Mga welga at demonstrasyon sa Estados Unidos, Espanya, Gresya, Pransya... Paano natin mapaunlad at mapagkaisa ang ating mga pakikibaka?

Printer-friendly version

"Dapat nating sabihin na tama na! Hindi lang tayo, kundi ang buong uring manggagawa ng bansang ito ay dapat sabihin, sa isang ispisipikong panahon, na tama na" (Littlejohn, maintenance supervisor in the skilled trades ng Ford’s Buffalo stamping plant sa Estados Unidos).

Sinuma ng manggagawang Amerikano na ito sa isang pangungusap kung ano ang nahihinog na kamulatan sa buong uring manggagawa, sa bawat bansa. Isang taon na ang nakalipas, ang "Galit sa Tag-init" ay sumiklab sa United Kingdom. Sa pamamagitan ng chanting "Tama na", umalingawngaw sa mga manggagawang Briton ang panawagan na muling makibaka pagkatapos ng mahigit tatlumpung taon na pananahimik at pagsuko.

Ang panawagang ito ay dininig lagpas sa mga hangganan. Mula sa Greece hanggang Mexico, ang mga welga at demonstrasyon laban sa parehong hindi matiis na paglala sa ating mga kondisyon sa pamumuhay at pagtatrabaho ay nagpatuloy hanggang sa kataposan ng 2022 at simula ng 2023.

Sa kalagitnaan ng taglamig sa Pransya, isang karagdagang hakbang ang ginawa: pinagtibay ng mga manggagawa ang ideya na "tama na". Ngunit sa halip na magparami ng mga lokal at korporatistang pakikibaka, na nakahiwalay sa isa't isa, nagawa nilang magtipon ng milyun-milyon sa mga lansangan. Sa kinakailangang mapanlabang diwa ay idinagdag nila ang puwersa ng napakalaking bilang. At ngayon ay sa Estados Unidos ang mga manggagawa ay nagsisikap na dalhin ang sulo ng pakikibaka paabante pa.

Sa Estados Unidos, isang bagong hakbang pasulong para sa makauring pakikibaka

Isang istriktong media blackout ang pumapalibot sa kilusang panlipunan na kasalukuyang nagliliyab sa nangungunang kapangyarihang pang-ekonomiya sa mundo. At may kapuri-puring dahilan: sa isang bansang gumuho sa loob ng ilang dekada dahil sa kahirapan, karahasan, droga, rasismo, takot at indibidwalismo, ipinapakita ng mga pakikibaka na ito na posible ang isang lubos na ibang landas.

Sa gitna ng lahat ng welgang ito ay nagniningning ang tunay na pagdagsa ng pagkakaisa ng mga manggagawa: "Napupuno na kaming lahat: napupuno na ang mga temp, napupuno na ang mga matagal nang empleyado na tulad ko... kasi ang mga temp na ito ay mga anak natin, mga kapitbahay natin, mga kaibigan natin" (parehong empleyado ng New York). Ganito ang pagkakaisa ng mga manggagawa, sa pagitan ng mga henerasyon: ang mga "matatanda" ay hindi nagwelga para lamang sa kanilang sarili, kundi higit sa lahat para sa mga "kabataan" na nagdurusa ng mas masahol pang kalagayan sa pagtatrabaho at mas mababa pa ang sahod.

Unti-unting lumalaki ang pakiramdam ng pagkakaisa sa uring manggagawa kapag natanto natin na tayong "lahat ay magkakasama": "Ang lahat ng grupong ito ay hindi lamang magkakahiwalay na kilusan, kundi isang kolektibong sigaw: tayo ay populasyon ng mga manggagawa - blue-collar at white-collar, union at non-union, immigrant at native-born" (Los Angeles Times).

Ang kasalukuyang mga welga sa Estados Unidos ay nagsama-sama nang higit pa sa mga sektor na kasangkot. "Ang Stellantis complex sa Toledo, Ohio, ay puno ng mga palakpak at busina sa pagsisimula ng welga" (The Wall Street Journal). "Sinusuportahan ng mga busina ang mga welgista sa labas ng planta ng carmaker sa Wayne, Michigan" (The Guardian).

