Matindi ang pagtaas ng bilang ng mga taong nahawa sa Covid-19 virus nitong mga nakaraang linggo sa maraming bahagi ng mundo, laluna sa Uropa, na minsan pa muling naging isa sa mga epicentre ng pandemya. Ang “posibilidad ng pangalawang bugso” na inihayag ng mga epidemiologist ilang buwan na ang nakaraan ay naging realidad na ngayon at mas malamang na mas lubhang mapaminsala ito kaysa una. Sa maraming mga bansa, ang namatay kada araw ay umabot na sa daan-daan at ang mga intensive care unit na kailangan para gamutin ang seryosong nahawa na mga pasyente ay halos puno na, at ang ilan ay umapaw na tulad sa Italya, sa kabila na nasa panimula pa lang tayo sa panibagong bugso. Naharap sa seryoso at mabilis na paglala ng sitwasyon, mas dumarami ang mga estado na nawalan ng opsyon maliban sa pagpataw ng lokal o pambansang curfew o utos na manatili-sa-bahay para ma-minimisa ang pagkalat ng virus... syempre, labas sa mga oras ng pagtrabaho.
Nitong mga nakaraang buwan, ang midya sa maraming mga bansa ay nagsasahimpapawid ng kawalan ng simpatiya at maling mga mensahe mula sa mga awtoridad, sa paulit-ulit na mga akusasyon hinggil sa “iresponsable at makasariling kabataan” na nagtitipon sa malaking mga grupo “para mag-organisa ng patagong mga party”, o yaong mga holidaymaker na gustong maging masaya sa natitirang ilang araw ng tag-init sa labas ng bahay, at sa pagtanggal sa kanilang mga mask, nag-iinuman sa mga pavement café (habang ang mga gobyerno sa Mediterranean region ay masidhing hinihikayat ito para “isalba ang turismo mula sa pagbagsak”!). Itong malawakang kampanya na ang layunin ay sisihin ang “iresponsibilidad ng publiko” ay walang ibang pakay kundi pagtakpan ang kapabayaan at kakulangan sa paghahanda na pinakita ng naghaharing uri sa loob ng maraming taon [1] na ginaya nitong nakaraang mga buwan ng ang “unang bugso ay nakitaan ng relatibong paghina”.
Kahit na mulat talaga ang mga gobyerno na walang epektibong gamot, na ang pagbuo ng bakuna ay malayo pa at ang virus ay hindi kinakailangang aalis sa kanyang sarili, walang mga hakbang na ginawa para pigilan ang “ikalawang bugso”. Ang bilang ng mga empleyado sa mga ospital ay hindi dinagdagan mula noong Marso, ni dinagdagan ang bilang ng mga higaan sa intensive care. Nagpatuloy ang mga polisiyang buwagin ang sistema sa health care sa ilang mga bansa. Kaya lahat ng mga gobyerno ay tinutulak na bumalik sa “dating gawi”, ginugunita “ang magandang mga araw”, na isa lang ang iniisip: “Kailangang isalba ang pambansang ekonomiya!”.
Ngayon, sa parehong pag-alala, inatasan ng burgesya sa Uropa ang pinagsamantalahan na muling mag- lockdown, habang kaalinsabay ay hinihimok sila na patuloy na pumunta sa pagawaan, tinakwil ang katotohanan na ang pakikipaghalubilo sa ibang tao ay magbunga ng pagkalat ng virus (laluna sa malaking mga syudad), at may kakulangan sa hakbanging pangsanitasyon para tiyakin ang kaligtasan ng mga tao sa pagawaan at sa mga eskwelahan!
Ang kapabayaan at iresponsibilidad ng naghaharing uri nitong mga nakaraang buwan ay muling pinakita ang kawalan ng kapasidad na kontrolin ang pandemya. Ang resulta, malaking mayoriya ng mga estado sa Uropa ay maliwanag na nawalan ng kontrol sa sitwasyon. Ang malaking kamalasan ay nasa inutusan na pumunta sa pagawaan na nag-aalala at takot sa kontaminasyon, para sa kanilang mga sarili at kanilang mga mahal sa buhay.
Kabaliktaran sa kung ano ang sinabi, walang duda na ang layunin ng naghaharing uri ay hindi magligtas ng buhay kundi limitahan sa abot ng makakaya ang mapanirang mga epekto ng pandemya sa buhay ng kapitalismo, habang sinisikap na iwasan ang tendensya patungong panlipunang kaguluhan. Sa kadahilanang ito, kailangang tiyakin ang pag-andar ng makinarya ng kapitalismo ano man ang maging kabayaran. Sa partikular, kailangan magkaroon ng tubo ang mga kompanya. Walang paggawa at walang tubo na mangyari kung hindi magtatrabaho ang mga manggagawa sa pagawaan. Ito ang iniiwasan ng burgesya ano man ang kabayaran at kaya ang produksyon, kalakalan, turismo at pampublikong serbisyo ay dapat panatilihin sa maksimum na antas; ang magiging mga epekto sa buhay ng daan libo, o maging milyun-milyon na tao ay minimimal lang ang kahalagahan.
Walang pagpipilian ang naghaharing uri para magarantiya ang kaligtasan ng kanyang sariling sistema ng pagsasamantala. Anuman ang gagawin nito, hindi na nito mapigilan ang paglubog ng kapitalismo sa kanyang hindi magbabagong istorikal na krisis. Samakatuwid, itong hindi maibabalik na pagbulusok ay naglantad sa kung ano talaga ito, ganap na walang pakialam sa halaga ng buhay ng tao at handang gawin ang lahat para panatilihin ang sariling paghari, kabilang na ang pabayaan na mamatay ang libu-libong tao, mula sa mga matanda, na kinilalang “walang silbi” sa mata ng kapital. Ang pandemya ay malupit na liwanag ng kapitalismo para manatili, habang nabubulok sa kaibuturan, at banta sa sangkatauhan.
Kaya walang maasahan ang mga pinagsamantalahan sa mga estado at gobyerno na, anuman ang kanilang pampulitikang kulay, ay kabilang sa naghaharing uri at naglilingkod dito. Walang mapapala ang mga pinagsamantalahan sa pagtanggap na walang pagtutol sa mga “sakripisyo” na pinataw sa kanila para “isalba ang ekonomiya”. Maya-maya lang, maaring malimitahan ng burgesya ang pinsala ng virus sa kalusugan sa pamamagitan ng distribusyon ng epektibong bakuna. Pero ang mga kondisyon ng panlipunang kabulukan na dahilan ng pandemya ay hindi maglaho. Dahil sa pananaw na digmaan na nangyayari sa pagitan ng mga estado, sa mabangis na “paligsahan para sa bakuna”, magdulot ito ng malaking problema sa kanyang distribusyon.
Dahil sa mga kalamidad sa industriya o kapaligiran, mas malaki ang posibilidad na ang sangkatauhan ay haharap sa panibagong mga pandaigdigang pandemya sa hinaharap, maging mas nakamamatay na mga sakit. Sa harap ng ekonomikong kapinsalaan na pinalala ng pandemya, ang pagsabog ng kawalan ng trabaho at pagtaas ng bilis at presyur ng kahirapan na maging bunga nito, walang pagpipilian ang uring manggagawa kundi lumaban para ipagtanggol ang kanilang kabuhayan. Lumalawak na ang galit at nagsisikap ang burgesya na pahinain ito sa maiksi at pansamantalang panahon sa pamamagitan ng pangako sa mga pamilya nila na mangyari ang mga selebrasyon sa kataposan ng taon (sa kabila na kailangang limitahan ang bilang ng pwedeng magtipon). Subalit itong “pansamantalang pagtigil” sa lock-down para mapakalma ang mga confectioner (para sa kapakanan ng sektor sa turismo) ay sa esensya walang magbago.
Maliwanag na ang 2021 ay hindi maging mas mabuti kaysa 2020, mayroon o walang bakuna. Sa ilang mga punto, ang pakikibaka ay muling magpatuloy, matapos mapangibabawan ang pagkabigla sa pandemya. Sa muling pagpapatuloy lang sa landas ng pakikibaka laban sa mga atake ng burgesya, sa kanyang estado at mga kapitalista, pareho sa publiko at pribadong sektor, mapaunlad ng uring manggagawa ang kanyang pagkakaisa at pakikiisa. Tanging sa makauring pakikibaka lang, sa paglagot sa banal na lubid na nagtali sa kanila sa kanilang mga mapagsamantala, ay magkaroon ng kakayahan, sa katalagalan, para buksan ang perspektiba para sa buong sangkatauhan na binantaan na burahin ng sistema ng pagsasamantala na nasa ganap na dekomposisyon. Patuloy na mas lulubha lang ang kapitalistang kaguluhan, na may marami pang kalamidad at bagong mga pandemya. Kaya ang kinabukasan ay nasa kamay ng proletaryado. Tanging ang proletaryado lang ang may kapasidad na ibagsak ang kapitalismo, para iligtas ang planeta at itayo ang bagong lipunan.
Vincent, 11 November 2020
[1]Tingnan ang aming maraming artikulo sa aming website na tumutuligsa sa sistemang pang-ospital sa buong mundo: “Special dossier on Covid-19: The real killer is capitalism!” [1]
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16942/second-wave-pandemic-impot... [2]
Ang ulat na ito ay sinulat para sa kamakailan lang na kongreso ng aming seksyon sa Pransya at masusundan ng iba pang mga ulat sa sitwasyon ng mundo.
Patuloy na nanalasa at lumalala ang kalamidad: sa opisyal na datos may 36 milyon nahawa at mahigit isang milyon ang namatay sa buong mundo [1]. Mula sa pagpaliban sa mga kontra-hakbangin sa pagpigil sa pagkalat ng virus, ay pagkatapos pagpataw ng brutal na pagsara sa malawak na sektor ng ekonomiya, ang ibat-ibang paksyon ng burgesya sa mundo sa bandang huli ay sumugal sa pagbangon sa ekonomiya, sa kapinsalaan ng mas maraming biktima, sa pagbukas-muli sa lipunan habang ang pandemya ay pansamantala lang na humina sa ilang mga bansa. Sa papalapit na taglamig, malinaw na ang pagsugal ay hindi nanalo, tanda ng paglala, sa minimum sa medium term, pareho sa ekonomiya at medikal. Ang bigat ng kalamidad ay nahulog sa balikat ng internasyunal na uring manggagawa.
Hanggang ngayon isa sa mga kahirapan ay ang pagkilala sa katotohanan na ang kapitalismo ay pumasok na sa huling yugto ng kanyang istoriko na pagbulusok – ang pagkaagnas ng lipunan – ang kasalukuyang yugto, na depinidong binuksan ng pagbagsak ng Bloke sa Silangan sa 1989, ay sa panlabas lumitaw bilang paglaganap ng mga sintomas na tila walang inter-koneksyon, hindi katulad sa mga nagdaang yugto ng dekadenteng kapitalismo na nakilala at maliwanag na dominado ng mga palatandaan ng pandaigdigang digmaan o proletaryong rebolusyon [2]. Pero ngayon sa 2020, ang pandemya ng Covid, ang pinaka-signipikanteng krisis sa kasaysayan ng mundo mula Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay naging malinaw na simbolo ng buong yugto ng dekomposisyon sa pamamagitan ng pagkaipon ng mga serye ng salik ng kaguluhan na nagpakita ng pangkalahatang pagkabulok ng kapitalistang sistema. Kabilang dito:
- ang paghaba ng matagalang krisis sa ekonomiya na nagsimula sa 1967[3], at ang kinahinatnan na akumulasyon at intensipikasyon ng mga hakbangin sa paghihigpit, ang nagpabilis sa kakulangan at magulong tugon sa pandemya ng burgesya, na nagbunga para mapilitan ang naghaharing uri na malawakang palalain ang krisis sa ekonomiya sa pamamagitan ng pagtigil sa produksyon sa isang signipikanteng panahon;
- ang pinagmulan ng pandemya ay malinaw na dahil sa pinabilis na pagsira sa kapaligiran likha ng pagpupumilit ng talamak na krisis ng kapitalistang sobrang produksyon;
- ang di-organisadong tunggalian ng mga imperyalistang kapangyarihan, na kapansin-pansin sa dating magkaalyado, ang dahilan ng pandaigdigang kapalpakan ng tugon ng internasyunal na burgesya sa pandemya;
- sa kawalang kakayahan sa pagtugon ng naghaharing uri sa krisis sa kalusugan nabunyag ang lumalaking tendensya ng kawalan ng pampulitikang kontrol ng burgesya at kanyang estado sa lipunan sa loob ng bawat bansa;
- ang pagbaba ng pampulitika at panlipunang kakayanan ng naghaharing uri at kanyang estado ay sinamahan ng kagilas-gilas na ideololohikal na pagkabulok: ang mga lider ng pinakamakapangyarihang mga bansa ay bumuga ng nakakatawang kasinungalingan at walang kwentang pamahiin para bigyang katuwiran ang kanilang kawalan ng kakayanan.
Kaya mas malinaw kaysa nakaraan na pinagsama ng Covid-19 ang epekto ng kabulukan sa lahat ng pangunahing antas ng kapitalistang lipunan – ekonomiya, imperyalista, politikal, ideolohikal at sosyal.
Itinaboy rin ng kasalukuyang sitwasyon ang kahalagahan ng ilang penomena na dapat salungat sa pagsusuri na pumasok na ang kapitalismo sa terminal na yugto ng kaguluhan at pagkasira ng lipunan. Sabi ng mga pumupuna sa amin, ang mga penomenang ito ay diumano nagpapatunay na ang aming analisis ay dapat ‘pagdudahan’ o simpleng hindi pansinin. Sa partikular, sa nakalipas na ilang taon ang nakamamanghang tantos ng paglago ng ekonomiya ng Tsina ay tila, para sa aming mga kritikal na tagapuna, ay pagtanggi na mayroong yugto ng dekomposisyon at maging pagbulusok. Sa totoo lang, ang mga tagamasid na ito ay nabighani sa ‘pabango ng modernidad’ na binuga ng industriyal na paglago ng Tsina. Ngayon, bilang resulta ng pandemya ng Covid, hindi lang tumigil ang ekonomiyang Tsino kundi nabunyag ang pagiging atrasado dahil sa mababang pag-unlad at kabulukan.
Ang perspektiba ng IKT mula 1989 na ang pandaigdigang kapitalismo ay pumasok na sa huling yugto ng panloob na pagkawasak, ay batay sa marxistang paraan ng pagsusuri sa pandaigdigan at pangmatagalang mga tendensya, sa halip na naghahabol sa temporaryong mga kaibahan o kumapit sa lipas na mga pormula, ay kapansin-pansin na nakumpirma.
Ibinunyag ng kasalukuyang kalamidad sa kalusugan, higit sa lahat, ang lumalaking kawalan ng kontrol ng uring kapitalista sa kanyang sistema at lumalaking kawalan ng perspektiba para sa lipunan ng tao sa kabuuan. Ang lumalaking kawalan ng kaalaman sa mga instrumento na pinaunlad ng burgesya para pigilan at ilihis ang mga epekto ng istorikong pagbulusok ng kanyang moda ng produksyon ay mas naging kongkreto.
Higit pa, pinakita ng kasalukuyang kalagayan ang lawak kung saan ang uring kapitalista ay hindi lang nawalan ng kapasidad na pigilan ang lumalaking panlipunang kaguluhan kundi mas pinalala ang mismong kabulukan na dati nababantayan nito.
Para mas ganap na maintindihan bakit ang pandemya ng Covid ay simbolo ng yugto ng pagkaagnas ng kapitalismo dapat makita natin paanong hindi ito nangyari sa nagdaang mga panahon katulad ngayon.
Ang mga pandemya ay nangyari na sa nagdaang mga panlipunang sistema at may mapanira at nagpapabilis na epekto sa pagbulusok ng nagdaang mga makauring lipunan, tulad ng Justinian Plague sa kataposan ng sinaunang lipunang alipin o ang Black Death sa pabagsak na pyudalismo. Pero walang yugto ng pagkaagnas sa dekadenteng pyudal dahil ang bagong moda ng produksyon (kapitalismo) ay nagkahugis na sa loob at kaagapay ang luma. Sa pananalasa ng salot, napapabilis ang maagang pag-unlad ng burgesya.
Sa dekadenteng kapitalismo, ang pinaka-dinamikong sistema ng pagsasamantala sa lakas-paggawa sa kasaysayan, kailangang sakupin ang buong lipunan at pinigilan ang paglitaw ng anumang bagong porma ng produksyon sa loob nito. Kaya, sa kawalan ng daan patungong pandaigdigang digmaan at muling paglitaw ng proletaryong alternatiba, pumasok ang kapitalismo sa yugto ng ‘ultra-dekadente’ ayon sa Tesis ng Dekomposisyon ng IKT [4]. Kaya, ang kasaluyang pandemya ay hindi makapagbagong-buhay sa produktibong pwersa ng sangkatauhan sa loob ng umiiral na lipunan kundi pwersahin tayo na masulyapan ang hindi mapigilang pagbagsak ng lipunan ng tao sa kabuuan hanggat hindi ganap na maibagsak ang pandaigdigang kapitalismo. Ang pagbaling sa sinaunang paraan ng kwarentenas bilang tugon sa Covid, sa panahon na napaunlad ng kapitalismo ang syentipiko, teknolohikal at sosyal na mga paraan para maunawaan, maiwasan at makontrol ang pagkalat ng salot, (pero hindi nagawang gamitin ang mga ito) ay testimonya ng pagtigil ng lipunan na ‘nabubulok sa kaibuturan’ at lumalaki ang kawalang kakayahan na gamitin ang mga produktibong pwersa na pinapaandar nito.
Ang kasaysayan ng panlipunang epekto ng nakakahawang sakit sa buhay ng kapitalismo ay nagbigay sa atin ng dagdag na kaalaman sa kaibahan sa pagitan ng pagbulusok ng sistema at sa ispisipikong yugto ng dekomposisyon sa loob ng yugto ng pagbulusok na nagsimula sa 1914. Ang pasulong na kapitalismo at maging ang kasaysayan ng halos buong yugto ng pagbulusok ay nagpakita ng umuunlad na kadalubhasaan sa syensya-medikal at pampublikong kalusugan laban sa nakakahawang sakit laluna sa abanteng kapitalistang mga bansa. Ang promososyon ng pampublikong pangangalaga sa kalusugan at sanitasyon, ang tagumpay laban sa smallpox at polio at ang pag-urong ng malaria halimbawa, ay ebidensya ng ganitong pag-unlad. Kalaunan, matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang hindi nakakahawang mga sakit ang naging dominanteng dahilan ng maagang pagkamatay sa mga sentro ng kapitalismo. Huwag nating isipin na itong kapangyarihan sa pag-unlad ng epidemiology ay nangyari dahil sa pag-angkin ng burgesya sa makataong pag-aalala ng burgesya. Ang pinakamahalagang layunin ay likhain ang istableng kapaligiran para sa intensipikasyon ng pagsasamantala na hinihingi ng permanenteng krisis ng kapitalismo at higit sa lahat para sa paghahanda at ultimong mobilisasyon ng populasyon para sa interes militar ng mga imperyalistang bloke.
Mula 1980s ang positibong tendensya laban sa nakakahawang sakit ay nagsimulang bumaliktad. Bago, o nagbabagong mga pathogen ay nagsimulang lumitaw tulad ng HIV, Zikah, Ebola, Sars, Mers, Nipah, N5N1, lagnat na Dengue, atbp. Ang nadaig na mga sakit ay naging mas lumalaban sa gamot. Ang pagbabagong ito, partikular ang zoonotic viruses, ay may kaugnayan sa paglaki ng mga syudad sa mga atrasadong rehiyon ng kapitalismo – partikular sa mga pook ng mahihirap na 40% sa paglagong ito – at sa pagkasira ng kagubatan at lumalaking pagbabago ng klima. Habang nagawang unawain at sundan ng epidemiology ang mga virus, bigo ang estado sa implementasyon ng mga kontra-hakbangin laban dito. Ang hindi sapat at magulong tugon ng burgesdya sa Covid-19 ay maliwanag na kumpirmasyon sa lumalaking kapabayaan ng kapitalistang estado sa muling paglakas ng nakakahawang mga sakit at sa pampublikong kalusugan, at dahil sa pagbalewala sa kahalagahan ng panlipunang proteksyon sa pinaka-batayang antas. Itong lumalaking kawalan ng kakayahan ng burges na estado ay may kaugnayan sa ilang dekadang pagtapyas sa ‘panlipunang sahod’, partikular sa serbisyong pangkalusugan. Subalit ang lumalaking kapabayaan sa pampublikong kalusugan ay ganap lang na maipaliwanag sa balangkas ng yugto ng pagkabulok, na kumikiling sa iresponsable at panandaliang tugon ng malaking bahagi ng naghaharing uri.
Ang mahalaw na kongklusyon sa pagbaliktad ng pagsulong ng pagkontrol ng nakakahawang sakit sa nagdaang ilang dekada ay hindi maiwasan: ito ay ilustrasyon ng transisyon ng dekadenteng kapitalismo tungo sa huling yugto ng dekomposisyon.
Syempre, ang lumalalang permanenteng krisis ng kapitalismo ang ugat ng transisyong ito, isang krisis na komon sa lahat ng mga yugto ng kanyang pagbulusok. Pero ang kanyang pamamahala – o sa halip ang lumalaking maling pamamahala – sa mga epekto ng krisis ang nagbago at susing sangkap sa kasalukuyan at darating na mga kalamidad na katangian ng ispisipikong yugto ng dekomposisyon.
Ang mga paliwanag na bigong isaalang-alang ang pagbabagong ito, katulad ng sa International Communist Tendency halimbawa, ay napako sa bukambibig na ang motibo para sa tubo ang dahilan ng pandemya. Para sa kanila ang ispisipikong mga sirkumstansya, tiyempo at lawak ng kalamidad ay nanatiling isang misteryo.
Ni ang reaksyon ng burgesya sa pandemya ay ipaliwanag na bumalik sa iskema sa yugto ng Cold War, na parang ginawang ‘armas’ ng mga imperyalistang kapangyarihan ang Covid virus para sa imperyalistang militar na layunin at ang malawakang kwarentenas ay mobilisasyon ng populasyon para dito. Nakalimutan ng paliwanag na ito na ang pangunahing mga imperyalistang kapangyarihan ay hindi na organisado sa imperyalistang mga bloke at hindi nila malayang mapakilos ang populasyon para sa mga layunin ng digmaan. Ito ay sentral sa stalemate sa pagitan ng dalawang pangunahing mga uri na siyang ugat ng yugto ng pagkabulok.
Sa pangkalahatan, hindi ang viruses kundi mga bakuna ang may benepisyo sa mga ambisyong militar ng imperyalistang bloke [5]. Natuto ang burgesya sa mga aral ng Spanish flu sa 1918 sa puntong ito. Ang hindi makontrol na hawaan ay isang malaking panganib sa militar tulad ng nangyaring demobilisasyon sa maraming US aircraft carriers at French aircraft carrier dahil sa Covid-19. Kabaliktaran, ang istriktong kontrol sa pathogens ang laging kondisyon ng bawat imperyalistang kapangyarihan sa kanilang kapasidad sa bio-warfare.
Hindi ibig sabihin na hindi ginamit ng mga imperyalistang kapangyarihan ang krisis sa kalusugan para isulong ang kanilang interes laban sa kanilang mga karibal. Pero sa kabuuan pinakita lang ng mga ito ang lumalaking bakyum ng pandaigdigang imperyalistang liderato na iniwan ng Estados Unidos, na walang anumang kapangyarihan, kabilang na ang Tsina, na hahalili sa papel na ito o may kapasidad na likhain ang alternatibang bloke. Kinumpirma ng malaking kapahamakan sa Covid ang kaguluhan sa antas ng imperyalistang tunggalian.
Ang malawakang kwarentenas ng mga imperyalistang estado ngayon ay tiyak na sinamahan ng mas malaking presensya ng militar sa pang-araw-araw na buhay at ang paggamit ng mga estado ng mga mga sermon sa panahon ng digmaan. Subalit ang demobilisasyon ng populasyon sa malawak na konsiderasyon ay dahil sa takot ng estado sa banta ng panlipunang kaguluhan kung ang uring manggagawa, habang tahimik, ay nanatiling hindi pa nagapi.
Ang pundamental na tendensya tungo sa sariling-pagkawasak na komon na katangian sa lahat ng mga yugto ng dekadenteng kapitalismo ay nagbago sa kanyang dominanteng porma sa yugto ng dekomposisyon mula sa pandaigdigang digmaan tungo sa pandaigdigang kaguluhan na dagdag lang sa paglaki ng banta ng kapitalismo sa lipunan at sa sangkatauhan sa kanyang kabuuan.
Ang namagitan sa kawalan ng kontrol ng burgesya na naging katangian ng pandemya ay ang instrumento ng estado. Ano ang pinakita ng kalamidad hinggil sa kapitalismo ng estado sa panahon ng yugto ng pagkabulok?
Magugunita natin, para maunawaan ang tanong na ito, ang obserbasyon ng pampleto ng IKT Ang Dekadenteng Kapitalismo na sa ‘pagtaob ng super-istruktura’ ang paglaki ng papel ng estado ay katangian ng pagbulusok ng lahat ng mga moda ng produksyon. Ang pag-unlad ng kapitalismo ng estado ay ang sukdulang ekspresyon ng ganitong pangkalahatang istorikal na penomenon.
Tulad ng itinuro ng GCF[6] sa 1952, hindi solusyon ang kapitalismo ng estado sa mga kontradiksyon ng kapitalismo, kahit pa naantala nito ang mga epekto, kundi ekspresyon ng mga ito. Ang kapasidad ng estado na panatilihing nakatayo ang bulok na lipunan, gaano man ito kaagresibo, ay hihina kalaunan at sa huli magiging pabigat na salik sa mismong mga kontradiksyon na nais nitong makontrol. Ang dekomposisyon ng kapitalismo ay isang yugto kung saan ang lumalaking kawalan ng kontrol ng naghaharing uri at ng kanyang estado ang nagiging dominanteng tendensya sa panlipunang ebolusyon, ay malinaw na pinakita ng Covid.
Subalit, maling isipin na ang kawalan ng kontrol ay pantay ang pag-unlad sa lahat ng antas ng mga aksyon ng estado, o ito ay isa lang panandaliang penomenon.
Sa pagbagsak ng bloke sa Silangan at ang resulta ng kawalang kwenta ng bloke sa Kanluran, ang mga istruktura militar tulad ng NATO ay nawalan ng pagkakaisa gaya ng pinakita sa nangyari sa mga digmaan sa Balkan at Gulpo. Ang dislokasyon sa antas militar at estratehiko ay hindi maiwasan na samahan ng kawalan ng kapangyarihan – sa ibat-ibang bilis – sa lahat ng mga ahensyang inter-estado na itinayo sa udyok ng imperyalismong US matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tulad ng World Health Organisation at UNESCO sa panlipunang antas, ang EU (sa kanyang dating balatkayo), ang World Bank, ang IMF, ang World Trade Organisation sa pang-ekonomiyang antas. Ang mga ahensyang ito ay naka-disenyo para panatilihin ang istabilidad at ang ‘soft power’ ng bloke ng Kanluran sa ilalim ng liderato ng US.
Ang proseso ng pagkabulok at paghina ng mga inter-estadong organisayon ay partikular na tumindi ng mahalal si Trump bilang presidente ng US sa 2016.
Malinaw sa puntong ito ang relatibong pagiging inutil ng WHO sa panahon ng pandemya at may kaugnayan sa pagkanya-kanya ng bawat estado na alam na natin ang nakamamatay na mga resulta. Ang ‘war of the masks’ at ngayon ang darating na ‘war of the vaccines’, ang panukalang pagtiwalag ng US mula sa WHO, ang pagtangka ng Tsina na manipulahin ang institusyong ito para sa kanyang pansariling pakinabang, ay halos hindi na kailangan ang komento.
Ang kainutilan ng mga inter-estadong institusyon at ang bunga ng bawat-isa-para sa-kanyang sarili ng mga magkaribal na estado ay nakatulong para maging pandaigdigang kalamidad ang banta ng virus.
Gayunpaman, sa antas ng pandaigdigang ekonomiya – sa kabila ng pagbilis ng digmaan sa kalakalan at tendensya ng rehiyunalisasyon – nagawa pa rin ng burgesya ang mga koordinadong hakbangin, tulad ng aksyon ng Federal Reserve Bank na panatilihin ang dollar liquidity sa buong mundo sa Marso at sa simula ng pagsara sa ekonomiya. Ang Alemanya, matapos ang inisyal na pag-aatubili, ay nagpasyang subukan at nakipagkoordina sa Pransya sa isang ekonomikong pagsagip sa European Union sa kabuuan.
Gayunpaman, kung may kapasidad pa ang internasyunal na burgesya na pigilan ang isang ganap na pagkatunaw sa mga mahalagang bahagi ng ekonomiya ng mundo hindi nito nagawang iwasan ang napakalaking pangmatagalang pinsala sa ekonomikong paglago at pandaigdigang kalakalan dahil sa pagsara bunsod ng pagkaantala at magulong tugon sa Covid-19. Kumpara sa tugon ng G7 sa 2008 na pagbagsak sa pinansya, pinakita ng kasalukuyang sitwasyon ang pangmatagalang pagkapagod sa kapasidad ng burgesya sa koordinadong mga aksyon para pabagalin ang ekonomikong krisis.
Syempre, ang tendensya tungong ‘bawat tao para sa sarili’ ay palagiang gawain ng mapagkumpitensyang katangian ng kapitalismo at sa kanyang pagkahati-hati sa mga bansa-estado. Pero ngayon, ang kawalan ng imperyalistang bloke at perspektiba ang nagpasigla sa muling paglakas ng ganitong tendensya sa panahon ng ekonomikong pagkabagabag at pagbulusok. Kung sa nakaraan, napanatili ang ilang internasyunal na kooperasyon, sa Covid-19 nakikita ang lumalaking kawalan nito.
Sa Tesis ng Dekomposisyon sa punto 10 sinabi namin na ang pagkawala ng perspektiba ng pandaigdigang digmaan ay nagpalala sa tunggalian sa pagitan ng mga paksyon sa loob ng bawat bansa-estado at sa pagitan ng mga bansa mismo. Ang kaguluhan at kawalang kahandaan sa Covid-19 sa internasyunal na antas ay ginaya sa bawat bansa-estado, partikular sa antas ng ehekutibo:
“Isa sa mayor na katangian ng pagkabulok ng kapitalistang lipunan na dapat nating bigyang diin ay ang lumalaking kahirapan na kontrolin ang ebolusyon ng pampulitikang sitwasyon.” pt 9.
Ito ay pangunahing salik sa pagbagsak ng bloke ng Silangan na pinalubha ng abnormal na katangian ng Stalinistang rehimen (isang solong partido-estado na inangkin mismo ang pagiging naghaharing uri). Pero ang mga batayang kadahilanan sa mga bangayan sa ‘komiteng tagapagpaganap’ ng buong burgesya – talamak na krisis sa ekonomiya, kawalan ng estratehikong perspektiba at mga kapalpakan sa patakarang pnalabas, diskontento ng populasyon – ay ngayon tumatama sa mga abanteng kapitalistang bansa, na mas malinaw na nakikita sa kasalukuyang krisis ng mga mayor na bansang populista o impluwensyado ng mga populista ang mga gobyerno, laluna ang pinamunuan nila Donald Trump at Boris Johnson. Ang mga bangayan sa mga mayor na estadong ito ay hindi maiwasang umalingawngaw sa ibang mga estado na sa kasalukuyan, nagpapatupad ng mas rasyunal na patakaran.
Dati ang dalawang bansang ito ay simbolo ng relatibong istabilidad at lakas para sa pandaigdigang kapitalismo; pinakita ng miserableng palabas ng kanilang mga burgesya ngayon na nagiging tanglaw na sila ng irasyunalidad at kaguluhan.
Parehong ang administrasyon ng US at gobyerno ng Britanya, na ginabayan ng makabayang ngasngas, ay kusang pinabayaan at inantala ang kanilang pagtugon sa kalamidad ng Covid at hinimuk pa ang populasyon sa hindi pagrespeto sa peligro; pinahina nila ang payo ng syentipikong awtoridad at ngayon binuksan ang ekonomiya habang nanalasa ang virus. Pareho nilang binasura ang task force ng pandemya sa bisperas ng krisis sa Covid.
Pareho sila, sa magkaibang paraan, lantarang tinampalasan ang establisadong panuntunan ng demokratikong estado at lumikha ng kaguluhan sa hanay ng ibat-ibang departamento ng estado tulad ng pagpapawalang-bisa sa protocol militar sa kanyang pagtugon sa mga protesta ng Black Lives Matter at mapanlinlang na manipulasyon sa hudikatura, o ang kasalukuyang pakikialam ni Johnson burukrasya ng serbisyo-sibil.
Totoo, sa panahon ng bawat-tao-para-sa-sarili, hindi maiwasan na ang bawat bansa ay sumunod sa sariling daan. Subalit, ang mga estado na may mas katalinuhan kaysa iba ay nahaharap din sa lumalaking pagkahati-hati at kawalan ng kontrol.
Pinatunayan ng populismo ang ideya ng Tesis ng Dekomposisyon na ang ulyaning kapitalismo ay bumabalik sa kanyang ‘ikalawang pagkabata’. Ang ideolohiya ng populismo ay nagkunwaring ang sistema ay maaring bumalik sa kanyang yugto ng kabataan ng masiglang kapitalismo at mas kaunting burukrasya sa pamamagitan lang ng mga kasabihang demagogiko at mga nakakagambalang inisyatiba. Pero ang katotohanan ay ang dekadenteng kapitalismo sa kanyang nabubulok na yugto ay naaubos na ang lahat ng mga pangpakalma.
Habang ang mga ilusyong xenophobic at peti-burges ng populismo ay umaakit sa hindi nasisiyahang populasyon na temporaryong natataranta dahil sa kawalan ng muling paglakas ng proletaryado, malinaw mula sa kasalukuyang krisis sa kalusugan na ang programa ng populismo - o anti-programa – ay umunlad sa loob ng burgesya at sa estado mismo.
Hindi aksidente na ang US at UK, na mas maunlad na mga bansa, ang may pinakamaraming namatay dahil sa pandemya.
Pero kabaliktaran nito, dapat tandaan na ang mga ekonomikong ahensya ng mga mas maunlad na mga bansa ay nanatiling istable at nakagawa ng mga pang-emerhensyang hakbangin para pigilang bumagsak ang ekonomiya at maantala ang epekto ng malawakang kawalan ng trabaho ng populasyon.
Sa totoo lang, dahil sa mga ginawa ng mga bangko sentral nakikita natin ang malakas na paglaki ng papel ng estado sa ekonomiya. Halimbawa:
“Ang Morgan Stanley [bangko ng pamuhunan] ay nagtala na ang mga bangko sentral ng mga bansa sa G4 - US, Japan, Europe at ang UK – ay kolektibong palawakin ang kanilang mga balanse ng 28% sa gross domestic production sa panhong ito. Ang katumbas na bilang sa panahon ng krisis pinansya sa 2008 7%.” Financial Times 27 June 2020.
Gayunpaman, ang perspektiba ng pag-unlad ng kapitalismo ng estado, sa kaibuturan, ay tanda na ang kapasidad ng estado para kontrolin ang krisis at ang dekomposisyon ay humuhupa.
Ang lumalaking bigat ng interbensyon ng estado sa bawat aspeto ng buhay sa lipunan sa kabuuan ay hindi solusyon sa lumalaking kabulukan ng huli.
Hindi dapat kalimutan na may malakas na pagtutol sa loob ng mga estadong ito mula sa tradisyunal na mga liberal na partido o sa kanilang importanteng mga bahagi sa paninira ng populismo. Sa mga bansang ito, ang sektor na ito sa burges na estado ay maingay na tumutol, partikular sa pamamagitan ng midya, pati na rin ang pangungutya sa populistang kalokohan, ay maaring makatulong para tatagal ang pag-asa na bumalik sa demokratikong kaayusan at rasyunalidad, kahit pa wala ng tunay na kapasidad ngayon na takpan ang populistang kahon ng Pandora.
At nakakatiyak tayo na hindi nakalimutan ng burgesya sa mga bansang ito ang proletaryado, at ipwesto ang kanyang angkop na mga ahensya sa tamang panahon.
Ang Ulat sa Dekomposisyon sa 2017 ay nagbigay pansin sa katotohanan na sa mga unang dekada matapos ang paglitaw ng krisis sa ekonomiya sa kataposan ng 60s, itinulak ng pinakamayamang mga bansa ang mga epekto ng krisis sa mga paligid ng sistema, habang sa yugto ng pagkabulok, nabaliktad ang tendensya pabalik sa mga sentro ng kapitalismo – tulad ng paglaganap ng terorismo, maramihang pagdagsa ng mga bakwit at migrante, maramihang nawalan ng trabaho, pagkasira ng kalikasan at ngayon ang nakamamatay na pandemya sa Uropa at Amerika. Kinumpirma ng tendensyang ito sa kasalukuyang sitwasyon na ang pinakamalakas na bansa sa buong mundo pinaka-nagdurusa sa pandemya.
Binanggit din sa Ulat sa malaman na paraan na:
“…kinunsidera namin na [dekomposisyon] ay walang tunay na epekto sa ebolusyon ng krisis ng kapitalismo. Kung ang kasalukuyang paglakas ng populismo ay tutungo sa pag-upo sa kapangyarihan ng tendensyang ito sa ilan sa pangunahing mga bansa sa Uropa, ang naturang epekto ng pagkabulok ay uunlad.”
Isa sa pinaka-signipikanteng mga aspeto ng kasalukuyang kalamidad ay tumalbog ang dekomposisyon papunta sa ekonomiya sa mapanirang paraan. At hindi nabawasan ng karanasang ito ang lasa ng populismo para sa mas lalupang ekonomikong labanan, tulad ng pinakita ng patuloy na ekonomikong digmaan ng US laban sa Tsina, o ng determinasyon ng gobyernong Britanya na ipagpatuloy ang patiwakal at mapanirang landas ng Brexit.
Ang pagkabulok ng super-istruktura ay ‘naghihiganti’ sa mga pundasyong ekonomiko ng kapitalismo na siyang pinagmulan nito.
“Sa pagyanig ng ekonomiya, ang buong super-istruktura na umaasa dito ay pumasok sa krisis at dekomposisyon ….Nagsimula bilang mga epekto ng sistema, sila ay nagiging salik sa mabilis na proseso ng pagbulusok”.
Dekadenteng Kapitalismo, Tsapter 1.
16.7.20
[1] Batay sa 9 Oktubre 2020
[2] Itong problema sa pananaw ay nabanggit sa Ulat sa Dekomposisyon mula sa ika-22 Kongreso ng IKT sa 2017, International Review 163
[3] Itong mahabang krisis sa ekonomiya, na tumagal ng mahigit limang dekada, ay lumitaw sa kataposan ng 1960s matapos ang dalawang dekadang post-war na kasaganaan sa abanteng mga bansa. Ang paglala ng krisis ay binigyang-diin ng ispisipikong resesyon at pagbangon na hindi naresolba ang ugat ng krisis.
[4] International Review 107, 1990
[5] Ang antibiotic na penicillin ay nadiskubre sa 1928. Sa panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig ang droga ay maramihang ginawa ng US, at 2.3 milyon doses ang inihanda para sa D-Day landings sa Hunyo 1944.
[6] Gauche Communiste de France – pinagmulan ng IKT
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16924/report-covid-19-pandemic-a... [3]
Sa buong mundo ang mga estado at naghaharing burges ay nalantad bilang uri na wala ng maibigay na magandang kinabukasan sa sangkatauhan sa gitna ng pananalasa ng covid-19 pandemic. Ang naghaharing paksyong Duterte sa Pilipinas ang isa sa kongkretong manipestasyon ng pagiging inutil ng gobyerno laban sa pandemic.
Hindi simpleng “natural” na kadahilanan ang pagkalat ng virus sa buong mundo na kumitil na ng mahigit 285,760 buhay at nakahawa ng mahigit 4,137,193 sa loob lang ng mahigit apat na buwan mula ng nalaman ng mundo ang nangyari sa imperyalistang Tsina.1 Sa Pilipinas, mahigit 11,086 na ang nahawa at mahigit 726 na ang namatay.2
Kumalat ang virus pangunahin dahil sa simula ay pilit itong itago ng mga apektadong bansa laluna ng Tsina at ng inamin na, ay minamaliit ng ibang mga bansa. Pagkatapos, ng hindi na talaga kayang itago ang pagkalat ay biglang kambyo ang mga gobyerno: lockdowns at paggamit ng karahasan ng estado.
Ganito ang naging aktitud ng gobyerno ng Pilipinas: minamaliit at pagkatapos ay biglang kambyo sa paggamit ng kontrol, karahasan at pananakot “para sa kabutihan ng mamamayan”.3
Nahubaran ang estado sa kawalan ng kahandaan at pagiging inutil
Sa buong mundo, napakaraming hindi maitagong datos ng katotohanan ng kawalan ng kahandaan ng mga kapitalistang gobyerno dahil sa pandaigdigang pagtapyas sa badyet sa kalusugan.
Sa halip na bigyang prayoridad ang kalusugan o edukasyon, mas binigyan ng mas malaking badyet ang gastos sa pambansang pagtatanggol at militar. Tumaas ng 4% ang pandaigdigang badyet sa militar sa 2019 kumpara sa 2018. Para sa USA at Tsina mahigit 6% ang pagtaas at sa Alemanya ay mahigit 9%. Habang ang badyet para sa CDC (Centre for Disease Control) sa USA ay binawasan mula $10.8 bilyon sa 2010 sa $6.6 bilyon na lang sa 2020, habang ipinasa ang badyet para sa armas na aabot sa $738 bilyon. Ang taunang badyet ng militar ng Tsina ay tinatayang aabot sa $250 bilyon habang aabot lang ang badyet ng WHO sa $5.1 bilyon sa 2016-2017.4 Sa Pilipinas, tinapyasan ng P10 bilyon ang badyet sa kalusugan sa 20205 sa kabila ng pandemic tulad ng measles at polio.
Tulad ng ginawa ng ibang mga kapitalistang gobyerno, hindi prayoridad ng administrasyong Duterte ang kalusugan. Ang prayoridad ng kapitalismo ay magkamal ng tubo mula sa pagsasamantala sa lakas-paggawa ng manggagawa hindi ang kalusugan ng populasyon.
Naagnas na kapitalismo: ang pinagmulan ng pandemic
Bagamat hindi maitatago na pinabilis ng kawalan ng kahandaan, pagiging inutil ng mga gobyerno at talamak na katiwalian ang pagkalat ng virus, ang mga ito ay hindi ang ugat ng pandemic.6 Ang pandemic ay nagmula sa kabulukan na mismo ng sistema ng kapital at hindi simpleng “natural” na kalamidad.7 Siglo 20 ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto at 1980s ng pumasok na ang dekadenteng kapitalismo sa kanyang naagnas na yugto.8
Noong 19 siglo kung saan progresibo at sumusulong pa ang kapitalismo ay sumusulong din ang pananaliksik sa kalusugan at mga sakit kabilang na ang komunikasyon at koordinasyon sa ibat-ibang syentipikong pananaliksik. Kaya naman umunlad ang medisina, kalinisan at bakuna. Dumami rin ang mga ospital. Dahil dito tumaas ang haba ng buhay ng tao – mula sa 30-40 taon sa simula ng 19 siglo sa 50-65 taon sa 1900.
Pero kabaliktaran na ang sitwasyon ng magbago ang sitorikal na yugto mula progresibong kapitalismo tungong eaksyunaryo o dekadenteng kapitalismo pagpasok ng 20 siglo. Kaya hindi aksidente ang paglitaw ng unang pandemic sa yugto ng dekadenteng kapitalismo noong 1918-1919 sa panahon ng katatapos lang na unang pandaigdigang imperyalistang digmaan, ang tinawag na "Spanish flu". Ito ay kumitil ng 50 milyong buhay.
Ang covid-19 pandemic ay mahigpit na nakaugnay sa napakaraming problema sa kalusugan ng sangkatauhan. Mas maging grabe ang sitwasyon kung mananatiling hindi makatao at komersyalisado ang sistema ng kalusugan sa 21 siglo. Ang pinagmulan ng mga sakit ngayon ay hindi pa dahil sa kakulangan ng kaalaman o teknolohiya. Halimbawa: sa loob lang ng dalawang linggo matapos madiskubre ang sakit, ang mga laboratoryo ay matagumpay ng nakita ang virus ng Covid-19. Ang hadlang sa mabilisang pagdiskubre ng epektibong bakuna ay ang moda ng produksyon na ang nakinabang lang ay ang mapagsamantalang maliit na minoriya ng populasyon. Ang nakikita natin ay sa halip na koordinasyon at pagtutulungan ng mga laboratoryo ang nangingibabaw ay marahas na kompetisyon sa pagitan ng mga laboratoryo kung alin ang magkamal ng mas malaking tubo.
Dagdag pa dito ang pagdami ng mga mahihirap bunga ng pagsasamantala, digmaan at pagsira ng kalikasan sa ngalan ng tubo. Milyun-milyon ang nagsisiksikan sa mga pook ng mga dukha9 na wala o malubha ang kakulangan sa sanitasyon at tubig. Milyun-milyon ang naging internal refugees at nagpumilit lumayas sa kani-kanilang magulong mga bansa dahil sa mga digmaan. Isa ito sa mga dahilan sa mabilis na pagkalat ng virus.
Dahil sa kabulukan ng kapitalismo ang namayani ay bawat isa para sa kanyang sarili, bawat bansa para sa kanyang sarili na umabot sa punto na walang hiyang nagnakaw na ang bawat bansa sa isat-isa!10 Hanggat kapitalismo ang naghari sa mundo na nasa kanyang bulok na yugto na, marami pang darating na pandemics na magbigay peligro sa buhay at kabuhayan ng sangkatauhan.
“Solusyon” ng mga gobyerno: Dulot ay ibayong kahirapan at kaguluhan sa lipunan
Ang “solusyon” – lockdowns - ng kapitalismo sa pandmeic na siya mismo ang may gawa ay nagdulot ng ibayong kahirapan sa uring manggagawa at maralita. Sila na ang unang biktima sa virus kasama ang mga manggagawa sa kalusugan, sila pa rin ang ginawang sakripisyo ng kapital sa altar ng tubo. Dagdag pa, kakambal ng “solusyon” ng gobyerno ang karahasan ng estado. Ilang daang mahihirap ang hinuli at ang ilan ay pinatay dahil “lumabag” sa batas ng lockdown samantalang ang mga pulitiko at mataas na opisyal ng gobyerno at militar na lumabag sa kanila mismong batas ay dumaan sa “due process” at kabaitan ng hustisya.11
Ayon mismo sa International Labor Organisation (ILO) posibleng may madagdag na 25 milyon sa 188 milyon na walang trabaho sa 201912 dahil sa pandemic. Sa Pilipinas, tinatayang madodoble ang mga walang trabaho.13
Aasahan natin ang mas matinding mga atake sa kabuhayan ng manggagawa sa susunod na mga buwan at taon.
Dagdag pa, mas tumindi ang imperyalistang tunggalian sa panahon ng pandemic. Sa halip na internasyunal na koordinasyon at pagtutulungan, kompetisyon at “bawat pambansang kapital para sa kanyang sarili” ang umiiral. Sisihan, turuan kung sino ang may sala gayong ang kapitalismo mismo na pinagtatanggol nila ang pangunahing may pananagutan sa pagkalat ng pandemic.
Maghanda sa pakikibaka laban sa mga atake ng kapital
Nais ng mga gobyerno na suportahan ng uring manggagawa ang panawagan nila na “magkaisa para sa bayan” at “magkaisa sa digmaan laban sa covid-19”. Ang panawagan para sa “pambansang pagkakaisa” ay walang ibang kahulugan kundi tanggapin nating mga manggagawa ang mga atake ng kapital sa ating kabuhayan para iligtas ang bulok na kapitalismo. Kailangang magsakripisyo tayong mga manggagawa para sa tubo ng kapitalismo!
Hindi “pambansang pagkakaisa” ang kailangan ng uring manggagawa kundi makauring pagkakaisa ng mga manggagawa sa buong mundo laban sa punot-dulo, sa ugat ng pandemic: ang bulok na sistemang kapitalismo. Ang makauring pagkakaisa ay kailangang magsimula sa mga pakikibaka laban sa mga patakaran ng gobyerno na tayo ang magsakripisyo sa mga kapalpakan at krimen na kagagawan ng sistema. Nakikinita na natin ang ilang mga palatandaan na ayaw ng uring manggagawa na isakpripisyo ang kanilang sarili para iligtas ang kapitalismo sa krisis nito.14 Kabilang sa paghandaan natin ang mas iigting pa na karahasan ng estado laban sa mga protesta at welga gamit ang katuwiran na “social distancing” at “para sa kalusugan”.
Subalit alam ng mga rebolusyonaryong organisasyon na may negatibong epekto sa kamulatan ng mga manggagawa ang pandemic at ang kampanya ng “pambansang pagkakaisa”. Mas mahirapan ang uri na muling diskubrehin ang kanyang makuring identidad, pagkakaisa at pakikibaka dahil sa mas malakas na hatak ng idelohiyang nasyunalismo at mga “pakikibaka” ng halu-halong mga uri (interclassist revolts) kung saan ang mga manggagawa ay kalahok hindi bilang isang uri kundi bilang atomisadong “mamamayan ng bansa”. Ganun pa man, alam din ng mga rebolusyonaryong organisasyon na ang pagtindi ng krisis sa ekonomiya bunga ng dekomposisyon ang magtulak sa mga sahurang-alipin na mag-isip, magdiskusyon at makibaka.
Bilang paghahanda sa mga darating na pakikibaka, kailangan natin ang mga diskusyon para suriin at unawain ang mga kaganapan sa ating paligid at itakwil ang mga kasinungalingan at dis-impormasyon na ginagawa ng gobyerno at burges na midya para ilihis ang ating pakikibaka at hati-hatiin tayong mga manggagawa. Sa pamamagitan ng mga diskusyon ay malinawan tayo sa mga tamang kasagutan sa ating mga katanungan hinggil sa ating sitwasyon bilang mga manggagawa. Kamulatan at organisasyon ang ating makapangyarihang sandata laban sa kapitalismo.
Hindi eleksyon at/o gerilyang pakikidigma o “makataong kapitalismo”, “maka-kalikasan na kapitalismo”, kapitalismo ng estado sa ilalim ng maskarang “sosyalismo” na inilako ng lahat ng paksyon ng kaliwa at unyon bilang solusyon sa pandemic at krisis ng kapitalismo. Lalong hindi solusyon ang burges na programa na binalotan lang ng mga “radikal” o “sosyalistang” retorika15.
Kailangang masusi nating subaybayan ang darating na mga kaganapan at pagbabago ng pandaigdigang sitwasyon. Walang duda na hindi na maaring ibalik ng uring burges ang “dating normal” at papasok na ang mundo sa “bagong normal” sa panahon ng patuloy na kabulukan ng kapitalismo. Hindi na kayang maghari ng uring kapitalista sa dating paraan. Kaya ang uring manggagawa ay kailangang aangkop sa “bagong normal” sa kanyang pakikibaka para ibagsak ang kapitalismo at itayo ang komunistang lipunan sa pandaigdigang saklaw.
Alex, 05-14-2020
1 https://www.ecdc.europa.eu/en/publications-data/european-respiratory-virus-surveillance-summary-erviss [4]
2 https://www.who.int/docs/default-source/wpro---documents/countries/philippines/emergencies/covid-19/who-phl-sitrep-30-covid-19-11may2020.pdf?sfvrsn=fc3d6664_2 [5]
4 https://en.internationalism.org/content/16810/more-evidence-capitalism-has-become-danger-humanity [7]
6 Oposisyon o kaliwa man ang nasa pampulitikang kapangyarihan, inutil pa rin ang estado sa pagharap sa mga pandemic dahil ang panlipunang sistema na pinagtatanggol nito ay bulok na, ganap ng hadlang sa ibayong pag-unlad ng mga pwersa ng produksyon.
7 https://en.internationalism.org/content/16823/covid-19-pandemic-symptom-terminal-phase-capitalist-decadence [9]
8 Para maunawaan ano ang dekadenteng kapitalismo basahin dito: https://en.internationalism.org/pamphlets/decadence [10]
Para maunawaan ano ang naaagnas na kapitalismo basahin dito: https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition [11]
9 Ang malubhang siksikan sa pook ng mga dukha o iskwater ay pangunahin dahil sa kahirapan at pagdurog ng kapitalismo sa kanayunan na nagbunga ng kahirapan at pakipagsapalaran sa kalunsuran at pangalawa dahil sa kapalpakan ng gobyerno sa kanyang proyektong pabahay na ang pangunahing layunin ay tubo hindi panlipunang serbisyo.
https://www.rappler.com/philippines/260299-coronavirus-pandemic-metro-manila-housing-problem-collide/ [12]
11 Marami ang hinuli (at may pinatay pa) dahil “lumabag” sa batas kabilang na ang napilitang lumabas dahil naghahanapbuhay para may makain ang pamilya nila, mga nagprotesta dahil sa kawalan ng ayuda, mga health workers at iba pa. Samantalang napakabait ng gobyerno sa lumabag na mga kaalyado nito tulad nila senador Koko Pimentel, Mocha Uson at NCRPO Director na si Major Gen. Debold Sinas.
12 https://www.rappler.com/business/255080-novel-coronavirus-impact-unemployment-income-un-assessment-march-18-2020/ [14]
13 “The latest LFS result puts the country’s unemployment rate at 5.3% and the underemployment rate at 14.8%, both of which were the lowest among the January rounds of the LFS since 2005.
This would most likely not be the case this year, economists said.
“Definitely unemployment figures will rise. Even if temporary, we might see a double-digit increase,” UP’s Mr. Ofreneo said.”
https://www.bworldonline.com/editors-picks/2020/03/30/285850/pandemic-expected-to-weaken-job-market/ [15]
14 https://en.internationalism.org/content/16855/covid-19-despite-all-obstacles-class-struggle-forges-its-future [16]
15 Burges-demokratiko ang programa ng lahat ng paksyon ng kaliwa sa Pilipinas tulad ng maoistang CPP-NPA at ‘leninistang’ Laban ng Masa.
Inilathala namin ang internasyunal na pahayag ng IKT sa kasalukuyang krisis ng Covid-19 sa porma ng isang “polyetong digital” dahil sa ilalim ng lock-down hindi posible na mamigay ng isang nakaprintang polyeto sa maraming bilang. Nakiusap kami sa lahat ng aming mambabasa na gamitin ang lahat na posible para maipamahagi ang teksto - social media, internet forums, at iba pa - at sumulat sa amin sa anumang reaksyon at diskusyon na nangyari, at syempre sa kanilang sariling pananaw sa artikulo. Mas kailangan para sa mga lumalaban para sa proletaryong rebolusyon na ipakita ang kanilang pakikiisa sa bawat isa at panatilihin ang ugnayan. Habang pisikal na nahiwalay ang ating mga sarili pansamantala, maari pa rin tayong magtipun-tipon sa pulitika!
Libu-libo ang namatay bawat araw, lugmok ang mga ospital, may kagimbal-gimbal na “triage” sa pagitan ng kabataan at matatanda sa hanay ng may sakit, sobrang pagod na ang mga manggagawa sa kalusugan, nahawa, at marami ang nasa bingit ng kamatayan. Kahit saan kulang sa mga kagamitang medikal. Terible ang kompetisyon ng mga gobyerno sa ngalan ng “digmaan laban sa virus” at sa “pambansang ekonomikong interes”. Bagsak ang pamilihang pinansyal, kakaibang pagnanakaw kung saan ninakawan ng bawat estado ang isat-isa sa paghatid ng mga mask. Milyun-milyong manggagawa ang itinapon sa impyerno ng kawalan ng trabaho, isang malakas na agos ng kasinungalingan mula sa estado at ng kanyang midya…ito ang kakila-kilabot na tanawin na makikita sa mundo ngayon. Ang pandemiya na ito ang isa sa pinaka-seryosong pinakamalaking sakuna sa kalusugan mula ng Spanish flu sa 1918-19, sa kabila ng magmula noon ay ekstra-ordinaryong umigpaw paabante ang syensya. Bakit may naturang sakuna? Paano humantong sa ganito?
Sinabihan tayo na kaiba ang virus na ito, na mas nakakahawa ito kaysa iba, na mas matindi at nakakamatay ang epekto nito. Lahat ng ito ay malamang totoo pero hindi ito ang paliwanag sa lawak ng sakuna. Ang responsable sa buong planeta sa kaguluhan, sa daang libong namatay, ay nasa loob mismo ng kapitalismo. Produksyon para sa tubo hindi sa pangangailangan ng tao, ang permanenteng paghahanap ng pagbabawas ng gastusin kapalit ng mabangis na pagsasamantala sa uring manggagawa, ang tumataas na marahas na mga atake sa kabuhayan ng mga pinagsamantalahan, ang baliw na kompetisyon sa pagitan ng mga kompanya at estado – ito ang mga batayang katangian ng kapitalistang sistema na nagpang-abot at humantong sa kasalukuyang malaking sakuna.
Ang kriminal na kapabayaan ng kapitalismo
Ang mga nagpatakbo ng lipunan, ang uring burges kasama ang kanyang mga estado at kanyang midya, ay sinabihan tayo na hindi mahulaan ang pagdating ng epidemiya. Ito ay kasinungalingan katulad sa mga tumanggi sa epekto ng pagbabago ng klima. Matagal ng nagbabala ang mga syentista sa banta ng mga pandemiya tulad ng Covid-19. Pero hindi nakinig ang mga gobyerno sa kanila. Hindi nga nila pinakinggan ang ulat ng CIA sa 2009 (“What will tomorrow’s world be like?”) na naglarawan ng mga katangian na halos katulad sa kasalukuyang pandemiya. Bakit bulag ang mga estado at ang uring burges na pinaglilingkuran nila? Sa simpleng dahilan: ang kapital ay dapat magluwal ng tubo, at sa pinakamadali. Ang pamuhunan sa kinabukasan ng sangkatauhan ay walang tubo, at pinababa lamang nito ang presyo. Pinagtibay rin ng pamumuhunan ang posisyon ng bawat pambansang burgesya laban sa iba sa imperyalistang arena. Kung ang napakalaking pera na ginugol sa pananaliksik militar at gastusin ay inilaan sa kalusugan at kapakanan ng populasyon, ang naturang epidemiya ay hindi lalawak. Subalit sa halip na gumawa ng mga hakbang laban sa mahulaan na sakuna sa kalusugan, hindi huminto ang mga gobyerno sa pag-atake sa sistema ng kalusugan, pareho sa antas ng pananaliksik at teknikal at yaman ng sangkatauhan.
Kung namamatay ang mga tao tulad ng langaw ngayon, sa mismong teritoryo ng pinaka-abanteng mga bansa, ito ay pangunahin dahil kahit saan binawasan ng mga gobyerno ang badyet na nakalaan sa pananaliksik ng bagong mga sakit. Kaya sa Mayo 2018 binuwag ni Donald Trump ang ispesyal na yunit ng National Security Council, na binuo ng mga kilalang eksperto na nilikha para labanan ang mga pandemiya. Pero ang aktitud ni Trump ay karikatura lamang sa ginagawa ng lahat ng mga lider. Kaya, ang syentipikong pananaliksik sa coronavirus ay inabandona 15 taon na ang nakaraan dahil sa hinusgahan na ang lilikhaing bakuna ay “napakamahal”!
Kahalintulad, lubos na kasuklam-suklam na makitang umiiyak ang mga burges na lider at pulitiko, sa kanan at kaliwa, sa pagkatigmak ng mga ospital at sa mapaminsalang kalagayan kung saan napilitang magtrabaho ang mga manggagawa sa kalusugan, habang ang mga burges na estado ay nagpataw ng mga patakaran para sa tubo sa nagdaang mahigit 50 taon, at sa partikular mula sa malaking resesyon sa 2008. Kahit saan nilimitahan nila ang pag-access sa mga serbisyong pangkalusugan, binawasan ang bilang ng mga higaan sa ospital, at pinatindi ang trabaho ng mga manggagawa sa kalusugan. At ano ang masabi natin sa pangkalahatang kakulangan ng mga mask at iba pang gamit para sa proteksyon, disinfectant gel, testing equipment, atbp? Sa nagdaang ilang taon, halos lahat ng mga gobyerno ay tinanggal ang stocks ng mga ito para makatipid sa pera. Sa nagdaang ilang buwan, hindi nila inaasahan ang mabilis na pagkalat ng Covid-19, sa kabila ng simula Nobyembre 2019, ang ilan sa kanila ay nagsabi ng walang kwenta ang mga mask sa mga hindi manggagawa ng kalusugan – para pagtakpan ang kanilang kriminal na pagiging iresponsable.
At paano na ang mga pinakamahirap na rehiyon sa mundo tulad ng kontinente ng Aprika o Latin Amerika? Sa Kinshasa, sa Democratic Republic of Congo, 10 milyong mamamayan ay nagkasya lang sa 50 ventilators! Sa Sentral Aprika, namigay ng polyeto sa populasyon paano maghugas ng kamay samantalang ang mamamayan ay walang tubig na mainom! Kahit saan pareho ang sigaw ng pagkabalisa: “kulang kami sa lahat sa harapan ng pandemiyang ito!”
Ang kapitalismo ay digmaan ng bawat isa laban sa lahat
Ang marahas na kompetisyon sa pagitan ng bawat estado sa pandaigdigang arena ang hadlang sa minimum na kooperasyon para makontrol ang virus. Noong una itong lumabas, nagpasya ang burgesyang Tsino na mas mahalaga na itago lumalalang sitwasyon, para protektahan ang kanyang ekonomiya at reputasyon. Hindi nag-alinlangan ang estado na usigin ang doktor na nagtangkang patunugin ang alarma, at pinabayaan siyang mamatay. Maging ang balatkayong internasyunal na regulasyon na binuo ng burgesya para harapin ang kakulangan ng kagamitan ay gumuho: hindi napatupad ng World Health Organisation ang mga direktiba habang ang European Union ay walang kapasidad para sa sama-samang mga hakbangin. Pinalala ng dibisyong ito ang kaguluhan at kawalan ng kontrol sa ebolusyon ng pandemiya. Ang dinamiko ng “bawat tao para sa kanyang sarili” at ang paglala ng pangkalahatang kompetisyon ay naging dominanteng elemento sa reaksyon ng naghaharing uri.
Ang “digmaan sa mga mask”, na katawagan ng midya, ay isang patunay na halimbawa nito. Bawat estado ay sinunggaban ang maaring makuha na materyal sa pamamagitan ng ispekulasyon, digmaan sa bidding, at maging lantarang pagnanakaw. Kinumpiska ng Amerika ang isang kargo ng eroplano ng mga mask mula Tsina na ipinangako para sa Pransya. Kinumpiska ng Pransya ang kargo ng mga mask papuntang Sweden. Kinuha ng Czech Republic sa kanyang adwana ang mga ventilator at mask para sa Italya. Naglaho sa Alemanya ang mga mask patungong Canada. Ito ang tunay na mukha ng mga “bantog na demokrasya”: pinakamasahol na pagnanakaw at gangsterismo!
Walang katulad na atake sa mga pinagsamantalahan
Para sa burgesya “mas mahalaga ang tubo kaysa ating mga buhay” tulad ng sigaw ng mga nagwelgang manggagawa ng sasakyan sa Italya. Sa lahat ng mga bansa, ipinagpaliban nito sa abot ng makakaya ang hakbangin ng ‘home quarantine’ para proteksyunan ang populasyon upang manatili ang pambansang produksyon anuman ang kapalit. Hindi ang banta ng mabilis na pagdami ng mga namatay ang dahilan ng lock-down. Ang maraming patuloy na imperyalistang masaker sa mahigit isang siglo, sa ngalan ng pambansang interes, ang patunay ng paghamak ng naghaharing uri sa buhay ng mga pinagsamantalahan. Hindi, walang pakialam ang mga naghari sa atin sa ating mga buhay! Laluna kung “nakatulong” ang virus, para sa burgesya, na patayin ang mga may sakit at matatanda, yaong tingin nito “hindi na produktibo”. Pabayaan na kumalat ang virus at gawin ang kanyang “natural” na tungkulin sa ngalan ng “herd immunity” ay ang unang pinili ni Boris Johnson at ibang mga lider. Sa bawat bansa, ang pangunahing dahilan ng lock-down ay ang takot sa dis-organisasyon ng ekonomiya at, sa ilang bansa, ang banta ng panlipunang kaguluhan, ang tumataas na galit bilang tugon sa kapabayaan at pagdami ng mga namatay. Dagdag pa, kahit pa sakop ang kalahati ng sangkatauhan, ang hakbangin ng social isolation ay sa maraming kaso isang ganap na komedya: milyun-milyong tao ang naobligang magsiksikan araw-araw sa mga treyn, tubes at bus, sa mga paktorya at palengke. At naghahanap na agad ng paraan ang burgesya na tapusin ang lock-down sa lalung madaling panahon, sa panahon na pinakamatindi ang pagkalat ng pandemiya, naghahanap ng paraan para mabawasan ang diskontento sa pamamagitan ng pagpabalik sa trabaho sa mga manggagawa ng sektor sa sektor, pabrika sa pabrika.
Pinanatili at nagpaplano ang burgesya ng mga panibagong atake, maging ng mas brutal na kondisyon ng pagsasamantala. Dahil sa pandemiya nawalan ng trabaho ang milyun-milyong manggagawa: 10 milyon sa loob lang ng tatlong linggo sa Amerika. Karamihan sa kanila iregular, kontraktwal o temporaryo ang trabaho, ay walang anumang kita. Ang iba na may maliit na panlipunang benepisyo, ay naharap sa kawalan ng kapasidad na makabayad ng renta at gastusin sa medical care. Ang paninira sa ekonomiya ay pinabilis ang pandaigdigang resesyon na naaninag na: sobrang pagtaas ng presyo ng pagkain, malawakang tanggalan, pagbawas ng sahod, paglaki ng kawalan ng seguridad sa trabaho, atbp. Lahat ng mga estado ay nagpatibay ng mga hakbangin ng “flexibility” sa pamamagitan ng panawagan ng sakripisyo sa ngalan ng “pambansang pagkakaisa laban sa virus”.
Ang pambansang interes na panawagan ng burgesya ngayon ay hindi natin interes. Ito mismong pagtatanggol sa pambansang ekonomiya at ang pangkalahatang kompetisyon, na sa nakaraan, ang dahilan ng pagbawas sa badyet at pag-atake sa kabuhayan ng mga pinagsamantalahan. Bukas, magsilbi ito sa parehong kasinungalingan na dahil sa pandemiya, manawagan ito sa mga pinagsamantalahan na mas pahigpitin ang sintoron, tanggapin ang mas lalupang kahirapan at pagsasamantala. Itong pandemiya ay ekspresyon ng dekadenteng katangian ng kapitalistang produksyon, isa sa maraming ekspresyon ng kabulukan ng kasalukuyang lipunan, kasama ang pagsira sa kapaligiran, polusyon at pagbabago ng klima, sa paglaganap ng mga imperyalistang digmaan at masaker, sa hindi mapigilang pagdami ng mahihirap, sa pagdami ng mga tao na naobligang maging migrante o bakwit, sa paglakas ng populistang ideolohiya at relihiyosong panatisismo, atbp (tingnan ang aming teksto “Theses on the decomposition of capitalism” sa aming internet site: (https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition [11]). Ito ay senyales na nasa dead-end na ang kapitalismo, pinakita ang direksyon saan dadalhin ng sistema ang sangkatauhan: patungo sa kaguluhan, kahirapan, barbarismo, pagkasira at kamatayan.
Tanging ang proletaryado lang ang makapagbago sa mundo
Ilang mga gobyerno at midya ang nangatuwiran na hindi na maging tulad ng dati ang mundo pagkatapos nitong pandemiya, na dapat halawin ang mga aral ng sakuna, na sa huli ang mga estado ay tutungo sa mas makatao at mas magaling na porma ng kapitalismo. Narinig natin ang parehong deklarasyon matapos ang 2008 resesyon: ang kamay nasa kanilang puso, ang mga estado at lider ng mundo ay nagpahayag ng “digmaan laban sa tampalasang pinansya”, nangako na ang mga sakripisyong hinihingi para makawala sa krisis ay may gantimpala. Tingnan na lang natin ang tumataas na hindi pagkapantay-pantay sa mundo para malaman na ang mga pangakong ito na “repormahin” ang kapitalismo ay pawang kasinungalingan para lunukin natin ang bagong paglala ng kondisyon ng ating kabuhayan.
Hindi mababago ng mapagsamantalang uri ang mundo at ilagay sa unahan ang buhay at pangangailangan ng tao ibabaw sa malupit na mga batas ng kanyang ekonomiya: ang kapitalismo ay sistema ng pagsasamantala, kung saan ang nagharing minoriya ay kumuha ng kanyang tubo at pribilihiyo mula sa paggawa ng mayoriya. Ang susi sa kinabukasan, ang pangako para sa ibang mundo, isang tunay na makataong mundo na walang mga bansa o pagsasamantala, ay tanging nakasalalay sa internasyunal na pagkakaisa at pagtutulungan ng mga nakibakang manggagawa!
Ang alon ng ispontayong pagtutulungan sa loob ng ating uri bilang tugon sa hindi matiis na sitwasyon na naranasan ng mga manggagawa sa kalusugan ay nilihis ng mga gobyerno at pulitiko sa buong mundo tungo sa kampanya ng palakpakan sa mga pintuan at balkonahe. Syempre ang mga palakpakang ito ay nakakataba ng puso ng mga manggagawa na, sa lakas ng loob at dedikasyon, sa ilalim ng matinding kondisyon, inalagaan ang may sakit at nagliligtas ng buhay. Pero ang pakikiisa ng ating uri, ng pinagsamantalahan, ay hindi limang minuto na palakpakan lang. Nagkahulugan ito, unang-unang na, pagtuligsa sa mga gobyerno ng lahat ng bansa, anuman ang kanilang pampulitikang kulay. Nagkahulugan ito ng kahilingan para sa mga mask at lahat ng kailangang kagamitan para sa proteksyon. Nagkahulugan ito, kung posible, ang magwelga at manindigan na hanggat ang mga manggagawa sa kalusugan ay walang materyal na kailangan nila, hanggat inihagis sila sa kanilang kamatayan na walang takip ang mukha, ang mga pinagsamantalahan na wala sa mga ospital ay hindi magtrabaho.
Ngayon, habang nariyan pa ang lock-down, hindi tayo makapaglunsad ng malawakang pakikibaka laban sa mamatay-tao na sistema. Hindi tayo makapagtipon para ipahayag ang ating galit at ating pagkakaisa sa pamamagitan ng malawakang pakikibaka, sa mga welga at demonstrasyon. Dahil sa lock-down, pero hindi lang ‘yan. Dahil rin sa muli pang diskubrehin ng ating uri ang tunay na pinagmulan ng kanyang lakas, na ilang beses na nitong pinakita sa kasaysayan pero nakalimutan na: ang potensyal para sa pagkakaisa sa pakikibaka, para sa pagpapaunlad ng malawakang kilusan laban sa naghaharing uri at sa kanyang halimaw na sistema.
Ang mga welga na nangyari sa sektor ng industriyang automobile sa Italya o sa mga supermarket sa Pransya, sa harap ng mga ospital sa New York o sa Hilagang Pransya, ang malaking galit ng mga manggagawa na tumangging maging “pambala ng virus”, na tinipon na walang mga mask, glove o sabon, para lang sa kapakanan ng mga nagsasamantala sa kanila, ay sa ngayon mga kalat-kalat na reaksyon at hindi nakaugnay sa lakas ng buong nagkakaisang uri. Gayunpaman, pinakita nila na hindi handa ang mga manggagawa, na parang hindi maiwasan, na tanggapin ang kriminal na pagiging iresponsable ng mga nagsasamantala sa atin.
Ang ganitong perspektiba ng pakikibaka ang dapat nating paghandaan. Dahil matapos ang Covid-19 ay magkaroon ng pandaigdigang ekonomikong krisis, malawakang kawalan ng trabaho, bagong mga “reporma” na walang iba kundi dagdag sakripisyo. Kaya ngayon pa lang, kailangang paghandaan ang ating mga darating na pakikibaka. Paano? Sa pamamagitan ng diskusyon, palitan ng karanasan at ideya, sa ibat-ibang daluyan sa internet, sa mga porum, sa telepono, hanggat posible. Naunawaan natin na ang pinakamalaking salot ay hindi ang Covid-19 kundi ang kapitalismo, na ang solusyon ay hindi pakikiisa sa mamatay-tao na estado kundi ang tumindig laban dito; na ang pag-asa ay hindi sa mga pangako ng kung sinu-sinong pulitiko kundi sa pagpapaunlad ng pagkakaisa ng manggagawa sa pakikibaka; na ang tanging alternatiba sa barbarismo ng kapitalismo ay pandaigdigang rebolusyon!
ANG KINABUKASAN AY PARA SA MAKAURING PAKIKIBAKA!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 10.4.20
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16830/generalised-capitalist-bar... [17]
Mapalaya lang ng proletaryado ang sangkatauhan mula sa nakakasakal na kadena ng pandaigdigang kapitalismo kung ang kanyang pakikibaka ay pinasigla at pinataba ng kritikal na istorikal na pagpapatuloy ng kanyang mga komunistang organisasyon, ang sinulid na umuugnay mula sa Liga Komunista ng 1848 hanggang sa kasalukuyang mga organisasyon na kabilang sa tradisyon ng kaliwang komunista. Ang kawalan ng ganitong kumpas, ang reaksyon ng mga manggagawa laban sa kalupitan at kahirapan na ipinataw ng kapitalismo ay mauuwi sa bulag, desperadong mga pagkilos, na tutungo sa tiyak na kadena ng mga kabiguan.
Ang blog ng Nuevo Curso ay nais ipakilala ang sulatin ni Munis bilang bahagi ng "Kaliwang Komunista", pero hindi talaga kumawala si Munis sa maling daan at oryentasyon ng Kaliwang Oposisyon na nabulok tungong Trotskyismo, isang tendensya na mula 1940s ay malinaw na pumusisyon sa likod ng pagtatanggol sa kapitalismo, kasama ang kanyang mga nakakatandang kapatid, ang Stalinismo at sosyal demokrasya.
Sinagot namin ang pag-angkin na ito sa artikulong “Nuevo Curso and the ’Spanish Communist Left’: what are the origins of the Communist Left?”1
“Kaya ang pandaigdigang partido sa hinaharap, kung gagawa ito ng tunay na kontribusyon sa komunistang rebolusyon, ay hindi maaring kumuha mula sa pamana ng Kaliwang Oposisyon. Dapat nakabatay ang kanyang programa at pamamaraan ng pagkilos sa karanasan ng kaliwang komunista. May mga hindi pagkakasundo sa hanay ng mga grupo na nagmula sa tradisyong ito, at responsibilidad nila na ipagpatuloy ang debate sa mga pampulitikang hindi pagkakasundo para mas maunawaan ng bagong henerasyon ang kanilang pinagmulan at kahalagahan…may umiiral na komon na pamana ng kaliwang komunista na nakilala ang kaibahan mula sa ibang kaliwang tendensya na nagmula sa Komunistang Internasyunal. Dahil dito, sinuman na umaangkin na kabilang sa kaliwang komunista ay may responsibilidad na malaman ang kasaysayan ng sangkap na ito ng kilusang manggagawa, ang kanyang pinagmulan laban sa pagkabulok ng mga partido ng Komunistang Internasyunal, at ang ibat-ibang mga sanga nito (ang Italian left, ang German-Dutch left, atbp). Importante higit sa lahat na tamang maunawaan ang istorikal na tabas ng kaliwang komunista at ang mga kaibahan na naghiwalay dito mula sa ibang mga kaliwang tendensya sa nakaraan, laluna ang Trotskyistang tendensya”.
Ang artikulong ito, sinulat sa Agosto 2019, ay ganap na binabalewala ng Nuevo Curso. Ang ingay ng katahimkan ay malakas na umalingawngaw sa ating mga tanga na nagtatanggol sa pamana at kritikal na pagpapatuloy ng kaliwang komunista. Mas nakakagulat pa dahil bawat araw ay naglathala ng bagong artikulo ang Nuevo Curso sa ibat-ibang paksa mula sa Netflix, at ang pinagmulan ng Pasko. Subalit, para sa kanya hindi kailangan na maglaan ng argumento sa napakahalagang paksa para bigyang katuwiran ang pag-angkin na bahagi ng kaliwang komunista ang kaugnayan sa pagitan ni Munis at ng Kaliwang Oposisyon na naging Trotskyismo.
Nagtapos ang aming artikulo sa pagsabing: “Malamang naghahanap tayo ng isang sentimental na kulto sa isang dating proletaryong mandirigma. Kung ito ang kaso, kailangang sabihin natin na ito ay isang proyekto na tutungo sa paglikha ng maraming kalituhan dahil ang kanyang tesis, na ginawang dogma, ay dalisayin lamang ang kanyang pinakamalalang mga pagkakamali… Isa pang posibleng paliwanag ay ang tunay na Komunistang Kaliwa ay inaatake ng isang mapanirang ‘doktrina’ na biglang binuo gamit ang mga materyales ng bantog na rebolusyonaryo. Kung yan ang kaso, obligasyon ng mga rebolusyonaryo na labanan ang naturang pagpapanggap sa pinakamalakas na enerhiya”.
Ang pinakamasamang bagay sa pagkatalo ng pandaigdigang rebolusyonaryong alon ng 1917-23 ay ang napakalaking distorsyon na ginawa ng Stalinismo bilang "komunismo", "Marxismo" at "mga proletaryong prinsipyo". Ang mga rebolusyonaryong organisasyon ngayon ay hindi papayagan na ang lahat ng pamana ng kaliwang komunista na masakit na pinaunlad sa mahigit isang siglo ay papalitan ng isang mapanligaw na doktrina batay sa nakakalito at oportunistang kanggrena na Kaliwang Oposisyon. Ito ay isang brutal na dagok sa perspektiba ng proletaryong rebolusyon.
Ang pinagmulan ng Nuevo Curso
Sa Setyembre 2017 nadiskubre namin ang blog na tinawag na Nuevo Curso2, na sa simula ay pinakilala ang sarili bilang interesado sa mga posisyon ng kaliwang komunista at bukas sa debate. ‘Yan kahit papano ang sinabi ng NC sa kanyang tugon sa unang sulat ng IKT na pinadala sa kanila. Ito ang kanilang sagot
“Hindi namin tinitingnan ang aming sarili bilang isang pampulitikang grupo, isang proto-partido o kahalintulad…Kabaliktaran, tinitingnan namin ang aming gawain bilang ‘mapaghugis’, para matulungan angdiskusyon sa mga pagawaan, sa hanay ng kabataan, atbp, at kung malinaw na namin ang ilang mga batayang elemento, na magsilbing tulay sa pagitan ng bagong mga tao na nadiskubre ang marxismo at ang mga internasyunalistang organisasyon (sa esensya ang ICT at kayo, ang ICC) na, sa nakikita namin, ay natural na mga pwersang magtatatag ng partido sa hinaharap sa kabila na napakahina pa nila sa ngayon (at syempre, sa buong uring manggagawa)”3
Ang pamamaraang ito ay naglaho ilang buwan pagkatapos, na walang ditalyado at kapani-paniwalang paliwanag, ng nagdeklara ang NC na pagpapatuloy ng sinasabing Kaliwang Komunista sa Espanya, ang pinagmulan nito ay si Munis at ang kanyang grupo, ang FOR4. Nagpahayag na kami na ang pag-angking ito ng ninuno ay walang iba kundi kalituhan sa pagitan ng kaliwang komunista at Trotskyismo, at mula sa paninindigan ng pagpapatuloy ng mga pampulitikang prinsipyo, ang mga posisyon ng NC ay hindi pagpapatuloy sa kaliwang komunista, kundi sa Trotskyismo o, sa pinakamabisa, pagtatangkang humiwalay sa Trotskyismo5. Walang programatikong pagpapatuloy sa pagitan ng NC at ng kaliwang komunista.
Pero paano ang organikong pagpapatuloy? Ito ang unang sinabi nila hinggil sa kanilang sarili
Sa ilalim ng blog at ‘Paaralan ng Marxismo’, kami ay maliit ng grupo ng lima ka tao na kumikilos at namuhay ng sama-sama sa loob ng 15 taon sa isang gawaing kooperatiba na umaandar bilang komunidad ng pag-aari. Ito ang aming paraan para labanan ang kawalan ng permanenteng hanapbuhay at para kumita. At para panatilihin ang paraan ng pamumuhay kung saan maari kaming magdiskusyon, matuto at kapaki-pakinabang sa aming mga pamilya at kaibigan sa napakahirap na panahon” (ibid)
At sa pag-amin nila, ang kanilang pangunahing pagkilos ay napakalayo sa pagiging marxistang kritisismo; sa pangkalahatan, sa kawalan ng kongkretisasyon, ito ay paglaan ng kanilang pagsisikap “para organisahin ang gawain sa posibleng produktibong paraan (isang bagong kooperatiba o komunal na kilusan na bigyang diin ang teknolohikal na posibilidad sa isang walang kalakal na lipunan, i.e. komunistang lipunan6 (ibid).
Sa kabilang banda, dagdag sa kanyang sentral na nukleyus, at tila mula sa ibat-ibang resulta ng repleksyon at diskusyon, ibat-ibang grupo ng kabataan ang naipon tungo sa grupong ito sa maraming syudad.“
Ang nakakagulat ay paanong ang naturang mga elemento, pinakilala mismo ang website ng NC mula sa simula na ito ay kabilang sa kaliwang komunista. Ang papel ng isa sa mga elemento na nag-ambag dito ay pinaliwanag sa sulat
isa sa amin (ie kooperatisbistang nukleyus, editor’s note), si Gaizka7, na isa sa inyong mga kontak sa 1990s, at, tulad ng sinabi niya mismo, ay natuto ng marxismo mula sa inyo. Ang katunayan na pinahalagahan namin siya at ang library na dinala niya ay importanteng bahagi ng aming proseso” (ibid).
Katunayan, itong “kooperatibistang myembro” ay lumitaw sa aming pampublikong pulong sa Disyembre 2017 sa sentenaryo ng rebolusyong Ruso at nakilala na namin, sa binanggit sa itaas na si Gaizka, na sa 90s ay sumali sa isang programatikong diskusyon sa IKT. Pagkatapos ng pulong sinabi niya sa amin na may ugnay siya sa grupo ng kabataan, na binigyan niya ng “marxistang pagtuturo”, upang hikayatin kami na makipag-ugnayan.
Ang sagot namin sa kanyang panukala na makipag-ugnayan ay dapat linawin muna niya ang ilang pampulitikang pinagdaanan na hindi niya napaliwanag sa 90s, at may kareristang aktitud at malapit at matagal na ugnayan sa Spanish Socialist Workers’ Party (PSOE)8 at kasabay nito ay umaangkin sa mga posisyon ng kaliwang komunista.
Hindi siya sumagot dito sa Disyembre 2017, ni pagkatapos, sa apat na sulat na pinadala namin sa kanya sa parehong laman; kaya, ayon sa proletaryong tradisyon na linawin ang mga “malabong” yugto sa pampulitikang buhay, nanatili kaming humihingi ng paliwanag. Sa kawalan ng paliwanag, sa pagmamasid sa kanyang pampulitikang pagkilos9 mula ng magkita kami ay nagpakita na ang kanyang ugnayan sa PSOE ay nanatili.
Ang lubak-lubak na daan ni Gaizka
1992-94: kontak sa IKT, at biglang pagkawala
Sa 1992, nakipag-ugnayan si Gaizka sa IKT, na pinakilala ang sarili na myembro ng grupong “The Spartacist Union”, na umaangkin na nagtatanggol sa mga posisyon ng kaliwang komunistang Aleman (mga posisyon na hindi na niya nagustuhan). Sa realidad, ito ay sa esensya siya at ang kanyang partner10; at sa puntong ito ang kanilang pagkakilala sa mga programatikong posisyon at tradisyon ng kaliwang komunista ay mas pa sa paghahangad kaysa sa realidad.
Mula sa simula, interesado siya na sumapi sa aming organisasyon sa napakabilis na paraan at nakaramdam ng pagkabagot ng tumagal ang mga diskusyon para sa kinakailangang mga klaripikasyon, o kung ilan sa kanyang mga aktitud ay tinatanong – sa partikular kaugnay ng isa pang elemento na sumama sa isang sirkulo ng diskusyon sa Madrid, kung saan may mga panahon na lumalahok din ang Battaglia Comunista.
May problema rin sa diskusyon sa kanyang pampulitikang kasaysayan. Bagamat sinabi niya sa amin na may kontak siya sa Socialist Youth (ng PSOE), nagpakita siya ng pagkamangha sa karanasan ng kibbutz11, at may mga komento na tila nag-ugnay kay kay Borrell12 at sa maka-Israel na Socialist lobbyp. Dagdag pa, hindi nilinaw ni Gaizka ang kanyang organisasyunal na relasyon sa PSOE o kanyang agkalas.w
Sa 1994, may debate sa IKT, mga debate hinggil sa problema ng diwa ng sirkulo sa kilusang manggagawa mula 1968 at personal na relasyon na nakatago sa proyektong “komunal” na pamumuhay. Sa panahon ng mga diskusyon sa aming mga prinsipyo ng organisasyon, inihapag namin kay Gaizka ang lahat ng aming mga posisyon hinggil dito. At ito marahil ang dahilan ng direkta siyang tanungin na ipaliwanag ang ang mga aspeto ng kanyang tunguhin na hindi malinaw13, una sa lahat tila hindi siya nagulat, sa kabila na pinakilala namin na ang pulong ay isang komprontasyon na naka-rekord (bago nito hindi namin ni-rekord ang pakikipag-usap sa kanya). At pangalawa, hindi siya nagbigay ng anumang paliwanag at naglaho mula sa kampo ng kaliwang komunista. Hanggang ngayon!
Patuloy ang ugnayan sa PSOE…
Ang tanong talaga sa pampulitikang landas ni Gaizka ay hindi ang katotohanan na sa ilang pagkakataon ay naging simpatisador o militante siya ng Socialist Youth at hindi niya ito sinabi ng malinaw; ang dapat ipaliwanag ay ang katotohan na sa kabila ng kanyang pag-angkin na kumbinsido siya sa mga posisyon ng kaliwang komunista, ang kasaysayan ng kanyang buhay ay nag-iwan ng maraming bakas na nagpakita ng pampulitikang relasyon sa mga tao na naging matataas na lider ng PSOE.
Sa 1998-9, naging “tagapayo” siya, na walang malinaw na paliwanag kung ano ang ibig sabihin, sa kampanya ni in Borrell sa eleksyon sa PSOE, na makikita sa ilan sa kanyang mga salaysay sa internet. Isa sa aming mga militante ay nakita siya sa telbisyon sa opisina ng kandidato14. Nais maliitin ni Gaizka ang tanong sa pagsabing nandoon lang siya bilang “office boy” ng kampanya, na hindi napansin ni Borrell. Pero ang totoo may mga lider ng PSOE, tulad ni Miquel Iceta.15 haimbawa, ay nagsabi sa publiko na nakasama nila si Gaizka sa panahon ng kampanya. At tila hindi lohikal na ang matataas na opisyales ng PSOE ay lapitan si Borrell para pakiusapan na ipakilala sila sa kanyang office boy
Dagdag pa, sa parehong mga taon, lumahok din si Gaizka sa isang “humanitarian mission” ng European Council of Humanitarian Action and Cooperation sa Kosovo16 kasama si David Balsa, ngayon ay presidente ng Euro-Central American Conference, at dating presidente ng European Council of Humanitarian Action and Cooperation. Siya ay dating lider ng Sosyalistang Kabataan at dating myembro ng Komiteng Tagapagpaganap ng Sosyalistang Partido ng Galicia. Sa isang sulat para sa Italian Radical Party, sinabi ni Gaizka na siya “ang batang lalaki na pumunta sa Albania kapalit ko”.
Maliban sa ito ay pahiwatig sa pagdududa ng mas malapit na relasyon sa pagitan ni Gaizka at PSOE kaysa kanyang inamin, ito ay pahiwatig ng aktibong partisipasyon sa isang imperyalistang digmaan sa ilalim ng maskarang “humanitarian action” at ang “mga karapatan ng tao17.
Sa 2003, isa rin siyang tagapayo sa kampanya ni Belloch ng PSOE18 pagka mayor ng Zaragoza, At inamin niya dito: “Aktibo talaga ako sa kampanya ng mayor, si Juan Alberto Belloch, para baguhin ang syudad bilang malawak na syudad, ekonomikong modelo, kung saan magkroon ng pag-unlad sa mga tipo ng negosyo na nakaugnay sa tunay na mga komunidad, napaka-transnational at hyper-connected”.
Sa 2004, pagkatapos ng teroristang atake sa 11 Marso at pambansang panalo ng PSOE sa eleksyon, sumulat ng prologue si Rafael Estrella para sa libro ni Gaizka, na puno ng papuri sa kanyang mga katangian. Ang taong ito ay myembro ng PSOE, isang tagapagsalita ng Commission for Foreign Affairs in the Congress of Deputies, at presidente ng parliyamentaryong asembliya ng NATO19. Binigyang-diin ng libro ang kawalang kapasidad ng maka-kanang Popular Party na unawain ang mga atake sa Atocha, pero walang isang salita ng kritisismo sa PSOE. Sa ilang okasyon ay sinipi si Felipe Gonzalez sa librong ito.
