Ang tagtuyot ng taong 2026 ay nagsimula sa tatlong teribleng heatwave, ang una na naitalang pinakamaaga at ang pangalawa ang pinakamatindi sa kasaysayan. Isang dobleng rekord, pagkatapos, halos hindi pa nagsisimula ang tag-init ay may bagong heatwave pa na paparating habang inilalathala namin ang artikulong ito.
Ang mga epekto ay lubhang seryoso: tumataas ang temperatura sa mga tahanan at lugar ng trabaho, dumarami ang mga sunog sa kagubatan at ang imprastraktura ay hirap na hirap, nalulula ang mga ospital, tumataas ang bilang ng mga namamatay, at ang mga inisyal na ulat ay nagpapahiwatig ng ilang libong biktima. Ang bilang ng mga namamatay ay tiyak na aabot sa sampu-sampung libo, kapantay ng heatwave noong 2003, o mas mataas pa.
Hindi kayang lutasin ng burgesya ang sitwasyon
Muli nating nasasaksihan ang kawalanng aksyon ng mga pamahalaan sa pagharap sa krisis. Habang patuloy na lumalala ang mga heatwave, napatunayan ng burgesya na hindi nito kayang lutasin ang sitwasyon: tumaas ng 40 porsyento ang bilang ng mga namatay sa bahay sa unang mga insidente ng heatwave, subalit walang inihandang probisyon; ang mga hakbang sa pag-iwas ay binalewala saanman. Kahit ang mga naospital ay kinailangang tiisin ang nakakagimbal na init dahil sa mga gusaling hindi naayos – na parang salaan sa init – na kadalasan ay mga luma at hindi sapat na mga air-conditioning system…
Nagkasya na lang antas ng estado sa pag-improvise at pagpayo na lang sa publiko na iwasang lumabas sa pinakamainit na oras ng araw. Habang sa gitna ng kaguluhan, ipinapataw ang pagbabago sa oras ng trabaho sa mga sektor na pinaka-nanganganib, kung saan napipilitan ang mga manggagawa na magtrabaho sa gabi upang matiyak na magpapatuloy ang produksyon. Araw-araw, napipilitan ang mga tao na magsisiksikan na parang mga hayop sa pampublikong sasakyan, kung saan ang init ay hindi matiis.
Sa kawalan ng angkop na pabahay, hinihikayat ang mga tao na maghanap ng kanlungan sa mga 'cool zone' gaya ng sinehan, aklatan, atbp. Hindi lamang nito inilalagay ang responsibilidad sa bawat indibidwal – na mag-isa ay wala namang magagawa laban sa matinding init – kundi, habang lumalala ang sitwasyon ng klima, hindi na magiging angkop o sapat ang mga 'hakbang' na ito sa loob ng ilang taon. Walang pangmatagalang solusyon na nakikita, umaasa sa sariling diskarte ang bawat isa na humanap ng kani-kanilang paraan para makayanan ang init: paglalagay ng air-conditioning sa bahay, pag-renovate ng kanilang ari-arian… at, para sa mga hindi kayang magbayad: pag-inom ng tubig!
Malinaw itong salungat sa mga hungkag na pangako ng mga gobyerno na nagsisiguro sa atin na "handa na ang lahat upang harapin ang matinding init". Sa katotohanan, ang mga 'aral' noong 2003 ay hindi kailanman tunay na naisakatuparan dahil sa kakulangan sa mapagkukunan. Dalawampung taon ang lumipas, mahigit 75 porsyento ng mga tahanan sa Europa ay hindi pa rin angkop sa matinding init, at ang ilan ay madaling ma-overheat. Labis na nabawasan ang mga badyet para sa pag-aayos ng mga gusali. Sa Pransya, halimbawa, ang Green Fund, na nilalayong "pabilisin ang ekolohikal na transisyon", ay nabawasan nang pang-apat na bahagi; ang iilang kagamitan na naipon ay nabili dahil sa emerhensiyang pangangailangan, nang paisa-isa at paunti-unti, sa panahong nagsimula na ang matinding init.
Lahat ng ito ay nagpapatunay sa talamak na kawalan ng kakayahan ng burgesya hindi lamang na matugunan ang mga pangangailangang panlipunan at pangkalusugan, kundi, mas masahol pa, ang kawalan nito ng kakayahang maghanda para rito, kahit na matagal nang alam ang mga isyung ito sa loob ng ilang dekada… at burukratikong nakatago na lamang sa mga drawer! Ang burgesya ay lubos na walang magawa upang harapin ang lalong hindi makontrol na mga epekto ng pagbabago ng klima.
Ngunit nasa simula pa lamang tayo ng mga seryosong problemang naghihintay sa hinaharap. Kaya't maaari lamang nating asahan sa mga darating na taon ang lalong hindi matiis na mga sakuna.
