Submitted by ICConline on
"Hindi lang sa mga sagot, kundi sa mga tanong mismo makita natin ang mga mistipikasyon" (Marx & Engels, The German Ideology).
Kung maaring magtanong mula sa komunistang punto-de-bista hinggil sa mga pakikibaka para sa ‘pambansang pagpapalaya', ang tanong ay: "Bakit, at sa anong mga mga sirkumstansya, na suportahan sila ng proletaryado?"
Tiyak na hindi ganito ang tanong: "Bakit hindi sumama ang proletaryado sa makabayang mga pakikibaka?"
Walang tututol na ang internasyunalismo ay isa sa mga haligi ng komunismo. Establisado na mula pa 1848 sa loob ng kilusang manggagawa na ang "mga manggagawa ay walang bansa"; ang huling mga salita ng Manipesto ng Komunista ay nag-anunsyo: "Mga manggagawa sa lahat ng bansa, magkaisa!" Ang bansa ay binubuo ng pinakamahusay na balangkas kung saan umuunlad ang kapitalistang lipunan, at ang rebolusyonaryong pakikibaka ng burgesya laban sa pyudalismo kadalasan ay nagkahugis sa porma ng makabayang pakikibaka. Pero kung nakikita ng kapitalismo ang bansa na pinaka-angkop na balangkas para sa kanyang sariling pag-unlad, maitayo lamang ang komunismo sa pandaigdigang saklaw. Dudurugin ng proletaryong rebolusyon ang lahat ng mga bansa. Kaya anumang suporta na ibinigay ng proletaryado sa makabayang mga pakikibaka sa nakaraan ay isang anomalya sa unang tingin. Ang naturang suporta ay maintindihan lamang sa kontenksto ng napaka-partikular na mga sirkumstansyang apektado ang kilusang manggagawa, i.e. mga sirkumstansya kung saan ang burges na rebolusyon ay posible pa at ang proletaryong rebolusyon ay wala pa sa istorikal na agenda.
Ang katotohanan na ang paulit-ulit na sinasagot ng mga rebolusyonaryo ay ang pangalawa at hindi ang una ay nagpakita lang sa napakalaking epekto sa proletaryado sa mga mistipikasyong pinakawalan sa loob ng kalahating siglo ng teribleng kontra-rebolusyon.
Sa pagpasok ng siglo, ang ‘pambansang usapin' ang pangunahing laman ng maiinit na mga debate sa pagitan ng mga rebolusyonaryo sa loob ng Ikalawang Internasyunal. Ilang mga rebolusyonaryo, gaya nila Rosa Luxemburg at ang buong Polish Social Democratic Party, ay mahigpit na tumutol sa proletaryado na magbigay ng suporta sa ganitong mga pakikibaka. Kinunsidera nila na ang naturang pagsuporta ay hadlang sa pag-unlad ng sariling kamulatan ng proletaryado at ang mga pakikibakang ito bahagi ng inter-imperyalistang bangayan. Ang iba, gaya nila Lenin at mayorya ng mga Bolsheviks, pumabor sa "sa ganap na karapatan ng lahat mga nasyon sa sariling pagpapasya" at nanawagan sa proletaryado na suportahan ang ilang makabayang mga pakikibaka sa paniniwalang ang mga pakikibakang ito ay makapagpahina sa pinaka-reaksyunaryong mga rehimen, tulad ng Rusya, at sa pangkalahatan sa kapangyarihan ng imperyalista sa abanteng mga bansa. Ang pampulitikang pagkakaiba sa puntong ito ang humadlang sa pagsanib ng Polish Social Democratic Party sa Russian Social Democracy. Subalit anuman ang mga pagkakaiba ng kanilang mga posisyon, lahat ng mga rebolusyonaryo sa panahong iyon ay umaming ang pagsuporta sa makabayang mga pakikibaka ay hindi madaling usapin para sa proletaryado, sa punto na ang bansa ay nanatiling isang burges na instrumento na wawasakin ng uring manggagawa.
