Ang proletaryong pakikibaka sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo

Printer-friendly version
Sa kasalukuyang panahon ng muling paggising ng makauring pakikibaka, naharap ang proletaryado hindi lang sa bigat ng ideolohiya na direkta at kadalasan sadyang inilabas ng burgesya, kundi maging sa bigat ng mga tradisyon mula sa kanyang nakaraang mga karanasan. Para mapalaya ang sarili, kailangang absolutong malagom ng uring manggagawa ang mga karanasang ito. Ito lamang ang tanging paraan para maperpekto nito ang kailangang mga sandata sa mapagpasyang komprontasyon para wakasan ang kapitalismo. Sa kabilang banda, may peligro din na mapagkamalian ng proletaryado ang nakaraang karanasan sa patay na mga tradisyon; na mabigo nitong kilalanin ano ang nanatiling buhay, ano ang permanente at unibersal sa mga paraan ng nakaraang mga pakikibaka, mula sa mga aspetong malinaw na pag-aari ng nakaraan, sirkumstansyal at temporaryo.

Gaya ng parating binigyang-diin ni Marx, hindi pinalampas ng peligrong ito ang uring manggagawa sa kanyang panahon, sa ika-19 siglo. Sa isang lipunang nasa mabilis na ebolusyon, ang proletaryado sa matagal na panahon ay nabigatan sa mga lumang tradisyon ng kanyang pinagmulan: ang mga labi ng lipunang artisano, sa panahon ni Babeuf, sa kanyang pakikibaka laban sa pyudalismo kasama ang burgesya. Sa gayon ang mga tradisyong sektaryan, konspiratoryal o republikano sa panahong wala-pa ang 1848 ay patuloy na gumugulo sa Unang Internasyunal, na itinatag sa 1864. Sa kabilang banda, sa kabila ng nangyayaring mabilis na pagbabago, ang panahong ito ay nakalagay sa isang yugto ng buhay ng lipunan: ang pasulong na yugto ng kapitalistang moda ng produksyon. Ang buong yugtong ito ay nagpataw ng ispisipikong kondisyon sa pakikibaka ng uring manggagawa: ang posibilidad sa tagumpay ng tunay at matagalang kagalingan ng kondisyon ng pamumuhay mula sa masaganang kapitalismo, pero sa kabilang banda sa imposibilidad na durugin ang sistema dahil ito ay masagana.

Ang kaisahan ng ganitong balangkas ay nagbigay ng tuloy-tuloy na katangian sa iba't-ibang yugto ng kilusang manggagawa sa ika-19 siglo. Ang mga paraan at kagamitan sa makauring pakikibaka ay pinainam at nilubos sa progresibong paraan, sa partikular ang mga unyon bilang porma ng organisasyon. Sa bawat isa ng mga yugtong ito, ang mga pagkakatulad sa nagdaang yugto ay mas importante kaysa mga pagkakaiba. Sa ganitong mga kondisyon, ang kadenang-bola ng tradisyon ay hindi gaanong mabigat para sa mga manggagawa: sa pangkalahatan, ang nakaraan ay nagtuturo sa daraanan.

Subalit ang sitwasyong ito ay radikal na nagbago sa bukang-liwayway ng ika-20 siglo. Karamihan sa mga instrumentong nilikha ng uring manggagawa sa nagdaang mga dekada ay hindi na magagamit: lumalala pa, sila ay naging anti-manggagawa at naging mga sandata ng kapital. Totoo ito sa mga unyon, pangmasang mga partido, partisipasyon sa eleksyon at parlyamento. Ito ay dahil ang kapitalismo ay pumasok na sa ganap na kaibang yugto sa kanyang ebolusyon: ang kanyang dekadenteng yugto. Ngayon ang konteksto ng proletaryong pakikibaka ay lubusang natransporma: mula ngayon, wala ng kahulugan pa ang pakikibaka para sa progresibo at matagalang kagalingan sa loob ng lipunang ito. Hindi lang ang hirap na hirap na kapitalismo ay hindi na makapagbigay, kundi ang kanyang mga kombulsyon ay nagsimulang wasakin ang mga ganansyang nakuha ng proletaryado sa nakaraan. Kaharap ang naghihingalong sistema, ang tanging tunay na pakinabang ng proletaryado ay wasakin ang sistema.

Ang unang pandaigdigang digmaan ay hudyat ng paghiwalay ng dalawang yugto sa buhay ng kapitalismo. Ang mga rebolusyonaryo - at ito ang dahilan bakit sila mga rebolusyonaryo - ay nakaunawa na pumasok na ang sistema sa panahon ng kanyang pagbulusok-pababa. Inihayag ng Komunistang Internasyunal, sa kanyang plataporma sa 1919 na: "Isang bagong panahon ang isinilang. Ang panahon ng pagkaagnas ng kapitalismo, sa kanyang internal na pagkawasak. Ang panahon ng komunistang rebolusyon ng proletaryado."

Sa kabilang banda, mayorya sa mga rebolusyonaryo ay may grabeng marka pa sa mga tradisyon ng nakaraan. Sa kabila ng kanyang napakalaking kontribusyon, hindi nagawang dalhin ng Ikatlong Internasyunal ang mga implikasyon sa kanyang lohikal na kongklusyon. Sa harap ng pagkanulo ng mga unyon, hindi nanawagan ang Komunistang Internasyunal sa kanilang pagkawasak kundi sa kanilang rekonstruksyon. Bagama't iginiit nito na ang "parlyamentaryong mga reporma ay nawalan na ng praktikal na kabuluhan sa masang manggagawa" at ang "sentro-de-grabidad ng pampulitikang buhay ay lubusan at pundamental ng nasa labas ng parlyamento" (Mga tesis sa Ikalawang Kongreso), nanawagan pa rin ang KI sa partisipasyon sa institusyong ito. Sa gayon, may kadalubhasaan pero nakapanlulumong nakumpirma ang mga salita ni Marx sa 1852. Matapos magkagulo ang proletaryado nang pumutok ang imperyalistang digmaan, ang bigat ng nakaraan ay sa malaking bahagi responsable din sa kabiguan ng rebolusyonaryong alon na nagsimula sa 1917, at sa sumunod na kakila-kilabot na kontra-rebolusyon sa loob ng kalahating siglo.

Sagabal na sa nagdaang mga pakikibaka, "ang tradisyon ng patay na mga henerasyon" ay isa ng kaaway ng mga pakikibaka na mahirap talunin sa ating panahon. Para magtagumpay, nasa proletaryado ang pagpapasya na itapon ang walang silbing damit sa nakaraan at isuot ang damit na angkop sa mga pangangailangan sa kanyang pakikibaka sa "bagong panahon" ng kapitalismo. Dapat malinaw niyang maunawaan ang mga kaibahan na naghiwalay sa pasulong na yugto ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, sa usapin kapwa sa buhay ng kapital at sa mga layunin at paraan ng kanyang sariling pakikibaka.

Ang sumunod na teksto ay isang kontribusyon sa ganitong kaalaman. Bagama't inihayag ito sa hindi karaniwang paraan, tingin namin kailangang ipakita ang mga katangian ng dalawang yugto na magkatabi, para bigyang-diin kapwa ang umiiral na pagkakaisa sa loob ng dalawang yugto, at madalas signipikanteng mga kaibahan ng bawat isa ng dalawang yugto. (Ang mga katangian ng pasulong na yugto ay nasa kaliwang kolum ng bawat pahina, ang mga katangian ng pagbulusok-pababa ay nasa kanan).

