Submitted by ICConline on
Ang marxismo ang pundamental na natamong teorya ng pakikibaka ng proletaryado. Nasa batayan ng marxismo kung saan ang lahat ng mga aral ng proletaryong pakikibaka ay mapag-isa sa magkakaugnay na buo.
Sa pagpapaliwanag ng inilahad ng kasaysayan, sa pamamagitan ng pag-unlad ng makauring pakikibaka, ibig sabihin pakikibaka batay sa pagdepensa ng pang-ekonomiyang interes sa loob ng balangkas na inihapag ng pag-unlad ng mga produktibong pwersa, at sa pamamagitan ng pagkilala na ang proletaryado ang paksa ng rebolusyon na papawi sa kapitalismo, ang marxismo ang tanging pananaw sa daigdig na nagpahayag sa pananaw ng uri. Kaya, hindi isang abstraktong ispekulasyon sa mundo, una sa lahat ito ay armas ng pakikibaka ng proletaryado. At dahil ang uring manggagawa ang una at tanging uri na ang emansipasyon ay kailangang emansipasyon din ng sangkatauhan, ang uri na ang pangingibabaw sa lipunan ay hindi tutungo sa panibagong pagsasamantala kundi sa abolisyon ng lahat ng pagsasamantala, tanging ang marxismo ang may kapasidad na intindihin ang panlipunang realidad sa obhetibo at syentipikong paraan, na walang anumang pag-alinlangan o mistipikasyon. Samakatwid, kahit hindi ito isang permanenteng doktrina, kundi kabaliktaran, patuloy itong sumailalim ng elaborasyon sa direkta at buhay na pakipag-ugnayan sa makauring pakikibaka, at kahit nakinabang ito sa naunang teoritikal na mga tagumpay ng uring manggagawa, ang marxismo sa kanyang pagkabuo ang tanging balangkas kung saan mapaunlad ang rebolusyonaryong teorya.