Submitted by Internasyonalismo on
Ang uring manggagawa ay walang pagpipilian sa pagitan nila Trump at Harris, Republican o Democrat. Kahit sino man ang manalo, ang uring manggagawa ay sasailalim sa malupit na pag-atake sa antas ng pamumuhay nito na hinihingi ng krisis sa ekonomiya at pagbubuo ng ekonomiya ng digmaan. Kung sino man ang manalo, haharapin ng mga manggagawa ang pangangailangang ipagtanggol ang kanilang sarili bilang isang uri laban sa mga pag-atake na ito
Ngunit hindi ito nangangahulugan na maaari nating balewalain ang kampanya sa eleksyon at ang mga epekto nito. Inihayag ng mga ito ang mga pagkahati-hati ng burgesya sa US, ang naghaharing uri sa kasalukuyang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo, ay mas tumatalas at mas marahas. US ang nagiging sentro ng kabulukan ng pandaigdigang sistemang kapitalista, at kung sino man ang magiging Pangulo pagkatapos ng Nobyembre 5, mas patitindihin ng eleksyon ang paglala ng pagkahati-hati, na may malubhang epekto pareho sa loob mismo ng US at sa pandaigdigang entablado.
Kaya may tungkulin ang mga rebolusyonaryo hindi lamang ang pagkondena kasinungalingan ng burges na demokrasya, kundi ang pagsusuri sa pandaigdigang implikasyon ng halalan sa US, ang paglalagay nito sa sistematikong balangkas na magbibigay-daan sa atin upang maunawaan kung paanong ang pagkahati-hati ng naghaharing uri ng US ay isang aktibong salik sa tanging perspektiba na maiaalok ng burgesya sa sangkatauhan: pinabilis na pagbulusok tungo sa pagkawasak at kaguluhan. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga nais na ipaglaban ang ibang kinabukasan na pumunta sa pulong na ito at makipagtalakayan sa amin.
Ang pangunahing lenggwahe ng pulong ay English, pero may mga paraan din kami na maisalin kaagad sa ibang leggwahe. Kung nais ninyong lumahok, sumulat sa amin sa [email protected], na magsabi kung masaya kayo na sundan at magbahagi sa English o i-partikularisa anong ibang lenggwahe ang hiyang sa inyo na gamitin.
Petsa at oras: 16 Nobyembre 2024, 2pm-5pm oras sa UK
Source: The global implications of the US elections | International Communist Current (internationalism.org)