Sinu-sino ang nasa “Nuevo Curso”?

Printer-friendly version

Mapalaya lang ng proletaryado ang sangkatauhan mula sa nakakasakal na kadena ng pandaigdigang kapitalismo kung ang kanyang pakikibaka ay pinasigla at pinataba ng kritikal na istorikal na pagpapatuloy ng kanyang mga komunistang organisasyon, ang sinulid na umuugnay mula sa Liga Komunista ng 1848 hanggang sa kasalukuyang mga organisasyon na kabilang sa tradisyon ng kaliwang komunista. Ang kawalan ng ganitong kumpas, ang reaksyon ng mga manggagawa laban sa kalupitan at kahirapan na ipinataw ng kapitalismo ay mauuwi sa bulag, desperadong mga pagkilos, na tutungo sa tiyak na kadena ng mga kabiguan.

Ang blog ng Nuevo Curso ay nais ipakilala ang sulatin ni Munis bilang bahagi ng "Kaliwang Komunista", pero hindi talaga kumawala si Munis sa maling daan at oryentasyon ng Kaliwang Oposisyon na nabulok tungong Trotskyismo, isang tendensya na mula 1940s ay malinaw na pumusisyon sa likod ng pagtatanggol sa kapitalismo, kasama ang kanyang mga nakakatandang kapatid, ang Stalinismo at sosyal demokrasya.

Sinagot namin ang pag-angkin na ito sa artikulong “Nuevo Curso and the ’Spanish Communist Left’: what are the origins of the Communist Left?”1

Kaya ang pandaigdigang partido sa hinaharap, kung gagawa ito ng tunay na kontribusyon sa komunistang rebolusyon, ay hindi maaring kumuha mula sa pamana ng Kaliwang Oposisyon. Dapat nakabatay ang kanyang programa at pamamaraan ng pagkilos sa karanasan ng kaliwang komunista. May mga hindi pagkakasundo sa hanay ng mga grupo na nagmula sa tradisyong ito, at responsibilidad nila na ipagpatuloy ang debate sa mga pampulitikang hindi pagkakasundo para mas maunawaan ng bagong henerasyon ang kanilang pinagmulan at kahalagahan…may umiiral na komon na pamana ng kaliwang komunista na nakilala ang kaibahan mula sa ibang kaliwang tendensya na nagmula sa Komunistang Internasyunal. Dahil dito, sinuman na umaangkin na kabilang sa kaliwang komunista ay may responsibilidad na malaman ang kasaysayan ng sangkap na ito ng kilusang manggagawa, ang kanyang pinagmulan laban sa pagkabulok ng mga partido ng Komunistang Internasyunal, at ang ibat-ibang mga sanga nito (ang Italian left, ang German-Dutch left, atbp). Importante higit sa lahat na tamang maunawaan ang istorikal na tabas ng kaliwang komunista at ang mga kaibahan na naghiwalay dito mula sa ibang mga kaliwang tendensya sa nakaraan, laluna ang Trotskyistang tendensya”.

Ang artikulong ito, sinulat sa Agosto 2019, ay ganap na binabalewala ng Nuevo Curso. Ang ingay ng katahimkan ay malakas na umalingawngaw sa ating mga tanga na nagtatanggol sa pamana at kritikal na pagpapatuloy ng kaliwang komunista. Mas nakakagulat pa dahil bawat araw ay naglathala ng bagong artikulo ang Nuevo Curso sa ibat-ibang paksa mula sa Netflix, at ang pinagmulan ng Pasko. Subalit, para sa kanya hindi kailangan na maglaan ng argumento sa napakahalagang paksa para bigyang katuwiran ang pag-angkin na bahagi ng kaliwang komunista ang kaugnayan sa pagitan ni Munis at ng Kaliwang Oposisyon na naging Trotskyismo.

Nagtapos ang aming artikulo sa pagsabing: “Malamang naghahanap tayo ng isang sentimental na kulto sa isang dating proletaryong mandirigma. Kung ito ang kaso, kailangang sabihin natin na ito ay isang proyekto na tutungo sa paglikha ng maraming kalituhan dahil ang kanyang tesis, na ginawang dogma, ay dalisayin lamang ang kanyang pinakamalalang mga pagkakamali… Isa pang posibleng paliwanag ay ang tunay na Komunistang Kaliwa ay inaatake ng isang mapanirang ‘doktrina’ na biglang binuo gamit ang mga materyales ng bantog na rebolusyonaryo. Kung yan ang kaso, obligasyon ng mga rebolusyonaryo na labanan ang naturang pagpapanggap sa pinakamalakas na enerhiya”.

Ang pinakamasamang bagay sa pagkatalo ng pandaigdigang rebolusyonaryong alon ng 1917-23 ay ang napakalaking distorsyon na ginawa ng Stalinismo bilang "komunismo", "Marxismo" at "mga proletaryong prinsipyo". Ang mga rebolusyonaryong organisasyon ngayon ay hindi papayagan na ang lahat ng pamana ng kaliwang komunista na masakit na pinaunlad sa mahigit isang siglo ay papalitan ng isang mapanligaw na doktrina batay sa nakakalito at oportunistang kanggrena na Kaliwang Oposisyon. Ito ay isang brutal na dagok sa perspektiba ng proletaryong rebolusyon.

