Submitted by Internasyonalismo on
Attachment | Size |
---|---|
tagalog_against_the_attacks_of_the_ruling_class_we_need_a_massive_united_struggle.pdf | 164.46 KB |
Sa lahat ng mga bansa, lahat ng mga sektor, naharap ang uring manggagawa sa isang hindi matiis na kapahamakan sa kalagayan ng kanyang pamumuhay at pagtrabaho. Lahat ng mga gobyerno, ng kanan o kaliwa man, tradisyunal o populista, ay nagpataw ng sunod-sunod na atake habang mas lumala ang krisis sa pandaigdigang ekonomiya.
Sa kabila ng takot dulot ng mapanupil na krisis sa kalusugan, nagsimula ng makibaka ang uring manggagawa. Sa nagdaang mga buwan, sa USA, Iran, Italy, Korea, Spain, France at Britain, pumutok ang mga pakikibaka. Hindi ito malawakang mga pagkilos: nanatiling mahina at kalat-kalat ang mga welga at demonstrasyon. Ganun pa man, nabahala ang naghaharing uri sa mga ito, mula sa malawak, kumukulong galit.
Paano natin harapin ang mga atake ng naghaharing uri? Mananatili ba tayong kalat-kalat, hati-hati, bawat isa sa ‘kanilang sariling’ pagawaan o sektor? ‘Yan ay garantiya ng kawalan ng kapangyarihan. Kaya paano natin mapaunlad ang nagkakaisa, malawakang pakikibaka?
Patungo sa brutal na paglala ng kalagayan ng pamumuhay at trabaho
Tumaas ang mga presyo, partikular sa batayang pangangailangan: pagkain, enerhiya, transportasyon...Sa 2021 ay mas mataas na ang inplasyon matapos ang krisis sa 2008. Sa USA, umabot ito sa 6.8%, pinakamataas sa loob ng 40 na taon. Sa Europe, sa nagdaang mga buwan, ang gastos sa enerhiya ay lumundag ng 26%! Sa likod ng mga datos na ito, ang kongkretong realidad ay mas dumarami ang mga tao na nahirapang pakainin ang kanilang sarili, sa paghanap ng akomodasyon, manatiling mainit, sa pagbyahe. Sa pandaigdigan, tumaas ang presyo ng pagkain ng 28%, kung saan direktang banta ang malnutrisyon sa mahigit isang bilyon ka tao sa pinakamahirap na mga bansa, higit sa lahat sa Africa at Asia.
Ang lumalalim na ekonomikong krisis ay mas nagpatindi sa maanghang na kompetisyon sa pagitan ng mga estado. Para mapanatili ang tubo, ang tugon ay nanatiling ganun pa rin, kahit saan, sa lahat ng mga sektor, pribado at publiko: magbawas ng manggagawa, magpataw ng pamimiga, magbawas ng badyet, kabilang ang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Sa Enero, sa France, nagprotesta ang mga guro laban sa nakakagimbal na kalagayan sa trabaho. Araw-araw nabuhay sila sa kapitalistang impyerno dahil sa kakulangan ng istap at materyal. Sa mga demonstrasyon malinaw na naksulat sa kanilang mga bandera ang makatarungang islogan: “Ang nangyayari sa amin ay katulad noong panahon na wala pa ang Covid!”
Malinaw na pinakita ito sa kahirapan ng mga manggagawa sa kalusugan. Mas pinatampok lang ng pandemiya ang dati ng kakulangan ng medisina, care workers, nurses, higaan, masks, protective clothing, oxygen…lahat! Ang kaguluhan at kapaguran na namayani sa mga ospital magmula ng pumutok ang pandemiya ay resulta lang ng mapanirang pagbawas ng badyet ng mga gobyerno sa lahat ng mga bansa sa loob ng ilang dekada. Dahil dito naobliga ang World Health Organisation, sa kanyang pinakahuling ulat, na magbabala: “Mahigit sa kalahati ng pangangailangan ay hindi nakamit. Sa buong mundo may kakulangan ng 900,000 midwives at 6 milyon nurses…itong dating kakulangan ay pinalala ng pandemiya at presyur sa pagod na istap”. Sa maraming mahirap na mga bansa, malaking parte ng populasyon ay walang access sa bakuna sa simpleng dahilan na ang kapitalismo ay nakabatay sa paghahanap ng tubo.
