Submitted by ICConline on
Ang bawat panlipunang rebolusyon ay ang pagkilos ng uri na nagdadala ng bagong mga relasyon ng produksyon para itayo ang kanyang pampulitikang dominasyon sa lipunan. Hindi nakaiwas ang proletaryong rebolusyon sa kahulugang ito pero ang kanyang mga kondisyon at laman ay pundamental na kaiba sa nakaraang mga rebolusyon.
Ang mga nakaraang rebolusyon na ito, dahil nasa sentro sila ng dalawang moda ng produksyon batay sa kasalatan, ay pinalitan lamang ang dominasyon ng isang mapagsamantalang uri sa iba pang mapagsamantalang uri. Ang katotohanang ito ay nakikita sa pagpalit ng isang porma ng pag-aari sa isa pang porma ng pag-aari, isang tipo ng prebilihiyo sa isa pang tipo ng prebilihiyo. Kabaliktaran ng layuning ito, papalitan ng proletaryong rebolusyon ang mga relasyon ng produksyong nakabatay sa kasalatan sa mga relasyon ng produksyong nakabatay sa kasaganaan. Ito ang dahilan bakit nagkahulugan ito ng kataposan ng lahat ng mga porma ng pag-aari, prebilihiyo at pagsasamantala. Ang mga kaibahang ito ang nagkaloob sa proletaryong rebolusyon sa mga sumusunod na katangian, na kailangang maintindihan ng proletaryado kung gusto nitong magtagumpay ang rebolusyon nito:
a. Ito ang unang rebolusyon na may pandaigdigang katangian; hindi nito maipagtagumpay ang kanyang mga layunin na hindi pinalawak ang sarili sa lahat ng mga bansa. Ito ay dahil para mapawi ang pribadong pag-aari, kailangang pawiin ng proletaryado ang lahat ng seksyonal, rehiyonal at pambansang mga ekspresyon. Ang paglawak ng kapitalistang dominasyon sa buong mundo ay ginawa itong posible at kailangan.
b. Sa unang pagkakataon sa kasaysayan, ang rebolusyonaryong uri ay siya ring pinagsamantalahang uri sa lumang sistema at, dahil dito, hindi ito makakuha ng anumang pang-ekonomiyang kapangyarihan sa proseso ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika. Saktong kabaliktaran ang mangyari: bilang direktang kabaliktaran sa nangyari sa nakaraang mga rebolusyon, ang pag-agaw ng kapangyarihan ng proletaryado ay kailangang susundan ng yugto ng transisyon kung saan sa panahong ito ang dominasyon ng lumang mga relasyon sa produksyon ay dudurugin at buksan ang bagong mga relasyon sa produksyon.
c. Ang katotohanan na, sa unang pagkakataon, ang isang uri sa lipunan ay kapwa pinagsamantalahan at rebolusyonaryong uri ay nagkahulugan din na ang kanyang pakikibaka bilang pinagsamantalahang uri ay hindi mahiwalay o salungat sa kanyang pakikibaka bilang rebolusyonaryong uri. Gaya ng ang marxismo sa simula ay tumindig laban sa Proudhonismo at ibang peti-burges na mga teorya, ang pag-unlad ng rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado ay pinatitibay ng lumalalim at lumalawak na pakikibaka bilang pinagsamantalahang uri.