Submitted by ICConline on
Kombinasyon at mga unyon sa 19 siglo
Ang sumunod na pasahe ay naglalarawan paano sinuma ni Marx ang pangunahing mga katangian ng proseso sa pagbubuo ng unang mga organisasyon ng mga manggagawa: "Ang unang mga pagtatangka ng mga manggagawa na organisahin ang sarili ay laging nangyayari sa porma ng mga kombinasyon. Tinipon ng malalaking industriya sa isang lugar ang mga tao na hindi kilala ang isa't-isa. Hinati ng kompetisyon ang kanilang mga interes. Ang pagtatanggol sa sahod, itong komon na interes laban sa kanilang amo, ang nagbuklod sa kanila sa komon na paglaban - kombinasyon. Sa gayon laging dalawa ang layunin ng kombinasyon, para pigilan ang kompetisyon sa pagitan ng mga manggagawa, para ilunsad nila ang pangkalahatang kompetisyon sa kapitalista. Kung ang unang layunin ay pagtatanggol lamang sa sahod, sa simula ang kombinasyon ay nabukod, binubuo ang mga sarili sa mga grupo habang nagkakaisa din ang mga kapitalista sa layunin ng panunupil, at sa harap ng laging nagkakaisang kapital, ang pagtatanggol sa asosasyon ay naging mas kailangan nila kaysa sa sahod. Totoo ito na ang mga ekonomistang English ay namangha na sinakripisyo ng mga manggagawa ang malaking bahagi ng kanilang sahod para sa mga asosasyon, kung saan sa mga mata ng mga ekonomistang ito, ay itinatayo lamang para sa sahod. Sa Ingglatera hindi sila tumigil sa parsyal na mga kombinasyon na walang ibang layunin kundi magwelga, at naglalaho kasama nito. Itinayo ang permanenteng mga kombinasyon, ang mga unyon na nagsilbing muog ng mga manggagawa sa kanilang pakikibaka laban sa kanilang mga amo", (Marx, The Poverty of Philosophy, pp. 149-50).
Kaya lumitaw ang mga unyon bilang permanenteng organisasyon ng uri na ang layunin ay pangasiwaan ang organisadong paglaban ng mga manggagawa laban sa kapital. Produkto ng pang-ekonomiyang kondisyon at sa batayan instrumento ng pang-ekonomiyang tunggalian, hindi sila, sa kabilang banda, ni maaari silang (kabaliktaran sa panggigiit ng mga anarko-sisndikalista at repormista) ‘hindi-pulitikal' na mga organisasyon.
Lahat ng may kaugnayan sa pamamahala ng estado ay pulitikal. Dahil ang burges na estado ang tagapanagot at tagapagtanggol sa mga relasyon na nag-uugnay sa kapital at paggawa, anumang paglaban sa naturang mga relasyon ay hindi maiwasang laban sa estado, at kung gayon, isang pulitikal na pakikibaka. Kaya pagkatapos agad ng huling pasahe na hinalaw natin, dinagdag ni Marx: "Sa pakikibakang ito - isang tunay na digmaang sibil - lahat ng mga elementong kailangan para sa darating na digmaan ay nagkaisa at umunlad. Sa sandaling aabot sa puntong ito, ang asosasyon ay magkaroon ng pulitikal na katangian...Binago ng pang-ekonomiyang kondisyon ang masa ng mga tao sa pagiging manggagawa. Lumikha ang kombinasyon ng kapital para sa masang ito ng isang komon na sitwasyon, komon na mga interes. Ang masang ito ay isa ng uri laban sa kapital, pero hindi pa para sa kanyang sarili...Pero ang pakikibaka ng uri laban sa uri ay isang pampulitikang pakikibaka...Huwag sabihin na hindi kasama sa panlipunang kilusan ang pampulitikang kilusan. Walang pampulitikang kilusan na hindi panlipunan", (Marx, The Poverty of Philosophy, pp. 150 and 152).
