Kinukumpirma ng takbo ng pampulitikang sitwasyon sa kasalukuyan ang aming pananaw na nasa proseso ngayon ang naghaharing uri sa Pilipinas na ayusin ang mga bangayan sa kanilang hanay sa pamamagitan ng "mapayapang" paraan - eleksyon. Bagamat ito ay temporaryo lamang dahil patuloy na itutulak ang bawak paksyon ng burgesya sa marahas na labanan para sa kapangyarihan para maipakita na ang ganito o ganung paksyon ng mga mapagsamantala ang "karapat-dapat" para mamuno sa bulok na estado at ipagtanggol ang naghihingalong sistema.
"Populismo" para linlangin ang masa
Ang tunguhing "populismo" ay parang swine flu na kumakalat sa lahat ng mga bansang nakaranas ng matinding kombulsyon, kahirapan at kabulukan ng estado.
Sa bawat kabulukan ng naghaharing paksyong may kontrol sa kapangyarihan, sa bawat paglakas ng diskontento ng masa sa bulok na sistema, ay nanginginig ang buong naghaharing uri na biglang iigpaw ang diskontento ng uring anakpawis tungo sa rebolusyonaryong kamulatan - tungo sa kamulatan na ibagsak ang estado at sistema.
Natatakot ang burgesya na ang mga kilusang protesta at galit ng manggagawa at maralita laban sa walang solusyong krisis ng kapitalismo ay magbunga ng tuluyang pagkawala ng tiwala ng huli sa mga mistipikasyon ng demokrasya, eleksyon at nasyunalismo. At higit sa lahat ng lubusang pagkalantad sa harapan ng malawak na populasyon na walang kaibahan ang administrasyon at oposisyon.
Sa bawat kapalpakan ng naghaharing paksyon, mga kapalpakan na hindi naman talaga maiwasan dahil ang ugat ng problema ay nasa kabulukan ng sistema, nagkukumahog ang buong burgesya na atasan ang oposisyon (Kanan at Kaliwa) na maging mas aktibo, popular sa "paglaban" at "paglantad" sa mga katiwalian, kabulukan ng nasa kapangyarihan. Ito ang natatanging papel ng oposisyon sa hatian nila sa loob ng naghaharing uri.
Ang burges na oposisyon at Kaliwa ang shabu na binibigay ng burgesya sa masa para patuloy itong maging "bangag" sa mga mistipikasyon na ang problema ay nasa pangangasiwa lamang sa estado; na ang problema ay ang paghahanap lamang ng "tama" at "matinong" tao na "aasahan" ng mamamayan para siyang mag-ahon sa kanila sa kahirapan.
Maraming beses na nating nakita ang ganitong "epektibong" taktika ng burgesya sa kasaysayan sa buong mundo. Mao Zedong sa China, Ho Chi Minh sa Vietnam, Kim Il Sung sa North Korea, Fidel Castro sa Cuba, Hugo Chavez sa Venezuela, Lula sa Brazil, Bin Laden sa Gitnang Silangan, at nitong huli, Barack Obama sa Amerika.
Mulat dito ang burgesyang Pilipino. Sila mismo ay may ganitong karanasan sa Pilipinas - pinalitan nila ang kinamumuhiang si Marcos ng isang "popular" na tao - si Cory Aquino noong 1986. At ito rin ang kanilang gagamitin ngayon - papalitan ang kinamumuhiang si Gloria Arroyo ng isang "popular" na kandidato.
Noynoy Aquino, siya na ba ang kandidato ng burgesya?
Walang duda na ang burges na oposisyon ngayon ang "popular" sa mata ng taumbayan. Dahil sa matinding galit at diskontento ng masa sa administrasyon ay "natural" lamang na ang sisikat ay ang mga kandidatong mula sa oposisyon. Para sa mapagsamantalang uri ito ay hindi problema kundi positibo pa nga.
Salamat sa linyang anti-Gloria ng lahat ng paksyon ng Kaliwa sa Pilipinas laluna ng pangunahing paksyon nito, ang CPP-NPA-NDF, lalupang naging "popular" ang burges na oposisyon sa masa.
Dahil malaking posibilidad na ang pipiliin ng masang lalahok sa eleksyon sa 2010 ay mula sa oposisyon, hindi maiwasang titindi ang labanan ng mga oposisyon na kandidato para makuha ang boto ng mamamayan. Sa mga surbey ng burges, lumalabas na nangunguna lagi ang oposisyon. Kaya naman mas kapansin-pansin ang siraan at batuhan ng putik ng mga presidential candidates mula sa oposisyon laban sa isa't-isa. At titindi pa ito habang papalapit na ang eleksyon. Isa na dito ang bangayang Villar-Roxas (NP vs LP), Estrada vs Lacson na kasalukuyang umiinit ngayon.
Ang partido naman ng administrasyon ay parang nasa limbo ngayon dahil wala pa rin silang malinaw at "popular" na kandidatong panlaban. Dagdag pa, kumalas sa koalisyong Lakas-Kampi ang "Lakas originals" ni dating president Fidel Ramos at dating house speaker Jose de Venecia.
Ang pagkamatay ni Cory Aquino, ang "icon of democracy" sa Pilipinas, na sinasaluduhan ng lahat ng paksyon ng burgesya, kabilang na ang "ultra-radikal" na CPP-NPA-NDF ay parang "hulog ng langit" sa buong naghaharing uri para epektibong mapatupad ang taktikang "populismo".
Nagtulungan ang media, burges na partido ng Kanan at Kaliwa at Simbahan na muling buhayin ang "diwa ng Edsa 86" na matagal na sanang ibinaon dahil sa mga krimen ng rehimeng Aquino noon sa masang manggagawa at maralita.
At tulad ng kanyang ina, na isang "reluctant candidate" noong 1986, si Senador Noynoy Aquino naman ngayon ay ganun din at napilitan lang diumano na tatakbo dahil sa "popular na kahilingan" ng taumbayan.
Eureka! Nakita na ba ng burgesyang Pilipino ang Barack Obama sa Pilipinas sa katauhan ni Noynoy?
Hindi pa natin masasabi sa ngayon. Ang malinaw lamang ay biglang nag top si Noynoy sa latest survey sa Luzon; bigla siyang naging "star ng pag-asa" sa ordinaryong mamamayan.
Si Noynoy nab a ang epektibong shabu ng naghaharing uri para muling "magdiliryo" ang mahihirap sa eleksyon ng burgesya?
Hindi ito madaling sagutin sa ngayon. Ang malinaw, lalong titindi ang bangayan, siraan at batuhan ng putik sa hanay ng ibat-ibang paksyon ng oposisyon. Hindi lang kasi si Noynoy ang hayok sa kapangyarihan. At parang walang plano ang ibang opposition presidentiables gaya ni Villar at Estrada na aatras sa laban.
Ang tiyak, magiging royal rumble ang labanan ng ibat-ibang paksyon ng burgesya sa 2010 na maaring hindi hahantong sa "mapayapang" paraan ng pag-ayos ng kanilang mga bangayan kundi sa isang marahas na labanan.
Ugat ng "populismo"
Ang ugat ng populismo ay ang burges na demokrasya at pagmamahal sa inangbayan. Ang layunin nito: ipatupad ang "perpektong" demokrasya at ang tunay na "pagmamahal" sa bansa.
Noong 1986 ay iniluklok ng burgesya sa kapangyarihan ang isang "popular" na tao - si Cory Aquino. Gamit ang pag-alsa ng masa laban sa diktadurang Marcos at sa dayaan sa eleksyon ay nilinlang ng naghaharing uri ang masa na si Aquino ang boses nila sa kapitalistang estado. Ang sumunod ay ang masakit na turo ng kasaysayan sa masang api.
Noong 1998, isa na namang "popular" na tao ang umupo sa Malakanyang - si Joseph Estrada - sa ilalim ng islogang "Erap para sa mahirap". Subalit pinatalsik din siya ng naghaharing uri dahil sa kanyang kagaguhan at sa lumalakas na diskontento ng taumbayan.
Subalit dahil ganap ng bulok ang sistema at imposible na itong mareporma pa, ang "populismo" ay hanggang sa salita at propaganda na lamang. Ginagamit ito ng mapagsamantalang uri upang maipatupad ang pagkonsolida sa estado, ang huling sandalan ng naaagnas na kapitalismo.
Burges na eleksyon: Hadlang sa rebolusyonaryong pagbabago
Si Noynoy Aquino, Manny Villar, Noli de Castro, Estrada o sinumang nasa administrasyon o oposisyon ang uupo sa Malakanyang sa 2010, walang mangyayaring kaginhawaan sa api at hirap na kalagayan ng masang Pilipino.
Hindi eleksyon ang daan tungo sa panlipunang pagbabago kundi rebolusyon. Hindi makakatulong sa pagpapalakas ng rebolusyon ang paglahok sa burges na eleksyon. Sa halip, ang paglahok sa eleksyon mismo ang isa sa epektibong harang para sa pagsulong ng rebolusyonaryong pakikibaka.
Sa kabila ng maliitan, hiwa-hiwalay na mga pakikibaka, dahan-dahang sumasabay ang maliit na bahagi ng manggagawang Pilipino sa pangkalahatang tendensya ngayon ng internasyunal na proletaryado - militanteng paglaban sa mga atake ng kapital na nasa pinakamasahol na krisis magmula 1929.
Krisis ng pandaigdigang kapitalismo, ramdam ng manggagawang Pilipino
Ramdam na ramdan ng manggagawang Pilipino ang krisis ng sobrang produksyon na nanalasa ngayon sa buong mundo. Ang bunga nito - kompetisyon sa pagbabawas ng gastos sa produksyon na walang ibig sabihin kundi atake sa pamumuhay ng masang anakpawis - ay tuloy-tuloy na ginagawa ng kapitalistang Pilipino at dayuhan. Tanggalan at pagbabawas ng sahod sa anyo ng work rotation ang pinapasan ngayon ng uring manggagawa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Sa ngayon, tinatayang umabot na sa mahigit 300,000 manggagawang Pilipino ang natanggal sa trabaho at daan-daang libo ang naghihirap sa pagbabawas ng sahod dahil sa work rotation simula 2007. Subalit, may maliit na bahagi ng uri ang hindi basta-basta tinanggap ang mga atakeng ito ng kanilang kaaway.
Lumalaban ang bagong henerasyon ng mga manggagawa
Iba-iba ang ekspresyon ng paglaban ng uri: pagsampa ng kaso sa maka-kapitalistang Department of Labor and Employment (DOLE), pangmasang delegasyon para kausapin ang management, demonstrasyon at piket hanggang sa "iligal" na mga welga at paghinto sa trabaho o kombinasyon ng mga ito.
Nakitaan ang mga paglabang ito ng binhi ng pag-oorganisa sa sarili: pagbubuo mismo ng mga manggagawa ng mga grupo na nag-uusap sa kanilang kalagayan hanggang sa paglulunsad ng mga asembliya na dinaluhan kapwa ng mga regular at di-regular na manggagawa. At ang pinakamahalaga sa lahat: ang paglunsad ng mga sama-samang pagkilos na nilalabanan ang maka-kapitalistang batas ng estado - "iligal" na welga o wildcat strikes. Ginawa ito ng mga manggagawa sa Giardini del Sole. May "iligal" din na work stoppage ang mga manggagawa sa Cebu Mactan Export Processing Zone para obligahing makipag-usap ang management.
Ang yumayabong na independyenteng pagkilos ng mga kapatid na manggagawa sa Uropa ay naipunla na sa Pilipinas - asembliya ng manggagawa at paglunsad ng mga pakikibaka labas sa kontrol ng unyonismo. Subalit dahil ang mga ito ay binhi pa lamang, nariyan ang peligro na makubabawan ng unyonismo at repormismo. At ito nga ang nangyari sa Giardini del Sole kaya natalo ang mga manggagawa. Natalo man ang Giardini del Sole, may positibong aral na mahahalaw dito: determinadong pagkakaisa, pagsuway sa maka-kapitalistang batas at ang pangangailangan ng paglawak ng pakikibaka.
Ang militansyang ito ng manggagawang Pilipino ay pinangunahan at ginagawa ng bagong henerasyon ng uri: bahagi ng uri na walang karanasan at hindi demoralisado sa pananabotahe ng unyonismo magmula 1970s. Karamihan sa kanila ay mga kabataan. Mga kabataang manggagawa din ang nangunguna sa ibang bansa laluna sa Uropa magmula 2003 (anti-CPE sa France sa 2006 at malawakang protesta sa Greece magmula 2008).
Ang mga militanteng paglabang ito at ang pagsisikap ng manggagawa na hawakan ang kanilang laban sa sariling mga kamay sa pamamagitan ng mga asembliya ay isa ng malaking tagumpay gaano man kaliit na bahagi ng uri ang gumagawa nito sa ngayon at sa kabila ng pagkaranas ng temporaryong kabiguan dahil sa kahinaan. Tandaan natin na sa Pilipinas ay napakalakas pa ang kaisipang sa "pamamagitan lamang ng unyonismo" maipakita ng uring manggagawa ang kanyang pagkakaisa laban sa bulok na kaayusan. At ang maliit at mahina pa na bahaging ito ng uri ang magtuturo ng tamang daan tungo sa rebolusyonaryong pakikibaka sa buong uring manggagawa.
Kabaliktaran naman ang pinakita ng mga unyon at ng kanilang mga lider. Sa harap ng atake ng kapitalista sa Cebu Keppel Shipyard, pasuko ang tunguhin ng unyon at "negosasyon" ang tanging daan para "resolbahin" ang pagbabawas ng sahod at tanggalan sa mga manggagawa. Ganun din ang ginagawa ng unyon sa Cebu Visayan Electric Cooperative (VECO), isang kompanya ng elektrisidad. Ang KMU, na diumano "pinaka-militanteng" sentrong unyon sa bansa ay inutil sa pagtatanggol kahit sa daan-daang membro nito na tinanggal sa trabaho o nabawasan ang sahod.
Ang mga beteranong lider-unyonista ang salamin ng bagong henerasyon paanong ang unyonismo ay ganap ng integrado sa kapitalistang estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo. Dahil bilanggo sa collective bargaining agreement (CBA) at sa batas ng estado, dito umiikot ang "paglaban" ng unyon. Muli, napatunayan na walang interes ang mga unyon na palawakin ang pakikibaka at abutin ang mas maraming mga manggagawa sa ibang pabrika para kumbinsihin sa nagkakaisang pakikibaka laban sa kapital at estado.
Mapagmatyag sa mga maniobra ng unyon at Kaliwa
Dahil malaki pa rin ang posibilidad na makontrol ng unyonismo at Kaliwa ang militanteng paglaban ng uri, ito mismo ang magtuturo sa bagong henerasyon ng manggagawang Pilipino kung paano at bakit ang unyonismo at Kaliwa ay tulad din ng Kanan - kaaway ng buong uring manggagawa.
Ang paglakas mismo ng internasyunal na kilusang manggagawa at ng kanilang pakikibaka labas sa kontrol ng unyonismo ang pataba na magbibigay sustansya sa rebolusyonaryong binhi na naipunla ng bagong henerasyon ng manggagawa sa Pilipinas.
Sa kabilang banda, kailangan ng mga abanteng manggagawa ang mga diskusyon at teoretikal na klaripikasyon para malalim na maunawaan ang katangian ng kapitalismo, ng kanyang kasalukuyang krisis, ng katotohanan na wala ng maibigay na magandang kinabukasan ang bulok na sistema at ang tanging nalalabing alternatibo ay wasakin ito at ang estadong nagtatanggol dito. Sa pamamagitan nito, malinaw na maunawaan nila na makamit lamang ang tagumpay ng pang-ekonomiyang pakikibaka kung matransporma ito sa isang matagumpay na pampulitikang pakikibaka.
Sa pamamagitan lamang ng malalimang diskusyon makita at maunawaan ng masa ng uri na sa ilalim ng nagihingalong sistema ang pakikibaka ay magbubunga ng pagkakaisa at ang pagkakaisa ay mangyayari lamang sa panahon ng pakikibaka. Ang mga asembliya at pulong-masa ay itinatayo at gumagana sa panahon na lumalaban ang manggagawa. Ang rebolusyonaryong katangian ng uri ay lilitaw at uunlad sa panahon ng mga labanan. Ang organisasyon ng uri ay organisasyon ng pakikibaka. At sentral na tungkulin ng mga komunista na paunlarin ang rebolusyonaryong katangian ng uring manggagawa para mawasak nito ang kapitalismo at maitayo ang komunismo.
Salungat dito ang konsepto ng unyonismo (hawak man ito ng Kanan o Kaliwa ng burgesya) kung bakit sila "nag-oorganisa" sa masang manggagawa. Ang tanging layunin nito ay ikulong ang uri sa balangkas ng batas ng estado at sa mga "pakikibaka" para sa pagtatanggol sa pambansang kapitalismo at kapitalistang gobyerno.
Papel ng rebolusyonaryong minorya
Hindi pa humihinto ang pananalasa ng kapital sa kalagayan ng pamumuhay ng proletaryado. Mas titindi pa ito sa hinaharap dahil nagsisimula pa lang lumaganap ang epekto ng nakamamatay na krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Ang mga aral ng militanteng pakikibaka ng bagong henerasyon ng manggagawa sa buong mundo ang magsilbing tanglaw para itansporma ang mga depensibang laban tungo sa opensiba na dudurog sa naaagnas na panlipunang kaayusan.
Tungkulin ng mga minoryang rebolusyonaryo sa Pilipinas na gawin ang lahat sa abot ng kanilang makakaya na pabilisin ang rebolusyonaryong proseso na organisahin ng uri ang kanilang sarili, hawakan nila sa kanilang mga kamay ang pagpapasya sa kanilang pakikibaka at palawakin ang laban sa mas maraming pabrika hindi lang sa antas syudad at pambansa kundi hanggang sa internasyunal na saklaw. Para sa marxismo, ang internasyunal na proletaryado (kung saan bahagi lamang ang manggagawang Pilipino) ang may istorikal na misyon para wakasan ang mapagsamantalang kaayusan. Ang mga ito ang susi para uunlad ang depensibang pakikibaka papunta sa rebolusyonaryong opensiba laban sa bulok na sistema.
Pagkakaisa ng lahat ng manggagawa at paglawak ng pakikibaka ang dalawang makapangyarihang sandata para magtagumpay ang uri sa kanyang pakikibaka. Ito ang pinakita ng bagong henerasyon ng proletaryado sa buong mundo.
Nanawagan ang iba't-ibang organisasyon ng Kaliwa at burges na oposisyon ng full mobilizations at halos araw-araw na protesta sa kalsada laban sa Con-Ass ni Gloria. Hindi malayong "magmobilisa" din ang paksyong Arroyo ng kanilang mga "taga-suporta" para sa Cha-Cha at maglaan ng milyun-milyong pera para dito at sa propaganda. Ibig sabihin, makikita natin sa kalsada at maririnig sa balita ang "tunggalian" ng dalawang paksyon ng burgesya sa usapin kung babaguhin ba ang lumang kapitalistang Konstitusyon o palitan ng bago sa termino ni Arroyo dahil nagkakaisa naman silang lahat na kailangang baguhin ang lumang 1987 Konstitusyon. Hindi lang naman sila nagkaisa kung aling paksyon ang nasa kapangyarihan sa sandaling baguhin ito at sa paanong paaran -- Constituent Assembly ba o Constitutional Convention.
Ngayon pa lang ay nagtagumpay na ang buong naghaharing uri na ilihis ang atensyon ng taumbayan mula sa kanilang kahirapan tungo sa panonood sa kiskisan ng dalawang paksyon. At maging ganap ang tagumpay na ito kung mapakilos nila ang masang manggagawa at maralita sa usaping ito: maka-Chacha o anti-Chacha NGAYON NA.
Isa pang benepisyo para sa naghaharing uri sa usaping Chacha ngayon ay makumbinsi ang mas maraming tao na lalahok at boboto sa burges na eleksyon sa 2010. Kakambal ng usaping Chacha ay ang pangangailangang matuloy at kapani-paniwala ang eleksyon sa susunod na taon. Ang usaping may eleksyon o wala sa 2010 ay mahigpit na may kaugnayan sa Chacha. Kaya naman lahat ng mga nag-aambisyong tatakbo sa 2010 laluna ang mga "presidentiables" ay gustong matuloy ang eleksyon -- ito man ay mula sa administrasyon o oposisyon. Tanging si Gloria at ang kanyang pamilya na lang siguro ang "nanalangin" na hindi matuloy ang eleksyon.
Ipokrasya ng oposisyon at Kaliwa
Muli na namang naging "militante" ang mga pulitiko at Simbahan. Nanawagan sila na "lumabas sa kalsada" ang libu-libong mamamayan para tutulan ang ChaCha ni Gloria. Handa silang maglaan ng milyun-milyong pera para sa full mobilizations ng masa. Ganun din ang panawagan ng Kaliwa na lantaran ang pakikipag-alyansa sa Simbahan at burges na oposisyon.
Nanawagan ang Bukluran ng Manggagawang Pilipino ng "work stoppage" laban sa Chacha. Naglunsad ng martsa ang Partido ng Manggagawa sa export processing zone sa Cavite laban sa Chacha. Ang mga maoista naman ay halos araw-araw bida sa kalsada sa pagtutol sa Chacha. Nakahandang "isantabi" ng mga magkaaway na paksyon ng Kaliwa ang kanilang bangayan para "magsama-sama" sa mga malalaking multi-sektoral na pagkilos kasama ang mga "presidentiables" ng oposisyon.
Pero hindi ganito ang kanilang kasigasigan ng full mobilization, "work stoppage", nation-wide mass actions at higit sa lahat, ng "joint mobilizations" ng mag-long march at hunger strike ang mga magsasaka noong 2007 at 2008 para sa "reporma sa lupa" (CARPER). Hindi nanawagan ang BMP ng work stoppage. Walang multi-sectoral nation-wide protests at joint mobilizations. Nagkanya-kanya ng pagkilos ang bawat paksyon ng Kaliwa. Ganun din ang mga maoista sa kanilang "pakikibaka" na isabatas ang kanilang bersyon ng "reporma" sa lupa (GARB). Naiwang "nag-iisa" sa pakikibaka ang masang magsasaka. Salamat na lang at "iniligtas" sila ng Simbahan -- ang isa sa pinakamalaking panginoong maylupa sa Pilipinas.
Nang magtanggalan ang mga kompanya ng libu-libong manggagawa noong 2007-2008, nang pinilit ng mga kapitalista na bawasan ang sahod ng manggagawa sa pamamagitan ng work rotation walang nanawagan ng work stoppage sa BMP, PM, APL, Makabayan at KMU; walang mga malakihang martsa sa mga export processing zones mula sa "organisadong base" ng Kaliwa. Walang nation-wide, coordinated protests actions; walang joint mobilizations. Iniwanan ng Kaliwa ang mga manggagawa. Ang mababasa lamang natin ay mga press releases at statements at nakikita lang ay ang panaka-nakang maliitan at hiwa-hiwalay na mobilisasyon ng kanilang "base" bilang "suporta" sa nakibakang manggagawa.
Mas masahol sa lahat, ang mga alyadong politiko ng Kaliwa mula sa oposisyon ay pipi at bingi sa naranasang atake ng uri mula sa kanilang mga kapitalistang amo at paksyong Arroyo.
Pero ngayon, heto silang lahat: nanawagan ng full mobilizations at araw-araw na protesta sa kalsada sa usapin at isyu na wala namang halaga sa masang anakpawis. Luma o bagong Konstitusyon, Con-Ass o Concon, ngayon o matapos ang eleksyon sa 2010, ang Konstitusyon ng kapitalistang estado ay para ipagtanggol ang mapagsamantalang sistema. Habang ang interes ng manggagawa ay wakasan ang pagsasamantala; wakasan ang paghari ng mga kapitalista.
Para sa mga rebolusyonaryo at komunista sa Pilipinas, hindi lang ang paksyong Arroyo ang mortal na kaaway ng aping mamamayan kundi ang buong naghaharing uri kasama na ang burges na oposisyon at ang Kaliwa ng kapital. Hindi ang usapin ng Konstitusyon ng kapitalistang estado ang mitsa para sa rebolusyonaryong pagkilos ng masang anakpawis kundi ang kanilang araw-araw na masaklap na karanasan sa pagawaan at sakahan. Ito ang mitsa para sa pampulitikang pakikibaka na ang layunin ay ibagsak ang estado hindi para palitan lamang si Arroyo sa Malakanyang. Ang kilusang maka-Chacha o anti-Chacha NGAYON NA ay kapwa kilusan ng burgesya hindi ng manggagawa.