Ang pinagmulan ng Nuevo Curso

Sa Setyembre 2017 nadiskubre namin ang blog na tinawag na Nuevo Curso2, na sa simula ay pinakilala ang sarili bilang interesado sa mga posisyon ng kaliwang komunista at bukas sa debate. ‘Yan kahit papano ang sinabi ng NC sa kanyang tugon sa unang sulat ng IKT na pinadala sa kanila. Ito ang kanilang sagot

Hindi namin tinitingnan ang aming sarili bilang isang pampulitikang grupo, isang proto-partido o kahalintulad…Kabaliktaran, tinitingnan namin ang aming gawain bilang ‘mapaghugis’, para matulungan angdiskusyon sa mga pagawaan, sa hanay ng kabataan, atbp, at kung malinaw na namin ang ilang mga batayang elemento, na magsilbing tulay sa pagitan ng bagong mga tao na nadiskubre ang marxismo at ang mga internasyunalistang organisasyon (sa esensya ang ICT at kayo, ang ICC) na, sa nakikita namin, ay natural na mga pwersang magtatatag ng partido sa hinaharap sa kabila na napakahina pa nila sa ngayon (at syempre, sa buong uring manggagawa)”3

Ang pamamaraang ito ay naglaho ilang buwan pagkatapos, na walang ditalyado at kapani-paniwalang paliwanag, ng nagdeklara ang NC na pagpapatuloy ng sinasabing Kaliwang Komunista sa Espanya, ang pinagmulan nito ay si Munis at ang kanyang grupo, ang FOR4. Nagpahayag na kami na ang pag-angking ito ng ninuno ay walang iba kundi kalituhan sa pagitan ng kaliwang komunista at Trotskyismo, at mula sa paninindigan ng pagpapatuloy ng mga pampulitikang prinsipyo, ang mga posisyon ng NC ay hindi pagpapatuloy sa kaliwang komunista, kundi sa Trotskyismo o, sa pinakamabisa, pagtatangkang humiwalay sa Trotskyismo5. Walang programatikong pagpapatuloy sa pagitan ng NC at ng kaliwang komunista.

Pero paano ang organikong pagpapatuloy? Ito ang unang sinabi nila hinggil sa kanilang sarili

Sa ilalim ng blog at ‘Paaralan ng Marxismo’, kami ay maliit ng grupo ng lima ka tao na kumikilos at namuhay ng sama-sama sa loob ng 15 taon sa isang gawaing kooperatiba na umaandar bilang komunidad ng pag-aari. Ito ang aming paraan para labanan ang kawalan ng permanenteng hanapbuhay at para kumita. At para panatilihin ang paraan ng pamumuhay kung saan maari kaming magdiskusyon, matuto at kapaki-pakinabang sa aming mga pamilya at kaibigan sa napakahirap na panahon” (ibid)

At sa pag-amin nila, ang kanilang pangunahing pagkilos ay napakalayo sa pagiging marxistang kritisismo; sa pangkalahatan, sa kawalan ng kongkretisasyon, ito ay paglaan ng kanilang pagsisikap “para organisahin ang gawain sa posibleng produktibong paraan (isang bagong kooperatiba o komunal na kilusan na bigyang diin ang teknolohikal na posibilidad sa isang walang kalakal na lipunan, i.e. komunistang lipunan6 (ibid).

Sa kabilang banda, dagdag sa kanyang sentral na nukleyus, at tila mula sa ibat-ibang resulta ng repleksyon at diskusyon, ibat-ibang grupo ng kabataan ang naipon tungo sa grupong ito sa maraming syudad.“

Ang nakakagulat ay paanong ang naturang mga elemento, pinakilala mismo ang website ng NC mula sa simula na ito ay kabilang sa kaliwang komunista. Ang papel ng isa sa mga elemento na nag-ambag dito ay pinaliwanag sa sulat

isa sa amin (ie kooperatisbistang nukleyus, editor’s note), si Gaizka7, na isa sa inyong mga kontak sa 1990s, at, tulad ng sinabi niya mismo, ay natuto ng marxismo mula sa inyo. Ang katunayan na pinahalagahan namin siya at ang library na dinala niya ay importanteng bahagi ng aming proseso” (ibid).

Katunayan, itong “kooperatibistang myembro” ay lumitaw sa aming pampublikong pulong sa Disyembre 2017 sa sentenaryo ng rebolusyong Ruso at nakilala na namin, sa binanggit sa itaas na si Gaizka, na sa 90s ay sumali sa isang programatikong diskusyon sa IKT. Pagkatapos ng pulong sinabi niya sa amin na may ugnay siya sa grupo ng kabataan, na binigyan niya ng “marxistang pagtuturo”, upang hikayatin kami na makipag-ugnayan.

