Submitted by ICConline on
Ang obhetibong pag-unlad ng pandaigdigang pamilihan ang dahilan na hindi na posible ang tunay na mga pakikibaka para sa pambansang kalayaan. Ang kapitalistang sistema ay umabot na sa istorikong istelmeyt. Dahil ginawang sosyalisado ang produktibong mga pwersa sa antas na walang katulad, dahil pinag-isa ang pandaigdigang ekonomiya higit pa sa ibang istorikal na moda ng produksyon, naabot ng kapital ang antas kung saan ang mga kontradiksyon na likas sa kanyang moda ng produksyon ay hadlang na sa kaganapan ng naturang unipikasyon. Ginawang potensyal na realidad ang pandaigdigang komunidad ng sangkatauhan sa galaw ng kapitalismo pero ang realisasyon ng naturang komunidad ay mangyari lamang matapos mawasak ang kapitalistang mga relasyon, at pagbuo ng komunistang mga relasyon ng rebolusyonaryong uring manggagawa. Ang pagpatuloy ng kapitalismo, ay hindi lamang pumipigil sa pag-unlad ng produktibong mga pwersa kundi aktwal na nagbabanta sa pagkawasak ng sangkatauhan. Ang pandaigdigang pagkatigmak ng pamilihan mula 1914 ay nagkahulugan na nanatili ang kapitalismo sa pamamagitan ng barbarikong rotasyon ng krisis, digmaan, at rekonstruksyon. At sa pagbukas ng panibagong yugto ng krisis mula 1967 ang tanging daan-pasulong ng kapitalismo ngayon ay ang panibagong imperyalistang pandaigdigang digmaan. Tanging ang proletaryong rebolusyon lamang, ang pagbuo ng diktadura ng proletaryado sa pandaigdigang saklaw, ang makapigil sa kapital para maisagawa nito ang panghuling krimen sa sangkatauhan.
Naging permanente na ang kontradiksyon ng kapitalistang panlipunang mga relasyon - panglahatang mga relasyon ng kalakal na nakasentro sa kalakal na katangian ng lakas-paggawa - sa produktibong mga pwersa. Ang istorikong krisis ng kapitalismo ay ang mismong pagkabilanggo ng produktibong mga pwersa sa kanilang porma bilang kalakal, na pumigil sa kolektibo, magkaugnay na katangian ng kapitalistang produksyon sa pagsisilbi bilang batayan ng tunay na sosyalisadong moda ng produksyon. Dahil ang sangkatauhan ay makasulong lamang sa pamamagitan ng pagbubuo ng isang sosyalisadong sistema, ang tanging progresibong proyekto ngayon ay ang pagpapalaya sa produktibong mga pwersa mula sa kanilang kalakal na porma at ang pagbubuo ng komunismo, na posible lamang sa pandaigdigang saklaw. Habang naging dekadente ang kapitalistang panlipunang mga relasyon, ang legal at pag-aaring mga porma na ekspresyon ng mga relasyong ito ay naging direktang salik na ‘pumipigil' sa produktibong mga pwersa. Ang bansa-estado ay progresibo noon dahil nagbibigay ito ng puwang para sa malayang pag-unlad ng mga relasyon ng kalakal at para sa paglaki sa unipikasyon ng panlipunang reproduksyon, laban sa atomisasyon na ipinataw ng pyudal na mga relasyon ng produksyon. Bagamat ngayon ang kapitalismo ay mas tumutungo sa pagpawi sa direktang pang-ekonomiyang kompetisyon sa loob ng bawat bansa-estado, pinakita ng penomenon ng kapitalismo ng estado at ng imperyalismo na ang kapitalismo ay hindi makalagpas sa porma ng nagtunggaliang mga bloke ng pambansang kapital.
Kaya, sa halip na magsilbi para sa pag-iisa ng proseso ng reproduksyon, ang bansa-estado ngayon ay humarang sa daan para sa kanyang tunay na unipikasyon. Sa mundo na sumisigaw para mabuo ang isang rasyunal, planadong sistema ng produksyon at distribusyon sa pandaigdigang saklaw, ang bansa-estado ay isa ng alaala. Ang kanyang kahangalan ay lalong lumilinaw, habang ang istorikal na krisis ng kapitalismo ay lalong lumalalim. Ang bawat bansa-estado ay nagsisikap para sa kanyang sarili; iginiit ang kanyang sariling industriyal-agraryong inpra-istruktura; kanyang sariling salapi; kanyang sariling mga prontera. Ang mga pagsisikap ng mga pambansang kapital na makasasapat-sa-sarili, ay nauwi sa hibang na duplikasyon sa produktibong mga aktibidad, ekpresyon ng napaka-aksayang produktibong kapasidad na katangian ng naagnas na kapitalismo: habang ang hindi mapigilang pag-igting ng kompetisyon sa pagitan ng mga pambansang kapital ay nauwi sa pinaka-teribleng pag-aksaya ng tao at pang-ekonomiyang rekurso: imperyalistang mga digmaan.
