Submitted by ICConline on
Ang pag-agaw ng proletaryado sa pampulitikang kapangyarihan sa pandaigdigang saklaw, ang rekisito para at unang yugto sa rebolusyonaryong transpormasyon ng kapitalistang lipunan, ay nagkahulugan sa lubusang pagdurog sa makinarya ng burges na estado.
Dahil sa pamamagitan ng estado napanatili ng burgesya ang kanyang dominasyon sa lipunan, ang kanyang mga prebilihiyo, ang kanyang pagsasamantala sa ibang mga uri at sa uring manggagawa sa partikular, ang organong ito ay para lamang sa tungkuling ito at hindi magamit ng uring manggagawa na walang prebilihiyo o pagsasamantala na ipagtatangol. Sa ibang salita, walang ‘mapayapang daan tungong sosyalismo': laban sa karahasan ng minoryang mapagsamantala na hayagan o ipokritong ginagawa, pero lalong ginawang sistematiko ng burgesya, tanging magagawa ng proletaryado ay isusulong ang sarili nitong makauring rebolusyonaryong karahasan.
Bilang panikwas ng pang-ekonomiyang transpormasyon sa lipunan, ang diktadura ng proletaryado (i.e. ang eksklusibong paggamit ng pampulitikang kapangyarihan ng uring manggagawa) ay may pundamental na tungkuling samsamin ang mapagsamantalang uri sa pamamagitan ng sosyalisasyon sa mga kagamitan ng produksyon at progresibong palawakin ang sosyalisadong sektor sa lahat ng produktibong mga aktibidad. Sa batayan ng kanyang pampulitikang kapangyarihan, aatakehin ng proletaryado ang pampulitikang ekonomiya ng burgesya sa pamamagitan ng pagpapatupad ng polisyang hahantong sa abolisyon ng sahurang paggawa at produksyon ng kalakal at para sa satispaksyon ng mga pangangailangan ng sangkatauhan.
Sa panahon ng yugto ng transisyon mula sa kapitalismo tungong komunismo, ang hindi mapagsamantalang istrata liban sa proletaryado ay nanatiling iiral, mga uri na ang pag-iral ay nakabatay sa hindi sosyalisadong sektor ng ekonomiya. Sa dahilang ito mananatili pa rin ang tunggalian ng uri bilang manipestasyon ng magkatunggaling pang-ekonomiyang mga interes sa loob ng lipunan. Ito ang dahilang lilitaw ang estado na ang tungkulin ay hadlangan ang mga tunggaliang ang wawasak sa lipunan. Pero dahil sa progresibong paglalaho ng panlipunang mga uring ito sa pamamagitan ng integrasyon ng kanilang mga myembro sa sosyalisadong sektor, at sa huli sa abolisyon ng mga uri, ang estado mismo ay maglaho.
Ang istorikal na nadiskubreng porma ng diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng manggagawa - nagkakaisa, sentralisado at buong-uring mga asembliya batay sa halal at pwedeng tanggalin na mga delegado, na maipatupad ang kapangyarihan sa tunay na kolektibong paraan. Ang mga konsehong ito ang may monopolyo sa kontrol sa armas bilang garantiya ng eksklusibong pampulitikang kapangyarihan sa uring manggagawa.
Ang buong uring manggagawa ang tanging makagamit ng kapangyarihan para matupad ang transpormasyon sa lipunan. Sa dahilang ito, bilang kabaliktaran sa nagdaang rebolusyonaryong mga uri, hindi maaring ipagkatiwala ng proletaryado ang kapangyarihan sa anumang institusyon o minorya, kasama na ang rebolusyonaryong minorya mismo. Ang huli ay kikilos sa loob ng konseho, pero ang kanya mismong organisasyon ay hindi makahalili sa nagkakaisang mga organisasyon ng uri sa pagkamit sa kanyang istorikong mga layunin.
Magkahalintulad, ang karanasan ng rebolusyong Ruso ay nagpakita ng kahirapan at kaseryosohan ng problema sa relasyon sa pagitan ng uri at ng estado sa yugto ng transisyon. Sa darating na panahon, ang proletaryado at mga rebolusyonaryo ay hindi makaiwas sa problemang ito, kundi gawin ang lahat para masolusyonan ito.
Ang dikatadura ng proletaryado ay kailangang aboslutong itakwil ang ideya na ang uring manggagawa ay susunod sa eksternal na pwersa at itakwil din ang anumang karahasan sa hanay ng uri. Sa panahon ng transisyon, ang proletaryado ang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunan: ang kanyang kamulatan at pagkakaisa ang esensyal na mga garantiya na ang kanyang diktadura ay tutungo sa komunismo.