Ang kasalukuyang alon ng mga welga ay may istorikal na kahalagahan:
- scriptwriters at aktor sa Hollywood ay sama-samang nakibaka sa unang pagkakataon sa loob 63 taon;
- pribadong nars sa Minnesota at Wisconsin ay nagsagawa ng pinakamalaking welga sa kanilang kasaysayan;
- Sa Los Angeles ang mga manggagawa sa munisipal ay naglunsad ng welga sa unang pagkakataon sa loob ng 40 taon;
- manggagawa mula sa "Big Three" (General Motors, Ford, Chrysler) pinangunahan ang isang walang katulad na magkasanib na pakikibaka;
- Permanenteng manggagawa sa Kaiser, na nagwelga sa maraming mga estado, ay pinangunahan ang pinakamalaking demonstrasyon sa kasaysayan na ini-organisa ng sektor ng kalusugan.

Maaari rin nating idagdag ang maraming welga nitong mga nakaraang linggo sa Starbucks, Amazon at McDonald's, sa mga aviation at railway factory, o ang unti-unting kumalat sa lahat ng hotel sa California... Lahat ng manggagawang ito ay nakikipaglaban para sa disenteng sahod sa harap ng lumalaking inplasyon na lalupang nagtulak sa kanila sa kahirapan.

Sa lahat ng mga welgang ito, ipinapakita ng proletaryado ng Amerika na posible ring lumaban ang mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa Uropa, hanggang ngayon, ito ay higit sa lahat mga manggagawa sa pampublikong sektor ang kumikilos, ang takot na mawalan ng trabaho ay isang mapagpasyang preno para sa mga empleyado sa mga pribadong kumpanya. Ngunit nahaharap sa lalong hindi matiis na kondisyon ng pagsasamantala, lahat tayo ay mapilitang lumaban. Ang hinaharap ay para sa makauring pakikibaka sa lahat ng sektor, magkasama at nagkakaisa!

Sa harap ng pagkahati-hati, pag-isahin natin ang ating mga pakikibaka!

Muling tumaas ang galit sa Uropa, Asya at Oceania. Ang Tsina, Korea at Australia ay nakararanas din ng magkakasunod na welga mula pa noong tag-init. Sa Greece, sa pagtatapos ng Setyembre, isang kilusang panlipunan ng sama-samang sektor ng transportasyon, edukasyon at kalusugan upang iprotesta ang isang panukalang reporma sa paggawa na idinisenyo upang gawing mas pleksible ang trabaho. Ang Oktubre 13 ay nagmarka ng pagbabalik ng mga demonstrasyon sa Pransya, sa isyu ng sahod. Sa Espanya rin, nagsimula nang umihip ang hangin ng galit: noong Oktubre 17 at 19, nagwelga sa pribadong sektor ng edukasyon; noong Oktubre 24, isang welga sa sektor ng pampublikong edukasyon; noong Oktubre 25, isang welga ng buong pampublikong sektor ng Basque; sa 28 Oktubre, isang demonstrasyon ng mga pensioners, atbp. Sa harap ng mga pagtataya na ito ng mga pakikibaka, ang mga pahayagan ng Espanya ay umaasa ng "isa pang mainit na taglagas".

Ang listahang ito ay hindi lamang nagpahiwatig ng tumataas na antas ng diskontento at pagiging mapaglaban ng ating uri. Inihayag din nito ang pinakamalaking kahinaan ng ating kilusan sa kasalukuyan: sa kabila ng lumalaking pagkakaisa, ang ating mga pakikibaka ay nanatiling hiwalay sa isa't isa. Maaring sabay-sabay ang ating welga, baka magkatabi pa tayo, minsan sa kalsada, pero hindi naman talaga tayo magkasamang nakibaka. Hindi tayo nagkakaisa, hindi tayo organisado bilang iisang puwersang panlipunan, sa iisang pakikibaka.

Ang kasalukuyang alon ng mga welga sa Estados Unidos ay isa pang tahasang pagpapakita nito. Nang ang kilusan ay inilunsad sa "Big Three" na mga planta ng auto, ang welga ay limitado sa tatlong "itinalaga" na mga planta: Wentzville (Missouri) para sa GM, Toledo (Ohio) para sa Chrysler, at Wayne (Michigan) para sa Ford. Ang tatlong plantang ito ay pinaghiwalay ng libu-libong milya, na imposible para sa mga manggagawa na magkasama at lumaban bilang isa.

