaharing uri ang susupil at dudurog sa mamamayan sa pamamagitan ng parliyamento – ito ang tunay na esensya ng burges na parliyamentarismo – mga monarkiyang-konstitusyunal, at maging sa pinaka-demokratikong mga republika."
Ang ideya na maaring yakapin ang demokrasya ng mga manggagawa kasama ang mga nagsasamantala sa kanila ay isang panlilinlang na pinagsisikapan ng naghaharing uri.”
- (‘Against the trap of capitalist elections’, https://en.internationalism.org/wr/2010/333/lead [83]) -
Eleksyon at Parliyamentarismo: Para sa Kapitalismo Laban sa Sosyalismo
“Ang parliyamentarismo ay isang porma ng pampulitikang representasyon na pekulyar sa kapitalistang sistema. Ang prinsipyadong kritisismo ng mga rebolusyonaryong marxista sa parliyamentarismo at burges na demokrasya ay sa pangkalahatan tumutungo sa kongklusyon na ang prangkisang binigay sa lahat ng mamamayan ng lahat ng mga panlipunang uri sa pagpili ng mga kinatawan sa estado ay hindi nakapigil sa mga makinarya ng estado na maging komite para ipagtanggol ang interes ng naghaharing kapitalistang uri, at sa estado na organisahin ang sarili bilang istorikal na organo ng pakikibaka ng burgesya laban sa proletaryong rebolusyon.”
– Amadeo Bordiga, ‘Tesis sa Parliyamentarismo’ (1920), https://en.internationalism.org/wr/243_theses.htm [68]
Noong Ikalawang Kongreso ng Komunistang Internasyunal (1920) ay nagkaroon ng mainit na debate hinggil sa partisipasyon o boykot sa burges na eleksyon. Minoriya ang mga komunistang nanindigan sa boykot at mayoriya ang para sa partisipasyon. Malaking bahagi ng huli ay nagtraydor sa proletaryong internasyunalismo at nagiging tuta ng stalinismo at imperyalismong USSR habang ang una ay matatag na lumalaban sa kapitalismo at digmaan noong WW II.
Ang kaliwa ng burgesya – maoista-stalinista, trotskyista, “marxista-leninista” at sosyal-demokrata – ay karay-karay pa rin ngayon ang malaking pagkakamali ng mayoriya ng Internasyunal na siyang isa sa mga dahilan ng pagkabuwag nito. Masahol pa, ginawa pa itong isa sa mga “batayang taktika” ng kaliwa.
Napatunayan na ng kasaysayan ng mga eleksyon na nilahukan ng mga “komunista” at “sosyalista”, sa halos 100 taon na ito ay hindi nakapaglakas sa rebolusyonaryong kilusan kundi kabaliktaran.
Progresibong Kapitalismo: Batayan ng Partisipasyon ng mga Rebolusyonaryo noong 19 Siglo
Ginagawang palusot ng mga traydor sa rebolusyon ang patakaran ng mga marxista noong 19 siglo upang bigyang katuwiran ang kanilang pagkanulo sa proletaryong kawsa. Totoo na sentral na taktika ng mga komunista noong 19 siglo ang pagpasok sa burges na parliyamento. Ang dahilan ay progresibo pa ang kapitalismo at may paksyon pa ng uring burges na rebolusyonaryo. Kaya sentral na patakaran ng Ikalawang Internasyunal noon ang paglahok sa eleksyon at pangangampanya para iboto ang mga komunistang kandidato.
Ang materyal na batayan ay may kapasidad pa ang sistema na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa ikabubuti ng masang anakpawis. Samakatuwid, pakikibaka para sa reporma ang taktika ng kilusang komunista noong 1800s; mga makabuluhang reporma na magagamit sa pagpapalakas ng komunistang kilusan. Hindi na ito ang sitwasyon sa panahon ng imperyalismo: wala ng kapasidad ang sistema na magbigay ng makabuluhang reporma para sa ikabubuti ng naghihirap na masa:
“Ang partisipasyon sa eleksyon at parliyamentaryong aktibidad sa panahon na malayo pa ang posibilidad na maagaw ng proletaryado ang kapangyarihan at wala pa mesa ang usapin ng direktang paghahanda para sa rebolusyon at reyalisasyon ng diktadura ng proletaryado, ay nagbibigay ng maraming posibilidad para sa propaganda, ahitasyon at kritisismo. Sa kabilang banda, sa mga bansa na nagsisimula pa lang ang burgesya na buuin ang bagong mga institusyon, ang pagpasok ng mga komunista sa parliyamento, na kabubuo pa lang, ay may malaking impluwensya sa pagpapaunlad ng mga kondisyon na paborable para sa rebolusyon at tagumpay ng proletaryado.
Sa kasalukuyang istorikal na yugto, na nabuksan pagkatapos ng pandaigdigang digmaan at ang mga epekto nito sa panlipunang organisasyon ng burgesya – ang rebolusyong Ruso bilang unang reyalisasyon ng ideya ng pag-agaw ng kapangyarihan ng uring manggagawa, at ang pormasyon ng bagong Internasyunal na salungat sa mga traydor na sosyal-demokrasya – at sa mga bansa na matagal ng nangibabaw ang demokratikong kaayusan, wala na ang posibilidad na gamitin ang parliyamentarismo para sa rebolusyonaryong adhikain ng komunismo. Ang kalinawan ng propaganda na walang iba kundi paghahanda para sa ultimong pakikibaka para sa diktadurya ng proletaryado ay nangangailangan na ang mga komunista ay magpropaganda ng boykot sa eleksyon sa hanay ng mga manggagawa”[amin ang pagdidiin - Internasyonalismo]. - ‘Tesis sa Parliyamentarismo’
Ang argumentong “magagamit ang eleksyon at parliyamento” ay palusot pa rin ng lahat ng paksyon ng kaliwa ngayon. Hindi nila naunawaan o ayaw nilang unawain na ang konteksto ng boykot o partisipasyon ay nasa istorikal na ebolusyon ng kapitalismo sa pandaigdigang saklaw wala sa pambansang sitwasyon, sa pag-iral ng demokrasya o diktadurya o sa usapin ng kapasidad ng mga komunistang organisasyon na magpapanalo ng kanilang mga kandidato.
Oportunismo at Katrayduran ng Kaliwa sa Pilipinas: Nakakasuka!
Tulad ng nabanggit namin sa itaas, ang patakarang boykot ng mga marxista ay nakabatay sa istorikal na sitwasyon ng kapitalismo at hindi sa pambansang sitwasyon o partikularisasyon ng mga bansa tulad ng laging naririnig natin mula sa mga tagapagtanggol ng partisipasyon sa eleksyon. Ang iba naman sa kanila na nagyayabang ng kanilang “leninismo” ay dogmatikong ginagamit ang mga argumento ni Lenin sa panahon noong debate sa loob ng Komunistang Internasyunal. Mga argumento na napatunayan na ng kasaysayan na mali.
Subalit kung buhay pa si Lenin ngayon ay hindi lang niya ikakahiya kundi mariing tuligsain pa ang mga ginagawa ng kaliwa gamit ang kanyang pangalan sa paglahok sa eleksyon dahil kahit noong panahon ng una ay kasuklam-suklam na ang praktika ng huli ngayon.
Ang mismong mga “tapat” na “leninista” sa Pilipinas ang siya mismong nagbigay kahihiyan sa internasyunalista at komunistang si Lenin dahil sa paglahok nila sa eleksyon ay ginagawa nila pati ang kasuklam-suklam na gawain ng mga tradisyunal na trapo: pakikipag-alyansa sa mga malalaking kapitalistang pulitiko at partido at kadalasan ay pagpapailalim sa mga ito, pamimili ng boto, manipulasyon sa bilangan sa pamamagitan ng panunuhol sa COMELEC at pananakot gamit ang armas para lamang manalo!
Ang maoistang PKP naman sa pamamagitan ng kanyang mga legal na organisasyon ay lantaran pa ang katrayduran para lang manalo sa eleksyon ang kaniyang mga kandidato. Nakikipag-alyansa ito kay Manny Villar at sa kanyang Nacionalista Party noong 2010 at sinusuportahan nito ang kandidatura ng una bilang pangulo ng bansa! Noong 2013 ay nakipag-alyansa naman ito kay Senador Ramon Revilla Jr ng Lakas-NUCD ni Gloria Arroyo. Mas malala ito sa lokal na antas.
Ang sosyal-demokrata naman sa pangunguna ng Akbayan ay nakikipagpaligsahan sa maoistang kilusan sa kawalanghiyaan. Lantaran itong nakipag-alyansa sa paksyong Aquino at pumasok sa kanyang “inner circle”. Si Ronald Llamas ng BISIG (Bukluran sa Ikauunlad ng Sosyalistang Isip at Gawa)[2] ay siya mismong political adviser ng CEO ng kapitalistang gobyerno na si Benigno Aquino III!
Ang ibang paksyon naman katulad ng mga “leninista” (lagmanista) at trotskyista ay pinili na patago at halos sa lokal na antas o sa partylist lamang kumikilos dahil hindi nila kayang banggain ang malalaking paksyon ng kaliwa katulad ng mga maoista at sosyal-demokrata sa pambansang antas.
Ni katiting ay wala ng proletaryong moralidad ang mga paksyon ng kaliwa sa Pilipinas. Lantaran at sagad-saring na ang kanilang burges na moralidad: anumang paraan ay pwedeng gawin para makamit ang layunin.[3]
Imposible ng repormahin ang mga organisasyon ng kaliwa dahil ang kalikasan nila mismo ay nasa kampo na ng burgesya laban sa uring manggagawa. Ang kanilang mga “ninuno” ay ang mismong mga partido na nagtraydor sa proletaryong rebolusyon noong WW I at WW II. Ilusyon at demoralisasyon lamang ang maranasan ng ibang nagsusuring elemento sa Pilipinas na naniniwala pa na mareporma ang mga organisasyong ito sa pamamagitan ng pagkilos sa loob bilang “radikal na oposisyon”. At malaki pa ang peligro na lalamunin ang mga elementong ito sa kabulukan ng mga organisasyong sinasawsawan nila.
Lalupang Umiigting ang Bangayan ng mga Paksyon ng Naghaharing Uri
Noong 2010 ay relatibong nagtagumpay ang naghaharing uri na maghasik ng populismo sa mamamayan. Gamit ang pagkamatay ni dating pangulong Corazon Aquino at ang pagpaslang kay Ninoy Aquino ay naluklok sa Malakanyang ang kanyang anak na si Noynoy Aquino at ang Liberal Party.
Subalit, kung gaano kabilis ang pagiging popluar ni Aquino ay ganun din ka bilis ang pag-alingasaw ng baho hindi lang ng kanyang rehimen kundi ng buong naghaharing sistema. Kabi-kabilang mga iskandalo at katiwalian ang lumukob sa kanyang gobyerno na hindi kayang itago ng mga “anti-katiwalian” na kampanya nito sa pinalitang rehimen na paksyong Arroyo, sa pagpapatalsik kay Corona at pagbilanggo sa tatlong senador – Estrada, Enrile at Revilla. Ang pinakasikat na iskandalo ng katiwalin ng rehimeng Aquino ay ang DAP/PDAP.
Ang kapalpakan ng rehimeng Aquino ay hindi lang simple dahil kay PNoy at sa Liberal Party. Matagal ng palpak at bulok ang kapitalistang sistema sa Pilipinas bago pa man naupo ang kasalukuyang paksyon.
Kasabay ng kabulukan ng kasalukuyang administrasyon ay umalingasaw din sa baho ng korupsyon at pagpapayaman sa sariling pamilya ang oposisyon partikular sa pinakamalakas na manok nito ngayong 2016, si VP Jojimar Binay. Patunay lamang na administrasyon at oposisyon man ay bulok at tiwali.
Sila-sila na mismo ang naglantad sa baho ng kanilang mga karibal sa pulitika. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo hindi na kailangan ang mga radikal at progresibo sa loob ng parliyamento upang ilantad ang kabulukan ng sistema.
Kasabay ng pag-igting ng batuhan ng putik at tunggalian ng administrasyon at oposisyon ay sinisikap pa rin ng ilang seksyon ng naghaharing uri na iwasiwas muli ang populismo para malinlang ang tao. Kaya naman ilang mayayamang negosyante ang nag-udyok kay senadora Grace Poe at Davao City mayor Rody Duterte na tumakbong presidente sa 2016. Dahil hindi na mapigilan ang batuhan ng putik at nalalantad na ang pangunahing manok ng oposisyon na si Binay ay tiwali din pala, naghahanap ngayon ng “bago” at “malinis” na mukha ang ilang seksyon ng mapagsamantalang uri upang malinlang ang masa na sa 2016 ay may pag-asa pa.
Hindi na bago ang taktikang ito ng burgesya ng paglalako ng isang popular na tao para iboto. Ginawa nila ito sa Latin at Central Amerika kung saan mula pa sa kaliwa ng burgesya ang naghaharing paksyon sa estado. Nitong huli ay sa Gresya. Pero dahil kapitalismo pa rin ang pinagtatanggol, mabilis pa sa alas kwatro ang paglaho ng populismo.
Sa abanteng kapitalistang mga bansa sa Uropa ay ilang dekada ng bukas para sa kaliwa na mamuno sa estado ang naghaharing uri. Nauna pa sila sa Latin at Central Amerika.
Ang partikularidad lang sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas kung saan mahina ang burgesya kumpara sa Uropa ay mas malala at lantaran dito ang marahas na tunggalian ng mga paksyon ng mapagsamanlang uri. Kadalasan ay umabot sa armadong labanan at digmaan. Literal na ginagamit ng naghaharing uri sa mga atrasadong bansa ang sinabi ni Mao na “ang kapangyarihan ay nagmula sa baril”.
Kawalan ng Perspektiba: Sinasamantala Para Palakasin Ang Populismo ng Diktadurya ng Isang Tao
Isa sa negatibong epekto ng dekadenteng kapitalismo na nasa kanyang naaagnas (dekomposisyon) na yugto ay ang paglakas ng desperasyon at kawalang pag-asa sa hanay ng mahihirap na masa. Isa sa mga indikasyon nito ay ang lumpenisasyon ng isang seksyon ng masang anakpawis, pagdami ng nagpapatiwakal (suicides), kabulukan ng kultura ng kabataan at gangsterismo. Lahat ng ito ay manipestasyon ng lumalakas na diskontento ng masa sa sakalukuyang sistema pero hindi nila alam ano ang gagawin at ano ang ipapalit. Sa madaling salita, paglakas ng diskontento pero kawalan ng perspektiba sa hinaharap kaya lumalakas sa hanay ng ilang seksyon ng uring manggagawa ang “bawat isa para sa kanyang sarili” at “isa laban sa lahat” na mga ideolohiya ng nabubulok na uring burges.
Pero may mas masahol pang epekto ang kawalan ng perspektiba bunga ng demoralisasyon: pag-asa sa isang tao na siyang magliligtas sa karamihan mula sa kahirapan; pag-asa sa isang malakas at “mabuting” diktador. Wala itong kaibahan sa pag-asa sa isang “makapangyarihang diyos” na bababa sa lupa upang iligtas ang sangkatauhan na sumampalataya sa kanya at parurusahan ang hindi. Ang uring may dala ng ganitong kaisipan ay ang uring peti-burges.
Kung maalala natin, dahil sa pagtraydor ng stalinismo at Ikatlong Internasyunal noong 1920s at kombinasyon ng matinding krisis ng dekadenteng kapitalismo ay lumakas ang kaisipan ng isang malakas na diktador na magliligtas sa inangbayan. Ito ang dahilan ng paglakas ng diktador na si Hitler sa Alemanya at Mussolini sa Italya na itinutulak pareho ng peti-burgesya at malalaking burgesya. Ganito rin ang nangyari noong krisis ng 1960s-70s: paglitaw ng mga diktador laluna sa atrasadong mga bansa tulad ng Pilipinas.
Muli na naman itong pinalakas ng uring burges sa Pilipinas na suportado ng isang seksyon ng malalaking kapitalista gamit ang populismo. Kaya hindi nakapagtataka ang paglakas ng opinyong publiko laluna sa panggitnang pwersa na suportado ng kaliwa at kanan sa kandidatura nila Davao City mayor Rody Duterte[4] at senador Ferdinand Marcos Jr. Kung gawing batayan ang una, mapapansin natin ang pagkakaisa ng ilang seksyon ng mga maoista at anti-komunistang mga pulitiko sa Mindanao sa kandidatura ni Duterte. Wala pa mang opisyal na pampublikong pahayag ang mga legal na organisasyon ng maoistang kilusan pero naglabas na ng ilang pahayag ang “guru” ng maoismo sa Pilipinas na si Jose Ma. Sison pabor sa kandidatura ni Duterte.
Kung tatakbo si Duterte bilang pangulo sa 2016 at magpasya ang naghaharing uri sa Pilipinas na kailangan ng bansa ang isang diktador tulad noong panahon ni Marcos upang tangkaing isalba ang naghihingalong kapitalismo sa Pilipinas at lunurin sa takot at pagsuko ang masang mahihirap sa gobyerno, tiyak na mananalo siya. Sa huli, walang pakialam ang uring kapitalista lokal man o dayuhan kung anong klaseng pamamahala meron ang Pilipinas. Ang importante sa kanila ay magkamal ng tubo.
Kung ang demokratismo ay martilyo, maso naman ang diktadurya ng isang tao para durugin ang rebolusyonaryong kilusang paggawa sa Pilipinas na matagal ng sinasabotahe at pinahihina ng repormismo at oportunismo ng kaliwa at mga unyon.
Maliit na Komunistang Minoriya sa Pilipinas: Walang Ilusyon Habang Sinasalungat ang Malakas na Agos
Di hamak na napakaliit na minoriya pa lamang ang mga komunista at internasyunalista sa Pilipinas. Napakalimitado pa ng kanilang kakayahan sa paglunsad ng propaganda at komprehensibong paliwanag sa hanay ng masang manggagawa bakit kailangang boykot ang paninindigan at gawin.
Pero hindi ito balakid para sa mga komunista sa Pilipinas. Katulad ng mga “ninuno” nila na maliit na minoriya sa loob ng nabubulok na Ikalawa at Ikatlong Internasyunal, matatag na naninindigan sila sa kung ano ang tama at rebolusyonaryong tindig sa kabila ng napakalakas na agos ng repormismo at katrayduran na bumabayo kahit sa loob ng kilusang paggawa.
Tiyak na sa darating na 2016 ay bubuhos sa mga presinto ang malaking bilang ng masang anakpawis sa ibat-ibang kadahilanan. Bubuhos sila dahil sa pagtutulungan ng kanan at kaliwa ng burgesya, ng estado, simbahan at media na dapat silang bomoto para ipakita na buhay ang burges na demokrasya sa Pilipinas.
Malakas pa man ang hatak ng repormismo at elektoralismo sa hanay ng masang api, hindi ibig sabihin na hindi dumarami sa kanilang hanay ang kritikal na nag-iisip at nagsusuri bakit sa ilang dekada nilang pagboto at pag-asa sa mga pangako ng lahat ng mga kandidato at pulitiko ay walang pagbabago sa kanilang hirap na kalagayan. At kasabay ng paglakas ng kanilang mga pakikibaka ay mas lalupa nilang makita ang kainutilan hindi lang ng eleksyon kundi ng mismong gobyerno at sistemang kapitalismo.
Ang makauring pakikibaka sa pandaigdigang saklaw ang ilaw na gagabay ng uring manggagawa sa Pilipinas upang muli nilang makita at maalala na ang mga manggagawa ay walang bansa at hindi nila alyado kundi mortal na kaaway ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang mga organisasyon na nagkukunwaring progresibo at rebolusyonaryo.
Sa kasalukuyan ay may lumitaw na na mga elemento mula sa kabataang manggagawa at estudyante sa Pilipinas na kritikal na nag-aaral at inuunawa ang kasaysayan ng internasyunal na kilusang komunista. Sila ang henerasyon na hindi kabilang sa anumang organisasyon ng kanan at kaliwa pero naghahanap ng mga kasagutan sa kanilang maraming tanong dahil nais nila ng tunay na panlipunang pagbabago.
Lubhang napakaliit man ang bilang nila kumpara sa mga aktibista ng mga paksyon ng kaliwa, mas mataas ang kalidad nila sa pag-aaral at pagsusuri sa reyalidad at tunggalian ng uri dahil marxismo ang kanilang gabay.
Mahina pa man ang panawagang BOYKOT sa eleksyon, ito naman ang tama at marxistang tindig para muling lalakas ang proletaryong rebolusyon.[5]
Internasyonalismo
Agosto 2015
[1] Pundamental na kaiba at salungat ang paninindigang boykot ng mga marxista sa boykot ng mga maoista sa Pilipinas noong panahon ng diktaduryang Marcos at maging sa mga maoista ng Peru at LLCO. Ang boykot ng una ay nakabatay sa istorikal na ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo at sa usapin ng kapasidad nito na magbigay ng makabuluhang reporma habang ang sa huli ay nakabatay sa burges na demokratismo at panatisismo sa gerilyang pakikidigma.
Kaya naman ng “bumalik ang demokrasya” sa Pilipinas ay agad-agad lumahok sa eleksyon ang mga maoista.
[2] Sa isip at gawa ay walang hibo ng sosyalismo ang BISIG.
[3] Ilan sa mga panatikong tagasunod ng maoismo ay gumagawa pa ng mga pang-iinsulto at diskriminasyon sa social media para lamang maipakita na anti-rehimeng Aquino sila. Kabilang na dito ang pagtawag kay Pnoy na abnormal, retarded at bakla; mga salitang malinaw na paninirang-puri sa mga special children/people at sa LGBT community. Para sa mga panatikong ito, ang mga may kapansanan at “kaiba” ang kasarian ay kaaway ng rebolusyon. Maaring magpalusot ang maoistang partido na hindi ito ang kanilang patakaran. Pero indikasyon ito na mismong sa kanilang hanay ay may mga tagasuporta (o malamang ang iba ay myembro pa) na may ganitong paniniwala. Indikasyon ng kabulukan ng maoismo sa Pilipinas.
[4] Pinagyabang ni Duterte ang kanyang diktaduryang pamamalakad sa Davao City at pagkakaroon niya ng sariling armadong grupo laban daw sa mga kriminal, ang Davao Death Squad (DDS) na karamihan ay mga dating mandirigma ng maoistang NPA. Nangako siya na kung siya ang maging presidente ay gagawin niya sa buong Pilipinas ang ginawa niya sa Davao City. Sabi pa niya sa isang interbyu sa media, “papupulahin niya ang Manila Bay sa dugo ng mga kriminal”. Halos ganito rin ang linya ng dating diktador na si Marcos sa kanyang “kilusang bagong lipunan” at “the Philippines can be great again”.
[5] Kailangang linawin na hindi lang ang paninindigang boykot sa eleksyon ang sukatan para mapabilang sa kampo ng proletaryong internasyunalismo. Marami pang mga usapin ng pagrerebolusyon ang kailangang tindigan para maging isang komunista sa panahon ng imperyalismo. Kabilang na dito ang usapin ng nasyunalismo/pambansang soberaniya, demokrasya at unyonismo. Importante rin ang usapin ng marxistang organisasyunal na prinsipyo para matawag na isang komunista.
Noong Enero 25, 2015 sa Mamasapano, Maguindanao ay nagkaroon ng sagupaan sa pagitan ng Special Action Forces (SAF) ng gobyerno at mga gerilyang grupo ng MILF at BIFF. Apatnapu’t apat (44) ang napatay sa pwersa ng SAF na labis na ikinagalit ng mayoriya ng mamamayan na hindi Moro.
Ano ang dahilan ng ispontanyong galit ng maraming mamamayan? Walang kagyat na tulong mula sa iba pang armadong pwersa ng gobyerno na malapit sa Mamasapano, partikular ang Armed Forces of the Philippines (AFP). Galit din ang karamihan dahil sa karumal-dumal na pagpatay sa 44 na SAF.
Sino ang sinisisi? Ang presidente mismo ng Pilipinas na si BS Aquino, ang MILF at ang Bangsamoro Basic Law.
Naging maingay sa social media: patalsikin si BS Aquino bilang presidente at gantihan ang MILF sa pamamagitan ng digmaan. Ito ang “hustisya” para sa kanila.
Ang “mayoriya” na sinasabi namin ay halu-halo: mula sa Kanan, Kaliwa, mga pulitiko, simbahang Katoliko, mga petiburges laluna ang kabataan. At ang dahilan ay ang bugso ng galit dahil sa barbarikong pagpaslang sa kapullisan at kapabayaan ng paksyong Aquino sa kanya mismong armadong pwersa.
Imperyalistang digmaan: Hindi makatao at walang ilusyon na ito ay maging makatao!
Ang karumal-dumal na pagpatay sa 44 SAF ay higit sa lahat bunga ng isang digmaan sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri. Ang mga digmaan na nangyayari sa buong mundo ngayon ay sa pangkalahatan isang inter-imperyalistang digmaan. Ang mga ito ay hindi digmaan sa pagitan ng pinagsamantalahan at nagsasamantalang mga uri.[1]
Ang sinasabing “kapayapaan” o “negosasyon para sa kapayapaan” ay sa esensya bahagi ng paghahanda para sa digmaan. Hindi lang sa Pilipinas nangyari ang ilang beses ng mga “usapang pangkapayapaan”. Sa halos lahat ng mga bansang may digmaan ay may “usapang pangkapayapaan” na laging nauuwi sa panibagong digmaan. Hindi na bago sa atin ang ilang dekadang “usapang pangkapayapaan” sa pagitan ng Israel at Palestino, at iba pang bahagi ng Gitnang Silangan at maging sa Aprika.
Ganito ang nangyayari sa pagitan ng kapitalistang gobyerno ng Pilipinas at MILF, MNLF at ng maoistang CPP-NPA.
Tumpak ang suri ng mga komunista noong WW I na ang imperyalismo o dekadenteng kapitalismo ay yugto ng mga digmaan, kaguluhan at rebolusyon dahil dumating na sa yugto na ang mga panloob na mga kontradiksyon ng kapitalismo ay naging permanente na at wala ng solusyon maliban sa ibagsak ang umiiral na bulok na kaayusan.
Ang mga armadong pwersa ng gobyerno at mga gerilyang grupo ay mga instrumento para manatili ang bulok na kaayusan sa lipunan o kaya para maipatupad ang ibang bersyon ng kapitalistang pagsasamantala matapos maagaw ng isang paksyon ang kapangyarihan. Ito ang huwag nating makalimutan kung naintindihan natin ang marxistang pagsusuri sa estado at rebolusyon.
Kaya naman ang tindig ng mga rebolusyonaryong manggagawa mula pa noong pagpasok ng 20 siglo ay tutulan ang mga digmaan, isulong ang pandaigdigang rebolusyon ng manggagawa para ibagsak ang kapitalismo!
Bakbakan sa Mamasapano
Ang naging mitsa ng bakbakan sa Mamasapano ay ang sekretong operasyon ng SAF para hulihin ang 2 internasyunal na terorista na sila Zulkifli Abdhir (aka Marwan) at Basit Usman. Sa punto-de-bista militar[2], nangyari ang gyera dahil sa pumalpak na sekretong operasyon. Walang kaalam-alam ang AFP at MILF sa plano ng SAF.
Pero may mas malalim pang dahilan. Sa panahon ng naaagnas na dekadenteng kapitalismo matapos mabuwag ang 2 imperyalistang bloke ng USSR at USA, ang nangingibabaw sa lipunang kapitalista ay “bawat isa para sa kanyang sarili” at “isa laban sa lahat”.
Maliban na may mga panahon na kailangan ang sekretong operasyon sa usaping militar, ang pangunahing dahilan ng walang koordinasyon ng SAF sa AFP at MILF ay kawalan ng tiwala at ang pagnanais na masolo ang milyones na gantimpala[3].
Ang pagkanya-kanya ng mga makapangyarihang imperyalista sa pandaigdigang antas ay mas lalupang nakikita sa batayang antas.[4]
Ang maraming patay sa panig ng SAF (44) at MILF (18) hindi pa kasama ang mga sugatan sa kabila na may “tigil-putukan” ay sa huling pagsusuri dahil sa “bawat isa para sa kanyang sarili” at “isa laban sa lahat”.
Kampanya “laban” sa terorismo
Kampanya daw laban sa terorismo ang operasyon ng SAF. Alam ito ng Malakanyang at mas dumarami ang datos na may direktang pakikialam sa operasyon ang imperyalistang Amerika.[5]
Kailangang ilantad sino/ano ang dahilan ng paglitaw at paglawak ng mga teroristang organisasyon para hindi tayo malinlang sa mga “kampanya laban sa terorismo” ng malalaking imperyalsitang kapangyarihan at gobyerno.
Una sa lahat, ang terorismo ay nagmula mismo sa mga kapitalistang gobyerno. Sila ang lumikha ng ibat-ibang teroristang organisasyon para labanan ang kanilang mga karibal.[6] Kung hinabol man ng imperyalistang Amerika ang mga teroristang organisasyon tulad ng Jemaah Islamiyah ay dahil hindi na nila makontrol mismo ang mga halimaw na sila ang may likha.
Ikalawa, hindi rin lingid sa karamihan pero minamaliit ng Kaliwa na may kaugnayan ang MILF, MNLF at BIFF sa mga teroristang organisasyon at maraming mga MILF/BIFF local commanders ang alam at pinabayaan lamang ang mga lider ng mga teroristang grupo na malayang makakilos sa kanilang teritoryo.
Ang “kampanya laban sa terorismo” ay inutil at hindi solusyon dahil mismong ang mga pasimuno sa kampanya ang dahilan ng paglitaw at pagdami ng mga terorista.
Noong 2007 naglabas kami ng pahayag matapos paslangin ang 14 na sundalong marines ng tangkain nitong iligtas si Fr. Bossi mula sa nagkakaisang pwersa ng Abu Sayyaf at MILF[7]:
“Ang tamang panawagan ay: Kailangang ibagsak ng manggagawang Moro ang mga kapitalistang Moro (pro-Gloria,[6] [84] anti-Gloria, Abu Sayyaf, MNLF,[7] [85] o MILF[8] [86]). Kailangang talunin ng manggagawang Pilipino ang mga kapitalistang Pilipino (pro-GMA[9] [87] o anti-GMA). Ang mga manggagawa ng mundo ay kailangang ibagsak ang internasyunal na burgesya (Kaliwa man o Kanan).
Sa kasalukuyang permanenteng krisis ng kapitalismo, sa intensipikasyon ng mga digmaan at terorismo sa ibat-ibang bahagi ng mundo kung saan hindi lang ang sangkatauhan ang isinasakripisyo ang buhay at aria-arian kundi ang planeta mismo ay nasa peligrong mawasak, walang ibang solusyon kundi ibagsak ang kapitalismo at itayo ang sosyalismo sa pandaigdigang saklaw; hindi pakikibaka sa reporma kundi rebolusyonaryong pakikibaka. At ang tanging uri na may kapasidad na gawin ito ay ang nagkakaisa at mulat na uring manggagawa, hindi anumang porma ng alyansa sa pagitan ng proletaryado at paksyon ng burgesya. Ang tanging alyansa na kailangang pasukin ng manggagawang Moro at Pilipino ay ang alyansa ng mga manggagawa sa lahat ng mga bansa.”
BS Aquino Resign: Recycled na Panawagan ng mga Repormista at Burges na Oposisyon
Ang oportunistang taktika ng Kaliwa ay pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng naghaharing uri. Ito ang tinatawag na “piliin ang hindi masyadong dimonyo” (“choose the lesser evil”). Ito ay nagmula pa noong huling bahagi ng 1920s sa nabubulok na 3rd International hanggang naging bahagi na ng batayang prinsipyo ng “marxismo-leninismo” (stalinismo) at maoismo.
Ang panawagang “Resign!” ay sumikat noong Edsa 2 sa pagpapatalsik kay Erap Estrada. Inulit na naman ito noong panahon ng rehimeng Arroyo at binuhay na naman ngayong panahon ng paksyong BS Aquino.
Ang panawagang “Resign!” ay hindi proletaryong panawagan kundi panawagan ng ibat-ibang paksyon ng naghaharing uri laban sa dominanteng paksyon. At dahil ang Kaliwa ay isa sa mga kamay ng naghaharing uri, tapat nila na sinusunod at pinatutupad ito. Kaya naman hindi dapat ipagtaka kung bakit maraming mga pagkilos na nagkakaisa ang Kanan at Kaliwa ng burgesya sa kabila ng kanilang mga propaganda na “mortal na magkaaway” sila.
Sa kabilang banda, dahil sa paksyunal na tunggalian at kapalpakan sa Mamasapano, muling ginawang alibi ng magkabilang panig ang isyu ng “kapayapaan laban sa digmaan.”
Si BS Aquino ay “para sa kapayapaan” at Bangsamoro Basic Law (BBL)[8] habang ang mga anti-Aquino ay “para sa digmaan” sa Mindanao at ayaw sa BBL. Ang Kanan ay maingay na nagtatambol sa digmaan habang ang Kaliwa naman ay parang bibingka: nanawagan ng pagpapatalsik kay PNoy (kaya nakipagkaisa sa Kanan) pero nais naman na ipagpatuloy ang BBL (o kaya mas radikal na bersyon ng BBL) na wala na si PNoy.
Anu’t anuman, magpatuloy man si PNoy o mapalitan ng ibang trapo, ito man ay TRC/TRG/DCG o eleksyon sa 2016, mananatiling ang naghaharing mapagsamantalang uri ang may kontrol sa ekonomiya at pulitika ng bansa.
Reaksyunaryong armadong pwersa: Mapagpasyang pwersa sa kampanyang BS Aquino Resign!
Hindi ang rebolusyonaryong kilusang manggagawa ang mapagpasyang pwersa sa kampanyang Resign! ng Kanan at Kaliwa ng burgesya kundi ang reaksyunaryong armadong pwersa.
Una sa lahat, ang kasalukuyang balanse ng pwersa ay malinaw na napakahina pa ng independyenteng kilusang manggagawa upang makapag-impluwensya sa pampulitikang direksyon ng inter-paksyunal na tunggalian ng naghaharing uri. At kailanman ay hindi makapagpalakas sa kilusang proletaryo ang pakikipag-alyansa sa isang paksyon ng mga trapo at maging sa paksyon ng reaksyunaryong hukbo (AFP man o NPA o anumang armadong hukbo).
Ikalawa, dahil sa sitwasyon na nakasaad sa una, ang Edsa 1 at Edsa 2 ay nangyari dahil sa sentral na papel ng reaksyunaryong armadong hukbo ng estado. At tiyak, ito pa rin ang mapagpasya sa “tagumpay” ng BS Aquino Resign!
Ang mabuway at napakahinang kilusang manggagawa na impluwensyado ng Kanan at Kaliwa at ng kanilang mga unyon ay tiyak gagamitin lamang ng uring kapitalista at mga burukratang lider-unyonista para maging populista ang anumang pagpapalit ng paksyon sa Malakanyang. At kung magkaroon ng polarisasyon sa pagitan ng pro-BS Aquino at anti-BS Aquino, ay tiyak na magkakasakitan o kaya magkamatayan lamang ang mga manggagawa at maralita sa isang tunggalian na hindi sila ang makinabanang alinman sa mga paksyon ang mananaig.
Huwag magtraydor sa proletaryong prinsipyo ng internasyunalismo at independyenteng kilusang manggagawa!
Una sa lahat kinikilala ng mga rebolusyonaryo sa Pilipinas na napakahina pa nito at napakaliit pa lamang na seksyon ng manggagawa ang seryosong nakikinig sa kanila. Kaya isang ilusyon na mangarap na makapag-impluwensya ito sa kagyat na pampulitikang usapin.
Subalit hindi ibig sabihin na titigil o manahimik na lamang ang minoriyang rebolusyonaryo dahil “walang nakikinig”.
Ito ang sinabi namin noong panahon ng adbenturismong militar ng Magdalo noong 2007[9]:
“Proletaryong layunin at pamamaraan
Ang tanging solusyon sa kasalukuyang krisis ng kapitalismo ay wasakin mismo ito. Rebolusyon ng mga manggagawa lamang ang tanging solusyon sa lumalalang krisis ng panlipunang sistema. Ang rebolusyong ito ay proletaryo kapwa ang layunin at pamamaraan na nakabatay sa mulat na pagkilos ng masang manggagawa bilang isang internasyunal na uri.
Proletaryong layunin: Pagdurog sa kapitalismo at sa burges na estado. Mga pang-ekonomiyang pakikibaka na direktang nakaugnay at nagsisilbi sa pag-agaw sa pampulitikang kapangyarihan.
Proletaryong pamamaraan: Independyente at malawak na kilusang manggagawa na organisado sa mga asembliya at konseho HINDI sa mga unyon.”
Ang tungkulin ng mga komunista sa panahon na mahina o hupa ang kilusang paggawa ay:
“Nasa minoryang mga komunista sa Pilipinas ang mabigat na tungkulin na ipaunawa sa masang manggagawang Pilipino kung ano ang tunay na mga aral na dapat halawin sa kanilang karanasan mula noong 1972 sa panahon ng pasistang diktadura hanggang ngayon at ganun din, sa karanasan ng kanilang mga kapatid sa uri sa internasyunal na saklaw sa loob ng mahigit 200 taon para maintindihan nila ng lubusan na ang Kanan at Kaliwa ng burgesyang Pilipino ay walang pinag-iba; na ang pasismo, militarismo at demokrasya ay walang kaibahan dahil ang mga ito ay sandata ng uring mapagsamantala para supilin ang uring pinagsamantalahan.
