Submitted by ICConline on
Simula't sapul, ang pakikibaka ng proletaryado para depensahan ang sariling mga interes ay nagdadala mismo sa ultimong perspektiba na durugin ang kapitalismo at itayo ang komunismo. Pero hindi sinusulong ng proletaryado ang kanyang ultimong layunin sa dalisay na ideyalismo, ginabayan ng inspirasyong mula sa langit. Napatupad nito ang kanyang komunistang tungkulin dahil ang materyal na kondisyon kung saan sa loob nito umuunlad ang kanyang kagyat na pakikibaka, ang nagtulak sa uri na gawin ito dahil ang anumang ibang paraan ay tutungo lamang sa kapinsalaan.
Hangga't ang burgesya, salamat sa malawak na ekspansyon ng kapitalistang sistema sa kanyang pasulong na yugto, ay nakapagbigay pa ng tunay ng mga reporma sa mga manggagawa, ang pakikibaka ng proletaryado ay kulang sa obhetibong kondisyon na kailangan para sa realisasyon ng kanyang rebolusyonaryong programa.
Kahit ang rebolusyonaryo at komunistang aspirasyong pinahayag sa panahon ng burges na rebolusyon ng pinaka-radikal na tendensya ng kilusang manggagawa, sa naturang makasaysayang yugto ng pakikibaka ng kilusang manggagawa ay hindi lalagpas sa pakikibaka para sa mga reporma.
Sa kataposan ng ika-19 siglo, isa sa konsentrasyon ng kilusang manggagawa ay ang buong proseso ng pag-aaral kung paano organisahin ang sarili para makakuha ng pang-ekonomiya at pampulitikang mga reporma sa pamamagitan ng unyonismo at parlyamentarismo. Kaya sa loob ng tunay na mga organisasyon ng uri, makikitang magkatabi ang ‘repormistang' mga elemento (para sa kanila ang buong pakikibaka ng uri ay para lamang sa pakikibaka sa mga reporma) at mga rebolusyonaryo (para sa kanila ang pakikibaka para sa mga reporma ay hakbang lamang, bahagi ng proseso na sa huli ay tutungo sa rebolusyonaryong pakikibaka ng uri). Sa panahon ding ito ay maaring suportahan ng proletaryado ang isang praksyon ng burgesya laban sa mas reaksyunaryong praksyon para maisulong ang panlipunang pagbabago pabor sa kanyang sariling pag-unlad at pag-unlad ng produktibong mga pwersa.
Lahat ng mga kondisyong ito ay dumaan sa pundamental na pagbabago sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo. Napakaliit na ng mundo para pagkasyahin sa loob nito ang lahat ng umiiral na pambansang kapital. Sa bawat bansa, napilitang pataasin ng kapital ang produktibidad (ang pagsasamantala sa mga manggagawa) sa kanyang sukdulan. Ang pag-organisa ng pagsasamantalang ito ay hindi na kagagawan na lang ng mga indibidwal na mga kapitalista at sa kanilang mga pagawaan; naging tungkulin na ito ng estado at sa isang libo't isang mekanismo na ginawa para pigilan ang uri, kontrolin ito at itulak palayo mula sa rebolusyonaryong peligro - hinusgahan ito sa sistematiko at tusong panunupil.
Ang inplasyon, isang permanenteng penomenon simula ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay kagyat na nilamon ang anumang pagtaas ng sweldo. Ang taas ng oras-paggawa ay nanatiling pareho, o pinaiksi bilang pambayad sa tumaas na oras papunta at pauwi mula sa pagawaan at para maiwasan ang total nervous collapse sa mga manggagawa, ay napailalim sa mapaminsalang bilis ng buhay at trabaho.
Ang mga pakikibaka sa reporma ay naging walang pag-asang utopya. Sa panahong ito tanging hanggang kamatayan ang pakikibaka ng proletaryado laban sa kapital. Wala na itong alternatiba sa pagitan ng pumayag na magkadurog-durog sa milyun-milyon, kontroladong mga indibidwal, o palawakin ang kanyang pakikibaka na tutungo sa komprontasyon sa estado mismo. Kaya kailangang tumanggi itong itali ang kanyang pakikibaka sa lubusang pang-ekonomiya, lokal o seksyonal at sa halip ay organisahin ang sarili sa mga porma ng organo ng kapangyarihan para sa hinaharap : mga konseho ng manggagawa.
Sa bagong makasaysayang kalagayan, maraming mga lumang sandata ang proletaryado na hindi na magagamit ng uri. Katunayan ang mga pampulitikang tendensya na patuloy na gumagamit nito ay para itali ang uring manggagawa sa pagsasamantala, para pahinain ang kanyang determinasyong lumaban.
Ang kaibahang ginawa ng kilusang manggagawa sa ika-19 siglo sa pagitan ng minimum at maksimum na programa ay nawalan na ng katuturan. Hindi na posible ang minimum na programa. Makasulong lamang ang proletaryado kung ang kanyang mga pakikibaka ay nasa balangkas ng perspektiba para sa maksimum na programa : ang komunistang rebolusyon.