Ascendancy of capitalism 
 Decadence of capitalism
 Ang bansa
Isa sa mga katangian ng ika-19 siglo ay ang pagbubuo ng mga bagong bansa (Alemanya, Italya...), o ang nangangalit na pakikibaka para mabuo sila (Poland, Hungarya...). Hindi ito aksidental kundi pagtugon sa tulak ng dinamikong kapitalistang ekonomiya na nakitang ang bansa ang pinaka-angkop na balangkas para sa kanyang pag-unlad. Sa panahong ito, ang pambansang kalayaan ay may tunay na kahulugan: direkta itong bahagi ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa at sa pagdurog sa mga imperyong pyudal (Rusya, Austria) na mga balwarte ng reaksyon.Sa ika-20 siglo, ang bansa bilang balangkas ay masyado ng makipot para kontrolin ang produktibong mga pwersa. Tulad ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon,  naging aktwal ito na bilangguan sa produktibong mga pwersa. Dagdag pa, ang pambansang kalayaan ay naging ilusyon sa sandaling naobliga ang bawat pambansang kapital dahil sa kanilang mga interes na isanib ang mga sarili sa iba't-ibang malalaking imperyalistang bloke, at sa gayon itinakwil ang kalayaang ito. Ang mga halimbawa ng tinatawag na ‘pambansang kalayaan' ng siglong ito ay ang isang bansa mula sa isang  dominadong teritoryo papunta sa iba.
 Pag-unlad ng bagong kapitalistang mga bahagi
Isa sa tipikal na penomena sa pasulong na yugto ng kapitalismo ay ang hindi patas na pag-unlad ng bawat bansa at ang partikular na istorikong mga kondisyon na sinagupa nila. Pinakita ng pinaka-maunlad na mga bansa ang daan pasulong sa ibang mga bansa , kung saan ang pagiging huli ay hindi malaking balakid. Kabaliktaran, ang huli ay may posibilidad na makahabol o malagpasan pa ang una. Ito ay sa katunayan, halos isang pangkalahatang patakaran: "Sa pangkalahatang konteksto ng ganitong kamangha-manghang pagsulong, ang paglago ng produksyong industriyal ng kinaukulang mga bansa ay nangyari sa sakdalang hindi patas na proporsyon. Nakita natin ang pinakamabagal na tantos ng pag-unlad sa industriyalisadong mga bansa sa Uropa na dati pinakaabante bago ang 1860. Naging triple ‘lang' ang produksyon sa Britanya, apat na beses ang produksyong Pranses, pero ang produksyon sa Alemanya ay tumaas ng pitong beses at ang produksyon sa Amerika sa 1913 ay labindalawang beses sa kanilang antas sa 1860. Lubusang binaliktad ng ganitong iba't-ibang tantos ng pag-unlad ang herarkiya ng kapangyarihang industriyal sa pagitan ng 1860 at 1913. Sa 1880, natalo ng USA ang Britanya bilang nangunguna sa pandaigdigang produksyon. Kasabay nito, nalagpasan ng Alemanya ang Pransya. Sa 1890 ang Britanya, nalagpasan ng Alemanya, ay nahulog sa ikatlong pwesto." (Fritz Sternberg, The Conflict of the Century).

Kasabay nito, isa pang bansa ang umakyat sa antas ng modernong industriyal na kapangyarihan: ang Hapon at Rusya ay dumaan sa proseso ng napakabilis na industriyalisasyon, pero ito ay sinakal ng kapitalismong pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto.

Ang kapasidad ng mas atrasadong mga bansa na makahabol sa ganitong paraan ay resulta ng sumusunod na mga salik:

1) Ang kanilang internal na merkado ay maraming mga posibilidad bilang labasan para umunlad ang industriyal na kapital. Ang pag-iral ng malawak at relatibong maunlad na di-pa-kapitalistang mga sektor (mga artisano, at higit sa lahat, ang agraryong sektor) ang bumubuo ng matabang lupa na mahalaga para sa paglago ng kapitalismo.

2) Ang paggamit nila ng proteksyunismo laban sa mas murang kalakal ng pinakamaunlad na mga bansa ay nagpahintulot sa kanila na pansamantalang mapreserba ang pamilihan para sa kanilang sariling pambansang produksyon sa loob ng kanilang prontera.

3) Sa pandaigdigang saklaw, umiiral pa ang malawak na ekstra-kapitalistang pamilihan, sa partikular sa kolonyal na mga bansa na nasa prosesong masakop. Tatanggapin ng mga ito ang ‘labis' na kalakal na ginawa sa industriyalisadong mga bansa.

4) Ang batas ng suplay at pangangailangan ay gumagalaw pabor sa tunay na pag-unlad ng di-masyado maunlad na mga bansa. Sa antas na, sa panahong ito, sa pandaigdigang antas, malaki ang pangangailangan kaysa suplay, ang presyo ng kalakal ay nakabatay sa mas mataas na gastusin sa produksyon, i.e. sa di-masyado maunlad na mga bansa. Nagawa ng kapital ng mga bansang ito na makakuha ng sapat na tubo para sa tunay na akumulasyon (habang ang pinakamaunlad na mga bansa ay kumuha ng super-tubo).

5) Sa pasulong na yugto, relatibong limitado ang gastusing militar at madaling mabayaran ng, at napagtubuan pa, ng maunlad na industriyalisadong mga bansa, sa partikular sa porma ng kolonyal na pananakop.

6) Sa ika-19 siglo, ang antas ng teknolohiya, bagama't kumakatawan ito ng konsiderableng pag-unlad kumpara sa nagdaang yugto, ay di nangangailangan ng napakalaking puhunan ng kapital.
  

Ang panahon ng dekadenteng kapitalismo ay kinatangian ng imposibilidad na lilitaw ang bagong industriyalisadong mga bansa. Ang mga bansa na hindi nakahabol dahil sa kawalan ng panahon bago ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sa dakong huli huminto sa ganap na di-pag-unlad, o nanatiling permanenteng atrasado kumpara sa mga bansang nasa itaas ng kastilyong buhangin. Ito ang nangyari sa malalaking bansa tulad ng India o China, kung saan ang 'pambansang kalayaan' o kahit ang kanilang tinatawag na 'rebolusyon' (pagtatayo ng marahas na porma ng kapitalismo ng estado) ay hindi sila pinahintulutang kumalas sa kawalang kaunlaran o kahirapan. Kahit ang USSR ay hindi nakaligtas sa patakarang ito. Ang kahindik-hindik na mga sakripisyong pinataw sa mga magsasaka at higit sa lahat sa uring manggagawa sa Rusya; ang malakihang paggamit sa halos libreng lakas-paggawa sa mga bilangguan; pagpaplano ng estado at monopolyo sa kalakalang panlabas - ang huli ay pinakita ng mga Trotskysita bilang ‘dakilang tagumpay ng uring manggagawa' at palatandaan ng 'abolisyon ng kapitalismo'; ang sistematikong pang-ekonomiyang pandarambong sa pananggalang na mga bansa  ng silangang Uropa - lahat ng mga hakbanging ito ay hindi sapat para makahabol ang USSR sa ganap na industriyalisadong mga bansa at palayain ang sarili sa mga pilat ng kawalang kaunlaran at pagkaatrasado (cf. ang artikulo sa krisis ng USSR sa isyung ito).