Si Lenin, kung saan kumubli sa likod ng kanyang reputasyon ang lahat ng sumusuporta sa mga pakikibaka para sa ‘pambansang pagpapalaya', ang sumulat sa 1903:
"Ang Sosyal Demokrasya, bilang isang partido ng proletaryado, binigyan ang kanyang sarili ng positibong tungkulin at prinsipyo para tiyakin hindi ang malayang disposasyon ng lahat ng mga mamamayan at bansa, kundi ang malayang disposasyon ng proletaryado sa bawat nasyunalidad. Kailangang palagi at walang kondisyon na suportahan ang pinaka-masinop na pagkakaisa ng proletaryado sa lahat ng nasyunalidad, at sa partikular, eksepsyonal lang na mga kaso na ipaliwanag natin at aktibong suportahan ang mga kahilingan para sa pagbuo ng isang bagong makauring estado, o palitan ang total, pulitikal na pagkakaisa ng estado para sa isang maluwag, pederal na unyon . . .‘ (mula sa Iskra, no.44)
Pero ang nangyari kay Lenin ay ang pangkalahatang nangyari sa lahat ng dakilang mga rebolusyonaryo pagkatapos nilang mamatay. Ang burgesya ay nasasabik na ginamit ang bawat pagkakamali sa kanilang pagsusuri para purulin ang kabuuang kalinawan sa kanilang kaisipan, kaya ginawa itong bagong ideolohiya, na magagamit para linlangin at mistipikahin ang masang manggagawa. Halimbawa, para bigyang katwiran ang kanyang sariling repormistang ebolusyon, ang German Social Democracy ay sistematikong ginamit ang halos lahat sa ilang pasahe sa mga sulatin nila Marx at Engels kung saan nagmungkahi sila na ang sosyalismo ay maaring mapayapang makamit sa pamamagitan ng parlyamento, habang ganap na itinakwil ang buong laman ng kanilang gawa kung saan giniit nila, paulit-ulit, ang pangangailangan na durugin ng proletaryado ang burges na estado. Sa magkatulad na uso, para itago ang kanilang sariling makabayang pulitika at partisipasyon sa imperyalistang mga digmaan, ang kasalukuyang mga ‘Leninista' sa mga markang Stalinista, Trotskyista at Maoista, ganap ng ‘nakalimutan‘ ang dakilang mga teksto na sinulat ni Lenin na sumusuporta sa internasyunalismo at laban sa imperyalistang digmaan at pambansang pagtatanggol, at nagsalita lamang sa kanyang pagsuporta para sa "karapatan ng mga bansa sa sariling pagpapasya". Sa paggawa nito, ang burges na mga tendensyang ito ay ginawa si Lenin na bulgar na disipulo ng bansa. Naalala ninyo ang Stalinistang si Ho Chi Minh? Siya ang nagsabi: "Naging komunista ako sa araw na naintindihan ko na si Lenin ay isang dakilang patriyotiko!"
Ang mga komunista ngayon ay hindi dapat ilimite lang ang mga sarili sa pagkondena paano pinalsipika ng Kaliwa at dulong Kaliwa ng burgesya ang mga posisyon ng dakilang mga rebolusyonaryo sa nakaraan. Kailangan din nilang punain, ng walang awa, ang mga pagkakamaling nagawa ng mga rebolusyonaryo sa gitna ng karanasan na naipon ng proletaryado sa nagdaang mga taon.
Ang pampletong ito sa ‘pambansang usapin' ay sinulat na may dalawang layunin:
- Ano ang klasikal na posisyon ng marxismo hinggil sa makabayang mga pakikibaka, na pinalsipika ng mga Stalinista at Trotskyista?
- Ano ang mga pagkakamaling nagawa ng nagdaang rebolusyonaryong kilusan hinggil sa usaping ito at ano dapat ang posisyon ng mga komunista ngayon?
