Makauring kamulatan bilang proseso

Bersyon na maaaring i-print

Kahit totoo na ang buong proletaryado, organisado sa mga konseho, ang may tungkuling ipatupad ang komunistang rebolusyon hanggang sa tagumpay, hindi nagkahulugan na ang kamulatan ng pangangailangang ito ay laging umiiral at sa magkatulad na paraan sa hanay ng mga manggagawa. Dagdag pa, ang unitaryong organisasyon ng proletaryado sa mga konseho ay hindi rin palagiang penomenon.

Para maabot ang komunismo, sa kamulatan ng pangangailangang organisahin ang sarili sa mga konseho, kailangang dumaan ang proletaryado sa napakahirap na daanan. Kahit ang simpleng determinasyon sa pakikibaka, sa pagwewelga, sa pagtutol sa kapitalistang pagsasamantala, ay hindi laging umiiral sa loob ng uring manggagawa. Mga yugto ng paghupa o demoralisasyon o ilusyon na maaring puminsala sa alon ng mga pakikibaka at dahilan ng pag-atras. At dahil paborable sa burgesya ang naturang mga paghupa sa pamamagitan ng madugong paglunod sa kilusang manggagawa, ang perspektiba ng rebolusyon ay malagay sa mas malayong hinaharap.

Ang proseso ng makauring pakikibaka, ang proseso para ang proletaryado ay maging isang rebolusyonaryong uri, ay bubukas sa progresibo, di-patas, at gitgitang paraan. Kaya, minsan ka lang makakita ng mahalagang mga welga at pakikibaka na magkasabay na nagliyab sa buong mundo. Ang internasyunalisasyon ng mga pakikibaka ng manggagawa ay dahan-dahang lumaganap sa ilalim ng presyur ng internasyunalisasyon ng kapitalistang krisis. Hindi rin pantay ang kamulatan ng proletaryado hinggil sa paano makibaka at paano pamunuan ang kanyang mga welga tungo sa rebolusyon. May mga sektor, may mga manggagawa na mas determinado, mas militante; ang iba ay patuloy na mag-alinlangan, hindi handa ang sarili na tapusin ang laban.

Bakit ganito? Malinaw ang sagot. Sa loob ng kapitalistang lipunan, ang proletaryado ay isang uri na ang pagkahiwalay ay natulak na sa sukdulan. Isang uri na bininhian ng burgesya ng kanyang ideolohiya at hinati-hati sa pamamagitan ng kompetisyon. Ang layunin ng uri ng inoorganisa nito ang sarili bilang mulat at nagkakaisang uri ay salungat sa kapitalistang kondisyon kung saan lumitaw ito bilang uri. Sa pagitan ng rebolusyonaryong proletaryado, at sa proletaryado na na-atomisa sa mga yunit ng nagkompitensyang mga indibidwal, o nagsimula pa lang sa kanyang unang mga pakikibaka para sa pang-ekonomiyang mga kahilingan, mayroong diyalektikal na kontradiksyon, na kailangang hahantong sa uri na boluntaryong kikilos at mulat, at sa organisadong paraan.

"Ang pundamental na kahirapan sa sosyalistang rebolusyon ay dahil sa komplikado at salungatang sitwasyon. Sa isang banda, ang rebolusyon ay ma-realisa lamang sa pamamagitan ng mulat na pagkilos ng malaking mayorya ng uring manggagawa; sa kabilang banda, ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay lilitaw laban sa kalagayan ng uring manggagawa sa lipunan, kalagayan na pumipigil at walang humpay na winawasak ang kamulatan ng mga manggagawa hinggil sa kanyang istorikal, rebolusyonaryong tungkulin." (‘On the Nature and Function of the Party', Internatioalisme, no. 38, 1948, reprinted in the Bulletin d'etude et de discussion, no. 6, 1974)

