Submitted by ICConline on
Para malagpasan ng proletaryong rebolusyon na isa lamang pag-asa o istorikal na posibilidad o perspektiba at maging kongkretong posibilidad, dapat maging obhetibo itong kinakailangan para sa pag-unlad ng sangkatauhan. Ito ang istorikong katotohanan simula ng Unang Digmaang Pandaigdig: ang digmaang ito ay tanda ng pagkatapos ng pasulong na yugto ng kapitalistang moda ng produksyon, yugto na nagsimula sa ika-16 siglo at humantong sa kanyang rurok sa kataposan ng ika-19 siglo. Ang bagong yugto na sumunod ay ang dekadenteng kapitalismo.
Tulad ng nagdaang mga lipunan, ang unang yugto ng kapitalismo ay nagpakita sa katangian ng kanyang produktibong relasyon bilang istorikal na kinakailangan, ibig sabihin sa napakahalagang papel nito sa pagpapalawak ng mga produktibong pwersa ng lipunan. Ang ikalawang yugto, sa kabilang banda, ay nagpakita ng lumalaking pagbabago ng mga relasyong ito tungo sa isang hadlang sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa.
Ang dekadenteng kapitalismo ay produkto ng panloob na mga kontradiksyon ng kapitalistang relasyon ng produksyon na maaring masuma ng ganito. Kahit umiiral ang mga kalakal sa halos lahat ng mga lipunan, ang kapitalistang ekonomiya na pundamental na unang nakabatay sa produksyon ng mga kalakal. Kaya ang pag-iral ng lumalaking pamilihan ang isa sa mga esensyal na kondisyon para uunlad ang kapitalismo. Sa partikular, ang realisasyon ng sobrang halagang nagmula sa pagsasamantala sa uring manggagawa ay importante sa akumulasyon ng kapital na esensyal na pwersang magpaandar sa sistema. Salungat sa sinasabi ng mga sumasamba sa kapital, ang kapitalistang produksyon ay hindi awtomatikong gumagawa at sa sariling kapasyahan ng pamilihang kailangan para sa kanyang paglago. Ang kapitalismo ay umunlad sa hindi-pa-kapitalistang daigdig, at sa daigdig na ito makita niya ang lagusan para sa kanyang pag-unlad. Pero dahil sa paglawak ng kanyang relasyon sa produksyon sa buong mundo at dahil sa pinag-isa ang pandaigdigang pamilihan, naabot ng kapitalismo ang sitwasyon kung saan ang mga lagusan na nagpahintulot sa kanya na makapangyarihang lumago sa ika-19 siglo ay napuno na. Dagdag pa, ang lumalaking kahirapang nasalubong ng kapital sa paghahanap ng pamilihan para sa realisasyon ng sobrang halaga ay nagpatingkad sa pagbaba ng tantos ng tubo, na epekto sa palagiang paglaki ng ratio sa pagitan ng halaga ng mga kagamitan sa produksyon at sa halaga ng lakas-paggawa na nagpaandar sa kanila. Mula sa simpleng tendensya lamang, ang pagbaba ng tantos ng tubo ay mas nagiging kongkreto; nagiging dagdag ito na sagabal sa kapitalistang akumulasyon at ganun din sa operasyon ng buong sistema.
Nang nagpag-isa at naging unibersal ang palitan ng kalakal, at sa paggawa nito naging posible para sa sangkatauhan na gumawa ng malaking igpaw pasulong, inilatag ng kapitalismo sa agenda ang usaping wakasan ang mga relasyon sa produksyong nakabatay sa palitan. Pero hangga't ang proletaryado ay hindi ginampanan ang tungkuling wakasan ang mga ito, manatiling iiral ang mga relasyong ito ng produksyon at magkasabid-sabid ang sangkatauhan sa papalaking mala-halimaw na serye ng mga kontradiksyon.
Ang krisis sa sobrang produksyon, isang katangian ng mga kontradiksyon ng kapitalistang moda ng produksyon pero sa nakaraan, nang malakas pa ang sistema, isang mahalagang pang-udyok para sa pagpalawak ng pamilihan, ngayon ay naging permanenteng krisis. Permanente na ang hindi-lubusang paggamit ng produktibong makinarya ng kapital at wala ng kapasidad ang kapital ng palawakin ang kanyang panlipunang dominasyon, para makahabol man lang sa paglaki ng populasyon. Mapalawak lamang ang kapital sa buong mundo ngayon sa absolutong kahirapan na nangyari na sa maraming atrasadong mga bansa.
Sa ganitong kalagayan, lalong umiinit ang kompetisyon sa pagitan ng kapitalistang mga bansa. Simula 1914 ang imperyalismo, na naging paraan para mabuhay ang bawat bansa gaano man kalaki o kaliit, ay nagtulak sa sangkatauhan tungo sa isang mala-impyernong serye ng krisis - digmaan - rekonstruksyon - panibagong krisis..., isang serye na may kinatangian ng pagpapalaki ng produksyon ng armas at naginging tanging paraan para magamit ng kapitalismo ang syentipikong paraan at lubusang paggamit ng mga produktibong pwersa. Sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, kinondena ang sangkatauhan na mamuhay sa permanenteng serye ng masaker at pagkasira.
Ang pisikal na kahirapan na dumurog sa di-maunlad na mga bansa ay inulit sa mas abanteng mga bansa sa walang kapantay na maka-hayop na panlipunang mga relasyong resulta ng katotohanang ang kapitalismo ay absolutong wala ng kapasidad na magbigay ng kinabukasan sa sangkatauhan, maliban sa mas malupit na mga digmaan at mas sistematiko, rasyunal at syentipikong pagsasamantala. Tulad ng ibang dekadenteng mga lipunan humantong ito sa lumalagong pagkaagnas ng panlipunang mga institusyon, sa dominanteng ideolohiya, sa moralidad, sa mga porma ng arte at sa iba pang mga kultural na manipestasyon ng kapitalismo. Ang pagyabong ng mga ideolohiyang tulad ng pasismo at Stalinismo ay nagpahayag ng tagumpay ng barbarismo sa kawalan ng rebolusyonaryong alternatiba.