Ang deputado ring ito ng PSOE ay kalaunan naging ambasador ng Espanya sa Argentina sa 2007 (hanggang 2012) at inanyayahan si Gaizka na ipakilala ang kanyang libro sa embahada, na nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makaugnayan ang mga grupong pulitikal at ekonomiko sa bansang ito.
Isa pang “padrino” na may mahalagang papel sa pakikipagsapalaran ni Gaizka sa Timog Amerika ay si Quico Maňero, kung saan sinabi niya sa isang dedikasyon sa isa pa niyang libro: “Kay Federico Maňero, kaibigan, tagapaugnay ng mundo at sa maraming pagkakataon isang maestro, na sa ilang taon ay nagtulak sa atin na ‘mamuhay sa sayaw’ ng mga kontinente at mga pagpapanayam, na tinanggap kami at inalagaan kahit saan kami magpunta. Kung wala siya, hindi kami mabuhay bilang mga neo-Venetian”.
Ito ang sinabi ng Izquierda Socialista (isang maka-kaliwang tunguhin sa PSOE) hinggil sa taong ito:
“ang sangay ng REPSOL20 (o pag-aari ng) sa Argentina ay negosyo ni Señor Quico Maňero, ang dating asawa ni Elena Valenciano21, isang istorikal na lider ng PSOE (pangkalahatang kalihim ng Sosyalistang Kabataan), malapit na tagapayo ni Felipe Gonzalez, pinangalanan sa 2005 bilang myembro ng Argentine Administrative Council of REPSOL-YPF. Kasalukuyang siya ang target ng imbestigasyon sa iskandalong Invercaria at sa Andalusian funds of the ‘reptiles’ (isang iskandalo sa pinansya) kung saan tumanggap siya ng 1.1 million euros.22
Sa parehong panahon, sa 2005, nagtrabaho si Gaizka sa Jaime Vera Foundation ng PSOE, na isang tradisyunal na insttusyon para sanayin ang mga pampulitikang kadre ng partido, at tila sa 2005, ang institusyong ito ay nag-umpisa ng isang internasyunal na programa para sa pagbuo ng mga kadre na ang layunin ay palawakin ang impluwensya labas sa hangganan ng Espanya. Sa kontekstong ito, lumahok si Gaizka sa pagbuo ng “K-Cyberactivists” sa Argentina, na tumulong sa kampanya ni Cristina Kirchner sa 2007, kung saan siya ay naging presidente.
“Lumitaw ang ideya dalawang taon na ang nakaraan sa pampulitikang kasunduan ng gobyerno. Sa 2005, mga dalawampu ka tao na pinili ng Casa Rosada (ang sentro ng presidente ng Argentin) na bubuuin ng Jaime Vera Foundation, ang paaralan ng gobyerno ng mga lider ng PSOE, ang Partido Sosyalista ng Espanya. Binuo sila ng mga nagtayo ng K-Cyberactivists: ang militanteng si Sebastian Lorenzo (www.sebalorenzo.co.ar [18]) at Javier Noguera (nogueradeucuman.blogspot.com), ang kalihim ng gobyerno na si José Alperovich, ang gobernador ng TucumánNatuliro kami ng sinabi niya sa amin ang hinggil sa mga blog at social networks, pahayag ni Noguera sa La Nación. Ito malamang: ang ‘propesor’ na Espanyol ay ang pandaigdigang sanggunian ng cyberactivism…ang parehong tao, isang buwan ang nakaraan, na sinamahan ni Rafael Estrella, na ipinakilala ang kanyang bagong libro sa Buenos Aires23.
Sa mga taon matapos ang 2010, at laluna matapos matalo sa eleksyon ang PSOE, wala na gaanong partisipasyon ang partidong ito
…At minsan sa maka-kanang liberalismo
Katunayan, bago ang panalo ng PSOE sa 2004, sinubukan ni Gaizka na gamiting maskara ang PP, at nakipagtulungan sa PP Youth, sa pagtayo ng Los Liberales.org, na ayon sa organisasyong ito na magsilbi “para buuin ang koleksyon ng liberalismong Espanyol sa online para sa kaayusan. Nitong Sabado at Linggo ay nagtrabaho kam at, matapos ang maraming oras sa harap ng kompyuter, nakita namin ano ang nasa internet, ang ibat-ibang pamilya ng liberal at libertarian(hindi mga anarkista) na minsan ay may bangayan sa isat-isa. Ito ang dahilan ng pagkabuo ng Los Liberales.org, isang hindi-partisan na proyekto para sa mga liberal at sa mga interesado sa ganitong klaseng kaisipan”24.
Kabilang sa sambahayang ito ay mga tao tulad ni Jiménez Losantos25 at kanyang pahayagan na Libertad digital, kung saan maraming artikulo na sinulat si Gaizka, o ang mga konserbatibong Kristyanong liberal, na hindi tiyak kung sila ba ay mga liberal o bahagi ng dulong kanan.
Ang mamahayag na si Ignacio Esolar26 ay sumulat sa librong la Blogoesfera hispana, hindi nagtagal ang grupong ito. Ideolohikal na hindi pagkakasundo ng mga nagtatag ang tumapos sa proyekto
Ano ang ginagawa ng isang Gaizka sa kaliwang komunista27
Sa pagsusuri sa pampulitikang Curriculum Vitae ni Gaizka malinaw ang kanyang malapit na relasyon sa PSOE. Mula ng iniwan nito ang proletaryong kampo sa kanyang ekstra-ordinaryong kongreso sa Abril 192128, ang PSOE ay may mahabang kasaysayan ng pagsisilbi sa kapitalistang estado: sa ilalim ng diktadurya ni Primo de Rivera (1923-30) ang kanyang unyon na UGT ay naging tagapagpabatid ng pulisya, nagtuturo ng maraming militante ng CNT; at si argo Caballero, na naging tagapamagitan sa pagitan ng PSOE at UGT, ay isang tagapayo ng diktador. Sa 1930, biglang nagbago ng tono ang PSOE at inilagay ang sarili sa unahan ng mga pwersa na, sa 1931, nagtatag ng Ikalawang Republika, kung saan namuno ito sa gobyerno katulong ang mga Republican mula 1931 hanggang 1933. Dapat tandaan na sa loob ng dalawang taon, 1500 manggagawa ang pinatay sa panunupil sa mga welga at pag-alsa. Kalaunan, nasa bag-as ang PSOE sa gobyernong Popular na namuno sa paghahanda sa digmaan at sa proseso ng militarisasyon, na nagbigay ng kalayaan sa mga Stalinistang gangster na supilin ang pag-alsa ng mga manggagawa sa Barcelona sa Mayo 1937. Sa muling pagtatag ng demokrasya sa 1975, gulugod ang PSOE sa estado, na naging partido na pinakamatagal na namuno sa gobyerno (1982-1996, 2004-2011, at mula 2018). Ang pinaka-brutal na patakaran laban sa kalagayan ng manggagawa ay ginagawa ng mga gobyerno ng PSOE, laluna ang pagpatupad ng planong pagtanggal sa milyung manggagawa sa 80s, o ang programa ng pagtipyas sa panlipunang benepisyo na ginawa ng gobyernong Zapatero na pinagpatuloy ng gobyerno ni Rajoy ng PP.
Sa balwarteng ito ng burges na estado nakipagtulungan si Gaizka; hindi ito mga elemento ng rank and file”, na naloko, kundi ng mga lider ng partido, tulad ni Borrell na responsable sa patakarang panlabas ng European Commission, at kay Belloch ng ministro ng interior, kay Estrella na pangulo ng parliamentary assembly ng NATO.
Sa CV ni Gaizka, walang anumang bakas ng matatag na konbiksyon sa mga posisyon ng kaliwang komunista; para malinaw, wala siyang anumang pampulitikang konbiksyon, dahil hindi siya nag-atubiling umalembong sa kampo ng kanan. Ang “marxismo” ni Gaizka ay isang porma ng “Groucho-marxismo”: tandaan ang sikat na komedyanteng si Groucho Marx ng nagpatutsada siya: “narito ang aking mga prinsipyo. Kung hindi mo ito gusto mayroon pa ako sa aking bulsa”.
Kaya ang tanong: bakit binuo ni Gaizka ang Nuevo Curso bilang “istorikal” na kawing sa tinawag na “Kaliwang Komunistang Espanyol”? Ano ang kinalaman ng taong ito sa mga posisyon at istorikal na pakikibaka ng uring manggagawa?
At sa pagpapatuloy nito, ano ang kinalaman ng parasitikong grupo na “International Group of the Communist Left” sa lahat ng ito? May mga myembro ang IGCL na myembro ng sentral na organo ng IKT sa 1992-94 at alam ang aktitud ni Gaizka sa panahong iyon, hanggang ngayon dahil siya ang pangunahing animator ng Nuevo Curso. Pero nagbulag-bulagan sila dito, tahimik at tinatago ang kanyang linya at nagdeklara na ang grupong ito ay ang kinabukasan ng kaliwang komunista at mga katulad nito.
“Ang Nuevo Curso ay isang blog ng mga kasama na regular na naglathala sa sitwasyon at mas malawak na mga usapin, kabilang na ang teoretikal na mga isyu. Sa kasamaang-palad ang kanilang blog ay sa Espanyol lamang. Ang listahan ng kanilang mga posisyon ay makauring posisyon na bahagi ng programatikong balangkas ng kaliwang komunista…Bilib na bilib kami hindi lang sa apirmasyon ng kanilang makauring mga posisyon na walang konsesyon, kundi kabilang na rin ang ‘marxistang kalidad’ ng mga teksto ng mga kasama….”29
Kaya ang pagtatag ng Emancipacion bilang ganap na pampulitikang grupo ay ekspresyon ng katotohanan na ang internasyunal na proletaryado, bagamat sinusupil at napakalayo pa na itulak ang ibat-ibang mga atake ng kapital, ay lumalaban at kumakawala sa ideolohikal na kontrol ng kapital, at nanatiling posible ang kanyang rebolusyonaryong hinaharap. Ito ay ekspresyon ng (relatibong) kasiglahan’ ng proletaryado.30
Sa tradisyon ng kilusang manggagawa, na ang istorikal na pagpapatuloy ay kinakatawan ngayon ng kaliwang komunista, ang mga prinsipyo ng organisasyon, ng pagkilos, ng gawi at katapatan ay kasing halaga ng mga programatikong prinsipyo. Ilan sa mga pinaka-importanteng kongreso sa kasaysayan ng kilusang manggagawa, tulad ng Kongreso sa Hague sa 1872, ay inilaan sa pakikibaka para ipagtanggol ang proletaryong aktitud (at ito ay sa kabila na nangyari ang kongreso isang taon matapos ang Komuna sa Paris at naharap sa pangangailangan na lagumin ang mga aral nito)31. Naglaan mismo si Marx ng buong libro, na natapos niya ng mahigit isang taon, na nakagambala sa kanyang pagsulat ng Kapital, para depensahan ang proletaryong asal laban sa mga intriga ni Herr Vogt, isang Bonapartistang ahente na nag-organisa ng kampanya ng paninira laban kay Marx at sa kanyang mga kasama. Kamakailan ay naglathala kami ng artikulo ng pagkondena ni Bebel at Liebknecht sa hindi tapat na gawi nila Lassalle at Schweitzer32. At sa 20 siglo, naglaan si Lenin ng libro – One Step Forward Two Steps Back – para lagumin ang mga aral ng Ikalawang Kongreso ng Russian Social Democratic Labour Party hinggil sa bigat ng kaugalian na banyaga sa proletaryado. Maari din naming banggitin si Trotsky na nanawagan ng isang jury of honour para ipagtanggol ang kanyang integridad laban sa mga paninira ni Stalin.
Ang katotohanan na mayroong may malapit na kaugnayan sa matataas na lider ng PSOE na biglang dumating sa kampo ng kaliwang komunista ay dapat maging hudyat sa lahat ng mga grupo at militante na nakibaka sa istorikal na interes ng ating uri, kabilang na ang nasa blog ng Nuevo Curso na tapat sa ginagawa, na naniwala na sila ay lumalaban para sa mga prinsipyo ng kaliwang komunista.
Sa 1994, tinanong namin si Gaizka na linawin ang kanyang tunguhin at ang kanyang kahina-hinalang mga asosasyon ng panahong iyon.. Nawala siya sa eksena. Sa 2018, matapos siyang bumalik dala ang buong listahan ng mga kontak sa mataas na posisyon ng PSOE, muli namin siyang tinanong at nanatili siyang tahimik. Para sa pagtatanggol ng kaliwang komunista, sa kanyang integridad at kontribusyon sa hinaharap, kailangang magpaliwanag siya sa lahat ng ito.
KT 20.1.20
1 https://en.internationalism.org/content/16727/nuevo-curso-and-spanish-communist-left-what-are-origins-communist-left [19]
2 Mula Hunyo 2019, binuo ng Nuevo Curso ang sarili bilang isang pampulitikang grupo sa ilalim ng pangalang Emancipación, sa kabila na ang kanyang blog ay sa ilalim ng pangalang Nuevo Curso. Ang ebolusyong ito ay hindi makaapekto sa laman ng artikulong ito.
3 7.11.17, mula sa [email protected] [20] para sa [email protected] [21]
4 Tingnan, at ang iba pa, https://en.internationalism.org/internationalreview/200908/3077/farewell-munis-revolutionary-militant [22]
5 https://en.internationalism.org/content/2937/polemic-where-going [23]; https://en.internationalism.org/international-review/201711/14445/communism-agenda-history-castoriadis-munis-and-problem-breaking-t [24]r]; https://en.internationalism.org/international-review/201808/16490/castoriadis-munis-and-problem-breaking-trotskyism-second-part-cont [25]; https://en.internationalism.org/content/3100/confusions-fomento-obrero-revolucionario-russia-1917-and-spain-1936 [26] ]https://es.internationalism.org/cci/200602/753/1critica-del-libro-jalones-de-derrota-promesas-de-victoria [27]
6 Sino ang makaintindi nito? Sa panig namin, hindi namin subukan na unawain kung ano ba talaga ang ibig sabihin ng aktibidad na ito. Sapat na sabihin sa ngayon na sa kabila ng ‘komunistang’ tatak nito, ito ay walang kinalaman sa tunay na komunista o rebolusyonaryong aktibidad, tulad ng pag-amin mismo ng sulat, ng sabihin nito na para uunlad patungong marxismo dapat simulan ang kritika sa ganitong klaseng aktibidad.
.“ “Subalit sa loob ng isa at kalahating taon o dalawang taon, naramdaman namin ang pagbabago sa palibot namin. Nakapagsalita kami sa ibat-ibang paraan at maraming masigasig na kabataan ang lumitaw na ikinatutuwa namin pero nahulog sa pinaka-klasikong porma ng Stalinismo at Trotskyismo” (mula sa sulat na binanggit ng NC, op cit).
7 Sa sulat, ginamit ang kanyang tunay na pangalan; dito gamitin namin ang pangalan na nakilala namin sa kanya mula 1990s.
. Pero, wala kaming problema - kabaliktaran - sa pakikipagkita sa mga grupo ng kabataan, at ito ang ginawa namin sa isa sa kanila sa Nobeyembre 2018.
9 Sa ilalim ng kanyang tunay na pangalan at apelyido, si Gaizka ay isang pampublikong personalidad sa web, at ito ang dahilan na maobserbahan namin ang kanyang presensya at partisipasyon sa ibat-ibang pampulitikang inisyatiba. Subalit hindi namin maaring ilahad dito ang lahat ng mga dokumento na hindi ihayag ang kanyang tunay na pangalan.
10 Sa simula may ibang mga tao na umalis sa grupo.
11 Nanatili ang pagkamangha niya sa pinakahuling panayam kay Gaizka, pero nakatago ito sa pagtatanggol sa komunal na karanasan ng kibbutz, sa partikular sa kanyang inisyal na yugto sa simula ng 20 siglo, na walang pagsangguni sa pampulitikang papel nito sa imperyalistang interes ng estado ng Israel: “Ang ‘Indianos’ (ie komuna ni Gaizka, tala ng editor) ay mga komunidad na kahalintulad ng kibbutz (walang indibidwal na pag-iimpok, ang mga kooperatiba mismo ay nasa ilalim ng kolektibo at demokratikong kontrol, atbp), pero may mahalagang pagkakaiba tulad ng kawalan ng sinang-ayunang relihiyosong ideolohiya; at ipinamahagi sila sa maraming mga syudad sa halip na konsentrado sa iilang mga instalasyon, at ang pagkaunawa na ilan sa mga kriterya ay lagpas sa pang-ekonomiyang nasyunalidad” (sipi mula sa panayam kay Gaizka).
12 Isang aeronautical engineer at ekonomista, si Borrell ay naging pulitiko sa 1970s bilang isang militante ng PSOE sa panahon ng transisyon ng Espanya tungong demokrasya, at nagkaroon ng maraming mga responsableng posisyon sa panahon ng gobyerno ni Felipe Gonzales, una sa Ekonomiya at Pinansya bilang pangkalahatang kalihim ng budget at public expenses (1982-84) at kalihim ng estado sa Pinansya (1984-1991); pagkatapos sa Council of Ministers na may portfolio para sa Industriya at Transportasyon. Sa oposisyon matapos ang pangkalahatang eleksyon sa 1996, sa 1998 si Borrell ay naging kandidato bilang primero ministro ng PSOE, pero nagbitiw siya sa 1999. Mula noon, pinagtuunan na ang pulitika sa Uropa, naging myembro siya ng European parliament sa panahon ng 2004-2009 at naging presidente ng chamber sa panahon ng unang kalahati ng lehislatura. Matapos magretiro sa pulitika, bumalik siya sa Council of Ministers sa Hunyo 2018, sa kanyang nominasyon sa posisyong Minister of Foreign Affairs, European Union and Cooperation [29] ng gobyerno ni Pedro Sanchez (Wikipedia). Nitong huli siya ay naging European Commissioner for Foreign Affairs.
p Sa 1969 si Borrell ay nasa isang kibbutz at ang kanyang asawa na ina ng kanyang dalawang anak ay Hudyo ang pinagmulan. Kilala siya na tagapagtanggol ng interes ng Israel sa loob ng Partido Sosyalista.
w Hindi lang ang relasyong ito ang nanatiling hindi malinaw. Nalaman namin na sa parehong panahon na nais niyang makipagdiskusyon sa IKT para umanib, lumahok siya at naging tagapanguna sa Espanya sa tendensyang tinawag na cyberpunk, at promotor ng cyber activism.
13 Ilan sa mga isyung ito ay ang pagnanasa para sa “komunal” na pamumuhay, na paliwanag sa kanyang pagkamangha sa kibbutz, na umiiral sa Spartacist Union, kung saan isang halimbawa ang pagtatangkang mamuhay ng komunal.
14 Sa 1980s isang elemento na si “Chenier” ay natuklasan at tinuligsa sa aming pahayagan na isang adbenturista. Hindi nagtagal pagkatapos, nakita namin siya na nagtatrabaho sa ilalim ng Sosyalistang Partido ng Pransya. Ito ang nag-alerto sa amin sa posibleng relasyon sa pagitan ni Gaizka at PSOE na mas malapit kaysa kanyang inamin.
15 Pangkalahatang Kalihim ng PSC, ang Partido Sosyalista ng Catalonia; militante ng Sosyalistang Kabataan at PSOE mula 1978; sa 1998-99 deputado ng Barcelona sa Kongreso ng mga Deputado.
16 Dahil hindi masyadong kilala ang institusyon, tingnan ang sanggunian ng kanyang pagkatatag mula sa pahayagang UH sa Mallorca, batay sa isang balita mula sa Efe agency: https://www.ultimahora.es/noticias/sociedad/1999/03/01/972195/espanol-pr... [30]
17 Ang digmaan mismo sa dating Yugoslavia (ang unang pambobomba at masaker sa Uropa pagkatapos Ikalawang Digmaang Pandaigdig) sa ilalim ng bandilang “humanitarianism”; at ang pambobomba ng NATO ay pinakilala bilang “pagtulong sa populasyon” laban sa mga para-militar. Makita ang aming posisyon sa 1999 imperyalistang digmaan sa Kosovo sa aming website: https://en.internationalism.org/content/4007/editorial-peace-kosovo-moment-imperialist-war [31]
18 Si Juan Alberto Belloch ay ministro ng Hustisya at ng Interior ni Felipe González (1993-96) bago tumakbong mayor ng Zaragoza.
20 Ang REPSOL ay isang nangungunang kompanyang Espanyol sa pagkuha, pagpino at pagbenta ng langis at mga produkto nito. May importanteng internasyunal na presensya ito, laluna sa Timog Amerika. https://en.wikipedia.org/wiki/Repsol [33]
21 Isang lider ng PSOE at pangalawa kay Alfredo Pérez Rubalcaba, ang namatay na Minister of the Interior at ang tunay na “Richelieu” ng Sosyalistang mga gobyerno, na pinilit ang mga air traffic controllers na bumalik sa trabaho gamit ang armas.
22 web.psoe.es/izquierdasocialista/docs/648062/page/patriotas-por-dios-por-patria-repsol.html
23 Mula sa journal na La Nación, Argentina.
24 Naglaho na ang blog kaya hindi namin maibigay ang link, pero hawak namin ang maraming mahalagang screenshots.
25 Isang mamahayag na dating militante ng grupong Maoist Bandera Roja at ng Stalinistang partido sa Catalonia (PSUC), na sa kasalukuyan ay sumusuporta sa Vox at sa dulong kanan ng PP. Sumusulat siya sa ABC at El Mundo at nagsasalita sa Radio COPE. Sa kasalukuyan siya ang animator ng internet journal Libertad at es.radio.
26 Tagapagtatag ng pahayagang Público na iniwan niya para sa Dairio.es bilang pangunahing lider nito. Isa siyang diarist sa talk-show sa TV chain La Sexta.
27 “Anong ginagawa ng isang magandang dilag sa lugar na ito?”. Isang ekspresyon mula sa isang kanta ng isang grupo sa Madrid na Burning na maraming nakuhang tagumpay sa 80s, hanggang sa punto na ginawan ito ng pelikula sa direksyon ni Fernando Colomo at ginampanan ni Carmen Maura.
28 Sa kongresong ito may nangyaring baklasan ng pinakahuling proletaryong tendensya na nakibaka sa loob ng PSOE, bagamat dapat kilalanin na lubha ang kanilang kalituhan (sentrista). Ang tema ng kongresong ito ay kung dapat bang pumaloob o hindi sa Ikatlong Internasyunal, na tinanggihan ng 8269 mandato laban sa 5016. Ang mga nagdesisyon na umanib sa Comintern ay umalis sa kongreso at nagtatag ng Spanish Communist Workers’
29 Revolution or War, no. 9 (IGCL: “New communist voices: Nuevo Curso (Spain) and Workers’ Offensive (United States)”
30 Revolution or War no.12 “Letter to Emancipación on its 1st Congress, July 10 2019”
Kinondena ng serye na ito ang hindi masyadong nakikitang bahagi (nakatagong mukha) ng mga organisasyon ng kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital (Sosyalista, Stalinista, Trotskyista, Maoista, opisyal na anarkismo, ang 'bagong' kaliwa ng Syriza, France Insoumise, at Podemos). Sa unang artikulo ng serye ay nakita natin paanong tinanggihan ng mga organisasyong ito ang uring manggagawa na diumano pinagtatanggol nila, Sa ikalawa ay tinastas namin ang kanilang paraan at pag-iisip. Sa ikatlong artikulong ito ay nais naming suriin ang kanilang pagkilos, ang internal na dinamiko ng mga partidong ito at paanong ang kanilang pagkilos ay mismong pagwalang-bisa sa lahat ng mga komunistang prinsipyo at bumuo ng lahat ng hadlang sa anumang pagkilos para sa mga prinsipyong ito.
Ang mga pwersa ng Stalinismo, Trotskyismo, atbp., ay nagsagawa ng ganap na palsipikasyon sa proletaryong posisyon sa usapin ng kanilang organsiasyon at aktitud. Para sa kanila, ang sentralisasyon ay pagsunod sa makapangyarihang burukrasya, at ang disiplina ay bulag na pagsunod sa komisyon ng kontrol. Ang posisyon ng mayoriya ay resulta ng tunggalian sa kapangyarihan. At ang debate, sa diwa ng manipulasyon, ay sandata para talunin ang posisyon ng karibal na mga paksyon. At maari tayong magpatuloy ad nauseam.
Posible na ang isang proletaryong militante sa loob ng isang tunay na komunistang organisasyon ay magkaroon ng tendensya na tingnan ang kanyang mga organisasyunal na posisyon at aktitud mula sa lente noong mga panahon na nasa kaliwang organisasyon pa siya.
Sa pinag-uusapan nating hipotetikal na militante sa pangangailangan ng disiplina, naalala nila ang bangungot na pinagdaanan nila ng sila ay nasa organisasyon pa ng kaliwa ng burgesya.
Sa mga organisasyong yaon, ang ‘disiplina’ ay nagkahulugan ng pagtatanggol sa mga walang katotohanang bagay dahil ‘hinihingi ito ng partido’. Isang araw sinabi nila na ang isang karibal ay ‘burges’ at sa susunod na linggo, ayon sa pagbabago sa pampulitikang alyansa ng liderato, ang bahaging ito ay ngayon naging pinaka-proletaryado na sa buong mundo.
Kung mali ang patakaran ng komite sentral ito ay tanging kasalanan ng mga militante na ‘nagkamali’ at ‘hindi tamang isinapraktika ang desisyon ng komite sentral'. Tulad ng sabi ni Trotsky: "Bawat resolusyon ng Komiteng Tagapagpaganap ng Komunistang Internasyunal na nagtala ng panibagong mga kabiguan ay sa isang banda ay nagdeklara na lahat ay nasa plano at, sa kabilang banda, kasalanan ng mga nagbigay-kahulugan dito dahil hindi nila naintindihan ang binigay na linya sa kanila mula sa itaas"[1].
Matapos ng mga nakakasuklam na karanasang ito, ang militante na nakaranas sa mga partidong ito ay tuluyan ng itinakwil ang disiplina, na hindi naintindihan na ang proletaryong disiplina ay radikal na kaiba at salungat sa disiplina ng burgesya.
Sa proletaryong organisasyon, ang 'disiplina' ay nagkahulugan ng respeto sa lahat ng mga desisyon at ang bawat isa ay kabilang sa diskusyon para magawa ang mga ito. Sa isang banda ito ay pagiging responsable at, sa kabilang banda, ito ay praktikal na ekspresyon ng pangingibabaw ng kolektibo sa indibidwal - na sa kabilang banda ay hindi nagkahulugan ng bangayan ng indibidwal at kolektibo kundi ekspresyon ng magkaibang mga aspeto ng parehong pagkakaisa. Dahil dito, ang disiplina sa rebolusyonaryong organisasyon ay boluntaryo at mulat. Ang disiplinang ito ay hindi bulag kundi nakabase sa konbiksyon at isang perspektiba.
Sa burges na organisasyon, ay kabaliktaran. Ang disiplina ay nagkahulugan ng pagsuko sa makapangyarihan sa lahat na liderato at pagtakwil sa lahat ng responsibilidad sa pamamagitan ng pagbigay dito sa kung ano ang ginagawa at sinasabi ng liderato. Sa burges na organisasyon ang disiplina ay nakabatay sa oposisyon sa pagitan ng ‘kolektibo’ at indibidwal. Ang ‘kolektibo’ dito ay ang interes ng pambansang kapital at ng kanyang estado na pinagtatanggol ng mga organisasyong ito sa kanilang partikular na larangan, interes na hindi umaayon sa interes ng kanyang mga myembro. Kaya ang kanyang disiplina ay ipinataw kundiman ng pananakot ay pampublikong sumpa na maaaring hahantong sa pagtiwalag; o, kung boluntaryo itong niyakap, ito ay bunga ng pagkaramdam ng pagkakasala o kategorikal na pamimilit na mag-udyok ng pana-panahong tunggalian sa tunay na interes ng bawat indibidwal.
Ang kawalang unawa sa radikal na kaibahan sa pagitan ng disiplina ng proletaryado at burgesya ay kadalasan ang ilang mga militante na nagmula sa kaliwa at pumaloob sa proletaryong organisasyon, ay nahulog sa mapanirang pag-ikot-ikot. Dati sinusunod nila ang mga utos ng kanilang amo bilang tupa; ngayon, sa proletaryong organisasyon, itinakwil nila lahat ng disiplina at sinusunod lang ang isang utos: na dinidiktahan ng kanilang sariling indibidwalidad. Mula sa disiplina ng isang kwartel sinalungat nila ang disiplina kung saan maaring gawin ng bawat isa ang anumang gusto nilang gawin, ibig sabihin isang anarkistang disiplina ng indibidwalismo. Ito ay paikot-ikot, bilanggo sa pagitan ng mabangis at marahas na disiplina ng mga partido ng burgesya at indibidwalistang disiplina (ang disiplina ng "gagawin ko ang gusto kong gawin") na katangian ng peti-burgesya at anarkismo.
Ang sentralisasyon ay isa pang konsepto na nagdulot ng reaksyon sa hanay ng mga militante na apektado ng lason ng impluwensya ng kaliwa.
Para sa kanila ang sentralisasyon ay:
- makapangyarihang liderato kung saan kailangang sumunod na walang reklamo;
- isang mapandurog na piramide ng burukrasya at pagsunod sa liderato;
- ganap na pagtakwil sa lahat ng personal na insiyatiba at pag-iisip, na pinalitan ng bulag na pagsunod at pagbuntot sa liderato;
- ang mga desisyon ay hindi sa pamamagitan ng diskusyon na may partisipasyon ng lahat, kundi sa pamamagitan ng mga utos at maniobra ng liderato.
Katunayan, ang burges na sentralisasyon ay nakabatay sa mga konseptong ito. Ito ay dahil sa katotohanan na sa loob ng burgesya, umiiral lang ang pagkakaisa kung naharap sa imperyalistang digmaan o sa proletaryado; maliban dito ay ang walang tigil na tunggalian sa pagitan ng ibat-ibang paksyon.
Para magkaroon ng kaayusan sa naturang kaguluhan, kailangang pwersahang ipataw ang awtoridad ng isang 'sentral na organo'. Kinakailangan na ang burges na sentralisasyon ay burukratiko at mula sa taas pababa.
Itong pangkalahatang burukratisasyon ng lahat ng mga burges na partido at kanilang institusyon ay kailangang-kailangan ng mga partido ng ‘manggagawa’ o ng kaliwa na itinanghal ang mga sarili na tagapagtanggol ng mga manggagawa.
Walang problema sa burgesya ang disiplinang bakal sa kanyang pampulitikang makinarya dahil nilalasap nito ang lubusang diktaduryang kapangyarihan sa kanyang sariling mga pabrika. Subalit, sa organisasyon ng kaliwa o dulong-kaliwa, mayroong iniingatang nakatagong antagonismo sa pagitan ng ano ang opisyal na sinasabi at ano ang tunay na nangyayari. Para maresolba ang kontradiksyong ito, kailangan nito ng burukrasya at bertikal na sentralisasyon.
Para maintindihan ang mga mekanismo ng burges na sentralisasyon na ginagawa ng kaliwa ng kapital, tingnan natin ang Stalinismo na siyang tunay na tagapanguna. Sa kanyang libro, The Third International after Lenin, sinuri ni Trotsky ang paraan ng burges na sentralisasyon na isinapraktika ng mga Komunistang partido.
Ginunita niya, para ipataw ang mga burges na polisiya, “pinagtibay” ng Stalinismo "ang isang sekretong organisasyon ng kanyang iligal na Komite Sentral (the septemvirat) sa kanyang mga sirkular, sekretong ahente at koda, atbp. Lumikha ang makinarya ng partido sa loob nito ng isang sarado at hindi makontrol na kaayusan na mayroong napakalaking mapagkukunan hindi lang para sa ganitong makinarya kundi ng estado na binago ang partido ng masa tungo sa pagiging instrumento ng pagbabalatkayo sa lahat ng mga maniobra at intriga." (idem).
Para lipulin ang rebolusyonaryong pagtatangka ng proletaryado sa Tsina at magsilbi sa interes ng estado ng imperyalistang Rusya sa mga taon ng 1924 - 28, inayos ang Partido Komunista ng Tsina mula sa itaas pababa na inilarawan ng saksi sa lokal na komite ng: "(Ang Komite Sentral) ay naglunsad ng mga akusasyon at sinabi na hindi mabuti ang Komite ng Probinsya; at bilang ganti, inakusahan ang mga organisasyon ng base at sinabi na masama ang Komite ng Rehiyon. Ang huli ay nagsimulang mang-akusa at sinabi na ang mga kasama sa batayang antas ang mali. At pinagtanggol ng mga kasama ang sarili at sinabi na hindi sapat ang pagiging rebolusyonaryo ng masa" (idem).
Nagpataw ng kareristang mentalidad ang burukratikong sentralisasyon sa mga myembro ng partido, kung saan sumunod sila sa kanilang nakatataas at walang tiwala at nagmamanipula sa ‘nasa ibaba sa kanila. Ito ay malinaw na katangian ng lahat ng mga partido ng kapitalismo, ng kaliwa at kanan, na sinusunod ang modelo na nakita ni Trotsky sa mga Stalinistang Partido Komunista at tinuligsa sa 1920's: "ito ay binuo ng buong pangkat ng mga akademikong kabataan sa pamamagitan ng maniobra, at sa pamamagitan ng Bolshevik na kakayahang bumaluktot, ay naintindihan ang pagiging lastiko ng kanilang sariling gulugod" (idem).
Ang resulta ng mga paraang ito ay "ang mataas na saray ay pinagbinhian ng burges na diwa, makitid na egotismo at makitid ang isip na mga kalkulasyon. Makikita na may matibay silang determinasyon na magkaroon ng puwang para sa kanilang mga sarili na walang pakialam sa iba, isang bulag at ispontanyong karerismo. Para maintindihan, dapat patunayan nila na may kapasidad sila sa walang prinsipyo na pakikibagay, isang walang kahihiyan na aktitud at sipsip sa mga nasa kapangyarihan. Ito ang nakikita natin sa bawat pagkilos, bawat mukha. Nakikita ito sa lahat ng mga pagkilos at talumpati, na sa pangkalahatan ay puno ng magaspang na rebolusyonaryong parirala" [2].
Kailangang bawiin - sa pamamagitan ng pagsusuri sa kanila sa kritikal na paraan - lahat ng mga konsepto ng organisasyon ng kilusang manggagawa bago ang napakalaking delubyo ng sa simula ay ang pagpasok ng mga Sosyalistang partido sa kapitalistang estado at sa huli ng transpormasyon ng mga partido Komunista sa pagiging Stalinistang pwersa ng kapital.
Ang proletaryong posisyon sa usapin ng organisasyon, bagamat pareho ang kanilang pangalan ay walang kinalaman sa kanilang palsipikadong bersyon. Hindi kailangan ng kilusang proletaryo na mag-imbento ng bagong mga konsepto dahil ang mga konseptong ito ay pag-aari nito. Katunayan, ang nagbago ng kanilang terminolohiya ay ang kaliwa at dulong-kaliwa ng kapital, sila ang mga ‘tagatuklas’ na hiniram ang moral at organisasyunal na posisyon ng burgesya. Muli nating balikan ang ilan sa mga proletaryong konsepto at paano na ganap silang salungat sa Stalinismo, kaliwa at, sa pangkalahatan, sa anumang burges na organisasyon.
Ang sentralisasyon ay ekspresyon ng natural na pagkakaisa na umiiral sa loob ng proletaryado at, dahil dito, sa hanay ng mga rebolusyonaryo. Kaya, sa proletaryong organisasyon, ang sentralisasyon ang pinaka-lohikal na organisasyunal na pagpapaandar at resulta ng boluntaryo at mulat na aksyon. Samantalang ang sentralisasyon ng kaliwang organisasyon ay iniutos ng burukrasya at maniobra, sa proletaryong pulitikal na organisasyon, kung saan hindi umiiral ang magkaibang mga interes, ang pagkakaisa ay pinakita ng sentralisasyon; kaya ito ay mulat at lohikal.
Sa isang banda, sa kaliwang organisasyon, katulad sa anumang burges na organisasyon, umiiral ang ibat-ibang interes na nakaugnay sa mga indibidwal at paksyon na para pagkasunduin ang ibat-ibang interes, at nangangailangan ito ng burukratikong imposasyon ng isang paksyon o isang lider, o isang tipo ng 'demokratikong taga-koordina' sa pagitan ng ibat-ibang mga lider o paksyon. Sa lahat ng mga kaso ay kailangan ang agawan sa kapangyarihan, maniobra, pagtraydor, manipulasyon, at pagsunod para 'grasahan' ang pag-andar ng organisasyon dahil kung hindi mawasak ito at magkagulo. Sa kabilang banda sa proletaryong organisasyon "Ang sentralismo ay hindi isang opsyon o abstraktong prinsipyo para sa istruktura ng organisasyon. Ito ay kongkretisasyon sa kanyang nagkakaisang katangian. Ito ay ekspresyon na isa at parehong organisasyon ang pumuposisyon at kumikilos sa loob ng uri. Sa ibat-ibang mga relasyon sa pagitan ng mga bahagi ng organisasyon at kabuuan, parating ang kabuuan ang nangingibabaw"[3].
Sa loob ng kaliwa, itong "isa at parehong organisasyon na tumindig at pumusisyon sa loob ng uri" ay kung hindi man isang komedya ay isang monolitiko at burukratikong imposasyon ng isang ‘komite sentral’. Sa proletaryong organisasyon ito mismo ang kondisyon ng kanyang pag-iral. Ito ay usapin na ilatag sa harap ng proletaryado, matapos ang kolektibong diskusyon at ayon sa kanyang istorikal na karanasan, lahat ng nagsusulong sa kanyang pakikibaka at hindi lokohin na lumaban para sa interes na hindi kanya. Sa kadahilanang ito, kailangan ang pagpupunyagi ng buong organisasyon para ipaliwanag ang kanyang mga posisyon.
Sa loob ng kaliwa, naharap sa mga desisyon ng 'liderato' na minsan ay balintuna, ang mga militante sa batayang antas ay tumitingin at kumikilos ayon sa lokal na istruktura o mga grupo ng sirkulo sa mga posisyon na sa tingin nila tama. Sa ilang kaso ito ay malusog na proletaryong reaksyon sa harap ng opisyal na patakaran. Subalit, itong lokalistang hakbangin ng bawat isa para sa kanyang sarili ay hindi produktibo at negatibo sa loob ng proletaryong organisasyon at sa loob ng naturang organisasyon"ang pananaw na ang ganito o ganyang bahagi ng organisasyon ay magpatibay, sa harap ng organisasyon o sa uring manggagawa, ng mga posisyon o aktitud na iniisip nito na tama sa halip na yaong sa organisasyon na sa tingin nito mali. Ito ay dahil:
Ang paraan ng kontribusyon mula sa anumang bahagi ng organisasyon (ma lokal na seksyon man o internasyunal na komisyon) para magkaroon ng tamang posisyon, sa pagsisikap ng lahat, ay umaayon sa pagkakaisa ng interes na umiiral sa isang rebolusyonaryong organisasyon sa pagitan ng lahat na kanyang mga myembro. Sa kabilang banda, sa organisasyon ng kaliwa, walang pagkakaisa sa pagitan ng ‘base’ at ‘liderato’. Ang layunin ng huli ay ipagtanggol ang pangkalahatang interes ng organisasyon, ang pambansang kapital, samantalanag ang 'base' ay napunit-punit sa pagitan ng tatlong pwersa, lahat sila ay iba-iba ang direksyon: ang interes ng proletaryado, ang responsibilidad ng organisasyon para sa kapitalistang interes o, mas nakakabagot, ay ginawang karera sa ibat-ibang burukratikong antas ng partido. Ito ay resulta ng oposisyon at paghiwalay sa pagitan ng mga militante at sentral na organo.
Ang mga myembro ng rebolusyonaryong organisasyon ngayon ay dapat maraming matutunan sa lahat ng ito. Nagdusa sila sa pagdududa na ang mga sentral na organo ay sa huli ‘magtraydor’, kadalasan ay kumikiling sila sa posisyon na lilipulin ng mga sentral na organo ang lahat ng pagtutol sa pamamagitan ng burukratikong paraan. Laganap naman ang mekanikal na kaisipan na 'maaring magkamali ang mga sentral na organo'. Yan ay ganap na totoo. Anumang sentral na organo ng isang proletaryong organisasyon ay maaring magkamali. Ngunit hindi dapat magkaroon ng patalismo sa mga magkakamali at kung may mga pagkakamali, may mga paraan ang organisasyon para ituwid ito.
Ipaliwanag namin ito sa isang istorikal na halimbawa: sa Mayo 1917, ang Komite Sentral ng Partidong Bolshevik ay nagkamali sa kanyang patakaran na kritikal na suporta sa Probisyunal na Gobyerno na lumitaw matapos ang rebolusyon ng Pebrero. Si Lenin na nakabalik sa Rusya sa Abril, naghapag ng bantog na April Theses para simulan ang isang debate na nilahukan ng buong organisasyon para ituwid ang pagkakamali at magkaroon ng re-oryentasyon ang partido[4].
Pinakita ng yugtong ito ang agwat sa umiiral sa pagitan ng haka-hakang ideya na ‘maaring magkamali ang sentral na organo’ at ang proletaryong bisyon na labanan ang anumang paglitaw ng oportunismo (sa hanay ng mga militante o sa loob ng sentral na organo). Lahat ng proletaryong organisasyon ay maaring maging biktima sa panggigipit ng burges na ideolohiya at ito ay makaapekto sa bawat militante at maging sa sentral na organo. Na ang pakikibaka laban sa panggiigipit ay tungkulin ng buong organisasyon.
Ang mga proletaryong organisasyon ay may paraan ng debate para ituwid ang kanyang mga pagkakamali. Makita natin ito sa ibang artikulo ng serye sa papel ng mga tendensya at praksyon. Ang nais naming idiin dito ay kung ang mayoriya ng organisasyon, laluna ang kanyang mga sentral na organo, ay nagkamali, ang mga kasama sa minoriya ay may mga paraan para labanan ang ganitong pagkaanod, tulad ng ginawa ni Lenin sa 1917, na nagtulak sa kanya na humingi ng ekstra-ordinaryong kumperensya ng partido. Sa partikular, "ang minoriya ng organisasyon ay maaring tumawag ng isang ekstra-ordinaryong Kongreso kung ito ay naging signipikanteng minoriya na (halimbawa 2/5). Bilang pangkalahatang polisiya, nasa Kongreso na ang pag-ayos sa esensyal na mga usapin, at ang pag-iral ng isang malakas na minoriya na humihingi na idaos ang Kongreso ay isang indikasyon na mayroong mahalagang mga problema ang organisasyon"[5].
May mga nakakasukang palabas ang mga kongreso ng mga organisasyon ng burgesya. Ito ay isang palabas na may mga hostess at bukas na bar. Ang liderato ay nagpakita at nagsasalita na pinapalakpakan ng organisadong mga tao o nagpakita sa TV. Ang mga talumpati ay pinaka-walang kwenta, ang tanging layunin ng kongreso ay sabihin kung sinu-sino ang hahawak sa mga susing posisyon ng organisasyon at sinu-sino ang tatanggalin. Ang malaking mayoriya ng mga ganitong pulong ay hindi para sa diskusyon, klaripikasyon at pagtatanggol sa mga posisyon, kundi sa kota ng kapangyarihan ng ibat-ibang mga ‘pamilya’ ng partido.
Ang proletaryong organisasyon ay kailangang aandar ng absolutong salungat dito. Ang batayan ng sentralisasyon ng isang proletaryong organisasyon ay ang kanyang internasyunal na kongreso. Ang kongreso ay kaisahan at ekspresyon ng organisasyon sa kabuuan, na, sa independyenteng paraan ay magpasya sa oryentasyon at pagsusuri na maging gabay nito. Ang mga resolusyon na pinagtibay ng kongreso ang magbigay ng mandato sa mga gawain ng mga sentral na organo. Hindi ito pwedeng kumilos ng walang katuwiran ayon sa kagustuhan o kapritso ng mga myembro, kundi kailangang ang batayan ng kanilang aktibidad ay ang mga resolusyon ng kongreso.
Ang ikalawang Kongreso ng Russian Social-Democratic Labour Party sa 1903 ay nagbunga ng bantog na hiwalayan sa pagitan ng mga Bolsheviks at Mensheviks. Isa sa mga dahilan ng hiwalayan at ng malakas na kontrobersya sa pagitan ng dalawang partido ng organisasyon ay hindi nirespeto ng huli ang mga desisyon ng kongreso. Si Lenin, sa kanyang librong One step forward, two steps back ay nilabanan ang ganitong hindi tapat na aktitud na isa mismong burges na aktitud. Kung hindi sang-ayon sa mga desisyon ng kongreso, ang tamang aktitud ay malinaw na ihapag ang mga pagkakaiba at itulak ang isang pasensyosong debate para maabot ang klaripikasyon.
"Ang pinakamataas na yugto ng pagkakaisa ng organisasyon ay ang kanyang Internasyunal na Kongreso. Sa Internasyunal na Kongreso itinakda ang programa ng IKT, na pinaunlad o itinuwid; binuo ang mga paraan ng pag-oorganisa at pag-andar, mas pinatama o mino-modipika; na pinagtibay ang kanyang pangkalahatang oryentasyon at pagsusuri; na ginawa ang pagtatasa sa kanyang nagdaang mga aktibidad at ginawa ang perspektiba para sa mga gawain sa hinaharap. Kaya dapat paghandaan ng mabuti at masigasig ng buong organisasyon ang Kongreso. Kaya dapat ang mga oryentasyon at desisyon ng Kongreso ay kailangang maging permanenteng sanggunian ng buong buhay ng organisasyon bilang reeprensya sa susunod na panahon." Sa proletaryong kongreso walang mga sirkulo kung saan ginagawa ang mga sabwatan laban sa mga karibal, kundi diskusyon para maintindihan at makagawa ng posisyon sa pinaka-mulat na posibleng paraan.
Sa burges na organisasyon ang mga pasilyo ang puso ng kongreso ng tsismis, sabwatan laban sa mga karibal, panunulsol ng mga maniobrahan at intriga. Ang mga pasilyo ang lugar kung saan pinagpasyahan ang kongreso. Tulad ng sabi ni Ciliga: "Nakakapagod ang mga sesyon, ang mga pampublikong pulong ay purong panligoy. Lahat ay pinagpasyahan sa mga pasilyo".
Sa proletaryong organisasyon pinagbawal ang mga ‘pasilyo’ bilang mga sentro ng pagpapasya at ginawang panahon ng pahingahan kung saan may praternal na ugnayan sa pagitan ng mga militante. Ang puso ng kongreso ay kailangang tangi at ekslusibo sa kanyang opisyal na mga sesyon. Doon ang mga delegado ay seryosong tinatasa ang mga dokumentong sinumite sa kongreso sa pamamagitan ng paghingi ng klaripikasyon at pag-amyenda, pagpuna at proposisyon. Nakataya ang kinabukasan ng organisasyon dahil ang mga resolusyon ng kongreso ay hindi patay na letra o retorika lang, kundi mulat na pagkakaisa na kailangang magsilbing giya at oryentasyon sa mga pundamental na aktibidad ng organisasyon.
Ang mga oryentasyon at desisyon ng kongreso ay dapat ipatupad ng buong organisasyon. Hindi ibig sabihin na ang lahat ay walang pagkakamali. Ang regular na internasyunal na mga diskusyon ay maaring makita ang mga pagkakamali at ituwid o ebolusyon ng internasyunal na sitwasyon ay nagbago na kailangang kilalanin na maaring tumungo sa paglunsad ng ekstra-ordinaryong kongreso. Sa kasalukuyan, dapat ilunsad ang mahigpit at seryosong debate sa pinakamalawak at pinakamalalim na internasyunal na batayan. Wala itong kinalaman sa mga kaliwang organisasyon kung saan ang mga natalo sa kongreso ay maghiganti sa pamamagitan ng paghapag ng mga bagong posisyon na ginagamit laban sa mga nanalo.
Sa proletaryong organisasyon ang kongreso ang nagbigay ng mga oryentasyon na siyang nagbigay ng mandato sa sentral na organo na kumakatawan sa pagkakaisa at pagpapatuloy ng organisasyon sa pagitan ng mga kongreso at sa sumunod nito. Sa burges na partido, ang sentral na organo ay armas ng kapangyarihan dahil isinuko nito ang organisasyon sa mga pangangailangan ng estado at pambansang kapital. Ang sentral na organo ay isang elitista na nakahiwalay sa organisasyon at may kontrol dito, namamahala dito at nagpataw ng kanyang mga desisyon. Sa proletaryong organisasyon, ang sentral na organo ay hindi hiwalay mula sa organisasyon sa kabuuan kundi ito ang kanyang aktibo at nagkakaisang ekspresyon. Ang sentral na organo ay hindi napakamakapangyarihan na pribilihiyadong rurok ng organisasyon kundi isang paraan para makapagpahayag at mapaunlad ang kabuuan.
"Salungat isa ilang pananaw, laluna ng diumano mga ‘Leninista’, ang sentral na organo ay instrumento ng organisasyon, hindi ang kabaliktaran. Hindi ito ang rurok ng piramide tulad ng hirarkikal at militaristang pananaw ng rebolusyonaryong organisasyon. Ang organisasyon ay hindi binuo ng isang sentral na orgando at pandagdag ang mga militante, kundi isang mahigpit, nagkakaisang network kung saan ang lahat ng mga bahagi ay nagsasanib at nagtutulungan. Dapat tingnan ang sentral na organo bilang nukleyus ng selula na nagkokoordina sa metabolismo ng isang organikong entidad" (“Report on the structure and functioning of the revolutionary organisation”, Point 5).
Ang istruktura ng organisasyon ng kaliwa ay hirarkikal. Mula sa pambansang liderato tungo sa mga rehiyunal na organisasyon, sila ay hinati sa mga ‘prente’ (manggagawa, propesyunal, intelektwal, atbp), at sa ilalim nila, ang mga selula. Itong porma ng organisasyon ay minana mula sa Stalinismo kung saan sa 1924 ay nagpataw ng bantog na "Bolshebisasyon" sa ilalim ng palusot na “tumungo sa uring manggagawa".
Itong demagohiya ay maskara para tanggalin ang mga istruktura ng mga organisasyon ng manggagawa na nakabatay sa mga lokal na seksyon kung saan lahat ng mga militante sa lungsod ay magpupulong para bigyan ang sarili ng pandaigdigang mga tungkulin at pandaigdigang pananaw. Salungat dito, sa istrukturang "Bolshebisasyon" hinati-hati ang mga militante sa bawat pabrika o empresa, ayon sa trabaho o panlipunang sektor... Ang mga tungkulin nila ay purong kagyat, korporatista at nakulong sa butas kung saan tanging kagyat, partikular at lokal na mga problema ang inaatupag. Sinarado ang maabot-tanaw ng mga militante at sa halip, ang istoriko, internasyunal at teoretikal na bisyon ay tinagpas sa pagiging kagyat, korporatista, lokalista at purong pragmatiko. Ito ay mayor na pagpapahirap at na-manipula ng liderato ang mga bagay para sa kanyang kaginhawaan at, kaya pumailalim sa interes ng pambansang kapital habang minaskarahan ito ng isang popular at maka-manggagawang demagohiya.
Ang resulta ng bantog na "Bolshebisasyon", ay sa realidad atomisasyon ng mga militante sa loob ng mga maralitang pagawaan, na napakahusay na isinalarawan ni Ciliga: "Ang mga tao na nakasalamuha ko doon - mga permanenteng kasabwat ng Comintern - parang anyo ng kakitiran ng institusyon mismo at pagiging abo ng gusali na nagpatuloy sa kanila. Wala silang lawak ni lalim ng pananaw at walang independyenteng pag-iisip. Naghintay ako ng mga higante at ang nakasalubong ko ay mga dwende. Umaasa ako na matuto mula sa mga tunay na maestro at ang nakita ko ay mga utusan. Sapat na ang dumalo sa iilang pulong ng partido para makita na ang diskusyon ng mga ideya ay ganap na segundaryo ang papel sa pakikibaka. Ang may pangunahing papel ay mga banta, intimidasyon at teror".
Para mas palakasin pa ang pagkabukod at pagkabaog sa teorya ng mga militante, nagtalaga ang ‘komite sentral’ ng buong network ng mga ‘pampulitikang opisyal’ na istriktong sinusunod ang kanyang disiplina at responsable para maging daluyan ng utos mula sa liderato.
Ang istruktura ng isang rebolusyonaryonaryong organisasyon ay kailangang radikal na iba dito. Ang pangunahing tungkulin ng mga seksyon ay pag-aralan at pumusisyon sa mga usapin ng organisasyon sa kabuuan, kabilang na ang pagsusuri sa istorikal na sitwasyon at pag-aaral sa pangkalahatang teoretikal na mga tema na kailangan. Syempre, hindi nito isinisantabi, kundi nagbigay kongkretisasyon sa mga lokal na aktibidad at interbensyon, sa pahayagan at diskusyon sa mga kasama o interesadong mga grupo. Subalit, ang mga seksyon ay kailangang “regular na maglunsad ng pulong at ilagay sa agenda ang pangunahing mga usapin na pinagdebatihan ng buong organisasyon: hindi ito dapat sugpuin sa anumang paraan" (idem). At kasabay nito, ang "pinakamalawak na posibleng sirkulasyon ng ibat-ibang kontribusyon sa loob ng organisasyon ayon sa tamang proseso". Ang internal na pahayagan ang paraan para daluyan ng debate at diskusyon sa lahat ng mga seksyon.
C. Mir, 16 January, 2018
1. The Third International After Lenin [36]
2. Ante Ciliga, The Russian Enigma
3. "Report on the Structure and Functioning of Revolutionary Organisations" (January 82) point 3. https://en.internationalism.org/specialtexts/IR033_functioning.htm [37]
4. Para sa analisis paanong nahulog sa bitag ang Partidong Bolshevik sa ganitong oportunistang kamalian at paano, sa pamamagitan ng debate ay nagtagumpay ito na ituwid ang pagkakamali, tingnan "The April Theses of 1917: signpost to the proletarian revolution", 1997, https://en.internationalism.org/international-review/199704/2088/april-t... [38] [3]. At basahin rin ang mga tsapter na tumatalakay sa panahong ito sa sinulat ni Trotsky na History of the Russian Revolution.
5. "Report on the Structure and Functioning of Revolutionary Organisations", Point 6.
Ang artikulong ito ay bahagi ng seryeng Ang nakatagong pamana ng kaliwa ng kapital na mungkahi namin sa maraming grupo at militante ng Kaliwang Komunista paano unawain ang isang mahirap na bagay : hindi lang ito usapin paano kumawala sa lahat ng mga pampulitikang posisyon ng mga partido ng kapital (populista, pasista, kanan, kaliwa, dulong-kaliwa) kundi ito rin ay pangangailangan na kumawala sa kanilang organisasyunal na paraan, sa kanilang moralidad at paraan ng pag-iisip. Absolutong kailangan ang pagtakwil pero mahirap dahil araw-araw namuhay tayo sa gitna ng mga ideolohikal na kaaway para sa kalayaan ng sangkatauhan: burgesya, peti-burgesya at lumpen-proletaryado. Sa panlimang serye ng artikulo titingnan natin ang napakahalagang usapin ng debate.
Ang debate ay ang pinagkukunan ng buhay ng proletaryado, ang uri na hindi isang hindi-mulat na pwersa na bulag na nakibaka at naudyok ng determinismo sa obhetibong kondisyon. Kabaliktaran, ito ay isang mulat na uri kung saan ang kanyang pakikibaka ay ginagabayan ng pag-unawa sa mga pangangailangan at posibilidad patungong komunismo. Ang pang-unawang ito ay hindi lumitaw mula sa absolutong katotohanan ng Manipesto ng Partido Komunista o sa pribilehiyadong diwa ng mga matatalinog lider kundi ito ay produkto “ng intelektwal na pag-unlad ng uring manggagawa (na kailangang magmula sa nagkakaisang pagkilos at diskusyon). Ang mga kaganapan at ang pagtaas at pagbaba ng pakikibaka laban sa kapital, mga kabiguan na mas mahalaga kaysa kanyang mga tagumpay, ay maramdaman lamang ng mga mandirigma sa mga kakulangan ng kanilang mga solusyon at gagabay sa kanila na pundamental na unawain ang kanilang tunay na kalagayan para sa paglaya ng mga manggagawa".
Ang mga rebolusyonaryong proletaryado ay nanindigan sa malawak na mga debate ng masa. Ang independyente at pag-oorganisa-sa-sarili na pagkilos ng uring manggagawa ay nakabase sa debate kung saan ang libu-libong mga manggagawa, kabataan, kababaihan, retirado, ay aktibong lumalahok. Ang rebolusyong Ruso ng 1917 ay nakabase sa permanenteng debate ng libu-libong mga diskusyon sa mga lokalidad, lansangan at terminal... Ang mga araw ng 1917 ay nag-iwan sa atin ng dalawang imahe na nagpakita ng kahalagahan ng debate para sa uring manggagawa: ang binarikadahang terminal dahil ang mga nagbarikada, kabilang na ang drayber, ay nagpasyang huminto at magtalakay ng paksa; o sa bintana sa lansangan kung saan ang nagsasalita ay nagtalumpati na nakapag-ipon ng daan-daang tao na nakikinig at nagsasalita.
Ang Mayo 68 ay isa ring permanenteng debate ng masa. Napakalaki ang kaibahan sa pagitan ng mga diskusyon ng mga manggagawa sa mga welga ng Mayo kung saan may talakayan paano ibagsak ang estado, paano itayo ang bagong lipunan, sa pananabotahe ng unyon, atbp, at sa “asembliya” ng mga estudyante sa Alemanya sa 1967, na kontrolado ng mga “radikal” na maoista kung saan umabot sa tatlong oras ang pagdesisyon paano mag-organisa ng demonstrasyon. “Nag-uusap kami sa isat-isa at nakikinig kami sa isat-isa” ang isa sa pinaka popular na mga islogan sa Mayo 68.
Ang kilusan ng 2006 at 2011 (pakikibaka laban sa CPE sa Pransya at ng kilusang Indignados sa Espanya) ay binuo sa buhay na debate ng libu-libong mga manggagawa, kabataan, atbp, at walang restriksyon na diskusyon. Sa mga okupadong lugar itinayo ang mga "flying libraries", parang panahon ng rebolusyong Ruso ng 1917, tulad ng binigyang-diin ni John Reed sa Ten Days Which Shook the World: “Lahat sa Rusya ay natutong magbasa, at nagbasa sila (pampulitikang ekonomiya, kasaysayan) dahil gusto ng mga tao ang kaalaman. Sa lahat ng mga lungsod, malaki o maliit, sa larangan, bawat pampulitikang paksyon ay may pahayagan (minsan marami). Pinamudmod ang daan libong mga polyeto ng libu-libong mga organisasyon at pinakalat sa hukbo, sa mga komunidad, mga paktorya at lansangan. Ang pagiging uhaw sa kaalaman na sinupil ng matagal ay tunay na kamangha-mangha sa panahon ng rebolusyon. Mula sa unang anim na buwan sa Smolny Institute lang, tren at trak ng mga babasahin ay pumuno sa buong bansa. Binasa ng gutom na Rusya ang lahat ng babasahin tulad ng pagsipsip ng mainit na buhangin mula sa dagat. At ito ay hindi galing sa mga kwentong engkanto, palsipikadong kasaysayan, mabantong relihiyon at masama at walang halagang mga nobela kundi panlipunan, ekonomiko at pilosopikal na mga teorya, ang sinulat nila Tolstoy, Gogol at Gorky".
Kung ang debate ay napakahalaga sa uring manggagawa, mas mahalaga ito sa kanyang mga rebolusyonaryong organisasyon: “Salungat sa paninindigan ng Bordigista, hindi maaring ‘monolitiko’ ang organisasyon ng mga rebolusyonaryo. Ang pag-iral ng pagtatalo sa loob nito ay ekspresyon na ito ay buhay na organo na walang kompletong mga sagot na kagyat na ilapat sa mga suliranin na lumitaw sa uri. Hindi dogma ni katekismo ang Marxismo. Ito ay teoretikal na instrumento ng uri na sa pamamagitan ng kanyang karanasan at pananaw sa kanyang istorikal na hinaharap, ay dahan-dahan na sumusulong, ng pataas at pababa, tungo sa pagiging mulat-sa-sarili na napakahalagang kondisyon para mapalaya ang sarili. Tulad ng lahat ng kaisipan ng tao, ang proseso ng pag-unlad ng proletaryong kamalayan ay hindi diretso o mekanikal na proseso kundi nagsasalungatan at kritikal: kailangan ang diskusyon at komprontasyon ng mga argumento. Katunayan, ang bantog na 'monolitismo' o 'hindi nagbabago' ng mga Bordigista ay isang panlalansi (na makikita sa posisyon ng mga Bordigistang organisasyon at kanilang mga mga seksyon); maaring ang organisasyon ay ganap ng manhid at hindi na apektado sa buhay ng uri, o ito ay hindi monolitiko at ang kanyang mga posisyon ay nagbabago.".
Subalit, ang mga militante na nanggaling sa mga burges na pampulitikang partido ay nakaranas mismo na ang “debate” nila ay isang komedya at pinagmulan ng paghihirap. Sa lahat ng mga burges na partido, ano man ang kulay, ang debate ay isang “digmaan na may latigo”, ang bantog na pinta ni Goya sa Prado Museum sa Madrid. Ang elektoral na mga debate ay basura, puno ng insulto, akusasyon, maruming lenggwahe, bitag at sekretong kudeta. Ito ay pagtatanghal ng paninira at paghiganti katulad ng isang boksing kung saan ang realidad at katotohanan ay walang saysay. Ang tanging nakataya ay kung sino ang mananalo at matatalo, sino ang pinakamagaling mandaya at magsinungaling, sino ang pinakamagaling sa pangungutya para magmanipula ng damdamin.
Sa mga burges na partido, ang "malayang pamamahayag" ay ganap na panloloko. Pwedeng sabihin ang lahat basta hindi lang tuligsain ang dominasyon ng “liderato”. Kung aapakan ang limitasyong ito, isang kampanya ng kasinungalingan ang oorganisahin laban sa mga nag-iisip kung hindi sila susunod sa partido. Ginagawa ang praktikang ito pareho sa nagpapahirap at biktima. Si Rosa Diez, isang lider ng Basque PSOE, ay target ng isang mapaminsalang kampanya ng mga akusasyon ng mga impormante mula sa kanyang mga “kasama” sa partido. Hindi siya sumunod sa oryentasyon, at pinilit sa panahong yaon, para sa kolaborasyon sa nasyunalismong Basque at pinahirapan siya hanggang umalis siya sa partido. Itinayo niya ang UYPD (na nagtangkang manatili sa sentristang posisyon, pagkatapos ay nakontrol ng Ciudadanos) at, ng lumitaw ang mga karibal at katunggali sa kanya mismong teritoryo, ganoon din ang ginawa sa kanila, hanggang sa punto na mas matindi pa ang lalim ng sadismo at pangungutya na maging si Stalin ay mangangatog.
Sa pangkalahatan iniiwasan ang debate sa mga burges na partido, anuman ang kanilang komplikasyon. Pinagbawal ni Stalin ang debate, na sinamantala ang seryosong pagkakamali ng Partidong Bolshevik sa 1921: ang pagbabawal sa mga praksyon, isang hakbangin ni Lenin bilang maling tugon sa Kronstadt. Pinipigilan din ng Trotskyismo ang debate sa loob nito at ginagawa ang parehong ekslusyon at panunupil. Ang tangkang pagtiwalag sa Kaliwang Oposisyon ay nangyari sa loob ng Stalinistang bilangguan(!) na nasaksihan sa libro ni Anton Ciliga, na sinipi sa naunang mga artikulo sa serye: "Sa ideolohikal na pakikibaka ng Trotskyistang ‘Kolektibo’, ay naidagdag ang organisasyunal na tunggalian sa loob ng ilang buwan, ang organisayunal na usapin ay umatras sa ikalawang antas. Ang mga bangayang ito ay nakitaan ng kaisipan at aktitud ng Oposisyon sa Rusya. Parehong ang kanan at gitna ay nagbigay ng ultimatum sa mga ‘militanteng Bolshevik’: lusawin nila ang mga sarili at itigil ang publikasyon ng kanilang pahayagan o patalsikin sila sa Trotskyistang organisasyon.
"Ibig sabihin iniisip ng mayoriya na hindi kailangan na magkaroon ng isang sub-grupo sa loob ng Trotskyistang praksyon. Ang prinsipyo ng ‘monolitikong praksyon’ ay sa batayan pareho sa pumukaw kay Stalin para sa buong partido".
Sa mga kongreso ng naturang organisasyon, walang nakinig sa mga nakakayamot na presentasyon kung saan parehong pinagtibay ang magkatunggaling mga punto. Ang mga organisadong sektoral na mga kumperensya, seminar at maraming pagdiriwang ay walang iba kundi isang pampublikong propaganda.
Lumitaw ang ‘debate’ sa mga organisasyong ito kung ang usapin ay ang pagpalit ng bagong pangkat sa kapangyarihan. Ito ay dahil sa maraming kadahilanan: interes ng mga paksyon, hindi kapani-paniwalang resulta sa eleksyon... Mula dito ay nagsimula ang “debate” na naging tunggalian para sa kapangyarihan. Sa ilang mga okasyon ang laman ng “debate” ay kung ang isang paksyon ay nag-imbento ng isang pinagsama-sama at magkatunggaling “tesis” at marahas na salungat sa mga karibal, na nagbunga ng mabangis na kritisismo sa salita, nag-aapoy na pang-uri ("opotunista", "pagtalikod sa Marxismo", atbp.) at iba pang sopistikadong mga pagkukunwari. Ang "debate" ay naging mga insulto, pagbabanta, masamang salita sa publiko, akusasyon... na sinamahan ngayon ng diplomatikong mga aksyon ng pagsang-ayon sa kaayusan para “ipakita” ang pagnanais ng pagkakaisa at pagtangkilik na ang karibal ay “kasama” rin naman. Sa huli nabuo ang balanse sa pagitan ng nagtunggaliang mga pwersa kung saan ang “debate” ay naging suma-total ng mga “opinyon” na pinagtanggol ng bawat isa na kanilang pag-aari, na nagbunga ng kawalan ng klaripikasyon kundi magulong suma-total ng mga ideya o “pampalubag-loob” na mga teksto kung saan ang magkatunggaling mga ideya ay magkatabing nakaupo.
Kaya masasabi namin na ang "debate" sa mga burges na organisasyon (anuman ang kanilang posisyon sa board ng chess mula sa dulong-kanan hanggang sa dulong-kaliwa) ay isang komedya at paraan para ilunsad ang nag-aapoy na personal na mga atake, na may seryosong sikolohikal na epekto sa mga biktima at nagpakita ng kapansin-kapansin na kabangisan at ganap ng kawalan ng moral na pag-aalinlangan ng mga taga-usig. Sa huli, ito ay isang laro kung saan minsan ang taga-usig ay nagiging biktima at vice-versa. Ang kakila-kilabot na pagtratong naranasan nila ay maaring ilapat sa maraming iba pa kung sila na ang nasa kapangyarihan.
Pundamental na kaiba ang proletaryong debate. Radikal na iba ang mga prinsipyo ng debate sa loob ng mga proletaryong organisasyon kaysa nakikita natin sa mga burges na partido.
Tanging ang makauring kamulatan ng proletaryado (i.e., ang pinaunlad-sa-sarili na kaalaman sa layunin at paraan ng kanyang istorikal na pakikibaka) ang magluluwal ng walang hanggan at walang sagabal na debate: "Hindi uunlad ang kamulatan kung walang praternal, publiko at internasyunal na debate" na pinagtibay namin sa aming teksto: Ang kultura ng debate, sandata ng makauring pakikibaka. Ang mga komunistang organisasyon na nagpahayag ng pinaka-abante at permanenteng pagpupunyagi para sa pagpapaunlad ng kamulatan ng uri, ay nangangailangan ng debate bilang isang mahalagang sandata: "... ilan sa unang mga kahilingan na mga ito na pinapahayag ng mga minorya ay ang pangangailangan ng debate, hindi bilang luho kundi isang mahalagang pangangailangan, ang pangangailangan na seryosohin at pakinggan ang iba ano ang sinasabi nila; kailangan din na ang proseso ay hindi brutal kundi sandata ng diskusyon, na ito ay magiging pakiusap sa moralidad o sa awtoridad ng mga teoretisyan", pagpapatuloy ng teksto.
Sa proletaryong organisasyon, kailangang ang debate ay salungat sa nakakasuklam na paraan na binatikos natin sa itaas. Ito ay usapin ng komon na pagkakaisa sa katotohanan kung saan walang panalo o talo at ang tanging panalo ay ang komon na kalinawan. Ang diskusyon ay nakabatay sa mga argumento, palagay, pagsusuri, duda... Ang mga pagkakamali ay bahagi ng proseso tungo sa mga kongklusyon. Kailangang kategorikal na ipinagbabawal ang mga akusasyon, insulto, personalisasyon sa mga kasama o organisasyunal na istruktura dahil ito ay hindi usapin kung sino ang nagsabi, kundi kung ano ang sinabi.
Ang mga hindi pagkakasundo ay kailangang yugto tungo sa pagkakaroon ng posisyon. Hindi dahil mayroong “demokratikong karapatan” kundi tungkulin na ipahayag ang saloobin kung hindi kumbinsido sa posisyon o kung naramdaman na ito ay kulang o nakakalito. Sa proseso ng debate may tunggalian sa mga posisyon at minsan may minoriyang posisyon na, sa kalaunan, nagiging mayoriya. Ito ang nangyari kay Lenin sa kanyang April Theses na, ng ilahad niya pagdating sa Rusya sa 1917, ay isang minoriyang posisyon sa loob ng Partidong Bolshevik na dominado ng oportunistang paglihis na ipinataw ng Komite Sentral. Sa pamamagitan ng mainit na diskusyon, na malawak na nilahukan ng lahat ng mga militante, nakumbinsi ang partido sa katumpakan ng mga posisyon ni Lenin at pinagtibay sila.
Ang ibat-ibang mga posisyon sa loob ng rebolusyonaryong organisasyon ay hindi nakapirming tindig na pag-aari ng mga nagtatanggol sa kanila. Sa rebolusyonaryong organisasyon, "ang mga pagkakaiba ay hindi ekspresyon ng pagtatanggol sa personal na materyal na interes o partikular na grupo, kundi sila ay salin ng buhay at dinamikong proseso ng klaripikasyon sa mga problema na iniharap sa uri at sa gayon nakaukol para palalimin sa mga diskusyon batay sa karanasan" ("Report on the Structure and Functioning of the Revolutionary Organisation", ang sipi sa ibabaw).
Sa mga proletaryong organisasyon walang “henyo” na kailangang bulag na susundin. Malinaw na may mga kasama na may mas malaking kapasidad o mas dalubhasa sa partikular na mga aspeto. May mga militante na ang debosyon, konbiksyon at enerhiya ay may moral na awtoridad. Subalit, wala silang pribilihiyo para maging “magaling na lider” ang sinumang militante, isang ekspertong espesyalista sa anumang usapin o "magaling na teoretisyan". "Walang manunubos, walang diyos, walang Caesar, walang tagapagtanggol, manggagawa iligtas ang sarili at magkaisa para sa kalayaan", ang mga salita mula sa mapanlabang awit ng Ikalawang Internasyunal.
Mas tumpak, tulad ng nabanggit sa teksto ng Istruktura at Pag-andar, “Sa loob ng organisasyon walang ‘marangal’ na tungkulin at walang ‘segundaryo’ at ‘hindi masyadong marangal’ na tungkulin. Parehong ang gawain ng teoretikal na elaborasyon at realisasyon ng praktikal na tungkulin, parehong ang gawain sa sentral na organo at ispisipikong gawain ng lokal na seksyon, ay pantay ang kahalagahan sa organisasyon at hindi dapat ilagay sa hirarkikal na pagkaayos (ang kapitalismo ang may hirarkiya)”.
Sa komunistang organisasyon kailangang labanan ang anumang tendensya ng bulag na pagsunod, isang pagkakamali na ihanay ang sarili, na hindi nag-iisip, sa posisyon ng isang “malinaw na militante" o sa sentral na organo. Sa komunistang organisasyon, bawat militante ay may kritikal na diwa, hindi tinatanggap ang lahat ng nabasa kundi sinusuri ano ang paksa kabilang na ang mula sa “liderato”, sa sentral na organo o sa “pinakaabanteng militante". Salungat ito sa kalakaran sa mga burges na partido at partikular sa kanilang mga kinatawan sa kaliwa. Sa mga organisasyong ito pamantayan ang bulag na pagsunod at pinakamatinding respeto sa mga lider; at katunayan ang mga tendensyang ito ay umiral sa Trotskyistang Oposisyon: "Ang mga sulat nila Trotsky at Rakovsky tungkol sa agenda, ay ipinuslit sa bilangguan at nagdulot ng maraming komento. Ang hirarkikal at masunuring diwa sa harap ng mga lider ng Oposisyon sa Rusya ay kahanga-hanga. Isang parirala o talumpati mula kay Trotsky ay isang palatandaan. Dagdag pa, habang nagsisikap ang mga Trotskyista ng kanan at kaliwa na bigyan ang mga ito ng tamang kahulugan, ang mga ito ay binigyang kahulugan nila ayon sa kani-kanilang pagkaunawa. Ang bulag na pagsunod kay Lenin at Stalin na nangibabaw sa partido ay umiral din sa Oposisyon pero hinggil kay Lenin at Trotsky: ang iba ay sa Dimonyo na" (Anton Ciliga, Op. Cit., Page 273).
Napaka peligrosong ideya na kailangang itakwil: may mga militanteng "eksperto" na, kung magsalita na sila ay “nasabi na nila ang lahat", "mas magaling ang pagkasabi" at ang iba ay nagkasya na lang sa pagkuha ng mga tala at nanahimik.
Ang pananaw na ito ay itinanggi ang proletaryong debate na isang dinamikong proseso kung saan maraming pagsisikap na ginawa, kabilang na ang ilang pagkakamali para harapin ang mga problema. Ang mababaw na bisyon, na nakaugat sa lohikang merkantilista na ang nakikita lang ay ang "produkto" o ang huling resulta na hindi ito pinag-iba mula sa proseso tungo sa kanyang elaborasyon, na nakapokus lang sa abstrakto at walang kataposang halaga ng palitan, ay nagbunga ng kaisipan na lahat ay galing sa “magaling” na mga lider. Hindi sinang-ayonan ni Marx ang ganitong pananaw. Sa sulat para kay Wilhem Blos sa 1877, sinulat niya: "Wala sa amin (Marx at Engels) ang naghahanap ng popularidad. Banggitin ko ang isa sa patunay nito: tulad ng aking pagkamuhi sa kulto ng personalidad na sa panahon ng Internasyunal, sa panahon na binubwisit ng maraming hakbangin — na nagmula sa maraming bansa — na bigyan ako ng pampublikong parangal, Isa man sa kanila ay hindi ko pinayagan na malaman ng publiko, ni tumugon ako sa kanila, hindi ko pinansin. Nang unang umanib si Engels at ako sa sekretong komunistang grupo, ito ay sa kondisyon na tanggalin mula sa mga Alituntunin ang anumang paniniwala sa awtoridad".
Sa proseso ng isang debate, nabuo ang mga palagay at magkatunggaling posisyon. Ilang pagtataya ang ginawa, may mga pagkakamali at may mas malinaw na interbensyon; pero ang pandaigdigang resulta ay hindi nagmula sa "pinakamagaling na militante", kundi sa dinamiko at buhay na sintesis sa lahat ng mga posisyon sa panahon ng diskusyon. Ang pinal na pinagtibay na posisyon ay hindi mula sa mga "tama", at hindi nagkahulugan ng anumang antagonismo sa mga "mali"; ito ay bago at superyor na posisyon na kolektibong nakatulong sa paglilinaw ng mga bagay.
Malinaw, hindi madali sa loob ng isang proletaryong organisasyon ang debate. Hindi ito sumusulong na may ibang mundo kundi kailangan nitong pasanin ang bigat ng dominanteng ideolohiya at dala-dala nitong konsepto ng debate. Hindi maiwasan na ang mga “porma ng debate” na pag-aari ng burges na lipunan at araw-araw nilulusob tayo sa pamamagitan ng palabas ng kanyang mga partido, ng kanyang telebisyon at basurang mga programa, social networks, kampanyang elektoral, atbp., ay nakalusot sa buhay ng mga proletaryong organisasyon. Isang permanenteng pakikibaka ang dapat ilunsad laban sa mapanirang impiltrasyon. Tulad ng naunang binanggit ng aming teksto sa kultura ng debate:
“Dahil ang ispontanyong tendensya sa loob ng kapitalismo ay hindi klaripikasyon ng mga ideya kundi karahasan, manipulasyon at panalo ng mayoriya (pinakamabisang pinakita sa elektoral na karnabal ng burges na demokrasya), ang pagpasok ng impluwensyang ito sa loob ng mga proletaryong organisasyon ay laging nagdadala ng mikrobyo ng krisis at pagkabulok. Tumpak na pinakita ito sa kasaysayan ng Partidong Bolshevik. Hanggat nasa unahan ang partido sa rebolusyon, ang pinakamasigla, kadalasan kontrobersyal na debate ay isa sa kanyang pangunahing katangian. Salungat dito, ay ang pagbabawal sa tunay na mga praksyon (matapos ang masaker sa Kronstadt sa 1921) higit sa lahat ay tanda at aktibong salik ng kanyang pagkabulok”.
Itinuro ng teksto ang nakakalasong pamana ng Stalinismo sa hanay ng mga manggagawa at may impluwensya sa mga komunista, marami sa kanila ay nagsimula sa kanilang pampulitikang buhay sa Stalinista, Maoista o Trotskyistang mga organisasyon at iniisip na "Lumaki sa pulitika ang mga elementong ito na naniwalang ang palitan ng mga argumento ay kahalintulad sa ‘burges liberalismo’, na ang ‘mabuting komunista’ ay hindi nagrereklamo at hindi nag-iisip at walang emosyon. Ang mga kasama ngayon na determinadong iwaksi ang mga epekto ng bulok na produkto ng kontra-rebolusyon ay mas lumalaki ang unawa sa nangangailangan ito hindi lang sa pagtakwil sa kanyang mga posisyon kundi sa kanyang pag-iisip rin.”
Katunayan, kailangang labanan natin ang kaisipan na pinapalsipika ang debate at nagnanaknak sa burges na mundo at sa partikular ang bulgar na Stalinismo at lahat ng kanyang mga galamay, ang mapagpanggap na mas “bukas” tulad ng mga Trotskyista. Kailangan na maging malinaw at mapagpasya sa pagtatanggol ng posisyon pero hindi ito nagkahulugan ng arogansya at brutalidad. Maaring ang isang diskusyon ay mapanlaban pero hindi mapang-away at agresibo. Dapat tayong maging prangka pero hindi mapang-insulto at mapangkutya. Hindi kailangang maghanap ng konsilyasyon at kompromiso pero hindi dapat unawain na ito ay sektaryanismo at pagtanggi na makinig sa mga argumento ng iba. Higit sa lahat, kailangang maghanap tayo ng paraan na makaalis sa pagkalito at pambaluktot ng Stalinismo at kanyang mga katulad.
Bagamat ang burukratikong kolektibismo ng mga burges na partido, kasama ang kanilang monolitismo at brutal na panunupil, ay hadlang sa debate, kailangan proteksyunan ang sarili laban sa tila oposisyon pero sa realidad ay komplemento. Ang tinukoy namin dito ay ang indibidwalistang bisyon sa debate.
Ito ay ang bawat isa ay “may sariling opinyon” at ang “opinyon” na ito ay pribadong pag-aari. Kaya, ang pagpuna sa posisyon ng kasama ay naging atake: niyurakan ang kanilang “pribadong pag-aari” dahil pag-aari nila ito. Ang pagpuna sa ganito o ganoong posisyon ng ganito o ganoong kasama ay kapantay ng pagnanakaw mula sa kanila o pagkuha sa kanilang pagkain.
Seryosong mali ang bisyon na ito. Ang kaalaman ay hindi dahilan ng paglitaw ng “personal na pagiging magaling” o “tapat na konbiksyon” ng bawat individwal. Ang iniisip natin ay bahagi ng isang istorikal at sosyal na pagsisikap na nakaugnay sa paggawa at pag-unlad ng mga produktibong pwersa. Nagiging “orihinal” lang ang sinasabi ng bawat tao kung ito ay may kaakibat na kritikal at kolektibong kaisipan. Ang kaisipan ng proletaryado ay produkto ng kanyang istorikal na pakikibaka sa pandaigdigang saklaw, isang pakikibaka na hindi limitado sa kanyang ekonomikong pakikibaka kundi, tulad ng sabi ni Engels, naglalaman ng tatlong magkakaugnay na mga elemento: ekonomiko, pulitikal at ideolohikal na pakikibaka.
Bawat proletaryong pampulitikang organisasyon ay nakaugnay sa kritikal na istorikal na pagpapatuloy sa mahabang kadena mula sa Liga Komunista (1848) hanggang sa maliit na umiiral na mga organisasyon ng Kaliwang Komunista. Itong istorikal na linya, kasama ang mga posisyon, ideya, pagpapahalaga at kontribusyon ng bawat militante. Habang ang bawat militante ay naglalayong mas palawakin ang kanyang kaalaman, hindi nila iniisip ito na indibidwal na pagsisikap kundi may layunin na maabot ang klaripikasyon ng mga posisyon at oryentasyon para sa buong organisasyon ng proletaryado.
Ang ideya na “bawat isa may opinyon” ay seryosong hadlang sa debate at komplementaryo sa burukratikong monolitismo ng mga burges na partido. Sa debate, kung saan bawat isa ay may opinyon, ang resulta ay kundiman bangayan sa pagitan ng nanalo at natalo o suma-total ng iba-iba, walang kwenta, at magkasalungat na mga opinyon. Hadlang ang indibidwalismo sa kalinawan, at tulad ng isang monolitikong partido, ang usapin ng “narito ang aking opinyon, tanggapin ito o itakwil”, ay nagkahulugan ng walang debate kung ang bawat tao ay maghapag ng kanilang “sariling opinyon”.
Ang proletaryong debate ay may istorikal na katangian; malugod nitong tinanggap ang pinaka magaling na syentipiko at kultural na diskusyon na umiral sa kasaysayan ng sangkatauhan: “Sa batayan, ang kultura ng debate ay isang ekspresyon ng katangiang sosyal ng sangkatauhan. Sa partikular, ito ay produkto ng ispisipikong paggamit ng tao ng lenggwahe. Ang paggamit ng lenggwahe bilang komunikasyon ng palitan ng impormasyon ay bagay na parehong ginagamit ng tao at maraming hayop. Ang kaibahan ng tao ay ang kapasidad nito na pagyamanin at makipagpalitan ng argumento (nakaugnay sa pag-unlad ng lohika at syensya), at para makilala ang bawat isa (ang paglinang ng pakikiramay, na nakaugnay sa pagpapaunlad ng arte”.
Nakaugat ang kultura ng debate sa primitibong komunismo subalit may mahalagang pag-unlad sa panahon ng Sinaunang Gresya: "Si Engels halimbawa ay tinukoy ang papel ng mga pangkalahatang asembliya ng mga Griyego sa panahon ng Homeric, sa unang mga tribo sa Alemanya o sa mga Iroquois sa Hilagang Amerika, na ispisipikong pinuri ang huli”.
“Lumitaw ang debate bilang tugon sa praktikal na pangangailangan. Sa Gresya, umunlad ito sa pamamagitan ng pagkumpara sa ibat-ibang pinanggalingan ng kaalaman. Pinagkumpara sa isat-isa ang ibat-ibang paraan ng pag-iisip, moda ng imbestigasyon at kanilang resulta, paraan ng produksyon, kustombre at tradisyon. Pinagsalungat sila, kinumpirma o pinagbangga sa isat-isa. Nagbangayan sila sa isa-isa o sinusuportahan ang isat-isa, o pareho. Sa pagkumpara naging relatibo ang mga absolutong katotohanan”.
Sinusuma ng aming tekstong Istruktura at Pag-andar ng Organisasyon ang mga pundamental na prinsipyo ng proletaryong debate:
“Pagtakwil sa anumang aksyong disiplina o administratibo sa panig ng organisasyon hinggil sa mga myembro na nagpahayag ng hindi pagsang-ayon: kung ang minoriya ay kailangang mulat paano maging minoriya sa loob ng organisasyon, ang mayoriya ay kailangang mulat paano maging mayoriya, at sa partikular kailangang hindi nito abusuhin ang katotohanan na ang kanyang posisyon ay naging posisyon ng organisasyon at lipulin ang debate, halimbawa, sa pamamagitan sa pagpilit sa mga myembro ng minoriya na maging tagapagsalita sa mga posisyon na hindi sila sang-ayon;
Interesado ang buong organisasyon sa pinakamalawak at pinakamalinaw na posibleng diskusyon (kahit tungkol sa pagkakaiba ng prinsipyo na maaring tutungo sa organisasyunal na paghihiwalay): parehong nasa minoriya at mayoriya na gawin ang makakaya (syempre hindi nakakaparalisa o napahina ang mga tungkulin ng organisasyon) na kumbinsihin ang isat-isa sa katumpakan ng kani-kanilang pagsusuri, o sa minimum makamit ang posibleng pinakamalinaw na kaibahan mula sa hindi pagkakasundo.
Hanggang sa punto na ang mga debate sa loob ng organisasyon na sa pangkalahatan ay may kaugnayan sa buong proletaryado”
Ang proletaryado ay isang internasyunal na uri at dahil dito ang debate ay kailangang internasyunal at sentralisado ang katangian. Kung ang debate ay hindi pagdagdag ng mga indibidwal na opinyon, lalo ng hindi ito suma-total ng mga lokal na opinyon. Ang lakas ng proletaryado ay ang kanyang pagkakaisa at kamulatan na naglalayong ipahayag ang sarili sa pandaigdigang saklaw.
Internasyunal na debate, pagsama-sama ng mga kontribusyon at karanasan ng proletaryado sa lahat ng mga bansa ang nagbibigay ng klaripikasyon at pandaigdigang bisyon na mas nagpapalakas sa pakikibaka ng proletaryado.
C. Mir, 11 Hulyo 2018
20 taon na ang nakalipas, sa 2001, binigyang diin ng ulat ng Intergovernmental Panel on Climate Change ang dokumento mula sa Global Scenario Group, na pinulong ng Stockholm Environmental Institute, na bumalangkas sa tatlong posibleng senaryo sa kinabukasan ng sangkatauhan bunga ng krisis sa klima:
“Kabilang sa balangkas ng GSG ang tatlong malawak na kategoriya ng mga senaryo ng hinaharap: ‘Conventional Worlds’, ‘Barbarisation’ at ‘Great Transition’ – na may pagkakaiba sa bawat kategoriya. Lahat ay tugma sa kasalukuyang mga pattern at tunguhin, pero may ibat-ibang implikasyon sa lipunan at kapaligiran sa 21 siglo … Sa senaryo ng ‘Conventional Worlds’, dahan-dahang uunlad ang pandaigdigang lipunan mula sa kasalukuyang mga pattern at dominanteng tendensya, kung saan ang pag-unlad ay pangunahing itutulak ng mabilis na paglaki ng pamilihan habang nagsasalubong ang mga umuunlad na mga bansa patungo sa modelo ng pag-unlad ng abanteng (‘maunlad’) industriyalisadong mga bansa. Sa senaryo ng ‘Barbarisation’, ang mga tensyon sa kapaligiran at lipunan bunga ng konbensyunal na pag-unlad ay hindi naresolba, humina ang mga makataong pamantayan, at ang mundo ay naging mas awtoritaryan o mas anarkiya. Ang ‘Great Transitions’ ay naghahanap ng mga bisyonaryong solusyon para manatili ang mga hamon, na naglalarawan ng pag-angat ng bagong mga kaugalian, istilo ng pamumuhay at institusyon”. mula sa p. 140 ng 2001 IPCC, Working Group 3 report on mitigation
Sa 2021, kasunod o kasabay ng walang katulad na heatwaves mula sa Canada hanggang sa Siberia, mga baha sa hilagang Uropa at China, tagtuyo at wildfires sa California, mga bagong tanda ng pagkatunaw ng yelo sa Arctic, ang unang bahagi ng ulat ng IPCC, ang ulat na nakatuon sa syentipikong pagsusuri sa mga tunguhin ng klima, ay pinakita na ang “konbensyunal” na pagpapatuloy sa kapitalistang akumulasyon ang nagtulak sa atin patungong “barbarisation”. Nakatanaw sa Oktubre-Nobyembre COP26 na kumperensya sa klima sa Glasgow, mariing pinaliwanag ng ulat na kung walang mahigpit at nagkakaisang pandaigdigang pagkilos para bawasan ang emisyon sa susunod na ilang dekada, hindi posible na malimitahan ang pag-akyat ng temperatura sa 1.5 degrees mataas sa antas pre-industrial, hakbang na kailangan para mapigilan ang pinakamalalang epekto sa pagbabago ng klima. Hindi lang ‘yan: tinukoy ng ulat ang serye ng mga “planetary boundaries” o tipping points na posibleng maging dahilan ng hindi makontrol na pagbilis ng pag-init ng planeta, na posibleng ang malaking bahagi ng mundo ay hindi na mabuhay ang tao. Ayon sa maraming mga eksperto na binanggit sa ulat, apat sa mga hangganang ito ay natawid na, kapansin-pansin sa antas ng pagbabago ng klima, biodiversity loss at hindi masustine na mga paraan ng agrikultura, at marami pa, tulad ng acidification ng mga karagatan, plastic pollution at ozone depletion, na nagbabanta na magbunga ng paglala ng ibang mga salik[1].