Hindi ito madaling gawin dahil napakalakas pa ng mistipikasyon ng demokrasya, nasyunalismo at unyonismo at ng mga organisasyon at partido ng Kaliwa sa Pilipinas. Subalit dapat nating panghawakan ang matibay na paninindigan ng Italian Communist Left sa 1930s kung saan halos nag-iisa ito sa pagtatanggol sa istorikal na interes ng uri at sa internasyunalismo; kung saan ang buong hanay ng Kaliwa — stalinista, trotskyista at anarkista — ay pumasok sa prente popular ng burgesya (united front) at itulak sa nagliliyab na apoy ang milyun-milyong manggagawa sa walang katulad na barbarikong masaker ng inter-imperyalistang digmaan sa kasaysayan; kung saan nag-iisa lamang sa pagtindig ang mga kaliwang komunista sa pagwagayway ng bandilang NO BETRAYAL!”
Proletaryong pagpapasya hindi “karapatan-ng-sariling pagpapasya” ng burgesyang Moro!
Rebolusyon ng manggagawa hindi kudeta gamit ang “kilusang masa”!
Diktadura ng proletaryado hindi koalisyon ng Kaliwa, Kanan, mga trapo, militar at mga Obispo ng simbahang Katoliko!
Alex, 2/15/2015
[1] Kung masaker lang ang pag-uusapan, napakaraming mga masaker sa daan-daan at libu-libong inosenteng sibilyan bunga ng mga digmaan sa buong mundo sa loob ng mahigit 100 taon. At wala ng mas karumal-dumal kaysa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan. Nitong huli ay nagliliyab ang Gitnang Silangan at Aprika sa mga masaker na kagagawan pareho ng mga gobyerno at rebeldeng grupo. Ang Pilipinas ay hindi rin nagpahuli sa usapin ng mga masaker. Pero iniiwasan ito ng media at ng Kanan at Kaliwa para lamang palakihin ang “masaker” daw sa SAF doon sa Mamasapano.
[2] Mula ng nahati ang lipunan ng tao sa mga uri, naging bahagi na nito ang mga digmaan upang sakupin ang ibang lugar/komunidad at para isulong ang mas abanteng moda (pero mapagsamantala pa rin) ng produksyon. Pero sa sistemang kapitalismo lamang ginawang moderno at “syensya” ang larangang militar. Sa kapitalismo lamang ginawang “syensya” paano kumitil ng mas maraming buhay.
[3] Hindi na lihim na ginawa na ring negosyo at pagkakaperahan ang pagtugis sa mga kriminal at terorista. Ang mga armadong institusyon mismo ng estado ay nagiging mga ‘bounty hunters’ na kaya mahigpit ang kanilang kompetisyon.
[4] Lahat ng mga pangunahing paksyon ay nahati pa sa maraming mga sub-paksyon na may mahigpit na kompetisyon at tunggalian. Kaya naman maging ang pangunahing paksyong Aquino ay nahati sa magkatunggaling mga paksyon. Ganun din ang kanilang mga karibal. Ang “pagkakaisa” ng bawat paksyon ay pangunahin dahil sa kanya-kanyang pansariling interes.
[5] Ang direktang pakikialam ng imperyalistang Amerika sa operasyon sa Mamasapano ay makitid at ideyalistikong pinalaki ng Kaliwa laluna ng maoistang kilusan na ang tonada ay pumalpak ang Mamasapano dahil sa pakikialam ng Amerika. Habang ang imperyalsitang Amerika ang lumikha mismo sa mga pinakamabangis at pinakamasamang teroristang grupo sa mundo hindi lang ito ang nakialam sa mga operasyong militar ng ibang mga bansa. Lahat ng mga bansa, malaki man o maliit ay kundi man aktwal na nakialam kung ito ay may kapasidad ay nagnanais makialam para lamang protektahan ang kani-kanilang pambansang interes. Ilan sa mga halimbawa na lang ay ang Iran, Syria, China at Russia na pawang mga “anti-Amerika”.
[6] Noong panahon ng Cold War parehong ang mga bloke ng USSR at USA ay may sinusuportahang teroristang organisasyon tulad ng Al-Queda ni Bin Ladin na suportado ng Amerika laban sa USSR. Ganun din ang USSR laban sa USA, ang mga “Red Bridages” na naglipana sa Uropa.
[7] https://en.internationalism.org/icconline/2007/july-august/terrorism-phi... [88]
[8] Hindi pa man napinalisa ang Bangsamoro Basic Law (BBL) alam na ng mga rebolusyonaryo na ang pundasyon nito ay para magkaroon ng hatian sa pagitan ng mga mapagsamantalang uri mula sa Luzon/Visayas at mga warlords sa rehiyong Moro sa Mindanao na namumuno rin sa MILF. Ibig sabihin, ang maghahati sa halos nauubos na na kayamanan sa Mindanao ay ang mga naghaharing uri pa rin kasama na ang mga imperyalistang kapangyarihan tulad ng Amerika, European Union, Malaysia at Saudi Arabia.
Pero minaliit ito ng Kaliwa dahil sa kanilang paninindigang “karapatan-sa-sariling pagpapasya” mula sa kaban ng “marxismo-leninismo”. Matagal ng napatunayan na ang “karapatan-sa-sariling pagpapasya” ay karapatan ng uring burges para magtayo ng sariling bansa o teritoryo laban sa uring manggagawa. Ang BBL ay pabor pareho sa mga pangunahing warlords na Moro sa Mindanao at sa malalaking imperyalistang mga bansa.
Kung may mga paksyon man na naghaharing uri na tutol sa BBL ito ay dahil ayaw nilang dadami pa ang makihati sa lumiliit na yaman na pwedeng paghatian o kaya dahil hindi sila kasama sa hatian (tulad ng MNLF at warlords na dating nasa MILF na bumuo na ngayon ng BIFF).
[9] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201001/154/adbenturis... [89]
Hindi bago ang terorismo[3]. Ang bago ay ang porma nito mula kalagitnaan ng 80s na naging pandaigidigang penomenon na walang katulad sa nakaraan. Ang mga serye ng walang pinipiling mga atake sa Paris noong 1985-86, na malinaw na hindi kagagawan ng maliit at independyenteng mga grupo kundi may marka na kagagawan ng isang gobyerno, ay nagbukas ng panibagong yugto sa paggamit ng terorismo na umabot na sa hindi mawaring antas at kumitil ng dumaraming mga biktima.
Hindi rin bago ang mga teroristang atake ng mga panatikong islamista. Regular na saksi ang bagong siglo nito, at mas malawak pa kaysa mga atake sa Paris nitong Enero 2015.
Ang kamikaze na mga eroplano na bumangga sa Twin Towers sa New York noong Setyembre 11, 2001, ay nagbukas ng bagong yugto. Para sa amin pinayagan ng US Secret Service na mangyari yun at maaaring tumulong pa sa mga atakeng yun, para bigyang katuwiran ang digmaan ng imperyalistang Amerika sa Afghanistan at Iraq, katulad ng ginawang pag-atake ng Hapon sa baseng nabal sa Pearl Harbor noong Disyembre 1941, na nakita at nais mangyari ni Roosevelt, na nagsilbing alibi para pumasok ang US sa World War II[4]. Subalit klaro din na ang mga may kontrol ng eroplano ay ganap na mga panatikong baliw na naniwala na makarating sila sa langit sa pamamagitan ng pagpatay ng mas marami at pagsakripisyo ng kanilang buhay.
Wala pang tatlong taon matapos ang New York, Marso 11, 2004, naging eksena ang Madrid ng malagim na masaker: "Islamistang" mga bomba dahilan ng 200 patay at mahigit 1,500 sugatan sa istasyon ng Atocha; halos magkaluray-luray ang mga katawan na makilala lamang sila gamit ang DNA. Sa sumunod na taon, sa 7 Hulyo 2005, ang London naman ang ginulantang ng apat na pagsabog, at sa pampublikong transportasyon, na kumitil ng 56 tao at 700 sugatan. Nakaranas din ang Rusya ng maraming islamistang atake sa 2000s, kabilang na ang 29 Marso 2010 na pumatay ng 39 at sumugat ng 102. At syempre, hindi rin nakaligtas ang mga bansa sa gilid, laluna ang Iraq magmula ng pananakop ng Amerika noong 2003 at nakikita din natin kamakailan sa Pakistan, sa Peshawar, kung saan noong nakaraang Disyembre ay 141 ka tao kabilang na ang 132 mga bata ang pinatay sa kanilang paaralan[5].
Ang atakeng ito, kung saan ang mga bata ang sadyang target, ay makikita natin ang mas mas tumitindi pang barbarismo ng mga tagasunod ng "Jihad". Ngunit ang atake sa Paris nitong 7 Enero, hindi man kasing grabe at lagim kaysa Pakistan, ay nagpakita ng panibagong dimensyon ng pagdausdos patungong barbarismo.
Sa nagdaang mga kaso, gaano man kasuklam-suklam ang masaker ng mga sibilyan, kabilang na ang mga bata, mayroon pa ring konting “rasyunalidad”: ito ay para gumanti o pagtatangkang i-presyur ang estado at kanyang armadong pwersa. Ang masaker sa Madrid sa 2004 ay para “parusahan” ang Espanya sa kanyang panghimasok sa Iraq kasama ang Amerika. Ganun din ang pambobomba sa London sa 2005. Ang atake sa Peshawar ay naglalayong i-presyur ang militar ng Pakistan sa pamamagitan ng pagpatay sa kanilang mga anak. Pero sa kaso ng atake sa Paris nitong Enero 7, walang anumang “layuning militar”, kahit ito pa ay peke. Ang mga kartonista ng Charlie Hebdo at kanilang mga kasama ay pinatay para "ipaghiganti ang Propeta" dahil ang pahayagan ay naglabas ng mga karikatura ni Mohammed. At nangyari ito hindi sa isang bansa na winasak ng digmaan o pinamunuan ng relihiyosong panatisismo, kundi sa Pransya, "demokratiko, sekular at republikano".
Galit at nihilismo ang laging motor sa pagkilos ng mga terorista, laluna ang mga sadyang isinasakpripisyo ang kanilang buhay para makapatay ng mas marami. Pero ang galit na ito ay ginawang makina na mamamatay-tao ang mga tao, na walang pakialam sa mga inosente na kanilang napatay, ay mayroong pangunahing target na ibang “makina na mamamatay-tao” – ang estado. Wala ito sa 7 Enero sa Paris: ang oskurantistang galit at panatikong pagkauhaw ng paghihiganti ay makikita sa kanyang pinaka-purong porma. Ang kanyang target ay yung isa pa, ang hindi nag-iisip tulad ko, at laluna ang nag-iisip dahil nagpasya akong hindi mag-isip, ibig sabihin, ang gamitin ang mga bagay para sa tao.
Ito ang dahilan bakit napakalakas ng epekto ng pamamaslang sa 7 Enero. Naharap tayo sa hindi natin lubos maisip: paanong ang pag-iisip ng isang tao, edukado sa “sibilisadong” bansa, ay nahatak sa nakapakabarbariko at balintunang gawain katulad ng sa pinaka-panatikong Nazis sa kanilang pagsunog ng mga aklat at pinatay ang mga Hudyo?
At hindi pa yan ang pinaka-masama. Ang pinakamalupit na bahagi ay ang ginawa ng magkapatid na Kouachi, ni Amedy Coulibaly at kanilang kakutsaba, ay dulo lamang ng iceberg ng buong kilusan na yumabong sa mga mahihirap na komunidad na pinakita ng mga kabataan sa ideya na "dapat lang yan sa Charlie Hebdo dahil sa pang-iinsulto nito sa propeta ", at ang pagpatay sa mga kartonista ay “normal” lang.
Manipestasyon din ito sa pag-unlad ng barbarismo, ang pagkawasak ng “sibilisadong” mga lipunan. Itong pagbulusok ng isang bahagi ng kabataan, hindi lang yung nasa proseso ng imigrasyon, tungo sa galit at relihiyosong oskurantismo – ito ay isa sa mga sintomas sa pagkabulok ng lipunang kapitalista, pero signipikanteng punto sa bigat ng kasalukuyang krisis.
Ngayon, sa buong mundo (sa Uropa laluna sa Pransya), maraming kabataan na walang kinabukasan, nakatira sa magulong pamumuhay araw-araw, kinawawa sa sunud-sunod na kabiguan, sa kultural at panlipunang kahirapan, ay napakadaling silain ng mga masasamang rekruter (kadalasan may kaugnayan sa mga gobyerno o pampulitikang organisasyon tulad ng ISIS) para ipasok sa kanilang network sa pamamagitan ng mabilisan at hindi inaasahan kombersyon, para gawin silang mamamatay-tao o pambala ng kanyon para sa "jihad". Kulang ng kanilang sariling perspektiba sa kasalukuyang krisis ng kapitalismo, na hindi lang pang-ekonomiyang krisis kundi panlipunan, moral at kultural; naharap sa isang nabubulok na lipunan at napuno ng pagkasira, para sa karamihan ng ganitong kabataan ang buhay ay walang saysay at halaga. Ang kanilang desperasyon ay maaring maging may relihiyosong kulay ng bulag at panatikong pagsunod, nagbigay inspirasyon sa lahat ng klaseng irasyunal at masidhing aktitud, na ginatungan ng panlipunang nihilismo. Ang sindak ng kapitalistang lipunan na nabubulok, na sa ibang mga lugar lumikha ng malaking bilang ng mga sundalong bata (halimbawa sa Uganda, Congo at Chad, laluna simula maagang bahagi ng 1990s) ay nagluwal na ngayon, sa puso ng Uropa, ng mga kabataang baliw, propesyunal na mamamatay-tao, ganap na walang pakiramdam at may kakayahan na gawin ang pinaka-masama na hindi naghihintay ng gantimpala. Sa madaling sabi, itong bulok na kapitalistang sistema, kung pababayaan sa kanyang sariling pinakamasama at barbarikong dinamismo, ay dadalhin lamang ang sangkatauhan sa madugong kaguluhan, tungo sa nakakamatay na kabaliwan at kamatayan. Sa nakikita natin na paglaki ng terorismo, nagluwal ito ng dumaraming ganap na desperadong mga indibidwal, na pwedeng gumawa ng pinakamasamang gawain. Sa madaling sabi, minolde ang mga terorista sa kanyang sariling imahe. Kung umiral man ang naturang mga “halimaw” ito ay dahil ang kapitalistang lipunan ay naging “halimaw” na. At kung hindi man apektado ang lahat ng kabataan nitong oskurantista at nihilistikong tunguhin ng "jihad", ang katotohanan na marami sa kanila na kinilala ang mga gumagawa ng ganito na “bayani” o ahente ng “hustisya” ay patunay sa lumalaking bigat ng desperasyon at barbarismo na lumukob sa lipunan.
Subalit ang barbarismo ng kapitalistang mundo ay hindi lang nakikita sa mga teroristang aksyon at sa simpatiya na nakuha nito mula sa isang bahagi ng kabataan. Pinakita din nito sa tagong paraan na ang burgesya ay nagpapagaling gamit ang ganitong mga drama.
Sa panahon na sinulat ang artikulong ito, ang kapitalistang mundo, sa pamumuno ng pangunahing “demokratikong” mga lider, ay magsagawa ng kanilang nakapandidiring operasyon. Sa Paris, sa Linggo, Enero 11, isang malaking demonstrasyon ang pinaplano, sa ilalim ni Presidente Holland at lahat ng mga pampulitikang lider sa bansa, kasama ang mga lider ng mundo tulad nila Angela Merkel, David Cameron, mga pangulo ng gobyerno ng Espanya, Italya at marami pang ibang bansa sa Uropa, kundi kasama din ang Hari ng Jordan, Mahmoud Abbas, Presidente ng Palestinian Authority, at Benjamin Netanyahu, Primero Ministro ng Israel[6].
Habang daang libong tao ang ispontanyong lumabas sa lansangan sa gabi ng Enero 7, ang mga pulitiko, mula kay François Hollande, at media ng Pransya ay sinimulan ang kanilang kampanya: "Kalayaan sa pamamahayag at demokrasya ang nasa peligro ", "Kailangang kumilos at magkaisa tayo para ipagtanggol ang mga halaga ng ating republika." Dumarami, sa mga pagtitipon pagkatapos ng 7 Enero, narinig natin ang pambansang awit ng Pransya, ang "Marseillaise," na sinabi sa korus na "diligin ang ating lupa ng dugo ng mga makasalanan!" …"Pambansang Pagkakaisa", "pagtatanggol sa demokrasya ", ito ang mga mensahe na nais ng naghaharing uri na isalaksak sa ating mga ulo, ibig sabihin ang mga islogan na nagbigay katuwiran para hilahin at masakerin ang milyun-milyong manggagawa sa dalawang pandaigdigang digmaan. Sinabi din ni Hollande sa kanyang unang talumpati: sa pamamagitan ng pagpapadala ng hukbo sa Aprika, laluna sa Mali, sinimulan na ng Pransya ang pakikipaglaban sa terorismo (katulad ng paliwanag ni Bush sa interbensyong militar ng US sa Iraq noong 2003). Ang imperyalistang interes ng burgesyang Pranses ay malinaw na walang kaugnayan sa mga interbensyong ito!
Kawawang Cabu, Charb, Tignous, Wolinski! Una silang pinatay ng mga panatikong islamista. Pinatay na naman sila sa ikalawang pagkakataon ng mga representante at “tagahanga” ng burgis na "demokrasya", lahat ng mga pangulo ng mga estado at gobyerno ng naaagnas na pandaigdigang sistema ay responsable sa barbarismo na lumukob sa lipunan ng tao: kapitalismo. At ang mga pampulitikang lider na ito ay walang alinlangang gumamit ng teror, asasinasyon, at paghihiganti laban sa mga sibilyan kung ang pag-uusapan ay pagtatanggol sa interes ng sistema at naghaharing uri, ang burgesya.
Para wakasan ang barbarismo na pinakita ng pamamaslang sa Paris Enero 2015, tiyak na hindi ito magmula sa mga aksyon ng mga pangunahing tagasuporta at tagagarantiya ng ekonomikong sistema na siyang dahilan ng barbarismo. Magawa lamang ito sa pamamagitan ng pagwasak ng pandaigdigang proletaryado sa sistema, ibig sabihin, ng isang uri na ang kooperasyon ang lumikha ng halos lahat ng yaman ng lipunan, at papalitan ng isang tunay na unibersal na komunidad ng tao na hindi nakabase sa tubo, kompetisyon at pagsasamantala ng tao sa tao kundi sa abolisyon ng mga labing ito sa kasaysayan ng tao. Isang lipunan na "ang asosasyon kung saan ang malayang pag-unlad ng isa ay kondisyon para sa malayang pag-unlad ng lahat "[7], ang komunistang lipunan.
Révolution Internationale (11/01/2014)
[1] Sa loob ng ilang taon ang mga karikaturistang ito ay regular na nakatanggap ng banta sa kanilang buhay.
[2] Hindi ba ang ‘soixante-huitard’ na si Wolinski ay nagtrabaho sa pahayagan ng Partido Komunista na L’Humanité sa loob ng maraming taon? Hindi ba siya mismo ang sumulat na “ginawa namin ang Mayo 68 para hindi mangyari ang nangyari sa amin?
[3] Sa 19 siglo, isang maliit na mayoriya ang nag-alsa laban sa estado, tulad ng mga populista sa Rusya at ilang anarkista sa Pransya at Espanya, na nagbunga ng mga teroristang aksyon. Itong mga baog na marahas na mga aksyon ay laging ginagamit ng burgesya laban sa kilusang paggawa para bigyang katuwiran at legalisahin ang panunupil.
[4] Tingnan ang artikulo sa aming website: ‘Pearl Harbor 1941, the 'Twin Towers' 2001: Machiavellianism of the US bourgeoisie’. https://en.internationalism.org/ir/108_machiavel.htm [90]
[5] Ilang araw lang bago ang atake sa Paris, ang Islamistang Boko Haram sa Nigeria ay nagsagawa ng pinakamasahol na krimen, minasaker ang 2000 naninirahan sa lungsod ng Baga. Minimal lang ang balita ng media sa nangyari.
[6] Ang panawagan na rali para sa “Pambansang Pagkakaisa” ay hindi lang ganap na napagkaisahan ng mga unyon at pampulitikang partido (tanging ang National Front ang hindi sumama), kasama rin ang media. Maging ang pahayagan ng isports na L’Équipe ay nanawagan din ng demonstrasyon!
[7] Marx, Manipesto ng Komunista, 1848
Sa takip-silim ng sinaunang Roma, ang kabaliwan ng mga emperador ay mas patakaran kaysa eksepsyon. Duda ang ilang historyan na ito ay tanda ng kahinaan ng Roma. Ngayon ang nakakatakot na payaso ay naging hari ng pinaka-makapangyarihang bansa-estado sa buong mundo, subalit sa pangkalahatan ito ay hindi naunawaan bilang senyales na ang kapitalistang sibilisasyon mismo ay naabot na ang abanteng yugto ng kanyang pagkabulok. Ang paglakas ng populismo sa mga sentro ng sistema, na makikita sa tagumpay ng Brexit at panalo ni Donald Trump, ay ekspresyon na ang naghaharing uri ay nawalan na ng kontrol sa pampulitikang makinarya, na sa loob ng ilang dekada, ay ginamit para pigilan ang panloob na tendensya ng kapitalismo na bumagsak. Nasaksihan natin ang napakalaking pampulitikang krisis dala ng mabilis na dekomposisyon ng panlipunang kaayusan, dahil sa ganap na kawalang kapasidad ng naghaharing uri na bigyan ang sangkatauhan ng perspektiba sa hinaharap. Pero ang populismo ay produkto rin ng kawalang kapasidad ng pinagsamantalahang uri, ang proletaryado, na igiit ang rebolusyonaryong alternatiba, na nagbunga ng peligro na mahatak ito sa pagiging reaksyunaryo batay sa walang kabuluhang galit, takot, sa paninisi sa mga minoriya at sa hibang na pagsisikap na bumalik sa isang nakaraan na hindi naman talaga umiral. Ang analisis sa mga ugat ng populismo bilang pandaigdigang penomenon ay pinalalim sa kontribusyon ‘On the question of populism [91][1]’ at hinikayat namin ang aming mambabasa na suriin ang pangkalahatang balangkas nito, katuwang ng aming inisyal na mas ispisipikong tugon sa Brexit at ang paglakas ng kandidatura ni Trump, ‘Brexit, Trump: setbacks for the ruling class, nothing good for the proletariat [92][2]’. Ang naturang mga teksto ay inilimbag sa n°157 ng aming International Review.
Inilimbag din namin ang artikulo ng aming simpatisador sa US, si Henk: ‘Trump v. Clinton: nothing but bad choices for the bourgeoisie and the proletariat [93][3]’. Ang artikulong ito, sinulat noong maagang bahagi ng Oktubre, ay sinuri ang halos galit na galit na pagsisikap ng mas ‘responsableng’ mga paksyon ng burgesya sa US, parehong Democrat at Republican, na pigilan si Trump na maupo sa White House[4]. Ang mga pagsisikap ay nabigo, at isa sa kagyat na mga salik sa kabiguan ay ang matinding interbensyon ng pangulo ng Federal Bureau of Investigation, si James Comey, sa panahon na tila lumalakas na si Clinton sa mga surbey. Ang FBI, ang puso ng makinaryang pangseguridad ng US, ay sumira ng husto sa tsansa ni Clinton dahil sa pahayag na maari siyang makasohan ng kriminal matapos ang imbestigasyon sa kanyang paggamit ng pribadong email servers, na lumabag sa batayang panuntunan ng seguridad ng estado. Matapos ang isang linggo o higit pa, sinubukang umatras ni Comey sa pahayag na walang delikado sa lahat ng mga materyal na sinuri ng Bureau. Pero nangyari na ang pinsala at malaki ang naitulong ng FBI sa kampanya ni Trump, kung saan ang mga rali ay walang kataposang nagsisigaw ng ‘Lock Her Up’. Ang interbensyon ng FBI ay isa na namang ekspresyon sa lumalaking kawalan ng pampulitikang kontrol sa sentro ng makinarya ng estado.
Ang artikulong ‘Trump v. Clinton’ ay nagsimula sa malinaw na muling paggigiit sa komunistang posisyon sa burges na demokrasya at mga eleksyon sa kasalukuyang yugto ng kasaysayan: na sila ay malaking panloloko na walang maihapag na pagpipilian para sa uring manggagawa. Itong kawalan ng pagpipilian ay mas pinakita sa eleksyon ngayon, labanan ng isang aroganteng payaso na si Trump, na may lantarang agenda na rasista at galit sa kababaihan, at si Clinton, na simbolo ng ‘neo-liberal’ na kaayusan na dominanteng porma ng kapitalismo ng estado sa loob ng tatlong dekada. Naharap sa pagitan ng dalawang dimonyo, malaking bilang ng mga botante, tulad ng sa nakaraan sa kaso ng eleksyon sa US, ang hindi bomoto – ang inisyal na tantya ay 57% lang ang bomoto, mas mababa sa 2012[5] sa kabila ng lahat ng pamimilit na lumabas at bomoto. At marami ang kritikal sa parehong kampo, pero mas laban kay Trump sa partikular, ay nagpasyang bomoto kay Hillary bilang hindi masyadong masamang dimonyo. Para sa amin, alam namin na ang pagboykot sa eleksyon dahil sa pagkabigong matupad ang pangako ng mga kandidato ay simula lamang ng klaripikasyon: mahalaga, pero nakapahirap kung hindi kikilos ang mga manggagawa bilang uri, na maipakita na may ibang paraan sa pag-oorganisa sa lipunan sa pamamagitan ng pagwasak sa estado. At matapos ang eleksyon, ang pagtakwil sa umiiral na pampulitikang kaayusa at panlipunang sistema, ang paggiit sa pangangailangan ng uring manggagawa na lumaban para sa kanyang sariling interes labas at laban sa bilangguan ng burges na estado, ay hindi binigyang halaga, dahil marami ang nahatak tungo sa simpleng anti-Trumpismo, isang tipo ng inayos na anti-pasismo[6] na pakikipag-alyansa sa mas ‘demokratikong’ paksyon ng burgesya – malamang katulad yaong ginagamit ang lenggwahe ng uring manggagawa at ng sosyalismo, tulad ng ginawa ni Bernie Sanders sa panahon ng Democratic primaries.[7]
Hindi ito ang lugar para suriin ng ditalyado ang motibo at panlipunang komposisyon ng mga bomoto kay Trump. Walang duda na ang galit sa kababaihan, ang anti-kababaihan na retorika ay sentral sa kampanya ni Trump, na dapat na pag-aralan, laluna bahagi ito ng mas pandaigdigang ‘ganti ng kalalakihan’ laban sa panlipunan at ideolohikal na pagbabago sa relasyon ng kasarian sa nagdaang ilang dekada. Kasabay nito, mayroong nakakatakot na paglakas ng rasismo at takot/galit sa mga banyaga (xenophobia) sa sentral na mga kapitalistang bansa, at may susing papel ito sa kampanya ni Trump. May partikular rin na elemento sa rasismo sa Amerika na kailangang maintindihan: sa kagyat, reaksyon sa pagiging presidente ni Obama at sa Amerikanong bersyon ng ‘migranteng krisis’, sa pangmatagalan, ang buong pamana ng pang-aalipin at pagbukod. Mula sa panimulang datos, ang mahabang kasaysayan ng rasismo na humati sa Amerika ay makikita sa napakalaking bomoto kay Trump mula sa lahing puti (bagamat namobilisa nito ang signipikanteng bilang ng mga ‘Hispanics’) habang 88% sa mga itim na botante ay pinili ang kampo ni Clinton. Babalikan natin ang usaping ito sa susunod na mga artikulo.
Subalit katulad ng argumento namin sa kontribusyon sa populismo, tingin namin posibleng ang pinaka-mahalagang elemento sa tagumpay ni Trump ay ang galit laban sa ‘elitistang’ neo-liberal na nakaugnay sa globalisasyon at pinansyalisasyon sa ekonomiya – makro-ekonomikong proseso na nagpayaman sa maliit na minoriya sa kapinsalaan ng mayoriya, at higit sa lahat sa kapinsalaan ng uring manggagawa sa lumang manupaktura at industriya ng pagmimina. Ang ‘globalisasyon’ ay nagkahulugan ng buong-buong pagwasak sa manupakturang industriya at paglipat sa kanila sa mga bansa tulad ng Tsina na mas mura ang lakas-paggawa at mas mataas ang tubo. Nagkahulugan din ito ng ‘malayang paggawa’, na para sa kapitalismo ay isang paraan ng mas murang lakas-paggawa sa pamamagitan ng migrasyon mula sa ‘mahirap’ patungo sa ‘mayamang’ mga bansa. Ang pinansyalisasyon ay nagkahulugan, para sa mayoriya, ng dominasyon ng buhay pang-ekonomiya na kontrolado ng misteryosong mga batas ng pamilihan. Sa kongkreto ito ay ang 2008 pagbagsak na sumira sa maraming maliit na kapitalista at sa nagsisikap magkaroon ng sariling bahay.
Muli, mas ditalyadong istatistikal na pagsusuri ang kailangan, pero tila ang bag-as ng lakas ng kampanyang Trump ay ang suportang nakuha mula sa mga puting hindi nakapagtapos ng kolehiyo, at laluna mula sa mga manggagawa sa ‘Rust Belt’, ang bagong industriyal na disyerto na bomoto kay Trump ay protesta laban sa umiiral na pampulitikang kaayusan, na personapikado sa tinatawag na ‘metropolitan liberal elite’. Marami sa mga manggagawang ito o rehiyon ay bomoto kay Obama noong nakaraang mga eleksyon, at ang ilan ay sinusuportahan si Bernie Sanders sa Democratic primaries. Ang kanilang boto ay higit sa lahat ay boto laban – laban sa lumalaking agwat ng di-pantay na yaman, laban sa sistema na naramdaman nilang pinagkaitan sila at ang kanilang mga anak ng anumang kinabukasan. Pero ang oposisyong ito ay nakabalangkas sa ganap na kawalan ng tunay na kilusang manggagawa, kaya nilamon ng populistang pananaw ng pagsisi sa elitista na binenta ang bansa sa dayuhang mamumuhunan, nagbigay ng espesyal na pribilihiyo sa mga migrante, mga tumakas sa digmaan at etnikong minoriya sa kapinsalaan ng ‘taal’ na uring manggagawa – at sa kababaihang manggagawa sa kapinsalaan ng kalalakihang manggagawa. Ang rasista at galit sa babae na mga elemento ng Trumpismo ay sumasabay sa retorikal na atake sa ‘elitista’.
Ayaw naming magbakasakali ano ang anyo ng rehimeng Trump o ano ang mga polisiya na ipapatupad niya. Higit sa lahat pabago-bago ang katangian ni Tump kaya hindi madaling makita ano ang epekto ng kanyang pamumuno. Nariyan rin ang katotohanan na ilang beses man na paiba-iba ang pahayag ni Trump ay tila walang epekto sa kanyang elektoral na suporta. Ganun pa man, ano man ang epektibo sa kampanya ay maaring hindi na epektibo sa aktwal na pagpapatakbo ng gobyerno. Halimbawa, pinakilala ni Trump ang kanyang sarili na isang nagsisikap na negosyante at nangako na palayain niya ang mga negosyanteng Amerikano mula sa burukrasya, pero nangako rin siya ng isang malawakang programa sa pagbabalik ng inpra-istruktura sa mga liblib na syudad, sa pagtatayo ng mga daan, eskwelahan at ospital at sa muling pagpapasigla sa industriya ng fossil fuels sa pamamagitan ng abolisyon sa paglilimita para sa proteksyon sa kalikasan, kung saan ang lahat ng ito ay nagkahulugan ng intensipikasyon ng interbensyon ng kapitalistang estado sa ekonomiya. Nangako siyang palayasin ang milyung-milyong iligal na migrante, pero malaking bahagi ng ekonomiya ng US ay umaasa sa kanilang murang paggawa. Sa patakarang panlabas, pinagsama niya ang lenggwahe ng pagbubukod at pagkalas (katulad ng kanyang banta na bawasan ang kooperasyon ng US sa NATO) sa lenggwahe ng interbensyunismo, katulad ng kanyang pagsisigaw na ‘bombahin ang IS’, habang nangakong taasan ang badyet ng militar.
Ang tila sigurado ay ang rehimeng Trump ay puno ng mga tunggalian, parehong sa loob ng naghaharing uri at sa pagitan ng estado at lipunan. Totoo na ang talumpati sa pagkapanalo ni Trump ay modelo ng rekonsilyasyon – siya ay magiging ‘presidente ng lahat ng Amerikano’. At nagpahayag si Obama, bago tinanggap si Trump sa White House, na nais niya ang maayos na transisyon. Dagdag pa, ang katotohanan na may malaking mayoriya ng Republican sa Senado at Kongreso ay nagkahulugan – kung mawala ang pag-alinlangan ng pamunuan ng Republican kay Trump – na makukuha niya ang kanilang suporta sa kanyang mga polisiya, kahit isantabi muna ang mas mapanlinlang na patakaran. Pero ang senyales ng mga tensyon at bangayan sa hinaharap ay hindi mahirap na makita. Isang bahagi ng pamunuan ng militar, halimbawa, ay posibleng tutol sa ilan sa kanyang mga patakarang panlabas, kung igigiit niya ang kanyang pag-aalinlangan sa NATO, o gawin niyang kongkreto ang kanyang paghanga kay Putin bilang malakas na lider para pahinain ang pagpigil ng US na alkontrahan ang paglakas ng imperyalismong Rusya sa silangang Uropa at Gitnang Silangan. Maaring lilitaw rin ang oposisyon sa kanyang pambansang polisiya mula sa loob ng makinaryang pangseguridad, ang pederal na burukrasya at malalaking negosyante para tiyakin na hindi maghuraentado si Trump. Samantala, ang pampulitikang pagbagsak ng ‘dinastiyang Clinton’ ay maaring magbigay daan sa paglitaw ng bagong oposisyon at maging pagkabiyak sa loob ng Democratic Party, ng pagsikat ng kaliwang kampo tulad ni Bernie Sanders, na umaasang magamit ang galit ng mamamayan sa umiiral na pang-ekonomiya at pampulitikang kaayusan.
Sa panlipunang antas, kung nangyari sa post-Brexit na Britanya, posibleng masaksihan natin ang maitim na pamumulaklak ng ‘popular’ na takot/galit sa mga banyaga ng mga hayag na rasistang grupo na nais ng realisasyon ng kanilang mga pantasya ng karahasan at dominasyon; at kasabay ay mas matinding panunupil ng pulisya sa etnikong minoriya. At kung seryoso ng simulan ni Trump ang kanyang programang hulihin at palayasin ang mga ‘ilegal’, posibleng magtulak ito ng mga protesta sa lansangan, bilang pagpapatuloy sa isang kilusan na nasaksihan natin sa nagdaang ilang taon matapos patayin ng mga pulis ang itim na mamamayan. Katunayan, sa araw mismo na sinabi ang resulta ng eleksyon, may mga serye ng protesta sa mga syudad ng buong Amerika, na sa pangkalahatan ay sinasalihan ng mga kabataan na hindi nagustuhan ang isang gobyerno na pamumunuan ni Trump.
Sa internasyunal na antas, ang panalo ni Trump, ayon mismo sa kanya, ay ‘Brexit plus plus plus’. Nagpapalakas ito sa mga maka-kanang populistang partido sa kanlurang Uropa, laluna sa Front National ng France kung saan mangyayari ang eleksyong presidensyal sa 2017. Ang mga partidong ito ay nais na kumalas mula sa mga multi-national na organisasyong pangkalakalan at pabor sa pang-ekonomiyang proteksyunismo. Dahil sa pinaka-agresibong mga pahayag ni Trump laban sa ekonomikong pakikipagkompetinsya ng Tsina, posibleng patungo tayo sa isang digmaang pangkalakalan, na katulad noong 1930s, na lalupang magpakipot sa makipot na pandaigdigang pamilihan. Nagsilbi ng mabuti ang modelong neo-liberal sa pandaigdigang kapitalismo sa nagdaang dalawang dekada, pero nasa rurok na ngayon ng kanyang limitasyon. At ang hinaharap ay nasa peligrong ang ‘bawat isa para sa kanyang sarili’ sa imperyalistang antas ay tutungo sa pang-ekonomiyang larangan, na sa ngayon ay nakokontrol pa. Nagdeklara rin si Trump na ang global warming ay isang kasinungalingan na imbento ng Tsina para suportahan ang kanyang eksport, at nagsabi siya na kakalas sa lahat ng umiiral na internasyunal na kasunduan sa climate change. Alam natin gaano ka limitado ang mga kasunduang ito. Pero ang hindi pagsunod sa mga ito ay lalupang magtulak sa atin sa mas malalim na ekolohikal na kapinsalaan.
