Submitted by ICConline on
Ang pagbulusok-pababa at lantarang krisis ng kapitalismo sa ika-20 siglo ay mga penomena na magkaugnay pero magkaiba; hindi parehas pero nagtutulungan.
Ang ating layunin dito ay hindi pag-aralan ang mga panahon ng krisis (halimbawa, 1929 o 1938); hindi ang pagtiyak kung ang kapitalismo ngayon ay nagsimulang dumaan sa mga tipo ng krisis na ito. Ang ating tungkulin ay ipakita na ang kapitalismo ay nasa yugto ng katandaan, ng pagbulusok-pababa, simula 1914 at ang kamangha-manghang 'tantos ng paglago' na pinagyabang nito, laluna simula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa katunayan ay tinatago lamang ang paghihingalo ng sistema na paliit ng paliit ang kapasidad na gumawa ng mga kondisyon para sa sariling reproduksyon.
Ang konsepto ng pagbulusok-pababa
Pero ano ang tamang kahulugan ng pagbulusok-pababa na ito?
Sa unang bahagi ng artikulong ito (Revolution Internationale, Old Series, no 5) sinubukan nating magbigay ng kahulugan ng penomenong ito, ang kanyang mga dahilan at manipestasyon, na lumitaw sa nagdaang mga lipunan, partikular sa katapusan ng lipunang alipin ng Roma at pyudalismo ng kanlurang Uropa.
Maiksi nating masuma ang pangkalahatang ideya na lumitaw sa pag-aaral.
Salungat sa naniniwala sa ebolusyonistang pananaw ng kasaysayan na nais ipaliwanag ang pag-unlad ng lipunan ng tao na tuloy-tuloy, walang patid, laging pasulong na proseso, walang nagdaang lipunan na naglaho sa panahon ng kanyang tugatog. Sa yugto lamang ng humigit-kumulang matagal na pagbulusok-pababa ang hindi-pa-kapitalista na mga lipunan ay nagbigay-daan sa bagong mga porma ng panlipunang organisasyon.
Ang tugatog ng isang lipunan ay binuo ng kanyang hangganan. Ang panahong ito ay bumagay kung saan naabot ng tao ang maksimum na pag-unlad ng kanilang materyal na yaman ayon sa umiiral na antas ng teknolohiya, at sa umiiral na takdang mga relasyong panlipunan. Ang antas ng pag-unlad nito ang palatandaan ng paghinto. Hindi ito mapalitan kung hindi magamit ang bagong mga teknika ng paggawa, kung hindi iiwanan ang umiiral na dominanteng mga relasyon ng produksyon at kung hindi maibagsak ang panlipunang kaayusan na nakabatay sa mga relasyong ito. Sa tugatog nito naging obhetibong nesisidad ang pagdating ng bagong lipunan.
Kung ang direksyon ng kasaysayan ay mapayapang proseso ng palagiang ebolusyon, kung ganun ang panlipunang kombulsyon ay mangyari kasunod ng mga panahon ng tugatog. Pero ang kasaysayan ay kasaysayan ng tunggalian ng uri. Ang materyal na nesisidad ng panlipunang kombulsyon ay lalaki ayon sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa, bilang obhetibong proseso na independyente sa kagustuhan ng tao. Subalit, ang kombulsyon mismo ay gawa ng tao at mas sakto sa isang panlipunang uri. Ang kanyang epektibong realisasyon ay nakasalalay sa obhetibo at suhetibong mga kondisyon na nagdetermina sa kagustuhan at sa posibilidad ng aksyon ng uring ito.
Ngayon, ang mga kondisyong ito ay hindi iiral sa tugatog ng panlipunang sistema. Kasunod ng kanilang tugatog, bago maglaho, lahat ng nagdaang mga lipunan ay dumaan sa mataas na yugto ng krisis at kombulsyon. Ang lumang mga istruktura ay naaagnas; ang bagong mga pwersa ay magtangkang igiit ang kanilang mga sarili. Ang yugtong ito ng dis-integrasyon at pagsilang, ang panahong ito ng barbarismo, ang panahong ito ng ‘panlipunang rebolusyon', ang bumubuo ng yugto ng pagbulusk-pababa ng isang lipunan.
Ang mga dahilan ng pagbulusok-pababa
Ano ang mga salik na bagama't hindi sila lumitaw sa panahon ng tugatog, ay naging dahilan na hindi mapigilan ang nesisidad ng pagbulusok-pababa?
