Resolusyon sa Internasyunal na Sitwaston (2019): Imperyalistang tunggalian; sitwasyon ng burgesya, krisis sa ekonomiya

Printer-friendly version

Istorikal na balangkas: ang yugto ng kapitalistang dekomposisyon

1) Tatlumpung taon na ang nakaraan, binigyang-diin ng IKT ang katotohanan na pumasok na ang kapitalistang sistema sa huling yugto ng kapitalistang pagbulusok-pababa, ang pagkaagnas o dekomposisyon. Ang pagsusuring ito ay nakabatay sa maraming empirikal na datos, subalit ito rin ay isang balangkas para maintintindihan ang mga datos: "Sa sitwasyong ito, kung saan ang dalawang mapagpasya - at antagonistikong - mga uri ng lipunan ay walang kapasidad na igiit ang sariling solusyon, hindi tumigil ang kasaysayan. Para sa kapitalismo kumpara sa nagdaang mga panlipunang sistema, hindi posible ang pagtigil o istagnasyonsa buhay ng lipunan. Habang mas lumalalim ang mga kontradiksyon ng kapitalismo na nasa krisis, ang kawalang kapasidad ng burgesya na magbigay ng kahit katiting na perspektiba sa lipunan sa kabuuan, at sa kawalan ng kakayahan ng proletaryado, pansamantala, na hayagang igiit ang kanyang sariling istorikal na perspektiba, ay mapupunta lamang sa isang sitwasyon ng pangkalahatang dekomposisyon. Naaagnas na ang kapitalismo." ("Decomposition, the final phase of the decadence of capitalism", Point 4, International Review No. 62)

Nilinaw ng aming pagsusuri ang dalawang kahulugan ng terminong “dekomposisyon” o “pagkaagnas”; sa isang banda, tinutukoy nito ang isang penomenon na nakaapekto sa lipunan, sa partikular sa yugto ng pagbulusok-pababa ng kapitalismo at sa kabilang banda, inilarawan nito ang partikular na istorikal na yugto ng huli, ang kanyang huling yugto:

"... mahalagang bigyang-diin ang pundamental na kaibahan sa pagitan ng mga elemento ng dekomposisyon na nahawaan ng kapitalismo sa simula ng siglo [ang 20 siglo] at ng pangkalahatang dekomposisyon na nalalinan ng sistema ngayon, at mas lalupang lumala. Muli dito, maliban sa istriktong kantitatibong aspeto, ang penomenon ng panlipunang dekomposisyon ay umabot na sa lawak at lalim bago at walang katulad na kalidad, na naglantad na ang dekadenteng kapitalismo ay pumasok na bago at huling yugto ng kanyang kasaysayan: ang yugto kung saan ang dekomposisyon mismo ay nagiging mapagpasya, kundiman mapagpasyang salik sa ebolusyon ng lipunan." (Ibid., Point 2)

Dito mismo sa huling punto, ang katotohanan na ang dekomposisyon mismo ay nagiging mapagpasyang salik na sa ebolusyon ng lipunan, at kaya sa lahat ng mga sangkap ng pandaigdigang sitwasyon - isang ideya na hindi sang-ayon ang ibang mga grupo ng kaliwang komunista - ang pangunahing diin ng resolusyong ito.

2) Ang tesis ng dekomposisyon sa Mayo 1990 ay nakatuon sa buong serye ng mga katangian ng ebolusyon ng lipunan dahil sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang huling yugto ng pag-iral. Ang ulat na pinagtibay ng ika-22 Kongreso ay binigyang-pansin ang paglala ng lahat ng mga katangiang ito, tulad ng:

- "laganap na taggutom sa mga bansa ng ‘Ikatlong Daigdig’…;

- ang transpormasyon ng Ikatlong Daigdigsa pagiging malawak na pook ng mga mahihirap, kung saan daang milyong tao ang nabubuhay tulad ng isang daga sa mga kanal;

- ang pagdami ng katulad na penomenon sa pusod ng mga mayor na syudad sa ‘abanteng’ mga bansa, … ;

- ang kamakailan lang na paglaganap ng mga mapanirang ‘akisdente’ (…) na may lumalaking epekto sa tao, lipunan, at ekonomiya, sa mga ‘natural’ na kalaminad …;

- ang pagkasira ng kalikasan, na umabot na sa kamangha-manghang laki" (Theses on decomposition, pt. 7)

Ang ulat ng dekomposisyon sa ika-22 Kongreso ng IKT ay binigyang-diin rin ang kumpirmasyon at paglala ng politikal at ideolohikal na mga manipestasyon ng dekomposisyon na binanggit sa 1990:

- "ang matinding katiwalian, na lumaki at lumala, sa makinaryang pulitikal (...);

- ang paglala ng terorismo, o ang pagsunggab ng mga hostage, bilang paraan ng digmaan sa pagitan ng mga estado, na bumabalewala sa mga “batas” na pinagtibay sa nakaraan ng kapitalismo para “makontrol” ang tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri;

- ang patuloy na pagtaas ng kriminalidad, walang seguridad, at karahasan sa mga syudad, (...);

- ang paglala ng nihilismo, kawalang pag-asa, at pagpapakamatay sa hanay ng kabataan … at ang pagkamuhi at xenophobia (...);

- ang lumalalang paglakas ng adiksyon sa droga, na nagiging pangmasang penomenon na ngayon at makapangyarihang elemento sa katiwalian ng mga estado at organismong pinansyal (...);

- ang pagdami ng mga sekta, ang muling paglakas ng relihiyosong diwa kabilang na sa abanteng mga bansa, ang pagtakwil sa rasyunal, lohikal na kaisipan (...);

- ang pagsakop ng media sa palabas ng karahasan, takot, dugo, masaker, (...);

- ang kawalang laman at kawalang-hanggan ng lahat ng ‘artistikong’ produksyon: literatura, musika, pagpinta, arkitektura (...);

- ‘bawat isa para sa kanyang sarili’, pagbukod, atomisasyon ng indibidwal, pagkasira ng mga pampamilyang relasyon, ang pagbukod sa matatanda mula sa buhay ng lipunan” (Theses on decomposition, pt. 8).

Ang ulat ng ika-22 Kongreso ay nakatutok sa partikular sa pag-unlad ng penomenon na binanggit na sa 1990 (at may mayor na papel sa kamulatan ng IKT sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo sa yugto ng dekomposisyon): ang paggamit ng terorismo sa imperyalistang tunggalian. Binanggit ng ulat na: "Ang kantitatibo at kalitatibong paglaki ng posisyon ng terorismo ay nagkaroon ng mapagpasyang hakbang (...) sa pag-atake ng Twin Towers (...) Sunod na kinumpirma ito sa mga atake sa Madrid sa 2004 at London sa 2005 (...), ang pagkabuo ng Daesh sa 2013-14 (...), ang mga atake sa Pransya sa 2015-16, Belgium at Alemanya sa 2016".  Binanggit din ng ulat, kaugnay ng mga atakeng ito at bilang ekspresyon ng dekomposisyon ng lipunan, ang paglaganap ng radikal na Islamismo, na bagamat sa simula ay pinainit ng Shia (sa pagkabuo ng rehimen ng mga mullah sa Iran noong 1979), ay sa esensya resulta ng kilusang Sunni mula 1996 hanggang ngayon, sa pag-agaw sa Kabul ng Taliban at higit pa, matapos mapatalsik ang rehimeng Saddam Hussein sa Iraq ng tropang Amerikano.

