Pangkalahatang barbarismo ng kapitalismo o Pandaigdigang proletaryong rebolusyon

Printer-friendly version

Inilathala namin ang internasyunal na pahayag ng IKT sa kasalukuyang krisis ng Covid-19 sa porma ng isang “polyetong digital” dahil sa ilalim ng lock-down hindi posible na mamigay ng isang nakaprintang polyeto sa maraming bilang. Nakiusap kami sa lahat ng aming mambabasa na gamitin ang lahat na posible para maipamahagi ang teksto - social media, internet forums, at iba pa - at sumulat sa amin sa anumang reaksyon at diskusyon na nangyari, at syempre sa kanilang sariling pananaw sa artikulo. Mas kailangan para sa mga lumalaban para sa proletaryong rebolusyon na ipakita ang kanilang pakikiisa sa bawat isa at panatilihin ang ugnayan. Habang pisikal na nahiwalay ang ating mga sarili pansamantala, maari pa rin tayong magtipun-tipon sa pulitika!

Libu-libo ang namatay bawat araw, lugmok ang mga ospital, may kagimbal-gimbal na “triage” sa pagitan ng kabataan at matatanda sa hanay ng may sakit, sobrang pagod na ang mga manggagawa sa kalusugan, nahawa, at marami ang nasa bingit ng kamatayan. Kahit saan kulang sa mga kagamitang medikal. Terible ang kompetisyon ng mga gobyerno sa ngalan ng “digmaan laban sa virus” at sa “pambansang ekonomikong interes”. Bagsak ang pamilihang pinansyal, kakaibang pagnanakaw kung saan ninakawan ng bawat estado ang isat-isa sa paghatid ng mga mask. Milyun-milyong manggagawa ang itinapon sa impyerno ng kawalan ng trabaho, isang malakas na agos ng kasinungalingan mula sa estado at ng kanyang midya…ito ang kakila-kilabot na tanawin na makikita sa mundo ngayon. Ang pandemiya na ito ang isa sa pinaka-seryosong pinakamalaking sakuna sa kalusugan mula ng Spanish flu sa 1918-19, sa kabila ng magmula noon ay ekstra-ordinaryong umigpaw paabante ang syensya. Bakit may naturang sakuna? Paano humantong sa ganito?

Sinabihan tayo na kaiba ang virus na ito, na mas nakakahawa ito kaysa iba, na mas matindi at nakakamatay ang epekto nito. Lahat ng ito ay malamang totoo pero hindi ito ang paliwanag sa lawak ng sakuna. Ang responsable sa buong planeta sa kaguluhan, sa daang libong namatay, ay nasa loob mismo ng kapitalismo. Produksyon para sa tubo hindi sa pangangailangan ng tao, ang permanenteng paghahanap ng pagbabawas ng gastusin kapalit ng mabangis na pagsasamantala sa uring manggagawa, ang tumataas na marahas na mga atake sa kabuhayan ng mga pinagsamantalahan, ang baliw na kompetisyon sa pagitan ng mga kompanya at estado – ito ang mga batayang katangian ng kapitalistang sistema na nagpang-abot at humantong sa kasalukuyang malaking sakuna.