Lahat ng mga pangyayari sa siglong ito patunay na ang burgesya ay hindi makagalaw bilang isang internasyunal na uri. Ang mga pagtatangkang gawing pleksible ang kapitalismo sa internasyunal na saklaw (mga pagsisikap para mabuo ang isang kartel laban sa isang mas makapangyarihang kapitalistang bloke) ay posible lamang sa temporaryong mga yugto, gaya ng pinakita ng pagbagsak ng international monetary agreements at ng European Economic Community sa harap ng krisis ngayon.
Dahil ang kapital bilang pandaigdigang panlipunang relasyon ay pumasok na sa kanyang yugto ng pagbulusok-pababa wala ng anumang progresibo sa pagbubuo ng bagong mga bansa-estado kahit saan. Bilang pandaigdigang uri, natapos na ng burgesya ang kanyang istorikal na papel at naging reaksyunaryong harang na sa pag-unlad ng sangkatauhan. At kung ang burgesya sa makapangyarihan, napaka-industriyalisadong mga kapital ay hindi na salik para sa progresibong pag-unlad ng produktibong mga pwersa, mas lalong imposible ito para sa burgesya sa atrasadong mga bansa kung saan ang mga ekonomiya ay nanatiling mahigpit na kontrolado ng malalaking imperyalismo, at kulang ng anumang posibilidad na ‘makahabol' sa abanteng mga kapital.
Kahit sa panahon ng rekonstruksyon matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig, kung saan ang mayor na kapitalistang mga bloke ay dumaan sa walang katulad na yugto ng pang-ekonomiyang paglaki, laging makikita ang kahirapan at pagiging atrasado sa ‘Ikatlong Daigdig'[1] para pasubalian ang mga nagsasabi ng ‘consumer society' at walang-krisis na kapitalismo. Sa buong yugto ng rekonstruksyon ang malaking mayorya ng mga bansa sa Ikatlong Daigdig ay palayo ng palayo sa likod ng mga ekonomiya ng abanteng mga kapital. Pang-ekonomiyang istagnasyon; ang ‘paglobo ng populasyon' sa kawalan ng sapat na industriyal na pag-unlad ay nagbunga ng milyun-milyong nagugutom na walang lupang magsasaka sa buong Asya, Latin America, at Aprika; opisyal na korupsyon at sobrang-produksyon sa intelektwal na istrata na hindi maipasok sa ekonomiya; ang paglitaw ng mga sakit na matagal ng nawala sa abanteng mga bansa; marahas na pagsasamantala ng lokal at dayuhang kapital; mga digmaan, mga kudeta, at pangkalahatang pampulitikang instabilidad: itong lahat na pang-araw-araw na realidad sa buhay sa hindi maunlad na mga rehiyon ay masaklap na paalala sa pekeng katangian sa tinatawag na ‘consumer society'. At ngayon habang ang abanteng mga kapital ay niyanig ng panibagong pangkalahatang krisis, mas lalo lamang mahulog ang atrasadong mga bansa sa pagkaagnas. Dahil umaasa sila sa pandaigdigang kapitalismo, ang mga bansang ito ay pabagsak na mahuhulog kung mayayanig ang malalaking mga kapital. Matindi ng tinamaan ng krisis ang mga bansa sa Ikatlong Daigdig, laluna ang walang mahalagang hilaw na materyales para labanan ang presyur mula sa pangunahing mga imperyalista para iligtas ang mga sarili (ang pagsisikap na itulak ang mga epekto ng krisis sa mas mahinang mga kapital ay nagsimula na at lalupang titindi habang lalalim ang krisis). Ang mga bansang gaya ng Ethiopia at Bangladesh ay tinamaan ng pagkasira ng mga pananim, gutom, baha, inplasyon, magkasabay na digmaan at resesyon. Ang Bangladesh ay isang partikular na halimbawa sa kawalan ng posibilidad ng pambansang kalayaan ngayon. Ang rehimen ni Sheikh Mujib, itinatatag ng ‘digmaan para sa pambansang kalayaan' na tinulungan ng malaki ng imperyalismong Indian at Rusya laban sa kanilang mga karibal na Amerikano, Pakistani, at Tsino, ay lubusang walang magawa liban sa dagdag na pangkalahatang krisis sa ekonomiya ng Bangladesh. Ayon sa opisyal na datos (Le Monde, 18 December 1974), 27,800 mamamayan ang namatay sa gutom sa huling dalawang buwan ng 1974. At ang malinaw lamang na ginawa ng walang kwentang rehimen ay supilin ang lahat ng kanyang pampulitikang katunggali. Matapos ang nakalilitong kudeta at kontra-kudeta, ang mga rehimen na sumunod kay Mujib ay pinagpatuloy lamang ang pagtahak sa hindi maiwasang daan .
