Magkaroon ng malaking pagtitipon ang mga pangunahing lider ng mga bansang myembro ng Association of South-East Asian Nations (ASEAN) ngayong Disyembre 2006. Nagkandarapa ang gobyerno ng Pilipinas bilang punong-abalang bansa sa paghahanda para sa mga bisita at higit sa lahat laban sa banta ng mga "terorista" - ang mga kaaway ng rehimeng Arroyo.
Tampok na pag-uusapan sa pagtitipong ito ay ang pagbubuo ng isang ASEAN Charter kung saan ang modelo ay ang charter ng European Union (EU). Ginigiit ito ng Malaysia, Indonesia at Thailand, at kung paniwalaan natin ang propaganda ng burgesya, "sa ASEAN charter aasenso ang mamamayang Asyano".
EU Charter : Modelo ng Kapalpakan at hindi Kasaganaan
Lumitaw ang EU mula sa European Economic Community (EEC) noong "Cold War" bilang kaalyado ng USA upang hadlangan ang paglawak ng impluwensiya ng imperyalistang USSR. Pagbagsak ng USSR nawalan na rin ng batayan ang "alyansang" ito at nagkanya-kanyang diskarte na ang mga ito "laban" sa USA.
Ang pangunahing layunin ng EU ay konsolidahin ang rehiyon laban sa tumitinding kompetisyon sa pangdaigdigang pamilihan. Nangingibabaw sa EU ang imperyalistang Germany, subalit ito'y hindi nangangahulugan na nasa ilalim na ng impluwensiya nito ang imperyalistang Great Britain at France. Sapagkat sa loob mismo ng EU ay kaalyado pa rin ng bansang America ang Great Britain habang nanatiling "ka-kompetisyon" nito ang France at Germany. Subalit sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, laluna sa kanyang dekomposisyon na yugto, ay obligadong magkanya-kanya ng depensa ang mga kapitalistang bansa laban sa iba pa kahit ito ay "kaalyado" o kabilang sa isang grupo tulad ng EU. Kahit sa pangdaigdigang pamilihan ay nangingibabaw talaga ang ungusan at unggoyan ng bawat bansa para mananatiling nakatayo ang kani-kanilang pambansang kapitalismo. Mga pangyayaring hindi mapipigilan ng anumang rehiyonal na pagkakaisa tulad ng EU na patuloy pa ring nanaginip ng "pagkakaisa ng buong Europe". Mga pagpapatunay na ang bawat bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay may imperyalistang katangian. Ang modelo ng ASEAN - EU Charter - ay napatunayang palpak at lalong nagpapahirap sa mga manggagawa sa Europe.
"Let Asians exploit Asians": Ang ASEAN Charter ay ang kadenang gagapos ng mga manggagawa sa mga kapitalistang estado sa ASEAN
Walang ibang patutunguhan ang ibat-ibang "regional economic cooperation" sa bawat sulok ng mundo kundi mas maigting na kompetisyon sa pandaigdigang pamilihihan na sa kahuli-hulihan ay hahantong pa rin sa digmaan dahil ang imperyalismo ay digmaan, ang dekadenteng kapitalismo ay walang kataposang kaguluhan. Ang mahihinang mga bansa ay kakainin ng buhay ng mga malalakas na bansa. At ang bawat bansa ay magtutulakan "kaalyado" ka man o kaaway. Ibig sabihin, "isa laban sa lahat".
Sa rehiyonalismo ay lilitaw ang bagong maghari-hariang mga imperyalistang bansa na siyang kokontrol sa mga bansa sa rehiyon. Sa Asia ay ang China "ka-kompetinsya" ang Japan na kaalyado ng America, sa Latin America ay ang Venezuela at Cuba, sa Middle East naman ay ang Iran kaaway ang Israel na kaalyado naman ng America.
Sa loob ng ASEAN ay nariyan ang girian at agawan ng imperyalistang China, Japan at USA para makontrol nito ang rehiyon at magagamit ang ekonomiya ng una para palakasin ang mga pambansang imperyalistang ekonomiya ng huli. Hindi pa kasama dito ang girian ng mga pambansang kapitalista ng bawat myembrong bansa ng ASEAN. Hindi ito maiiwasan sa sitwasyong wala ng bagong pamilihan habang patuloy ang krisis sa sobrang produksyon. Ito ang mangyayari sa sitwasyong hindi na sapat ang mga pambansang teritoryo para sagipin ang naghihingalong pandaigdigang sistema. Katunayan, ang matinding kompetisyon ay nasa antas na ng pagkuha ng espasyo ng bawat pambansang ekonomiya sa hindi na sapat na pandaigdigang pamilihan.
Narito ang layunin ng mga kapitalista sa ASEAN sa plano nitong pagbubuo ng ASEAN charter at "nagkakaisang" ASEAN - para magkaroon ng leverage sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan at "masiguro" ang rehiyonal na merkado. Layunin na siguradong hindi makakamit dahil nasa dekadenteng yugto na ang internasyonal na kapitalismo na ang pangunahing katangian ay (1) krisis sa sobrang produksyon at (2) hindi na sapat at sagad na ang pamilihan sa pambansa at internasyonal na antas. Kaya ang dulo ay pag-aagawan, digmaan at kaguluhan. Maaring idagdag na rin na gagawin ng USA, China at Japan ang lahat para lamang makontrol ang ASEAN at ang ekonomiya nito.
Ang lumalaking kahayukan ng imperyalistang China sa tubo at ang napipintong pagsabog ng krisis sa kanyang pambansang ekonomiya ang magtutulak sa kanya na maging mas agresibo sa darating na mga taon upang makipag-kompetinsya sa mga lumang imperyalistang bansa sa pagkontrol sa pamilihan hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo.
Sa umiigting na kompetisyon at sa desperadong pagsisikap ng mga kapitalista sa Asean para makamit ang kanilang layunin, aapakan nito ang likod ng mga manggagawa sa ASEAN. Lalong lalala ang cheap labor, kontraktwalisasyon, outsourcing, flexibilization at iba pang mga paraan upang makapiga ng maksimum na tubo. Ang bawat pagpiga ng tubo ay pangungunahan ng mga estadong kapitalista. At sa bawat pag-apak sa masang manggagawa, dala-dala ng bawat kapitalista ang panawagang: "Let us protect Asia" at "Let Asians benefit Asia".
Kahit anumang propaganda at panlilinlang ng uring kapitalista, ng mga estado nito kakutsaba ang mga repormistang "civil society". Ang ASEAN charter ay ang kadenang gagapos sa mga manggagawa sa Asean at piring-sa-mata para mahati-hati ang pandaigdigang pagkakaisa ng manggagawa. Ang ASEAN charter ay rehiyonalismo laban sa internasyonalismo na idadaan ng bawat Asean members sa nasyonalismo.
Ito rin ang ginagawa ng mga kapitalista sa ibang mga rehiyon sa mundo - rehiyonalismo na iniengganyo ng bago at lumang imperyalistang mga bansa. Ito ay manipestasyon ng walang solusyon sa krisis ng kapitalismo at imperyalistang tensyon.
Internasyonal na Rebolusyon : Ang Tanging Solusyon sa Pandaigdigang Krisis Ngayon
Isang pagkakamali ng mga proletaryong rebolusyonaryo sa Asya kung manawagan ng mga reporma sa mga estadong kapitalista na "depensahan" ang kapakanan ng manggagawa sa gitna ng kaguluhang kagagawan ng dekadenteng sistema. Ito ay imposible dahil wala ng kapasidad ang kapitalismo sa kasalukuyan para ibigay ang mga ito. Kabaliktaran lamang ang gagawin ng mga kapitalistang estado para mananatiling nakatayo sa tumitinding kompetisyon sa ilalim ng naghihingalong sistema - lalo pang pagsamantalahan at alipustain nito ang uring manggagawa, hindi lang sa Asya kundi sa buong mundo. Ito ang katotohanang kailangang ipaliwanag ng diretsahan ng mga militanteng komunista sa masang manggagawa. Ang rehiyonal na pagkakaisa ay isang patibong para mahati-hati pa rin ang mga manggagawa sa mundo. Kailangang iwasan ito at sa halip ang isulong ay ang internasyonal na rebolusyon ng manggagawa.
Isang patibong kung papasok ang uring manggagawa sa panawagang pambansang paghawak sa industriya (nationalization of industrialies) dahil ang ibig sabihin nito ay kapitalismo sa kamay ng estado. Sahurang-alipin pa rin ang mga manggagawa. Ito ang ipinakita ng mga general strikes ng mga state employees sa France, Brirain, USA, at iba pang mga bansa sa Europa at maging sa Pilipinas kung saan libu-libong manggagawa ng estado ang naglunsad ng mga militanteng kilos-protesta at welga. Hindi estadong kapitalismo ang solusyon sa sinasabing "privatization, deregulation at liberalization" kundi durugin ang kapitalismo - estado man o pribado - sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon.
At lalong mali kung makipagkaisa ang masang manggagawa sa pang-uudyok ng mga radikal na partido at grupo, sa isang paksyon ng burgesya o sa isang "broad united front" kasama ang mga maka-kapitalistang pwersa. Makompromiso lamang nito ang makauring interes sa layuning "mapalakas at mapalaki" ang mobilisasyon sa pamamagitan ng multi-class at "popular" na mga kahilingan. Magresulta lamang ito sa pinaghalong "nasyonalismo at sosyalismo" na sa tunay na buhay ay magkatunggali dahil ang una ay interes ng burgesya at ang huli ay interes ng manggagawa.
Kahit obligasyon ng mga komunista na samahan at pangunahan ang laban ng masang manggagawa sa anumang kahilingan nila para sa kanilang kapakanan ay dapat ding walang pagod na ipaliwanag sa kanila na wala ng maasahang reporma sa kapitalismo at ang tanging paraan upang makalaya sa kahirapan ay ilunsad ang sosyalistang rebolusyon at agawin ng manggagawa ang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga konseho ng manggagawa. Ang emansipasyon ng manggagawa ay nasa kamay mismo ng uring manggagawa. Lalaya lamang ang ibang pinagsamantalahang uri sa lipunan kung lalaya ang manggagawa sa pagiging sahurang-alipin.
Internasyonalismo hindi rehiyonalismo; pagkakaisa ng manggagawa sa buong mundo at hindi rehiyonal na pagbuklod-buklod; proletaryong rebolusyon para sa sosyalismo at hindi pagdepensa ng pambansa o rehiyonal na ekonomiya. Ito ang dapat nating isulong. Isang direktang panawagan sa pag-agaw ng kapangyarihan sa pamamagitan ng isang rebolusyon, hindi ilusyon para sa mga reporma habang tumitindi ang kompetisyon ng bawat rehiyon at bawat bansa. Ibagsak ang mga naghaharing burgesya sa kani-kanilang mga bansa at itayo ang sosyalismo sa pandaigdigang saklaw. (Tess, 09/22/06)
Galit na galit ang manggagawang Pilipino sa garapalang ginawa ng mababang kapulungan sa Pilipinas na iratsada ang Con-Ass at sagasaan ang karibal na Senado sa usaping ito. Ang mga kaaway ni Gloria sa loob ng naghaharing uri at ang lahat ng grupo ng kaliwa ay galit din subalit sa ibang mga kadahilanan.
Galit ang mga kapitalistang kaaway ni Arroyo dahil siguradong mas pahigpitin pa ng paksyon ni GMA ang paghawak sa kapangyarihan at lalong mahihirapang papalit sa legal na paraan ang mga karibal nito. Galit din ang mga grupo ng kaliwa dahil "lubusang yuyurakan ng bagong saligang batas ang kasarinlan ng Pilipinas".
Magkaiba ang mga dahilan pero iisa lamang ang ipinaglalaban ng paksyong anti-Arroyo at mga grupong kaliwa — panatilihin ang kapitalistang sistema sa Pilipinas na may pinakamagandang palamuti para manatili sa mistipikasyon ang proletaryado sa bansa.
Ang galit nila ay nakasentro sa "garapalan" at "hindi demokratikong paraan" na ginawa ng mababang kapulungan at hindi pa sa katangian mismo ng isang burges na parlamento sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Ibig sabihin, kung hindi garapalan at demokratiko ang paraan ay "tagumpay" na ito ng uring manggagawa.
Kaya hindi ipagtaka kung sa susunod na mga araw ay magkapit-bisig na naman ang mga pwersang anti-Gloria — kapitalista-haciendero, tradisyonal na oposisyon, repormista, konserbatibong relihiyosong grupo tulad ng El Shaddai at mga kaliwa — laban sa Con-Ass ng mababang kapulungan.
Gayong totoo ang mga akusasyon ng elitistang oposisyon at grupong kaliwa sa pansariling motibo ng paksyong Arroyo bakit nito minamadali ang Con-Ass at pagbabago sa Konstitusyon, ang hindi nila maipaliwanag ay kung bakit ito nangyari at sa anong sitwasyon ito nakabatay.
Ang huling sandalan ng bumubulusok na sistema para hindi mahulog sa kumunoy ng pagkadurog ay ang estado. Ang sentralisasyon ng lahat ng kapangyarihan sa estado ay kinakailangan ng uring kapitalista para mapigilan kahit papano ang tuluyang pagkawasak ng sistema. Nasa desperadong yugto na ngayon ang naghihingalong sistema.
Paksyon man ni Gloria o kahit anong paksyon ng naghaharing uri ang nasa poder, gagawin din nito ang ginagawa ni Arroyo ngayon, sa paraan man ng demokrasya o diktadura. Babaguhin ang Konstitusyon para lalo pang pahigpitin ang kontrol ng burges na estado sa buong lipunan.
Para sa uring kapitalista, ang mga batas at Konstitusyon ay kailangang magamit nila para depensahan ang naghihingalong sistema. At ang protektor ng sistema ay ang estado. Kaya kailangang isentralisa sa estado ang kontrol sa buong lipunan sa panahon na malapit ng mamatay ang sistema.
May isa pang mayor na aral na hindi naipaliwanag ng mga grupong kaliwa sa bansa : ang mistipikasyon ng burges na demokrasya at parlamento.
Bukambibig ng kapitalistang oposisyon at kaliwa ang akusasyon ng "kawalan ng demokrasya" sa nangyaring maniobrahan sa mababang kapulungan sa nagdaang mga araw. Tinakpan ng mga ito ang katotohanan na hungkag ang burges na demokrasya ng kapitalistang sistema. Katunayan, pinaiiral ang demokrasya sa loob ng mababang kapulungan dahil desisyon ng mayorya ang nangingibabaw. Kaya lang, hamak na mas marami ang mga tuta ng paksyong Arroyo sa loob ng kongreso kaysa mga alipures ng burges na oposisyon. Galit ang minorya kasi nanalo ang mayorya. Hindi ba ito ang burges na demokrasya? Paramihan ng bilang. Dagdag pa, kasama ang minorya sa loob ng kongreso sa pagpapakita na "buhay ang demokrasya" sa pugad ng mga baboy – mga debate, diskusyon, caucuses at iba pang paraan para "marinig" ang boses ng lahat ng mambabatas kasama na ang minorya.
Kasabwat ang mga grupong kaliwa sa panlilinlang sa uring manggagawa na ang "kawalan ng maksimisasyon ng burges na demokrasya" ang problema sa Pilipinas. Tinago nila ang katotohanan na hindi ang kawalan nito kundi ang pagiging inutil ng maksimisadong demokrasya sa ilalim ng dekadenteng kapitalistang sistema ang tunay na problema. Ang demokrasya ay tulad din ng diktadura, mga porma ng paghari ng uring kapitalista sa yugto ng kanyang paghihingalo. Gaya ng diktadura, ang demokrasya ay ginagamit para manatili sa kapangyarihan ang uring mapagsamantala.
Sa panahon ng pasulong na kapitalismo (ika-19 siglo), may kabuluhan sa makauring pakikibaka ng proletaryado ang pakikibaka para sa burges demokrasya. Ngunit sa kasalukuyang panahon na nasa yugto na ng dekadenteng kapitalismo ang mundo, ang burges na demokrasya ay naging hadlang na sa pagsulong ng proletaryong rebolusyon. Sa halip ito ay nagging piring na sa uri para hindi nito makikita ang landas patungo sa rebolusyonaryong pagbabago.
May kaibahan ba sa antas ng pagsasamantala at pang-aapi sa manggagawa ang "pinakademokratikong bansa" sa mundo – ang imperyalistang Amerika sa mga pasistang estado gaya ng kay Saddam Hussien sa Iraq, o ng diktadura ni Marcos at ang demokratikong pamahalaan ni Cory Aquino? WALA.
Mapatalsik man si GMA sa Malakanyang at mapalitan man ito ng "pinakamatinong" kapitalistang politiko o "ideyalistang" opisyal ng AFP/PNP na suportado ng mga grupong kaliwa at rebeldeng sundalo, imposibleng maligtas ang uring manggagawa mula sa pagsasamantala at pang-aapi ng kapital.
Kahit pa si Tito Guingona, Ping Lacson, Susan Roces, Trillanes, Gen. Danny Lim, Gringo Honasan o Erap Estrada ang nasa poder ngayon, gagawin din nila ang ginawa ni Gloria – isalba ang bulok na sistema sa anumang paraan. Isang malaking kasinungalingan ang sinasabi ng burges na oposisyon at ng mga repormista na si Gloria lang ang problema.
Wala sa kahit alinmang paksyon ng burgesya ang kaligtasan ng uring manggagawa. Ang kaligtasan ng uri ay nasa kamay mismo ng masang manggagawa. Walang ibang uri na nagnanais baguhin ang bulok na kongreso at sistema kundi ang proletaryado lamang.
Walang ibang solusyon kundi durugin ang burges na parlamento at estado; durugin ang kapitalistang sistema at tapusin ang paghahari ng uring kapitalista-haciendero sa bansa.
Maraming itinuturo ang kasaysayan ng pakikibaka ng manggagawang Pilipino. Mga aral na maliwanag na manipestasyon din sa mga aral mula sa karanasan ng internasyonal na pakikibaka ng uri sa loob ng mahigit 200 taon.
Bulok ang Kongreso dahil bulok na ang kapitalistang sistema. Kailangan na itong palitan sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon, ng rebolusyon ng mga manggagawa mismo. (Tess, 12/08/06)
Umatras diumano si Gloria at ang tuta niya na kongreso sa garapalang con-ass nila. Natakot diumano si GMA-JDV sa pagtutol ng CBCP at El Shaddai. Ayon pa sa propaganda ng mga Kaliwa sa media : ITO AY TAGUMPAY NG KILUSANG MASA.
Suriin natin ng mabuti ang mga pangyayari mula sa teleskopyo ng Marxismo.
Nagkakaisa ang buong uring kapitalista na kailangang isalba ang naghihingalong sistema. At ang tanging paraan na nakikita nila ay pahigpitin ang kontrol ng estado sa buhay panlipunan. Ito ang nagyayari ngayon sa mga bansa sa buong mundo laluna na sa mga malalaking imperyalistang bansa gaya ng USA, France, Britain at gayundin sa China, Vietnam, Venezuela at iba pang bansa sa Latin America kung saan nanalo sa burges na eleksyon ang mga Kaliwang kandidato.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, ang tanging solusyong nakikita ng uring kapitalista ay ang lubusang sentralisasyon ng lahat ng kapangyarihan sa estado — sa anyo ng pasismo o demokrasya. Isang awtoritaryan na estado. Solusyon na napatunayan ng bangkarota at hindi nakapigil sa tuloy-tuloy na pagbulusok ng kapitalismo. Ang Stalinismo (kapitalismo ng estado na nagbalatkayong "sosyalismo") ang "pinakamagandang modelo" ng sentralisasyon ng estado sa panahon ng dekadenteng yugto ng mapagsamantalang sistema.
Ganito din ang ginagawa ng burgesya sa Pilipinas. Ang pagbabago sa Konstitusyon ay nagsisilbi sa pagsisikap na isalba sa bulok na sistema. Kaya lang, may iba pang layunin ang paksyong Arroyo : pahigpitin ang hawak ng kanyang paksyon sa kapangyarihan at ilagay sa segundaryo kundiman hindi bibigyan ng posisyon ang mga karibal na paksyon.
Nagkabuhol-buhol lang ang ganitong layunin dahil hindi nagkaisa ang Kanan at Kaliwa ng burgesya kung paano ito gagawin at kung saang direksyon ito dadalhin. Ang paksyong anti-GMA ay ayaw sumayaw sa chacha ni Gloria dahil siguradong malagay lamang sila sa segundaryong posisyon. Ang Kaliwa naman ay tutol dahil pinuproteksyunan nila ang pambansang kapitalismo na sa tingin nila ay dudurugin diumano ng dayuhang kapitalismo sa chacha ni GMA.
Ang argumento ng Kaliwa na nag-aastang progresibo ay walang kaibahan sa mga argumento ng Kanan. Ang resulta tuloy ay nahatak ang kaliwa sa burges na linya sa usaping chacha : NO CHACHA UNDER GLORIA. Kaya may "malawak" na pagkakaisa ang Kaliwa at Kanan laban sa chacha ni Gloria.
Ang linyang NO CHACHA UNDER GLORIA ay nagpapahiwatig na sang-ayon ang Kaliwa sa chacha kahit pa ang kabilang paksyon ng kapitalistang uri ang hahawak ng kapangyarihan basta huwag lang si GMA.
Kaya naman hindi nakumbinsi ng nagkakaisang Kaliwa at Kanan ang daang libo o milyong manggagawa na matagal ng nasusuklam hindi lang kay Gloria kundi mismong sa kapitalismo na bumuhos sa kalsada. Kahit sabihin pa ng iba na "napapagod" o "nawawalan na ng pag-asa" ang masa sa kakamartsa sa kalsada, ay hindi pa rin maitago ang paglitaw ng makauring tindig ng manggagawa na natutunan nito sa nagdaang dalawang "Edsa People Power Revolution" : isang malaking pagkakamali na sumama sa mga kilos-protesta laban kay Gloria na kasama at pinangungunahan ng isang paksyon ng burgesya. Ang aral na ito ang binabalewala ng Kaliwa sa Pilipinas.
Hindi rin simpleng pagbabago sa Konstitusyon ang nais ng uring manggagawa kundi ang pagbabago sa bulok na sistema mismo na hindi makukuha sa pamamagitan ng con-ass o concon kundi sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon na dudurog sa burges na estado.
Naghahanap ng alternatiba ang manggagawang Pilipino. Alternatiba na hindi nila makikita sa Kanan at Kaliwa ng burgesya.
Sosyalistang Rebolusyon Hindi Pagbabago sa Burges na Konstitusyon
Con-ass o Concon. Sa ilalim ni GMA o sa ibang paksyon ng naghaharing uri. Ang ganitong linya ay nagbibigay lamang ilusyon sa uring manggagawa na may pag-asa pa na magbabago ang buhay nila ilalim sa dekadenteng kapitalismo.
Walang kapasidad ang Kaliwa sa Pilipinas na ituro ang tamang landas sa uri dahil unang-una na, ay hindi naman sila kumikilos sa balangkas ng makauring pakikibaka kundi sa balangkas ng burges na nasyonalismo at demokrasya. Kahit pa nag-aaway ang Kaliwa : Maoismo laban sa "Leninismo" o iba pang "ismo" gaya ng Trotskyismo at Anarkismo, ay pare-pareha lang silang lahat na naniniwala na posible pa ang burges na rebolusyon sa dekadenteng kapitalismo.
Matagal ng pinasinungalingan ng Marxismo at sa karanasan ng internasyonal na pakikibaka ng manggagawa simula 1914 ang do0gmatismo at Stalinismo ng Kaliwa. Isama na natin ang peti-burges na ideolohiya ng mga Anarkista laban sa kapitalismo.
Sosyalistang rebolusyon at pagdurog sa kapitalismo sa pandaigdigang sakjlaw ang tanging solusyon. At ang tanging uri na rebolusyonaryo at progresibo sa panahon ngayon ay ang uring manggagawa lamang. Ang porma ng organisasyon ng manggagawa para durugin ang kapitalismo ay ang mga konseho ng manggagawa at mga asembliya nito. Sa ganitong mga organisasyon lamang maipakita ng uri ang kanyang independyenteng paglaban para sa kanyang sariling interes.
Ang usapin ng Con-ass o Concon ay isang patibong sa uring manggagawa para ilihis sila sa tamang daan tungo sa pagbabago ng sistema. Walang magbabago sa api at pinagsamantalahang kalagayan ng uri sa ilalim ng 1987 Konstitusyon, GMA Konstitusyon o anumang Konstitusyon habang isang burges na kaayusan ang nangingibabaw sa lipunan. Nakikita na ito ng masang manggagawa. Ang kailangan na lang ay sistematiko itong ipaliwanag ng isang proletaryong partido sa harap mismo ng masa. Wala sa alin man sa mga grupo o partido ng Kaliwa sa Pilipinas ang tumindig sa proletaryong linya. (Tess, 12/20/2006)
Maraming nagsasabi na ang nasyonalismo angsolusyon sa paghihirap ng bansang Pilipinas. Ayon sa kanila, “si GloriaArroyo ay hindi makabayan kaya nagdurusa ang mga Pilipino.” “Si GloriaArroyo ay tuta ng imperyalistang Amerika kaya naghihirap ang masa.”
Ito ay linya hindi lamang ng mga Maoista kundi pati na rin ng mgamakabayang negosyante at propesyonal. Kaya naman marami sa panggitnanguri ang nakumbinsi ng Maoismo sa “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya laban sa imperyalismong Amerika”. Hindi kataka-taka kung bakit ang CPP-NPA ay labis-labis ang pagkahumaling sa“anti-imperyalismong Amerika” na simula noong panahon ni Marcos ay lagina lang nakakabit ang “US” sa bawat panawagan nila na ibagsak anggobyerno (diktadurang US-Marcos, rehiming US-Aquino, US-Ramos, rehiming US-Estrada at rehiming US-Arroyo).
Wala itong kaibahan sa sinabi ng isang tanyag na burges na politiko, si Manuel Quezon, noong panahon ng kolonyalismong Amerikano bago pumutokang Ikalawang Digmaan ng mga katagang kahalintulad nito, " I prefer a government run like hell by Filipinos to a government run like heaven by Americans." Subalit pagputok ng Ikalawang Digmaan lumitaw ang kulay ni Quezon. Sumama siyang lumikas patungong Amerika. Ganito din ang linya ni dating pangulong Carlos P. Garcia, ang kanyang “Filipino First Policy".
Ano ang nangyari sa bansa mula noon? Alam na nating lahat. Subalit kung ang CPP-NPA ang tatanungin, sila ay mga peke na makabayan dahil tuta sila ng imperyalismong Amerika. Possible pa ba ang “malayang Pilipinas” sa panahon ng lubusang kontrol ng mga imperyalistang bansa sa buong mundo? Kung makahulagpos ba ang Pilipinassa mga “kuko ng agila” ay hindi siya mapunta sa mga “pangil ng tigre”?
Sa panahon na nilamon na ang buong mundo ng nabubulok na kapitalistang sistema kung saan wala ng bansa ang makaligtas sa nakamamatay’ng lasong nalalanghap sa kabulukan nito, imposible na ang malayang bansa. Mahirap itong paniwalaan pero tingnan na lang natin ang katotohanang nangyarisa mga bansang nakibaka para sa “kasarinlan” pagkatapos ng Ikalawang Digmaan:
Hindi lang ang Amerika ang imperyalista sa mundo. Nariyan ang mga lumang imperyalista – Pransya, Britanya, Alemanya, Hapon, Rusya – at iilang gustong maging kasing-imperyalista nila – Tsina, Kyuba, Beneswela, Israel, Sirya, Iran, Hilagang Korya at iba pa.
Bumahang dugo sa buong mundo. Dugo na mula sa milyun-milyong manggagawa at maralita dahil sa imperyalistang gera. Ang lahat ng ito ay sa ngalan ng nasyonalismo at “pagmamahal sa bayan”.
Sa Pilipinas, hindi ba ninyo napapansin na paparami ang mga negosyanteng Tsinoy at Pinoy ang bukambibig na modelo ang Tsina at Byetnam sapag-unlad ng bansa? Katunayan, labas-pasok na sila sa mga bansang ito, hindi lang nag-aaral kundi nag-nenegosyo na rin! Hindi ba ninyo alam nalumalandi si GMA sa Tsina kaya nagselos ang Amerika? Ang Tsina at Byetnam ba ang modelo ng mga makabayan nating kapatid? Hindi naman siguro.
Para sa manggagawa, uunlad ang bansa kung madudurog ang pandaigdigang sistema ng sahurangpang-aalipin. Aasenso tayo kung palakasin ang makauring laban hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo dahil ang paglaya ng uring manggagawa ay makakamit lamang kung lubusang mawasak ang imperyalismoat kapitalismo sa internasyonal na saklaw.
Makauring kamulatan at pakikibaka hindi makabayang kilusan ang makaahon sa atinsa kahirapan. Ang pagkakaisa ng manggagawa at sundalo sa ganitong labanang makapangyarihang pwersa laban sa lahat ng mapagsamantala.
Simula noong baklasan sa loob ng CPP-NPA sa 1992 ay naging mapanirang propaganda na ng mga Maoista na ang mga bumaklas ay mga "ahente" ng reaksyunaryong estado. Tumimo ang propagandang ito sa kanyang pwersa at baseng masa. At dahil ahente na umano ang mga taong ito, sila ay "kaaway" na ng rebolusyonaryong kilusan na dapat pandirihan at may kaparusahang kamatayan .
Hindi kami sang-ayon sa pulitika ng mga bumaklas sa CPP-NPA (yaong kinikilala ang mga sarili na "rebolusyonaryo"), ngunit bilang sentrong usapin ng artikulong ito ay ipapakita namin na ang "pinaka-matalik" na kaibigan ng kapitalistang estado ay hindi ang mga bumaklas kundi ang CPP-NPA mismo.
Militarismo at Digmaan: Paraan ng Kapitalismo sa Kanyang Dekadenteng Yugto
Sa pagpasok ng internasyonal na kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto noong 1914 (WW I), naging kabahagi na nito ang militarismo at digmaan. Hindi na kasi naging sapat ang "trade war" para sa mga kapitalistang estado (malaki man o maliit) upang mapanatili nila ang kanilang sarili sa poder ng kapangyarihan at maghari sa lipunan. Ginagamit na rin nila bilang pangunahing paraan ng kompetisyon ang digmaan para makaagaw ng merkado, ng mapagkukunan ng hilaw na materyales at makahap ng pinakamurang lakas-paggawa. Ang imperyalismo ay digmaan at ang lahat ng tipo ng digmaan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay imperyalista ang katangian.
Nilamon na ng aktwal na pangyayari sa mundo ang sinasabi ng mga radikal na lumalaban sa globalisasyon na may "pagbabago" na sa porma ng kompetisyon - mula sa gera patungong "trade war". Ito daw ang "bagong" mukha ng imperyalismo sa panahon ng globalisasyon. Ngunit sa pagpasok ng kabulukan (decomposition) ng dekadenteng yugto ng kapitalismo ay binigyang "katarungan" ng buong uring burgesya (nasa kapanyarihan o wala) ang militarismo at digmaan sa ngalan sa pakikipaglaban sa terorismo. Kaya naman ang pagpapalakas ng armadong hukbo at armas ay mayor ng konsiderasyon, kundi man pangunahing layunin na ng bawat bansa at nasa unahan ng pambansang badyet ng estado.
"Digmaan para sa Pambansang Kalayaan": Hindi Interes ng Uring Manggagawa
Ang mga manggagawa ay walang bansa. Ito ang diwa ng internasyonalismo simula pa noong sinulat ang Communist Manifesto. Ang sosyalismo ay internasyonal o wala ito.
Hindi gaya noong panahon na nasa progresibong yugto pa ang kapitalismo (ascendant stage), kung saan ang pagtatayo ng mga bansa ay para sa pagpapaunlad at pagpapalawak ng kapitalismo sa buong mundo at ang mga digmaan sa sariling pagpapasya ay nagresulta ng kaunlaran sa bagong tayong bansa, ang pagtatayo ng mga bagong estado sa ngayon ay lalong nagpapabigat sa kapitalismo na nasa mas grabe at matinding krisis sa labis na produksyon at sagad na pamilihan. Ito ay interes ng burgesya at kailan man ay hindi interes ng uring manggagawa. Ang burgesya kasi ay nabubuhay sa pagkanya-kanya ng mga bansa, samantalang ang manggagawa ay makakalaya lamang sa kanilang pagkakaisa sa buong daigdig.
Ang mga digmaan para sa "pambansang paglaya" laluna pagkatapos ng WW II ay bahagi ng imperyalistang digmaan ng naglalabanang makapangyarihang mga bansa. Hindi lumaya ang mga nasabing bansa kundi napunta lamang sa bunganga ng isa pang imperyalistang halimaw - mula imperyalistang USA patungo sa imperyalistang USSR o vice-versa. At kahit tapos na ang "Cold War" ay hindi pa rin nagbago ang katangian ng mga digmaan. Lalo pa ngang naging mabangis, marahas at nakakasira ang mga ito. At dahil sa tumitinding imperyalistang pangangailangan ng lahat ng bansa sa buong mundo ay lalo pang umiigting ang labanan sa agawan ng pamilihan, hilaw na materyales at murang lakas-paggawa.
Sa ganitong konteksto dapat ilagay ang "matagalang digmang bayan" ng Maoistang CPP-NPA at mga kahalintulad nito gaya ng paglitaw ng mga teroristang nagdadala sa isyu ng "sariling pagpapasya" na dinadaan sa panatisismo ng relihiyon. Ang mga ito ang hindi maiiwasang resulta sa wala ng katapusan na krisis ng kapitalismo. Mas matinding pagdurusa at pagkasira sa uring manggagawa at mundo ang dulot ng imperyalistang gera. Naglalabanan man ang mga pwersang ito pero iisa lamang ang kanilang adhikain - para sa "inang bayan" o "amang bayan" - na ang ibig sabihin ay para sa pambansang kapitalismo. Ang paglalabanan nila ay nauuwi sa kung sino ang "tunay na makabayan".
Kaya naman madaling magkaisa ang magkaaway laban sa bagong kaaway. Tingnan na lang natin ang "taktika" ng CPP-NPA sa pakikipag-isang prente mula noong panahon ni Marcos hanggang sa panahon ni Gloria Arroyo. Ang mga pro-Marcos na politiko ay naging kaalyado na nito. Ang mga pro-Erap na buwaya ay naging kaibigan na nila. Si GMA na dating kaalyado ay naging kaaway nila. Ganito din ang taktika ng mga paksyon ng burgesya sa CPP-NPA mula kay Marcos hanggang ngayon. Ikanga, walang permanenteng kaibigan at kaaway sa burges na pulitika.
Ang lahat na ito ay nagmula sa distorsyon ng Stalinismo sa Marxismo na pinalitan ng "socialism in one country" at "block of four classes" ni Mao. Ang Stalinismo ang nagpasimuno sa pakikipagkaisang prente sa isang paksyon ng burgesya - ang Prente Popular - na popular sa bansag na "united front". Samantalang ang Maoismo naman ay ang anak ng imperyalistang gera at kontra-rebolusyon, at kailan man ay hindi ito napabilang sa kampo ng proletaryado simula ng lumitaw ito sa China noong 1930s.
Ang "political killings, massacres, salvagings, militarization" at iba pang karahasan ay kagagawan ng dalawang naglalabanang armadong burges na kilusan - ang isa ay nasa kapangyarihan at ang kabila ay nag-aambisyong makaagaw. Tinutulak kapwa ng CPP-NPA at kapitalistang estado ang manggagawa at maralita sa isang digmaan na wala namang mapapala ang huli para sa kanilang tunay na makauring paglaya. Nanawagan ang mga kaalyadong organisasyon ng CPP-NPA na itigil ang politikal na karahasan sa kanilang hanay na kagagawan umano ng estado. Ipokrito ang CPP-NPA dahil ito din ang ginagawa nila bilang "estado sa bundok" sa kanilang itinuturing na mga kaaway - armado man o hindi.
Sa totoo lang, mas gusto ng CPP-NPA at ng estado ang karahasan dahil ito ang nagbibigay-katwiran sa kani-kanilang "adhikain". Ang nangyayari sa Middle East at Africa ay kahalintulad ng nangyayari sa Pilipinas ngayon - maraming buhis ang nasakripisyo. Sa kasaysayan at karanasan sa buong mundo, ang "digmaan para sa pambansang paglaya" ay altar kung saan inialay ng dalawang paksyon ng burgesya - kaliwa at kanan - ang buhay ng mamamayan laluna ng kabataan sa imperyalistang digmaan sa ngalan ng nasyonalismo, anti-imperyalismo, anti-pasismo at burges na demokrasya.
Nililinlang lamang ng estado at ng Maoistang partido ang mamamayan sa kanilang panawagan para sa "mapayapang solusyon" sa digmaan. Kailan man ay walang interes ang dalawang halimaw na ito na ihinto ang digmaan hanggat may dahilan pa ang bawat isa sa armadong pakikipaglaban. At hindi sila mauubusan ng dahilan.
Nagkaisa ang Maoistang partido at kapitalistang estado sa pagpapalakas ng militarismo at pagpapatindi ng digmaan. Hindi paglaya ang resulta ng "digmaan sa sariling pagpapasya" kundi mas matinding pagdurusa ng uring manggagawa. Kahit sino ang manalo sa kanila sahurang alipin pa rin ang masang manggagawa.
Proletaryong Rebolusyon : Solusyon sa Karahasan sa Mundo
Gayong hindi sinuportahan ng ibang mga "rebolusyonaryong grupo" sa Pilipinas ang "gerilyang pakikidigma" ng CPP-NPA, ay sang-ayon naman sila na dapat suportahan ang "pakikibaka sa pambansang kalayaan at demokrasya". Wala itong ibig sabihin kundi naniniwala ang una na may progresibo at rebolusyonaryong papel pa ang burges na sistema sa mga bansang atrasado gaya ng Pilipinas sa panahon ng dekadenteng yugto basta "nasa pamumuno ng uring manggagawa" na ang kahulugan ay "nasa pamumuno ng Partido ang estado". Para sa mga "rebolusyonaryong grupo" na bumaklas sa CPP-NPA, "daan" patungong sosyalismo ang estadong kapitalismo. Sa esensya, wala itong pagkakaiba sa linya ng Maoistang partido.
Hindi dapat suportahan ng manggagawa ang karahasan kapwa ng Maoistang partido at kapitalistang estado. Sa halip ay dapat ilunsad ng uri ang kanyang sariling rebolusyon dahil ang rebolusyon lamang ng manggagawa ang daan sa paglaya ng sangkatauhan. Ito lamang ang rebolusyon na tatapos sa lahat ng uri ng pagsasamantala at karahasan sa lipunan.
Ang rebolusyon ng manggagawa ay rebolusyon para sa pagdurog ng kapitalismo - pribado man o estado - at sa kapitalistang mga relasyon sa lipunan. Ang rebolusyon ng manggagawa ay internasyonal ang saklaw at hindi isang digmaan para ihiwalay ang uring manggagawa sa kanya-kanyang bansa sa ngalan ng nasyonalismo. Ang rebolusyon ng manggagawa ay ang tanging paraan upang mawakasan na ang karahasan ng estado, mula man ito sa Maoismo o sa kanang paksyon ng burgesya. (Tess, 09/18/06)
Walang duda na karamihan sa mga sundalo laluna sa rank-and-file ay mula sa pamilyang manggagawa at magsasaka. Karamihan sa kanila ay may mga kapamilya at kamag-anak na manggagawa. Kaya alam ng karamihan sa mga sundalo ang nakakaawang kalagayan ng manggagawa – mababang sweldo, walang regular na trabaho at tinatratong hayop sa mga pagawaan ng among kapitalista.
Ang kalunos-lunos na kalagayan ng manggagawa ay hindi lamang kasalanan ng gobyernong Arroyo. Ito ay kagagawan ng kapitalistang sistema na hindi mabubuhay kung hindi nito pahirapan at gutumin ang uring anakpawis. Si Gloria lamang ang chief executive officer ng kapitalismo sa bansa.
Sa ganitong pakahulugan ay hindi magkalayo ang sitwasyon ng ordinaryong sundalo sa masang manggagawa – nagpapapawis sa pagtrabaho nguni’t pinabayaan ng gobyerno. Binubuwis ng sundalo ang kanilang buhay sa gera na hindi naman kanila kundi sa naghaharing uri laban sa kanilang mga kapatid na manggagawa at magsasaka. Ginagamit ng naghaharing uri ang anti-komunismo at sinalaksak sa utak ng bawat sundalo para itago ang totoong layunin ng gera – durugin ang pakikibaka ng masa at depensahan ang naghihingalong bulok na sistema.
Lahat ng paksyon ng burgesya sa bansa (pro-GMA at anti-GMA) ay kapwa nanawagan ng “pagkakaisa”, “pagmamahal sa bayan” at “pagpapaunlad sa bansang Pilipinas”. Pero ito ay mga maskara para ang kanilang uri lamang ang magsasalitan sa Malakanyang. Kahit ang mga rebeldeng sundalo ay ginamit lamang ng uring kapitalista-haciendero para mapanatili ang bulok na kaayusan. Ito ang ating mapait na karanasan sa nagdaang dalawang Edsa Revolution at sa nagdaang mga pagtatangkang kudeta o rebelyong militar.
Sa kabilang banda, gayong nag-aastang rebolusyonaryo, ang CPP-NPA naman ay nabuslo sa patibong ng uring mapagsamantala. Sa pamamagitan ng gerilya-ismo sa kabundukan binigyang katwiran ng mga Maoista na magpapatayan ang masang anakpawis sa ngalan din ng “pagmamahal sa inang bayan”.
Walang dapat kampihan sa anti-komunismo ng kapitalistang estado at sa Maoismo ng CPP-NPA. Katunayan, ni hibla ay walang Marxismo sa Maoismo ng mga disipulo ni Joma Sison sa Utrecht.
Kung seryosong makipagkaisa ang mga rebeldeng sundalo sa masang anakpawis para baguhin ang bulok na sistema kailangang itakwil nila pareho ang anti-komunismo ni GMA-Gen. Palparan at ang Maoismo ng CPP-NPA.
Hindi mababago ang bulok na kapitalistang sistema sa bansa kung sasandal ang mga rebeldeng sundalo sa isang paksyon ng uring kapitalista-haciendero na anti-Gloria. Walang magandang kinabukasan ang Pilipinas kung ipako lamang sa isyung anti-Gloria ang pakikibaka.
Sa halip, dapat makipagkaisa ang mga rebeldeng sundalo sa uring manggagawa, ang tanging uri sa lipunan na progresibo at rebolusyonaryo. Sa pagkakaisa ng sundalo at manggagawa, hindi rebelyong militar ang dapat ilunsad kundi rebolusyon ng uring manggagawa laban sa kapitalistang sistema. Isang rebolusyon na magkaisang ilulunsad ng sundalo at manggagawa.
Ang tunay na lakas ng pakikibaka laban sa bulok na sistema ay nasa pagkakaisa ng sundalo at uring manggagawa. Ito lamang ang tanging daan sa tagumpay ng laban.
Mungkahing pag-aralan at maging bukas ang mga rebeldeng sundalo sa pag-aaral sa teorya ng rebolusyon ng uring manggagawa – Marxismo.
Panghuli, isang kabalbalan ang mag-isip na maaring pagkaisahin sa isang pang-ekonomiyang sistema ang kapitalismo at komunismo. Imposibleng mangyari ito at walang ganitong sistema sa mundo. Ang Tsina, Vietnam, North Korea, Cuba ay hindi mga sosyalistang bansa. Sila ay mga kapitalistang bansa na kontrolado ng estado nila – state capitalism. Sa mga bansang ito, pinagsamantalahan ang mga manggagawa para sa tubo ng kanilang gobyerno sa karatulang “sosyalismo”.
Ang sosyalismo ay hindi maaring itayo at konsolidahin sa isang bansa. Ang sosyalismo ay isang internasyonal na kaayusan. Higit sa lahat, ang komunismo ay uusbong mula sa guho ng pandaigdigang kapitalismo.
Tumitindi ang pampulitikang pamamaslang ng kapitalistang estado sa kanyang mga kaaway sa loob ng naghaharing uri. Ang mga pinaslang ay ang mga ligal na lider ng mga partidong kaliwa. Walang duda, ang paksyon ni Gloria Arroyo ang may pakana ng lahat ng ito. Dagdag pa, pinatitindi din ng estado ang militarisasyon hindi lang sa kanayunan kundi maging sa kalungsuran laluna sa mga lugar na balwarte ng mga kaliwang grupo.
Ito ang kampanya ni GMA sa buong bansa. At ang kanyang berdugo sa gawaing ito ay si Gen. Palparan.
Ano ang ibig sabihin nito?
Ang mga pinaslang ng paksyong GMA ay ang mga pwersa ng Kaliwa na nagnanais na patalsikin siya sa poder para itayo ang isang kapitalistang estado na nagbalatkayong progresibo at rebolusyonaryo. Malinaw na ang nangyayari sa Pilipinas ay ang tumitindi at naging madugo na alitan ng mga pwersa ng kapital — Kaliwa laban sa Kanan — ng burgesya.
Manipestasyon ito na hindi na mismo makontrol ng nabubulok na kapitalismo ang alitan sa loob mismo ng kanyang hanay. Ang pagkabulok ng sistema ay makikita sa kabulukan sa pulitika. Ang labanan sa loob ng naghaharing uri ay kung sino ang papalit sa kapangyarihan upang bigyang "bango" ang naagnas na sistema at kung sino ang mas mahusay na mailayo ang uring manggagawa sa rebolusyonaryong landas — ang landas ng pagdurog sa burges na estado at sa kapitalismo.
Gayong bukambibig ng mga kaliwang grupo ang pasismo at militarisasyon ng rehimeng Arroyo, napapaos naman sila sa kasisigaw na makibaka para sa burges na demokrasya. "Sinikil ni Gloria ang demokrasya kaya kailangan tayong magkaisa para mabawi ito!" Ganito ang linya ng mga Kaliwa sa Pilipinas.
Isang linya na walang kaibahan sa pasismo. Itinago ng mga kaliwang grupo na ang pasismo at burges na demokrasya ay kapwa mga instrumento ng burgesya para ilayo ang proletaryado sa sosyalistang rebolusyon. Ganito ang ginawa ng "demokratikong" burgesya noong panahon ng WW II laban sa "pasistang" kapitalista — Allied Forces vs Axis Powers. Ito rin ang linya ng maoistang CPP-NPA noong panahon ng pasistang diktadurang Marcos.
Ang direksyon ng pakikibaka ng mga Kaliwa ng burgesya ay mag-alsa ang manggagawa para depensahan ang burges na demokrasya laban sa pasistang rehimen ni Arroyo. Patalsikin si Arroyo at ipalit ang isang "demokratikong" pamahalaan.
Binalewala ng mga Kaliwa ang masaklap na karanasan ng proletaryado sa kamay ng mga "demokratikong" kapitalista sa buong mundo.
Sosyalistang Rebolusyon Laban sa Pasismo at Burges na Demokrasya
Maglaho lamang ang pang-aapi at karahasan hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo kung lubusang madurog ang burges na estado at ang paghari ng buong uring kapitalista sa lipunan. Ito ang katotohanan na dapat maintindihan ng mga grupong Kaliwa; ito ang istorikal na layunin ng pakikibaka ng proletaryado laban sa kapitalismo.
Walang pagpipilian ang uring manggagawa sa pasismo at burges na demokrasya. Kailangang i-marka ng uri ang kanyang sariling laban sa harap ng tumitinding madugong alitan ng naghaharing uri. Ang pagdurog sa burges na estado at pag-agaw sa kapangyarihan ang tanging solusyon para matapos na ang karahasan sa lipunan at tunggalian ng mga uri.
Walang maasahan ang uring manggagawa kundi ang kanyang independyenteng pagkilos labas sa alitan ng naghaharing uri. Ito ay ang pagsusulong ng sosyalistang rebolusyon na dudurog sa estado ng uring kapitalista. (Lloyd, 11/23/06)
Ang Pilipinismo ay sinasabing isang idolohiyang Pilipino na nabuo at napagtibay sa himagsikan, at napatunayan sa Rebolusyong 1896. Sinasabing binigyan nito ng malaking kahalagahan ang pagmamahal sa Diyos, sa bayan at sa kapwa, sa kanyang mga pangunahing alituntunin at mga adhikaing makamit ang kalayaang pampulitika, katubusang pangkabuhayan at panlipunang pagkakaisa sa bansang Pilipinas. At isinusulong umano ang isang rebolusyong kultural, pulitikal, moral at ispirituwal para mapagtibay ang minimithing kasarinlan at kadakilaan ng lahing Pilipino.
Ngunit kung ating titingnan ang kabuoan ng mga batayan, layunin at adhikain ng Pilipinismo, ating makikita na ito ay nakatutok lamang sa isang konseptong wala nang hihigit pa sa pagmamahal sa bayan at sa pag-aalay ng buong buhay at katauhan ng mga Pilipino para sa kanyang kadakilaan. Samakatwid, ang pasistang pagsamba ng estadong Pilipino ay siyang naging sentro at buod ng Pilipinismo bilang tagapagtaguyod at tagapamahala sa mga interes nito sa anumang larangan.
Sabi ni Benito Mussolini, ang “Pasismo ay isang reaksyon.” Reaksyon saan? Sa kasaysayan ng Italya, ang reaksyong ito ay may kinalaman sa paglaban sa mga pagbabago ng anyo ng lipunan at pulitika matapos ang Unang Digmaan, at bilang desperadong hakbang ng kanilang mga peti-burges at mga lumpenproletaryo upang mawakasan ang walang humpay na pagpapalit-palit ng kapangyarihan sa kamay ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya na wala namang kakayahang mamuno. Mga pangyayaring naging mitsa sa pagbuo ng pwersa ng Pasismo ng siyang naglalayong baguhin ang lahat na mga ito sa ngalan ng nasyonalismo at pagmamahal sa bayan, at laban na rin sa pwersa ng mga liberal at uring mangagawa.
Ang tanong, may kahalintulad ba ang mga pangyayaring ito sa bansang Pilipinas? Kung ating susuriin ang mga pangyayari sa pansakalukuyang panahon, makikita natin na ang kahinaan ng mga institusyon at ang patuloy na pag-aagawan sa pwesto ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya ay hindi nalalayo sa mga kundisyon ng Italya ng mga panahong yaon. Dagdagan pa natin iyan ng walang katapusang tsismis ng pag-aalsa ng sandatahang lakas at pagsasanib pwersa kuno ng mga nasa kaliwa at kanan laban sa pansakalukuyang rehimen ay mas lalo pang pinatutunayan ang pagkakahalintulad nito sa walang kasiguradohan na pambansang pamumuhay ng mga Italyano dahil sa epektong dulot ng Unang Digmaan at ng depresyon noong 1921 hangang 1922.
Ano ba ang ibig sabihin nito? Ito ba ay may kinalaman sa tinatawag na Pilipinismo?
Una sa lahat, naipakita na natin sa unahan kung paano magkahilintulad ang mga pangyayari sa Italya sa panahon ni Benito Mussolini at sa Pilipinas ngayon. Kung bakit tinitingnan natin ang mga ito, ito ay sa kadahilanang tulad ng Pasismo sa Italya, at kahit mismo ang Nazismo ng Alemanya, ang Pilipinismo sa Pilipinas ay siya na rin ang ginagamit sa pansakalukuyang panahon bilang armas pang-idolohiya ng mga nagnanais maiskatuparan ang isang makabayang pag-aalsa. Ang pahiwatig ng panahon ay nagbabadya na ang nangyaring desperadong hakbang ng mga peti-burges at lumpenproletaryo ng Italya ay nais ulitin dito sa Pilipinas sa pamamagitan ng paggamit ng Pilipinismo bilang kasangkapan ng kapital para mapanumbalik nito ang kasiglahan ng pambansang kapitalismo laban sa mga dayuhang kompetisyon nito. Nakita natin na ang paglabas ng mga pasistang rehime ay katugunan lamang sa mga pangangailangan ng kapitalismong nahaharap sa matinding krisis pang-ekonomiya.1 Mga panahong may matinding kahinaan sa pamamahala at pamumuno2 na ang bukod tanging maisip lamang ng mga desperado sa lipunan ay gumawa ng mga makitid na hakbang radikal na sa kahuli-hulihan ay magsisilbi lamang panggatong ng kapital para sa kanyang inaasam na tubo, puno ng dahas at pagsasamantala. Mga reaksyonaryong pagkilos na naglalayong hadlangan ang makauring pakikibaka at maitaguyod ang pagpapatibay ng kapitalismo sa ngalan ng pagmamahal sa bayan.
Ang Pilipinismo ay walang ipinagkaiba ng Pasismo sa Italya at Nazismo sa Alemanya sa paglalayon nitong pagbigyan ng mas malaking kahalagahan ang estado kaysa sa mapanuring hakbang tungo sa pagsasa-ayos ng mga kontradiksyon sa lipunan. Ipinaghalo-halo nito ang maraming mga konseptong mula sa iba’t-ibang idolohiya at pilosopiya para lamang magbigyan ng armas sa digmaan ng propaganda ang pinakatangi nitong layunin na pagtibayin ang isang pambansang diktadorya ng kapitalismo sa ngalan ng “pagmamahal sa bayan”. Pilit ding iniuugnay ang pinagmulan nito sa kasaysayan at pinatingkad pa sa pamamagitan ng pagamit ng kadakilaan ng ating mga ninuno. Para bagang nais palabasin nito na ang mga kaganapan noon at ngayon ay walang pinag-iba, na kong may progresibong katangian ang makabayang pag-aalsa noon ay siya pa rin ang tutoo ngayon.
Sa puntong sinasabi ng Pilipinismo na ang “…niloloob ng isang Pilipino bagama’t repleksiyon din ng mga materyal na bagay sa lipunan ay mayroon ding materyal na elemento ng emosyon o pantaong damdamin na malaki ang epekto sa takbo ng lipunan” ay ipinakita lang nito ang kanyang tunay na kulay na walang ipinagkaiba sa mga santo-santohang gumagamit sa relihiyon bilang kasangkapan sa pagpapalapad ng kanilang diyos-diyosang tubo. Walang duda na ang kamulatan ng isang tao ay repleksiyon lamang ng materyal niyang kalagayan. Ngunit kong sasabihin nating ito ay may materyal na elemento din ng pantaong damdamin ay para na ring sinasabi nating hiwalay ang pantaong damdamin sa kamulatan ng isang tao. Malayo yata iyan sa katotohanan, at nagpapahiwatig lamang na kung ginamit ng mga Kastila ang pangalan ng Diyos upang maipagpatuloy ang kanilang pananakop, ginagamit din ng Pilipinismo ang pangalan ng Diyos upang maikasa at maipalaganap ang kanyang pasistang adhikain.
Sa Kartilla, sinabi ni Emilio Jacinto na “Ang tunay na kabanalan ay…ang pag-ibig sa kapwa at ang isukat ang bawat kilos, gawa’t pangungusap sa talagang Katuwiran.” Ngunit kung iyong titingnan sa Pilipinismo, ang “kapwa” ng Kartilla ay ginawang “kapwa-Pilipino” na lamang. Ganyan ba ang idolohiyang hinango sa himagsikan at napatunayan sa Rebolusyong 1896? Gamitin lang ang kasaysayan para maipakitang lehitimo ito at may katotohanan? Napakahaba ang mga punto sa pakikipagkapwa, ang pagkapantay-pantay ng tao at higit sa lahat ang kadakilaan sa paggawa. Ngunit ang mga bagay na ito ay ginawa lamang palamuti sa kahuli-hulihan ng bukang-bibig nitong ipinagdiinan ang kataas-taasang layunin ng isang pasistang kilusan – ang pagsamba ng estado. Puno ng puot at galit sa kapwa, mapang-api sa mga banyaga, at higit sa lahat mapagsamantala sa uring mangagawa. Mga katangiang hiyang sa isang pasistang idolohiya. Pilipinismo ba o Pasismong Pilipino?
Noong panahon ng bumubulusok na pyudalismo (17, 18, 19 na mga siglo), lumitaw ang panawagan ng isang seksyon ng populasyon (sa mga kolonya ng pyudal na kaharian) – ang sumisibol na uring kapitalista – para maitayo ang isang malayang bansa. Isang panawagang nagsilbing kasagotan sa pangangailangan ng kapitalismo ng teritoryo para sa kanyang produksyon at merkado – isang pambansang teritoryo. Dito na nagsimula ang paggamit ng nasyonalismo bilang kasangkapan ng burgesya para maghari sa lipunan at lubusang madurog ang pyudalismo. Sabi nga ni Rosa Luxemburg sa kanyang Junius Pamphlet : “The national state, national unity and independence were the ideological shield under which the capitalist nations of central Europe constituted themselves in the past century. Capitalism is incompatible with economic and political divisions, with the accompanying splitting up into small states. It needs for its development large, united territories, and a state of mental and intellectual development in the nation that will lift the demands and the needs of society to the plane corresponding to the prevailing stage of capitalist production, and to the mechanism of modern state capitalist class rule. Before capitalism could develop, it sought to create for itself a territory sharply defined by national limitations.”
Mahigpit na nakaugnay ang pagtatayo ng bansa (nation-state) noong panahon ng bumubulusok pababa na pyudalismo sa layunin ng umaabanteng burgesya na palayain ang magsasaka mula sa lupa para ikadena sa mga pabrika – sahurang-alipin ng kapital.
Ang sigaw ni Bonifacio at ng mga Katipunero noong 1800s ay sigaw ng sumisibol na burgesyang Pilipino (ilustrado) para lumaya ito sa kontrol ng pyudal at kolonyalismong Kastila at para mabigyang daan ang sumisibol na kapitalismong sistema sa bansa. Ang batayan ng kanilang panawagan ay ang ideolohiya ng burgesyang Pranses na nanawagan ng "Liberté, égalité, fraternité, ou la mort!" ("Liberty, equality, fraternity, or death!"). Kaya naman madaling naagaw ng mga ilustrado sa pamumuno ni Aguinaldo ang liderato ng pambansang rebolusyon at mabilis na bumaliktad ito sa kontrol ng imperyalistang Amerika laban sa kolonyalistang Kastila.
Subalit sa kapitalismo, ang bawat kapitalista ay may kanya-kanyang interes. Kaya naman kahit pareha ang interes ng pambansang burgesya at imperyalismo sa usapin ng pagpapanatili sa kapitalismo ay nais pa rin ng una na magkaroon ng “sariling pagpapasya”. Nasyonalismo pa rin ang ginamit ng pambansang burgesya laban sa imperyalismong Amerika na sa maagang bahagi ng 1900s ay ginawang kolonya ang Pilipinas. Hindi malimutan ng lahat ng Pilipino ang bantog na kataga ni Manuel L. Quezon noon na “I prefer a government run like hell by Filipinos to a government run like heaven by Americans”.
Kahit ang Partido Komunista ng Pilipinas na binuo noong 1930 ay nagapos din sa linya ng nasyonalismo at pakikibaka laban sa imperyalismo. Tumalima sa panawagan ng Stalinistang COMINTERN, nanawagan ang PKP sa mga manggagawa na makibaka para sa pambansang kalayaan na ang ibig sabihin ay magpailalim ang mga ito sa pambansang kapitalismo. Ganun din ang Maoistang PKP noong 1968 at maging ang mga radikal na grupo/partidong na lumalaban sa Stalinismo at Maoismo – silang lahat ay nagapos sa panawagang “pambansang kalayaan at demokrasya”. Dahil na rin sa kawalan ng kapasidad sa direktang kolonyalismo matapos ang nakakasirang Ikalawang Digmaan ay naobligang bigyan ng mga imperyalistang bansa ng nominal na pampulitikang kalayaan ang mga kolonya nito gaya ng Pilipinas pero nananatili pa rin sa kanilang mga kamay ang pang-ekonomiyang galaw nito sa pamamagitan ng mga alagad at tuta nila na pambansang estado.
Totoong isang progresibo at para sa pag-unlad ng lipunan ang panawagang itayo ang malayang bansa noong 18 hanggang 19 siglo para lubusang madurog ang pyudalismo at para mapalaganap ang kapitalismo na hamak na mas maunlad na sistema kaysa sa nauna. Sa mga panahong yaon masasabing tama batay sa makauring paninindigan kung suportahan ng mga manggagawa ang pakikibaka para sa pambansang kalayaan; kung suportahan ng masang anakpawis ang laban ng pambansang burgesya laban sa pyudalismo. Ngunit sa pagputok ng unang imperyalistang pandaigdigang gera noong 1914 kung saan lubusan ng nahubaran ang lahat ng pagkukunwari ng pandaigdigang kapitalismo at pumasok na ito sa yugto ng pababang pagbulusok (decadence), hindi na tama na suportahan ng uring manggagawa ang kahit anumang laban para sa pambansang kalayaan dahil nawalang na ito ng progresibong katangian sa panahon ng imperyalismo at ito’y magsisilbi na lamang kasangkapan ng mga naglalabanang imperyalistang mga bansa.
Simula 1900s ay lubusan ng napasok ng kapitalismo ang lahat ng sulok ng mundo. Wala nang bagong merkado na pwedeng pasukin ang mga naglalabanang monopolyo ng bawat kapitalistang mga bansa. Kaya para magkaroon ng “bagong merkado” kailangang muling hatiin ng mga imperyalistang bansa ang mundo. Walang patutunguhan ang kompetisyon ng bawat imperyalistang bansa kundi gera at karahasan sa mundo. Pinatunayan na ito ng dalawang pandaigdigang digmaan at ang halos walang hintong lokal at rehiyonal na labanan sa halos lahat ng sulok ng mundo.
Ang pakikibaka sa pambansang paglaya ng mga bansa sa Ikatlong Mundo (3rd world countries) ay ginagamit lamang ng bawat imperyalistang bansa upang maisulong nito ang kani-kanilang interes. Mula Tsina, Kyuba, Hilagang Korya, Byetnam, Nikaragwa at iba pa, ang mga kilusan dito para sa pambansang kalayaan ay kilusan ng pambansang kapitalismo na may direkta o indirektang suporta ng mga imperyalistang bansa (malaki man o maliit). Matapos silang “lumaya” mula sa isang imperyalistang bansa, sila’y hindi na dumiretso sa sosyalismo kundi umatras pabalik sa kapitalismo at natali sa ibang imperyalistang bansa naman. Sa ngalan ng pambansang kapitalismo (na ang karatula ay sosyalismo) ay matinding pinagsamantalahan ang uring manggagawa sa ngalan ng “depensahan ang sosyalistang inang bayan laban sa panggigipit ng imperyalismo Amerika”. Mga katagang mismo sa dating Unyong Sobyet ibanadera at iniwagayway. Mas masahol pa, hindi lang sila naging kapitalista kundi nagbabalak pang maging imperyalista sa ngalan pa rin ng pagmamahal at pagpapaunlad sa bayan. Ito ang ginagawa ng Tsina sa pagpapalapad ng impluwensya nito sa buong Asya at sa buong mundo na rin. Ang Hilagang Korya ay gusto ring magpapansin sa pamamagitan ng kanyang mga armas nukleyar. Ganun din ang Indya, Pakistan, Iran at Israel.
Ang nangyayari sa Irak, Apganistan, Palestina at Lebanon ay dagdag na patunay kung paano ginagamit ng nagpapatayang paksyon ng burgesya ang nasyonalismo at ang pakikibaka laban sa imperyalismo para higupin ang mga manggagawa sa mga bansang apektado na lumahok sa nakakasirang digmaan. Dagdag pa, alam ng lahat kung anong imperyalistang bansa ang sumusuporta sa Hamas, Hezbollah, at mga mandirigmang Iraki – Sirya at Iran.
Sa Pilipinas naman, ang bukambibig parati ng pambansang burgesya (Pilipinong kapitalista) ang katagang pagmamahal sa bayan. Ayon sa kanila, hindi daw umunlad ang bansa dahil ang mga nasa poder ay kontrolado ng mga dayuhang kapitalista. Dagdag pa, hindi daw nagkaisa ang mamamayan dahil nawawala na sa kanila ang diwa ng nasyonalismo nila Bonifacio — ang pagiging Pilipino. Na kinakailangan daw na ibangon natin ito sa pamamagitan ng isang idolohiyang Pilipino tulad ng nabanggit na natin sa unahan. Ano ang ibig sabihin ng ganitong linya ng mga pananalita?
Subalit ayaw maniwala ng mga “maka-Pilipinong” ideolohista sa makauring tunggalian. Ayon sa kanila, ang mga Marxista lamang ang naniniwala dito pero hindi na ito nakatuntong sa katotohanan. Nakapikit ang mata ng mga ideolohistang ito sa katotohanan na hindi sila Marx ang nakadiskubre ng mga uri at tunggalian ng ng mga ito kundi mismong ang mga dalubhasang burges na ekonomista. Ayon mismo kay Marx: “Now as for myself, I do not claim to have discovered either the existence of classes in modern society or the struggle between them. Long before me, bourgeois historians had described the historical development of this struggle between the classes, as had bourgeois economists their economic anatomy. My own contribution was 1. to show that the existence of classes is merely bound up with certain historical phases in the development of production; 2. that the class struggle necessarily leads to the dictatorship of the proletariat; 3. that this dictatorship itself constitutes no more than a transition to the abolition of all classes and to a classless society.”3
Pilit itago ng mga ito ang katotohanan na ang bansa o ang mga Pilipino sa partikular ay nahahati sa mga uri – uring nagsasamantala at pinagsamantalahan. Higit sa ano pa man ay ang makauring labanan – uring manggagawa laban sa uring kapitalista. Higit sa ano pa man, ang panlipunang kaunlaran sa panahon ng pababang bumubulusok na kapitalismo ay nakasandal na sa makauring paglaya ng manggagawa sa buong mundo, sa pangsandaigdigang sosyalistang rebolusyon. Walang makatutuhanang panlipunang kaunlaran kung hindi maitayo ang pangsandaigdigang sosyalismo. Hindi lalaya ang uring manggagawa mula sa pagsasamantala; hindi mahihinto ang digmaan, karahasan at kaguluhan sa mundo kung hindi madurog ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw. Ang pagkatali ng uring manggagawa sa pakikibaka sa pambansang saklaw, sa pakikibaka para sa ilusyon na pambansang kalayaan ay gapos na hahatak sa kanya palayo sa kanyang makasaysayang misyon – palayain ang sangkatauhan sa mundo mula sa lahat ng uri ng pagsasamantala sa kapwa tao.
Ang nasyonalismo ay parang shabu. Sa panahong gamitin ito ng uring manggagawa sa kanyang laban ay lalo siyang nawawala sa kanyang makauring sarili at nahihigop sa “magandang” panaginip sa “pagkakaisa ng malawak na sambayanang Pilipino” (sa esensya pagpailalim sa pambansang burgesya) para lumaya mula sa pagsasamantala. Ang pakikibaka sa pambansang kalayaan ay isang matamis na lason. Sa panahong inumin ito ng masang manggagawa ay unti-unti siyang mamamatay bilang uri sa kumunoy ng pagsasamantala ng pambansang kapitalista – ang kapitalistang Pilipino.
Ang puno’t dulo ng kahirapan at pagdurusa ng manggagawang Pilipino ay hindi ang pagsasamantala lamang ng mga dayuhang kapitalista kundi ng buong uring kapitalista, kasama na ditto ang mga Pilipinong kapitalista. Nagmula ang pagsasamantala sa hindi binayaran na paggawa ng manggagawa. Ang hindi bayad na paggawa ang pinagmulan ng tubo ng bawat kapitalista. Mas malaking hindi bayad na paggawa mas malaki ang tubo ng huli. Sa madaling sabi, mas matinding pagsasamantala mas malaking tubo. Ang batas ng kompetisyon ng kapitalismo ang nagtutulak sa bawat kapitalista na patindihin ang pagsasamantala sa manggagawa.
Maari bang hindi magsamantala ang kapitalistang Pilipino sa manggagawang Pilipino kung masalaksak sa utak ng una ang ideolohiya ng Pilipinismo, este Pasismong Pilipino? HINDI.
Una, obligadong makipagkompetinsya ang kapitalistang Pilipino sa kanyang mga dayuhang karibal. Kaya obligado siyang patindihin ang pagsasamantala sa kanyang mga alipining Pilipinong manggagawa para manatili bilang kapitalista. At pangalawa, guguho ang kapitalistang sistema kung hindi magsamantala ang kapitalista at bayaran niya ang manggagawa ayon sa kanyang paggawa dahil ni isang patak ng pawis ay walang kontribusyon ang kapitalista sa paggawa ng produkto.
Ano ang gagawin ng isang maka-Pilipinong kapitalista? Isalaksak niya sa utak ng kanyang aliping manggagawa na ang tubo na makukuha ay mapupunta sa “gobyernong maka-Pilipino at babalik din naman sa kanila bilang serbisyo-sosyal”. Ibig sabihin, “mabuti” ang layunin ng pambansang kapitalismo sa kanyang pagsasamantala sa manggagawa – para sa inang bayan.
Gaya ng binanggit na natin sa unahan, ang ganitong lohika ay walang pinag-iba sa ideolohiya ng Pasismo ng Italya at Nazismo sa Alemanya. Walang tao na nakakaalam sa kasaysayan ng Ikalawang Digmaan ang magsasabing mabuti ang ibinunga ng Pasismo at Nazismo. Mahigit 50 milyon ang patay sa ikalawang imperyalistang gera na minsan ay binansagan ng burgesya na “war to end all wars”. Subalit pwede din naman sabihin ng mga ideolohista ng Pilipinismo na hindi Pasismo at Nazismo ang batayan ng kanilang ideolohiya kundi demokrasya. May kaibahan ba ang demokrasyang burges sa Pasismo at Nazismo. Ang sasagot niyan ay ang mismong nangyari sa Ikalawang Digmaan at ang mga lokal at rehiyonal na digmaan mula noon hanggang ngayon. Ang Pasismo, Nazismo at burges na demokrasya ay pawang mga porma lamang ng paghahari at pagsasamantala ng uring kapitalista. Pinagpipili lamang ang manggagawa kung sa anong porma nila gusto silang pagsamantalan at magdusa.
Sabihin naman ng mga Pilipinista na hindi mangyayari sa Pilipinas ang nangyayari sa ibang bansa. Tingnan na lang natin ang nangyari dito matapos mapatalsik ang diktadurang Marcos. Nawala ang diktadura at pumalit ang demokrasya. Pero nahinto ba ang paghihirap ng masang manggagawa? Bakit madaling pumaling ang paksyong GMA sa diktaduryang pamamaraan gayong alam nitong pinatalsik ng mamamayan ang diktadurang Marcos? Bakit napakadaling naging “anti-diktadura at anti-pasista” ang elitistang oposisyon na naging katuwang ni Marcos noon sa pagpapatupad ng martial law gaya nila Lacson, Enrile at Erap? Bakit napakadaling nagkaisa sila laban kay GMA gayong magkalaban sila noong panahon ni Erap? Bakit ang CPP-NPA na tumtulong kay GMA noon ay naging anti-GMA na ngayon at naging kaibigan na nila ang mga pro-Erap ngayon?
Dahil iisa lamang ang makauring interes ng lahat ng uring kapitalista-haciendero – panatilihin ang kapitalistang sistema. Dahil ang CPP-NPA ay nasa kaliwa ng burgesya at wala sa kampo ng rebolusyonaryong manggagawa. Hindi ito usapin kung magkadugo o magkalahi kundi usapin kung magkauri ba.
Tama ang mga Marxista na ang uring kapitalista sa panahon ng imperyalismo (lokal man o dayuhan) ay reaksyonaryo na sa kaibuturan at walang interes para sa kapakanan ng manggagawa kahit ito ay kalahi, kadugo o karelihiyon nila:
“From the liberator of nations which it was in the struggle against feudalism, capitalism in its imperialist stage has turned into the greatest oppressor of nations. Formerly progressive, capitalism has become reactionary; it has developed the forces of production to such a degree that mankind is faced with the alternative of adopting socialism or of experiencing years and even decades of armed struggle between the ‘Great’ powers for the artificial preservation of capitalism by means of colonies, monopolies, privileges and national oppression of every kind”4
Ang panlilinlang at ilusyon ang isa sa epektibong paraan ng burgesya para pagsamantalahan ang uring manggagawa. Ang nasyonalismo, ultra-nasyonalismo o Pilipinismo ay isa sa mga ito. Walang ibig sabihin ang mga ito kundi mas matinding pagsasamantala at gera hindi lang sa bawat bansa kundi sa pandaigdigang saklaw.
Dalawa lamang ang pagpipilian ng lipunang Pilipino at buong mundo sa panahon ng bumubulusok na kapitalismo: IMPERYALISTANG DIGMAAN SA NGALAN NG PAGMAMAHAL SA BAYAN AT BURGES NA DEMOKRASYA O INTERNASYONAL NA REBOLUSYON NG MANGGAGAWA PARA SA PANDAIGDIGANG SOSYALISMO. Ang una ay lason para sa masang manggagawa at ang pangalawa ay daan para sa kanilang makauring paglaya.
Konsepto ng Kabansaan: Lason sa Uring Manggagawa
Halos lahat ng sektor at uri sa lipunang Pilipino na pinagsamantalahan ng isang paksyon ng kapitalista-haciendero na nasa kapangyarihan ay nagkakaisa na hindi uunlad ang bansa kung mananatili sa poder ang paksyon ni Gloria Macapagal-Arroyo. Iba-iba ang kanilang mga oryentasyon para mapalitan ang paksyong Arroyo sa Malakanyang – mula sa radikal na transpormasyon hanggang sa parliyamentaryong ilusyon. Subalit nagkakaisa silang lahat na ang kailangan ay “magkaisa ang mga Pilipino bilang isang malayang bansa”.
Ang pinaka-radikal sa mga grupong ito (na kinikilala ang kanilang mga sarili na “komunista”) ay naniniwala na “bago makamit ang sosyalismo/komunismo ay obligadong hawanin nito ang makipot na daan sa “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya”. Gaano man kasinsero ang mga grupong ito sa sosyalismo/komunismo ay nahulog sila sa patibong ng uring kapitalista sa konsepto ng “bansa” na sa makauring pakahulugan ay pagpapanatili sa burges na kaayusan at hindi para sa paglaya ng manggagawa mula sa pagsasamantala at kahirapan. Ang nasyonalismo o pagmamahal sa bansa ang pinaka-epektibong lason ng burgesya sa uring manggagawa upang ang makauring kamulatan ng huli ay hindi maging materyal na pwersa para sa ganap na paglaya. Ang sosyalismo/komunismo ay nagiging karatula o plakard lamang na dala-dala ngunit walang buhay at pwersa dahil ibinabaon ng nasyonalismo sa lupa.
Ano ang pananaw ng mga Internasyonalistang Komunista sa usapin ng konsepto ng “bansa”?
———
1 “In reality the appearance of the fascist regimes corresponded to the needs of capitalism faced with the force of its economic crisis.” (Fascism and democracy: both enemies of the working class – International Communist Current, PE [adapted from RI 32], 18/05/0)
2 “In Italy…we had a revolutionary wave of tremendous dimensions; the state was paralyzed, the police did not exist, the trade unions could do anything they wanted — but there was not party capable of taking the power. As a reaction came fascism.” (Trotsky, Fascism: What is it? How to fight it?, our emphasis)
3 Marx to J. Weydemeyer, March 5th, 1852, Collected Works, vol.39, p.62-5, our emphasis.
4 Lenin, Socialism and War, ‘The present war is an imperialist war’. Collected Works, Vol 21, p.301-2.
Isa sa manipestasyon na tuloy-tuloy ang
paglalim ng krisis ng isang bulok na panlipunang sistema ay ang pagiging
marahas ng bangayan ng mga paksyon sa loob ng naghaharing uri. Marahas
na bangayan na umabot sa loob mismo ng pangunahing instrumento ng estado
– ang armadong pwersa.
Ang burges na eleksyon na siyang arena ng
labanan ng naghaharing uri kung anong paksyon ang hahawak sa estado
poder ay hindi na uubra na natatanging rule of the game sa
pagkontrol sa estado poder. Sa panahon ng nangangamoy na kabulukan ng
sistema at lumiliit ang pinaghatiang kulimbat na yaman mula sa masang
anakpawis, hindi maiiwasang ang kasalukuyang paksyong may hawak ng
kapangyarihan ay gamitin ang lahat ng rekurso ng estado upang hindi
mapalitan ng paksyong wala sa kapangyarihan panahon ng eleksyon.
Hindi bago ang dayaan sa halalan ng mga
paksyon ng naghaharing uri na naglalabanan. Mula pa noong 1946 ay ganito
na ang kalakaran. Tumindi ito noong 1972 ng binago ni Marcos ang
patakaran ng laro at sinolo ng kanyang paksyon ang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pasistang diktadura. Kaya ang isyu ng lehitimasya ay
mahigit 50 taon ng kalakaran ng naghaharing uri sa Pilipinas.
Nagawa ni Marcos na ipataw ang batas militar
dahil unang-una solido niyang nakonsolida ang AFP. Katunayan, ito ang
naging instrumento niya sa pagpapatupad ng pasismo sa bansa. Subali’t sa
paglakas ng kilusang masa sa kalsada laluna simula noong 1983 matapos
patayin ng paksyon ni Marcos si Ninoy Aquino, ang kanyang numero unong
kaaway at tanyag na burges na politiko, lalong tumindi ang bangayan sa
loob ng naghaharing uri at kahit sa loob mismo ng paksyong Marcos. Ang
bangayang ito ay umabot na sa loob ng AFP.
Nahati ang paksyong Marcos. Ganundin din ang
AFP. Ang dating mga pasistang berdugo ng diktadurang Marcos ay biglang
naging “maka-demokratiko” – Gen. Ramos at DND Sec Enrile. Isang paksyon
ng AFP – RAM — ay “kumampi” sa masang nakibaka sa kalsada at nangyari
ang Edsa Revolution sa 1986.
Mula noon nadagdagan na ang rule of the
game ng naghaharing uri. Hindi na lang burges na eleksyon kundi
kasama na ang rebelyong militar at kudeta. At sa bawat pag-aalsa at
kontra-pag-aalsa dala-dala ng bawat paksyon ang katagang “pagmamahal sa
bayan” at “demokrasya”.
Sa bawat “laro” ng naghaharing uri taga-masid
lamang ang mahihirap na manggagawa, tagapalakpak sa kung sino ang
mananalo na siyang pinakamalakas ang sigaw ng “pagmamahal sa bayan” at
“demokrasya”. Ang bawat martsa sa kalsada ng libu-libong masa at welga
ng manggagawa ay nauuwi sa pag-upo ng isa na namang galing sa uring
mapagsamantala. Ito ang masaklap na karanasan ng manggagawang Pilipino
sa dalawang “Edsa People Power Revolution”.
Maging sa kasaysayan ng ibang bansa hindi na
rin bago ang mga rebelyong militar at pag-aalsa. At tulad sa Pilipinas
hindi nagbago ang sistemang panlipunan, sa halip ay lalo pa itong naging
bulok at mapagsamantala. Mula Central America, Africa at Asia ito ang
nangyayari dahil bulok at nangangamoy na ang pandaigdigang sistemang
kapitalista.
Ang uring manggagawa bilang uri ay tumataas
ang kamulatan mula sa kanyang karanasan sa pakikibaka. Bilang uri, ito
ay nag-iisip.
Wala pang nakikita ang uring manggagawa na
grupo ng mga rebeldeng sundalo na ang layunin ay ibagsak ang bulok
na kapitalistang sistema, na siyang puno’t dulo ng paghihirap ng
malawak na masang anakpawis.
Sa halip, unti-unting lumilinaw sa uri na
gagamitin lamang sila, gamitin lamang ang kanilang militanteng pagkilos
sa kalsada para may popular na bihis ang papalit na isang paksyon ng
kapitalista-haciendero sa kasalukuyang kinamumuhiang paksyon na nasa
poder. Lahat ng paksyon ng burgesya ay magkatulad ang layunin – isalba
ang naghihingalong bulok na sistema. Kaya ang uring manggagawa ay walang
kinakampihan sa naglalabanang paksyon – pro-Gloria at anti-Gloria.
Hindi na lumalabas sa kalsada ang daan libong manggagawa.
Alam na ng manggagawa na panloloko lamang ng
mga paksyon ng burgesya ang paggamit sa katagang “pagmamahal sa bayan”
at “demokrasya” para manatili ang kanilang makauring diktadura.
Ang unang-unang gawin ng mga rebeldeng sundalo
na sinsero sa panlipunang pagbabago ay palitan ang “Sundalong Tapat sa
Pilipino” tungo sa “Sundalong Tapat sa Uring Manggagawa Laban sa
Kapitalistang Sistema”. Sa ganitong paraan lamang magkaisa ang
manggagawang nakibaka laban sa kapitalismo at ang mga sundalong nakibaka
para sa panlipunang pagbabago.
Ang paglibing ng Kongreso sa impeachment ng kalabang paksyon ni GMA ay nagpapatunay lamang na hindi arena ng labanan ng manggagawa ang burges na parlamento kundi ito ay isang pugad ng mga “baboy”, “buwaya” at “puta” ng nabubulok na kapitalistang sistema.
Pareha ang layunin ng dalawang paksyon ng naghaharing uri (pro-GMA at anti-GMA) : Ilihis ang pakikibaka ng manggagawa palayo sa rebolusyonaryong landas. Kung hahantong man sila sa armadong bangayan ito ay pagpapatunay lamang na bumubulusok na ang kapitalismo at hindi na makontrol ng burgesya ang gulo na dulot mismo ng kabulukan ng sistema.
Sa panahon ng bumubulusok na kapitalismo isang kontra-rebolusyonaryong hakbang ang manawagan na makipag-alyansa ang manggagawa sa isang paksyon ng naghaharing uri. Lahat ng paksyon ng burgesya ay kaaway ng uri at ang tanging paraan para lumaya ang manggagawa ay lubusang ang aasahan nila ay ang kanilang sariling pagkakaisa at pakikibaka.
Kung meron mang paunlaring “alyansa” ang manggagawang Pilipino ito ay walang iba kundi ang alyansa ng manggagawa sa buong mundo. Tanging sa ganitong alyansa lamang madudurog ang pandaigdigang kapitalismo at maitayo ang sosyalismo sa internasyonal na saklaw.
Maling-mali ang mga “Marxista-Leninista” at Maoista sa pagpasok sa patibong ng uring kapitalista – pakikipag-alyansa sa paksyong anti-GMA. Hindi lumakas ang indepenyenteng kilusang manggagawa sa ganitong “taktika” sa halip ay nakatulong pa ang mga ito na itali sa ilusyon at repormismo ang uring manggagawa hinggil sa burges na parlamento.
Hindi na kailangang ilantad pa ng mga ito ang kabulukan ng burges na parlamento sa pamamagitan ng pagpasok sa bulwagan ng mga baboy, buwaya at puta. Hindi na kailangang lumahok sa burges na eleksyon ang mga rebolusyonaryo upang mailantad ang kabulukan nito. Ang mga baboy, buwaya at puta na mismo sa Kongreso ang naglalantad kung gaano kabulok at kabaho ang Kongreso.
Ang civil disobedience na gustong gawin ng panggitnang uri ay isang positibong hakbang laban sa rehimeng Arroyo. Pero mababaw ang isyung pinagbatayan ng panggitnang pwersa – ibinasura ang impeachment kaya mag-civil disobedience sila. Hindi lamang ang pagpapatalsik kay Gloria ang solusyon sa problema kundi ang mismong pagdurog sa kapitalistang sistema – pribadong pag-aari sa mga kagamitan sa produksyon at pagkakamal ng tubo para yumaman ang iilan.
Independyenteng pakikibaka ng manggagawa sa bawat bansa ang tamang paraan ng paglaban. Rebolusyon ng manggagawa sa buong mundo ang tanging daan para sa paglaya ng mga manggagawa sa bawat bansa.
Sinimulan na naman ng mga alipures ni GMA sa Kongreso ang pagtatambol sa Cha-Cha sa pamamagitan ng Con-Ass. Garapalan nila itong ginagawa kahit walang "basbas" ng Senado.
Bakit ba desperado si Arroyo sa cha-cha nito? Maintindihan natin ito ng lubusan kung mailagay sa internasyonal na konteksto ang plano ng rehimen.
Nasa dekadenteng yugto na ang internasyonal na kapitalismo. Lubusan ng naging hadlang ang kapitalistang relasyon sa produksyon sa pag-unlad ng mga pwersa ng produksyon. Sa panahon ng imperyalismo, crisis-war-reconstruction-deeper crisis ang direksyon nito. At sa bawat igpaw ng krisis ay mas nakakasirang imperyalistang gera ang kapalit. Dagdag pa, lahat ng bansa ngayon ay nasa sapot na ng kapitalistang ekonomiya at imperyalistang kontrol. Ibig sabihin, kung hindi kontrolado ng imperyalistang bansa ang isang bansa ito ay katulad din ng una o pareha.
Bakit? Dahil hindi na sapat ang pambansa at pandaigdigang merkado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo o imperyalismo sa labis na produksyon ng huli at wala nang bagong pamilihan na makikita. Para manatiling buhay ang mga pambansang kapitalista ay kailangan nilang makaungos sa pandaigdigang kompetisyon sa pamamagitan ng pagkampi sa isang makapangyarihang imperyalista laban sa isa pa o ilunsad ang digmaan para sa re-dibisyon ng mundo o rehiyon. Dahil tapos na ang "bipolar world", wala nang permanenteng alyansa ngayon ng mga kapitalistang bansa sa mundo. Lahat ay nagkanya-kanyang diskarte sa gitna ng mas tumitinding kompetisyon para makaungos sa pandaigdigang kompetisyon. Kahit ang pambansang burgesya sa Pilipinas ay hindi habang panahon ay makokontrol ng imperyalistang Amerika. Maaring ibigay nito ang katapatan sa ibang imperyalistang bansa "if the price is right".
Sa ganitong sitwasyon naoobliga ang mga kapitalistang bansa sa buong mundo (malaki o maliit, malakas o mahina, abante o atrasado) na mas lalo pang sasandal sa estado para manatili sa tumitinding kompetisyon at sa kapangyarihan.
Kabalbalan ang sinasabi ng anti-globalisasyon na mga peti-burges na ang globalisasyon daw ay nagpapahina o kaya ay bumabalewala sa estado sa galaw ng kapitalismo sa mundo at nasa mga matatalas na kuko na daw ang sangkatauhan sa MNCs/TNCs. Ito’y panlilinlang at ang nais lamang nito ay kabigin ang manggagawa sa linya na "proteksyunan ang bansa" na walang ibig sabihin kundi proteksyunan ang pambansang kapitalismo at "ibalik muli sa kontrol ng estado ang ekonomiya" (state capitalism).
Dito ngayon nakaangkla ang cha-cha na gusto ni GMA – mas pahigpitin ang kontrol ng estado sa buong populasyon hindi lang para sa interes ng paksyong Arroyo kundi higit sa lahat ay para sa interes ng nabubulok na pandaigdigang kapitalismo. Sa ganitong layunin din nakaangkla nangyayaring "regional protectionism" ngayon laban sa mga pinakamakapangyarihang imperyalistang bansa.
Gayong tama naman ang mga radikal na grupong nagsasabing sasagasaan ng cha-cha ni Gloria ang nalalabing pretensyon ng 1987 konstitusyon sa "pambansang patrimonya" at para sa paksyonal na interes ng paksyong Arroyo ay aminado naman ang mga ito na pretensyon lang ang "pambansang patrimonya" dahil hindi naman talaga ito nangyayari sa panahon ng imperyalismo. Samakatuwid, ang sentral na usapin ng cha-cha ay tanggalin na ang mga pretensyon o hindi sa Konstitusyon.
Cha-cha o walang cha-cha sa ilalim ng kapitalistang sistema ay walang saysay sa uring pinagsamantalahan. Walang magbabago sa kanilang sitwasyon bilang sahurang-alipin ng kapital, bilang pinagsamantalahang uri sa lipunan. Ang sentralisasyon ng buhay panlipunan sa estado ay lalo pang magpapahirap sa masang anakpawis. Cha-cha o walang cha-cha ay hindi na makabangon pa ang pambansang ekonomiya sa krisis dahil nasa dekadenteng yugto na ang pandaigdigang kapitalismo.
Panalo o talo ang cha-cha ni GMA ay walang saysay sa manggagawa. Hindi lalakas ang independyenteng kilusan ng manggagawa kung ang uri ay makipag-alyansa sa kapitalistang oposisyon laban sa cha-cha ni Gloria. Konstitusyon ni Gloria (cha-cha) o Konstitusyon ni Cory (1987 Konstitusyon) ay uring kapitalista-haciendero pa rin ang nasa kapangyarihan at kapitalismo pa rin ang sistema ng lipunan.
Ang linyang "Yes to cha-cha after Gloria’s ouster" ng mga radikal na grupo ay pagbibigay ilusyon lamang sa uring manggagawa na may pag-asa pang uunlad ang kapitalistang sistema sa bansa at magkaroon ng "pro-worker" constitution ang Pilipinas kung mapatalsik si GMA sa Malakanyang.
Ang sentral na usapin ngayon ay ang pag-agaw ng kapangyarihan ng uring manggagawa sa buong mundo. Isa na itong nesisidad at posibilidad. Ito na ang pangunahing agenda sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo.
Sa pamamagitan ng pag-akyat ng manggagawa bilang naghaharing uri ay masimulan ang mga hakbangin para sa tunay na pagpapaunlad sa lipunan sa internasyonal na saklaw.
Magkaroon lamang ng "pro-worker" constitution kung madurog ang kapitalismo sa Pilipinas at ang uring manggagawa na ang may hawak ng pampulitikang kapangyarihan. Subalit ito’y panandalian lamang kung hindi mahigpit na nakaugnay ang proletaryong rebolusyon sa Pilipinas sa pagpapalawak ng rebolusyon sa internasyonal na saklaw.
Ang pagpapalawak ng rebolusyon sa buong daigdig ang garantiya na hindi mauulit ang nangyari sa USSR noong panahon ni Lenin kung saan ay napilitan itong magbigay ng mga kompromiso na nakakasira sa marxistang mga prinsipyo para lamang manatili sa kapangyarihan ang partidong Bolshevik sa gitna ng panggigipit dito ng internasyonal na kapital.
Nagtagumpay nga ang partidong Bolshevik pero ang kapalit naman nito ay ang pagbukas ng pituan para sa estadong kapitalismo sa kontra-rebolusyonaryong "sosyalismo sa isang bansa" ng Stalinismo. Ang Stalinismo ay hindi pagpapatuloy ng rebolusyong Oktubre gaya ng mga sinasabi ng iilang demoralisadong partido komunista at ng internasyonal na burgesya. Ito ay kontra-rebolusyonaryong halimaw na pumasok sa pintuang binuksan ng mga pagkakamali ng partidong Bolshevik. Ang Stalinismo ay hindi Bolshevismo kundi ang kabaliktaran nito.
Sa kabilang banda naman, ang Trotskyismo, gaano man ka anti-Stalinismo ang mga pahayag ay pinuprotektahan nito ang "sosyalismo sa isang bansa" (estadong kapitalismo) sa pamamagitan ng pagkilala na mayroong "depormadong sosyalistang esatdo" gaya ng USSR, China, Vietnam, North Korea at Cuba.
Isang malaking pagkakamali kung mahihigop ang mga rebolusyonaryong manggagawa sa usapin ng Yes or No sa Cha-Cha at sa bangayan ng mga paksyon ng mapagsamantalang uri sa maling rason na "hindi pa handa ang manggagawa sa pag-agaw ng kapanyarihan". Ito ay distorsyon pangunahin ng mga maoista para mabigyang katuwiran ang kanilang dalawang-yugtong rebolusyon subalit naging matamis naman na patibong sa mga anti-maoistang grupo sa Pilipinas.
Paano ba naman maihahanda ang masang manggagawa sa pag-agaw sa kapangyarihan kung ang mismong mga rebolusyonaryo ay nagapos sa mga usaping walang direktang kaugnayan sa paghahanda sa uri gaya ng : Yes to Cha-Cha but not to GMA’s cha-cha, defend national patrimony, impeachment, burges na eleksyon at iba pa.
Nagmula ito sa maling akala na posible pa ang mga reporma sa panahon ng dekadenteng kapitalismo at ang mga "repormang makakamit ay makakatulong sa manggagawa upang maihanda ang sarili para sa pag-agaw ng kapangyarihan sa darating na panahon" o kaya sa maling paniniwala na "posible pa ang burges-demokratikong rebolusyon na ang layunin ay itayo ang malayang bansa." Ang masaklap ay hindi dumating ang panahon na pinangarap ng mga rebolusyonaryo sa 2nd and 3rd Internationals. Sa halip, distorsyon ng Stalinismo sa internasyonalismo at marxismo ang dumating kaya pumutok ang WW 2 hanggang sa bumagsak ang imperyalistang USSR noong 1989. Ang dumating ay ang pagpasok ng dekadenteng yugto sa kanyang kabulukan (decomposition) sa dekada 80.
Sentral na tungkulin ng mga proletaryong rebolusyonaryo sa buong mundo ang tuwiran at malinaw na pagpapaliwanag sa kanyang uri na pangunahing agenda na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ang pag-agaw sa kapangyarihan – ang pagtatayo ng diktadura ng proletaryado sa internasyonal na saklaw. At kasabay nito ay ang puspusang paglalantad sa lahat ng tipo ng burges na ideolohiya — Stalinismo, Maoismo, Trotskyismo, Anarkismo, Ultra-nasyonalismo/Pilipinismo, Repormismo – na nasa kaliwa o kanan ng burgesya at lumalason sa manggagawa para ilihis sila sa kanilang makasaysayang misyon.
Kailangang mahigpit na hawakan, intindihin at ipraktika ng mga rebolusyonaryo sa ika-21 siglo ang sinasabi ng Communist Manifesto:
The Communists are distinguished from the other working-class parties by this only:
1. In the national struggles of the proletarians of the different countries, they point out and bring to the front the common interests of the entire proletariat independently of all nationality.
2. In the various stages of the development which the struggle of the working class against the bourgeoisie has to pass through, they always and everywhere represent the interests of the movement as a whole.
Ang ibig sabihin nito ay Internasyonalismo at Independyenteng Kilusang Manggagawa. Kabaliktaran ito sa nasyonalismo/ultra-nasyonalismo, anarkismo, Trotskyismo, pambansang kalayaan, burges-demokratikong rebolusyon at prenteng popular (kahit temporaryo lang) sa isang paksyon ng burgesya sa panahon ng imperyalismo.
Ipinagtatanggol ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin ang sumusunod na mga posisyon:
* Simula noong Unang Pandaigdigang Digmaan, ang kapitalismo ay isa nang dekadenteng panlipunang sistema. Dalawang beses nitong tinulak ang sangkatauhan sa barbarong pag-inog ng krisis, pandaigdigang digmaan, rekonstruksyon at panibagong krisis. Noong 1980s, pumasok na ito sa dulong yugto ng kanyang pagbulusok pababa, ang yugto ng pagkaagnas at pagkalanta. Isa lamang ang alternatibang ihinahapag ng ganitong hindi mababagong istorikal na pagbulusok: sosyalismo o barbarismo, pandaigdigang komunistang rebolusyon o pagkasira ng sangkatauhan.
* Ang Komyun ng Paris sa 1871 ay unang pagsubok ng proletaryado na ilunsad ang ganitong rebolusyon, sa panahon na ang mga kondisyon para nito ay hindi pa hinog. Nang ang mga kondisyong ito ay iniluwal na dulot ng pagpasok ng kapitalismo sa dekadenteng yugto, ang rebolusyong Oktubre sa 1917 sa Rusya ay ang unang hakbang tungo sa tunay na pandaigdigang komunistang rebolusyon sa internasyunal na rebolusyonaryong alon na tumapos sa imperyalistang gera at nagpatuloy ng ilang taon pagkatapos niyon. Ang kabiguan ng rebolusyonaryong alon, partikular sa Alemanya sa 1919-23, ay nagkondena sa rebolusyon sa Rusya sa pagkabukod at sa mabilis na paghina. Ang Stalinismo ay hindi produkto ng rebolusyong Ruso, kundi ang kanyang sepulterero.
* Ang estatipikadong mga rehimen na lumitaw sa USSR, silangang Uropa, China, Cuba at iba pa at tinatawag na ‘sosyalista' o ‘komunista' ay mga partikular na brutal na porma ng unibersal na tendensya patungong kapitalismo ng estado, na siya mismong katangian ng panahon ng dekadenteng kapitalismo.
* Simula ng pagpasok sa ika-20 siglo, lahat ng mga digmaan ay imperyalistang digmaan, bahagi ng nakamamatay na tunggalian sa pagitan ng mga estado, malaki man at maliit, para manakop o panatilihin ang posisyon sa internasyunal na arena. Ang mga gerang ito ay walang naibigay sa sangkatauhan kundi kamatayan at kapinsalaan sa lumalaking saklaw. Matugunan lamang ito ng uring manggagawa sa pamamagitan ng kanyang internasyunal na pagkakaisa at sa pakikibaka laban sa lahat ng burgesya sa lahat ng mga bansa.
* Lahat ng mga makabayang ideolohiya - ‘pambansang kalayaan', ‘karapatan ng mga bansa sa sariling pagpapasya' at iba pa - anuman ang kanilang mga dahilan, etniko, istorikal o relihiyoso, ay tunay na lason para sa mga manggagawa. Sa paghikayat sa kanila na kumampi sa isa o kabilang paksyon ng burgesya, hinati nila ang mga manggagawa at aakayin sila sa pagmasaker sa isa't-isa para sa mga interes at digmaan ng mga nagsasamantala sa kanila.
* Sa dekadenteng kapitalismo, ang parlyamento at mga eleksyon ay walang iba kundi isang libangan. Anumang panawagan na lumahok sa parlyamentaryong sirko ay makadagdag lamang sa kasinungalingan na ang mga eleksyon ay tunay na pagpilian ng pinagsamantalahan. Ang ‘Demokrasya', isang partikular na ipokritong porma ng dominasyon ng burgesya, ay walang kaibahan sa pinag-ugatan ng iba pang mga porma ng kapitalistang diktadura, tulad ng Stalinismo at pasismo.
* Lahat ng mga paksyon ng burgesya ay parehong reaksyunaryo. Lahat ng mga tinatawag na mga partido ng ‘manggagawa', ‘Sosyalista' at ‘Komunista' (ngayon mga ‘dating Komunista'), mga organisasyon ng kaliwa (Trotskyista, Maoista at mga dating Maoista, mga opisyal na anarkista) ay bumubuo sa kaliwa ng pampulitikang makinarya ng kapitalismo. Lahat ng mga taktika sa ‘prente popular', ‘anti-pasistang prente' at ‘pakikipag-isang prente', na pinaghalo ang mga interes ng proletaryado yaong sa paksyon ng burgesya, ay nagsisilbi lamang na sakalin at sirain ang pakikibaka ng proletaryado.
* Sa dekadenteng kapitalismo, ang mga unyon kahit saan ay natransporma bilang organo ng kapitalistang kaayusan sa loob ng proletaryado. Ang iba't-ibang klase ng mga unyon, ito man ay pormasyon ng mga pinuno o ng mga ordinaryong mga manggagawa, ay nagsilbi lamang para disiplinahin ang uring manggagawa at sirain ang kanilang mga pakikibaka.
* Para isulong ang kanyang pakikibaka, dapat magkaisa ang mga manggagawa sa pakikibaka, hawakan ang pagpapalawak at organisasyon nito sa pamamagitan ng mga independyenteng pangkalahatang asembliya at mga komitiba ng delegado na pinili at maaring tanggalin anumang oras ng mga asembliya nito.
* Ang terorismo ay hindi paraan ng pakikibaka ng uring manggagawa. Ang ekspresyon ng panlipunang istrata na walang istorikong kinabukasan at ng pakaagnas ng peti-burgesya, na kahit hindi direktang ekspresyon ng permanenteng digmaan sa pagitan ng mga kapitalistang estado, ang terorismo ay palaging nagsisilbing matabang lupa para sa manipulasyon ng burgesya. Ang paniniwala sa sekretong aksyon ng maliit na minorya ay lubusang salungat sa makauring dahas na nagmumula sa mulat at organisadong aksyong masa ng proletaryado.
* Ang uring manggagawa ang natatanging uri na makapaglunsad ng komunistang rebolusyon. Ang kanyang rebolusyonaryong pakikibaka ay hindi mapigilang umakay sa uring manggagawa tungo sa komprontasyon ng kapitalistang estado. Para madurog ang kapitalismo, dapat ibagsak ng uring manggagawa ang lahat na umiiral na estado at itayo ang diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw: ang pandaigdigang kapangyarihan ng mga konseho ng manggagawa, na iniorganisa ang buong proletaryado.
* Ang komunistang transpormasyon ng lipunan sa pamamagitan ng mga konseho ng manggagawa ay hindi nangangahulugan ng ‘self-management' o nasyunalisasyon ng ekonomiya. Ang komunismo ay nangangailangan ng mulat na abolisyon ng uring manggagawa sa mga kapitalistang panlipunang relasyon: sahurang paggawa, produksyon ng kalakal, pambansang hangganan. Nangangahulugan ito ng pagbubuo ng pandaigdigang komunidad kung saan ang lahat ng mga aktibidad ay para sa lubusang satispaksyon ng pangangailangan ng sangkatauhan.
* Ang rebolusyonaryong pulitikal na organisasyon ay taliba ng uring manggagawa at aktibong salik sa pagpapalawak ng makauring kamulatan sa loob ng proletaryado. Ang papel nito ay hindi ‘organisahin ang uring manggagawa' o kaya'y ‘umagaw ng kapangyarihan' sa pangalan nito, kundi aktibong lumahok sa kilusan tungo sa pagkakaisa ng mga pakikibaka, tungo sa isang kondisyon kung saan ang mga manggagawa mismo ang may ultimong kapangyarihan sa pagtatakda sa kanyang sarili at para sa kanyang sarili, at kasabay nito ay maglatag ng rebolusyonaryong pampulitikang mga layunin sa pakikibaka ng proletaryado.
Pulitikal at teoritikal na klaripikasyon sa mga layunin at paraan ng pakikibaka ng proletaryado, sa kanyang istorikong misyon at sa kanyang kagyat na kalagayan.
Mag-organisa ng interbensyon, nagkakaisa at sentralisado sa internasyunal na saklaw, para makaambag sa proseso na tutungo sa rebolusyonaryong aksyon ng proletaryado.
Pag-oorganisa ng mga rebolusyonaryo sa layuning mabuo ang isang tunay na pandaigdigang partido komunista, na susi para maibagsak ng manggagawa ang kapitalismo at maitayo ang komunistang lipunan.
Ang mga posisyon at pagkilos ng mga rebolusyonaryong organisasyon ay produkto ng mga nakaraang karanasan ng uring manggagawa at sa mga aral na nakuha ng kanyang mga pampulitikang organisasyon sa takbo ng kanyang kasaysayan. Kaya ang pinanggalingan ng IKT ay mula sa sunod-sunod na mga kontribusyon ng Liga Komunista nila Marx at Engels (1847-52), ang tatlong Internasyunal (ang Internasyunal na Asosasyon ng Manggagawa, 1864-72, ang Sosyalistang Internasyunal, 1889-1914, ang Komunistang Internasyunal, 1919-28), ang mga kaliwang praksyon na humiwalay mula sa nanghihinang Ikatlong Internasyunal sa mga taon ng 1920-30, sa partikular sa mga Kaliwang Aleman, Dutch at Italyano.
* Sinulat ang manipestong ito sa 1991. Ang prinsipyo ng paglathala nito, at ang kanyang laman, ay dinesisyonan ng ika-9 na Kongreso ng IKT sa Hulyo, 1991. Tingnan sa International Review no. 67.
Patay na ang komunismo! Mga manggagawa, wala nang dahilan pa na sikaping ibagsak ang kapitalismo, tinalo ng sistemang ito ang kanyang mortal na kaaway. Ito ang walang kataposang pabalik-balik na sinasabi ng burgesya, mula ng bumagsak ang bloke sa Silangan. Ngayon na duguan at maruming nagkawatak-watak na ang Stalinismo, ang burgesya ay muling naghain ng pinakamalaking kasinungalingan sa kasaysayan: na ang komunismo ay ang Stalinismo, ang kanyang mortal na kaaway at isa sa pinaka barbarikong porma ng pagsasamantala. Ang naghaharing uri sa bawat bansa ay namumursigeng kumbinsihin ang kanilang pinagsamantalahan na walang kabuluhan ang kanilang pakikibaka na baguhin ang mundo. "Kailangang makontento na tayo sa mga nakuha natin, dahil wala nang iba pa. At kung maibagsak ang kapit6alismo, ang lipunan na papalit dito ay lubhang napakasama pa." Mula 1989, ang nakakahiyang pagbagsak pareho ng Stalinismo, at sa bloke na dominado nito, ay ipinakilala bilang "napakalaking tagumpay para sa Demokrasya at Kapayapaan". Inaasahang magbigay ito ng mapayapa at masaganang "bagong pandaigdigang kaayusan" kung saan sa wakas ang "mga karapatang pantao" ay mabigyang halaga.
Halos hindi pa natapos ang magagaling na pananalita, pinakawalan ng mga sinasabing dakila at "sibilisadong" mga bansa, sa Enero 1990, ang isang nakakatakot na gera sa Gitnang Silangan, na inilibing ang daang libong mga biktima ng napakaraming mga bomba, ginawang malawak na dagat ng mga guho at bangkay ang Iraq, "pinarusahan" ang populasyon na para sana sa mga lider na siyang nagsasamantala at nanunupil sa naturang populasyon.
Ngayon ang naghaharing uri ay sumumpa sa harap ng bibliya na "tapos na ito ngayon". "Kinakailangan ang digmaang ito", sinabihan tayo, "para masiguro na wala nang susunod; para masiguro na respetuhin ang 'Internasyunal na batas' , bubuksan nito ang daan para sa nagkakaisang daigdig, kung saan ang mga alitan ay mapayapang maaayos sa ilalim ng pangangasiwa ng 'internasyunal na komunidad', ng 'United Nations' o mga katulad."
Nanatiling paralisado ang pandaigdigang proletaryado sa harap ng mga ganitong kaguluhan, at sa ganitong malalaking alon ng kabangisan at kasinungalingan. Nagkahulugan ba ito na ang naghaharing uri ay naangkin na ang siguradong tagumpay? Lubusan na ba itong nakaalpas sa mga kontradiksyon na sumisira sa kanyang sistema mula sa simula, at laluna sa huling mga dekada? Naitaboy na ba nito ang multo ng komunistang rebolusyon na gumugulo sa kanya sa loob ng mahigit isang siglo? Ito ang nais ipaniwala sa mga pinagsamantalahan. Pero huwag magpalinlang. Ang "bagong" daigdig na inialok ng naghaharing uri ay mas masahol pa, hindi mas mabuti, kaysa nangyari noon. Ni nagsalita na ang uring manggagawa sa kanyang huling paalam. Kahit na temporaryo itong napatahimik, may lakas pa ito para tapusin ang kapitalismo at ang kabangisan na resulta nito. Higit pa noon, ang paglaban ng manggagawa ang tanging pag-asa ng sangkatauhan para makalaya sa kadena ng kahirapan, digmaan, at lahat ng iba pang kalamidad na nangyayari. Iyan ang kailangang sabihin ng mga rebolusyonaryo sa kanyang uri. Ito ang paksa ng aming manipesto.
Naharap sa nakasusuklam na kampanyang propaganda ng burgesya, ang unang responsibilidad ng mga rebolusyonaryo ay ibalik ang katotohanan, at muling sabihin sa proletaryado ano ang tunay na nangyari noon, at magaganap, na komunistang rebolusyon na sa ksalukuyan ay inaakusahan sa lahat ng kapighatian ng sangkatauhan, kailangang tuligsain nila ang napakaraming kasinungalingan na tinatawag na "komunista" yaong mga Stalinistang rehimen na nagingibabaw sa kalahati ng mundo ng ilang dekada, at ipakita na ang mga rehimeng ito ay hindi, kahit bastardong anak ng proletaryong rebolusyon, kundi ang kanyang tagahukay-ng-libingan.
Sa simula ng ika-20 siglo, sa panahon at pagkatapos ng Unang Digmaan, ang proletaryado ay lumaban ng mala-higanteng pakikibaka na muntik ng dumurog sa kapitalismo. Sa 1917, pinabagsak ng rebolusyon ang burges na kapangyarihan sa Rusya. Sa pagitan ng 1918 at 1923 sa Alemanya, paulit-ulit itong nakibaka sa parehong layunin. Ang rebolusyonaryong alon na ito ay kumalat sa buong mundo, kung saan may umiiral na maunlad na uring manggagawa, mula sa Italya hanggang sa Canada, mula Hungarya hanggang sa China. Ito ang sagot ng pandaigdigang proletaryado sa pagpasok ng kapitalismo sa dekadenteng yugto, at laluna sa unang ekpresyon ng panahong ito: Unang Digmaang Pandaigdig. Wala ng ibang kapansin-pansin na konpirmasyon sa nakita na ng mga rebolusyonaryo simula kalahati ng ika-19 siglo: ipinahayag ng Manipesto ng Komunista sa 1848, sa wakas dumating na ang oras ng paghuhusga ng proletaryado sa kapitalismo, sa sistema ng produksyon na wala ng kapasidad na tiyakin ang kaunlaran ng sangkatauhan.
Subalit pinatunayan ng burgesya na may kapasidad siyang pigilan ang malakas na kilusang manggagawa. Napangibawan ang malaking takot na pinukaw ng kanyang sariling nalalapit na pagbagsak, ang nagharing uri ay gumanti tulad ng isang nasukol na daga, pinadala ang lahat ng kanyang pwersa sa gera at walang pag-alinlangang gumawa ng mga pinakamasahol na krimen.
Parang madyik, hininto ng nagharing uri ang imperyalistang awayan na siyang dahilan ng apat na taong digmaan, para magkakaisang prente na harapin ang rebolusyon. Tinalo nito ang nag-alsang masang manggagawa sa pamamagitan ng katusuhan at panunupil, mga kasinungalingan at masaker. Hinarangan ang rebolusyonaryong Rusya, inihatid ang milyung tao sa gutom, na syempre sinisi niya sa rebolusyon mismo. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng napakalaking suporta, kapwa sa tao at armas, sa Puting hukbo ng bumagsak na Tsarismo, nagbunsod ito ng nakakikilabot na digmaang sibil, na nag-iwan ng milyun-milyong patay at nawasak ang ekonomiya. Sa larangang ito ng pagkaguho, nabukod dahil sa pagkatalo ng pandaigdigang rebolusyon at nawasak dahil sa pakikipaglaban at gutom, kahit nagtagumpay ito sa pagtalo sa hukbo ng kontra-rebolusyon, hindi napangalagaan ng manggagawang Ruso ang paghawak sa kapangyarihan na nakuha nito sa Oktubre 1917. Lalupa ang "pagtayo ng sosyalismo". Natalo ang mga manggagawa sa ibang bansa, laluna sa mga malalaking sentro ng industriya sa Kanlurang Uropa at Hilagang Amerika. Kaya natalo din sila sa Rusya.
Sa Rusya, ang pandaigdigang tagumpay ng kontra-rebolusyon ay nagkahugis, hindi sa pagbagsak ng estado na lumitaw pagkapos ng rebolusyon, kundi sa panghihina ng estado. Dahil nanatiling nahawakan ng burgesya ang kapangyarihan sa pandaigdigang antas, ang bansa ay hindi napalaya sa kapitalismo, at dahil dito ang estado ang nagiging bagong porma ng naghaharing uri, at nangasiwa sa pambansang kapital at sa pagsasamantala sa uring manggagawa. Ang Partidong Bolshevik na tumindig bilang taliba sa rebolusyong 1917 ay nanghihina rin, lalupang nasanib sa estado. Sa loob ng Partido, ang pinakamatitinong rebolusyonaryong mandirigma ay patuloy na inalisan ng responsibilidad, tinanggal, tinapon, binilanggo at sa huli ay pinatay ng buong suson ng mga karerista at burukrata, na nakitang si Stalin ang kanilang pinakamagaling na representante, at ang dahilan ng pag-iral ay hindi na ang pagtatanggol sa mga interes ng uring manggagawa, kundi ang kabaliktaran na pagpapatupad ng kasuklam-suklam na diktadura sa uring manggagawa, ng mga kasinungalingan at panunupil, para mapreserba at makonsolida ang bagong porma ng kapitalismo na itinayo sa Rusya.
Ang ibang mga partido "Komunista" sa Internasyunal ay tumungo sa parehong daan. Ang pagkatalo ng pandaigdigang rebolusyon at nagbunga ng pagkawasak ng hanay ng uring manggagawa ay nagpalala sa pag-unlad ng oportunismo sa loob ng mga partidong ito, sa ibang salita, sa patakaran na nagsakripisyo sa mga rebolusyonaryong prinsipyo at istorikong perspektiba sa kilusang manggagawa tungo sa maling akala na panandaliang "mga tagumpay". Ang ebolusyong ito sa loob ng mga partido Komunista ay nagpahintulot sa paglitaw ng mga elementong mas iniisip ang posisyon sa loob ng makinarya ng burges na lipunan, sa Parlyamento o sa lokal na pamahalaan, kaysa pakikipaglaban sa tabi ng uring manggagawa para sa kanyang mga interes. Ang mga partidong ito ay nahawa ng oportunistang sakit at nahulog sa kontrol ng mga burukratikong karerista. Sa ilalim ng panggigipit ng estadong Ruso, na gumamit ng mga kasinungalingan at pananakot para itaguyod ang mga burukratikong ito sa kanilang liderato, ang unang ginawa ng mga partido Komunista ay pinatalsik ang lahat na nanatiling naniniwala sa rebolusyonaryong adhikain at pagkatapos nagtraydor sa proletaryado at tumungo sa kampo ng burgesya. Tulad ng kontrolado ng Stalinistang partidong Bolshevik, naging taliba sila ng kontra-rebolusyon sa kani-kanilang mga bansa. Mas magaling nilang nagampanan ang kanilang pagkukunwari bilang kinatawan ng mga partido ng komunistang rebolusyon, at mga tagapagmana ng Pulang Oktubre. Gaya ng pagsuot ni Stalin sa pinakamagarang damit ng prestihiyo ni Lenin para konsolidahin ang kanyang kapangyarihan sa nanghihinang partidong Bolshevik at pagtanggal sa pinaka-sinsirong mga militante na tapat sa adhikain ng uring manggagawa, ganun din ang mga Stalinistang partido sa pag-agaw sa prestihiyo ng rebolusyong Ruso at sa mga mandirigmang Bolshevik sa harap ng mga mata ng manggagawa sa daigdig, mas nakabubuti sa pagsabotahe sa pakikibaka ng manggagawa.
Ang pagkilala sa Stalinismo na komunismo ay walang duda ang pinakamalaking kasinungalingan sa kasaysayan. Sa realidad, ang Stalinismo ay ang pinakamasamang kaaway ng komunismo, ang kanyang talagang kabaliktaran.
Mula sa simula, ang internasyunalismo, ang pandaigdigang pagkakaisa ng uring manggagawa, ang unang prinsipyo ng komunistang teorya. "Manggagawa sa lahat ng mga bansa, magkaisa!" ang kataga ng Manipesto ng Komunista na sinulat nila Marx at Engels, ang dalawang tagapagtatag ng komunistang teorya. Sinabi din ng Manipesto: "Ang mga manggagawa ay walang bansa." At kung ang internasyunalistang prinsipyo ay napakahalaga sa kilusang manggagawa, hindi ito dahil sa parehong mga utopyan na ideya ng pekeng propeta, kundi dahil ang proletaryong rebolusyon, na tanging tatapos sa kapitalistang pagsasamantala, at sa lahat ng mga porma ng pagsasamantala sa tao sa tao, ay mangyayari lamang sa internasyunal na saklaw.
Si Engels ay mariin ng nagsabi ng ideyang ito sa 1847: "Ang komunistang rebolusyon (...) ay hindi purong pambansang rebolusyon; mangyari ito ng sabay-sabay sa lahat ng sibilisadong mga bansa (...) Magbibigay din ito ng konsiderableng impluwensya sa lahat ng ibang mga bansa, at makabibilis sa direksyon ng kanilang pag-unlad. Isa itong unibersal na rebolusyon; kaya unibersal ang kanyang tereyn" (Engels, Mga Prinsipyo ng Komunismo [2]).
Matigas na ipinagtanggol ng mga Bolsheviks ang parehong prinsipyo sa panahon ng rebolusyon sa Rusya: "Ang rebolusyong Ruso ay isa lamang destakamento ng pandaigdigang sosyalistang hukbo, at ang tagumpay at panalo ng rebolusyon na ipinatupad natin ay nakasalalay sa pagkilos ng hukbong ito. Ito ang katotohanan na huwag nating kalimutan (...) Ang proletaryadong Ruso ay mulat sa kanyang pagkabukod, at malinaw na nakakita na ang rekisito at pundamental na batayan sa kanyang sariling tagumpay ay ang nagkakaisang interbensyon ng mga manggagawa sa buong mundo" (Report Delivered at a Moscow Gubernia Conference of Factory Committees, July 23, 1918 [3]).
Ito ang dahilan kung bakit ang ideya na ibinigay ni Stalin sa 1925, matapos mamatay si Lenin, sa "pagtatayo ng sosyalismo sa isang bansa" ay walang iba kundi ang kahiya-hiyang pagtraydor sa mga pinakabatayang prinsipyo ng kilusang manggagawa. Nang ang mga Bolsheviks, kasama ang lahat ng mga rebolusyonaryo, ay nakipaglaban para sa internasyunalismo, laluna sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig na tiyak na napahinto, salamat sa pagkilos ng mga manggagawa sa Alemanya at Rusya, si Stalin naman at ang kanyang mga kakutsaba ay ginawa ang mga sarili na tagapagsalita para sa lubusang nakakasuklam na nasyunalismo.
Sa Rusya, ilalim sa pagkukunwaring ipagtanggol ang "sosyalistang amangbayan", ang lumang sobinistang propaganda na nagsilbi sa puting hukbo sa kanilang pakikidigma laban sa proletaryong rebolusyon sa nakaraang ilang taon ay muling binuhay. Sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ipinagmalaki ni Stalin ang pagsali ng kanyang bansa sa imperyalistang masaker, at sa 20 milyong Sobyet na namatay para sa "tagumpay ng amangbayan". Sa ibang mga bansa, ang mga Stalinistang partido ay masunuring pinaghalo ang pambansang awit sa Internationale, ang unibersal na awit ng proletaryado, at ang pulang watawat, na sa mahigit isang siglo ay naging bandila ng pakikibaka ng manggagawa, lumitaw katabi ng mga makabayang watawat na binitbit ng kapolisan at mga sundalo habang minasaker nila ang mga manggagawa. At sa sobinistang istirya na mahigpit na kumupkop sa okupadong mga bansa ng Alemanya sa kataposan ng digmaan, ang mga Stalinistang partido umako din ng lugar ng pagmayabang, at pinangunahan ang pagpatay, bilang mga "traydor sa bayan", yaong sumubok ipagtanggol ang mga internasyunalistang prinsipyo.
Nasyunalismo laban sa internasyunalismo: narito ang ebidensya na ang Stalinismo ay walang kinalaman sa komunismo. Pero hindi lang iyan.
Maitayo lamang ang komunismo sa pamamagitan ng diktadura ng proletaryado, sa ibang salita, sa pamamagitan ng makauring kapangyarihan ng mga sahurang manggagawa sa buong lipunan. Ipinatupad ng uring manggagawa ang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga konseho ng manggagawa, ibig sabihin sa pamamagitan ng malayang pangmasang pulong ng mga manggagawa na may responsibilidad na hawakan ang lahat ng mga esensyal na desisyon tungkol sa pagpapatakbo sa lipunan, at nagpapatupad ng permanenteng kontrol sa mga binigyan nito ng mga tungkulin ng koordinasyon at sentralisasyon. Ito ang mga prinsipyo ng "kapangyarihang sobyet" ("sobyet" ay Rusyan sa "konseho") na tinayo sa Rusya sa 1917. Ang Stalinismo ay absolutong kabaliktaran ng ganung rehimen. Ang tanging diktadura ilalim sa Stalinismo ay hindi ng proletaryado, kundi sa proletaryado, para sa kapakanan ng maliit na minorya ng mga burukrata, batay sa paninindak, pulis, espiya, concentration camps, at masaker sa kahit sinong manggagawa na sumubok tutulan ito, tulad ng nakita natin sa Hungarya sa 1956, o sa Poland sa l970 at 1981.
Panghuli, ang komunismo ay nagkahulugan ng kataposan ng pagsasamantala ng tao sa tao, ang kataposan ng pagkahati-hati ng lipunan sa may prebilihiyo at pinagsamantalahang mga uri. Ilalim sa Stalinismo, patuloy na pinagsamantalahan ang mga manggagawa. Ang kanilang dugo, pawis at luha ay walang ibang pinagsilbihan kundi ang patuloy na kasayahan ng mga lider ng Partido sa kanilang mga prebilihiyo: ang kanilang maluhong mga pribadong bahay, habang ang mga manggagawa ay nagsiksikan sa sirang mga apartment, ang kanilang mga ispesyal na mga shop ay walang kulang habang pumipila ang mga manggagawa ng ilang oras sa walang laman na mga shop ng estado. Dagdag pa, ang produksyon sa komunistang lipunan ay may oryentasyong para sa satispaksyon ng pangangailangan ng tao: ang dating USSR at mga bansang gaya niyon ay nagbigay ng magandang ehemplo ng "komunismo" sa pamamagitan ng paglalaan sa mas magandang bahagi ng kanilang produksyon, kaysa opisyal na mga kapitalistang bansa, sa pinaka-sopistikado at nakamamatay na mga armas.
Lahat ng mga rehimen na naghari sa ilang dekada sa ngalan ng uring manggagawa, sa komunismo o sosyalismo, ay nagbunyag sa lahat ng esensyal na mga katangian ng kapitalismo. At ito, ang saktong dahilan na sila talaga ay buong-buong kapitalista, kahit na ito ay marupok na porma ng kapitalismo, kahit na ang "pribadong" burgesya na kilala natin sa Kanluran ay pinalitan ng burgesya ng estado, at kahit na ang unibersal na tendensya tungong kapitalismo ng estado na nakaapekto sa lahat ng mga kapitalistang bansa mula ng ang sistema ay pumasok sa kanyang dekadenteng yugto, ay nagkahugis sa ilalim ng mga rehimeng ito sa kanyang pinaka-karikatura at abnormal na mga porma.
Ang rehimen na umagaw ng kapangyarihan sa Rusya matapos matalo ang rebolusyong Oktubre hindi lang ibang anyo ng kapitalismo, kundi tagapanguna ng kontra-rebolusyon, at ito ang dahilan bakit tinanggap na bukas ang kamay ng parehong naghaharing uri na noong mga nakaraang taon lamang ay mabangis na nakipadigma laban sa Sobyet. Sa 1934, tinaggap ang USSR bilang myembro ng "Liga ng mga Bansa" (ang sinundan ng UN), na inilarawan ng mga rebolusyonaryo gaya ni Lenin na "lungga ng mga magnanakaw" nang itatag ito. Ito ang hudyat na si Stalin ay naging "kagalang-galang" sa mga mata ng internasyunal na naghaharing uri na tumuligsa sa mga Bolsheviks sa 1917 bilang pangkat ng mga uhaw sa dugo. Kinilala ng mga imperyalistang tulisan si Stalin na isa sa kanila. Pagkatapos niyon, ang mga rebolusyonaryong tumutol sa pag-abante ng Stalinismo ang nakaranas ng panunupil ng buong internasyunal na burgesya. Si Trotsky[1], ang isa sa mga pangunahing lider sa 1917, ay naging "hindi kanais-nais na dayuhan" sa buong mundo. Matapos pwersahing palayasin sa USSR sa 1929, pinatalsik siya sa isang bansa mula sa isa pa, laging minanmanan pulisya. Ang burgesya sa Kanluran ay napatunayan lang na labis na nagagalak na banggitin muli ang lahat na nakayayamot na paninirang-puri ng mga Stalinista. Nang, sa 1936, sinimulan ni Stalin ang pag-organisa ng "paglilitis sa Mosow", at ang mga kasamahan ni Lenin na lumitaw sa paglilitis, na nasiraan ng loob dahil sa tortyur, ay inakusahan ang mga sarili sa pinaka-karumaldumal na krimen at nagmakaawa pa na ipataw ang "pambabalang parusa", ang burgesya sa buong mundo ay nagpahiwatig na "kung may usok may apoy". Sa kanilang pakipagsabwatan nagawa ni Stalin ang kanyang kasumpa-sumpang mga krimen, at napatay niya sa kanyang mga bilangguan at concentration camps ang ilampung libong mga komunista, at mahigit sa sampung milyon na manggagawa at magsasaka. At ang pinakamasigasig na kasabwat ni Stalin ay ang "mga demokrata", at laluna ang mga sosyal-demokrata: ang parehong mga tao na ngayon ay tumuligsa sa mga krimen ni Stalin sa pinakamarahas na paraan at nilagay ang mga sarili sa unahan bilang mga modelo ng kabanalan.
Ni ang pakigsabwatan ng "mga demokrasya" kay Stalin, na maingat nilang tinatago ngayon, ang tanging krimen nila. Sa realidad, ang demokratikong naghaharing uri ay sa bawat bahagi, kasing bihasa sa kalupitan sa katapat niyang mga Stalinista o pasista
Ang "demokrasya" ay ipokritong maskara ng madugong diktadura ng burgesya.
Laging tinuligsa ng mga rebolusyonaryo ang kasinungalingan ng "demokrasya" sa burges na lipunan. Ang pormang ito ng pamahalaan kung saan ang kapangyarihan ayon sa batas ay nasa "mamamayan", sa realidad ay walang iba kundi instrumento ng kapangyarihan ng burgesya sa pinagsamantalahang mga uri.
Ipinakilala ng burges na demokrasya ang kanyang sarili mula sa simula sa pamamagitan ng kanyang maruming gawain. Ang bantog na demokrasyang Amerikano ni Washington, Jefferson at mga kasamahan na pinakilalang modelo para sundin ng iba, ay nanindigan sa pang-aalipin hanggang 1864. At ng inalis ang pang-aalipin, dahil napatunayan na mas bentaha ang pagsasamantala sa uring manggagawa kaysa pagsasamantala sa mga alipin, ang isa pang huwaran ng demokrasya - ang Britanya na sinusuportahan ang Konpederato ng mga nang-aaliping estado sa Digmaang Sibil. Sa kabilang banda, ang Republikang Pranses - tagapagmana ng rebolusyon sa 1789 at sa "deklarasyon ng mga karapatan ng tao" - ipinakilala ang sarili sa pamamagitan ng pagdurog sa Komyun ng Paris sa 1871: sa isang linggo, mahigit sampung libong mga manggagawa ang pinatay ng republikanong hukbo.
Pero ang mga ito ay laro lamang ng mga bata kaagapay ang mga krimen ng mga "demokratikong" rehimen sa siglo.
Sa kalakhan, ang Unang Digmaang Pandaigdig ay away sa pagitan ng mga ganap na "demokratikong" gobyerno, sa masigasig na suporta ng halos lahat ng mga "sosyalistang" partido: nag-iwan ito ng 20 milyon patay. Ang parehong mga gobyerno, kakutsaba ang mga "sosyalista", o nasa kapangyarihan na, madugong dinurog ang unang rebolusyonaryong alon na nagpahinto sa unang Digmaang Pandaigdig. Sa Berlin sa 1919, sa pagsinungaling na nagtangkang tumakas, ang freikorps sa ilalim ng komand ng "sosyalistang" si Noske ay pinatay ang pangunahing mga lider ng rebolusyon: si Karl Liebknecht, na may tama ng bala sa likod ng kanyang ulo, at si Rosa Luxemburg, binugbog hanggang mamatay gamit ang manggo ng riple. Sa kabilang banda, nag-atas ang sosyal-demokratikong gobyerno na pagpapatayin ang libu-libong manggagawa, sa tulong ng 16,000 machine-guns na madaliang pinabalik sa Alemanya ng nanalong hukbong Pranses sa 1918. Ang parehong mga "demokrasya", sa pangunguna ng Britanya at Amerika, ang nagbigay ng solidong suporta sa Tsaristang hukbo, na nagsisikap ibalik ang pinakaatrasado at mabangis na rehimen, para labanan ang rebolusyonaryong proletaryado sa Rusya.
Ni ang panahon ng digmaan ay nagpatawad sa mga krimen ng banal na "demokrasya". Yumabong ang mga masaker sa mga kolonya, at ang demokratikong Britanya ang nagpasinaya sa 1925, isang uri ng kabangisan na nagkondena kay Saddam Hussein: ang paggamit ng lasong gas laban sa mga Kurds. Subalit pinakita ng mga demokrata ang tunay nilang kakayahan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagbalatkayong krusada laban sa diktadura at sa paninindak ng Nazismo.
Nang matapos ang gera, lumaganap ang propaganda ng Alyado sa mga "digmaang krimen" ng Alemanya. Napakahirap nito: ang diktadura ng Nazi polis at mga kampo ng panlilipol ay kasinghalaga kay Stalin. Parehong sinubukan ang lalim ng kabangisan sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo. Ang rehimeng Nazi ay "demokratikong" nailagay sa kapangyarihan, sa pamamagitan ng parlyamento, ng Alemang burgesya na siyang naglagay sa mga sosyal-demokrata sa kapangyarihan noong una para durugin ang rebolusyon ng manggagawa. Ang totoong anak ng kontra-rebolusyon ay pinakawalan sa proletaryado sampung taon bago naging simbolo ang Nazismo, laluna sa masaker ng anim na milyong Hudyo, gaya ng kayang gawin ng naghaharing uri kung naramdaman nitong may banta sa kanyang sarili. Ang mga responsable sa mga krimen ng Nazi ay nilitis sa Nuremburg: ang iilan ay pinatay. Pero walang paglilitis kina Churchill, Roosevelt at Truman, o kahit sino sa militar ng Alyado, na siyang responsable sa sistematikong pambobomba sa mga lungsod ng Alemanya, at laluna sa mga distrito ng uring manggagawa, na may ilampung libong sibilyan na napatay. Walang paglilitis dahil nanalo sila - para ibigay ang kautusang bombahin ang Dresden sa ika-13 at ika-14 ng Pebrero 1945, ginawang napakalaking impyerno ang lungsod na sa loob ng ilang oras ay pumatay ng 200,000 tao, ay kahit sa katotohanan na naipanalo na ang gera, at alam nila na ang lungsod ay walang instalasyong militar at naging sentro ng tagoan ng mga takas at sugatan sa digmaan. Walang paglilitis sa mga "demokratang" Amerikano na sa Agosto 1945, na una at tanging panahon sa kasaysayan, gumamit ng bomba atomika laban sa mga lungsod ng Hiroshima at Nagasaki, na unang pumatay ng 75,000 at saka 40,000 sa loob lamang ng ilang segundo, at pagkatapos ay dagdag pa na libu-libong nagdurusa sa panahon at pagkatapos niyon. Ang parehong mga "demokrata", Churchill, Roosevelt at mga kasamahan, na lubusang nakaalam sa nangyayari sa mga kampo ng kamatayan ng Nazi, ay walang ginawa para tulungan ang mga Hudyo, nang diretsahan pang tumanggi sa lahat ng mga suhestyon ng gobyernong Aleman na palayain ang daan-daang libo sa kanila. Sa pagungutyang pagpaliwanag ng mga "makataong" ito na ang pagkuha at pagkanlong ng lahat ng mga Hudyong ito ay hadlang sa pakikidigma.