Uulitin namin: si Trump ay simbolo ng isang burgesya na tunay ng nawalan ng anumang perspektiba sa pagpapatakbo ng lipunan. Sa lahat ng kanyang kapalaluan at narsisismo, hindi siya baliw, pero simbolo siya ng kabaliwan ng sistema na nawalan na ng solusyon, maging ang pandaigdigang digmaan. Sa kabila ng kanyang pagbulusok-pababa, ang naghaharing uri sa mahigit isang siglo ay nagawang gamitin ang kanyang sariling pampulitika at militar na makinarya – sa ibang salita, ang kanyang mulat na interbensyon bilang isang uri – para pigilan ang ganap na kawalan ng kontrol, ang ultimong tendensya ng internal na dinamismo ng kapitalismo tungong barbarismo. Nasaksihan natin ngayon ang mga limitasyon ng kontrol na ito kahit pa hindi dapat maliitin ang kapasidad ng ating kaaway na makahanap ng temporaryong solusyon. Ang problema ng ating uri ay sa kabila ng malinaw na pagkabangkarota ng burgesya sa lahat ng antas – ekonomiya, pulitikal, moral – ay hindi, maliban lang sa napakaliit na minoriya, nagbunga ng isang rebolusyonaryong kritiko sa sistema kundi nalihis na galit at nakakalasong pagkahati-hati sa ating hanay. Ito ay isang seryosong banta sa posibilidad na sa hinarap ay mapalitan ang kapitalismo ng isang makataong lipunan.
At isa sa mga dahilan bakit wala sa agenda ang pandaigdigang digmaan ngayon, sa kabila ng mas malalang krisis ng kapitalismo, ay hindi pa natalo ang uring manggagawa sa hayagang lababan at mayroon pang hindi nagamit na kapasidad para makibaka, tulad ng nakita nating mga malawakang pagkilos sa nagdaang dekada, tulad ng pakikibaka ng mga estudyanteng Pranses noong 2006 o ng pag-alsang ‘Indignados’ sa Espanya noong 2011 at ang Occupy movement sa US sa parehong taon. Sa Amerika ang ganitong pagtutol ay makikita sa mga protesta laban sa pagpatay ng mga pulis at mga demonstrasyon matapos ang eleksyon laban kay Trump, bagamat ang mga kilusang ito ay wala pang malinaw na katangian ng uring manggagawa at bulnerable na makontrol ng mga propesyunal na pulitiko ng kaliwa, ng ibat-ibang klase ng ideolohiyang makabayan at demokratiko. Para mapangibabawan ng uring manggagawa pareho ang populistang panganib at mga maling alternatiba na inilako ng kaliwa ng kapital, may mas malalim na kailangan, isang independyenteng kilusan na may kapasidad maintindihan ang sarili sa usaping pulitikal at muling makaugnay sa komunistang tradisyon ng ating uri. Hindi ito sa kagyat, pero may papel ang mga rebolusyonaryo ngayon para paghandaan ang naturang pagpapaunlad, higit sa lahat sa pamamagitan ng pakikibaka para sa pulitikal at teoretikal na klaripikasyon na magbigay liwanag sa dominanteng ulap-usok ng kapitalistang ideolohiya sa lahat ng kanyang pagkukunwari.
Amos 13.11.16
[3]https://en.internationalism.org/icconline/201610/14149/trump-v-clinton-nothing-bad-choices-bourgeoisie-and-proletariat [93]
[4]Isang tanda gaano kalawak ang oposisyon mismo ng Republican kay Trump: si dating presidente George W Bush mismo, na hindi kabilang sa kaliwang paksyon ng partido, ay nagpahayag na magsumite siya ng blangkong papel sa halip na iboto si Trump.
[6]Ang aming pagtakwil sa polisiyang alyansang ‘anti-pasista’ sa isang paksyon ng naghaharing uri laban sa isa pang paksyon ay higit sa lahat namana namin mula sa Italian communist left, na tamang nasuri na ang anti-pasismo ay paraan para mobilisahin ang uring manggagawa para sa digmaan. Basahin ‘Anti-fascism: a formula for confusion’, a text from Bilan republished in International Review 101 [95] [https://en.internationalism.org/ir/101_bilan.htm] [96].
[7]Para sa karagdagang pagsusuri kay Sanders, basahin ang artikulong ‘Trump v Clinton’.
Inilathala namin dito ang ulat sa imperyalistang sitwasyon na pinagtibay ng sentral na organo ng ICC sa pulong noong Hunyo 2018. mula noon, ang mga kaganapan sa pagbisita ni Tump sa Uropa ay napakalinaw na kinumpirma ang mga pangunahing ideya sa ulat, sa partikular ang ideya na ang Amerika ang pangunahing propagandista ng tendensyang “bawat isa para sa kanyang sarili” sa pandaigdigang saklaw, sa punto na sinira mismo nito ang mga instrumento ng kanyang sariling “pandaigdigang kaayusan” (tingnan ang aming artikulong “Trump in Europe [97]”).
Ang pangunahing oryentasyon ng Nobyembre 2017 ulat sa imperyalistang tunggalian [98] ay nagbigay sa atin ng esensyal na balangkas para maunawaan ang kasalukuyang kaganapan:
Sa kasalukuyang yugto, ang kahalagahan ng populismo ay mas lalupang naging kongkreto, pinalala ang tendensyang “bawat isa para sa kanyang sarili” at lumalaking pabago-bagong imperyalistang tunggalian;
Itong mga pangkalahatang katangian ng kasalukuyang sitwasyon ay makikita sa kanilang kongkretisasyon sa partikular ng mga serye ng signipikanteng tendensya.
Ang ebolusyon ng imperyalistang patakaran ng Amerika sa loob ng mahigit tatlumpung taon ang isa sa pinaka-signipikanteng penomena ng yugto ng dekomposisyon (pagkabulok): matapos mangako ng bagong yugto ng kapayapaan at kasaganaan (Bush Senior) ng nawasak ang blokeng Sobyet, matapos nito ay nagsumikap na labanan ang tendensya tungo sa bawat isa para sa kanyang sarili, ay naging nangungunang propagandista na ng tendensyang ito sa buong mundo. Ang dating lider ng bloke at tanging natirang mayor na imperyalistang superpower matapos mabuwag ang bloke sa Silangan, na sa loob ng 25 na taon ay naging pulis ng mundo, laban sa pagkalat ng bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang antas, ay ngayon tinatakwil na ang mga internasyunal na negosasyon at pandaigdigang kasunduan pabor sa polisiyang "bilateralismo".
Isang napagkasunduang prinsipyo, sa layuning mapangingibawan ang kaguluhan sa internasyunal na relasyon, ay masuma sa Latin na pangungusap: "pacta sunt servanda" - mga tratado, kasunduan, ay kailangang respetuhin. Kung pirmahan ang isang pandaigdigang kasunduan - o isa multilateral - dapat itong respetuhin, kahit man lang pakitang-tao. Pero binalewala ito ng Amerika sa ilalim ni Trump: “Pipirma ako ng tratado, pero pwede ko itong balewalain kinabukasan”. Nangyari na ito sa Trans-Pacific Pact (TPP), sa kasunduan sa Paris sa pagbabago ng klima, sa tratadong nuleyar sa Iran, sa pinal na kasunduan ng pulong ng G7 sa Québec. Itinakwil ngayon ng Amerika ang mga internasyunal na kasunduan pabor sa negosasyon sa pagitan ng mga estado, kung saan ang burgesyang Amerikano ay tahasang ipinilit ang kanyang interes sa pamamagitan ng pambabraso sa larangang ekonomiko, pulitikal at militar (makikita natin ito halimbawa sa Canada bago at pagkatapos ng G7 hinggil sa NAFTA o sa bantang gantihan ang mga kompanya sa Uropa na namuhunan sa Iran). Malaki at hindi masukat ang epekto nito sa paglala ng imperyalistang tunggalian at kumprontasyon (subalit sa ekonomiyang sitwasyon rin ng mundo) sa hinaharap. Ilarawan namin ito sa tatlong “nagliliyab na lugar” sa imperyalistang kumprontasyon sa kasalukuyan:
Kahit ang patakarang ito ay nagkahulugan ng paglaki ng kaguluhan at bawat isa para sa kanyang sarili, at sa huli mas lalupang pagbaba ng pandaigdigang posisyon ng nangungunang kapangyarihan sa mundo, walang kongkreto na alternatibang paraan sa Amerika. Matapos ang isang taon at kalahati sa imbestigasyon ni Mueller at iba pang pangigipit laban kay Trump, malabong mapatalsik si Trump sa kanyang posisyon, isa sa mga rason ay dahil walang alternatibang nakikita. Patuloy ang masamang kalagayan sa loob ng burgesyang Amerikano.
Napakalinaw ng kontradiksyon. Habang tinuligsa ni Trump ang globalisasyon at bumalik sa mga kasunduang "bilateral", nagpahayag naman ang Tsina ng isang napakalaking pandaigdigang proyekto, ang “New Silk Road”, na suportado ng 65 na mga bansa sa tatlong kontinente, na kumakatawan sa 60% ng pandaigdigang populasyon at isang-katlo (1/3) ng GDP ng mundo, na may puhunan sa susunod na 30 taon (2050!) na aabot sa 1.2 trillion dolyar.
Mula ng kanyang muling paglitaw, na sistematikong planado, matagalang paraan, nagmo-modernisa ang Tsina ng kanyang hukbo, nagtayo ng “string of pearls” – na sinimulan sa okupasyon ng Coral Reefs sa South China Sea at mala-kadenang mga base militar sa Indian Ocean. Subalit sa ngayon, walang plano ang Tsina ng direktang kumprontasyon sa Amerika; kabaliktaran, plano nito na maging pinaka-makapangyarihang ekonomiya sa 2050 at naglalayong paunlarin ang ugnayan sa buong mundo habang umiiwas sa direktang banggaan. Pangmatagalan ang polisiya ng Tsina, kabaliktaran sa maiksing mga kasunduan na ginagawa ni Trump. Layunin nito na palawakin ang kanyang industriyal, teknolohikal at, higit sa lahat, militar na kakayahan at kapangyarihan. Sa antas na ito, malaki pa rin ang lamang ng Amerika sa Tsina.
Halos sabay sa panahon ng bigong G7 summit sa Canada (9-10.6.18), nag-organisa ang Tsina, sa Quingdao ng isang kumperensya ng Shanghai Cooperation Organisation katulong ang mga presidente ng Rusya (Putin), India (Modi), Iran (Rohani), at mga lider ng Belarus, Uzbekistan, Pakistan, Afghanistan, Tajikistan and Kirgizia (20% ng pandaigdigang kalakalan, 40% ng populasyon ng mundo). Ang kasalukuyang konsentrasyon ng Tsina ay ang Silk Road project - ang layunin ay palawakin ang kanyang impluwensya. Ito ay pangmatagalang proyekto at ang direktang kumprontasyon sa Amerika ay makasira sa mga planong ito.
Sa ganitong perspektiba, gagamitin ng Tsina ang kanyang impluwensya para itulak ang isang kasunduan tungo sa nyutralisasyon ng mga armas nukleyar sa rehiyon ng Korea (kasama na ang mga armas ng Amerika), na - sakaling tanggapin ito ng Amerika – ay magtulak sa mga pwersang Amerika sa Hapon at mabawasan ang kagyat na banta sa Hilagang Tsina.
Subalit, ang ambisyon ng Tsina ay hindi maiwasang tutungo sa kumprontasyon sa imperyalistang mga layunin hindi lang ng Amerika kundi maging sa ibang kapangyarihan tulad ng India o Rusya:
Ang paglala ng tendensyang bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang antas at ang lumalaking kompetisyon sa pagitan ng mga imperyalistang pating ang nagpalitaw ng isa pang signipikanteng penomenon sa yugto ng pagkabulok: ang pag-upo sa kapangyarihan ng mga "malakas na lider" na may radikal na lenggwahe, at agresibo, makabayang retorika.
Ang pag-upo sa kapangyarihan ng isang "malakas na lider" at radikal na retorika hinggil sa pagtatanggol ng pambansang identidad (kadalasan ay kombinasyon ng mga panlipunang programa pabor sa pamilya, mga bata, retirado) ay tipikal sa mga populistang rehimen (Trump, syempre, pero ganun din si Salvini ng Italya, Orbán ng Hungary, Kaczynski ng Poland, Babiš ng Czech Republic, …) subalit ito rin ang pangkalahatang tendensya sa buong mundo, hindi lang sa pinakamalakas na kapangyarihan (Putin ng Rusya) kundi sa segundaryong mga imperyalistang bansa rin tulad ng Turkey (Erdogan), Iran, Saudi-Arabia (sa “malambot na kudeta” ng crown prince Mohammed Ben Salman). Sa Tsina, ang limitasyon ng presidente sa dalawang limang taong yugto ay binurta sa konstitusyon, para madeklara ni Xi Jinping ang kanyang sarili bilang isang “lider hambambuhay", ang bagong emperador ng Tsina (bilang presidente, pangulo ng partido at sentral na komisyong militar, na hindi nnangyari mula noong panahon ni Deng Xiaoping). "Demokratikong" mga islogan o pananatili ng demokratikong maskara (karapatang-pantao) ay hindi na ang dominanteng talumpati (na pinakita sa pag-uusap sa pagitan nila Donald at Kim), hindi katulad noong panahon ng pagbagsak ng blokeng Sobyet at pagpasok ng 21 siglo. Nagbigay daan sila sa kombinasyon ng napaka agresibong pananalita at pragmatikong imperyalistang kasunduan.
Ang pinakamalakas na halimbawa ay ang krisis sa Korean. Parehong gumagamit sila Trump at Kim ng malakas na panggigipit militar (sa punto na nagbanta ng isang kumprontasyong militar) at napaka agresibong lenggwahe bago ang pulong sa Singapore para makipagtawaran. Nag-alok si Trump ng malaking ekonomiko at pulitikal na pabor (modelong Burmese) na ang layunin ay kabigin si Kim sa kampo ng Amerika. Hindi ito ganap na imposible dahil sa hindi tiyak na relasyon ng Hilagang Korea sa at maging kawalan ng tiwala sa Tsina. Subalit, ang pagbanggit sa Libya bilang sanggunian ng mga opisyales ng Amerika (National Security Adviser John Bolton) – maaring ang kahinatnan ng Hilagang Korea ay matulad sa Libya, ng si Gaddafi ay hinimok na iwanan ang kanyang mga armas, at pagkatapos ay pwersahang pinatalsik at pinatay– ay nagbigay duda sa Hilagang Korea sa alok ng Amerika.
Ang ganitong pampulitikang estratehiya ay mas pangkalahatang tendensya sa kasalukuyang imperyalistang kumprontasyon, na makikita sa agresibong tweet ni Trump laban sa Primero Ministro ng Canada na si Trudeau, “isang peke at mahinang lider” dahil tumanggi ito sa mas mataas na buhis sa pag-angkat na patakaran ng Amerika. Nandyan rin ang brutal na ultimatum ng Saudi Arabia laban sa Qatar, na inakusahan ng “sentrismo” na pakikitungo sa Iran, o ang paladigma na mga pahayag ni Erdogan laban sa Kanluran at NATO hinggil sa Kurds. Sa huli,, banggitin namin ang napaka agresibong “State of the Union” na talumpati ni Putin, na presentasyon ng pinaka sopistikadong mga armas ng Rusya na may mensaheng: “Dapat seryosohin ninyo kami”!
Ang ganitong mga tendensya ay nagpapalakas sa pangkalahatang katangian ng kasalukuyang yugto, tulad ng intensipikasyon ng militarisasyon (sa kabila ng mabigat na pang-ekonomiyang epekto dulot nito) hindi lang sa hanay ng tatlong pinakamalaking imperyalistang , kundi isa na ring pandaigdigang tunguhin at sa konteksto ng pabago-bagong imperyalistang sitwasyon sa mundo at sa Uropa. Sa ganitong konteksto ng agresibong polisiya, ang banta ng limitadong bomba nukleyar ay talagang isa ng realdiad, dahil maraming mga pabago-bagong elemento sa mga tunggalian na nakapalibot sa Hilagang Korea at Iran.
4) Ang tendensya tungong pagkawatak-watak ng EU
Lahat ng mga tunguhin sa Uropa nitong mga nagdaan – Brexit, paglakas ng mahalagang populistang partido sa Alemanya (AfD), pag-upo sa kapangyarihan ng mga populista sa Silangang Uropa, kung saan karamihan sa mga bansa ay pinamunuan ng mga populistang pamahalaan, ay pinatingkad ng dalawang mayor na kaganapan:
Malaki ang epekto nito sa pagkakaisa ng EU, sa istabilidad ng Euro, at impluwensya ng mga bansa sa Uropa sa imperyalistang entablado.
Lahat ng mga ganitong oryentasyon ay lalupang nagpalala sa krisis sa loob ng EU at sa tendensya ng pagkawatak-watak. Sa huli ay maapektohan nito ang polisiya ng Alemanya bilang pinaka-impluwensyadong bansa sa EU, habang panloob na nahati ito (presyur ng AfD at CSU), naharap sa pampulitikang oposisyon ng mga populistang lider sa Silangang Uropa, ekonomikong oposisyon sa mga bansa ng Mediterranean (Italya, Gresya, ...), at away sa Turkey, habang direktang pinupuntirya ng buhis sa taripa ni Trump. Ang lumalaking pagkawatak-watak ng Uropa dahil sa mga hambalos ng populismo at sa polisiyang “Una ang Amerika” ay isang malaking problema sa polisiya ng Pransya, dahil ang mga tendensyang ito ay ganap na salunga sa programa ni Macron, na sa esensya ay nakabatay sa pagpapalakas ng Uropa at ganap na asimilasyon ng globalisasyon.
ICC, Hunyo 2018
[M1] Sino siya?
Ang ulat na aming nalathala sa ibaba ay sinumite at tinalakay sa isang internasyunal na pulong ng IKT noong Nobyembre 2017, sa layuning makuha ang mga pangunahing tendensya sa ebolusyon ng imperyalistang tunggalian. Para magawa ito, ito ay ibinatay mismo sa nakaraang mga teksto at ulat ng organisasyon na may malalim na pagsusuri sa mga tendensyang ito, i.e. ang tekstong pang-oryentasyon na ‘Militarismo at Pagkabulok’ sa 1991 (inilathala sa International Review 64) at ang ulat sa ika-20 Internasyunal na Kongreso (inilathala sa IR 152, 2013).
Mula ng sinulat ang huling ulat, may serye na ng mga mayor na kaganapan sa paglala ng imperyalistang tunggalian sa Gitnang Silangan: una, ang direktang armadong pagpasok ng Turkey sa Syria noong 20 Enero, para harapin ang mga tropang Kurdish na nakabase sa rehiyon ng Afrin sa hilagang Syria. Ang interbensyong ito, na may tahimik na pagsang-ayon ng Rusya, ay may mabigat na komprontasyong militar sa hinaharap, partikular sa Amerika, kung saan sa rehiyong ito ay alyado ng pwersang Kurdish ng YPG, at nagpahiwatig ng importanteng dibisyon sa loob ng NATO, kung saan parehong myembro ang Turkey at Amerika. Pagkatapos may pambobombang militar ang Amerika sa Syria (na suportado ng Britanya at Pransya), na target ang pinaghinalaang mga lugar ng pagawaan ng armas kemikal, at nagmarka ng malinaw na pagtaas ng tunggalian sa pagitan ng Amerika at Rusya. Dagdag pa, kamakailan lang ay nakita natin ang pag-urong ni Trump sa kasunduang programang nukleyar ng Iran, na tumungo sa pagtalas ng tunggalian sa pagitan ng Israel at Iran at sa mas malalang pandaigdigang de-istabilisasyon, dahil ang desisyon ng Amerika ay kinondena ng mayoriya ng mga bansa. Lahat ng ito ay nagpakita ng peligro ng hindi makontrol na paglawak ng tunggalian sa Gitnang Silangan (tingnan ang aming artikulo), at nagpakita na ang kapitalismo ay mas lalo pang naging banta sa sangkatauhan.
Sa nagdaang apat na taon, ang imperyalistang tunggalian ay dumaan sa mga mayor na paglala: ang digmaan sa Syria at pakikipaglaban sa IS, ang interbensyon ng Rusya sa Ukraine, ang krisis ng bakwit at mga teroristang atake sa Uropa, Brexit at presyur ng populismo, eleksyon ni Trump sa Amerika at ang mga akusasyon ng pakikialam ng Rusya sa kanyang kampanya sa eleksyon (“Russiagate”), ang tunggalian sa pagitan ng Amerika at Tsina sa probokasyon ng Hilagang Korea, ang oposisyon sa pagitan ng Saudi Arabia at Iran (kabilang na ang tensyon sa Qatar), ang bigong kudeta laban kay Erdogan at ang sumunod na panunupil sa Turkey, ang tunggalian sa awtonomiyang Kurdish, ang paglakas ng nasyunalismo sa Catalonia, at marami pa. Kaya importante na tasahin ng IB ang saklaw kung saan ang mga kaganapang ito ay umaayon sa pangkalahatang pagsusuri sa kasalukuyang yugto, at kung anong bagong mga oryentasyon ang pinakita ng mga ito?
Para magawa ito, importante, tulad ng tamang paliwanag mula pa sa simula ng 1991 ng tekstong pang-oryentasyon “Militarismo at pagkabulok”, na gamitin ang paraan na angkop para maunawaan ang isang sitwasyon na walang alinsunuran:
“Taliwas sa Bordigistang tendensya, hindi kinikilala ng IKT ang marxismo na isang "hindi nagbabagong doktrina", kundi isang buhay na kaisipan na pinauunlad ng bawat mahalagang istorikal na kaganapan. Ang naturang mga kaganapanan ay maaring magkumpirma sa balangkas at pagsusuri na ginawa dati, at kaya dapat suportahan ang mga ito, o pagdidiin sa katotohanan na ang ilan ay lipas na , at ang pagsisikap para sa repleksyon ay kailangan para mapalawak ang aplikasyon sa mga iskema na balido sa nakaraan pero nalagpasan na sa mga pangyayari, o gumawa ng bago na sumasakop sa bagong realidad.
Ang mga rebolusyonaryong organisasyon at militante ay may ispisipiko at pundamental na responsibilidad na gawin ang pagsisikap ng repleksyon, na laging paabante, tulad ng ginawa ng mga nasundan natin gaya nila Lenin, Rosa, Bilan, ang Kaliwang Komunistang Pranses, at iba pa, na may parehong pag-iingat at kapangahasan:
Sa partikular, naharap sa naturang mga istorikal na pangyayari, mahalaga na ang mga rebolusyonaryo ay may kapasidad na kilalanin ang kaibahan sa pagitan mga pagsusuri na lipas na at sa mga nanatiling balido, para maiwasan ang dobleng bitag: kung hindi man sumuko sa esklerosis, ay “itapon ang bata sa tubig”
Ang pagsapraktika ng paraang ito, na ipinataw ng kasalukuyang realidad, ang batayan ng aming kapasidad na suriin ang pundamental na ebolusyon ng imperyalistang tunggalian sa nagdaang 26 taon.
Sa perspektibang ito, ang kasalukuyang ulat ay nagpanukala na sikapin nating maintindihan ang kasalukuyang kaganapan sa tatlong antas, para mai-lugar ang kahalagahan nila sa loob ng balangkas ng ating pagsusuri:
Inihapag ng teksto ang balangkas ng pagsusuri para maintindihan ang usapin ng imperyalismo at militarismo sa panahon ng pagkabulok. Iginiit nito ang dalawang pundamental na oryentasyon sa katangian ng imperyalismo sa kasalukuyang yugto:
Ang paglaho ng mga bloke ay hindi kinukwestyon ang realidad ng imperyalismo at militarismo
Kabaliktaran, mas naging barbariko sila at magulo: “Ang pagkabuo ng mga imperyalistang bloke ay hindi pinagmulan ng militarismo at imperyalismo. Ang kabaliktaran ang totoo: ang pormasyon ng mga bloke ay malalang resulta lamang (kung saan sa ilang pagkakataon ay pinalala ang mga dahilan), isang ekspresyon (at hindi lang ito), ng pagbulusok ng dekadenteng kapitalismo sa militarismo at digmaan…ang paglaho ng mga bloke ay nagbukas lang ng pintuan sa mas malalang barbariko, nagkaligaw, at magulong porma ng imperyalismo”.
Partikular itong nakita sa sukdulang imperyalistang ganid at pagdami ng mga tensyon at tunggalian: “Ang kaibahan sa yugto na katatapos lang ay ang mga tungaliang ito at antagonismo, na dati kontrolado at ginamit ng dalawang malaking imperyalistang bloke; ay nasa harap na ngayon, dahil sa pagkawala ng disiplinang ipinataw ng pag-iral ng mga bloke, ang mga tunggaliang ito ay nasa peligro na maging mas marahas at mas marami, syempre sa partikular, sa mga sona na pinakamahina ang proletaryado”
Kahalintulad, nakikita natin ang paglala ng “bawat tao para sa kanyang sarili” at ng kanilang resulta, ang pagtangkang kontrolin ang kaguluhan, na parehong mga salik na nagpapalala sa barbarismong militar: “ang kaguluhan na nagbabanta sa mayor na maunlad na mga bansa at ng kanilang mga inter-relasyon.….. naharap sa tendensya patungong pangkalahatang kaguluhan na ispisipiko sa pagkabulok at pinabibilis ng pagkawasak ng bloke sa Silangan, walang ibang paraan ang kapitalismo para tangkaing makontrol ang ibat-ibang mga sangkap, kundi ipataw ang pwersang militar. Sa puntong ito, ang mga paraan na ginagamit nito para tangkaing makontrol ang lumalalang madugong sitwasyon ng kaguluhan ay mga salik mismo para mas lumala ang barbarismong militar kung saan bumulusok ang kapitalismo”.
Sentral na giniit ng OT ang katotohanan na may istorikal na tendensya tungong bawat tao para sa kanyang sarili, tungo sa paghina ng kontrol ng Amerika sa mundo, partikular sa kanyang mga dating alyado. At may pagtatangka sa kanyang panig na gamitin ang pwersang militar, kung saan napakalaki ang kanyang superyoridad, para manatili ang kanyang kalagayan at ipataw ang kanyang kontrol sa mga dating alyado.
Ang tumataas na barbariko at magulong katangian ng imperyalismo sa panahon ng pagkabulok ay mayor na balakid para sa muling pagbuo ng mga bloke: “ang pagtindi ng huli (militarismo at imperyalismo) sa kasalukuyang yugto ng buhay ng kapitalismo ay kakatuwang mayor na hadlang sa muling pagtayo ng isang bagong sistema ng mga bloke bilang kapalit sa naglaho na…. Ang katotohanan mismo na ang pwersang militar ay naging - tulad ng kinumpirma ng tunggalian sa Gulpo – isang pinakamahalagang na salik sa anumang pagtatangka ng abanteng mga bansa na limitahan ang pandaigdigang kaguluhan ay konsiderableng harang para sa tendensyang ito…ang muling pagbuo ng bagong pares na imperyalistang bloke ay hindi lang imposible sa susunod na maraming taon, kundi malamang hindi na mangyayari”.
Ang Amerika ang tanging kapangyarihan na pwedeng maging pulis pandaigdigan. Ang tanging ibang posibleng maging lider ng isang bloke ay Alemanya at Hapon: “ang mundo ay parang rambulan, kung saan ang tunguhing ‘bawat tao para sa kanyang sarili’ ay lubusang gumagana, at kung saan ang mga alyansa ay malayong may istabilidad na katangian ng mga imperyalistang bloke, pero dominante ng kagyat na pangangailangan. Isang mundo ng madugong kaguluhan, kung saan ang pulis na Amerika ay magtangkang manatili ang minimum na kaayusan sa pamamagitan ng pagtaas ng paggamit ng malawakan at brutal na pwersang militar”.
Sa kabilang banda, ang USSR ay hindi na muling babangon bilang karibal: “Samakatuwid, halimbawa, hindi na usapin na ang ulo ng bloke na wasak na - ang USSR – ay hindi na mabawi pa ang posisyong ito”.
Muli ang pagsusuri ay nanatiling tama: matapos ang 25 taon sa panahon ng pagkabulok, nanatiling walang perspektiba para sa muling pagbuo ng mga bloke.
Bilang kongklusyon, ang balangkas at ang dalawang pangunahing pinipihitan na nilapag ng OT ay sa pangkalahatan nakumpirma at malinaw na nanatiling balido.
Ang papel ng Amerika bilang nag-iisang pulis ng daigdig ay malaki ang pagbabago sa nagdaang 25 taon: isa ito sa mga susing usapin na dapat palalimin ng ulat na ito. Ganun pa man, naghapag ang OT ng oryentasyon na naging mas kongkreto kaysa mga prediksyon natin noong 1991: ang katotohanan ay ang mga aksyon mismo ng Amerika ay magbunga ng dagdag na kaguluhan. Maliwanag na pinakita ito ng paglala ng terorismo ngayon, na sa pangkalahatan ay resulta ng polisiya ng Amerika sa Iraq, at segundaryo sa interbensyon ng Pransya-Britanya sa Libya.
Masasabi rin natin ngayon na pinapalaki ng analisis ang potensyal na papel ng Hapon at maging ng Alemanya. Nagawa ng Hapon na itayo ang kanyang armas at may awtonomiya sa ilang sektor, pero hindi ito maihahambing sa tendensya tungo sa pormasyon ng mga bloke dahil pumapailalim ang Hapon sa proteksyon ng Amerika na naharap sa banta ng Hilagang Korea at higit sa lahat mula sa Tsina. Nanatili ang potensyal ng Alemanya na walang seryosong pagpapalakas sa nagdaang 25 taon. Mas nakakuha ng bigat ang Alemanya, ito ay may pangunahin at maging namumunong papel sa Uropa, pero sa antas militar ay nanatili itong dwende, kahit pa (hindi tulad ng Hapon) may mga tropa itong lumahok sa maraming “mandato” ng UN. Kabaliktaran, ang yugto ay nakitaan ng paglitaw ng Tsina bilang bagong kapangyarihan, ang papel na masyadong minamaliit natin sa nakaraan.
Panghuli para sa Rusya, sa batayan nanatiling tama ang pagsusuri, sa punto na ang kanyang posisyon bilang lider ng bloke sa 1945 ay isang “aksidente” ng kasaysayan. Pero ang prediksyon na “sa kabila ng kanyang malaking arsenal ng armas, ang USSR ay hindi na muling magkaroon ng mayor na papel sa internasyunal na entablado” at ito ay “babalik sa kanyang third-rate na posisyon” ay hindi talaga nakumpirma: hindi talaga naging pandaigdigang karibal ng Amerika ang Rusya pero hindi balewala ang kanyang papel bilang isang “manggugulo”, na tipikal sa pagkabulok, na sa pamamagitan ng kanyang mga alyansa at interbensyong militar ay nagpatindi sa kaguluhan sa buong daigdig (at may mga tagumpay ito tulad ng sa Ukraine at Syria, pinatibay ang kanyang posisyon vis-a-vis Turkey at Iran at napaunlad ang kooperasyon sa Tsina). Malinaw na minamaliit natin ang mga mapagkukunan ng isang imperyalismo na nasandal na sa pader, handang ipagtanggol ang sariling interes ano man ang mangyari.
Nakabatay mismo sa balangkas ng tumitinding barbariko at magulong imperyalismo at lumalaking hindi pagkakasundo ng polisiya ng Amerika, na mas lalo pang magpatindi ng barbarismong militar (pinipihitan ng ulat ng ika-19 kongreso[1]), naglapag ang ulat ng apat na oryentasyon sa paglala ng imperyalistang bangayan na nagkongkreto ng pinipihitan ng 91 OT:
- Paglala ng bawat tao para sa kanyang sarili, partikular na pinakita ng pagdami ng mga imperyalistang ambisyon. Kongreto itong pinakita ng:
- Ang lumalaking hindi pagkakasundo sa mga patakaran ng Amerika bilang pandaigdigang pulis, sa partikular sa Afghanistan at Iraq, ay nauwi sa lalupang pagkahulog sa barbarismong militar “Ang malinaw na kabiguan ng interbensyon sa Iraq at Afghanistan ay nagpahina sa pandaigdigang liderato ng Amerika. Kahit pa ang burgesyang Amerikano sa ilalim ni Obama ay pinili ang patakarang kontroladong pag-atras mula sa Iraq at Afghanistan, at nagawang bawasan ang epekto ng mapanirang mga polisiya ni Bush, hindi nito nabaliktad ang tendensya at nagbunga ito ng lalupang pagbulusok sa barbarismong militar. Ang pagpatay kay Bin-Laden ay pagtatangka ng Amerika na tugunan ang pag-atras ng kanyang liderato at paggiit ng kanyang absolutong superyoridad sa militar at teknolohiya. Subalit, ang aksyon na ito ay hindi kinukwestron ang patuloy na tendensya ng pag-atras”.
- Ang tendensya tungo sa pagsabog ng paglawak ng sona ng permanenteng instabilidad at kaguluhan: “sa lahat ng bahagi ng mundo, mula sa Afghanistan hanggang sa Aprika, sa punto na ilang burges na nagsusuri, tulad nila Jacques Attali ng Pransya, ay hayagang nagsasalita ng ‘Somalisasyon’ ng mundo”
- Ang krisis sa eurozone (ang PIGS – Portugal, Ireland, Greece and Spain) ay nagpatingkad ng tensyon sa pagitan ng mga estado sa Uropa at tendensyang sentripugal sa EU “Sa sa kabilang banda, ang krisis at ang marahas na mga hakbanging ipinataw ay nagtutulak tungong pagkawasak ng EU at ang pagtakwil sa ideya na kontrolin ng isang partikular na bansa, i.e. tumutulak patungong bawat tao para sa kanyang sarili. Radikal na tutol ang UK sa panukalang mga hakbangin ng sentralisasyon at sa mga bansa ng Timog Uropa ay lumalaki ang nasyunalismong anti-Aleman. Ang pwersang sentripugal ay maaring tumungo sa tendensyang pagkawasak ng mga estado, sa pamamagitan ng awtonomisasyon ng mga rehiyon tulad ng Catalonia, Hilagang Italya, Flanders o Scotland….Kaya ang presyur ng krisis, sa pamamagitan ng komplikadong inter-aksyon ng mga pwersang sentripetal at sentripugal, ay nagpatingkad sa proseso tungo sa pagkawasak ng EU at nagpalala ng tensyon sa pagitan ng mga estado”.
Ang apat na mayor na oryentasyon ng ulat ay nanatiling balido. Malinaw na pinakita nila na ang tensyon sa pagitan ng tulak patungong bawat tao para sa kanyang sarili at ang mga pagsisikap na kontrolin ang kaguluhan, na iginiit ng 91 OT, ay patungo sa mas malalang kaguluhan at pagsabog ng sitwasyon.
Mula ng ulat ng 2013, kinumpirma ng mga kaganapan ang pagbulusok tungong mas magulong inter-imperyalistang bangayan. Pero higit sa lahat, ang sitwasyon ay markado ng mataas na irasyunal at pabago-bagong katangian, na nakaugnay sa populistang presyur, sa partikular sa katotohanan na ang pangunahing kapangyarihan ng mundo ay ngayon pinamunuan ng isang populistang pangulo kung saan ang mga reaksyon ay sukdulang pabago-bago. Lumalaki ang maiksing pamamahala ng burgesya at malakas na pabago-bago na ang resulta mula dito ay higit sa lahat ang mga katangian ng patakaran ng Amerika bilang pulis, pero nakita rin ito sa mga polisiya ng ibang imperyalistang kapangyarihan, ang paglala ng mga bangayan sa mundo, at ang paglaki ng tensyon sa Uropa.
Ang pag-upo ni Donald Trump sa kapangyarihan, na lumalangoy sa populistang alon, ay may tatlong pangunahing epekto:
Ang unang epekto ay ang pabago-bagong mga desisyon at hindi pagkakaugnayan ng patakarang panlabas ng Amerika. Ang mga aksyon ng populistang presidente at ng kanyang administrasyon, tulad ng pagkondena sa mga tratadong transpacific at transatlantic, sa kasunduang pangklima, pagkwestyon sa NATO at tratadong nukleyar sa Iran, buong suporta sa Saudi Arabia, ang paladigma na Hilagang Korea o ang tensyon sa Tsina, ay nagpahina sa mga batayan ng internasyunal na mga polisiya at kasunduan na pinagtanggol ng mga ibat-ibang administrasyon ng Amerika. Ang kanyang pabago-bagong mga desisyon, banta at ala-sugarol na pagkilos ay may epekto ng paghina ng tiwala sa Amerika bilang alyado: ang mga pagliko, pagkukunwari at biglaang pagbago ng posisyon ni Trump hindi lang nagmukhang katawa-tawa ang Amerika kundi pabawas ng pabawas ang mga bansa na may tiwala sa Amerika.
At kahit ang burgesyang Amerikano sa ilalim ni Obama, sa pagpatupad ng kontroladong pag-atras sa Iraq at Afghanistan, ay nagawang paliitin ang epekto ng mapanirang mga polisiya ni Bush, hindi nito nagawang pigilan ang tendensya ng pagbulusok-pababa ng nag-iisang makapangyarihan, at ang hindi pagkakasundo ng polisiya ng Amerika ay mas pinabilis ng mga aksyon ng administrasyong Trump. Sa G20 halata ang pagkahiwalay ng Amerika sa pagbabago ng klima at digmaang pangkalakalan. Dagdag pa, ang panghimasok ng Rusya sa Syria para iligtas si Assad ay nagpaatras sa Amerika at nagpapalakas sa impluwensya ng Rusya sa Gitnang Silangan, partikular sa Turkey at Iran, samantala hindi nagawa ng Amerika na limitahan ang pag-abante ng Tsina mula sa istatus na tagalabas sa 90s tungo sa pagiging seryosong karibal bilang tsampyon ng globalisasyon.
