Malawakang pakikibaka, sagot sa malawakang krisis ng kapitalismo

Bersyon na maaaring i-print

Tulad ngsinabi namin sa aming ‘Pambansang Kalagayan sa 2008', lalupang lalala angkrisis ng pandaigdigang kapitalismo ngayong 2009. Katunayan, mabilis na itongnaramdaman ng manggagawang Pilipino pagpasok pa lang ng buwan ng Enero.Kabi-kabila na ang tanggalan ng mga manggagawa laluna sa export processingzones mula Clark, Subic, Cavite, Laguna, Baguio hanggang Cebu sa buwan ngEnero. Bukod sa libu-libong nawalan ng trabaho, ang may trabaho ay nagdurusangayon ng job rotation at reduction ng working day na walang ibig sabihin kundipagbawas ng kanilang kita. Hindi pa kasama dito ang umiinit pa lang natanggalan ng OFWs sa ibang mga bansa.

Ang tanggalanat iba pang atake ng kapital gaya ng workrotation at wage reduction ay titindi pa sa susunod na mga buwan.

Lahat ng mgapaksyon ng burgesya (Kanan at Kaliwa) ay naalarma at nabahala na babagsak angbulok na sistema sa pamamagitan ng pag-alsa ng naghihirap na masang manggagawa.Kaya naman lahat ng paksyon ng uring mapagsamantala ay nagtutulungan paramaisalba ang naghihingalong pambansang kapitalismo.

Sa entabaladong naghaharing uri, inaaliw nito ang masa sa isang maaksyong drama sa gitna ngkrisis kung saan ang kontra-bida ay ang nagharing paksyon (rehimeng Arroyo) atang bida ay ang oposisyon. Sa maaksyong dramang ito, nais itago ng director atscriptwriter (uring kapitalista) ang tunay na kalagayan ng krisis at ang tamanglandas na kailangang tahakin ng masang api. Nais ng naghaharing uri na manonodlamang at papalakpak ang uring manggagawa at masang maralita sa kanilang nakakabagotna palabas.

Ang tamangbalangkas sa pagsusuri sa krisis at paghahanap ng solusyon ay ang PANDAIGDIGANGBALANGKAS. Sa panahon ng imperyalistang katangian ng kapitalismo, LAHAT ngpambansang ekonomiya ay mahigpit na magkaugnay at natali sa pandaigdigangpamilihan. Ang anumang pananaw o konsepto na salungat dito ay naghahasik lamangng mistipikasyon at ilusyon sa hanay ng masang pinagsamantalahan.

Ugat ng kasalukuyang krisis

Ang ugat ngkasalukuyang krisis ay ang krisis sa sobrang produksyon na nagsimula 40 taon naang nakaraan. Ang krisis ngayon ay akumulasyon lamang ng mga krisis nanagsimula pa noong huling bahagi ng 1960s. Hindi ito krisis na nagsimula ngipatupad ang polisiyang "globalisasyon" noong unang bahagi ng 1990s.

Mabilis nakumikipot ang pandaigdigang pamilihan sa kompetisyon ng mga pambansang kapitalmatapos ang reconstruction boom pagkatapos ng WW II. Pinagagalaw lamang angpandaigdigang ekonomiya dahil sa paglikha ng burgesya ng artipisyal napamilihan - pagpapautang sa mga atrasadong bansa para bilhin ang sobrangproduksyon mula sa Kanluran. Kung hindi dahil sa utang, matagal ng bumagsak angmga ekonomiya ng mga bansa sa ikatlong daigdig. Ang pagpapautang atpangungutang ang "solusyon" ng burgesya sa krisis sa sobrang produksyon nasumabog sa huling bahagi ng 1960s.

Angkasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapital ay sinindihan ng krisis pinansyal- ang pagkalubog sa utang hindi lang ng mga bansa sa ikatlong daigdig kundi,higit sa lahat, sa mga bansa din sa Unang daigdig sa pangunguna ngimperyalistang USA.

Angpambansang ekonomiya sa Pilipinas ay pangunahing nabubuhay sa pangungutang.Babagsak ang ekonomiya ng bansa kung hindi ito mangungutang. Ang kaibahanngayon, ang mga bansang uutangan nito - USA, Japan, Uropa - aydumaranas ng resesyon at lubog din sa utang. Ang dati numero unong nagpapautangna Amerika noon ay numerounong may malaking utang na ngayon.

Nagkaroon ngkrisis sa sobrang produksyon dahil said na ang internasyunal na pamilihan. Saidna ito dahil nasakop na ng kapitalismo ang buong mundo magmula ng pumutok angWW I. Hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo ang labis-labis naproduktong naiipon ngayon sa pamilihan sa panahon ng imperyalismo o dekadentengkapitalismo. Dalawa ang dahilan nito:

Una, dahilkalikasan ng kapitalismo na magkaroon lamang ng sahod ang uring lumilikha ngprodukto - manggagawa - kung lilikha ito ng labis na halaga. Ibig sabihin, nglabis na produktong lampas pa sa halaga ng sahod nito. Ang labis na halaga angpinagmulan ng tubo ng uring kapitalista. Kung walang labis na halaga, walangtubo. Kung walang tubo, wasak ang kapitalismo.

Ikalawa,dahil sa tumitinding kompetisyon (na katangian din ng sistema) para sa pandaigdigangpamilihan, naobliga ang mga kapitalista at bawat pambansang kapital na baratinang sahod ng manggagawa habang pinipiga ang kanilang lakas-paggawa na lumikhang maksimum na labis na halaga. Sa ganitong paraan lamang - mas murang halagang produkto dahil mas mura ang sahod at mas mataas na antas ng teknolohiya -mabibili ang produkto ng isang bansa sa pandaigdigang pamilihan.

Angdiyalektikal na relasyon ng dalawang salik sa itaas ang nagpatindi sa krisis sasobrang produksyon sa kasalukuyan.

Solusyon ng burgesya sa kanyang krisis

Walang bagongsolusyon ang uring kapitalista sa kanyang krisis. Ang kasalukuyang solusyonnito ay ginawa na niya sa loob ng 40 taon. At ito pa rin ang resulta - masmatinding krisis.

Pangungutangat pagpapalaki ng public spending ang paraan ng burgesya ngayon para daw isalbaang naghihingalong sistema. Ang bail-out at stimulus package na ginagawa ngAmerika at iba pang mga bansa na lugmok sa krisis ay walang kaibahan sa esensyasa ginagawa nito noong 1930s. Wala itong ibang ibubunga kundi lalong kahirapansa mamamayan dahil ang huli ang papasan sa bailout at stimulus package nakukunin sa pangungutang at buhis. Ang paglaki ng public spending (di-produktibodahil di magkamal ng tubo) ng estado ay magbunga lamang ng malaking problema sakapitalistang gobyerno.

Ito ngayonang ginagawa ng rehimeng Arroyo - "patrabaho ni Pangulong Gloria", loans/tulongpinansyal at retraining sa natanggal na manggagawa, tax rebate, paghahanap ngmga bansang tatanggap pa ng OFWs sa mas murang sahod, at higit sa lahat,paghahanap ng mauutangan. Pero dahil atrasado ang ekonomiya ng bansa, masmahirap para sa Pilipinas na gawin ang ginagawa ng abanteng mga bansa parasubukang isalba ang naghihingalong sistema. Ang kalagayan kasi ngayon:nagsimula ang krisis sa makapangyarihang mga bansa, isang malinaw namanipestasyon na ang kinabukasan nito ay ang naranasang ibayong kahirapan saikatlong daigdig at hindi ang kabaliktaran - na ang ikatlong daigdig aymakahabol sa antas ng unang daigdig.

Ganito dinang kahilingan ng Kaliwa - bail-out ng gobyerno sa mga manggagawa at pambansangindustriyalisasyon. Nilagyan lamang ito ng "radikal" na lenggwahe dahil nasaoposisyon sila. Sa madaling salita, ang kapitalistang estado ang dapat maging"tagapagligtas" ng naghihirap na masa sa gitna ng krisis ng sistemangpinagtatanggol nito. Ganito rin ang esensya ng New Deal ni Roosevelt, ngNazismo ni Hitler, ng Pasismo ni Mussololini, ng Stalinismo ni Stalin, ngwelfare states ng Kanluran noong Cold War at ng diktadurang Marcos sa 1970s.

Hinihilingdin ng Kaliwa na huwag bayaran ng estado ang kanyang utang o kaya ay bawasanang nakalaang pondo para sa pagbayad ng utang. Sa halip, dapat daw gamitin angmas malaking bahagi ng perang malilikom para "tulungan" ang masang api. Hinihilingdin nila na bigyan ng estado ng tulong pinansyal ang mga natanggal sa trabahohangga't hindi pa sila nakahanap ng panibago. Kinopya nila ito sa "welfarestate" ng Kanluran noong panahon ng "Cold War". "Welfare state" na mabilis nanaglaho sa Kanluran dahil sa krisis. Nais din nila na buhisan ng mas malaki angmga mayayaman na matagal ng ginagawa ng ilang mga bansa sa Kanluran.

Ibig sabihin,nais ng Kaliwa na maging katanggap-tanggap sa masa ang mga sakripisyo atmakayanan ng huli na tiisin ang pagpasan sa krisis ng kapitalismo. Angmistipikasyon ng Kaliwa sa hanay ng uri ay "dapat lahat magsakripisyo hindilang tayo" para maligtas ang sistema.