Isang kalahating siglo na hayag at patagong inter-imperyalistang tunggalian sa porma ng ‘pambansang pagpapalaya' ay tiyak na nagpatunay na ang posisyong pinagtanggol ni Lenin ay mali. Iniisip niya na "ang makabayang mga digmaan ay hindi lang posible, kundi hindi maiwasan sa panahon ng imperyalismo", at ang "isang makabayang digmaan ay maaring matransporma tungong imperyalistang gera at vice-versa" (On the Junius Pamphlet). Ang mga pangyayari sa siglong ito, ay ganap na nagpatotoo sa pagsusuring ginawa ni Rosa Luxemburg. Tinindigan niya na "ang daigdig ay nahati sa iilang ‘malaking' imperyalistang mga kapangyarihan ... anumang digmaan, kahit pa nagsimula ito bilang makabayang digmaan, ay matransporma tungo sa imperyalistang gera, dahil ang naturang mga digmaan ay sasalungat sa mga interes ng isa o ibang imperyalistang mga koalisyon o malaking mga kapangyarihan" (The Crisis of the Social Democracy). "Sa panahon ng hayagang imperyalismo, ang makabayang mga digmaan ay hindi na posible. Ang pambansang mga interes ay isa lamang mistipikasyon na may layuning hatakin ang popular, masang anakpawis sa pagsilbi sa kanilang mortal na kaaway - imperyalismo" (Theses on the Tasks of International Social Democracy).
Ang pampletong ito ay nagbigay ng maraming istorikal na mga halimbawa na nagpatunay sa katumpakan ng posisyon ni Rosa Luxemburg. Subalit bilang suplementong halimbawa, ang sitwasyon sa Aprika ngayon ay lubhang mahalaga. Matapos matransporma tungo sa "a type of rabbit run for the hunting down of black skins" (Marx, Capital), ang kontinente sa Aprika ay mula noon naging walang hintong larangan ng digmaan para sa imperyalistang mga kapangyarihan ngayon. Sa ngalan ng pagtatanggol sa mga karapatan ng mamamayan sa Sahara, tinangka ng imperyalismong Ruso, sa pamamagitan ng Algeria, para makakuha ng bahagi ng kontrol ng imperyalistang mga interes ng kanluran sa buong erya ng kontinente ng Hilagang North Atlantika. Sa silangang bahagi ng Aprika, ang bloke ng Amerika - na umasa sa kontrolado nito na mga bansang Arabo ay piniga ang maka-Rusyang Ethiopia sa pamamagitan ng pagsuporta sa Eritrean at sa mga ‘mamamayan' ng Somalia. Ang opensiba ng blokeng Amerikano ay nagaganap sa ibang bahagi ng Equator; ang Timog Aprika at Rhodesia ay napilitang dalhin ang ‘pambansang interes' ng kanilang mamamayang itim. Ito ba ay manipestasyon ng pagsisisi sa bahagi ng imperyalistang bloke na nag-aarmas sa sobinistang mga rehimen ng dalawang bansang ito ng ilang dekada? Hindi, ito ay simpleng maniobra. Ang blokeng Amerikano ay kailangang magsikap para makontrol ang aktibidad ng gerilyang mga organisasyon na nakipaglaban sa mga rehimeng ito para ang ‘itim na mga estado' sa hinaharap ng Zimbabwe at Timog Aprika ay hindi mapunta sa kampo ng Rusya, gaya ng ginawa ng Mozambique at Angola ilang taon na ang nakaraan.
Ang Angola ang kumakatawan ng isang perpektong halimbawa ng imperyalistang katangian ng lahat ng ‘makabayang mga pakikibaka' ngayon. Sa lumalaking pagkabulok ng imperyalismong Portuguese sa bansang iyon, ang bawat isa sa malalaking imperyalistang mga bloke ay pinakita ang kanilang ‘walang pag-iimbot' na suporta para sa mamamayang Angolan sa pamamagitan ng pagbibigay sa iba't-ibang mga organisasyong gerilya - UNITA, FLNA at ang MPLA - ng mga armas. Para mapalakas ang kapasidad lumaban ng kani-kanilang kliyenteng mga organisasyon, ang parehong mga bloke ay direktang nanghimasok sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong sa kanilang matibay na mga alyado: ang Cuba para magbantay sa mga interes ng Rusya habang ang Timog Aprika ay ganun din para sa Amerika.