Ang kriminal na kapabayaan ng kapitalismo

Ang mga nagpatakbo ng lipunan, ang uring burges kasama ang kanyang mga estado at kanyang midya, ay sinabihan tayo na hindi mahulaan ang pagdating ng epidemiya. Ito ay kasinungalingan katulad sa mga tumanggi sa epekto ng pagbabago ng klima. Matagal ng nagbabala ang mga syentista sa banta ng mga pandemiya tulad ng Covid-19. Pero hindi nakinig ang mga gobyerno sa kanila. Hindi nga nila pinakinggan ang ulat ng CIA sa 2009 (“What will tomorrow’s world be like?”) na naglarawan ng mga katangian na halos katulad sa kasalukuyang pandemiya. Bakit bulag ang mga estado at ang uring burges na pinaglilingkuran nila? Sa simpleng dahilan: ang kapital ay dapat magluwal ng tubo, at sa pinakamadali. Ang pamuhunan sa kinabukasan ng sangkatauhan ay walang tubo, at pinababa lamang nito ang presyo. Pinagtibay rin ng pamumuhunan ang posisyon ng bawat pambansang burgesya laban sa iba sa imperyalistang arena. Kung ang napakalaking pera na ginugol sa pananaliksik militar at gastusin ay inilaan sa kalusugan at kapakanan ng populasyon, ang naturang epidemiya ay hindi lalawak. Subalit sa halip na gumawa ng mga hakbang laban sa mahulaan na sakuna sa kalusugan, hindi huminto ang mga gobyerno sa pag-atake sa sistema ng kalusugan, pareho sa antas ng pananaliksik at teknikal at yaman ng sangkatauhan.

Kung namamatay ang mga tao tulad ng langaw ngayon, sa mismong teritoryo ng pinaka-abanteng mga bansa, ito ay pangunahin dahil kahit saan binawasan ng mga gobyerno ang badyet na nakalaan sa pananaliksik ng bagong mga sakit. Kaya sa Mayo 2018 binuwag ni Donald Trump ang ispesyal na yunit ng National Security Council, na binuo ng mga kilalang eksperto na nilikha para labanan ang mga pandemiya. Pero ang aktitud ni Trump ay karikatura lamang sa ginagawa ng lahat ng mga lider. Kaya, ang syentipikong pananaliksik sa coronavirus ay inabandona 15 taon na ang nakaraan dahil sa hinusgahan na ang lilikhaing bakuna ay “napakamahal”!

Kahalintulad, lubos na kasuklam-suklam na makitang umiiyak ang mga burges na lider at pulitiko, sa kanan at kaliwa, sa pagkatigmak ng mga ospital at sa mapaminsalang kalagayan kung saan napilitang magtrabaho ang mga manggagawa sa kalusugan, habang ang mga burges na estado ay nagpataw ng mga patakaran para sa tubo sa nagdaang mahigit 50 taon, at sa partikular mula sa malaking resesyon sa 2008. Kahit saan nilimitahan nila ang pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan, binawasan ang bilang ng mga higaan sa ospital, at pinatindi ang trabaho ng mga manggagawa sa kalusugan. At ano ang masabi natin sa pangkalahatang kakulangan ng mga mask at iba pang gamit para sa proteksyon, disinfectant gel, testing equipment, atbp? Sa nagdaang ilang taon, halos lahat ng mga gobyerno ay tinanggal ang stocks ng mga ito para makatipid sa pera. Sa nagdaang ilang buwan, hindi nila inaasahan ang mabilis na pagkalat ng Covid-19, sa kabila ng simula Nobyembre 2019, ang ilan sa kanila ay nagsabi ng walang kwenta ang mga mask sa mga hindi manggagawa ng kalusugan – para pagtakpan ang kanilang kriminal na pagiging iresponsable.

At paano na ang mga pinakamahirap na rehiyon sa mundo tulad ng kontinente ng Aprika o Latin Amerika? Sa Kinshasa, sa Democratic Republic of Congo, 10 milyong mamamayan ay nagkasya lang sa 50 ventilators! Sa Sentral Aprika, namigay ng polyeto sa populasyon paano maghugas ng kamay samantalang ang mamamayan ay walang tubig na mainom! Kahit saan pareho ang sigaw ng pagkabalisa: “kulang kami sa lahat sa harapan ng pandemiyang ito!”