Angg uring manggagawa ay hindi lang binuo ng mga manggagawa sa industriya: kabilang ang lahat ng sahurang manggagawa, part time at kontraktwal na mga manggagawa, walang trabaho, karamihan sa mga estudyante, retiradong manggagawa…
Kaya, Oo, “Ang nangyayari sa amin ay mula pa noong wala pang Covid!”. Ang pandemiya ay produkto ng naghihingalong kapitalismo kung saan ang kanyang walang solusyon na krisis ay ginawa nitong mas malala. Hindi lang pinakita ng sistemang ito ang kawalan ng kakayahan at dis-organisasyon sa harap ng pandemiya na pumaslang na ng 10 milyong buhay, laluna sa hanay ng pinagsamantalahan at mahihirap, kundi patuloy nitong pinalala ang ating kalagayan sa pamumuhay at trabaho, patuloy nitong pataasin ang redundancies at kontraktwal na trabaho, para pigain at pahirapan ang mga manggagawa. Dahil sa bigat ng kanyang mga kontradiksyon, patuloy itong natali sa walang kataposang mga imperyalistang digmaan, palalain ang mga panibagong ekolohikal na kalamidad – lahat ng ito ay magtulak ng dagdag na kaguluhan, alitan, at mas malala, mga pandemiya. Ang sistema ito ng pagsasamantala ay walang maibigay sa sangkatauhan maliban sa pagdurusa at kahirapan.
Ang pakikibaka lang ng uring manggagawa ang tagapagdala ng ibang perspektiba, komunismo: isang lipunan na walang mga uri, walang mga bansa, walang mga digmaan, kung saan lahat ng klase ng panunupil ay maglaho. Ang tanging perspektiba ay pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Lumalaking galit at militansya
Sa 2020, sa buong mundo, binaba ang malaking kurtina: paulit-ulit na lock-downs, mga emerhensyang ospitalisasyon at milyun-milyon ang namatay. Matapos manumbalik ang militansya ng mga manggagawa na nakita natin sa maraming bansa sa 2019, partikular sa pakikibaka laban sa pension ‘reforms’ sa France, brutal na tumigil ang mga pakikibaka ng manggagawa. Pero ngayon, muli, tumataas ang galit at lumalakas ang mapanlabang diwa:
- Sa USA, serye ng mga welga sa industriyal na mga grupo tulad ng Kellogs, John Deere, PepsiCo, kabilang din ang sektor sa kalusugan at mga pribadong klinika, tulad ng sa New York;
- Sa Iran, nitong tag-init, nagwelga ang mga manggagawa sa mahigit 70 sites sa oil sector laban sa mababang sahod at mataas na gastusin. Bagay na hindi nakita sa loob ng 42 taon!
- Sa South Korea, nag-organisa ng pangkalahatang welga ang mga unyon para sa dagdag na sosyal-benepisyo, laban sa kontraktwalisasyon at hindi patas na sahod;
- Sa Italy, maraming days of action laban sa tanggalan at pagsupil sa minimum na sahod;
- Sa Germany, ang unyon sa pampublikong serbisyo ay napilitan, sa harap ng lumalaking mobilisasyon, na magbanta ng mga welga para sa dagdag sahod;
- Sa Spain, sa Cadiz, kumilos ang mga manggagawa sa bakal laban sa bawas-sahod na 200 euros kada buwan. Mga pampublikong empleyado sa Catalonia ay nagprotesta laban sa hindi na matiis na temporaryong trabaho (higit 300,000 empleyado ng estado ay kontraktwal). May mga pakikibaka sa riles ng treyn sa Majorca, sa Vestas, Unicaja, sa mga manggagawa ng bakal sa Alicante, sa ibat-ibang ospital, lahat ng ito ay laban sa redundancies;
- Sa France, parehong diskontento ang pinakita sa mga welga at demonstrasyon sa transportasyon, recycling, edukasyon;
- Ganun rin sa Britain kung saan nakita natin ang mga welga at pagkilos sa mga unibersidad, ng recycling workers, sa pampublikong transportasyon, kalusugan at iba pang sektor.
Maghanda sa mga pakikibaka sa hinaharap
Lahat ng mga pakikibakang ito ay mahalaga dahil pinakita nito na ang uring manggagawa ay hindi handa na tanggapin ang lahat ng mga sakripisyo na nais ipataw ng burgesya sa kanila. Subalit dapat din nating kilalanin ang mga kahinaan ng ating uri. Lahat ng mga pagkilos na ito ay kontrolado ng mga unyon na kahit saan ay hinati-hati at ginawang kalat-kalat ang mga manggagawa sa seksyonal na mga kahilingan, pinipigilan at sinabotahe ang mga pakikibaka. Sa Cadiz, tinangka ng mga unyon na ikulong ang mga manggagawa sa lokalismo, sa isang “kilusan ng mamamayan” para “iligtas ang Cadiz”, na para bang ang interes ng uring manggagawa ay nakasalalay sa pagtatanggol sa rehiyunal o pambansang interes at hindi nakaugnay sa kanilang mga kapatid sa uri sa lahat ng sektor at larangan! Nahirapan din ang mga manggagawa na kontrolin ang kanilang mga pakikibaka, magkaisa sa independyenteng mga pangkalahatang asembliya at labanan ang panghahati ng mga unyon.