Bakit nagkalat sila? Sino ang nag-organisa ng pagkawatak-watak na ito? Sino ang opisyal na nangasiwa sa mga manggagawang ito? Sino ang nag-organisa ng mga kilusang panlipunan? Sino ang mga "espesyalista sa pakikibaka", ang mga legal na kinatawan ng mga manggagawa? Ang mga unyon! Sa buong mundo, pinupulbos nila ang tugon ng mga manggagawa.

Ang UAW, isa sa mga pangunahing unyon sa Estados Unidos, ang "nagtalaga" sa tatlong pabrikang ito! Ang UAW, na maling tinawag ang kilusan na "malakas, nagkakaisa at napakalaki", ay sadyang nilimitahan ang welga sa 10% lamang ng unyonisadong lakas paggawa, habang ang lahat ng manggagawa ay malakas na nagpahayag ng kanilang hangaring magwelga. Nang tangkaing sumama ang mga manggagawa ng Mack Truck (Volvo trucks) sa "Big Three" sa kanilang pakikibaka, ano ang ginawa ng mga unyon? Nagmadali silang pumirma ng kasunduan para tapusin ang welga! Sa Hollywood, nang ilang buwan nang nagaganap ang welga ng mga artista at scriptwriters, nilagdaan ang isang kasunduan sa management/union kasabay ng pagsali ng mga manggagawa sa kotse sa welga.

Kahit sa Pransya, sa panahon ng mga demonstrasyon na nagsama-sama ng milyun-milyong tao sa mga lansangan, hinati-hati ng mga unyon ang mga prusisyon sa pamamagitan ng pagpapamartsa ng "kanilang" mga miyembro ng unyon na nakagrupo sa bawat kompanya, hindi magkasama kundi ang isa ay nasa likod ng isa, na pumipigil sa anumang pagtitipon o talakayan.

Sa Estados Unidos, sa United Kingdom, sa France, sa Spain, sa Greece, sa Australia at sa lahat ng ibang bansa, kung gusto nating pigilan ang organisadong paghati-hati na ito, kung gusto nating tunay na magkaisa, kung nais nating maabot ang isa't isa, upang hilahin ang isa't isa, upang palawakin ang ating kilusan, dapat nating maagaw ang kontrol ng mga pakikibaka mula sa mga kamay ng mga unyon. Ito ay ating pakikibaka, ang pakikibaka ng buong uring manggagawa!

Saanman man tayo, kailangan nating magkaisa na bukas, maramihan, sa independyente na pangkalahatang asembliya, na tunay na magdesisyon kung paano patatakbuhin ang kilusan. Pangkalahatang mga asembliya kung saan tatalakayin natin nang malawak hangga't maaari ang mga pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka at ang pinaka-nagkakaisang mga kahilingan. Mga pangkalahatang asembliya kung saan maaari nating itakda ang maraming delegasyon para makipag-usap sa ating mga kapatid sa uri, ang mga manggagawa sa pinakamalapit na pabrika, ospital, paaralan o administrasyon.

Sa likod ng bawat welga ay nag-aabang ang hydra ng rebolusyon

Sa harap ng kahirapan, sa harap ng global warming, sa harap ng karahasan ng pulisya, sa harap ng rasismo, sa harap ng karahasan sa kababaihan... sa mga nakaraang taon nagkaroon ng iba pang mga uri ng reaksyon: mga demonstrasyon ng "Yellow vests" sa Pransya, mga rali sa ekolohiya tulad ng " Youth for Climate ", mga protesta para sa pagkapantay-pantay tulad ng "Black Lives Matter" o "MeToo", o galit na sigaw tulad ng sa panahon ng mga riot sa Estados Unidos, Pransya o United Kingdom.