Ang kapitalismo ay digmaan ng bawat isa laban sa lahat

Ang marahas na kompetisyon sa pagitan ng bawat estado sa pandaigdigang arena ang hadlang sa minimum na kooperasyon para makontrol ang virus. Noong una itong lumabas, nagpasya ang burgesyang Tsino na mas mahalaga na itago lumalalang sitwasyon, para protektahan ang kanyang ekonomiya at reputasyon. Hindi nag-alinlangan ang estado na usigin ang doktor na nagtangkang patunugin ang alarma, at pinabayaan siyang mamatay. Maging ang balatkayong internasyunal na regulasyon na binuo ng burgesya para harapin ang kakulangan ng kagamitan ay gumuho: hindi napatupad ng World Health Organisation ang mga direktiba habang ang European Union ay walang kapasidad para sa sama-samang mga hakbangin. Pinalala ng dibisyong ito ang kaguluhan at kawalan ng kontrol sa ebolusyon ng pandemiya. Ang dinamiko ng “bawat tao para sa kanyang sarili” at ang paglala ng pangkalahatang kompetisyon ay naging dominanteng elemento sa reaksyon ng naghaharing uri.

Ang “digmaan sa mga mask”, na katawagan ng midya, ay isang patunay na halimbawa nito. Bawat estado ay sinunggaban ang maaring makuha na materyal sa pamamagitan ng ispekulasyon, digmaan sa bidding, at maging lantarang pagnanakaw. Kinumpiska ng Amerika ang isang kargo ng eroplano ng mga mask mula Tsina na ipinangako para sa Pransya. Kinumpiska ng Pransya ang kargo ng mga mask papuntang Sweden. Kinuha ng Czech Republic sa kanyang adwana ang mga ventilator at mask para sa Italya. Naglaho sa Alemanya ang mga mask patungong Canada. Ito ang tunay na mukha ng mga “bantog na demokrasya”: pinakamasahol na pagnanakaw at gangsterismo!

Walang katulad na atake sa mga pinagsamantalahan

Para sa burgesya “mas mahalaga ang tubo kaysa ating mga buhay” tulad ng sigaw ng mga nagwelgang manggagawa ng sasakyan sa Italya. Sa lahat ng mga bansa, ipinagpaliban nito sa abot ng makakaya ang hakbangin ng ‘home quarantine’ para proteksyunan ang populasyon upang manatili ang pambansang produksyon anuman ang kapalit. Hindi ang banta ng mabilis na pagdami ng mga namatay ang dahilan ng lock-down. Ang maraming patuloy na imperyalistang masaker sa mahigit isang siglo, sa ngalan ng pambansang interes, ang patunay ng paghamak ng naghaharing uri sa buhay ng mga pinagsamantalahan. Hindi, walang pakialam ang mga naghari sa atin sa ating mga buhay! Laluna kung “nakatulong” ang virus, para sa burgesya, na patayin ang mga may sakit at matatanda, yaong tingin nito “hindi na produktibo”. Pabayaan na kumalat ang virus at gawin ang kanyang “natural” na tungkulin sa ngalan ng “herd immunity” ay ang unang pinili ni Boris Johnson at ibang mga lider. Sa bawat bansa, ang pangunahing dahilan ng lock-down ay ang takot sa dis-organisasyon ng ekonomiya at, sa ilang bansa, ang banta ng panlipunang kaguluhan, ang tumataas na galit bilang tugon sa kapabayaan at pagdami ng mga namatay. Dagdag pa, kahit pa sakop ang kalahati ng sangkatauhan, ang hakbangin ng social isolation ay sa maraming kaso isang ganap na komedya: milyun-milyong tao ang naobligang magsiksikan araw-araw sa mga treyn, tubes at bus, sa mga paktorya at palengke. At naghahanap na agad ng paraan ang burgesya na tapusin ang lock-down sa lalung madaling panahon, sa panahon na pinakamatindi ang pagkalat ng pandemiya, naghahanap ng paraan para mabawasan ang diskontento sa pamamagitan ng pagpabalik sa trabaho sa mga manggagawa ng sektor sa sektor, pabrika sa pabrika.