Napakalinaw rin na sinabi ng ulat na ang mga peligrong ito ay higit sa lahat dulot ng “pakikialam ng tao” (na sa esensya, nagkahulugan ng produksyon at ekstensyon ng kapital) at hindi mula sa natural na proseso tulad ng solar activity o pagsabog ng mga bulkan, mga paliwanag na kadalasan huling paraan ng mga tutol na nagbabago na ang klima kung saan mas dumarami ang ayaw ng maniwala sa kanila.
Hindi pa inilabas ang bahagi ng ulat na tumutukoy sa posibleng mga paraan para masolusyunan ang krisis, pero sa nakaraang mga ulat alam natin na, gaano man kalaki ang usapin ng “transisyon” para sa bagong ekonomikong modelo na pipigil sa paglabas ng greenhouse gases na nasa hindi masustining antas na, walang ibang solusyon ang “Intergovernmental Panel” kundi makiusap lang sa mga gobyerno, i.e. kapitalistang mga estado, na matauhan, magkaisa, at sumang-ayon para sa radikal na pagbabago sa operasyon ng kanilang mga ekonomiya. Ibig sabihin, ang kapitalistang moda ng produksyon, na walang awang naghahanap ng tubo ang puso mismo ng krisis, ay kailangang mapalitan ng bago: isang nagkakaisang komunidad kung saan ang produktubidad ay kontrolado hindi ng pangangailangan ng merkado kundi ng mga tao na kailangang mabuhay.
Hindi ibig sabihin na ganap ng nakalimutan ng mga kapitalistang institusyon ang mga peligro na idudulot ng pagbabago ng klima. Ang paglaganap ng mga internasyunal na kumperensya sa klima at ang pag-iral mismo ng IPCC ay patunay nito. Habang mas naging madalas ang bunga nito na mga sakuna, malinaw na napakalaki ang kabayaran nito: syempre sa ekonomiya, dahil sa pagkasira ng mga kabahayan, agrikultura, at inprastruktura, kundi pati sosyal: laganap na kahirapan, pagdami ng mga bakwit mula sa nasirang mga rehiyon, at marami pa. At lahat maliban sa pinaka-madayang mga pulitiko at burukrata ay naunawaan na ito ay malaking pasanin sa kaban ng estado, tulad ng malinaw na pinakita sa pandemiya sa Covid (na nakaugnay rin sa krisis sa kapaligiran). At tumutugon rin ang mga indibidwal na kapitalistang empresa: tila bawat negosyo ngayon ay nagpapakita ng kanilang berdeng kredensyal at komitment sa bago, sustenableng mga modelo. Partikular ito sa industriya ng sasakyan: mulat na ang internal combustion engine (at sa industriya ng langis) ay mayor na pinagmulan ng greenhouse emissions, halos lahat ng mga mayor na nagmanupaktura ng sasakyan ay lumilipat na sa electric cars sa susunod na dekada. Pero ang hindi nila magawa ay itigil ang kompetisyon sa isat-isa sa pagbebenta ng pinakamaraming “green cars”, sa kabila na ang produksyon ng electrical cars ay may sariling signipikanteng ekolohikal na mga epekto – pinaka-kapansin-pansin ang pagkuha ng hilaw na materyales, tulad ng lithium, na kailangan para sa produksyon ng baterya ng sasakyan, na nakabatay sa napakalaking proyekto ng pagmimina at lalupang pag-unlad ng network sa pandaigdigang transportasyon. Ganun din sa antas ng mga pambansang ekonomiya. Inaasahan na ng kumperensya ng COP ang konsiderableng kahirapan na kumbinsihin ang mga “umuunlad” na ekonomiya tulad ng Russia, China at India na bawasan ang kanilang pagkandili sa fossil fuels para mabawasan ang mga emisyon. At tinutulan nila ang naturang presyur dahil sa perpektong lohikal na kapitalistang kadahilanan: dahil mas lalupang mabawasan ang kanilang kapasidad sa kompetisyon sa mundo na binaha na ng mga kalakal.
Magmula sa panahon ng Manipesto ng Komunista, giniit ng mga marxista na ang kapitalismo ay tinutulak ng kanyang krisis ng sobrang produksyon at paghahanap ng bagong pamilihan para “sakupin ang mundo”, para maging pandaigdigang sistema, at itong “unibersal na tendensya” ay lumikha ng posibilidad para sa isang bagong lipunan kung saan ang pangangailangan ng tao, ang ganap na pag-unlad ng indibidwal, ang nagiging layunin ng lahat ng panlipunang aktibidad. Subalit kasabay nito, ito mismong tendensya ay naglalaman din ng mga binhi ng pagkabulok, ang pagkawasak-sa-sarili ng kapital, at kaya ang napakatinding pangangailangan para sa transisyon sa bagong komunidad ng sangkatauhan, sa komunismo[2]. At kasabay ng Unang Pandaigdigang Digmaan, mas kongkretong pinakita ng mga marxista tulad nila Bukharin at Luxemburg paanong itong banta ng pagkawasak-sa-sarili ay uunlad: sa pagiging mas pandaigdigan ng kapitalismo, ito ay mas lalamunin ng nakakamatay na kompetisyong militar sa pagitan ng mga imperyalistang bansa na desperadong makakuha ng bagong mapagkukunan ng hilawng materyales, mas murang lakas-paggawa, at bagong pamilihan ng kanilang produkto.
Pero sa kabila na si Marx, Engels at iba pa ay maagang nakita na nilalason ng kapitalistang sistema ang hangin at sinira ang kalupaan, hindi nila nakita ang lahat ng ekolohikal na epekto sa mundo kung saan halos bawat rehiyon ay pinasok na ng kapital sa apat na direksyon, isinailalim ang mundo sa laganap na urbanisasyon at sa kanyang mapanlasong paraan ng produksyon at distribusyon. Ang kapitalistang ekspansyon, inudyukan ng mga ekonomikong kontradiksyon na nasa loob ng relasyon sa pagitan ng kapital at sahurang paggawa, ay itinulak sa sukdulang pagkabukod ng sangkatauhan mula sa kalikasan. Dahil may limitasyon sa abilidad ng kapitalismo sa realisasyon ng sobrang halaga na kinuha mula sa mga manggagawa, ang nakabatay sa tubo na pagkuha sa likas na yaman ng mundo ay lumikha ng panibagong balakid sa kapasidad ng kapitalismo na pakainin ang kanyang mga alipin at panatilihin ang kanyang paghari. Hindi na sapat ang laki ng mundo para sa kapitalismo. At sa halip na makita ng mga kapitalistang estado ang dahilan at magkaisa para sa kabutihan ng planeta, ang pagkaubos ng yaman at mga resulta ng pagbabago ng klima ay mas lalupang magpalala ng kompetisyong militar sa mundo kung saan ang bawat estado ay nagsisikap iligtas ang sarili sa harap ng sakuna. Ang kapitalistang estado, hayag man na despotiko o nakatago sa pakitang-tao na demokrasya, ay maipapatupad lang ang mga batas ng kapital na pinagmulan mismo ng malalim na mga banta sa kinabukasan ng sangkatauhan.
Ang kapitalismo, kung papayagan na magpatuloy, ay sasagasa lang sa mundo tungo sa mabilis na “barbarismo”. Ang tanging “transisyon” na pipigil dito ay ang transisyon sa komunismo, na hindi magiging produkto sa mga pakiusap sa mga gobyerno, pagboto sa mga “berdeng” partido o protesta bilang “nagmalasakit na mga mamamayan”. Ang transisyong ito ay makakamit lang sa pamamagitan ng komon, internasyunal na pakikibaka ng pinagsamantalahang uri, ang proletaryado, na kadalasan unang biktima ng krisis sa klima katulad ng sa ekonomikong krisis. Nakapaloob sa pakikibaka ng manggagawa sa harap ng mga atake sa kanyang kabuhayan ang mga binhi ng pangkalahatang rebolusyonaryong kilusan para panagutin ang kapitalismo sa lahat ng kahirapan na binigay nito sa sangkatauhan at sa planeta.
Amos
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17075/necessity-transitionto-com... [39]
Sa unang tingin, tila lahat ay paborable sa pagsabog ng galit ng uring manggagawa. Maliwanag na may krisis at walang makaligtas dito. Kakaunti ang naniwala na matatapos ito sa kabila na kabaliktaran ang nakikita araw-araw. Parang ang buong planeta ay nasa sitwasyon ng pagkawasak: mga digmaan, barbarismo, taggutom, epidemya, ang mapanirang manipulasyon sa kalikasan at ating kalusugan sa ngalan ng tubo.
Lahat ng ito ay nasa ating harapan, kaya mahirap isipin na hindi tayo makadama ng galit at pag-alsa. Mahirap isipin na naniwala pa rin ang mga manggagawa na may kinabukasan sa kapitalismo. Ngunit hindi pa rin ganap na nakibaka ang masa. Masabi ba natin na tapos na ang laban, na ang pagsaga ng krisis ay lubhang napakalakas, na hindi na malampasan ang epekto nitong demoralisasyon?
Hindi maipagkaila na nakaranas ngayon ang uring manggagawa ng mga mayor na suliranin. May apat na dahilan dito.
Ang una, at pinaka-mahalaga, ay hindi mulat ang proletaryado sa kanyang sarili, nawala ang kanyang ‘makauring identidad’. Matapos bumagsak ang Berlin Wall, nakitaan ang 1990s ng malawakang kampanyang propaganda para kumbinsihin tayo na nasaksihan natin ang istorikal na kabiguan ng komunismo. Ang pinaka-agresibo – at pinaka-istupido – na mga komentarista ay nagpahayag ng ‘kataposan ng kasaysayan’, at ang ganap na tagumpay ng kapayapaan at demokrasya. Sa pamamagitan ng pag-iisa sa komunismo at sa nabubulok na bangkay ng Stalinistang kahayupan, inunahan na ng paninira ng naghaharing uri ang anumang perspektiba na naglalayong ibagsak ang kapitalistang sistema. Hindi nakontento sa pagtangkang burahin ang anumang pag-asa para sa rebolusyonaryong pagbabago, inilarawan nito ang anumang pakikibaka ng uring manggagawa na isang ‘memorya ng kultura’, tulad ng mga dinosaur fossil o pinta-sa-yungib ni Lascaux.
Higit sa lahat, paulit-ulit na giniit ng burgesya na ang uring manggagawa sa kanyang klasikal na anyo ay naglaho na sa eksenang panlipunan at pulitikal[1]. Mga sosyolohista, mamahayag, pulitiko at mga pilosopo ng tabloid ay inilako ang ideya na nawala na ang mga panlipunang uri, nawala sa walang anyong magma ng ‘panggitnang pwersa’. Laging nangangarap ang burgesya ng lipunan kung saan ang mga manggagawa ay nakikita ang sarili na mga ‘mamamayan’, nahati sa isang buong serye ng sosyo-propesyunal na mga kategorya – white collar, blue collar, may trabaho, kaswal, walang trabaho, atbp – na nahiwalay sa magkaibang mga interes at indibidwal na magpahayag sa pulitika sa pamamagitan ng pagpila sa mga presinto ng botohan. At totoo na ang ingay ng paglaho ng uring manggagawa, na walang puknat na binomba ng mga libro, pahayagan, TV at internet, ay nagsilbi para pigilan ang maraming manggagawa na makita ang sarili bilang integral na bahagi ng uring manggagawa, laluna bilang independyenteng panlipunang pwersa.
Pangalawa, sa pagkawala ng makauring identidad lubhang mahirap para sa proletaryado na pagtibayin ang kanyang sariling pakikibaka at sariling istorikal na perspektiba. Sa konteksto na ang burgesya mismo ay walang maibigay na perspektiba maliban sa paghigpit ng sinturon, bawat tao para sa kanyang sarili, sinamantala ng naghaharing uri ang kakulangan ng makauring kamulatan para maglaban-laban ang pinagsamantalahan, hati-hatiin sila at harangan ang anumang nagkakaisang pagtugon, sa pamamagitan sa pagtulak sa kanila sa kawalan ng pag-asa.
Ang pangatlong salik, bunga ng unang dalawa, ay dahil sa brutalidad ng krisis, pinaparalisa ang maraming manggagawa, na takot mahulog sa absolutong kahirapan, takot na hindi mapakain ang kanilang mga pamilya at mawalan ng matirhan, hiwalay at lantad sa panunupil. Bagamat ilan sa kanila, na nakasandal na sa pader, ay natulak na ipahayag ang kanilang galit, tulad ng mga ‘Indignado’ sa Espanya, hindi pa rin nila nakikita ang mga sarili bilang isang uri sa pakikibaka. Sa kabila ng relatibong malawak na katangian ng kilusang ito, nilimitahan nito ang kanilang kapasidad na labanan ang mga mistipikasyon at patibong na nilikha ng naghaharing uri, para bawiin ang mga karanasan ng kasaysayan, para umatras at halawin ang mga aral na kailangan sa pagpapalalim.
Mayroon ikaapat na mahalagang dahilan sa kasalukuyang kahirapan ng uring manggagawa na paunlarin ang kanyang pakikibaka laban sa sistema: ang buong arsenal ng pagkontrol ng burgesya, ito man ay ang hayag na mga mapanupil na bahagi, tulad ng pulisya, o ang mas lihim na mapanira at mas epektibo tulad ng mga unyon. Partikular sa huling punto, hindi pa rin napangibabawan ng uring manggagawa ang takot na makibaka labas sa dominasyon ng mga unyon, sa kabila na lumiliit ang mga manggagawa na may malalim na ilusyon sa kapasidad ng mga unyon na ipagtanggol ang kanilang interes. At itong pisikal na kontrol ay pinalakas ng ideolohikal na kontrol kung saan bihasa ang mga unyon, midya, intelektwal, kaliwang mga partido, atbp.
Ang susi sa ‘pagkontrol ng kaisipan’ ay walang duda ang ideolohiya ng demokrasya. Bawat signipikanteng mga kaganapan ay sinamantala para ipagyabang ang kanyang mga benepisyo. Pinakilala ang demokrasya bilang balangkas para mamukadkad ang kalayaan, lahat ng opinyon ay maipahayag, at ang kapangyarihan ay ginawang ligal ng mamamayan; kung saan ang bawat isa ay may inisyatiba, magkaroon ng kaalaman at kultura. Sa realidad, ang tanging inialok ng demokrasya ay pambansang balangkas para linangin ang kapangyarihan ng elitista, ang kapangyarihan ng burgesya. Lahat ng natira ay ilusyon, ang ilusyon na sa pamamagitan ng ang pagboto ay pagpapatupad ng kapangyarihan, ang ang boses ng populasyon ay maipahayag sa pagboto ng kanilang mga ‘kinatawan’ sa parliyamento. Huwag nating maliitin ang bigat ng ideolohiyang ito, tulad ng matinding dagok ng pagbagsak ng mga Stalinistang rehimen sa kataposan ng 80s, na labis na nagpalakas sa demokrasya.
Idagdag namin ang impluwensya ng relihiyon sa ideolohiyang arsenal na ito. Hindi ito bago, magmula ng kasama ito ng sangkatauhan mula sa kanyang unang mga pagtatangka na unawain ang mundo na nakapaligid sa kanya, at ginamit ito para bigyang ligalidad ang lahat ng klase ng hirarkikal na kapangyarihan. Subalit ang kaibahan ngayon ay ang kanyang papel para ilihis ang kaisipan ng isang bahagi ng uring manggagawa na naharap sa pangangailangan na unawain ang kapitalistang sistema na nasa sitwasyon ng pagiging bangkarota, partikular sa pamamagitan ng paliwanag sa ‘dekadenteng’ kalagayan ng kasalukuyang kaayusan na nagpakita gaano na kalayo sa mga prinsipyong pinaliwanag ng relihiyon libong taon na ang lumipas, laluna ang relihiyong naniwala sa isang diyos. Ang kalakasan ng ideolohiya ng relihiyon ay ginawa niyang simple ang napaka-komplikadong sitwasyon. Nag-aalok ito ng mga simpleng kasagutan, madaling sundin na mga solusyon. Sa kanyang mga pundamentalistang porma, nakumbinsi lang nito ang minoriya ng proletaryado, subalit sa pangkalahatan ay kinakain nito tulad ng isang parasitiko ang repleksyon na nangyayari sa uri.
Ang aming isinalarawan ay tila nagpakita ng desperasyon: naharap sa burgesya na magaling paano gamitin ang kanyang ideolohikal na sandata, sa sistema na binabantaan ang pinaka-marami sa populasyon ng kahirapan, kung saan hindi pa ito malalim na nakalikha ng matinding galit sa loob nito, may puwang pa ba para mag-isip ng positibo, may pag-asa pa ba? Mayroon ba talagang panlipunang pwersa na makagawa ng radikal na transpormasyon sa lipunan? Ang sagot namin sa tanong na ito na walang pag-aalinlangan: OO! Daang beses na OO!
Hindi ito usapin ng bulag na tiwala sa uring manggagawa, isang semi-relihiyosong pananampalataya sa mga sulatin ni Karl Marx, o desperadong pagsugal sa isang rebolusyon. Ito ay usapin ng pagtingin sa malayo, kalmadong sinusuri ang sitwasyon at lagpasan ang pagmamadali, sikaping unawain ang tunay na kahulugan ng kasalukuyang pakikibaka ng uri at aralin ng malalim ang istorikal na papel ng proletaryado.
Sa aming mga pahayagan ay pinaliwanag na namin na magmula 2003 ay nasa positibong pagkilos ang uring manggagawa kumpara sa kanyang pag-atras matapos bumagsak ang bloke sa Silangan. Ang analisis na ito ay hinalaw mula sa ilang mga signipikanteng pakikibaka, pero lahat sila ay nagpakita ng katangian na ang uring manggagawa ay nasa proseso ng pagdiskubre ng kanyang istorikong reaksyon, tulad ng pakikiisa, kolektibong diskusyon, o mas simple, masiglang tugon sa kahirapan.
Nakita namin ang mga elementong ito sa mga pakikibaka tulad ng laban sa ‘reporma’ sa pensyon sa Pransya sa 2003 at 2010, sa pakikibaka laban sa CPE, muli, sa Pransya, sa 2006, subalit sa Britanya (ang mga welgang wildcat sa Heathrow, sa Lindsey refineries) rin pero hindi masyadong malawak, sa USA (New York subway), Spain (steelworkers of Vigo), sa Egypt, Dubai, China, atbp. Ang Indignados at Occupy movements sa partikular ay sumalamin sa mas pangkalahatan at ambisyoso kaysa mga pakikibaka sa pabrika. Ano ang nakikita natin sa kilusang Indignados? Mga manggagawa mula sa lahat ng sektor, walang trabaho, part-time, full-time, ay nagsama-sama para lumahok sa isang kolektibong karanasan at para mas maunawaan ano ang nakataya sa panahong ito. Nakita namin ang mga tao na muling sumigla dahil malaya silang nakipagtalakayan sa iba. Nakita namin ang mga tao na nag-uusap hinggil sa alternatibang karanasan at kinikilala ang kanilang mga natamo at limitasyon. Nakita namin ang mga tao na tumangging maging biktima lang ng krisis na hindi sila ang dahilan at ayaw nilang sila ang magbayad. Nakita namin ang mga tao na nagtipun-tipon sa ispontanyong mga asembliya, nagpatibay ng mga porma na nagpahayag para sa repleksyon at komprontasyon ng mga ideya, at nilimitahan ang mga taong nais guluhin at isabotahe ang debate. Panghuli at higit sa lahat, pinakita ng kilusang Indignados ang internasyunalistang sentimyento, isang kaalaman na kahit saan sa mundo lahat tayo ay nagdurusa sa parehong krisis at ang ating pakikibaka ay walang pambansang hangganan.
Syempre hindi namin narinig ang karamihan na hayagang nag-uusap hinggil sa komunismo, proletaryong rebolusyon, uring manggagawa at burgesya, digmaang-sibil, atbp. Subalit ang pinakita ng kilusang ito ay ang pambihirang pagkamalikhain ng uring manggagawa, ang kanyang kapasidad na organisahin ang sarili, na nagmula sa kanyang hindi maipagkakait na katangian bilang independyenteng pwersa ng lipunan. Ang mulat na muling pagbawi sa mga katangiang ito ay malayo pa at mahirap ang daan, pero hindi maipagkaila na ito ay kumikilos na. Hindi maiwasan na ito ay dadaan sa proseso ng pag-atras, paghina, parsyal na panghihina ng loob. Pero makapagliliyab ito sa kaisipan ng mga minoriya na nasa unahan ng pakikibaka sa uring manggagawa sa pandaigdigang saklaw, at ang pag-unlad ay nakikita at nabibilang sa nagdaang ilang taon.
Panghuli, kahit pa napakalaki ang kahirapan ng uring manggagawa, hindi pa nakikita sa sitwasyon na tapos na ang labanan, na wala ng lakas ang uring manggagawa na maglunsad ng malawakan at rebolusyonaryong mga pakikibaka. Kabaliktaran, ang buhay na mga ekspresyon ay dumarami, at sa pag-aaral kung ano talaga sila, hindi sa panlabas kung saan ang kanilang pagiging mabuway lang ang halata, kundi sa kailaliman, saka ang potensyal, ang laman nilang pag-asa sa hinaharap ang dapat magagap. Sa kabila ng kanilang iregular, buhaghag, minoriya na katangian, hindi natin dapat kalimutan na ang pangunahing kalidad ng isang rebolusyonaryo ay pasensya at tiwala sa uring manggagawa [2]. Itong pasensya at tiwala ay batay sa pagkaunawa ano ang uring manggagawa, sa istorikal na pananalita: ang unang uri na parehong pinagsamantalahan at rebolusyonaryo, at may istorikal na misyon na palayain ang sangkatauhan mula sa pagsasamantala. Ito ay materyalista, istorikal, pangmatagalang pananaw. Ang bisyong ito ang dahilan na nagawa naming sumulat, sa 2003 ng hinalaw namin ang pagsusuma ng aming ika-15 internasyunal na kongreso:
“Tulad ng sinabi nila Marx at Engels, ‘ito ay hindi usapin ng pagkonsidera kung ano ang kalagayan ng isang manggagawa, o maging ng buong uring manggagawa sa pangkalahatan, na nangyayari ngayon, kundi ang pagkilala ano ang proletaryado at ano ang istorikal na gagawin nito, batay kung ano siya’. Pinakita ng naturang paraan sa atin na, naharap sa mga hambalos ng krisis sa ekonomiya, na magluluwal ng mas mabangis na mga atake sa uring manggagawa, ang huli ay mapilitang tumugon at paunlarin ang kanyang pakikibaka”. https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm [40]
GD, 25.10.12
1. Hindi ibig sabihin na walang importanteng materyal na pagbabago sa hugis ng uring manggagawa sa nagdaang ilang dekada, laluna sa de-industriyalisasyon at relokasyon ng tradisyunal na mga industriya patungo sa mga ‘gilid’ ng sistema, o na ang mga pagbabagong ito ay hindi nakadagdag sa kahirapan ng uring manggagawa para panatilihin ang kanyang makauring identidad. Balikan namin ito sa ibang artikulo.
2. Dapat nagdagdag si Lenin ng pagpapatawa!
Source URL: https://en.internationalism.org/worldrevolution/201211/5284/why-it-so-di... [41]
Sa kamakailan lang na kudeta ng militar sa Myanmar, opisyal na muling inagaw ng militar ang kapangyarihan. Pero umalis ba talaga ito? Ang hukbo ng Myanmar, isang sentral na institusyon ng estado at, sa kasaysayan, ang punong gangster, ay nagpapataw ng kanyang diktadura at nakinabang sa kanyang posisyon ng ilang dekada. Katunayan, ito lang ang tanging pwersa na nagmintina ng kaayusan, istabilidad at pagkakaisa sa isang bansa na mayroong mahigit 130 etnikong mga grupo, kung saan napakaraming etnikong dibisyon at tunggalian. Dahil dito ang imperyalistang pagkagutom ng mga makapangyarihan tulad ng China, Russia, US at India ay nakatuon sa hukbo, na lalupang nagpainit sa tensyon sa napaka-estratehikong rehiyon sa Asya. Kadalasan iginiit ng hukbo ng Myanmar ang kanyang interes sa pamamagitan ng pwersa, na may hayagang suporta mula sa imperyalismong Tsina at Rusya.
Sa kabila ng eleksyon sa 2015 at paggawad ng isang mapagkunwaring demokratikong gobyerno, ang una mula 1961, ang kudeta sa Pebrero 1 ay bahagi ng lohika ng permanenteng dominasyong militar ng makapangyarihang hukbo na hindi tumigil bilang estado sa loob ng isang estado magmula ng kalayaan sa 1948. Ang Burma (nakilala ang bansa hanggang 1989) ay walang patid na pinamunuan ng mga heneral tulad ng ama mismo ni Aung San Suu Kyi na pinatay ng kanyang mga karibal sa 1947. Ang imahe ng demokrasya, na diumano mukha ng kapayapaan, ngayon ay pinatalsik ng mga sundalo na dati umaresto sa kanya, pagkatapos ikinulong siya sa loob ng maraming taon, sa huli ay inilluklok siya sa kapangyarihan sa 2015. Walang alinlangang tinulungan si Aung San Suu Kyi ng parehong mga sundalo, dahil sa walang prinsipyong pagsuporta nito sa madugong panunupil sa mga Rohingya sa 2017. Katunayan, hindi binitawan ng armadong pwersa ng Burma ang kapangyarihan, binigyan ang mga sarili ng posisyon sa mga susing departamento at substansyal na porsyento sa parliyamento.
Sa 22 Disyembre 2020, ang pinuno ng Tatmadaw (ang opisyal na pangalan ng armadong pwersa ng Myanmar) ay muling pinagtibay na ang armadong pwersa ay kailangang may nangungunang papel sa pagtatanggol sa "mga pambansang patakaran, sa sasana [relihiyong Buddhist], tradisyon, kustombre at kultura". Maari niyang idagdag na ang hukbo ng Burma ay may kapangyarihan hindi lang sa militar at “kultural” (sic), kundi sa ekonomiya rin. Kontrolado ng militar ang ekonomiya ng bansa mula ng kudeta sa 1962. Ngayon, opisyal na hawak nito ang 14% ng pambansang badyet, sa kabila ng realidad na mas malaki pa dito, kung isama ang katiwalian at malabong malaking pananalapi.
Dagdag sa kanyang partisipasyon sa jade mining, ang teak wood industry, mamahaling bato at (ang pinakamalaking pinagkikitaan), ang napakalaking kita sa negosyo sa droga, nakinabang rin ang militar sa Myanmar mula sa tubo na nakulimbat ng pag-aari nitong isang conglomerate, ang Myanmar Economic Holding Public Company Ltd (MEHL), isa sa pinaka-makapangyarihan at tiwaling mga organisasyon. Lumawak ang impluwensya ng MEHL sa halos bawat sektor ng ekonomiya, mula sa inumin hanggang sa tabako, minahan at manupaktura ng damit. Sa kasaysayan, para sa kapitalistang estado, kadalasan ang hukbo, bilang huling paraan, ang nagtitiyak ng pambansang pagkakaisa at pagtatanggol sa burges na interes sa sitwasyon ng panloob na pagkahati-hati at komprontasyon. Hindi natatangi ang Myanmar, pero ito ay isang karikatural na halimbawa. Kung tiniyak ng hukbo ang pagkakaisa ng bansa sa harap ng etnikong pagkahati-hati, ang kanyang interes ay nanatili sa “hatiin at pamunuan”, para tiyakin ang kanyang tubo, dapat manatili ang bangayan ng ibat-ibang burges na paksyon para manatili sa kapangyarihan.
Ang kudeta sa pamumuno ni Heneral Ming Aung Hliang ang pinakahuling personapikasyon ng proseso ng lumalaking kaguluhan at dekomposisyon kung saan minsan mahirap magkaroon ng tikas sa gitna ng ligalig ng mga komprontasyon, karahasan, etnikong paglilinis at barbarismo... At lahat ng mga demonstrasyon ng populasyon sa lansangan para ipagtanggol ang burges na paksyon ni Aung San Suu Kyi, itong pananampalataya sa mga demokratikong ilusyon, lahat ng ito ay magbunga lang ng mas kaguluhan at panunupil. Bawat krisis sa Burma, tulad sa 1988 o 2007, ay sa praktika, nauwi sa madugong panunupil na may libu-libong patay. Ito ay posibilidad pa rin ngayon dahil sa paggamit ng tunay na bala ng mga pwersa ng panunupil na nagkaroon na ng unang mga biktima. Kaya, bakit may kudeta ngayon?
Marami sa mga burges na komentarista ay kinilala ang kudeta na hindi inaasahan, hindi maunawaan, sa harap ng dominasyong militar na hindi naaalog, kabilang na ang huling nagdaang mga taon sa pagbukas ng demokrasya sa ilalim ng kontrol ng militar, at ang pag-upo sa kapangyarihan ni Aung San Suu Kyi sa Abril 2016. Mga haka-haka ay inilabas sa midya: ang hepe ng hukbo, si Min Aung Hlaing, na malapit ng magretiro, ay posibleng makasuhan sa International Court of Human Rights sa mga krimen laban sa sangkatauhan. Iba pang paliwanag: ang huling tagumpay ng partido ni Aung San Suu Kyi sa eleksyon sa parliyamento ay masaklap na dagok sa hunta-militar, na ayaw itong tanggapin... Lahat ng mga elementong ito, gaano man ka totoo sila, ay higit sa lahat ekspresyon ng paglala ng tunggalian sa pagitan ng ibat-ibang paksyon ng burgesya sa loob ng makinarya ng estado, lahat ng ito ay nakasira sa istabilidad at rasyunal na pamamahala ng estado mismo.
Sa madaling salita, ang interes ng bawat paksyon, naka-uniporme man o nakabalabal ng demokrasya, ay naging pangunahin kaysa pangkalahatang interes ng pambansang kapital, naging dagdag gasolina sa katiwalian sa tuktok ng estado labilang na sa lahat ng antas ng pag-andar ng lipunan. Ang delikadong ekonomikong sitwasyon sa Myanmar ay pinalala ng husto ng pandemiya. Dagdag sa tumataas na kawalang trabaho, sa kasaysayan ay laging mataas, at ang kahirapan ng populasyon, at habang bumubulusok ng todo ang GDP sa nagdaang mga taon bilang isa sa pinakamahirap na mga bansa sa mundo, ayon sa IMF, ay mayroong lumalaking krisis sa pangangailangan ng tulong at sa kalusugan, na naging dahilan ng pagbakwit ng daan libong mamamayan sa Bangladesh at Thailand. Sa huli, ang mga kaganapan sa Myanmar ay ekspresyon ng parehong pagkabulok na tumagos sa bawat butas ng burges na lipunan, mula sa paglusob sa Capitol hanggang sa pandaigdigang krisis sa kalusugan...
Pero itong mga tunggalian sa pagitan ng mga paksyon ay hindi sapat para lubos na maipaliwanag ang sitwasyon. Higit sa lahat nasa imperyalistang tunggalian at tensyon makikita kung ano ang nakataya. Ang pangunahing mga kapangyarihan sa Kanluran, sa pangunguna ng US, ay nagkaisang kinondena ang operasyong militar. Kaagad pagkatapos ng kudeta, hiniling ng US sa UN ang isang resolusyon para dito at humihingi ng parusa laban sa Myanmar. Hindi pinagtibay ang resolusyong ito dahil sa pagtutol ng Russia at China. Sa konteksto ng lumalaking komprontasyon sa pagitan ng China at United States, nanatiling estratehikong erya ang Burma. Nakataya ang kontrol sa South China Sea, Taiwan at Bay of Bengal. Absolutong walang interes ang imperyalismong Tsina na pahintulutan ang anumang "istabilisasyon", partikular ng anumang demokratikong palamuti, na higit sa lahat ay maaring makinabang ang US. Ang panatilihin ang burak sa Myanmar ay estratehiya ng Tsina sa Asya, ang makapasok sa Bay of Bengal ay mayor na layunin ng China, maging ng India. Kaya para sa interes ng Tsina na panatilihin ang instabilidad sa pamamagitan ng, halimbawa, pagsuporta sa mga gerilya sa hilaga, sa Estado ng Rakhine (Arakan), habang binibigyan ng suporta ang militar, sa pagsasabing ang kudeta ay isang “reorganisasyon ng gobyerno”! Isa sa mga layunin ng Beijing ay kompletuhin ang China-Myanmar Economic Corridor (CMEC), para makapasok sa Indian Ocean, na iniiwasan ang Straits of Malacca, na laging kontrolado ng US Navy. Komitido ito na panatilihin ang istabilidad ng relasyon sa kalakalan at pulitika sa Myanmar. Higit sa lahat, ito ay mayor na estratehikong bantay sa kanyang proyektong "Silk Road", kaagapay nito ang pangangailangan ng Beijing ng suporta pangseguridad, laluna ang base militar sa hinaharap at diplomatikong pakikipag-alyansa. Matapos ang pagpahayag ng suporta ng Beijing sa Pakistan, ang malakas na suporta sa rehiyon para sa rehimeng militar sa Myanmar ay isang oportunidad para depensahan ang kanyang interes habang hinaharangan ang panukalang embargo at parusa na hinihingi ng Estados Unidos.
Nagpahiwatig ng suporta ang imperyalismong Ruso sa kudeta. "Isang linggo matapos ang kudeta, ang Ministro ng Depensa sa Rusya na si Sergey Shoygu ay bumiyahe sa Myanmar para kumpirmahin ang kasunduan ng suplay ng ground-to-air missile systems, surveillance drones at radar equipment, ayon sa Nikkei Asia Magazine. Pumirma rin ng kasunduan ang Rusya kay General Ming para sa flight safety, na nabanggit na binisita ang Rusya ng anim na beses sa nagdaang dekada". Nasa komplikadong sitwasyon naman ang India: habang matatag nitong tinutulan ang kudetang militar sa Burma 30 taon na ang nagdaan, hindi ito huminto sa pakikipagrelasyon sa rehimen ng Burma, pareho sa paksyon ng hunta at ni Aung San Suu Kyi. Ngayon, ang rehimeng Modi ay natuksong ipagpatuloy ang dayalogo sa kanyang katabing-bansa. Pero nais nito sa ano mang paraan na iwasan na magbigay kahit isang pulgada na bentahe sa Tsina.
Naharap sa pangatlong kudeta, at sa konteksto ng krisis kung saan 60% ng mamamayan ay namuhay sa matinding kahirapan, umalma ang buong populasyon, partikular ang henerasyon ng kabataan. Maraming mga demonstrasyon sa lansangan at maging mga welga ang nangyari. Itong kilusan ng "civil disobedience" na may sabotahe sa transportasyon, telekomunikasyon at teknolohiya sa impormasyon, na naglalayong “ibalik ang demokrasya”, ay hindi magbigay wakas sa kaguluhan at karahasan. Kahit pa malinaw na minaliit ng hukbo ang pagtutol ng populasyon sa pamamagitan ng walang katulad na kilusang pagtakwil, laluna sa hanay ng kabataan, ang panlipunang kilusan na nakabatay sa purong burges na tereyn ng mga demokratikong kahilingan ay hindi naglalaman ng binhi para sa mas mabuting kinabukasan.
Nitong nagdaang mga taon maraming kabataan ang nabighani sa ilusyon ng burges na demokrasya. Subalit ang pagtatanggol sa demokratikong estado, ang pagtatanggol sa partido ni Aung San Suu Kyi, ang kasabwat sa mga krimen na ginawa ng hukbo sa mamamayan ng Rohingya, ay isang patibong na magdudulot lang sa kanila ng seryosong kabiguan. Sa kabila ng napakahinang rekord sa ekonomiya sa apat na taon sa kapangyarihan ni "State Counsellor" Aung San Suu Kyi, nanatili siyang popular sa populasyon na nagdusa sa mga taon ng diktadura (1962-2011). Subalit, ang demokratikong partido at hunta-militar ay magkabilaang panig ng iisang barya, ang burges na estado. Ang huli ay isang institusyon na ang papel ay panatilihin ang panlipunang kaayusan at status quo para mapreserba ang interes ng naghaharing uri at hindi para mapabuti ang kalagayan ng mga pinagsamantalahan at inaapi. Bilang resulta, ang daang libong kabataan at manggagawa na lumahok sa mga demonstrasyong ito ay mga bilanggo sa isang kilusan na nagtataguyod lang sa kapitalistang kaayusan. Ang pagtatanggol sa demokrasya ay isang patibong at tunay na walang patutunguhan. Mas malala pa: ang lumaban sa tereyn na ito ay tutungo lang sa kainutilan at madugong sakripisyo ng uring manggagawa at ng buong populasyon.
Stopio, 27 Pebrero 2021
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16986/democracy-or-military-junt... [42]
Ang administrasyon ni Trump ay nagdulot na ng nakakahiya pero nakamamatay na kapahamakan para sa burgesya ng US – hindi bababa sa pamamagitan ng aktibong pagpapalala sa pandemiya ng Covid sa 2020 – subalit laging may pag-asa sa hanay ng mas matinong mga paksyon ng naghaharing uri sa Amerika na ang pagkaroon ng isang walang kakayahan na narsisista ay isa lang padaan na bangungot, na maya-maya lang ay magigising na sila. Pero ang elektoral na tagumpay ng Democratic Party ay hindi landslide tulad ng inaasahan – ito man ay sa bagong administrasyon ni Joe Biden o ng bagong Kongreso.
Mas malala pa, isang naka-telebisyon na riot ang nangyari sa Kapitolyo, ang sagradong lugar ng demokrasya sa US, na sinulsulan ng papalitan na pangulo ng estado na itinakwil ang opisyal, pinagtibay, na resulta ng eleksyong presidensyal! Isang grupo ng manggugulo ang nagtangkang marahas na pigilan ang demokratikong paghalili, na hinimok mismo ng nakaupong pangulo – tulad ng sa banana republic na kinilala ni George W Bush. Tunay na ito ay pantukoy na yugto ng dekomposisyon ng pandaigdigang kapitalismo. Ang mapaminsala-sa-sarili na populismo sa UK sa pamamagitan ng Brexit ay parang kakatuwa para sa ibang mga bansa, dahil ang Britanya ay isang segundaryong kapangyarihan, subalit ang banta ng instabilidad na kinatawan ng insureksyon sa Capitol Hill ng US ay nagdulot ng pagkabigla at takot sa buong internasyunal na burgesya.
Ang kasunod na pagtangkang ipalitis si Trump sa ikalawang pagkakataon ay malamang muling mabigo, at posibleng magpasigla sa kanyang milyun-milyon na tagasuporta sa populasyon, kabilang na ang malaking bahagi ng Republican party.
Ang inagurasyon ng bagong Presidente sa Enero 20, na kadalasan ay okasyon ng pagpapakita ng pambansang pagkakaisa at rekonsilyasyon, ay hindi mangyari: si Trump ay hindi dadalo, na kabaliktaran sa tradisyon ng papalitan na mga presidente, at ang Washington DC ay isailalim sa lockdown ng militar para pigilan ang anumang armadong pagtutol ng mga tagasuporta ni Trump. Ang perspektiba kung gayon ay hindi ang maayos, pangmatagalang muling pagtatag ng tradisyunal na demokratikong kaayusan at ideolohiya ng administrasyong Biden, kundi ang pagbibigay-diin - sa lumalaking marahas na kalikasan – ng dibisyon sa pagitan ng klasikal na burges-demokrasya at populismo, ang huli ay hindi maglalaho sa pagtatapos ng rehimeng Trump.
Mula 1945 ang demokrasya sa US ay naging puno ng pandaigdigang kapitalismo. Dahil sa mapagpasyang papel sa tagumpay ng Allied sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, at may malaking kontribusyon upang mapigilang bumagsak ang Uropa at Japan, nagawa nitong hatakin ang mundo mula sa pagkasira at muling binuo ayon sa kanyang sariling imahe sa panahon ng Cold War. Sa 1989, sa pagkatalo at pagkawasak ng karibal na totalitaryan na bloke ng Rusya, tila naabot na ng US ang rurok ng kanyang dominasyon at katanyagan. Nagpahayag si George Bush Snr na darating ang Bagong Pandaigdigang Kaayusan matapos bumagsak ang bloke ng Rusya sa 1989. Iniisip ng Washington na mapanatili niya ang kanyang dominasyon sa pamamagitan ng pagpigil sa anumang lilitaw na bagong kapangyarihan bilang seryosong kalaban sa kanyang pamumuno sa mundo. Pero sa halip, ang paggigiit ng kanyang superyoridad-militar ay nagpabilis sa pandaigdigang kaguluhan sa walang saysay na mga tagumpay (Kuwait, ang Balkans sa 1990s) at magastos na bigong patakarang-panlabas sa Iraq, Afghanistan at Syria. Mas pinahihina ng US ang mga alyansa kung saan nakasalalay ang kanyang dating pamumuno sa mundo at dahil dito nahimok ang ibang mga kapangyarihan na kumilos ayon sa kagustuhan nila.
Dagdag pa, hindi napahina ng kapangyarihan at yaman ng US ang dumaraming mga kombulsyon sa pandaigdigang ekonomiya: ang tilamsik ng apoy ng krisis sa 2008 na nanggaling sa Wall Street at nilamon ang US at ang mundo sa pinaka-seryosong pagbulusok mula ng muling lumitaw ang hayag na krisis sa 1967.
Ang mga panlipunan at pulitikal na bunga ng mga pag-atras ng US, at kawalan ng mga alternatiba, ay mas pinalaki ang dibisyon at kaguluhan sa burges na estado, at sa populasyon sa pangkalahatan, na humantong sa dumaraming pagkasira sa establisadong pampulitikang pamantayan ng demokratikong pampulitikang sistema ng US.
Ang nagdaang pangulohan nila Bush at Obama ay bigong buuin ang pangmatagalang konsensus sa tradisyunal na demokratikong kaayusan sa hanay ng populasyon sa kabuuan. Ang ‘solusyon’ ni Trump sa problemang ito ay hindi para resolbahin ang pagkawatak-watak kundi mas lalo pa itong patingkarin sa pamamagitan ng bastos at magulong polisiya ng bandalismo na mas lalo pang gumutay-gutay sa lokal na pampulitikang konsensus at pinunit ang mga kasunduang militar at ekonomiya sa kanyang dating mga alyado sa pandaigidgang arena. Lahat ng ito ay ginawa sa ilalim ng banderang ‘Una ang Amerika’ – pero sa realidad nagsilbi ito para palakihin ang pagkawala ng istatus ng USA.
Ibig sabihin, ang nagpapatuloy na pampulitikang krisis ng demokrasya sa US, na sinimbolo ng pagsalakay sa Kapitolyo, ay nakadagdag sa magulo at makasira-sa-sarili na mga resulta ng imperyalistang polisiya ng US at mas naging malinaw na ang nanatiling pinaka-malakas na kapangyarihan sa mundo ay nasa sentro ng, at may mayor na papel sa, pagkabulok ng pandaigdigang kapitalismo sa lahat ng antas.
Ang Tsina, sa kabila ng kanyang lumalaking kapangyarihan sa ekonomiya at militar, ay hindi kayang punan ang puwang ng pamumuno sa daigdig na nilikha ng dis-oryentasyon ng US. Ito ay dahil ang huli ay nanatiling may kapasidad at determinadong pigilan ang paglaki ng impluwensya ng Tsina bilang mayor na layunin mayroon o walang Trump. Halimbawa, isa sa mga plano ng Administrasyong Biden ay palakasin ang polisiyang anti-Tsina sa pagbuo ng D10, isang alyansa ng mga demokratikong kapangyarihan (ang G7 kasama ang Timog Korea, India, at Australia). Hindi na kailangang ipaliwanag ang magiging papel nito sa pagpapalala ng imperyalistang tensyon.
Subalit ang mga tensyon na ito ay hindi maaring maging daan sa pagbuo ng panibagong mga bloke dahil sa maliwanag na mga kadahilanan. Dahil sa paglala ng dekomposisyon ng kapitalismo lumalaki ang posibilidad na hindi mangyari ang pangkalahatang pandaigdigang digmaan.
Sa 1989 tinataya namin na ang bagong yugto ng dekomposisyon ng kapitalismo ay magdadala ng dumaraming kahirapan sa proletaryado.
Ang kamakalilan lang na mga kaganapan sa US ay muling pinatunayan ang prediksyong ito.
Ang pinakamahalaga sa mga ito sa relasyon ng kasalukuyang sitwasyon sa US ay ang peligro na mga seksyon ng uring manggagawa na ma-mobilisa sa likod ng lumalaking marahas na paligsahan ng magkasalungat na mga paksyon ng burgesya, ie, hindi lang sa elektoral na larangan kundi maging sa mga lansangan. Ang mga bahagi ng uring manggagawa ay maaring maligaw sa populismo at pagtatanggol sa demokrasya, ang dalawang maling alternatiba na inaalok ng kapitalistang pagsasamantala.
Konektado dito ay ang katotohanan na sa kasalukuyang sitwasyon ang ibang saray ng hindi-nagsasamantalang populasyon ay mas lalupang itinutulak para sa pampulitikang aksyon ng buong serye ng mga salik: ang mga epekto ng krisis sa ekonomiya, ang paglala ng pagkasira ng ekolohiya, ang paglakas ng panunupil ng estado at ng kanyang rasistang kalikasan, na humantong upang sila ay kumilos bilang daluyan ng mga burges na kampanya tulad ng kilusang Black Lives Matter, o bilang daluyan ng mga pakikibaka ng halu-halong mga uri.
Gayunpaman, sa internasyunal na antas ang uring manggagawa sa yugto ng dekomposisyon ay hindi pa natalo katulad ng sa 1930s. Ang kanyang mapanlabang mga reserba ay nanatiling buo at ang darating na karagdagang mga pang-ekonomiyang atake sa istandrad ng kanyang pamumuhay – kasama na ang paniningil sa pang-ekonomiyang pinsala ng pandemiya ng Covid – ay mapwersa ang proletaryado ng makibaka sa kanyang makauring larangan.
Ang rebolusyonaryong organisasyon ay may limitado pero napaka-importanteng papel sa kasalukuyang sitwasyon dahil, habang maliit pa ang impluwensya nito, at maging sa mahabang panahon na darating, ang sitwasyon ng uring manggagawa sa kabuuan ay magdadala ng maliit na minoriya sa rebolusyonaryong mga posisyon, na kapansin-pansin sa US mismo.
Ang matagumpay na transmisyon sa maliit na minoriyang ito ay nakasalalay sa maraming pangangailangan. Signipikante sa kasalukuyang konteksto ay ang kombinasyon, sa isang banda, ng isang mahigpit na pangmatagalang programa at kalinawan, na nakaugnay sa kabilang banda sa kapasidad ng organisasyon para sa isang rasyunal, umuunlad na pagsusuri sa buong sitwasyon ng daigdig: ang kanyang istorikal na pundasyon at perspektiba.
Ang pandaigdigang sitwasyon sa nagdaang taon ay dumarami ang binasag na bagong rekord sa pagkabulok ng pandaigdigang kapitalismo – ang pandemiya ng covid, ang krisis sa ekonomiya, ang krisis sa pulitika sa US, ang pagkasira ng ekolohiya, ang kalagayan ng mga bakwit, ang paghihikahos ng lumalaking bilang ng populasyon sa mundo. Ang dinamiko ng kaguluhan ay bumibilis at nagiging mas mahirap matantya, na nag-aalok ng bago, mas madalas na mga hamon sa ating pagsusuri at nangangailangan ng kakayahan na magbago o umangkop ayon sa bilis nito na hindi kinakalimutan ang ating mga simulain.
IKT, 16.01.2021
“Ganito pinagtatalunan ang resulta ng halalan sa isang banana republic”. Ang deklarasyong ito ay nangyari matapos ang pagsalakay noong Enero 6 sa Kapitolyo ng daan-daang mga taga-suporta ni Donald Trump, para pigilan ang sertipikasyon ng pagkapanalo ni Joe Biden. Malamang iniisip ninyo na ang naturang mabagsik na hatol sa pampulitikang sitwasyon sa US ay galing sa isang tao na may galit-sa-loob sa Amerika, o mula sa isang maka-“kaliwang” Amerikano. Hindi: ito ay galing sa dating pangulo na si George W. Bush, kapartido ni Trump. Sinabi nito sa atin gaano kabigat ang nangyari sa Washington sa araw na iyon. Ilang oras bago ang pagsalakay, sa harap ng White House, ang natalong presidente, tulad ng isang mang-uudyok sa ikatlong daigdig, ay pinaiinit ang kanyang mga tagasuporta “Hindi tayo susuko. Hindi tayo tatanggap ng pagkatalo …hindi ninyo muling mabawi ang ating bansa sa pamamagitan ng kahinaan ...Alam ko na ang bawat isa dito ay malapit ng magmartsa patungong Kapitolyo para mapayapa at makabayan na iparinig ang inyong mga boses”.
Bilang pagtalima sa may manipis na tabing na panawagan ng riot, ang mapaghiganting pangkat, sa pamumuno ng mga Trumpistang gang tulad ng Proud Boys, ay naglakad lang mula sa National Mall patungong Kapitolyo at inatake ang gusali, habang pinanood ng lubusang natulalang pwersang pangseguridad. Paanong nawalan ng kontrol ang mga kordon ng kapulisan na ang trabaho ay bantayan ang daan patungong Kapitolyo at pinayagan ang mga sumalakay na makapasok sila habang matinding pwersa sa harap ng parehong gusali ang ginamit sa panahon ng mga demonstrasyon ng Black Lives Matter? Ang naturang mga imahe ay nakadagdag sa teorya na ang pagsalakay sa simbolo ng demokrasya sa Amerika ay isang “pampulitikang Setyembre 11”.
Kahit na naharap sa ganitong kaguluhan, mabilis na nakapagpadala ang mga awtoridad: kumilos ang mga tropang anti-riot at National Guard, isang demonstrador ang binaril at tatlong iba pa ay namatay, ipinataw ang curfew habang nagpatrolya ang mga sundalo sa Washington. Itong nakamamanghang mga imahe ay tunay ngang kahawig sa mga gabi matapos ang eleksyon sa mga “banana republic” sa ikatlong daigdig, na pinunit ng madugong labanan sa pagitan ng mga pangkat ng mafia. Pero ang mga kaganapang ito, na naging ulo ng mga balita sa buong mundo, ay hindi dahil sa isang megalomaniac na heneral ng militar. Nangyari ito sa lugar ng pinaka-makapangyarihang bansa ng planeta, sa “pinakabantog na demokrasya ng mundo”.
Ang “paglapastangan sa templo ng demokrasya sa Amerika” ng isang grupo na binuo ng mga white supremacist na armado ng selfie sticks, ng mga panatikong armadong milisya, isang conspiracy theorist na nagsuot ng horned fur helmet, ay garapal na ekspresyon ng lumalaking karahasan at irasyunalidad na nakahawa sa lipunang Amerikano. Ang mga bali sa kanyang pampulitikang makinarya, ang pagsabog ng populismo mula ng maupo si Trump, ay maliwanag na ilustrasyon ng katotohanan na ang kapitalistang lipunan ay nabubulok na sa kanyang kaibuturan. Katunayan, tulad ng pinatunayan namin mula huling bahagi ng 1980s[1], ang kapitalistang sistema, na pumasok na sa kanyang yugto ng pagbulusok sa panahon ng Unang Pandaigdigang Digmaan, ay sa nagdaang mga dekada ay lumulubog sa kanyang huling yugto ng pagbulusok, ang yugto ng dekomposisyon. Ang pinaka-nakagigilalas na ekspresyon ng ganitong sitwasyon ay ang pagbagsak ng bloke sa Silangan tatlong dekada na ang nakaraan. Itong mayor na kaganapan ay hindi simpleng indikasyon ng karupukan ng mga rehimen na namuno sa mga bansa ng blokeng ito. Ito ay ekspresyon ng istorikal na proseso na nakakaapekto sa buong pandaigdigang kapitalistang sistema at mas lumala mula noon. Hanggang ngayon ang pinakamalinaw na mga senyales ng dekomposisyon ay nakikita sa napakahinang mga bansa na nasa “gilid”: galit na mga tao na naging pambala ng kanyon para sa interes ng ganito o ganoong burges na paksyon, pinakamalalang karahasan araw-araw, ang pinakamadilim na kahirapan na nakikita sa bawat kanto, ang de-istabilisasyon ng mga estado at buong rehiyon …lahat ng ito ay tila nangyari lang sa mga “banana republic”.
Subalit sa loob ng maraming taon, itong pangkalahatang tendensya ay mas lalupang tahasang tumatama sa “sentral” na mga bansa. Oo naman, hindi lahat ng mga bansa ay pareho ang antas ng pagiging apektado, pero malinaw na tumatama ang dekomposisyon sa pinakamakapangyarihang mga bansa: ang pagdami ng mga teroristang atake sa Uropa, sorpresang panalo ng mga iresponsableng indibidwal tulad nila Trump o Boris Johnson, ang pagsambulat ng irasyunal na mga ideolohiya at, higit sa lahat, ang mapaminsalang tugon sa pandemiya ng Coronavirus na ekspresyon mismo ng walang katulad na pagpapabilis ng dekomposisyon. Ang buong kapitalistang mundo, kabilang na ang pinaka-“sibilisadong” mga bahagi, ay hindi mapigilang nag-eebolusyon patungong barbarismo at lumalaking malubhang mga kombulsyon.
Kung ngayon, sa hanay ng pinaka-maunlad na mga bansa, ang US ang pinaka-apektado sa ganitong pagkasira, kumakatawan rin ito sa isa sa mga mayor na salik ng instabilidad. Ang kawalan ng kapasidad ng Amerikanong burgesya na pigilan ang isang bilyonaryong payaso na kinalinga ng Reality TV sa pagkuha ng posisyon bilang pangulo ay nagpakita na ng lumalaking kaguluhan sa pampulitikang makinarya ng US. Sa panahon ng kanyang mandato, hindi huminto si Trump na palalain ang pagkahati-hati ng lipunang Amerikano, na mas kapuna-puna sa pagkakahati-hati sa lahi, at ginagatungan ang kaguluhan sa buong planeta, sa pamamagitan ng lahat ng klase ng matatapang na mga deklarasyon at malabong mga kasunduan na pinagyabang na banayad na mga maniobra ng isang dalubhasang negosyante. Magunita natin ang kanyang banggaan sa komand ng militar sa Amerika na pinigilan siya, sa huling sandali, mula sa planong bombahin ang Iran, o ang kanyang “istorikal na pulong” kay Kim Jong-un na ilang linggo bago ang pulong ay tinawag niya na “Rocket Man”.
Matapos sumiklab ang pandemiya ng Covid-19, matapos ang ilang dekadang pagkasaid ng sistema sa kalusugan, lahat ng mga estado ay nagpakita ng kriminal na kapabayaan. Subalit dito, muling nasa unahan ng sakuna, pareho sa pambansang antas, na may pinakamaraming patay [2], at internasyunal na antas, sa pamamagitan ng paninira sa institusyon ng pandaigdigang kooperasyon tulad ng World Health Organisation.
Ang pagsalakay sa Kapitolyo ng mga panatikong Trumpistang pangkat ay ganap na bahagi ng pagsambulat ng kaguluhan sa lahat ng antas ng lipunan. Ito ay ekspresyon ng paglaki ng lubusang irasyunal at marahas na tunggalian sa pagitan ng bahagi ng populasyon (puti laban sa itim, mamamayan laban sa mga elitista, kalalakihan laban sa kababaihan, mga bakla laban sa mga hindi bakla, atbp) – ang karikatura ay kinatawan ng mga armadong rasistang milisya at hibang na mga teoretista ng pagsasabwatan.
Pero ang mga “baling” ito ay higit sa lahat repleksyon ng hayag na kumprontasyon ng mga paksyon ng burgesyang Amerikano: ang mga populista sa palibot ni Trump sa isang banda, yaong may mas malaking malakasakit sa pangmatagalang mga interes ng pambansang kapital sa kabilang banda. Sa loob ng Democratic Party kasama ang mga elemento ng Republican Party, sa mga mekanismo ng estado at hukbo, sa malaking mga pahayagan o sa tungtungan ng mga seremonya sa Hollywood, ang mga kampanya ng oposisyon laban sa mga kumpas ng populistang Presidente ay tuloy-tuloy at minsan ay napaka-makamandag.
Itong mga sagupaan sa pagitan ng ibat-ibang sektor ng burgesya ay hindi na bago. Subalit sa isang “demokrasya” tulad ng US, at kabaliktaran sa nangyayari sa mga bansa sa ikatlong daigdig, sa normal na proseso, sila ay nagaganap sa balangkas ng mga institusyon, na may tiyak na “respeto sa kaayusan”. Ang katunayan na ginagawa nila ito sa marahas na porma sa isang “modelo ng demokrasya” ay patunay sa nakahihindik na paglala ng kaguluhan sa loob ng pampulitikang makinarya ng naghaharing uri, at ito ay tanda ng signipikanteng hakbang ng pagdausdos ng kapitalismo sa pagkabulok.
Sa paglatigo sa kanyang baseng taga-suporta, tumawid si Trump sa kanyang panibagong linya ng polisiya ng marahas na pag-agaw matapos siyang matalo sa eleksyong Presidensyal, na ayaw niyang kilalanin. Ang kanyang pag-atake sa Kapitolyo, ang lehislatibong simbolo ng demokrasya sa Amerika, ay nagbukas ng malaking bitak sa loob ng Republican Party, kung saan walang mapagpilian ang kanyang “moderatong” kampo kundi kondenahin ang “kudetang” ito laban sa demokrasya, at lumayo kay Trump para iligtas ang partido ni Abraham Lincoln. Para sa mga Demokrata, itinaas nila ang pusta sa pamamagitan ng pagpapalaki nito at sumigaw ng kriminal na aktitud ni Trump.
Para subukang ibalik ang imahe ng Amerika sa harap ng nagulantang na pandaigdigang burgesya, upang makontrol ang pagsabog ng kaguluhan sa “Lupa ng Kalayaan, si Joe Biden at ang kanyang paksyon ay kaagad nagdeklara ng buhay at kamatayang pakikipaglaban kay Trump, kinondena ang iresponsableng mga aksyon ni Trump, nanawagan na tanggalin siya sa kapangyarihan kahit maiksi na lang ang nalalabing oras bago pa ang inagurasyon ng bagong Presidente.
Ang sunod-sunod na pagbitiw ng mga ministro ng Republican, ang panawagan ng pagbitiw o impeachment kay Trump, kabilang na ang panawagan sa Pentagon na matyagang mabuti ang Presidente at tiyakin na hindi niya pindutin ang pindutang nukleyar, ay mga patunay ng determinasyon na tanggalin siya mula sa pampulitikang paligsahan. Isang araw matapos ang atake sa Kapitolyo, nagkahugis ang pampulitikang krisis sa pagkondena sa kanya ng kalahati ng baseng elektoral, habang ang isa pang kalahati ay patuloy ang pagsuporta sa kanya at binigyang katuwiran ang pagsalakay. Tila seryosong nakompromiso ang pampulitikang propesyon ni Trump. Sa partikular, ginagawa na ang mga hakbangin upang tiyakin na hindi na isya makatakbo sa eleksyon sa 2024. Ngayon, iisa na lang ang layunin ng natalong Presidente: iligtas ang sarili mula sa banta ng prosekusyon dahil sa pang-uugyok ng insureksyon. Sa gabi ng araw ng pag-atake sa Kapitolyo, si Trump, bagaman tumangging kondenahin ang kanilang pagkilos, ay nanawagan sa kanyang tagasuporta na “umuwi na”. Makalipas ang dalawang araw kinain niya ang kanyang mga sinabi ng inilarawan niya ang paglusob na “karumaldumal” at sinabi niya na “nagalit siya sa karahasan, rebelyon at labanan”. At, nagpakumbaba, tahimik niya na kinilala ang kanyang pagkatalo sa eleksyon at nagdeklarang bababa siya sa kanyang trono para kay Biden, habang iginiit na hindi siya dadalo sa inagurasyon sa 20 Enero.
Posible na ganap ng matanggal si Trump sa pampulitikang paligsahan, pero hindi ang populismo! Itong reaksyonaryo at oskurantista na ideolohiya ay nagmula sa ilalim na patuloy na lilitaw sa paglala ng kabulukan ng lipunan, kung saan naging sentro ang USA ngayon. Higit pa sa nakaraan lalupang nagkahati-hati at nagkagutay-gutay ang lipunang Amerikano. Patuloy na lalaki ang karahasan na may permanenteng peligro ng mga komprontasyon (kabilang na ang armadong labanan) sa loob ng populasyon. Ang retorika ni Biden ng “rekonsilyasyon” sa mamamayang Amerikano ay nagpakita gaano ka grabe ang sitwasyon, pero anuman ang parsyal o temporaryong tagumpay na makamit nito, hindi nito mapigilan ang malalim na tendensya patungong panlipunang dislokasyon ng nanungunang kapangyarihan ng mundo.
Ang pinakamalaking peligro sa proletaryado sa USA ay mahila ito sa bangayan ng ibat-ibang mga paksyon ng burgesya. Malaking bahagi ng baseng elektoral ni Trump ay mga manggagawa na itinakwil ang mga “elitista” at naghahanap ng “tagapagligtas”. Nagawang makuha ni Trump ang suporta ng maraming walang trabahong manggagawa mula sa “rust belt” dahil sa kanyang mga pangako na muling palakasin ang industriya. Peligro na magkaroon ng komprontasyon sa pagitan ng mga manggagawang maka-Trump at maka-Biden. Dagdag pa, ang pagbulusok patungong dekomposisyon ay banta rin upang tumindi ang pagkahati-hati sa kulay na laganap sa USA, na pinapakain sa mga ideolohiyang identidad at pinag-away ang itim at puti.
Ang tendensya patungong kawalan ng kontrol ng burgesya sa kanyang pampulitikang paligsahan, na nakita natin sa pag-upo ni Trump bilang Presidente, ay hindi nagkahulugan na maaring samantalahin ng uring manggagawa ang dekomposisyon ng kapitalismo. Kabaliktaran, hindi tumigil ang naghaharing uri na gamitin ang mga epekto ng dekomposisyon laban sa uring manggagawa. Sa 1989 pa, ng ang pagbagsak ng bloke sa Silangan ay maliwanag na ekspresyon ng pagkabulok ng kapitalismo, ginamit ng burgesya sa pangunahing mga bansa ang nangyari upang pakawalan ang napakalaking demokratikong kampanya na naglalayong ilarawan na pareho ang barbarismo ng mga Stalinistang rehimen at ang tunay na komunistang lipunan. Ang sinungaling na salita ng “kamatayan ng rebolusyonaryong perspektiba” at “naglaho na ang uring manggagawa” ay nakakalito sa proletaryado, na nagbunga ng napakalalim na pagbaba sa kamulatan at diwang mapanlaban. Ngayon ginagamit ng burgesya ang mga kaganapan sa Kapitolyo upang simulan ang bagong kampanya ng kabantugan ng burges demokrasya.
Habang sinasakop pa ng mga “insureksyunista” ang Kapitolyo, Agad nagdeklara si Biden, “Tulad ng napakaraming Amerikano, ako ay tunay na nagulat at nalungkot na ang ating bansa, na matagal ng naging tanglaw ng liwanag at pag-asa para sa demokrasya ay nakaranas ngayon ng isang madilim na panahon …Ang gawain ngayon at gawain sa susunod na apat na taon ay kailangang panumbalikin ang demokrasya”. Ito ay sinundan ng talon ng mga deklarasyon na patungo sa parehong direksyon, kabilang na mula sa loob ng Republican Party. Pareho sa ibang mga bansa, partikular mula sa mga lider ng pangunahing mga bansa sa Kanluran. “Nagalit at nalungkot ako sa mga imaheng ito. Subalit sigurado ako na papatunayan mismo ng demokrasya sa Amerika na maging mas malakas kaysa mga manunulong at manggugulo”, deklara ni Angel Merkel. “Hindi tayo susuko sa karahasan ng mga tao na gustong sirain ang demokrasya” alok ni Emmanuel Macron. At dagdag ni Boris Johnson: “Sa buong buhay ko ang Amerika ay nanindigan para sa napakahalagang mga bagay. Ang ideya ng kalayaan, ang ideya ng demokrasya”.
Matapos ang mobilisasyon para sa eleksyong Presidensyal, na nakitaan ng mas maraming bomoto, at ang kilusan ng Black Lives na humihiling ng mas “makatuwiran” at “malinis” na kapulisan, malaking mga sektor ng pandaigdigang burgesya ang nagtangkang pakilusin ang proletaryado para ipagtanggol ang demokratikong estado laban sa populismo. Nanawagan sa proletaryado na suportahan ang “Demokratikong” paksyon laban sa “Diktador” na si Trump. Itong maling mapagpilian ay purong mistipikasyon, isang patibong para sa uring manggagawa!
Sa kalagayan ng internasyunal na kaguluhang ginawa ni Trump, Kaya ba ng Demokratang si Biden na buuin ang isang mas makatuwirang pandaigdigang kaayusan? Tiyak na hindi! Ang nanalo ng Nobel Peace Prize na si Barack Obama, at ang kanyang Bise-Presidente na si Joe Biden, ay nagsagawa ng walang patid na 8 taong digmaan. Hindi milagrosong maglaho ang tensyon sa pagitan ng Tsina, Rusya, Iran at iba pang imperyalistang manggagantso.
Kaya ba ni Biden ialok ang mas makataong kinabukasan sa mga migrante? Dapat tingnan lang natin kung gaano kabangis ang kanyang mga pinalitan, tulad ng lahat ng mga “bantog na demokrasya”, sa pagtrato sa mga “hindi kanais-nais”. Dapat lang natin balikan na sa walong taon ng presidenteng si Obama, si Biden bilang Bise-Presidente, mas marami ang deportasyon sa mga migrante kaysa sa walong taon ni George W. Bush. Ang mga hakbanging anti-imigrasyon ng administrasyong Obama ay nagbukas lang ng pintuan sa pagdami ng anti-imigrasyon sa ilalim ni Trump.
Matatapos na ba ang mga atake laban sa uring manggagawa sa “pagbalik ng demokrasya”? Siguradong hindi! Ang pagbulusok ng pandaigdigang ekonomiya patungong krisis ay walang anumang solusyon, na pinalala ng pandemiya ng Covid-19, ay magdulot ng pagsambulat ng kawalang trabaho, ng kahirapan, ng mga atake sa kabuhayan at kondisyon sa pagtrabaho ng pinagsamantalahan sa lahat ng mga sentral na bansa na pinamunuan ng mga “demokratikong” gobyerno. At kung magawa ni Joe Biden na “linisin” ang kapulisan, ang mapanupil na pwersa ng demokratikong estado, sa US at sa lahat ng mga bansa, ay pakawalan pa rin laban sa anumang kilusan ng uring manggagawa, laban sa lahat ng pagtatangka nito para ipagtanggol ang kanyang kabuhayan at batayang pangangailangan.
Walang maaasahan sa “pagbalik ng demokrasya” sa Amerika . Hindi dapat mapakalma at mahulog sa patibong sa mga kanta ng sirena ng mga demokratikong paksyon ng burges na estado. Kailangan hindi nito makalimutan na sa ngalan ng pagtatanggol sa demokrasya laban sa pasismo nagtagumpay ang naghaharing uri na mobilisahin ang milyun-milyong manggagawa sa Ikalawang Digmaang Pandaigdi, na sa malaking bahagi sa ilalim ng pamumuno ng Kaliwa at mga prente popular. Ang burges demokrasya ay isa lang nakatago, ipokritong mukha ng diktadura ng kapital!
Ang atake sa Kapitolyo ay bagong sintoma ng naghihingalong sistema na dahan-dahang hinihila ang sangkatauhan sa impyerno. Naharap sa nabubulok na burges na lipunan, tanging ang uring manggagawa, sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng pakikibaka sa kanyang sariling larangan laban sa mga epekto ng krisis sa ekonomiya, ang may kapasidad na ibagsak ang kapitalismo at wakasan ang banta ng pagkawasak ng planeta at sangkatauhan.
IKT 10.1.21
[1] Tingnan ang aming “Theses on decomposition” sa International Review 107 at “Report on decomposition today” sa International Review 164.
[2] Sa panahon na sinusulat ito, sa opisyal na datos may 363,581 namatay na sa Covid-19 sa US, at 22 milyon ka tao ang nahawa (Source : “Coronavirus : el mapa que muestra el número de infectados y muertos en el mundo por covid-19 [45]”, BBC News Mundo)
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16955/assault-capitol-washington... [46]
Sa panahon na ang mundo ay naharap sa pagsubok ng pandemiya ng Covid-19, kami sa IKT ay nasa masakit na pagluluksa sa pagpanaw ng aming kasamang si Kishan noong 26 ng Marso, 2020. Ito ay malaking kawalan sa IKT at sa kanyang seksyon sa India, at matindi ang aming pangungulila sa kanya. Malaki ang ambag ni Kishan sa buhay ng IKT at isang kasama na matibay ang mapanlabang diwa hanggang sa kanyang huling hininga.
Si Kishan ay ipinanganak sa1939 sa liblib na pook ng West Bengal sa India. Pumasok siya sa unibersidad sa 1960s, sa panahon bago muling lumitaw ang uring manggagawa sa entablado sa welga ng 9 milyon manggagawa sa Pransya sa 1968, na sinundan ng Hot Autumn sa Italya sa 1969, sa pakikibaka ng mga manggagawang Polish sa 1970, na nagkahulugan ng pagtatapos ng yugto ng kontra-rebolusyon. Ang 1960s ay panahon ng mga protesta sa mga unibersidad sa buong mundo, partikular laban sa digmaan sa Vietnam at rasismo. Ang mga kabataan na lumahok sa mga kilusang ito ay sinsiro sa kanilang adhikain para sa ‘rebolusyonaryong’ pagbabago, pero kumilos pangunahin sa tereyn ng peti-burgesya na may ilusyon ng “kagyat na pagbabago sa buhay’. Subalit, pareho bago at pagkatapos ng 1968 may mga organisasyon ng kaliwa, i.e. mga burges na organisasyon, na handang rekrutin ang kabataan at hadlangan ang kanilang interes sa posisyon ng uring manggagawa. Ito ang pandaigdigang sitwasyon kung saan nahigop si Kishan sa kilusang Naxalite. Sa panahon ng 1963-65 siya ay nag-aaral ng MSc sa physics sa North Bengal University. Natapos niya ang kanyang Masters na may first-class degree. Habang siya ay nagtapos na estudyante, naging bahagi siya ng kabataang henerasyon na nabighani sa kilusang Naxalite. Unti-unti ang terminong Naxalismo ay naging kasing kahulugan ng Maoismo. Bilang kabataan-estudyante, inilublob niya ang sarili sa uliuli ng kilusan, iniwang hindi tapos ang kanyang pananaliksik at nabilanggo dahil sa kanyang pagkilos. Matapos ang walong taong pagkabilanggo, pinalaya siya noong 1978. Ang hindi mailarawan na tortyur sa bilibid ay nakasira sa kanyang katawan hanggang sa kanyang kamatayan. Sa makipot na selda at hindi sapat, minsan bulok na pagkain, nagkaroon ng tuberculosis si Kishan at itong impeksyon sa baga ay dala-dala niya hanggang sa kanyang huling hininga. Sa kanyang panahon sa loob ng bilibid, partikular na inaral niya si Marx at nakatulong ito sa kanya na maging bukas sa diskusyon sa mga marxistang ideya ng kaliwang komunista ng matagpuan niya ang mga ito.
Si Kishan ay isa sa napakaliit na iilan na nahigop sa Maoismo, isang partikular na masamang porma ng burges na ideolohiya ng kaliwa, na nagawang ganap na kumalas mula dito at inilaan ang kanyang buhay sa proletaryado sa pamamagitan ng pagsanib sa sarili sa tradisyon ng kaliwang komunista. Ang naturang pagkalas ay hindi maiwasang nangangailangan ng klaripikasyon sa pamamagitan ng mahaba at pasensyosong diskusyon sa IKT sa panahon ng 1980s at 1990s. Sa taong 1989, ang pormasyon ng nukleyus ng IKT sa India ay naging pampasigla sa dinamiko ng klaripikasyon. Sa pakikipag-ugnayan ni Kishan sa IKT, naunawaan niya ang tunay na kasaysayan ng kaliwang komunista. Nagulat siya ng kanyang naintindihan sa pamamagitan ng teoretikal na elaborasyon ng IKT na ang Maoismo ay walang iba kundi isang porma ng burges na ideolohiya, isang kontra-rebolusyonaryong pampulitikang tendensya. “Walang kinalaman ang Maoismo sa pakikibaka ng uring manggagawa, ni sa kanyang kamulatan, ni sa kanyang mga rebolusyonaryong organisasyon. Wala itong kinalaman sa marxismo: ito ay hindi tendensya sa loob ni pag-unlad ng rebolusyonaryong teorya ng proletaryado. Kabaliktaran, ang Maoismo ay walang iba kundi isang garapal na palsipikasyon sa marxismo; ang kanyang tanging papel ay ilibing ang bawat rebolusyonaryong prinsipyo, lituhin ang proletaryong kamalayan at palitan ito ng pinaka-istupido at makitid na nasyunalistang ideolohiya. Bilang ‘teorya’, ang Maoismo ay isa lang sa mga porma na inampon ng burgesya sa kanyang dekadenteng yugto ng kontra-rebolusyon at imperyalistang digmaan”[1]. Ang paliwanag ng IKT sa Maoismo ay nakagkaroon ng napakahalagang epekto kay kasamang Kishan. Ang pulitikal aktitud na magsagawa ng lubos na pagpuna sa kanyang nakaraan ay mahalaga para kay Kishan upang maging militante ng isang tunay na rebolusyonaryong organisasyon.
Ang Partido Komunista sa India ay itinatag sa 1925, sa panahon na ang Komunistang Internasyunal ay nabubulok na at ang pinaka-importanteng mga pakikibaka ng rebolusyonaryong alon ay natalo na, partikular ang mga rebolusyon sa Rusya at Alemanya. Ang oryentasyon ng PK sa India ay maging kilusang anti-kolonyal, anti-Britanya, na nakaugnay sa maraming iba pang makabayang kilusan. May malaking epekto ang nasyunalismo at patriyotismo sa PK sa India. Dumaranas ang uring manggagawa sa India ng kakulangan sa tradisyon at pagpapatuloy ng kaliwang komunista. Ito ay nagbigay-diin sa mahalagang responsibilidad ng IKT sa India upang mas makilala ang istorikal na pamana ng kaliwang komunista.
Sa pamamagitan ng malalimang pag-aaral at tuloy-tuloy na mga diskusyon, dahan-dahan na naging militante ng IKT si Kishan sa India. Ang kanyang katapatan sa IKT at sa pakikibaka ng internasyunal na proletaryado ay kongkretisasyon na siya ay isang tunay na proletaryong internasyunalista. Lagi niyang pinagtanggol ang mga posisyon ng IKT ng may matinding dedikasyon. Determinado siya na lumahok sa mga internasyunal na debate ng IKT at sa loob ng aming seksyon sa India sa pamamagitan ng kanyang madalas na mga kontribusyon. Iniambag ni kasamang Kishan ang kanyang pasyon sa buhay ng IKT sa maraming antas. Naglakbay siya sa buong bansa sa paghahanap ng panibagong mga bookshops na posibleng pagbentahan ng mga literatura ng IKT. Lumahok siya sa mga sirkulo ng diskusyon at pampublikong pulong hanggat maari. Malaki ang papel niya sa pagdami ng mga subscriber sa literatura ng IKT. Lumahok siya at malaki ang aktibong papel sa ibat-ibang Internasyunal na Kongreso ng IKT kabilang na ang mga kumperensyang teritoryal ng seksyon sa India. Ang kanyang mahalaga at talagang pinag-iisipan na mga kontribusyon ay nakadagdag ng talim sa proseso ng pampulitikang klaripikasyon. Ang kanyang pinaka-dakilang kalakasan ay ang pagtatanggol sa aming organisasyon laban sa lahat ng mga atake at paninira.
May kakayahan si kasamang Kishan na pangibabawan ang maraming hamon ng buhay. Ang kanyang matibay na konbiksyon sa pulitika ng IKT at kanyang optimistikong aktitud ay nakatulong sa kanya upang maging matatag sa pinaka-mahirap na mga pampulitikang sitwasyon. Mahirap ang angkop na pagtasa sa kontribusyon ni Kishan sa pulitikal na pakikibaka para sa emansipasyon ng uring manggagawa sa pamamagitan ng isang maikling teksto ng parangal. Dagdag din namin na si Kishan ay napaka-magiliw at simple. Maraming kasama ng IKT, galing man sa ibang bansa o mula sa ibang bahagi ng India, ay nakaranas sa magiliw na kabaitan niya. Ipahayag namin ang aming rebolusyonaryong pagsaludo at pakikisa sa kanyang pamilya. Lubos ang pakikidalamhati at pakikiisa ng IKT sa kanyang anak na babae at asawa.
IKT, Oktubre 2020
[1] Tingnan ang artikulo ‘Maoism, a monstrous offspring of decadent capitalism’ on our website. https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html#_ftnref4 [47]
Source URL: https://en.internationalism.org/content/16926/homage-our-comrade-kishan [48]
Ang mabilis na pag-atras ng US at ibang pwersa ng kanluran sa Afghanistan ay matinding manipestasyon ng kawalang kapasidad ng kapitalismo ng anumang maialok maliban sa paglaki ng barbarismo. Ang tag-init ng 2021 ay nakitaan na ng pagbilis ng magkaugnay na mga pangyayari at pinakita na ang planeta ay nag-aapoy na: ang pagsiklab ng heatwaves at hindi makontrol na sunog mula sa west coast ng USA hanggang sa Siberia, baha, ang patuloy na paninira ng pandemiyang Covid-19 at ang epekto ng ekonomikong dislokasyon. Lahat ng ito ay “rebelasyon ng antas na naabot ng pagkabulok sa loob ng nagdaang 30 taon”[1]. Bilang mga marxista, responsibilidad natin hindi lang komentohan ang lumalaking kaguluhan kundi suriin ang ugat nito, na nakabatay sa istorikal na krisis ng kapitalismo, at ipakita ang perspektiba para sa uring manggagawa at buong sangkatauhan.
Nakilala ang Taliban na kaaway ng sibilisasyon, isang panganib sa karapatang pantao at karapatan ng kababaihan sa partikular. Tunay ngang mabangis sila at nahimok sa pananaw mula sa pinakamasamang aspeto ng nakaraang Middle Ages. Subalit, hindi sila bihirang eksepsyon sa ating kasalukuyang panahon. Sila ay produkto ng reaksyonaryong panlipunang sistema: dekadenteng kapitalismo. Sa partikular ang kanilang pagsikat ay manipestasyon ng pagkabulok, ang kataposang yugto ng dekadenteng kapitalismo.
Ang ikalawang hati ng 70s ay nakitaan ng pagtindi ng Cold War sa pagitan ng imperyalistang bloke ng US at Rusya, kasabay ng paglagay ng US ng cruise missiles sa Kanlurang Uropa at pilitin ang USSR na lumahok sa arms race na hindi nito kakayanin. Subalit, sa 1979 ang isa sa mga haligi ng bloke ng kanluran sa Gitnang Silangan, ang Iran, ay bumagsak sa kaguluhan. Nabigo ang lahat ng pagtatangka ng intelihenteng paksyon ng burgesya na ipataw ang kaayusan at sinamantala ng pinakaatrasadong paksyon ng klero ang kaguluhan at umakyat sa kapangyarihan. Ang bagong rehimen ay hindi lang kumalas mula sa bloke ng kanluran kundi tumangging pumaloob sa bloke ng Rusya. Malawak ang hangganan ng Iran sa Rusya at umaktong pangunahing manlalaro sa estratehiya ng kanluran na palibotan ang USSR. Ngayon ito ay naging pakawalang kanyon sa rehiyon. Itong panibagong kaguluhan ang nag-udyok sa USSR na sakupin ang Afghanistan ng nagtangka ang Kanluran na ibagsak ang rehimeng maka-Rusya na inilagay nito sa Kabul sa 1978. Sa pagsakop sa Afghanistan, umasa ang Rusya na sa bandang huli ito ay makakuha ng access sa Indian ocean.
Kaya nasaksihan natin sa Afghanistan ang kagimbal-gimbal na pagsabog ng barbarismong militar. Pinakawalan ng USSR ang lahat ng lakas ng kanyang arsenal laban sa mga mandirigmang Mujahedin (“freedom fighters”) at sa populasyon sa pangkalahatan. Sa kabilang banda ang bloke ng US ay inarmasan, pinondohan at sinanay ang Mujahedin at ang mga warlord na Afghan na lumalaban sa Rusya. Kabilang dito ang maraming Islamikong pundamentalista at ang pumapasok na lumalaking bilang ng mga jihadis mula sa ibat-ibang bahagi ng mundo. Itong mga “freedom fighters” ay tinuruan ng lahat ng arte ng teror at pakikidigma ng US at mga alyado nito. Itong digmaan para sa “kalayaan” ay pumaslang ng 500,000 hanggang 2 milyon ka tao at iniwan ang bansa na wasak. Ito rin ang sinilangan ng mas pandaigdigang porma ng Islamikong terorismo, na kinatawan ng pagsikat ni Bin Laden at Al-Qaida.
Kasabay nito ay tinulak ng US ang Iraq sa 8-taong digmaan laban sa Iran, kung saan 1.4 milyon ang pinatay. Habang pagod na pagod ang Rusya sa Afghanistan. Malaki ang naging kontribusyon nito sa pagbagsak ng bloke ng Rusya sa 1989. At ang Iran at Iraq ay nahatak sa pilipit na digmaan, pinakita ng dinamiko sa rehiyon na ang pinagmulan, ang transpormasyon ng Iran bilang isang “tampalasan” na estado, ang isa sa mga unang indikasyon na ang paglalim ng mga kontradiksyon ng kapitalismo ay simula ng paghina ng kapasidad ng mayor na kapangyarihan na ipataw ang kanilang awtoridad sa ibat-ibang rehiyon ng planeta. Sa likod ng tendensyang ito ay nakalatag ang mas malalim na dahilan: ang kawalang abilidad ng naghaharing uri na igiit ang kanyang solusyon sa krisis ng sistema – isa pang pandaigdigang digmaan – sa uring manggagawa ng mundo na pinakita ang kanyang pagtutol na isakripisyo ang sarili para sa kapitalismo sa mga serye ng pakikibaka sa pagitan ng 1968 at huling bahagi ng 80s, subalit, hindi nakayang igiit ang rebolusyonaryong alternatiba sa sistema. Sa madaling sabi, pagkapatas sa pagitan ng dalawang mayor na uri na siyang pumilit na pumasok ang kapitalismo sa kanyang huling yugto, ang yugto ng pagkabulok, na nakikita, sa imperyalistang antas, sa pagwakas ng sistema ng dalawang bloke at pagbilis ng “bawat tao para sa kanyang sarili”.
Sa 1990s, matapos umalis ang mga Ruso sa Afghanistan, ang nagtagumpay ng mga warlords ay binalingan ang isa’t-isa, gamit ang lahat ng sandata at kaalaman sa digmaan na binigay sa kanila ng Kanluran para makontrol ang mga lugar na nasira. Maramihang pagpatay, pagwasak at malawakang panggagahasa na tuluyan ng sumira sa anumang natirang panlipunang kaayusan na iniwan ng digmaan.
Ang panlipunang epekto ng digmaang ito ay hindi lang limitado sa Afghanistan. Ang salot sa adiksyon sa heroin na sumabog mula 1980s pataas, na nagdala ng kahirapan at kamatayan sa buong mundo, ang isa sa mga direktang epekto ng digmaan. Hinimok ng Kanluran ang oposisyon sa Taliban na magsaka ng opium para pondohan ang digmaan.
Ang malupit na relihiyosong panatisismo ng Taliban ay produkto ng ilang dekadang barbarismo. Minamanipula rin sila ng Pakistan, para subukan at ipataw ang porma ng kaayusan sa kanyang pintuan.
Ang paglusob ng US sa 2001, inilunsad sa palusot na durugin ang Al-Qaida at Taliban, kasabay ng paglusob sa Iraq sa 2003, ay mga pagtatangka ng imperyalismong US na ipataw ang kanyang awtoridad sa harap ng kanyang paghina. Tinangka nitong kabigin ang ibang kapangyarihan, laluna ang Uropa, na kumilos bilang tugon sa pag-atake sa isa sa kanyang mga myembro. Maliban sa UK, lahat ng ibang kapangyarihan ay matamlay. Sa totoo lang, may “independyenteng” daan na ang Germany simula pa sa maagang bahagi ng 90s, sa pamamagitan ng pagsuporta sa sesesyon ng Croatia na lumikha ng kagimbal-gimbal na patayan sa Balkans. Sa sumunod na dalawang dekada, lalupang lumakas ang loob ng mga karibal ng Amerika habang pinagmasdan nila na nasangkot sa gulo ang US sa hindi magtatagumpay na mga digmaan sa Afghanistan, Iraq at Syria. Ang pagtatangka ng USA na igiit ang kanyang paghari bilang nag-iisang kapangyarihan ay lalupang naglantad sa tiyak na paghina ng imperyalistang ‘liderato’ ng Amerika; at malayo mula sa tagumpay na ipataw ang monolitikong kaayusan sa buong mundo, ang USA ngayon ang pangunahing salik ng kaguluhan at instabilidad tanda ng yugto ng kapitalistang dekomposisyon.
Ang patakarang umalis sa Afghanistan ay malinaw na halimbawa ng realpolitik. Dapat palayain ng US ang sarili mula sa magastos at nakapanghihinang mga digmaan para konsentrahan ang pagpapalakas sa pagkontrol at pagpapahina sa China at Russia. Pinakita ng administrasyong Biden na kasing mapangutya ito kay Trump sa paghahabol sa ambisyon ng US.
Kasabay nito, ang mga kondisyon sa pag-atras ng US na nagkahulugan na ang mensahe ng administrasyong Biden, “Bumalik na ang Amerika” – na mapagkatiwalaang alyado ang Amerika – ay bigo. Sa pangmatagalan posibleng umasa ang administrasyon sa pagkatakot sa China kaya napilitan ang mga bansa tulad ng Japan, South Korea, at Australia na makipagkaisa sa US sa kanyang “pivot to the east”, na naglalayong pigilan ang China sa South China Sea at iba pang lugar sa rehiyon.
Mali kung ipagpalagay mula dito na simpleng umalis lang ang US sa Gitnang Silangan at Sentral Asya. Nilinaw ni Biden na ipagpatuloy ng US ang polisiyang “Over the Horizon” kaugnay sa mga teroristang banta (ibig sabihin, sa pamamagitan ng air strikes). Ibig sabihin, gagamitin nito ang kanyang mga base-militar sa buong mundo, ang kanyang navy at air-force para pahirapan ang mga estado sa mga rehiyong ito na may banta sa US. Ang bantang ito ay may kaugnayan rin sa lumalaking kaguluhan sa Aprika, kung saan ang mga bigong estado tulad ng Somalia ay malamang samahan ng Ethiopia habang sinalanta ito ng digmaang-sibil, kung saan ang mga karatig-bansa nito ay sumusuporta alin man sa magkabilang panig. Mas hahaba pa ang listahang ito dahil ang mga Islamistang teroristang grupo sa Nigeria, Chad, at iba pang lugar ay lumakas ang loob dahil sa tagumpay ng Taliban para paigtingin ang kanilang kampanya.
Kung ang pag-atras mula sa Afghanistan ay udyok ng pangangailangan na magpokus sa banta ng paglakas ng China at muling pagbangon ng Russia bilang pandaigdigang kapangyarihan, tila maliwanag ang mga limitasyon nito, hanggang sa punto na magbigay-daan mismo para sa imperyalismong Tsino at Ruso sa Afghanistan. Napakalaki na ang ginugol ng China sa kanyang New Silk Road project sa Afghanistan at parehong ang dalawang estado ay sinimulan na ang diplomatikong pakipagrelasyon sa Taliban. Pero alinman sa mga estadong ito ay hindi makaligtas sa lumalaking kontradiksyon sa pandaigdigang kaguluhan. Ang alon ng instabilidad na kumalat sa Aprika, Gitnang Silangan (pinakahuli ang pagbagsak ng ekonomiya sa Lebanon), Sentral Asya at Malayong Silangan (partikular sa Myanmar) ay kasing delikado sa China at Russia para sa US. Mulat sila na walang tunay na gumaganang estado sa Afghanistan at walang kapasidad ang Taliban na itayo ito. Alam ng lahat na banta sa bagong gobyerno ang mga warlords. Ilang bahagi ng Northern Alliance ay nagpahayag na hindi nila tatanggapin ang bagong gobyerno, at ang ISIS, na kumikilos rin sa Afghanistan, ay kinilala ang Taliban na traydor dahil handa itong makipagnegosasyon sa walang pananampalataya na Kanluran. Ilang bahagi ng lumang naghaharing uri sa Afghanistan ay posibleng makipag-alyado sa Taliban, at maraming dayuhang mga gobyerno ay nagbukas ng komunikasyon, pero ito ay dahil takot sila na bumalik ang bansa sa warlordism at kaguluhan na posibleng kumalat sa buong rehiyon.
Ang tagumpay ng Taliban ay magbigay-sigla lang sa Islamistang teroristang Uyghur na aktibo sa China, kahit pa hindi sila suportado ng Taliban. Alam ng imperyalismong Rusya ang mapait na kabayaran sa kaguluhan sa Afghanistan at nakikita na ang tagumpay ng Taliban ay magdulot ng pampalakas sa mga pundamentalistang grupo sa Uzbekistan, Turkmenistan at Tajikistan, mga estado na nagsilbing buffer sa pagitan ng dalawang bansa. Ang banta ay samantalahin nito para palakasin ang kanyang impluwensyang militar sa mga estadong ito at kahit saan, subalit nakikita nito na kahit ang malakas na makinaryang pandigma ng US ay hindi madurog ang naturang insurhensya kung ang huli ay makakuha ng sapat na suporta mula sa ibang mga estado.