Ang sagot namin sa kanyang panukala na makipag-ugnayan ay dapat linawin muna niya ang ilang pampulitikang pinagdaanan na hindi niya napaliwanag sa 90s, at may kareristang aktitud at malapit at matagal na ugnayan sa Spanish Socialist Workers’ Party (PSOE)8 at kasabay nito ay umaangkin sa mga posisyon ng kaliwang komunista.

Hindi siya sumagot dito sa Disyembre 2017, ni pagkatapos, sa apat na sulat na pinadala namin sa kanya sa parehong laman; kaya, ayon sa proletaryong tradisyon na linawin ang mga “malabong” yugto sa pampulitikang buhay, nanatili kaming humihingi ng paliwanag. Sa kawalan ng paliwanag, sa pagmamasid sa kanyang pampulitikang pagkilos9 mula ng magkita kami ay nagpakita na ang kanyang ugnayan sa PSOE ay nanatili.

Ang lubak-lubak na daan ni Gaizka

1992-94: kontak sa IKT, at biglang pagkawala

Sa 1992, nakipag-ugnayan si Gaizka sa IKT, na pinakilala ang sarili na myembro ng grupong “The Spartacist Union”, na umaangkin na nagtatanggol sa mga posisyon ng kaliwang komunistang Aleman (mga posisyon na hindi na niya nagustuhan). Sa realidad, ito ay sa esensya siya at ang kanyang partner10; at sa puntong ito ang kanilang pagkakilala sa mga programatikong posisyon at tradisyon ng kaliwang komunista ay mas pa sa paghahangad kaysa sa realidad.

Mula sa simula, interesado siya na sumapi sa aming organisasyon sa napakabilis na paraan at nakaramdam ng pagkabagot ng tumagal ang mga diskusyon para sa kinakailangang mga klaripikasyon, o kung ilan sa kanyang mga aktitud ay tinatanong – sa partikular kaugnay ng isa pang elemento na sumama sa isang sirkulo ng diskusyon sa Madrid, kung saan may mga panahon na lumalahok din ang Battaglia Comunista.

May problema rin sa diskusyon sa kanyang pampulitikang kasaysayan. Bagamat sinabi niya sa amin na may kontak siya sa Socialist Youth (ng PSOE), nagpakita siya ng pagkamangha sa karanasan ng kibbutz11, at may mga komento na tila nag-ugnay kay kay Borrell12 at sa maka-Israel na Socialist lobbyp. Dagdag pa, hindi nilinaw ni Gaizka ang kanyang organisasyunal na relasyon sa PSOE o kanyang agkalas.w

Sa 1994, may debate sa IKT, mga debate hinggil sa problema ng diwa ng sirkulo sa kilusang manggagawa mula 1968 at personal na relasyon na nakatago sa proyektong “komunal” na pamumuhay. Sa panahon ng mga diskusyon sa aming mga prinsipyo ng organisasyon, inihapag namin kay Gaizka ang lahat ng aming mga posisyon hinggil dito. At ito marahil ang dahilan ng direkta siyang tanungin na ipaliwanag ang ang mga aspeto ng kanyang tunguhin na hindi malinaw13, una sa lahat tila hindi siya nagulat, sa kabila na pinakilala namin na ang pulong ay isang komprontasyon na naka-rekord (bago nito hindi namin ni-rekord ang pakikipag-usap sa kanya). At pangalawa, hindi siya nagbigay ng anumang paliwanag at naglaho mula sa kampo ng kaliwang komunista. Hanggang ngayon!

Patuloy ang ugnayan sa PSOE…

Ang tanong talaga sa pampulitikang landas ni Gaizka ay hindi ang katotohanan na sa ilang pagkakataon ay naging simpatisador o militante siya ng Socialist Youth at hindi niya ito sinabi ng malinaw; ang dapat ipaliwanag ay ang katotohan na sa kabila ng kanyang pag-angkin na kumbinsido siya sa mga posisyon ng kaliwang komunista, ang kasaysayan ng kanyang buhay ay nag-iwan ng maraming bakas na nagpakita ng pampulitikang relasyon sa mga tao na naging matataas na lider ng PSOE.

Sa 1998-9, naging “tagapayo” siya, na walang malinaw na paliwanag kung ano ang ibig sabihin, sa kampanya ni in Borrell sa eleksyon sa PSOE, na makikita sa ilan sa kanyang mga salaysay sa internet. Isa sa aming mga militante ay nakita siya sa telbisyon sa opisina ng kandidato14. Nais maliitin ni Gaizka ang tanong sa pagsabing nandoon lang siya bilang “office boy” ng kampanya, na hindi napansin ni Borrell. Pero ang totoo may mga lider ng PSOE, tulad ni Miquel Iceta.15 haimbawa, ay nagsabi sa publiko na nakasama nila si Gaizka sa panahon ng kampanya. At tila hindi lohikal na ang matataas na opisyales ng PSOE ay lapitan si Borrell para pakiusapan na ipakilala sila sa kanyang office boy

Dagdag pa, sa parehong mga taon, lumahok din si Gaizka sa isang “humanitarian mission” ng European Council of Humanitarian Action and Cooperation sa Kosovo16 kasama si David Balsa, ngayon ay presidente ng Euro-Central American Conference, at dating presidente ng European Council of Humanitarian Action and Cooperation. Siya ay dating lider ng Sosyalistang Kabataan at dating myembro ng Komiteng Tagapagpaganap ng Sosyalistang Partido ng Galicia. Sa isang sulat para sa Italian Radical Party, sinabi ni Gaizka na siya “ang batang lalaki na pumunta sa Albania kapalit ko”.