Ang proletaryado, anuman ang pagkakaisang nakamit sa kanyang pakikibaka, hindi kumikilos katulad ng pagkilos ng mga indibidwal. Hindi ito kumikilos tulad ng isang tao na mekanikal na ginagabayan tungo sa layunin. Dahil hindi nito mapaunlad ang kanyang kamulatan ayon sa istable, di-gumagalaw na mga prinsipyo ng ideolohiya, o ayon sa serye ng mga tapos na resipe, magiging mulat lamang ang proletaryado sa kanyang kalagayan sa tunay at praktikal na prosesong nakaugnay sa materyal na kondisyon ng kanyang pag-iral. Mahalaga na sa proseso ng kanyang pakikibaka na pandayin niya ang kanyang praktikal at teoretikal na mga sandata. Pero ang mga pakikibaka mismo ay galing sa napakataas at komplikadong proseso.

"Ang biglaang pangkalahatang pag-alsa ng proletaryado sa Enero sa ilalim ng tulak ng mga pangyayari sa St. Petersburg ay isang pampulitikang pagkilos ng rebolusyonaryong deklarasyon laban sa absolutismo. Pero ang ganitong unang direktang aksyon ay tumugon sa panloob na mas makapangyarihan kung saan sa unang pagkakataon gumising sa damdaming makauri at makauring kamulatan ng milyung-milyon parang nakuryente. At ang ganitong paggising ng makauring damdamin ay pinahayag mismo ng mga sirkumstansya kung saan ang masang proletaryo, milyun-milyon ang bilang, bigla at matalas na namalayan na hindi na talaga matiis ang panlipunan at pang-ekonomiyang kalagayan na matiyagang pinasan ng ilang dekada sa kadena ng kapitalismo. Dahil doon nagsimula ang ispontanyong pangkalahatang pagyugyog at pagkalas sa mga kadenang ito (...)

"Tanging ganap na di pag-iisip ang aasa na mawasak ang absolutismo sa isang bigwas sa pamamagitan ng ‘matagalang' pangkalahatang welga ayon sa plano ng mga anarkista. Kailangang ibagsak ng proletaryado ang absolutismo sa Rusya. Subalit para maibagsak ito, kailangan ng proletaryado ang mataas na antas ng edukasyon, ng makauring kamulatan at organisasyon. Lahat ng kondisyong ito ay hindi magampanan ng mga pampleto at polyeto, kundi sa pamamagitan lamang ng buhay na pampulitikang paaralan, sa pamamagitan ng pakikipaglaban at sa laban, sa tuloy-tuloy na proseso ng rebolusyon. Dagdag pa, hindi maibagsak ang aboslutismo anumang oras gugustuhin kung saan sapat na ‘presyur' at ‘determinasyon' lamang ang kailangan. Ang pagbagsak ng aboslutismo ay panlabas lamang na ekspresyon sa panloob na panlipunan at makauring pag-unlad ng lipunang Ruso.

"Itong tila simple at purong mekanikal na problema ay maaring maipahayag na: ang pagwasak sa absolutism ay mataas at tuloy-tuloy na proseso, at ang kanyang solusyon ay kailangan ng ganap na pagbabago sa lipunan; ang nasa tuktok ay kailangang ilagay sa pinakailalim at ang nasa pinakailalim ay kailangang nasa pinakaitaas, ang tila ‘anarkistang' kaguluhan ay kailangang mabago tungo sa panibagong kaayusan." (Rosa Luxemburg, The Mass Strike)

Ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay nangangailangan ng pagkabulok ng materyal at pang-ekonomiyang kondisyon, ang pagkalantad ng mga kontradiksyon at lagim ng kapitalismo, ang paglala ng panlipunang mga tensyon.

Subalit ang ganitong mataba na proletaryong tereyn ay kailangang hindi pabayaang nakatiwangwang. Kailangang itanim ng proletaryado ang mga binhi ng kanyang pakikibaka sa pamamagitan ng paghalaw ng sapat na mga aral mula sa nakaraang mga pagkilos para magamit ang naturang paborableng sitwasyon sa pagpalawak ng kanyang pampulitikang pang-unawa. Kailangang mapalawak ang kanyang karanasan kahit sa panahon ng paghupa ng pakikibaka. Sa naturang mga panahon, maaring pagmuni-muni ang proletaryado sa kanyang nakaraang karanasan at tasahin ang mga tagumpay at kabiguan na naranasan nito, sa gayon ay mapaghandaan ang hinaharap. Sa ganitong punto, ang pag-unlad ng makauring kamulatan ay hindi agad masalamin sa takdang sitwasyon.