3) Dagdag sa kumpirmasyon ng mga tunguhin na binanggit sa teses noong 1990, sa ulat na pinagtibay ng ika-22 Kongreso ay binigyang-pansin ang paglitaw ng dalawang bagong penomena bunga ng pagpapatuloy ng dekomposisyon at  may malaking papel sa buhay pulitikal ng maraming mga bansa:

- ang dramatikong pagtaas ng migrasyon mula 2012 hanggang ngayon, na nagtapos sa 2015, at nagmula pangunahin sa sinira-ng-digmaan na Gitnang Silangan, sa partikular matapos ang "Arab spring" sa 2011;

- ang patuloy na paglakas ng populismo sa halos lahat ng mga bansa sa Uropa at sa nagungunang kapangyarihan ng mundo ng mapili si Donald Trump noong Nobyembre 2016.

Ang malakihang dislokasyon ng populasyon ay hindi penomenon na ispisipiko sa yugto ng dekomposisyon. Subalit, naaabot na nila ang lawak na nagiging nag-iisang elemento na sila sa ganitong dekomposisyon ngayon, pareho sa kanilang kasalukuyang kadahilanan (ang kaguluhan ng digmaan na namayani sa pinagmulan na mga bansa) at sa kanilang pulitikal na epekto sa mga bansang patutunguhan. Sa partikular, ang malakihang pagdating ng mga bakwit sa mga bansa sa Uropa ay naging pangunahing batayan ng paglakas ng populismo sa Uropa, bagamat ang paglakas ay matagal ng nangyari (laluna sa bansang katulad ng Pransya dahil sa paglakas ng National Front).

4) Katunayan, sa mahigit dalawampung taon, nakita ang pagtaas ng tatlong beses sa botong nakuha ng mga populistang partido sa Uropa (mula 7% naging 25%), na may malakas na pagtaas matapos ang 2008 krisis pinansyal at krisis ng migrasyon sa 2015. Sa sampung bansa, ang mga partidong ito ay lumahok sa pamamahala o mayoriya sa parliyamento: Poland, Hungary, Czech Republic, Slovakia, Bulgaria, Austria, Denmark, Norway, Switzerland at Italy. Dagdag pa, kahit wala sa gobyerno ang populistang mga grupo, may signipikanteng impluwensya sila sa pampulitikang buhay ng burgesya. Tatlong halimbawa ang pwedeng ibigay:

- sa Germany, ang elektoral na paglakas ng AfD ang konsiderableng nakapagpahina kay Angela Merkel, na siyang dahilan na napilitan siyang magbitiw sa liderato ng kanyang partido;

- sa France, ang "Man of Destiny” na si Macron, ang apostoles ng “Bagong Mundo”, sa kabila na nanalo siya laban kay Marine Le Pen sa eleksyon ng 2017, ay hindi nagtagumpay na bawasan ang impluwensya ng partido ng huli, na sa botohan ay dikit na dikit sa kanyang sariling partido, ang République en Marche, na umaangkin na parehong nasa loob ang “kanan at kaliwa” na mga pampulitikang personahe (halimbawa, isang Prime Minister mula sa Kanan at isang Minister of the Interior mula sa Socialist Party);

- sa Great Britain, ang tradisyunal na pinakamagaling na burgesya sa mundo ay mahigit isang taon ng nahirapan paano pangasiwaan ang “Brexit” na resulta ng pamumursige ng mga populista.

Nasa gobyerno man ang mga populista o simpleng nanggugulo lamang sa klasikong pampulitikang laro, hindi sila tumugma sa rasyunal na pangangasiwa sa pambansang kapital ni sa intensyunal na pakana ng dominanteng sektor ng uring burges, partikular sa pamamagitan ng media, na laging pumupuna sa mga populista. Ang pinakita mismo ng paglakas ng populismo ay ang paglala ng penomenon na binanggit na sa teses sa 1990: "Sa mga mayor na katangian ng kapitalistang dekomposisyon, dapat nating bigyang-diin ang lumalaking kahirapan ng burgesya na kontrolin ang ebolusyon ng pampulitikang sitwasyon" (Item 9). Isang penomenon na malinaw na binanggit sa ulat ng ika-22 Kongreso: "Ang kailangang bigyang-diin sa kasalukuyang sitwasyon ay ang ganap na kumpirmasyon ng aspetong ito na kinilala na namin 25 taon na ang nakaraan: ang tunguhin ng papalaking kahirapan ng naghaharing uri na kontrolin ang kanyang sariling pampulitikang makinarya.

Ang paglakas ng populismo ay ekspresyon, sa kasalukuyang kalagayan, sa lumalaking kawalan ng kontrol ng burgesya sa mga kaganapan sa lipunan, na nagmula mismo sa bag-as ng dekomposisyon, ang kawalan ng kapasidad ng dalawang pundamental na mga uri ng lipunan na ipataw ang sariling tugon sa wala ng solusyon na krisis ng kapitalistang ekonomiya. Sa madaling sabi, ang dekomposisyon ay resulta ng pagiging inutil ng naghaharing uri, kainutilan na nagmula mismo sa kanyang kawalang kapasidad na pangibabawan ang krisis ng kanyang moda ng produksyon at lalupang nakaapekto sa kanyang pampulitikang makinarya.

Ilan sa kasalukuyang dahilan ng paglakas ng populismo ay ang mga pangunahing manipestasyon ng panlipunang dekomposisyon: paglakas ng desperasyon, nihilismo, karahasan, xenophobia, na nakaangkla sa lumalaking pagtakwil sa mga "elitista" (ang mga "mayayaman", pulitiko, teknokrata) at sa sitwasyon na ang uring manggagawa ay walang kapasidad na ihapag, kahit binhi man lang, ang sariling alternatiba. Halatang posible, dahil man sa sariling kawalang kapasidad at katiwalian, o dahil sa muling paglakas ng pakikibaka ng manggagawa, na mawala ang impluwensya ng populismo sa hinaharap. Sa kabilang banda, hindi nito maaring pasubalian ang istorikal na tendensya ng lipunan na malubog sa dekomposisyon, ni ang ibat-ibang manipestasyon nito, kabilang na ang lumalaking kawalan ng kontrol ng burgesya sa kanyang larong pulitikal. At may epekto ito hindi lang sa pambansang polisiya kundi sa lahat din ng mga relasyon sa pagitan ng mga estado at imperyalistang tunggalian.

Ang istorikal na tunguhin isang paradaym ng pagbabago

5) Sa 1989-90, sa harap ng dislokasyon ng Eastern bloc, sinuri namin itong walang katulad na istorikal na penomenon - ang pagbagsak ng buong imperyalistang bloke sa kabila ng kawalan ng pangkalahatang kumprontasyong militar -  bilang unang mayor na manipestasyon ng yugto ng dekomposisyon. At kasabay nito, sinuri namin ang bagong pagsasaayos ng mundo bunga ng ganitong istorikal na kaganapan:

Ang paglaho ng imperyalistang pulis ng Rusya, at hinggil sa Amerikanong pulis kung ang kanyang isang beses lang na mga ‘kasama’ ang pag-uusapan, ay nagbukas ng pintuan para mas umigting pa ang buong serye ng mga lokal na kompetisyon. Sa kasalukuyan, itong mga kompetisyon at bangayan ay hindi tutungo sa pandaigdigang digmaan (kahit pa ipagpalagay na wala ng kapasidad ang proletaryado na tumutol). (…) Hanggang ngayon, sa panahon ng pagbulusok-pababa, sa sitwasyon na buhaghag ang ibat-ibang imperyalistang antagonismo, kung saan ang mundo (o ang kanyang mapagpasyang mga sona) ay hindi na nahati sa pagitan ng hindi tumagal na dalawang bloke. Ang paglaho ng dalawang mayor na imperyalistang bloke na lumitaw mula sa World War II ay nagdadala ng tendensya tungong rekomposisyon ng dalawang panibagong bloke. Subalit ang naturang sitwasyon ay wala pa sa agenda (…) Mas totoo pa na ang tendensya na paghatian ang mundo ng dalawang blokeng militar ay masalungat, at sigurado pang makompromiso dahil sa lumalaki at paglaganap ng pagkabulok ng kapitalistang lipunan, na binanggit na namin (…)

Dahil sa kawalan ng kontrol ng internasyunal na burgesya sa sitwasyon, hindi tiyak na ang kanyang dominanteng sektor ay may kapasidad ngayon na ipataw ang disiplina at koordinasyon na kailangan para sa rekonstitusyon ng mga bloke militar.” (“After the collapse of the Eastern bloc, destabilization and chaos”, International Review No. 61)

Kaya, ang 1989 ay tanda ng pundamental na pagbabago sa pangkalahatang dinamiko ng kapitalistang lipunan:

- Bago ang naturang taon, ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri ang mapagpasyang salik sa determinasyon ng dinamiko nito: nakasalalay sa balanse ng pwersa ang resulta ng paglala ng mga kontradiksyon ng kapitalismo: tungong pandaigdigang digmaan, o pag-unlad ng makauring pakikibaka na may perspektibang ibagsak ang kapitalismo.