Iyan ang ibig sabihin ng ‘makatarungang pakikibaka para sa pambansang paglaya sa Aprika' ngayon! Walang iba kundi mga maniobrahan sa pandaigdigang antas sa pagitan ng imperyalistang mga bloke, kung saan ang ‘sambayanan' ay ginawang pambala ng kanyon, mga pawn sa imperyalistang laro ng chess! Ang burges na mga tendensya tulad ng mga Stalinista, Maoista, at Trotskyista ay nahirapang ikubli ang realidad na ito. Ang kanilang klasikal na argumento, na naniwalang may isang ‘imperyalistang kampo' at ang isa ay ‘anti-imperyalistang kampo', ay mabilis na nawawasak sa gitna ng imperyalistang mga kampanya ng Rusya o Tsina sa ganito o ganung ‘makabayang pakikibaka' (Eritrea at ang Ogaden ngayon, Biafra at Bengal ilang taon na ang nakaraan). Pero ang kanilang matagal na praktika sa pagbaliktad ng katotohanan para sa kapitalismo ay nahubaran na ng realidad ang kanilang pagsisinungaling. Pinagkibit-balikat nila ang pagtutol sa hanay ng mga impluwensyado ng kanilang pulitika: sapat na para sa mga Stalinista na sabihin na sa panahong ang pambansang pakikibaka ay sumalungat sa mga interes ng ‘sosyalistang kampo', hindi na isang ‘makatarungan' ang pakikibaka at naging laruan na ito ng imperyalismo.
Pero ang pampulitikang mga tunguhin na kumilala na ang sinasabing ‘sosyalistang' mga bansa ay katunayan imperyalista - gaya ng ibang kapitalistang mga bansa sa mundo - ay kailangang gumawa ng ‘dyalektikal' na hokus-pokus para patuloy na makikita maipagpatuloy na makita na meron sa pambansang mga pakikibaka na isang ‘pambansa' at ‘demokratiko' na dapat suportahan nila. Pero nagmalabis na sila ng kanilang akusahan ang mga rebolusyonaryo na traydor sa proletaryong internasyunalismo dahil hindi sumuporta sa ‘makabaynag mga pakikibaka' na direktang laban sa imperyalismo sa kanilang sariling bansa. Halimbawa, ang International Communist Party (na naglathala ng Communist Programme sa English at Le Proletaire sa Pranses) ay naniwalang pinatunayan ng ICC ang kanyang ‘sobinismo' dahil hindi ito nagbigay ng suporta sa panawagan para sa dating Katanganese gendarmes na maglunsad ng ekspidisyon sa kanilang lokal na probinsya ng Shaba laban sa rehimeng Zairean ng Mobutu. Dahil ang Mobutu ay isa sa mga pawn ng imperyalismong Pranses, Belgian, at Amerikano sa rehiyon, at ayon sa lumang kasabihang "ang mga kaaway ng aking mga kaaway ay aking mga kaibigan", kinikilala ng ICP na dapat nating suportahan ang adhikain ng dating berdugo ng Tshombe para maging tunay na mga ‘internasyunalista'.
Para bigyang katwiran ang kanilang mga posisyon, ang mga tendensya tulad ng mga Bordigista ay nagtago sa likod ng mga islogan ng mga rebolusyonaryo sa unang pandaigdigang digmaan: "rebolusyonaryong pagkatalo"; "ang pangunahing kaaway ay nasa ating bansa".
Ginawa nilang hangal ang kahulugan ng simpleng ahitasyunal na mga islogan, kung saan ang mga ito mismo ay hindi ligtas sa pagiging malabo. Kaya sumulat si Lenin:
"Ang rebolusyonaryong uri ay walang hinihiling kundi ang pagkatalo ng kanyang gobyerno sa isang reaksyunaryong digmaan, at gustong makita na ang militar ng huli, ay kailangang matalo para babagsak ito" (Lenin, Socialism and War).