Ang mga nanalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hindi nag-atubili kahit isang sandali na gamitin ang parehong pamamaraan ng mga Nazi na tinuligsa nito, sa ilalim ng bandila ng moralidad, kalayaan, at karapatan ng sariling pagpapasya ng bayan. Ang malakihang panunupil laban sa sibilyang populasyon ay hindi monopolyo ng mga akusado sa Nuremburg: ginawa din ito sa mga gerang kolonyal at neo-kolonyal ng mga "sinilangan ng demokratikong" kapangyarihan tulad ng USA, ang tanglaw ng "malayang daigdig", o Pransya, ang "sinilangan ng mga karapatan ng tao". Sa ika-8 ng Mayo 1945, ang araw mismo na sumurender ang gobyernong Aleman, ang koalisyong Pranses ng mga demokratang kristyano, "sosyalista", at "komunista" ay pinatay ang 20,000 tao sa pambobomba sa Algeryan na mga lungsod ng Constantine at Sétif, kung saan isang bahagi ng populasyon ay halos hindi naniwala sa mabuting salita ng gobyerno hinggil sa "pambansang paglaya". Dalawang taon pagkatapos, ang parehong gobyerno ginawa ulit ito sa Madagascar, nag-iwan ng 80,000 patay. Hinggil sa tortyur na ginamit ng Gestapo, at ang mga "pagkawala" na ngayon ay pinatupad ng mga "goons" sa Argentina at Chile, ang pamahalaang Pranses ay gumamit din sa parehong pamamaraan ng ilang taon sa Algeria at Indochina, hanggang sa punto na maraming sundalo at pulis ang nagbitiw dahil sa pagkamuhi. Sa panahon ng 1950s, ang Britanya na "ina ng mga parlyamento" naglunsad ng digmaan laban sa pag-alsa ng magsasakang Mau-Mau sa Kenya gamit ang lahat ng mga sopistikadong armas ng modernong estado, nag-iwan ng 30,000 patay. Ang alaala ng nakasusuklam na pagpatay ng hukbong Amerikano sa Byetnam ay sariwa pa: ang mga baryo ay sinunog ng napalm, pinagbabaril ang mga magsasaka mula sa mga helicopters, ang paglipol ng buong populasyon ng My Lai: iyan ang mga bantog na gawain ng mga tsampyon "demokrasya".
Sa huling pagsusuri, walang pundamental na kaibahan sa pagitan ng demokrasya at iba pang porma ng burges na gobyerno. Natutunan na nito lahat kung ang pag-uusapan ay ang panunupil sa pinagsamantalahan, masaker sa buong populasyon, tortyur sa kanyang mga kaaway, at pagsinungaling sa kanilang pinagharian. At narito ang kanyang talagang superyoridad sa hayag na diktadura. Ang Stalinismo at pasismo ay sistematikong nagsinungaling, pero pinaunlad pa ito ng demokrasya: gumawa ito ng parehong mga krimen, napakalawak ang nagsinungaling nito, subalit lahat ay sa ngalan ng Kabutihan, Batas, at mga Karapatan ng Tao, nag-organisa ng "pagpuna" sa sariling mga aksyon sa pamamagitan ng "responsableng" mga tao, sa ibang salita sa kanilang sariling pinakamagaling na tagapagtanggol. Ang demokrasya ay walang iba kundi maliit na dahon na ikinubli sa pinagsamantalahan ang duguan at walang awang diktadura ng burgesya.
Ito ang dahilan bakit napakadelikado ang demokrasya para sa uring manggagawa. Ito ang dahilan bakit ang mga manggagawa ay hindi magpadala sa diumano "tagumpay ng demokrasya sa komunismo", o sa inihayag na inakalang "bagong pandaigdigang kaayusan".
Muling pinakita ng Digmaan sa Gulpo sa pagitan ng Iraq at ng "koalisyon" na pinamunuan ng Amerika, kung ano ang halaga ng kapuri-puring "demokratikong" pananalita. Muli nating nakita ang ginawa ng kahanga-hangang "sibilisadong" mga bansa: ilang daang libong patay sa Iraq; ang paggamit ng lubhang nakamamatay at mabangis na mga armas, tulad ng 7-toneladang mga bomba, o fuel-air combustion bombs na umiinis sa kanilang mga biktima na mas "mahusay" kaysa gas na ginamit ni Saddam Hussein. Nakita natin gaano ka kahanga-hanga ang "abante", "demokratikong" mga bansa sa pagdala ng gutom at epidemya sa mga nakaligtas sa pamamagitan ng sistematikong pagsira sa lahat ng klaseng sibilyan na mga target: mga bodega ng butil, paktorya ng pagkain, sewage treatment plants at patubig, at ospital. Nakita natin - pagkatapos ng lahat - ang walang kataposang propaganda sa "dalisay na gera", na tuloy-tuloy na ibinalita ng masunuring media, sa realidad ay nagsilbi lamang para itago ang digmaan na sa bawat kaliit-liitang bahagi ay "marumi" tulad ng iba: ilampung libong sundalo ay nalibing ng buhay sa kanilang mga trintsera, "carpet bombing" na hindi natamaan ang target tatlong beses sa apat, pero gumawa ng kakila-kilabot na pangangatay sa populasyon sa paligid, ang pagpatay ng 800 tao sa civilian air-raid shelter sa Baghdad, ang maramihang masaker sa tumatakas na mga sundalo, o kahit mga sibilyan, tulad ng sa daan ng Kuwait-Basra sa huling mga araw ng digmaan. Nakita natin ang hindi kapani-paniwalang pangungutya ng "demokratikong" burgesya, na hinayaang katayin ni Saddam Hussein ang parehong populasyong Kurdish na inanyayahan nilang mag-alsa sa ilalim ng liderato ng "sarili" nilang makabayang pangkat; nakita natin ang naghaharing uri na palawitin ang lalim ng pagkukunwari matapos ang masaker, nang mag-organisa sila ng "makataong pagtulong".
Pinakita din sa Digmaan sa Gulpo na ang mga magaling na pananalita ng mga demokratikong pamahalaan hinggil sa "kalayaan sa pamamahayag" at ang "karapatan na makaalam" ay kasinungalingan. Sa buong digmaan, iisa lamang ang katotohanan: ang katotohanan ng estado. Ang tanging mga larawan ay yaong binigay ng himpilang militar. Ang sinasabing "kalayaan sa pamamahayag" ay nakita sa kanyang tunay na kulay: isang ipokritong pagkukunwari. Sa sandaling bumagsak ang unang bomba, nagbukas ito, sa lahat ng media at sa anumang rehimeng totalitaryan, sa maingat at mala-aliping pagsunod sa mga utos ng gobyerno. Muli;, pinakita ng demokrasya ang kanyang tunay na mukha: instrumento ng hindi nahahating diktadura ng naghaharing uri sa pinagsamantalahan. At sa lahat ng maruming kasinungalingan kung saan tayo ay nilubog, ang gantimpala ay napunta sa nagpalabas ng patayang ito bilang "digmaan para sa kapayapaan", nakalaan sa pagbuo, ng nawawala, na isang "payapa at masaganang bagong pandaigdigang kaayusan".
Bihirang ang naghaharing uri ay hayagang magpakita ng kasinungalingan. Sa bawat paglunsad ng dekadenteng kapitalismo ng imperyalistang masaker, inaawitan nila tayo ng parehong awit. Ang Unang Digmaang Pandaigdig, sa kanyang 20 milyon na patay, ang inakalang "digmaan para tapusin ang digmaan". Ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig dumating pagkatapos ng dalawampung taon, at mas nakapopoot: 50 milyon ang patay. Sa panahong ito, pinalabas ng mga nanalo na ito ay "siguradong tagumpay ng sibilisasyon": mula noon, isang walang kataposang pisi ng mga digmaan na pumatay ng pinakamarami, huwag ng banggitin ang lahat ng mga namatay bilang direktang resulta ng gera, kagutuman at epidemya.
Kailangang hindi mahulog sa bitag na ito ang uring manggagawa: walang kataposan ang digmaan sa ilalim ng kapitalismo. Hindi ito usapin ng "mabuti" o "masamang" mga patakaran ng gobyerno, ni sa "kaalaman" o "kabaliwan" ng mga lider ng estado. Ang buong kapitalistang sistema ay nakabatay sa kompetisyon ng iba't-ibang sangay ng kapital, at ang digmaan ay hindi mahiwalay na bahagi nito. Ang siguradong pagbagsak ng bangkarotang ekonomiya ng sistema ay tutungo lang sa lumalaking alitan sa pagitan ng kanyang iba't-ibang mga sektor, kung saan ang digmaan sa kalakal ng mga bansa ay hindi mapigilang mapupunta sa tunay na digmaan. Hindi dapat magkamali: ang pang-ekonomiyang mga dahilan na nasa likod ng dalawang pandaigdigang digmaan ay hindi nawawala. Kabaliktaran, higit sa nakaraan ang kapitalistang ekonomiya ay nasa nakakahilakbot na kagipitan. Natapos na ang panahon ng sistemang ito; kailangan na itong ibagsak, tulad ng mga lipunang sinundan nito: pyudalismo, at sistemang alipin. Ang kaligtasan ng sistemang ito ay lubusan ng kahangalan para sa lipunan ng sangkatauhan, isang kahangalan tulad ng imperyalistang gera mismo, na ginamit ang lahat ng yaman ng syensya at paggawa ng tao, hindi para sa kapakanan ng sangkatauhan, kundi ang kabaliktaran na sirain ang kayamanan, magtambak ng mga guho at mga bangkay. At huwag nilang sabihin sa atin na ang pagbagsak ng imperyong Ruso at ang paglaho ng pagkahati ng mundo sa pagitan ng dalawang magkaaway na bloke ay nagkahulugan ng kataposan na ng digmaan. Totoo, walang duda na walang bagong pandaigdigang digmaan sa dalawang malalaking kapangyarihan at ng kanilang mga alyado. Pero ang kataposan ng mga bloke ay hindi tumapos sa mga kontradiksyon ng kapitalismo. Nananatili ang krisis. Ang nawala ay ang disiplina ng mga malalaking makapangyarihan na pinataw nila sa kanilang mga nasasakupan. At dahil ang alitan ng mga bansa ay lalo lamang titindi dahil sa hindi mapigilang paglala ng krisis, ang tanging perspektiba sa ating harapan ay siguradong hindi ang "bagong pandaigdigang kaayusan" kundi mas nakasisirang "pandaigdigang kaguluhan".
Ang katapusan ng dalawang bloke ay nagkahulugan din ng katapusan sa kahit anumang pagpigil ng bawat bansa sa kanilang pansariling imperyalistang mga interes. Ang batas ay "maging numero uno, at ang pinakamasama ay nasa kahuli-hulihant", dahil ang bawat pambansang burgesya ay gagamitin ang lahat ng posibleng paraan - at paraang militar sa partikular - para proteksyunan ang pansariling interes sa kapinsalaan ng kanyang mga karibal, at ipaglaban kahit hindi napakahalagang merkado, ang maliit na kapiraso ng impluwensya at kapangyarihan. Sa realidad, ang maibigay na kinabukasan ng kapitalismo sa sangkatauhan ay ang pinakamalaking kaguluhan na hindi pa nakikita sa kasaysayan. At nang ang pinakamakapangyarihan sa mundo ay nagbalak na kunin ang papel na "pulis ng mundo" para sa "preserbasyon ng kaayusan", ang lahat na magagawa nito ay pakawalan ang higit pang kaguluhan at pagdanak ng dugo, tulad ng nakita natin sa Gitnang Silangan sa simula ng 1991. Ang krusada ng US laban sa Iraq ay ginawa sa ngalan ng "Internasyunal na Batas" at "Kaayusan ng Mundo". Ito ay naging pampahirap na espedisyon, kung saan ang pinaka-makapangyarihang mambubutang - ang Estados Unidos - ay pinakitang papatay ito para sundin ang batas, ang batas ng Mafia, laban sa maliit na mga mambubutang tulad ni Saddam Hussein. Ang tanging kaibahan ay ang Mafiosi ay nagpapatayan sa isa't-isa, at sa maliit na bilang, habang ang mga estadista ay pinapatay una sa lahat ang populasyon na pinagharian ng kanyang mga kaaway, at malawakan. Hinggil sa "bagong kaayusan ng mundo", nakita natin paano ito "inalagaan" simula ng Gera sa Gulpo. Sa Gitnang Silangan, ang gera ay nagdulot ng bagong kaguluhan, tulad ng mga pag-alsa ng Shi'ite at Kurdish na nagbanta sa istabilidad ng buong rehiyon, sa Turkey, Iran, Syria at timog USSR, banta na maiwasan lamang sa pamamagitan ng maramihang masaker ng mga populasyong ito. Sa ibang bahagi ng mundo, hindi huminto sa paglaki ang kaguluhan, gaya sa kontinente ng Aprika, na nalulunod tungo sa etnikong mga labanan at masaker, huwag ng banggitin ang kagutuman at epidemya na hindi maiwasang resulta ng mga ito. Hindi pinatawad ng kaguluhan ang Uropa mismo. Ang Yugoslavia ay duguang nagkawatak-watak na bumabagsak. Ang alaala ng Sobyet ay nasa kanyang naghihirap na paghihingalo, kalakip ang isang kudeta na kasinghalaga ng banana republic, ang sesesyon ng halos lahat ng mga myembrong estado nito, ang pagsabog ng nasyunalismo na nagbantang maulit ang sitwasyon sa Yugoslav sa kontinental na lawak, higit sa lahat, ilampung libong nuclear warheads na nanganganib mahulog sa mga kamay ng pinaka-iresponsableng representante ng burgesya, kundi man sa lokal na mafia.
Panghuli, ang iba't-ibang kapangyarihan sa dating bloke ng Kanluran ay nagsimulang paghiwa-hiwalayin ang mga sarili. Kaya nakikita natin ang burgesyang Aleman, kasama ang kanyang kakutsabang Austriyan, pinaypayan ang apoy sa Yugoslavia sa pamamagitan ng pagtulong sa mga separatistang Slovene at Croat, habang ang ibang mga burgesya sa Kanluran ay nagsisikap pigilan ang pagkadurog ng bansa. Sa pagbagsak ng USSR at sa kanyang kapangyarihang militar, ang mga alyado noon ay hindi na kailangang magtulong-tulong. Ang kanilang imperyalistang tunggalian, ang kanilang kasabikang makahanap ng pinakamaliit na pang-ekonomiya, pampulitika at pang-militar na masasakop, ay hahantong lamang sa papalaking labu-labong labanan ng lahat. At ito ang dahilan kung bakit ang Amerika ay hinampas ng pagkawasak ang Iraq. Ang huli ay hindi lang ang target. Ang pagpakita ng napakalaking kapangyarihang militar ng Amerika, ang nakapandiring paggamit ng napakasopistikado at pumapatay na mga armas, ay hindi lang nakaukol sa Iraq, o para sa iba pang mahihinang mga bansa na maaring maengganyong sumunod sa kanya. Ang "mensahe" ng Amerika ay saligang para sa kanyang sariling mga "alyado", ma para man sa mga nahatak niya sa digmaan (tulad ng Pransya, Italya, o Espanya halimbawa), o para sa pinilit niyang balikatin ang gastusin (Alemanya, Hapon): babala, sa lahat na nag-iisip na tutulan ang "bagong kaayusan ng mundo" at tutulan ang kasalukuyang balanse ng pwersa, sa ibang salita tutulan ang pangingibabaw ng nangungunang kapangyarihan sa mundo.
At makikita ang mundo bilang isang napakalaking labu-labong labanan ng lahat, kung saan sa likod ng mga magagaling na pananalita hinggil sa "pandaigdigang kaayusan", internasyunal na "kapayapaan" at "kooperasyon", "pagkakaisa" at "hustisya" para sa pinakamahihirap, ang bawat bansa sa totoo lang ay para sa kanyang sarili; kung saan ang tumitinding imperyalistang tunggalian ay makikita hindi lang sa pang-ekonomiyang kompetisyon, kundi sa digmaan. Sa harap ng ganitong madugong kaguluhan, na lalo pang lalala, ang pagsuporta sa "bagong pandaigdigang kaayusan" ay walang ibang kahulugan kundi ang lumalaking paggamit ng mabangis na kapangyarihang militar, mas maraming masakaer na kagagawan ng mga malalaking imperyalistang kapangyarihan, sa pangunguna ng USA, ang tanglaw ng "demokrasya", at pulis ng daigdig.
Lahat ng kaguluhang ito na nakikita natin sa ating paligid, mga digmaan, mga bansang nalublob sa madugong internal na labanan, mga walang katapusang masaker na mabangis at kahangalan, ay nagpapaliwanag na ang mundo ay pumasok sa isang bagong istorikal na yugto na dominado ng walang katulad na mga kombulsyon. Nais tayong papaniwalain ng "demokratikong" burgesya na ang biglang pagbagsak ng mga Stalinistang rehimen ay tanging kagagawan lamang ng katiyakan ng pagiging bangkarota ng kanilang sistema, ng kanilang ekonomiya. Muli silang nagsinungaling. Totoo na ang Stalinistang tipo ng kapitalismo ng estado ay partikular na alangan, marupok, at may kakulangan sa pagharap sa pandaigdigang pang-ekonomiyang krisis. Pero itong napakalaking makasaysayang pangyayari, ang pagsabog ng buong imperyalistang bloke sa loob ng ilang linggo sa panahon ng taglagas sa 1989, at ngayon ang kaparehong biglang dislokasyon sa dating lider ng bloke, ang USSR, na sa nakaraang dalawang taon ay siyang pangalawang imperyalistang kapangyarihan, naglalantad sa lawak ng kabulukan, hindi lang sa mga Stalinistang rehimen, kundi pati na rin at higit sa lahat sa buong kapitalistang sistema.
Ang pagbulusok pababa ng kapitalismo, simula ng pagpasok ng ika-20 siglo, ang pinaka-lunus-lunos na yugto ng kasaysayan ng sangkatauhan. Hindi pa nakakita ang lipunan ng sangkatauhan ng masaker na kasinglawak kaysa nagdaang dalawang Pandaigdigang Digmaan. Walang kasinglawak na ginamit ang syentipikong pag-unlad para sa paninira, kamatayan, at paghihirap ng sangkatauhan. Wala pang katulad na ang naipon na kayamanan ay magkaagapay, sa katunayan ay gumawa, ng kagutuman at pagdurusa gaya ng sa mga bansa sa Ikatlong Daigdig sa nagdaang ilang dekada. Subalit parang hindi pa nasukat ng sangkatauhan ang kalaliman. Ang pagbulusok pababa ng kapitalismo ay nagkahulugang ang sistema ay nasa kanyang paghihingalo, pero ang paghihingalong ito ay may kasaysayan: ngayon, naaabot na natin ang kanyang huling yugto, ang yugto ng pangkalahatang pagkabulok. Naaagnas ang lipunan ng tao sa kanyang kinatatayuan.
Mula ng matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nagawa ng kapitalismo na itulak ang napakabangis at napakasakim na mga ekspresyon ng kanyang pagbulusok-pababa sa mga di-maunlad na mga bansa. Ngayon, ang parehong mga ekspresyon ay umuusbong mismo sa pusod ng mga abanteng bansa. Ang walang-katotohanang mga alitang inter-etniko, kung saan buong populasyon ay nagpapatayan dahil sa kaibahan ng relihiyon, lenggwahe o kahit sa alamat ay sa loob ng ilang taon ay parang nasa Ikatlong Daigdig lang: sa India, Aprika, o sa Gitnang Silangan. Ngayon ay nagwala na ito sa Yugoslavia, ilang daang kilometro lamang ang layo mula sa industriyalisadong pusod ng Austriya at Hilagang Italya. At walang sinumang sabihan tayo na ang mga makabayang kilusan sa Yugoslavia, o sa dating imperyo ng Rusya, ay kumakatawan sa "huling kahilingan para sa kalayaan", o para sa pagtatayo ng isang "progresibong" pambansang estado, na malaya mula sa kadena na humahadlang sa kanyang pag-unlad. Totoo na sa panahon ng nakaraang siglo, ang ilang mga pambansang pakikibaka ay may progresibong katangian para buksan ang daan tungo sa posibleng pormasyon ng mga teritoryal na entidad, na mapangibabawan ang partikular na mga harang na iniwan ng pyudal na rehimen. Ito ang nangyari, sa partikular, sa mga kilusan na nagbuo sa mga pambansang estado ng Italya at Alemanya. Pero simula ng pagpasok ng siglo nang ang kapitalismo ay nasa kanyang dekadenteng yugto na, ang mga pakikibaka para sa "pambansang kalayaan" ay nawalan na ng progresibong katangian, at simpleng naging mga kolateral sa away ng mga malalaking kapangyarihan at imperyalistang bloke. Ngayon, kahit katulad ng mga pambansang kilusan sa mga Balkan o Sentral na Uropa na palihim na pinapaypayan ng iba't-ibang kapangyarihan, sa batayang mga ito ay kagunggungan: ngayong naabot ng ekonomiya ang walang katulad na antas ng internasyunalisasyon, at ang burgesya sa abanteng mga bansa ay nagsisikap kahit hindi nagtagumpay na buuin ang mas malawak na balangkas sa pangangasiwa ng ekonomiya kaysa sa antas nasyon (halimbawa ang EEC), ang dislokasyon ng mga estado na lumitaw matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig tungo sa isang kawan ng mga maliliit na estado ay lubusang paglihis, kahit sa pananaw ng kapitalistang mga interes. Tungkol naman sa mga populasyon ng mga rehiyong ito, ang kanilang kinabukasan ay hindi maging mas mabuti kaysa noon, kundi masahol pa: lumalaking pang-ekonomiyang kaguluhan, pagkasakop sa panatiko at rasista na mga diktador, awayan at organisadong pagpangpatay sa pagitan ng mga komunidad na sama-samang nanirahan ng ilang henerasyon, at higit sa lahat ang kalunus-lunos na pagkahati sa iba't-ibang paksyon ng uring manggagawa. Higit pang kahirapan, panunupil, paninindak, at ang pagkadurog ng makauring pagkakaisa ng proletaryado laban sa mga mapagsamantala: ito ang kahulugan ng nasyunalismo ngayon. At ang pagsabog ng nasyunalismo ngayon ay talagang patunay na ang dekadenteng kapitalismo ay humakbang tungo sa pagkaagnas.
Pero ang makabayang kahibangan na nagwala sa maraming bahagi ng Uropa ay hindi lang hudyat na ang abanteng mga bansa ay nahulog sa magkatulad na kabangisan na itinulak ng kapitalismo sa kanyang paligid.
Para maniwala ang mga manggagawa sa mas maunlad na mga bansa na walang dahilan para sila mag-alsa, pumunta ang media sa mga iskwater sa Bogotá o sa mga kalye ng Maynila para mag-ulat ng prostitusyon ng kabataan at kriminalidad. Ngayon, dose-anyos na kabataan sa pinakamayamang bansa sa mundo, sa New York, Los Angeles o Washington, ay nagbebenta ng laman, o papatay para sa ilang gramo ng droga. Ang mga walang matirhan sa Amerika ay umabot sa ilang daang libo: maabot lang ng pagbato mula sa Wall Street, ang mataas na templo ng pandaigdigang pinansya, ang masa ng tao na natutulog sa karton sa kalye, tulad ng nangyari sa Calcutta. Ang korupsyon at pabrikasyon na nakalagay sa batas na dati-rati ay mga lider lang sa "Ikatlong Daigdig" ang bihasa. Ngayon, bihira nang matapos ang isang buwan na walang bagong iskandalong nagbunyag sa pangulimbat at pandaraya ng buong pampulitikang makinarya sa "abanteng" mga bansa: paulit-ulit na pagbitiw ng mga ministro sa gobyerno ng Hapon, kung saan ang paghahanap ng isang "presentableng" politiko ay naging totoong "Mission Impossible"; ang malawakang partisipasyon ng CIA sa kalakal ng droga; ang pagpasok ng Mafia sa pinakamataas na antas sa estado ng Italya; ang mga deputado ng parlyamentong Pranses binoto ang mga sarili para hindi mabilanggo sa pamamagitan ng isang pangkalahatang amnestiya. Kahit sa Switzerland, isang bansa na maalamat ang kanyang integridad, isang hukom at ministro ng pulis ay napatunayang maysala sa paggamit ng pera-mula-sa-droga. Ang korupsyon ay laging bahagi na ng lipunang burges, subalit ngayon umabot na ito sa pinakalubhang pagkabulok at pagbulusok-pababa.
Katunayan, lahat ng buhay panlipunan ay parang lubusan ng nagkawatak-watak, nalublob sa kahibangan, karumihan, at kawalang pag-asa. Ang buong lipunan ng sangkatauhan, sa bawat kontinente, ay lalupang tumagas ang barbarismo sa bawat butas.
Tumitindi ang kagutuman sa Ikatlong Daigdig, at di magtatagal ay makaabot na sa dating tinawag na "sosyalistang" mga bansa, habang sa Kanlurang Uropa at Hilagang Amerika sinisira ang mga naipong pagkain, at ang mga magsasaka ay binayaran para magsaka ng maliit na lupa o pinagmulta kung aani ng higit pa sa kotang binigay sa kanila. Sa Latin Amerika, ang nakamamatay na sakit tulad ng kolera, na dati ay napawi na, ay bumalik at umabot sa antas ng epidemya. Sa buong daigdig, mga baha at lindol ay pumatay ng ilampung libo, kahit pa umiiral ang mga paraan para maitayo ang mga dike at bahay na makapigil sa naturang kalamidad. Ganun pa man, hindi maaring akusahan ang "kapalaran" o "kalikasan" na nagtulak sa naturang mga insidente tulad ng sa Chernobyl kung saan sa 1986 sumabog ang isang nuclear power station na pumatay ng daan-daan (kundiman libu-libo) ka tao at nahawa ang buong rehiyon, o sa mas maunlad na mga bansa, na siyang dahilan ng malaking mortal na kalamidad sa malalaking syudad: 60 patay sa istasyon ng tren sa Paris, higit sa 31 ang patay sa sunog sa Kings Cross Underground sa London. Napatunayan din ng sistema na wala itong kapasidad para pigilan ang pagkasira ng kapaligiran, acid rain, nuclear at ibang polusyon, ang greenhouse effect, o ang paglawak ng disyerto, lahat ng ito ay banta sa kaligtasan ng sangkatauhan mismo.
Sa kabilang banda, pinailalim tayo sa permanenteng hamak na kalagayan ng buhay panlipunan: ang krimen at karahasan ay lumalaki kahit saan, habang ang adiksyon sa droga ay lalong lumala laluna sa henerasyon ng kabataan, mga senyales ng pagkawatak-watak, pagkabukod, at kawalan ng pag-asa na sumakop sa buong lipunan.
Kung naabot na ng lipunan ang antas ng pagkawatak-watak, kung ang kawalan ng pag-asa ang dominanteng damdamin sa loob nito, ito ay dahil ang kapitalismo higit kailanman ay absolutong wala ng kapasidad na mag-alok sa sangkatauhan ng kahit anumang kinabukasan. Sa mahigit 20 taon, ang sistema ay nagdurusa ng napakalala at hindi na masolusyonan na krisis sa kanyang ekonomiya. Sa panahon ng 1930s, ang krisis ay tumungo sa pandaigdigang digmaan. Hindi ito ang "solusyon" sa krisis, pero dahil ang uring manggagawa ay nagdusa pa sa teribleng pagkatalo sa kanyang kasaysayan, hindi nito napigilan ang burgesya mula sa pag-organisa sa lahat ng pang-ekonomiya at pampulitikang lakas ng lipunan para sa imperyalistang masaker. Ngayon, ang posibilidad na ito ay hindi na bukas sa kapitalismo. Ang unang mga senyales sa krisis, sa kataposan ng 1960s, ay kagyat na nagtulak ng kontra-atake mula sa internasyunal na uring manggagawa: ang welga ng 9 milyong mga manggagawa sa panahon ng Mayo 1968 sa Pransya, ang "mainit na Mayo" sa 1969 sa Italya, ang pag-alsa ng mga manggagawa sa Argentina sa Cordoba sa panahon ng parehong taon, ang malakihang welga sa Poland sa rehiyong Baltic sa parehong panahon, ang welga ng mga minero sa Britanya sa panahon ng 1972 at 1974, at marami pang mahalagang mga pakikibaka sa ibang mga bansa. Ito ang patunay na nakaalpas na ang uring manggagawa sa kontra-rebolusyon, na ito ay may kapasidad, sa pamamagitan ng kanyang pagtangging tanggapin ang kahirapang hiningi ng burgesya, na hadlangan ang panibagong Pandaigdigang Digmaan: mga manggagawa na tumangging isakripisyo ang kanilang kabuhayan sa pambansang ekonomiya ay hindi rin handa na isakripisyon ang kanilang buhay sa pambansang estado. Pero kahit napigilan ng proletaryado ang pagputok ng panibagong imperyalistang patayan, hindi rin nito naisulong ang kanyang sariling perspektiba: ibagsak ang kapitalismo, at itayo ang lipunang komunista. Bilang resulta, hindi nito mapigilang maramdaman ang lumalaking epekto ng dekadenteng kapitalismo. Pero hindi tumigil ang kasaysayan sa panahon ng temporaryong harang ng pandaigdigang sitwasyon. Sa loob ng 20 taon, ang lipunan ay patuloy na nagdusa sa akumulasyon ng lahat ng katangian ng pagbulusok-pababa, na pinalala pa ng lumalalim na krisis na napatunayang lubusan ng hindi mahanapan ng solusyon ng naghaharing uri. Ang makayanan lamang ng huli ay ang pang-araw-araw na paglaban, na walang maasahang tagumpay, tungo sa hindi mapigilang pagbagsak ng kapitalistang moda ng produksyon. Walang kakayahang magbigay ng kahit napakaliit na paraan (kahit ang paraan ng pagpapatiwakal, tulad ng Pandaigdigang Digmaan), ang kapitalismo ay nahulog sa mas lalong malalim na sitwasyon ng abanteng panlipunang pagkaagnas at pangkalahatang kawalan ng pag-asa.
At itong kawalan ng pag-asa ay lalaki pa habang pinakita ng mundo na wala ng paraan para makaligtas ang sangkatauahan. Wala ng mga ilusyon pa! kung hindi natin maibagsak ang kapitalismo, ang kapitalismo, kahit walang bagong pandaigdigang digmaan, ang sisira sa sangkatauhan, sa pamamagitan ng maiipong mga lokalisadong digmaan, epidemya, pagkasira ng kapaligiran, kagutuman, at iba pang "natural" na kalamidad.
Mga manggagawa! Ang prediksyon ng mga rebolusyonaryo sa nakaraang siglo ay nakikita na ngayon. "Sosyalismo o Barbarismo" ang kanilang sinabi. Sa kawalan ng pandaigdigang rebolusyon ng proletaryado, naging pangkalahatan na ang barbarismo ngayon at banta sa kaligtasan ng sangkatauhan mismo. Higit kailanman, ang tanging pag-asa para sa kinabukasan ay ang pagbagsak ng kapitalistang sistema, at ang pagbuo ng bagong panlipunang mga relasyon na malaya mula sa mga kontradiksyon na sumasakal sa lipunan.
Kung ang kapitalismo ay nalublob sa walang solusyon na pang-ekonomiyang krisis na naging batayan ng kanyang mga kombulsyon ngayon, kung hinatulan nito ang masang sangkatauhan sa kahirapan at kagutuman habang hindi naman ito makahanap ng merkado para sa kanyang produksyon at nagsasara ng mga paktorya, iniwanan ang mga lupang hindi nabubungkal, at nagtanggal ng mga manggagawa, dahil ang kapitalismo ay gumagawa, hindi para ibigay ang pangangailangan, kundi magbenta para sa tubo. Sagad na ang merkado ngayon, hindi dahil sagad na ang pangangailangan ng lipunan kundi dahil wala itong kapasidad na bilhin ang mga produktong nagawa, at ang kapasidad na ito ay hindi maibigay ng kapitalismo kung hindi ito maglaho: ang isang kapitalismo na magbigay sa mga komsumante ng pera para bilhin ang ginawa nito, sa ibang salita ibigay ang kanyang produkto, ay hindi na kapitalismo. At ang utang na sobrang inabuso ng ilang taon ay hindi makapagbago ng anupaman: sa pamamagitan ng pagpalawak ng utang, ginawa lamang nitong mas mabuway. Ang ideolohikal na kampanya ng burgesya ngayon ay umaawit ng mga papuri sa merkado, na inakalang lumutas sa lahat ng mga problema ng pandaigdigang ekonomiya. Ang samang pandaraya! Dahil ang kapitalismo ay nakabatay sa produksyon ng kalakal, sa halaga para sa palitan at hindi sa gamit, na ang kanyang ekonomiya ay nalublob sa walang kataposang malalim na bangin. Ang kabiguan ng Stalinistang ekonomiya hindi sa pagpawi niya sa kapitalismo at merkado, kundi ang subukang malawakang dayain ang mga batas nito, na hindi ito winawakasan. Ang tanging paraan na madaig ang krisis ng kapitalismo ay hindi ang "pagparami ng kapitalismo" o "bawasan ang kapitalismo", ni repormahin ang sistema. Dapat itakwil ang mga batas na namahala nito, at ibagsak mismo ang kapitalismo.
Ang proletaryado lamang ang may kapasidad sa pagpabagsak. Ito lang ang uri sa lipunan na may totoong interes na atakehin ang mga ugat ng kapitalismo, na atakehin ang produksyon ng kalakal na siyang pusod ng krisis ng sistema. Dahil tiyak na nasa merkado, ang dominasyon ng kalakal sa kapitalistang produksyon, na siyang pusod ng sariling pagsasamantala ng proletaryado. Ang kaibahan ng uring manggagawa sa ibang mga kategorya ng mga prodyuser gaya ng magsasaka at artisano, ay inagawan ito ng mga kagamitan sa produksyon. Para mabuhay, napilitan itong ibenta ang lakas-paggawa sa mga may-ari ng mga kagamitan sa produksyon: mga kapitalista, pribado o estado. Pinagsamantalahan ang mga manggagawa sa ilalim ng kapitalismo dahil ang lakas-paggawa ay naging kalakal mismo, ang pinaka-mahalaga sa lahat ng kalakal. Kaya sa pakikibaka ng proletaryado laban sa kapitalistang pagsasamantala, dala nito ang pagpawi sa sahurang paggawa at sa pagpawi sa lahat ng porma ng kalakal. Dagdag pa, ang uring ito ang gumawa sa napakalaking mayorya ng panlipunang yaman. Ginawa ito sa kolektibong paraan, sa balangkas ng organisadong paggawa na pinaunlad mismo ng kapitalismo. Pero hindi pinaunlad ng kapitalismo ang sosyalisadong produksyon, na pinaunlad niya sa kapinsalaan ng maliitang-indibidwal na produksyon, tungo sa kanyang lohikal na kongklusyon. Ito ang isa sa mga esensyal na mga kontradiksyon ng kapitalismo: sa ilalim ng kanyang paghari, naging pandaigdigan ang produksyon, pero ang mga kagamitan sa produksyon ay nanatiling nakakalat sa mga kamay ng maraming may-ari, ma pribado man o estado, na siyang nagbebenta at bumibili sa mga kalakal na nagawa. Ang abolisyon ng merkado ay nagkahulugan sa abolisyon ng lahat ng mga kapitalista, ang lipunan na ang kolektibong hahawak sa lahat ng kagamitan ng produksyon. At ang tungkuling ito ay magagawa lamang ng uri na kolektibong nagpaanadar sa mga kagamitan sa produksyon, pero inagawan ng kahit anong pagmay-ari sa kanila.
Ang ideyang ito ay hindi bago: sa mahigit 150 taon, ito ang bandila ng pakikibaka ng manggagawa laban sa pagsasamantala "Ang kalayaan ng uring manggagawa ay tungkulin mismo ng mga manggagawa": ito ang sentral na islogan sa programa ng Internasyunal na Asosasyon ng Manggagawa, ng Unang Internasyunal, itinatag sa 1864. Mula noon, inulit ito ng iba pang mga Internasyunal: ang Sosyalistang Internasyunal na itinatag sa 1889, at sa Komunistang Internasyunal na itinayo sa 1919 sa gitna ng rebolusyonaryong alon, at pinatay ng Stalinismo sa 1924. Ngayon, ang mga kampanya ng burgesya ay nagsisikap na papaniwalain tayo na ito ay Utopya lamang, at mapanganib dahil ito diumano ang responsable sa mga kilabot ng Stalinismo. Pero wala tayong maasahan sa burgesya at sa kanyang alipining media kundi mga kasinungalingan. Sa realidad, ang ipinahayag ng kilusang manggagawa mula ng siya'y isinilang ay nanatiling balido ngayon. Habang binago nito ang kanyang sarili, hindi nadurog ng kapitalismo ang uring manggagawa, gaya ng sinasabi ng mga bayarang sosyolohista. Ang sistemang ito ay patuloy na nabubuhay sa pagsasamantala ng sahurang-paggawa - ito ang kanyang kaluluwa mismo. At ang uri ng sahurang-manggagawa, nagtrabaho man sila sa mga paktorya o sa mga opisina, sa mga eskwelahan o ospital, patuloy na nag-iisang tagadala ng kinabukasan ng sangkatauhan.
Ang paging kagyat ng komunistang rebolusyon ng proletaryado ay makita sa lawak ng kampanya ng burgesya hinggil sa "katapusan ng komunismo" o "kamatayan ng marxismo", sa ibang salita ang rebolusyonaryong teorya ng proletaryado. Kung totoong wala ng takot ang burgesya sa pinagsamantalahan, kung talagang naniwala ito na ang uring manggagawa ay wala ng puwang sa istorikal na entablado, dapat hindi na ito nag-aksaya ng malaking enerhiya para kumbinsihin ang mga manggagawa na wala silang maasahan sa rebolusyon, o hawaan ng damdamin ng kainutilan.
Totoo na napahina ang uring manggagawa sa napakalaking kampanya na nakabatay sa mga pangyayari sa nagdaang dalawang taon: ang pagsabog ng "sosyalistang" bloke, ang pagbagsak ng Stalinistang rehimen sa USSR, ang pagkawasak ng bansa na saksi sa proletaryong rebolusyon 75 taon na ang nakaraan. Ang Stalinismo ang tagapanguna ng kontra-rebolusyon ng burgesya; ang kanyang kamatayan ay nagbigay ng huling paglilingkod sa nagharing uri sa pamamagitan ng pagbalot sa uring manggagawa ng mabahong amoy ng kanyang bangkay, sa panahon na nakaharap na nito ang lahat na iba pang kahirapan sa naaagnas na kapitalismo. Ngayon, maraming manggagawa naging biktima ng mga kampanya ng burgesya, at iniwan ang anumang pag-asa na balang araw mabago ang mundo at maglaho ang kapitalistang pagsasamantala. Sa mga bansa ng dating bloke sa Silangan, kung saan ang mga manggagawa ay nagdusa ng lubos sa pinaka-masamang porma ng kontra-rebolusyon, wala silang lakas na tutulan kahit ang pinaka-antigong mga ilusyon ng burgesya: laban sa "proletaryong internasyunalismo" ng Stalismo, na ginamit bilang takip sa kanyang sariling imperyalismo, nalunod sila sa makabayang isterya; bilang reaksyon sa ateismong pinangaral ng Stalinista tumalon sila sa kandungan ng simbahan. Pero hindi ito ang mapagpasyang sektor ng proletryado sa daigdig. Nasa abanteng mga bansa sa Kanluran na ang pinaka-abanteng mga batalyon ng pandaigdigang manggagawa nanirahan, nagtrabaho, at nakibaka. At ang praksyong ito ng proletaryado ay hindi natalo. Kahit nakranas ito ng disoryentasyon sa ksalukuyang kampanya ng propaganda, hindi ito nagpailalim sa bandila ng burgesya, makabayan man o demokratiko. Sa panahon sa Digmaan sa Gulpo, gumamit lamang ang burgesya ng mga propesyunal na sundalo: ito ang patunay ang pamimilit magsundalo (kung umiiral pa ito), o sa ibang salita mga manggagawang naka-uniporme, ay hindi handa na ibigay ang kanilang mga buhay para depensahan ang "internasyunal na batas" o "demokrasya". At para sa uring manggagawa, ang digmaang ito ay malinaw na nagpakita ano ang kahulugan ng demokrasya at ang kanyang mga kasinungalingan hinggil sa "bagong kaayusan sa daigdig". Palaki ng palaki, iniiwanan na ng mga manggagawa ang dakilang demokratikong elektoral na mga seremonyas. Ganun din sa mga unyon, ang instrumento ng estado ng burgesya para kontrolin ang pinagsamantalahan at pagsabotahe sa kanilang pakikibaka. Ang patuloy na paglala sa pang-ekonomiyang krisis ang pagwawalis sa mga ilusyon ng "superyoridad" ng kapitalistang ekonomiya, at kasabay nito ay mag-obliga sa proletaryado na tahakin ang daan sa lalupang mga nagkakaisang pakikibaka. Ito ang daan na tinahak ng uri mula sa katapusan ng 6Os, at laluna sa panahon ng kalagitnaan ng 80s, kahit na ang mga pangyayari sa nakaraang dalawang taon ay pansamantalang nalihis ito. Ang naghaharing uri, na may pagluwag sa dibdib, ay nagmamadaling nagsabi na patay na ang marxistang teorya. Pero hindi pa patay ang marxismo: kabaliktaran. Ang kasalukuyang paglala ng krisis, na siya lang ang makakinita at makapagpaliwanag, nagpamalas na ito ay buhay at kumikilos. Ang kanyang kalakasan ay lalaki sa pagbangon ng kilusang manggagawa.
Sa pagsisikap ng uring manggagawa na mapaunlad ang kanyang pakikibaka at kamulatan, ang pinakaabanteng mga elemento ng uri, ang totoong mga komunista, ay may napakahalagang bahagi. Sa kasalukuyan, gaya ng sa nakaraan, "sa iba't-ibang yugto ng pakikibaka sa pagitan ng proletaryado at burgesya" ang tungkulin ng mga komunista ay "ilagay sa unahan at ipagtanggol ang komon na mga interes ng buong proletaryado, na walang anumang konsiderasyon sa nasyunalidad", at laging katawanin "ang mga interes ng kilusan sa pangkabuuan" (Manipesto ng Komunista).
Kaya, kahit malaking risgo at bigat ng kasalukuyang sitwasyon, sa harap ng unos ng mga kasinungalingan ng burgesya, at para epektibong makaambag sa pagpapataas ng proletaryong kamulatan at pagpapaunlad ng kanyang pakikibaka, nasa kasalukuyang mahinang rebolusyonaryong pwersa na alpasan ang kanilang lumang pagkahati-hati at lahat ng sektaryanismo, at buksan sa kanilang mga sarili ang pangkapatid na debate na magbigay-daan sa klaripikasyon ng kanilang pagsusuri, at magkaroon ng malaking papel, at mas solidong kanlungan sa pagtatanggol ng mga komunistang posisyon sa loob ng proletaryado.
Kung ang proletaryado ay nangangailangan ng pagkakasia para sa kanyang pakikibaka, ang parehong diwa, na makuha lamang sa kaliwanagan, ay kailangang mangibabaw sa lahat ng kanyang mga pwersa na nasa unahan: ang mga komunista.
Wala pa sa kasaysayan ang ganitong risgo. Ngayon lang nahaharap ang isang panlipunang uri gaya ng proletaryado sa ganito kalaking responsibilidad. Kung hindi makayanan ng uri ang ganitong reponsibilidad, ito na ang katapusan ng sibilisasyon, at maging ng sangkatauhan mismo. Milyong taon ng kaunlaran, paggawa, at kaisipan, ay lubusan ng maglaho. Dalawang daang taon ng proletaryong pakikibaka, milyn-milyong manggagawang bayani, lahat ay masasayang. Para pigilan ang kriminal na maniobra ng burgesya, para mahubaran ang maskara ng kasinungalingan, at para mapaunlad ang inyong mga pakikibaka tungo sa daan ng pandaigdigang komunistang rebolusyon, para mawala ang paghari ng pangangailangan, at makamit, sa wakas, ang panahon ng kalayaan,
Mga manggagawa sa lahat ng bansa, magkaisa!
[1] Mahalagang hindi malito kay Trotsky sa iba't-ibang klase ng pampulitikang organisasyon na ngayon ay nagsasabing "Trotskyista'. Si Trotsky ay isang dakilang rebolusyonaryo, kahit na ang kanyang pagtutol sa Stalinismo ay namantsahan ng kanyang mga pampulitikang kamalian, at mga konsesyon sa Stalinismo gaya ng ideya na may mga "tagumpay" pa sa USSR na dapat "ipagtanggol" ng mga manggagawa, ang mga tunguhing nagpatuloy, mula ng pinatay si Trotsky' ng isang Stalinistang ahente sa 1941, at Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na tawagin ang kanilang mga sarili na mga "Trotskyista" ay tiyak ng iniwan ang uring manggagawa: sa pamamagitang ng pangungumbinsi sa mga manggagawa na patayin ang isa't-isa sa panahon ng imperyalistang digmaan, tinulungan nila si Stalin at ang buong burgesya sa kampo ng kaaway. Tingan ang artikulong '1940: Trotsky, assassinated as a symbol of the working class [4]' sa International Review 103, 4th Quarter 2000.
Nobyembre 29 naganap ang pinakahuling pagtatangka ng isang paksyon ng nagharing uri na patalsikin sa Malakanyang ang paksyon ni Gloria Arroyo. Sa loob lamang ng ilang oras ay sumuko ang kakarampot na mga rebeldeng sundalo at ilampung civilian-supporters na kinabibilangan ng mga pulitiko, relihiyoso at mga personaheng alyado ng Kaliwa. Bigo na naman ang huling adbenturismo-militar ng grupong Magdalo sa pamumuno nila senador Antonio Trillanes IV at Gen. Danilo Lim. Bigo hindi lamang sa kawalan ng suporta mula sa malawak na masa kundi higit sa lahat sa kawalan mismo ng hayagang simpatiya mula sa malawak na sundalo at pulis.
Magdalo : Kontra-rebolusyonaryo kapwa sa layunin at pamamaraan
Sa esensya, masusukat ang rebolusyonismo ng isang kilusan sa layunin at pamamaraan batay sa kasalukuyang istorikal na ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo at sa mga aral na nahalaw mula sa mahigit 200 taong makauring pakikibaka ng internasyunal na proletaryado.
Ang layunin at pamamaraan ng grupong Magdalo ay isang radikal na peti-burges. Ang kudeta o pag-aalsang militar ay paraan ng isang paksyon ng burgesya para patalsikin sa pwesto ang karibal nito lagyan man ito ng palamuti ng "pangmasang suporta". Katunayan, hindi kailangan ng kudeta ang suporta o partisipasyon ng malawak na masa para magtagumpay. Ang kailangan lamang nito ay ang hayag suporta o nyutralidad ng mayorya ng kasapian ng sandatahang lakas.
Ang Kaliwa lamang ang nagpupumilit na lagyan ng "rebolusyonismo" ang kudeta sa pamamagitan ng pagkakaroon ng alyansa at koordinasyon sa plano sa pagitan ng una at sa mga rebeldeng sundalo. Ito ang nangyari noong 2005 subalit napigilan ng paksyong Arroyo. At ito din ngayon ang kritisismo ng Kaliwa sa ginawang adbenturismo ng grupong Magdalo sa Makati — kawalan ng koordinasyon sa plano. Ibig sabihin, para sa Kaliwa tama ang kudeta basta may alyansa at koordinasyon sa kanila. Kung wala, ito ay mali.
Pero hindi lamang kontra-rebolusyonaryo ang paraang kudeta dahil hindi ito isang tunay na kilusan ng uring manggagawa at maralita, at lalunang hindi isang independyenteng kilusan ng uri. Kontra-rebolusyonaryo din ang layunin nito gaya ng layunin at programa ng matagalang digmaang bayan ng mga maoista. Ang layunin ng mga rebeldeng militar ay isalba ang nabubulok na kapitalistang sistema sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa nagharing paksyon kung saan ang kabulukan nito sa pamamahala ay posibleng maging mitsa para mag-alsa ang uring manggagawa at maralita para tuluyang ibagsak ang burges na estado at ang kapitalistang sistema. Ang nais ng grupong Magdalo ay palitan ang paksyong Arroyo ng isang paksyon ng nagharing uri na "popular" sa masa at syempre, kasama (o mapagpasya sa kapangyarihan) ang "radikal" na mga lider ng rebeldeng militar. Tulad ng Kaliwa, nais ng grupong Magdalo na ipagtanggol ang pambansang kapitalismo sa ilalim ng mistipikasyon ng demokrasya at nasyunalismo.
Lumalim na antagonismo ng mga paksyon sa loob ng nagahring uri
Tulak man ng desperasyon sa bahagi ng mga lider ng Magdalo ang adbenturismo at kabiguan sa Makati noong Nobyembre 29. hindi pa tapos ang armadong alitan at maniobrahan ng mga paksyon ng nagharing uri. Hindi imposibleng hindi makabangon muli ang mga rebeldeng militar. Nariyan din ang iba pang mga armadong paksyon ng Kaliwa ng burgesya tulad ng CPP/NPA, RPA/ABB, MLPP/RHB, MILF, MNLF. Ang mga armadong labanan ay lalupang iigting sa darating na panahon habang patuloy na lumalalim ang pagbulusok-pababa ng pandaigdigang kapitalismo.
Ang pagtindi ng paksyunal na hidwaan ang magtutulak sa estado bilang tagapagtanggol ng sistema na mas palakasin ang sarili para kontrolin ang nagliliyab na paksyunal na alitan at sikaping hindi sasambulat tungo sa ganap na pagkawasak ng kasalukuyang panlipunang kaaysuan. Maaring ang pagpapalakas ng burges na estado ay magkaanyo sa isang tipong militaristang pamahalaan o sa isang maka-Kaliwang gobyerno tulad ng ginawa ng burgesya sa Venezuela, Bolivia, Brazil at Nicaragua. O kaya ay kumbinasyon ng dalawang anyo.
Subalit, Kanan o Kaliwa man ng burgesya ang nasa kapitalistang estado hindi nito mapigilan ang patuloy na pagbulusok-pababa ng kapitalistang sistema.
Proletaryong layunin at pamamaraan
Ang tanging solusyon sa kasalukuyang krisis ng kapitalismo ay wasakin mismo ito. Rebolusyon ng mga manggagawa lamang ang tanging solusyon sa lumalalang krisis ng panlipunang sistema. Ang rebolusyong ito ay proletaryo kapwa ang layunin at pamamaraan na nakabatay sa mulat na pagkilos ng masang manggagawa bilang isang internasyunal na uri.
Proletaryong layunin: Pagdurog sa kapitalismo at sa burges na estado. Mga pang-ekonomiyang pakikibaka na direktang nakaugnay at nagsisilbi sa pag-agaw sa pampulitikang kapangyarihan.
Proletaryong pamamaraan: Independyente at malawak na kilusang manggagawa na organisado sa mga asembliya at konseho HINDI sa mga unyon.
NO BETRAYAL!
Bagama’t malinaw na hindi nakuha ng Kaliwa at grupong Magdalo ang partisipasyon ng malawak na masa ng manggagawa at maralita (maliban sa ilang daang maralita na binabayaran nila sa anyo ng pamasahe at snacks) para lumahok sa adbenturismo sa Makati tulad noong 2005-2006, ito ay ekspresyon hindi pa ng pagtaas ng makauring kamulatan kundi ng pasibidad at kawalan ng tiwala sa sarili. Ang pasibidad at kawalan ng tiwala sa sarili ng masang api ay kagagawan ng oportunismo ng Kaliwa mula pa noong 1986 Edsa "Revolution".
Nasa minoryang mga komunista sa Pilipinas ang mabigat na tungkulin na ipaunawa sa masang manggagawang Pilipino kung ano ang tunay na mga aral na dapat halawin sa kanilang karanasan mula noong 1972 sa panahon ng pasistang diktadura hanggang ngayon at ganun din, sa karanasan ng kanilang mga kapatid sa uri sa internasyunal na saklaw sa loob ng mahigit 200 taon para maintindihan nila ng lubusan na ang Kanan at Kaliwa ng burgesyang Pilipino ay walang pinag-iba; na ang pasismo, militarismo at demokrasya ay walang kaibahan dahil ang mga ito ay sandata ng uring mapagsamantala para supilin ang uring pinagsamantalahan.
Hindi ito madaling gawin dahil napakalakas pa ng mistipikasyon ng demokrasya, nasyunalismo at unyonismo at ng mga organisasyon at partido ng Kaliwa sa Pilipinas. Subalit dapat nating panghawakan ang matibay na paninindigan ng Italian Communist Left sa 1930s kung saan halos nag-iisa ito sa pagtatanggol sa istorikal na interes ng uri at sa internasyunalismo; kung saan ang buong hanay ng Kaliwa — stalinista, trotskyista at anarkista — ay pumasok sa prente popular ng burgesya (united front) at itulak sa nagliliyab na apoy ang milyun-milyong manggagawa sa walang katulad na barbarikong masaker ng inter-imperyalistang digmaan sa kasaysayan; kung saan nag-iisa lamang sa pagtindig ang mga kaliwang komunista sa pagwagayway ng bandilang NO BETRAYAL!
Nagbigay ng malaking pagsisikap si Lagman para pasinungalingan ang walang kwentang teorya ng pasimuno ng Partido Komunista ng Pilipinas na si Sison, ang huli ay nagpahayag na ang partikular na sosyo-ekonomikong sistema ng Pilipinas ay ‘semi-pyudal' at ‘semi-kolonyal'. Nais ni Lagman na ma-establisa na sa esensya ang moda ng produksyon sa Pilipinas ay kapitalista bagama't may mga labi pa ng pyudalismo. Tinakwil niya ang teorya na ang Pilipinas ay dominado pa rin ng pyudalismo.
Inulit si Lenin, giniit niya na mayroong transisyunal na yugto ang bawat lipunan, dahil walang sistema ng produksyon na pinalitan agad ng bago. Kaya sa ganitong punto lamang, diin niya na ang Pilipinas ay semi-pyudalismo dahil sa kanyang pyudal na mga bakas: "ang kasalukuyang lipunan ng Pilipinas na sa esensya ay burges at kapitalista ang katangian, at sa konteksto ng kasalukuyang pandaigdigang kapitalistang sistema na dominado ng imperyalismo, ang dapat tamang tawagin na "semi-pyudalismo" .
Sa kabilang banda, mas mahalaga, binigyan niya ng importansya hindi ang ‘transisyon' kundi sa usapin ng transpormasyon ng moda ng produksyon tungo sa bago: "Mas ispisipiko, ang mas importante ay ang pagkilala alin sa dalawang sistema ang pumapawi sa isa sa ilalim ng impluwensya ng buong proseso ng ekonomikong ebolusyon. Ang tungkulin ay hindi lamang ideklara ito na isang transisyunal na yugto dahil ito ay klaro at maliwanag, na hindi kumikilos at walang kahulugan, kundi unawain ang kanyang mga batas ng pag-unlad at ang kanyang hindi maiwasang ebolusyon. Nasaksihan nila Marx, Engels at Lenin ang mga transisyong ito sa kasaysayan. Pero walang pandarayang pagmayabang na simpleng sinabi nila na ang mundo ay nasa transisyon. Hayagan nilang dineklara paano ito natransporma." Kaya para sa atin may pananaw si Lagman na ang lipunang Pilipino ay dumadaan sa proseso ng transpormasyon mula pyudalismo hanggang kapitalismo kung saan ang dominanteng aspeto ay absolutong kapitalista ang katangian. Pero para sa kanya sa Pilipinas, ang kapitalismo ay hindi dekadente.
Katunayan, ang ‘semi-pyudalismo' ni Sison, ayon kay Lagman, ay batay sa konsiderasyon na ang Pilipinas ay sa batayan pyudal na may kapitalismo sa mga sentrong industriyal na kalungsuran habang ang ‘semi-pyudalismo' ni Lagman ay nakabatay sa konsepto na kapitalismo ang dominanteng moda ng produksyon sa Pilipinas na may ilang mga labi ng pyudalismo. Kaya para kay Lagman ang pokus ng makauring pakikibaka ay ang proletaryado sa kalungsuran at kanayunan habang para kay Sison ay ang ‘masang magsasaka'.
Tinutulan niya si Sison dahil ang huli ay nais magsalita na ang semi-pyudalismo mismo ay isang moda ng produksyon na walang iba kundi kahangalan at kahibangan.
Kadalasan ginagamit ni Sison ang ‘imperyalismong' USA para ma-establisa ang semi-kolonyal at semi-pyudal na katangian ng Pilipinas, na sinalungat ni Lagman ng maraming argumento; giniit niya na "Ang anti-imperyalismo ni Sison ay sa batayan burges-demokratiko, patriyotismo at nasyunalismo, tulak ng sariling-pagpapasya at ang pagnanais para sa pampulitikang demokrasya."
Sa takbo ng kanyang pagsusuri sa ‘umiiral na moda ng produksyon' sa Pilipinas, gumamit siya ng maraming datos mula sa panahon ni Marx at sa huli inilatag ang posisyon ni Lenin sa sumusunod: "Ang punto ay, ayon kay Lenin: "Bakit husgahan ang ‘misyon ng kapitalismo' sa bilang ng mga manggagawa sa pabrika, habang ang ‘misyon' ay natapos sa pag-unlad ng kapitalismo at sosyalisasyon ng paggawa sa pangkalahatan, sa pag-unlad ng proletaryado sa pangkalahatan, kaugnay nito ang papel ng mga manggagawa sa pabrika ay nasa unahan, ang taliba. Syempre, walang duda na ang rebolusyonaryong kilusan ng proletaryado ay umaasa sa bilang ng mga manggagawang ito, sa kanilang konsentrasyon, sa antas ng kanilang pag-unlad, atbp; pero lahat ng ito ay hindi nagbigay sa atin ng katiting na karapatan na ipantay ang ‘mapagsanib na kahalagahan' ng kapitalismo sa bilang ng mga manggagawa sa pabrika. Ang gawin ito ay pagpakitid sa ideya ni Marx sa imposibilidad.""
Kaya nagpokus si Lagman sa proletaryado bilang mapagpasyang pwersa sa rebolusyonaryong mga pakikibaka sa Pilipinas sa kabila ng kanilang relatibong kantitatibong posisyon sa lipunan.
Binigyan din niya ng atensyon ang paggiit ni Lenin na, "Ang sosyalisasyon ng paggawa ng kapitalistang produksyon ay hindi lang mga tao na nagtrabaho sa isang bubong (iyan ay maliit na bahagi lamang sa proseso), kundi sa konsentrasyon ng kapital kasabay ng ispesyalisasyon ng panlipunang paggawa, sa pagbaba sa bilang ng mga kapitalista sa bawat sangay ng industriya at sa paglaki ng bilang ng hiwa-hiwalay na mga sangay ng industriya - sa maraming hiwa-hiwalay na mga proseso ng produksyon na pinagsanib sa isang panlipunang proseso ng produksyon." (Ito ay galing sa 1894 teksto: What the "Friends of the People" Are and How They Fight the Social-Democrats).
Sa pagkonsidera sa katangian ng sektor ng agrikultura, sabi niya na "Nagtrabaho ang magsasaka hindi para sa kanya kundi para sa pamilihan at naging ganap na umaasa sa pamilihan. Ang mga sentrong industriyal ang nagbibigay ng mga kagamitan ng produksyon at konsumsyon sa sektor ng agrikultura habang ang huli ay nagbibigay ng hilaw na materyales na kailangan sa industriya at makonsumong mga produktong agrikultural na kailangan sa mga lungsod at syudad.
"Ang pag-unlad ng panlipunang dibisyon ng paggawa at ang pangingibabaw ng ekonomiya ng kalakal sa buong lipunan ay hindi maiwasang tutungo sa ating pangalawang bahagi - ang paglaki ng populasyon sa kalungsuran at populasyong industriyal sa kapinsalaan ng populasyon sa kanayunan, agrikultural."
Kaya sa huli, umabot si Lagman sa kongklusyon na ang Pilipinas ay isang semi-pyudal at semi-kolonyal na estado na kapitalista ang moda ng produksyon kapwa sa mga sektor ng agrikultura at industriya, kapwa sa kalungsuran at kanayunan na bahagi ng estado; subalit dahil sa mga labi ng pyudalismo, papawiin pa nito ang mga labing pyudal sa rebolusyonaryong paraan para sa kapitalistang pag-unlad para sa komunistang rebolusyon. Walang kalitatibong kaibahan sa teorya ng tagapasimuno ng PKP na si Sison; sa halip pinalakas ni Lagman ang katulad na paniniwala sa ‘Demokratikong Rebolusyon' bilang hakbang pasulong sa ultimong sosyalistang rebolusyon. Sabi ni Lagman: "Sumama tayo at nagsikap na may namumunong papel sa burges-demokratikong rebolusyon dahil kailangan ng proletaryado ang pampulitikang demokrasya, dahil kailangan ng proletaryado ang panlipunang progreso, kahit pa burges na kaunlaran, para uunlad ito bilang uri at mabuo ang mga kondisyon para sa sosyalistang pakikibaka".
Para kay Lagman, hindi tulad ni Sison na nagkonsentra sa masang magsasaka sa kanayunan bilang rebolusyonaryong pwersa, absolutong kailangang kilalanin ang tunay na rebolusyonaryong pwersa sa kasalukuyan, ang proletaryado bilang tanging pwersa na sa ilalim ng kanyang liderato dapat ipatupad ang burges-demokratikong rebolusyon. Seryosong nagsisikap si Lagman na ang Maoistang tipo na makauring pagsusuri sa Pilipinas ay lipas na at kailangang maunawaan ng mga rebolusyonaryo na sa sektor ng agrikultura sa kanayunan ang relasyon ng produksyon ay sa esensya burges kahit hindi ito angkop sa klasikal ng mga katangian ng kapitalismo. Una sa lahat pinakita ni Lagman na "Sa makauring pagsusuri ni Sison, pinag-iba-iba niya ang magsasaka sa mayaman, gitna at maralita, at isinama pa sa batayang mga kategorya ng burgesya sa kanayunan, peti-burgesya sa kanayunan at semi-proletaryado, na pagkasunod-sunod. Pero hindi niya pinaliwanag ang sosyo-ekonomikong penomenon sa pag-iba-iba sa magsasaka, ang kanyang likas na koneksyon sa sosyo-ekonomikong ebolusyon sa lipunan, at ang kanyang kabuluhan at direksyon ng pag-unlad sa transisyon at transpormasyon ng moda ng produksyon."
Para kay Lagman, kinopya lamang ni Sison si Mao sa makauring pagsusuri dahil: "hindi niya tiningnan ang usaping ito bilang historikal na dis-integrasyon ng magsasaka kundi bilang "simpleng pag-iba-iba lang", hindi sa kanyang pagkabiyak at pagkawasak bilang uri na kapwa batayan at resulta ng isang umuunlad na bagong moda ng produksyon kundi simpleng paglitaw ng ‘hindi patas na pag-aari' pero nasa ilalim pa rin ng lumang moda ng pyudal na produksyon".
Nagpatuloy si Lagman na ang burgesya sa kanayunan mistulang hindi makausad sa simpleng reproduksyon ng kapital "dahil hindi lang sa mga labi ng pyudalismo sa kanayunan kundi dahil din sa monopolyo kapitalismo na bumansot sa pag-unlad ng pambansang kapitalismo sa Pilipinas. Pero ang kabiguan ng burgesya sa kanayunan na makalikom ng kapital sa patuloy na paraan ay hindi nagkahulugan na nasa loob sila ng balangkas ng pyudal na moda o hindi-pa-kapitalista na yugto sa pag-unlad gaya ng nakakatawa na sabihing ang Pilipinas ay hindi-pa-kapitalista o hindi kapitalista, sa batayan pyudal ang sistema, dahil hindi nito maabot ang mas abanteng yugto ng kapitalismo -- ang kanyang pambansang industriyalisasyon."
Sabi ni Lagman "Mula sa punto-de-bista sa batayang mga ideya ng Marxismo, isa lamang ang mas mataas pa kaysa interes ng proletaryado -- at ito ay walang iba kundi ang interes ng panlipunang pag-unlad, ang interes ng panlipunang progreso. Ang syentipikong sosyalismo ay kumakatawan hindi lang sa interes ng uring manggagawa, kundi sa lahat ng panlipunang progreso.
"Ang uring manggagawa ay kailangang aktibong sumali at magsikap na magampanan ang namunong papel sa demokratikong rebolusyon sa interes ng sosyalistang pakikibaka at sa interes ng panlipunang progreso sa pangkalahatan. At hindi pangunahin dahil ang proletaryado ay tumindig para sa interes ng magsasaka bilang uri o tumindig sa interes ng bayan kahit ano pa ang makauring komposisyon nito.
"Tumindig ang proletaryado sa pakikibaka ng magsasaka at sa pakikibaka ng buong bayan hangga't ito ay umaayon sa kanyang sosyalistang makauring pakikibaka at sa panlipunang progreso sa kabuuan. Ang suportahan ang demokratikong mga kahilingan ng magsasaka na magsilbi sa panlipunang pag-unlad at sa makauring pakikibaka ay tiyak na hindi nagkahulugan ng pagsuporta sa peti-burgesya gaya ng pagsuporta sa liberal na mga kahilingan ay hindi nagkahulugan ng pagsuporta sa pambansang burgesya.
"Ito ang batayan, isang napaka-pundamental na usapin para sa isang Marxista-Leninista na alam ang kanyang teorya sa makauring pakikibaka. Ngayon, paano tamang maintindihan ng uring manggagawang Pilipino ang "demokratikong rebolusyon ng bayan" kung, sa halip na ipaliwanag ito mula sa istriktong makauring pananaw ng proletaryado, mula sa kanyang sosyalistang perspektiba, ito ay ekslusibong pinaliwanag mula sa pambansa-demokratikong interes ng bayan? Sasama at gagampan ba ng proletaryado ang namunong papel sa ganung rebolusyon, at isantabi ang kanyang sariling makauring pakikibaka, dahil naintindihan nito ang demokratiko at pambansang interes ng mamamayan?
(...) Ang mulat sa uri na proletaryadong Pilipino ay maging talibang mandirigma para sa kalayaan at demokrasya, hindi pangunahin dahil sa isang malalim na patriyotismo at demokratismo (kung saan marami sila) kundi pangunahin dahil tanging sa pampulitikang kalayaan lamang na ang kanyang uri at ang kanyang pakikibaka ay uunlad ng ganap at higit pang susulong ng malaya tungong sosyalismo."
Sa pagsusuma, salungat sa dalawang yugtong teorya, ang konsepto ni Lagman ng proletaryong rebolusyon ay ‘tuloy-tuloy' na rebolusyon, magsimula sa demokratikong rebolusyon at walang tigil na magtuloy-tuloy hanggang makompleto ang sosyalistang rebolusyon. Para sa kanya ito ay laban sa ‘kaisipan' ni Mao at ganap na nasa linya ng ‘Marxismo-Leninismo'.
Ang pangatlong punto sa kanyang atensyon ay atakehin ang mga taktika ng demokratikong rebolusyon na iniisip ng pasimuno ng PKP. Dito sa pagsusuma, naniwala si Lagman na:
a) Ang teorya ng ‘matagalang digmaan' ni Mao na angkop lamang sa isang depinidong pag-unlad ng makauring pakikibaka sa Tsina, ay hindi angkop sa Pilipinas;
b) Ayon kay Lenin "ang pagpili ng paraan ay nakasandal sa hinaharap na hindi natin tiyak na ma-determina", habang kay Sison, "iisa lamang ang daan, at ito ay ang daan ng armadong pakikibaka". Kaya sabi ni Lagman na ang rebolusyonaryong sitwasyon lamang ang makapagsabi sa mga paraan ng pakikibaka at paano ito ilunsad. Tinapos niya "Sa madaling sabi, ito ay dinamiko, mapanlikhang proseso na matamang sinubaybayan ang patuloy na hanayan at antagonismo ng makauring mga pwersa sa lipunan, ang kanyang kongkreto at saktong mga porma at paraan ng pakikibaka ay hinubog at "ginawa" ng masa mismo sa proseso ng kanilang rebolusyonaryong pagkamulat, at hindi lamang sa pamamagitan ng kanilang mulat, talibang mga elemento sa kanilang mga plenaryong pulong."
Ayon kay Lagman "Para kay Sison, ang armadong pakikibaka ang gumagawa ng rebolusyon, ito ang rebolusyon. Pero para kay Lenin, ang rebolusyon ang hahantong sa armadong pakikibaka, ang pag-unlad ng makauring pakikibaka sa kanyang pinakamatalas na porma."
c) Sa pagbaling ng atensyon mula sa uring manggagawa tungo sa masang magsasaka, iniwan ng Partido ang daan ng makauring pakikibaka at ang usapin ng liderato ng proletaryado at PKP. Para kay Lagman, ang pang-araw-araw na pakikibaka ng inaaping masa para sa kanilang mga kahilingan ay sa bandang huli dudulo sa rebolusyonaryong pag-igpaw; unang sa lahat dapat nating organisahin ang pang-araw-araw na mga pakikibaka na may pampulitikang layunin na paunlarin sila tungo sa ‘tuloy-tuloy' na rebolusyon sa pamumuno ng tanging rebolusyonaryong pwersa, ang proletaryado bilang sentral na bahagi.
d) Hindi maaring palitan ng Partido ang buong uring manggagawa at magsasaka, kahit pa kailangang ito ay maging taliba sa burges-demokratikong rebolusyon dahil ang rebolusyong ito ay sa esensya pinamunuan sa layuning makamit ang pampulitika at pang-ekonomiyang mga kondisyon para sa sosyalistang rebolusyon.
e) Dapat buuin ng uring manggagawa ang kanyang ‘independyenteng' makauring organo para lumaban para sa kanyang istorikal na misyon, sa Pilipinas, misyon na pangunahin ay ang burges-demokratikong rebolusyon. Nais ni Lagman na iugnay ang pang-araw-araw na pakikibaka ng uring manggagawa sa misyon ng demokratikong rebolusyon. Sabi ni Lagman:
"Ano dapat ang esensya ng programa ng isang proletaryong partido?
Wala iyong ibang esensya kundi organisahin ang makauring pakikibaka ng proletaryado at pamunuan ang pakikibakang ito, ang ultimong layunin nito ay agawin ng proletaryado ang pampulitikang kapangyarihan at ang pagtayo ng sosyalistang lipunan. Ang pakikibakang ito ng proletaryado, ang emansipasyong ito ng mga manggagawa ay kailangang gagawin mismo ng uring manggagawa."
Sa usapin ng programa ng Partido, naniniwala din siya sa minimum at maksimum na programa. Pero hindi tulad ng PKP na, ayon kay Lagman, pinababa ang usapin ng pagpabagsak sa kapitalismo sa usapin ng kapangyarihan ng bayan sa pamamagitan ng demokratikong rebolusyon at kaya naging simpleng bukambibig lamang ang maksimum na programa, ang pangunahing pokus ay dapat ang kabaliktaran: ang maksimum na programa ang motor na pwersa ng minimum na programa.
Maraming mga argumento at pagsusuri sa mga posisyon ng PKP na ginawa si Lagman para igiit ang kanyang sariling posisyon. Hindi natin sinuri ang lahat ng ditalye dahil isa itong pagsusuma at wala ng iba pa; sa kabilang banda, sinubukan lamang nating kunin ang pinaka-esensyal na mga elemento na makatulong sa atin para magkaroon ng malinaw na ideya sa mga posisyon ni Lagman.
Nasa harap natin ang isang tao na mistulang nabuhay sa ika-19 siglo bilang rebolusyonaryo. Matapos mabasa ang kanyang mga sinulat, naramdaman natin na:
1. Parang matindi ang determinasyon ni Lagman na maunawaan ang problema ng Pilipinas mula sa isang marxistang balangkas; katunayan, para sa kanya, ang unang pagtutol kay Sison, ang pasimuno ng PKP, ay ang kakulangan ng pagkakaugnay at katumpakan sa teoretikal na posisyon ni Sison. Sinikap ni Lagman na hanapin ang isang magkakaugnay na balangkas para magawang maunawaan ng uring manggagawa sa Pilipinas ang kanilang tungkulin sa kasalukuyan sa batayan ng partikular na sosyo-ekonomiko at pampulitikang sitwasyon sa Pilipinas at sa pangkalahatang imperyalistang kondisyon sa mundo. Bagama't pinakita niya ang intelektwal na kapasidad sa pagsisikap na makilala ang aktwal na moda ng produksyon sa Pilipinas na ayon sa kanya ay kapitalista ang katangian pero nabigo siya na iugnay ito sa partikular na yugto ng pag-unlad ng kapitalismo sa Pilipinas bilang integral na bahagi ng pandaigdigang historikal na kondisyon ng kapitalismo; at tila laging sumasagi sa isip ni Lagman ang imperyalismong US at walang pakialam sa imperyalismo sa pangkalahatan.
2. Para kay Lagman, ang batayang balangkas ay ganap na lokalisado sa loob ng arkipelago, na patagong sumusuporta sa kontra-rebolusyonaryong ideolohiya ng ‘Sosyalismo sa isang bansa', at pinaka-mahalaga ang kanyang balangkas ay walang anumang kaugnayan sa tunay na ebolusyon ng galaw ng pandaigdigang kapitalismo sa isang banda at sa kabilang banda sa tunay na porma, laman at mga paraan ng makauring pakikibaka ng uring manggagawa sa kasalukuyan. Parang hindi niya masyadong pinansin ang napakapundamental na usapin sa ebolusyon ng kapitalismo bilang pandaigdigang penomenon at paano din nito kinukontrol ang ebolusyon ng kapitalismo sa Pilipinas. Sa halip masusundan sa kanyang paggigiit na sa panahon ng imperyalismo (na inilarawan natin na panahon ng pagbulusok-pababa ng pandaigdigang kapitalismo, dahil mahalaga na pag-ibahin ang panahon sa huling bahagi ng ika-19 siglo na kakitaan ng labis na pagmamadali ng imperyalistang mga kapangyarihan na sakupin ang hindi pa nasakop na mga teritoryo, at sa panahon na binuksan ng Unang Digmaang Pandaigdig kung saan ang imperyalistang mga kapangyarihan ay makapagpalawak lamang sa kapinsalaan ng kanilang mga katunggali - na palatandaan ng pagpasok ng kapitalismo sa kanyang pagbulusok-pababa) ay posible pa rin sa kapitalismo na maging progresibo sa isang bahagi gaya ng Pilipinas bagamat nadiskubrehan din niya ang dahilan ng kahirapan ng kapitalistang pag-unlad sa Pilipinas na ipinataw ng imperyalismong US at ng mga labi ng pyudalismo. Para sa kanya ang walang sagabal na kapitalistang pag-unlad ay nakasandal sa pampulitikang pagkilos ng demokratikong rebolusyon na pamunuan ng proletaryado anuman ang materyal na kondisyon ng pandaigdigang kapitalismo.
3. Nabigo si Lagman na hawakan ang magkakaugnay na Marxistang balangkas para maintindihan ang pandaigdigang istorikal na kondisyon ng kapitalismo at makauring pakikibaka, ang katangian at paraan ng pakikibaka, ang papel ng komunistang organisasyon at iba pa at kaya hindi niya nailugar ang kanyang sarili sa napakahalagang internasyunal na balangkas. Ang proletaryong rebolusyon ay isang internasyunal na penomenon at dapat unawain sa batayan ng iisa, magkakaugnay na pandaigdigang balangkas na sa pamamagitan nito makuha natin ang kailangang mga paliwanag, estratehiya at mga taktika para matagumpay na mailunsad ang rebolusyon at ang pampulitikang mga posisyon na depensahan sa isang partikular na istorikal na yugto at mga kondisyon sa alinmang bahagi ng mundo ngayon. Kung hindi, hindi mapagsilbihan ang proletaryong adhikain kundi kabaliktaran, makasira ito kahit pa kinikilala natin na sinikap ni Lagman sa abot ng kanyang makakaya na may proletaryong diwa at sinsiridad na resolbahin ang mga problema ng proletaryong rebolusyon sa batayan ng kanyang pagsubok na unawain ang Marxistang balangkas. Tila milya-milya ang kanya layo mula sa internasyunalistang posisyon na siyang pinaka-importanteng pundasyon ng proletaryong pampulitikang organisasyon ngayon tulad ng tumpak na binigyang diin ni Lenin sa kanyang bantog na April Theses.
4. Lagi siyang humalaw mula kina Marx, Engels at Lenin pero hindi masyado pinansin ang totoong konteksto ng naturang mga asersyon, hinugot sila na mga walang kondisyon na katotohanan na independyente sa istorikal na yugto ng kapitalismo at makauring pakikibaka bagama't giniit niya na walang kilalanin na Bibliya. Hindi rin niya masyado pinansin ang proseso ng ibayo pang pagpalalim mismo ng talibang mga rebolusyonaryo.
5. Ang Partido Komunista ng Pilipinas ay binuo sa 1930 at mula ng isilang ay nasa balangkas na ito ng Stalinista at Maoistang kontra-rebolusyonaryong tunguhin na sumakop sa masa ng uring manggagawa sa buong mundo bilang resulta ng istorikong pagkatalo ng internasyunal na alon ng proletaryong rebolusyonaryong pakikibaka. Kahit pa sa matinding rebolusyonaryong determinasyon, diwa at komitment sa sosyalismo biktima din si Lagman nito. Para din sa kanya, may umiiral na entidad tulad ng Leninismo na sa pagkaalam natin, isang termino na ginawa ni Stalin at epektibong ginamit bilang makapangyarihang pampulitikang ideolohikal na armas ng kontra-rebolusyon. Ang posisyon ng demokratikong rebolusyon sa ilalim ng liderato ng proletaryado, ang usapin ng pambansang kalayaan at sariling pagpapasya ng mga bansa ay nagmula sa ganitong pampulitikang ideolohikal na batayan. Mula kay Stalin at Mao namana niya ang teorya sa pakikipag-isang prente at ‘digmaang bayan'.
6. Kung ang usapin ng makauring pakikibaka ang pag-uusapan, ang teorya ni Lagman ang may mas mapaminsalang epekto sa proseso ng pagkamulat dahil nanawagan siya sa uring manggagawa na makibaka para sa pampulitikang demokrasya sa yugto ng dekadenteng kapitalismo. May mali siyang pagtaya na ang pagkabuo ng isang bagong demokratikong kaayusan (gaya sa bagong demokrasya ni Mao sa Tsina ang esensya) ay makatulong para sa proletaryado para sa pag-organisa at paghahanda sa sarili para sa proletaryong rebolusyon. Kaya maliit lamang ang pundamental na kaibahan sa teoretikal na posisyon ni Sison at ng kay Lagman bagama't direktang pinuntirya ng palaso ng kanyang pampulitikang kritik laban kay Sison. Kaya ang buong kritik at debate ay tila nasa parehong kontra-rebolusyonaryong tereyn gaya ng sinasabing malaking debate sa pagitan ng linyang Ruso at linyang Tsino sa mga Partido Komunista sa iba't-ibang bahagi ng mundo kung saan lahat sila ay matagal ng napunta sa kampo ng kontra-rebolusyon, sa dekada 50 at 60.
7. Bagama't pinagtanggol ni Lagman ang posisyon na ang partido ay hindi hahalili sa buong uri, pero naniwala siya na ang papel ng partido ay organisahin ang uring manggagawa at iba pang pinagsamantalahang istrata para sa makauring pakikibaka kahit na sa kasalukuyang istorikal na yugto ng kapitalismo at makauring pakikibaka. Ayon sa kanaya dapat mayroon pa ring kontrolado na permanenteng pangmasang organisasyon ang partido komunista. Wala siyang alam sa materyal na kondisyon ng makauring pakikibaka kung saan lumitaw ang Partido Komunista at ang materyal na kondisyon kung saan hindi ito iiral bilang partido. Para sa kanya, dapat gamitin ng partido komunista ang parlyamentaryong makinarya, unyon at sa lahat ng ito ang uring manggagawa ay manatili sa ‘independyenteng' makauring katangian. Pero ang kongkretong pampulitikang teoretikal na mga aspeto na mahalaga para kilalanin ang independyenteng makauring katangian sa istorikal na yugto ngayon, ay hindi pinaksa ni Lagman at kaya ang paggiiit ng independensya ay nanatiling napakalabo.
8. Ang pag-unawa ni Lagman sa imperyalismo ay nagdala sa kanya sa posisyon na ang ilang maunlad na mga bansa ay imperyalista at ang ibang atrasadong mga bansa gaya ng Pilipinas ay sinakop at pinagsamantalahan ng una sa iba't-ibang paraan. Ang marxistang pag-unawa na ang imperyalismo bilang pinakataas na yugto ng pandaigdigang kapitalismo na nagkahulugan din ng simula ng yugto ng pagbulusok-pababa ay hindi malinaw sa kanya. Hindi malinaw sa kanya na ang bawat pambansang praksyon ng kapital sa napaka-integradong pandaigdigang sistema ay hindi maaring hiwalay na bahagi sa buong dekadenteng sistema at kaya imperyalista. Kaya ang kanyang hindi istorikal at mali na pag-unawa ay malamang magdala sa kanaya sa napakadelikadong mga posisyon na itulak ang uring manggagawa sa kontra-rebolusyonaryong tereyn sa ayaw niya at sa gusto. Ang kanyang posisyon ay hindi pundamental na iba sa lahat ng tipo ng Kaliwa.
9. Sinabi ni Lagman na sa Marxismo "isa lamang ang mas mataas pa kaysa interes ng proletaryado: ang interes para sa panlipunang pag-unlad sa kabuuan", at dala ang lohikang ito nais niya na ang proletaryado ay lumaban para sa ‘demokratikong rebolusyon'. Ang problema ay, sa kabilang banda, na sa panahong ito "ang interes ng proletaryado" ay hindi na hiwalay mula sa "interes ng panlipunang pag-unlad sa kabuuan": kabaliktaran, ang panlipunang pag-unlad ngayon ay nakasandal sa tagumpay ng internasyunal na proletaryong rebolusyon.
Sa kabuuan ang pananaw na hindi nagbabago ang Marxismo ay mahigpit na kumapit sa kanya at nanatili siyang bilanggo sa Stalinista, Maoista na kontra-rebolusyonaryong balangkas sa kabila ng kanyang layuning itakwil ito at pupunta sa proletaryo rebolusyonaryong tereyn. Tila ibayo pa niyang pinalakas ang ganap na Kaliwa at kontra-rebolusyonaryong mga posisyon ni Sison na may mas magaling na pampulitikang teoretikal na argumento at katwiran sa kabila ng kanyang matinding determinasyon na magkaroon ng aktibong papel sa proseso ng pagpahina ng kapit ng kontra-rebolusyonaryong ideolohiya ni Sison sa uring manggagawa sa Pilipinas. Kaya sa kabuuan laban sa kanyang pampulitikang kagustuhan, komitment at layunin, sa realidad at esensya ay naging mas magaling siya na Sison, isang mas magaling na sosyal-demokrata at bilang resulat (hindi natin mapigilang igiit na sa kabila ng ating respeto sa kanyang intelektwal na kapasidad, rebolusyonaryong determinasyon at masigasig na pagsisikap para mahawakan ang Marxistang balangkas) ang kanyang mga pagkilos ay nakapagpalakas lamang sa mga pwersa ng kontra-rebolusyon kahit pa buong puso niya itong kinasusuklaman at seryosong kumikilos para sa tagumpay ng rebolusyon.
IKT, 20/07/2006
Gaya ng parating binigyang-diin ni Marx, hindi pinalampas ng peligrong ito ang uring manggagawa sa kanyang panahon, sa ika-19 siglo. Sa isang lipunang nasa mabilis na ebolusyon, ang proletaryado sa matagal na panahon ay nabigatan sa mga lumang tradisyon ng kanyang pinagmulan: ang mga labi ng lipunang artisano, sa panahon ni Babeuf, sa kanyang pakikibaka laban sa pyudalismo kasama ang burgesya. Sa gayon ang mga tradisyong sektaryan, konspiratoryal o republikano sa panahong wala-pa ang 1848 ay patuloy na gumugulo sa Unang Internasyunal, na itinatag sa 1864. Sa kabilang banda, sa kabila ng nangyayaring mabilis na pagbabago, ang panahong ito ay nakalagay sa isang yugto ng buhay ng lipunan: ang pasulong na yugto ng kapitalistang moda ng produksyon. Ang buong yugtong ito ay nagpataw ng ispisipikong kondisyon sa pakikibaka ng uring manggagawa: ang posibilidad sa tagumpay ng tunay at matagalang kagalingan ng kondisyon ng pamumuhay mula sa masaganang kapitalismo, pero sa kabilang banda sa imposibilidad na durugin ang sistema dahil ito ay masagana.
Ang kaisahan ng ganitong balangkas ay nagbigay ng tuloy-tuloy na katangian sa iba't-ibang yugto ng kilusang manggagawa sa ika-19 siglo. Ang mga paraan at kagamitan sa makauring pakikibaka ay pinainam at nilubos sa progresibong paraan, sa partikular ang mga unyon bilang porma ng organisasyon. Sa bawat isa ng mga yugtong ito, ang mga pagkakatulad sa nagdaang yugto ay mas importante kaysa mga pagkakaiba. Sa ganitong mga kondisyon, ang kadenang-bola ng tradisyon ay hindi gaanong mabigat para sa mga manggagawa: sa pangkalahatan, ang nakaraan ay nagtuturo sa daraanan.
Subalit ang sitwasyong ito ay radikal na nagbago sa bukang-liwayway ng ika-20 siglo. Karamihan sa mga instrumentong nilikha ng uring manggagawa sa nagdaang mga dekada ay hindi na magagamit: lumalala pa, sila ay naging anti-manggagawa at naging mga sandata ng kapital. Totoo ito sa mga unyon, pangmasang mga partido, partisipasyon sa eleksyon at parlyamento. Ito ay dahil ang kapitalismo ay pumasok na sa ganap na kaibang yugto sa kanyang ebolusyon: ang kanyang dekadenteng yugto. Ngayon ang konteksto ng proletaryong pakikibaka ay lubusang natransporma: mula ngayon, wala ng kahulugan pa ang pakikibaka para sa progresibo at matagalang kagalingan sa loob ng lipunang ito. Hindi lang ang hirap na hirap na kapitalismo ay hindi na makapagbigay, kundi ang kanyang mga kombulsyon ay nagsimulang wasakin ang mga ganansyang nakuha ng proletaryado sa nakaraan. Kaharap ang naghihingalong sistema, ang tanging tunay na pakinabang ng proletaryado ay wasakin ang sistema.
Ang unang pandaigdigang digmaan ay hudyat ng paghiwalay ng dalawang yugto sa buhay ng kapitalismo. Ang mga rebolusyonaryo - at ito ang dahilan bakit sila mga rebolusyonaryo - ay nakaunawa na pumasok na ang sistema sa panahon ng kanyang pagbulusok-pababa. Inihayag ng Komunistang Internasyunal, sa kanyang plataporma sa 1919 na: "Isang bagong panahon ang isinilang. Ang panahon ng pagkaagnas ng kapitalismo, sa kanyang internal na pagkawasak. Ang panahon ng komunistang rebolusyon ng proletaryado."
Sa kabilang banda, mayorya sa mga rebolusyonaryo ay may grabeng marka pa sa mga tradisyon ng nakaraan. Sa kabila ng kanyang napakalaking kontribusyon, hindi nagawang dalhin ng Ikatlong Internasyunal ang mga implikasyon sa kanyang lohikal na kongklusyon. Sa harap ng pagkanulo ng mga unyon, hindi nanawagan ang Komunistang Internasyunal sa kanilang pagkawasak kundi sa kanilang rekonstruksyon. Bagama't iginiit nito na ang "parlyamentaryong mga reporma ay nawalan na ng praktikal na kabuluhan sa masang manggagawa" at ang "sentro-de-grabidad ng pampulitikang buhay ay lubusan at pundamental ng nasa labas ng parlyamento" (Mga tesis sa Ikalawang Kongreso), nanawagan pa rin ang KI sa partisipasyon sa institusyong ito. Sa gayon, may kadalubhasaan pero nakapanlulumong nakumpirma ang mga salita ni Marx sa 1852. Matapos magkagulo ang proletaryado nang pumutok ang imperyalistang digmaan, ang bigat ng nakaraan ay sa malaking bahagi responsable din sa kabiguan ng rebolusyonaryong alon na nagsimula sa 1917, at sa sumunod na kakila-kilabot na kontra-rebolusyon sa loob ng kalahating siglo.
Sagabal na sa nagdaang mga pakikibaka, "ang tradisyon ng patay na mga henerasyon" ay isa ng kaaway ng mga pakikibaka na mahirap talunin sa ating panahon. Para magtagumpay, nasa proletaryado ang pagpapasya na itapon ang walang silbing damit sa nakaraan at isuot ang damit na angkop sa mga pangangailangan sa kanyang pakikibaka sa "bagong panahon" ng kapitalismo. Dapat malinaw niyang maunawaan ang mga kaibahan na naghiwalay sa pasulong na yugto ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, sa usapin kapwa sa buhay ng kapital at sa mga layunin at paraan ng kanyang sariling pakikibaka.
Ang sumunod na teksto ay isang kontribusyon sa ganitong kaalaman. Bagama't inihayag ito sa hindi karaniwang paraan, tingin namin kailangang ipakita ang mga katangian ng dalawang yugto na magkatabi, para bigyang-diin kapwa ang umiiral na pagkakaisa sa loob ng dalawang yugto, at madalas signipikanteng mga kaibahan ng bawat isa ng dalawang yugto. (Ang mga katangian ng pasulong na yugto ay nasa kaliwang kolum ng bawat pahina, ang mga katangian ng pagbulusok-pababa ay nasa kanan).
Ascendancy of capitalism | Decadence of capitalism |
Ang bansa | |
Isa sa mga katangian ng ika-19 siglo ay ang pagbubuo ng mga bagong bansa (Alemanya, Italya...), o ang nangangalit na pakikibaka para mabuo sila (Poland, Hungarya...). Hindi ito aksidental kundi pagtugon sa tulak ng dinamikong kapitalistang ekonomiya na nakitang ang bansa ang pinaka-angkop na balangkas para sa kanyang pag-unlad. Sa panahong ito, ang pambansang kalayaan ay may tunay na kahulugan: direkta itong bahagi ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa at sa pagdurog sa mga imperyong pyudal (Rusya, Austria) na mga balwarte ng reaksyon. | Sa ika-20 siglo, ang bansa bilang balangkas ay masyado ng makipot para kontrolin ang produktibong mga pwersa. Tulad ng kapitalistang mga relasyon ng produksyon, naging aktwal ito na bilangguan sa produktibong mga pwersa. Dagdag pa, ang pambansang kalayaan ay naging ilusyon sa sandaling naobliga ang bawat pambansang kapital dahil sa kanilang mga interes na isanib ang mga sarili sa iba't-ibang malalaking imperyalistang bloke, at sa gayon itinakwil ang kalayaang ito. Ang mga halimbawa ng tinatawag na ‘pambansang kalayaan' ng siglong ito ay ang isang bansa mula sa isang dominadong teritoryo papunta sa iba. |
Pag-unlad ng bagong kapitalistang mga bahagi | |
Isa sa tipikal na penomena sa pasulong na yugto ng kapitalismo ay ang hindi patas na pag-unlad ng bawat bansa at ang partikular na istorikong mga kondisyon na sinagupa nila. Pinakita ng pinaka-maunlad na mga bansa ang daan pasulong sa ibang mga bansa , kung saan ang pagiging huli ay hindi malaking balakid. Kabaliktaran, ang huli ay may posibilidad na makahabol o malagpasan pa ang una. Ito ay sa katunayan, halos isang pangkalahatang patakaran: "Sa pangkalahatang konteksto ng ganitong kamangha-manghang pagsulong, ang paglago ng produksyong industriyal ng kinaukulang mga bansa ay nangyari sa sakdalang hindi patas na proporsyon. Nakita natin ang pinakamabagal na tantos ng pag-unlad sa industriyalisadong mga bansa sa Uropa na dati pinakaabante bago ang 1860. Naging triple ‘lang' ang produksyon sa Britanya, apat na beses ang produksyong Pranses, pero ang produksyon sa Alemanya ay tumaas ng pitong beses at ang produksyon sa Amerika sa 1913 ay labindalawang beses sa kanilang antas sa 1860. Lubusang binaliktad ng ganitong iba't-ibang tantos ng pag-unlad ang herarkiya ng kapangyarihang industriyal sa pagitan ng 1860 at 1913. Sa 1880, natalo ng USA ang Britanya bilang nangunguna sa pandaigdigang produksyon. Kasabay nito, nalagpasan ng Alemanya ang Pransya. Sa 1890 ang Britanya, nalagpasan ng Alemanya, ay nahulog sa ikatlong pwesto." (Fritz Sternberg, The Conflict of the Century). Kasabay nito, isa pang bansa ang umakyat sa antas ng modernong industriyal na kapangyarihan: ang Hapon at Rusya ay dumaan sa proseso ng napakabilis na industriyalisasyon, pero ito ay sinakal ng kapitalismong pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto. Ang kapasidad ng mas atrasadong mga bansa na makahabol sa ganitong paraan ay resulta ng sumusunod na mga salik: 1) Ang kanilang internal na merkado ay maraming mga posibilidad bilang labasan para umunlad ang industriyal na kapital. Ang pag-iral ng malawak at relatibong maunlad na di-pa-kapitalistang mga sektor (mga artisano, at higit sa lahat, ang agraryong sektor) ang bumubuo ng matabang lupa na mahalaga para sa paglago ng kapitalismo. 2) Ang paggamit nila ng proteksyunismo laban sa mas murang kalakal ng pinakamaunlad na mga bansa ay nagpahintulot sa kanila na pansamantalang mapreserba ang pamilihan para sa kanilang sariling pambansang produksyon sa loob ng kanilang prontera. 3) Sa pandaigdigang saklaw, umiiral pa ang malawak na ekstra-kapitalistang pamilihan, sa partikular sa kolonyal na mga bansa na nasa prosesong masakop. Tatanggapin ng mga ito ang ‘labis' na kalakal na ginawa sa industriyalisadong mga bansa. 4) Ang batas ng suplay at pangangailangan ay gumagalaw pabor sa tunay na pag-unlad ng di-masyado maunlad na mga bansa. Sa antas na, sa panahong ito, sa pandaigdigang antas, malaki ang pangangailangan kaysa suplay, ang presyo ng kalakal ay nakabatay sa mas mataas na gastusin sa produksyon, i.e. sa di-masyado maunlad na mga bansa. Nagawa ng kapital ng mga bansang ito na makakuha ng sapat na tubo para sa tunay na akumulasyon (habang ang pinakamaunlad na mga bansa ay kumuha ng super-tubo). 5) Sa pasulong na yugto, relatibong limitado ang gastusing militar at madaling mabayaran ng, at napagtubuan pa, ng maunlad na industriyalisadong mga bansa, sa partikular sa porma ng kolonyal na pananakop. 6) Sa ika-19 siglo, ang antas ng teknolohiya, bagama't kumakatawan ito ng konsiderableng pag-unlad kumpara sa nagdaang yugto, ay di nangangailangan ng napakalaking puhunan ng kapital. | Ang panahon ng dekadenteng kapitalismo ay kinatangian ng imposibilidad na lilitaw ang bagong industriyalisadong mga bansa. Ang mga bansa na hindi nakahabol dahil sa kawalan ng panahon bago ang Unang Digmaang Pandaigdig ay sa dakong huli huminto sa ganap na di-pag-unlad, o nanatiling permanenteng atrasado kumpara sa mga bansang nasa itaas ng kastilyong buhangin. Ito ang nangyari sa malalaking bansa tulad ng India o China, kung saan ang 'pambansang kalayaan' o kahit ang kanilang tinatawag na 'rebolusyon' (pagtatayo ng marahas na porma ng kapitalismo ng estado) ay hindi sila pinahintulutang kumalas sa kawalang kaunlaran o kahirapan. Kahit ang USSR ay hindi nakaligtas sa patakarang ito. Ang kahindik-hindik na mga sakripisyong pinataw sa mga magsasaka at higit sa lahat sa uring manggagawa sa Rusya; ang malakihang paggamit sa halos libreng lakas-paggawa sa mga bilangguan; pagpaplano ng estado at monopolyo sa kalakalang panlabas - ang huli ay pinakita ng mga Trotskysita bilang ‘dakilang tagumpay ng uring manggagawa' at palatandaan ng 'abolisyon ng kapitalismo'; ang sistematikong pang-ekonomiyang pandarambong sa pananggalang na mga bansa ng silangang Uropa - lahat ng mga hakbanging ito ay hindi sapat para makahabol ang USSR sa ganap na industriyalisadong mga bansa at palayain ang sarili sa mga pilat ng kawalang kaunlaran at pagkaatrasado (cf. ang artikulo sa krisis ng USSR sa isyung ito). Ang imposibilidad na lilitaw ang bagong malaking kapitalistang mga bahagi sa panahong ito ay makita din sa katotohanan na ang anim na pinakamalaking industriyal na kapangyarihan ngayon (USA, Hapon, Rusya, Alemanya, Pransya, Britanya) ay nasa tuktok na ng punog-kahoy (bagama't sa magkaibang pagkahanay) sa bisperas ng unang digmaang pandaigdig. Ang kawalang kapasidad ng di-maunlad na mga bansa na itaas ang sarili sa antas ng pinaka-maunlad na mga bansa ay maipaliwanag sa sumusunod na katotohanan: 1) Ang pamilihang kumakatawan sa ekstra-kapitalistang mga sektor sa industriyalisadong mga bansa ay lubusan ng nasaid dahil sa kapitalisasyon ng agrikultura at sa halos lubos na pagkawasak ng mga artisano. 2) Sa ika-20 siglo ang proteksyunistang mga patakaran ay isang lubos na kabiguan. Sa halip na magbigay-ginhawa sa di-masyadong maunlad na mga ekonomiya, sinasakal nila ang pambansang ekonomiya. 3) Said na ang ekstra-kapitalistang pamilihan sa pandaigdigang saklaw. Sa kabila ng napakalaking pangangailangan ng ikatlong daigdig, sa kabila ng kanyang lubusang kahirapan, ang mga ekonomiya na hindi nagawang maging industriyalisado ay hindi bumubuo ng isang pamilihan dahil ganap na itong nawasak. 4) Ang batas ng suplay at pangangailangan ay gumagalaw laban sa anumang pag-unlad ng bagong mga bansa. Sa mundo kung saan said na ang pamilihan, mas marami ang suplay kaysa pangangailangan at ang presyo ay nakabatay sa pinakamababang gastusin sa produksyon. Dahil dito, ang mga bansa na may pinakamataas na gastusin sa produksyon ay napilitang ibenta ang kanilang kalakal sa mababang tubo o kahit malugi. Tiniyak nito na napakababa ang kanilang tantos ng akumulasyon at, kahit pa sa napakamurang lakas-paggawa, hindi nila makuha ang puhunang kailangan para makabili ng modernong teknolohiya. Ang resulta nito ay ang look na naghiwalay sa kanila mula sa malaking industriyalisadong mga kapangyarihan ay lalo lamang lumalawak. 5) Sa mundo na naging permanente na ang digmaan, ang gastusing militar ay naging napakabigat na pasanin, kahit pa sa pinakamaunlad na mga bansa. Dinala nito ang mga di-maunlad na bansa sa ganap na pagkabangkarota. 6) Ngayon, ang modernong industriyal na produksyon ay nangangailangan ng walang katulad na mas sopistikadong teknolohiya kasya nagdaang siglo; nagkahulugan ito ng konsiderableng antas ng puhunan at tanging ang maunlad na mga bansa lamang ang may kakayahan nito. Kaya ang teknikal na mga salik ay istriktong nagpapalubha sa pang-ekonomiyang mga salik. |
Mga relasyon sa pagitan ng estado at sibil na lipunan | |
Sa pasulong na yugto ng kapitalismo, may malinaw na paghihiwalay sa pagitan ng pulitika - larangan na nakareserba para sa mga ispesyalista na politiko - at ekonomiya, na nanatiling nasa kontrol ng kapital at pribadong mga kapitalista. Sa panahong ito, ang estado, bagama't nasa itaas na ng lipunan, ay sa kalakhan dominado pa rin ng iba't-ibang grupo at paksyon ng kapital na pangunahing nagpahayag sa kanilang mga sarili sa lehislatibong bahagi ng estado. Malinaw na dominado pa rin ng lehislatura ang ehekutibo: ang parlyamentaryong sistema, representatibong demokrasya, ay mayroon pang realidad, at isang arena kung saan maaring magtagisan ang iba't-ibang grupo. Dahil ang tungkulin ng estado ay panatilihin ang panlipunang kaayusan para sa interes ng kapitalistang sistema sa kabuuan at sa pangmatagalan, maaring ito ang panggalingan ng ilang mga reporma para sa manggagawa at laban sa marahas na pagmamalabis ng pagsasamantala na kailangan ng di-maampat na gana ng pribadong mga kapitalista (cf. ang '10-Hours Bill' sa Britanya, mga batas na naglimite sa paggawa ng kabataan, atbp). | Ang panahon ng dekadenteng kapitalismo ay kinatangian ng pagkontrol ng estado sa lipunan. Dahil dito, ang lehislatura, na ang inisyal na tungkulin ay katawanin ang lipunan, ay nawalan ng anumang kabuluhan sa harap ng ehekutibo, na nasa tuktok ng piramide ng estado. Sa panahong ito, nagkaisa ang pulitika at ekonomiya: ang estado ang naging pangunahing pwersa sa pambansang ekonomiya, ang kanyang tunay na tagapangasiwa. Kung gradwal man na integrasyon (ang haluang ekonomiya) o sa pamamagitan ng biglaang kontrol (ang ganap na estadipikadong ekonomiya), ang estado ay hindi na delegasyon ng mga kapitalista at iba't-ibang mga grupo: ito ay naging kolektibong kapitalista, pinapailalim ang lahat ng partikular na mga grupo sa kanyang patakarang bakal. Ang estado, bilang na-realisang pagkakaisa ng pambansang kapital, ay pinagtanggol ang pambansang interes kapwa sa loob ng isang partikular na imperyalistang bloke at laban sa karibal na bloke. Dagdag pa, direkta itong nangasiwa para tiyakin ang pagsasamantala at supilin ang uring manggagawa. |
Digmaan | |
Sa ika-19 siglo, ang digmaan ay may tungkulin na tiyaking ang bawat kapitalistang bansa ay may kaisahan at teritoryal na ekstensyong kailangan para sa kanyang pag-unlad. Sa ganitong punto, sa kabila ng dala nitong mga kalamidad, ito ang panahon ng progresibong katangian ng kapital. Samakatwid, ang mga digmaan ay limitado sa dalawa o tatlong bansa at may sumusunod na katangian:
Totoo ito, halimbawa sa mga digmaang Franco-German, Austro-Italian, Austro-Prussian, at Crimean. Ang digmaang Franco-German ay tipikal ng ganitong klaseng digmaan:
Hinggil sa mga digmaang kolonyal, ang kanilang layunin ay manakop ng bagong pamilihan at mga reserbang hilaw na materyales. Sila ay resulta ng paligsahan ng kapitalistang mga bansa na tinulak ng kanilang pangangailangang magpalawak, para hatiin ang bagong mga rehiyon sa mundo. Sa gayon, bahagi sila ng pagpalawak ng buong kapitalismo, ng pandaigdigang produktibong mga pwersa. | Sa panahon na hindi na usapin ang pagtatayo ng bago, mabubuhay na mga bansa, nang ang pormal na kalayaan ng bagong mga bansa ay sa esensya resulta ng mga relasyon sa pagitan ng malalaking imperyalistang mga kapangyarihan, ang mga digmaan ay hindi na mula sa pang-ekonomiyang nesisidad sa pagpapaunlad ng produktibong mga pwersa, kundi sa esensya pulitikal ang dahilan: ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga bloke. Wala ng 'pambansang' mga digmaan gaya ng sa ika-19 siglo: sila ay mga imperyalistang digmaan. Hindi na sila para sa pagpapalawak ng kapitalistang moda ng produksyon, kundi ekspresyon ng imposibilidad ng kanyang ekspansyon. Hindi na sila naglalayong hatiin ang mundo, kundi muling hatiin ang daigdig sa sitwasyon na ang bloke ng mga bansa ay hindi na uunlad, kundi mapanatili lamang ang kanyang kapital sa direktang kapinsalaan ng karibal na bloke: ang ultimong resulta ay ang pagkawasak ng pandaigdigang kapital sa kabuuan. Naging pangkalahatan na ang mga digmaan ngayon sa buong daigdig at nagbunga ng napakaraming antas ng destruksyon para sa buong pandaigdigang ekonomiya, papunta sa pangkalahatang barbarismo. Gaya sa 1870, ang mga digmaan sa 1914 at 1939 sabong ng Pransya laban sa Alemanya, pero sapol agad ang mga pagkakaiba, at sa mga pagkakaibang ito makita ang pagbabago sa katangian ng mga digmaan mula sa ika-19 siglo hanggang sa ika-20 siglo:
|
Mga krisis | |
Sa mundo ng di-patas na pag-unlad, sa di-patas na internal na pamilihan, ang mga krisis ay tanda ng di-patas na pag-unlad ng produktibong mga pwersa sa iba't-ibang bansa at iba't-ibang sangay ng produksyon. Sila ay mga ekspresyon ng katotohanan na ang dating pamilihan ay nasaid at kailangan ang panibagong ekspansyon. Sa gayon, sila ay pasumpong-sumpong (kada 7-10 taon - ang panahon ng amortisasyon ng permanenteng kapital) at naresolba sa pagbubukas ng panibagong pamilihan. Kaya mayroon silang sumusunod na katangian: 1) Biglaan silang puputok, sa pangkalahatan matapos bumagsak ang stock-market; 2) Panandalian lang sila (1-3 taon para sa pinakamalaki); 3) Hindi sila kumalat sa lahat ng mga bansa. Sa gayon,
Pagkatapos nito, ang halinhinang industriyal ay kumalat sa lahat ng maunlad na mga bansa pero ganun pa man, nakaligtas ang Amerika sa resesyon sa 1900-1903 at Pransya sa resesyon sa 1907. Sa kabilang banda, ang krisis sa 1913, na nauwi sa unang pandaigdigang digmaan, ay tumama sa bawat bansa. 4) Hindi sila kumalat sa lahat ng sangay ng industriya. Kaya,
5) Nauwi sila sa panibagong yugto ng industriyal na pag-unlad (ang datos-ng-pag-unlad mula sa Sternberg sa itaas ay mahalaga sa puntong ito). 6) Hindi sila nagtulak ng kondisyon para sa isang pampulitikang krisis ng sistema, laluna para sa pagputok ng isang proletaryong rebolusyon. Sa huling puntong ito, bigyang diin natin ang pagkakamali ni Marx ng sinulat niya, matapos ang karanasan sa 1847-48, "Posible lamang ang panibagong rebolusyon matapos ang panibagong krisis. Pero pareho sila na hindi mapigilan" (Neue Rheinische Zeitung, 1850). Ang kanyang pagkakamali ay hindi ang pagkilala sa nesisidad ng isang krisis para maging posible ang rebolusyon, ni ang pahayag na may kasunod na panibagong krisis (ang krisis sa 1857 ay mas marahas pa kaysa 1847), kundi ang ideya na ang mga krisis sa panahong ito ay isa ng mortal na mga krisis ng sistema. Kalaunan, malinaw na itinuwid ang kamaliang ito ni Marx, at dahil alam niya na ang obhetibong kondisyon para sa rebolusyon ay hindi pa hinog tinuligsa niya ang mga anarkista sa loob ng International Workingmen's Association, dahil nais ng huli na lagpasan ang kailangang mga yugto. Sa magkatulad na dahilan, sa 9 Septyembre 1870, binalaan niya ang mga manggagawa sa Paris laban sa "anumang pagtatangka na ibagsak ang bagong gobyerno... na isang desperadong kahibangan" (Second Address of the General Council of the IWA on the Franco-German War). Ngayon, dapat kang maging anarkista o Bordigista para isipin na 'ang rebolusyon ay posible anumang oras' o ang materyal na kondisyon para sa rebolusyon ay umiral na sa 1848 o 1871. | Magmula sa pagpasok sa ika-20 siglo, ang pamilihan ay napag-isa at internasyunal na. Nawalan na ng kabuluhan ang internal na pamilihan (pangunahin dahil sa pagkawasak ng di-pa-kapitalistang mga sektor). Sa ganitong kondisyon, ang mga krisis ay manipestasyon, hindi sa pamilihan na temporaryong napakakipot, kundi ang kawalan ng posibilidad sa pandaigdigang ekspansyon ng pamilihan. Kaya pangkalahatan at permanente ang katangian ng mga krisis ngayon. Ang partikular na mga relasyon ng ekonomiya ay hindi na nakabatay sa relasyon sa pagitan ng produktibong kapasidad at hugis ng pamilihan sa takdang panahon, kundi sa esensya sa pampulitikang mga dahilan: ang halinhinan ng digmaan-destruksyon-rekonstruksyon-krisis. Sa ganitong konteksto, hindi na sa problema ng amortisasyon ng kapital nakabatay ang tagal ng mga yugto ng ekonomikong pag-unlad, kundi, sa mataas na antas, sa antas ng pagkasira ng nagdaang digmaan. Sa gayon maunawaan natin na ang tagal ng ekspansyon batay sa rekonstruksyon ay dalawang beses ang tagal (17 taon) matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig kaysa una (7 taon). Kaiba sa ika-16 siglo, na kinatangian ng 'laisser-faire', ang lawak ng resesyon sa ika-20 siglo ay nilimitahan sa pamamagitan ng artipisyal na mga hakbangin na pinatupad ng estado at ng kanyang mga institusyon sa pananaliksik, mga hakbanging naglalayong maantala ang pangkalahatang krisis. Ito ay aplikable sa lokalisadong mga digmaan, ang pag-unlad ng produksyon ng armas at ng ekonomiya ng digmaan, ang sistematikong pag-imprinta ng pera at pagbenta ng mga kredito, pangkalahatang pagkalubog sa utang - ang kabuuang lawak ng pampulitikang mga hakbangin na nagsisikap kumalas sa istriktong ekonomikong galaw ng kapitalismo. Sa ganitong konteksto, ang mga krisis ng ika-20 siglo ay may sumusunod na katangian: 1) Hindi sila biglaang pumutok kundi umunlad sa progresibong paraan. Sa ganitong punto, sa simula ang krisis sa 1929 ay nagpakita ng ilang katangian sa mga krisis ng nagdaang siglo (biglaang pagbagsak matapos ang pagbagsak ng stock- market). Ito ay resulta hindi masyado sa ekonomikong kondisyon katulad sa nakaraan, kundi sa pagiging atrasado ng pampulitikang mga institusyon ng kapital, ang kanilang kawalan ng kapasidad na makahabol sa bagong ekonomikong kalagayan. Subalit kalaunan, ang malakihang interbensyon ng estado (ang New Deal sa USA, produksyon ng digmaan sa Alemanya, atbp...) ay nagpalawak sa mga epekto ng krisis ng isang dekada. 2) Nang magsimula na sila, magtagal sila sa mataas na panahon. Kaya, habang ang relasyon ng resesyon at prosperidad ay 1:4 sa ika-19 siglo (2 taon na krisis sa halinhinan na 10 taon), ang relasyon ng taas ng depresyon at taas ng pagbangon ay 2:1 sa ika-20 siglo. Sa pagitan ng 1914 at 1980, mayroong 10 taong pangkalahatang digmaan (hindi kasama ang permaneneteng lokalisadong mga digmaan), 32 taong depresyon (1918-22, 1929-39, 1945-50, 1967-80): kabuuang 42 taon na digmaan at krisis, laban sa 24 taon lang na rekonstruksyon (1922-29 at 1950-67). At ang halinhinan ng krisis ay hindi pa tapos... Datapwa't sa ika-19 siglo ang ekonomikong makinarya ay muling pinaandar ng kanyang sariling pwersa pagkatapos ng krisis, ang mga krisis sa ika-20 siglo ay, mula sa punto-de-bista ng kapitalista, ay walang ibang solusyon kundi pangkalahatang digmaan. Ang mga krisis na ito ay ang nalalapit na kamatayan ng sistema. Tumindig sila, para sa proletaryado, sa pangangailangan at posibilidad ng komunistang rebolusyon. Ang ika-20 siglo ay "panahon ng mga digmaan at rebolusyon" tulad ng sinabi ng Komunistang Internasyunal sa kanyang kongreso ng pagtatatag. |
Makauring pakikibaka | |
Ang mga porma ng makauring pakikibaka sa ika-19 siglo ay binatay kapwa sa mga katangian ng kapital sa panahong ito at sa katangian mismo ng uring manggagawa. 1) Ang kapital sa ika-19 siglo ay kalat-kalat pa sa napakaraming mga kapital: halos di umiral ang mga paktorya na may mahigit 100 manggagawa, mas komon ang mga empresang semi-artisano. Sa ikalawang hati lamang sa ika-19 siglo na nakita natin, sa paglitaw ng perokaril, ang malakihang introduksyon ng makinarya, ang pagdami ng mga minahan, ang pag-unlad ng malakihang industriyang alam natin ngayon. 2) Sa ganitong kondisyon, nangyari ang kompetisyon sa pagitan ng malaking bilang ng mga kapitalista. 3) Dagdag pa, hindi pa maunlad ang teknolohiya. Isang di-sanay na pwersang paggawa, pangunahin galing sa kanayunan, ang bumubuo sa unang mga henerasyon ng manggagawa. Ang pinaka-kwalipikadong mga manggagawa ay ang mga artisano. 4) Ang pagsasamantala ay nakabatay sa absolutong labis na halaga: mataas na araw-paggawa, napakababang sahod. 5) Bawat kapitalista, bawat paktorya, ay direkta at hiwalay na hinarap ang pinagsamantalahang mga manggagawa. Walang organisadong pagkakaisa ng mga kapitalista: sa ikatlong kwarto lamang ng siglo lumitaw ang unyon ng mga kapitalista. Sa hiwa-hiwalay na bangayang ito, bihirang hindi mag-isip ang mga kapitalista sa kahirapan ng karibal na paktoryang natamaan ng industriyal na kaguluhan - samantalahin ang sitwasyon para maagaw ang mga kliyente ng karibal. 6) Ang estado, sa pangkalahatan, nanatiling nasa labas ng mga kaguluhang ito. Papasok lamang ito kung ang kaguluhan ay naging ‘banta sa pampublikong kaayusan'. Sa uring manggagawa naman, maobserbahan natin ang sumusunod na katangian: 1) Tulad ng kapital, ito ay kalat-kalat. Ito ay uri na binubuo pa lang. Ang kanyang pinaka-militanteng sektor ay masyadong natali sa gawaing artisano at kaya malakas ang impluwensya ng korporatismo. 2) Sa pamilihang paggawa, ang batas ng suplay at pangangailangan ay direkta at lubusang gumagalaw. Sa panahon lamang ng mga yugto ng mabilisang ekspansyon ng produksyon, na nagbunga ng kakulangan ng mga manggagawa, ay epektibong malabanan ng mga manggagawa ang panghimasok ng kapital at makakuha ng substansyal na kagalingan sa sahod at kalagayan sa paggawa. Sa mga panahon ng pagsadsad, nawalan ng lakas ang mga manggagawa, nademoralisa at pinalampas ang ilan sa mga pakinabang na kanilang napanalunan. Ang ekspresyon ng ganitong penomenon ay ang katotohanan na ang pundasyon ng Una at Ikalawang mga Internasyunal - na nakitaan ng mataas na militansya ng uri - ay nangyari sa mga panahon ng ekonomikong kasaganaan (1864 sa IWA, 3 taon bago ang krisis sa 1867, 1889 sa Sosyalistang Internasyunal, sa bisperas ng krisis sa 1890-93). 3) Sa ika-19 siglo, ang emigrasyon ay isang solusyon sa kawalan ng trabaho at teribleng kahirapan na tumama sa proletaryado sa panahon ng halinhinang krisis. Ang posibilidad para sa importanteng mga sektor ng uri na pumunta sa bagong mundo kung ang kalagayan ng pamumuhay ay hindi na talaga kaya sa mga sentro ng kapital sa Uropa ang salik na pumigil sa halinhinang mga krisis na hahantong sa eksplosibong sitwasyon tulad ng Hunyo 1848. 4) Ang ganitong partikular na kondisyon ang nagtulak sa mga manggagawa na lumikha ng mga organisasyon para sa pang-ekonomiyang paglaban: ang mga unyon, na nagkahugis lamang sa lokal, propesyunal, ay limitado sa minorya ng mga manggagawa. Ang pangunahing porma ng pakikibaka - ang welga - ay partikularisado at pinaghandaan ng matagal, sa pangkalahatan ay naghihintay ng panahon ng kasaganaan bago harapin ang ganito o ganung sangay ng kapital, o kahit ang isang paktorya. Sa kabila ng mga ganitong limitasyon, ang mga unyon ay tunay pa rin na mga organo ng uring manggagawa, mahalaga hindi lang sa pang-ekonomiyang pakikibaka laban sa kapital, kundi bilang sentro ng buhay ng uri, paaralan ng pagkakaisa kung saan maunawaan ng mga manggagawa na bahagi sila sa komon na adhikain, bilang mga 'paaralan ng komunismo', kung gamitin ang salita ni Marx, na bukas sa rebolusyonaryong propaganda. 5) Sa ika-19 siglo, sa pangkalahatan ang mga welga ay matagal matapos; isa ito sa mga kondisyon ng kanilang epektibidad. Pinilit nila ang mga manggagawa n sumugal sa gutom; kaya kailangan na ihanda ang suportang pondo, ang 'caisses de resistance', at ang apela sa pinansyal na suporta mula sa ibang mga manggagawa. Ang katotohanan na ang ibang mga manggagawa ay nagtrabaho ay maaring positibong salik para sa mga manggagawa na nagwelga (sa pamamagitan ng pagbanta sa pamilihan ng kapitalistang sangkot sa kaguluhan, halimbawa). 6) Sa mga kondisyong ito, ang usaping pinansyal, materyal, pagtatayo ng organisasyon ay napakahalaga para maging epektibo ang pakikibaka ng mga manggagawa. Kadalasan prayoridad ang usaping ito kaysa tunay na pakinabang na posibleng maipanalo, at naging layunin na mismo (tulad ng pagbigay diin ni Marx, bilang sagot sa burgesya na hindi naintindihan bakit ang mga manggagawa ay maglaan ng mas malaking pera sa kanilang organisasyon kaysa maipanalo ng organisasyon sa kapital). | Ang makauring pakikibaka sa dekadenteng kapitalismo, sa punto-de-bista ng kapital, ay batay sa sumusunod na mga katangian: 1) Inabot ng kapital ang mataas na antas ng konsentrasyon at sentralisasyon. 2) Kumpara sa ika-19 siglo mahina ang kompetisyon sa punto-de-bista ng dami, pero mas matindi. 3) Mas maunlad ang teknolohiya. Mas kwalipikado ang pwersang paggawa: ang pinakasimpleng mga tungkulin ay ginagawa ng mga makina. May tuloy-tuloy na henerasyon ng uring manggagawa: maliit na bahagi lamang ng uri ang nagmula sa kanayunan, ang mayorya ay mga anak ng manggagawa. 4) Ang pangunahing batayan ng pagsasamantala ay pagkuha ng relatibong labis na halaga (pagpapabilis at pagpalaki ng produktibidad). 5) Laban sa uring manggagawa, mas mataas ang antas ng pagkakaisa at pagbubuklod ng mga kapitalista kaysa noon. Lumikha ang mga kapitalista ng ispisipikong mga organisasyon para hindi nila harapin ang uring manggagawa ng paisa-isa. 6) Direktang nanghimasok ang estado sa panlipunang labanan bilang kapitalista mismo o bilang ‘tagapamagitan', i.e. isang elemento ng kontrol kapwa sa antas ng pang-ekonomiya at pampulitikang labanan, para makontrol ang mga labanan sa loob ng ‘katanggap-tanggap' na mga hangganan, o para supilin sila. Mula sa punto-de-bista ng manggagawa, makilala natin ang sumusunod na katangian: 1) Ang uring manggagawa ay nagkakaisa at kwalipikado sa intelektwal na antas. Malayo na ang kaugnayan nito sa gawaing artisano. Ang mga sentro ng militansya ay makita sa malalaking modernong mga paktorya at ang pangkalahatang tendensya na lalagpas ang pakikibaka sa korporatismo. 2) Kaiba sa nagdaang panahon, ang malalaking mapagpasyang pakikibaka ay pumutok at umunlad nang ang lipunan ay nasa krisis (ang mga rebolusyon sa 1905 at 1917 sa Rusya ay lumitaw sa panahon ng matinding krisis bilang digmaan; ang dakilang internasyunal na alon sa pagitan ng 1917 at 1923 ay nangyari sa panahon ng mga kombulsyon - unang digmaan, pagkatapos ng pang-ekonomiyang krisis - naglaho lamang sa pang-ekonomiyang pagbangon ng rekonstruksyon). Kaya, kaiba sa dalawang nagdaang Internasyunal, ang Komunistang Internasyunal ay itinatag, sa 1919, sa panahon na napakatindi ang krisis, na nagbunga ng makapangyarihang pagsulong ng makauring militansya. 3) Ang penomena ng ekonomikong emigrasyon sa ika-20 siglo, laluna matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay hindi, sa kanilang pinagmulan man o sa kanilang implikasyon, makumpara sa malalaking alon ng emigrasyon sa nagdaang siglo. Pinakita nila hindi ang istorikong ekspansyon ng kapital papunta sa bagong mga teritoryo, kundi ang imposibilidad ng pang-ekonomiyang pag-unlad sa dating mga kolonya; ang mga manggagawa at magsasaka sa mga dating kolonya ay napilitang umalis mula sa kanilang kahirapan papunta sa mga sentrong kapitalistang bansa kung saan iniwanan ng mga manggagawa sa nakaraan. Hindi sila nagbibigay ginhawa kung ang sistema ay pumasok na sa malalang krisis. Nang matapos ang rekonstruksyon, hindi na sagot ang emigrasyon sa problema ng kawalan ng trabaho, na tumama sa maunlad na mga bansa gaya ng nangyari sa di-maunlad na mga bansa sa nakaraan. Pinilit ng krisis ang uring manggagawa na sumandal sa pader at wala ng daan para makatakas. 4) Ang imposibilidad ng matagalang kagalingan na napanalunan ng uring manggagawa ay katumbas ng imposibilidad na panatilihin ang ispisipiko, permanenteng mga organisasyon batay sa pagtatanggol sa kanyang pang-ekonomiyang interes. Nawala na sa mga unyon ang tungkulin kung saan sila nilikha. Hindi na sila mga organo ng uri, at lalunang hindi na mga 'paaralan ng Komunismo', muli silang pinalakas ng kapital at isinanib sa estado, isang penomenong pinadali ng pangkalahatang tendensya ng estado na kontrolin ang buong lipunan. 5) Ang proletaryong pakikibaka ay nilagpasan ang istriktong ekonomikong kategorya at naging isang panlipunang pakikibaka, direktang kinumpronta ang etsado, naging pulitikal mismo at nangangailangan ng partisipasyon ng buong uri. Ito ang binigyang diin ni Rosa Luxemburg matapos ang unang rebolusyon sa Rusya, sa kanyang pampletong Mass Strike. Ganun din ang ideya na nasa pormula ni Lenin: "Sa likod ng bawat welga nakatago ang hydra ng rebolusyon". 6) Ang tipo ng pakikibaka na nangyari sa panahon ng pagbulusok-pababa ay hindi maaring paghandaan sa organisasyunal na antas. Ang mga pakikibaka ay ispontanyong puputok at kakalat. Mas nangyayari sila sa lokal, teritoryal na antas kaysa antas propesyunal; ang kanilang ebolusyon ay pahalang sa halip na patindig. Ito ang mga katangian na mangyayari sa rebolusyonaryong komprontasyon, kung saan hindi lang propesyunal na kategorya o mga manggagawa sa ganito o ganung mga manggagawa ang kumikilos kundi ang uring manggagawa sa kabuuan sa lawak ng isang geo-pulitikal na bahagi (ang probinsya, ang bansa). Magkahalintulad, hindi na maaring maunang paghandaan ng uring manggagawa ang materyal na mga pangangailangan ng pakikibaka. Sa pagkakaorganisa ng kapitalismo ngayon, ang tagal ng welga ay sa pangkalahatan hindi na epektibong sandata (ang buong mga kapitalista ay maaring tulungan ang apektado). Sa ganitong punto, ang tagumpay ng isang welga ay hindi na nakaasa sa pinansyal na pondong nakolekta mula sa mga manggagawa, kundi ang mahalaga ay ang kanilang kakayahang palawakin ang pakikibaka: ang paglawak lamang nito ang magbibigay banta sa buong pambansang kapital. Sa kasalukuyang yugto, ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa pakikibaka ay hindi na usapin ng pinansyal na suporta mula sa ibang mga sektor ng mga manggagawa (ito ay artipisyal na pagkakaisa na madaling dadalhin ng mga unyon para ilihis ang mga manggagawa mula sa kanilang tunay na paraan ng pakikibaka). Ang mahalaga ay ang ibang mga sektor ay sasama sa pakikibaka. 7) Gaya ng ang organisasyon ng pakikibaka ay hindi mauuna sa pakikibaka kundi lilitaw mula dito, ganun din ang pagtatanggol-sa-sarili ng mga manggagawa, ang pag-armas sa proletaryado ay hindi maaring maunang paghandaan sa pamamagitan ng pagtago ng ilang armas sa mga kisame, tulad gaya ng iniisip ng mga grupong tulad ng Groupe Communiste International. Ito ay mga yugto ng proseso na hindi maabot kung hindi matapos ang nauunang mga yugto. |
Papel ng rebolusyonaryong organisasyon | |
Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo na nilikha ng uri at ng kanyang mga pakikibaka, ay isang minoryang organisasyon na binuo batay sa isang programa. Ang kanyang mga tungkulin ay:
Kaugnay sa panghuling punto, sa ika-19 siglo ang rebolusyonaryong organisasyon ay may tungkuling simulan at organisahin ang nagkakaisang pang-ekonomiyang mga organo ng uri, sa batayan ng isang depinidong umuusbong na antas ng organisasyon na nilikha sa nagdaang mga pakikibaka. Dahil sa tungkuling ito, at sa konteksto ng yugto - ang posibilidad ng mga reporma at ang tendensya ng paglaganap ng repormistang mga ilusyon sa loob ng uri - ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo (ang mga partido ng Ikalawang Internasyunal) ay nahawa mismo sa repormismo, kung saan ipinagpalit ang ultimong rebolusyonaryong layunin sa kagyat na mga reporma. Nauwi ito sa pangangasiwa at pagpapaunlad sa pang-ekonomiyang mga organisasyon (mga unyon) bilang halos nag-iisang tungkulin (nakilala ito bilang ekonomismo). Minorya lamang sa loob ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang tumutol sa ganitong ebolusyon at pinagtanggol ang integridad ng istorikong programa ng sosyalistang rebolusyon. Subalit, kasabay nito, isang bahagi ng minoryang ito, bilang reaksyon sa pag-unlad ng repormismo, ay nagpaunlad ng pananaw na salungat sa proletaryado. Ayon sa ganitong pananaw, ang partido lamang ang pinagmulan ng kamulatan, ang may-ari ng yari na na programa; sinunod ang iskema ng burgesya at ng kanyang mga partido, pinaniwalaan na ang tungkulin ng partido ay ‘representante' ng uri na may karapatan na magdesisyon para sa uri, laluna ang pag-agaw ng kapangyarihan. Ang ganitong pananaw, na tinatawag natin na halili-ismo, bagama't nahawa ang mayorya ng rebolusyonaryong kaliwa sa loob ng Ikalawang Internasyunal, ay may pangunahing teoretisyan na si Lenin (What is To Be Done? at One Step Forward, Two Steps Back). | Sa panahon ng pagbulusok-pababa, inalagaan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang pangkalahatang katangian sa nagdaang yugto, na may dagdag na salik na ang pagtatanggol ng proletaryado sa kanyang kagyat na interes ay hindi na hiwalay sa ultimong layunin na ngayon ay nakalagay na sa istorikal agenda. Sa kabilang banda, dahil sa huling punto, hindi na papel nito na organisahin ang uri: ito ay gawain mismo ng uri sa pakikibaka, patungo sa panibagong tipo ng organisasyon na kapwa ekonomiko - isang organisasyon sa kagyat na paglaban at pagtatanggol - at pulitikal, binibihasa ang sarili tungo sa pag-agaw ng kapangyarihan. Ang ganitong tipo ng organisasyon ay ang mga konseho ng manggagawa. Tanging sa paghawak sa lumang islogan ng kilusang manggagawa: "ang kalayaan ng mga manggagawa ay tungkulin ng mga manggagawa mismo", malabanan ng rebolusyonaryong organisasyon ang lahat ng halili-istang pananaw bilang batayan ng burges na pananaw sa rebolusyon. Bilang organisasyon, hindi tungkulin ng rebolusyonaryong minorya na gumawa ng isang plataporma ng kagyat na mga kahilingan para maunang pakilusin ang uri. Sa kabilang banda kailangang ipakita nito na siya ang pinaka-determinadong kalahok sa pakikibaka, ipaliwanag ang pangkalahatang oryentasyon ng pakikibaka at kondenahin ang mga ahente at ideolohiya ng burgesya sa loob ng uri. Sa panahon ng pakikibaka diinan nito ang pagpalawak, ang tanging daan tungo sa hindi maiwasang pagrurok ng kilusan: ang rebolusyon. Hindi ito tagamasid o tagadala ng tubig. Ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay naglalayong pasiglahin ang paglitaw ng mga sirkulo o grupo ng manggagawa at lumahok sa loob nito. Para magawa ito, kailangang kilalanin na sila ay temporaryo, di-pa hinog na mga porma, kung saan, sa kawalan ng anumang posibilidad na likhain ang mga unyon, ay tugon sa tunay na pangangailangan ng uri para sa muling pag-organisa at diskusyon habang hindi pa handa ang proletaryado na likhain ang kanyang ganap-na-porma na nagkakaisang organo, ang mga konseho. Batay sa katangian ng mga sirkulong ito, kailangang labanan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang anumang pagtatangkang itayo sa artipisyal na paraan, laban sa anumang ideya na gawin silang tulay-ng-transmisyon ng mga partido, laban sa anumang pananaw na sila ay binhi ng mga konseho o iba pang politiko-ekonomikong mga organo. Ang lahat ng ganitong pananaw ay makaparalisa lamang sa pag-unlad ng proseso sa pagkahinog ng makauring kamulatan at sa nagkakaisang sariling organisasyon. May kabuluhan lang ang mga sirkulong ito, magampanan lamang ang kanilang importanteng transisyunal na tungkulin, kung iwasan nilang gumawa ng di-luto na mga plataporma, kung manatili silang isang pulungan na bukas sa lahat ng manggagawa na interesado sa mga problemang kinaharap ng kanilang uri. Panghuli, sa napakabihirang sitwasyon kung saan ay nagkawatak-watak ang mga rebolusyonaryo, kasunod ng yugto ng kontra-rebolusyon na nagpabigat sa proletaryado sa loob ng kalahating siglo, ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay may tungkuling aktibong kumilos sa pagpapaunlad ng isang pampulitikang kapaligiran sa internasyunal na antas, sa pagpapasigla ng mga debate at diskusyon na bubukas sa proseso tungo sa pagtatayo ng internasyunal na partido ng uri. |
Ang pinakamalalim na kontra-rebolusyon sa kasaysayan ng kilusang manggagawa ay isang teribleng pagsubok para sa organisasyon ng mga rebolusyonaryo mismo. Ang nakaligtas lamang na mga tunguhin ay yaong, sa harap ng bagyo at tentasyon, nakaalam paano i-preserba ang pundamental na mga prinsipyo ng komunistang programa. Sa kabilang banda ang aktitud na ganito, na napakahalaga, ang ganitong kawalang tiwala sa lahat ng mga ‘bagong pananaw' sa pangkalahatan, ay naging behikulo para iwanan ang makauring tereyn sa ilalim ng matagaumpay na burges na ideolohiya - ang naturang mga aktitud ay nakaapekto para mapigilan ang mga rebolusyonaryo na maintindihan ang lahat ng mga implikasyon sa mga pagbabagong naganap sa buhay ng kapital at sa pakikibaka ng uring manggaga. Ang pinakamalaking misrepresentasyon ng ganitong penomenon ay ang pananaw na ang makauring mga posisyon ay ‘hindi nagbabago', na ang komunistang programa, na diumano lumitaw ng ‘buong-buo' sa 1848, ay ‘hindi kailangang baguhin ang tuldok o kuwit'.