- Matapos ang naturang taon, ang dinamikong ito ay hindi na nakasalalay sa balanse ng pwersa ng mga uri. Anuman ang balanse ng pwersa, wala na sa agenda ang pandaigdigang digmaan, pero patuloy na lulubog sa pagkabulok ang kapitalismo.

6) Sa paradaym na dominante sa ika-20 siglo, ang nosyon ng "istorikal na daan" na humuhulma sa resulta ng isang istorikal na tunguhin: pandaigdigang digmaan o makauring tunggalian; at kung nakaranas ang proletaryado ng mapagpasyang pagkatalo (tulad ng sa bisperas ng 1914 o bilang resulta ng rebolusyonaryong alon sa 1917-23), hindi maiwasan ang pandaigdigang digmaan. Sa paradaym na humuhulma sa kasalukuyang sitwasyon (hanggat hindi pa nabuo ang bagong imperyalistang mga bloke, na malamang hindi mangyayari), posible na makaranas ang proletaryado ng napakalalim na pagkatalo kung saan hindi na ito makabangon, pero posible rin na makaranas ito ng malalim na pagkatalo na walang mapagpasyang epekto sa ebolusyon ng lipunan. Kaya ang nosyon ng "istorikal na daan" ay hindi pwedeng magamit para suriin ang kasalukuyang sitwasyon ng mundo at ng balanse ng pwersa sa pagitan ng burgesya at proletaryado.

Parang ang kasalukuyang istorikal na sitwasyon ay katulad ng sa 19 siglo. Sa panahong yun:

- ang pagdami ng mga pakikibaka ng manggagawa ay hindi nagkahulugan ng posibilidad ng isang rebolusyonaryong yugto dahil wala pa sa agenda ang proletaryong rebolusyon, ni makaya nitong pigilan ang isang mayor na digmaan (halimbawa, ang digmaan sa pagitan ng France at Prussia sa 1870 kung saan lumalakas ang kapangyarihan ng proletaryado dahil sa pag-unlad ng International Workingmen’s Association);

- ang mayor na pagkatalo ng proletaryado (tulad ng pagkadurog ng Paris Commune) ay hindi nagbunga ng isang panibagong digmaan.

Dahil dito, mahalagang bigyang-diin na ang nosyon ng "istorikal na daan" na ginamit ng Italian Fraction sa 1930s at ng IKT sa pagitan ng 1968 at 1989 ay ganap na balido at bumuo ng pundamental na balangkas para unawain ang pandaigdigang sitwasyon. Hindi dapat intindihin na dahil sa konsiderasyon ng aming organisasyon sa bago at walang katulad na mga datos sa sitwasyon mula 1989 ay nakapagdududa na ang aming balangkas ng pagsusuri bago pa ang 1989.

Imperyalistang Tensyon

7) Sa 1990 pa lang, ng nakita namin ang paglaho ng imperyalistang mga bloke na nangingibabaw sa "Cold War", giniit namin ang pagpapatuloy, at paglala, ng mga kumprontasyong militar:

Sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, lahat ng mga estado ay imperyalista, at gumagawa ng mga kailanganing hakbangin para tugunan ang kanilang kahayukan: ekonomiya ng digmaan, produksyon ng armas, atbp. Malinaw na sinabi namin na ang lumalalim na kombulsyon sa ekonomiya ng mundo ay patatalasin lamang ang tunggalian sa pagitan ng mga estado, kabilang na at lumalaki sa antas militar. … Sa kasalukuyan, ang mga bangayan at kumprontasyon ay hindi hahantong sa isang pandaigdigang digmaan. … Subalit, sa pagkawala ng disiplina na pinataw ng dalawang bloke, ang mga tunggaliang ito ay magiging mas madalas at mas marahas, laluna sa mga lugar na pinakamahina ang proletaryado.” (International Review No. 61, "After the collapse of the Eastern bloc, destabilisation and chaos")

ang kasalukuyang paglaho ng imperyalistang mga bloke ay hindi ibig sabihin na pwede ng pagdudahan ang kontrol ng imperyalismo sa buhay ng lipunan. Ang pundamental na kaibahan ay nakasalalay sa katotohanan na (…) ang wakas ng mga bloke ay nagbukas lamang ng pintuan sa mas barbariko, kakaiba, at magulong porma ng imperyalismo.” (International Review n°64, "Militarism and Decomposition")

Mula noon, kinumpirma lamang ng pandaigdigang sitwasyon ang tunguhin sa mas malalang kaguluhan, tulad ng nakita namin noong nakaraang taon:

 “ … Ang paglala ng dekomposisyon ay humantong sa madugo at magulong imperyalismo at militarismo;

 - ang pagsabog ng tendensya ng bawat isa para sa kanyang sarili ang nagtulak para lalakas ang imperyalistang ambisyon ng pangalawa at pangatlong imperyalistang kapangyarihan, kasabay ng mas lalupang paghina ng dominanteng posisyon ng USA sa mundo;

 - Ang kasalukuyang kalagayan ay may katangian ng imperyalistang tensyon sa lahat ng lugar at ng kaguluhan na mas lalupang hindi na makontrol; pero higit sa lahat, dahil sa kanyang napaka-irasyunal at alanganing na katangian, na nakaugnay sa epekto ng populistang panggigipit, sa partikular na katotohanan na ang pinakamalakas na kapangyarihan ay pinamunuan ngayon ng isang populistang presidente na may barumbadong pag-uugali.” (International Review No. 161, "Analysis of Recent Developments in Imperialist Tensions, June 2018")

8) Sa Gitnang Silangan, kung saan mas halata ang paghina ng liderato ng Amerika at walang kapasidad ang Amerika na itodo ang direktang panghimasok militar sa Syria ay nagbukas para sa iba pang mga imperyalista, at naghapag ng konsentrasyon ng mga istorikal na tunguhin:

 - Iginiit ng Russia ang sarili bilang esensyal na kapangyarihan sa entablado ng Syria, salamat sa kanyang pwersang militar, sa partikular sa kanyang baseng nabal sa Tartus

 - Ang Iran, sa pamamagitan ng kanyang tagumpay militar sa pagligtas sa kanyang alyado, ang rehimeng Assad, at sa pagbuo ng Iraqi-Syrian land corridor na direktang nakaugnay sa Iran sa Mediterranean at sa Lebanese Hezbollah, ang pangunahing nakinabang at nakamit ang layunin na maging lider sa rehiyon, partikular sa pagpapadala ng mga tropa labas sa kanyang teritoryo.

 - Ang Turkey, nahumaling dahil sa takot na mabuo ang autonomous Kurdish zones na magdulot lang ng de-istabilisasyon sa kanya, ay nagsagawa ng operasyong militar sa Syria.

