Tanging internasyunal na makauring pakikibaka ang tatapos sa mapangwasak na tunguhin ng kapitalismo

Printer-friendly version
AttachmentSize
PDF icon tagalog-climate-change.pdf75.23 KB

Isa sa mas popular na mga bandera ng mga protesta sa pagbabago ng klima ay: “Baguhin ang Sistema, Hindi Baguhin ang Klima”.

Walang duda na hinihila ng kasalukuyang sistema ang sangkatauhan tungo sa malaking kapahamakan ng kapaligiran. Araw-araw dumarami ang mga ebidensya: delikadong pagtaas ng sobrang init, walang katulad na sunog sa Amazon, pagkatunaw ng malalaking yelo, baha, paglaho ng buong species – kabilang na ang paglaho ng sangkatauhan sa huli. At kahit pa hindi nangyayari ang pag-init ng mundo, ang lupa, hangin, mga sapa at dagat ay patuloy na nalalason at naubos ang buhay.

Hindi nakapagtataka na maraming tao, at higit sa lahat mga kabataan na naharap sa mapanganib na hinaharap, ay masyadong nabahala sa sitwasyon at nais gumawa ng solusyon para dito.

Ipinakilala bilang solusyon ang alon ng mga protesta na organisado ng Youth for Climate, Extinction Rebellion, mga partido ng Green at kaliwa. Pero yaong sumusunod sa kanilang pamumuno ay dapat tanungin ang sarili: bakit ang mga protestang ito ay malawak na suportado ng mga taong namahala at nagtatanggol sa kasalukuyang sistema? Bakit si Greta ay imbitado na magsalita sa mga parliyamento, gobyerno, sa United Nations?

Syempre ang mga tulad ni Trump, Bolsonaro o Farage ay laging sinisiraan si Greta at iba pang “eco-warriors”. Sabi nila isang kasinungalingan ang pagbabago ng klima at ang mga hakbangin para bawasan ang polusyon ay banta sa paglago ng ekonomiya, higit sa lahat sa mga sektor tulad ng mga automobile at fossil fuel. Sila ang makakapal ang mukhang nagtatanggol sa kapitalistang tubo. Pero ano sila Merkel, Macron, Corbyn, Alexandria Ocasio-Cortez at iba pa na pumupuri sa mga protesta ng klima: hindi ba sila kabilang sa kasalukuyang sistema?

Marami sa mga lumahok sa kasalukuyang mga protesta ay sang-ayon na ang ugat ng pagkasira ng ekolohiya ay ang sistema, ang kapitalistang sistema. Pero ang mga organisasyon na nasa likod ng mga protesta, ang mga pulitiko na binabalita ang kanilang ipokritong suporta sa kanila, ay nagtatanggol sa mga polisiya na tinatago ang tunay na katangian ng kapitalismo.

Tingnan ang mga pangunahing programa na sinusulong ng mas radikal sa hanay ng mga pulitikong ito: ang tinawag na “New Green Deal”. Ito ay nag-alok sa atin ng isang pakete ng mga hakbangin na gagawin ng mga umiiral na estado, humihingi ng malakihang kapitalistang pamumuhunan para paunlarin ang mga “walang polusyon” na industriya na magkamal pa rin ng malaking tubo. Sa madaling salita: ito ay ganap na nasa balangkas ng kapitalistang sistema. Tulad ng New Deal sa 1930s, ang layunin nito ay iligtas ang kapitalismo sa panahon ng kanyang pangangailangan, hindi para palitan ito.

Ano ang kapitalistang sistema?

Hindi mawawala ang kapitalismo kung pamamahalaan ito ng mga burukrata ng estado sa halip ng mga pribadong kapitalista, o kung pintahan nito ang sarili ng berde.

Ang kapital ay pandaigdigang relasyon sa pagitan ng mga uri, batay sa pagsasamantala sa sahurang-paggawa at pagbebenta ng produkto para magkaroon ng tubo. Ang palagiang paghahanap ng merkado para sa kanyang mga kalakal ay nanawagan ng mabangis na kompetisyon sa pagitan ng mga bansa-estado para sa dominasyon ng pandaigdigang pamilihan. At ang kompetisyong ito ay nangangailangan na ang bawat pambansang kapital ay kailangang magpalawak o mamatay. Walang kapitalismo na hindi mananakop sa kahuli-hulihang lugar sa mundo at ang kanyang paglawak ay may hangganan. Dagdag pa, lubos na walang kapasidad ang kapitalismo na magkaisa sa pandaigdigang saklaw para tugunan ang krisis sa ekolohiya, tulad ng pinatunayan ng maraming kabiguan sa nakaraang ibat-ibang summit para sa klima at mga protocol.