May kapasidad pa ba ang pambansang kapitalismona resolbahin ang krisis nito?

Angpagkakahalintulad ng linya ng naghaharing paksyon at Kaliwa sa Pilipinas aywalang kaibahan sa ginagawa na ngayon ng mga makapangyarihang imperyalistangbansa sa pangunguna ng USA - palakasinang kontrol ng estado sa ekonomiya at panawagan ng pambansang pagkakaisa paraisalba ang kapitalismo.

Isangmalaking kasinungalingan ang linya na "maaring malagpasan ng Pilipinas angkrisis kung hindi ito mangungutang at hindi palakihin ang koleksyon ng buhis samasang mahihirap". Sa loob ng 40 taon, gumagalaw lamang ang ekonomiya ng mundosa pamamagitan ng pagpapautang at pangungutang dahil TANGING sa ganitong paraanlamang hindi babagsak ang bulok na pandaigdigang sistema. Sa loob ng apat nadekada iba't-ibang gimik ng pagbubuhis ang ginagawa ng mga estado para mapalakiang pondo nito.

Higit sa lahat,walang akumulasyon ng kapital ang kapitalismo sa Pilipinas kung hindi itomakaungos sa mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Kailangang mas mura angproduktong pang-eksport ng bansa kaysa kanyang mga karibal na lugmok din sakrisis. Wala itong ibang ibig sabihin kundi, pipigain ang lakas-paggawa ngproletaryong Pilipino para makakuha ng maksimum na labis na halaga. Ang"pag-unlad" ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis aynakasalalay sa ibayong pagsasamantala, Kanan o Kaliwa man ang nasakapangyarihan.

Angsinasabing "pambansang industriyalisasyon" ay nangangailangan ng malakingakumulasyon ng kapital na makukuha lamang sa ibayong pagsasamantala salakas-paggawa at pangungutang. Ganun pa man, sa panahon na said at mabilis nakumikipot na pandaigdigang pamilihan, sasagkaan mismo ng kapitalistangkompetisyon at krisis sa pandaigdigang antas ang pangarap ng burgesyangPilipino na "industriyalisasyon". Wala ng pag-asa ang bansa,  gaya ng ibang mgabansa sa ikatlong daigdig, na maging industriyalisado sa ilalim ng dekadentengkapitalismo.

Ito ang mgakontradiksyon ng kapitalismo sa panahon ng kanyang huling yugto - imperyalismo.Ang pagpapautang at pangungutang mismo na "solusyon" ng kapitalismo sa loob ng40 taon ay siyang naging mitsa ngayon sa panibagong pagsabog ng mas malalim nakrisis ng sistema.

Ang problemaay nasa kalikasan mismo ng sistema at hindi lang dahil sa "maling pangangasiwa"ng isang kurakot na pamahalaan. Sa panahon ng matinding krisis ng sistema LAHATng mga gobyerno ay lalupang maging kurakot at mandarambong sa yaman ng lakas-paggawa.

Ang tangingnalalabing solusyon na lang ng internasyunal na burgesya ay panibagongpandaigdigang digmaan upang muling hatiin ang mundo. Isang panibagong digmaanna malamang siyang wawasak ng tuluyan sa mundo at sangkatauhan.

Ang solusyon ay nasa labas ng balangkas ngkapitalismo

Wala ngbagong solusyon ang naghaharing uri sa kanyang kasalukuyang krisis. Recycled nalamang ang mga "solusyon" nito. Mga "solusyon" na siyang dahilan ng kasalukuyangkrisis. Wala ng pag-asa na mareporma ang sistema pabor sa uring manggagawadahil ito ay nasa kanyang permanenteng pagbulusok-pababa na 100 taon na angnakaraan.

Kailangan ngbunutin ang ugat ng krisis - ang krisis sa sobrang produksyon. At hindi ito mabubunotsa balangkas ng bansa o "pambansang interes". Kailangang bunutin ito sapandaigdigang antas.

Ang puno'tdulo ng krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo ay nagmula sa pagigingsahurang alipin ng masang manggagawa. Lumilikha ang proletaryado ng labis nahalaga katumbas ng kanyang sahod (kahit pa nasa "living" wage ang sahod nito). Sakapitalismo, laging mas maliit ang sahod kaysa halaga ng mga produktong nagawang manggagawa. Hindi kayang bilhin ng manggagawa ang mga produktong nagawanito. Hindi din ito kayang ubusin ng uring kapitalista laluna malaking bahaging labis na halaga ay ilalaan nito sa akumulasyon ng kapital at pagpapalawak ngkanyang negosyo; pagpapalawak na halos imposible na sa mundong lubusan ngnasakop ng kapital.