Maliban sa ito ay pahiwatig sa pagdududa ng mas malapit na relasyon sa pagitan ni Gaizka at PSOE kaysa kanyang inamin, ito ay pahiwatig ng aktibong partisipasyon sa isang imperyalistang digmaan sa ilalim ng maskarang “humanitarian action” at ang “mga karapatan ng tao17.

Sa 2003, isa rin siyang tagapayo sa kampanya ni Belloch ng PSOE18 pagka mayor ng Zaragoza, At inamin niya dito: “Aktibo talaga ako sa kampanya ng mayor, si Juan Alberto Belloch, para baguhin ang syudad bilang malawak na syudad, ekonomikong modelo, kung saan magkroon ng pag-unlad sa mga tipo ng negosyo na nakaugnay sa tunay na mga komunidad, napaka-transnational at hyper-connected”.

Sa 2004, pagkatapos ng teroristang atake sa 11 Marso at pambansang panalo ng PSOE sa eleksyon, sumulat ng prologue si Rafael Estrella para sa libro ni Gaizka, na puno ng papuri sa kanyang mga katangian. Ang taong ito ay myembro ng PSOE, isang tagapagsalita ng Commission for Foreign Affairs in the Congress of Deputies, at presidente ng parliyamentaryong asembliya ng NATO19. Binigyang-diin ng libro ang kawalang kapasidad ng maka-kanang Popular Party na unawain ang mga atake sa Atocha, pero walang isang salita ng kritisismo sa PSOE. Sa ilang okasyon ay sinipi si Felipe Gonzalez sa librong ito.

Ang deputado ring ito ng PSOE ay kalaunan naging ambasador ng Espanya sa Argentina sa 2007 (hanggang 2012) at inanyayahan si Gaizka na ipakilala ang kanyang libro sa embahada, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makaugnayan ang mga grupong pulitikal at ekonomiko sa bansang ito.

Isa pang “padrino” na may mahalagang papel sa pakikipagsapalaran ni Gaizka sa Timog Amerika ay si Quico Maňero, kung saan sinabi niya sa isang dedikasyon sa isa pa niyang libro: “Kay Federico Maňero, kaibigan, tagapaugnay ng mundo at sa maraming pagkakataon isang maestro, na sa ilang taon ay nagtulak sa atin na ‘mamuhay sa sayaw’ ng mga kontinente at mga pagpapanayam, na tinanggap kami at inalagaan kahit saan kami magpunta. Kung wala siya, hindi kami mabuhay bilang mga neo-Venetian”.

Ito ang sinabi ng Izquierda Socialista (isang maka-kaliwang tunguhin sa PSOE) hinggil sa taong ito:

ang sangay ng REPSOL20 (o pag-aari ng) sa Argentina ay negosyo ni Señor Quico Maňero, ang dating asawa ni Elena Valenciano21, isang istorikal na lider ng PSOE (pangkalahatang kalihim ng Sosyalistang Kabataan), malapit na tagapayo ni Felipe Gonzalez, pinangalanan sa 2005 bilang myembro ng Argentine Administrative Council of REPSOL-YPF. Kasalukuyang siya ang target ng imbestigasyon sa iskandalong Invercaria at sa Andalusian funds of the ‘reptiles’ (isang iskandalo sa pinansya) kung saan tumanggap siya ng 1.1 million euros.22

Sa parehong panahon, sa 2005, nagtrabaho si Gaizka sa Jaime Vera Foundation ng PSOE, na isang tradisyunal na insttusyon para sanayin ang mga pampulitikang kadre ng partido, at tila sa 2005, ang institusyong ito ay nag-umpisa ng isang internasyunal na programa para sa pagbuo ng mga kadre na ang layunin ay palawakin ang impluwensya labas sa hangganan ng Espanya. Sa kontekstong ito, lumahok si Gaizka sa pagbuo ng “K-Cyberactivists” sa Argentina, na tumulong sa kampanya ni Cristina Kirchner sa 2007, kung saan siya ay naging presidente.