Ang paghahanap ng tubo, na walang kaugnayan sa pangangailangan ng tao, ang ugat ng pagkasira ng kalikasan at ito ay totoo mula ng lumitaw ang kapitalismo. Subalit may kasaysayan ang kapitalismo, at sa nagdaang isang daang taon ay hindi na ito salik para sa progreso at nahulog na sa malalim na istorikong krisis. Ito ay naaagnas na sibilisasyon, dahil ang kanyang ekonomiyang base, na napilitang lumago na walang limitasyon, ay nagluwal ng krisis sa sobrang produksyon na nagiging permanente na. At sa pinakita ng mga pandaigdigang digmaan at “Cold War” sa 20 siglo, ang proseso ng pagbulusok-pababa ay nagpapabilis lang sa tunguhin ng kapital ng pagkawasak. Kahit hindi pa naging malinaw ang pandaigdigang masaker sa kalikasan, nagbabanta na ang kapitalismo na wasakin ang sangkatauhan sa kanyang walang humpay na imperyalistang komprontasyon at mga digmaan, na nagpapatuloy ngayon sa buong mundo mula sa Hilagang Aprika at Gitnang Silangan hanggang sa Pakistan at India. Sa mga tunggalian ito napatalas ang krisis sa ekolohiya dahil ang mga bansa-estado ay nagpaligsahan sa lumiliit na mapagkukunang yaman, habang ang paligsahan na lumikha ng mas maraming nakakatakot na mga armas – at higit sa lahat, para gamitin sila - ay lalupang nagparumi sa planeta. Itong napakasamang kombinasyon ng kapitalistang paninira ang dahilan bakit hindi na matirhan ang ilang bahagi ng planeta at napilitang lumikas ang milyun-milyong tao.

Ang pangangailangan at posibilidad ng komunismo

Hindi mapangibabawan ng sistema ang krisis sa ekonomiya, krisis sa ekolohiya, o ang digmaan.

Kaya isang panlilinlang kung hilingin sa mga gobyerno ng mundo na “kumilos sila” at gumawa para iligtas ang planeta - kahilingan na isinusulong ng lahat ng mga grupo na nag-oorganisa sa kasalukuyang mga martsa at protesta. Ang tanging pag-asa ng sangkatauhan ay nakasalalay sa pagwasak sa kasalukuyang sistema at paglikha ng bagong porma ng lipunan. Tinawag namin itong komunismo - isang buong-daigdig na komunidad ng tao na walang mga bansa-estado, walang pagsasamantala sa paggawa, walang merkado at pera, kung saan lahat ng produksyon ay planado sa pandaigdigang saklaw at ang tanging motibo ay maibigay ang pangangailangan ng tao. Hindi na dapat sabihin na ang lipunang ito ay walang komonalidad sa kontrolado ng estado na porma ng kapitalismo na nakikita natin sa mga bansang tulad ng Tsina, Hilagang Korea o Cuba, o sa dating Unyong Sobyet.

Ang tunay na komunismo ang tanging batayan para itayo ang bagong relasyon sa pagitan ng sangkatauhan at sa buong kalikasan. At hindi ito utopya. Posible ito dahil inilatag ng kapitalismo ang kanyang mga materyal na pundasyon: ang pag-unlad ng syensya at teknolohiya, na maaring mapalaya mula sa kanilang mga distorsyon sa ilalim ng umiiral na sistema, at ang pandaigdigang pagkakaugnay-ugnay ng lahat ng produksyon, na maaring mapalaya mula sa kapitalistang kompetisyon at mga pambansang antagonismo.