Hindi nagapi ng US ang Taliban at itayo ang nagkakaisang estado. Umalis ito na alam na daranas ito ng tunay na kahihiyan, pero iniwan nito ang isang timebomb ng instabilidad. Ang Russia at China ngayon ay naghahanap paano makontrol ang kaguluhan. Anumang ideya na ang kapitalismo ay may kapasidad na magdala ng istabilidad at kinabukasan sa rehiyon ay purong ilusyon.
Ginamit ng US, Britain at iba pang kapangyarihan ang Taliban bogeyman upang itago ang teror at paninira na ginawa nila sa populasyon ng Afghanistan sa loob ng nagdaang 40 taon. Ang suportado ng US na mujahidin ay pumatay, nanggahasa, nagtortyur at nangulimbat kasing dami ng mga Ruso. Ang mga Taliban naman ay naghasik ng teror sa mga syudad na kontrolado ng mga Ruso. Pero, tinatago ito ng Kanluran. Pareho ang nangyari sa nagdaang 20 taon. Ang teribleng brutalidad ng Taliban ay binigyang pansin ng midya sa Kanluran, habang ang balita ng pagpatay, panggahasa at tortyur na ginawa ng “demokratikong” gobyerno at mga tagasuporta nito ay mapang-uyam na winalis sa ilalim ng carpet. Kahit papano ang pira-pirasong pagsabog ng bata at matanda, babae at lalaki, mula sa kanyon, bomba at bala ng gobyernong suportado ng nagmamahal sa ‘demokrasya’, ‘karapatang-pantao’ na US at UK ay hindi na dapat sabihin pa. Katunayan, kahit ang buong katotohanan sa teror ng Taliban ay hindi iniulat. Ito ay ‘balitang walang halaga’ maliban na lang kung makatulong para bigyang katuwiran ang digmaan.
Inalingawngaw ng mga parliyamento sa Uropa ang sinabi ng mga pulitiko sa US at Britain na pagdadalamhati sa kalunos-lunos na sitwasyon ng kababaihan at iba pa sa Afghanistan sa ilalim ng Taliban. Ang parehong mga pulitikong ito ang nagpataw ng mga batas-imigrasyon na nagtulak sa libu-libong desperadong bakwit, kabilang na ang maraming Afghan, na ilagay sa panganib ang buhay para lang makatawid sa Mediterranean o sa Channel. Nasaan ang kanilang pagdadalamhati sa libu-libong nalunod sa Mediterranean sa nagdaang ilang taon? Ano ang pinakita nilang malasakit sa mga bakwit na napilitang hirap na mamuhay sa mga concentration camp sa Turkey o Jordan (tinustusan ng EU at Britain) o binenta sa mga slave market sa Libya? Itong mga burges na tagapagsalita na kinondena ang Taliban dahil hindi makatao ang nag-engganyo para itayo ang pader na bakal at kongkreto palibot sa Silangang Uropa para pigilan ang pagpasok ng mga bakwit. Napakalakas ng baho ng ipokrisiya.
Talagang nakakatakot ang tanawin ng digmaan, pandemiya, ekonomikong krisis at pagbabago ng klima. Kaya pinupuno ng naghaharing uri ang midya sa mga ito. Nais nito na sumuko, matakot ang proletaryado sa madilim na realidad ng nabubulok na panlipunang sistema. Nais nila na tayo ay maging tulad ng bata na humahawak sa palda ng naghaharing uri at sa estado nito. Pinahintulutan ng matinding kahirapan para palakasin ang takot na makibaka ang proletaryado para ipagtanggol ang mga interes nito sa loob ng 30 taon. Ang ideya na tanging ang proletaryado ang pwersa na makapagbigay ng kinabukasan, isang ganap na bagong lipunan, ay tila walang katotohanan. Pero ang proletaryado ay isang rebolusyonaryong uri at hindi ito napuksa ng tatlong dekada ng pag-atras, kahit pa ang haba at lalim ng pag-atras nito ay mas lalupang nagpapahirap sa internasyunal na uring manggagawa na muling makuha ang kumpyansa sa kanyang kapasidad na labanan ang lumalaking mga atake sa kanyang pang-ekonomiyang kalagayan. Subalit tanging sa mga pakikibaka lang muling mapaunlad ng uring manggagawa ang kanyang lakas. Tulad ng sabi ni Rosa Luxemburg, ang proletaryado ang tanging uri na pinauunlad ang kanyang kamulatan sa pamamagitan ng karanasan ng mga kabiguan. Walang garantiya na magawa ng proletaryado ang kanyang istorikal na responsibilidad na bigyan ng kinabukasan ang sangkatauhan. Tiyak na hindi ito mangyayari kung ang proletaryado at ang kanyang rebolusyonaryong minoriya at sumuko sa nakakadurog na kondisyon ng desperasyon at kawalang pag-asa na isinusulong ng ating kaaway sa uri. Maisakatuparan lang ng proletaryado ang kanyang rebolusyonaryong papel sa pamamagitan ng pagtanaw sa madilim na realidad ng nabubulok na kapitalismo ng harapan at sa pagtanggi na tanggapin ang mga atake sa kanyang ekonomiko at panlipunang kalagayan, palitan ang pagkanya-kanya at kawalang magawa ng pagkakaisa, organisasyon at lumalaking makauring kamulatan.
IKT 22-08-2021
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17056/behind-decline-us-imperial... [49]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 80.05 KB |
Pumasok ang Uropa sa digmaan. Hindi ito ang unang pagkakataon mula ng ikalawang pandaigdigang masaker sa 1939-45. Sa simula ng 1990s, nanalasa ang digmaan sa dating Yugoslavia, na nagresulta ng 140,000 patay, kabilang ang maramihang masaker sa mga sibilyan, sa ngalan ng “ethnic cleansing” tulad ng sa Srebrenica, sa Hulyo 1995, kung saan 8,000 lalaki at kabataan ang walang awang pinatay. Ang digmaan na bunga ng opensiba ng hukbong Ruso laban sa Ukraine ay hindi pa malala sa ngayon, pero walang nakakaalam ilan ang magiging mga biktima sa huli. Sa ngayon, mas malawak ito kaysa digmaan sa ex-Yugoslavia. Ngayon, hindi mga milisya o maliit na mga estado ang nagdigmaan. Ang kasalukuyang digmaan ay sa pagitan ng dalawang pinakamalaking estado sa Uropa, na may populasyon na 150 milyon at 45 milyon ayon sa pagkakabanggit, at malaking hukbo na pinakilos: 700,000 tropa ng Rusya at 250,000 ng Ukraine.
Dagdag pa, kung ang malalaking kapangyarihan ay nakialam sa komprontasyon sa dating Yugoslavia, ito ay sa indirektang paraan, o sa pamamagitan ng partisipasyon sa “intervention forces”, sa ilalim ng kontrol ng United Nations. Ngayon, hindi lang Ukraine ang kinalaban ng Rusya, kundi ang lahat ng mga bansa sa Kanluran na nabuklod sa NATO na, bagamat hindi direktang nakialam sa digmaan, ay nagpataw ng signipikanteng ekonomikong parusa laban sa bansang ito kasabay ng pagpadala ng mga armas sa Ukraine.
Kaya, ang digmaan na kakasimula pa lang ay isang dramatikong kaganapan na napakahalaga, una sa lahat para sa Uropa, at sa buong mundo. Libu-libong sundalo na ang namatay sa magkabilang panig at sa hanay ng mga sibilyan. Daang libo ang naging bakwit. Mitsa ito para lalupang tumaas ang presyo ng gasolina at pagkain, na magpapalala sa lamig at gutom, habang sa halos lahat ng mga bansa ng mundo, ang mga pinagsamantalahan, mahihirap, ay mas nakitaan ng pagbagsak ng kanilang kalagayan sa pamumuhay dahil sa inplasyon. At laging ang uring manggagawa, ang tagapaglikha ng yaman ng lipunan, ang magsakripisyo dahil sa digmaan ng mga panginoon ng mundo.
Ang digmaang ito, ang trahedyang ito, ay hindi hiwalay sa sitwasyon ng mundo sa nagdaang dalawang taon: ang pandemiya, paglala ng ekonomikong krisis, pagdami ng ekolohikal na kalamidad. Ito ay malinaw na manipestasyon na ang mundo ay lumulubog na sa barbarismo.
Mga kasinungalingan sa propaganda ng digmaan
Bawat digmaan ay may kasamang malawakang kampanya ng kasinungalingan. Para tanggapin ng populasyon, partikular ang pinagsamantalahang uri, ang teribleng mga sakripisyo na hinihingi sa kanila, ang pagsakripisyo ng kanilang buhay para sa mga nag-udyok sa kanila na pumunta sa larangan ng digmaan, ang dalamhati ng kanilang mga ina, mga asawa, mga anak, ang matinding takot ng mga sibilyan, ang pagkait at paglala ng pagsasamantala, ito ay kailangan na ikintal sa kanilang mga utak gamit ang ideolohiya ng naghaharing uri.
Magaspang ang mga kasinungalingan ni Putin, at sumasalamin sa dating rehimeng Sobyet kung saan nagsimula siya bilang opisyal ng KGB, isang organisasyon ng pampulitikang pulis at espiya. Sinasabi niya na isang “special military operation” lang ang ginagawa para tulungan ang mamamayan ng Donbass na biktima ng “genocide” at pinagbawalan niya ang midya, dahil takot sa parusa, na gamitin ang salitang “digmaan”. Ayon sa kanya, nais niyang palayain ang Ukraine mula sa “rehimeng Nazi” na naghari. Totoo na ang populasyon sa Silangang Ukraine na ang lenggwahe ay Ruso ay sinusupil ng makabayang milisya ng Ukraine, na kadalasan kahalintulad ng sa rehimeng Nazi, pero walang genocide.
Mas banayad ang kasinungalingan ng mga gobyerno sa Kanluran at midya. Hindi palagi: nilinlang tayo ng Estados Unidos at kanyang mga alyado, kabilang mismo ang “demokratikong” United Kingdom, Spain, Italy at ... Ukraine (!) noong 2003 sa kanilang interbensyon sa Iraq sa ngalan ng – ganap na imbento – banta ng “weapons of mass destruction” sa kamay ni Saddam Hussein. Interbensyon na nagbunga ng daang libong patay at dalawang milyong bakwit sa hanay ng mamamayang Iraqi, at libu-libong namatay sa mga sundalo ng koalisyon.
Ngayon, ang mga “demokratikong” lider at midya ng Kanluran ay pinakain tayo ng kathang-kwento ng labanan sa pagitan ng “dimonyong dambuhala” na si Putin at ang “maliit na mabuting bata” na si Zelensky. Matagal na nating alam na si Putin ay nakakauyam na kriminal. Bukod pa, gaanun din ang kanyang mukha. Si Zelensky ay lamang kay Putin dahil wala itong kriminal rekord at, bago ito pumasok sa pulitika, ay isang popular na komedyanteng aktor (bilang resulta ay may malaking swerte mula sa kanlungan ng buhis). Pero ang kanyang talento sa komedya ang nagbigay sa kanya ng pagkakataon sa kanyang bagong papel bilang masiglang warlord, kabilang sa kanyang papel ang pagbawal sa mga lalaki na ang edad 18-60 na samahan ang kanilang mga pamilya na magtago sa labas ng bansa, at nanawagan sa lahat ng mga Ukrainian na mamatay para sa ‘amang bayan’, i.e. para sa interes ng burgesya at oligarkiyang Ukrainian. Dahil anuman ang kulay ng namahalang partido, anuman ang tono ng kanilang mga talumpati, lahat ng mga pambansang estado ay higit sa lahat tagapagtanggol ng interes ng mapagsamantalang uri, ng pambansang burgesya, pareho ang dalawa ay laban sa pinagsamantalahan at laban sa kompetisyon mula sa ibang mga pambansang burgesya.
Lahat ng mga propaganda ng digmaan, bawat estado ay kinatawan ang sarili bilang “biktima ng agresyon” na kailangang ipagtanggol ang sarili laban sa “mananakop”. Subalit dahil lahat ng mga estado ay sa realidad mga tulisan, walang saysay ang tanungin kung sino sa mga tulisan ang unang nagpaputok. Ngayon, si Putin at Rusya ang unang nagpaputok, pero sa nakaraan, ang NATO, sa ilalim ng kontrol ng US, ay kinontrol ang maraming bansa na, bago bumagsak ang bloke ng Silangan at Unyong Sobyet, ay dominado ng Rusya. Sa pagsisimula ng digmaan, ang tulisang si Putin ay naglalayong muling mabawi ang ilan sa pag-aari ng kanyang bansa sa nakaraan, mapapansin sa pagpigil nito sa Ukraine na sumama sa NATO.
Sa realidad, sa pagpasok ng 20 siglo, ang permanenteng digmaan, kasama ang lahat ng teribleng pagdurusa na dala nito, ay isa ng hindi mahiwalay na bahagi ng kapitalistang sistema, isang sistema na nakabatay sa kompetisyon sa pagitan ng mga kompanya at pagitan ng mga estado, kung saan ang digmaan sa kalakalan ay nauwi sa armadong digmaan, kung saan ang paglala ng kanyang ekonomikong mga kontradiksyon, ng kanyang krisis, ay nag-udyok ng mas maraming digmaan. Isang sistema na nakabatay sa tubo at sa mabangis na pagsasamantala sa mga manggagawa, kung saan pinilit ang mga manggagawa na magbayad ng dugo at pawis.
Mula 2015, ang pandaigdigang gastusing militar ay matalas na lumalaki. Mabilis lang na pinabangis ng digmaan ang prosesong ito. Bilang simbolo ng nakakamatay na pilipit: Inumpisahan na ng Alemanya na magpadala ng mga armas sa Ukraine, ito ay istorikal na kauna-unahan mula ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig; sa unang pagkakataon, ang European Union ay bumili at nagpadala rin ng mga armas sa Ukraine; at ang Pangulo ng Rusya na si Vladimir Putin ay hayagang nagbanta na gamitin ang mga armas nukleyar para patunayan ang kanyang determinasyon at mapangwasak na kapasidad.
Paano natin wakasan ang digmaan?
Walang makahula paano ang eksaktong kahahantungan ng kasalukuyang digmaan, bagamat mas malakas ang hukbo ng Rusya kaysa Ukraine. Ngayon, maraming mga demonstrasyon sa buong mundo, at sa Rusya mismo, laban sa interbensyon ng Rusya. Pero hindi ang mga demonstrasyong ito ang magpatigil sa mga digmaan. Pinakita ng kasaysayan na ang tanging pwersa na tatapos sa kapitalistang digmaan ay ang pinagsamantalahang uri, ang proletaryado, ang direktang kaaway ng uring burges. Ito ang nangyari ng ibagsak ng mga manggagawa ng Rusya ang burges na estado sa Oktubre 1917 at nag-alsa ang mga manggagawa at sundalo ng Alemanya sa Nobyembre 1918, na pumilit sa kanilang gobyerno na pumirna ng armistice. Kung nagawa ni Putin na magpadala ng daang libong sundalo para mamatay laban sa Ukraine, kung marami sa mga Ukrainian ngayon ay handang ibuwis ang kanilang buhay para sa “pagtatanggol sa Amang bayan”, ito ay pangunahin dahil sa bahaging ito ng mundo partikular na mahina ang uring manggagawa. Ang pagbagsak sa 1989 ng mga rehimen na umangkin na “sosyalista” o “uring manggagawa” ay nagbigay ng brutal na bigwas sa uring manggagawa ng mundo. Ang bigwas na ito ay nakaapekto sa mga manggagawa na matinding nakibaka mula 1968 pataas at sa panahon ng 1970s sa mga bansa tulad ng France, Italy at United Kingdom, pero ganun din sa sinasabing mga “sosyalistang” bansa, tulad ng sa Poland na malawakan at determinadong nakibaka sa Agosto 1980, na pumilit sa gobyerno na itigil ang panunupil at tugunan ang kanilang mga kahilingan.
Hindi sa pamamagitan ng demonstrasyon “para sa kapayapaan”, hindi sa pagpili ng suportahan na bansa laban sa ibang bansa makamit natin ang tunay na pakikiisa sa mga biktima ng digmaan, ang mga sibilyan at sundalo sa parehong panig, ay mga proletaryado na ginawang sundalo para pambala ng kanyon. Ang tanging pagkakaisa ay kondenahin ang LAHAT ng mga kapitalistang estado, LAHAT ng mga partido na nanawagan ng pagkakaisa sa likod ng ganito o ganoong pambansang bandila, LAHAT ng nanlinlang sa atin ng ilusyon ng kapayapaan at “magandang relasyon” sa pagitan ng mga mamamayan. At ang tanging pagkakaisa na may tunay na epekto ay ang pag-unlad ng malakihan at mulat na pakikibaka ng mga manggagawa sa bawat bahagi ng mundo. At sa partikular, ang mga pakikibakang ito ay kailangang maging mulat sa katotohanan na ang mga ito ay bahagi ng paghahanda para ibagsak ang sistema na responsable sa mga digmaan at sa lahat ng barbarismo na lumalaki ang banta sa sangkatauhan: ang kapitalistang sistema.
Ngayon, ang lumang mga islogan ng kilusang manggagawa, na lumabas sa Manipesto ng Komunista sa 1848, ay mas higit pang nasa agenda na: Ang mga manggagawa ay walang bansa! Manggagawa ng lahat ng mga bansa, magkaisa!
Para sa pag-unlad ng makauring pakikibaka ng internasyunal na proletaryado!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 28.2.22
www.internationalism.org [52]
email: philippines@internationalism.org [53]
-----------------------------------------
Mga Pampublikong Pagtitipon
Halina at makipagtalakayan sa mga ideya na laman ng polyetong ito sa isa sa mga online na pampublikong pagtitipon ng IKT dalawang linggo mula ngayon. Sa English: Maso 5, 11:00 am at sa Marso 6, 6:00 pm (UK times). Sumulat sa aming email para sa mga ditalye.
Halos lahat ay nakatuon sa darating na halalan sa Mayo 2022. Pareho ang administrasyon at oposisyon at mga taga-suporta nila ay abalang-abala na sa paghahanda para sa Mayo. Ang Kaliwa ng burgesya – maoísta, leninista, sosyal-demokrata – ay pinakilos ang kanilang mga myembro at masang tagasuporta para maparami ang botong makukuha ng kanilang mga kandidato at mánalo.
Sa kabilang banda, ang mga surveys ng burgesya ay nakatuon naman sa paghubog ng opinyong publiko na ang layunin ay “turuan” ang mga botante kung sinu-sino ang mas malaki ang tsansang mánalo. Sabi pa nga ilang komentarista, sa pamamagitan ng surveys ay alam na ng mga botante kung sinu-sino ang mánanalo sa Mayo.
Ang eleksyon at parliyamentarismo ng kapitalismo ay balwarte ng uring kapitalista para ipagpatuloy ang paghari nila sa lipunan. Isa ito sa mga haligi ng naghaharing uri para manatili sa pampulitikang kapangyarihan. Malinaw ito sa mga marxista at komunista.
Kung lumahok man sa eleksyon ang mga komunistang organisasyon noong 19 siglo (1800s), ito ay sa batayang progresibo pa ang kapitalismo. Progresibo ito laban sa mga labi ng pyudalismo. Progresibo ito dahil ang kanyang moda ng produksyon ay may kapasidad pa na magbigay ng mga makabuluhang reporma para sa kagalingan ng uring manggagawa bilang sahurang-alipin ng kapital. Sa 19 siglo, tunay na nagagamit ng uring manggagawa ang parliyamento bilang tribuna ng rebolusyonaryong propaganda at pagpapalakas ng sariling independyenteng kilusan.
Dahil progresibo pa ang kapitalismo, wala pa sa agenda ang rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ng uring manggagawa. Ang agenda sa 19 siglo ay pakikibaka para sa reporma at pagpaparami at konsolidasyon ng rebolusyonaryong pwersa.
Subalit, ng ganap ng nasakop ng kapitalistang moda ng produksyon ang buong mundo sa pagpasok ng 20 siglo (1900s), lubusan na ring naging reaksyunaryo ang sistema. Umabot na sa rurok ang krisis ng sobrang produksyon na siyang dahilan ng pag-agaw ng mga teritoryo ng mga karibal na kapangyarihan ng pambansang kapital sa pamamagitan ng mga imperyalistang digmaan (WW I at WW II). Ito ang tinawag na imperyalismo, ang huling yugto ng kapitalismo. Sa panahon ng imperyalismo o dekadenteng kapitalismo, wala ng maibigay na mga makabuluhang reporma ang sistema para sa kagalingan ng masang anakpawis maliban sa ibayong pagsasamantala at kahirapan.
Sa 20 siglo, nasa agenda na ang rebolusyonaryong pag-agaw ng kapangyarihan ng uring manggagawa sa pamamagitan ng komunistang rebolusyon at diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw. Ang deklarasyon ng Ikatlong Internasyunal (COMINTERN) ay nasa yugto na ang lipunan ng mga digmaan at rebolusyon. Sa 20 siglo naganap ang Rebolusyong Ruso at ang Unang Internasyunal na Rebolusyonaryong Alon ng 1917-27.
Istorikal at materyal ang batayan ng mga komunistang organisasyon at rebolusyonaryong manggagawa bakit boykot ang paninindigan nito sa burges na eleksyon simula 20 siglo.
Istorikal dahil pumasok na sa dekadenteng yugto ang kapitalismo kung saan lubusan ng naging reaksyunaryo ito at lahat ng paksyon ng uring burges. Ang parliyamento ay ganap ng instrumento para sa pagsasamantala at pang-aapi at wala ng kapasidad sa pakikibaka para sa reporma.
Materyal dahil nasa permanenteng krisis na ang pandaigdigang kapitalistang sistema bunsod ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon. Ang tanging solusyon at paraan ay komunistang rebolusyon.
Noong huling bahagi ng 1920s hanggang 1930s ay matindi ang debate sa loob ng COMINTERN kung lalahok pa ba ang mga rebolusyonaryo sa eleksyon. Nagwagi man sa debate ang mga nanindigan sa paglahok, napatunayan naman ng kasaysayan at karanasan na tama ang mga nanindigan ng boykot.
Sa ibat-ibang bahagi ng mundo kung saan nanalo sa eleksyon ang mga “progresibo”, “radikal” at “maka-manggagawa”, walang nagbago sa hirap at pinagsamantalahang kalagayan ng masang anakpawis. Sa halip, ang mga “progresibo” at “radikal” ay nalantad at naging hayagang tagapagtanggol ng kapitalistang estado sa halip na ibagsak ito.
Noong 1980s sa kasagsagan ng kalakasan ng maoistang CPP-NPA, namayagpag ang panawagan nila na “Rebolusyon Hindi Eleksyon”. Subalit mali at bastardo ang batayan nila sa boykot. Ito ay nakabatay sa burges na demokratismo hindi sa marxistang materyalistang istoriko. Ang “rebolusyon” naman na sinasabi nila ay armadong gerilyang pakikidigma sa kanayunan kung saan ang programa ay peti-burges na “argraryong rebolusyon”. Ang boykot nila ay sa paraan ng ballot snatching at pananakot ng armadong hukbo hindi sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at mga welga ng uring manggagawa. Kung may mga welga man, ito ay nagsisilbi sa armadong gerilyang pakikidigma sa kanayunan.
Dahil nakabatay sa burges na demokratismo ang boykot ng maoistang kilusan, ng “bumalik na ang demokrasya” sa Pilipinas ay sila pa ang nangunguna sa paglahok sa eleksyon!
Dagdag pa sa katrayduran ng Kaliwa sa proletaryong kawsa ay ang walang hiyang pakikipag-alyansa nila (hayag man o tago) sa isang paksyon ng naghaharing uri para lang manalo sa eleksyon na sinamahan pa ng vote buying. Pinakahuling ginawa ng Kaliwa ay ang pakikipag-alyansa kay Manny Villar noong 2010, Rodrigo Duterte at Grace Poe noong 2016. Maliban sa estado, simbahan at midya, malaki rin ang papel at pananagutan ng Kaliwa bakit napakalakas ng ilusyon sa eleksyon sa Pilipinas.
Ang Kaliwa ang isa sa mayor na dahilan ng pagkabansot at pagkabaog ng kamulatan ng daang libong manggagawa na lumahok sa mga welga at pakikibaka noong 1980s. Dahil sa pananabotahe ng Kaliwa, marami sa mga militanteng manggagawa sa hanay nila ay nademoralisa at nawalan na ng pag-asa sa pakikibaka o kaya nasawi sa gerilyang pakikidigma sa kanayunan.
Ang ibang mga paksyon naman ng Kaliwa na humiwalay sa maoistang kilusan noong 1990s ay nakakulong pa rin sa ideolohiya ng kaliwa ng kapital. Katunayan, walang pagkakaiba ang lahat ng paksyon ng Kaliwa sa usapin ng pagiging traydor sa kawsa ng proletaryong rebolusyon.
Sa pagpasok ng 1980s ang dekadenteng kapitalismo ay pumasok na sa kanyang huling yugto, ang yugto ng pagkabulok nito (dekomposisyon). Sa dekomposisyon, mas lumakas ang kaisipang bawat isa para sa kanyang sarili sa hanay ng burgesya. Kaalinsabay nito ay ang paglakas ng irasyunalismo at pagsamba sa mga personalidad.
Ang pag-upo sa kapangyarihan ng mga personalidad tulad nila Duterte, Trump, Edrogan, Bolsonaro at Putin ay bunga ng irasyunalismo, pagsamba sa personalidad, galit, paghihiganti, desperasyon, at kawalang pag-asa sa kakayahan ng masang anakpawis. Nangunguna sa irasyunalismo ang uring peti-burges na umiimpluwensya naman sa isang seksyon ng mga pinagsamantalahan laluna sa mala-proletaryado at maralitang taga-lungsod.
Dahil rin sa paglakas ng irasyunalismo at populismo sa buong mundo ay lumakas din ang impluwensya ng mga maka-kanan na populistang lider. Sa ganitong konteksto dapat ibatay ang pagsusuri bakit nangunguna sila Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr at Sara Duterte sa mga surveys maliban pa sa katotohanan na may manipulasyon sa mga surveys. Sila Duterte, Marcos, Trump at iba pa ay produkto ng kabulukan ng sistema.
Sa kabulukan ng sistema ay mas lalupang lumakas ang paghawak ng mga malalaking angkan sa pulitika ng Pilipinas at sa paghubog ng opinyong publiko. Sa kasalukuyan, ang mga angkang Marcos, Arroyo, Estrada at Duterte ay nagkutsabahan para sa eleksyong 2022. Ganun pa man, dahil sa pangingibabaw ng bawat isa para sa kanyang sarili, ang bawat angkan na ito ay may mga pansariling interes bakit sila “nagkakaisa” sa eleksyon 2022. Ang kanilang alyansa ay mabuway at temporaryo. Malaki ang posibilidad na hihina o di kaya mabuwag ang alyansang ito pagkatapos ng eleksyon sa 2022 dahil sa maniobrahan at manipulasyon ng bawat angkan.
Ang perspektiba ng pulitika sa Pilipinas ay katulad sa perspektiba sa internasyunal na saklaw: magulong pulitika kung saan ang mga ordinaryong masa ay ginagawang pambala ng kanyon sa inter-paksyunal na tunggalian ng naghaharing uri.
Sa yugto ng dekomposisyon o kabulukan ng kapitalismo ang tanging daan na dapat tahakin ng uring manggagawa ay rebolusyonaryong pakikibaka at komunistang rebolusyon sa pandaigdigang saklaw. Tanging sa pagkakaisa lang ng manggagawa ng mundo at pakikibaka maibagsak ang kapitalistang sistema.
Ang eleksyon at pag-asa dito, ang pag-asa sa mga “progresibo” at “radikal na kandidato” o sa “lesser evil”, ang pakikipag-alyansa sa isang paksyon ng naghaharing uri, unyonismo at nasyunalismo, ay mga malaking balakid na dapat tibagin ng uring manggagawa kung nais nilang lumaya mula sa pang-aapi at pagsasamantala. Ibig sabihin, itakwil ang programa at pagkilos ng lahat ng paksyon ng Kaliwa na sumisira at sumasabotahe sa pagkakaisa ng mga manggagawa.
Toribio
Enero 1, 2022
Ang burges na lipunan, na bulok sa kaibuturan, may matinding sakit, ay muling sumuka ng maruming delubyo ng bakal at apoy. Araw-araw ang patayan sa Ukraine ay nakitaan ng matinding pambobomba, ambus, pagkubkob, habang ang milyun-milyong lumilikas na bakwit ay patuloy na nakaranas ng pambobomba mula sa naglalabanang mga hukbo.
Sa gitna ng bumabahang propaganda ng mga gobyerno ng bawat bansa, dalawang kasinungalingan ang partikular na matingkad: ang una ay pinakita si Putin bilang “baliw na diktador” na inihanda ang sarili na maging bagong Tsar ng muling binubuong emperyo habang hinahawakan sa kanyang mga kamay ang “kayamanan ng Ukraine”; ang isa pa ay tungkol sa ang may pangunahing responsibilidad sa sigalot ay ang “genocide” laban sa populasyon na ang lenggwahe ay Ruso sa Donbass kung saan nais iligtas ng mga “bayaning” sundalo ng Rusya. Palaging inaalagaan ng burgesya ang maskara sa tunay na mga dahilan ng digmaan sa pamamagitan ng pagtabon sa mga ito ng ideolohikal na bilo ng “sibilisasyon”, “demokrasya”, “karapatang pantao” at “internasyunal na kaayusan”. Pero ang tunay na responsable sa digmaan ay ang kapitalismo!
Panibagong hakbang ng kaguluhan
Mula ng maupo sa kapangyarihan sa Putin sa 2000, lubusan ng nagsisikap ang Rusya na bigyan ang sarili ng isang modernong hukbo at muling palakasin ang kanyang impluwensya sa Gitnang Silangan, laluna sa Syria, pati na rin sa Aprika kasama ang pagpapadala ng mga mersenaryo sa Libya, Sentral Aprika at Mali, na lalupang nag-udyok ng kaguluhan. Nitong nagdaang mga taon hindi ito nag-atubiling maglunsad ng direktang opensiba sa Georgia sa 2008, pagkatapos sinakop ang Crimea at Donbass sa 2014, para tangkaing pigilan ang paghina ng kanyang impluwensya pero may risgo na lumikha ng mayor na instabilidad sa kanyang mga hangganan. Matapos umatras ang US sa Afghanistan, iniisip ng Rusya na makakuha ito ng benepisyo sa paghina ng Amerika para kabigin ang Ukraine sa ilalim ng kanyang impluwensya, isang teritoryo na mahalaga sa kanyang posisyon sa Uropa at mundo, laluna dahil nagbanta ang Kyiv na makipag-ugnayan sa NATO.
Mula ng bumagsak ang bloke ng Silangan sa 1989, tiyak na hindi ito ang kauna-unahan na pumutok ang digmaan sa kontinente ng Uropa. Ang digmaan sa Balkans sa maagang bahagi ng 1990’s at ang sagupaan sa Donbass sa 2014 ay nagdala na ng kamalasan at lagim sa kontinente. Pero mas seryoso ang mga implikasyon sa digmaan sa Ukraine kaysa mga nagdaang mga sagupaan, na nagpakita paanong ang paglaki ng kaguluhan ay lumalapit na sa mga pangunahing sentro ng kapitalismo.
Ang Rusya, isa sa mga pangunahing kapangyarihang-militar ng mundo, ay direkta at malawakang kasangkot sa pagsakop sa isang bansa na may estratehikong posisyon sa Uropa, maging sa mga hangganan ng Unyon ng Uropa. Sa panahon na sinusulat ito, nawalan na ang Rusya ng 10,000 sundalo at mas marami ang sugatan o tumakas. Ilang mga lungsod ay natupok dahil sa pambobomba. Marami ang namatay na sibilyan. At halos isang buwan pa lang ang digmaan![1]
Mula ngayon ay makikita na sa rehiyon ang napakalaking konsentrasyon ng mga sundalo at abanteng materyal at kagamitang militar, kasama ang mga sundalo at mersenaryo mula sa maraming lugar. Subalit sa Silangang Uropa rin makikita ang pagpadala ng libu-libong sundalo ng NATO at ang mobilisasyon ng nag-iisang alyado ni Putin, ang Belorussia. Maraming mga gobyerno sa Uropa ang nagpasyang palakihin sa unang ranggo ang programa ng muling pag-aarmas kabilang na ang mga estado sa Baltic, at Germany kung saan ginawang doble ang kanyang badyet sa “pagtatanggol”.
Sa kanyang panig, regular na nagbabanta ang Rusya sa mundo ng paghihiganti at walang hiyang nag-amba ng kanyang armas nukleyar. Ang Ministro ng Depensa ng Pransya ay nagbabala rin kay Putin na haharapin niya ang “kapangyarihang nukleyar”, bago kumalma sa mas “diplomatikong” tonada. Kahit hindi usapin ng sagupaang nukleyar, posible ang risgo ng aksidenteng industriyal. Ilang mabangis na labanan ang nangyari sa pasilidad nukleyar sa Chernobyl at Zaporizhzhia, kung saan nasunog ang mga gusali (mabuti at mga gusaling administratibo lang) dahil sa pambobomba.
Sa lahat ng ito maaring idagdag ang mayor na krisis ng bakwit sa Uropa mismo. Milyun-milyong Ukrainian ang lumikas papunta sa hangganang mga bansa upang tumakas sa digmaan at sapilitang konskripsyon sa hukbo ni Zelensky. Subalit sa paglaki ng populismo sa Uropa at minsan hayagang kapasyahan ng maraming mga estado na kutyain ang mga bakwit para sa kanilang imperyalistang interes (tulad ng nakita natin kamakailan lang sa hangganan ng Belorussia o sa pamamagitan ng regular na banta ng Turkey laban sa Unyon ng Uropa), kalaunan itong malaking bakwit ay lilikha ng seryosong tensyon at instabilidad.
Kung sumahin, dinadala ng digmaan sa Ukraine ang mayor na risgo ng kaguluhan, de-estabilisasyon at destruksyon sa internasyunal na antas. Kung hindi man magbukas ang sagupaang ito ng mas maraming madugong komprontasyon, patataasin lang nito ang peligro, na may risgo ng hindi makontrol na “pagdami” ng mga hindi maisip na mga kahihinatnan.
Rusya lang ba ang responsable sa digmaan?
Kung ang burgesyang Ruso ay binuksan ang labanan para depensahan ang kanyang karumaldumal na imperyalistang interes, ang propaganda na ang Ukraine at mga bansa sa kanluran ay biktima ng isang “baliw na diktador” ay isang iporitong pagbabalatkayo. Sa loob ng ilang buwan ang babala ng gobyernong Amerikano sa napipintong pag-atake ng Rusya ay malinaw na probokasyon, habang inaamin na hindi ito magpadala ng mga sundalo sa kalupaan ng Ukraine.
Mula ng nawasak ang USSR, patuloy na may banta sa mga hangganan ng Rusya laluna sa Silangang Uropa tulad ng sa Caucasus at Sentral Asya. Ang Estados Unidos at mga kapangyarihan sa Uropa ay napaatras ang Rusya sa kanyang nasasakupang impluwensya sa pamamagitan ng integrasyon ng maraming mga bansa sa silangang Uropa sa EU at NATO. Ito rin ang kahalagahan sa pagpatalsik kay dating Pangulo ng Georgia, si Shevardnadze, sa 2003 sa panahon ng “Rebolusyon ng Rosas” (“Rose Revolution”) na nagpaupo sa kapangyarihan ng paksyong maka-Amerikano. Ganun din sa “Rebolusyong Dalandan” (“Orange Revolution”) ng 2004 sa Ukraine at lahat ng sumunod na mga sagupaan sa pagitan ng ibat-ibang paksyon ng lokal na burgesya. Ang aktibong suporta ng mga kapangyarihan sa Kanluran sa maka-Uropang oposisyon sa Belorussia, ang digmaan sa High-Karabakh sa ilalim ng presyur ng Turkey (myembro ng NATO) at ang tunggalian sa estado ng Kazakh ay nagpatingkad lang sa damdaming pagmamadali sa loob ng burgesyang Ruso.
Kasing halaga ang “Tsarista” tulad ng “Sobyet” sa Rusya, laging kinakatawan ng Ukraine ang sentral na nakataya sa kanyang patakarang panlabas. Para sa Moscow ang Ukraine ang tanging daan para sa direktang ugnay sa Mediterranean. Ang pagsakop sa Crimean Peninsula sa 2014 ay sumusunod na sa pangangailangan ng imperyalismong Ruso, na direktang binantaan ng pagkubkob sa pamamagitan ng mga rehimen na karamihan ay suportado ng Amerika. Ang kapasyahan ng Estados Unidos na kabigin ang Ukraine patungong Kanluran ay para kay Putin at sa kanyang pangkat ay tunay na probokasyon. Sa puntong ito, kahit ang opensiba ng hukbong Ruso na tila irasyunal at tiyak ang pagkatalo sa simula pa lang, para sa Moscow ito ay desperadong “pag-agaw ng kapangyarihan” para manatili ang kanyang posisyon sa pandaigdigang kapangyarihan.
Perpektong napakalinaw ang sitwasyon sa Rusya, kahit pa hati-hati sa usaping ito, ang burgesyang Amerikano ay hindi nabigong itulak si Putin na tumugon sa pamamagitan ng pagpaparami ng mga probokasyong ito. Ng lantarang sinabi ni Biden sa publiko na hindi ito direktang makialam sa Ukraine, sinadya nitong mag-iwan ng ispasyo na agad sinunggaban ng Rusya sa pag-asang mapigilan ang kanyang pagbulusok sa internasyunal na arena. Hindi ito ang unang pagkakataon na ginamit ng Estados Unidos ang ganitong Machiavellianismo para makamit ang kanyang ninanais: 1990 pa, tinulak ni Bush senior si Saddam Hussein sa bitag sa pamamagitan ng pagsabi na hindi ito makialam para ipagtanggol ang Kuwait. Alam na natin ang nangyari …
Maaga pa para maisip gaano katagal at kalawak ang pagkasira sa Ukraine, pero mula 1990s alam natin ang mga masaker sa Srebrenica, Grozny, Sarajevo, Fallujah at Aleppo. Kahit sino pa ang nag-umpisa ng digmaan ay tiyak na napahamak at nabagabag. Sa 1980s, nagbayad ng malaki ang Rusya sa pagsakop sa Afghanistan, na nauwi sa pagsabog ng USSR. May sariling kabiguan ang Estados Unidos, na nagpahina sa kanya pareho sa militar at ekonomiya. Lahat ng mga pakipagsapalarang ito ay nagtapos, sa kabila ng inisyal na mga tagumpay, sa masaklap na pag-atras at lalong nagpahina sa mga magkaaway. Ang Rusya ni Putin, kung hindi ito aatras matapos ang nakakahiyang pagkatalo, ay hindi makaligtas sa pagkapatas, kahit pa masakop nito ang mayor na mga syudad ng Ukraine.
Lahat ng mga bansa at lahat ng mga digmaan ay imperyalista
“Isang bagong imperyalismo ang nagbanta sa kapayapaan ng mundo”[2], “Nakipaglaban ang mga Ukrainian sa imperyalistang Rusya sa loob ng daan-daang taon”[3].
“Imperyalismong Rusya”, ayon sa burgesya – tila ang Rusya ang ganap na halimbawa ng imperyalismo kabaliktaran sa walang kalaban-laban na sisiw na Ukraine. Sa realidad, mula ng pumasok ang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, ang digmaan at militarismo ay nagiging pundamental na katangian ng sistema. Lahat ng mga estado, malaki o maliit, ay imperyalista; lahat ng mga digmaan, sabihin man nila na ito ay “makatao”, “mapagpalaya” o “demokratiko”, ay mga imperyalistang digmaan. Kinilala na ito ng mga rebolusyonaryo sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig: sa pagpasok ng 20 siglo, ang pandaigdigang merkado ay ganap ng nahati sa pagitan ng mga pangunahing kapitalistang bansa. Naharap sa lumalaking kompetisyon at imposibilidad na luwagan ang pagsunggab sa mga kontradiksyon ng kapitalismo sa pamamagitan ng bagong kolonyal o komersyal na pananakop, binuo ng mga pambansang estado ang mga higanteng arsenal at isinailalim ang buong ekonomiko at buhay panlipunan sa pangangailangan ng digmaan. Sa kontekstong ito pumutok ang Pandaigdigang Digmaan sa Agosto 1914, isang masaker na walang kapares sa kasaysayan ng sangkatauhan, isang nakakasilaw na ekspresyon ng isang bagong "panahon ng mga digmaan at rebolusyon".
Naharap sa mabangis na kompetisyon at sa palagiang presensya ng digmaan sa bawat bansa, maliit o malaki, dalawang penomena ang umunlad na naging mayor na katangian ng yugto ng pagbulusok: kapitalismo ng estado at imperyalistang bloke. “Ang kapitalismo ng estado […] ang tugon sa pangangailangan ng bawat bansa, na tinatanaw ang komprontasyon sa ibang mga bansa, upang makamit ang maksimum na disiplina sa loob nito mula sa iba’t-ibang sektor ng lipunan, para mabawasan sa minimum ang banggaan sa pagitan ng mga uri at sa pagitan ng magkaribal na mga paksyon ng dominanteng uri, upang, sa partikular, para mapakilos at makontrol lahat ng kanyang ekonomikong potensyal. Ganun din, ang pagbuo ng mga imperyalistang bloke ay tugon sa pangangailangan na ipataw ang kahalintulad na disiplina sa pagitan ng iba’t-ibang pambansang burgesya para limitahan ang kanilang mga antagonismo at pagkaisahin sila para sa ultimong komprontasyon sa pagitan ng dalawang kampo militar.”[4] Kaya nahati ang kapitalistang mundo sa buong 20 siglo sa magkaribal na mga bloke: Allies laban sa Axis powers, bloke ng Kanluran laban sa bloke ng Silangan.
Subalit sa pagbagsak ng USSR sa kataposan ng 1980s, nagsimula ang huling yugto ng dekadenteng kapitalismo: ang yugto ng kanyang pangkalahatang pagkabulok[5], na may tanda ng paglaho ng mga imperyalistang bloke ng mahigit 30 taon. Ang pagkatanggal ng pagiging “pulis” ng Rusya at ang de facto na dislokasyon ng bloke ng Amerika, ay nagbukas sa buong serye ng tunggalian at lokal na mga sagupaan na dati napigilan ng bakal na disiplina ng mga bloke. Nakumpirma ang tendensya ng bawat isa para sa kanyang sarili at lumalaking kaguluhan.
Mula 1990, ang tanging “superpower”, ang Estados Unidos, ay nagtangkang itatag ang minimum na kaayusan sa mundo at pabagalin ang hindi mapigilang pagbulusok ng kanyang sariling liderato … sa pamamagitan ng digmaan. Habang tumigil ang mundo na mahati sa dalawang disiplinadong imperyalistang kampo, ang bansa tulad ng Iraq ay inakalang posible ng kontrolin ang dating alyado sa parehong bloke, ang Kuwait. Ang Estados Unidos, na nasa ulohan ng koalisyon ng 35 bansa, ay naglunsad ng nakamamatay na opensiba na naglayong panghinaan ng loob ang anumang tukso sa hinaharap na gayahin ang mga aksyon ni Saddam Hussein.
Pero hindi napigilan ng operasyon ang bawat isa para sa kanyang sarili sa imperyalistang antas, isang tipikal na manipestasyon ng pagkabulok ng lipunan. Sa mga digmaan sa Balkan, ang mabangis na tunggalian sa pagitan ng mga kapangyarihan ng dating bloke ng Kanluran ay hayagang nalantad, sa partikular France, United Kingdom at Germany na, dagdag sa mamamatay-tao na interbensyon ng Amerika at Rusya, ay naglunsad ng digmaan sa pamamagitan ng iba’t-ibang magkaaway sa dating Yugoslavia. Ang teroristang atake sa Setyembre 11, 2001, ay tanda ng isa pang signipikanteng hakbang ng kaguluhan sa sentro ng pandaigdigang kapitalismo. Ang mga maka-kaliwang teorya hinggil sa pagiging ganid ng Amerika sa tubo mula sa lana bilang mayor na dahilan ng mga digmaan ay pundamental na pinabulaanan ng kanilang napakalaking gastos. Higit sa lahat ito ay sa konteksto ng pagsisikap ng USA na muling igiit ang kanyang pandaigdigang awtoridad ng sakupin nito ang Afghanistan sa 2001 at Iraq sa 2003, sa ngalan ng "digmaan laban sa terorismo".
Inihagis ng imperyalismong Amerikano ang sarili sa pagmamadali: sa panahon ng ikalawang digmaan sa Gulpo, ang Germany, France at Rusya ay hindi na kontento na hatakin ang kanilang mga paa sa likod ni Uncle Sam, lantaran silang tumanggi na magpadala ng mga sundalo. Higit sa lahat, bawat operasyon ay nagbunga lang ng kaguluhan at instabilidad kung saan sa huli natali ang Estados Unidos, sa punto na iwanan nito ang Afghanistan sa nakakahiyang paraan matapos ang 20 taon, iniwan nila ang mga guho sa mga kamay ng Taliban, ang mismong pinatalsik nila, katulad ng pag-iwan nila sa Iraq na nabalot ng anarkiya, na nagpagulo sa buong rehiyon, sa partikular ang karatig-bansa na Syria. Sa panahon ng pagkabulok, dahil mismo sa layuning panatilihin ang kanyang ranggo bilang numero unong kapangyarihan ng mundo, ang Estados Unidos ang pangunahing tagahasik ng kaguluhan.
Lumikha ng kaguluhan ang Estados Unidos sa pintuan ng isa sa mga prinsipal na sentro ng pandaigdigang kapitalismo
Ngayon, hindi maipagkailang nakapuntos ang Estados Unidos sa imperyalistang antas, kahit hindi direktang nakialam. Ang Rusya, na matagal ng kaaway, ay natali sa hindi maipanalong digmaan na magbunga, ano man ang resulta, sa mayor na paghina sa militar at ekonomiya. Nagpahayag na ang Unyon ng Uropa at Estados Unidos ano ang layunin: ayon sa pangulo ng diplomasiya sa Uropa, ito ay usapin ng “pagwasak sa ekonomiya ng Rusya "... at mas lalupang makasama sa proletaryado ng Rusya na siyang magbayad sa lahat ng mapaghiganting mga hakbangin. Kasama ang proletaryado sa Ukraine, sila ang unang biktima at hostage sa pagpapakawala ng barbarismong militar!
Muli ring nakontrol ng mga Amerikano ang NATO, na kamakailan lang inihayag ng Presidente ng Pransya na "brain dead", na malaki ang paglakas ng presensya sa Silangan at napwersa ang pangunahing mga kapangyarihan sa Uropa (Germany, France at United Kingdom) na umako ng mas mabigat na pang-ekonomiyang pasanin ng militarismo para depensahan ang mga hangganan ng Uropa sa silangan. Ito ang polisiya na nais ipatupad ng Estados Unidos sa loob ng maraming taon, laluna sa panahon ni Trump, at ngayon ay ipinagpatuloy ni Biden, para ikonsentra ang kanyang pwersa laban sa prinsipal na kaaway: China.
Para sa mga Uropeo, ang sitwasyon ay kumakatawan sa malaking pagkatalong diplomatiko at kawalan ng impluwensya. Ang sagupaan na ginatungan ng Estados Unidos ay hindi nais ng France at Germany na, dahil umaasa sila sa gas ng Rusya at merkado na kinatawan ng bansang ito para sa kanilang sariling kabutihan, ay walang mapapala sa sagupaang ito. Kabaliktaran, makaranas ang Uropa ng lalupang pagbilis ng krisis sa ekonomiya dahil sa digmaan at parusang ipinataw sa Rusya. Kaya naobligang luminya sa likod ng kalasag ng Amerika ang mga Uropeo matapos ang diplomatikong paghina dahil sa kabaliwan ni Trump at umasa sa malakas na pagbalik ng lumang kontinente sa internasyunal na eksena.
Ang paglinya ba ng mga kapangyarihan sa Uropa sa likod ng Estados Unidos ang simula ng pormasyon ng panibagong imperyalistang bloke? Ang yugto ng pagkabulok ay hindi, sa kanyang sarili, nagbabawal sa pagbuo ng bagong mga imperyalistang bloke, subalit ang bigat ng bawat isa para sa kanyang sarili ay pinipigilan ito na mangyari. Gayunpaman, sa sitwasyong ito ang irasyunal na kapasyahan ng bawat estado na ipagtanggol ang kanyang sariling imperyalistang interes ay mas lalupang tumibay. Pinipilit ng Germany ang sarili na ipataw ang parusa at patuloy na nag-alinlangan sa dagdag na parusa sa pag-angkat ng gas kung saan umaasa ito ng malaki. Dagdag pa, hindi ito tumigil, kasama ang France, na makialam sa pamamagitan ng pag-alok ng diplomatikong labasan ng Rusya, na nais naman ng Washington na iantala. Kahit ang Turkey at Israel ay inaalok ang kanilang “mabuting serbisyo” bilang tagapamagitan. Sa bandang huli, sa kanilang pagpalaki ng gastos militar, ang mayor na mga kapangyarihan sa Uropa ay makalaya mula sa kontrol ng Amerika, isang ambisyon na regular na pinagtatanggol ni Macron sa kanyang proyektong “Depensa sa Uropa”. Habang hindi maikakaila na nakapuntos ang Estados Unidos sa maikling panahon, bawat bansa ay naglalaro rin ng kanilang sariling baraha, na naglagay sa kompromiso sa pagbuo ng bloke bagay na pabor sa China, dahil wala itong kapasidad na tipunin alinman sa mga signipikanteng kapangyarihan sa likod nito. Sa kasalukuyan ay pinipigilan ng digmaan ang China na ipagtanggol ang kanyang sariling interes at layunin.
China ang ultimong target sa estratehiya ng Amerika
Subalit, ang mga maniobra ng burgesyang Amerikano ay hindi tangi o pangunahin laban sa Rusya lang. Kontrolado ng komprontasyon ng Estados Unidos at China ngayon ang pandaigdigang imperyalistang relasyon. Sa pamamagitan ng kaguluhan sa Ukraine, nahadlangan ng Washington ang pag-abante ng China sa Uropa sa pamamagitan ng “silk roads” na dadaan sa mga bansa ng Uropa mula sa silangan. Hindi malinaw kailan maglaho ang harang na ito. Matapos balaan ang daanang-dagat ng China sa rehiyong Indo-Pacific sa pamamagitan ng pagbuo ng alyansang AUKUS sa 2021[6],nahati ng malaki ni Biden ang Uropa, na pumipigil sa China na dalhin ang kanyang mga produkto sa pamamagitan ng transportasyon sa lupa.
Nagtagumpay rin ang Estados Unidos na ipakita ang pagiging inutil ng China na magkaroon ng malaking papel sa internasyunal na eksena dahil wala itong ibang pagpilian kundi suportahan ang Rusya sa napakahinang paraan. Sa puntong ito, ang opensiba ng Amerika na nasaksihan natin ay bahagi ng mas pandaigdigang estratehiya para pigilan ang China.
Magmula sa mga digmaan ng dating Yugoslavia, Afghanistan at Gitnang Silangan, ang Estados Unidos ay naging, batay sa nakita natin, pangunahing salik sa kaguluhan sa mundo. Ang tunguhing ito ay nakumpirma sa nasa gilid na mga bansa ng kapitalismo, bagaman nagdurusa ang sentral na mga bansa sa epekto (terorismo, krisis sa migrasyon, atbp). Pero ngayon, ang numero unong kapangyarihan sa mundo ay lumilikha ng kaguluhan sa mga pintuan ng isa sa mga pangunahing sentro ng kapitalismo. Itong kriminal na estratehiya ay pinangunahan ng isang “demokrata” at “moderatong” si Joe Biden. Ang nasundan niya, si Donald Trump, ay may karapat-dapat na reputasyon bilang mainitin ang ulo, pero ngayon tila malinaw na ito ay para nyutralisahin ang China, magkaiba lang sa estratehiya: nais ni Trump na makipagkasundo sa Rusya, si Biden at mayoriya ng burgesyang Amerikano ay paduguin ito. Si Putin at ang pangkat nitong mamamatay-tao ay walang kaibahan, katulad ni Zelensky na hindi nag-alinlangang gawing hostage ang buong populasyon at isakripisyo sila bilang pambala ng kanyon sa ngalan ng pagtatanggol sa amang bayan. At paano na ang ipokritong mga demokrasya sa Uropa na, habang luhang-buwaya sa mga biktima ng digmaan, ay nagpadala ng napakalaking bilang ng kagamitang militar?
Mula sa kaliwa at kanan, demokratiko o diktadurya, lahat ng mga bansa, lahat ng mga burgesya ay hinahatak tayo para piliting magmartsa patungong kaguluhan at barbarismo! Higit kailanman, ang tanging alternatiba ng sangkatauhan ay: sosyalismo o barbarismo!
EG, March 21, 2022
[1] Para sa pagkumpara, nawalan ng 25,000 sundalo ang USSR sa loob ng siyam na taon na teribleng digmaan na sumira sa Afghanistan.
[2] “Laban sa imperyalismong Rusya, para sa internasyunalistang pag-igpaw”, Mediapart, Marso 2, 2022. Ang artikulong ito ay may titulong nagpahiwatig ng komedya, laluna sa kanyang awtor, si Edwy Plenel, isang bantog na tagapagtanggol ng imperyalismong Pranses na lantarang nanawagan ng digmaan.
[3] “Para maunawaan ang sagupaan sa Ukraine-Rusya, tingnan ang kolonyalismo”, The Washington Post, 24 Pebrero, 2022.
[5] https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition [11]
“Decomposition: the ultimate stage of decadent capitalism”.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 164.46 KB |
Sa lahat ng mga bansa, lahat ng mga sektor, naharap ang uring manggagawa sa isang hindi matiis na kapahamakan sa kalagayan ng kanyang pamumuhay at pagtrabaho. Lahat ng mga gobyerno, ng kanan o kaliwa man, tradisyunal o populista, ay nagpataw ng sunod-sunod na atake habang mas lumala ang krisis sa pandaigdigang ekonomiya.
Sa kabila ng takot dulot ng mapanupil na krisis sa kalusugan, nagsimula ng makibaka ang uring manggagawa. Sa nagdaang mga buwan, sa USA, Iran, Italy, Korea, Spain, France at Britain, pumutok ang mga pakikibaka. Hindi ito malawakang mga pagkilos: nanatiling mahina at kalat-kalat ang mga welga at demonstrasyon. Ganun pa man, nabahala ang naghaharing uri sa mga ito, mula sa malawak, kumukulong galit.
Paano natin harapin ang mga atake ng naghaharing uri? Mananatili ba tayong kalat-kalat, hati-hati, bawat isa sa ‘kanilang sariling’ pagawaan o sektor? ‘Yan ay garantiya ng kawalan ng kapangyarihan. Kaya paano natin mapaunlad ang nagkakaisa, malawakang pakikibaka?
Patungo sa brutal na paglala ng kalagayan ng pamumuhay at trabaho
Tumaas ang mga presyo, partikular sa batayang pangangailangan: pagkain, enerhiya, transportasyon...Sa 2021 ay mas mataas na ang inplasyon matapos ang krisis sa 2008. Sa USA, umabot ito sa 6.8%, pinakamataas sa loob ng 40 na taon. Sa Europe, sa nagdaang mga buwan, ang gastos sa enerhiya ay lumundag ng 26%! Sa likod ng mga datos na ito, ang kongkretong realidad ay mas dumarami ang mga tao na nahirapang pakainin ang kanilang sarili, sa paghanap ng akomodasyon, manatiling mainit, sa pagbyahe. Sa pandaigdigan, tumaas ang presyo ng pagkain ng 28%, kung saan direktang banta ang malnutrisyon sa mahigit isang bilyon ka tao sa pinakamahirap na mga bansa, higit sa lahat sa Africa at Asia.
Ang lumalalim na ekonomikong krisis ay mas nagpatindi sa maanghang na kompetisyon sa pagitan ng mga estado. Para mapanatili ang tubo, ang tugon ay nanatiling ganun pa rin, kahit saan, sa lahat ng mga sektor, pribado at publiko: magbawas ng manggagawa, magpataw ng pamimiga, magbawas ng badyet, kabilang ang para sa kalusugan at kaligtasan ng mga manggagawa. Sa Enero, sa France, nagprotesta ang mga guro laban sa nakakagimbal na kalagayan sa trabaho. Araw-araw nabuhay sila sa kapitalistang impyerno dahil sa kakulangan ng istap at materyal. Sa mga demonstrasyon malinaw na naksulat sa kanilang mga bandera ang makatarungang islogan: “Ang nangyayari sa amin ay katulad noong panahon na wala pa ang Covid!”
Malinaw na pinakita ito sa kahirapan ng mga manggagawa sa kalusugan. Mas pinatampok lang ng pandemiya ang dati ng kakulangan ng medisina, care workers, nurses, higaan, masks, protective clothing, oxygen…lahat! Ang kaguluhan at kapaguran na namayani sa mga ospital magmula ng pumutok ang pandemiya ay resulta lang ng mapanirang pagbawas ng badyet ng mga gobyerno sa lahat ng mga bansa sa loob ng ilang dekada. Dahil dito naobliga ang World Health Organisation, sa kanyang pinakahuling ulat, na magbabala: “Mahigit sa kalahati ng pangangailangan ay hindi nakamit. Sa buong mundo may kakulangan ng 900,000 midwives at 6 milyon nurses…itong dating kakulangan ay pinalala ng pandemiya at presyur sa pagod na istap”. Sa maraming mahirap na mga bansa, malaking parte ng populasyon ay walang access sa bakuna sa simpleng dahilan na ang kapitalismo ay nakabatay sa paghahanap ng tubo.
Angg uring manggagawa ay hindi lang binuo ng mga manggagawa sa industriya: kabilang ang lahat ng sahurang manggagawa, part time at kontraktwal na mga manggagawa, walang trabaho, karamihan sa mga estudyante, retiradong manggagawa…
Kaya, Oo, “Ang nangyayari sa amin ay mula pa noong wala pang Covid!”. Ang pandemiya ay produkto ng naghihingalong kapitalismo kung saan ang kanyang walang solusyon na krisis ay ginawa nitong mas malala. Hindi lang pinakita ng sistemang ito ang kawalan ng kakayahan at dis-organisasyon sa harap ng pandemiya na pumaslang na ng 10 milyong buhay, laluna sa hanay ng pinagsamantalahan at mahihirap, kundi patuloy nitong pinalala ang ating kalagayan sa pamumuhay at trabaho, patuloy nitong pataasin ang redundancies at kontraktwal na trabaho, para pigain at pahirapan ang mga manggagawa. Dahil sa bigat ng kanyang mga kontradiksyon, patuloy itong natali sa walang kataposang mga imperyalistang digmaan, palalain ang mga panibagong ekolohikal na kalamidad – lahat ng ito ay magtulak ng dagdag na kaguluhan, alitan, at mas malala, mga pandemiya. Ang sistema ito ng pagsasamantala ay walang maibigay sa sangkatauhan maliban sa pagdurusa at kahirapan.
Ang pakikibaka lang ng uring manggagawa ang tagapagdala ng ibang perspektiba, komunismo: isang lipunan na walang mga uri, walang mga bansa, walang mga digmaan, kung saan lahat ng klase ng panunupil ay maglaho. Ang tanging perspektiba ay pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Lumalaking galit at militansya
Sa 2020, sa buong mundo, binaba ang malaking kurtina: paulit-ulit na lock-downs, mga emerhensyang ospitalisasyon at milyun-milyon ang namatay. Matapos manumbalik ang militansya ng mga manggagawa na nakita natin sa maraming bansa sa 2019, partikular sa pakikibaka laban sa pension ‘reforms’ sa France, brutal na tumigil ang mga pakikibaka ng manggagawa. Pero ngayon, muli, tumataas ang galit at lumalakas ang mapanlabang diwa:
Maghanda sa mga pakikibaka sa hinaharap
Lahat ng mga pakikibakang ito ay mahalaga dahil pinakita nito na ang uring manggagawa ay hindi handa na tanggapin ang lahat ng mga sakripisyo na nais ipataw ng burgesya sa kanila. Subalit dapat din nating kilalanin ang mga kahinaan ng ating uri. Lahat ng mga pagkilos na ito ay kontrolado ng mga unyon na kahit saan ay hinati-hati at ginawang kalat-kalat ang mga manggagawa sa seksyonal na mga kahilingan, pinipigilan at sinabotahe ang mga pakikibaka. Sa Cadiz, tinangka ng mga unyon na ikulong ang mga manggagawa sa lokalismo, sa isang “kilusan ng mamamayan” para “iligtas ang Cadiz”, na para bang ang interes ng uring manggagawa ay nakasalalay sa pagtatanggol sa rehiyunal o pambansang interes at hindi nakaugnay sa kanilang mga kapatid sa uri sa lahat ng sektor at larangan! Nahirapan din ang mga manggagawa na kontrolin ang kanilang mga pakikibaka, magkaisa sa independyenteng mga pangkalahatang asembliya at labanan ang panghahati ng mga unyon.
Dagdag na peligro na kinaharap ng uring manggagawa ay isuko ang mga makauring kahilingan sa pamamagitan ng pagsama sa mga kilusan na walang kinalaman sa kanilang sariling interes at paraan ng pakikibaka. Nakita natin ito sa “Yellow Vests” sa France o, mas kamakailan lang, sa China, ng bumagsak ang housing giant na Evergrande (isang ispektakular na simbolo ng napakalaking utang ng China), na pangunahing nagtulak ng mga protesta ng mga maliit na may-ari. Sa Kazakhstan, ang malawakang welga ng sektor sa enerhiya ay sa huli nadiskaril sa pagiging pag-alsa ng “mamamayan” na walang anumang perspektiba at mabilis na natali sa bangayan ng mga paksyon ng burgesya na nag-aagawan sa kapangyarihan. Sa bawat panahon na pinaghalo ng mga manggagawa ang kanilang sarili bilang “mamamayan” na humihiling na ang kapitalistang estado ang dapat “magbabago ng lahat”, naglaho sa kanilang sariling uri ang kapangyarihan.
Ang kilusan laban sa CPE: inspirasyon para sa darating na mga pakikibaka
Sa 2006, sa France, napilitan ang burgesya na bawiin ang kanyang atake sa harap ng malawakang pakikibaka na nagbanta na palawakin ito sa ibang mga sektor.
Sa naturang panahon, ang mga estudyante, marami sa kanila ay mga part-time na manggagawa, ay nagprotesta laban sa ‘reporma’ na nakilala sa Contrat Première Embauche (First Employment Contract) o CPE, na nagbukas sa pintuan para sa kulang ang sahod at pinakamatinding pagsasamantala sa trabaho. Itinakwil nila ang kalat-kalat, hati-hati, seksyunal na mga kahilingan.
Laban sa mga unyon, binuksan nila ang kanilang mga pangkalahatang asembliya sa lahat ng kategoriya ng manggagawa at retirado. Naintindihan nila na ang pakikibaka laban sa kontraktwalisasyon para sa kabataan ay simbolo ng pakikibaka laban sa kawalang kasiguruhan ng trabaho para sa lahat.
Nakakuha ng pakikiisa sa pagitan ng mga sektor at henerasyon, ang kilusang ito, sunod-sunod na demonstrasyon, ay lumawak. Natakot ang burgersya sa dinamikong ito patungong pagkakaisa at napilitang bawiin ang CPE.
Para paghandaan ang pakikibaka, kailangan natin, sa posibleng makakaya, na magtipon para magtalakayan at halawin ang mga aral sa nagdaang mga pakikibaka. Mahalaga na ilako ang mga paraan ng pakikibaka na nagpakita ng lakas ng uring manggagawa, at kung saan, sa ilang yugto ng kasaysayan, ay yumanig sa burgesya at sa kanyang sistema:
Maghanda para sa nagkakaisa at awtonomus na mga pakikibaka sa hinaharap!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
Enero 2022
Ipinamahagi namin ang polyetong ito sa lahat ng mga bansa na nandoon ang aming mga militante. Ang sang-ayon sa laman ng aming artikulo ay maaring i- download ito sa pdf file at ipamahagi sa abot ng makakaya. Sa unang linggo ng Marso ay mag-organisa kami ng isang online public meetings sa English kung saan talakayin namin ang krisis ng sistema, pakikibaka ng uri at papel ng mga rebolusyonaryo. Kung nais ninyo lumahok sa diskusyon, pakisulat lang sa amin sa philippines@internationalism.org [53] o subaybayan ang aming website sa www.internationalism.org [52].
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17133/against-attacks-ruling-cla... [58]
Kasalukuyan nating naranasan ang pinakamatinding kampanya ng propaganda para sa digmaan mula noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig – hindi lang sa Rusya at Ukraine, kundi sa buong mundo. Kaya esensyal para sa mga naghahanap ng tugon sa mga tambol ng digmaan na sunggaban ang mensahe ng proletaryong internasyunalismo sa pamamagitan ng anumang oportunidad na magsama-sama para sa diskusyon at klaripikasyon, para sa mutwal na pagkakaisa at suporta, at para ilatag ang seryosong rebolusyonaryong pagkilos laban sa pagsulong ng burgesya ng digmaan. Kaya ang IKT ay nagdaos ng serye ng online at pisikal na pampublikong mga pagtitipon sa maraming lenggwahe – English, French, Spanish, Dutch, Italian, German, Portuguese at Turkish, na may intensyon na magdaos pa ng dagdag na mga pagtitipon sa malapit na hinaharap.
Dahil maiksi lang ang artikulong ito, hindi namin kayang sumahin ang lahat ng mga diskusyon na nangyari sa mga pagtitipong ito, na markado ng seryoso at praternal na klima, isang tunay na pagnanasa na maunawaan ano ang nangyayari. Sa halip, nais naming konsentrahan ang ilan sa mga usapin o tema na lumitaw. Inilathala rin namin sa aming website ang ilan sa mga kontribusyon ng mga simpatisador na nagbigay ng kanilang sariling pananaw sa mga diskusyon at kanilang dinamika[1].
Pangunahin ang mga internasyunalistang prinsipyo
Ang una at malamang pinakamahalagang tema ng mga pagtitipon ay ang malawak na pagkakaisa sa mga pundamental na prinsipyo ng internasyunalismo – walang suporta alin man sa imperyalistang kampo, pagtakwil sa lahat ng mga pasipistang ilusyon, apirmasyon sa internasyunal na makauring pakikibaka bilang tanging pwersa na tunay na tututol sa digmaan – ay nanatiling balido gaya ng dati, sa kabila ng malaking ideolohikal na presyur, higit sa lahat sa mga bansa sa kanluran, na magkaisa para ipagtanggol ang “matapang na maliit na Ukraine” laban sa osong Rusya. Maaring ang reaksyon ng iba na ito ay pawang karaniwang paglalahat, pero hindi dapat silang balewalain, at hindi sila madaling isulong sa kasalukuyang klima kung saan napakaliit ang mga senyales ng makauring oposisyon sa digmaan. Dapat kilalanin ng mga internasyunalista na sila, sa ngayon, ay lumalangoy salungat sa agos. Sa puntong ito sila ay katulad sa sitwasyon ng mga rebolusyonaryo na sa 1914 ay may tungkulin na manindigan sa kanilang mga prinsipyo sa harap ng pagkaulol sa digmaan na nakita sa unang mga araw at buwan ng Unang Digmaang Pandaigdig. Pero maari rin maging inspirasyon natin ang katotohanan na sa bandang huli ang reaksyon ng uring manggagawa laban sa digmaan ay ang pangkalahatang islogan ng mga internasyunalista ay maging giya sa pagkilos na naglalayong ibagsak ang pandaigdigang kapitalistang kaayusan.
Ang pangalawang susing elemento ng diskusyon – at ang hindi masyadong napagkaisahan – ay ang pangangailangan na unawain ang bigat ng kasalukuyang digmaan, na, kasunod ng pandemiya ng Covid, ay nagbigay ng dagdag na patunay na ang kapitalismo na nasa kanyang yugto ng kabulukan ay lumalaking banta sa mismong kaligtasan ng sangkatauhan. Kahit pa ang digmaan sa Ukraine ay hindi paghahanda para sa pormasyon ng bagong mga imperyalistang bloke na magdadala sa sangkatauhan sa pangatlo - at walang duda panghuli – na pandaigdigang digmaan, ito ay ekspresyon ng intensipikasyon at ekstensyon ng barbarismong militar na, kombinasyon sa pagkasira ng kalikasan at iba pang mga manipestasyon ng naghihingalong sistema, ay sa huli pareho ang resulta sa pandaigdigang digmaan. Sa aming pananaw, ang kasalukuyang digmaan ay tanda ng signipikanteng hakbang sa pagbilis ng kabulukan ng kapitalismo, isang proseso na may banta na matabunan ang proletaryado bago pa ito makapag-ipon ng pwersa para sa mulat na pakikibaka laban sa kapital.
Ang pangangailangan ng lohikal na pagsusuri
Hindi na namin ipaliwanag dito ang mga dahilan bakit tinanggihan namin ang argumento na nakikita natin ang rekonstitusyon ng istableng mga bloke militar. Sasabihin lang namin na sa kabila ng totoong mga tendensya patungong “bipolarisasyon” ng mga imperyalistang anatagonismo, kinukonsidera pa rin namin na ang mga ito ay nahigitan ng salungat na tendensya ng bawat imperyalistang kapangyarihan ay nagtatanggol ng kanilang partikular na imperyalistang interes at tutol na maging tagasunod ng isang partikular na pandaigdigang kapangyarihan. Subalit itong huling tendensya ay kahalintulad ng lumalaking kawalan ng kontrol ng naghaharing uri, ng lumalaking irasyunal at hindi mahulaan na pagdausdos patungong kaguluhan, na sa maraming paraan ay hahantong sa mas delikadong sitwasyon kaysa ang mundo ay “pinamamahalaan” ng magkaribal na mga imperyalistang bloke, i.e. ang tinawag na “Cold War”.
Marami sa mga kasama na nasa pulong ay naghapag ng mga tanong sa pagsusuring ito; at ang ilan, halimbawa ang mga myembro ng Communist Workers Organisation sa mga pulong ng lenggwaheng English, ay malinaw na tutol sa aming konsepto ng pagkabulok ng sistema. Pero halos walang duda na ang sentral na sangkap sa hindi nagbabagong internasyunalistang posisyon ay ang kapasidad na paunlarin ang lohikal na pagsusuri sa sitwasyon, kung hindi may peligro na malito sa bilis at hindi mahulaan na kagyat na mga kaganapan. At salungat sa interpretasyon sa digmaan ng mga kasama sa Cahiers du Marxisme Vivant sa isa sa mga pulong sa Pransya, hindi simpleng ekonomikong paliwanag, ang paghahanap ng tubo sa maiksing panahon, ang tunay na pinagmulan at dinamiko ng imperyalistang tunggalian sa istorikal na yugto kung saan pataas ng pataas ang dominasyon ng mga pangangailang militar at estratehiko sa mga ekonomikong layunin. Ang mapanirang gastusin ng digmaang ito ang magbigay ng dagdag na ebidensya bilang patunay dito.
Kasing halaga sa pag-unawa sa pinagmulan at direksyon ng imperyalistang sagupaan ay ang gumawa ng isang matinong pagsusuri sa sitwasyon ng pandaigdigang uring manggagawa at ang perspektiba ng makauring pakikibaka. Habang may pangkalahatang kasunduan na ang kampanya ng digmaan ay seryosong bigwas laban sa kamulatan ng uring manggagawa na naghihirap na mula sa malalim na kawalan ng tiwala at pagiging mulat-sa-sarili, ilan sa mga partisipante ng pulong ay kinokonsidera na hindi na balakid ang uring manggagawa sa digmaan. Ang tugon namin ay ang uring manggagawa ay hindi isang magkaparehong masa. Malinaw na ang uring manggagawa sa Ukraine, na epektibong nalunod na sa mobilisasyon para sa “pagtatanggol sa bansa”, ay nakalasap ng tunay na pagkatalo. Pero kaiba sa Rusya kung saan may malinaw na malawak na pagtutol sa digmaan sa kabila ng brutal na panunupil sa anumang pagtutol, at sa hukbong Ruso kung saan may mga senyales ng demoralisasyon at maging rebelyon. Pero mas importante, ang proletaryado sa sentral na mga bansa sa kanluran ay hindi sumama na isakripisyo ang sarili sa ekonomiko o militar man na antas, at ang naghaharing uri sa mga bansang ito ay matagal ng gumagamit ng kahit ano maliban sa propesyunal na mga sundalo para sa kanyang adbenturismo militar. Pagkalipas ng mga pangmasang welga sa Poland sa 1980, binuo ng IKT ang kanyang puna sa teorya ni Lenin na ang kadena ng pandaigdigang kapitalismo ay maputol kung saan “pinakamahina ang kawing” nito – sa hindi masyadong maunlad na mga bansa batay sa modelo ng Rusya sa 1917. Sa halip iginiit namin na ang mas abante sa pulitika na uring manggagawa sa kanlurang Uropa ang magiging susi sa paglawak ng makauring pakikibaka. Sa artikulo sa hinaharap, ipaliwanag namin bakit ang pananaw na ito ay balido pa rin hanggang ngayon, sa kabila ng mga pagbabagong nangyayari sa pandaigdigang proletaryado[2].
Ano ang dapat gawin?
Ang mga lumahok sa pulong ay pareho ang lehitimong iniisip hinggil sa ispisipikong responsibilidad ng mga rebolusyonaryo sa harap ng digmaan. Sa mga pulong sa Pransya at Espanya ito ang pangunahing pokus ng diskusyon, pero sa aming pagtingin ilan sa mga kasama ay kumikiling sa aktibistang paraan, masyadong pinalaki ang posibilidad na ang ating mga internasyunalistang islogan ay may kagyat na epekto sa magiging takbo ng mga kaganapan. Isang halimbawa ang panawagan ng praternisasyon sa pagitan ng mga proletaryado na nakauniporme: habang ito ay nanatiling perpektong balido bilang pangkalahatang perspektiba, kung walang pag-unlad sa mas pangkalahatang makauring kilusan tulad ng nakita natin sa mga pagawaan at lansangan sa Rusya at Alemanya sa 1917-18, napakaliit ng posibilidad na ang mga sundalo ng magkabilang kampo sa kasalukuyang digmaan ay makita ang isa’t-isa bilang mga kasama. At syempre, ang tunay na mga internasyunalista ay napakaliit na minoriya ngayon kaya hindi sila umaasa na may kagyat na epekto sa proseso ng makauring pakikibaka sa pangkalahatan.
Gayunpaman, hindi namin iniisip na ang mga rebolusyonaryo ay maging boses sa ilang. Muli, gawin nating inspirasyon sila Lenin at Luxemburg sa 1914 na nakaunawa sa pangangailangan ipunla ang bandila ng internasyunalismo kahit pa nabukod sila mula sa masa ng kanilang uri, patuloy na lumalaban para sa mga prinsipyo sa harap ng pagtraydor ng mga dating organisasyon ng manggagawa, at bumubo ng isang malinaw na pagsusuri sa tunay na mga dahilan ng digmaan sa harap ng mga palusot ng naghaharing uri. Ganun din, kailangang sumunod tayo sa halimbawa ng Zimmerwald at iba pang mga kumperensya na nagpahayag ng determinasyon ng mga internasyunalista na magkaisa at maglathala ng komon na manipesto laban sa digmaan, sa kabila ng magkaibang pagsusuri at perspektiba. Sa puntong ito ikinalulugod namin ang partisipasyon ng ibang mga rebolusyonaryong organisasyon sa mga pulong na ito, sa kanilang kontribusyon sa debate, at kanilang kahandaan na pag-isipan ang aming proposal para sa nagkakaisang pahayag ng kaliwang komunista laban sa digmaan[3]. Ikinalulungkot lang namin ang desisyon ng CWO/ICT na tanggihan ang aming proposal, isang problema na babalikan namin sa isang artikulo sa hinaharap.
Importante rin na, bilang sagot sa mga tanong ng mga kasama kung ano ang dapat gawin sa kanilang partikular na lokalidad o bansa, binigyang-diin ng IKT na pangunahin ang pagbuo at pagpapaunlad ng mga internasyunal kontak at pagkilos, ang integrasyon ng lokal at nasyunal na partikularidad sa mas pandaigdigan na balangkas ng pagsusuri. Ang pagkilos sa pandaigdigang saklaw ay makatulong sa mga rebolusyonaryo na labanan ang pagkabukod at ang demoralisasyon na maging bunga nito.
Nabigyang-diin lang ng isang mayor na imperyalistang digmaan ang realidad na ang rebolusyonaryong pagkilos ay magkaroon lang ng katuturan kaugnay sa mga rebolusyonaryong pampulitikang organisasyon. Tulad ng sinulat namin sa aming ulat sa istruktura at paggana ng rebolusyonaryong organisasyon, “Hindi iniluwal ng uring manggagawa ang mga rebolusyonaryong militante kundi ang mga rebolusyonaryong organisasyon: walang direktang relasyon sa pagitan ng mga militante at uri”[4]. Pinatingkad nito ang responsibilidad ng mga organisasyon ng kaliwang komunista sa pagbigay ng balangkas, isang militanteng sanggunian kung saan ang indibidwal na mga kasama ay magabayan ang sarili. Bilang resulta, ang mga organisasyon ay mapalakas lang sa pamamagitan ng mga kontribusyon at aktibong suporta na matanggap nila mula sa mga kasamang ito.
Amos
[1] https://en.internationalism.org/content/17166/some-impressions-icc-meeti... [59]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 122.81 KB |
Ang mga organisasyon ng kaliwang komunista ay kailangang maglunsad ng nagkakaisang pagtatanggol sa kanilang komon na minana na pagsunod sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, laluna sa panahon ng malaking peligro para sa uring manggagawa ng mundo. Ang panahong ito ay ang panunumbalik ng imperyalistang patayan sa Uropa dahil sa digmaan sa. Kaya inilathala namin sa ibaba, kasama ang iba pang lumagda mula sa tradisyon ng kaliwang komunista (at isang grupo na iba ang linya pero lubusang sumusuporta sa pahayag), ang isang nagkakaisang pahayag sa pundamental na perspektiba para sa uring manggagawa na naharap sa imperyalistang digmaan.
*********************************************
Ang mga manggagawa ay walang bansa!
Ibagsak lahat ng mga imperyalistang kapangyarihan!
Kapalit ng kapitalistang barbarismo: sosyalismo!
Ang digmaan sa Ukraine ay nangyari dahil sa magkasalungat na mga interes ng lahat ng mga imperyalistang kapangyarihan, malaki at maliit – hindi sa interes ng uring manggagawa, na isang uri ng internasyunal na pagkakaisa. Ito ay digmaan para sa estratehikong mga teritoryo, para sa dominasyong militar at ekonomiko na ipinaglalaban sa hayag at patago ng mga nais ng digmaan - US, Rusya, ang mga estado ng Kanlurang Uropa, kasama ang naghaharing uri ng Ukraine bilang inosenteng peon ng pandaigdigang imperyalistang chess board.
Ang uring manggagawa, hindi ang estado ng Ukraine, ang tunay na biktima ng digmaan, sila man ay mga pinatay na walang kalaban-laban na kababaihan at kabataan, nagugutom na mga bakwit o pinilit maging sundalo bilang pambala ng kanyon ng magkabilang hukbo, o sa lumalalang kahirapan bilang epekto ng digmaan na maranasan ng mga manggagawa ng lahat ng mga bansa.
Ang uring kapitalista at kanilang burges na moda ng produksyon ay hindi kayang pangibabawan ang kanyang mapagkumpitensya at pambansang pagkahati-hati na dahilan ng imperyalistang digmaan. Hindi maiwasan ng kapitalistang sistema na lumubog sa lumalalang barbarismo.
Sa kanyang panig, ang pandaigdigang uring manggagawa ay hindi maiwasang isulong ang kanyang pakikibaka laban sa pagbaba ng sahod at istandard ng pamumuhay. Ang pinakahuling digmaan, ang pinakamalaki sa Uropa mula 1945, ay babala sa hinaharap ng kapitalismo para sa mundo kung hindi pamunuan ng uring manggagawa na ibagsak ang burgesya at palitan ito ng kapangyarihan ng uring manggagawa, ang diktadurya ng proletaryado.
Ang mga layunin at kasinungalingan ng iba’t-ibang imperyalistang kapangyarihan
Nais ng imperyalismong Rusya na baliktarin ang napakalaking pag-atras na natamo nito sa 1989 at muling maging imperyalistang kapangyarihan. Nais panatilihin ng US ang kanyang pagiging superpower at pamumuno sa mundo na nadungisan ng kanyang kabiguang militar sa Iraq, Syria at Afghanistan. Takot ang Britain, France, Germany sa pag-abante ng Rusya pero ganun din sa mapangwasak na dominasyon ng US. Nais ng Ukraine na makipag-alyado sa pinakamalakas na imperyalistang kapangyarihan.
Tanggapin natin, ang US at mga imperyalistang kapangyarihan ng Kanluran ang may pinaka-kapani-paniwalang kasinungalingan, at may pinakamalaking makinarya ng midya para sa kasinungalingan, para bigyang katuwiran ang kanilang tunay na layunin sa digmaang ito – diumano sila ay tumugon lamang sa agresyon ng Rusya laban sa maliit at malayang mga estado, nagtatanggol sa demokrasya laban sa awtokrasiya ng Kremlin, naninidgan sa karapatang pantao laban sa brutalidad ni Putin.
Ang mas malakas na mga imperyalistang gangster ang may mas magaling na propaganda ng digmaan, mas malaki ang kasinungalingan, dahil maari nilang galitin at manipulahin ang kanilang mga kaaway upang unang magpaputok. Pero tandaan ang diumano mapayapang pagkilos ng mga kapangyarihang ito sa Gitnang Silangan, sa Syria, Iraq at Afghanistan, paano winasak kamakailan lang ng pwersang pamhimpapawid ng US ang syudad ng Mosul, paanong pinaslang ng pwersang koalisyon ang populasyon ng Iraq dahil sa maling palusot na may sandatang mapangwasak si Saddam Hussein. Tandaan na sa nakaraan maraming krimen ang mga demokrasyang ito laban sa mga sibilyan sa nagdaang siglo ito man ay sa Vietnam sa 60s, sa panahon ng 50s sa Korea, sa panahon ng ikalawang pandaigdigang digmaan sa Hiroshima, Dresden o Hamburg. Ang kalapastanganan ng Rusya laban sa populasyon ng Ukraine ay sa esensya batay sa parehong imperyalistang kalakaran.
Ang kapitalismo sa kasalukuyang panahon ay mabubuhay lang sa pamamagitan ng digmaan. Isang ilusyon na hilingin sa kanya na ‘itigil’ ang digmaan. Ang ‘kapayapaan’ ay patlang lamang sa digmaan ng kapitalismo.
Habang mas nalubog ito sa walang solusyon na krisis mas malaki ang destruksyon-militar ng kapitalismo kasabay ng kanyang lumalaking paninira dulot ng polusyon at mga salot. Ang bulok na kapitalismo ay hinog na para sa rebolusyonaryong pagbabago.
Ang uring manggagawa ay isang natutulog na higante
Ang kapitalistang sistema ay mas lalupang nagiging sistema ng digmaan at lahat ng mga kasindakan nito, ganap na umaasa sa pagpaparaya ng uring manggagawa sa lumalalang pagsasamantala sa kanyang lakas-paggawa, at sa ultimong sakripisyo na ipinawagan ng imperyalismo sa kanya para maganap ang digmaan.
Ang masugid, mulat na pakikibaka ng uring manggagawa laban sa lumalalang paghihigpit-sinturon bunsod ng imperyalistang digmaan ay ang tanging seryosong hadlang sa pagbilis ng militarismo.
Nakatago sa pagsulong ng pagtatanggol sa makauring interes ang mas malaking potensyal ng uring manggagawa, ang abilidad na magkaisa bilang uri para lubusang ibagsak ang pampulitikang makinarya ng burgesya tulad sa ginawa nito sa Rusya sa 1917 at nagbantang mangyari sa Germany at sa iba pang lugar sa panahong iyon. Ibig sabihin, ibagsak ang sistema na siyang dahilan ng digmaan. Sa totoo lang, ang Rebolusyong Oktubre at ang mga insureksyon na iniluwal nito sa ibang mga imperyalistang kapangyarihan ang dahilan ng pagtigil ng Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang pampulitikang tradisyon na ipinaglalaban, at patuloy na ipinaglalaban, ay internasyunalismo laban sa imperyalistang digmaan
Naging bantog ang mga kabayanan sa Zimmerwald at Kienthal sa Switzerland bilang lugar-pagtitipon ng mga sosyalista sa magkabilang kampo ng Unang Digmaang Pandaigdig para simulan ang internasyunalistang pakikibaka upang wakasan ang patayan at batikusin ang mga makabayang lider ng mga Sosyal-Demokratikong Partido. Sa mga pulong na ito ang mga Bolshevik, na suportado ng Kaliwang Bremen at Kaliwang Dutch, ay naghapag ng mga esensyal na prinsipyo ng internasyunalismo laban sa imperyalistang digmaan na balido pa hanggang ngayon: walang suporta sa alin man sa imperyalistang kampo, ang pagtakwil sa lahat ng mga ilusyon, at ang pagkilala na tanging ang uring manggagawa at kanyang rebolusyonaryong pakikibaka may kapasidad na wakasan ang sistema na nabubuhay sa imperyalistang digmaan. Sa puntong ito, isang bago at rebolusyonaryong internasyunal ang kailangang pumalit sa bumagsak na Ikalawang Internasyunal dahil sa kahihiyan sa 1914.
Malinaw na ang halimbawang dapat sundin ngayon ay ang matatag na mga internasyunalista sa Kaliwang Zimmerwald, hindi ang mga supling ng Sosyal Demokrasya na nagsisikap na pakilusin ang mga manggagawa para suportahan ang gobyerno ng Ukraine at NATO, o pagtakpan ang lumalaking imperyalistang tunggalian sa pamamagitan ng mga demonstrasyon na ‘Itigil ang Digmaan’.
Sa 1930’s at 1940’s tanging ang pampulitikang tendensya na tinatawag ngayon na Kaliwang Komunista ang matatag na nanindigan sa mga internasyunalistang prinsipyo na isinulong ng mga Bolshevik sa Unang Digmaang Pandaigdig. Ang Kaliwang Italyan at Kaliwang Dutch ay aktibong tinutulan ang magkabilang kampo ng ikalawang imperyalistang digmaan, itinakwil pareho ang pasista at anti-pasistang pangatuwiran para sa masaker. Tumanggi silang suportahan sa anumang paraan ang imperyalismo ng Stalinistang Rusya sa digmaan. Subalit, ibinigay ng Trotskyismo ang suportang ito, kabilang na ang kritikal na suporta sa Sosyal Demokrasya at anti-pasismo, kaya nagtraydor sa internasyunalismo ni Trotsky sa digmaan sa 1914-18 at pumanig sa isang imperyalistang kampo.
Ngayon, sa harap ng bumibilis na imperyalistang tunggalian sa Uropa, tanging ang mga organisasyon ng Kaliwang Komunista ang may karapatan na hawakan ang bandila ng matatag na proletaryong internasyunalismo, at maging sanggunian ng mga naghahanap ng mga proletaryong prinsipyo.
Kaya ang mga organisasyon at grupo ng Kaliwang Komunista ngayon, maliit man ang bilang at hindi kilala, ay nagpasyang maglabas ng nagkakaisang pahayag, at ibalita sa posibleng pinakamalawak ang mga internasyunalistang prinsipyo na pinagtibay laban sa barbarismo ng dalawang pandaigdigang digmaan.
Walang suporta sa alin mang panig ng imperyalistang patayan sa Ukraine.
Walang ilusyon sa pasipismo: nabubuhay lang ang kapitalismo sa walang kataposang digmaan
Tanging ang uring manggagawa ang magbigay wakas sa imperyalistang digmaan sa pamamagitan ng kanyang makauring pakikibaka laban sa pagsasamantala patungo sa pagbagsak ng kapitalistang sistema.
Manggagawa ng mundo, magkaisa!
--------------------------------------------
International Communist Current (www.internationalism.org [64])
Istituto Onorato Damen http://www.istitutoonoratodamen.it [65]
Internationalist Voice (en.internationalistvoice.org) [66]
Internationalist Communist Perspective (Korea) fully supports the joint statement (국제코뮤니스트전망 - International Communist Perspective (jinbo.net) [67]
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17159/joint-statement-groups-int... [63]
Kung gusto mong umalis kasama ang iyong pamilya mula sa war zones ng Ukraine, kasabay ng iba pang daang libo, pilitin kang humiwalay sa iyong asawa, mga anak at matandang mga magulang kung ikaw ay lalaki na ang edad ay sa pagitan ng 18 at 60: obligado kang lumaban sa umaabanteng hukbong Ruso. Kung manatili ka sa mga syudad, makaranas ka ng panganganyon at missiles, na ang target lang daw ay mga kampo/gusali ng militar, pero laging may “collateral damage” na una nating narinig sa Kanluran sa bantog na Gulf War sa 1991 – mga residensyal, eskwelahan at ospital ang nasira at daan-daang sibilyan ang namatay. Kung ikaw ay sundalong Ruso, malamang sinabihan ka na tatanggapin ka ng mamamayan ng Ukraine bilang tagapagligtas, pero magbayad ka ng dugo dahil sa paniniwala sa naturang kasinungalingan. Ito ang realidad ng imperyalistang digmaan ngayon, at habang magtatagal ito, mas marami ang mamamatay at masira. Pinakita ng armadong pwersa ng Rusya na may kapasidad itong durugin ang mga syudad, tulad ng ginawa nila sa Chechnya at Syria. Ang mga armas galing Kanluran para sa Ukraine ay mas marami pa ang masira.