 - Ang mga “tagumpay” militar sa Iraq at Syria laban sa Islamic State at pananatili ni Assad sa kapangyarihan ay hindi nakapagbigay ng istabilisasyon. Sa Iraq, ang pagkatalong militar ng Islamic State ay hindi nakapawi sa galit ng dating paksyong Sunni ni Saddam Hussein: ang pagpalit sa kapangyarihan sa unang pagkakataon ng paksyong Shiites ay mas lalupang nagpalaki sa apoy ng galit. Sa Syria, ang tagumpay militar ng rehimen ay hindi nagkahulugan ng istabilisasyon o pasipikasyon sa Syria, na pinanghimasukan ng ibat-ibang imperyalistang kapangyarihan na may magkatunggaling mga interes.

 - Malalim na nahati ang Rusya at Iran sa kinabukasan ng estado ng Syria at sa presensya ng kanilang mga tropang militar sa kanyang teritoryo;

Maging ang Israel, na tutol sa konsolidasyon ng Hezbollah sa Lebanon at Syria, ni ang Saudi Arabia, ay hindi kayang balewalain ang paglakas ng Iran; habang ang Turkey ay hindi matanggap ang labis na ambisyon ng kanyang dalawang karibal.

Ni ang Amerika at Kanluran ay basta na lang susuko sa kanilang ambisyon sa estratehikong eryang ito ng mundo.

Ang sentripugal na aksyon ng ibat-ibang kapangyarihan, maliit at malaki, na ang magkaibang imperyalistang ganid ay laging nagbanggaan, ay nagpapaapoy lamang sa kasalukuyang kaguluhan tulad ng sa Yemen, kabilang na ang hinaharap na bangayan at paglaganap ng kaguluhan.

9) Samantala, matapos bumagsak ang USSR sa 1989, ang Rusya na tila nahulog na lang sa segundaryong posisyon, ay malakas na bumalik sa imperyalistang antas. Isang kapangyarihan na dumadausdos at kulang ang ekonomiyang kapasidad para manatili sa kompetisyong militar laban sa iba pang mayor na kapangyarihan, ay pinakita, sa pamamagitan ng restorasyon ng kanyang kapasidad militar mula 2008, sa kanyang napaka agresibong militar at sa kanyang kapasidad na maging panggulo sa internasyunal na antas:

- Binigo nito ang “kontrol” ng US (kabilang na ang integrasyon sa NATO ng kanyang dating mga alyado sa dating Warsaw Pact) sa kontinente ng Uropa ng sakupin nito ang Crimea sa 2014, sa pagputol ng kilusang paghiwalay sa Donbass na siyang pumigil sa anumang posibilidad na maging bahagi ang Ukraine sa sentral na makinarya laban sa Rusya.

- Sinamantala nito ang kahirapan ng Amerika na kontrolin ang Mediterranean: ang kanyang interbensyong militar sa Syria ay nakapagkonsolida ng kanyang presensya ng hukbong-pandagat sa naturag bansa at sa silangang Mediterranean. Pansamantala rin na nagawa ng Russia ang panunumbalik ng pakikiisa sa Turkey, isang myembro ng NATO, na lumalayo sa kontrol ng Amerka.

Ang kasalukuyang pakikiisa ng Russia sa China sa basihan ng pagtakwil sa alyansa ng Amerika sa rehiyon ng Asya ay napakahina para mabuo ang matagalang alyansa sa hinaharap dahil sa magkatunggaling interes ng dalawang estado. Subalit ang hindi istableng relasyon sa pagitan ng mga kapangyarihan ay tinitingnan ang Russia bilang isang estado sa Eurasian na may estratehikong kahalagahan para makontrol ang China.

10) Higit sa lahat, ang kasalukuyang sitwasyon ay markado ng mabilis na pag-akyat ng China sa kapangyarihan. Ang layunin ng huli (sa pamamagitan ng malakihang pamuhunan sa sektor ng teknolohiya, sa artificial intelligence, atbp) na konsolidahin ang sarili bilang pangunahing ekonomiyang kapangyarihan sa 2030-50 at makamit sa 2050 ang isang “hukbo na may internasyunal na kalidad na may kapasidad na manalo sa anumang modernong digmaan". Ang pinakamalinaw na manipestasyon sa kanyang ambisyon ay ang paglunsad mula 2013 ng "new Silk Road" (paglikha ng koridor ng transportasyon sa dagat at lupa, akses ng merkado sa Uropa at seguridad sa kanyang ruta ng kalakalan) bilang paraan para konsolidahin ang kanyang pang-ekonomiyang presensya kundi bilang instrumento rin para paunlarin ang kanyang imperyalistang kapangyarihan sa mundo at sa pangmatagalan, ay direktang hamunin ang dominasyon ng Amerika.

Ang paglakas ng China ay lumikha ng pangkalahatang de-istabilisasyon sa relasyon sa pagitan ng mga kapangyarihan, isang seryosong estratehikong sitwasyon kung saan ang dominanteng kapangyarihan, ang Estados Unidos, ay nagsisikap makontrol at mapigilan ang bantang paglakas ng China. Ang tugon ng Amerika na sinimulan ni Obama at pinagpatuloy ni Trump sa ibang paraan - ay kumakatawan sa isang mapagpasyang sandali sa pulitika ng Amerika. Ang pagtatanggol sa kanyang interes bilang pambansang estado ay nagkahulugan na ngayon ng pagyakap sa tendensya tungo sa bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang relasyon: tumutungo ang Estados Unidos mula sa pagiging pulis ng pandaigdigang kaayusan tungo sa pagiging pangunahing ahente ng bawat isa para sa kanyang sarili, sa kaguluhan, sa pag-alinlangan sa pandaigdigang kaayusan na kanyang binuo mula 1945.

Itong "istratehikong tunggalian para sa bagong pandaigdigang kaayusan sa pagitan ng United States at China", na nagaganap sa lahat ng larangan at antas, ay lalupang nagpalala sa kawalang kasiguruhan at kawalan ng katiyakan sa partikular na komplikado, hindi istable at pabago-bagong sitwasyon ng dekomposisyon: itong mayor na tunggalian ang nag-obliga sa lahat ng mga estado na muling ikonsidera ang pagbabago ng kanilang imperyalistang opsyon.

11) Ang yugto-yugtong paglakas ng China ay hindi mahiwalay sa kasaysayan ng imperyalistang bloke at kanilang paglaho sa 1989: ang posisyon ng kaliwang komunista sa "imposibilidad ng anumang paglitaw ng bagong industriyalisadong mga bansa" sa panahon ng dekadenteng yugto at ang kondenasyon ng mga estado "na nabigo sa kanilang industrial take-offbago ang Unang Digmaang Pandaigdig at nabaog sa pagkaatsado, o napreserba ang malalang pagkaatrasado kumpara sa mga bansa na nasa ibabaw na" ay balido sa panahon mula 1914 hanggang 1989. Ang mahigpit na pagkaorganisa ng mundo sa dalawang magkatunggaling imperyalistang bloke (permanente sa pagitan ng 1945 at 1989) para sa paghahanda ng pandaigdigang digmaan ang pumigil sa anumang mayor na panggugulo sa hirarkiya sa pagitan ng mga kapangyarihan. Ang paglakas ng China ay nagsimula dahil sa ayuda ng Amerika sa kanyang imperyalistang pagbaliktad sa bloke ng Amerika sa 1972. Mapagpasya itong nagpatuloy sa paglaho ng mga bloke sa 1989. Ang China ang pangunahing nakinabang sa ‘globalisasyon’ matapos ang pagkabuo ng WTO sa 2001 ng ito ay naging pandaigdigang pagawaan at nakinabang sa relokasyon at pamuhunan ng Kanluran, at sa huli ay naging pangalawang ekonomiyang kapangyarihan ng mundo. Lumakas ang China dahil sa walang katulad na istorikal na mga sirkumstansya ng dekomposisyon at kung wala ito, hindi ito nangyari.