Habang kailangang palaging magbantay laban sa mga modernistang pananaw na kadalasan ay walang ginawa kundi ipalaganap ang lumang kagamitan sa panibagong pakete, ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay kailangan, kung nais nitong magampanan ang mga tungkuling iniatang sa kanya ng uri, ay ipakita ang sarili na may kapasidad na maunawaan ang mga pagbabago sa buhay ng lipunan at ang mga implikasyon nito sa pagkilos ng uri at sa kanyang komunistang taliba.
Ngayon na ang lahat ng mga bansa ay nagpapakita na reaksyonaryo, ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo ay kailangang labanan ang anumang ideya na suportahan ang tinatawag na mga kilusan para sa ‘pambansang kalayaan'. Ngayon na ang lahat ng mga digmaan ay may imperyalistang katangian, kailangang kondenahin nito ang anumang ideya sa partisipasyon sa mga digmaan ngayon, sa anumang kadahilanan. Ngayon na ang lipunang sibil ay nasanib na sa estado, ngayon na ang kapitalismo ay hindi na makabigay ng anumang tunay na mga reporma, kailangang labanan nito ang anumang partisipasyon sa parlyamento at moro-morong eleksyon.
Sa lahat ng panibagong pang-ekonomiya, panlipunan, at pampulitikang mga kondisyon na kinaharap ng makauring pakikibaka ngayon, kailangang labanan ng organisasyon ng mga rebolusyonaryo ang anumang ilusyon sa uri hinggil sa muling pagbubuhay sa organisasyon na hadlang na sa pakikibaka - ang mga unyon. Kailangang igiit nito ang mga paraan ng pakikibaka at porma ng organisasyon na lumitaw sa karanasan ng uri sa panahon ng unang rebolusyonaryong alon sa siglong ito: ang pangmasang welga, ang mga pangkalahatang asembliya, ang pagkakaisa ng pulitikal at ekonomiko, ang mga konseho ng manggagawa.
Panghuli, kung tunay siyang gagampan ng kanyang papel sa pagpasigla ng pakikibaka, sa pagbibigay oryentasyon nito tungo sa kanyang rebolusyonaryong kongklusyon, kailangang bitawan ng komunistang organisasyon ang mga tungkuling hindi na para sa kanya - ang mga tungkuling ‘organisahin' o ‘katawanin' ang uri.
Ang mga rebolusyonaryong nagkukunwari na ‘walang nagbago magmula sa nakaraang siglo'tila nais ang proletaryado ay maging tulad ni Babine, isang tauhan sa kwento ni Tolstoy. Bawat bagong makasalubong ni Babine, uulitin niya sa kanila ang kanyang sinabi sa huling taong nakasalubong niya. Kaya binubugbog siya sa maraming pagkakataon. Sa mananampalataya sa simbahan, ginamit niya ang mga salita para sa Dimonyo; nagsasalita siya sa uso na parang nakipag-usap siya sa isang ermitanyo. At ang walang swerteng si Babine ay binayaran ang kanyang kagaguhan ng kanyang buhay.
Ang kahulugan ng mga posisyon at papel ng mga rebolusyonaryo na sinasabi natin dito ay hindi ‘pag-iwan' o ‘rebisyon' sa marxismo. Kabaliktaran, nakabatay ito sa tunay na pagiging tapat sa esensya ng marxismo. Ang kapasidad na ito sa pag-unawa - laban sa mga ideya ng mga Menshevik - sa bagong mga kondisyon sa pakikibaka at ng kanilang implikasyon sa programa ang dahilan na aktibo at mapagpasyang nakaambag si Lenin at ang mga Bolsheviks sa rebolusyong Oktubre sa 1917.
Ganun din ang rebolusyonaryong paninindigan ni Rosa Luxemburg ng sumulat siya sa 1906 laban sa ‘tradisyunal' na mga elemento sa kanyang partido:
"Kung, bilang resulta, kailangang pundemental na rebisahin ng rebolusyong Ruso ang lumang paninindigan ng marxismo sa usapin ng pangmasang welga, ang marxismo pa rin batay sa kanyang pangkalahatang metodolohiya at punto-de-bista dahil doon, sa panibagong porma, ang nagtamasa sa tagumpay." (The Mass Strike)
1. Mula nang matalo ang dakilang internasyonal na rebolusyonaryong kilusan ng internasyonal na rebolusyonaryong daluyong sa kalagitnaan ng 1920s, walang ni-isang termino na mas binaliktad o inabuso kaysa yaong sa sosyalismo, komunismo at marxismo. Ang ideya na ang mga Stalinistang rehimen ng dating Eastern Bloc, o mga bansang tulad ng China, Cuba at North Korea ngayon, ay mga ekspresyon ng komunismo o marxismo ay tunay na malaking kasinungalingan sa ika-20 siglo, na sinadyang pinanatili ng lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri mula sa dulong kanan hanggang sa dulong kaliwa. Sa panahon ng imperyalistang pandaigdigang gera sa 1939-45, ang katha-kathang "depensahan ang sosyalistang amang bayan" ay ginamit, kasama ang "anti-pasismo" at ang "depensahan ang demokrasya", para mobilisahin ang manggagawa kapwa sa loob at labas ng Rusya para sa pinakamalaking patayan sa kasaysayan ng sangkatauhan.
Sa panahon mula 1945-89, kung saan nangibabaw ang tunggalian sa pagitan ng dalawang imperyalistang bloke sa ilalim ng dalawang magkatunggaling kampo na pinamunuan ng Amerika at Rusya, ang kasinungalingan ay mas malawak na ginamit: sa silangan, para bigyang katwiran ang mga ambisyon ng Rusong kapital; sa kanluran, kapwa bilang ideolohikal na takip para sa imperyalistang tunggalian ("depensahan ang demokrasya laban sa totalitaryanismong sobyet") at bilang instrumento upang lasunin ang kamulatan ng uring manggagawa: itinuturo ang mga labor camps sa Rusya upang igiit sa sariling bayan ang mensahe-- kung 'yan ay sosyalismo, hindi ba dapat kapitalismo ang piliin mo, kahit pa man sa mga pagkakamali at mga pagkukulang nito? At ang paksang ito ay lalo pang kumalat at pinatingkad nang gumuho ang Bloke sa Silangan na di-umano ay nagkahulugan ng "kamatayan ng komunismo", "pagkabangkaruta ng marxismo", at maging katapusan na mismo ng uring manggagawa. Ang karagdagang laman sa gilingan ng burgesya ay mula sa "dulong" kaliwa ng kapitalismo, mga Trotskyista sa partikular--kahit pa man sa kanilang kritikal na pagtingin sa mga "burukratikong depormasyon" nito, na patuloy na kumikilala sa makauring pundasyon ng Stalinistang edipisyo.
2. Itong gabundok na tambak ng ideolohikal na pambabaluktot ay nagsilbi din para ikubli ang tunay na karugtong at tuloy-tuloy na pag-unlad ng marxismo sa ika-20 siglo. Ang mga pekeng tagapagtanggol ng marxismo -- mga Stalinista, Trotskyista, lahat ng klase ng "marxolohista", makabago at pilosopo -- ang nangingibabaw sa mata ng publiko, habang ang totoong mga tagapagtanggol ay naglaho sa mga sulok, tinaboy bilang walang kabuluhan na mga sekta at higit pa, bilang mga tira mula sa naglahong daigdig, na lalo pang sinusupil at pinatatahimik. Para muling buuin ang tunay na karugtong ng marxismo sa siglong ito, samakatwid, kailangang simulan sa kahulugan kung ano ang marxismo. Mula sa unang mga deklarasyon sa Manipesto ng Komunista sa 1848, ipinapaliwanag ng marxismo ang kanyang sarili hindi bilang produkto ng nabubukod na mga "palaisip" na henyo, kundi bilang teoritikal na ekspresyon ng totoo at buhay na kilusan ng proletaryado.
Kaya, ito ay walang iba kundi teorya ng pakikibaka at paglaban--isang teoryang patutunayan ang kanyang pagtindig sa adhikain ng pinagsamantalahang uri sa pamamagitan ng matatag na pagtatanggol sa kagyat at makasaysayang mga interes ng manggagawa. Sa pagtatanggol nito, habang nakabatay sa kapasidad na manatiling tapat sa pundamental at hindi mababagong mga prinsipyo tulad ng proletaryong internasyonalismo, ay kinakailangan din ang patuloy na pagpapayaman sa marxistang teorya sa tuwiran at buhay na ugnayan sa karanasan ng uring manggagawa. Dagdag pa, bilang produkto ng uri na naglalarawan sa kolektibong pagkilos at pakikibaka, ang marxismo mismo ay mapaunlad lamang sa pamamagitan ng organisadong kolektibidad -- sa pamamagitan ng mga rebolusyonaryong praksyon at partido. Kaya ang Manipesto ng Komunista ay lumitaw bilang programa ng unang marxistang organisasyon sa kasaysayan -- ang Liga Komunista.
3. Sa ika-19 siglo, nang ang kapitalismo ay lumalawak pa, isang sistema na nasa kanyang pasulong na yugto, hindi masyadong kinakailangan ng burgesya na itago ang mapagsamantalang kalikasan ng kanyang paghari sa pamamagitan ng pagkukunwari na ang itim ay puti at ang kapitalismo ay tunay na sosyalismo. Ang ideolohikal na pambabaluktot sa ganitong tipo ay higit sa lahat tipikal na makikita sa makasaysayang pagbulusok pababa ng kapitalismo, at pinakamalinaw na pinakita sa mga pagsisikap ng burgesya na gamitin mismo ang "marxismo" bilang instrumento ng mistipikasyon. Subalit kahit sa pasulong na yugto ng kapitalismo, ang walang awang panggigipit ng dominanteng ideolohiya ay kadalasan nagkahugis sa maling mga bersyon ng sosyalismo na ipinuslit sa loob ng kilusang manggagawa. Dahil dito, naobliga ang Manipesto ng Komunista na pag-ibahin ang sarili mula sa "pyudal", "burges" at "peti-burges" na sosyalismo, at ang marxistang praksyon sa loob ng Unang Internasyonal ay nakibaka sa dalawahang pakikidigma laban sa Bakuninismo sa isang banda, at Lassallean na "estadong sosyalismo" sa kabilang banda.
4. Ang mga partido ng Ikalawang Internasyonal ay itinatag sa batayan ng marxismo, at sa ganitong punto ay nagrepresenta ng isang mahalagang hakbang pasulong mula sa Unang Internasyonal, na isang koalisyon ng iba't-ibang tendensya sa loob ng kilusang paggawa. Pero dahil kumikilos sila sa panahon ng pambihirang kapitalistang pag-unlad, sa panahon na ang pakikibaka para sa mga reporma ang susing konsentrasyon ng enerhiya ng uring proletaryo, ang mga sosyal-demokratikong partido ay partikular na bulnerable sa presyur na mahigop sa loob ng kapitalistang sistema. Ang mga presyur ay makikita mismo sa loob ng mga partidong ito sa pamamagitan ng pag-unlad ng mga tunguhing repormista na nagsimulang mangatwiran na ang prediksyon ng marxismo hinggil sa hindi maiwasang pagbagsak ng kapitalismo ay dapat "baguhin" at isinulong ang pananaw hinggil sa posibilidad ng mapayapang ebolusyon patungong sosyalismo kahit walang anumang rebolusyonaryong pakikibaka.
Sa panahong iyon -- partikular sa huling bahagi ng 1890s at maagang bahagi ng 1900s -- ang pagpapatuloy ng marxismo ay dinadala ng "kaliwang" tendensya na kapwa siyang pinakamatatag na tagapagtanggol ng mga batayang marxistang prinsipyo, at ang unang nakakita sa bagong kalagayan para sa proletaryong pakikibaka na sumusulong habang ang kapitalismo ay umabot na sa hangganan ng kanyang paakyat na yugto. Ang mga pangalan na bumubuo ng kaliwang bahagi ng sosyal-demokrasya ay kilalang-kilala -- Lenin sa Rusya, Rosa Luxemburg sa Alemanya, Pannekoek sa Holland, Bordiga sa Italya -- pero mahalaga din na matandaan na ang mga militanteng ito ay hindi kumikilos ng hiwalay. Habang lalong lumawak ang pagdaloy ng oportunismo sa loob ng Internasyonal, naobliga silang kumilos bilang organisadong mga praksyon -- ang Bolshevik sa Rusya, grupong Tribune sa Holland, at iba pa, sa loob ng kani-kanilang mga partido at sa internasyonal.
5. Ang imperyalistang gera sa 1914 at ang rebolusyong Ruso sa 1917 ay parehong kumpirmasyon sa marxistang pananaw na ang kapitalismo ay hindi maiiwasang papasok sa "yugto ng panlipunang rebolusyon", at nagpasiklab ng pundamental na pagkahati sa kilusang paggawa. Sa unang pagkakataon, ang mga organisasyon na parehong tumutukoy kay Marx at Engels ay nakikita ang kanilang mga sarili na nasa magkabilang bahagi ng barikada: ang opisyal na mga sosyal-demokratikong partido, kung saan mayorya nito ay nahulog sa mga kamay ng mga naunang "repormista", sumuporta sa imperyalistang gera batay sa pagsangguni nito sa mga sinaunang mga sulatin ni Marx, at tinuligsa ang rebolusyong Oktubre sa pamamagitan ng pangangatwiran na ang Rusya ay dapat dumaan sa burges na yugto ng pag-unlad. Pero sa kanilang ginawa, tuluyan na silang tumungo sa kampo ng burgesya, naging mga sarhentong taga-rekrut para sa gera sa 1914 at sa bloodhounds sa kontra-rebolusyon sa 1918.
Malinaw na pinakita nito na ang pagsunod sa marxismo ay mapapatunayan hindi sa mga banal na deklarasyon o tatak ng partido kundi sa buhay na praktika. Ang kaliwang tendensya ang nag-iisang nagwagayway ng bandila ng proletaryong internasyonalismo sa panahon ng imperyalistang holocaust, na siyang nagsama-sama para ipagtanggol ang proletaryong rebolusyon sa Rusya, at siyang namuno sa mga welga at pag-alsa na pumutok sa maraming mga bansa pagkatapos ng gera. At ang tunguhin ding ito ang siyang naging batayang grupo nang itinatag ang Komunistang Internasyonal noong 1919.
6. Ang 1919 ang rurok ng rebolusyonaryong alon pagkatapos ng gera at ang mga posisyon ng Komunistang Internasyonal sa kanyang kongreso ng pagtatatag ay nagpahayag ng pinaka-abanteng mga posisyon sa proletaryong kilusan: para sa lubusang pagkalas sa mga sosyal-patriyotikong traydor, para sa mga paraan ng aksyong masa na hinihingi ng bagong yugto ng dekadenteng kapitalismo, para sa pagdurog sa kapitalistang estado, at para sa internasyunal na diktadura ng sobyet ng manggagawa. Ang programatikong kaliwanagan na ito ay nasalamin at ibinunga ng napakalaking lakas ng rebolusyonaryong agos, subalit inihanda din ito ng mga naunang kontribusyong pulitikal at teoritikal sa mga kaliwang praksyon sa loob ng mga lumang partido : kung kaya't, laban sa legalista at gradwalistang pananaw tungo sa kapangyarihan na siyang posisyon ni Kautsky, pinaliwanag at pinaunlad nila Luxemburg at Pannekoek ang pananaw sa pangmasang welga bilang batayang larangan ng rebolusyon; laban sa parlyamentaryong cretinism ni Kautsky, binangon nila Pannekoek, Bukharin at Lenin at dinalisay ang paggiit ni Marx sa pangangailangang durugin ang burges na estado at itayo ang "estado ng komyun". Ang mga teoritikal na pagpapaunlad na ito ay mahahalagang mga usapin sa praktikal na pulitika sa yugto kung saan nagbubukang-liwayway na ang rebolusyon.
7. Ang pag-atras ng rebolusyonaryong agos at ang pagkabukod ng rebolusyong Ruso ay nagbigay-daan sa proseso ng paghina kapwa sa loob ng Komunistang Internasyonal at kapangyarihang sobyet sa Rusya. Ang partidong Bolshevik ay lalong nasanib sa burukratikong makinarya ng estado na lumalaki sa baliktad na proporsyon sa sariling mga organo ng kapangyarihan at partisipasyon -- mga sobyet, komite sa pabrika at mga pulang kawal. Sa loob ng Internasyonal, ang mga pagsisikap na makakuha ng suportang masa ay nagbunga ng mga oportunistang "solusyon" -- lumalaking pagbibigay-diin sa pagkilos sa loob ng parlyamento at mga unyon, ang panawagan sa "mga mamamayan ng silangan" na mag-alsa laban sa imperyalismo, at higit sa lahat, ang patakaran ng pakikipag-isang prente na nagtapon sa lahat ng tagumpay sa kalinawan hinggil sa kapitalistang kalikasan ng mga sosyal-patriyotiko.
Pero gaya ng ang paglaki ng oportunismo sa Ikalawang Internasyonal ay nagbunsod ng proletaryong pagtugon sa porma ng kaliwang tendensya, ang paglaki ng oportunismo sa Ikatlong Internasyonal ay sinalubong din ng pagtutol ng mga tendensya ng kaliwang komunista -- marami sa kanilang tagapagsalita, gaya nila Pannekoek at Bordiga, ay pinatunayan ang mga sarili bilang pinakamagaling na tagapagtanggol ng marxismo sa lumang Internasyonal. Ang kaliwang komunista ay talagang isang internasyonal na tendensya at makikita sa maraming mga bansa, mula sa Bulgaria hanggang sa Britanya at mula sa Amerika hanggang sa Timog Aprika. Subalit ang kanyang pinaka-importanteng mga representante ay makikita sa mga bansa kung saan pinakamalakas ang marxistang tradisyon : Alemanya, Italya at Rusya.
8. Sa Alemanya, ang lalim ng marxistang tradisyon na sinabayan ng napakalaking pwersa mula sa aktwal na kilusan ng masang proletaryo, sa kasukdulan na ng rebolusyonaryong alon, ay nagbunga na ng ilang pinakaabanteng pampulitikang mga posisyon, partikular sa mga usaping parlyamentaryo at unyon. Pero ang kaliwang komunismo doon ay lumitaw bilang tugon sa unang mga palatandaan ng oportunismo sa Partido Komunistang Aleman at sa Internasyonal, at pinangunahan ng KAPD, binuo sa 1920 nang ang kaliwang oposisyon sa loob ng KPD ay pinatalsik sa hindi prinsipyadong maniobra. Kahit pinuna ng liderato ng KI na "kamusmusan" at "anarko-sindikalista", ang pagtakwil ng KAPD sa lumang parlyamentaryo at pang-unyong mga taktika ay nakabatay sa malalim na marxistang pagsusuri sa dekadenteng kapitalismo, kung saan naging lipas na ang mga taktikang ito at humihingi na ng mga bagong porma ng makauring organisasyon -- mga komite sa pabrika, at konseho ng manggagawa; ganun din ang masasabi sa pagtakwil nito sa lumang konsepto ng "pangmasang partido" ng sosyal-demokrasya pabor sa pananaw sa partido bilang nukleyus na may malinaw na programa -- pananaw na tuwirang namana mula sa Bolshevismo. Dahil sa mahigpit na pagtatanggol ng KAPD sa mga natamo nito laban sa pagbabalik ng mga lumang sosyal-demokratikong taktika, naging batayang elemento ito sa isang internasyunal na tunguhin na makikita sa maraming mga bansa, partikular sa Holland, na ang kanyang rebolusyonaryong kilusan ay mahigpit na nakaugnay sa Alemanya sa pamamagitan ng mga sulatin nina Pannekoek at Gorter.
Hindi ibig sabihin na ang kaliwang komunismo sa Alemanya sa maagang bahagi ng 20s ay hindi nagdurusa mula sa mga mahahalagang kahinaan. Ang tendensya nito na tingnan ang dekadenteng kapitalismo sa porma ng pangwakas na "krisis ng kamatayan" sa halip na isang mataas na proseso ay siyang naging dahilan kung bakit nakita ang pag-atras ng rebolusyonaryong alon at nadarang ito sa peligro ng boluntarismo; kaugnay nito ay ang kahinaan sa usapin ng organisasyon na tumungo sa wala sa panahon na pagkalas sa Komunistang Internasyonal at ang walang inabot na pagsisikap na magtayo ng bagong Internasyonal sa 1922. Ang mga bitak sa kanyang baluti ang naging balakid para malabanan ang alon ng kontra-rebolusyon na pumasok mula sa 1920s at nagresulta sa nakakapinsalang proseso ng pagkawatak-watak, nagbuo ng teorya sa pamamagitan ng ideolohiya ng "konseholismo" na tumanggi sa pangangailangan ng isang naiibang pampulitikang organisasyon.
9. Sa Italya, sa kabilang banda, ang kaliwang komunista -- na sa simula ay kontrolado ang mayoryang posisyon sa loob ng Partido Komunista ng Italya -- partikular na malinaw ang usapin sa organisasyon at hindi lang nakapaglunsad ng magiting na pakikibaka laban sa oportunismo sa lobb ng humihinang Internasyonal, kundi nagbunga din ng isang komunistang praksyon na nakaligtas sa pagkawasak ng rebolusyonaryong kilusan at napaunlad ang marxistang teorya sa panahon ng kadiliman ng kontra-rebolusyon. Pero sa panahon ng maagang bahagi ng 1920s, ang kanyang mga argumento pabor sa hindi paglahok sa burges na parlyamento, laban sa pagsanib ng komunistang taliba sa mga sentristang partido para mabigyang ilusyon ng "pangmasang impluwensya", laban sa islogan ng Pakikipag-isang Prente at sa "gobyerno ng manggagawa" ay nakabatay sa malinaw na pag-intindi sa marxistang pamamaraan.
10. Ang pagkabukod ng rebolusyon sa Rusya ay tumungo sa lumalaking paghihiwalay sa pagitan ng uring manggagawa at sa lalong naging burukratiko na makinarya ng estado -- ang pinakamasamang ekspresyon ng hiwalayang ito ay ang pagsupil sa mga rebolusyonaryong manggagawa at marino sa Kronstadt ng mismong Bolshevik na partido ng manggagawa, na lalo pang nasalubid sa estado.
Pero dahil sa ito ay isang tunay na proletaryong partido, ang Bolshevismo ay nagdulot din ng maraming internal na reaksyon laban sa sariling panghihina. Si Lenin mismo -- sa 1917 ang pinakamahusay na tagapagsalita ng kaliwang bahagi ng partido -- nagsagawa ng malubhang pagpuna na may kaugnayan sa pagdausdos ng partido tungo sa burukratismo, partikular sa panahon na malapit na siyang mamatay, at sa parehong panahon, si Trotsky ang naging pangunahing representante ng kaliwang oposisyon na naghahangad maibalik muli ang klase ng proletaryong demokrasya sa loob ng partido, at nakipaglaban sa pinakamasahol na ekspresyon ng Stalinistang kontra-rebolusyon, partikular ang teorya ng "sosyalismo sa isang bansa". Pero dahil sa kalakhan ay pinarupok ng Bolshebismo ang kanyang sariling papel bilang proletaryong taliba sa pamamagitan ng pagsanib sa estado, ang pinakamahalagang tendensya ng kaliwa sa loob ng partido ay napunta sa hindi masyadong kilala na mga personahe na siyang naging mas malapit sa uri kaysa estado.
Noong 1919, ang Grupo ng Demokratikong Sentralismo, na pinamunuan nila Ossinki, Smirnov at Sapranov ay nagsimulang nagbabala laban sa "unti-unting paglaho" ng mga sobyet at ang lumalaking pagtalikod sa mga prinsipyo ng Komyun ng Paris. Magkatulad na kritisismo ang nangyari sa 1921 ng Grupo ng Oposisyong Manggagawa na pinamunuan nila Kollantai at Shliapnikov, kahit na ang huli ay napatunayang hindi masyadong matatag at nagtagal kaysa grupong "Decist", na patuloy na gumagampan ng mahalagang papel sa buong 20s, at nagpaunlad ng mga katulad na pamamaraan sa kaliwang Italyano. Sa 1923, ang Grupo ng Manggagawa sa pamumuno ni Miasnikov ay nagpalabas ng Manipesto at nagsagawa ng mahalagang interbensyon sa mga welga ng manggagawa ng taong iyon. Ang kanyang mga posisyon at pagsusuri ay katulad ng sa KAPD.
Lahat ng mga grupong ito ay hindi lang lumitaw mula sa partidong Bolshevik; patuloy silang nakipaglaban sa loob ng partido para makabalik sa orihinal na mga prinsipyo ng rebolusyon. Subalit habang ang mga pwersa ng kontra-rebolusyon ay umaakyat na sa hirarkeya sa loob ng partido; ang susing isyu ay ang kapasidad ng iba't-ibang grupong oposisyon na makita ang totoong kalikasan ng kontra-rebolusyon at basagin ang anumang sentimental na katapatan sa kanyang organisadong ekspresyon. Ito ang nagpatunay sa pundamental na kaibahan ni Trotsky at sa kaliwang komunistang Ruso: habang ang una ay nanatili sa buong buhay niya na natali sa paniniwala sa pagtatanggol sa Unyong Sobyet at kahit sa proletaryong kalikasan ng mga Stalinistang partido, ang mga kaliwang komunista ay nakikita na ang tagumpay ng Stalinismo -- kasama ang "kaliwang" pihit nito, na nakakalito sa maraming tagasunod ni Trotsky -- ay nagkahulugan sa tagumpay ng kaaway sa uri at nagpahiwatig ng pangangailangan ng bagong rebolusyon.
Subalit, marami sa mga magagaling na elemento ng Trotskyistang oposisyon -- ang tinatawag na "ayaw sumunod" -- mismo ay tumungo sa posisyon ng kaliwang komunista sa huling bahagi ng 30s. Pero ang Stalinistang terror ay dumurog sa halos lahat ng mga grupong ito sa katapusan ng dekada.
11. Ang 1930s, sa mga salita ni Victor Serge, ay tinaguriang "hatinggabi ng siglo". Ang huling mga alipato ng apoy ng rebolusyonaryong agos -- ang pangkalahatang welga sa Britanya sa 1926, ang pag-alsa sa Shanghai sa 1927, ay napatay na. Ang mga partido komunista ay naging partido ng pambansang pagtatanggol; ang pasista at Stalinistang terror ay pinakamabangis doon mismo sa mga bansang pinakamalakas ang rebolusyonaryong kilusan; at ang buong kapitalistang mundo ay naghahanda para sa panibagong imperyalistang holocaust. Sa ganitong kondisyon, ang nakaligtas na rebolusyonaryong minorya ay nahaharap sa pagtapon, panunupil, at lalong pagkabukod. Habang ang uri sa pangkalahatan ay sumuko sa demoralisasyon at sa ideolohiya ng gera ng burgesya, hindi maaasahan ng mga rebolusyonaryo na magkaroon sila ng malawakang impluwensya sa kagyat na mga pakikibaka ng uri.
Ang pagkabigo ni Trotsky na maintindihan ito ay lalong umakay sa kanyang kaliwang oposisyon tungo sa oportunistang direksyon -- ang "French turn" tungo sa mga sosyal-demokratikong partido, kapitulasyon sa anti-pasismo, at iba pa -- sa bigong pag-asa na "makuha ang masa". Ang ultimong resulta ng tunguhing ito, para sa Trotskyismo sa halip na kay Trotsky mismo, ay ang integrasyon nito sa makinaryang pandigma ng burgesya sa panahon ng 1940s. Mula noon ang Trotskyismo, tulad ng sosyal-demokrasya at Stalinismo, ay naging bahagi na ng pampulitikang makinarya ng kapital, na kahit pa man sa lahat ng pagkukunwari nito, ay wala ng anupamang kinalaman sa pagpapatuloy ng marxismo.
12. Kabaliktaran sa ganitong linya, ang kaliwang praksyong Italyano sa pamamagitan ng rebyung Bilan ay angkop na ipinaliwanag ang tungkulin ng panahon: una, huwag magtraydor sa batayang mga prinsipyo ng internasyonalismo sa harap ng martsa papuntang gera; ikalawa, gumawa ng "pagtatasa" sa kabiguan ng rebolusyonaryong alon at sa rebolusyong Ruso sa partikular, at ipaliwanag ng mabuti ang mga wastong aral para magsilbing teoritikal na pundasyon sa mga bagong partido na lilitaw sa darating na muling pagbangon ng makauring tunggalian.
Ang digmaan sa Espanya ay isang partikular na mabagsik na pagsubok para sa mga rebolusyonaryo ng panahong iyon, karamihan sa kanila ay sumuko sa sirena ng anti-pasismo at bigong makita na ang digmaan ay imperyalista sa parehong magkabilang panig, isang pangkalahatang pagsasanay para sa darating na pandaigdigang digmaan. Pero matatag na nanindigan ang Bilan, nanawagan ng makauring pakikibaka laban sa parehong mga paksyong pasista at republikano ng burgesya, tulad ng pagkondena ni Lenin sa parehong panig sa Unang Imperyalistang Digmaan.
At kasabay nito, ang teoritikal na kontribusyon na ginawa ng tendensyang ito -- na sa kalaunan umabot sa mga praksyon ng Belgium, Pransya at Mexico -- ay napakalaki at hindi mapapalitan. Sa kanyang pagsusuri sa paghina ng rebolusyong Ruso -- na hindi tumungo sa pag-aalinlangan sa proletaryong katangian ng 1917; sa kanyang imbestigasyon sa mga problema sa darating na yugto ng transisyon; sa kanyang mga sulatin hinggil sa pang-ekonomiyang krisis at sa mga pundasyon ng dekadenteng kapitalismo; sa kanyang malinaw na pagpapaliwanag sa teorya ng partido at sa praksyon; sa kanyang walang humpay na pakikipagtunggali at palitan sa ibang proletaryong pampulitikang tunguhin; dito at sa iba pang mga larangan, ang kaliwang praksyong Italyano ay walang duda na nagpatupad sa tungkulin na ilatag ang programatikong batayan para sa proletaryong organisasyon sa hinaharap.
13. Ang pagkabiyak-biyak ng mga grupo ng kaliwang komunista sa Alemanya ay tinapos ng Nazismo, kahit may ilang tagong rebolusyonaryong pagkilos na patuloy na ginagawa ilalim sa rehimen ni Hitler. Sa panahon noong 1930s, ang pagtatanggol sa rebolusyonaryong posisyon ng kaliwang Aleman ay sa kalakhan ay ginagawa sa Holland, partikular sa mga sulatin ng Grupo ng mga Internasyonalistang Komunista, at sa Amerika din sa grupong pinamumunuan ni Paul Mattick. Tulad ng Bilan, ang kaliwang Dutch ay nanatiling tapat sa internasyonalismo sa harap ng lahat ng lokal na imperyalistang digmaan, na nagbukas tungo sa pandaigdigang patayan, itinakwil ang tukso sa "pagtatanggol sa demokrasya".
Patuloy itong nagpapalalim sa kanyang pag-aaral sa usapin hinggil sa unyonismo, sa bagong mga porma sa organisasyon ng manggagawa sa panahon ng naaagnas na kapitalismo, sa materyal na batayan ng kapitalistang krisis, at ang tendensya tungong kapitalismo ng estado. Patuloy itong gumagawa ng mahalagang interbensyon sa makauring pakikibaka laluna sa mga walang trabaho. Pero ang kaliwang Aleman, na nadala sa pagkatalo ng rebolusyong Ruso, ay lalong dumausdos tungo sa konseholista na pagtakwil sa pampulitikang organisasyon -- at kung gayon, walang malinaw na papel para sa sarili. Kakambal nito ay ang buong pagtakwil sa Bolshevismo at sa rebolusyong Ruso, na kinikilalang burges mula sa simula. Ang mga teorisasyon na ito ay binhi ng kanyang pagbagsak sa hinaharap. Kahit na nagpatuloy ang kaliwang komunismo sa Holland sa ilalim ng okupasyon ng Nazi at nakapagbuo ng mahalagang organisasyon pagkatapos ng gera -- ang Spartacusbund; na sa una ay bumalik tungo sa maka-partido na posisyon ng KAPD -- ang konsesyon ng kaliwang Dutch sa anarkismo sa usaping organisasyonal ay naging pahirap sa kanya sa pagpapanatili ng anumang organisadong pagpapatuloy sa huling mga taon. Ngayon ay malapit ng maglaho ang tendensyang ito.
14. Ang kaliwang Italyano, sa kabilang banda, ay nakapagpanatili ng organisasyunal na pagpapatuloy, pero hindi pumayag ang kontra-rebolusyon na walang makukuhang kabayaran. Bago pa ang digmaan, ang praksyong Italyano ay nagkawatak-watak dahil sa "teorya ng pang-ekonomiyang gera" na tumangging nalalapit na ang pandaigdigang digmaan pero nagpatuloy ang kanyang pagkilos partikular sa paglitaw ng praksyong Pranses sa kalagitnaan ng imperyalistang kaguluhan. Sa pagtatapos ng digmaan, ang pagputok ng mayor na pakikibaka ng proletaryado sa Italya ay lumikha ng lalong kalituhan sa hanay ng praksyon, nang ang mayorya ay bumalik sa Italya para buuin, kasama si Bordiga na naging di-aktibo sa pulitika mula sa huling dekada ng 20s, ang Internasyunalistang Partido Komunista ng Italya, na kahit tutol sa imperyalistang digmaan ay itinayo sa hindi malinaw na programatikong batayan at sa maling pagsusuri sa panahong yaon na ipinalagay na isang sumusulong na rebolusyonaryong pakikidigma.
Ang pampulitikang oryentasyon na ito ay tinutulan ng mayorya ng praksyong Pranses na mas madaling nakakita na ang yugto ay nanatiling pagtatagumpay ng kontra-rebolusyon, at samakatwid ang mga tungkulin ng praksyon ay hindi pa nakompleto.
Kaya ang Gauche Communiste de France ay nagpatuloy sa pagkilos sa diwa ng Bilan, at habang hindi pinabayaan ang responsibilidad sa interbensyon sa kagyat na pakikibaka ng uri, nagkonsentra sa kanyang pagsisikap sa gawaing pampulitika at teoretikal na klaripikasyon, at nakagawa ng maraming importanteng pagsulong, partikular sa usapin ng kapitalismo ng estado, ang yugto ng transisyon, ang unyon at ang partido. Habang mahigpit na pinanindigan ang marxistang pamamaraan na katulad ng kaliwang komunistang Italyano, nagawa din nitong isanib ang iilan sa pinakamahusay na kontribusyon ng kaliwang Aleman-Dutch sa kanyang pangkabuuang programatikong sangkap/armori.
15. Subalit sa 1952, dahil sa pagkamamali nito hinggil sa paniniwala sa nalalapit na ikatlong digmaang pandaigdig, nabuwag ang GCF. Sa parehong taon, ang IPK sa Italya ay nagambala sa pagkabiyak sa pagitan ng "Bordigistang" tendensya at ang tendensyang pinamunuan ni Onorato Damen, isang militante na nanatiling aktibo sa pulitika sa Italya sa buong pasistang panahon. Ang "Bordigistang" tendensya ay mas malinaw sa kanyang pag-intindi sa reaksyunaryong katangian ng yugto, pero sa kanyang pagsisikap na matatag na manindigan sa marxismo ay nauwi pabalik sa dogmatismo. Ang kanyang (bago!) teorya ng "di-nagbabagong maxismo" ang nagtulak sa kanya sa lalong pagbalewala sa mga pagpapaunlad na ginawa ng Praksyon sa dekada treynta at umatras pabalik sa "kinaugalian" ng Komunistang Internasyonal sa maraming isyu. Ang klase-klaseng mga Bordigistang grupo ngayon (tatlo sa kanila ay tinatawag ang mga sarili na "Internasyunal na Partido Komunista) ay direktang inanak ng tendensyang ito.
Ang tendensyang Damen ay mas malinaw sa batayang pampulitikang usapin tulad ng papel ng partido, usaping unyon, pambansang pagpapalaya at kapitalismo ng estado, pero hindi dumako sa mga ugat ng kamaliang nagawa sa orihinal na pagbuo ng IPK. Sa panahon ng 1950s at 1960s, ang mga grupong ito ay tumigil sa pampulitikang pagkilos, sa partikular ang Bordigistang tendensya para "protektahan" ang sarili sa likod ng pader ng sektaryanismo. Halos natapos ng burgesya ang pagpawi sa lahat ng organisadong ekspresyon ng marxismo, sa pagputol sa mahalagang lubid na dugtong sa mga rebolusyonaryong organisasyon sa kasalukuyan sa dakilang tradisyon ng kilusang manggagawa.
16. Sa katapusan ng 1960s, muling lumitaw sa entablado ng kasaysayan ang manggagawa sa pangkalahatang welga sa Pransya sa 1968, at ang sumunod na pagsabog ng mga pakikibaka ng manggagawa sa buong daigdig. Ang panunumbalik nito ay nagsilang ng mga bagong pulitikalisadong mga elemento na naghahanap ng kalinawan para sa komunistang posisyon, nagbigay ng bagong buhay sa umiiral na mga rebolusyonaryong grupo at pagkatapos ay nagpalitaw ng mga bagong organisasyon na naghahangad ibalik ang minanang tradisyon at akumulasyon ng mga posisyon ng kaliwang komunista. Sa una, itong bagong pampulitikang mga grupo, bilang reaksyon sa "awtoritaryan" na imahe ng Bolshevismo, ay malalim na nahulma sa konseholistang ideolohiya, pero habang ito ay umaabot na sa kawastohan ng pag-iisip, lalong nagawa nitong ilagay sa likod nito ang anti-organisasyonal na bias at nakita ang pagpapatuloy nito sa buong marxistang tradisyon.
Hindi aksidental na sa kasalukuyan, halos lahat na umiiral na rebolusyonaryong grupo ay inanak mula sa kaliwang Italyano na tendensya, na naglagay ng mariing diin sa usaping organisasyunal at sa pangangailangang i-preserba ng buo ang rebolusyonaryong tradisyon. Magkatulad ang mga grupong Bordigista at ang International Bureau for the Revolutionary Party na mga tagapagmana ng Internasyunalistang Partido Komunista ng Italya, habang ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa malaking bahagi ay inanak ng Gauche Communiste de France.
17. Ang muling pagbangon ng proletaryado sa katapusan ng 60s ay tumahak ng pasikut-sikot na daan, tumahak sa mga pagkilos na pagsulong at pag-atras, sumalubong ng maraming harang sa daan, kung saan wala ng mas hihigit pa kaysa kampanya ng burgesya hinggil sa kamatayan ng komunismo, bahagi nito ang direktang pag-atake sa kaliwang komunista mismo, maling pinaratangan at nilait na siyang pinanggalingan ng "negationistang" tunguhin na tumanggi sa pag-iral ng Nazi gas chambers.
Ang kahirapan sa buong prosesong ito ay nagdulot ng maraming paghihirap sa daraanan ng rebolusyonaryong pagkilos at layunin, sumasagka sa kanyang paglaki at pagsulong, at sagabal sa kanyang pagkakaisa. Pero kahit sa ganitong mga kahinaan, ang "kaliwang komunistang" kilusan ngayon ang natitirang tanging buhay na karugtong sa tunay na marxismo, ang tanging posibleng "tulay" sa pagbuo ng pandaigdigang partido komunista sa hinaharap. Kaya lubhang napaka-importante na ang bagong mga militanteng elemento na patuloy na lumilitaw sa buong mundo sa panahon ngayon, anuman ang mangyari, na makipag-ugnayan sa mga grupo ng kaliwang komunista, makipag-debate sa kanila, at sa huli ay makipag-isang pwersa sa kanila; at sa pamamagitan nito ay magagawa nila ang kanilang sariling kontribusyon sa pagbuo ng rebolusyonaryong partido, at kung wala ito ay walang magtatagumpay na rebolusyon.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, Septyembre 1998
Tuloy-tuloy ang paglala ng krisis pampulitika sa bansa dahil sa lalupang paglala ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo.
Ang tumitinding bangayan sa loob ng nagharing uri – kampong maka-GMA at kampong anti-GMA – ay ginagatungan ng mga alitan sa loob ng kampong maka-Gloria at ganun din, sa loob ng kampong anti-GMA. Ang mga alitang ito sa loob ng magkabilang kampo ng nagharing uri ay pinaliliyab ng pang-ekonomiyang krisis na kongkretong makikita sa pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan na nabunga ng pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ito ang hindi maiwasang mangyari sa nagharing uri sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema – “isa laban sa lahat”.
Ang mga isyu ng korupsyon, panunuhol, katiwalian, paglabag sa karapatang-pantao at iba pa ay PAREHONG ginagawa at patuloy na gagawin ng administrasyon at oposisyon. Walang pagkakaiba ang Lakas-CMD at Kampi sa PMP ni Erap, sa United Opposition ni Binay at maging sa nabubuong United Forces. Ito ang naranasan ng masang maralita sa nagdaang tatlong “Edsa Revolution” — ang dating oposisyon ay nalagay sa administrasyon at ang dating administrasyon ay naging oposisyon – subalit walang kaginhawaang naranasan ang mga manggagawa at maralita.
Hindi malulutas ng administrasyon at oposisyon ang mga mabibigat na problemang pinapasan ng mga manggagawa at maralita – patuloy na pagtaas ng presyo, mababang sweldo, kontraktwalisasyon, kawalang trabaho, pabahay, panlipunang serbisyo at iba pa. Kapwa ang administarsyon at oposisyon ay may parehong layunin – ipagtanggol ang mapagsamantala at nabubulok na kapitalistang sistema.
Isang bitag ang “fighting one enemy at a time” o “choosing the lesser evil”. Isang ilusyon ang paniniwala na ang pakipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya ay makapagpahina sa buong nagharing uri. Ang tunay na makapagpahina sa nagharing uri hanggang sa tuluyan itong maibagsak ay ang paglakas ng independyenteng kilusan ng manggagawa at maralita.
Ang panawagan ng iba’t-ibang grupo ng burges na oposisyon at Kaliwa ng “pagkakaisa” ng lahat ng grupo laban sa paksyong GMA ay walang ibig sabihin kundi ang ilagay sa Malakanyang bilang kapalit ng paksyong GMA ay isa na namang paksyon ng mapagsamantalang uri na “suportado” ng malawak na masa. Hindi na dapat pumasok ang masa sa ganitong patibong ng burgesya dahil tiyak na mauuwi na naman ito sa kapahamakan ng mga mahihirap at muling makapagpalakas sa ilusyon at demoralisasyon sa kanilang hanay.
Nararapat lamang na muling babangon ang militansya at diwang palaban ng uring manggagawa at maralita para sa tunay na pagbabago sa kanilang aping kalagayan. Nararapat lamang na muling magtiwala ang malawak na masang api sa kanilang sariling pagkakaisa at lakas sa pakikibaka. Subalit ang enerhiya ng militansya ay kailangang nakatuon sa pagpapalakas sa SARILING kilusan ng uring manggagawa at maralita na HIWALAY sa alinmang paksyon ng nagharing uri – administrasyon man o oposisyon.
Nasa paglakas ng INDEPENDYENTENG KILUSAN ng masang api ang pwersa para mahatak ang panggitnang uri sa tamang daan para sa pagbabago ng lipunan. Ang kongkretisasyon ng independyenteng kilusang ito ay makikita sa sumusunod:
Ang sentral na mga islogan ng kilusang ito ay:
ISULONG ANG KILUSANG MASA LABAN SA ADMINISTRASYON AT OPOSISYON!
GAWING PAMPULITIKANG PAKIKIBAKA ANG MGA PANG-EKONOMIYANG PAKIKIBAKA!
ITAYO ANG MGA KONSEHO NG MANGGAGAWA BILANG MGA ORGANO NG KAPANGYARIHAN MATAPOS MAIBAGSAK ANG PAKSYONG ARROYO!
Sa ganitong mga islogan lamang hindi na mauulit ang masaklap na karanasan ng nagdaang tatlong “Edsa Revolution” kung saan pinaaasa ang mga mahihirap na ang kanilang kaligtasan ay nasa mga popular na burges na lider ng oposisyon at rebeldeng militar.
INTERNASYONALISMO
Takot ang kapitalistang Pilipino na magtagumpay ang manggagawa sa P125 dagdag sahod. Takot sila dahil ganid sila sa tubo, tulad ng mga kapitalista sa buong mundo. Takot sila dahil matatalo sila sa tumitinding internasyonal na kompetisyon sa pamurahan ng sahod at maksimisasyon ng libreng paggawa. Kaya solidong nagkakaisa ang mapagsamantalang uri at estado sa pananakot sa proletaryado hinggil sa P125.
Sa dekadenteng yugto ng kapitalismo, kung saan sagad na ang pamilihan; kung saan tumitindi ang gera at pagkasira ng mundo para makahanap ng superpisyal na “bagong” merkado sa pamamagitan ng pag-agaw nang teritoryo ng ibang kapitalista; tanging ang maksimisasyon na lamang sa pagsasamantala sa manggagawa ang nalalabing paraan para makahinga pa ang naghihingalong sistema.
Gamit ang nakakalasong nasyonalismo, tinatakot ng kapitalistang Pilipino ang proletaryado na makakasira sa pambansang ekonomiya ang P125 dagdag sahod. At dahil makakasira sa pambansang kapitalismo, makakasira din daw ito sa interes ng manggagawa.
Internasyonal ang interes ng proletaryado. Walang pambansang hangganan ang layunin nito. Kahit ang laban sa sahod ay isang internasyonal na pakikibaka. Lahat ng manggagawa sa mundo ay nakibaka para sa pagtaas ng sahod. Higit kailanman ay hindi magkakatugma ang interes ng manggagawa at kapitalista. Ang interes ng una ay wakasan ang pagsasamantala. Ang interes ng huli ay mas patindihin pa ito.
Kagyat na kailangang itaas ang sahod ng manggagawang Pilipino para mabuhay sa kapitalistang pang-aalipin. Katunayan, kulang na kulang pa nga ang P125 sa halos P800 na cost of living sa kasalukuyan. Subalit ang laban sa P125 ay ginawang instrumento ng mga kapitalistang pulitiko at maniobrahan ng nag-aaway na mga pulitiko sa bansa - maka-Gloria at kontra; kongreso at senado. Higit sa lahat, gustong ibalik ng mga pulitiko ang mabilis na naglalahong ilusyon ng manggagawa sa burges na parlamento at demokrasya at ilihis ang uri sa rebolusyonaryong solusyon sa pagbagsak ng kapitalistang estado at sistema para ganap na lumaya sa sahurang pang-aalipin.
Ang mga Kaliwang organisasyon sa Pilipinas ay nalulunod na sa repormismo at ilusyon. Sa pag-aakala na isang mabisang taktika, nakikipaglaro ng apoy ang mga ito sa burges na pulitiko. Sa ilusyon na may kapasidad pa ang dekadenteng kapitalismo na magbigay ng reporma, pinaasa ng Kaliwa ang masa na kayang magbigay ng parlamento. Kaya naman ang kanilang mga pahayag ay “apelasyon” sa kongreso at senado na gawing batas ang P125 at pakiusap sa kapitalista na bawasan ang tubo nila para sa manggagawa. Nanawagan sa manggagawa na lumabas sa kalsada upang “pilitin” ang mga senador na ipasa ang P125 bilang batas. “Nagbabanta” na hindi iboboto ang mga pulitiko na tutol sa dagdag sahod at nagsasabing ikakampanya na manalo sa halalan sa 2007 ang mga kapitalistang kandidato na “pabor” sa P125. Ikakampanya ng Kaliwa ang mga kapitalistang pulitiko na “maka-manggagawa”. Kailan pa nagbago ang mabangis na lobo sa pagiging maamong tupa?!
Kahibangang maniwala ang isang komunista na seryoso ang isang paksyon ng burgesya na isabatas ang P125 sa kasalukuyang yugto ng kapitalismo. At panloloko sa manggagawa kung sabihin sa kanila ang pahayag na ito. Kung sakaling maging batas man ang P125 na walang malakas na independyenteng kilusang proletaryo, marami itong butas na pabor sa kapitalista. O kaya, babawiin agad sa ibang paraan ang dagdag sahod.
Ang dagdag sahod ay hindi makukuha sa apelasyon at pakiusap sa mga walang pusong kapitalistang uri kundi sa pamamagitan lamang ng pagkakaisa ng malawak na manggagawa bilang isang uri sa pakikibaka para sa P125. Magkaisa lamang sila bilang uri kung iwaksi nito ang mga ilusyon ng pag-asa sa unyon at burges na parlamento at kapitalistang pulitiko.
Ang tunay na laban sa sahod ay pagpapaliwanag at paghahanda sa masang manggagawa na kung hindi ibibigay ng kapitalista ang dagdag sahod at sa halip ay magsasara at magtatanggal ng mga manggagawa, ang pakikibaka sa sahod ay kagyat na itransporma sa pagbagsak sa kapitalistang estado at itayo ang lipunan ng manggagawa. Ito ang tamang linya sa usapin ng sahod. Ito ang ekspresyon na sa kasalukuyan ay hindi na pwedeng paghiwalayin ang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka ng manggagawa.
Ang tanggalan ng manggagawa at sarahan ng mga pabrika ay nag-ugat mismo sa kawalan ng kapasidad ng dekadenteng kapitalismo na mabigyan ng trabaho ang mga sahurang-alipin nito at wala ng kalalagyan ang paparaming kapitalista sa arena ng kompetisyon ng sistema. Ang pakikibaka sa sahod ay hindi na pakikibaka para sa reporma kundi mitsa para ibagsak ang kapitalistang sistema.
Ito ang tama at rebolusyonaryong kahulugan sa pakikibaka sa sahod sa panahon ng naaagnas na kapitalismo. Tamang linya na tinalikuran ng Kaliwa sa Pilipinas na yumakap na sa oportunismo at repormismo. (Lloyd, 01/10/07)
Maraming isyung kinaharap ang paksyong Arroyo sa kasalukuyan. Ang pinakamatingkad dito ay ang isyung katiwalaian at panunhol ng imperyalistang Tsina sa pamahalaan para makuha ng kompanyang Tsino ( ZTE) ang National Broad Band contract at ang panunuhol ng pangkating Arroyo sa mga mambabatas at gobernador sa loob mismo ng Malakanyang. Nadagdagan pa ito ng binigyan ng executive clemency o absolute pardon ni Gloria ang konbiktadong dating pangulo ng Republika ng Pilipinas na si Joseph Estrada.
Hindi lang ngayon pinag-usapan ang pagpapatalsik kay Gloria Arroyo sa Malakanyang. Sa kasagsagan ng ‘hello garci’ scandal noong nakaraang taon ay umalingawngaw din ang panawagang patalsikin at pababain si Arroyo sa pwesto. Kaso lang, hindi nakumbinsi ng burges na oposisyon at Kaliwa ang malawak na manggagawa at maralita na lumahok sa intra-paksyunal na labanan ng nagharing uri.
Maraming alternatiba ang burges na oposisyon at Kaliwa sa Pilipinas sa post-GMA. Nariyan ang kanyang Bise-Presidente na si Noli de Castro ang papalit matapos magbitiw si Gloria sa pwesto. Nariyan ang magbitiw sila lahat at papalit ang Chief Justice ng Korte Suprema na manawagan agad ng snap election . O kaya ay itayo ang isang Transitional Government na pamumunuan ng isang “popular” na lider na mag-aayos para sa isang “tunay na malinis at patas” na halalan para maitayo ang isang “maka-masang” regular na gobyerno.
Sa ganitong konteksto maaring mahati sa dalawa ang alternatiba na itinutulak ng burges na oposisyon at ng Kaliwa: Noli for President o Transitional Government. Ang kanilang komonalidad ay itayo ang isang “maka-masang” gobyerno sa ilalim man ni Noli o sa TG.
Gamit ang radikal na lenggwahe, dala-dala ng Kaliwa ang “Transitional Revolutionary Government” o “Coalition Government” kaysa simpleng Transitional Government.
Sa esensya, ang burges na oposisyon at Kaliwa ay naghahanap ng common unity sa lahat ng mga uri (kabilang na ang naghari at mapagsamantalang uri) laban sa paksyong Arroyo. Anuman ang “rebolusyonaryong” layunin ng Kaliwa hindi maipagkaila na tipong “block of four or five classes” (manggagawa, magsasaka, peti-burgesya, pambansang burgesya plus isang paksyon ng nagharing uri na anti-Gloria) ang kanilang taktika sa kasalukuyang pampulitikang krisis ng paksyong Arroyo.
Ang ugat ng pampulitikang krisis ng paksyong Arroyo
Saan ba nagmula ang pampulitikang krisis ng paksyong Arroyo? Sa kanya bang pangungurakot at panunuhol? Sa kanya bang pandaraya at pamimili ng boto noong 2004 presidential election? Sa kanya bang “pagtraydor sa diwa ng Edsa Dos”?
Kung mayroong krisis sa pulitika ibig sabihin mayroong krisis sa ekonomiya. Ang pulitika ay repleksyon o salamin lamang sa kalagayan ng ekonomiya. Ito ang istorikal-materyalistang pagtingin sa relasyon ng pulitika at ekonomiya. Ang diyalektikal na relasyon naman nila ay ang krisis sa pulitika ay lalong magpapalala sa krisis sa ekonomiya.
Ang ugat na ito ang nais itago ng buong nagharing uri. Habang dinudoktor ng administrasyon ang ekonomikong mga datos kasabay ng magastos na propaganda na “umuunlad” ang ekonomiya at “dama ko ang pag-asenso”, tinatali naman ng oposisyon ang isyu sa “good governance”, korupsyon at pandaraya. Kapwa nais ng administarsyon at oposisyon na baliktarin ang relasyon ng pulitika at ekonomiya: “May krisis sa ekonomiya dahil may krisis sa pulitika.
Anumang pag-aayos sa super-istruktura (kasama na dito ang pulitika) habang nanatiling bulok ang pundasyon nito – ang pang-ekonomiyang sistema – ay hindi na epektibo at wala ng saysay. Kaya ang usapin ng demokrasya, “malinis” na pamahalaan, patas na halalan at “maka-masang” representasyon sa estado ay mga mistipikasyon at ilusyon na lamang sa ilalim ng isang sistemang naghihingalo na.
Ang TRG ba ay hakbang pasulong tungo sa pagbagsak ng bulok na sistema o tungo sa sosyalistang rebolusyon?
Lubusan ang paniniwala ng Kaliwa na ang TRG ang siyang daan para sa tunay na pagbabago ng lipunan batay sa “balanse ng pwersa” sa tunggalian ng uri sa Pilipinas.
Ano ba ang TRG?
Ito ay isang transisyunal na gobyerno para maitayo ang isang makabayan (anti-imperyalista o anti-globalisasyon) na pamahalaan. Isang gobyerno na bubuo sa mga kondisyon para sa isang “demokratikong” lipunan. At mula dito ay “mabubuo ang lakas ng uri at ng masa” para sa sosyalistang rebolusyon sa hinaharap.
Hindi dudurugin ng TRG ang kapitalismo kundi pauunlarin ito sa Pilipinas para sa sosyalistang rebolusyon. Ito ang esensya ng linyang TRG.
May ilang mga “pragmatista” pa nga sa hanay ng Kaliwa na nagsasabing kung hindi kakayanin ang TRG kasama ang burges na oposisyon pero nasa “pamumuno” ng mga Kaliwa ay TG muna sa ilalim ng pamumuno ng burges na oposisyon. Ibig sabihin, TG taposTRG, hanggang sa sosyalistang rebolusyon. Ang mahalaga daw ay naoorganisa at nasasanay ang uri at ang masa sa pakikibaka kasama ang isang paksyon ng burgesya.
Ang ugat ng ganitong pananaw ay nagmula sa pagtingin na nahahati ang mundo sa dalawang kampo: Una, kampo ng nabubulok na kapitalismo at kailangan na agad ang sosyalistang rebolusyon. Ito ay ang abanteng kapitalistang mga bansa. Ang ikalawa ay ang kampo ng binansot o pinipigalang kapitalismo o “mala-pyudal, mala-kolonyal” dahil sa imperyalismo. Obhetibong uunlad pa daw ang kapitalismo kung maputol ang kontrol ng imperyalismo. Ito ay ang mga bansang atrasado sa third world countries gaya ng Pilipinas.
Bagamat kinikilala ng Kaliwa na burges ang TRG kabilang na ang demokrasya at anupamang pulitikal na institusyon nito, para sa kanila ito ay kailangan para sa pagbabago ng lipunang Pilipino dahil isang atrasadong bansa ang Pilipinas. Nilagyan lang nila ng “rebolusyonistang” lenggwahe ang kanilang burges na linya: “nasa pamumuno” ng uring manggagawa na para sa kanila ang ibig sabihin ay nasa pamumuno ng “partido komunista” o ng Kaliwa. Ibig sabihin, isang burges na pakikibaka na inako ng uring nais ibagsak ang burges na sistema at kaayusan! Ito ang rurok ng kahibangan ng Kaliwa sa Pilipinas: ang uri na may istorikal na misyon na ibagsak ang burges na sistema, ang uri na mortal na kaaway ang burgesya ang aako ngayon sa burges na pakikibaka at itayo ang isang tunay na burges na kaayusan sa bansa dahil sa katwirang may mga labi pa ng pyudalismo ang Pilipinas at hindi pa lubusang umunlad ang burgesy na demokrasya sa bansa.
Ang linya ng proletaryado sa 19 siglo, sa panahon ng pasulong na kapitalismo kung saan ay supporting actor lamang ang uring manggagawa sa burges na rebolusyon noon laban sa pyudalismo at sa mga labi nito ay kinaladkad ng Kaliwa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa pagpasok sa 20 siglo, partikular sa pagputok ng unang imperyalistang pandaigdigang digmaan sa 1914 subalit sa panawagang matamis pakinggan pero walang katotohanan: “burges na rebolusyon o pakikibaka sa ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa.”
Ang resulta: SUBSTITUTIONISM ng mga partido ng Kaliwa sa independyenteng kilusang manggagawa. Ang mga partido ng Kaliwa ang umaako na mismo sa “kilusang manggagawa”.
Ang TRG ay hindi hakbang pasulong kundi isang kadena na itatali ng Kaliwa sa leeg ng uring manggagawa para sa uring mapagsamantala.
Saan nagkamali ang Kaliwa sa ganitong pananaw?
Una, wala sa kasaysayan ng pakikibaka ng uring manggagawa sa buong mundo na pinamunuan nila ang hindi kanilang pakikibaka o rebolusyon. Sa antas man ng teorya at praktika ay imposibleng pamunuan ng isang uri ang pakikibaka o rebolusyon na hindi naman kanya. Ito ay tahasang panlilinlang sa uring manggagawa dahil ang katotohanan ay hindi kanya ang burges na rebolusyon “luma” o “bagong tipo” man ito. Sa kabila ng mga deklarasyong sa “ilalim ng pamumuno ng uring manggagawa” ang tunay na namuno nito ay ang burgesya at ginamit lamang ang uring manggagawa at maralita kasama na ang “talibang’ mga partido ng Kaliwa bilang pambala ng kanyon!
Pangalawa, walang katotohanan na progresibo pa ang kapitalismo sa atrasadong mga bansa at pinipigilan lamang ito ng imperyalismo o sa mas eksakto ng abanteng mga bansa. Walang katotohanan na ang nabubulok na kapitalismo ay nasa mga abanteng mga bansa lamang.
Ang kapitalismo ay isang pandaigdigang sistema. Kung ito ay nasa yugto ng pasulong at progresibo o nasa yugto ng nabubulok at permanenteng pagbulusok-pababa, ito ay pandaigdigan ang saklaw at walang anumang bansa ang nakaligtas sa ganitong obhetibong kalagayan. Ang WW I ay simula ng pandaigdigang pagbulusok-pababa ng kapitalismo at walang bansa na hindi nito kinaladkad pababa.
Kung hindi man umunlad ang mga bansa sa 3rd world countries kabilang na ang Pilipinas, ito ay dahil wala ng kapasidad pa ang pandaigdigang kapitalismo na paunlarin ang anumang bahagi nito sa panahon ng huling yugto nito. Anumang “kaunlaran” na mangyayari sa bawat bansa sa panahon ng imperyalismo, ito man ay isang “independyente” o “sosyalistang” bansa ay sa kapinsalaan ng uring manggagawa sa naturang bansa at buong mundo. Ang “kaunlaran” ng isang bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay ibayong pagsasamantala at paghihirap ng internasyunal na uring proletaryo.
Kaugnay nito, walang katotohanan ang “malayang bansa” sa panahon ng imperyalistang kapitalismo. Lahat ng mga bansa ay may katangiang imperyalista. “Uunlad” lamang siya kung pagsasamantalahan niya ang ibang mga bansa o kung papasok siya sa orbit ng isang makapangyarihang bansa. Ito ang nangyari sa “malayang” Tsina, Byetnam, Cuba at North Korea. Ito ang nangyari sa “maunlad” na dating USSR. Ito ang resulta sa Stalinistang linya na “socialism in one country” na aminin man o hindi ng lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas ay ganito ang esensya ng kanilang mga programa.
At ito ang nasa likod ng linyang Resign All, TRG at iba pang katulad na panawagan.
Tiyak ang bunga nito ay ibayong pagsasamantala sa uring manggagawa sa ilalim ng linyang “pambansang kaunlaran” at “pambansang pagtatanggol laban sa globalisasyon o imperyalismo” na walang ibig sabihin kundi kailangang makahabol ang Pilipinas sa matinding kompetisyon para makakuha ng mas malaking puwang sa lalupang kumikitid na world market sa panahon ng wala ng solusyon na pandaigdigang krisis.
Ano ang alternatiba ng uring manggagawa sa paksyong Arroyo?
Unang-una na, hindi lamang ang paksyong Arroyo ang kailangang ibagsak ng uring manggagawa at maralita kundi ang BUONG nagharing uri. Isang mistipikasyon ang linyang “one enemy at a time” dahil nauuwi lamang ito sa pagpalit ng isang paksyon ng nagharing uri at nagbibigay ilusyon sa masang api na “uunlad” na ang kanilang buhay dahil napatalsik na si ganito sa Malakanyang. Kasabay nito ay kailangang ibagsak ng uring manggagawa ang burges na estado at ang lahat ng mga institusyon nito. Sapat na ang masaklap na karanasan sa Edsa 1 at 2 para sana maunawaan ng Kaliwa ang mapait na aral hinggil sa “pakikipag-isang prente”. Subalit sa halip na matuto, lalupang humigpit ang hawak nito sa patalim ng burges na taktika.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, nasa agenda na ang pag-agaw mismo ng uring manggagawa sa kapangyarihan. Nasa agenda na ang proletaryong rebolusyon, ang sosyalistang rebolusyon. Ito ang tanging layunin ng makauring pakikibaka ng proletaryado sa kasalukuyang panahon.
Kung nais pukawin ng mga rebolusyonaryo at ng talibang organisasyon nito ang militansya at pagkakaisa ng uring manggagawa ito ay walang ibang layunin kundi ilunsad nito ang mga pakikibaka para sa pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan, para itayo ang diktadura ng proletaryado at hindi ang “block of four classes or five classes”. Kung pupukawin ang militansya para magpailalim sa isang burges na paksyon o para sa isang burges na kaayusan, siguradong mauuwi lamang ito sa demoralisasyon at ibayong pag-atras ng makauring pakikibaka. Higit sa lahat, ito ay pagtraydor sa proletaryong rebolusyon.
Hindi katwiran na “hindi pa handa ang proletaryado na agawin ang kapangyarihan”, “napakahina pa ng kilusang manggagawa” o “hindi pa handa ang hukbong bayan sa kanayunan para agawin ang kalungsuran “ kaya “kailangan munang makipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya”. Ang huli ay hindi lang anti-proletaryo kundi kontra-rebolusyonaryo. Ang katwirang ito ay hindi nakabatay sa istorikal na misyon at karanasan ng uri. Ito ay hindi pagkilala na ang uring proletaryado ang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunan at ang papel ng talibang partido ay pabilisin na tataas ang kamulatan at pagkakaisa ng uri. Mas titingkad ang pangangailangang hindi makipag-alyansa ang proletaryado sa burgesya kung hindi pa ito handa na agawin ang kapangyarihan o mahina pa ang kilusang manggagawa dahil tiyak na magpailalim ito sa huli bilang atomisadong mga indibidwal at makagawa ng maraming mistipikasyon at ilusyon na may pag-asa pa sa ilalim ng kapitalistang kaayusan.
Oportunista din ang katwiran na hindi pa hinog ang obhetibong kondisyon para sa sosyalistang rebolusyon. Hinog na hinog na ang obhetibong kondisyon dahil ang pandaigdigang kapitalismo ay nasa permanenteng krisis na. Subalit relatibong nahuhuli ang makauring kamulatan ng manggagawa.
Ang tamang panawagan sa uring manggagawa at maralita sa kasalukuyang pampulitikang krisis ng estado ay:
WALANG KAMPIHAN SA BURGESYA, ADMINISTRASYON MAN O OPOSISYON! SILANG LAHAT AY MAPAGSAMANTALA AT MAPANG-API!
ISULONG ANG SARILING PAKIKIBAKA NG MASANG ANAKPAWIS LABAN SA LAHAT NG MGA PAKSYON NG URING MAPAGSAMANTALA!
ITAYO ANG INDEPENDYENTENG MGA ORGANO NG PAKIKIBAKA NG MANGGAGAWA AT MARALITA! ILUNSAD ANG MGA ASEMBLIYA NG MANGGAGAWA! ITAYO ANG MGA KONSEHO NG MANGGAGAWA!
Sa ganitong laman ng pakikibaka, ang porma ng organisasyon nito sa pakikibaka ay hindi ang multi-sektoral na alyansa o ang mga unyon kundi ang independyenteng mga asembliya at konseho ng manggagawa na magdadala kapwa sa pang-ekonomiya at pampulitikang mga kahilingan ng uri.
Ilunsad sa mga pagawaan at komunidad ang mga mass meetings o asembliya ng mga manggagawa. Ang mga mass meetings na ito ay dadaluhan at pangasiwaan ng mga manggagawa mismo anuman ang kanilang pampulitikang ideya at paninindigan. Sa mga pulong na ito ay lubusang bigyang laya ang mga diskusyon, debate at talakayan sa kasalukuyang sitwasyon at ang mga kahilingan ng uri. Dito isagawa ng mga rebolusyonaryo ang pampulitikang pamumuno sa uri at ang pangunguna sa paglalantad sa mga di-proletaryong kaisipan at panawagan sa harap mismo ng masang manggagawa.
Ang mga asembliyang ito ang magdesisyon ng mga pagkilos at kahilingan. Ihalal nila ang kanilang mga lider na anumang oras ay maari nilang tanggalin sa posisyon kung pagpapasyahan ng asembliya. Ang mga asembliya at konseho ng manggagawa ang mangunguna sa pagbagsak sa burges na estado hindi lang sa paksyong Arroyo. Ang mga ito din ang magiging organo ng pampulitikang kapangyarihan matapos mawasak ang estado at lahat ng mga institusyon nito.
Ibig sabihin, hindi bunga ang mga asembliya sa mga manipulasyon ng mga partido at unyon kundi sa kamulatan at pagkakaisa mismo ng uring pinagsamantalahan. Ang tanging papel ng mga komunista ay linangin na uunlad ang makauring kamulatan at pagkakaisa sa hanay ng mga manggagawa. Ito ang kongkretisasyon sa “ang emansipasyon ng uring manggagawa ay nasa kamay mismo ng mga manggagawa”.
Kung sakaling hindi pa kakayanin ng uri na agawin ang kapangyarihan at mapalitan lamang ang paksyong Arroyo ng isa na namang burges na paksyon, dapat ituloy-tuloy ang pakikibaka laban sa uupo na bagong paksyon at hindi papasok sa gobyernong itatayo nito anuman ang “rebolusyonaryong” lenggwahe na gagamitin nito. Ang mahalaga sa lahat ay malinang ang malawak na makauring pagkakaisa sa hanay ng mga manggagawa. Pabilisin na hayagang lilitaw ang kanyang pagiging rebolusyonaryong uri at maihanda ang buong uri para sa susunod na mga rebolusyonaryong pakikibaka. Ito ang mga pangunahing layunin sa pakikibaka sa kasalukuyang pampulitikang krisis ng sistema.
Hindi maaring pilitin ng mga rebolusyonaryo ang uri kung ayaw pa nilang makibaka sa rebolusyonaryong paraan hanggang aabot sa punto na ang taliba na lang mismo ang makibaka para sa uri. Pero maling-mali din kung magpadala na lang sa agos ng repormismo ang taliba na laganap sa hanay ng mga manggagawa para lamang mapakilos sila at para magkaroon lamang ng “baseng masa”. Ang tamang gawin ng taliba ay ihanda ang uri para sa darating na pagputok ng rebolusyonaryong pakikibaka sa pamamagitan ng walang tigil, tuloy-tuloy na paghikayat sa mga manggagawa sa mga grupo ng diskusyon at sirkulo ng pag-aaral na ang tanging layunin ay maunawaan ng uri ang kanilang tunay na kalagayan sa ilalim ng naaagnas na panlipunang kaayusan at sa pangangailangan ng pagbagsak sa naturang sistema.
Bagamat nasa unahan lagi ang mga rebolusyonaryo sa pang-araw-araw at pang-ekonomiyang pakikibaka ng uri, dapat malinaw na ang tanging layunin ng una ay para ipakita sa huli ang kawalang pag-asa sa mga reporma sa loob ng kapitalismo at ang lubusang pangangailangan at posibilidad na ibagsak ito, hindi ang pagbibigay sa kanila ng ilusyon ng mga “taktikal na tagumpay” sa mga pakikibaka para sa reporma. Higit sa lahat, sa mga pakikibakang ito kailangang mabuo ang kanilang makauring pagkakaisa na walang ibig sabihin kundi ang mga asembliya at konseho ng manggagawa sa teritoryal na antas.
Sa madaling sabi, ang tanging bubuuin at lilinangin sa kasalukuyan ay isang rebolusyonaryong kilusan ng uring manggagawa at hindi repormista na bukambibig ang “rebolusyunistang” pananalita. At lalong hindi ang gerilyang kilusan sa kabundukan na walang anumang hibo ng proletaryong rebolusyunismo.
Kung ang kritisismo ng Kaliwa sa linyang ito ay “mahiwalay ang mangagawa” sa buong bayan (na ang ibig sabihin ay mahiwalay sa burgesya), mas mabuti pang malinaw na mahiwalay ang manggagawa at maralita sa isang paksyon ng nagharing uri kaysa patuloy na magpailalim sa huli. Dagdag pa, kailangan naman talagang paghiwalayin ang burges na linya sa proletaryong linya at dapat malinaw ito na maunawaan ng malawak na manggagawa at maralita.
Makabig lamang ng uring manggagawa ang ibang pinagsamantalahang mga uri (laluna ang magsasaka) sa kanyang panig kung matatag na titindig ang proletaryado bilang independyenteng uri sa alinmang paksyon ng burgesya. At ang ibig sabihin nito sa kongkreto ay ilantad sa harap ng malawak na masa ang pagiging reaksyonaryo ng lahat ng paksyon ng nagharing uri at paghikayat sa kanila na huwag sumama sa anumang pagkilos ng kahit anong paksyon ng burgesya.
Pangalawa, dapat maunawaan ng manggagawang Pilipino na ang kanilang pakikibaka ay hindi hiwalay kundi nagsisilbi para mapalawak ang makauring pakikibaka sa buong mundo dahil ang emansipasyon ng uring manggagawa ay mangyayari lamang kung madurog ang burges na paghari sa internasyunal na saklaw at mawasak ang lahat ng mga pambansang hangganan. Ang sosyalismo ay internasyunal at hindi pambansa. Kailangang maunawaan ng malawak na manggagawang Pilipino na hindi nila interes ang anumang pambansang interes dahil ito ay interes lamang ng uring mapagsamantala at mapang-api. Lalong hindi sa pamamagitan ng pambansang interes malilinang ang makauring interes. Higit sa lahat, nakasalalay ang paglakas ng proletaryong kilusan sa Pilipinas sa paglakas ng militanteng kilusan ng uring manggagawa sa buong mundo at hindi sa paglakas ng malawak na inter-classist na kilusan sa bansa.
MANGGAGAWA SA BUONG DAIGDIG, MAGKAISA!
Iba’t-ibang gimik ang ginagawa ng uring kapitalista para muling suyuin ang masa na lumahok sa eleksyon ngayong Mayo. Sa mga gimik na ito, ginagamit nila ang TV, radyo at pahayagan. Gumastos ng milyun-milyong piso para sa propaganda.
Gusto ng naghaharing uri na ipakita sa malawak na masa na kailangang "magkaisa ang mga Pilipino" para umunlad ang bayan. Kaya naman, ang dominanteng paksyon ng mga kapitalista — ang rehimeng Arroyo — ay tinawag ang slate na "Team Unity". Sa Team Unity ay naghalu-halo ang mula sa administrasyon at oposisyon (maka-Erap) gaya ni Tessie Oreta at Tito Sotto.
Hindi rin nagpahuli ang kapitalistang oposisyon. Tinawag din nila ang kanilang slate na "Genuine Opposition" o GO. At sinunod din nito ang panawagan ng uring kapitalista – "pagkakaisa". Sa slate nila naroon din ang mga maka-Gloria — sila Kiko Pangilinan at Manny Villar.
Ang tanging layunin ng buong uring burgesya sa darating na halalan ay lokohin na naman ang manggagawa na kailangang ilagay sa unahan ang interes ng bayan kaysa interes ng uri. Wala itong ibig sabihin kundi magpailalim ang masang manggagawa sa interes ng pambansang kapitalismo, sa interes ng mga kapitalista — para sa bayan.
Administrasyon man o oposisyon, ito ang layunin nila — patuloy na ikadena ang masang manggagawa sa pambansang interes at sa demokratikong proseso ng kapitalismo.
Gayung nag-aastang progresibo at rebolusyonaryo, ang iba’t-ibang organisasyon at partido ng Kaliwa sa Pilipinas ay pumasok sa burges na eleksyon. Naniniwala ang mga ito na "hindi dapat ibigay sa burgesya ang arena ng parlamentaryong larangan". Kailangan diumano na labanan ang uring kapitalista kahit sa tereyn nito para "lubusang mahubaran ang kabulukan ng sistema at mailayo sa repormismo ang uring proletaryo". Kaygandang layunin. Layunin na sa loob ng mahigit 70 taong pakikibaka ng uring manggagawa sa buong mundo ay napatunayang hindi nakamit dahil HINDI NA LARANGAN NG PAKIKIBAKA NG MANGGAGAWA ANG BURGES NA PARLAMENTO.
Subalit dahil sa ginawang dogma ang mga sinasabi ni Lenin at iniangat sa "Leninismo", hindi na tuloy nakita ng mga sinsirong militante sa Kaliwa na ang paglahok ng mga rebolusyonaryo sa burges na parlamento ay angkop lamang sa pasulong na yugto ng kapitalismo at MALI na sa yugto ng dekadenteng kapitalismo.
Sa halip na malantad at "maliwanagan" ang malawak na masa ng manggagawa sa pangangailangang ibagsak ang kapitalismo at ang burges na estado, ang paglahok ng Kaliwa dito ay lalong nakapagbigay ng ilusyon sa masang manggagawa sa burges na demokrasya at parmalamento. Kabaliktaran ang nangyari : ANG KALIWA ANG NAHATAK SA REPORMISMO. Naging kakutsaba ang mga ito ng uring kapitalista sa panloloko sa uring proletaryo sa Pilipinas.
Wala sa burges na parliyamento ang daan para makuha ng masang manggagawa ang kanilang kahilingan. Makukuha nila ito sa mga konseho ng manggagawa at sa asembliya ng manggagawa. Makakamit nila ang kanilang mga demanda hindi sa bulwagan ng koral ng baboy at putahan — sa kongreso, kundi sa mass strike na pamumunuan ng mga konseho ng manggagawa hindi ng mga unyon.
Lahat ng matinong tao hindi lang sa bansa kundi sa buong mundo ay kinundena ang anumang uri ng terorismo hindi lang dahil pumapatay ito ng mga tao kundi higit sa lahat mga inosenteng sibilyan ang biktima nito.
Katunayan, ang Glorietta bombing ay hindi lang ang una at huling
teroristang aksyon na mangyayari sa Pilipinas sa panahon ng dekadenteng
kapitalismo.
Maliban sa kaaway ng proletaryado ang lahat ng klase ng terorista at uri ng terorismo, hindi rin ito kabilang sa kanyang mga sandata laban sa kapital. Walang puwang ang teroristang paraan sa pakikibaka laban sa kapitalismo. Ang tanging sandata ng manggagawa laban sa kapital ay makauring kamulatan at pagkakaisa sa balangkas ng kolektibo, sentralisado at malawakang pakikibaka sa internasyunal na saklaw.
Ang terorismo ay sandata ng burgesya. Ginagamit ito ng iba’t-ibang paksyon ng uring mapagsamantala hindi lamang laban sa isa’t-isa at kundi higit sa lahat laban sa uring pinagsamantalahan. Lumitaw at lumaganap ang terorismo sa panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo na bunga ng lumalalang tunggalian sa hanay ng mga paksyon ng nagharing uri. At ang pinakamarahas na anyo ng terorismo ay ang terorismo ng estado.
Paglaganap ng takot sa lipunan : Buong uring burgesya ang makinabang
Dahil sa tumitinding tunggalian ng mga paksyon ng nagharing uri hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo, umabot na ito sa armadong labanan at isa sa mga porma nito ay ang terorismo. Ito ay makikita natin hindi lamang sa panahon ng rehimeng Arroyo kundi maging sa nagdaang mga rehimen. Isang halimbawa ang April 6 Liberation Movement sa panahon ng diktadurang Marcos kung saan nagsagawa ito ng pambobomba. Sa pandaigdigang saklaw, mga halimbawa din ang Red Army at Red Brigade sa Western Europe noong dekada 70.
Syempre, walang ibang makinabang nito kundi ang burges na estado mismo sa kabila ng katotohanan na makakasira ito sa isang paksyon ng burgesya at makapagpalakas sa kabilang paksyon. Komon ang interes ng lahat ng mga paksyon ng nagharing uri – palakasin ang estado. At isa sa kondisyon para mapalakas ang estado ay ang paglaganap ng terorismo. Nangyayari ito sa kalagayan na mahina ang independyenteng kilusan ng proletaryado at laganap ang kaisipang "tanging ang estado lamang ang makapagligtas sa mamamayan" (hawak man ito ng Kanan o Kaliwa).
Partikular sa pambobomba sa Glorieta, lumaganap ngayon ang pagtingin na ito ay kagagawan ng rehimeng Arroyo para ilihis ang opinyong publiko sa pampulitikang krisis na kinaharap ng nagharing paksyon – katiwalian, panunuhol, political killings at iba pa. Ito ang pinakamalapit sa katotohanan. Ang nagharing paksyon ng burgesya na lubusang nahiwalay sa mamamayan ay desperadong gagawin ang lahat para lamang manatili sa kapangyarihan. At isa sa desperadong hakbang nito ay ang paggamit ng terorismo para mapalakas ang estadong kontrolado niya at mabigyang katwiran ang panunupil nito hindi lamang laban sa kanyang mga karibal na paksyon sa loob ng nagharing uri kundi higit sa lahat laban sa nakibakang mamamayan. Dagdag pa, ang C-4 na sangkap sa paggawa ng bomba ay galing sa sandatahang lakas ng estado.
Subalit, dahil ang terorismo ay hindi sandata ng uring manggagawa kundi sandata ng burgesya, hindi rin maaring sabihin na walang kinalaman ang burges na oposisyon (direkta man o inderikta) sa usapin ng pagsagawa ng teroristang aktibidad para lamang sagarin ang pagkahiwalay ng rehimeng Arroyo at makuha ang simpatiya ng publiko kabilang na ang uring manggagawa sa anumang plano nito na agawin ang Malakanyang.
Administrasyon, oposisyon o teroristang grupo man ang may kagagawan sa pambobomba sa Glorieta, ang tiyak ay gagamitin ito ng rehimeng Arroyo at ng oposisyon upang tangkaing mapalakas muli ang kani-kanilang mga paksyon sa pamamagitan ng pagkuha sa opinyong publiko kabilang na ang uring manggagawa at maralita. Ang ultimong bunga nito ay palakasin ang estado bilang tagapagtanggol ng bulok na sistema.
Ang terorismo ay hindi simpleng kagustuhan ng isang tao, isang
grupo o isang paksyon ng burgesya. Ito ay hindi maiwasang paraan ng
alinmang paksyon ng nagharing uri para sa kanilang makauring interes na
walang iba kundi isalba ang dekadenteng kapitalismo mula sa tuluyang
pagbagsak at ikulong ang masang nakibaka sa burges na linyang
"pakikibaka para sa demokrasya", "laban sa katiwalian ng isang paksyon"
at iba pang isyu na lumalayo sa tunay na solusyon ng kahirapan at
kaguluhan – ang ibagsak ang burges na estado at kapitalismo.
Ang ugat ng terorismo ay ang dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa Unang Imperyalistang Digmaang Pandaigdig noong 1914. Lumalala ang terorismo ng pumasok ang dekadenteng sistema sa yugto ng kanyang pagkaagnas noong 1980s. At pagkatapos ng pambobomba sa World Trade Center sa New York City noong Septyembre 11, 2001 naging pandaigdigang linya na ito ng pinakamakapangyarih ang imperyalistang bansa sa mundo – ang "digmaan laban sa terorismo".
Kaya hindi dapat ipagtaka kung ang buong estado kasama na ang "oposisyon" na nasa loob nito ay magkaisa upang lalupang palakasin ang estado. Hindi dapat magtaka kung magsagawa ito ng malawakang propaganda kakutsaba ang mass media na kailangang tanggapin ng publiko ang militarisasyon hindi lang sa kanayunan kundi maging sa kalungsuran sa ngalan ng "labanan ang terorismo" (isang panibagong anyo ng imperyalistang digmaan).
Hindi solusyon na kumampi ang uring manggagawa at maralita sa alinmang paksyon ng nagharing uri anuman ang kanilang "maka-mamamayan" na mga lenggwaheng gagamitin. Lahat ng paksyon ng uring mapagsamantala ay kaaway ng uring manggagawa at maralita.
Ang tamang solusyon laban sa terorismo ay ibagsak ang burges na estado at agawin ng uring manggagawa ang kapangyarihan. Sa ganitong linya, ang dapat gawin ng proletaryado ay ilunsad ang mga malawakang pakikibaka laban sa mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan – sahod, trabaho, kahirapan at digmaan – na ang tanging direksyon ay palakasin ang pampulitikang pakikibaka para ibagsak ang estado. Ang pakikibaka ng proletaryado ay kailangang nagkakaisa, sentralisado at malawakan. At ito ay hindi sa paraan ng mga unyon o kaya ay lobbying o presyur tactics sa burges na parlyamento kundi sa independyente at mga militanteng porma ng pagkilos sa lansangan na lalahukan ng malawak na manggagawa – regular, kontraktwal, unyonista, di-unyonista, publiko at pribado. Ang tanging organo ng pakikibaka para dito ay ang mga asembliya at konseho ng manggagawa sa antas lungsod/syudad pataas.
Hindi dapat pumasok sa patibong ng buong uring burgesya na ilihis ang pakikibaka at dalhin lamang sa lantay na linyang "GMA resign" o "Oust Gloria". Ang linyang "GMA resign" o "Oust Gloria" ay walang ibang ibig sabihin kundi palitan lamang ang paksyong Arroyo ng ibang paksyon ng nagharing uri. Nais ng buong nagharing uri na ipako lamang ang pakikibaka laban sa isang paksyon ng burgesya at itago ang katotohanan na ang tunay na kaaway ng pinagsamantalahang mga uri ay ang kasalukuyang bulok na kapitalistang sistema.
Ang linyang "Transitional Government" o "Coalition Government" ay mas radikal lamang sa lenggwahe kaysa "Resign" at "Oust" subalit pareho lamang ang laman – kasama ang isang paksyon ng nagharing uri, ang "makabayan" at "maka-mahirap" na burgesya sa gobyernong ipapalit sa rehimeng Arroyo.
Ang tanging organo ng proletaryado para sa pag-agaw ng kapangyarihan ay ang independyenteng mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ito ang tunay na ekspresyon ng pampulitikang kapangyarihan ng proletaryado. Ito ang tunay na magbibigay wakas sa anumang tipo ng terorismo. Ito ang tanging landas tungo sa PANDAIGDIGANG KOMUNISTANG REBOLUSYON.
Hangga’t hindi mulat na magkaisa at makibaka ang uring manggagawa para sa kanyang makauring interes sa pamamagitan ng mga asembliya at konseho ng manggagawa, hangga’t hindi maagaw ng proletaryado ang kapangyarihan, mananatili ang terorismo sa lipunan alinmang paksyon ng burgesya ang nasa kapangyarihan.
Ang pinakamahalaga at pinakamabigat na tungkulin ng mga komunista sa kasalukuyang pampulitikang krisis sa bansa ay PABILISIN na mailatag ang mga kondisyon para sa sariling pagkamulat, pagkakaisa at pakikibaka ng uring manggagawa at ILANTAD sa harapan ng malawak na masa ang anumang patibong para hadlangan ito. Maaring simulan ito sa mga study circles at group discussions sa mga paaralan, komunidad at pagawaan.
"Ang emansipasyon ng uring manggagawa ay nasa mga kamay mismo ng mga manggagawa."
Kahit anong paksyon ng burgesya "Kaliwa man o Kanan, nasa kapangyarihan man o wala" sa panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo ay mandarambong at magnanakaw sa yaman ng lipunan na likha ng masang anakpawis.
Implikasyon ng hatol kay Erap
Ang hatol na reclusion perpetua ay isang propaganda ng buong uring burgesya na sa ilalim ng estadong kapitalista nangibabaw ang "rule of law", na "walang sinasantong" indibidwal o paksyon maging sa loob ng nagharing uri. Sa totoo lang, hindi naman ito bago. Noong Edsa I, sinamsam ng rehimeng Aquino ang nakaw na yaman ng pamilyang Marcos na hindi naman napunta sa taongbayan kundi sa estado lang na "kumakatawan" sa interes ng buong bayan.
Ang ginawa ng burgesya kay Marcos at kay Erap ay iisa lamang ang layunin: palakasin ang estado para lubusang makontrol nito ang buhay panlipunan sa ilalim ng patakarang "rule of law". Ang "rule of law" ay ang huling depensa ng isang naghihingalong sistema kahit saang dako ng mundo ngayon.
Narito ang katotohanan sa likod ng estado (anuman ang tipo nito) sa panahon ng dekadenteng kapitalismo: ipagtanggol ang kasalukuyang kaaysuan sa pamamagitan ng mga batas bilang latigo sa uring nais ng rebolusyonaryong pagbabago sa lipunan.
Hindi na epektibo sa hanay ng ordinaryong manggagawa at mamamayan ang propaganda ng estado na "walang sinasanto ang batas". Ganun pa man, ito talaga ang direksyon ng lahat ng mga estado sa buong mundo (Kanan man o Kaliwa): palalakasin ang sarili. Alam na ng masang anakpawis na kahit anong paksyon ng nagharing uri ang papalit sa pwesto ay patuloy ang pandarambong at pagnanakaw ng mga ito.
Pero may humahadlang sa uring manggagawa at maralita na lubusang maunawaan nito ang tunay na katangian ng estado at ang buong uring mapagsamantala at hawanin mismo ng masa ang landas ng rebolusyonaryong pakikiba: ang mistipiskasyon kakutsaba ang Kaliwa, ang mistipikasyon ng pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng burgesya para daw maisulong ang tunay na panlipunang pagbabago sa hinaharap.
Pakikipag-alyansa sa burgesya: Isang kontra-rebolusyonaryong taktika
Nakaupo si Gloria sa pwesto matapos mapatalsik si Erap noon dahil nakikipagsabwatan ang Kaliwa sa isang paksyon ng burgesya laban kay Erap. Sa lantay na linyang anti-Erap, tinali ng Kaliwa ang kamay ng masa at manggagawa sa pagpasok ni Gloria sa eksena bilang bida. Ang taktikang pakikipag-isang prente ay napatunayang hadlang sa pagtaas ng kamulatan ng masang nakibaka para sa rebolusyonaryong pagbabago.
Sa totoo lang, matagal ng napatunayan ang kontra-rebolusyonaryong katangian ng "united front". Sa 1930s sa Spain, ang militansya ng uring manggagawa ay ikinulong sa taktikang "Popular Front". Ang resulta: libu-libong buhay ng manggagawang Espanyol ang sinakripisyo sa altar ng "anti-pasistang prente". Ang WW II ang pinakamarahas at pinakamaraming patay dahil sa pagsuporta ng mga partido komunista sa pangunguna ng imperyalistang Unyon Sobyet sa isang paksyon ng imperyalistang bloke laban sa isa pa sa linyang "anti-fascist popular front". Sa Pilipinas, maamong tupa na sinunod ng PKP ang "popular front" na panawagan ng imperyalistang Rusya, ang resulta: minasaker ng hukbong Amerikano (na kaalyado nito laban sa Hapon) ang libu-libong mandirigma at masa ng Hukbalahap.
Pero lubusan ng naging kontra-rebolusyonaryo ang Kaliwa sa Pilipinas dahil itinakwil nila ang mga aral sa kasaysayan sa usapin ng "united front". Katunayan, sa halip na halawin ang mga aral sa kasaysayan hinggil sa taktikang ito ayon sa marxistang balangkas, patuloy pa rin itong ginagamit laban kay GMA ngayon. Kaya, ang dating kaaway na paksyong Estrada ay naging taktikal na alyado naman nila ngayon. At ang dati taktikal na alyado na paksyong Arroyo ay naging mortal na nila na kaaway ngayon. Ito ang resulta ng oportunistang taktika na "the enemy of my enemy is my friend".
Ang taktikang "united front" ay isang burges na taktika hindi proletaryado. Ang taktikang ito ay matagal ng ginagamit ng burgesya sa Kaliwa sa Pilipinas: ang paksyong Aquino noon ay kinikilalang taktikal na alyado ang Kaliwa laban kay Marcos; ginamit ng paksyong Arroyo ang Kaliwa para mapatalsik si Erap; ang paksyong Estrada naman ngayon ay naging "kaibigan" ang Kaliwa laban sa rehimeng Arroyo.
Ang resulta ng taktikang "united front" ay halinhinan lamang ng mga paksyon ng nagharing uri sa kapangyarihan at patuloy na pagpapalakas ng estadong kapitalista sa gitna ng permanenteng krisis ng sistema. Ang isyu ng korupsyon, panunupil at pagsasamantala na sinisigaw ng Kaliwa noon laban kay Erap ay siya ring sinisgigaw nila ngayon laban kay GMA.
Hindi talaga natuto ang Kaliwa na sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo, ang lahat ng paksyon ng nagharing uri ay ganap ng reaksyonaryo at mortal na kaaway ng mga pinagsamantalahan at inaapi. Ang tanging tunay na united front sa kasalukuyan ay ang pagkakaisa ng mga manggagawa sa daigdig laban sa buong uring kapitalista sa loob at labas ng mga bansa nila.
"Ang emansipasyon ng mga manggagawa ay nasa kamay mismo ng uring manggagawa." Ito ang marxistang prinsipyo na kailangang laging ipagtanggol ng lahat ng mga rebolusyonaryo sa mundo, na siya mismong tinalikuran ng Kaliwa sa ngalan ng "taktika".
Ang yugto ng transisyon ay hindi isang moda ng produksyon sa pagitan ng kapitalismo at komunismo. Ito ay temporaryo at matindi ang labanan sa pagitan ng mga nalalabing kapitalistang relasyong panlipunan na pinapawi at sa komunistang relasyong panlipunan na pinauunlad. Ang yugto ng transisyon ay matagal at dadaan sa pasikut-sikot na mga proseso dahil ilang libong taon na naghari ang makauring sistema sa sangkatauhan at hindi madaling lubusang wasakin ang lahat ng mga labi at impluwensya ng makauring lipunan kahit pa hawak na ng uri ang kapangyarihan.. Kung luluwag ang internasyunal na diktadura ng proletaryado, hindi imposible na babalik ang kapitalismo.
Bakit imposible mangyari ang transisyonal na yugto sa isang bansa o grupo ng mga bansa?
Magsimula tayo sa pag-unawa na ang kapitalismo ay isang pandaigdigang sistema laluna sa yugto ng imperyalismo at pagbulusok-pababa nito (decadence). Pandaigdigan ang saklaw ng kapitalistang relasyong panlipunan. Mula dito, madali nating maunawaan na ang komunismo ay pandaigdigan din dahil pandaigdigan ang pagwasak sa kapitalismo. Ibig sabihin, kasama sa wawasakin sa yugto ng transisyon ay ang mga pambansang hangganan at ang katangian mismo ng bansa.
Ang paniniwala ng Kaliwa na ang sosyalismo (period of transition) ay posible sa isang bansa ay napatunayan sa karanasan na MALI at sa esensya ay pagtatanggol sa kapitalistang sistema. Bakit?
Sa konseptong “socialism in one country” ang naturang “sosyalistang bansa” ay mapilitang magpapatupad ng mga kapitalistang relasyon para manatili siya bilang bahagi ng kapitalistang mundo. Imposible na hihiwalay siya na mag-isa. Ito ay utopyanismo.
Ang mga produktong ginagawa niya ay nakabatay sa halaga ng palitan at para sa pamilihan laluna sa pandaigdigang pamilihan. Kailangan niyang makalikum ng kapital, na walang ibig sabihin kundi patuloy niyang pagsamantalahan ang kanyang mga manggagawa at maging ang mga manggagawa sa ibang mga bansa.
Isang kahibangan na ang “sosyalistang” estado ang mangunguna para maabot ang komunismo, isang lipunan na walang estado. Kabaliktaran ang nangyari, sa halip na unti-unting maglalaho ang “sosyalistang” estado ng isang bansa ay lalupa itong lumakas at absolutong kinontrol ang lahat ng buhay sa lipunan. At ito ang pinaniwalaan ng Kaliwa na “sosyalismo”.
Ang pambansang pagmamay-ari (state ownership) ay nanatiling nakabatay sa halaga ng palitan at batas ng halaga, para sa pamilihan. Ibig sabihin, para sa kapitalistang mga relasyon. Ang indibidwal o pribadong kapitalismo ay natransporma lamang tungo sa estado/kolektibang kapitalismo na nagbalatkayong “sosyalismo”.
Ganito talaga ang mangyari kung ang hawakan ay ang MALING konsepto na matatalo ang imperyalismo o ang pandaigdigang kapitalismo sa pamamagitan ng “pagkokonsolida sa sosyalistang bansa”. Ang mangyari kasi nito ay dapat diumano dadami ang sosyalistang mga bansa hanggang “lahat” ng mga bansa ay maging sosyalista na. Pag nangyari na ito, makakamit na daw ang komunismo. Ang balangkas ay nasa bansa, kung saan sa istorikal na pananaw ang bansa ay interes ng burgesya at hindi ng proletaryado.
Lahat ng mga grupo ng Kaliwa, mula sa mga maoista hanggang sa mga leninista at trotskyista ay hanggang ngayon MALI pa rin ang pinaniwalaang "tamang" linya.
Ano naman ito sa karanasan?
Ang “socialism in one country” ay nagmula sa kontra-rebolusyonaryong pananaw sa pakikibaka para sa “pambansang kalayaan” at sa paghahati sa mundo sa dalawa — bulok na kapitalismo sa 1st world na mga bansa at progresibong kapitalismo sa 3rd world. Kaya, sa maling pananaw na ito, pambansang pagpapalaya ang linya sa 3rd world habang sosyalistang rebolusyon naman sa 1st world. Kapwa ang direksyon ng 1st world at 3rd world ay itayo ang “sosyalismo” sa kani-kanilang mga bansa sa pamamagitan ng estado. Hindi ito marxismo kundi kontra-rebolusyonaryong stalinismo.
Ang mga bansa sa 3rd world na nakamit ang “pambansang kalayaan” sa pamumuno ng mga “partido komunista” ay hindi naging mga sosyalistang bansa kundi naging mga kapitalista (na nanatiling atrasado o nahirapang umunlad dahil wala na talagang uunlad pa na mga bagong bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo). Naging bahagi sila sa pandaigdigang kapitalistang kompetisyon at kontrolado ng malalaking kapitalistang mga bansa o kaya nagnanais maging imperyalista na hinahamon ang kapangyarihan ng mga karibal. Tingnan na lang natin ang nangyari sa Tsina at Byetnam, dati mga “haligi” ng anti-imperyalismo at “digmaan para sa pambansang pagpapalaya” sa ilalim ng isang “partido komunista” pero ngayon ay kasing ganid na sa tubo tulad ng mga dating kalaban nito.
Ang “socialism in the 21st century” ni Hugo Chavez sa Beneswela ay isa na namang mistipikasyon ng burgesya para ilihis ang proletaryado sa tamang linya na pandaigdigang rebolusyon. Ang Chavismo sa Beneswela ay walang kaibahan sa maoismo sa Tsina at Stalinismo sa Rusya.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo imposible na ang pag-unlad ng isang di-industriyalisadong bansa tungo sa pagiging industriyalisado. Sa halip, tiyak na ang uunlad ay ang military-industrial complex para sa paghahanda ng bawat bansa sa mga imperyalistang digmaan. At ito ay hindi tunay na industriyalisasyon kundi paglaki ng hindi produktibong gastos.
Nangyari ito dahil itinakwil ng Kaliwa na ang transisyonal na yugto ay pandaigdigan at imposible sa bawat bansa.
Ano pala ang gawin sa isang bansa na unang mananalo ang kanyang proletaryong rebolusyon sa gitna ng dagat ng pandaigdigang kapitalismo?
MALI at utopyanismo kung maghintayan ang bawat bansa sa paglunsad ng sosyalistang rebolusyon para maging “pandaigdigan” lamang ito. Kumbaga, sabay-sabay dapat na magrebolusyon o sabay-sabay na manalo ang mga bansa. Ito ay mekanikal na pag-unawa sa proletaryong rebolusyon. May mauuna talaga at may mahuhuli na mananalo.
Pero ang pangunahin at pundamental na reksito sa paglunsad ng rebolusyon ay ang pag-aaral sa balanse ng pwersa hindi sa kanya-kanyang bansa kundi sa pandaigdigang antas. Ibig sabihin, ang proletaryong rebolusyonaryong opensiba ng isang bansa ay dapat nakabatay sa pandaigdigang rebolusyonaryong sitwasyon. Mauuwi lamang sa pagkatalo o pagbalik sa kapitalismo kung mag-iisa lamang na mag-opensiba ang isang bansa habang ang buong mundo ay wala pa sa rebolusyonaryong sitwasyon.
Pumutok at nanalo ang rebolusyong Oktubre sa Rusya dahil nasa panahon ang rebolusyon niya sa isang pandaigdigang pag-aalsa ng mga manggagawa sa buong mundo. Nahiwalay at bumalik siya sa kapitalismo sa panahong natalo at paatras ang pandaigdigang rebolusyon.
Sa ilalim ng isang pandaigdigang rebolusyonaryong sitwasyon, ang tungkulin ng unang nanalong bansa o ilang bansa ay gamitin ang lahat ng makakaya nito para lalupang paliyabin ang pandaigdigang rebolusyon hanggang sa magsunod-sunod na manalo ang ibang bahagi ng internasyunal na proletaryado. Ang “pambansang interes” ng nanalong bansa ay kailangang ipailalim at magsilbi sa pagsusulong ng pandaigdigang rebolusyon. Dito nagkamali hanggang sa natulak ang partidong Bolshevik sa Rusya sa pagiging kontra-rebolusyonaryo sa ilalim ng Stalinismo. Sa halip na maging pangunahing tungkulin ang pagsusulong ng pandaigdigang rebolusyon ay ang pambansang interes ng Rusya ang inatupag ng partido na nasa loob ng estado. Ginawa lamang nitong mga papet ang ibang mga “sosyalistang” bansa pati na ang “pambansa-demokratikong” kilusan sa 3rd world para sa interes ng estadong Ruso.
Sa pagsusulong ng internasyunal na rebolusyon, napakahalaga ang papel ng sentralisadong internasyunal na partido ng uring manggagawa. Isa ito sa mga garantiya na mananalo ang rebolusyon. Ang sentral na papel nito ay ang pandaigdigang rebolusyon at hindi para gamitin ng isang bansa gaya ng nangyari sa 3rd International sa panahon ng Stalinismo.
Ang MALI sa “socialism in one country” ay walang konsiderasyon sa pandaigdigang balanse ng pwersa bago ilunsad ang rebolusyonaryong opensiba sa isang bansa. MALI ang estratehiya dahil MALI ang pananaw sa usapin ng proletaryong rebolusyon.
Sa pagsusuma: Mangyari lamang ang transisyon kung maagaw na ng proletaryado ang kapangyarihan sa pandaigdigang saklaw at maagaw lamang nito ang kapangyarihan sa ilalim ng isang pandaigdigang rebolusyon sa sentralisadong paggabay ng internasyunal na partido at hindi sa isang pambansang rebolusyon sa gabay ng isang pambansang partido.
2. Ang usapin ng lenggwahe at kultura sa panahon ng transisyon at komunismo
Ngayon, ipagpalagay natin na naagaw na ng proletaryado ang pandaigdigang kapangyarihan at nasa yugto na siya ng transisyon. Paano na ang iba’t-ibang lenggwahe at kultura na namana mula sa naibagsak na kapitalistang mundo at sa buong kasaysayan ng makauring lipunan?
Dalawang mahalagang punto ang ating i-konsidera dito: Una, mataas na internasyunalistang kamulatan ng uring manggagawa. At pangalawa, ang napakataas, napakatagal at pasikut-sikot na prosesong dadaanan para lubusang maglaho ang mga uri sa mundo
Dahil mataas na ang kamulatang internasyunalista ng uri, idagdag pa ang abanteng teknolohiya na naabot ng mundo (sa kabila ng anumang plano o pagtatangka ng kapitalismo na wasakin ito), hindi mahirap na magkaintindihan ang mga tao na iba-iba ang lenggwaheng nalalaman. Ang uring manggagawa mismo ang lilikha ng isang pandaigdigan na lenggwahe sa kalaunan at may kapasidad sila nito. Kung ipagpalagay natin na Ingglis (pwede din namang hindi) nga ang maging pandaigdigan na lenggwahe, sa sitwasyon na naagaw na ng internasyunal na uri ang kapangyarihan, tiyak ang unang gawin nito ay gawing pangmasa at libre ang edukasyon. Kaya, ang pag-aaral sa Ingglis ay hindi na mahirap kahit doon sa pinakasulok na bahagi ng mundo.
Kung nagkaintindihan ang uring manggagawa ngayon sa buong mundo sa kanilang pakikibaka laban sa kapitalismo, mas laluna sa panahon ng transisyon kung saan naibagsak na nila ang paghahari ng kapital. Ang Tore ng Babel ay aplikabol lamang sa sinaunang panahon at sa panahong naghari ang mapagsamantalang mga uri.
Ganun din sa kultura. Ang lahat ng mga kultura at sining na namana mula pa sa sinaunang panahon hanggang ngayon ay pauunlarin ng uri para mabuo ang isang tunay na makataong kultura at sining na hindi na naka-base sa uri.
Ang isang komunista, makatao at pandaigdigan lenggwahe at kultura ay kailangan ng linangin sa panahon pa lang ng transisyonal na yugto. Bagama’t hindi ito madaling gawin, pero ang pundasyon para magawa ito ay umiiral na — nasa kamay na ng uring manggagawa ang kapangyarihan batay sa internasyunal na pagkakaisa at kamulatan. Ang mga ito ang pundamental na rekisito para magtuloy-tuloy ang yugto ng transisyon tungo sa komunismo.
Ang kanan ng burgesya — ang mga sagad-saring maka-kapitalismo — karamihan sa kanila ay kontrolado ang mga estado ng maraming mga bansa, ay tulad ng dati, paulit-ulit na manawagan sa masang proletaryado na wala ng ibang sistemang maasahan kundi ang kapitalismo at “patay na ang komunismo”. Ang pundasyon ng panawagang ito ay ipagtanggol at paunlarin ang pambansang ekonomiya habang palakasin ang kapasidad ng bansa sa pandaigdigang kompetisyon. Nanawagan sila na magsakripisyo ang mga manggagawa nila alang-alang sa kapakanan ng inang-bayan.
Ang kaliwa ng burgesya — mga maoista, “leninista”, trotskyista, anarkista, “sosyalista”, “komunista”, radikal na demokrata at unyonista, “anti-imperyalista, at iba’t-ibang tipo ng kaliwa — na gumagamit ng iba’t-ibang radikal na lenggwahe at pagkilos “laban sa kapitalismo” at “para sa sosyalismo“, ay manawagan sa mga manggagawa na ibagsak ang mga paksyon ng burgesya o mga “tuta ng imperyalistang” mga bansa na may hawak ng pampulitikang kapangyarihan sa mga bansa nila. Magpaliwanag sa masang manggagawa na ang mga paksyong ito ang dahilan ng kahirapan at pagdurusa nila.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, ang imperyalismo ay isang sistemang sumukob sa lahat ng kapitalistang bansa — malaki o maliit, malakas o mahina, abante o atrasado. Ang bawat pambansang kapital ay may imperyalistang katangian. Ito ang tunay na kahulugan ng imperyalismo sa kasalukuyang panahon at dito kailangang ibatay ang proletaryong anti-imperyalistang pakikibaka.
Ang kaliwa ng burgesya ay nagkaisa sa pangkalahatan na ang “kawalan o kakulangan ng demokrasya” ang pangunahing dahilan kung bakit hindi nakamit ng masang proletaryado ang kanilang mga kahilingan para sa kanilang kapakanan. Kasabay nito, tinuligsa nila ang “imperyalismo” partikular ang imperyalismong Amerikano bilang pangunahing dahilan kung bakit maraming mga bansa ang nanatiling atrasado at naghihikahos. Sa madaling salita, sinisi nila ang paghadlang ng imperyalismo o ng globalisasyon sa pag-unlad ng kapitalismo ng mga bansa nila.
Walang pagkakaiba ang kanan at kaliwa ng burgesya sa balangkas ng kanilang mga pananaw — ipagtanggol ang bansa at ang demokrasya; ang pambansang kapitalismo. Konserbatibo man o radikal ang mga lenggwahe; hayagan man na tutol sa “sosyalismo” o sumisigaw ng komunismo, kapwa sila nagtutulungan para manatiling nakagapos ang masang masanggagawa sa buong mundo sa balangkas ng bansa, sa pagtatanggol sa inang-bayan at sa demokratikong mistipikasyon ng burgesya.
Ang Katangian ng Proletaryado at ng Kanilang Pakikibaka
Ang Mayo Uno ay internasyunal na araw ng paggawa. Sa araw na ito nararapat na muling bigyang diin ang tunay na katangian ng uring manggagawa, na sa loob ng ilang siglo ay nais itago ng burgesya kasabwat ang lahat ng tipo ng Kaliwa sa masang proletaryado at palitan ito ng mga mistipikasyon. At ang mga mistipikasyong ito ang nangibabaw sa kamulatan kundi man tanging pinaniwalaan ng manggagawang Pilipino sa mahigit isang daang taon.
Ang mga manggagawa ay walang bansa; walang inang-bayan. Ang proletaryado ay isang internasyunal na uri. Iisa lamang ang mga interes ng mga manggagawa saang bansa man sila nakatira o namuhay. Iisa lamang ang kaaway ng mga manggagawa — ang buong uring burgesya sa buong mundo. Ibig sabihin, ang kanilang mga interes ay hindi nakatali sa interes ng bansa o inang-bayan. Kabaliktaran ang katotohanan: makakamit lamang nila ang kanilang mga kahilingan sa labas ng balangkas ng pambansang kapital. Ang sosyalismo o komunismo ay magkatotoo lamang hindi sa bawat bansa kundi sa buong mundo.
Internasyunalismo ang isa sa dalawang pundasyon ng tunay na kilusang manggagawa. Pangalawa ang independyenteng kilusan nito; independyente sa ibang mga uri laluna sa uring kapitalista. Ito ang batayang kaibahan ng isang tunay na proletaryong kilusan sa kaliwa ng burgesya.
Dahil internasyunal na uri ang manggagawa, internasyunal din ang katangian ng pakikibaka nito. Nasa balangkas ng pagsusulong ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon ang mga pakikibaka ng bawat bahagi ng uri sa buong mundo. Sa ganitong konteksto maintindihan na ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” sa kasalukuyang istorikal na yugto ng dekadenteng kapitalismo ay hindi para sa makauring interes ng proletaryado kundi makakasira sa pakikibaka nila. Sa dekadenteng kapitalismo ganap ng isang kontra-rebolusyonaryong taktika ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” katulad ng “pakikibaka para sa reporma”, “rebolusyonaryong unyonismo”, “rebolusyonaryong parlyamentarismo” at pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng burgesya.
Ang Araw ng Paggawa sa 2007 sa Pilipinas
Sa pangkalahatan, walang pagkakaiba ang selebrasyon ng Araw ng Paggawa sa Pilipinas sa magaganap sa buong mundo — dominado at kontrolado ng kanan at kaliwa ng burgesya. Subalit sa Pilipinas, at maging sa ibang mga bansa na dahan-dahan ng nabubuo ang mga grupo na nanindigan sa internasyunalismo at indepenyenteng kilusan ng internasyunal na uring manggagawa, maaring sabihing dapat ipagdiwang ang Araw ng Paggawa ng mga internasyunalistang komunista.
Partikular sa Pilipinas, bagamat nagsimula pa lamang ang teoritikal na klaripikasyon ng ilang mga rebolusyonaryo, ito ay bahagi na ng muling pagbangon ng tunay na proletaryong kilusan sa internasyunal na saklaw simula ng huling dekada ng 1960s. Ang nangyaring Internasyunal na Kumperensya ng mga internasyunalistang komunista sa Korea noong 2006 ay kongkretong manipestasyon na kahit sa mga bansang hindi narinig o nabasa ang mga sulatin ng kaliwang komunismo sa mahigit isang daang taon ay may mga rebolusyonaryo at manggagawa ng nagsimulang mag-aral at suriin ang pagpapatuloy ng marxismo na pinutol ng 50 taong kontra-rebolusyon.
Bagamat hindi pa makikita ng mga manggagawa sa Pilipinas ang tamang landas ng pakikibaka sa pagdiriwang ng Araw ng Paggawa ngayong taon at posible sa susunod pang mga taon, malaki ang tiwala namin na may kapasidad ang mga manggagawa sa bahaging ito ng mundo bilang bahagi ng internasyunal na uri, ayon sa kanilang sariling karanasan, na mabubuo nila ang isang rebolusyonaryong kamulatan at ang rebolusyonaryong organisasyon bilang bahagi ng pagbubuo ng isang internasyunal na partido komunista sa hinaharap. Sa Internasyunal na Araw ng Paggawa sa 2007 muling mapatunayan na: una, ang uring manggagawa ang tanging rebolusyonaryong uri sa mundo ngayon at siyang tanging may istorikal na misyon para ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunismo sa pandaigdigang saklaw; ikalawa, kagyat na usapin ngayon ang pagdurog sa burges na estado at pag-agaw ng proletaryado sa pampulitikang kapangyarihan sa pandaigdigang saklaw; at ikatlo, dahan-dahan ng nabuo ang mga organisasyon ng mga internasyunalistang komunista sa paparaming bahagi ng mundo.
Internasyonalismo
1 Mayo 2007
Ang rehimeng Arroyo, ang kasalukuyang representante ng estadong kapitalista sa Pilipinas ay nangangarap ng gising ng ipahayag nito na target diumano ng Pilipinas na mapabilang sa mga bansa sa Unang Daigdig dalawampung taon mula ngayon. Ibig sabihin, maging abanteng industriyalisadong bansa na ang Pilipinas.
Bangungot, Hindi Panaginip
Naging bangungot ang panlilinlang ni Gloria sa sambayanang Pilipino ng mismong ang chief economist ng Asian Devepolment Bank, si Ifzal Ali, ang nagsasabi na kahit pa kasingbilis ng Tsina ang paglago ng gross domestic product (GDP) ng Pilipinas kada taon ito ay suntok sa buwan.
Sinabi ng ADB na kung sakaling mamintina ng bansa ang average 3.7 porsyento na GDP kada taon ay aabutin ng 77 taon bago nito mapantayan ang ekonomiya ng Brunei. Nagmungkahi ang ADB na kung tuloy-tuloy na mamintina ng Pilipinas ang 9.5 porsyento na paglago sa loob ng 25 taon ay “baka mapabilang ito sa Unang Daigdig”.
Bilang institusyon ng kapitalismo, inaasahan natin na magbibigay ng optimismo ang ADB sa mga bansang atrasado gaya ng Pilipinas na may “pag-asa” pa na uunlad ang ekonomiya sa kabila ng lumalalang krisis. Subalit kahit ang ADB ay hindi na masikmura ang kabaliwan ng optimismo ni Arroyo.
Subalit hindi lamang ang burgesyang Pilipino ang may ganitong “magandang panaginip.” Ang mga grupo ng Kaliwa sa Pilipinas, na naniniwala na progresibo pa ang kapitalismo sa isang bahagi ng mundo, subalit pinipigilan lamang ng imperyalismo ay ganito din ang linya ng pag-iisip. Ang teorya ng ‘dalawang-yugtong rebolusyon’ ng mga Maoista at maging ang ‘Tuloy-tuloy na rebolusyon’ ng mga ‘Leninista’ ang nagdadala ng linya na “hindi maiwasang” paunlarin ng Pilipinas ang kapitalismo para sa sosyalismo.
Wala ng Uunlad na Kapitalismo Sa Panahon ng Lumalalang Pandaigdigang Krisis
Bilang mga komunista, hindi tayo tutol sa industriyalisasyon. Pero para sa atin, ang tunay na industriyalisasyon ay nakabatay sa sosyalisasyon ng pag-aari hindi sa pambansang antas kundi sa pandaigdigang antas. Ibig sabihin, sa isang komunistang lipunan sa pandaigdigang saklaw.
Ang kasalukuyang pandaigdigang kapitalistang sistema ay nasa panahon na ng kanyang pagbagsak. At walang bansa, saan mang dako ng mundo ang nakaiwas sa kadena ng kapitalistang krisis na ito. Kaya isang malaking kasinungalingan ang konsepto na sa isang bahagi ng mundo ay nabubulok na ang kapitalismo at sa kabilang bahagi naman ay umuunlad o maaring uunlad. Ito ang katotohanan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
Walang naghaharing uri na aangkin na babagsak na ang sistemang pinagharian nito. Kaya ginamit ng burgesya ang lahat ng paraang ideolohikal at maging pandodoktor ng datos para mapaniwala hindi lamang ang kanilang pinagsamantalahan at inaaping mga uri na “umuunlad” ang kapitalismo ngayon kundi mismo ang kanilang mga sarili. ² The bourgeoisie has always tried, since the reappearance of the open crisis of its system, for forty years now, either to hide the gravity of it, or above all to hide its historic significance, that’s to say its bankruptcy. In order to do this, it tries at all costs to confuse the reflection of the working class on the future that capitalism reserves for it and tries to mask the historic perspective announced by the Manifesto of 1848.² (Proposed report on the evolution of the crisis of capitalism (XVII Congress of the ICC)
Lumalala ang krisis sa sobrang produksyon habang mabilis na nasasaid ang pandaigdigang pamilihan na kontrolado ng malalaking kapangyarihan. Tumitindi ang kompetisyon ng bawat bansa, kompetisyon na walang kahihinatnan kundi lalupang mas malalang krisis sa sobrang produksyon.
Binangungot ang rehimeng Arroyo kung iisipin nito na lalago ang ekonomiya ng bansa. Mismong ang pinakamakapangyarihang bansa sa buong mundo — ang Estados Unidos — ay dumanas ngayon ng pababa na tantos ng paglago, mula sa 4.4 % sa 2004 ay naging 1.6% sa 3rd quarter sa 2006. At hindi lang ang US ang bumaba, maging ang ibang mga malalaking bansa.
Subalit ang mga tagapagtanggol ng kapitalismo ay maring ipagmayabang ang “nakakalulang” paglago ng Tsina. Ito marahil ang pinagmulan ng panaginip ni Gloria at maging ng mga kapitalistang Pilipino na paroo‘t parito sa Tsina para mamuhunan.
Dalawang mayor na salik ang dahilan ng “paglago” ng Tsina: una, napakamurang lakas-paggawa at pangalawa, direct foreign investments. Mahigpit na magkaugnay ang dalawang salik na ito. Kasabay nito, pumasok ang pangatlong salik, ang mapangahas na pagpasok ng produktong Tsino, partikular ang armas sa ibang mga bansa laluna sa Aprika.
Dito, makikita natin ang sumusunod na katotohanan na hindi maaring pasubalian ng mga datos ng burgesya: Una, ang “paglago” ng ekonomiya ng isang bansa ay labis na kapinsalaan sa uring manggagawa ng naturang bansa at maging sa mga manggagawa sa ibang mga bansa; kapinsalaan na nagtulak sa kanila sa labis na kahirapan. Ikalawa, ang bagong industriya na itatayo sa naturang bansa ay nagkahulugan ng pagsasara naman sa ibang bansa; dahil hindi na maaring paunlarin ng sistema ang buong mundo; kaya sa suma-total ay walang kaunlaran sa pandaigdigang saklaw. Pangatlo, ang “paglago” ng ekonomiya ay dahil sa naipagbili ang mga produkto nito sa pandaigdigang pamilihan na ang ibig sabihin, ang magkatulad na produkto ng ibang bansa ay hindi naibenta; ito ang katotohanan sa wala ng bagong pamilihan kundi pag-aagawan sa said na pamilihan.
Kaugnay sa Pilipinas, ang unang salik lamang meron siya — murang paggawa. Sa salik na ito ay mahigpit pa ang kompetisyon sa ibang bansa laluna sa Asya kung saan mas malakas at mahigpit ang kontrol ng estado. Upang “uunlad” ang Pilipinas, kailangang mas mura ang kanyang lakas-paggawa kaysa Tsina o Byetnam para dadagsa ang direct foreign investments. Subalit, tulad sa ibang mga bansa, tinututulan ito ng mga manggagawang Pilipino.
Kaya, kailangang mas palakasin ang estadong Pilipino. Ang Human Security Act of 2007 at ang kampanyang “kontra-terorismo” laban sa mga kaaway ng estado ay ganito ang layunin. Ang political killings, ang digmaan ng AFP at NPA, at ang napipintong opensiba ng AFP sa MILF, ASG, at iba pang armadong “rebeldeng” grupo ay ito ang layunin — kontrolin ng estado ang buong buhay panlipunan.
Kahit ang pinagyabang ng Pilipinas na OFW remittances ay hindi naman productive labor kundi unproductive at sa esensya ay hindi nakapagpalago ng ekonomiya ng bansa. Higit sa lahat, ang milyun-milyong pera kada taon na hinuthot ng estado sa mga OFWs ay tinumbasan ng huli ng matinding hirap at maging dugo.
Intensipikasyon ng Pakikibaka Sa Susunod na Dalawampung Taon
Hindi industriyalisasyon ang naghihintay sa Pilipinas at maging sa ibang 3rd world countries sa panahon ng dekadenteng kapitalismo kundi barbarismo at digmaan. Kung sakali mang makamit ang “industriyalisasyon”, ito ay katumbas ng lalupang kahirapan at pagdurusa ng internasyunal na uring manggagawa. Ang mga kontra-rebolusyonaryong Kaliwa ng kapital lamang ang papayag sa ganitong sitwasyon.
Ang inaasahang industriyalisasyon ng burgesyang Pilipino o ang kabaliwan na maging 1st World country ang bansa ay walang katotohanan sa ilalim ng pabagsak na kapitalistang sistema. Kahit ang kasalukuyang abanteng kapitalistang mga bansa ay hindi na papayag na mayroon pang madagdag sa kanilang hanay dahil masyado ng masikip ang kanilang kinalalagyan habang wala na silang mahuthutan kundi panibagong pandaigdigang digmaan o tuluyan ng mawasak ang sistema.
Hindi industriyalisasyon ang magaganap sa susunod na dalawampung taon sa Pilipinas kundi intensipikasyon ng makauring pakikibaka laban sa kapitalismo. At hindi lang ito sa Pilipinas posibleng mangyari kundi sa buong mundo.
Ang labis na kahirapang dulot ng dekadenteng kapitalismo ang magtulak sa uri na buuin ang mulat na pagkakaisa laban sa mga atake ng kapital. Simula 2003, muling bumangon ang internasyunal na kilusang manggagawa matapos bumagsak ang USSR noong 1989. Ito ay indikasyon na hindi hinayaan ng proletaryado na patuloy itong pagsamantalahan at apihin ng mga kapitalista para subukang isalba ang sistema mula sa tuluyang pagkawasak nito.
Kailangan lang mabuo ang kamulatan ng uri na ibagsak ang kapitalismo at ang burges na estado at hindi lang simpleng salagin ang mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan. Kailangan lang maunawaan ng uring manggagawa na sila ay walang bansa at walang batayan na depensahan nila ang pambansang kapital ng kani-kanilang mga bansa.
Kailangang mabuo ang kamulatan ng internasyunal na manggagawa para sa komunistang rebolusyon para makalaya sa labis na kahirapang dulot ng nabubulok na sistema. Ito lamang ang tanging daan para sa tunay na industriyalisasyon at kaunlaran ng sangkatauhan.
Ang nangyari sa Cosmos Bottling ay matagal ng naranasan ng mga manggagawa sa maraming pabrika hindi lang sa Cebu, hindi lang sa Pilipinas kundi sa ibang mga bansa din gaya ng Amerika, France, Britanya at Germany. Milyun-milyong manggagawa sa buong mundo ang nawalan ng trabaho at daang milyon ang nagtatrabaho bilang mga kontraktwal/kaswal, mababa ang sweldo at walang katiyakan sa trabaho. WALANG HINTO ANG MGA ATAKE NG MGA KAPITALISTA SA BUONG MUNDO SA PAMUMUHAY NG MGA MANGGAGAWA!
Bakit uso ngayon ang tanggalan ng mga manggagawa?
Kahit saang kompanya sa lahat ng panig ng mundo uso na ang mga kontraktwal at paliit ng paliit ang mga regular na manggagawa. Pilipinas, China, Vietnam, USA, Britain, France, Germany at iba pang bansa.
Kabaliktaran sa paniniwala ng marami, HINDI ito union busting. May unyon man o wala ang kompanya, kontraktwalisasyon na ngayon ang patakaran ng lahat ng mga pabrika. Katunayan, INUTIL ang mga unyon (Kanan man o Kaliwa) sa pagpigil sa kontraktwalisasyon.
Ang KATOTOHANAN sa likod ng kontraktwalsiasyon ay WALA NG KAPASIDAD ang mga kapitalista sa buong mundo na bigyan ng trabaho ang paparaming mga tao at panatilihin sa loob ng mga pabrika ang kasalukuyang dami ng mga manggagawa. Wala ng kapasidad dahil nasa permanente na ang krisis ng kapitalismo ngayon. Kaya para manatili ang mga kapitalista sa kompetisyon sa loob ng lalupang kumikitid na world market, nagpaligsahan ang mga kapitalista sa pagbabawas ng production costs. At dahil hindi nila maaring bawasan ang ibang bahagi ng production costs – raw materials, tax, electricity, machines, transportation, etc – ang labor cost ang kanilang sinasakripisyo. Mas maliit ang sahod at benepisyo ng kanyang mga manggagawa kaysa kanyang mga karibal, mas makabubuti para sa kapitalista. Dahil paliitan ng labor cost, paliitan din ng bilang ng mga manggagawa pero paramihan ng magagawang produkto. Ibig sabihin, ang may trabaho (mababa ang sweldo at benepisyo), ay pipigain ng kapitalista para mas marami ang produktong magagawa nila. Kaya, hindi lang ang mga regular na manggagawa ang biktima ng tanggalan kundi pati rin ang mga kapatid nilang kontraktwal na mga manggagawa.
WALA NG KINABUKASAN ANG MGA MANGGAGAWA SA ILALIM NG SISTEMANG KAPITALISMO! NASA AGENDA NA NGAYON ANG PAGWASAK SA KAPITALISMO AT PAGTATAYO NG ISANG PANLIPUNANG SISTEMA NA WALA NG PAGSASAMANTALA AT PANG-AAPI – ANG KOMUNISMO.
Paano labanan ang tanggalan at kontraktwalisasyon?
Ang kapangyarihan ng mga magmanggagawa ay nasa kanilang PAGKAKAISA at MILITANTENG PAKIKIBAKA.
Subalit nahahadlangan ang pagkakaisa dahil sa pagkahat-hati ng mga unyon at sa pagkahati-hati sa pagitan ng regular at kontraktwal na manggagawa. Ang makapangyarihang pagkakaisa ay ang PAGKAKAISA ng lahat ng mga manggagawa – regular, kontraktwal, may unyon at walang unyon; ang PAGKAKAISA ng mga manggagawa hindi lang sa antas pabrika kundi sa maraming mga pabrika – pribado at publiko.
Ang organisasyon ng tunay na pagkakaisa ay hindi ang mga unyon kundi ang ASEMBLIYA ng mga manggagawa. Isang asembliya na kontrolado at pinatatakbo ng nakibakang mga manggagawa mismo. At ang kanilang mga lider na pipiliin ng asembliya ay kahit anong oras ay maaring tanggalin sa posisyon kung hindi na nila pinagtanggol ang mga manggagawa at nabili na sila ng management.
Hindi magtatagumpay ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Cosmos kung nag-iisa lamang sila sa pakikibaka. Kailangang lalahok sa pakikibaka ang ibang mga pabrika laban sa tanggalan; kailangang makibaka kapwa ang mga regular at kontraktwal na mga manggagawa laban sa kontraktwalisasyon. Pero hindi makumbinsing lalahok ang mga manggagawa sa ibang pabrika kung ang dadalhin ay ang isyu lang ng mga manggagawa sa Cosmos. Kailangang dalhin ang KOMON na mga isyu ng lahat ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika.
Ang epektibong organisasyon ng pakikibaka ay ang ASEMBLIYA NG MGA MANGGAGAWA sa iba’t-ibang mga pabrika.
HINDI epektibo ang panawagang boykot sa mga produkto ng Coca-Cola at nakahiwalay na piket ng mga manggagawa sa Cosmos na itinutulak ng Associated Labor Union (ALU). Pagkapagod, demoralisasyon at sa huli pagkatalo lamang ang patutungohan nito. Ang mga unyon at unyonismo (hawak man ng Kanan o Kaliwa) ay inutil at hindi na nagtanggol sa makauring interes ng mga manggagawa sa kasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapitalismo.
Mga welga at malalaking demontrasyon ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika sa ilalim ng kontrol ng mga asembliya ng manggagawa ang EPEKTIBONG porma ng pakikibaka. Ito ang ginagawa ngayon ng mga manggagawa sa iba’t-ibang panig ng mundo tulad sa Bangladesh, Egypt, France, Germany, USA at Britain: NAKIBAKA ANG MGA MANGGAGAWA LABAS SA KONTROL AT KAHIT WALANG MGA UNYON. Pansamantala lamang na aatras o hihinto sa pag-atake ang kapital kung malagay sa panganib ang paghawak nila sa kapangyarihan sa pamamagitan ng malawakan at radikal na pakikibaka ng mga manggagawa sa maraming mga pabrika; kung aabot sa antas na tutungo sa pagbagsak ng kapitalistang estado ang pakikibaka ng uri para sa pagtatanggol ng kanyang kabuhayan.
Ang pundamental na rekisito para mangyari ito ay mamulat ang mga manggagawa na ang kinabukasan ng kanilang pakikibaka ay nasa kanilang mga kamay mismo at wala sa mga unyon at sa mga batas ng kapitalistang estado.
Internasyonalismo, Septyembre 2007Sa paghahanda para sa pagbubukas ng 14th Congress ngayong Hulyo, ang mga unyon at mga organisasyon ng Kaliwa ay muling dinala ang isyu ng pagtataas ng sahod, hindi sa tereyn ng proletaryado kundi sa paraang repormista at parlyamentarista.
Pinangunahan ng konserbatibong Trade Union Congress of the Philippines (TUCP), ang pinakamalaking sentro ng paggawa sa Pilipinas, nalagay sa pamabnsang mga pahayagan ang isyu ng sahod. Sumunod agad ang radikal-repormistang Alliance of Progressive Labor (APL) at ang party-list Partido ng Manggagawa (PM) pero iba sa TUCP sa usapin ng mga ‘taktika’ at sa halaga ng dagdag-sahod.
Habang ang TUCP ay humihingi ng Php75.00, ang APL ay Php 136.00 dagdag-sahod. Ang maoist Kilusang Mayo Uno (KMU) ay tiyak na kakapit pa rin sa kanilang higit ng isang dekada na Php125.00 legislated wage increase para sa mga manggagawa sa pribadong industriya at Php3,000.00 para sa mga manggagawa sa pampublikong sektor habang sumusuporta ang "leninistang" PM sa mga demandang ito.
Nais ng TUCP at APL ng dagdag-sahod sa pamamagitan ng Regional Wages and Productivity Boards (RTWPBs), ang ahensyang may mandato ng batas na mag-aral at magpatupad ng dagdag-sahod bawat rehiyon. Ang KMU at PM ay nagkakaisa na ilaban ang dagdag-sahod sa Kongreso.
Magkaibang mga taktika, magkatulad ang layunin: Hilingin sa burges na estado sa pamamagitan ng sarili nitong mga mekanismo para sa dagdag-sahod. Ang implikasyon ng mga taktikang ito sa pamamagitan man ng RTWPBs o ng Kongreso ay makipagnegosasyon at makipag-usap ng patago sa mga representante ng uring kapitalista para umapela sa kanila na maawa sa kalunos-lunos na sitwasyon ng kanilang mga sahurang alipin. Napatunayan ng inutil ang mga taktikang ito sa loob ng mahigit isang dekada pero patuloy pa rin ang mga Kaliwa sa pagkapit dito, sa paniniwalang ang estado at ang uring kapitalista ay may kapasidad pa na ibigay ito sa gitna ng pandaigdigang krisis ng sistema at ang lumalalang kompetisyon ng bawat bansa-estado sa said na pandaigdigang pamilihan.
At kung ang RTWBs o Kongress ay magbigay ng maliit na dagdag-sahod na napakalayo sa hinihingi ng mga unyon at Kaliwa gaya ng nangyari sa nakaraan, magsisigaw muli ang huli na ito ay "insulto para sa uring manggagawa!" at manawagan sa kanila na "maghanda para sa susunod na pakikibaka sa sahod" sa dating pa ring napatunayan ng inutil na mga taktika.
Ang pasibidad ng manggagawang Pilipino na suportahan ang pakikibaka sa dagdag-sahod ay maintindihan sa konteksto na ang uri ay nangunguna pa sa kanilang mga "abanteng lider" sa pagkilala sa kawalang saysay sa paghingi ng dagdag-sahod sa pamamagitan ng legal na mga mekanismo ng estado. Sa kabilang banda nagpakita din ito ng kawalang magagawa at pagkadismaya ng maraming manggagawa. Nangyari ito dahil mismo sa masamang karanasan ng uri sa kanilang mga welga noong nagdaang mga dekada sa pamumuno ng maoistang mga unyon.