Kailangan ngwasakin ang sistemang kapitalismo, durugin ang sahurang pang-aalipin.

Ang unang hakbang sa pagwasak sa bulok nasistema

Ang unanghakbang ay malawakang pakikibaka ng mga manggagawa sa pinakamaramingpabrika/kompanya upang TUTULAN ang tanggalan, work rotation, at wage reduction.Wala tayong kapangyarihan sa pakikibaka kung hindi maraming pabrika anglalahok. Hindi na angkop at hindi na epektibo sa kasalukuyang antas ng labananna paisa-isa, sector by sector o industry by industry na pakikibaka. Ang tamaat epektibo ay pakikibaka ng lahat ng sektor at lahat ng industriya.

Angmalawakang pakikibaka ay hindi kaya ng unyonismo sa Pilipinas na nahati-hati atmatindi ang sektaryanismo. Hindi ito kaya ng unyonismo na walang ibang intereskundi preserbasyon ng kanyang istruktura at burukrasya dahil matindi angkompetisyon kahit sa hanay nila. Hindi ito kaya ng unyonismo na ang tangingpapel sa kasalukuyan ay katuwang ng estado sa loob ng kilusang paggawa upanghadlangan ang pagsulong ng proletaryong rebolusyon.

Kailangangtutulan ang nais ng estado at mga unyon na "tanggapin natin ang mga sakripisyobasta't tutulungan tayo ng gobyerno". Wala tayong maasahang pangmatagalangtulong mula sa kapitalistang estado na lubog sa utang at kontrolado ng mgabuwayang hayok sa pera at kayamanan at pangunahing tagapagtanggol ng sistemangsahuran. Ang "tulong" nito ay may layuning pigilan tayong manggagawa na hawakannatin ang ating kinabukasan sa ating sariling mga kamay.

Dahil angating lakas ay nakasalalay sa pakikibaka ng maraming pabrika na dapat koordinadong mga asembliya o komite sa welga, ngayon pa lang ay nagtutulungan na angrehimeng Arroyo, Kaliwa at mga unyon upang mapigilan ito. Ang panawagan ngayonng mga unyon ay isang "tripartite summit" na lalahukan ng mga representante ngmga unyon, asosasyon ng mga kapitalista at estado upang pag-usapan paanong mapigilanang malawakang pag-aklas ng mga manggagawa. Patuloy ang mistipikasyon ng Kaliwana ang paksyong Arroyo lamang ang pangunahing kaaway ng masa at pilit naitinatago ang katotohanan na ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri,administrasyon at oposisyon, Kanan at Kaliwa ay parehong mortal na kaaway ngmanggagawang Pilipino.

Kung naisnating lalakas ang ating pakikibaka at tayo mismo ang magdesisyon sa atingkinabukasan, kailangang makibaka tayo labas sa istruktura at balangkas ngunyonismo, ito man ay hawak ng Kanan o Kaliwa, ng administrasyon o oposisyon.Ang ating lakas ay nasa mga ASEMBLIYA at KOMITE NG WELGA na tayo mismo ang magtayo,magpatakbo at sentralisado.

Ang anumangpakikibaka na nasa pamumuno ng unyon ay mauuwi lamang sa negosasyon na pabor sauring kapitalista at estado.

Angpakikibaka para sa PERMANENTENG TRABAHO at SAPAT NA SAHOD sa gitna ng krisis ngkapitalismo ang tamang linya ng pakikibaka bilang mga alipin ng kapital. Hinditayo magsakripisyo para iligtas ang naghihingalong sistema. Ang istorikal namisyon nating mga manggagawa ay wakasan ang buhay ng sistemang ito upang tayoay makalaya na mula sa pagsasamantala.

Ang linyangito ang maging tungtungan natin para ituloy-tuloy ang pakikibaka hanggangmawasak ang kapitalistang estado at maagaw natin ang kapangyarihan. Angpag-agaw ng uring manggagawa sa kapangyarihan ang TANGING daan tungo sa atingganap na kalayaan bilang sahurang alipin.

Tayong lahatna manggagawa - may trabaho at wala, regular at kontraktwal, unyonista athindi, nasa publiko at pribado - ay kailangang magkaisa at sama-samang labananang mga atake ng kapitalista na tayo ang papasan sa krisis ng sistemang matagalng nagsamantala at nang-api sa atin. Magkaisa tayo sa ating mga asembliya at saating mga komite ng welga. Ito na lamang ang tanging paraan para mapigilannatin ang atake ng kapital sa ating kabuhayan.    

INTERNASYONALISMO

Enero 31, 2009