Organisasyon at makauring kamulatan

Bersyon na maaaring i-print

Nakita natin ano ang kaibahan ng ideolohiya mula sa pag-unlad ng kamulatan ng proletaryado. Sa simula, sinubukan nating intindihin bakit ang mga katangian ng komunismo ang batayan sa kahalagahan ng kamulatan. Ngayon kailangang ihapag natin ang sumusunod na mga tanong: ‘Paano posible maging mulat ang uri? Paano makita ang makauring kamulatan?'

Ang unang elemento na maging posible ang makauring kamulatan ay ang rebolusyonaryong kalikasan ng proletaryado. Ang proletaryado, tulad ng ibang rebolusyonaryong mga uri sa nakaraan, ay obligadong mulat na organisahin ang sarili kung gusto nitong ibagsak ang lumang pang-ekonomiya at pampulitikang kaayusan.

"Tulad ng aktibidad ng tao, at sa partikular dahil ito ay panlipunang kilusan, ang pagkilos ng uri ay kailangang organisadong pagkilos. Katunayan, bawat uri, at higit sa lahat ang rebolusyonaryong uri, ay maipakita lamang ang kanyang buhay na realidad kung magbunga ito sa loob nito ng tendensya tungo sa pag-organisa sa sarili. Ang tendensyang ito ay kapwa pumapatungkol sa kagyat, praktikal, materyal na mga pangangailangan at sa mas pangkalahatang pangangailangan para sa repleksyon, pag-unawa at kamulatan hinggil sa kanyang sarili, sa kanyang pag-iral at kanyang hinaharap." (‘Class consciousness and Organisation', a document presented by the ICC to the IInd International Conference organised at the initiative of Battaglia Comunista, October 1978; see the pamphlet Second Conference of Groups of the Communist Left)

Para sa proletaryado, ang kanyang organisasyon at kamulatan ang tanging mga sandata na hawak niya.

"Hindi katulad ng nagdaang mga uri, tanging ang proletaryado lamang ang tinawag para mangibabaw sa buong lipunan na walang anumang pang-ekonomiyang batayan ng kapangyarihan sa loob ng lipunan, bilang paghahanda sa kanyang dominasyon sa hinaharap. Ang tanging materyal na lakas mayroon ang proletaryado ay ang kanyang organisasyon. Ito ang dahilan kaya napakahalaga ng organisasyon para sa proletaryado kaysa ibang mga uri, isang mapagpasya at pundamental na kondisyon para sa kanyang pakikibaka. Ang kanyang kapasidad sa pag-organisa sa sarili ay sukatan niya mula sa isang simpleng uri tungo sa uri-para-sa-sarili, mula sa simpleng pang-ekonomiyang kategorya sa loob ng kapitalistang produksyon tungo sa isang istorikal na uri. Sa katulad na dahilan, ang kamulatan ay mas pundamental na elemento para sa proletaryong pakikibaka kaysa pakikibaka ng nagdaang mga rebolusyonaryong uri." (‘Class Consciousness and Organisation', ibid., p.52)

Tulad ng sinabi ni Marx, "ang tanging panlipunang kapangyarihan na hawak ng mga manggagawa ay ang kanyang bilang, pero ang kapangyarihang ito ay binasag ng pagkawatak-watak. Ang pagkawatak-watak ng mga manggagawa ay pinalakas at pinanatili ng kanilang hindi maiwasang kompetisyon". Para mapangibabawan ang pagkawatak-watak at kompetisyon upang ganap na magtagumpay sa kapitalismo, iisa lamang ang pagpilian ng mga manggagawa: mag-organisa at magkaisa sa pakikibaka para sa kanilang komon na mga interes. Ang lugar nila sa proseso ng produksyon ang dahilan na posible silang mag-organisa sa batayan ng pagkakaisa at pagsama-sama. Katunayan ang naturang organisasyon ay napakalakas na pwersa.

"Ang diwa ng komunidad ay laging prinsipal, kailangang pwersa para umunlad ang rebolusyon. Ang progresong ito ay nasa pag-unlad ng pagkakaisa, sa mutwal na relasyon sa pagitan ng mga manggagawa, ng pagkakaisa. Ang kanilang organisasyon at ang paglaki ng kanilang kapangyarihan ay mga bagong katangian na pinatibay ng pakikibaka (...) Ang kahalagahan ng pagsama-sama at kasigasigan, ang udyok na kumilos bilang solidong nagkakaisa na pinalakas ng panlipunang pakikibaka, ay ang batayan mismo ng bagong panlipunang sistema na nakabatay sa komon na paggawa." (Pannekoek, The Workers' Councils, 1941)

Subalit ang organisasyon at pagbuklod-buklod sa kanilang sarili ay hindi maibagsak ang kapitalistang sistema. Kailangan pa rin nila itong panatilihin at bigkisin sa pamamagitan ng mapanlabang determinasyon at kolektibong kamulatan.

"Nasa mga kamay ng mga manggagawa ang isang elemento para sa tagumpay: kanilang dami. Pero hindi mabago ng bilang ang timbangan liban sa pamamagitan ng asosasyon at gabay ng kamulatan. Pinakita sa atin ng karanasan sa nakaraan na ang praternal na ugnayan ay kailangang iiral sa pagitan ng mga manggagawa sa iba't-ibang mga bansa at kailangang mag-udyok sa kanila na magbigkis, kapit-bisig, sa kanilang pakikibaka para sa emansipasyon. Ang pagbalewala sa ugnayang ito ay maparusahan ng komon na kabiguan sa lahat ng kanilang kalat-kalat na pagtatangka." (Marx, The Address of the International Workingmen's Association to all Workers in the World, 1864)

Nagkakaisang organisasyon, kolektibong pagkilos, ang buhay, aktibong partisipasyon ng mga manggagawa, pampulitikang kamulatan, pagsama-sama ay mga maraming elemento na dapat bigkisin para mabuo ng proletaryado ang kanyang sarili bilang rebolusyonaryong uri. Ang organisasyon at makauring kamulatan ay hindi lamang magkaugnay, kundi hindi maaring maghiwalay. Ito ay ang pag-unlad ng pampulitikang komprehensyon na pinalakas ng organisasyon ng proletaryado tungo sa isang rebolusyonaryong uri. Ang progreso na magawa ng proletaryado sa pag-organisa sa sarili ang magpayaman sa kanyang kamulatan. Ito ang dahilan kung bakit ang isang proletaryong organisasyon na nawala na ang huling kislap ng rebolusyonaryong buhay dahil tinindigan na ang mga pananaw ng burgesya, ay nagiging organisasyon na hindi na maipagtanggol ang ultimong mga layunin ng kilusan at hindi na nasalinan ng panibagong dugo mula sa partisipasyon ng mga manggagawa - ito ang dahilan kung bakit ang naturang organisasyon ay walang iba kundi ataol para sa proletaryado, at kailangang itakwil at palitan sa panibagong alon ng rebolusyonaryong pakikibaka.