Panahon ng kadiliman
Isa sa kanyang kamakailan lang na mga artikulo sa digmaan sa Ukraine, ang maka-kanan na pahayagang British, The Daily Telegraph ay may ulong-balita ng The world is sliding into a new Dark Age of poverty, irrationality and war (telegraph.co.uk) [68]
Ibig sabihin, napakahirap itago ang katotohanan na nabuhay tayo ngayon sa isang pandaigdigang sistema na lumulubog sa kanyang sariling kabulukan. Ito man ay epekto ng pandemiya ng covid sa buong daigdig, ng nakakatakot na prediksyon hinggil sa ekolohikal na kalamidad na kinaharap ng planeta, ng lumalaking kahirapan dulot ng krisis sa ekonomiya, ng napakalinaw na banta ng tumitinding inter-imperyalistang tunggalian, o ng pagdami ng pulitikal at relihiyosong mga pwersa na naniwala sa apokaliptong mga alamat at conspiracy theories, ang ulong-balita ng Telegraph ay humigit-kumulang pagsasalarawan sa realidad – kahit pa ang kanilang manunulat ay walang interes hanapin ang mga ugat nito na nasa mga kontradiksyon ng kapitalismo.
Mula ng bumagsak ang bloke ng silangan at ang USSR sa 1989-91, nagpaliwanag na kami na ang panlipunang sistema ng mundo na lipas na sa simula ng 20 siglo ay pumasok na sa bago at huling yugto ng kanyang pagbulusok. Salungat sa pangako na ang kataposan ng “Cold War” ay magdadala ng bagong pandaigdigang kaayusan ng kapayapaan at kasaganaan, iginiit namin na itong bagong yugto ay tanda ng lumalaking kaguluhan at militarismo. Ang mga digmaan sa Balkans sa unang bahagi ng 90s, ang Gulf war sa 1991,ang pagsakop sa Afghanistan, Iraq at Libya, ang pagdurog sa Syria, hindi mabilang na mga digmaan sa kontinente ng Aprika, ang paglitaw ng Tsina bilang pandaigdigang kapangyarihan at ang panunumbalik ng imperyalismong Rusya ay kumpirnasyon ng babalang ito. Ang pagsakop ng Rusya sa Ukraine ay tanda ng panibagong hakbang sa prosesong ito, kung saan ang paglaho ng lumang sistema ng bloke ay nagbunga ng nauulol na labanan ng isa laban sa lahat kung saan ang dating tagasunod o mahinang mga kapangyarihan ay umaangkin ng bagong posisyon para sa kanilang sarili sa imperyalistang kaayusan.
Ang kalubhaan ng bagong digmaan sa Uropa
Hindi dapat maliitin ang kahalagahan ng panibagong hayag na digmaan sa kontinente ng Uropa. Ang digmaan sa Balkans ay markado ng tendensya na bumalik ang imperyalistang kaguluhan mula sa paligid na mga rehiyon patungo sa pusod ng sistema, pero ‘yun ay digmaan sa “loob” ng isang nagkawatak-watak na estado kung saan ang antas ng kumprontasyon sa pagitan ng mga imperyalistang kapangyarihan ay hindi masyadong direkta. Ngayon nasaksihan natin ang digmaan sa Uropa sa pagitan ng mga estado, at mas hayag na kumprontasyon sa pagitan ng Rusya at sa kanyang mga karibal sa kanluran. Kung ang pandemiya ay marka ng pagbilis ng kapitalistang pagkabulok sa maraming antas (sosyal, kalusugan, ekolohikal, atbp), ang digmaan sa Ukraine ay ganap na paalala na ang digmaan ay isa ng natural na kalakaran ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto, at ang mga tensyon at tunggaliang militar ay kumakalat at tumitindi sa pandaigdigang saklaw.
Nagulat ang maraming ekspertong marami ang nalalaman sa bilis ng pagsalakay ng Rusya sa Ukraine, at kami mismo ay hindi sigurado na mangyari ito sa napakabilis at napakalaki[1]. Hindi namin iniisip na ito ay dahil sa anumang depekto ng aming batayang balangkas ng pagsusuri. Kabaliktaran. Ito ay nagmula sa pag-aalinlangan na lubusang ilapat ang balangkas na ito, na pinaliwanag na sa unang bahagi ng 90s sa ilang susing mga teksto[2] kung saan nangatuwiran kami na itong bagong yugto ng pagbulusok ay tanda ng lumalaking kaguluhan, brutal, at irasyunal na bangayang militar. Irasyunal maging sa punto-de-bista mismo ng kapitalismo[3]: samantalang sa kanyang pasulong na yugto, ang mga digmaan, higit sa lahat yaong nagbigay daan sa kolonyal na pagpapalawak, ay nagdala ng malinaw na mga ekonomikong benepisyo sa mga nanalo, sa yugto ng pagbulusok ang digmaan ay nagkaroon na ng mapanirang katangian at ang pag-unlad ng humigit-kumulang ekonomiya ng digmaan ay umubos ng malaki sa produktibidad at tubo ng kapital. Hanggang sa Ikalawang Pandaigdigang Digmaan ay mayroon pang mga “nanalo” pagkatapos ng digmaan, sa partikular ang USA at USSR. Subalit sa kasalukuyang yugto, kahit ang mga digmaan na inilunsad ng mga “pinakamalakas” na mga bansa ay napatunayang kabiguan pareho sa antas militar at ekonomiya. Ang nakakahiyang pag-atras ng US sa Iraq at Afghanistan ay malinaw na ebidensya nito.
Sa aming naunang artikulo tinumbok namin na ang pananakop o okupasyon sa Ukraine ay posibleng magsadlak sa Rusya sa bagong bersyon ng kumunoy na naranasan nito sa Afghanistan sa 1980s – at naging malakas na salik sa pagbagsak mismo ng USSR. May mga senyales na ito ang mangyayari sa pananakop sa Ukraine, na naharap sa malakas na armadong pagtutol, na hindi popular sa malaking bahagi ng populasyon sa Rusya kabilang na ang bahagi ng naghaharing uri mismo, at nagbunsod ng mapaghiganting parusa mula sa mga pangunahing karibal ng Rusya na tiyak na magpapalala sa materyal na kahirapan sa mayoriya ng populasyon sa Rusya. Kasabay nito, ang mga kapangyarihan sa kanluran ay pinasigla ang suporta sa armadong pwersa ng Ukraine, parehong sa ideolohikal at pagbigay ng mga armas at payong militar. Subalit sa kabila nitong mga prediktableng kahihinatnan, ang mga presyur sa imperyalismong Ruso bago pa ang pananakop ay patuloy na lumiliit ang posibilidad na titigil ang mobilisasyon ng kanyang pwersa palibot sa Ukraine bilang pagpakita lang ng kanyang pwersa. Sa partikular, ang pagtanggi ng NATO na itigil ang kanyang ekspansyon sa Ukraine ay hindi maaring magparaya lang ang rehimeng Putin, at ang kanyang pagsalakay ay may malinaw na layunin na wasakin ang malaking bahagi ng inprastruktutang militar ng Ukraine at itayo ang maka-Rusya na gobyerno. Ang irasyunalidad ng buong proyekto, na nakaugnay sa halos mesyanikong bisyon na ibalik ang dating imperyong Ruso, ang malaking posibilidad na mauuwi ito sa panibagong kabiguan, ay hindi makakapigil kay Putin at sa mga nakapaligid sa kanya na sumugal.
Patungo ba tayo sa pormasyon ng panibagong imperyalistang mga bloke?
Sa panlabas, naharap ang Rusya ngayon sa “Nagkakaisang Prente” ng mga demokrasya sa kanluran at bagong masiglang NATO, kung saan may pangunahing papel ang US. Ang US ang pangunahing makinabang kung matali ang Rusya sa hindi maipanalong digmaan sa Ukraine, at mula sa tumataas na pagkakaisa ng NATO na naharap sa komon na banta ng ekspansyonismong Ruso. Subalit ang pagkakaisang ito ay marupok: bago pa ang pagsalakay, pareho ang France at Germany ay nagsumikap maglaro sa kanilang sariling laro, nagbigay diin sa pangangailangan ng diplomatikong solusyon at hiwalay na naghahabol ng pakikipag-usap kay Putin. Dahil sa hayagang labanan pareho silang napilitang umatras, sumang-ayon sa implementasyon ng mga parusa, kahit pa direktang masaktan ang kanilang ekonomiya kaysa USA (ang halimbawa ng Germany na ititigil ang suplay ng enerhiya ng Rusya na lubhang kailangan nito). Subalit may mga pagkilos din na ginagawa ng EU para paunlarin ang kanyang sariling armadong pwersa at ang desisyon ng Germany na palakihin ng todo ang kanyang badyet sa armas ay kailangan din tingnan mula sa anggulong ito. Kailangan din gunitain na ang burgesyang US mismo ay naharap sa mayor na pagkakahati sa pakikitungo sa kapangyarihan ng Rusya: si Biden at ang Democrats ay inalagaan ang pagmintina sa tradisyun na kaaway ang Rusya, pero ang malaking parte ng partidong Republican ay ibang-iba ang pakikitungo. Si Trump sa partikular ay hindi maitago ang paghanga sa “katalinuhan” ni Putin ng nagsimula ang pag-atake …
Habang napakalayo pa para mabuo ang bagong bloke ng US, ang pakikipagsapalaran ng Rusya ay hindi rin tanda ng pagkabuo ng bloke ng Tsina-Rusya. Sa kabila ng kamakailan lang na magkasamang military exercises, at sa kabila ng naunang pahayag ng Tsina na suporta sa Rusya sa mga isyu tulad ng Syria, sa okasyong ito ay dumistansya ang Tsina mula sa Rusya, umiwas sa pagboto sa resolusyon sa UN Security Council na kumastigo sa Rusya sa UN Security Council at ipinakilala ang sarili na isang “tapat na tagapamagitan” na nanawagan na itigil ang labanan. At alam natin na sa kabila ng komon na interes sa pagtutol sa US, mayroong sariling pagkakaiba ang Rusya at Tsina, laluna sa usapin ng proyektong “New Silk Road” ng Tsina. Sa likod ng pagkakaibang ito ay ang pagiging mapagbantay ng Rusya na magiging tagasunod sa sariling ambisyon ng pagpapalawak ng Tsina.
Ang iba pang salik ng instabilidad na naglalaro din sa sitwasyong ito, laluna ang papel ng Turkey, na sa isang antas ay nanliligaw sa Rusya para mapataas ang istatus nito sa pandaigdigang antas, pero kasabay nito ay nagkaroon ng tunggalian sa Rusya sa mga digmaan sa pagitan ng Armenia at Azerbaijan at sa Libya. Nagbanta ngayon ang Turkey na harangin ang mga barkong pandigma ng Rusya na makadaan sa Black Sea via Dardanelles Straits, subalit ang aksyong ito ay dapat kalkulado sa batayan ng pambansang interes ng Turkey.
Pero, tulad ng sinulat namin sa aming Resolusyon sa Internasyunal na Sitwasyon mula sa ika-24 na Kongreso ng IKT, ang katotohanan na ang internasyunal na imperyalistang relasyon ay nanatiling markado ng sentripugal na tendensya ay “hindi nagkahulugan na nasa panahon tayo ng mas ligtas kaysa panahon ng Cold War, na tulad ng nakaraan ay minumulto ng Armagedong nukleyar. Kabaliktaran, kung ang yugto ng pagkabulok ay markado ng lumalaking kawalan ng kontrol ng burgesya, aplikable din ito sa napakalaking mapangwasak na mga armas – nukleyar, konbensyunal, biolohikal at kemikal – na natitipon ng naghaharing uri, at ngayon ay mas malawak na naipamahagi sa mas maraming mga bansa-estado. Habang hindi natin nakikita ang kontroladong martsa patungong digmaan sa pamumuno ng mga bloke militar, hindi natin pwedeng ipagwalang-bahala ang peligro ng unilateral na paglaganap o maging ang nakakatakot na mga aksidente na tanda ng lalupang nagpapabilis sa pagdausdos patungong barbarismo”[4].
Naharap sa nakakabinging internasyunal na kampanya para ihiwalay ang Rusya at ang praktikal na mga hakbangin na naglalayong hadlangan ang kanyang estratehiya sa Ukraine, inilagay ni Putin ang kanyang depensang nukleyar sa high alert. Ito ay maaring napakanipis na banta pa lamang sa ngayon, pero ang mga pinagsamantalahan ng mundo ay hindi dapat magtiwala sa pagiging makatuwiran ng alin mang bahagi ng naghaharing uri.
Ideolohikal na atake sa uring manggagawa
Para mobilisahin ang populasyon, at higit sa lahat ang uring manggagawa sa digmaan, kailang ilunsad ng naghaharing uri ang ideolohikal na atake kaagapay sa kanyang mga bomba at bala ng kanyon. Sa Rusya, tila pangunahing umaasa ito sa garapal na kasinungalingan hinggil sa “Nazis at drug addicts” na nagpapatakbo sa Ukraine, at walang matinding propaganda upang makuha ang pambansang suporta para sa digmaan. Ito ay patunay ng miskalkulasyon, dahil may mga reklamo at pagtutol sa loob mismo ng kanyang sariling naghaharing sirkulo, sa hanay ng mga intektwal, at sa hanay ng mas malawak na sektor ng lipunan. Maraming mga protesta sa lansangan at mahigit 6,000 ka tao ang hinuli dahil nagprotesta laban sa digmaan. May mga ulat din ng demoralisasyon sa ilang bahagi ng mga sundalo na pinadala sa Ukraine. Subalit hanggang ngayon halos walang senyales ng kilusan laban sa digmaan na nakabatay sa uring manggagawa sa Rusya, na nawalan ng koneksyon sa loob ng ilang dekada sa kanyang rebolusyonaryong tradisyon dahil sa Stalinismo. Sa Ukraine mismo, mas madilim ang sitwasyon ng uring manggagawa: naharap sa lagim ng pananakop ng Rusya, sa kalakhan ay nagtagumpay ang naghaharing uri na pakilusin ang populasyon para ipagtanggol ang “lupang sinilangan”, kung saan daan-daang libo ang nagboluntaryo na labanan ang mga mananakop gamit ang anumang sandata. Hindi natin dapat kalimutan na daan-daang libo rin ang piniling umalis mula sa larangan ng digmaan, subalit ang panawagan na lumaban para sa burges na mga ideyal ng demokrasya at bansa ay nakakuha ng suporta sa seksyon ng proletaryado na nilusaw ang sarili sa pagiging “mamamayan” ng Ukraine kung saan nakalimutan ang realidad ng pagkakahati-hati sa mga uri. Mayoriya sa mga anarkistang Ukrainian ay tila naging dulong-kaliwa ng prente popular na ito[5].
Ang kapasidad ng mga naghaharing uri sa Rusya at Ukraine na kaladkarain ang “kanilang” mga manggagawa sa digmaan ay nagpakita na ang internasyunal na uring manggagawa ay hindi magkatulad. Iba ang sitwasyon sa pangunahing mga bansa sa kanluran, kung saan sa loob ng ilang dekada naharap ang burgesya sa uring manggagawa na hindi sang-ayon – sa kabila ng kahirapan at pag-atras – na isakripisyo ang sarili sa altar ng imperyalistang digmaan. Naharap sa tumitinding agresibong paninindigan ng Rusya, ang naghaharing uri sa Kanluran ay maingat na umiiwas na magpadala ng mga sundalo at salubungin ang adbenturismo ng Kremlin ng direktang pwersa militar. Pero hindi ito nagkahulugan na ang mga naghari sa atin ay pasibong tinatanggap ang sitwasyon. Kabaliktaran. Nasaksihan natin ang pinaka-koordinadong ideolohikal na kampanya pabor sa digmaan na nakita natin sa loob ng ilang dekada, ang kampanya para sa “pakikiisa sa Ukraine laban sa pananakop ng Rusya”. Ang mga pahayagan, mula sa kanan at kaliwa, ay inilathala at sumusuporta sa mga maka-Ukraine na demonstrasyon, pinalaki ang “paglaban ng mga Ukrainian” bilang tagapagdala ng mga demokratikong ideyal ng Kanluran, na nasa peligro ngayon mula sa baliw ng Kremlin. At hindi nila itinatago ang katotohanan na may mga sakripisyo – hindi lang dahil ang parusa laban sa suplay ng enerhiya ng Rusya ay dagdag presyur sa inplasyon na nagpapahirap na sa tao para painitin ang kanilang mga bahay, kundi dahil din, sinabihan tayo, na kung nais nating ipagtanggol ang “demokrasya”, kailangan natin palakihin ang gastos sa “pagtatanggol”. Tulad ng sinabi ng liberal Observer’s Chief Political Commentator Andrew Rawnsley nitong linggo:
“Mula ng bumagsak ang Berlin Wall at ang sumunod na disarmament, ang UK at karatig-bansa nito ay pangunahing naglaan sa ‘peace dividend’ para mabigyan ang matatandang populasyon ng mas mabuting healthcare at pensions kaysa natamasa na nila. Nagpatuloy ang pag-aalinlangan na mas maglaan ng malaki sa pagtatanggol kahit pa nagiging mas agresibo ang Tsina at Rusya. Isang katlo lang sa 30 myembro ng NATO ang nakaabot sa komitment na gumastos ng 2% sa GDP sa kanilang armadong pwersa. Hindi nakaabot ang Germany, Italy at Spain sa target.
Kagyat na kailangan ng mga liberal demokrasya na manumbalik ang resolusyon na ipagtanggol ang kanilang kasaysayan laban sa panunupil na pinakita nila sa panahon ng cold war. Ang mga awtokratiko sa Moscow at Beijing ay naniwala na ang kanluran ay nahati, decadente at bumubulusok. Dapat ipakita na mali sila. Kung hindi, lahat ng salita hinggil sa kalayaan ay isang ingay lang bago ang pagkatalo[6]”. Mas malinaw ito: tulad ng pahayag ni Hitler, maari kang magkaroon ng armas, o magkaroon ka ng pagkain, pero hindi maaring magkaroon ka pareho.
Kamakailan lang ang uring manggagawa sa maraming bansa ay nagpakita ng tanda ng kahandaang ipagtanggol ang kanilang kalagayan sa pamumuhay at trabaho[7], itong malawak na opensibang ideolohikal ng naghaharing uri, itong panawagan ng sakripisyo para ipagtanggol ang demokrasya, ay maging malakas na dagok laban sa potensyal para sa pag-unlad ng makauring kamulatan. Subalit ang lumalaking patunay na ang kapitalismo ay nabubuhay sa digmaan ay, sa hinaharap, magiging salik din sa paglitaw ng kamulatan na itong buong sistema, silangan at kanluran, ay tunay ngang “dekadente at bumubulusok”, na ang kapitalistang panlipunang mga relasyon ay kailangang bunutin mula sa mundo.
Naharap sa kasalukuyang ideolohikal na atake, na naglalayong idiskaril ang tunay na galit sa nasaksihan nating kahindik-hindik sa Ukraine tungo sa pagsuporta sa imperyalistang digmaan, ang tungkulin ng mga internasyunalistang minoriya ng uring manggagawa ay hindi madali. Magsimula ito sa paglantad sa lahat ng kasinungalingan ng naghaharing uri at igiit na, sa halip na isakripisyo ang mga sarili sa pagtatanggol sa kapitalismo at sa kanyang kahalagahan, kailangang matatag na makibaka ang uring manggagawa sa pagtatanggol sa kanilang sariling kalagayan sa pamumuhay at trabaho. Kaalinsabay, nagkahulugan ito na ituro sa pamamagitan ng pag-unlad ng kanilang depensibang pakikibaka, at sa pinakamalawak na repleksyon sa karanasan ng proletaryado sa pakikibaka, na maaring manumbalik ang kanyang kaugnayan sa rebolusyonaryong pakikibaka sa nakaraan – higit sa lahat ang pakikibaka sa 1917-18 na pumilit sa burgesya na tapusin ang Unang Pandaigdigang Digmaan. Ito lang ang tanging paraan sa pakikibaka laban sa mga imperyalistang digmaan at ihanda ang sangakauhan sa pagdurog sa pinagmulan ng digmaan: ang pandaigdigang kapitalistang sistema!
Amos
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17151/ruling-class-demands-sacri... [69]
[1] Tingnan Ukraine: the worsening of military tensions in Eastern Europe | International Communist Current (internationalism.org) [70]; Russia-Ukraine crisis: war is capitalism’s way of life | International Communist Current (internationalism.org) [71]
[2] Sa partikular ang Orientation text: Militarism and decomposition | International Communist Current (internationalism.org) [54]
[3] Itong pundamental na irasyunalidad ng isang panlipunang sistema na walang kinabukasan ay syempre sinabayan ng lumalaking irasyunalidad sa antas ng ideolohiya at sikolohiya. Ang kasalukuyang akmang pagkabaliw sa mentalidad ni Putin ay batay sa kalahating katotohanan, dahil si Putin ay isa lang sa halimbawa ng isang lider na iniluwal ng kabulukan ng kapitalismo at paglaki ng populismo. Nakalimot na ba ang midya sa kaso ni Donald Trump?
[4] Resolution on the international situation adopted by the 24th ICC Congress | International Communist Current (internationalism.org) [72]
[5] Tingnan halimbawa ang CrimethInc. : Russian Anarchists on the Invasion of Ukraine : Updates and Analysis [73]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 83.73 KB |
"Tama na". Ito ang sigaw na umalingawngaw sa mga welga nitong nagdaang ilang linggo sa UK. Ang napakalaking kilusang ito, na binansagang "Ang Tag-init ng Galit", na tumukoy sa nakaraang "Taglamig ng Galit" sa 1979, na nilahukan ng mga manggagawa ng dumaraming mga sektor bawat araw: mga riles, ang London Underground, British Telecom, ang Post Office, mga manggagawa sa pantalan ng Felixstowe (isang susing pantalan sa timog-silangan ng Britanya), mga manggaagwa sa basurahan at mga drayber ng bus sa iba’t-ibang bahagi ng bansa, ang Amazon, atbp. Ngayon, mga manggagawa sa transportasyon, bukas malamang mga manggagawa sa kalusugan at guro.
Lahat ng mga reporter at komentarista ay kinilala ito bilang pinakamalaking pagkilos ng uring manggagawa sa Britanya sa loob ng ilang dekada; tanging ang napakalaking mga welga sa 1979 ang nagluwal ng isang mas malaki at mas malawak na pagkilos. Ang pagkilos ng ganito kalawak sa isang bansa na kasing laki tulad ng Britanya ay hindi lang mahalaga sa antas lokal, ito ay kaganapan na may internasyunal na kahalagahan, isang mensahe para sa mga pinagsamantalahan ng bawat bansa.
Sa mga atake sa istandard ng pamumuhay ng lahat ng pinagsamantalahan, makauring pakikibaka ang tanging sagot
Bawat dekada, katulad sa ibang maunlad na mga bansa, ang sunod-sunod na mga gobyerno sa Britanya ay walang humpay na inaatake ang kalagayan ng pamumuhay at trabaho na iisa ang kinalabasan: gawin ang kalagayan na mas walang katiyakan at pleksible para mapabuti ang pagiging mapagkumpitensya ng bansa at tubo. Ang mga atakeng ito ay umabot nitong nakaraang mga taon sa antas kung saan ang mortalidad ng mga sanggol sa Britanya ay “walang katulad na pagtaas mula 2014” (ayon sa medical journal BJM Open[[1]] [77]).
Kaya ang kasalukuyang pagtaas ng inplasyon ay isang tunay na tsunami. Sa 10.1% na pagtaas ng presyo sa Hulyo, 13% ay inaasahan sa Oktubre, 18% sa Enero, ang pinsala ay mapangwasak. Nagbabala ang NHS na "Maraming mamamayan ang mapilitang pumili sa pagitan ng hindi kakain para mapainit ang kanilang mga tahanan, o manirahan sa malamig o mamasa-masa ". Sa pagtaas ng gas at elektrisidad ng 54% sa Abril at 78% sa Oktubre 1, ang sitwasyon ay talagang hindi makatuwiran.
Ang lawak ng mobilisasyon ng mga manggagawa sa Britanya ngayon ay sa wakas katumbas sa mga atake na kinaharap nila, habang sa nagdaang mga dekada, nagdurusa sa mga kabiguan sa panahon ni Thatcher, wala silang lakas na makibaka.
Sa nakaraan, ang mga manggagawa sa Britanya ay nakahanay sa pinaka-militante sa mundo. Ang "Taglamig ng Galit" sa 1979, batay sa naitalang mga araw ng welga, ay ang pinaka-malaking kilusan sa anumang bansa matapos ang Mayo 1968 sa Pransya, malamang mas malaki sa "Mainit na Taglagas " sa 1969 sa Italya. Pangmatagalang nasupil ng gobyerno ni Thatcher ang napakalaking pakikibaka ng manggagawa sa pamamagitan ng bigwas ng serye ng mga masaklap na pagkatalo nito, partikular sa panahon ng welga ng mga minero sa 1985. Ang pagkatalong ito ay tanda ng matagalang paghina ng pakikibaka ng mga manggagawa sa UK; nagpahayag din ito ng panglahatang paghina ng pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo. Sa sumunod na limang taon, sa 1990, sa pagbagsak ng USSR, mapanlinlang na inilarawan na "sosyalistang" rehimen, ang pekeng pahayag ng “kamatayan ng komunismo” at ang “na tagumpay ng kapitalismo”, isang makamatay na suntok ang tumama sa mga manggagawa ng mundo. Simula noon, inalisan ng perspektiba, nabura ang kanilang tiwala at makauring identidad, ang mga manggagawa sa Britanya, mas malala kaysa saan man, ay nagdurusa sa mga atake ng sunod-sunod na mga gobyerno na walang tunay na paglaban.
Pero, sa harap ng mga atake ng burgesya, naipon ang galit at ngayon, muling pinakita ng uring manggagawa ng Britanya na handa silang lumaban para sa kanilang dignidad, itakwil ang mga sakripisyo na laging hinihingi ng kapital. Dagdag pa, ito ay pahiwatig ng internasyunal na pagbabago: sa nakaraang taglamig, nagsimulang lumitaw ang mga welga sa Espanya at Amerika; nitong tag-init, nakaranas ng mga walkout sa Alemanya at Belgium; at ngayon, nakikinita ng mga komentarista ang "isang eksplosibong panlipunang sitwasyon " sa Pransya at Italya sa susunod na mga buwan. Hindi maaaring makita saan at kailan muling lilitaw ang malawak na pakikibaka ng manggagawa sa malapit na hinaharap, subalit ang tiyak: ang kasalukuyang pagkilos ng mga manggagawa sa Britanya ay isang signipikanteng istorikal na kaganapan. Lipas na ang mga araw ng pagiging pasibo at pagsuko. Itinaas na ng bagong henerasyon ng mga manggagawa ang kanilang mga ulo.
Ang makauring pakikibaka sa harap ng imperyalistang digmaan
Ang kahalagahan ng kilusang ito ay hindi lang tinapos nito ang mahabang panahon ng kawalang-kibo. Lumitaw ang mga pakikibakang ito sa panahon na ang mundo ay naharap sa malawak na imperyalistang digmaan, isang digmaan ng Rusya laban sa Ukraine pero may pandaigdigang epekto, na sa partikular, mobilisasyon ng mga myembrong bansa ng NATO. Hindi lang pangako ng mga armas kundi sa antas rin ng ekonomiya, diplomatiko at ideolohikal. Sa Kanlurang mga bansa, nanawagan ang mga gobyerno ng mga sakripisyo para “ipagtanggol ang kalayaan at demokrasya". Sa kongkretong termino, ito ay nagkahulugan na ang mga proletaryado ng mga bansang ito ay kailangang higpitan ang kanilang mga sinturon para “ipakita ang pakikiisa sa Ukraine" – sa katotohanan, sa burgesya ng Ukraine at naghaharing uri sa mga bansa ng Kanluran.
Ang mga gobyerno ay walang hiyang binigyang katuwiran ang kanilang mga atake sa pamamagitan ng palusot sa paninira ng global warming at risgo ng kakulangan sa enerhiya at pagkain ("pinakamalalang krisis sa pagkain " ayon sa UN Secretary General). Nanawagan sila ng "pagtitimpi" at nagpahayag ng kataposan ng "kasaganaan" (kung gamitin ang buhong na mga salita ng Presidente ng Pransya na si Macron). Pero kasabay nito pinalakas nila ang ekonomiya para sa digmaan: ang pandaigdigang gastos sa militar ay umabot sa $2,113 bilyon sa 2021! Habang ang UK ay nasa unang lima sa mga estado sa gastos militar, simula ng digmaan sa Ukraine, bawat bansa ng mundo ay pinabilis ang kanyang paligsahan sa armas, kabilang na ang Alemanya, na kauna-unahan mula 1945!
Nanawagan ang mga gobyerno ngayon ng “mga sakripisyo para labanan ang inplasyon”. Ito ay masamang biro dahil ang ginagawa nila ay pinalala ito dahil itinaas nila ang gastusin sa digmaan. Ito ang kinabukasan ng kapitalismo at pinapangako ng kanyang magkaribal na mga pambansang burgesya: mas maraming digmaan, mas maraming pagsasamantala, mas maraming paninira, mas maraming kahirapan.
At saka, ito ang itinuturo ng mga welga ng manggagawa sa Britanya, kahit pa hindi ganap na mulat ang mga manggagawa dito: ang tumanggi sa karagdagang sakripisyo para sa interes ng naghaharing uri, ang tumanggi na magsakripisyo para sa pambansang ekonomiya at para sa digmaan, ang tumanggi na tanggapin ang lohika ng sistemang ito na aakay sa sangkatauhan tungo sa malaking kapahamakan at, sa huli, sa kanyang pagkawasak. Malinaw ang mga alternatiba: sosyalismo o pagkawasak ng sangkatauhan.
Ang pangangailangan na iwasan ang patibong ng burgesya
Ang kakayahan ng mga manggagawa na panindigan ito ay napakahalaga dahil ang uring manggagawa sa UK ay sinampal sa nagdaang mga taon ng populistang ideolohiya, kung saan pinag-away-away ang mga pinagsamantalahan sa isa’t-isa, hinati sila sa ‘katutubo’ at ‘banyaga’, itim at puti, lalaki at babae, hanggang sa punto na naniwala sila na ang makitid na pag-atras sa Brexit ay solusyon sa kanilang mga problema.
Pero may iba pa, mas mapaminsala at mapanganib na mga patibong ng burgesya sa daan ng pakikibaka ng uring manggagawa.
Napakalaking mayoriya ng kasalukuyang mga welga ay panawagan ng mga unyon, na kinatawan ang sarili bilang pinaka-epektibong organo para organisahin ang pakikibaka at nagtatanggol sa pinagsamantalahan. Pinaka-epektibo ang mga unyon, oo, pero tanging sa pagtatanggol sa burgesya at organisahin ang pagkatalo ng uring manggagawa.
Sapat na isipin na naging posible ang tagumpay ni Thatcher salamat sa sabotahe ng mga unyon. Sa Marso 1984, kung saan biglaang inanunsyo ang 20,000 tinanggal sa trabaho sa industriya ng uling, mabilis ang reaksyon ng mga minero: sa unang araw ng welga, 100 mga hukay sa 184 ang isinara. Pero ang unyon ng korset ng bakal ay agad-agad pinalibutan ang mga welgista. Ang mga unyon sa tren at seamen ay simbolong suporta lang sa welga ang binigay. Ang makapangyarihang unyon sa pantalan ay nahuli ng dalawang beses sa panawagan ng welga. Tumanggi ang TUC (ang pambansang kongreso ng mga unyon) na suportahan ang welga. Tutol naman ang mga unyon ng elektrisyan at bakal. Sa madaling sabi, aktibong sinabotahe ng mga unyon ang anumang posibilidad ng komon na pakikibaka. Pero higit sa lahat, ang unyon ng mina, ang NUM (National Union of Mineworkers), ay kinumpleto ang pananabotaheng ito sa pamamagitan ng pagtakda sa mga minero sa walang saysay na labanan sa kapulisan para pigilan ang transportasyon ng uling mula sa coking depots (tumagal ito ng mahigit isang taon!). Salamat sa pananabotahe ng unyon, sa mga baog at walang kataposang kumprontasyon sa kapulisan, ang panunupil sa welga ay naging matindi at marahas. Ang pagkatalong ito ay pagkatalo ng buong uring manggagawa.
Kung ngayon, sa UK, ang parehong mga unyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe at nagkunwaring sumusuporta sa pagkakaisa ng iba’t-ibang sektor, nag-aamba ng banta ng pangkalahatang welga, ito ay dahil minamatyagan nila ang mga problema ng uring manggagawa at nais nilang kontrolin ang pagkilos ng mga manggagawa, ang kanilang galit, ang kanilang pakikibaka at ang kanilang damdamin na dapat magkaisa tayo sa pakikibaka, para mas maayos nilang mabaog at mailihis ang dinamikong ito. Sa realidad, sa batayang antas, hiwa-hiwalay nila na minamanipula ang mga welga; sa likod ng iisang islogan ng mas mataas na sahod para sa lahat, nakulong sa magka-iba-ibang sektor at nagkahiwa-hiwalay sa antas-kompanya na mga negosasyon; higit sa lahat, binabantayan talaga nila na mapigilan ang anumang tunay na diskusyon sa pagitan ng mga manggagawa mula sa iba’t-ibang sektor. Walang anumang inter-industriya na mga pangkalahatang asembliya. Kaya huwag magpaloko sa sinabi ni Liz Truss, ang nangungunang pampalit kay Boris Johnson, na "hindi hahayaan na ang Britanya ay maging pantubos ng mga militanteng unyonista" kung siya na ang magiging Primero Ministro. Sinusunod lang niya ang yapak ng kanyang modelo, si Margaret Thatcher; binibigyan niya ng kredibilidad ang mga unyon sa pamamagitan ng pagsabing sila ang pinaka-militanteng kinatawan ng mga manggagawa para sa mas maayos, nagkakaisa, na pamunuan ang uring manggagawa tungo sa pagkatalo.
Sa Pransya, sa 2019, naharap sa tumataas na militansya at silakbo ng pagkakaisa sa pagitan ng mga henerasyon, ginamit na ng mga unyon ang katulad na estratehiya sa pamamagitan ng panawagan ng "salubongan ng pakikibaka", bilang panghalili sa nagkakaisang pagkilos, kung saan ang mga demonstrador na nagmartsa sa lansangan ay nakagrupo bawat sektor at bawat kompanya.
Sa UK, at kahit saan, para mabuo ang balanse ng pwersa upang malabanan natin ang walang puknat na mga atake sa ating pamumuhay at pagtrabaho, na mas maging marahas sa hinaharap, kailangan natin, saan man posible, na magtipon-tipon para magdebate at maglatag ng mga paraan sa pakikibaka upang maging malakas ang uring manggagawa, na magbigay kapasidad, sa tiyak na mga yugto sa kanyang kasaysayan, na yanigin ang burgesya at ang kanyang sistema, sa pamamagitan ng:
- paghahanap ng suporta at pagkakaisa lampas sa “ating” pabrika, "ating" kompanya, "ating" sektor ng pagkilos, "ating" syudad, "ating" rehiyon, "ating" bansa;
- ang nagsasariling organisasyon ng mga pakikibaka ng manggagawa, sa partikular sa pamamagitan ng mga pangkalahatang asembliya, at pigilan na makontrol ang pakikibaka ng mga unyon, ang "tinatawag na mga espesyalista" sa organisasyon ng mga pakikibaka ng mga manggagawa;
- paunlarin ang pinaka-malawak na posibleng diskusyon sa pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka, sa mga positibong aral na nahalaw mula sa nagdaang mga pakikibaka – kabilang na ang mga pagkatalo, dahil mayroon talagang mga pagkatalo, pero ang pinaka-malaking pagkatalo ay magdurusa sa mga atake na walang paglaban; ang pagpasok sa pakikibaka ang unang tagumpay ng pinagsamantalahan.
Kung ang pagbabalik ng malawakang mga welga sa UK ay tanda ng panunumbalik ng militansya ng pandaigdigang proletaryado, mahalaga rin na ang mga kahinaan na naging dahilan ng pagkatalo sa 1985 ay mapangibabawan: kaisipang antas pabrika at ilusyon sa unyonismo. Ang pagsasarili ng pakikibaka, ang kanyang pagkakaisa at solidaridad ay napakahalagang sukatan sa paghahanda para sa mga pakikibaka sa hinaharap!
At para dito, dapat kilalanin natin ang ating mga sarili bilang mga myembro ng parehong uri, isang uri na ang pakikibaka ay pinag-isa sa pamamagitan ng pagkakaisa: ang uring manggagawa. Ang mga pakikibaka ngayon ay napakahalaga hindi lang dahil ipinagtatanggol ng uring manggagawa ang sarili laban sa mga atake kundi dahil itinuturo rin nito ang daan para manumbalik ang makauring identidad sa buong daigdig, sa paghahanda para ibagsak ang kapitalistang sistema, na nagbibigay lang sa atin ng kahirapan at lahat ng klaseng mga pinsala.
Walang anumang solusyon sa loob ng kapitalismo: ito man ay pagwasak ng planeta, mga digmaan, kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, o kahirapan. Tanging ang pakikibaka lang ng pandaigdigang proletaryado na suportado ng lahat ng inaapi at pinagsamantalahan sa mundo mabuksan ang alternatibang daan.
Ang malawakang mga welga sa Britanya ay panawagan na makibaka ang mga manggagawa sa lahat ng dako
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 27 Agosto 2022
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17247/ruling-class-demands-further-sacrifices-response-working-class-fight [78]
[1] [79] https://bmjopen.bmj.com [80]
Sa maraming okasyon, giniit ng organisasyon ang kahalagahan ng usapin ng militarismo at digmaan sa panahon ng pagbulusok[[1] [81]], pareho sa punto-de-bista ng buhay ng kapitalismo mismo, at ng proletaryado. Dahil sa mabilis na sunod-sunod na mga pangyayari na may istorikal na kahalagahan sa nakaraang taon (pagbagsak ng bloke ng Silangan, digmaan sa Gulpo) na bumago sa sitwasyon ng mundo, dahil sa pagpasok ng kapitalismo sa kanyang pinal na yugto ng dekomposisyon[[2]] [82], napakaimportante na absolutong malinaw sa mga rebolusyonaryo ang esensyal na usapin: ang papel ng militarismo sa loob ng bagong kondisyon ng mundo ngayon.
1) Salungat sa Bordigistang tendensya, hindi kinilala ng IKT ang marxismo bilang "hindi nagbabagong doktrina", kundi bilang buhay na kaisipan na pinayaman ng bawat mahalagang istorikal na kaganapan. Ang naturang mga kaganapan ay maaring magpatibay sa balangkas o pagsusuri na umunlad sa nakaraan, at kaya suportahan sila, o patingkarin ang katotohanan na ang ilan ay lipas na, at kailangan ang repleksyon para mapalawak ang aplikasyon sa mga iskema na dati balido pero nilagpasan na ng mga pangyayari, o gamitin ang mga bago na tumutugma sa bagong realidad.
Ang mga rebolusyonaryong organisasyon at militante ay may ispisipiko at pundamental na responsibilidad na gawin ang repleksyon, laging pasulong, tulad ng ginawa ng mga nauna sa atin katulad nila Lenin, Rosa, Bilan, ang Kaliwang Komunistang Pranses, atbp, na may pag-iingat at katapangan:
- palagi at matatag tayong nakabatay sa mga batayang yaman ng marxismo,
- sinusuri ang realidad na walang anumang takip-sa-mata, at paunlarin ang ating kaisipan na "walang anumang iniiwasan" (Bilan).
Sa partikular, sa harap ng mga istorikal na pangyayari, importante na may kapasidad ang mga rebolusyonaryo na makita ang kaibahan sa pagitan ng mga pagsusuri na nalagpasan na ng mga pangyayari at yaong nanatiling balido pa, para maiwasan ang dobleng patibong: bumigay sa esklerosis o "ihagis ang bagong silang na bata sa tubig ". Mas eksakto, kailangang bigyang-diin ano sa ating pagsusuri ang esensyal at pundamental, at nanatiling balido sa ibat-ibang istorikal na mga sirkumstansya, at ano ang segundaryo at sirkumstansyal – sa madaling sabi, alamin paano pag-ibahin ang esensya ng realidad at ang kanyang ibat-ibang ispisipikong mga manipestasyon.
2) Sa loob ng isang taon, dumaan ang mundo sa malaking mga kaganapan, na malakihang bumago sa mundo magmula sa ikalawang imperyalistang digmaan. Ginawa ng IKT ang makakaya upang masusing obserbahan ang mga pangyayari:
- tingnan ang kanilang istorikal na kahalagahan,
- tingnan paano kinumpirma o pinawalang-bisa ang mga makauring balangkas na tama sa nakaraan.
Bagaman hindi namin eksaktong nakini-kinita paano magaganap ang mga istorikal na pangyayaring ito (paghihingalo ng Stalinismo, paglaho ng bloke ng Silangan, disintegrasyon ng bloke ng Kanluran), perpekto naman itong nakaangkla sa balangkas ng pagsusuri at unawa sa kasalukuyang istorikal na yugto na dating ginawa ng IKT: ang yugto ng dekomposisyon.
Ganun din sa kasalukuyang digmaan sa Persian Gulf. Pero ang kahalagahan ng pangyayaring ito at ang pangunahing mga kalituhan sa hanay ng mga rebolusyonaryo ang nagbigay responsibilidad sa aming organisasyon na malinaw na unawain ang epekto at pinsala ng mga katangian ng yugto ng dekomposisyon sa usapin ng militarismo at digmaan, ang suriin paano inilahad ang usaping ito sa bagong istorikal na yugto.
3) Militarismo at digmaan ang pundamental na katangian ng buhay ng kapitalismo ng pumasok ito sa dekadenteng yugto. Magmula ng makompleto ang pandaigdigang pamilihan sa simula ng siglong ito, at ang pagkahati ng mundo sa kolonyal at reserbang komersyal ng ibat-ibang abanteng kapitalistang mga bansa, nagbunga ito ng intensipikasyon ng kompetisyon na nagpalala sa mga tensyong militar, ang paglikha ng mas agresibong mga sandata, at ang lumalaking paggamit ng buong buhay ng ekonomiya at panlipunan sa mga pangangailangang militar. Sa totoo lang, ang militarismo at imperyalistang digmaan ang sentral na manipestasyon ng pagpasok ng kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto (katunayan ang simula ng yugto ay markado ng pagputok ng Unang Digmaang Pandaigdig), hanggang sa punto na para sa mga rebolusyonaryo ng panahong iyon, pareho ang kahulugan ng imperyalismo at dekadenteng kapitalismo.
Tulad ng tinuro ni Rosa Luxemburg, ang imperyalismo ay hindi ispisipikong manipestasyon ng kapitalismo kundi ang kanyang moda ng pag-iral sa bagong istorikal na yugto, hindi ang partikular na mga estado ang imperyalista, kundi lahat ng mga estado.
Sa realidad, kung ang militarismo, imperyalismo, at digmaan ay iniugnay sa yugto ng pagbulusok, ito ay dahil ang huli ay umaayon sa katotohanan na ang kapitalistang mga relasyon ng produksyon ay naging hadlang na sa pag-unlad ng mga produktibong pwersa: ang perpektong irasyunal na katangian, sa pandaigdigang ekonomikong antas, ang gastusing militar at digmaan ay ekspresyon lang ng anomalya ng mga relasyon ng produksyon na patuloy na umiiral. Sa partikular, ang permanente at lumalaking pakasira-sa-sarili ng kapital na bunga ng ganitong moda ng buhay na sumisimbolo ng naghihingalong sistema, at malinaw na ipinakita na ito ay kinondena na ng kasaysayan.
4) Naharap sa sitwasyon kung saan ang digmaan ay permanenteng umiiral sa buhay ng lipunan, umunlad sa dekadenteng kapitalismo ang dalawang penomena na siyang naging mayor na katangian ng yugtong ito: kapitalismo ng estado at ang mga imperyalistang bloke. Ang kapitalismo ng estado, na unang lumitaw sa panahon ng Unang Digmaang Pandaigdig, ay tumugon sa pangangailangan ng bawat bansa na tiyakin ang maksimum na disiplina ng iba’t-ibang sektor ng lipunan at bawasan ang kumprontasyon pareho sa pagitan ng mga uri at sa pagitan ng mga paksyon ng naghaharing uri, para mobilisahin at kontrolin ang buong pang-ekonomiyang potensyal bilang paghahanda sa kumprontasyon sa ibang mga bansa. Sa parehong kadahilanan, ang pagbuo ng mga imperyalistang bloke ay tugon sa pangangailangan na ipataw ang kahalintulad na disiplina sa hanay ng iba’t-ibang pambansang burgesya, para limitahan ang kanilang mutwal na antagonismo at kabigin sila na magkaisa para sa ultimong kumprontasyon sa pagitan ng dalawang kampo-militar.
At habang mas lalupang nahulog ang kapitalismo sa kanyang pagbulusok at istorikal na krisis; ang dalawang katangiang ito ay mas lalupang lumalakas. Nakita sila laluna sa pag-unlad ng kapitalismo ng estado sa antas ng buong imperyalistang bloke magmula sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ni ang kapitalismo ng estado, o imperyalismo, o ang kumbinasyon ng dalawa ay ekspresyon ng anumang "pasipikasyon" sa relasyon sa pagitan ng iba’t-ibang sektor ng kapital, at hindi rin “pampalakas” sa kanila. Kabaliktaran, sila ay walang iba kundi pagtatangka ng kapitalismo na labanan ang lumalaking tendensya ng dislokasyon nito[[3]] [83].
5) Ang pangkalahatang pagkabulok ay ang huling yugto ng pagbulusok ng kapitalismo. Sa puntong ito, walang duda na nasa yugtong ito ang mga ispisipikong katangian ng yugto ng pagbulusok: ang istorikong krisis ng kapitalistang ekonomiya, kapitalismo ng estado, at ang pundamental na penomena ng militarismo at imperyalismo.
At saka, dahil ang dekomposisyon ay kulminasyon ng mga kontradiksyon ng bumubulusok na kapitalismo, ang mga ispisipikong katangian ng yugtong ito (pagbulusok) ay mas pinalala ng kanyang huling yugto (dekomposisyon):
- mas naging masama ang dekomposisyon, dahil sa hindi maiwasang pagbulusok ng kapitalismo sa krisis;
- hindi pinagdududahan ang tendensya patungong kapitalismo ng estado kahit pa naglaho ang ilan sa kanyang pinaka-parasitiko at abnormal na porma, tulad ng Stalinismo ngayon; kabaliktaran[[4]] [84].
Ganun din sa militarismo at imperyalismo, gaya ng nakita natin sa buong 1980's kung saan lumitaw ang penomena ng dekomposisyon at umunlad. At ang realidad na ito ay hindi dapat pagdudahan dahil sa pagkawala ng pagkahati-hati ng mundo sa dalawang imperyalistang kampo bilang resulta ng pagkawasak ng bloke ng Silangan.
Ang pagbuo ng mga imperyalistang bloke ay hindi ang pinagmulan ng militarismo at imperyalismo. Ang kabaliktaran ang totoo: ang pormasyon ng mga blokeng ito ay sukdulang resulta lang (na sa ilang pagkakataon ay magpapatindi ng mga kadahilanan), isang ekspresyon (at hindi lang natatangi), ng pagbulusok ng kapitalismo sa militarismo at digmaan.
Sa isang kahulugan, ang pormasyon ng mga bloke ay kasing kahulugan ng imperyalismo katulad ng Stalinismo ay sa kapitalismo ng estado. Katulad ng ang kataposan ng Stalinismo ay hindi nagkahulugan ng kataposan ng istorikal na tendensya patungong kapitalismo ng estado, kung saan isa ito sa manipestasyon, kaya ang kasalukuyang paglaho ng mga imperyalistang bloke ay hindi ibig sabihin na pagdudahan ang pagtangan ng imperyalismo sa buhay ng lipunan. Ang pundamental na pagkakaiba ay batay sa katotohanan na habang ang kataposan ng Stalinismo ay tumugon sa eliminasyon ng isang partikular na abnormal na porma ng kapitalismo ng estado, ang paglaho ng mga bloke ay binuksan lang ang pintuan sa mas barbariko, abnormal, at magulong porma ng imperyalismo.
6) Pinaunlad na ng IKT ang pagsusuring ito ng binigyang-diin nito ang pagbagsak ng bloke ng Silangan:
"Sa yugto ng dekadenteng kapitalismo, lahat ng mga estado ay imperyalista, at ginawa ang kailangang mga hakbang para bigyang kasiyahan ang kanilang pagnanasa: ekonomiya ng digmaan, produksyon ng armas, atbp. Kailangang malinaw nating ipahayag na ang lumalalim na kombulsyon ng pandaigdigang ekonomiya ay patatalasin lang ang tunggalian sa pagitan ng iba’t-ibang mga estado, kabilang na at lumalaki pa sa antas militar. Ang kaibahan, sa darating na panahon, ang mga antagonismong ito na dati kontrolado at ginagamit ng dalawang malaking bloke ay malalantad na. Ang paglaho ng pagiging pulisya ng imperyalistang Rusya, at ang epekto nito sa pagiging pulis ng Amerika kaugnay sa kanyang “mga alyado”, ay nagbukas ng pintuan para pakawalan ang buong serye ng mas maraming lokal na tunggalian. Sa kasalukuyan, ang mga kompetisyon at tunggalian ay hindi hahantong sa pandaigdigang digmaan (kahit pa ipagpalagay na ang proletaryado ay wala ng kapasidad na lumaban). Subalit, sa paglaho ng disiplina na ipinataw ng dalawang bloke, ang mga tunggaliang ito ay mas magiging madalas at marahas, laluna syempre sa mga lugar na pinakamahina ang proletaryado" (International Review, no 61).
"Ang paglala ng kapitalistang ekonomiya sa pagiging pandaigdigang krisis ay hindi maiwasang mag-udyok ng panibagong pagtindi sa mismong mga internal na kontradiksyon ng burgesya. Katulad ng sa nakaraan, makikita ang mga kontradiksyong ito sa antas ng antagonismong militar: sa dekadenteng kapitalismo, ang digmaan sa kalakalan ay hindi mapigilang hahantong sa armadong tunggalian. Sa puntong ito, kailangang pursigidong labanan ang pasipistang ilusyon na maaring lumitaw dahil sa “mabuting” relasyon sa pagitan ng USSR at USA: hindi maglalaho ang tunggaliang militar sa pagitan ng mga estado, kahit pa hindi na sila magamit at ma-manipula ng malalaking kapangyarhihan. Kabaliktaran, tulad ng nakita natin sa nakaraan, ang militarismo at digmaan ay ang buhay mismo ng dekadenteng kapitalismo, at kinumpirma lang ito ng paglalim ng krisis. Subalit kabaliktaran sa nagdaang yugto, ang mga tunggaliang militar na ito ay hindi na nag-aanyong tunggalian sa pagitan ng dalawang makapangyarihang imperyalistang bloke ... " (International Review, no 63, 'Resolution on the International Situation').
Ngayon, ang pagsusuring ito ay lubusang nakumpirma sa digmaan sa Persian Gulf.
7) Ang digmaang ito ay unang mayor na manipestasyon ng bagong pandaigdigang sitwasyon mula ng bumagsak ang bloke ng Silangan (sa puntong ito, ang kanyang kahalagahan ngayon ay napakalaki):
- Ang “hindi makontrol” na adbenturismo ng Iraq, pagsakop sa ibang bansa na dati kabilang sa kanyang dating dominanteng bloke, ay kumpirmasyon ng paglaho mismo ng bloke ng Kanluran;
- Pinakita nito ang pagtingkad ng tendensya (ispisipiko sa dekadenteng kapitalismo) na lahat ng mga bansa ay gumagamit ng armadong pwersa para tangkaing makawala sa hindi na matiis na tumitinding ng krisis;
- ang pambihirang pagpakilos ng militar ng USA at kanyang mga “alyado” ay nagpatingkad sa lumalaking katotohanan na tanging pwersang militar lang ang maaring dahilan ng minimum na istabilidad sa mundo na pinagbantaan ng lumalaking kaguluhan.
Sa puntong ito ang digmaan sa Gulpo ay hindi, katulad ng sinabi ng karamihan sa proletaryong kampo, "digmaan dahil sa presyo ng lana". Ni mabawasan ito dahil lang sa “digmaan para kontrolin ang Gitnang Silangan", gaano man kaimportante ang rehiyong ito. Kahalintulad, ang operasyong militar sa Gulpo ay hindi lang naglalayon na pigilan ang kaguluhan na lumalaki sa Ikatlong Daigdig.
Syempre, lahat ng mga elementong ito ay may papel. Totoo na halos lahat ng mga bansa sa Kanluran ay may interes sa murang lana (hindi katulad ng USSR, na sa kabila na lumahok sa aksyon laban sa Iraq ay limitado lang ayon sa kapasidad nito), pero hindi ‘yan ang paraan para mapababa ang presyo ng lana (itinaas na nila ang presyo ng krudo na mas mataas pa sa hinihingi ng Iraq).
Totoo rin na hindi maipagkaila ang interes ng USA na kontrolin ang oil-fields, at mapalakas nito ang kanyang posisyon laban sa kanyang mga karibal sa kalakalan: pero, bakit sinusuportahan ng mga karibal nito ang pagkilos ng US?
Gayundin, walang duda na may pangunahing interes ang USSR sa istabilisasyon ng rehiyon ng Gitnang Silangan, dahil ito ay malapit sa mga probinsya ng Rusya sa sentral Asya at Caucasia, na magulo na. Pero ang umuusbong na kaguluhan sa USSR ay hindi lang problema nito. Ang mga bansa sa Sentral, at sa Kanlurang Uropa ay partikular na binigyang-pansin rin ang mga nangyayari sa dating bloke ng Silangan.
Mas sa pangkalahatan, kung ang abanteng mga bansa ay nakatuon sa kaguluhan na lumalaki sa ilang rehiyon sa Ikatlong Daigdig, ito ay sila mismo ay mahina bilang epekto sa kaguluhang ito, dahil sa bagong sitwasyon ng mundo ngayon.
8) Sa realidad, ang pundamental na layunin ng operasyong "Desert Shield" ay para tangkaing kontrolin ang kaguluhan na nagbabanta sa mayor na maunlad na mga bansa at kanilang inter-relasyon.
Ang paglaho ng pagkahati sa mundo ng dalawang malaking imperyalistang bloke na nangalaga ng isang antas ng pagkakaisa sa pagitan ng mga estado. Ang tendensya ng bagong sitwasyon ay “bawat isa para sa kanyang sarili”, at kalaunan para sa karamihan ng makapangyarihang mga estado ay igiit ang sarili bilang kandidato para sa “liderato” ng bagong bloke. Pero kasabay nito, ang burgesya sa mga bansang ito ay mulat sa mga peligro ng bagong sitwasyon, at nagtatangkang kumilos laban sa tendensyang ito.
Naharap sa panibagong antas ng pangkalahatang kaguluhan na kinatawan ng adbenturismo ng Iraq (na sekretong sinulsulan ng “pampalubag-loob” na paninindigan ng Estados Unidos sa Iraq bago ang ikalawa ng Agosto na may layunin na “gumawa ng ehemplo” pagkatapos), ang "internasyunal na komunidad" na siyang bansag ng midya, na hindi lang nagbabalita sa dating bloke ng Kanluran kundi pati na rin sa USSR, ay walang ibang pagpipilian kundi pumailalim sa pinakamakapangyarihan ng mundo, at laluna sa kanyang kapangyarihang militar na siyang may tanging kapasidad na kontrolin saan mang bahagi ng mundo.
Pinakita ng digmaan sa Gulpo na, sa harap ng tendensya ng pangkalahatang kaguluhan na ispisipiko sa dekomposisyon at pinabilis ng pagbagsak ng bloke ng Silangan, walang ibang solusyon ang kapitalismo sa kanyang pagtatangkang kontrolin ang kanyang iba’t-ibang sangkap, maliban sa ipataw ang bakal na pwersang militar[[5]] [85]. Sa puntong ito, ang mga paraan na ginamit nito para makontrol ang lumalaking madugong kaguluhan ay naging salik mismo sa paglala ng barbarismong militar na humahatak pababa sa kapitalismo.
9) Bagaman ang pormasyon ng mga bloke batay sa kasaysayan ay tila bunga ng pag-unlad ng militarismo at imperyalismo, ang paglala ng huli sa kasalukuyang yugto ng buhay ng kapitalismo ay kabalintunaan na naging mayor na balakid na sa muling pagbuo ng bagong sistema ng mga bloke na papalit sana sa dating nawala. Ang kasaysayan (laluna ang panahon matapos ang digmaan) ay nakitaan na ang paglaho ng isang imperyalistang bloke (eg the Axis) ay hindi lang nagkahulugan ng dislokasyon ng kabila (ang "Allies"), kundi ng paglitaw ng bagong pares ng magkatunggaling mga bloke (Silangan at Kanluran). Kaya nagpahiwatig ang kasalukuyang sitwasyon, sa ilalim ng presyur ng krisis at tensyong militar, ng tendensya patungong repormasyon ng dalawang bagong imperyalistang bloke.
Subalit, ang katotohanan mismo na ang pwersang militar ay nagiging – tulad ng kinumpirma ng digmaan sa Gulpo – isang nangibabaw na salik na sa bawat pagtatangka ng abanteng mga bansa na limitahan ang kaguluhan sa mundo ay isang konsiderableng balakid sa tendensyang ito. Ang parehong tunggalian ay sa totoo lang nagbigay-diin sa mapandurog na superyoridad (sa minimum) ng kapangyarihang militar ng US kumpara sa ibang maunlad na mga bansa (at ipakita na ang katotohanang ito ay mayor na layunin ng US): sa realidad, ang kapangyarihang militar ng US ay sa minimum katumbas sa karamihan o sa buong mundo. At ang pagiging hindi balanse na ito ay malamang hindi magbabago, dahil walang umiiral na bansa na may kapasidad sa darating na mga taon na labanan ang potensyal militar ng USA sa punto na may kapasidad itong igiit ang sarili na karibal na lider ng bloke. Kahit sa hinaharap, ang listahan ng mga kandidato para sa naturang posisyon ay napakalimitado.
10) Halimbawa, hindi na usapin na ang ulo ng bloke na bumagsak, ang USSR – ay maari pang mabawi muli ang posisyon. Ang katotohanan na nagawa ng bansang ito ang kanyang papel sa nakaraan ay isa ng paglihis mismo, isang istorikal na aksidente. Dahil sa kanyang seryosong pagiging atrasado sa lahat ng antas (ekonomiya, kabilang na ang pulitikal at kultural), hindi tangan ng USSR ang mga katangian para “natural” na mabuo nito ang isang imperyalistang bloke sa kanyang pamumuno[[6]] [86]. Nagawa niya ito “salamat” kay Hitler (na humatak sa kanya sa digmaan sa 1941) at sa mga “Alyado” na sa Yalta ay nagbayad sa Rusya na bumuo ng ikalawang larangan laban sa Alemanya, at bilang parangal sa 20 milyon patay ng kanyang populasyon, sa pamamagitan ng pagpahintulot dito na kontrolin ang Silangang Uropa na inokupa ng kanyang mga tropa sa kataposan ng pagbagsak ng Alemanya[[7]] [87].
Bukod dito; dahil sa kawalan ng kakayahan ng USSR na panatilihin ang papel bilang pinuno ng bloke kaya napilitan itong magpataw ng isang mapaminsalang ekonomiya ng digmaan sa mga produktibong kagamitan nito upang mapanatili ang imperyo nito. Ang kagila-gilalas na pagbagsak ng bloke ng Silangan, bukod sa pagkumpirma sa pagkabangkarote ng isang partikular na abnormal na anyo ng kapitalismo ng estado (na hindi rin nagmula sa isang "organikong" pag-unlad ng kapital, kundi mula sa pag-aalis ng "klasikal" na burgesya ng rebolusyong 1917), ay ekspresyon ng paghihiganti ng kasaysayan sa orihinal na pagkaligaw na ito. Ito ang dahilan kung bakit, sa kabila ng napakalaking arsenal nito, ang USSR ay hindi na muling magampanan ang malaking papel sa internasyonal na arena. Higit pa rito, dahil ang dinamika sa likod ng dislokasyon ng panlabas na imperyo nito ay patuloy na gagana sa loob, at matatapos sa pamamagitan ng pagbakbak sa mga teritoryong sinakop ng Rusya sa nagdaang mga siglo.
Dahil sinubukan nitong gampanan ang papel bilang makapangyarihan sa daigdig, na lampas sa mga kakayahan nito, hinatulan ang Rusya na bumalik sa ikatlong antas na posisyong sinakop nito bago ang paghari ni Peter the Great.
Hindi rin ang Alemanya at Hapon, ang tanging dalawang potensyal na kandidato para sa titulong pinuno ng bloke, ay hindi magagawang gampanan ang ganoong tungkulin sa hinaharap. Ang Hapon, sa kabila ng kanyang kapangyarihang industriyal at dinamikong pang-ekonomiya, ay hindi kailanman maaaring magpanggap sa ganoong posisyon dahil napakalayo nito kumpara sa pinakamalaking konsentrasyon ng industriya sa mundo: Kanlurang Europa. O ang Alemanya, ang tanging bansa na maaaring gumanap ng ganoong papel sa kalaunan, dahil ito ang posisyon niya sa nakaraan, aabot ng ilang dekada bago ito maging karibal ng USA sa antas ng militar (hindi man lang ito nagtataglay ng mga sandatang atomika!). At habang ang kapitalismo ay lumulubog nang mas malalim sa pagkabulok nito, mas lalong kailangan para sa isang lider ng bloke na may mapandurog na superyoridad-militar sa kanyang mga nasasakupan upang mapanatili ang posisyon nito.
11) Sa simula ng dekadenteng yugto, at kahit hanggang sa mga unang taon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig, maaari pa ring magkaroon ng isang tiyak na "pagkakapantay-pantay" sa pagitan ng iba't ibang mga kasosyo ng isang imperyalistang koalisyon, bagama't nanatiling kinakailangan na magkaroon ng isang pinuno ng bloke. Halimbawa, sa Unang Digmaang Pandaigdig, walang anumang pangunahing pagkakaiba sa antas ng kapasidad militar sa pagitan ng tatlong "nagtagumpay": Great Britain, France at USA. Malaki na ang pinagbago ng sitwasyon noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig, nang ang mga "nagtagumpay" ay halos umaasa sa US, na higit na mas makapangyarihan kaysa sa mga "kaalyado" nito. Ito ay pinatingkad sa panahon ng "Cold War" (na katatapos pa lang) kung saan ang bawat pinuno ng bloke, parehong USA at USSR, ay may ganap na mapandurog na superyoridad sa iba pang mga bansa sa bloke, lalo na salamat sa kanilang pagmamay-ari ng mga sandatang nukleyar.
Ang tendensyang ito ay maaaring ipaliwanag sa pamamagitan ng katotohanan na habang ang kapitalismo ay lalo pang bumulusok sa pagkabulok:
- ang laki ng mga tunggalian sa pagitan ng mga bloke, at kung ano ang nakataya sa mga ito ay mas naging pandaigdigan at pangkalahatan ang katangian (mas maraming gangster ang dapat kontrolin, mas malakas dapat ang "ninong");
- Ang mga sistema ng armas ay humihiling ng higit pang kamangha-manghang antas ng pamumuhunan (sa partikular, ang mga pangunahing kapangyarihan lamang ang maaaring maglaan ng mga kinakailangang mapagkukunan sa pagbuo ng isang kumpletong arsenal nukleyar, at sa pananaliksik sa mas sopistikadong mga armas);
- At higit sa lahat, ang sentripugal na mga tendensya sa lahat ng mga estado bilang resulta ng paglala ng mga pambansang antagonismo, ay mas titingkad.
Parehong totoo rin ito sa huling salik na kapitalismo ng estado: winawasak ng iba't ibang praksyon ng burgesya ang isa't isa, habang pinatalim ng krisis ang kanilang kompetisyon sa isa't isa, kaya mas dapat palakasin ang estado upang magamit ang awtoridad nito sa kanila. Sa parehong paraan, habang mas lantarang naninira ang makasaysayang krisis sa pandaigdigang ekonomiya, kaya mas malakas dapat ang isang pinuno ng bloke upang mapigil at makontrol ang mga tendensya patungo sa dislokasyon ng iba't ibang pambansang bahagi nito. At malinaw na sa huling yugto ng pagbulusok, ang yugto ng pagkabulok, mas seryoso pang lumala ang penomenon na ito.
Sa lahat ng mga kadahilanang ito, lalo na ang huli, ang pagtatag ng panibagong pares na imperyalistang bloke ay hindi lang imposible sa darating na ilang taon, ngunit maaaring hindi na muling mangyari: maaring mauna ang rebolusyon, o ang pagkawasak ng sangkatauhan.
Sa bagong istorikal na yugto na pinasok natin, at kung saan kinumpirma ng mga kaganapan sa Gulpo, ang mundo ay naging isang malawak na libre-para-sa-lahat, kung saan ang ganap na gumagana ang tendensyang "bawat tao para sa kanyang sarili", at kung saan ang mga alyansa sa pagitan ng mga estado ay malayong magkaroon ng istabilidad na katangian ng mga imperyalistang bloke, subalit madominahan ng mga kagyat na sandaling pangangailangan. Isang mundo ng madugong kaguluhan, kung saan susubukan ng Amerikanong pulis na mapanatili ang pinakamaliit na kaayusan sa pamamagitan ng lalupang malawak at brutal na paggamit ng pwersang militar.
12) Ang katotohanan na sa darating na panahon ang daigdig ay hindi na mahahati sa mga imperyalistang bloke, at ang pandaigdigang "pamumuno" ay ipaubaya na lamang sa Estados Unidos, sa anumang paraan ay hindi nagpapatunay sa tesis ni Kautsky ng "super-imperyalismo" (o "ultra-imperyalismo") na binuo noong Unang Digmaang Pandaigdig. Ang tesis na ito ay ginawa ng oportunistang kampo ng Social-Demokrasya bago pa ang Digmaan. Nakabatay ang mga ugat nito sa gradualista at repormistang pananaw na isinasaalang-alang na ang mga kontradiksyon (sa pagitan ng mga uri at mga bansa) sa loob ng kapitalistang lipunan ay hihina hanggang sa punto ng paglaho. Ipinapalagay ng tesis ni Kautsky na ang iba't ibang sektor ng pandaigdigang kapital sa pananalapi ay may kakayahang magkaisa upang magtayo ng kanilang sariling matatag at pasipikong dominasyon sa buong mundo. Ang tesis na ito, na ipinakilala bilang "marxista", ay malinaw na nilabanan ng lahat ng mga rebolusyonaryo, na tinapos lalo na ni Lenin (kapansin-pansin sa Imperyalismo, pinakamataas na yugto ng kapitalismo), na itinuro na ang isang kapitalismo na pinutulan ng pagsasamantala at kompetisyon sa pagitan ng mga kapital ay hindi na kapitalista. Malinaw na ang rebolusyonaryong posisyong ito ay nananatiling ganap na wasto hanggang ngayon.
Hindi rin dapat malito na ang aming pagsusuri ay kahalintulad ng kay Chaulieu (Castoriadis), na kahit papaano ay nakakalamang sa tahasang pagtanggi sa "marxismo". Ayon sa pagsusuring ito, ang mundo ay gumagalaw patungo sa isang "ikatlong sistema", hindi sa pagkakasundo na mahal na mahal ng mga repormista, ngunit sa pamamagitan ng malupit na mga kombulsyon. Ang bawat digmaang pandaigdig ay hahantong sa eliminasyon ng isang imperyalistang kapangyarihan (Germany noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig). Ang Ikatlong Digmaang Pandaigdig ay mag-iiwan lamang ng isang bloke, na magpapataw ng kaayusan nito sa isang mundo kung saan mawawala ang mga krisis sa ekonomiya at kung saan ang kapitalistang pagsasamantala sa lakas paggawa ay papalitan ng isang uri ng pang-aalipin, ang paghahari ng "mga naghahari" sa "mga pinaghaharian".
Ang mundo ngayon, na umuusbong mula sa pagbagsak ng bloke ng Silangan upang harapin ang isang pangkalahatang pagkabulok, gayunpaman ay ganap na kapitalista. Isang hindi malulutas at lumalalim na krisis sa ekonomya, lalong mabangis na pagsasamantala sa lakas paggawa, ang diktadura ng batas ng halaga, nagpalala ng kompetisyon sa pagitan ng mga kapital at imperyalistang antagonismo sa pagitan ng mga bansa, walang tigil na militarismo, malawakang pagkawasak at walang katapusang masaker: ito ang kanyang tanging posibleng katotohanan. At ang tanging sa huli, ang kinabukasan nito ay ang pagkasira ng sangkatauhan.
13) Higit kailanman, ang usapin ng digmaan ay nananatiling sentral sa buhay ng kapitalismo. Dahil dito, ito ay higit na mahalaga para sa uring manggagawa. Malinaw, ang kahalagahan ng tanong na ito ay hindi na bago. Sentral na usapin na ito bago pa ang Unang Digmaang Pandaigdig (tulad ng itinampok ng mga internasyonal na kongreso ng Stuttgart (1907) at Basel (1912).
Naging mas mapagpasya pa rin ito noong unang imperyalistang masaker (kasama ang paglaban nila Lenin, Luxemburg, at Liebknecht, at ang mga rebolusyon sa Germany at Russia). Nanatiling hindi nagbabago kahalagahan nito sa buong panahon ng digmaan, lalo na sa panahon ng digmaang Sibil sa Espanya, at siyempre ang kahalagahan nito sa panahon ng pinakamalaking holocaust ng siglo sa pagitan ng 1939-45. At ito ay nanatiling totoo, sa wakas, sa panahon ng iba't ibang digmaan ng "pambansang kalayaan" pagkatapos ng 1945 na nagsilbing mga sandali ng komprontasyon ng dalawang imperyalistang bloke.
Sa katunayan, mula pa noong simula ng siglo, ang digmaan ay ang pinaka mapagpasyang usapin na kinailangang harapin ng proletaryado at ng mga rebolusyonaryong minorya nito, higit pa sa usapin ng unyon o parliyamentaryo halimbawa. Hindi maaaring sa ibang usapin, dahil ang digmaan ay ang pinakakonsentradong anyo ng barbarismo ng dekadenteng kapitalismo, na nagpapahayag ng kanyang nakamamatay na paghihirap at ang bunga nitong banta sa kaligtasan ng sangkatauhan.
Sa kasalukuyang panahon, kung saan ang barbarismo ng digmaan, higit pa kaysa sa mga nakaraang dekada, ay magiging permanente at elemento na umiiral-sa-lahat-ng-panahon sa sitwasyon sa mundo (sang-ayon man o hindi sila Bush at Mitterrand kasama ang kanilang mga propesiya ng isang "bagong kaayusan ng kapayapaan"), na kinasasangkutan ng dumaraming mauunlad na mga bansa (nalimitahan lamang ng proletaryado sa mga bansang ito), mas mahalaga pa rin sa uring manggagawa ang usapin ng digmaan.
Matagal nang iginiit ng IKT, taliwas sa nakaraan, ang pagsibol ng isang bagong rebolusyonaryong alon ay magmumula hindi sa isang digmaan kundi sa paglala ng krisis sa ekonomiya. Ang pagsusuring ito ay nananatiling ganap na wasto: ang mobilisasyon ng uring manggagawa, ang simula ng malakihang pakikibaka ng uri, ay magmumula sa mga pang-ekonomiyang atake. Sa parehong paraan, sa antas ng kamulatan, ang paglala ng krisis ay magiging pundamental na salik para ilantad ang istorikal na pagiging lipas na ng kapitalistang moda ng produksyon. Ngunit sa parehong antas ng kamulatan, ang usapin ng digmaan ay muling nakatadhana na may pangunahing papel:
- sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pangunahing mga kahihinatnan ng istorikal na kataposan na ito: ang pagkawasak ng sangkatauhan,
- sa pagbuo na ang tanging obhetibong resulta ng krisis, pagbulusok at pagkabulok na tanging ang proletaryado lang ang makapagbigay ng limitasyon dito (hindi katulad sa alinman sa iba pang mga manipestasyon ng kabulukan), hanggang sa punto na sa mga sentral na bansa sa kasalukuyan ay hindi nakahanay sa ilalim ng mga bandila ng nasyunalismo.
14) Totoong mas madaling magamit ang digmaan laban sa uring manggagawa kaysa sa krisis mismo, at mga pag-atake sa ekonomiya:
- maaari nitong hikayatin ang pag-unlad ng pasipismo;
- maaari nitong bigyan ang proletaryado ng pakiramdam ng kawalan ng lakas, na nagpapahintulot sa burgesya na magsagawa ng mga pang-ekonomiyang pag-atake.
Sa katunayan ito ang nangyari sa panahon ng krisis sa Gulpo. Ngunit ang ganitong uri ng epekto ay limitado ang panahon. Sa kalaunan:
- ang pagiging permanente ng barbarismong militar ay patingkarin ang kawalang-kabuluhan ng lahat ng pasipistang pananalita;
- magiging malinaw na ang uring manggagawa ang pangunahing biktima ng kalupitan na ito, na binabayaran nito ang halaga bilang pambala ng kanyon at sa pamamagitan ng tumitinding pagsasamantala;
- at muling manumbalik ang pakikibaka, laban sa mas tumitindi at brutal na pag-atake sa ekonomiya.
Ang tendensyang ito ay mababaligtad. At maliwanag na nakasalalay sa mga rebolusyonaryo para pangunahan ang pag-unlad ng kamulatang ito: mas maging mapagpasya ang kanilang responsibilidad.
15) Sa kasalukuyang istorikal na sitwasyon, ang ating interbensyon sa uri, syempre bukod sa seryosong paglala ng krisis sa ekonomiya at ang mga resulta nitong pag-atake laban sa buong uring manggagawa, ay pinagtibay ng:
- ang pangunahing kahalagahan ng usapin ng digmaan;
- ang mapagpasyang papel ng mga rebolusyonaryo sa pagkamulat ng uri sa bigat ng nakataya ngayon.
Samakatuwid kailangan na ang usaping ito ay palaging nasa unahan ng ating pahayagan. At sa mga panahong tulad ngayon, kung saan ang usaping ito ay nasa unahan ng mga internasyonal na kaganapan, dapat tayong makinabang mula sa partikular na kakayahang tumugon ng mga manggagawa dito sa pamamagitan ng pagbibigay dito ng espesyal na diin at prayoridad.
IKT: 4/10/90
[1] [88] Tingnan ‘War, militarism, and imperialist blocs' sa International Review bilang 52 at 53.
[2] [89] Para sa pagsusuri ng IKT sa usapin ng dekomposisyon, tingnan International Review bilang 57 at 62.
[3] [90] Gayunpaman, dapat nating bigyang-diin ang isang malaking pagkakaiba sa pagitan ng kapitalismo ng estado at mga imperyalistang bloke. Ang una ay hindi maaaring kuwestiyunin sa pamamagitan ng mga tunggalian sa pagitan ng iba't ibang paksyon ng uring kapitalista (maliban sa mga kaso ng digmaang sibil, na maaaring katangian ng ilang atrasadong sona ng kapitalismo, ngunit hindi sa mga abanteng sektor nito): bilang pangkalahatang alituntunin, ang estado, na kumakatawan sa pambansang kapital sa kabuuan, ay nagtagumpay sa pagpapataw ng kanyang awtoridad sa iba't ibang bahagi ng kapital na iyon. Kabaligtaran, ang mga imperyalistang bloke ay walang parehong permanenteng kalikasan. Sa unang-una, sila ay nabuo tanging sa perspektiba lang ng digmaang pandaigdig: sa panahon kung saan ito ay hindi agarang posibilidad (tulad ng sa 1920s), maaaring napakadali nilang maglaho. Pangalawa, walang partikular na estado na ‘nakatakdang’ magiging kasapi ng isang partikular na bloke: ang mga bloke ay padaskul-daskol na pinipilit, bilang tungkulin ng pang-ekonomiya, pampulitika, heograpikal at militar na mga salik. Walang mahiwaga sa pagitan ng pagkakaibang ito ng istabilidad sa pagitan ng kapitalistang estado at mga imperyalistang bloke. Ito ay tumutugma sa katotohanan na ang burgesya ay hindi maaaring maghangad ng isang antas ng pagkakaisa na mas mataas kaysa sa bansa, dahil ang pambansang estado ay par excellence instrumento para sa pagtatanggol ng mga interes nito (pagpapanatili ng "kaayusan", malawakang pagbili ng estado, mga patakaran sa panalapi, proteksyon sa customs, atbp). Kaya ang alyansa sa loob ng imperyalistang bloke ay walang iba kundi isang kalipunan ng mga pundamental na magkatunggaling pambansang interes, na idinisenyo upang mapanatili ang mga interes na ito sa internasyonal na kagubatan. Sa pagdesisyon na ihanay ang sarili sa isang bloke o sa iba, walang ibang interes ang burgesya maliban sa pagtiyak ng sarili nitong pambansang interes. Sa huling pagsusuri, bagama't maaari nating isaalang-alang ang kapitalismo bilang isang pandaigdigang entidad, hindi natin dapat kalimutan na ito ay konkretong umiiral sa anyo ng magkaribal at nakikipagkumpitensyang mga kapital.
[4] [91] Sa realidad, ito ang kapitalistang moda ng produksyon sa kabuuan, sa pagbulusok at higit pa sa yugto ng pagkaagnas, na isang abnormalidad mula sa pananaw ng mga interes ng sangkatauhan. Ngunit sa loob ng barbarikong nakamamatay na paghihirap ng kapitalismo, ang ilan sa mga anyo nito, tulad ng Stalinismo, na nagmula sa mga partikular na istorikal na pangyayari, ay may mga katangian na lalupang nagpapahirap sa kanila, at hinatulan silang mawala bago pa man mawasak ang buong sistema sa pamamagitan ng proletaryong rebolusyon, o sa pagkawasak ng sangkatauhan.
[5] [92] Sa ganitong punto, ang paraan ng pagpapanatili ng "kaayusan" ng daigdig sa bagong yugto ay higit na magiging katulad ng paraan ng pagpapanatili ng kaayusan sa USSR sa kanyang dating bloke: terorismo at pwersang militar. Sa panahon ng dekomposisyon, at sa mga pang-ekonomiyang kombulsyon ng isang naghihingalong kapitalismo, ang pinakabarbariko at brutal na mga anyo ng internasyonal na relasyon ay malamang maging pamantayan ng bawat bansa sa mundo.
[6] [93] Sa katunayan, ang mga dahilan sa likod ng kawalan ng kakayahan ng Rusya na kumilos bilang makina ng pandaigdigang rebolusyon (kung kaya't ang mga rebolusyonaryo tulad nina Lenin at Trotsky ay umaasa na ang rebolusyon sa Alemanya ay hihilain ang Rusya) ay pareho sa mga dahilan kung bakit ang Rusya ay ganap na hindi angkop na kandidato para sa papel bilang pinuno ng bloke.
[7] [94] Ang isa pang dahilan kung bakit binigyan ng kalayaan ng mga Kanluranin ang USSR sa Gitnang Europa, ay inaasahan nilang ang huli ay mapupulis sa proletaryado sa rehiyon. Ipinakita ng kasaysayan (sa Warsaw sa partikular) kung gaano kahusay ang kanilang pagtitiwala.
Source URL: https://en.internationalism.org/content/3336/orientation-text-militarism-and-decomposition [54]
Ang Internationalist Communist Tendency ay naglathala kamakailan ng isang pahayag tungkol sa kanilang karanasan sa No War But the Class War committees (NWBCW) na inilunsad nila sa simula ng digmaan sa Ukraine[1] [95]. Sabi nga nila, "Walang katulad ng isang imperyalistang digmaan para sa pagbubunyag ng tunay na makauring batayan ng isang balangkas pampulitika, at ang pagsalakay sa Ukraine ay tiyak na ginawa iyon", na nagpapaliwanag na ang mga Stalinista, Trotskyista ay muling nagpakita na sila ay kabilang sa kampo ng kapital – maging sa pamamagitan ng pagsuporta sa kalayaan ng Ukraine, o pagsuporta sa propaganda ng Russia tungkol sa 'de-Nazification' ng Ukraine, ang mga kaliwa ay lantarang nanawagan sa uring manggagawa na suportahan ang isang panig o ang kabila sa isang kapitalistang digmaan na nagpapakita sa lumalalim na tunggalian ng mga magkaribal sa pagitan ng pinakamalaking imperyalistang pating sa planeta at sa gayon ay nagbabanta ng mapaminsalang kahihinatnan ng buong sangkatauhan. Nabanggit din ng ICT na malalim na nahati ang kilusang anarkista sa pagitan ng mga nanawagan na ipagtanggol ang Ukraine at ang mga nanatili sa internasyunalistang posisyon na tanggihan ang dalawang kampo. Taliwas dito, sinasabi ng ICT na "ang Kaliwang Komunista sa buong mundo ay nanatiling matatag na naninindigan sa internasyunal na interes ng uring manggagawa at tinuligsa kung ano talaga ang digmaang ito".
Mabuti hanggang sa puntong ito. Ngunit kami ay malinaw na hindi sang-ayon ng mangatuwiran sila na "Para sa aming bahagi, mas pinaunlad pa ng ICT ang internasyonalistang posisyon sa pamamagitan ng pagsisikap na makipagtulungan sa iba pang mga internasyonalista na nakikita ang mga panganib para sa pandaigdigang uring manggagawa kung hindi ito mag-oorganisa. Ito ang dahilan kung bakit kami ay sumali sa inisyatibo upang bumuo ng mga komite sa lokal na antas sa buong mundo upang mag-organisa ng isang tugon sa kung ano ang inihahanda ng kapitalismo para sa mga manggagawa sa lahat ng dako".
Ang pangangailangan para sa debate
Sa aming pananaw, ang panawagan ng ICT para sa pagbuo ng No War But the Class War committees ay kahit ano maliban sa "pagpapaunlad" sa internasyunalismo o isang hakbang tungo sa isang solidong pagkakaisa ng mga internasyunalistang pwersang komunista. Nakasulat na kami ng maraming bilang ng mga artikulo na nagpapaliwanag sa aming pananaw tungkol dito, ngunit ang ICT ay hindi tumugon ni isa man sa kanila, isang aktitud na binigyang katuwiran sa pahayag ng ICT na iginigiit na hindi nila nais na sumali sa "parehong lumang mga debate" sa mga taong sa tingin nila ay hindi naunawaan ang kanilang mga posisyon. Ngunit ang tradisyon ng kaliwang komunista, na minana kina Marx at Lenin at ipinagpatuloy sa mga pahina ng Bilan, ay ang pagkilala na ang polemiko sa pagitan ng mga proletaryong elemento ay napakahalaga sa anumang proseso ng paglilinaw pampulitika. At sa katunayan, ang pahayag ng ICT ay talagang isang nakatagong polemiko, higit sa lahat sa ICC – Ngunit sa kanilang likas na katangian ang gayong mga nakatagong mga debate, na umiiwas na tukuyin ang mga partikular na organisasyon at ang kanilang mga nakasulat na pahayag, ay hindi kailanman maaaring humantong sa isang tunay at tapat na komprontasyon ng mga posisyon.
Sa kanilang pahayag sa NWBCW, inaangkin ng ICT na ang inisyatiba nito ay pagpapatuloy sa ginawa ng kaliwang kampo na sinimulang proseso ng kumperensya ng Zimmerwald ng 1915, na gumawa na ng katulad na pang-aangkin sa artikulo na "NWBCW and the 'Real International Bureau' ng 1915: "naniniwala kami na ang inisyatibong NWBCW ay umaayon sa mga prinsipyo ng Kaliwa ng Zimmerwald".[2] [96]
Ngunit ang mga aktibidad ng Kaliwa ng Zimmerwald, at higit sa lahat ni Lenin, ay kinakitaan ng walang humpay na polemiko na naglalayon ng dekantasyon ng mga rebolusyonaryong pwersa. Pinagsama ng Zimmerwald ang iba't ibang tendensya ng kilusang manggagawa na sumasalungat sa digmaan, at nagkaroon ng malaking pagkakaiba sa maraming usapin; lubos na alam ng Kaliwa na hindi sapat ang isang karaniwang posisyon laban sa digmaan, tulad ng ipinahayag sa Manipesto ng Zimmerwald. Dahil dito, hindi itinago ng Kaliwa ng Zimmerwald ang mga pagkakaiba nito sa iba pang mga tendensya sa mga kumperensya ng Zimmerwald at Kienthal, kundi lantarang binatikos ang mga tendensyang ito dahil hindi sila naaayon sa kanilang pakikipaglaban sa imperyalistang digmaan. Sa debate na ito ay bumuo si Lenin at ang mga nakapaligid sa kanya ng isang nukleyus na nagiging similya ng Communist International.
Ang aming mga naunang pagpuna sa inisyatibong NWBCW
Tulad ng nakikita ng mga mambabasa mula sa paglalathala ng aming mga liham sa ICT tungkol sa panawagan ng ICC para sa isang komon na deklarasyon ng kaliwang komunista bilang tugon sa digmaan sa Ukraine, ang pagtanggi ng ICT na pumirma at ang kanilang pagsulong ng NWBCW bilang isang uri ng "karibal" na proyekto ay lubhang nagpahina sa kapasidad ng kaliwang komunista na kumilos nang magkasama sa mahalagang sandaling ito. Sinira nito ang posibilidad ng isang pagsama-sama ng kanyang mga pwersa sa unang pagkakataon mula ng mabuwag ang mga internasyonal na kumperensya ng kaliwang komunista sa simula ng 1980s. Pinili ng ICT na itigil ang pakikipagsulatang ito[3] [97].
Naglathala rin kami ng isang artikulo na binaybay ang aktwal na kasaysayan ng NWBCW sa anarkistang kampo noong 1990s[4] [98]. Nangangahulugan ito na ang mga grupong ito ay naglalaman ng lahat ng uri ng kalituhan, ngunit sa aming pananaw ay nagpahayag sila ng isang bagay na totoo - ang tugon ng isang maliit na minorya na kritikal sa napakalaking mga mobilisasyon laban sa mga digmaan sa Gitnang Silangan at Balkans, mga mobilisasyon na nasa malinaw na kaliwa at pasipistang larangan. Dahil dito, nadama namin na mahalaga para sa kaliwang komunista na makialam sa mga pormasyong ito upang ipagtanggol ang malinaw na internasyunalistang posisyon sa loob nito. Sa kabilang banda, kakaunti lamang ang gayong mga pagkilos ng mga pasipista bilang tugon sa digmaan sa Ukraine at ang anarkistang kampo, tulad ng nabanggit na namin, ay lubhang nagkahati-hati sa usaping ito. Sa gayon ay kakaunti lamang ang nakikita natin sa iba't ibang grupo ng NWBCW para kwestyunin ang aming kongklusyon sa artikulo: "Ang impresyon na nakukuha namin mula sa mga grupo na kung saan alam namin kung ano sila ay higit sa lahat 'mga duplicate' ng ICT o mga kaanib nito". Sa aming palagay, ang duplikasyong ito ay naglantad ng ilang malubhang hindi pagkakaunawaan pareho tungkol sa tungkulin at paraan ng operasyon ng rebolusyonaryong organisasyong pampulitika at ang kaugnayan nito sa mga minorya na nasa proletaryong tereyn, at sa uri sa kabuuan. Ang hindi pagkakasundo na ito ay bumabalik sa buong debate tungkol sa mga grupo ng pabrika at mga grupo ng pakikibaka, ngunit hindi namin balak na talakayin sa artikulong ito[5] [99].
Higit pang mahalaga – ngunit konektado rin sa tanong ng pagkakaiba sa pagitan ng isang produkto ng tunay na kilusan at artipisyal na imbensyon ng mga pampulitikang minorya - ay ang paggigiit ng aming artikulo na ang inisyatibo ng NWBCW ay batay sa maling pagtatasa sa dinamika ng pakikibaka ng uri ngayon. Sa kasalukuyang kalagayan, hindi natin maaasahan na ang kilusang makauri ay direktang uunlad laban sa digmaan kundi laban sa epekto ng krisis sa ekonomiya – isang pagsusuri na sa palagay namin ay lubos na napatunayan ng pandaigdigang muling pagbuhay ng mga pakikibaka na sinimulan ng kilusang welga sa Britanya noong tag-init ng 2022 at, na may hindi maiiwasang mga paglakas at paghina, ay hindi pa rin napapagod. Ang kilusan na ito ay naging direktang tugon sa "cost of living crisis" at habang naglalaman ito ng mga binhi ng mas malalim at mas malawak na pagkuwestiyon sa pagiging bangkarota ng sistema at ang pagkilos nito patungo sa digmaan, malayo pa rin tayo sa puntong iyon. Ang ideya na ang mga komite ng NWBCW ay maaaring sa ilang kahulugan ay ang panimula para sa isang direktang tugon ng uri sa digmaan ay maaari lamang humantong sa isang maling pagbasa sa dinamika ng kasalukuyang mga pakikibaka. Binubuksan nito ang pintuan sa isang patakarang aktibista na, sa kabilang banda, ay hindi magagawang mapag-iba ang sarili mula sa mga "aksyon agad ngayon" na mga posisyon ng kaliwa ng kapital. Iginiit ng pahayag ng ICT na ang inisyatibo nito ay higit sa lahat pampulitika at ito ay salungat sa aktibismo at pagmamadali, at sinasabi nila na ang lantarang aktibista na direksyon ng mga grupo ng NWBCW sa Portland at Roma ay batay sa isang hindi pagkakaunawaan sa tunay na katangian ng inisyatiba. Ayon sa pahayag, "ang mga taong pumirma sa NWBCW na hindi naunawaan kung ano talaga ang tungkol dito, o sa halip, na nakita ito bilang ekstensyon ng kanilang nakaraang radikal na repormistang aktibidad. Nangyari ito pareho sa Portland at Roma kung saan nakita ng ilang mga elemento na ang NWBCW ay organisasyon para agad na mapakilos ang uri na kung saan ay hindi pa rin nakabangon mula sa apat na dekada ng pag-atras, at kung saan ay nagsisimula pa lang mahanap ang mga paa nito sa paglaban sa implasyon. Ang kanilang pagmamadali at ultra-aktibista na pananaw ay humantong lamang sa pagkalusaw ng mga komiteng iyon". Para sa amin, ito ay kabaligtaran, ang mga lokal na grupong ito ay mas mahusay na nakaunawa kaysa sa ICT na ang isang inisyatibo na inilunsad sa kawalan ng anumang tunay na kilusan laban sa digmaan – kahit na sa mga maliliit na minorya - ay maaari lamang mahulog sa mga pagtatangka upang lumikha ng isang kilusan mula sa wala.
