Self-management: pagsasamantala ng mga manggagawa sa sarili

Printer-friendly version

Kung ang bansa mismo ay napakakitid na bilang balangkas para sa produktibong mga pwersa, mas totoo ito sa indibidwal na mga empresa na walang tunay na awtonomiya mula sa pangkalahatang mga batas ng kapitalismo; sa ilalim ng dekadenteng kapitalismo, ang mga empresa ay lalo pang nakasandal sa naturang mga batas at sa estado. Kaya ang ‘self-management' (pagpapatakbo sa empresa ng mga manggagawa sa lipunan na nanatiling kapitalista), isang peti-burges na utopya sa nakaraang siglo na dinadala ng tendensyang Proudhonista, ngayon ay isa ng kapitalistang mistipikasyon. (tingnan sa note)

Ito ay isang sandatang pang-ekonomiya ng kapital na sinikap nitong kabigin ang mga manggagawa na akuin ang responsibilidad sa mga empresang natamaan ng krisis sa pamamagitan ng kanilang pag-oorganisa para sa pagsasamantala sa kanilang sarili.

Isa itong pampulitikang sandata ng kontra-rebolusyon:

  • Hatiin ang uring manggagawa sa pamamagitan ng pagkulong sa kanila at pagbukod sa kani-kanilang paktorya, kani-kanilang komunidad, kani-kanilang sektor;
  • Pasanin ng mga manggagawa ang problema ng kapitalistang ekonomiya kung saan ang tanging tungkulin nila ay durugin ito;
  • Ilihis ang proletaryado sa kanilang pundamental na tungkuling magtitiyak sa posibilidad ng kanyang emansipasyon: pagdurog sa pampulitikang makinarya ng kapital at pagtatayo ng kanyang makauring diktadurya sa pandaigdigang saklaw.

Sa pandaigdigang saklaw lamang totohanang mapangisawaan ng proletaryado ang produksyon, pero magawa nila ito hindi sa loob ng balangkas ng kapitalistang mga batas kundi ang pagdurog sa kanila.

Anumang pampulitikang posisyon na (kahit sa ngalan ng ‘karanasan ng uring manggagawa o ‘pagtatayo ng bagong mga relasyon sa hanay ng manggagawa') nagtatanggol sa self management ay, sa katunayan, sa obhetibo ay lumalahok sa preserbasyon ng kapitalistang mga relasyon sa produksyon.


Note

Ang mistipikasyong ito, na umabot sa sukdulan sa karanasang 'self-management' at ang pagkatalo ng mga manggagawa sa LIP sa Pransya sa 1974-5, ay nasaid na ngayon. Subalit, hindi maiwaksing sa darating na panahon ay muli itong babangon sa pagbangon ng anarkismo. Sa mga pakikibaka sa Espanya sa 1936, ang mga anarkista at anarko-sindikalistang mga tunguhin ang nagdala ng bandila ng alamat ng self-management, na dineklarang isang 'rebolusyonaryong' pang-ekonomiyang hakbangin.