Si Lenin mismo, ay tumindig sa tama, internationasyunalistang posisyon sa Unang Digmaang Pandaigdig, dahil sa katotohanan na todo-todo niyang kinundena ang imperyalismong Aleman tulad ng ginawa niya sa Rusya. Pero totoo din na ang ang mga islogan sa itaas ay maaring unawain sa paraang ang mga tagasuporta ay hahantong sa lubusang mali na mga posisyon. Ang ‘kahilingan' para matalo ang sariling gobyerno sa isang imperyalistang digmaan ay ‘kahilingan' na matalo sa isang depinidong mga sirkumstansya. Halimbawa, ang mga rebolusyonaryo ay hindi ‘hihiling' para sa mas mabuting kondisyon ng pakikibaka ng uring manggagawa sa sariling bansa sa kapinsalaan sa mga kondisyon ng pakikibaka na hinaharap ng mga manggagawa sa ibang mga bansa. Bago ang lahat, kailangang nasa isip ng mga komunista ang pandaigdigang interes ng buong uring manggagawa. Ang lokalidad kung saan pumutok ang mapagpasyang pakikipaglaban ng uri ay maaring napakahalagang salik na magdetermina sa ebolusyon ng pandaigdigang pakikibaka ng proletaryado pagkatapos. Sa naturang mga sirkumstansya, ang mga rebolusyonaryo ay dapat ‘humiling' para sa mas paborableng kondisyon ng pakikibaka sa ganito o ganung bansa, sa halip na ang kanilang ‘sarili'. Maaring aplikable ito sa ‘kaaway' na bansa.
Ang halaga ng argumento ni Lenin, na nasa itaas na pasahe, ay nasa kanyang gamit sa pagbaka sa mga kasinungalingan na inilako ng sinasabing ‘mga partido ng manggagawa', na ngayon ay nagsisilbi sa kapitalismo. Ang mga sobinistang ito ay nakipagtalo na ang proletaryado ay hindi makibaka laban sa kanyang sariling pambansang burgesya sa panahon ng imperyalistang digmaan, dahil ang pagkatalo ng bansa ay hindi paborable sa pakikibaka ng manggagawa sa hinaharap. Kaya, kung tiyakin ng proletaryado ang paborableng kondisyon para ilunsad ang kanyang pakikibaka pagkatapos ng digmaan, kailangang wala itong gagawin para pahinain ang sariling burgesya sa panahon ng digmaan. Ito ay lumang burges na argumento na tinututulan ng mga rebolusyonaryo matagal na, sa paggiit na sa pakikibaka ngayon ang proletaryado ay makapagpalakas sa sarili - makamit ang sariling kamulatan at pag-organisa-sa-sarili - na may layuning pakawalan ang mapagpasyang laban sa burgesya sa hinaharap. Pero para masabi ito, hindi kailangang gamitin ang labis o malabong mga islogan - kahit pa hindi nila kinukwestyon ang lubusang tamang internasyunalistang mga posisyon ng kanilang awtor - ay may risgong magapos sa mga kalituhan at maniobra ng pekeng nangongopya sa kanya. Katunayan, ang patalo na mga islogan ni Lenin ay maaring unawain na isang tipo ng ‘baliktad' na patriyotismo na ang biktima ay mga rebolusyonaryo na sa kanilang kasigasigan na hawakan ang mga posisyon na ganap na salungat sa ganid na sobinismo ng kanilang sariling burgesya, ay nahulog sa bitag na ito. Kaya, naisulat ni Rosa Luxemburg sa Ang Krisis ng Sosyal Demokrasya:
"Ang unang tungkulin (ng Sosyal Demokratikong paksyon sa Reichstag) sa amang bayan sa oras na yun ay ipakita sa amang bayan ano talaga ang nasa likod ng kasalukuyang imperyalistang digmaan; para walisin ang sapot ng patriyotiko at diplomatikong kasinungalingan para itago ang paglapastangan sa amang bayan... para tutulan ang programa ng imperyalistang gera sa dati, tunay na pambansang programa ng mga patriyotiko at demokrata ng 1848, ang programa nila Marx, Engels at Lassalle - ang islogan ng nagkakaisang Dakilang Republikang Aleman. Ito ang bandila na dapat iwagayway ng bansa, na isang tunay na bandila ng kalayaan, na umaangkop sa pinakamahusay na tradisyon ng Alemanya at sa internasyunal na makauring polisiya ng proletaryado ... ganap na tugma ito sa mga interes sa pagitan ng bansa at sa makauring mga interes ng internasyunal na proletaryado, kapwa sa panahon ng digmaan at panahon ng kapayapaan ... "