Lumitaw ang ideya dalawang taon na ang nakaraan sa pampulitikang kasunduan ng gobyerno. Sa 2005, mga dalawampu ka tao na pinili ng Casa Rosada (ang sentro ng presidente ng Argentin) na bubuuin ng Jaime Vera Foundation, ang paaralan ng gobyerno ng mga lider ng PSOE, ang Partido Sosyalista ng Espanya. Binuo sila ng mga nagtayo ng K-Cyberactivists: ang militanteng si Sebastian Lorenzo (www.sebalorenzo.co.ar) at Javier Noguera (nogueradeucuman.blogspot.com), ang kalihim ng gobyerno na si José Alperovich, ang gobernador ng TucumánNatuliro kami ng sinabi niya sa amin ang hinggil sa mga blog at social networks, pahayag ni Noguera sa La Nación. Ito malamang: ang ‘propesor’ na Espanyol ay ang pandaigdigang sanggunian ng cyberactivism…ang parehong tao, isang buwan ang nakaraan, na sinamahan ni Rafael Estrella, na ipinakilala ang kanyang bagong libro sa Buenos Aires23.

Sa mga taon matapos ang 2010, at laluna matapos matalo sa eleksyon ang PSOE, wala na gaanong partisipasyon ang partidong ito

At minsan sa maka-kanang liberalismo

Katunayan, bago ang panalo ng PSOE sa 2004, sinubukan ni Gaizka na gamiting maskara ang PP, at nakipagtulungan sa PP Youth, sa pagtayo ng Los Liberales.org, na ayon sa organisasyong ito na magsilbi “para buuin ang koleksyon ng liberalismong Espanyol sa online para sa kaayusan. Nitong Sabado at Linggo ay nagtrabaho kam at, matapos ang maraming oras sa harap ng kompyuter, nakita namin ano ang nasa internet, ang ibat-ibang pamilya ng liberal at libertarian(hindi mga anarkista) na minsan ay may bangayan sa isat-isa. Ito ang dahilan ng pagkabuo ng Los Liberales.org, isang hindi-partisan na proyekto para sa mga liberal at sa mga interesado sa ganitong klaseng kaisipan”24.

Kabilang sa sambahayang ito ay mga tao tulad ni Jiménez Losantos25 at kanyang pahayagan na Libertad digital, kung saan maraming artikulo na sinulat si Gaizka, o ang mga konserbatibong Kristyanong liberal, na hindi tiyak kung sila ba ay mga liberal o bahagi ng dulong kanan.

Ang mamahayag na si Ignacio Esolar26 ay sumulat sa librong la Blogoesfera hispana, hindi nagtagal ang grupong ito. Ideolohikal na hindi pagkakasundo ng mga nagtatag ang tumapos sa proyekto

Ano ang ginagawa ng isang Gaizka sa kaliwang komunista27

Sa pagsusuri sa pampulitikang Curriculum Vitae ni Gaizka malinaw ang kanyang malapit na relasyon sa PSOE. Mula ng iniwan nito ang proletaryong kampo sa kanyang ekstra-ordinaryong kongreso sa Abril 192128, ang PSOE ay may mahabang kasaysayan ng pagsisilbi sa kapitalistang estado: sa ilalim ng diktadurya ni Primo de Rivera (1923-30) ang kanyang unyon na UGT ay naging tagapagpabatid ng pulisya, nagtuturo ng maraming militante ng CNT; at si argo Caballero, na naging tagapamagitan sa pagitan ng PSOE at UGT, ay isang tagapayo ng diktador. Sa 1930, biglang nagbago ng tono ang PSOE at inilagay ang sarili sa unahan ng mga pwersa na, sa 1931, nagtatag ng Ikalawang Republika, kung saan namuno ito sa gobyerno katulong ang mga Republican mula 1931 hanggang 1933. Dapat tandaan na sa loob ng dalawang taon, 1500 manggagawa ang pinatay sa panunupil sa mga welga at pag-alsa. Kalaunan, nasa bag-as ang PSOE sa gobyernong Popular na namuno sa paghahanda sa digmaan at sa proseso ng militarisasyon, na nagbigay ng kalayaan sa mga Stalinistang gangster na supilin ang pag-alsa ng mga manggagawa sa Barcelona sa Mayo 1937. Sa muling pagtatag ng demokrasya sa 1975, gulugod ang PSOE sa estado, na naging partido na pinakamatagal na namuno sa gobyerno (1982-1996, 2004-2011, at mula 2018). Ang pinaka-brutal na patakaran laban sa kalagayan ng manggagawa ay ginagawa ng mga gobyerno ng PSOE, laluna ang pagpatupad ng planong pagtanggal sa milyung manggagawa sa 80s, o ang programa ng pagtipyas sa panlipunang benepisyo na ginawa ng gobyernong Zapatero na pinagpatuloy ng gobyerno ni Rajoy ng PP.

Sa balwarteng ito ng burges na estado nakipagtulungan si Gaizka; hindi ito mga elemento ng rank and file”, na naloko, kundi ng mga lider ng partido, tulad ni Borrell na responsable sa patakarang panlabas ng European Commission, at kay Belloch ng ministro ng interior, kay Estrella na pangulo ng parliamentary assembly ng NATO.