Ang imposibilidad na lilitaw ang bagong malaking kapitalistang mga bahagi sa panahong ito ay makita din sa katotohanan na ang anim na pinakamalaking industriyal na kapangyarihan ngayon (USA, Hapon, Rusya, Alemanya, Pransya, Britanya) ay nasa tuktok na ng punog-kahoy (bagama't sa magkaibang pagkahanay) sa bisperas ng unang digmaang pandaigdig.

Ang kawalang kapasidad ng di-maunlad na mga bansa na itaas ang sarili sa antas ng pinaka-maunlad na mga bansa ay maipaliwanag sa sumusunod na katotohanan:

1) Ang pamilihang kumakatawan sa ekstra-kapitalistang mga sektor sa industriyalisadong mga bansa ay lubusan ng nasaid dahil sa kapitalisasyon ng agrikultura at sa halos lubos na pagkawasak ng mga artisano.

2) Sa ika-20 siglo ang proteksyunistang mga patakaran ay isang lubos na kabiguan. Sa halip na magbigay-ginhawa sa di-masyadong maunlad na mga ekonomiya, sinasakal nila ang pambansang ekonomiya.

3) Said na ang ekstra-kapitalistang pamilihan sa pandaigdigang saklaw. Sa kabila ng napakalaking pangangailangan ng ikatlong daigdig, sa kabila ng kanyang lubusang kahirapan, ang mga ekonomiya na hindi nagawang maging industriyalisado ay hindi bumubuo ng isang pamilihan dahil ganap na itong nawasak.

4) Ang batas ng suplay at pangangailangan ay gumagalaw laban sa anumang pag-unlad ng bagong mga bansa. Sa mundo kung saan said na ang pamilihan, mas marami ang suplay kaysa pangangailangan at ang presyo ay nakabatay sa pinakamababang gastusin sa produksyon. Dahil dito, ang mga bansa na may pinakamataas na gastusin sa produksyon ay napilitang ibenta ang kanilang kalakal sa mababang tubo o kahit malugi. Tiniyak nito na napakababa ang kanilang tantos ng akumulasyon at, kahit pa sa napakamurang lakas-paggawa, hindi nila makuha ang puhunang kailangan para makabili ng modernong teknolohiya. Ang resulta nito ay ang look na naghiwalay sa kanila mula sa malaking industriyalisadong mga kapangyarihan ay lalo lamang lumalawak.

5) Sa mundo na naging permanente na ang digmaan, ang gastusing militar ay naging napakabigat na pasanin, kahit pa sa pinakamaunlad na mga bansa. Dinala nito ang mga di-maunlad na bansa sa ganap na pagkabangkarota.

6) Ngayon, ang modernong industriyal na produksyon ay nangangailangan ng walang katulad na mas sopistikadong teknolohiya kasya nagdaang siglo; nagkahulugan ito ng konsiderableng antas ng puhunan at tanging ang maunlad na mga bansa lamang ang may kakayahan nito. Kaya ang teknikal na mga salik ay istriktong nagpapalubha sa pang-ekonomiyang mga salik.
  
Mga relasyon sa pagitan ng estado at sibil na lipunan
Sa pasulong na yugto ng kapitalismo, may malinaw na paghihiwalay sa pagitan ng pulitika - larangan na nakareserba para sa mga ispesyalista na politiko - at ekonomiya, na nanatiling nasa kontrol ng kapital at pribadong mga kapitalista.

Sa panahong ito, ang estado, bagama't nasa itaas na ng lipunan, ay sa kalakhan dominado pa rin ng iba't-ibang grupo at paksyon ng kapital na pangunahing nagpahayag sa kanilang mga sarili sa lehislatibong bahagi ng estado. Malinaw na dominado pa rin ng lehislatura ang ehekutibo: ang parlyamentaryong sistema, representatibong demokrasya, ay mayroon pang realidad, at isang arena kung saan maaring magtagisan ang iba't-ibang grupo.

Dahil ang tungkulin ng estado ay panatilihin ang panlipunang kaayusan para sa interes ng kapitalistang sistema sa kabuuan at sa pangmatagalan, maaring ito ang panggalingan ng ilang mga reporma para sa manggagawa at laban sa marahas na pagmamalabis ng pagsasamantala na kailangan ng di-maampat na gana ng pribadong mga kapitalista (cf. ang '10-Hours Bill' sa Britanya, mga batas na naglimite sa paggawa ng kabataan, atbp).
Ang panahon ng dekadenteng kapitalismo ay kinatangian ng pagkontrol ng estado sa lipunan. Dahil dito, ang lehislatura, na ang inisyal na tungkulin ay katawanin ang lipunan, ay nawalan ng anumang kabuluhan sa harap ng ehekutibo, na nasa tuktok ng piramide ng estado.

Sa panahong ito, nagkaisa ang pulitika at ekonomiya: ang estado ang naging pangunahing pwersa sa pambansang ekonomiya, ang kanyang tunay na tagapangasiwa.

Kung gradwal man na integrasyon (ang haluang ekonomiya) o sa pamamagitan ng biglaang kontrol (ang ganap na estadipikadong ekonomiya), ang estado ay hindi na delegasyon ng mga kapitalista at iba't-ibang mga grupo: ito ay naging kolektibong kapitalista, pinapailalim ang lahat ng partikular na mga grupo sa kanyang patakarang bakal.

Ang estado, bilang na-realisang pagkakaisa ng pambansang kapital, ay pinagtanggol ang pambansang interes kapwa sa loob ng isang partikular na imperyalistang bloke at laban sa karibal na bloke. Dagdag pa, direkta itong nangasiwa para tiyakin ang pagsasamantala at supilin ang uring manggagawa.
  
Digmaan
Sa ika-19 siglo, ang digmaan ay may tungkulin na tiyaking ang bawat kapitalistang bansa ay may kaisahan at teritoryal na ekstensyong kailangan para sa kanyang pag-unlad. Sa ganitong punto, sa kabila ng dala nitong mga kalamidad, ito ang panahon ng progresibong katangian ng kapital.

Samakatwid, ang mga digmaan ay limitado sa dalawa o tatlong bansa at may sumusunod na katangian:

  • panandalian lamang sila;
  • hindi sila nauwi sa matinding destruksyon;
  • nagresulta sila ng panibagong bugso ng pag-unlad kapwa para sa nanalo at natalo.

Totoo ito, halimbawa sa mga digmaang Franco-German, Austro-Italian, Austro-Prussian, at Crimean.

Ang digmaang Franco-German ay tipikal ng ganitong klaseng digmaan:

  • ito ay mapagpasyang hakbang sa pagkabuo ng bansang Alemanya, i.e. sa paglikha ng batayan para sa kamangha-manghang pag-unlad ng produktibong mga pwersa at sa pagkabuo ng mahalagang sektor ng proletaryado sa Uropa (at maging sa buong mundo kung ikonsidera mo ang kanyang pampulitikang papel);
  • kasabay nito, ang digmaang ito ay di umabot ng isang taon, di masyado nakamamatay at, para sa natalong bansa, ay di talaga naging sagabal; matapos ang 1871, nagpatuloy sa industriyal na pag-unlad ang Pransya sa ilalim ng Ikalawang Imperyo at nakuha ang malaking bahagi ng kanyang pag-aaring kolonyal.