Ang paglakas ng China ay tanda ng dungis ng katapusan ng kapitalismo: nakabase ito sa labis na pagsasamantala sa lakas-paggawa ng proletaryado, sa hindi mapigil na pag-unlad ng ekonomiya ng digmaan sa pamamagitan ng pambansang programa ng “pagsanib ng militar at sibilyan” at sinabayan ng kagimbal-gimbal na pagsira ng kapaligiran, habang ang pambansang kaayusan ay nakabatay sa kontrol ng pulisya sa masa na pinailalim sa edukasyon ng Isang Partido at mabangis na panunupil sa populasyon ng mga Uighur Muslim at Tibet. Katunayan, ang China ay isa lamang higanteng metastasis sa pangkalahatang militaristang cancer ng buong kapitalistang sistema: ang kanyang produksyong militar ay umuunlad sa isang natatarantang bilis, ang kanyang badyet sa depensa ay tumaas ng anim na beses sa loob ng 20 taon at nasa ikalawang pwesto ng mundo mula 2010.

12) Ang pagkabuo ng “New Silk Road” at ang dahan-dahan, sustinido at matagalang progreso ng China (ang pagbuo ng mga pang-ekonomiyang kasunduan o inter-estado na pagtutulungan sa buong mundo; sa Italy, sa kanyang akses sa daungan ng Athens sa Mediterranean; sa Latin America; sa pagtayo ng base militar sa Djibouti - ang gateway sa kanyang lumalaking impluwensya sa kontinente ng Africa) ay nakaapekto sa lahat ng mga estado at gumugulo sa umiiral na balanse.

Sa Asya, nabago na ng China ang balanse ng imperyalistang pwersa sa kapinsalaan ng Estados Unidos. Subalit, hindi posible na awtomatikong punuan ang “puwang” na iniwan ng bumubulusok-pababa na liderato ng Amerika dahil sa dominasyon ng bawat isa para sa kanilang sarili sa imperyalistang larangan at kawalan ng tiwala ng mga kapangyarihan. Namumuo ang signipikanteng imperyalistang tensyon sa partikular:

- India, na kinondena ang pagkabuo ng Silk Road sa lanyang kagyat na paligid (Pakistan, Burma, Sri Lanka) bilang estratehiya ng pagkubkob at atake sa kanyang soberaniya, ay nagsagawa ng mayor na programa para sa modernisasyon ng kanyang hukbo at dinoble ang kanyang badyet mula 2008.

- at Japan, na parehas ang kagustuhan na pigilan ito. Pinag-iisipan na ng Tokyo ang kanyang istatus na naglimita sa kanyang legal at materyal na kapasidad na gumamit ng pwersang militar matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at direkta itong sumusuporta sa mga rehiyonal na estado, hindi lang diplomatiko kundi sa militar, para harapin ang China.

Ang antagonismo ng dalawang estadong ito sa China ay nagtulak sa kanila na makipag-alyansa at kasabay nito sa kanilang pakikiisa sa United States. Ang huli ay bumuo ng apat-na-partidong alyansa ng Japan-United States-Australia-India na nagbigay ng balangkas para sa diplomasya at militar din, sa pakikiisa sa pagitan ng ibat-ibang estado na tutol sa paglakas ng China.

Sa yugtong ito na “gustong habulin” ng China ang kapangyarihan ng US, nagsisikap itong itago ang kanyang mapanakop na ambisyon para iwasan ang direktang kumprontasyon sa kanyang karibal, na makasira sa kanyang pangmatagalang plano, habang ang United States ay nag-inisyatiba ngayon na pigilan ito at mas binigyan ng imperyalistang atensyon ang erya ng Indo-Pacific.

13) Sa kabila ng populismo ni Trump, sa kabila ng bangayan sa loob ng burgesyang Amerikano paano protektahan ang kanilang liderato at pagkahati-hati, sa partikular hinggil sa Russia, ang administrasyong Trump ay nagpatibay ng isang imperyalistang polisiya na nagpapatuloy at tapat sa mga pundamental na interes ng estadong Amerikano. Sa pangkalahatan ay sang-ayon ang mayoriya ng burgesyang Amerikano na mahalaga ito para depensahan ang posisyon ng USA bilang hindi matatalo na lider ng pandaigdigang kapangyarihan.

Naharap sa hamon ng China, nagsagawa ang Estados Unidos ng mayor na transpormasyon sa kanyang imperyalistang estratehiya. Itong pagbabago ay nakabatay sa obserbasyon na ang balangkas ng "globalisasyon" ay hindi napanatili ang posisyon ng Estados Unidos kundi nakapagpahina pa sa kanya. Ang pormalisasyon ng administrasyong Trump sa prinsipyo na ipagtanggol lang ang kanilang interes bilang isang pambansang estado at imposasyon ng mapakinabangang mga relasyon  sa ibang kapangyarihan bilang pangunahing batayan sa pakipagrelasyon sa ibang mga estado, ay nagkumpirma at nagpakita sa mga implikasyon ng kabiguan sa polisiya sa nagdaang 25 taon sa pakikipaglaban sa tendensyang “bawat isa para sa kanyang sarili” bilang pandaigdigang pulis para proteksyunan ang pandaigdigang kaayusan na namana nito mula 1945.

Ang pagbaliktad ng Estados Unidos ay makita sa:

- kanyang pag-atras mula sa (o pag-alinlangan) sa internasyunal na mga kasunduan na naging hadlang sa kanilang paghari o bumabangga sa kasalukuyang pangangailangan ng imperyalismong Amerikano: pag-atras sa Paris Agreement on Climate Change, pagbawas sa kontribusyon sa UN at kanilang pag-atras sa UNESCO, sa United Nations Human Rights Council, sa Global Compact on Migrants and Refugees.

- ang kahandaan na umangkop sa NATO, ang alyansang militar na namana mula sa mga bloke, na nawala na ang kahalagahan sa kasalukuyang pagsasaayos sa imperyalistang tensyon, sa pamamagitan ng pagpataw sa mga alyado ng mas malaking responsibilidad pinansyal para sa kanilang proteksyon at sa pagrebisa sa awtomatikong katangian ng paglawak ng payong ng Amerika.

- ang tendensya na talikuran ang multilateralismo pabor sa bilateral na mga kasunduan (batay sa kanyang lakas sa militar at ekonomiya) gamit ang baras ng ng pang-ekonomiyang blackmail, teror at banta ng paggamit ng bangis ng pwersa militar (tulad ng bomba atomika laban sa Hilagang Korea) para ipilit ang sarili.

- ang digmaan sa kalakalan sa China, sa pangkalahatan ay naglalayong ipagkaila sa China ang anumang posibilidad na mapalakas ang pang-ekonomiyang posisyon at mapaunlad ang mga estratehikong sektor na magpahintulot dito na direktang hamunin ang paghari ng US.

- pagkwestyon sa mga multilateral na kasunduan sa armas (NIF at START) para manatili ang kanilang liderato sa teknolohiya at muling binuhay ang paligsahan sa armas para sagarin ang mga karibal ng Amerika (ayon sa napatunayang estratehiyang na nagpabagsak sa USSR). Inaprubahan ng Estados Unidos sa 2018 ang isa sa pinakamataas na badyet militar sa kanyang kasaysayan; muli nitong pinalakas ang kanyang kapasidad nukleyar at kinokonsidera ang paglikha ng ikaanim na sangkap sa US Army para “dominahan ang kalawakan” at alkontrahan ang banta ng China sa larangan ng satellite.