Subalit kung malinaw na ang makauring pakikibaka ng proletaryado ay nagdadala ng relasyon sa pamamahala ng estado, ay kaya hindi maiwasang pulitikal ang katangian, dapat malaman natin kung anong tipo ito ng pampulitikang pakikibaka.
Sa 19 siglo ang istorikal na realidad ng kapitalismo ay nasa kanyang ganap na pagtaob ang kapitalismo na nagkahulugan na ang pampulitikang pakikibaka ng proletaryado ay magaganap sa dalawang antas: sa isang banda ang pakikibaka ay inilunsad sa tereyn ng burges na estado mismo para sa pang-ekonomiya at pampulitikang mga reporma, at sa kabilang banda paghahanda para sa rebolusyonaryong pakikibaka, sa pagwasak sa burges na estado at sa lipunang lumikha nito.
Ang pakikibaka para sa mga reporma
Ang 19 siglo ang rurok ng pasulong na yugto ng kapitalismo. Pinalawak ng mayor na pang-ekonomiyang kapangyarihan ang dominasyon ng kapital, binabago ang buong mundo sa kanyang sariling imahe. Sinakop ng mga kapitalistang English, Pranses, Amerikano, at Aleman ang mundo ng kanilang mga kalakal, isang mundo na nagbibigay ng tila palaki ng palaki at hindi masasaid na pamilihan para sa kanilang produksyon. Ito ang bantog na panahon ng imperyalistang paglawak at rebolusyong industriyal.
Sa loob ng ganitong istorikal na balangkas, ang paglago ng kondisyon ng pamumuhay ng uring manggagawa ay obhetibo, hindi lang totoong posibilidad, kundi sa ilang mga kaso, pampasigla sa kapitalistang pag-unlad. Kaya, halimbawa, ang tagumpay ng manggagawang English na pababain ang oras-paggawa sa sampung oras bawat araw sa 1848, ay tunay na ganansya para sa uring manggagawa (hindi agad ito kinansela sa pamamagitan ng sapilitang overtime), at nagbibigay-sigla din ito sa ekonomiya ng Britanya. Ganito ang komento ni Marx sa pangyayaring ito sa Wages, Price and Profit, na naglalarawan sa pangangailangan at posibilidad ng pang-ekonomiyang mga reporma: "Sinabi ng opisyal na mga ekonomista na ‘ito ay palatandaan ng kamatayan ng industriyang English' (nang nakuha ng mga manggagawa ang Ten-Hour Bill ). Nagbanta sila na bababa ang akumulasyon, pagtaas ng mga presyo, pagkawala ng pamilihan, paglipat ng produksyon, magbunga ng reaksyon sa sahod, ganap na pagguho. Ano ang nangyari? Pagtaas ng sahod sa pabrika, sa kabila ng pagbaba ng araw paggawa, malaking pagtaas ng bilang ng nakapagtrabaho, tuloy-tuloy na pagbaba ng presyo ng kanilang mga produkto, kamangha-manghang pag-unlad ng produktibong kapangyarihan ng kanilang paggawa, di-pa naririnig na progresibong paglawak ng pamilihan para sa kanilang mga kalakal", (Marx, Wages, Price and Profit, Peking edition, pp. 13 and 14).
Sa kabilang banda hindi binibigay ng burgesya ang naturang mga reporma sa kagustuhan nila mismo. Anumang konsesyon sa proletaryado ay unang-una nagagawa sa kapinsalaan ng kapitalistang tubo. Sa pangkalahatan pagkatapos lamang mahimok ang mga kapitalista sa realisasyon na nakabubuti ang bunga ng naturang nagawang mga reporma (bilang pangtulak sa kapitalistang paglago) saka pa lang nila naunawaan na para sa kanilang interes ang pagbibigay ng mga reporma sa proletaryado. Kaya bunga lamang sa di-natitinag na pakikibaka na nakakuha ng mga reporma ang uring manggagawa mula sa nagharing uri. Ito ang katangian ng depensibang mga pakikibaka ng proletaryado sa 19 siglo.
