Skip to header Skip to main navigation Skip to main content Skip to footer
englishfrançaisdeutschitalianosvenskaespañoltürkçenederlandsportuguêsΕλληνικά
русскийहिन्दीفارسی한국어日本語filipino中文বাংলাmagyarsuomi
Bahay
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Pangunahing paglalayag

  • Pakikipag-ugnay
    • Mga Batayang Posisyon
    • Plataporma ng IKT
    • Manipesto - 1991
    • Internasyonalismo - 2000s
    • Internasyonalismo - 2010s
    • Internasyonalismo - 2020s
    • Manipesto Para Sa Rebolusyong Oktubre, Rusya 1917
    • Mga unyon laban sa uring manggagawa
    • Bayan o Uri?
    • Komunistang mga Organisasyon at Makauring Kamulatan
    • Pagbulusok-pababa ng kapitalismo

Panawagan sa Kilusan ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan at Unibersidad sa Buong France

Breadcrumb

  • Bahay
  • Internasyonalismo - 2020s
  • Internasyonalismo - 2026

1. Ang kasalukuyang kilusang panlipunan ay may pandaigdigan at makasaysayang kahalagahan. Ipinapakita ng “Gen Z” na tinatanggihan nito ang hinaharap ng kahirapan at digmaan na inihahanda ng kapitalismo para sa buong sangkatauhan. Ang kilusang ito sa France ay naging mahalagang sanggunian sa pandaigdigang antas: sa Belgium, Germany, Italy, Spain, Greece at Chile. Sa loob lamang ng ilang araw, bumuhos ang mga mensahe ng pakikiisa sa social media mula sa iba't ibang panig ng Europa bilang suporta sa mga mag-aaral na nahaharap sa brutal na panunupil ng estado sa pamamagitan ng pulisya, isang panunupil na mismong inilarawan ng Ministro ng Panloob na Gawain na si Laurent Nuñez bilang “walang pagpipigil”. Iisa ang mensahe ng lahat ng ito: “Ang inyong pakikibaka ay pakikibaka rin namin! Saanman, pare-pareho ang mga problemang kinakaharap natin!”

2. Sa mga unibersidad, maraming pangkalahatang asembliya ang nagpasyang mamahagi ng mga polyeto sa mga istasyon ng tren at iba pang lugar ng trabaho upang hikayatin ang lahat ng manggagawa na makiisa sa kilusang ito. Ang kilusang hindi lumalawak ay isang kilusang namamatay! Kung nakalikha ng kasaysayan ang Mayo 1968, ito ay dahil matapos kumilos ang mga estudyante, sumanib din sa pakikibaka ang mga manggagawa. Ang Mayo 1968 ay naging pakikibaka ng 10 milyong manggagawang nagwelga.

3. Kaya naman, ang lahat ng ating pagkilos ay dapat nakatuon sa pagpapalawak ng kilusan. Makatutulong ba sa layuning ito ang panawagang magmartsa at “sakupin” ang Matignon sa Oktubre 13? Hindi. Ang buong makinarya ng panunupil ng estado ay gagalaw upang harangin, palibutan at bantayan ang sentro ng kapangyarihan ng gobyerno. Isa itong bitag, isang daang wala tayong mapapala. Hindi ba mas mabisang magmartsa nang sama-sama tungo sa mga komunidad ng uring manggagawa? Upang palawakin ang kilusan? Upang palakihin ang ating hanay? Upang hikayatin ang mas marami pang sektor na kilalanin na ang pakikibakang ito ay pakikibaka ng buong uring manggagawa? Mga mag-aaral sa mataas na paaralan, mga estudyante sa unibersidad, mga manggagawa, mga walang trabaho at mga retirado, nagkakaisa sa iisang pakikibaka! Posible ito! Tayo mismo ang dapat lumapit sa kanila at anyayahan silang makiisa sa laban.

4. Upang mapagpasiyahan ang lahat ng mga tanong na ito, upang sama-sama nating talakayin at pag-isipan ang pinakamabisang mga paraan ng pakikibaka, dapat nating ipagtanggol ang ating mga pangkalahatang asembliya na bukas para sa lahat: mga estudyante, mga walang trabaho, mga manggagawang walang kasiguruhan sa trabaho, mga manggagawa sa pampubliko at pribadong sektor, gayundin ang mga retirado. Mga malaya at mahusay na organisadong pangkalahatang asembliya na bumoboto at nagbibigay ng malinaw na mga mandato. Mga asembliyang may kakayahang makipag-ugnayan sa iba pang mga asembliya at magpadala ng malalaking delegasyon sa mga pabrika, opisina at iba pang lugar ng paggawa upang hikayatin ang mga manggagawa na sumama sa kilusang ito. Noong 2006, sa panahon ng pakikibaka laban sa First Employment Contract (CPE), na lalo pang nagpalala sa kawalang-seguridad sa trabaho ng mga kabataang manggagawa, ang mga asembliyang ito ang naging puso at lakas ng kilusan. At ang mismong dinamikang ito ng pagpapalawak at pagkakaisa ang nagpilit sa gobyerno na bawiin ang panukala nito. Ngayon, maaari pa nating lampasan ang tagumpay na iyon!

Nasa pakikibaka ng uri ang kinabukasan!

Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 10 Oktubre 2026

 

Pinagmulan: https://en.internationalism.org/content/17860/appeal-high-school-and-university-student-movement-throughout-france

Internasyunal na makauring pakikibaka

Book traversal links for Panawagan sa Kilusan ng mga Mag-aaral sa Mataas na Paaralan at Unibersidad sa Buong France

  • ‹ Pakikiisa ng buong uring manggagawa laban sa barbarismo ng pandaigdigang kapitalismo!
  • Up
  • Sa Estados Unidos, lalo pang bumibilis ang pagkabulok ng pandaigdigang kapitalismo ›
Bahay
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Footer menu

  • Mga Batayang Posisyon
  • Pakikipag-ugnay