Sa CV ni Gaizka, walang anumang bakas ng matatag na konbiksyon sa mga posisyon ng kaliwang komunista; para malinaw, wala siyang anumang pampulitikang konbiksyon, dahil hindi siya nag-atubiling umalembong sa kampo ng kanan. Ang “marxismo” ni Gaizka ay isang porma ng “Groucho-marxismo”: tandaan ang sikat na komedyanteng si Groucho Marx ng nagpatutsada siya: “narito ang aking mga prinsipyo. Kung hindi mo ito gusto mayroon pa ako sa aking bulsa”.

Kaya ang tanong: bakit binuo ni Gaizka ang Nuevo Curso bilang “istorikal” na kawing sa tinawag na “Kaliwang Komunistang Espanyol”? Ano ang kinalaman ng taong ito sa mga posisyon at istorikal na pakikibaka ng uring manggagawa?

At sa pagpapatuloy nito, ano ang kinalaman ng parasitikong grupo na “International Group of the Communist Left” sa lahat ng ito? May mga myembro ang IGCL na myembro ng sentral na organo ng IKT sa 1992-94 at alam ang aktitud ni Gaizka sa panahong iyon, hanggang ngayon dahil siya ang pangunahing animator ng Nuevo Curso. Pero nagbulag-bulagan sila dito, tahimik at tinatago ang kanyang linya at nagdeklara na ang grupong ito ay ang kinabukasan ng kaliwang komunista at mga katulad nito.

Ang Nuevo Curso ay isang blog ng mga kasama na regular na naglathala sa sitwasyon at mas malawak na mga usapin, kabilang na ang teoretikal na mga isyu. Sa kasamaang-palad ang kanilang blog ay sa Espanyol lamang. Ang listahan ng kanilang mga posisyon ay makauring posisyon na bahagi ng programatikong balangkas ng kaliwang komunista…Bilib na bilib kami hindi lang sa apirmasyon ng kanilang makauring mga posisyon na walang konsesyon, kundi kabilang na rin ang ‘marxistang kalidad’ ng mga teksto ng mga kasama….”29

Kaya ang pagtatag ng Emancipacion bilang ganap na pampulitikang grupo ay ekspresyon ng katotohanan na ang internasyunal na proletaryado, bagamat sinusupil at napakalayo pa na itulak ang ibat-ibang mga atake ng kapital, ay lumalaban at kumakawala sa ideolohikal na kontrol ng kapital, at nanatiling posible ang kanyang rebolusyonaryong hinaharap. Ito ay ekspresyon ng (relatibong) kasiglahan’ ng proletaryado.30

Sa tradisyon ng kilusang manggagawa, na ang istorikal na pagpapatuloy ay kinakatawan ngayon ng kaliwang komunista, ang mga prinsipyo ng organisasyon, ng pagkilos, ng gawi at katapatan ay kasing halaga ng mga programatikong prinsipyo. Ilan sa mga pinaka-importanteng kongreso sa kasaysayan ng kilusang manggagawa, tulad ng Kongreso sa Hague sa 1872, ay inilaan sa pakikibaka para ipagtanggol ang proletaryong aktitud (at ito ay sa kabila na nangyari ang kongreso isang taon matapos ang Komuna sa Paris at naharap sa pangangailangan na lagumin ang mga aral nito)31. Naglaan mismo si Marx ng buong libro, na natapos niya ng mahigit isang taon, na nakagambala sa kanyang pagsulat ng Kapital, para depensahan ang proletaryong asal laban sa mga intriga ni Herr Vogt, isang Bonapartistang ahente na nag-organisa ng kampanya ng paninira laban kay Marx at sa kanyang mga kasama. Kamakailan ay naglathala kami ng artikulo ng pagkondena ni Bebel at Liebknecht sa hindi tapat na gawi nila Lassalle at Schweitzer32. At sa 20 siglo, naglaan si Lenin ng libro – One Step Forward Two Steps Back – para lagumin ang mga aral ng Ikalawang Kongreso ng Russian Social Democratic Labour Party hinggil sa bigat ng kaugalian na banyaga sa proletaryado. Maari din naming banggitin si Trotsky na nanawagan ng isang jury of honour para ipagtanggol ang kanyang integridad laban sa mga paninira ni Stalin.

Ang katotohanan na mayroong may malapit na kaugnayan sa matataas na lider ng PSOE na biglang dumating sa kampo ng kaliwang komunista ay dapat maging hudyat sa lahat ng mga grupo at militante na nakibaka sa istorikal na interes ng ating uri, kabilang na ang nasa blog ng Nuevo Curso na tapat sa ginagawa, na naniwala na sila ay lumalaban para sa mga prinsipyo ng kaliwang komunista.

Sa 1994, tinanong namin si Gaizka na linawin ang kanyang tunguhin at ang kanyang kahina-hinalang mga asosasyon ng panahong iyon.. Nawala siya sa eksena. Sa 2018, matapos siyang bumalik dala ang buong listahan ng mga kontak sa mataas na posisyon ng PSOE, muli namin siyang tinanong at nanatili siyang tahimik. Para sa pagtatanggol ng kaliwang komunista, sa kanyang integridad at kontribusyon sa hinaharap, kailangang magpaliwanag siya sa lahat ng ito.