Dagdag pa, sa panahon ng malayang kalakalan, namamahala ang burgesya sa pamamagitan ng Parlyamento. Dito ang iba't-ibang paksyon ng nagharing uri ay totoong nagbabangayan sa isa't-isa at nagdesisyon sa mga patakaran ng gobyerno. Para sa uring manggagawa, ang karapatan sa unibersal na pagboto ay isang tunay na paraan para maimpluwensyahan ang mga polisiya ng burges na estado sa pamamagitan ng kanyang mga representante sa Parlyamento. Hindi dahil ang burges na mga mambabatas ay makagawa ng mabuti sa ispisipikong mga demanda ng mga representante ng mga organisasyong manggagawa. Sa loob ng tereyn ng burges na estado, naging paborable lamang sa nagharing uri ang antagonismong umiiral sa pagitan ng proletaryado at burgesya. Pero ang burgesya sa panahong ito ay nahati sa mas progresibo at mas reaksyonaryong mga paksyon. Nakipaglaban pa ang modernong burgesya laban sa mga representante ng nagharing uri na mula sa lumang rehimen kung saan nanatili pa ang pang-ekonomiyang kapangyarihan, at laban sa pinakaatrasadong mga paksyon sa kanyang sariling uri. Sa mga salita ng Manipesto ng Komunista: "Ang organisasyon ng mga proletaryado....ay pumilit para sa lehislatibong pagkilala sa partikular na mga interes ng mga manggagawa, sa pamamagitan ng pagsamantala sa pagkahati-hati ng burgesya mismo", (Marx, Ang Manipesto ng Komunista).
Sa istorikal na panahon noon, isang pangangailangan para sa proletaryado ang pakikibaka para sa demokratikong pampaulitikang mga karapatan. Ang pagpanalo ng unibersal na karapatang bumoto, ang karapatan sa pagbuo ng mga kombinasyon at ang parlyamentaryong pakikibaka mismo, ay pampulitikang mga manipestasyon at bumubuo ng di-mahiwalay na epekto sa pakikibaka at organisasyon ng mga unyon. Ang unyonismo at parlyamentarismo ay ispisipikong mga porma kung saan ang nesisidad at posibilidad ng repormistang mga pakikibaka sa pasulong na kapitalismo ay napahayag.
Ang rebolusyonaryong pakikibaka
Ang pakikibaka para sa reporma ay isang aspeto lamang sa proletaryong pakikibaka sa 19 siglo. Ang uring manggagawa ay pinagsamantalahang uri at syempre walang anumang reporma ang makapagpalaya sa kanya. Ang pinakamalim na ekspresyon sa proletaryong pakikibaka ay nabubuhay at yumayabong sa kanyang pakikibaka para wasakin ang pagsasamantala at hindi sa kanyang mga pakikibaka para pagaanin ang pagsasamantala sa kanya. "Ang inaaping uri ay mahalagang kondisyon sa bawat lipunan na nakabatay sa antagonismo ng mga uri. Kaya ang kalayaan ng inaaping uri ay nagkahulugan ng kinakailangang pagbuo ng bagong lipunan", (Marx, The Poverty of Philosophy).
Hindi rin nakikita ng mga proletaryong rebolusyonaryo na nasa pakikibaka para sa mga reporma ang tunay na perspektiba ng uring manggagawa, o kahit porma ng pakikibaka na maging esensyal sa kanyang aktibidad. Nabilanggo sa kanyang sariling mga limitasyon, ang pakikibaka sa reporma ay magbunga lamang sa pagtatanggol mismo sa pagsasamantala. Hindi na ito hakbang tungo sa emansipasyon ng uring manggagawa kundi panibagong tali sa kanyang leeg. Kung gaano pinagtanggol ni Marx ang pangangailangan sa repormistang pakikibaka, ganun din ang kanyang pagkondena sa repormistang tendensya na tinangkang ibilanggo ang uring manggagawa sa loob ng ganitong pakikibaka, na "nakita lamang sa pakikibaka sa sahod ay ang pakikibaka lamang sa sahod" at hindi nakikita bilang paaralan ng pakikibaka kung saan hinahasa ng uri ang kanyang mga sandata para sa kanyang ultimong emansipasyon. Inihalintulad niya ang ‘rebolusyonaryong kritinismo' sa tendensya sa kilusang manggagawa na nagtangkang buuin ang ilusyon sa posibilidad ng parlyamentaryong pakikibaka at ilagay ang lahat ng pagsisikap sa parlyamentaryong aktibidad.
