Submitted by ICConline on
Sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, pinakita ng Unang Digmaang Pandaigdig na ang obhetibong kondisyon para sa proletaryong rebolusyon ay hinog na. Ang rebolusyonaryong alon, na lumitaw bilang sagot sa gera at dumagundong sa buong Rusya at Uropa, nag-marka pareho sa Americas at umalingawngaw sa Tsina, at kaya bumuo ng unang pagtangka ng pandaigdigang proletaryado na tapusin ang kanyang istorikong misyon na durugin ang kapitalismo. Sa pinakamataas na naabot ng pakikibakang ito sa pagitan ng 1917 at 1923, naagaw ng proletaryado ang kapangyarihan sa Rusya, naglunsad ng pangmasang insureksyon sa Alemanya, at umalog sa Italya, Hungarya, at Austriya sa kanilang pundasyon. Kahit hindi masyado malakas, ang rebolusyonaryong alon ay nagpahayag mismo ng matinding mga pakikibaka, halimbawa, sa Espanya, Britanya, Hilaga at Timog Amerika. Ang kalunus-lunos na kabiguan ng rebolusyonaryong alon ay ganap ng minarkahan ng pagkadurog sa 1927 sa insureksyon ng proletaryado sa Shanghai at Canton sa Tsina matapos ang mataas na serye ng pagkatalo ng uring manggagawa sa internasyunal na saklaw. Kaya ang rebolusyong Oktubre sa 1917 ay maintindihan lamang bilang isa sa pinaka-mahalagang mga manipestasyon ng kilusang ito ng uri at hindi bilang ‘burges', ‘estado-kapitalista', ‘dual', o ‘permanenteng' rebolusyon na maaring pumilit sa proletaryado na gampanan ang ‘burges-demokratikong' mga tungkulin na hindi na kaya mismong ipatupad ng burgesya.
Kapantay nito, bahagi ng rebolusyonaryong alon ang pagkatayo sa 1919 sa Ikatlong Internasyunal (ang Komunistang Internasyunal), na organisasyunal at pulitikal na humiwalay sa mga partido ng Ikalawang Internasyuna kung saan ang partisipasyon nila sa imperyalistang gera ay tanda ng kanilang pagpunta sa kampo ng burgesya. Ang Partidong Bolshevik, isang integral na bahagi ng rebolusyonaryong kaliwa na himiwalay mula sa Ikalawang Internasyunal sa pamamagitan ng paghawak ng malinaw na pampulitikang mga posisyon na pinahayag sa mga islogang "gawing gera sibil ang imperyalistang gera", "durugin ang kapitalistang estado", at "lahat ng kapangyarihan sa mga Sobyet", sa kanyang mapagpasyang papel sa pagbuo ng Ikatlong Internasyunal, ay nakagawa ng pundamental na kontribusyon sa rebolusyonaryong proseso at kumakatawan sa panahong iyon sa tunay na taliba ng pandaigdigang proletaryo.
Subalit, kahit ang parehong paghina ng rebolusyon sa Rusya at sa Ikatlong Internasyunal ay esensyal na resulta sa pagkadurog ng rebolusyonaryong pagtatangka sa ibang mga bansa at sa pangkalahatang pagkasaid ng rebolusyonaryong alon, parehas na kailangang maintindihan ang papel na ginampanan ng Partidong Bolshevik - dahil sa kahinaan ng ibang mga partido, naging nangungunang tanglaw ito sa Komunistang Internasyunal - sa prosesong ito ng paghina at sa internasyunal na pagkatalo ng proletaryado. Kaakibat, halimbawa, sa pagdurog sa pag-alsa sa Kronstadt at ang pagtaguyod (kahit na sa pagtutol ng kaliwa ng Ikatlong Internasyunal) sa mga polisiyang ‘agawin ang mga unyon', ‘rebolusyonaryong parlyamentarismo', at sa 'pakikipag-isang prente', ang impluwensya at responsibilidad ng mga Bolshevik sa likidasyon ng rebolusyon ay maliit kumpara sa kanilang kontribusyon sa orihinal na pagpapaunlad sa naturang alon.
Sa Rusya lumitaw ang kontra-rebolusyon hindi lang mula sa ‘labas' kundi sa ‘loob' din at sa partikular sa pamamagitan ng mga istruktura ng estado na tinayo ng Partidong Bolshevik at nakilalang ito na mismo ang estado. Ang naging simpleng seryosong pagkakamali sa Oktubre 1917 na maipaliwanag sa imaturidad ng proletaryado sa Rusya at sa kilusang manggagawa sa pangkalahatan sa harap ng bagong istorikal na yugto, ay ginawang tabing mula noon, sa isang pang-ideolohiyang pangatwiran ng kontra-rebolusyon, at nagsilbing isang mahalagang salik nito. Pero ang pagbulusok-pababa ng post-war na rebolusyonaryong alon sa rebolusyon sa Rusya, at ang paghina ng Ikatlong Internasyunal at ng Partidong Bolshevik, at ang kontra-rebolusyonaryong papel na ginampanan ng huli pagkatapos ng isang takdang panahon, ay maintindihan lamang sa pamamagitan ng pagkonsidera sa rebolusyonaryong alon at sa Ikatlong Internasyunal, kasama na ang kanilang ekspresyon sa Rusya, bilang tunay na proletaryong kilusan. Ang anumang iba pang pagpapaliwanag ay hahantong lamang sa kalituhan at mahadlangan ang mga tendensyang nagtatanggol sa mga kalituhang ito mula sa tunay na paggampan sa kanilang rebolusyonaryong mga tungkulin.
Kahit na ang mga karanasan ng uri ay walang naiwang ‘materyal' na tagumpay, sa pamamagitan lamang ng pag-intindi sa kanilang kalikasan na makuha mula sa kanila ang totoo at mahalagang teorikal na tagumpay. Sa partikular, bilang nag-iisang istorikal na halimbawa sa pag-agaw ng proletaryado sa kapangyarihang pampulitika (liban sa panandalian at desperadong pagtatangka ng Paris Commune sa 1871, at sa naunsayaming karanasan ng Bavaria at Hungarya sa 1919), ang rebolusyong Oktubre sa 1917 ay nag-iwan ng maraming mahalagang mga aral para maintindihan ang dalawang napaka-importanteng mga problema sa rebolusyonaryong pakikibaka: ang laman ng rebolusyon at ang kalikasan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo.