Submitted by ICConline on
Matapos ang napakataas at napakalalim na yugto ng kontra-rebolusyon, muling hinanap ng proletaryado ang daan ng makauring pakikibaka. Ang pakikibakang ito - na epekto kapwa ng malalang krisis ng sistemang lumalago simula ng pagpasok ng 1960s, at ang paglitaw ng bagong henerasyon ng mga manggagawa na hindi masyadong naramdaman ang bigat ng nagdaang mga pagkatalo kaysa mga nasundan nito - ang pinakamalawak na inabot ng uri sa kanyang pakikibaka. Simula ng mga pangyayari sa Pransya sa 1968, ang mga pakikibaka ng manggagawa mula sa Italya hanggang sa Argentina, mula sa Britanya hanggang sa Poland, mula sa Sweden hanggang sa Ehipto, mula sa Tsina hanggang sa Portugal, mula sa Amerika hanggang sa India, mula sa Hapon hanggang sa Espanya, ay naging bangungot sa uring kapitalista.
Ang muling paglitaw ng proletaryado sa entablado ng kasaysayan ay malinaw na pinabulaanan ang lahat ng mga ideolohiya na ginawa o posibleng ginawa ng kontra-rebolusyon na nagtangkang itanggi ang rebolusyonaryong katangian ng manggagawa. Ang kasalukuyang muling pagbangon ng makauring pakikibaka ay tumpak na kongkretong pinakita na ang proletaryado ang tanging rebolusyonaryong uri sa ating panahon.
Ang isang rebolusyonaryong uri ay uri kung saan ang kanyang pangingibabaw sa lipunan ay bumagay sa pagbuo at pagpalawak ng mga bagong relasyon sa produksyon na kailangang gawin dahil sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa at sa pagkabulok ng lumang mga relasyon sa produksyon. Tulad ng moda ng produksyon na sinundan nito, ang kapitalismo ay tumugon sa isang partikular na yugto ng pag-umlad ng lipunan. Dati ito ay progresibong porma ng panlipunang pag-unlad, pero ng maging pandaigdigan na, binuo nito ang mga kondisyon para sa kanyang sariling paglaho. Dahil sa kanyang ispisipikong kinalagyan sa produktibong proseso, dahil sa kanyang kalikasan bilang uri ng kolektibong prodyuser ng kapitalismo, inalisan ng pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon na pinaandar niya - kaya dahil walang interes para sa preserbasyon ng kapitalistang lipunan - ang uring manggagawa ang tanging uri, sa obhetibo at suhetibo, ang makatatayo ng bagong moda ng produksyon na kailangang papalit sa kapitalismo: komunismo. Ang kasalukuyang pagbangon muli ng pakikibaka ng manggagawa ay palatandaan na muli, ang perspektiba ng komunismo ay hindi lang istorikal na kailangan, kundi isang totoong posibilidad.
Subalit, kailangan pa ng proletaryado ang malaking pagsisikap para mabigyan ang sarili ng mga pamamaraan para ibagsak ang kapitalismo. Bilang produkto ng pagsisikap na ito at bilang aktibong salik nito, ang rebolusyonaryong mga tunguhin at elemento na lumitaw mula ng magsimula ang muling paggising ng uri, tangan ang napakalaking responsiblidad para mapaunlad ang pakikibakang ito. Para magampanan ang responsibilidad na ito, kailangang organisahin nila ang kanilang sarili sa batayan ng makauring mga posisyon na malinaw na inilagda ng makasaysayang karanasan ng proletaryado at kailangang maging gabay sa lahat ng pagkilos at interbensyon sa loob ng uri.
Sa pamamagitan ng kanyang sariling praktikal at teoritikal na karanasan maging mulat ang proletaryado sa mga paraan ng kanyang makasaysayang pakikibaka para ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunismo. Sa simula ng kapitalismo, ang buong pagkilos ng proletaryado ay palaging pagsisikap na maging mulat sa kanyang mga interes bilang uri at mapalaya ang sarili mula sa mahigpit na impluwensya ng mga ideya ng naghaharing uri - ang mga mistipikasyon ng burges na ideolohiya. Ang pagsisikap na ito ay pinakita sa pampulitikang pagpapatuloy ng buong kilusang manggagawa mula sa unang mga sekretong asosasyon hanggang sa kaliwang praksyon na humiwalay sa Ikatlong Internasyonal. Sa kabila ng lahat ng pagkaligaw at sa mga ekspresyon ng burges na ideolohiya na nakita sa kanilang mga posisyon at sa kanilang mga pagkilos, ang iba't-ibang mga organisasyon ng uri ay di-mapapalitang dugtong sa kadena ng istorikal na pagpapatuloy ng proletaryong pakikibaka. Ang katotohanan na sumuko sila sa pagkatalo o panloob na panghihina ay hindi nakasira sa kanilang pundamental na kontribusyon sa naturang pakikibaka. Kaya ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo na muling itinayo ngayon ay nagpahayag ng pangkalahatang muling paggising ng makauring pakikibaka (matapos ang kalahating siglo ng kontra-rebolusyon at dislokasyon ng nakaraang kilusang manggagawa) at kailangang absolutong muling ibalik ang istorikal na pagpapatuloy ng kilusang manggagawa sa nakaraan, para ang kasalukuyan at darating na mga laban ng uri ay maarmasan ng mga aral sa nakaraang karanasan, at para ang lahat ng parsyal na mga pagkatalo na kumalat sa daan ng proletaryado ay hindi masasayang kundi magsilbing mga palatandaan sa ganap na tagumpay.
Pinagtibay ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin ang pagpapatuloy sa mga kontribusyon na ginawa ng Liga Komunista, ng Una, Ikalawa at Ikatlong Internasyunal , at sa kaliwang mga praksyon na humiwalay mula sa huli, sa partikular ng Kaliwang Aleman, Dutch at Italyano. Sa mga mahalagang kontribusyong ito pinag-isa namin ang lahat ng makauring mga posisyon sa isang maliwanag na pangkalahatang pananaw na binalangkas ng platapormang ito.