Pinanatili at nagpaplano ang burgesya ng mga panibagong atake, maging ng mas brutal na kondisyon ng pagsasamantala. Dahil sa pandemiya nawalan ng trabaho ang milyun-milyong manggagawa: 10 milyon sa loob lang ng tatlong linggo sa Amerika. Karamihan sa kanila iregular, kontraktwal o temporaryo ang trabaho, ay walang anumang kita. Ang iba na may maliit na panlipunang benepisyo, ay naharap sa kawalan ng kapasidad na makabayad ng renta at gastusin sa medical care. Ang paninira sa ekonomiya ay pinabilis ang pandaigdigang resesyon na naaninag na: sobrang pagtaas ng presyo ng pagkain, malawakang tanggalan, pagbawas ng sahod, paglaki ng kawalan ng seguridad sa trabaho, atbp. Lahat ng mga estado ay nagpatibay ng mga hakbangin ng “flexibility” sa pamamagitan ng panawagan ng sakripisyo sa ngalan ng “pambansang pagkakaisa laban sa virus”.

Ang pambansang interes na panawagan ng burgesya ngayon ay hindi natin interes. Ito mismong pagtatanggol sa pambansang ekonomiya at ang pangkalahatang kompetisyon, na sa nakaraan, ang dahilan ng pagbawas sa badyet at pag-atake sa kabuhayan ng mga pinagsamantalahan. Bukas, magsilbi ito sa parehong kasinungalingan na dahil sa pandemiya, manawagan ito sa mga pinagsamantalahan na mas pahigpitin ang sintoron, tanggapin ang mas lalupang kahirapan at pagsasamantala. Itong pandemiya ay ekspresyon ng dekadenteng katangian ng kapitalistang produksyon, isa sa maraming ekspresyon ng kabulukan ng kasalukuyang lipunan, kasama ang pagsira sa kapaligiran, polusyon at pagbabago ng klima, sa paglaganap ng mga imperyalistang digmaan at masaker, sa hindi mapigilang pagdami ng mahihirap, sa pagdami ng mga tao na naobligang maging migrante o bakwit, sa paglakas ng populistang ideolohiya at relihiyosong panatisismo, atbp (tingnan ang aming teksto “Theses on the decomposition of capitalism” sa aming internet site: (https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition). Ito ay senyales na nasa dead-end na ang kapitalismo, pinakita ang direksyon saan dadalhin ng sistema ang sangkatauhan: patungo sa kaguluhan, kahirapan, barbarismo, pagkasira at kamatayan.

Tanging ang proletaryado lang ang makapagbago sa mundo

Ilang mga gobyerno at midya ang nangatuwiran na hindi na maging tulad ng dati ang mundo pagkatapos nitong pandemiya, na dapat halawin ang mga aral ng sakuna, na sa huli ang mga estado ay tutungo sa mas makatao at mas magaling na porma ng kapitalismo. Narinig natin ang parehong deklarasyon matapos ang 2008 resesyon: ang kamay nasa kanilang puso, ang mga estado at lider ng mundo ay nagpahayag ng “digmaan laban sa tampalasang pinansya”, nangako na ang mga sakripisyong hinihingi para makawala sa krisis ay may gantimpala. Tingnan na lang natin ang tumataas na hindi pagkapantay-pantay sa mundo para malaman na ang mga pangakong ito na “repormahin” ang kapitalismo ay pawang kasinungalingan para lunukin natin ang bagong paglala ng kondisyon ng ating kabuhayan.

Hindi mababago ng mapagsamantalang uri ang mundo at ilagay sa unahan ang buhay at pangangailangan ng tao ibabaw sa malupit na mga batas ng kanyang ekonomiya: ang kapitalismo ay sistema ng pagsasamantala, kung saan ang nagharing minoriya ay kumuha ng kanyang tubo at pribilihiyo mula sa paggawa ng mayoriya. Ang susi sa kinabukasan, ang pangako para sa ibang mundo, isang tunay na makataong mundo na walang mga bansa o pagsasamantala, ay tanging nakasalalay sa internasyunal na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga nakibakang manggagawa!