Ang pakikibaka sa sahod ay depensibang pakikibaka ng uri. Pero magtagumpay lamang sila KUNG ganap nilang itakwil ang lahat ng ilusyon hinggil sa unyonismo at parlyamentarismo. Na ang tanging daan para sa tagumpay ay itransporma ang depensibang pakikibaka sa opensiba sa pamamagitan ng pagpapalawak ng pakikibaka sa pamumuno ng independyenteng mga asembliya at konseho ng manggagawa na direktang kinukompronta ang estado at ang buong uring burgesya.
Dapat tamang matuto ang mga manggagawang Pilipino sa kanilang sariling karanasan sa pakikibaka bago sila makasulong. Dapat din na matutunan nila ang mga karanasan ng kanilang mga kapatid sa uri sa ibang bahagi ng mundo na nag-oorganisa at nakibaka ng independyente gaya ng nangyari nitong huli sa Ehipto. At ang mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas ay may malaking responsibilidad para tulungan ang kanilang uri na matuto sa marxistang paraan.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, hindi na hiwalay ang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka. Ang bawat pang-ekonomiyang pakikibaka ng manggagawa ay isang pampulitikang labanan para sa pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan. Ito ang marxistang paraan sa pakikibaka sa sahod sa buong daigdig.
The targets of scandals often complain that those who have launched the scandalous allegations are politically motivated, that what they are accused of doing was longstanding common practice, and has been done by others before them without public outcry, and in this they are generally accurate. Corruption, nepotism, cronyism, and illegal behavior are central characteristics of the capitalist class’s mode of functioning. Many of the revelations that become the focal point of media attention in various scandals have actually been known about for a long time and only become worthy of media attention because of political circumstances external to the subject matter of the scandal itself." (Jerry Grevin,‘Media Scandals Are Key Weapon in Intra-Ruling Class Clashes’)
Maraming tagamasid, kapwa lokal at dayuhan ang nakakita na ang katatapos lang na halalan ang isa o pinaka-malala mula ng maibalik ang diumano ‘demokratikong’ kaayusan noong 1986 matapos mapatalsik ang pumanaw na diktador na si Ferdinand Marcos. Ang katotohanang ito ay hindi maaring pasubalian (syempre, maliban sa nagharing paksyon ng uring kapitalista). Ni ang katotohanang ito ay masisi lamang sa kasalukuyang rehimen. Kapwa ang administarsyon at oposisyon, kasama na ang maraming organisasyon ng Kaliwa ay may putik ang mga kamay sa lahat ng klase ng elektoral na pandaraya.
Ang pandaraya at karahasan sa eleksyon, popular na kilala bilang ’guns, gold and goons’ ay katangian na ng mga eleksyon sa Pilipinas mula ng ginagawa ito. Habang umabot na ang krisis ng dekadenteng sistema sa kanyang naaagnas na yugto, lalong lumala ang katangiang ito bawat eleksyon, na maging ang burges na mga ‘political analysts’ ay nagsasabing bahagi na ang mga ito sa ‘kulturang Pilipino’.
Subalit, ito siguro ang unang pagkakataon na ang media kasama ang kanyang high-tech na mga kagamitan sa coverage ay nagbigay ng napakalaking atensyon at paglalantad sa alam na ng lahat na malawakang pandaraya sa eleksyon. Naging isa sa pinakamatibay na tagabantay ang media sa pagiging sagrado ng balota. Kahit "many of the revelations that become the focal point of media attention in various scandals have actually been known about for a long time", naging mahalaga lamang ito sa atensyon ng media "because of political circumstances external to the subject matter of the scandal itself."
Ang mga pampulitikang sirkumstansya na ito ay ang lumalaking diskontento ng nagharing uri sa paksyong Arroyo sa paraan ng kanyang pangangasiwa sa estado, ang huling tagapagtanggol ng bulok na kapitalistang kaayusan.
Nabigo si Gloria Arroyo na palakasin ang estado kahit pa sa kanyang mga pagsisikap para sa isang ‘strong republic’ at ‘war against terrorism.’ Mas dumami ang kanyang mga kaaway sa loob ng nagharing uri kaysa mga kaibigan. Para sa nagharing uri sa pangkalahatan, ang pinaka-importante ay ‘political stability.’
Ang ‘political stability’ para sa mga kapitalista ay: isang malakas na estado na kayang kontrolin ang walang katapusang away ng mga paksyon sa loob ng nagharing uri at kontrolin ang galit ng mga pinagsamantalahan sa ilalim ng ‘demokratikong proseso’, epektibong impresyon na bumaba ang malawakang korupsyon sa gobyerno, at isang ‘investor-friendly’ na peace and order. Tiyak na binigo sila ng paksyong Arroyo ni magtagumpay ang sinumang paksyon na maaring pumalit. Dahil sa bumubulusok-pababa na kapitalismo laluna sa mga bahagi ng mundo kung saan napakahina ang kapitalismo gaya ng Pilipinas, ang lumalalang pampulitikang sitwasyon ay pangunahing katangian nito na anumang pampulitikang mga reporma ay imposible na.
Dagdag pa, ang ‘political stability’ ay nagkahulugan din na mayorya ng masang anakpawis ay dapat maniwala (o matakot) sa estado at sa kanyang mga ‘demokratikong proseso.’ Pero sa lumalaking diskontento ng masa sa napakahirap nilang pamumuhay at sa lumalaking pagkadismaya sa ‘demokratikong’ proseso, natakot ang nagharing uri. Labis ang kanilang pagkatakot na di magtagal wawasakin ng pinagsamantalahang uri ang kanilang huling panangga at independyenteng agawain ang pampulitikang kapangyarihan sa pamamagitan ng mga konseho ng manggagawa.
Kaya, bago mahuli ang lahat, kailangang may gagawin ang mga mapagsamantala para muling makuha ang tiwala at paniniwala ng masa sa demokratikong mga mistipikasyon sa pamamagitan ng paglaban ng huli para dito. At ang media ang pinakamahusay na behikulo para ‘mabigyang sigla’ ang masang manggagawa.
Ang malawakang paglalantad ng media at ang kontra-pandarayang mobilisasyon ng oposisyon at ng Kaliwa ay inaasahang magbigay ng presyur sa paksyong Arroyo para magtuwid at sundin ang kagustuhan ng buong nagharing uri. Kung hindi ay maparusahan ito gaya ng ginawa nila kay Marcos at Estrada. Ang mga ito din ay pagtiyak na kontrolado pa rin ng oposisyon ang Senado para magkaroon pa rin ng simbolo ng ‘check and balance’ sa loob ng bulok na estado.
Para muling makuha ang tiwala ng masa, nais ng nagharing uri ng magkaroon ng mga repormang elektoral para mapalakas ang mga mistipikasyon sa eleksyon at demokrasya tulad ng ginawa ng burgesya sa Latin America at para mapalakas ang estado. Gaya ng inaasahan, buo pusong tutulong ang Kaliwa sa kaaway ng komunismo sa pagsisikap na ito sa ilalim ng bandila ng ‘pambansang demokrasya’ o ‘sosyalistang rebolusyon’. Nagkahulugan ito na bago ang 2010 presidential elections mayroon ng mga batas para sa repormang elektoral at ma-reorganisa na ang COMELEC. Maraming ulo ang malaglag sa lupa sa loob ng gobyernong Arroyo.
Laban sa ganitong mga maniobra ng nagharing uri at sa mga mistipikasyon ng Kaliwa na sumusuporta dito, mahalagang ipaalala sa mga mulat-sa-uring manggagawa ang Theses on Bourgeois Democracy and the Proletarian Dictatorship na inihapag ni Lenin noong ika-4 ng Marso 1919 sa Unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal: "the more pure democracy is, the more clearly does the oppression of capital and the dictatorship of the bourgeoisie come to light". Ito ang nangyayari ngayon sa Venezuela sa ilalim ng ‘sosyalistang’ si Hugo Chavez.
Internasyonalismo
2 Hunyo 2007
Kung noon nagdarasal ang mga Pilipino na walang bagyo, ngayon nagdarasal na naman na magkaroon ng lakas ng ulan.
Nagpalabas ng "obligatory prayer for rain" ang simbahang Katoliko bilang panawagan sa mga nanampalaya na magdasal para umulan. Huling nanawagan ng ganito ang simbahan noong 1998, panahon ng matinding tagtuyo na kagagawan ng El Nino.
Bumababa sa kritikal na antas ang mga dam (Angat, Magat, atbp) na nagsusuplay ng tubig sa Metro Manila at ilang bahagi ng Luzon. Ito ay mga maniepstasyon ng lumalalang sitwasyon ng bansa sa usapin ng krisis sa tubig.
Inamin mismo ng DENR na sa 2010 (tatlong taon mula ngayon) ay makaranas ang bansa ng mas malalang krisis sa fresh water. Ang 1,907 cubic meters sa bawat tao kada taon na fresh water ay naglagay sa Pilipinas sa pangalawa sa pinakamababa sa buong Southeast Asia.
Inutil ang gobyerno
Pagtitipid sa tubig ang panawagan ng gobyerno sa mga mamamayan. Ibig sabihin wala itong magagawa sa problema ng krisis sa tubig kaya ang mahirap na mamamayan ang kailangang magsakripisyo habang ang mga mayayaman ay patuloy na naliligo sa sobra-sobrang suplay ng tubig. Atas ng estado: "huwag mag-akasaya ng tubig; "mas konting tubig ang magagamit, mas mainam". subalit, kailangan nating maintindihan na ang ugat ng kasalukuyang krisis sa tubig ay ang lumalalang pagkasira ng kalikasan.
Inutil ang gobyerno dahil ito mismo ang isa sa dahilan bakit nagkaroon ng krsis sa tubig. Ang pagsuporta ng estado sa walang habas na paninira ng mga kapitalista sa kalikasan para sa super-tubo at diumano "kaunlaran" ang isa sa mayor na mga dahilan ng pagkasira ng kalikasan. Inutil ang estado dahil ang sistemang kapitalismo mismo ang ugat ng pagkasira ng kalikasan na popular na tinatawag ngayon na global warming.
Ang estado ay hindi "nyutral" gaya ng laging naririnig natin. Ang estado, ay instrumento ng naghaharing uring mapagsamantala. Ito ay protektor sa mga interes ng kapitalista, sa pambansang kapitalismo.
Ang natural na katangian ng kapitalismo ay kompetisyon — sa pagitan ng indibidwal na kapitalista at sa pagitan ng pambansang mga kapital. Ang kompetisyon para sa tubo, para sa pamilihan ang katangian ng kapitalismo na protektado ng estado, ang siya mismong sisira sa kanyang sarili.
Dahil sa batas ng kompetisyon at pag-aagawan ng pamilihan para sa tubo, sinisira ng kapitalismo ang kalikasan. Bilang instrumento ng uring kapitalista, gumagawa ang estado ng mga patakaran at batas para magsilbi sa nakamamatay na batas ng kompetisyon at tubo sa kabila ng bukambibig nito na "pagsisikap" na "pangalagaan" ang kalikasan. Isang halimbawa nito ay ang Mining Act at ang "selective" logging na nagkahulugan ng patuloy na pag-logging at pagtatayo ng mga edipisyo para sa industriya.
Lahat ng mga paksyon ng burgesya — administarsyon man o oposisyon — ay walang maibigay na anumang solusyon sa problema ng mamamayan sa pagkasira ng kalikasan dahil ang mga ito ay nagsisilbi sa interes ng bulok na sistema.
Pandaigdigan ang Problema
Hindi lang ang gobyerno sa Pilipinas ang inutil kundi ang lahat ng mga gobyerno sa iba’t-ibang mga bansa sa buong mundo — kontrolado man ng Kaliwa o Kanan.
Maging ang mga abanteng bansa gaya ng Amerika at Britanya ay nanalasa ang galit ng kalikasan sa paninira ng bulok na sistema para lamang sa tubo. Hindi pa natin nalimutan ang mapaminsalang Huricane Katrina sa Amerika sa Ameika at ngayon naman ang malalaking mga baha sa Britanya at India kung saan daan-daan na ang namatay at milyun-milyong halaga ang nasira.
Dahil pandaigdigan ang sistemang kapitalismo, lahat ng mga bansa ay sakop ng kanyang nakamamatay na katangian — kompetisyon at kahayukan sa tubo. Kung ang estado ng Pilipinas ay instrumento ng pambansang kapital, ganun din ang iba’t-ibang mga estado sa lahat ng mga bansa — atrasado o abante, maliit o malaki. Ang tumitindi at lumalalim na kompetisyon ng mga pambansang kapital ay nagkahulugan din ng tumitindi at lumalalim na kompetisyon ng mga pambansang estado at dahil dito lalo pang napinsala ang kalikasan na kung hindi mapigilan ay tiyak na hahantong sa pagkawasak ng mundo pati na ang sangkatauhan.
Wasakin ang kapitalismo: Tanging solusyon para mailigtas ang kalikasan
Milyun-milyong piso ang ginastos ng estado at ng mga kapitalista para "pangalagaan ang kalikasan" at linlangin ang mamamayan na ang kanilang mga industriya ay "enivironment-friendly". Seryoso man o hindi ang bawat kapitalista o estado sa usapin ng pangangalaga sa kalikasan, ito ay natatabunan ng mapanirang katangian mismo ng kapitalismo na siyang pinagsisilbihan ng lahat ng mga estado.
Mat tatlong malalaking kasinungalingan na pinalaganap ang mga estado sa buong mundo para hindi makita ng mga manggagawa at sangkatauhan ang tunay na dahilan at ugat ng pagkasira ng kalikasan. Unang malaking kasinungalingan, lahat tayo ay pare-pareho ang bigat ng kasalanan sa pagkasira ng kalikasan dahil lahat tayo ay inaabuso ang paggamit ng mga likas na rekurso ng mundo. Lahat tayo ay mga ganid kaya dapat lang na maghirap. Pangalawang malaking kasinungalingan, na may magagawa pa tayo para iligtas ang kalikasan na hindi winawasak ang kapitalismo, kailangan lang nating magtipid at lalupang magsakripisyo. Pangatlong malaking kasinungalingan, na ang nagharing uri ay gumagawa ng solusyon sa lumalang problema ng pagkasira ng kalikasan.
Maraming mga "nagmalasakit" sa kalikasan ang naniwala sa mga kasinungalingan ng estado. Kaya, ang kanilang mga pagkilso ay nakatuon sa paggawa ng mga batas at paghikayat o "pagpilit" sa estado na "tunay" na proteksyunan ang kalikasan. Samakatwid, pakikibaka para sa reporma sa ilalim ng kapitalistang paghari ang linya ng mga grupong ito. Isa sa mga grupong ito ay ang grupong Green Philippines at ang mga kaalyado nitong mga organisasyon at NGOs.
Ang tanging solusyon sa pagkasira ng kalikasan ay wasakin ang batas ng kompetisyon at sistemang sahuran para sa tubo. At ang ibig sabihin nito ay wasakin mismo ang sistemang kapitalismo. Mawawasak lamang ang sistemang kapitalismo kung mawawasak ang estado ng mga kapitalista na siyang tagapagtanggol nito. Ang tanging uri na may misyon at may kapasidad na wasakin ang mapaminsalang panlipunang sistema at iligtas mula sa ganap na pagkapinsala ang kalikasan at sangkatauhan ay ang uring manggagawa.
Dalawa lamang ang pagpipilian ng sangkatauhan ngayon: WASAKIN ANG KAPITALISMO o MAWAWASAK ANG MUNDO. Mabilis na nauubos ang oras para magdesisyon.
Subalit, may liwanag ng pag-asa. Simula 2003 ay nagsimula ng magkaisa at lumaban ang mga manggagawa sa buong mundo laban sa kapitalismo. Mga paglaban ng uri na independyente at internasyunal. Mga paglaban ng manggagawa na hindi kontrolado ng mga anti-manggagawang unyon at ng isang paksyon ng burgesya. Ang pagtuloy-tuloy at paglawak ng pagkakaisa at paglaban ng manggagawa sa pandaigdigang saklaw ang siyang maging malakas na pwersa para madurog ang naaagnas na sistema.
Tinanggal ng PLDT management ang 575 empleyado nito. Ang dahilan: redundancy. Ikalawang batch na ito ng maramihang tanggalan magmula 2002 kung saan mahigit 500 manggagawa ang tinanggal sa taong iyon.
Hindi ito simpleng union busting dahil ang tanggalan ay hindi lang nangyayari sa mga kompanyang may unyon kundi kahit sa mga walang unyon. Ang tanggalan at kontraktwalisasyon ay manipestasyon lamang ng kawalang kapasidad ng kapitalismo na ipasok sa bilangguan ng sahurang pang-aalipin ang paparaming tao. Ang kontraktwalisasyon ay isang maniobra ng mga kapitalista sa buong mundo (sa atrasadong mga bansa man gaya ng Pilipinas o sa abanteng mga bansa tulad ng Estados Unidos) para itago ang katotohanan na nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo at wala ng kinabukasan ang uring manggagawa sa ganitong sistema.
Kahit saang bahagi ng mundi laluna sa abanteng mga bansa, nakibaka ang mga manggagawa laban sa mga atake ng uring kapitalista sa kanilang kabuhayan. At isa sa mga ito ay ang tanggalan ng manggagawa.
Ang makapangyarihang pwersa ay nasa pagkakaisa ng mas marami at mas malawak na manggagawa
Hindi napigilan ng unyon sa PLDT ang tanggalan magmula 2002. Ang negosasyon sa pagitan ng unyon sa PLDT at managemnet ay napatunayang hindi na epektibo at itinali lamang nito ang mga manggagawa sa ilusyon ng negosasyon sa management. Ang kilusang protesta ng mga manggagawa sa PLDT na nag-iisa lang ay hindi na rin epektibo at nagbunga lamang og pagkatalo.
Sa nagkakaisang mga atake ng buong uring kapitalista kailangang ang pagkakaisang ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika. At dapat makongkreto ito sa nagkakasiang pakikibaka ng iba’t-ibang mga pabrika dala ang komon na mga isyu at kahilingan. Ang suporta ay hindi na sa usaping pinansyal, materyal at moral kundi sa paglunsad din ng mga welga o demonstrasyon ng ibang mga manggagawa sa kani-kanilang mga pabrika.
Sa halip na unahin ang pagpunta sa “impluwensyadong” mga personalidad tulad ng Obispo, pulitiko o media, ang dapat sentrohan ng pagkilos ay ang pagpadala ng mga manggagawa ng PLDT ng mga delegasyon sa ibang mga pabrika at direktang magpaliwanag at mangumbinsi sa mga manggagawa doon (hindi sa mga lider ng kanilang mga unyon na walang iniisip kundi ang preserbasyon ng unyon sa pamamagitan ng pag-iwas sa “illegal” actions bilang suporta sa mga manggagawa sa PLDT). Ang tagumpay ng pakikibaka ng mga manggagawa sa PLDT ay nasa aktibong suporta mismo ng ibang mga manggagawa sa ibang mga pabrika at wala sa “impluwensyadong” indibidwal at personalidad.
Asembliya ng mga manggagawa: Tanging epektibong organisasyon ng pakikibaka
Sa panahon ng nagkakaisang atake ng mga kapitalista, mauuwi sa pagkatalo ang nag-iisang pakikibaka gaano man katapang o kadeterminado ang mga manggagawa sa isang pabrika. Marami ng mga halimbawa nito.
Ang angkop na organisasyon sa kasalukuyang katangian ng pakikibaka ay hindi na ang mga unyon, na labis-labis ng nahati at mayor na dahilan pa ng pagkakahati ng mga manggagawa sa Pilipinas. Ang tanging epektibong organo ng pakikibaka ay ang mga asembliya ng manggagawa kung saan membro ang lahat ng manggagawa — regular, kontraktwal, unyonista o hindi — sa isang pabrika o inter-pabrika para sa komon na pakikibaka. Sa mga asembliya pag-usapan, debatehan at desisyonan ang mga hakbang na gagawin sa pakikibaka. Ang piniling mga lider ng asembliya ay maaring tanggalin anumang oras ng asembliyang naghalal sa kanila. Sa pamamagitan ng mga asembliya mahawakan ng mga manggagawa sa kanilang sariling mga kamay ang direksyon ng kanilang pakikibaka.
Mapigilan lamang natin ang mga atake ng uring kapitalista kung magawa nating maging realidad ang multong kinatatakutan nito: MALAWAKANG PAGKAKAISA AT PAKIKIBAKA NG MANGGAGAWA. At ang unang hakbang para dito ay ang mga asembliya ng manggagawa bilang organo ng pakikibaka na hindi kontrolado ng mga unyon.
Internasyonalismo, Septyembre 2007Ang mundo ngayon ay nababalot ng kaguluhan, digmaan, kahirapan, gutom, epidemya at patuloy na pagkasira ng kalikasan. Idagdag pa natin ang lumalalang kabulukan ng lahat ng mga gobyerno, Kaliwa man o Kanan ang nasa pamunuan; ang drug addiction at gangsterimso laluna sa inyong hanay, at ang halos walang katapusang kriminalidad, at iba pa.
Ang iba’t-ibang gobyerno, mula sa pinakaabante hanggang sa pinakaatrasadong mga bansa kasama ang iba’t-ibang malalaking multilateral na mga institusyon gaya ng United Nations at iba’t-ibang Non-Government Organizations (NGOs) habang nangangakong hanapan ng solusyon ang mga mabibigat na problemang pinapasan ng sangkatauhan ay nagtuturuan kung sino ang may kasalanan sa delubyong nangyayari ngayon.
Ang mga Kaliwa naman, mga umaangking sila ay ‘komunista’ — Maoista, Stalinista, Trotskyista at ‘Leninista’ — at mga anarkista ay sinisisi ang Globalisasyon (Liberalisasyon, Pribatisasyon at Deregulasyon); sinisisi ang estado dahil pinabayaan diumano na pagsamantalahan ang mga mamamayan ng mga korporasyong multinasyunal at transnasyunal. Para sa Kaliwa, ang solusyon ay ang pagtatayo ng ‘estado ng manggagawa’ o ‘demokratikong gobyernong koalisyon’ na kokontrol sa buhay panlipunan, na ang tunay na kahulugan ay KAPITALISMO NG ESTADO.
Subalit marami pa rin ang nagtatanong at
nababahala: May magandang kinabukasan pa ba ang mundo sa ilalim ng
kasalukuyang panlipunang sistema o hindi na mapigilang mawasak ito?
Kung mayroon mang pinaka-interesado na sagutin ang tanong na ito ay dapat kayong mga kabataan-estudyante dahil nasa inyong mga balikat ang kinabukasan ng mundo. Sa ilalim ng sistemang kapitalismo, kayo ang susunod na henerasyon ng mga sahurang alipin ng kapital. Kayo ang magkakaroon ng panibagong mga pamilya at siguradung kayo mismo ang bubuhay at magpalaki sa inyong mga anak.
Kayo ay nag-aaral at nagsisikap makapagtapos ng pag-aaral dahil sa layuning magkaroon kayo ng magandang kinabukasan hindi lamang para sa inyong mga sarili kundi higit sa lahat para sa inyong mga pamilya sa hinaharap. Kaya napakahalaga ang tanong sa itaas na masagot ninyo bilang mga manggagawa sa hinaharap (kahit marami na sa inyo ngayon ang naging manggagawa para matustusan ang pag-aaral). Subalit hindi ninyo masagot ang tanong kung patuloy kayong matali sa mga usapin sa loob lamang ng eskwelahan gaya ng pagtaas ng matrikula. Ang matrikula ay mahigpit na nakaugnay sa pagiging ganid ng mga kapitalista sa tubo partikular sa larangan ng edukasyon. Hangga’t kapitalismo ang maghari — pribado man o estado ang magkontrol — ang sistema ng edukasyon ay laging magsisilbi sa batas ng pamilihan at sa pagsasamantala sa lakas-paggawa.
Sa Ilalim ng Dekadenteng Kapitalismo
Barbarismo ang Kinabukasan ng Sangkatauhan
Ang ugat sa mga problemang dinaranas ng sangkatauhan ngayon ay ang sistema ng sahurang pang-aalipin, ang sistema ng tubo at kalakal sa pamilihan, ang sistema ng kompetisyon. Ang tawag dito ay KAPITALISMO.
Sa kasalukuyang panahon, ang pandaigdigang kapitalismo ay nasa kanyang permanenteng pagbulusok-pababa na, nasa kanyang permanenteng krisis, nasa kanyang dekadenteng yugto. Dahil pandaigdigan ang sistemang ito, walang bansa ngayon ang hindi nakaranas ng permanenteng krisis. Kahit pa ilang datos ng ‘pag-unlad’ ng ekonomiya ang ilathala ng mga gobyerno sa buong mundo, ang katotohanan ay patuloy na lumalala ang kahirapan sa daigdig. Ang walang hintong mga digmaan ngayon sa iba’t-ibang dako ng mundo ang isa sa pinakamatingkad na patunay na lumalala ang kapitalistang krisis.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo imposibleng
‘uunlad’ pa ang isang bansa na hindi nito pagsamantalahan ang ibang mga
bansa. Ang ‘pag-unlad’ ng isang bansa ay bunga ng matinding
pagsasamantala sa kanyang mga manggagawa at/o sa mga manggagawa sa ibang
mga bansa. Ang ‘pagdami’ ng may trabaho sa isang bansa ay may katumbas
ng pagdami ng mga walang trabaho sa ibang mga bansa.
Maling-mali ang mga Kaliwa sa kanilang paniniwala na kung maputol ang kontrol ng imperyalismong Amerikano sa Pilipinas ay uunlad na ang ekonomiya ng bansa. Ang katotohanan, sa panahon ng imperyalismo ang bawat bansa ay may imperyalistang katangian dahil ‘uunlad’ lamang ito kung pagsamantalahan nito ang ibang mga bansa sa ilalim ng islogang ‘pagkapantay-pantay’ at ‘malayang kompetisyon.’ Pangalawa, kung maputol man ang kontrol ng Amerika sa bansa, hindi malayong papasok ang iba pang ganid at makapangyarihang imperyalista kakutsaba ang mga paksyon ng burgesyang Pilipino o maging ang ilang maka-Kaliwang grupo upang kontrolin ang Pilipinas gaya ng Tsina o Japan sa ngalan ng pagpapalaya sa bansa mula sa kuko ng imperyalistang Amerikano.
Ang tunay na kaaway ng mga manggagawa kabilang na kayong mga kabataan-estudyante ay hindi lang isa o dalawang imperyalistang kapangyarihan kundi ang buong imperyalistang sistema. Ang kalaban ng mga manggagawang Pilipino ay hindi lang ang mga dayuhang kapitalista kundi mismong mga Pilipinong kapitalista na halos magkatulad lamang ang pagkaganid sa tubo at pagsasamantala sa mga manggagawa.
Ang ‘paglaya’ ng Pilipinas mula sa isang
imperyalistang kapangyarihan ay pagpapatuloy pa rin ng kapitalistang
pagsasamantala sa manggagawang Pilipino. Ang pagtatayo ng isang
‘sosyalistang gobyerno’ sa bansa ay pagpapatuloy pa rin ng sahurang
pang-aalipin. Ang ‘kalayaan’ ng Pilipinas mula sa isang imperyalistang
kapangyarihan ay pagkaalipin naman nito sa iba pang kapangyarihan.
Kung hindi madurog ang dekadenteng kapitalistang sistema, asahan ninyo na ang inyong mga pamilya sa hinaharap ay mas mahirap pa ang maranasan kaysa ngayon.
Subalit hindi madudurog ang kapitalismo at hindi
maibagsak ang paghari ng mga kapitalista kung patuloy tayong matali sa
balangkas ng bansa, sa balangkas ng nasyunalismo at pagmamahal sa bayan
(ang mga ito ay matamis na salita lamang na ang ibig sabihin ay
ipagtanggol ang pambansang kapitalismo). Isang pandaigdigang sistema ang
ating kalaban kaya kailangang pandaigdigan din ang pagkakaisa.
Kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa buong mundo laban sa
kapitalistang panlipunang mga relasyon.
Dagdag pa, kailangang ganap na itakwil ang mga mistipikasyon at bitag na inihain ng burgesya para ilihis ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa — unyonismo, parlyamento at nasyunalismo. Ang mga ito ay mga instrumento na ngayon ng kapital para gawing pambala ng kanyon ang uring manggagawsa at kabataan sa nagtunggaliang mga paksyon ng burgesya sa bawat bansa.
Dalawa lamang ang sandata ng internasyunal na uring manggagawa para magapi ang kapitalismo : PAGKAKAISA at KAMULATAN sa pandaigdigang saklaw. Pagkakaisa laban sa lahat ng paksyon ng burgesya (administrasyon man o oposisyon). Pagkakaisa para palawakin ang mga pakikibaka at hindi ikulong sa iilang pabrika o ilang linya ng industriya lamang. Kamulatan na walang maasahan sa burges na estado, parlyamento at mga unyon; kamulatan na imposible na ang pakikibaka sa mga reporma dahil wala ng kapasidad ang sistema na ibigay ang mga ito. Pagkakaisa at kamulatan para ibagsak ang kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito.
Walang saysay ang mga pagkilos ng ilampung
katao o mga protestang tipong riot para lamang sa media projection. Ang
kailangang mabuo ay ang malawakang pagkakasia ng uri at pakikibaka laban
sa estadong kapitalista at hindi para sa mga reporma.
Mga susunod na henerasyon ng manggagawa, pag-isipan ninyong mabuti ang kinabukasan ninyo at ng mundo. Dalawa lamang ang pagpipilian ninyo: SOSYALISMO o BARBARISMO; INTERNASYUNALISMO o NASYUNALISMO; BAYAN o URI.
May pag-asa pa ang kinabukasan ninyo; may pag-asa pa ang mundo. Ang pag-asa at kinabukasan ninyo ay nasa mga kamay ng inyong uri — ang uring manggagawa. “Ang emansipasyon ng uring manggagawa ay nasa kamay ng mga manggagawa mismo.”
Ngunit ang pag-asa ay hindi kusang darating.
Kailangan itong ipaglaban. Kailangan ninyo, kasama ang inyong uri ng
isang rebolusyonaryong teorya na pinanday ng istorikal na karanasan ng
inyong uri; istorikal na karanasan na binastardo at punong-puno na ng
mga distorsyong kagagawan ng mga ideolohiya ng Kaliwa ng burgesya —
Maoismo, Stalinismo, Trotskyismo, ‘Leninismo’ at Anarkismo. Ang teoryang
ito ay walang iba kundi ang rebolusyonaryong Marxismo.
Tama si Lenin sa pagsasabing, “Kung walang rebolusyonaryong teorya ay walang rebolusyonaryong kilusan.” Ibig sabihin, ang anumang kilusan gaano man ito kalakas at kalawak, mananalo o matalo man ito, kung hindi rebolusyonaryo ang teoryang gumagabay dito ay tiyak na hindi pagpawi sa pagsasamantala at pang-aapi ang kalalabasan nito.
Mga kabataan-estudyante, ang mga organisasyon o kilusan na sinasamahan ninyo ay para ba talaga sa tunay na panlipunang pagbabago o para ipagtanggol ang kapitalismo sa porma ng kapitalismo ng estado sa likod ng programang ‘estado ng manggagawa’ o ‘demokratikong gobyernong koalisyon’? Pag-isipan ninyong mabuti, magtalakayan at mag-aral kayo sa buhay na karanasan ng pakikibaka ng internasyunal na uring manggagawa sa loob ng mahigit 200 taon.
INTERNASYONALISMOSa totoo lang, wala namang kalaman-laman ang mga punto ng argumento ni Bryan dahil nagmula lang naman ang mga iyon sa paniniwalang tama siya. Subalit lalong mali kung patulan natin ang istilo ni Bryan sa pakikipagdebate. Isantabi natin ang kanyang panlalait, makikita natin ang mga mayor na punto ng argumento ni Bryan: Una, pagtatayo ng sosyalistang estado sa isang bansa, pangalawa, ang usapin ng uring manggagawa na organisahin ang sarili para makibaka. Ang pangatlong punto ay ang akusasyon na ang kaliwang komunismo ay anarkismo.
"Sosyalismo sa isang bansa": Kontra-rebolusyonaryong teorya ng Stalinismo
Sabi ni Bryan, "ang sinasabi sa CM na ang manggagawa ay walang bansa ay dahil international ang approach ni marx para palayain ang uri ng manggagawa. ito ang ultimatong misyon ng bawat sosyalisadong bansa at sosyalisadong kasama."
Malamang ang ibig sabihin ni Bryan ng "sosyalisadong bansa" at "sosyalisadong kasama" ay "sosyalistang bansa" at "sosyalistang kasama". Ang terminong "sosyalisado" ay hindi dapat ipagkamali sa anumang kahulugan dahil ang tunay na kahulugan nito ay isang lipunan na wala ng mga uri, kung saan sosyalisado ang lahat ng buhay panlipunan, isang komunistang lipunan. Kaya walang sosyalisadong bansa dahil hindi makakamit ang sosyalisadong mga relasyon ng produksyon sa isa o iilang bansa habang kapitalismo ang naghari sa buong daigdig. Sa pahayag ni Bryan, maintindihan natin na ang sinasabi niya na "internatinal na approch" ni Marx at ultimong misyon ng mga komunista ay itayo ang sosyalismo sa bawat bansa para madurog ang pandaigdigang kapitalismo at imperyalismo. Ang mga sosyalistang bansa na ito, na dadami dahil sa pagrebolusyon ng manggagawa sa kani-kanilang mga bansa at pagtatayo ng mga "estado ng manggagawa" ang magkaisa sa pandaigdigang saklaw. Pag nangyari ito, ibig sabihin, mayorya na o lahat ng mga bansa ay "sosyalista na" dahil sa pagtayo ng "estado ng manggagawa", makakamit na ang komunismo sa pandaigdigang saklaw. Ito ay walang iba kundi ang pagsasanib o pagkakaisa ng mga sosyalistang bansa. Ito ang internasyunalismo ni Bryan.
Sana mali ang interpretasyon ko sa pahayag ni Bryan dahil kung tama
ako, hindi isang marxista si Bryan kundi para siyang si Proudhon ang
ninuno ng mga anarkista o si La Salle na tumindig sa "state socialism".
Sinumang seryosong nagbabasa ng teorya ay alam kung paano dinurog ni
Marx si Proudhon sa kanyang "The Poverty of Philisophy" at si La Salle
sa kanyang "Critique of the Gotha Program", hindi sa panlalait o
intelektwal na kayabangan kundi sa teoretikal na argumento gamit ang HM.
Sa
panahon naman natin, may mga "komunista" o "sosyalista" din ang
naniniwalang maaring itayo ang sosyalismo sa isang bansa at konsolidahin
ito. Katunayan, ito ang modelong sinusunod ng Cuba, Tsina, Vietnam,
North Korea, at nitong huli, sa modipikasyon ni Chavez sa Venezuela na
tinawag niyang "socialism in the 21st century". Saan nanggaling ang
teoryang ito? Ito ay galing kay Stalin, ang lider ng kontra-rebolusyon
simula huling bahagi ng 1920s — ang Stalinismo — na lalo pang binastardo
ng Maoismo sa huling bahagi ng 60s. Si Stalin ang nag-popularisa ng
ideolohikal na linya ng "marxismo-leninismo." Sa panahon ni Stalin
lumaganap sa buong mundo ang "marxismo-leninismo", isang distorsyon at
pang-insulto sa buhay at rebolusyonaryong marxismo at higit sa lahat kay
Lenin mismo na isang tunay na rebolusyonaryo at internasyunalista. Wala
itong kaibahan sa ginawa ng mga trotskyista kay Trotsky ng ginawa
nilang dogma ang mga sinulat ni Trotsky sa anyo ng Trotskyismo.
Ang "sosyalismo ng isang bansa" ng Stalinismo ay walang iba kundi KAPITALISMO NG ESTADO.
Ang mga manggagawa ay walang bansa. Ito ang buod ng internasyunalismo. Hindi ito simpleng "agitational" statement kundi ito ang isa sa dalawang cornerstone ng marxismo, ang pundamental na prinsipyo ng marxismo. Ang pangalawa ay ang independyenteng kilusan ng manggagawa.
Ang prinsipyo ng internasyunalismo ay nakabatay sa makauring pakikibaka. Ang mga manggagawa ay isang buo, internasyunal na uri. Hindi sila nahahati sa mga bansa, kulay o kasarian. Ang kaaway ng mga manggagawa ay ang internasyunal na kapitalismo kabilang na ang mga pambasnang anyo nito. Katunayan, ang bansa at ang mga interes nito ay interes ng burgesya at hindi ng manggagawa. Ang mga burges na rebolusyon na nangyari noong ika-18 at 19 siglo ay mga makabayang rebolusyon, mga rebolusyon para itayo ang mga bansa-estado.
Ang proletaryong rebolusyon naman ay isang internasyunal na rebolusyon, isang rebolusyon na papawi sa mga national frontiers at dudurog sa national capitalisms bilang ekspresyon ng international capitalism. Sa ganitong diwa, tumindig ang mga internasyunalista noong WW I sa loob ng 2nd International sa pangunguna nila Lenin, Luxemburg, Bordiga, Gorter, Pannekoek at iba pang nasa kaliwa ng 2nd International laban sa islogang "defend the fatherland" ng Kanan sa pamumuno ni Kautsky.
Ang ibig sabihin ng internasyunalismo ay hindi maitayo ang sosyalismo sa isang bansa o ilang mga bansa kundi sa pandaigdigang saklaw. Kung maibagsak man ng isang praksyon ng proletaryado ang burgesya sa isang bahagi ng mundo (isang bansa o ilang bansa) ang "tagumpay" dito ay direktang nakaugnay sa pagpapalakas ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon hindi ang distorsyong ginagawa ngayon ng mga stalinista at maoista na "konsolidahin" ang bansang nanalo sa pamamagitan ng pagkonsolida ng estado at ng pambansang ekonomiya o pambansang kapital nito. Ang isa o iilang bansa na "nanalo" at mag-iisang lumaban sa pandaigdigang kapitalismo ay hahantong sa kapitalismo ng estado at pagkonsolidad sa estado nito na walang ibang gawin kundi makaungos sa pandaigdigang kapitalistang kompetisyon sa ngalan ng "anti-imperyalismo" o "sosyalismo ." Ito ang nangyari sa USSR ng matalo ang rebolusyonaryong alon sa 1917-23. Napakaraming karanasan ng uri na ang pagkonsolida ng bansang nanalo na hiwalay sa paglakas ng internasyunal na rebolusyon ay nauwi sa pagiging kapitalista ng naturang bansa at kumapit sa mga dating kaaway nito na malalaking imperyalista. Ang Vietnam na dati anti-US ay pro-US na ngayon. Ang China na dati pro-Russia ay naging pro-US at ngayon ay nakipagkompetinsya na sa US sa pandaigdigang pamilihan. Kahit ang "sosyalistang" Cuba ay kapitalismo ng estado ang pinaiiral sa bansa nito sa ngalan ng "sosyalismo" para maka-survive sa panggigipit ng karibal na malaking kapitalistang bansa.
Ang nasyunalismo ay salungat sa internasyunalismo. Tanging si Mao at Ho lamang ang nagsasabing maaring pag-isahin ang mga ito. Sa pagpasok ng mundo sa imperyalismo, ang lahat ng uri ng nasyunalismo o makabayang kilusan ay laban na sa makauring interes ng internasyunal na manggagawa at higit sa lahat ay may katangiang imperyalista na. Ang dalawang digmaang pandaigdig at ang mga local wars ngayon sa lahat ng panig ng mundo ang masakit na halimbawa paanong ginamit ng burgesya ang manggagawa (kasama ang mga "partido komunista") para magpapatayan sa isat-isa sa ngalan ng "right of nations to self-determination." Sa kasalukuyan, walang kaibahan ang imperyalismo ng US, Britain, EU sa Iraq, PLO areas, Lebanon, Afghanistan, at iba pang lugar sa nasyunalismo ng Israel, Iraqi resistance, Hamas, Hezbollah, Taliban, at sa Pilipinas ng MILF.
Gayong naniniwala si Bryan na "tanging uring manggagawa ang may kakayahan na maglunsad ng sosyalismong rebolusyon" pero nagbigay siya ng kondisyon, "hindi ito magtatagumpay ng walang pakikipagalyansa sa ibang uri ng lipunan". At ayon sa kanya ito daw ang sinabi ni Lenin sa kanyang akdang "The Significance of Militant Materialism." Sa mga pahayag pa lang niya ay makikita agad na parang nalilito siya. Habang sinasabi niya na "tanging uring may kakayahan", nagsasabi din siya na "hindi ito magtatagumpay ng walang pakikipagalyansa sa ibang uri ng lipunan".Napagkamalan ata ni Bryan na parehas lang ang sosyalistang rebolusyon at burges-demokratikong rebolusyon. Sa pagkaalam ko, ang mga maoista at "leninista" ay naniniwalang ang demokratikong rebolusyon, ang tanging daan para sa sosyalistang rebolusyon kung saan kailangang makipag-alyansa ang manggagawa sa ibang mga uri ng lipunan kasama na ang isang paksyon ng burgesya. Ang ibig sabihin ni Bryan ay hindi magtatagumpay ang sosyalistang rebolusyon kung hindi mananalo ang demokratikong rebolusyon.
Malinaw sa atin ang linya ni Bryan: kung hindi "dalawang-yugtong" rebolusyon ng mga maoista, ito ay "tuloy-tuloy" na rebolusyon ng mga "leninista" o kaya "permanenteng" rebolusyon ng mga trotskyista. Masyado ng tataas ang artikulong ito kung sasagutin pa natin ang linyang ito ni Bryan. Ang malinaw lang, bago ang sosyalismo dadaan muna sa pambansa-demokratikong rebolusyon. At ang hindi naniniwala dito ay mga anarkista ayon sa kanya.
Para sa klaripikasyon hinggil sa linya ni Bryan, kailangan nating muling balikan ang ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo mula sa kanyang pasulong na yugto (18th to 19th centuries) hanggang sa kanyang dekadenteng yugto simula 20th centuries. Subalit, para lang sa kaalaman ni Bryan, ang linya ng kaliwang komunismo sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay pandaigdigang proletaryong rebolusyon para sa komunismo. Maliban na lang kung naniniwala si Bryan na ang posisyon ng mga anarkista ay world proletarian communist revolution din. Kung naniniwala siya, hindi ko na alam kung saan napulot ni Bryan ang kanyang nabasa hinggil sa anarkismo. Baka pati ang mga anarkista ay magalit sa kanya dahil ginawa niyang comrade-in-arms sila Marx at Bakunin.
Kapasidad ng uring manggagawa na organisahin ang sarili laban sa kapitalismo
Ayon kay Bryan, "hindi ba ang sabi ni marx at lenin na ang papel ng isang marxista ay organisahin ang uring manggagawa? yan din ang papel ng kumonistang partido. hindi bat na organisa ang stike sa egypt dahil may mga organisasyon na kasabwat o nasa likod nito? ano un nagkayayaan lang ang mga manggagawa o napagtripan lang na magstrike? Kahibangan!"
Gayong naniniwala si Bryan na may kapasidad ang uri na organisahin ang kanyang sarili, naniniwala din siya na ang papel ng isang marxistang partido ay organisahin ang uring manggagawa. Gayong dinaan niya sa tanong, malinaw na naniniwala si Bryan na nagwelga ang mga manggagawa sa Egypt dahil may mga organisasyong nasa likod nito. Tinawag niya na kahibangan na nagwelga ang mga manggawa na walang mga kasabwat na organisasyon.
Mas mabuting halawin natin dito ang testimonya ng dalawang
manggagawa na kasama sa mga welgang nangyari sa Egypt nitong nakaraan:
The
extract is from ‘Egyptian textile workers confront the new economic
order ’ by Joel Beinin and Hossam el-Hamalawy, published in Middle East
Report Online and libcom.org, and based on interviews with two workers
at the plant, Muhammed ‘Attar and Sayyid Habib.
"The 24,000 workers at Mahalla al-Kubra’s Misr Spinning and Weaving complex were thrilled to receive news on March 3, 2006 that Prime Minister Ahmad Nazif had decreed an increase in the annual bonus given to all public-sector manufacturing workers, from a constant 100 Egyptian pounds ($17) to a two-month salary bonus. The last time annual bonuses were raised was in 1984 — from 75 to 100 pounds.
"We read the decree, and started spreading awareness about it in the factory," said ‘Attar. ‘Ironically, even the pro-government labour union officials were also publicizing the news as one of their achievements’. He continued: ‘December [when annual bonuses are paid] came, and everyone was anxious. We discovered we’d been ripped off. They only offered us the same old 100 pounds. Actually, 89 pounds, to be more precise, since there are deductions [for taxes].’
A fighting spirit was in the air. Over the following two days, groups of workers refused to accept their salaries in protest. Then, on December 7, thousands of workers from the morning shift started assembling in Mahalla’s Tal‘at Harb Square, facing the entrance to the mill. The pace of factory work was already slowing, but production ground to a halt when around 3,000 female garment workers left their stations, and marched over to the spinning and weaving sections, where their male colleagues had not yet stopped their machines. The female workers stormed in chanting: ‘Where are the men? Here are the women!’ Ashamed, the men joined the strike.
Around 10,000 workers gathered in the square, shouting ‘Two months! Two months!’ to assert their claim to the bonuses they had been promised. Black-clad riot police were quickly deployed around the factory and throughout the town, but they did not act to quell the protest. ‘They were shocked by our numbers’, ‘Attar said. ‘They were hoping we’d fizzle out by the night or the following day’. With the encouragement of state security, management offered a bonus of 21 days’ pay. But, as ‘Attar laughingly recalled, ‘The women [workers] almost tore apart every representative from the management who came to negotiate’.
As night fell, said Sayyid Habib, the men found it ‘very difficult to convince the women to go home. They wanted to stay and sleep over. It took us hours to convince them to go home to their families, and return the following day’. Grinning broadly, ‘Attar added, ‘The women were more militant than the men. They were subject to security intimidation and threats, but they held out’.
Before dawn prayers, riot police rushed in the mill compound’s gates. Seventy workers, including ‘Attar and Habib, were sleeping inside the mill, where they had locked themselves in. ‘The state security officers told us we were few, and had better get out’, said ‘Attar. ‘But they did not know how many of us were inside. We lied and told them we were thousands’. ‘Attar and Habib hastily wakened their comrades and together the workers began banging loudly on iron barrels. ‘We woke up everyone in the company and town. Our mobile phones ran out of credit as we were calling our families and friends outside, asking them to open their windows and let security know they were watching. We called all the workers we knew to tell them to hurry up to the factory’.
By then, police had cut off water and power to the mill. State agents scurried to the train stations to tell workers coming from out of town that the factory had been closed down due to an electrical malfunction. The ruse failed.
‘More than 20,000 workers showed up’, said ‘Attar. ‘We had a massive demonstration, and staged mock funerals for our bosses. The women brought us food and cigarettes and joined the march. Security did not dare to step in. Elementary school pupils and students from the nearby high schools took to the streets in support of the strikers’. On the fourth day of the mill occupation, panicking government officials offered a 45-day bonus and gave assurances the company would not be privatized. The strike was suspended, with the government-controlled trade union federation humiliated by the success of the Misr Spinning and Weaving workers’ unauthorized action".
Walang unyon, walang partido na "namuno" sa mga manggagawa sa Ehipto para magwelga. Hindi ito kahibangan kundi isang patunay na may kapasidad na mag-organisa sa sarili ang mga manggagawa bilang uri dahil ang proletaryado ay isang rebolusyonaryong uri. Katunayan, mayroong proletaryong rebolusyonaryo partido dahil rebolusyonaryo ang uri nila. Ang Partido ay produkto ng rebolusyonaryong pakikibaka ng uri. MALI ang paniniwalang mayroong rebolusyonaryong kilusan ng manggagawa dahil mayroong isang rebolusyonaryonaryong partido.
Subalit may malalim na batayan si Bryan sa kanyang paniniwala, isang paniniwala na sa matagal na panahon mula ng maghari ang mga distorsyon ng Stalinismo ay naging prinsipyo na ng mga Kaliwa: "marxistang" tungkulin daw ng Partido na organisahin ang uri na humantong sa banggardismo o substitutionism, pagiging proxy ng partido sa uri. Kaya namangha si Bryan ng malaman niyang nag-organisa at nakibaka ang mga manggagawa na walang nag-oorganisang partido. "Kahibangan!"ayon sa kanya. Maraming karanasan sa Pilipinas kung paanong pinakita ng mga maoista at "leninista" ang banggardismo nila sa loob ng mga unyon at organisasyong masa na "pinamunuan" o "impluwensyado" nila. Mula sa eleksyon ng opisyales ng mga organisasyong ito hanggang sa pagplano kung ano ang mga activities ng mga organisasyong ito ng mga Kaliwang partido.
Saan nagmula ang konseptong "organisahin" ng Partido ang uri? Ito ay nagmula sa tradisyon ng 2nd International sa panahon na nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo kung saan wala pa sa agenda ang pag-agaw ng proletaryado sa kapangyarihan kundi sa mga pakikibaka para sa reporma. Sa pakikibaka para sa reporma na sa panahong iyon isang tamang linya lumitaw ang mga permanenteng organisasyon gaya ng mga unyon at mga sosyalistang partido na mass party ang katangian para sa parlyamentaryong pakikibaka.
Subalit nagbago ang lahat ng ito ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang imperyalistang yugto. Ang porma ng organisasyon at pakikibaka ng proletaryado ay nagbago din. Sa bisperas ng pagpasok ng bagong yugto, sa 1905 sa Rusya, tinuruan ng mga manggagawa ang kanyang Partido, ang partidong Bolshevik kung ano ang angkop na porma ng organisasyon at kung ano na ang laman ng pakikibaka ng uri. HINDI ang mga Bolshevik ang nagturo sa uri kundi ang huli ang nagturi sa una.
Tinuruan ng uri ang kanyang partido na lipas na ang mga pormang unyon, at ang dapat na porma ng organisasyon ay ang mga sobyet ng manggagawa — mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang laman ng pakikibaka ay hindi na para sa reporma kundi para agawin na ang kapangyarihang pampulitika. Ang 1905 revolution ang naging aral para manalo sa Rusya ang sosyalistang rebolusyon sa 1917 sa gitna ng pandaigdigang rebolusyon mula 1917-23.
Hindi ang mga Bolshevik ang nag-organisa sa mga manggagawa sa sobyet kundi ang mga manggagawa mismo ang nag-organisa sa kanilang sarili. Ang mga sobyet na sinabi ni Lenin na ekspresyon ng diktadura ng proletaryado.
Sa 70s, 80s, last year at nitong huli sa Egypt pinakita ng mga manggagawa sa ibat-ibang bahagi ng mundo ang kanilang kapasidad na mag-organisa at makibaka wala o mayroong unyon, wala o mayroong partido.
Ang papel ng mga komunista, ang papel ng partido bilang minorya sa loob ng uri ay hindi mag-organisa sa uri kundi bigyan ng pampulitikang oryentasyon at direksyon ang mga organisasyon at pakikibaka nila para sa ultimong layunin na ibagsak ang burges na estado at itayo ang diktadura ng proletaryado. Ito ang tungkulin ng isang rebolusyonaryong partido: (1) itaas ang kamulatan ng uri na nais ilihis ng burgesya para hindi ilunsad ng una ang sosyalistang rebolusyon sa pandaigdigang saklaw, (2) ilantad sa harap mismo ng uri ang parehong katangian ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya (administrasyon man o oposisyon); kaugnay nito ipaliwanag sa uri na isang bitag ang anumang pakipag-alyansa sa kahit alinmang paksyon ng burgesya, maging ito ay temporaryo lamang, ang tanging alyansa na dapat pasukin ng uri ay ang internasyunal na alyansa ng uring manggagawa, at ito ang mapait na karanasan sa edsa 1 at 2 na kahit na katiting hindi natuto ang Kaliwa, (3) ilantad sa harap ng mga manggagawa ang kontra-rebolusyonaryong katangian ng mga unyon, parlyamento at lahat ng tipo ng nasyunalismo; sa halip ipaliwanag sa kanila ang internasyunal na kasaysayan ng kanilang uri sa usapin ng tamang porma ng organisasyong itayo nila — mga konseho ng manggagawa o sobyet — at ang tamang laman ng pakikibaka nila — hindi para sa reporma kundi para agawin ang kapangyarihang pampulitika. Sa madaling sabi, ang tungkulin ng mga komunista at ng Partido ay paunlarin ang makauring pagkakasia at kamulatan ng uri sa batayan ng internasyunalismo at independyenteng kilusang manggagawa. Sa pagpapatupad ng mga tungkuling ito, kailangang sa lahat ng pagkakataon ang mga komunista ay kasama sa mga konseho at pakikibaka ng kanilang uri at hindi mga "arm-chair revolutionaries" o "revolutionaries from afar".
Lubhang napakahirap ng mga tungkuling ito dahil sa mahigit 50 years na distorsyon ng Stalinismo sa marxismo at sa mismong istorikal na karanasan ng makauring pakikibaka dahil nababalot pa rin sa mga mistipikasyon at ilusyon ang maraming manggagawa. Katunayan, mas madali pa ngang magpakilos ng ilang daan ka tao mula sa organisadong base ng Kaliwa para sa media projection basta may pera lang para transportasyon ng "masa" nila. O kaya ay makipag-negosasyon sa burges na oposisyon para pondohan ang ilang libong kilos-protesta ng Kaliwa laban sa isang paksyon ng burgesya.
Marxismo laban sa anarkismo
Sana sa mga paliwanag sa itaas ay maintindihan ni Bryan na hindi kami mga anarkista kundi mga kaliwang komunista kahit pa hindi siya sang-ayon sa mga paninindigan ng kaliwang komunismo. Subalit para sa maiksing paliwanag hinggil sa anarkismo:
1. Hindi naniniwala ang mga anarkista na ang uring manggagawa ang tanging rebolusyonaryong uri sa lipunang kapitalista at may istorikal na misyon na durugin ang kapitalismo at itayo ang komunismo. Sa halip ay naniniwala ang mga anarkista na simpleng kabilang isa lamang ang proletaryado sa pinagsamantalahang mga uri ng kapitalismo. Kaya nga nasabi ni Bakunin na ang lumpen-proletaryado ang may kapasidad na durugin ang kapitalismo.
2. Hindi naniniwala ang mga anarkista sa pangangailangan ng isang rebolusyonaryong partido para manalo ang komunistang rebolusyon. Kung meron mang mga "komunista" na malapit sa mga anarkista sa ganitong partikular na pananaw sa usapin ng partido ay ang halos naglaho na na mga council communist at hindi ang mga left communist.
3. Hindi naniniwala ang mga anarkista sa pangangailangan ng transitional state mula kapitalismo tungong komunismo. Para sa kanila ay kagyat na durugin ang estado at itayo ang autonomous na maliitan, hiwa-hiwalay na komunidad ng tao. Ang mga kaliwang komunista ay tumindig sa pangangailangan ng transitional state pero ang estadong ito ay hindi siyang ekspresyon ng diktadura ng proletaryado kundi ang mga konseho ng manggagawa. Tutol ang left communists sa "dictatorship through the state" at sa halip ay tinindigan namin ang "dictatorship over the state through the workers councils. Sa ganitong punto, tinindigan namin na MALI na pumasok ang Partido sa transisyunal state kahit pa lagyan ito ng karatulang "workers state". Ang saniban ng Partido ay ang mga konseho ng manggagawa. Dagdag pa, tinindigan namin na ang transitional phase ay mangyayari sa internasyunal na antas at hindi sa bawat bansa. Ibig sabihin, masimulan lamang ang transition from capitalism to communism kung madurog na sa pangkalahatan ang kapitalistang paghari sa pandaigdigang saklaw.
Ang patuloy na paniniwala ng mga taong gaya ni Bryan na ang kaliwang komunismo ay anarkismo ay nagpakita lamang na hindi talaga nila naintindihan ang anarkismo at ang marxismo at ang kaibahan ng una sa huli. Sa ganitong punto, ang teoretikal na klaripikasyon ay hahantong sa intelektwal na kayabangan at mahuhulog sa kahibangan.
Live on TV (sa government channel) ang unang araw ng imbestigasyon ng Senado kung saan dumalo ang mga membro ng Gabinete ni Arroyo na may kaugnayan sa anomalosong mahigit $300 million ZTE Contract.
Ginisa ng mga senador ang mga membro ng Gabinete sa ZTE Contract. Sa panlabas, (sa kanilang mga pananalita) makikita kaagad na depensiba ang mga bataan ni Arroyo habang ang mga ‘magigiting’ na senador ang nagpa-impress sa mata ng publiko na ‘tagapagtanggol’ ng kapakanan ng taumbayan. Halimbawa: Si senador Richard Gordon na dating mayor ng Olangapo sa panahon ng diktadurang Marcos at masigasig na tagapagtanggol ng US Military Bases dahil malaki daw ang maitutulong nito sa kaunlaran ng bansa ay naging ‘tagapagtanggol’ ng interes ng bayan laban sa interes ng mga kapitalistang Tsino. Si senador Juan Ponce Enrile, dating Ministro ng National Defense ng diktadurang Marcos at isang malaking kapitalista (bantog sa karahasan ang kanyang malaking kompanya ng logging sa Northern Luzon at Mindanao) kung saan ginamit ang kanyang posisyon noon hanggang ngayon para sa kanyang negosyo ay ‘kinondenna’ ang paggamit ni Jose de Venecia III sa posisyon ng kanyang ama na si Speaker Jose de Venecia.
Sa esensya, ang nais ipakita ng estadong kapitalista kakutsaba ang institusyong lehislatibo sa publiko ay ganito: ‘walang sinasanto ang demokrasya at ang mga batas nito’. Gamit ang media laluna ang government channel, lumilikha ito ng impresyon na ‘kalahok’ ang publiko sa imbestigasyon ng Senado. Nakakatuwang moro-moro ng buong uring burgesyang Pilipino (administarsyon man o oposisyon). Pero dapat bang sumabay sa pagtawa ang malawak na naghihirap na masa sa komedya sa susunod pa nilang imbestigasyon hinggil sa ZTE?
Ang nakatagong katotohanan sa moro-moro ng Senado
1. Isang imperyalistang bansa ang China na determinadong palalakihin ang impluwensya sa Pilipinas na kontrolado ng imperyalistang US.
Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo, ang patakaran ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa ay muling hahatiin ang mundo sa pamamagitan ng digmaan para makaalpas sa matinding pandaigdigang krisis ng sistema. Subalit dahil hindi na nagawang hatakin ng mga imperyalistang kapangyarihan ang uring manggagawa para sa isa pang karumal-dumal at barbarikong ikatlong digmaang pandaigdig (na malamang panghuli na dahil mawawasak na ang mundo dahil sa antas ng teknolohiyang militar) tulad ng nangyari sa nagdaang dalawang pandaigdigang digmaan, ay nagkasya na lang muna sila sa lokalisadong imperyalistang mga digmaan sa ngalan ng ‘digmaan para sa pambansang pagpapalaya’ at ‘trade wars’.
Ang ZTE contract ay bahagi ng umiigting na ‘trade wars’ ng China at Amerika. Katunayan, sumali ang huli (Arescom) sa bidding pero nagulangan lang ng una. Ang dapat maunawaan na ang layunin ng China sa kanyang iba’t-ibang economic relations at projects sa gobyerno ng bansa ay para maagaw sa US/Japan ang Pilipinas dahil kailangan ng imperyalistang China ng dagdag na markets at mangyayari lamang ito sa pamamagitan ng pag-agaw ng markets ng ibang imperyalistang kapangyarihan.
Sa pandaigdigang saklaw, inisyal na naungusan ng imperyalistang China ang ibang mga imperyalistang bansa sa pagkuha ng mas malaking impluwensya sa buong kontinente ng Aprika. Kung sa Aprika at Gitnang Silangan nagkainteres ang China, dito pa kaya sa Asya.
Kaaway ng buong uring manggagawa ang buong imperyalistang sistema kabilang na ang imperyalistang ambisyon ng sariling bansa gaya ng Pilipinas at hindi lamang ng isang partikular na kapangyarihan gaya ng Amerika na siyang lagi nating naririnig sa mga Kaliwa sa buong mundo.
2. Ang malalaking kontrata at kasunduan ng gobyerno ng Pilipinas sa makapangyarihang mga bansa magmula pa noong unang republika hanggang ngayon ay punong-puno ng korupsyon.
Nakakatawa at nakakainis ang ipokrasya ng iba’t-ibang paksyon ng nagharing uri laluna ang kaslaukuyang oposisyon na nagmamalinis gayong noong sila pa ang nasa kapangyarihan ay kasing-kurakot at kasing-sakim sa super-tubo tulad ng kasalukuyang administrasyon.
Lahat ng mga paksyon ng nagharing uri, nasa kapangyarihan man o wala ay magnanakaw at mandarambong sa kabang-yaman na likha ng masang anakpawis. Kaya isang oportunistang taktika ang ‘choose the lesser evil’ o ‘tactical or temporary alliance with the lesser evil’. Kaya nakakasuka ang ginagawa ng mga Kaliwa ng Pilipinas kung saan nakipag-alyansa sila kay Gloria noon at kay Erap na naman ngayon.
3. Lalupang lumala ang pagkahati-hati ng nagharing uri.
Isa sa kongkretong manipestasyon na ang sistema ay nasa kanyang dekadenteng yugto na ay ang permanenteng antagonismo ng mga paksyon sa loob ng nagharing uri. Ang imbestigasyon ng Senado sa ZTE contract ay hindi dahil ang institusyong ito ay kakampi ng uring pinagsamantalahan kundi dahil marami sa mga membro nito ay nasa kabilang paksyon ng nagharing uri.
Ang paglala ng tunggalian sa loob ng nagharing uri ay hindi maiwasang samantalahin ng China para maka first step sa kanyang imperyalistang ambisyon. Hindi nakapagtataka na may paksyong inalagaan ang China o alinmang imperyalistang kapangyarihan na karibal ng imperyalistang US bagama’t maaring sabihin na mahina pa at hindi pa solido ang ugnayan kumpara sa mga paksyong inalagaan ng Amerika.
Ang konstrobersya sa ZTE Contract ay tiyak palalakihin ng isang paksyon o mga paksyon ng nagharing uri para sa kani-kanilang interes, ipagtanggol man o patalsikin ang kasalukuyang nagharing paksyon; sa pamamagitan man ng ‘legal’ na proseso o ‘ekstra-legal’. At tiyak, ang mga imperyalistang kapangyarihan na may malaking interes sa Pilipinas ay hindi lang manonood kundi gagawa din ng mga hakbang para sa kanilang interes, hayagan man ito o patago. Kaya hindi nakapagtataka kung ang ‘expose’ ni de Venecia III ay may ‘bendisyon’ mula sa imperyalistang US, ganun din ang ‘banta’ ni Chief of Staff Gen. Esperon, na isang American boy na ang ZTE controversy ay maaring pagmulan ng de-istabilisasyon o kaya ang planong pagpapatalsik kay JDV bilang speaker of the house.
Ang mahalaga sa lahat ay walang kampihan ang uring manggagawa sa kanila at hindi magpagamit sa mga mobilisasyon at pagkilos na ipanawagan nila. Sa halip, ilunsad ang mga pagkilos at mobilisasyon kasama ang iba pang aping uri at sektor ng lipunan na HIWALAY at INDEPENDYENTE sa pagkilos ng anumang paksyon ng burgesya.
4. Ang National Broadband project ng estado hawak man ito ng China o ng US o anumang imperyalistang kompanya ay kabilang sa layunin ng burgesyang Pilipino na palakasin ang estado para lubusang makontrol nito hindi lang ang mga ahensya at empleyado ng pamahalaan sa buong bansa kundi ang buong buhay ng lipunan sa ilalim ng maskarang ‘pagpapasinop’ ng serbisyo sa lipunan. Kahit pa masusunod ang pa-pogi points ng mga ipokritong ‘makabayang’ mga senador at komentarista na walang dayuhan sa broadband project ganun pa rin ang isa sa mga layunin nito: palakasin ang kontrol ng estado.
Ang pagpapalakas ng estado ang di-maiwasang katangian nito sa panahon ng paghihingalo ng kapitalismo dahil siya na lamang ang huling depensa ng sistema para hindi lubusang bumagsak. Ang pagpapalakas ng ‘rule of law’ sa anyo man ng diktadura o ‘demokrasya’, ang pagsupil sa mga rebolusyonaryo, ang pagkontrol sa nagiging marahas na tunggalian ng mga paksyon sa loob ng nagharing uri, at ang paghahanda para sa digmaan para ipagtanggol ang pambansang interes ay kailangan ng isang malakas na estado.
Ang pagpapasinop ng komunikasyon, koordinasyon at monitoring sa buong burukrasya ng estado ay bahagi ng pagpapalakas nito.
Ang mortal na kaaway ng uring manggagawa at masang maralita sa Pilipinas ay hindi lamang ang mga dayuhang kapitalista kundi ang mismong buong uring kapitalistang Pilipino. Ganap lamang na maglaho ang anumang tipo ng korupsyon, pagnananakaw at pandarambong sa kabang-yaman ng lipunan kung ganap ng mawasak ang sistemang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.
Hangga’t patuloy na humihinga ang naaagnas na kapitalistang sistema sa mundo, anumang tipo ng estado ang iiral – hayagang kapitalista man ito o nagbalatkayong ‘sosyalista’ na nakatago sa maskarang ‘estadong sosyalista’ o ‘estado ng bayan’ — ay tiyak na hindi makaiwas sa korupsyon, pagnanakaw at pandarambong. Tanging ang independyenteng kapangyarihan lamang ng mga konseho ng manggagawa sa bawat bansa at higit sa lahat, sa internasyunal na saklaw ang makapigil at sa huli, lubusang wawasak sa mga ito.
Hindi mawawasak ang kapitalistang estado sa pamamagitan ng ‘tactical alliance sa isang paksyon ng burgesya’ o ‘choose the lesser evil’ o ‘one enemy at a time’ kundi sa sabay-sabay na pagdurog sa lahat ng mga paksyon ng nagharing uri. Ang tanging pagkakaisa na kailangan ay ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa sa Pilipinas at buong mundo at ang paghikayat sa iba pang aping mga uri sa lipunan na suportahan ang proletaryong rebolusyon laban sa kapitalismo.
Ang ZTE scandal ay nakitaan ng mga maniobra ng imperyalistang Tsina sa kanyang pagtatangkang makakuha ng mas malaking merkado sa Pilipinas kaysa dati nitong nakuha na at sa patagong maniobra naman ng imperyalistang Amerika para pigilan ang anumang plano ng karibal nitong imperyalista. Sa ganitong balangkas din ang maniobra ng imperyalistang Hapon sa JPEPA. Sa kabila na isang ‘alyado’ ng imperyalistang Amerika ang bansang Hapon dito sa Asya, dahil sa matinding krisis na naranasan nito sa kasalukuyan ay mangingibabaw pa rin ang ‘one against all’ na kalakaran ng lahat ng mga bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Sa madaling sabi, kanya-kanyang diskarte para maisahan at maungusan ang lahat ng mga karibal.
Sa panahon ng pagkaagnas ng dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa pagbagsak sa pinakamasahol at pinakamarahas na porma ng estado kapitalismo sa mundo – ang Stalinismo – sa Rusya at Hilagang Yuropa, naglaho na ang anumang ‘internasyunal na alyansa’ at lubusan ng nangingibabaw ang ‘isa laban sa lahat’.
Ganun pa man, malinaw din na may komon na pagkakaisa sa ngayon ang bansang Hapon at Amerika: labanan ang agresibong panghihimasok ng Tsina sa Asya hindi para palakasin ang ‘alyansa’ ng Hapon at Amerika sa Asya kundi para sa kani-kanilang pansariling imperyalistang interes.
Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo, walang pantay na ugnayang panlabas at kalakalan. Bawat pambansang burgesya sa bawat bansa (kasama na ang Pilipinas) ay walang ibang layunin sa kanyang pakikipag-ugnayan sa ibang mga bansa kundi makakuha ng mas paborableng konsesyon para sa kanyang sariling pambansang kapitalistang interes sa ilalim ng karatulang nasyunalismo, patriyotismo o ‘sosyalismo’. Dahil lahat ng mga bansa ay ganito ang katangian, tiyak ang makakuha ng mas paborableng konsesyon ay ang mas makapangyarihang imperyalistang gangster.
Ang imperyalistang tunggalian na nakikita natin sa mga nangyaring maniobrahan sa ZTE at JPEPA ang nais itago sa moro-moro at pa-pogi na senate investigation sa burges na estado ng Pilipinas na pinakikintab ng mga aksyong masa ng iba’t-ibang Kaliwang grupo sa ilalim ng isyu ng korupsyon. Tandaan natin na hinahatak ng senado ang publiko sa simpleng mga isyu ng corruption at ‘pagyurak’ sa soberanya ng bansa. Higit sa lahat, nais lamang isisi ang mga pangyayari sa isang paksyon ng burgesya – sa paksyong Arroyo. Nakakatawa dahil alam naman nating lahat na kung ang anti-Arroyong paksyon ang nasa Malakanyang ngayon tiyak ganun din ang gagawin nila.
Pero hindi lang ang imperyalistang tunggalian ang nakikita natin sa mga iskandalong ZTE at JPEPA. Nakikita din natin kung ano na ang kasalukuyang katangian ng lahat ng estado sa buong mundo sa panahon ng dekadenteng kapitalismo: TOTALITARYANISMO.
Para tangkaing isalba ang hindi na mapigilang pagbulusok-pababa ng kapitalismo at ng paglala ng tunggalian ng mga panlipunang pwersa, naobliga ang burgesya na ibigay sa estado ang absolutong kapangyarihan dahil ito na lamang ang huling maaasahan para subukang iligtas ang naghihingalong sistema. Kaya magmula 1914 nakikita na ang paglitaw ng isang totalitaryan na estado sa makapangyarihang mga bansa at kalaunan lumaganap sa lahat ng mga bansa (atrasado man ito o abante). Ibig sabihin, ang aboslutong pagkontrol ng estado sa buhay panlipunan ay hindi simpleng suhetibong kagustuhan ng isang lider o isang paksyon kundi ito ang obhetibong bunga ng isang sistema na nasa permanenteng krisis na.
Sa kongkreto, makikita ito sa absolutong kapangyarihan ng executive branch ng estado – ito man ay sa anyo ng ‘demokrasya’ o diktadura. Hindi lang ito makikita sa Nazi Alemanya, Pasistang Italya, Imperyalistang Hapon, Stalinistang Rusya, Maoistang Tsina at mga katulad nila kundi maging sa demokratikong Amerika, Britanya at Pransya at mga katulad nila. Sa Pilipinas naman, hindi lang ito nakikita sa panahon ng pasistang diktadurang Marcos kundi maging sa liberal-demokratikong rehimeng Aquino.
Ngayon, sa ilalim ng rehimeng Arroyo makikita ang totalitaryanismo ng estado sa EO 464 at sa ‘executive previlige’ na iginigiit ng executive branch sa legislative branch. Ang parlyamento ay isa na lang rubber stamp ng ehekutibo subalit laging may palamuting oposisyon para may demokrasya. Isang kongkretong halimbawa sa Pilipinas ay kung paano bumalimbing ang mayorya ng mga mambabatas sa pampulitikang partido ng kasalukuyang president na nakaupo sa Malakanyang. Sa panahon ni Marcos ay KBL, kay Erap ay PMP at kay GMA ay Lakas-Kampi. Ang executive branch din ang may kapangyarihan ng panunuhol sa mga mambabatas: EPIRA at ngayon naman laban sa impeachment kung saan napabalitang namigay ang Malakanyang ng P200,000 hanggang P500,000 sa 190 mambabatas na alyado nito.
Sa ilalim ng totalitaryan na estado, ang mga polisiya at patakaran, maging ang mga batas ay kadalasan ginagawa muna sa likod ng publiko. Kaya naman bahagi ng parlyamentarismo ang lobbying at pakipag-usap ng iba’t-ibang grupo kabilang na ang Kaliwa sa mga politiko. Aling paksyon man ng burgesya ang nasa Malakanyang tiyak hindi nito maiwasan ang totalitaryanismo ng estado at ng ehekutibo sa partikular dahil sa isang panlipunang sistema na nasa permanenteng krisis ito na lamang ang huli at tanging nalalabing paraan para di-tuluyang mawasak.
Maging ang Beneswela sa ilalim ni Hugo Chavez na ginawang ‘modelo’ at ‘inspirasyon’ ng iba’t-ibang Kaliwang grupo ay hindi nakaiwas sa katangian ng estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. At sa bawat radikal na pananalita ni Chavez para sa ‘sosyalismo’ at laban sa ‘imperyalismo’ lalong nalalantad sa mata ng manggagawang Venezuelan at buong mundo ang matatalim na pangil ng kapitalismo ng estado.
Sa madaling sabi, lahat ng mga estado ngayon ay totalitaryan ang katangian kahit sino o ano pang grupo o partido ang nakaupo. Ito ang isa sa katangian ng dekadenteng kapitalismo. At isang panlilinlang sa masa kung sabihin natin sa kanila na ‘hakbang pasulong’ sa pagpapahina ng estado ang pagpatalsik kay GMA at papalitan lamang ng isang paksyon ng burgesya o ng oposisyon habang nanatiling intact ang nangangamoy na kapitalistang sistema sa anyo man ito ng ‘transitional government’ o ‘coalition government’ kasama ang burges na oposisyon.
Diktadura man ng isang paksyon ng burgesya o demokratikong porma ng gobyerno sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo ay pareho lamang ang talas at haba ng mga pangil laban sa masang anakpawis. Kapwa sila ay diktadura ng mapagsamantalang uri sa lipunan. Para mapalaya ang uring manggagawa at masang mahihirap kailangang madurog ang burges na estado, Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan.
Sa punto-de-bista ng uring manggagawa, ang kapangyarihan pampulitika ay wala sa estado kundi nasa sariling pagkakaisa at lakas nito – sa KONSEHO NG MGA MANGGAGAWA.
Ang paninidigan ng marxismo sa kababaihan ay nakabatay sa makauring tunggalian sa lipunan. Malinaw ito sa teksto ni Engels na sinulat noong 1887, “The Origin of the Family, Private Property and the State” at sa sinulat ni Bebel noong 1891, “Woman and Socialism”. Ang solusyon ng usapin ng kababaihan ay nasa solusyon paano wakasan ang makauring tunggalian, ibig sabihin paano at sa anong kondisyon mapawi ang mga uri sa lipunan – ang pagtatayo ng komunistang lipunan.
Para sa karagdagang pag-unawa, inanyayahan namin ang mga marxistang mambabasa na basahin ang mga links na ito:
Ang usapin ng kababaihan sa panahon ng dekadenteng kapitalismo
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo lalong lumala ang pang-aapi sa kababaihan. Subalit dapat bang “lumahok at pamunuan” ng rebolusyonaryong minorya ang naglitawang parang kabute na mga “kilusan para sa pagpapalaya sa kababaihan” na nagsimula noong 1960s?
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, nasa agenda na ng kilusang manggagawa ang pagdurog sa estado at pagtatayo ng diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw. Ito ang tanging programa na akma sa kasalukuyan. At dito dapat nakabatay ang usapin ng kababaihan at hindi sa kanilang “sektoral” at inter-classist na mga kahilingan sa loob ng kapitalistang sistema.
Ang iba’t-ibang organisasyon ng Kaliwa – maoista, stalinista, trotskyista at maging anarkista – ay nag-oorganisa at naglunsad ng mga kampanya para sa “sektoral” o isyung pangkababaihan lamang gaya ng isyu sa aborsyon, prostitusyon, battered women, kasal, at iba pa. Kabilang na dito ang “kilusan ng mga homosexual”. Humihiling sila sa kapitalistang estado na bigyang halaga ang mga problemang ito ng kababaihan at homesexual. Pinagbigyan naman sila ng burgesya. Subalit para sa Kaliwa, ang mga ito ay di-sapat at may “magagawa pa ang estado at sistema pero wala lang political will”.
Ito ang pangkalahatang linya ng Kaliwa para “mapalahok” ang kababaihan sa rebolusyon. Ang linyang ito ay nakaangkla sa paniniwalang may kapasidad pa ang naaagnas na sistema na magbigay ng makabuluhang mga reporma gaya noong 19 siglo.
Subalit para sa Marxismo, sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, walang maibigay ang sistema liban sa lalupang pagpapalala sa aping kalagayan ng kababaihan dahil kailangan ng naghihingalong sistema na patindihin ang pagsasamantala sa uring manggagawa para patuloy na makahinga.
Ganun pa man, tuwang-tuwang ang burgesya sa mga “kilusan ng pagpapalaya sa kababaihan” dahil ang mga kahilingan nila ay hindi para ibagsak ang kapitalismo kundi para repormahin ito, para pabanguhin sa mata ng malawak na masang proletaryo. Kaya naman, maraming mga debate at diskusyon at maging mga batas hinggil sa aborsyon, prostitusyon, gay marrtiage at iba pa na sinalihan mismo ng mga burges na “maka-kababaihan.”
Sa ganitong punto nanindigan kami na ang mga “kilusang” ito ay naglalayong ipako ang isyu sa pagitan ng kasarian, demokratikong karapatan, burges na pagkapantay-pantay at higit sa lahat, hatiin ang kilusang manggagawa. Para sa amin, ang tanging solusyon sa mga problema ng kababaihan ay ang paglakas ng kilusang manggagawa at komunistang rebolusyon.
Ang tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya ay mamulat at magkaisa ang malawak na masa – lalaki, babae, o homoseksuwal – bilang mga manggagawa, bilang isang uri laban sa kapitalismo. At ang mga isyu na maaring makapag-isa sa kanila ay ang mga isyu bilang inaapi at pinagsamantalahang manggagawa – sahod, trabaho, pension, at iba pa. Mga isyu na direktang umaatake sa burges na estado at kapitalistang mga relasyon. Ang dapat linangin ng mga komunista ay isang malakas na kilusang manggagawa anuman ang kanyang kasarian, kulay, nasyunalidad o relihiyon.
Sa madaling sabi, ang sentralidad ng kilusang manggagawa at hindi ang mga sektoral na kilusan na walang idudulot kundi hati-hatiin lamang ang uri. Wala itong kaibahan sa “kilusan ng mga kontraktwal”, “kilusan ng may-kapansanan”, “kilusan ng immigrants”, at iba pa at kaakibat na mga permanenteng organisasyon na walang ibinunga kundi pagkahati-hati at pagpapahina sa kilusang proletaryo.
Ang unitaryong organisasyon ng mga manggagawa – asembliya at konseho – ay umaangkop sa sentralidad ng pagpapalakas ng independyenteng kilusan ng manggagawa.
Hangga’t hindi naunawaan ang pundamental na pagbabago ng kapitalismo mula 19 siglo – mula pasulong tungo sa dekadenteng kapitalismo — at ang nasa agenda ng kilusang manggagawa – mula pakikibaka para sa reporma tungo sa pag-agaw ng kapangyarihang pampulitika, hindi maunawaan na wala ng silbi ang mga sektoral at parsyal na kahilingan sa loob ng kapitalismo.
“Marxism is first and foremost a critical method, since it is the product of a class which can only emancipate itself through the ruthless criticism of all existing conditions. A revolutionary organisation that fails to criticise its errors, to learn from its mistakes, inevitably exposes itself to the conservative and reactionary influences of the dominant ideology. And this is all the more true at a time of revolution, which by its very nature has to break new ground, enter an unknown landscape with little more than a compass of general principles to find its way. The revolutionary party is all the more necessary after the victorious insurrection, because it has the strongest grasp of this compass, which is based on the historical experience of the class and the scientific approach of marxism. But if it renounces the critical nature of this approach, it will both lose sight of these historical lessons and be unable to draw the new ones that derive from the groundbreaking events of the revolutionary process.” (World Revolution no. 314)
Ang diwa ng metodolohiyang marxismo ay ang walang awang kritisismo sa lahat ng umiiral na mga kondisyon. Ganun din sa kasaysayan mismo ng internasyunal na kilusang komunista sa nagdaang mahigit 200 taon. Kailangang maunawaan natin hindi lamang ang mga tagumpay kundi higit sa lahat ang mga kabiguan at pagkakamali ng rebolusyonaryong kilusan – ang mga obhetibo at suhetibong kondisyon kung bakit nangyari ang mga iyon. Kaya naman ang dogmatismo ay walang puwang sa marxismo.
Ang huling mga komento ni Alex (8 installments) ay nagtatanggol sa “kahalagahan” kundi man “sentralidad” ng kilusang magsasaka sa panahon ng proletaryong rebolusyon at ang diumano “continuity” ng maoismo sa marxismo. Dahil dito, mapapansin natin ang tahasang pagtatanggol niya sa armadong pakikibaka sa kanayunan kung saan “pangunahing pwersa” ang mga magsasaka para makamit ang “sosyalismo sa Pilipinas” (sa “pamamagitan ng pambansa-demokratikong rebolusyon”).
Hindi lamang si Alex ang may ganitong pananaw: naglipanan ngayon sa iba’t-ibang mga bansa sa ikatlong daigdig ang mga “gerilyang pakikidigma” para sa “pambansang kalayaan at demokrasya” ito man ay impluwensyado ng maoismo o hindi. Ang mga kilusang ito ay pangunahing umaasa sa direktang suporta ng masang magsasaka sa kanayunan para sa kanilang pakikibaka at sa mga imperyalistang bansa na karibal ng kanilang kaaway na imperyalista (direkta man o indirekta).
Binaybay ni Alex ang kasaysayan mula pa kina Marx upang bigyang “katuwiran” ang teorya ng “magsasaka bilang pangunahing pwersa” ng rebolusyon sa kasalukuyang panahon at ang maoismo bilang “pagpapaunlad” sa marxismo.
Batayang pundasyon ng marxismo mula noon hanggang ngayon
Bago natin sagutin ng komprehensibo ang mga distorsyon ni Alex sa marxismo para itulak ang kontra-rebolusyonaryong ideolohiya ng maoismo bilang “bahagi” at “rurok” ng marxismo, kailangang ilatag muna natin ang batayang pundasyon ng marxismo mula noon hanggang ngayon na PINATUNAYAN sa kasaysayan at karanasan na tama.
1. Proletaryado TANGING rebolusyonaryo at komunistang uri sa lipunang kapitalismo.
Lahat ng mga marxista ay naninindigan na ang uring manggagawa ay isang rebolusyonaryong uri dahil ito lamang ang nagdadala ng bago at mas maunlad na moda ng produksyon — komunismo. Ito ay hindi nakabatay sa “kagustuhan” ng mga komunista na gawin ang uring ito na rebolusyonaryo kundi ang obhetibong kalagayan at katangian mismo ng uring ito sa lipunang kapitalista ang nagpakita na ito ay isang rebolusyonaryo at komunistang uri.
Ang mga komunistang organisasyon/partido ay produkto lamang ng uring manggagawa. Mayroong rebolusyonaryong partido dahil mayroong rebolusyonaryong uri at hindi ang kabaliktaran nito.
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng lipunan: ang rebolusyonaryong uri ay isang PINAGSAMANTALAHANG uri.
Sa panahon ng lipunang alipin, pinagsamantalahang uri ang mga alipin pero hindi sila isang rebolusyonaryong uri kundi ang uring pyudal na nagdadala ng bago at mas maunlad na moda ng produksyon. Sa panahon ng lipunang pyudal, pinagsamantalahang uri ang mga magsasaka pero hindi sila rebolusyonaryo kundi ang uring burgesya. Sa panahon ng kapitalismo, maraming mga uri ang pinagsamantalahan ng kapitalismo tulad ng magsasaka at peti-burgesya pero hindi sila mga rebolusyonaryong uri. Sa nagdaang mga lipunan, ang rebolusyonaryong uri ay isa ring MAPAGSAMANTALANG uri.
Kaya hindi lalaya ang uring manggagawa kung hindi niya mapalaya ang sangkatauhan mula sa lahat ng tipo ng pagsasamantala:
“in the following formation of the class with radical chains, a class of civil society which is not a class of civil society, a class which is the disoolution of classes, a sphere which has a universal character because of its universal suffering and which lays claim to no particular right because the wrong it suffers is not a particular wrong but wrong in general; a sphere of society which can no longer lay any claim to a historical title, but merely to a human one…….and finally, a sphere which cannot emancipate itself without emanciapting itself from – and therefore emancipating – all the other spheres of society, which is, in a word, the total loss of humanity and which can redeem itself only through the total redemption of humanity. This dissolution of society as a particular class is the proletariat.” (Marx, ‘Critique of Hegels’ Philosophy of Law’, Collected Works, Vol. 3)
Ito ang tahasang inabandona ng mga maoista ng dineklara nilang “wala ng proletaryado” sa Unang Daigdig.
Samakatuwid, hindi dahil pinagsamantalahan ang isang uri ay awtomatik na agad na ito ay rebolusyonaryo at hindi dahil nagsasamantala ang isang uri ay awtomatik na agad na reaksyonaryo. Kailangang gamitin ang materyalismong istoriko para maunawaan bakit sa isang takdang panahon ng kasaysayan ng lipunan ay rebolusyonaryo ang papel ng mga depinidong uring mapagsamantala at bakit sa kasalukuyang panahon ng kapitalismo ay imposible na itong mangyari; na sa panahon ngayon, ang rebolusyonaryong uri ay isa ng PINAGSAMANTALAHANG uri.
Ang buod ng sagot dito ay: sa nakaraan, nagsalitan lamang ang mga lipunang mapagsamantala na nakabatay sa pribadong pag-aari at mga uri. Ang lipunan sa kasalukuyan ang kahuli-hulihang makauring lipunan at nakabatay sa pagsasamantala dahil ang lipunan sa hinaharap ay isang lipunan na wala ng mga uri at wala ng pagsasamantala.
Ang subject ng rebolusyon ay ang uring manggagawa. Ibig sabihin, ang sentralidad sa pagpapalakas ng kilusang manggagawa ang laging pinanindigan ng mga komunista saang panig man sila ng mundo mula noong panahon nila Marx hanggang ngayon.
Lahat ng ibang uri na pinagsamantalahan ng kapitalismo ay mga uri sa nakaraan. Ang hinaharap ng mga uring ito ay ang pagiging manggagawa. Ang magsasaka bilang uri ay mabilis na winawasak ng kapitalismo. Sa Pilipinas, mahigit 100 taon ng winawasak ng kapital ang magsasaka bilang uri. Wala ng istrata sa kanayunan ngayon na hindi nagapos sa kapitalistang mga relasyon.
2. Proletaryado isang internasyunal na uri at ang rebolusyon nito ay isang internasyunal na rebolusyon.
Ang sistemang kinasasadlakan ng proletaryado ay isang pandaigdigang sistema. Ang kapitalismo ang tanging sistema na hindi mabubuhay kung hindi ito lalawak sa lahat ng sulok ng mundo at isanib sa kanyang mga relasyon ng produksyon ang lahat ng bahagi ng mundo. Ang pamilihan ng kapitalismo ay isang pandaigdigan kung saan lahat ng pambasang pamilihan ay nakatali dito.
Dahil dito, ang sosyalisadong paggawa ng produkto ng uring manggagawa ay umunlad mula sa antas pabrika noong mga unang siglo ng kapitalismo hanggang sa antas pandaigdigan noong 19 siglo (laluna sa huling mga dekada nito). Samakatuwid, ang sosyalisasyon ng produksyon ay naging pandaigdigan na noon pa mang huling bahagi ng 19 siglo dahil nasakop na ng kapitalistang sistema ang buong mundo.
Sa ngayon sa panahon ng kapitalistang imperyalismo, lalupang napatunayan ang pagiging ganap ng integrado ng lahat ng mga pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya; ng mga manggagawa sa lahat ng mga bansa.
Kaya mula pa sa panahon nila Marx, ang mga marxista ay laging nanindigan sa pandaigdigang proletaryong rebolusyon dahil ang kaaway nito ay pandaigdigang kapitalismo at lahat ng mga pambansang ekspresyon nito:
“Working men have no country. You cannot take from them what they do not have”; “Workers of all countries unite”; “united action, of the leading civilised countries at least, is one of the first conditions for the emancipation of the proletariat”. (Communist Manifesto).
“Question: Will it be possible for this revolution to take place in one country alone?
Answer: No. By creating the world market, big industry has already brought all the peoples of the earth, and especially the civilised peoples, into such close relation with one another that none is independent of what happens to others. Further, it has coordinated the social development of the civilised countries to such an extent that in all of them bourgeois and proletariat have become the decisive classes and the struggle between them the great struggle of the day. It follows that the communist revolution will not merely be a national phenomenon but must take place simulataneously in all civilised countries, that is to say, at least in England, America, France and Germany……It is a universal revolution and will accordingly have a universal range.” (Principles of Communism)
Gayong nagkamali sila Marx at Engels sa prediksyon na magsimula ang rebolusyon sa abanteng kapitalistang mga bansa, nanatiling tama ang kanilang pagsusuri sa internasyunal na katangian ng rebolusyon: Ang rebolusyong Ruso sa 1917 ay bahagi at nakapailalim sa internasyunal na rebolusyonaryong alon ng maraming mga bansa sa Europe laluna sa Germany mula 1917-23. Katunayan, ang insureksyon ng mga manggagawa sa Shanghai, China noong 1927 ay ang huling singhap ng internasyunal na pag-aalsang ito. Natalo man ang unang internasyunal na alon, hindi maaring burahin ng kabiguan ang pagiging tama sa praktika ng mga sinabi ni Marx at Engels.
Ang mga pagsusuri at pananaw nila Marx, Engels, Lenin, Luxemburg at iba pang komunista ay laging pandaigdigan at hindi pangunahing nakabatay sa pambansang saklaw.
3. Lahat ng lipunan ay may simula at may kataposan; may pasulong na yugto at may dekadenteng yugto. Ang kapitalismo ay may pasulong na yugto at may dekadenteng yugto.
Hindi eternal ang pag-iral ng mga moda ng produksyon laluna ang mga moda na nakabatay sa pagsasamantala. Hindi abswelto dito ang kapitalismo.
Ganun pa man, ang galaw ng bawat lipunan ay nahahati sa pangkalahatan sa kanyang pasulong at dekadenteng yugto (permanenteng krisis). Tanging ang hindi mga marxista ang hindi nakaintindi nito.
Sa panahon na ang mga relasyon at pwersa sa produksyon ay relatibong magkatugma pa, ang sistema ay nasa pasulong na yugto. Sa yugtong ito naranasan ng lipunan ang kaunlaran sa halos lahat ng aspeto. At ang mga makauring tunggalian ay hindi pa umabot sa rurok. Ang naghaharing uri sa pangkalahatan ay isang progresibo/rebolusyonaryo pa. Ganito ang nangyari sa unang bahagi ng lipunang alipin, pyudal at kapitalista. Sa obhetibo, ang usapin ng rebolusyonaryong pagbabago sa lipunan ay hindi pa agenda sa panahon ng pasulong na yugto.
Nang umabot na sa yugto na naging hadlang na ang mga relasyon sa produksyon sa pag-unlad ng mga pwersa sa produksyon, pumasok na ang lipunan sa kanyang dekadenteng yugto; sa kanyang permanenteng krisis. Ang naghaharing uri (at lahat ng mga paksyon nito) ay ganap ng naging reaksyonaryo at kontra-rebolusyonaryo. Nasa agenda na ang rebolusyonaryong pagbabago sa lipunan. Sa nakaraang mga lipunan, lumitaw bilang uri ang mga uring nagdadala ng bagong moda ng produksyon sa panahon ng dekadenteng yugto ng lipunan. Lumitaw ang uring pyudal sa panahon ng dekadenteng yugto ng sistemang alipin. Lumitaw ang burgesya bilang uri sa panahon ng dekadenteng pyudalismo.
Tanging sa kapitalistang lipunan lamang kasabay na lumitaw ang rebolusyonaryong uring proletaryado sa paglitaw ng mapagsamantalahang uring burgesya.
Sa panahon ng 19 siglo, ang kapitalismo ay isa pang progresibong sistema sa pangkalahatan. Sa panahong ito ay lumalawak pa ang sistema. Subalit tahasang ideyalismo kung sabihin na dahil progresibo pa ang isang mapagsamantalahang sistema ay walang tunggalian ng uri. Laging kakambal ng isang mapagsamantalang sistema ang makauring pakikibaka. Ang punto dito ay: sa panahon na sumusulong pa ang lipunan, hindi pa obhetibo na ilagay sa mesa ang agenda ng rebolusyonaryong pagbabago. Kaya, ang pagkatalo ng Komuna sa Paris noong 1871 ay hindi simpleng kamalian sa estratehiya at taktika na para bang kahit sa anong panahon ay hinog ang sitwasyon na agawin ang kapangyarihang pampulitika.
Kaya sa panahon ng 19 siglo ay may materyal na batayan pa ang pakikibaka sa reporma sa loob ng kapitalistang sistema dahil obhetibong may kapasidad pa itong magbigay. Syempre, hindi naman boluntrayong nagbibigay ang naghaharing uri kundi dumaan sa isang militante at kadalasan marahas na pakikibaka ng proletaryado.
Sa pagpasok ng 20 siglo ay umabot na sa rurok ang pag-unlad ng kapitalismo dahil ganap ng sakop ng kapitalistang pamilihan nito ang buong daigdig. Ganap ng nahati ang mundo ng mga kapitalistang kapangyarihan. Ito ang panahon ng imperyalismo; ang panahon ng dekadenteng kapitalismo; ang pagpasok ng sistema sa kanyang permanenteng krisis.
Sa panahon ng imperyalismo kung saan ganap ng nahati ang mundo sa mga imperyalistang kapangyarihan, ang krisis sa sobrang produksyon at pagkasaid ng pamilihan ay hindi na maaring solusyonan ng ibayo pang paglawak dahil wala ng ilalawak pa ang sistema. Ang pagputok ng unang pandaigdigang imperyalistang digmaan sa 1914 ang hudyat na pumasok na ang sistema sa kanyang permanenteng krisis kung saan magkaroon lamang ng temporaryong solusyon kung aagawin ng isang kapangyarihan ang teritoryo ng kanyang karibal sa pamamagitan ng digmaan. Kaya kasabay ng permanenteng krisis ng kapitalismo ay ang permanenteng paghahanda at aktwal na paglulunsad ng mga digmaan para mang-agaw ng pamilihan at teritoryo.
Ang sinasabing pakikibaka para sa “pambansang kalayaan” sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay bahagi na ng imperyalistang digmaan. Kaiba ito noong 19 siglo kung saan ang mga digmaan para sa pagtatayo ng isang bansa ay bahagi ng pag-unlad ng sistema. Ngayon, ang mga digmaang ito ay direkta at indirektang kontrolado ng makapangyarihang mga imperyalista laban sa kani-kanilang mga karibal. Ang pinakamalinaw na halimbawa nito ay ang “Cold War” matapos ang WW 2 sa pagitang ng imperyalistang bloke ng USSR at USA.
Ang tatlong puntong nasa itaas ay kabilang sa marxistang prinsipyo hindi lamang dahil “sinasabi” nila Marx, Engels at Lenin kundi higit sa lahat ito ay repleksyon sa buhay na pakikibaka ng uri at sa galaw ng lipunan. At ang mga ito laluna ang pagpasok ng pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto ang ating gabay sa pagtingin sa magsasaka at usaping agraryo.
Ang usaping magsasaka sa panahon nila Marx at Engels
Medyo ditalyado ang presentasyon ni Alex sa kanyang pagbaybay sa kasaysayan sa usapin ng magsasaka. At saludo kami sa kanyang kaseryosohan.
Saan ang batayang pagkakamali nila Marx at Engels?
Sa kalagitnaan ng 1800s ay natanaw nila Marx na nalalapit ng puputok ang proletaryong rebolusyon sa Europe bagamat mulat sila na karamihan sa mga bansa dito ay nasa iba’t-ibang antas pa ng istorikal na pag-unlad at ang sentral na isyu ay burges na demokrasya, pambansang kalayaan at unipikasyon ng bansa laban sa pyudal na absolutismo at mga labi nito. Ang ganitong pananaw at kamulatan ay mababasa natin sa Communist Manifesto. Dito nagkamali sila na mananalo ang rebolusyon ng manggagawa sa panahon na sumusulong ang kapitalismo sa pangkalahatan. Makikita din ito sa taktikang inilatag niya sa Germany:
“The communists turn their attention chiefly to Germany, because that country is on the eve of a bourgeois revolution that is bound to be carried out under more advanced conditions of European civilasation, and a musch more developed proletariat, than that of England was in the seventeenth century, and of France in the eighteenth century, and because the bourgeois revolution in Germany will be the prelude to an immediately following proletarian revolution”. (Marx-Engels, Collected Works, Vol 6.)
Kaya ang taktika ay suportahan ang burgesya hanggat inilunsad nito ang anti-pyudal na rebolusyon pero laging ipagtanggol ang awtonomiya ng proletaryado dahil inaasahan nito na mangyari kaagad pagkatapos ang proletaryong rebolusyon.
Ganun pa man, tinuwid kaagad ito nila Marx at Engels matapos hindi naganap ang agarang proletaryo-komunistang rebolusyon pagkatapos ng mga burges na rebolusyon sa 1848 at mas malinaw na nakita nila na nasa pasulong na yugto ang pandaigdigang kapitalismo:
“In view of this general prosperity, in which the productive forces of bourgeois society are flourishing as exuberantly as they possibly can under bourgeois conditions, there can be no talk of a real revolution. Such a revolution is only possible at periods, when the two factors, modern forces of production and bourgeois forms of production, come into conflict. The incessant squabbles in which the representatives of the continental Party of Order are now indulging and compromising one another are remote from providing any opportunity for a new revolution. On the contrary, they are only possible because conditions for the time being are so secure and – what the reaction does not know – so bourgeois. All attempts of the reaction to put a stop to bourgeois development will recoil upon themselves as certainly as all the moral indignation and enthusiastic proclamations of the democrats. A new revolution is only possible as the result of a new crisis. But it will come, just as surely as the crisis itself”. (Marx, Class Struggle in France)
Sang-ayon kami sa pahayag ni Alex na walang kapasidad ang magsasaka para sa komunismo dahil hindi naman talaga sila ang komunistang uri. Ang magsasaka ay uri sa nakaraan. Sa kasalukuyan ang magsasaka bilang uri ay mabilis na nawawasak kundiman ganap ng nawasak. Ang hinaharap na uri ng magsasaka ay ang pagiging manggagawa. Malinaw sa Communist Manifesto na ang magsasaka at peti-burgesya ay bilang uri ay reaksyonaryo at tutol sa komunismo. Tanging ang maoismo lamang ang nagsasabing rebolusyonaryo o di kaya ay progresibo ang mga uring ito sa kasalukuyan.
Subalit dapat nating palalimin ang panahong nabanggit ni Alex, ang panahong nag-atubili ang burgesya sa kanyang sariling rebolusyon. Bakit?
Sa 1840s, ang pangunahing agenda ay kompletuhin ang burgis na rebolusyon – wasakin ng lubusan ang mga labi ng pyudalismo, itayo ang unipikadong mga bansa-estado, itayo ang pampulitikang rehimen ng burges demokrasya. Ang lahat ng layuning ito ay pabor sa mga magsasaka. Pero hindi para ganap silang lumaya mula sa pagsasamantala kundi para mailipat lamang sila mula sa pyudal na pagsasamantala tungo sa kapitalistang pagsasamantala. Sa ganitong punto mapalahok ang uring magsasaka laban sa pyudalismo para sa burges na rebolusyon.
Ganun pa man, nagsimula ng lumakas ang independyenteng kilusan ng manggagawa. Makikita ito sa pagputok ng rebolusyon sa 1848 sa maraming bansa sa Europe.
Katunayan ang burges na rebolusyon sa 1848 ay pundamental na kaiba sa ‘klasikal’ na burgis na rebolusyon sa 1789. Ang pag-aalsa sa 1848 ay hindi tulak ng ‘pyudal na krisis’ kundi ng krisis ng batang-batang kapitalismo. Ang mga pag-aalsa sa Paris, Berlin, Vienna, at iba pang syudad ay pinangunahan ng mga manggagawa at mala-manggagawa.
Dahil isang mapagsamantalang uri at mulat ang burgesya kung anong uri ang kanyang pangunahing kaaway, nag-aatubili itong isulong ng lubusan ang burges na rebolusyon para ganap na durugin ang mga labi ng pyudalismo dahil alam niyang ang kanyang kaaway sa hinaharap ay lalupang lalakas. Kaya, maliban sa takot ng kakabuo pa lang na uring kapitalista sa absolutismo ay mas natakot siya sa ibayong paglakas ng proletaryado. Kaya, sa halip na gawin ang ginawa nito noong 1789 na determinadong nanawagan sa malawak na masa na durugin ang kapangyarihang pyudal, sa 1848 ay minabuti ng burgesya na makipagkompromiso sa reaksyon para makontrol ang banta “mula sa ibaba” (sa proletaryado). Subalit ang proletaryado mismo ay hindi pa sapat ang lakas at kamulatan para labanan ng tuloy-tuloy ang burgesya dahil nasa pasulong na yugto pa ang sistema.
Mas malinaw ito sa ating panahon, nakahanda ang burgesya (laluna ang makabayang istrata nito) na makipag-alyansa anumang oras sa mga nalalabing pwersang pyudal laban sa uring manggagawa.
Ang panawagan ni Marx ng “ikalawang edisyon” ng rebolusyong magsasaka ay nakabatay sa pangkalahatang katangian ng kapitalismo noon – nasa pasulong na yugto.
Ang usapin ng magsasaka sa panahon ni Lenin
Hindi sapat na konsentrahan lamang sa pagsusuri ang Rusya at hindi ito mahigpit na ikawing sa pandaigdigang pagbabago ng ebolusyon ng kapitalismo. Subalit, kahit ang mga internasyunalistang-komunista gaya ni Lenin ay hindi rin nakaiwas sa malakas na impluwensya ng 19 siglo, sa panahon na sumusulong ang kapitalismo.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, nangyari ang sinasabi ni Alex na “de-peasantization” ng uring magsasaka batay sa nangyari sa Rusya. Pero hindi lang sa Rusya ito nangyari kundi sa lahat ng bahagi ng mundo na unang napasok ng kapitalismo ng mga panahong yun. At hindi lang simpleng “de-peasantization” kundi unang hakbang ng “proletarianization” ang ginawa ng kapitalismo. Pero kaiba sa 19 siglo na malaking bahagi ng magsasaka ay napasok sa aktwal na kapitalistang produksyon (sa mga industriya), sa dekadenteng kapitalismo, hanggang unang hakbang lamang ang nangyari sa magsasaka – napatalsik at napalayas lamang sila sa lupang kanilang sinasaka dahil sa pagpasok ng kapitalistang relasyon sa kanayunan na nagdulot ng ibayong kahirapan subalit hindi na dumiretso sa ikalawang hakbang – ang pumasok sila sa industriya sa kalungsuran man at kanayunan. Ang nagyari, dumami ang mga maralita sa kalungsuran at kanayunan na walang trabaho at naging “informal sector”. Samakatuwid, wala ng kapasidad ang dekadenteng kapitalismo, gugustuhin man ito ng uring kapitalista na isanib sa kapitalistang produksyon ang paparaming bilang ng populasyon (gawing mga sahurang alipin).
At lalo natin itong nakikita sa ating panahon, ng pumasok na ang dekadenteng sistema sa kanyang naaagnas na yugto (demomposition stage) magmula 1980s.
Huwag din nating ihiwalay ang pagbubuo ng Partido sa Rusya sa pangkalahatang kalagayan na naitayo ang 2nd International kung saan membro ang partidong Ruso. Ang punto ay: ang programa ng partidong Ruso ay impluwensyado sa isang antas ng programa ng 2nd International kung saan ito ay hinati sa dalawa: minimum at maksimum na programa. Ang una ay pumapatungkol sa pakikibaka sa reporma sa loob ng kapitalistang sistema batay sa karanasan sa 19 siglo (burges-demokratikong programa) at ang ikalawa ay ang komunistang programa ng uri mismo. Organikong humiwalay lamang ang partidong Bolshevik sa 2nd International ng nagtraydor na ang huli sa internasyunalismo at proletaryong rebolusyon sa WW I.
Ang programa sa kilusang magsasaka – libreng pamamahagi ng lupa at pagdurog sa mga labi ng pyudal na relasyon sa kanayunan – ay bahagi ng minimum na programa, isang burges-demokratikong programa. Dagdag pa, ito ay isang taktikal na hakbangin para makuha ng proletaryado ang suporta ng magsasaka sa isang sitwasyon na atrasado ang kapitalismo sa Rusya kung saan mayorya sa populasyon ay nagbubungkal ng lupa sa kanayunan.
Nang ganap ng pumasok sa yugto ng pagbulusok-pababa ang kapitalismo sa pagputok ng WW I, ang programang pamamahagi ng maliitang parsela ng lupa sa magsasaka ay umabot na rin sa kanyang limitasyon.
Nagpahayag ng puna si Rosa Luxemburg (isa sa mga lider at martir ng Rebolusyong Aleman sa 1919 at kung saan napakataas ang respeto ni Lenin) sa kanyang sinulat na The Russian Revolution sa agraryong programa ng mga Bolshevik.
Sa puna ni Luxemburg, habang sinabi niya na ang programang agraryo sa Rusya ay “an excellent tactical move”pinakita niya na may negatibong epekto ito: “Unfortunately it had two sides to it; and the reverse side consisted in the fact that the direct seizure of the land by the peasants has in general nothing at all in common with socialist economy…Not only is it not a socialist measure, it even cuts off the way to such measures; it piles up insurmountable obstacles to the socialist transformation of agrarian relations”. Dahil sa polisiyang pamimigay ng maliit na parsela ng lupa sa indibidwal na magsasaka, lalupang bumigat ang problema ng mga Bolshevik sa kalaunan dahil lumikha ito ng panibagong istrata ng maliliit na pribadong may-ari ng lupa na natural na tutol sa sosyalisasyon sa ekonomiya. Tama din ang paalala ni Luxemburg na ang pamamahagi ng lupa ay pabor sa mayayamang magsasaka sa kapinsalaan ng mahihirap na magsasaka.
Sa usaping agraryo, mas angkop ang kolektibisasyon sa lupa kaysa maliitang pamamahagi nito sa indibidwal na magsasaka. Ganun pa man, kahit ang kolektibisasyon ay hindi garantiya sa pagsulong tungong sosyalismo. Tanging ang tagumpay ng pandaigdigang rebolusyon ang garantiya sa sosyalistang solusyon sa problemang agraryo sa kanayunan. Samakatuwid, habang naghari pa ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, anumang programang agraryo ang ipatutupad ng isang bansa (kontrolado man ang estado ng Kaliwa) ay para sa kapitalismo at hindi para sa sosyalismo.
Napatunayan ito hindi lang sa mismong karanasan ng Rusya kung saan lumakas ang Kulaks (mayamang magsasaka) at naging kontra-rebolusyonaryo kundi maging sa lahat ng programang agraryo sa kasalukuyan, ito man ay ipinatupad ng Kanan (Taiwan, South Korea, atbp) o ng Kaliwa (China, Vietnam, North Korea, Venezuela ni Chavez, atbp).
Pangalawa, ang usapin ng programa ng proletaryado para sa mga pinagsamantalahan pero hindi proletaryong uri (non-proletarian exploited strata) ay isa sa mayor na problema ng diktadura ng proletaryado sa panahon ng transisyon tungong komunismo. Atrasado o abante man ang isang kapitalistang bansa, kailangang magkaroon ng kongkreto at epektibong programa ang manggagawa paano maisanib sa sosyalisadong produksyon ang mga uri at istratang ito. Bakit? Dahil ang layunin ng proletaryado ay pawiin ang mga uri, at magaganap lamang ito kung magiging “manggagawa” (direktang lumahok sa sosyalisadong produksyon) ang mga uri at istrata na labi ng nakaraan.
Dapat ding tandaan na ang lahat ng ito ay nakapailalim sa marxistang prinsipyo ng partidong Bolshevik sa sentralidad ng kilusang manggagawa sa pagsusulong ng rebolusyon at hindi ang kilusang magsasaka. Pinatunayan ito ng kasaysayan sa rebolusyong 1905 at 1917 kung saan ang PANGUNAHIN at NAMUNONG pwersa sa rebolusyon ay ang uring manggagawa. Ang pagiging pangunahin at namunong pwersa ng proletaryado sa rebolusyon ang tunay na pagpapatuloy ng marxismo.
May isa pang distorsyon ang mga maoista sa usapin ng pamumuno ng uring manggagawa: simplistikong sinasabi nila na “basta nasa ilalim ng pamumuno at kontrol ng Partido, ito ay nasa pamumuno na rin ng mga manggagawa”. Ito ay substitutionism! Hindi magkatulad ang Partido at uri bagama’t mahigpit ang kanilang ugnayan dahil produkto ng uri ang partido at higit sa lahat, hindi mananalo ang rebolusyon kung walang INTERNASYUNAL na partido ang uri. Ang sinasabing pamumuno ng manggagawa ay ang PAMUMUNO NG KILUSANG MANGGAGAWA (sa pamamagitan ng mga asembliya at konseho nito) at hindi ang pamumuno ng Partido sa pakikibaka ng ibang uri. Dahil sa rebisyunismong ito ng mga maoista, napaniwala nila ang mga magsasaka na “pinamunuan” sila ng mga manggagawa sa pamamagitan ng Partido.
Ang mga datos na inihapag ni Alex sa kasaysayan ng Rusya ay nagpatotoo sa paninindigan ni Lenin at ng partidong Bolshevik sa pagiging pangunahin at namunong pwersa ng proletaryado sa rebolusyon (maging sa “demokratikong” rebolusyon). Tanging ang partidong Socialist-Revolutionaries (SR) na tagagpamana ng mga Narodniks ang nanindigan (pero hindi hayagan dahil napakalakas ng kilusang manggagawa) sa “sentralidad” ng kilusang magsasaka.
Ayaw man aminin ng mga maoista pero mas malapit ang continuity ng maoismo sa Narodismo kaysa marxismo. Kung ang mga kabataang impluwensyado ng Narodniks sa Rusya noon ay pumupunta sa kanayunan upang ipraktika ang “go to the people”, mayroon namang “serve the people” ang maoismo para pumunta ang kabataan sa kanayunan at lumahok sa gerilyang pakikidigma.
Sa katotohanan pa lang na ito ay sablay na ang kasinungalingan na “pagpapatuloy” ng marxismo ang maoismo. Binaliktad ng maoismo ang marxismo at ito ang pinauunlad ng iba’t-ibang grupong maoista sa buong mundo hanggang rumurok ngayon sa kabaliwan na maoism-thirdwordism (teoryang hinugot mula kay Lin Biao).
Ang “dalawang-yugtong” rebolusyon
Ang “dalawang-yugtong” rebolusyon (demokratiko muna, sosyalista ang susunod) ang bukambibig hindi lamang ng mga maoista kundi pati ng mga “leninista” at trotskyista. Ang ibang pangalan ng “teoryang” ito ay “tuloy-tuloy” na rebolusyon ng mga “leninista” at “permanenteng” rebolusyon ng mga trotskyista. Iba-iba ang pangalan pero iisa lamang ang kahulugan: dadaan muna sa burges-demokrasya bago ang sosyalismo.
Ang mga maoista ay mahigpit na inugnay ang usapin ng magsasaka at agraryo para tindigan na “tama” ang teoryang ito.
Saan ba ito nagmula?
Si Marx mismo ay nagsabi na kailanagang dumaan muna sa burges na rebolusyon bago ang proletaryong rebolusyon. Sinabi niya ito sa panahon ng 19 siglo. Tama si Marx sa mga panahong iyon. At ito na ang sinunod ng 2nd International na humantong sa repormismo at pagtraydor sa komunismo dahil dala-dala pa rin ito kahit pundamental ng nagbago ang katangian ng kapitalismo – pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto.
Ang hindi naunawaan ng mga marxista noon na ng sinabi ito ni Marx ang kapitalismo ay nasa pasulong na yugto, ang obhetibong kondisyon ay makapagpalawak pa ang kapitalismo at isa pang progresibong uri ang burgesya sa pangkalahatan vis-a-vis sa pagpapaunlad ng lipunan.
Nang pumasok na sa dekadenteng yugto ang kapitalismo ay ganap ng naging reaksyonaryo ang lahat ng paksyon ng burgesya at permanente ng naging hadlang ang kapitalistang mga relasyon sa ibayong pag-unlad ng produktong pwersa. Naganap ito dahil naabot na ng kapitalismo ang rurok ng kanyang paglawak sa buong mundo. Nasakop na nito ang pandaigdigang pamilihan. Naging permanente na ang krisis ng sistema at ang kahirapan ng sangkatauhan. Kaya isang malaking kasinungalingan na “alyado” ng rebolusyon ang pambansang burgesya.
Subalit sadyang sa pangkalahatan ay laging nahuhuli ang kamulatan kaysa realidad. Kaya nagkaroon ng pagkakamali ang kahit pinakadeterminado at pinaka-mulat na mga komunista gaya nila ni Marx, Engels at Lenin. Pero dapat nating tandaan na sa sandaling nakita ng mga lider na ito ang kanilang pagkakamali ay agad nila itong tinutuwid at hindi sila nahihiyang aminin ang kanilang pagkakamali.
Ganun pa man, kailangan nating pag-ibahin ang pagkakamali ng isang rebolusyonaryo sa pagtraydor ng mga disipulo nito sa marxismo. Ang ginagawa ng mga maoista, stalinista at trotskyista ngayon ay ginawang dogma ang mga pagkakamali ng mga lider komunista. Ginawang banal na salita ang lahat ng kanilang mga sinasabi, pinauunlad ang kanilang mga pagkakamali.
Ano ang rebolusyon sa praktika?
Laging sinasabi ng mga marxista na ang tanging magpatunay na tama ang teorya ay kung napatunayan ito sa praktika.
Lahat ng mga komunista kabilang na ang mga peke ay laging tumitingala sa Rusya bilang “modelo” ng rebolusyon (syempre ang mga maoista ay hindi lang Rusya kundi pati na rin China sa panahon ni Mao).
Bukambibig ng mga maoista at ng mga “leninista” ang ‘Two-Tactics of Social Democracy in Democratic Revolution’ na sinulat ni Lenin noong July 1905 bilang isa sa “teoretikal” na batayan sa kanilang “rebolusyong dalawang yugto”.
Hindi nagkatotoo ang rebolusyong dalawang yugto sa Rusya gaya ng pinaniniwalaan ng iba. Ang “rebolusyon” naman sa China noong 1949 ay hindi bahagi ng proletaryong rebolusyon kundi ng Stalinistang kontra-rebolusyon. Ang resulta mismo ng kasaysayan ang patunay nito.
Ang rebolusyong 1905 at 1917 ay isang proletaryo-sosyalistang rebolusyon
Ang pangunahing sukatan kung anong makauring rebolusyon ang nangyari ay ay kung anong uri ang nangunguna at namuno sa naturang rebolusyon. Anong uri ang naluklok sa kapangyarihan. Huwag na nating isama dito ang sinasabing “rebolusyong bayan” o “gobyernong bayan” para sabihing ang mga ito ay bahagi ng proletaryong rebolusyon o kaya ay papunta na doon. Kahit sa panahon pa man nila Marx ay binatikos na ng mga komunista ang mistipikasyon ng abstarktong katergorya ng “bayan” o “sambayanan” at inilinaw na ito ay isang burges na mistipikasyon para itago ang katotohanan ng diktadura ng burgesya.
Ayon sa ilang maoistang teoritisyan ang rebolusyon ng 1905 ay isang “demokratikong rebolusyon” pero natalo lang. Ang “nanalong” Pebrero 1917 ay isang demokratikong rebolusyon at ang Oktubre 1917 ay isang sosyalistang rebolusyon. Ergo, “rebolusyong dalawang yugto” nga!
Totoo ba ito sa aktwal na nangyari?
Hinggil sa rebolusyong 1905 ayon kay Lenin (sa kanyang lectures hinngil sa 1905 noong Enero 1917 bago ang rebolusyong Pebrero):
“The peculiarity of the Russian Revolution (1905) is that it was a bourgeois democratic revolution in its social content, but a proletarian revolution in its method of struggle. It was bourgeois democratic revolution since its immediate aim, which it could achieve directly and with its own forces, was a democratic republic, the eight-hour day and confiscation of the immense estates of the nobility—all the measures the French bourgeois revolution in 1792-93 had almost completely achieved.
At the same time, the Russian revolution was also a proletarian revolution, not only in the sense that the proletariat was the leading force, the vanguard of the movement, but also in the sense that a specifically proletarian weapon of struggle – the mass strike was the principle means of bringing the masses into motion and the most characteristic phenomenon in the wave like rise of decisive events.” (SW, Lenin Volume 1 Page: 781 (Moscow edn.))
Unang-una, dapat mailinaw na hindi ang kilusang magsasaka ang naging pangunahing pwersa sa rebolusyong 1905 kundi ang uring manggagawa. Ang nag-alsang manggagawa ay organisado sa kanilang awtonomiyang organo ng pakikibaka – ang mga sobyet – at hindi sa mga unyon.
Pangalawa, pangmasang welga (mass strike) ang porma ng kanilang pakikibaka. Kaiba ito sa simpleng welga o pangkalahatang welga. Para maunawaan ng lubusan kung ano ang mass strike, dapat pag-aaralan ang pampleto ni Rosa Luxemburg hinggil dito. Katunayan, ginawa na ng uri ang mass strike bago pa ang 1905 (1896 sa Rusya at 1902 sa Belgium).
Pangatlo, mapapansin natin ang kalituhan ni Lenin dahil sa impluwensya ng iskemang rebolusyon ng 2nd International (pero nagkaroon ng rektipikasyon si Lenin noong Abril 1917). Ayon kay Lenin sa panahong ito, ang rebolusyong 1905 ay burges sa laman pero proletaryo sa porma. Isang kontradiksyon bunga ng iskematikong pananaw sa rebolusyon. Ang kalituhang ito ni Lenin ay bunga ng hindi pa hayagang nalantad na mga salik ng pundamental na pagbabago mula sa pasulong na yugto ng kapitalismo tungo sa kanyang dekadenteng yugto.
Sa pagpasok ng pandaigdigang kapitalismo sa kanyang permanenteng krisis; ng ganap ng lumantad ang pagiging hadlang ng mga relasyon ng produksyon sa pag-unlad ng mga pwersa ng produksyon, lumantad na rin sa unahan ng lahat ng mga kontradiksyon ng lipunang kapitalista ang kontradiksyon sa pagitan ng BURGESYA at PROLETARYADO.
Kung mayroon pa mang mga labi ng pyudal na kaayusan sa atrasadong mga bansa gaya ng Rusya noon at Pilipinas ngayon ito ay hindi dahil sa simpleng kagustuhan lamang ng isang makapangyarihang bansa gaya ng nais ipahiwatig ng Kaliwa kundi ito ay malinaw na manipestasyon na: HINDI NA KAYA NG SISTEMA MISMO NA MOLDEHIN SA KANYANG SARILING IMAHE ANG LAHAT NG MGA BANSANG NASAKOP NA NITO. Umabot na sa rurok ng pag-unlad at paglawak ang kapitalismo bilang sistema magmula ng pumutok ang WW I.
Gaya ng sabi ng 3rd International sa 1919:
“A new epoch is born. The epoch of the disintegration of capitalism, of its inner collapse. The epoch of the communist revolution of the proletariat”.
Nang bumagsak ang Tsar noong Pebrero 1917 at naitayo ang Provisional Revolutionary Government, mayorya sa mga Bolshevik ang naghahanda ng pumasok sa PRG dahil ito ay nasa Two-Tactics ni Lenin na sinulat niya noong 1905. Ibig sabihin, maari ng simulan ang mga “burges-demokratikong” hakbangin. Subalit nagulat ang lahat ng bumalik si Lenin noong Abril at nanawagan ng walang suporta sa PRG, bagkus kailangan itong ibagsak at hawakan ng proletaryado sa pamamagitan ng kanilang mga sobyet ang kapangyarihan. Ibig sabihin, itayo ang diktadura ng proletaryado.
Itinuwid ni Lenin ang kanyang pagkakamali sa Two-Tactics sa April Theses of 1917. Pero sa simula ay hindi siya naunawaan ng mga beteranong Bolsheviks at maging ng kalakhan ng mga membro ng Partido. Nalagay siya sa minorya at binansagan pang “anarkista” at “Jacobinista”. Ang April Theses ay isang syentipikong pagsusuri hindi lamang sa pagbabago ng kalagayan sa Rusya kundi sa pagbabago mismo sa katangian ng pandaigdigang kapitalismo:
“For the present, it is essential to grasp the incontestable truth that a marxist must take cognisance of real life, of the true facts of reality, and not cling to a theory of yesterday, which, like all theories, at best only outlines the main and the general, only comes near to embracing life in all its complexity. "Theory, my friend is grey, but green is the eternal tree of life"” (Lenin, Letters on Tactics, April 8-13, 1917 - the quotation is from Mephistopheles in Goethe’s Faust).
At sa Letters of Tactics pa rin:
“those "old Bolsheviks who more than once already have played a regrettable role in the history of our Party by reiterating formulas senselessly learned by rote instead of studying the specific features of the new and living reality”.
Ang mga maoista ay nahumaling lamang sa dogma at sa “tagumpay” ng China noong 1949 hanggang sa panahon ng “Cultural Revolution” noong 1960s. Hindi nila nakikita at naunawaan ang pagbabago ng realidad sa mundo.
Pagsusuma
1. Walang marxistang partido ang hindi niya isama sa kanyang programa kung ano ang gagawin sa mga pinagsamantalahan pero hindi proletaryong uri kabilang na dito ang magsasaka sa panahon ng transisyon tungong komunismo. Pero anumang programa para sa mga istratang ito ay matutupad lamang sa ilalim ng diktadura ng proletaryado at sa sosyalistang balangkas ng ekonomiya. Ibig sabihin, ang usaping agraryo ay kailangang nakapailalim sa usapin ng pagdurog sa pandaigdigang kapitalismo at komunistang rebolusyon.
Para sa maoismo, ang usaping agraryo ay nakapailalim sa pagpapaunlad ng pambansang kapitalismo sa ilalim ng kontrol ng kapitalismo ng estado.
Ang rebolusyong dalawang yugto ay napatunayang hindi nangyari sa praktika ng proletaryong pakikibaka dahil malinaw na diktadura ng proletaryado ang naitayo sa Rusya noong Oktubre 1917 kung saan naging alyado nito ang kilusan ng mga maralitang magsasaka. Natalo man ang rebolusyon sa Rusya at naagaw ng Stalinismo ito ay dahil natalo ang pandaigdigang rebolusyon noong 1917-23.
Hindi kami umaasa na maliwanagan ang mga maoista sa aming teksto dahil alam namin na sarado na ang kanilang mga isip sa paniniwala sa “teorya ng dalawang yugtong rebolusyon” kung saan nakapailalim ang kanilang programang agraryo. Hahayaan na lang natin na ang proletaryo-komunistang rebolusyon mismo sa hinaharap ang dudurog sa kanilang bangkarotang teorya. Ang mga maoista at iba pang grupo/partido ng Kaliwa ang siyang tinamaan sa sinabi ni Marx:
“The tradition of the dead generations weighs like a nightmare on the minds of the living. And, just when they appear to be engaged in the revolutionary transformation of themselves and their material surroundings, in the creation of something which does not yet exist, precisely in such epochs of revolutionary crisis they timidly conjure up the spirits of the past to help them; they borrow their names, slogans and costumes.” (Marx, The Eighteenth Brumaire of Louis Bonaparte, 1852)
Pero para sa mga mambabasa na naghahanap ng teoretikal na kalinawan ay malaking tulong ang tekstong ito upang mahikayat silang magpursige sa KRITIKAL na pag-aaral sa teorya at sa karanasan ng internasyunal na proletaryong kilusan.
INTERNASYONALISMO
Una sa lahat, nagpapasalamat kami kay JK sa kanyang prangka at praternal na komentaryo sa paninindigan ng grupong Internasyonalismo sa Pilipinas. Ang diskusyon at debate ay kailangan para sa teoritikal na klaripikasyon ng lahat ng mga elementong seryoso para mabago ang bulok na kasalukuyang kapitalistang sistema. At ang pinakamahalagang porma ng diskusyon at talakayan ay harapan sa isang praternal na pulong.
Sa aming pagkaunawa tatlong mahalagang magkaugnay na usapin ang pinahayag ni JK sa kanyang komentaryo:
I. Ang pakikipag-isang prente
Ayon kay JK “kahit sila ay may maka-kapitalistang programa at liderato ang mga samahang ito ay nakapaloob pa rin ng kilusang manggagawa na dapat ipagtanggol laban sa atake ng maka-uring kaaway. Ito ay nakasandig sa di-sektaryan at maka-uring pakikibakang tradisyon ng kampanya…” Nakaangkla ang argumento niya na “Ang komunista, bagamat hindi niya sinasang-ayunan ang pampulitikang programa ng iba pang tunguhing nakabase sa manggagawa, pati na rin ang mga nakikibaka para sa karapatan ng mga aping saray, ay may tungkulin na lumahok at sikaping pamunuan ang mga pakikibakang ito… bilang tribuyn / tagapagtanggol ng mga api.”
Ang usapin ng pakikipag-isang prente o prente popular sa panahon ng WW 2 ay unang lumitaw sa panahon ng 1920s ng matalo ang rebolusyong Aleman at na-isolate ang rebolusyong Ruso. Ito ang istorikal na konteksto ng ganitong taktika. Bagama’t maari ding ikonsidera na “pakikipag-isang prente” ang pagsuporta ng mga komunista sa 19 siglo sa burges na rebolusyon at sa liderato ng burgesya, sa esensya hindi ito ang konsiderasyon ni JK dahil para sa kanya “ang mga samahang ito ay nakapaloob pa rin ng kilusang manggagawa”.
Naging gabay ng tunguhin ng pakikipag-isang prente ang pampleto ni Lenin na “Kaliwang-komunismo, sakit ng kamusmusan”.
Subalit kaiba ang praktika ng mga internasyunalistang komunista sa pangunguna nila Lenin, Luxemburg at Trotsky sa panahon ng WW I. Hindi nakipag-alyansa at hindi kinilala ng mga komunista noon ang Sosyal-Demokrasya na kabilang sa kilusang manggagawa ng ang huli ay nagtraydor sa proletaryong internasyunalismo at lumahok sa inter-imperyalistang digmaan. Sa halip, tahasang nilantad nila ang pagtraydor ng Sosyal-Demokrasya. Inilantad nila na ito ay kaaway ng uring manggagawa. Katunayan, hiwalay na naglunsad ng kumperensya ang mga internasyunalista sa Zimmerwald upang manindigan sa internasyunalismo.
Nang napatunayan sa kasaysayan na tama sila Lenin, nanalo ang rebolusyong Oktubre at itinayo ang Comintern, malinaw na sa kongreso ng pagkakatatag (founding congress) nito ay hindi pinapasok ang mga traydor (social-traitors) na SD organisasyon o pinagtanggol ng una ang huli dahil “bahagi ng kilusang manggagawa.”
Subalit mismong ang mga matatag na internasyunalista sa panahon ng WW I tulad nila Lenin at Trotsky ay nagkamali ng ma-isolate ang rebolusyong Ruso. Pinagtanggol nila ang pakipag-alyansa sa Sosyal-Demokrasya at pagpasok sa mga unyon para “mapalapit sa masa” at “mapalawak ang baseng suporta” laban sa pangungubkob ng mga imperyalista. Ang kongkretong karanasan ng kilusang manggagawa sa mahigit 70 taon ang nagpatunay kung tama o mali ba ang pampletong “Kaliwang-komunista, sakit ng kamusmusan”. Ang pampletong ito ni Lenin ang ginawang bibliya ng mga Stalinista-Maoista hanggang ngayon para kilalaning “kaaway” ng uring manggagawa ang mga kaliwang-komunisya partikular ang German-Dutch communist-lefts at ang Italian commnunist-left.
Pinagbayaran ng mahal ang pagkakamaling ito dahil sa pag-akyat ng Stalinismo sa Rusya at sa iba pang mga partido komunista. Ganap ng naging kontra-rebolusyonaryo ang mga partidong ito hanggang sa tuluyan na nilang wasakin ang internasyunal na partido ng uri – ang Comintern. Naghari ang kontra-rebolusyon sa loob ng 50 taon hanggang natapos ito noong huling bahagi ng 1960s ng pumutok ang serye ng independyenteng aksyon ng internasyunal na manggagawa na binuksan ng malawakang welga ng milyun-milyong manggagawa sa France. Dahil sa panawagang depensahan ang Stalinistang USSR sa panahon ng WW 2, tuluyan ng tinalikuran ng Trotskyismo ang kampo ng proletaryong internasyunalismo at niyakap ang prente popular at entreyismo.
Ang mga organisasyong SD, Stalinista-Maoista at Trotskyista sa loob ng kilusang paggawa ay hindi BAHAGI nito kundi instrumento ng burgesya para pigilan at i-sabotahe ang makauring kamalayan at pagkakaisa ng proletaryado. Ang pagtatanggol sa mga organisasyong nagtraydor sa kilusang paggawa ay pagsuporta sa burgesya. Ito ba ay sektaryan? Palagay namin ay hindi. Ito ay Marxistang tradisyon para makonsolida ang uri sa kanyang sariling landas ng pakikibaka.
Sa Pilipinas, sapat na ang aral na mahalaw natin sa kontra-rebolusyonaryong aktibidad ng mga Maoista sa usapin ng pakikipag-isang prente. Ang mga Maoista ang may pinaka-mayamang karanasan sa united front pero sila ang pinakamasahol na sektaryan na organisasyon.
Kailangang nasa loob at unahan ng kilusang manggagawa ang mga komunista tulad ng pahayag ni JK. Pero para sa amin, esensyal na tungkulin ng huli na ilantad sa malawak na masa ang mga organisasyon na galamay ng burgesya sa loob ng kilusan. At ang epektibong paraan ay ang hindi pagsama at pagsuporta sa mga kontra-rebolusyonaryo at traydor na organisasyon.
Sang-ayon kami kay JK na kailangang bakahin at labanan ang sektaryanismo. At sa aming maiksing karanasan sa Pilipinas at sa mahigit 30 taong pag-iral ng ICC sa internasyunal na saklaw, laging mulat ang mga kaliwang komunista sa pagbaka sa sektaryanismo. At napatunayan namin ito sa aming interbensyon sa kilusang manggagawa sa bawat yugto ng kanilang pakikibaka ayon sa aming kapasidad. Maging noong 1930s-50s kung saan halos ganap na nahiwalay ang mga kaliwang komunista sa kanilang uri, nagsisikap pa rin itong magkaroon ng mga interbensyon sa kanilang pakikibaka ayon sa paninindigan ng Marxismo.
Hindi sektaryanismo ang matatag na pagtindig sa rebolusyonaryong prinsipyo na napatunayan na sa karanasan na tama.
Ang isa pang mali na batayan sa “pagtatanggol” sa mga Stalinista-Maoistang organisasyon ay ang paniniwala na may “sosyalismo” sa kanilang programa gaya ng paniniwala ni Trotsky na may sosyalismo sa Stalinismo kaya nanindigan siya na “depormadong estado ng manggagawa” ang USSR na siya namang tangan-tangan ng maraming Trotskyistang mga paksyon sa kasalukuyan kabilang na ang RGK-LFI sa Pilipinas.
II. Ang parsyal at sektoral na pakikibaka
Ayon kay JK: “Hindi mapapalaya ng uring manggagawa ang sarili niya kung hindi niya pamumunuan ang pakikibaka para palayain ang iba pang inaapi ng uring burgesya, halimbawa ang kababaihan, pambansang minorya, mga homosekswal atbp.”