Talyo, 09.06.2009
Ngayong araw na ito inilibing ang tinagurian ng burges na media na "icon of democracy", "bayani ng mga Pilipino". Ang sinaluduhan ng Kaliwa na "anti-pasistang" personalidad. Ngayong araw na ito inilibing ang isang taong kabilang sa naghaharing uri, naging presidente ng mapagsamantalang kapitalistang estado mula 1986 hanggang 1992.
Hindi na natin iditalye dito kung sino si Corazon Cojuangco Aquino. Labis-labis na ang ditalyeng sinasabi ng buong mapagsamantalang uri sa kanya. Labis-labis na ang mga papuring binanggit ng media, administrasyon, oposisyon at Kaliwa sa kanya. Ang ating isulat dito ay kung ano ang kanyang ginawa bilang tagapagtanggol ng bulok na sistema.
Binalik ni Cory Aquino ang demokrasya
Ang pagbabalik ng demokrasya sa Pilipinas ang bag-as ng lahat ng papuri kay Aquino. Mula sa diktadura ni Marcos ay naging demokratiko muli ang Pilipinas.
Ano ba ang sinasabing demokrasya? Ayon sa mga libro na itinuro sa atin ng burgesya, ang demokrasya ay paghahari ng mayorya. Ang demokrasya ay ang pananaig ng boses ng nakararami. Sa kongkreto, ito ay paghalal ng taumbayan ng mga taong mamuno sa kanila, karapatan sa pag-organisa, pagtitipon, pamamahayag, at iba pang mga karapatang pantao.
Subalit kahit sa depinasyon ng burgesya ng kanilang demokrasya, sablay na ang anim na taong pamumuno ni Cory.
Totoong binalik ni Aquino ang demokrasya sa Pilipinas. Ngunit ang demokrasyang ito ay hindi bago. Ang demokrasyang ito rin ang pinatupad mula ng "pinalaya" ng imperyalistang Amerika ang Pilipinas matapos ang WW II. Ang tawag dito ng Kaliwa ay "elitistang demokrasya", na isa ring mistipikasyon dahil nais nitong linlangin ang manggagawa at maralita na mayroong "demokrasyang bayan". Kaya naman bukambibig ng Kaliwa na ang umiiral na demokrasya sa Pilipinas kahit sa panahon ni Cory ay "elitistang demokrasya" at patuloy na nakibaka ang Kaliwa para sa "demokrasyang bayan".
Kung susundan lang natin ang hungkag na depinasyon ng Kaliwa, kinakain nila ang kanilang sinusuka. Ang kanilang sinasaluduhan ay ang "elitistang demokrasya" na binalik ni Aquino! At sa harap ng labi ni Aquino ay "nanumpa" ang ilan sa kanila na "ipagtatanggol" nila ang demokrasyang sinimulan ni Cory!
Kung sabagay, hindi naman totoo na may elitista at demokrasyang bayan. Kaya hindi nakapagtataka kung ipagtatanggol ng Kaliwa ang demokrasya ni Aquino.
Ang demokrasya ay isang anyo ng diktadura ng naghaharing uri
Kadalasan, kinukumpara ng burgesya ang diktadura ng isang tao, diktadurang militar sa demokrasya. Ang una ay kasuklam-suklam, habang ang huli ay ang layuning kailangang makamit sa pakikibaka ng masa. Pero dinagdagan pa ito ng Kaliwa: habang hindi sila ang nasa kapangyarihan, ang umiiral na demokrasya ay "elitista". Pero kung sila na ang nasa kapangyarihan, tinatawag na nila itong "demokrasyang bayan". Mas naging komplikado pa ito: dahil maraming paksyon ang Kaliwa na parang kabute na umuusbong at nagpapaligsahan, nagbabangayan, ang "demokrasyang bayan" ay nakasalalay kung aling paksyon ng Kaliwa ang nasa kapangyarihan. Ang wala sa kapangyarihan ay hindi tatanggapin na "demokrasyang bayan" ang ipatutupad ng kanilang karibal na paksyon. Sa madaling sabi, mauuwi lang sa panibagong labanan ng iba't-ibang paksyon sa loob ng nanghaharing uri ang usapin ng demokrasya.
Bilang mga marxista at rebolusyonaryo, alam natin kung ano ang tunay na kahulugan at kongkretong anyo ng demokrasya. Ang demokrasya ay isang anyo ng makauring diktadura ng burgesya para patuloy na maghari sa lipunan at patuloy na magsamantala sa masang anakpawis.
Ang pasismo, nazismo, diktadurang militar at mga kahalintulad nito ay ang kabilang anyo ng makauring diktadura ng mapagsamantalang uri. Sa madaling sabi, sa panahon ng imperyalismo mayroong dalawang anyo ng diktadura na pinaiiral ang kapitalismo, depende kung kalian nila ito angkop na gagamitin: diktadura ng isang tao o isang paksyon at demokrasya.
Sa dalawang tipo ng diktadura, ang huli ang matindi ang mistipikasyon at madaling makapanloko sa pinagsamantalahang masa.
Dahil iisang bagay lamang ang ating pinag-uusapan -- makauring diktadura ng burgesya - na may dalawang anyo, may diyalektikal na relasyon ang mga ito. Ang diktadura ng isang tao o isang paksyon ay nagpapatupad din ng mga demokratikong palamuti habang ang demokrasya ay nagpapatupad din ng pasismo, brutal na panunupil o ang sinasabi nating militarisasyon. Ibig sabihin, hindi nawawala sa dalawang anyo ng diktadura ang panunupil at brutalidad ng isang mapagsamantalang kaayusan dahil ito ang kalikasan ng estado laluna kung nasa panahon na ng pagkabulok ang sistema.
Ang diktadurang Marcos ay nagpatupad ng mga eleksyon at iba pang mapanlinlang na mga reporma. Ang demokrasya ni Aquino ay nagpatupad ng total war policy. Hindi ito kataka-taka. Kahit sa pandaigdigang saklaw at sa kasaysayan, ang demokratikong Kanluran ay magkatumbas lamang ang panunupil at pang-aapi sa Stalinistang Silangan laban sa manggagawa at mamamayan.
Hindi pa naglaho sa ating alaala kung paano minasaker ng demokratikong Amerika ang mga gerilyang Hukbalahap matapos ang WW II. Hindi pa natin nakalimutan ng binomba ng atomika ng Amerika ang Hiroshima at Nagasaki kung saan hanggang ngayon ay pinagdusahan pa ng ilang henerasyon.
"Salamat Cory"
Ito ang mga katagang pinu-popularisa ng media at burgesya. Sa mga katagang ito nais ng naghaharing uri na ikintal sa utak ng malawak na masa na napakalaki ng utang na loob ng huli kay Cory.
Ito ay malaking kasingungalingan!
Walang dapat ipagpasalamat ang mga pinagsamantalahan at inaapi kay Aquino. Katunayan, sa panahon ng kanyang panunungkulan ay naranasan ng taumbayan ang labis na demoralisasyon dahil ang kanilang ekspektasyon matapos ang "People Power 1" ay hindi na-realisa. Nanatiling mahirap, inaapi at pinagsamantalahan ang karamihan.
Si Aquino at ang kanyang Konstitusyon na siyang nagtayo ng demokratikong anyo ng diktadura ng naghaharing uri ang dahilan kung bakit nakabalik sa kapangyarihan ang mga alipures ni Marcos. At higit sa lahat, dumami ang mga apelyido mula sa mapagsamantalang uri na naghahari ngayon sa estado at kongreso.
Hindi ang masang anakpawis ang nagpasalamat kay Cory kundi ang buong naghaharing uri kasama na ang Kaliwa ng burgesya. Dahil kay Cory ay at sa kanyang demokrasya ay nakapasok sa kapitalistang estado ang Kaliwa upang maghasik ng kontra-rebolusyonaryong repormismo sa loob ng kilusang masa.
Si Corazon Aquino at ang kanyang Konstitusyon ang nagluklok kay Ramos, Estrada at Gloria sa Malakanyang. Ang demokrasya ni Aquino ang dahilan ng salitan ng iba't-ibang paksyon ng naghaharing uri sa kapangyarihan. Ito ang makauring kahulugan ng demokrasya.
Sa isang makauring lipunan, ang naghaharing ideolohiya ay ang ideolohiya ng mga mapagsamantala. Pumapasok ito kahit sa loob ng pinagsamantalahang mga uri. Ito ang tagumpay ng Corymania. Ito ang nangyari kasabay ng pagpanaw ni Aquino.
Talyo, Agosto 5, 2009
Pahayag sa taong 2009
Para sa manggagawang Pilipino
Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.
Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng "pagkakaisa" at "pagsantabi ng pamumulitika" para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.
Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng "pagbabago ng sistema", "sosyalismo", "demokrasyang bayan" o "gobyernong bayan". Ang komon na linya ng iba't-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido "komunista".
Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.
Marxistang Paninindigan
Kailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.
Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado - ito man ay demokratiko o "sosyalista" - sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.
Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka - ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.
Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa - direkta o indirekta, estratehiko o taktikal - sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang "anti-imperyalistang" pambansang burgesya.
Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.
Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.
Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay "diktadura", "demokratiko" o "sosyalista". Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.
Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.
Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!
Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid - ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo - para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo - internasyonalismo.
MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO, MAGKAISA!
Enero 1, 2009
Pinaghandaan talaga ni Gloria ang kanyang SONA speech. Pinalakpakan ito ng ilang daang mga alipures niya sa bulwagan ng mga baboy habang milyun-milyong mamamayan ang walang interes na pakinggan ito o kung nagkainteres man ay hindi ito maunawan, hindi dahil hindi sila makaintindi ng English kundi hindi nila naramdaman at nakikita ang kanyang mga sinasabi.
Pero huwag mabahala dahil hindi naman talaga para sa masa ang kanyang "palabang" SONA kundi para sa kanyang mga karibal na paksyon sa loob ng naghaharing uri - burges na oposisyon at Kaliwa at para sa buong naghaharing uri mismo. Hindi bobo si Gloria. Alam niyang hindi na naniwala ang masang manggagawa at maralita sa kanyang SONA sa loob ng 8 taon.
"Palabang" SONA: Laban sa mga karibal ni Gloria
Sa totoo lang, ang siyam na SONA ni Gloria ay walang kaibahan sa istilo ng mga presidenteng kanyang nasundan mula pa noong naging "malayang" bansa ito matapos ang WW II: laging puno ng kasinungalingan at exaggeration ng mga datos para ipakitang mas magaling ang kasalukuyang CEO ng kapitalistang estado kaysa kanyang mga nasundan. Kaya naman, ang mga SONA ay laging punung-puno ng "pag-unlad" at "pag-ahon" sa kahirapan ng masang anakpawis.
Ang kapansin-pansin ay ang "palabang" istillo ng kanyang SONA. Ayon sa isang komentarista sa TV, iyon malamang ang pinaka-palabang SONA ni Arroyo. Ano ang nais iparating ni GMA?
Liability hindi na asset si Arroyo
Kung ang consensus ng karamihan ng naghaharing uri sa Pilipinas ang suriin, isa ng liability si Gloria bilang pangunahing tagapagtanggol ng kapitalistang estado. Sa kanyang termino bumilis at dumami ang nawawalan ng tiwala sa mga demokratikong mistipikasyon laluna sa usapin na walang kaibahan ang lahat ng politiko - administrasyon at oposisyon - at wala ng kabuluhan ang eleksyon.
Ito ang kinatatakutan ng lahat ng paksyon ng naghaharing uri: lubusang mawala ang tiwala ng masa sa demokratikong anyo ng diktadura ng burgesya, ang huli at pinaka-epektibong maskara ng estado para itaboy ang manggagawa at maralita sa rebolusyonaryong pakikibaka para sa sosyalismo.
Kaya dapat ng palitan si Arroyo sa pamamagitan ng isang popular, kapani-paniwala at demokratikong eleksyon. Bagama't hindi nawawala sa equation ang marahas na pagpapaalis sa kanya, hindi ito ang consensus ng buong naghaharing uri sa Pilipinas dahil alam nila na ang marahas na labanan sa kanilang hanay ay mahubaran lamang lalo sa mata ng publiko na walang pagkakaiba ang Kanan at Kaliwa - kaaway ng masang api at pinagsamantalahan.
Lumalaban si Gloria
Alam na rin ito ni Gloria na isa na siyang liability. Pero lumalaban siya. At yan ang sentral na laman ng kanyang ika-9 na SONA.
Ano ang mensahe niya para sa kanyang mga karibal at buong naghaharing uri:
1. "Hindi ninyo ako kaya!". Ilang beses ng tinangka ng alyansang burges na oposisyon, rebeldeng militar at Kaliwa na patalsikin siya sa kapangyarihan sa loob ng 8 taon ngunit bigo ang kombinasyon na lakas ng huli. Hindi dahil may suporta si Gloria mula sa malawak na masa kundi dahil walang tiwala ang masa sa mga karibal ni Arroyo. Tumataas din ang kamulatan ng ordinaryong manggagawa. Alam niya na ang pagpalit-palit ng tao sa Malakanyang ay hindi solusyon sa kanyang problema. Sa halip, lalo pang bumigat ang pasan niyang kahirapan. Kung hindi man niya ma-articulate ang ibig niyang sabihin, alam ng mga marxista kung ano ito: HINDI KUNG SINO ANG UUPO SA ESTADO ANG PROBLEMA. ANG PROBLEMA AY ANG ESTADO MISMO!
Katunayan, ang "popular" na mga rebeldeng militar gaya ni Honasan at Trillanes ay naging bahagi na ngayon ng kapitalistang estado. At susunod sa kanilang yapak ang mga "bagong popular" na rebeldeng militar - Gen. Lim at Querubin.
Ang mensahe ni Gloria para sa kanyang uri: "Panginoong naghaharing uri, ako pa rin ang pinakamalakas na CEO kaysa aking mga karibal. Nawa'y pakinggan ninyo ako".
2. "Nagawa kong ipagtanggol ang estado at sistema sa pinakamabisang paraan!". Pinagyabang ni Gloria na mas magaling siya sa kanyang mga karibal at maging sa nagdaang mga rehimen kung paanong pigain sa maksimum ang lakas-paggawa ng populasyon para magkamal ng labis na halaga. Aroganteng sinabi niya na "ang hindi ninyo nagawa ay nagawa ko!": patindihin ang pagsasamantala at igapos ang manggagawa sa kadena ng legalidad ng pakikibaka. Sa ganitong punto, nakalimutan ni Arroyo na magpasalamat sa Kaliwa at mga unyon bilang kanyang "silent partner" kung paano ikinulong ang masa sa kapitalistang legalidad. Nagawa ni Arroyo ang "pinakamabisang paraan" sa pagtatanggol sa estado dahil sa kanyang panahon pinakamarami ang nasa Kaliwa na pumasok dito.
3. "Kailangan pa ninyo ako!". Ito ang panghuling bigwas ni Gloria sa buong naghaharing uri sa Pilipinas na siyang nagdedesisyon kung sino ang paupuin sa Malakanyang bilang CEO sa kapitalistang estado. "Hindi ako liability, nanatili akong asset ng sistema!".
Mas iigting na labanan at mas matalas na tunggalian sa loob ng naghaharing uri
Ang mga ito ang dasal ni Gloria para sa kanyang panginoon. Pero tiyak hindi papayag ang kanyang mga karibal na ganid sa kapangyarihan tulad niya at hinihingi din ang basbas ng buong naghaharing uri.
Mas titindi at tatalas ang labanan sa pagitan ng paksyong Arroyo sa isang banda at ng burges na oposisyon, rebeldeng militar at Kaliwa sa kabilang banda. Ang tunggalian nila ay maaring hahantong sa karahasan kung hindi ito maaayos sa halalan sa susunod na taon.
Ang labanan nila ay tulad ng labanan ng mga tigre o cannibal na nag-aagawan kung sino ang lalapa sa katawan ng masang anakpawis na nakagapos sa puno ng kapitalismo. Sa panlabas, ang tawag dito ay: sino ang "tunay" na kinatawan ng masang anakpawis.
May isa pang salik: Ang Kanan ay nahati-hati din sa maraming paksyon. Mismong ang paksyong Arroyo ay marami ang naglalaway na makaupo sa Malakanyang. Ganun din ang Kaliwa: nahati-hati sa maraming paksyon. Parang mga relihiyon. Bawat paksyon ay nagsisigaw na "kami ang tunay na kinatawan ng taumbayan!", "kami ang tunay na makabayan!", "kami ang tunay na demokratiko!".
Sa balanse ng pwersa sa pagitan ng administrasyon at oposisyon, mas ginigipit ngayon ang oposisyon na pansamantalang "magkaisa" para matalo nito ang administrasyon. Ang malaking problema nila: watak-watak sila at parehong hayok sa kapangyarihan; nagagamitan sa isa't-isa para sa pansariling interes.
Antabayanan natin ang royal rumble ng mga paksyon at sub-paksyon ng mapagsamantalang uri bago, sa panahon at pagkatapos ng eleksyon sa 2010. Kaya lang, sa bawat salpukan ng mga paksyon ito, gagamitin nila ang masa. Sa bawat tulakan at bigwasan nila, ang masang anakpawis ang laging biktima at naapakan.
Sagot ng rebolusyonaryong manggagawa: Hindi namin kailangan ng kinatawan!
Malinaw ang tindig dito ng rebolusyonaryong manggagawa: HINDI NAMIN KAILANGAN NG KINATAWAN. KAMI MISMO ANG KAKATAWAN SA AMING SARILING URI!
Malinaw ang sagot dito ng mga mulat na pinagsamantalahang uri na hindi manggagawa: HINDI KAMI SUSUNOD SA LIDERATO NG ALINMANG PAKSYON NG BURGESYA! ANG LIDERATO AT PROGRAMANG SUSUNDIN NAMIN AY SA URING MANGGAGAWA, ANG MAY ISTORIKAL NA MISYON PARA WAKASAN ANG BULOK NA KAAYUSAN!
Berto Dimasalang, 07.28.09
Narito na ang pinakahihintay ng lahat ng mga kasama at nagsusuring mga elemento sa Pilipinas: ang paglabas ng Internasyonalismo, ang pahayagan ng Internasyunal na Komunistang Tunguhin sa Pilipinas.
Ang laman ng unang isyu (Enero-Hunyo 2009) ay ang sumusunod:
Editoryal
Proletaryong Programa Ngayon: Komunismo
Bagong Henerasyon ng Manggagawa: Palaban sa Pakikibaka
Kasinungalingan ang Pambansang Kalayaan sa Panahon ng Imperyalismo
Usaping Cha-Cha: Usapin ng Burgesya Hindi ng Manggagawa
Repleksyon Hinggil sa Kaliwa sa Pilipinas
Ito ay nasa attachment at naka-PDF format. Maari kayong mag-download ng libreng PDF reader (acrobat reader) sa internet para mabasa ninyo ang Internasyonalismo, bilang 1.
Inanyayahan namin kayo na i-print ang Internasyonalismo, pag-aralan, komentohan, magmungkahi at higit sa lahat, ipamahagi sa iba pang seryosong mga nagsusuring elemento laluna sa hanay ng masang manggagawa.
Maraming salamat.
Attachment | Size |
---|---|
![]() | 1 byte |
Mula ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang naaagnas na yugto noong 1980s, sunod-sunod at palala ng palala ang mga mapaminsalang digmaan at natural na kalamidad. Bilyun-bilyong dolyares at milyun-milyong mamamayan sa buong mundo ang biktima.
Nitong nakaraang mga araw, sunod-sunod ang trahedya sa mundo: lindol at tsunami sa Samoa, lindol sa Indonesia at bagyo at baha sa Pilipinas.
Pilipinas: matinding apektado
Bilang isang atrasadong kapitalistang bansa, matindi ang epekto ng lokal na digmaan at mapaminsalang kalamidad sa Pilipinas. Sa loob ng halos 30 taon, binabayo ang bansa ng walang humpay na dislokasyon at pagkasira ng ari-arian.
Ang pinakahuli at naging media sensation ay ang bagyong Ondoy kung saan ang kabisera ng bansa (Metro Manila) mismo ang pinakamatinding napinsala. Sa loob ng 40 taon, ito ang pinakamatinding hagupit ng bagyo sa kabisera. Halos buong Metro Manila ay lubog sa baha at mahigit 300 ang patay. Hindi pa kasama ang daang libong mamamayan na nakaranas ng dislokasyon. At sinundan pa ito ng bagyong Pepeng at isa pang papasok na bagyo.
Ipokrisya ng estado at naghaharing uri
Sinamantala ng estado at naghaharing uri ang pinsala at hirap na naranasan ng mamamayan. Nag-aastang "tagapagligtas" ang Malakanyang, media at mga pulitiko. Sinakyan naman ito ng Kaliwa. Lahat sila ay "lumuluha" at "nagdalamhati" sa dinanas ng naghihirap na mamamayan.
Naging batayan din ito ng kompetisyon ng dalawang pinakamalaki at pinakamayamang media institutions sa bansa - ABS-CBN at GMA-7.
Milyun-milyong piso at materyal na suporta ang bumaha sa mga binahang lugar. Pera at kagamitan na hindi naman talaga galing sa sariling bulsa ng gobyerno, kapitalista at mga pulitiko kundi galing din sa kaban ng bayanat libreng paggawa na hinuthot ng mga gahaman sa tubo. Salamat sa media, nagawa nitong i-project na may "makataong" puso ang mga mabangis na buwaya at buwitre sa bansa.
Mga gawaing pilantropo ang tanging solusyon ng estado at naghaharing uri sa mga kalamidad. "Ceasefire" naman sa makauring pakikibaka ang sagot ng Kaliwa sa gitna ng kalamidad. Hinahatak nila ang kanilang "baseng masa" at rekurso sa mga gawaing pilantropo gaya ng ginagawa ng mga kaaway sa uri.
Lumalalang pagkasira ng kalikasan: bunga ng kapitalistang kompetisyon
Global warming, environmental destruction, pollution, etc. Ito ang sinasabing dahilan ng burgesya sa nararanasang lumalalang kalamidad sa mundo ngayon. Ayon mismo sa UN, mahigit 2 bilyung mamamayan sa mundo ang direktang apektado sa mga baha at bagyo.
Subalit ang itinatago ng mga "tagapagligtas" na ito ay ang katotohanang patuloy na nasisira ang kalikasan dahil sa walang humpay at matinding kompetisyon ng mga pambansang kapital para sa mabilis na kumikipot na pandaigdigang merkado. Tubo ang nagtulak sa mga ito sa mabangis na kompetisyon. Maliban sa matinding pagpiga sa lakas-paggawa at pagsasamantala sa manggagawa, walang awang sinisira nito ang kalikasan para lamang sa tubo. Walang pakialam ang mga kapitalista o kung nababahala man sila ay hindi rin nila mapigilang patuloy na sirain ang kalikasan dahil sa intensyong magkamal ng tubo at makakuha ng malaking porsyon sa kumikitid na pandaigdigang pamilihan.
Industrial waste, industrial pollution, soil erosion, etc. Ito ang mga epekto ng kapitalistang kompetisyon na naipon sa loob ng ilang daang taon. Ang mga ito ang dahilan ng global warming.
Hindi "political will" at "good management" ang solusyon sa mga ito. Ilang mga rehimen na ang nagpalit-palit sa estado; ibat-ibang paksyon na ng naghaharing uri ang nakaupo sa kapangyarihan. Lahat sila ay nangakong "aayusin" at "pangalagaan" nila ang kalikasan. Kaya popular ngayon ang "environment-firendly" products, "green economy" at international conferences na dinaluhan ng mga estado, private companies, NGOs, repormistang organisasyon gaya ng Greens, at maging ng Kaliwa para pag-usapan paano isalba ang mundo.
Ibat-ibang "environmental agreements at policies" ang binuo. Isa na dito ang Kyoto protocol. Subalit ang lahat ng ito ay walang kabuluhan sa kabila ng ummunlad ng teknolohiya ng kapitalismo. Bakit? Dahil ang teknolohiya ng bulok na sistema ay nagsisilbi sa war economy (military-industrial complex) at para isagad ang pagpiga sa libreng lakas-paggawa.
Kaya magkakambal at hindi maaring paghiwalayin sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ang inter-imperyalistang digmaan at "pambansang" digmaan at ang paninira sa kalikasan.
Wala ng saysay at kabuluhan ang anumang "matatalas" na batas para ipagtanggol ang kalikasan. Katunayan, ang bilyun-bilyong badyet ng mga estado sa mundo para dito ay nasasayang lamang hindi lang dahil sa korupsyon kundi dahil sa paulit-ulit at palala ng palala na mga kalamidad.