Isang bagong "Nagkakaisang Prente"?
Nabanggit namin na ang Italian Fraction ng Komunistang Kaliwa, na naglathala ng Bilan, ay iginiit ang pangangailangan ng mahigpit na pampublikong debate sa pagitan ng mga proletaryong pampulitikang organisasyon. Ito ay isang sentral na aspeto ng kanilang prinsipyadong pamamaraan tungo sa muling pagsama-sama, na sumasalungat lalo na sa oportunistang pagsisikap ng mga Trotskyista at ex-Trotskyista noon na gumamit ng mga pagsasanib at pagsasama na hindi batay sa isang matinding debate batay sa pundamental na mga prinsipyo. Sa aming pananaw, ang inisyatibong NWBCW ay batay sa isang uri ng "frontist" na lohika na maaari lamang humantong sa walang prinsipyo at maging sa mapanirang alyansa.
Aminado ang pahayag na may mga lantarang kaliwang grupo na nag-hijack ng islogan na "No War But Class War" para itago ang kanilang esensyal na suporta sa isang panig o sa kabilang panig sa labanan. Iginiit ng ICT na hindi nila mapipigilan ang naturang "false flag" operations. Ngunit kung basahin mo ang aming artikulo sa pambungad na pulong ng komite ng Paris NWBCW[6] [100], makikita ninyo na hindi lamang na ang isang malaking bahagi ng mga kalahok ay nagtataguyod ng lantarang kaliwang "mga aksyon" sa ilalim ng bandila ng NWBCW, kundi pati na rin na ang isang grupong Trotskyista na nagtatanggol sa karapatan ng Ukraine sa sariling pagpapasya, Matière et Révolution, ay inimbitahan pa talaga sa pulong. Kahalintulad nito, ang grupong Rome NWBCW ay tila batay sa isang alyansa sa pagitan ng kaanib ng ICT sa Italya (na naglalathala ng Battaglia Comunista) at purung-purong grupo ng kaliwa[7] [101].
Dapat naming idagdag na ang presidium ng pulong sa Paris ay binubuo ng dalawang elemento na itiniwalag mula sa ICC noong unang bahagi ng 2000s dahil sa paglalathala ng materyal na naglalantad sa aming mga kasama para magamit ng panunupil ng estado – isang aktibidad na tinuligsa naming bilang snitching. Isa sa mga elementong ito ay miyembro ng International Group of the Communist Left, isang grupo na hindi lamang tipikal na pagpapahayag ng pulitikal na parasitismo, kundi nakabatay sa pag-uugali nito na parang pulis at sa gayon ay hindi dapat magkaroon ng lugar sa loob ng internasyunalistang komunistang kampo. Ang isa pang elemento ay ngayon ay aktwal na kinatawan ng ICT sa France. Nang tumanggi ang ICT na lagdaan ang komon na deklarasyon, ipinagtatalunan nila na ang kahulugan nito ng kaliwang komunista ay masyadong makitid, higit sa lahat dahil ibinukod nito ang mga grupo na tinukoy ng ICC bilang parasitiko. Sa katunayan, napakalinaw na ipinakita ng ICT na mas gusto ng ICT na makasama sa publiko ang mga grupong parasitiko tulad ng IGCL kaysa sa ICC, at ang kasalukuyang patakaran nito, sa pamamagitan ng mga komite ng NWBCW, ay walang ibang resulta kundi ang bigyan ang mga naturang grupo ng sertipiko ng paggalang at palakasin ang kanilang matagal ng pagsisikap na ihiwalay ang ICC – dahil sa pagtatanggol nito sa malinaw na mga prinsipyo ng pag-uugali na paulit-ulit nilang nilabag.
Sa ilang mga kaso, tulad ng sa Glasgow, ang mga grupo ng NWBCW ay tila batay sa pansamantalang pakikipag-alyansa sa mga anarkistang grupo tulad ng Anarchist Communist Group na nanindigan sa mga internasyunalistang posisyon sa digmaan sa Ukraine ngunit may kaugnayan sa mga grupo na nasa burges na larangan (halimbawa Plan C sa UK). At kamakailan lamang ay ipinakita ng ACG na mas gugustuhin nitong makihalubilo sa mga naturang kaliwa kaysa makipagtalakay sa isang internasyunalistang organisasyon tulad ng ICC, na ibinukod nito mula sa isang kamakailang pulong sa London nang walang protesta mula sa CWO[8] [102]. Hindi ito nangangahulugan na wala kaming layuning makipagdiskusyon sa mga tunay na internasyunalistang anarkista, at sa kaso ng KRAS sa Russia, na may napatunayang talaan ng paglaban sa mga imperyalistang digmaan, hiniling namin sa kanila na suportahan ang magkasanib na deklarasyon sa anumang paraan na maaari nilang gawin. Ngunit ang usapin ng ACG ay isa pang halimbawa kung paano binalikan ng inisyatibong NWBCW ang oportunistang patakaran ng Pakikipag-isang Prente, kung saan ipinahayag ng Communist International ang kahandaan nitong makipagtulungan sa mga taksil ng sosyal na demokrasya. Ito ay isang taktika upang palakasin ang impluwensya ng komunista sa uring manggagawa ngunit ang tunay na resulta nito ay upang mapabilis ang pagkasira ng CI at mga partido nito.
Ang Italian Communist Left ay, noong unang bahagi ng 20s, isang malupit na kritiko ng oportunistang patakaran na ito ng CI. Patuloy itong sumunod sa orihinal na posisyon ng CI, na ang mga partidong sosyal demokratiko, sa pamamagitan ng pagsuporta sa imperyalistang digmaan at aktibong paglaban sa proletaryong rebolusyon, ay naging mga partido ng kapital. Totoo na ang kanilang pagpuna sa taktika ng United Front ay may kalabuan – ang ideya ng "Nagkaisang Prente mula sa Ibaba", batay sa palagay na ang mga unyon ay mga organisasyong proletaryo pa rin at sa antas na ito maaaring magkasamang makipaglaban ang mga Komunista at sosyal demokratikong manggagawa.
Sa kanilang kongklusyon sa pahayag ng NWBCW, ipinahayag ng ICT na may makasaysayang pagkakahalintulad ang mga komite ng NWBCW sa rebolusyonaryong kilusan: ang apela para sa isang United Proletarian Front na inilunsad ng Internationalist Communist Party (PCInt) sa Italya noong 1945. Ang apela na ito ay pundamental na internasyonalista sa nilalaman, ngunit bakit ito nagsasalita tungkol sa isang "United Proletarian Front" At ano ang ibig sabihin ng sumusunod na kahilingan: "Ang kasalukuyang panahon ay nanawagan ng pagbuo ng isang nagkakaisang proletaryong prente, ibig sabihin, ang pagkakaisa ng lahat ng mga kontra sa digmaan, pasista man o demokratiko.
Mga manggagawa ng lahat ng proletaryo at di-partidong pormasyong pampulitika! Samahan ang ating mga manggagawa, talakayin ang mga suliraning makauri sa liwanag ng mga pangyayari sa digmaan at magkasamang bumuo sa bawat pabrika, sa bawat sentro, mga komite ng nagkakaisang prente na may kakayahang ibalik ang pakikibaka ng proletaryado sa tunay na makauring tereyn nito".
Sininu-sino ang mga "proletaryo at di-partido na pormasyon" na ito? Ito ba ay sa katunayan ay apela ito sa hanay ng mga ordinaryong miyembro ng mga dating partido ng manggagawa para pasamahin sila sa pampulitikang aktibidad ng mga militante ng PCInt?
Isang taon pa lamang ang nakararaan, inilathala ng PCInt ang "Apela" ng komite nito sa ahitasyon sa mga komite ng ahitasyon ng Partido Sosyalista, Partido Komunista at iba pang organisasyon ng burges na kaliwa, na nanawagan ng magkasanib na pagkilos sa mga pabrika. Naglathala kami ng isang salaysay nito sa International Review 32. Sa International Review 34 inilathala namin ang isang liham mula sa PCInt na tumugon sa aming mga pagpuna sa Apela. Sa liham na ito ay isinulat nila:
"Sa katunayan ba ay mali ito? Oo, nangyari nga; aminin natin ito. Ito ang huling pagtatangka ng Kaliwang Italyano na ilapat ang taktika ng 'nagkakaisang prente sa ibaba' na ipinagtanggol ng CP ng Italya noong 1921-23 laban sa Ikatlong Internasyonal. Dahil dito, ikategorya natin ito bilang isang 'venial sin' dahil kalaunan ay inalis ito ng aming mga kasama pareho sa pulitika at teorya nang may kalinawan na ngayon ay mahusay tayong armado laban sa sinuman sa puntong ito".
Na sinagot naman namin:
"Kung ang isang panukala para sa isang nagkakaisang prente sa Stalinista at sosyal demokratikong mamamatay-tao ay isang 'minor' na kasalanan lamang ano pa ang maaaring gawin ng PCInt noong 1945 para mahulog ito sa isang talagang malubhang pagkakamali ... sumali sa gobyerno? Ngunit muling tiniyak sa amin ng BC: matagal ng itinuwid ang mga pagkkamaling ito na hindi naghihintay sa ICC at ito ay hindi kailanman sinubukang itago ang mga ito. Posible, ngunit noong 1977 nang ilabas namin ang mga pagkakamali ng PCInt sa panahon ng digmaan sa aming pahayagan, galit na sumagot ang Battaglia sa isang sulat na umamin na may mga pagkakamali ngunit ito ay kasalanan ng mga kasama na umalis noong 1952 upang itayo ang PC Internazionale".
Kaya ang apela ng 1944 ay hindi ang huling pagtatangka na ilapat ang taktika ng "United Front mula sa Ibaba' pagkatapos ng lahat. Ang panawagan noong 1945 para sa isang "United Proletarian Front" ay nagpakita na ang PCInt ay hindi ito "itinakwil pareho sa pulitika at teorya". At ang taktikang 'United Front from Below' mula 1921-23 ay inspirasyon pa rin ng oportunistang ‘kilusan’ na No War But Class War ng ICT.
Kaya tama ang ICT sa isang punto tungkol sa No War But Class War: ito ay pagpapatuloy sa oportunistang panawagan para sa isang 'Nagkakaisang Proletaryong Prente' ng PCint noong 1945. Ngunit hindi ito pagpapapatuloy na dapat ipagmalaki dahil aktibong itinatago ng taktikang ito ang makauring linya na umiiral sa pagitan ng internasyunalismo ng Kaliwang Komunista at ng kunwaring internasyunalismo ng kaliwa, parasitismo at anarkistang latian. Bukod dito, ang NWBCW ay nilayon na maging eksklusibong alternatibo sa matatag na internasyunalismo ng Joint Statement of the Communist Left, kaya pinahina ang mga rebolusyonaryong pwersa hindi lamang sa pamamagitan ng oportunismo sa kaliwa atbp, kundi pati na rin sa pamamagitan ng sektaryanismo sa iba pang mga tunay na grupo ng Kaliwang Komunista.
Amos
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17396/ict-and-no-war-class-war-initiative-opportunist-bluff-which-weakens-communist-left [103]
[1] [104]The No War but the Class War Initiative [105], Revolutionary Perspectives 22
[3] [108] Correspondence on the Joint Statement of groups of the Communist Left on the war in Ukraine [109]
[5] [112] Tingnan halimbawa Reply to the Internationalist Communist Party (Battaglia Comunista) [113] in International Review 13; The organisation of the proletariat outside periods of open struggle (workers' groups, nuclei, circles, committees) | International Communist Current (internationalism.org) [114] in International Review 21; also World Revolution 26, “Factory Groups and ICC intervention”
[6] [115] A committee that leads its participants into a dead end [116], World Revolution 395
[7] [117] Ang pahayag ay naglalaman ng link sa artikulo ng Battaglia Comunista sa kinahinatnan ng komite sa Roma, Sul Comitato di Roma NWBCW: un'intervista [118]. Inilarawan nito ang negatibong resulta ng pakikipag-alyansa sa grupo na tinawag na Società Incivile (“Uncivil Society”). Isinulat ito sa malabong paraan na mahirapan makahalaw mula dito. Pero kung tingnan ninyo ang website ng grupong ito, sila ay parang purung-purong kaliwa, umaawit ng papuri sa mga anti-pasistang partisano at sa Stalinistang Partido Komunista ng Italya. Tingnan halimbawa https://www.sitocomunista.it/canti/cantidilotta.html [119]; www.sitocomunista.it/resistence/resistenceindex.html; [120] https://www.sitocomunista.it/pci/pci.html [121].
[8] [122] ACG bans the ICC from its public meetings, CWO betrays solidarity between revolutionary organisations [123], World Revolution 397
130 taon na ang nakalipas, nang lumala ang tensyon sa pagitan ng mga kapitalistang kapangyarihan sa Uropa, inilahad ni Frederick Engels ang naging problema para sa sangkatauhan: Komunismo o Barbarismo.
Ang alternatibong ito ay nakongkreto sa Unang Digmaang Pandaigdig na sumiklab noong 1914 at nagdulot ng 20 milyong patay, hindi pa kasama ang 20 milyong naging imbalido, at sa kaguluhan ng digmaan ay nagkaroon ng pandemya ng ‘Spanish Flu’ na may higit sa 50 milyong patay.
Ang rebolusyon sa Rusya noong 1917 at ang mga rebolusyonaryong pagtatangka sa ibang bansa ay binigyang-wakas ang patayan at ipinakita ang kabilang panig ng istorikal na problema na iniharap ni Engels: ang pagpabagsak ng kapitalismo sa pandaigdigang saklaw ng rebolusyonaryong uri, ang proletaryado, na magbubukas ng posibilidad ng isang komunistang lipunan.
Gayunpaman, ang sumunod ay:
- ang pagkatalo ng pandaigdigang rebolusyonaryong pagtatangka na ito, ang malupit na kontra-rebolusyon sa Russia na ginawa ng Stalinismo sa ilalim ng bandila ng "komunismo",
- ang masaker ng proletaryado sa Alemanya, na sinimulan ng Sosyal-Demokrasya[1] [124] at tinapos ng Nazismo,
- ang pagsuko ng proletaryado sa Unyong Sobyet, ang masaker sa proletaryado sa bansang iyon, at
- ang pagsuko ng proletaryado sa likod ng mga bandila ng anti-pasismo at pagtatanggol sa "sosyalistang" amang bayan na humantong noong 1939-45 sa isa pang bagong palatandaan ng barbarismo, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, na may 60 milyong patay at walang katapusang karugtong ng pagdurusa: ang mga ‘concentration camps’ ng Nazista at Stalinista; ang pambobomba ng ‘Allied’ sa Dresden, Hamburg at Tokyo (Enero 1945); ang paghulog ng bomba atomika sa Hiroshima at Nagasaki ng USA.
Mula noon, hindi tumigil ang digmaan sa pagkitil buhay sa bawat kontinente.
Ang una ay ang komprontasyon ng mga bloke ng US at Rusya, ang tinatawag na Cold War (1945 89), na may walang katapusang kadena ng mga lokal na digmaan at ang banta ng delubyo ng mga bomba nukleyar na nakasabit sa buong planeta.
Matapos ang bumagsak ang USSR noong 1989-91, ang mga magulong digmaan ay nagpadugo sa planeta: Iraq, Yugoslavia, Rwanda, Afghanistan, Yemen, Syria, Ethiopia, Sudan... Ang digmaan sa Ukraine ay ang pinaka-malubhang krisis sa digmaan mula noong 1945.
Ang barbaridad ng digmaan ay sinamahan ng paglaganap ng mga mapanirang pwersang nagpalala sa isa't isa: ang COVID pandemya na malayo pa sa pagkalutas at nagbukas sa mga bagong pandemya; ang bumibilis at lumakas na kalamidad sa ekolohiya at kapaligiran, na kasama ang pagbabago ng klima, nagiging sanhi ng lalong hindi mapigilan at nakamamatay na mga sakuna: tagtuyot, baha, bagyo, tsunami, atbp, at isang walang katulad na antas ng polusyon ng lupa, tubig, hangin at kalawakan; Ang matinding krisis sa pagkain ay nagdudulot ng mga gutom na kasing lawak sa nasa Bibliya. Sa nakalipas na apatnapung taon, ang sangkatauhan ay nanganganib na maglaho dahil sa Ikatlong Digmaang Pandaigdig, ngayon maaari itong lipulin sa pamamagitan ng simpleng pagtitipon at nakamamatay na kumbinasyon ng mga pwersa ng pagkawasak na kasalukuyang gumagana: "Sa huli, lahat ay pareho lang kung tayo ay malipol sa ulan ng mga bomba ng thermonuclear, o sa pamamagitan ng polusyon, radio-activity mula sa mga nuclear power station, taggutom, epidemya, at ang mga masaker ng napakaraming maliliit na digmaan (kung saan maaaring gamitin din ang mga armas nukleyar). Ang tanging pagkakaiba sa pagitan ng dalawang anyo ng pagpuksa ay ang isa ay mabilis, samantalang ang isa pa ay mas mabagal, at magdudulot pa rin ng higit na pagdurusa"[2] [125] (Tesis ng Dekomposisyon).
Ang problema na iniharap ni Engels ay naging mas malala: KOMUNISMO o ANG PAGKAWASAK NG SANGKATAUHAN. Seryoso ang kasalukuyang istorikal na yugto, at kailangang pagtibayin ito ng mga internasyunalistang rebolusyonaryo nang walang pag aalinlangan sa ating uri, dahil tanging ang ating uri lamang ang makapagbukas ng komunistang perspektiba sa pamamagitan ng permanente at walang humpay na pakikibaka.
Ang imperyalistang digmaan ay paraan ng pamumuhay ng kapitalismo
Pinalsipika at minaliit ng mass media ang katotohanan ng digmaan. Sa maagang yugto, nakatuon ang media sa digmaan sa Ukraine 24 oras sa isang araw. Ngunit sa paglipas ng panahon, ang digmaan ay hindi na pinapansin, kahit gumawa ng mga headline, ang mga alingawngaw nito ay hindi lumagpas sa nagbabanta mga pahayag, nanawagan para sa mga sakripisyo upang "magpadala ng mga armas sa Ukraine", maghagupit ng kampanyang propaganda laban sa kaaway, pekeng balita, ang lahat ay nagsilbi sa walang kabuluhan pag-asa ng mga "negosasyon" ...
Ang pagmaliit sa digmaan, ang masanay sa mabahong amoy ng mga bangkay at mga usok ng guho, ay para maging bulag sa lahat ng malubhang panganib na nagbabanta sa sangkatauhan, na permanenteng nakasabit sa ating mga ulo.
Milyun-milyong tao, sa Aprika, Asya o Sentral Amerika, ay walang ibang alam na realidad kundi ang DIGMAAN; Mula sa kuna hanggang sa libingan ay nabuhay sila sa karagatan ng barbarismo kung saan laganap ang lahat ng uri ng kalupitan: mga sundalong bata, nagpapahirap na mga operasyong militar, hostage taking, atake ng mga terorista, maramihang ebakwasyon ng buong populasyon, walang pinipili na pambobomba.
Habang ang mga digmaan ng nakaraan ay limitado sa mga front line at mga combatants, ang mga digmaan ng ika-20 at ika-21 siglo ay TOTAL WARS na sumasaklaw sa lahat ng bahagi ng buhay ng lipunan at ang kanilang mga epekto ay kumalat sa buong mundo, hinihila pababap ang lahat ng mga bansa, kabilang ang mga na hindi direktang sangkot. Sa mga digmaan ng ika-20 at ika-21 siglo, walang naninirahan o lugar sa planeta ang maaaring makatakas sa kanilang nakamamatay na epekto.
Sa front line, na maaaring umabot sa libu-libong kilometro at umaabot sa lupa, dagat at hangin... at sa kalawakan! ... Ang buhay ay kinitil sa pamamagitan ng mga bomba, pagbaril, mina, at kahit, sa maraming mga kaso, sa pamamagitan ng "friendly fire" ... Nasakop ng nakakamatay na kabaliwan, sapilitan sa pamamagitan ng sindak na ipinataw ng mas mataas na ranggo, o nakulong sa matinding sitwasyon, ang lahat ng mga kalahok ay napilitang magsagawa ng pinaka-nakakamatay, kriminal at mapanirang mga aksyon.
Sa isang bahagi ng larangang militar ay may "remote warfare" na walang humpay na pagdedeploy ng mga ultra-modernong makina ng pagkawasak: mga eroplano na nagbabagsak ng libu-libong bomba nang walang pahinga; mga drone na kinokontrol mula sa malayo upang atakehin ang mga target ng kaaway; mobile o fixed na walang humpay na panganganyon sa kaaway; missiles na sumasaklaw sa daan-daan o libu-libong kilometro.
Ang tinatawag na home front ay nagiging isang permanenteng teatro ng digmaan kung saan ang populasyon ay hinostage. Kahit sino ay maaaring mamatay sa pana-panahon na pambobomba ng buong lungsod... Sa mga sentro ng produksyon, ang mga tao ay nagtatrabaho na tinutukan ng baril, sa ilalim ng kontrol ng pulisya, partido, unyon at lahat ng iba pang mga institusyon sa paglilingkod sa "pagtatanggol ng sariling bayan", habang kasabay nito ay na panganib sila na madurog ng mga bomba ng kaaway. Ang trabaho ay nagiging mas malaking impiyerno kaysa sa pang-araw-araw na impiyerno ng kapitalistang pagsasamantala.
Ang dramatikong rasyon ng pagkain ay isang marumi, mabahong sopas... Walang tubig, walang kuryente, walang pampainit... Milyun-milyong tao ang nakaranas na ang kanilang pag-iral ay tulad ng mga hayop. Ang mga shell ay bumabagsak mula sa kalangitan, na pumapatay ng libu-libong tao o nagdulot ng kakila-kilabot na pagdurusa, sa lupa, walang katapusang mga checkpoint ng pulisya o militar, ang panganib na madakip ng mga armadong masasamang-loob, mga mersenaryo ng estado na tinutukoy bilang "mga tagapagtanggol ng sariling bayan" ... Kailangan mong tumakbo para magtago sa kanlungan ng marumi, maraming daga na pasilongan ... Paggalang, ang pinaka-elementarya ng pakikiisa, tiwala, rasyunal na pag iisip ... ay winalis ng kapaligiran ng sindak na ipinataw hindi lamang ng gobyerno, kundi pati na rin ng Pambansang Unyon kung saan ang mga partido at unyon ay nakibahagi nang walang awang kasigasigan. Ang pinaka-walang katuturang mga balita, ang pinaka-hindi kapani-paniwala na balita ay kumakalat nang walang tigil, na nagiging sanhi ng isang hysterical na kapaligiran ng pagtuligsa, walang pini-pili na paghihinala, matinding pagod at pogrom.
Ang digmaan ay isang barbarismong sinadya at binalak ng mga gobyerno na nagpapalala nito sa pamamagitan ng mulat na pagpapalaganap ng poot, takot sa "iba", mga labanan at pagkahati-hati sa pagitan ng mga tao, walang kwentang kamatayan, institusyonalisasyon ng tortyur, pagsuko, relasyon sa kapangyarihan, bilang tanging lohika ng ebolusyon ng lipunan. Ang marahas na labanan sa paligid ng Zaporizhzhia nuclear power plant sa Ukraine ay nagpapakita kung paano ang dalawang panig ay walang pag-aalinlangan tungkol sa panganib radioactive catastrophe na mas masahol pa kaysa Chernobyl at may napakalaking epekto sa populasyon ng Uropa. Ang banta ng paggamit ng mga armas nukleyar ay nakakatakot na unti-unting lumilitaw.
Ang ideolohiya ng digmaan
Ang kapitalismo ang pinaka-mapagkunwari at mapang-uyam na sistema sa kasaysayan. Ang buong sining ng ideolohiya nito ay binubuo ng pagpapasa ng interes nito bilang "interes ng mamamayan" na pinalamutian ng pinakamatayog na mithiin: katarungan, kapayapaan, pag-unlad, karapatang pantao...!
Lahat ng estado ay gumagawa ng isang IDEOLOHIYA NG DIGMAAN na dinisenyo upang bigyang katwiran ito at gawing mga hyena ang kanilang “mamamayan” na nakahandang pumatay. "Ang digmaan ay sistematiko, organisado, malakihang pagpatay. Ngunit sa normal na tao ang sistematikong pagpatay na ito ay posible lamang kapag ang kalagayan ng pagkalango ay nalikha na. Ito ang laging subok at napatunayan na paraan ng mga gumagawa ng digmaan. Ang kalupitan ng pagkilos ay dapat makahanap ng isang pinagsamang kalupitan pag-iisip at pandama; ang huli ay naghahanda para sa at sumama sa una" (Rosa Luxemburg, The Junius Pamphlet).
Ang mga dakilang demokrasya ay may KAPAYAPAAN bilang pundasyon ng kanilang ideolohiya sa digmaan. Ang mga demonstrasyon "para sa kapayapaan" ay palaging paghahanda para sa mga imperyalistang digmaan. Noong tag-init ng 1914 at noong 1938-39 milyon-milyong tao ang nagmartsa "para sa kapayapaan" sa isang walang lakas na sigaw ng "mga taong may mabuting kalooban", mga mapagsamantala at pinagsamantalan ay magkahawak-kamay, kung saan ang “demokratikong” kampo ay kailanman hindi tumigil na gamitin ito upang bigyang katwiran ang pagpapabilis ng paghahanda sa digmaan.
Noong Unang Digmaang Pandaigdig, pinakilos ng Alemanya ang hukbo nito sa "pagtatanggol sa kapayapaan", na "winasak ng pagsalakay ng Sarajevo sa kaalyado nitong Austria". Ngunit ang kalabang panig, ang Pransya at Britanya ay lumahok sa patayan sa ngalan ng kapayapaan na "winasak ng Alemanya". Sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ang Pransya at Britanya ay nagkunwaring nagsisikap para sa "kapayapaan" sa Munich sa harap ng ni Hitler, habang sabik na sabik na naghanda para sa digmaan, at ang pagsakop sa Poland sa pamamagitan ng pinagsamang pagkilos nina Hitler at Stalin ay nagbigay sa kanila ng perpektong dahilan upang lumahok sa digmaan... Sa Ukraine, sinabi ni Putin hanggang ilang oras bago ang pagsalakay sa 24 Pebrero na gusto niya ng "kapayapaan", habang ang Estados Unidos ay walang humpay na tinuligsa ang warmongering ni Putin ...
Ang bansa, pambansang pagtatanggol at lahat ng ideolohikal na sandata na umiinog sa paligid nito (rasismo, relihiyon atbp) ang kawit upang mapakilos ang proletaryado at ang buong populasyon sa imperyalistang masaker. Ipinapahayag ng burgesya sa panahon ng "kapayapaan" ang "pantay-pantay na pag-iral ng mga tao", ngunit ang lahat ay nawala sa imperyalistang digmaan, at pagkatapos ay hinubad ang mga maskara at lahat ay nagpapalaganap ng poot sa dayuhan at sa matatag na nagtatanggol sa bansa!
Lahat sila ay nagpahayag ng kanilang mga digmaan bilang "depensa". Isang daang taon na ang nakararaan, ang mga ministro na namamahala sa barbarismong militar ay tinawag na "mga ministro ng digmaan"; Ngayon, na may pinakamatinding pagkukunwari, ang tawag sa kanila ay "ministri ng depensa". Ang pagtatanggol ay balatkayo ng digmaan. Walang mga inaatake na bansa at mga bansang umaatake, lahat sila ay aktibong kalahok sa nakakamatay na makinarya ng digmaan. Ang Rusya sa kasalukuyang digmaan ay lumitaw bilang “mananakop” dahil siya ang nag-inisyatibang lumusob sa Ukraine, ngunit bago pa nito, ang Estados Unidos, sa Machiavellian na paraan, ay pinalawak ang NATO sa imaraming bansa ng dating Warsaw Pact. Hindi posibleng tingnan ang bawat kawing na hiwa-hiwalay, kinakailangang tingnan ang madugong kadena ng imperyalistang komprontasyon na mahigit isang siglo nang sumusunggab sa buong sangkatauhan.
Lagi nilang pinag uusapan ang isang "malinis na digmaan", na sumusunod (o dapat sumunod) sa "mga makataong panuntunan" "alinsunod sa internasyonal na batas". Ito ay isang karumal-dumal na pandaraya, na walang pigil na naglilingkod na may pangungutya at pagkukunwari! Ang mga digmaan ng dekadenteng kapitalismo ay nabubuhay na walangf ibang batas kundi ang ganap na pagkawasak ng kaaway, at kabilang iyan sa pagsindak sa mga nasasakupan ng kaaway sa pamamagitan ng walang awang pambobomba ... Sa digmaan ang relasyon ng puwersa ay KAHIT ANO PWEDE, mula sa pinaka-brutal na panggagahasa at parusa sa populasyon ng kaaway, hanggang sa pinaka-walang pinipiling paninindak laban sa kanilang sariling "mamamayan". Ang pambobomba ng Rusya sa Ukraine ay sumusunod sa mga yapak ng pambobomba ng US sa Iraq, ang mga Amerikano tulad ng mga gobyerno ng Rusya sa Afghanistan o sa Syria at bago nito ang Vietnam; pagbomba ng Pransya sa mga dating kolonya nito, tulad ng Madagascar at Algeria; ang pagbomba sa Dresden at Hamburg ng "mga demokratikong kaalyado"; at ang barbarikong nukleyar ng Hiroshima at Nagasaki. Ang mga digmaan ng ika-20 at ika-21 siglo ay sinamahan ng mga pamamaraan ng pangmasang pagpuka na ginagamit ng lahat ng panig, bagaman ang demokratikong panig ay karaniwang nag-iingat na i-subcontract ito sa mga kahina-hinalang indibidwal na siyang pinagbintangan ng sisi.
Nangahas silang magsalita ng "mga makatarungan digmaan"!!! Ang panig ng NATO na sumusuporta sa Ukraine ay nagsasabi na ito ay digmaan para sa demokrasya laban sa despotismo at ang diktador na rehimen ni Putin. Sinabi ni Putin na "i-denazify" ang Ukraine. Parehong mga tahasang kasinungalingan. Ang panig ng mga "demokrasya" ay may napakaraming dugo sa mga kamay nito: dugo mula sa napakaraming digmaang direktang nilikha nila (Vietnam, Yugoslavia, Iraq, Afghanistan) o di-direkta (Libya, Syria, Yemen...); dugo mula sa libu-libong migrante na napatay sa dagat o sa frontier hotspots ng USA o sa Uropa... Ang estado ng Ukraine ay gumagamit ng sindak upang ipataw ang lenggwahe at kultura ng Ukraine; pinapatay nito ang mga manggagawa dahil sa tanging krimen ng pagsasalita ng Ruso; pinilit nito na maging sundalo ang sinumang kabataang mahuli sa lansangan o kalsada; ginagamit nito ang populasyon, pati na ang mga nasa ospital, bilang kalasag; nagdedeploy ito ng mga neo-pasistang gang para takutin ang populasyon... Sa kanyang panig, bukod pa sa mga pambobomba, panggagahasa at summary execution, libu-libong pamilya ang inilagay sa mga kampo ng konsentrasyon sa liblib na lugar; nagpapataw ng sindak sa mga "napalayang" teritoryo at inilista ang mga Ukrainian para sa hukbo sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila sa bakbakan sa front line.
Ang tunay na mga dahilan ng digmaan
Sampung libong taon na ang nakalipas isa sa mga paraan bakit nabuwag ang primitibong komunismo ay ang digmaan ng mga tribo. Mula noon, sa ilalim ng pangangasiwa ng mga mode ng produksyon batay sa pagsasamantala, ang digmaan ay naging isa sa pinakamasamang kalamidad. Ngunit may ilang digmaan na may progresibong papel sa kasaysayan, halimbawa, sa pag unlad ng kapitalismo, pagbuo ng mga bagong bansa, pagpapalawak ng pandaigdigang pamilihan, pagpapasigla ng pag unlad ng mga produktibong pwersa.
Subalit, mula noong Unang Digmaang Pandaigdig, ang mundo ay lubusan ng nahati sa mga kapitalistang kapangyarihan, kaya ang tanging paraan para sa bawat pambansang kapital ay ang mang-agaw ng mga pamilihan, mga sona ng impluwensya, mga estratehikong lugar mula sa mga karibal nito. Dahil dito ang digmaan at lahat ng kaakibat nito (militarismo, higanteng akumulasyon ng armas, diplomatikong alyansa) ay naging PERMANENTENG BUHAY ng kapitalismo. Ang palagiang imperyalistang presyur na sumusunggab sa mundo at humihila sa lahat ng bansa, malaki man o maliit, anuman ang kanilang ideolohikal na maskara at alibi, oryentasyon ng mga naghaharing partido, kanilang komposisyon ng lahi o ang kanilang pamana sa kultura at relihiyon. LAHAT NG MGA BANSA AY IMPERYALISTA. Ang katha-kathang "mapayapa at nyutral" na mga bansa ay purong pandaraya. Kung ang ilang bansa ay magpatibay ng "nyutral" na patakaran, ito ay para samantalahin ang hidwaan sa pagitan ng pinakamatigas na magkalabang kampo, upang mang-agaw ng kanilang sariling sona ng imperyalistang impluwensya. Noong Hunyo 2022, ang Sweden, isang bansang opisyal na nyutral sa loob ng mahigit 70 taon, ay sumapi sa NATO ngunit hindi ito "nagtaksil sa anumang mga ideyal", ipinagpatuloy nito ang sariling imperyalistang patakaran "sa ibang paraan".
Ang digmaan ay tiyak na magandang negosyo para sa mga korporasyon na nakikibahagi sa paggawa ng armas, at maaaring pansamantala pa itong makinabang sa partikular na mga bansa. Ngunit, para sa kapitalismo sa kabuuan, ito ay isang kalamidad sa ekonomiya, isang irasyunal na pag-aaksaya, isang MINUS na pampabigat sa pandaigdigang produksyon na hindi maiwasan at maging negatibong dahilan na magdulot ng pagkakautang, implasyon at pagkasira ng ekolohiya, hindi kailanman isang PLUS na makadagdag sa kapitalistang akumulasyon.
Bilang hindi maiwasan na pangangailangan para manatili ang bawat bansa, ang digmaan ay isang nakamamatay na pabigat sa ekonomiya. Bumagsak ang USSR dahil hindi nito kinaya ang kabaliwan ng paligsahan sa armas laban sa USA at nakontrol ng huli hanggang sa ultimong deployment ng Star Wars program noong 1980s. Ang Estados Unidos, na pinakamalaking nagwagi sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig at nagtamasa ng kahanga-hangang pag-unlad ng ekonomiya hanggang sa huling bahagi ng 1960s, ay nakatagpo ng maraming balakid sa pagpapanatili ng imperyalistang hegemonya nito, siyempre mula nang mabuwag ang mga bloke, na pumabor sa paglitaw ng dinamiko ng panibagong imperyalistang pagnanasa - lalo na sa mga dating 'kaalyado' nito - ng pagtatalo at bawat isa para sa kanilang sarili, kundi dahil din sa napakalaking pagsisikap militar na kinailangan ng mga pwersang Amerikano sa loob ng mahigit 80 taon at sa magastos na operasyong militar na kinailangan nitong isagawa upang mapanatili ang katayuan nito bilang nangungunang kapangyarihan sa mundo.
Dinadala ng kapitalismo sa kanyang mga gene, sa kanyang DNA, ang pinaka-malalang kumpetisyon, ang BAWAT ISA LABAN SA LAHAT at ang LAHAT PARA SA KANILANG SARILI, para sa bawat kapitalista, pati na rin sa bawat bansa. Ang "organikong" tendensiyang ito ng kapitalismo ay hindi malinaw na lumitaw sa kanyang abanteng yugto dahil ang bawat pambansang kapital ay nagtamasa pa rin ng sapat na mga lugar para sa kanyang pagpapalawak nang hindi na kailangang komprontahin ang mga karibal nito. Sa pagitan ng 1914-89 ito ay humihina dahil sa pagkabuo ng malalaking imperyalistang bloke. Dahil sa malupit na paglaho ng brutal na disiplinang ito, hinuhubog ng mga tendensiyang sentripugal ang mundo ng nakakamatay na kaguluhan, kung saan ang anumang imperyalismo na may pandaigdigang ambisyon para sa pandaigdigang dominasyon, gayundin ang mga imperyalismo na may mga rehiyunal na ambisyon, at mas maraming lokal na imperyalismo ay napilitang sundin ang kanilang lumalawak na pagkagahaman at pansariling interes. Sa ganitong senaryo, sinisikap ng Estados Unidos na pigilan ang sinuman na mas higitan ito sa pamamagitan ng walang humpay na pag deploy ng napakalakas na kapangyarihang militar nito, walang humpay na pagtatayo nito, at sa pamamagitan ng paglunsad ng palagian, malakas na mapanirang mga operasyong militar. Ang pangako noong 1990, matapos bumagsak ang USSR, na "Bagong Kaayusan ng Mundo", ng kapayapaan at kasaganaan ay agad na pinabulaanan ng Digmaan sa Gulpo at pagkatapos ay ng mga digmaan sa Gitnang Silangan, Iraq at Afghanistan, na gumagatong sa mga tendensiyang kahalintulad ng digmaan kung saan ang "pinaka-demokratikong imperyalismo sa mundo", ang USA, ay naging pangunahing ahente ngayon sa pagpapalaganap ng parang digmaan na mga kaguluhan at de-istabilisasyon ng sitwasyon ng mundo.
Lumitaw ang Tsina bilang pangunahing karibal upang hamunin ang pamumuno ng Amerika. Ang hukbo nito, sa kabila ng modernisasyon nito, ay malayo pa rin sa lakas at karanasan kumpara sa karibal nitong Amerika; ang teknolohiya nito sa digmaan, bilang pundasyon ng mga sandata at epektibong deployment ng militar, ay limitado at mahina pa rin, malayo pa kumpara sa US; Ang Tsina ay napapaligiran sa Pasipiko ng isang kadena ng mga makapangyarihang kaaway (Japan, South Korea, Taiwan, Australia, atbp), na humaharang sa imperyalistang pagpapalawak nito sa karagatan. Sa harap ng hindi kanais-nais na sitwasyong ito, sinimulan nito ang isang napakalaking imperyalista-ekonomikong kalakalan, ang Silk Road, na naglalayong magtatag ng pandaigdigang presensya at pagpapalawak sa kalupaan sa pamamagitan ng Gitnang Asya na isa sa mga pinaka-hindi matatag na lugar sa mundo. Ito ay isang pagsisikap pero walang katiyakan na resulta ngunit nangangailangan ng napakalaling pamumuhunang ekonomiya at militar at pampulitika-panlipunang mobilisasyon na lampas na sa kapasidad nito ng pagkontrol, na sa esensya ay nakabatay sa pampulitikang paghihigpit ng makinarya ng estado nito, isang napakabigat na pamana ng Stalinistang Maoismo: ang sistematiko at brutal na paggamit ng mga pwersang mapanupil, pamimilit at pagsuko sa higante, ultra-burukratikong makinarya ng estado, tulad ng nakita sa lumalaking bilang ng mga protesta laban sa patakaran ng pamahalaan na "zero Covid". Ang abnormal na oryentasyong ito at ang akumulasyon ng mga kontradiksyon na malalim na nagpahina sa pag unlad nito ay maaaring sa huli ay makasira sa mala-putik na pundasyon ng Tsina. Ito, at ang brutal at nagbabantang tugon ng US, ay naglalarawan ng antas ng nakakamatay na kabaliwan, ng bulag na paglipad patungong barbarismo at militarismo (kabilang ang lumalaking militarisasyon ng buhay panlipunan), kung saan inabot na ng kapitalismo ang mga sintomas ng pangkalahatang kanser na kumakain sa mundo at ngayon ay direktang nagbabanta sa hinaharap ng mundo at buhay ng sangkatauhan.
Ang mapangwasak na ipo-ipo na nagbabanta sa mundo
Ang digmaan sa Ukraine ay hindi bagyo mula sa kalangitan; sumunod ito sa pinaka-malalang pandemya (sa ngayon) ng ika-21 siglo, ang COVID, na may mahigit sa 15 milyong patay, at ang mga pinsala ay nagpatuloy sa mabangis na lockdown sa China. Gayunman, ang dalawang ito ay dapat tingnan sa konteksto ng, kundi nagpapasigla rin, sa isang kadena ng mga kalamidad na humahampas sa sangkatauhan: pagkawasak ng kapaligiran; pagbabago ng klima at ang maraming epekto nito; taggutom na gutom na malakas na bumabalik sa Africa, Asia at Central America; ang hindi kapani-paniwalang ng mga refugee, na noong 2021 ay umabot sa walang-katulad na 100 milyong tao na nawalan ng tirahan o lumikas; ang kaguluhan sa pulitika sa mga sentral na bansa tulad ng nakita natin sa mga gobyerno sa Britanya o ang bigat ng populismo sa Estados Unidos; ang pag-usbong ng mga pinaka-reaksyunaryong ideolohiya...
Inilatag ng pandemya ang mga kontradiksyon na nagpahina sa kapitalismo. Ang isang sistema ng lipunan na ipinagmamalaki ang kahanga-hangang mga pagsulong sa syensya ay walang ibang paraan kundi ang sinaunang paraan ng quarantine, habang ang mga sistemang pangkalusugan nito ay gumuho at ang ekonomiya nito ay paralisado sa loob ng halos dalawang taon, na lalo pang nagpalala sa napakabilis na krisis sa ekonomiya. Ang isang panlipunang kaayusan na umaangkin na ang progreso ay bandila nito pero nagluwal ng pinaka-atrasado at irasyonal na mga ideolohiya na sumabog sa paligid ng pandemya na may katawa-tawang mga teorya ng pagsasabwatan, marami sa mga ito mula sa mga bibig ng "mga dakilang pinuno ng mundo".
Ang pandemya ay ang direktang resulta ng pinaka-masamang pagkasira ng ekolohiya na nagbanta sa sangkatauhan sa loob ng maraming taon. Tulak ng tubo at hindi sa satispaksyon ng pangangailangan ng tao, naging mandaragit ang kapitalismo sa likas na yaman, tulad ng paggawa ng tao, ngunit, kasabay nito, sinisirta nito ang mga natural na balanse at proseso, binabago ang mga ito sa magulong paraan, tulad ng apprentice ng mangkukulam, na nag-udyok ng lahat ng uri ng mga kalamidad na may mas mapanirang epekto: Ang global warming, nag-trigger ng tagtuyot, baha, sunog, pagkatunaw ng mga glacier at iceberg, maramihang pagkawala ng mga species ng halaman at hayop na may hindi inaasahang mga epekto at nagpahayag mismo ng pagkawala ng species ng tao na siyang direksyon ng kapitalismo. Ang pagkasira ng ekolohiya ay pinalala ng mga pangangailangan ng digmaan, ng mga operasyong pandigma mismo (ang paggamit ng mga armas nukleyar ay malinaw na ekspresyon) at sa pamamagitan ng paglala ng pandaigdigang krisis sa ekonomiya kung saan pinipilit ang bawat pambansang kapital na lalo pang desperadong wasakin ang maraming lugar sa paghahanap ng mga hilaw na materyales. Ang tag-init ng 2022 ay isang nakasisilaw na paglalarawan ng malubhang banta na kinakaharap ng sangkatauhan sa antas ng ekolohiya: pagtaas ng average at maximum na temperatura - ang pinakamainit na tag-init mula ng internasyunal na i-rekord ito – malawakang tagtuyot na nakaapekto sa mga ilog tulad ng Rhine, Po at Thames, mapaminsalang sunog sa kagubatan, baha tulad ng sa Pakistan na nakaapekto sa isang katlo ng kalupaan ng bansa, mga landslide... at, sa gitna ng mapaminsalang panorama ng kalamidad na ito, binawi ng mga pamahalaan ang kanilang katawa-tawang 'environmental protection' sa ngalan ng digmaan!
"Ang ultimong resulta ng kapitalistang moda ng produksyon ay kaguluhan", sabi ng Plataporma na pinagtibay ng unang Kongreso ng Komunistang Internasyunal noong 1919. Ito ay pagpapatiwakal at irasyunal, salungat sa lahat ng mga pamantayang siyentipiko, para isipin na ang lahat ng mga pinsala ay suma-total lang ng mga dumaraang penomena, bawat isa ay resulta ng magkaibang kadahilanan. Mayroong isang pagpapatuloy, isang akumulasyon ng mga kontradiksyon, na nagiging komon na madugong sinulid, na nagbubuklod sa kanila, na nagsasama sa isang nakakamatay na ipo-ipo na nagbabanta sa sangkatauhan:
- Ang pinaka-industriyalisadong mga bansa, na dapat ay mga oases ng kasaganaan at kapayapaan, ay nagiging de-istabilisado at sila mismo ay nagiging pangunahing dahilan ng nakakahilong pagtaas ng internasyonal na instabilidad.
Tulad ng sinabi natin sa Manipesto ng ating ika-9 na Kongreso (1991): "Hindi kailanman nakita ng lipunan ng tao ang pagpatay sa ganoon kalawak sa panahon ng huling dalawang Digmaang Pandaigdig. Hindi kailanman ginamit ang pag-unlad ng siyensya sa ganoon kalawak sa paglilingkod ng pagkawasak, kamatayan, at paghihirap ng tao. Hindi pa nangyari sa nakaraan na ang akumulasyon ng yaman ay kasabay ng, katunayan ay lumilikha ng, taggutom at pagdurusa ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig noong mga nakaraang dekada. Ngunit tila hindi pa lumubog ang sangkatauhan sa kailaliman. Ang dekadenteng kapitalismo ay nagkahulugan ng masakit na kamatayan ng sistema, ngunit ang paghihirap na ito mismo ay may kasaysayan: ngayon, naabot na natin ang huling yugto nito, ang yugto ng pangkalahatang dekomposisyon. Nabubulok na ang lipunang kinatatayuan ng tao."[3] [126]
Ang tugon ng proletaryado
Sa lahat ng uri sa lipunan, ang pinaka-apektado at pinakamahirap na tinamaan ng digmaan ay ang proletaryado. Ang "modernong" digmaan ay isinasagawa ng isang higanteng industriyal na makina na humihiling ng matinding pagpapaigting ng pagsasamantala sa proletaryado. Ang proletaryado ay isang internasyunal na uri na WALANG SARILING BAYAN, ngunit ang digmaan ay ang pagpatay sa mga manggagawa para sa tinubuang lupa na nagsasamantala at nagpapahirap sa kanila. Ang proletaryado ang uri ng kamulatan; ang digmaan ay irasyonal na komprontasyon, ang pagtakwil sa lahat ng mulat na pag iisip at repleksyon. Ang proletaryado ay may interes na hanapin ang pinakamalinaw na katotohanan; sa mga digmaan ang unang nasawi ay katotohanan, nakakadena, binusalan, sinakal ng mga kasinungalingan ng imperyalistang propaganda. Ang proletaryado ay ang uri ng pagkakaisa sa anuman ang lenggwahe, relihiyon, lahi o nasyonalidad; Ang nakakamatay na komprontasyon sa digmaan ay nagtulak para sa paghiwa-hiwalay, sa pagkahati-hati, sa komprontasyon sa pagitan ng mga bansa at populasyon. Ang proletaryado ay ang uri ng internasyunalismo, ng tiwala at pagkakaisa sa isa't isa; Ang digmaan ay humihingi ng paghihinala, takot sa "dayuhan", ang pinaka-kasuklam-suklam na pagkamuhi sa "kaaway".
Dahil ang digmaan ay humahampas at pinagputol-putol ang pinakabuod ng proletaryong identidad, ang kinakilangang matalo muna ang proletaryado bago ang pangkalahatang digmaan. Nangyari ang Unang Digmaang Pandaigdig dahil ang mga dating partido ng uring manggagawa, ang mga partidong sosyalista, kasama ang mga unyon, ay nagtaksil sa ating uri at sumapi sa kanilang burgesya sa balangkas ng PAMBANSANG UNYON laban sa kaaway. Ngunit hindi sapat ang pagtataksil na ito. Noong 1915, ang Kaliwa ng sosyal na demokrasya ay nagsama-sama sa Zimmerwald at itinaas ang bandila ng pakikibaka para sa pandaigdigang rebolusyon. Nag-ambag ito sa paglitaw ng mga pangmasang pakikibaka na nagbigay-daan sa Rebolusyon sa Rusya noong 1917 at sa pandaigdigang alon ng proletaryong pag-alsa noong 1917-23, hindi lamang laban sa digmaan bilang pagtatanggol sa mga prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, kundi laban sa kapitalismo sa pamamagitan ng paggigiit ng kapasidad nito bilang nagkakaisang uri na ibagsak ang isang barbariko at di-makataong sistema ng pagsasamantala.
Isang walang hanggang aral ng 1917-18! Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay hindi natapos sa pamamagitan ng diplomatikong negosasyon o sa pamamagitan ng mga pananakop ng imperyalismong ito o iyon, ITO AY NATAPOS SA PAMAMAGITAN NG INTERNASYUNAL NA REBOLUSYONARYONG PAG-ALSA NG PROLETARYADO. TANGING ANG PROLETARYADO LAMANG ANG MAKAPAGBIBIGAY WAKAS SA BARBARISMONG MILITAR SA PAMAMAGITAN NG TRANSPORMASYON NG MAKAURING PAKIKIBAKA NITO SA PAGWASAK NG KAPITALISMO.
Upang mabuksan ang daan tungo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, tiniyak ng burgesya hindi lamang ang pisikal kundi pati na rin ang ideolohikal na pagkatalo ng proletaryado. Ang proletaryado ay sumailalim sa walang-awang teror saanman ang mga rebolusyonaryong pagtatangka nito ay halos hindi umiiral: sa Alemanya sa ilalim ng Nazismo, sa Rusya sa ilalim ng Stalinismo. Ngunit, kasabay nito, ito ay ideolohikal na na-rekrut, sa likod ng mga bandila ng anti-pasismo at pagtatanggol sa "Sosyalistang Amangbayan", ang USSR. "Hindi makapaglunsad ng sariling opensiba ang uring manggagawa ay inaakay, nakatali ang kamay at paa, sa ikalawang imperyalistang digmaan. Hindi tulad ng Unang Digmaang Pandaigdig, ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay hindi nagbigay sa uring manggagawa ng mga paraan upang mag-alsa sa rebolusyonaryong paraan. Sa halip ay pinakilos ito sa likod ng mga dakilang 'tagumpay' ng kilusang 'Paglaban', 'anti-pasismo', at kolonyal at pambansang 'pagpapalaya'." (Manipesto ng Unang Internasyunal na Kongreso ng IKT, 1975 [127]).
Mula nang istorikal na pagbabalik ng makauring pakikibaka noong 1968, at sa buong panahon kung saan ang mundo ay nahati sa dalawang imperyalistang bloke, ang uring manggagawa sa mga pangunahing bansa ay tumangging gawin ang mga sakripisyong hinihingi ng digmaan, lalo na sa pagpunta sa prontera upang mamatay para sa Amangbayan, kaya isinara ang pinto sa isang Ikatlong Digmaang Pandaigdig. Ang sitwasyong ito ay hindi nagbago mula noong 1989.
Ang paglaban sa implasyon at ang paglaban sa digmaan
Subalit, HINDI SAPAT ang "hindi pagkilos" ng proletaryado sa mga sentral na bansa para sa digmaan. Lumitaw ang ikalawang aral mula sa mga makasaysayang pangyayari mula noong 1989: ANG SIMPLENG PASIBIDAD SA MGA OPERASYON NG DIGMAAN, AT SIMPLENG PAGLABAN SA KAPITALISTANG BARBARISMO AY HINDI SAPAT. ANG MANATILI SA YUGTONG ITO AY HINDI MAKAPIGIL SA LANDAS TUNGO SA PAGKAWASAK NG SANGKATAUHAN.
Kailangang humakbang ang proletaryado sa pampulitikang tereyn ng pangkalahatang internasyunal na opensiba laban sa kapitalismo. "Malabanan lang ng uring manggagawa ang mga atake ng kapital sa pamamagitan ng direktahang komprontasyon, at sa huli ay maglunsad ng opensiba at ibagsak ang barbarikong sistemang ito salamat sa: (-) kamulatan kung ano ang nakataya sa kasalukuyang istorikal na sitwasyon, at sa partikular sa mortal na panganib na taglay ng panlipunang dekomposisyon sa sangkatauhan; (-) ang determinasyon nitong ipagpatuloy, paunlarin at pagkaisahin ang makauring pakikibaka nito; (-) ang kakayahan nitong iwasan ang maraming patibong na, gaano man kabulok ang burgesya, ilalagay nito sa kanyang landas." (Tesis ng Dekomposisyon, tesis 17 [11]).
Ang nasa likod ng akumulasyon ng pagkawasak, barbarismo at mga kalamidad na tinutuligsa natin ay ang hindi na maaayos na krisis pang-ekonomiya ng kapitalismo na siyang ugat ng paggana nito. Mula 1967 pumasok ang kapitalismo sa isang krisis pang-ekonomiya kung saan, makalipas ang limampung taon, hindi ito makatakas. Kabaligtaran, tulad ng ipinakita ng mga pang-ekonomiyang kaguluhan na nagaganap mula noong 2018 at ang lumalaking paglawak ng implasyon, na lalo pang lumala, na may mga epekto nito sa kahirapan, kawalan ng trabaho, kawalan ng seguridad at taggutom.
Nakaapekto ang kapitalistang krisis sa mismong pundasyon ng lipunang ito. Implasyon, kawalan ng seguridad, kawalan ng trabaho, mala-impyerno at kondisyon ng pagtrabaho na sumisira sa kalusugan ng mga manggagawa, hindi abot kayang pabahay... lahat ay nagpatotoo sa hindi mapigilan na pagkasira ng buhay ng uring manggagawa at, bagama't sinisikap ng burgesya na lumikha ng lahat ng maiisip na pagkahati-hati, nagbigay ng "mas pribilehiyong" kondisyon sa ilang kategorya ng mga manggagawa, ang nakikita natin sa kabuuan nito ay, sa isang banda, kung ano ang posibleng magiging PINAKAMALALANG KRISIS sa kasaysayan ng kapitalismo, at, sa kabilang banda, ang kongkretong realidad ng ABSOLUTONG KAHIRAPAN ng uring manggagawa sa mga sentral na bansa, ay ganap na nagpatunay sa katumpakan ng prediksyon na ginawa ni Marx hinggil sa istorikal na perspektiba ng kapitalismo at labis na kinutya ng mga ekonomista at iba pang ideolohista ng burgesya.
Ang hindi mapigilang paglala ng krisis ng kapitalismo ay isang mahalagang pampasigla para sa makauring pakikibaka at makauring kamulatan. Ang pakikibaka laban sa mga epekto ng krisis ang batayan ng pag-unlad ng lakas at pagkakaisa ng uring manggagawa. Ang krisis sa ekonomiya ay direktang nakaapekto sa imprastraktura ng lipunan; kaya naman inilatag nito ang ugat ng lahat ng barbarismong nakasabit sa lipunan, na nagbibigay daan sa proletaryado para maging mulat sa pangangailangang tuluyang wasakin ang sistema at hindi na subukang pagbutihin ang ilang aspeto nito.
Sa pakikibaka laban sa brutal na pag-atake ng kapitalismo at lalo na laban sa implasyon na tumatama sa kabuuan ng mga manggagawa sa pangkalahatan at walang pinipili na paraan, mapaunlad ng mga manggagawa ang kanilang pakikibaka, magagawa nilang simulan ang pagkilala sa kanilang sarili bilang isang uri na may lakas, awtonomiya at istorikal na papel na gagampanan sa lipunan. Ang pampulitikang pag unlad na ito ng makauring pakikibaka ang magbibigay sa kanila ng kapasidad na wakasan ang digmaan sa pamamagitan ng pagwawakas sa kapitalismo.
Nagsimula nang lumitaw ang perspektibang ito: "sa harap ng mga atake ng burgesya, nabubuo ang galit at ngayon, ipinapakita ng uring manggagawa sa Britanya na muli itong handang ipaglaban ang dignidad nito, tanggihan ang mga sakripisyong palaging hinihingi ng kapital. Bukod pa rito, nagpahiwatig ito ng internasyonal na dinamiko: noong nakaraang taglamig, nagsimulang lumitaw ang mga welga sa Espanya at US; ngayong tag-init, nakaranas din ng walkout ang Germany at Belgium; at ngayon, hinuhulaan ng mga komentarista ang 'isang pagsabog sa sitwasyong panlipunan' sa Pransya at Italya sa mga darating na buwan. Hindi mahuhulaan kung saan at kailan muling babangon ang napakalawak na pakikibaka ng mga manggagawa sa malapit na hinaharap, ngunit isang bagay ang tiyak: ang lawak ng kasalukuyang mobilisasyon ng mga manggagawa sa Britanya ay isang makabuluhang pangyayari sa kasaysayan. Ang mga araw ng pasibidad at pagsuko ay lumipas na. Ang mga bagong henerasyon ng manggagawa ay itinaas na ang ulo" (“The ruling class demands further sacrifices, the response of the working class is to fight!” [128] ICC International Leaflet August 2022)
Nakikita natin ang pagkabasag ng mga taon ng pasibidad at dis-oryentasyon. Ang muling pagbalik ng pakikibaka ng mga manggagawa bilang tugon sa krisis ay maaaring maging pokus ng kamulatan na pinasigla ng interbensyon ng mga komunistang organisasyon. Malinaw na ang bawat manipestasyon ng kabulukan ng lipunan ay nagawa nitong pabagalin ang mga pagsisikap ng mga manggagawa sa pakikibaka, o sa simula ay naparalisa sila: tulad ng nangyari sa kilusan sa Pransya 2019, na tinamaan ng pagsiklab ng pandemya. Nangangahulugan ito ng karagdagang kahirapan para sa pag-unlad ng mga pakikibaka. Gayunpaman, walang ibang paraan kundi makibaka, ang pakikibaka mismo ay ang unang tagumpay. Ang pandaigdigang proletaryado, kahit na ang dadaanan nito ay puno ng mga silo at patibong na itinakda ng mga makinaryang pampulitika at unyon ng kanyang makauring kaaway, kahit pa may mga mapait na pagkatalo, ay nanatiling buo ang kanyang kakayahan upang mabawi ang kanyang makauring pagkakakilanlan at sa wakas ay maglunsad ng isang internasyonal na opensiba laban sa naghihingalong sistemang ito.
Ang mga balakid na kailangang malampasan ng makauring pakikibaka
Kung gayon, malaki ang magiging kahalagahan ng dekada 20 ng ika-21 siglo sa makasaysayang ebolusyon ng makauring pakikibaka ng kilusang manggagawa. Ipinakita nila - tulad ng nakita na natin mula noong 2020 - mas malinaw kaysa sa nakaraan, ang perspektiba ng pagkawasak ng sangkatauhan na hinahawakan ng kapitalistang dekomposisyon. Sa kabilang panig, sisimulan ng proletaryado ang paggawa ng mga unang hakbang, na kadalasan nag-aatubili at puno ng mga kahinaan, tungo sa kanyang istorikal na kapasidad na maglahad ng komunistang perspektiba. Ang dalawang poste ng alternatibo, ang Pagkawasak ng Sangkatauhan o Komunistang Rebolusyon, ay malalahad, bagama't malayo pa ang huli at naharap sa napakalaking mga balakid upang igiit ang sarili.
Isang pagpapatiwakal para sa proletaryado na subukan at itago o maliitin ang mga napakalaking balakid na nagmula kapwa sa aktibidad ng Kapital at mga estado nito at sa nabubulok na paligid na kontaminado ang panlipunang kapaligiran ng buong mundo:
1: Nahalaw ng burgesya ang mga aral ng MALAKING PAGKABIGLA sa inisyal na tagumpay ng Rebolusyon sa Rusya at ng pandaigdigang rebolusyonaryong alon ng 1917-23 na pinakita "sa praktika" ang pahayag ng Manipesto ng Komunista noong 1848: "Isang multo ang nagmumulto sa Uropa — ang multo ng komunismo... Ang burgesya ay lumilikha... ng sarili nitong sepultorero ... ang proletaryado".
2: Ang pagkabulok ng kapitalistang lipunan ay nagpalala sa kawalan ng tiwala sa hinaharap. Sinisira rin nito ang tiwala ng proletaryado sa sarili at sa lakas nito bilang tanging uri na may kakayahang ibagsak ang kapitalismo, na nagbunga ng "bawat tao para sa kanyang sarili", pangkalahatang kompetisyon, pagkahati-hati ng lipunan sa magkasalungat na mga kategorya, korporatismo, lahat ay malaking balakid sa pag unlad ng mga pakikibaka ng manggagawa at higit sa lahat ang kanilang rebolusyonaryong pulitikalisasyon.
3: Sa kontekstong ito, nanganganib ang proletaryado na mahila sa mga interklasistang pakikibaka o pira-pirasong mobilisasyon (peminismo, anti-rasismo, klima o mga usaping pangkapaligiran...), na pawang nagbukas ng pintuan para ilihis ang pakikibaka nito sa tereyn komprontasyon sa pagitan ng mga paksyon ng burgesya.
4: "Gipit na sa panahon ang uring manggagawa. Hangga't ang lipunan ay nanganganib na wasakin ng tanging imperyalistang digmaan lang, ang katotohanan ay tanging ang proletaryong pakikibaka ay sapat na upang hadlangan ang daan tungo sa pagkawasak na ito. Ngunit, hindi tulad ng imperyalistang digmaan, na nakasalalay sa pagsunod ng proletaryado sa mga "ideyal" ng burgesya, ang panlipunang dekomposisyon ay maaaring makasira sa sangkatauhan nang hindi kinokontrol ang uring manggagawa. Sapagkat bagama't kayang tutulan ng mga pakikibaka ng mga manggagawa ang pagbagsak ng ekonomiya, wala silang kapangyarihan, sa loob ng sistemang ito, upang hadlangan ang pagkabulok. Kaya, bagama't ang banta na dulot ng pagkabulok ay tila mas malayo kaysa sa pandaigdigang digmaan (noon umiral ang mga kondisyon para dito, na hindi nangyayari ngayon), ito ay sa kabaligtaran ay mas mapanlinlang." (Tesis ng Dekomposisyon [11], Tesis 16)
Hindi tayo dapat matulak sa patalismo dahil sa napakalaking panganib na ito. Ang lakas ng proletaryado ay ang kamulatan sa kanyang mga kahinaan, mga paghihirap, mga balakid na iniharang ng kaaway o ng sitwasyon mismo laban sa kanyang pakikibaka. "Ang mga proletaryong rebolusyon ... ay patuloy na pinupuna ang kanilang sarili, patuloy na ginugulo mismo ang kanilang sariling landas, bumalik sa tila tapos ng nagawa, upang makapagsimulang muli; walang awang pinagtawanan nila ang mga hindi kompletong hakbangin, kahinaan, at kahirapan ng kanilang mga unang pagtatangka, tila bumagsak na ang kanilang mga kalaban upang ang huli ay makakuha ng bagong lakas mula sa mundo at muling bumangon sa kanilang harapan nang higit na malakas kaysa dati, patuloy na magbalik mula sa kawalang-katiyakan ng kanilang sariling mga mithiin – hanggang sa magkaroon ng sitwasyon na ginagawang imposible ang lahat ng pagbalik, at ang mga kondisyon mismo ang nagsisigaw: Hic Rhodus, hic salta!" (Marx: “18th Brumaire of Louis Bonaparte”).
Ang tugon ng Kaliwang Komunista
Sa mga seryosong istorikal na sitwasyon tulad ng mga signipikanteng digmaan tulad ng sa Ukraine, makikita ng proletaryado kung sino ang mga kaibigan nito at kung sino ang mga kaaway nito. Ang mga kaaway na ito ay hindi lamang ang mga pangunahing personahe tulad nina Putin, Zelensky o Biden, kundi pati na rin ang mga partido ng dulong kanan, kanan, kaliwa at dulong kaliwa, na may malawak na hanay ng mga argumento, kabilang ang pasipismo, ay sumusuporta at nagbibigay katwiran sa digmaan at pagtatanggol ng isang imperyalistang kampo laban sa isa pa.
Sa loob ng mahigit isang siglo tanging ang Kaliwang Komunista lamang ang kumilos at may kakayahang tutulan ang imperyalistang digmaan nang sistematiko at tuloy-tuloy, ipagtanggol ang alternatibo na makauring pakikibaka ng proletaryado, ng oryentasyon nito na wasakin ang kapitalismo sa pamamagitan ng pandaigdigang proletaryong rebolusyon.
Ang pakikibaka ng proletaryado ay hindi lamang limitado sa mga depensibong pakikibaka o pangmasang welga. Ang isang napakahalaga, permanente at hindi maihiwalay na bahagi nito ay ang pakikibaka ng mga komunistang organisasyon nito at, kongkreto, sa loob ng isang siglo ngayon, ng Kaliwang Komunista. Ang pagkakaisa ng lahat ng grupo ng Kaliwang Komunista ay mahalaga sa harap ng kapitalistang dinamiko ng pagkawasak ng sangkatauhan. Tulad ng pinagtibay na namin Manipesto mula sa aming unang kongreso (1975): "Sa pagtalikod sa monolitismo ng mga sekta, nananawagan ang Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa mga komunista ng lahat ng bansa na maging mulat sa kanilang napakalaking responsibilidad, talikuran ang mga bogus na pagtalo-talo na naghiwa-hiwalay sa kanila, upang malampasan ang mapanlinlang na pagkahati-hati na ipinataw sa kanila ng lumang mundo. Nanawagan ang IKT sa kanila na makiisa sa pagsisikap na ito na buuin (bago ilunsad ng uri ang mapagpasyang pakikibaka nito) ang pandaigdigan at nagkakaisang organisasyon ng kanyang taliba. Ang mga komunista bilang pinakamulat na praksyon ng uri, ay dapat ipakita nito ang daan sa pamamagitan ng kanilang islogan: 'Mga rebolusyonaryo ng lahat ng bansa, magkaisa!'"
IKT (Disyembre 2022)
[1] [130] Naharap sa rebolusyonaryong pagtatangka sa Alemanya noong 1918, sinabi ng sosyal demokrata na si Noske na handa siyang maging espiya ng kontra rebolusyon.
[2] [131] Tesis ng Dekomposisyon [11], Tesis 11
[4] [134] Ang alyadong mga hukbo ng Estados Unidos, Pransya, Britanya at Hapon ay nagkutsabahan mula Abril 1918 sa natirang hukbo ng Tsar sa kakila-kilabot na Digmaang-Sibil na kumitil ng 6 milyong buhay.
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17284/capitalism-leads-destruction-humanity-only-world-revolution-proletariat-can-put-end-it [135]
Sa nakalipas na taon, sumiklab ang mga mayor pakikibaka ng mga manggagawa sa mga mayor na bansa ng pandaigdigang kapitalismo at sa buong mundo. Ang serye ng mga welga na ito ay nagsimula sa UK noong tag-init ng 2022, at ang mga manggagawa sa maraming iba pang mga bansa ay mula noon ay sumama sa pakikibaka: Pransya, Alemanya, Espanya, Netherlands, Estados Unidos, Korea... Kahit saan, ang uring manggagawa ay nagtaas ng ulo sa harap ng matinding paglala ng kalagayan ng pamumuhay at paggawa, nakakahilo na pagtaas ng presyo, sistematikong kawalan ng seguridad at kawalan ng trabaho ng masa, dahil sa paglala ng destabilisasyong sa ekonomiya, mga pagkasira sa ekolohiya at pag-igting ng militarismo na nakaugnay sa barbarikong digmaan sa Ukraine.
Sa loob ng tatlong dekada, hindi nakita ng mundo ang gayong alon ng sabay-sabay na pakikibaka sa napakaraming bansa, o sa loob ng ganoong mahabang panahon. Ang pagbagsak ng bloke ng Silangan noong 1989 at ang mga kampanya tungkol sa diumano'y "kamatayan ng komunismo" ay nagbunsod ng malalim na paghina ng makauring pakikibaka sa pandaigdigang antas. Ang mayor na pangyayaring ito, ang pagkabuwag ng Stalinistang imperyalistang bloke at ng isa sa dalawang pinaka-malaking kapangyarihan sa mundo, ang USSR, ang pinakakagila-gilalas na ekspresyon ng pagpasok ng kapitalismo sa bago at mas mapanirang yugto ng kanyang pagka-dekadente, ang pagkabulok nito[1] [136]. Ang pagkabulok ng lipunan sa pundasyon nito, sa lumalaking karahasan at kaguluhan nito sa lahat ng antas, ang kawalang pag-asa at desperado na kapaligiran, ang posibilidad patungo sa panlipunang atomisasyon ... Ang lahat ng ito ay nagkaroon ng napaka-negatibong epekto sa pakikibaka ng uri. Kaya nasaksihan natin ang isang malaking paghina ng mapanlabang diwa kumpara sa nakaraang panahon, simula noong 1968. Ang pag-atras na tumama sa uring manggagawa sa Britanya sa loob ng mahigit tatlong dekada, isang proletaryado na may mahabang karanasan sa pakikibaka, ay naglarawan ng katotohanan ng pag-urong na ito. Sa harap ng mga pag-atake ng burgesya, lubhang malupit na "mga reporma", napakalaking de-industriyalisasyon at malaking pagbagsak ng antas ng pamumuhay, ang mga manggagawa ng bansa ay walang nakitang makabuluhang pakikibaka mula ng makaranas ng matinding pagkatalo ang mga minero sa panahon ni Thatcher noong 1985.
Habang paminsan-minsan ay nagpakita ang uring manggagawa ng mga palatandaan ng pagiging mapanlaban at sinubukang muling gamitin ang mga sandata ng pakikibaka nito (ang paglaban sa Contrat de Premier Emploi (CPE) sa Pransya noong 2006, ang kilusang Indignados sa Espanya noong 2011, ang unang mobilisasyon laban sa reporma sa pensyon sa Pransya noong 2019), na nagpapatunay na sa anumang paraan ay hindi ito nawala sa entablado ng kasaysayan, Ang mga mobilisasyon nito ay halos hindi nasundan, na walang kakayahang muling ilunsad ang mas pandaigdigang kilusan. Bakit nga ba ganito? Dahil hindi lamang nawalan ng mapanlabang diwa ang mga manggagawa sa paglipas ng mga taon, dumanas din sila ng malalim na pagbaba ng makauring kamulatan sa kanilang hanay, na pinaghirapan nilang makuha noong dekada 70 at 80. Karamihan sa mga manggagawa ay nakalimutan ang mga aral ng kanilang mga pakikibaka, ang kanilang mga komprontasyon laban sa mga unyon, ang mga patibong na itinakda ng "demokratikong" estado, pagkawala ng kanilang tiwala sa sarili, ang kanilang kakayahang magkaisa, upang lumaban ng nagkakaisa... Halos nakalimutan pa nila ang kanilang identidad bilang uri na mortal na kaaway ng burgesya at dala-dala ang sariling rebolusyonaryong perspektiba. Sa lohikang ito, tila parang tunay na ngang patay ang komunismo dahil sa mga kakila-kilabot na pangyayari sa Stalinismo, at tila naglaho na ang uring manggagawa.
At gayon pa man, sa harap ng malakihang pagbilis ng proseso ng pagkabulok[2] [137] mula noong pandaigdigang pandemya ng Covid 19, at laluna sa mga masaker ng digmaan sa Ukraine at sa kadena ng mga epekto nito sa antas ekonomiya, ekolohiya, panlipunan at pulitika, itinaas ng uring manggagawa ang ulo nito sa lahat ng dako, naglunsad ng pakikibaka at tumangging tanggapin ang mga sakripisyo sa ngalan ng tinatawag na "kagalingan para sa lahat ". Nagkataon lang ba ito? Minsanan lang na mababaw na reaksyon laban sa atake ng burgesya? Hindi! ang islogan na "Tama na!" sa konteksto ng malawakang destabilisasyon ng kapitalistang sistema ay malinaw na naglarawan na ang tunay na pagbabago ng pag-iisip ay nagaganap sa loob ng uri. Ang lahat ng mga pagpapahayag na ito ng pagiging mapanlaban ay bahagi ng isang bagong sitwasyon na nagbubukas para sa pakikibaka ng uri, isang bagong yugto na bumasag sa pagiging pasibo, dis-oryentasyon at kawalan ng pag-asa sa loob ng nagdaang huling tatlong dekada.
Ang sabay-sabay na pagsabog ng mga pakikibaka sa nakalipas na taon ay hindi nagmula sa kawalan. Ang mga ito ay produkto ng isang buong proseso ng pagmuni-muni sa loob ng uri sa pamamagitan ng isang serye ng mga nakaraang pagtatangka sa pagsubok at pagkakamali. Na, sa unang pagkilos sa France laban sa “reporma” sa pensiyon sa kataposan ng 2019, natukoy ng ICC ang pagpahayag ng matinding pangangailangan ng pagkakaisa sa pagitan ng mga henerasyon at iba't ibang sektor. Ang kilusan na ito ay sinamahan din ng iba pang mga pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo, sa Estados Unidos pati na rin sa Finland, ngunit nahinto dahil sa pagsabog ng Covid pandemic noong Marso 2020. Kahalintulad nito, noong Oktubre 2021, sumiklab ang mga welga sa Estados Unidos sa iba't ibang sektor, ngunit naputol ang momentum ng pakikibaka, sa pagkakataong ito dahil sa pagsiklab ng digmaan sa Ukraine, na sa simula ay naparalisa ang mga manggagawa, partikular sa Uropa.
Ang mahabang prosesong ito ng pagsubok at pagkakamali at materyalisasyon ay humantong mula sa tag-init ng 2022 hanggang sa isang determinadong reaksyon ng mga manggagawa sa kanilang sariling makauring tereyn sa harap ng mga pag-atake na nagmula sa destabilisasyon ng kapitalismo. Ang mga manggagawang Briton ay nagbukas ng bagong yugto sa internasyunal na pakikibaka ng mga manggagawa, na tinawag na "galit sa tag-init". Ang islogan na "tama na" ay naging simbolo ng buong proletaryong pakikibaka sa United Kingdom. Ang islogan na ito ay hindi nagpahayag ng mga ispisipikong kahilingan na matutugunan, kundi isang malalim na paghihimagsik laban sa mga kondisyon ng pagsasamantala. Ipinakita nito na ayaw na ng mga manggagawa na lunukin ang mga kalunus-lunos na kompromiso, ngunit handa na silang ipagpatuloy ang pakikibaka na may determinasyon. Ang kilusang manggagawa ng Britanya ay partikular na simboliko sa kadahilanang ito ang unang pagkakataon mula noong 1985 na ang sektor na ito ng uring manggagawa ay pumagitna sa entablado. At sa pagtindi ng implasyon at krisis sa buong mundo, na lubhang pinalala ng digmaan sa Ukraine at ng pag-igting ng ekonomiya ng digmaan, ang mga manggagawang pangkalusugan sa Espanya at Estados Unidos ay naglunsad rin ng opensiba, na sinundan ng isang alon ng mga welga sa Netherlands, isang "megastreik" ng mga manggagawa sa transportasyon sa Alemanya, higit sa 100 mga welga laban sa hindi pagbayad ng sahod at mga redundancies sa Tsina, isang welga at demonstrasyon pagkatapos ng isang kakila-kilabot na pag-crash ng tren sa Greece, mga guro na humihingi ng mas mataas na sahod at mas mahusay na mga kondisyon sa pagtatrabaho sa Portugal, 100,000 empleyado ng gobyerno na humihingi ng mas mataas na sahod sa Canada, at higit sa lahat, isang napakalaking kilusan ng proletaryado sa Pransya laban sa reporma sa pensyon.
Ang napakahalagang katangian ng mga mobilisasyong ito laban sa kapitalistang pagtitipid ay nasa katotohanan na, sa katagalan, kabilang na din dito ang pagtutol sa digmaan. Tunay ngang kung ang direktang pagpapakilos sa mga manggagawa laban sa digmaan ay artipisyal, pinupunto na ng ICC noong Pebrero 2022 na ang reaksyon ng mga manggagawa ay makikita sa paglaban sa mga pag-atake sa kanilang kapasidad bumili, na magresulta sa pagpapaigting at pagkakaugnay-ugnay ng mga krisis at kalamidad, at ito rin ay magiging kontra sa mga kampanyang nanawagan ng pagtanggap ng mga sakripisyo upang suportahan ang "magiting na paglaban ng mga mamamayang Ukrainian". Ito rin ang dinadala ng mga pakikibaka nitong nakaraang taon, kahit hindi pa lubos na naunawaan ng mga manggagawa: ang pagtanggi na lalupang magsakripisyo para sa interes ng naghaharing uri, ang pagtanggi na magsakripisyo para sa pambansang ekonomiya at para sa pagsisikap sa digmaan, ang pagtanggi na tanggapin ang lohika ng sistemang ito na siyang nagtulak sa sangkatauhan tungo sa lalupang mapaminsalang sitwasyon.
Sa mga pakikibakang ito, nagsimulang lumitaw sa isipan ng mga manggagawa ang ideya na "lahat tayo ay nasa iisang bangka". Sa mga picket line sa UK, sinabi sa amin ng mga welgista na nadama nila na nakibaka sila para sa isang bagay na mas malaki kaysa sa mga korporaristang kahilingan ng mga unyon. Ang banderang "Para sa ating lahat" kung saan naganap ang welga sa Alemanya noong 27 Marso ay partikular na makabuluhan sa pangkalahatang pakiramdam na umuunlad sa uri: "lahat tayo ay nakibaka para sa isa't isa". Ngunit sa Pransya pinakamalinaw na pinakita ang pangangailangan ng nagkakaisang pakikibaka. Sinubukan nga ng mga unyon na hatiin at gawing bulok ang kilusan sa bitag ng "strike by proxy" sa likod ng diumano'y "estratehikong" mga sektor (tulad ng energy o rubbish collection) para "huminto ang Pransya". Ngunit hindi maramihang nahulog sa bitag ang mga manggagawa, at nanatiling determinado na magkasamang lumaban.
Sa labintatlong araw na mobilisasyon sa Pransya, ang ICC ay namahagi ng mahigit 150,000 polyeto: ang interes sa nangyayari sa UK at sa ibang lugar ay hindi kailanman nanghina. Para sa ilang mga demonstrador, ang kaugnayan sa sitwasyon sa UK ay tila naging malinaw: "ito ay pareho sa lahat ng dako, sa bawat bansa". Hindi nagkataon na ang mga unyon sa "Mobilier national" ay kailangang magsagawa ng welga sa panahon ng (kinansela) na pagbisita ni Charles III sa Paris sa ngalan ng "pakikiisa sa mga manggagawang British". Sa kabila ng kawalang pleksibilidad ng pamahalaan sa Pransya, sa kabila ng mga kabiguan na paatrasin ang burgesya o makuha ang mas mataas na sahod sa Great Britain o sa ibang lugar, ang pinakamalaking tagumpay ng mga manggagawa ay ang pakikibaka mismo at ang kamulatan, na walang duda ay kakasimula pa lang at nalilito, na tayo ay bumuo ng iisang puwersa, na lahat tayo ay pinagsamantalahang mga tao na, atomisado, bawat isa sa kanilang sariling sulok, ay walang magagawa laban sa kapital ngunit, nagkakaisa sa pakikibaka, ay maaring maging pinakamalaking puwersa ng lipunan sa kasaysayan.
Aminado, hindi pa rin muling nagtiwala ang mga manggagawa sa kanilang sariling lakas, sa kanilang kakayahang kontrolin ang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ang mga unyon sa lahat ng dako ay napanatili ang kontrol sa mga kilusan, nagsasalita ng isang mas mapanlabang lenggwahe para mas maging isterilisado ang pangangailangan para sa pagkakaisa, habang pinapanatili ang matibay na paghihiwalay sa pagitan ng iba't ibang mga sektor. Sa Great Britain, nanatiling nakahiwalay ang mga manggagawa sa mga picket line ng kanilang mga kumpanya, bagaman napilitan ang mga unyon na mag-organisa ng ilang nakakatawang diumano'y "nagkakaisang" mga demonstrasyon. Gaun din sa Pransya, kapag ang mga manggagawa ay nagsama-sama sa mga napakalaking demonstrasyon, ito ay palaging nasa ilalim ng ganap na kontrol ng mga unyon, na nagpapanatili sa mga manggagawa na nakapiit sa likod ng mga bandera ng kanilang mga kumpanya at sektor. Sa kabuuan, ang koproratistang pagkapiit ay nanatili sa karamihan ng mga pakikibaka.
Sa panahon ng mga welga, patuloy na ibinuhos ng burgesya, partikular ng mga kaliwang paksyon nito, ang kanilang mga kampanyang ideolohikal sa paligid ng ekolohiya, anti-rasismo, pagtatanggol sa demokrasya at iba pa, na idinisenyo upang panatilihin ang galit at indignasyon sa tereyn ng ilusyon ng burgesya na "mga karapatan" at hatiin ang pinagsamantalahan sa pagitan ng mga puting tao at mga taong may kulay, lalaki at babae, bata at matanda... Sa Pransya, sa gitna ng kilusan laban sa reporma sa pensyon, nakita natin ang pag-unlad ng parehong mga kampanyang environmentalist sa paligid ng pag-unlad ng "mega pool" at demokratikong kampanya laban sa panunupil ng pulisya. Bagaman ang karamihan sa mga pakikibaka ng mga manggagawa ay nanatili sa makauring tereyn, ibig sabihin, ang pagtatanggol sa materyal na kalagayan ng mga manggagawa sa harap ng implasyon, kalabisan, mga hakbang sa pagtitipid ng gobyerno, atbp, ang panganib na dala ng mga ideolohiyang ito sa uring manggagawa ay nanatiling malaki.
Nabawasan ang mga pakikibaka sa ilang bansa sa kasalukuyan, ngunit hindi ito nangangahulugan na ang mga manggagawa ay pinanghinaan ng loob o natalo. Nagpatuloy ang alon ng mga welga sa UK sa loob ng isang buong taon, habang ang mga demonstrasyon sa Pransya ay tumagal ng limang buwan, sa kabila ng katotohanan na ang malaking karamihan ng mga manggagawa ay may kamulatan mula sa simula na ang burgesya ay hindi agad magpapaubaya sa kanilang mga kahilingan. Linggu-linggo sa Netherlands, buwan-buwan sa Pransya at sa loob ng isang buong taon sa UK, tumanggi ang mga manggagawa na sumuko. Malinaw na ipinakita ng mga mobilisasyong ito ng mga manggagawa ang determinasyon na huwag tanggapin ang anumang karagdagang paglala ng kondisyon ng kanilang pamumuhay. Sa kabila ng lahat ng kasinungalingan ng naghaharing uri, hindi titigil ang krisis: hindi titigil ang pagtaas ng halaga ng pabahay, heating at pagkain, magpatuloy ang mga redundancies at kontratang kontraktwal, ipagpatuloy ng mga gobyerno ang kanilang pag-atake...
Walang duda, itong bagong dinamiko ng pakikibaka ay kakasimula pa lamang at, para sa uring manggagawa, "Nanatili ang lahat ng kanyang istorikal na balakid, ang kakayahan nitong mag-organisa ng sariling mga pakikibaka at lalo na sa pagiging mulat sa rebolusyonaryong proyekto nito ay napakalayo pa rin, ngunit ang lumalaking pakikibaka sa harap ng malupit na dagok na ibinibigay ng burgesya sa pamumuhay at kalagayan ng paggawa ay ang matabang lupa kung saan muling matuklasan ng proletaryado ang makauring pagkakakilanlan nito, muling magkaroon ng kamulatan kung ano ito, sa lakas nito kapag nakibaka, kapag nagpakita ng pakikiisa at nagkaroon ng pagkakaisa. Ito ay isang proseso, isang pakikibaka na nagpapatuloy pagkatapos ng mga taon ng pasibidad, isang potensyal na iminumungkahi ng kasalukuyang mga welga."[3] [138].Walang nakakaalam kung saan o kailan lilitaw ang makabuluhang mga bagong pakikibaka. Ngunit tiyak na kailangang patuloy na lumaban ang uring manggagawa saanman!
Milyun-milyon sa atin ang lumalaban, na nadarama ang sama-samang lakas ng ating uri habang nakatayo tayo nang magkatabi sa mga lansangan - mahalaga iyan, ngunit hindi ito sapat. Ang pamahalaang Pranses ay umatras noong 2006, sa panahon ng pakikibaka laban sa CPE, hindi dahil mas maraming mga mag-aaral at kabataan ang nasa mapanganib na kontrata sa mga lansangan, kundi dahil nakontrol nila ang kilusan mula sa mga unyon, sa pamamagitan ng soberano, napakalaking pangkalahatang mga pagtitipon, bukas sa lahat. Ang mga asembleyang ito ay hindi mga lugar kung saan ang mga manggagawa ay nakakulong sa kanilang sariling sektor o kumpanya, kundi mga lugar kung saan ang nagpadala ng malalaking delegasyon sa pinakamalapit na mga kumpanya upang aktibong humingi ng pagkakaisa. Ngayon, ang kawalan ng kakayahan ng uring manggagawa na aktibong hawakan ang pakikibaka sa pamamagitan ng paghahangad na maipaabot ito sa lahat ng sektor ang dahilan kung bakit hindi umatras ang burgesya. Gayunpaman, ang pagbawi ng identidad nito ay nagbigay daan sa uring manggagawa upang simulan ang pagbawi ng kanyang nakaraan. Sa mga martsa sa Pransya, dumami ang mga pag-alaala sa Mayo '68 at sa pakikibaka ng 2006 laban sa CPE. Ano ang nangyari noong '68 ? Paano natin napaatras ang gobyerno noong 2006 ? Sa minorya ng uri, isinasagawa ang proseso ng repleksyon, na mahalagang paraan ng paghalaw ng mga aral ng mga kilusan sa nakaraang taon at paghahanda sa mga pakikibaka sa hinaharap na kailangang lampasan kaysa noong 1968 sa Pransya o noong 1980 sa Poland.
Tulad ng mga kamakailang pakikibaka na produkto ng isang proseso ng nakatagong pagkahinog na umuunlad sa loob ng ilang panahon, gayon din ang mga pagsisikap ng minorya na malaman ang mga aral ng mga kamakailang pakikibaka ay magbunga sa mas malawak na mga pakikibaka na nasa ating harapan. Makikilala ng mga manggagawa na ang paghihiwalay ng mga pakikibaka na ipinataw ng mga unyon ay madaraig lamang kung muling matuklasan nila ang mga awtonomiyang porma ng organisasyon tulad ng mga pangkalahatang asembleya at mga halal na komite ng welga, at kung gagawin nila ang inisyatibo upang palawakin ang pakikibaka sa kabila ng lahat ng mga dibisyon ng korporasyon.
A & D, 13 Agosto 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17390/struggle-ahead-us [139]
[1] [140]Cf. “Theses on decomposition [11]”; (May 1990)", International Review n°107 (2001).
[2] [141] Tingnan "Update of the Theses on Decomposition (2023) [142]", International Review n°170 (2023).
[3] [143]“Report on class struggle for the 25th ICC congress [144]”, International Review n°170 (2023).
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 30.1 KB |
"Tama na!" - Britanya. "Hindi dagdag na isang taon, walang kaltas ni isang euro" - Pransya. "Lumalalim ang galit" - Espanya. "Para sa ating lahat" - Alemanya. Ang lahat ng mga islogan na ito, na sinisigaw sa buong mundo sa panahon ng mga welga sa mga nakaraang buwan, ay nagpapakita kung gaano ipinahayag ng mga pakikibaka ng kasalukuyang manggagawa ang pagtanggi sa pangkalahatang paglala ng ating pamumuhay at kalagayan sa pagtrabaho. Sa Denmark, Portugal, Netherlands, Estados Unidos, Canada, Mexico, China... ang parehong mga welga laban sa parehong hindi na talaga matiis na pagsasamantala. "Ang tunay na hirap: hindi makapag-init, kumain, mag-alaga sa sarili, magmaneho!"
Ngunit ang ating mga pakikibaka ay higit pa dyan. Sa mga demonstrasyon, nagsimula nating makita sa ilang mga plakard ang pagtutol sa digmaan sa Ukraine, ang pagtutol na gumawa ng mas maraming mga armas at bomba, upang higpitan ang ating mga sinturon sa ngalan ng pag unlad ng ekonomiya ng digmaan: "Walang pera para sa digmaan, walang pera para sa mga armas, pera para sa sahod, pera para sa mga pensiyon" naririnig natin sa panahon ng mga demonstrasyon sa Pransya. Ipinapahayag din nila ang pagtutol na makita ang planeta na nawasak sa ngalan ng tubo.
