Submitted by ICConline on
Lahat ng mga partido o organisasyon na ngayon ay nagtatanggol, kahit ‘kondisyonal' o ‘kritikal', sa ilang mga estado o paksyon ng burgesya sa ngalan ng ‘sosyalismo', ‘demokrasya', anti-pasismo', ‘pambansang kalayaan', sa ‘pagkakaisang prente' o ‘lesser evil', na binatay ang kanilang pulitika sa larong elektoral ng burgesya, sa loob ng anti-manggagawang aktibidad ng unyonismo o sa mistipikasyon ng self-management, ay mga ahente ng kapital. Sa partikular, totoo din ito sa mga partidong Sosyalista at Komunista.
Ang mga partidong ito, na dati tunay na taliba ng pandaigdigang proletaryado, ay dumaan na sa isang proseso ng panghihina na nagtulak sa kanila tungo sa kampo ng kapitalista. Matapos mamatay (kahit sa pormal na pamamalagi ng kanilang istruktura) ang mga Internasyunal kung saan kaanib ang mga partidong ito (Ikalwang Internasyunal para sa mga sosyalista, Ikatlong Internasyunal para sa mga komunista), sila mismo ay nakaligtas at progresibong natransporma, nagkanya-kanya, sa pagiging (kadalasan mahalaga) gulong ng makinarya ng burges na estado sa kani-kanilang mga bansa, sa pagiging masunuring tagapangasiwa ng pambansang kapital.
Ito ang nangyari sa sosyalistang mga partido sa panahong napailalim sa gangrena ng oportunismo at repormismo, karamihan sa pangunahing mga partido, sa pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig (na naging palatandaan ng kamatayan ng Ikalawang Internasyunal) ay kinupkop ito, sa ilalim ng liderato ng sosyal-sobinistang kanan na mula noon ay nasa kampo na ng burgesya, ang polisiyang ‘ipagtanggol ang bansa', at pagkatapos ay hayagang tinutulan ang post-war revolutionary wave, hanggang sa punto na gumampan bilang mga mamaslang ng proletaryado, gaya sa Alemanya sa 1919. Ang kahuli-hulihang integrasyon ng bawat partidong ito sa kani-kanilang mga burges na estado ay nangyari sa iba't-ibang panahon pagkatapos sumabog ang Unang Digmaang Pandaigdig, pero ganap na nagsara ang prosesong ito sa pagpasok ng 1920s, ng ang huling proletaryong tendensya ay pinaalis o iniwanan ang hanay nila at sumali sa Komunistang Internasyunal.
Sa parehong dahilan, ang mga Partido Komunista ay napunta din sa kapitalistang kampo matapos ang magkatulad na proseso ng oportunistang paghina. Ang prosesong ito na nagsimula sa maagang yugto ng 1920s, ay nagpatuloy matapos mamatay ang Komunistang Internasyunal (palatandaan ang paghawak sa 1928 sa teorya ng "Sosyalismo sa isang bansa'), ay natapos, kahit pa sa malupit na pakikibaka ng kaliwang praksyon at matapos patalsikin ang huli, naging lubusan ang integrasyon ng mga partidong ito sa kapitalistang estado sa pagpasok ng 1930s sa kanilang paglahok paligsahang paggawa ng armas ng kani-kanilang mga burgesya at pagpasok sa mga ‘prente popular'. Ang kanilang aktibong partisipasyon sa ‘Resistance' sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at sa sumunod na ‘pambansang rekonstruksyon', ay patunay na sila ay masunuring mga ahente ng pambansang kapital at sa dalisay na pagkabuhay ng kontra-rebolusyon.
Lahat ng mga ‘rebolusyonaryong' tunguhin - tulad ng Maoismo na simpleng ibang anyo ng mga partidong ganap ng pumanig sa burgesya, o sa Trotskyismo, matapos ang isang proletaryong paglaban sa pagkanulo ng mga Partido Komunista ay pumasok sa magkatulad na proseso ng paghina, o tradisyunal na anarkismo, na ngayon ay nilagay ang sarili sa balangkas sa magkatulad na paraan sa pamamagitan ng pagtatanggol sa ilang mga posisyon ng SPs at CPs, tulad ng ‘alyansang anti-pasista' - na nasa parehong kampo: sa kampo ng kapital. Ang kanilang mas maliit na impluwensya o mas radikal na lenggwahe ay hindi nagpabago sa burges na batayan ng kanilang programa, pero nagagamit silang suplemento ng mga partidong ito.