Para sa amin, ang bulok na kapitalistang sistema ang puno’t-dulo ng kahirapan at kaapihang dinanas ng mga di-proletaryong pinagsamantalahang saray sa lipunan. Katunayan, ang permanenteng krisis mismo ng kapitalismo ang siyang dahilan kung bakit isang proseso lamang ng proletaryanisasyon ang dinaanan ng mga saray na ito ay hindi na sila ganap na napasok sa kapitalistang produksyon o sa mga pabrika, ang pangalawa at pinal na proseso. Halimbawa, ang mga maralitang magsasaka o mababang saray ng peti-burges na dinurog ng kapitalismo ay hindi naging mga manggagawa. Kaya dumarami ngayon ang impormal na sektor o maralitang tagalungsod.
Mapalaya lamang ang mga saray na ito kung lubusan ng madurog ang mga kapitalistang relasyon sa lipunan. Ito ang aming batayan kung paano titingnan ang mga saray na ito. Pangalawa, nanindigan kami na ang paglaya mismo ng uring manggagawa sa kapitalistang pagsasamantala ang pangunahing rekisito para mapalaya ang mga saray na ito mula sa kuko ng kapitalismo. Bakit? Dahil tanging ang uring proletaryo lamang ang may istorikal na misyon at kapasidad na durugin ang kapitalismo sa buong mundo.
Ang pangunahing rekisito ng paglakas ng kilusan ng mga saray na ito ay ang paglakas ng independyenteng kilusang proletaryo at hindi ang kabaliktaran. Mahihimok lamang na sundin ng mga saray na ito ang makauring pamumuo ng manggagawa kung malakas ang independyenteng kilusan ng huli. Sa esensya, ang parsyal at sektoral na pakikibaka gaya ng “kababaihan, pambansang minorya, mga homosekswal atbp” ay mga pakikibaka para sa reporma sa loob ng kapitalistang sistema at hindi para durugin ang huli. Tingnan na lang natin kung ano ang ginagawa ng iba’t-ibang sektoral na organisasyon na pinamunuan ng Kaliwa at makikita natin kung paano nila nais repormahin ang kapitalismo.
Ang isa pang mali sa konseptong ito ay ang linya na magkaroon ng organisadong baseng masa ang isang partido gaya noong 19 siglo kung saan ang katangian ng mga partido ng 2nd International ay mass parties. Kaya naman ang iba’t-ibang Kaliwang grupo ay nagtatayo ng mga sektoral na organisasyon sa ilalim ng kanilang pamumuno. Ang nangyari tuloy, nahati-hati ang uri sa iba’t-ibang organisasyon at maliitang pakikibaka para sa reporma. Kung ganito ang pananaw ni JK, pundamental ang aming pagkakaiba sa paghugot ng aral sa pagtatayo ng partido at ng papel nito sa loob ng kilusang manggagawa bilang taliba sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
Binalewala ba ng aming paninindigan ang interes ng kababaihan, pambansang minorya at iba pang sektor? Hindi. Ang mga aktibidad namin ay paghikayat sa kababaihang manggagawa na aktibong lumahok sa pakikibaka ng kanilang uri laban sa kapitalismo subalit hindi kami nagdadala ng mga isyung pangkababaihan lamang (inter-classist women’s movement gaya ng ginagawa ng maoistang Gabriela). Hindi rin kami sumusuporta sa pakikibaka para sa sariling pagpapasya ng mga pambansang minorya at ng pambansang burgesya sa panahon ng dekadenteng kapitalismo (pero sa palagay namin ay mas ma-elaborate ang paninindigan namin dito sa usapin ng Bayan o Uri?) Malinaw ang aming paninindigan na hindi kami sumusuporta sa Iraqi Resistance, Hamas, Hizbollah, FARC at mga katulad nila.
III. Ang pagpasok sa mga unyon
Ayon kay JK: “Tungkulin nating ng mga awtentikong rebolusyonaryong maka-uri ang lumahok sa unyon at dito bakahin ang burges na kamalayang “trade unionism” habang isinusulong sa hanay ng unyon ang buong programang komunista.” Dagdag pa niya: “Ang mga unyon ay tagumpay ng uring manggagawa, at nagsisilbing larangan para sa mga komunista para makabig ang mga rebolusyonaryo ng kinabukasan.”
Totoong ang unyon ay nilikha at organisasyon ng uring manggagawa sa 19 siglo. Sa mga organisasyong ito sinimulang pandayin ng uri ang kanyang pagkakaisa at pakikibaka laban sa pasulong na kapitalismo. Subalit dapat nating tandaan na ang katangian ng unyon kasama na ang mga pangmasang partido ay hindi para sa rebolusyon kundi para makakuha ng makabuluhang reporma mula sa kapitalistang sistema. Ganun pa man, malinaw ito sa mga komunista noon. Kaya mayroon silang minimum at maksimum na programa. Ibig sabihin, isang perspektiba at direksyon ng pakikibaka sa reporma ang paghahanda para sa komunistang rebolusyon. Ang obhetibong kondisyon ng pasulong na kapitalismo ay may kapasidad pa itong makapagbigay ng mga reporma para sa kagalingan ng manggagawa. Pero syempre, hindi nila ito binibigay ng boluntaryo kundi kinuha ng uri sa pamamagitan ng mga militante at malawakang pakikibaka sa internasyunal na saklaw. Sa ganitong istorikal na konteksto titingnan natin ang mga unyon bilang organisasyon ng manggagawa. Hindi maaring paghiwalayin ang katangian at ang tungkulin ng isang organisasyon.
Walang “komunista” o “sosyalistang” unyon kundi mga unyon na nasa pamumuno ng isang Marxistang partido na noon ay may katangiang "pangmasang partido" (mass party) at lumahok sa burges na parlyamentaryong pakikibaka.
Para sa amin, tama lamang na lumahok at pamunuan ang mga unyon sa panahon na ang obhetibong kalagayan ay angkop sa pakikibaka para sa reporma dahil may kapasidad pa ang kapitalismo na ibigay ito. Subalit ang panahong ito ay lumipas na at hindi na babalik pa. Nasa permanenteng krisis na ngayon ang sistema at hindi na makapagbigay ng anumang makabuluhang reporma magmula 1914. Sa termino ni Trotsky, ang kapitalismo ay nasa kanyang “death agony”.
Pangalawa, ang mga unyon magmula 1914 ay ganap ng nasanib sa estado at naging instrumento na nito para hadlangan ang pag-unlad ng makauring kamalayan ng proletaryado para sa komunistang rebolusyon. Ang obhetibong kondisyon na nagtulak sa mga unyon na maging ganito ay ang kanilang natural na katangian mismo na para sa reporma at ang pagpasok ng sistema sa kanyang permanenteng krisis. Para manatili bilang organisasyon, ang mga unyon (Kanan man o Kaliwa) ay nagbibigay ilusyon sa uri na may mahihita pang makabuluhang reporma mula sa kapitalismo. Sa ganitong sitwasyon ay ganap ng naagaw ng burgesya ang mga unyon at naging instrumento nila sa loob ng kilusang paggawa. At mas masahol ang pagsanib ng mga unyon sa mga bansang kapitalismo ng estado ang sistema gaya ng sa Stalinistang USSR, Cuba, China, Vietnam, North Korea. Dahil sa kasinungalingan na ang mga estadong ito ay “estado ng manggagawa”, ganap ng naging tagapagsalita at pulis ng estado ang mga unyon sa pabrika para linlangin at supilin ang paglaban ng mga manggagawa at tanggapin ang anumang pahirap ng “estado ng manggagawa” para sa “sosyalistang inang-bayan”.
Ito ba ay haka-haka lamang ng mga kaliwang komunista? Hindi.
Malinaw ang naging papel ng mga unyon at ng Sosyal-Demokrasya upang kabigin ang milyun-milyong manggagawa na lumahok sa WW I. Malinaw ang papel ng mga Kaliwang unyon (Stalinista at Trostskyista) sa pagkumbinsi sa uri na magpatayan sa pangalawang inter-imperyalistang pandaigdigang digmaan, sa pagpasok sa Prente Populat at anti-pasistang prente. Maliwanag na ang mga unyon ay naging instrumento ng inter-imperyalistang tunggalian ng bloke ng USSR at Amerika sa panahon ng Cold War sa ilalim ng bandilang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya”. At kitang-kita ito sa kasaysayan ng unyonismo sa Pilipinas. Maliwanag kung paanong ginamit ng estado ang mga unyon sa diumano “sosyalistang” mga bansa.
Samakatuwid, ang unyon ngayon ay parang isang estado sa usapin ng katangian. Hindi simpleng pasukin at pamunuan kundi kailangang wasakin. Makamit lamang ng uri ang tunay na pagkakaisa kung maintindihan nila at mabaka ang mga mistipikasyong dulot ng unyonismo at parlyamentarismo.
Isolasyonista ba ang paninindigang ito ng kaliwang-komunista? Hindi. Katunayan, ang uri mismo ang nagturo sa kanyang taliba kung anong organisasyon ang kailangan nila sa panahong nasa agenda na ang proletaryong rebolusyon at pag-agaw ng kapangyarihan. Itinuro ito ng manggagawang Ruso noong 1905 at napatunayang tama noong 1917. Ang organisasyon ng pakikibaka ng uri ngayon ay ang mga konseho at asembliya ng manggagawa kung saan ang katangian nito ay ekonomiko-pulitikal. Organisasyon para sa depensa at opensa laban sa kapital. Itinayo ito ng mga nag-alsang manggagawa sa Alemanya noong 1919, sa Hungary noong 1950s, sa Poland noong 1980-81, sa France at Spain noong 2006.
Ang pagkabig sa mga seryoso at rebolusyonaryong manggagawa na nasa loob ng unyon ay hindi sa pamamagitan ng pagpasok dito kundi sa pagkumbinsi sa kanila mula sa labas ng unyon. Kung wala ba sa loob ng unyon ay hindi na maaring sumama at manguna sa pakikibaka ang mga komunista at militanteng manggagawa? Hindi. Napatunayan ito sa karanasan na pwdeng-pwede at siyang nararapat. Ang mga Bolsheviks noon ay hindi sa mga unyon nangumbinsi kundi sa loob ng mga sobyet o konseho ng manggagawa. Ang mga kaliwang-komunista ay sumama at nagsisikap na makapagpaliwanag sa malawak na masa ng uring nakibaka sa komunistang programa at panawagan sa abot ng kanilang makakaya. Ang pinakahuli ay ang interbensyon ng ICC at iba pang kaliwang komunista sa mga welga ng manggagawa sa France, Britain, Germany at USA sa 2006-2007. Panghuli, ang unyonismo ay hindi ang kilusang manggagawa.
Ano ba ang napatunayan ng unyonismo sa loob ng nagdaang halos 100 taon? Hindi pinalakas ang proletaryong kilusan, bagkus ay hinati-hati at pinahina sa harap ng kanilang mortal na kaaway. Hindi na maibalik pa ang unyonismo sa 19 siglo sa kasalukuyang panahon. Iba na ang porma at laman ng organisasyon at pakikibaka ng uri sa kasalukuyan na itinuro mismo ng mga manggagawa. Pandaigdigang komunistang rebolusyon ang tanging programa ng uri para bigyan ng pinal na bigwas ang naghihingalong naaagnas na sistema ngayon. At ang unitaryong organisasyon ng uri para dito ay ang mga konseho at asembliya sa pandaigdigang saklaw.
Pagsusuma:
Ang Kaliwa at mga unyon, ano man ang hibo nila ay nasa kampo na ng burgesya sa panahon ng dekadenteng kapitalismo at hindi bahagi ng kilusang paggawa. Sila ay nasa Kaliwa ng burgesya, isa sa mga paksyon ng kapital. Para sa amin, kailangang ilantad sa malawak na masa ng uri ang burges na katangian ng mga organisasyong ito na nagbalatkayong “komunista”, “sosyalista” at “maka-manggagawa”. Isang pagtraydor sa uri kung manawagan ang mga komunista sa masang manggagawa na ipagtanggol sila dahil inaatake sila ng kanilang kaaway na paksyon. Ang paghawak sa ganitong maling pananaw ay walang kaibahan sa ginawa ng 2nd International noong WW I at ng mga Stalinista at Trotskyista noong WW 2. Wala itong kaibahan kung depensahan natin ang CPP-NPA, ang Iraqi resistance, ang Hamas at Hizbollah o ang FARC dahil inaatake sila ng imperyalistang Amerika.
Para sa amin, higit sa lahat, matibay na panghawakan ang internasyonalismo at independyenteng kilusang manggagawa sa lahat ng usapin at pagkakataon. Para sa mga seryosong rebolusyonaryo na nangangarap pang maulit ang 19 siglo ngayon, narito ang sabi ni Marx: “The tradition of the dead generations weighs like a nightmare on the minds of the living. And, just when they appear to be engaged in the revolutionary transformation of themselves and their material surroundings, in the creation of something which does not yet exist, precisely in such epochs of revolutionary crisis they timidly conjure up the spirits of the past to help them; they borrow their names, slogans and costumes.”(Marx, The Eighteenth Brumaire of Louis Bonaparte, 1852)
Dineklara ng lahat ng manggagawa sa mundo ang Mayo Uno bilang Internasyunal na Araw ng Paggawa. Isa lamang ang ibig sabihin nito: Ang mga manggagawa ay isang internasyunal na uri at pareho ang mga interes at pinaglalaban kahit saang bansa man sila. Iisa lamang ang kaaway ng mga manggagawa sa buong mundo – ang uring kapitalista at ang bulok na sistema nito.
Subalit hindi pagbubunyi ang ginagawa ngayon ng naghihirap na mga manggagawa sa kanilang Internasyunal na Araw kundi mga kilusang protesta. Nagdurusa ang mga manggagawa, sa mga atrasadong bansa man gaya ng Pilipinas o sa mga abanteng bansa gaya ng Amerika sa mataas na presyo ng mga batayang bilihin laluna ng bigas, mababang sahod, di-makataong kalagayan ng trabaho, walang katiyakan ng trabaho, pagkalubog sa utang, kawalan ng permanenteng tirahan at marami pang iba.
Daang libong mga manggagawa ang nagwelga sa France, Germany, Amerika, Britain, Greece, Bangladesh, Egypt, Dubai at iba pang bansa laban sa mga atake ng kapital sa kanilang pamumuhay mula 2003. Malawak na mga welga ang sagot ng mga manggagawa laban sa krisis ng kapitalismo. Sa mga welgang ito temporaryong napahinto ng mga manggagawa ang mga atake ng kapital at nakamit ng masang anakpawis ang ilang mga temporaryong tagumpay.
Ang kalagayan ng manggagawang Pilipino
Magkatulad ang kalagayan at kahirapang naranasan ng manggagawang Pilipino at ng kanilang mga kapatid na manggagawa sa ibang mga bansa. Isang malaking KASINUNGALINGAN ang propaganda ng mga kapitalista at ng gobyerno na magkaiba daw ang kalagayan ng mga manggagawa sa Pilipinas at sa ibang mga bansa laluna sa mga abanteng bansa gaya ng Amerika. Sapat na ang mga karanasan ng ating OFWs at ng mga welga mismo sa naturang mga bansa para makita natin ang katotohanan mula sa kasinungalingan.
Subalit maraming hadlang sa pag-unlad ng pakikibaka ng manggagawang Pilipino na nagbunga ng demoralisasyon at kawalang tiwala sa lakas ng sariling pagkakaisa.
Ano ang mga hadlang sa pag-unlad ng pakikibaka ng manggagawang Pilipino?
Una, pag-asa na mayroong “tagapagligtas” sa kanila mula sa kahirapan at pang-aapi ng kapitalista at ng gobyerno. Ang inaasahan nila ay ang mga unyon, mga abogado, mga relihiyoso, panggitnang uri, mga politiko at mga elektoral na partido. Ang iba ay umaasa sa mga armadong gerilya at mga rebeldeng militar.
Pangalawa, paniniwala na ang pagkatalo at kabiguan ay isang “tagumpay”. Ang mga pangako at panlilinlang ng kapitalista at gobyerno ay iniisip na “tagumpay”. Ang settlement ng DOLE at NLRC ay pinaniwalaang “tagumpay ng pakikibaka”. Ang malaking perang binayad ng management bilang separation pay ay iniisip na “tagumpay” ng mga kaso sa NLRC at DOLE.
Pangatlo, pag-iisip na walang magandang ibubunga ang paglaban sa kapitalista at gobyerno dahil siguradong talo pa rin. Kaya mabuti pang tiisin ang kahirapan at patayin ang katawan sa trabaho para lalaki ang kita. Pag-iisip na walang magagawa ang pagkakaisa at mabuti pang magkanya-kanya ng paghahanp-buhay.
Dalawang hakbang tungo sa tagumpay ng pakikibaka
Ang unang hakbang tungo sa tagumpay ng pakikibaka ay hawakan mismo ng mga manggagawa ang pagsusuri sa kanilang kalagayan at ang pagdesisyon kung ano ang dapat gawin at HINDI aasa sa mga “tagapgligtas”. Ang kongkretong ekspresyon nito ay ang mga ASEMBLIYA o malawak na pulong ng mga manggagawa — hindi lang sa loob ng pabrika kundi ng iba’t-ibang pabrika para mag-usap, magdiskusyon at magdebate hanggang makamit ang kolektibong pagkakaisa kung ano ang dapat gawin. Pero magagawa lamang ito kung independyente ang mga ASEMBLIYA mula sa kontrol ng anumang tipo ng unyon o elektoral na partido. Hinati-hati at pinahihina lamang ng mga unyon at elektoral na partido ang ating pagkakaisa.
Ang mga ASEMBLIYA ng lahat ng manggagawa (dadaluhan ng mga regular, kontraktwal, unyonista at di-unyonista, empleyado ng publiko o pribadong empresa, walang trabaho, at mga indibidwal na totoong tumindig para sa interes ng manggagawa) ang epektibong organisasyon ng pakikibaka laban sa pagsasamantala ng mga kapitalista at ng gobyerno sa kasalukuyang panahon at hindi ang mga unyon at elektoral na partido.
Ang mga ASEMBLIYA ng manggagawa ng iba’t-ibang pabrika ang tunay na ekspresyon ng pagkakaisa. Kung hindi pa kakayanin ang mga asembliya ay maaring magsimula sa mga grupo ng diskusyon at talakayan upang pag-usapan at suriin ang kalagayan at karanasan sa loob ng pagawaan.
Dapat nating muling isabuhay ang kasabihan na napatunayang wasto sa mahigit 200 taon na pakikibaka ng manggagawa sa buong mundo: ANG EMANSIPASYON NG MGA MANGGAGAWA AY NASA PAGKAKAISA MISMO NG MGA MANGGAGAWA.
Ang pangalawang hakbang tungo sa tagumpay ng pakikibaka ay ang pagtanggap sa katotohanan na WALANG maibigay na matagalang kagalingan ang kapitalistang gobyerno at sistema para sa mga manggagawa hawak man ito ng administarsyon o oposisyon, ng Kanan o Kaliwa ng burgesya. Ang tanging maibigay lamang nila ay panlilinlang at mga pangakong hindi matutupad, ibayong pang-aapi, pagdurusa at kahirapan. Nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo at para makahinga pa ito, kailangan nitong ilublob tayo sa kahirapan. WALANG MAAASAHAN SA GOBYERNO. Para makaraos sa kahirapan, kailangang magkaisa at lumaban ang mga manggagawa sa buong daigdig.
INTERNASYONALISMO
Mayo
1, 2008
Oktubre 13, 2008 nagsampa ng panibagong impeachment case sa kongreso ang burges na oposisyon kasabwat ang Bayan Muna at mga kaalyado nito sa Kaliwa at repormista. Ang panibagong impeachment case ay pinangunahan ni Joey de Venecia, anak ni dating Speaker Jose de Venecia na dating kaalyado ng paksyong Arroyo.
Ano ang layunin ng impeachment?
Una, nais lamang ipako ng burges na oposisyon at Bayan Muna ang kamulatan ng masa na ang paksyong Arroyo lamang ang ugat ng kahirapan sa bansa.
Pangalawa, upang muling hikayatin ang taumbayan na muling magtiwala sa burges na kongreso. Natatakot ang buong uring kapitalista na dadami ang mawalan ng tiwala sa parliyamentarismong burges at hawakan ang landas ng rebolusyonaryong pakikibaka. Ang papel ng Kaliwa sa kongreso bilang oposisyon ang epektibong pamg-eengganyo ng burgesya para muling manumbalik ang tiwala ng manggagawa at maralita sa burges na demokrasya.
Katunayan, si Bayan Muna representative Satur Ocampo mismo ang nagsasabing malaki daw ang posibilidad na mas maraming mga kongresista ang makumbinsi ngayon sa mga “ebidensyang” inihapag nila. At kung hindi na naman daw magtagumpay ang impeachment ay “naipakita” ng Kaliwa sa taumbayan na may kumikilos pa rin para patalsikin si Gloria. Ganito ka baluktot mag-isip ang Bayan Muna!
Pangatlo, paghahanda ito ng burges na oposisyon at Kaliwa para sa kanilang alyansa sa eleksyon sa 2010. Ibig sabihin, hikayatin ang masang anakpawis na itransporma sa boto ang kanilang galit sa bulok na sistema.
Bagamat punung-puno ng radikalismo ang pananalita ng Kaliwa laluna ng mga maoista, namutiktik naman sa repormismo ang kanilang praktika. Hindi maitago ng “armadong pakikibaka” ng maoistang Kaliwa ang mabilis na nalalantad na pagtatanggol nito sa pambansang kapitalismo na ngayon ay binabayo ng matinding krisis.
Kung sasabihin naman ng Kaliwa na ang ginagawa nila (repormismo) ay isa lamang taktika para isulong ang “rebolusyon”, mabuti pang iumpog nila ang kanilang mga ulo sa pader!
Kahit pa magtagumpay ang impeachment at mapatalsik si GMA sa Malakanyang, si Bise-Presidente Noli de Castro, na isa ding bataan ng mga kapitalista lamang ang papalit.
Higit sa lahat, hindi ang isang paksyon ng naghaharing uri ang dahilan ng krisis kundi ang mismong sistema ng sahurang pang-aalipin. Ang LAHAT ng paksyon ng naghaharing uri (administrasyon at oposisyon) ay sagad-saring tagapagtanggol ng bulok na sistema. Ang buong kapitalistang estado mismo (anumang paksyon ang hahawak nito) ang tagapagtanggol ng sistema. Ang buong estado mismo at ang lahat ng mga institusyon nito (kongreso, senado, korte, hukbong sandatahan, at iba pa) ang kailangang durugin sa pamamagitan ng rebolusyon ng manggagawa at hindi ng gerilyang pakikidigma sa kanayunan.
Ilang beses na naming sinagot batay sa marxistang paraan at laman ang mga pang-iinsulto at walang laman na pang-aatake ng mga maoista sa aming blog. Malinaw ito sa mga marxistang mambabasa at maging sa mga nag-aaral ng marxismo.
Sa kabila ng katotohanan na ang maoismo (at Maoism-thirdworldism) ay napatunayan na sa kasaysayan (sa teorya at praktika) na hindi kabilang sa kampo ng marxismo kundi nasa kampo ng Kaliwa ng kapital, marami pa rin sa mga kabataan laluna ang galing sa peti-burges na uri ang naniniwala dito dahil sa kanyang nakabibighaning “nasyunalismo”, “pagmamahal sa bayan” at sa kanyang sagad-saring pagkamuhi sa bansang Estados Unidos.
Sa anong kondisyon lumitaw ang maoismo?
Dahil sa panibagong pandaigdigang krisis na sinagot ng pandaigdigang malawakang kilusang welga ng mga manggagawa sa buong mundo sa sinimulan sa Pransya noong 1968, nagkukumahog ang bawat kapitalistang mga bansa na maghanap ng solusyon sa krisis – patindihin ang mga digmaan sa ngalan ng nasyunalismo at kompetisyon sa mas kumikipot na pandaigdigang pamilihan.
Dahil ang imperyalistang USSR ay kailangang patindihin ang kontrol at pagsasamantala sa kanyang mga tutang rehimen sa Eastern Europe at sa China, pumalag ang China at maging ang Yugoslavia sa ilalim ni Tito. Pero mas determinado ang China sa ilalim ni Mao dahil sa mas matindi ang kahayukan nito na maging imperyalistang bansa din.
Ito ang katangian ngayon ng lahat ng mga bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo magmula 1914: lahat ng mga bansa (maliit o malaki, mahina o malakas, atrsado o abante) ay may tendensya at katangiang imperyalista. Lahat sila ay nagnanais na makontrol o maungusan ang ibang mga bansa para isalba ang kani-kanilang pambansang kapital sa rumaragasang permanenteng krisis ng sistema. Ang imperyalismo ay hindi lamang polisiya ng isa o ilang mga bansa; ito ay polisiya ng lahat ng mga kapitalistang bansa.
At nakahanap nga ang China ng paraan: gawing “unibersal” na teorya ang digmaang bayan kung saan ang linyang militar na ginamit ni Mao sa panahon ng digmaang Tsino-Hapon sa WW 2 ay ginawang “prinsipyo” at “pandaigdigang estratehiya” ng “marxismo-leninismo sa panahon ng imperyalismo”.
Kaya mula sa isang simpleng estratehiyang militar, ang estratehiyang “sakupin ang kalungsuran mula sa kanayunan” ay naging “teorya ng ikatlong daigdig” na pinangunahan ni Lin Biao, ang isa sa mga ultra-kaliwa na disipulo ni Mao. Ang linya ng “teorya ng ikatlong daigdig” ay: durugin ang unang daigdig mula sa ikatlong daigdig. Ibig sabihin, paalon-alon na mag-alsa ang mga “mamamayan ng ikatlong daigdig laban sa imperyalismo” sa pamamagitan ng mga “digmaan ng pambansang pagpapalaya”.
Nasyunalismo ang “shabu” ng mga maoista na binibigay sa uring manggagawa at mahihirap na mamamayan sa ikatlong daigdig. Ganito ka desperado ang mga peti-burges na naiipit sa krisis ng kapitalismo.
Maoism-Thirdwordism: rurok ng desperasyon ng mga maoista
Ng bumagsak ang imperyalistang USSR at pumasok sa yugto ng pagkaagnas ang pandaigdigang dekadenteng kapitalismo, ganap ng bumagsak ang ideolohiyang nasyunalismo at ang akit ng digmaan sa pambansang pagpapalaya.
Ang desperadong mga elementong maoista ay naghahanap na naman ng “bagong” teorya ng maoismo para muling moldehin ang kanilang bangkarotang ideolohiya. At eureka! nakita nga nila: wala ng uring manggagawa sa 1st world maliban sa mga immigrants galing sa 3rd world. Ang mga manggagawa diumano sa malalaking imperyalistang mga bansa ay naging burgesya na at kaaway na ng mga manggagawa sa 3rd world!
Ito ang rurok na naabot ng kahibangan (na pinagmayabang nilang “syensa”) ng mga maoista na kumakapit ngayon sa ideolohiyang Maoism-thirdworldism. Sa totoo lang, di naman sila ang orihinal ng pananaw na ito ng thirdworldism kundi si Professor Marcuse, isang burges na guro noong 1960s na nagsasabing nasanib na ang uring manggagawa sa burgesya kaya ang pag-asa ng rebolusyon ay nasa mga mamamayan na ng 3rd world.
Ni katiting na hibo, ang maoismo ay hindi nakabatay sa makauring tunggalian at sa marxismo kundi sa burges na nasyunalismo. Ang nasyunalismo ng malalaking imperyalistang mga bansa ay tinumbasan lamang ng nasyunalismo ng malilit na mga bansa.
Paano ba ito isinakongkreto ng mga maoista?
Una, kinilala nilang alyado o kaibigan ang lahat ng mga bansa at grupo na lumalaban sa USA. Hindi nakabatay sa makauring paninindigan, alyado at kaibigan ng mga maoista ang mga pambansang burgesya at “maliliit” na imperyalista na anti-US. Kaya nga dapat hamunin ang mga maoista sa Pilipinas kung ano ang paninindigan nila sa imperyalistang Iran at Jordan, sa mga tuta nitong Iraqi resistance, Hizbollah at Hamas; ano ang paninindigan ng maoismo sa anti-US na si Saddam Hussien (na binitay na ng US); ano ang paninindigan nila sa grupong Al-Qaeda ni Osama Bin Laden at maging sa ginagawa ngayon ng North Korea.
Hindi usapin ng uri at makauring paninindigan, kahit sino at kahit anong grupo basta laban sa Amerika, para sa maoismo sila ay alyado at kaibigan ng “rebolusyon”.
Pangalawa, kaaway ng mga maoista ang mga manggagawa sa 1st world dahil hindi nila ito kinikilala na kabilang sa uri. Kaya hinihikayat nila ang mga manggagawa sa 3rd world kabilang na ang immigrant workers na hindi kilalaning kapatid sa uri ang mga manggagawa sa 1st world kundi kaaway! Ang marxistang paninindigan na “Manggagawa sa buong mundo, Magkaisa!” ay pinalitan nila ng isang kontra-rebolusyonaryo at mapanghating panawagan: manggagawa sa ikatlong daigdig, labanan ang mga manggagawa sa unang daigdig!
Ito ang malinaw na halimbawa kung paanong ang maoismo ay anti-marxismo at kontra-rebolusyonaryo. Itutulak lamang ng maoismo sa pagkatalo ang komunistang rebolusyon ng mga manggagawa sa buong daigdig!
Ang maoismo at ang Ultra-kanan na mga peti-burges sa Kanluran at Gitnang Silangan
Dahil hindi nakabatay sa marxismo at makauring tunggalian, walang kaibahan ang maoismo sa mga ultra-kanan na organisasyon sa Kanluran at Gitnang Silangan.
May pagkakaiba ba ito sa praktika ng mga maoista? WALA. Habang nanggalaiti sila sa galit sa mga manggagawa sa Kanluran, abalang-abala naman sila sa pakikipag-alyado sa burges na oposisyon sa 3rd world. Habang kaaway ang turing nila sa mga kapatid na manggagawa sa 1st world kaibigan naman nila ang isang paksyon ng burgesya na malinaw na nagsasamantala sa mga manggagawa sa kani-kanilang mga bansa! Ito ang mukha ng maoismo!
Ano ba ang kaibahan ng pananaw ng mga maoista sa ultra-kanan sa Kanluran. WALA at magkatulad pa nga ang layunin – hatiin at pag-awayin ang mga manggagawa sa 3rd at 1st worlds — subalit nasa magkabilang dulo lamang. Habang ang mga maoista ay nagtatanim ng galit sa mga manggagawa sa 3rd world laban sa kanilang mga kapatid sa 1st world, ang mga ultra-kanan naman sa Kanluran ay nagtatanim ng galit sa mga manggagawa sa 1st world laban sa mga kapatid nito sa 3rd world.
Kung ang linya ng mga maoista ay kakutsaba ang mga manggagawa sa 1st world sa kani-kanilang mga imperyalistang bansa sa pagsasamantala sa 3rd world, ang linya naman ng ultra-kanan sa Kanluran ay ang mga immigrant workers mula sa 3rd world ang dahilan kung bakit walang trabaho at naghihirap ang mga manggagawa sa 1st world.
Ang hindi alam ng mga peti-burges na ito ay ang uring manggagawa sa buong mundo ay mga immigrants. Ang uring manggagawa ayon sa kanilang kasaysayan ay galing sa uring magsasaka na pinahirapan ng pyudalismo at pumunta sa kalungsuran upang alipinin ng mga kapitalista. Malaking mayorya ng mga manggagawa sa 1st world kung baybayin ang kanilang kasaysayan mula 1600s ay galing sa iba’t-ibang mga bansa na kontrolado ng bumabagsak na pyudal na sistema. Ang mga ninuno ng mga manggagawa ngayon sa 1st world ay mga immigrants!
Subalit bulag na ang mga maoista sa pag-aaral ng kasaysayan at pagkawing nito sa kasalukuyan. Ganun din ang ultra-kanan sa Kanluran. Ayaw man direktang tanggapin ng mga maoist-thirdworldist, katulad sila ng ultra-kanan: naghahasik ng racism at panghahati sa uring manggagawa.
Dahil sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong katangian ng maoismo, standing ovation ang palakpak nito sa bawat Amerikanong namamatay sa suicide bombings ng mga panatikong islamista habang hindi man lang natin nababasa sa kanilang mga pahayag ang pagpuri sa mga welga ng mga manggagawa sa Kanluran para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan.
Tanging ang mga desperadong peti-burges na lamang ngayon na labis ang pagkamuhi sa imperyalismo (na baluktot ang pagkaunawa nito) pero hindi sa kapitalismo ang yayakap pa sa maoismo.Muling iginiit ng CPP-NPA ang kanilang programa sa usapin ng Bangsamoro: suportahan ang sariling pagpapasya ng burgesyang Moro hanggang sa ganap na awtonomiya.[1] Sa pangkalahatan, ito rin ang linya ng ibang organisasyon ng Kaliwa sa Pilipinas.
Matagal ng napatunayan na ang ‘sariling pagpapasya’ ay hindi linya ng proletaryado kundi linya ng burgesya para patuloy na alipin ang masang manggagawa at hatiin ito sa loob ng bilangguan ng nasyunalismo. Magmula WW I ay naging pambala lamang ng kanyon ang masang anakpawis laban sa kanilang kauri sa ngalan ng nasyunalismo at ‘pambansang pagpapasya sa sarili’.
Napatunayan na rin na hindi ito daan patungong sosyalismo o makapagpalakas man lang sa independyenteng kilusang manggagawa. Alam na ng lahat ang nangyari sa China, Vietnam at iba pang bansa matapos “lumaya” sa kuko ng ‘imperyalismo’. Napunta lamang sila sa karibal na imperyalistang kapangyarihan at itinayo nila ang kapitalismo ng estado sa ngalan ng ‘sosyalismo’.
Ang programa ng MILF at ng iba pang grupong Moro sa ‘sariling pagpapasya’ ay kahit pagkukunwari ay hindi kasama ang ‘perpspektibang sosyalismo’. Malinaw na ang programa ng MILF ay tahasang para pa rin sa kapitalismo sa tulong ng mga imperyalistang bansa sa Gitnang Silangan at maging ng imperyalistang USA.
Samakatuwid, walang pundamental na kaibahan ang programa ng MILF at ng mga grupo ng Kaliwa sa usapin ng problema sa Mindanao. Ang kaibahan lang nila ay ang una ay tahasang tutol sa sosyalismo at ang huli ay nagkukunwaring para sa sosyalismo.
Kung susuriing mabuti, wala namang tutol ang Kaliwa sa kahilingan ng burgesyang Moro sa paksyong Arroyo hinggil sa ancestral domain at dagdag na kapangyarihan. Wala silang tutol sa laman ng BJE at MOA. Tutol sila na ang paksyong Arroyo ang maging kakutsaba ng burgesyang Moro dahil may sariling agenda ito: baguhin ang Konstitusyon at konsolidahin ang kanyang paksyon para manatili sa kapngyarihan lagpas sa 2010.
Ipokrito ang Kaliwa sa pagkondena na may sariling agenda ang rehimeng Arroyo dahil ganun din naman sila. Ang agenda nila ay sila ang makahawak sa kapitalistang estado at sila ang “dapat ang kausap ng burgesyang Moro” hinggil sa problema sa Mindanao, sa ilalim ng kanilang kapangyarihan sa Malakanyang.
Kaya ang paligsahan ngayon sa pagitang ng Kaliwa at rehimeng Arroyo ay kung sino ang kakampihan ng burgesyang Moro (na may sariling hukbo din at may kontroladong teritoryo sa Mindanao). Alam kapwa ng Kaliwa at paksyong Arroyo na mahalaga ang suporta ng MILF para sa kani-kanilang sariling agenda.
Dagdag pa, mahalaga din sa paksyong Arroyo na ito ang magiging ‘opisyal’ na partner ng MILF dahil kailangan nito ang suporta ng mga bansa sa Middle East laluna ng Saudi Arabia at ng mga bansang dominado ng mga muslim sa Asya gaya ng Malaysia at Indonesia.
Sa totoo lang, ang habol ng MILF ay magkaroon ng ‘legalidad’ sa mata ng internasyunal na burgesya ang kanilang paghawak sa kanilang mga teritoryo ngayon dahil isa naman itong ‘de facto state’ sa mga teritoryong kontrolado nito.
Tuwang-tuwa naman ang burges na oposisyon dahil muli na naman napatunayan nito na kontrolado nito ang Kaliwa. Nahigop na naman ang Kaliwa sa paksyunal na labanan ng naghaharing uri: sa linyang anti-GMA. Kaya nagkakaisa na naman ang Kanan at Kaliwa sa kampanyang anti-chacha.
Sa pangkalahan, ang linya ng Kaliwa at burges na oposisyon ay: maaring baguhin ang lahat para ipagtanggol ang pambansang kapitalismo, huwag lamang sa ilalim ng rehimeng Arroyo. Kaya para sa kanila, wala silang tutol sa chacha, sa usapin ng pagbibigay ng mas malaking kapangyarihan sa burgesyang Moro sa Mindanao, sa pagbabago ng sistema ng pamahalaan basta lagpas na sa 2010 kung saan inaasahan nila na hindi na si Gloria ang nakaupo sa Malakanyang kundi sila (alyansa ng Kaliwa at burges na oposisyon).
Ang ganitong linya ay tahasang oportunismo at paghadlang sa kamulatan ng uring manggagawa para makita nito na wala sa alinmang paksyon ng naghaharing uri ang pag-asa para lumaya mula sa kahirapan. Pinako ng linyang ito ang kamulatan ng masa sa linyang anti-GMA o alinmang paksyon na nasa Malakanyang sa halip na ipakita na sistema at ang estado mismo ang hadlang para sa makauring emansipasyon ng masang anakpawis.
Muli, pinakita ng Kaliwa na handa itong makipag-alyansa sa kahit anong paksyon ng burgesya (sa Manila man o sa Mindanao), handa itong ibigay sa burgesyang Moro ang ganap na karapatan sa pagsasamantala sa mga manggagawang Moro basta sila lamang ang makaupo sa kapangyarihan para sa kapitalismo ng estado na matagal na nilang pinangarap na ipatupad sa Pilipinas.
Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo, walang ibang daan para sa kalayaan ng masang manggagawa mula sa pang-aalipin ng kapital kundi ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa – Moro at Pilipino – laban sa buong uring burgesya (Moro at Pilipino). Tahasang oportunismo ang linya ng Kaliwa at burges na oposisyon na maaring makipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya na anti-GMA.
Ang kalayaan ng manggagawa ay hindi makakamit sa pamamagitan ng sariling pagpapasya ng isang paksyon ng burgesya kundi sa pamamagitan ng pagdurog mismo sa kapangyarihan ng buong uring burgesya sa lipunan. Hindi awtonomiya ng burgesyang Moro ang solusyon kundi independensya ng uring manggagawa mula sa kontrol ng alinmang paksyon ng kaaway sa uri.
Ang solusyon ay hindi kumampi sa digmaan sa pagitan ng mga paksyon ng burgesya kundi makauring digmaan: ibagsak ang burgesyang Moro at Pilipino at itayo ang diktadura ng proletaryado. Ang solusyon ay digmaan sa pagitan ng manggagawa at burgesya.
Sa kongkreto, dapat ilunsad ng nagkakaisang manggagawang Moro at Pilipino ang mga militanteng pakikibaka laban sa mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan at kalagayan – sahod, trabaho at iba pa – na ang target ay ang estado mismo at ang lahat ng paksyon ng uring kapitalista (administrasyon at oposisyon). Alam ng lahat na lubhang pinagsamantalahan ang mga manggagawang Moro sa Mindanao kapwa ng mga kapitalistang Pilipino at Moro at maging sa loob ng mga teritoryong hawak ng MILF at MNLF.
Sa pag-igting na namang muli sa bangayan ng mga paksyon ng naghaharing uri dahil sa mitsa ng BJE, malaki ang posibilidad na sisiklab na naman ang digmaan sa Mindanao na hahati sa manggagawang Moro at Pilipino. Ang makapipigil lamang sa digmaang ito ay ang pagkakaisa ng manggagawang Moro at Pilipino.
Tumitindi at lumalala ang tunggalian sa loob ng naghaharing uri sa Pilipinas. Lalong nalagay sa depensibang posisyon ang paksyong Arroyo dahil sa desperadong mga hakbang nito para tangkaing konsolidahin ang kapangyarihan (ang pinakahuli ay ang pagpatalsik kay de Venecia bilang speaker of the house at ang pagdukot kay Lozada para mapigilan sana ito na tumistigo sa ZTE scandal). Ang mga kapalpakang ito ang sinasamantala ngayon ng burges na oposisyon upang muling banagon ang kampanyang anti-GMA.
Administrasyon man o burges na oposisyon ay parehong kaaway ng manggagawang Pilipino at maralita. Walang dapat kampihan o suportahan sa kanila. Ang lumalalim at lumalawak na diskontento ng masang anakpawis ay nakatuon sa pagsasamantala at pang-aapi ng estado bilang pangunahing instrumento ng buong naghaharing uri. Subalit ang diskontentong ito ay nais ilihis at hatakin ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya sa simpleng labanan ng mga paksyong maka-GMA at anti-GMA. Nais ng burges na oposisyon na ipako ang kamulatan ng masa sa anti-GMA at itago ang katotohanan na ang estado mismo at ang mga institusyon nito ang pangunahing kaaway ng uri.
Napatunayan na sa karanasan na isang patibong at nakakabaog ang pakikipag-alyansa at pakikipagtulungan sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri para susulong ang makauring pagkakaisa at pakikibaka ng masang anakpawis.
Nanawagan kami sa manggagawang Pilipino at maralita na:
1. Huwag suportahan ang alin man sa mga paksyon ng burgesya (administrasyon at oposisyon) at huwag sumama sa mga pagkilos nila. Sa halip, ilunsad ng mga manggagawa at maralita ang mga pagkilos at pakikibaka na independyente at nakahiwalay sa mga paksyong ito.
2. Pagtuunan ng mga pakikibaka at pagkilos ang mga isyu at problemang pinapasan ng masang anakpawis ngayon – mababang sahod, walang mga benepisyo, kakulangan at kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, at iba pa. Mapilitan lamang ang estado na magbigay ng konsesyon bagama’t pansamantala lamang kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang masang anakpawis. Ang mga malawakang pagkilos na ito ay hindi sektoral kundi buong uri; hindi antas pabrika at komunidad kundi maramihang mga pabrika at komunidad; hindi isang syudad kundi maramihang mga syudad.
3. Ang lakas ng pakikibaka ay nasa pagkakaisa ng malawak na manggagawa at maralita mismo; nasa kanilang sariling pagkakaisa at wala sa panghihingi ng suporta at tulong sa alin man sa mga paksyon ng naghaharing uri at sa mga pulitiko. At lalunang wala sa ibibigay nilang suporta at tulong.
4. Itakwil ang kaisipan na may maaasahan pa sa Kongreso na ngayon ay punong-puno ng katiwalian, bentahan at bilihan na naging arena ng maniobrahan ng mga reaksyonaryong mga paksyon at personalidad. Walang maasahan sa iba’t-ibang party-list at pulitiko sa loob ng Kongreso na nag-aastang "progresibo" at "maka-mahirap" . Nangangamoy na sa kabulukan ang Kongreso at ang pagpasok dito ay tahasang pagtraydor sa makauring interes ng masang api.
5. Matuto sa mga aral ng pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa labas ng bansa na ngayon ay sumusulong batay sa sariling pagkakaisa. Matuto sa kanilang karanasan sa pagtatayo ng mga asembliya at konseho ng manggagawa bilang organo ng pakikibaka. Nasa pagkakaisa ng mga manggagawa sa buong mundo ang makapangyarihang lakas laban sa mapagsamantalang mga uri sa lipunan.
ANG EMANSIPASYON NG URING MANGGAGAWA AY NASA KAMAY MISMO NG MGA MANGGAGAWA. ITO LAMANG ANG TANGING DAAN TUNGO SA TAGUMPAY NG PAKIKIBAKA.
Nanawagan din kami sa lahat ng mga elementong seryosong nagnanais ng tunay na panlipunang pagbabago na kumilos sa abot ng kanilang makakaya na maunawaan ng malawak na manggagawa at maralita ang mga aral ng kanilang sariling karanasan sa nakaraan laluna ang mga aral kung bakit wala pa ring pagbabago sa kanilang naghihikahos na kalagayan sa kabila ng pagpalit-palit ng mga paksyon na nakaupo sa Malakanyang at sa pakikipag-alyansa ng Kaliwa sa isang paksyon ng naghaharing uri.
KAILANGANG MAGTULUNGAN ANG MGA REBOLUSYONARYONG ELEMENTO laban sa lahat ng mga maniobra at mistipikasyon ng burgesya.
Ang nangyaring sunod-sunod na atake ng pwersang MILF sa ilang kabayanan sa Mindanao dahil sa naunsyaming pirmahan sa pagitang ng GRP at MILF sa MOA-AD ang patotoo na walang pundamental na pagkakaiba ang interes ng Kaliwa, burges na oposisyon at estado:
“The MILF and Bangsamoro are left no choice but to advance their revolutionary armed struggle to realize their right to national self-determination and the return of their homeland……The Communist Party of the Philippinescalls on the revolutionary forces under its leadership to give full support to the struggle of the Bangsamoro for national self-determination and the return of their ancestral lands.” (CPP, ‘CPP Calls for Support to the Bangsamoro Revolutionary Struggle’, August 16, 2008).
Samaktuwid, ang nais ng CPP ay ilunsad na ng burges na liderato ng MILF ang opensibang militar laban sa burges na estado ng Pilipinas.
Ang deklarasyon naman ni Sen. Chiz Escudero, Mar Roxas, Aquilino Pimentel at dating Presidente Joseph Estrada ay ihinto ang pakipag-usap sa MILF na walang ibig sabihin kundi total war laban dito.
Ganito din ang esensya ng press statement ni Presidente Gloria Arroyo ilang oras matapos salakayin ng MILF ang ilang bayan sa Lanao del Norte at Sarangani: inatasan niya ang AFP-PNP na ipagtanggol ang teritoryo ng Pilipinas laban sa MILF.
Sa madaling sabi, DIGMAAN ang panawagan ng Kaliwa, burges na oposisyon at estado!
DIGMAAN din ang panawagan ng MILF pero mas nakikita ito sa kanilang mga ground commanders dahil hindi pa opisyal na nanawagan ang liderato nito.
‘Negosasyon sa Kapayapaan’: Isang Taktika ng Naglalabanang Paksyon ng Burgesya
Lahat ng paksyon ng burgesya – MILF/MNLF, Kaliwa, burges na oposisyon at naghaharing paksyon – ay nanawagan ng ‘kapayapaan’ sa Mindanao. Pero ang kapayapaang ito ay nakabatay sa armadong lakas. Kung sino ang mas malakas sa larangang militar ang siyang masusunod sa usapin ng mga kondisyon para sa kapayapaan. Ibig sabihin, ang pinaka-malakas na paksyon ng naghaharing uri ang may kontrol sa ‘usaping pangkapayapaan’.
Sa likod ng mga sigaw para sa ‘kapayapaan’ ay ang paghahanda para sa digmaan. Ito ang katangian ng dekadenteng kapitalismo!
Walang sinsiro sa mga paksyong naglalaban sa usapin ng kapayapaan. Para sa kanila, ito ay isang taktika lamang upang makabig sa kanilang panig ang malawak na mayorya para sa digmaan. Ang ‘usaping pangkapayapaan’ ng MILF/MNLF at CPP-NPA sa estado ng Pilipinas ay ginagamit lamang ng dalawang paksyon upang makapaghanda para sa digmaan.
Kaya ipokrito at nagsisinungaling ang CPP-NPA at iba pang Kaliwang organisasyon kung ang inakusahan lamang nito na may nakatagong agenda sa usaping pangkapayapaan ay ang paksyong Arroyo. Ang CPP-NPA, RPA-ABB, MILF/MNLF ay may kanya-kanyang nakatagong agenda sa pakikipag-usap sa kanilang karibal na paksyon.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo kung saan ang bawat paksyon ay desperadong makontrol ang kapangyarihan at nagpaligsahan para magkamal ng tubo at yaman mula sa pagsasamantala sa masang manggagawa at anakpawis, digmaan ang kanilang pangunahing paraan.
At sa digmaan nila, ginamit nilang pambala ng kanyon ang mga manggagawa at mamamayan sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa teritoryo ng kanilang bansa. Para sa burgesyang Pilipino, pagtatanggol sa teritoryo ng Pilipinas na nais agawin ng burgesyang Moro. Para naman sa burgesyang Moro, pagkuha ng kanilang teritoryo na inagaw sa kanila ng burgesyang Pilipino at dayuhan ilang siglo na ang nakaraan.
Ang Kaliwa naman na nag-aastang rebolusyonaryo ay “nakahandang
ibigay sa burgesyang Moro ang kanilang teritoryo” na walang ibig sabihin
kundi: ibigay sa burgesyang Moro ang pagsasamantala at pang-aapi sa
manggagawang Moro!
Ito ang ‘kapayapaan’ ng mga paksyon ng burgesya sa
Pilipinas at Mindanao.
Panghihimasok ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa
Nanggagalaiti ang CPP-NPA sa pagkondena sa imperyalistang Amerika sa panghimasok nito kakutsaba ang paksyong Arroyo sa ‘usaping pangkapayapaan’ sa Mindanao para proteksyunan ng Amerika ang kanyang interes.
Subalit dahil sa baluktot na pagkaunawa ng CPP-NPA sa imperyalismo, hindi niya nakita ang panghihimasok din ng ibang imperyalistang bansa gaya ng Indonesia, Malaysia, Libya at Saudi Arabia sa ‘usaping pangkapayapaan’ dahil may interes din ang mga ito sa Mindanao.
Pero dahil sa obsesyon na ang USA ay ‘imperialist number one’ hindi na tuloy nakita ng CPP-NPA (o kung nakita man ay nais din itong itago) na ang imperyalismo ay pangkalahatang polisiya na ng bawat bansa sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
Lahat ng ‘matagumpay’ na usaping pangkapayapaan sa mundo ay mayroong
panghihimasok ng malalakas na imperyalistang bansa kung saan sa bandang
huli ay nauuwi din sa digmaan o kaya sa panunupil sa manggagawa at
mamamayan.
Ilang halimbawa lang:
‘Nagtagumpay’ ang ‘usaping pangkapayapaan’ sa East Timor dahil sa panghihimasok ng imperyalistang Australia. Ang resulta, ang ‘malayang East Timor’ ay kontrolado na ngayon nito mula sa dating pananakop ng imperyalistang Indonesia.
‘Nagtagumpay’ ang ‘usaping pangkapayapaan’ sa Nepal at nanalo sa eleksyon ang CPN (Maoist) dahil sa panghihimasok ng imperyalistang China na siyang may kontrol ngayon sa Nepal na dati ay kontrolado ng India. Ang ‘kalayaan’ ng Nepal mula sa imperyalismong USA at India ay tagumpay naman ng imperyalistang China.
Nagkaroon ng ‘temporaryong kapayapaan’ sa South Ossetia at pansamantalang umatras ang imperyalistang Russia (na tutol sa ekspansyon ng USA) sa mga teritoryo ng imperyalistang Georgia (na alyado ng USA) dahil sa panghihimasok ng imperyalistang France at Germany. Subalit tiyak na puputok na naman ang digmaan dito dahil ayaw ng Russia na kubkubin siya ng USA.
Ganito din ang ginagawa ng MILF/MNLF: may padrino silang mas malakas
na imperyalistang bansa kaysa Pilipinas sa ‘usaping pangkapayaan’.
Samakatuwid,
ang bawat mahihinang imperyalistang bansa ay nangangailangan ng
masasandalang mas malalakas na imperyalistang bansa kahit sino pa man
ito.
Digmaan Nila, Hindi Natin Digmaan
Maliban sa maraming nasisirang kagamitan at kabuhayan, libu-libong buhay na nasawi at libu-libong pamilya ang nawalan ng matitirhan at kabuhayan sa digmaan ng naglalabang paksyon ng naghaharing uri, ang digmaan nila ay hindi natin digmaan. Ang digmaan nila ay hindi digmaan para sa makauring paglaya mula sa kapitalismo. Ang digmaan nila ay digmaan kung sino sa kanila ang magsasamantala at mang-aapi sa ating mga manggagawa at maralita!
Sa digmaan ng naglalabang mga paksyon ng naghaharing uri nais lamang tayong hati-hatiin at tayo ang magpatayan!
Kaya hindi natin dapat suportahan ang digmaang ito. Wala tayong dapat suportahan sa pagitan ng nasyunalismong Bangsamoro at Pilipino. Ang pagkampi alin man sa kanila ay mitsa lamang sa pagliyab ng isang digmaan na hindi para sa ating kalayaan.
Mali rin ang panawagan ng Simbahan, mga pasipista at ‘human rights’ organizations sa dalawang naglalabanang paksyon na gawing ‘makatao’ ang digmaan dahil hindi talaga makatao ang imperyalistang digmaan!
Dapat magkaisa tayong mga manggagawang Pilipino at Moro upang ilunsad ang ating sariling digmaan – ang digmaan laban sa uring kapitalista (Moro at Pilipino) at estado. Isang digmaan na lalahukan ng milyun-milyong manggagawang Moro at Pilipino para ipagtanggol ang kabuhayan at trabaho hanggang maiangat ito sa pag-agaw ng pampulitikang kapangyarihan. Ang makauring digmaan ay walang iba kundi sosyalistang rebolusyon. Isang rebolusyon na dudurog sa sistemang kapitalismo at sa burges na estado. Ito ang digmaang ating lalahukan at kailangang ipagtagumpay!
INTERNASYONALISMO
Agosto 20, 2008
Hindi na maaring itago at napilitang aminin ng mga estado at internasyunal na institusyon gaya ng International Monetary Fund at United Nations na merong pandaigdigang krisis sa pagkain. Subalit nagsisikap pa rin ang burgesya na pakalmahin ang masa at ipakitang “under control” pa rin nila ang krisis ng kanilang sistema.
Ang pandaigdigang krisis ng pagkain ay hindi maiwasang resulta ng permanenteng pandaigdigang krisis ng kapitalismo magmula pa noong huling bahagi ng dekada 60 at sinindihan ngayon ng malalim na resesyon sa Amerika. Dahil sa paghahanap ng mga produktong madaling mabili sa pamilihan at malaki ang tubo, binabago ng mga kapitalista ang prayoridad sa mga produktong agrikultural (hal, asukal, rubber, atbp) hindi pa kasama dito ang pagkasira sa lupa sa pamamagitan ng paggamit ng chemical fertilizers, ang lumalalang polusyon bunga ng walang pakundangang kompetisyon sa industriyal na produksyon na nakaapekto sa klima at agrikultura at marami pang iba. Isa din sa salik dito ang batas ng kapitalismo na nagmula sa pagkagahaman sa tubo – ang law of supply and demand na dinidikta ng batas ng pamilihan. Mayor na salik din ang pagtaas ng presyo ng mga kagamitang pansakahan at gastos sa transportasyon na itinutulak ng patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Sa madaling sabi, ang krisis ng pagkain ay bunga ng samut-saring krisis ng sistema na naiipon sa loob ng ilang dekada.
Katunayan, sa kalagayan ngayon ng naghihingalong sistema, ang ibig sabihin ng “normal” na sitwasyon ay mas malala kaysa sa nakaraang taon. Halimbawa, kung “manormalisa” man ang presyo ng bigas, tiyak mas mataas na ito sa nakaraan. Ganun din sa gasolina at maging sa lahat ng batayang pangangailangan ng populasyon.
Nahubaran din ang maka-kapitalistang ideolohiya ng mga anti-globalisasyon na“isinusuko” na diumano ng mga estado sa mga pribadong kapitalista ang pagpapatakbo sa pandaigdigang ekonomiya. Maliwanag pa sa sikat ng araw kung paano pinangunahan at aktibong pinakialaman ng mga estado ang pagsisikap na isalba ang kasalukuyang krisis. Kaya, makikita natin ang nangunguna at aktibong interbensyon ng mga ito sa krisis sa bigas. Patunay lamang ito na ang estado pa rin ang tanging may kontrol sa takbo ng kapitalistang lipunan at pangunahing kaaway ng uring manggagawa, kontrolado man ito ng Kanan o Kaliwa ng burgesya.
Tuloy-tuloy ang mga atake ng kapital sa pamumuhay ng uring manggagawa sa buong mundo. Pinipilit ng estado ang uring naghihirap na dagdagan pa ang pasanin na pagdurusa para lamang maisalba ang bulok na sistema. Kakutsaba ng estado ang Kaliwa ng burgesya para lasunin ang kaisipan ng mga manggagawa na “tanging ang estado” lamang ang makapagligtas sa masang api mula sa kahirapang kagagawan mismo ng sistemang pinagtanggol nito. Pangunahing linya ngayon ng iba’t-ibang grupo ng Kaliwa na dagdagan pa ang panghihimasok at kontrol ng estado para maisalba ang bulok na sistema. Sa anyo ng pagiging “radikal”, “kinudena” ng Kaliwa ang matamlay na panghihimasok ng kapitalistang estado sa kasalukuyang krisis ng sistema at tila humihiling sila ng abosulotong kontrol ng estado sa buong lipunan. Tila nagyayabang pa ang Kaliwa na kung sila ang nasa kapangyarihan titiyakin nila na absoluto ang kontrol ng estado sa buong populasyon gaya ng nangyayari ngayon sa China, Vietnam, Cuba, Venezuela at iba pang mga bansa na ang sistema ay kapitalismo ng estado.
Walang solusyon na krisis sa loob ng kapitalistang sistema
Kapwa ang Kanan at Kaliwa ng burgesya ay nagtutulungan na itago sa malawak na masang anakpawis ang katotohanan na wala ng solusyon ang kasalukuyang krisis sa loob ng sistema. Nasa rurok na ang kontradiksyon sa pagitan ng mga pwersa at relasyon ng produksyon. Ganap ng hadlang ang huli sa pag-unlad ng una. Dahil dito, ang bawat temporaryong solusyon na mahanap ng burgesya sa kaniyang krisis ay magbunga lamang ng mas malalim at malalang krisis at pagkasira ng kalikasan. Ang bawat “epektibong” solusyon ng estado ay nagkahulugan ng mas mabigat na pasanin na kahirapan at paghihikahos ng malawak na masang anakpawis.
Kahit pa maging absoluto ang kontrol ng estado sa buhay pang-ekonomiya ng lipunan, patuloy na lalala ang krisis na bunga ng pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan at permanenteng kawalan ng kapasidad ng populasyon na bilhin ang labis-labis na mga produkto ng sistemang nabubuhay sa matinding kompetisyon at tubo. Napatunayan na sa kasaysayan na ang kapitalismo ng estado ay bunga ng matinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo at bumagsak ang mga ito sa USSR at Eastern Europe noong 1990s.
Tanging solusyon sa krisis
Ang tanging solusyon sa krisis ay wala sa estado at sa loob ng sistemang kapitalismo kundi nasa labas nito. Ibig sabihin, kailangang ibagsak ang estado at durugin ang kapitalismo. Masolusyunan lamang ang krisis sa pamamagitang ng sosyalisasyon ng pag-aari ng mga kagamitan ng produksyon sa pandaigdigang saklaw. Ang unang hakbang para dito ay hawakan ng uring manggagawa ang kapangyarihan sa pamamagitan ng kanilang mga ASEMBLIYA.
Subalit hindi ito mangyari kung hindi magkaisa ang malawak na uring manggagawa para tutulan at labanan ang mga atake ng kapital sa kanilang pamumuhay. Dapat maunawaan ng milyun-milyong manggagawa na ang kalayaan mula sa kahirapan ay wala sa estado kundi nasa kanilang mga kamay mismo, sa kanilang makauring pagkakaisa sa loob ng mga ASEMBLIYA na lalahukan ng lahat ng tipo ng manggagawa na nasa pampubliko at pribadong mga empresa.
Ang makauring pagkakaisa at sama-samang pagkilos ang tanging rekisito para makamit ang tunay na pagbabago sa lipunan. Ang pagkakaisa at sama-samang pagkilos na ito ay hindi na sa pamumuno ng mga unyon at elektoral na partido kundi nasa pamumuno na ng mga ASEMBLIYA ng mga manggagawa.
Mga kapatid na manggagawa, may solusyon sa krisis. At ang solusyon ay nasa labas ng kapitalismo at nasa ating mga kamay! Muli tayong magtiwala sa sariling lakas ng ating pagkakaisa! Lagpasan natin ang mga balakid na hinaharang ng mga unyon at elektoral na partido! Gawin nating inspirasyon at halawan ng aral ang malawakang pagkakaisa at mga welga ng ating mga kapatid na manggagawa sa Amerika, France, Germany, Britain, Egypt, Bangladesh, Greece, Dubai at iba pang bansa.
Benjie, April 25, 2008
Pinakita ng mga kabataan-estudyante ang tanging porma ng pakikibaka para maibagsak ang bulok na kapitalistang sistema – malawakang pagkakaisa sa pakikibaka.
Nang mag-walk-out ang daan-daang mga estudyante sa kani-kanilang mga eskwelahan sa Metro Manila para iprotesta ang lingguhang pagtaas ng presyo ng langis, ito ay senyales na unti-unti ng namulat ang mga kabataan sa mga nangyayari sa lipunan, partikular sa walang puknat na atake ng kapital sa pamumuhay ng uring manggagawa. Pinakita din nito ang pakikiisa nila sa kanilang uri sa hinaharap – ang uring manggagawa.
Nauna na itong pinakita ng mga estudyanteng Pranses noong 2006 ng maglunsad sila ng malawakang mga pambansang pagkilos at welga upang labanan ang CPE (Contrat Première Embauche), isang tipo ng kontraktwalisasyon para sa kabataang manggagawa ng gobyernong Villepin.
Gayong sa usapin ng makauring oryentasyon at lawak ng partsipasyon ay malayung-malayo pa ang pakikibaka ng mga estudyanteng Pilipino kumpara sa pakikibaka ng mga estudyanteng Pranses, makikita naman natin ang diwa ng paghahanap ng malawakang pagkakaisa at pagdadala sa makauring kahilingan ng uri nila sa hinaharap.
Ang diwang ito ay ang pagkakaisa ng mga estudyante sa iba’t-ibang kolehiyo at unibersidad para sa iisang pakikibaka – tutulan ang pagtaas ng presyo ng langis at para itaas ang sahod ng mga manggagawa.
Narito ang aral na dapat muling panghawakan ng mga Pilipinong manggagawa (na ginagawa na nila noong mga dekada 70 at 80) – ang malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika para sa iisang laban.
Pakikibaka ng estudyante: Hindi sapat
Hindi ang kilusang estudyante ang makapagbabago ng lipunan. Maraming beses na itong napatunayan ng kasaysayan. Hindi sila maaring manguna o kaya ay maging mapagpasyang pwersa para sa pagbabagong panlipunan. Subalit hindi rin sila simpleng kilusang pampropaganda lamang. Ang malaking bilang ng masang estudyante ay bahagi ng uring manggagawa – sila mismo ay nagtatrabaho na habang nag-aaral pa o kaya ay ang mga magulang nila ay mga manggagawa.
Ang uring manggagawa ang may angking lakas at kapangyarihan upang baguhin ang bulok na kapitalistang lipunan. Ang uring ito lamang ay may angking lakas upang pigilan ang sunod-sunod na atake ng uring kapitalista at ng estado nito.
Sa abanteng kapitalistang mga bansa, pinangunahan ng uring manggagawa ang mga pakikibaka laban sa tumitinding krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Pero hindi lamang sa mga abanteng bansa nangyayari ito; maging sa mga atrasadong bansa tulad ng Bangladesh ay malawakang nagwelga ang mga manggagawa para ipagtanggol ang kanilang pamumuhay at trabaho.
Pagkakaisa ng masang estudytante sa kanilang kauri at mga magulang na manggagawa
Para magkaroon ng tunay na lakas ang kabataan-estudyante kailangang makipagkaisa ito sa kanilang mga magulang na manggagawa. Magkaroon lamang ng makapangyarihang lakas ang mga kilusang protesta laban sa atake ng estado at ng naaagnas na sistema kung magkaroon ng malawakang nagkakaisang pagkilos ang mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika. Ang tunay na kinatatakutan ng kapitalistang estado ay kung lalabas sa kalsada ang libu-libong manggagawa mula sa iba’t-ibang pabrika at iba’t-ibang lugar ng bansa para labanan ang atake ng kapital.
Isang malaking ambag ng kilusang estudyante kung magkaroon sila ng isang malawak na kilusan para puntahan sa mga pabrika, kausapin at kumbinsihin ang kanilang mga magulang na manggagawa na ipakita ang lakas ng pagkakaisa nito sa lansangan laban sa pamahalaan at sa krisis ng kapitalismo.
Ang paglulunsad ng mga diskusyon sa loob at labas ng pabrika na dadaluhan ng mga estudyante at manggagawa ay magandang simula para sa isang malawakang pagkilos na pangunahan ng uring manggagawa. Gamit ang makapangyarihang sandata ng uri – welga – temporaryong nitong mapigilan ang mga atake ng kapital. At gamit ang sandatang ito, maaring ituloy-tuloy ito ng uri hanggang maibagsak ang burges na estado.
Mga asembliya: Organisasyon sa pakikibaka
Sa pamamagitan ng mga asembliya ng mga estudyante sa Pransya ay napalakas nila ang kanilang pagkakaisa. Sa mga asembliya nag-uusap, nagdiskusyon at nagdesisyon sila para sa pakikibaka. Sa kanilang mga asembliya ay dumalo ang mga manggagawa. At sa mga asembliya din ng mga manggagawa ay dumalo ang mga estudyante.
Hindi ang mga unyon ng manggagawa o “pangmasang” organisasyon ng mga estudyante na hawak ng Kanan at Kaliwa ng burgesya ang organo ng pakikibaka kundi ang awtonomos na mga asembliya ng lahat ng estudyante at manggagawa. Ito lamang ang tanging organisasyon para ma-realisa at titibay ang malawak na makauring pagkakaisa at pakikibaka.
Ang mga asembliya ng estudyante ang tunay na ekspresyon ng pagkakaisa at malawakang partisipasyon sa kilusang protesta ng masang estudyante mismo. Ito din ang porma ng organisasyon sa pakikibaka ng uring manggagawa. Napatunayan na sa kasaysayan at karanasan magmula noong 1905 na ang mga asembliya ang ekspresyon ng pagkakaisa at tiwala ng uri sa kanilang sariling lakas.
Mapagmatyag sa pananabotahe ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya
Dapat maging mapagmatyag ang mga estudyante sa mga maniobra ng iba’t-ibang paksyon ng burgesya para pahinain ang pagkakaisa at ihiwalay ito sa kilusang manggagawa sa layuning ilihis ang pakikibaka palayo sa pagdurog sa kapitalistang estado.
Ang nais ng uring kapitalista ay mapako lamang ang pakikibaka sa usapin ng anti-Gloria at pro-Gloria at maitago na ang sistema mismo ang dapat wasakin. Iwasan dapat ng mga estudyante na ang usapin sa krisis ng kapitalismo ay iikot lamang sa usaping pro-GMA at anti-GMA dahil ang katotohanan ay administrasyon man o burges na oposisyon, Kanan o Kaliwa man ng burgesya ay walang kapasidad na bigyang solusyon ang krisis ngayon. Katunayan, komon ang interes ng lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri (oposisyon at administarsyon) na ipagtanggol ang naghihingalong pambansang kapitalismo. Ang rehimen ni Hugo Chavez sa Venezuela (ang pinakasikat at pinaka-popular na representante ng Kaliwa sa Central at Latin America) ang magandang halimbawa sa kainutilan ng Kaliwa na resolbahin ang krisis ng pambansang kapitalismo sa Venezuela na bunga ng pandaigdigang krisis ng sistema.
Pinakamsahol pa ay kung gagamitin lamang ng Kaliwa at burges na oposisyon ang mga protesta ng kabataan-estudyante para lamang sa SONA ni Gloria ngayong Hulyo 28. At pagkatapos ng SONA ay balik na naman sa “normal” ang mga kolehiyo at unibersidad pati na ang mga pabrika. Ang ganitong iskema ng mga pagkilos sa pamumuno ng Kaliwa ay nagpakita lamang sa banggardismo nito at sa pagtingin na ang kilusang masa ay magiging militante lamang sa ilalim ng iskemado at sekretong plano ng mga lider ng Kaliwa at burges na oposisyon.
Ang burges na estado mismo at ang lahat ng paksyon ng burgesya ang kailangang maging target ng pakikibaka at hindi lamang ang naghaharing paksyong Arroyo. Ang pakikibaka sa pagtaas ng sahod ay makakamit lamang sa pamamagitan ng malawakang pagkakaisa ng mga manggagawa sa iba’t-ibang pabrika at malawakang pakikibaka sa lansangan laluna ang pangmasang welga. Ganun pa man, sa ilalim ng kapitalismo ang sahod ay mabilis na bumababa kaysa tumataas dahil sa panahon ng paghihingalo ng sistema, ang uring manggagawa ang aapakan ng kapital para makasinghap ng kakaunting hangin. Kaya, para maiwasan ang repormistang direksyon sa pakikibaka, dapat lalawak ang pakikibaka at itaas ito hanggang sa usapin ng pag-agaw sa kapangyarihang pampulitika ng uring manggagawa mismo sa pamamagitan ng kanilang mga asembliya at konseho.
Ang kilusang estudyante at manggagawa ay kailangang magtulungan subalit dapat hiwalay at independyente sa anumang paksyon ng burgesya. Dahil sa panahon na mabuslo ito sa taktika ng Kaliwa na pakikipag-isang prente sa isang paksyon ng naghaharing uri, ito man ay transitional government o coalition government, ang pakikibaka ay tiyak na mauuwi sa muling paghawak ng isang paksyon ng naghaharing uri sa kapangyarihan gaya ng nangyari noong 1986 at 2001. Kung lalakas at lalawak ang pagkilos ng mga manggagawa sa lansangan, hindi mag-aalinlangan ang burgesya na palitan ang paksyong Arroyo ng isang “popular” na paksyon para mabuhusan ng tubig ang militansya ng uri at mapreserba ang bulok na sistema.
Dapat mapagmatyag ang mga estudyante sa mga organisasyon ng Kanan at Kaliwa na walang interes kundi kontrolin ang kilusan para sa kani-kanilang mga layunin na walang iba kundi ipagtanggol ang pambansang kapitalismo at itali lamang ang usapin sa paksyunal na labanan ng naghaharing uri.
Hindi solusyon ang pagkonsolida sa pambansang kapitalismo dahil sa panahon ngayon na nasa permanenteng krisis ang pandaigdigang sistema, imposible ng “uunlad” pa ang anumang pambansang kapital na hindi maghihirap ang uring anakpawis. At dahil dito, ito ay hindi tunay na kaunlaran kundi lalupang paglala ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Hindi rin makapagpalakas sa militanteng kilusang manggagawa ang pakikipag-alyansa (direkta man o indirekta) sa isang paksyon ng naghaharing uri; bagkus ay hihina pa ang kilusan dahil dito.
Ang lumalakas na interbensyon ng kapitalistang estado para subukang isalba ang krisis ng pambansang kapitalismo (“subsidyo sa mahihirap”, pakikialam ng Bangko Sentral sa krisis sa pinansya, pagtatangkang kunin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines, at iba pang hakbangin para maipakita na tanging estado na lang ang tanging masandalan laban sa krisis) ay lalupang lilikha ng panibagong krisis at kahirapan dahil ang estado mismo ay lubog sa utang at umaasa lamang sa buhis na pinipiga nito sa naghihirap na mamamayan. Hindi na rin makaasa ang estado sa Pilipinas na tutulungan ng imperyalistang USA dahil sa kanila mismo nagsimula ang mitsa ng panibagong pandaigdigang krisis ngayon.
Ang ibang mga karibal na imperyalistang bansa ng Amerika gaya ng China, Japan at European Union ay hindi rin maaring asahan ng Pilipinas dahil ang mga ito mismo ay malubhang apektado sa krisis ng Amerika. Kaya ang pangunahing “solusyon” ng kapitalistang estado sa Pilipinas ay lalupang pigain sa pagsasamantala ang Pilipinong masang anakpawis.
Ang tanging solusyon ay durugin ang kapitalismo at ang burges na estado sa pamamagitan ng isang rebolusyon ng mga manggagawa sa buong mundo dahil wala ng magandang kinabukasan pa ang mga kabataan sa ilalim ng kapitalistang sistema hawak man ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang gobyerno.
Ang tanging layunin ng pakikibaka ngayon ay ibagsak ang kapitalismo at hindi repormahin ito. Ang kagyat na layunin sa pakikibaka ay mapalawak ito sa iba’t-ibang pabrika at panig ng Pilipinas. Sa ganitong paraan lamang muling makasabay ang manggagawang Pilipino sa lumalakas na kilusang manggagawa ngayon sa buong mundo.
Kung matali ang mga protesta ng kabataan-estudyante sa isang sektoral na kilusan (mga protesta na “purong” estudyante o “suportahan” lamang ng uring manggagawa o sa ilalim ng isang multi-sektoral na kilusan dala-dala ang mga repormistang kahilingan) malaki ang posibilidad na mauuwi lamang ito sa panandalian at kagyat na aktibismo na ang bunga ay hindi makatulong para manumbalik mismo ang militansya at pagkakaisa ng uring manggagawa gaya noong 1970s at maagang bahagi ng 1980s.
Punong-puno ng pambobola at kasinungalingan ang SONA ni Gloria noong Hulyo 28. Ang malawak na manggagawa at maralita na lubhang nakaranas ng kahirapan ay hindi na naniniwala sa mga ‘achievements’ ng rehimeng Arroyo.
Hindi na natin pagdebatehan ang mga datos na sinasabi ni Arroyo dahil alam naman ng lahat na malaking bahagi nito ay kasinungalingan at para lamang bigyang katuwiran ang kanyang panunungkulan bilang chief executive officer ng pambansang kapitalismo.
Ang pagtuunan natin ng pansin dito ay ang sumusunod na argumento ng naghaharing paksyon sa likod ng kanyang SONA:
1. “Hindi kasalanan ni Gloria ang krisis ngayon kundi ng pandaigdigang krisis ng sistema”.
2. “E-VAT epektibong solusyon para maibsan kahit papano ang epekto ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa bansa”
Kaakibat nito, suriin din natin ang inihaing solusyon ng Kaliwa at ilang personaldiad ng burges na oposisyon na para makaraos sa krisis ang bansa kailangang tanggalin ang E-VAT at muling kontrolin ng estado ang batayang mga industriya gaya ng langis at kuryente.
Sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo lahat ng mga pambansang kapital sa mundo ay nakagapos sa pandaigdigang kapital. Kasinungalingan ang sinasabing maaring maging malaya ang isang bansa sa kadena ng pandaigdigang kapitalismo.
Ang ganitong katotohanan ba ay nagtatanggol sa argumento ng nagharing paksyong Arroyo na “hindi dapat sisihin ang gobyerno ng Pilipinas dahil pandaigdigan ang krisis”? HINDI.
Tama din ba ang Kaliwa na may magagawa ang estado na ipagtanggol ang pambansang kapitalismo sa kabila ng pandaigdigang krisis? HINDI.
Dahil nakagapos ang lahat ng pambansang kapitalismo sa pandaigdigang kapitalismo, ang mga polisiya ng mga estado ay nagsisilbi sa mga pangangailangan ng huli. Sa panahon ng pandaigdigang krisis, MALAKI ang kasalanan ng mga estadong ito. Pero ang mga kasalanan nila ay hindi simpleng bunga ng ‘kagustuhan’ o ‘di-kagustuhan’ ng partikular na mga estado kundi ito ay tulak ng obhetibong pangangailangan ng pandaigdigang sistema. Ang paglikha ng labis-labis na produkto, pagpapaigting ng kompetisyon at pagpiga sa paggawa ng mga manggagawa ang mga obhetibong salik na nagtulak sa lahat ng mga estado.
MALI din kung ang ‘sisihin’ lamang ay ang nagharing paksyon na siyang may hawak ng estado. Ang tama at kailangang sisihin ay ang estado mismo na nagtatanggol sa bulok na sistema at hindi lang ang isang partikular na paksyon ng burgesya. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay reaksyonaryo, kontra-rebolusyonaryo at anti-manggagawa.
Ang pagsisi sa isang paksyon lamang sa krisis ay pagtatago sa tunay na dahilan ng krisis at pagligaw sa direksyon ng pakikibaka ng manggagawa para makalaya sa kahirapan – ang durugin ang kapitalistang estado mismo kahit anong paksyon pa ng burgesya ang hahawak nito. Pangalawa, pagpapalakas ito sa mistipikasyon na maari pang isalba ang pambansang kapitalismo sa gitna ng krisis ng pandaigdigang sistema. At ang pinakamasahol na kasinungalingan ay: ang pagsalba sa pambansang kapitalismo ay daan para lalaya ang malawak na masang anakpawis mula sa kahirapan.
Sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema (kahit pa sa nakaraang mga makauring lipunan bago pa ang kapitalismo) patakaran ng estado na pangunahing nagtatanggol sa bulok na sistema na pigain ang mamamayan para buhayin ang mga parasitikong institusyon sa naaagnas na lipunan. At isa sa batayang pinagkukunan ng estado ng pondo ay ang buhis na kinikikil mula sa naghihirap na masang anakpawis.
Sa ganitong konteksto natin ilagay kung bakit may E-VAT at kung bakit ang paksyong Arroyo ay mahigpit ang paninindigan na hindi ito dapat tanggalin o bawasan. Alam ng naghaharing paksyon na sa panahon na mabawasan ang kakailanganing pondo para buhayin ang mga parasitikong institusyon – hukbong sandatahan, polis, mga burukrata, at iba pa – mas mapabilis ang pagguho ng estado na siyang tanging nagtatanggol sa naghihingalong sistema.
Ang sinasabi ng Kaliwa na progressive taxation na “maka-mahihirap” na solusyon sa usapin ng pagbubuhis ay nakaangkla pa rin sa pagtatanggol ng pambansang ekonomiya. Ang ganitong iskema sa nakaraan (sa karanasan ng mga maka-Kaliwang rehimen sa ibang mga bansa) ay napatunayan palpak dahil oobligahin talaga ang estado ng pandaigdigang sistemang kapitalismo na pigain ang lakas-paggawa ng masang anakpawis para magkamal ng kapital ang bawat pambansang ekonomiya laban sa kanyang mga karibal.
Hangga’t patuloy na naghahari at nananalasa ang kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, itutulak nito ang lahat ng mga bansa upang lalupang pagsamantalahan ang mga manggagawa at maralita o kaya, palalakasin ng bawat bansa ang ekonomiya-para-sa-digmaan (war economy) para magakaroon ng artipisyal at temporaryo na paglakas sa produktibidad ng lipunan gaya ng nangyari mula noong WW I.
Sa ngayon, dalawang malalakas na super-bagyo ang bumabayo sa mundo: lumalalang krisis pinansyal at walang hinto na paglobo ng mga presyo ng batayang mga bilihin. Ang unang epekto nito ay ang mabilis na pagbaba ng purchasing power ng uring manggagawa na nagbunga ng mas malalang kahirapan.
Lahat ng tipo ng oposisyon (Kanan o Kaliwa) sa Pilipinas ay humihiling sa paksyong Arroyo na magkaroon ng ‘political will’ upang magkaroon ng ‘makabuluhang’ mga reporma sa bulok na sistema. Ang tawag dito ay repormismo kahit pa gamitan ng anu-anong radikal na mga lenggwahe.
Nagtutulungan ang administrasyon at oposisyon na itago ang katotohanan na ang TANGING solusyon ay ibagsak ang estado at ang sistema dahil ang KATOTOHANAN ay wala na itong kapasidad (kahit gugustuhin pa nito) na magbigay ng anumang makabuluhang reporma para sa kapakanan ng masang anakpawis.
Ang mistipikasyon ng Kaliwa na ang problema ay ang ‘kawalan o kakulangan ng demokrasya’ at ‘kawalan ng determinasyon na ipagtanggol ang pambansang ekonomiya’ laban sa pananakop ng dayuhang ekonomiya ay walang ibang ibig sabihin kundi sa Pilipinas may ‘pag-asa pang uunlad ang pambansang kapitalismo’ basta ang nasa kapangyarihan ay ‘tunay’ na demokratiko at makabayan.
Kaya naman ang linya ng Kaliwa ay: patalsikin si Gloria at itayo ang TRG (Transitional Revolutionary Government) o DCG (Democratic Coalition Government) na ang ibig sabihin ay koalisyon ng iba’t-ibang uri/sektor na kaaway ng paksyong Arroyo para muling ibangon ang dignidad ng bansa sa ilalim ng permanenteng krisis ng pandaigdigang sistema!
Nais itago ng Kaliwa na ang TANGING uri na may kapasidad na baguhin ang bulok na sistema ay ang uring manggagawa; ang layunin ng pakikibaka ng uri ay ibagsak ang kapitalistang estado at itayo ang DIKTADURA ng PROLETARYADO sa pamamagitan ng mga asembliya at konseho ng manggagawa at HINDI ng isang gobyerno na koalisyon ng iba’t-ibang uri kasama ang pambansang burgesya.
Ang
bukambibig ng Kaliwa na “para sa sosyalismo” at “para sa sosyalistang
rebolusyon” ay mga panlilinlang lamang dahil hindi daan tungong
sosyalismo ang pagtatanggol sa pambansang ekonomiya kundi ito ay daan
tungong kapitalismo ng estado na siyang tunguhin ngayon ng lahat ng mga
bansang nakagapos sa permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo.
Ang panibagong pampinansyang krisis ng pandaigdigang dekadenteng kapitalismo na nagsimula sa nakaraang taon ay muling sumabog na mas malakas sa nakaraan – noong unang bahagi ng 2008.
Ang pinakahuling pagsabog nito ay nagbabadyang lalupang yayanig at hahatak pababa sa naghihingalo ng pandaigdigang sistema. Kahit ang ilan sa burges na ekonomista ay nagsasabing mas malala pa ito sa Depresyon sa 1929 na nagtulak sa pinakabangis na digmaan sa buong mundo.
Sa krisis pampinansya ay lalupang nahubaran ang katotohanan na nasa yugto na tayo ngayon ng kapitalismo ng estado – ang huling depensa ng bumubulusok-pababa na sistema. Nalalantad na ang ‘neo-liberalismo’ na bukambibig kapwa ng mga pwersang maka at kontra-globalisasyon ay sa realidad ng galaw ng ekonomiya ay isang mistipikasyon.
Ang ‘pagligtas’ o bail-out ng estado sa nabangkarotang malalaking mga bangko at pampinansyang institusyon gaya ng Northern Rock sa Britain, Bear Stearns, AIG, Merrill Lynch, Lehman Brothers, Fannie Mae at Freddie Mac sa USA, sa China, Japan, Germany, France na nagkahalaga ng daan-daang bilyong dolyares mula sa buhis ng mamamayan ay patunay lamang kung walang interbensyon at kontrol ng kapitalistang estado tiyak na babagsak ang ekonomiya ng sistema.
Ang katotohanang ito ay hindi na maitago kahit ng mga burges na komentarista at ekonomista na dati-rati ang bukambibig ay ‘liberalisasyon’ at ‘malayang kalakalan’:
“We’ve come a full circle. We now realize that you need actually good governance and good regulations and not just let the market run the show” (Kishore Mahbubani, dean of the Lee Kuan Yew School of Public Policy in Singapore, quoted by Reuters, PDI, Sept. 19, 2008)
Krisis sa Pinansya: Epekto ng Krisis ng Sistema
Ang krisis sa pinansya (sa partikular, ang ispekulasyon) ay hindi ang puno’t-dulo ng krisis ng sistema kundi ito ay produkto lamang ng huli.
Ang krisis sa pinansya kung saan mga bangko ang unang bumagsak ay nagmula sa hindi na mabayarang utang na pinauutang nito. Kaya ang mitsa ng pinakahuling pampinansyang krisis ay ang housing crisis sa USA at maging sa ibang abanteng kapitalistang bansa gaya ng Great Britain kung saan bilyun-bilyong dolyares ang hindi na mabayaran ng mga mamamayang nangungutang ng pabahay sa mga bangko.
Sa madaling sabi, ang krisis sa pinansya ay nagmula sa pagpapautang at pangungutang.
Magmula noong krisis sa 1960s, sa pangkalahatan ay pinagagalaw na lamang ang ekonomiya ng mundo sa pagpapautang at pangungutang dahil hindi na kaya ng sistema na paunlarin pa ang produktibong pwersa ayon sa kapasidad ng huli. Mismong ang kapitalistang mga relasyon sa produksyon ang humahadlang sa ibayo pang pag-unlad ng huli. ‘Lumalago’ ang pandaigdigang ekonomiya sa nagdaang mga taon dahil sa pagpapautang at pangungutang:
“The basis for the rates of growth in global GNP in recent years, which have provoked the euphoria of the bourgeoisie and their intellectual lackeys, are not fundamentally new. They are the same as the ones that have made it possible to ensure that the saturation of markets, which was at the root of the open crisis at the end of the 60s, didn’t completely stifle the world economy. They can be summed up as growing debt.” (International Review no. 30, 3rd Quarter 2007)
Ang mekanismo ng pinansya – sistema ng bangko, ispekulasyon at mekanismo ng pagpapautang – ay bahagi na ng pag-unlad (o ebolusyon) ng kapitalismo magmula pa noong 18 siglo. Kailangan ang mga ito para magkamal at isentralisa ang perang kapital para magkaroon ng kinakailangang puhunan para sa industriyal na pagpapalawak na labas na sa saklaw ng sinumang pinakamayamang indibidwal na mga kapitalista. Kaya, may mahalagang papel ang pagpapautang para pabilisin ang paglaki ng produktibong pwersa sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo.
Sa kabilang banda, ang pagpapautang ay nagpapabilis din ng krisis sa sobrang produksyon, ng paglikha ng mga produktong lagpas na sa kapasidad ng pamilihan.
Ang ispekulasyon ay hindi dahilan ng krisis kundi bunga lamang nito. Kung ganap mang nangibabaw ang ispekulasyon sa buong ekonomiya ito ay dahil sa nagdaang mahigit 70 taon ng krisis sa sobrang produksyon ang industriya ng paglikha ng produkto ay lumiliit ang tubo. Kaya hindi maiwasang ang perang-kapital ay ilalagak sa ispekulasyon o popular sa bansag na “casino economy”.
Imposible sa kapitalismo na walang krisis sa pinansya dahil ang dahilan nito ay ang natural na katangian ng kapitalismo na lumikha ng produkto na para bang walang limitasyon ang pamilihan; ang paglikha lagpas sa kapasidad ng pamilihan; ang sobrang produksyon:
“In these crises there breaks out an epidemic that, in all earlier epochs, would have seemed an absurdity - the epidemic of over production. …there is too much civilisation, too much means of subsistence, too much industry, too much commerce.” (Communist Manifesto)
Isang ilusyon ang sinasabi ng mga pwersang anti-globalisasyon na maaring mabuhay ang kapitalismo ngayon na walang ispekulasyon o ‘casino economy’. Hindi nila naunawaan ang galaw ng kapitalistang sistema. Kahit sa panahon ng 19 siglo ay pinakita na ni Marx na ang ispekulasyon ay bunga ng kakulangan ng malalagakan ng kapital para sa produktibong pamumuhunan. Dahil dito, naghahanap ang mga kapitalista ng mabilisang tubo sa isang malaking pasugalan. Sa kasalukuyan, ang mundo ay naging isa ng casino. Ang pagnanais ng kilusang anti-globalisasyon na itakwil ng kapitalismo ang ispekulasyon sa kasalukuyang panahon ay humihiling na maging vegetarian ang mga tigre o kaya ay huminto sa pagbuga ng apoy ang mga dragon.
Sa 19 siglo, sa pangkalahatan ay ‘hinahayaan’ lamang ng estado ang pamilihan ang magdidikta sa negosyo at komersyo dahil sa pangkalahatan ay malawak pa ang sasakuping hindi-pa-kapitalistang bahagi ng mundo. Kaya ang krisis ng sistema noon ay nalulutas sa pagsakop ng bagong pamilihan. Ngunit ganap ng nagbago ang lahat ng ito ng masakop ng kapitalismo ang buong mundo at iginapos sa kapitalistang relasyon ang pandaigdigang ekonomiya. Samakatuwid ay nabuo na ang isang integradong pandaigdigang pamilihan at wala ng bagong pamilihan na masasakop pa.
Ang 20 siglo ay simula ng pagkasaid ng pamilihan at ang pagkakahati ng mundo ng mga kapitalistang kapangyarihan – ang panahon ng imperyalismo:
“For the first time, the world is completely divided up, so that in the future only re-division is possible, ie territories can only pass from one ‘owner’ to another, instead of passing as ownerless territories to an ‘owner’” (Lenin — Imperialism, The Highest Stage of Capitalism)
Ang sinasabi ng Communist Manifesto na “the conditions of bourgeois society are too narrow to comprise the wealth created by them” na nareresolba sa 19 siglo sa pamamagitan ng pagpapalawak pa ng pamilihan ay naging permanente na sa panahon ng imperyalismo kung saan nasakop na ng sistema ng sahurang pang-aalipin ang mundo.
Ang imperyalismo ay ang dis-integrasyon ng kapitalismo, ang pangangailangang ibagsak ito at palitan ng isang lipunan na walang pagsasamantala sa pamamagitan ng rebolusyon ng manggagawa:
“The contradictions of the capitalist system, which lay concealed within its womb, broke out with colossal force in a gigantic explosion, in the great imperialist world war.
…… A new epoch is born! The epoch of the dissolution of capitalism, of its inner disintegration. The epoch of the communist revolution of the proletariat” (Platform of the Communist International, 1919).
Panghihimasok ng estado: Solusyon ba sa krisis?
Sa pangkalahatan, naniniwala ang Kaliwa ng burgesya sa propaganda ng mga estado na ang globalisasyon ay ‘pag-abandona’ o kaya ‘pagluluwag’ ng estado sa galaw ng ekonomiya at pagsuko nito sa ‘batas ng pamilihan’. Kaya naman mariing tinuligsa ng kilusang anti-globalisasyon ang ‘pribatisasyon, deregulasyon at liberalisasyon’ na ‘patakaran’ ng mga estado. Sa halip, nanawagan ang kilusang ito ng pagkontrol ng estado sa ekonomiya, ng pagtatanggol ng mga pambansang estado sa kani-kanilang pambansang ekonomiya laban sa ‘imperyalismo’. At ang ‘radikal’ na saring ng Kaliwa ay nanawagan ng nasyunalisasyon sa batayang bahagi ng ekonomiya sa ilalim ng ‘estado ng manggagawa’ o ‘estado ng bayan’:
“The basis of anti-globalisation ideology is the denunciation of the ‘neo-liberal’ policies adopted by the major powers since the 1980s, which have allegedly placed the entire world in the hands of the great multinational companies, subordinating all human activities - agriculture, natural resources, education, culture, etc - to the pursuit of profit. This is sometimes described as a process of commodification and standardisation of products - everything is up for sale, in short.
The world is run by the dictatorship of the market. This dictatorship has at the same time stolen political power from democratically controlled states, and thus from the citizens of the world.
Thus the anti-globalisation lobby raises the battle-cry: ‘our world is not for sale’. They demand that the law of the market must not guide political policies. Political decision-making must be restored to the citizens, and democracy must be defended and extended against all financial diktats.” (ICC, ‘Anti-Globalisation: Ideological Posion to the Proletariat’)
Anuman ang lenggwahe ng Kaliwa ang linya nila ay walang kaibahan sa Keynesianismo at Stalinismo.
Sa panahon pa ng Communist Manifesto ay napakalinaw na inilarawan ng mga marxista ang katangian ng kapitalismo at kung bakit kailangan itong ibagsak. Pero ninanais ng kilusang anti-globalisasyon na mag-imbento ng ‘bagong teorya’ laban sa kapitalismo at ‘bagong solusyon’ para sa kapakanan ng sangkatauhan:
“In sum, the anti-globalisers have reinvented the wheel. It’s some revelation that capitalist enterprises only exist to make profit! That, under capitalism, all goods are turned into commodities! That the development of capitalism means the globalisation of exchange!
The workers’ movement did not wait until the 1990s and the new wave of clever academics and radical thinkers who have come up with all this. All these ideas can be found in the Communist Manifesto, first published in 1848:
“The bourgeoisie has resolved personal worth into exchange value, and in place of the numberless indefeasible chartered freedoms, has set up that single unconscionable freedom - Free Trade. The bourgeoisie has stripped of its halo every occupation hitherto honoured and looked up to with reverent awe. It has converted the physician, the lawyer, the priest, the poet, the man of science, into its paid wage-labourers.
The need of a constantly expanding market for its products chases the bourgeoisie over the whole surface of the globe. It must nestle everywhere, settle everywhere, establish connections everywhere. The bourgeoisie has through its exploitation of the world market given a cosmopolitan character to production and consumption in every country. To the great chagrin of reactionaries, it has drawn from under the feet of industry the national ground on which it stood.”
Thus, the anti-globalisers claim to be offering a new analysis and a new alternative while at the same time suppressing all reference to two centuries of struggles and of theoretical endeavours by the working class, aimed precisely at understanding the bases for a truly human future. And little wonder: the better world proposed by the anti-globalisers does not look forward, as the workers’ movement has always done, but backwards, to a mythical rural past of happy little enterprises and local exchanges - or, more prosaically, to the period between the 1930s and the 1970s, which for them represents a lesser evil compared to the liberalisation which got underway in the ‘80s. After all, that was the period of ‘Keynesianism’ in which the state was a more obvious actor on the economic stage.” (Ibid)
Isa pang mistipikasyon na sinisigaw ng Kaliwa laluna ng mga stalinista, maoista at troyskyista ay ang modelo ng ‘sosyalistang estado’ o ‘estado ng manggagawa’ o ‘estado ng bayan’ na siyang kokontrol sa ekonomiya sa ngalan ng ‘uring manggagawa’ at ‘sosyalistang konstruksyon’. Ayon sa kanila, ito ang ‘epektibong paraan’ para ‘hindi maapektohan’ ng krisis ng pandaigdigang kapitalismo – ang ‘sosyalistang planadong ekonomiya’. Subalit, mabilis na naglaho ang bisa ng mistipikasyong ito ng bumagsak ang imperyalistang USSR at ang Eastern Bloc. Ganun pa man, hindi pa rin sumuko ang mga trotskyista (kabilang din ang mga maoista) sa ganitong modelo dahil para sa kanila: “ang krisis ng mundo ngayon ay krisis ng rebolusyonaryong liderato” o sa bulgar na pagkasabi, ang Trotskyistang (o maoista) partido lamang ang makapagligtas sa sangkatauhan.
Sa mahigit 70 taon, ang iba’t-ibang paraan ng burgesya para resolbahin ang krisis ng sistemang pinagtatanggol nito – Keynesianismo, ‘planadong ekonomiya’ o ‘neo-liberalismo’ – ay napatunayan na nagpalala lamang sa krisis ng sistema dahil ang ugat mismo ng krisis ay ang mismong mga kapitalistang relasyon, ang sistemang sahuran mismo.
Ganito ang pangunahing linya ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa noong 1980s kung bakit ‘tinalikuran’ nito ang Keynesianismo at pinalitan ng ‘neo-liberalismo’: ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ay nagdulot ng krisis sa 60s, 70s at 80s.
Ang katotohanan ay hindi bumitiw ang estado sa pagkontrol sa ekonomiya magmula ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto ng pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong 1914. Bakit?
“In all periods of decadence, confronted with the exacerbation of the system’s contradictions, the state has to take responsibility for the cohesion of the social organism, for the preservation of the dominant relations of production. It thus tends to strengthen itself to the point of incorporating within its own structures the whole of social life. The bloated growth of the imperial administration and the absolute monarchy were the manifestations of this phenomenon in the decadence of Roman slave society and of feudalism respectively.
In the decadence of capitalism the general tendency towards state capitalism is one of the dominant characteristics of social life. In this period, each national capital, because it cannot expand in an unfettered way and is confronted with acute imperialist rivalries, is forced to organise itself as effectively as possible, so that externally it can compete economically and militarily with its rivals, and internally deal with the increasing aggravation of social contradictions. The only power in society which is capable of fulfilling these tasks is the state.” (ICC Platform on State Capitalism)
Sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang permanenteng krisis, wala ng masasandalan ang burgesya kundi ang estado para sikaping bigyang ‘lunas’ ang krisis nito. Ang tendensya ng kapitalismo ng estado ay nakikita noon sa New Deal ni Roosevelt, ng Nazismo sa Germany at Pasismo sa Italy. Nakikita ito sa ‘planadong ekonomiya’ ng mga Stalinistang estado sa Rusya, Eastern bloc, China, Vietnam, Cuba, North Korea. At maging sa nasyunalisasyon ng diktadurang Marcos sa 1970s.
At sa panahon ng ‘neo-liberalismo’, nakikita ito sa bail-out ng estado sa naluluging malalaking kompanya at patuloy na panghihimasok nito, sa iba’t-ibang mekanismo (institusyon) sa buhay ekonomiya ng lipunan – IMF-WB, APEC, NAFTA, etc.
Ang pinakahuling stock market ‘crash’ sa buwan ng Setyembre ng taong ito at ang bail-out ng gobyerno ng USA sa mga nabangkarotang bangko at pampinansyang institusyon gaya ng Lehman Brothers at marami pang iba ay naging mitsa upang yugyugin ng mga pwersang anti-globalisasyon ang kanilang sarili sa ideolohiyang dala-dala nila. “Nagsasabi kaya ng totoo ang mga kapitalistang estado sa polisiya nilang globalisasyon?”, “Totoo kayang pinatutupad ng mga estado ang neo-liberalismo?”
Ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya at kapitalismo ng estado ay manipestasyon na nasa permanenteng krisis na ang panlipunang sistema. Ganito ang nagdaang mga makauring lipunan, ganito din ang kasalukuyang mapagsamantalang sistema. Sa panahon ng permanenteng krisis, lalupang pinalalakas ng burgesya ang kontrol ng estado sa buong buhay panlipunan.
Narito ang kahungkagan at kontra-rebolusyonaryong katangian ng kilusang anti-globalisasyon kung saan nanindigan ito na ang kontrol at panghihimasok ng estado sa ekonomiya ang tanging solusyon sa krisis ng kapitalismo. Ngunit, para panatilihin ang kanilang ‘radikal’ na postura at panatilihin ang kanilang mistipikasyon sa hanay ng manggagawa at maralita, igigiit nito na magagawa lamang ito ng isang estado na ‘maka-manggagawa’ at ‘maka-bayan’:
“One of the clearest examples of this false alternative is the argument that the state has withdrawn from the economy, leaving a free hand to the giant companies which are undermining democracy and the general interest. This is a total fraud. The state has never been more present in the economy than it is today. It’s the state which regulates world trade and fixes the interest rates, customs tariffs, etc. The state is still the leading economic actor, with a public expenditure which makes up an increasing portion of GNP and of the ever-swelling budget deficit. This is the so-called ‘powerless’, ‘absent’ state in the model country of liberalism, the USA. It is virtually impossible to mention any economic, political or social sector in which the state doesn’t have an important, if not preponderant role.
And the state is not the guarantor of a better world, where riches are more equally distributed: it’s the state which ruins this world, through war, through attacks on workers’ wages, pensions and social benefits. It’s the state which bleeds the working class dry to stand up to the crisis of the system.
What the anti-globalisers are saying to all those who ask questions about the state of the world is this: the choice is between liberalism and state capitalism, when the real choice is between socialism or barbarism.” (Ibid)
Sa ilalim ng kapitalistang sistema, may estado bang maka-manggagawa? Sa ilalim ng ‘sosyalismo ng isang bansa’ ang estado ba nito ay estado ng manggagawa? Ang makauring interes ba ng proletaryado ay interes din ng bansa o pambansang interes? Sinagot na ito ng kasaysayan at karanasan ng HINDI.
Solusyon sa Krisis: Ibagsak ang Kapitalismo
May dalawang natatanging solusyon sa krisis ng kapitalismo:
1. Pandaigdigan o pangkalahatang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa.
2. Wakasan ang sistemang sahuran, sistema ng kalakal at sistema ng pamilihan. Wakasan ang pagsasamantala.
Ang una ay pansamantala lamang (dahil lalakas ang ekonomiya para sa digmaan) at magdudulot lamang ng ibayong kahirapan at pagkasira ng sangkatauhan. Sapat na ang karanasan ng sangkatauhan sa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan at sa malaganap ngayon na mga lokalisadong digmaan sa ngalan ng ‘digmaan para sa pambansang kalayaan’ para maunawaan ang kahihinatnan ng solusyon ng burgesya sa krisis. Ang pangalawa ay permanente at magdulot ng ibayong pag-unlad ng produktong mga pwersa.
Ang una ay ang solusyon ng uring kapitalista. Ang ikalawa ay solusyon ng uring manggagawa. Ang una ay hahantong sa barbarismo. Ang ikalawa ay hahantong sa komunismo.
Ang una, para mangyari ay kailangang makumbinsi ang masang anakpawis sa pagtatanggol sa pambansang interes at mahahatak sa pambansang pagkakaisa. Kailangang makumbinsi ng burgesya ang mga manggagawa na magsakripisyo para sa ‘pambansang interes’. Ang pangalawa, para maganap, ay kailangang magkaisa ang mga manggagawa sa buong mundo kung saan itakwil nila ang pambansang interes ng kani-kanilang burgesya at yakapin ang makauring pagkakaisa. Ibig sabihin, kailangang agawin ng uring manggagawa ang kapangyarihan at ibagsak ang burges na estado at lahat ng mga institusyon nito.
Ang una ay isang malupit na digmaan sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa ‘inang-bayan’ habang ang ikalawa ay isang mapagpalayang rebolusyon, isang komunistang rebolusyon.
Sa madaling sabi, ang TANGING solusyon ay ang pagkakaisa ng buong uring manggagawa at ekstensyon ng pakikibaka laban sa lahat ng anyo ng kapitalismo – pribadong kapitalismo at kapitalismo ng estado; laban sa lahat ng mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan.
Ang pagkakaisang ito ay hindi sa pamamagitan ng pakipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya, hindi pagkakaisa para sa pambansang interes, hindi pagkakaisa sa ilalim ng mga unyon na matagal ng nasa kampo ng kontra-rebolusyon, at higit sa lahat hindi pagkakaisa sa ilalim ng bandila ng anumang mga partido ng Kaliwa – stalinista, maoista, trotskyista , anarkista at repormista.
Ang pagkakaisang ito ay isang makauring pagkakaisa na makikita sa asembliya ng mga manggagawa kung saan sila mismo ang may kontrol. Ang pagkakaisang ito ay sa ilalim ng gabay ng isang internasyunal na rebolusyonaryong partido ng manggagawa sa batayan ng internasyunalismo. Isang internasyunal na partido na mabubuo lamang sa panahon na sumusulong na ang rebolusyonaryong kilusang manggagawa sa buong mundo.
Hindi na maiwasan at mapigilan ng naghaharing uri ang paglawak ng krisis sa pinansya tungo sa iba pang bahagi ng lipunan – industriya, manupaktura, serbisyo, presyo ng bilihin, sahod at iba pa – kung saan ang unang-unang biktima at magdusa ay ang uring manggagawa at ang mga pamilya nito.
Dahil sa pandaigdigang krisis sa pinansya ay nagbabadyang mawalan ng trabaho ang milyun-milyong manggagawa:
1. Sa Amerika, 2.6 milyon manggagawa ang natanggal sa trabaho sa sektor sa manupaktura sa nagdaang dalawang taon.
2. Sa Britanya, nagbabantang mawalan ng trabaho ang 11,000 manggagawa sa sektor sa pinansya lamang dahil sa pumutok na krisis ng taong ito.
3. Sa pagkabangkarota ng Bear Stearns, AIG, Merrill Lynch, Lehman Brothers, Fannie Mae at Freddie Mac sa USA tiyak na daan-daang libo na naman ang mawalan ng hanapbuhay.
4. Gayong optimismo pa rin ang linya ng propaganda ng estado ng Pilipinas (“may kapasidad ang bansa na salagin ang epekto ng pandaigdigang krisis”), ito ay isang ilusyon lamang. Habang totoong ‘salvador del mundo’ ang naghihirap na mga kapatid nating OFWs sa ibayong dagat para ‘pasiglahin’ ang pambansang ekonomiya, nagbabanta naman na mawalan ng trabaho ang karamihan sa kanila na nasa Europe at Amerika sa panahong raragasa na ang bagyo ng krisis pinansyal sa ibang bahagi ng ekonomiya. Kaya naman, pinalalakas na ngayon ng bawat estado ang kampanya para sa patriyotismo para sa paghahanda sa mas matinding dagok ng krisis.
5. Nagbabanta ding maapektohan ang export-oriented industries dito sa Pilipinas sa lalupang pagbulusok-pababa ng bulok na sistema.
Sa madaling sabi, pipigain ang lakas-paggawa ng manggagawang Pilipino at pababain ang sahod nito para makasinghap man lang ng konting hangin ang naghihingalong sistema. Ngunit hindi lang ito sa Pilipinas nangyayari at mangyayari kundi sa halos lahat ng mga bansa.
Ito na lamang ang magagawa ng kapitalismo para patuloy siyang mabubuhay.
Ang nalalabing paraan na lamang ng manggagawa ay labanan ang mga atake ng kapital sa kanilang kabuhayan. At ang paglaban na ito ay magtatagumpay lamang kung magkaroon ng malawak na pagkakaisa ang manggagawa at kung sila mismo ang hahawak at magdedesisyon sa kanilang pakikibaka. Magiging epektibo lamang ang malawak na paglaban kung hindi na aasa ang manggagawa sa kongreso, senado, ehekutibo kundi sa lakas ng kanilang pakikibaka sa lansangan. Lalakas lamang ang makauring pagkakaisa kung hindi papayag ang mga manggagawa na hati-hatiin sila ng iba’t-ibang mga unyon na walang ibang interes kundi palakasin lamang ang kani-kanilang mga unyon at ang mga paksyon ng burgesya na sinusuportahan nito. Ganito na ang ginagawa ng mga manggagawa sa Bangladesh, Egypt, Vietnam, France, Britain, Germany, USA.
Wala ng epektibong solusyon sa loob ng sistema. Katunayan, lahat na ng solusyon ay nagawa na nito maliban sa panibagong pandaigdigang digmaan. Ang katotohanang ito ang nasa likod mismo ng pahayag ng first deputy managing director ng IMF sa kabila ng kanyang ‘optimismo’:
“Nearing the end of the year’s third quarter, most advanced economies are either virtually stagnant or on the verge of recession, while underlying inflation risks are becoming increasingly well-contained” (Speech to the Center for Strategic and International Studies, Sept 18, 2008).
Katunayan, ang solusyon ng kapitalismo sa kanyang krisis ay ganun pa rin, mula noon hanggang ngayon – pagpapautang at pangungutang:
“The American bourgeoisie likes to present itself as the ideological champion of free market capitalism. This is nothing but ideological posturing. An economy left to function according to the laws of the market has no place in today’s capitalism, dominated by omnipresent state intervention. This is the sense of the “debate” within the bourgeoisie on how to manage the present economic mess. In essence there is nothing new being put forward. The same old monetary and fiscal policies are applied in hope to stimulate the economy.
For the moment what is being done to alleviate the current crisis is more of the same— the application of the same old policies of easy money and cheap credit to prop up the economy. The American bourgeoisie’s response to the credit crunch is yet more credit! The Federal Reserve has cut its interest rate benchmark 5 times since September and seems posed to do so once more at its next scheduled meeting in March. In a clear recognition that this medicine is not working the Fed has steadily increased its intervention in the financial markets offering cheap money – $200 billion in March, on top of another multibillion package offered last December— to the financial institutions that are short on cash.” (IR 133, 2nd Quarter 2008)
Ang krisis ng kapitalismo ngayon ay hindi na tulad noong 19 siglo na cycle lamang ng boom and bust ngunit sa pangkalahatan ay nasa ilalim ng pagsulong ng pandaigdigang sistema. Ang ‘recovery’ ng krisis ng sistema ngayon ay nagiging mas panandalian habang ang kanyang krisis ay tumatagal ng tumatagal at palalim ng palalim.
Kailangan ng ibagsak ang burges na estado at ang mga burges na partido para makalaya ang uring manggagawa sa kahirapang dulot ng internal na krisis ng pandaigdigang kapitalistang sistema. Hinog na ang obhetibong kondisyon ngayon para sa komunistang rebolusyon.
ANG MGA MANGGAGAWA AY WALANG BANSA, MANGGAGAWA SA
BUONG MUNDO, MAGKAISA!
Sa paggunita sa ika-21 taong anibersaryo ng Mendiola masaker libu-libong magsasaka mula sa iba’t-ibang probinsya ng Luzon ang nagmartsa (Lakbayan) patungong Maynila para iggiit una sa lahat ang pagpapatupad ng “tunay na repormang agraryo”. Nauna na dito noong huling bahagi ng nakaraang taon ay nagmartsa ang mga magsasaka sa Sumilao, Bukidnon mula sa kanilang pinanggalingan patungong Maynila din. Magkaibang pampulitikang grupo at oryentasyon man ang kumokontrol sa mga magsasaka, iisa lamang ang kanilang isinisigaw: REPORMANG AGRARYO.
Walang duda na pinagsamantalahan ang masang magsasaka mula pa noong kolonyalismong Espanyol hanggang ngayon. Higit limang siglo na ang pagdurusa ng mga ito sa bulok na sistema ng lipunan.
Subalit MALI kung iisipin na walang nagbago sa bulok na sistema sa loob ng mahigit 500 taon at batay dito wala ding nagbago sa laman ng pakikibaka ng masang magsasaka para sila ay lumaya mula sa pagsasamantala at pang-aapi.
“Lupa sa nagbubungkal”. Ito ang sentro ng kahilingan ng mga magsasaka sa kasalukuyan. Ito ang sentrong kahilingan ng mga gerilya sa kabundukan. Ito din ang kahilingan ng mga repormista sa kalungsuran.
Sa panahon ng pyudalismo (kung saan ang naghaharing uri ay ang mga panginoong maylupa at kasama na dito ang Simbahan), itinali ang mga magsasaka sa lupa. May mga batas ang pyudal na estado na nagpaparusa sa mga magsasakang aalis sa lupa na walang pahintulot ng kanilang mga panginoon. Sa pangkalahatan, ito ang kalakaran ng mga kolonyalistang Kastila at ng Simbahan sa bansa sa loob ng 300 taon. Pinipilit ang mga aliping magsasaka na magbungkal para sa pangangailangan ng pyudal na kaayusan.
Simula ika-16 siglo nasa yugto na ng pabulusok-pababa ang pandaigdigang pyudal na sistema habang naging mas agresibo ang lumalakas na progresibo at rebolusyonaryong uri (na nagdadala ng bago at mas maunlad na moda ng produksyon) laban sa pyudal na kaayusan. Ang uring ito ay ang uring kapitalista (hindi ang uring magsasaka) na noon ay hindi pa naghaharing uri kundi ginigipit na uri ng naghaharing pyudal na mga panginoong maylupa.
Nang sakupin ng Espanya ang Pilipinas sa kalagitnaan ng 1500s, humihinang pyudal na kapangyarihan na ito sa pandaigdigang saklaw. Katunayan, binabayo na ng mga pakikibaka ng Kastilang burgesya ang pyudal na monarkiya sa loob mismo ng Espanya. Sa 1880s bago pa man naitayo ang Katipunan ni Andres Bonifacio sa 1896 ay naagaw na ng Kastilang burges ang kapangyarihan sa Espanya.
Gayong makauring interes ng magsasaka na makalaya sa pang-aalipin ng lupa, mas interesado ang burgesya dito dahil sa pamamagitan lamang ng paglaya ng mga magsasaka sa lupa ay matransporma sila bilang mga sahurang-alipin ng kapital, ang bago at mas maunlad na sistema ng produksyon. Samakatuwid, ang kahilingang anti-pyudal ng mga magsasaka ay isang burges na kahilingan.
Ang kahilingang “lupa sa nagbubungkal” ay kahilingan ng mga peti-burges na magsasaka na nagmamay-ari ng maliliit na parsela ng lupa. Ang uring ito ay ginigipit kapwa ng pyudal na panginoong maylupa para sa kanilang luho at ng burgesya para lubusan silang maalis sa lupa at maging mga sahurang-alipin ng kapital. Ang peti-burgesya sa kanayunan ay isang desperadong uri na walang kinabukasan: Sa ilalim ng pyudal na kaayusan ay nanganganib sila na maging ‘kasama’ (tenant) ng panginoong maylupa. Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay nasa bingit sila na maging manggagawa. Kinasusuklaman ng uring ito ang pagiging maralitang magsasaka at ang pagiging manggagawa.
Ang mga walang lupa ay matagal ng naging manggagawa. Katunayan, ang mga maralitang magsasaka sa kanayunan ang mga ninuno ng mga manggagawa sa kalungsuran. Kahit sa kasalukuyan, parami ng parami ang mga maralitang magsasaka na naging sahurang manggagawa sa nayon man o sa lungsod.
Subalit mahigit 100 taon ng pormal na nadurog ang pyudal na kaayusan sa bansa. Mahigit 100 taon ng naghari ang uring kapitalista sa bansa. Mahigit 100 taon ng kapitalismo ang sistema ng Pilipinas. Kung ikumpara sa antas ng pandaigdigang kapitalismo ay isang atrasadong kapitalistang bansa ang Pilipinas, hindi pa rin nito maaring itago ang realidad na ito ay isang kapitalistang bansa. Ang pagiging atrasado ng Pilipinas ay hindi pa dahil pyudal pa rin hanggang ngayon ang kanayunan kundi dahil wala ng kapasidad ang pandaigdigang kapitalismo na nasa yugto na rin ng kanyang pagbulusok-pababa mula ng pumutok ang unang imperyalistang digmaang pandaigdig noong 1914 na paunlarin pa ang kapitalismo ng bansa.
Ang kaaway ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan sa kasalukuyan ay hindi na ang mga tradisyunal na panginoong maylupa tulad noong unang panahon kundi mga kapitalistang panginoong maylupa na. Ang relasyon ng produksyon na nagsasamantala sa malawak na masa sa kanayunan ay hindi pyudal kundi kapitalista na. Ang estadong nagtatanggol sa mga modernong panginoong maylupa ay hindi pyudal na estado kundi ng mga kapitalista na.
Subalit pundamental na magkaiba ang interes ng mga manggagawang bukid at peti-burges sa kanayunan kung bakit nila nilalabanan ang mga kapitalistang panginoong maylupa. Ang una ay bilang manggagawa habang ang huli ay dahil ayaw nilang maging manggagawa. Ang una ay nais lumaya sa kapitalistang pagsasamantala habang ang huli ay nag-iilusyon pa rin na maging isang indepenyenteng kapitalistang magsasaka.
Malaki na ang pinag-iba ngayon kaysa noon. Maging ang mga tradisyunal na panginoong maylupa ay dumaan sa proseso ng “transpormasyon”. Karamihan sa kanila ay naging mga kapitalista gamit ang mga produkto sa lupa. Isang halimbawa dito ay ang pamilyang Cojuangco. Ang Hacienda Luisita ay isang kapitalistang sakahan. Kinamkam ng korporasyong San Miguel ang kalupaan sa Sumilao para sa tubo. Pinasok ng korporasyong Ayala ang mga sakahan sa Davao para sa negosyo ng saging. Sa madaling sabi, ang usapin ng monopolyo sa lupa sa kasalukuyan ay usapin ng monopolyo ng mga kapitalista (indibidwal o korporasyon) sa lupa.
Sa ilalim ng kapitalistang kaayusan, hindi imposible na pangunahan ng naghaharing uri ang kampanyang “lupa sa nagbubungkal”. Katunayan, pinangunahan ni Cory Aquino (mula sa pamilya ng malalaking kapitalistang panginoong maylupa) noong huling bahagi ng 1980s ang kampanyang “comprehensive agrarian reform program”. Pero mas interesado ang burgesya na patindihin ang pagsasamantala sa magsasaka para sa tubo.
Ang interes ng mga peti-burges na magsasaka ay maging “independent producers”. Kaya ba itong ibigay ng kapitalismo? May kapasidad ba ang kapital na muling buhayin ang tipong artisano na pagbubungkal ng lupa gaya noong nasa kasagsagan pa ang pag-unlad ng pyudalismo bago ang 1500s?
Gustuhin man ito ng naghaharing uri ay hindi na maaring ibigay ng isang sistemang naghihingalo na sa permanenteng krisis. Ang kapalpakan ng CARP ay patunay nito.
Ang kapalpakan ng CARP ay wala sa kanyang pagiging inutil sa “pagbibigay” ng lupa dahil sa kawalan ng pondo (ang katotohanan ay binabayaran ito ng magsasaka ng hulugan sa gobyerno) kundi dahil napilitan na ibenta ng magsasaka ang kanyang naangking lupa dahil sa pagkalugi. Kundi man binebenta ng magsasaka ay naobliga itong magbubungkal ng kanyang lupa para sa malalaking korporasyon – growers – na laganap sa Mindanao. Libu-libong growers ang kontrolado ng mga korporasyong Dole Philippines, Del Monte Philippines at Ayala. Maging ang mga kooperatibang pansakahan ay naging growers na din. Dagdag pa, pinapaboran ng kapitalistang estado ang land conversion na siyang interes ng malalaking kapitalista para sa tubo dahil ang estado mismo ay walang pera at lubog pa sa utang.
Hindi rin maglalaho ang pagsasamantala sa mga magbubukid sa kung sakaling ipamigay ng estado ng libre ang lupa sa mga magsasaka. Ito ang laman ng programang “rebolusyonaryong agraryo” ng CPP-NPA. Sa kalagayang maka-hayop ang kompetisyon ng bawat kapitalista at bawat bansa para sa makipot na pamilihan, hindi lang simpleng pag-aari ng lupa ang problema ng mga magsasaka. Higit pa dito ay ang problema ng kapital para sa kanyang parsela ng lupa. Ang indibidwal na pagbubungkal ng lupa sa ilalim ng kapitalismo ay mahuhulog lamang sa pagkabangkarota kung kapos sa kapital. Kaya nawawalan din ng saysay ang interes ng peti-burgesya na “independent producers” dahil sa malao’t madali ay kukunin ito ng “estado ng bayan” sa ilalim ng kampanyang nasyunalisasyon sa lupa para diumano sa kolektibisasyon at modernisasyon. Sa huli, nagiging mga manggagawa ang mga magsasaka sa dati sarili nitong lupa na pag-aari na ng estado o kooperatiba o kaya ay lumayas sa kanayunan para maging manggagawa sa malalaking industriya sa kalungsuran na pag-aari pa rin ng gobyerno. Ang modelo ng “rebolusyong agraryo” sa China, Vietnam, North Korea ang halimbawa kung paanong nagpalit anyo lamang ang mga kapitalistang nagmamay-ari ng lupa. Mula sa indibidwal na mga kapitalista, ang lupa ay napunta sa estadong kapitalista. AT NARITO ANG PINAKAMALAKING KASINUNGALINGAN NG MGA BANSANG ITO: NILILINLANG NILA ANG MGA MANGGAGAWA AT MAGSASAKA SA PAGSASABING ANG GINAGAWA NILA AY SOSYALISMO.
Ang dulo ng kahilingang “lupa sa nagbubungkal” sa ilalim ng kasalukuyang kaayusan ay maging sahurang alipin ang mga peti-burges na magsasaka o kaya ay mapilitang ganap na pumailalim sa pagsasamantala ng mga malalaking korporasyong kapitalista (lokal man o dayuhan). Ito ang tanging landas na tatahakin ng mga magsasaka sa ilalim ng kapitalistang sistema.
Pangkat man ni Gloria Arroyo, ng oposisyon, ng mga repormistang nasa loob ng mga non-government organizations at burges na kongreso, o maging ng mga armadong gerilya o rebeldeng militar ang nasa kapangyarihan HINDI nila masolusyonan ang pakikibaka ng mga magsasaka para lumaya sa kahirapan. Ang lahat ng mga grupong ito ay kumikilos sa ilalim ng balangkas ng mapagsamantalang mga relasyon sa produksyon na nasa permanenteng krisis na ngayon.
Kaya isang ganap na ilusyon ang hihilingin sa estado ang tunay na repormang agraryo dahil ang sistemang pinagtatanggol nito ay wala ng kapasidad para ibigay ang naturang kahilingan.Panlilinlang din ang pangako ng mga kaliwang grupo ng burgesya na kaya nilang ibigay ang kahilingang ito kung sila na ang nasa Malakanyang.
Ang tunay na solusyon sa usaping agraryo: Ibagsak ang Kapitalismo
Ang tunay na solusyon para sa panlipunang hustisya at paglaya ng mga magsasaka mula sa kahirapan ay wala sa loob ng balangkas ng kapitalistang sistema anuman ang anyo nito – indibidwal o pag-aari ng estado – at anuman ang porma ng paghari nito – demokratiko o diktadura ng burgesya. Kailangan munang wasakin ang kapitalistang mga relasyon sa produksyon bago lilitaw ang mga kondisyon para sa kalayaan sa kahirapan.
Ang uring magsasaka ay isang uri sa nakaraan. Hindi na maaring maibalik pa ang nakaraan kung saan may dignidad ang artisanong sakahan. Dinurog na ito ng kapitalismo sa Pilipinas 100 taon na ang nakaraan. Ang dapat harapin ng mga magsasaka ngayon ay ang interes ng kanilang uri sa hinaharap sa ilalim ng bulok na kaayusan. Ang pagiging sahurang alipin ang kinabukasan ng mga magsasaka sa ilalim ng nabubulok na sistema ng bansa at ng buong daigdig.
Ang pagkamit ng panlipunang hustisya ay wala sa kamay ng uring magsasaka kundi nasa kamay ng uring papasukan nila – nasa uring manggagawa. Ang sahurang manggagawa sa kanayunan at kalungsuran ang TANGING REBOLUSYONARYONG URI sa kasalukuyan. Ang uring ito ang may istorikal na misyon para ibagsak ang kapitalismo dahil hindi ito lalaya kung hindi nito mapalaya ang buong lipunan mula sa sistema ng pagsasamantala at pang-aapi.
Pangalawa, ang usaping agraryo sa bansa ay hindi malulutas sa loob ng balangkas ng bansa. Malulutas lamang ito sa pandaigdigang balangkas – sa pagwasak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw. Napakahalaga ang paglakas ng mga pakikibaka ng manggagawa sa buong mundo para masolusyonan ang problema sa lupa ng magsasakang Pilipino.
Hindi mananalo ang pakikibaka ng magsasaka kung hindi ito susuporta sa pakikibaka ng mga manggagawa para sa INTERNASYUNAL NA SOSYALISMO – isang pandaigdigang lipunan na wala ng mga uri at wala ng pagsasamantala. Walang panlipunang hustisya sa kahilingang “lupa sa nagbubungkal” sa ilalim ng kapitalismo. Ang panlipunang hustisya ay makakamit lamang sa SOSYALISASYON ng lupa at ang sosyalisasyon ay magiging realidad matapos madurog ang pandaigdigang kapital sa pamamagitan ng INTERNASYUNAL NA REBOLUSYON NG MGA MANGGAGAWA.
Benjie, 01/22/08
Umabot na sa 11.4% ang inflation rate ng bansa noong Hunyo. Ito ang pinakamataas sa loob ng 14 na taon. Ano ang dahilan?
Ayon sa ilang diumano ‘rebolusyonaryo’: ang dahilan ay ang pagiging tuta ng rehimeng Arroyo sa imperyalistang Estados Unidos at ang ‘pananabotahe’ mismo ng rehimen sa ekonomiya para magkaroon ng ‘artipisyal’ na krisis.
Habang totoong tuta nga ang rehimeng Arroyo (at maging ang nagdaang mga rehimen) sa imperyalistang US sa kadahilanang wala naman talagang bansa ngayon sa mundo na hindi kontrolado ng mas malakas na kapitalistang mga bansa (pro-USA o anti-USA man ang mga ito), hindi ito ang tamang paliwanag sa naranasang krisis ngayon sa Pilipinas at sa buong mundo. Kahibangan din ang propaganda ng ilang mga ‘radikal’ na ‘artipisyal’ lamang ang krisis dahil sa ‘pananabotahe’ ng kasalukuyang rehimen. Ang lohikang nasa likod nito ay walang problema sa pambansang kapitalismo basta maging ‘malaya lamang ito sa kontrol ng imperayalistang US’ o ‘mapatalsik lamang si Gloria’. Ito ay nakaangkla sa kontra-rebolusyonaryong pananaw ng ‘hakbang-hakbang’ na rebolusyon tungong sosyalismo.
Dagdag pa, matapos mawasak ang imperyalistang bloke ng USSR at humihina ang pagiging makapangyarihang bansa ng USA, nagkanya-kanya na rin ang lahat ng mga bansa sa paghahanap ng masasandalan. Bagamat nakasandal pa rin ang Pilipinas sa lakas-militar ng USA at malaking porsyento ng kanyang eksport (17% sa total export ng Pilipinas) ay papunta pa rin sa Amerika at 32% sa direct foreign investments ay galing sa kanila, naghahanap na ang burgesyang Pilipino ng ibang malalakas na bansa para sa kalakalan. Kaya, pinalalakas ng estado ng Pilipinas ang bilateral trade agreements sa mga karibal ng Amerika gaya ng imperyalistang China at Japan.
Totoong may krisis at palala ito. At ang krisis na ito ay pandaigdigan, nagmula mismo sa internal na mga kontradiksyon ng kapitalistang sistema na naipon mula noong katapusan ng 1960s at nagbabadyang sumabog na mas malala kaysa nakaraan.
Ang ‘solusyon’ ng uring kapitalista sa kanilang krisis ay utang, ekonomiya para sa digmaan at higit sa lahat maksimisasyon ng pagpiga ng labis na halaga sa uring manggagawa. Subalit ang ‘solusyong’ ito ay lalo pang nagpalala sa kanyang krisis.
Kasalukuyang krisis ng kapitalismo
Kung noong krisis sa 1970s relatibong naging epektibo pa ang pagpapautang, ispekulasyon at ekonomiya para sa digmaan, ngayon ay sumabog na ito sa mukha ng kapitalismo. Ang nasabing mga solusyon ay panandalian lamang at nagdulot pa ng paglala ng krisis.
Ngayon, lubog na sa utang ang halos lahat ng mga bansa. Ang Pilipinas ay may mahigit P4 na trilyong utang habang ang Amerika ay halos $8 trilyon. Ang kasalakuyang krisis ngayon sa Amerika, na tila kasing lala noong 1929 Great Depression ay bunga ng pagkabangkota ng mga bangko dahil hindi na makabayad ang mga manggagawa sa utang. Hindi sila makabayad dahil paliit ng paliit ang kanilang sahod kumpara sa pataas ng pataas na presyo ng mga bilihin. Kaya nagkaroon ng krisis sa pagbayad-utang sa pabahay. Tuloy, naging epicentre ang USA ngayon sa naranasang krisis ng buong daigdig. Dahil ang pinaka-makapangyarihang bansa ang nasa krisis, naranasan natin ang napakalakas na lindol ng krisis sa pandaigdigang saklaw.
Ngayon, ang military-industrial complex ng bawat bansa ay lalupang nagpabigat sa samut-saring mga kontradiksyon ng sistema. Mayor na salik ito sa paglobo ng utang, pagkasira ng bilyun-bilyong ari-arian at pagkawala ng daan-daan libong buhay sa buong mundo dahil sa rehiyonal at lokalisadong mga digmaan.
Sa paghahabol na magkamal ng tubo, lalupa tuloy na lumala ang krisis; lalupang tumaas ang presyo ng mga bilihin at ng langis!. Ibig sabihin, wala ng epektibong solusyon sa krisis sa loob mismo ng kapitalismo.
Lumalakas na panghihimasok ng estado
Dahil nasa permanenteng krisis na ang kapitalismo, nasa kanyang dekadenteng yugto na, hindi na rin epektibo ang ‘free market’ capitalism gaya ng sa 19 siglo. Ang pangunahin at huling sandalan ng pasuray-suray na sistema ay ang estado. Tanging ang pagkontrol ng estado sa buong buhay panlipunan ang huling baraha ng burgesya para manatiling nakatayo ang bulok na sistema. Ang kapitalismo ng estado ay hindi manipestasyon ng pag-unlad ng sistema kundi ekspresyon ng permanenteng krisis nito:
“State capitalism is not an attempt to resolve the essential contradictions of capitalism as a system for the exploitation of labour power, but the manifestation of these contradictions. Each grouping of capitalist interests tries to deflect the effects of the crisis of the system onto a neighbouring, competing grouping, by appropriating it as a market and field for exploitation. State capitalism is born of the necessity for this grouping to carry out its concentration and to put external markets under its control. The economy is therefore transformed into a war economy.” (‘The Evolution of Capitalism and the New Perspective’, 1952, reprinted in Bulletin D’Etude et de Discussion of Revolution Internationale, no.8, p.9).
Magmula 1914 ay lumalakas ang panghihimasok ng estado sa buhay panlipunan. Ito ang tendensya ng kapitalismo ng estado (state capitalism). Lahat ng kapitalistang mga bansa ay ito ang ginagawa. Kaya nasaksihan natin ang New Deal ng Amerika noong 1920s-1930s, ang Nazism sa Germany at Fascism sa Italy, at ang ‘socialism in one country’ ng imperyalistang USSR at mga tuta nito. Lahat ng ito ay mga pagsisikap ng burgesya upang isalba ang naghihingalong sistema.
Nang muling sumabog ang krisis sa 1960s at 1970s, lumaganap ang totalitaryanismo ng estado at nasyunalisasyon ng industriya laluna sa mahihinang ekonomiya na nasa 3rd world. Kaya naging uso noon ang mga diktadura at mga industriyang pag-aari ng gobyerno. Ang paglitaw ng diktadurang Marcos ay hindi simpleng kagustuhan lamang ng paksyong Marcos para manatili sa posisyon o ng dikta ng USA. Ito mismo ang di-maiwasang tendensya ng isang sistema na nasa bingit ng kamatayan.
Ang sinasabing ‘neo-liberalismo’ o globalisasyon ay isang mistipikasyon kung ang pag-uusapan ay ang pagluwag ng panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan. Ang Kaliwa lamang ng burgesya ang nagpropaganda nito para patuloy na ibilanggo ang uring manggagawa na ‘tagapagligtas’ ang estado basta ‘kontrolado’ lamang ito ng ‘partido ng manggagawa’ o ‘partido komunista’ o ‘partido ng bayan’.
Sa kasalukuyang krisis, hindi na maaring itago ng Kanan o Kaliwa ng burgesya ang lantarang panghihimasok ng estado para isalba ang sistema. Lahat ng mga estado ay lantaran ng nanghihimasok sa kabila ng kanilang propaganda ng liberalisasyon, pribatisasyon at deregulasyon. Ang Kaliwa naman ay nagprotesta hindi dahil sa panghihimasok ng estado kundi ‘hindi sapat’ ang panghihimasok at ‘wala sa tamang direksyon’.
Subalit, ang patuloy na itinatago ng burgesya – Kanan man o Kaliwa – ay ang katotohanan na matagal ng palpak ang kapitalismo ng estado: bumagsak ang bloke ng imperyalismong USSR. Ang mga estado-kapitalistang mga rehimen gaya ng China, Vietnam, Cuba, Venezuela at North Korea ay hindi nakaligtas sa pananalasa ng krisis ng pandaigdigang kapital. Binabawi o binabawasan na ng mga ‘welfare states’ ng mga kapitalistang bansa sa Europe ang kanilang ‘tulong’ sa manggagawa mula sa pension, health, edukasyon at iba pa.
Higit sa lahat, halos lahat ng mga kapitalistang estado ngayon laluna ang Pilipinas ay lubog sa utang at nabubuhay na lang sa pangungutang!