Ang alon ng ispontayong pagtutulungan sa loob ng ating uri bilang tugon sa hindi matiis na sitwasyon na naranasan ng mga manggagawa sa kalusugan ay nilihis ng mga gobyerno at pulitiko sa buong mundo tungo sa kampanya ng palakpakan sa mga pintuan at balkonahe. Syempre ang mga palakpakang ito ay nakakataba ng puso ng mga manggagawa na, sa lakas ng loob at dedikasyon, sa ilalim ng matinding kondisyon, inalagaan ang may sakit at nagliligtas ng buhay. Pero ang pakikiisa ng ating uri, ng pinagsamantalahan, ay hindi limang minuto na palakpakan lang. Nagkahulugan ito, unang-unang na, pagtuligsa sa mga gobyerno ng lahat ng bansa, anuman ang kanilang pampulitikang kulay. Nagkahulugan ito ng kahilingan para sa mga mask at lahat ng kailangang kagamitan para sa proteksyon. Nagkahulugan ito, kung posible, ang magwelga at manindigan na hanggat ang mga manggagawa sa kalusugan ay walang materyal na kailangan nila, hanggat inihagis sila sa kanilang kamatayan na walang takip ang mukha, ang mga pinagsamantalahan na wala sa mga ospital ay hindi magtrabaho.

Ngayon, habang nariyan pa ang lock-down, hindi tayo makapaglunsad ng malawakang pakikibaka laban sa mamatay-tao na sistema. Hindi tayo makapagtipon para ipahayag ang ating galit at ating pagkakaisa sa pamamagitan ng malawakang pakikibaka, sa mga welga at demonstrasyon. Dahil sa lock-down, pero hindi lang ‘yan. Dahil rin sa muli pang diskubrehin ng ating uri ang tunay na pinagmulan ng kanyang lakas, na ilang beses na nitong pinakita sa kasaysayan pero nakalimutan na: ang potensyal para sa pagkakaisa sa pakikibaka, para sa pagpapaunlad ng malawakang kilusan laban sa naghaharing uri at sa kanyang halimaw na sistema.

Ang mga welga na nangyari sa sektor ng industriyang automobile sa Italya o sa mga supermarket sa Pransya, sa harap ng mga ospital sa New York o sa Hilagang Pransya, ang malaking galit ng mga manggagawa na tumangging maging “pambala ng virus”, na tinipon na walang mga mask, glove o sabon, para lang sa kapakanan ng mga nagsasamantala sa kanila, ay sa ngayon mga kalat-kalat na reaksyon at hindi nakaugnay sa lakas ng buong nagkakaisang uri. Gayunpaman, pinakita nila na hindi handa ang mga manggagawa, na parang hindi maiwasan, na tanggapin ang kriminal na pagiging iresponsable ng mga nagsasamantala sa atin.

Ang ganitong perspektiba ng pakikibaka ang dapat nating paghandaan. Dahil matapos ang Covid-19 ay magkaroon ng pandaigdigang ekonomikong krisis, malawakang kawalan ng trabaho, bagong mga “reporma” na walang iba kundi dagdag sakripisyo. Kaya ngayon pa lang, kailangang paghandaan ang ating mga darating na pakikibaka. Paano? Sa pamamagitan ng diskusyon, palitan ng karanasan at ideya, sa ibat-ibang daluyan sa internet, sa mga porum, sa telepono, hanggat posible. Naunawaan natin na ang pinakamalaking salot ay hindi ang Covid-19 kundi ang kapitalismo, na ang solusyon ay hindi pakikiisa sa mamatay-tao na estado kundi ang tumindig laban dito; na ang pag-asa ay hindi sa mga pangako ng kung sinu-sinong pulitiko kundi sa pagpapaunlad ng pagkakaisa ng manggagawa sa pakikibaka; na ang tanging alternatiba sa barbarismo ng kapitalismo ay pandaigdigang rebolusyon!

ANG KINABUKASAN AY PARA SA MAKAURING PAKIKIBAKA!

Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 10.4.20

 

Source URL: https://en.internationalism.org/content/16830/generalised-capitalist-bar...

Rubric: 

Pandemiya ng Covid-19