May pag-asa pa ba o magugunaw na ang mundo?
Kung mananatili o tatagal pa ng ilang dekada ang kapitalismo, tiyak na ang pagkagunaw ng mundo ang hahantungan. PUMAPATAY ang kapitalismo at patuloy itong papatay. Kasama na dito ang mapamaslang na mga kalaminad, sakuna at aksidente sa pagawaan.
Totoong hindi kayang pigilan ang mga natural na kalamidad. Subalit, kayang-kayang bawasan sa pinakaminimum ang mga mapaminsalang epekto nito. Bakit? Dahil ang pag-unlad ng mga produktong pwersa at teknolohiya ay may sapat na kakayahan para dito. Pero, pinipigilan ito ng nabubulok na mga relasyon sa produksyon; ng mga kapitalistang panlipunang relasyon.
Hindi kaya at walang kapasidad ang nabubulok na kapitalismo na isalba ang mundo mula sa ganap na pagkasira. Katunayan, ito na mismo ang pangunahing dahilan kung bakit nagkaganito ang daigdig ngayon.
Ang kailangan ngayon ay ibagsak ang sistema at ang estadong nagtatanggol dito para maligtas ang mundo sa tuluyang pagkawasak.
At ang tanging makagawa nito ay ang pagsulong ng makauring pakikibaka ng manggagawa laban sa kapitalismo.
Isang kriminal at mamamatay-tao ang kapitalismo. Kailangan na itong wasakin. At para mawasak ito, kailangang durugin ng pinagsamantalang mga uri, sa pamumuno ng uring manggagawa ang estado na nagtatanggol dito.
Tama at kailangan lamang na magtulungan sa panahon ng mga trahedya. Katunayan, ito lagi ang ginagawa ng masang api sa kanilang sariling uri. Nagtutulungan sila laluna sa panahon ng pakikibaka. Pero ang pagtutulungang ito ay nais ilihis ng naghaharing uri at Kaliwa sa panahon ng mga sakuna at trahedya. Pinagsamantalahan ng mga ito ang demoralisasyon at panghihina ng mahihirap dulot ng pamiminsala ng mga kalamidad. Tinutulak nila ang masa na sumandal at umasa sa estado, mga pulitiko at kapitalista.
Kung hindi mananalo ang internasyunal na proletaryong pakikibaka laban sa kapitalismo sa milenyong ito, malaki ang posibilidad na pagkagunaw ng mundo o kaya pagkasira ng sangkatuhan at sibilisasyon ang maranasan natin sa susunod na milenyo.
Lubhang napakabigat ng responsibilidad ng mga komunistang organisasyon para palakasin ang kanilang interbensyon sa loob ng kilusang paggawa sa buong daigdig.
SOSYALISMO o PAGKASIRA NG MUNDO. Ito ang pagpipilian ng sangkatauhan ngayon.
Talyo, 10-5-09
Hunyo 12, araw ng "pambansang kalayaan" ng Pilipinas ay makitaan ng mga pagdiriwang at protesta. Pagdiriwang ng naghaharing paksyon ng burgesyang Pilipino na maka-imperyalistang Amerikano at protesta ng kabilang paksyon na laban sa imperyalistang Amerika.
Magkaiba man ang pananaw. Iisa ang kanilang paniniwala: buhay pa at kailangan ang "pambansang kalayaan" para uunlad ang "bayan". Ang una, nagsasaboy ng mistipikasyon na "malaya" na ang Pilipinas mula sa kontrol ng makapangyarihang dayuhang mga bansa. Ang huli, nagsisigaw na hindi pa dahil kontrolado pa rin ang Pilipinas ng imperyalistang Amerika subalit matatamo ito kung mapatalsik sa bansa ang imperyalistang kontrol ng huli.
Sa panahon ng imperyalismo, walang malayang bansa at imposible na itong mangyari
Ang pagtatayo ng isang bansa ay makauring interes ng burgesya hindi ng proletaryado. Ang proletaryado ay walang pambansang interes. Ang tanging interes lamang nito ay itayo ang isang nagkakaisang sangkatauhan na walang mga bansa, uri at pagsasamantala - ang komunismo.
Para sa uring kapitalista ang bansa ang instrumento upang ipatupad ang kanyang paghari sa mundo.
Sa 19 siglo, sa panahon na progresibo pa ang kapitalismo, sa panahon ng malayang kalakalan, ang pagtatayo ng mga bansa ang kongkretong manipestasyon ng pagdurog ng kapitalismo sa pyudalismo. Kaya naman isang rebolusyonaryong uri ang burgesya sa panahon ng mga kahariang pyudal.
Nang ganap ng makontrol ng kapitalismo ang buong mundo sa pamamagitan ng kolonisasyon at pagbuo ng pandaigdigang pamilihan hanggang sa tuluyan itong kumipot sa pagpasok ng 20 siglo, natapos na ang pagiging rebolusyonaryo ng burgesya at ganap na itong naging reaksyunaryo. Nag-iba na ang katangian ng kapitalismo bilang pandaigdigang sistema. Naging imperyalismo na ito. Ang hudyat ng kanyang pagbabago ay ang mapaminsalang imperyalistang WW I sa 1914. Magmula noon, ang mundo ay napuno na ng mga walang hinto at palalang kahirapan, digmaan, kaguluhan at pagkasira ng kalikasan. Ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang imperyalistang katangian ay nasa kanyang permanenteng krisis na, nasa kanyang dekadenteng yugto.
Ito ang esensya ng ‘Imperyalismo: Pinakataas na Yugto ng Kapitalismo' ni Lenin at ‘Akumulasyon ng Kapital' ni Luxemburg. Sa teorya at praktika, mas matalas at komprehensibo ang Marxistang pagsusuri ni Luxemburg kaysa kay Lenin.
Sa imperyalismo hindi mabubuhay ang isang bansa kung hindi ito magsasamantala sa ibang bansa o kung hindi sasandal ang mahihina sa makapangyarihang bansa. Kailangan ang mga ito dahil kailangan ng lahat ng mga bansa ng isang pamilihan sa kumikipot na pandaigdigang merkado. Itinutulak ito ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon. Gamit ang burges na ideolohiyang nasyunalismo at pagmamahal sa bayan nagawa ng burgesya na ihasik ang mapamuksang digmaan (militar at ekonomiya) para makontrol ng malalakas ang mahihinang mga bansa at para maagaw ng isang malakas na bansa ang mahihinang mga bansa mula sa kontrol ng kanyang mga karibal. Dahil sa mga ideolohiyang ito nagawang itulak ng naghaharing uri na hatiin at magpatayan ang uring manggagawa sa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan at sa mga "digmaan para sa pambansang pagpapalaya".
Obligadong sumandal ang mahihinang mga pambansang burgesya sa malalakas na pambansang burgesya para manatili sa nakamamatay na kompetisyon ng pamilihan. Ang mahihinang pambansang burgesya ay laging naghahanap at handang magpalit ng kanyang imperyalistang amo kung kinakailangan para lamang maproteksyunan ang kanyang pambansang kapital. Ang masahol pa, kahit ang mahihinang mga bansa ay nag-aambisyon din at aktwal na nga na ginagawa ang pagsasamantala sa mas mahinang mga bansa para makaungos sa mapaminsalang pandaigdigang kompetisyon. Ibig sabihin, ang pagsasamantala sa ibang mga bansa o pagsisikap na gawin ito ay hindi polisiya ng ilang makapangyarihang mga bansa kundi polisiya ng LAHAT ng mga bansa kung ayaw nilang magkalasog-lasog sa matinding kompetisyon sa panahon ng permanenteng krisis ng sobrang produksyon at walang hintong pagkipot ng pandaigdigang pamilihan. Ito ang katangian ng imperyalismo.
Sa panahon ng madugong kompetisyon ng lahat ng mga bansa para sa pamilihan, ang palaging naargabyado ay ang uring manggagawa. Para makaungos sa kompetisyon, mas pinatindi ng mga pambansang kapital ang pagsasamantala sa proletaryado sa mahina o malalakas na mga bansa, sa atrasado at abanteng bayan.
Isang malaking kasinungalingan na isang malayang bansa ang Pilipinas o may posibilidad pa na lalaya ito mula sa imperyalistang kontrol hangga't naghahari ang kapitalismo sa buong mundo. Maaring magpasya ang burgesyang Pilipino na kumalas sa kontrol ng humihinang imperyalistang Amerika. Subalit hindi ito makakawala sa kontrol ng imperyalismo bilang pandaigdigang sistema dahil ang pambansang kapitalismo ay ganap ng integrado sa pandaigdigang bulok na kaayusan.
Sapat na ang masaklap na karanasan ng mga manggagawa sa "lumayang" mga bansa mula WW II para maunawaan ng mga rebolusyonaryo na ang mga bansang "lumaya" mula sa kuko ng agila (Amerika) ay napunta sa mga pangil ng tigre (USSR) at vice-versa.
Matapos mawasak ng dalawang pandaigdigang imperyalistang Bloke - USA at USSR - noong unang bahagi ng 1990s, mas lumala ang kompetisyon ng mga imperyalistang bansa: Hinahamon ng imperyalistang China sa Asya at Aprika, ng imperyalistang Iran sa Gitnang Silangan, ng imperyalistang Venezuela sa Latin at Central Amerika, ang humihinang kapangyarihan ng imperyalistang Amerika. Syempre, hindi basta-basta papayag ang Amerika sa hangarin ng kanyang mga karibal. Ang resulta: mas malala at mas malawak na mga rehiyonal at pambansang digmaan kung saan milyun-milyong inosenteng mamamayan ang sinakripisyo sa altar ng "nasyunalismo" at "patriyotismo".
Pag-iral ng mga bansa, patuloy na pag-iral ng pagsasamantala
Umiiral ang mapagsamantalang kapitalistang mga relasyon dahil umiiral ang mga bansa. Sa kabila ng katotohanan na isa ng pandaigdigang sistema ang kapitalismo at ganap ng naghari sa buong mundo sa panahon ng imperyalismo, humihinga ito sa pag-iral ng mga bansa. Ang pundasyon ng burgesya bilang naghaharing uri ay ang kanyang pambansang interes. Sa panahon ng imperyalismo at pandaigdigang kompetisyon laging sisikapin ng bawat paksyon ng pambansang burgesya na igiit ang kanyang kapangyarihan sa kanyang mga karibal.
Hangga't nariyan ang mga bansa at nangingibabaw ang ideolohiyang nasyunalismo at pagmamahal sa bayan laluna sa hanay ng uring manggagawa at kabataan, hindi maglalaho ang pagsasamantala at pang-aapi. Mas masahol pa, ang mga ideolohiyang ito ang sustansya ng mga digmaan sa kasalukuyan.
Lalaya lamang ang uring may istorikal na misyon na wakasan ang LAHAT ng pagsasamantala at pang-aapi kung lalaya sila mula sa pagkagapos ng burges na ideolohiya. Sa sandaling itakwil ng uring proletaryado ang mga kadena na gumagapos sa kanyang isipan, malinaw na niya na makikita na ang kanyang emansipasyon ay nasa kanyang sariling mga kamay hindi bilang isang Pilipino, Amerikano, Hapon, at iba pang "pambansang identidad" kundi bilang isang internasyunal na uri na ang tanging sentral na misyon ay durugin ang pandaigdigang kapitalismo na 100 taon ng hinog para ibagsak.
Isang KATRAYDURAN at PANLILINLANG sa uri kung sasabihin at ipagtanggol ng isang komunista o komunistang organisasyon sa harap ng malawak na masang manggagawa na ang "pakikibaka para sa pambansang kalayaan at demokrasya" ay daan patungong sosyalismo. Hindi magiging daan patungong sosyalismo ang burges na linyang ito na naaagnas kasabay ng pagkaagnas ng pundasyon nito - kapitalismo -dahil imposible na ito 100 taon na ang nakaraan.
Para wakasan ang pagsasamantala, kailangang wakasan ng proletaryado ang pagkakahati-hati ng kanyang uri sa mga bansa. Kailangang tapusin ng uring manggagawa ang dibisyon ng mga pambansang identidad. Ang tatapos dito ay ang pandaigdigang komunistang rebolusyon, ang tanging programa ng proletaryado sa panahon ng imperyalismo.
Proletaryong internasyunalismo ang epektibong sandata para madurog ang imperyalismo hindi nasyunalismo at patriyotismo gaano man ka radikal ang lenggwaheng gagamitin nito.
Tahasang kontra-rebolusyonaryo ang kasabihang ang "nasyunalismo ay aplikasyon ng internasyunalismo". Ito ang linya ng traydor na Ikalawang Internasyunal noong WW I. Ito ang linya ng traydor na Stalinismo at Trotskyismo noong WW II. At ito naman ang linya ngayon na sinisigaw ng mga burges na nasyunalistang nagbalatkayong komunista at marxista sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, kung saan lalong lumilinaw ang kawalan ng perspektiba ng pandaigdigang kapitalismo dahil nasasadlak ito sa lumalalim na permanenteng krisis na kagagawan mismo ng kanyang internal na mga kontradiksyon, ang TAMANG programa ng rebolusyonaryong uri ay hindi "pagtatanggol sa inangbayan" kundi PAGWASAK SA LAHAT NG MGA PAMBANSANG HANGGANAN.
Tulad ngsinabi namin sa aming ‘Pambansang Kalagayan sa 2008', lalupang lalala angkrisis ng pandaigdigang kapitalismo ngayong 2009. Katunayan, mabilis na itongnaramdaman ng manggagawang Pilipino pagpasok pa lang ng buwan ng Enero.Kabi-kabila na ang tanggalan ng mga manggagawa laluna sa export processingzones mula Clark, Subic, Cavite, Laguna, Baguio hanggang Cebu sa buwan ngEnero. Bukod sa libu-libong nawalan ng trabaho, ang may trabaho ay nagdurusangayon ng job rotation at reduction ng working day na walang ibig sabihin kundipagbawas ng kanilang kita. Hindi pa kasama dito ang umiinit pa lang natanggalan ng OFWs sa ibang mga bansa.
Ang tanggalanat iba pang atake ng kapital gaya ng workrotation at wage reduction ay titindi pa sa susunod na mga buwan.
Lahat ng mgapaksyon ng burgesya (Kanan at Kaliwa) ay naalarma at nabahala na babagsak angbulok na sistema sa pamamagitan ng pag-alsa ng naghihirap na masang manggagawa.Kaya naman lahat ng paksyon ng uring mapagsamantala ay nagtutulungan paramaisalba ang naghihingalong pambansang kapitalismo.
Sa entabaladong naghaharing uri, inaaliw nito ang masa sa isang maaksyong drama sa gitna ngkrisis kung saan ang kontra-bida ay ang nagharing paksyon (rehimeng Arroyo) atang bida ay ang oposisyon. Sa maaksyong dramang ito, nais itago ng director atscriptwriter (uring kapitalista) ang tunay na kalagayan ng krisis at ang tamanglandas na kailangang tahakin ng masang api. Nais ng naghaharing uri na manonodlamang at papalakpak ang uring manggagawa at masang maralita sa kanilang nakakabagotna palabas.
Ang tamangbalangkas sa pagsusuri sa krisis at paghahanap ng solusyon ay ang PANDAIGDIGANGBALANGKAS. Sa panahon ng imperyalistang katangian ng kapitalismo, LAHAT ngpambansang ekonomiya ay mahigpit na magkaugnay at natali sa pandaigdigangpamilihan. Ang anumang pananaw o konsepto na salungat dito ay naghahasik lamangng mistipikasyon at ilusyon sa hanay ng masang pinagsamantalahan.
Ang ugat ngkasalukuyang krisis ay ang krisis sa sobrang produksyon na nagsimula 40 taon naang nakaraan. Ang krisis ngayon ay akumulasyon lamang ng mga krisis nanagsimula pa noong huling bahagi ng 1960s. Hindi ito krisis na nagsimula ngipatupad ang polisiyang "globalisasyon" noong unang bahagi ng 1990s.
Mabilis nakumikipot ang pandaigdigang pamilihan sa kompetisyon ng mga pambansang kapitalmatapos ang reconstruction boom pagkatapos ng WW II. Pinagagalaw lamang angpandaigdigang ekonomiya dahil sa paglikha ng burgesya ng artipisyal napamilihan - pagpapautang sa mga atrasadong bansa para bilhin ang sobrangproduksyon mula sa Kanluran. Kung hindi dahil sa utang, matagal ng bumagsak angmga ekonomiya ng mga bansa sa ikatlong daigdig. Ang pagpapautang atpangungutang ang "solusyon" ng burgesya sa krisis sa sobrang produksyon nasumabog sa huling bahagi ng 1960s.
Angkasalukuyang krisis ng pandaigdigang kapital ay sinindihan ng krisis pinansyal- ang pagkalubog sa utang hindi lang ng mga bansa sa ikatlong daigdig kundi,higit sa lahat, sa mga bansa din sa Unang daigdig sa pangunguna ngimperyalistang USA.
Angpambansang ekonomiya sa Pilipinas ay pangunahing nabubuhay sa pangungutang.Babagsak ang ekonomiya ng bansa kung hindi ito mangungutang. Ang kaibahanngayon, ang mga bansang uutangan nito - USA, Japan, Uropa - aydumaranas ng resesyon at lubog din sa utang. Ang dati numero unong nagpapautangna Amerika noon ay numerounong may malaking utang na ngayon.
Nagkaroon ngkrisis sa sobrang produksyon dahil said na ang internasyunal na pamilihan. Saidna ito dahil nasakop na ng kapitalismo ang buong mundo magmula ng pumutok angWW I. Hindi na kayang bilhin ng populasyon ng mundo ang labis-labis naproduktong naiipon ngayon sa pamilihan sa panahon ng imperyalismo o dekadentengkapitalismo. Dalawa ang dahilan nito:
Una, dahilkalikasan ng kapitalismo na magkaroon lamang ng sahod ang uring lumilikha ngprodukto - manggagawa - kung lilikha ito ng labis na halaga. Ibig sabihin, nglabis na produktong lampas pa sa halaga ng sahod nito. Ang labis na halaga angpinagmulan ng tubo ng uring kapitalista. Kung walang labis na halaga, walangtubo. Kung walang tubo, wasak ang kapitalismo.
Ikalawa,dahil sa tumitinding kompetisyon (na katangian din ng sistema) para sa pandaigdigangpamilihan, naobliga ang mga kapitalista at bawat pambansang kapital na baratinang sahod ng manggagawa habang pinipiga ang kanilang lakas-paggawa na lumikhang maksimum na labis na halaga. Sa ganitong paraan lamang - mas murang halagang produkto dahil mas mura ang sahod at mas mataas na antas ng teknolohiya -mabibili ang produkto ng isang bansa sa pandaigdigang pamilihan.
Angdiyalektikal na relasyon ng dalawang salik sa itaas ang nagpatindi sa krisis sasobrang produksyon sa kasalukuyan.
Walang bagongsolusyon ang uring kapitalista sa kanyang krisis. Ang kasalukuyang solusyonnito ay ginawa na niya sa loob ng 40 taon. At ito pa rin ang resulta - masmatinding krisis.
Pangungutangat pagpapalaki ng public spending ang paraan ng burgesya ngayon para daw isalbaang naghihingalong sistema. Ang bail-out at stimulus package na ginagawa ngAmerika at iba pang mga bansa na lugmok sa krisis ay walang kaibahan sa esensyasa ginagawa nito noong 1930s. Wala itong ibang ibubunga kundi lalong kahirapansa mamamayan dahil ang huli ang papasan sa bailout at stimulus package nakukunin sa pangungutang at buhis. Ang paglaki ng public spending (di-produktibodahil di magkamal ng tubo) ng estado ay magbunga lamang ng malaking problema sakapitalistang gobyerno.
Ito ngayonang ginagawa ng rehimeng Arroyo - "patrabaho ni Pangulong Gloria", loans/tulongpinansyal at retraining sa natanggal na manggagawa, tax rebate, paghahanap ngmga bansang tatanggap pa ng OFWs sa mas murang sahod, at higit sa lahat,paghahanap ng mauutangan. Pero dahil atrasado ang ekonomiya ng bansa, masmahirap para sa Pilipinas na gawin ang ginagawa ng abanteng mga bansa parasubukang isalba ang naghihingalong sistema. Ang kalagayan kasi ngayon:nagsimula ang krisis sa makapangyarihang mga bansa, isang malinaw namanipestasyon na ang kinabukasan nito ay ang naranasang ibayong kahirapan saikatlong daigdig at hindi ang kabaliktaran - na ang ikatlong daigdig aymakahabol sa antas ng unang daigdig.
Ganito dinang kahilingan ng Kaliwa - bail-out ng gobyerno sa mga manggagawa at pambansangindustriyalisasyon. Nilagyan lamang ito ng "radikal" na lenggwahe dahil nasaoposisyon sila. Sa madaling salita, ang kapitalistang estado ang dapat maging"tagapagligtas" ng naghihirap na masa sa gitna ng krisis ng sistemangpinagtatanggol nito. Ganito rin ang esensya ng New Deal ni Roosevelt, ngNazismo ni Hitler, ng Pasismo ni Mussololini, ng Stalinismo ni Stalin, ngwelfare states ng Kanluran noong Cold War at ng diktadurang Marcos sa 1970s.
Hinihilingdin ng Kaliwa na huwag bayaran ng estado ang kanyang utang o kaya ay bawasanang nakalaang pondo para sa pagbayad ng utang. Sa halip, dapat daw gamitin angmas malaking bahagi ng perang malilikom para "tulungan" ang masang api. Hinihilingdin nila na bigyan ng estado ng tulong pinansyal ang mga natanggal sa trabahohangga't hindi pa sila nakahanap ng panibago. Kinopya nila ito sa "welfarestate" ng Kanluran noong panahon ng "Cold War". "Welfare state" na mabilis nanaglaho sa Kanluran dahil sa krisis. Nais din nila na buhisan ng mas malaki angmga mayayaman na matagal ng ginagawa ng ilang mga bansa sa Kanluran.
Ibig sabihin,nais ng Kaliwa na maging katanggap-tanggap sa masa ang mga sakripisyo atmakayanan ng huli na tiisin ang pagpasan sa krisis ng kapitalismo. Angmistipikasyon ng Kaliwa sa hanay ng uri ay "dapat lahat magsakripisyo hindilang tayo" para maligtas ang sistema.
Angpagkakahalintulad ng linya ng naghaharing paksyon at Kaliwa sa Pilipinas aywalang kaibahan sa ginagawa na ngayon ng mga makapangyarihang imperyalistangbansa sa pangunguna ng USA - palakasinang kontrol ng estado sa ekonomiya at panawagan ng pambansang pagkakaisa paraisalba ang kapitalismo.
Isangmalaking kasinungalingan ang linya na "maaring malagpasan ng Pilipinas angkrisis kung hindi ito mangungutang at hindi palakihin ang koleksyon ng buhis samasang mahihirap". Sa loob ng 40 taon, gumagalaw lamang ang ekonomiya ng mundosa pamamagitan ng pagpapautang at pangungutang dahil TANGING sa ganitong paraanlamang hindi babagsak ang bulok na pandaigdigang sistema. Sa loob ng apat nadekada iba't-ibang gimik ng pagbubuhis ang ginagawa ng mga estado para mapalakiang pondo nito.
Higit sa lahat,walang akumulasyon ng kapital ang kapitalismo sa Pilipinas kung hindi itomakaungos sa mga karibal sa pandaigdigang pamilihan. Kailangang mas mura angproduktong pang-eksport ng bansa kaysa kanyang mga karibal na lugmok din sakrisis. Wala itong ibang ibig sabihin kundi, pipigain ang lakas-paggawa ngproletaryong Pilipino para makakuha ng maksimum na labis na halaga. Ang"pag-unlad" ng ekonomiya ng bansa sa gitna ng pandaigdigang krisis aynakasalalay sa ibayong pagsasamantala, Kanan o Kaliwa man ang nasakapangyarihan.
Angsinasabing "pambansang industriyalisasyon" ay nangangailangan ng malakingakumulasyon ng kapital na makukuha lamang sa ibayong pagsasamantala salakas-paggawa at pangungutang. Ganun pa man, sa panahon na said at mabilis nakumikipot na pandaigdigang pamilihan, sasagkaan mismo ng kapitalistangkompetisyon at krisis sa pandaigdigang antas ang pangarap ng burgesyangPilipino na "industriyalisasyon". Wala ng pag-asa ang bansa, gaya ng ibang mgabansa sa ikatlong daigdig, na maging industriyalisado sa ilalim ng dekadentengkapitalismo.