Hindi kontento ang proletaryado na maghintay kung kailan ang susunod na alon ng pakikibaka bago simulan ang kanyang teoretikal na gawain. Ang pag-unlad ng kanyang kamulatan, bagama't hindi ito palagian at pantay sa loob ng mayorya ng uri, ay nangangailangan ng walang tigil na teoretikal na repleksyon, pagpuna sa nakaraang karanasan. Naglalaman ito ng palagiang pagpipino ng komunistang programa, sa istorikal na interes ng proletaryado.

Paano maipatupad ng proletaryado ang palagiang repleksyon, ng aktibong pagpapalawak sa kanyang pampulitikang tagumpay?

Isang bagay ang malinaw: dahil sa salungatang sitwasyon na kinalalagayan niya, hindi maaring ibigay ng proletaryado ang tungkuling ito sa lahat ng kanyang mga membro. Sa panahon ng panlipunang katahimikan, ang malaking mayorya ng manggagawa ay pumailalim sa presyur ng burges na ideolohiya. Ang tungkulin sa pagpalawak ng pampulitikang ganansya at pagpapantay ng makauring kamulatan ay nasa pinaka-desidido, pinaka-militanteng mga elemento ng uri. Salamat sa praksyong ito, ang bahaging ito ng kanyang sarili (binigyang kahulugan mula sa pampulitikang punto-de-bista), nakolektibisa ng proletaraydo ang kanyang mga tagumpay sa pagpapataas ng kamulatan sa pamamagitan ng pagtaas sa sarili ibabaw sa kagyat na anumang mangyari at parsyal na mga karanasan. Dahil mas maagang nakamit ng praksyong ito ang pang-unawa sa mga layunin ng kilusan, nagawa ng uring manggagawa na palakasin ang tendensya na gibain ang pagkabukod at dibisyon na humati-hati at nagpahina sa kanyang pakikibaka. Sa ganitong paraan, isang makapangyarihan at mulat na uri ay maaring sumalungat sa kapitalismo at magtagumpay.

Para magampanan ng mga elelementong ito ng maayos ang kanilang mga tungkulin, kailangang mag-organisa sila sa mga rebolusyonaryong komunistang organisasyon. At mayroong silang mahalagang papel sa loob ng pakikibaka ng kanilang uri.

"Ang mga rebolusyonaryo ay yaong mga elemento sa loob ng uri na dahil sa di-pantay na proseso ay unang nakaabot sa malinaw na pang-unawa sa ‘linya ng marsta, sa mga kondisyon at ultimong pangkalahatang resulta ng proletaryong kilusan' (Communist Manifesto), at dahil sa kapitalistang lipunan ‘ang dominanteng mga ideya ay mga ideya ng nagharing uri', kinakailangang minorya ang mga rebolusyonaryo sa uring manggagawa. Bilang nagmula sa uri, isang manipestasyon ng proseso na maging mulat, iiral ang mga rebolusyonaryo bilang aktibong salik sa prosesong ito." (The Platform of the ICC. Published in English as a separate pamphlet entitled Platform and Manifesto of the International Communist Current)

Kaya, nang ang rebolusyonaryong organisasyon ay lumitaw sa loob ng uring manggagawa, lumitaw sila sa parehong batayan, at sa parehong pangangailangan na nagtulak sa proletaryado na organisahin ang sarili sa mga konseho. Ang mga rebolusyonaryo ay ispontanyo at boluntaryong produkto ng kanilang uri. Ispontanyo dahil ang kanilang pag-iral ay produkto ng pakikibaka at pinayaman ng praktikal na karanasan ng kanilang uri. Boluntaryo dahil galing sila sa istorikal na pangangailangan ng makauring pakikibaka at hindi mula sa simple, limitado, mekanikal, ekonomiko na mga salik.

