Skip to header Skip to main navigation Skip to main content Skip to footer
englishfrançaisdeutschitalianosvenskaespañoltürkçenederlandsportuguêsΕλληνικά
русскийहिन्दीفارسی한국어日本語filipino中文বাংলাmagyarsuomi
Bahay
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Pangunahing paglalayag

  • Pakikipag-ugnay
    • Mga Batayang Posisyon
    • Plataporma ng IKT
    • Manipesto - 1991
    • Internasyonalismo - 2000s
    • Internasyonalismo - 2010s
    • Internasyonalismo - 2020s
    • Manipesto Para Sa Rebolusyong Oktubre, Rusya 1917
    • Mga unyon laban sa uring manggagawa
    • Bayan o Uri?
    • Komunistang mga Organisasyon at Makauring Kamulatan
    • Pagbulusok-pababa ng kapitalismo

Harapin ang mga pag-atake mula sa lahat ng panig—magkaisa at lumaban bilang isang uri!

Breadcrumb

  • Bahay
  • Internasyonalismo - 2020s
  • Internasyonalismo - 2026

“Mabuhay ang pakikibaka ng uring manggagawa!”

(isang islogang mula sa demonstrasyon noong 12 Setyembre sa Madrid)

Nakatuon ang mga mata ng uring manggagawa sa pakikibaka ng mga manggagawa ng Airbus. Sa Espanya, tulad ng sa ibang mga bansa, tumataas ang implasyon at inaagawan tayo ng sahod.

At gaya ng nangyayari sa sektor ng automotive sa Alemanya, nakaamba ang malawakang tanggalan at pag-atake sa mga kundisyon sa paggawa. Lumalaganap ang pagkabalisa at determinasyong lumaban sa lahat ng sektor at sa lahat ng bansa. Ngunit ang tanong: paano lalaban? Sawa na tayo sa mga protesta kung saan tayo’y isinasantabi at walang boses sa mga kasunduang pinipirma sa likod natin. 

Ang pakikibaka sa Airbus ay tunay na pakikibaka ng uring manggagawa. Lumalaban ang mga manggagawa laban sa malaking pagbagsak ng kita dahil sa pagtaas ng presyo at laban sa mga pagbawas sa kundisyon sa paggawa (remote work, flexible hours, bakasyon, kantina ng empleyado). Ang pakikibaka ay nagmula sa kusang inisyatiba ng mga manggagawa at pinag-isa ang iba’t ibang sangay—ang mga inhinyero sa opisina at ang mga nasa linya ng produksyon. Nabuo ang malalaking asembliya (umaabot sa 1,500 manggagawa) na nag-uusap at nagpapasya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay, at nagpapadala ng mga “tagamasid” upang makipag-usap sa kumpanya at sa gobyerno. Kumalat ang pakikibaka mula Getafe at Seville patungo sa lahat ng pabrika: Cádiz, Toledo, at Albacete. Nag-organisa rin ang mga manggagawa ng talakayan sa social media (Telegram, X) at nagtayo ng website (Enfadados con Airbus – “Galit sa Airbus”) kung saan inilalathala nila ang balita sa pag-usad ng pakikibaka at maging ang mga dokumento ng asembliya.

Dapat tayong mahamig at magkaroon ng kumpiyansa mula sa pakikibakang ito.