Hinggil sa mga digmaang kolonyal, ang kanilang layunin ay manakop ng bagong pamilihan at mga reserbang hilaw na materyales. Sila ay resulta ng paligsahan ng kapitalistang mga bansa na tinulak ng kanilang pangangailangang magpalawak, para hatiin ang bagong mga rehiyon sa mundo. Sa gayon, bahagi sila ng pagpalawak ng buong kapitalismo, ng pandaigdigang produktibong mga pwersa.

Sa panahon na hindi na usapin ang pagtatayo ng bago, mabubuhay na mga bansa, nang ang pormal na kalayaan ng bagong mga bansa ay sa esensya resulta ng mga relasyon sa pagitan ng malalaking imperyalistang mga kapangyarihan, ang mga digmaan ay hindi na mula sa pang-ekonomiyang nesisidad sa pagpapaunlad ng produktibong mga pwersa, kundi sa esensya pulitikal ang dahilan: ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga bloke. Wala ng 'pambansang' mga digmaan gaya ng sa ika-19 siglo: sila ay mga imperyalistang digmaan. Hindi na sila para sa pagpapalawak ng kapitalistang moda ng produksyon, kundi ekspresyon ng imposibilidad ng kanyang ekspansyon.

Hindi na sila naglalayong hatiin ang mundo, kundi muling hatiin ang daigdig sa sitwasyon na ang bloke ng mga bansa ay hindi na uunlad, kundi mapanatili lamang ang kanyang kapital sa direktang kapinsalaan ng karibal na bloke: ang ultimong resulta ay ang pagkawasak ng pandaigdigang kapital sa kabuuan.

Naging pangkalahatan na ang mga digmaan ngayon sa buong daigdig at nagbunga ng napakaraming antas ng destruksyon para sa buong pandaigdigang ekonomiya, papunta sa pangkalahatang barbarismo.

Gaya sa 1870, ang mga digmaan sa 1914 at 1939 sabong ng Pransya laban sa Alemanya, pero sapol agad ang mga pagkakaiba, at sa mga pagkakaibang ito makita ang pagbabago sa katangian ng mga digmaan mula sa ika-19 siglo hanggang sa ika-20 siglo:

  • agad-agad, tumama ang digmaan sa buong Uropa at kumalat sa buong mundo;
  • ito at total na digmaan na, sa maraming taon, pinakilos ang buong populasyon at ang pang-ekonomiyang makinarya ng nagdigmaang mga bansa, winasak ang ilang dekadang paggawa ng sangkatauhan, tinagpas ang ilampung milyong manggagawa, hinagis ang ilang daang milyong tao sa labis gutom.
Ang mga digmaan sa ika-20 siglo ay hindi'sakit ng kabataan' gaya ng sinasabi ng iba. Sila ay mga kombulsyon ng naghihingalong sistema.
 Mga krisis
Sa mundo ng di-patas na pag-unlad, sa di-patas na internal na pamilihan, ang mga krisis ay tanda ng di-patas na pag-unlad ng produktibong mga pwersa sa iba't-ibang bansa at iba't-ibang sangay ng produksyon.

Sila ay mga ekspresyon ng katotohanan na ang dating pamilihan ay nasaid at kailangan ang panibagong ekspansyon. Sa gayon, sila ay pasumpong-sumpong (kada 7-10 taon - ang panahon ng amortisasyon ng permanenteng kapital) at naresolba sa pagbubukas ng panibagong pamilihan.

Kaya mayroon silang sumusunod na katangian:

1) Biglaan silang puputok, sa pangkalahatan matapos bumagsak ang stock-market;

2) Panandalian lang sila (1-3 taon para sa pinakamalaki);

3) Hindi sila kumalat sa lahat ng mga bansa. Sa gayon,

  • sa krisis sa 1825 pangunahin sa Britanya at hindi nadamay ang Pransya at Alemanya;
  • pangunahin Amerika sa krisis sa 1830; nakaligtas na naman ang Pransya at Alemanya;
  • hindi nadamay ang Amerika sa krisis sa 1847 at mahina lamang ang epekto sa Alemanya;
  • halos hindi naapektohan ang Alemanya sa krisis sa 1866, at sa krisis sa 1873 ay nakaligtas ang Pransya.

Pagkatapos nito, ang halinhinang industriyal ay kumalat sa lahat ng maunlad na mga bansa pero ganun pa man, nakaligtas ang Amerika sa resesyon sa 1900-1903 at Pransya sa resesyon sa 1907. Sa kabilang banda, ang krisis sa 1913, na nauwi sa unang pandaigdigang digmaan, ay tumama sa bawat bansa.

4) Hindi sila kumalat sa lahat ng sangay ng industriya. Kaya,

  • sa esesnya ang industriya ng bulak ang natamaan sa mga krisis ng 1825 at 1836;
  • pagkatapos, bagama't apektado din ang industriya ng tela sa krisis, ang metalurhiya at perokaril ang matinding natamaan (partikular sa 1873). Dagdag pa, ilang mga sangay ay kadalasan nakaranas ng mayor na pag-unlad habang ang iba ay natamaan ng resesyon.

5) Nauwi sila sa panibagong yugto ng industriyal na pag-unlad (ang datos-ng-pag-unlad mula sa Sternberg sa itaas ay mahalaga sa puntong ito).

6) Hindi sila nagtulak ng kondisyon para sa isang pampulitikang krisis ng sistema, laluna para sa pagputok ng isang proletaryong rebolusyon. Sa huling puntong ito, bigyang diin natin ang pagkakamali ni Marx ng sinulat niya, matapos ang karanasan sa 1847-48, "Posible lamang ang panibagong rebolusyon matapos ang panibagong krisis. Pero pareho sila na hindi mapigilan" (Neue Rheinische Zeitung, 1850). Ang kanyang pagkakamali ay hindi ang pagkilala sa nesisidad ng isang krisis para maging posible ang rebolusyon, ni ang pahayag na may kasunod na panibagong krisis (ang krisis sa 1857 ay mas marahas pa kaysa 1847), kundi ang ideya na ang mga krisis sa panahong ito ay isa ng mortal na mga krisis ng sistema.

Kalaunan, malinaw na itinuwid ang kamaliang ito ni Marx, at dahil alam niya na ang obhetibong kondisyon para sa rebolusyon ay hindi pa hinog tinuligsa niya ang mga anarkista sa loob ng International Workingmen's Association, dahil nais ng huli na lagpasan ang kailangang mga yugto. Sa magkatulad na dahilan, sa 9 Septyembre 1870, binalaan niya ang mga manggagawa sa Paris laban sa "anumang pagtatangka na ibagsak ang bagong gobyerno... na isang desperadong kahibangan" (Second Address of the General Council of the IWA on the Franco-German War).

Ngayon, dapat kang maging anarkista o Bordigista para isipin na 'ang rebolusyon ay posible anumang oras' o ang materyal na kondisyon para sa rebolusyon ay umiral na sa 1848 o 1871.
Magmula sa pagpasok sa ika-20 siglo, ang pamilihan ay napag-isa at internasyunal na. Nawalan na ng kabuluhan ang internal na pamilihan (pangunahin dahil sa pagkawasak ng di-pa-kapitalistang mga sektor). Sa ganitong kondisyon, ang mga krisis ay manipestasyon, hindi sa pamilihan na temporaryong napakakipot, kundi ang kawalan ng posibilidad sa pandaigdigang ekspansyon ng pamilihan. Kaya pangkalahatan at permanente ang katangian ng mga krisis ngayon.