Ang peligro ng de-istabilisasyon ng pandaigdigang sitwasyon at dumaraming ng imperyalistang tunggalian ay walang kasinglakas ngayon, tulad ng nakita natin sa Hilagang Korea o Iran: ang polisiya ng Amerika ay higit sa nakaraan ay direktang salik sa paglala ng kaguluhan sa pandaigdigang saklaw.
Ang pangalawang epekto ng pag-upo ni Trump sa kapangyarihan ay ang pagbukas ng mayor na pampulitikang krisis sa loob ng burgesyang Amerikano. Ang patuloy na pangangailangan na kontrolin ang pabago-bagong mga desisyon ng presidente pero higit sa lahat ang duda sa pagkapanalo ni Tump ay pangunahin dahil sa suporta ng Rusya (“Russiagate”), isang tanawin na hindi katanggap-tanggap sa burgesyang Amerikano, nagpahiwatig ng partikular na maselang pampulitikang sitwasyon sa loob ng burgesyang Amerikano at kahirapan na kontrolin ang larong pampulitika.
Ang patuloy na labanan para “kontrolin” ang presidente ay maraming antas: ang presyur mula sa Partidong Republican (ang bigong boto para tanggalin ang Obamacare), oposisyon sa plano ni Trump ng kanyang sariling mga ministro (ang ministro ng Hustisya na si Jeff Sessions na ayaw magbitiw o ang mga ministro ng patakarang panlabas at depensa na “bumabago” sa mga proposal ni Trump), ang labanan para kontrolin ang istap ng White House ng mga “heneral” (McMaster, Mattis). Pero lahat ng ito ay hindi laging makontrol ang lahat, kung saan noong Setyembre ay nakipagsundo si Trump sa mga Democrat sa mariing pagtutol ng Republican na taasan ang limitasyon sa utang.
Ano man ang pakikitungo sa Rusya (kung saan may debate sa loob ng burgesyang Amerikano, na makikita natin)), ang mga akusasyon na nakikialam ang Rusya sa kampanyang presidensyal ni Trump noong eleksyon at si Trump ay may koneksyon sa mafiang Ruso ay napaka-seryoso, dahil nagkahulugan ito na sa unang pagkakataon isang presidente ng Amerika ay napili dahil sa suporta ng mga Ruso, na hindi katanggap-tanggap sa interes ng burgesyang Amerikano. Kung makumpirma ng imbestigasyon ang mga akusasyon, tutungo ito sa proseso ng pagpapatalsik kay Trump.
Ang huling epekto sa pag-upo ni Trump sa kapangyarihan ay ang paglala ng tensyon sa mga opsyon ng imperyalismong Amerika. Ang usapin ng koneksyon sa Rusya ay pokus rin sa bangayan ng klan sa loob ng burgesyang Amerikano. Dahil ang pangunahing karibal ngayon ay Tsina, ang paglalapitan ba sa dating lider ng karibal na bloke at importanteng kapangyarihang militar ay katanggap-tanggap sa burgesyang Amerikano para kontrolin ang kaguluhan, terorismo at tulak mula sa Tsina? Magawa ba ng Amerika na tumulong para muling lalakas ang kanyang karibal noong Cold War at tanggapin ang negosasyon sa kanya sa ilang mga lugar? Posible ba nitong makontrol ang ambisyon ng Tsina at bigwas na rin laban sa Alemanya? Sa loob ng administrasyong Trump, maraming pabor sa naturang paglalapitan, tulad nila Tillerson ng dayuhang patakaran at Ross ng kalakalan, kabilang na ang manugang ng presidente na si Kushner. Subalit, signipikanteng bahagi ng burgesyang Amerikano (partikular sa loob ng militar, ang sekretong pangserbisyo at Partidong Democrat) ay parang hindi handa na magbigay ng konsesyon sa kasalukuyang antas. Sa kontekstong ito, ang imbestigasyon ng Russiagate, na nagpahiwatig ng posibilidad na ang presidente ng Amerika ay ma-manipula at ma-blackmail ng eksternal na kaaway, ay sinamantala ng mga paksyong ito para ang anumang paglalapitan sa Rusya ay hindi tatanggapin.
Ang proteksyunistang oryentasyon ni Trump at ang pag-alis ng Amerika sa maraming internasyunal na kasunduan ay nagtulak sa ibat-ibang kapangyarihan, laluna sa Uropa at Asya, na palakasin ang kanilang relasyon -- na hindi sa ngayon isinantabi ng tuluyan ang Amerika – at ipakita ang kanilang kagustuhan na maging malaya mula sa Amerika at ipagtanggol ang kanilang sariling interes. Malinaw na nakita ito sa kolaborasyon ng Alemanya at Tsina panahon ng huling G20 sa Hamburg, at ang kolaborasyong ito sa pagitan ng mga bansa sa Uropa at Asya ay nakita rin sa kumperensya ng pagbabago ng klima sa Bonn na naglalayong i-kongkreto ang mga layunin na nabuo sa kumperensya sa Paris.
Ang pag-alis ng Amerika ay mas nagpalala sa tendensyang bawat tao para sa kanyang sarili sa hanay ng ibang malaking makapangyarihan: pinakita na namin ang agresibong tindig ng Rusya para magkaroon ito ng pundasyon sa padaigdigang imperyalistang larangan (Ukraine, Syria). Hinggil sa Tsina, sa nagdaang ulat nanatiling minamaliit namin (a) ang mabilis na ekonomikong modernisasyon at (b) ang panloob na pampulitikang istabilidad ng Tsina, na tila mas pinalakas pa sa ilalim ni Xi. Sa kasalukuyan itinulak ng Tsina ang sarili bilang tagapagtanggol ng globalisasyon sa harap ng proteksyunismo ng Amerika at bilang poste ng pandaigdigang istabilidad na kabaliktaran sa hindi istableng mga polisiya ng Amerika, habang nagpapaunlad ng estratehiyang militar na naglalayong palakasin ang kanyang presensyang militar labas ng Tsina (Karagatan sa Timog Tsina).
Itong paglala ng bawat tao para sa kanyang sarili ay maaring sumabay sa pagtayo ng mga sirskumstansyal na mga alyansa (Tsina at Alemanya para sa G20, ang alyansa ng Pransya-Alemanya para palakasin ang kooperasyong militar sa Uropa, Tsina at Rusya kaugnay sa Iran), pero ang mga ito ay patuloy na nagbago-bago at hindi batayan para sa paglitaw ng tunay na mga bloke. Ikonsidera natin sa ganitong antas ang halimbawa ng alyansa sa pagitan ng Tsina at Rusya. Ang dalawang kapangyarihan ay may komon na interes, halimbawa kaugnay sa relasyon ng Amerika sa Syria at Iran, o sa Malayong Silangan (Hilagang Korea) kaugnay ng Amerika at Hapon. Naglunsad din sila ng magkasamang mga maniobrang militar sa parehong mga rehiyon. Naging mayor na tagasuplay ng enerhiya ang Rusya sa Tsina, kaya nabawasan ang pag-asa nito sa Kanluran, samantalang ang Tsina ay may malaking puhunan sa Siberia at nagsuplay sa Rusya ng malaking halaga ng mga pangkonsumong kalakal. Subalit, ayaw ng Rusya na maging tagasunod sa isang makapangyarihang kapitbahay kung saan umaasa na ito ng malaki. Dagdag pa, magkaribal rin ang dalawang bansa sa sentral Asya, Timog-Silangang Asya at peninsula sa India: ang proyektong “New Silk Road” ay direktang salungat sa interes ng Rusya, habang pinalakas ng Rusya ang kanyang ugnayan sa India, ang pangunahing karibal ng Tsina sa Asya (kasama ang Hapon). Panghuli, ang paglalapitan sa pagitan ng Tsina at EU at sa Alemanya sa partikular ay kumakatawan ng nakamamatay na banta sa Rusya kung saan pipigain siya ng Tsina at Alemanya.
Naharap sa pagsabog ng bawat tao para sa kanyang sarili, ang mga pagsisikap na “pigilang maghiwa-hiwalay ang ibat-ibang bahagi ng katawan” ay nagiging mas lalupang mahirap, habang ang instabilidad ng imperyalistang bangayan ay pabago-bago at lumalawak ang mga lugar ng tunggalian.
Ang pagkatalo ng Islamikong Estado ay hindi makabawas sa instabilidad at kaguluhan: komprontasyon sa pagitan ng milisyang Kurdish at hukbong Turkish sa Syria, sa pagitan ng mga yunit Kurdish at hukbong Iraqi at maka-Iranian na milisyang Shia sa Kirkuk sa Iraq ay nagbukas ng bagong madugong digmaan sa rehiyon. Ang posisyon ng Turkey, na may susing papel sa rehiyon, ay parehong sentral sa ebolusyon ng tensyon at puno ng peligro para sa istabilidad mismo ng bansa. May mahalagang imperyalistang ambisyon ang Turkey sa rehiyon, hindi lang sa Syria at Iraq, kundi sa lahat ng bansang muslim, mula Bosnia hanggang Qatar at Turkmenistan hanggang Ehipto, at naglalaro ng kanyang imperyalistang baraha: sa kabilang banda, ang kanyang katayuan bilang myembro ng NATO ay hindi istable, dahil sa kanyang masikip na relasyon sa Amerika at mayoriya sa mga bansa sa Kanlurang Uropa na myembro ng NATO, at saka ang tensyon kaugnay sa mga bakwit at ang kanyang mahirap na relasyon sa Gresya; sa kabilang banda, patungo na ito ngayon sa paglalapitan sa Rusya at maging sa Iran, na direktang imperyalistang karibal sa Gitnang Silangan, habang sumasalungat sa Saudi Arabia (pagtutol na alisin ang tropa sa Qatar). Samantala, lumala ang tunggalian para sa kapangyarihan sa loob ng bansa, dahil sa tumitinding gawaing diktador ni Erdogan at ang pagbangon ng gerilyang kilusang Kurdish. Sa ganitong antas, ang hindi pagpayag ng Amerika na ma-extradite si Gülen at sinuportahan pa, inarmasan at sinanay ang milisyang Kurdish sa Iraq ng Amerika, ay mabigat na banta para mas lumala ang kaguluhan mismo sa loob ng Turkey.
Ang pabago-bago ng ilang pokus ng tensyon ay mas litaw sa kaso ng Hilagang Korea. Subalit habang ang ugat ng tunggaliang ito ay ang lumalalang tagong komprontasyon sa pagitang ng Tsina at Amerika, ilang mga elemento ang may impluwensya na mas mataas ang posibilidad na hindi tiyak ang resulta:
Sa madaling sabi, ang sona ng digmaan, pagkabulok ng mga estado at kaguluhan ay mas lumalawak pa, mula sa Ukraine hanggang sa Hilagang Sudan, mula sa Nigeria hanggang sa Gitnang Silangan, mula Yemen hanggang sa Afghanistan, mula Syria hanggang sa Burma at Thailand. Dapat rin idiin natin ang paglawak ng sona ng kaguluhan sa Latin Amerika: ang lumalalang politikal at ekonomikong de-istabilisasyon sa Venezuela, ang pulitikal at ekonomikong kaguluhan sa Brazil, ang de-istabilisasyon sa Mexico na mas lalala pa kung ipatupad ang proteksyunistang polisiya ni Trump sa naturang bansa. Sa lahat ng ito ay kailangang idagdag ang paglawak ng terorismo, ang kanyang presensya sa araw-araw na realidad sa Uropa, sa Amerika, atbp. Ang kaguluhan na kumakalat sa buong mundo ay nagkahulugan na paliit ng paliit ang posibilidad para sa rekonstruksyon (ganito rin ang pagtingin para sa Bosnia o Kosovo), tulad ng nakitang kabiguan sa patakarang rekonstruksyon at muling pagtayo ng mga istruktura ng estado sa Afghanistan.
Ang salik na ito, potensyal na nasa ulat ng ika-20 Kongreso, ay pinatingkad sa ispektakular na paraan sa nagdaang ilang taon. Dahil sa Brexit, pumasok ang EU sa sona ng malalakas na kaguluhan, sa ilalim ng palusot na proteksyon sa mamamayan laban sa terorismo, tumaas ng malaki ang badyet ng militar at pulis sa Kanlurang Uropa at laluna sa Silangang Uropa.
Sa ilalim ng presyur ng mga ekonomikong polisiya, sa krisis ng bakwit, mga teroristang atake at higit sa lahat ang tagumpay ng mga populistang kilusan sa eleksyon, dumarami ang mga bali sa loob ng Uropa at tumitindi ang mga antagonismo: ekonomikong presyur ng EU sa Gresya at Italya, ang resulta ng reperendum sa Brexit, ang presyur ng populismo sa mga polisiya sa Uropa (Holland, Alemanya) at tagumpay sa mga bansa sa Silangang Uropa (Poland, Hungary at kamakailan lang sa Republika ng Czech), panloob na tensyon sa Espanya dahil sa “krisis sa Catalonia”. Isang gradwal na pagtiwalag sa EU, halimbawa via “maraming pagpabilis sa Uropa”, na kasalukuyang tinataguyod ng alyansang Pransya-Alemanya, ay magluwal ng matinding intensipikasyon ng imperyalistang tunggalian sa Uropa.
Ang relasyon sa pagitan ng populismo (laban sa mga “elitista” at ng kanilang mga ideyang globalista, cosmopolitan, at para sa proteksyunismo) at nasyunalismo ay pinatingkad sa talumpati ni Trump sa UN nitong Setyembre: “ang nasyunalismo ay nagsilbing internasyunal na interes: kung ang bawat bansa ay iisipin una ang sarili, aayusin ng mga bagay ang sarili para sa mundo”. Pinapalala nito ang pagsamba sa bawat tao para sa kanyang sarili (“Una ang Amerika” ni Trump) na malakas ang impluwensya sa tunggalian sa Catalonia. Sa likod ng krisis sa euro at sa marahas na paghigpit-sinturon na dumating sa kanyang lamay, nakikita natin ang dramatikong inter-aksyon sa pagitan ng populismo at nasyunalismo: sa isang banda isang bahagi ng panggitna at maliit na burgesya sa Catalonia na “ayaw ng magbayad para sa Espanya”, o ang mga probokasyon ng koalisyong Catalista ng Puigdemont na dominado ng kaliwa at naharap na mawalan ng kredibilidad sa kapangyarihan; sa panig ng mga “Espagnolista”, ang makabayang reaksyon ng primerong ministro ng Espanya na si Rajoy na naharap sa krisis ng Partido Popular, na masyadong nalugmok sa katiwalian.
“Ang militarismo at digmaan ay pundamental na bahagi na ng buhay ng kapitalismo mula ng pumasok ito sa yugto ng pagbulusok-pababa… kung ang militarismo, imperyalismo, at digmaan ay bahagi na ng yugto ng pagbulusok-pababa, ito ay dahil ang huli ay tumugma sa katotohanan na ang mga kapitalistang relasyon ng produksyon ay hadlang na sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa: ang absolutong irasyunal na katangian, sa antas ng ekonomiyang pandaigdigan, sa gastos ng militar at digmaan ay ekspresyon lang ng patuloy na pag-iral ng pagkaligaw ng mga relasyon sa produksyon na ito”. (“Militarismo at pagkabulok”). Ang antas ng imperyalistang kaguluhan at barbarismong militar ngayon, na mas malala pa kaysa 25 taon na ang nagdaan, ay napakalinaw na ekspresyon ng pagiging lipas na ng sistema at ang pangangailangan na ibagsak ito.
[1] Ang ulat na ito ay hindi inilathala sa aming pahayagan. Subalit, maaring tingnan ng mambabasa ang seksyon sa imperyalistang tensyon mula sa resolusyon sa internasyunal na sitwasyon na inaprubahan ng Kongreso.
Oktubre 10, dalawang drayber ng trak mula sa Seine-et-Marne ang umapela sa Facebook para sa Nobyembre 17 ng: "Pambansang barikada laban sa pagtaas ng presyo ng petrolyo". Ang mensahe nila ay mabilis na kumalat sa social media, naka-engganyo ng 20,000 "interesadong" mga tao habang dumarami ang mga inisyatiba at apela. Walang unyon o pampulitikang partido, buong serye ng mga pagkilos, rali at barikada ay ispontanyong naorganisa. Ang resulta: Sa Nobyembre 17, ayon sa gobyerno, 287,710 tao na nakakalat sa mahigit 2,034 lugar, nakaparalisa ng mga crossroads, roundabouts, autoroutes, toll-booths, supermarket car parks... Ang opisyal na bilang na inilabas ng Interior Ministry (kahanga-hangang tumpak!) ay sa pangkalahatan at sadyang pinapaliit. Sa kabilang banda sabi ng "gilets jaunes" doble pa ang bilang. Sa sumunod na mga araw namintina ang ilang barikada, naganap dito at doon, napakilos ang libong mga tao bawat araw. Dosenang Total oil refineries ay naapektohan ng sabay-sabay na pagkilos ng CGT at ng "gilets jaunes". Isang panibagong araw ng pagkilos ang inilunsad sa Nobyembre 24, na tinawag na: "Act II, all of France to Paris". Ang layunin ay barikadahan ang mga prestihiyosong mga lugar sa kabisera: ang Champs-Élysées, ang Place de la Concorde, ang Senado at higit sa lahat, ang Élysée. "Dapat bigyan natin ng mapagpasyang bigwas at tumungo sa Paris sa lahat ng posibleng paraan (car-pooling, train, bus, etc.). Sa Paris dahil dito nakabase ang gobyerno! Lahat tayo maghintay, lorries, buses, taxis, tractors, tourist vehicles, etc. Tayong lahat!", sabi ng truck driver na si Eric Drouet mula sa Melun, ang co-initiator ng kilusan at pantalyang lider ng mobilisasyon. Pero hindi nangyari ang nagkakaisang pagtitipon na ito, dahil maraming "gilets jaunes" ay pinili na magprotesta sa kani-kanilang lokalidad, dahil sa laki ng gastos sa transportasyon. Higit sa lahat ang mobilisasyon ay mas maliit. 8,000 nagprotesta lang sa Paris, 106,301 sa buong Pransya at 1600 na mga lugar. Kahit pinaliit ng gobyerno ang bilang sa realidad ng mobilisasyon, ang tendensya ay malinaw na lumiliit ang bilang. Subalit, marami sa kilusan ang nagpahayag ng tagumpay. Pinaka-importante para sa "gilets jaunes" ay mga larawan na ang Champs-Élysées ay "naokupa ng isang buong araw" na nagpakita ng "lakas ng mamamayan laban sa makapangyarihan"[1]. Pagkatapos, sa gabi, isang apela ang inilunsad via Facebook para sa ikatlong araw ng pagkilos sa Sabado Disyembre 1: "Act III; Macron resign!" at naghapag ng dalawang kahilingan: "Itaas ang kapasidad na makabili at kanselasyon ng buhis sa petrolyo".
Mga mamahayag, pulitiko at lahat ng uri ng mga "sosyolohista" ay nagbanta ng hindi kilalang katangian ng kilusan: ispontanyo, labas sa unyon at pampulitikang balangkas, madaling makibagay, organisado pangunahin sa social networks, relatibong malakihan, sa pangkalahatan disiplinado, sa pangkalahatan ay umiiwas sa paninira at kumprontasyon, etc. Sa TV at mga pahayagan ang kilusan ay kinikilala na isang "sociological UFO".
Galit laban sa mga atake ng pamahalaan
Pinangunahan ng mga drayber ng trak at ayon sa sinulat ng isa sa kanila, Eric Drouet, namobilisa ng kilusan ang "mga trak, bus, taxi, traktor at behikulong pangturista", pero hindi lang sila. Maraming maliit na negosyante na "nahirapan sa buhis" ay lumahok rin. Regular at kontraktwal na mga manggagawa, walang trabaho at retirado, ay nagsuot ng "gilet jaune" at bumuo ng pinakamahalagang pwersa. "Ang 'gilets jaunes', ay mga empleyado, supermarket cashiers, technicians, infant school assistants sa Pransya na nais ipagtanggol ang pamumuhay na gusto nila: mamuhay ng hiwalay, mapayapa, kasama ang mga kapitbahay na katulad nila, na may garden, etc., at ang pagtaas ng buhis sa petrolyo, dahil sa kanilang mga sasakyan, ay naapektohan ang kanilang pribadong buhay", pagsusuri ni Vincent Tiberi. Ayon sa naturang Propesor ng Syensya, ang "gilets jaunes" "ay hindi lang kumakatawan sa mga nasa gilid ng Pransya, ang nakalimutang Pransya. Kumakatawan sila ayon sa sosyolihistang si Olivier Schwartz sa mga maliliit. Nagtrabaho sila, nagbayad ng buhis at sobra ang kita dahil sa subsidyo pero hindi sapat na mamuhay ng masagana"[2].
Sa realidad, ang lawak ng kilusan ay higit sa lahat saksi sa malaking galit na kumakain sa kaloob-looban ng lipunan at laluna sa uring manggagawa na naharap sa panggigipit ng gobyernong Macron. Ayon mismo sa opisyal na pahayag ng Observatoire français des conjonctures economiques, ang taunang kita (ie, kita matapos kaltasan ng buhis at gastusin) ay lumiit ng 440 euros sa pagitan ng 2008 at 2016. Maliit na bahagi lang ito sa mga atake na tinamasa ng uring manggagawa. Dahil sa pangkalahatang pagtaas sa lahat ng uri ng buhis ay nadagdagan ang mga walang trabaho, sistematisasyon ng kontraktwalisasyon, kabilang na sa pampublikong sektor, inplasyon partikular sa esensyal na kalakal, hindi makayang presyo ng pabahay, etc. Tumataas ang kahirapan at dahil dito, ang takot sa hinaharap. Pero higit pa dito, ang nagpaliyab sa matinding galit ayon sa "gilet jaunes" ay "ang pakiramdam na pinabayaan"[3].
Sa pakiramdam na “pinabayaan”, binalewala ng mga gobyerno, ang pag-asa na pakinggan at kilalanin ng “mga nasa itaas” gamit ang terminolohiya na mga "gilets jaunes", ang paliwanag sa piniling pagkilos: magsuot ng hi-viz yellow fluorescent jackets, barikada sa mga kalsada, pagpunta sa Senado o sa Élysée na bintana ng malalaking burgesya, sa pag-okupa sa "pinakamagandang lugar sa mundo".[4]
Ang media at gobyerno ay binigyang diin ang karahasan para malaman na anumang pakikibaka laban sa mataas na gastusin at kahirapan ng mga pinagsamantalahan ay mauuwi lang sa kaguluhan at anarkiya, sa bandalismo at bulag na aksyon ng karahasan. Sa ilalim ng kontrol ng burgesya, ang media, na espesyalista sa paggawa ng halu-halong balita, gusto na isipin natin na ang "gilets jaunes" ay mga "ekstremista" na nais “makipagbakbakan sa pulisya”[5]. Bago ang sinuman, ang pwersa ng panunupil ang agresibo at nanghamon! Sa Nobyembre 24 sa Paris, walang humpay ang mga granadang teargas, ganun din ang pagsugod ng CRS sa grupo ng kalalakihan at kababaihan na mapayapang nagmartsa sa Champs-Élysées. Dagdag pa, mas konti ang nabasag na mga salamin[6], kabaliktaran sa mga kaganapan sa football World Cup sa parehong lugar apat na buwan na ang nakaraan. Kahit pa ilang mapusok na nakamaskarang "gilets jaunes" na gustong makipagbakbakan sa pwersa ng kaayusan ("black-blocs" o ultra-kanang gangster), hindi interesado ang napakalaking mayoriya sa labanan at paninira. Ayaw nilang “manggulo” kundi mga “mamamayan” lang na nais ng respeto at pakinggan. Kaya ang apela para sa "Act III" ay nagpahayag ng "kailangang gawin ito ng matiwasay. Walang labanan at 5 milyong Pranses sa kalsada". At kaya: "Para pangalagaan ang ating susunod na rali, mungkahi namin na magbuo ng "gilets rouges" na responsableng itaboy ang mga manggugulo mula sa ating hanay. Higit sa lahat ayaw natin na magalit ang populasyon sa atin. Pangalagaan natin ang mapagkaibigang imahe".
Kilusang ng halu-halong mga uri (interclassist) ng “mamamayan”
Ang kilusan ng "gilets jaunes" ay, sa kabilang banda, may komonalidad sa selebrasyon ng world championship French football team: presenya ng tricolore kahit saan kasama ang rehiyonal na mga watawat, regular na pagkanta ng pambansang awit, matapang na pagmamalaki sa "la peuple français", na kung magkaisa ay may kapasidad na pakilusin ang nasa kapangyarihan. Ang sanggunian ng maraming namuno ay ang Rebolusyong Pranses ng 1789 o maging ang Paglaban ng 1939-1945[7] .
Ang naglagablab na nasyunalismo, ang sanggunian ng "mamamayan", ang nagsusumamong pakiusap para sa makapangyarihan, ay nagpakita sa tunay na katangian ng kilusan. Ang malaking mayoriya ng "gilet jaunes" ay mga aktibo, retirado o naghihirap na mga manggagawa, pero dito sila ay mga tao ng “sambayanang Pranses" at hindi bilang kasapi ng uring manggagawa. Kumikilos sila sa isang kilusan ng halu-halong mga uri (interclassist) o nahalo sa mga uri at saray ng hindi pinagsamantalahan sa lipunan, mga manggagawa (aktibo, retirado, kontraktwal, walang trabaho) kasama ang peti-burgesya (mga propesyunal, artisano, maliit na negosyante, magsasaka at maliit na may pribadong pag-aari). Isang bahagi ng uring manggagawa ay sumunod sa mga pasimuno ng kilusan (maliit na negosyante, self-employed drivers ng lorries, taxis, ambulances). Sa kabila ng lehitimong galit ng "gilets jaunes", sa hanay ng maraming proletaryado na naghihirap, ang kilusang ito ay hindi kilusan ng uring manggagawa. Ito ay kilusan na inilunsad ng maliit na mga negosyante na galit sa pagtaas ng presyo ng petrolyo. Saksi ang mga salita ng drayber ng trak na pasimuno ng kilusan: "Hihintayin namin bawat isa, lorries, buses, taxis, tourist vehicles, tractors, etc. Bawat isa!" Ibig sabihin "Bawat isa" at lahat ng "mamamayang Pranses" sa likod ng self-employed drivers, taxi drivers, magsasaka, etc. Ang mga manggagawa napalabnaw sa"sambayanan", atomisado at hiwalay sa bawat isa bilang indibidwal na mamamayan, nahalo sa maliit na negosyante at kababaihan (karamihan ay bahagi ng Rassemblement national - ex-FN - ni Marine Le Pen).
Ang bulok na tereyn na kinalagyan ng malaking bilang ng mga proletaryado, kabilang na ang pinaka-mahirap, ay hindi sa uring manggagawa! Sa ganitong “hindi pulitikal” at “anti-unyon" na kilusan, walang panawagan na welga at ekstensyon sa lahat ng sektor! Walang panawagan para sa mga independyenteng pangkalahatang aasembliya sa mga pabrika para sa kolektibong diskusyon at repleksyon sa pagkilos na gagawin at pagkaisahin ang pakikibaka laban sa mga atake ng gobyerno! Itong “pag-alsa ng mamamayan” ay bitag para lunurin ang uring manggagawa sa “mamamayan ng Pransya” kung saan makikita ang paksyon ng burgesya bilang “tagasuporta ng kilusan”. Mula kay Marine Le Pen hanggang kay Olivier Besancenot, kabilang na sila Mélenchon at Laurent Wauqiez, "bawat isa" ay nandoon mula sa dulong-kanan hanggang sa dulong-kaliwa ng kapital, sumusuporta sa kilusan ng halu-halong mga uri, at kanilang makabayang lason.
…suportado ng lahat ng paksyon ng burgesya
Sa katangian nitong halu-halo ng mga uri ng "gilets jaunes" ang paliwanag bakit saludo si Marine Le Pen dito bilang "lehitimong kilusan" ng "mamamayang Pranses"; bakit suportado ni Nicolas Dupont-Aignan, Presidente ng Debout la France (Manindigan para sa Pransya): "Dapat barikadahan natin ang buong Pransya (...) dapat sabihin ng populasyon sa gobyerno: tama na!"; bakit si Laurent Wanquiez, Presidente ng Les Republicains kinilala ang "gilets jaunes" bilang "karapat-dapat, detrminadong mamamayan na tamang humiling na pakinggan ang kahirapan ng Pransya"; bakit ang Deputado na si Jean Lassalle, pangulo ng Resistons, ang isa sa mga pantalyang lider ng kilusan at nagsulot ng kanyang yellow hi-viz jacket sa Pambansang Asembliya at sa kalsada. Malinaw na para sa kanan at dulong-kanan ang kilusang "gilets jaunes" ay hindi banta sa kapitalistang sistema. Higit sa lahat nakita nila ito na mapahina ang kanilang mga kalaban sa susunod na eleksyon, i.e., paksyon ni Macron, na ang awtoridad at kapasidad na pangasiwaan ang panlipunang kapayapaan ay malubhang nayupi.
Sa kaliwa at dulong-kaliwa naman, tinuligsa nila ang pagsakay ng kanan at dulong-kanan, tinakwil ang "mga fashos na sumira sa kilusan" habang hayag itong sinusuportahan. Matapos manlamig sa simula, si Jean-Luc Mélenchon, pangulo ng La France insoumise (Rebellious France) ay sumasaludo dito: "Ang rebolusyonaryong kilusan na dilaw", isa "popular" at kilusang “masa”. Kinumpara niya ito sa isang pato sa tubig at siya at ang kanyang rebeldeng Pransya, ang kanyang pula-puti-asul na mga watawat, ang kanyang tricolour scarf na suot bawat okasyon at ang kanyang kapasyahan na "pagkaisahin ang mamamayan laban sa oligarkiya" sa pamamagitan ng eleksyon.
Ang suporta mula sa burges na pampulitikang chessboard[8], at higit sa lahat ng kanan at dulong-kanan, ay nagpakita na ang kilusang "gilets jaunes" ay walang proletaryong katangian at walang kinalaman sa makauring pakikibaka! Kung lahat ng bahagi ng pampulitikang makinarya ng burgesyang Pranses ay ginagamit ang "gilets jaunes", umaasa na mapahina si Macron at may makuhang bentaha mula dito para sa elektoral na tagumpay, alam nila na ang kilusang ito ay hindi makapagpalakas sa pakikibaka ng proletaryado laban sa pagsasamantala at panunupil[9]
Tiyak na ang CGT at iba pang mga unyon ay "gagawin ang kanilang trabaho" na kontrolin ang mga manggagawa para pigilan ang anumang ispontanyong kilusan sa makauring tereyn.
Kailangang ipagtanggol ng proletaryado ang kanyang makauring awtonomiya at aasa lang sa kanyang sarili!
Maraming manggagawa ang napakilos laban sa kahirapan, walang humpay na pang-ekonomiyang atake, kawalan ng trabaho, at kontraktwalisasyon... Pero sa pagsama sa "gilets jaunes" ang mga manggagawang ito ay sa ilang sandali nailigaw at nahatak ng kilusan na tutungo lang sa hindi pagkakasundo.
Dapat ipagtanggol ng uring manggagawa ang kanyang kabuhayan sa sariling arena, bilang isang awtonomus na uri, laban sa pambansang pagkakaisa ng lahat ng mga pwersang "anti-Macron" na minamanipula ang galit ng "gilets jaunes" para ikulong sila sa eleksyon. Hindi nila dapat ipagkatiwala ang kanilang pakikibaka sa reaksyunaryong panlipunang saray man, o sa mga partido na pakitang-tao na sumusuporta, o sa mga unyon na pekeng kaibigan. Ang buong eksena, bawat isa may sariling doktrina, inukopa at kinokontrol ang panlipunang tereyn para pigilan ang mismong awtonumos na pakikibaka ng proletaryado.
Sa panahon na hawakan mismo ng uring manggagawa ang sarili bilang awtonomus na uri sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanyang malawakang pakikibaka sa sariling arena, mahatak nito ang lumalaking bahagi ng lipunan, sa kanyang sariling paraan ng pakikibaka at sa kanyang nagkakaisang mga islogan, at sa huli sa kanyang sariling rebolusyonaryong proyekto para baguhin ang lipunan. Sa 1980 sa Poland, malawak na kilusang masa ang nagsimula sa naval dockyards sa Gdansk matapos ang pagtaas ng presyo ng mga batayang pangangailangan. Para harapin ang gobyerno at paatrasin ito, nag-organisa sa sarili ang mga manggagawa, bilang isang uri laban sa pulang burgesya at sa kanyang Stalinistang estado[10]. Sumuporta ang malaking bahagi ng populasyon sa malawakang pakikibaka ng mga pinagsamantalahan.
Sa panahon na paunlarin ng proletaryado ang kanyang pakikibaka, ang mga independyente at maramihang bukas na pangkalahatang asembliya ang puso ng kilusan, ang mga lugar na makapagtipon at makapag-organisa ang proletaryado, makapag-isip ng mga mapagkaisahang islogan at kasabihan para sa hinaharap. Walang puwang para sa nasyunalismo, kabaliktaran dahil ang tunguhin ay internasyunal na pagkakaisa sapagkat "Ang mga manggagawa ay walang bansa"[11]. Kailangang tanggihan ng mga manggagawa ang pag-awit ng pambansang awit at pagwagayway ng tricolore, ang bandila ng Versaillais na pumaslang ng 30,000 manggagawa sa panahon ng Komuna sa Paris sa 1871!
Sa kasalukuyan ay nahirapan ang pinagsamantalahang uri na kilalanin ang sarili bilang isang uri at bilang tanging pwersa ng lipunan na may kapasidad na paunlarin ang balanse ng pwersa sa kanyang pabor kaharap ang burgesya. Ang uring manggagawa ang tanging uri na makapagbigay ng kinabukasan sa sangkatauhan, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kanyang sariling pakikibaka sa kanyang sariling larangan lagpas sa lahat ng pampabrika, sektoral at makabayang pagkahati-hati. Sa kasalukuyan, galit ang mga manggagawa pero hindi nila alam paano makibaka para ipagtanggol ang kanilang pamumuhay sa harap ng lumalakas na atake ng burgesya. Nakalimutan nila ang kanilang sariling mga karanasan sa pakikibaka, ang kanilang kapasidad na magkaisa at organisahin ang sarili na hindi naghihintay ng atas mula sa mga unyon.
Sa kabila ng kahirapan ng proletaryado na muling mahawakan ang makauring identidad, ang hinaharap ay nanatiling para sa makauring pakikibaka. Lahat ng mga mula sa pangangailangan ng proletaryong pakikibaka ay kailangang mag-organisa, magtalakayan, halawin ang mga aral sa pinakahuling mga panlipunang pagkilos, gawing batayan ang kasaysayan ng kilusang manggagawa at hindi malinlang sa radikal na mga sigaw ng “mamamayan”, “popular” at halu-halong mga uri na mobilisasyon ng peti-burgesya!
Ang awtonomiya ng proletaryado sa harap ng ibang mga uri at saray ng lipunan ang unang kondisyon para lumawak ang kanyang pakikibaka tungong rebolusyonaryong direksyon. Lahat ng mga alyansa, partikular sa mga paksyon ng burgesya, ay magbunga lang ng paghina sa harap ng kanyang kaaway patungo sa pag-abando ng tanging larangan kung saan makonsolida nito ang kanyang pwersa: ang kanyang makauring tereyn" (Plataporma ng IKT[12]).
Révolution Internationale, seksyon ng IKT sa Pransya, Nobyembre 25, 2018
[1] Nasaksihan ng mga militante ng IKT sa Champs-Élysées
[2] "The gilets jaune, an original movement in French history", Le Parisien (November 24, 2018).
[3] Ang ideyang ito ay mababasa at makikita sa lahat ng on social media.
[4] Ang titulo na binigay sa Champs-Élysées.
[5] Hindi ito ginawa ng direkta pero “indirekta”: sa BFM-TV, halimbawa, habang ginigiit ng mga mamamahayag at “espesyalista” na kailangang pag-ibahin ang "tunay na gilets jaunes" mula sa mga "nanggugulo", ang binigyang pokus na mga larawan ay ang magulong sitwasyon sa Champs-Élysées.
[6] Ang pagsabog ng galit ay may kaugnayan sa pagtayo ng mga barikada mula sa street furniture at projectiles na pinutok ng mga pulis.
[7] Sa Champs-Élysées, narinig ang isang “gilet jaune" na nagsabing "gawin kay Macron ano ang ginawa ng Resistance kay Boches, araw-araw gipitin hanggang mawala siya".
[8] Kabilang ang maka-kaliwang NPA, (New Anti-capitalist Party) at Lutte Ouvrière
[9] Ang mga unyon lang ang pumuna sa "gilets jaunes", habang karamihan sa huli ay itinakwil ang kontrol ng unyon
[10] Tingnan ang artikulo sa International Review no. 27, "Notes on the Mass Strike"
[11] Isa sa mga pangunahing islogan ng Indignados sa 2011, ay "Mula sa Tahrir Square hanggang sa Puerta del sol", na nagpakita sa pananaw ng mga demonstrador sa Espanya na gusto nilang makipag-ugnayan sa mga nagprotesta sa mga bansang Arabo na naunang nagprotesta sa kanila ng ilang linggo.