Kaya ang subsidyo ng rehimeng Arroyo sa kuryente, bigas at iba pa ay napakalimitado at panandalian lamang dahil ang estado mismo ay walang sapat na pera at mula pa sa utang ang malaking bahagi ng perang ginagamit! Subalit pansamantala naman nitong naibalik sa utak ng naghihirap na masa na ang estado ang ‘tagapagligtas’ nila bagay na hindi tinutuligsa ng Kaliwa, bagkus ay sinuportahan pa sa mas ‘radikal’ na lenggwahe.
Iniisip ng burgesyang Pilipino ngayon na kunin at direktang kontrolin ng estado ang MERALCO at maging ang Sulpicio Lines matapos malunod ang barkong nitong M/V Princess of the Stars. Ibig sabihin, nag-iisip ang burgesya ng nasyunalisasyon para muling tangkaing isalba ang bansa mula sa krisis. Ang mga pahayag ng rehimeng Arroyo hinggil dito ay pamumulso nito kung makukuha ba nito ang bendisyon ng buong uring burgesya.
Subalit tila ayaw ng Kaliwa na ang paksyong Gloria ang kokontrol sa isang sentralisadong estado at ang Kanan naman ay natatakot sa muling pagbabalik ng ganap na pagkontrol ng estado sa ekonomiya. Subalit, itutulak ang buong uring kapitalista tungo sa kapitalismo ng estado para pansamantalang mapigilan ang maagang pagsabog ng sistema. Kung mas lalala pa ang krisis bago ang eleksyong sa 2010, mapilitan ang burgesyang Pilipino na palitan ang paksyong Arroyo ng isang paksyon na may ‘popular’ na suporta para ipatupad ang ganap na panghihimasok ng estado sa ekonomiya. At tiyak, ang nasa isip ng burgesya ngayon ay ang Kaliwa o koalisyon ng Kanan at Kaliwa pero dominado ng huli (gaya ng modelo sa Central at Latin America) na matagal ng naglalaway na makahawak sa estadong kapitalista.
Ang pangkalahatang estratehiya ng pandaigdigang burgesya ay: kung mahina ang militante at independyenteng kilusang manggagawa, gagamitin nito ang Kanan upang patindihin ang atake laban sa uring anakpawis. Kung sumusulong ang kilusang proletaryo, gagamitin nito ang Kaliwa, upang pigilan ang pagsulong at hadlangan ang uri na maagaw ang kapangyarihan at madurog ang kapitalistang estado. Gagamitin ng Kanan at Kaliwa ang nasyunalismo at demokrasya para panatilin ang diktadura ng uring kapitalista.
Komunistang rebolusyon
Kanan o Kaliwa man ng burgesya ang hahawak sa estado ng Pilipinas; idaan man ito sa ‘popular’ na pag-aalsa o eleksyon, hindi na nito maampat pa ang super-typhoon na pananalasa ng krisis ng sistema. Ang kapitalismo ng estado ay tiyak (tulad ng nangyari sa USSR at iba pang bansa na hawak ng Kaliwa sa nakaraan) na patindihin ang pagsasamantala sa manggagawa at maralitang Pilipino gamit ang ‘nasyunalismo’ at ‘pagmamahal sa bayan’ para sa pambansang kapitalismo. Pero, hindi maaring makaligtas ang pambansang kapitalismo ng Pilipinas dahil nakapaloob at bahagi ito sa nalulunod na barko ng pandaigdigang kapitalismo.
Ang rehimeng kapitalismo ng estado kahit pa ang maskara nito ay ‘sosyalismo’ o ‘demokrasyang bayan’ ay mabubuhay lamang sa ibabaw ng naghihirap na mamamayan.
Dahil pandaigdigan ang krisis ng kapitalismo at walang bansa na makaligtas dito, pandaigdigan din ang rebolusyon na gagawin ng uring manggagawa para wakasan ang kahirapan. Ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo ay makikita at mararamdanan sa bawat bansa. Subalit, ang kalutasan nito ay wala sa bawat bansa na hiwa-hiwalay sa isa’t-isa.
Hindi ang kapitalismo ng estado at nasyunalisasyon o ang panghihimasok nito sa pagpapatakbo sa ekonomiya ng lipunan ang daan tungo sa kalayaan mula sa kahirapan kundi ang PAGDUROG mismo sa umiiral na kapitalistang mga relasyon sa lipunan. Komunistang rebolusyon ng manggagawa ang tanging solusyon sa krisis ng kapitalismo. Lalaya lamang ang uri mula sa pang-aalipin at pagsasamantala pagkatapos nitong maagaw ang kapangyarihang pampulitika – ang pagtatayo ng diktadura ng proletaryado.
Nanawagan ang rehimeng Arroyo na ipagdiwang ang anibersaryo ng araw ng “kalayaan” ngayong Hunyo 12 habang tinuligsa naman ito ng Kaliwang paksyon ng burgesya dahil hanggang ngayon “hindi malaya” ang Pilipinas mula sa kontrol ng mga dayuhan partikular ng imperyalistang Amerika.
Magkatunggali man ang dalawang paksyon ng burgesya sa Pilipinas sa usapin kung malaya o hindi ang bansa, nagkakaisa naman sila na posible pang lalaya ang isang bansa sa panahon ng imperyalismo. Katunayan, ayon sa Kaliwa, ito ang “sentral na usapin sa anti-imperyalistang pakikibaka”.
Nagmula sa baluktot at kontra-rebolusyonaryong pag-unawa sa katangian ng imperyalismo kaya walang pag-aalinlangan ang iba’t-ibang grupo ng Kaliwa na suportahan ang lahat ng mga kilusan na lumalaban sa imperyalistang Amerika sa kabila ng katotohanan na ang mga kilusang ito (gaya ng Hamas, Hizbollah at Iraqi Resistance) ay suportado din ng ibang mga imperyalistang kapangyarihan na karibal ng Estados Unidos gaya ng Iran, Syria, China, Venezuela at Cuba. Ang ilan sa Kaliwa ay naniniwala pa nga na isang “rebolusyonaryo” at “progresibo” ang panatiko at pundamentalistang grupo ni Bin Laden dahil ito ay sagad-saring anti-Amerika!
Habang ang nagharing paksyon ay nagsasabing nakamit na ng bansa ang kalayaan noong 1946 ang kabilang paksyon naman ay nagsasabing hindi pa malaya ang Pilipinas hanggang ngayon kaya patuloy itong naghihirap at atrasado.
Pambansang kalayaan: Panawagan ng burgesya laban sa pyudalismo
Batay sa makauring pagsusuri, ang pambansang kasarinlan ay kahilingan ng burgesya para wasakin ang pyudal na kaayusan. Kailangan ng uring kapitalista para sa kanyang pampulitikang paghari ang isang depinidong teritoryo na paghati-hatian nila sa pandaigdigang saklaw. Mahalaga ito para sa malayang kalakalan at kompetisyon ng bawat paksyon ng burgesya.
Kaya sa 18 at 19 siglo, ang makabayang adhikain ay pinangunahan ng bagong sibol na uring mapagsamantala na nagdadala ng bago at progresibong moda ng produksyon – kapitalismo. Ang panawagang pagtatayo ng bansa sa mga siglong nabanggit ang buod para makabig ng burgesya ang iba pang mga uri gaya ng magsasaka at peti-burgesya laban sa pyudalismo. Sa ilalim ng mga islogang “pagkapantay-pantay, kapatiran at kalayaan” nagtagumpay ang mga burges na rebolusyon noon.
Dahil progresibo at nasa pasulong na yugto pa ang kapitalismo sa 18 at 19 siglo, naging pampabilis ng pag-unlad ng produktibong mga pwersa ang pagtatayo ng mga bansa gaya ng Amerika at Alemanya. Sa madaling sabi, ang makabayang adhikain noon ay progresibo para sa pagsulong ng lipunan. Kaya sinusuportahan ito ng uring proletaryado sa kabila ng katotohanan na hindi ito ang kanilang makauri at istorikal na interes.
Sa pagpasok ng 20 siglo kung saan ganap ng nasakop ng kapitalismo ang buong daigdig at nabuo at nasagad na ang pandaigdigang pamilihan, nagbago na ang katangian ng kapitalismo: umabot na ito sa rurok ng kanyang pag-unlad bilang moda ng produksyon at nasa bukang-liwayway na ng kanyang pagbulusok-pababa. Hindi na progresibo ang kapital kundi ganap ng naging reaksyonaryo at bangkarota na. Ibayong kahirapan at pagkasira ng mundo ang tanging maibibigay nito.
Sa dekadenteng kapitalismo: “Pambansang kalayaan” ilusyon na lang at kontra-rebolusyonaryo ang katangian
Sa kasalukuyang panahon ng permanenteng krisis ng pandaigdigang kapitalismo kung saan ganap ng nagapos sa kapitalistang relasyon ang lahat ng mga bansa, ang usapin ng “malayang” bansa ay isa na lang ilusyon at ginawang instrumento ng naghaharing uri para panatilihing buhay ang naaagnas na sistema. Sa ngalan ng nasyunalismo at pagtatanggol sa inangbayan nangyari ang karumal-dumal na mga digmaan na pumapatay ng daang milyong mamamayan.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo — kung saan ang pananatili ng isang bansa ay nakasandig sa kanyang pagsasamantala sa ibang mga bansa; sa ilalim ng tumitinding kompetisyon sa ilalim ng sagad na pandaigdigang pamilihan, ang mahihina ay aapakan ng malalakas, ang mahihina ay kokontrolin ng mas makapangyarihan, at higit sa lahat, ang bawat pambansang kapital ay nagpapaligsahan na maungusan ang mga karibal nito sa kompetisyon sa pandaigdigang pamilihan – isang panlilinlang ang malayang bansa at pagkapantay-pantay ng mga bansa.
Subalit dahil hindi syentipiko at marxista ang paninindigan ng Kaliwa laluna ng mga maoista, naniniwala ito na kung “mapalaya” ang Pilipinas sa mga kuko ng imperyalistang Kano, uunlad ang pambansang kapital ng bansa at matutupad ang pangarap ng burgesyang Pilipino na “this nation can be great again!”.
Ang aktwal na resulta ng kasaysayan ng “napalayang” mga bansa magmula 1914 ang patunay na isang panlilinlang at bitag ang usapin ng pambansang kalayaan dahil ang mga bansang ito ay naging tuta o sunud-sunuran din sa mas makapangyarihang imperyalista na karibal ng pinatalsik nila sa kanilang mga bansa. Halimbawa nito: Pinatalsik ng China ang imperyalistang Amerika sa 1949 subalit hinawakan naman sila ng imperyalistang USSR; kumawala ito sa pangil ng USSR subalit bumalik din sa kandungan ng Amerika sa 1970s. Ngayon, isang nag-aambisyong imperyalistang kapangyarihan na ang China. Pinatalsik ng Vietnam ang mga Kano noong 1975 subalit magmula dekada 1990 bumalik ulit ito sa “mapagkaibigang” relasyon sa Amerika. Isang anti-imperyalistang Kano ang bansang Venezuela sa ilalim ni Hugo Chavez pero kumukuha ito ng “pampulitikang gabay” sa Cuba at nagsisikap makontrol ang buong Central at Latin America kakutsaba ito.
Ang pinakahuling modelo ng “tagumpay” ng pambansang pagpapalaya ay ang Nepal na kontrolado na ngayon ng mga maoista at naibagsak na nila ang pagharing monarkiya. Subalit lingid sa kaalaman ng marami, nakasandal ang mahinang Nepal sa malakas na imperyalistang China. Ginamit ng huli ang una laban sa kanyang karibal na imperyalistang India. Hindi tiyak kung hanggang kalian manatili sa kapangyarihan ng paksyon ng mga maoista. Pero ang tiyak, hindi uunlad ang Nepal bilang bansa sa ilalim ng dekadenteng kapitalistang kaayusan. Hindi maglalaho sa Nepal ang pagsasamantala, bagkus lalo pa itong lalala.
Ang “pambansang kilusan” at nasyunalismo ngayon ay hindi na laban sa pyudal na kaayusan dahil sa kataposan ng 19 siglo ay nawasak na sa pangkalahatan ang pyudal na paghari. Sa halip, ang mga ito ay pananggalang ng isang paksyon ng burgesya para makabig nito ang buong populasyon laban sa karibal na paksyon kung saan ang kanilang kompetisyon ay umabot na sa kompetisyon at labanang militar at digmaan.
Hindi makaligtas ang Pilipinas sa istorikal na batas ng dekadenteng kapitalismo. Matapos mapatalsik ang imperyalistang Kano, tiyak mamimili na lang ang burgesyang Pilipino kung alin sa mga karibal na imperyalistang kapangyarihan magpatuta ito – China? Russia? Germany?
Tanging ang proletryong rebolusyon lamang ang daan papunta sa tunay na pag-unlad hindi ng bansa kundi ng lipunan mismo; hindi ng isang uri lamang kundi ng buong sangkatauhan sa isang komunistang lipunan na walang mga uri.
Sa ngayon, ang “pakikibaka para sa pambansang kalayaan” at ang pag-iilusyon na may kalayaan sa ilalim ng kapitalistang kaayusan ay mga hadlang para sa pagsulong ng isang pandaigdigang kilusan para sa isang tunay na malayang sangkatauhan at lipunan.
Hindi “pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya” ang nagdadala ng makauring interes ng uring manggagawa o kahit man lang daan papunta doon kundi ang internasyunal na rebolusyon ng proletaryado para sa komunismo.
Ang tunay na anti-imperyalistang linya ay ang linya laban sa kapitalismo (lokal man o dayuhan, pambansang kapitalista man o dayuhan ). Ang linyang ito ay komunistang rebolusyon wala ng iba pa.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 1 byte |
Ang mga politiko at ekonomista ay naubusan na ng mga salitang naglalarawan sa bigat ng sitwasyon: "nasa hangganan ng kailaliman", "Isang Pearl Harbor sa ekonomiya" "Isang rumaragasang tsunami" "Ang 9/11 sa pinansya"[1]... kulang na lang ang Titanic.
Ano ba talaga ang nangyari? Nahaharap sa napipintong unos sa ekonomiya, marami ang nakababahalang katanungan. Papasok na ba tayo sa panibagong pagbagsak gaya ng sa 1929? Paanong nangyari ito? Ano ang gagawin natin para maipagtanggol ang ating sarili? At anong uri ng mundo ang tinitirhan natin?
Walang anumang ilusyon sa puntong ito. Sa pandaigdigang saklaw, sa darating na mga buwan, masaksihan ng sangkatauhan ang nakakapangilabot na pagbagsak ng kanyang kabuhayan. Sa kanyang pinakahuling ulat, sinabi ng International Monetary Fund na mula ngayon hanggang sa maagang bahagi ng 2009, 50 mga bansa ang papasok sa nakakatakot na listahan ng mga bansang matamaan ng delubyo ng gutom. Ilan sa kanila ay ang maraming bansa sa Africa, Latin America, Caribbean at maging sa Asya. Sa Ethiopia, halimbawa, 12 milyong tao ang opisyal na nasa sitwasyong namamatay na sa gutom. Sa India at China, itong mga tinaguriang bagong kapitalistang Eldorados, daan-daang milyong manggagawa ang matatamaan ng bangis ng kahirapan. Sa USA at Uropa, malaking bahagi ng populasyon ang nahaharap sa di-matiis na kahirapan.
Lahat ng mga sektor ay apektado. Sa mga opisina, bangko, paktorya, ospital, hi-tech na mga sektor, industriya ng sasakyan, mga edipisyo o distribusyon, milyun-milyong mawalan ng trabaho ang nagbabanta. Tatama na ang tanggalan! Mula pagpasok ng 2008 at sa USA lamang, halos isang milyong manggagawa ang sinipa sa lansangan. At simula pa lamang ito. Ang sunod-sunod na tanggalan ay nagkahulugan na lalong mahirap para sa mga pamilya ng manggagawa na magkaroon ng sariling bahay, kumain at pangalagaan ang kalusugan. Nagkahulugan din ito na para sa mga kabataan ngayon walang maibigay na kinabukasan ang kapitalismo sa kanila.
Ang kagimbal-gimbal na perspektibang ito ay hindi na itinatago ng mga lider ng kapitalistang mundo, ng mga pulitiko at manunulat na nagsisilbi sa naghaharing uri. Paano nila nagawa ito? Ilan sa pinakamalaking mga bangko ng mundo ay nalugi; nasagip lamang sila salamat sa daan-daang bilyong dolyar, pounds at euros na binigay ng mga bangko sentral, i.e. ng estado. Para sa mga stock markets ng Amerika, Asya at Uropa, ay walang hanggang pagbulusok-pababa: nalugi sila ng 25 bilyong dolyares magmula Enero 2008, o katumbas ng dalawang taong total na produksyon ng USA. Lahat ng ito ay nagpakita ng tunay na pagkataranta ng naghaharing uri sa buong mundo. Kung bumagsak ang mga stock markets ngayon, ito ay hindi lang dahil sa nakakapangilabot na sitwasyong kinakaharap ng mga bangko, ito ay dahil din sa nakakahilong pagbagsak ng tubo na inaasahan ng mga kapitalista mula sa malawakang pagbaba ng ekonomiya, isang alon na pagkalugi ng mga empresa, isang resesyon na mas malala kaysa nakita natin sa nagdaang 40 taon.
Ang pangunahing mga lider sa daigdig, Bush, Merkel, Brown, Sarkozy, Hu Jintao, ay nagtipun-tipon sa serye ng mga pulong at ‘summits' (G4,G7,G8,G16,G40) para tangkaing limitahan ang pagkasira, para pigilan ang pinakamalalang mangyari. Isang panibagong summit ang pinaghandaan sa kalagitnaan ng Nobyembre, na tinitingnan ng iba bilang daan sa ‘panibagong pagpupundar ng kapitalismo'. Ang tanging bagay na kahalintulad sa pagkabalisa ng mga politiko ng estado ay ang ingay ng mga eksperto sa mga TV, radyo at pahayagan...ang krisis ang numero unong estorya ng midya.
Bakit napakaingay?
Katunayan, habang hindi na maitago ng burgesya ang nakakapinsalang kalagayan ng ekonomiya, sinubukan nitong papaniwalain tayo na hindi ito usapin na kukwestyonin ang kapitalistang sistema mismo, na ito ay usapin ng paglaban sa ‘pang-aabuso' at ‘pagmamalabis'. Ito ay pagkakamali ng mga ispekulador! Ito ay pagkakamali ng ganid na mga kapitalista! Ito ay kamalian ng mga insentibo sa pagbubuhis! Ito ay pagkakamali ng ‘neo-liberalismo'!
Para malunok natin ang alamat na ito, lahat ng propesyonal na mga manggagantso ay pinakilos. Silang mga ‘eksperto' na nagsasabi sa atin noon na malusog ang ekonomiya, na matatag ang mga bangko...ngayon ay nasa TV at naghasik ng panibagong kasinungalingan. Sila na noon nagsasabi sa atin na ang ‘neo-liberalismo' ANG solusyon, na dapat huwag manghimasok ang estado sa ekonomiya, ngayon ay nanawagan sa mga gobyerno na lalupang manghimasok.
Ibayong panghihimasok ng estado at ibayong ‘moralidad', at maging maayos ang kapitalismo! Ito ang malaking kasinungalingan na nais nilang ibenta sa atin!
Ang totoo hindi nagsimula sa tag-init ng 2007 ang krisis na naminsala sa pandaigdigang kapitalismo ngayon, sa pagsabog ng bula sa pabahay sa US. Sa mahigit 40 taon sunod-sunod ang resesyon: 1967, 1974, 1981,1991,2001. Sa loob ng ilang dekada naging isang permanenteng sakit ang kawalan ng trabaho, at ang mga pinagsamantalahan ay nagdurusa sa mga atake sa istandard ng kanilang pamumuhay. Bakit?
Dahil ang kapitalismo ay isang sistema na gumagawa ng produkto hindi para sa pangangailangan ng tao kundi para sa merkado at tubo. Napakaraming hindi naibigay na pangangailangan pero hindi mabibili: sa ibang salita, ang malawak na mayorya ng populasyon ay walang kapasidad na bilhin ang mga kalakal na nagawa. Kung nasa krisis ang kapitalismo, kung daan-daang milyong tao, at sa malao't madali bilyun-bilyon, ang inihagis sa hindi matiis na kahirapan at gutom, hindi dahil hindi sapat ang ginagawang produkto ng sistema kundi dahil lumilikha ito ng mas maraming kalakal kaysa kaya nitong maibenta. Sa bawat panahon na nasadlak ang burgesya sa ganitong problema ang solusyon nito ay malawakang pagpapautang at paglikha ng artipisyal na merkado. Kaya ang mga ‘rekoberi' ay laging humahantong sa madilim na bukas, dahil sa huli lahat ng mga utang ay dapat mabayaran, ang mga utang ay lalong lumala. Ito mismo ang nangyayari ngayon. Lahat ng ‘kamangha-manghang pag-unlad' sa nagdaang ilang taon ay lubusang nakabatay sa utang. Ang pandaigdigang ekonomiya ay nabubuhay sa utang, at ngayon na kailangan itong bayaran, ang lahat ay bumagsak tulad ng baraha. Ang kasalukuyang kombulsyon ng kapitalistang ekonomiya ay hindi resulta ng ‘maling pamamahala' ng pampulitikang mga lider, ng ispekulasyon ng mga ‘mamumuhunan' o ng iresponsableng aktitud ng mga bangkero. Ang mga taong ito ay walang ibang ginawa kundi ilapat ang mga batas ng kapitalismo at ang mga batas na ito mismo ang nagdala sa sistema tungo sa kanyang pagkawasak. Kaya ang bilyun-bilyong nilagak ng mga estado at ng kanilang mga bangko sentral sa pamilihan ay walang saysay. Lalupa itong nagpalala! Pinalalaki lamang nito ang utang, tulad ng pagtatangkang patayin ang apoy sa pamamagitan ng pagbuhos ng gasolina. Pinakita lamang ng burgesya ang pagiging inuil at desperasyon sa mga hakbanging ginagawa nito. Sa malao't madali lahat ng kanilang pagliligtas (bail-out) ay mabibigo. Walang totoong rekoberi ang posible sa kapitalistang ekonomiya. Walang polisiya, ng Kanan man o ng Kaliwa, ang makapagsalba sa kapitalismo dahil ang sakit ng sistemang ito ay napakalubha at wala ng lunas.
Kahit saan nakikita natin ang pagkukumpara sa pagbagsak sa 1929 at sa Napakalaking Depresyon sa 1930s. Tandang-tanda pa natin ang mga imahe ng panahong iyon: walang kataposang linya ng mga manggagawang walang trabaho, mga lugawan para sa mahihirap, nagsarahang mga empresa kahit saan. Subalit pareho ba ang sitwasyon ngayon? Ang sagot ay HINDI. Mas malala ngayon, kahit pa ang kapitalismo, na natuto mula sa karanasan, ay nagawang iwasan ang mabangis na pagbagsak, salamat sa panghihimasok ng estado at mas magandang internasyunal na koordinasyon.
Pero mayroong susing pagkakaiba. Ang teribleng depresyon sa 30s ay humantong sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan. Ang kasalukuyang krisis ba ay magtatapos sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig? Ang daan tungo sa digmaan ay ang tanging sagot ng burgesya sa kanyang hindi mapangingibawan na krisis. At ang tanging pwersa na makapigil nito ay ang kanyang mortal na kaaway, ang internasyunal na uring manggagawa. Sa 1930s, ang pandaigdigang uring manggagawa ay terible ang pagkatalo matapos mabukod ang rebolusyong 1917 sa Rusya at pinayagan nito ang sarili na mahatak sa panibagong imperyalistang masaker. Subalit magmula sa mga mayor na pakikibaka na nagsimula sa 1968, ang uring manggagawa ngayon ay hindi handa na magbuhis ng dugo para sa mapagsamantalang uri. Sa nagdaang 40 taon dumaan ito sa maraming masasakit na pagkatalo pero nanatili itong nakatayo; at sa buong mundo, laluna magmula 2003, lumalakas ang paglaban nito. Ang kasalukuyang krisis ng kapitalismo ay nagkahulugan ng kahindik-hindik na pagdurusa ng daan-daang milyong manggagawa, hindi lang sa di-maunlad na mga bansa kundi sa mga mauunlad din - kawalan ng trabaho, kahirapan, kahit gutom, pero magtutulak din ito ng kilusan ng pagtutol mula sa mga pinagsamantalahan.
Absolutong kailangan ang mga pakikibakang ito para limitahan ang pang-ekonomiyang atake ng burgesya, para pigilan sila na itulak tayo sa absolutong kahirapan. Pero malinaw na hindi nila mapigilan ang kapitalismo sa lalupang pagkalunod sa krisis. Kaya ang pakikibaka ng uring manggagawa ay tumutugon sa iba pang pangangailangan, na mas mahalaga. Pinauunlad nito ang kolektibong lakas ng mga pinagsamantalahan, ng kanilang pagkakaisa, ng kanilang pagbuklod-buklod, ng kanilang kamulatan sa tanging alternatiba na makapagbigay ng kinabukasan sa sangkatauhan: ang ibagsak ang kapitalistang sistema at pagpalit dito ng isang lipunan na gumagalaw sa ganap na ibang batayan. Isang lipunan na hindi na nakabatay sa pagsasamantala at tubo, sa produksyon para sa merkado, kundi sa produksyon para sa pangangailangan ng tao; isang lipunan na ini-organisa mismo ng mga gumagawa ng produkto at hindi ng prebilihiyadong minorya. Sa madaling sabi, isang komunistang lipunan.
Sa loob ng walong dekada, lahat ng sektor ng burgesya, kapwa ng Kanan at Kaliwa, ay nagtutulungan para ipresenta na ang mga rehimen ng Silangang Uropa at Tsina ay ‘komunista', subalit sila ay walang iba kundi partikular na barbarikong porma ng kapitalismo ng estado. Ito ay usapin ng pagkumbinsi sa mga pinagsamantalahan na walang silbi ang pangangarap ng ibang mundo, na walang ibang sistema maliban sa kapitalismo. Pero ngayon na malinaw na pinatunayan ng kapitalismo ang kanyang istorikal na pagkabangkarota, kailangang ang oryentasyon ng mga pakikibaka ng uring manggagawa ay ang perspektiba ng komunistang lipunan.
Nahaharap sa mga atake ng kapitalismo na nasa kataposan ng kanyang pagbulusok-pababa; para tapusin ang pagsasamantala, kahirapan, at barbarismo ng kapitalistang digmaan:
Mabuhay ang mga pakikibaka ng pandaigdigang uring manggagawa!
Manggagawa sa buong mundo, magkaisa!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Oktubre 25, 2008
[1] Sa pagkasunod-sunod: Paul Krugman (ang huling nanalong Nobel Prize sa ekonomiya); Warren Buffet (isang Amerikanong mamumuhunan, sa palayaw na ang ‘oracle of Omaha', isang bilyonaryo mula sa maliit na lungsod ng Nebraska na lubhang nirerespeto sa daigdig ng pinansya); Jacques Attali (tagapayo sa ekonomiya ng presidente ng Pransya na si Nicolas Sarkozy) at Laurence Parisot (presidente ng asosasyon ng mga kapitalistang Pranses)
Kinukumpirma ng takbo ng pampulitikang sitwasyon sa kasalukuyan ang aming pananaw na nasa proseso ngayon ang naghaharing uri sa Pilipinas na ayusin ang mga bangayan sa kanilang hanay sa pamamagitan ng "mapayapang" paraan - eleksyon. Bagamat ito ay temporaryo lamang dahil patuloy na itutulak ang bawak paksyon ng burgesya sa marahas na labanan para sa kapangyarihan para maipakita na ang ganito o ganung paksyon ng mga mapagsamantala ang "karapat-dapat" para mamuno sa bulok na estado at ipagtanggol ang naghihingalong sistema.
"Populismo" para linlangin ang masa
Ang tunguhing "populismo" ay parang swine flu na kumakalat sa lahat ng mga bansang nakaranas ng matinding kombulsyon, kahirapan at kabulukan ng estado.
Sa bawat kabulukan ng naghaharing paksyong may kontrol sa kapangyarihan, sa bawat paglakas ng diskontento ng masa sa bulok na sistema, ay nanginginig ang buong naghaharing uri na biglang iigpaw ang diskontento ng uring anakpawis tungo sa rebolusyonaryong kamulatan - tungo sa kamulatan na ibagsak ang estado at sistema.
Natatakot ang burgesya na ang mga kilusang protesta at galit ng manggagawa at maralita laban sa walang solusyong krisis ng kapitalismo ay magbunga ng tuluyang pagkawala ng tiwala ng huli sa mga mistipikasyon ng demokrasya, eleksyon at nasyunalismo. At higit sa lahat ng lubusang pagkalantad sa harapan ng malawak na populasyon na walang kaibahan ang administrasyon at oposisyon.
Sa bawat kapalpakan ng naghaharing paksyon, mga kapalpakan na hindi naman talaga maiwasan dahil ang ugat ng problema ay nasa kabulukan ng sistema, nagkukumahog ang buong burgesya na atasan ang oposisyon (Kanan at Kaliwa) na maging mas aktibo, popular sa "paglaban" at "paglantad" sa mga katiwalian, kabulukan ng nasa kapangyarihan. Ito ang natatanging papel ng oposisyon sa hatian nila sa loob ng naghaharing uri.
Ang burges na oposisyon at Kaliwa ang shabu na binibigay ng burgesya sa masa para patuloy itong maging "bangag" sa mga mistipikasyon na ang problema ay nasa pangangasiwa lamang sa estado; na ang problema ay ang paghahanap lamang ng "tama" at "matinong" tao na "aasahan" ng mamamayan para siyang mag-ahon sa kanila sa kahirapan.
Maraming beses na nating nakita ang ganitong "epektibong" taktika ng burgesya sa kasaysayan sa buong mundo. Mao Zedong sa China, Ho Chi Minh sa Vietnam, Kim Il Sung sa North Korea, Fidel Castro sa Cuba, Hugo Chavez sa Venezuela, Lula sa Brazil, Bin Laden sa Gitnang Silangan, at nitong huli, Barack Obama sa Amerika.
Mulat dito ang burgesyang Pilipino. Sila mismo ay may ganitong karanasan sa Pilipinas - pinalitan nila ang kinamumuhiang si Marcos ng isang "popular" na tao - si Cory Aquino noong 1986. At ito rin ang kanilang gagamitin ngayon - papalitan ang kinamumuhiang si Gloria Arroyo ng isang "popular" na kandidato.
Noynoy Aquino, siya na ba ang kandidato ng burgesya?
Walang duda na ang burges na oposisyon ngayon ang "popular" sa mata ng taumbayan. Dahil sa matinding galit at diskontento ng masa sa administrasyon ay "natural" lamang na ang sisikat ay ang mga kandidatong mula sa oposisyon. Para sa mapagsamantalang uri ito ay hindi problema kundi positibo pa nga.
Salamat sa linyang anti-Gloria ng lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas laluna ng pangunahing paksyon nito, ang CPP-NPA-NDF, lalupang naging "popular" ang burges na oposisyon sa masa.
Dahil malaking posibilidad na ang pipiliin ng masang lalahok sa eleksyon sa 2010 ay mula sa oposisyon, hindi maiwasang titindi ang labanan ng mga oposisyon na kandidato para makuha ang boto ng mamamayan. Sa mga surbey ng burges, lumalabas na nangunguna lagi ang oposisyon. Kaya naman mas kapansin-pansin ang siraan at batuhan ng putik ng mga presidential candidates mula sa oposisyon laban sa isa't-isa. At titindi pa ito habang papalapit na ang eleksyon. Isa na dito ang bangayang Villar-Roxas (NP vs LP), Estrada vs Lacson na kasalukuyang umiinit ngayon.
Ang partido naman ng administrasyon ay parang nasa limbo ngayon dahil wala pa rin silang malinaw at "popular" na kandidatong panlaban. Dagdag pa, kumalas sa koalisyong Lakas-Kampi ang "Lakas originals" ni dating president Fidel Ramos at dating house speaker Jose de Venecia.
Ang pagkamatay ni Cory Aquino, ang "icon of democracy" sa Pilipinas, na sinasaluduhan ng lahat ng paksyon ng burgesya, kabilang na ang "ultra-radikal" na CPP-NPA-NDF ay parang "hulog ng langit" sa buong naghaharing uri para epektibong mapatupad ang taktikang "populismo".
Nagtulungan ang media, burges na partido ng Kanan at Kaliwa at Simbahan na muling buhayin ang "diwa ng Edsa 86" na matagal na sanang ibinaon dahil sa mga krimen ng rehimeng Aquino noon sa masang manggagawa at maralita.
At tulad ng kanyang ina, na isang "reluctant candidate" noong 1986, si Senador Noynoy Aquino naman ngayon ay ganun din at napilitan lang diumano na tatakbo dahil sa "popular na kahilingan" ng taumbayan.
Eureka! Nakita na ba ng burgesyang Pilipino ang Barack Obama sa Pilipinas sa katauhan ni Noynoy?
Hindi pa natin masasabi sa ngayon. Ang malinaw lamang ay biglang nag top si Noynoy sa latest survey sa Luzon; bigla siyang naging "star ng pag-asa" sa ordinaryong mamamayan.
Si Noynoy nab a ang epektibong shabu ng naghaharing uri para muling "magdiliryo" ang mahihirap sa eleksyon ng burgesya?
Hindi ito madaling sagutin sa ngayon. Ang malinaw, lalong titindi ang bangayan, siraan at batuhan ng putik sa hanay ng ibat-ibang paksyon ng oposisyon. Hindi lang kasi si Noynoy ang hayok sa kapangyarihan. At parang walang plano ang ibang opposition presidentiables gaya ni Villar at Estrada na aatras sa laban.
Ang tiyak, magiging royal rumble ang labanan ng ibat-ibang paksyon ng burgesya sa 2010 na maaring hindi hahantong sa "mapayapang" paraan ng pag-ayos ng kanilang mga bangayan kundi sa isang marahas na labanan.
Ugat ng "populismo"
Ang ugat ng populismo ay ang burges na demokrasya at pagmamahal sa inangbayan. Ang layunin nito: ipatupad ang "perpektong" demokrasya at ang tunay na "pagmamahal" sa bansa.
Noong 1986 ay iniluklok ng burgesya sa kapangyarihan ang isang "popular" na tao - si Cory Aquino. Gamit ang pag-alsa ng masa laban sa diktadurang Marcos at sa dayaan sa eleksyon ay nilinlang ng naghaharing uri ang masa na si Aquino ang boses nila sa kapitalistang estado. Ang sumunod ay ang masakit na turo ng kasaysayan sa masang api.
Noong 1998, isa na namang "popular" na tao ang umupo sa Malakanyang - si Joseph Estrada - sa ilalim ng islogang "Erap para sa mahirap". Subalit pinatalsik din siya ng naghaharing uri dahil sa kanyang kagaguhan at sa lumalakas na diskontento ng taumbayan.
Subalit dahil ganap ng bulok ang sistema at imposible na itong mareporma pa, ang "populismo" ay hanggang sa salita at propaganda na lamang. Ginagamit ito ng mapagsamantalang uri upang maipatupad ang pagkonsolida sa estado, ang huling sandalan ng naaagnas na kapitalismo.
Burges na eleksyon: Hadlang sa rebolusyonaryong pagbabago
Si Noynoy Aquino, Manny Villar, Noli de Castro, Estrada o sinumang nasa administrasyon o oposisyon ang uupo sa Malakanyang sa 2010, walang mangyayaring kaginhawaan sa api at hirap na kalagayan ng masang Pilipino.
Hindi eleksyon ang daan tungo sa panlipunang pagbabago kundi rebolusyon. Hindi makakatulong sa pagpapalakas ng rebolusyon ang paglahok sa burges na eleksyon. Sa halip, ang paglahok sa eleksyon mismo ang isa sa epektibong harang para sa pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Sa kabila ng maliitan, hiwa-hiwalay na mga pakikibaka, dahan-dahang sumasabay ang maliit na bahagi ng manggagawang Pilipino sa pangkalahatang tendensya ngayon ng internasyunal na proletaryado - militanteng paglaban sa mga atake ng kapital na nasa pinakamasahol na krisis magmula 1929.
Krisis ng pandaigdigang kapitalismo, ramdam ng manggagawang Pilipino
Ramdam na ramdan ng manggagawang Pilipino ang krisis ng sobrang produksyon na nanalasa ngayon sa buong mundo. Ang bunga nito - kompetisyon sa pagbabawas ng gastos sa produksyon na walang ibig sabihin kundi atake sa pamumuhay ng masang anakpawis - ay tuloy-tuloy na ginagawa ng kapitalistang Pilipino at dayuhan. Tanggalan at pagbabawas ng sahod sa anyo ng work rotation ang pinapasan ngayon ng uring manggagawa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Sa ngayon, tinatayang umabot na sa mahigit 300,000 manggagawang Pilipino ang natanggal sa trabaho at daan-daang libo ang naghihirap sa pagbabawas ng sahod dahil sa work rotation simula 2007. Subalit, may maliit na bahagi ng uri ang hindi basta-basta tinanggap ang mga atakeng ito ng kanilang kaaway.
Lumalaban ang bagong henerasyon ng mga manggagawa
Iba-iba ang ekspresyon ng paglaban ng uri: pagsampa ng kaso sa maka-kapitalistang Department of Labor and Employment (DOLE), pangmasang delegasyon para kausapin ang management, demonstrasyon at piket hanggang sa "iligal" na mga welga at paghinto sa trabaho o kombinasyon ng mga ito.
Nakitaan ang mga paglabang ito ng binhi ng pag-oorganisa sa sarili: pagbubuo mismo ng mga manggagawa ng mga grupo na nag-uusap sa kanilang kalagayan hanggang sa paglulunsad ng mga asembliya na dinaluhan kapwa ng mga regular at di-regular na manggagawa. At ang pinakamahalaga sa lahat: ang paglunsad ng mga sama-samang pagkilos na nilalabanan ang maka-kapitalistang batas ng estado - "iligal" na welga o wildcat strikes. Ginawa ito ng mga manggagawa sa Giardini del Sole. May "iligal" din na work stoppage ang mga manggagawa sa Cebu Mactan Export Processing Zone para obligahing makipag-usap ang management.
Ang yumayabong na independyenteng pagkilos ng mga kapatid na manggagawa sa Uropa ay naipunla na sa Pilipinas - asembliya ng manggagawa at paglunsad ng mga pakikibaka labas sa kontrol ng unyonismo. Subalit dahil ang mga ito ay binhi pa lamang, nariyan ang peligro na makubabawan ng unyonismo at repormismo. At ito nga ang nangyari sa Giardini del Sole kaya natalo ang mga manggagawa. Natalo man ang Giardini del Sole, may positibong aral na mahahalaw dito: determinadong pagkakaisa, pagsuway sa maka-kapitalistang batas at ang pangangailangan ng paglawak ng pakikibaka.
Ang militansyang ito ng manggagawang Pilipino ay pinangunahan at ginagawa ng bagong henerasyon ng uri: bahagi ng uri na walang karanasan at hindi demoralisado sa pananabotahe ng unyonismo magmula 1970s. Karamihan sa kanila ay mga kabataan. Mga kabataang manggagawa din ang nangunguna sa ibang bansa laluna sa Uropa magmula 2003 (anti-CPE sa France sa 2006 at malawakang protesta sa Greece magmula 2008).
Ang mga militanteng paglabang ito at ang pagsisikap ng manggagawa na hawakan ang kanilang laban sa sariling mga kamay sa pamamagitan ng mga asembliya ay isa ng malaking tagumpay gaano man kaliit na bahagi ng uri ang gumagawa nito sa ngayon at sa kabila ng pagkaranas ng temporaryong kabiguan dahil sa kahinaan. Tandaan natin na sa Pilipinas ay napakalakas pa ang kaisipang sa "pamamagitan lamang ng unyonismo" maipakita ng uring manggagawa ang kanyang pagkakaisa laban sa bulok na kaayusan. At ang maliit at mahina pa na bahaging ito ng uri ang magtuturo ng tamang daan tungo sa rebolusyonaryong pakikibaka sa buong uring manggagawa.
Kabaliktaran naman ang pinakita ng mga unyon at ng kanilang mga lider. Sa harap ng atake ng kapitalista sa Cebu Keppel Shipyard, pasuko ang tunguhin ng unyon at "negosasyon" ang tanging daan para "resolbahin" ang pagbabawas ng sahod at tanggalan sa mga manggagawa. Ganun din ang ginagawa ng unyon sa Cebu Visayan Electric Cooperative (VECO), isang kompanya ng elektrisidad. Ang KMU, na diumano "pinaka-militanteng" sentrong unyon sa bansa ay inutil sa pagtatanggol kahit sa daan-daang membro nito na tinanggal sa trabaho o nabawasan ang sahod.
Ang mga beteranong lider-unyonista ang salamin ng bagong henerasyon paanong ang unyonismo ay ganap ng integrado sa kapitalistang estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Dahil bilanggo sa collective bargaining agreement (CBA) at sa batas ng estado, dito umiikot ang "paglaban" ng unyon. Muli, napatunayan na walang interes ang mga unyon na palawakin ang pakikibaka at abutin ang mas maraming mga manggagawa sa ibang pabrika para kumbinsihin sa nagkakaisang pakikibaka laban sa kapital at estado.
Mapagmatyag sa mga maniobra ng unyon at Kaliwa
Dahil malaki pa rin ang posibilidad na makontrol ng unyonismo at Kaliwa ang militanteng paglaban ng uri, ito mismo ang magtuturo sa bagong henerasyon ng manggagawang Pilipino kung paano at bakit ang unyonismo at Kaliwa ay tulad din ng Kanan - kaaway ng buong uring manggagawa.
Ang paglakas mismo ng internasyunal na kilusang manggagawa at ng kanilang pakikibaka labas sa kontrol ng unyonismo ang pataba na magbibigay sustansya sa rebolusyonaryong binhi na naipunla ng bagong henerasyon ng manggagawa sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, kailangan ng mga abanteng manggagawa ang mga diskusyon at teoretikal na klaripikasyon para malalim na maunawaan ang katangian ng kapitalismo, ng kanyang kasalukuyang krisis, ng katotohanan na wala ng maibigay na magandang kinabukasan ang bulok na sistema at ang tanging nalalabing alternatibo ay wasakin ito at ang estadong nagtatanggol dito. Sa pamamagitan nito, malinaw na maunawaan nila na makamit lamang ang tagumpay ng pang-ekonomiyang pakikibaka kung matransporma ito sa isang matagumpay na pampulitikang pakikibaka.
Sa pamamagitan lamang ng malalimang diskusyon makita at maunawaan ng masa ng uri na sa ilalim ng nagihingalong sistema ang pakikibaka ay magbubunga ng pagkakaisa at ang pagkakaisa ay mangyayari lamang sa panahon ng pakikibaka. Ang mga asembliya at pulong-masa ay itinatayo at gumagana sa panahon na lumalaban ang manggagawa. Ang rebolusyonaryong katangian ng uri ay lilitaw at uunlad sa panahon ng mga labanan. Ang organisasyon ng uri ay organisasyon ng pakikibaka. At sentral na tungkulin ng mga komunista na paunlarin ang rebolusyonaryong katangian ng uring manggagawa para mawasak nito ang kapitalismo at maitayo ang komunismo.
Salungat dito ang konsepto ng unyonismo (hawak man ito ng Kanan o Kaliwa ng burgesya) kung bakit sila "nag-oorganisa" sa masang manggagawa. Ang tanging layunin nito ay ikulong ang uri sa balangkas ng batas ng estado at sa mga "pakikibaka" para sa pagtatanggol sa pambansang kapitalismo at kapitalistang gobyerno.
Papel ng rebolusyonaryong minorya
Hindi pa humihinto ang pananalasa ng kapital sa kalagayan ng pamumuhay ng proletaryado. Mas titindi pa ito sa hinaharap dahil nagsisimula pa lang lumaganap ang epekto ng nakamamatay na krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Ang mga aral ng militanteng pakikibaka ng bagong henerasyon ng manggagawa sa buong mundo ang magsilbing tanglaw para itansporma ang mga depensibang laban tungo sa opensiba na dudurog sa naaagnas na panlipunang kaayusan.
Tungkulin ng mga minoryang rebolusyonaryo sa Pilipinas na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya na pabilisin ang rebolusyonaryong proseso na organisahin ng uri ang kanilang sarili, hawakan nila sa kanilang mga kamay ang pagpapasya sa kanilang pakikibaka at palawakin ang laban sa mas maraming pabrika hindi lang sa antas syudad at pambansa kundi hanggang sa internasyunal na saklaw. Para sa marxismo, ang internasyunal na proletaryado (kung saan bahagi lamang ang manggagawang Pilipino) ang may istorikal na misyon para wakasan ang mapagsamantalang kaayusan. Ang mga ito ang susi para uunlad ang depensibang pakikibaka papunta sa rebolusyonaryong opensiba laban sa bulok na sistema.
Pagkakaisa ng lahat ng manggagawa at paglawak ng pakikibaka ang dalawang makapangyarihang sandata para magtagumpay ang uri sa kanyang pakikibaka. Ito ang pinakita ng bagong henerasyon ng proletaryado sa buong mundo.
Nanawagan ang iba't-ibang organisasyon ng Kaliwa at burges na oposisyon ng full mobilizations at halos araw-araw na protesta sa kalsada laban sa Con-Ass ni Gloria. Hindi malayong "magmobilisa" din ang paksyong Arroyo ng kanilang mga "taga-suporta" para sa Cha-Cha at maglaan ng milyun-milyong pera para dito at sa propaganda. Ibig sabihin, makikita natin sa kalsada at maririnig sa balita ang "tunggalian" ng dalawang paksyon ng burgesya sa usapin kung babaguhin ba ang lumang kapitalistang Konstitusyon o palitan ng bago sa termino ni Arroyo dahil nagkakaisa naman silang lahat na kailangang baguhin ang lumang 1987 Konstitusyon. Hindi lang naman sila nagkaisa kung aling paksyon ang nasa kapangyarihan sa sandaling baguhin ito at sa paanong paaran -- Constituent Assembly ba o Constitutional Convention.
Ngayon pa lang ay nagtagumpay na ang buong naghaharing uri na ilihis ang atensyon ng taumbayan mula sa kanilang kahirapan tungo sa panonood sa kiskisan ng dalawang paksyon. At maging ganap ang tagumpay na ito kung mapakilos nila ang masang manggagawa at maralita sa usaping ito: maka-Chacha o anti-Chacha NGAYON NA.
Isa pang benepisyo para sa naghaharing uri sa usaping Chacha ngayon ay makumbinsi ang mas maraming tao na lalahok at boboto sa burges na eleksyon sa 2010. Kakambal ng usaping Chacha ay ang pangangailangang matuloy at kapani-paniwala ang eleksyon sa susunod na taon. Ang usaping may eleksyon o wala sa 2010 ay mahigpit na may kaugnayan sa Chacha. Kaya naman lahat ng mga nag-aambisyong tatakbo sa 2010 laluna ang mga "presidentiables" ay gustong matuloy ang eleksyon -- ito man ay mula sa administrasyon o oposisyon. Tanging si Gloria at ang kanyang pamilya na lang siguro ang "nanalangin" na hindi matuloy ang eleksyon.
Ipokrasya ng oposisyon at Kaliwa
Muli na namang naging "militante" ang mga pulitiko at Simbahan. Nanawagan sila na "lumabas sa kalsada" ang libu-libong mamamayan para tutulan ang ChaCha ni Gloria. Handa silang maglaan ng milyun-milyong pera para sa full mobilizations ng masa. Ganun din ang panawagan ng Kaliwa na lantaran ang pakikipag-alyansa sa Simbahan at burges na oposisyon.
Nanawagan ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino ng "work stoppage" laban sa Chacha. Naglunsad ng martsa ang Partido ng Manggagawa sa export processing zone sa Cavite laban sa Chacha. Ang mga maoista naman ay halos araw-araw bida sa kalsada sa pagtutol sa Chacha. Nakahandang "isantabi" ng mga magkaaway na paksyon ng Kaliwa ang kanilang bangayan para "magsama-sama" sa mga malalaking multi-sektoral na pagkilos kasama ang mga "presidentiables" ng oposisyon.
Pero hindi ganito ang kanilang kasigasigan ng full mobilization, "work stoppage", nation-wide mass actions at higit sa lahat, ng "joint mobilizations" ng mag-long march at hunger strike ang mga magsasaka noong 2007 at 2008 para sa "reporma sa lupa" (CARPER). Hindi nanawagan ang BMP ng work stoppage. Walang multi-sectoral nation-wide protests at joint mobilizations. Nagkanya-kanya ng pagkilos ang bawat paksyon ng Kaliwa. Ganun din ang mga maoista sa kanilang "pakikibaka" na isabatas ang kanilang bersyon ng "reporma" sa lupa (GARB). Naiwang "nag-iisa" sa pakikibaka ang masang magsasaka. Salamat na lang at "iniligtas" sila ng Simbahan -- ang isa sa pinakamalaking panginoong maylupa sa Pilipinas.
Nang magtanggalan ang mga kompanya ng libu-libong manggagawa noong 2007-2008, nang pinilit ng mga kapitalista na bawasan ang sahod ng manggagawa sa pamamagitan ng work rotation walang nanawagan ng work stoppage sa BMP, PM, APL, Makabayan at KMU; walang mga malakihang martsa sa mga export processing zones mula sa "organisadong base" ng Kaliwa. Walang nation-wide, coordinated protests actions; walang joint mobilizations. Iniwanan ng Kaliwa ang mga manggagawa. Ang mababasa lamang natin ay mga press releases at statements at nakikita lang ay ang panaka-nakang maliitan at hiwa-hiwalay na mobilisasyon ng kanilang "base" bilang "suporta" sa nakibakang manggagawa.
Mas masahol sa lahat, ang mga alyadong politiko ng Kaliwa mula sa oposisyon ay pipi at bingi sa naranasang atake ng uri mula sa kanilang mga kapitalistang amo at paksyong Arroyo.
Pero ngayon, heto silang lahat: nanawagan ng full mobilizations at araw-araw na protesta sa kalsada sa usapin at isyu na wala namang halaga sa masang anakpawis. Luma o bagong Konstitusyon, Con-Ass o Concon, ngayon o matapos ang eleksyon sa 2010, ang Konstitusyon ng kapitalistang estado ay para ipagtanggol ang mapagsamantalang sistema. Habang ang interes ng manggagawa ay wakasan ang pagsasamantala; wakasan ang paghari ng mga kapitalista.
Para sa mga rebolusyonaryo at komunista sa Pilipinas, hindi lang ang paksyong Arroyo ang mortal na kaaway ng aping mamamayan kundi ang buong naghaharing uri kasama na ang burges na oposisyon at ang Kaliwa ng kapital. Hindi ang usapin ng Konstitusyon ng kapitalistang estado ang mitsa para sa rebolusyonaryong pagkilos ng masang anakpawis kundi ang kanilang araw-araw na masaklap na karanasan sa pagawaan at sakahan. Ito ang mitsa para sa pampulitikang pakikibaka na ang layunin ay ibagsak ang estado hindi para palitan lamang si Arroyo sa Malakanyang. Ang kilusang maka-Chacha o anti-Chacha NGAYON NA ay kapwa kilusan ng burgesya hindi ng manggagawa.
Talyo, 09.06.2009
Ngayong araw na ito inilibing ang tinagurian ng burges na media na "icon of democracy", "bayani ng mga Pilipino". Ang sinaluduhan ng Kaliwa na "anti-pasistang" personalidad. Ngayong araw na ito inilibing ang isang taong kabilang sa naghaharing uri, naging presidente ng mapagsamantalang kapitalistang estado mula 1986 hanggang 1992.
Hindi na natin iditalye dito kung sino si Corazon Cojuangco Aquino. Labis-labis na ang ditalyeng sinasabi ng buong mapagsamantalang uri sa kanya. Labis-labis na ang mga papuring binanggit ng media, administrasyon, oposisyon at Kaliwa sa kanya. Ang ating isulat dito ay kung ano ang kanyang ginawa bilang tagapagtanggol ng bulok na sistema.
Binalik ni Cory Aquino ang demokrasya
Ang pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas ang bag-as ng lahat ng papuri kay Aquino. Mula sa diktadura ni Marcos ay naging demokratiko muli ang Pilipinas.
Ano ba ang sinasabing demokrasya? Ayon sa mga libro na itinuro sa atin ng burgesya, ang demokrasya ay paghahari ng mayorya. Ang demokrasya ay ang pananaig ng boses ng nakararami. Sa kongkreto, ito ay paghalal ng taumbayan ng mga taong mamuno sa kanila, karapatan sa pag-organisa, pagtitipon, pamamahayag, at iba pang mga karapatang pantao.
Subalit kahit sa depinasyon ng burgesya ng kanilang demokrasya, sablay na ang anim na taong pamumuno ni Cory.
Totoong binalik ni Aquino ang demokrasya sa Pilipinas. Ngunit ang demokrasyang ito ay hindi bago. Ang demokrasyang ito rin ang pinatupad mula ng "pinalaya" ng imperyalistang Amerika ang Pilipinas matapos ang WW II. Ang tawag dito ng Kaliwa ay "elitistang demokrasya", na isa ring mistipikasyon dahil nais nitong linlangin ang manggagawa at maralita na mayroong "demokrasyang bayan". Kaya naman bukambibig ng Kaliwa na ang umiiral na demokrasya sa Pilipinas kahit sa panahon ni Cory ay "elitistang demokrasya" at patuloy na nakibaka ang Kaliwa para sa "demokrasyang bayan".
Kung susundan lang natin ang hungkag na depinasyon ng Kaliwa, kinakain nila ang kanilang sinusuka. Ang kanilang sinasaluduhan ay ang "elitistang demokrasya" na binalik ni Aquino! At sa harap ng labi ni Aquino ay "nanumpa" ang ilan sa kanila na "ipagtatanggol" nila ang demokrasyang sinimulan ni Cory!
Kung sabagay, hindi naman totoo na may elitista at demokrasyang bayan. Kaya hindi nakapagtataka kung ipagtatanggol ng Kaliwa ang demokrasya ni Aquino.
Ang demokrasya ay isang anyo ng diktadura ng naghaharing uri
Kadalasan, kinukumpara ng burgesya ang diktadura ng isang tao, diktadurang militar sa demokrasya. Ang una ay kasuklam-suklam, habang ang huli ay ang layuning kailangang makamit sa pakikibaka ng masa. Pero dinagdagan pa ito ng Kaliwa: habang hindi sila ang nasa kapangyarihan, ang umiiral na demokrasya ay "elitista". Pero kung sila na ang nasa kapangyarihan, tinatawag na nila itong "demokrasyang bayan". Mas naging komplikado pa ito: dahil maraming paksyon ang Kaliwa na parang kabute na umuusbong at nagpapaligsahan, nagbabangayan, ang "demokrasyang bayan" ay nakasalalay kung aling paksyon ng Kaliwa ang nasa kapangyarihan. Ang wala sa kapangyarihan ay hindi tatanggapin na "demokrasyang bayan" ang ipatutupad ng kanilang karibal na paksyon. Sa madaling sabi, mauuwi lang sa panibagong labanan ng iba't-ibang paksyon sa loob ng nanghaharing uri ang usapin ng demokrasya.
Bilang mga marxista at rebolusyonaryo, alam natin kung ano ang tunay na kahulugan at kongkretong anyo ng demokrasya. Ang demokrasya ay isang anyo ng makauring diktadura ng burgesya para patuloy na maghari sa lipunan at patuloy na magsamantala sa masang anakpawis.
Ang pasismo, nazismo, diktadurang militar at mga kahalintulad nito ay ang kabilang anyo ng makauring diktadura ng mapagsamantalang uri. Sa madaling sabi, sa panahon ng imperyalismo mayroong dalawang anyo ng diktadura na pinaiiral ang kapitalismo, depende kung kalian nila ito angkop na gagamitin: diktadura ng isang tao o isang paksyon at demokrasya.
Sa dalawang tipo ng diktadura, ang huli ang matindi ang mistipikasyon at madaling makapanloko sa pinagsamantalahang masa.
Dahil iisang bagay lamang ang ating pinag-uusapan -- makauring diktadura ng burgesya - na may dalawang anyo, may diyalektikal na relasyon ang mga ito. Ang diktadura ng isang tao o isang paksyon ay nagpapatupad din ng mga demokratikong palamuti habang ang demokrasya ay nagpapatupad din ng pasismo, brutal na panunupil o ang sinasabi nating militarisasyon. Ibig sabihin, hindi nawawala sa dalawang anyo ng diktadura ang panunupil at brutalidad ng isang mapagsamantalang kaayusan dahil ito ang kalikasan ng estado laluna kung nasa panahon na ng pagkabulok ang sistema.
Ang diktadurang Marcos ay nagpatupad ng mga eleksyon at iba pang mapanlinlang na mga reporma. Ang demokrasya ni Aquino ay nagpatupad ng total war policy. Hindi ito kataka-taka. Kahit sa pandaigdigang saklaw at sa kasaysayan, ang demokratikong Kanluran ay magkatumbas lamang ang panunupil at pang-aapi sa Stalinistang Silangan laban sa manggagawa at mamamayan.
Hindi pa naglaho sa ating alaala kung paano minasaker ng demokratikong Amerika ang mga gerilyang Hukbalahap matapos ang WW II. Hindi pa natin nakalimutan ng binomba ng atomika ng Amerika ang Hiroshima at Nagasaki kung saan hanggang ngayon ay pinagdusahan pa ng ilang henerasyon.
"Salamat Cory"
Ito ang mga katagang pinu-popularisa ng media at burgesya. Sa mga katagang ito nais ng naghaharing uri na ikintal sa utak ng malawak na masa na napakalaki ng utang na loob ng huli kay Cory.
Ito ay malaking kasingungalingan!
Walang dapat ipagpasalamat ang mga pinagsamantalahan at inaapi kay Aquino. Katunayan, sa panahon ng kanyang panunungkulan ay naranasan ng taumbayan ang labis na demoralisasyon dahil ang kanilang ekspektasyon matapos ang "People Power 1" ay hindi na-realisa. Nanatiling mahirap, inaapi at pinagsamantalahan ang karamihan.
Si Aquino at ang kanyang Konstitusyon na siyang nagtayo ng demokratikong anyo ng diktadura ng naghaharing uri ang dahilan kung bakit nakabalik sa kapangyarihan ang mga alipures ni Marcos. At higit sa lahat, dumami ang mga apelyido mula sa mapagsamantalang uri na naghahari ngayon sa estado at kongreso.
Hindi ang masang anakpawis ang nagpasalamat kay Cory kundi ang buong naghaharing uri kasama na ang Kaliwa ng burgesya. Dahil kay Cory ay at sa kanyang demokrasya ay nakapasok sa kapitalistang estado ang Kaliwa upang maghasik ng kontra-rebolusyonaryong repormismo sa loob ng kilusang masa.
Si Corazon Aquino at ang kanyang Konstitusyon ang nagluklok kay Ramos, Estrada at Gloria sa Malakanyang. Ang demokrasya ni Aquino ang dahilan ng salitan ng iba't-ibang paksyon ng naghaharing uri sa kapangyarihan. Ito ang makauring kahulugan ng demokrasya.
Sa isang makauring lipunan, ang naghaharing ideolohiya ay ang ideolohiya ng mga mapagsamantala. Pumapasok ito kahit sa loob ng pinagsamantalahang mga uri. Ito ang tagumpay ng Corymania. Ito ang nangyari kasabay ng pagpanaw ni Aquino.
Talyo, Agosto 5, 2009
Pahayag sa taong 2009
Para sa manggagawang Pilipino
Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.
Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng "pagkakaisa" at "pagsantabi ng pamumulitika" para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.
Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng "pagbabago ng sistema", "sosyalismo", "demokrasyang bayan" o "gobyernong bayan". Ang komon na linya ng iba't-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido "komunista".
Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.
Marxistang Paninindigan
Kailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.
Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado - ito man ay demokratiko o "sosyalista" - sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.
Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka - ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.
Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa - direkta o indirekta, estratehiko o taktikal - sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang "anti-imperyalistang" pambansang burgesya.
Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.
Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.
Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay "diktadura", "demokratiko" o "sosyalista". Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.
Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.
Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!
Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid - ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo - para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo - internasyonalismo.
MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO, MAGKAISA!
Enero 1, 2009
Pinaghandaan talaga ni Gloria ang kanyang SONA speech. Pinalakpakan ito ng ilang daang mga alipures niya sa bulwagan ng mga baboy habang milyun-milyong mamamayan ang walang interes na pakinggan ito o kung nagkainteres man ay hindi ito maunawan, hindi dahil hindi sila makaintindi ng English kundi hindi nila naramdaman at nakikita ang kanyang mga sinasabi.
Pero huwag mabahala dahil hindi naman talaga para sa masa ang kanyang "palabang" SONA kundi para sa kanyang mga karibal na paksyon sa loob ng naghaharing uri - burges na oposisyon at Kaliwa at para sa buong naghaharing uri mismo. Hindi bobo si Gloria. Alam niyang hindi na naniwala ang masang manggagawa at maralita sa kanyang SONA sa loob ng 8 taon.
"Palabang" SONA: Laban sa mga karibal ni Gloria
Sa totoo lang, ang siyam na SONA ni Gloria ay walang kaibahan sa istilo ng mga presidenteng kanyang nasundan mula pa noong naging "malayang" bansa ito matapos ang WW II: laging puno ng kasinungalingan at exaggeration ng mga datos para ipakitang mas magaling ang kasalukuyang CEO ng kapitalistang estado kaysa kanyang mga nasundan. Kaya naman, ang mga SONA ay laging punung-puno ng "pag-unlad" at "pag-ahon" sa kahirapan ng masang anakpawis.
Ang kapansin-pansin ay ang "palabang" istillo ng kanyang SONA. Ayon sa isang komentarista sa TV, iyon malamang ang pinaka-palabang SONA ni Arroyo. Ano ang nais iparating ni GMA?
Liability hindi na asset si Arroyo
Kung ang consensus ng karamihan ng naghaharing uri sa Pilipinas ang suriin, isa ng liability si Gloria bilang pangunahing tagapagtanggol ng kapitalistang estado. Sa kanyang termino bumilis at dumami ang nawawalan ng tiwala sa mga demokratikong mistipikasyon laluna sa usapin na walang kaibahan ang lahat ng politiko - administrasyon at oposisyon - at wala ng kabuluhan ang eleksyon.
Ito ang kinatatakutan ng lahat ng paksyon ng naghaharing uri: lubusang mawala ang tiwala ng masa sa demokratikong anyo ng diktadura ng burgesya, ang huli at pinaka-epektibong maskara ng estado para itaboy ang manggagawa at maralita sa rebolusyonaryong pakikibaka para sa sosyalismo.
Kaya dapat ng palitan si Arroyo sa pamamagitan ng isang popular, kapani-paniwala at demokratikong eleksyon. Bagama't hindi nawawala sa equation ang marahas na pagpapaalis sa kanya, hindi ito ang consensus ng buong naghaharing uri sa Pilipinas dahil alam nila na ang marahas na labanan sa kanilang hanay ay mahubaran lamang lalo sa mata ng publiko na walang pagkakaiba ang Kanan at Kaliwa - kaaway ng masang api at pinagsamantalahan.
Lumalaban si Gloria
Alam na rin ito ni Gloria na isa na siyang liability. Pero lumalaban siya. At yan ang sentral na laman ng kanyang ika-9 na SONA.
Ano ang mensahe niya para sa kanyang mga karibal at buong naghaharing uri:
1. "Hindi ninyo ako kaya!". Ilang beses ng tinangka ng alyansang burges na oposisyon, rebeldeng militar at Kaliwa na patalsikin siya sa kapangyarihan sa loob ng 8 taon ngunit bigo ang kombinasyon na lakas ng huli. Hindi dahil may suporta si Gloria mula sa malawak na masa kundi dahil walang tiwala ang masa sa mga karibal ni Arroyo. Tumataas din ang kamulatan ng ordinaryong manggagawa. Alam niya na ang pagpalit-palit ng tao sa Malakanyang ay hindi solusyon sa kanyang problema. Sa halip, lalo pang bumigat ang pasan niyang kahirapan. Kung hindi man niya ma-articulate ang ibig niyang sabihin, alam ng mga marxista kung ano ito: HINDI KUNG SINO ANG UUPO SA ESTADO ANG PROBLEMA. ANG PROBLEMA AY ANG ESTADO MISMO!
Katunayan, ang "popular" na mga rebeldeng militar gaya ni Honasan at Trillanes ay naging bahagi na ngayon ng kapitalistang estado. At susunod sa kanilang yapak ang mga "bagong popular" na rebeldeng militar - Gen. Lim at Querubin.
Ang mensahe ni Gloria para sa kanyang uri: "Panginoong naghaharing uri, ako pa rin ang pinakamalakas na CEO kaysa aking mga karibal. Nawa'y pakinggan ninyo ako".
2. "Nagawa kong ipagtanggol ang estado at sistema sa pinakamabisang paraan!". Pinagyabang ni Gloria na mas magaling siya sa kanyang mga karibal at maging sa nagdaang mga rehimen kung paanong pigain sa maksimum ang lakas-paggawa ng populasyon para magkamal ng labis na halaga. Aroganteng sinabi niya na "ang hindi ninyo nagawa ay nagawa ko!": patindihin ang pagsasamantala at igapos ang manggagawa sa kadena ng legalidad ng pakikibaka. Sa ganitong punto, nakalimutan ni Arroyo na magpasalamat sa Kaliwa at mga unyon bilang kanyang "silent partner" kung paano ikinulong ang masa sa kapitalistang legalidad. Nagawa ni Arroyo ang "pinakamabisang paraan" sa pagtatanggol sa estado dahil sa kanyang panahon pinakamarami ang nasa Kaliwa na pumasok dito.
3. "Kailangan pa ninyo ako!". Ito ang panghuling bigwas ni Gloria sa buong naghaharing uri sa Pilipinas na siyang nagdedesisyon kung sino ang paupuin sa Malakanyang bilang CEO sa kapitalistang estado. "Hindi ako liability, nanatili akong asset ng sistema!".
Mas iigting na labanan at mas matalas na tunggalian sa loob ng naghaharing uri
Ang mga ito ang dasal ni Gloria para sa kanyang panginoon. Pero tiyak hindi papayag ang kanyang mga karibal na ganid sa kapangyarihan tulad niya at hinihingi din ang basbas ng buong naghaharing uri.
Mas titindi at tatalas ang labanan sa pagitan ng paksyong Arroyo sa isang banda at ng burges na oposisyon, rebeldeng militar at Kaliwa sa kabilang banda. Ang tunggalian nila ay maaring hahantong sa karahasan kung hindi ito maaayos sa halalan sa susunod na taon.
Ang labanan nila ay tulad ng labanan ng mga tigre o cannibal na nag-aagawan kung sino ang lalapa sa katawan ng masang anakpawis na nakagapos sa puno ng kapitalismo. Sa panlabas, ang tawag dito ay: sino ang "tunay" na kinatawan ng masang anakpawis.
May isa pang salik: Ang Kanan ay nahati-hati din sa maraming paksyon. Mismong ang paksyong Arroyo ay marami ang naglalaway na makaupo sa Malakanyang. Ganun din ang Kaliwa: nahati-hati sa maraming paksyon. Parang mga relihiyon. Bawat paksyon ay nagsisigaw na "kami ang tunay na kinatawan ng taumbayan!", "kami ang tunay na makabayan!", "kami ang tunay na demokratiko!".
Sa balanse ng pwersa sa pagitan ng administrasyon at oposisyon, mas ginigipit ngayon ang oposisyon na pansamantalang "magkaisa" para matalo nito ang administrasyon. Ang malaking problema nila: watak-watak sila at parehong hayok sa kapangyarihan; nagagamitan sa isa't-isa para sa pansariling interes.
Antabayanan natin ang royal rumble ng mga paksyon at sub-paksyon ng mapagsamantalang uri bago, sa panahon at pagkatapos ng eleksyon sa 2010. Kaya lang, sa bawat salpukan ng mga paksyon ito, gagamitin nila ang masa. Sa bawat tulakan at bigwasan nila, ang masang anakpawis ang laging biktima at naapakan.
Sagot ng rebolusyonaryong manggagawa: Hindi namin kailangan ng kinatawan!
Malinaw ang tindig dito ng rebolusyonaryong manggagawa: HINDI NAMIN KAILANGAN NG KINATAWAN. KAMI MISMO ANG KAKATAWAN SA AMING SARILING URI!
Malinaw ang sagot dito ng mga mulat na pinagsamantalahang uri na hindi manggagawa: HINDI KAMI SUSUNOD SA LIDERATO NG ALINMANG PAKSYON NG BURGESYA! ANG LIDERATO AT PROGRAMANG SUSUNDIN NAMIN AY SA URING MANGGAGAWA, ANG MAY ISTORIKAL NA MISYON PARA WAKASAN ANG BULOK NA KAAYUSAN!
Berto Dimasalang, 07.28.09
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 51.29 KB |
Narito na ang pinakahihintay ng lahat ng mga kasama at nagsusuring mga elemento sa Pilipinas: ang paglabas ng Internasyonalismo, ang pahayagan ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Pilipinas.
Ang laman ng unang isyu (Enero-Hunyo 2009) ay ang sumusunod:
Editoryal
Proletaryong Programa Ngayon: Komunismo
Bagong Henerasyon ng Manggagawa: Palaban sa Pakikibaka
Kasinungalingan ang Pambansang Kalayaan sa Panahon ng Imperyalismo
Usaping Cha-Cha: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa
Repleksyon Hinggil sa Kaliwa sa Pilipinas
Ito ay nasa attachment at naka-PDF format. Maari kayong mag-download ng libreng PDF reader (acrobat reader) sa internet para mabasa ninyo ang Internasyonalismo, bilang 1.
Inanyayahan namin kayo na i-print ang Internasyonalismo, pag-aralan, komentohan, magmungkahi at higit sa lahat, ipamahagi sa iba pang seryosong mga nagsusuring elemento laluna sa hanay ng masang manggagawa.
Maraming salamat.
Mula ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang naaagnas na yugto noong 1980s, sunod-sunod at palala ng palala ang mga mapaminsalang digmaan at natural na kalamidad. Bilyun-bilyong dolyares at milyun-milyong mamamayan sa buong mundo ang biktima.
Nitong nakaraang mga araw, sunod-sunod ang trahedya sa mundo: lindol at tsunami sa Samoa, lindol sa Indonesia at bagyo at baha sa Pilipinas.
Pilipinas: matinding apektado
Bilang isang atrasadong kapitalistang bansa, matindi ang epekto ng lokal na digmaan at mapaminsalang kalamidad sa Pilipinas. Sa loob ng halos 30 taon, binabayo ang bansa ng walang humpay na dislokasyon at pagkasira ng ari-arian.
Ang pinakahuli at naging media sensation ay ang bagyong Ondoy kung saan ang kabisera ng bansa (Metro Manila) mismo ang pinakamatinding napinsala. Sa loob ng 40 taon, ito ang pinakamatinding hagupit ng bagyo sa kabisera. Halos buong Metro Manila ay lubog sa baha at mahigit 300 ang patay. Hindi pa kasama ang daang libong mamamayan na nakaranas ng dislokasyon. At sinundan pa ito ng bagyong Pepeng at isa pang papasok na bagyo.
Ipokrisya ng estado at naghaharing uri
Sinamantala ng estado at naghaharing uri ang pinsala at hirap na naranasan ng mamamayan. Nag-aastang "tagapagligtas" ang Malakanyang, media at mga pulitiko. Sinakyan naman ito ng Kaliwa. Lahat sila ay "lumuluha" at "nagdalamhati" sa dinanas ng naghihirap na mamamayan.
Naging batayan din ito ng kompetisyon ng dalawang pinakamalaki at pinakamayamang media institutions sa bansa - ABS-CBN at GMA-7.
Milyun-milyong piso at materyal na suporta ang bumaha sa mga binahang lugar. Pera at kagamitan na hindi naman talaga galing sa sariling bulsa ng gobyerno, kapitalista at mga pulitiko kundi galing din sa kaban ng bayanat libreng paggawa na hinuthot ng mga gahaman sa tubo. Salamat sa media, nagawa nitong i-project na may "makataong" puso ang mga mabangis na buwaya at buwitre sa bansa.
Mga gawaing pilantropo ang tanging solusyon ng estado at naghaharing uri sa mga kalamidad. "Ceasefire" naman sa makauring pakikibaka ang sagot ng Kaliwa sa gitna ng kalamidad. Hinahatak nila ang kanilang "baseng masa" at rekurso sa mga gawaing pilantropo gaya ng ginagawa ng mga kaaway sa uri.
Lumalalang pagkasira ng kalikasan: bunga ng kapitalistang kompetisyon
Global warming, environmental destruction, pollution, etc. Ito ang sinasabing dahilan ng burgesya sa nararanasang lumalalang kalamidad sa mundo ngayon. Ayon mismo sa UN, mahigit 2 bilyung mamamayan sa mundo ang direktang apektado sa mga baha at bagyo.
Subalit ang itinatago ng mga "tagapagligtas" na ito ay ang katotohanang patuloy na nasisira ang kalikasan dahil sa walang humpay at matinding kompetisyon ng mga pambansang kapital para sa mabilis na kumikipot na pandaigdigang merkado. Tubo ang nagtulak sa mga ito sa mabangis na kompetisyon. Maliban sa matinding pagpiga sa lakas-paggawa at pagsasamantala sa manggagawa, walang awang sinisira nito ang kalikasan para lamang sa tubo. Walang pakialam ang mga kapitalista o kung nababahala man sila ay hindi rin nila mapigilang patuloy na sirain ang kalikasan dahil sa intensyong magkamal ng tubo at makakuha ng malaking porsyon sa kumikitid na pandaigdigang pamilihan.
Industrial waste, industrial pollution, soil erosion, etc. Ito ang mga epekto ng kapitalistang kompetisyon na naipon sa loob ng ilang daang taon. Ang mga ito ang dahilan ng global warming.
Hindi "political will" at "good management" ang solusyon sa mga ito. Ilang mga rehimen na ang nagpalit-palit sa estado; ibat-ibang paksyon na ng naghaharing uri ang nakaupo sa kapangyarihan. Lahat sila ay nangakong "aayusin" at "pangalagaan" nila ang kalikasan. Kaya popular ngayon ang "environment-firendly" products, "green economy" at international conferences na dinaluhan ng mga estado, private companies, NGOs, repormistang organisasyon gaya ng Greens, at maging ng Kaliwa para pag-usapan paano isalba ang mundo.
Ibat-ibang "environmental agreements at policies" ang binuo. Isa na dito ang Kyoto protocol. Subalit ang lahat ng ito ay walang kabuluhan sa kabila ng ummunlad ng teknolohiya ng kapitalismo. Bakit? Dahil ang teknolohiya ng bulok na sistema ay nagsisilbi sa war economy (military-industrial complex) at para isagad ang pagpiga sa libreng lakas-paggawa.
Kaya magkakambal at hindi maaring paghiwalayin sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ang inter-imperyalistang digmaan at "pambansang" digmaan at ang paninira sa kalikasan.
Wala ng saysay at kabuluhan ang anumang "matatalas" na batas para ipagtanggol ang kalikasan. Katunayan, ang bilyun-bilyong badyet ng mga estado sa mundo para dito ay nasasayang lamang hindi lang dahil sa korupsyon kundi dahil sa paulit-ulit at palala ng palala na mga kalamidad.
May pag-asa pa ba o magugunaw na ang mundo?
Kung mananatili o tatagal pa ng ilang dekada ang kapitalismo, tiyak na ang pagkagunaw ng mundo ang hahantungan. PUMAPATAY ang kapitalismo at patuloy itong papatay. Kasama na dito ang mapamaslang na mga kalaminad, sakuna at aksidente sa pagawaan.
Totoong hindi kayang pigilan ang mga natural na kalamidad. Subalit, kayang-kayang bawasan sa pinakaminimum ang mga mapaminsalang epekto nito. Bakit? Dahil ang pag-unlad ng mga produktong pwersa at teknolohiya ay may sapat na kakayahan para dito. Pero, pinipigilan ito ng nabubulok na mga relasyon sa produksyon; ng mga kapitalistang panlipunang relasyon.
Hindi kaya at walang kapasidad ang nabubulok na kapitalismo na isalba ang mundo mula sa ganap na pagkasira. Katunayan, ito na mismo ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaganito ang daigdig ngayon.
Ang kailangan ngayon ay ibagsak ang sistema at ang estadong nagtatanggol dito para maligtas ang mundo sa tuluyang pagkawasak.
At ang tanging makagawa nito ay ang pagsulong ng makauring pakikibaka ng manggagawa laban sa kapitalismo.
Isang kriminal at mamamatay-tao ang kapitalismo. Kailangan na itong wasakin. At para mawasak ito, kailangang durugin ng pinagsamantalang mga uri, sa pamumuno ng uring manggagawa ang estado na nagtatanggol dito.
Tama at kailangan lamang na magtulungan sa panahon ng mga trahedya. Katunayan, ito lagi ang ginagawa ng masang api sa kanilang sariling uri. Nagtutulungan sila laluna sa panahon ng pakikibaka. Pero ang pagtutulungang ito ay nais ilihis ng naghaharing uri at Kaliwa sa panahon ng mga sakuna at trahedya. Pinagsamantalahan ng mga ito ang demoralisasyon at panghihina ng mahihirap dulot ng pamiminsala ng mga kalamidad. Tinutulak nila ang masa na sumandal at umasa sa estado, mga pulitiko at kapitalista.
Kung hindi mananalo ang internasyunal na proletaryong pakikibaka laban sa kapitalismo sa milenyong ito, malaki ang posibilidad na pagkagunaw ng mundo o kaya pagkasira ng sangkatuhan at sibilisasyon ang maranasan natin sa susunod na milenyo.
Lubhang napakabigat ng responsibilidad ng mga komunistang organisasyon para palakasin ang kanilang interbensyon sa loob ng kilusang paggawa sa buong daigdig.
SOSYALISMO o PAGKASIRA NG MUNDO. Ito ang pagpipilian ng sangkatauhan ngayon.
Talyo, 10-5-09
Hunyo 12, araw ng "pambansang kalayaan" ng Pilipinas ay makitaan ng mga pagdiriwang at protesta. Pagdiriwang ng naghaharing paksyon ng burgesyang Pilipino na maka-imperyalistang Amerikano at protesta ng kabilang paksyon na laban sa imperyalistang Amerika.
Magkaiba man ang pananaw. Iisa ang kanilang paniniwala: buhay pa at kailangan ang "pambansang kalayaan" para uunlad ang "bayan". Ang una, nagsasaboy ng mistipikasyon na "malaya" na ang Pilipinas mula sa kontrol ng makapangyarihang dayuhang mga bansa. Ang huli, nagsisigaw na hindi pa dahil kontrolado pa rin ang Pilipinas ng imperyalistang Amerika subalit matatamo ito kung mapatalsik sa bansa ang imperyalistang kontrol ng huli.
Sa panahon ng imperyalismo, walang malayang bansa at imposible na itong mangyari
Ang pagtatayo ng isang bansa ay makauring interes ng burgesya hindi ng proletaryado. Ang proletaryado ay walang pambansang interes. Ang tanging interes lamang nito ay itayo ang isang nagkakaisang sangkatauhan na walang mga bansa, uri at pagsasamantala - ang komunismo.
Para sa uring kapitalista ang bansa ang instrumento upang ipatupad ang kanyang paghari sa mundo.
Sa 19 siglo, sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo, sa panahon ng malayang kalakalan, ang pagtatayo ng mga bansa ang kongkretong manipestasyon ng pagdurog ng kapitalismo sa pyudalismo. Kaya naman isang rebolusyonaryong uri ang burgesya sa panahon ng mga kahariang pyudal.
Nang ganap ng makontrol ng kapitalismo ang buong mundo sa pamamagitan ng kolonisasyon at pagbuo ng pandaigdigang pamilihan hanggang sa tuluyan itong kumipot sa pagpasok ng 20 siglo, natapos na ang pagiging rebolusyonaryo ng burgesya at ganap na itong naging reaksyunaryo. Nag-iba na ang katangian ng kapitalismo bilang pandaigdigang sistema. Naging imperyalismo na ito. Ang hudyat ng kanyang pagbabago ay ang mapaminsalang imperyalistang WW I sa 1914. Magmula noon, ang mundo ay napuno na ng mga walang hinto at palalang kahirapan, digmaan, kaguluhan at pagkasira ng kalikasan. Ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang imperyalistang katangian ay nasa kanyang permanenteng krisis na, nasa kanyang dekadenteng yugto.
Ito ang esensya ng ‘Imperyalismo: Pinakataas na Yugto ng Kapitalismo' ni Lenin at ‘Akumulasyon ng Kapital' ni Luxemburg. Sa teorya at praktika, mas matalas at komprehensibo ang Marxistang pagsusuri ni Luxemburg kaysa kay Lenin.
Sa imperyalismo hindi mabubuhay ang isang bansa kung hindi ito magsasamantala sa ibang bansa o kung hindi sasandal ang mahihina sa makapangyarihang bansa. Kailangan ang mga ito dahil kailangan ng lahat ng mga bansa ng isang pamilihan sa kumikipot na pandaigdigang merkado. Itinutulak ito ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon. Gamit ang burges na ideolohiyang nasyunalismo at pagmamahal sa bayan nagawa ng burgesya na ihasik ang mapamuksang digmaan (militar at ekonomiya) para makontrol ng malalakas ang mahihinang mga bansa at para maagaw ng isang malakas na bansa ang mahihinang mga bansa mula sa kontrol ng kanyang mga karibal. Dahil sa mga ideolohiyang ito nagawang itulak ng naghaharing uri na hatiin at magpatayan ang uring manggagawa sa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan at sa mga "digmaan para sa pambansang pagpapalaya".
Obligadong sumandal ang mahihinang mga pambansang burgesya sa malalakas na pambansang burgesya para manatili sa nakamamatay na kompetisyon ng pamilihan. Ang mahihinang pambansang burgesya ay laging naghahanap at handang magpalit ng kanyang imperyalistang amo kung kinakailangan para lamang maproteksyunan ang kanyang pambansang kapital. Ang masahol pa, kahit ang mahihinang mga bansa ay nag-aambisyon din at aktwal na nga na ginagawa ang pagsasamantala sa mas mahinang mga bansa para makaungos sa mapaminsalang pandaigdigang kompetisyon. Ibig sabihin, ang pagsasamantala sa ibang mga bansa o pagsisikap na gawin ito ay hindi polisiya ng ilang makapangyarihang mga bansa kundi polisiya ng LAHAT ng mga bansa kung ayaw nilang magkalasog-lasog sa matinding kompetisyon sa panahon ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon at walang hintong pagkipot ng pandaigdigang pamilihan. Ito ang katangian ng imperyalismo.
Sa panahon ng madugong kompetisyon ng lahat ng mga bansa para sa pamilihan, ang palaging naargabyado ay ang uring manggagawa. Para makaungos sa kompetisyon, mas pinatindi ng mga pambansang kapital ang pagsasamantala sa proletaryado sa mahina o malalakas na mga bansa, sa atrasado at abanteng bayan.
Isang malaking kasinungalingan na isang malayang bansa ang Pilipinas o may posibilidad pa na lalaya ito mula sa imperyalistang kontrol hangga't naghahari ang kapitalismo sa buong mundo. Maaring magpasya ang burgesyang Pilipino na kumalas sa kontrol ng humihinang imperyalistang Amerika. Subalit hindi ito makakawala sa kontrol ng imperyalismo bilang pandaigdigang sistema dahil ang pambansang kapitalismo ay ganap ng integrado sa pandaigdigang bulok na kaayusan.
Sapat na ang masaklap na karanasan ng mga manggagawa sa "lumayang" mga bansa mula WW II para maunawaan ng mga rebolusyonaryo na ang mga bansang "lumaya" mula sa kuko ng agila (Amerika) ay napunta sa mga pangil ng tigre (USSR) at vice-versa.
Matapos mawasak ng dalawang pandaigdigang imperyalistang Bloke - USA at USSR - noong unang bahagi ng 1990s, mas lumala ang kompetisyon ng mga imperyalistang bansa: Hinahamon ng imperyalistang China sa Asya at Aprika, ng imperyalistang Iran sa Gitnang Silangan, ng imperyalistang Venezuela sa Latin at Central Amerika, ang humihinang kapangyarihan ng imperyalistang Amerika. Syempre, hindi basta-basta papayag ang Amerika sa hangarin ng kanyang mga karibal. Ang resulta: mas malala at mas malawak na mga rehiyonal at pambansang digmaan kung saan milyun-milyong inosenteng mamamayan ang sinakripisyo sa altar ng "nasyunalismo" at "patriyotismo".
Pag-iral ng mga bansa, patuloy na pag-iral ng pagsasamantala
Umiiral ang mapagsamantalang kapitalistang mga relasyon dahil umiiral ang mga bansa. Sa kabila ng katotohanan na isa ng pandaigdigang sistema ang kapitalismo at ganap ng naghari sa buong mundo sa panahon ng imperyalismo, humihinga ito sa pag-iral ng mga bansa. Ang pundasyon ng burgesya bilang naghaharing uri ay ang kanyang pambansang interes. Sa panahon ng imperyalismo at pandaigdigang kompetisyon laging sisikapin ng bawat paksyon ng pambansang burgesya na igiit ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga karibal.
Hangga't nariyan ang mga bansa at nangingibabaw ang ideolohiyang nasyunalismo at pagmamahal sa bayan laluna sa hanay ng uring manggagawa at kabataan, hindi maglalaho ang pagsasamantala at pang-aapi. Mas masahol pa, ang mga ideolohiyang ito ang sustansya ng mga digmaan sa kasalukuyan.
Lalaya lamang ang uring may istorikal na misyon na wakasan ang LAHAT ng pagsasamantala at pang-aapi kung lalaya sila mula sa pagkagapos ng burges na ideolohiya. Sa sandaling itakwil ng uring proletaryado ang mga kadena na gumagapos sa kanyang isipan, malinaw na niya na makikita na ang kanyang emansipasyon ay nasa kanyang sariling mga kamay hindi bilang isang Pilipino, Amerikano, Hapon, at iba pang "pambansang identidad" kundi bilang isang internasyunal na uri na ang tanging sentral na misyon ay durugin ang pandaigdigang kapitalismo na 100 taon ng hinog para ibagsak.
Isang KATRAYDURAN at PANLILINLANG sa uri kung sasabihin at ipagtanggol ng isang komunista o komunistang organisasyon sa harap ng malawak na masang manggagawa na ang "pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya" ay daan patungong sosyalismo. Hindi magiging daan patungong sosyalismo ang burges na linyang ito na naaagnas kasabay ng pagkaagnas ng pundasyon nito - kapitalismo -dahil imposible na ito 100 taon na ang nakaraan.
Para wakasan ang pagsasamantala, kailangang wakasan ng proletaryado ang pagkakahati-hati ng kanyang uri sa mga bansa. Kailangang tapusin ng uring manggagawa ang dibisyon ng mga pambansang identidad. Ang tatapos dito ay ang pandaigdigang komunistang rebolusyon, ang tanging programa ng proletaryado sa panahon ng imperyalismo.
Proletaryong internasyunalismo ang epektibong sandata para madurog ang imperyalismo hindi nasyunalismo at patriyotismo gaano man ka radikal ang lenggwaheng gagamitin nito.
Tahasang kontra-rebolusyonaryo ang kasabihang ang "nasyunalismo ay aplikasyon ng internasyunalismo". Ito ang linya ng traydor na Ikalawang Internasyunal noong WW I. Ito ang linya ng traydor na Stalinismo at Trotskyismo noong WW II. At ito naman ang linya ngayon na sinisigaw ng mga burges na nasyunalistang nagbalatkayong komunista at marxista sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, kung saan lalong lumilinaw ang kawalan ng perspektiba ng pandaigdigang kapitalismo dahil nasasadlak ito sa lumalalim na permanenteng krisis na kagagawan mismo ng kanyang internal na mga kontradiksyon, ang TAMANG programa ng rebolusyonaryong uri ay hindi "pagtatanggol sa inangbayan" kundi PAGWASAK SA LAHAT NG MGA PAMBANSANG HANGGANAN.
Tulad ngsinabi namin sa aming ‘Pambansang Kalagayan sa 2008', lalupang lalala angkrisis ng pandaigdigang kapitalismo ngayong 2009. Katunayan, mabilis na itongnaramdaman ng manggagawang Pilipino pagpasok pa lang ng buwan ng Enero.Kabi-kabila na ang tanggalan ng mga manggagawa laluna sa export processingzones mula Clark, Subic, Cavite, Laguna, Baguio hanggang Cebu sa buwan ngEnero. Bukod sa libu-libong nawalan ng trabaho, ang may trabaho ay nagdurusangayon ng job rotation at reduction ng working day na walang ibig sabihin kundipagbawas ng kanilang kita. Hindi pa kasama dito ang umiinit pa lang natanggalan ng OFWs sa ibang mga bansa.
Ang tanggalanat iba pang atake ng kapital gaya ng workrotation at wage reduction ay titindi pa sa susunod na mga buwan.
Lahat ng mgapaksyon ng burgesya (Kanan at Kaliwa) ay naalarma at nabahala na babagsak angbulok na sistema sa pamamagitan ng pag-alsa ng naghihirap na masang manggagawa.Kaya naman lahat ng paksyon ng uring mapagsamantala ay nagtutulungan paramaisalba ang naghihingalong pambansang kapitalismo.
Sa entabaladong naghaharing uri, inaaliw nito ang masa sa isang maaksyong drama sa gitna ngkrisis kung saan ang kontra-bida ay ang nagharing paksyon (rehimeng Arroyo) atang bida ay ang oposisyon. Sa maaksyong dramang ito, nais itago ng director atscriptwriter (uring kapitalista) ang tunay na kalagayan ng krisis at ang tamanglandas na kailangang tahakin ng masang api. Nais ng naghaharing uri na manonodlamang at papalakpak ang uring manggagawa at masang maralita sa kanilang nakakabagotna palabas.
Ang tamangbalangkas sa pagsusuri sa krisis at paghahanap ng solusyon ay ang PANDAIGDIGANGBALANGKAS. Sa panahon ng imperyalistang katangian ng kapitalismo, LAHAT ngpambansang ekonomiya ay mahigpit na magkaugnay at natali sa pandaigdigangpamilihan. Ang anumang pananaw o konsepto na salungat dito ay naghahasik lamangng mistipikasyon at ilusyon sa hanay ng masang pinagsamantalahan.
Ang ugat ngkasalukuyang krisis ay ang krisis sa sobrang produksyon na nagsimula 40 taon naang nakaraan. Ang krisis ngayon ay akumulasyon lamang ng mga krisis nanagsimula pa noong huling bahagi ng 1960s. Hindi ito krisis na nagsimula ngipatupad ang polisiyang "globalisasyon" noong unang bahagi ng 1990s.
Mabilis nakumikipot ang pandaigdigang pamilihan sa kompetisyon ng mga pambansang kapitalmatapos ang reconstruction boom pagkatapos ng WW II. Pinagagalaw lamang angpandaigdigang ekonomiya dahil sa paglikha ng burgesya ng artipisyal napamilihan - pagpapautang sa mga atrasadong bansa para bilhin ang sobrangproduksyon mula sa Kanluran. Kung hindi dahil sa utang, matagal ng bumagsak angmga ekonomiya ng mga bansa sa ikatlong daigdig. Ang pagpapautang atpangungutang ang "solusyon" ng burgesya sa krisis sa sobrang produksyon nasumabog sa huling bahagi ng 1960s.
Angkasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapital ay sinindihan ng krisis pinansyal- ang pagkalubog sa utang hindi lang ng mga bansa sa ikatlong daigdig kundi,higit sa lahat, sa mga bansa din sa Unang daigdig sa pangunguna ngimperyalistang USA.
Angpambansang ekonomiya sa Pilipinas ay pangunahing nabubuhay sa pangungutang.Babagsak ang ekonomiya ng bansa kung hindi ito mangungutang. Ang kaibahanngayon, ang mga bansang uutangan nito - USA, Japan, Uropa - aydumaranas ng resesyon at lubog din sa utang. Ang dati numero unong nagpapautangna Amerika noon ay numerounong may malaking utang na ngayon.
Nagkaroon ngkrisis sa sobrang produksyon dahil said na ang internasyunal na pamilihan. Saidna ito dahil nasakop na ng kapitalismo ang buong mundo magmula ng pumutok angWW I. Hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo ang labis-labis naproduktong naiipon ngayon sa pamilihan sa panahon ng imperyalismo o dekadentengkapitalismo. Dalawa ang dahilan nito:
Una, dahilkalikasan ng kapitalismo na magkaroon lamang ng sahod ang uring lumilikha ngprodukto - manggagawa - kung lilikha ito ng labis na halaga. Ibig sabihin, nglabis na produktong lampas pa sa halaga ng sahod nito. Ang labis na halaga angpinagmulan ng tubo ng uring kapitalista. Kung walang labis na halaga, walangtubo. Kung walang tubo, wasak ang kapitalismo.
Ikalawa,dahil sa tumitinding kompetisyon (na katangian din ng sistema) para sa pandaigdigangpamilihan, naobliga ang mga kapitalista at bawat pambansang kapital na baratinang sahod ng manggagawa habang pinipiga ang kanilang lakas-paggawa na lumikhang maksimum na labis na halaga. Sa ganitong paraan lamang - mas murang halagang produkto dahil mas mura ang sahod at mas mataas na antas ng teknolohiya -mabibili ang produkto ng isang bansa sa pandaigdigang pamilihan.
Angdiyalektikal na relasyon ng dalawang salik sa itaas ang nagpatindi sa krisis sasobrang produksyon sa kasalukuyan.
Walang bagongsolusyon ang uring kapitalista sa kanyang krisis. Ang kasalukuyang solusyonnito ay ginawa na niya sa loob ng 40 taon. At ito pa rin ang resulta - masmatinding krisis.
Pangungutangat pagpapalaki ng public spending ang paraan ng burgesya ngayon para daw isalbaang naghihingalong sistema. Ang bail-out at stimulus package na ginagawa ngAmerika at iba pang mga bansa na lugmok sa krisis ay walang kaibahan sa esensyasa ginagawa nito noong 1930s. Wala itong ibang ibubunga kundi lalong kahirapansa mamamayan dahil ang huli ang papasan sa bailout at stimulus package nakukunin sa pangungutang at buhis. Ang paglaki ng public spending (di-produktibodahil di magkamal ng tubo) ng estado ay magbunga lamang ng malaking problema sakapitalistang gobyerno.
Ito ngayonang ginagawa ng rehimeng Arroyo - "patrabaho ni Pangulong Gloria", loans/tulongpinansyal at retraining sa natanggal na manggagawa, tax rebate, paghahanap ngmga bansang tatanggap pa ng OFWs sa mas murang sahod, at higit sa lahat,paghahanap ng mauutangan. Pero dahil atrasado ang ekonomiya ng bansa, masmahirap para sa Pilipinas na gawin ang ginagawa ng abanteng mga bansa parasubukang isalba ang naghihingalong sistema. Ang kalagayan kasi ngayon:nagsimula ang krisis sa makapangyarihang mga bansa, isang malinaw namanipestasyon na ang kinabukasan nito ay ang naranasang ibayong kahirapan saikatlong daigdig at hindi ang kabaliktaran - na ang ikatlong daigdig aymakahabol sa antas ng unang daigdig.
Ganito dinang kahilingan ng Kaliwa - bail-out ng gobyerno sa mga manggagawa at pambansangindustriyalisasyon. Nilagyan lamang ito ng "radikal" na lenggwahe dahil nasaoposisyon sila. Sa madaling salita, ang kapitalistang estado ang dapat maging"tagapagligtas" ng naghihirap na masa sa gitna ng krisis ng sistemangpinagtatanggol nito. Ganito rin ang esensya ng New Deal ni Roosevelt, ngNazismo ni Hitler, ng Pasismo ni Mussololini, ng Stalinismo ni Stalin, ngwelfare states ng Kanluran noong Cold War at ng diktadurang Marcos sa 1970s.
Hinihilingdin ng Kaliwa na huwag bayaran ng estado ang kanyang utang o kaya ay bawasanang nakalaang pondo para sa pagbayad ng utang. Sa halip, dapat daw gamitin angmas malaking bahagi ng perang malilikom para "tulungan" ang masang api. Hinihilingdin nila na bigyan ng estado ng tulong pinansyal ang mga natanggal sa trabahohangga't hindi pa sila nakahanap ng panibago. Kinopya nila ito sa "welfarestate" ng Kanluran noong panahon ng "Cold War". "Welfare state" na mabilis nanaglaho sa Kanluran dahil sa krisis. Nais din nila na buhisan ng mas malaki angmga mayayaman na matagal ng ginagawa ng ilang mga bansa sa Kanluran.
Ibig sabihin,nais ng Kaliwa na maging katanggap-tanggap sa masa ang mga sakripisyo atmakayanan ng huli na tiisin ang pagpasan sa krisis ng kapitalismo. Angmistipikasyon ng Kaliwa sa hanay ng uri ay "dapat lahat magsakripisyo hindilang tayo" para maligtas ang sistema.
Angpagkakahalintulad ng linya ng naghaharing paksyon at Kaliwa sa Pilipinas aywalang kaibahan sa ginagawa na ngayon ng mga makapangyarihang imperyalistangbansa sa pangunguna ng USA - palakasinang kontrol ng estado sa ekonomiya at panawagan ng pambansang pagkakaisa paraisalba ang kapitalismo.
Isangmalaking kasinungalingan ang linya na "maaring malagpasan ng Pilipinas angkrisis kung hindi ito mangungutang at hindi palakihin ang koleksyon ng buhis samasang mahihirap". Sa loob ng 40 taon, gumagalaw lamang ang ekonomiya ng mundosa pamamagitan ng pagpapautang at pangungutang dahil TANGING sa ganitong paraanlamang hindi babagsak ang bulok na pandaigdigang sistema. Sa loob ng apat nadekada iba't-ibang gimik ng pagbubuhis ang ginagawa ng mga estado para mapalakiang pondo nito.
Higit sa lahat,walang akumulasyon ng kapital ang kapitalismo sa Pilipinas kung hindi itomakaungos sa mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Kailangang mas mura angproduktong pang-eksport ng bansa kaysa kanyang mga karibal na lugmok din sakrisis. Wala itong ibang ibig sabihin kundi, pipigain ang lakas-paggawa ngproletaryong Pilipino para makakuha ng maksimum na labis na halaga. Ang"pag-unlad" ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis aynakasalalay sa ibayong pagsasamantala, Kanan o Kaliwa man ang nasakapangyarihan.
Angsinasabing "pambansang industriyalisasyon" ay nangangailangan ng malakingakumulasyon ng kapital na makukuha lamang sa ibayong pagsasamantala salakas-paggawa at pangungutang. Ganun pa man, sa panahon na said at mabilis nakumikipot na pandaigdigang pamilihan, sasagkaan mismo ng kapitalistangkompetisyon at krisis sa pandaigdigang antas ang pangarap ng burgesyangPilipino na "industriyalisasyon". Wala ng pag-asa ang bansa, gaya ng ibang mgabansa sa ikatlong daigdig, na maging industriyalisado sa ilalim ng dekadentengkapitalismo.
Ito ang mgakontradiksyon ng kapitalismo sa panahon ng kanyang huling yugto - imperyalismo.Ang pagpapautang at pangungutang mismo na "solusyon" ng kapitalismo sa loob ng40 taon ay siyang naging mitsa ngayon sa panibagong pagsabog ng mas malalim nakrisis ng sistema.
Ang problemaay nasa kalikasan mismo ng sistema at hindi lang dahil sa "maling pangangasiwa"ng isang kurakot na pamahalaan. Sa panahon ng matinding krisis ng sistema LAHATng mga gobyerno ay lalupang maging kurakot at mandarambong sa yaman ng lakas-paggawa.
Ang tangingnalalabing solusyon na lang ng internasyunal na burgesya ay panibagongpandaigdigang digmaan upang muling hatiin ang mundo. Isang panibagong digmaanna malamang siyang wawasak ng tuluyan sa mundo at sangkatauhan.
Wala ngbagong solusyon ang naghaharing uri sa kanyang kasalukuyang krisis. Recycled nalamang ang mga "solusyon" nito. Mga "solusyon" na siyang dahilan ng kasalukuyangkrisis. Wala ng pag-asa na mareporma ang sistema pabor sa uring manggagawadahil ito ay nasa kanyang permanenteng pagbulusok-pababa na 100 taon na angnakaraan.
Kailangan ngbunutin ang ugat ng krisis - ang krisis sa sobrang produksyon. At hindi ito mabubunotsa balangkas ng bansa o "pambansang interes". Kailangang bunutin ito sapandaigdigang antas.
Ang puno'tdulo ng krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo ay nagmula sa pagigingsahurang alipin ng masang manggagawa. Lumilikha ang proletaryado ng labis nahalaga katumbas ng kanyang sahod (kahit pa nasa "living" wage ang sahod nito). Sakapitalismo, laging mas maliit ang sahod kaysa halaga ng mga produktong nagawang manggagawa. Hindi kayang bilhin ng manggagawa ang mga produktong nagawanito. Hindi din ito kayang ubusin ng uring kapitalista laluna malaking bahaging labis na halaga ay ilalaan nito sa akumulasyon ng kapital at pagpapalawak ngkanyang negosyo; pagpapalawak na halos imposible na sa mundong lubusan ngnasakop ng kapital.
Kailangan ngwasakin ang sistemang kapitalismo, durugin ang sahurang pang-aalipin.
Ang unanghakbang ay malawakang pakikibaka ng mga manggagawa sa pinakamaramingpabrika/kompanya upang TUTULAN ang tanggalan, work rotation, at wage reduction.Wala tayong kapangyarihan sa pakikibaka kung hindi maraming pabrika anglalahok. Hindi na angkop at hindi na epektibo sa kasalukuyang antas ng labananna paisa-isa, sector by sector o industry by industry na pakikibaka. Ang tamaat epektibo ay pakikibaka ng lahat ng sektor at lahat ng industriya.
Angmalawakang pakikibaka ay hindi kaya ng unyonismo sa Pilipinas na nahati-hati atmatindi ang sektaryanismo. Hindi ito kaya ng unyonismo na walang ibang intereskundi preserbasyon ng kanyang istruktura at burukrasya dahil matindi angkompetisyon kahit sa hanay nila. Hindi ito kaya ng unyonismo na ang tangingpapel sa kasalukuyan ay katuwang ng estado sa loob ng kilusang paggawa upanghadlangan ang pagsulong ng proletaryong rebolusyon.
Kailangangtutulan ang nais ng estado at mga unyon na "tanggapin natin ang mga sakripisyobasta't tutulungan tayo ng gobyerno". Wala tayong maasahang pangmatagalangtulong mula sa kapitalistang estado na lubog sa utang at kontrolado ng mgabuwayang hayok sa pera at kayamanan at pangunahing tagapagtanggol ng sistemangsahuran. Ang "tulong" nito ay may layuning pigilan tayong manggagawa na hawakannatin ang ating kinabukasan sa ating sariling mga kamay.
Dahil angating lakas ay nakasalalay sa pakikibaka ng maraming pabrika na dapat koordinadong mga asembliya o komite sa welga, ngayon pa lang ay nagtutulungan na angrehimeng Arroyo, Kaliwa at mga unyon upang mapigilan ito. Ang panawagan ngayonng mga unyon ay isang "tripartite summit" na lalahukan ng mga representante ngmga unyon, asosasyon ng mga kapitalista at estado upang pag-usapan paanong mapigilanang malawakang pag-aklas ng mga manggagawa. Patuloy ang mistipikasyon ng Kaliwana ang paksyong Arroyo lamang ang pangunahing kaaway ng masa at pilit naitinatago ang katotohanan na ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri,administrasyon at oposisyon, Kanan at Kaliwa ay parehong mortal na kaaway ngmanggagawang Pilipino.
Kung naisnating lalakas ang ating pakikibaka at tayo mismo ang magdesisyon sa atingkinabukasan, kailangang makibaka tayo labas sa istruktura at balangkas ngunyonismo, ito man ay hawak ng Kanan o Kaliwa, ng administrasyon o oposisyon.Ang ating lakas ay nasa mga ASEMBLIYA at KOMITE NG WELGA na tayo mismo ang magtayo,magpatakbo at sentralisado.
Ang anumangpakikibaka na nasa pamumuno ng unyon ay mauuwi lamang sa negosasyon na pabor sauring kapitalista at estado.
Angpakikibaka para sa PERMANENTENG TRABAHO at SAPAT NA SAHOD sa gitna ng krisis ngkapitalismo ang tamang linya ng pakikibaka bilang mga alipin ng kapital. Hinditayo magsakripisyo para iligtas ang naghihingalong sistema. Ang istorikal namisyon nating mga manggagawa ay wakasan ang buhay ng sistemang ito upang tayoay makalaya na mula sa pagsasamantala.
Ang linyangito ang maging tungtungan natin para ituloy-tuloy ang pakikibaka hanggangmawasak ang kapitalistang estado at maagaw natin ang kapangyarihan. Angpag-agaw ng uring manggagawa sa kapangyarihan ang TANGING daan tungo sa atingganap na kalayaan bilang sahurang alipin.
Tayong lahatna manggagawa - may trabaho at wala, regular at kontraktwal, unyonista athindi, nasa publiko at pribado - ay kailangang magkaisa at sama-samang labananang mga atake ng kapitalista na tayo ang papasan sa krisis ng sistemang matagalng nagsamantala at nang-api sa atin. Magkaisa tayo sa ating mga asembliya at saating mga komite ng welga. Ito na lamang ang tanging paraan para mapigilannatin ang atake ng kapital sa ating kabuhayan.
INTERNASYONALISMO
Enero 31, 2009Rumaragasa ngayon sa maraming bahagi ng mundo ang militanteng paglaban ng uring manggagawa laban sa mga atake ng kapital para subukang isalba ang wala ng solusyon na krisis ng sistema.
Nito lang pagsabog ng panibagong krisis ng kapitalismo mula 2007, sinagot ito ng mga militanteng paglaban ng proletaryado. France, Britain, Germany, Italy, Greece, Egypt, Bangladesh, South Korea ay iilan lamang sa mga bansang sumabog ang pagkakaisa at galit ng manggagawa laban sa estado at sistema.
Ang pinakahuli ay ang malawakang rali at demonstrasyon ng mahigit 50,000 manggagawa sa garment industries sa export processing zones sa Bangladesh ilang araw pa lang ang lumipas.
Nakitaan ang mga paglabang ito ng manggagawa ng mga sumusunod:
1. Pagsuway sa mga maka-kapitalistang batas ng estado na ang tanging layunin ay pigilan o kaya ay takutin ang manggagawa na magkaisa at lumaban. Ang sagot dito ng uri ay wildcat strikes o "ilegal" na mga welga o work stoppage.
2. Paglunsad ng mga asembliya bilang organo ng pakikibaka. Sa asembliya ay lumahok ang mga regular at di-regular na manggagawa; mga manggagawa na galing sa iba't-ibang sektor.
3.Mariin at lantarang pagkondena sa estado at mga institusyon nito bilang utak sa hirap at aping kalagayan ng masang anakpawis.
Manggagawang Pilipino: Unti-unting sumasabay sa kompas ng pandaigdigang paglaban sa bulok na sistema
Habang abalang-abala ang iba't-ibang paksyon ng naghaharing uri sa Pilipinas - Kanan at Kaliwa - sa kanilang bangayan kung ngayon na ba babaguhin ang kanilang Saligang Batas, pinakita naman ng maliit na posyon (maliit pa lang sa ngayon) ng manggagawang Pilipino ang makauring larangan ng labanan - laban para sa kanilang makauring interes at laban na sa tereyn ng uri: ang lansangan at sama-samang pagkilos.
Pumuputok sa ilang pabrika ang wildcat strikes. Sinusuway ng manggagawa ang mga mapanupil na batas ng estado.
Ito ang nangyari sa Giardini del Sole sa Cebu, sa kasalukuyang laban ng mga manggagawa sa Paul Yu sa Mactan Cebu Export Processing Zone at sa Keppel Cebu Shipyard. Nasa ganitong konteksto din ng militanteng paglaban ang ginagawa ng mga manggagawa sa Triumph International sa Taguig, Metro Manila.
Sa mga manggagawa sa Cebu, lumalaki ang papel ng kanilang mga asembliya bilang organo ng pakikibaka. Sa mga asembliya sila nagdiskusyon at nagdesisyon sa kanilang laban. Ang burukrasya ng unyonismo ay unti-unting naisantabi at lumalaki ang papel ng demokrasya ng manggagawa.
Iba-iba man ang partikular na isyu, komon ang ipinaglalaban ng mga manggagawa - seguridad sa trabaho at sapat na sahod. Hindi tinanggap ng mga manggagawang nag-aklas ang separation pay o kaya ang dahilan ng mga kapitalista na nalulugi sila dahil sa pandaigdigang krisis.
Ganito din sa pangkalahatan ang laman ng mga demanda ng manggagawang lumalaban sa iba pang bahagi ng mundo.
Sa mga pang-ekonomiya at kagyat na mga labanang ito mabilis na lumilinaw sa malawak na manggagawa ang papel ng estado sa kanilang aping kalagayan bilang tangi at numero unong tagapagtanggol sa mapagsamantalang sistema.
Nahuhubaran din sa mga labanang ito ang tunay na katangian ng administrasyon at oposisyon. Habang dakdak ng dakdak sila sa usaping Chacha at eleksyon ay pipi naman silang lahat sa nangyayaring pang-aapi sa masang anakpawis sa mga pabrika. Hindi ito nakapagtataka dahil iisa lang naman ang uri ng administrasyon at oposisyon - mapagsamantala at mapang-aping uri. Ang administrasyon at oposisyon ay kapwa mortal na kaaway ng masang anakpawis at kailan man ay hindi maaring maging kaibigan nila para sila lumaya. Ang parliyamento at iba pang institusyon ng estado ay instrumento ng paghahari nila at hindi na "rebolusyonaryong entablado" gaya noong 19 siglo.
Kung papansining maigi, karamihan sa mga lumalaban ngayon ay mga kabataang manggagawa at mga manggagawa na walang karanasan sa pananabotahe ng unyonismo noon. Sila ang mga bagong henerasyon ng kilusang paggawa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Mistipikasyon ng unyonismo, burges na demokrasya at nasyunalismo
Bagamat nanatiling malakas ang impluwensya ng burges na ideolohiya sa hanay ng kilusang paggawa sa Pilipinas - unyonismo, demokrasya at nasyunalismo - sumisibol naman ang binhi ng pangangailangan ng malawakang pagkakaisa at pakikibaka. Nasa binhing ito, na dinidiligan ng pandaigdigang pagsulong ng mga pakikibaka ng uri, ang magbigay bigwas sa hinaharap sa mga burges na ideolohiyang pumipigil at lumilihis sa pakikibaka ng proletaryado laban sa kapitalismo at para sa sosyalismo.
Habang lumalakas ang sigaw ng proletaryado para sa malawakang pagkakaisa at pakikibaka ay mabilis naman na mahuhubaran ang pagiging reaksyunaryo ng unyonismo, burges na demokrasya at nasyunalismo. Habang tumataas ang antas ng militanteng paglaban ng uri, mabilis nitong makikita na ang estado ay hindi nirereporma o pinapasok kundi winawasak para makamit ang makauring kalayaan mula sa pagsasamantala at pang-aapi.
Habang kapwa ang Kanan at Kaliwa ay nagpapaligsahan kung sino ang "tunay na makabayan" at "tunay na demokratiko", mahuhubaran naman ito sa mata ng masang api at makikita ang tunay na mga anyo nito: ang interes ng bansa ay makauring interes ng burgesya; ang demokrasya ay isang mapanlinlang na mukha ng diktadura ng mapagsamantalang uri sa kapitalistang lipunan.
Walang makapagsasabi kung ano ang kahihinatnan ng kasalukuyang militanteng paglaban ng maliit na bahagi ng manggagawang Pilipino. Kung matibay nila na tindigan ang pangangailangang palawakin ang pakikibaka sa mas maraming pabrika, malaki ang posibilidad na may makukuha silang tunay na mga makabuluhang konsesyon sa laban.
Anu't-anuman, pinakita na ng mga kapatid nating manggagawa ang tamang daan tungo sa tagumpay: malawakang pagkakaisa at malawakang pakikibaka hindi lang sa antas pambansa kundi higit sa lahat, sa pandigdigang antas.
Kung sakaling matalo man ang mga pakikibaka nila ngayon, ang mga aral na mahahalaw dito ay hindi matatawaran dahil napakahalaga nito para sa susunod na mga labanang magaganap habang mabilis na bumubulusok-pababa ang pandaigdigang kapitalismo.
Ang karanasan mismo ng uri ang matabang lupa upang tataas ang kanilang kamulatan at antas ng pag-oorganisa sa sarili. Ang kamulatang ito rin ang magtuturo sa kanila na ang Kanan at Kaliwa, kabilang na ang kanilang mga ideolohiya ay hadlang para sa tagumpay ng pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Mas lalong lumilinaw ngayon ang dalawang tunguhin ng daigdig sa ilalim ng bulok na kapitalistang sistema: KOMUNISMO o PAGKAWASAK NG MUNDO. Bumibilis ang takbo ng orasan. Tanging nasa kamay lamang ng internasyunal na rebolusyonaryong proletaryado ang kaligtasan ng sangkatauhan.
Nagulantang ang buong mundo sa nangyaring masaker sa Maguindanao nitong Lunes, Nobyembre 23. Limampu't pito (57) ang kumpirmadong karumal-dumal na pinatay ng mga armadong salarin.
Mariing kinondena ng lahat ang nangyaring masaker.
Dekadenteng kapitalismo: walang humpay na magluluwal ng karahasan
Sa panahon na ang naghaharing sistema ay nasa kanyang pagbulusok-pababa na, titindi din ang marahas na bangayan ng ibat-ibang paksyon ng naghaharing uri. Ito ang makikita natin sa kasaysayan magmula noong sinaunang lipunang alipin. Ang dekadenteng kapitalismo ay pumatay ng mahigit 100 milyon sa dalawang pandaigdigang imperyalistang digmaan. Hindi pa kasama dito ang mga lokal at rehiyunal na mga digmaan sa ibat-ibang sulok ng mundo na lumalawak at tumitindi ngayon laluna sa Gitnang Silangan. Lahat ng ito ay dahil sa paksyunal na tunggalian ng ibat-ibang paksyon ng mapagsamantalang uri.
Tuloy-tuloy ang pagtindi ng barbarikong karahasan ng mga tunggalian ng ibat-ibang paksyon - sa loob ng Kanan, sa loob ng Kaliwa, at sa pagitan ng Kanan at Kaliwa. Mas matindi ito sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas kung saan ang "makalumang" pamamaraan ng warlordismo sa panahon ng pyudalismo ay ginagamit pa rin ng mga modernong kapitalista sa lokal na antas - sa kani-kanilang mga teritoryo. Mga malalaking kapitalista-haciendero ang may sariling pribadong hukbo, mga mersenaryo na ang katapatan ay papatay para sa kanilang amo na nagbibigay sa kanila ng malalaking pera at sweldo. Ang mga makabagong warlords na ito ay siya ring mga political warlords sa kani-kanilang "lokal na kaharian". Sila ang sinasandalan ng lahat ng mga politiko na nagnanais makaupo sa mga pambansang posisyon laluna sa pagka-pangulo ng bansa. Ganito na ang kalakaran sa Pilipinas magmula pa 1940s.
Barbarismo sa lipunan: tanda ng pagiging inutil ng naghaharing uri at estado
Sa panahon na progresibo pa ang isang moda ng produksyon, progresibo din ang naghaharing uri. Sa pangkalahatan, ang kanyang paghahari ay nagbibigay ng "pangkalahatang kapayapaan" sa tunggalian ng ibat-ibang paksyon nito. Bakit? Dahil malawak pa ang maaring paghahatiang yaman sa lipunan sa ilalim ng isang sumusulong na moda ng produksyon.
Subalit, sa panahon na nasa permanenteng pagbulusok-pababa na ang sistema, mismong ang buong naghaharing uri at ang estadong inaasahan nitong maging "regulator" sa mga tunggalian sa lipunan ay mabilis na rin na nawalan ng kapasidad upang igiit ang rasyunalidad ng sistemang pinagtatanggol nito. At sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo sa kanyang yugto ng pagkaagnas (dekomposisyon) mula noong 1980s, lubusan ng nawalan ang lipunan ng anumang natitirang rasyunalidad at moralidad kahit batay sa burges na istandard. Lubusan ng sumabog ang rasyunalisasyon sa lahat ng mga bagay sa ilalim ng isang lipunang naghihingalo na. Tuluyan ng nawala ang anumang mistipikasyon ng demarkasyon sa pagitan ng pasistang diktadura ng isang tao at sa demokratikong kaayusan. Ganap ng nalantad na ang sinasabing demokrasya ay kabilang mukha lang pala ng diktadurang burges.
Inamin mismo ng burges na mga tagasuri na ang nangyari sa Maguindanao ay walang katulad sa kasaysayan ng Pilipinas, kahit noong panahon ng diktadurang Marcos. Pinabulaanan ng masaker sa Maguindanao ang pinagyayabang ng mapang-aping uri sa Pilipinas na ang demokratikong sistema ay may kaibahan sa pasistang diktadura ni Marcos.
Ipokrasya ng naghaharing uri sa buong mundo
Luha ng buwaya naman ang pinakita ng estado at ibat-ibang paksyon ng burgesya sa nangyaring karahasan sa Maguindanao. Kinundena nila ito pero tinatago naman ang tunay na dahilan, ang punot-dulo ng ganitong karahasan.
Ang makapangyarihang imperyalistang mga bansa na modelo ng demokrasya ay mabilis pa sa alas kwatro na naglabas ng pahayag ng pagkondena, gayong ang mga bansang ito mismo ang dahilan ng karahasan noong WW I at II at sa Gitnang Silangan at Aprika sa kasalukuyan. Ang pagkondena ng imperyalistang Amerika at Britanya, kasama na ang asosasyon ng mga magnanakaw - United Nations - ay kasuklam-suklam dahil ang Amerika at Britanya ang nagunguna sa barbarikong karahasan ngayon sa Gitnang Silangan.
Ang rehimeng Arroyo ay kung anu-anong pakulo ang dineklara - "national day of mourning", "national day of prayer", "state of emergency", "walang sisinuhin at sasantuhin sa ilalim ng batas", blah blah blah.....
Ang burges na oposisyon naman at Kaliwa ay nagkakaisang tinuturo at sinisisi ang naghaharing paksyon na nakaupo sa Malakanyang ngayon upang maging dagdag puntos sa kanilang ambisyong papalit sa kapangyarihan o kaya para mas dadami pa ang kanilang mga representante sa loob ng estado at parliyamento.
Tulad ng dati: ginagamit ng Kanan at Kaliwa ang anumang isyung malapit sa masa para sa kani-kanilang pansariling interes.
Ang tanong: aling paksyon ba ng naghaharing uri - administrasyon at oposisyon, Kanan at Kaliwa - ang hindi umaasa at nakasandal sa mga warlords at armadong grupo? Alin ba sa kanila ang hindi lumapit, nakipag-usap at nakipag-alyansa sa mga armadong grupong ito laluna sa panahon ng mga eleksyon? Silang lahat ay sumandal at nakipag-alyansa sa mga ito o kaya nagtatayo mismo ng kanilang pribadong hukbo!
Kahit ang angkang Mangudadatu, ang pangunahing biktima sa masaker sa Maguindanao ay isa ring angkan ng mga warlords, at kakutsaba ang isa pang angkan ng mga warlords - mga Ampatuan - ay naghasik ng malawakang pananakot at pandaraya sa Maguindanao noong eleksyong 2004 para manalo sa kanilang probinsya ang paksyong Arroyo.
Higit sa lahat, ang estado mismo na pinag-aagawan nilang pasukin at kontrolin ang may hawak ng pinakamalakas at pinakamakapangyarihang pribadong hukbo ng naghaharing uri!
Ang Maguindanao masaker ay hindi ang katapusan ng mga karumal-dumal na patayan. Ito ang simula ng mga mas barbarikong karahasan. Ang pangingibabaw ng bulok na ideolohiyang burges sa lipunan - "isa laban sa lahat" at "bawat isa para sa kanyang sarili" - ang magtulak sa ibat-ibang paksyon ng burgesya, na dati magkaalyado na marahas na magpatayan para sa kani-kanilang interes laluna sa liblib na mga lugar.
Malinaw ito sa nangyari sa Maguindanao: ang angkang Mangudadatu at angkang Ampatuan, ang dalawang makapangyarihang warlords sa Maguindanao, na dati magkaalyado, ay magkaaway ng mortal ngayon. Katunayan, ang angkang Ampatuan ang pangunahing pinagdududahang utak sa nangyaring masaker sa Maguindanao.
Hindi na tayo magtaka kung ang angkang Mangudadatu, na kaalyado ngayon ng partido ng administrasyon ay lilipat sa oposisyon kung hindi sila makumbinsi sa "hustisyang" ipapataw ng rehimeng Arroyo. At malaki ang posibilidad na ngayon pa lang ay gumagapang na ang burges na oposisyon para kumbinsihin ang angkang Mangudadatu na kumampi sa kanila.
Tunay na kapayapaan makamit lamang matapos ibagsak ang kapitalismo at estado nito
Ang dekadenteng kapitalismo ay walang katapusang digmaan, karahasan at kaguluhan.
Sa mga karahasang nangyayari ngayon, ang laging unang biktima ay ang mahihirap na mamamayan. Nagpapatayan sila hindi para sa kanilang makauring interes kundi para sa interes ng mga paksyon ng burgesyang kanilang sinusuportahan. Higit sa lahat, sa mga karahasang ito, nadadamay ang mga inosenteng masa.
Lahat ng pagtuligsa ng Kanan, Kaliwa, media, Simbahan at imperyalistang kapangyarihan iisa ang layunin: palakasin ang estado para kontrolin ang buong lipunan. Para sa kanila, ang estado lamang ang tangi at may kapangyarihan para maibalik ang "kapayapaan" at "normalidad" sa lipunan. Solusyon na magbunga lamang ng mas matinding marahas na bangayan at mas karumal-dumal na patayan dahil sa panahon ng pagkaagnas ng sistema, lubusan ng inutil ang estado para "kontrolin" ang mga tunggalian sa lipunan. Katunayan, ito pa ang punot-dulo ng lahat ng karahasan sa lipunan.
Ang tanging may kapasidad para makamit ang kapayapaan sa lipunan ay rebolusyonaryong uring manggagawa; ang uring may istorikal na misyong wakasan ang lahat ng pagsasamantala. Magagawa ito ng uri kung titindig ito bilang independyenteng uri na nasa unahan ng pakikibaka ng lahat ng pinagsamantalahang mga uri ng kapital.
At ang unang hakbang dito ay ibagsak ang estado.
Ang panawagan ng mga komunista sa Pilipinas sa manggagawang Pilipino: walang suportahan sa alinmang naglalabanang mga paksyon ng kaaway sa uri. Huwag magpagamit sa anumang paksyon ng kaaway. Isulong ang sariling kilusan laban sa bulok na kapitalistang sistema at sa estado nito.
INTERNASYONALISMO
Nobyembre 26, 2009
Mula ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto at nangingibabaw na ang tendensya ng kapitalismo ng estado sa halos lahat ng mga bansa, ang mga unyon na dati organisasyon ng uring laban sa kapital noong 19 siglo ay ganap ng naging instrumento ng kapitalistang estado laban sa interes ng proletaryado.
Wala ng mas malinaw na patunay nito kundi ang paglahok ng mga unyon at pagtulak ng mga ito sa masang manggagawa na magpatayan sa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan na kumitil ng mahigit 100 milyong buhay.
Sa kasalukuyan, ang mga unyon ay ginamit ng magkabilang kampo ng
naghaharing uri (Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon) upang
hatiin at ilihis ang mga manggagawa sa rebolusyonaryong landas.
Magmula
ng umusbong ang unyonismo sa Pilipinas, maraming mga ehemplo na maari
nating ihapag kung paanong sinabotahe nito ang pakikibaka ng uri para
ibagsak ang kapitalistang gobyerno. Ang pinakamaliwanag nito sa
kasaysayan ay ang linyang “tunay, palaban, makabayang unyonismo” na
sinisigaw ng Kaliwa. Wala itong ibig sabihin kundi igapos ang masang
proletaryo sa kadena ng nasyunalismo at pakikipag-alyansa sa pambansang
burgesya.
Nitong nakaraang mga araw, nalathala sa Manila Indymedia at sa mga lokal na pahayagan ng Cebu ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Giardini del Sole, isang Italian-owned furniture-export industry. Ang isyu ay ang temporary shutdown ng kompanya dahil sa pandaigdigang krisis pinansyal.
Nagbunyi ang Partido ng Manggagawa (PM) sa sinasabi nitong “tagumpay” ng mga manggagawa sa kanilang laban sa “pamumuno” ng unyon na kasapi nito.
Ano ba ang sinabi ng Kaliwa at ng unyon na “tagumpay” ng mga manggagawa sa Giardini del Sole?
1. Ang unyon ay naging partner ng DOLE at management para pag-usapan kung paano ipatupad ang rotation work. Ibig sabihin, kung paano ipatupad ang pagbawas ng araw-pagtrabaho ng mga manggagawa!
2. Ang pakikipag-usap ng unyon sa kapitalista kung paano magtulungan para itayo ang isang “kooperatiba” ng manggagawa na siyang magpapatakbo ng kompanya. Sa madaling sabi, “workers’ control” o “self-management”.
Sa pangkalahatan, hindi lang ang PM ang may ganitong repormistang linya. Lahat ng mga Kaliwang organisasyon na karibal ng PM ay ganito din ang takbo ng utak: “workers’ control”, bail-out ng kapitalistang estado sa uring manggagawa.
Kabiguan ng pakikibaka ng mga mangagawa sa Giardini
Hindi totoong tagumpay ang nalasap ng mga manggagawa sa Giardini kundi MALAKING KABIGUAN AT PAGKATALO.
1. Ang rotation work o pagbawas ng oras-trabaho ay walang ibig sabihin kundi tinanggap ng mga manggagawa na mabawasan ang kanilang kita. Wala itong ibig sabihin kundi ibayong paghihirap ng masang matagal ng pinagsamantalahan at inaapi ng kapitalista. Kulang na kulang na nga ang sahod nila noong 6 na araw kada linggo at 8 oras kada araw ang kanilang trabaho, mas lalupa itong kukulangin sa pang-araw-araw na gastusin ngayon dahil rotation work na nga! Nasaan ngayon ang “tagumpay” na sinasabi ng Kaliwa at ng unyon?
Ang kagyat na hinihingi ng mga manggagawa ay permanenteng trabaho at sapat na sweldo para mabuhay na disente sa ilalim ng kapitalismo hindi rotation work o contractual work!
Kung ang palusot naman ng Kaliwa ay “buti na lang ang rotation work kaysa tuluyan ng mawalan ng trabaho”, wala itong kaibahan sa hibang na argumento na “mabuti na ang alipin basta walang makakain”.
2. Ang “workers’ control” ay walang ibig sabihin kundi pagsamantalahan ng mga manggagawa ang kanilang sarili dahil sa hungkag na katuwirang “amin ang pabrika at responsibilidad namin na paunlarin ito”. Huridikal lamang na pag-aari ng mga manggagawa ang pabrika pero malinaw ang katotohanan na kapitalistang mga relasyon ang iiral para mapatakbo at “uunlad” ang “pabrika ng manggagawa”. Para “uunlad”, kailangang tutubo ang pabrika. Ang tubo sa kapitalismo ay makukuha lamang sa pagsasamantala sa mga manggagawa!
Katunayan, nagpahiwatig na ang PM at unyon na hihingi ng tulong sa kapitalistang gobyerno para magkaroon ng puhunan kung sakaling papayag sila sa “kooperatiba ng manggagawa”.
Maraming ehemplo na ng “workers’ control” at “self-management” sa iba’t-ibang bansa na pumalpak. Pumalpak dahil sa maigting na kompetisyon sa pagitan ng mga kapitalista at kakulangan ng puhunan na bunga na rin sa kompetisyon. Kung meron mang iilang “umunlad”, ito ay dahil sa maksimisadong pagsasamantala sa mga manggagawang “may-ari” ng pabrika.
Walang ibang solusyon kundi ibagsak ang kapitalismo
Kailangang maintindihan ng mga manggagawa sa Giardini na TALO ang kanilang pakikibaka. Kung napilitan man silang tanggapin ang kanilang kasalukuyang kalagayan hindi dahil sa ito ay “tagumpay” gaya ng panlilinlang ng PM at ng unyon kundi dahil HINDI SAPAT ANG KANILANG LAKAS upang labanan ang uring kapitalista at ang estado. Hindi sapat dahil sila lang ang nakibaka habang ang ibang mga manggagawa sa ibang pabrika ay hindi pa.
Upang manalo sa pakikibaka, kailangang lalahukan ito ng maraming
pabrika; hindi lang ng ilang daang manggagawa kundi ng libu-libo o daang
libong manggagawa. Upang lubusang manalo sa laban, kailangang ibagsak
ng uring manggagawa ang kapitalistang gobyerno at ang sistemang
kapitalismo.
Kung nais ng mga manggagawa na manalo, kailangan nilang
itakwil ang pamumuno ng mga unyon at hawakan ang laban sa sariling mga
kamay sa pamamagitan ng mga asembliya nila hindi lang sa antas pabrika
kundi sa antas syudad hanggang pambansa. Kung nais ng mga manggagawa na
ganap na magtagumpay laban sa kapitalismo, kailangan nila ang suporta ng
mga kapatid na manggagawa sa buong mundo hindi ng kapitalistang
gobyerno o ng mga politiko.
Kailangang tanggapin ng mga manggagawa ang katotohanan na pinagkanulo sila ng “kanilang” unyon dahil sa simula pa lang, ang unyon ay hindi naman organisasyon nila kundi instrumento ng kapitalistang estado sa hanay nila. Ang papel ng unyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay ilihis ang pakikibaka ng uri.
Wala ng kapasidad pa ang kapitalismo ngayon na bigyan ng disenteng pamumuhay ang proletaryado. Nabubuhay ang kapitalismo sa kasalukuyan sa pamamagitan ng ibayong pagsasamantala at pagpapahirap sa masang anakpawis. Wala ng ibang paraan para makalaya mula sa pang-aalipin kundi ang ibagsak ang kapitalistang gobyerno at agawin ng manggagawa ang kapangyarihan.
Sana maging aral sa ibang mga manggagawa ang pagkatalo ng mga
manggagawa sa Giardini dahil sa unyonismo.
Digmaan o rebolusyon. Barbarismo o sosyalismo. Ito ngayon ang tanging pagpipilian ng internasyunal na kilusang manggagawa.
Dahil pinili namin ang rebolusyon at sosyalismo, kami sa grupong Internasyonalismo sa Pilipinas ay pumaloob sa IKT. Para maging realidad ang pandaigdigang proletaryong rebolusyon at makamit ang komunismo , kailangang may organisasyon ang mga komunista na pandaigdigan ang saklaw at antas. Higit sa lahat, isang organisasyon na may malinaw na marxistang plataporma.
Dumaan kami sa mahabang proseso ng seryoso at kolektibong teoretikal na klaripikasyon batay mismo sa karanasan ng internasyunal na kilusang manggagawa at sa karanasan din namin sa Pilipinas bilang mga militante sa loob ng kilusang proletaryo. Hindi ito naging madali sa amin laluna sa Pilipinas ay walang anumang impluwensya ng kaliwang-komunismo sa loob ng mahigit 80 taon. Sa loob ng halos isang siglo, sinalaksak sa aming mga utak at sa buong hanay ng kilusang paggawa na ang Stalinismo-Maoismo ang "teorya ng komunismo".