Ang totalidad ng panlipunang mga relasyon na nag-uugnay sa mga tao ng ilang siglo ay hindi mapalitan sa isang araw. Hindi iiwanan ng tao ang isang kagamitan na nagsilbi sa kanya sa nakaraan hangga't hindi pa napatunayan na wala na talaga itong silbi sa kanya. Hindi mapatunayan ng isang panlipunang porma ang kanyang ‘kawalang silbi', sa kanyang istorikong pagiging lipas, maliban sa itutulak nitong kahirapan at barbarismo para manatili ito. Mga taon ng gutom, epidemya, at anarkiya ay kinakailangan bago mapilitan ang tao na magsimulang iwan ang pang-aalipin at pyudalismo. Tanging sa mga pangyayaring ito, na iniluwal ng pagbulusok-pababa ng lipunan, ang magbigay katapusan sa ilang siglo na mga kustombre, ideya at tradisyon. Ang kolektibong kamulatan ay laging nahuhuli sa obhetibong realidad.
Kaakibat ng mga elementong ito, mayroong dalawang obhetibong mga salik na kailangan para sa realisasyon ng simula ng bagong lipunan, na wala din sa panahon ng tugatog ng lipunan: sa isang banda, ang panghihina ng kapangyarihan ng nagharing uri, at sa kabilang banda, ang paglitaw ng bagong istorikal na tungkulin at ang panlipunang mga pwersang may kapasidad na ipatupad ito.
Ang kapangyarihan ng nagharing uri at ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga prebilihiyo ay makapangyarihang mga salik sa konserbasyon ng isang panlipunang sistema. Pero ang kapangyarihan ng uring ito ay nakaugat sa kakayahan ng sistemang pinagharian nito. Ang pag-iral ng mga uri ay resulta ng takdang pangangailangan ng dibisyon ng paggawa sa isang takdang pag-unlad ng mga teknika ng produksyon. Ang lakas ng kanilang kapangyarihan ay nakasalalay una sa pambihira at absolutong kailangang mga relasyon ng produksyon na umiiral sa ilalim ng kanilang paghari. Ang tugatog ng isang pang-ekonomiyang sistema ay siya ring pinaka-istableng panahon ng kapangyarihan ng nagharing uri. Kaya, ang pagbagsak ng naturang kapangyarihan ay magaganap lamang sa pagbagsak ng mga relasyon ng produksyon, sa yugto ng pagbulusok-pababa ng sistema. Lahat ng pagtatangkang artipisyal na panatilihin ang kapangyarihang ito sa pamamagitan ng estado at pampulitikang totalitaryanismo, (mga pagtatangka, gaya ng nakita natin, ay laging ginagawa at mahalagang palatandaan ng pagbulusok-pababa), ay katunayan pagkaagnas ng naturang kapangyarihan.
Panghuli, ang tao ay hindi iiwan ang isang kagamitan na mahalaga sa kanya hanggat hindi pa nakakita ng ibang kagamitan na ipapalit dito. Para iwanan ang isang moda ng produksyon (sa panahong ang modang ito ang nagbibigay ng mga paraan para sa ikabubuhay ng lipunan), kailangang lilitaw sa loob ng lumang lipunan ang mga pwersang absolutong kailangan para sa bagong mga relasyon ng produksyon. Sa nakaraang mga lipunan ang uring nagdadala ng bagong kaayusan ay hindi umiral (o umiral lamang bilang binhi), hanggat hindi lumitaw ang panahon ng dekadenteng yugto ng sistema. (Ang malalaking pyudal na pag-aari ay hindi talaga umunlad sa Lumang Roma kundi sa Huling Imperyo; ganun din sa pyudalismo, ang burgesya ay hindi lumitaw bilang uri bago ang simula ng ika-14 siglo.)
Ang tatlong pangunahing mga elementong ito na dinala ng pagbulusok-pababa ng sistema ay tiyak na hindi lamang ang makapagpaliwanag sa mga dahilan ng pagbulusok-pababa sa Romano at lipunang pyudal. Pero dahil sa kanila, nagawa nating maunawaan ang hindi maiwasang yugto ng pagbulusok-pababa ng nagdaang mga lipunan. Tingnan natin kung ito rin ang umiiral na mga dahilan sa ilalim ng kapitalismo. Pero una, kailangang muling tandaan ang prinsipal na manipestasyon ng mga yugto ng pagbulusok-pababa.
Mga manipestasyon ng pagbulusok-pababa
Lahat ng mga manipestasyong ito ay makita sa pangkalahatang krisis na may epekto sa buong istruktura ng buhay panlipunan.
