Submitted by ICConline on
Sa pasulong na yugto ng kapitalismo, ang parlyamento ang pinaka-angkop na porma ng organisasyon ng burgesya. Bilang ispisipikong burges na institusyon, hindi ito ang pangunahing arena ng pagkilos ng uring manggagawa at ang partisipasyon ng proletaryado sa parlyamentaryong aktibidad at kampanyang elektoral ay naglaman ng totoong mga peligro, kaya laging alerto laban dito ang mga rebolusyonaryo sa nakaraang siglo. Subalit, sa panahon na wala pa sa agenda ang rebolusyon at ang proletaryado ay makakuha pa ng mga reporma mula sa sistema, ang paglahok sa parlyamento ay nagpahintulot sa uri na igiit ang mga reporma, gamitin ang kampanyang elektoral bilang paraan ng propaganda at ahitasyon para sa proletaryong programa, at gamitin ang parlyamento bilang entablado para tuligsain ang kahiya-hiyang burges na pulitika. Ito ang dahilan kung bakit ang pakikibaka para sa unibersal na pagboto ay isa sa pinaka-importanteng mga isyu sa buong ika-19 siglo sa maraming mga bansa.
Nang pumasok ang kapitalistang sistema sa kanyang dekadenteng yugto, huminto na ang parlyamento bilang instrumento para sa mga reporma. Tulad ng sinabi ng Komunistang Internasyunal sa kanyang Ikalawang Kongreso: "Ang sentro-de-grabidad ng pampulitikang buhay ay ganap at lubusan ng tinanggal sa parlyamento". Ang tanging papel na ginampanan ng parlyamento mula noon, ang tanging bagay na bumubuhay sa kanya, ay ang kanyang papel bilang instrumento ng mistipikasyon. Kaya natapos na rin ang paggamit ng proletaryado sa parlyamento sa anumang kadahilanan. Hindi makakuha ng imposibleng mga reporma ang uri sa organong nawalan na ng tunay na pampulitikang tungkulin. Sa panahon na ang kanyang batayang tungkulin ay durugin ang lahat ng mga institusyon ng burges na estado tulad ng parlyamento; kung saan kailangan niyang itayo ang kanyang sariling diktadura sa mga guho ng unibersal na pagboto at iba pang mga labi ng pyudal na lipunan, ang paglahok sa parlyamento at elektoral na mga institusyon ay mabibigyan lamang ng impresyong buhay pa ang mga ito kahit nabubulok na, anupaman ang intensyon ng mga sumusuporta dito.
Ang partisipasyon sa eleksyon at parlyamento ay walang anumang bentahe tulad noong nakaraang siglo. Kabaliktaran, punong-puno ito ng mga peligro, laluna ang pagbibigay-buhay sa ilusyon na posible pa ang ‘mapayapa' o ‘gradwal' na transisyon sa sosyalismo sa pamamagitan ng pag-agaw sa mayorya ng parlyamento sa diumano mga ‘partido ng manggagawa'.
Ang estratehiyang ‘durugin ang parlyamento mula sa loob' sa pamamagitan ng pagpasok ng ‘rebolusyonaryong' mga delegado ay malinaw na napatunayang tumungo lamang sa korupsyon ng mga pampulitikang organisasyon na lumahok sa naturang mga aktibidad at nahigop sila ng kapitalismo.
Panghuli, dahil ang naturang aktibidad ay gawain ng mga espesyalista, arena ng laro ng mga pampulitikang partido sa halip na sariling pagkilos ng masa; ang paggamit ng eleksyon at parlyamento bilang instrumento ng propaganda at ahitasyon ay pinanatili lamang ang mga edipisyo ng burges na lipunan at himukin ang pasibidad ng uring manggagawa. Kung ang ganung disbentahe ay matatanggap sa panahong ang rebolusyon ay hindi pa kagyat na posibilidad, naging mapagpasyang sagabal na ito sa panahon na ang tanging tungkulin sa istorikal na agenda ng proletaryado ay pagdurog sa lumang panlipunang kaayusan at buuin ang komunistang lipunan, na nangangailangan ng aktibo at mulat na partisipasyon ng buong uri.
Kung sa simula ang taktika ng ‘rebolusyonaryong parlyamentarismo' ay pangunahing ekspresyon ng impluwensya sa nakaraan sa loob ng uri at sa kanyang mga organisasyon, ang nakapinsalang resulta ng naturang taktika ay nagpapakita na sila ay malinaw na burges.