Ang mapanirang aktitud ng isang Trump, na napakadaling talikuran ang mga internasyunal na komitment ng Amerika para labanan ang mga estabilisadong patakaran, ay kumakatawan sa bago at makapangyarihang salik ng pagkabalisa, na nagbigay ng dagdag-pwersa sa tunguhing “isa laban sa lahat”. Ito ay dagdag-indikasyon sa bagong yugto sa mas lalupang paglubog ng kapitalismo sa barbarismo at sa kailaliman ng walang sagabal na militarismo.

14) Napapansin ang pagbabago ng estratehiya ng Amerika sa iilang pangunahing imperyalistang entablado:

- sa Gitnang Silangan, ang deklaradong layunin ng Estados Unidos sa Iran (at mga parusa laban dito) ay de-istabilisasyon at ibagsak ang rehimen sa pamamagitan ng pagsasamantala sa kanyang internal na mga dibisyon. Habang progresibong kumakalas sa aspetong militar mula sa putikan sa Afghanistan at Syria, ang Estados Unidos sa ngayon ay ganap ng umaasa sa kanyang mga alyado sa Israel at laluna sa Saudi Arabia (sa ngayon pinakamalaking rehiyonal na kapangyarihan) bilang bag-as ng kanyang polisiya na pigilan ang Iran. Sa perspektibang ito, binigyan nila ang dalawang estado at kanilang mga lider ng mga garantiya ng solidong suporta sa lahat ng larangan para konsolidahin ang kanilang alyansa (probisyon ng state-of-the-art military equipment, suporta ni Trump sa iskandalo ng asasinasyon sa kaaway ng Saudi na si Khashoggi, pagkilala sa Silangang Jerusalem bilang kabisera ng Israel at sa soberaniya ng Israel sa Golan Heights sa Syria). Ang prayoridad na pigilan ang Iran ay sinabayan ng pagkonsidera na talikuran ang kasunduan sa Oslo, at kanyang "dalawang-estado" na solusyon (Israel at Palestine) sa usapin ng Palestino. Ang paghinto ng tulong ng US sa mga Palestino at sa PLO at ang mungkahi para sa “big deal” (ang pagtalikod sa anumang kahilingan sa paglikha ng isang estadong Palestino kapalit ng malaking ayudang ekonomiya ng US) ay naglalayong resolbahin ang esensya ng pagtatalo sa Palestine, na ginamit ng lahat ng mga rehiyunal na imperyalismo laban sa Estados Unidos, para magkaroon ng de facto na pagkakaisa sa pagitan ng kanyang mga alyadong Arabo at Israeli.

- sa Latin America, naglunsad ng kontra-opensiba ang Estados Unidos para masiguro ang mas magandang imperyalistang kontrol sa kanyang tradisyunal na erya ng impluwensya. Ang pag-akyat ni Bolsonaro sa kapangyarihan sa Brazil ay hindi simpleng resulta ng tulak ng populismo kundi resulta mula sa malawak na operasyon ng pamimilit ng Amerika sa burgesyang Brazilian, isang estratehiya na tinahi ng estadong Amerikano na may layunin, nakamit na ngayon, na muling kabigin ang estado sa kanyang imperyalistang kampo. Bilang pasimula sa komprehensibong plano na ibagsak ang mga anti-Amerikang rehimen ng "Troika of Tyranny" (Cuba, Venezuela at Nicaragua) nakita namin sa ngayon ang bigong pagpatalsik sa rehimeng Chavista/Maduro sa Venezuela.

Subalit nagawa ng Washington na bigwasan ang China, kung saan napilitang piliin na maging pampulitikang alyado ang Venezuela para palawakin ang kanyang impluwensya at napatunayang walang magawa para labanan ang panggigipit ng Amerika. Hindi imposible na itong imperyalistang opensiba ng Amerika na muling pagsakop sa Latin America ay simula ng isang mas sistematikong opensiba laban sa China sa ibang kontinente. Sa ngayon, itinaas nito ang posibilidad ng lalupang pagbagsak ng Venezuela sa magulong bangayan sa pagitan ng mga burges na paksyon, kabilang na ang pagtaas ng de-istabilisasyon sa buong Timog Amerika.

15) Ang kasalukuyang pangkalahatang konsolidasyon ng imperyalistang tensyon ay nakitaan ng muling paglakas ng paligsahan sa armas at supremasya sa teknolohiyang militar hindi lang kung saan mas pinakatingkad ang bangayan (sa Asya at Gitnang Silangan) kundi sa lahat ng mga estado, sa lahat ng pangunahing mayor na kapangyarihan. Lahat ay palatandaan na isang panibagong yugto ng inter-imperyalistang banggaan ang namumuo at lumulubog ang sistema sa barbarismong militar.

Sa kontekstong ito, ang EU (European Union) kaugnay sa internasyunal na imperyalistang sitwasyon ay patuloy na harapin ang tendensya ng pagkapira-piraso tulad ng pahayag ng Ulat sa Imperyalistang tensyon sa Hunyo 2018 (International Review 161).

Ang krisis sa ekonomiya

16) Sa antas ng ekonomiya, mula 2018, ang sitwasyon ng kapitalismo ay markado ng matalas na paghina ng pandaigdigang pag-unlad (mula 4% in 2017 tungo sa 3.3% in 2019), na ayon sa burgesya ay mas lalala pa sa 2019-20. Itong pagbagal ay napatunayan na mas malaki pa kaysa inaasahan sa 2018, tulad ng binawasan ng IMF ang kanyang pagtataya sa susunod na dalawang taon at sabay-sabay na apektado ang lahat ng bahagi ng kapitalismo: China, ang Estados Unidos at ang Euro Zone. Sa 2019, 70% sa ekonomiya ng daigdig ay bumabagal, partikular ang ‘abanteng’ mga bansa (Germany, United Kingdom). Iilan sa umuunlad na mga bansa ay nasa resesyon na (Brazil, Argentina, Turkey) habang ang China, ay bumabagal na simula pa 2017 at inaasahang lalago ng 6.2% sa 2019, ay nakaranas ng pinakamababang paglago sa loob ng 30 taon.

Ang halaga ng halos lahat ng mga pera sa umuunlad na mga bansa ay humina, minsan mas malaki ang paghina, tulad ng sa Argentina at Turkey

Sa katapusan ng 2018, zero ang paglago ng pandaigdigang kalakalan, habang ang Wall Street ay nakaranas sa 2018 ng pinakamalaking stock market “corrections” sa nagdaang 30 taon. Halos lahat ng mga palatandaan ay kumikinang at tinuturo ang perspektiba ng isang panibagong pagbulusok-pababa ng kapitalistang ekonomiya.

17) Walang maibigay na kinabukasan ang uring kapitalista, ang kanyang sistema ay kinondena ng kasaysayan. Magmula ng krisis sa 1929, ang unang mayor na krisis ng dekadenteng kapitalismo, hindi huminto ang burgesya na paunlarin ang interbensyon ng estado para kontrolin ang ekonomiya. Mas lalupang naharap sa kumikipot na extra-capitalist markets, na mas lalupang binantaan ng pangkalahatang sobrang produksyon "napanatili ng kapitalismo na buhay ang sarili, salamat sa mulat na interbensyon ng burgesya, na hindi na kayang sasandal lang sa hindi makitang kamay ng pamilihan. Totoo na ang solusyon ay naging bahagi na ng problema:

- ang paggamit ng utang ay malinaw na mag-iipon ng malaking problema sa hinaharap,

- ang paglobo ng sektor ng estado at armas ay magluwal ng kakila-kilabot na inplasyon.

