Ang diumano na 'sosyalistang' mga bansa

Printer-friendly version

Sa pagkonsentra ng kapital sa mga kamay ng estado, gumawa ng ilusyon ang kapitalismo ng estado na ang pribadong pag-aari sa mga kagamitan ng produksyon ay naglaho na at nawasak na ang burgesya. Ang Stalinistang teorya ng ‘sosyalismo' sa isang bansa, ang buong kasinungalingan ng ‘sosyalista' o ‘komunistang' mga bansa o ‘patungo' sa sosyalismo, lahat ang pinanggalingan ay ang mistipikasyong ito.

Ang mga pagbabagong dinala ng tendensya ng kapitalismo ng estado ay hindi makita sa antas ng batayang mga relasyon ng produksyon, kundi sa antas ng huridikal na mga porma ng pag-aari.

Hindi nila winasak ang pribadong pag-aari ng mga kagamitan ng produksyon, kundi ang huridikal na aspeto lamang ng indibidwal na pag-aari. Ang mga kagamitan ng produksyon ay nanatiling ‘pribadong' pag-aari kung sa punto-de-bista ng manggagawa; ang mga manggagawa ay binawian ng anumang kontrol sa mga kagamitan ng produksyon. Ang ‘kolektibisadong' mga kagamitan ng produksyon ay para lamang sa burukrasya na nagmay-ari at namahala nito sa kolektibong paraan.

Ang burukrasya ng estado na may ispisipikong gawain na kumuha ng sobrang halaga mula sa proletaryado at akumulasyon ng pambansang kapital ay bumuo ng isang uri. Pero hindi ito bagong uri. Ang papel na ginampanan nito ay nagpahayag na katulad ito sa dating burgesya sa kanyang porma-ng-estado. Hinggil sa mga prebilihiyo bilang uri, ang ispisipiko sa burukrasya ng estado ay pangunahin sa katotohanan na nakukuha niya ang mga prebilihiyong ito hindi sa pera mula sa indibidwal na pag-aari ng kapital, kundi mula sa ‘running costs', bonuses, at permanenteng mga porma ng bayad na binigay batay sa tungkuling ginampanan ng kanyang mga myembro - isang porma ng bayad na bilang ‘sweldo' at kadalasan ay sampu o daang beses na mas mataas kaysa sweldo na binigay sa uring manggagawa.

Ang sentralisasyon at pagplano ng kapitalistang produksyon sa pamamagitan ng estado at sa kanyang burukrasya ay hindi hakbang para pawiin ang pagsasamantala kundi pagpapatindi ng pagsasamantala, para mahing mas epektibo ito.

Sa antas ng ekonomiya, sa Rusya, kahit noong maiksing panahon na ang proletaryado ang may hawak ng pampulitikang kapangyarihan, ay hindi napawi ang kapitalismo. Kung napakadaling lumitaw ang kapitalismo ng estado doon sa kanyang napakataas na porma, dahil ito sa pang-ekonomiyang disklokasyon na resulta ng pagkatalo ng Rusya sa Unang Digmaang Pandaigdig, sumunod ang kaguluhan sa digmaang-sibil, naging napakahirap sa Rusya na magpakatatag bilang pambansang kapital sa loob ng dekadenteng pandaigdigang sistema.

Ang tagumpay ng kontra-rebolusyon sa Rusya ay nagpahayag mismo ng reorganisasyon sa pambansang ekonomiya na ginamit ang napaka-unlad na porma ng kapitalismo ng estado at  mapang-uyam na hinandog bilang ‘pagpapatuloy ng Oktubre' at ‘pagtatayo ng sosyalismo'. ang ehemplo ay sinunod kahit saan: Tsina, Silangang Uropa, Cuba, Hilagang Korea, Indo-china, at iba pa. Subalit, walang proletaryo o komunista sa mga bansang ito. Sila ay mga bansa, kung saan, sa ilalim ng impluwensya ng isa sa napakalaking kasinungalingan sa kasaysayan, ang diktadura ng kapital ay naghari sa kanyang napaka-dekadenteng porma. Anumang pagtatanggol ng mga bansang ito, kahit gaano man ka ‘kritikal' o ‘kondisyonal', ay isang ganap na kontra-rebolusyonaryong aktibidad.


Note

Ang pagbagsak ng bloke sa silangan at sa mga Stalinistang rehimen ang nagwalis ng mistipikasyong ito ay 'sosyalistang' mga bansa na sa mahigit kalahating siglo ay nanguna sa pinaka-teribleng kontra-rebolusyon sa kasaysayan. Sa kabilang banda, ang ‘demokratikong' burgesya, ng pinakawalan ang walang katapusang kampanya hinggil sa sinasabing 'kabiguan ng komunismo', ay pinagpatuloy ang napakalaking kasinungalingan sa kasaysayan : ang paghalintulad ng Stalinismo sa komunismo. Ang mga partido ng kaliwa at dulong kaliwa ng kapital na, kahit pa kritikal, sinusuportahan ang sinasabing ‘sosyalistang' mga bansa, ay naobliga ngayon na umangkop sa bagong kondisyon sa pandaigdigang sitwasyon. Para patuloy na kontrolin at bigyang ng mistipikasyon ang proletaryado, nagsisikap silang kalimutan ng tao ang kanilang pagsuporta sa Stalinismo, kahit pa nagkahulugan ito na palsipikahin ang kanilang sariling nakaraan.