Sa usapin ng repormistang pakikibaka, pinahayag ng Manipesto: "Nananalo ang mga manggagawa, pero panandalian lamang. Ang tunay na bunga ng kanilang pakikipaglaban ay hindi sa kagyat na resulta, kundi sa lumalawak na pagkakaisa ng mga manggagawa" (Marx, The Communist Manifesto). At sa Wages, Price and Profit, nagbigay-diin siya: "Kasabay nito, at malinaw na hiwalay sa pang-aalipin ng sahurang sistema, dapat hindi masyadong palakihin mismo ang mga nakamit sa mga pang-araw-araw na pakikibaka. Dapat hindi nila makalimutan na ang nilabanan nila ay ang mga epekto, hindi ang mga dahilan ng naturang mga epekto; na pinabagal nila ang pagbulusok-pababa, pero hindi nagbabago ang direkyson; na ang nilalapat nila ay pansamantalang lunas, hindi ginagamot ang sakit. Kaya dapat hindi sila lubusang mahigop sa mga ganitong hindi maiwasang gerilyang labanan na nagmula sa walang hintong panghimasok ng kapital o mga pagbabago sa pamilihan. Dapat maunawaan nila ang lahat ng kahirapang pinataw sa kanila, ang kasalukuyang sistema ang nagbunsod sa materyal na kondisyon at panlipunang kaayusan na kailangan para sa pang-ekonomiyang pagbabago sa lipunan. Sa halip na konserbatibong moto, ‘Makatarungang sahod para sa makatarungang paggawa!' dapat isulat nila sa kanilang bandila ang rebolusyonaryong islogan, ‘Abolisyon ng sistemang sahuran!'", (Marx, Wages, Price and Profit, Peking edition, pp. 77-8).
Kaalinsabay, pinahayag ng Resolusyong pinagtibay ng Unang Internasyunal hinggil sa mga unyon: "Ang kagyat na layunin ng mga unyon ng manggagawa ay laging limitado sa pangangailangan sa pang-araw-araw na pakikibaka, bilang paraan laban sa walang hintong pagsasamantala ng kapital, sa madaling salita, para kwestyunin ang sahod at oras-paggawa. Ang kilusang ito ay hindi lamang lehitimo kundi kailangan", subalit: "...ang mga unyon ay lubusang natali sa lokal at kagyat na pakikibaka laban sa kapital. Hindi nila sapat na naunawaan ang kanilang kapangyarihan na kumilos laban sa sahurang pang-aalipin mismo. Kadalasan hindi sila sumasama sa mas pangkalahatan na kilusan at pampulitikang pakikibaka...Maliban sa kanilang kagyat na tungkulin na tumugon laban sa lumalalang maniobra ng kapital, kailangang nilang kumilos ngayon bilang organisasyunal na mga sibat ng uring manggagawa para sa layunin ng kanyang radikal na emansipasyon. Kailangang tumulong sila sa anumang panlipunan at pampulitikang kilusan para sa direksyong ito", (Resolution on the Unions, their past, present and future, 1st Congress of the International Working Men's Association, Geneva, 1866).
