Submitted by ICConline on
May dalawang aspeto ang pag-unlad ng produktibong mga pwersa:
- Ang paglaki ng bilang ng mga manggagawa na nakapasok sa produksyon sa takdang antas ng produktibidad;
- Ang paglaki ng produktibidad ng paggawa sa hanay mismo ng maraming mga manggagawa.
Sa sistemang puno ng ekspansyon, makikita ang kombinasyon ng dalawa. Ang sistemang nasa krisis ay sistemang naabot na ang kanyang hangganan sa dalawang aspeto.
Masabi nating ‘eksternal na hangganan' sa ekspansyon ng sistema (ang kanyang kawalan ng kapasidad na palawakin ang kanyang erya ng operasyon) at ang ‘internal na hangganan' (ang kawalan ng kapasidad na lagpasan ang takdang antas ng produktibidad). Tingnan ang kaso ng katapusan ng pang-aalipin ng imperyong Romano. Ang eksternal na hangganan ay binuo ng materyal na kawalan ng kapasidad na palawakin pa ang sakop ng Imperyo. Ang internal na hangganan ay ang kawalan ng kapasidad na pataasin ang produktibidad ng mga alipin na hindi ibagsak ang panlipunang sistema mismo, na hindi pawiin ang kanilang istatus bilang mga alipin. Para sa pyudalismo, ito ay kawalan ng maagaw na mga lupain, ang kawalan ng kapasidad na makahanap ng bagong masasakang kalupaan, na siyang naging eksternal na hangganan, habang ang internal na hangganan ay kawalan ng kapasidad na pataasin ang produktibidad ng mga magsasaka, o ng indibidwal na artisano, na hindi sila natransporma sa pagiging proletaryado, na hindi ipakilala ang paggawa sa pamamagitan ng kapital: ibig sabihin, na hindi ibagsak ang pyudal na pang-ekonomiyang kaayusan.
Ang pamamaraan ng dalawang tipong ito ng hangganan ay dyalektikal na magkaugnay: hindi makapagpalawak ang Roma sa kanyang imperyo dahil sa limitasyon ng produksyon; sa kabilang banda, mas mahirap ang pagpalawak, mas maobliga itong paunlarin ang kanyang produktibidad, kaya mabilis na natutulak ito sa sukdulan ng kanyang limitasyon. Gaun din, ang pyudal na pang-aagaw ay limitado sa antas ng pyudal na mga teknika, habang ang kasalatan ng lupa ang nag-engganyo sa mas mapanlikhang prduktibong mga aktibidad na pinatupad sa mga lungsod at nayon. Ito ang nagtulak sa pyudal na produktibidad sa hangganan ng kapitalismo.
Sa huling pagsusuri ang kanyang limitasyon sa antas ng produktibidad sa loob ng lumang lipunan ang nagdala sa kanya sa kaguluhan. Nasa produktibidad ang tunay na sukatan ng antas ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa; ito ang kantitatibong ekspresyon sa takdang kombinasyon ng paggawa ng tao at mga instrumento ng produksyon, sa buhay at patay na paggawa.
Sa bawat yugto ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa, ibig sabihin, sa bawat pangkalahatang antas ng produktibidad, may angkop na takdang mga relasyon ng produksyon. Nang ang produktibidad na ito ay umabot na sa huling posibleng limitasyon sa loob ng sistema na umaayon nito, at kung hindi maibagsak ang sistema, ang lipunan ay papasok sa yugto ng pang-ekonomiyang pagbulusok-pababa. Pagkatapos ay mangyari ang papalaking epekto: unang mga bunga ng krisis ay natransporma mismo sa pagiging mga salik na magpapabilis ng krisis. Halimbawa, sa katapusan ng Roma maging sa pagbulusok-pababa ng pyudalismo, lumiit ang kita ng nagharing uri na nagtulak sa huli na patindihin pa ang pagsasamantala sa mga nagtrabaho hanggang masaid. Ang resulta sa parehong mga kaso ay papalaking kawalan ng interes at diskontento ng mga nagtrabaho, na nagpapabilis sa lalong pagliit ng kita.
Dahil din sa kawalan ng kapasidad na ipasok ang bagong mga manggagawa sa produksyon napwersa ang lipunan na suportahan ang di-aktibong istrata na dagdag na umubos sa kita.
Kahalintulad na penomenon ay ang mabilis na debalwasyon ng pera sa katapusan ng Imperyo maging sa katapusan ng Lumang Kapanahonan: "Umaasa ang Roma na mabayaran ang mga gastusin ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtaas ng buhis, pero ng mapatunayang hindi sapat ang mga nakolekta kailangang ipatupad ang inplasyon (sa katapusan ng Ikalawang Imperyo). Ang unang patakarang ito ay paulit-ulit na pinatupad sa panahon ng ika-3 siglo, ang pera ay binaba ang halaga ng 2 porsyento sa kanilang pinahayag na halaga. Ang unipikadong pera ng Imperyo ay winasak; bawat lungsod at probinsya ay nagpalabas ng sariling pera"( Shepard B Clough, op cit, p 141).