1) Sa antas ng ekonomiya: (ang inpra-istruktura ng lipunan).
Lumalaki ang kontradiksyon ng produksyon sa mga restriksyon na walang iba kundi ang panlipunang mga relasyon ng produksyon mismo. Ang indayog ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ay bumabagal, minsan ay humihinto. Ang lipunan ay dumaan sa mga krisis kung saan ang bigat at lawak ay lumalaki.
2) Sa antas ng super-istruktura:
Dahil ang lahat ng mga lipunan, kabilang na ang kasalukuyan, ang materyal na ikabubuhay ang pangunahing panlipunang usapin, sa huling pagsusuri laging ang mga relasyon ng produksyon ang nagdetermina sa porma at laman ng iba't-ibang panlipunang mga istruktura. Nang ang mga relasyong ito ay nasira, babagsak ang mga ito kasama ang buong edipisyo na nakabatay dito. Nang ang krisis na ito ay lalaki sa antas ng ekonomiya, lahat ng mga erya ng buhay panlipunan ay apektado.
Dito natin kailangang hanapin ang tunay na mga ugat ng bantog na 'krisis ng sibilisasyon'. Ang ideyalistang pananaw sa kasaysayan ay nawala sa sarili sa pag-aaral ng 'pagbulusok-pababa ng mga moral na istandard', sa nakasira o nakabuting impluwensya ng ganito o ganung pilosopiya o relihiyon; sa madaling salita, naghahanap ito sa larangan ng mga ideya, sa moda ng kaisipan, sa mga dahilan ng mga krisis. Hindi itinanggi ang mahalagang impluwensya ng mga ideya sa takbo ng mga pangyayari, pero tiyak, ayon kay Marx:
"Hindi mahusgahan ang indibidwal ayon sa ideya niya. Hindi mahusgahan ang yugto ng rebolusyon ayon sa kamulatan niya. Ang kamulatang ito ay maipaliwanag sa mga kontradiksyon ng materyal na buhay, sa tunggalian sa pagitan ng panlipunang produktibong mga pwersa at mga relasyon ng produksyon". (Marx, Preface to a Contribution to the Critique of Political Economy).
3) Sa larangan ng ideolohiya
Ang preserbasyon ng sistema ay naging masaklap na kahangalan at lalong nagpahina sa rasyunalidad ng ideolohiyang nagbibigay katwiran nito. Naaagnas ang ideolohiya, bumagsak ang lumang moralidad, ang artistikong pagkamalikhain ay tumigil o gumagalaw laban sa umiiral na mga bagay, umuunlad ang hindi paniniwala sa bagong ideya at pilosopikal na pesimismo.
4) Sa larangan ng panlipunang mga relasyon
Ang pagbulusok-pababa ay makikita sa:
a - Ang paglaki ng mga tunggalian ng iba't-ibang mga paksyon ng nagharing uri. Ang mga kondisyon ng pagkamal ng tubo; at kahit ang kanyang kantidad, ay lalong mahirap panatilihin; ang mga may-ari na gustong tiyakin ang kanilang ikabubuhay ay magagawa lamang sa kapinsalaan ng iba pang mga myembro o praksyon ng kanilang uri, kaya inabandona ang lahat ng posibilidad ng kooperasyon.
b - Ang paglaki ng mga tungalian sa pagitan ng antagonistikong mga uri: ang mga pakikibaka ng pinagsamantalahang uri na nakaranas ng lalupang kahirapan dahil ang pagsasamantala ay tinulak sa sukdulan ng mapagsamantalang uri; ang pakikibaka ng uri na nagdadala ng bagong lipunan, (sa nakaraang mga lipunan, ang uring ito ay laging kaiba sa pinagsamantalahang uri), at lumitaw laban sa mga pwersa ng lumang kaayusan.
5) Sa larangang pampulitika
Naharap sa ganitong krisis, kung saan ang nagharing uri ay hindi na kayang tiyakin ang kanyang pampulitikang kapangyarihan tulad ng dati, ang makinarya ng kaayusan, ang Estado, ang ultimong kristalisasyon ng mga interes ng lumang lipunan, ay pinalakas at pinalawak ang awtoridad sa lahat ng erya ng buhay panlipunan.
Sa unang bahagi ng artikulong ito pinakita natin paanong ang mga katangiang ito ay lumitaw sa katapusan ng lipunang alipin ng Romano at sa panahon ng dekadenteng pyudalismo. Pinakita natin paanong ang totalidad ng penomenang ito ang bumuo ng malinaw na manipestasyon ng pagbulusok-pababa ng lipunan.