Sa kanyang On the Junius Pamphlet, lubusang tumpak si Lenin nang sinabi niya na "ang maling paniniwala ng argumentong ito ay malinaw na makikita". Kinundena niya si Junius dahil "binubuyo niya ang abanteng uri na harapin ang nakaraan, at hindi sa hinaharap". Pero si Lenin, isang taon bago ito, ay hindi nakaiwas sa parehong linya ng pangatwiran nang sinulat niya:
"Tayo ay puno ng pagpahalaga sa bayan dahil ang Dakilang bansang Ruso din, ang nagbuo ng rebolusyonaryong uri, dahil ito rin ay magbibigay sa sangkatauhan ng dakilang modelo ng pakikibaka para sa kalayaan at sosyalismo ... At puno ng pakiramdam ng pagpahalaga sa bayan, tayong Dakilang mga manggagawang Ruso ay nagnanais, anuman ang mangyari, ng isang malaya at independyente, demokratiko, republikano at mapagmalaking Rusya, na nakabatay ang kanyang relasyon sa kanyang mga karatig-bayan sa makataong prinsipyo ng pagkapantay-pantay at hindi sa pyudalistang prinsipyo ng prebilihiyo, na nakakahiya sa isang bansa. Dahil gusto natin ito, sasabihin natin: imposible ito sa ika-20 siglo, at sa Uropa (kahit pa sa malayong silangan ng Uropa) para ‘ipagtanggol ang amang bayan' kundi gamitin ang lahat ng paraan laban sa monarkiya, panginoong may-lupa, at mga kapitalista sa sariling amang bayan (i.e. ang pinaka-masahol na mga kaaway ng ating bansa) ... Ang ating sariling mga sosyal-sobinista, si Plekhanov at iba pa ay mapatunayang traydor, hindi lang sa kanilang sariling bansa - isang malaya at demokratikong Dakilang Rusya, kundi sa proletaryong pagkakaisa din ng lahat ng mga bansa ng Rusya i.e. sa adhikain ng sosyalismo." (Lenin, ‘On the National Pride of the Great Russians', Collected Works, Vol 21, pps.102-lO6)
Pinakita ng mga halaw na ito na kahit ang pinakadakilang mga rebolusyonaryo, ang pinaka matatag na mga internasyonalista, ay nagparaya sa kanilang sariling paraan sa makabayang ideolohiya, na dala ng burgesya sa wala pa at sa panahon ng imperyalistang digmaan. Kaya, kailangan - kahit na nagbigay sigla ang kanilang halimbawa at kanilang pagsusuri - walang awang punain ang lahat ng mga kamaliang nagawa, at lahat ng kalabuan na sumira sa kanilang mga islogan. Kaya, sa halip na "rebolusyonaryong pagkatalo", maiging gamitin ang pormulasyong sinulong ni Lenin na mag-isa sa 1914: "Ang transpormasyon ng imperyalistang digmaan sa digmaang sibil". Ang tunay na internasyunalistang pagtatanggol sa islogan, "ang pangunahing kaaway ay sa ating sariling bansa", nasa pagkilala na ang proletaryado ay kailangan - kahit saan sa mundo - maglunsad ng pakikibaka hanggat maari, laban sa kanyang sariling burgesya. At ang posibleng tamang interpretasyon sa "rebolusyonaryong pagpatalo" na islogan ay hindi limitado sa proletaryado na ‘nais para' o ‘pabor sa' pagkatalo ng sariling burgesya. Nagkahulugan ito, sa halip, na ang proletaryado ay kailangang makibaka sa determinadong paraan laban sa sariling burgesya, kahit pa (at laluna) kung nagkahulugan ito ng pagkatalo ng sariling bansa sa imperyalistang digmaan.