Pero higit sa lahat ito ay posible dahil ang kapitalismo ay nakabatay sa paglitaw ng isang uri na walang mawawala maliban sa kanyang mga kadena, isang uri na parehong interesado na labanan ang pagsasamantala at ibagsak ito: ang internasyunal na uring manggagawa, ang proletaryado ng lahat ng mga bansa. Kabilang sa uring ito hindi lang ang mga pinagsamantalahan sa pagawaan kundi kabilang din ang mga nag-aaral para maghanap ng kanilang puwang sa merkado ng paggawa at ang mga itinaboy ng kapital labas sa paggawa at ang mga sinasabing basura ng lipunan.

Protesta ng mamamayan o pakikibaka ng mga manggagawa?

At nandito sa partikular, ang ideolohiya sa likod ng mga martsa sa pagbabago ng klima ay nagsilbi para pigilan tayo na maintindihan ang mga paraan sa paglaban sa sistema. Sinabi sa atin, halimba, na nagkagulo ang mundo dahil ang “naunang henerasyon” ay labis ang pagbili ng mga produktong pangkonsumo. Pero ang pag-uusapan ang mga henerasyon sa “pangkalahatan” ay itinago ang katotohanan na kahapon at ngayon, ang problema ay dahil sa pagkahati ng lipunan sa dalawang pangunahing mga uri, ang isa, ay ang uring kapitalista o burgesya, na nasa kanya ang lahat ng kapangyarihan, at ang isa pa na mas malaking uri na pinagsamantalahan at inalisan ng lahat ng kapangyarihan na magdesisyon, kahit sa pinaka “demokratikong” mga bansa. Ang impersonal na mga mekanismo ng kapital ang dahilan ng kasalukuyang kaguluhan, hindi ang personal na ugali ng mga indibidwal o pagkaganid ng nagdaang henerasyon.

Ganun din sa sinasabing “taong-bayan” o ang “mamamayan” bilang pwersa na magliligtas sa mundo. Ito ay walang kwenta na mga kategoriya para pagtakpan ang antagonistikong interes ng mga uri. Ang paraan para makalabas sa sistema na hindi iiral kung walang pagsasamantala ng isang uri sa isa pa ay mangyari lamang sa pamamagitan ng muling pagbangon ng makauring pakikibaka, na magsimula sa mga manggagawa na nagtatanggol sa kanilang mga batayang interes laban sa mga atake sa pamumuhay at kalagayan sa trabaho na ipinataw ng lahat ng mga gobyerno at kapitalista bilang tugon sa krisis sa ekonomiya – mga atake na ginawa ring katuwiran sa ngalan ng proteksyon sa kapaligiran. Ito lang ang tanging batayan ng uring manggagawa para paunlarin ang kanyang sariling pag-iral laban sa lahat ng mga kasinungalingan na nagsasabi sa atin na ito ay naglaho ng species.  At ito lang ang batayan ng makauring pakikibaka sa pinagsamang ekonomiko at pulitikal na mga salik - binigyang hugis ang ugnayan sa pagitan ng pang-ekonomiyang krisis, digmaan, at kalamidad sa ekolohiya, at pagkilala na tanging ang pandaigdigang rebolusyon ang solusyon.

Sa papalapit na Unang Digmaang Pandaigdig, daang libo ang nagmartsa sa pasipistang mga demonstrasyon. Hinikayat sila ng mga “demokratikong” naghaharing uri dahil nagpakalat sila ng ilusyon na maaring magkaroon ng isang mapayapang kapitalismo. Ngayon mas pinalawak pa ang ilusyon na maaring magkaroon ng isang berdeng kapitalismo. At muli: ang pasipismo, sa kanyang pagsusumamo sa mga mabuting tao at tunay, ay tinatago ang katotohanan na tanging makauring pakikibaka lamang ang makakapigil sa digmaan – tulad ng pinatunayan sa 1917-18, ng dahil sa mga rebolusyon sa Rusya at Alemanya ay napilitan ang mga naghahari sa mundo na agad-agad na itigil ang digmaan. Hindi napigilan ng pasipismo ang mga digmaan, at ang kasalukuyang mga ekolohikal na kampanya, dahil sa paglalako ng mga maling solusyon sa kalamidad ng klima, ay kailangangy maunawaan na hadlang sa kanyang tunay na solusyon.

Internasyunal na Komunistang Tunguhin
(International Communist Current)
27 August 2019  

Source URL: https://en.internationalism.org/content/16724/only-international-class-s...

Rubric: 

Klima