Sa katapusan ng Lumang Kapanahonan: "Sa mundo kung saan hindi sapat ang pera, ang sahod-na-papel (na ginagamit ng mga sundalo para proteksyon laban sa pagnanakaw o sa digmaan - note ng IKT) ay nagpalaki sa pangangailangan ng mahalagang mga metal; kung gayon ang tentasyon na palakihin ang halaga ng pera sa sirkulasyon. Ang mga naghari ay ginamit ang kanilang awtoridad na bawasan ang bigat ng mga sinsilyo, kaya ang sinsilyo na nagkahalaga ng 2 sous ay naglaman ng konting purong pilak at maraming tingga, pero ngayon ay nagkahalaga na ng 3 sous. Ito ay inplasyon!"( J Favier, op cit, p 127).
Kaalinsabay ng ganitong pang-ekonomiyang mga resulta ang krisis ay nagdulot ng serye ng panlipunang mga kombulsyon na nagpahina sa dating mahina na buhay ekonomiya. Ang pag-unlad ng produktibidad ay sistematikong bumangga sa umiiral na panlipunang istruktura, nagdulot ng kawalan ng posibilidad ng anumang pag-unlad ng produktibong mga pwersa; ang pangangailangang lagpasan ang lumang lipunan ay nasa agenda na.
"Walang panlipunang kaayusan na naglalaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa sa loob nito" (Marx, op cit).
Katunayan dapat tandaan na walang sistema na napaunlad ang LAHAT ng produktibong mga pwersa - sa pormal na kahulugan ng termino - na posibleng nakalagay sa teorya.
Sa kabilang banda, ang pang-ekonomiyang epekto na nakita natin at ang serye ng panlipunang kapinsalaang dulot ng unang malaking pang-ekonomiyang kahirapan ay mga maraming harang na pumigil sa sistema para maabot talaga nito ang absolutong limitasyon. Kailangan nating tandaan na ang pang-ekonomiyang sistema ay grupo ng mga relasyon ng produksyon na binuo ng tao, na independyente sa kanilang kagustuhan at ayon sa antas ng produktibong mga pwersa, para SUSTENTUHAN ANG KANILANG PANG-EKONOMIYANG PANGANGAILANGAN. Bago lilitaw ang huling instrumneto ng produksyon, kung ang produksyon ay nagsimula na ang mabagal na pag-unlad kaysa pangangailangan ng populasyon, ang sistema ay mawalan na ng istorikong batayan sa pag-iral, at ang lahat sa lipunan ay mag-umpisang labanan ang kanyang mga restriksyon.
Sa kabilang banda, sa ilalim ng presyur ng produktibong mga pwersa, ang pang-ekonomiyang pundasyon ng bagong lipunan ay magsimulang uunlad sa loob ng luma. Aplikable lamang ito sa nakaraang mga lipunan kung saan ang uri na nagpabagsak sa kanila ay hindi pinagsamantalahang uri. Umunlad ang pyudalismo sa loob ng imperyong Romano. Ang unang pyudal na mga plantasyon sa Roma ay kadalasan pinamunuan ng dating mga myembro ng munisipal na senado na itinayo ng estado para mangulekta ng buhis.
Ganun din, sa katapusan ng pyudalismo, ang mga myembro ng maharlika ay naging negosyante, at sa mga lungsod - kadalasan sa pakikibaka laban sa lokal na mga panginoon - ay nagtayo ng unang mga manupaktora, ang tiga-dala ng kapitalismo.
Itong unang ‘mga sentro ng darating na sistema' (malakihang plantasyong Romano, burges na mga lungsod) ay karamihan lumitaw bilang resulta ng pagkaagnas ng lumang sistema. Nabighani nila ang lahat ng klaseng mga elementong nagtangkang umalis sa sistema. Subalit mula sa pagiging epekto ng pagbulusok-pababa, madaling natransporma ng mga sentro ang kanilang sarili sa pagiging salik para lalupa itong mapabilis. Nagbigay daan ang materyal na mga kondisyon tungo sa bagong tipo ng lipunan, kung saan ang kanyang batayan ay umiiral na sa lumang lipunan, at ang kanilang presyur ay sapat para simulan ang pundasyon ng bagong sistema.
"Walang panlipunang kaayusan na naglalaho kung hindi pa lubusang umunlad ang lahat ng produktibong mga pwersa sa loob nito" (Marx, op cit).
Hindi sapat na marating ng produksyon ang kanyang ultimong hangganan sa loob ng lumang lipunan. Kailangan din na ang mga instrumento para malagpasan ang huli ay umiiral na o nasa proseso na ang pormasyon. Kung ang dalawang kondisyong ito ay istorikal na umiiral na, nasa agneda na ng lipunan ang pagtangan ng bagong mga relasyon ng produksyon. Pero ang paglaban ng lumang lipunan (sa lumang prebilihiyadong uri, ang impluwensya ng mga tradisyon at kaugalian, ideolohiya, relihiyon at iba pa), at ang siwang na posibleng iiral sa pagitan ng realisasyon ng dalawang kondisyong ito, ay nagkahulugan na ang naturang transpormasyon ay hindi mangyayari sa progresibo, tuwid na paraan, kundi sa isang serye ng mga pagkatalo, kaguluhan, at kalitatibong pag-igpaw.
Ang yugto ng paglusok-pababa ng isang sistema ay ang yugto na hindi naganap ang istrotikong pag-igpaw; ito ay ekspresyon ng lumalaking kontradiksyon sa pagitan ng produktibong mga pwersa at mga relasyon ng produksyon; ito ay katawan kung saan ang kanyang mga damit ay napakasikip.