Submitted by ICConline on
Hindi usapin sa kilusang manggagawa ang anumang karapatan para sa pambansang sariling pagpapasya sa wala pa, sa panahon ng, o pagkatapos ng tagumpay ng proletaryong rebolusyon. Ang ekstensyon ng rebolusyon ay nagkahulugan ng pinakamabilis na pagwasak ng lahat ng pambansang prontera, ng pagtatayo ng mga konseho ng manggagawa sa papalawak na lugar sa mundo. Ang tunay na pagbuo ng komunistang panlipunang mga relasyon ay mangyayari lamang sa pandaigdigang saklaw.
Naging posible sa lumang kilusang manggagawa ang nakakalitong ideya na ang sosyalismo ay maaring maitayo sa likod ng pambansang mga prontera, na ang pandaigdigang komunidad ay mabubuo sa proseso ng gradwal na unipikasyon ng mga ‘sosyalistang ekonomiya'. Pero pinakita ng karanasan sa Rusya na hindi lang mahirap ang pagtayo ng sosyalismo sa isang bansa, kundi ito ay imposible sa aktwal. Hangga't umiiral pa ang pandaigdigang kapital, patuloy itong maghari sa lahat ng galaw ng produksyon at konsumsyon sa lahat ng dako. Gaano man kalayo ang naabot ng mga manggagawa sa isang bansa sa pagpawi sa mga porma ng kapitalistang pagsasamantala sa isang lugar, patuloy silang pagsamantalahan ng pandaigdigang kapital. Bago siguradong maitayo ang komunismo, kailangang siguradong durog na ang kapitalismo saan mang dako. Hindi maitayo ang komunismo ‘sa loob' ng kapitalismo.
Sila Rosa Luxemburg at Lenin ay makapagsalita ng pambansang sariling pagpapasya sa ilalim ng sosyalismo at manatiling mga rebolusyonaryo. Ngayon ang mga gumagamit ng katulad na mga termino ay tagapagtaguyod ng kapitalistang kontra-rebolusyon. Aplikable ito sa mga Stalinista ng kanilang sosyalismo sa isang bansa; sa mga Trotskyista ng kanilang pantasya sa ‘estado ng manggagawa' na masayang umiiral kasama ang halos walang hanggang pandaigdigang pamilihan. Aplikable din ito sa mga libertarian at mga anarkista na pabor sa ‘nagsasariling-pangasiwa sa isang bansa'. Ang pananatili ng bansa-estado ay nagkahulugan ng pambansang mga prontera, internasyunal na palitan, internasyunal na kompetisyon - sa madaling sabi, kapitalismo. Ang konstruksyon ng sosyalismo/komunismo ay walang iba kundi konstruksyon ng pandaigdigang komunidad ng tao. Ito ay kalayaan ng produktibong mga pwersa mula sa harang na pinataw ng pambansang pagkahati-hati at palitan ng kalakal. Ito ay pandaigdigang sosyalisasyon ng produksyon at konsumsyon. Ito ay abolisyon ng proletaryado sa kanyang sarili bilang pinagsamantalahang uri at integrasyon ng lahat ng uri sa tunay na panlipunang sangkatauhan na lilitaw sa unang pagkakataon.
Sa yugto ng transisyon sa pagitan ng kapitalismo at lipunang walang uri, ang napakalaking dislokasyon at paghihirap na pinalasap ng kapitalismo sa uring manggagawa ay magsimula lamang na mapawi sa pamamagitan ng pandaigdigang paglawak ng komunistang mga relasyon sa produksyon. Sa batayang ito lamang ang mga problema na naminsala sa Ikatlong Daigdig ay maresolba sa kabuuan. Kawalan ng trabaho, kagutuman, pagkasira at pandarambong sa kalikasan, hindi pagkapareho sa internasyunal na inprastrukturang industriyal - ang mga pundamental na problemang ito ay intergral sa kapitalistang moda ng produksyon at mapapawi lamang sa pamamagitan ng mulat na pagplano sa pandaigdigang produktibong aktibidad ng mga prodyuser mismo.
Sa rekonstruksyon at transpormasyon sa mundong pininsala ng ilang dekada ng kapitalistang pagkaaganas, hindi maiwasang maharap ang proletaryado sa mga problemang pambansa, lahi, at dibisyong kultural sa loob ng kanyang hanay at sa loob ng sangkatauhan sa kabuuan. Dapat harapin ang mga pagkahati-hating ito, at malaya at bukas na pag-usapan sa loob ng mga konseho ng manggagawa at mga konsehong teritoryal kung saan sa pamamagitan ng mga ito pinangasiwaan ng proletaryong kapangyarihan ang buong populasyon. Pero ang ultimong pagwasak ng mga pagkahati-hating ito ay sa pamamagitan ng tuloy-tuloy na pagrebolusyunisa sa panlipunang pundasyon, na magpahina sa materyal na batayan sa naturang mga pagkahati-hati at maging laos na. Habang patungo ito sa komunidad ng sangkatauhan, pangunahan ng proletaryado ang pagsasanib sa lahat ng umiiral na kultura tungo sa isang tunay na unibersal na kultura, isang mas mataas na sentises sa bawat dating naabot na kultura ng tao tungo sa bagong kultura ng komunismo. Sa paglitaw ng bagong kulturang ito, matatapos ang ‘etnikong' yugto sa wala pa ang kasaysayan ng sangkatauhan, at magsisimula ang tunay na kasaysayan ng sangkatauhan.
C.D. Ward