Para sa amin, pinakamahalaga ang teoretikal na klaripikasyon at diskusyon para sa pag-oorganisa ng mga rebolusyonaryo. Walang saysay ang dami ng isang organisasyon kung hindi ito nakabatay sa malinaw at matatag na teoretikal na pundasyon mula sa mahigit 200 taong karanasan ng proletaryado sa buong mundo.
Isang igpaw para sa mga rebolusyonaryong minorya ang maunawaan ang teorya ng dekadenteng kapitalismo para matatag na panghawakan ang buhay na marxismo sa panahon ng imperyalismo. Ang teorya ng dekadenteng kapitalismo ang pundasyon para makumbinsi kami na ang IKT ang may pinakawasto at pinakamatatag na marxistang plataporma na umaayon sa aktwal na ebolusyon ng kapitalismo at pagsusuma sa mga aral ng praktika ng internasyunal na proletaryado sa loob ng mahigit dalawang siglo.
Subalit, hindi patay ang plataporma ng IKT. Ito ay buhay na plataporma na sinusubukan sa aktwal at dinamikong pakikibaka ng uri at ebolusyon ng kapitalismo. Kaya naman napakahalaga ng tuloy-tuloy at malawakang internal na debate hindi lang sa loob ng IKT kundi sa proletaryong kampo sa pangkalahatan. Nakita namin kung paano ito pinanghawakan at isinapraktika ng IKT.
Maaring hindi pa kasinglalim ang aming pagkaunawa sa kaliwang-komunismo kumpara sa aming mga kasamahan sa Uropa kung saan naroon ang pinakamatagal at pinakamayamang karanasan ng uri. Pero may tiwala kami na sapat na ang naabot naming teoretikal na klaripikasyon para pumaloob sa isang internasyunal na komunistang organisasyon.
Bilang bagong seksyon ng isang nagkakaisa at sentralisadong internasyunal na organisasyon - IKT - magiging mas organisado, sentralisado at malawak ang tuloy-tuloy at buhay na mga debate at diskusyon ng mga komunista para suriin at aralin ang mga mahahalagang usapin ng pagsusulong ng pandaigdigang komunistang rebolusyon. Higit sa lahat, mas maging epektibo ang interbensyon ng rebolusyonaryong minorya sa pakikibaka ng aming uri.
Alam namin na malaking risgo ang aming haharapin sa Pilipinas dahil sa aming paninindigan para sa internasyunalismo at komunistang rebolusyon. Kapwa ang Kanan at Kaliwa ng burgesya sa Pilipinas, na may sariling armadong organisasyon, ay namumuhi sa mga marxistang rebolusyonaryo dahil hadlang kami sa kanilang mga mistipikasyon para iligaw ang pakikibaka ng manggagawang Pilipino palayo sa internasyunal na proletaryong rebolusyon. Lahat ng paksyon ng burgesyang Pilipino ay mortal na kaaway ang mga kaliwang-komunista.
Ito ngayon ang hamon ng mga internasyunalistang-komunista sa Pilipinas: pangingibawan ang mga balakid at ituloy-tuloy ang teoretikal na klaripikasyon, interbensyon sa pakikibaka ng manggagawa sa Pilipinas at pakikipag-ugnayan sa mga kapatid na komunista sa ibang bansa laluna sa Asya.
Nais din naming ipaabot ang buong pusong pagbati sa mga kasamahan sa Turkey (EKS) sa kanilang pagpasok sa IKT bilang bagong seksyon sa naturang bansa. Ang pagkakabuo ng bagong dalawang seksyon ng IKT sa Pilipinas at Turkey sa panahon na nakaranas ngayon ng pinakamatinding krisis ang sistema at malawakang lumalaban ang uring manggagawa ay kongkretong indikasyon ng pagdami ng mga elemento at grupong naghahanap ng rebolusyonaryong alternatiba sa dekadente at naaagnas na kapitalismo sa iba't-ibang panig ng mundo; mga elementong namumulat sa mga panlilinlang at mistipikasyon ng nasyunalismo, demokrasya, parlyamentarismo at unyonismo.
INTERNASYONALISMO
Pebrero 13, 2009
Sa gitna ng desperadong pagsisikap ng internasyunal na burgesya na pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema sa pamamagitan ng pagpapatindi sa mga atake nito sa uring manggagawa, ang Mayo Uno sa taong ito ay hindi lang simpleng internasyunal na araw ng mga protesta at demonstrasyon laban sa pandaigdigang kapitalismo kundi oportunidad para halawin ang mga aral sa pakikibaka ng uri laban sa mga atake ng kapital mula 2007.
Ang mga aral na ito ang pilit tinatago ng Kanan at Kaliwa ng burgesya. Ang una, sa pamamagitan ng hayagang pagtago na lumalawak ang paglaban ng manggagawa sa maraming bansa. Kung napilitan man itong ilabas sa media ay "riots, karahasan at kagagawan ng iilang marahas na elemento" ang pagsalarawan nito para takutin ang masa o bigyang katuwiran ang marahas na pagsupil ng estado. Ang huli, sa pamamagitan ng distorsyon sa mga aral at sa tunay na dinamik ng mga pakikibaka.
Kapwa ang Kanan at Kaliwa ng kapital ay takot at gustong pigilan ang paghahanap ng mga manggagawa ng pakikiisa at ekstensyon ng laban sa pinakamaraming pabrika at "sektor" ng paggawa. Kaya ganun na lang ang kanilang pagsisikap na pigilan na malaman at maunawaan ng pinakamalawak na manggagawa laluna sa mga bansa gaya ng Pilipinas ang mga aral ng pakikibaka ng mas militanteng praksyon ng internasyunal na uri sa Uropa.
Ngayong Mayo Uno, dapat muli nating igiit na ang proletaryado ay isang internasyunal na uri at ang pakikibaka natin para sa sosyalismo ay internasyunal na pakikibaka.
Naghahanap ng malawakang pagkakaisa ang mga manggagawa sa gitna ng pakikibaka
Sa panahon ng hayag na makauring tunggalian, naghahanap ng malawakang pagkakaisa ang proletaryado. Ang mga pinakahuling paglaban ng uri ay nakitaan ng paghahanap ng pakikiisa sa ibang mga pabrika at "sektor" ng paggawa. Ito ay nasaksihan natin sa Greece, Britain, France, Iceland, Ireland, Italy, USA, at iba pang bansa simula ng sumabog ang pandaigdigang krisis noong 2007.
Sa Greece, pinangunahan ng mga kabataan ang malawakan at militanteng pagkilos laban sa mga atake ng estado at naghaharing uri. Sa taong 2007 pumutok ang mga labanan sa kalsada at mga okupasyon sa mga unibersidad at himpilan ng unyon. Libu-libong mga kabataan at manggagawa ang lumahok sa mga pagkilos at labanan sa lansangan hanggang ngayon. Ang pinakatampok nito ay ang okupasyon ng mga manggagawa sa punong-himpilan ng sentrong unyon sa Greece - GSEE - dahil sa kanilang pagkamuhi sa pananabotahe ng mga unyon sa pakikibaka. Nasundan pa ito ng ilan pang mga okupasyon sa himpilan ng mga unyon. Ang okupasyon bilang porma ng pakikibaka ay lumaganap sa ibang bansa - USA, Poland, Britain, at iba pa.
Sa Britain naman, nangyari ang malawakang "iligal" (wildcat) na mga welga ng mga manggagawa para ipagtanggol ang trabaho. Nagsimula ito sa planta ng langis sa Lindsey at lumawak sa ibang mga planta ng langis, elektrisidad, konstruksyon at kemikal. Ang pinakatampok dito ay ang pagtutol ng mga nagwelgang manggagawa sa maniobra ng unyon na igapos ang pakikibaka sa nasyunalismo - laban sa mga manggagawang hindi Britons sa ilalim ng islogang "trabaho para sa manggagawang British". Sa halip, giniit ng mga manggagawa ang pagkakaisa ng manggagawang British at migranteng manggagawa para ipagtanggol ang trabaho. Laban sa nasyunalismo, giniit ng mga manggagawa ang internasyunalismo - "manggagawa sa daigdig, magkaisa!". Ang pinakahuli ay ang okupasyon ng mga manggagawa sa mga planta ng sasakyan ng Visteon sa Belfast, Enfield at Basildon. Umani ng suporta sa ibang mga manggagawa ang okupasyong ito at natransporma ang okupasyon bilang pulong-masa ng iba't-ibang manggagawa mula sa iba't-ibang "sektor".
Sa France, sumabog noong Enero taong ito ang malawakang welga ng libu-libong manggagawa sa Guadeloupe, Martinique at La Réunion para sa trabaho, pagtaas ng sahod at iba pang benepisyo. Tunay na nanalo ang pakikibaka ng uri dahil binigay ng estado ang halos lahat na mga kahilingan nila na walang konsesyon. Sa kabila ng pagkontrol ng unyon, direkta ang partisipasyon at pagsubaybay ng mga manggagawa sa negosasyon sa pamamagitan ng "full media coverage" sa negosasyon. Salungat ito sa nais ng unyon at mga kapitalista na negosasyon sa pagitan lamang nila habang nakaantabay lamang sa labas ang masang nakibaka.
Kung sumahin, ang kasalukuyang laban ng mga manggagawa ay nakitaan sa sumusunod:
Pagkakaisa sa pamamagitan ng mga welga ng pakikiisa, demonstrasyon, pulong-masa at asembliya. Panawagan na lumahok sa pakikibaka ng isang pabrika ang iba pang pabrika. At hindi lang simpleng panawagan. Ang mga nagwelgang pabrika ay nagpadala ng mga delegasyon sa ibang mga pabrika para kumbinsihin sila na lumahok sa pakikibaka. Nagawa ito ng uri dahil "nilabag" nila ang mga anti-manggagawang batas ng estado sa malawakang paraan. Naging makapangyarihan ang "iligal" na welga sa sandaling ilulunsad ito ng sabayan o sunod-sunod ng maraming pabrika. Ginawa na ito ng internasyunal na proletaryado noong 1970s at 1980s kabilang na sa Pilipinas.
Okupasyon sa mga pabrika, unibersidad at iba pang himpilan ng reaksyon. Subalit ang mga okupasyong ito ay kaiba sa nakaraang praktika ng uri ilang dekada na ang nakaraan. Ang okupasyon noon ay inihiwalay ng manggagawa ang sarili sa iba pa nitong kapatid sa uri. Parang ikinulong nito ang sarili sa loob ng pabrika. Natuto mismo ang manggagawa sa kanilang sariling karanasan. Ang mga okupasyon ngayon ay naging sentro para sa mga malawakang pulong-masa at asembliya na siyang nag-uusap at nagdedesisyon sa takbo ng laban.
Internasyunalistang pakikiisa. Nanawagan ang mga kabataan at manggagawa sa Greece, sa pamamagitan ng kanilang mga polyeto at panawagan sa internet ng internasyunal na aksyon. Nakiisa ang mga migranteng manggagawa sa pakikibaka ng manggagawang Britons habang sinusuportahan naman ng huli ang kahilingan ng una. Dahan-dahan, nakikita ng masa ng uri mismo ang pangangailangan ng internasyunal na pagkakaisa kung nais nilang manalo laban sa mga atake ng kapital.
Lumalaking papel ng mga pulong-masa at asembliya sa pagdesisyon sa takbo ng laban at lumiliit na impluwensya o nahihirapan na ang unyonismo na kontrolin ang pakikibaka ng uri.
Papel ng mga unyon: pananabotahe sa pakikibaka
Sumusulong ang mga pakikibaka ngayon sa pandaigdigang saklaw hindi dahil sa unyonismo o sa pamumuno ng Kaliwang mga partido kundi sa kabila ng kanilang kontrol at pamumuno. Ang mga pakikibaka ng manggagawa sa Uropa mula noong nakaraang taon ay nakitaan ng tendensya ng pagtutol at hindi pagsunod sa direktiba ng mga unyon na "namuno" sa kanila o kaya ay ginigiit ang kapasyahan ng mga pulong-masa o asembliya.
Ang pinakahuling pananabotahe ng unyon ay nangyari sa Visteon kung saan pinahinto nito ang okupasyon ng manggagawa para humarap sa negosasyon ang Ford. Ang resulta, isang proposal ang nabuo na hindi pabor sa manggagawa. Ito ay kinilala ng mga manggagawa na isang "insulto" sa kanila.
May kahalintulad din na karanasan sa pananabotahe ng unyon sa Pilipinas nitong nakaraang mga buwan: dineklara ng unyon na "tagumpay" at ginawang "modelo" ng Kaliwa ang pagkatalo ng mga manggagawa sa Giardini del Sole sa Cebu. Sa unang araw ng welga pinagtatanggol ng mga manggagawa ang kanilang trabaho laban sa tanggalan na nais ng kapitalista. Nagtapos ang welga sa isang "matagumpay" na negosasyon ng unyon at kapitalista: tanggalin ang halos 200 manggagawa!
Kung meron mang tagumpay na dapat matutunan sa pakikibaka sa Giardini del Sole ito ay ang militanteng paglaban nila sa pamamagitan ng "pagsuway" sa batas ng estado. Ang "iligal" na welga ng mga manggagawa sa Giardini del Sole ay militanteng pagtutol sa tanggalan at pagtatanggol sa trabaho. Nasa pagiging "iligal" ng welga ang tunay na lakas ng manggagawa sa panahon ng matinding krisis ng sistema. Natalo ang mga manggagawa dahil nag-iisa lang sila sa kanilang laban hindi dahil "iligal" ang welga nila. Hindi nila nakumbinsi ang ibang pabrika na lumaban dahil unang-una, hindi naman ito ang tunay na layunin ng unyon at ng Kaliwang partido na "namuno" sa kanila. Ang mga unyon na kanilang sinandalan at inaasahan ay sumusunod sa anti-manggagawang mga batas ng estado at walang interes na maglunsad ng mga pakikiisang pakikibaka o maglunsad ng pakikibaka sa kani-kanilang pabrika. Natalo sila dahil ang pagdedesisyon sa kanilang laban ay pinaubaya nila sa unyon at sa partido ng Kaliwa at ang "simpatiya" ng ibang pabrika ay hindi natransporma sa pakikibaka ng pakikiisa.
Sa pangkalahatan, ang layunin ng unyon ay negosasyon sa kapitalista na nakabatay sa "kapasidad" ng huli at para sa preserbasyon ng pambansang ekonomiya. Kaya kabilang sa "maka-manggagawang" linya ng unyon ay "ipagtanggol ang pambansang ekonomiya" laban sa mga karibal nito.
Sumusulong ang pakikibaka ng proletaryado laban sa krisis ng kapitalismo dahil una, sinikap nitong hawakan ang pakikibaka sa sariling mga kamay sa kabila ng pagtatangka ng mga unyon na kontrolin ang laban at ikalawa, sinuway nito ang mga anti-manggagawang batas ng estado. Ang mas militante at mas epektibong paglaban ng internasyunal na manggagawa mula 1970s ay nangyari labas sa kontrol at pamumuno ng mga unyon at "nilabag" ang mga batas ng estado. Ang mga manggagaawang Pilipino ay mayaman sa ganitong karanasan sa panahon ng diktadurang Marcos.
Kailangang malaman, mapag-aralan at talakayin ng manggagawang Pilipino laluna ng mga abanteng elemento ang mga aral ng mga pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa ibang bansa laluna sa Uropa dahil bahagi ang manggagawang Pilipino sa isang internasyunal na uri at ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Pilipinas ay bahagi ng internasyunal na pakikibaka ng proletaryado laban sa iisang kaaway - lahat ng paksyon ng uring kapitalista at ang mga estado nito. Kaakibat dito, kailangang ilantad ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas ang mga distorsyon na ginagawa ng Kaliwa at unyon sa mga aral ng pakikibaka laban sa kasalukuyang krisis at sa pagsusuri mismo bakit may krisis.
Hindi tayo ililigtas at hindi tayo maliligtas ng estado
Sabi ng naghaharing uri ang krisis ngayon ay bunga ng pagkagahaman ng mga bangkero at ispekulador sa tubo. Sabi naman ng mga "eksperto sa ekonomiya", ito ay nagmula sa "maling pangagasiwa" pinansyal sa pandaigdigang saklaw. Ang Kaliwa naman, sa kabila ng bukambibig nitong ang krisis ay "krisis ng kapitalismo" ay pinagtatanggol ang sistema sa deklarasyong "kailangang palakasin pa ang panghihimasok at kontrol ng estado sa takbo ng ekonomiya at sa buhay ng lipunan".
Ang krisis ngayon ay hindi krisis ng "globalisasyon" o "neo-liberalismo" kundi krisis ng sistemang kapitalismo na naipon sa loob ng 40 taon. Hindi nagsimula ang kasalukuyang krisis noong 1980s o 1990s kundi noong 1960s. Ang krisis ngayon ay patunay na hindi nasolusyonan ng kapitalismo ng estado ang krisis ng sobrang produksyon na sumabog 40 taon na ang nakaraan. Ang krisis ngayon ay mga naipon na kombulsyon sa loob ng apat na dekada dahil sa permanenteng pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan. Magmula 1914 wala ng bagong pamilihan ang kapitalismo dahil ganap na nitong nasakop ang mundo. Nagawang makahinga ang naghihingalong sistema dahil sa pagpapatindi ng pagsasamantala sa mga dating pamilihan, paggawa ng artipisyal na merkado sa pamamagitan ng utang at sa maksimisasyon ng pagpiga sa lakas-paggawa ng masang anakpawis.
Ngayong Mayo Uno, itatambol na naman ng Kaliwa ang linyang "anti-globalisasyon" kung saan igigiit nito na polisiyang "globalisasyon" ang dahilan ng krisis (ie, liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon). Ito sa esensya ang sinasabi nilang "krisis ng kapitalismo". Wala itong ibig sabihin kundi ang maka-kapitalistang kahilingan na "ibalik muli sa estado ang kontrol at regulasyon" ng ekonomiya. Sa esensya, ang linya ng "kilusang anti-globalisasyon" ay walang kaibahan sa aktwal na ginagawa ng mga imperyalistang kapangyarihan ngayon para "isalba" ang bulok na sistema - "neo-Keynesianismo". Ang kaibahan lang ng dalawa ay sa paggamit ng lenggwahe: Ang Kanan, kapitalismo ng estado para sa "buong sambayanan". Ang Kaliwa, para sa "uring manggagawa" o "pinagsamantalahang mamamayan".
Wala ng mas malinaw pa sa pagkahalintulad ng Kanan at Kaliwa ng burgesya kung kapitalismo ng estado ang pag-uusapan sa deklarasyon ni Hugo Chavez, ang pangulo ng Venezuela ngayon at tagapagtaguyod ng "sosyalismo sa 21 siglo" at iniidolo ng maraming Kaliwa sa buong mundo bilang "bagong modelo" ng "sosyalistang konstruksyon". Ganito ang sabi ng "sosyalista" at "anti-imperyalistang" si Chavez sa ginawa ni George Bush Jr noong 2008 para isalba ang krisis ng kapitalismo sa Amerika:
"Comrade Bush is about to introduce measures associated with comrade Lenin. The United States will become socialist one day, because its people aren't suicidal".
Ang "sosyalismo sa 21 siglo" ni Chavez ay walang kaibahan sa kapitalismo ng estado ng Stalinismo. Para kay Chavez, ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ay mga hakbangin para sa "sosyalistang konstruksyon".
Kailangan ng tuldukan at ganap ng itakwil ang ganitong burges na linya na nagbalatkayong "marxista" laluna sa hanay ng mga abanteng elemento sa kilusang paggawa sa Pilipinas. Hindi ang estado ang maging instrumento para makamit ang sosyalismo. Kabaliktaran: kailangang ibagsak ang estado para maitayo ang lipunang walang pagsasamantala. Napakalinaw ang paliwanag ni Engels sa kanyang ‘Anti-Duhring" kung ano ang katangian ng estado habang naghari pa ang kapitalismo sa buong mundo:
"And the modern state, too, is the only organisation with which bourgeois society provides itself in order to maintain the general external conditions of the capitalist mode of production against the encroachments either by the workers or by individual capitalists. The modern state, whatever its form, is an essentially capitalist machine; it is the state of the capitalists, the ideal collective body of all capitalists. The more productive forces it takes over as its property, the more it becomes the real collective body of all the capitalists, the more citizens it exploits. The workers remain wage-earners, proletarians. The capitalist relationship is not abolished; it is rather pushed to an extreme." (amin ang pagdidiin)
Ang krisis ngayon ay krisis ng sobrang produksyon. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ito ay naging permanente at hindi na masolusyonan maliban sa pagdurog mismo sa sistema. Nang sumabog ang krisis sa 1960s, kontrol at panghihimasok ng estado (ie Keynesianismo at Stalinistang totalitaryanismo) ang "solusyon" ng burgesya sa Bloke ng imperyalistang Kanluran (sa pangunguna ng USA) at sa Bloke ng imperyalistang Silangan (sa pangunguna ng USSR)1. Nagdulot ito ng pagkalubog sa utang ng mga estado at nagbunga ng mga mas matitinding kombulsyon sa sistema sa 1970s at 1980s. Ang kontrol at regulasyon ng estado bilang solusyon ng burgesya sa 1970s at 1980s ay hindi nagbunga ng rekoberi sa krisis sa 1960s kundi mas malalang krisis ng sobrang produksyon.
Sa 1980s, binago ng burgesya ang kanilang "estratehiya": "Thatcherismo" at "Reaganomics", ang pinagbatayan ng "globalisasyon" sa 1990s. Pagkilala ito na palpak ang Keynesianismo at pinalitan nila ng "neo-liberalismo". Habang papunta naman sa pagkawasak ang Bloke ng Silangan (naglaho ang imperyo ng USSR sa 1990s) dahil sa patuloy na pagkapit sa Stalinistang totalitaryanismo.
Dahil ba sa pagbabago ng estratehiya ng burgesya ay totoong lumuwag o binitawan ng estado ang pagkontrol sa ekonomiya at pinaubaya na ito ng una sa mga pribadong kapitalista? OO ang sagot dito ng mga pwersang anti-globalisasyon. Ang kasinungalingang ito ay naglalantad lamang sa katotohanan na wala itong interes na ibagsak ang estado kundi nais nitong palakasin ang mga rehimen ng kapitalismo ng estado sa ngalan ng "sosyalismo" o "anti-kapitalismo".
Hindi mula sa inisyatiba ng mga pribadong kompanya o tulak ng batas ng pamilihan ang "neo-liberalismo". Ang polisiyang ito ay tinulak at ginawa mismo ng mga estado para tangkaing isalba ang sarili mula sa pagkalubog sa utang at pigilan ang lumalalang inplasyon. Hindi lumuwag o naglaho ang kontrol ng estado sa ekonomiya bagkus ay lalo pa ngang humigpit. Sa loob ng mahigit 100 taon, tuloy-tuloy ang paglaki ng papel at panghihimasok ng estado sa buhay ng lipunan dahil ito na lang ang inaasahan ng naghaharing uri para pigilang bumagsak ang sistema. Ang kapitalismo ng estado, anuman ang anyo nito, ang tanging porma ng paghari magmula ng pumasok ang sistema sa kanyang dekadenteng yugto noong unang bahagi ng 20 siglo.
Keynesianismo, "neo-Keynesianismo", Stalinistang totalitaryanismo o "neo-liberalismo", ito ay mga anyo ng kapitalismo ng estado. Ibig sabihin, hindi ang estado ang tagapagligtas ng uring manggagawa. Hindi ililigtas at hindi maliligtas ng kapitalistang estado ang uring manggagawa at iba pang pinagsamantalahang sektor sa lipunan dahil ang tanging papel nito ay ipagtanggol ang naaagnas na kapitalismo. Sa panahon ng kapitalismo ng estado, pipigain nito ang masang proletaryo sa pagsasamantala para sa maksimisasyon ng labis na halaga para sa kompetisyon sa lalong kumikipot na pamilihan. Ito ang papel ng estado, binyagan man ito ng Kaliwa na "estado ng manggagawa", "sosyalistang estado" o "gobyernong bayan".
Kung noong 19 siglo, sa panahon na sumusulong pa ang kapitalismo (panahon ng malayang kalakalan) ay parang "referee" lamang ang papel ng estado sa lipunan para "ayusin" ang mga hindi mapigilang anatagonismo sa lipunan, sa pagpasok ng 20 siglo, lantaran na ang kanyang panghihimasok at kontrol sa buhay panlipunan na binabayo ng lumalalang krisis at kombulsyon ng internal na mga kontradiksyon ng sistema.
Sa loob ng 40 taon naging inutil ang estado para isalba ang krisis ng kanyang sistema. Sa halip, ang tanging sandalan ng naghaharing uri ay nawawalan na ng maniobra para pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema.
Wala ng epektibong solusyon ang estado sa krisis ng sistema
Ang "epektibong solusyon" na pinagyayabang ng burgesya ay walang iba kundi ang palpak na solusyon nito magmula pa noong 1960s - utang. Magmula 1980s ang mga utang ay ginawang ispekulatibong pagpapautang sa napakataas na interes. Sa simula, tiba-tiba ang tubong nakulimbat mula dito subalit kailangang ilabas agad kung may oportunidad dahil sa malao't madali hindi na ito mabayaran. Sa simula, ang mga utang na ito ay parang "maningning na bituin" sa pamilihan kung saan pinag-aagawan ng mga bangko, ispekulador, gobyerno pero mabilis itong natransporma sa isang nakakahawang sakit na iniiwasan ng mga mamumuhunan. At nangyari nga: ang utang ang naging mitsa ng mas malakas na panibagong pagsabog ng naaagnas na sistema sa 2007.
Ang "bailouts" at "stimulus package" ng mga estado ay dagdag-utang para desperadong pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng bulok na sistema. Mga utang na ang papasan at magbabayad ay ang naghihirap na populasyon. Ang mga utang ay hindi solusyon sa problema ng pagkasaid ng pamilihan at krisis sa sobrang produksyon. Kundi kabaliktaran: ito ay lalong nagpalala sa krisis ng sobrang produksyon na siyang ugat ng kasalukuyang pinakamalalim na krisis ng kapitalismo.
Ang Kaliwa na dati nanawagan ng "regulasyon" at "kontrol" ng estado sa pamilihan at ekonomiya sa panahon ng "kilusang anti-globalisasyon" bago sumabog ang krisis noong 2007 ay ganun pa rin ang linya ngayon: isalba ng estado ang uring manggagawa ("bailout the workers"), tulungan ng estado na "ariin at patakbuhin" ng mga manggagawa ang mga nabangkarotang pabrika ("workers' control") at direktang ariin ng estado ang mga batayang industriya at empresa ("nationalization"). Iba-iba man ang lenggwahe, iisa lang ang kanilang ibig sabihin: palitan ang "anti-manggagawang" kapitalismo ng estado ng isang "makabayan" o "sosyalistang" kapitalismo ng estado. At dahil eleksyon na sa susunod na taon, ang linyang isalba ng estado ang proletaryado ay gagamitin nila para lumahok ang mas maraming masang pinagsamantalahan sa burges na eleksyon at igapos ang uri sa larangan ng labanan na laging pabor sa uring mapagsamantala - ang parliyamento.
Isang ilusyon din ang kahilingang "kanselahin" ng mga estado sa "Unang Mundo" ang mga utang ng "Ikatlong Mundo". O sa madaling sabi, ideklara ng mga makapangyarihang estado na wala ng utang ang lahat ng mga bansa! Hindi naunawaan ng mga taong ito ang papel ng utang sa panahon na nasa permanenteng krisis na ang sistema: tanging ang utang na lang ang dahilan kung bakit patuloy pa ang operasyon ng industriya at komersyo. Ito na lang ang bumubuhay sa bulok na sistema at kahit sa mga estado mismo.
Ibagsak ang estado: solusyon sa krisis ng kapitalismo
Ang sistemang sahuran ang puno't-dulo ng krisis ng sobrang produksyon. Dahil sa sahurang pang-aalipin, hindi kayang ubusin (bilhin) lahat ng manggagawa ang mga produktong sila ang may likha dahil sa kapitalismo ang sahod ay maliit na bahagi lamang ng kabuuang halagang nalikha ng lakas-paggawa. Mula sa labis na halaga o halagang walang bayad nagmula ang tubo ng uring kapitalista. Sa 19 siglo nasolusyonan ang krisis sa sobrang produksyon sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong merkado (kolonisasyon sa di-kapitalistang mga lipunan). Nang lubusan ng masakop ng kapitalismo ang mundo at nasaid na ang pandaigdigang pamilihan simula 20 siglo, naging permanente na ang krisis ng sobrang produksyon. Ang estado, anuman ang itawag dito ng Kanan at Kaliwa, ay tagapagtanggol ng sistemang sahuran.
Ang mga Unyon at partido ng Kaliwa ay laban sa interes ng uring manggagawa para ibagsak ang kapitalistang estado at itayo ang sosyalismo. Ang alibi ng Kaliwa: isagawa muna ang "minimum" na programa o "transisyunal" na programa bago ang komunistang programa ito man ay sa linyang "dalawang-yugtong rebolusyon" ng mga maoista, "tuloy-tuloy na rebolusyon" ng mga "leninista" o "permanenteng rebolusyon" ng mga trotskyista habang tuliro naman ang mga di-internasyunalistang anarkista sa kanilang linyang "lokalisadong awtonomiya" at "self-management".
Ang tindi at lalim ng kasalukuyang krisis ngayon ay patunay na sa loob ng mahigit 100 taon ay obhetibong hinog ng ibagsak ang kapitalistang sistema. Ang krisis ngayon at ang matinding epekto nito sa kabuhayan ng masang anakpawis ang siyang nagtuturo mismo sa uri kung ano ang tamang solusyon para wakasan ang krisis ng sistema: wala ng magandang kinabukasan na maibigay ang sistema at estado sa sangkatauhan kundi ibayong kahirapan, kaguluhan, digmaan at pagkasira ng kalikasan. Lubusan ng naging reaksyunaryo ang kapitalismo at ang lahat ng paksyon ng burgesya. Ang kasalukuyang krisis at ang darating pang mas malalim na krisis ang nagtuturo at magtuturo sa uri na posible at kailangan ng ibagsak ang sistema at ang estado na nagtatanggol dito.
Para sa mga komunista sa Pilipinas at sa mga elementong naghahanap ng alternatiba sa kasalukuyang krisis, mahalaga ang Mayo Uno ngayong taon. Ang mga aral sa internasyunal na pakikibaka na dapat halawin ng manggagawa Pilipino ay kailangang mahigpit na panghawakan para sa susunod na mga laban sa hinaharap. Dapat maghanda ang uri sa mga laban na sila mismo ang magdidikta at hindi ang unyon at Kanan o Kaliwa. Kung hindi man ito magkahugis sa malawakang mga welga at militanteng pagkilos sa lansangan, maaring magkaanyo ito sa pagdami ng mga grupo ng manggagawa na nagdidiskusyon sa kanilang kalagayan at paano labanan ang mga atake ng kapital. Mga grupo na hindi hahantong sa pagkagapos sa unyonismo kundi sa pagbubuo ng mga pulong-masa at asembliya para sa malawakang pagkakaisa at pakikibaka.
Ang solusyon sa krisis ay nasa mga kamay ng internasyunal na proletaryado, ang uring may istorikal na misyon na itayo ang lipunang walang sahurang pang-aalipin, walang mga uri, walang pagsasamantala at walang krisis sa sobrang produksyon - ang pandaigdigang komunistang lipunan. #
1 Hindi ibig sabihin na nagsimula ang Keynesianismo at Stalinistang totalitaryanismo sa 1960s. Ang mga ito ay ginawa na ng internasyunal na burgesya noong 1930s sa panahon ng pandaigdigang krisis ng dekadenteng kapitalismo sa 1929.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 1.1 MB |
Narito na ang ikalawang isyu ng Internasyonalismo para sa taong 2009.
Ang artikulo na nasa ibaba ay sinulat ng isang estudyante na nagsusuri sa "kabuluhan" ng eleksyon para sa panlipunang pagbabago.
Sang-ayon kami sa esensya ng artikulo ni kasamang Edward na hindi dapat lumahok sa eleksyon ang mga rebolusyonaryo dahil hindi ito ang paraan para isulong ang rebolusyon sa panahon ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo. Ang pagsisikap ng kasamang ito, na kabilang sa bagong henerasyon ng mga manggagawa ay nararapat lamang na purihin lalupa't lubhang nangibabaw sa hanay ng kabataan sa Pilipinas ang iba't ibang burges na idelohiya ng Kanan at Kaliwa.
Subalit, may ilan lamang kaming paglilinaw sa mga puntong hinugutan ng kasama sa kanyang paninindigan at sa kanyang pananaw sa Kaliwa sa pangkalahatan:
Una, ang eleksyon at parliyamentarismo ay isa sa mga pundamental na katangian ng burges na demokrasya. Ito ang mahika ng naghaharing uri upang lukuban ng mga ilusyon ang masa na may "maaasahan pa" sa estado at bulok na sistema basta "maka-masa at maka-tao" lamang ang nasa loob nito.
Ang demokrasya ay hindi abstrakto. Ito ay may makauring katangian. Sa paghahari ng kapitalismo, ang "demokrasya" ay walang dudang burges at nagsisilbi para sa interes ng burgesya.
Ang sinabi ni kasamang Edward na "Hindi makamit ang tunay na demokrasya sa ilalim ng kapitalismo" ay tila impluwensyado ng usaping moralidad hindi ng materyal na batayan sa pagsusuri sa demokrasya. Tunay na demokrasya ang pinatupad ng burgesya ngayon: ito ay isang porma ng diktadura ng mapagsamantalang uri laban sa kanyang mga pinagsamantalahan.
Malamang ang sinasabi ni kasamang Edward na "tunay na demokrasya" ay ang proletaryong demokrasya dahil iginiit niya na "napakalinaw ang kaibahan sa prinsipyo ng tunay na demokrasya laban sa nangibabaw na demokrasya ngayon sa pamumuno ng mga burges na pulitiko, na nagiging "democrazy"." Subalit ang ultimong layunin ng komunistang rebolusyon ay pawiin ang kaibahan ng "mayorya" at "minorya" na siyang tungtungan ng burges na demokrasya, na nakabatay naman sa pagkahati-hati ng lipunan sa mga uri.
Ang proletaryong demokrasya ay temporaryo lamang, sa panahon lamang ng transisyon mula kapitalismo tungong komunismo. Ang demokrasya ng proletaryado ay ang diktadura ng proletaryado. Sa isang komunistang lipunan, na pandaigdigan ang saklaw, maglaho na ang diktadura ng proletaryado dahil maglaho na ang mga uri, ang estado at ang mga pambansang hangganan. Sa komunistang lipunan, kung saan maging realidad na ang tunay na pagkapantay-pantay batay sa kasaganaan, ang abstraktong konsepto ng demokrasya ay maglaho na rin.
Ikalawa, tila hindi lubusang naintindihan ni kasamang Edward ang papel ng Kaliwa para ilihis at ilayo ang masang manggagawa sa proletaryong rebolusyon. Tila umaasa ata si kasamang Edward na darating ang panahon na maunawaan ng Kaliwa sa Pilipinas ang kabulukan ng eleksyon at makumbinsi itong hindi na lalahok dito dahil sinabi niyang "Sana maunawaan ito ng Kaliwa, laluna ng mga Maoista-Stalinista na ang estado laluna ang mga batas ay instrumento na ng burgesya para palawakin ang kanilang impluwensya at para ipagpatuloy ang pang-aapi sa nakararami."
Ang tungkulin ng Kaliwa ay harangan ang pag-unlad ng kamulatan ng manggagawa tungo sa rebolusyonaryo at komunistang kamulatan. Hinahadlangan ng Kaliwa na susulong at magtagumpay ang proletaryong rebolusyon. Sila ay mortal na kaaway ng uring manggawa sa loob ng kilusang paggawa at kilusang masa.
Pero kung hindi ba lalahok ang Kaliwa sa eleksyon ay maging marxista na sila? Ang pundamental na sukatan kung ang isang organisasyon ay marxista o hindi ay ang kanyang programa at aktibidad sa loob ng kilusang paggawa.
Ang maoistang PKP ay hindi lumahok sa eleksyon noong 1970s hanggang 1986. Nangampanya ito ng boykot sa halalan ng diktadurang Marcos sa dahilan na "walang demokrasya" sa ilalim ni Marcos. Nang pumalit si Corazon Aquino, lumahok na sa eleksyon ang mga maoista.
Ang panatikong maoista-thirdworldista ay boykot ang paninindigan sa eleksyon. Ang mga maoista sa India at Peru ay hindi lumalahok sa eleksyon. Pero marxista na ba sila? Hindi.
Ang maoistang programa ay para ipagtanggol ang pambansang kapitalismo, ito man ay sa pamamagitan lamang ng "armadong pakikibaka sa kanayunan" o kombinasyon ng "elektoral na pakikibaka" sa kalungsuran.
Ikatlo, ang proletaryong rebolusyon ay isang marahas na pagdurog ng mga manggagawa sa estado at sa sistema. Sa rebolusyong ito, mag-aarmas at makikidigma ang mga manggagawa laban sa armadong estado. Subalit, ang uri mismo ang mangangasiwa sa kanilang armas at sa kanilang armadong pakikibaka sa panahon ng rebolusyonaryong sitwasyon. Ang mga armadong manggagawa at maralita ay nasa direktang superbisyon at pamumuno ng kanilang mga konseho at asembliya. Taliwas ito sa banggardistang pananaw ng mga maoista na ang "armadong hukbo" ay nasa "absolutong pamumuno ng partido".
Tutol ba si kasamang Edward sa armadong pakikibaka kaya nasabi niya na "Pero bakit kailangang magbuhis ng dugo ang mga Maoista-Stalinista para isulong ang sinasabi nilang "pambansang demokrasya""? Nagbuhis ng dugo ang mga maoista-stalinista, at itinulak nila ang masa para dito hindi para baguhin ang sistema kundi para ipagtanggol ang interes ng burgesyang Pilipino sa ngalan ng "anti-imperyalismo" at burges na nasyunalismo. Ang pagbubuhis ng dugo at paglulunsad ng armadong pakikibaka ng proletaryado sa panahon ng rebolusyonaryong sitwasyon ay para durugin ang estado at kapitalismo.
Pang-apat, ang mga komunista/rebolusyonaryong organisasyon, na ang pinakamataas na porma nito ay ang internasyunal na partido, ay produkto ng makauring pakikibaka. Ang pakikibaka ng manggagawa ay magluluwal ng mga abanteng elemento - mga komunista/rebolusyonaryo - na iniorganisa ang sarili sa mga organisasyong nasa unahan ng pakikibaka ng uri. Samakatuwid, ang mga organisasyong ito, batay sa kapasyahan ng masang manggagawa, ang mamuno sa kanila para ipagtagumpay ang komunistang rebolusyon.
Ang pamumunong ito ay salungat sa "pamumuno" na ginagawa ngayon ng mga Kaliwang partido. Ang pamumuno nila ay nakabatay lamang sa kanilang kagustuhang mamuno at sa pagkakaroon nila ng sariling armadong pwersa.
Ang pamumuno ng mga komunistang organisasyon ay nakabatay sa mulat na pakikibaka ng uri at mulat na pag-organisa nila sa kanilang sarili. Napapanday ang namunong papel ng marxistang partido sa pamamagitan ng aktibong interbensyon nito sa loob ng mga asembliya at konseho ng manggagawa na itinayo at pinamunuan mismo ng masang proletaryado. Sa madaling sabi, ang pampulitikang pamumuno ng komunistang organisasyon o partido ay mahigpit na nakabatay at nagsisilbi sa "ang emansipasyon ng uring manggagawa ay nasa mga kamay mismo ng masang manggagawa."
Gayong tama na hindi pwedeng "iatas" ng partido sa uri ang rebolusyon, mali naman kung sabihing "hindi ito mangyari kung ang mga rebolusyonaryo mismo .... (ang) mamuno sa mga manggagawa para isulong ang rebolusyon." Hindi simpleng propagandista-ahitador-edukador lamang ang papel ng mga komunistang organisasyon. Ang papel nila ay bilang pampulitikang lider ng rebolusyon. Mas mahalaga sa lahat ay maging aktibong salik ito para pabilisin ang tagumpay ng komunistang rebolusyon.
Sang-ayon kami sa pagsusuma ni kasamang Edward sa tungkulin ng mga rebolusyonaryo ngayon: "Ang dapat gawin ngayon ay ibagsak ang kapitalismo kasama na ang estado sa pamamagitan ng nagkakaisa, independyente at pandaigdigang rebolusyon ng manggagawa."
Internasyonalismo
--------------------------------------
1)Hindi dapat makialam ang mga rebolusyonaryo sa eleksyon, dahil hindi ito ang tamang instrumento para isulong ang rebolusyon at ang mithiin ng nakararami. Ang eleksyon ay laro ng burgesya na nasa estado. Dito pinakita ang kapangyarihan nila at hanggang saan ang kanilang impluwensya, sa pamamagitan ng bangayan at kompetisyon. Ito ang malinaw na katangian ng ating lipunan ngayon.
Katunayan, nakasulat ito sa manusripto ni Karl Marx na ang lipunan ay tunggalian at kompetisyon, at ang mananaig ay ang makapangyarihan. Ito ang makikita sa burges na eleksyon kung saan laging nasa bentahe ang nasa kapangyarihan.
Pero hindi ito ang pakikibaka na bigyang halaga ng mga rebolusyonaryo. Ang dapat ay kung paano imulat ang nakararami sa kagaguhan at kabulukan ng sistema ngayon, hindi lang bilang indibidwal kundi bilang tao mismo.
Para sa akin ang eleksyon ay parang laro ng solitaryo. Ang kapangyarihan ng mga burges na politiko ay galing sa mga maliliit na myembro ng lipunan hanggang sa pangkalahatang kasapian. Pasukin nila ang ibat-ibang tao, ibat-ibang hanapbuhay, para sila ang mapili at uupo sa kapangyarihan ng estado na gustong-gusto nila. Ganyan ang eleksyon, kahit saang eleksyon dahil nahawa na ito sa kabulukan ng sistemang kapitalismo.
Pagtatayo ng "bagong imperyo" ng kapitalismo para palawakin ang pagsasamantala at pang-aabuso ng burgesya sa nakararami. Ito ang dapat bigyang pansin ng mga rebolusyonaryo, laluna ng kabataan. Paano durugin at ibagsak ang bulok na kaayusan.
2)Hindi makamit ang tunay na demokrasya sa ilalim ng kapitalismo. Para sa mga rebolusyonaryo ngayon, hindi ito mahirap unawain. Kaiba sa iniisip ng maraming Kaliwang grupo: Maoista-Stalinista at Abuevaista (yaong nagsisikap na maging pederal-parliyamentaryo ang Pilipinas), at kasama na ang mga reaksyunaryong grupo na nasa Kanan ngayon. Parang itim at puti. Ang ibig kong sabihin, napakalinaw ang kaibahan sa prinsipyo ng tunay na demokrasya laban sa nangibabaw na demokrasya ngayon sa pamumuno ng mga burges na pulitiko, na nagiging "democrazy".
Hindi na kailangang biyakin ang ating ulo para makita ang kaibahan. Tulad ng sinabi ng mga bantog na pilosopo sa mundo, na ang prinsipyo ay para sa lahat at para sa kaunlaran kung makita sa teorya at implementasyon. Pero bakit kailangang magbuhis ng dugo ang mga Maoista-Stalinista para isulong ang sinasabi nilang "pambansang demokrasya". Katunayan, ilang libong buhay na ang binuhis ng kabataan para lamang isulong ang prinsipyong ito. Bulag ba sila sa kulay o "color blind" na hindi nila nakita ang kaibahan ng itim at puti? Ang lagi nilang binibigay na katuwiran sa atin ay: iba ang binabasa naming manuskripto.
Natatawa na lang ako dahil napakalinaw na hindi makamit ang tunay na demokrasya sa ilalim ng kapitalismo, laluna kung nahawa pa ng kapitalismo ang buong mundo. Lalo na ngayon na may ilang bumaba mula sa kabundukan para isulong ang prinsipyo ng paglahok sa eleksyon. Wala ba silang natutunan sa nangyari sa Rusya, China at Alemanya, para sana mamulat sila na ang estado ay hindi instrumento para isulong ang rebolusyon kundi sa ibang paraan?
3) Sana maunawaan ito ng Kaliwa, laluna ng mga Maoista-Stalinista na ang estado laluna ang mga batas ay instrumento na ng burgesya para palawakin ang kanilang impluwensya at para ipagpatuloy ang pang-aapi sa nakararami. Pero paano ba ito ginawa ng burgesya? Para sa akin ay simple lang: ang mga batas na ginagawa ng mga burges na politiko maliban sa hindi para sa lahat ay walang ngipin dahil pabor sa mga kapitalista, laluna sa mga dayuhang kapitalista. Pero dapat tandaan at maunawaan ng mga Maoista at Kaliwa na hindi lang mga dayuhang kapitalista kundi mismong mga Pilipinong kapitalista din ang nagsasamantala at nang-aapi sa kapwa Pilipino.
Ang dapat gawin ngayon ay ibagsak ang kapitalismo kasama na ang estado sa pamamagitan ng nagkakaisa, independyente at pandaigdigang rebolusyon ng manggagawa. Sana magkaisa ang mga rebolusyonaryo sa ganitong layunin para magtagumpay. Pero hindi ito mangyari kung ang mga rebolusyonaryo mismo ang mag-atas at mamuno sa mga manggagawa para isulong ang rebolusyon. Ang mga manggagawa mismo ang magdesisyon kung nais ba nila itong makamit sa panahon ng rebolusyon, sa pamamagitan ng paghawak ng armas o hindi. Ang gawin lamang ng mga rebulosyonaryo ay ang pagbibigay ng ideya at maging kritikal sa lahat ng sitwasyon laluna sa pagwasak sa bulok na sistema.
Mabuhay ang independyente at pandaigdigang rebolusyon ng mga manggagawa!
Edward
Lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay abala na sa paghahanda para sa pambansang eleksyon sa susunod na taon. Ang lahat ay nagtulong-tulong - administrasyon, oposisyon, Kaliwa, media at Simbahan - para kumbinsihin ang malawak na masa na magparehistro at bomoto. Dagdag pa, nanawagan sila na "bantayan" at "ipagtanggol ang boto" para "mahalal ang mga karapat-dapat na kandidato".
Milyun-milyon ang perang ginugol ng mga kaaway sa propaganda para kumbinsihin ang mamamayan na lumahok sa eleksyong 2010.
Ang kasalukuyang isyu ng Internasyonalismo ay nakasentro sa pagtalakay sa marxistang pananaw at paninindigan hinggil sa burges na eleksyon. Kailangan ito para maintindihan ng mga seryosong elemento at grupo sa Pilipinas na naghahanap ng tamang daan para sa panlipunang pagbabago.
Mahalaga ang pag-aaral at diskusyon kung may kabuluhan o wala na ang paglahok sa eleksyon at parliyamento para isulong ang proletaryong rebolusyon lalupa't nangyari sa Maguindanao noong Nobyembre ang pinakamarahas na masaker sa kasaysayan ng Pilipinas na may kaugnayan sa eleksyon.
Nilamon ng permanenteng marahas na bangayan ng iba't-ibang paksyon ng mapagsamantalang uri para kontrolin ang kapangyarihan sa pambansa o lokal na antas ang pagsisikap ng naghaharing uri na palakasin ang mistipikasyon ng demokrasya at "mapayapa at malinis" na eleksyon sa 2010.
Batas Militar sa Maguindanao
Ang masaker sa Maguindanao nitong Nobyembre ay patunay lamang na palala ng palala ang kompetisyon ng iba't-ibang paksyon ng mapagsamantalang uri para makontrol ang estado. Ito ay malinaw na indikasyon na naaagnas na ang bulok na panlipunang sistema.
Maihalintulad ito sa patayan ng iba't-ibang grupo ng gangster para sa teritoryo habang halos walang magawa ang "godfather" para sa "mapayapang" kompetisyon ng kanyang nasasakupang iba't-ibang grupo ng mga kriminal at pusakal.
Para makontrol ang anarkiya sa Maguindanao ay pinataw ng estado ang batas militar. Ang layunin nito ay bantaan at ipaalala sa mga paksyon na huwag gumawa ng anumang karahasan lagpas sa kayang ipahintulot ng estado at naghaharing uri lalupa't ang pangunahing layunin ay palakasin ang mistipikasyon ng eleksyon at demokrasya sa Pilipinas.
Bilang huling sandalan ng naghaharing uri at naghihingalong sistema, kailangang ipataw ng estado ang kanyang kapangyarihan sa buong lipunan, kahit pa sa kanyang mga paksyon na ganid sa kapangyarihan. Ito ang esensya ng deklarasyon ng batas militar sa Maguindanao. Katulad ito ng digmaan ng mga gangster kung saan kailangan na ang interbensyon ng "godfather" para "parusahan" ang isang gangster na "lumabag" sa "panuntunan" ng organisasyon para mapanatili ang "kaayusan" sa tunggalian ng iba't-ibang gangster sa teritoryo at pangungulimbat ng yaman.
Ang malaking problema ay nahihirapan na ang estado na kontrolin ito dahil mabilis na kumikipot ang teritoryo at yamang paghahatian dahil sa lumalalang krisis ng kapitalismo habang tumataas naman ang kahayukan ng bawat paksyon sa kapangyarihan. Ang paglala ng anarkiya sa ekonomiya ay nagbunga ng paglala ng anarkiya sa politika.
Nasupil man ng estado (ang pinakamakapangyarihang "warlord", ang "godfather") ang warlord na angkang Ampatuan, pinalakas naman nito ang karibal na warlord - angkang Mangudadatu sa Maguindanao. At dahil sa karahasan, tiyak na naghahanda na rin ang ibang mga warlord sa iba't-ibang sulok ng bansa laban sa kanilang mga karibal. Hindi maglalaho ang mga karahasan sa panahon ng eleksyon. Sisikapin lang itong itago o maliitin ng estado para ipakitang "mapayapa" at "malinis" ang halalan.
Matapos ipakita ng estado ang kanyang kapangyarihan bilang "warlord" at "godfather", matapos ang walong (8) araw na batas militar sa Maguindanao, ay binawi ito noong Disyembre 12.
Sa kabilang banda, nagamit din ng naghaharing uri ang batas militar upang palakasin ang mistipikasyon ng demokrasya. Ang pagtutol ng ibang paksyon sa batas militar ng paksyong Arroyo ay ginamit na propaganda para kumbinsihin ang malawak na masa na lumahok sa eleksyon at bantayan ang boto laban sa naghaharing paksyon.
Ang isa pang epekto nito, sa gitna ng demoralisasyon ng nakararami dahil sa pananabotahe ng Kaliwa sa kanilang pakikibaka, ay lukuban ng takot ang mahihirap laluna sa mga lugar na malakas ang mga warlord at may mga armadong grupo tulad ng CPP-NPA-NDF, RPM-RPA-ABB, MLPP-RHB, MILF, MNLF, Abu Sayyaf, at iba pa. Kaya, kung ano ang kagustuhan ng mga armadong grupong ito, kung sinu-sino at anong partido ang nais nila iboto ng taumbayan, ay malaki ang posibilidad na susundin, hindi dahil gusto nila kundi dahil takot sila na gawin sa kanila ang nangyari sa Maguindanao.
**********
Anumang mga pakulo at panlilinlang ng naghaharing uri para maengganyo ang malawak na masa na lumahok sa halalan sa susunod na taon, hindi nito maitago na anumang partido, sinumang personalidad ang manalo at uupo sa kapangyarihan, mananatiling instrumento ang estado at parliyamento sa pagsasamantala at pang-aapi sa masang manggagawa at maralita. Dadami man ang mga representante ng Kaliwa sa loob ng pugad ng mga baboy, hindi nito kayang pabanguhin ang estado na matagal ng kailangang ibagsak para lumaya ang proletaryado mula sa pagsasamantala at pang-aapi.
Ang mga masaker, militarisasyon at batas militar ay hindi maglaho habang patuloy na naghari sa lipunan ang bulok na kapitalistang sistema. Habang ang estado ay hindi naibagsak, mananatili ang armadong labanan ng iba't-ibang paksyon ng burgesya na hayok sa kapangyarihan. Tandaan natin na ang estado ay isang armadong institusyon ng naghaharing uri laban sa mga pinagsamantalahang uri.
Tanging ang armadong manggagawa na organisado ang sarili at mulat sa sariling interes ang may kapangyarihan na wakasan ang lahat ng kaguluhang nangyayari sa lipunan ngayon. At hindi ito magagawa ng uri kung lalahok sila sa eleksyon at papasok sa pugad ng mga baboy - ang parliyamento. #
1) Noong Marso 1991, matapos bumagsak ang bloke ng Silangan at ang tagumpay ng Koalisyon sa Iraq, dineklara ni Presidente George Bush Senior sa Kongreso ng Amerika ang pagsilang ng "Bagong Kaayusan sa Mundo" batay sa paggalang sa internasyunal na batas. Ito bagong kaayusan ang magbibigay ng kapayapaan at kasaganaan sa planeta. Ang "pagbagsak ng komunismo" ay nagkahulugan ng tiyak na panalo ng liberal-kapitalismo. Ilang tao, tulad ng "pilosopong" si Francis Fukayama, ay nagpahayag ng prediksyon ng "kataposan ng kasaysayan". Pero hindi nagtagal pinakita ng kasaysayan, iyong tunay at hindi ang pampropagandang bersyon, na ang hungkag na mga deklarasyong ito ay katawa-tawa. Sa halip na kapayapaan, ang taong 1991 ay naging simula ng digmaan sa dating Yugoslavia, na nag-iwan ng daan-daang libong patay sa mismong pusod ng Uropa, ang kontinenteng hindi naapektohan ng malagim na digmaan sa loob ng halos kalahating siglo. Kahalintulad, ang resesyon sa 1993, pagkatapos ang pagbagsak ng mga "tigre" at "dragon" sa Asya sa 1997, pagkatapos ang resesyon sa 2002, na nagwakas sa bula ng Internet, ang nagpamalas na mga ilusyon ang kasaganaang dineklara ni Bush Senior. Pero tipikal sa burgesya na kalimutan ngayon ang sinabi nito kahapon. Sa pagitan ng 2003 at 2007 ang opsiyal na mga pahayag ng pangunahing mga sektor ng burgesya ay nagkaroon ulit ng masayang tono, pinagbunyi ang tagumpay ng "modelong Anglo-Saxon" na nagbigay ng malaking tubo, malaking tantos ng paglago at maging ng signipikanteng pagbaba ng kawalan ng trabaho. Walang pagsisidlan sa mga awit ng pagsamba sa "ekonomiyang liberal" at sa mga benepisyo ng "deregulasyon". Subalit sa kalagitnaan ng 2007 at higit sa lahat mula sa kalagitnaan ng 2008 natunaw ang optimismong ito tulad ng bolang yelo sa ilalim ng araw. Bigla na lang, ang mga salita at kataga tulad ng "kasaganaan", "paglago", "tagumpay ng liberalismo" ay patagong binitawan. Sa engrandeng bangkete ng kapitalistang ekonomiya ay may nakaupo ngayong isang bisita na akala nila ay tuluyan ng naglaho: ang krisis, ang multo ng bagong napakalaking depresyon na maikumpara sa 1930s.
2) Sa mga salita ng pinaka-responsableng mga representante ng burgesya, sa lahat ng mga ekonomistang espesyalista, kabilang na ang mga sagad-saring tagasuporta ng kapitalismo, ang kasalukuyang krisis ay ang pinaka-seryoso na dinaanan ng sistema magmula noong bantog na depresyon na nagsimula sa 1929. Ayon sa OECD, "Ang pandaigdigang ekonomiya ay nasa gitna ng kanyang pinakamalalim at pinaka-sinkronisadong resesyon sa buong buhay nito ".[1] Ang ilan ay walang pag-aalinlangang nagsabi na mas seryoso pa ito kaysa dati, nagsabing ang dahilan bakit ang kanyang epekto ay hindi kasing mapanira sa 1930s ay sa panahong iyon, ang mga lider ng mundo, pinatibay ng karanasan, ay natuto ng harapin ang ganitong klase ng sitwasyon, laluna ang pag-iwas na madaliin ang "bawat isa para sa kanyang sarili": "Habang ang ilan ay nagsabing ang malalang pagbulusok-pababa ay isang ‘bantog na resesyon', mananatili itong malayo na maulit ang ‘Bantog na Depresyon' sa 1930s, salamat sa kalidad at intensidad ng mga polisiya ng gobyerno na kasalukuyang pinapatupad. Pinalalim ang Bantog na Depresyon sa teribleng mga pagkakamali sa polisiya, mula sa magkasalungat na polisiya sa pera hanggang sa polisiyang gawing pulubi ang karatig-bansa sa porma ng proteksyunismo ng industriya at kompetisyon sa debalwasyon. Kabaliktaran, ang resesyong ito ang nagbigay ng tamang polisiya."[2]
Subalit, kahit na tinaggap ng lahat ng sektor ng burgesya ang bigat ng kasalukuyang kombulsyon ng kapitalistang ekonomiya, ang mga paliwanag na binigay nila, sa kabila na laging magkaiba ang pananaw nila sa isa't-isa, ay malinaw na walang kapasidad na unawain ang tunay na kabuluhan ng mga kombulsyong ito at ang perspektibang dineklara nila sa buong lipunan. Para sa iilan, ang responsable sa malalang kahirapan ng kapitalismo ay ang "kabaliwang pinansyal", katunayan magmula 2000s nakita natin ang paglago ng buong serye ng "nakalalasong produktong pinansyal" na siyang dahilan ng pagsabog ng utang na walang garantiyang mabayaran. Ang iba naman ay nagsabing ang kapitalismo ay dumaranas ng labis na "deregulasyon" sa pandaigdigang saklaw, ang oryentasyon na nasa bag-as ng "Reaganomics" na siyang pinatupad simula 1980s. Pero ang iba, sa partikular ang mga representante ng kaliwa ng kapital, ay kinukonsidera na ang dahilan ng krisis ay hindi sapat ang kita mula sa sahod, na siyang pumilit sa mga manggagawa na umutang para sa kanilang batayang pangangailangan. Pero anuman ang kanilang pagkakaiba, ang katangian ng lahat ng mga interpretasyong ito ay kinikilala nila na hindi ang kapitalismo bilang moda ng produksyon ang may sala, kundi ang ganito o ganung porma ng sistema. At dahil sa ganitong pananaw hindi nasisid ng mga interpretasyong ito ang tunay na ugat ng kasalukuyang krisis.
3) Katunayan, tanging ang pandaigdigan at istorikong pananaw sa kapitalistang moda ng produksyon ang makapagbigay linaw sa atin para maunawaan ang kasalukuyang krisis at ang perspektiba mula dito. Ngayon, at ito ang tinatago ng lahat ng mga ekonomistang "espesyalista", lumantad na ang realidad ng mga kontradiksyon na bumabayo sa kapitalismo: ang krisis sa sobrang produksyon, ang kawalan ng kapasidad ng sistema na ibenta ang mga kalakal na nilikha nito. Hindi ito sobrang produksyon kaugnay sa tunay na pangangailangan ng sangkatauhan, na napakalayo pang makamit, kundi sobrang produksyon kaugnay sa makayanang pangangailangan, pangangailangan na nakasandal sa kapasidad magbayad. Ang opisyal na mga pahayag, tulad ng mga solusyong pinatupad ng halos lahat ng mga gobyerno, ay nakapokus sa krisis pinansyal, sa kapalpakan ng mga bangko, pero ang realidad, ang tinatawag ng mga komentarista na "tunay na ekonomiya" (salungat sa "di-tunay na ekonomiya") ay nasa proseso na pinapakita ang katotohanang ito: walang araw na walang pahayag ng pagsara ng kompanya, malawakang tanggalan at pagkalugi ng mga industriya. Ang katotohanan na ang General Motors, na sa ilang dekada ay ang pinakamalaking kompanya sa mundo, ay humihinga lamang, salamat sa malawakang suporta ng estado ng Amerika, habang ang Chrysler ay hayagang nagdeklara ng pagkalugi at pumailalim sa kontrol ng Italyanong kompanyang FIAT, ay signipikanteng senyales ng lalim ng problema ng kapitalistang ekonomiya. Kahalintulad, ang pagbagsak ng pandaigdigang kalakalan, kauna-unahan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na tinasa ng OECD na nasa -13.2% para sa 2009, ay nagpakita ng kahirapan ng mga kompanyang makakita ng mga bibili ng kanilang produkto.
Ang krisis sa sobrang produksyon, na malinaw ngayon, ay hindi simpleng epekto ng krisis pinansyal gaya ng nais ipaniwala sa atin ng halos lahat ng mga "eksperto". Ito ay nasa loob mismo ng mikanismo ng kapitalistang ekonomiya, gaya ng pinakita ng marxismo sa loob isang siglo at kalahati. Habang sinasakop pa ng sentral na kapitalistang mga bansa ang mundo, ang mga bagong merkado na nakukuha sa paraang ito ay temporaryong nagbigay solusyon sa krisis ng sobrang produksyon. Nang makompleto na ang pananakop na ito, sa simula ng 20 siglo, ang mga sentral na kapitalistang bansang ito, partikular ang huling dumating sa panahon ng kolonisasyon, Alemanya, ay walang ibang paraan kundi atakehin ang teritoryo ng ibang kapangyarihan, na nagtulak sa Unang Pandaigdigang Digmaan kahit hindi pa lubusang nagpakita ang krisis sa sobrang produksyon. Ang huli ay malinaw na nakita sa pagbagsak sa 1929 at ang bantog na depresyon sa 1930s, na nagtulak sa pangunahing kapitalistang mga bansa tungo sa militarismo at Ikalawang Digmaang Pandaigdig na tinalo ang una sa usapin ng mga masaker at barbarismo. Lahat ng mga solusyon ng malalaking kapangyarihan matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, sa partikular ang organisasyon ng pangunahing mga bahagi ng kapitalistang ekonomiya, sa erya ng pera (Bretton Woods) at sa pagpatupad ng mga polisiyang neo-Keynesian, kabilang na ang mga positibong epekto ng de-kolonisasyon sa usapin ng pamilihan, ay siyang dahilan na nagawa ng kapitalismo sa loob ng halos tatlong dekada na isaboy ang ilusyon na sa wakas ay nasolusyonan na nito ang kanyang mga kontradiksyon. Pero ang ilusyong ito ay dumanas ng matinding dagok noong 1974 ng pumutok ang marahas na resesyon, laluna sa pangunahing ekonomiya ng mundo. Ang resesyong ito ay hindi ang simula ng kahirapang dinaranas ng kapitalismo dahil lumitaw ito matapos yaong sa 1967 at ang sunod-sunod na krisis sa pound at dolyar, ang dalawang susi sa internasyunal na pera ng sistemang Bretton Woods. Katunayan, sa kataposan ng 1960s nalantad na ang neo-Keynesianismo ay nasa kanyang istorikal na pagkabangkarota, punto na binigyang diin ng mga grupong nagtayo ng IKT. Para sa lahat na burges na komentarista at para sa mayorya ng uring manggagawa, ang taong 1974 ang nagmarka ng simula ng bagong yugto ng buhay ng kapitalismo matapos ang digmaan, laluna ang muling paglitaw ng isang penomenon na pinaniwalaan ng marami na lubusan ng naglaho sa maunlad na mga bansa: malawakang kawalan ng trabaho. Sa puntong ito na bumibilis ang penomenon ng pagkalubog sa utang: sa panahong iyon ang mga bansa sa Ikatlong Daigdig ang nasa unahan ng pagkalubog sa utang at sa ilang panahon ay naging "makina" para sa rekoberi. Natapos ang sitwasyong ito sa simula ng 1980s dahil sa krisis ng utang, ang kawalang kapasidad ng mga bansa sa Ikatlong Mundo na bayaran ang utang na binigay sa kanila para mabili nila ang produktong galing sa malalaking industriyalisadong mga bansa. Pero hindi huminto ang pagkalubog sa utang. Ang Amerika ay nagsimulang maging baton bilang "makina" pero ang kabayaran ay ang pagtaas ng depisit sa kalakal at, higit sa lahat, sa kanyang depisit sa badyet, isang polisiya na nagawa nilang ipatupad salamat sa pribelihiyo ng kanyang pera bilang pandaigdigang pera. Sa kabila na ang islogan ni Reagan ng panahong iyon ay "ang estado ay hindi solusyon, ito ang problema", para bigyang katuwiran ang likidasyon ng neo-Keynesianismo, ang Pederal na estado ng Amerika, sa pamamagitan ng kanyang malaking depisit sa badyet, ay patuloy na naging ahente sa pambansa at internasyunal na buhay ekonomiya. Subalit, ang "Reaganomics", na kumuha ng inspirasyon kay Margaret Thatcher ng Britanya, ay sa batayan kumakatawan sa pagwasak ng "welfare state", i.e. ang walang hintong atake sa uring manggagawa para mapangibabawan ang lumalaking inplasyon na nakaapekto sa kapitalismo magmula 1970s.
Sa panahon ng 1990s, ang isa sa mga makina ng pandaigdigang ekonomiya ay ang mga "tigre" at "dragon" ng Asya, na nakaranas ng ispektakular na paglaki ng tantos ng paglago dahil sa utang, ay dumanas ng mga kombulsyon sa 1997. Habang ang "bago" at "demokrationg" Rusya mismo na nasa sitwasyon na hindi na mabayaran ang utang, ay nagbigay demoralisasyon sa mga taong umaasa sa "kataposan ng komunismo" para lalago ang ekonomiya ng matagalan. Ang nangyari, ang bula ng Internet sa kataposan ng 1990s, na sa katunayan ay isang porma ng ispekulasyon ng "hi-tech" na mga kompanya, ay pumutok sa 2001-2, na tumapos sa pangarap na muling babangon ang pandaigdigang ekonomiya sa pamamagitan ng pag-unlad ng bagong teknolohiya sa impormasyon at komunikasyon. Kaya pumasok ang utang sa bagong yugto ng paglaki, salamat sa malalaking pautang na binigay para sa konstruksyon sa maraming kompanya, partikular sa Amerika. Ang huli ay pinalakas ang kanyang papel bilang "makina ng pandaigdigang ekonomiya", pero ang kabayaran ay ga-higanteng paglaki ng utang, laluna sa populasyong Amerikano, batay sa lahat ng klase ng "produktong pinansyal" para makaiwas sana sa risgo ng mga utang na hindi na mabayaran. Sa realidad, ang malawak na ekstensyon ng kaduda-dudang mga utang ay hindi nakapagbago sa katangian nito bilang Espada ni Damocles na nasa ibabaw ng ulo ng ekonomiya ng Amerika at daigdig. Kabaliktaran, bunga ito sa "nakalalasong utang" na naipon bilang kapital ng mga bangko at siyang pinanggalingan ng kanilang pagbagsak matapos ang 2007.
4) Kaya, hindi ang krisis pinansyal ang pinaggalingan ng kasalukuyang resesyon. Kabaliktaran, pinakita lamang ng krisis pinansyal ang katotohanan na ang utang, na siyang dahilan kung bakit naging posible na pangingibawan ang sobrang produksyon, ay hindi maaring solusyon ng matagalan. Sa malao't madali, ang "tunay na ekonomiya" ay maghiganti. Sa ibang salita, ang pundasyon ng mga kontradiksyon ng kapitalismo, sobrang produksyon, kawalang kapasidad ng pamilihan na lamunin ang kabuuang produktong nalikha, ay bumalik sa eksena.
Sa ganitong punto, ang mga solusyon na pinagpasyahan noong Marso 2009 sa G20 sa London, pagdoble ng reserba ng International Monetary Fund, malawakang suporta ng mga estado sa mga naluging bangko, pang-engganyo sa huli na ipatupad ang mga aktibong polisiyang pampasigla ng ekonomiya sa kapinsalaan ng paglaki ng depisit sa badyet, ay hindi maging lunas sa batayang problema. Ang tanging "solusyon" na maaring magawa ng burgesya ay ... panibagong utang. Hindi makaimbento ng solusyon ang G20 sa krisis na wala ng solusyon. Ang kanyang pangunahing tungkulin ay iwasan ang pagbulusok-pababa tungo sa "bawat isa para sa kanyang sarili" tulad sa 1930s. Ang layuninin nito ay ibalik ang minimum na tiwala sa pangunahing pang-ekonomiyang ahensya, dahil sa kapitalismo ito ay esensyal na salik sa operasyon ng utang, na siyang puso ng sistema. Dahil dito, ang panggigiit sa kahalagahan ng "sikolohiya" bilang salik ng pang-ekonomiyang kombulsyon, ang pokus sa salita at mala-teatrong galaw sa harap ng materyal na realidad, ay nagpakita sa batayan na isang ilusyon ang pundamental na katangian ng mga hakbangin na maaring gawin ng kapitalismo sa harap ng kanyang istorikong krisis. Sa realidad, bagama't hindi babagsak ang kapitalistang sistema tulad ng baraha, ang perspektiba ay lalupang pagdausdos sa kailaliman ng kanyang istorikal na pagkabangkarota, sa pagbulusok tungo sa mas maraming kombulsyon na naranasan nito ngayon. Sa mahigit apat na dekada, hindi napigilan ng burgesya ang patuloy na paglala ng krisis. Ngayon naharap ito sa isang sitwasyon na mas masahol pa noong 60s. Sa kabila ng karanasan nitong nagdaang mga dekada, mas malala lang ang magagawa nito, hindi pagbibigay-ginhawa. Sa partikular, ang mga hakbanging neo-Keynesian na giniit ng G20 sa London (hanggang sa nasyunalisasyon ng mga bangkong nagkaproblema) ay walang tsansang maibalik ang "sigla" ng kapitalismo, dahil ang pinagmulan ng kanyang mayor na problema sa huling bahagi ng 1960s ay bunga ng kapalpakan ng mga hakbanging neo-Keynesian na tinangkilik matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
5) Bagama't nasorpresa ang naghaharing uri sa brutal na paglala ng krisis, hindi ito nakakagulat sa mga rebolusyonaryo. Tulad ng sinabi namin sa resolusyon sa internasyunal na sistwasyon sa aming huling kongreso, kahit wala pa ang kaguluhan sa kalagitnaan ng 2007: "Sa ngayon, ang banta ng paglobo ng pabahay sa Amerika, na isa sa mga motor ng ekonomiya ng Amerika, at nagbanta ng nakakasirang pagkalugi ng mga bangko, ay nakababahala sa mga ekonomista." (bilang apat).[3]
Ang nasabing resolusyon din ang nagbuhos ng malamig na tubig sa maling pag-asa sa "milagro sa Tsina":
"malayong maging hangin para sa kapitalistang ekonomiya, ang ‘milagro' sa Tsina at ilang mga bansa sa ikatlong daigdig ay isa na namang manipestasyon ng dekadenteng kapitalismo. Dagdag pa, ang matinding pag-asa ng ekonomiyang Tsino sa kanyang eksport ay bukal ng bulnerabilidad sa anumang pagliit ng demand mula sa kanyang kasalukuyang kasosyo, bagay na hindi malayong mangyari dahil obligado ang Amerika na hanapan ng paraan ang napakalaking utang nito na siyang dahilan sa kasalukuyan para magampanan ang papel na makina ng pandaigdigang demand. Kaya, katulad ng ‘milagrosong' dobleng bilang ng paglago ng mga tigre at dragon sa Asya na bumagsak sa kataposan ng 1997, ang kasalukuyang milagro sa Tsina, kahit pa hindi magkatulad ang pinanggalingan at mas malaki ang hawak na kapital, ay sa malao't madali ay kaharapin ang mabangis na realidad ng istorikong pagkabangkarota ng kapitalistang moda ng produksyon." (bilang 6).
Ang pagbagsak ng tantos ng paglago ng ekonomiyang Tsino, ang pagsabog ng kawalang trabaho na itinulak nito, dahilan na bumalik sa kanilang mga baryo ang milyun-milyong magsasaka na dati nakapasok sa mga sentro ng industriya pero ngayon ay napilitang umuwi dahil sa hindi makayanang kahirapan, ay ganap na kompirmasyon ng pananaw na ito.
Katunayan, ang kapasidad ng IKT na makita ang mangyayari ay hindi dahil sa partikular na kalakasan ng aming organisasyon. Ang tanging "kalakasan" nito ay ang kanyang pagiging tapat sa marxistang pamamaraan, sa kanyang determinasyon na palagi itong ipraktika sa kanyang pagsusuri sa pandaigdigang sitwasyon, sa kanyang kapasidad na mahigpit na labanan ang mga proklamasyong "bigo ang marxismo".
6) Ang kompirmasyon ng balidasyon ng marxismo ay hindi lamang sa usapin ng pang-ekonomiyang buhay ng lipunan. Sa pusod ng mga mistipikasyon na inilako simula ng 90s ay ang ideya ng panibagong panahon ng pandaigdigang kapayapaan. Ang kataposan ng Cold War, ang paglaho ng bloke sa silangan, na sinabi ni Reagan na "Imperyo ng Dimonyo", ay diumano tatapos sa iba't-ibang armadong labanan bunga ng bangayan ng dalawang imperyalistang bloke mula 1947. Sa harap ng mistipikasyong ito hinggil sa posibilidad ng kapayapaan sa ilalim ng kapitalismo, laging binigyang diin ng marxismo ang imposibilidad para sa mga burges na estado na pawiin ang kanilang pang-ekonomiya at militar na tunggalian, laluna sa panahon ng pagbulusok-pababa. Kaya nagawa naming sumulat noong Enero 1990 na "Ang paglaho ng imperyalistang berdugong Ruso, at ang napipintong paglaho ng bloke sa pagitan ng Amerika at kanyang dating mga ‘kasosyo', ay magbukas ng pintuan para sa mas maraming lokal na bangayan. Ang mga tunggalian at labanang ito ay hindi, sa kasalukuyang mga sirkumstansya, tutungo sa isang pandaigdigang labanan...Sa kabilang banda, dahil sa pagkawala ng disiplinang ipinataw ng presensya ng mga bloke, ang mga labanang ito ay magiging mas marahas at mas marami, sa partikular, syempre, sa mga lugar na pinakamahina ang proletaryado".[4] Hindi nagtagal, kinumpirma ng pandaigdigang kalagayan ang analisis na ito, ng pumutok ang unang digmaan sa Gulpo sa Enero 1991 at ang digmaan sa dating Yugoslavia sa taglagas ng naturang taon. Magmula noon, walang hinto na ang madugo at barbarikong mga labanan. Hindi na namin malagay lahat dito pero mapansin natin sa partikular:
- ang pagpapatuloy ng digmaan sa dating Yugoslavia, na nakitaan, sa ilalim ng NATO, ng direktang panghimasok ng Amerika at mga pangunahing kapangyarihan sa Uropa sa 1999;
- ang dalawang digmaan sa Chechnya
- ang maraming digmaan na patuloy na nanalanta sa kontinente ng Aprika (Rwanda, Somalia, Congo, Sudan, atbp);
- ang mga operasyong militar ng Israel sa Lebanon at ang pinakahuli, sa Gaza;
- ang digmaan sa Afghanistan, na nagpatuloy pa hanggang ngayon;
- ang digmaan sa Iraq sa 2003 kung saan ang bunga ay patuloy na nagpapahirap sa bansang ito, kundi pati na rin sa pasimuno ng digmaan, ang Amerika.
Matagal ng sinuri ng IKT ang direksyon at implikasyon ng polisiya ng Amerika:
"hindi na nagmumulto ang digmaan sa pandaigdigang saklaw, pero nakita natin ang pagkalag ng kadena ng imperyalistang mga antagonismo at lokal na mga digmaan na direktang may kaugnayan sa malalaking kapangyarihan, sa partikular ang pinakamakapangyarihan sa kanilang lahat, ang Amerika. Ang Amerika, na sa ilang dekada ay naging ‘pulis ng mundo', ay nagsisikap na patuloy itong ipatupad at palakasin ang kanyang papel sa harap ng ‘panibagong pandaigdigang kaguluhan' na lumitaw pagkatapos ng Cold War. Subalit habang seryoso nitong ginampanan ang kanyang papel, hindi ito ginawa para sa layuning makamit ang istabilidad sa mundo kundi para mapanatili ang kanyang liderato sa mundo, na lalong pinahina ng katotohanang wala na ang semento para pagkaisahin ang bawat imperyalistang bloke - ang banta mula sa karibal na bloke. Sa pagkawala ng ‘bantang Sobyet', ang tanging paraan para maipataw ng Amerika ang kanyang disiplina ay umasa sa kanyang pangunahing lakas, ang kanyang malaking superyoridad sa antas militar. Pero sa paggawa nito, ang imperyalistang polisiya ng Amerika ay siyang naging isa sa pangunahing mga salik ng pandaigdigang instabilidad."[5]
7) Ang pagpasok ng Demokratang si Barak Obama sa pagiging pinuno ng pangunahing kapangyarihan sa mundo ay nagluwal ng lahat ng klaseng ilusyon hinggil sa posibilidad ng pagbabago sa estratehikong oryentasyon ng Amerika, isang pagbabago na magbukas ng "panahon ng kapayapaan". Isa sa mga batayan ng mga ilusyong ito ay ang katotohanan na isa si Obama sa iilang senador na bumoto laban sa interbensyong militar sa Iraq sa 2003, at hindi katulad ng kanyang Republikanong karibal na si McCain, komitido siya na paalisin ang armadong pwersa ng Amerika mula sa Iraq. Subalit ang mga ilusyong ito ay madaling bumangga sa realidad. Sa partikular, kung inisip ni Obama na umatras ang Amerika mula sa Iraq, ito ay para mapalakas ang kanyang panghihimasok sa Afghanistan at Pakistan. Dagdag pa, ang pagpapatuloy ng polisiyang militar ng Amerika ay malinaw na makita ng gawin ng bagong administrasyon na Kalihim ng Depensa si Gates, na nominado ni Bush.
Sa realidad, ang bagong oryentasyon ng diplomasyang Amerika ay sumasang-ayon sa balangkas na nasa itaas. Ang kanyang layunin ay para makuha pa rin ang paghahari ng Amerika sa mundo sa pamamagitan ng kanyang superyoridad sa militar. Kaya ang kilos ni Obama para palakasin ang diplomasya ay para makaipon ng panahon at ispasyong kailangan para sa hindi maiwasang imperyalistang interbensyon sa hinaharap ng kanyang militar, na sa kasalukuyan ay napakanipis at lubhang pagod na para isustini ang isa pang teatro ng digmaan kasabay ng Iraq at Afghanistan.
Subalit, gaya ng laging binigyang diin ng IKT, merong dalawang magkaibang opsyon sa loob ng burgesya para makamit ang layunin nito:
- ang opsyon na kinakatawan ng Partido Demokrata na nagsisikap sa abot ng makakaya na katulungin ang ibang kapangyarihan sa proyektong ito;
- ang mayoryang opsyon ng mga Republikano, na nagnanais pangunahan ang opensibang militar at igiit ang sarili ibabaw sa ibang kapangyarihan sa kahit anuman ang mangyari.
Ang unang opsyon ay pinatupad ni Clinton sa kataposan ng 90s sa dating Yugoslavia, kung saan nagawa ng Amerika na makuha ang suporta ng pangunahing mga kapangyarihan sa kanlurang Uropa, sa partikular Alemanya at Pransya, para makipagtulungan sa pambobomba ng NATO sa Serbia para pilitin itong iwanan ang Kosovo.
Ang ikalawang opsyon ay ginamit sa digmaan sa Iraq sa 2003, na nangyari sa kabila ng mariing pagtutol ng Alemanya at Pransya, na sa panahong ito, ay suportado ng Rusya sa loob ng UN Security Council.
Subalit, alinman sa mga opsyong ito ay hindi napigilan ang paghina ng liderato ng Amerika. Ang polisiya na ipilit ang mga bagay, na nakita sa dalawang termino ni Bush Junior, ay nagbunga hindi lang ng kaguluhan sa Iraq, na hindi na mapangibabawan, kundi sa lumalaking pagkakahiwalay ng diplomasyang Amerikano, na makita partikular sa ilang bansa na sumuporta sa Amerika sa 2003, tulad ng Espanya at Italya, ay lumayo na mula sa adbenturismo sa Iraq (hindi pa kasama ang patagong pagdistansya ni Gordon Brown at gobyernong Britanya mula sa walang kondisyon na suporta na binigay ni Tony Blair sa adbenturismo sa Iraq). Sa panig nito, ang polisiyang "kooperasyon" na nais ng mga Demokrata ay walang katiyakan na makuha ang katapatan ng mga kapangyarihang nais kabigin ng Amerika sa kanyang gawaing militar, partikular dahil nagbigay ito sa ibang kapangyarihan ng mas malawak na puwang ng maniobra para itulak ang kanilang sariling interes.
Sa ngayon, halimbawa, ang administrasyong Obama ay nagpasya ng mas pampalubag-loob na polisiya sa Iran at mas mahigpit naman sa Israel, dalawang oryentasyon na patungo sa iisang direksyon dahil halos lahat ng mga Unyong Uropeo, laluna ang Alemanya at Pransya, dalawang bansang naglalayong muling makuha ang kanilang dating impluwensya sa Iraq at Iran. Ang oryentasyong ito ay hindi makapigil sa paglitaw ng mayor na mga tunggalian ng interes sa pagitan ng mga bansang ito at ng Amerika, laluna sa bahagi ng silangang Uropa (kung saan sinisikap ng Alemanya na mapanatili "de-prebilihiyong" relasyon sa Rusya) o Aprika (kung saan ang dalawang paksyon na siyang dahilan ng karahasan at kaguluhan sa Congo ay sinusuportahan ng Amerika at Pransya).
Sa mas pangkalahatan, ang paglaho ng pagkahati ng mundo sa dalawang malaking bloke ay nagbukas ng pintuan para sa mga ambisyon ng nasa ikalawang antas ng mga imperyalista na lalupang nagpagulo sa internasyunal na sitwasyon. Ito ang kaso halimbawa sa Iran, na ang layunin ay makuha ang dominanteng posisyon sa Gitnang Silangan sa ilalim ng bandilang paglaban sa "Makapangyarihang Satanas" na Amerika at sa paglaban sa Israel. May malawak na kaparaanan, pinalawak ng Tsina ang kanyang impluwensya sa ibang kontinente, partikular sa Aprika kung saan ang kanyang lumalaking pang-ekonomiyang presensya ang batayan para sa diplomatiko at militar na presensya, gaya ng nangyari sa digmaan sa Sudan.
Kaya ang perspektiba na haharapin ng mundo matapos mahalal si Obama bilang pinuno ng pinakamalaking kapangyarihan sa mundo ay hindi pundamental na kaiba sa sitwasyon na nangibabaw hanggang ngayon: patuloy na komprontasyon sa pagitan ng mga kapangyarihan ng una o ikalawang hanay, patuloy na barbarikong mga digmaan na may mas mapaminsalang resulta (gutom, epidemya, malawakang dislokasyon) para sa mga populasyon na namuhay sa pinag-aagawang mga erya. Dapat din nating ikonsidera kung ang instabilidad na tinulak ng paglala ng krisis sa kabuuang serye ng mga mahirap na bansa ay hindi magbunga ng intensipikasyon ng mga komprontasyon sa pagitan ng pangkating militar sa loob ng mga bansang ito, na tulad ng dati, may partisipasyon ng iba't-ibang imperyalistang kapangyarihan. Naharap sa ganitong sitwasyon, si Obama at ang kanyang administrasyon ay hindi kayang ipagpatuloy ang mapandigmang mga polisiya ng kanyang mga nasundan, tulad ng nakita natin sa Afghanistan halimbawa, isang polisiya na kahalintulad ng lumalaking barbarismong militar.
8) Tulad ng ang mabuting intensyon na inaanunsyo ni Obama sa diplomatikong antas ay hindi makapigil sa kaguluhang militar sa pagpapatuloy at paglala sa buong mundo, ni mapigilan nito ang Amerika na maging aktibong salik sa kaguluhang ito; kahalintulad, ang re-oryentasyon ng polisiya ng Amerika na inaanunsyo niya sa larangan ng proteksyon sa kapaligiran ay hindi makapigil sa pagpapatuloy ng paglala. Hindi ito usapin ng mabuti at masamang intensyon ng mga gobyerno, gaano man sila ka makapangyarihan. Ang bawat nagdaang araw ay lalupang nagpakita sa tunay na kapinsalaang naranasan ng planeta: dumarami ang marahas na mga bagyo sa mga bansa na dati hindi nakaranas nito; tagtuyo at matinding init; baha at pagsabog ng mga harang-sa-baha; mga bansang nasa peligro na malunod sa dagat... mas lalong nakakalungkot ang perspektiba. Ang kapinsalaang ito ng kapaligiran ay nagbunga din ng peligro sa paglala ng tunggaliang militar, partikular sa pagkaubos ng mainom na tubig, na siyang nakataya sa mga labanan sa hinaharap.
Tulad ng sinabi ng resolusyon na pinagtibay ng nagdaang internasyunal na kongreso: "Kaya, tulad ng pinakita ng IKT sa loob ng mahigit 15 taon, dala ng dekomposisyon ng kapitalismo ang mayor na banta sa buhay ng sangkatauhan. Ang alternatibong sinabi ni Engels sa huling bahagi ng 19 siglo, sosyalismo o barbarismo, ay naging nakakatakot na realidad sa buong 20 siglo. Simple lang ang pinakita sa atin na perspektiba sa 21 siglo, sosyalismo o pagkawasak ng sangkatauhan. Ito ang tunay na nakataya na kinaharap ngayon ng tanging pwersa sa lipunan na may kapasidad na ibagsak ang kapitalismo: ang uring manggagawa."[6]
9) Ang kapasidad na ito ng uring manggagawa na tapusin ang barbarismong dulot ng kapitalismong nasa pagkaagnas, para dalhin ang sangkatauhan palabas sa kanyang kawalang kasaysayan (prehistory) at tungo sa "kaharian ng kalayaan", kung gamitin ang ekspresyon ni Engels, ay pinalalakas ngayon sa araw-araw na mga pakikibaka laban sa kapitalistang pagsasamantala. Sa pagbagsak ng bloke sa silangan at sa diumano "sosyalistang" mga rehimen, ang nakabibinging kampanya hinggil sa "kataposan ng komunismo", at maging sa "kataposan ng makauring pakikibaka" ay matinding humambalos sa kamulatan at militansya ng uring manggagawa. Nagdurusa ng pag-atras ang proletaryado sa dalawang antas na ito, pag-atras na umabot ng mahigit sampung taon. Noon lamang 2003, gaya ng tinutumbok ng IKT ng maraming beses, na bumalik ang uring manggagawa sa daan ng pakikibaka laban sa mga atake ng kapital. Magmula noon, ang tendensyang ito ay lalupang nakumpirma at sa dalawang taon mula noong huling kongreso nakita natin ang pag-unlad ng signipikanteng mga pakikibaka sa buong mundo. Sa ilang panahon nakita natin maging ang kapuna-punang pagkasabay-sabay ng mga pakikibaka ng manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Kaya sa simula ng 2008 ang sumusunod na mga bansa ay sabay-sabay na natamaan ng mga pakikibaka ng manggagawa: Russia, Ireland, Belgium, Switzerland, Italy, Greece, Rumania, Turkey, Israel, Iran, Bahrain, Tunisia, Algeria, Cameroon, Swaziland, Venezuela, Mexico, USA, Canada at China.
Ganun din, nakita natin ang ilan sa signipikanteng mga pakikibaka ng manggagawa sa nagdaang dalawang taon. Hindi na natin uubusin, maari nating banggitin ang sumusunod na mga halimbawa:
- sa Ehipto, sa tag-init ng 2007, kung saan ang malawakang mga pakikibaka sa industriya ng tela ay sinalubong ng aktibong pakikiisa mula sa ibang mga sektor (pantalan, transportasyon, ospital, atbp);
- sa Dubai, sa Nobyembre 2007, kung saan ang mga manggagawa sa konstruksyon (karamihan mga migrante) ay malawakang kumilos;
- sa Pransya, sa Nobyembre 2007, kung saan ang mga atake laban sa pensyon ay nagtulak ng militanteng welga ng mga manggagawa sa perokaril, na may mga halimbawa ng pakikiisa mula sa mga estudyante na kasabay na lumalaban sa pagtatangka ng gobyerno na patingkarin ang sosyal na paghiwalay sa mga unibersidad; isang welga na naghubad ng maskara sa papel ng mga pederasyong unyon bilang mananabotahe, ang CGT at ang CFDT, na umobliga sa burgesya na muling ayusin ang imahe ng kanyang aparatus para kontrolin ang uring manggagawa;
- sa Turkey, sa kataposan ng 2007, kung saan 26,000 manggagawa sa Turk Telecom ay nagwelga ng mahigit isang buwan, ang pinakamahalagang mobilisasyon ng proletaryado sa bansang ito magmula 1991, and sa panahon na ang pamahalaang Turkish ay nasangkot sa operasyong militar sa hilaga ng Iraq;
- sa Rusya, sa Nobyembre 2008, kung saan ang mahalagang mga welga sa St Petersburg (laluna ang pabrika ng Ford) ay nagpakita ng kapasidad ng mga manggagawa na pangibabawan ang ilang pananakot ng kapulisan, laluna sa bahagi ng FSB (ang dating KGB);
- sa Greece, sa kataposan ng 2008, kung saan sa klima ng napakalawak na diskontentong nakita na noon, ang mobilisasyon ng mga estudyante laban sa panunupil ay nakatanggap ng masidhing pakikiisa mula sa loob ng uring manggagawa, na may ilang mga sektor na kumilos labas sa opisyal na mga unyon; isang pakikiisa na hindi nanatili sa loob ng Greece dahil ang kilusang ito ay nakatanggap ng napaka-signipikanteng eko ng simpatiya mula sa maraming bansa sa Uropa;
- sa Britanya, kung saan ang welgang wildcat sa planta ng langis sa Lindsey sa simula ng 2009 ay isa sa pinakasignipikanteng kilusan ng uring manggagawa sa bansang ito sa loob ng dalawang dekada, isang uring manggagawa na nakaranas ng matinding pagkatalo sa 1980s; pinakita ng kilusang ito ang kapasidad ng uring manggagawa na palawakin ang kanyang pakikibaka at, sa partikular, ay nakitaan ng simula ng komprontasyon laban sa nasyunalismo, sa ekspresyon ng pagkakaisa sa pagitan ng manggagawang British at mga manggagawang Polish at Italyano.
10) Ang paglala ng krisis ng kapitalismo ngayon ay malinaw na kumakatawan ng napaka-importanteng elemeto sa pag-unlad ng pakikibaka ng manggagawa. Sa mismong panahong ito, sa lahat ng mga bansa ng mundo, naharap ang mga manggagawa ng malawakang tanggalan, sa hindi malabanang pagtaas ng kawalang trabaho. Sa pinaka-kongkreto, sa kanyang laman at buto, naranasan ng proletaryado ang kawalang kapasidad ng kapitalistang sistema upang tiyakin ang batayang disenteng pamumuhay ng pinagsamantalahang nitong manggagawa. Dagdag pa, lalo itong nawalan ng kapasidad na magibigay ng kinabukasan sa bagong henerasyon ng uring manggagawa, na kumakatawan ng elemento ng pagkabahala at desperasyon hindi lamang para sa kanila kundi para sa kanilang mga magulang. Kaya nahihinog ang mga kondisyon para sa ideya na ibagsak ang sistemang ito para signipikanteng umunlad sa loob ng proletaryado. Subalit, hindi sapat para sa uring manggagawa na maintindihan na dapat ng iabgsak ang kapitalistang sistema, na dapat palitan ito ng bagong lipunan, para mahawakan nito ang rebolusyonaryong perspektiba. Kailangan din nito na magkaroon ng pananalig na ang naturang perspektiba ay posible at na may lakas ito para ipatupad ito. At talagang sa antas na ito matagumpay na naka-iskor ang burgesya laban sa uring manggagawa sa panahon na bumagsak ang "tunay na umiiral na sosyalismo". Sa isang banda, nagawa nitong ipataw ang ideya na ang perspektiba ng komunismo ay isang walang lamang pangarap: "hindi uubra ang komunismo. Ang patunay ay iniwan ito ng mga populasyong nabuhay sa naturang sistema para palitan ng kapitalismo". Kaalinsabay, nagawa nitong lumikha ng damdamin ng kawalang kapangyarihan sa loob ng uring manggagawa dahil hindi nito nakayanang maglunsad ng malawakang mga pakikibaka. Sa puntong ito, ang sitwasyon ngayon ay lubhang kaiba mula sa umiral noong istorikong pagbangon ng uri sa kataposan ng 60s. noong panahong iyon, ang malawakang katangian ng mga pakikibaka ng manggagawa, laluna sa malawakang welga sa Mayo 68 sa Pransya at sa "mainit na taglagas" sa Italya sa 69, ay nagpakita na ang uring manggagawa ay maaring bumuo ng isang mayor na pwersa sa buhay ng lipunan at ang ideya na balang araw ay maibagsak nito ang kapitalismo ay hindi isang walang kabuluhang pangarap. Subalit, dahil ang krisis ng kapitalismo ay nagsimula pa lang, ang kamulatan ng matinding pangangailangang ibagsak ang sistemang ito ay wala pang materyal na batayan na lumawak sa hanay ng mga manggagawa. Masumada natin ang sitwasyong ito sa sumusunod: sa kataposan ng 1960s, ang ideya na posible ang rebolusyon ay maaring malawakang tinanggap, pero ang ideya na kailangan talaga ito ay hindi madaling maintindihan. Ngayon, sa kabilang banda, ang ideya na kailangang ang rebolusyon ay nakakuha ng maraming suporta, pero ang ideya na posible ito ay hindi gaanong malawak.
11) Para makakuha ng signipikanteng suporta sa loob ng uring manggagawa ang kamulatan na posible ang komunistang rebolusyon, dapat magkaroon ng tiwala ang una sa kanyang sariling lakas, at mangyari ito sa pamamagitan ng pag-unlad ng malawakang mga pakikibaka. Ang napakaraming mga atake sa pandaigdigang saklaw ang nagbigay ng obhetibong batayan para makibaka. Subalit, ang pangunahing porma ng atake ngayon, ang malawakang tanggalan, ay inisyal na hindi nagbunga ng naturang mga pagkilos; sa pangkalahatan, at pinatunayan ito sa nakalipas na mahigit 40 taon, ang mga panahon ng mataas na kawalang trabaho ay hindi naging teatro ng pinakamahalagang labanan. Ang kawalang trabaho, malawakang tanggalan, ay may tendensyang magtulak ng temporaryong pakiramdam na paralisis sa uri, na napailalim sa pananakot ng kapitalista: "kung hindi kayo masaya, maraming mga manggagawa ang papalit sa inyo". Magagamit ng burgesya ang sitwasyong ito para magbunsod ng pagkahati-hati at maging tahasang bangayan sa pagitan ng nawalan ng trabaho at sa mga may "prebilihiyong" panatilihin ito. Higit sa lahat, ipinataw ng mga kapitalista at gobyerno ang kanilang "mapagpasyang" argumento: "hindi namin kasalanan ang pagtaas ng kawalang trabaho o sa pagkatanggal ninyo. Ito ay dahil sa krisis". Sa huli, sa pagsara ng mga kompanya, hindi na epektibo ang welga, na nagpapalakas sa pakiramdam ng manggagawa ng kawalang kapangyarihan. Sa isang istorikong sitwayon kung saan ang proletaryado ay hindi nakaranas ng istorikong pagkatalo gaya sa 1930s, ang malawakang tanggalan, na nagsimula na, ay magbunsod ng napakatinding paglaban, maging ng pagsabog ng karahasan. Pero malamang sa simula ay desperado at relatibong hiwalay na mga pakikibaka, kahit pa makuha nila ang tunay na simpatiya mula sa ibang mga sektor ng uring manggagawa. Ito ang dahilan, sa darating na panahon, ang katotohanan na wala tayong nakitang malawakang tugon mula sa uring manggagawa laban sa mga atake ay hindi dapat magbunga ng paniniwala na sumuko na ito sa pakikibaka para ipagtanggol ang kanyang interes. Sa ikalawang yugto, kung saan hindi na ito masyadong bulnerable sa pananakot ng burgesya, kung saan ang mga manggagawa ay humawak na sa ideyang ang nagkakaisa at solidong pakikibaka ang magpaatras sa mga atake ng naghaharing uri, laluna kung ang huli ay pinagbayad ang buong uring manggagawa sa napakalaking depisit sa badyet na naipon ngayon kabilang ang lahat ng plano para iligtas ang mga bangko at pasiglahin ang ekonomiya. Hindi ito nagkahulugan na ang mga rebolusyonaryo ay wala sa kasalukuyang pakikibaka. Bahagi sila sa mga karanasan na dinaanan ng proletaryado para makahakbang sa kanyang paglaban sa kapitalismo. At nasa komunistang mga organisasyon na isulong, sa loob ng mga pakikibakang ito, ang pangkalahatang perspektiba ng proletaryong kilsuan at ang mga hakbang tungo sa direksyong ito.
12) Mataas ang daan tungo sa rebolusyonaryong pakikibaka at sa pagpabagsak sa kapitalismo. Pinakita ng bawat araw na nagdaan ang pangangailangang ibagsak ang sistema, pero kailangan munang ipatupad ng uring manggagawa ang maraming hakbangin para makamit ito:
- ang muling pagdiskubre sa kanyang kapasidad na kontrolin ang kanyang pakikibaka dahil, sa kasalukuyan, mayoriya ng mga pakikibaka, laluna sa maunlad na mga bansa, ay nanatiling nasa kontrol ng mga unyon (kabaliktaran sa nakita natin sa 1980s);
- ang pag-unlad ng kanyang kapasidad na ilantad ang mga bitag at mistiikasyon ng burgesya, na humahadlang sa daan tungo sa malawakang pakikibaka, at sa muling pagpundar ng kanyang tiwala sa sarili, dahil habang ang malawakang katangian ng pakikibaka sa kataposan ng 60s ay sa pangkalahatan dahil sa katotohanang nasorpresa ang burgesya matapos ang ilang dekada ng kontra-rebolusyon, malinaw na hindi ito ang sitwasyon ngayon;
- ang politikalisasyon ng kanyang pakikibaka, i.e. sa kanyang kapasidad na imarka sa kanilang istorikong dimensyon, na makita sila bilang yugto ng mataas, istorikal na pakikibaka ng proletaryado laban sa pagsasamantala at sa kanyang abolisyon.
Malinaw na ang hakbang na ito ang pinaka-mahirap na ipatupad, dahil sa:
- ang pagpatid ng kontra-rebolusyon sa pagitan ng nakaraan at kasalukuyang pakikibaka ng uri;
- ang epekto ng organikong pagkapatid na ito sa mga rebolusyonaryong organisasyon;
- ang pag-atras ng makauring kamulatan matapos bumagsak ang bloke sa silangan;
- ang napakasamang epekto ng pagkaagnas ng kapitalismo sa kamulatan ng proletaryado;
- ang kapasidad ng naghaharing uri na itayo ang mga organisasyon (gaya ng New Anticapitalist Party sa Pransya at Die Linke sa Alemanya) na ang tungkulin ay palitan ang Stalinistang mga partido na ngayon ay naglaho o naging bulok, o sa sosyal demokrasya na sa ilang dekada ay nasira ang puri dahil sa kanyang papel na pangasiwaan ang krisis ng kapitalismo. Dahil bago sila, nagawa ng mga partidong ito na panatilihin ang mayor na mga misyipikasyon sa loob ng uring manggagawa.
Katunayan, ang politikalisasyon ng proletaryong pakikibaka ay nakaugnay sa presensya ng komunistang minorya sa loob ng kanyang hanay. Ang katotohanan na napakahina pa ng internasyunalistang kampo ay indikasyon na napakalyo pa ang lalakarin ng uring manggagawa para maglunsad ng ng mga rebolusyonaryong pakikibaka at iluwal ang kanyang makauring pandaigdigang partido, isang mahalagang organo na kung wala ito maging impsosible ang tagumpay ng rebolusyon;
Mataas at mahirap ang daan, pero hindi dapat panghinaan ng loob ang mga rebolusyonaryo o maparalisa ang kanilang determinasyon. Kabaliktaran!
IKT 5/9
[1]. World Economic Outlook, Interim Report, Marso 2009, p.5.
[2]. Ibid., p.7.
[3]. Tingnan International Review n° 130 para dito at sa susunod na mga sipi mula sa resolusyon.
[4]. International Review n° 61, "Matapos bumagsak ang bloke sa silangan, de-istabilisasyon at kaguluhan ".
[5]. International Review n° 130, "Resolusyon sa internasyunal na sitwasyon ", Ika-17 Kongreso ng IKT, bilang 7.
[6]. Ibid, bilang 10.
Ang natural na kalamidad ay hindi maaring mapigilan ng tao sa kasalukuyang naabot na kaalaman at teknolohiya ng mundo. Subalit ang paglala nito at ang pagdami ng mga biktima - buhay ng tao, kabuhayan, ari-arian - ay hindi na kagagawan ng kalikasan kundi kagagawan na ng panlipunang sistemang umiiral.
Hindi man mapigilan ang mga kalamidad, maari naman itong mapaghandaan at ma-minimisa ang pinsalang idudulot ng mga ito. Pero magagawa lamang ito ng isang lipunang umaayon sa komon na interes ng sangkatauhan.
Hindi nga kagagawan ng naghaharing uri sa Pilipinas ang bagyong Ondoy at Pepeng. Subalit malaki ang responsibilidad ng mapagsamantalang uri kung bakit umabot sa mahigit 760 buhay ang nasawi, mahigit 7 milyong tao ang apektado, mahigit P18.7 bilyong ari-arian ang nasira, kasama na dito ang mahigit P12.6 bilyong halaga ng pananim ang nawala.[1]
Ang mas nakababahala pa ay padalas ng padalas ang pagdalaw ng bagyo sa Pilipinas.
Sinisira ng kapitalismo ang kalikasan
Bagyo, lindol, baha, sunog sa kagubatan, at iba pa. Ito ang mga sakunang laging naranasan, naririnig, nababasa at napapanood natin. Kahabag-habag ang dinanas ng milyun-milyong biktima sa buong mundo kung saan ang karamihan ay mahihirap.
Hindi lang mga bansa sa Asya at Aprika ang biktima kundi maging ang sa Uropa at Amerika. Walang pinipili ang bangis ng kalikasan - mahirap o mayamang bansa man.
Bakit nagkaganito ang ating kapaligiran ngayon sa kabila ng naabot na modernisasyon at abanteng sibilisasyon?
"Famines are developing in the Third World, and will soon reach the once so-called "socialist" countries, while in Western Europe and North America food stocks are being destroyed, and farmers are paid to cultivate less land or being penalised if they produce more than their quotas. In Latin America, killer diseases like cholera, once eradicated, have returned and reached epidemic levels. All over the world, floods and earthquakes have killed tens of thousands, even though the means exist to build dykes and houses which could prevent such holocausts. At the same time, it is not even possible to accuse "fate" or "nature" of provoking disasters such as Chernobyl where in 1986 the explosion of a nuclear power station killed hundreds (if not thousands) of people and contaminated whole regions, or in the more developed countries, of causing mortal catastrophes in the great cities: 60 dead in a Paris railway station, more than 31 killed at the Kings Cross Underground fire in London. The system is also proving incapable of preventing the destruction of the environment, acid rain, nuclear and other pollution, the greenhouse effect, or the spread of the desert, all of which threaten the continued survival of humanity itself" (Manifesto of the 9th ICC Congress, July 1991)
Mayroong mayor na dahilan kung bakit patuloy na nasisira ang kapaligiran:
-- Paglaki ng green house effect
-- Kawalan ng epektibong pangagasiwa sa basura
-- Mabilis na pagkalat ng polusyon
-- Pagkaubos ng likas na yaman
Hindi simpleng maling pangangasiwa ng estado ang dahilan; hindi simpleng ibuntong ang sisi sa isang partikular na paksyon ng naghaharing uri o pambansang burgesya. Lahat ng paksyon ng naghaharing uri - nasa kapangyarihan o wala; nasa mayaman o mahirap na mga bansa - ay pangunahing responsable sa mga nakamamatay na kalamidad dulot ng pagkasira ng kapaligiran. Pandaigdigan ang mga dahilan ng pagkasira ng kalikasan; bunga ng kabulukan mismo ng pandaigdigang kapitalismo. Walang anumang pambansang solusyon dito.
Green house effect
Unang-una, dapat linawin na hindi nakakasira, sa halip nakatulong pa nga ang green house effect sa tao at sa mundo:
"...we have to be clear that the greenhouse effect is a highly beneficial fact for life on the earth - at least for the kind of life that we know about - to the extent that it makes it possible for the average temperature on the surface of our planet (average taking into account the four seasons and the different latitudes) of around 15°C instead of -17°C, the estimated temperature in the absence of the greenhouse effect. We have to imagine what the world would be like if the temperature was permanently below 0°C, with the seas and rivers frozen. To what do we owe this extra 32 degrees? To the greenhouse effect: the light of the sun penetrates the lower layers of the atmosphere without being absorbed (the sun does not heat up the air), and feeds the energy of the earth. The radiation which emanates from the latter (as from any celestial body), being composed essentially of infrared waves, is then intercepted and abundantly absorbed by certain constituents of the air such as carbon anhydride, water vapour, methane and other parts of the synthesis such as chlorofluorocarbons (CFCs). The thermal balance of the earth profits from the warmth produced in the lower reaches of the atmosphere, and this has the effect of increasing the temperature of the earth's surface by 32°C."[2]
Ang nakakasira ay ang pagdami at pagkaipon ng green house effect sa kalawakan ng mundo:
"The problem is not therefore the greenhouse effect in itself, but the fact that with the development of industrial society many ‘greenhouse' substances have been introduced into the atmosphere, the concentration of which is clearly growing, with the result that the greenhouse effect is increasing. It has been shown, for example, thanks to studies of the air trapped in the polar ice, which goes back 650,000 years, that the present concentration of CO² has gone from 380 ppm (parts per million or milligrams per cubed decimetre) is the highest throughout this entire period, and perhaps the highest over the past 20 million years. Furthermore, the temperatures registered during the 20th century have been the highest for 20,000 years. The frenetic resort to fossil fuels as a source of energy and the growing deforestation of the earth's surface have, since the beginning of the industrial era, compromised the natural balance of carbon gases in the atmosphere. This balance is the product of the release of carbon dioxide into the atmosphere on the one hand, via the combustion and decomposition of organic matter, and, on the other hand, of the fixation of this same carbon gas through photosynthesis, a process which transforms it into glucose and thus into complex organic matter. The imbalance between the release (combustion) and fixation (photosynthesis) of CO², to the advantage of release, is at the basis of the current accentuation of the greenhouse effect."[3]
Dahil sa kalikasan ng kapitalismo na ganid sa tubo, kompetisyon sa kumikipot na pandaigdigang pamilihan at pamurahan ng produkto, ang resulta nito ay walang pakundangang "pagpapaunlad" ng teknolohiya, makina at industriya na walang pakialam kung ano ang maging epekto nito sa kapaligiran. Ito ang esensya ng "industriyalisasyon" sa mayayaman at makapangyarihang mga bansa at sa mga bansang nag-aambisyong maging industriyalisado, kabilang na ang mga pekeng sosyalistang mga bansa gaya ng China, Vietnam, at Venezuela.
Lahat ng mga pambansang burgesya, kabilang na ang umaangking "sosyalista" at "anti-imperyalista" kuno ay responsable sa pagdami ng green house effect sa atmospera ng daigdig dahil sa "pambansang industriyalisasyon" para sa bangis na kompetisyon sa internasyunal na antas.
Ang pagdami at pagkaipon ng green house effect ang isa sa dahilan kung bakit padalas ng padalas, palakas ng palakas ang mga ulan at bagyo na nagdulot ng nakamamatay na mga baha. Ayon mismo sa pahayag ng IPCC (Intergovernmental Panel on Climate Change) ng UN at ng MIT (Massachusetts Institute of technology) sa Boston, "an additional warming of a few degrees centigrade would provoke a more intense evaporation of the ocean waters, but the most sophisticated analyses suggest that there would be an accentuation of the disparity in rainfall in different regions. Arid zones would extend and become even more arid. The ocean areas with surface temperatures above 27°C, a critical point in the formation of cyclones, would go up by 30 or 40%. This would create a succession of catastrophic meteorological events resulting in recurrent floods and disasters. The melting of a large part of the glaciers in the Antarctic and Greenland, the increasing temperature of the oceans, would raise the level of the latter, with salt water penetrating many fertile coastal regions and whole regions being submerged (part of Bangladesh, many ocean islands)"
Sa prediksyong ito ng IPCC at MIT, hindi pa nila isinaalang-alang ang kahayukan sa enerhiya at industriya ng bagong industriyal na kapangyarihan sa kapitalistang mundo: China at India.
Problema sa produksyon at pangangaiswa sa basura
Sa pangkalahatan ang dekadenteng kapitalismo ay sistema ng mga basura. Sa abante at atrasadong mga bansa man, isa ang basura sa mayor na problema. Ano ang puno't dulo ng problema sa basura kung saan ang ilusyon at pagmamayabang ni Bayani Fernando ng MMDA (Metro Manila Development Authority) ay naging bangungot mismo sa kanya ng malasap ng Metro Manila ang bagyong Ondoy?
Ang kapitalismo ay sistema na nakabatay sa paglikha ng mga kalakal para ibenta sa pamilihan. Ang layuning mabenta ang kalakal ang nagtulak para sa kompetisyon, ang isa sa naturalesa ng kapitalistang sistema. Ang kompetisyon para mabenta at magkamal ng tubo ang siyang dahilan kung bakit:
1. "The production of commodities cannot be planned in space and time because of competition between capitalists; it therefore follows an irrational logic, according to which each capitalist tends to enlarge his own production in order to sell at a lower price and realise his profit, which leads to an excess of unsold commodities. It is moreover precisely this necessity to outdo the competition and lower prices which leads the producers to lower the quality of manufactured products, which drastically reduces their lifetime and rapidly reduces them to items of waste
2. An aberrant production of wrapping and packaging, often made of toxic and non-degradable substances is accumulating in the environment. These wrappings, which often have no other function than to make the commodity more attractive to potential buyers, make up an increasingly large part, at the level of volume and weight, of the content of the commodity being sold. It has been estimated today that at least half of any rubbish bag in any city is filled with the remains of wrapping.
3. The production of waste is accentuated by the new lifestyles inherent in modern life. Eating out, in a self-service restaurant, on plastic plates and drinking from plastic bottles, has now become a daily habit for hundreds of millions of people throughout the world. Similarly, using plastic bags to put the shopping in is a convenience that hardly anyone does without. All this does not suit the environment of course, but it does suit the owners of the self-service who save on the labour-power needed to wash cutlery and crockery that is not made to be thrown away. The supermarket owner or even the local shopkeeper benefit from the fact that a customer can buy what he wants, even if he hadn't planned to buy it, knowing that he can put everything into free plastic bag. All this results in a considerable increase in the production of waste all over the world, nearing a kilo per day per citizen, or millions of tons of waste every day!"[4]
Ang gabundok na basura sa Payatas, Rizal at iba pang bahagi ng Pilipinas, ang mga aksidente at sakit na naranasan ng mga mahihirap na nabubuhay sa basura ay hindi lang nangyari sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas. Nangyari din ito sa abanteng mga bansa gaya ng Italy.
At hindi lang yan, ang malalakas na mga bansa ay pinagsamantalahan ang mahihinang mga bansa, o kaya ang mahihinang probinsya/rehiyon ng malalakas na probinsya/rehiyon ng isang bansa, sa usapin ng pagtapon ng basura.
Sa isang ulat ng dalawang grupong "maka-kalikasan" sa Amerika, ang Basel Action Network at Silicon Valley Toxics, sinasabi nito na 50 hanggang 80% ng basura mula sa elektroniks sa kanlurang mga estado ng Amerika ay tone-toneladang dinadala ng mga barko tungo sa Asya, laluna sa India at China. Hindi rin nalalayo sa ganitong layunin ang JPEPA ng Japan at Pilipinas kung saan marami ang nangangambang kabilang sa napagkasunduan ay gawing tapunan ng basura ng Japan ang Pilipinas.
Noong Mayo 2008, humihingi ng bayad-pinsala ang Panafrican Parliament sa Kanlurang mga bansa dahil sa pinsalang dinulot ng greendhouse effect at pagtapon ng basura sa kontinente ng Aprika.
Sa lokal na antas naman, ganun din ang ginawa ng abanteng mga lugar sa atasadong mga lugar, gaya ng Payatas at Rizal.
Maliban sa korupsyon mismo ng burukrasya ng estado sa Pilipinas, ang pangunahing dahilan kung bakit tone-toneladang basura ang bumabara sa mga ilog, na siyang isa sa pangunahing dahilan ng baha, ay ang krisis mismo ng sobrang produksyon ng kapitalistang sistema, na walang ibang kakambal na resulta kundi ang krisis sa basura.
Gaano man ka "tino" ang estado sa usapin ng pangangasiwa sa basura, ang pundamental na problema ay ang mismong sistema na ipinagtatanggol nito ang dahilan ng krisis sa basura at kontaminasyon ng populasyon at paligid dito.
Pinakita lamang ng bagyong Ondoy ang kabulukan at pagiging inutil ng anumang paksyon ng naghaharing uri sa usapin ng pagkontrol at pangangasiwa sa basura laluna sa Metro Manila.
Walang epektibong waste management ang mangyayari sa ilalim ng isang sistema na siyang dahilan ng krisis ng basura.
Ang pandaigdigang krisis sa basura at ang pagiging inutil ng internasyunal na burgesya na kontrolin ito ay makikita natin sa isang kahindik-hindik na ulat mula sa La Republica online, 29.10.07:
"Called the Trash Vortex, the island of rubbish in the Pacific Ocean, which has a diameter of nearly 25,000 km, a depth of 30 meters and which is composed 80% of plastic, the rest by other forms of waste arriving from all directions. It is as though there was a vast island in the middle of the Pacific, made up of rubbish instead of rock. In recent weeks, the density of this material has reached such a level that the total weight of this ‘island' of trash has reached 3.5 million tons, as explained by Chris Parry of the Californian Coastal Commission in San Francisco (...) This incredible and little-known island began to form in the 1950s, following the existence of the north Pacific subtropical gyre, a slow oceanic current which moves clockwise and spirally under the effect of a system of high pressure currents (...) the greater part of the plastic arrives from the continents, around 80%; the rest comes from boats, private commercial or fishing craft. Around the world around 100 billion kilos of plastic are produced a year, roughly 10% of which ends up in the sea. 70% of this ends up at the bottom of the ocean, causing huge damage to sea life. The rest carries on floating. The major part of this plastic is not very biodegradable and end up fragmenting into tiny grains which end up in the stomachs of many sea animals, resulting in death. What remains takes hundreds of years to decompose, meanwhile causing all sorts of damage to sea life".
Itong isla ng basura ay dalawang beses na mas malaki kaysa Amerika!
Pagkaubos ng likas na yaman
Ang kapitalismo ay mabubuhay lamang sa patuloy na paglikha ng mga kalakal na kailangang maibenta sa pamilihan. Dahil paghahanap ng mas malaking tubo at kompetisyon ang batas ng kanyang paggalaw, ilang daang beses na mas matindi ang pagnanais nito na sagarin sa pinakamabilis na paraan ang likas na yaman ng mundo, "sa ayaw at sa gusto" ng indibidwal na kapitalista.
Isa sa mayor na dahilan kung bakit dumadalas at naging mas mapamuksa ang mga ulan at baha ay ang pagkakalbo ng kagubatan, hindi lang sa Pilipinas kundi sa maraming mga bansa. Ang kagubatan ng Amazon, ang binansagang huling baga ng kalikasan ng mundo ay mabilis na nasisira, kapwa kagagawan ng mga ganid na loggers at ng polusyong dulot ng mga industriyalisadong kapitalistang mga bansa.
Sa Pilipinas, noong 70s at 80s ay mabilis na nakalbo ang kagubatan dahil sa paglakas ng furniture at wood industry. Walang pakialam ang mga kapitalista sa mangyari sa kagubatan at ang maging epekto nito sa kalikasan. Tanging ang mahalaga lamang sa kanila ay magkamal ng malaking tubo habang malakas pa ang "demand".
Laging sinisisi ng estado, naghaharing uri at ng mga environmentalist" ang "kapabayaan mismo" ng taumbayan - mahihirap na magsasaka dahil sa pagkakaingin. Ang tinatagao ng mga kaaway sa uri ay ang nagtulak sa mahihirap na masa tungo sa liblib na kabundukan upang magsaka dahil inaagaw ang lupa sa kapatagan ng mga kapitalista-haciendero.
Ang mabilisang pagkalbo ng kagubatan ay kagagawan ng "industriyalisasyon" sa kalungsuran kung saan isang malaki at mainam na negosyo ang kahoy. At ng makalbo na ang kagubatan, ang estado at mga kapitalistang siyang dahilan nito ay biglang naging maka-kalikasan at tagapagtanggol ng reforestation!
Dagdag pa dito ang walang pakundangang pagmimina ng malalaking kapitalista na walang pakialam sa risgo at banta ng buhay ng mga manggagawang minero. Mula Luzon hanggang Minadanao, ilang daang minero na ang namatay nitong nagdaang mga taon dahil sa kawalan ng proteksyon sa loob ng minahan at sa mga bagyo at baha.
Ang "kaunlaran" at "industriyalisasyon" sa ilalim ng kapitalismo ay pagkamatay ng milyun-milyong mamamayan at pagkasira ng bilyun-bilyong ari-arian:
"China has been hit by terrible floods in recent years, affecting 60 million people in central and southern China, resulting in at least 350 deaths and direct economic losses which have already reached 7.4 billion yuan; 200,000 houses destroyed or damaged; 528,000 hectares of agricultural land destroyed and 1.8 million submerged. At the same time, desertification is increasing rapidly, involving a fifth of the land area and provoking dust storms which reach as far as Japan (...) While central and southern China is hit by floods, in the north the desert continues to advance, now covering a fifth of the land along the upper reaches of the Yellow River, on the high plateau of Qinghai-Tibet and part of Inner Mongolia and Gansu.
The population of China represents around 20% of the world population, but it only has around 7% f the cultivable land.
According to Wang Tao, a member of the Chinese Academy of Science in Lanzhou, the deserts of China have increased by 950 square km a year over the last decade, Each spring time, the sand storms hit Beijing and the whole of northern China and reach as far as South Korea and Japan".[5]
Ang katotohanan: mabilis na inuubos at sinisira ng ilang kapitalistang industriyalisadong mga bansa ang likas na yaman ng mundo. Sa usapin paggamit ng likas na yaman, imposible ng maging industriyalisado ang mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas sa ilalim ng kasalukuyang bulok na kaayusan sa mundo:
"Although it's not talked about to the same degree, an analogous problem to the one with combustible fuels is posed with other mineral resources, for example the ones used to extract metals, It is true that, in this case, metal is not destroyed by use as is the case with oil or methane gas, but the negligence of capitalist production ends up spreading huge quantities of wasted metal over the surface of the earth, which means that sooner or later the supply of metals will also be exhausted. The use, among other things, of certain alloys and multi-stratified metals makes the eventual recovery of the ‘pure' material all the more difficult.
The breadth of the problem is revealed by estimates according to which in the space of a few decades, the following resources will be exhausted: uranium, platinum, gold, silver, cobalt, lead, magnesium, mercury, molybdenum, nickel, tin, tungsten and zinc. These are materials which are practically indispensable for modern industry and their scarcity will weigh heavily in the near future. But there are other materials which are not inexhaustible: it has been calculated that there are still available (in the sense that it is economically feasible to extract them) 30 million tons of iron, 220 million tons of copper, 85 million tons of zinc. To have an idea of these quantities, you need to think that to take the poorest countries to the level of the advanced ones, they would need 30 billion tons of iron, 500 millions of copper, 300 of zinc: that is to say, far more than the planet Earth has to offer."[6]
Kasalanan ba ng maralita ang baha?
Namayagpag ngayon sa propaganda ng mga estadong kapitalista, kabilang na ang Pilipinas, at katulong ang burges na media, na ginagawa ng gobyerno ang lahat ng makakaya para panatilihing malinis at mapangalagaan ang "inang kalikasan". Nariyan ang "tree planting" campaigns, beach and sea cleaning campaigns na nilahukan pa ng mga personalidad at artista, at ang kung anu-anong mga batas para "pangalagaan" ang kalikasan.
At sa dulo ng mga propagandang ito, ay ang paninisi ng gobyerno sa mga mahihirap na matigas ang ulo at ayaw makinig sa payo ng una. Kaya ang resulta, marami sa kanila ang namatay at nalagay sa peligro ang buhay at ari-arian.
Kung sinisisi man ang estado, ito ay dahil sa maling pangangasiwa ng nagharing paksyon at korupsyon; hindi daw "maka-kalikasan" ang nasa Malakanyang. Kaya naman nagsisikap ang mga "enviromnetalists" na mahalal ang isang "maka-kalikasang" presidente at halos lahat ng mga politiko ay biglang naging "mapagmahal sa inang kalikasan"!
Masahol pa, ang mga mahihirap pa, na halos tulad na ng daga na nakatira sa mga eryang "iskwater" at tabing-ilog ang sinisisi ng estado kung bakit lumala ang baha at krisis sa basura. Nitong huli lang, libu-libong mahihirap na "iskwater" sa gili ng Manila de Bay ang namilegrong mapalayas dahil sa ang mga ito diumano ang dahilan ng pagtaas ng tubig ng huli.
Laging sinisi ng estado ang maralita kapantay sa ipokritong pagsisi nito sa mga ganid na kapitalista. Kesyo daw nagkakaingin at illegal logging para mabuhay ang mahirap na magsasaka. Kesyo daw matigas ang ulo ng maralitang taga lungsod: ilang beses ng sinabihan na huwag tumira sa delikadong lugar gaya ng sa tabing ilog at gilid ng bundok. Ang mahihirap din ang sinisisi sa krisis sa basura at paglala ng dumi sa kapaligiran.
Saan galing at bakit dumarami ang maralita sa kanayunan at kalungsuran?
Noong 19 siglo kung saan progresibo pa ang kapitalismo, pinagyabang nito na iaahon mula sa kahirapan ang masang magsasaka sa pamamagitan ng pagpapalaya nito sa pyudal na pagsasamantala; mula sa pagkaalipin sa lupa. Napalaya nga ang masa sa tanikala ng lupa pero ginapos naman sila sa sahurang pang-aalipin.
Dudurugin ng kapitalismo ang uring magsasaka at peti-burgesya. Ito ang kalikasan ng sistemang sahuran at kalakal. Kailangan ng sistemang ito ang lakas-paggawa at labis na halaga para sa akumulasyon ng kapital.
Subalit sa panahon na progresibo pa ito, nagawa nitong itransporma bilang manggagawa at ipasok sa mga pabrika ang malaking bahagi ng nadurog na magsasaka at peti-burgesya. Matindi man ang pagsasamantala at pang-aapi sa kanila, naging mga manggagawa sila sa pabrika.
Nang pumasok na sa dekadenteng yugto ang pandaigdigang kapitalismo, o naging imperyalismo na ito sa pagpasok ng 20 siglo, ganap ng naging reaksyonaryo ang sistema at lahat ng paksyon ng burgesya. Ganap ng hadlang sa pag-unlad ng produktibong pwersa ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon, sa partikular, ang sistemang sahuran.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, palaki ng palaki ang bahagi ng mga nadurog na magsasaka at peti-burgesya ang hindi na umabot sa pinal na yugto ng proletaryanisasyon. Karamihan sa mga nadurog ay di nakapasok sa mga pagawaan. Unang lebel lang ng pagkadurog ang naabot nito - pagiging dukha, naghihikahos, mahirap - at hindi sila naging manggagawa ng kapitalista.
Ang mga taong ito ang tinaguriang mala-manggagawa at informal sector. Ang popular na tawag sa kanila ay maralitang taga lungsod at nayon - mga taong walang permanenteng hanapbuhay. Karamihan sa kanila ay lumayas sa kanayunan dahil sa matinding kahirapan at lumuwas sa kalungsuran para makipagsapalaran na maging manggagawa. Karamihan sa kanila ay tinaguriang mga iskwater na nakatira sa mga lupang di kanila at sa mga lugar na peligrong tirhan ng tao.[7]
Ang kalidad ng kanilang mga bahay ay yari sa mumurahing materyales na madaling masira sa malakas na ulan, hangin at baha. Ganito ang uri ng kanilang tirahan dahil sa matinding kahirapan.
Sa Metro Manila lang, umabot na sa mahigit 500,000 pamilya ang opisyal na naitala ng estado na nasa kategoryang iskwater[8] (21% sa tinatayang 2.6 milyong pamilya sa Metro Manila) kung saan inamin mismo ng gobyerno na malaki pa ang kakulangan para sa murang pabahay at ligtas na lugar para sa relokasyon. Hindi pa kasama dito ang regular na hanapbuhay sa mga lugar na maaring paglipatan.[9]
Isang bahagi din ng mahihirap ay naging lumpen. Ang saring na ito ay produkto ng kabulukan ng sistema pero hindi ito kabilang ni alyado ng uring manggagawa. Ang saring na ito ang kadalasang ginagamit ng uring mapagsamantala laban sa uring manggagawa.
Iligtas ang mundo at tao, Ibagsak ang Kapitalismo!
Napakaraming mga dahilan kung bakit sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay lalong lumala at hindi na mapigilan ang pagkasira ng kalikasan at sa bandang huli...ang pagkasira ng mundo at sangkatauhan. Subalit masusuma ang mga ito sa dalawang ugat ng pagkasira ng kalikasan sa panahon kung saan naabot na ng tao ang abanteng teknolohiya at modernong syensya:
-- Dibisyon ng paggawa, at higit pa, ang pangingibabaw ng pera at kapital sa produksyon, kung saan nahati ang sangkatauhan sa walang kataposang kompetisyon ng ibat-ibang grupo, yunit at uri;
-- Dahil ang katotohanan na ang layunin ng produksyon ay hindi para sa pangangailangan ng tao kundi para ibenta ito bilang kalakal, at kailangang mabili ito, anuman ang bunga para sa tao at mundo, para magkamal ng tubo.
Ang mga ito ang puno't dulo ng lahat. Walang indibidwal na kapitalista, gaano man ka"buti" ang kanyang intensyon ang makawala sa mga mapagsamantala at mapanirang batas ng kapitalismo. Sabi nga ni Marx sa Capital Volume 1, chapter 15, section 10: "Modern Industry and Agriculture":
"In agriculture as in manufacture, the transformation of production under the sway of capital, means, at the same time, the martyrdom of the producer; the instrument of labour becomes the means of enslaving, exploiting, and impoverishing the labourer; the social combination and organisation of labour-processes is turned into an organised mode of crushing out the workman's individual vitality, freedom, and independence. The dispersion of the rural labourers over larger areas breaks their power of resistance while concentration increases that of the town operatives. In modern agriculture, as in the urban industries, the increased productiveness and quantity of the labour set in motion are bought at the cost of laying waste and consuming by disease labour-power itself. Moreover, all progress in capitalistic agriculture is a progress in the art, not only of robbing the labourer, but of robbing the soil; all progress in increasing the fertility of the soil for a given time, is a progress towards ruining the lasting sources of that fertility. The more a country starts its development on the foundation of modern industry, like the United States, for example, the more rapid is this process of destruction. Capitalist production, therefore, develops technology, and the combining together of various processes into a social whole, only by sapping the original sources of all wealth - the soil and the labourer."
Sa kapitalismo, kasabay at kakambal ng pagkamal ng tubo ang pagsira sa kapaligiran at pagsasamantala sa masang anakpawis.
Palagi nating naririnig sa mga "green" activist organizations at sa Kaliwa na ang dahilan diumano ng pagkasira ng kalikasan ay ang pribadong korporasyong multinasyunal at ang kawalan ng epektibong kontrol ng estado laluna sa panahon ng "globalisasyon" (neo-liberalismo). Ang linyang ito ay pinasubalian na ng kasalukuyang krisis pinansyal kung saan nakikita ng lahat ang mala-bakal na kamay ng mga estado para isalba ang naghihingalong ekonomiya.
Pero totoo bang may kapasidad ang estado na kontrolin ang pagkasira ng kapaligiran at pangalagaan ito gaya ng lagging ginigiit ng mga organisasyon "greens" at ng Kaliwa?
Hindi. Ang kaya lamang ng estado ay kontrolin ang anarkiya pero hindi nito kayang pawiin ito. Bakit? Dahil ang pagkontrol at pagtatanggol ng bawat estado sa kani-kanilang pambansang interes ay daan tungo sa pagtindi ng kompetisyon ng bawat bansa sa kumikipot na pamilihan. Kompetisyon na siyang dahilan ng paglala ng anarkiya ng produksyon sa pandaigdigang saklaw at nagbunga ng ibayon paninira sa kaikasan.
Sa kasalukuyan, mabilis na nawawalan ng kapasidad ang estado na kontrolin ang anarkiyang dulot ng kapitalistang sistema.
Totoong maykapasidad ang abanteng teknolohiya at modernong syensya ngayon upang pangalagaan ang kalikasan, tao at ang mundo. Subalit habang ang mga ito ay nasa kontrol ng burgesya at para sa kapitalistang sistema, kabaliktaran ang gamit ng mga ito: para sirain ang tao at ang kapaligiran.
Ang tanging daan para maligtas ang tao at mundo mula sa pagkasira ng kapaligiran at mga digmaan ay ibagsak ang bulok na sistema sa pamamagitan ng internasyunal na rebolusyon ng masang manggagawa.
Sa lipunang komunismo lamang tunay na magamit ang teknolohiya at syensya para sa kapakanan ng tao, mundo at kapaligiran. Sa antas ng krisis ng kapitalismo at kabulukan ng estado ngayon, mas lalong lumalaki ang pangangailangan na ipagtagumpay ang komunistang rebolusyon sa lalong madaling panahon. #
Berto Dimasalang
[1]Ayon mismo sa National Disaster Coordinating Center: 341 patay sa Ondoy (Ketsana), 797,404 o 3,899,307 tao ang apektado, P8.328B nasira, kasama na dito ang P5.584 agrikultura.
419 patay sa Pepeng (Parma), 662,274 pamilya o 3,106,978 tao ang apektado, P10.437B nasira, kasama na dito ang P7.032B agrikultura
[2]ICC, ‘The world on the eve of environmental catastrophe'
[3]ibid
[4]Ibid.
[5]Ibid.
[6]Ibid.
[7]Sa pandaigdigang saklaw, nakitaan ang paglitaw ng mga higanteng syudad sa 20 siglo. Sa maagang bahagi ng siglong ito, mayroon lamang anim na syudad na mayroong mahigit isang milyong (1,000,000) populasyon; sa kalagitnaan ng siglo, mayroon lamang apat na syudad na may mahigit limang milyong (5,000,000) populasyon. Bago ang WW II, ang mga higanteng syudad ay penomenon na makikita lamag sa industriyalisadong mga bansa. Ngayon, mayorya ng mga higanteng syudad ay konsentrado na sa atrasadong mga bansa. Ang ilan sa kanila, ay sampung beses na lumaki ang populasyon sa nagdaang ilang dekada. Ngayon, kalahati ng pandaigdigang populasyon ay nakatira sa mga syudad: sa 2020, magiging 2/3 na ito. At karamihan sa mga pamilyang galing sa kanayunan ay nagsisiksikan sa masisikip na eryang "iskwater" at delikadong mga lugar na kulang na kulang ang panlipunag serbisyo at mahihina ang istruktura ng kanilang mga bahay. Ang mahigit 5,000 tao araw-araw na lumuwas sa mga syudad para makipagsapalaran ay walang malinaw na kapalaran maliban sa madagdag sila sa bilang ng mga dukha at naghihikahos sa mga higanteng syudad na ito.
