Submitted by ICConline on
Ilalim sa dekadenteng kapitalismo kung saan tanging ang proletaryong rebolusyon lamang ang istorikal na progresibo, kahit isang saglit walang anumang tungkulin na komon sa pagitan ng rebolusyonaryong uri at anumang paksyon ng naghaharing uri, gaano man ka ‘progresibo', ‘demokratiko', o ‘popular' ang mga pahayag nito. Kabaliktaran sa pasulong na yugto ng kapitalismo, sa pagbulusok-pababa ng sistema ay imposible na sa alinmang paksyon ng burgesya na maging progresibo. Sa partikular, ang burges demokrasya, kung saan sa ika-19 siglo ay isang progresibong porma kaugnay ng mga labi ng pyudalismo, ay nawalan na ng anumang pampulitikang laman sa panahon ng pagbulusok-pababa. Ang burges demokrasya ay nagsilbi lamang mapanlinlang na tabing para itago ang pagpapalakas ng totalitaryong kapangyarihan ng estado, at ang burges na paksyon na nagtataguyod nito ay kasing reaksyunaryo ng iba pang kauri nila.
Simula ng Unang Digmaang Pandaigdig pinakita mismo ng ‘demokrasya' na siya ay isa sa mapanirang opyum ng proletaryado. Sa ngalan ng demokrasya dinurog ang mga rebolusyong sumunod pagkatapos ng digmaan sa maraming mga bansa sa Uropa; sa ngalan ng demokrasya at laban sa ‘pasismo', ilampung milyong manggagawa ang pinakilos para sa ikalawang imperyalistang gera; sa ngalan na naman ng demokrasya ang kapital ngayon ay nagsisikap na guluhin ang pakikibaka ng proletaryado sa pamamagitan ng mga alayansa ‘laban sa pasismo', laban sa mga reaksyunaryo', ‘laban sa panunupil', ‘laban sa totalitaryanismo', at iba pa.
Dahil ito ay produkto ng ispisipikong yugto kung saan dinurog ang proletaryado, ang pasismo ay hindi na agenda ngayon at ang lahat ng propaganda hinggil sa ‘pasistang banta' ay purong mistipikasyon. Higit pa, hindi monopolyo ng pasismo ang panunupil at kung ang demokratiko-kaliwang pampulitikang tendensya ay iniugnay ang pasismo sa panunupil dahil gusto nilang itago ang katotohanang sila mismo ay nagpapatupad ng panunupil, sila mismo ang laging nasa unahan sa pagdurog ng rebolusyonaryong kilusan ng uri.
Tulad ng ‘prente popular' at ‘anti-pasistang prente', ang taktikang ‘pakikipag-isang prente' ay napatunayang isang mayor na armas para ilihis ang pakikibaka ng proletaryado. Ang taktikang ito na nagtataguyod na ang rebolusyonaryong mga organisasyon ay makipag-alyansa sa tinatawag na mga partido ng ‘manggagawa' apara ‘itulak sila sa sulok' at ilantad sila, ay nagtagumpay lamang na panatilihin ang ilusyon sa ‘proletaryong' katangian ng mga burges na partidong ito at mabalam ang paghiwalay ng mga manggagawa sa kanila.
Ang awtonomiya ng proletaryado sa harap ng lahat ng iba pang mga uri sa lipunan ay ang unang rekisito para mapalawak ang kanyang pakikibaka tungong rebolusyon. Lahat ng mga alyansa sa ibang uri o istrata at laluna sa paksyon ng burgesya ay hahantong lamang sa pagdis-arma sa uri sa harap ng kanyang makauring kaaway, dahil ang mga alyansang ito ang rason na iwanan ng uring manggagawa ang tanging tereyn kung saan makonsolida ang kanyang lakas: ang kanyang sariling makauring tereyn. Anumang pampulitikang tendensya na tangkaing iwanan ng uri ang naturang tereyn ay direktang nagsilbi sa interes ng burgesya.