Tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri

Krisis ng kapitalismo at ang tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri

Habang tumitindi ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa kabila ng “pagkakaisa” ng buong internasyonal na burgesya na isalba ito, tumitindi naman ang kompetisyon ng iba’t-ibang paksyon ng naghaharing uri sa Pilipinas para sa 2010 eleksyon. Tumitindi ngayon ang demolition jobs kapwa ng administrasyon at oposisyon laban sa kanilang mga karibal. Mga “paninira” na may bahid ng katotohanan. Ang kasinungalingan lang sa mga ito ay ang pagmamalinis ng mga “naninira”. Lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay napakalaki ang kasalanan sa masang pinagsamantalahan. Mga kasalanan na hindi maaring kalimutan o isantabi sa pamamagitan ng “taktikang pakikipag-alyansa sa isang paksyon”. Mga kasalanan na ang tanging tugon ng uri ay ideklara sa harap ng publiko na mortal na kaaway nito ang lahat ng mga paksyon ng burgesya – Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon.

 

Subscribe to RSS - Tunggalian ng mga paksyon ng naghaharing uri