Ang partikular na mga relasyon ng ekonomiya ay hindi na nakabatay sa relasyon sa pagitan ng produktibong kapasidad at hugis ng pamilihan sa takdang panahon, kundi sa esensya sa pampulitikang mga dahilan: ang halinhinan ng digmaan-destruksyon-rekonstruksyon-krisis. Sa ganitong konteksto, hindi na sa problema ng amortisasyon ng kapital nakabatay ang tagal ng mga yugto ng ekonomikong pag-unlad, kundi, sa mataas na antas, sa antas ng pagkasira ng nagdaang digmaan. Sa gayon maunawaan natin na ang tagal ng ekspansyon batay sa rekonstruksyon ay dalawang beses ang tagal (17 taon) matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig kaysa una (7 taon).

Kaiba sa ika-16 siglo, na kinatangian ng 'laisser-faire', ang lawak ng resesyon sa ika-20 siglo ay nilimitahan sa pamamagitan ng artipisyal na mga hakbangin na pinatupad ng estado at ng kanyang mga institusyon sa pananaliksik, mga hakbanging naglalayong maantala ang pangkalahatang krisis. Ito ay aplikable sa lokalisadong mga digmaan, ang pag-unlad ng produksyon ng armas at ng ekonomiya ng digmaan, ang sistematikong pag-imprinta ng pera at pagbenta ng mga kredito, pangkalahatang pagkalubog sa utang - ang kabuuang lawak ng pampulitikang mga hakbangin na nagsisikap kumalas sa istriktong ekonomikong galaw ng kapitalismo.

Sa ganitong konteksto, ang mga krisis ng ika-20 siglo ay may sumusunod na katangian:

1) Hindi sila biglaang pumutok kundi umunlad sa progresibong paraan. Sa ganitong punto, sa simula ang krisis sa 1929 ay nagpakita ng ilang katangian sa mga krisis ng nagdaang siglo (biglaang pagbagsak matapos ang pagbagsak ng stock- market). Ito ay resulta hindi masyado sa ekonomikong kondisyon katulad sa nakaraan, kundi sa pagiging atrasado ng pampulitikang mga institusyon ng kapital, ang kanilang kawalan ng kapasidad na makahabol sa bagong ekonomikong kalagayan. Subalit kalaunan, ang malakihang interbensyon ng estado (ang New Deal sa USA, produksyon ng digmaan sa Alemanya, atbp...) ay nagpalawak sa mga epekto ng krisis ng isang dekada.

2) Nang magsimula na sila, magtagal sila sa mataas na panahon. Kaya, habang ang relasyon ng resesyon at prosperidad ay 1:4 sa ika-19 siglo (2 taon na krisis sa halinhinan na 10 taon), ang relasyon ng taas ng depresyon at taas ng pagbangon ay 2:1 sa ika-20 siglo. Sa pagitan ng 1914 at 1980, mayroong 10 taong pangkalahatang digmaan (hindi kasama ang permaneneteng lokalisadong mga digmaan), 32 taong depresyon (1918-22, 1929-39, 1945-50, 1967-80): kabuuang 42 taon na digmaan at krisis, laban sa 24 taon lang na rekonstruksyon (1922-29 at 1950-67). At ang halinhinan ng krisis ay hindi pa tapos...

Datapwa't sa ika-19 siglo ang ekonomikong makinarya ay muling pinaandar ng kanyang sariling pwersa pagkatapos ng krisis, ang mga krisis sa ika-20 siglo ay, mula sa punto-de-bista ng kapitalista, ay walang ibang solusyon kundi pangkalahatang digmaan. Ang mga krisis na ito ay ang nalalapit na kamatayan ng sistema. Tumindig sila, para sa proletaryado, sa pangangailangan at posibilidad ng komunistang rebolusyon. Ang ika-20 siglo ay "panahon ng mga digmaan at rebolusyon" tulad ng sinabi ng Komunistang Internasyunal sa kanyang kongreso ng pagtatatag.
 Makauring pakikibaka
Ang mga porma ng makauring pakikibaka sa ika-19 siglo ay binatay kapwa sa mga katangian ng kapital sa panahong ito at sa katangian mismo ng uring manggagawa.

1) Ang kapital sa ika-19 siglo ay kalat-kalat pa sa napakaraming mga kapital: halos di umiral ang mga paktorya na may mahigit 100 manggagawa, mas komon ang mga empresang semi-artisano. Sa ikalawang hati lamang sa ika-19 siglo na nakita natin, sa paglitaw ng perokaril, ang malakihang introduksyon ng makinarya, ang pagdami ng mga minahan, ang pag-unlad ng malakihang industriyang alam natin ngayon.

2) Sa ganitong kondisyon, nangyari ang kompetisyon sa pagitan ng malaking bilang ng mga kapitalista.

3) Dagdag pa, hindi pa maunlad ang teknolohiya. Isang di-sanay na pwersang paggawa, pangunahin galing sa kanayunan, ang bumubuo sa unang mga henerasyon ng manggagawa. Ang pinaka-kwalipikadong mga manggagawa ay ang mga artisano.

4) Ang pagsasamantala ay nakabatay sa absolutong labis na halaga: mataas na araw-paggawa, napakababang sahod.

5) Bawat kapitalista, bawat paktorya, ay direkta at hiwalay na hinarap ang pinagsamantalahang mga manggagawa. Walang organisadong pagkakaisa ng mga kapitalista: sa ikatlong kwarto lamang ng siglo lumitaw ang unyon ng mga kapitalista. Sa hiwa-hiwalay na bangayang ito, bihirang hindi mag-isip ang mga kapitalista sa kahirapan ng karibal na paktoryang natamaan ng industriyal na kaguluhan - samantalahin ang sitwasyon para maagaw ang mga kliyente ng karibal.

6) Ang estado, sa pangkalahatan, nanatiling nasa labas ng mga kaguluhang ito. Papasok lamang ito kung ang kaguluhan ay naging ‘banta sa pampublikong kaayusan'.

Sa uring manggagawa naman, maobserbahan natin ang sumusunod na katangian:

1) Tulad ng kapital, ito ay kalat-kalat. Ito ay uri na binubuo pa lang. Ang kanyang pinaka-militanteng sektor ay masyadong natali sa gawaing artisano at kaya malakas ang impluwensya ng korporatismo.

2) Sa pamilihang paggawa, ang batas ng suplay at pangangailangan ay direkta at lubusang gumagalaw. Sa panahon lamang ng mga yugto ng mabilisang ekspansyon ng produksyon, na nagbunga ng kakulangan ng mga manggagawa, ay epektibong malabanan ng mga manggagawa ang panghimasok ng kapital at makakuha ng substansyal na kagalingan sa sahod at kalagayan sa paggawa. Sa mga panahon ng pagsadsad, nawalan ng lakas ang mga manggagawa, nademoralisa at pinalampas ang ilan sa mga pakinabang na kanilang napanalunan. Ang ekspresyon ng ganitong penomenon ay ang katotohanan na ang pundasyon ng Una at Ikalawang mga Internasyunal - na nakitaan ng mataas na militansya ng uri - ay nangyari sa mga panahon ng ekonomikong kasaganaan (1864 sa IWA, 3 taon bago ang krisis sa 1867, 1889 sa Sosyalistang Internasyunal, sa bisperas ng krisis sa 1890-93).