Ang lumalalim na pandaigdigang krisis ay nagpatahimik din sa mga nag-anunsyo ng kamangha-manghang ‘pag-unlad' na nangyayari sa ilang bahagi ng Ikatlong Daigdig. Ang Brazil, halimbawa, ay kadalasan inilarawan bilang isang ‘milagro sa ekonomiya' ng mga matatalinong burgesya, habang maraming ‘marxista' na tumanggi sa pagkasaid ng pandaigdigang pamilihan ay ituturo ang Brazil bilang pruweba na ang kapital ay maari pang makakita ng maraming labasan ng ‘kaunlaran' sa Ikatlong Daigdig. Katunayan, kahit sa panahon ng kanyang pag-unlad ay lumawak ang Brazil katumbas ng brutal na panunupil sa uring manggagawa ng nagharing hunta-militar, patuloy na kahirapan ng milyun-milyong magsasaka at lumpen-proletaryado at ang literal na pang-aalipin at masaker sa mga tribong Indian. Ang ekonomiya ng Brazil ay kinokontrol ng batas para sa interes ng parehong ganid na mga imperyalista ng Amerika, Hapon, Alemanya, at iba pa, na ang pangunahing iniintindi ay pagsamantalahan ito sa maksimum. Ngayong dinurog na ng krisis ang ilusyon ng ekspansyon, inamin ng ministro ng panalapi ng Brazil na lahat ng pag-unlad ng ekonomiya ng Brazil sa nagdaang mga taon ay nagmula sa hindi-totoong kapital. Ang kapital ay magpatuloy sa paglago hangga't ang ibang mga kapital ay patuloy na naniniwala sa realidad ng naturang kapital. (Ang sitwasyong ito ay isang maliit na bersyon ng pandaigdigang ekonomiya na umaasa ng malaki sa paniniwala sa dolyar.)
Nangyari ang pag-unlad sa Ikatlong Daigdig, syempre, pero pareho lamang na dekadente at aksayado ang batayan sa akumulasyon ng kapital saan mang dako sa panahong ito. Ang maliitang bahagi ng pag-unlad ay nangyayari sa bawat bansa (kadalasan para sa dayuhang imperyalismo), habang ang tradisyunal na ekonomikong mga porma ay bumabagsak na walang anumang pampalit sa kanila o sa istrata na binubuhay nila. Kaya, sa bawat bagong manggagawa sa pabrika o industriya sa atrasadong mga bansa ay maraming mga maralitang tagalungsod, lumpen-proletaryado, walang trabaho na mga intelektwal, at walang lupang mga magsasaka. Kahit na tumaas ang absolutong bilang ng mga manggagawa sa panahon ng pagbulusok-pababa, lumiit ang kanilang proporsyon sa pandaigdigang populasyon, at nanatiling pinakamaliit sa lahat ang Ikatlong Daigdig.
"Sa kanyang libro, The Working Class is Permanently Expanding (published by Spartacus), nakakakumbinsing pinakita ni Simon Rubak na absolutong lumalaki ang industriyal na proletaryado sa pandaigdigang saklaw. Pero gamit ang kanyang sariling datos, makakuha tayo ng tantyadong tsart na sumusuporta sa ating sinasabi:
GROWTH BETWEEN 1950 AND 1960
POPULATION | WAGE LABOURERS* |
Advanced Countries: +117,000,000 | +34,000,000 |
Backward Countries: +360,000,000 | +13,300,000 |
| * Refers to workers in industry and transport |
Sa panahong ito, sa bawat bagong empleyado ng kapital sa abanteng mga bansa, tatlo ka tao ang isinilang; sa atrasadong mga bansa, ang proporsyon ay isa sa dalawampu't walo!" (Quoted from M. Bérard, Rupture avec Lutte Ouvrière et le Trotskysme)
Sa pangkalahatan, lumitaw na nakakaawa at segundaryong kopya ang mga bansa sa Ikatlong Daigdig sa naaagnas na abanteng mga kapital. Bawat isa ay kailangang may malaking burukratikong makinarya ng estado, malaking gastusin para sa militar at ‘prestihiyo' (mga istatwa ng mga pambansang bayani, pambansang eroplano, atbp). Ang Nigeria, halimbawa, gumastos ng 220 milyon pounds bawat taon para sa kanyang hukbo, na kumatawan sa 22.4 porsyento sa buong badyet ng Gobyernong Pederal. Ang iba pang mga ‘biyaya' ng kapitalistang akumulasyon ng abanteng mga bansa ay ‘tinamasa' din ng Ikatlong Daigdig: buong-buong paninira sa kalikasan, polusyon, at pangkalahatang paglapastangan-sa-tao ng buhay panlipunan na kadalasan ay pinaigting ng pagyanig ng pagbagsak ng tradisyunal na kultura. Katunayan, marami sa batayang mga tendensya ng dekadenteng kapitalismo - gaya ng kapitalismo ng estado - ay mas brutal na ‘abante' sa mga bansang ito kaysa mga lumang abanteng kapitalistang mga bansa. Lahat ng mga penomenang ito ay ekspresyon ng katotohanan na sa halip na ‘pasulong' o ‘batang' kapitalismo, ang mga bansang ito ay pinakamahinang mga sektor ng ulyaning pandaigdigang kapitalismo.
[1] Ang termino mismo na ‘Ikatlong Daigdig' ay inimbento ng burges na mga komentarista sa pagsalarawan ng penomenong ito kung saan dalawang-katlo (2/3) ng sangkatauhan ay iniwanan ng kamangha-manghang "pag-unlad" ng mga taon matapos ang digmaan.