Ang ating mga pakikibaka ay ang tanging tumututol sa ganitong dinamiko ng pagwasak-sa-sarili, ang tanging tumututol sa kamatayan na ipinangako ng kapitalismo sa buong sangkatauhan. Dahil, iniwanan ng sariling lohika nito, ang dekadenteng sistemang ito ay hinahatak ang mas malaking bahagi ng sangkatauhan sa digmaan at kapighatian, sisirain nito ang planeta ng greenhouse gases, sirang kagubatan, at bomba.
Dinadala ng kapitalismo ang sangkatauhan sa kapahamakan!
Ang uri na naghari sa lipunan ng mundo, ang burgesya, ay bahagyang alam ang katotohanang ito, ang barbarikong kinabukasan na ipinangako sa atin ng naghihingalong sistema nito. Kailangan mo lamang basahin ang mga pag aaral at prediksyon ng sarili nitong mga eksperto upang makita ito.
Ayon sa "Global Risks Report" na iniharap sa World Economic Forum sa Davos noong Enero 2023: "Ang mga unang taon ng dekada na ito ay nagpahayag ng isang partikular na nakakagambala na panahon sa kasaysayan ng tao. Ang pagbabalik sa isang 'bagong normal' kasunod ng pandemyang COVID 19 ay mabilis na ginambala ng pagsiklab ng digmaan sa Ukraine, na simula ng panibagong serye ng krisis sa pagkain at enerhiya [...]. Sa 2023, nagsimulang naharap ang mundo sa serye ng mga panganib [...]: implasyon, krisis sa gastos ng pamumuhay, mga digmaang pangkalakalan [...], komprontasyong geopolitikal at ang multo ng digmaang nukleyar [...], hindi masustining laki ng utang [...], pagbaba ng pag-unlad ng tao [...], ang lumalaking presyur ng pagbabago ng klima sa mga epekto at ambisyon [...]. Pagsama-samahin, ang mga ito ay nagsalubungan upang hubugin ang isang natatangi, hindi tiyak at magulong dekada na darating."
Sa totoo lang, ang darating na dekada ay hindi gaanong "walang katiyakan" tulad ng sinasabi ng parehong Ulat: "Ang susunod na dekada ay mailalarawan sa pamamagitan ng krisis sa kapaligiran at lipunan [...], ang 'krisis sa gastos ng pamumuhay' [...], pagkawala ng biodiversity at pagbagsak ng ecosystem [...], komprontasyon sa geo-ekonomiko [...], malakihang sapilitang migrasyon [...], pandaigdigang pagkapira-piraso ng ekonomiya, tensyong geo-politikal [...]. Naging pamantayan na digmaang pang-ekonomiya, na may pagtaas ng komprontasyon sa pagitan ng mga pandaigdigang kapangyarihan [...]. Ang kamakailang pagtaas sa paggasta ng militar [...] ay maaaring humantong sa isang pandaigdigang paligsahan ng armas [...], na may naka-target na pag deploy ng mga bagong teknolohiya ng armas na may potensyal ng mas mapanirang lawak kaysa sa nakikita sa mga nakaraang dekada."
Sa harap ng napakalaking perspektibang ito, walang magagawa ang burgesya. Hindi ito at ang sistema nito ang solusyon, sila ang dahilan ng problema. Kung, sa mainstream media, sinusubukan nitong papaniwalain tayo na ginagawa nito ang lahat upang labanan ang global warming, na posible ang isang "berde" at "sustainable" na kapitalismo, alam nito ang lawak ng mga kasinungalingan nito. Dahil, tulad ng tinutukoy ng 'Global Risks Report': "Ngayon, ang mga antas ng atmospera ng carbon dioxide, methane at nitrous oxide ay lahat umabot sa napakataas. Malamang hindi makamit ang pandaigdigang ambisyon ng target na emisyon na limitahan ang pag-init sa 1.5°C. Ang mga kamakailang pangyayari ay naglantad ng isang pagkakaiba sa pagitan ng kung ano ang kinakailangan ng syensya at kung ano ang kapaki-pakinabang sa pulitika."
Sa totoo lang, ang "pagkakaiba" na ito ay hindi limitado sa isyu ng klima. Ipinapahayag nito ang pundamental na kontradiksyon ng isang sistemang pang-ekonomiya na nakabatay hindi sa satispaksyon ng pangangailangan ng tao kundi sa tubo at kompetisyon, sa pagkaganid sa likas na yaman at sa mabangis na pagsasamantala sa uri na lumilikha ng karamihan sa yamang panlipunan: ang proletaryado, ang mga sahurang manggagawa ng lahat ng bansa.
Posible pa ba ang iba pang kinabukasan?
Ang kapitalismo at burgesya ay isa sa dalawang haligi ng lipunan, ang isa ay dinadala nito ang sangkatauhan tungo sa kahirapan at digmaan, tungo sa barbarismo at pagkawasak. Ang kabilang haligi ay ang proletaryado at ang pakikibaka nito. Sa loob ng isang taon, sa mga kilusang panlipunan na umuunlad sa Pransya, Britanya, at Espanya, ang mga manggagawa, pensyonado, ang mga walang trabaho at mga estudyante ay magkasama. Ang aktibong pakikiisa na ito, ang kolektibong pakikibaka, ay saksi sa malalim na katangian ng pakikibaka ng manggagawa: isang pakikibaka para sa isang radikal na ibang mundo, isang mundo na walang pagsasamantala o mga uri ng lipunan, walang kumpetisyon, walang mga hangganan o bansa. "Magkasama ang mga manggagawa", sigaw ng mga welgista sa UK. "Makibaka tayo ng sama-sama o matutulog tayo sa kalye", kumpirmasyon ng mga demonstrador sa Pransya. Ang bandila na "Para sa ating lahat" kung saan naganap ang welga laban sa mga pag-atake sa kondisyon ng pamumuhay sa Alemanya noong 27 Marso ay malinaw na nagpakita ng pangkalahatang lumalaking damdamin sa uring manggagawa: lahat tayo ay nasa iisang bangka at lahat tayo ay nakikipaglaban para sa isa't isa. Ang mga welga sa Alemanya, UK at Pransya ay inspirasyon ng bawat isa. Sa Pransya, malinaw na nagwelga ang mga manggagawa bilang pakikiisa sa kanilang mga kapatid sa uri na nakikipaglaban sa Britanya: "Kami ay nakikiisa sa mga manggagawang Briton, na ilang linggong nagwelga para sa mas mataas na sahod". Ang damdamin na ito ng internasyunal na pakikiisa ay eksaktong kabaligtaran ng kapitalistang mundo na nahahati sa mga bansang nakikipagkumpitensya, hanggang sa at kasama ang digmaan. Naaalala nito ang nag-iisang sigaw ng ating uri mula pa noong 1848: "Walang bansa ang proletaryado! Mga manggagawa ng mundo, magkaisa!"
1968
Sa buong mundo, nagbabago ang estado ng pag-iisip sa lipunan. Matapos ang ilang dekada ng pagiging pasibo at pagpipigil, nagsimula nang makahanap ng daan ang uring manggagawa sa pakikibaka at paggalang sa sarili. Ito ay ipinakita ng 'Galit sa Tag-init' at ang pagbabalik ng mga welga sa UK, halos apatnapung taon matapos ang pagkatalo ng mga minero kay Thatcher noong 1985.
Ngunit lahat tayo ay nararamdaman ang mga kahirapan at kasalukuyang limitasyon ng ating mga pakikibaka. Naharap sa mapandurog na krisis sa ekonomiya, implasyon, at mga pag atake ng gobyerno na tinatawag nilang "mga reporma", hindi pa natin magagawang magtatag ng balanse ng pwersa pabor sa atin. Kadalasan ay nabukod sa magkakahiwalay na welga, o nademoralisa dahil sa mga demonstrasyon na nagiging mga prusisyon lamang, nang walang mga pulong o talakayan, walang pangkalahatang mga asembleya o mga kolektibong organisasyon, lahat tayo ay naghahangad na magkaroon ng mas malawak, mas malakas, nagkakaisang kilusan. Sa mga demonstrasyon sa Pransya, ang panawagan para sa isang bagong Mayo 68 ay patuloy na naririnig. Nakaharap sa "reporma" na nagpapaantala sa edad ng pagreretiro sa 64, ang pinakasikat na islogan sa mga plakard ay: " Binigyan mo kami ng 64, bibigyan ka namin ng Mayo 68".
Noong 1968, nagkaisa ang proletaryado sa Pransya sa pamamagitan ng pagtangan ng pakikibaka sa sarili nitong mga kamay. Kasunod ng malalaking demonstrasyon noong 13 Mayo na nagprotesta laban sa panunupil ng pulisya sa mga estudyante, ang mga walkout at pangkalahatang pagtitipon ay kumalat na parang mabilis na pagkalat ng apoy sa mga pabrika at lahat ng mga lugar ng trabaho na nagtapos sa welga ng may 9 milyong welgista, ang pinakamalaking welga sa kasaysayan ng internasyonal na kilusang manggagawa. Sa harap ng dinamikong ito ng ekstensyon at pagkakaisa ng pakikibaka ng manggagawa, nagmadali ang pamahalaan at mga unyon na lumagda sa isang kasunduan para sa pangkalahatang dagdag sahod upang matigil ang kilusan. Kasabay ng muling paggising na ito ng pakikibaka ng mga manggagawa, nagkaroon ng malakas na pagbabalik sa ideya ng rebolusyon, na tinalakay ng maraming manggagawang nakibaka.
Ang kaganapan sa ganitong lawak ay katibayan ng isang pundamental na pagbabago sa buhay ng lipunan: ito ang katapusan ng kakila-kilabot na kontra-rebolusyon na bumalot sa uring manggagawa mula noong katapusan ng 1920s dahil sa kabiguan ng pandaigdigang rebolusyon kasunod ng unang tagumpay nito noong Oktubre 1917 sa Rusya. Isang kontra-rebolusyon na nagkahugis sa kasuklam-suklam na mukha ng Stalinismo at Pasismo, na nagbukas ng pintuan sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig na may 60 milyong patay at pagkatapos ay nagpatuloy sa loob ng dalawang dekada pa. Ngunit ang muling pagbangon ng pakikibaka na nagsimula sa Pransya noong 1968 ay mabilis na nakumpirma sa lahat ng bahagi ng mundo sa pamamagitan ng serye ng mga pakikibaka sa lawak na hindi nakita sa loob ng ilang dekada:
- Ang mainit na taglagas ng 1969 sa Italya, na kilala rin bilang 'galit sa Mayo', kung saan nakita ang napakalaking pakikibaka sa mga pangunahing sentro ng industriya at isang malinaw na hamon sa liderato ng unyon.
- Ang pag-alsa ng mga manggagawa sa Córdoba, Argentina, sa parehong taon.
- Ang napakalaking welga ng mga manggagawa sa Baltic sa Poland sa taglamig ng 1970-71.
- Maraming iba pang mga pakikibaka sa mga sumusunod na taon sa halos lahat ng bansa sa Uropa, lalo na sa UK.
- Noong 1980, sa Poland, sa harap ng pagtaas ng presyo ng pagkain, dinala pa ng mga welgista ang pandaigdigang alon na ito sa pamamagitan ng pagtangan ng pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay, pagtitipon sa malalaking pangkalahatang asembleya, pagpapasiya para sa kanilang sarili kung ano ang mga kahilingan at kung anong mga aksyon ang gagawin, at, higit sa lahat, patuloy na nagsisikap na palawakin ang pakikibaka. Sa harap ng ganitong pagpapakita ng lakas ng mga manggagawa, hindi lamang ang burgesya ng Poland ang nanginginig, kundi ang naghaharing uri sa lahat ng bansa.
Sa loob ng dalawang dekada, mula 1968 hanggang 1989, isang buong henerasyon ng mga manggagawa ang nagkaroon ng karanasan sa pakikibaka. Ang maraming pagkatalo nito, at kung minsan ay mga tagumpay, ay nagbigay-daan sa henerasyong ito upang harapin ang maraming patibong na itinakda ng burgesya para isabotahe, hatiin at idemoralisa. Ang mga pakikibaka nito ay dapat magbigay daan sa atin upang makahalaw ng mahahalagang aral para sa ating kasalukuyan at hinaharap na mga pakikibaka: tanging sa bukas na pagtitipon lamang at napakalaking pangkalahatang mga pagtitipon, awtonomiya, tunay na pagpapasya sa direksyon ng kilusan, na labas at maging laban sa kontrol ng unyon, maaari nating ilatag ang batayan para sa isang nagkakaisa at lumalagong pakikibaka, na isinasagawa nang may pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng sektor, lahat ng henerasyon. Mga pulong masa kung saan nararamdaman nating nagkakaisa at nagtitiwala sa ating kolektibong lakas. Mga pangmasang miting kung saan maaari nating sama-samang pagtibayin ang tumataas na nagkakaisang mga kahilingan. Pangmasang pulong kung saan tayo nagtitipon at kung saan maaari tayong pumunta na may mga malalaking delegasyon upang salubungin ang ating mga kapatid sa uri, mga manggagawa sa mga pabrika, ospital, paaralan, shopping center, opisina... yung mga pinakamalapit sa atin.
Kailangang magsama sama, magdebate, ang bagong henerasyon ng mga manggagawa, na ngayon ay dinadala ang sulo, upang muling mahalaw ang mga dakilang aral ng mga nakaraang pakikibaka. Kailangang sabihin ng mas matandang henerasyon sa nakakabatang henerasyon ang kanilang mga pakikibaka, upang ang naipong karanasan ay maipasa at maging sandata sa mga pakikibaka na darating.
Ano naman ang bukas?
Pero kailangan din nating umabante. Ang alon ng pandaigdigang pakikibaka na nagsimula noong Mayo 1968 ay reaksyon sa pagbagal ng paglago at muling paglitaw ng kawalan ng trabaho ng karamihan. Ngayon, mas malala na ang sitwasyon. Ang mapaminsalang kalagayan ng kapitalismo ay inilagay sa peligro ang mismong kaligtasan ng sangkatauhan. Kung hindi tayo magtagumpay sa pagpapabagsak nito, unti unting papalit ang barbarismo.
Ang momentum ng Mayo '68 ay naputol sa pamamagitan ng dobleng kasinungalingan ng burgesya: nang bumagsak ang mga rehimeng Stalinista noong 1989-91, sinabi nila na ang pagbagsak ng Stalinismo ay nangangahulugan ng pagkamatay ng komunismo at bumukas ang isang bagong panahon ng kapayapaan at kasaganaan. Pagkalipas ng tatlong dekada, alam natin mula sa karanasan na sa halip na kapayapaan at kasaganaan, naranasan natin ang digmaan at kahirapan. Kailangan pa rin nating maunawaan na ang Stalinismo ay ang kabaliktaran ng komunismo, na ito ay partikular na brutal na anyo ng kapitalismo ng estado na lumitaw mula sa kontra-rebolusyon ng 1920s. Sa pagpalsipika ng kasaysayan, sa pagpasa ng Stalinismo bilang komunismo (tulad ng USSR kahapon at China, Cuba, Venezuela o North Korea ngayon!), nagawa ng burgesya na papaniwalain ang uring manggagawa na ang rebolusyonaryong proyekto ng pagpapalaya nito ay maaari lamang humantong sa kapahamakan. Hanggang sa ang hinala at kawalan ng tiwala ay napunta sa mismong salitang "rebolusyon".
Ngunit sa pakikibaka, unti unti nating linangin ang ating kolektibong lakas, tiwala sa sarili, pakikiisa, pagkakaisa, sariling organisasyon. Sa pakikibaka, unti-unti nating mapagtanto na tayo, ang uring manggagawa, ay may kakayahang mag-alok ng ibang kinabukasan kaysa sa bangungot na ipinangako ng nabubulok na kapitalistang sistema: ang komunistang rebolusyon.
Lumalago ang perspektiba ng proletaryong rebolusyon, sa ating isipan at sa ating mga pakikibaka.
Ang hinaharap ay para sa makauring pakikibaka!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
22 Abril 2023
Salin mula sa: https://en.internationalism.org/content/17345/we-have-go-further-1968 [146]
Simula noong Sabado, isang delubyo ng apoy at bakal ang umuulan sa mga taong naninirahan sa Israel at Gaza. Sa isang panig, Hamas. Sa kabilang panig, ang hukbo ng Israel. Sa gitna, ay mga sibilyan na binobomba, binabaril, pinatay at hinostage. Libu-libo na ang namatay.
Sa buong mundo, nanawagan ang burgesya na pumili tayo ng panig. Para sa Palestine laban sa pang-aapi ng Israel. O para sa tugon ng Israel laban sa terorismo ng Palestine. Tinuligsa ng bawat isa ang barbaridad ng katunggali upang bigyang katwiran ang digmaan. Sa loob ng ilang dekada inaapi ng estado ng Israel ang mamamayang Palestino, sa pamamagitan ng blokeyo, pang-uusig, checkpoint at pagpapahiya, kaya lehitimo ang paghihiganti. Ang mga organisasyong Palestino ay pumapatay ng mga inosenteng tao sa pamamagitan ng mga pag-atake gamit ang kutsilyo at pambobomba. Bawat panig ay nanawagan na patayn ang katunggali.
Ang nakamamatay na lohikang ito ay lohika ng imperyalistang digmaan! Ang ating mga mapagsamantala at ang kanilang mga estado ang laging naglulunsad ng walang awang digmaan para ipagtanggol ang kanilang sariling interes. At tayo, ang uring manggagawa, ang pinagsasamantalahan, ang laging nagbabayad, ng ating buhay.
Para sa atin, mga proletaryado, walang panig na pipiliin, wala tayong bansa, walang bansang ipagtatanggol! Sa magkabilang panig ng hangganan, tayo ay magkapatid sa uri! Israel man o Palestine!
Ang ikadalawampung siglo ay siglo ng mga digmaan, ang pinakamalupit na digmaan sa kasaysayan ng tao, at wala sa mga ito ang nagsilbi sa interes ng mga manggagawa. Ang huli ay palaging tinatawag na lumahok at mamatay na milyun-milyon ang bilang para sa interes ng mga nagsasamantala sa kanila, sa ngalan ng pagtatanggol sa "amang bayan", "sibilisasyon", "demokrasya", maging sa "sosyalistang inang bayan" (tulad ng ipinakilala ni Stalin sa USSR at sa gulag).
Ngayon, may panibagong digmaan sa Gitnang Silangan. Sa magkabilang panig, nanawagan ang mga naghaharing paksyon sa mga pinagsamantalahan na "ipagtanggol ang sariling bayan", Hudyo man o Palestino. Ang mga manggagawang Hudyo sa Israel ay pinagsamantalahan ng mga kapitalistang Hudyo, ang mga manggagawang Palestino na pinagsasamantalahan ng mga kapitalistang Hudyo o ng mga kapitalistang Arabo (at kadalasan ay mas mabangis kaysa sa mga kapitalistang Hudyo dahil, sa mga kumpanyang Palestino, ang batas sa paggawa ay batas pa rin ng dating Imperyong Ottoman).
Mabigat na nagdurusa ang mga manggagawang Hudyo dahil sa kabaliwan ng burgesya sa digmaan na dinanas nila sa loob ng limang digmaan mula pa noong 1948. Sa sandaling nakalabas sila mula sa mga kampo ng konsentrasyon at ghettos ng Uropa na winasak ng pandaigdigang digmaan, ang mga lolo at lola ng mga taong ngayon ay nagsusuot ng uniporme ng Tsahal (Israel Defence Forces) ay hinatak sa digmaan sa pagitan ng Israel at ng mga bansang Arabo. Pagkatapos ay ang kanilang mga magulang ay nagbayad ng dugo sa mga digmaan ng '67, '73 at '82. Ang mga sundalong ito ay hindi kasuklam-suklam na mga berdugo na ang tanging iniisip ay patayin ang mga batang Palestino. Sila ay mga batang conscript, karamihan ay mga manggagawa, na namamatay sa takot at pagkasuklam, na napilitang kumilos bilang mga pulis at ang mga utak ay puno ng propaganda tungkol sa "barbaridad" ng mga Arabo.
Ang mga manggagawang Palestino din, ay teribleng nagbayad ng dugo. Pinalayas mula sa kanilang mga tahanan noong 1948 sa pamamagitan ng digmaang isinagawa ng kanilang mga lider, ginugol nila ang karamihan sa kanilang buhay sa mga kampo ng konsentrasyon, na naka-conscript bilang mga tinedyer sa Fatah, PFLP o milisya ng Hamas.
Ang pinakamalaking masaker sa mga Palestino ay hindi isinagawa ng hukbo ng Israel, kundi ng mga bansang doon sila itinapon, tulad ng Jordan at Lebanon: noong Setyembre 1970 ("Black September") maramihan silang pinatay ng "Little King" na si Hussein, hanggang sa punto na ang ilan sa kanila ay lumikas papuntang Israel upang makatakas sa kamatayan. Noong Setyembre 1982, pinaslang sila ng mga milisyang Arabo (aminadong Kristiyano at kaalyado ng Israel) sa mga kampo ng Sabra at Shatila sa Beirut.
Ngayon, sa ngalan ng "Palestinian homeland", ang mga manggagawang Arabo ay muling pinakilos laban sa mga Israeli, na ang karamihan sa kanila ay mga manggagawang Israeli, gayundin ang huli ay hinihikayat na mamatay para ipagtanggol ang "lupang pangako".
Kasuklam-suklam na umaagos ang propagandang nasyonalista mula sa magkabilang panig, ang propagandang nagpapamanhid ng isip na dinisenyo upang gawing mabangis na hayop ang mga tao. Mahigit kalahating siglo na itong iwinasiwas ng burgesya ng Israel at Arabo. Ang mga manggagawang Israeli at Arabo ay palaging sinabihan na kailangan nilang ipagtanggol ang lupain ng kanilang mga ninuno. Para sa una, ang sistematikong militarisasyon ng lipunan ay naging mapagkubkob na psychosis upang gawin silang "mabubuting sundalo". Para sa huli, ang hangarin ay nakatuon sa pakikipaglaban sa Israel upang magkaroon ng tahanan. At upang magawa ito, ang mga pinuno ng mga bansang Arabo kung saan sila ay mga refugee ay itinabi sa kampo ng konsentrasyon sa loob ng ilang dekada, na may hindi matiis na mga kondisyon ng pamumuhay.
Ang nasyonalismo ay isa sa pinakamasamang ideolohiyang inimbento ng burgesya. Ito ay ideolohiya na tinatakpan ang antagonismo sa pagitan ng mga mapagsamantala at pinagsamantalahan, upang pag-isahin silang lahat sa likod ng iisang watawat, kung saan ang mga pinagsamantalahan ay papatayin para paglingkuran ang mga mapagsamantala, sa pagtatanggol sa interes at pribilehiyo ng naghaharing uri.
Upang makompleto ang lahat ng ito, sa digmaang ito ay idinagdag ang lason ng propaganda ng relihiyon, isang klase na lumikha ng nakakabaliw na panatisismo. Ang mga Hudyo ay pinakilos para ipagtanggol ang Wailing Wall ng Templo ni Solomon sa pamamagitan ng kanilang dugo. Ang mga Muslim ay kailangang magbuwis ng kanilang buhay para sa Mosque ng Omar at sa mga banal na lugar ng Islam. Ang nangyayari ngayon sa Israel at Palestine ay malinaw na patunay na ang relihiyon ay "opyum ng mga tao", tulad ng sinabi ng mga rebolusyonaryo ng ika-19 siglo. Ang layunin ng relihiyon ay aliwin ang mga pinagsamantalahan at inaapi. Sinabihan sila na ang buhay sa lupa ay impiyerno at maging masaya sila matapos mamatay kung alam nila paano maliligtas. At ang kaligtasang ito ay makakamit sa pamamagitan ng sakripisyo, pagpapasakop, kahit na isuko ang kanilang buhay sa paglilingkod sa "banal na digmaan".
Ang katotohanan, sa simula ng ika-21 siglo, ang mga ideolohiya at pamahiin na nagmula pa noong sinaunang panahon o ng Middle Ages ay malawak pa ring ginagamit upang himukin ang mga tao na isakripisyo ang kanilang buhay ay malawakang pinakita sa nalulubog sa barbarismo na Gitnang Silangan, kasama ang iba pang maraming bahagi ng mundo.
Ang mga pinuno ng mga malalaking kapangyarihan ang lumikha ng mala-impiyernong sitwasyon kung saan ang mga pinagsamantalahang mamamayan ng rehiyong ito ay libu-libong namamatay ngayon. Ito ay ang burgesya ng Uropa, at partikular na ang burgesyang Briton sa kanyang "Balfour Declaration" ng 1917, na, upang hatiin at sakupin, ay nagpahintulot sa paglikha ng isang "tahanan ng mga Hudyo" sa Palestine, kaya itinataguyod ang sobinistang utopyang Zionismo. Ang mga burgesya ring ito pagkatapos manalo sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig, ay itinapon ang daan-daang libong mga Hudyo sa Gitnang Uropa sa Palestine pagkatapos lisanin ang mga kampo o malayong gumagala mula sa rehiyong pinagmulan. Nangangahulugan ito na hindi nila kailangang dalhin sila sa kanilang mga bansa.
Ang mga burgesya ring ito, una ang mga Briton at Pranses, pagkatapos ay ang burgesyang Amerikano, ang matinding nag-armas sa Estado ng Israel upang bigyan ito ng papel bilang sibat ng bloke ng Kanluran sa rehiyong ito noong panahon ng Cold War, samantalang ang USSR, sa panig nito, ay inarmasan ang mga kaalyado nitong Arabo hangga't maaari. Kung wala ang mga malalaking "sponsors" na ito, hindi magaganap ang mga digmaan noong 1956, ‘67, ‘73 at ‘82.
Ngayon, ang mga burgesya ng Lebanon, Iran at marahil Russia ay inarmasan at nagtutulak sa Hamas. Ang Estados Unidos ay nagpadala lamang ng pinakamalaking aircraft carrier nito sa Mediterranean at inihayag ang mga panibagong pagbigay ng armas sa Israel. Sa katunayan, ang lahat ng mga mayor na kapangyarihan ay direktang lumahok sa digmaang ito at sa mga masaker na ito!
Ang panibagong digmaang ito ay nagbabanta na ibalibag sa matinding kaguluhan ang buong Gitnang Silangan! Hindi ito ang kataposan ng pagdalamhati sa madugong tunggalian sa sulok na ito ng mundo. Ang lawak ng mga pagpatay ay nagpahiwatig na ang barbaridad ay umabot na sa bagong antas: ang mga kabataang sumasayaw sa piyesta ng putok ng mga machine gun, mga kababaihan at mga bata na malapitang pinatay sa kalye, na walang ibang layunin kundi ang masiyahan sa pagnanais na makapaghiganti, sunud-sunod na mga pambobomba para lipulin ang buong populasyon, dalawang milyong tao sa Gaza ang pinagkaitan ng lahat, tubig, kuryente, gas, pagkain... Walang lohikang militar sa lahat ng kalupitan na ito, sa lahat ng krimen na ito! Ang magkabilang panig ay nalublob sa pinaka-kakila-kilabot at di-makatwirang galit na pumatay!
Pero may mas seryoso pa: hindi na muling magsasara ang Pandora’s box na ito. Tulad ng Iraq, Afghanistan, Syria at Libya, wala ng atrasan, walang "panunumalik ng kapayapaan". Hinahatak ng kapitalismo ang lumalaking bahagi ng sangkatauhan sa digmaan, kamatayan at pagkabulok ng lipunan. Ang digmaan sa Ukraine ay halos dalawang taon nang nagaganap at nakulong sa walang katapusang patayan. May mga masaker din sa Nagorno-Karabakh. At may banta na ng panibagong digmaan sa pagitan ng mga bansa ng dating Yugoslavia. Ang kapitalismo ay digmaan!
Ang mga manggagawa ng lahat ng bansa ay kailangang tumanggi na pumanig sa anumang burges na kampo. Sa partikular, kailangan nilang tumangging magpaloko sa retorika ng mga partidong nagsasabing para sa uring manggagawa, ng mga partido ng kaliwa at dulong-kaliwa, na humihiling sa kanila na magpakita ng "pagkakaisa sa masang Palestino" sa kanilang paghahanap ng kanilang karapatan sa isang "sariling bayan". Ang sariling bayan ng Palestino ay walang iba kundi isang burges na estado na naglilingkod sa uring mapagsamantala at inaapi ang mga masang ito, na may mga pulis at bilangguan. Ang pakikiisa ng mga manggagawa ng mga pinaka-abanteng kapitalistang bansa ay hindi para sa mga "Palestino" tulad ng hindi ito para sa mga "Israeli", na mayroong mapagsamantala at pinagsamantalahan. Ito ay para sa mga manggagawa at walang trabaho ng Israel at Palestine (na, higit sa lahat, ay naglunsad ng mga pakikibaka laban sa mga nagsamantala sa kanila sa kabila ng lahat ng brainwashing sa kanila), tulad ng ginagawa ng mga manggagawa sa iba pang mga bansa ng mundo. Ang pinakamagandang pakikiisa na maibibigay nila ay tiyak hindi upang hikayatin sila sa kanilang mga ilusyon ng nasyonalismo.
Ang solidaridad na ito ay higit sa lahat ay nangangahulugan ng pagpapaunlad ng kanilang pakikibaka laban sa kapitalistang sistema na responsable sa lahat ng digmaan, isang pakikibaka laban sa kanilang sariling burgesya.
Makakamit ng uring manggagawa ang kapayapaan sa pamamagitan ng pagbagsak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw, at ngayon ito ay nangangahulugan ng pagpapaunlad ng mga pakikibaka nito sa makauring tereyn, laban sa napakalupit na pag-atake sa ekonomiya na pinataw na isang sistema na nasa wala ng kalutasan na krisis.
Laban sa nasyonalismo, laban sa mga digmaan na nais kayong hatakin ng mga nagsasamantala sa inyo:
Mga manggagawa ng lahat ng bansa, magkaisa!
IKT, 9 Oktubre 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17406/neither-israel-nor-palestine-workers-have-no-fatherland [147]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 112.55 KB |
"Pagkasindak", "mga masaker", "terorismo", "teror", "krimen ng digmaan", "humanitarian catastrophe", "pagpatay ng lahi"... mga salita na tumilamsik sa mga unang pahina ng internasyonal na media ay malinaw na naglalarawan sa lawak at barbaridad sa Gaza.
Noong 7 Oktubre, pinatay ng Hamas ang 1,400 Israeli, at tinutugis ang mga matatandang lalaki, babae at bata sa kanilang mga tahanan. Mula noon, ang Estado ng Israel ay naghiganti at maramihang pumatay. Ang delubyo ng mga bomba na umuulan araw at gabi sa Gaza ay naging sanhi na ng pagkamatay ng higit sa 10,000 Palestino, kabilang ang 4,800 mga bata. Sa gitna ng mga gumuhong gusali, ang mga nakaligtas ay pinagkaitan ng lahat: tubig, kuryente, pagkain at mga gamot. Mismong sa mga sandaling ito, dalawa't kalahating milyong Gazans ang nanganganib na mamatay sa gutom at epidemya, 400,000 sa kanila ay mga bilanggo sa Gaza City, at araw-araw ay daan-daan ang namatay, na pinasabog ng mga missile, na dinurog ng mga tangke, na pinaslang ng mga bala.
Ang kamatayan ay nasa lahat ng dako sa Gaza, tulad ng sa Ukraine. Huwag nating kalimutan ang pagwasak ng Marioupol ng hukbong Ruso, ang paglikas ng mga tao, ang trench warfare na ibinaon ng buhay ang mga tao. Hanggang ngayon, halos 500,000 katao ang inaasahang namatay. Kalahati sa bawat panig. Ang isang buong henerasyon ng mga Russians at Ukrainians ay ngayon ay isinasakripisyo sa altar ng pambansang interes, sa ngalan ng pagtatanggol sa tinubuang lupa. At marami pang darating: sa katapusan ng Setyembre, sa Nagorno Karabakh, 100,000 katao ang napilitang tumakas sa harap ng hukbong Azerbaijan at sa banta ng pagpatay ng lahi. Sa Yemen, ang tunggalian na hindi pinag-uusapan ay nagbunga ng higit sa 200,000 biktima at nagdurusa sa malnutrisyon ang 2.3 milyong mga bata. Ang parehong kakila-kilabot ng digmaan ay isinasagawa sa Ethiopia, Myanmar, Haiti, Syria, Afghanistan, Mali, Niger, Burkina Faso, Somalia, Congo, Mozambique... At bumubukal ang komprontasyon sa pagitan ng Serbia at Kosovo.
Sino ba ang may kagagawan ng lahat ng barbaridad na ito? Hanggang saan kaya lumaganap ang digmaan? At higit sa lahat, anong puwersa ang makakapigil dito?
Sa oras ng pagsulat, ang lahat ng mga bansa ay tumatawag sa Israel na "huminahon" o "suspindihin" ang opensiba nito. Ang Russia ay humihingi ng isang tigil-putukan, na inatake ang Ukraine na may parehong kabangisan isang taon at kalahati na ang nakalipas, at pinaslang ang 300,000 sibilyan sa Chechnya noong 1999 sa pangalan ng parehong "paglaban sa terorismo". Sinabi ng Tsina na nais nito ng kapayapaan, ngunit pinupuksa nito ang populasyon ng Uighur at binantaan ang mga naninirahan sa Taiwan ng mas malaking delubyo ng apoy. Nais ng Saudi Arabia at mga kaalyado nitong Arabo na wakasan ang opensiba ng Israel habang nililipol nila ang populasyon ng Yemen. Tutol ang Turkey sa pag-atake sa Gaza habang nangangarap na puksain ang mga Kurd. Tungkol naman sa mga pangunahing demokrasya, matapos suportahan ang "karapatan ng Israel na ipagtanggol ang sarili", nanawagan sila ngayon para sa "isang makataong tigil-putukan" at "paggalang sa internasyonal na batas", habang ipinakita ang kanilang kadalubhasaan sa maramihang masaker na may kapansin-pansin na regularidad mula pa noong 1914.
Ito ang pangunahing argumento ng Estado ng Israel: "ang pagpuksa sa Gaza ay lehitimo": ganun din ang sinabi tungkol sa mga bomba nukleyar na pinakawalan sa Hiroshima at Nagasaki, at sa carpet-bombing sa Dresden at Hamburg. Isinagawa ng Estados Unidos ang mga digmaan sa Afghanistan at Iraq na may parehong mga argumento at parehong mga pamamaraan tulad ng Israel ngayon! Lahat ng estado ay mga kriminal sa digmaan! Malaki man o maliit, kontrolado o makapangyarihan, maliwanag na warmongering o mahinahon, lahat sila, ang totoo ay nakibahagi sa imperyalistang digmaan sa pandaigdigang arena, at lahat sila ay itinuturing ang uring manggagawa bilang pambala ng kanyon.
Ang mga mapagkunwari at mapanlinlang na tinig na ito ay nagnanais na papaniwalain tayo ngayon sa kanilang pagsusulong ng kapayapaan at solusyon: ang pagkilala sa Israel at Palestina bilang dalawang malaya at awtonomiyang mga estado. Ang Palestinian Authority, Hamas at Fatah ay nagpakita kung ano ang magiging kalagayan ng estadong ito: tulad ng iba, sasamantalahin nito ang mga manggagawa; tulad ng iba, sinusupil nito ang masa; Tulad ng lahat ng iba pa, ito ay pupunta sa digmaan. Mayroon nang 195 "independyente at awtonomiyang" estado sa planeta: magkasama, gumugol sila ng mahigit 2,000 bilyong dolyar kada taon sa "pagtatanggol"! At sa taong 2024, ang mga badyet na ito ay nakatakdang mas lalaki pa.
Kaya bakit ngayon lang nagdeklara ang UN: "Kailangan natin ng agarang makataong tigil-putukan. Tatlumpung araw na po. Tama na. Kailangang tumigil ito ngayon"? Malinaw, nais ng mga kaalyado ng Palestina na wakasan ang opensiba ng Israel. Tungkol naman sa mga kaalyado ng Israel, ang mga "dakilang demokrasya" na nagsasabing iginagalang ang "internasyonal na batas", hindi nila maaaring hayaan ang hukbo ng Israel na gawin ang gusto nito nang walang katuwiran. Ang mga masaker ng IDF ay lahat ay kitang-kita. Lalo na dahil ang "mga demokrasya" ay nagbigay ng suporta militar sa Ukraine laban sa "pagsalakay ng Russia" at ang "mga krimen sa digmaan" nito. Ang barbaridad ng dalawang "agresyon" ay hindi dapat payagan na lumitaw na masyadong magkatulad.
Pero may mas malalim pang dahilan: lahat ay nagsisikap na limitahan ang pagkalat ng kaguluhan, dahil lahat ay maaaring maapektuhan, lahat ay may mawawala kung ang alitang ito ay masyado ng kumalat. An pag-atake ng Hamas at ang reaksyon ng Israel ay may pagkapareho: patakaran ng walang-awang paglipol. Ang teroristang masaker kahapon at ang carpet bombing ngayon ay maaring humantong sa walang tunay at pangmatagalang tagumpay. Pinalubog ng digmaang ito ang Gitnang Silangan sa panahon ng destabilisasyon at komprontasyon.
Kung patuloy na paguhuin ng Israel ang Gaza sa lupa at ilibing ang mga naninirahan dito sa ilalim ng mga guho, may panganib na ang West Bank ay maguguho din, na hatakin ng Hezbollah ang Lebanon sa digmaan, at sa huli ang Iran ay direktang makialam. Ang pagkalat ng kaguluhan sa buong rehiyon ay hindi lamang magiging isang dagok sa impluwensya ng Amerika, kundi pati na rin sa pandaigdigang ambisyon ng Tsina, kung saan ang mahalagang Silk Road ay dumadaan sa rehiyon.
Ang banta ng ikatlong digmaang pandaigdig ay nasa labi ng lahat. Bukas itong pinagtatalunan ng mga mamahayag sa telebisyon. Sa totoo lang, mas nakakapinsala ang kasalukuyang sitwasyon. Walang dalawang bloke, maayos na nakaayos at disiplinado, na nakaharap sa isa't isa, tulad ng nangyari noong 1914-18 at 1939-45, o sa buong Cold War. Bagama't lalong malupit at mapang-api ang kumpetisyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos sa ekonomiya at digmaan, ang iba pang mga bansa ay hindi yumuyuko sa mga utos ng isa o iba pang dalawang dambuhalang ito; Sila ay naglalaro ng kanilang sariling laro, sa kaguluhan, hindi malaman ang susunod na mangyari at kaligaligan. Sinalakay ng Russia ang Ukraine laban sa payo ng mga Tsino. Dinudurog ng Israel ang Gaza laban sa payo ng Amerika. Ang dalawang alitang ito ay nagpapahiwatig ng panganib na nagbabanta sa lahat ng sangkatauhan ng kamatayan: ang pagpaparami ng mga digmaan na ang tanging layunin ay destabilisasyon o lipulin ang kaaway; walang katapusang kadena ng mga di-makatwiran at nihilistikong mga aksyon; bawat tao para sa kanyang sarili, na kasingkahulugan ng hindi mapigilan na kaguluhan.
Para sa ikatlong digmaang pandaigdig, kailangang maging handa ang mga proletaryo ng Kanlurang Europa, Hilagang Amerika at Silangang Asya na isakripisyo ang kanilang buhay sa ngalan ng Amang Bayan, mag-armas at patayin ang isa’t-isa para sa watawat at pambansang interes, na absolutong hindi nangyayari ngayon. Ngunit kung ano ang nasa proseso ng pag-unlad ay hindi nangangailangan ng suporta na ito, ang paglahok ng masa. Mula noong unang bahagi ng 2000s, ang mas malawak na nasasakupan ng planeta ay nahulog sa karahasan at kaguluhan: Afghanistan, Iraq, Syria, Libya, Lebanon, Ukraine, Israel at Palestine... Ang gangrenang ito ay unti-unting kumakalat, sa bawat bansa, sa bawat rehiyon. Ito lamang ang posibleng kinabukasan ng kapitalismo, ang dekadente at nabubulok na sistemang ito ng pagsasamantala.
Kaya ano ang dapat nating gawin? Hindi dapat mag-ilusyon ang mga manggagawa ng bawat bansa tungkol sa diumano'y posibleng kapayapaan, tungkol sa anumang solusyon mula sa "internasyunal na komunidad", UN, o anumang grupo ng mga magnanakaw. Ang kapitalismo ay digmaan. Mula noong 1914, halos hindi ito tumigil, na nakakaapekto sa isang bahagi ng mundo at pagkatapos ay sa isa pa. Ang istorikal na panahon sa harap natin ay makikita ang nakamamatay na dinamiko ng pagkalat at pagpapalakas na ito, na may lumalaking hindi maarok na barbaridad.
Kaya kailangang ang mga manggagawa ng bawat bansa ay dapat tumangging maakit, kailangan nilang tumangging pumanig sa isang burges na kampo laban sa karibal nito, sa Silangan, sa Gitnang Silangan, at sa lahat ng dako. Kailangan nilang tumangging magpaloko sa retorika na humihiling sa kanila na magpakita ng "pakikisa" sa "mga mamamayang Ukrainian na inaatake", sa "Russia na nasa peligro", sa "masang Palestino na pinaslang", sa "sinusupil na mga Israelis"... Sa lahat ng digmaan, sa magkabilang panig ng mga hangganan, laging pinamunuan ng estado na papaniwalain ang mga tao na may tunggalian sa pagitan ng mabuti at masama, sa pagitan ng barbarismo at sibilisasyon. Sa totoo lang, ang lahat ng digmaang ito ay laging isang komprontasyon sa pagitan ng mga magkakatunggali na bansa, sa pagitan ng mga karibal na burgesya. Ito ay mga tunggalian kung saan namamatay ang mga pinagsamantalahan para sa kapakanan ng mga nagsasamantala sa kanila.
Kaya ang pakikiisa ng mga manggagawa ay hindi dapat para sa mga "Palestino" tulad ng hindi ito para sa mga "Israeli", "Ukrainians", o "Russians", dahil sa lahat ng mga nasyonalidad na ito ay may mga mapagsamantala at pinagsamantalahan. Ito ay dapat para sa mga manggagawa at walang trabaho ng Israel at Palestine, ng Russia at Ukraine, tulad ng para ito sa mga manggagawa ng bawat iba pang mga bansa sa mundo. Hindi sa pamamagitan ng pagpapakita ng "para sa kapayapaan", hindi sa pagpili na suportahan ang isang panig laban sa kabilang panig ay maipakita natin ang tunay na pakikiisa sa mga biktima ng digmaan, sa mga sibilyang populasyon at sa mga sundalo ng magkabilang panig, sa mga proletaryong naka uniporme na ginawang pambala ng kanyon, sa mga indoktrinado at panatikong mga batang sundalo. Ang tanging pakikiisa ay pagkondena sa LAHAT ng kapitalistang estado; sa LAHAT ng partidong nanawagan sa atin na mag-rally sa likod ng ganito o ganoong pambansang watawat, ng ganito o ganoong kawsa ng digmaan; sa LAHAT ng mga taong nanlilinlang sa atin sa ilusyon ng kapayapaan at "mabuting relasyon" sa pagitan ng mga tao.
Ang pakikiisa ay higit sa lahat ay nangangahulugan ng pagpapaunlad ng ating pakikibaka laban sa kapitalistang sistema na siyang responsable sa lahat ng digmaan, paglaban sa pambansang burgesya at sa kanilang estado.
Ipinakita ng kasaysayan na ang tanging puwersang makapagwakas sa kapitalistang digmaan ay ang uring pinagsamantalahan, ang proletaryado, ang direktang kaaway ng uring burgesya. Ganito ang nangyari nang ibagsak ng mga manggagawa ng Rusya ang burges na estado noong Oktubre 1917 at naghimagsik ang mga manggagawa at sundalo ng Alemanya noong Nobyembre 1918: ang mga dakilang kilusan ng pakikibaka na ito ng proletaryado ay pinilit ang mga pamahalaan na lagdaan ang pagtigil ng digmaan. Ito ang nagwakas sa Unang Digmaang Pandaigdig: ang lakas ng rebolusyonaryong proletaryado! Kailangang makamit ng uring manggagawa ang tunay at depinitibong kapayapaan sa lahat ng dako sa pamamagitan ng pagbagsak sa kapitalismo sa pandaigdigang saklaw.
Ang mahabang daang ito ay nasa ating harapan. Ngayon, nangangahulugan ito ng pagbuo ng mga pakikibaka sa isang makauring tereyn, laban sa lalong malupit na pag-atake sa ekonomiya na inilatag sa atin ng isang sistemang nahulog sa isang di-madaraig na krisis. Dahil sa pagtanggi sa pagkasira ng ating pamumuhay at kalagayan sa pagtatrabaho, sa pagtanggi sa walang hanggang sakripisyong ginawa sa ngalan ng pagbalanse ng badyet, pagiging mapagkumpitensya ng pambansang ekonomiya o pagsisikap sa digmaan, nagsisimula tayong manindigan laban sa pundasyon ng kapitalismo: ang pagsasamantala ng tao sa tao.
Sa mga pakikibaka, tayo ay magkasamang naninindigan, tayo ay nagpapaunlad ng ating pagkakaisa, tayo ay nagdedebate at nagiging mulat sa ating lakas kapag tayo ay nagkakaisa at organisado. Sa kanyang makauing pakikibaka, ang proletaryado ay nagdadala sa loob nito ng isang mundo na eksaktong kabaligtaran ng kapitalismo: sa isang banda, ang pagkakahati-hati sa mga bansang nakikibahagi sa kumpetisyon na tulad ng ekonomiya at digmaan hanggang sa punto ng pagkawasak ng isa't isa; sa kabilang banda, isang potensyal na pagkakaisa ng lahat ng pinagsamantalahan ng mundo. Sinimulan na ng proletaryado ang pagtahak sa mahabang daang ito, upang gumawa ng ilang hakbang: sa panahon ng "galit sa tag- init" sa United Kingdom sa 2022, sa panahon ng panlipunang kilusan laban sa reporma sa pensyon sa Pransya sa unang bahagi ng 2023, sa panahon ng makasaysayang welga sa sektor ng kalusugan at sasakyan sa Estados Unidos sa mga nakaraang linggo. Ang internasyunal na dinamikong ito ay nagmarka ng makasaysayang pagbabalik ng paglaban ng mga manggagawa, ang lumalaking pagtanggi na tanggapin ang permanenteng pagkasira ng kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho, at ang tendensiyang magpakita ng pagkakaisa sa pagitan ng mga sektor at sa pagitan ng mga henerasyon bilang mga manggagawa na nakibaka. Sa hinaharap, ang mga kilusan ay kailangang pag-ugnayin ang krisis sa ekonomiya at digmaan, sa pagitan ng mga sakripisyong hinihingi at ng pagbuo ng mga badyet at patakaran ng armas, sa pagitan ng lahat ng mga salot na dala-dala ng kapitalismo, sa pagitan ng mga krisis sa ekonomiya, digmaan at klima na nagpapalala sa bawat isa.
Laban sa nasyonalismo, laban sa mga digmaan na nais tayong hilahin ng mga nagsamantala sa atin, ang mga lumang islogan ng kilusang manggagawa na nasa Manipesto ng Komunista ng 1848 ay mas may kahalagahan ngayon kaysa dati:
“Ang mga manggagawa ay walang bansa!
Mga manggagawa ng lahat ng mga bansa, magkaisa!”
Para sa pagpapaunlad ng makauring pakikibaka ng internasyunal na proletaryado!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 7 Nobyembre 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17421/massacres-and-wars-israel-gaza-ukraine-azerbaijan-capitalism-sows-death-how-can-we [149]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 81.05 KB |
"Dapat nating sabihin na tama na! Hindi lang tayo, kundi ang buong uring manggagawa ng bansang ito ay dapat sabihin, sa isang ispisipikong panahon, na tama na" (Littlejohn, maintenance supervisor in the skilled trades ng Ford’s Buffalo stamping plant sa Estados Unidos).
Sinuma ng manggagawang Amerikano na ito sa isang pangungusap kung ano ang nahihinog na kamulatan sa buong uring manggagawa, sa bawat bansa. Isang taon na ang nakalipas, ang "Galit sa Tag-init" ay sumiklab sa United Kingdom. Sa pamamagitan ng chanting "Tama na", umalingawngaw sa mga manggagawang Briton ang panawagan na muling makibaka pagkatapos ng mahigit tatlumpung taon na pananahimik at pagsuko.
Ang panawagang ito ay dininig lagpas sa mga hangganan. Mula sa Greece hanggang Mexico, ang mga welga at demonstrasyon laban sa parehong hindi matiis na paglala sa ating mga kondisyon sa pamumuhay at pagtatrabaho ay nagpatuloy hanggang sa kataposan ng 2022 at simula ng 2023.
Sa kalagitnaan ng taglamig sa Pransya, isang karagdagang hakbang ang ginawa: pinagtibay ng mga manggagawa ang ideya na "tama na". Ngunit sa halip na magparami ng mga lokal at korporatistang pakikibaka, na nakahiwalay sa isa't isa, nagawa nilang magtipon ng milyun-milyon sa mga lansangan. Sa kinakailangang mapanlabang diwa ay idinagdag nila ang puwersa ng napakalaking bilang. At ngayon ay sa Estados Unidos ang mga manggagawa ay nagsisikap na dalhin ang sulo ng pakikibaka paabante pa.
Isang istriktong media blackout ang pumapalibot sa kilusang panlipunan na kasalukuyang nagliliyab sa nangungunang kapangyarihang pang-ekonomiya sa mundo. At may kapuri-puring dahilan: sa isang bansang gumuho sa loob ng ilang dekada dahil sa kahirapan, karahasan, droga, rasismo, takot at indibidwalismo, ipinapakita ng mga pakikibaka na ito na posible ang isang lubos na ibang landas.
Sa gitna ng lahat ng welgang ito ay nagniningning ang tunay na pagdagsa ng pagkakaisa ng mga manggagawa: "Napupuno na kaming lahat: napupuno na ang mga temp, napupuno na ang mga matagal nang empleyado na tulad ko... kasi ang mga temp na ito ay mga anak natin, mga kapitbahay natin, mga kaibigan natin" (parehong empleyado ng New York). Ganito ang pagkakaisa ng mga manggagawa, sa pagitan ng mga henerasyon: ang mga "matatanda" ay hindi nagwelga para lamang sa kanilang sarili, kundi higit sa lahat para sa mga "kabataan" na nagdurusa ng mas masahol pang kalagayan sa pagtatrabaho at mas mababa pa ang sahod.
Unti-unting lumalaki ang pakiramdam ng pagkakaisa sa uring manggagawa kapag natanto natin na tayong "lahat ay magkakasama": "Ang lahat ng grupong ito ay hindi lamang magkakahiwalay na kilusan, kundi isang kolektibong sigaw: tayo ay populasyon ng mga manggagawa - blue-collar at white-collar, union at non-union, immigrant at native-born" (Los Angeles Times).
Ang kasalukuyang mga welga sa Estados Unidos ay nagsama-sama nang higit pa sa mga sektor na kasangkot. "Ang Stellantis complex sa Toledo, Ohio, ay puno ng mga palakpak at busina sa pagsisimula ng welga" (The Wall Street Journal). "Sinusuportahan ng mga busina ang mga welgista sa labas ng planta ng carmaker sa Wayne, Michigan" (The Guardian).
Ang kasalukuyang alon ng mga welga ay may istorikal na kahalagahan:
- scriptwriters at aktor sa Hollywood ay sama-samang nakibaka sa unang pagkakataon sa loob 63 taon;
- pribadong nars sa Minnesota at Wisconsin ay nagsagawa ng pinakamalaking welga sa kanilang kasaysayan;
- Sa Los Angeles ang mga manggagawa sa munisipal ay naglunsad ng welga sa unang pagkakataon sa loob ng 40 taon;
- manggagawa mula sa "Big Three" (General Motors, Ford, Chrysler) pinangunahan ang isang walang katulad na magkasanib na pakikibaka;
- Permanenteng manggagawa sa Kaiser, na nagwelga sa maraming mga estado, ay pinangunahan ang pinakamalaking demonstrasyon sa kasaysayan na ini-organisa ng sektor ng kalusugan.
Maaari rin nating idagdag ang maraming welga nitong mga nakaraang linggo sa Starbucks, Amazon at McDonald's, sa mga aviation at railway factory, o ang unti-unting kumalat sa lahat ng hotel sa California... Lahat ng manggagawang ito ay nakikipaglaban para sa disenteng sahod sa harap ng lumalaking inplasyon na lalupang nagtulak sa kanila sa kahirapan.
Sa lahat ng mga welgang ito, ipinapakita ng proletaryado ng Amerika na posible ring lumaban ang mga manggagawa sa pribadong sektor. Sa Uropa, hanggang ngayon, ito ay higit sa lahat mga manggagawa sa pampublikong sektor ang kumikilos, ang takot na mawalan ng trabaho ay isang mapagpasyang preno para sa mga empleyado sa mga pribadong kumpanya. Ngunit nahaharap sa lalong hindi matiis na kondisyon ng pagsasamantala, lahat tayo ay mapilitang lumaban. Ang hinaharap ay para sa makauring pakikibaka sa lahat ng sektor, magkasama at nagkakaisa!
Muling tumaas ang galit sa Uropa, Asya at Oceania. Ang Tsina, Korea at Australia ay nakararanas din ng magkakasunod na welga mula pa noong tag-init. Sa Greece, sa pagtatapos ng Setyembre, isang kilusang panlipunan ng sama-samang sektor ng transportasyon, edukasyon at kalusugan upang iprotesta ang isang panukalang reporma sa paggawa na idinisenyo upang gawing mas pleksible ang trabaho. Ang Oktubre 13 ay nagmarka ng pagbabalik ng mga demonstrasyon sa Pransya, sa isyu ng sahod. Sa Espanya rin, nagsimula nang umihip ang hangin ng galit: noong Oktubre 17 at 19, nagwelga sa pribadong sektor ng edukasyon; noong Oktubre 24, isang welga sa sektor ng pampublikong edukasyon; noong Oktubre 25, isang welga ng buong pampublikong sektor ng Basque; sa 28 Oktubre, isang demonstrasyon ng mga pensioners, atbp. Sa harap ng mga pagtataya na ito ng mga pakikibaka, ang mga pahayagan ng Espanya ay umaasa ng "isa pang mainit na taglagas".
Ang listahang ito ay hindi lamang nagpahiwatig ng tumataas na antas ng diskontento at pagiging mapaglaban ng ating uri. Inihayag din nito ang pinakamalaking kahinaan ng ating kilusan sa kasalukuyan: sa kabila ng lumalaking pagkakaisa, ang ating mga pakikibaka ay nanatiling hiwalay sa isa't isa. Maaring sabay-sabay ang ating welga, baka magkatabi pa tayo, minsan sa kalsada, pero hindi naman talaga tayo magkasamang nakibaka. Hindi tayo nagkakaisa, hindi tayo organisado bilang iisang puwersang panlipunan, sa iisang pakikibaka.
Ang kasalukuyang alon ng mga welga sa Estados Unidos ay isa pang tahasang pagpapakita nito. Nang ang kilusan ay inilunsad sa "Big Three" na mga planta ng auto, ang welga ay limitado sa tatlong "itinalaga" na mga planta: Wentzville (Missouri) para sa GM, Toledo (Ohio) para sa Chrysler, at Wayne (Michigan) para sa Ford. Ang tatlong plantang ito ay pinaghiwalay ng libu-libong milya, na imposible para sa mga manggagawa na magkasama at lumaban bilang isa.
Bakit nagkalat sila? Sino ang nag-organisa ng pagkawatak-watak na ito? Sino ang opisyal na nangasiwa sa mga manggagawang ito? Sino ang nag-organisa ng mga kilusang panlipunan? Sino ang mga "espesyalista sa pakikibaka", ang mga legal na kinatawan ng mga manggagawa? Ang mga unyon! Sa buong mundo, pinupulbos nila ang tugon ng mga manggagawa.
Ang UAW, isa sa mga pangunahing unyon sa Estados Unidos, ang "nagtalaga" sa tatlong pabrikang ito! Ang UAW, na maling tinawag ang kilusan na "malakas, nagkakaisa at napakalaki", ay sadyang nilimitahan ang welga sa 10% lamang ng unyonisadong lakas paggawa, habang ang lahat ng manggagawa ay malakas na nagpahayag ng kanilang hangaring magwelga. Nang tangkaing sumama ang mga manggagawa ng Mack Truck (Volvo trucks) sa "Big Three" sa kanilang pakikibaka, ano ang ginawa ng mga unyon? Nagmadali silang pumirma ng kasunduan para tapusin ang welga! Sa Hollywood, nang ilang buwan nang nagaganap ang welga ng mga artista at scriptwriters, nilagdaan ang isang kasunduan sa management/union kasabay ng pagsali ng mga manggagawa sa kotse sa welga.
Kahit sa Pransya, sa panahon ng mga demonstrasyon na nagsama-sama ng milyun-milyong tao sa mga lansangan, hinati-hati ng mga unyon ang mga prusisyon sa pamamagitan ng pagpapamartsa ng "kanilang" mga miyembro ng unyon na nakagrupo sa bawat kompanya, hindi magkasama kundi ang isa ay nasa likod ng isa, na pumipigil sa anumang pagtitipon o talakayan.
Sa Estados Unidos, sa United Kingdom, sa France, sa Spain, sa Greece, sa Australia at sa lahat ng ibang bansa, kung gusto nating pigilan ang organisadong paghati-hati na ito, kung gusto nating tunay na magkaisa, kung nais nating maabot ang isa't isa, upang hilahin ang isa't isa, upang palawakin ang ating kilusan, dapat nating maagaw ang kontrol ng mga pakikibaka mula sa mga kamay ng mga unyon. Ito ay ating pakikibaka, ang pakikibaka ng buong uring manggagawa!
Saanman man tayo, kailangan nating magkaisa na bukas, maramihan, sa independyente na pangkalahatang asembliya, na tunay na magdesisyon kung paano patatakbuhin ang kilusan. Pangkalahatang mga asembliya kung saan tatalakayin natin nang malawak hangga't maaari ang mga pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka at ang pinaka-nagkakaisang mga kahilingan. Mga pangkalahatang asembliya kung saan maaari nating itakda ang maraming delegasyon para makipag-usap sa ating mga kapatid sa uri, ang mga manggagawa sa pinakamalapit na pabrika, ospital, paaralan o administrasyon.
Sa harap ng kahirapan, sa harap ng global warming, sa harap ng karahasan ng pulisya, sa harap ng rasismo, sa harap ng karahasan sa kababaihan... sa mga nakaraang taon nagkaroon ng iba pang mga uri ng reaksyon: mga demonstrasyon ng "Yellow vests" sa Pransya, mga rali sa ekolohiya tulad ng " Youth for Climate ", mga protesta para sa pagkapantay-pantay tulad ng "Black Lives Matter" o "MeToo", o galit na sigaw tulad ng sa panahon ng mga riot sa Estados Unidos, Pransya o United Kingdom.
Ngunit ang lahat ng mga pagkilos na ito ay naglalayong magpataw ng mas patas, mas magkapantay-pantay, mas makatao at luntiang anyo ng kapitalismo. Kaya naman ang lahat ng mga reaksyong ito ay napakadaling samantalahin ng mga gobyerno at burgesya, at hindi sila nag-atubili na suportahan ang lahat ng mga "kilusan ng mamamayan" na ito. Higit pa, ang mga unyon at lahat ng pulitiko ay ginagawa ang lahat para limitahan ang mga kahilingan ng mga manggagawa sa istriktong balangkas ng kapitalismo, sa pamamagitan ng pagbibigay-diin sa pangangailangan ng mas mahusay na pamamahagi ng kayamanan sa pagitan ng mga may-ari at empleyado. "Ngayon na ang industriya ay bumabawi, [manggagawa] ay dapat makibahagi sa tubo" deklarasyon ni Biden, ang unang Pangulo ng Amerika na pumunta sa isang picket line.
Ngunit sa paglaban sa mga epekto ng krisis sa ekonomiya, laban sa mga pag-atake na ginagawa ng mga Estado, laban sa mga sakripisyong ipinataw para paunlarin ang ekonomiya ng digmaan, ang proletaryado ay nakibaka, hindi bilang mga mamamayan na humihingi ng "mga karapatan" at "katarungan", kundi bilang mga pinagsamantalahan laban sa kanilang mga mapagsamantala at, sa huli, bilang isang uri laban sa sistema mismo. Ito ang dahilan kung bakit ang internasyunal na dinamika ng pakikibaka ng uring manggagawa ay nagdadala sa loob nito ng mga binhi ng isang pundamental na hamon sa kabuuan ng kapitalismo.
Sa Greece, sa panahon ng araw ng pagkilos sa 21 Setyembre laban sa reporma sa paggawa, pinag-ugnay ng mga demonstrador ang atakeng ito sa "natural" na mga kalamidad na sumisira sa bansa ngayong tag-init. Sa isang banda, ang kapitalismo ay sumisira sa planeta, polusyon, nagpalala ng global warming, winawasak ang kagubatan, matinding ginaw, nagpapatuyo ng lupa at nagdudulot ng pagbaha at sunog. Sa kabilang banda, tinatanggal nito ang mga trabaho na nangangalaga sa kalikasan at protektahan ang mga tao, at mas pinaboran ang paglikha ng mga eroplanong pandigma kaysa Canadairs, i.e.mga eroplano para pamatay-sunog.
Pati na rin ang pakikibaka laban sa paglala ng kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho nito, ang uring manggagawa ay naging abala sa mas malawak na pagmuni-muni sa sistemang ito at sa kinabukasan nito. Ilang buwan na ang nakalipas, sa mga demonstrasyon sa Pransya, nagsimula nating makita ang mga palatandaan na tumatakwil sa digmaan sa Ukraine, na tumatangging higpitan ang ating mga sinturon para sa ekonomiya ng digmaan: "Hindi pera para sa digmaan, hindi pera para sa mga armas, pera para sa sahod, pera para sa mga pensiyon".
Ang krisis sa ekonomiya, ang krisis sa ekolohiya at ang barbaridad ng digmaan ay pawang mga sintomas ng nakamamatay na dinamika ng pandaigdigang kapitalismo. Ang delubyo ng mga bomba at bala ay umuulan sa mga tao ng Israel at Gaza habang isinusulat natin ang mga linyang ito, habang patuloy ang mga masaker sa Ukraine, na isa pang paglalarawan ng pababang pag-ikot kung saan itinutulak ng kapitalismo ang lipunan, na nagbabanta sa buhay ng buong sangkatauhan!
Ang lumalaking bilang ng mga welga ay ipinapakita ang tunggalian ng dalawang mundo: ang burges na mundo ng kompetisyon at barbaridad, at ang mundo ng pagkakaisa at pag-asa ng uring manggagawa. Ito ang malalim na kahulugan ng ating kasalukuyan at hinaharap na mga pakikibaka: ang pangako ng isa pang kinabukasan, na walang pagsasamantala o mga uri ng lipunan, walang digmaan o hangganan, walang pagkawasak ng planeta o ang paghahanap ng tubo.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin
8 Oktubre 2023
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17412/strikes-and-demonstrations... [151]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 78.45 KB |
Sa Britanya mula noong Hunyo ang sigaw ay umalingawngaw sa bawat welga:
"Tama na!"
Ang napakalaking kilusang ito, na tinawag na "Galit sa Tag-init", ay naging Galit sa Taglagas, at pagkatapos ay Galit sa Taglamig.
Ang alon ng mga welga sa UK ay simbolo ng umuunlad na pakikibaka ng mga manggagawa sa buong mundo:
- Sa Espanya, kung saan nagwelga ang mga doktor at pediatrician sa Madrid noong katapusan ng Nobyembre, gayundin ang mga airline at rail sector noong Disyembre. Ang mga karagdagang welga sa sektor ng kalusugan ay binalak para sa Enero sa maraming rehiyon.
- Sa Alemanya, kung saan ang pagtaas ng mga presyo ay nagdulot ng takot sa mga may-ari ng kompanya kung ano ang kahihinatnan ng wala pang katulad na krisis sa enerhiya. Ang malalaking industriya ng metal at elektrikal ay sumailalim sa serye ng paghina noong Nobyembre.
- Sa Italya, isang welga ng mga air traffic controller noong kalagitnaan ng Oktubre bilang dagdag sa mga piloto ng EasyJet. Kinailangan pa ngang ipagbawal ng gobyerno ang lahat ng welga tuwing holiday.
- Sa Belgium, kung saan nanawagan ng mga pambansang welga noong Nobyembre 9 at Disyembre 16.
- Sa Gresya, kung saan ang isang demonstrasyon sa Athens noong Nobyembre ay nagpakilos ng libu-libong manggagawa mula sa pribadong sektor, na sumisigaw ng "Hindi na matiis ang halaga ng pamumuhay".
- Sa Pransya, kung saan, nitong mga nakaraang buwan, nagkaroon ng sunud-sunod na welga sa pampublikong sasakyan at mga ospital
- Sa Portugal, kung saan hinihingi ng mga manggagawa ang minimum na sahod na 800 euro, kumpara sa kasalukuyang 705. Noong Nobyembre 18, nagwelga ang serbisyo sibil. Noong Disyembre, nagkaroon ng mga welga sa buong sektor ng transportasyon.
- Sa Estados Unidos, namagitan ang Mababang Kapulungan para maayos ang giriang industriyal at maiwasan ang welga sa tren pang-kargamento. Noong Enero, libu-libong nurse ang nagwelga sa New York.
Ang listahan ay walang katapusan dahil, sa katotohanan, kahit saan ay mayroong maraming maliliit na welga, na nakahiwalay sa isa't isa, sa iba't ibang negosyo at sa pampublikong sektor. Dahil sa lahat ng dako, sa bawat bansa, sa bawat sektor, ang pamumuhay at mga kondisyon sa pagtrabaho ay lumalala, kahit saan tumataas ang presyo at napakababa ng sahod, kahit saan ay may kontraktwalisasyon at pleksibilidad, kahit saan ay may mala-impiyernong pagtrabaho at hindi sapat na manggagawa, kahit saan ay may kahila-hilakbot na malalang kondisyon ng pabahay, lalo na para sa mga kabataan.
Mula noong pandemya ng Covid-19, ang mga ospital ay naging simbolo ng pang-araw-araw na realidad para sa lahat ng manggagawa: kulang sa kawani at labis na pinagsamantalahan, hanggang sa punto ng pagkahapo, para sa sahod na hindi kayang makapagbayad ng mga bayarin.
Ang pinalawig na alon ng mga welga na tumama sa UK mula noong Hunyo, isang bansa kung saan ang proletaryado ay tila sumuko na sa kanyang kapalaran mula noong mga taon ni Thatcher, ay nagpahayag ng isang tunay na paglaban, isang pagbabago ng saloobin sa loob ng uring manggagawa, hindi lamang sa UK, ngunit internasyonal. Ang mga pakikibakang ito ay nagpakita na sa harap ng papalalim na krisis, ang mga pinagsamantalahan ay ayaw ng idiin pa.
Sa inflation na mahigit 11% at ang pag-anunsyo ng isang badyet sa pagtitipid ng pamahalaan ni Sunak, nagkaroon ng mga welga sa halos lahat ng sektor: Transport (tren, bus, tubo, paliparan) at kalusugan, mga manggagawa sa koreo ng Royal Mail, mga lingkod sibil sa Defra, mga empleyado ng Amazon, mga manggagawa sa paaralan sa Scotland, mga manggagawa sa langis ng North Sea... Ang laki ng pagkilos ng mga manggagawang pangkalusugan ay hindi nakikita sa bansang ito sa loob ng mahigit isang siglo! At inaasahang magwelga ang mga guro mula Pebrero.
Sa Pransya, nagpasya din ang gobyerno na magpataw ng bagong "reporma" na gagawing legal ang pagpapahaba ng edad ng pagreretiro. Ang layunin ay simple: upang makatipid ng pera sa pamamagitan ng pagpiga sa uring manggagawa na parang lemon, hanggang sa sementeryo. Sa mga konkretong termino, ito ay mangangahulugan ng pagtatrabaho nang matanda, may sakit, pagod o magretiro na may nabawasan at miserableng pensiyon. Kadalasan, bukod pa rito, ang redundancy ay maranasan na bago pa ang nakamamatay na edad.
Ang mga pag-atake sa ating mga kondisyon sa pamumuhay ay hindi titigil. Patuloy na lalala ang pandaigdigang krisis sa ekonomiya. Upang magtagumpay sa internasyunal na arena ng merkado at kompetisyon, ang bawat burgesya sa bawat bansa ay magpapataw ng mas matinding hindi matiis na kalagayan sa pamumuhay at paggawa sa uring manggagawa, habang humihimok ng "pagkakaisa sa Ukraine" o "kinabukasan ng pambansang ekonomiya".
Ito ay higit na totoo sa pag-unlad ng ekonomiya ng digmaan. Ang pagtaas ng proporsyon ng paggawa at iba pang mapagkukunan ay nakadirekta sa ekonomiya ng digmaan. Hindi lang sa Ukraine, kundi pati na rin sa Ethiopia, Yemen, Syria, Mali, Niger, Congo, atbp., nangangahulugan ito ng mga bomba, bala at kamatayan! Sa ibang lugar, nangangahulugan ito ng takot, inflation at pinabilis na trabaho. Ang bawat pamahalaan ay nananawagan ng "sakripisyo"!
Naharap sa sistemang kapitalista na nagtulak sa sangkatauhan sa kahirapan at digmaan, sa kompetisyon at pagkahati-hati, nasa uring manggagawa (mga nagpapasahod sa lahat ng sektor, sa lahat ng bansa, walang trabaho o nagtatrabaho, mayroon man o walang kwalipikasyon, nagtatrabaho o nagretiro. ..) para itulak ang ibang perspektiba. Sa pagtanggi sa mga "sakripisyo" na ito, sa pamamagitan ng pagbuo ng malawakang nagkakaisang pakikibaka, maipakita nito na posible ang ibang mundo.
Kung hati-hati, mahina tayo
Kung hati-hati, talo tayo.
Sa loob ng maraming buwan, sa lahat ng bansa at sa lahat ng sektor, may mga welga. Pero hiwa-hiwalay sila sa isa't isa. Ang bawat isa ay para sa kanilang sariling welga, sa kanilang sariling pabrika, kanilang depot, kanilang negosyo, kanilang bahagi ng pampublikong sektor. Walang tunay na kaugnayan sa pagitan ng mga pakikibakang ito, kahit na ito ay isang tawiran lang ng kalye sa mga nag-aklas mula sa ospital tungo sa mga paaralan o sa supermarket sa tapat. Minsan ang dibisyong ito ay lubhang naging katawa-tawa dahil, kahit sa parehong negosyo, ang mga welga ay hinati-hati sa bawat korporasyon, o koponan, o yunit. Kailangan mong isipin ang mga manggagawa sa opisina na nagwelga sa iba't ibang oras pero pareho silang mga teknikal na kawani, o ang mga nasa unang palapag na nagwelga sa kanilang sarili nang walang anumang koneksyon sa mga nasa ikalawang palapag. Minsan ito talaga ang nangyayari!
Ang kalat-kalat na mga welga, pagkukulong ng lahat sa kani-kanilang sariling sulok, ay nilalaro ang laro ng burgesya - pinapahina tayo nito, binabawasan tayo sa kawalan ng lakas, pinapagod tayo nito at inaakay tayo sa pagkatalo.
Kaya naman ang burgesya ay binuhos ang lahat para panatilihin ito. Sa lahat ng mga bansa, pareho ang estratehiya: hati-hati ang mga gobeyrno. Nagpapanggap silang sinusuportahan ito o ang sektor na iyon para mas mahusay na atakehin ang iba. Itinatampok nila ang isang sektor, o kahit isang kumpanya, sa pamamagitan ng paggawa ng mga pangako na hinding-hindi nila tutuparin, upang maitago ang pagsalakay ng mga pag-atake na nagaganap sa iba. Upang mas mahusay na hatiin, nagbibigay sila ng limitadong suporta sa isang grupo at bawasan ang mga karapatan ng iba pa. Batas sa lahat ng dako ang mga negosasyon ay sa bawat sangay at bawat kumpanya.
Sa Pransya, ang pag-anunsyo ng reporma sa pensiyon, na makakaapekto sa buong uring manggagawa, ay sinamahan ng isang nakakabinging "debate" ng media sa hindi patas na reporma para dito o sa bahaging iyon ng populasyon. Dapat itong gawing mas patas sa pamamagitan ng pagkilala sa mga partikular na kwalipikasyon ng mga apprentice, ilang manwal na manggagawa, kababaihan... Palaging pareho ang bitag!
Kailangang panghawakan ng uring manggagawa sa sariling mga kamay ang pakikibaka
Bakit may ganitong pagkahati-hati? Mga propaganda at maniobra lamang ba ng gobyerno ang nagtatagumpay sa paghahati sa atin sa ganitong paraan, na pinananatiling hiwalay sa isa't isa ang mga welga at pakikibaka ng uring manggagawa?
Lumalaki ang pakiramdam na nasa iisang bangka tayo. Nagiging mas malinaw ang ideya na ang isang malakihang nagkakaisang pakikibaka na may malawak na pakikiisa ay maaaring baguhin ang balanse ng pwersa sa pagitan ng mga uri. Kaya bakit nakikita natin ang mga dibisyon sa pagitan ng mga manggagawa sa loob ng maraming buwan sa bawat bansa at sa bawat sektor?
Sa UK, ang mga nagwelgang manggagawa ay tradisyonal na nagpiket sa labas ng kanilang lugar ng trabaho. Sa loob ng ilang buwan, ang mga organisadong piket ay hindi nagkakalayo, minsan ay nagaganap lamang ng isang araw ang pagitan, kung minsan ang mga pakikibaka ay nangyari nang sabay-sabay ngunit sa mga piket na pinaghihiwalay ng ilang daang metro ngunit walang pagtatangkang mag-ugnay. Lahat ay nagwelga, ngunit natali sa picket line. Kung hindi malalabanan ang pagka hiwa-hiwalay na ito, nang hindi nagkakaroon ng tunay na pagkakaisa sa pakikibaka, maaaring maubos nito ang ating diwa sa pakikipaglaban. Nitong mga nakaraang linggo ay mas naging maliwanag ang deadlock at ang panganib na dulot ng sitwasyong ito. Ang mga manggagawang iyon na nag-'rolling strike' sa nakalipas na anim na buwan ay maaari na ngayong makaramdam ng pagod at kawalan ng lakas.
Gayunpaman, sa ilang mga picket lines na aming binisita, ipinahayag sa amin ng mga manggagawa ang kanilang nararamdaman na kabilang sa isang mas malawak na pakikibaka kaysa sa kanilang amo, kanilang departamento, kanilang sektor. May lumalagong pakiramdam ng pangangailangan na makibaka na sama-sama.
Ngunit sa loob ng maraming buwan, sa lahat ng bansa, sa lahat ng sektor, ang mga unyon ang nag-oorganisa ng lahat ng kalat-kalat na pakikibakang ito. Ang mga unyon ang nagpapasya sa estratehiya na naghahati at naghihiwalay, at nagtataguyod na ang mga negosasyon ay magaganap sa bawat sangay, sa bawat sektor. Pinipili ng mga unyon na magtakda ng mga partikular na kahilingan at ang mga unyon ay nagbabala, higit sa lahat, na "palalabnawin natin ang sarili nating pakikibaka kung gagawa tayo ng mga nagkakaisang kahilingan".
Gayunpaman, alam ng mga unyon na ang galit ay lumalaki, na nanganganib na umapaw at masira ang mga hadlang na kanilang binuo sa pagitan at sa loob ng pribadong sektor at pampublikong sektor. Alam nila na ang ideya ng "isang nagkakaisang pakikibaka" ay nahihinog sa loob ng uri.
Iyon ang dahilan kung bakit, halimbawa sa UK, ang mga unyon ay nagsimulang mag-usap-usap tungkol sa magkasanib na mga aksyon sa mga sektor, na maingat nilang iniiwasan hanggang ngayon, at ang mga salitang "pagkakaisa" at "pakikiisa" ay nagsimula nang lumabas sa kanilang mga talumpati. Hindi sila titigil sa paghati-hati sa mga manggagawa, ngunit upang maipagpatuloy ito, dinadala nila ang mga kahilingan ng uri. Sa ganitong paraan pinapanatili nila ang kontrol sa direksyon ng mga pakikibaka.
Sa Pransya, na nahaharap sa pag-atake sa uri sa pamamagitan ng pag-anunsyo ng mga reporma sa pensiyon, ipinakita ng mga unyon ang kanilang pagkakaisa at kanilang determinasyon; nanawagan sila ng malalaking demonstrasyon sa lansangan at pakikipaglaban sa gobyerno. Iginiit nila na ang repormang ito ay hindi dapat ipasa, na ito ay dapat tanggihan ng milyun-milyong tao.
Labis-labis ang retorika at mga pangako. Ngunit ano ang katotohanan? Para ipaliwanag ito, kailangan lang nating tandaan ang kilusan na lumaban sa panukalang reporma sa pensiyon ni Macron noong 2019-2020. Naharap sa tumataas na pakikibaka at paglago ng pagkakaisa lampas sa mga henerasyon, ginamit ng mga unyon ang parehong estratehiya, na nagtataguyod ng "pagsama-sama ng mga pakikibaka", na lumikha ng isang ilusyon ng unitaryong kilusan, kung saan ang mga demonstrador ay pinakilos ayon sa sektor at kumpanya, hindi pinagsama-sama ang lahat, kundi pinagbukod-bukod. Hinati ng mga bandila ng unyon at ng mga kinatawan ng unyon ang mga nagmartsa ayon sa sektor, ayon sa kumpanya at ayon sa planta. Higit sa lahat, walang mga talakayan at walang mga pagpupulong. Ang mensahe sa dulo: "Maghiwa-hiwalay kasama ang inyong mga katrabaho at umuwi, hanggang sa muli". Pinalakas ng todo ang sound system upang matiyak na hindi magkarinigan sa isa’t isa ang mga manggagawa dahil ang talagang nagpapanginig sa burgesya ay kapag kinontrol ng mga manggagawa ang kanilang mga pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay, kapag inayos nila ang kanilang mga sarili, kapag nagsimula silang magkita-kita, para makipagdebate. ... para maging isang uri sa pakikibaka!
Sa UK at sa Pransya, tulad ng sa ibang lugar, upang maapektuhan ang balanse ng mga puwersa na magbibigay-daan sa atin na labanan ang patuloy na pag-atake sa ating pamumuhay at mga kondisyon sa pagtatrabaho, na bukas ay magiging mas marahas, kailangan natin, saanman natin magagawa, na magsama-sama upang magdebate at isulong ang mga pamamaraan ng pakikibaka na magbubuklod at magpapalakas sa uring manggagawa at pahintulutan ito, sa depinidong yugto ng kasaysayan nito, na yugyugin ang burgesya at ang sistema nito:
- sa pagsusuri na palawakin ang suporta at pagkakaisa lampas sa lugar ng trabaho, kumpanya, institusyon, sektor ng aktibidad, syempre ng syudad, rehiyon at bansa;
- sa sariling organisasyon ng pakikibaka ng mga manggagawa, partikular sa pamamagitan ng mga pangkalahatang asembliya, nang hindi isinusuko ang kontrol sa tinatawag na “mga espesyalista” sa pakikibaka, ang mga unyon, at ang kanilang organisasyon;
- sa pamamagitan ng pinakamalawak na posibleng diskusyon sa pangkalahatang pangangailangan ng pakikibaka, sa mga aral na mapupulot sa mga nakaraang pakikibaka at gayundin sa kanilang mga pagkatalo, dahil may mga kabiguan sa hinaharap, ngunit ang pinakamalaking pagkatalo ay nagmula sa hindi paglaban sa mga pag-atake. Ang paglunsad ng pakikibaka ay ang unang tagumpay ng pinagsamantalahan.
Noong 1985, sa ilalim ni Thatcher, ang mga minero ng Britanya ay nakibaka sa loob ng isang buong taon, na may napakalaking tapang at determinasyon, ngunit ibinukod sila ng mga puwersa ng estado at mga unyon at sila ay nawalan ng kapangyarihan at nakakulong sa kanilang sektor; ang kanilang pagkatalo ay pagkatalo ng buong uring manggagawa. Dapat tayong matuto sa ating mga pagkakamali. Napakahalaga na ang mga kahinaan na nagpapahina sa uring manggagawa sa loob ng ilang dekada, at nagmarka ng sunud-sunod na pagkatalo, ay napangibabawan na ngayon, partikular ang bitag ng korporasyon at ang ilusyon na ang mga unyon ng manggagawa ay mga organo ng uring manggagawa. Ang sariling organisasyon ng pakikibaka, ang malawak na pagkakaisa at pakikiisa nito, ay sangkap na kailangang-kailangan para sa paghahanda ng mga pakikibaka sa hinaharap!
Dahil dito, dapat nating kilalanin ang ating sarili bilang mga miyembro ng isang uri, isang uri na nagkakaisa sa pamamagitan ng pakikiisa nito sa pakikibaka: ang uring manggagawa. Ang mga pakikibaka ngayon ay kailangang-kailangan hindi lamang sa pagtatanggol sa ating sarili laban sa mga atake kundi pati na rin sa pagbawi ng ating pagkakakilanlan bilang uri sa pandaigdigang saklaw, paghahanda para sa tuluyang pagbagsak ng bangkarotang sistemang ito na kasingkahulugan ng pagkakait at lahat ng uri ng sakuna.
Ang kapitalismo ay walang solusyon: ito man ay pagkawasak ng planeta, o sa patuloy na digmaan, o sa kawalan ng trabaho, o sa kontraktwalisasyon ng trabaho, o sa kahirapan. Tanging ang pakikibaka ng pandaigdigang uring manggagawa na suportado ng lahat ng inaapi at pinagsamantalahan ng mundo ang makapagbukas ng daan sa isang alternatibo, ang komunismo.
Ang mga welga sa UK at ang mga demonstrasyon sa Pransya, ay isang panawagan sa pakikibaka para sa mga proletaryo sa buong mundo.
Internasyunal na Komunistang Tunguhin, 12 Enero 2023
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17295/how-develop-massive-united-and-supportive-movement [153]
Ang kasalukuyang imperyalistang masaker sa Gitnang Silangan, ay pinakahuli lamang sa mahigit isang siglo ng halos permanenteng digmaan na naging katangian ng pandaigdigang kapitalismo mula pa noong 1914.
Ang multi-milyong pagpaslang sa mga walang depensang sibilyan, ang mga pagpatay ng lahi, ang pagwasak ng mga syudad, maging ang pagdurog ng buong bansa ay walang naidulot maliban sa pangako ng higit pa at mas masahol pang kalupitan na darating.
Ang mga katwiran o 'solusyon' na iminungkahi ng iba't ibang nagtutunggaliang imperyalistang kapangyarihan, malaki man o maliit, hanggang sa kasalukuyang patayan, tulad ng lahat ng nauna rito, ay katumbas ng isang napakalaking panlilinlang upang pakalmahin, hatiin at ihanda ang pinagsamantalang uring manggagawa para sa mabangis na patayan upang suportahan ang isang pambansang burgesya laban sa isa pa.
Ngayon ay inulan ng delubyo ng apoy at bakal ang mga taong naninirahan sa Israel at Gaza. Sa isang kampo, Hamas. Sa kabilang kampo, ang hukbo ng Israel. Sa gitna, ang mga manggagawa ay binobomba, binaril, pinatay at hinostage. Libu-libo na ang namatay.
Sa buong mundo, nanawagan ang burgesya na pumili tayo ng panig. Para sa pakikibakang Palestino laban sa pang-aapi ng Israel. O para sa tugon ng Israel sa terorismo ng Palestino. Tinuligsa ng bawat isa ang barbaridad ng katunggali upang bigyang katwiran ang digmaan. Ang estado ng Israel ay inaapi ang mga mamamayang Palestino sa loob ng ilang dekada, na may mga pagharang, panliligalig, mga checkpoint at pagpapahiya. Ang mga organisasyong Palestino ay pumapatay ng mga inosenteng tao sa pamamagitan ng mga pag-atake ng kutsilyo at pambobomba. Bawat panig ay nananawagan na patayin ang kalaban.
Ang nakamamatay na lohika na ito ay lohika ng imperyalistang digmaan! Ang ating mga mapagsamantala at ang kanilang mga estado ang laging naglulunsad ng walang awang digmaan para ipagtanggol ang kanilang sariling interes. At tayo, ang uring manggagawa, ang pinagsasamantalahan, ang laging nagbabayad, ng ating buhay.
Para sa atin, mga proletaryo, walang panig na pipiliin, wala tayong sariling bayan, walang bansang ipagtatanggol! Sa magkabilang panig ng hangganan, iisa ang uri natin! Hindi Israel, hindi Palestine!
Tanging ang nagkakaisang internasyunal na proletaryado ang makapagbigay wakas sa tumitinding mga masaker na ito at sa mga imperyalistang interes na nasa likod nito. Ang natatangi, internasyonalista, na solusyong ito, na inihanda ng iilang komunista ng Kaliwa ng Zimmerwald, ay pinatunayan noong Oktubre 1917 nang ibagsak ng rebolusyonaryong pakikibaka ng uring manggagawa ang kapitalistang rehimen at itinatag ang sariling kapangyarihang pampulitika ng uri. Sa pamamagitan ng halimbawa nito, ang Oktubre ay nagbigay inspirasyon sa mas malawak at internasyonal na rebolusyonaryong kilusan na pinilit tapusin ang Unang Digmaang Pandaigdig.
Ang tanging pampulitikang tendensya na nakaligtas sa pagkatalo ng rebolusyonaryong alon na ito at pinanatili ang militanteng pagtatanggol sa internasyunalistang prinsipyo ay ang Kaliwang Komunista. Noong dekada tatlumpu, iningatan nito ang pundamental na linya ng uring manggagawa na ito noong panahon ng digmaang Espanyol at digmaang Tsino-Hapon samantalang pinili ng iba pang pampulitikang tendensya tulad ng mga Stalinista, Trotskyista o Anarkista ang kanilang imperyalistang kampo na siyang nag-udyok sa mga tunggaliang ito. Pinanatili ng Kaliwang Komunista ang internasyunalismo noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig habang ang iba pang mga tendensya ay lumahok sa imperyalistang patayan na binihisan bilang labanan sa pagitan ng 'pasismo at anti-pasismo' at/o pagtatanggol sa Unyong 'Sobyet'.
Sa kasalukuyan, ang kakaunting organisadong militanteng pwersa ng Kaliwang Komunista ay mahigpit pa rin na sa internasyunalismo ngunit ang kanilang kakarampot na kapasidad ay lalong nanghina dahil sa pagkawatak-watak sa ilang iba't ibang grupo at diwang magkagalit at sektaryan.
Kaya naman, sa harap ng tumitinding paglala ng imperyalistang barbarismo ang mga magkahiwalay na pwersang ito ay kailangang gumawa ng nagkakaisang laban sa lahat ng imperyalistang kapangyarihan, laban sa mga panawagan para sa pambansang pagtatanggol na sumusuporta sa mga mapagsamantala, laban sa mapagkunwari na pagsamo para sa 'kapayapaan', at para sa proletaryong makauring pakikibaka patungo sa komunistang rebolusyon.
MGA MANGGAGAWA NG MUNDO, MAGKAISA!
International Communist Current
Internationalist Voice
Oktubre 17, 2023
————————————————-
20 buwan pa lang ang nakalipas, matapos ang pagsalakay ng Rusya sa Ukraine, isang katulad na nagkakaisang pahayag ang iminungkahi ng ICC sa mga grupong Kaliwang Komunista. Ang mga grupong lumagda dito bukod sa ICC – Istituto Onorato Damen, Internationalist Voice, International Communist Perspective (South Korea) – ay nasundan ng paglathala ng dalawang Discussion Bulletins ng mga Grupo ng Komunistang Kaliwa para magdebate sa kani-kanilang mga posisyon at pagkakaiba-iba at nagdaos ng mga nagkakaisang pampublikong pulong.
Gayunpaman, tumanggi ang ibang grupong Kaliwang Komunista na lagdaan ang apela (o ipinagwalang-bahala na lang) kahit na sumang-ayon sila sa mga internasyunalistang prinsipyo nito. Dahil mas kagyat na nagkakaisang ipagtanggol ang prinsipyong ito ngayon, hinihiling namin sa mga grupong ito na nakalista sa ibaba - na muling pag-isipan at lagdaan ang apela na ito.
Ang isang argumento laban sa paglagda sa nagkakaisang pahayag sa Ukraine ay masyadong malaki ang pagkakaiba sa pagitan ng mga grupo para magkaroon ng nagkakaisang pahayag. Hindi maikakaila ang pagkaroon ng mga mahalagang pagkakaiba, sa usapin man ng pagsusuri, usapin sa teorya, pagbuo ng pampulitikang partido, o maging sa mga kondisyon ng pagiging militante. Pero ang pinakakagyat at pundamental na prinsipyo ng proletaryong internasyunalismo, ang makauring demarkasyon para makilala ang mga rebolusyonaryong pampulitikang organisasyon, ay pinakamahalaga. At ang nagkakaisang pahayag sa usaping ito ay hindi nangangahulugan na ang iba pang mga pagkakaiba ay nakalimutan. Sa kabaligtaran, ang Discussion Bulletins ay nagpakita na posible at kailangan ang isang porum para sa debate.