Magmula 1970s, ang mga problemang ito ay lumikha ng ibat-ibang pang-ekonomiyang polisiya, nagsasalitan sa pagitan ng ‘Keynesianismo’ at ‘neoliberalismo’, pero dahil walang patakaran na nasolusyunan ang tunay na mga dahilan ng krisis, walang polisiya ang nagtagumpay. Ang malinaw ay ang determinasyon ng burgesya na ipagpatuloy ang paggalaw ng ekonomiya sa anumang paraan at sa kanyang kakayahan na pigilan ang pagbagsak sa pamamagitan ng higanteng utang." (Ika-16 na Internasyunal na Kongreso, Resolusyon sa internasyunal na sitwasyon)

Iniluwal ng mga kontradiksyon ng dekadente at nasa istorikal na rurok na kapitalistang sistema, subalit ang kapitalismo ng estado na pinataw sa bawat pambansang kapital ay hindi sumusunod sa istriktong ekonomikong determinismo; kabaliktaran, ang kanyang aksyon, sa esensya ay pulitikal ang katangian, sinabayan ng integrasyon at kombinasyon ng ekonomikong aspeto na may panlipunan (paano harapin ang kanyang makauring kaaway ayon sa balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri) at imperyalistang aspeto (ang pangangailangan na panatilihin ang malaking sektor ng armas na nasa sentro ng anumang pang-ekonomiyang aktibidad). Kaya ang kapitalismo ng estado ay nakaranas ng ibat-ibang yugto at organisasyunal na anyo sa kasaysayan ng dekadenteng kapitalismo.

18) Sa 1980s, sa ilalim ng lakas ng mga mayor na ekonomikong kapangyarihan, ipinagdiwang ang nasabing bagong yugto: ang "globalisasyon". Sa unang yugto, ito ay nagkahugis sa Reaganomics, na kagyat na sinundan ng ikalawang yugto, kung saan sinamantala ang istorikal na sitwasyon ng pagbagsak ng bloke ng Silangan para palawakin at palalimin ang reorganisasyon ng kapitalistang produksyon sa pandaigdigang saklaw sa pagitan ng 1990 at 2008.

Pinagpatuloy ang kooperasyon sa pagitan ng mga estado, partikular na ginamit ang lumang istruktura ng bloke ng Kanluran, at preserbasyon ng kaayusan sa palitan ng kalakalan, ay mga paraan hindi lang para mapunan ang lumalalang krisis (ang resesyon sa 1987 at 1991-93) kundi pati na rin ang mga unang epekto ng dekomposisyon, na sa larangan ng ekonomiya, ay inaasahang sa kalakhan ay mapahupa.

Sinundan ang EU bilang modelo sa pagtanggal sa mga sagabal sa adwana sa pagitan ng mga myembrong estado, pinalakas ang integrasyon ng maraming sangay ng pandaigdigang produksyon sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng mga totoong kadena ng produksyon sa pandaigdigang saklaw. Sa pamamagitan ng kombinasyon ng lohistika, impormasyon sa teknolohiya at telekomunikasyon, nagpahintulot sa paglawak ng mga ekonomiya, ang pagtaas ng pagsasamantala sa lakas-paggawa ng proletaryado (sa pamamagitan ng pagtaas ng produktibidad, internasyunal na kompetisyon, malayang paggalaw ng paggawa para ipataw ang mababang sahod), ang pagtali sa produksyon sa lohikang pinansyal ng makisimum na tubo, patuloy na tumataas ang pandaigdigang kalakalan, kahit maliit, pinasisigla ang pandaigdigang ekonomiya, na nagbibigay ng “ikawalang paghinga” na nagpahaba sa pag-iral ng kapitalistang sistema.

19) Ang pagbagsak sa 2007-09 ay nagmarka ng unang hakbang sa paglubog ng kapitalistang sistema sa hindi mapigilang krisis: matapos ang apat na dekadang pagpapautang at pangungutang para alkontrahan ang lumalaking sobrang produksyon, na ginambala ng lumalalim na resesyon at mas limitadong muling pagbangon, ang resesyon sa 2009 ang pinakamatingkad mula noong Great Depression. Ang malakihang panghimasok ng mga estado at ng kanilang mga bangko sentral ang nagligtas sa sistema ng pagbabangko mula sa ganap na pagkalugi, dahil sa pagsalo sa utang sa pamamagitan ng pagbili sa mga utang na hindi na mabayaran.

Ang kapital ng China, na seryoso rin na apektado ng krisis, ay may importanteng papel sa istabilisasyon ng pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng pagpatupad ng mga plano ng pagpapasigla ng ekonomiya sa 2009, 2015 at 2019, na nakabatay sa malakihang utang ng estado.

Hindi lang na hindi naresolba o napangibabawan ang mga dahilan ng krisis sa 2007-2011, kundi ang paglala at ang mga kontradiksyon ng krisis ay tumaas pa ang antas: ang mga estado na ngayon ang naharap sa mapamuksang bigat ng kanilang utang (ang “sovereign debt”), na dagdag pang nakaapekto sa kanilang kapasidad na manghimasok para muling buhayin ang kani-kanilang pambansang ekonomiya. Ginamit ang utang bilang paraan para suplementohan ang kakulangan ng solvent markets pero hindi ito patuloy na lalago tulad ng nakita natin sa krisis pinansyal na nagsimula sa 2007. Subalit, lahat ng hakbangin para limitahan ang utang ay muling naharap ang kapitalismo sa kanyang krisis ng sobrang produksyon, at ito sa internasyunal na konteksto na parating bumubulusok-pababa at mas lalupang nalimitahan ang puwang para sa maniobra” (Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon, Ika-20 Kongreso ng IKT).

20) Ang kasalukuyang kaganapan ng krisis dahil sa tumataas na kaguluhan na nagawa nito sa organisasyon ng produksyon tungo sa isang malawak na multilateral na konstruksyon sa internasyunal na antas, na pinagkaisa sa komon na mga patakaran, ay pinakita ang mga limitasyon ng “globalisasyon”. Ang lumalaking pangangailangan ng pagkakaisa (na walang ibig sabihin kundi imposasyon ng batas ng pinakamalakas sa pinakamahina) dahil sa “trans-nasyunal” na pagpipilipit sa napaka hati na produksyon ng bawat bansa (sa mga yunit na pundamental na nahati sa kompetisyon kung saan ang anumang produkto ay denisenyo dito, asembliya doon sa tulong ng mga elemento na nilikha sa kung saan) ay salungat sa pambansang kalikasan ng bawat kapital, laban sa limitasyon mismo ng kapitalismo, na hindi na maiwasang nahati sa kompetisyon at magkaribal na mga bansa. Ito ang maksimum na antas ng pagkakaisa na imposibleng mapangibabawan sa mundo ng burgesya. Nalagay ang mga institusyong multilateral at mekanismo sa matinding pagsubok dahil sa lumalalim na krisis (kasama na ang imperyalistang tunggalian).

Makita ang katotohanang ito sa kasalukuyang aktitud ng dalawang pangunahing kapangyarihan na nag-away para sa paghari ng mundo:

- Nasiguro ng China ang paglakas ng kanyang ekonomiya dahil sa paggamit sa multilateralismo ng WTO habang pinauunlad ang kanyang sariling pang-ekonomiyang polisiyang pakikipagsosyo (tulad ng proyektong "New Silk Road" na naglalayong alkontrahan ang pagbagal ng kanyang paglago) na walang pagpahalaga sa istandard pangkalikasan o "demokratiko" (isang ispisipikong aspeto ng patakarang globalisasyon na naglalayong ipataw ang mga istandard ng Kanluran at pandaigdigang kompetisyon sa pagitan ng mga nakinabang at talunan sa globalisasyon). Sa ideolohiya, hinamon nito ang kaayusang liberal ng Kanluran na kinilala nito na nanghina na at mula 2012 ay nagsisikap, sa pamamagitan ng paglikha ng mga institusyon (ang Shanghai Organization, ang Asian Development Bank...) para ilatag ang mga pundasyon sa alternatibo na makipagkompetinsyang internasyunal na kaayusan, na inilarawan ng burgesya sa Kanluran bilang “illiberal”.

