Submitted by Internasyonalismo on
Ang aming organisasyon, ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin, ay itinatag noong Enero 1975, mahigit kalahating siglo na.. Para ipagdiwang ang okasyong ito, inilathala namin ang bagong Manipesto (Ang kapitalismo ay nagbabanta sa sangkatauhan: Pandaigdigang rebolusyon ang tanging makatotohanang solusyon), na hindi lang nagsusuri sa istorikal batayan sa muling paglitaw ng internasyunal na kilusan ng kaliwang komunista sa huling bahagi ng 60s, kundi pati na rin sa napakalaking mga kaganapan na nangyari mula noon, at malinaw na pinakita na ang kapitalistang moda ng produksyon ay nagbabanta sa buhay ng sangkatauhan kasama ang mapamuksang ipu-ipo ng digmaan, ekolohikal na pagbagsak, at mga krisis sa ekonomiya at pulitika. Pero nangatuwiran din ang Manipesto na ang kapasidad ng internasyunal na uring manggagawa para depensahan ang mga interes nito at, sa mas mahabang panahon, na ibagsak ang bulok na sistemang ito, ay nanatiling buo.
Idinaos ang internasyunal na pampublikong pulong na ito para talakayin ang pagsusuri sa kalagayan ng mundo na inihapag ng Manipesto. Pero binigyang-diin din ng dokumentong ito ang istorikal na responsibilidad ng mga rebolusyonaryong organisasyon ng proletaryado, sa kanilang napakahalagang papel para mahinog ang mga suhetibong kondisyon para sa proletaryong rebolusyon sa hinaharap.
Ang presentasyon sa pulong ay sa wikang English, pero titiyakin namin ang pagsasalin dito at lahat ng iba pang mga kontribusyon sa maraming ibang lenggwahe (French, Spanish, Portuguese, at posible iba pa).
Para makasama sa pulong, sumulat sa amin sa [email protected] o pumunta sa “Contact Us” sa aming website, www.internationalism.org






del.icio.us
Digg
Newskicks
Ping This!
Favorite on Technorati
Blinklist
Furl
Mister Wong
Mixx
Newsvine
StumbleUpon
Viadeo
Icerocket
Yahoo
identi.ca
Google+
Reddit
SlashDot
Twitter
Box
Diigo
Facebook
Google
LinkedIn
MySpace