[8]https://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20091018-230766/P3... [23]
[9]Ayon mismo sa Metro Manila Inter-Agency Committee on Informal Settlers (MMIAC), ang kailangang itayong mga bahay taon-taon ay dapat 14,922 pero ang kakayahan lamang ng gobyerno ay 7,767!
Introduksyon
Handang-handa na ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri sa pambansang halalan sa susunod na taon. Pera, armas at makinarya ay nakahanda na para sa isang madugong tunggalian na inaasahan sanang maghasik ng ilusyon sa masa para sa "mapayapa" at "malinis" na halalan.
Sa kabila ng katotohanan na may bisa pa rin ang burges na eleksyon bilang "shabu" sa kaisipan ng manggagawang Pilipino, dumarami na ang nakaramdam ng masamang epekto ng "pampulitikang drogang" pinaiinom ng mapagsamantalang uri sa malawak na masang api.
Kaya nararapat lamang na suriin ng mga rebolusyonaryong elemento sa Pilipinas ano ang katangian ng burges na eleksyon; sa anong kondisyon ito nagagamit ng proletaryado para sa kanyang makauring interes at kung ang mga kondisyon na ito ay umiiral pa ba sa ating panahon. Ikalawa, kaya pa bang kopyahin ng burgesyang Pilipino ang mga tipo ng eleksyon sa abanteng kapitalistang mga bansa kung saan nagawang sinupin ng burgesya ang paglalako ng mistipikasyon ng demokrasya at eleksyon, sa kabila na dumarami rin doon ang tumaas na ang kamulatan na ang "heroin" at "cocaine" ay mas masama pa ang epekto sa "shabu".
I. Ang Kanan sa usapin ng eleksyon
Ang Kanan ay nahati sa dalawang malaking paksyon: ang administrasyon ni Gloria Arroyo at ang oposisyon. Ang oposisyon naman ay nahati din sa ibat-ibang paksyon na nakabatay sa personalidad. Bagamat may mga indikasyong nais ng naghaharing uri na buhayin muli ang "sistemang dalawang partido" gaya ng sa Amerika, labis itong nahirapan dahil sa pagiging atrasado ng burges na demokrasya sa Pilipinas at sa matagal na panahong pamamayani ng dinastiyang politikal sa bansa. Ang ambisyong kopyahin ang sistemang "pagiging tapat sa partido" sa halip na sa personalidad ay matagal ng pinapangarap ng Kaliwa sa Pilipinas subalit halos imposible na ito dahil sa lumalalang kabulukan ng sistema.
Nais ng naghaharing uri na muling palakasin ang mistipikasyon sa eleksyon at demokrasya sa hanay ng masa. Obligadong silang gawin ito dahil mabilis na nawawala ang bisa ng eleksyon bilang "shabu". Kung patuloy na walang epektibong paraan ang mapagsamantalang uri para gawing "malinis at kapani-paniwala" ang resulta ng halalan sa susunod na taon, nababahala itong tuluyan ng maglaho ang impluwensya ng mistipikasyon ng masa sa eleksyon at palagi na lang i-resolba ang bangayan ng mga paksyon sa pamamagitan ng armadong labanan o "ekstra-legal" na paraan, mga paraan na tanda ng anarkiya sa lipunang kapitalista sa halip na mistipikasyon ng demokrasya at paraang "konstitusyunal". Ito ang layunin ng kaaway sa halalang 2010; layunin na lalupang naging mahirap dahil sa Maguindanao masaker noong Nobyembre, ang pinakamarahas na pamamaslang sa kasaysayan ng Pilipinas na may kaugnayan sa eleksyon.
Ang administrasyon
Labis na kinamuhian ng malawak na masa ang paksyong Arroyo. Kung opinyong publiko lang ang pagbatayan, hindi na mananalo ang mga manok ng administrasyon para sa pambansang posisyon sa halalan sa susunod na taon. Dahil dito, para sa naghaharing uri, isa ng liability ang paksyong Arroyo sa Malakanyang. Ang pagpapatuloy ng paksyong ito sa paghawak ng estado ay tiyak na magtutulak sa masa upang suriin ang kabulukan ng eleksyon. Dito takot na takot ang mga kaaway sa uri: ang lubusang mawalan ng tiwala ang nakararami sa eleksyon.
Ngayon pa lang, parang mga dagang naglundagan sa nalulunod na barko ng administrasyon ang maraming membro nito at lumipat na sa oposisyon para lalaki ang oportunidad na manalo. Ang mga nanatili sa administrasyon ay yaong mga politiko na kayang ipanalo ang sarili dahil makapangyarihan ito sa kani-kanilang teritoryo hawak ang 3Gs (guns, gold and goons). Karamihan sa kanila ay mga warlords at naghahari sa pamamagitan ng takot at karahasan.
Sa kabila ng maraming pera at malakas na makinarya, hindi madali sa administrasyon na ipanalo ang mga kandidato nito sa mga pambansang posisyon laluna sa pagka-presidente. Kaya ang kanilang pambato na si Gilbert Teodoro ay napilitang mag-astang "independyente" mula sa paksyong Arroyo at desperadong i-project ang sarili na hindi tuta ni Gloria.
At dahil ang posisyon sa estado sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas ay buhay at kamatayan para sa pang-ekonomiyang posisyon ng mga politiko, obligadong may pampulitikang posisyon pa rin si Gloria Arroyo. Kaya naman ay tatakbo siyang kandidato sa mababang kapulungan ng Kongreso[1]. Ang iba naman ay mga kapamilya at kamag-anak ang pinatatakbo nasa kampo man ng adminsitrasyon o oposisyon.
Ang oposisyon
Sa lahat ng mga partido at personalidad na nag-aagawan sa kapangyarihan, dalawang partido ang nasa unahan, ang partido Liberal na kinabibilangan nila Noynoy Aquino at Mar Roxas at ang Partido Nacionalista nina Manny Villar at Loren Legarda ng Nationalist People's Coalition (NPC).
Tila ba pinaiinit ngayon ang tunggalian ng dalawang "popular" na partido ng malalaking burgesya. Ilan sa mga dahilan ay:
Una, ang dalawang pinaka-lumang malaking burges na partido sa Pilipinas - ang Partido Liberal (LP) at Partido Nacionalista (NP) - ay nais muling buhayin ng burgesyang Pilipino, na tila nangongopya sa istilo ng burges na pulitika sa Estados Unidos. Sa kasaysayan, ang dalawang partidong ito ang pinanggalingan ng mga politikong Pilipino.
Ang NP ang kauna-unahang partidong itinayo ng burgesyang Pilipino noong 1907. Dala-dala nito ang mapayapa at repormistang linya sa pagkamit ng "pambansang kalayaan" mula sa kolonyalistang Amerikano. Kinukumpara ang NP bilang Republican Party (ng USA) sa Pilipinas.
Maraming bantog na mga tradisyunal na politiko na naging pangulo na galing sa NP. At isa na dito ay ang dating diktador na si Ferdinand Marcos. Kabilang din sa NP ang anti-manggagawang si Blas Ople, ang Kalihim ng Paggawa ng rehimeng Marcos.
Ang LP naman ay isplit mula sa NP noong 1945. Ito ang ikalawang pinakamatandang burges na partido sa Pilipinas, na binansagan ding Democratic Party (ng USA) sa Pilipinas. Gaya ng NP, maraming bantog din na kapitalistang politiko ang mula sa LP. Isa na dito si Manuel Roxas, ang unang presidente ng Republika ng Pilipinas. Kabilang din si Franklin Drilon, ang anti-manggagawang Kalihim ng Paggawa ng rehimeng Aquino.
Kapwa ang NP at LP ay kabilang sa koalisyon noong 2004 eleksyon na sumusuporta kay Gloria Arroyo bilang pangulo. Ibig sabihin, kabilang ang mga partidong ito sa mga dapat sisihin kung bakit nanalo si Arroyo.
Pangalawa, ang dalawang partidong ito ay nasa oposisyon. Gustong ipakita ng burgesya na nasa mga partidong ito at sa mga personalidad nila ang magsasalba sa sistema mula sa pampulitikang krisis ng administrasyong GMA.
Pangatlo, niromantisa ng burgesya ang personalidad ng dalawang kandidato sa bawat partido. si Noynoy Aquino[2] daw ang magbabalik ng demokrasya na pinaglalaban at pinatupad ng kanilang mga magulang. Katunayan, "martir" si Ninoy Aquino dahil pinaslang siya ng paksyong Marcos noong 1983. Pinangalandakan naman ni Manny Villar[3], galing umano sa mahirap, na maaring aasenso ang mga naghihikahos basta may "sipag at tiyaga" lamang.
Kung hindi man solido ang administrasyon, ganun din ang oposisyon. Walang unipikadong tiket ang administrasyon at oposisyon sa lahat ng posisyon. Lalong lumala ang pagkahati-hati ng mga paksyon ng burgesya habang papalapit ang eleksyon.
Walang maasahan ang masang anakpawis sa administrasyon at oposisyon dahil iisa lamang ang pinagtatanggol ng mga ito: pambansang kapitalismo.
II. Ang Kaliwa sa usapin ng eleksyon
Maliban sa polisiyang boykot ng maoistang partido (PKP) noong panahon ng batas militar, matagal ng lumalahok ang Kaliwa sa eleksyon magmula pa noong 1940s.
Ang polisiyang boykot naman ng PKP noong 1980s ay hindi nakabatay sa marxistang pagsusuri kundi sa ekstremismo ng gerilyang pakikidigma.
Ang kontra-rebolusyonaryong batayan ng Kaliwa
Iba-iba ang palusot ng ibat-ibang paksyon ng Kaliwa kung bakit sila lumalahok sa eleksyon:
Maoistang PKP. Batay sa kanilang "pagsusuma" sa karanasang boykot noong 1980s, ginigiit ng Partido Komunista ng Pilipinas na "hindi mali" ang paglahok sa eleksyon at pagpasok sa estado basta ito ay "nagsisilbi" sa pagsusulong ng "digmaang bayan" at "may kwalipikadong mga kadre para dito". Kung dati nilalait nila ang kanilang mga karibal dahil sa paglahok sa eleksyon, ang PKP na ngayon ang nangunguna at atat na atat na marami ang makapasok sa senado, kongreso at lokal na gobyerno.
Paano magsisilbi? Pangunahin ang pagkuha ng milyun-milyong pondo ng estado (na galing din naman sa pawis ng masang nagbabanat ng buto) at sa mga politiko para pambili ng armas at buhayin ang parasitikong armadong hukbo na nasa absolutong pamumuno ng PKP. Pangalawa, pagbibigay ng mga proyekto sa kanilang "baseng masa" upang manatili itong "tapat na tagasunod" sa panawagan ng Kaliwa.
"Leninistang" PMP. "Tapat" kay Lenin, pinanindigan nila na ang parliyamento ay maaring gawing "entablado" para sa "rebolusyonaryong" propaganda gaya ng ginawa ng mga marxista noong 19 siglo. Dagdag pa, "teoretikal" na batayan nila ang libro ni Lenin na "Kaliwang-komunismo, sakit ng kamusmusan" sa panahon ng debate ng Ikatlong Internasyunal sa usapin ng paglahok sa burges na eleksyon. Subalit, ang "katapatan" nila sa "Leninismo" ay "pinaunlad" (distrungka) pa nila: pakipag-alyansa sa burges na oposisyon at paggamit sa kanilang "baseng masa" bilang panglyabe sa kanilang pagtraydor sa marxismo at paghimod sa puwet ng malalaking burges na partido para makakuha ng malaking pondo. Para sa Partido ng Manggagawang Pilipino, ang pagpasok sa parliyamento ay "malaking tulong" upang mapalakas ang kilusang manggagawa. Sa madaling sabi, kailangan diumanong pasukin ang anumang laro ng burgesya at huwag silang hayaang masolo ang mga laro na sila ang may likha.
Neo-Trotskyistang PLM. Ang grupong ito ang tapat na tagasunod sa "radikal" na elektoralismo ni Hugo Chavez sa Venezuela at sa kanyang "sosyalismo sa 21 siglo". Nagdadala ng mas radikal na lenggwahe na katangian ng mga Trotskyista gaya ng "partido para sa sosyalismo" at "sosyalismo ngayon na!". Modelo ng Partido Lakas ng Masa ang pagkapanalo ng Kaliwa sa Latin at Central America.
Repormistang Akbayan. Sa lahat ng paksyon ng Kaliwa, ito ang tahasang nanindigan na makamit ang "panlipunang pagbabago" sa pamamagitan ng mga reporma at pagiging mayorya sa estado laluna sa parliyamento.
Samakatuwid, lahat sila ay nagkaisa na ang paglahok sa eleksyon at parliyamento ay "epektibong" paraan daw ng masa para mapalakas ang "kilusang masa", ito man ay para sa "rebolusyon" o para sa "reporma".
Gamit ang mga sulatin at salita ng mga bantog na marxistang lider sa 19 siglo, nilalason nila ang kaisipan ng masang manggagawa laluna ang mga abanteng elemento nito na angkop pa rin ang taktika ng mga marxista noong sumusulong pa ang kapitalismo sa panahon na nasa permanenteng pagbulusok-pababa na ang sistema at wala na itong kapasidad na magbigay ng anumang makabuluhang reporma. Dagdag pa, nirebisa nila ang rebolusyonaryong diwa ng paglahok sa eleksyon ng mga komunista noong 19 siglo. Kung ang mga marxista mahigit 100 taon na ang nakaraan ay lumahok sa burges na parliyamento sa pamamagitan ng sariling lakas ng kilusang manggagawa, ang mga "tapat" na tagasunod nila ngayon ay lumalahok batay sa kapasidad (pera at makinarya) ng alinmang paksyon ng Kanan kung saan sila pumailalim. Ang tawag dito ng Kaliwa ay "pragmatismo", "praktikalidad" o "pakikipag-isang prente" na walang ibang kahulugan kundi kontra-rebolusyonismo at pagtraydor sa rebolusyonaryong diwa ng marxismo.
Maliban sa maoistang PKP, RPA-ABB, MLPP, na may pang-engganyo sa Kanan para sila suportahan - armadong hukbo - ang ibang paksyon ng Kaliwa ay parang namamalimos sa Kanan upang ipasok lamang sa kanilang makinarya at bigyan ng pera gamit ang pagmamayabang na mayroon silang "malawak na baseng masa" na matransporma sa boto.
Sa balanse ng pwersa ng Kanan at Kaliwa sa Pilipinas at sa hatian ng kanilang paggawa laban sa proletaryong rebolusyon, malayo pang payagan ng naghaharing uri na ibigay sa Kaliwa ang Malakanyang gaya ng ginawa ng mga kapatid nila sa uri sa Latin at Central America. Hindi rin katulad ng Venezuela ang Pilipinas na may malapit na padrino: Cuba at may likas na yaman gaya ng langis. Dagdag pa, malinaw na mas mahina ang Kaliwa kaysa Kanan sa ngayon. Kaya naman ay nagpupumilit ang Kaliwa na sisilong sa malalaking partido ng burgesya para lamang makapasok sa bulok na estado at parliyamento.
Sa ngayon at sa malapit na hinaharap, kontento na ang burgesyang Pilipino na nasa oposisyon ang Kaliwa. Samakatuwid, mananatiling minorya ang Kaliwa sa loob ng kapitalistang estado dahil ang papel nito ay "bombero" sa loob ng kilusang masa sa panahon na muling magliyab ang rebolusyonaryong pakikibaka ng proletaryado.
Sa kabila nito, ang lantarang pakikipag-alyansa at suporta ng Kaliwa sa iba't-ibang paksyon ng malaking partido ng burgesya at personalidad ay mensahe na rin ng una sa naghaharing uri na wala silang dapat ikabahala sa pagpasok nito sa estado at parliyamento dahil wala naman itong seryosong intensyon na wasakin ang kapitalistang sistema. Samakatuwid, ang Kaliwa sa Pilipinas ay katulad din ng Kaliwa sa Central at Latin America na nasa kapangyarihan ngayon sa pamamagitan ng elektoralismo: pwersa para ipagtanggol ang pambansang kapitalismo.
Gaano man ka "radikal" at "rebolusyonaryo" ang palusot ng Kaliwa sa kanilang paglahok sa eleksyon, ang tunay nilang layunin ay ilayo ang masang proletaryado at maralita sa rebolusyonaryong landas tungo sa pagdurog sa estado at kapitalismo.
III. Pananaw ng mga komunista sa eleksyon at parliyamentarismo
Malinaw ang pagsusuri ng mga marxista sa burges na eleksyon at parliyamentarismo mula pa noong 19 siglo: ang mga ito ay tereyn ng burgesya at hindi ng manggagawa.
Subalit may obhetibong panahon na maaring magamit ang mga ito ng manggagawa para mapalakas ang sarili: una, sumusulong pa ang kapitalismo at wala pa sa agenda ang pagtatayo ng diktadura ng proletaryado; ikalawa, dahil sumusulong pa ang kapitalismo, maari pang makakuha ng makabuluhang mga reporma ang manggagawa sa loob ng sistema kung saan isang paraan ang pagpasok ng mga komunista sa parliyamento; ikatlo, dahil may progresibong paksyon pa ang burgesya at dahil dito, tunay na arena talaga ng labanan ang parliyamento, may mga panahong nakipag-alyansa ang proletaryado sa progresibong saray ng kaaway nila sa uri laban sa pyudalismo.
Ang ganitong pakikitungo sa eleksyon at parliyamento ay lubusang nakabatay sa antas/ebolusyon ng kapitalismo at sa paglala ng mga internal na kontradiksyon ng sistema.
Nang nagbago na ang katangian ng kapitalismo sa pagpasok ng 20 siglo, ang parliyamento kasama na ang mga unyon ay lubusan ng nasanib sa estado. Sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo, ang estado na lang ang tanging sandalan ng sistema para manatili. Kaya kailangang palakasin ito, na walang ibig sabihin kundi ang pagiging dominante ng ehekutibo sa pagkontrol sa lipunan.
Subalit ang pagbabago ng sitwasyon ay nagluwal ng mainit na debate sa loob ng Komunistang Internasyunal noong 1920s. Ang mayorya ay nanindigan na angkop pa rin na lumahok ang mga rebolusyonaryo sa burges na parliyamento at unyon habang ang minorya - ang kaliwang-komunista - ay nanindigan na lipas na ang sitwasyon na nagtulak sa uri na lumahok sa mga ito dahil ang nasa agenda na ay ang pag-agaw ng kapangyarihan - diktadura ng proletaryado.
Ang mayorya sa Komunistang Internasyunal na pinangunahan nila Lenin[4] at Trostky ay pabor sa partisipasyon habang ang minorya na kinabilangan ng praksyon nila Bordiga sa Italya, KAPD sa Alemanya, Sylvia Pankhurst sa Britanya, at iba pa ay tumindig tutol sa partisipasyon.
Sa halos 100 taon napatunayan na tama ang minorya noon at mali ang mayorya. Ang mga partido komunista at sosyalista na pumasok sa parliyamento at unyon noon ay tuluyan ng tumiwalag sa marxistang prinsipyo at niyakap ang interes ng burgesya. Nagtraydor ang mga ito sa internasyunalismo noong WW II.
Narito ang ilang sipi mula sa Tesis Hinggil sa Parliyamentarismo ni Amadeo Bordiga, na sinumite bilang posisyon ng kaliwa sa debate sa Ikalawang Kongreso ng Komunistang Internasyunal (KI) noong 1920. Para sa amin, napakahalaga ng mga siping ito para maunawaan ng mga komunista at nagsusuring elemento sa Pilipinas ang debate noong 1920s hinggil sa parliyamentarismo, lalupa't ang nabasa lamang ng mga "komunista" sa Pilipinas ay ang mga sulatin ni Lenin:
a. "Under these historical conditions, under which the revolutionary conquest of power by the proletariat has become the main problem of the movement, every political activity of the Party must be dedicated to this goal. It is necessary to break with the bourgeois lie once and for all, with the lie that tries to make people believe that every clash of the hostile parties, every struggle for the conquest of power, must be played out in the framework of the democratic mechanism, in election campaigns and parliamentary debates. It will not be possible to achieve this goal without renouncing completely the traditional method of calling on workers to participate in the elections, where they work side by side with the bourgeois class, without putting and end to the spectacle of the proletariat appearing on the same parliamentary ground as its exploiters".[5]
b. "Communists deny the possibility that the working class will ever conquer power through a majority of parliamentary seats. The armed revolutionary struggle alone will take it to its goal. The conquest of power by the proletariat, which forms the starting point of communist economic construction, leads to the violent and careful abolition of the democratic organs and their replacement by organs of proletarian power - by workers' councils. The exploiting class is in this way robbed of all political rights and the dictatorship of the proletariat, i.e. a government system with class representation, is set up. The abolition of parliamentarism becomes a historical task of the communist movement. Even more, representative democracy is precisely the first form of bourgeois society that must be brought down, and moreover even before capitalist property".[6]
c. "In the present historical epoch, which has opened with the end of the world war and its consequences for the social organisation of the bourgeoisie - with the Russian revolution as the first realisation of the idea of the conquest of power by the working class, and the formation of the new International in opposition to the traitors of the social democracy - and in the countries where the democratic order was introduced a long time ago, there is no possibility of exploiting parliamentarism for the revolutionary cause of communism. Clarity of propaganda no less than preparation for the final struggle for the dictatorship of the proletariat demand that communists carry out propaganda for a boycott of the elections on the part of the workers".[7]
Sa kasamaang-palad, iilan lamang sa mga "rebolusyonaryo" sa Pilipinas ang kilala si Amadeo Bordiga at may alam sa mga debate sa loob ng Komunistang Internasyunal. Ang kinagisnang "marxismo" ng mga rebolusyonaryo sa Pilipinas noong 1920s ay ang kontra-rebolusyonaryong ideolohiya ng Stalinismo. Ang multo ng Stalinismo ay nanatiling nakalukob sa lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas, maka-Stalinismo man sila o nagpahayag ng pagiging "anti-Stalinismo".[8]
Ang burges na parliyamento ngayon ay ganap ng naging mabahong kulungan ng mga baboy. Isang "talking shop" na walang ngipin. Ang totoong nagpatakbo sa lipunan ay ang ehekutibo dahil ito ang kailangan ng naghaharing uri sa panahon na desperado itong isalba ang naaagnas na sistema. Dagdag pa, tuluyan na ring itinakwil ng mga "tapat" sa "marxismo-leninismo" ang batayan ng mga marxista sa 19 siglo sa paglahok sa parliyamento. Pera at posisyon sa estado na pangunahing layunin ng Kaliwa ngayon gamit ang "radikal" na lenggwahe na hindi naman salungat sa burges na kaayusan - demokrasya, nasyunalismo, nasyunalisasyon, atbp.
Matatag ang paninindigan ng mga komunista sa usapin ng parliyamentarismo: hindi na ito sandata at larangan ng pakikibaka ng manggagawa para isulong ang komunistang rebolusyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Hindi na maibalik ang kalagayan noong 19 siglo na naging batayan ng mga rebolusyonaryo noon sa paglahok sa eleksyon. Nasa panahon na tayo ng proletaryong rebolusyon at pagtatayo ng diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw.
IV. Dekomposisyon (Pagkaagnas) at ang pangingibabaw ng burges na ideolohiyang "bawat isa para sa kanyang sarili" at "isa laban sa lahat"
Sa likod ng mga alyansa, pakikipag-ibigan, at pagsasanib pwersa ng ibat-ibang personalidad at paksyon para matiyak ang kanilang tagumpay sa eleksyon ay ang katotohanang nangingibabaw na ngayon ang ideolohiyang "bawat isa para sa kanyang sarili" at "isa laban sa lahat".
Ang mga "alyansa" at "pagsasanib pwersa" ng ibat-ibang paksyon ay temporaryo lamang habang ang permanente ay ang kanilang maigting na kompetisyon na kadalasan ay nauuwi sa madugong tunggalian.
Ang mga paksyong tumulong para mapatalsik si Erap at makaupo si Gloria noong Edsa Dos ay nawasak. Ang "Team Unity" na pinamunuan ng paksyong Arroyo noong 2004 ay hiwa-hiwalay na ngayon. Ang LP at NP na kasapi dito ay kumalas agad at naging "oposisyon".
Bilang paghahanda sa halalan sa 2010, ang naghaharing partido ng administrasyon ay niyanig ngayon ng balimbingan. Marami sa mga kasapi nito ay lumipat na sa oposisyon - LP o NP. Ang NP naman ay nakipagsanib pwersa sa manok ng NPC pagka-bise presidente na si Loren Legarda, sa maoistang Bayan Muna at sa KBL ni Ferdinand Marcos Jr. Habang ang LP naman ay nakipagsanib pwersa sa Akbayan at mga grupong sosyal-demokratiko na may hawak ng maraming NGOs. Ang "leninistang" Sanlakas ay pumasok sa kampo ni Erap Estrada.
Ganito na ang kalakaran sa burges na politika sa Pilipinas magmula pa noong "ibinalik ang demokrasya" noong 1986. Ang "katapatan" ng bawat politiko ay para sa kanyang sarili lamang. Wala ng iba pa. Ang malinaw na halimbawa nito ay si Loren Legarda, Bayan Muna at si Bayani Fernando.
Si Legarda, na sa una ay nag-ambisyong maging presidente (bise-presidente na ang tinakbohan niya noong 2004) ay bumaba sa pagiging bise ng ang maging concensus ng NPC na maging manok sa pagiging presidente ay si Chiz Escudero. Nang opisyal ng umatras si Chiz at umalis sa NPC, parang nasa limbo si Legarda. Kaya nga galit siya kay Chiz dahil bakit hindi agad nagsabi na aatras pala. Itutuloy sana niya ang pagiging presidente sa ilalim ng NPC. Kaya obligado itong pumailalim sa NP ni Villar dahil maliban sa mahirapan na siyang sasama sa labanang presidensyal ay selyado na rin ang mga bise-presidente ng ibang malalaking partido laluna ng LP.
Ang Bayan Muna, matapos tanggihan ng LP ang kanilang alok na ipasok bilang kandidato ang kanilang dalawang senador, ay walang pag-alinlangang sumilong sa NP, sa kabila ng alam na ng publiko na si Villar isang isang oportunistang trapo sa dahilang ang NP lamang ang bukas ang palad na pumayag na maging "guest candidates" ang kanilang dalawang kandidato para senador.
Si Bayani Fernando, na atat na atat na maging kandidatong pangulo ng administrasyon, at sa simula ay nagpahayag ng "katapatan" sa partidong Palaka anuman ang maging desisyon nito kung sino ang pipiliing kandidato, ay tumiwalag sa partido ng administrasyon para maging bise-presidente ni Dick Gordon.
Habang nalalapit ang araw ng eleksyon ay lalo pang iinit ang kanya-kanyang diskarte ng bawat isa para sa kanyang sarili. Kahit ang mga "kaalyado" at "kapartido" ay handang ilaglag sa huli para lamang manalo. Sa simula ay "alyansa" at "pagsasanib-pwersa"; sa huli ay kanya-kanya at laglagan.
Dahil mabilis na kumikipot ang yamang pag-aagawan, isang buhay at kamatayan na para sa lahat ng paksyon ng burgesya ang kapangyarihan, na lalupang itutulak ng naaagnas na ideolohiya para sa armadong labanan, pandaraya, pananakot at pamimili ng boto para lamang manalo. Sa totoo lang, walang sinumang kandidato ang naniniwalang manalo siya sa isang "malinis" na halalan dahil alam niyang gawin ng kanyang karibal ang lahat para maluklok sa poder.
At tiyak, pagkatapos ng halalan, ay may panibago na namang hanayan ng pampulitikang pwersa, depende kung sino o aling paksyon ang uupo sa Malakanyang. Ang padron ng bulok na politika sa Pilipinas ay ganito: ang kaibigan ngayon ay kaaway bukas; ang kaaway noon ay kaibigan na ngayon.
Ang padron ng ikot ng burges na pulitika sa bansa ay hindi magbabago: ang administrasyon ngayon ay naging oposisyon; ang oposisyon ngayon ay naging administrasyon. At paiikutin na naman nila ang ulo ng masa. Ito ang demokrasya sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
Subalit hindi lang sa hanay ng burgesya nanalanta ang idelohiyang "bawat isa para sa kanyang sarili" at "isa laban sa lahat". Dahil nangingibabaw ito sa lipunan, pinasok din nito kahit ang pinagsamantalahan at inaaping mga uri sa lipunan. Isang halimbawa dito ay ang usapin ng eleksyon:
Kung suriing maigi, dumarami ang mahihirap na hindi na umaasa sa eleksyon para maiahon sila sa kahirapan. Ibig sabihin, hindi na "sagrado" para sa kanila ang kanilang boto. Pero hindi rin naman sila nagtuloy-tuloy na namulat na magrebolusyon. Ano ang nangyari?
Karamihan sa mga mahihirap na impluwensyado ng bulok na ideolohiya ay ginawang kalakal ang kanilang boto. Pinagbili nila ito sa sinumang politiko na may mataas na presyong pambayad sa kanila para may pantawid-gutom sa loob ng ilang araw. Itoy indikasyon ng nakatagong kamulatan ng dumaraming masa na wala ng kabuluhan sa kanilang buhay ang burges na eleksyon maliban sa pera at materyal na makuha sa mga politikong nangangailangan ng kanilang boto. Alam nila na pagkatapos ng eleksyon, walang pagbabago sa kanilang buhay sinuman ang uupo sa kapangyarihan. Sa kabilang banda, ito ay negatibong ekspresyon din ng kawalan ng pakialam ng nakararami sa politika. Para sa kanila, ang politika ay para lamang sa mayayaman.
V. Tungkulin ng mga rebolusyonaryo sa Pilipinas
Ganun pa man, hindi pa rin maaring sabihin na madilim ang kinabukasan ng manggagawang Pilipino sa usapin ng pagkamulat sa rebolusyonaryong landas. Ang kahirapan bunga ng krisis ng sistema ay nanatiling matabang lupa upang patuloy na makibaka ang proletaryado. Sa kanilang mga pakikibaka laban sa pagsasamantala at pang-aabuso ng mga kapitalista at estado iluluwal at uunlad ang kamulatang rebolusyoanaryo.
Bilang bahagi ng internasyunal na uri, tiyak na may malaking impluwensya sa mga manggagawa sa Pilipinas ang sumusulong na independyenteng kilusang proletaryo sa buong mundo laluna sa Uropa. Ang paglitaw ng mga nagsusuring elemento sa Pilipinas sa nagdaang tatlong taon ang positibong indikasyon ng potensyalidad ng pag-unlad ng rebolusyonaryong kamulatan sa hanay ng masang api sa darating na panahon. Malaking tulong din ang mabilis na pagkalantad ng Kaliwa na walang kaibahan sa Kanan dahil sa patuloy na pakikipag-alyansa ng una sa huli at sa pagiging palamuti lamang nito sa parliyamento upang mamulat ang masa na walang maasahan sa estado at eleksyon.
Ang tungkulin ng mga rebolusyonaryo sa panahong ito ay ipaliwanag sa masang manggagawa laluna sa mga abanteng elemento nito na hindi arena ng pakikibaka ang eleksyon at parliyamento. Para makawala ang proletaryado sa impluwensya ng burges na ideolohiya, isa sa kailangang iwaksi ay ang elektoralismo at parliyamentarismo. Subalit hindi ito sapat. Kailangan ding iwaksi ng uri ang ideolohiya ng Kaliwa - burges na demokrasya, unyonismo, nasyunalismo, pakikipag-alyansa sa isang paksyon ng burgesya at gerilya-ismo.
Ang minimithing kalayaan ng proletaryado ay wala sa repormasyon sa mga demokratikong institusyon ng burgesya kundi nasa pagdurog sa mga ito at palitan ng mga organo ng manggagawa, laluna ang mga sobyet o konseho ng manggagawa bilang kongkretong ekspresyon ng kanilang pampulitikang kapangyarihan.
Maling-mali ang paniniwala na makamit ang sosyalismo o mawasak ang kapitalismo sa pagpasok sa gobyerno. Sa pagpasok ng mga grupong Kaliwa sa eleksyon, ginagampanan nila mismo ang kanilang tungkulin - ang ilihis ang manggagawa sa makauring pakikibaka.
Ang tama at napapanahong panawagan para sa uri ay: Rebolusyon ng manggagawa, hindi burges na eleksyon!
Ngunit kailangang linawin na hindi ito magagawa ng mga manggagawa sa Pilipinas lamang. Ang pagbaka sa burges na ideolohiya ay isang pandaigdigang tungkulin ng uri kung saan ang mas may malaking potensyal na epektibong makagawa nito ay ang praksyon ng uri na mas mayaman sa karanasan at mas organisado: ang mga kapatid na manggagawa sa Uropa.
Ang dekomposisyon o pagkaagnas ng dekadenteng kapitalismo ay hindi awtomatik na kusang mawasak ang kapitalismo at maitayo ang komunismo mula sa mga guho nito. Isa lamang ito sa mga posibilidad. Ang isa pang posibilidad ay kapwa mawasak ang burgesya at manggagawa at papasok ang mundo sa walang kataposang barbarismo.
Kaya napakahalaga ng papel ng mga komunistang organisasyon, laluna ng isang internasyunal na partido upang magtagumpay ang komunistang rebolusyon.
Ganun pa man, napakahirap ng mga tungkuling ito sa kasalukuyang antas ng tunggalian ng uri sa Pilipinas. Ang malinaw: hindi maipatupad ang mga rebolusyonaryong tungkulin sa pamamagitan ng paglahok ng mga komunista at uring manggagawa sa eleksyon. #
Piolo Mangahas
[1]Dahil sa obsesyon ng Kaliwa laluna ng mga maoista sa "charter change" at "term extension" ni Gloria, ginigiit nila na ito ang dahilan kung bakit nais pa rin ni GMA na tatakbong kongresista. Napakitid ng ganitong pagsusuri dahil hindi ito umaayon sa takbo ng pampulitikang realidad batay sa interes ng naghaharing uri sa kabuuan. Hindi lamang ang paksyong Arroyo ang interesadong baguhin ang kapitalistang saligang batas para iangkop sa pangangailangan ng bulok na sistema na binabayo ng matinding krisis ngayon. At hindi lang din ang pamilyang Arroyo ang nagnanais na makapasok sa estado ang halos lahat ng kanilang pamilya o kamag-anak. Lahat ng paksyon ng burgesya ay ito ang interes at ginagawa. Ang nasa likod ng ganitong "protesta" ng Kaliwa ay ang layuning pabanguhin sa harap ng masa ang burges na demokrasya at paasahin na maari pang repormahin ang estado. Ang kasalukuyang kabulukan ng sistema at atrasadong moda ng produksyon sa bansa ang nagluwal ng mga pampulitikang dinastiya ng lahat ng paksyon ng naghaharing uri. Hindi rin imposible na isa sa ambisyon ni Gloria ay maging primero ministro. Pero mangyari lamang ito kung mayorya sa Kongreso ay mga kaalyado niya at payag na siya ang hahawak sa posisyong ito. Pero mahirap itong hulaan sa ngayon dahil lumalaki ang posibilidad na galing sa oposisyon ang maging presidente ng Pilipinas sa susunod na taon.
[2]Ang pamilyang Aquino at ang pamilyang Cojuangco (si Corazon na asawa ni Ninoy Aquino ay isang Conjuangco) ay kapwa malalaking kapitalista-haciendero.
Noong presidente pa si Corazon Aquino (1986-1992), pinangunahan niya ang polisiyang total war kung saan daang libong sibilyan ang namatay at nawalan ng tirahan at hanapbuhay. Sa kanyang pamumuno din nangyari ang masaker sa mga magsasaka noong 1987. Pag-aari din ng pamilya ni Corazon Cojuangco Aquino ang Hacienda Luisita kung saan daan-daang magsasaka ang nakaranas ng karahasan at pang-aapi.
[3]Si Manny Villa ang isa sa pinakamayamang kapitalista sa Pilipinas. Malaking bahagi ng kanyang negosyo ay real state at housing. Alyado ni Erap Estrada noong ito ay nahalal bilang presidente sa 1998 at naging speaker of the House. Subalit biglang bumaligtad sa kampo ng oposisyon noong kasagsagan ng pakikibaka para patalsikin si Estrada. Dahil dito ay napanatili ni Villa rang kanyang imahe sa mata ng publiko. Noong 2007 ay naging kaalyado ulit ni Erap. At ngayon ay hindi na naman dahil sa kanyang ambisyong maging presidente.
Ang "sipag" at "tiyaga" na ginamit ni Villar para maging isa sa pinakamayamang Pilipino ay "sipag" sa pagsasamantala at "tiyaga" sa pagiging oportunista para makaakyat sa pwesto. Ang "sipag" at "tiyaga" na nais ni Villar na gawin ng masang anakpawis ay sipag at tiyaga para maging isang modelong sahurang-alipin ng mga kapitalista.
Ang pahayag ni Satur Ocampo sa media, kandidatong senador ng maoistang Bayan Muna, na pinakamalapit daw sa programa nila ang programa ng NP ni Manny Villar ay patunay lamang na walang kaibahan ang programa ng Kanan at Kaliwa sa pagtatanggol sa pambansang kapitalismo. Sa ngayon, plantsado na ang alyansang Bayan Muna-NP. Guest candidates ng NP sila Ocampo at Maza para senador. Guest candidte din ng NP si Bongbong Marcos, anak ng dating diktador na si Ferdinand Marcos. Nagawa ni Villar na ipasok sa kanyang partido ang nasa dulong Kanan at Kaliwa dahil sa kanyang "sipag at tiyaga".
[4]Sumulat pa si Lenin ng pampleto na nagtatanggol sa partisipasyon sa burges na parliyamento at sa mga union: "Kaliwang-komunismo: Sakit ng Kamusmusan".
[5]Tesis 7.
[6]Tesis 2.
[7]Tesis 6.
[8]Ang maoistang PKP ay may palusot sa kanilang paglahok sa burges na parliyamento: "gamitin ang posisyon sa loob ng estado upang mapalakas ang armadong pakikibaka sa kanayunan". Ngunit sa praktika, kabaliktaran ang nangyari: ang armadong hukbo nila ang ginagamit para pang-lyabe upang manalo ang kanilang mga kandidato at alyado. Ang polisiyang boykot ng PKP noong 1970s hanggang 1986 ay hindi nakabatay sa marxistang pagsusuri sa burges na eleksyon kundi sa radikal na peti-burges na pagkapit sa gerilyang pakikidigma sa kanayunan, na sinasabi naman nilang isang "mayor na taktikal na pagkakamali" noong 1986.
Habang ang mga "leninista" naman, na bukambibig ang "sentralidad ng kilusang paggawa", ay tahasan ng bumitaw kahit sa kanilang "leninistang" prinsipyo sa usapin ng partisipasyon sa eleksyon: "para manalo ang ating party-list at lokal na mga kandidato, kailangan natin ng pera na makukuha lamang sa pamamagitan ng pagsuporta at pakipag-usap sa malalaking burges na politiko at partido." Ang ganitong "pargmatismo" ng mga "leninista" sa Pilipinas ay lantarang elektoralismo at repormismo, at kahit hibo ng "leninismo" ay wala na ito. Katunayan, desperado na nilang pinasok ang partido ni Joseph "Erap" Estrada, ang pinatalsik na presidente noong Edsa Dos dahil sa pandarambong, at kung saan ay kasama silang sumigaw sa lansangan sa pagpapatalsik sa kaniya para sa eleksyon sa 2010 dahil naunahan na sila ng ibang paksyon ng Kaliwa sa NP at LP.
Isinalin at muli naming inilimbag ang Tesis ni Lenin na sinumite niya sa Kongreso ng Pagtatatag ng Komunistang Internasyunal noong 1919. May introduksyon na rin na sinulat ang IKT sa Tesis na ito (na kasama na rin naming isinalin).
Napakahalaga at napapanahon na muling basahin at pag-aralan ang Tesis ni Lenin lalupa't nalalapit na ang burges na eleksyon sa Pilipinas kung saan lantaran at walang kahihiyan ang kutsabahan ng Kanan at Kaliwa para pabanguhin ang burges na demokrasya gamit ang "radikal" at "rebolusyonaryong" lenggwahe. Masahol pa, ginamit ng mga traydor na ito sa marxismo si Lenin para bigyang palusot ang kanilang katrayduran sa marxismo at proletaryong rebolusyon.
Bukambibig ng Kaliwa ang "pagtatanggol sa demokrasya" kaya sila lumahok sa eleksyon at nagnanais pumasok sa kapitalistang estado. Pinagsisigawan nila ang isang "malinis" at "maka-mamamayang" kapitalistang estado kaya nag-aagawan sila para makapasok dito. Mas masahol pa, gamit ang taktika ng mga marxista sa panahon na sumusulong pa ang kapitalismo at may paksyon pa ng burgesya na progresibo, dinistrungka nila ito ngayon sa panahon na nasa dekadenteng yugto na ang sistema at lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay ganap ng reaksyonaryo at kontra-rebolusyonaryo.
Nakakasuka ang pinaggagawa ng Kaliwa kung saan para silang mga pokpok na naglalambitin sa loob ng malalaking burges na partido para lamang makapasok sa bulok na estado.
Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo at laluna ng pumasok ito sa kanyang naaagnas na yugto noong 1980s, ang paglahok ng mga rebolusyonaryo sa burges na eleksyon ay gananp ng kontra-rebolusyonaryo at tahasan ng nagsisilbi para panatilihin ang mapagsamantalahang kaayusan sa lipunan. Pero hindi lang ito. Higit sa lahat, ang burges-demokratikong programa o minimum na programa ng mga komunistang organisasyon sa 19 siglo ay hindi na angkop sa ating panahon. Ang tanging programa sa kasalukuyan ay: pandaigdigang komunistang rebolusyon at pagtatayo ng diktadura ng proletaryado bilang unang hakbang para makamit ang komunismo.
Internasyonalismo
Disyembre 2009
-----------------------------------
Ang ika-20 siglo ay nagtatapos sa ingay ng isang malawakang konsertong nagbubunyi sa pagsulong ng demokrasya sa buong mundo at sa dapat nitong mga benepisyo. Sa buong siglo, ang mga tagumpay nito ay ipinagbunyi laban sa mga diktadurya ma-pula man o kayumanggi, at ang kanyang mga bayani - Gandhi, Walesa, Mandela, Martin Luther King atbp - ay pinarangalan sa pagpapatupad nila sa kanyang "mga dakila at maka-kawanggawang prinsipyo". Kung ating paniwalaan ang propaganda, ang kalagayan mula nang bumagsak ang Berlin Wall at ang mga pakikibakang naganap mula dito para ipagtanggol at paunlarin ang demokrasya ay naging batayan ng pag-asa para sa kinabukasan ng katahimikan at kaayusan na dapat ay ganap na nakakaengganyo para sa sangkatauhan sa pangkalahatan. Ipinakita sa atin ang mga regular na krusada ng mga dakilang demokrasya, para sapilitang ipatupad at ipagtanggol ang mga "karapatang pantao" sa mga bansang di nirerespeto ang mga ito, sa pamamagitan ng lakas kung kinakailangan - ibig sabihin kapalit ng mga pinakamasahol na patayan. Inaalayan tayo ng natawin ng isang Pandaigdigang Hukuman ng Hustisya, na itinayo para husgahan at parusahan ang sinumang napatunayang nakagawa ng mga "krimen laban sa sangkatauhan". Hayaang manginig ang mga diktador! At sa darating na mga taon, pinapangakuan tayo ng paglitaw ng isang "pandaigdigang demokrasya" na nakabatay sa "lumalaking papel ng lipunang sibil". Ang kasalukuyang mga demonstrasyon sa negosasyon ng WTO, sa pangunguna ng Roquefort Revolutionary Jose Bove, ay ang mga unang anyo nitong "pandaigdigang demokrasya" o kahit ang "People's International" na nakibaka laban sa diktadurya ng pamilihan, walang pakundangang kapitalismo, at masamang pagkain. Para sa kasalukuyang mga proletaryo, ang tanging makabuluhang pakikibaka ay parang nasa pagtatayo ng mga demokratikong rehimen sa bawat bansa sa buong daigdig, na nagsusulong ng pantay na mga karapatan ng mga babae't lalake at ng mga lahi, at nagtataguyod ng "pag-uugali ng isang mabuting mamamayan". Ang ibat-ibang mga tagalako ng ideolohiya, at laluna sa Kaliwa, ay mas lalung pinapakilos para hikayatin ang mga manggagawa na ito'y isang magandang laban at tinutulak sila para dito. At para sa sinumang nagdududa at nag-aalinlangan sa pagsali, ang mensahe ay: "Sa kabila ng mga kamalian nito, ang demokrasya ang tanging rehimen na maaaring mareporma at maperpekto - at kung sabagay wala namang pag-asa para sa iba pa". Sa ginta ng lumalawak na kahirapan at barbarismo na sapilitang pinapataw sa atin ng kapitalismo, parang wala na ngang posibilidad kundi ang umasta bilang isang mabuting mamamayan, tanggapin ang sistema dahil sinabihan tayong wala nang ibang mapagpilian.
Muli naming nilimbag ang Tesis sa Burgis na Demokrasya at Proletaryong Diktadurya na inihapag ni Lenin noong ika-4 ng Marso 1919 sa Unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal, unang-una at higit sa lahat upang sagutin itong mapanlinlang na ideolohiyang umaatake, na pinupuntirya lalung-lalo na sa uring mangagagawa, ang tanging uri na may kakayahang tuligsain at ibagsak ang buong sistema. Ang Tesis ay nagpaalala sa atin sa partikular na ang demokrasya ay ang tanging pinaka-epektibong porma ng diktaduryang nang-aapi sa manggagawa, at nagtatanggol sa burgesya at sa mga pribilihiyo nito bilang isang mapagsamantalang uri. Tamang dineklara nito na "habang mas nagiging ‘puro' ang demokrasya (‘) ay mas lalung hayagang nalalantad ang pang-aapi ng kapital at ang diktadurya ng burgesya". Sa panghuli, ang Tesis ay nagpaalala sa atin na ang Digmaang Pandaigdig ay isinusulong "sa ngalan ng kalayaan at pagkakapantay-pantay". Ang ika-20 siglo - ang pinakamadugo at pinakamabangis sa kasaysayan ng sangkatauhan - ay saksi sa kasinungalingang ito na inuulit-ulit ng napakamaraming beses, upang bigyan ng katarungan ang Pangalawang Digmaang Pandaigdig at ang di-mabilang na mga digmaang lokal at patayan mula noon.
Ang kasalukuyang paglilimbag sa Tesis na ito ay naging makatarungan din sa pangangailangang bigyan ng kasinungalingan ang burgesyang propaganda na nagkukunwaring ang tunay na komunismo ay kahalintulad ng Stalinismo - ang isa sa pinakamalalang diktaduryang naranasan ng pandaigdigang proletaryo - at si Stalin ang tagapagmana ni Lenin, na kung tutuusin siya'y kabaliktaran ni Lenin. Si Lenin mismo ang sumulat at naghapag ng Tesis, na nagpakita na ang komunismo ang siyang tunay na demokrasya, na ang demokrasyang burgis ay walang iba kundi isang peke na gawa-gawa lamang upang bigyang katarungan ang pananatili ng sistema nito. Si Lenin, na di hamak na mas na magaling kay sa kanino man, ang nagtatanggol sa prinsipyo na "ang diktadurya ng proletaryo ay ang pwersahang pagsupil sa paglaban ng mga mapagsamantala, ibig sabihin, ang minorya sa populasyon, ang mga malalaking panginoong maylupa at mga kapitalista", at ito'y ‘isang pagpapalawak ng aktwal na mga demokratikong pagpapatupad, sa lawak na kailan ma'y hindi pa naging bantog sa buong mundo, sa uring manggagawang inaalipin ng kapitalismo".
Ang Stalinistang diktadurya ay walang pagkahalintulad sa diktadurya ng proletaryo na isinusulong ni Lenin, ito'y sepulturero nito. Ang Stalinistang ideolohiya ay walang pagkahalintulad sa mga proletaryong prinsipyong ipinagtanggol ni Lenin, ito'y dambuhalang katrayduran sa mga ito. Sa isinulat namin sa International Review blg. 60, habang ang Stalinismo ay nag-umpisa nang bumagsak: "Sa panimula, ito'y isang mahirap na yugto para sa proletaryo. Maliban sa tumataas na bigat ng mga demokratikong mistipikasyon, sa Kanluran at ganun din sa Silangan, kailangang intindihin nito ang mga bagong kalagayan na kanyang nilalabanan". Nilimbag namin itong Tesis na ipinagtibay ng Unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal, bilang mayor na pampulitikang sandata para sa proletaryo upang harapin ang kahirapan nito, at labanan ang kasalukuyang opensiba ng naghaharing uri, na naglalayong lasunin ang kaisipan ng manggagawa sa pamamagitan ng pagpapaniwala sa kanila na ang demokrasyang burgis ay ang tanging "maari at makataong" rehimen.
Nilalaman ng Tesis
1. Ang paglago ng rebolusyonaryong kilusan ng proletaryo sa lahat ng bansa ay nagpagalit sa burgesya at sa mga ahente nito sa loob ng mga samahan ng manggagawa na gumawa ng mga nag-aalburutong hakbang na maghanap ng teoritikal na mga argumento na magtatanggol sa paghahari ng mga mapagsamantala. Sa mga ito, ang partikular na pagdidiin ay inilagay sa pagtatakwil sa diktadurya at sa pagtatanggol sa demokrasya. Ang kamalian at pagka-ipokrito ng argumentong ito, na inulit-ulit ng ilang libong porma sa kapitalistang pahayagan at sa kumperensya sa Berne ng Dilaw na Internasyunal noong Pebrero 1919, ay naging malinaw sa kaninuman kung sino ang ayaw gumawa ng katrayduran sa mga prinsipyo ng sosyalismo.
2. Unang una, ang argumento ay gumagamit ng abstraktong konsepto ng "demokrasya" at "diktadurya", na hindi ipinaliwanag kung anong uri ang pinag-uusapan. Ang paglalagay sa usapin sa ganitong paraan, sa labas o sa ibabaw ng makauring paninindigan, na para bang ito'y balido bilang isang paninindigan ng buong sangkatauhan, ay isang talamak na paglapastangan sa batayang teorya ng sosyalismo, ang teorya ng makauring pakikibaka, na kinikilala pa rin sa salita, at ito'y totoo, ng mga sosyalistang lumipat na sa kampo ng burgesya, pero kung titingnan sa kanilang gawa ito'y kinakalimutan na. Dahil walang sibilisadong kapitalistang bansa na mayroong "demokrasya na abstrakto", ang meron lamang ay burgis na demokrasya, at ang usapin ay hindi tungkol sa "diktadurya na abstrakto" kundi sa diktadurya ng inaaping uri, ibig sabihin, ng proletaryo, laban sa mga mapang-api ug mapagsamantala, ibig sabihin, ang burgesya, upang gapiin ang paglaban na sinusulong ng mga mapang-api sa kanilang pagsisikap na mapanatili ang kanilang paghahari.
3. Ang kasayasayan ay nagturo sa atin na ang inaaping uri ay hindi noon at hindi kailan man makakapwesto sa kapangyarihan nang hindi dumadaan sa yugto ng diktadurya, ibig sabihin, nang walang pag-agaw sa pampulitikang kapangyarihan at sa pwersahang pagsupil sa pinaka-desperado at naghuhuramentadong paglaban, na takot gumawa ng krimen, na siyang palaging iwinasiwas ng mga mapang-api. Ang burgesya, na ang paghahari ay kasalukuyang ipinagtanggol ng mga sosyalista na nagpahayag ng pagkamuhi sa "diktadurya sa pangkalahatan" at tumindig ng buong katawan at kaluluwa para sa "demokrasya sa pangkalahatan", ay nagkaroon ng kapangyarihan sa mga sibilisadong bansa sa pamamagitan ng serye ng mga pag-aalsa, digmaang sibil, ng pwersahang pagsupil sa paghahari ng monarkiya, ng mga panginoong pyudal at mga may-ari ng alipin, at sa kanilang pagsisikap na manunumbalik. Kung ilang libo at ilang milyong beses, sa kanilang mga aklat at polyeto, sa kanilang mga resolusyon sa kongreso at mga talumpati, na ang mga sosyalista sa bawat bansa ay nagpaliwanag sa mga mamamayan sa makauring katangian ng mga rebolusyong ito. Kung kaya't ang kasalukuyang pagtatanggol sa "burgis na demokrasya" sa mga talumpati tungkol sa "demokrasya", at ang kasalukuyang pagtutol laban sa proletaryong diktadurya dahil sa paghangad tungkol sa "diktadurya", ay isang talamak na pagtatraydor sa sosyalismo, isang tiyak na paglipat sa kampo ng burgesya, pagtanggi sa karapatan ng proletaryo sa kanyang pampulitikang rebolusyon, isang pagtatanggol sa burgis na repormismo, at ito'y mismo sa isang yugto ng kasaysayan na kung saan ang burgis na repormismo ay nalalantad na at nabasag sa buong daigdig at kung saan ang digmaan ay lumikha ng isang rebolusyonaryong sitwasyon.
4. Sa kanilang pagkilala sa makauring katangian ng burgis na demokrasya, sa burgis na parlyamentarismo, ang lahat ng sosyalista ay nagpapaliwanag sa mga ideyang ipinapahayag sa pinakasyentipikong pamamaraan nila Marx at Engels nang sabihin nilang kahit ang pinaka-demokratikong burgis na republika ay walang iba kundi isang instrumento kung saan ang burgesya ay umaalipin sa uring manggagawa, kung saan ang kakarampot na mga kapitalista ang humahawak sa masang manggagawa. Walang ni isang rebolusyonaryo o isang Marxista sa mga nagpahayag ngayon ng pagkamuhi laban sa diktadurya at nagtataguyod ng demokrasya ang hindi sumusumpa ng buong lakas at taimtim sa mga manggagawa na kinikilala niya ang batayang katotohanang ito ng sosyalismo; pero sa ngayon, kung saan ang mga pagtutuligsa at pagkilos ay nag-uumpisa na sa hanay ng rebolusyonaryong proletaryo, na naglalayong buwagin ito at lumalaban para sa diktadurya ng proletaryo, itong mga traydor sa sosyalismo ay pinipresenta ang usapin na para bang nagbigay ang burgesya ng regalo ng "purong demokrasya" sa mga manggagawa, na para bang tinatakwil ng burgesya ang paglaban nito at handang magpailalim sa mayorya ng manggagawa, na para bang sa demokratikong republika ay walang galamay ng Estado para sa pang-aapi ng kapital sa paggawa.
5. Ang Komyun ng Paris, kung saan ang sinumang nais mahirang na isang sosyalista ay bukambibig ito, dahil alam nilang ang masang manggagawa ay may malaki at wagas na simpatiya dito, ay malinaw na nagpapatunay sa makasaysayang kondisyon at limitadong kahalagahan ng burgis na parlyamentarismo at burgis na demokrasya, na mga progresibong institusyon kung ihahambing sa sinaunang panahon, pero nang pagdating sa yugto ng proletaryong rebolusyon ay kinakailangang baguhin mula sa ibaba pataas. Si Marx mismo, ang naglagay ng pinakamataas na halaga sa makasaysayang kahalagahan ng Komyun, na sa kanyang pag-aanalisa dito ay naglantad sa mapagsamantalang katangian ng burgis na demokrasya at burgis na parlyamentarismo, na kung saan ang inaaping uri ay binibigyan ng karapatan, minsan sa loob ng ilang taon, na mamili kung sinong kagawad ng naghaharing uri ang kakatawan at tatraydor sa sambayanan sa loob ng Parlyamento. Sa ngayon na lang, kung saan ang kilusang Sobyet na umagaw sa buong daigdig ay nagsusulong ng adhikain ng Komyun, na ang mga traydor sa sosyalismo ay nakalimot na sa mga praktikal na karanasan at sa mga kongkretong aral ng Komyun ng Paris at inuulit-ulit ang lumang burgis na basura tungkol sa "demokrasya sa pagkalahatan". Ang Komyun ay hindi isang institusyong parlyamento.
6. Ang kahalagahan ng Komyun ay kinabibilangan pa nito, na gumawa ito ng pagsisikap na buwagin at bunutin ang burgis na makinarya ng Estado, ang galamay ng mga kagawad, hukuman, hukbo, at pulisya, at palitan ito ng nagsasariling nangangasiwang samahang masa ng manggagawa na hindi hinihiwalay ang mga lehislatibo at ehekutibong kapangyarihan. Ang lahat ng mga burgis na demokratikong republika ng ating panahon, kabilang na ang Aleman, na kung saan ang mga traydor sa sosyalismo, na gumawa ng paglapastangan sa katotohanan, ay tinatagurian ito na proletaryo, ay pinapanatili ang burgis na galamay ng Estado. Ito'y muling patunay, na malinaw at walang pagkakamali, na ang hiyaw sa pagtatanggol sa "demokrasya" ay walang iba kundi ang pagtatanggol sa burgesya at sa kanilang mga pribilihiyo sa pagsasamantala.
7. Ang "kalayaan sa pagtitipon" ay maaaring gamitin bilang halimbawa ng demanda para sa "purong demokrasya". Bawat mulat-sa-uri na manggagawa na hindi humihiwalay sa kanyang uri ay makaintindi kaagad na isang pagpapatiwakal ang pangakuan ang mga mapagsamantala ng kalayaan sa pagtitipon sa mga panahon at kalagayang nanlaban sila sa kanilang pagkabagsak at nagtatanggol sa kanilang mga pribilihiyo. Maging sa Inglatera noong 1649, o sa Pransya noong 1793, ay hindi gumagarantiya ang rebolusyonaryong burgesya ng kalayaan sa pagtitipon sa mga maharlika at nobilidad nang ang mga ito ay nagpatawag ng mga dayuhang sundalo papunta sa kanilang bansa at "nagtipon" upang mag-organisa ng pagtatangka sa panunumbalik. Kung ang burgesya sa kasalukuyan, na matagal nang naging reaksyonaryo, ay magdedemanda na ang proletaryo ay gagarantiya bago pa man na ang "kalayaan sa pagtitipon" ay maibigay sa mga mapagsamantala sa kabila nang mga paglabang ginawa ng mga kapitalista sa pangangamkam laban sa kanila, ang mga manggagawa ay matatawa lamang sa burgis na ipokrasyang ito. Sa kabilang banda ay alam na ng mga manggagawa na kahit sa pinaka-demokratikong burgis na republika ang "kalayaan sa pagtitipon" ay hungkag na kataga, dahil ang mga mayayaman ay may mga pampubliko at pribadong gusaling nasa kanilang kontrol, mayroon ding labis na panahon para sa mga pagtitipon, at nagtatamasa sa proteksyon ng burgis na galamay ng kapangyarihan. Ang proletaryo sa kabisera at kanayunan, pati ang mga maliliit na magsasaka, na siyang pinakamalaking mayorya sa populasyon, ay wala kahit sa una, sa pangalawa o pangatlo. Habang ito ay totoo, ang "pagkapantay-pantay", ibig sabihin, "ang purong demokrasya", ay isang panlilinlang. Para manalo ng tunay na pagkakapantay-pantay, para makamit ang makatotohanang demokrasya para sa mga manggagawa, ang mga mapagsamantala ay kailangan munang pagkaitan ng lahat ng mga pampubliko at pribadong mansiyon, ang mga manggagawa ay kailangang mabigyan ng libangan at nang kanilang kalayaan sa pagtitipon na ipinagtanggol ng mga armadong manggagawa at hindi ng mga anak ng nobilidad o mga opisyales na galing sa mga kapitalistang sirkulo na siyang may kumand sa takot na mga tagasunod.
Pagkatapos lamang ng mga pagbabagong ito ay maaari nang magsalita ng "kalayaan sa pagtitipon" , ng pagkakapantay-pantay, nang hindi nangungutya sa mga manggagawa, sa masang anak-pawis, sa mahihirap. Subalit walang sinumang makakagawa ng pagbabagong ito maliban sa abanteng destakamento ng masang anak-pawis, ang proletaryo, sa pamamagitan ng pagpapatalsik sa mga mapagsamantala, ang burgesya.
8. Ang "kalayaan sa prensa" ay isa ring nangungunang kataga ng "purong demokrasya". Subalit alam ng mga manggagawa, at ito'y inaamin ng ilang milyong ulit ng mga sosyalista sa lahat ng bansa, na ang kalayaang ito ay mapanlinlang habang ang pinakamagaling na paglilimbag at ang pinakamalaking pondo ng papel ay nasa kamay ng mga kapitalista, at habang ang kapital ay nanatiling siyang may kapangyarihan sa prensa, kapangyarihan na sa buong daigdig ay mas malinaw, matingkad at nagdududang naipahayag, mas umunlad ang demokrasya at ang republikang rehimen, halimbawa na nito ang Amerika. Para manalo ng tunay na pagkakapantay-pantay at demokrasya para sa masang anak-pawis, para sa mga manggagawa at magsasaka, kinakailangan munang pagkaitan ang mga kapitalista ng pagkakataong makakuha ng mga manunulat na magsisilbi sa kanila, na makakabili ng mga bahay-limbagan at pagsusuburno sa mga pahayagan. At para dito kinakailangang iwaksi ang yugo ng kapital, patalsikin ang mga mapagsamantala at gapiin ang kanilang paglaban. Ang mga kapitalista ay palaging nagbibigay sa pangalan ng kalayaan na kalayaan ng mga mayayaman na magkamal ng ganansya at kalayaan ng mahihirap na mamatay sa gutom. Binigyan ng mga kapitalista ang pangalan ng kalayaan sa prensa na kalayaan ng mga mayayaman na magsuborno sa prensa, sa kalayaang gumamit ng yaman upang gumawa at magbaluktot ng tinatawag na opinyong publiko. Ang mga tagapagtanggol ng "purong demokrasya" ay muling inilantad ang mga sarili bilang mga tagapagtanggol ng marumi at korap na sistema ng paghahari ng mga mayayaman sa kagamitan sa pangmasang edukasyon, bilang mga manlilinlang sa mamamayan na sa pamamagitan ng pinong pakinggan subalit puro mga maling pananalita ay pumipigil sa huli mula sa kongkreto at makasaysayang gawaing pagpapalaya sa prensa mula sa kapital. Ang tunay na kalayaan at pagkapantay-pantay ay matatagpuan sa sistemang ipinupundar ng mga komunista, na kung saan walang pagkakataong yumaman nang dahil sa kahirapan ng iba, walang obhetibong pagkakataong isaslalim ang prensa, direkta o di-direkta, sa kapangyarihan ng salapi, kung saan walang makakahadlang sa mga manggagawa (o kahit na anong malalaking grupo ng mga manggagawa) na magkaroon at gumamit ng pantay na karapatan sa paggamit sa mga prensa at papel na pagmamay-ari ng lipunan.
9. Ang kasaysayan ng ika-19 at ika-20 siglo ay nagpapakita sa atin, kahit bago pa man ang digmaan, kung ano ang ibig sabihin nitong punong-puno ng papuring "purong" demokrasya sa ilalim ng kapitalismo. Palaging pinanindigan ng mga marxista na habang mas lalong umunlad, mas nagiging "puro" ang demokrasya, habang mas lalong naging hayag, matingkad at marahas ang makauring pakikibaka, ay mas lalong naging malinaw na nakikita ang pang-aapi ng kapital at ang diktadurya ng burgesya. Ang kaganapang Dreyfus sa republikang Pransya, ang mga madugong sagupaan sa pagitan ng mga nagwewelgang manggagawa at ng mga mersenaryong inaarmasan ng mga kapitalista sa malaya at demokratikong republika ng Amerika, ang mga ito at ang ilang libong kahalintulad ng mga nagaganap ang nagpapakita sa katotohanang pilit ngunit bigong maitatago ng burgesya, na sa realidad ang pananakot at ang diktaduryang burgis ang naghahari sa pinaka-demokratikong republika, at ang mga ito'y hayagang lumalabas kung sa tingin ng mga mapagsamantala ay nasa panganib ang kapangyarihan ng kapital.
10. Ang imperyalistang digmaan ng 1914-18 ay naglantad sa tunay na katangian ng demokrasyang burgis, kahit sa mga pinaka-atrasadong manggagawa, kahit sa mga pinakamalayang republika, na isang diktadurya ng burgesya. Upang pagyamanin ang grupo ng mga milyonaryo at biyonaryong Aleman at Inglis, ilang milyong katao ang namatay at ang diktaduryang militar ay ipinundar sa mga pinakamalayang republika. Ang diktaduryang militar na ito ay nagpapatuloy sa mga bansang Entente kahit matapos matalo ang Alemanya. Ang digmaan, higit sa lahat, ang nagbukas sa mga mata ng masang manggagawa, pumunit sa maling hibla mula sa demokrasyang burgis, at naglantad sa sangkatauhan sa buong balon ng ispekulasyon at pagka-ganid sa ganansya sa panahon ng digmaan at sa may kaugnayan sa digmaan. Isinusulong ng burgesya ang digmaang ito sa ngalan ng kalayaan at pagkapantay-pantay; sa ngalan ng kalayaan at pagkapantay-pantay ang mga kontraktor ng digmaan ay malakihang nagpalago ng kanilang yaman. Walang anumang pagsisikap ang Yellow Berne International na magtatagumpay na itago sa masa ang mapagsamantalang katangian ng burgis na kalayaan, burgis na pagkapantay-pantay, at burgis na demokrasya, na ngayo'y lubusan nang nalalantad.
11. Sa mga bansa ng Uropa kung saan ang kapitalismo ay pinakamaunlad, at ito'y sa Alemanya, ang unang mga buwan ng lubos na republikang kalayaan na kasunod ng pagbagsak ng imperyalistang Aleman, ay nagpakita sa manggagawang Aleman at sa buong daigdig sa tunay na makauring nilalaman ng burgis na demokratikong republika. Ang pagpaslang kina Karl Liebknecht at Rosa Luxemburg ay isang kaganapang may pandaigdigan at makasaysayang kabuluhan hindi lamang dahil ang pinakamahusay na mga tao at pangulo ng isang tunay na proletaryong komunistang internasyunal ay nakapanlulumong nasawi, kundi dahil ito rin ay naglalantad sa makauring katangian ng nangungunang estado sa Uropa, na maaring sabihin ng walang pagmamalabis, ng nangungunang estado sa buong daigdig. Kung ang mga bilanggo, yaong mga taong isinasailalim sa proteksyon ng kapangyarihang Estado, ay maaaring paslangin ng walang pakundangan ng mga opisyal at kapitalista sa ilalim ng gobyerno ng mga sosyal-patriyotiko, ang demokratikong republika kung saan ito'y maaaring maganap ay isang diktadurya ng burgesya. Yaong mga nagpahayag ng pagkamuhi sa pagpaslang kina Karl Liebknecht at Rosa Luxemburg ngunit hindi nakakaintindi sa katotohanang ito ay nagpapakita lamang sa kanilang katangahan o sa kanilang pagka-ipokrito. Sa isa sa pinakamalaya at pinakaabanteng republika sa buong daigdig, ang republikang Aleman, may kalayaang patayin ang mga nakakulong na lider at hindi napaparusahan. Hindi ito mababago habang nananatili ang kapitalismo, dahil ang pag-unlad ng demokrasya ay hindi nagpapurol kundi nagpatalas sa makauring pakikibaka, na sa ngayon, bilang resulta ng digmaan at sa mga epekto nito, ay umabot na sa antas ng pagkulo.
Sa buong sibilisadong daigdig ang mga Bolsheviks ay dinidistiyero, inuusig at kinukulong; sa Switzerland, isa sa mga pinakamalayang burgis na republika, at sa Amerika, may mga pogroms laban sa Bolsheviks. Sa paninindigan ng "demokrasya sa kabuuan", o sa "purong demokrasya", ito'y isang simpleng katawa-tawa na ang mga progresibo, sibilisado, demokratikong bansa, lubos na armado, ay matatakot sa presensya ng ilang dosenang tao mula sa atrasado, gutom at wasak na Rusya, kinikilala bilang mga mababangis at mga kriminal sa milyon-milyong kopya ng burgis na pahayagan. Ito'y malinaw na ang isang panlipunang sistemang nagpapalitaw sa ganitong kontradiksyon sa totoo ay diktadurya ng burgesya.
12. Sa ganitong kalagayan ang diktadurya ng proletaryo ay hindi lamang ganap na nabigyang katarungan, bilang paraan ng paggapi sa mga mapagsamantala at pagsupil sa kanilang pag-aalsa, kundi ito'y mas mahalaga sa masang manggagawa bilang kanilang tanging proteksyon laban sa burgis na diktaduryang tumungo sa digmaan at naghahanda para sa mga panibagong digmaan.
Ang tanging bagay na hindi naintindihan ng mga sosyalista, isang kabiguang sumasalamin sa kanilang makitid na kaalaman, sa kanilang pagkahumaling sa mga burgis na pananaw, sa kanilang politikal na pagtraydor sa proletaryo, na sa kapitalistang lipunan, sa panahong ang makauring pakikibaka, kung saan ito'y nakatungtong, ay mas umiigting, walang sinuman sa pagitan ng diktadurya ng burgesya at sa diktadurya ng proletaryo. Ang panaginip na mayroon pang ibang pangatlong paraan ay isang reaksyunaryong panaghoy ng mga petiburgis. Ang katibayan nito ay makikita sa naging karanasan sa ilang daang taon ng burgis na demokrasya at ng kilusang manggagawa sa lahat ng mga abanteng bansa, at sa partikular ang karanasan ng nakaraang limang taon. Pareho ring katibayan ang ipinapakita ng pang-ekonomiyang teorya, ng buong laman ng Marxismo, na nag-aanalisa sa pang-ekonomiyang pangangailangan ng burgis na diktadurya sa bawat ekomiyang pangkalakal, isang diktaduryang maaring ibagsak ng isang uri, na sa pag-unlad ng kapitalismo ay umusbong at umunlad, naging organisado at makapangyarihan, ang uri ng mga proletaryo.
13. Ang pangalawang teoritikal at pampulitikang kamalian ng mga sosyalista ay ang kanilang kawalan ng pag-intindi na ang mga anyo ng demokrasya ay di maiiwasang nagbago sa nagdaang mga siglo mula nang ito'y lumitaw sa Antigong Panahon, na ang isang naghaharing uri ay nagbigay daan sa iba. Sa mga republika ng Antigong Greece, sa mga syudad ng panahong medyibal, sa mga abanteng kapitalistang Estado, ang demokrasya ay may iba't-ibang anyo at nasasakopan. Isang malaking kabulastugan ang maniwala na ang pinakamahalagang rebolusyon sa kasaysayan ng sangkatauhan, ang unang paglipat ng kapangyarihan mula sa kamay ng mapagsamantalang minorya patungo sa pinagsasamatalahang mayorya, ay magaganap sa estruktura ng lumang burgis na parlyamentong demokrasya, na walang malaking pagbabago, na walang pagbubuo ng mga bagong anyo ng demokrasya, bagong institusyon, bagong kalagayan para sa kanilang gamit, atbp.
14. Ang diktadurya ng proletaryo ay katulad ng diktadurya ng ibang mga uri na, tulad ng ibang diktadurya, nagmula sa pangangailangang supilin sa pamamagitan ng dahas ang paglaban ng isang uring nawalan na ng pampulitikang kapangyarihan. Ang pundamental na pagkakaiba sa pagitan ng diktadurya ng proletaryo at sa diktadurya ng ibang mga uri, ang mga malalaking panginoong maylupa ng Middle Ages at ang burgesya sa lahat ng sibilisadong kapitalistang bansa, ay naglalaman nito, na habang ang diktadurya ng mga malalaking panginoong maylupa at ng burgesya ay marahas na sinusupil ang himagsik ng malaking mayorya ng populasyon, ang masang manggagawa, ang diktadurya ng proletaryo naman ay ang marahas na pagsupil sa paglaban ng mga mapagsamantala, ang minorya ng populasyon, ang malalaking panginoong maylupa at mga kapitalista.
Mula dito ay dapat din na ang diktadurya ng proletaryo ay magkaroon hindi lamang ng pagbabago sa mga anyo at institusyon ng demokrasya, kundi ng isang natatanging pagbabago na magreresulta sa paglawak ng aktwal na mga demokratikong pagpapatupad, sa lawak na kailanma'y hindi pa naging bantog sa buong mundo, sa uring manggagawa na inaalipin ng kapitalismo.
At kung tutuusin ang mga anyong ginagamit ng diktadurya ng proletaryo, na kasalukuyan nang pinanday, ang kapangyarihang Sobyet sa Rusya, ang mga konseho ng manggagawa sa Alemanya, ang mga komite ng shop stewards sa Britanya at sa kahalintulad na mga institusyong Sobyet sa ibang bansa, lahat ng mga ito ang bumubuo na maging totoo ang mga demokratikong karapatan at pribilihiyo para sa uring manggagawa, para sa malaking mayorya ng populasyon; na ibig sabihin nito ay nagiging posible na ang pagsasabuhay ng mga karapatan at pribilihiyong ito sa paraan at lawak na kailanma'y hindi naging posible sa mga pinaka-demokratikong burgis na republika.
Ang esensya ng kapangyarihang Sobyet ay nakabatay sa ganito, na ang permanente at tanging pundasyon ng buong kapangyarihang Sobyet, sa buong aparatus ng Estado, ay ang organisasyong masa ng mismong mga uri na inaapi ng mga kapitalista, ang mga manggagawa at mala-manggagawa (mga magsasakang hindi nagsasamantala sa paggawa at palaging napilitang magbenta kahit bahagi ng kanilang paggawa). Ang masa, na kahit sa pinaka-demokratikong burgis na republika, na kung saan sa batas ay may pantay na mga karapatan, ngunit sinasagkaan ng ilang libong paraan at panlilinlang na sumali sa pampulitikang buhay at isabuhay ang mga demokratikong karapatan at kalayaan, ay kasalukuyang nahihila sa tuloy-tuloy, walang sagka at mapagpasyang partisipasyon sa demokratikong pamamahala sa Estado.
15. Ang pagkapantay-pantay ng mga mamamayan, kahit anumang kasarian, pananampalataya, lahi, nasyunalidad, na kung saan ang burgis na demokrasya ay palaging nangangako sa lahat ng sulok ngunit hindi naman natutupad, at hindi nito maaaring ipatupad dahil ang papel ng kapitalismo, na ginawang isang lubos na realidad sa isang bigwas ng rehimeng Soviet, o ng proletaryong diktadurya, dahil tanging ang kapangyarihan ng mga manggagawa, na hindi interesado sa pribadong pagmamay-ari ng kagamitan ng produksyon at sa pakikipagtunggali para sa kanilang pamamahagi at muling pamamahagi, ang maaaring makagawa nito.
16. Ang lumang demokrasya, ang burgis na demokrasya at parlyamentarismo, ay napaka-organisado na kung saan ang uring manggagawa ay ang pinaka taga-labas sa makinarya ng pamamahala. Ang kapangyarihang Sobyet, ang proletaryong diktadurya, sa kabilang banda, ay napaka-organisado kung saan hinihila nito ang masang manggagawa papalapit sa makinarya ng pamamahala. Ang pagsasanib ng lehislatibo at ehekutibong kapangyarihan sa organisasyong Sobyet ng Estado ay nagsisilbi rin sa parehong layunin, tulad ng pagpapalit sa yunit ng produksyon, sa pagawaan, ng isang pamamahalang teritoryal.
17. Ang hukbo ay isang kasangkapan para sa pang-aapi hindi lamang sa ilalim ng monarkiya; ganito rin ito sa lahat ng burgis na republika, kahit sa pinaka-demokratiko. Tanging ang kapangyarihang Sobyet, bilang tanging naitayong organisasyong Estado ng mismong mga uring inaapi ng mga kapitalista, ang nasa posisyong lusawin ang pagpapailalim ng militar sa burgis na kumand at totohanang isanib ang proletaryo sa militar, na armasan ang proletaryo at disarmahan ang burgesya, na kung wala nito ang tagumpay ng sosyalismo ay imposible.
18. Ang organisasyong Sobyet ng Estado ay dinedesinyo upang bigyan ang proletaryo, bilang isang uri na pinaka-konsentrado at edukado ng kapitalismo, ng nangungunang papel sa Estado. Ang karanasan ng lahat ng rebolusyon at ng lahat ng kilusan ng mga inaaliping uri, ang karanasan ng pandaigdigang sosyalistang kilusan, ay nagtuturo sa atin na tanging ang proletaryo ang nasa posisyong pagkaisahin ang kalat-kalat at atrasadong saray ng manggagawa at inaaping populasyon at dalhin at pamunuan sila.
19. Tanging ang organisasyong Sobyet ng Estado ang nagpabagsak, sa isang bigwas at lubos, sa luma, ibig sabihin, ang burgis na aparatus ng burukrasya at hukuman, na sa ilalim ng kapitalismo, kahit sa pinaka-demokratikong republika, nananatili at kailangang manatili, na para sa mga manggagawa at sa masang anak-pawis ay isang malaking hadlang upang maging epektibo ang demokrasya. Ang Komyun ng Paris ang gumawa ng unang pandaigdigan at makasaysayang hakbang sa ganitong direksyon, ang rehimeng Sobyet ang pangalawa.
20. Ang pagpawi ng kapangyarihang Estado ay ang layunin ng lahat ng sosyalista, kabilang at higit sa lahat si Marx. Kung ang layuning ito ay hindi makamit, ang tunay na demokrasya, ang pagkapantay-pantay at kalayaan, ay hindi makakamit. Subalit tanging ang Sobyet at proletaryong demokrasya ang tutungo sa layuning ito, dahil inuumpisahan kaagad nito ang paghahanda para sa lubusang pagpawi ng anumang anyo ng Estado sa pamamagitan ng paghatak sa mga organisasyon ng masang anakpawis papunta sa tuloy-tuloy at walang sagkang partisipasyon sa pamamahalang Estado.
21. Ang lubusang pagkabangkarote ng mga sosyalistang nagtitipon sa Berne, ang lubos na kawalan ng pag-unawa na kanilang ipinapakita sa bagong proletaryong demokrasya, ay malinaw na makikita sa mga sumusunod. Noong ika-10 ng Pebrero 1919 dinideklara ni Branting na ang internasyunal na kumperensya ng Yellow International sa Berne ay tapos na. Noong ika-11 ng Pebrero 1919 ang mga kasapi nito sa Berlin ay nagpahayag ng isang apela ng mga "Independents" sa proletaryo sa pahayagang Freiheit. Sa apelang ito ang burgis na katangian ng Scheidemann ay tinanggap. Binatikos ang huli dahil sa kagustohan nitong lusawin ang mga konseho ng manggagawa, na tinaguriang "tagadala at tagapagtanggol" ng rebolusyon, at inihapag ang mungkahing gawing legal ang mga konseho, na bigyan sila ng mga karapatang ayon sa batas, at bigyan din sila ng karapatang isantabi ang anumang desisyon ng Pambansang Asembliya at ipasa ang ito sa isang pambansang reperendum.
Ang nasabing mungkahi ay nagsasalamin sa lubusang pagkabangkaroteng intelektwal ng mga teoritisyang nagtatanggol sa demokrasya ngunit hindi nakaunawa sa burgis na katangian nito. Ang katawa-tawang pagtatangkang ito na pagkaisahin ang sistema ng mga konseho, ang proletaryong diktadurya, at ng Pambansang Asembliya, ang diktadurya ng burgesya, ay lubusang naglalantad sa kasalatan sa pag-iisip ng mga sosyalistang dilaw at ng mga sosyal-demokrata, at ng kanilang peti-burgis na patakaran, gayon man sa kanilang duwag na konsesyon sa hindi mapigilang lumalagong pwersa ng bagong proletaryong demokrasya.
Ang mayorya ng Yellow International sa Berne, na kumukondena sa Bolshevismo ngunit hindi nangahas, sa takot sa masang anakpawis, na pormal na bumoto sa resolusyon sa ganung linya, ay gumalaw ng tama ayon sa makauring paninindigan. Ang mayoryang ito ay lubusang nakikiisa sa mga Rusong Menshevik at sa mga Sosyal-Rebolusyonaryo at ganun din sa mga Scheidemann sa Alemanya. Ang mga Rusong Menshevik at mga Sosyal-Rebolusyonaryo, na nagrereklamo sa pag-uusig ng mga Bolshevik, ay pilit itinatago ang katotohanan na ang pag-uusig na ito ay dahil sa kanilang pagsali sa digmaang sibil na kakampi ng burgesya laban sa proletaryo. Sa ganito ring paraan na ang mga Scheidemann at ang kanilang partido sa Alemanya ay sumali sa digmaang sibil na kakampi ng burgesya laban sa mga manggagawa.
Kaya't natural lamang na ang mayorya ng mga dumalo sa Yellow International sa Berne ay lumabas na sang-ayon sa pagkondena sa mga Bolshevik. Ngunit ito'y hindi kumakatawan ng pagtatanggol sa "purong demokrasya"; ito'y isang pagtatanggol sa sarili ng mga taong nakaramdam na sa digmaang sibil sila ay nasa tabi ng burgesya laban sa proletaryo.
Sa ganitong mga kadahilanan, ang kapasyahan ng mayorya ng Yellow International ay kailangang ihayag na tama sa punto ng makauring pananaw. Subali't ang proletaryo ay hindi dapat matakot sa katotohanan, kundi tingnan ito ng matuwid sa mukha at hugutin ang mga pampulitikang kongklusyon mula dito.
Batay sa mga tesis na ito at matapos marinig ang mga ulat ng mga delegado mula sa iba't-ibang bansa, ang kongreso ng Komunistang Internasyunal ay nagpahayag na ang sentrong tungkulin ng mga partidong komunista sa mga bansang hindi pa naitatag ang kapangyarihang Sobyet ay ang:
Magpaliwanag sa malawak na masa ng uring manggagawa sa makasaysayang kahulugan ng pampulitika at praktikal na pangangailangan ng bagong proletaryong demokrasya na siyang papalit sa burgis na demokrasya at parlyamentarismo.
Magpalawak at magtayo ng mga konseho ng manggagawa sa lahat ng sangay ng industriya, sa hukbo at hukbong-dagat, at sa mga manggagawa sa agrikultura at mga maliliit na magsasaka.
Magpanalo ng seguro at mulat na komunistang mayorya sa mga konseho. #
ITAKWIL ANG MGA ILUSYON AT MISTIPIKASYON! LABANAN
ANG MGA ATAKE NG ESTADO!
Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.
Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng “pagkakaisa” at “pagsantabi ng pamumulitika” para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.
Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng “pagbabago ng sistema”, “sosyalismo”, “demokrasyang bayan” o “gobyernong bayan”. Ang komon na linya ng iba’t-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido “komunista”.
Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.
Marxistang PaninindiganKailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.
Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado — ito man ay demokratiko o “sosyalista” – sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.
Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka – ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.
Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa – direkta o indirekta, estratehiko o taktikal – sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang “anti-imperyalistang” pambansang burgesya.
Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.
Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.
Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay “diktadura”, “demokratiko” o “sosyalista”. Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.
Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.
Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!
Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid – ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo – para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo – internasyonalismo.
MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO, MAGKAISA!INTERNASYONALISMO
Kaliwa't kanan ang tanggalan sa maraming mga pabrika ngayon dahil sa lumalalang krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Kung hindi man tanggalan ay pagbabawas ng sahod sa pamamagitan ng work rotation.
Ganito ka brutal ang kapitalismo. Para pansamantalang maligtas mula sa wala ng solusyon na krisis bunga ng kanyang mga panloob na kontradiksyon, ang masang manggagawa ang sasagasaan ng paulit-ulit. Ang brutalidad ng bulok na sistema ay hindi kagagawan ng mga "masasama" at "ganid" na kapitalista kundi bunga mismo ng katangian ng sistema.
Internal na mga kontradiksyon ng kapitalismo: Ugat ng lumalalang krisis ng mundo
Nabubuhay ang kapitalismo sa pagsasamantala sa masang anakpawis; sa pagpiga mula sa manggagawa ng labis na halaga - ang paggawa na walang bayad. Ang labis na halaga ang pinagmulan ng tubo ng mga kapitalista. Para ma-realisa ang tubo - para maging pera - kailangang maibenta ang mga produkto sa pamilihan. Sa sandaling maibenta lamang ang mga produktong ito ay saka pa maging pera ang tubo para panibagong kapital na napiga nito sa manggagawa.
Dahil sa anarkiya ng kapitalismo ng paglikha ng produkto bunga ng katangian nitong kompetisyon at sa kawalan ng kapasidad ng populasyon na bilhin ang lahat ng produktong gawa ng kapital, mangyayari ang krisis sa sobrang produksyon na magbunga naman ng pagliit ng tantos ng tubo. Ang solusyon dito ng kapitalismo ay ibayong pagpapalawak ng kanyang nasasakupan; ibayong paglawak ng kapitalistang pamilihan. Kaya naman sa panahon ng 19 siglo ay laganap ang kolonisasyon ng kapital sa iba't-ibang panig ng mundo. Ang bawat masakop nito ay dinudurog ang hindi-pa-kapitalistang mga sistema at pinipilit ang lokal na populasyon na yakapin ang sistema ng kapital - pera, tubo at pamilihan. Ipinunla at pinayabong ng kapital ang kanyang sariling imahe mula sa mga guho ng lumang kaayusan.
Imperyalismo: huling yugto ng kapitalismo, ang kanyang dekadenteng yugto
Sa pagpasok ng 20 siglo, ganap ng nasakop ng kapital ang buong mundo. Naging ganap ng isang pandaigdigang sistema ang kapitalismo kung saan walang bansa ang nakakaligtas sa mga pangil ng kanyang brutal na pagsasamantala. Dito na nagtapos ang pagiging progresibo ng kapital sa pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa. Ganap ng naging hadlang ang sistema sa ibayong pag-unlad ng mga produktibong pwersa ng lipunan. Sa halip, ang patuloy na pag-iral nito ang siya ng sentral na dahilan ng ibayong kahirapan ng sangkatauhan sa buong mundo. Ganap ng naging reaksyonaryo ang burgesya.
Sa panahon ng imperyalismo, ang krisis ng kapitalismo ay palala ng palala habang ang kanyang "rekoberi" ay paiksi ng paiksi. Kaya naman ang pagiging atrasado ng maraming bansa ay hindi simpleng kagagawan ng iilang makapangyarihang kapitalistang bansa gaya ng propaganda ng iba't-ibang paksyon ng Kaliwa. Ang mga labi ng pyudal na kaayusan ay hindi simpleng nagmula sa suhetibong kagustuhan ng burgesya dahil ang naturalesa ng kapitalismo sa bawat madapuan niya ay wawasakin ang mga lumang kaayusan dahil sa ganitong paraan lamang siya mabubuhay.
Ang pagiging atrasado ng dumaraming mga bansa ay nagmula sa kawalan na mismo ng kapasidad ng sistema na paunlarin pa ito para gawing industriyalisado. Kung sa 19 siglo, dinudurog ng kapitalismo ang uring magsasaka para gawing mga manggagawa sa kanyang industriyalisadong mga pabrika, sa panahon ng imperyalismo ay hindi na kayang papasukin ang paparaming mga nadurog na magsasaka sa kapitalistang industriya. Sa imperyalismo dumarami ang mga walang trabaho at mga mala-proletaryado. Sila ang tinagurian ngayon na nasa "informal sector" o malaking bahagi ng sinasabing "underground economy".
Pakikibaka ng manggagawa
Ang tanging rebolusyonaryong uri sa sistemang kapitalismo ay ang uring manggagawa. Ang ibang pinagsamantalahang mga uri ay hindi rebolusyonaryo bilang uri. Kung makauring interes ang pagbabatayan, ang mga ito ay reaksyonaryo dahil nais nilang panatilihin ang kanilang uri na walang ibig sabihin kundi ibalik ang gulong ng kasaysayan. Ang kinabukasan ng mga uring ito na mabilis na winawasak ng kapitalismo ay maging proletaryado. Nagiging rebolusyonaryo lamang ang mga uring ito sa panahon na ang dinadala nila ay ang interes ng uring kabibilangan nila sa hinaharap.
Ang pagiging tanging rebolusyonaryong uri ng manggagawa ay lalong tumitingkad sa panahon ng imperyalismo, ang dekadenteng yugto ng kapitalismo. Tanging ang matagumpay na rebolusyonaryong opensiba lamang ng internasyunal na proletaryado ang magbigay katapusan sa naaagnas na bulok na pandaigdigang sistema sa pamamagitan ng pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Kaiba sa 19 siglo, ang pang-ekonomiyang pakikibaka ng manggagawa sa panahon ng imperyalismo ay kagyat at direkta ng nakaugnay sa pampulitikang pakikibaka - sa pakikibaka para ibagsak ang burges na estado at lahat ng mga institusyon nito. Dahil wala ng kapasidad na magbigay ng anumang makabuluhang reporma ang sistema, ang realisasyon ng pang-ekonomiyang pakikibaka ay makakamit lamang sa panahon na madurog na ang estado. Sa ganitong katotohanan nakabatay ang tungkulin ng mga komunista sa loob ng kilusang paggawa - bigyang direksyon ang lahat ng pang-ekonomiyang pakikibaka na tumungo sa pampulitikang pakikibaka, sa pakikibaka laban sa estado at hindi lamang sa naghaharing paksyon na siyang may hawak ng estado.
Dahil dito, anumang makauring pakikibaka ng proletaryado, sa anumang bahagi ng mundo ay kailangang lumaganap at lumawak. Hindi na sapat ang paisa-isang laban; ang mga laban sa bawat pabrika lamang. Kailangan na ang malawakang mga labanan; mga labanan na lalahukan ng pinakamaraming pabrika hindi lamang sa antas syudad at pambansa kundi internasyunal upang magkaroon ng tunay at makabuluhang mga tagumpay kahit sa usapin ng pang-ekonomiya at kagyat ng pakikibaka. Bakit? Dahil malawakan na rin ang mga atake ng kapital tulak ng kanyang papalawak at papalalim na krisis.
Ang paisa-isa at matagalang labanan (matagalang welga) ay hahantong lamang sa pagkatalo at kabiguan na magbubunga ng matinding demoralisasyon at kawalan ng kumpyansa ng uri sa kanyang sarili. Ito ang ikalawang pampulitikang tungkulin ng mga komunistang organisasyon - suportahan ang lahat ng pakikibaka ng uri at sa loob ng pakikibaka ay matalas na ipakita na kailangang lumawak ang pakikibaka upang manalo.
Sa ganitong katangian ng porma ng pakikibaka sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, hindi na mga unyon ang porma ng organisasyon ng uri para sa kanyang laban. Ganap ng integrado ang mga unyon sa estado at sa pambansang kapitalismo. Ang mga unyon ay lumitaw bilang instrumento ng uri para makakuha ng makabuluhang mga reporma sa ilalim ng isang progresibong kapitalismo.
Kaya naman sa pangkalahatan ay makauring instrumento ito ng proletaryado sa 19 siglo. Subalit pundamental na nag-iba ang katangian ng sistema sa panahon ng imperyalismo. Ganun din ang mga unyon. Naging polis na sila ng estado sa loob ng pagawaan. Katuwang ng iba't-ibang paksyon ng burgesya upang ikulong ang manggagawa sa pagtatanggol ng pambansang kapitalismo gamit ang mga mistipikasyon ng nasyunalismo, patriyotismo at demokrasya.
Itinuro sa ating henerasyon ng internasyunal na proletaryado noong 1905 - 1923 kung ano ang angkop na organo ng pakikibaka ng uri sa kanyang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka - mga asembliya at konseho ng manggagawa o mga komite at inter-komite sa welga o simpleng komite sa pabrika. Ang mga ito ay itinayo, pinatatakbo at pinagkukunan ng mga kapasyahan ng lahat ng manggagawa na nakibaka. Ang proletaryong demokrasya ay dito makikita hindi sa mga pulong ng iilang "lider" o "grupo ng mga komunista" na "namuno" sa pakikibaka. Ang mga organong ito ay may kapangyarihang palitan anumang oras ang kanilang halal na mga lider kung sa tingin ng mga manggagawa ay hindi na ito nagsisilbi sa kanilang pakikibaka.
Sa 1970s ito ang ginawa ng mga manggagawa sa Poland at Italy sa kanilang mga laban. Subalit ang pinakamatingkad at pinakamalawak ay ang pakikibaka ng manggagawang Polish noong 1980-81.
Ang kasaysayang ito ng internasyunal na proletaryado ang pilit itinatago ng mga unyon at Kanan at Kaliwa ng burgesya upang patuloy na linlangin ang uri na sa "pamamagitan lamang ng unyonismo" makamit ng manggagawa ang tagumpay sa pakikibaka.
Imperyalismo at komunistang rebolusyon
Ang imperyalismo ay hindi simpleng "pagsaamantala ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa sa mga atrasadong bansa" gaya ng Pilipinas. Lalunang ang imperyalismo ay hindi simpleng "US imperialist enemy number one". Ang ganitong baluktot na pag-unawa sa imperyalismo ang naging daan upang maniwala na nahahati ang mundo sa dalawang kampo - progresibong kapitalismo at reaksyunaryong kapitalismo. Mas masahol pa, hinati ng ganitong maling pananaw ang sanlibutan sa dalawang kampo - imperyalistang kampo at "anti-imperyalistang" kampo kung saan sa huli ay alyado ng rebolusyon ang makabayang pambansang burgesya. At ang pinakamataas na rurok ng kahibangan ay alyado ng rebolusyon ang mga sagadsaring anti-komunistang organisasyon gaya ng Al Qaeda, Hamas, Hizbollah dahil lamang sa baliw na katuwiran na ang mga ito ay laban sa imperyalsimong Amerika!
Ang mga kahibangang ito ay bunga ng sinasabi ng Kaliwa na ang "nasyunalismo ay aplikasyon ng internasyunalismo".
Ang imperyalismo ay hindi simpleng polisiya ng ilang imperyalistang kapangyarihan. Ito ay katangian ng pandaigdigang kapitalismo na pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto, sa kanyang permanenteng krisis. Ang imperyalismo ay hudyat na possible at kailangan na ang komunistang rebolusyon upang tuluyan ng wakasan ang naghaharing sistema na wala ng maibigay na magandang bukas sa sangkatauhan maliban sa mga digmaan, kahirapan, gutom, sakit at pagkasira ng kalikasan.
Sinakop ng imperyalismo ang lahat ng mga bansa. Ang lahat ng mga pambansang kapital, kasama na ang Pilipinas ay may katangiang imperyalista. Para patuloy na mabuhay sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema, kailangan ng bawat pambansang kapital na maungusan sa kompetisyon ang kanyang mga karibal; kailangan niyang pagsamantalahan ang kanyang sariling manggagawa para magawa nitong magsamantala sa ibang mas mahina sa kanya. Kailangan niyang sumandal sa isang mas makapangyarihan sa kanya para magkaroon siya ng puwang sa kumikipot na pandaigdigang pamilihan. Sa ganitong konteksto, lahat ng mga bansa kabilang na ang makapangyarihang mga bansa ay export-import dependent dahil ganap ng integrado ang lahat ng mga pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya.
Ang tunay na anti-imperyalismo ay anti-kapitalismo sa lahat ng kanyang anyo - pambansa, dayuhan at kapitalismo ng estado. Ang tunay na anti-imperyalismo ay kaaway at hindi alyado ang lahat ng paksyon ng burgesya - pambansa at dayuhan, administrasyon at oposisyon.
Ang programa ng tunay na anti-imperyalismo ay walang iba kundi pandaigdigang komunistang rebolusyon. Ito ang tanging programa ng internasyunal na rebolusyonaryong proletaryado sa kasalukuyang panahon.
Maraming mga seryosong elemento sa Pilipinas na kinikilala ang sarili na komunista o rebolusyonaryo ay patuloy na nagapos sa ilusyon ng demokrasya bilang daan tungong sosyalismo. Nakapagpalakas sa ganitong ilusyon ay ang pagiging atrasadong kapitalistang bansa ng Pilipinas at ang lantarang kabulukan ng umiiral na burges na demokrasya. Sa halip na kilalanin ang katotohanan na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo o imperyalismo ang demokrasyang burges ay umabot na sa kanyang sukdulang limitasyon bilang progresibong salik para sa pagsulong ng independyenteng kilusang manggagawa at naging ganap ng hadlang para sa sosyalistang rebolusyon, kinilala ito ng mga seryosong elemento sa Pilipinas na “kakulangan” o kaya “hindi totoong” demokrasya. Hindi naunawaan ng mga elementong ito ang pundamental na kaibahan ng katangian ng kapitalismo sa 19 siglo at sa 20 siglo. Para sa kanila, tila walang pundamental na pagbabago at masahol pa, kung meron mang pagbabago ito ay walang implikasyon sa laman at porma ng pakikibaka ng uri.
Ang kawalan ng kaalaman at pag-unawa sa katangian ng kapitalismo bilang pandaigdigang sistema, ang lubusang pagiging reaksyonaryo nito at ang integrasyon ng buong mundo (lahat ng mga bansa) sa mga relasyon nito simula ng sumabog ang imperyalistang WW I sa 1914 ang nagtulak sa maraming seryosong mga elemento sa Pilipinas na naghahangad ng sosyalismo na mahulog sa bitag ng Kaliwa ng burgesya na may “pag-asa pang uunlad ang kapitalismo sa bansa” sa ilalim ng pandaigdigang bulok na sistema. Katunayan, ito ang bag-as ng programa ng Kaliwa, ito man ay ang Programa ng DRB ng mga maoistang CPP, minimum-maksimum na programa ng “leninistang” PMP o transisyunal na programa ng iba’t-ibang paksyon ng mga trotskyista. Dahil dito, ang bukambibig ng Kaliwa na “internasyunalismo” ay walang iba kundi pambansang kapitalismo. Ang bukambibig nito na sosyalistang rebolusyon ay walang iba kundi repormismo at parliyamentarismo. Kahit ang ultra-Kaliwa na gerilyang pakikidigma ng CPP ay mabilis na nalalantad ngayon bilang sandata ng repormismo at parliyamentarismo.
Sa halip na ang gamiting lente sa pagsusuri sa kalagayan ng Pilipinas ay ang dinamik at ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo, sa halip na ang teleskopyong gagamitin sa pag-aaral ng makauring tunggalian sa bansa ay ang galaw ng internasyunal na makauring tunggalian, kinukulong ng Kaliwa ang masang manggagawa at ang abanteng hanay nito sa pambansang balangkas sa paglalatag ng “estratehiya at taktika”. Sa madaling sabi, ang sosyalistang rebolusyon ay ikinulong ng Kaliwa sa balangkas ng bansa sa halip na aminin ang katotohanan na ito ay isang pandaigdigang rebolusyon. Ito ang tungkulin ng Kaliwa: harangan at ilihis ang pakikibaka ng uri tungong sosyalismo. Nagtutulungan ang Kanan at Kaliwa ng kapital laban sa uring manggagawa.
Dahil dito, gaano man kaseryoso ang mga elementong ito hangga’t “boluntaryo” nilang ikinulong ang sarili sa mga organisasyon ng Kaliwa, mananatiling “perspektiba” sa kanila ang sosyalismo at ang tanging “realidad” sa kanilang isipan ay ang mistipikasyon ng “pambansang kalayaan at demokrasya.”
Komunistang Rebolusyon: Tanging Linya ng Martsa ng Uri sa Kasalukuyan
Komunistang rebolusyon ang tanging daan ng uring proletaryo sa buong mundo ngayon. Ito man ay sa atrasado o abanteng kapitalistang mga bansa. Iisa lamang ang programa ng uring manggagawa sa daigdig dahil ang kapitalismo ay pandaigdigang sistema. Pero hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit komunistang rebolusyon na ang laman at direksyon ng pakikibaka ngayon. Ang imperyalistang WW I ay senyales na ganap ng naging reaksyonaryo ang pandaigdigang kapitalismo at wala na itong maibigay na anumang magandang kinabukasan sa sangkatauhan kundi ibayong kahirapan, digmaan at pagkasira ng mundo.
Ang mga kagyat at pang-ekonomiyang pakikibaka ng uri ay direktang nakaugnay sa pampulitikang pakikibaka. Ang una ang nagbibigay kongkretisasyon sa huli at ang huli ang nagpapalakas sa una. Sa panahon ng naghihingalong kapitalismo hindi na maaring magkahiwalay ang mga ito. Pero dapat linawin, hindi na kabilang sa pampulitikang pakikibaka ng proletaryado ang parliyamentarismo magmula 1914.
Dahil dito, hindi na lang pangangailangan ang komunistang rebolusyon kundi ito ay posible na. Sa pagpasok ng 20 siglo nasa istorikal na agenda na ang pandaigdigang komunistang rebolusyon. Walang ibang layunin ang pakikibaka ng proletaryado ngayon, ito man ay sa Pilipinas o saan mang sulok ng mundo kundi ang wasakin ang kapitalismo at ang estado nito at itayo ang diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw.
Lipas na ang minimum na programa ng Sosyal-Demokratikong 2nd Internasyonal. Hindi na ito angkop sa panahon ng dekadenteng sistema. Isang bangungot ang transisyunal na programa. Isang kontra-rebolusyonaryong linya ang Programa ng DRB. Isang ilusyon na lang ang pagtatayo ng isang malaya at demokratikong bansa sa ilalim ng nabubulok na imperyalistang kaayusan.
Pag-aralan at talakayin natin ang karanasan ng internasyunal na proletaryado sa loob ng mahigit 200 taon laluna ang mga debate ng mga rebolusyonaryo. Pag-aralan natin ang ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo. Sa pamamagitan lamang nito maunawaan natin kung bakit ang komunistang linya ng martsa ngayon ang tanging daan patungong pagbabago sa bulok na lipunan.
Tungkulin ng lahat ng mga komunista na ipagtanggol sa harap ng masang manggagawa ang mga komunistang prinsipyo sa pamamagitan ng malawak at malalim na talakayan at diskusyon kung saan bukas sa partisipasyon ng lahat ng manggagawa laluna sa abanteng hanay nito at sa mga elementong seryoso para sa panlipunang pagbabago.
Sentrong pampulitikang usapin ngayon ang Con-Ass2 ng mababang kapulungan ng burges na parliyamento. Sinolo ng maka-administrasyong mambabatas ang pagbabago sa kanilang Konstitusyon dahil alam nilang tutol dito ang dominado-ng-oposisyon na Senado.
Umani ito ng malawakang pagkondena ng iba't-ibang sektor ng lipunan.
May halaga ba sa ordinaryong manggagawa ang Saligang Batas ng mga Kapitalista?
Iisa lamang ang pinakita ng garapalang pagpasa ng HR 11093: isang rubber-stamp ang parliyamento at ang may hawak ng absolutong kapangyarihan ay ang ehekutibo. Hindi lang ito katangian ng rehimeng Arroyo kundi katangian ng LAHAT ng mga rehimeng kapitalista, hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga bansa. Ganito na ang katangian ng estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
Nahubaran ang demokrasya (ie, "pangingibabaw ng mayorya"). Nalantad ang kanyang tunay na anyo: isang tipo ng diktadura ng naghaharing uri. Isang mapanlinlang na anyo ng kapitalismo ng estado.
Ang saligang batas ng estado ay walang saysay sa masang manggagawa. ito man ay ang 1987 Konstitusyon o isang bagong Konstitusyon. Ito man ay sa paraang Con-Ass o Concon4. Ang Konstitusyon ng kapitalistang sistema ay para IPAGTANGGOL ang mapagsamantalang kaayusan.
Gumawa ng Konstitusyon ang naghaharing uri upang pasunurin nito ang mga pinagsamantalahang uri sa kagustuhan ng una. At ang sinumang lalabag ay parurusahan.
Sa loob ng mahigit 20 taon na pag-iral ng 1987 Konstitusyon ay lalong naghirap, inapi at pinagsamantalahan ang manggagawang Pilipino. Ang Konstitusyon na ginawa ng mapagsamantalang uri 20 taon na ang nakaraan ay para ipagtanggol ang bulok na sistema.
Kung iniisip man ng naghaharing paksyon na baguhin ang kanilang sariling saligang batas, ito ay walang ibang layunin kundi mas patindihin pa ang pagsasamantala at pang-aapi sa masang anakpawis; mas palakasin pa ang kapangyarihan ng estado na ang tanging papel ay pasunurin ang populasyon at supilin ang mga lumalaban.
Ang usapin ng pananatili sa luma o paggawa ng bagong Konstitusyon ay interes ng burgesya hindi ng uring manggagawa.
Ang nasa likod ng usaping pagbabago sa burges na Konstitusyon
Hindi term extension ni Gloria5 ang pangunahing dahilan kung bakit nagmamadali ang administrasyon na baguhin ang Konstitusyon. Ang pangunahing dahilan ay kailangan ng buong naghaharing uri (hindi lang ng paksyong Arroyo) na "i-angkop" ang mga batas ng estado para maproteksyunan ang pambansang kapitalismo na binabayo ng krisis bunga ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo. Kailangan ng burgesyang Pilipino na maungusan ang ibang bansa sa paghahanap ng pamilihan sa pandaigdigang antas; isang pandaigdigang pamilihan na lalupang kumikipot sa pagdaan ng mga araw. Dahil atrasado ang kapitalismo sa bansa (at hindi na ito maging abante pa gaya ng kahibangan ng paksyong Arroyo) kailangan ng pambansang kapitalismo ang "tulong" ng dayuhang kapital (na siya namang ninanais ng ibang atrasadong mga bansa na karibal ng Pilipinas).
Kung may nag-iisip man ng term extension ni Gloria (president o prime minister), ito ay ang kanyang mga sagad-saring alagad na lamang. Pero hindi ang buong naghaharing uri dahil para sa kanila, isa ng liability si Gloria sa kanilang paghahari. Katunayan, may mapagpipilian na ang naghaharing uri sa loob ng burges na oposisyon para uupo sa Malakanyang (Roxas, Villar, Lacson, Legarda, Escudero, etc). Kung sino man siya, ito ay walang halaga sa masang mahihirap dahil alam ng huli na ibayong kahirapan lamang ang mararanasan nito anumang paksyon ng burgesya ang uupo sa kapangyarihan.
Kung hindi man magtagumpay ang pagbabago ng Konstitusyon ngayon, tiyak na isa ito sa pangunahing agenda ng bagong uupo sa Malakanyang sa 2010, siya man ay galing sa administrasyon o oposisyon.
Kampanya ng oposisyon at Kaliwa kontra Con-Ass
Gaya ng nasabi namin sa itaas, walang halaga sa manggagawa kung baguhin o hindi ang saligang batas ng uring kapitalista dahil hindi naman ito makauring laban nila kundi ng iba't-ibang paksyon ng kanilang makauring kaaway.
Pero nais hatakin ng oposisyon at Kaliwa ang masang manggagawa sa labanan ng kanilang kaaway. Nais ng una na sumali at kumampi ang huli sa isang paksyon ng burgesya. Ito ay kontra-rebolusyonaryong taktika at mapanghati sa uring manggagawa.
Malinaw naman ang nais ng oposisyon at Kaliwa: wala silang tutol na baguhin ang kanilang Konstitusyon. Ang nais nila ay sila muna ang nasa kapangyarihan bago ito baguhin. Bakit? Dahil gusto nilang tiyakin na ang kanilang paksyon ang magpapasasa sa pagsasamantala sa masang anakpawis at hindi ang kanilang mga karibal.
Ito ang nasa likod ng kanilang kampanyang "kontra Cha-Cha/Con-Ass". Ang kabilang mukha naman ng kampanyang ito ay ipagtanggol ang maka-kapitalistang 1987 Konstitusyon.
Gamit ang radikal na mga lenggwahe at "demokratikong" kahilingan ("Concon hindi Con-Ass", "Baguhin ang Konstitusyon matapos ang eleksyon sa 2010", etc), nagsisilbi ito sa kagustuhan ng buong naghaharing uri na maging kapani-paniwala ang eleksyon sa 2010 sa pamamagitan ng paghila sa mas maraming mamamayan laluna sa manggagawa at kabataan na lumahok sa burges na halalan.
Ang propagandang term extension ni GMA at hindi matutuloy ang 2010 eleksyon ay gayuma para kabigin ang malawak na diskontentong populasyon na "makibaka" para matuloy ang eleksyon sa 2010 at lumahok sa moro-morong ito.
Ang ikinatatakot ng buong naghaharing uri ay kung mawalan ng tiwala ang masang pinagsamantalahan sa eleksyon at mabilis itong mamulat sa rebolusyon. Ito ang pinipigilan ng lahat ng paksyon ng burgesya sa Pilipinas - Kanan man o Kaliwa.
Dagdag pa, kasabay ng kampanyang "kontra Cha-Cha" ng Kaliwa ay ang panawagan sa mamamayan na magtiwala sa "demokratikong" katangian ng estado sa halip na ibagsak ito. Sa likod ng linyang "anti-demokratiko" ang kasalukuyang estado ay nanawagan sila na itayo ang demokratikong gobyerno. Ang panawagang "sa halip pagkaabalahan ang pagbabago sa Konstitusyon, dapat ang isabatas ay CARPER, GARB, etc" ay naaayon sa linyang "magtiwala sa parliyamento basta sabayan ito ng presyur mula sa baba".
Radikal na lenggwahe, repormista sa esensya. Ang papel ng kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito ay ipagtanggol ang naaagnas na bulok na sistema. Imposible na itong repormahin pa. Ang kailangan ay ibagsak ito!
Sigaw ng masang manggagawa: Wakasan ang pagsasamantala!
Hindi mawakasan ang pagsasamantala sa pananatili o pagbabago sa kapitalistang 1987 Konstitusyon. Hindi ito ang larangan ng pakikibaka ng uri. Hindi lalaya ang uri kung ang uupo sa Malakanyang ay mula sa kasalukuyang administrasyon, oposisyon o kahit "independyente". Bagkus, mas hihigpit pa ang kadena ng pang-aalipin.
Ang daan tungo sa makauring kalayaan ay ang pakikibaka ng uri para sa kanyang mga kahilingan laban sa mga atake ng kapital; mga kahilingan na araw-araw mismong naranasan ng uri sa loob ng kanyang pagawaan - ang pagsasamantala at pang-aabuso ng uring kapitalista. Hindi ipagtatanggol ng anumang saligang batas ng estado ang makauring interes ng proletaryado at iba pang aping sektor ng lipunan. Ang tanging magtatanggol sa uri ay ang uri mismo. Ito ay wala sa loob ng gobyerno at bulwagan ng parliyamento kundi sa labas - sa lansangan. Mga pakikibaka mula sa depensiba tungo sa rebolusyonaryong opensiba para ibagsak ang estado at mga institusyon nito. Mga labanan na ang direksyon ay itayo ang kapangyarihan ng manggagawa - ang diktadura ng proletaryado.
Cha-Cha o kontra Cha-Cha, Con-Ass o Concon: hindi ito laban ng manggagawa. Ang laban ng manggagawa ay wakasan ang pagsasamantala.
1 Cha-Cha - Charter Change
2 Con-Ass - Constituent Assembly
3 House Resolution 1109
4 Con-Con - Constitutional Convention
5 Gloria Macapagal Arroyo - current president of the Philippines
Habang tumitindi ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa kabila ng “pagkakaisa” ng buong internasyonal na burgesya na isalba ito, tumitindi naman ang kompetisyon ng iba’t-ibang paksyon ng naghaharing uri sa Pilipinas para sa 2010 eleksyon. Tumitindi ngayon ang demolition jobs kapwa ng administrasyon at oposisyon laban sa kanilang mga karibal. Mga “paninira” na may bahid ng katotohanan. Ang kasinungalingan lang sa mga ito ay ang pagmamalinis ng mga “naninira”. Lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay napakalaki ang kasalanan sa masang pinagsamantalahan. Mga kasalanan na hindi maaring kalimutan o isantabi sa pamamagitan ng “taktikang pakikipag-alyansa sa isang paksyon”. Mga kasalanan na ang tanging tugon ng uri ay ideklara sa harap ng publiko na mortal na kaaway nito ang lahat ng mga paksyon ng burgesya – Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon.
Habang binabayo ang manggagawang Pilipino sa mga atake ng kapital sa kanilang pamumuhay, abalang-abala naman ang Kanan at Kaliwa na igapos ang uring anakpawis sa mga ‘sektoral’ na pakikibaka – anti-VFA, hostage-taking ng teroristang Abu Sayyaf, “bail-ot the workers” campaigns, etc. Gayong ang mga ito ay manipestasyon ng pagiging bulok ng kapitalismo, ang mga isyung ito ay itinatali ng Kaliwa sa repormismo at panawagang may “magagawa ang estado kung gugustuhin nito”.
Habang ang mga kapatid na manggagawa sa ibang mga bansa laluna sa Uropa ay nakibaka batay sa panawagan ng malawakang pagkakaisa (manggagawa sa daigdig, magkaisa!), itinali naman ng mga unyon sa Pilipinas ang pakikibaka sa kani-kanilang pabrika at sa prodyeksyon ng kani-kanilang mga unyon at sa mga partido ng Kaliwa na kumokontrol dito. Ang ipokritong panawagan ng mga unyon at Kaliwa ng “pagkakaisa” at “malawakang pakikibaka” ay nagsisilbi sa kani-kanilang sektaryong layunin na sa “bawat pagkakaisa, kailangang kami ang mamuno”. Kaya naman, kitang-kita ang hiwa-hiwalay na pakikipaglaban ng masang proletaryado sa ilalim ng pamumuno ng iba’t-ibang mga unyon.
Hindi ito nakapagtataka dahil ang nangyari sa mga unyon sa Pilipinas (bilang instrumento ng naghaharing uri) ay ekspresyon lamang sa tumitinding bangayan ng mga paksyon ng burgesya na siyang amo ng mga unyon.
Itinatago ng mga burukratikong lider ng mga unyon sa Pilipinas ang katotohanan na ang sumusulong na militanteng pakikibaka ng mga manggagawa sa ibang bansa laban sa mga atake ng kapital ay nangyayari LABAS SA KONTROL ng mga unyon.
Ang sabotahe ng unyonismo sa pakikibaka ng manggagawa ay kitang-kita sa pagkatalo ng mga manggagawa sa Giardini del Sole sa Cebu at sa iba pang mga pabrika. Ang pakikibaka ng manggagawa para ipagtanggol ang trabaho at sahod sa panahon ng krisis ng kapitalismo ay nauuwi lamang sa “makatuwirang” retrenchment package at “government assistance” para maging maliliit na kapitalista ang natanggal na manggagawa. Ang ibang paksyon naman ng Kaliwa ay direktang nanawagan ng “nasyunalisasyon” (state control) o “workers’ control” sa mga naluluging pabrika. Ang mga linyang ito ay “radikal” sa porma pero maka-kapitalismo sa laman.
Sa halip na direktang ilantad ang pagiging inutil ng kapitalistang sistema, ikinahon ng mga unyon ang pakikibaka ng manggagawa sa simpleng “union busting”.
Ang aral na dapat mahalaw ng manggagawang Pilipino para epektibong labanan ang mga atake ng uring kapitalista para isalba ang naghihingalong sistema ay walang iba kundi:
ANG PAKIKIBAKA NG URI AY MAGING EPEKTIBO LAMANG KUNG MAGKAISA ANG MASANG MANGGAGAWA LABAS SA ISTRUKTURA AT KONTROL NG MGA UNYON; KUNG ANG PAKIKIBAKA AY MAPALAWAK MISMO NG URI SA MAS MARAMING PABRIKA; KUNG ANG ORGANISASYON NILA SA PAKIKIBAKA AY MISMONG ANG KANILANG MGA ASEMBLIYA KUNG SAAN ANG MGA LIDER AY MAARING PALITAN ANUMANG ORAS KUNG MAPAGPASYAHAN NG ASEMBLIYANG NAGHALAL SA KANILA.
Ang pakikibaka ng proletaryado laban sa mga atake ng kapital ay magtagumpay lamang kung ituloy-tuloy ito tungo sa pakikibaka para ibagsak ang kapitalistang estado kabilang na ang lahat ng mga institusyon nito laluna ang burges na parliyamento.
Kailangang maging mapagmatyag ang mga abanteng hanay ng uri sa mga maniobra ng Kaliwa na gamitin ang pakikibaka ngayon ng uri para sa prodyeksyon ng kani-kanilang partido at kandidato para sa eleksyon sa 2010 sa kasinungalingang “taktika ang eleksyon para isulong ang rebolusyon”. Ito ang masaklap na karanasan ng uri sa BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, SANLAKAS, PARTIDO NG MANGGAGAWA, AKBAYAN, at iba pa. Ngayon naman, may bago na namang pang-engganyo ang Kaliwa – ang PLM – na ang modelo ay ang pagkapanalo ng Kaliwa sa burges na eleksyon sa Latin Amerika.
Habang tumitindi ang krisis ng kapitalismo, asahan natin na lalong titindi ang tunggalian ng Kanan at Kaliwa ng burgesya, ito man ay sa larangan ng eleksyon o armadong labanan. At sa kanilang tunggalian gagamitin nila ang mga isyu ng uri para sa kanilang pansariling kapakanan.
Ang tanging solusyon sa krisis ng kapitalismo ngayon ay rebolusyon ng mga manggagawa, hindi unyonismo at paglahok sa burges na eleksyon. Lalong hindi pag-akyat sa kabundukan para lumahok sa gerilyang pakikidigma sa pamumuno ng mga armadong paksyon ng naghaharing uri – CPP-NPA, RPA-ABB, MILF, ABU SAYAF, ETC.
INTERNASYONALISMO
Abril 12, 2009
Libu-libong mga manggagawa sa konstruksyon sa ibang planta ng langis at istasyon ng elektrisidad ang lumabas sa kani-kanilang trabaho bilang pakikiisa. Regular na iniorganisa at idinaos ang mga pulong-masa. Sumama sa mga piket sa iba't-ibang mga istasyon at planta ang mga manggagawa sa konstruksyon, bakal, daungan na nawalan ng trabaho pati ang iba pang manggagawa. Hindi nabahala ang mga manggagawa sa ilegal na katangian ng kanilang pagkilos bilang ekspresyon ng kanilang pakikiisa sa nagwelgang mga kasamahan, ng kanilang galit sa tumataas na bilang ng walang trabaho at sa kawalan ng solusyon ng gobyerno dito. Nang sumama sa pakikibaka ang 200 Polish na manggagawa sa konstruksyon, umabot ito sa kanyang rurok ng direktang kwestyunin ang nasyunalismo na bumabalot sa kilusan sa umpisa.
Ang pagtanggal ng 300 sub-kontraktwal na mga manggagawa sa planta ng langis sa Lindsey, ang mungkahing pagkuha ng ibang sub-kontraktor gamit ang 300 manggagawang Italyano at Portuguese (na mas mura ang paggawa dahil mas mababa ang kanilang kalagayan), at ang pahayag na walang manggagawa mula sa Britanya ang gamitin sa kontratang ito ang nagsindi para sumabog ang diskontento ng mga manggagawa sa konstruksyon. Sa loob ng ilang taon lumalaki ang paggamit ng kontrata sa mga manggagawa sa konstruksyon mula sa labas ng bansa, kadalasan sa mas mababang sahod at kalunos-lunos na kalagayan, na nagbunga ng pagtindi ng direktang kompetisyon sa pagitan ng mga manggagawa para sa trabaho, na nagtulak na bumaba ang sahod at kalagayan ng lahat ng manggagawa. Ito, kasama ang serye ng tanggalan sa industriya ng konstruksyon at sa iba pa dahil sa resesyon, ay nagbunga ng matinding militansya na makikita sa mga pakikibakang ito.
Sa simula pa lang naharap na ang kilusan sa pundamental na usapin, hindi lang sa mga welgista ngayon kundi para sa buong uring manggagawa ngayon at sa hinaharap: posible bang labanan ang kawalan ng trabaho at iba pang mga atake bilang mga ‘manggagawang British' at laban sa mga ‘manggagawang dayuhan', o kailangan nating tingnan ang mga sarili bilang mga manggagawa na may komon na interes sa lahat ng iba pang manggagawa, saan man sila galing? Ito ang matinding pampulitikang usapin at dapat sagutin ng kilusang ito.
Sa simula ang pakikibaka ay tila dominado ng nasyunalismo. Mayroong mga larawan sa balita ng mga manggagawang may plakard na "Trabahong British para sa Manggagawang British" at mas propesyunal na mga plakard ng unyon na nakasulat ang parehong islogan. Ang mga opisyal ng unyon ay hayagang nagtatanggol sa islogan; nagsasalita ang media sa pakikibaka laban sa dayuhang mga manggagawa at naghahanap ng mga manggagawa na may kahalintulad na opinyon. Ang kilusang ito ng ilegal na mga welga ay maaring matangay ng nasyunalismo at magbunga ng pagkatalo ng uring manggagawa, ng manggagawa laban sa manggagawa, ng manggagawang nagtatanggol sa nasyunalismo at nanawagan na ibigay ang trabaho sa mga manggagawang ‘British' habang mawalan ng trabaho ang mga manggagawang Italyano at Portuguese. Hihina ang kapasidad ng buong uring manggagawa sa pakikibaka at lalakas ang kapasidad ng naghaharing uri para mang-atake at manghati.
Ang ulat ng media (at sinasabi ng ilang manggagawa) ay madaling paniwalaan na ang kahilingan ng mga manggagawa sa Lindsey ay "Trabahong British para sa Manggagawang British". Hindi ganyan. Ang mga kahilingang tinalakay at pinagbotohan sa pulong-masa ay walang ganyang islogan o galit sa dayuhang manggagawa. Nakakatawang nakaligtaan ito ng media! Nagpakita ito ng mga ilusyon sa kapasidad ng unyon na hadlangan ang mga kapitalista na pagsabungin ang mga manggagawa, pero hindi sa lantarang nasyunalismo. Subalit ang pangkalahatang impresyon na nilikha ng media ay mga welgista laban sa manggagawang dayuhan.
Ang nasyunalismo ay bahagi ng kapitalistang ideolohiya. Bawat pambansang uring kapitalista ay mabubuhay lamang sa pakikipagkompetinsya sa kanilang mga karibal sa ekonomiya at militar. Ang kanilang kultura, media, edukasyon, mga industriya ng libangan at palakasan, ay laging naghasik ng lason para subukan at itali ang uring manggagawa sa bansa. Hindi maiwasan ng uring manggagawa na mahawa ng ideolohiyang ito. Pero ang kahalagahan ng kilusang ito ay nakitaan ng pagkwestyon ng mga manggagawa sa bigat ng nasyunalismo sa pamamagitan ng paghawak sa usapin ng pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang batayang materyal na interes.
Ang makabayang islogang "Trabahong British para sa Manggagawang British", ninakaw mula sa British National Party ni Gordon Brown, ay nagbunga ng pagkabalisa sa hanay ng mga welgista at uri. Pinaliwanag ng maraming welgista na hindi sila rasista ni taga-suporta ng BNP, na itinataboy ng mga manggagawa ng tangkain nitong sumawsaw sa pakikibaka.
Maliban sa pagtakwil sa BNP maraming manggagawa na kinausap sa telebisyon ay halatang nagsisikap mag-isip ano ang kahulugan ng kanilang pakikibaka. Hindi sila tutol sa dayuhang manggagawa, sila mismo ay nakapagtrabaho din sa labas ng bansa, pero wala silang trabaho o nais nilang magkaroon ng trabaho ang kanilang mga anak kaya pakiramdam nila ang trabaho ay dapat unang mapupunta sa manggagawang ‘British'. Ang naturang pananaw ay maari pa ring tingnan na ang mga manggagawang ‘British' at ‘dayuhan' ay walang komon na interes at bilanggo sa nasyunalismo, pero iyon ay malinaw na senyales na nangyayari ang proseso ng repleksyon.
Sa kabilang banda, ang ibang manggagawa ay malinaw na idiniin ang komon na interes sa pagitan ng mga manggagawa at nagsabi na ang nais nilang lahat ay magkaroon ng trabaho. "Tinanggal ako bilang kargador dalawang linggo na ang nakaraan. Nagtrabaho ako sa Daungan ng Cardiff at Barry sa loob ng 11 taon at narito ako ngayon sa pag-asa na mayugyog namin ang gobyerno. Tingin ko dapat magwelga ang buong bansa dahil nawawala na ang buong industriyang British. Pero wala akong galit sa dayuhang manggagawa. Hindi ko sila masisisi sa paghahanap kung saan may trabaho." (Guardian On-line 20/1/2009). May iilan din ang nagsasabing ang nasyunalismo ang tunay na panganib. Isang manggagawa na nagtrabaho sa labas ng bansa ang nagsabi, sa webforum ng mga manggagawa sa konstruksyon, hinggil sa mga kapitalista na ginagamit ang pambansang pagkahati-hati "Ini-engganyo ng kapitalistang media ang makabayang mga elemento na balingan kayo, ipakita na masama ang mga demonstrador. Tapos na ang laro. Ang huling bagay na nais ng mga kapitalista at gobyerno ay magkaisa ang manggagawang British at manggagawa mula sa labas ng bansa. Tingin nila patuloy nila tayong maloloko na mag-away para sa trabaho. Manginginig sila kung hindi tayo mag-away"; at sa ibang sulat iniugnay niya ang pakikibaka doon sa France at Greece at sa pangangailangan para sa internasyunal na ugnayan: "Ang malawakang protesta sa France at Greece ay senyales lamang kung ano ang mangyayari. Iniisip ba natin na ugnayan ang mga manggagawang iyon at palakasin ang protesta sa buong Uropa laban sa paghihirap ng manggagawa? Mas magandang opsyon yan kaysa patuloy na pagsamantalahan ng mga tunay na makasalanan, mga kapitalista, mapagkanulong liderato ng unyon, at New Labour ang uring manggagawa" (Thebearfacts.org). Lumahok din ang mga manggagawa sa ibang sektor sa porum na ito upang tutulan ang makabayang mga islogan.
Ang talakayan sa hanay ng mga welgista, at sa loob ng uri sa pangkalahatan, sa usapin ng makabayang mga islogan ay umabot sa panibagong yugto noong 3 Pebrero ng 200 manggagawa mula sa Poland ay sumama sa 400 ibang mga manggagawa sa ilegal na welga bilang suporta sa mga manggagawa sa Lindsey, sa istasyon ng elektrisidad sa Langage sa lugar ng konstruksyon sa Plymouth. Ginawa ng media ang lahat para itago ang internasyunal na pakikiisa: ang lokal BBC TV ay walang binanggit at sa pambansang saklaw halos hindi ito nabanggit.
Partikular na mahalaga ang pakikiisa ng mga manggagawang Polish dahil noong nakaraang taon lumahok din sila sa parehong pakikibaka. 18 manggagawa ang tinanggal at ang ibang mga manggagawa ay lumabas sa trabaho para makiisa, kabilang ang mga manggagawang Polish. Tinangka ng unyon na gawin itong pakikibaka laban sa dayuhang paggawa, pero pinawalang saysay ito sa presensya ng mga manggagawang Polish.
Ginawa ng mga manggagawa sa Langage ang panibagong pakikibaka na may inisyal na kamulatan paanong ginamit ng mga unyon ang nasyunalismo para subukang hatiin ang mga manggagawa. Isang araw matapos silang magwelga isang plakard ang lumitaw sa pulong-masa na nagsasabing "Istasyon ng Elekrisidad sa Langage - Mangagawang Polish Lumahok sa Welga: Pakikiisa", na maaring nagpaliwanag na isa o maraming manggagawang Polish ay nagbyahe ng 7 oras para makarating doon, o isang manggagawa sa Lindsey ay gustong bigyang diin ang kanilang ginawa.
Lumitaw din ang isang plakard sa piket ng Lindsey na nanawagan sa mga manggagawang Italyano na lumahok sa welga - nakasulat ito sa English at Italyano - at iniulat na ilang mga manggagawa ang nagdala ng mga poster na nagsasabing "Manggagawa sa daigdig magkaisa!" (Guardian 5/2/9). Sa madaling sabi nakikita natin sa simula ang mulat na pagsisikap ng ilang manggagawa na ihapag ang tunay na proletaryong internasyunalismo, hakbang na tutungo sa mas maraming repleksyon at diskusyon sa loob ng uri.
Lahat ng ito ay nagpahayag ng usapin ng pakikibaka sa panibagong antas, na direktang naghamon sa kampanya bilang isang makabayang reaksyon. Ang halimbawa ng manggagawang Polish ay pahiwatig ng pag-asa ng libu-libong ibang manggagawa mula sa labas ng bansa na sumama sa pakikibaka ng pinakamalaking mga konstruksyon sa Britanya, tulad ng konstruksyon sa Olympic sa Silangang London. Nariyan din ang peligro na hindi na maitago ng media ang internasyunalistang mga islogan. Maaring wasakin nito ang nasyunalistang harang na sinikap itayo ng burgesya sa pagitan ng nakibakang manggagawa at sa buong uri. Hindi nakapagtataka na madaling naresolba ang pakikibaka. Sa nagdaang 24 oras ang mga unyon, kapitalista at gobyerno ay nagsasabing aabot sa ilang araw kundiman linggo para maresolba ang welga, para maayos ang pangako na dagdag na 102 trabaho para sa manggagawang "British". Ito ay kasunduan kung saan karamihan sa mga welgista ay masaya dahil hindi ito nagkahulugan na mawalan ng trabaho ang mga manggagawang Italyano at Portuguese, pero tulad ng sinabi ng isang welgista, "bakit tayo makibaka para makakuha ng trabaho?"
Sa loob ng isang linggo nakita natin ang pinakamalawak na ilegal na mga welga sa loob ng ilang dekada, mga manggagawang nagsagawa ng mga pulong-masa at naglunsad ng ilegal na pagkilos ng pakikiisa na walang anumang pag-aalangan. Isang pakikibaka na maaring malunod sa nasyunalismo pero nagsimulang kwestyunin ang lason nito. Hindi ibig sabihin na nawala na ang panganib ng nasyunalismo: ito ay permanenteng panganib, subalit ang kilusang ito ay nagbibigay ng mga aral para sa mga pakikibaka sa hinaharap. Ang paglitaw ng mga plakard na nagsasabing "Manggagawa sa daigdig magkaisa" sa diumano isang makabayang piket ay nagbigay lamang ng ligalig sa naghaharing uri kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Phil 7/2/9
Links
[1] https://fil.internationalism.org/tag/3/4/ano-ang-ikt
[2] https://www.marxists.org/archive/marx/works/1847/11/prin-com.htm
[3] https://www.marxists.org/archive/lenin/works/1918/jul/24.htm
[4] https://world.internationalism.org
[5] https://blogsome.com/
[6] https://fil.internationalism.org/tag/3/22/pakipag-isang-prente
[7] https://fil.internationalism.org/tag/3/23/unyonismo
[8] https://fil.internationalism.org/files/fil/files/tl/Tl_crisis_leaflet.pdf
[9] https://fil.internationalism.org/tag/3/8/pilipinas
[10] https://fil.internationalism.org/tag/3/15/charter-change
[11] https://fil.internationalism.org/tag/3/21/corazon-aquino
[12] https://fil.internationalism.org/tag/3/11/kaliwa-ng-burgesya
[13] https://fil.internationalism.org/tag/3/12/marxistang-paninindigan
[14] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyonalismo_jan_june_2009.pdf
[15] https://fil.internationalism.org/tag/3/16/pambansang-kalayaan
[16] https://fil.internationalism.org/tag/3/17/imperyalismo
[17] https://fil.internationalism.org/tag/3/18/wildcat-strikes
[18] https://fil.internationalism.org/tag/3/19/pagsuway-sa-kapitalistang-batas
[19] https://fil.internationalism.org/tag/3/20/asembliya
[20] https://fil.internationalism.org/tag/3/13/mayo-uno-2009
[21] https://fil.internationalism.org/tag/3/14/krisis-ng-kapitalismo
[22] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyonalismono2.pdf
[23] https://newsinfo.inquirer.net/breakingnews/metro/view/20091018-230766/P32B-needed-to-house-500000-squatter-families
[24] https://fil.internationalism.org/tag/3/9/tunggalian-ng-mga-paksyon-ng-naghaharing-uri
[25] https://fil.internationalism.org/tag/3/7/britanya