Para sa mga rebolusyonaryo sa 19 siglo, ang sistematikong pakikibaka ng uri para manalo ng mga reporma at limitahan ang kapitalistang pagsasamantala, at ang pag-unawa na ang pakikibakang ito ay hindi ang kataposan mismo kundi ang pandaigdigang rebolusyonaryong pakikibaka, ay komplementaryo. Ang marxistang mga partido ng manggagawa (paralel sa paglakas ng impluwensya ng mga unyon) ay umunlad sa ikalawang hati ng 19 siglo at kalaunan nagtayo ng Ikalawang Internasyunal, mula sa simula ay hindi lamang nagbibigay sa uring manggagawa ng mga kinatawan sa parlyamentaryong pakikibaka, kundi bumubuo din bilang pampulitikang pwersa sa mga unyon. Ang mga partidong ito, sa harap ng seksyonal at lokal na pakikibaka, ay nagsusulong sa komon na interes ng buong proletaryado bilang pandaigdigan, istorikal, rebolusyonaryong uri.
Ang temporaryong mga asosasyon sa unang panahon sa ilalim ng mga unyon ay naging permanenteng organisasyon, kung saan sa mahigpit na ugnayan sa pangmasang parlyamentaryong mga partido at organisado sa sistematiko at progresibong pakikibaka para sa reporma, ay bumubuo ng lugar kung saan napaunlad ng proletaryado ang kanyang pagkakaisa at kamulatan.
Ang mga unyon ay sinira ng repormismo
Pero ang katotohanan na ang kapitalismo ay nasa kasagsagan ng kanyang pasulong na yugto ay nagkahulugan ang pagwasak sa kanya sa pamamagitan ng komunistang rebolusyon ay wala pa sa istorikal na agenda. Sa paglawak ng produktibong pwersa sa ilalim ng pangangalaga ng kapitalistang relasyon sa produksyon at sa mga tagumpay ng parlyamentaryo at pang-unyong pakikibaka para sa tunay na mga repormang paborable sa uring manggagawa, ang ideya mismo ng komunistang rebolusyon ay nagsimulang lumitaw na pangmatagalan, at minsan hindi makamit na layunin.
Ang mga peligro na nasa loob ng unyonismo at parlyamentarismo na kinondena ni Marx ay patuloy na umunlad at sa popular na islogang "ang layunin ay balewala, ang kilusan ang lahat-lahat", nakontrol ng repormismo ang kilusang manggagawa. Ang mga lider ng manggagawa, na sa isang panahon mga kinatawan ng uring manggagawa laban sa kapitalistang lipunan, unti-unting naging kinatawan ng kapitalismo laban sa uri. Ang mga unyon at parlyamentaryong burukrasya ay palaki ng palaki ang dominasyon sa mga organisasyon ng manggagawa.
Isa sa pinakamalinaw na palatandaan ng ebolusyong ito ay ang tendensyang ihiwalay ang pampulitikang pakikibaka mula sa pang-ekonomiyang pakikibaka. Habang ang partido ay iniisip lamang na isang parlyamentaryong makinarya, tinangka din na gawing dalisay na pang-ekonomiyang organisasyon ang mga unyon. Sa pamamagitan ng paghiwalay sa pulitikal mula sa pang-ekonomiyang elemento ng proletaryong pakikibaka, hinulma ang mga organisasyong ito para sa integrasyon sa hagdanan ng kapitalistang estado.
Ang rebolusyonaryong kaliwa sa loob ng Ikalawang Internasyunal ay namuno sa pang-araw-araw na pakikibaka laban sa pangkalahatang pagkawasak. Si Rosa Luxemburg, halimbawa ay nagpahayag: "Walang dalawang magkaibang makauring pakikibaka ang uring manggagawa, ekonomiya at pulitika, kundi isang makauring pakikibaka lamang, na may magkasabay na layuning limitahan ang kapitalistang pagsasamantala sa loob ng burges na lipunan, at abolisyon ng pagsasamantala kasama na ang burges na lipunan mismo" (Rosa Luxemburg, The Mass Strike, the Political Party and the Trade Unions).
Pero hindi napigilan ng kaliwa ang agos. Sa pagpasok ng kapitalismo sa pagbulusok-pababa ang mga unyon at parlyamentaryong partido ay inihagis ng walang kahirap-hirap sa kampo ng burgesya.