Ito ang mgakontradiksyon ng kapitalismo sa panahon ng kanyang huling yugto - imperyalismo.Ang pagpapautang at pangungutang mismo na "solusyon" ng kapitalismo sa loob ng40 taon ay siyang naging mitsa ngayon sa panibagong pagsabog ng mas malalim nakrisis ng sistema.
Ang problemaay nasa kalikasan mismo ng sistema at hindi lang dahil sa "maling pangangasiwa"ng isang kurakot na pamahalaan. Sa panahon ng matinding krisis ng sistema LAHATng mga gobyerno ay lalupang maging kurakot at mandarambong sa yaman ng lakas-paggawa.
Ang tangingnalalabing solusyon na lang ng internasyunal na burgesya ay panibagongpandaigdigang digmaan upang muling hatiin ang mundo. Isang panibagong digmaanna malamang siyang wawasak ng tuluyan sa mundo at sangkatauhan.
Wala ngbagong solusyon ang naghaharing uri sa kanyang kasalukuyang krisis. Recycled nalamang ang mga "solusyon" nito. Mga "solusyon" na siyang dahilan ng kasalukuyangkrisis. Wala ng pag-asa na mareporma ang sistema pabor sa uring manggagawadahil ito ay nasa kanyang permanenteng pagbulusok-pababa na 100 taon na angnakaraan.
Kailangan ngbunutin ang ugat ng krisis - ang krisis sa sobrang produksyon. At hindi ito mabubunotsa balangkas ng bansa o "pambansang interes". Kailangang bunutin ito sapandaigdigang antas.
Ang puno'tdulo ng krisis sa sobrang produksyon ng kapitalismo ay nagmula sa pagigingsahurang alipin ng masang manggagawa. Lumilikha ang proletaryado ng labis nahalaga katumbas ng kanyang sahod (kahit pa nasa "living" wage ang sahod nito). Sakapitalismo, laging mas maliit ang sahod kaysa halaga ng mga produktong nagawang manggagawa. Hindi kayang bilhin ng manggagawa ang mga produktong nagawanito. Hindi din ito kayang ubusin ng uring kapitalista laluna malaking bahaging labis na halaga ay ilalaan nito sa akumulasyon ng kapital at pagpapalawak ngkanyang negosyo; pagpapalawak na halos imposible na sa mundong lubusan ngnasakop ng kapital.
Kailangan ngwasakin ang sistemang kapitalismo, durugin ang sahurang pang-aalipin.
Ang unanghakbang ay malawakang pakikibaka ng mga manggagawa sa pinakamaramingpabrika/kompanya upang TUTULAN ang tanggalan, work rotation, at wage reduction.Wala tayong kapangyarihan sa pakikibaka kung hindi maraming pabrika anglalahok. Hindi na angkop at hindi na epektibo sa kasalukuyang antas ng labananna paisa-isa, sector by sector o industry by industry na pakikibaka. Ang tamaat epektibo ay pakikibaka ng lahat ng sektor at lahat ng industriya.
Angmalawakang pakikibaka ay hindi kaya ng unyonismo sa Pilipinas na nahati-hati atmatindi ang sektaryanismo. Hindi ito kaya ng unyonismo na walang ibang intereskundi preserbasyon ng kanyang istruktura at burukrasya dahil matindi angkompetisyon kahit sa hanay nila. Hindi ito kaya ng unyonismo na ang tangingpapel sa kasalukuyan ay katuwang ng estado sa loob ng kilusang paggawa upanghadlangan ang pagsulong ng proletaryong rebolusyon.
Kailangangtutulan ang nais ng estado at mga unyon na "tanggapin natin ang mga sakripisyobasta't tutulungan tayo ng gobyerno". Wala tayong maasahang pangmatagalangtulong mula sa kapitalistang estado na lubog sa utang at kontrolado ng mgabuwayang hayok sa pera at kayamanan at pangunahing tagapagtanggol ng sistemangsahuran. Ang "tulong" nito ay may layuning pigilan tayong manggagawa na hawakannatin ang ating kinabukasan sa ating sariling mga kamay.
Dahil angating lakas ay nakasalalay sa pakikibaka ng maraming pabrika na dapat koordinadong mga asembliya o komite sa welga, ngayon pa lang ay nagtutulungan na angrehimeng Arroyo, Kaliwa at mga unyon upang mapigilan ito. Ang panawagan ngayonng mga unyon ay isang "tripartite summit" na lalahukan ng mga representante ngmga unyon, asosasyon ng mga kapitalista at estado upang pag-usapan paanong mapigilanang malawakang pag-aklas ng mga manggagawa. Patuloy ang mistipikasyon ng Kaliwana ang paksyong Arroyo lamang ang pangunahing kaaway ng masa at pilit naitinatago ang katotohanan na ang lahat ng paksyon ng naghaharing uri,administrasyon at oposisyon, Kanan at Kaliwa ay parehong mortal na kaaway ngmanggagawang Pilipino.
Kung naisnating lalakas ang ating pakikibaka at tayo mismo ang magdesisyon sa atingkinabukasan, kailangang makibaka tayo labas sa istruktura at balangkas ngunyonismo, ito man ay hawak ng Kanan o Kaliwa, ng administrasyon o oposisyon.Ang ating lakas ay nasa mga ASEMBLIYA at KOMITE NG WELGA na tayo mismo ang magtayo,magpatakbo at sentralisado.
Ang anumangpakikibaka na nasa pamumuno ng unyon ay mauuwi lamang sa negosasyon na pabor sauring kapitalista at estado.
Angpakikibaka para sa PERMANENTENG TRABAHO at SAPAT NA SAHOD sa gitna ng krisis ngkapitalismo ang tamang linya ng pakikibaka bilang mga alipin ng kapital. Hinditayo magsakripisyo para iligtas ang naghihingalong sistema. Ang istorikal namisyon nating mga manggagawa ay wakasan ang buhay ng sistemang ito upang tayoay makalaya na mula sa pagsasamantala.
Ang linyangito ang maging tungtungan natin para ituloy-tuloy ang pakikibaka hanggangmawasak ang kapitalistang estado at maagaw natin ang kapangyarihan. Angpag-agaw ng uring manggagawa sa kapangyarihan ang TANGING daan tungo sa atingganap na kalayaan bilang sahurang alipin.
Tayong lahatna manggagawa - may trabaho at wala, regular at kontraktwal, unyonista athindi, nasa publiko at pribado - ay kailangang magkaisa at sama-samang labananang mga atake ng kapitalista na tayo ang papasan sa krisis ng sistemang matagalng nagsamantala at nang-api sa atin. Magkaisa tayo sa ating mga asembliya at saating mga komite ng welga. Ito na lamang ang tanging paraan para mapigilannatin ang atake ng kapital sa ating kabuhayan.
INTERNASYONALISMO
Enero 31, 2009Rumaragasa ngayon sa maraming bahagi ng mundo ang militanteng paglaban ng uring manggagawa laban sa mga atake ng kapital para subukang isalba ang wala ng solusyon na krisis ng sistema.
Nito lang pagsabog ng panibagong krisis ng kapitalismo mula 2007, sinagot ito ng mga militanteng paglaban ng proletaryado. France, Britain, Germany, Italy, Greece, Egypt, Bangladesh, South Korea ay iilan lamang sa mga bansang sumabog ang pagkakaisa at galit ng manggagawa laban sa estado at sistema.
Ang pinakahuli ay ang malawakang rali at demonstrasyon ng mahigit 50,000 manggagawa sa garment industries sa export processing zones sa Bangladesh ilang araw pa lang ang lumipas.
Nakitaan ang mga paglabang ito ng manggagawa ng mga sumusunod:
1. Pagsuway sa mga maka-kapitalistang batas ng estado na ang tanging layunin ay pigilan o kaya ay takutin ang manggagawa na magkaisa at lumaban. Ang sagot dito ng uri ay wildcat strikes o "ilegal" na mga welga o work stoppage.
2. Paglunsad ng mga asembliya bilang organo ng pakikibaka. Sa asembliya ay lumahok ang mga regular at di-regular na manggagawa; mga manggagawa na galing sa iba't-ibang sektor.
3.Mariin at lantarang pagkondena sa estado at mga institusyon nito bilang utak sa hirap at aping kalagayan ng masang anakpawis.
Manggagawang Pilipino: Unti-unting sumasabay sa kompas ng pandaigdigang paglaban sa bulok na sistema
Habang abalang-abala ang iba't-ibang paksyon ng naghaharing uri sa Pilipinas - Kanan at Kaliwa - sa kanilang bangayan kung ngayon na ba babaguhin ang kanilang Saligang Batas, pinakita naman ng maliit na posyon (maliit pa lang sa ngayon) ng manggagawang Pilipino ang makauring larangan ng labanan - laban para sa kanilang makauring interes at laban na sa tereyn ng uri: ang lansangan at sama-samang pagkilos.
Pumuputok sa ilang pabrika ang wildcat strikes. Sinusuway ng manggagawa ang mga mapanupil na batas ng estado.
Ito ang nangyari sa Giardini del Sole sa Cebu, sa kasalukuyang laban ng mga manggagawa sa Paul Yu sa Mactan Cebu Export Processing Zone at sa Keppel Cebu Shipyard. Nasa ganitong konteksto din ng militanteng paglaban ang ginagawa ng mga manggagawa sa Triumph International sa Taguig, Metro Manila.
Sa mga manggagawa sa Cebu, lumalaki ang papel ng kanilang mga asembliya bilang organo ng pakikibaka. Sa mga asembliya sila nagdiskusyon at nagdesisyon sa kanilang laban. Ang burukrasya ng unyonismo ay unti-unting naisantabi at lumalaki ang papel ng demokrasya ng manggagawa.
Iba-iba man ang partikular na isyu, komon ang ipinaglalaban ng mga manggagawa - seguridad sa trabaho at sapat na sahod. Hindi tinanggap ng mga manggagawang nag-aklas ang separation pay o kaya ang dahilan ng mga kapitalista na nalulugi sila dahil sa pandaigdigang krisis.
Ganito din sa pangkalahatan ang laman ng mga demanda ng manggagawang lumalaban sa iba pang bahagi ng mundo.
Sa mga pang-ekonomiya at kagyat na mga labanang ito mabilis na lumilinaw sa malawak na manggagawa ang papel ng estado sa kanilang aping kalagayan bilang tangi at numero unong tagapagtanggol sa mapagsamantalang sistema.
Nahuhubaran din sa mga labanang ito ang tunay na katangian ng administrasyon at oposisyon. Habang dakdak ng dakdak sila sa usaping Chacha at eleksyon ay pipi naman silang lahat sa nangyayaring pang-aapi sa masang anakpawis sa mga pabrika. Hindi ito nakapagtataka dahil iisa lang naman ang uri ng administrasyon at oposisyon - mapagsamantala at mapang-aping uri. Ang administrasyon at oposisyon ay kapwa mortal na kaaway ng masang anakpawis at kailan man ay hindi maaring maging kaibigan nila para sila lumaya. Ang parliyamento at iba pang institusyon ng estado ay instrumento ng paghahari nila at hindi na "rebolusyonaryong entablado" gaya noong 19 siglo.
Kung papansining maigi, karamihan sa mga lumalaban ngayon ay mga kabataang manggagawa at mga manggagawa na walang karanasan sa pananabotahe ng unyonismo noon. Sila ang mga bagong henerasyon ng kilusang paggawa hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.
Mistipikasyon ng unyonismo, burges na demokrasya at nasyunalismo
Bagamat nanatiling malakas ang impluwensya ng burges na ideolohiya sa hanay ng kilusang paggawa sa Pilipinas - unyonismo, demokrasya at nasyunalismo - sumisibol naman ang binhi ng pangangailangan ng malawakang pagkakaisa at pakikibaka. Nasa binhing ito, na dinidiligan ng pandaigdigang pagsulong ng mga pakikibaka ng uri, ang magbigay bigwas sa hinaharap sa mga burges na ideolohiyang pumipigil at lumilihis sa pakikibaka ng proletaryado laban sa kapitalismo at para sa sosyalismo.
Habang lumalakas ang sigaw ng proletaryado para sa malawakang pagkakaisa at pakikibaka ay mabilis naman na mahuhubaran ang pagiging reaksyunaryo ng unyonismo, burges na demokrasya at nasyunalismo. Habang tumataas ang antas ng militanteng paglaban ng uri, mabilis nitong makikita na ang estado ay hindi nirereporma o pinapasok kundi winawasak para makamit ang makauring kalayaan mula sa pagsasamantala at pang-aapi.
Habang kapwa ang Kanan at Kaliwa ay nagpapaligsahan kung sino ang "tunay na makabayan" at "tunay na demokratiko", mahuhubaran naman ito sa mata ng masang api at makikita ang tunay na mga anyo nito: ang interes ng bansa ay makauring interes ng burgesya; ang demokrasya ay isang mapanlinlang na mukha ng diktadura ng mapagsamantalang uri sa kapitalistang lipunan.
Walang makapagsasabi kung ano ang kahihinatnan ng kasalukuyang militanteng paglaban ng maliit na bahagi ng manggagawang Pilipino. Kung matibay nila na tindigan ang pangangailangang palawakin ang pakikibaka sa mas maraming pabrika, malaki ang posibilidad na may makukuha silang tunay na mga makabuluhang konsesyon sa laban.
Anu't-anuman, pinakita na ng mga kapatid nating manggagawa ang tamang daan tungo sa tagumpay: malawakang pagkakaisa at malawakang pakikibaka hindi lang sa antas pambansa kundi higit sa lahat, sa pandigdigang antas.
Kung sakaling matalo man ang mga pakikibaka nila ngayon, ang mga aral na mahahalaw dito ay hindi matatawaran dahil napakahalaga nito para sa susunod na mga labanang magaganap habang mabilis na bumubulusok-pababa ang pandaigdigang kapitalismo.
Ang karanasan mismo ng uri ang matabang lupa upang tataas ang kanilang kamulatan at antas ng pag-oorganisa sa sarili. Ang kamulatang ito rin ang magtuturo sa kanila na ang Kanan at Kaliwa, kabilang na ang kanilang mga ideolohiya ay hadlang para sa tagumpay ng pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Mas lalong lumilinaw ngayon ang dalawang tunguhin ng daigdig sa ilalim ng bulok na kapitalistang sistema: KOMUNISMO o PAGKAWASAK NG MUNDO. Bumibilis ang takbo ng orasan. Tanging nasa kamay lamang ng internasyunal na rebolusyonaryong proletaryado ang kaligtasan ng sangkatauhan.
Nagulantang ang buong mundo sa nangyaring masaker sa Maguindanao nitong Lunes, Nobyembre 23. Limampu't pito (57) ang kumpirmadong karumal-dumal na pinatay ng mga armadong salarin.
Mariing kinondena ng lahat ang nangyaring masaker.
Dekadenteng kapitalismo: walang humpay na magluluwal ng karahasan
Sa panahon na ang naghaharing sistema ay nasa kanyang pagbulusok-pababa na, titindi din ang marahas na bangayan ng ibat-ibang paksyon ng naghaharing uri. Ito ang makikita natin sa kasaysayan magmula noong sinaunang lipunang alipin. Ang dekadenteng kapitalismo ay pumatay ng mahigit 100 milyon sa dalawang pandaigdigang imperyalistang digmaan. Hindi pa kasama dito ang mga lokal at rehiyunal na mga digmaan sa ibat-ibang sulok ng mundo na lumalawak at tumitindi ngayon laluna sa Gitnang Silangan. Lahat ng ito ay dahil sa paksyunal na tunggalian ng ibat-ibang paksyon ng mapagsamantalang uri.
Tuloy-tuloy ang pagtindi ng barbarikong karahasan ng mga tunggalian ng ibat-ibang paksyon - sa loob ng Kanan, sa loob ng Kaliwa, at sa pagitan ng Kanan at Kaliwa. Mas matindi ito sa mga atrasadong bansa gaya ng Pilipinas kung saan ang "makalumang" pamamaraan ng warlordismo sa panahon ng pyudalismo ay ginagamit pa rin ng mga modernong kapitalista sa lokal na antas - sa kani-kanilang mga teritoryo. Mga malalaking kapitalista-haciendero ang may sariling pribadong hukbo, mga mersenaryo na ang katapatan ay papatay para sa kanilang amo na nagbibigay sa kanila ng malalaking pera at sweldo. Ang mga makabagong warlords na ito ay siya ring mga political warlords sa kani-kanilang "lokal na kaharian". Sila ang sinasandalan ng lahat ng mga politiko na nagnanais makaupo sa mga pambansang posisyon laluna sa pagka-pangulo ng bansa. Ganito na ang kalakaran sa Pilipinas magmula pa 1940s.
Barbarismo sa lipunan: tanda ng pagiging inutil ng naghaharing uri at estado
Sa panahon na progresibo pa ang isang moda ng produksyon, progresibo din ang naghaharing uri. Sa pangkalahatan, ang kanyang paghahari ay nagbibigay ng "pangkalahatang kapayapaan" sa tunggalian ng ibat-ibang paksyon nito. Bakit? Dahil malawak pa ang maaring paghahatiang yaman sa lipunan sa ilalim ng isang sumusulong na moda ng produksyon.
Subalit, sa panahon na nasa permanenteng pagbulusok-pababa na ang sistema, mismong ang buong naghaharing uri at ang estadong inaasahan nitong maging "regulator" sa mga tunggalian sa lipunan ay mabilis na rin na nawalan ng kapasidad upang igiit ang rasyunalidad ng sistemang pinagtatanggol nito. At sa pagpasok ng dekadenteng kapitalismo sa kanyang yugto ng pagkaagnas (dekomposisyon) mula noong 1980s, lubusan ng nawalan ang lipunan ng anumang natitirang rasyunalidad at moralidad kahit batay sa burges na istandard. Lubusan ng sumabog ang rasyunalisasyon sa lahat ng mga bagay sa ilalim ng isang lipunang naghihingalo na. Tuluyan ng nawala ang anumang mistipikasyon ng demarkasyon sa pagitan ng pasistang diktadura ng isang tao at sa demokratikong kaayusan. Ganap ng nalantad na ang sinasabing demokrasya ay kabilang mukha lang pala ng diktadurang burges.
Inamin mismo ng burges na mga tagasuri na ang nangyari sa Maguindanao ay walang katulad sa kasaysayan ng Pilipinas, kahit noong panahon ng diktadurang Marcos. Pinabulaanan ng masaker sa Maguindanao ang pinagyayabang ng mapang-aping uri sa Pilipinas na ang demokratikong sistema ay may kaibahan sa pasistang diktadura ni Marcos.
Ipokrasya ng naghaharing uri sa buong mundo
Luha ng buwaya naman ang pinakita ng estado at ibat-ibang paksyon ng burgesya sa nangyaring karahasan sa Maguindanao. Kinundena nila ito pero tinatago naman ang tunay na dahilan, ang punot-dulo ng ganitong karahasan.
Ang makapangyarihang imperyalistang mga bansa na modelo ng demokrasya ay mabilis pa sa alas kwatro na naglabas ng pahayag ng pagkondena, gayong ang mga bansang ito mismo ang dahilan ng karahasan noong WW I at II at sa Gitnang Silangan at Aprika sa kasalukuyan. Ang pagkondena ng imperyalistang Amerika at Britanya, kasama na ang asosasyon ng mga magnanakaw - United Nations - ay kasuklam-suklam dahil ang Amerika at Britanya ang nagunguna sa barbarikong karahasan ngayon sa Gitnang Silangan.
Ang rehimeng Arroyo ay kung anu-anong pakulo ang dineklara - "national day of mourning", "national day of prayer", "state of emergency", "walang sisinuhin at sasantuhin sa ilalim ng batas", blah blah blah.....
Ang burges na oposisyon naman at Kaliwa ay nagkakaisang tinuturo at sinisisi ang naghaharing paksyon na nakaupo sa Malakanyang ngayon upang maging dagdag puntos sa kanilang ambisyong papalit sa kapangyarihan o kaya para mas dadami pa ang kanilang mga representante sa loob ng estado at parliyamento.
Tulad ng dati: ginagamit ng Kanan at Kaliwa ang anumang isyung malapit sa masa para sa kani-kanilang pansariling interes.
Ang tanong: aling paksyon ba ng naghaharing uri - administrasyon at oposisyon, Kanan at Kaliwa - ang hindi umaasa at nakasandal sa mga warlords at armadong grupo? Alin ba sa kanila ang hindi lumapit, nakipag-usap at nakipag-alyansa sa mga armadong grupong ito laluna sa panahon ng mga eleksyon? Silang lahat ay sumandal at nakipag-alyansa sa mga ito o kaya nagtatayo mismo ng kanilang pribadong hukbo!
Kahit ang angkang Mangudadatu, ang pangunahing biktima sa masaker sa Maguindanao ay isa ring angkan ng mga warlords, at kakutsaba ang isa pang angkan ng mga warlords - mga Ampatuan - ay naghasik ng malawakang pananakot at pandaraya sa Maguindanao noong eleksyong 2004 para manalo sa kanilang probinsya ang paksyong Arroyo.
Higit sa lahat, ang estado mismo na pinag-aagawan nilang pasukin at kontrolin ang may hawak ng pinakamalakas at pinakamakapangyarihang pribadong hukbo ng naghaharing uri!
Ang Maguindanao masaker ay hindi ang katapusan ng mga karumal-dumal na patayan. Ito ang simula ng mga mas barbarikong karahasan. Ang pangingibabaw ng bulok na ideolohiyang burges sa lipunan - "isa laban sa lahat" at "bawat isa para sa kanyang sarili" - ang magtulak sa ibat-ibang paksyon ng burgesya, na dati magkaalyado na marahas na magpatayan para sa kani-kanilang interes laluna sa liblib na mga lugar.
Malinaw ito sa nangyari sa Maguindanao: ang angkang Mangudadatu at angkang Ampatuan, ang dalawang makapangyarihang warlords sa Maguindanao, na dati magkaalyado, ay magkaaway ng mortal ngayon. Katunayan, ang angkang Ampatuan ang pangunahing pinagdududahang utak sa nangyaring masaker sa Maguindanao.
Hindi na tayo magtaka kung ang angkang Mangudadatu, na kaalyado ngayon ng partido ng administrasyon ay lilipat sa oposisyon kung hindi sila makumbinsi sa "hustisyang" ipapataw ng rehimeng Arroyo. At malaki ang posibilidad na ngayon pa lang ay gumagapang na ang burges na oposisyon para kumbinsihin ang angkang Mangudadatu na kumampi sa kanila.
Tunay na kapayapaan makamit lamang matapos ibagsak ang kapitalismo at estado nito
Ang dekadenteng kapitalismo ay walang katapusang digmaan, karahasan at kaguluhan.
Sa mga karahasang nangyayari ngayon, ang laging unang biktima ay ang mahihirap na mamamayan. Nagpapatayan sila hindi para sa kanilang makauring interes kundi para sa interes ng mga paksyon ng burgesyang kanilang sinusuportahan. Higit sa lahat, sa mga karahasang ito, nadadamay ang mga inosenteng masa.
Lahat ng pagtuligsa ng Kanan, Kaliwa, media, Simbahan at imperyalistang kapangyarihan iisa ang layunin: palakasin ang estado para kontrolin ang buong lipunan. Para sa kanila, ang estado lamang ang tangi at may kapangyarihan para maibalik ang "kapayapaan" at "normalidad" sa lipunan. Solusyon na magbunga lamang ng mas matinding marahas na bangayan at mas karumal-dumal na patayan dahil sa panahon ng pagkaagnas ng sistema, lubusan ng inutil ang estado para "kontrolin" ang mga tunggalian sa lipunan. Katunayan, ito pa ang punot-dulo ng lahat ng karahasan sa lipunan.
Ang tanging may kapasidad para makamit ang kapayapaan sa lipunan ay rebolusyonaryong uring manggagawa; ang uring may istorikal na misyong wakasan ang lahat ng pagsasamantala. Magagawa ito ng uri kung titindig ito bilang independyenteng uri na nasa unahan ng pakikibaka ng lahat ng pinagsamantalahang mga uri ng kapital.
At ang unang hakbang dito ay ibagsak ang estado.
Ang panawagan ng mga komunista sa Pilipinas sa manggagawang Pilipino: walang suportahan sa alinmang naglalabanang mga paksyon ng kaaway sa uri. Huwag magpagamit sa anumang paksyon ng kaaway. Isulong ang sariling kilusan laban sa bulok na kapitalistang sistema at sa estado nito.