3) Sa ika-19 siglo, ang emigrasyon ay isang solusyon sa kawalan ng trabaho at teribleng kahirapan na tumama sa proletaryado sa panahon ng halinhinang krisis. Ang posibilidad para sa importanteng mga sektor ng uri na pumunta sa bagong mundo kung ang kalagayan ng pamumuhay ay hindi na talaga kaya sa mga sentro ng kapital sa Uropa ang salik na pumigil sa halinhinang mga krisis na hahantong sa eksplosibong sitwasyon tulad ng Hunyo 1848.

4) Ang ganitong partikular na kondisyon ang nagtulak sa mga manggagawa na lumikha ng mga organisasyon para sa pang-ekonomiyang paglaban: ang mga unyon, na nagkahugis lamang sa lokal, propesyunal, ay limitado sa minorya ng mga manggagawa. Ang pangunahing porma ng pakikibaka - ang welga - ay partikularisado at pinaghandaan ng matagal, sa pangkalahatan ay naghihintay ng panahon ng kasaganaan bago harapin ang ganito o ganung sangay ng kapital, o kahit ang isang paktorya. Sa kabila ng mga ganitong limitasyon, ang mga unyon ay tunay pa rin na mga organo ng uring manggagawa, mahalaga hindi lang sa pang-ekonomiyang pakikibaka laban sa kapital, kundi bilang sentro ng buhay ng uri, paaralan ng pagkakaisa kung saan maunawaan ng mga manggagawa na bahagi sila sa komon na adhikain, bilang mga 'paaralan ng komunismo', kung gamitin ang salita ni Marx, na bukas sa rebolusyonaryong propaganda.

5) Sa ika-19 siglo, sa pangkalahatan ang mga welga ay matagal matapos; isa ito sa mga kondisyon ng kanilang epektibidad. Pinilit nila ang mga manggagawa n sumugal sa gutom; kaya kailangan na ihanda ang suportang pondo, ang 'caisses de resistance', at ang apela sa pinansyal na suporta mula sa ibang mga manggagawa. Ang katotohanan na ang ibang mga manggagawa ay nagtrabaho ay maaring positibong salik para sa mga manggagawa na nagwelga (sa pamamagitan ng pagbanta sa pamilihan ng kapitalistang sangkot sa kaguluhan, halimbawa).

6) Sa mga kondisyong ito, ang usaping pinansyal, materyal, pagtatayo ng organisasyon ay napakahalaga para maging epektibo ang pakikibaka ng mga manggagawa. Kadalasan prayoridad ang usaping ito kaysa tunay na pakinabang na posibleng maipanalo, at naging layunin na mismo (tulad ng pagbigay diin ni Marx, bilang sagot sa burgesya na hindi naintindihan bakit ang mga manggagawa ay maglaan ng mas malaking pera sa kanilang organisasyon kaysa maipanalo ng organisasyon sa kapital).

Ang makauring pakikibaka sa dekadenteng kapitalismo, sa punto-de-bista ng kapital, ay batay sa sumusunod na mga katangian:

1) Inabot ng kapital ang mataas na antas ng konsentrasyon at sentralisasyon.

2) Kumpara sa ika-19 siglo mahina ang kompetisyon sa punto-de-bista ng dami, pero mas matindi.

3) Mas maunlad ang teknolohiya. Mas kwalipikado ang pwersang paggawa: ang pinakasimpleng mga tungkulin ay ginagawa ng mga makina. May tuloy-tuloy na henerasyon ng uring manggagawa: maliit na bahagi lamang ng uri ang nagmula sa kanayunan, ang mayorya ay mga anak ng manggagawa.

4) Ang pangunahing batayan ng pagsasamantala ay pagkuha ng relatibong labis na halaga (pagpapabilis at pagpalaki ng produktibidad).

5) Laban sa uring manggagawa, mas mataas ang antas ng pagkakaisa at pagbubuklod ng mga kapitalista kaysa noon. Lumikha ang mga kapitalista ng ispisipikong mga organisasyon para hindi nila harapin ang uring manggagawa ng paisa-isa.

6) Direktang nanghimasok ang estado sa panlipunang labanan bilang kapitalista mismo o bilang ‘tagapamagitan', i.e. isang elemento ng kontrol kapwa sa antas ng pang-ekonomiya at pampulitikang labanan, para makontrol ang mga labanan sa loob ng ‘katanggap-tanggap' na mga hangganan, o para supilin sila.

Mula sa punto-de-bista ng manggagawa, makilala natin ang sumusunod na katangian:

1) Ang uring manggagawa ay nagkakaisa at kwalipikado sa intelektwal na antas. Malayo na ang kaugnayan nito sa gawaing artisano. Ang mga sentro ng militansya ay makita sa malalaking modernong mga paktorya at ang pangkalahatang tendensya na lalagpas ang pakikibaka sa korporatismo.

2) Kaiba sa nagdaang panahon, ang malalaking mapagpasyang pakikibaka ay pumutok at umunlad nang ang lipunan ay nasa krisis (ang mga rebolusyon sa 1905 at 1917 sa Rusya ay lumitaw sa panahon ng matinding krisis bilang digmaan; ang dakilang internasyunal na alon sa pagitan ng 1917 at 1923 ay nangyari sa panahon ng mga kombulsyon - unang digmaan, pagkatapos ng pang-ekonomiyang krisis - naglaho lamang sa pang-ekonomiyang pagbangon ng rekonstruksyon). Kaya, kaiba sa dalawang nagdaang Internasyunal, ang Komunistang Internasyunal ay itinatag, sa 1919, sa panahon na napakatindi ang krisis, na nagbunga ng makapangyarihang pagsulong ng makauring militansya.

3) Ang penomena ng ekonomikong emigrasyon sa ika-20 siglo, laluna matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay hindi, sa kanilang pinagmulan man o sa kanilang implikasyon, makumpara sa malalaking alon ng emigrasyon sa nagdaang siglo. Pinakita nila hindi ang istorikong ekspansyon ng kapital papunta sa bagong mga teritoryo, kundi ang imposibilidad ng pang-ekonomiyang pag-unlad sa dating mga kolonya; ang mga manggagawa at magsasaka sa mga dating kolonya ay napilitang umalis mula sa kanilang kahirapan papunta sa mga sentrong kapitalistang bansa kung saan iniwanan ng mga manggagawa sa nakaraan. Hindi sila nagbibigay ginhawa kung ang sistema ay pumasok na sa malalang krisis. Nang matapos ang rekonstruksyon, hindi na sagot ang emigrasyon sa problema ng kawalan ng trabaho, na tumama sa maunlad na mga bansa gaya ng nangyari sa di-maunlad na mga bansa sa nakaraan. Pinilit ng krisis ang uring manggagawa na sumandal sa pader at wala ng daan para makatakas.

4) Ang imposibilidad ng matagalang kagalingan na napanalunan ng uring manggagawa ay katumbas ng imposibilidad na panatilihin ang ispisipiko, permanenteng mga organisasyon batay sa pagtatanggol sa kanyang pang-ekonomiyang interes. Nawala na sa mga unyon ang tungkulin kung saan sila nilikha. Hindi na sila mga organo ng uri, at lalunang hindi na mga 'paaralan ng Komunismo', muli silang pinalakas ng kapital at isinanib sa estado, isang penomenong pinadali ng pangkalahatang tendensya ng estado na kontrolin ang buong lipunan.

