Submitted by ICConline on
"Ang tipo ng organisasyon na nilikha ng uring manggagawa sa proseso ng kasaysayan ay kinakailangang nakaugnay sa iba't-ibang yugto na dinaanan mismo ng kapitalismo, at iba-iba batay sa mga layunin na iniluwal ng mga yugtong ito, at pinataw sa pakikibaka ng proletaryado." (‘Class Consciousness and Organisation', ibid.)
Sa simula ng 19 siglo, nang nasanay ang mga manggagawa sa pagkilala sa makinarya mula sa gamit nito ng kapitalismo (ang unang mga riot ng mga manggagawa ay sinira ang mga makina), at kaya hindi na nakadirekta ang kanilang mga atake laban sa materyal na kagamitan ng produksyon kundi laban sa panlipunang sistema mismo, ang kanilang unang mga pagtatangka para organisahin ang sarili ay lumitaw. Ang unang mga pakikibaka para sa karapatan ng asosasyon ay lumitaw sa panahong ito. Ang mga utopyan ang unang mga teoretisyan na produkto ng unang makauring mga labanang ito. Sinubukan nilang mamagitan sa mga kilusan, na inorganisa ng proletaryado para mapatingkad ang kanilang pampulitikang laman. Pero ang kanilang mga teorya ay sumadsad dahil utopyan ang katangian at sa kalagayan mismo ng makauring pakikibaka.
"Ang unang direktang mga pagtatangka ng proletaryado para maabot ang sariling mga layunin, ay nangyari sa panahon ng unibersal na kaguluhan, nang ang pyudal na lipunan ay binabagsak, ang mga pagtatangkang ito ay di-mapigilang nabigo, dahil hindi pa maunlad noon ang sitwasyon ng proletaryado, kabilang na ang kawalan ng pang-ekonomiyang mga kondisyon para sa kanyang emansipasyon (...) Ang opisyal na tinatawag na Sosyalista at Komunistang mga sistema, kina St. Simon, Fourier, Owen at iba pa, lumitaw sa maagang yugto ng di pa umuunlad na yugto, na inilarawan sa itaas, sa pakikibaka sa pagitan ng proletaryado at burgesya." (The Communist Manifesto)
Kalaunan, dahil sa pakipag-ugnayan sa kilusang Chartist at sa impluwensya ng progreso ng unyonismo, ang proletaryado at ang kanyang pinakamulat na mga elemento ay nagawang ilatag ang batayan ng materyalismong istoriko. Ang materyalismong istoriko ang batayan ng paraan ng pagkilos at pakikibaka at bilang instrumento sa pag-intindi sa realidad sa di-mistipikadong paraan. Ang paglakas ng naturang kamulatan ay nagpahintulot sa proletaryado sa 1847 na itransporma ang Society of the Just, isang sekreto, konspiratoryal na grupo, sa isang rebolusyonaryong organisasyon ng propaganda at pakikibaka.
Isang taon pagkatapos, inihapag ng Manipesto ng Komunista ang ideya ng pangangailangan ng isang awtonomos na organisasyon at pampulitikang kilusan ng proletaryado. Bilang bunga ng pinagkaisang pagsisikap ng unyonismo at pampulitikang mga organisasyon, ang uring manggagawa ay progresibong pinag-iba ang kanyang pakikibaka sa loob ng pampulitikang kilusan, kaiba sa demokratikong mga organisasyon ng burgesya at kanilang mga ideya.
Ganun pa man, ang proletaryado at kanyang rebolusyonaryong mga elemento ay kulang pa ng mahalagang elemento ng pang-unawa. Ang Unang Internasyunal, dahil iniisip nito na ang panahon ng kanyang sariling pagkatatag (1864) ay panahon din ng "panlipunang rebolusyon" na magdadala sa kanya sa nalalapit na pag-agaw ng kapangyarihan, ay hindi naintindihan ang pangangailangan sa pakikibaka para sa pang-ekonomiyang kahilingan habang laging pinanghawakan ang ultimong layunin. Ang gawin ito ay nangangailangan ng mga tungkulin ng unitaryong mga organo ng uri sa panahong iyon na kaiba mula sa rebolusyonaryong organisasyon. Ang kanyang limitasyon sa pag-unawa sa panahong iyon ang dahilan bakit ang International Working Men's Association ay nag-organisa sa pampulitikang mga tendensya at mga asosasyon at unyon ng manggagawa.
"Hinintay muna ang pag-unlad ng Ikalawang Internasyunal bago ang kamulatan ng ganitong realidad (na ang rebolusyon ay wala pa sa agenda) ay talagang nasanib sa praktika ng kilusang manggagawa, at dalawang porma ng organisasyon na angkop sa pangangailangan at posibilidad ng kilusan ay sa wakas mulat at sistematikong nabuo". (R. Victor. ‘The Proletariat and its Vanguard', in Revolution Internationale, no. 17, 1975)
Sa Ikalawang Internasyunal, ang pag-unawa sa yugto, at ang kaibahan sa pagitan ng unitaryo at pampulitikang mga organisasyon ng proletaryado, ay mas naging malinaw. Ang depinidong pagpabagsak sa burges na pagahari ay hindi ang kagyat na layunin. Ang tungkulin sa panahong iyon ay maghanda para sa ultimong pakikibaka sa pamamagitan ng pampulitika at pang-ekonomiyang mga reporma, nagtayo ang proletaryado, sa isang banda, ng isang unitaryo, ekonomikong organisasyon kung saan bawat manggagawa ay kabilang sa simpleng batayan bilang manggagawa, habang sa kabilang banda, lumikha ng isang pampulitikang organisasyon na ang kriterya sa pagiging kasapi ay hindi ang pinagmulang uri ng kanyang mga membro, kundi nakabatay sa kanilang pampulitikang pagsang-ayon. Ang organisasyong ito ay parliyamentaryong organisasyon din. Ito ay usapin ng paglikha ng mga unyon, kooperatiba, atbp, at pangmasang partido.
