Submitted by ICConline on
Sa ika-19 siglo, ang panahon ng napakalaking kasaganaan ng kapitalismo, ang uring manggagawa - kadalasan sa pamamagitan ng marahas at madugong pakikibaka - nagtayo ng mga permanenteng organisasyon na ang papel ay depensahan ang kanyang pang-ekonomiyang mga interes : mga unyon. Ang mga organong ito ay may esensyal na papel sa pakikibaka para sa mga reporma at para sa makabuluhang kagalingan sa kalagayan ng kabuhayan ng mga manggagawa na makaya pang ibigay ng sistema. Ito rin ang sentral na paraan para pagkaisahin ang uri, para paunlarin ang kanyang pagkabuklod at kamulatan, kaya ang mga rebolusyonaryo ay pumasok dito at tinulungang magsilbi ang mga ito bilang ‘eskwelahan ng komunismo'. kahit na ang pag-iral ng mga organong ito ay nakaugnay sa pag-iral ng sahurang paggawa, at kahit na sa panahong ito ay kadalasan ay na-burukratisa, sa kabilang banda ang mga unyon ay tunay na organo ng uri dahil wala pa sa istorikal na agenda ang abolisyon sa sahutang paggawa.
Nang pumasok na ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, hindi na nito kayang ibigay ang mga reporma at kagalingan sa kalagayan ng uring manggagawa. Sa kawalan ng lahat ng posibilidad na ipatupad ang kanilang inisyal na tungkuling ipagtanggol ang mga interes ng uring manggagawa, at naharap sa makasaysayang sitwasyon na tanging ang abolisyon ng sahurang paggawa at kasama nito, ang paglaho ng mga unyon, ay nasa agenda na, ang mga unyon ay naging tunay na tagapagtanggol ng kapitalismo, mga ahensya ng burges na estado sa loob ng uring manggagawa. Ito lamang ang tanging paraan para manatili sila sa bagong yugto. Ang ebolusyong ito ay tinulungan ng burukratisasyon ng mga unyon sa wala pa ang pagbulusok-pababa at walang hintong tendensya ng estado na higupin ang lahat ng mga istruktura ng buhay panlipunan.
Ang anti-manggagawang katangian ng mga unyon ay mapagpasyang pinakita sa unang pagkakataon sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig kung saan katabi ng Sosyal-Demokratikong mga partido tumulong sila para pakilusin ang mga manggagawa sa imperyalistang masaker. Sa rebolusyonaryong alon pagkatapos ng digmaan, ginawa ng mga unyon ang lahat para sakalin ang pagtatangka ng proletaryado na durugin ang kapitalismo. Mula noon nabubuhay sila hindi sa uring manggagawa, kundi sa kapitalistang estado kung saan pinatupad nila ang mahalagang mga tungkulin :
- Aktibong lumahok sa pagsisikap ng estado sa rasyunalisasyon ng ekonomiya, pagkontrol sa pagbenta ng lakas paggawa, at patindihin ang pagsasamantala;
- Pagsabotahe sa makauring pakikibaka mula sa loob sa pamamagitan ng pag-antala sa mga welga at seksyonal na mga pag-aalsang siguradong talo, o harapin ang mga independyenteng kilusan sa hayagang panunupil.
Dahil nawala na ang proletaryong katangian ng mga unyon, hindi sila maaring ‘agawin muli ng uring manggagawa', ni maging larangan sila ng pagkilos ng mga rebolusyonaryo. Halos kalahating siglong nawalan ng interes ang mga manggagawa sa mga pagkilos ng mga organong ito na naging integral na bahagi na ng burges na estado. Ang mga pakikibaka ng manggagawa para labanan ang patuloy na paglala ng kanilang kalagayan ay nagkahugis sa mga wildcat strikes labas sa at laban sa mga unyon. Pinamunuan ng mga pangkalahatang asembliya ng mga welgista at, sa panahon na naging malawakan ang mga ito, pinangasiwaan ng mga komite ng mga delegado na halal at maaring tanggalin ng mga asembliyang ito, ang mga welgang ito ay agad nasa pampulitikang tereyn at naobligang harapin ang estado sa kinatawan nito sa loob ng mga pabrika : ang mga unyon. Sa pagpapalawak at radikalisasyon lamang ng mga pakikibakang ito makasulong ang uri mula sa depensibang tereyn tungo sa hayag at prontal na atake sa kapitalistang estado; at kasama sa pagdurog ng kapangyarihan ng estado ay ang kinakailangang pagdurog sa mga unyon.
Ang anti-proletaryong katangian ng mga lumang unyon ay hindi simpleng resulta sa katotohanang organisado sila sa partikular na paraan (sa negosyo, sa industriya), o dahil mayroon silang ‘masamang mga lider'; resulta ito sa katotohanang sa kasalukuyang panahon ang uri ay hindi makapagmintina ng permanenteng mga organisasyon para ipagtanggol ang kanyang mga pang-ekonomiyang interes. Kaya, ang kapitalistang tungkulin ng mga organong ito ay aplikable din sa lahat ng ‘bagong' mga organisasyon na may katulad na papel, anuman ang kanilang inisyal na intensyon. Ito ang kaso sa ‘rebolusyonaryong mga unyon' at ‘shop stewards' ganun din sa mga organo (komite ng manggagawa, komisyon ng manggagawa....) na nanatiling umiiral pagkatapos ng pakikibaka - kahit laban sa mga unyon - at nagtangkang itayo ang mga sarili bilang ‘tunay' na mga organisasyon para depensahan ang kagyat na mga interes ng manggagawa. Sa batayang ito, ang mga organisasyong ito ay hindi makaiwas na mahigop sa makinarya ng burges na estado kahit hindi opisyal o ilegal na paraan.
Lahat ng pampulitikang estratehiya na ang layunin ay ‘gamitin', ‘muling pasiglahin' o ‘agawin' ang tipong unyon na mga organisasyon ay nagsilbi lamang sa interes ng kapitalismo, at nais lamang nilang pasiglahin ang mga kapitalistang institusyon na iniwanan na ng mga manggagawa. Matapos ang mahigit limampung taong karanasan sa anti-manggagawa na katangian ng mga organisasyong ito, anumang posisyon na nagtatanggol sa estratehiyang ito ay pundamental na di-proletyaryo.