Dagdag na peligro na kinaharap ng uring manggagawa ay isuko ang mga makauring kahilingan sa pamamagitan ng pagsama sa mga kilusan na walang kinalaman sa kanilang sariling interes at paraan ng pakikibaka. Nakita natin ito sa “Yellow Vests” sa France o, mas kamakailan lang, sa China, ng bumagsak ang housing giant na Evergrande (isang ispektakular na simbolo ng napakalaking utang ng China), na pangunahing nagtulak ng mga protesta ng mga maliit na may-ari. Sa Kazakhstan, ang malawakang welga ng sektor sa enerhiya ay sa huli nadiskaril sa pagiging pag-alsa ng “mamamayan” na walang anumang perspektiba at mabilis na natali sa bangayan ng mga paksyon ng burgesya na nag-aagawan sa kapangyarihan. Sa bawat panahon na pinaghalo ng mga manggagawa ang kanilang sarili bilang “mamamayan” na humihiling na ang kapitalistang estado ang dapat “magbabago ng lahat”, naglaho sa kanilang sariling uri ang kapangyarihan.
Ang kilusan laban sa CPE: inspirasyon para sa darating na mga pakikibaka
Sa 2006, sa France, napilitan ang burgesya na bawiin ang kanyang atake sa harap ng malawakang pakikibaka na nagbanta na palawakin ito sa ibang mga sektor.
Sa naturang panahon, ang mga estudyante, marami sa kanila ay mga part-time na manggagawa, ay nagprotesta laban sa ‘reporma’ na nakilala sa Contrat Première Embauche (First Employment Contract) o CPE, na nagbukas sa pintuan para sa kulang ang sahod at pinakamatinding pagsasamantala sa trabaho. Itinakwil nila ang kalat-kalat, hati-hati, seksyunal na mga kahilingan.
Laban sa mga unyon, binuksan nila ang kanilang mga pangkalahatang asembliya sa lahat ng kategoriya ng manggagawa at retirado. Naintindihan nila na ang pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon para sa kabataan ay simbolo ng pakikibaka laban sa kawalang kasiguruhan ng trabaho para sa lahat.
Nakakuha ng pakikiisa sa pagitan ng mga sektor at henerasyon, ang kilusang ito, sunod-sunod na demonstrasyon, ay lumawak. Natakot ang burgersya sa dinamikong ito patungong pagkakaisa at napilitang bawiin ang CPE.
Para paghandaan ang pakikibaka, kailangan natin, sa posibleng makakaya, na magtipon para magtalakayan at halawin ang mga aral sa nagdaang mga pakikibaka. Mahalaga na ilako ang mga paraan ng pakikibaka na nagpakita ng lakas ng uring manggagawa, at kung saan, sa ilang yugto ng kasaysayan, ay yumanig sa burgesya at sa kanyang sistema:
- Paghahanap ng suporta at pagkakaisa lagpas sa “aking” sektor, syudad. rehiyon o bansa;
- Pinakamalawak na posibleng diskusyon sa pangangailangan ng pakikibaka, anuman ang pabrika, sektor o bansa;
- Ang awtonomiyang organisasyon sa pakikibaka, higit sa lahat mga pangkalahatang asembliya na hindi kontrolado ng mga unyon o organo ng burgesya.
Maghanda para sa nagkakaisa at awtonomus na mga pakikibaka sa hinaharap!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Enero 2022
Ipinamahagi namin ang polyetong ito sa lahat ng mga bansa na nandoon ang aming mga militante. Ang sang-ayon sa laman ng aming artikulo ay maaring i- download ito sa pdf file at ipamahagi sa abot ng makakaya. Sa unang linggo ng Marso ay mag-organisa kami ng isang online public meetings sa English kung saan talakayin namin ang krisis ng sistema, pakikibaka ng uri at papel ng mga rebolusyonaryo. Kung nais ninyo lumahok sa diskusyon, pakisulat lang sa amin sa [email protected] o subaybayan ang aming website sa www.internationalism.org.
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17133/against-attacks-ruling-cla...