Humihina ang pakikibaka dahil sa pagkakahiwalay sa loob ng sektor

Malinaw na hindi lalaki ang kilusan at hindi hahamon sa arbitrasyon ng gobyerno kung mananatili itong nakahiwalay sa loob lamang ng sektor. Pagkaraan ng isa’t kalahating buwan ng welga, nagsimulang sumapit ang pagod at may ilang kasama sa asembliya ang nagsabi: “Aalis na kami dahil pagod na kami at hindi na makapaghintay sa susunod na collective agreement.” Bagama’t bumoto ang asembliya na tanggihan ang arbitration agreement, napakanipis ng lamang: mula 81% pabor sa unang draft, bumagsak ito sa 51% sa sumunod, na may kabuuang lamang na 67 boto (karamihan mula Madrid at Seville). At kahit ang desisyon ay ipagpatuloy ang welga, nagpasya ang strike committee (UGT, CGT, UTIL) na “i-hold” ang welga, na nagdulot ng galit ng marami: “Hindi ko maintindihan ang ibinoto natin kahapon. Pwede mo itong tawaging iba, pero bumalik na tayo sa trabaho at nawala ang presyon.” “Legal pa ang welga hangga’t walang pinipirmahang kasunduan. Kung i-hohold natin ito, panalo na sila sa pamamagitan ng technical knockout.”

Sa kabila ng tapang at determinasyon, ang pagkakahiwalay ay walang patutunguhan! Ang makasaysayang welga ng mga minero sa Britanya noong 1984–85 ay tumagal ng halos isang taon, pinangunahan ng mga manggagawang batikan sa pakikibaka at may karamihan ng mga minang nakilahok—ngunit umatras sila isa-isa dahil nabigong palawakin ang pakikibaka lampas sa sektor ng pagmimina. 

Ang pagkatalong ito ay nagkaroon ng sentral (bagama’t hindi nag-iisang) papel sa demoralisasyon at kawalan ng makabuluhang pakikibaka ng uring manggagawa… hanggang 2022!

Ang demonstrasyon noong 12 Setyembre sa Madrid: ang hirap ng pagpapalawak ng pakikibaka

Marami ang marahil nag-isip na ang demonstrasyong ito ang magiging katapusan ng pakikibaka. Hindi nanawagan ang UGT ng demonstrasyon, at inaasahan ng ilan na dadalo lamang ang maliit na bilang ng “radikal” (ganito ang tawag ng ilan sa kumpanya sa mga gustong ipagpatuloy ang welga). Ngunit dumalo ang 5,000 (ayon sa UGT) hanggang 8,000 (ayon sa mga organisador) na manggagawa mula Madrid (may 14,000 manggagawa ang Airbus, 9,000 sa Getafe), kasama ang mga delegasyon mula sa iba pang lugar. Bagama’t kalmado ang simula, nanatili ang galit at tapang, na makikita sa pagtitipon ng mahigit 1,000 katao sa harap ng Ministry of Industry sa tirik na araw, kung saan isa sa mga pangunahing sigaw ay: “Hindi pa ito ang katapusan.”

May mga delegasyon mula sa sektor ng pagtuturo (na nasa welga sa iba’t ibang rehiyon), pati estudyante at social workers. Lahat ng polyetong ipinamigay ay nanawagan ng pagpapalawak at koordinasyon ng mga pakikibaka. May ilang tagapagsalita pa na nanawagan ng general strike. Lahat ay pabor sa pagpapalawak ng pakikibaka; ngunit paano ito palalawakin?

Ang bitag ng general strike at “koordinasyon ng mga pakikibaka”

Nanawagan ang kinatawan ng Menos Lectivas ((“Mas Kaunting Oras ng Pagtuturo”) ng: “pagkokoordina ng lahat ng sektor sa isang general strike,” “paglahok ng mga manggagawa ng Airbus sa mga demonstrasyon ng pampublikong paaralan,” at “isang asembliya sa bawat paaralan upang magpasya sa sarili nitong termino.” Bagama’t nagpapakita ito ng pagnanais para sa pagkakaisa, may malaking panganib na mahulog sa bitag ng MALIING PAGPAPALAWAK. Ang panawagan ay sabay-sabay na pagkilos at koordinasyon; ngunit sa esensya… bawat isa sa sariling sulok! Bawat sektor ay lumalaban para sa “sarili nitong” laban, may sariling kahilingan, sariling kinatawan, sariling pulong—at mula roon ay nagtitipon sa iilang demonstrasyon, bawat isa sa likod ng sariling banner, hanggang mauwi sa isang “sector-by-sector” general strike. At nakita na natin ito.