[12] https://en.internationalism.org/platform [99]
Sa unang bahagi ng serye1 nakita natin na ang programa ng mga partido ng kaliwa at dulong-kaliwa para sa transpormasyon ng kapitalismo tungo sa isang "bagong lipunan" ay walang iba kundi isang ideyalisadong reproduksyon ng kapitalismo mismo.2 Pinakamasama pa, ang pananaw sa uring manggagawa na pinakilala nila ay ganap na pagtanggi sa rebolusyonaryong katangian nito.
Sa pangalawang artikulong ito, ipakita namin ang pag-iisip ng mga partidong ito at kanilang paraan sa pagsusuri, laluna yaong kinikilala ang sarili na “pinaka-radikal”.
Ang pagkakaisa sa pagitan ng programa, teorya, pagkilos at moralidad.
Sa unang artikulo, tinuligsa namin ang programa ng mga manlilinlang na nagtatanggol sa kapital; ngayon ay ang ibang bagay naman ang talakayin namin: ang paraan ng kanilang pag-iisip, ang relasyon sa pagitan ng mga kasapi, kanilang organisasyunal na pagkilos, kanilang bisyon ng moralidad, kanilang konsepto ng debate, kanilang bisyon ng militansya at panghuli, ang buong karanasan sa pagkilos sa loob ng mga partidong ito. Ang lumaya mula sa ganitong pananaw ay mas mahirap kaysa paglantad sa inilako nilang pampulitikang panlilinlang, dahil kontrolado ng mga organisasyong ito ang pag-iisip at nilason ang aktitud, at may impluwensya ito sa organisasyunal na pagkilos.
Ang mga rebolusyonaryong organisasyon ng kaliwang komunista, na marupok, maliit ang bilang ng mga militante, ay dapat harapin ang krusyal na usaping ito. Nagawang itakwil ng mga organisasyon ang programa ng kaliwa at dulong-kaliwa na mga kapitalistang organisasyon, pero ang kanilang nakatagong mukha, ang kanilang pag-iisip, kanilang pagkilos at gawi, kanilang pananaw sa moralidad, atbp., lahat ng ito ay kasing reaksyunaryo ng kanilang programa, na minamaliit at hindi dumaan sa walang puknat at radikal na kritisismo.
Kaya hindi sapat ang pagtuligsa sa programa ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital; kailangan din tuligsain at labanan ang nakatagong organisasyunal at moral na mukha na kinopya nila sa kanan at dulong-kanan.
Ang rebolusyonaryong organisasyon ay higit pa sa programa; ito ay unitaryong sintesis ng programa, teorya at moda ng pag-iisip, moralidad at organisasyunal na pagkilos. May pagkakaisa sa pagitan ng mga elementong ito. "Ang aktibidad ng rebolusyonaryong organisasyon ay maintindihan lamang bilang isang tanging kabuuan, na ang mga sangkap ay hindi hiwa-hiwalay kundi nagtutulungan: 1) ang kanyang teoretikal na gawain, ang elaborasyon nito na kailangan ang palagiang pagpupunyagi at hindi permanente o kompleto na. Ito ay kailangan at hindi mapalitan; 2) interbensyon sa ekonomiya at pampulitikang pakikibaka ng uri. Mas mahusay na praktika ng organisasyon kung ang teorya ay natransporma sa pagiging armas para sa pakikibaka sa pamamagitan ng propaganda at ahitasyon; 3) organisasyunal na aktibidad para paunlarin at palakasin ang kanyang mga organo at sa preserbasyon sa kanyang mga natamong organisasyunal, kung wala ito ang kantitatibong pag-unlad (kasapian) ay hindi matransporma sa kalitatibong pag-unlad”3
Malinaw na hindi natin makamit ang komunismo sa pamamagitan ng kasinungalingan, paninirang-puri at maniobra. May pagkakaugnay-ugnay sa pagitan ng mga aspeto na nasambit sa itaas. Larawan sila ng kabuuang buhay at panlipunang organisasyon ng komunismo at hindi maaring kasalungat nito.
tulad ng sinabi namin sa tekstong "Ang organisasyunal na pagkilos ng IKT":
"Ang usapin ng organisasyon ay nakapokus sa buong serye ng mga esensyal na aspeto na pundamental sa rebolusyonaryong perspektiba ng proletaryado: 1) ang pundamental na mga katangian ng komunistang lipunan at relasyon sa pagitan ng mga myembro ng huli; 2) ang pagiging proletaryado bilang isang uri na nagdadala ng komunismo; 3) ang katangian ng makauring kamulatan, ang mga katangian ng kanyang pag-unlad, pagpapalalim at paglawak sa loob ng uri; 4) ang papel ng komunistang organisasyon para mamulat ang proletaryado."4
Ang kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital, tagapagmana ng palsipikasyon sa marxismo ng Stalinismo
Masasabi na ang mga grupo ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital ay mga pampulitikang salamangkero. Nagsilbi sila sa mga pampulitikang posisyon ng kapital na may lenggwaheng “proletaryado” at “marxista”. Pinagsalita nila sila Marx, Engels, Lenin at iba pang proletaryong militante na salungat sa gusto nilang sabihin. Tinabingi, ginulo at minanipula nila ang ang mga posisyon na pinagtatanggol nila sa isipisipikong yugto ng kilusang manggagawa, para maging absolutong salungat sa kanila. Kumuha sila ng mga sipi mula kina Marx, Engels o Lenin at pinagsalita sila na ang kapitalistang pagsasamantala ay mabuti, na pinaka-mahalaga ang bansa, na dapat maging tagasuporta tayo ng imperyalistang digmaan at tanggapin na ang estado ay ating tagapagtangkilk at tagapagtanggol, atbp.
Sila Marx, Engels at Lenin, na nakibaka para wasakin ang estado, parang mahika, para sa mga grupong ito, ay naging pinaka-masigasig na tagapagtanggol. Sila Marx, Engels, Lenin, na lubos na mandirigma ng internasyunalismo, ay naging mga kampyon ng "pambansang kalayaan" at tagapagtanggol ng bansa. Sila Marx, Engels, Lenin, na nag-udyok sa depensibang pakikibaka ng proletaryado, ay naging mga kampyon ng produktibismo at pabor na isakripisyo ng mga manggagawa ang sarili para sa kapital.
Namuno sa pagpalaganap ng palsipikasyon ay ang Stalinismo5. Sistematikong pinamunuan ni Stalin ang kasuklam-suklam na transpormasyong ito. Maari nating sanggunian ang libro ni Ante Ciliga, The Russian Enigma para ilarawan ito6. Ditalyadong inilarawan ang prosesong ito na nagsimula sa kalahating bahagi ng 1920s:
"Ang natatanging panlipunang rehimen na umunlad sa Rusyang Sobyet ay nagawang ikintal ang kanyang sariling ideolohiya sa lahat ng sangay ng syensya. Sa madaling salita, pinagsama niya ang sariling pandaigdigang pananaw sa estabilisadong syensa, kabilang na ang tradisyunal na ideolohiya ng marxismo at mga bagong syentipikong diskubre" (pahina 103 PDF edisyon sa Espanyol).
Para ipaliwanag ito, gununita niya na "Pinakita ni Hegel (..) na maaring manatili ang porma ng isang penomenon habang ganap na nagbago ang kanyang nilalaman; (...) hindi ba madalas sinabi ni Lenin na ang kapalaran ng bantog na mga tao ay magsilbi bilang rebulto matapos silang mamatay, habang ang kanilang mapagpalayang mga ideya ay pinapalsipika para bigyang katuwiran ang bagong panunupil at pang-aalipin?" (pahina 109).
Sa panahon na siya ay nasa "Komunistang Akademiya" sa Moscow, nabanggit niya na "bawat taon nagbago ang kurikulum, ang istorikal na mga datos at kanilang kahalagahan ay walang pasubaling pinalsipika. Ginawa ito hindi lang sa kamakailan na kasaysayan ng rebolusyonaryong kilusan sa Rusya, kundi pati na rin ang mga kaganapan ng Komuna sa Paris, ang rebolusyon ng 1848 at ang unang Rebolusyong Pranses. (...) At ang kasaysayan ng Comintern? Bawat bagong publikasyon ay may bagong interpretasyon, na karamihan ay naiiba mula sa mga nauna" (p. 100), "Dahil ang mga palsipikasyong ito ay ipinakilala sa lahat ng mga sangay ng edukasyon, may palagay ako na hindi sila mga aksidente, kundi isang sistematikong transpormasyon ng kasaysayan, pampuitikang ekonomiya at iba pang mga syensya ayon sa interes at pandaigdigang pananaw ng burukrasya (...) Katunayan, isang bagong paaralan, ang burukratikong paaralan ng Marxismo, ay itinatayo sa Rusya." (p. 101)
Alinsunod, ang kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital ay gumagamit ng tatlong paraan:
- sinamantala ang mga pagkakamali ng mga rebolusyonaryo;
- pinagtatanggol ang mga posisyon na tama sa nakaraan, pero hindi na balido ngayon at naging kontra-rebolusyonaryo na;
- pinapurol ang rebolusyonaryong katangian ng mga posisyong ito sa pamamagitan ng paggawa sa kanila na hindi mapaminsalang abstraksyon.
Ang mga pagkakamali ng mga rebolusyonaryo
Sila Marx, Engels, Lenin, Rosa Luxemburg, ay hindi perpekto. Nagkamali sila.
Salungat sa mekanistikong pananaw ng burges na kaisipan, kadalasan hindi maiwasan ang mga pagkakamali at kinakailangang hakbang tungo sa katotohanan na hindi absoluto mismo, kundi may istorikal na katangian. Para kay Hegel, ang mga pagkakamali ay kailangan at sumusulong na yugto ng katotohanan.
Mas malinaw ito kung kinukonsidera natin na ang proletaryado ay parehong pinagsamantalahan at rebolusyonaryong uri at, bilang isang pinagsamantalahang uri, ay nakaranas ng buong bigat ng dominanteng ideolohiya. Kaya, ng ang proletaryado - o ang bahagi nito - ay mangahas mag-isip, magbalangkas ng teorya at magharap ng mga kahilingan at maglatag ng sariling mga layunin, ito ay lumalaban sa pagsawalang-kibo at pagkatuliro na ipinataw ng kapitalistang sintido komon; pero kasabay nito ay makagawa rin ng seryosong maling desisyon at umatras sa pagtanggap sa mga ideya na ang panlipunang ebolusyon miso o ang mismong dinamika ng makauring pakikibaka ay napangibabawan na o naisantabi.
Sila Marx at Engels ay naniwala sa 1848 na hinog na ang kapitalismo para palitan ng komunismo at nagtaguyod ng “intermediyang” kapitalistang programa na magsilbing plataporma para sa sosyalismo (ang teorya ng "permanenteng rebolusyon").
Subalit, dahil sa kanilang kritikal na pag-iisip ay humantong sila sa pagtakwil sa ganitong ispekulasyon, na inabandona nila sa 1852. Kahalintulad, naniwala sila na ang kapitalistang estado ay dapat agawin at gamitin para sa rebolusyon, pero ang buhay na karanasan ng Komuna sa Paris ang nakatulong para makumbinsi sila na ito ay isang pagkakamali at sa kapasyahan na kailangang wasakin ang kapitalistang estado.
Marami pang pwede naming gawing halimbawa, pero ang gusto naming ipakita ay paano ginamit ng mga grupo ng kaliwa ang mga kamaliang ito para bigyang katuwiran ang kanilang kontra-rebolusyonaryong programa. Si Lenin ay isang komitidong internasyunalista, subalit hindi sapat ang kanyang kalinawan sa usapin ng pambansang kalayaan at nakagawa ng seryosong pagkakamali. Ang mga kamaliang ito, kinuha na hiwalay sa kanilang istorikal na konteksto, na hiwalay sa internasyunalistang pakikibaka niya, at ginawang mga “batas” na balido sa lahat ng panahon7. Ang mga pagkakamaling ito ay binago, ipokrikong ginamit sa pagtatanggol sa kapital.
Bakit naging posible ang ganitong palsipikasyon? Isa sa mga pinaka-importanteng paraan ay ang pagsira sa kritikal na pag-iisip ng mga militante. Ang may kalinawan na mga marxista ay sumasang-ayon sa pinakamagaling na ginagawa ng syensya: kritikal na pag-iisip, ibig sabihin, ang kapasidad na kwestyunin ang mga posisyon, na sa ibat-ibang kadahilanan, ay sumasalungat na sa realidad at pangangailangan ng proletaryong pakikibaka. Ang Marxismo ay hindi hanay ng mga dogma mula sa utak ng mga henyo na hindi maaring baguhin; ito ay mapanlaban, buhay, nagsusuri at sa paraang palaging umuunlad, at sa dahilang ito, pundamental sa kanya ang kritikal na pag-iisip. Pangunahing tungkulin ng mga grupo ng kaliwa ang pagsupil sa kritikal na pag-iisip, tulad ng kanilang mga Stalinistang amo na, tulad ng sinabi ni Ciliga sa kanyang panahon sa "Komunistang Unibersidad" sa Leningrad, hinggil sa mga mag-aaral at lider ng partido sa hinaharap, "kung hindi nakasulat sa manwal, para sa kanila hindi ito umiiral. Hindi kinukwestyon ang programa ng Partido. Kontrolado ang buhay ispirituwal. Nang sinubukan kong itulak sila palabas sa makipot na kagiliran ng programa, para pukawin ang kanilang mapang-usisa at kritikal na pag-iisip, nanatili silang bingi. Tila naging mapurol ang kanilang panlipunang kahusayan." (p. 98).
Kaya, sa harap ng bulag na pagsunod na tinataguyod ng mga grupo ng kaliwa (mula sa mga Stalinista hanggang sa mga Trotskyista at maraming anarkista), kailangang makibaka ang mga proletaryong militante at rebolusyonaryong grupo na manatiling buhay ang kanilang kritikal na pag-iisip, ang kanilang kapasidad na maging kritikal-sa-sarili; dapat lagi nilang usisain ang mga datos at, batay sa istorikal na pagsusuri, alamin paano muling tasahin ang mga posisyon na hindi na balido.
Ang mga posisyon na dati tama ay pwedeng magiging walang kabuluhang kasinungalingan
Isa pang katangian ng paraan ng kaliwa ay ang pagtatanggol sa dati mga tamang rebolusyonaryong posisyon na pinawalang-bisa na o hindi na produktibo batay sa mga istorikal na kaganapan. Halimbawa, ang pagsuporta nila Marx at Engels sa mga unyon sa pagawaan. Pinagtibay ng kaliwa na, kung ang mga unyon ay organo ng proletaryado sa panahon nila Marx at Engels, ganun din sa lahat ng panahon. Gumagamit sila ng abstrakto at walang hanggan na paraan. Tinago nila ang katotohanan na sa dekadenteng kapitalismo, ang mga unyon sa pagawaan ay nagiging organo na ng burges na estado laban sa proletaryado.8
May mga rebolusyonaryong militante na kumawala sa mga posisyon ng kaliwa, pero bigong kumawala sa kanilang iskolastikong paraan. Kaya, halimbawa, binaliktad lang nila ang posisyon ng kaliwa hinggil sa unyonismo: kung ang posisyon ng kaliwa na ang unyonismo ay palagiang nagsisilbi sa uring manggagawa, pinagtibay ng mga rebolusyonaryong militanteng ito na ang unyonismo ay palagiang laban sa uri. Para sa kanila ang posisyon sa unyonismo ay hindi nagbabago, walang kataposan, kaya, kahit tila kumawala sila sa kaliwa, nanatili silang bilanggo dito.
Ganun din sa sosyal-demokrasya. Mahirap isipin na ang mga ‘sosyalistang partido’ na umiiral ngayon ay mga partido ng uring manggagawa sa panahon mula 1870 hanggang 1914, na nakaambag sila sa pagkakaisa, kamulatan at pakikibaka nito. Sa harap nito, ang kaliwa, laluna ang Trotskyismo, ay nagpasya: ang mga sosyal-demokratikong partido ay nanatili at hindi tumigil sa pagiging mga partido ng manggagawa, sa kabila ng kanilang mga kontra-rebolusyonaryong aksyon.
Subalit, may mga rebolusyonaryo na kahalintulad ang sinabi, pero sa salungat: kung sabi ng mga Trotskyista na ang sosyal-demokrasya ay partido at mananatiling partido ng manggagawa, naghinuha naman sila na ang sosyal-demokrasya ay isang kapitalista at mananatiling ganito. Pinagwalang-bahala nila na ang oportunismo ay isang sakit na nakaapekto sa kilusang manggagawa at maaring magtulak sa mga partido nito na magtraydor at pumasok sa kapitalistang estado.
Bilanggo sa kanilang pamana mula sa kaliwa, pinalitan nila ang istorikal at diyalektikal na paraan ng iskolastikang paraan, na hindi naintindihan na isa sa mga prinsipyo ng diyalektika ay ang transpormasyon ng magkasalungat: ang isang bagay na umiiral ay pwedeng matransporma na kikilos ng salungat sa kung ano siya. Ang mga proletaryong partido, dahil sa pagkabulok bunsod ng impluwensya ng burges na ideolohiya at ng peti-burges, ay mabago sila tungo sa kanilang kabaliktaran: magiging tapat na tagasilbi sa kapitalismo9.
Ito ay isa sa resulta ng paraan ng kaliwa: itinakwil nila ang istorikal na elemento ng makauring posisyon at ang proseso na binalangkas sila. Inalis nito ang isa pang esensyal na sangkap sa proletaryong pamamaraan. Bawat henerasyon ng manggagawa ay nakinabang sa nagdaang henerasyon: ang mga aral na nahalaw mula sa makauring pakikibaka at teoretikal na pagsisikap ay nagbigay ng mga kongklusyon na nagsilbi bilang panimulang punto pero hindi huling punto. Ang ebolusyon ng kapitalismo at ang mismong karanasan ng makauring pakikibaka ang nagtulak sa pangangailangan ng panibagong pagpapaunlad o kritikal na koreksyon sa dating mga posisyon. Itinanggi ng kaliwa ang istorikal na pagpapatuloy sa pamamagitan ng pagpapalaganap ng isang dogmatiko at hindi istorikal na bisyon.
Mula 17 hanggang 19 siglo, ang mga palaisip na nagpahayag ng burges na rebolusyon ay nagpaliwanag ng materyalismo na rebolusyonaryo sa panahong yaon dahil walang puknat na sinaway nito ang pyudal na ideyalismo. Subalit, ng nakontrol na ang kapangyarihan sa pangunahing mga bansa, ang kaisipang burges ay naging konserbatibo na, dogmatiko at hindi istorikal. Ang proletaryado, sa kabilang banda, sa kanyang naturalesa na kritikal at istorikal na pag-iisip, isang abilidad na hindi manatiling nakakulong sa mga kaganapan sa isang ispisipikong yugto, gaano man sila kahalaga, at ginagabayan hindi sa nakaraan o kasalukuyan kundi ng perspektiba ng rebolusyonaryong hinaharap kung saan ito ang nagdadala. "Ang kasaysayan ng pilosopiya at kasaysayan ng panlipunang syensya ay malinaw na pinakita na ang marxismo ay salungat sa ‘sektaryanismo’ sa punto ng doktrina na makasarili at naninigas, lumitaw sa mahabang pag-unlad ng sibilisasyon ng tao. Kabaliktaran, si Marx, ang tao, ay malikhain sa pagsagot niya sa mga tanong na iminumungkahi na ng abanteng sangkatauhan."10
Ang patibong ng abstraksyon
Tulad ng burges na kaisipan, ang ideolohiya ng kaliwa ay dogmatiko at ideyalista sa isang banda, at relabistiko at pragmatiko sa kabilang banda. Itinaas ng kaliwa ang kanyang kaliwang kamay at nagpahayag ng ilang mga “prinsipyo” na itinaas sa hanay ng mga unibersal na dogma, balido sa lahat ng mga mundo at sa lahat ng panahon. Subalit, sa kanyang kanang kamay, ay nanawagan ng mga “taktikal na konsiderasyon”, inilagay lang niya ang mga sagradong prinsipyo sa kanyang bulsa dahil "hindi pa tama ang kondisyon”, "hindi maintindihan ng mga manggagawa", "hindi pa napapanahon”, atbp.
Ang dogmatismo at taktika-ismo ay hindi magkatunggali kundi nagtutulungan. Ang dogma na nanghihimok sa mga tao na lumahok sa eleksyon ay tinutulungan ng mga “taktika” na “gamitin ang mga ito” para “makilala tayo” o “hadlangan ang kanan”, atbp. Kaya ang dogmatismo ay tila teoretikal, pero sa realidad ito ay isang abstraktong pananaw, na inilagay sa labas ng istorikal na ebolusyon. Ang mga “taktika”, gayunman, ay parang "praktikal" at “kongkreto” pero sa totoo lang ay isang krudo at istupidong bisyon, tipikal sa burges na pag-iisip, na hindi nagmula sa malinaw na mga posisyon kundi mula sa purong pangongopya at oportunismo sa araw-araw na gawain.
Humantong ito na maunawaan natin ang pangatlong katangian ng paraan ng pag-iisip ng kaliwa: kailangang gawing abstrakto ang mga tamang posisyon ng mga rebolusyonaryo, unawain na wala sa konteksto, para papurulin ang kanilang rebolusyonaryong talas; tulad ng sinabi ni Lenin, gawin silang hindi banta sa kapital sa pamamagitan ng pagiging abstrakto at walang saysay ang mga “prinsipyo”. Kaya ang komunismo, diktadura ng proletaryado, konseho ng manggagawa, internasyunalismo…. ay naging malabong retorika at mapang-uyam na salita kung saan mismong ang mga lider ay hindi naniwala, pero walanghiyang ginagamit para manipulahin ang kanilang tapat na mga tagasunod. Si Ciliga, sa nabanggit na libro, binigyang-diin "ang kapasidad ng komunistang burukrasya na gawin ang kabaliktaran sa kung ano ang sinasabi nito, para itago ang pinakamasamang mga krimen sa ilalim ng maskara ng pinaka-progresibong mga islogan at pinaka-magaling na mga pangungusap" (pahina 52).
Sa mga organisasyon ng kaliwa, walang mga prinsipyo. Ang kanilang bisyon ay purong pragmatiko at nagbabago ayon sa mga sirkumstansya, ibig sabihin, ayon sa pulitikal, ekonomiko at ideolohikal na pangangailangan ng pinagsilbihan nilang pambansang kapital. Ang mga prinsipyo ay umaangkop sa mga sirkumstansya at ispisipikong mga yugto, tulad ng panahon ng mga kumperensya ng partido at mayor na mga anibersaryo; at ginamit bilang rason para akusahan ang mga militante na “lumabag sa mga prinsipyo”; ginamit rin sila bilang sandata sa bangayan sa pagitan ng mga paksyon.
Itong bisyon ng mga “prinsipyo” ay radikal na salungat yaong sa rebolusyonaryong organisasyon, na nakabatay sa "pag-iral ng programa na balido sa buong organisasyon. Itong programa, na sintises ng karanasan ng proletaryado kung saan bahagi ang organisasyon at dahil nagmula ito sa isang uri na hindi lang may kagyat na pag-iral kundi may istorikal din na hinaharap, na nagpahayag sa hinaharap na ito sa pamamagitan ng pagbalangkas ng mga layunin ng uri at ang paraan para makamit ang mga ito; na pinagsama ang mga esensyal na posisyon na kailangang ipagtanggol ng organisasyon sa uri; na magsilbing batayan sa pagsapi sa organisasyon".11
Ang rebolusyonaryong programa ang pinagmulan ng aktibidad ng organisasyon, ang kanyang teoretikal na gawain ang pinagmulan ng inspirasyon at pampasigla ng pagkilos. Kaya kailangan seryoso itong panghawakan. Ang militante na nagmula sa kaliwa at hindi na nakawala mula dito, kadalasan hindi mulat na naniwala, na ang programa ay isang palabas lang, isang koleksyon ng mga simpleng kataga na tinatawag sa taimtim na mga okasyon, kaya gusto niya na tanggalin ang retorika dito. Sa ibang pagkakataon, kung galit siya sa isang kasama o iniisip niya na inihiwalay siya ng sentral na organo, “sinisi sila” nito sa pamamagitan ng paggamit ng programa para igiit ang kanyang punto.
Laban sa dalawang maling pananaw na ito, inamin namin na ang esensyal na papel ng programa sa proletaryong organisasyon ay ito ay sandata ng pagsusuri na sinag-ayonan ng lahat ng mga militante at kung saan lahat ay komitido para paunlarin ito; ito ay paraan ng interbensyon sa proletaryong pakikibaka, isang oryentasyon at aktibong kontribusyon sa kanyang rebolusyonaryong hinaharap.
Ang pragmatiko at “malikhaing” palusot ng kaliwa ay mas nakasira dahil ginawa nilang mahirap ang pandaigdigang pamana para kumilos mula sa pangkalahatan patungo sa kongkreto, mula sa abstrakto tungo sa kagyat, mula sa teoretikal tungo sa praktikal. Sinira ng paraan ng kaliwa ang pagkakaisa ng dalawang mukha ng proletaryong pag-iisip, sa pamamagitan ng pagpigil sa aktwal na realisasyon ng pagkakaisa sa pagitan ng kongkreto at pangkalahatan, ng kagyat at istorikal, ng lokal at pandaigdigan. Ang tunguhin at presyur ay tungong unilateral na kaisipan. Ang kaliwa ay lokalista bawat araw, pero nagpakita ng pagiging “internasyunalista” sa mga pampublikong bakasyon. Ang nakikita lang ng kaliwa ay ang kagyat at pragmatiko, pero nilagyan niya ito ng palamuti ng ilang “istorikal” na reperensya at sumasaludo sa “mga prinsipyo”. Naging kahabag-habag na “kongkreto” ang kaliwa sa panahon ng pagsagawa ng abstraktong pagsusuri at naging abstrakto kung kinakailangan na ang kongkretong pagsusuri.
Ang mapanirang epekto ng teoretikal na paraan ng kaliwa
Nakita natin, sa napaka-sintetikong paraan, ang ilan sa mga katangian ng kaisipan ng kaliwa at ang mga epekto nito sa posisyon ng mga militanteng komunista.
Nakita natin ang ilan sa mga ito. Ginamit ng Ikatlong Internasyunal ang isang pormula na may katuturan lang sa ilalim ng tiyak na istorikal na mga kondisyon: "sa likod ng bawat welga ay ang haydra ng rebolusyon".
Ang pormulang ito ay hindi balido kung ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri ay paborable sa burgesya. Kaya, halimbawa, iskematikong ginamit ito ni Trotsky, sa pagkonsidera sa 1936 na mga welga sa Pransya at ang matapang na tugon ng proletaryado sa Barcelona sa Hulyo 1936 laban sa pasistang kudeta na "nagbukas ng pintuan ng rebolusyon". Hindi nito sinaalang-alang ang hindi mapigilan na tunguhin ng imperyalistang digmaan, ang pagdurog sa proletaryong Aleman at Ruso, ang pagpasok ng mga manggagawa sa bandera ng anti-pasismo. Hindi niya pinansin itong istorikal at pandaligdigang analisis at inilapat lang ang walang laman na resipe ng "sa likod ng bawat welga ay ang haydra ng rebolusyon".12
Isa pang epekto ay ang bulgar na materyalismo na tumagos sa bag-as ng ekonomismo. Lahat ay pinagpasyahan ng ekonomiya, na sumasalamin sa napakakitid na pananaw. Ang penomena tulad ng digmaan ay inihiwalay mula sa imperyalista, sa mga ugat na estratehiko at militar, sa pagtatangkang hanapin ang pinaka-pantastikong pang-ekonomiyang paliwanag. Kaya, ang Islamic state, na isang mafia gang, barbariko na produkto ng imperyalismo, ay maaring katumbas ng kompanya ng langis.
Panghuli, isa pang resulta ng manipulasyon ng kaliwa sa marxistang teorya na ito ay nilikha ng mga espesyalista, eksperto, magaling na lider. Lahat ng sinabi ng mga marunong na lider na ito ay dapat sundin ng mga “ordinaryong kasapi at aktibista” na walang papel sa teoretikal na pagpapaunlad dahil ang kanilang misyon ay mamahagi ng mga polyeto, magbenta ng pahayagan, pamamahala sa mga pulong, mandikit ng paskil... i.e. magsilbing lakas-paggawa o pambala ng kanyon ng mga “minamahal na pinuno”.
Ang ganitong konsepto ay mahalaga para sa kaliwa dahil ang kanilang tungkulin ay guluhin ang kaisipan nila Marx, Engels, Lenin, atbp. at para dito kailangan nila ang mga militante na bulag na maniwala sa kanilang mga istorya. Subalit, mapaminsala at mapanira kung ang naturang pananaw ay makapasok sa mga rebolusyonaryong organisasyon. Ang kasalukuyang rebolusyonaryong organisasyon "ay mas impersonal kaysa 19 siglo, at hindi na organisasyon ng mga lider na gumagabay sa masa ng mga militante. Tapos na ang yugto ng mga tanyag at bantog na mga teoretisyan. Naging tunay na kolektibong tungkulin ang teoretikal na pagpapaunlad. Tulad ng milyun-milyong ‘hindi kilala’ na proletaryong mandirigma, ang kamulatan ng organisasyon ay lalago sa pamamagitan ng integrasyon at mahigitan ang indibidwal na kamulatan tungo sa komon at kolektibong kamulatan”.13
C Mir, 27.12.17
1 https://en.internationalism.org/content/16603/hidden-legacy-left-capital-part-one-false-vision-working-class [100]
2 Ang kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital ay umaayon sa sipi ng Manipesto ng Komunista para sa burges na sosyalismo: "Hangad nila ang umiiral na kaayusan ng lipunan pero wala ang mga elementong rebolusyonaryo at mapaminsala. Nais nila ang burgesya na wala ang proletaryado. Natural na iniisip ng burgesya ang ang isang mundo na sila ang nangingibabaw at pinakamagaling; at ganap na pinaunlad ng burges na sosyalismo ang kaisipang ito bilang isang sistema. Inutusan nito ang proletaryado na sundin ang naturang sistema at tuloy-tuloy na lumakad papunta sa lipunan ng Bagong Jerusalem, sa realidad inatasan nito ang proletaryado na manatili sa umiiral na sistema at itakwil lahat ng mga galit na ideya laban sa burgesya. (...) Masusuma ito sa kasabihang: ang burges ay burges - para sa kabutihan ng uring manggagawa."
3 “Report on the function of the revolutionary organisation”, (International Review 29), https://en.internationalism.org/specialtexts/IR029_function.htm [101]
4 “The question of organisational functioning in the ICC”(International Review 107) https://en.internationalism.org/ir/109_functioning [102]
5 Inspirasyon ng Stalinismo ang maruming gawain ng sosyal-demokrasya, na nagtraydor sa proletaryado sa 1914. Si Rosa Luxemburg, sa 'Our Program and the political situation; Address to the Founding Congress of the German Communist Party (Spartacus League)', 31 December 1918, 1 January 1919, ay kinondena ito: "Makita ninyo sa kanilang mga kinatawan saan ang paninindigan ng Marxismo ngayon: ito ay inalipin at inalagaan ng mga Ebert, David at iba pa. Dito nakita natin ang mga opisyal na kinatawan ng doktrinang ito na sa ilang dekada, ay ipinasa na puro, tunay na marxismo. Hindi. Hindi ito tunay na marxismo na namuno sa atin, kundi patungo sa kampo ng mga Scheidemanns at kampo ng kontra-rebolusyonaryong pulitika. Ang tunay na Marxismo ay lumalaban sa mga gustong pumalsipika nito.”
6 Si Ante (or Anton) Ciliga (1898-1992) at taga Croatia. Sumapi siya sa Partido Komunista ng Yugoslavia at nanirahan sa Rusya mula 1925, kung saan naging mulat siya sa kontra-rebolusyonaryong pagkabulok ng USSR. Sumama siya sa kaliwa ng Trotskyistang Oposisyon. Una siyang inaresto sa 1930 at pinadala sa Siberia at pinalaya sa 1935. Pagkatapos nito nanirahan siya sa Pransya kung saan napakalinaw niyang sinulat ang lahat na nangyari sa USSR, sa Ikatlong Internasyunal at sa CPSU, sa librong binanggit sa itaas. Ang PDF bersyon sa Espanyol kung saan isinalin ang mga sipi ay makita sa: marxismo.school/files/2017/09/Ciliga.pdf. Sa dakong huli si Ciliga ay mas lalupang lumalayo sa proletaryong posisyon, tungo sa pagtatanggol sa demokrasya,laluna pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
7 Sa paksang ito tingnan ang: "Communists and the national question (1900-1920) Part 1" (International Review 37, 1983) https://en.internationalism.org/ir/037_natqn_02.html [103]
8 Tingnan ang aming pampleto, Unions against the Working Class https://en.internationalism.org/pamphlets/unions.htm [104]
9 Tingan https://en.internationalism.org/internationalreview/201502/12081/1914-how-2nd-international-failed [105]
10 Lenin, The Three Sources and the Three Component Parts of Marxism (1913)
11 "Report on the structure and functioning of revolutionary organisations", International Review No. 33 (1983), point 1
12 Ang kamaliang ito ni Trotsky ay ginamit ng Trotskyismo para ilarawan ang anumang sitwasyon ng pag-alsa at maging ang nakabase-sa-gerilya na kudeta tulad ng sa Cuba sa 1959 na isang "rebolusyon".
13 “Report on the function of the revolutionary organisation”
Isa sa mga salot na nakakaapekto sa mga rebolusyonaryong organisasyon ng Kaliwang Komunista ay ang katotohanan na marami sa kanyang mga militante ay impluwensyado ng mga partido o grupo ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital (mga partido Sosyalista at Komunista, Trotskyismo, Maoismo, opisyal na anarkismo, ang tinawag na “Bagong Kaliwa" ng Syriza o Podemos). Hindi yan maiwasan dahil sa simpleng dahilan na walang militanteng isinilang na may ganap at kagyat na kalinawan. Subalit ang yugtong ito ay nag-iwan ng sagabal na mahirap mapangingibawan: posibleng kumawala sa mga pampulitikang posisyon ng mga organisasyong ito (unyonismo sa pagawaan, pambansang pagtatanggol at nasyunalismo, partisipasyon sa eleksyon, atbp.) pero mas mahirap tanggalin sa sarili ang mga aktitud, paraan ng pag-iisip, paraan ng pakikipag debate, pag-uugali, pananaw na pilit na ipinakilala ng mga organisasyong ito at bumuo sa kanilang uri ng pamumuhay.
Ang pamanang ito, na tinatawag namin na ang nakatagong pamana ng kaliwa ng kapital, ay nakatulong para manulsol ng tensyon sa mga rebolusyonaryong organisasyon sa pagitan ng mga kasama, nagbunsod ng kawalang tiwala, labanan, mapanirang pag-uugali, hadlang sa debate, magkaibang teoretikal na posisyon, atbp., na, sa kombinasyon ng presyur ng burges at peti-burges na ideolohiya, ay seryosong ikapahamak ng mga organisasyong ito. Ang layunin ng serye na sinimulan namin dito ay kilalanin at labanan itong mapang-aping pasanin.
Ang kaliwa ng kapital: kapitalistang pulitika sa ngalan ng "sosyalismo"
Mula sa kanyang unang kongreso (1975), hinarap ng IKT ang problema ng mga organisasyon na maling inangkin ang "sosyalismo" habang gumagawa ng kapitalistang pulitika. Sa Plataporma ng IKT, na pinagtibay ng kongresong ito, iginiit sa punto 13: "Lahat ng mga partido o organisasyon na ngayon ay nagtatanggol, kahit pa ‘kondisyonal’ o ‘kritikal’, sa ilang mga estado o paksyon ng burgesya sa ngalan man ng ‘sosyalismo’, ‘demokrasya’, ‘anti-pasismo’, ‘pambansang kalayaan’, ‘pakikipag-isang prente’ o ang ‘hindi masyadong masama’, na nakabatay ang kanilang pulitika sa burges na eleksyon, sa loob ng kontra-manggagawang aktibidad ng unyonismo sa pagawaan o sa mistipikasyon ng pamamahala-sa-sarili, ay mga ahente ng kapital. Sa partikular, ang mga partido Sosyalista at Komunista."
Tinutukan din ng aming Plataporma ang problema ng mga grupo na inilagay ang mga sarili sa "kaliwa" ng mga mas malaking grupong ito, kadalasan gumagawa ng mga "maalab na kritisismo" sa kanila at nagpatibay ng mas "radikal" na pustura: "Lahat ng mga diumano tendensyang ‘rebolusyonaryo’ – tulad ng Maoismo na simpleng isa lang sa mga partido na ganap ng naging burges, o Trotskyismo na matapos maging proletaryong reaksyon laban sa pag-traydor ng mga Partido Komunista ay nahulog sa parehong proseso ng pagkabulok, o ang tradisyunal na anarkismo, na ngayon parehong nagtatanggol sa maraming posisyon ng mga PK at PS tulad ng ‘anti-pasistang alyansa’ – ay parehong nasa isang kampo: ang kampo ng kapital. Ang kanilang mas kaunting impluwensya o mas radikal na lenggwahe ay walang saysay dahil sa burges na batayan ng kanilang programa, pero nagagamit sila bilang agresibo at pandagdag ng mga partidong ito."