INTERNASYONALISMO
Nobyembre 26, 2009
Mula ng pumasok ang pandaigdigang kapitalismo sa kanyang dekadenteng yugto at nangingibabaw na ang tendensya ng kapitalismo ng estado sa halos lahat ng mga bansa, ang mga unyon na dati organisasyon ng uring laban sa kapital noong 19 siglo ay ganap ng naging instrumento ng kapitalistang estado laban sa interes ng proletaryado.
Wala ng mas malinaw na patunay nito kundi ang paglahok ng mga unyon at pagtulak ng mga ito sa masang manggagawa na magpatayan sa dalawang imperyalistang pandaigdigang digmaan na kumitil ng mahigit 100 milyong buhay.
Sa kasalukuyan, ang mga unyon ay ginamit ng magkabilang kampo ng
naghaharing uri (Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon) upang
hatiin at ilihis ang mga manggagawa sa rebolusyonaryong landas.
Magmula
ng umusbong ang unyonismo sa Pilipinas, maraming mga ehemplo na maari
nating ihapag kung paanong sinabotahe nito ang pakikibaka ng uri para
ibagsak ang kapitalistang gobyerno. Ang pinakamaliwanag nito sa
kasaysayan ay ang linyang “tunay, palaban, makabayang unyonismo” na
sinisigaw ng Kaliwa. Wala itong ibig sabihin kundi igapos ang masang
proletaryo sa kadena ng nasyunalismo at pakikipag-alyansa sa pambansang
burgesya.
Nitong nakaraang mga araw, nalathala sa Manila Indymedia at sa mga lokal na pahayagan ng Cebu ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Giardini del Sole, isang Italian-owned furniture-export industry. Ang isyu ay ang temporary shutdown ng kompanya dahil sa pandaigdigang krisis pinansyal.
Nagbunyi ang Partido ng Manggagawa (PM) sa sinasabi nitong “tagumpay” ng mga manggagawa sa kanilang laban sa “pamumuno” ng unyon na kasapi nito.
Ano ba ang sinabi ng Kaliwa at ng unyon na “tagumpay” ng mga manggagawa sa Giardini del Sole?
1. Ang unyon ay naging partner ng DOLE at management para pag-usapan kung paano ipatupad ang rotation work. Ibig sabihin, kung paano ipatupad ang pagbawas ng araw-pagtrabaho ng mga manggagawa!
2. Ang pakikipag-usap ng unyon sa kapitalista kung paano magtulungan para itayo ang isang “kooperatiba” ng manggagawa na siyang magpapatakbo ng kompanya. Sa madaling sabi, “workers’ control” o “self-management”.
Sa pangkalahatan, hindi lang ang PM ang may ganitong repormistang linya. Lahat ng mga Kaliwang organisasyon na karibal ng PM ay ganito din ang takbo ng utak: “workers’ control”, bail-out ng kapitalistang estado sa uring manggagawa.
Kabiguan ng pakikibaka ng mga mangagawa sa Giardini
Hindi totoong tagumpay ang nalasap ng mga manggagawa sa Giardini kundi MALAKING KABIGUAN AT PAGKATALO.
1. Ang rotation work o pagbawas ng oras-trabaho ay walang ibig sabihin kundi tinanggap ng mga manggagawa na mabawasan ang kanilang kita. Wala itong ibig sabihin kundi ibayong paghihirap ng masang matagal ng pinagsamantalahan at inaapi ng kapitalista. Kulang na kulang na nga ang sahod nila noong 6 na araw kada linggo at 8 oras kada araw ang kanilang trabaho, mas lalupa itong kukulangin sa pang-araw-araw na gastusin ngayon dahil rotation work na nga! Nasaan ngayon ang “tagumpay” na sinasabi ng Kaliwa at ng unyon?
Ang kagyat na hinihingi ng mga manggagawa ay permanenteng trabaho at sapat na sweldo para mabuhay na disente sa ilalim ng kapitalismo hindi rotation work o contractual work!
Kung ang palusot naman ng Kaliwa ay “buti na lang ang rotation work kaysa tuluyan ng mawalan ng trabaho”, wala itong kaibahan sa hibang na argumento na “mabuti na ang alipin basta walang makakain”.
2. Ang “workers’ control” ay walang ibig sabihin kundi pagsamantalahan ng mga manggagawa ang kanilang sarili dahil sa hungkag na katuwirang “amin ang pabrika at responsibilidad namin na paunlarin ito”. Huridikal lamang na pag-aari ng mga manggagawa ang pabrika pero malinaw ang katotohanan na kapitalistang mga relasyon ang iiral para mapatakbo at “uunlad” ang “pabrika ng manggagawa”. Para “uunlad”, kailangang tutubo ang pabrika. Ang tubo sa kapitalismo ay makukuha lamang sa pagsasamantala sa mga manggagawa!
Katunayan, nagpahiwatig na ang PM at unyon na hihingi ng tulong sa kapitalistang gobyerno para magkaroon ng puhunan kung sakaling papayag sila sa “kooperatiba ng manggagawa”.
Maraming ehemplo na ng “workers’ control” at “self-management” sa iba’t-ibang bansa na pumalpak. Pumalpak dahil sa maigting na kompetisyon sa pagitan ng mga kapitalista at kakulangan ng puhunan na bunga na rin sa kompetisyon. Kung meron mang iilang “umunlad”, ito ay dahil sa maksimisadong pagsasamantala sa mga manggagawang “may-ari” ng pabrika.
Walang ibang solusyon kundi ibagsak ang kapitalismo
Kailangang maintindihan ng mga manggagawa sa Giardini na TALO ang kanilang pakikibaka. Kung napilitan man silang tanggapin ang kanilang kasalukuyang kalagayan hindi dahil sa ito ay “tagumpay” gaya ng panlilinlang ng PM at ng unyon kundi dahil HINDI SAPAT ANG KANILANG LAKAS upang labanan ang uring kapitalista at ang estado. Hindi sapat dahil sila lang ang nakibaka habang ang ibang mga manggagawa sa ibang pabrika ay hindi pa.
Upang manalo sa pakikibaka, kailangang lalahukan ito ng maraming
pabrika; hindi lang ng ilang daang manggagawa kundi ng libu-libo o daang
libong manggagawa. Upang lubusang manalo sa laban, kailangang ibagsak
ng uring manggagawa ang kapitalistang gobyerno at ang sistemang
kapitalismo.
Kung nais ng mga manggagawa na manalo, kailangan nilang
itakwil ang pamumuno ng mga unyon at hawakan ang laban sa sariling mga
kamay sa pamamagitan ng mga asembliya nila hindi lang sa antas pabrika
kundi sa antas syudad hanggang pambansa. Kung nais ng mga manggagawa na
ganap na magtagumpay laban sa kapitalismo, kailangan nila ang suporta ng
mga kapatid na manggagawa sa buong mundo hindi ng kapitalistang
gobyerno o ng mga politiko.
Kailangang tanggapin ng mga manggagawa ang katotohanan na pinagkanulo sila ng “kanilang” unyon dahil sa simula pa lang, ang unyon ay hindi naman organisasyon nila kundi instrumento ng kapitalistang estado sa hanay nila. Ang papel ng unyon sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ay ilihis ang pakikibaka ng uri.
Wala ng kapasidad pa ang kapitalismo ngayon na bigyan ng disenteng pamumuhay ang proletaryado. Nabubuhay ang kapitalismo sa kasalukuyan sa pamamagitan ng ibayong pagsasamantala at pagpapahirap sa masang anakpawis. Wala ng ibang paraan para makalaya mula sa pang-aalipin kundi ang ibagsak ang kapitalistang gobyerno at agawin ng manggagawa ang kapangyarihan.
Sana maging aral sa ibang mga manggagawa ang pagkatalo ng mga
manggagawa sa Giardini dahil sa unyonismo.
Digmaan o rebolusyon. Barbarismo o sosyalismo. Ito ngayon ang tanging pagpipilian ng internasyunal na kilusang manggagawa.
Dahil pinili namin ang rebolusyon at sosyalismo, kami sa grupong Internasyonalismo sa Pilipinas ay pumaloob sa IKT. Para maging realidad ang pandaigdigang proletaryong rebolusyon at makamit ang komunismo , kailangang may organisasyon ang mga komunista na pandaigdigan ang saklaw at antas. Higit sa lahat, isang organisasyon na may malinaw na marxistang plataporma.
Dumaan kami sa mahabang proseso ng seryoso at kolektibong teoretikal na klaripikasyon batay mismo sa karanasan ng internasyunal na kilusang manggagawa at sa karanasan din namin sa Pilipinas bilang mga militante sa loob ng kilusang proletaryo. Hindi ito naging madali sa amin laluna sa Pilipinas ay walang anumang impluwensya ng kaliwang-komunismo sa loob ng mahigit 80 taon. Sa loob ng halos isang siglo, sinalaksak sa aming mga utak at sa buong hanay ng kilusang paggawa na ang Stalinismo-Maoismo ang "teorya ng komunismo".
Para sa amin, pinakamahalaga ang teoretikal na klaripikasyon at diskusyon para sa pag-oorganisa ng mga rebolusyonaryo. Walang saysay ang dami ng isang organisasyon kung hindi ito nakabatay sa malinaw at matatag na teoretikal na pundasyon mula sa mahigit 200 taong karanasan ng proletaryado sa buong mundo.
Isang igpaw para sa mga rebolusyonaryong minorya ang maunawaan ang teorya ng dekadenteng kapitalismo para matatag na panghawakan ang buhay na marxismo sa panahon ng imperyalismo. Ang teorya ng dekadenteng kapitalismo ang pundasyon para makumbinsi kami na ang IKT ang may pinakawasto at pinakamatatag na marxistang plataporma na umaayon sa aktwal na ebolusyon ng kapitalismo at pagsusuma sa mga aral ng praktika ng internasyunal na proletaryado sa loob ng mahigit dalawang siglo.
Subalit, hindi patay ang plataporma ng IKT. Ito ay buhay na plataporma na sinusubukan sa aktwal at dinamikong pakikibaka ng uri at ebolusyon ng kapitalismo. Kaya naman napakahalaga ng tuloy-tuloy at malawakang internal na debate hindi lang sa loob ng IKT kundi sa proletaryong kampo sa pangkalahatan. Nakita namin kung paano ito pinanghawakan at isinapraktika ng IKT.
Maaring hindi pa kasinglalim ang aming pagkaunawa sa kaliwang-komunismo kumpara sa aming mga kasamahan sa Uropa kung saan naroon ang pinakamatagal at pinakamayamang karanasan ng uri. Pero may tiwala kami na sapat na ang naabot naming teoretikal na klaripikasyon para pumaloob sa isang internasyunal na komunistang organisasyon.
Bilang bagong seksyon ng isang nagkakaisa at sentralisadong internasyunal na organisasyon - IKT - magiging mas organisado, sentralisado at malawak ang tuloy-tuloy at buhay na mga debate at diskusyon ng mga komunista para suriin at aralin ang mga mahahalagang usapin ng pagsusulong ng pandaigdigang komunistang rebolusyon. Higit sa lahat, mas maging epektibo ang interbensyon ng rebolusyonaryong minorya sa pakikibaka ng aming uri.
Alam namin na malaking risgo ang aming haharapin sa Pilipinas dahil sa aming paninindigan para sa internasyunalismo at komunistang rebolusyon. Kapwa ang Kanan at Kaliwa ng burgesya sa Pilipinas, na may sariling armadong organisasyon, ay namumuhi sa mga marxistang rebolusyonaryo dahil hadlang kami sa kanilang mga mistipikasyon para iligaw ang pakikibaka ng manggagawang Pilipino palayo sa internasyunal na proletaryong rebolusyon. Lahat ng paksyon ng burgesyang Pilipino ay mortal na kaaway ang mga kaliwang-komunista.
Ito ngayon ang hamon ng mga internasyunalistang-komunista sa Pilipinas: pangingibawan ang mga balakid at ituloy-tuloy ang teoretikal na klaripikasyon, interbensyon sa pakikibaka ng manggagawa sa Pilipinas at pakikipag-ugnayan sa mga kapatid na komunista sa ibang bansa laluna sa Asya.
Nais din naming ipaabot ang buong pusong pagbati sa mga kasamahan sa Turkey (EKS) sa kanilang pagpasok sa IKT bilang bagong seksyon sa naturang bansa. Ang pagkakabuo ng bagong dalawang seksyon ng IKT sa Pilipinas at Turkey sa panahon na nakaranas ngayon ng pinakamatinding krisis ang sistema at malawakang lumalaban ang uring manggagawa ay kongkretong indikasyon ng pagdami ng mga elemento at grupong naghahanap ng rebolusyonaryong alternatiba sa dekadente at naaagnas na kapitalismo sa iba't-ibang panig ng mundo; mga elementong namumulat sa mga panlilinlang at mistipikasyon ng nasyunalismo, demokrasya, parlyamentarismo at unyonismo.
INTERNASYONALISMO
Pebrero 13, 2009
Sa gitna ng desperadong pagsisikap ng internasyunal na burgesya na pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema sa pamamagitan ng pagpapatindi sa mga atake nito sa uring manggagawa, ang Mayo Uno sa taong ito ay hindi lang simpleng internasyunal na araw ng mga protesta at demonstrasyon laban sa pandaigdigang kapitalismo kundi oportunidad para halawin ang mga aral sa pakikibaka ng uri laban sa mga atake ng kapital mula 2007.
Ang mga aral na ito ang pilit tinatago ng Kanan at Kaliwa ng burgesya. Ang una, sa pamamagitan ng hayagang pagtago na lumalawak ang paglaban ng manggagawa sa maraming bansa. Kung napilitan man itong ilabas sa media ay "riots, karahasan at kagagawan ng iilang marahas na elemento" ang pagsalarawan nito para takutin ang masa o bigyang katuwiran ang marahas na pagsupil ng estado. Ang huli, sa pamamagitan ng distorsyon sa mga aral at sa tunay na dinamik ng mga pakikibaka.
Kapwa ang Kanan at Kaliwa ng kapital ay takot at gustong pigilan ang paghahanap ng mga manggagawa ng pakikiisa at ekstensyon ng laban sa pinakamaraming pabrika at "sektor" ng paggawa. Kaya ganun na lang ang kanilang pagsisikap na pigilan na malaman at maunawaan ng pinakamalawak na manggagawa laluna sa mga bansa gaya ng Pilipinas ang mga aral ng pakikibaka ng mas militanteng praksyon ng internasyunal na uri sa Uropa.
Ngayong Mayo Uno, dapat muli nating igiit na ang proletaryado ay isang internasyunal na uri at ang pakikibaka natin para sa sosyalismo ay internasyunal na pakikibaka.
Naghahanap ng malawakang pagkakaisa ang mga manggagawa sa gitna ng pakikibaka
Sa panahon ng hayag na makauring tunggalian, naghahanap ng malawakang pagkakaisa ang proletaryado. Ang mga pinakahuling paglaban ng uri ay nakitaan ng paghahanap ng pakikiisa sa ibang mga pabrika at "sektor" ng paggawa. Ito ay nasaksihan natin sa Greece, Britain, France, Iceland, Ireland, Italy, USA, at iba pang bansa simula ng sumabog ang pandaigdigang krisis noong 2007.
Sa Greece, pinangunahan ng mga kabataan ang malawakan at militanteng pagkilos laban sa mga atake ng estado at naghaharing uri. Sa taong 2007 pumutok ang mga labanan sa kalsada at mga okupasyon sa mga unibersidad at himpilan ng unyon. Libu-libong mga kabataan at manggagawa ang lumahok sa mga pagkilos at labanan sa lansangan hanggang ngayon. Ang pinakatampok nito ay ang okupasyon ng mga manggagawa sa punong-himpilan ng sentrong unyon sa Greece - GSEE - dahil sa kanilang pagkamuhi sa pananabotahe ng mga unyon sa pakikibaka. Nasundan pa ito ng ilan pang mga okupasyon sa himpilan ng mga unyon. Ang okupasyon bilang porma ng pakikibaka ay lumaganap sa ibang bansa - USA, Poland, Britain, at iba pa.
Sa Britain naman, nangyari ang malawakang "iligal" (wildcat) na mga welga ng mga manggagawa para ipagtanggol ang trabaho. Nagsimula ito sa planta ng langis sa Lindsey at lumawak sa ibang mga planta ng langis, elektrisidad, konstruksyon at kemikal. Ang pinakatampok dito ay ang pagtutol ng mga nagwelgang manggagawa sa maniobra ng unyon na igapos ang pakikibaka sa nasyunalismo - laban sa mga manggagawang hindi Britons sa ilalim ng islogang "trabaho para sa manggagawang British". Sa halip, giniit ng mga manggagawa ang pagkakaisa ng manggagawang British at migranteng manggagawa para ipagtanggol ang trabaho. Laban sa nasyunalismo, giniit ng mga manggagawa ang internasyunalismo - "manggagawa sa daigdig, magkaisa!". Ang pinakahuli ay ang okupasyon ng mga manggagawa sa mga planta ng sasakyan ng Visteon sa Belfast, Enfield at Basildon. Umani ng suporta sa ibang mga manggagawa ang okupasyong ito at natransporma ang okupasyon bilang pulong-masa ng iba't-ibang manggagawa mula sa iba't-ibang "sektor".
Sa France, sumabog noong Enero taong ito ang malawakang welga ng libu-libong manggagawa sa Guadeloupe, Martinique at La Réunion para sa trabaho, pagtaas ng sahod at iba pang benepisyo. Tunay na nanalo ang pakikibaka ng uri dahil binigay ng estado ang halos lahat na mga kahilingan nila na walang konsesyon. Sa kabila ng pagkontrol ng unyon, direkta ang partisipasyon at pagsubaybay ng mga manggagawa sa negosasyon sa pamamagitan ng "full media coverage" sa negosasyon. Salungat ito sa nais ng unyon at mga kapitalista na negosasyon sa pagitan lamang nila habang nakaantabay lamang sa labas ang masang nakibaka.
Kung sumahin, ang kasalukuyang laban ng mga manggagawa ay nakitaan sa sumusunod:
Pagkakaisa sa pamamagitan ng mga welga ng pakikiisa, demonstrasyon, pulong-masa at asembliya. Panawagan na lumahok sa pakikibaka ng isang pabrika ang iba pang pabrika. At hindi lang simpleng panawagan. Ang mga nagwelgang pabrika ay nagpadala ng mga delegasyon sa ibang mga pabrika para kumbinsihin sila na lumahok sa pakikibaka. Nagawa ito ng uri dahil "nilabag" nila ang mga anti-manggagawang batas ng estado sa malawakang paraan. Naging makapangyarihan ang "iligal" na welga sa sandaling ilulunsad ito ng sabayan o sunod-sunod ng maraming pabrika. Ginawa na ito ng internasyunal na proletaryado noong 1970s at 1980s kabilang na sa Pilipinas.
Okupasyon sa mga pabrika, unibersidad at iba pang himpilan ng reaksyon. Subalit ang mga okupasyong ito ay kaiba sa nakaraang praktika ng uri ilang dekada na ang nakaraan. Ang okupasyon noon ay inihiwalay ng manggagawa ang sarili sa iba pa nitong kapatid sa uri. Parang ikinulong nito ang sarili sa loob ng pabrika. Natuto mismo ang manggagawa sa kanilang sariling karanasan. Ang mga okupasyon ngayon ay naging sentro para sa mga malawakang pulong-masa at asembliya na siyang nag-uusap at nagdedesisyon sa takbo ng laban.
Internasyunalistang pakikiisa. Nanawagan ang mga kabataan at manggagawa sa Greece, sa pamamagitan ng kanilang mga polyeto at panawagan sa internet ng internasyunal na aksyon. Nakiisa ang mga migranteng manggagawa sa pakikibaka ng manggagawang Britons habang sinusuportahan naman ng huli ang kahilingan ng una. Dahan-dahan, nakikita ng masa ng uri mismo ang pangangailangan ng internasyunal na pagkakaisa kung nais nilang manalo laban sa mga atake ng kapital.
Lumalaking papel ng mga pulong-masa at asembliya sa pagdesisyon sa takbo ng laban at lumiliit na impluwensya o nahihirapan na ang unyonismo na kontrolin ang pakikibaka ng uri.
Papel ng mga unyon: pananabotahe sa pakikibaka
Sumusulong ang mga pakikibaka ngayon sa pandaigdigang saklaw hindi dahil sa unyonismo o sa pamumuno ng Kaliwang mga partido kundi sa kabila ng kanilang kontrol at pamumuno. Ang mga pakikibaka ng manggagawa sa Uropa mula noong nakaraang taon ay nakitaan ng tendensya ng pagtutol at hindi pagsunod sa direktiba ng mga unyon na "namuno" sa kanila o kaya ay ginigiit ang kapasyahan ng mga pulong-masa o asembliya.
Ang pinakahuling pananabotahe ng unyon ay nangyari sa Visteon kung saan pinahinto nito ang okupasyon ng manggagawa para humarap sa negosasyon ang Ford. Ang resulta, isang proposal ang nabuo na hindi pabor sa manggagawa. Ito ay kinilala ng mga manggagawa na isang "insulto" sa kanila.
May kahalintulad din na karanasan sa pananabotahe ng unyon sa Pilipinas nitong nakaraang mga buwan: dineklara ng unyon na "tagumpay" at ginawang "modelo" ng Kaliwa ang pagkatalo ng mga manggagawa sa Giardini del Sole sa Cebu. Sa unang araw ng welga pinagtatanggol ng mga manggagawa ang kanilang trabaho laban sa tanggalan na nais ng kapitalista. Nagtapos ang welga sa isang "matagumpay" na negosasyon ng unyon at kapitalista: tanggalin ang halos 200 manggagawa!
Kung meron mang tagumpay na dapat matutunan sa pakikibaka sa Giardini del Sole ito ay ang militanteng paglaban nila sa pamamagitan ng "pagsuway" sa batas ng estado. Ang "iligal" na welga ng mga manggagawa sa Giardini del Sole ay militanteng pagtutol sa tanggalan at pagtatanggol sa trabaho. Nasa pagiging "iligal" ng welga ang tunay na lakas ng manggagawa sa panahon ng matinding krisis ng sistema. Natalo ang mga manggagawa dahil nag-iisa lang sila sa kanilang laban hindi dahil "iligal" ang welga nila. Hindi nila nakumbinsi ang ibang pabrika na lumaban dahil unang-una, hindi naman ito ang tunay na layunin ng unyon at ng Kaliwang partido na "namuno" sa kanila. Ang mga unyon na kanilang sinandalan at inaasahan ay sumusunod sa anti-manggagawang mga batas ng estado at walang interes na maglunsad ng mga pakikiisang pakikibaka o maglunsad ng pakikibaka sa kani-kanilang pabrika. Natalo sila dahil ang pagdedesisyon sa kanilang laban ay pinaubaya nila sa unyon at sa partido ng Kaliwa at ang "simpatiya" ng ibang pabrika ay hindi natransporma sa pakikibaka ng pakikiisa.
Sa pangkalahatan, ang layunin ng unyon ay negosasyon sa kapitalista na nakabatay sa "kapasidad" ng huli at para sa preserbasyon ng pambansang ekonomiya. Kaya kabilang sa "maka-manggagawang" linya ng unyon ay "ipagtanggol ang pambansang ekonomiya" laban sa mga karibal nito.
Sumusulong ang pakikibaka ng proletaryado laban sa krisis ng kapitalismo dahil una, sinikap nitong hawakan ang pakikibaka sa sariling mga kamay sa kabila ng pagtatangka ng mga unyon na kontrolin ang laban at ikalawa, sinuway nito ang mga anti-manggagawang batas ng estado. Ang mas militante at mas epektibong paglaban ng internasyunal na manggagawa mula 1970s ay nangyari labas sa kontrol at pamumuno ng mga unyon at "nilabag" ang mga batas ng estado. Ang mga manggagaawang Pilipino ay mayaman sa ganitong karanasan sa panahon ng diktadurang Marcos.
Kailangang malaman, mapag-aralan at talakayin ng manggagawang Pilipino laluna ng mga abanteng elemento ang mga aral ng mga pakikibaka ng mga kapatid na manggagawa sa ibang bansa laluna sa Uropa dahil bahagi ang manggagawang Pilipino sa isang internasyunal na uri at ang pakikibaka ng mga manggagawa sa Pilipinas ay bahagi ng internasyunal na pakikibaka ng proletaryado laban sa iisang kaaway - lahat ng paksyon ng uring kapitalista at ang mga estado nito. Kaakibat dito, kailangang ilantad ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas ang mga distorsyon na ginagawa ng Kaliwa at unyon sa mga aral ng pakikibaka laban sa kasalukuyang krisis at sa pagsusuri mismo bakit may krisis.