- Ang estadong Amerikano sa ilalim ng administrasyong Trump (na suportado ng mayoriya ng burgesyang Amerikano), ay kinilala ang sarili na talunan sa "globalisasyon" (kung saan ito mismo ang nagpasimula), ang kanyang posisyon bilang lider ng mundo ay dahan-dahang pinahina ng kanyang mga karibal (pangunahin ng China, at ng mga kapangyarihan rin sa Kanluran tulad ng Germany). Ang patakarang “Una ang Amerika” ay gustong lagpasan ang mga institusyon ng regulasyon (WTO, G7 at G20) kung saan mas nahirapang ipagtanggol ang posisyon ng Amerika (na siya mismong pangunahin nilang bokasyon) at para paboran ang mga kasunduang bilateral na mas nagtatanggol sa kanilang interes at istabilidad na esensyal para sa negosyo.

21) Ang impluwensya ng dekomposisyon ay dagdag na salik sa de-istabilisasyon. Sa partikular, ang pag-unlad ng populismo ay mas lalupang nagpalala sa bumubulusok-pababa na ekonomikong sitwasyon sa pamamagitan ng salik ng kawalan ng kasiguruhan at kawalan ng katuparan sa harap ng kaguluhan ng krisis. Sa pag-akyat ng mga populistang gobyerno sa kapangyarihan na may hindi realistikong programa para sa pambansang kapital, na nagpahina sa galaw ng pandaigdigang ekonomiya at kalakalan, ay lumikha ng kaguluhan, at itinaas ang risgo ng paghina ng mga paraan na ipinataw ng kapitalismo magmula 1945 para pigilan ang anumang autarkic na pag-atras tungo sa pambansang balangkas, na sinulsulan ng hindi makontrol na paglala ng krisis sa ekonomiya. Ang kaguluhan sa Brexit at ang kahirapan na kumalas mula sa EU ay isa ring ilustrasyon: ang kawalang kapasidad ng mga partido ng naghaharing uri sa Britanya na magpasya sa mga kondisyon para sa paghiwalay at ang katangian ng mga relasyon sa hinaharap sa European Union, ang kawalan ng kasiguruhan sa "restorasyon" ng mga hangganan, sa partikular sa pagitan ng Hilagang Ireland at Eire, ang kawalang kasiguruhan sa kinabukasan ng maka-Europeo na Scotland na nagbantang hihiwalay mula sa United Kingdom sa magiging epekto nito sa ekonomiya ng Britanya (sa pamamagitan ng pagbawas sa halaga ng pound) kasama na ang kanyang mga dating kasama sa EU, na binawian sa matagalang istabilidad na kailangan nila para sa regulasyon ng ekonomiya.

Ang kawalan ng pagkakaisa sa pang-ekonomiyang polisiya ng Britanya, ang US at kahit saan ay pinakita ang lumalaking dibisyon hindi lang sa pagitan ng mga karibal na bansa kundi maging sa sariling bansa – dibisyon sa pagitan ng mga “multilateralista” at “unilateralista”, pero kahit sa loob ng dalawang paraan na ito (eg sa pagitan ng “hard” and “soft” Brexiteers sa UK) hindi lang na walang anumang minimal na konsensus sa ekonomikong polisiya kahit sa pagitan ng mga bansa ng dating bloke ng kanluran – ang usaping ito ay mas lalupang nakadagdag sa bangayan sa loob mismo ng pambansang burgesya.

22) Ang kasalukuyang akumulasyon ng lahat ng mga kontradiksyong ito sa konteksto ng paglala ng krisis sa ekonomiya, kabilang na ang karupukan ng sistema ng pera at pinansyal at ang malakihang internasyunal na pagkakautang ng mga estado matapos ang 2008, ay seryosong nagbukas sa darating na yugto ng mga pagyanig at muli mailagay ang kapitalismo sa harap ng panibagong pagbulusok-pababa. Subalit, kailangang hindi makalimutan na hindi pa lubusang naubusan ng mga paraan ang kapitalismo para pabagalin ang pagbagsak nito tungo sa krisis at iwasan ang hindi makontrol na sitwasyon, partikular sa sentral na mga bansa. Ang labis na pagkakautang ng mga estado, kung saan ang lumalaking bahagi ng nalikhang pambansang yaman ay kailangang ilaan sa pagbayad sa utang, ay mabigat na nakaapekto sa mga pambansang badyet at matinding bumawas sa kanilang maniobra sa harap ng krisis. Ganun pa man, ang sitwasyong ito ay hindi:

- magwawakas sa patakaran ng pagkakautang, bilang pangunahing temporaryong lunas sa mga kontradiksyon ng krisis ng sobrang produksyon at paraan para ipagpaliban ang hindi mapigilan, kapalit ng mas seryosong mga kombulsyon sa hinaharap;

- pagpapahinto sa baliw na paligsahan sa armas kung saan ang bawat estado ay nahatulan na. Mas naging irasyunal ang porma nito sa lumalaking bigat ng ekonomiya ng digmaan at produksyon ng armas, sa patuloy na lumalaking parte sa kanilang GDP (at ngayon ay naabot na ang pinakataas na antas magmula 1988, sa panahon ng kumprontasyon sa pagitan ng mga imperyalistang bloke).

23) Hinggil sa proletaryado, itong mga panibagong pagyanig ay magresulta lamang sa mas seryosong mga atake laban sa kabuhayan at kondisyon sa pagtrabaho sa lahat ng antas at sa buong mundo, sa partikular:

- sa pagpapalakas ng pagsasamantala sa lakas-paggawa sa pamamagitan ng patuloy na pagbawas sa sahod at pagtaas ng tantos ng pagsasamantala at produktibidad sa lahat ng sektor;

- sa patuloy na pagbuwag sa mga natira pa sa welfare state (dagdag na mga restriksyon sa ibat-ibang sistema ng benepisyo para sa mga walang trabaho, panlipunang tulong at sistema ng pensyon); at sa mas pangkalahatan sa pamamagitan ng “dahan-dahang” pagkalas sa pagpondo sa lahat ng porma ng ayuda o panlipunang suporta mula sa boluntaryo o semi-publiko na sektor;

- sa pagbawas ng mga estado sa pondo para sa edukasyon at kalusugan sa produksyon at pangangalaga sa lakas-paggawa ng manggagawa (at kaya may signipikanteng mga atake laban sa proletaryado sa mga pampublikong sektor);

- sa paglala at mas lalupang paglaki ng kontraktwalisasyon bilang instrumento ng pagpataw at pagpilit sa pagtaas ng kawalang trabaho sa lahat ng bahagi ng uri.

- mga atake na nagtatago sa likod ng mga pampinansyal na operasyon, tulad ng negatibong tantos ng interes na binura ng maliitang pag-iimpok at iskema ng pensyon. At dahil ang opisyal na tantos ng implasyon para sa mga produktong pangkonsumo ay mababa sa maraming mga bansa, ang speculative bubbles ay may kontribusyon sa totoong pagsabog sa halaga ng pabahay.

- pagtaas ng gastos ng pamumuhay laluna sa buhis at presyo ng mga pangunahing bilihin

Ganun pa man, bagamat ang burgesya sa lahat ng mga bansa ay mas lalupang napilitan na palakasin ang mga atake laban sa uring manggagawa, ang kanyang puwang ng maniobra sa pulitikal na antas ay hindi pa nalubos. Nakatitiyak kami na gagamitin nito ang lahat ng paraan para pigilan ang proletaryado na tumugon sa kanyang sariling makauring tereyn laban sa mas lumalalang pagkasira sa kondisyon ng pamumuhay na pinataw ng mga kombulsyon ng pandaigdigang ekonomiya.

Mayo 2019

 

Source URL: https://en.internationalism.org/content/16704/resolution-international-s...

Rubric: 

Kongreso ng IKT, Internasyunal na Sitwasyon