Kahit pa sa ilang kaduda-dudang mga pormulasyon, ang napakahalagang tamang mga posisyon ang gumagabay kay Lenin sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig. Pero ngayon, kabaliktaran, ang kanyang mga karaniwang tagasunod ay gumamit ng parehong mga pormulasyon para bigyang katwiran ang aboslutong hangal na pampulitikang mga posisyon. Kaya, hinggil sa digmaan sa Biafra para sa ‘kalayaan' - kung saan ang Amerika at Pransya ay sumusuporta sa Biafra, habang ang Nigeria ay tumatanggap ng suporta mula sa USSR at Britanya - kung susundin ang kanilang pampulitikang pagsusuri, kailangang:
- para sa mga membro ng isang rebolusyonaryong organisasyon na nakatira sa Britanya ay suportahan ang Biafra;
- pero para sa mga membro ng parehong organisasyon na nakatira sa Pransya ay dapat ibigay ang suporta sa Nigeria.
Dagdag pa, hinggil sa interbensyon ng Kataganese gendarmes sa probinsya ng Shaba, kailangang:
- para sa Belgian at Pranses na mga seksyon ng isang komunistang organisasyon ay suportahan ang dating body-guard ni Tshombe; habang ang mga komunistang nakatira sa Rusya ay suportahan ang Zaire ni Mobutu, dahil ang lahat ng ebidensya ay nagtuturong ang ekspidisyon ng Kataganese - para ‘palayain' ang probinsya ng Shaba - ay pinangasiwaan ng imperyalismong Ruso sa pamamagitan ng kanyang tutang Angola.
Ito ang mahalagang mga taktika na ipatupad natin kung makalimutan natin na ang pakikibaka sa tereyn ng proletaryado laban sa burgesya ay hindi nagkahulugan na suportahan ang burgesya sa kaaway na bansa na nakipaglaban sa sariling bansaa. Ganun din, ang pakipagkaibigan sa mga tropa ng ‘kaaway' ay hindi nagkahulugan na magpalista sa hukbo ng naturang bansa. Para kondenahin ang imperyalismo at sobinistang diskriminasyon sa mga manggagawa ng sariling bansa, mula sa pagputok ng digmaan, hindi ibig sabihin na suportahan ang imperyalismo ng ibang bansa o purihin ang sobinismo ng kanyang manggagawa. Sa huli, ang mga nais magturo ng ‘internasyunalistang' aralin sa ibang mga rebolusyonaryo sa batayan ng napakaingay na ‘radikal' na pulitika, mapunta sa walang magawa liban sa pagdagdag ng konting tubig sa lahat ng makabayang mistipikasyon, sa halip na makipaglaban para durugin sila. Dagdag pa, ang mga paraan nilang ginamit sa ‘inaaping mga mamamayan sa pakikibaka' pundamental na sobinista: ang kanilang absolutong itinakwil bilang hindi interes ng mga manggagawa sa Uropa - tumitinding pagsasamantala, lumalaking antas ng pagkontrol ng estado, mga konsentrasyong kampo ng pwersahang paggawa - ay sapat na, pansamantala, para sa mga mamamayang ‘coloured' or ‘olive'.
Ang internasyunalismo ay nagkahulugan lamang ng pursigidong pakikibaka laban sa anumang ‘makabayang kilusan' at lahat ng sumusuporta sa kanila, dahil ang lahat ng naturang mga kilusan ngayon ay kumakatawan lamang sa partikular na serye ng inter-imperyalistang tunggalian.
Gaya ng sinabi mismo ni Lenin:
"Sinuman ngayon ang sumangguni sa aktitud ni Marx sa digmaan sa panahon ng progresibong burgesya, at nakalimutan ang pahayag ni Marx na ang ‘mga manggagawa ay walang bansa' - pahayag na saktong angkop sa panahon ng reaskyunaryo at lipas na burgesya, sa panahon ng sosyalistang rebolusyon, ay walang hiyang dinistrungka si Marx, at ipinalit ang burges na punto-de-bista sa sosyalista." (Lenin, Sosyalismo at Digmaan)
Révolution Internationale, Nobyembre 1977