Para maintindihan ang papel ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital, mahalagang tandaan na sa pagbulusok-pababa ng kapitalismo, pinakita ng estado na "ang tendensya ng kapitalismo ng estado ay lalong malakas, makapangyarihan, at sistematikong pagkontrol ng makinarya ng estado sa buong buhay panlipunan, at sa partikular ang ehekutibo. Sa mas malawak kaysa dekadenteng Roma o pyudalismo, ang estado sa dekadenteng kapitalismo ay naging halimaw, malamig, impersonal na makinarya na nilamon ang pinaka-mahalagang sangkap ng lipunang sibil"1. Ito ang katangian ng mga hayag na mga rehimeng nasa ilalim ng diktadura ng isang partido (Stalinismo, Nazismo, diktadurang militar) at ng mga demokratikong rehimen.
Sa ganitong balangkas, ang mga pampulitikang partido ay hindi mga kinatawan ng ibat-ibang uri o saray ng lipunan kundi mga totalitaryan na instrumento ng estado na ang tungkulin ay sumunod ang buong populasyon (pangunahin ang uring manggagawa) sa mga utos ng pambansang kapital. Naging ulo sila ng mga network ng kroni-ismo, mga grupo ng pamimilit at impluwensya na may kombinasyon ng mga aksyong pulitikal at ekonomiko at pinagmulan ng hindi maiwasang katiwalian.Sa demokratikong sistema, ang pampulitikang makinarya ng kapitalistang estado ay nahati sa dalawang kampo: ang kanang kampo na nakaugnay sa klasikong paksyon ng burgesya at responsable sa pagkontrol sa atrasadong saray ng populasyon2, at ang kaliwang kampo (ang kaliwa at kanilang mga unyon at ang mga organisasyon ng dulong-kaliwa). Ang tungkulin nila ay kontrolin at hati-hatiin ang uring manggagawa at sirain ang kanilang kamulatan.
Bakit ang mga lumang partido ng manggagawa ay naging mga partido ng kaliwa ng kapital?
Ang mga organisasyon ng proletaryado ay hindi ligtas sa pagkabulok. Ang presyur ng burges na ideolohiya ay naninira mula sa loob at posibleng hahantong sa oportunismo, na, kung hindi agad malabanan, ay tutungo sa pagtaydor at integrasyon sa kapitalistang estado3. Mapagpasya ang oportunismo sa panahon ng napakahalagang istorikal na mga kaganapan sa buhay ng kapitalistang lipunan: hanggang ngayon ang dalawang susing kaganapan ay ang pandaigdigang digmaan at proletaryong rebolusyon. Sa Plataporma, pinaliwanag namin ang proseso na tumungo sa huling yugto: "Ito ang nangyari sa mga partido Sosyalista sa panahon na nasakop sila sa kanggrena ng oportunismo at repormismo, karamihan sa mga pangunahing partido sa pagputok ng Unang Pandaigdigang Digmaan (na tanda ng kamatayan ng Ikalawang Internasyunal) ay pinagtibay, sa ilalim ng liderato ng sosyal-sobinistang kanan na mula noon ay nasa kampo na ng burgesya, ang patakarang ‘pambansang pagtatanggol, at pagkatapos ay hayagang tinutulan ang rebolusyonaryong alon pagkatapos ng digmaan, hanggang sa punto na naging berdugo na laban sa proletaryado, tulad ng nangyari sa Alemanya sa 1919. Ang ganap na integrasyon ng bawat partido sa kani-kanilang burges na estado ay nangyari sa ibat-ibang panahon matapos ang Unang Pandaigdigang Digmaan. Pero ang prosesong ito ay ganap ng natapos sa simula ng 1920s, ng ang pinakahuling proletaryong tendensya ay inalis o umalis sa kanilang hanay at sumapi sa Komunistang Internasyunal.
Sa parehong proseso, ang mga Partido Komunista ay lumipat sa kapitalistang kampo matapos ang proseso ng oportunistang pagkabulok. Ang prosesong ito na nagsimula pa sa maagang bahagi ng 1920s, ay nagpatuloy matapos mawasak ang Komunistang Internasyunal (ng pagtibayin sa 1928 ang teorya na ‘Sosyalismo sa isang bansa’), para lubusin, sa kabila ng maigting na pakikibaka ng kaliwang praksyon at matapos itiwalag ang huli, ang integrasyon ng mga partidong ito sa kapitalistang estado sa simula ng 1930s sa kanilang partisipasyon sa kani-kanilang burgesya sa pagparami ng armas at pagpasok sa mga ‘prente popular’. Ang kanilang aktibong partisipasyon sa ‘Resistance’ sa Pangalawang Digmaang Pandaigdig, at sa sumunod na ‘pambansang rekonstruksyon’, ay patunay na sila ay tapat na ahente ng pambansang kapital at dalisay na kongkretisasyon ng kontra-rebolusyon".4 Sa loob ng 25 taon (sa pagitan ng 1914 at 1939) unang nawala sa uring manggagawa ang mga Sosyalistang partido, pagkatapos, sa 1920's, ang mga partido Komunista at sa huli, mula 1939, ang mga grupo ng Kaliwang Oposisyon sa palibot ni Trotsky na sinuportahan ang mas barbarikong Ikalawang Digmaang Pandaigdig: "Sa 1938, ang Kaliwang Oposisyon ay naging Ikaapat na Internasyunal. Ito ay isang oportunistang pakikipagsapalaran dahil imposibleng itayo ang isang pandaigdigang partido sa sitwasyon na patungo sa imperyalistang digmaan at malalim na pagkatalo ng proletaryado. Ang resulta ay nakakapinsala: sa 1939-40, ang mga grupo ng diumano Ikaapat na Internasyunal ay pumusisyon pabor sa digmaan sa pinaka-magkaibang mga dahilan: ang mayoriya ay suportado ang ‘sosyalistang amangbayan’ ng Rusya, pero may minoriya na suportado ang Pransya ng Petain (tagasunod mismo ng mga Nazis).
Laban sa pagkabulok ng mga Trotskyistang organisasyon, nag-react ang huling nanatiling internasyunalistang nuclei: partikular ang asawa ni Trotsky at isang rebolusyonaryo mula sa Espanya, si Munis. Magmula noon ang mga Troskyistang organisasyon ay naging ‘radikal’ na ahente ng kapital upang pukawin ang proletaryado sa lahat ng klase ng mga ‘rebolusyonaryong adhikain’ na sa pangkalahtan ay umaayon sa ‘anti-imperyalistang’ paksyon ng burgesya (tulad ng sikat na ahente na si Chavez ngayon). Kahalintulad, hinatak nila ang mga manggagawa na may diskontento sa elektoral sirkus na “kritikal” na bomoto sa mga ‘Sosyalista’ para ’pigilan ang kanan’. Panghuli palagi silang may mataas na pag-asa na maagaw ang mga unyon sa pamamagitang ng mga ‘palaban na kandidato’".5
May kapasidad ang uring manggagawa na lumikha ng kaliwang praksyon sa loob ng mga partido na nagsimulang maapektohan ng sakit ng oportunismo. Kaya sa loob ng mga partido ng Ikalawang Internasyunal, ang papel na ito ay ginampanan ng mga Bolshevik, ng tendensya ni Rosa Luxemburg, Dutch Tribunism, ng mga militante ng Italian abstentionist fraction, atbp. Tanyag ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga praksyong ito dahil ang kanilang mga teksto at kontribusyon ay naisangkongkreto sa pagkabuo ng Ikatlong Internasyunal.
At mula 1919, ang proletaryong reaksyon, sa harap ng mga kahirapan, pagkakamali at ang kasunod na pagkabulok ng Ikatlong Internasyunal, ay ipinahayag ng komunistang kaliwa (Italian, Dutch, German, Russian, atbp.) na nagbunga (na may matinding kahirapan at sa kasamaang-palad kalat-kalat) ng isang magiting at determinadong pakikibaka. Lumitaw sa huli ang Kaliwang Oposisyon ni Trotsky at mas nalilitong paraan. Sa 1930's, ang agwat sa pagitan ng kaliwang komunista (pangunahin ang kanyang pinaka-malinaw na grupong Bilan, na kumakatawan sa Kaliwang Komunista sa Italya) at ang Oposisyon ni Trotsky ay mas malinaw. Habang nakita ng Bilan na ang mga lokalisadong imperyalistang digmaan ay ekspresyon ng tunguhin ng pandaigdigang imperyalistang digmaan, ang Oposisyon ay nasangkot sa masalitang pambansang kalayaan at progresibong katangian ng antipasismo. Habang nakita ng Bilan ang ideolohikal na pagpapalista para sa imperyalistang digmaan at sa interes ng kapital ang nasa likod ng mobilisasyon ng manggagawang Espanyol para sa digmaan sa pagitan ni Franco at ng Republika, ang nakita ni Trotsky sa 1936 na mga welga sa Pransya at sa anti-pasistang labanan sa Espanya ay ang simula ng rebolusyon... Subalit, ang mas malala kahit hindi pa malinaw sa Bilan ang eksaktong katangian ng USSR, malinaw sa kanya na hindi ito dapat suportahan dahil higit sa lahat ang USSR ay aktibong ahente sa paghahanda ng digmaan. Si Trotsky sa kabilang banda, sa kanyang mga ispekulasyon hinggil sa USSR bilang isang "nabubulok na estado ng manggagawa", ay binuksan ang pintuan para suportahan ang USSR, na nagkahulugan na suportahan ang pangalawang pandaigdigang patayan sa 1939-1945.
Ang papel ng dulong-kaliwa ng kapital laban sa muling pagbangon ng pakikibaka ng manggagawa sa 1968
Magmula 1968, muling sumulong ang proletaryong pakikibaka sa buong mundo. Mayo 68 sa Pransya, ang "Hot Autumn" sa Italya, ang “cordobazo" sa Argentina, ang Polish October, atbp., ay iilan sa kanyang pinaka-signipikanteng ekspresyon. Ang pakikibakang ito ay nagluwal ng isang bagong henerasyon ng mga rebolusyonaryo. Maraming minoriya ng uring manggagawa ang lumitaw kahit saan at lahat ng ito ay bumuo ng isang pundamental na lakas para sa proletaryado.
Subalit, importanteng tandaan ang papel ng mga grupo ng dulong-kaliwa sa pagpapahina at pagsira sa mga minoriya: ang mga Trotskyista na binanggit na namin, opisyal na anarkismo6, at Maoismo. Hinggil sa huli, importanteng idiin na hindi ito naging proletaryong tunguhin. Ang mga Maoistang grupo ay isinilang mula sa imperyalistang tunggalian at mga digmaan para sa impluwensya katulad ng sa pagitan ng Peking at Moscow na tumungo sa alitan ng dalawang estado at sa pagkampi ng Peking sa imperyalismong Amerikano sa 1972.
Tinatayang sa pagpasok ng 1970 ay may daang libong militante sa buong mundo na, bagamat marami ang kalituhan, ay nagpahayag na sila ay pabor sa rebolusyon, laban sa tradisyunal na mga partido ng kaliwa (mga partido Sosyalista at Komunista), laban sa imperyalistang digmaan, at nakatanaw sa pagsulong ng lumalakas na proletaryong pakikibaka. Mahalagang bahagi nito ay pinalakas ng mga grupo ng dulong-kaliwa. Ang kasalukuyang serye ng mga artikulo ay magpakita ng ilang ditalye sa lahat ng mekanismo na ginawa nila sa pagpapalakas. Ipaliwanag namin hindi lang ang kapitalistang programa na nakasulat sa kanilang radikal at “uring manggagawa” na mga istandard kundi pati na rin ang kanilang mga paraan sa organisasyon at debate, kanilang moda ng pagkilos at kanilang pananaw sa moralidad.
Ang tiyak ay ang kanilang mga ginagawa ay napakahalaga para sirain ang potensyal ng uring manggagawa na itayo ang malawak na taliba para sa kanyang pakikibaka. Ang potensyal na mga militante ay hinila patungong aktibismo at pagmamadali, inilipat sa mga baog na pakikibaka sa loob ng mga unyon, munisipyo, kampanyang elektoral, atbp.
Malinaw ang resulta:
- Ang mayoriya ay umalis sa pakikibaka, labis ang demoralisasyon at madaling kapitan ng pag-aalinlangan sa pakikibaka ng uring manggagawa at sa posibilidad ng komunismo; signipikanteng bahagi ng sektor na ito ay nagumon sa droga, alkohol at pinaka-matinding kawalan ng pag-asa;
- Ang minoriya ay nanatiling bag-as na tropa ng mga unyon at partido ng kaliwa, nagpalaganap ng may alinlangan at nakakademoralisang pananaw sa uring manggagawa;
- Isa pa, mas nag-aalinlangang minoriya, ay ginagawang hanapbuhay ang mga unyon at partido ng kaliwa at ang iilan sa mga “nagtagumpay” ay nagiging kasapi ng mga partido ng kanan7.
Ang mga militanteng komunista ay mahalagang pwersa at sentral na tungkulin ng mga grupo ng kaliwang komunista, na tagapagmana ng Bilan, Internationalisme, atbp., na halawin ang mga aral mula sa malaking pagkawala ng mga militanteng pwersa na naranasan ng proletaryado magmula sa kanyang istorikal na pagkamulat sa 1968.
Maling pananaw sa uring manggagawa
Para maisakatuparan ang kanilang maruming gawain ng pagbilanggo, paghati-hati at panlilito, ang mga unyon, mga partido ng kaliwa at dulong-kaliwa ay nagpalaganap ng maling bisyon sa uring manggagawa. Bininhian nila ang mga militanteng komunista at sinira ang kanilang kaisipan, aktitud at pakikitungo. Kaya mahalaga na kilalanin at labanan ito.
1. Kabuuan ng mga indibidwal na mamamayan
Para sa kaliwa at dulong-kaliwa, hindi antagonistikong panlipunang uri ang mga manggagawa sa loob ng kapitalismo kundi kabuuan ng mga indibidwal. Sila ang “mas mababang” bahagi ng “mamamayan”. Kaya, ang tanging maaasahan lamang ng mga indibidwal na manggagawa ay isang “istableng kalagayan”, isang "patas na pabuya” sa kanilang paggawa, “respeto sa kanilang mga karapatan", atbp.
Naitago ng kaliwa ang pinaka-mahalaga: ang uring manggagawa ay isang uri na kailangang-kailangan sa kapitalistang lipunan dahil kung wala ang kanilang kolektibong paggawa hindi aandar ang kapitalismo. Pero, kasabay nito, ito ay isang uri na hindi kabilang sa lipunan, banyaga sa lahat ng kanyang mga batas at mahalagang kaugalian; kaya ito ay isang uri na ma-realisa lamang ang sarili kung mabuwag nito ang kapitalistang lipunan mula ulo hanggang paa. Sa kabila ng realidad na ito, tinutulak ng kaliwa ang ideya ng isang "integradong uri" na, sa pamamagitan ng mga reporma at partisipasyon sa mga kapitalistang organisasyon ay makamit ang kanyang mga interes.
Sa ganitong pangkalahatang pananaw ang uring manggagawa ay nabuwag sa pagiging walang anyo at masa ng halu-halong uri ng “mamamayan” aka "ang bayan".Sa naturang kaguluhan, ang manggagawa ay naging bahagi ng peti-burges na tutol sa kanya, sa pulis na sumusupil sa kanya, sa hukom na isinusumpa siya, sa mga pulitiko na nagsinungaling sa kanya at maging sa "progresibong burgesya". Ang ideya sa panlipunang mga uri at makauring antagonismo ay naglaho, na nagbigay-daan sa paniniwala hinggil sa mamamayan ng bansa, sa maling "pambansang komunidad".
Sa sandaling nabura sa kaisipan ng uring manggagawa ang ideya ng uri, ang pundamental na paniniwala sa isang istorikal na uri ay naglaho rin. Ang proletaryado ay isang istorikal na uri na, sa kabila ng sitwasyon ng ibat-ibang henerasyon o hiyograpikal na lugar, ay may rebolusyonaryong kinabukasan sa kanyang mga kamay, sa pagtayo ng isang bagong lipunan at lutasin ang mga kontradiksyon ng kapitalismo na tutungo sa pagwasak ng sangkatauhan.
Sa pagwalis sa mahalaga at mga syentipikong ideya ng panlipunang mga uri, makauring antagonismo at istorikong uri, pinababa ng kaliwa at dulong-kaliwa ang rebolusyon sa pagiging banal na kahilingan na nasa kamay ng mga pampulitikang “eksperto” at partido. Nagharap sila ng ideya ng delegasyon ng kapangyarihan, isang konsepto na perpektong balido para sa burgesya pero mapanira para sa proletaryado. Katunayan ang burgesya, isang mapagsamantalang uri na may pang-ekonomiyang kapangyarihan, ay maaring ipagkatiwala ang pamamahala sa kanyang negosyo sa espesyalisadong pampulitikang tauhan na bumubuo ng burukratikong saray na may sariling interes sa loob ng komplikadong pangangailangan ng pambansang kapital.
Pero hindi ito maaari sa proletaryado na parehong pinagsamantalahan at rebolusyonaryong uri na walang pang-ekonomiyang kapangyarihan kundi ang tanging lakas ay ang kamulatan, pagkakaisa at pagtutulungan at tiwala sa sarili. Lahat ng mga salik na ito ay mabilis na masisira kung aasa sa espesyalisadong saray ng mga intelektwal at pulitiko.
Tangan ang ideya ng delegasyon, pinagtatanggol ng mga partido ng kaliwa at dulong-kaliwa ang partisipasyon sa eleksyon bilang paraan para “hadlangan ang kanan", ibig sabihin minaliit nila ang independyenteng pagkilos ng masang manggagawa at ginawa silang mga botanteng mamamayan: isang indibidwalistang masa, bawat isa bilanggo sa kanyang “sariling interes". Sa ganitong pananaw, hindi na umiiral ang pagkakaisa at pag-oorganisa sa sarili ng proletaryado.
Panghuli, ang mga partido ng kaliwa at dulong-kaliwa ay nanawagan rin sa proletaryado na umasa sa estado para “maabot ang isa pang lipunan". Kaya gumawa sila ng panloloko na ang berdugong kapitalistang estado ay "kaibigan ng mga manggagawa" o "alyado nito".
2. Bulgar na materyalismo na ang nakikita lang ay ang masa ng mga talunan
Nagpalaganap ang kaliwa at mga unyon ng isang bulgar na konsepto sa uring manggagawa. Ayon sa kanila, ang mga manggagawa ay mga indibidwal na ang tanging iniisip ay ang kanilang mga pamilya, kanilang kaginhawaan, mas magarang sasakyan o bahay. Nalunod sa konsumerismo, wala silang “ideyal" na pakikibaka, gugustuhin pang manatili sa bahay manood ng football o sa bar kasama ang kanilang mga barkada. Para makompleto ang silo, pinagtibay nila na dahil ang mga manggagawa ay lubog sa utang sa kanilang konsumerismo, hindi nila kayang makibaka8.
Sa mga aral ng moral na ipokrasiya binago nila ang pakikibaka ng manggagawa, na isang materyal na pangangailangan, sa pagiging ideyal na kagustuhan, samantalang ang komunismo - ang ultimong layunin ng uring manggagawa - ay isang materyal na pangangailangan bilang tugon sa walang solusyon na mga kontradiksyon ng kapitalismo9. Pinaghiwalay at pinagbangga nila ang kagyat na pakikibaka mula sa rebolusyonaryong pakikibaka samantalang sa realidad ay may pagkakaisa sa pagitan ng dalawa dahil ang pakikibaka ng uring manggagawa ay, tulad ng sabi ni Engels, ay ekonomiko, pulitikal at tunggalian ng mga ideya.
Ang alisan ang ating uri ng pagkakaisang ito ay tutungo sa idealistang bisyon ng “taong makasarili” at "materyalista" na pakikibaka para sa pang-ekonomiyang pangangailangan at “dakila” at "moral" na pakikibaka para sa "rebolusyon". Ang ganyang mga ideya ay malalim na nakademoralisa sa mga manggagawa na nakaramdam ng pagkahiya at makasalanan dahil nag-aalala sa kanilang sariling pangangailangan at sa kanilang mga mahal sa buhay, at parang mga busabos na indibidwal na ang iniisip lang ay ang kanilang mga sarili. Sa ganitong mga maling paraan, na sumusunod sa mapang-uyam at mapagkunwaring linya ng Simbahang Katoliko, sinira ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital ang kumpyansa ng mga manggagawa sa kanilang mga sarili bilang uri at pinakilala sila bilang “pinaka-mababang” bahagi ng lipunan.
Sinalubong ng ganitong aktitud ang dominanteng ideolohiya na pinakilala ang uring manggagawa na mga talunan. Sinabi ng sikat na "common sense" na ang mga manggagawa ay mga indibidwal na nanatiling manggagawa dahil hindi sapat ang kanilang galing o hindi sapat ang kanilang pagsisikap para umasenso. Tamad ang mga manggagawa, walang ambisyon at ayaw magtagumpay...
Talagang binaliktad ang mundo! Ang panlipunang uri sa pamamagitan ng kanyang kolektibong paggawa ay lumikha ng mayoriya ng yaman ng lipunan ay diumano binuo ng pinaka-talunang mga elemento. Dahil ang proletaryado ang bumuo sa mayoriya ng lipunan, tila ito ay pundamental na binuo ng mga duwag, talunan, hindi sibilisadong indibidwal na walang anumang motibasyon. Hindi lang pinagsamantalahan ang proletaryado, kinukutya pa ito. Ang minoriya na nabubuhay mula sa pagsisikap ng milyun-milyong tao ay may kabastusan na kilalanin ang mga manggagawa na tamad, walang kwenta, talunan at walang pag-asa.
Radikal na iba ang panlipunang realidad: sa pandaigdigang kolektibong paggawa ng proletaryado, pinaunlad nito ang kultura, syensya at, ang malalim na pag-uugnayan ng sangkatauhan: pakikiisa, tiwala at kritikal na diwa. Sila ang pwersa na tahimik na sinusulong ang lipunan, ang pinagmulan ng pag-unlad ng mga produktibong pwersa.
Ang anyo ng uring manggagawa ay walang kwenta, pasibo at hindi kilalang masa. Ang anyong ito ay resulta ng kontradiksyon na naranasan ng uring manggagawa bilang pinagsamantalahan at rebolusyonaryong uri. Sa isang banda ito ay uri ng pandaigdigang kolektibong paggawa at dahil dito, ito ang nagpapagulong sa kapitalistang produksyon at nasa kanyang mga kamay ang pwersa at kapasidad na radikal na baguhin ang lipunan. Subalit sa kabilang banda, ang kompetisyon, ang pamilihan, ang normal na buhay sa lipunan kung saan nangibabaw ang pagkahati-hati at isa laban sa lahat, ay dinurog ito sa pagiging kabuuan ng mga indibidwal, bawat isa ay binaog ng kabiguan at konsensya, hiwalay mula sa iba, atomisado at napilitang makibaka na nag-iisa at para sa sarili.
Ang kaliwa at dulong-kaliwa, katulad ng burgesya, nais na ang makita lang natin ay ang walang anyo na atomisadong masa ng mga indibidwal. Kaya nagsilbi sila sa kapital at estado sa kanilang tungkulin na demoralisahin at ibukod ang uri mula sa anumang panlipunang perspektiba.
Binalikan namin dito ang sinabi namin sa simula: ang pananaw na ang uring manggagawa bilang kabuuan ng mga indibidwal. Pero, isang uri ang proletaryado at kumikilos bilang uri sa panahon na nagtagumpay ito na makalaya sa pamamagitan ng matatag at independyenteng pakikibaka mula sa kadena na umaapi at naghati-hati sa kanila. Kaya hindi lang natin nakita ang uri na nakibaka kundi nakita rin natin na ang bawat isa sa kanyang mga sangkap ay binago ang sarili sa pagiging aktibo, lumalaban, gumagawa ng inisyatiba at pinauunlad ang pagiging malikhain. Nakita natin ito sa mahalagang mga yugto ng makauring pakikibaka, tulad ng rebolusyon sa Rusya sa 1905 at 1917. Tulad ng maayos na pagbigay-diin ni Rosa Luxemburg sa The Mass Strike, the Political Party and the Trade Unions: “Pero sa unos ng rebolusyonaryong panahon kahit ang proletaryado ay nagbago mula sa humihingi lang ng suporta, tungo sa pagiging ‘rebolusyonaryong romantisista’, kung saan kahit ang pinakamataas na kagandahan ng buhay, ay walang saysay kumpara sa mga ideyal ng pakikibaka."10
Bilang uri, ang indibidwal na lakas ng bawat manggagawa ay napalaya, kumalas sa kanyang kadena at pinauunlad ang potensyal ng tao. Bilang kabuuan ng mga indibidwal, nawala ang kapasidad ng bawat isa, pinalabnaw, sinayang para sa sangkatauhan. Ang tungkulin ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital ay manatiling nakagapos ang mga manggagawa sa kanilang kadena, ibig sabihin, simpleng kabuuan ng mga indibidwal.
Uri na tinigil ang orasan sa mga taktika ng ika-19 na siglo
Sa pangkalahatan sa panahon ng progresibong kapitalismo at mas partikular sa kanyang rurok (1870-1914), maaring makibaka ang uring manggagawa para sa pagpapabuti at mga reporma sa loob ng balangkas ng kapitalismo na walang kagyat na perspektiba para sa kanyang rebolusyonaryong pagwasak. Sa isang banda ito ay nagpahiwatig ng pagtayo ng malakihang pangmasang mga organisasyon (sosyalista at partido ng manggagawa, unyon sa pagawaan, kooperatiba, unibersidad ng manggagawa, asosasyon ng kababaihan at kabataan, atbp.) at sa kabilang banda ng mga taktika kabilang ang partisipasyon sa eleksyon, petisyon, planadong welga ng mga unyon, atbp.
Ang mga paraang ito ay mas naging hindi na sapat sa simula ng 20 siglo. Sa hanay ng mga rebolusyonaryo may malawakang debate na tumututol kay Kautsky, ang isa pabor sa mga paraang ito at ang kabila, si Rosa Luxemburg11 na humalaw ng mga aral sa rebolusyong 1905, ay malinaw na pinakita na ang uring manggagawa ay dapat humawak ng bagong mga paraan ng pakikibaka na umaayon sa pagbukas ng bagong sitwasyon ng pangkalahatang digmaan at pang-ekonomiyang krisis – ibig sabihin, sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto. Ang bagong mga porma ng pakikibaka ay nakabatay sa direktang aksyon ng masa, sa pag-oorganisa sa sarili sa mga asembliya at konseho ng mga manggagawa, sa abolisyon ng lumang dibisyon ng Minimum at Maksimum na programa. Ang mga paraang ito ay bumabangga sa unyonismo sa pagawaan, reporma, partisipasyon sa eleksyon, at sa landas ng parliyamentarismo.
Ang kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital ay nakatuon ang kanilang mga patakaran sa pagtali sa uring manggagawa sa lumang mga paraan na sa kasalukuyan ay radikal na sumasalungat sa pagtatanggol sa kagyat at istorikal na mga interes ng huli. Tinigil nila ang orasan sa panahon ng mga “gintong taon” ng kapitalismo sa 1890 hanggang 1910 para dis-armahan at buwagin ang uring manggagawa sa pagboto sa eleksyon, aksyon ng mga unyon, mga demonstrasyon na maagang nakaplano, atbp., mga mekanismo na ibinaba ang mga manggagawa sa pagiging "mabuti, mamamayan na manggagawa", pasibo at atomisado, sumunod na may disiplina sa lahat ng pangangailangan ng kapital: matiyagang nagtatrabaho, bomoboto tuwing apat na taon, magmartsa sa likod ng mga unyon, hindi tutulan ang mga nagpahayag-sa-sarili na pinuno.
Ang polisiyang ito ay walang-hiyang pinagtatanggol ng mga partido Sosyalista at Komunista habang ang kanilang mga karugtong na “dulong kaliwa” ay kinopya ito na may “kritikal” at “radikal” na kalabisan habang nagtatanggol sa pananaw na ang uring manggagawa ay isang uri para sa kapital; isang uri na susunod sa lahat ng kagustuhan nito habang naghihintay ng mumo na nahulog mula sa ginintuang mesa sa kanyang bangkete.
C. Mir. 18.12.17
1 Punto 4 sa Plataporma ng IKT.
2 Ang klasikal na mga partido ng kanan (konserbatibo, liberal, atbp) ay pangpuno ang kanilang papel sa mga partido ng dulong-kanan (pasista, neo-Nazi, maka-kanang populista, atbp) para kontrolin ang lipunan. Mas komplikado ang katangian ng huli; tingnan ito sa "Contribution on the problem of populism", International Review no. 157
3 Para maintindihan paanong nakapasok ang oportunismo at sumira sa proletaryong buhay ng organisasyon, tingnan ang "The road towards the betrayal of German Social-Democracy", International Review no. 152.
4 Punto 13 ng aming Plataporma.
5 Tingnan ang aming artikulong Espanyol: "Cuales son las diferencias entre la Izquierda Comunista y la IV Internacional?"
6 Hindi namin pinag-usapan dito maliit na internasyunalistang anarkistang mga grupo, na, sa kabila ng kanilang kalituhan, ay nagdadala ng maraming mga posisyon ng uring manggagawa, malinaw na pinakita ang sarili laban sa imperyalistang digmaan at para sa proletaryong rebolusyon.
7 Marami ang halimbawa: Durao Barroso, dating Presidente ng European Union, ay isang Maoista sa kanyang kabataan; Cohn-Bendit, European Parliament Deputy at councillor ni Macron; Lionel Jospin, dating Prime Minister ng Pransya ay isang Trotskyista sa kanyang kabataan; Jack Straw, dating British Home Secretary at renditioner-in-chief ng estado ay isang maka-kaliwa, "matapang" na lider-estudyante..
8 Dapat kilalanin natin na ang konsumerismo (tinataguyod sa panahon ng 1920's sa Estados Unidos at matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig) ay nakatulong para pahinain ang diwa ng protesta sa loob ng uring manggagawa, dahil ang mahalagang pangangailangan ng bawat manggagawa ay binaluktot ng konsumerismo, binago ang kanyang pangangailangan sa pagiging indibidwal na kapakanan kung saan "lahat makukuha sa pamamagitan ng utang".
9 Tingnan ang aming seryeng "Communism isn't just a nice idea but a material necessity": https://en.internationalism.org/go_deeper [106]
11 Tingnan ang libro sa Espanyol: "Debate sobre la huelgade masas" (texts of Parvus, Mehring, Luxemburg, Kautsky, Vandervelde, Anton Pannekoek).
Istorikal na balangkas: ang yugto ng kapitalistang dekomposisyon
1) Tatlumpung taon na ang nakaraan, binigyang-diin ng IKT ang katotohanan na pumasok na ang kapitalistang sistema sa huling yugto ng kapitalistang pagbulusok-pababa, ang pagkaagnas o dekomposisyon. Ang pagsusuring ito ay nakabatay sa maraming empirikal na datos, subalit ito rin ay isang balangkas para maintintindihan ang mga datos: "Sa sitwasyong ito, kung saan ang dalawang mapagpasya - at antagonistikong - mga uri ng lipunan ay walang kapasidad na igiit ang sariling solusyon, hindi tumigil ang kasaysayan. Para sa kapitalismo kumpara sa nagdaang mga panlipunang sistema, hindi posible ang ‘pagtigil’ o ‘istagnasyon’ sa buhay ng lipunan. Habang mas lumalalim ang mga kontradiksyon ng kapitalismo na nasa krisis, ang kawalang kapasidad ng burgesya na magbigay ng kahit katiting na perspektiba sa lipunan sa kabuuan, at sa kawalan ng kakayahan ng proletaryado, pansamantala, na hayagang igiit ang kanyang sariling istorikal na perspektiba, ay mapupunta lamang sa isang sitwasyon ng pangkalahatang dekomposisyon. Naaagnas na ang kapitalismo." ("Decomposition, the final phase of the decadence of capitalism", Point 4, International Review No. 62)
Nilinaw ng aming pagsusuri ang dalawang kahulugan ng terminong “dekomposisyon” o “pagkaagnas”; sa isang banda, tinutukoy nito ang isang penomenon na nakaapekto sa lipunan, sa partikular sa yugto ng pagbulusok-pababa ng kapitalismo at sa kabilang banda, inilarawan nito ang partikular na istorikal na yugto ng huli, ang kanyang huling yugto:
"... mahalagang bigyang-diin ang pundamental na kaibahan sa pagitan ng mga elemento ng dekomposisyon na nahawaan ng kapitalismo sa simula ng siglo [ang 20 siglo] at ng pangkalahatang dekomposisyon na nalalinan ng sistema ngayon, at mas lalupang lumala. Muli dito, maliban sa istriktong kantitatibong aspeto, ang penomenon ng panlipunang dekomposisyon ay umabot na sa lawak at lalim bago at walang katulad na kalidad, na naglantad na ang dekadenteng kapitalismo ay pumasok na bago at huling yugto ng kanyang kasaysayan: ang yugto kung saan ang dekomposisyon mismo ay nagiging mapagpasya, kundiman mapagpasyang salik sa ebolusyon ng lipunan." (Ibid., Point 2)
Dito mismo sa huling punto, ang katotohanan na ang dekomposisyon mismo ay nagiging mapagpasyang salik na sa ebolusyon ng lipunan, at kaya sa lahat ng mga sangkap ng pandaigdigang sitwasyon - isang ideya na hindi sang-ayon ang ibang mga grupo ng kaliwang komunista - ang pangunahing diin ng resolusyong ito.
2) Ang tesis ng dekomposisyon sa Mayo 1990 ay nakatuon sa buong serye ng mga katangian ng ebolusyon ng lipunan dahil sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang huling yugto ng pag-iral. Ang ulat na pinagtibay ng ika-22 Kongreso ay binigyang-pansin ang paglala ng lahat ng mga katangiang ito, tulad ng:
- "laganap na taggutom sa mga bansa ng ‘Ikatlong Daigdig’…;
- ang transpormasyon ng ‘Ikatlong Daigdig’ sa pagiging malawak na pook ng mga mahihirap, kung saan daang milyong tao ang nabubuhay tulad ng isang daga sa mga kanal;
- ang pagdami ng katulad na penomenon sa pusod ng mga mayor na syudad sa ‘abanteng’ mga bansa, … ;
- ang kamakailan lang na paglaganap ng mga mapanirang ‘akisdente’ (…) na may lumalaking epekto sa tao, lipunan, at ekonomiya, sa mga ‘natural’ na kalaminad …;
- ang pagkasira ng kalikasan, na umabot na sa kamangha-manghang laki" (Theses on decomposition, pt. 7)
Ang ulat ng dekomposisyon sa ika-22 Kongreso ng IKT ay binigyang-diin rin ang kumpirmasyon at paglala ng politikal at ideolohikal na mga manipestasyon ng dekomposisyon na binanggit sa 1990:
- "ang matinding katiwalian, na lumaki at lumala, sa makinaryang pulitikal (...);
- ang paglala ng terorismo, o ang pagsunggab ng mga hostage, bilang paraan ng digmaan sa pagitan ng mga estado, na bumabalewala sa mga “batas” na pinagtibay sa nakaraan ng kapitalismo para “makontrol” ang tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri;
- ang patuloy na pagtaas ng kriminalidad, walang seguridad, at karahasan sa mga syudad, (...);
- ang paglala ng nihilismo, kawalang pag-asa, at pagpapakamatay sa hanay ng kabataan … at ang pagkamuhi at xenophobia (...);
- ang lumalalang paglakas ng adiksyon sa droga, na nagiging pangmasang penomenon na ngayon at makapangyarihang elemento sa katiwalian ng mga estado at organismong pinansyal (...);
- ang pagdami ng mga sekta, ang muling paglakas ng relihiyosong diwa kabilang na sa abanteng mga bansa, ang pagtakwil sa rasyunal, lohikal na kaisipan (...);
- ang pagsakop ng media sa palabas ng karahasan, takot, dugo, masaker, (...);
- ang kawalang laman at kawalang-hanggan ng lahat ng ‘artistikong’ produksyon: literatura, musika, pagpinta, arkitektura (...);
- ‘bawat isa para sa kanyang sarili’, pagbukod, atomisasyon ng indibidwal, pagkasira ng mga pampamilyang relasyon, ang pagbukod sa matatanda mula sa buhay ng lipunan” (Theses on decomposition, pt. 8).
Ang ulat ng ika-22 Kongreso ay nakatutok sa partikular sa pag-unlad ng penomenon na binanggit na sa 1990 (at may mayor na papel sa kamulatan ng IKT sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo sa yugto ng dekomposisyon): ang paggamit ng terorismo sa imperyalistang tunggalian. Binanggit ng ulat na: "Ang kantitatibo at kalitatibong paglaki ng posisyon ng terorismo ay nagkaroon ng mapagpasyang hakbang (...) sa pag-atake ng Twin Towers (...) Sunod na kinumpirma ito sa mga atake sa Madrid sa 2004 at London sa 2005 (...), ang pagkabuo ng Daesh sa 2013-14 (...), ang mga atake sa Pransya sa 2015-16, Belgium at Alemanya sa 2016". Binanggit din ng ulat, kaugnay ng mga atakeng ito at bilang ekspresyon ng dekomposisyon ng lipunan, ang paglaganap ng radikal na Islamismo, na bagamat sa simula ay pinainit ng Shia (sa pagkabuo ng rehimen ng mga mullah sa Iran noong 1979), ay sa esensya resulta ng kilusang Sunni mula 1996 hanggang ngayon, sa pag-agaw sa Kabul ng Taliban at higit pa, matapos mapatalsik ang rehimeng Saddam Hussein sa Iraq ng tropang Amerikano.