5) Ang proletaryong pakikibaka ay nilagpasan ang istriktong ekonomikong kategorya at naging isang panlipunang pakikibaka, direktang kinumpronta ang etsado, naging pulitikal mismo at nangangailangan ng partisipasyon ng buong uri. Ito ang binigyang diin ni Rosa Luxemburg matapos ang unang rebolusyon sa Rusya, sa kanyang pampletong Mass Strike. Ganun din ang ideya na nasa pormula ni Lenin: "Sa likod ng bawat welga nakatago ang hydra ng rebolusyon".

6) Ang tipo ng pakikibaka na nangyari sa panahon ng pagbulusok-pababa ay hindi maaring paghandaan sa organisasyunal na antas. Ang mga pakikibaka ay ispontanyong puputok at kakalat. Mas nangyayari sila sa lokal, teritoryal na antas kaysa antas propesyunal; ang kanilang ebolusyon ay pahalang sa halip na patindig. Ito ang mga katangian na mangyayari sa rebolusyonaryong komprontasyon, kung saan hindi lang propesyunal na kategorya o mga manggagawa sa ganito o ganung mga manggagawa ang kumikilos kundi ang uring manggagawa sa kabuuan sa lawak ng isang geo-pulitikal na bahagi (ang probinsya, ang bansa).

Magkahalintulad, hindi na maaring maunang paghandaan ng uring manggagawa ang materyal na mga pangangailangan ng pakikibaka. Sa pagkakaorganisa ng kapitalismo ngayon, ang tagal ng welga ay sa pangkalahatan hindi na epektibong sandata (ang buong mga kapitalista ay maaring tulungan ang apektado). Sa ganitong punto, ang tagumpay ng isang welga ay hindi na nakaasa sa pinansyal na pondong nakolekta mula sa mga manggagawa, kundi ang mahalaga ay ang kanilang kakayahang palawakin ang pakikibaka: ang paglawak lamang nito ang magbibigay banta sa buong pambansang kapital.

Sa kasalukuyang yugto, ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa pakikibaka ay hindi na usapin ng pinansyal na suporta mula sa ibang mga sektor ng mga manggagawa (ito ay artipisyal na pagkakaisa na madaling dadalhin ng mga unyon para ilihis ang mga manggagawa mula sa kanilang tunay na paraan ng pakikibaka). Ang mahalaga ay ang ibang mga sektor ay sasama sa pakikibaka.

7) Gaya ng ang organisasyon ng pakikibaka ay hindi mauuna sa pakikibaka kundi lilitaw mula dito, ganun din ang pagtatanggol-sa-sarili ng mga manggagawa, ang pag-armas sa proletaryado ay hindi maaring maunang paghandaan sa pamamagitan ng pagtago ng ilang armas sa mga kisame, tulad gaya ng iniisip ng mga grupong tulad ng Groupe Communiste International. Ito ay mga yugto ng proseso na hindi maabot kung hindi matapos ang nauunang mga yugto.
  
Papel ng rebolusyonaryong organisasyon
Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo na nilikha ng uri at ng kanyang mga pakikibaka, ay isang minoryang organisasyon na binuo batay sa isang programa.

Ang kanyang mga tungkulin ay:

  • teoretikal na elaborasyon sa kritik sa kapitalistang mundo;
  • elaborasyon ng programa, ang ultimong mga layunin ng makauring pakikibaka;
  • ipalaganap ang programa sa loob ng uri;
  • aktibong partisipasyon sa lahat ng mga yugto ng kagyat na pakikibaka ng uri, sa kanyang pagtatanggol-sa-sarili laban sa kapitalistang pagsasamantala.

Kaugnay sa panghuling punto, sa ika-19 siglo ang rebolusyonaryong organisasyon ay may tungkuling simulan at organisahin ang nagkakaisang pang-ekonomiyang mga organo ng uri, sa batayan ng isang depinidong umuusbong na antas ng organisasyon na nilikha sa nagdaang mga pakikibaka.

Dahil sa tungkuling ito, at sa konteksto ng yugto - ang posibilidad ng mga reporma at ang tendensya ng paglaganap ng repormistang mga ilusyon sa loob ng uri - ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo (ang mga partido ng Ikalawang Internasyunal) ay nahawa mismo sa repormismo, kung saan ipinagpalit ang ultimong rebolusyonaryong layunin sa kagyat na mga reporma. Nauwi ito sa pangangasiwa at pagpapaunlad sa pang-ekonomiyang mga organisasyon (mga unyon) bilang halos nag-iisang tungkulin (nakilala ito bilang ekonomismo).

Minorya lamang sa loob ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang tumutol sa ganitong ebolusyon at pinagtanggol ang integridad ng istorikong programa ng sosyalistang rebolusyon. Subalit, kasabay nito, isang bahagi ng minoryang ito, bilang reaksyon sa pag-unlad ng repormismo, ay nagpaunlad ng pananaw na salungat sa proletaryado. Ayon sa ganitong pananaw, ang partido lamang ang pinagmulan ng kamulatan, ang may-ari ng yari na na programa; sinunod ang iskema ng burgesya at ng kanyang mga partido, pinaniwalaan na ang tungkulin ng partido ay ‘representante' ng uri na may karapatan na magdesisyon para sa uri, laluna ang pag-agaw ng kapangyarihan. Ang ganitong pananaw, na tinatawag natin na halili-ismo, bagama't nahawa ang mayorya ng rebolusyonaryong kaliwa sa loob ng Ikalawang Internasyunal, ay may pangunahing teoretisyan na si Lenin (What is To Be Done? at One Step Forward, Two Steps Back).

Sa panahon ng pagbulusok-pababa, inalagaan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang pangkalahatang katangian sa nagdaang yugto, na may dagdag na salik na ang pagtatanggol ng proletaryado sa kanyang kagyat na interes ay hindi na hiwalay sa ultimong layunin na ngayon ay nakalagay na sa istorikal agenda.

Sa kabilang banda, dahil sa huling punto, hindi na papel nito na organisahin ang uri: ito ay gawain mismo ng uri sa pakikibaka, patungo sa panibagong tipo ng organisasyon na kapwa ekonomiko - isang organisasyon sa kagyat na paglaban at pagtatanggol - at pulitikal, binibihasa ang sarili tungo sa pag-agaw ng kapangyarihan. Ang ganitong tipo ng organisasyon ay ang mga konseho ng manggagawa.

Tanging sa paghawak sa lumang islogan ng kilusang manggagawa: "ang kalayaan ng mga manggagawa ay tungkulin ng mga manggagawa mismo", malabanan ng rebolusyonaryong organisasyon ang lahat ng halili-istang pananaw bilang batayan ng burges na pananaw sa rebolusyon. Bilang organisasyon, hindi tungkulin ng rebolusyonaryong minorya na gumawa ng isang plataporma ng kagyat na mga kahilingan para maunang pakilusin ang uri. Sa kabilang banda kailangang ipakita nito na siya ang pinaka-determinadong kalahok sa pakikibaka, ipaliwanag ang pangkalahatang oryentasyon ng pakikibaka at kondenahin ang mga ahente at ideolohiya ng burgesya sa loob ng uri. Sa panahon ng pakikibaka diinan nito ang pagpalawak, ang tanging daan tungo sa hindi maiwasang pagrurok ng kilusan: ang rebolusyon. Hindi ito tagamasid o tagadala ng tubig.

Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay naglalayong pasiglahin ang paglitaw ng mga sirkulo o grupo ng manggagawa at lumahok sa loob nito. Para magawa ito, kailangang kilalanin na sila ay temporaryo, di-pa hinog na mga porma, kung saan, sa kawalan ng anumang posibilidad na likhain ang mga unyon, ay tugon sa tunay na pangangailangan ng uri para sa muling pag-organisa at diskusyon habang hindi pa handa ang proletaryado na likhain ang kanyang ganap-na-porma na nagkakaisang organo, ang mga konseho.

Batay sa katangian ng mga sirkulong ito, kailangang labanan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang anumang pagtatangkang itayo sa artipisyal na paraan, laban sa anumang ideya na gawin silang tulay-ng-transmisyon ng mga partido, laban sa anumang pananaw na sila ay binhi ng mga konseho o iba pang politiko-ekonomikong mga organo. Ang lahat ng ganitong pananaw ay makaparalisa lamang sa pag-unlad ng proseso sa pagkahinog ng makauring kamulatan at sa nagkakaisang sariling organisasyon. May kabuluhan lang ang mga sirkulong ito, magampanan lamang ang kanilang importanteng transisyunal na tungkulin, kung iwasan nilang gumawa ng di-luto na mga plataporma, kung manatili silang isang pulungan na bukas sa lahat ng manggagawa na interesado sa mga problemang kinaharap ng kanilang uri.

Panghuli, sa napakabihirang sitwasyon kung saan ay nagkawatak-watak ang mga rebolusyonaryo, kasunod ng yugto ng kontra-rebolusyon na nagpabigat sa proletaryado sa loob ng kalahating siglo, ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay may tungkuling aktibong kumilos sa pagpapaunlad ng isang pampulitikang kapaligiran sa internasyunal na antas, sa pagpapasigla ng mga debate at diskusyon na bubukas sa proseso tungo sa pagtatayo ng internasyunal na partido ng uri.
 

Ang pinakamalalim na kontra-rebolusyon sa kasaysayan ng kilusang manggagawa ay isang teribleng pagsubok para sa organisasyon ng mga rebolusyonaryo mismo. Ang nakaligtas lamang na mga tunguhin ay yaong, sa harap ng bagyo at tentasyon, nakaalam paano i-preserba ang pundamental na mga prinsipyo ng komunistang programa. Sa kabilang banda ang aktitud na ganito, na napakahalaga, ang ganitong kawalang tiwala sa lahat ng mga ‘bagong pananaw' sa pangkalahatan, ay naging behikulo para iwanan ang makauring tereyn sa ilalim ng matagaumpay na burges na ideolohiya - ang naturang mga aktitud ay nakaapekto para mapigilan ang mga rebolusyonaryo na maintindihan ang lahat ng mga implikasyon sa mga pagbabagong naganap sa buhay ng kapital at sa pakikibaka ng uring manggaga. Ang pinakamalaking misrepresentasyon ng ganitong penomenon ay ang pananaw na ang makauring mga posisyon ay ‘hindi nagbabago', na ang komunistang programa, na diumano lumitaw ng ‘buong-buo' sa 1848, ay ‘hindi kailangang baguhin ang tuldok o kuwit'.

Habang kailangang palaging magbantay laban sa mga modernistang pananaw na kadalasan ay walang ginawa kundi ipalaganap ang lumang kagamitan sa panibagong pakete, ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay kailangan, kung nais nitong magampanan ang mga tungkuling iniatang sa kanya ng uri, ay ipakita ang sarili na may kapasidad na maunawaan ang mga pagbabago sa buhay ng lipunan at ang mga implikasyon nito sa pagkilos ng uri at sa kanyang komunistang taliba.

Ngayon na ang lahat ng mga bansa ay nagpapakita na reaksyonaryo, ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay kailangang labanan ang anumang ideya na suportahan ang tinatawag na mga kilusan para sa ‘pambansang kalayaan'. Ngayon na ang lahat ng mga digmaan ay may imperyalistang katangian, kailangang kondenahin nito ang anumang ideya sa partisipasyon sa mga digmaan ngayon, sa anumang kadahilanan. Ngayon na ang lipunang sibil ay nasanib na sa estado, ngayon na ang kapitalismo ay hindi na makabigay ng anumang tunay na mga reporma, kailangang labanan nito ang anumang partisipasyon sa parlyamento at moro-morong eleksyon.

Sa lahat ng panibagong pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitikang mga kondisyon na kinaharap ng makauring pakikibaka ngayon, kailangang labanan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang anumang ilusyon sa uri hinggil sa muling pagbubuhay sa organisasyon na hadlang na sa pakikibaka - ang mga unyon. Kailangang igiit nito ang mga paraan ng pakikibaka at porma ng organisasyon na lumitaw sa karanasan ng uri sa panahon ng unang rebolusyonaryong alon sa siglong ito: ang pangmasang welga, ang mga pangkalahatang asembliya, ang pagkakaisa ng pulitikal at ekonomiko, ang mga konseho ng manggagawa.

Panghuli, kung tunay siyang gagampan ng kanyang papel sa pagpasigla ng pakikibaka, sa pagbibigay oryentasyon nito tungo sa kanyang rebolusyonaryong kongklusyon, kailangang bitawan ng komunistang organisasyon ang mga tungkuling hindi na para sa kanya - ang mga tungkuling ‘organisahin' o ‘katawanin' ang uri.

Ang mga rebolusyonaryong nagkukunwari na ‘walang nagbago magmula sa nakaraang siglo'tila nais ang proletaryado ay maging tulad ni Babine, isang tauhan sa kwento ni Tolstoy. Bawat bagong makasalubong ni Babine, uulitin niya sa kanila ang kanyang sinabi sa huling taong nakasalubong niya. Kaya binubugbog siya sa maraming pagkakataon. Sa mananampalataya sa simbahan, ginamit niya ang mga salita para sa Dimonyo; nagsasalita siya sa uso na parang nakipag-usap siya sa isang ermitanyo. At ang walang swerteng si Babine ay binayaran ang kanyang kagaguhan ng kanyang buhay.

Ang kahulugan ng mga posisyon at papel ng mga rebolusyonaryo na sinasabi natin dito ay hindi ‘pag-iwan' o ‘rebisyon' sa marxismo. Kabaliktaran, nakabatay ito sa tunay na pagiging tapat sa esensya ng marxismo. Ang kapasidad na ito sa pag-unawa - laban sa mga ideya ng mga Menshevik - sa bagong mga kondisyon sa pakikibaka at ng kanilang implikasyon sa programa ang dahilan na aktibo at mapagpasyang nakaambag si Lenin at ang mga Bolsheviks sa rebolusyong Oktubre sa 1917.

Ganun din ang rebolusyonaryong paninindigan ni Rosa Luxemburg ng sumulat siya sa 1906 laban sa ‘tradisyunal'  na mga elemento sa kanyang partido:

"Kung, bilang resulta, kailangang pundemental na rebisahin ng rebolusyong Ruso ang lumang paninindigan ng marxismo sa usapin ng pangmasang welga, ang marxismo pa rin batay sa kanyang pangkalahatang metodolohiya at punto-de-bista dahil doon, sa panibagong porma, ang nagtamasa sa tagumpay." (The Mass Strike)