Walang alinlangan, ang pang-ekonomiya at pampulitikang katangian ng mga pakikibaka ng manggagawa ay natali pa rin sa isa at magkatulad na proseso. Ito ang dahilan kung bakit ang kaibahan sa pagitan ng ‘ekonomiko' at ‘pulitikal', at ang matigas na paghiwalay na itinayo sa pagitan ng ‘minimum' at sa ‘maksimum' na mga programa, ay naging tunay na harang sa pag-unlad ng makauring kamulatan matapos ang ilang teoretisyan ng Ikalawang Internasyunal ay ginawa ang dibisyong ito bilang mga prinsipyo (para kay Bernstein ang kilusan ang lahat-lahat, ang layunin ay hindi mahalaga). Ang pang-unawang ito ay ‘nagbigay-daan' sa pagtawid ng Sosyal Demokrasya sa kapitalistang latian sa panahon na ang materyal na kondisyong kailangan para sa komunistang rebolusyon ay na-realisa na. Mula noon, isang panibagong proseso ng matyuridad ng makauring kamulatan ay kinakailangan, ganun din ang bagong mga porma ng makauring organisasyon.
"Ang rebolusyonaryong mga kilusan na lumitaw sa kataposan ng Unang Digmaang Pandaigdig, laluna sa Rusya at Alemanya, ay agad nagpatunay sa posibilidad ng kagyat na realisasyon ng ‘maksimum na programa', sa pamamagitan ng paglikha ng bagong mga porma ng organisasyon na angkop sa bagong tungkulin na sa wakas ay istorikal ng dumating: angdepinidong pagwasak sa burges na paghari.
"Ang konseho ng mga manggagawa, na ispontanyong lumitaw sa unang pagkakataon sa makauring kilusan ng Rusya sa 1905, na pinakita mismo nito ang ispisipikong porma ng makauring organisasyon, isang porma ng organisasyon na sistematikong paulit-ulit na nililikha ng lahat ng pakikibaka ng manggagawa laban sa kapitalistang estado. Ang mga konseho ng manggagawa - mga asembliyang inilunsad sa mga pabrika at komunidad ng uring manggagawa - ang bumubuo ng porma ng organisasyon na gumagabay mismo sa proletaryado sa kanyang sariling pakikibaka. Ang mga konseho ay pisikal na iniorganisa ang buong uring manggagawa, at sabay-sabay na dinala ang pang-ekonomiya at pampulitikang katangian ng pakikibaka, kaya imposible itong paghiwalayin, kahit pansamantala." (R. Victor, ‘The Proletariat and Its Vanguard', ibid.)
Pero sa lahat ng ito, ano ang papel ng mga rebolusyonaryo?
Ang ‘pangmasang' partido na porma ng organisasyon ay nawalan na ng esensyal na batayan sa dekadenteng kapitalismo. Ang batayang iyon ay ang posibilidad at nesisidad para sa proletaryado na lumahok sa mga burges na Parlyamento, para pilitin ang kapitalismo sa mga reporma na makabuluhan para sa mga manggagawa. Sa pagbulusok-pababa, kailangang durugin ang burges na estado sa lahat ng kanyang mga porma, at ang pagkilos na ito sa pagwasak ay hindi maaring gagawin ng minorya o praksyon ng uri, gaano man ito ka mulat; ito ay kailangang pagkilos ng BUONG uring manggagawa, ibig sabihin, ng mga KONSEHO NG MANGGAGAWA.
Kaya, sa naturang sitwasyon at yugto ano ang papel ng mga rebolusyonaryo? Bakit kailangan nilang umiral kung pinag-isa ng mga konseho ang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka, makauring kamulatan at organisasyon? Posible ding sabihin na ang mga konseho ang nagbibigay sa uri na pangibabawan, kapwa sa teorya at praktika, ang kapitalistang pagsasamantala at kanyang ideolohiya.
"Ang organisasyon ng mga konseho ay nagpahintulot sa uring manggagawa na progresibong palayain ang sarili mula sa pang-aalipin ng kapitalismo, at partikular mula sa pang-aalipin ng burges na ideolohiya. Sa loob nila dahan-dahang na-materyalisa ang proletaryong kamulatan mismo at kanyang determinasyon para bigyan ang makauring kamulatan ng kongkreto at tunay na ekspresyon". (Theses presented to the IIIrd Conference of the General Workers Union of Germany (AAUD) in 1920)
Bakit ang proletaryado sa yugto ng pagbulusok-pababa ay patuloy na nagpaunlad ng minoryang organisasyon na kinabibilangan ng kanyang pinaka-militante at pinaka-mulat na mga elemento - ang komunistang taliba?
Ang sagot sa tanong ay nasa pangkalahatang proseso ng pag-organisa sa sarili at pag-unlad ng makauring kamulatan. Sa kagyat, ang terminong ‘proseso' ay nagkahulugan na ang makauring kamulatan ay hindi pa tapos o perpekto sa takdang araw. Hindi ito lumitaw mula sa kung saan at bumaba sa mga manggagawa tulad ng isang rebelasyon. Ang makauring kamulatan ay kailangang dahan-dahan na pinapanday, at ang prosesong ito ay mataas at masakit.