KT  20.1.20

2 Mula Hunyo 2019, binuo ng Nuevo Curso ang sarili bilang isang pampulitikang grupo sa ilalim ng pangalang Emancipación, sa kabila na ang kanyang blog ay sa ilalim ng pangalang Nuevo Curso. Ang ebolusyong ito ay hindi makaapekto sa laman ng artikulong ito.

3 7.11.17, mula sa [email protected] para sa [email protected]

6 Sino ang makaintindi nito? Sa panig namin, hindi namin subukan na unawain kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng aktibidad na ito. Sapat na sabihin sa ngayon na sa kabila ng ‘komunistang’ tatak nito, ito ay walang kinalaman sa tunay na komunista o rebolusyonaryong aktibidad, tulad ng pag-amin mismo ng sulat, ng sabihin nito na para uunlad patungong marxismo dapat simulan ang kritika sa ganitong klaseng aktibidad.

.“Subalit sa loob ng isa at kalahating taon o dalawang taon, naramdaman namin ang pagbabago sa palibot namin. Nakapagsalita kami sa ibat-ibang paraan at maraming masigasig na kabataan ang lumitaw na ikinatutuwa namin pero nahulog sa pinaka-klasikong porma ng Stalinismo at Trotskyismo” (mula sa sulat na binanggit ng NC, op cit).

7 Sa sulat, ginamit ang kanyang tunay na pangalan; dito gamitin namin ang pangalan na nakilala namin sa kanya mula 1990s.

. Pero, wala kaming problema - kabaliktaran - sa pakikipagkita sa mga grupo ng kabataan, at ito ang ginawa namin sa isa sa kanila sa Nobeyembre 2018.

9 Sa ilalim ng kanyang tunay na pangalan at apelyido, si Gaizka ay isang pampublikong personalidad sa web, at ito ang dahilan na maobserbahan namin ang kanyang presensya at partisipasyon sa ibat-ibang pampulitikang inisyatiba. Subalit hindi namin maaring ilahad dito ang lahat ng mga dokumento na hindi ihayag ang kanyang tunay na pangalan.

10 Sa simula may ibang mga tao na umalis sa grupo.

11 Nanatili ang pagkamangha niya sa pinakahuling panayam kay Gaizka, pero nakatago ito sa pagtatanggol sa komunal na karanasan ng kibbutz, sa partikular sa kanyang inisyal na yugto sa simula ng 20 siglo, na walang pagsangguni sa pampulitikang papel nito sa imperyalistang interes ng estado ng Israel: “Ang ‘Indianos’ (ie komuna ni Gaizka, tala ng editor) ay mga komunidad na kahalintulad ng kibbutz (walang indibidwal na pag-iimpok, ang mga kooperatiba mismo ay nasa ilalim ng kolektibo at demokratikong kontrol, atbp), pero may mahalagang pagkakaiba tulad ng kawalan ng sinang-ayunang relihiyosong ideolohiya; at ipinamahagi sila sa maraming mga syudad sa halip na konsentrado sa iilang mga instalasyon, at ang pagkaunawa na ilan sa mga kriterya ay lagpas sa pang-ekonomiyang nasyunalidad” (sipi mula sa panayam kay Gaizka).

12 Isang aeronautical engineer at ekonomista, si Borrell ay naging pulitiko sa 1970s bilang isang militante ng PSOE sa panahon ng transisyon ng Espanya tungong demokrasya, at nagkaroon ng maraming mga responsableng posisyon sa panahon ng gobyerno ni Felipe Gonzales, una sa Ekonomiya at Pinansya bilang pangkalahatang kalihim ng budget at public expenses (1982-84) at kalihim ng estado sa Pinansya (1984-1991); pagkatapos sa Council of Ministers na may portfolio para sa Industriya at Transportasyon. Sa oposisyon matapos ang pangkalahatang eleksyon sa 1996, sa 1998 si Borrell ay naging kandidato bilang primero ministro ng PSOE, pero nagbitiw siya sa 1999. Mula noon, pinagtuunan na ang pulitika sa Uropa, naging myembro siya ng European parliament sa panahon ng 2004-2009 at naging presidente ng chamber sa panahon ng unang kalahati ng lehislatura. Matapos magretiro sa pulitika, bumalik siya sa Council of Ministers sa Hunyo 2018, sa kanyang nominasyon sa posisyong Minister of Foreign Affairs, European Union and Cooperation ng gobyerno ni Pedro Sanchez (Wikipedia). Nitong huli siya ay naging European Commissioner for Foreign Affairs.

p Sa 1969 si Borrell ay nasa isang kibbutz at ang kanyang asawa na ina ng kanyang dalawang anak ay Hudyo ang pinagmulan. Kilala siya na tagapagtanggol ng interes ng Israel sa loob ng Partido Sosyalista.

w Hindi lang ang relasyong ito ang nanatiling hindi malinaw. Nalaman namin na sa parehong panahon na nais niyang makipagdiskusyon sa IKT para umanib, lumahok siya at naging tagapanguna sa Espanya sa tendensyang tinawag na cyberpunk, at promotor ng cyber activism.