Hindi tayo ililigtas at hindi tayo maliligtas ng estado
Sabi ng naghaharing uri ang krisis ngayon ay bunga ng pagkagahaman ng mga bangkero at ispekulador sa tubo. Sabi naman ng mga "eksperto sa ekonomiya", ito ay nagmula sa "maling pangagasiwa" pinansyal sa pandaigdigang saklaw. Ang Kaliwa naman, sa kabila ng bukambibig nitong ang krisis ay "krisis ng kapitalismo" ay pinagtatanggol ang sistema sa deklarasyong "kailangang palakasin pa ang panghihimasok at kontrol ng estado sa takbo ng ekonomiya at sa buhay ng lipunan".
Ang krisis ngayon ay hindi krisis ng "globalisasyon" o "neo-liberalismo" kundi krisis ng sistemang kapitalismo na naipon sa loob ng 40 taon. Hindi nagsimula ang kasalukuyang krisis noong 1980s o 1990s kundi noong 1960s. Ang krisis ngayon ay patunay na hindi nasolusyonan ng kapitalismo ng estado ang krisis ng sobrang produksyon na sumabog 40 taon na ang nakaraan. Ang krisis ngayon ay mga naipon na kombulsyon sa loob ng apat na dekada dahil sa permanenteng pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan. Magmula 1914 wala ng bagong pamilihan ang kapitalismo dahil ganap na nitong nasakop ang mundo. Nagawang makahinga ang naghihingalong sistema dahil sa pagpapatindi ng pagsasamantala sa mga dating pamilihan, paggawa ng artipisyal na merkado sa pamamagitan ng utang at sa maksimisasyon ng pagpiga sa lakas-paggawa ng masang anakpawis.
Ngayong Mayo Uno, itatambol na naman ng Kaliwa ang linyang "anti-globalisasyon" kung saan igigiit nito na polisiyang "globalisasyon" ang dahilan ng krisis (ie, liberalisasyon, deregulasyon at pribatisasyon). Ito sa esensya ang sinasabi nilang "krisis ng kapitalismo". Wala itong ibig sabihin kundi ang maka-kapitalistang kahilingan na "ibalik muli sa estado ang kontrol at regulasyon" ng ekonomiya. Sa esensya, ang linya ng "kilusang anti-globalisasyon" ay walang kaibahan sa aktwal na ginagawa ng mga imperyalistang kapangyarihan ngayon para "isalba" ang bulok na sistema - "neo-Keynesianismo". Ang kaibahan lang ng dalawa ay sa paggamit ng lenggwahe: Ang Kanan, kapitalismo ng estado para sa "buong sambayanan". Ang Kaliwa, para sa "uring manggagawa" o "pinagsamantalahang mamamayan".
Wala ng mas malinaw pa sa pagkahalintulad ng Kanan at Kaliwa ng burgesya kung kapitalismo ng estado ang pag-uusapan sa deklarasyon ni Hugo Chavez, ang pangulo ng Venezuela ngayon at tagapagtaguyod ng "sosyalismo sa 21 siglo" at iniidolo ng maraming Kaliwa sa buong mundo bilang "bagong modelo" ng "sosyalistang konstruksyon". Ganito ang sabi ng "sosyalista" at "anti-imperyalistang" si Chavez sa ginawa ni George Bush Jr noong 2008 para isalba ang krisis ng kapitalismo sa Amerika:
"Comrade Bush is about to introduce measures associated with comrade Lenin. The United States will become socialist one day, because its people aren't suicidal".
Ang "sosyalismo sa 21 siglo" ni Chavez ay walang kaibahan sa kapitalismo ng estado ng Stalinismo. Para kay Chavez, ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ay mga hakbangin para sa "sosyalistang konstruksyon".
Kailangan ng tuldukan at ganap ng itakwil ang ganitong burges na linya na nagbalatkayong "marxista" laluna sa hanay ng mga abanteng elemento sa kilusang paggawa sa Pilipinas. Hindi ang estado ang maging instrumento para makamit ang sosyalismo. Kabaliktaran: kailangang ibagsak ang estado para maitayo ang lipunang walang pagsasamantala. Napakalinaw ang paliwanag ni Engels sa kanyang ‘Anti-Duhring" kung ano ang katangian ng estado habang naghari pa ang kapitalismo sa buong mundo:
"And the modern state, too, is the only organisation with which bourgeois society provides itself in order to maintain the general external conditions of the capitalist mode of production against the encroachments either by the workers or by individual capitalists. The modern state, whatever its form, is an essentially capitalist machine; it is the state of the capitalists, the ideal collective body of all capitalists. The more productive forces it takes over as its property, the more it becomes the real collective body of all the capitalists, the more citizens it exploits. The workers remain wage-earners, proletarians. The capitalist relationship is not abolished; it is rather pushed to an extreme." (amin ang pagdidiin)
Ang krisis ngayon ay krisis ng sobrang produksyon. Sa panahon ng dekadenteng kapitalismo ito ay naging permanente at hindi na masolusyonan maliban sa pagdurog mismo sa sistema. Nang sumabog ang krisis sa 1960s, kontrol at panghihimasok ng estado (ie Keynesianismo at Stalinistang totalitaryanismo) ang "solusyon" ng burgesya sa Bloke ng imperyalistang Kanluran (sa pangunguna ng USA) at sa Bloke ng imperyalistang Silangan (sa pangunguna ng USSR)1. Nagdulot ito ng pagkalubog sa utang ng mga estado at nagbunga ng mga mas matitinding kombulsyon sa sistema sa 1970s at 1980s. Ang kontrol at regulasyon ng estado bilang solusyon ng burgesya sa 1970s at 1980s ay hindi nagbunga ng rekoberi sa krisis sa 1960s kundi mas malalang krisis ng sobrang produksyon.
Sa 1980s, binago ng burgesya ang kanilang "estratehiya": "Thatcherismo" at "Reaganomics", ang pinagbatayan ng "globalisasyon" sa 1990s. Pagkilala ito na palpak ang Keynesianismo at pinalitan nila ng "neo-liberalismo". Habang papunta naman sa pagkawasak ang Bloke ng Silangan (naglaho ang imperyo ng USSR sa 1990s) dahil sa patuloy na pagkapit sa Stalinistang totalitaryanismo.
Dahil ba sa pagbabago ng estratehiya ng burgesya ay totoong lumuwag o binitawan ng estado ang pagkontrol sa ekonomiya at pinaubaya na ito ng una sa mga pribadong kapitalista? OO ang sagot dito ng mga pwersang anti-globalisasyon. Ang kasinungalingang ito ay naglalantad lamang sa katotohanan na wala itong interes na ibagsak ang estado kundi nais nitong palakasin ang mga rehimen ng kapitalismo ng estado sa ngalan ng "sosyalismo" o "anti-kapitalismo".
Hindi mula sa inisyatiba ng mga pribadong kompanya o tulak ng batas ng pamilihan ang "neo-liberalismo". Ang polisiyang ito ay tinulak at ginawa mismo ng mga estado para tangkaing isalba ang sarili mula sa pagkalubog sa utang at pigilan ang lumalalang inplasyon. Hindi lumuwag o naglaho ang kontrol ng estado sa ekonomiya bagkus ay lalo pa ngang humigpit. Sa loob ng mahigit 100 taon, tuloy-tuloy ang paglaki ng papel at panghihimasok ng estado sa buhay ng lipunan dahil ito na lang ang inaasahan ng naghaharing uri para pigilang bumagsak ang sistema. Ang kapitalismo ng estado, anuman ang anyo nito, ang tanging porma ng paghari magmula ng pumasok ang sistema sa kanyang dekadenteng yugto noong unang bahagi ng 20 siglo.
Keynesianismo, "neo-Keynesianismo", Stalinistang totalitaryanismo o "neo-liberalismo", ito ay mga anyo ng kapitalismo ng estado. Ibig sabihin, hindi ang estado ang tagapagligtas ng uring manggagawa. Hindi ililigtas at hindi maliligtas ng kapitalistang estado ang uring manggagawa at iba pang pinagsamantalahang sektor sa lipunan dahil ang tanging papel nito ay ipagtanggol ang naaagnas na kapitalismo. Sa panahon ng kapitalismo ng estado, pipigain nito ang masang proletaryo sa pagsasamantala para sa maksimisasyon ng labis na halaga para sa kompetisyon sa lalong kumikipot na pamilihan. Ito ang papel ng estado, binyagan man ito ng Kaliwa na "estado ng manggagawa", "sosyalistang estado" o "gobyernong bayan".
Kung noong 19 siglo, sa panahon na sumusulong pa ang kapitalismo (panahon ng malayang kalakalan) ay parang "referee" lamang ang papel ng estado sa lipunan para "ayusin" ang mga hindi mapigilang anatagonismo sa lipunan, sa pagpasok ng 20 siglo, lantaran na ang kanyang panghihimasok at kontrol sa buhay panlipunan na binabayo ng lumalalang krisis at kombulsyon ng internal na mga kontradiksyon ng sistema.
Sa loob ng 40 taon naging inutil ang estado para isalba ang krisis ng kanyang sistema. Sa halip, ang tanging sandalan ng naghaharing uri ay nawawalan na ng maniobra para pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng sistema.
Wala ng epektibong solusyon ang estado sa krisis ng sistema
Ang "epektibong solusyon" na pinagyayabang ng burgesya ay walang iba kundi ang palpak na solusyon nito magmula pa noong 1960s - utang. Magmula 1980s ang mga utang ay ginawang ispekulatibong pagpapautang sa napakataas na interes. Sa simula, tiba-tiba ang tubong nakulimbat mula dito subalit kailangang ilabas agad kung may oportunidad dahil sa malao't madali hindi na ito mabayaran. Sa simula, ang mga utang na ito ay parang "maningning na bituin" sa pamilihan kung saan pinag-aagawan ng mga bangko, ispekulador, gobyerno pero mabilis itong natransporma sa isang nakakahawang sakit na iniiwasan ng mga mamumuhunan. At nangyari nga: ang utang ang naging mitsa ng mas malakas na panibagong pagsabog ng naaagnas na sistema sa 2007.
Ang "bailouts" at "stimulus package" ng mga estado ay dagdag-utang para desperadong pigilan ang tuloy-tuloy na pagbulusok-pababa ng bulok na sistema. Mga utang na ang papasan at magbabayad ay ang naghihirap na populasyon. Ang mga utang ay hindi solusyon sa problema ng pagkasaid ng pamilihan at krisis sa sobrang produksyon. Kundi kabaliktaran: ito ay lalong nagpalala sa krisis ng sobrang produksyon na siyang ugat ng kasalukuyang pinakamalalim na krisis ng kapitalismo.
Ang Kaliwa na dati nanawagan ng "regulasyon" at "kontrol" ng estado sa pamilihan at ekonomiya sa panahon ng "kilusang anti-globalisasyon" bago sumabog ang krisis noong 2007 ay ganun pa rin ang linya ngayon: isalba ng estado ang uring manggagawa ("bailout the workers"), tulungan ng estado na "ariin at patakbuhin" ng mga manggagawa ang mga nabangkarotang pabrika ("workers' control") at direktang ariin ng estado ang mga batayang industriya at empresa ("nationalization"). Iba-iba man ang lenggwahe, iisa lang ang kanilang ibig sabihin: palitan ang "anti-manggagawang" kapitalismo ng estado ng isang "makabayan" o "sosyalistang" kapitalismo ng estado. At dahil eleksyon na sa susunod na taon, ang linyang isalba ng estado ang proletaryado ay gagamitin nila para lumahok ang mas maraming masang pinagsamantalahan sa burges na eleksyon at igapos ang uri sa larangan ng labanan na laging pabor sa uring mapagsamantala - ang parliyamento.
Isang ilusyon din ang kahilingang "kanselahin" ng mga estado sa "Unang Mundo" ang mga utang ng "Ikatlong Mundo". O sa madaling sabi, ideklara ng mga makapangyarihang estado na wala ng utang ang lahat ng mga bansa! Hindi naunawaan ng mga taong ito ang papel ng utang sa panahon na nasa permanenteng krisis na ang sistema: tanging ang utang na lang ang dahilan kung bakit patuloy pa ang operasyon ng industriya at komersyo. Ito na lang ang bumubuhay sa bulok na sistema at kahit sa mga estado mismo.
Ibagsak ang estado: solusyon sa krisis ng kapitalismo
Ang sistemang sahuran ang puno't-dulo ng krisis ng sobrang produksyon. Dahil sa sahurang pang-aalipin, hindi kayang ubusin (bilhin) lahat ng manggagawa ang mga produktong sila ang may likha dahil sa kapitalismo ang sahod ay maliit na bahagi lamang ng kabuuang halagang nalikha ng lakas-paggawa. Mula sa labis na halaga o halagang walang bayad nagmula ang tubo ng uring kapitalista. Sa 19 siglo nasolusyonan ang krisis sa sobrang produksyon sa pamamagitan ng paghahanap ng bagong merkado (kolonisasyon sa di-kapitalistang mga lipunan). Nang lubusan ng masakop ng kapitalismo ang mundo at nasaid na ang pandaigdigang pamilihan simula 20 siglo, naging permanente na ang krisis ng sobrang produksyon. Ang estado, anuman ang itawag dito ng Kanan at Kaliwa, ay tagapagtanggol ng sistemang sahuran.
Ang mga Unyon at partido ng Kaliwa ay laban sa interes ng uring manggagawa para ibagsak ang kapitalistang estado at itayo ang sosyalismo. Ang alibi ng Kaliwa: isagawa muna ang "minimum" na programa o "transisyunal" na programa bago ang komunistang programa ito man ay sa linyang "dalawang-yugtong rebolusyon" ng mga maoista, "tuloy-tuloy na rebolusyon" ng mga "leninista" o "permanenteng rebolusyon" ng mga trotskyista habang tuliro naman ang mga di-internasyunalistang anarkista sa kanilang linyang "lokalisadong awtonomiya" at "self-management".
Ang tindi at lalim ng kasalukuyang krisis ngayon ay patunay na sa loob ng mahigit 100 taon ay obhetibong hinog ng ibagsak ang kapitalistang sistema. Ang krisis ngayon at ang matinding epekto nito sa kabuhayan ng masang anakpawis ang siyang nagtuturo mismo sa uri kung ano ang tamang solusyon para wakasan ang krisis ng sistema: wala ng magandang kinabukasan na maibigay ang sistema at estado sa sangkatauhan kundi ibayong kahirapan, kaguluhan, digmaan at pagkasira ng kalikasan. Lubusan ng naging reaksyunaryo ang kapitalismo at ang lahat ng paksyon ng burgesya. Ang kasalukuyang krisis at ang darating pang mas malalim na krisis ang nagtuturo at magtuturo sa uri na posible at kailangan ng ibagsak ang sistema at ang estado na nagtatanggol dito.
Para sa mga komunista sa Pilipinas at sa mga elementong naghahanap ng alternatiba sa kasalukuyang krisis, mahalaga ang Mayo Uno ngayong taon. Ang mga aral sa internasyunal na pakikibaka na dapat halawin ng manggagawa Pilipino ay kailangang mahigpit na panghawakan para sa susunod na mga laban sa hinaharap. Dapat maghanda ang uri sa mga laban na sila mismo ang magdidikta at hindi ang unyon at Kanan o Kaliwa. Kung hindi man ito magkahugis sa malawakang mga welga at militanteng pagkilos sa lansangan, maaring magkaanyo ito sa pagdami ng mga grupo ng manggagawa na nagdidiskusyon sa kanilang kalagayan at paano labanan ang mga atake ng kapital. Mga grupo na hindi hahantong sa pagkagapos sa unyonismo kundi sa pagbubuo ng mga pulong-masa at asembliya para sa malawakang pagkakaisa at pakikibaka.
Ang solusyon sa krisis ay nasa mga kamay ng internasyunal na proletaryado, ang uring may istorikal na misyon na itayo ang lipunang walang sahurang pang-aalipin, walang mga uri, walang pagsasamantala at walang krisis sa sobrang produksyon - ang pandaigdigang komunistang lipunan. #
1 Hindi ibig sabihin na nagsimula ang Keynesianismo at Stalinistang totalitaryanismo sa 1960s. Ang mga ito ay ginawa na ng internasyunal na burgesya noong 1930s sa panahon ng pandaigdigang krisis ng dekadenteng kapitalismo sa 1929.
ITAKWIL ANG MGA ILUSYON AT MISTIPIKASYON! LABANAN
ANG MGA ATAKE NG ESTADO!
Lahat ng paksyon ng naghaharing uri ay iisa ang laman ng kanilang pahayag para sa taong 2009: may pag-asa pa na makabangon ang sistemang kapitalismo mula sa kasalukuyang krisis nito.
Ang paksyong Arroyo ay nanawagan ng “pagkakaisa” at “pagsantabi ng pamumulitika” para makayanan ng pambansang kapitalismo ang pandaigdigang krisis. Ang burges na oposisyon ay tulad din ng nagharing paksyon ang pahayag maliban sa puntong matutupad lamang ang pambansang pagkakaisa kung wala na sa Malakanyang si Gloria. Ibig sabihin, kung ang oposisyon na ang nasa kapangyarihan.
Ang Kaliwa, kung saan ang papel nito ay maghasik ng mistipikasyon ay gumagamit ng radikal na lenggwahe tulad ng “pagbabago ng sistema”, “sosyalismo”, “demokrasyang bayan” o “gobyernong bayan”. Ang komon na linya ng iba’t-ibang grupo ng Kaliwa sa pangunguna ng maoistang CPP-NPA-NDF ay: makakamit lamang ang pambansang pagkakaisa sa ilalim ng isang gobyerno na kontrolado ng Kaliwa o ng partido “komunista”.
Magkaaway man sa harap ng publiko, magkaiba man ang lenggwaheng ginagamit, walang pagkakaiba ang panawagan ng Kanan at Kaliwa: palakasin ang paghawak ng estado sa buhay panlipunan dahil ito lamang ang kumakatawan sa interes ng mamamayan. Ang estado lamang ang tagapagligtas ng sambayanan mula sa kasalukuyang krisis ng sistema.
Marxistang PaninindiganKailangang mailinaw ang pundamental na kaibahan ng paninindigan at pagsusuri ng mga komunista mula sa Kanan at Kaliwa ng burgesya. Kailangang malinaw na maunawaan ang pundamental na pagkakaiba ng mga marxista sa mga pekeng komunista.
Lalo pang lalala ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa taong 2009. Kasabay nito, titindi ang mga atake ng estado at uring kapitalista sa masang proletaryo. Wala ng matagalang solusyon ang permanenteng krisis ng sobrang produksyon ng kapitalismo maliban sa (1) panibagong pandaigdigang digmaan para muling hatiin ang mundo ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa o (2) pandaigdigang proletaryong rebolusyon para ibagsak ang estadong kapitalista at paghari ng pambansang burgesya. Ang una ang tanging solusyon ng uring mapagsamantala habang ang ikalawa ang tanging solusyon ng uring manggagawa, ang uring may istorikal na misyon para wakasan ang sistemang kapitalismo at itayo ang komunismo.
Lalong lalakas ang panghihimasok ng estado sa ekonomiya ng lipunan para tangkaing isalba ang sistema mula sa mas malalim na pagkalugmok sa krisis. Ang pangingibabaw ng kapitalismo ng estado ay manipestasyon ng naghihingalong sistema. Kaugnay nito, mas tatalas ang pangil ng panunupil ng estado — ito man ay demokratiko o “sosyalista” – sa lumalabang masang anakpawis. Kanan o Kaliwa man ang nasa kapangyarihan, gagamitin nito ang kamay na bakal ng estado laban sa rebolusyonaryong proletaryado. Sapat na ang mga nakikita nating panunupil sa Pilipinas, China, Vietnam, Venezuela, maoistang Nepal, Bangladesh, Egypt, Greece, France, Germany, at iba pang bansa para lubos na maintindihan ang kontra-rebolusyoanryong papel ng estado.
Hindi ang estado (anuman ang pangalang ibinyag ng Kaliwa dito) ang instrumento para sa pagbabagong panlipunan. Kabaliktaran: mababago ang lipunan matapos lubusang mawasak ang estado. Ang instrumento ng proletaryado para sa sa sosyalismo ay ang sariling organo nito sa pakikibaka – ang mga asembliya at konseho ng manggagawa. Ang diktadura ng proletaryado ay ang mga konseho ng uri at hindi ang transisyunal na estado.
Lalakas at magtuloy-tuloy lamang na susulong ang mga pakikibaka para labanan ang mga atake ng kapital kung hawakan ng uring manggagawa ang kanilang pakikibaka sa kanilang sariling mga kamay. Ibig sabihin, kung makibaka ang uri labas sa kontrol ng unyonismo, hindi para sa elektoralismo/parliyamentarismo at hindi para magsilbi sa nasyunalismo at pagtatanggol sa pambansang interes. Magiging malakas lamang ang pakikibaka ng uri kung ang kilusan nito ay hindi makipag-alyansa – direkta o indirekta, estratehiko o taktikal – sa lahat ng paksyon ng naghaharing uri kabilang na ang “anti-imperyalistang” pambansang burgesya.
Kailangang maunawaan ng manggagawang Pilipino na lalakas lamang ang kanilang pakikibaka sa kalagayan na sumusulong ang pakikibaka ng mga manggagawa sa pandaigdigang saklaw. Ang tanging nagkakaisang prente na kailangang pasukin at palakasin ng proletaryong Pilipino ay ang makauring alyansa ng mga manggagawa sa buong mundo; isang alyansa laban sa lahat ng mga paksyon ng burgesya sa loob at labas ng bansa. Ang pinakamataas na ekspresyon nito ay ang mga welga ng pakikiisa ng manggagawang Pilipino sa mga pakikibaka ng mga kapatid sa uri sa ibang bansa. Ito ang proletaryong internasyonalismo.
Dapat at tama lamang na suportahan ang anumang kagyat na pakikibaka ng uring manggagawa dahil ito ay ekspresyon at pundasyon para sa rebolusyonaryong pakikibaka. Subalit hindi para itali ang masang anakpawis sa mga repormistang kahilingan; sa mga kahilingang umaasa sa mga batas ng kapitalistang estado at parliyamento kundi para ipakita sa uri na makakamit lamang ang mga kahilingang ito matapos maibagsak ang estado sa pamamagitan ng sosyalistang rebolusyon.
Sa kongkreto, tungkulin ng mga rebolusyonaryong minorya sa Pilipinas na hikayatin ang uring proletaryo na palawakin ang kanilang pakikibaka sa mas maraming pabrika, sa antas syudad hanggang pambansa at higit sa lahat, hanggang internasyunal na saklaw kung nais ng uri na temporaryong aatras o hihinto ang estado sa pang-aatake. At para lubusang mapigilan ang pang-aatake ng kapital, kailangang ibagsak ang burges na estado, ito man ay “diktadura”, “demokratiko” o “sosyalista”. Ang labanan ngayon ay hindi na patagalan ng welga sa iilang pabrika kundi malawakang welga sa mas maraming pabrika; ng mas marami at malawak na manggagawang lumalahok sa mga pakikibaka sa lansangan. Ang labanan ngayon ay isang pampulitikang digmaan para itayo ang proletaryong kapangyarihan.
Panghuli, itinuturo ng karanasan ng uri sa 1905 at 1917 sa Rusya, 1980 sa Poland, 2006-2007 sa France, Spain at Egypt at nitong huli, sa Greece sa 2008 na ang tanging organo ng pakikibaka ng proletaryado ay ang kanilang mga asembliya at hindi ang mga unyon at mga partido ng Kaliwa.
Manggagawang Pilipino at mga rebolusyonaryo sa Pilipinas!
Salubungin natin ang bagong taon na may bagong pag-asa at bagong kamulatan. Salubungin natin ang 2009 sa pamamagitan ng pagtakwil sa lahat ng mga balakid – ang unyonismo, elektoralismo/parliyamentarismo at nasyunalismo – para isulong ang internasyunal na sosyalistang kilusan at ipraktika ang batayang prinsipyo ng Marxismo – internasyonalismo.
MANGGAGAWA SA BUONG MUNDO, MAGKAISA!INTERNASYONALISMO
Kaliwa't kanan ang tanggalan sa maraming mga pabrika ngayon dahil sa lumalalang krisis ng pandaigdigang kapitalismo. Kung hindi man tanggalan ay pagbabawas ng sahod sa pamamagitan ng work rotation.
Ganito ka brutal ang kapitalismo. Para pansamantalang maligtas mula sa wala ng solusyon na krisis bunga ng kanyang mga panloob na kontradiksyon, ang masang manggagawa ang sasagasaan ng paulit-ulit. Ang brutalidad ng bulok na sistema ay hindi kagagawan ng mga "masasama" at "ganid" na kapitalista kundi bunga mismo ng katangian ng sistema.