Sa mga pakikibaka laban sa pag-atake sa pensiyon sa Pransiya noong 2023, malawak ang mobilisasyon, ngunit binalaan na namin na hindi ito sapat: kailangan nating angkinin ang ating mga pakikibaka sa pamamagitan ng mga pangkalahatang asembleya na bukas sa lahat ng manggagawa. Hindi ito katulad ng mga saradong pagpupulong na nakakulong sa indibidwal na mga lugar ng trabaho o sektor, na para bang sila ang “namumuno” sa kanilang sariling pakikibaka.

Upang palawakin ang pakikibaka, magkaisa bilang isang uri

Ganito ba ang pagpapalawak ng pakikibaka? Hindi! Noong “Tag-init ng Galit” sa Britanya noong 2022, sabay-sabay ang mga pakikibaka sa maraming sektor (riles, koreo, edukasyon, atbp.); ngunit bawat sektor ay kumilos nang hiwalay. Nabigo ang mga pakikibaka na magkaisa at bumuo ng puwersang panlipunan at pampulitika na kayang harapin ang estado. Sa gitna ng malawak na kilusan, ikinulong ng mga unyon ang bawat grupo sa makitid na hangganan ng kani-kanilang partikular na kahilingan.

Sa kabaligtaran, sa Vitoria noong 1976, pinag-isa ng mga manggagawa ang pakikibaka at nag-organisa ng mga pulong sa buong lungsod, may iisang kahilingan; o sa Poland noong 1980, nang magkaisa ang mga manggagawa sa buong bansa at naghalal ng mga delegado mula sa asembliya (MKS) na kumakatawan sa uring manggagawa ng buong bansa. Hindi ito mga kuwentong ikinukwento ng mga lolo sa apo. Natuto ang uring manggagawa mula sa karanasan at ipinapasa ito sa bawat henerasyon. Sa pakikibaka laban sa pensiyon sa Pransiya, may nagsabi: “Kung ibibigay ninyo sa amin ang 63, ibibigay namin sa inyo ang 68,” na tumutukoy sa Mayo 1968 kung saan 9 milyong manggagawa ang nagwelga.

Ang pagpapalawak ng pakikibaka ay nangangahulugan ng pagpapadala ng mga piket sa lahat ng sektor na nasa pakikibaka, pag-oorganisa ng magkasanib na asembliya, pag-iisa ng mga kahilingan, at paghalal ng mga magkasanib na delegado (na maaaring bawiin kung hindi tumutupad sa mandato). Ito ang paraan upang gawing tunay na pagkakaisa ang sabay-sabay na pakikibaka!

Kung mananatiling nakakulong sa sariling sektor ang pakikibaka ng Airbus, unti-unting hihina ang lakas at determinasyon; ngunit sa lumalawak na pag-atake sa kundisyon ng pamumuhay ng mga manggagawa at sa lumalawak na kagustuhang lumaban, nalilikha ang kundisyon para sa tunay na pagpapalawak ng pakikibaka. Ito lamang ang paraan upang ipagtanggol ang ating mga kahilingan. Ito ay totoo para sa lahat ng pakikibaka ng uring manggagawa sa anumang bansa: kaya mahalaga para sa lahat na matuto mula sa karanasan ng pakikibaka ng mga manggagawa ng Airbus.

Internasyunal na Komunistang Tunguhin 
Setyembre 2026

Source: https://en.internationalism.org/content/17847/faced-attacks-all-sides-unite-and-fight-class

Polyeto ng IKT tungkol sa welga sa Airbus sa Espanya

Book traversal links for Harapin ang mga pag-atake mula sa lahat ng panig—magkaisa at lumaban bilang isang uri!

  • ‹ Dapat bang isulong ng mga rebolusyonaryo ang islogan ng 'rebolusyonaryong pagkatalo'? 
  • Up
  • Kapitalismo ang dapat sisihin sa sakunang ekolohikal! ›
Bahay
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Manggagawa ng buong daigdig, magkaisa!

Footer menu

  • Mga Batayang Posisyon
  • Pakikipag-ugnay