Ngunit ang lahat ng mga pagkilos na ito ay naglalayong magpataw ng mas patas, mas magkapantay-pantay, mas makatao at luntiang anyo ng kapitalismo. Kaya naman ang lahat ng mga reaksyong ito ay napakadaling samantalahin ng mga gobyerno at burgesya, at hindi sila nag-atubili na suportahan ang lahat ng mga "kilusan ng mamamayan" na ito. Higit pa, ang mga unyon at lahat ng pulitiko ay ginagawa ang lahat para limitahan ang mga kahilingan ng mga manggagawa sa istriktong balangkas ng kapitalismo, sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pangangailangan ng mas mahusay na pamamahagi ng kayamanan sa pagitan ng mga may-ari at empleyado. "Ngayon na ang industriya ay bumabawi, [manggagawa] ay dapat makibahagi sa tubo" deklarasyon ni Biden, ang unang Pangulo ng Amerika na pumunta sa isang picket line.

Ngunit sa paglaban sa mga epekto ng krisis sa ekonomiya, laban sa mga pag-atake na ginagawa ng mga Estado, laban sa mga sakripisyong ipinataw para paunlarin ang ekonomiya ng digmaan, ang proletaryado ay nakibaka, hindi bilang mga mamamayan na humihingi ng "mga karapatan" at "katarungan", kundi bilang mga pinagsamantalahan laban sa kanilang mga mapagsamantala at, sa huli, bilang isang uri laban sa sistema mismo. Ito ang dahilan kung bakit ang internasyunal na dinamika ng pakikibaka ng uring manggagawa ay nagdadala sa loob nito ng mga binhi ng isang pundamental na hamon sa kabuuan ng kapitalismo.

Sa Greece, sa panahon ng araw ng pagkilos sa 21 Setyembre laban sa reporma sa paggawa, pinag-ugnay ng mga demonstrador ang atakeng ito sa "natural" na mga kalamidad na sumisira sa bansa ngayong tag-init. Sa isang banda, ang kapitalismo ay sumisira sa planeta, polusyon, nagpalala ng global warming, winawasak ang kagubatan, matinding ginaw, nagpapatuyo ng lupa at nagdudulot ng pagbaha at sunog. Sa kabilang banda, tinatanggal nito ang mga trabaho na nangangalaga sa kalikasan at protektahan ang mga tao, at mas pinaboran ang paglikha ng mga eroplanong pandigma kaysa Canadairs, i.e.mga eroplano para pamatay-sunog.

Pati na rin ang pakikibaka laban sa paglala ng kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho nito, ang uring manggagawa ay naging abala sa mas malawak na pagmuni-muni sa sistemang ito at sa kinabukasan nito. Ilang buwan na ang nakalipas, sa mga demonstrasyon sa Pransya, nagsimula nating makita ang mga palatandaan na tumatakwil sa digmaan sa Ukraine, na tumatangging higpitan ang ating mga sinturon para sa ekonomiya ng digmaan:  "Hindi pera para sa digmaan, hindi pera para sa mga armas, pera para sa sahod, pera para sa mga pensiyon".

Ang krisis sa ekonomiya, ang krisis sa ekolohiya at ang barbaridad ng digmaan ay pawang mga sintomas ng nakamamatay na dinamika ng pandaigdigang kapitalismo. Ang delubyo ng mga bomba at bala ay umuulan sa mga tao ng Israel at Gaza habang isinusulat natin ang mga linyang ito, habang patuloy ang mga masaker sa Ukraine, na isa pang paglalarawan ng pababang pag-ikot kung saan itinutulak ng kapitalismo ang lipunan, na nagbabanta sa buhay ng buong sangkatauhan!

Ang lumalaking bilang ng mga welga ay ipinapakita ang tunggalian ng dalawang mundo: ang burges na mundo ng kompetisyon at barbaridad, at ang mundo ng pagkakaisa at pag-asa ng uring manggagawa. Ito ang malalim na kahulugan ng ating kasalukuyan at hinaharap na mga pakikibaka: ang pangako ng isa pang kinabukasan, na walang pagsasamantala o mga uri ng lipunan, walang digmaan o hangganan, walang pagkawasak ng planeta o ang paghahanap ng tubo.

Internasyunal na Komunistang Tunguhin
8 Oktubre 2023

 

Source URL: https://en.internationalism.org/content/17412/strikes-and-demonstrations...

Rubric: 

Internasyunal na Polyeto