Internal na mga kontradiksyon ng kapitalismo: Ugat ng lumalalang krisis ng mundo
Nabubuhay ang kapitalismo sa pagsasamantala sa masang anakpawis; sa pagpiga mula sa manggagawa ng labis na halaga - ang paggawa na walang bayad. Ang labis na halaga ang pinagmulan ng tubo ng mga kapitalista. Para ma-realisa ang tubo - para maging pera - kailangang maibenta ang mga produkto sa pamilihan. Sa sandaling maibenta lamang ang mga produktong ito ay saka pa maging pera ang tubo para panibagong kapital na napiga nito sa manggagawa.
Dahil sa anarkiya ng kapitalismo ng paglikha ng produkto bunga ng katangian nitong kompetisyon at sa kawalan ng kapasidad ng populasyon na bilhin ang lahat ng produktong gawa ng kapital, mangyayari ang krisis sa sobrang produksyon na magbunga naman ng pagliit ng tantos ng tubo. Ang solusyon dito ng kapitalismo ay ibayong pagpapalawak ng kanyang nasasakupan; ibayong paglawak ng kapitalistang pamilihan. Kaya naman sa panahon ng 19 siglo ay laganap ang kolonisasyon ng kapital sa iba't-ibang panig ng mundo. Ang bawat masakop nito ay dinudurog ang hindi-pa-kapitalistang mga sistema at pinipilit ang lokal na populasyon na yakapin ang sistema ng kapital - pera, tubo at pamilihan. Ipinunla at pinayabong ng kapital ang kanyang sariling imahe mula sa mga guho ng lumang kaayusan.
Imperyalismo: huling yugto ng kapitalismo, ang kanyang dekadenteng yugto
Sa pagpasok ng 20 siglo, ganap ng nasakop ng kapital ang buong mundo. Naging ganap ng isang pandaigdigang sistema ang kapitalismo kung saan walang bansa ang nakakaligtas sa mga pangil ng kanyang brutal na pagsasamantala. Dito na nagtapos ang pagiging progresibo ng kapital sa pagpapaunlad ng mga produktibong pwersa. Ganap ng naging hadlang ang sistema sa ibayong pag-unlad ng mga produktibong pwersa ng lipunan. Sa halip, ang patuloy na pag-iral nito ang siya ng sentral na dahilan ng ibayong kahirapan ng sangkatauhan sa buong mundo. Ganap ng naging reaksyonaryo ang burgesya.
Sa panahon ng imperyalismo, ang krisis ng kapitalismo ay palala ng palala habang ang kanyang "rekoberi" ay paiksi ng paiksi. Kaya naman ang pagiging atrasado ng maraming bansa ay hindi simpleng kagagawan ng iilang makapangyarihang kapitalistang bansa gaya ng propaganda ng iba't-ibang paksyon ng Kaliwa. Ang mga labi ng pyudal na kaayusan ay hindi simpleng nagmula sa suhetibong kagustuhan ng burgesya dahil ang naturalesa ng kapitalismo sa bawat madapuan niya ay wawasakin ang mga lumang kaayusan dahil sa ganitong paraan lamang siya mabubuhay.
Ang pagiging atrasado ng dumaraming mga bansa ay nagmula sa kawalan na mismo ng kapasidad ng sistema na paunlarin pa ito para gawing industriyalisado. Kung sa 19 siglo, dinudurog ng kapitalismo ang uring magsasaka para gawing mga manggagawa sa kanyang industriyalisadong mga pabrika, sa panahon ng imperyalismo ay hindi na kayang papasukin ang paparaming mga nadurog na magsasaka sa kapitalistang industriya. Sa imperyalismo dumarami ang mga walang trabaho at mga mala-proletaryado. Sila ang tinagurian ngayon na nasa "informal sector" o malaking bahagi ng sinasabing "underground economy".
Pakikibaka ng manggagawa
Ang tanging rebolusyonaryong uri sa sistemang kapitalismo ay ang uring manggagawa. Ang ibang pinagsamantalahang mga uri ay hindi rebolusyonaryo bilang uri. Kung makauring interes ang pagbabatayan, ang mga ito ay reaksyonaryo dahil nais nilang panatilihin ang kanilang uri na walang ibig sabihin kundi ibalik ang gulong ng kasaysayan. Ang kinabukasan ng mga uring ito na mabilis na winawasak ng kapitalismo ay maging proletaryado. Nagiging rebolusyonaryo lamang ang mga uring ito sa panahon na ang dinadala nila ay ang interes ng uring kabibilangan nila sa hinaharap.
Ang pagiging tanging rebolusyonaryong uri ng manggagawa ay lalong tumitingkad sa panahon ng imperyalismo, ang dekadenteng yugto ng kapitalismo. Tanging ang matagumpay na rebolusyonaryong opensiba lamang ng internasyunal na proletaryado ang magbigay katapusan sa naaagnas na bulok na pandaigdigang sistema sa pamamagitan ng pandaigdigang komunistang rebolusyon.
Kaiba sa 19 siglo, ang pang-ekonomiyang pakikibaka ng manggagawa sa panahon ng imperyalismo ay kagyat at direkta ng nakaugnay sa pampulitikang pakikibaka - sa pakikibaka para ibagsak ang burges na estado at lahat ng mga institusyon nito. Dahil wala ng kapasidad na magbigay ng anumang makabuluhang reporma ang sistema, ang realisasyon ng pang-ekonomiyang pakikibaka ay makakamit lamang sa panahon na madurog na ang estado. Sa ganitong katotohanan nakabatay ang tungkulin ng mga komunista sa loob ng kilusang paggawa - bigyang direksyon ang lahat ng pang-ekonomiyang pakikibaka na tumungo sa pampulitikang pakikibaka, sa pakikibaka laban sa estado at hindi lamang sa naghaharing paksyon na siyang may hawak ng estado.
Dahil dito, anumang makauring pakikibaka ng proletaryado, sa anumang bahagi ng mundo ay kailangang lumaganap at lumawak. Hindi na sapat ang paisa-isang laban; ang mga laban sa bawat pabrika lamang. Kailangan na ang malawakang mga labanan; mga labanan na lalahukan ng pinakamaraming pabrika hindi lamang sa antas syudad at pambansa kundi internasyunal upang magkaroon ng tunay at makabuluhang mga tagumpay kahit sa usapin ng pang-ekonomiya at kagyat ng pakikibaka. Bakit? Dahil malawakan na rin ang mga atake ng kapital tulak ng kanyang papalawak at papalalim na krisis.
Ang paisa-isa at matagalang labanan (matagalang welga) ay hahantong lamang sa pagkatalo at kabiguan na magbubunga ng matinding demoralisasyon at kawalan ng kumpyansa ng uri sa kanyang sarili. Ito ang ikalawang pampulitikang tungkulin ng mga komunistang organisasyon - suportahan ang lahat ng pakikibaka ng uri at sa loob ng pakikibaka ay matalas na ipakita na kailangang lumawak ang pakikibaka upang manalo.
Sa ganitong katangian ng porma ng pakikibaka sa panahon ng dekadenteng kapitalismo, hindi na mga unyon ang porma ng organisasyon ng uri para sa kanyang laban. Ganap ng integrado ang mga unyon sa estado at sa pambansang kapitalismo. Ang mga unyon ay lumitaw bilang instrumento ng uri para makakuha ng makabuluhang mga reporma sa ilalim ng isang progresibong kapitalismo.
Kaya naman sa pangkalahatan ay makauring instrumento ito ng proletaryado sa 19 siglo. Subalit pundamental na nag-iba ang katangian ng sistema sa panahon ng imperyalismo. Ganun din ang mga unyon. Naging polis na sila ng estado sa loob ng pagawaan. Katuwang ng iba't-ibang paksyon ng burgesya upang ikulong ang manggagawa sa pagtatanggol ng pambansang kapitalismo gamit ang mga mistipikasyon ng nasyunalismo, patriyotismo at demokrasya.
Itinuro sa ating henerasyon ng internasyunal na proletaryado noong 1905 - 1923 kung ano ang angkop na organo ng pakikibaka ng uri sa kanyang pang-ekonomiya at pampulitikang pakikibaka - mga asembliya at konseho ng manggagawa o mga komite at inter-komite sa welga o simpleng komite sa pabrika. Ang mga ito ay itinayo, pinatatakbo at pinagkukunan ng mga kapasyahan ng lahat ng manggagawa na nakibaka. Ang proletaryong demokrasya ay dito makikita hindi sa mga pulong ng iilang "lider" o "grupo ng mga komunista" na "namuno" sa pakikibaka. Ang mga organong ito ay may kapangyarihang palitan anumang oras ang kanilang halal na mga lider kung sa tingin ng mga manggagawa ay hindi na ito nagsisilbi sa kanilang pakikibaka.
Sa 1970s ito ang ginawa ng mga manggagawa sa Poland at Italy sa kanilang mga laban. Subalit ang pinakamatingkad at pinakamalawak ay ang pakikibaka ng manggagawang Polish noong 1980-81.
Ang kasaysayang ito ng internasyunal na proletaryado ang pilit itinatago ng mga unyon at Kanan at Kaliwa ng burgesya upang patuloy na linlangin ang uri na sa "pamamagitan lamang ng unyonismo" makamit ng manggagawa ang tagumpay sa pakikibaka.
Imperyalismo at komunistang rebolusyon
Ang imperyalismo ay hindi simpleng "pagsaamantala ng makapangyarihang imperyalistang mga bansa sa mga atrasadong bansa" gaya ng Pilipinas. Lalunang ang imperyalismo ay hindi simpleng "US imperialist enemy number one". Ang ganitong baluktot na pag-unawa sa imperyalismo ang naging daan upang maniwala na nahahati ang mundo sa dalawang kampo - progresibong kapitalismo at reaksyunaryong kapitalismo. Mas masahol pa, hinati ng ganitong maling pananaw ang sanlibutan sa dalawang kampo - imperyalistang kampo at "anti-imperyalistang" kampo kung saan sa huli ay alyado ng rebolusyon ang makabayang pambansang burgesya. At ang pinakamataas na rurok ng kahibangan ay alyado ng rebolusyon ang mga sagadsaring anti-komunistang organisasyon gaya ng Al Qaeda, Hamas, Hizbollah dahil lamang sa baliw na katuwiran na ang mga ito ay laban sa imperyalsimong Amerika!
Ang mga kahibangang ito ay bunga ng sinasabi ng Kaliwa na ang "nasyunalismo ay aplikasyon ng internasyunalismo".
Ang imperyalismo ay hindi simpleng polisiya ng ilang imperyalistang kapangyarihan. Ito ay katangian ng pandaigdigang kapitalismo na pumasok na sa kanyang dekadenteng yugto, sa kanyang permanenteng krisis. Ang imperyalismo ay hudyat na possible at kailangan na ang komunistang rebolusyon upang tuluyan ng wakasan ang naghaharing sistema na wala ng maibigay na magandang bukas sa sangkatauhan maliban sa mga digmaan, kahirapan, gutom, sakit at pagkasira ng kalikasan.
Sinakop ng imperyalismo ang lahat ng mga bansa. Ang lahat ng mga pambansang kapital, kasama na ang Pilipinas ay may katangiang imperyalista. Para patuloy na mabuhay sa panahon ng permanenteng krisis ng sistema, kailangan ng bawat pambansang kapital na maungusan sa kompetisyon ang kanyang mga karibal; kailangan niyang pagsamantalahan ang kanyang sariling manggagawa para magawa nitong magsamantala sa ibang mas mahina sa kanya. Kailangan niyang sumandal sa isang mas makapangyarihan sa kanya para magkaroon siya ng puwang sa kumikipot na pandaigdigang pamilihan. Sa ganitong konteksto, lahat ng mga bansa kabilang na ang makapangyarihang mga bansa ay export-import dependent dahil ganap ng integrado ang lahat ng mga pambansang ekonomiya sa pandaigdigang ekonomiya.
Ang tunay na anti-imperyalismo ay anti-kapitalismo sa lahat ng kanyang anyo - pambansa, dayuhan at kapitalismo ng estado. Ang tunay na anti-imperyalismo ay kaaway at hindi alyado ang lahat ng paksyon ng burgesya - pambansa at dayuhan, administrasyon at oposisyon.
Ang programa ng tunay na anti-imperyalismo ay walang iba kundi pandaigdigang komunistang rebolusyon. Ito ang tanging programa ng internasyunal na rebolusyonaryong proletaryado sa kasalukuyang panahon.
Maraming mga seryosong elemento sa Pilipinas na kinikilala ang sarili na komunista o rebolusyonaryo ay patuloy na nagapos sa ilusyon ng demokrasya bilang daan tungong sosyalismo. Nakapagpalakas sa ganitong ilusyon ay ang pagiging atrasadong kapitalistang bansa ng Pilipinas at ang lantarang kabulukan ng umiiral na burges na demokrasya. Sa halip na kilalanin ang katotohanan na sa panahon ng dekadenteng kapitalismo o imperyalismo ang demokrasyang burges ay umabot na sa kanyang sukdulang limitasyon bilang progresibong salik para sa pagsulong ng independyenteng kilusang manggagawa at naging ganap ng hadlang para sa sosyalistang rebolusyon, kinilala ito ng mga seryosong elemento sa Pilipinas na “kakulangan” o kaya “hindi totoong” demokrasya. Hindi naunawaan ng mga elementong ito ang pundamental na kaibahan ng katangian ng kapitalismo sa 19 siglo at sa 20 siglo. Para sa kanila, tila walang pundamental na pagbabago at masahol pa, kung meron mang pagbabago ito ay walang implikasyon sa laman at porma ng pakikibaka ng uri.
Ang kawalan ng kaalaman at pag-unawa sa katangian ng kapitalismo bilang pandaigdigang sistema, ang lubusang pagiging reaksyonaryo nito at ang integrasyon ng buong mundo (lahat ng mga bansa) sa mga relasyon nito simula ng sumabog ang imperyalistang WW I sa 1914 ang nagtulak sa maraming seryosong mga elemento sa Pilipinas na naghahangad ng sosyalismo na mahulog sa bitag ng Kaliwa ng burgesya na may “pag-asa pang uunlad ang kapitalismo sa bansa” sa ilalim ng pandaigdigang bulok na sistema. Katunayan, ito ang bag-as ng programa ng Kaliwa, ito man ay ang Programa ng DRB ng mga maoistang CPP, minimum-maksimum na programa ng “leninistang” PMP o transisyunal na programa ng iba’t-ibang paksyon ng mga trotskyista. Dahil dito, ang bukambibig ng Kaliwa na “internasyunalismo” ay walang iba kundi pambansang kapitalismo. Ang bukambibig nito na sosyalistang rebolusyon ay walang iba kundi repormismo at parliyamentarismo. Kahit ang ultra-Kaliwa na gerilyang pakikidigma ng CPP ay mabilis na nalalantad ngayon bilang sandata ng repormismo at parliyamentarismo.
Sa halip na ang gamiting lente sa pagsusuri sa kalagayan ng Pilipinas ay ang dinamik at ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo, sa halip na ang teleskopyong gagamitin sa pag-aaral ng makauring tunggalian sa bansa ay ang galaw ng internasyunal na makauring tunggalian, kinukulong ng Kaliwa ang masang manggagawa at ang abanteng hanay nito sa pambansang balangkas sa paglalatag ng “estratehiya at taktika”. Sa madaling sabi, ang sosyalistang rebolusyon ay ikinulong ng Kaliwa sa balangkas ng bansa sa halip na aminin ang katotohanan na ito ay isang pandaigdigang rebolusyon. Ito ang tungkulin ng Kaliwa: harangan at ilihis ang pakikibaka ng uri tungong sosyalismo. Nagtutulungan ang Kanan at Kaliwa ng kapital laban sa uring manggagawa.
Dahil dito, gaano man kaseryoso ang mga elementong ito hangga’t “boluntaryo” nilang ikinulong ang sarili sa mga organisasyon ng Kaliwa, mananatiling “perspektiba” sa kanila ang sosyalismo at ang tanging “realidad” sa kanilang isipan ay ang mistipikasyon ng “pambansang kalayaan at demokrasya.”
Komunistang Rebolusyon: Tanging Linya ng Martsa ng Uri sa Kasalukuyan
Komunistang rebolusyon ang tanging daan ng uring proletaryo sa buong mundo ngayon. Ito man ay sa atrasado o abanteng kapitalistang mga bansa. Iisa lamang ang programa ng uring manggagawa sa daigdig dahil ang kapitalismo ay pandaigdigang sistema. Pero hindi ito ang pangunahing dahilan kung bakit komunistang rebolusyon na ang laman at direksyon ng pakikibaka ngayon. Ang imperyalistang WW I ay senyales na ganap ng naging reaksyonaryo ang pandaigdigang kapitalismo at wala na itong maibigay na anumang magandang kinabukasan sa sangkatauhan kundi ibayong kahirapan, digmaan at pagkasira ng mundo.
Ang mga kagyat at pang-ekonomiyang pakikibaka ng uri ay direktang nakaugnay sa pampulitikang pakikibaka. Ang una ang nagbibigay kongkretisasyon sa huli at ang huli ang nagpapalakas sa una. Sa panahon ng naghihingalong kapitalismo hindi na maaring magkahiwalay ang mga ito. Pero dapat linawin, hindi na kabilang sa pampulitikang pakikibaka ng proletaryado ang parliyamentarismo magmula 1914.
Dahil dito, hindi na lang pangangailangan ang komunistang rebolusyon kundi ito ay posible na. Sa pagpasok ng 20 siglo nasa istorikal na agenda na ang pandaigdigang komunistang rebolusyon. Walang ibang layunin ang pakikibaka ng proletaryado ngayon, ito man ay sa Pilipinas o saan mang sulok ng mundo kundi ang wasakin ang kapitalismo at ang estado nito at itayo ang diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw.
Lipas na ang minimum na programa ng Sosyal-Demokratikong 2nd Internasyonal. Hindi na ito angkop sa panahon ng dekadenteng sistema. Isang bangungot ang transisyunal na programa. Isang kontra-rebolusyonaryong linya ang Programa ng DRB. Isang ilusyon na lang ang pagtatayo ng isang malaya at demokratikong bansa sa ilalim ng nabubulok na imperyalistang kaayusan.
Pag-aralan at talakayin natin ang karanasan ng internasyunal na proletaryado sa loob ng mahigit 200 taon laluna ang mga debate ng mga rebolusyonaryo. Pag-aralan natin ang ebolusyon ng pandaigdigang kapitalismo. Sa pamamagitan lamang nito maunawaan natin kung bakit ang komunistang linya ng martsa ngayon ang tanging daan patungong pagbabago sa bulok na lipunan.
Tungkulin ng lahat ng mga komunista na ipagtanggol sa harap ng masang manggagawa ang mga komunistang prinsipyo sa pamamagitan ng malawak at malalim na talakayan at diskusyon kung saan bukas sa partisipasyon ng lahat ng manggagawa laluna sa abanteng hanay nito at sa mga elementong seryoso para sa panlipunang pagbabago.
Sentrong pampulitikang usapin ngayon ang Con-Ass2 ng mababang kapulungan ng burges na parliyamento. Sinolo ng maka-administrasyong mambabatas ang pagbabago sa kanilang Konstitusyon dahil alam nilang tutol dito ang dominado-ng-oposisyon na Senado.
Umani ito ng malawakang pagkondena ng iba't-ibang sektor ng lipunan.
May halaga ba sa ordinaryong manggagawa ang Saligang Batas ng mga Kapitalista?
Iisa lamang ang pinakita ng garapalang pagpasa ng HR 11093: isang rubber-stamp ang parliyamento at ang may hawak ng absolutong kapangyarihan ay ang ehekutibo. Hindi lang ito katangian ng rehimeng Arroyo kundi katangian ng LAHAT ng mga rehimeng kapitalista, hindi lang sa Pilipinas kundi sa lahat ng mga bansa. Ganito na ang katangian ng estado sa panahon ng dekadenteng kapitalismo.
Nahubaran ang demokrasya (ie, "pangingibabaw ng mayorya"). Nalantad ang kanyang tunay na anyo: isang tipo ng diktadura ng naghaharing uri. Isang mapanlinlang na anyo ng kapitalismo ng estado.
Ang saligang batas ng estado ay walang saysay sa masang manggagawa. ito man ay ang 1987 Konstitusyon o isang bagong Konstitusyon. Ito man ay sa paraang Con-Ass o Concon4. Ang Konstitusyon ng kapitalistang sistema ay para IPAGTANGGOL ang mapagsamantalang kaayusan.
Gumawa ng Konstitusyon ang naghaharing uri upang pasunurin nito ang mga pinagsamantalahang uri sa kagustuhan ng una. At ang sinumang lalabag ay parurusahan.
Sa loob ng mahigit 20 taon na pag-iral ng 1987 Konstitusyon ay lalong naghirap, inapi at pinagsamantalahan ang manggagawang Pilipino. Ang Konstitusyon na ginawa ng mapagsamantalang uri 20 taon na ang nakaraan ay para ipagtanggol ang bulok na sistema.
Kung iniisip man ng naghaharing paksyon na baguhin ang kanilang sariling saligang batas, ito ay walang ibang layunin kundi mas patindihin pa ang pagsasamantala at pang-aapi sa masang anakpawis; mas palakasin pa ang kapangyarihan ng estado na ang tanging papel ay pasunurin ang populasyon at supilin ang mga lumalaban.
Ang usapin ng pananatili sa luma o paggawa ng bagong Konstitusyon ay interes ng burgesya hindi ng uring manggagawa.
Ang nasa likod ng usaping pagbabago sa burges na Konstitusyon
Hindi term extension ni Gloria5 ang pangunahing dahilan kung bakit nagmamadali ang administrasyon na baguhin ang Konstitusyon. Ang pangunahing dahilan ay kailangan ng buong naghaharing uri (hindi lang ng paksyong Arroyo) na "i-angkop" ang mga batas ng estado para maproteksyunan ang pambansang kapitalismo na binabayo ng krisis bunga ng pandaigdigang krisis ng kapitalismo. Kailangan ng burgesyang Pilipino na maungusan ang ibang bansa sa paghahanap ng pamilihan sa pandaigdigang antas; isang pandaigdigang pamilihan na lalupang kumikipot sa pagdaan ng mga araw. Dahil atrasado ang kapitalismo sa bansa (at hindi na ito maging abante pa gaya ng kahibangan ng paksyong Arroyo) kailangan ng pambansang kapitalismo ang "tulong" ng dayuhang kapital (na siya namang ninanais ng ibang atrasadong mga bansa na karibal ng Pilipinas).
Kung may nag-iisip man ng term extension ni Gloria (president o prime minister), ito ay ang kanyang mga sagad-saring alagad na lamang. Pero hindi ang buong naghaharing uri dahil para sa kanila, isa ng liability si Gloria sa kanilang paghahari. Katunayan, may mapagpipilian na ang naghaharing uri sa loob ng burges na oposisyon para uupo sa Malakanyang (Roxas, Villar, Lacson, Legarda, Escudero, etc). Kung sino man siya, ito ay walang halaga sa masang mahihirap dahil alam ng huli na ibayong kahirapan lamang ang mararanasan nito anumang paksyon ng burgesya ang uupo sa kapangyarihan.
Kung hindi man magtagumpay ang pagbabago ng Konstitusyon ngayon, tiyak na isa ito sa pangunahing agenda ng bagong uupo sa Malakanyang sa 2010, siya man ay galing sa administrasyon o oposisyon.
Kampanya ng oposisyon at Kaliwa kontra Con-Ass
Gaya ng nasabi namin sa itaas, walang halaga sa manggagawa kung baguhin o hindi ang saligang batas ng uring kapitalista dahil hindi naman ito makauring laban nila kundi ng iba't-ibang paksyon ng kanilang makauring kaaway.
Pero nais hatakin ng oposisyon at Kaliwa ang masang manggagawa sa labanan ng kanilang kaaway. Nais ng una na sumali at kumampi ang huli sa isang paksyon ng burgesya. Ito ay kontra-rebolusyonaryong taktika at mapanghati sa uring manggagawa.
Malinaw naman ang nais ng oposisyon at Kaliwa: wala silang tutol na baguhin ang kanilang Konstitusyon. Ang nais nila ay sila muna ang nasa kapangyarihan bago ito baguhin. Bakit? Dahil gusto nilang tiyakin na ang kanilang paksyon ang magpapasasa sa pagsasamantala sa masang anakpawis at hindi ang kanilang mga karibal.