3) Dagdag sa kumpirmasyon ng mga tunguhin na binanggit sa teses noong 1990, sa ulat na pinagtibay ng ika-22 Kongreso ay binigyang-pansin ang paglitaw ng dalawang bagong penomena bunga ng pagpapatuloy ng dekomposisyon at may malaking papel sa buhay pulitikal ng maraming mga bansa:
- ang dramatikong pagtaas ng migrasyon mula 2012 hanggang ngayon, na nagtapos sa 2015, at nagmula pangunahin sa sinira-ng-digmaan na Gitnang Silangan, sa partikular matapos ang "Arab spring" sa 2011;
- ang patuloy na paglakas ng populismo sa halos lahat ng mga bansa sa Uropa at sa nagungunang kapangyarihan ng mundo ng mapili si Donald Trump noong Nobyembre 2016.
Ang malakihang dislokasyon ng populasyon ay hindi penomenon na ispisipiko sa yugto ng dekomposisyon. Subalit, naaabot na nila ang lawak na nagiging nag-iisang elemento na sila sa ganitong dekomposisyon ngayon, pareho sa kanilang kasalukuyang kadahilanan (ang kaguluhan ng digmaan na namayani sa pinagmulan na mga bansa) at sa kanilang pulitikal na epekto sa mga bansang patutunguhan. Sa partikular, ang malakihang pagdating ng mga bakwit sa mga bansa sa Uropa ay naging pangunahing batayan ng paglakas ng populismo sa Uropa, bagamat ang paglakas ay matagal ng nangyari (laluna sa bansang katulad ng Pransya dahil sa paglakas ng National Front).
4) Katunayan, sa mahigit dalawampung taon, nakita ang pagtaas ng tatlong beses sa botong nakuha ng mga populistang partido sa Uropa (mula 7% naging 25%), na may malakas na pagtaas matapos ang 2008 krisis pinansyal at krisis ng migrasyon sa 2015. Sa sampung bansa, ang mga partidong ito ay lumahok sa pamamahala o mayoriya sa parliyamento: Poland, Hungary, Czech Republic, Slovakia, Bulgaria, Austria, Denmark, Norway, Switzerland at Italy. Dagdag pa, kahit wala sa gobyerno ang populistang mga grupo, may signipikanteng impluwensya sila sa pampulitikang buhay ng burgesya. Tatlong halimbawa ang pwedeng ibigay:
- sa Germany, ang elektoral na paglakas ng AfD ang konsiderableng nakapagpahina kay Angela Merkel, na siyang dahilan na napilitan siyang magbitiw sa liderato ng kanyang partido;
- sa France, ang "Man of Destiny” na si Macron, ang apostoles ng “Bagong Mundo”, sa kabila na nanalo siya laban kay Marine Le Pen sa eleksyon ng 2017, ay hindi nagtagumpay na bawasan ang impluwensya ng partido ng huli, na sa botohan ay dikit na dikit sa kanyang sariling partido, ang République en Marche, na umaangkin na parehong nasa loob ang “kanan at kaliwa” na mga pampulitikang personahe (halimbawa, isang Prime Minister mula sa Kanan at isang Minister of the Interior mula sa Socialist Party);
- sa Great Britain, ang tradisyunal na pinakamagaling na burgesya sa mundo ay mahigit isang taon ng nahirapan paano pangasiwaan ang “Brexit” na resulta ng pamumursige ng mga populista.
Nasa gobyerno man ang mga populista o simpleng nanggugulo lamang sa klasikong pampulitikang laro, hindi sila tumugma sa rasyunal na pangangasiwa sa pambansang kapital ni sa intensyunal na pakana ng dominanteng sektor ng uring burges, partikular sa pamamagitan ng media, na laging pumupuna sa mga populista. Ang pinakita mismo ng paglakas ng populismo ay ang paglala ng penomenon na binanggit na sa teses sa 1990: "Sa mga mayor na katangian ng kapitalistang dekomposisyon, dapat nating bigyang-diin ang lumalaking kahirapan ng burgesya na kontrolin ang ebolusyon ng pampulitikang sitwasyon" (Item 9). Isang penomenon na malinaw na binanggit sa ulat ng ika-22 Kongreso: "Ang kailangang bigyang-diin sa kasalukuyang sitwasyon ay ang ganap na kumpirmasyon ng aspetong ito na kinilala na namin 25 taon na ang nakaraan: ang tunguhin ng papalaking kahirapan ng naghaharing uri na kontrolin ang kanyang sariling pampulitikang makinarya.”
Ang paglakas ng populismo ay ekspresyon, sa kasalukuyang kalagayan, sa lumalaking kawalan ng kontrol ng burgesya sa mga kaganapan sa lipunan, na nagmula mismo sa bag-as ng dekomposisyon, ang kawalan ng kapasidad ng dalawang pundamental na mga uri ng lipunan na ipataw ang sariling tugon sa wala ng solusyon na krisis ng kapitalistang ekonomiya. Sa madaling sabi, ang dekomposisyon ay resulta ng pagiging inutil ng naghaharing uri, kainutilan na nagmula mismo sa kanyang kawalang kapasidad na pangibabawan ang krisis ng kanyang moda ng produksyon at lalupang nakaapekto sa kanyang pampulitikang makinarya.
Ilan sa kasalukuyang dahilan ng paglakas ng populismo ay ang mga pangunahing manipestasyon ng panlipunang dekomposisyon: paglakas ng desperasyon, nihilismo, karahasan, xenophobia, na nakaangkla sa lumalaking pagtakwil sa mga "elitista" (ang mga "mayayaman", pulitiko, teknokrata) at sa sitwasyon na ang uring manggagawa ay walang kapasidad na ihapag, kahit binhi man lang, ang sariling alternatiba. Halatang posible, dahil man sa sariling kawalang kapasidad at katiwalian, o dahil sa muling paglakas ng pakikibaka ng manggagawa, na mawala ang impluwensya ng populismo sa hinaharap. Sa kabilang banda, hindi nito maaring pasubalian ang istorikal na tendensya ng lipunan na malubog sa dekomposisyon, ni ang ibat-ibang manipestasyon nito, kabilang na ang lumalaking kawalan ng kontrol ng burgesya sa kanyang larong pulitikal. At may epekto ito hindi lang sa pambansang polisiya kundi sa lahat din ng mga relasyon sa pagitan ng mga estado at imperyalistang tunggalian.
Ang istorikal na tunguhin – isang paradaym ng pagbabago
5) Sa 1989-90, sa harap ng dislokasyon ng Eastern bloc, sinuri namin itong walang katulad na istorikal na penomenon - ang pagbagsak ng buong imperyalistang bloke sa kabila ng kawalan ng pangkalahatang kumprontasyong militar - bilang unang mayor na manipestasyon ng yugto ng dekomposisyon. At kasabay nito, sinuri namin ang bagong pagsasaayos ng mundo bunga ng ganitong istorikal na kaganapan:
“Ang paglaho ng imperyalistang pulis ng Rusya, at hinggil sa Amerikanong pulis kung ang kanyang isang beses lang na mga ‘kasama’ ang pag-uusapan, ay nagbukas ng pintuan para mas umigting pa ang buong serye ng mga lokal na kompetisyon. Sa kasalukuyan, itong mga kompetisyon at bangayan ay hindi tutungo sa pandaigdigang digmaan (kahit pa ipagpalagay na wala ng kapasidad ang proletaryado na tumutol). (…) Hanggang ngayon, sa panahon ng pagbulusok-pababa, sa sitwasyon na buhaghag ang ibat-ibang imperyalistang antagonismo, kung saan ang mundo (o ang kanyang mapagpasyang mga sona) ay hindi na nahati sa pagitan ng hindi tumagal na dalawang bloke. Ang paglaho ng dalawang mayor na imperyalistang bloke na lumitaw mula sa World War II ay nagdadala ng tendensya tungong rekomposisyon ng dalawang panibagong bloke. Subalit ang naturang sitwasyon ay wala pa sa agenda (…) Mas totoo pa na ang tendensya na paghatian ang mundo ng dalawang blokeng militar ay masalungat, at sigurado pang makompromiso dahil sa lumalaki at paglaganap ng pagkabulok ng kapitalistang lipunan, na binanggit na namin (…)
Dahil sa kawalan ng kontrol ng internasyunal na burgesya sa sitwasyon, hindi tiyak na ang kanyang dominanteng sektor ay may kapasidad ngayon na ipataw ang disiplina at koordinasyon na kailangan para sa rekonstitusyon ng mga bloke militar.” (“After the collapse of the Eastern bloc, destabilization and chaos”, International Review No. 61)
Kaya, ang 1989 ay tanda ng pundamental na pagbabago sa pangkalahatang dinamiko ng kapitalistang lipunan:
- Bago ang naturang taon, ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri ang mapagpasyang salik sa determinasyon ng dinamiko nito: nakasalalay sa balanse ng pwersa ang resulta ng paglala ng mga kontradiksyon ng kapitalismo: tungong pandaigdigang digmaan, o pag-unlad ng makauring pakikibaka na may perspektibang ibagsak ang kapitalismo.
- Matapos ang naturang taon, ang dinamikong ito ay hindi na nakasalalay sa balanse ng pwersa ng mga uri. Anuman ang balanse ng pwersa, wala na sa agenda ang pandaigdigang digmaan, pero patuloy na lulubog sa pagkabulok ang kapitalismo.
6) Sa paradaym na dominante sa ika-20 siglo, ang nosyon ng "istorikal na daan" na humuhulma sa resulta ng isang istorikal na tunguhin: pandaigdigang digmaan o makauring tunggalian; at kung nakaranas ang proletaryado ng mapagpasyang pagkatalo (tulad ng sa bisperas ng 1914 o bilang resulta ng rebolusyonaryong alon sa 1917-23), hindi maiwasan ang pandaigdigang digmaan. Sa paradaym na humuhulma sa kasalukuyang sitwasyon (hanggat hindi pa nabuo ang bagong imperyalistang mga bloke, na malamang hindi mangyayari), posible na makaranas ang proletaryado ng napakalalim na pagkatalo kung saan hindi na ito makabangon, pero posible rin na makaranas ito ng malalim na pagkatalo na walang mapagpasyang epekto sa ebolusyon ng lipunan. Kaya ang nosyon ng "istorikal na daan" ay hindi pwedeng magamit para suriin ang kasalukuyang sitwasyon ng mundo at ng balanse ng pwersa sa pagitan ng burgesya at proletaryado.
Parang ang kasalukuyang istorikal na sitwasyon ay katulad ng sa 19 siglo. Sa panahong yun:
- ang pagdami ng mga pakikibaka ng manggagawa ay hindi nagkahulugan ng posibilidad ng isang rebolusyonaryong yugto dahil wala pa sa agenda ang proletaryong rebolusyon, ni makaya nitong pigilan ang isang mayor na digmaan (halimbawa, ang digmaan sa pagitan ng France at Prussia sa 1870 kung saan lumalakas ang kapangyarihan ng proletaryado dahil sa pag-unlad ng International Workingmen’s Association);
- ang mayor na pagkatalo ng proletaryado (tulad ng pagkadurog ng Paris Commune) ay hindi nagbunga ng isang panibagong digmaan.
Dahil dito, mahalagang bigyang-diin na ang nosyon ng "istorikal na daan" na ginamit ng Italian Fraction sa 1930s at ng IKT sa pagitan ng 1968 at 1989 ay ganap na balido at bumuo ng pundamental na balangkas para unawain ang pandaigdigang sitwasyon. Hindi dapat intindihin na dahil sa konsiderasyon ng aming organisasyon sa bago at walang katulad na mga datos sa sitwasyon mula 1989 ay nakapagdududa na ang aming balangkas ng pagsusuri bago pa ang 1989.
Imperyalistang Tensyon
7) Sa 1990 pa lang, ng nakita namin ang paglaho ng imperyalistang mga bloke na nangingibabaw sa "Cold War", giniit namin ang pagpapatuloy, at paglala, ng mga kumprontasyong militar:
“Sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, lahat ng mga estado ay imperyalista, at gumagawa ng mga kailanganing hakbangin para tugunan ang kanilang kahayukan: ekonomiya ng digmaan, produksyon ng armas, atbp. Malinaw na sinabi namin na ang lumalalim na kombulsyon sa ekonomiya ng mundo ay patatalasin lamang ang tunggalian sa pagitan ng mga estado, kabilang na at lumalaki sa antas militar. … Sa kasalukuyan, ang mga bangayan at kumprontasyon ay hindi hahantong sa isang pandaigdigang digmaan. … Subalit, sa pagkawala ng disiplina na pinataw ng dalawang bloke, ang mga tunggaliang ito ay magiging mas madalas at mas marahas, laluna sa mga lugar na pinakamahina ang proletaryado.” (International Review No. 61, "After the collapse of the Eastern bloc, destabilisation and chaos")
“ang kasalukuyang paglaho ng imperyalistang mga bloke ay hindi ibig sabihin na pwede ng pagdudahan ang kontrol ng imperyalismo sa buhay ng lipunan. Ang pundamental na kaibahan ay nakasalalay sa katotohanan na (…) ang wakas ng mga bloke ay nagbukas lamang ng pintuan sa mas barbariko, kakaiba, at magulong porma ng imperyalismo.” (International Review n°64, "Militarism and Decomposition")
Mula noon, kinumpirma lamang ng pandaigdigang sitwasyon ang tunguhin sa mas malalang kaguluhan, tulad ng nakita namin noong nakaraang taon:
“ … Ang paglala ng dekomposisyon ay humantong sa madugo at magulong imperyalismo at militarismo;
- ang pagsabog ng tendensya ng bawat isa para sa kanyang sarili ang nagtulak para lalakas ang imperyalistang ambisyon ng pangalawa at pangatlong imperyalistang kapangyarihan, kasabay ng mas lalupang paghina ng dominanteng posisyon ng USA sa mundo;
- Ang kasalukuyang kalagayan ay may katangian ng imperyalistang tensyon sa lahat ng lugar at ng kaguluhan na mas lalupang hindi na makontrol; pero higit sa lahat, dahil sa kanyang napaka-irasyunal at alanganing na katangian, na nakaugnay sa epekto ng populistang panggigipit, sa partikular na katotohanan na ang pinakamalakas na kapangyarihan ay pinamunuan ngayon ng isang populistang presidente na may barumbadong pag-uugali.” (International Review No. 161, "Analysis of Recent Developments in Imperialist Tensions, June 2018")
8) Sa Gitnang Silangan, kung saan mas halata ang paghina ng liderato ng Amerika at walang kapasidad ang Amerika na itodo ang direktang panghimasok militar sa Syria ay nagbukas para sa iba pang mga imperyalista, at naghapag ng konsentrasyon ng mga istorikal na tunguhin:
- Iginiit ng Russia ang sarili bilang esensyal na kapangyarihan sa entablado ng Syria, salamat sa kanyang pwersang militar, sa partikular sa kanyang baseng nabal sa Tartus
- Ang Iran, sa pamamagitan ng kanyang tagumpay militar sa pagligtas sa kanyang alyado, ang rehimeng Assad, at sa pagbuo ng Iraqi-Syrian land corridor na direktang nakaugnay sa Iran sa Mediterranean at sa Lebanese Hezbollah, ang pangunahing nakinabang at nakamit ang layunin na maging lider sa rehiyon, partikular sa pagpapadala ng mga tropa labas sa kanyang teritoryo.
- Ang Turkey, nahumaling dahil sa takot na mabuo ang autonomous Kurdish zones na magdulot lang ng de-istabilisasyon sa kanya, ay nagsagawa ng operasyong militar sa Syria.
- Ang mga “tagumpay” militar sa Iraq at Syria laban sa Islamic State at pananatili ni Assad sa kapangyarihan ay hindi nakapagbigay ng istabilisasyon. Sa Iraq, ang pagkatalong militar ng Islamic State ay hindi nakapawi sa galit ng dating paksyong Sunni ni Saddam Hussein: ang pagpalit sa kapangyarihan sa unang pagkakataon ng paksyong Shiites ay mas lalupang nagpalaki sa apoy ng galit. Sa Syria, ang tagumpay militar ng rehimen ay hindi nagkahulugan ng istabilisasyon o pasipikasyon sa Syria, na pinanghimasukan ng ibat-ibang imperyalistang kapangyarihan na may magkatunggaling mga interes.
- Malalim na nahati ang Rusya at Iran sa kinabukasan ng estado ng Syria at sa presensya ng kanilang mga tropang militar sa kanyang teritoryo;
Maging ang Israel, na tutol sa konsolidasyon ng Hezbollah sa Lebanon at Syria, ni ang Saudi Arabia, ay hindi kayang balewalain ang paglakas ng Iran; habang ang Turkey ay hindi matanggap ang labis na ambisyon ng kanyang dalawang karibal.
Ni ang Amerika at Kanluran ay basta na lang susuko sa kanilang ambisyon sa estratehikong eryang ito ng mundo.
Ang sentripugal na aksyon ng ibat-ibang kapangyarihan, maliit at malaki, na ang magkaibang imperyalistang ganid ay laging nagbanggaan, ay nagpapaapoy lamang sa kasalukuyang kaguluhan tulad ng sa Yemen, kabilang na ang hinaharap na bangayan at paglaganap ng kaguluhan.
9) Samantala, matapos bumagsak ang USSR sa 1989, ang Rusya na tila nahulog na lang sa segundaryong posisyon, ay malakas na bumalik sa imperyalistang antas. Isang kapangyarihan na dumadausdos at kulang ang ekonomiyang kapasidad para manatili sa kompetisyong militar laban sa iba pang mayor na kapangyarihan, ay pinakita, sa pamamagitan ng restorasyon ng kanyang kapasidad militar mula 2008, sa kanyang napaka agresibong militar at sa kanyang kapasidad na maging panggulo sa internasyunal na antas:
- Binigo nito ang “kontrol” ng US (kabilang na ang integrasyon sa NATO ng kanyang dating mga alyado sa dating Warsaw Pact) sa kontinente ng Uropa ng sakupin nito ang Crimea sa 2014, sa pagputol ng kilusang paghiwalay sa Donbass na siyang pumigil sa anumang posibilidad na maging bahagi ang Ukraine sa sentral na makinarya laban sa Rusya.
- Sinamantala nito ang kahirapan ng Amerika na kontrolin ang Mediterranean: ang kanyang interbensyong militar sa Syria ay nakapagkonsolida ng kanyang presensya ng hukbong-pandagat sa naturag bansa at sa silangang Mediterranean. Pansamantala rin na nagawa ng Russia ang panunumbalik ng pakikiisa sa Turkey, isang myembro ng NATO, na lumalayo sa kontrol ng Amerka.
Ang kasalukuyang pakikiisa ng Russia sa China sa basihan ng pagtakwil sa alyansa ng Amerika sa rehiyon ng Asya ay napakahina para mabuo ang matagalang alyansa sa hinaharap dahil sa magkatunggaling interes ng dalawang estado. Subalit ang hindi istableng relasyon sa pagitan ng mga kapangyarihan ay tinitingnan ang Russia bilang isang estado sa Eurasian na may estratehikong kahalagahan para makontrol ang China.
10) Higit sa lahat, ang kasalukuyang sitwasyon ay markado ng mabilis na pag-akyat ng China sa kapangyarihan. Ang layunin ng huli (sa pamamagitan ng malakihang pamuhunan sa sektor ng teknolohiya, sa artificial intelligence, atbp) na konsolidahin ang sarili bilang pangunahing ekonomiyang kapangyarihan sa 2030-50 at makamit sa 2050 ang isang “hukbo na may internasyunal na kalidad na may kapasidad na manalo sa anumang modernong digmaan". Ang pinakamalinaw na manipestasyon sa kanyang ambisyon ay ang paglunsad mula 2013 ng "new Silk Road" (paglikha ng koridor ng transportasyon sa dagat at lupa, akses ng merkado sa Uropa at seguridad sa kanyang ruta ng kalakalan) bilang paraan para konsolidahin ang kanyang pang-ekonomiyang presensya kundi bilang instrumento rin para paunlarin ang kanyang imperyalistang kapangyarihan sa mundo at sa pangmatagalan, ay direktang hamunin ang dominasyon ng Amerika.
Ang paglakas ng China ay lumikha ng pangkalahatang de-istabilisasyon sa relasyon sa pagitan ng mga kapangyarihan, isang seryosong estratehikong sitwasyon kung saan ang dominanteng kapangyarihan, ang Estados Unidos, ay nagsisikap makontrol at mapigilan ang bantang paglakas ng China. Ang tugon ng Amerika na sinimulan ni Obama at pinagpatuloy ni Trump sa ibang paraan - ay kumakatawan sa isang mapagpasyang sandali sa pulitika ng Amerika. Ang pagtatanggol sa kanyang interes bilang pambansang estado ay nagkahulugan na ngayon ng pagyakap sa tendensya tungo sa bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang relasyon: tumutungo ang Estados Unidos mula sa pagiging pulis ng pandaigdigang kaayusan tungo sa pagiging pangunahing ahente ng bawat isa para sa kanyang sarili, sa kaguluhan, sa pag-alinlangan sa pandaigdigang kaayusan na kanyang binuo mula 1945.
Itong "istratehikong tunggalian para sa bagong pandaigdigang kaayusan sa pagitan ng United States at China", na nagaganap sa lahat ng larangan at antas, ay lalupang nagpalala sa kawalang kasiguruhan at kawalan ng katiyakan sa partikular na komplikado, hindi istable at pabago-bagong sitwasyon ng dekomposisyon: itong mayor na tunggalian ang nag-obliga sa lahat ng mga estado na muling ikonsidera ang pagbabago ng kanilang imperyalistang opsyon.
11) Ang yugto-yugtong paglakas ng China ay hindi mahiwalay sa kasaysayan ng imperyalistang bloke at kanilang paglaho sa 1989: ang posisyon ng kaliwang komunista sa "imposibilidad ng anumang paglitaw ng bagong industriyalisadong mga bansa" sa panahon ng dekadenteng yugto at ang kondenasyon ng mga estado "na nabigo sa kanilang ‘industrial take-off’ bago ang Unang Digmaang Pandaigdig at nabaog sa pagkaatsado, o napreserba ang malalang pagkaatrasado kumpara sa mga bansa na nasa ibabaw na" ay balido sa panahon mula 1914 hanggang 1989. Ang mahigpit na pagkaorganisa ng mundo sa dalawang magkatunggaling imperyalistang bloke (permanente sa pagitan ng 1945 at 1989) para sa paghahanda ng pandaigdigang digmaan ang pumigil sa anumang mayor na panggugulo sa hirarkiya sa pagitan ng mga kapangyarihan. Ang paglakas ng China ay nagsimula dahil sa ayuda ng Amerika sa kanyang imperyalistang pagbaliktad sa bloke ng Amerika sa 1972. Mapagpasya itong nagpatuloy sa paglaho ng mga bloke sa 1989. Ang China ang pangunahing nakinabang sa ‘globalisasyon’ matapos ang pagkabuo ng WTO sa 2001 ng ito ay naging pandaigdigang pagawaan at nakinabang sa relokasyon at pamuhunan ng Kanluran, at sa huli ay naging pangalawang ekonomiyang kapangyarihan ng mundo. Lumakas ang China dahil sa walang katulad na istorikal na mga sirkumstansya ng dekomposisyon at kung wala ito, hindi ito nangyari.
Ang paglakas ng China ay tanda ng dungis ng katapusan ng kapitalismo: nakabase ito sa labis na pagsasamantala sa lakas-paggawa ng proletaryado, sa hindi mapigil na pag-unlad ng ekonomiya ng digmaan sa pamamagitan ng pambansang programa ng “pagsanib ng militar at sibilyan” at sinabayan ng kagimbal-gimbal na pagsira ng kapaligiran, habang ang pambansang kaayusan ay nakabatay sa kontrol ng pulisya sa masa na pinailalim sa edukasyon ng Isang Partido at mabangis na panunupil sa populasyon ng mga Uighur Muslim at Tibet. Katunayan, ang China ay isa lamang higanteng metastasis sa pangkalahatang militaristang cancer ng buong kapitalistang sistema: ang kanyang produksyong militar ay umuunlad sa isang natatarantang bilis, ang kanyang badyet sa depensa ay tumaas ng anim na beses sa loob ng 20 taon at nasa ikalawang pwesto ng mundo mula 2010.
12) Ang pagkabuo ng “New Silk Road” at ang dahan-dahan, sustinido at matagalang progreso ng China (ang pagbuo ng mga pang-ekonomiyang kasunduan o inter-estado na pagtutulungan sa buong mundo; sa Italy, sa kanyang akses sa daungan ng Athens sa Mediterranean; sa Latin America; sa pagtayo ng base militar sa Djibouti - ang gateway sa kanyang lumalaking impluwensya sa kontinente ng Africa) ay nakaapekto sa lahat ng mga estado at gumugulo sa umiiral na balanse.
Sa Asya, nabago na ng China ang balanse ng imperyalistang pwersa sa kapinsalaan ng Estados Unidos. Subalit, hindi posible na awtomatikong punuan ang “puwang” na iniwan ng bumubulusok-pababa na liderato ng Amerika dahil sa dominasyon ng bawat isa para sa kanilang sarili sa imperyalistang larangan at kawalan ng tiwala ng mga kapangyarihan. Namumuo ang signipikanteng imperyalistang tensyon sa partikular:
- India, na kinondena ang pagkabuo ng Silk Road sa lanyang kagyat na paligid (Pakistan, Burma, Sri Lanka) bilang estratehiya ng pagkubkob at atake sa kanyang soberaniya, ay nagsagawa ng mayor na programa para sa modernisasyon ng kanyang hukbo at dinoble ang kanyang badyet mula 2008.
- at Japan, na parehas ang kagustuhan na pigilan ito. Pinag-iisipan na ng Tokyo ang kanyang istatus na naglimita sa kanyang legal at materyal na kapasidad na gumamit ng pwersang militar matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at direkta itong sumusuporta sa mga rehiyonal na estado, hindi lang diplomatiko kundi sa militar, para harapin ang China.
Ang antagonismo ng dalawang estadong ito sa China ay nagtulak sa kanila na makipag-alyansa at kasabay nito sa kanilang pakikiisa sa United States. Ang huli ay bumuo ng apat-na-partidong alyansa ng Japan-United States-Australia-India na nagbigay ng balangkas para sa diplomasya at militar din, sa pakikiisa sa pagitan ng ibat-ibang estado na tutol sa paglakas ng China.
Sa yugtong ito na “gustong habulin” ng China ang kapangyarihan ng US, nagsisikap itong itago ang kanyang mapanakop na ambisyon para iwasan ang direktang kumprontasyon sa kanyang karibal, na makasira sa kanyang pangmatagalang plano, habang ang United States ay nag-inisyatiba ngayon na pigilan ito at mas binigyan ng imperyalistang atensyon ang erya ng Indo-Pacific.
13) Sa kabila ng populismo ni Trump, sa kabila ng bangayan sa loob ng burgesyang Amerikano paano protektahan ang kanilang liderato at pagkahati-hati, sa partikular hinggil sa Russia, ang administrasyong Trump ay nagpatibay ng isang imperyalistang polisiya na nagpapatuloy at tapat sa mga pundamental na interes ng estadong Amerikano. Sa pangkalahatan ay sang-ayon ang mayoriya ng burgesyang Amerikano na mahalaga ito para depensahan ang posisyon ng USA bilang hindi matatalo na lider ng pandaigdigang kapangyarihan.
Naharap sa hamon ng China, nagsagawa ang Estados Unidos ng mayor na transpormasyon sa kanyang imperyalistang estratehiya. Itong pagbabago ay nakabatay sa obserbasyon na ang balangkas ng "globalisasyon" ay hindi napanatili ang posisyon ng Estados Unidos kundi nakapagpahina pa sa kanya. Ang pormalisasyon ng administrasyong Trump sa prinsipyo na ipagtanggol lang ang kanilang interes bilang isang pambansang estado at imposasyon ng mapakinabangang mga relasyon sa ibang kapangyarihan bilang pangunahing batayan sa pakipagrelasyon sa ibang mga estado, ay nagkumpirma at nagpakita sa mga implikasyon ng kabiguan sa polisiya sa nagdaang 25 taon sa pakikipaglaban sa tendensyang “bawat isa para sa kanyang sarili” bilang pandaigdigang pulis para proteksyunan ang pandaigdigang kaayusan na namana nito mula 1945.
Ang pagbaliktad ng Estados Unidos ay makita sa:
- kanyang pag-atras mula sa (o pag-alinlangan) sa internasyunal na mga kasunduan na naging hadlang sa kanilang paghari o bumabangga sa kasalukuyang pangangailangan ng imperyalismong Amerikano: pag-atras sa Paris Agreement on Climate Change, pagbawas sa kontribusyon sa UN at kanilang pag-atras sa UNESCO, sa United Nations Human Rights Council, sa Global Compact on Migrants and Refugees.
- ang kahandaan na umangkop sa NATO, ang alyansang militar na namana mula sa mga bloke, na nawala na ang kahalagahan sa kasalukuyang pagsasaayos sa imperyalistang tensyon, sa pamamagitan ng pagpataw sa mga alyado ng mas malaking responsibilidad pinansyal para sa kanilang proteksyon at sa pagrebisa sa awtomatikong katangian ng paglawak ng payong ng Amerika.
- ang tendensya na talikuran ang multilateralismo pabor sa bilateral na mga kasunduan (batay sa kanyang lakas sa militar at ekonomiya) gamit ang baras ng ng pang-ekonomiyang blackmail, teror at banta ng paggamit ng bangis ng pwersa militar (tulad ng bomba atomika laban sa Hilagang Korea) para ipilit ang sarili.
- ang digmaan sa kalakalan sa China, sa pangkalahatan ay naglalayong ipagkaila sa China ang anumang posibilidad na mapalakas ang pang-ekonomiyang posisyon at mapaunlad ang mga estratehikong sektor na magpahintulot dito na direktang hamunin ang paghari ng US.
- pagkwestyon sa mga multilateral na kasunduan sa armas (NIF at START) para manatili ang kanilang liderato sa teknolohiya at muling binuhay ang paligsahan sa armas para sagarin ang mga karibal ng Amerika (ayon sa napatunayang estratehiyang na nagpabagsak sa USSR). Inaprubahan ng Estados Unidos sa 2018 ang isa sa pinakamataas na badyet militar sa kanyang kasaysayan; muli nitong pinalakas ang kanyang kapasidad nukleyar at kinokonsidera ang paglikha ng ikaanim na sangkap sa US Army para “dominahan ang kalawakan” at alkontrahan ang banta ng China sa larangan ng satellite.
Ang mapanirang aktitud ng isang Trump, na napakadaling talikuran ang mga internasyunal na komitment ng Amerika para labanan ang mga estabilisadong patakaran, ay kumakatawan sa bago at makapangyarihang salik ng pagkabalisa, na nagbigay ng dagdag-pwersa sa tunguhing “isa laban sa lahat”. Ito ay dagdag-indikasyon sa bagong yugto sa mas lalupang paglubog ng kapitalismo sa barbarismo at sa kailaliman ng walang sagabal na militarismo.
14) Napapansin ang pagbabago ng estratehiya ng Amerika sa iilang pangunahing imperyalistang entablado:
- sa Gitnang Silangan, ang deklaradong layunin ng Estados Unidos sa Iran (at mga parusa laban dito) ay de-istabilisasyon at ibagsak ang rehimen sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kanyang internal na mga dibisyon. Habang progresibong kumakalas sa aspetong militar mula sa putikan sa Afghanistan at Syria, ang Estados Unidos sa ngayon ay ganap ng umaasa sa kanyang mga alyado sa Israel at laluna sa Saudi Arabia (sa ngayon pinakamalaking rehiyonal na kapangyarihan) bilang bag-as ng kanyang polisiya na pigilan ang Iran. Sa perspektibang ito, binigyan nila ang dalawang estado at kanilang mga lider ng mga garantiya ng solidong suporta sa lahat ng larangan para konsolidahin ang kanilang alyansa (probisyon ng state-of-the-art military equipment, suporta ni Trump sa iskandalo ng asasinasyon sa kaaway ng Saudi na si Khashoggi, pagkilala sa Silangang Jerusalem bilang kabisera ng Israel at sa soberaniya ng Israel sa Golan Heights sa Syria). Ang prayoridad na pigilan ang Iran ay sinabayan ng pagkonsidera na talikuran ang kasunduan sa Oslo, at kanyang "dalawang-estado" na solusyon (Israel at Palestine) sa usapin ng Palestino. Ang paghinto ng tulong ng US sa mga Palestino at sa PLO at ang mungkahi para sa “big deal” (ang pagtalikod sa anumang kahilingan sa paglikha ng isang estadong Palestino kapalit ng malaking ayudang ekonomiya ng US) ay naglalayong resolbahin ang esensya ng pagtatalo sa Palestine, na ginamit ng lahat ng mga rehiyunal na imperyalismo laban sa Estados Unidos, para magkaroon ng de facto na pagkakaisa sa pagitan ng kanyang mga alyadong Arabo at Israeli.
- sa Latin America, naglunsad ng kontra-opensiba ang Estados Unidos para masiguro ang mas magandang imperyalistang kontrol sa kanyang tradisyunal na erya ng impluwensya. Ang pag-akyat ni Bolsonaro sa kapangyarihan sa Brazil ay hindi simpleng resulta ng tulak ng populismo kundi resulta mula sa malawak na operasyon ng pamimilit ng Amerika sa burgesyang Brazilian, isang estratehiya na tinahi ng estadong Amerikano na may layunin, nakamit na ngayon, na muling kabigin ang estado sa kanyang imperyalistang kampo. Bilang pasimula sa komprehensibong plano na ibagsak ang mga anti-Amerikang rehimen ng "Troika of Tyranny" (Cuba, Venezuela at Nicaragua) nakita namin sa ngayon ang bigong pagpatalsik sa rehimeng Chavista/Maduro sa Venezuela.
Subalit nagawa ng Washington na bigwasan ang China, kung saan napilitang piliin na maging pampulitikang alyado ang Venezuela para palawakin ang kanyang impluwensya at napatunayang walang magawa para labanan ang panggigipit ng Amerika. Hindi imposible na itong imperyalistang opensiba ng Amerika na muling pagsakop sa Latin America ay simula ng isang mas sistematikong opensiba laban sa China sa ibang kontinente. Sa ngayon, itinaas nito ang posibilidad ng lalupang pagbagsak ng Venezuela sa magulong bangayan sa pagitan ng mga burges na paksyon, kabilang na ang pagtaas ng de-istabilisasyon sa buong Timog Amerika.
15) Ang kasalukuyang pangkalahatang konsolidasyon ng imperyalistang tensyon ay nakitaan ng muling paglakas ng paligsahan sa armas at supremasya sa teknolohiyang militar hindi lang kung saan mas pinakatingkad ang bangayan (sa Asya at Gitnang Silangan) kundi sa lahat ng mga estado, sa lahat ng pangunahing mayor na kapangyarihan. Lahat ay palatandaan na isang panibagong yugto ng inter-imperyalistang banggaan ang namumuo at lumulubog ang sistema sa barbarismong militar.
Sa kontekstong ito, ang EU (European Union) kaugnay sa internasyunal na imperyalistang sitwasyon ay patuloy na harapin ang tendensya ng pagkapira-piraso tulad ng pahayag ng Ulat sa Imperyalistang tensyon sa Hunyo 2018 (International Review 161).
Ang krisis sa ekonomiya
16) Sa antas ng ekonomiya, mula 2018, ang sitwasyon ng kapitalismo ay markado ng matalas na paghina ng pandaigdigang pag-unlad (mula 4% in 2017 tungo sa 3.3% in 2019), na ayon sa burgesya ay mas lalala pa sa 2019-20. Itong pagbagal ay napatunayan na mas malaki pa kaysa inaasahan sa 2018, tulad ng binawasan ng IMF ang kanyang pagtataya sa susunod na dalawang taon at sabay-sabay na apektado ang lahat ng bahagi ng kapitalismo: China, ang Estados Unidos at ang Euro Zone. Sa 2019, 70% sa ekonomiya ng daigdig ay bumabagal, partikular ang ‘abanteng’ mga bansa (Germany, United Kingdom). Iilan sa umuunlad na mga bansa ay nasa resesyon na (Brazil, Argentina, Turkey) habang ang China, ay bumabagal na simula pa 2017 at inaasahang lalago ng 6.2% sa 2019, ay nakaranas ng pinakamababang paglago sa loob ng 30 taon.
Ang halaga ng halos lahat ng mga pera sa umuunlad na mga bansa ay humina, minsan mas malaki ang paghina, tulad ng sa Argentina at Turkey
Sa katapusan ng 2018, zero ang paglago ng pandaigdigang kalakalan, habang ang Wall Street ay nakaranas sa 2018 ng pinakamalaking stock market “corrections” sa nagdaang 30 taon. Halos lahat ng mga palatandaan ay kumikinang at tinuturo ang perspektiba ng isang panibagong pagbulusok-pababa ng kapitalistang ekonomiya.