Naharap sa krisis pangkapaligiran, ang kapitalismo ay nasa pagkakauntulan
Dahil sa kawalan ng kakayahang umaksyon, hindi na nagpapanggap ang burgesya na maghanap ng mga solusyon o pabagalin ang pag-init ng mundo. Ngayon, ang pinag-uusapan na lamang nito ay ang 'pag-aangkop' sa mga 'di maiiwasang' kaguluhan.
Ngunit ang mga 'solusyon' na isinusulong ng burgesya ay puno ng mga kabalbalan. Ang Estados Unidos ay isang perpektong halimbawa ng mapaminsalang kahihinatnan ng halatang kakulangan ng mga ipinipresentang solusyon: sa Timog, ang mga gusali ay idinisenyo hindi upang umangkop sa sobrang init ng kapaligiran, kundi upang lubos na umasa sa air conditioning. Ngunit nagbubunsod ito ng napakaraming problema. Una sa lahat, ang konsumo ng enerhiya sa ganitong lawak ay napakalaki kaya't tuwing heatwave, laganap ang brownout dahil sa napakalaking dami ng kuryenteng kinokonsumo ng mga air-conditioning system. Dahil hindi dinisenyo ang mga gusali upang tiisin ang init, mabilis silang napapainit nang sobra. At kahit kayang tiisin ng grid ng kuryente ito, ang mga hydrofluorocarbons na inilalabas bilang gas ng mga air-conditioning system ay nagdudulot ng greenhouse effect na daan-daang beses na mas malakas kaysa sa CO2, na aktibong nag-aambag sa pagbabago ng klima. At parang hindi pa iyon sapat, inililipat lamang ng air-conditioning ang mainit na hangin sa labas. Sa mga sentro ng lungsod, maaari nitong itataas ang temperatura ng 1 hanggang 2 °C sa mga lugar na natatakpan ng konkreto na dati nang nagtitipon at naglalabas ng matinding init. At lahat ng ito ay dahil kailangang i-standardisa ng industriya ng konstruksyon ang mga materyales nito upang mapataas ang kanilang kita, sa pamamagitan ng pagtatayo ng parehong mga gusali kahit saan, anuman ang klima ng rehiyon.
Ang kapitalismong sistema, kung saan ang kita ay syang hangarin kahit sa anong resulta, ay lumilikha at lubos na nagpapalala ng mga suliraning pangkapaligiran. Sa pagbilis ng krisis pang-ekonomiya, sa pagpapalawak ng militarismo at pag-aaksaya na likas sa paggawa ng sandata, pati na rin sa lalong mabagsik na digmaang pangkalakalan at lumalaganap na kaguluhan sa buong planeta, ang dati nang lubhang kulang na pag-aalala ng burgesya sa kapaligiran ay naitulak sa likuran. Tila sunud-sunod na bumabagsak ang mga pamantayan sa kapaligiran. Inuuna ang optimisasyon ng produksyon sa kapinsalaan ng klima, at ang labis na produksyon ay nangangahulugang ang karamihan sa mga produktong ito ay magmumula sa pagsasamantala at paglustay ng yaman na isinasagawa nang walang ibang dahilan kundi upang lalo pang palalain ang krisis. [1]
Ang direktang mga epekto sa lumalaganap na mga digmaan ay malawak ding hindi pinapansin, kahit na mayroon itong napakalaking epekto sa kapaligiran at klima: pagkasira sa napakalaking lawak, pagkawala ng mga ekosistema, pagbuga ng mga gas, at ang maramihang produksyon at pagkasira ng mga makabagong sandatang labis na nagpalubha ng polusyon (mga drone, missile at iba pa) pati na rin ng malalaking sasakyang pang-militar, pang-transportasyon, at pang-lohistika.
Ang lumalalang krisis pang-ekonomiya, pagbabago ng klima, digmaan at pagkawasak, pagkalugmok sa kahirapan, lumalalang kalagayan ng pamumuhay… Lahat ng ito ay magkakaugnay, at ang kapitalismong nabubulok ay lalo lamang nagpapalakas at nagpapalala sa lahat ng mga penomenang ito, na patuloy na nagkakaugnay sa isa't isa sa isang uri ng impyernong at hindi mapigilang buhawi.
Kaya hindi sa pamamagitan ng paghingi sa burgesya na tugunan ang hindi na kayang pamahalaan na mga epekto ng sarili nitong sistema na mawakasan natin ang mga ekolohikal na sakunang ito, kundi sa pakikibaka upang ipagtanggol ang ating mga kondisyon sa paggawa at paraan ng kabuhayan, na tuwirang harapin ang pagsasamantalang kapitalista – ang tanging larangan kung saan maaaring umusbong ang pag-asang mapatalsik ang sistemang ito, na bulok hanggang sa buto! Hangga't umiiral ang kapitalismo, maaari lamang nating asahan ang mas madalas at mas marahas na mga sakuna, na may mas mapaminsala at nakamamatay na mga kahihinatnan.
Julie, 3 July, 2026
-----
[1] Basahin ang aming Manipesto tungkol sa krisis ekolohikal.
Source: https://en.internationalism.org/content/17824/capitalism-blame-ecological-disaster