Ang isa pang argumento ay kailangan ang mas praktikal na impluwensya ng internasyunalistang pananaw sa uring manggagawa, na mas malawak kaysa apela lamang na limitado sa Kaliwang Komunista. Siyempre lahat ng internasyunalistang militanteng komunistang organisasyon ay gusto ng mas maraming impluwensya sa uring manggagawa. Ngunit kung ang mga internasyunalistang organisasyon ng Kaliwang Komunista ay hindi man lang praktikal na kumikilos nang sama-sama sa kanilang pundamental na prinsipyo sa mga krusyal na sandali ng imperyalistang tunggalian paano sila makaasa na seryosohin sila ng mas malawak na seksyon ng proletaryado?[1] [154]
Ang kasalukuyang labanan ng Israel at Palestine, mas mapanganib at magulo kaysa sa lahat ng nauna, na nangyari wala pang dalawang taon matapos ang muling paglitaw ng imperyalistang digmaan sa Ukraine, at kasama ang marami pang imperyalistang mga kontrabersya na kamakailan lamang ay muling nabuhay (Serbia/Kosovo, Azerbaijan/Armenia, at ang tumitinding tensyon sa pagitan ng US at China sa Taiwan) ay nangangahulugan na mas kailangan ang isang nagkakaisang internasyonalistang pahayag kaysa nakaraan.
Kaya naman tuwiran at hayagan naming hinihiling sa mga sumusunod na grupo na ipakita ang kanilang kahandaang lumagda sa pahayag laban sa imperyalistang digmaang nakalimbag sa itaas, at kung kinakailangan ay maaaring amyendahan o modipikahin ayon sa nagkakaisang layuning internasyonalista nito:
Para sa:
ICT (Internationalist Communist Tendency)
PCI (Programma Comunista)
PCI (Il Partito Comunista)
PCI (Le Prolétaire, Il Comunista)
IOD (Istituto Onorato Damen)
Ang iba pang mga grupo sa labas ng Kaliwang Komunista na sumasang-ayon sa mga internasyunalistang posisyon na ipinagtanggol sa apela na ito ay maaaring ipahayag ang kanilang suporta sa apela na ito at ipamahagi ito.
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17416/down-massacres-no-support-... [155]
[1] [156] Para sa malalim na debate sa mga argumento dito, tingnan Correspondence on the Joint Statement of groups of the Communist Left on the war in Ukraine [109]
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 81.7 KB |
Mga pangkalahatang welga at higanteng demonstrasyon noong Marso 7 sa France, Marso 8 sa Italya, Marso 11 sa UK. Kahit saan, lumalaki at kumakalat ang galit.
Sa UK, isang makasaysayang alon ng welga ang nangyayari sa loob ng siyam na buwan. Matapos dumanas ng walang patid na ilang dekadang paghihigpit-sinturon, hindi na tinanggap ng proletaryado sa Britain ang mga sakripisyo. "Tama na". Sa France, ang pagtaas sa edad ng pagretiro ang nagsindi sa pulbura. Ang mga demonstrasyon ay nagdala ng milyun-milyong tao sa mga lansangan. "Walang dagdag na isang taon, walang bawas na isang euro". Sa Spain, nagsagawa ng malalaking rali laban sa pagbagsak ng sistema ng pangangalagang pangkalusugan, at sumiklab ang mga welga sa maraming sektor (paglilinis, transportasyon, IT, atbp.). "La indignación llega de lejos / Ang galit ay nagmula sa malayo," sabi ng mga pahayagan. Sa Germany, sinasakal ng inplasyon, nagwelga ang mga manggagawa sa pampublikong sektor at kanilang mga kasamahan sa koreo para itaas ang suweldo, isang bagay na "hindi pa nakikita sa Germany". Sa Denmark, sumiklab ang mga welga at demonstrasyon laban sa pagpapawalang-bisa ng isang pampublikong holiday upang tustusan ang pagtaas sa badyet ng militar. Sa Portugal, ang mga guro, manggagawa sa tren at mga manggagawa sa pangangalagang pangkalusugan ay nagprotesta rin laban sa mababang sahod at gastusin ng pamumuhay. The Netherlands, Denmark, United States, Canada, Mexico, China... parehong mga welga laban sa parehong hindi makayanan at hindi marangal na mga kondisyon ng pamumuhay: "Ang tunay na kahirapan: hindi makapag-init, kumain, pangalagaan ang sarili, magmaneho!”
Ang pagbabalik ng uring manggagawa
Ang pagkakasabay na ito ng mga pakikibaka sa lahat ng mga bansang ito ay hindi aksidente. Kinumpirma nito ang tunay na pagbabago ng diwa sa loob ng ating uri. Pagkatapos ng tatlumpung taon ng pag-atras at kawalan ng pag-asa, sa pamamagitan ng ating mga pakikibaka ay sinasabi natin: "Hindi na natin ito ipagwalang-bahala. Kaya natin at kailangan nating lumaban".
Ang pagbabalik na ito ng pakikibaka ng uring manggagawa ay nagbigay-daan sa atin na manindigan nang sama-sama, magpakita ng pagkakaisa sa pakikibaka, makaramdam ng pagmamalaki, dangal at pagkakaisa sa ating laban. Isang napakasimple ngunit napakahalagang ideya ang umuusbong sa ating mga utak: lahat tayo ay nasa iisang bangka!
Ang mga empleyadong nakasuot ng puting amerikana, asul na amerikana o kurbata, ang mga walang trabaho, mga estudyanteng walang katiyakan, mga pensiyonado, mula sa lahat ng sektor, pampubliko at pribado, lahat tayo ay nagsimulang kilalanin ang ating sarili bilang isang puwersang panlipunan na pinagsama ng parehong mga kondisyon ng pagsasamantala. Dumaranas tayo ng parehong pagsasamantala, ang parehong krisis ng kapitalismo, ang parehong mga pag-atake sa ating pamumuhay at mga kondisyon sa paggawa. Kasali tayo sa iisang pakikibaka. Tayo ang uring manggagawa.
"Magkasama ang mga manggagawa", sigaw ng mga welgista sa UK. "Makibaka tayo ng sama-sama, o lahat tayo ay pupulutin sa kangkongan", pagkumpirma ng mga demonstrador sa France.
Maaari ba tayong manalo?
Ang ilang mga nakaraang pakikibaka ay nagpakita na posibleng umatras ang gobyerno, para pabagalin ang mga pag-atake nito.
Noong 1968, nagkaisa ang proletaryado sa France sa pamamagitan ng pagkontrol sa mga pakikibaka nito. Kasunod ng malalaking demonstrasyon noong Mayo 13 bilang protesta laban sa panunupil ng pulisya na dinanas ng mga estudyante, ang mga walkout at pangkalahatang asembliya ay kumalat na parang apoy sa mga pabrika at lahat ng mga lugar ng trabaho na humantong, kasama ang 9 na milyong welgista nito, sa pinakamalaking welga sa kasaysayan ng internasyonal na kilusang manggagawa. Naharap sa dinamikong ito ng ekstensyon at pagkakaisa ng pakikibaka ng mga manggagawa, ang gobyerno at ang mga unyon ay nagmamadaling pumirma sa isang kasunduan sa pangkalahatang pagtaas ng sahod upang matigil ang kilusan.
Noong 1980, sa Poland, na naharap sa pagtaas ng presyo ng pagkain, ang mga welgista ay nagpatuloy sa pakikibaka sa pamamagitan ng pagtitipon sa malalaking pangkalahatang asembliya, sa pamamagitan ng pagpapasya sa kanilang sarili sa mga kahilingan at aksyon, at higit sa lahat sa pamamagitan ng patuloy na pagmamalasakit na palawigin ang pakikibaka. Naharap sa ganitong pagpapakita ng lakas, hindi lang ang burgesya ng Poland ang nanginig, kundi ang burgesya ng lahat ng bansa.
Noong 2006, sa France, pagkatapos lamang ng ilang linggo ng mobilisasyon, inalis ng gobyerno ang "Contrat Première Embauche". Bakit ganito? Ano ang labis na ikinatakot ng burgesya kaya mabilis itong umatras? Ang mga walang katiyakang estudyante ay nag-organisa ng malalaking pangkalahatang pagpupulong sa mga unibersidad, bukas sa mga manggagawa, mga walang trabaho at mga pensiyonado, at nagharap ng isang nagkakaisang islogan: ang paglaban sa kaswalisasyon at kawalan ng trabaho. Ang mga pagtitipon na ito ay ang baga ng kilusan, kung saan ginanap ang mga debate at ginawa ang mga desisyon. Ang resulta: tuwing katapusan ng linggo, ang mga demonstrasyon ay nilahukan ng mas maraming sektor. Ang mga sahuran at retiradong manggagawa ay sumama sa mga estudyante sa ilalim ng islogan: "Mga batang lardon, matandang crouton, lahat sa iisang salad". Ang burgesya ng Pransya at ang gobyerno, na naharap sa ganitong tendensya na pag-isahin ang kilusan, ay walang pagpipilian kundi bawiin ang CPE.
Ang lahat ng mga kilusang ito ay may magkatulad na dinamika ng pagpapalawig ng pakikibaka salamat sa mga manggagawa na mismong may kontrol dito!
Ngayon, tayo man ay mga manggagawang sahuran, walang trabaho, pensiyonado, walang katiyakang estudyante, wala pa rin tayong tiwala sa ating sarili, sa ating sama-samang lakas, na maglakas-loob na kontrolin ang ating mga pakikibaka. Ngunit walang ibang paraan. Lahat ng "aksyon" na iminungkahi ng mga unyon ay humantong sa pagkatalo. Mga piket, welga, demonstrasyon, pagharang sa ekonomiya... walang kwenta hangga’t ang mga pagkilos na ito ay nanatiling nasa ilalim ng kanilang kontrol. Kung babaguhin ng mga unyon ang anyo ng kanilang mga aksyon ayon sa mga pangyayari, ito ay para palaging mas mapanatili ang parehong esensya: upang hatiin at ihiwalay ang mga sektor sa isa't isa para hindi tayo magdebate at magpasya para sa ating sarili kung paano isasagawa ang pakikibaka.
Sa loob ng siyam na buwan sa UK, ano ang ginagawa ng mga unyon? Pinaghiwa-hiwalay nila ang tugon ng mga manggagawa: araw-araw, ibang sektor ang nagwelga. Bawat isa sa kanyang sulok, bawat isa sa kanyang hiwalay na picket line. Walang mga pulong ng masa, walang kolektibong debate, walang tunay na pagkakaisa sa pakikibaka. Ito ay hindi isang pagkakamali ng diskarte ngunit sinasadyang paghati-hati.
Paano noong 1984-85 nagawa ng gobyernong Thatcher na buwagin ang uring manggagawa sa UK? Sa pamamagitan ng maruming gawain ng mga unyon na naghiwalay sa mga minero sa kanilang mga kapatid sa uri sa ibang sektor. Ikinulong nila ang mga ito sa isang mahaba at baog na welga. Sa loob ng mahigit isang taon, isinara ng mga minero ang mga hukay sa ilalim ng bandila ng "pagharang sa ekonomiya". Nag-iisa at walang kapangyarihan, ang mga welgista ay naubusan ng kanilang lakas at tapang. At ang kanilang pagkatalo ay ang pagkatalo ng buong uring manggagawa! Ang mga manggagawa ng UK ay ngayon pa lamang, tatlumpung taon na ang lumipas, itinaas ang kanilang mga ulo. Ang pagkatalo na ito kung gayon ay isang napakahalagang aral na hindi dapat kalimutan ng proletaryado ng mundo.
Sa pamamagitan lamang ng pagtitipon na bukas para sa lahat, malakihan at nagsasarili na mga pangkalahatang asembliya, na talagang nagpapasya sa pagsasagawa ng pagkilos, maaari tayong magsagawa ng nagkakaisa at lumalaganap na pakikibaka, na isinusulong ng pagkakaisa sa pagitan ng lahat ng sektor, lahat ng henerasyon. Mga asembliya kung saan nadarama natin ang pagkakaisa at pagtitiwala sa ating kolektibong lakas, kung saan maaari nating pagtibayin ang mas nagkakaisang mga kahilingan. Mga pangkalahatang asembliya na maaaring bumuo ng malalaking delegasyon upang salubungin ang ating mga kapatid sa uri, ang mga manggagawa sa pinakamalapit na pabrika, ospital, paaralan, administrasyon.
Ang tunay na tagumpay ay ang pakikibaka mismo
"Pwede ba tayong manalo?" Ang sagot ay oo, minsan ay kung, at tanging kung, ilagay natin ang ating mga pakikibaka sa sarili nating mga kamay. Pansamantala nating mapigilan ang mga pag-atake, paatrasin ang gobyerno.
Ngunit ang katotohanan ay ang pandaigdigang krisis sa ekonomya ay magtulak sa buong seksyon ng proletaryado sa kahirapan. Upang makayanan ang pandaigdigang arena ng pamilihan at kompetisyon, bawat burgesya sa bawat bansa, kaliwa man, kanan o sentrista, tradisyonal o populista, ay magpapataw ng mas hindi matitiis na kalagayan sa pamumuhay at paggawa.
Ang katotohanan ay sa pag-unlad ng ekonomiya ng digmaan sa apat na sulok ng mundo, ang mga "sakripisyo" na hinihingi ng burgesya ay higit pang hindi na matitiis.
Ang katotohanan ay ang imperyalistang tunggalian sa pagitan ng mga bansa, lahat ng mga bansa, ay isang spiral ng pagkawasak at madugong kaguluhan na maaaring humantong sa pagkawasak ng sangkatauhan. Araw-araw sa Ukraine, ang dagsa ng mga tao, minsan ay 16 o 18 taong gulang, ay pinagtabas-tabas ng mga kasuklam-suklam na instrumento ng kamatayan, Russian man o kanluran.
Ang katotohanan ay ang mga simpleng epidemya ng trangkaso o bronchiolitis ay pinaluhod sa pagod ang sistema ng kalusugan.
Ang katotohanan ay ang kapitalismo ay patuloy na sumisira sa planeta at pinapahamak ang klima, na nagdudulot ng mapangwasak na baha, tagtuyot at sunog.
Ang katotohanan ay ang milyun-milyong tao ay patuloy na tatakas sa digmaan, taggutom, sakuna sa klima, o lahat sa tatlo, para lamang mabangga sa mga pader ng barbed wire ng ibang mga bansa, o malunod sa dagat.
Kaya ang tanong: ano ang silbi ng pakikipaglaban sa mababang sahod, laban sa kakulangan ng empleyado, laban dito o sa ganoong “reporma”? Dahil ang ating mga pakikibaka ay nagdadala ng pag-asa mayroong ibang mundo, walang uri o pagsasamantala, walang digmaan o hangganan.
Ang tunay na tagumpay ay ang pakikibaka mismo. Ang simpleng katotohanan ng paglunsad ng pakikibaka, ng pagpapaunlad ng ating pagkakaisa, ay tagumpay na. Sa pamamagitan ng sama-samang pakikibaka, sa pamamagitan ng pagtanggi na sumuko, inihahanda natin ang mga pakikibaka sa hinaharap at unti-unti nating nalilikha, sa kabila ng hindi maiwasang pagkatalo, ang mga kondisyon para sa isang bagong mundo.
Ang ating pagkakaisa sa pakikibaka ay kabaligtaran ng nakamamatay na kompetisyon ng sistemang ito, na nahahati sa mga kalabang kumpanya at bansa.
Ang ating pagkakaisa sa pagitan ng mga henerasyon ay ang kabaligtaran ng walang kinabukasan at ang mapangwasak na spiral ng sistemang ito.
Ang ating pakikibaka ay sumisimbolo sa pagtanggi na isakripisyo ang ating sarili sa altar ng militarismo at digmaan.
Ang pakikibaka ng uring manggagawa ay isang hamon sa mismong pundasyon ng kapitalismo at pagsasamantala.
Ang bawat welga ay nagdadala sa loob nito ng mga binhi ng rebolusyon.
Ang kinabukasan ay nauukol sa tunggalian ng mga uri!
Internasyunal na Komunistang Tunguhin (25 Pebrero 2023)
Ang uring manggagawa ay walang pagpipilian sa pagitan nila Trump at Harris, Republican o Democrat. Kahit sino man ang manalo, ang uring manggagawa ay sasailalim sa malupit na pag-atake sa antas ng pamumuhay nito na hinihingi ng krisis sa ekonomiya at pagbubuo ng ekonomiya ng digmaan. Kung sino man ang manalo, haharapin ng mga manggagawa ang pangangailangang ipagtanggol ang kanilang sarili bilang isang uri laban sa mga pag-atake na ito
Ngunit hindi ito nangangahulugan na maaari nating balewalain ang kampanya sa eleksyon at ang mga epekto nito. Inihayag ng mga ito ang mga pagkahati-hati ng burgesya sa US, ang naghaharing uri sa kasalukuyang pinakamakapangyarihang bansa sa mundo, ay mas tumatalas at mas marahas. US ang nagiging sentro ng kabulukan ng pandaigdigang sistemang kapitalista, at kung sino man ang magiging Pangulo pagkatapos ng Nobyembre 5, mas patitindihin ng eleksyon ang paglala ng pagkahati-hati, na may malubhang epekto pareho sa loob mismo ng US at sa pandaigdigang entablado.
Kaya may tungkulin ang mga rebolusyonaryo hindi lamang ang pagkondena kasinungalingan ng burges na demokrasya, kundi ang pagsusuri sa pandaigdigang implikasyon ng halalan sa US, ang paglalagay nito sa sistematikong balangkas na magbibigay-daan sa atin upang maunawaan kung paanong ang pagkahati-hati ng naghaharing uri ng US ay isang aktibong salik sa tanging perspektiba na maiaalok ng burgesya sa sangkatauhan: pinabilis na pagbulusok tungo sa pagkawasak at kaguluhan. Inaanyayahan namin ang lahat ng mga nais na ipaglaban ang ibang kinabukasan na pumunta sa pulong na ito at makipagtalakayan sa amin.
Ang pangunahing lenggwahe ng pulong ay English, pero may mga paraan din kami na maisalin kaagad sa ibang leggwahe. Kung nais ninyong lumahok, sumulat sa amin sa international@internationalism.org [159], na magsabi kung masaya kayo na sundan at magbahagi sa English o i-partikularisa anong ibang lenggwahe ang hiyang sa inyo na gamitin.
Petsa at oras: 16 Nobyembre 2024, 2pm-5pm oras sa UK
Source: The global implications of the US elections | International Communist Current (internationalism.org) [160]
Si Trump ay bumalik sa White House matapos ang landslide na panalo sa halalan ng pagkapangulo. Sa mata ng kanyang mga tagasuporta, siya ay isang hindi matatalo na bayani ng Amerika, nangibabaw sa bawat balakid: ang 'madayang eleksyon', ang 'panggigipit ng hudikatura', ang pagkapoot ng 'establisyemento' at kahit... mga bala! Ang imahe ng isang mahimalang Trump, ang kanyang tainga na dumudugo at ang kanyang kamao itinaas pagkatapos siyang barilin, ay nakatala na sa kasaysayan. Ngunit sa likod ng paghanga na pinukaw ng kanyang reaksyon, ang pag-atake na ito ay higit sa lahat ang pinaka kagila-gilalas na pagpapahayag ng isang kampanya sa eleksyon na umabot sa mga bagong rurok ng karahasan, poot at kawalang katwiran. Ang pambihirang kampanyang ito, nagbubuga ng pera at napuno ng mga kalaswaan, tulad ng konklusyon nito, ang tagumpay ng isang megalomaniac at istupidong bilyonaryo, ay sumasalamin sa kailaliman kung saan lumulubog ang burges na lipunan.
Lahat ng kasamaan ng tao ay nasa kay Trump: siya ay isang absolutong bastardo, sinungaling at pesimista, bilang racist at misogynist siya ay homophobic. Sa buong kampanya, pinakintab ng internasyonal na midya ang mga panganib ng kanyang pagbabalik sa pwesto laban sa 'demokratikong' institusyon, mga minorya, klima at internasyonal na relasyon: "Pinigil ng mundo ang kanyang paghinga" (Die Zeit), "Isang Amerikanong bangungot" (L'Humanité), "Paano maligtas ang mundo kay Trump?" (Público), "Isang moral na kalamidad" (El País)...
Kaya dapat ba nating pinili si Harris, pinili ang panig ng tinatawag na 'lesser evil' upang harangan ang daan patungo sa populismo? Iyan ang gusto ng burgesya na paniwalaan natin. Sa loob ng ilang buwan, ang bagong Pangulo ng Estados Unidos ay nasa sentro ng pandaigdigang kampanyang propaganda laban sa populismo[1] [161]. Ang "nakangiti" na si Kamala Harris ay patuloy na nanawagan para sa pagtatanggol ng "demokrasya ng Amerika", na naglalarawan sa kanyang kalaban bilang isang 'pasista'. Kahit na ang dating chief of staff ni Trump ay mabilis na inilarawan siya bilang isang "magiging diktador". Ang tagumpay ng bilyonaryo ay ginatungan lamang ang nakakalitong kampanyang ito pabor sa burges na 'demokrasya'.
Maraming mga botante ang nagpunta sa istasyon ng botohan na nag-iisip: 'Ang mga Demokrata ay nagbigay sa amin ng kahirapan sa loob ng apat na taon, ngunit hindi pa rin ito magiging kasing sama tulad ni Trump sa White House'. Ito ang ideya na laging pinipilit ng burgesya na ilagay sa ulo ng mga manggagawa upang itulak sila na bomoto. Ngunit sa dekadenteng kapitalismo, ang eleksyon ay isang balatkayo, isang maling pagpili na walang ibang papel kundi ang hadlangan ang pagmuni-muni ng uring manggagawa sa mga makasaysayang layunin nito at sa paraan ng pagkamit nito.
Ang halalan sa Estados Unidos ay hindi abswelto sa katotohanang ito. Kung si Trump ay nanalo nang napakalaki, ito ay pangunahin dahil kinamumuhian ang mga Demokrata. Taliwas sa imahe ng isang 'Republican wave', hindi umakit si Trump ng napakalaking suporta. Nanatiling medyo matatag ang bilang ng kanyang mga botante kumpara sa nakaraang halalan noong 2020. Higit sa lahat si Bise- Presidente Harris na, bilang tanda ng pagkasira ng reputasyon ng mga Demokrata, ang nagdusa ng pagkatalo, na nawalan ng kulang-kulang 10 milyong botante sa loob ng apat na taon. At may magandang dahilan! Ang administrasyong Biden ay nagsagawa ng mabangis na pag-atake sa kalagayan ng pamumuhay at pagtatrabaho ng uring manggagawa, na nagsimula sa implasyon, na naging sanhi ng pagtaas ng presyo ng pagkain, gasolina at pabahay. Pagkatapos ay nagkaroon ng isang malaking alon ng mga redundancies at kawalan ng seguridad sa trabaho, na nauwi sa itulak ang mga manggagawa upang lumaban sa malawak na saklaw[2] [162]. Sa imigrasyon, sila Biden at Harris, na inihalal sa pangako ng isang 'mas makataong' patakaran, ay patuloy na hinigpitan ang mga kondisyon para sa pagpasok sa Estados Unidos, na napunta pa sa pagsara sa hangganan ng Mexico at tahasang ipinagbawal ang mga migrante kahit sa paghingi ng asylum. Sa internasyonal na entablado, ang walang pigil na militarismo ni Biden, magarbong pagpondo ng mga masaker sa Ukraine at halos hindi kritikal na suporta sa mga pang-aabuso ng hukbong Israeli na ikinagalit din ng mga botante.
Ang kandidatura ni Harris ay hindi maaaring magbigay ng anumang ilusyon, tulad ng nakita natin sa nakaraan kay Obama at, sa mas mababang antas, kay Biden. Walang aasahan ang proletaryado sa eleksyon o sa mga burges na kapangyarihan na: hindi ito o yaong pangkatin na nasa kapangyarihan ang nagkaroon ng ‘maling pangangasiwa’, kundi ang kapitalistang sistema na nalulubog sa krisis at istorikal na pagkabangkarote. Demokrata man o Republikano, lahat sila ay patuloy na walang habas na magsasamantala sa uring manggagawa at magpalaganap ng kahirapan habang lumalalim ang krisis; Lahat sila ay patuloy na magpataw ng mabangis na diktadura ng burges na estado at mambomba sa mga inosenteng tao sa buong mundo!
Ang pinaka responsableng mga paksyon ng aparato ng estado ng Amerika (karamihan sa media at senior civil servants, ang komand ng militar, ang pinaka moderatong paksyon ng partidong Republikano, atbp) ay ginawa ang lahat upang pigilan ang pagbabalik ni Trump at ng kanyang pangkat sa White House. Hindi sapat ang pagbaha ng mga kaso, ang mga babala ng halos bawat eksperto sa bawat larangan at maging ang walang humpay na pagsisikap ng media na laitin ang kandidato upang matigil ang kanyang karera para sa kapangyarihan. Ang panalo ni Trump ay isang tunay na sampal sa mukha, isang palatandaan na ang burgesya ay lalong nawawalan ng kontrol sa kanyang elektoral na laro at hindi na kayang pigilan ang isang iresponsableng manggugulo mula sa pag-akyat sa pinakamataas na tanggapan ng estado.
Hindi na bago ang realidad ng paglakas ng populismo: ang boto para sa Brexit sa 2016, na sinundan ng parehong taon ng sorpresang tagumpay ni Trump, ay ang una at pinaka kagila-gilalas na mga palatandaan nito. Ngunit ang lumalalim na krisis ng kapitalismo at ang lumalaking kawalan ng kapangyarihan ng mga estado na kontrolin ang sitwasyon, maging geo-estratehiko, pang-ekonomiya, kapaligiran o panlipunan, ay nagsilbi lamang upang palakasin ang instabilidad ng pulitika sa buong mundo: nakabitin na mga parlyamento, populismo, tensyon sa pagitan ng mga pangkating burges, instabilidad ng pamamahala... Ang mga penomena na ito ay nagpatotoo sa isang proseso ng pagkawasak na ngayon ay nagpatakbo sa sentro ng pinakamalakas na mga estado ng mundo. Ang kalakaran na ito ay nagbigay daan sa isang baliw na tulad ni Milei na naging pinuno ng estado sa Argentina, at ang mga populista na umupo sa kapangyarihan sa maraming mga bansa sa Europa, kung saan ang burgesya ay ang pinaka may karanasan sa mundo.
Ang tagumpay ni Trump ay bahagi ng prosesong ito, ngunit nagmamarka rin ng isang makabuluhang karagdagang hakbang. Kung si Trump ay itinakwil ng malaking bahagi ng makinarya ng estado, ito ay higit sa lahat dahil ang kanyang programa at mga pamamaraan ay mapaganganib na hindi lamang makapinsala sa interes ng imperyalismong US sa mundo, kundi pati mas dagdag rin na kahirapan ng estado na tiyakin ang balatkayo na panlipunang pagkakaisa na kinakailangan para sa paggana ng pambansang kapital. Sa panahon ng kampanya, gumawa si Trump ng isang serye ng mga nagpapaalab na talumpati, na muling nagsindi higit kailanman sa mapaghiganti na diwa ng kanyang mga tagasuporta, maging pagbabanta sa mga 'demokratikong' institusyon na lubhang kailangan ng burgesya para ideolohikal na kontrolin ang uring manggagawa. Patuloy niyang pinalakas ang pinakaatrasado at puno-ng-galit na retorika, na nagbanta ng multo ng mga riot kung hindi siya mahalal. At hindi niya kailanman pinag-isipan ang mga epekto ng kanyang mga salita sa pundasyon ng lipunan. Ang matinding karahasan ng kampanyang ito, kung saan ang mga Demokrata ay responsable rin sa maraming aspeto, ay walang alinlangang magpapalalim sa mga dibisyon sa populasyon ng Amerika at makadagdag lamang sa dati ng mataas na karahasan sa isang lipunang malaki na ang pagkawatak-watak. Ngunit si Trump, sa mapangwasak na lohika nito na siyang lumalakas na katangian ng kapitalistang sistema, ay handang gawin ang lahat upang manalo.
Noong 2016, relatibong hindi inaasahan ang tagumpay ni Trump, kahit siya mismo, nagawa ng burgesyang Amerikano na makapaghanda sa pamamagitan ng paglagay sa gobyerno at sa administrasyon ng mga personalidad na may kakayahang magbigay ng preno sa mga pinaka baliw na desisyon ng bilyonaryo. Ang mga taong kalaunan ay inilarawan ni Trump bilang "mga traydor" ay, halimbawa, ay nagawang pigilan ang pagpawalang-bisa ng sistema ng proteksyon sa lipunan (Obamacare) o ang pambobomba sa Iran. Nang sumiklab ang Covid pandemic, nagawa rin ng kanyang bise presidente na si Mike Pence na pamahalaan ang krisis sa kabila ng paniniwala ni Trump na ang pag-injection ng disinfectant sa baga ay sapat na upang gamutin ang sakit... Ito rin ang Pence na tumutol kay Trump sa harap ng publiko sa pamamagitan ng pagtiyak ng paglipat ng kapangyarihan kay Biden habang nagmartsa ang mga rioters sa Capitol. Mula ngayon, kahit na ang General Staff ng hukbo ay nanatiling sobrang tutol kay Trump at gagawin pa rin ang lahat ng makakaya nito upang maantala ang kanyang pinakamasamang desisyon, inihanda ng pangkat ng bagong Pangulo ang sarili sa pamamagitan ng pag-alis ng mga "traydor" at naghahanda na mamahala ng mag-isa laban sa lahat, na nagbigay sa atin ng mas magulong hinaharap kaysa sa nauna.
Sa panahon ng kampanya, ipinakita ni Trump ang kanyang sarili bilang isang tao ng 'kapayapaan', na nagsasabing tataposin niya ang digmaan sa Ukraine "sa loob ng 24 na oras". Ang kanyang gana para sa kapayapaan ay malinaw na tumitigil sa mga hangganan ng Ukraine, dahil kasabay nito ay nagbigay siya ng walang kundisyong suporta sa mga masaker na ginawa ng estado ng Israel at naging napaka mapamuksa sa Iran. Sa totoo lang, wala talagang nakakaalam kung ano ang gagawin (o kayang gawin) ni Trump sa Ukraine, sa Gitnang Silangan, Asya, Europa o sa NATO, kaya palagi siyang pleksible at pabagu-bago.
Sa kabilang banda, ang kanyang pagbabalik ay magmarka ng isang walang kapares na pagbilis ng instabilidad at kaguluhan sa mundo. Sa Gitnang Silangan, iniisip na ni Netanyahu na, sa tagumpay ni Trump, kumpara sa nakaraan ay mas malaya na siya magmula ng pumutok ang ang labanan sa Gaza. Ang Israel ay maaaring maghangad na makamit ang mga estratehikong layunin nito (pagdurog sa Hezbollah, Hamas, digmaan sa Iran, atbp) sa isang mas mas direktang komprontasyon na paraan, sa pagpalaganap ng mas maraming barbarismo sa buong rehiyon.
Sa Ukraine, pagkatapos ng patakaran ni Biden na humigit-kumulang kalkuladong suporta, nasa peligro na magkaroon ng dramatikong pagbabago sa digmaan. Hindi tulad sa Gitnang Silangan, ang patakaran ng US sa Ukraine ay bahagi ng isang maingat na planadong diskarte upang mapahina ang Rusya at ang alyansa nito sa Tsina, at upang palakasin ang mga ugnayan ng mga estado ng Europa sa paligid ng NATO. Maaaring kwestyunin ni Trump ang diskarteng ito at higit pang pahinain ang pamumuno ng Amerika. Magpasya man si Trump na talikuran ang Kiev o 'parusahan' si Putin, ang mga masaker ay hindi maiiwasan na lumaki at marahil ay kumalat lagpas sa Ukraine.
Ngunit ang Tsina ang pangunahing pinagtuunan ng pansin ng imperyalismong US. Ang hidwaan sa pagitan ng Estados Unidos at Tsina ay nasa sentro ng pandaigdigang sitwasyon, at maaaring paramihin ng bagong Pangulo ang kanyang mga probokasyon, itulak ang Tsina na maging matatag ang reaksyon, halimbawa sa pamamagitan ng pagpilit sa mga kaalyado ng Amerika na Hapon at Korea, na nagpahayag na ng kanilang mga pagkabalisa. At ang lahat ng ito ay sa kabila ng umiiral na digmaang pangkalakalan at proteksyonismo kung saan ang mapanirang epekto sa pandaigdigang ekonomiya ay tinuligsa na ng mga nangungunang institusyong pinansyal sa mundo.
Samakatuwid ang pabago-bago na si Trump ay maaari lamang mas palakasin ang bawat tao para sa kanyang sarili, na magtulak sa lahat ng mga kapangyarihan, malaki at maliit, upang samantalahin ang 'pag-atras' ng Amerikanong pulis upang gamitin ang kanilang sariling baraha ilalim sa klima ng napakalaking kalituhan at lumalaking kaguluhan. Maging ang mga 'kaalyado' ng Amerika ay mas lantaran nang naghahangad na lumayo sa Washington sa pamamagitan ng pagbibigay ng pabor sa mga pambansang solusyon, kapwa pang-ekonomiya at militar. Ang Pangulo ng Pransya, sa sandaling nakumpirma ang tagumpay ni Trump, ay nanawagan sa mga estado ng European Union na ipagtanggol ang kanilang interes sa harap ng Estados Unidos at Tsina...
Sa konteksto ng krisis pang-ekonomiya, sa panahong muling nakuha ng proletaryado ang mapanlabang diwa sa pandaigdigang saklaw at unti-unting muling natuklasan ang makauring identidad nito, malinaw na hindi ang pangkatin ni Trump, sa mata ng burgesyang Amerikano, ang pinakamainam na angkop para pamahalaan ang makauring pakikibaka at itulak ang mga atake na kailangan ng kapital. Sa pagitan ng kanyang lantarang pagbabanta ng panunupil laban sa mga welga at ang kanyang mala-bangungot na pakikipagtulungan sa isang tao na lantarang anti-manggagawa tulad ni Elon Musk, ang bilyonaryo na may pawalis na pahayag sa panahon ng kamakailan lang na welga sa Estados Unidos (Boeing, dockers, hotels, cars, atbp) ay banta ng paglala ng sitwasyon na ikinabahala ng burgesya. Ang pangako ni Trump na maghiganti sa mga empleyado ng estado, na itinuturing niyang kaaway, sa pamamagitan ng pagtanggal ng 400,000 sa kanila, ay banta din ng problema pagkatapos ng eleksyon.
Ngunit isang pagkakamali na isipin na ang pagbabalik ni Trump sa White House ay maghihikayat ng makauring pakikibaka. Kabaliktaran nito, ito ay tunay na pagkabigla. Ang patakaran ng dibisyon sa pagitan ng mga grupong etniko, sa pagitan ng mga naninirahan sa lungsod at kanayunan, sa pagitan ng mga nagtapos at hindi nagtapos ng kolehiyo, ang lahat ng karahasan at poot na nabuo ng kampanya sa halalan at kung saan si Trump ay patuloy na mag-surf, laban sa mga itim, laban sa mga imigrante, laban sa mga homosekswal o transgender na tao, ang lahat ng mga irasyunal na galit na pananalita ng mga ebanghelikal at iba pang mga conspiracy theorists, sa maikling salita ang buong gulo ng pagkabulok, ay mas mabigat ang epekto sa mga manggagawa, lilikha ng malalim na pagkahati-hati at maging marahas na mga pampulitikang komprontasyon sa mga grupong populista o anti-populista.
Walang dudang makakaasa ng tulong ang administrasyong Trump sa mga kaliwang paksyon ng burgesya, simula sa mga 'sosyalista', na mag-uudyok ng lason ng pagkahati-hati at tiyaking hadlangan ang pakikibaka ng mga manggagawa. Matapos mangampanya kapwa para kina Clinton, Obama, Biden at Harris, walang-kurap na inakusahan ni Bernie Sanders ang mga Demokratiko na "tinalikuran ang uring manggagawa", na para bang may kinalaman sa uring manggagawa ang partidong militarista, mamamatay-ng-proletaryado, na madalas na nasa kapangyarihan mula pa noong ika-19 siglo! Nang muling mahalal siya sa Kongreso, nangako ang kaliwang-Demokrata na si Ocasio-Cortez na gagawin niya ang lahat para hatiin ang uring manggagawa sa "mga komunidad": "Ang aming kampanya ay hindi lamang tungkol sa pagkuha ng mga boto, ito ay tungkol sa pagbibigay sa amin ng paraan upang bumuo ng mas malakas na mga komunidad".
Ngunit may lakas ang uring manggagawa na lumaban sa kabila ng mga bagong balakid na ito. Habang ang todo-bwelo ang kampanya, at sa kabila ng mga nakakasirang paratang na nilalaro ng mga populista, patuloy na lumaban ang mga manggagawa laban sa austerity at redundancy. Sa kabila ng pagbubukod na ipinataw ng mga unyon, sa kabila ng napakalaking propaganda ng Demokrata, sa kabila ng bigat ng mga pagkakahati, ipinakita nila na ang pakikibaka lamang ang sagot sa krisis ng kapitalismo.
Higit sa lahat, hindi nag-iisa ang mga manggagawa sa Estados Unidos! Ang mga welgang ito ay bahagi ng konteksto ng pandaigdigang paglaban at mas matinding repleksyon na nagaganap mula noong tag-init ng 2022, nang ang mga manggagawa sa Britanya, matapos ang ilang dekadang pagsuko, ay galit na sumisigaw, "Tama na!", na umalingawngaw at patuloy na umalingawngaw sa buong uring manggagawa!
EG, 9 Nobyembre 2024
[1] [163] The future of humanity lies not in the ballot box, but in the class struggle! [164], World Revolution 401
[2] [165] Strikes in the United States, Canada, Italy... For three years, the working class has been fighting against austerity [166], published on the ICC website (2024).
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17586/trumps-triumph-united-states-giant-step-forward-decomposition-capitalism [167]
International Communist Current para sa:
30 Agosto 2024
Mga kasama,
Kalakip dito ang panukalang apela ng Kaliwang Komunista laban sa napakalaking internasyonal na kampanya ngayon bilang pagtatanggol sa demokrasya laban sa populismo at dulong kanan. Lahat ng grupo ng Kaliwang Komunista ngayon, sa kabila ng kanilang pagkakaiba sa isa't isa, ay nagmula sa isang natatanging pampulitikang tradisyon na nagtakwil sa maling mga pagpipiliang pamamahala na ginagamit ng burgesya upang itago ang permanenteng diktadura nito at upang idiskaril ang uring manggagawa mula sa sariling tereyn ng pakikibaka. Kaya mahalaga na ang mga grupong ito ay magbigay ng nagkakaisang pahayag ngayon bilang pinakamatibay na posibleng sanggunian para sa tunay na pampulitikang interes at pakikibaka ng proletaryado at malinaw na alternatibo sa ipokritong kasinungalingan ng kaaway sa uri.
Mangyaring tumugon nang mabilis sa sulat at panukala na ito. Pansinin na ang mga pormulasyon ng panukalang apela ay maaaring talakayin at baguhin sa loob ng balangkas ng pangunahing batayan nito.
Umaasa sa inyong tugon.
Komunistang pagbati
Ang ICC
Para sa walang habas na pakikibaka ng uring manggagawa laban sa despotismo ng uring kapitalista
Laban sa makamandag na pagpili sa pandaraya ng burges na demokrasya
Sa loob ng nagdaang ilang buwan ang pandaigdigang mass media – na pag-aari, kontrolado at dinidiktahan ng uring kapitalista - ay abala sa karnabal ng eleksyon na nagaganap sa France, pagkatapos Britain, sa ibang bahagi ng mundo tulad ng sa Venezuela, Iran at India, at ngayon mas higit pa sa Estados Unidos.
Ang nangingibabaw na tema ng propaganda tungkol sa mga karnabal sa halalan ay ang pagtatanggol sa mapagkunwaring demokratikong pamamahala ng kapitalistang paghari. Isang pagkukunwari na dinisenyo upang itago ang katotohanan ng imperyalistang digmaan, ang paghihirap ng uring manggagawa, ang pagkasira ng kapaligiran, ang pag-usig sa mga refugee. Ito ang demokratikong dahon ng igos na nagtatakip sa diktadura ng kapital alinman sa iba't ibang partido nito - kanan, kaliwa, o sentro - ang uupo sa kapangyarihang pampulitika sa burges na estado.
Ang uring manggagawa ay hinihiling na gumawa ng maling pagpili sa pagitan ng isa o iba pang kapitalistang pamahalaan, ito o yaong partido o pinuno, at, mas higit pa ngayon, na pumili sa pagitan ng mga nagpapanggap na sumusunod sa itinatag na demokratikong mga protocol ng burges na estado at ang mga taong, tulad ng populistang kanan, na itinuturing ang mga pamamaraang ito nang may bukas, sa halip na mga nakatago, na paghamak sa mga liberal na demokratikong partido.
Gayunman, sa halip na isang araw sa bawat ilang taon ay piliin kung sino ang 'kakatawan' at susupil sa kanila, kailangang magpasiya ang uring manggagawa sa pagtatanggol sa sariling makauring interes sa sahod at kalagayan at may perspektiba sa pagkamit ng sariling kapangyarihang pampulitika – mga layunin na ang kulay at pagsigaw sa demokrasya ay dinisenyo upang idiskaril at magmukhang imposible ang mga ito.
Anuman ang resulta ng halalan, sa mga ito at sa ibang bansa, mananatili at lalala ang parehong kapitalistang diktadura ng militarismo at kahirapan. Sa Britanya, isang halimbawa, kung saan ang sentro-kaliwa na Labour Party ay kamakailan pinalitan ang isang impluwensyado ng populismo na pamahalaan ng Tory, ang bagong punong ministro ay hindi nag-aksaya ng oras sa pagpapatibay ng paglahok ng burgesyang British sa digmaan sa pagitan ng Russia at Ukraine at pagpapanatili at pagpapatalim ng umiiral na pagbawas sa panlipunang sahod ng uring manggagawa upang makatulong sa pagbabayad para sa naturang mga imperyalistang pakikipagsapalaran.
Sino ang mga pwersang pampulitika na aktwal na nagtatanggol sa tunay na interes ng uring manggagawa laban sa dumaraming pag-atake na nagmumula sa uring kapitalista? Hindi ang mga tagapagmana ng mga partidong Sosyal Demokratiko na nagbenta ng kanilang kaluluwa sa burgesya noong Unang Digmaang Pandaigdig, at kasama ang mga unyon na nagpapakilos sa uring manggagawa para sa multi-milyong patayan sa mga trensera. Ni ang natitirang mga tagapagtanggol ng Stalinistang 'Komunistang' rehimen na nagsakripisyo ng sampu-sampung milyong manggagawa para sa imperyalistang interes ng bansang Rusya sa Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ni Trotskyismo o ang opisyal na agos ng Anarkismo, na, sa kabila ng ilang eksepsiyon, ay nagbigay ng kritikal na suporta para sa isa o iba pang panig sa imperyalistang patayan na iyon. Ngayon ay nakapila ang mga supling ng mga pwersang pampulitika ng huli, sa 'kritikal' na paraan sa likod ng liberal at kaliwang burges na demokrasya laban sa populistang kanan upang makatulong sa pagdemobilisa sa uring manggagawa.
Tanging ang Kaliwang Komunista, na iilan lamang sa kasalukuyan, ang nanatiling tapat sa independyenteng pakikibaka ng uring manggagawa sa nakalipas na daang taon. Sa rebolusyonaryong alon ng mga manggagawa noong 1917-23 ang pampulitikang tendensya na pinamunuan ni Amadeo Bordiga, na nangibabaw sa Partido Komunistang Italyano noon, ay tumanggi sa maling pagpili sa pagitan ng mga pasista at anti-pasistang partido na magkasamang nagsikap upang marahas na durugin ang rebolusyonaryong pag-alsa ng uring manggagawa. Sa kanyang tekstong "Ang Demokratikong Prinsipyo" ng 1922 inilantad ni Bordiga ang kalikasan ng demokratikong mito sa paglilingkod sa kapitalistang pagsasamantala at pagpatay.
Noong dekada ng 1930 tinuligsa ng Kaliwang Komunista ang kaliwa't kanan, pasista at anti-pasistang paksyon ng burgesya habang inihahanda ng huli ang darating na madugong imperyalistang masaker. Nang dumating nga ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig ay ang tendensyang ito lamang ang nakahawak sa isang internasyunalistang posisyon, na nanawagan na gawing digmaang sibil ang imperyalistang digmaan laban sa buong uring kapitalista sa bawat bansa. Tinanggihan ng Kaliwang Komunista ang malupit na pagpili sa pagitan ng demokratiko o pasistang malawakang patayan, sa pagitan ng kalupitan ng Auschwitz o ng Hiroshima.
Kaya naman, ngayon, sa harap ng panibagong kampanya ng mga maling pagpili na ito ng mga kapitalistang rehimen na gawing linya ng uring manggagawa ang liberal na demokrasya o kanang populismo, sa pagitan ng pasismo at anti-pasismo, ang iba't ibang ekspresyon ng Kaliwang Komunista, anuman ang iba pa nilang pagkakaiba sa pulitika, ay nagpasyang gumawa ng nagkakaisang apela sa uring manggagawa:
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17572/appeal-communist-left-working-class-against-international-campaign-mobilise-bourgeois [168]
Nitong nakaraang mga buwan maraming mga bansa sa Uropa ang nagdaos ng kani-kanilang mga eleksyon. At sa darating na Nobyembre 2024 ay magaganap ang pambansang halalan sa Amerika, ang numero unong imperyalistang kapangyarihan sa mundo at balwarte ng burges na demokrasya.
Lahat ng paksyon ng burgesya – kanan, dulong-kanan, populista, kaliwa at dulong-kaliwa – ay nagtulong-tulong upang himukin ang pinakamaraming manggagawa at mamamayan na bomoto.
Sa Pilipinas, sa susunod na taon (2025) ay idadaos ang mid-term elections at sa 2028 ang pambansang halalan kung saan kabilang ang posisyon ng Presidente at Bise-Presidente. Pero ngayon pa lang ay naghahanda na ang lahat ng paksyon ng burgesya kasama na ang Kaliwa para dito.
Katulad ng ginagawa ng burgesya sa buong mundo, ginagawa ng burgesyang Pilipino ang lahat, kakutsaba ang Kaliwa at Kanan na mobilisahin ang uring manggagawa at mahirap na mamamayan na bomoto. Subalit, mas matindi ang kabulukan ng eleksyon sa Pilipinas dahil halos patay ang “party system”. Ang bulok na pulitika sa bansa ay dominado at kontrolado ng malalaking pampulitikang angkan sa pangunguna ng angkang Marcos at Duterte. Ang pampulitikang tunggalian ng dalawang malalaking paksyon na ito ang humuhugis sa halalang 2025 at 2028. Nais ng naghaharing uri na pag-away-awayin ang mga manggagawa sa isyung “maka-Duterte” at “maka-Marcos” para itago ang dilat na katotohanan na anumang paksyon ng naghaharing uri ay mortal na kaaway ng proletaryado. Dagdag pa, ang sentral na isyu kung saan pinalalakas ng naghaharing paksyon ay ang isyung “maka-Tsina” at “maka-Pilipinas”, “pasismo” at “demokrasya”. Ang mga makauring isyu ng masang manggagawa ay ginawa lang palamuti at pang-engganyo sa kanila para suportahan ang isang paksyon ng burgesya laban sa karibal nito.
Sa madaling sabi, nais ng kaaway sa uri na hati-hatiin at mas pahinain ang pagkakaisa ng proletaryado laban sa kapitalismo gamit ang ideolohiya ng burgesya: nasyunalismo at demokrasya. Nais ng uring kapitalista na ang tanging pagpipilian lang ng masang manggagawa ay kung alin sa magkaribal na malalaking paksyon ng mapagsamantalang uri ang “mas makabayan” at “mas demokratiko” o kaya “laban sa pagmamahal sa bansa” at “laban sa demokrasya”.
Ang artikulo sa ibaba ay ang marxistang pagsusuri sa tunay na esensya at kawalang kabuluhan ng eleksyon para sa tunay na pagbabago sa lumalalang hirap na kalagayan ng uring manggagawa at iba pang pinagsamantalahang uri ng kapitalistang sistema. Hindi eleksyon ang solusyon kundi internasyunal na rebolusyon ng uring manggagawa para ibagsak ang kapitalistang moda ng produksyon at palitan ng komunistang sistema.
Para sa mga nagsusuring elemento sa Pilipinas, kailangang suriin kung may kabuluhan pa ba ang burges na eleksyon para sa pakikibaka ng uring manggagawa.
INTERNASYONALISMO
seksyon ng IKT sa Pilipinas
Agosto 4, 2024
**********************************
Sa Britanya, tulad ng sa Pransya, EU at nalalapit na eleksyon sa USA, todo-bwelo na ang palabas ng halalan. Maglathala kami ng iba't ibang artikulo na sumusuri sa mga implikasyon ng mga ito at iba pang eleksyon bilang pagpapahayag ng lumalaking pagkawala ng kontrol ng burgesya sa makinarya nito sa pulitika. Ngunit una ay nais naming muling pagtibayin ang batayang makauring posisyon na binuo lalo na ng Kaliwang Komunista mula nang pumasok ang kapitalismo sa kanyang panahon ng pagbagsak sa mga unang taon ng ika-20 siglo: na taliwas sa propaganda ng naghaharing uri, hindi mapipigilan ng eleksyon o parliyamento ang pagbulusok ng sistemang ito tungo sa krisis pang-ekonomiya, digmaan at pagsira sa sarili.
*******************************************************
Nais ng burgesya na bomoto tayo
Ang mga argumento na iniharap ng mga partidong pampulitika o mga kandidato upang kumbinsihin ang mga botante na iboto sila ay sa pangkalahatan ay masusuma sa: ang elekyon ay panahon kung saan ang mga mamamayan ay nahaharap na pipili kung saan nakasalalay ang pag-unlad ng lipunan at, dahil dito, ang kanilang kalagayan sa pamumuhay sa hinaharap. "Lahat ng tao ay ipinanganak na malaya at pantay pantay sa karapatan", ipinapahayag ng Universal Declaration of Human Rights. Salamat sa demokrasya, sinabi sa atin, ang bawat mamamayan ay may parehong pagkakataon na lumahok sa mga pangunahing pagpipilian sa lipunan. Gayunpaman, sa totoo lang, hindi ito ang kaso, dahil ang lipunan ay nahahati sa mga uri ng lipunan na may mga antagonistikong interes. Isa sa kanila, ang burgesya, ay sa kabuuan nagsasagawa ng dominasyon sa lipunan sa pamamagitan ng pag-aari nito ng kayamanan at, salamat sa estado nito, sa buong demokratikong aparato, sa media, atbp. Sa gayon ay maaari nitong ipataw ang kaayusan, ideya at propaganda nito sa uring manggagawa at sa lahat ng inaapi. Sa kabilang banda, ang uring manggagawa ang tanging uri na, sa pamamagitan ng pakikibaka nito, ay may kakayahang hamunin ang hegemonya ng burgesya at ng sistema ng pagsasamantala nito.
Sa ganitong kalagayan, lubos na isang ilusyon na isipin na posibleng baguhin ang estado, kabilang na ang mga demokratikong institusyon, upang gamitin sila sa paglilingkod sa pinakamalaking mayoriya ng lipunan. Kaya naman lahat ng partido na naghahanap ng boto ng mga pinagsasamantalahan, na nagsasabing ipinagtatanggol ang kanilang interes, ay nagtutulungan upang mapanatili ang ilusyon na ito. Sa parehong paraan, ang alternatibong "kaliwa-kanan" ay tunay na isang maling pagpipilian dahil dinisenyo ito upang itago ang katotohanan na, sa likod ng elektoral at parliyamentaryong daldalan, tanging ang burgesya lamang ang talagang may kapangyarihan ng desisyon. Ang pagkakaiba ng mga partido ng kaliwa at kanan ay walang kwenta kumpara sa pagkakatulad nila: ang pagtatanggol sa pambansang kapital. Sa paglilingkod ng layuning ito, nagagawa nilang malapitang makipagtulungan, lalo na sa likod ng mga saradong pintuan ng mga komite ng parliyamento at sa pinakamataas na antas ng aparato ng estado. Sa katunayan, ang mga pampublikong debate sa parliyamento ay maliit lamang at kadalasang walang halaga na bahagi ng burges na debate.
Dahil nga sa imposible ang anumang pagbabago sa kalagayan ng pamumuhay ng uring pinagsamantalahan sa pamamagitan ng balota kaya masigasig ang burgesya na kumbinsihin tayo kung hindi man sa pamamagitan ng paghagupit ng mensahe: "oo, posible ang ibang patakaran... kung boboto ka ng maayos".
May impluwensya ba ang resulta ng eleksyon kung lumala o bumuti ba ang sitwasyon ng mga pinagsamantalahan?
Kahit hindi pwedeng gamitin ang balota para magtatag ng lipunan kung saan talagang matutugunan ang pangangailangan ng tao, hindi ba't may mga pagpapabuti sa kalagayan ng pamumuhay sa pamamagitan ng eleksyon? Mas disente pa rin, hindi ba ang isang partikular na pagpipilian sa halalan ay gagawing posible na limitahan ang mga pag-atake sa hinaharap?
Kung, sa loob ng halos isang siglo, walang eleksyon na humantong sa tunay na pag-unlad ng lipunan, ito ay dahil ang mga pagpipilian sa lipunan ay hindi na nakabase sa resulta ng eleksyon. Ang paglala sa kalagayan ng pamumuhay ng uring manggagawa ay unang nakabase sa lalim ng krisis ng kapitalismo at sa kakayahan ng bawat pambansang burgesya na bayaran ito ng pinagsamantalahan, upang ipagtanggol ang kakayahang makigkompitensya ng pambansang kapital sa pandaigdigang arena. Ito ang dahilan kung bakit tanging ang pagputok ng makauring pakikibaka ang may kakayahang hadlangan ang mga pag-atake ng burgesya at igiit ang interes ng proletaryado.
Ito rin ang dahilan kung bakit laging burgesya ang nananalo sa eleksyon at ang mga proletaryo ay wala, absolutong wala, ng maaasahan mula sa palabas na ito. Walang parliyamentaryong pakikibaka, anuman ang anyo, ang may kakayahan, sa kasalukuyang yugto ng buhay ng kapitalismo, na mapabuti ang kalagayan ng uring manggagawa. Ang mga ilusyon ng paksang ito na inaaaliw ng lahat ng sektor ng burgesya ay batay sa isang realidad na ang kapitalismo ay lipas na:
"Sa pasulong na yugto ng kapitalismo, ang parliyamento ang pinakaangkop na anyo para sa organisasyon ng burgesya. Bilang isang partikular na burges na institusyon, hindi ito kailanman naging pangunahing arena para sa aktibidad ng uring manggagawa at ang paglahok ng proletaryado sa aktibidad ng parliyamentaryo at mga kampanyang elektoral ay naglalaman ng maraming tunay na panganib, na laging nagbabala ang mga rebolusyonaryo noong nakaraang siglo sa uri. Gayunman, sa panahong wala pa sa agenda ang rebolusyon at kaya pang makakuha ng proletaryado ng mga reporma mula sa loob ng sistema, dahil sa pakikilahok sa parliyamento, magagamit ito ng uri sa pagsusulong ng mga reporma, paggamit ng mga kampanyang elektoral bilang paraan ng propaganda at ahitasyon para sa proletaryong programa, at gamitin ang parliyamento bilang entablado para tuligsain ang kahihiyan ng burges na pulitika. Ito ang dahilan kung bakit ang pakikibaka para sa unibersal na pagboto ay sa buong ikalabingsiyam na siglo sa maraming bansa ang isa sa pinakamahalagang isyu kung saan inorganisa ng proletaryado.
Nang pumasok ang kapitalistang sistema sa dekadenteng yugto nito, hindi na instrumento ang parliyamento para sa mga reporma. Tulad ng sinabi ng Komunistang Internasyunal sa Ikalawang Kongreso nito: 'Ang sentro-de-grabidad ng pampulitikang buhay ay ganap at pinal na inalis na lampas sa mga hangganan ng parliyamento'. Ang tanging papel na maaaring gawin ng parliyamento mula noon, ang tanging bagay na nagpapanatili sa buhay nito, ay ang papel nito bilang isang instrumento ng mistipikasyon. Sa gayon natapos ang anumang posibilidad na gamitin ng proletaryado ang parliyamento sa anumang paraan. Ang uri ay hindi maaaring makakuha ng imposibleng mga reporma mula sa isang organo na kung saan ay nawala na ang anumang tunay na pampulitikang tungkulin. Sa panahong ang pangunahing tungkulin nito ay wasakin ang lahat ng institusyon ng burges na estado at sa gayon ay parliyamento; sa panahon na kapag kailangan nitong itayo ang sariling diktadura sa mga guho ng unibersal na pagboto at iba pang mga labi ng burges na lipunan, ang paglahok sa mga institusyong parliyamentaryo at elektoral ay maaaring magbigay lamang ng buhay sa bulok na mga institusyong ito, anuman ang intensyon ng mga nagtataguyod ng ganitong uri ng aktibidad". (Plataporma ng IKT)
Paano tayo dapat lumaban? Hiwa-hiwalay sa mga sentro ng botohan o sa pamamagitan ng isang nagkakaisa, kolektibo at napakalaking pakikibaka?
Alam na alam ng burgesya na wala itong dapat ikatakot sa kamulatan ng mga manggagawa kapag sila ay mga pasibong manonood sa mga elektoral na debate na nagtatampok ng mga tunay na propesyunal sa pulitika na walang kinalaman sa interes ng uring manggagawa. Wala rin itong dapat ikatakot sa kanilang pagkilos kapag sila ay nahahati sa napakaraming hiwa-hiwalay na mamamayan sa mga sentro ng botohan. Sa kabilang banda, alam nito na lubusan nitong ikatakot ang kolektibong lakas at nagkakaisang pagkilos ng manggagawa, na ipinahayag sa pamamagitan ng talakayan at organisasyon ng pakikibaka sa lugar ng trabaho, sa pangkalahatang mga pagtitipon at sa mga lansangan. Sa ganitong paraan lamang, at hindi sa pamamagitan ng pasibong pakikinig ng mga talumpati sa halalan at pagmamarka ng iyong balota, na hiwa-hiwalay sa mga sentro ng botohan, tunay na maipahayag lamang ang buhay ng uring manggagawa.
Sa mga pangkalahatang asembliya ng pakikibaka, ang entablado ay ibinabahagi, ang mga debate ay bukas at praternal at, higit sa lahat, ang mga nahalal na delegado ay mababawi. Ang pagpapawalang-bisa ng mga delegado ang paraan kung saan nananatili ang kontrol ng asembliya sa pakikibaka lalo na sa harap ng mga pagtatangka na alisin ito sa kanila ng mga "propesyonal ng pakikibaka", ang mga unyon. Ang eleksyon at pagbawi ng mga delegado ay magtitiyak na ang mga kakatawan sa mga asembliya ay permanenteng produkto ng kanilang pakikibaka. Ang mga karanasan ng napakalaking mobilisasyon ng uring manggagawa, tulad noong 1905 sa Rusya, noong mga taong 1917-23 sa maraming bansa sa kontinente ng Uropa at Amerika, at mas kamakailan lamang sa panahon ng pakikibaka sa Poland noong Agosto 1980, ay ang pinakamagagandang paglalarawan ng katotohanan na ang sandata ng uring manggagawa ay kolektibong pagkilos at hindi ang balota.
Kaya nasa kapasidad ng uring manggagawa na kumilos sa makauring tereyn nito ayon sa sariling paraan ng pakikibaka, para ipagtanggol ang interes nito, laban sa mga atake ng kapital, ang magtatakda ng kapasidad nitong labanan ang mga atake, at hindi ang malawakang pagboto para sa alinmang partido o kandidato sa panahon ng eleksyon.
Walang mapapala ang uring manggagawa sa paglahok sa eleksyon, maliban sa ilusyon!
Hindi lamang ang eleksyon ay hindi paraan ng pakikibaka ng uring manggagawa, kundi pinapayagan din nito ang burgesya na gawing mamamayang botante ang mga manggagawa, palabnawin sila sa masa ng populasyon sa pamamagitan ng paghihiwalay sa kanila sa isa't isa at, sa huli, upang mas maging mahina sila sa propaganda nito.
At dahil ang elektoral at demokratikong mistipikasyon ay isang pangunahing ideolohikal na sandata kaya ginagawa ng burgesya ang lahat ng makakaya nito upang mapanatili at muling maging epektibo sa pamamagitan ng iba't ibang pakana:
Ngayon sa Britanya, isang kamakailang survey ng Office for National Statistics[1] [169] ang nagpakita na maraming kabataan ang hindi boboto sa darating na halalan dahil lumalaki ang pagkadismaya sa mga umiiral na partidong pampulitika. Ipinapakita rin ng parehong survey na ang kawalang interes ay hindi lang ang pangunahing isyu dito: marami sa mga nainterbyu ang nagpahayag ng tunay na pag-alala para sa kanilang kinabukasan at sa hinaharap ng planeta ngunit nagkaroon ng matinding pag-alinlangan kung ang pagboto sa alinman sa mga partido ay magkaroon ng anumang pagbabago. Ito ay isang mahalagang "simula ng karunungan", bagaman patuloy nating nakikita ang pag-usbong ng mga "bagong" partido na nangangako ng tunay na radikal na mga panukala, na naghahangad na mabawi at baluktutin ang naturang mga paunang hakbang sa kamulatan. Ang mahalaga ay ang pagkakaroon ng malinaw na pagkaunawa na ang problemang kinakaharap ng uring manggagawa ay hindi lamang ang paghihiganti ng mga pulitiko o ang pagkukunwari ng kanilang mga partido, kundi ang pag-iral ng buong sistema ng produksyon na naging hadlang sa pag-unlad ng sangkatauhan.
WR
Source URL:https://en.internationalism.org/content/17525/you-cant-change-society-ballot-paper [170]
Ang media ngayon ay sobra-sobrang nagpakita ng mga imahe ng kakila-kilabot na rehimen ni Bashar al Assad (tulad ng nakakatakot na bilangguan ng Saydnaya), habang nagagalak sa mga pagdiriwang ng populasyon dahil 'natapos na ang bangungot'. Ngunit ang kaginhawaan ng pagtatapos ng kasindak-sindak na rehimen na ito ay walang iba kundi isang walang kabuluhang ilusyon. Ang totoo ay ang populasyon (kapwa sa Syria at sa iba pang bahagi ng mundo) ay biktima ng isang bago at kriminal na panlilinlang, isang bagong pagpapakita ng mapanlinlang na pagkukunwari ng naghaharing uri: upang papaniwalain ang mga tao na ang sindak, digmaan at kalungkutan ay tanging responsibilidad ni Assad, isang 'baliw' na kailangang pigilan upang maibalik ang kapayapaan at katatagan.
Sa totoo lang, lahat ng imperyalista, mula sa pinakamaliit na kapangyarihan sa rehiyon hanggang sa mga pangunahing kapangyarihan sa mundo, ay walang hiya na nakibahagi sa kalupitan ng rehimen: Huwag nating kalimutan kung paanong baliktad ang paningin ni Obama, ang 'Nobel Peace Prize winner', noong 2013 nang si Bashar Al Assad ay nagbomba o gumagamit ng poison gas laban sa kanyang populasyon o ilan sa mga 'demokratikong' kapangyarihan, na ngayon ay binabati ang kanilang sarili sa 'pagbagsak ng tirano', ay tumulong sa pamilyang Assad sa loob ng ilang dekada, o kahit na ang kanilang mga personal na kasabwat, upang ipagtanggol ang kanilang mga nakapandidiring interes sa rehiyon. Ang mga pangunahing 'demokrasya' na ito ay muling walang hiya na nagsisinungaling kapag hinahangad nilang pagtakpan ang mga bagong lider ng bansa, na inilarawan bilang 'mga terorista' ilang taon na ang nakalipas: ang mga 'moderates' na ito, na may kakayahang makahanap ng isang 'mapayapa' na paraan bilang solusyon, ay walang iba kundi isang koleksyon ng mga Islamista at mamamatay-tao mula sa hanay ng Al Qaeda o Daesh!
Isang taon na ang nakalipas, nang sumiklab ang digmaan sa Gaza, namahagi kami ng isang polyeto kung saan tinuligsa namin ang paglaganap ng barbaridad dulot ng mga masaker na ito:
“Ang pag-atake ng Hamas at ang reaksyon ng Israel ay may pagkapareho: ang patakaran ng pagwasak at pagdurog. Ang teroristang masaker kahapon at ang karpet na pambobomba ngayon ay maaaring humantong sa walang tunay at pangmatagalang tagumpay. Ang digmaang ito ay nagpalubog sa Gitnang Silangan sa panahon ng destabilisasyon at komprontasyon. Kung patuloy na latiguhin ng Israel ang Gaza at ilibing ang mga naninirahan dito sa ilalim ng mga guho, may panganib na masunog din ang West Bank, hahatakin ng Hezbollah ang Lebanon sa digmaan, at sa huli ay direktang masangkot ang Iran....Habang ang pang-ekonomiya at mala-digmaan na kumpetisyon sa pagitan ng Tsina at Estados Unidos ay mas lalong maging brutal at mapang api, ang ibang mga bansa ay hindi yumuko sa mga utos ng kahit kaninong sa dalawang higanteng ito; naglalaro sila ng kanilang sariling laro, sa kaguluhan, instabilidad at kaligaligan. Sinalakay ng Russia ang Ukraine salungat sa payo ng mga Tsino. Dinudurog ng Israel ang Gaza salungat sa payo ng Amerika. Ang dalawang alitang ito ay nagpahiwatig ng panganib ng kamatayan na nagbabanta sa buong sangkatauhan: ang pagdami ng mga digmaan na ang tanging layunin ay destabilisasyon o durugin ang kaaway; walang katapusang kadena ng mga di-makatwiran at nihilistikong mga aksyon; bawat tao para sa kanyang sarili, kasingkahulugan ng hindi mapigilan na kaguluhan”[1] [173].
Ang parang kidlat na opensiba ng mga jihadists at sa likod nila ay ang iba't ibang mga pwersa tulad ng HTS at ang Syrian National Army (SNA) ay sinamantala ang lumalaking kaguluhan sa rehiyon: Si Assad at ang kanyang tiwaling rehimen ay nakabitin sa alanganin dahil ang hukbo ng Russia, na natali sa Ukraine, ay wala na sa kapasidad upang suportahan siya, at ang Hezbollah, na nasangkot sa pakikidigma nito sa Israel, ay iniwanan ang mga posisyon nito sa Syria. Sa kaguluhan ng patuloy na barbarismo sa Syria, ang koalisyon ng mga desperadong milisya ay nagawang sumugod sa Damascus nang walang gaanong pagtutol. Ang nasaksihan natin ngayon sa Syria, tulad kahapon sa Lebanon at Ukraine, ay ang paglaganap at paglakas ng mga mapangwasak at mapangdurog na digmaan kung saan wala ni isa sa mga magkatunggali ang nakakuha ng matibay na posisyon, pangmatagalang impluwensya o matatag na alyansa, sa halip ay nagpapalakas sa walang puknat na kaguluhan.
Sino ang makapag-angkin na nakakuha ng solidong tagumpay? Ang bagong rehimen ng Syria ay nahaharap na sa isang sitwasyon ng pagkapira-piraso at dislokasyon na kahalintulad ng post-Gaddafi Libya. Ang pagbagsak ng rehimeng Assad ay isa ring malaking dagok sa Iran, na nawalan ng isang mahalagang kaalyado sa panahong nauubos ang Hamas at Hezbollah. Samantala nakikinita na ng Russia na mawawala ang mga mahahalagang base militar nito sa Mediterranean at kasabay ng pagkawala ng kredibilidad nito sa pagtatanggol sa mga kaalyado nito... Kahit na ang mga tulad ng Israel o Estados Unidos, na maaaring natutuwa na makita ang pagdating ng mga bago, mas mapagkasundo na mga panginoon sa Damascus, ay walang relatibong tiwala sa kanila, tulad ng ipinapakitang mga pambobomba ng Israel upang wasakin ang mga arsenal at pigilan ang mga ito na mapunta sa mga kamay ng bagong rehimen. Ang Turkey, na lumilitaw na pangunahing benepisyaryo ng pagbagsak ni Assad, ay alam din na kailangan nitong harapin ang lumalaking suporta ng US sa mga Kurd at sa mas magulong sitwasyon sa mga hangganan nito. Ang 'pagbagsak ng tirano' ay walang ibang ipinangako kundi ang mas maraming digmaan at kaguluhan!
Kung ang mga kaguluhan, teror at masaker ay tunay ngang gawa ng mga naghahari sa mundong ito, ng burgesya, na parehong awtoritaryan at demokratiko, higit sa lahat ang mga ito ay bunga ng lohika ng dekadenteng kapitalismo. Ang kapitalismo ay pawang kumpetisyon, pandarambong at digmaan. Ang katotohanan na ang digmaang ito ay kumakalat ngayon sa mas maraming bahagi ng mundo, na nagdulot ng walang kwentang pagkawasak at maramihang pagpatay, ay ekspresyon ng makasaysayang pagtigil na siya mismong kinakaharap ng kapitalistang sistema. Sa okasyon ng digmaan sa Gaza ay sinulat namin: "Anoman ang gagawin, hindi na maiwasan ang dinamismo tungo sa destabilisasyon. Kaya, ito ay isang makabuluhang bagong yugto sa pagbilis ng pandaigdigang kaguluhan. Ang tunggaliang ito ay nagpakita ng lawak ng naabot kung saan ginagawa ng bawat estado ang "pagwasak at pagdurog" upang ipagtanggol ang mga interes nito, na naghahangad hindi upang makakuha ng impluwensya o makakuha ng benepisyo, kundi upang maghasik ng kaguluhan at pagwasak sa mga karibal nito. Ang tendensyang ito tungo sa estratehikong irasyonalidad, kakitiran ng pananaw, hindi matatag na alyansa at "bawat tao para sa kanyang sarili" ay hindi isang arbitraryong patakaran ng estadong ito o ng estadong iyon, ni produkto ng lubos na kahangalan ng paksyon ng burges na ito o ng paksyon na iyon sa kapangyarihan. Ito ay bunga ng mga kondisyong istorikal, yaong sa dekomposisyon ng kapitalismo, kung saan ang lahat ng estado ay nakipag-away sa isa't isa. Sa pagsiklab ng digmaan sa Ukraine, lubhang pinalala ang makasaysayang tendensiyang ito at ang bigat ng militarismo sa lipunan. Pinatunayan ng digmaan sa Gaza gaano kalawak ang imperyalistang digmaan ngayon bilang pangunahing salik ng destabilisasyon sa kapitalistang lipunan. Ang produkto ng mga kontradiksyon ng kapitalismo, ang lawak ng digmaan ay siya ring nagpaapoy sa mismong mga kontradiksyong ito, na dumarami, sa pamamagitan ng bigat ng militarismo, ng krisis pang-ekonomiya, ng mga sakuna sa kapaligiran at ng pagkawatak-watak ng lipunan"[2] [174]. Ang dinamikong ito ay posibleng magdulot ng kabulukan sa bawat bahagi ng lipunan, mapahina ang bawat bansa, na magsimula sa nangunguna sa kanila: ang Estados Unidos.
Bilang epekto ng dekomposisyon ng kapitalistang lipunan, nakita natin ang paglitaw ng mga penomena gaya ng mga napakalaking migrasyon ng mga refugee, tulad ng resulta ng digmaan sa Syria noong 2015, na may halos 15 milyong nawalan ng tahanan na tao (7 milyon sa Syria mismo, 3 milyon sa Turkey, at mga 1 milyon sa pagitan ng Alemanya at Sweden). Noong panahong iyon, tinuligsa namin ang mapagkunwaring 'refugees are welcome' ng burgesya[3] [175], na hindi nangangahulugang ang mga mapagsamantala ay tagapagtaguyod na ngayon ng pakikipagkaisa, bagkus ay isang pagtatangka na pigilan ang pagsabog ng kaguluhan sa pamamagitan ng pagsasamantala sa murang paggawa. Ang mga benefactor na ito ay nagtutulak ngayon sa mga refugee na bumalik sa impyerno ng Syria, dahil 'wala na ang mapang-aping rehimen' at 'ang bansa ay kumikilos patungo sa pagpapanumbalik ng demokratikong normalidad'. Ito ang kasuklam-suklam na kabastusan ng mga 'demokrasyang' ito, na nagsagawa ng mga patakaran na itinataguyod ng mga populistang partido at ng dulong kanan na sinasabi nilang lumalayo sila. Ang alternatibo sa pagkawasak ng sangkatauhan ay internasyonal na pakikiisa ng uri, isang pakikiisa ng pakikibaka laban sa pandaigdigang kapitalismo.
Valerio, 13 Disyembre
(binagong bersyon 24.12.2024. Salamat sa Internationalist Voice sa ilang mungkahi na mas tamang pormulasyon).
Ang eleksyon kay Trump sa USA ay malinaw na nagmarka ng isang panibagong hakbang sa pagdausdos ng kapitalismo tungo sa pagkabulok at kaguluhan. Ang makasaysayang diborsyo sa pagitan ng USA at Europa at ang 'Digmaan saTaripa' na isinasagawa ngayon ay parehong mga produkto ng, at aktibong mga salik sa, tendensya ng 'bawat tao-para sa kanyang sarili' sa internasyonal na relasyon. Pareho itong magpapalala sa pandaigdigang krisis sa ekonomiya at magpapaigting ng pagsulong tungo sa militarismo at digmaan.
Ang mga rebolusyonaryong organisasyon ay nahaharap sa lumalaking responsibilidad pareho para suriin ang direksyon ng mga pandaigdigang pangyayari at ipagtanggol ang mga pangangailangan ng makauring pakikibaka na nahaharap sa mga pag-atake sa ekonomya at lumalalang barbarismo. Ngunit ang parehong mga pagsusuring ito at ang paraan ng pagbuo ng isang proletaryong tugon ay kailangang pag-usapan at mas tumpak na kilalanin, at ito ang layunin ng ating pagpupulong. Partikular naming hinihikayat ang lahat ng mga komunistang grupo at mga naghahanap ng isang internasyunalistang pananaw na dumalo sa pulong na ito, para ipagpatuloy ang mga talakayan na inilunsad na namin sa serye ng mga internasyonal na online na pagpupulong.
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17656/new-world-disorder-and-role-revolutionary-organisations [182]
Internasyunal na Online na Pampublikong Pulong
Sabado 5 April 2025, 2pm hanggang 5pm, oras sa UK
Ang istorikal na kahalagahan ng hiwalayan sa pagitan ng US at Uropa
Mabilis na nagpatuloy ang mga kaganapan mula noong pagdating ng Trump 2.0 sa US.
Ito ang dahilan bakit ang IKT ay magsagawa ng ikatlong internasyunal na online na pampublikong pulong na nakatuon sa kasalukuyang sitwasyon ng mundo. Mahalaga na ang lahat ng taong naunawaan ang pangangailangang alisin sa mundo ang nabubulok na kapitalistang sistema ay lubos na maintindihan kung ano ang kinalaban ng uring manggagawa. Sa gayon ay hinihikayat namin ang lahat ng mga nakibahagi sa paghahanap para sa "katotohanan ng mundong ito" at ang paraan upang maibagsak ang kapitalismo na dumalo sa pulong na ito at makibahagi sa debate.
Kung nais ninyong dumalo, pakisulat sa amin sa international@internationalism.org [159]
Source URL: https://en.internationalism.org/content/17627/historic-significance-break-between-us-and-europe [183]
Links
[1] https://en.internationalism.org/content/16867/special-dossier-covid-19-real-killer-capitalism
[2] https://en.internationalism.org/content/16942/second-wave-pandemic-impotence-all-states-and-governments
[3] https://en.internationalism.org/content/16924/report-covid-19-pandemic-and-period-capitalist-decomposition
[4] https://www.ecdc.europa.eu/en/publications-data/european-respiratory-virus-surveillance-summary-erviss
[5] https://www.who.int/docs/default-source/wpro---documents/countries/philippines/emergencies/covid-19/who-phl-sitrep-30-covid-19-11may2020.pdf?sfvrsn=fc3d6664_2
[6] https://thediplomat.com/2020/05/the-philippines-pandemic-response-a-tragedy-of-errors/
[7] https://en.internationalism.org/content/16810/more-evidence-capitalism-has-become-danger-humanity
[8] https://newsinfo.inquirer.net/1168031/funds-for-health-cut-by-p10-billion
[9] https://en.internationalism.org/content/16823/covid-19-pandemic-symptom-terminal-phase-capitalist-decadence
[10] https://en.internationalism.org/pamphlets/decadence
[11] https://en.internationalism.org/ir/107_decomposition
[12] https://www.rappler.com/philippines/260299-coronavirus-pandemic-metro-manila-housing-problem-collide/
[13] https://en.internationalism.org/content/16832/war-masks-bourgeoisie-class-thieves
[14] https://www.rappler.com/business/255080-novel-coronavirus-impact-unemployment-income-un-assessment-march-18-2020/
[15] https://www.bworldonline.com/editors-picks/2020/03/30/285850/pandemic-expected-to-weaken-job-market/
[16] https://en.internationalism.org/content/16855/covid-19-despite-all-obstacles-class-struggle-forges-its-future
[17] https://en.internationalism.org/content/16830/generalised-capitalist-barbarism-or-world-proletarian-revolution
[18] http://www.sebalorenzo.co.ar
[19] https://en.internationalism.org/content/16727/nuevo-curso-and-spanish-communist-left-what-are-origins-communist-left
[20] https://en.internationalism.org/cdn-cgi/l/email-protection#cfacaaa1bbbda08fa1baaab9a0acbabdbca0
[21] https://en.internationalism.org/cdn-cgi/l/email-protection#82e7f1f2e3ece3c2ebecf6e7f0ece3f6ebedece3ebf1efacedf0e5
[22] https://en.internationalism.org/internationalreview/200908/3077/farewell-munis-revolutionary-militant
[23] https://en.internationalism.org/content/2937/polemic-where-going
[24] https://en.internationalism.org/content/14445/communism-agenda-history-castoriadis-munis-and-problem-breaking-trotskyism
[25] https://en.internationalism.org/international-review/201808/16490/castoriadis-munis-and-problem-breaking-trotskyism-second-part-cont
[26] https://en.internationalism.org/content/3100/confusions-fomento-obrero-revolucionario-russia-1917-and-spain-1936
[27] https://es.internationalism.org/cci/200602/753/1critica-del-libro-jalones-de-derrota-promesas-de-victoria
[28] https://en.wikipedia.org/wiki/Spanish_Socialist_Workers'_Party
[29] https://en.wikipedia.org/wiki/Minister_of_Foreign_Affairs_(Spain)
[30] https://www.ultimahora.es/noticias/sociedad/1999/03/01/972195/espanol-preside-nuevo-consejo-europeo-accion-humanitaria-cooperacion.html
[31] https://en.internationalism.org/content/4007/editorial-peace-kosovo-moment-imperialist-war
[32] https://en.wikipedia.org/wiki/NATO_Parliamentary_Assembly
[33] https://en.wikipedia.org/wiki/Repsol
[34] https://en.internationalism.org/content/3744/questions-organisation-part-3-hague-congress-1872-struggle-against-political-parasitism
[35] https://en.internationalism.org/content/16745/lassalle-and-schweitzer-struggle-against-political-adventurers-workers-movement
[36] https://www.marxists.org/archive/trotsky/1928/3rd/index.htm
[37] https://en.internationalism.org/specialtexts/IR033_functioning.htm
[38] https://en.internationalism.org/international-review/199704/2088/april-theses-1917-signpost-proletarian-revolution
[39] https://en.internationalism.org/content/17075/necessity-transitionto-communism
[40] https://en.internationalism.org/wr/264_15cong.htm
[41] https://en.internationalism.org/worldrevolution/201211/5284/why-it-so-difficult-struggle-and-how-can-we-overcome-these-difficulties
[42] https://en.internationalism.org/content/16986/democracy-or-military-junta-same-capitalist-dictatorship
[43] https://en.internationalism.org/files/en/captiol-security-cm_dc_capitol_01_12_2021_1836.jpg
[44] https://en.internationalism.org/content/16956/biden-presidency-us-and-world-capitalism-road-nowhere
[45] https://www.bbc.com/mundo/noticias-51705060
[46] https://en.internationalism.org/content/16955/assault-capitol-washington-usa-heart-world-wide-decomposition-capitalism
[47] https://en.internationalism.org/ir/094_china_part3.html#_ftnref4
[48] https://en.internationalism.org/content/16926/homage-our-comrade-kishan
[49] https://en.internationalism.org/content/17056/behind-decline-us-imperialism-decline-world-capitalism
[50] https://en.internationalism.org/content/17042/report-pandemic-and-development-decomposition
[51] https://fil.internationalism.org/files/fil/intl-polyeto-feb28.pdf
[52] https://world.internationalism.org
[53] mailto:philippines@internationalism.org
[54] https://en.internationalism.org/content/3336/orientation-text-militarism-and-decomposition
[55] https://en.internationalism.org/content/17085/aukus-military-alliance-ch
[56] https://en.internationalism.org/content/17158/united-states-russia-european-union-ukraine-all-states-are-responsible-war
[57] https://fil.internationalism.org/files/fil/tagalog_against_the_attacks_of_the_ruling_class_we_need_a_massive_united_struggle.pdf
[58] https://en.internationalism.org/content/17133/against-attacks-ruling-class-we-need-massive-united-struggle
[59] https://en.internationalism.org/content/17166/some-impressions-icc-meetings-5th-and-6th-march-2022
[60] https://en.internationalism.org/ir/1982/31/critique-of-the-weak-link-theory
[61] https://en.internationalism.org/content/17164/icc-public-meetings-who-can-put-end-capitalist-wars-and-barbarism
[62] https://fil.internationalism.org/files/fil/nagkakaisang_pahayag_ukraine.pdf
[63] https://en.internationalism.org/content/17159/joint-statement-groups-international-communist-left-about-war-ukraine
[64] https://world.internationalism.org/
[65] https://www.istitutoonoratodamen.it/
[66] https://en.internationalistvoice.org/
[67] http://communistleft.jinbo.net/xe/
[68] https://www.telegraph.co.uk/opinion/2022/02/23/world-sliding-new-dark-age-poverty-irrationality-war/
[69] https://en.internationalism.org/content/17151/ruling-class-demands-sacrifices-altar-war
[70] https://en.internationalism.org/content/17144/ukraine-worsening-military-tensions-eastern-europe
[71] https://en.internationalism.org/content/17121/russia-ukraine-crisis-war-capitalisms-way-life
[72] https://en.internationalism.org/content/17062/resolution-international-situation-adopted-24th-icc-congress
[73] https://crimethinc.com/2022/02/26/russian-anarchists-on-resisting-the-invasion-of-ukraine-updates-and-analysis
[74] https://www.theguardian.com/commentisfree/2022/feb/27/liberal-democracies-must-defend-their-values-and-show-putin-that-the-west-isnt-weak
[75] https://en.internationalism.org/content/17091/struggles-united-states-iran-italy-korea-neither-pandemic-nor-economic-crisis-have
[76] https://fil.internationalism.org/files/fil/polyeto_uk.pdf
[77] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/17247#_ftn1
[78] https://d.docs.live.net/content/17247/ruling-class-demands-further-sacrifices-response-working-class-fight
[79] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ruling%20class%20demands%20further%20sacrifices.docx#_ftnref1
[80] https://bmjopen.bmj.com
[81] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftn1
[82] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftn2
[83] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftn3
[84] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn4
[85] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn5
[86] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn6
[87] https://d.docs.live.net/print/book/export/html/3336#_ftn7
[88] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref1
[89] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref2
[90] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref3
[91] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref4
[92] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref5
[93] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref6
[94] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202022/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Orientation%20text_%20Militarism%20and%20decomposition.docx#_ftnref7
[95] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn1
[96] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn2
[97] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn3
[98] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn4
[99] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn5
[100] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn6
[101] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn7
[102] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftn8
[103] https://en.internationalism.org/content/17396/ict-and-no-war-class-war-initiative-opportunist-bluff-which-weakens-communist-left
[104] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref1
[105] https://www.leftcom.org/en/articles/2023-07-05/the-no-war-but-the-class-war-initiative
[106] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref2
[107] https://www.leftcom.org/en/articles/2022-07-22/nwbcw-and-the-real-international-bureau-of-1915
[108] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref3
[109] https://en.internationalism.org/content/17240/correspondence-joint-statement-groups-communist-left-war-ukraine
[110] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref4
[111] https://en.internationalism.org/content/17223/history-no-war-class-war-groups
[112] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref5
[113] https://en.internationalism.org/content/2641/reply-internationalist-communist-party-battaglia-comunista
[114] https://en.internationalism.org/ir/021_workers_groups.html
[115] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref6
[116] https://en.internationalism.org/content/17297/committee-leads-its-participants-dead-end
[117] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref7
[118] https://www.leftcom.org/it/articles/2023-01-03/sul-comitato-di-roma-nwbcw-un-intervista
[119] https://www.sitocomunista.it/canti/cantidilotta.html
[120] http://www.sitocomunista.it/resistence/resistenceindex.html;
[121] https://www.sitocomunista.it/pci/pci.html
[122] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20ICT%20and%20the%20No%20War%20But%20the%20Class%20War%20initiative.docx#_ftnref8
[123] https://en.internationalism.org/content/17378/acg-bans-icc-its-public-meetings-cwo-betrays-solidarity-between-revolutionary
[124] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn1
[125] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn2
[126] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn3
[127] https://en.internationalism.org/manifesto-1975
[128] https://en.internationalism.org/content/17247/summer-anger-britain-ruling-class-demands-further-sacrifices-response-working-class
[129] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftn4
[130] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref1
[131] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref2
[132] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref3
[133] https://en.internationalism.org/manifesto-1991
[134] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_3rd_Manifesto_Dec_2022.docx#_ftnref4
[135] https://d.docs.live.net/content/17284/capitalism-leads-destruction-humanity-only-world-revolution-proletariat-can-put-end-it
[136] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftn1
[137] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftn2
[138] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftn3
[139] https://en.internationalism.org/content/17390/struggle-ahead-us
[140] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftnref1
[141] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftnref2
[142] https://en.internationalism.org/content/17377/update-theses-decomposition-2023
[143] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_The%20struggle%20is%20ahead%20of%20us!.docx#_ftnref3
[144] https://en.internationalism.org/content/17362/report-class-struggle-25th-icc-congress
[145] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_abril_2023_0.pdf
[146] https://en.internationalism.org/content/17345/we-have-go-further-1968
[147] https://en.internationalism.org/content/17406/neither-israel-nor-palestine-workers-have-no-fatherland
[148] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_nobyembre_2023.pdf
[149] https://en.internationalism.org/content/17421/massacres-and-wars-israel-gaza-ukraine-azerbaijan-capitalism-sows-death-how-can-we
[150] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_welga_oktubre_2023.pdf
[151] https://en.internationalism.org/content/17412/strikes-and-demonstrations-united-states-spain-greece-france-how-can-we-develop-and
[152] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_enero_2023.pdf
[153] https://d.docs.live.net/content/17295/how-develop-massive-united-and-supportive-movement
[154] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Comleft_Appeal.docx#_ftn1
[155] https://en.internationalism.org/content/17416/down-massacres-no-support-any-imperialist-camp-no-pacifist-illusions-proletarian
[156] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202023/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Comleft_Appeal.docx#_ftnref1
[157] https://fil.internationalism.org/files/fil/internasyunal_polyeto_feb2023.pdf
[158] https://en.internationalism.org/content/17316/uk-france-spain-germany-mexico-china-everywhere-same-question-how-develop-struggle-how
[159] mailto:international@internationalism.org
[160] https://en.internationalism.org/content/17578/global-implications-us-elections
[161] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftn1
[162] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftn2
[163] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftnref1
[164] https://en.internationalism.org/content/17563/future-humanity-lies-not-ballot-box-class-struggle
[165] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_Trump's%20triumph%20in%20the%20United%20States.docx#_ftnref2
[166] https://en.internationalism.org/content/17581/strikes-united-states-canada-italy-three-years-working-class-has-been-fighting-against
[167] https://d.docs.live.net/content/17586/trumps-triumph-united-states-giant-step-forward-decomposition-capitalism
[168] https://d.docs.live.net/content/17572/appeal-communist-left-working-class-against-international-campaign-mobilise-bourgeois
[169] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_You%20can%E2%80%99t%20change%20society%20with%20a%20ballot%20paper.docx#_ftn1
[170] https://en.internationalism.org/content/17525/you-cant-change-society-ballot-paper
[171] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_You%20can%E2%80%99t%20change%20society%20with%20a%20ballot%20paper.docx#_ftnref1
[172] https://www.independent.co.uk/news/uk/polling-opinium-office-for-national-statistics-england-wales-b2529239.html
[173] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftn1
[174] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftn2
[175] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftn3
[176] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftnref1
[177] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftnref2
[178] https://en.internationalism.org/content/17449/spiral-atrocities-middle-east-terrifying-reality-decomposing-capitalism
[179] https://d.docs.live.net/b73a8bf1c0763271/Cloud%20Documents/YEAR%202024/FILIPINO%20TRANSLATION/Tagalog_amended_articlele_Syria_aftercorrection-1.docx#_ftnref3
[180] https://fr.internationalism.org/revolution-internationale/201511/9265/proliferation-des-murs-anti-migrants-capitalisme-c-guerre-et-b
[181] https://en.internationalism.org/content/17593/fall-assad-regime-syria-one-butcher-has-fallen-others-will-bring-more-wars-massacres
[182] https://d.docs.live.net/content/17656/new-world-disorder-and-role-revolutionary-organisations
[183] https://en.internationalism.org/content/17627/historic-significance-break-between-us-and-europe