Ito ang nasa likod ng kanilang kampanyang "kontra Cha-Cha/Con-Ass". Ang kabilang mukha naman ng kampanyang ito ay ipagtanggol ang maka-kapitalistang 1987 Konstitusyon.
Gamit ang radikal na mga lenggwahe at "demokratikong" kahilingan ("Concon hindi Con-Ass", "Baguhin ang Konstitusyon matapos ang eleksyon sa 2010", etc), nagsisilbi ito sa kagustuhan ng buong naghaharing uri na maging kapani-paniwala ang eleksyon sa 2010 sa pamamagitan ng paghila sa mas maraming mamamayan laluna sa manggagawa at kabataan na lumahok sa burges na halalan.
Ang propagandang term extension ni GMA at hindi matutuloy ang 2010 eleksyon ay gayuma para kabigin ang malawak na diskontentong populasyon na "makibaka" para matuloy ang eleksyon sa 2010 at lumahok sa moro-morong ito.
Ang ikinatatakot ng buong naghaharing uri ay kung mawalan ng tiwala ang masang pinagsamantalahan sa eleksyon at mabilis itong mamulat sa rebolusyon. Ito ang pinipigilan ng lahat ng paksyon ng burgesya sa Pilipinas - Kanan man o Kaliwa.
Dagdag pa, kasabay ng kampanyang "kontra Cha-Cha" ng Kaliwa ay ang panawagan sa mamamayan na magtiwala sa "demokratikong" katangian ng estado sa halip na ibagsak ito. Sa likod ng linyang "anti-demokratiko" ang kasalukuyang estado ay nanawagan sila na itayo ang demokratikong gobyerno. Ang panawagang "sa halip pagkaabalahan ang pagbabago sa Konstitusyon, dapat ang isabatas ay CARPER, GARB, etc" ay naaayon sa linyang "magtiwala sa parliyamento basta sabayan ito ng presyur mula sa baba".
Radikal na lenggwahe, repormista sa esensya. Ang papel ng kapitalistang estado at lahat ng mga institusyon nito ay ipagtanggol ang naaagnas na bulok na sistema. Imposible na itong repormahin pa. Ang kailangan ay ibagsak ito!
Sigaw ng masang manggagawa: Wakasan ang pagsasamantala!
Hindi mawakasan ang pagsasamantala sa pananatili o pagbabago sa kapitalistang 1987 Konstitusyon. Hindi ito ang larangan ng pakikibaka ng uri. Hindi lalaya ang uri kung ang uupo sa Malakanyang ay mula sa kasalukuyang administrasyon, oposisyon o kahit "independyente". Bagkus, mas hihigpit pa ang kadena ng pang-aalipin.
Ang daan tungo sa makauring kalayaan ay ang pakikibaka ng uri para sa kanyang mga kahilingan laban sa mga atake ng kapital; mga kahilingan na araw-araw mismong naranasan ng uri sa loob ng kanyang pagawaan - ang pagsasamantala at pang-aabuso ng uring kapitalista. Hindi ipagtatanggol ng anumang saligang batas ng estado ang makauring interes ng proletaryado at iba pang aping sektor ng lipunan. Ang tanging magtatanggol sa uri ay ang uri mismo. Ito ay wala sa loob ng gobyerno at bulwagan ng parliyamento kundi sa labas - sa lansangan. Mga pakikibaka mula sa depensiba tungo sa rebolusyonaryong opensiba para ibagsak ang estado at mga institusyon nito. Mga labanan na ang direksyon ay itayo ang kapangyarihan ng manggagawa - ang diktadura ng proletaryado.
Cha-Cha o kontra Cha-Cha, Con-Ass o Concon: hindi ito laban ng manggagawa. Ang laban ng manggagawa ay wakasan ang pagsasamantala.
1 Cha-Cha - Charter Change
2 Con-Ass - Constituent Assembly
3 House Resolution 1109
4 Con-Con - Constitutional Convention
5 Gloria Macapagal Arroyo - current president of the Philippines
Habang tumitindi ang krisis ng pandaigdigang kapitalismo sa kabila ng “pagkakaisa” ng buong internasyonal na burgesya na isalba ito, tumitindi naman ang kompetisyon ng iba’t-ibang paksyon ng naghaharing uri sa Pilipinas para sa 2010 eleksyon. Tumitindi ngayon ang demolition jobs kapwa ng administrasyon at oposisyon laban sa kanilang mga karibal. Mga “paninira” na may bahid ng katotohanan. Ang kasinungalingan lang sa mga ito ay ang pagmamalinis ng mga “naninira”. Lahat ng mga paksyon ng naghaharing uri ay napakalaki ang kasalanan sa masang pinagsamantalahan. Mga kasalanan na hindi maaring kalimutan o isantabi sa pamamagitan ng “taktikang pakikipag-alyansa sa isang paksyon”. Mga kasalanan na ang tanging tugon ng uri ay ideklara sa harap ng publiko na mortal na kaaway nito ang lahat ng mga paksyon ng burgesya – Kanan at Kaliwa, administrasyon at oposisyon.
Habang binabayo ang manggagawang Pilipino sa mga atake ng kapital sa kanilang pamumuhay, abalang-abala naman ang Kanan at Kaliwa na igapos ang uring anakpawis sa mga ‘sektoral’ na pakikibaka – anti-VFA, hostage-taking ng teroristang Abu Sayyaf, “bail-ot the workers” campaigns, etc. Gayong ang mga ito ay manipestasyon ng pagiging bulok ng kapitalismo, ang mga isyung ito ay itinatali ng Kaliwa sa repormismo at panawagang may “magagawa ang estado kung gugustuhin nito”.
Habang ang mga kapatid na manggagawa sa ibang mga bansa laluna sa Uropa ay nakibaka batay sa panawagan ng malawakang pagkakaisa (manggagawa sa daigdig, magkaisa!), itinali naman ng mga unyon sa Pilipinas ang pakikibaka sa kani-kanilang pabrika at sa prodyeksyon ng kani-kanilang mga unyon at sa mga partido ng Kaliwa na kumokontrol dito. Ang ipokritong panawagan ng mga unyon at Kaliwa ng “pagkakaisa” at “malawakang pakikibaka” ay nagsisilbi sa kani-kanilang sektaryong layunin na sa “bawat pagkakaisa, kailangang kami ang mamuno”. Kaya naman, kitang-kita ang hiwa-hiwalay na pakikipaglaban ng masang proletaryado sa ilalim ng pamumuno ng iba’t-ibang mga unyon.
Hindi ito nakapagtataka dahil ang nangyari sa mga unyon sa Pilipinas (bilang instrumento ng naghaharing uri) ay ekspresyon lamang sa tumitinding bangayan ng mga paksyon ng burgesya na siyang amo ng mga unyon.
Itinatago ng mga burukratikong lider ng mga unyon sa Pilipinas ang katotohanan na ang sumusulong na militanteng pakikibaka ng mga manggagawa sa ibang bansa laban sa mga atake ng kapital ay nangyayari LABAS SA KONTROL ng mga unyon.
Ang sabotahe ng unyonismo sa pakikibaka ng manggagawa ay kitang-kita sa pagkatalo ng mga manggagawa sa Giardini del Sole sa Cebu at sa iba pang mga pabrika. Ang pakikibaka ng manggagawa para ipagtanggol ang trabaho at sahod sa panahon ng krisis ng kapitalismo ay nauuwi lamang sa “makatuwirang” retrenchment package at “government assistance” para maging maliliit na kapitalista ang natanggal na manggagawa. Ang ibang paksyon naman ng Kaliwa ay direktang nanawagan ng “nasyunalisasyon” (state control) o “workers’ control” sa mga naluluging pabrika. Ang mga linyang ito ay “radikal” sa porma pero maka-kapitalismo sa laman.
Sa halip na direktang ilantad ang pagiging inutil ng kapitalistang sistema, ikinahon ng mga unyon ang pakikibaka ng manggagawa sa simpleng “union busting”.
Ang aral na dapat mahalaw ng manggagawang Pilipino para epektibong labanan ang mga atake ng uring kapitalista para isalba ang naghihingalong sistema ay walang iba kundi:
ANG PAKIKIBAKA NG URI AY MAGING EPEKTIBO LAMANG KUNG MAGKAISA ANG MASANG MANGGAGAWA LABAS SA ISTRUKTURA AT KONTROL NG MGA UNYON; KUNG ANG PAKIKIBAKA AY MAPALAWAK MISMO NG URI SA MAS MARAMING PABRIKA; KUNG ANG ORGANISASYON NILA SA PAKIKIBAKA AY MISMONG ANG KANILANG MGA ASEMBLIYA KUNG SAAN ANG MGA LIDER AY MAARING PALITAN ANUMANG ORAS KUNG MAPAGPASYAHAN NG ASEMBLIYANG NAGHALAL SA KANILA.
Ang pakikibaka ng proletaryado laban sa mga atake ng kapital ay magtagumpay lamang kung ituloy-tuloy ito tungo sa pakikibaka para ibagsak ang kapitalistang estado kabilang na ang lahat ng mga institusyon nito laluna ang burges na parliyamento.
Kailangang maging mapagmatyag ang mga abanteng hanay ng uri sa mga maniobra ng Kaliwa na gamitin ang pakikibaka ngayon ng uri para sa prodyeksyon ng kani-kanilang partido at kandidato para sa eleksyon sa 2010 sa kasinungalingang “taktika ang eleksyon para isulong ang rebolusyon”. Ito ang masaklap na karanasan ng uri sa BAYAN MUNA, ANAKPAWIS, SANLAKAS, PARTIDO NG MANGGAGAWA, AKBAYAN, at iba pa. Ngayon naman, may bago na namang pang-engganyo ang Kaliwa – ang PLM – na ang modelo ay ang pagkapanalo ng Kaliwa sa burges na eleksyon sa Latin Amerika.
Habang tumitindi ang krisis ng kapitalismo, asahan natin na lalong titindi ang tunggalian ng Kanan at Kaliwa ng burgesya, ito man ay sa larangan ng eleksyon o armadong labanan. At sa kanilang tunggalian gagamitin nila ang mga isyu ng uri para sa kanilang pansariling kapakanan.
Ang tanging solusyon sa krisis ng kapitalismo ngayon ay rebolusyon ng mga manggagawa, hindi unyonismo at paglahok sa burges na eleksyon. Lalong hindi pag-akyat sa kabundukan para lumahok sa gerilyang pakikidigma sa pamumuno ng mga armadong paksyon ng naghaharing uri – CPP-NPA, RPA-ABB, MILF, ABU SAYAF, ETC.
INTERNASYONALISMO
Abril 12, 2009
Libu-libong mga manggagawa sa konstruksyon sa ibang planta ng langis at istasyon ng elektrisidad ang lumabas sa kani-kanilang trabaho bilang pakikiisa. Regular na iniorganisa at idinaos ang mga pulong-masa. Sumama sa mga piket sa iba't-ibang mga istasyon at planta ang mga manggagawa sa konstruksyon, bakal, daungan na nawalan ng trabaho pati ang iba pang manggagawa. Hindi nabahala ang mga manggagawa sa ilegal na katangian ng kanilang pagkilos bilang ekspresyon ng kanilang pakikiisa sa nagwelgang mga kasamahan, ng kanilang galit sa tumataas na bilang ng walang trabaho at sa kawalan ng solusyon ng gobyerno dito. Nang sumama sa pakikibaka ang 200 Polish na manggagawa sa konstruksyon, umabot ito sa kanyang rurok ng direktang kwestyunin ang nasyunalismo na bumabalot sa kilusan sa umpisa.
Ang pagtanggal ng 300 sub-kontraktwal na mga manggagawa sa planta ng langis sa Lindsey, ang mungkahing pagkuha ng ibang sub-kontraktor gamit ang 300 manggagawang Italyano at Portuguese (na mas mura ang paggawa dahil mas mababa ang kanilang kalagayan), at ang pahayag na walang manggagawa mula sa Britanya ang gamitin sa kontratang ito ang nagsindi para sumabog ang diskontento ng mga manggagawa sa konstruksyon. Sa loob ng ilang taon lumalaki ang paggamit ng kontrata sa mga manggagawa sa konstruksyon mula sa labas ng bansa, kadalasan sa mas mababang sahod at kalunos-lunos na kalagayan, na nagbunga ng pagtindi ng direktang kompetisyon sa pagitan ng mga manggagawa para sa trabaho, na nagtulak na bumaba ang sahod at kalagayan ng lahat ng manggagawa. Ito, kasama ang serye ng tanggalan sa industriya ng konstruksyon at sa iba pa dahil sa resesyon, ay nagbunga ng matinding militansya na makikita sa mga pakikibakang ito.
Sa simula pa lang naharap na ang kilusan sa pundamental na usapin, hindi lang sa mga welgista ngayon kundi para sa buong uring manggagawa ngayon at sa hinaharap: posible bang labanan ang kawalan ng trabaho at iba pang mga atake bilang mga ‘manggagawang British' at laban sa mga ‘manggagawang dayuhan', o kailangan nating tingnan ang mga sarili bilang mga manggagawa na may komon na interes sa lahat ng iba pang manggagawa, saan man sila galing? Ito ang matinding pampulitikang usapin at dapat sagutin ng kilusang ito.
Sa simula ang pakikibaka ay tila dominado ng nasyunalismo. Mayroong mga larawan sa balita ng mga manggagawang may plakard na "Trabahong British para sa Manggagawang British" at mas propesyunal na mga plakard ng unyon na nakasulat ang parehong islogan. Ang mga opisyal ng unyon ay hayagang nagtatanggol sa islogan; nagsasalita ang media sa pakikibaka laban sa dayuhang mga manggagawa at naghahanap ng mga manggagawa na may kahalintulad na opinyon. Ang kilusang ito ng ilegal na mga welga ay maaring matangay ng nasyunalismo at magbunga ng pagkatalo ng uring manggagawa, ng manggagawa laban sa manggagawa, ng manggagawang nagtatanggol sa nasyunalismo at nanawagan na ibigay ang trabaho sa mga manggagawang ‘British' habang mawalan ng trabaho ang mga manggagawang Italyano at Portuguese. Hihina ang kapasidad ng buong uring manggagawa sa pakikibaka at lalakas ang kapasidad ng naghaharing uri para mang-atake at manghati.
Ang ulat ng media (at sinasabi ng ilang manggagawa) ay madaling paniwalaan na ang kahilingan ng mga manggagawa sa Lindsey ay "Trabahong British para sa Manggagawang British". Hindi ganyan. Ang mga kahilingang tinalakay at pinagbotohan sa pulong-masa ay walang ganyang islogan o galit sa dayuhang manggagawa. Nakakatawang nakaligtaan ito ng media! Nagpakita ito ng mga ilusyon sa kapasidad ng unyon na hadlangan ang mga kapitalista na pagsabungin ang mga manggagawa, pero hindi sa lantarang nasyunalismo. Subalit ang pangkalahatang impresyon na nilikha ng media ay mga welgista laban sa manggagawang dayuhan.
Ang nasyunalismo ay bahagi ng kapitalistang ideolohiya. Bawat pambansang uring kapitalista ay mabubuhay lamang sa pakikipagkompetinsya sa kanilang mga karibal sa ekonomiya at militar. Ang kanilang kultura, media, edukasyon, mga industriya ng libangan at palakasan, ay laging naghasik ng lason para subukan at itali ang uring manggagawa sa bansa. Hindi maiwasan ng uring manggagawa na mahawa ng ideolohiyang ito. Pero ang kahalagahan ng kilusang ito ay nakitaan ng pagkwestyon ng mga manggagawa sa bigat ng nasyunalismo sa pamamagitan ng paghawak sa usapin ng pakikibaka para ipagtanggol ang kanilang batayang materyal na interes.
Ang makabayang islogang "Trabahong British para sa Manggagawang British", ninakaw mula sa British National Party ni Gordon Brown, ay nagbunga ng pagkabalisa sa hanay ng mga welgista at uri. Pinaliwanag ng maraming welgista na hindi sila rasista ni taga-suporta ng BNP, na itinataboy ng mga manggagawa ng tangkain nitong sumawsaw sa pakikibaka.
Maliban sa pagtakwil sa BNP maraming manggagawa na kinausap sa telebisyon ay halatang nagsisikap mag-isip ano ang kahulugan ng kanilang pakikibaka. Hindi sila tutol sa dayuhang manggagawa, sila mismo ay nakapagtrabaho din sa labas ng bansa, pero wala silang trabaho o nais nilang magkaroon ng trabaho ang kanilang mga anak kaya pakiramdam nila ang trabaho ay dapat unang mapupunta sa manggagawang ‘British'. Ang naturang pananaw ay maari pa ring tingnan na ang mga manggagawang ‘British' at ‘dayuhan' ay walang komon na interes at bilanggo sa nasyunalismo, pero iyon ay malinaw na senyales na nangyayari ang proseso ng repleksyon.
Sa kabilang banda, ang ibang manggagawa ay malinaw na idiniin ang komon na interes sa pagitan ng mga manggagawa at nagsabi na ang nais nilang lahat ay magkaroon ng trabaho. "Tinanggal ako bilang kargador dalawang linggo na ang nakaraan. Nagtrabaho ako sa Daungan ng Cardiff at Barry sa loob ng 11 taon at narito ako ngayon sa pag-asa na mayugyog namin ang gobyerno. Tingin ko dapat magwelga ang buong bansa dahil nawawala na ang buong industriyang British. Pero wala akong galit sa dayuhang manggagawa. Hindi ko sila masisisi sa paghahanap kung saan may trabaho." (Guardian On-line 20/1/2009). May iilan din ang nagsasabing ang nasyunalismo ang tunay na panganib. Isang manggagawa na nagtrabaho sa labas ng bansa ang nagsabi, sa webforum ng mga manggagawa sa konstruksyon, hinggil sa mga kapitalista na ginagamit ang pambansang pagkahati-hati "Ini-engganyo ng kapitalistang media ang makabayang mga elemento na balingan kayo, ipakita na masama ang mga demonstrador. Tapos na ang laro. Ang huling bagay na nais ng mga kapitalista at gobyerno ay magkaisa ang manggagawang British at manggagawa mula sa labas ng bansa. Tingin nila patuloy nila tayong maloloko na mag-away para sa trabaho. Manginginig sila kung hindi tayo mag-away"; at sa ibang sulat iniugnay niya ang pakikibaka doon sa France at Greece at sa pangangailangan para sa internasyunal na ugnayan: "Ang malawakang protesta sa France at Greece ay senyales lamang kung ano ang mangyayari. Iniisip ba natin na ugnayan ang mga manggagawang iyon at palakasin ang protesta sa buong Uropa laban sa paghihirap ng manggagawa? Mas magandang opsyon yan kaysa patuloy na pagsamantalahan ng mga tunay na makasalanan, mga kapitalista, mapagkanulong liderato ng unyon, at New Labour ang uring manggagawa" (Thebearfacts.org). Lumahok din ang mga manggagawa sa ibang sektor sa porum na ito upang tutulan ang makabayang mga islogan.
Ang talakayan sa hanay ng mga welgista, at sa loob ng uri sa pangkalahatan, sa usapin ng makabayang mga islogan ay umabot sa panibagong yugto noong 3 Pebrero ng 200 manggagawa mula sa Poland ay sumama sa 400 ibang mga manggagawa sa ilegal na welga bilang suporta sa mga manggagawa sa Lindsey, sa istasyon ng elektrisidad sa Langage sa lugar ng konstruksyon sa Plymouth. Ginawa ng media ang lahat para itago ang internasyunal na pakikiisa: ang lokal BBC TV ay walang binanggit at sa pambansang saklaw halos hindi ito nabanggit.
Partikular na mahalaga ang pakikiisa ng mga manggagawang Polish dahil noong nakaraang taon lumahok din sila sa parehong pakikibaka. 18 manggagawa ang tinanggal at ang ibang mga manggagawa ay lumabas sa trabaho para makiisa, kabilang ang mga manggagawang Polish. Tinangka ng unyon na gawin itong pakikibaka laban sa dayuhang paggawa, pero pinawalang saysay ito sa presensya ng mga manggagawang Polish.
Ginawa ng mga manggagawa sa Langage ang panibagong pakikibaka na may inisyal na kamulatan paanong ginamit ng mga unyon ang nasyunalismo para subukang hatiin ang mga manggagawa. Isang araw matapos silang magwelga isang plakard ang lumitaw sa pulong-masa na nagsasabing "Istasyon ng Elekrisidad sa Langage - Mangagawang Polish Lumahok sa Welga: Pakikiisa", na maaring nagpaliwanag na isa o maraming manggagawang Polish ay nagbyahe ng 7 oras para makarating doon, o isang manggagawa sa Lindsey ay gustong bigyang diin ang kanilang ginawa.
Lumitaw din ang isang plakard sa piket ng Lindsey na nanawagan sa mga manggagawang Italyano na lumahok sa welga - nakasulat ito sa English at Italyano - at iniulat na ilang mga manggagawa ang nagdala ng mga poster na nagsasabing "Manggagawa sa daigdig magkaisa!" (Guardian 5/2/9). Sa madaling sabi nakikita natin sa simula ang mulat na pagsisikap ng ilang manggagawa na ihapag ang tunay na proletaryong internasyunalismo, hakbang na tutungo sa mas maraming repleksyon at diskusyon sa loob ng uri.
Lahat ng ito ay nagpahayag ng usapin ng pakikibaka sa panibagong antas, na direktang naghamon sa kampanya bilang isang makabayang reaksyon. Ang halimbawa ng manggagawang Polish ay pahiwatig ng pag-asa ng libu-libong ibang manggagawa mula sa labas ng bansa na sumama sa pakikibaka ng pinakamalaking mga konstruksyon sa Britanya, tulad ng konstruksyon sa Olympic sa Silangang London. Nariyan din ang peligro na hindi na maitago ng media ang internasyunalistang mga islogan. Maaring wasakin nito ang nasyunalistang harang na sinikap itayo ng burgesya sa pagitan ng nakibakang manggagawa at sa buong uri. Hindi nakapagtataka na madaling naresolba ang pakikibaka. Sa nagdaang 24 oras ang mga unyon, kapitalista at gobyerno ay nagsasabing aabot sa ilang araw kundiman linggo para maresolba ang welga, para maayos ang pangako na dagdag na 102 trabaho para sa manggagawang "British". Ito ay kasunduan kung saan karamihan sa mga welgista ay masaya dahil hindi ito nagkahulugan na mawalan ng trabaho ang mga manggagawang Italyano at Portuguese, pero tulad ng sinabi ng isang welgista, "bakit tayo makibaka para makakuha ng trabaho?"
Sa loob ng isang linggo nakita natin ang pinakamalawak na ilegal na mga welga sa loob ng ilang dekada, mga manggagawang nagsagawa ng mga pulong-masa at naglunsad ng ilegal na pagkilos ng pakikiisa na walang anumang pag-aalangan. Isang pakikibaka na maaring malunod sa nasyunalismo pero nagsimulang kwestyunin ang lason nito. Hindi ibig sabihin na nawala na ang panganib ng nasyunalismo: ito ay permanenteng panganib, subalit ang kilusang ito ay nagbibigay ng mga aral para sa mga pakikibaka sa hinaharap. Ang paglitaw ng mga plakard na nagsasabing "Manggagawa sa daigdig magkaisa" sa diumano isang makabayang piket ay nagbigay lamang ng ligalig sa naghaharing uri kung ano ang mangyayari sa hinaharap.
Phil 7/2/9
Links
[1] https://fil.internationalism.org/tag/3/8/pilipinas
[2] https://fil.internationalism.org/tag/3/15/charter-change
[3] https://fil.internationalism.org/tag/3/21/corazon-aquino
[4] https://fil.internationalism.org/tag/3/11/kaliwa-ng-burgesya
[5] https://fil.internationalism.org/tag/3/12/marxistang-paninindigan
[6] https://fil.internationalism.org/files/fil/files/tl/INTERNASYONALISMO_Jan_June%202009.pdf
[7] https://fil.internationalism.org/tag/3/16/pambansang-kalayaan
[8] https://fil.internationalism.org/tag/3/17/imperyalismo
[9] https://fil.internationalism.org/tag/3/18/wildcat-strikes
[10] https://fil.internationalism.org/tag/3/19/pagsuway-sa-kapitalistang-batas
[11] https://fil.internationalism.org/tag/3/20/asembliya
[12] https://fil.internationalism.org/tag/3/13/mayo-uno-2009
[13] https://fil.internationalism.org/tag/3/14/krisis-ng-kapitalismo
[14] https://fil.internationalism.org/tag/3/9/tunggalian-ng-mga-paksyon-ng-naghaharing-uri
[15] https://fil.internationalism.org/tag/3/7/britanya