17) Walang maibigay na kinabukasan ang uring kapitalista, ang kanyang sistema ay kinondena ng kasaysayan. Magmula ng krisis sa 1929, ang unang mayor na krisis ng dekadenteng kapitalismo, hindi huminto ang burgesya na paunlarin ang interbensyon ng estado para kontrolin ang ekonomiya. Mas lalupang naharap sa kumikipot na extra-capitalist markets, na mas lalupang binantaan ng pangkalahatang sobrang produksyon "napanatili ng kapitalismo na buhay ang sarili, salamat sa mulat na interbensyon ng burgesya, na hindi na kayang sasandal lang sa hindi makitang kamay ng pamilihan. Totoo na ang solusyon ay naging bahagi na ng problema:
- ang paggamit ng utang ay malinaw na mag-iipon ng malaking problema sa hinaharap,
- ang paglobo ng sektor ng estado at armas ay magluwal ng kakila-kilabot na inplasyon.
Magmula 1970s, ang mga problemang ito ay lumikha ng ibat-ibang pang-ekonomiyang polisiya, nagsasalitan sa pagitan ng ‘Keynesianismo’ at ‘neoliberalismo’, pero dahil walang patakaran na nasolusyunan ang tunay na mga dahilan ng krisis, walang polisiya ang nagtagumpay. Ang malinaw ay ang determinasyon ng burgesya na ipagpatuloy ang paggalaw ng ekonomiya sa anumang paraan at sa kanyang kakayahan na pigilan ang pagbagsak sa pamamagitan ng higanteng utang." (Ika-16 na Internasyunal na Kongreso, Resolusyon sa internasyunal na sitwasyon)
Iniluwal ng mga kontradiksyon ng dekadente at nasa istorikal na rurok na kapitalistang sistema, subalit ang kapitalismo ng estado na pinataw sa bawat pambansang kapital ay hindi sumusunod sa istriktong ekonomikong determinismo; kabaliktaran, ang kanyang aksyon, sa esensya ay pulitikal ang katangian, sinabayan ng integrasyon at kombinasyon ng ekonomikong aspeto na may panlipunan (paano harapin ang kanyang makauring kaaway ayon sa balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri) at imperyalistang aspeto (ang pangangailangan na panatilihin ang malaking sektor ng armas na nasa sentro ng anumang pang-ekonomiyang aktibidad). Kaya ang kapitalismo ng estado ay nakaranas ng ibat-ibang yugto at organisasyunal na anyo sa kasaysayan ng dekadenteng kapitalismo.
18) Sa 1980s, sa ilalim ng lakas ng mga mayor na ekonomikong kapangyarihan, ipinagdiwang ang nasabing bagong yugto: ang "globalisasyon". Sa unang yugto, ito ay nagkahugis sa Reaganomics, na kagyat na sinundan ng ikalawang yugto, kung saan sinamantala ang istorikal na sitwasyon ng pagbagsak ng bloke ng Silangan para palawakin at palalimin ang reorganisasyon ng kapitalistang produksyon sa pandaigdigang saklaw sa pagitan ng 1990 at 2008.
Pinagpatuloy ang kooperasyon sa pagitan ng mga estado, partikular na ginamit ang lumang istruktura ng bloke ng Kanluran, at preserbasyon ng kaayusan sa palitan ng kalakalan, ay mga paraan hindi lang para mapunan ang lumalalang krisis (ang resesyon sa 1987 at 1991-93) kundi pati na rin ang mga unang epekto ng dekomposisyon, na sa larangan ng ekonomiya, ay inaasahang sa kalakhan ay mapahupa.
Sinundan ang EU bilang modelo sa pagtanggal sa mga sagabal sa adwana sa pagitan ng mga myembrong estado, pinalakas ang integrasyon ng maraming sangay ng pandaigdigang produksyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga totoong kadena ng produksyon sa pandaigdigang saklaw. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng lohistika, impormasyon sa teknolohiya at telekomunikasyon, nagpahintulot sa paglawak ng mga ekonomiya, ang pagtaas ng pagsasamantala sa lakas-paggawa ng proletaryado (sa pamamagitan ng pagtaas ng produktibidad, internasyunal na kompetisyon, malayang paggalaw ng paggawa para ipataw ang mababang sahod), ang pagtali sa produksyon sa lohikang pinansyal ng makisimum na tubo, patuloy na tumataas ang pandaigdigang kalakalan, kahit maliit, pinasisigla ang pandaigdigang ekonomiya, na nagbibigay ng “ikawalang paghinga” na nagpahaba sa pag-iral ng kapitalistang sistema.
19) Ang pagbagsak sa 2007-09 ay nagmarka ng unang hakbang sa paglubog ng kapitalistang sistema sa hindi mapigilang krisis: matapos ang apat na dekadang pagpapautang at pangungutang para alkontrahan ang lumalaking sobrang produksyon, na ginambala ng lumalalim na resesyon at mas limitadong muling pagbangon, ang resesyon sa 2009 ang pinakamatingkad mula noong Great Depression. Ang malakihang panghimasok ng mga estado at ng kanilang mga bangko sentral ang nagligtas sa sistema ng pagbabangko mula sa ganap na pagkalugi, dahil sa pagsalo sa utang sa pamamagitan ng pagbili sa mga utang na hindi na mabayaran.
Ang kapital ng China, na seryoso rin na apektado ng krisis, ay may importanteng papel sa istabilisasyon ng pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpatupad ng mga plano ng pagpapasigla ng ekonomiya sa 2009, 2015 at 2019, na nakabatay sa malakihang utang ng estado.
Hindi lang na hindi naresolba o napangibabawan ang mga dahilan ng krisis sa 2007-2011, kundi ang paglala at ang mga kontradiksyon ng krisis ay tumaas pa ang antas: ang mga estado na ngayon ang naharap sa mapamuksang bigat ng kanilang utang (ang “sovereign debt”), na dagdag pang nakaapekto sa kanilang kapasidad na manghimasok para muling buhayin ang kani-kanilang pambansang ekonomiya. “Ginamit ang utang bilang paraan para suplementohan ang kakulangan ng solvent markets pero hindi ito patuloy na lalago tulad ng nakita natin sa krisis pinansyal na nagsimula sa 2007. Subalit, lahat ng hakbangin para limitahan ang utang ay muling naharap ang kapitalismo sa kanyang krisis ng sobrang produksyon, at ito sa internasyunal na konteksto na parating bumubulusok-pababa at mas lalupang nalimitahan ang puwang para sa maniobra” (Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon, Ika-20 Kongreso ng IKT).
20) Ang kasalukuyang kaganapan ng krisis dahil sa tumataas na kaguluhan na nagawa nito sa organisasyon ng produksyon tungo sa isang malawak na multilateral na konstruksyon sa internasyunal na antas, na pinagkaisa sa komon na mga patakaran, ay pinakita ang mga limitasyon ng “globalisasyon”. Ang lumalaking pangangailangan ng pagkakaisa (na walang ibig sabihin kundi imposasyon ng batas ng pinakamalakas sa pinakamahina) dahil sa “trans-nasyunal” na pagpipilipit sa napaka hati na produksyon ng bawat bansa (sa mga yunit na pundamental na nahati sa kompetisyon kung saan ang anumang produkto ay denisenyo dito, asembliya doon sa tulong ng mga elemento na nilikha sa kung saan) ay salungat sa pambansang kalikasan ng bawat kapital, laban sa limitasyon mismo ng kapitalismo, na hindi na maiwasang nahati sa kompetisyon at magkaribal na mga bansa. Ito ang maksimum na antas ng pagkakaisa na imposibleng mapangibabawan sa mundo ng burgesya. Nalagay ang mga institusyong multilateral at mekanismo sa matinding pagsubok dahil sa lumalalim na krisis (kasama na ang imperyalistang tunggalian).
Makita ang katotohanang ito sa kasalukuyang aktitud ng dalawang pangunahing kapangyarihan na nag-away para sa paghari ng mundo:
- Nasiguro ng China ang paglakas ng kanyang ekonomiya dahil sa paggamit sa multilateralismo ng WTO habang pinauunlad ang kanyang sariling pang-ekonomiyang polisiyang pakikipagsosyo (tulad ng proyektong "New Silk Road" na naglalayong alkontrahan ang pagbagal ng kanyang paglago) na walang pagpahalaga sa istandard pangkalikasan o "demokratiko" (isang ispisipikong aspeto ng patakarang globalisasyon na naglalayong ipataw ang mga istandard ng Kanluran at pandaigdigang kompetisyon sa pagitan ng mga nakinabang at talunan sa globalisasyon). Sa ideolohiya, hinamon nito ang kaayusang liberal ng Kanluran na kinilala nito na nanghina na at mula 2012 ay nagsisikap, sa pamamagitan ng paglikha ng mga institusyon (ang Shanghai Organization, ang Asian Development Bank...) para ilatag ang mga pundasyon sa alternatibo na makipagkompetinsyang internasyunal na kaayusan, na inilarawan ng burgesya sa Kanluran bilang “illiberal”.
- Ang estadong Amerikano sa ilalim ng administrasyong Trump (na suportado ng mayoriya ng burgesyang Amerikano), ay kinilala ang sarili na talunan sa "globalisasyon" (kung saan ito mismo ang nagpasimula), ang kanyang posisyon bilang lider ng mundo ay dahan-dahang pinahina ng kanyang mga karibal (pangunahin ng China, at ng mga kapangyarihan rin sa Kanluran tulad ng Germany). Ang patakarang “Una ang Amerika” ay gustong lagpasan ang mga institusyon ng regulasyon (WTO, G7 at G20) kung saan mas nahirapang ipagtanggol ang posisyon ng Amerika (na siya mismong pangunahin nilang bokasyon) at para paboran ang mga kasunduang bilateral na mas nagtatanggol sa kanilang interes at istabilidad na esensyal para sa negosyo.
21) Ang impluwensya ng dekomposisyon ay dagdag na salik sa de-istabilisasyon. Sa partikular, ang pag-unlad ng populismo ay mas lalupang nagpalala sa bumubulusok-pababa na ekonomikong sitwasyon sa pamamagitan ng salik ng kawalan ng kasiguruhan at kawalan ng katuparan sa harap ng kaguluhan ng krisis. Sa pag-akyat ng mga populistang gobyerno sa kapangyarihan na may hindi realistikong programa para sa pambansang kapital, na nagpahina sa galaw ng pandaigdigang ekonomiya at kalakalan, ay lumikha ng kaguluhan, at itinaas ang risgo ng paghina ng mga paraan na ipinataw ng kapitalismo magmula 1945 para pigilan ang anumang autarkic na pag-atras tungo sa pambansang balangkas, na sinulsulan ng hindi makontrol na paglala ng krisis sa ekonomiya. Ang kaguluhan sa Brexit at ang kahirapan na kumalas mula sa EU ay isa ring ilustrasyon: ang kawalang kapasidad ng mga partido ng naghaharing uri sa Britanya na magpasya sa mga kondisyon para sa paghiwalay at ang katangian ng mga relasyon sa hinaharap sa European Union, ang kawalan ng kasiguruhan sa "restorasyon" ng mga hangganan, sa partikular sa pagitan ng Hilagang Ireland at Eire, ang kawalang kasiguruhan sa kinabukasan ng maka-Europeo na Scotland na nagbantang hihiwalay mula sa United Kingdom sa magiging epekto nito sa ekonomiya ng Britanya (sa pamamagitan ng pagbawas sa halaga ng pound) kasama na ang kanyang mga dating kasama sa EU, na binawian sa matagalang istabilidad na kailangan nila para sa regulasyon ng ekonomiya.
Ang kawalan ng pagkakaisa sa pang-ekonomiyang polisiya ng Britanya, ang US at kahit saan ay pinakita ang lumalaking dibisyon hindi lang sa pagitan ng mga karibal na bansa kundi maging sa sariling bansa – dibisyon sa pagitan ng mga “multilateralista” at “unilateralista”, pero kahit sa loob ng dalawang paraan na ito (eg sa pagitan ng “hard” and “soft” Brexiteers sa UK) hindi lang na walang anumang minimal na konsensus sa ekonomikong polisiya kahit sa pagitan ng mga bansa ng dating bloke ng kanluran – ang usaping ito ay mas lalupang nakadagdag sa bangayan sa loob mismo ng pambansang burgesya.
22) Ang kasalukuyang akumulasyon ng lahat ng mga kontradiksyong ito sa konteksto ng paglala ng krisis sa ekonomiya, kabilang na ang karupukan ng sistema ng pera at pinansyal at ang malakihang internasyunal na pagkakautang ng mga estado matapos ang 2008, ay seryosong nagbukas sa darating na yugto ng mga pagyanig at muli mailagay ang kapitalismo sa harap ng panibagong pagbulusok-pababa. Subalit, kailangang hindi makalimutan na hindi pa lubusang naubusan ng mga paraan ang kapitalismo para pabagalin ang pagbagsak nito tungo sa krisis at iwasan ang hindi makontrol na sitwasyon, partikular sa sentral na mga bansa. Ang labis na pagkakautang ng mga estado, kung saan ang lumalaking bahagi ng nalikhang pambansang yaman ay kailangang ilaan sa pagbayad sa utang, ay mabigat na nakaapekto sa mga pambansang badyet at matinding bumawas sa kanilang maniobra sa harap ng krisis. Ganun pa man, ang sitwasyong ito ay hindi:
- magwawakas sa patakaran ng pagkakautang, bilang pangunahing temporaryong lunas sa mga kontradiksyon ng krisis ng sobrang produksyon at paraan para ipagpaliban ang hindi mapigilan, kapalit ng mas seryosong mga kombulsyon sa hinaharap;
- pagpapahinto sa baliw na paligsahan sa armas kung saan ang bawat estado ay nahatulan na. Mas naging irasyunal ang porma nito sa lumalaking bigat ng ekonomiya ng digmaan at produksyon ng armas, sa patuloy na lumalaking parte sa kanilang GDP (at ngayon ay naabot na ang pinakataas na antas magmula 1988, sa panahon ng kumprontasyon sa pagitan ng mga imperyalistang bloke).
23) Hinggil sa proletaryado, itong mga panibagong pagyanig ay magresulta lamang sa mas seryosong mga atake laban sa kabuhayan at kondisyon sa pagtrabaho sa lahat ng antas at sa buong mundo, sa partikular:
- sa pagpapalakas ng pagsasamantala sa lakas-paggawa sa pamamagitan ng patuloy na pagbawas sa sahod at pagtaas ng tantos ng pagsasamantala at produktibidad sa lahat ng sektor;
- sa patuloy na pagbuwag sa mga natira pa sa welfare state (dagdag na mga restriksyon sa ibat-ibang sistema ng benepisyo para sa mga walang trabaho, panlipunang tulong at sistema ng pensyon); at sa mas pangkalahatan sa pamamagitan ng “dahan-dahang” pagkalas sa pagpondo sa lahat ng porma ng ayuda o panlipunang suporta mula sa boluntaryo o semi-publiko na sektor;
- sa pagbawas ng mga estado sa pondo para sa edukasyon at kalusugan sa produksyon at pangangalaga sa lakas-paggawa ng manggagawa (at kaya may signipikanteng mga atake laban sa proletaryado sa mga pampublikong sektor);
- sa paglala at mas lalupang paglaki ng kontraktwalisasyon bilang instrumento ng pagpataw at pagpilit sa pagtaas ng kawalang trabaho sa lahat ng bahagi ng uri.
- mga atake na nagtatago sa likod ng mga pampinansyal na operasyon, tulad ng negatibong tantos ng interes na binura ng maliitang pag-iimpok at iskema ng pensyon. At dahil ang opisyal na tantos ng implasyon para sa mga produktong pangkonsumo ay mababa sa maraming mga bansa, ang speculative bubbles ay may kontribusyon sa totoong pagsabog sa halaga ng pabahay.
- pagtaas ng gastos ng pamumuhay laluna sa buhis at presyo ng mga pangunahing bilihin
Ganun pa man, bagamat ang burgesya sa lahat ng mga bansa ay mas lalupang napilitan na palakasin ang mga atake laban sa uring manggagawa, ang kanyang puwang ng maniobra sa pulitikal na antas ay hindi pa nalubos. Nakatitiyak kami na gagamitin nito ang lahat ng paraan para pigilan ang proletaryado na tumugon sa kanyang sariling makauring tereyn laban sa mas lumalalang pagkasira sa kondisyon ng pamumuhay na pinataw ng mga kombulsyon ng pandaigdigang ekonomiya.
Mayo 2019
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16704/resolution-international-s... [108]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 75.23 KB |
Isa sa mas popular na mga bandera ng mga protesta sa pagbabago ng klima ay: “Baguhin ang Sistema, Hindi Baguhin ang Klima”.
Walang duda na hinihila ng kasalukuyang sistema ang sangkatauhan tungo sa malaking kapahamakan ng kapaligiran. Araw-araw dumarami ang mga ebidensya: delikadong pagtaas ng sobrang init, walang katulad na sunog sa Amazon, pagkatunaw ng malalaking yelo, baha, paglaho ng buong species – kabilang na ang paglaho ng sangkatauhan sa huli. At kahit pa hindi nangyayari ang pag-init ng mundo, ang lupa, hangin, mga sapa at dagat ay patuloy na nalalason at naubos ang buhay.
Hindi nakapagtataka na maraming tao, at higit sa lahat mga kabataan na naharap sa mapanganib na hinaharap, ay masyadong nabahala sa sitwasyon at nais gumawa ng solusyon para dito.
Ipinakilala bilang solusyon ang alon ng mga protesta na organisado ng Youth for Climate, Extinction Rebellion, mga partido ng Green at kaliwa. Pero yaong sumusunod sa kanilang pamumuno ay dapat tanungin ang sarili: bakit ang mga protestang ito ay malawak na suportado ng mga taong namahala at nagtatanggol sa kasalukuyang sistema? Bakit si Greta ay imbitado na magsalita sa mga parliyamento, gobyerno, sa United Nations?
Syempre ang mga tulad ni Trump, Bolsonaro o Farage ay laging sinisiraan si Greta at iba pang “eco-warriors”. Sabi nila isang kasinungalingan ang pagbabago ng klima at ang mga hakbangin para bawasan ang polusyon ay banta sa paglago ng ekonomiya, higit sa lahat sa mga sektor tulad ng mga automobile at fossil fuel. Sila ang makakapal ang mukhang nagtatanggol sa kapitalistang tubo. Pero ano sila Merkel, Macron, Corbyn, Alexandria Ocasio-Cortez at iba pa na pumupuri sa mga protesta ng klima: hindi ba sila kabilang sa kasalukuyang sistema?
Marami sa mga lumahok sa kasalukuyang mga protesta ay sang-ayon na ang ugat ng pagkasira ng ekolohiya ay ang sistema, ang kapitalistang sistema. Pero ang mga organisasyon na nasa likod ng mga protesta, ang mga pulitiko na binabalita ang kanilang ipokritong suporta sa kanila, ay nagtatanggol sa mga polisiya na tinatago ang tunay na katangian ng kapitalismo.
Tingnan ang mga pangunahing programa na sinusulong ng mas radikal sa hanay ng mga pulitikong ito: ang tinawag na “New Green Deal”. Ito ay nag-alok sa atin ng isang pakete ng mga hakbangin na gagawin ng mga umiiral na estado, humihingi ng malakihang kapitalistang pamumuhunan para paunlarin ang mga “walang polusyon” na industriya na magkamal pa rin ng malaking tubo. Sa madaling salita: ito ay ganap na nasa balangkas ng kapitalistang sistema. Tulad ng New Deal sa 1930s, ang layunin nito ay iligtas ang kapitalismo sa panahon ng kanyang pangangailangan, hindi para palitan ito.
Ano ang kapitalistang sistema?
Hindi mawawala ang kapitalismo kung pamamahalaan ito ng mga burukrata ng estado sa halip ng mga pribadong kapitalista, o kung pintahan nito ang sarili ng berde.
Ang kapital ay pandaigdigang relasyon sa pagitan ng mga uri, batay sa pagsasamantala sa sahurang-paggawa at pagbebenta ng produkto para magkaroon ng tubo. Ang palagiang paghahanap ng merkado para sa kanyang mga kalakal ay nanawagan ng mabangis na kompetisyon sa pagitan ng mga bansa-estado para sa dominasyon ng pandaigdigang pamilihan. At ang kompetisyong ito ay nangangailangan na ang bawat pambansang kapital ay kailangang magpalawak o mamatay. Walang kapitalismo na hindi mananakop sa kahuli-hulihang lugar sa mundo at ang kanyang paglawak ay may hangganan. Dagdag pa, lubos na walang kapasidad ang kapitalismo na magkaisa sa pandaigdigang saklaw para tugunan ang krisis sa ekolohiya, tulad ng pinatunayan ng maraming kabiguan sa nakaraang ibat-ibang summit para sa klima at mga protocol.
Ang paghahanap ng tubo, na walang kaugnayan sa pangangailangan ng tao, ang ugat ng pagkasira ng kalikasan at ito ay totoo mula ng lumitaw ang kapitalismo. Subalit may kasaysayan ang kapitalismo, at sa nagdaang isang daang taon ay hindi na ito salik para sa progreso at nahulog na sa malalim na istorikong krisis. Ito ay naaagnas na sibilisasyon, dahil ang kanyang ekonomiyang base, na napilitang lumago na walang limitasyon, ay nagluwal ng krisis sa sobrang produksyon na nagiging permanente na. At sa pinakita ng mga pandaigdigang digmaan at “Cold War” sa 20 siglo, ang proseso ng pagbulusok-pababa ay nagpapabilis lang sa tunguhin ng kapital ng pagkawasak. Kahit hindi pa naging malinaw ang pandaigdigang masaker sa kalikasan, nagbabanta na ang kapitalismo na wasakin ang sangkatauhan sa kanyang walang humpay na imperyalistang komprontasyon at mga digmaan, na nagpapatuloy ngayon sa buong mundo mula sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan hanggang sa Pakistan at India. Sa mga tunggalian ito napatalas ang krisis sa ekolohiya dahil ang mga bansa-estado ay nagpaligsahan sa lumiliit na mapagkukunang yaman, habang ang paligsahan na lumikha ng mas maraming nakakatakot na mga armas – at higit sa lahat, para gamitin sila - ay lalupang nagparumi sa planeta. Itong napakasamang kombinasyon ng kapitalistang paninira ang dahilan bakit hindi na matirhan ang ilang bahagi ng planeta at napilitang lumikas ang milyun-milyong tao.
Ang pangangailangan at posibilidad ng komunismo
Hindi mapangibabawan ng sistema ang krisis sa ekonomiya, krisis sa ekolohiya, o ang digmaan.
Kaya isang panlilinlang kung hilingin sa mga gobyerno ng mundo na “kumilos sila” at gumawa para iligtas ang planeta - kahilingan na isinusulong ng lahat ng mga grupo na nag-oorganisa sa kasalukuyang mga martsa at protesta. Ang tanging pag-asa ng sangkatauhan ay nakasalalay sa pagwasak sa kasalukuyang sistema at paglikha ng bagong porma ng lipunan. Tinawag namin itong komunismo - isang buong-daigdig na komunidad ng tao na walang mga bansa-estado, walang pagsasamantala sa paggawa, walang merkado at pera, kung saan lahat ng produksyon ay planado sa pandaigdigang saklaw at ang tanging motibo ay maibigay ang pangangailangan ng tao. Hindi na dapat sabihin na ang lipunang ito ay walang komonalidad sa kontrolado ng estado na porma ng kapitalismo na nakikita natin sa mga bansang tulad ng Tsina, Hilagang Korea o Cuba, o sa dating Unyong Sobyet.
Ang tunay na komunismo ang tanging batayan para itayo ang bagong relasyon sa pagitan ng sangkatauhan at sa buong kalikasan. At hindi ito utopya. Posible ito dahil inilatag ng kapitalismo ang kanyang mga materyal na pundasyon: ang pag-unlad ng syensya at teknolohiya, na maaring mapalaya mula sa kanilang mga distorsyon sa ilalim ng umiiral na sistema, at ang pandaigdigang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng produksyon, na maaring mapalaya mula sa kapitalistang kompetisyon at mga pambansang antagonismo.
Pero higit sa lahat ito ay posible dahil ang kapitalismo ay nakabatay sa paglitaw ng isang uri na walang mawawala maliban sa kanyang mga kadena, isang uri na parehong interesado na labanan ang pagsasamantala at ibagsak ito: ang internasyunal na uring manggagawa, ang proletaryado ng lahat ng mga bansa. Kabilang sa uring ito hindi lang ang mga pinagsamantalahan sa pagawaan kundi kabilang din ang mga nag-aaral para maghanap ng kanilang puwang sa merkado ng paggawa at ang mga itinaboy ng kapital labas sa paggawa at ang mga sinasabing basura ng lipunan.
Protesta ng mamamayan o pakikibaka ng mga manggagawa?
At nandito sa partikular, ang ideolohiya sa likod ng mga martsa sa pagbabago ng klima ay nagsilbi para pigilan tayo na maintindihan ang mga paraan sa paglaban sa sistema. Sinabi sa atin, halimba, na nagkagulo ang mundo dahil ang “naunang henerasyon” ay labis ang pagbili ng mga produktong pangkonsumo. Pero ang pag-uusapan ang mga henerasyon sa “pangkalahatan” ay itinago ang katotohanan na kahapon at ngayon, ang problema ay dahil sa pagkahati ng lipunan sa dalawang pangunahing mga uri, ang isa, ay ang uring kapitalista o burgesya, na nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan, at ang isa pa na mas malaking uri na pinagsamantalahan at inalisan ng lahat ng kapangyarihan na magdesisyon, kahit sa pinaka “demokratikong” mga bansa. Ang impersonal na mga mekanismo ng kapital ang dahilan ng kasalukuyang kaguluhan, hindi ang personal na ugali ng mga indibidwal o pagkaganid ng nagdaang henerasyon.
Ganun din sa sinasabing “taong-bayan” o ang “mamamayan” bilang pwersa na magliligtas sa mundo. Ito ay walang kwenta na mga kategoriya para pagtakpan ang antagonistikong interes ng mga uri. Ang paraan para makalabas sa sistema na hindi iiral kung walang pagsasamantala ng isang uri sa isa pa ay mangyari lamang sa pamamagitan ng muling pagbangon ng makauring pakikibaka, na magsimula sa mga manggagawa na nagtatanggol sa kanilang mga batayang interes laban sa mga atake sa pamumuhay at kalagayan sa trabaho na ipinataw ng lahat ng mga gobyerno at kapitalista bilang tugon sa krisis sa ekonomiya – mga atake na ginawa ring katuwiran sa ngalan ng proteksyon sa kapaligiran. Ito lang ang tanging batayan ng uring manggagawa para paunlarin ang kanyang sariling pag-iral laban sa lahat ng mga kasinungalingan na nagsasabi sa atin na ito ay naglaho ng species. At ito lang ang batayan ng makauring pakikibaka sa pinagsamang ekonomiko at pulitikal na mga salik - binigyang hugis ang ugnayan sa pagitan ng pang-ekonomiyang krisis, digmaan, at kalamidad sa ekolohiya, at pagkilala na tanging ang pandaigdigang rebolusyon ang solusyon.
Sa papalapit na Unang Digmaang Pandaigdig, daang libo ang nagmartsa sa pasipistang mga demonstrasyon. Hinikayat sila ng mga “demokratikong” naghaharing uri dahil nagpakalat sila ng ilusyon na maaring magkaroon ng isang mapayapang kapitalismo. Ngayon mas pinalawak pa ang ilusyon na maaring magkaroon ng isang berdeng kapitalismo. At muli: ang pasipismo, sa kanyang pagsusumamo sa mga mabuting tao at tunay, ay tinatago ang katotohanan na tanging makauring pakikibaka lamang ang makakapigil sa digmaan – tulad ng pinatunayan sa 1917-18, ng dahil sa mga rebolusyon sa Rusya at Alemanya ay napilitan ang mga naghahari sa mundo na agad-agad na itigil ang digmaan. Hindi napigilan ng pasipismo ang mga digmaan, at ang kasalukuyang mga ekolohikal na kampanya, dahil sa paglalako ng mga maling solusyon sa kalamidad ng klima, ay kailangangy maunawaan na hadlang sa kanyang tunay na solusyon.
Internasyunal na Komunistang TunguhinSource URL: https://en.internationalism.org/content/16724/only-international-class-s... [110]
Links
[1] https://fil.internationalism.org/files/fil/tagalog_against_the_medicine_of_austerity.pdf
[2] https://en.internationalism.org/icconline/2010/05/against-austerity-class-struggle
[3] https://fil.internationalism.org/tag/3/24/eleksyon-2010
[4] https://fil.internationalism.org/files/fil/labor_day_2010_leaflet.pdf
[5] mailto:[email protected]
[6] https://fil.internationalism.org/files/fil/rehimeng_aquino.pdf
[7] https://fil.internationalism.org/node/175
[8] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/200907/104/ika-9-na-sona-ni-gloria-para-ba-sa-masa
[9] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/200909/106/popular-na-kandidato-para-ipagtanggol-ang-kapitalismo
[10] https://en.internationalism.org/internationalismusa/200705/2125/media-scandals-are-key-weapon-intra-ruling-class-clashes
[11] https://en.internationalism.org/worldrevolution/201003/3638/corruption-integral-part-parliamentary-politics
[12] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/200906/98/usaping-cha-cha1-usapin-ng-burgesya-hindi-ng-manggagawa
[13] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201004/175/polyeto-sa-mayo-uno-2010
[14] https://www.cnnturk.com/2009/turkiye/12/05/erdogana.tekel.iscilerinden.protesto/554272.0/
[15] https://www.evrensel.net/haber.php?haber_id=63999
[16] https://www.kizilbayrak.net/sinif-hareketi/haber/arsiv/2009/12/30/select/roeportaj/artikel/136/direnisteki-tek.html
[17] https://tr.internationalism.org/ekaonline-2000s/ekaonline-2009/tekel-iscisinden-seker-iscisine-mektup
[18] https://en.internationalism.org/wr/342/leftists-gaddafi
[19] https://en.internationalism.org/forum/4515/occupy-wall-street-protests
[20] https://en.internationalism.org/icconline/2011/september/indignados
[21] https://en.internationalism.org/icconline/2011/special-report-15M-spain/real-democracy-now
[22] https://news.yahoo.com/occupy-protests-seismic-effect-062600703.html
[23] https://en.internationalism.org/internationalismusa/201110/4536/struggles-verizon
[24] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyonalismo_2011.pdf
[25] mailto:[email protected]
[26] https://english.hani.co.kr/arti/english_edition/e_national/324965.html
[27] https://en.internationalism.org/icconline/2006-north-korea-nuclear-bomb
[28] https://english.hani.co.kr/arti/english_edition/english_editorials/318725.html
[29] https://www.youtube.com/watch?v=F025_4hRLlU
[30] https://libcom.org/forums/organise/korean-militants-facing-prison-08012011
[31] mailto:[email protected]
[32] https://fil.internationalism.org/tag/3/25/timog-korea
[33] https://fil.internationalism.org/tag/3/26/panunupil-ng-estado
[34] https://newsinfo.inquirer.net/byline/nancy-c-carvajal
[35] https://newsinfo.inquirer.net/byline/philip-c-tubeza
[36] https://newsinfo.inquirer.net/source/philippine-daily-inquirer
[37] https://kilusangmayouno.org/news/2011/10/no-strike-amidst-illegal-lockout-palea-leaders-betrayed-pal-workers
[38] https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm
[39] http://www.sosfemmes.com/violences/violences_chiffres.htm
[40] http://www.hrw.org/news/2008/12/18/us-soaring-rates-rape-and-violence-against-women
[41] https://marxists.org/archive/luxemburg/1912/05/12.htm
[42] https://www.marxists.org/archive/kollonta/1909/social-basis.htm
[43] https://newsinfo.inquirer.net/115373/relief-drive-poor-show-again-they%E2%80%99re-quick-to-give-than-rich
[44] https://newsinfo.inquirer.net/byline/kristine-l-alave
[45] https://fil.internationalism.org/files/fil/mayo_uno_statement.pdf
[46] https://world.internationalism.org
[47] https://libcom.org
[48] https://www.revleft.space/vb/
[49] http://www.revleft.com/vb/group.php?groupid=9
[50] http://www.red-marx.com
[51] https://fil.internationalism.org/files/fil/panawagan_sa_manggagawang_pilipino_at_manggagawang_tsino.pdf
[52] https://www.american.edu
[53] https://en.wikipedia.org/wiki/Spratly_Islands_dispute
[54] https://mb.com.ph/articles/346111/robust-philippineschina-trade-relations
[55] https://www.census.gov/foreign-trade/balance/c5700.html
[56] https://money.cnn.com/2011/01/18/news/international/thebuzz/index.htm
[57] https://anakbayannynj.wordpress.com/2012/04/19/us-intervention-not-china-is-the-greatest-threat-to-peace-security-in-the-philippines-bayan-usa/
[58] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201001/155/walang-solusyon-ang-kapitalismo-sa-problemang-agraryo-sa-bansa
[59] http://www.tiptoptens.com/2011/05/05/10-most-corrupt-leaders-in-recent-history
[60] https://en.internationalism.org/wr/305/arms-deals
[61] http://news.bbc.co.uk/2/hi/americas/8583662.stm
[62] https://fil.internationalism.org/icconline/2007/lagman_summary
[63] https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html
[64] https://en.internationalism.org/worldrevolution/201209/5140/there-danger-fascism-today
[65] https://en.internationalism.org/node/3622
[66] https://en.internationalism.org/wr/275_irrationality.htm
[67] https://en.internationalism.org/node/2942
[68] https://en.internationalism.org/wr/243_theses.htm
[69] https://en.internationalism.org/ir/014_terror.html
[70] https://fil.internationalism.org/node/234
[71] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201303/542/armadong-pakikibaka-ng-maoismo-pakikibaka-para-sa-kapitalismo-ng-estado
[72] https://en.internationalism.org/worldrevolution/201403/9562/against-imperialism-internationalism-working-class
[73] https://en.internationalism.org/icconline/201405/9742/communique-our-readers-icc-under-attack-new-agency-bourgeois-state
[74] https://proletariatuniversel.blogspot.fr/
[75] https://en.internationalism.org/content/9742/communique-our-readers-icc-under-attack-new-agency-bourgeois-state
[76] https://en.internationalism.org/262_infraction.htm
[77] https://en.internationalism.org/267_snitches.htm
[78] https://fr.internationalism.org/icconline/2006_ficci
[79] https://en.internationalism.org/worldrevolution/200412/678/revolutionary-organisations-struggle-against-provocation-and-slander
[80] https://tendanceclaire.org/breve.php?id=655
[81] https://tendanceclaire.org/breve.php?id=2058
[82] https://tendanceclaire.org/breve.php?id=7197
[83] https://en.internationalism.org/wr/2010/333/lead
[84] https://en.internationalism.org/icconline/2007/july-august/terrorism-philippines#_ftn6
[85] https://en.internationalism.org/icconline/2007/july-august/terrorism-philippines#_ftn7
[86] https://en.internationalism.org/icconline/2007/july-august/terrorism-philippines#_ftn8
[87] https://en.internationalism.org/icconline/2007/july-august/terrorism-philippines#_ftn9
[88] https://en.internationalism.org/icconline/2007/july-august/terrorism-philippines#_ftnref1
[89] https://fil.internationalism.org/internasyonalismo/201001/154/adbenturismo-militar-sa-makati-ekspresyon-ng-lumalalim-na-paksyunal-na-
[90] https://en.internationalism.org/ir/108_machiavel.htm
[91] https://en.internationalism.org/international-review/201608/14086/question-populism
[92] https://en.internationalism.org/international-review/201608/14087/brexit-trump-setbacks-ruling-class-nothing-good-proletariat
[93] https://en.internationalism.org/icconline/201610/14149/trump-v-clinton-nothing-bad-choices-bourgeoisie-and-proletariat
[94] https://www.vox.com/policy-and-politics/2016/11/9/13573904/voter-turnout-2016-donald-trump
[95] https://en.internationalism.org/ir/101_bilan.htm
[96] https://en.internationalism.org/ir/101_bilan.htm]
[97] https://en.internationalism.org/international-review/201807/16487/trump-europe-expression-capitalism-turmoil
[98] https://en.internationalism.org/international-review/201805/15142/report-imperialist-tensions-november-2017
[99] https://en.internationalism.org/platform
[100] https://en.internationalism.org/content/16603/hidden-legacy-left-capital-part-one-false-vision-working-class
[101] https://en.internationalism.org/specialtexts/IR029_function.htm
[102] https://en.internationalism.org/ir/109_functioning
[103] https://en.internationalism.org/ir/037_natqn_02.html
[104] https://en.internationalism.org/pamphlets/unions.htm
[105] https://en.internationalism.org/internationalreview/201502/12081/1914-how-2nd-international-failed
[106] https://en.internationalism.org/go_deeper
[107] https://www.marxists.org/archive/luxemburg/1906/mass-strike/index.htm
[108] https://en.internationalism.org/content/16704/resolution-international-situation-2019-imperialist-conflicts-life-bourgeoisie
[109] https://fil.internationalism.org/files/fil/tagalog-climate-change.pdf
[110] https://en.internationalism.org/content/16724/only-international-class-struggle-can-end-capitalisms-drive-towards-destruction