"Tanging sa internasyunal na pang-unawa ng uring manggagawa, ang garantiya ng kanyang tiyak na tagumpay. Ang pangangailangang ito ang nagluwal sa International Working Men's Association. Hindi ito batang sekta o isang teorya. Ito ay ispontanyong produkto ng proletaryong kilusan, na pinalakas ang sarili ng natural, hindi mapigilang mga tendensya ng modernong lipunan (...) Ang mga aspirasyon at pangkalahatang tendensya ng uring manggagawa ay galing sa tunay na mga kondisyon na kinalalagyan nito." (Marx, ‘Letter to Paul Lafargue', 1870, amin ang pagdidiin)

Ang ispontanyo at istorikal na kilusan ng proletaryado ang tunay na bumubo ng batayan, ang tanging batayan ng pag-iral ng mga rebolusyonaryo. Hindi lumitaw ang mga rebolusyonaryo para bigyang kasiyahan ang kanilang sariling kagustuhan sa pamamagitan ng paghahanap ng makyabilyan na mga layunin o pangarap na diktadura. Lumitaw sila dahil ang unitaryong organisasyon ay hindi makagampan, na sila lang, sa komplikadong pangangailangan ng mulat-sa-sarili na organisasyon ng mayorya ng mga manggagawa. Lumitaw din ang mga rebolusyonaryo dahil hanggang sa panahon na ma-realisa ng uring manggagawa ang kanyang ultimong rebolusyonaryong layunin, manatili pa rin ito sa kapitalisatng lipunan at patuloy na magdusa mula sa kanyang mga kontradiksyon at pang-aalipusta, sa kanyang masamang kapaligiran at mapanuksong mga kasinungalingan. Hindi mapalaya ng proletaryado ang sarili mula sa namanang ilang libong taon na pang-aalipin at kadiliman sa isang araw lang. Kung kaya, hangga't hindi pa iiral ang komunistang lipunan, ang proseso kung saan mapaunlad ng proletaryado ang kanyang kamulatan ay manatiling di-pantay na penomenon, bagamat may tunguhing mas mapalawak at mas uunlad pa.

Paano maintindihan ang pagpalawak ng makauring kamulatan kung ang buong uri ay kolektibong ‘di na matandaan' ang teoretikal at pampulitikang mga tagumpay ng kamulatang nakuha sa pakikibaka matapos ang bawat welga, matapos ang bawat parsyal na kabiguan o tagumpay sa kanyang pakikibaka? Paano magiging pantay ang makauring kamulatan kung ang proletaryado, matapos ang bawat laban, ay kailangang muling daanan ang istorikal na daan na gagabay mula sa mga pakikibaka ng mga manghahabi sa Lyon, tapos ang mga pakikibaka ng manggagawang Ruso sa 1917, hanggang sa mga pakikibaka ng mga manggagawa sa 1982? Saan nito kukunin ang mga pampulitikang aral ng kanyang mga pakikibaka? Ang mga aral bang ito ay makikita sa mga alapaap o sa kolektibong di-mulat?

Hindi! Kung umiiral ang mga aral na ito (at bumubuo sila sa isa sa mga garantiya para magtagumpay ang rebolusyon), kailangang iiral sila sa materyal na pormang tao. Ang komunistang kamulatan ay hindi mistikal na kilusan, kundi mataas na kongkreto at pantaong katotohanan. At ang komunisatng kamulatan at pagkilos ay hindi maunawaan kung walang komunistang programa at rebolusyonaryong organisasyon. Ang pangangailangang ito ay pinataw ng kalikasan mismo ng komunismo at proletaryong kamulatan. Kung ilunsad nito ang komunistang rebolusyon at baguhin ang lipunan, hindi ito magawa ng proletaryado na walang kalitatibong pag-unlad sa paraan ng kanyang pag-unawa sa kanyang istorikal na mga interes.