13 Ilan sa mga isyung ito ay ang pagnanasa para sa “komunal” na pamumuhay, na paliwanag sa kanyang pagkamangha sa kibbutz, na umiiral sa Spartacist Union, kung saan isang halimbawa ang pagtatangkang mamuhay ng komunal.

14 Sa 1980s isang elemento na si “Chenier” ay natuklasan at tinuligsa sa aming pahayagan na isang adbenturista. Hindi nagtagal pagkatapos, nakita namin siya na nagtatrabaho sa ilalim ng Sosyalistang Partido ng Pransya. Ito ang nag-alerto sa amin sa posibleng relasyon sa pagitan ni Gaizka at PSOE na mas malapit kaysa kanyang inamin.

15 Pangkalahatang Kalihim ng PSC, ang Partido Sosyalista ng Catalonia; militante ng Sosyalistang Kabataan at PSOE mula 1978; sa 1998-99 deputado ng Barcelona sa Kongreso ng mga Deputado.

16 Dahil hindi masyadong kilala ang institusyon, tingnan ang sanggunian ng kanyang pagkatatag mula sa pahayagang UH sa Mallorca, batay sa isang balita mula sa Efe agency: https://www.ultimahora.es/noticias/sociedad/1999/03/01/972195/espanol-pr...

17 Ang digmaan mismo sa dating Yugoslavia (ang unang pambobomba at masaker sa Uropa pagkatapos Ikalawang Digmaang Pandaigdig) sa ilalim ng bandilang “humanitarianism”; at ang pambobomba ng NATO ay pinakilala bilang “pagtulong sa populasyon” laban sa mga para-militar. Makita ang aming posisyon sa 1999 imperyalistang digmaan sa Kosovo sa aming website: https://en.internationalism.org/content/4007/editorial-peace-kosovo-moment-imperialist-war

18 Si Juan Alberto Belloch ay ministro ng Hustisya at ng Interior ni Felipe González (1993-96) bago tumakbong mayor ng Zaragoza.

20 Ang REPSOL ay isang nangungunang kompanyang Espanyol sa pagkuha, pagpino at pagbenta ng langis at mga produkto nito. May importanteng internasyunal na presensya ito, laluna sa Timog Amerika. https://en.wikipedia.org/wiki/Repsol

21 Isang lider ng PSOE at pangalawa kay Alfredo Pérez Rubalcaba, ang namatay na Minister of the Interior at ang tunay na “Richelieu” ng Sosyalistang mga gobyerno, na pinilit ang mga air traffic controllers na bumalik sa trabaho gamit ang armas.

22 web.psoe.es/izquierdasocialista/docs/648062/page/patriotas-por-dios-por-patria-repsol.html

23 Mula sa journal na La Nación, Argentina.

24 Naglaho na ang blog kaya hindi namin maibigay ang link, pero hawak namin ang maraming mahalagang screenshots.

25 Isang mamahayag na dating militante ng grupong Maoist Bandera Roja at ng Stalinistang partido sa Catalonia (PSUC), na sa kasalukuyan ay sumusuporta sa Vox at sa dulong kanan ng PP. Sumusulat siya sa ABC at El Mundo at nagsasalita sa Radio COPE. Sa kasalukuyan siya ang animator ng internet journal Libertad at es.radio.

26 Tagapagtatag ng pahayagang Público na iniwan niya para sa Dairio.es bilang pangunahing lider nito. Isa siyang diarist sa talk-show sa TV chain La Sexta.

27 “Anong ginagawa ng isang magandang dilag sa lugar na ito?”. Isang ekspresyon mula sa isang kanta ng isang grupo sa Madrid na Burning na maraming nakuhang tagumpay sa 80s, hanggang sa punto na ginawan ito ng pelikula sa direksyon ni Fernando Colomo at ginampanan ni Carmen Maura.

28 Sa kongresong ito may nangyaring baklasan ng pinakahuling proletaryong tendensya na nakibaka sa loob ng PSOE, bagamat dapat kilalanin na lubha ang kanilang kalituhan (sentrista). Ang tema ng kongresong ito ay kung dapat bang pumaloob o hindi sa Ikatlong Internasyunal, na tinanggihan ng 8269 mandato laban sa 5016. Ang mga nagdesisyon na umanib sa Comintern ay umalis sa kongreso at nagtatag ng Spanish Communist Workers’

29 Revolution or War, no. 9 (IGCL: “New communist voices: Nuevo Curso (Spain) and Workers’ Offensive (United States)”

30 Revolution or War no.12 “Letter to Emancipación on its 1st Congress, July 10 2019”

Rubric: 

Pagtatanggol sa kampo ng proletaryado